<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?>
<?xml-model href="http://www.stoa.org/epidoc/schema/latest/tei-epidoc.rng" schematypens="http://relaxng.org/ns/structure/1.0"?>
<TEI xmlns="http://www.tei-c.org/ns/1.0">
<teiHeader type="text"><fileDesc><titleStmt><title>The Bible in Tagalog.</title>
<author></author></titleStmt>
<publicationStmt><publisher></publisher><pubPlace></pubPlace><authority></authority></publicationStmt><sourceDesc><source>http://paralleltext.info/data/</source><biblStruct><monogr><author></author><title></title><imprint><publisher>http://unbound.biola.edu/index.cfm?method=downloads.showDownloadMain</publisher><date>1905</date></imprint></monogr></biblStruct></sourceDesc></fileDesc>
<profileDesc><langUsage><language ident="tgl">Tagalog</language></langUsage></profileDesc></teiHeader>
<availability><licence>Public Domain</licence></availability>
<text><body>
<div1 type = "book" n = "1">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang lupa ay walang anyo at walang laman ; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman ; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag ; at nagkaroon ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti , at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw , at tinawag niya ang kadiliman na Gabi . At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Dios , Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig , at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ginawa ng Dios ang kalawakan , at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan , sa tubig na nasa itaas ng kalawakan : at nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Dios , Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako , at lumitaw ang katuyuan , at nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa , at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat : at nakita ng Dios na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Dios , Sibulan ang lupa ng damo , pananim na nagkakabinhi , at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy , na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa , at nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang lupa ay sinibulan ng damo , pananim na nagkakabinhi , ayon sa kaniyang pagkapananim , at ng punong kahoy na namumunga , na taglay ang kaniyang binhi , ayon sa kaniyang pagkakahoy , at nakita ng Dios na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Dios , Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi ; at maging pinakatanda , at pinakabahagi ng panahon , ng mga araw at ng mga taon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit , upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa : at nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw ; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw , at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi : nilikha rin niya ang mga bituin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit , upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At upang magpuno sa araw at sa gabi , at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman : at nakita ng Dios na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng Dios , Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay , at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat , at ang bawa&apos;t may buhay na kinapal na gumagalaw , na ibinukal na sagana ng tubig , ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon , ayon sa kanikaniyang uri : at nakita ng Dios na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At mga binasbasan ng Dios , na sinabi , Kayo&apos;y magpalaanakin , at magpakarami , at inyong punuin ang tubig sa mga dagat , at magpakarami ang mga ibon sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng Dios , Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal , ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad , at ng mga ganid sa lupa , ayon sa kanikaniyang uri : at nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri , at ang hayop ayon sa kaniyang uri , at ang bawa&apos;t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri : at nakita ng Dios na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ng Dios , Lalangin natin ang tao sa ating larawan , ayon sa ating wangis : at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat , at sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop , at sa buong lupa , at sa bawa&apos;t umuusad , na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan , ayon sa larawan ng Dios siya nilalang ; nilalang niya sila na lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y binasbasan ng Dios , at sa kanila&apos;y sinabi ng Dios , Kayo&apos;y magpalaanakin , at magpakarami , at kalatan ninyo ang lupa , at inyong supilin ; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat , at sa mga ibon sa himpapawid , at sa bawa&apos;t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ng Dios , Narito , ibinigay ko sa inyo ang bawa&apos;t pananim na nagkakabinhi , na nasa ibabaw ng balat ng lupa , at ang bawa&apos;t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi ; sa inyo&apos;y magiging pagkain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa bawa&apos;t hayop sa lupa , at sa bawa&apos;t ibon sa himpapawid ; at sa bawa&apos;t nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain ; at nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha , at , narito , napakabuti . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nayari ang langit at ang lupa , at ang lahat na natatanaw sa mga iyon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa ; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin , sapagka&apos;t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa , nang likhain noong araw , na gawin ng Panginoong Dios ang lupa&apos;t langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At wala pa sa lupang kahoy sa parang , at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang : ( sapagka&apos;t hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa ) at wala pang taong magbukid ng lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa , at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay ; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden , sa dakong silanganan : at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod sa paningin , at mabubuting kanin ; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan , at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan ; at mula roo&apos;y nabahagi at nagapat na sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang pangalan ng una ay Pison : na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah , na doo&apos;y may ginto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang ginto sa lupang yao&apos;y mabuti ; mayroon din naman doong bedelio at batong onix .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon ; na siyang lumiligid sa buong lupain ng Cush .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddecel , na siyang umaagos sa tapat ng Asiria . At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden , upang kaniyang alagaan at ingatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake , na sinabi , Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain ; sapagka&apos;t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng Panginoong Dios , Hindi mabuti na ang lalake ay magisa ; siya&apos;y ilalalang ko ng isang katulong niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid ; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon : at ang bawa&apos;t itinawag ng lalake sa bawa&apos;t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop , at ang mga ibon sa himpapawid , at ang bawa&apos;t ganid sa parang ; datapuwa&apos;t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake , at siya&apos;y natulog : at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae , at ito&apos;y dinala niya sa lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng lalake , Ito nga&apos;y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman : siya&apos;y tatawaging Babae , sapagka&apos;t sa Lalake siya kinuha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina , at makikipisan sa kaniyang asawa : at sila&apos;y magiging isang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y kapuwa hubad , ang lalake at ang kaniyang asawa , at sila&apos;y hindi nagkakahiyaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios . At sinabi niya sa babae , Tunay bang sinabi ng Dios , Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng babae sa ahas , Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios , Huwag kayong kakain niyaon , ni huwag ninyong hihipuin , baka kayo&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng ahas sa babae , Tunay na hindi kayo mamamatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t talastas ng Dios na sa araw na kayo&apos;y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata , at kayo&apos;y magiging parang Dios , na nakakakilala ng mabuti at masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang makita ng babae , na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin , at nakalulugod sa mga mata , at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao , ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain ; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya , at ito&apos;y kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata , at kanilang nakilalang sila&apos;y mga hubad ; at sila&apos;y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos , at kanilang ginawang panapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw : at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya&apos;y sinabi , Saan ka naroon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya , Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan , at ako&apos;y natakot , sapagka&apos;t ako&apos;y hubad ; at ako&apos;y nagtago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya , Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad ? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy , na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng lalake , Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin , ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoong Dios sa babae , Ano itong iyong ginawa ? At sinabi ng babae , Dinaya ako ng ahas , at ako&apos;y kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas , Sapagka&apos;t ginawa mo ito , ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop , at ng higit sa bawa&apos;t ganid sa parang ; ang iyong tiyan ang ilalakad mo , at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At papagaalitin ko ikaw at ang babae , at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi : ito ang dudurog ng iyong ulo , at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinabi niya sa babae , Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi ; manganganak kang may kahirapan ; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban , at siya&apos;y papapanginoon sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kay Adam ay sinabi , Sapagka&apos;t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa , at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi , Huwag kang kakain niyaon ; sumpain ang lupa dahil sa iyo ; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag ; at kakain ka ng pananim sa parang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay , hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa ; sapagka&apos;t diyan ka kinuha : sapagka&apos;t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa , sapagka&apos;t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila&apos;y dinamitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng Panginoong Dios , Narito&apos;t ang tao&apos;y naging parang isa sa atin , na nakakakilala ng mabuti at ng masama ; at baka ngayo&apos;y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay , at kumain at mabuhay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden , upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ano pa&apos;t itinaboy ang lalake ; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot , upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa ; at siya&apos;y naglihi at ipinanganak si Cain , at sinabi , Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel . At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa ; datapuwa&apos;t si Cain ay mangbubukid ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon . At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog . At naginit na mainam si Cain , at namanglaw ang kaniyang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Panginoon kay Cain , Bakit ka naginit ? at bakit namanglaw ang iyong mukha ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung ikaw ay gumawa ng mabuti , di ba ikaw mamarapatin ? at kung hindi ka gumawa ng mabuti , ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan : at sa iyo&apos;y pahihinuhod ang kaniyang nasa , at ikaw ang papanginoonin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At yao&apos;y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel . At nangyari , nang sila&apos;y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid , at siya&apos;y kaniyang pinatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon kay Cain , Saan naroon si Abel na iyong kapatid ? At sinabi niya , Aywan ko : ako ba&apos;y tagapagbantay sa aking kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya , Anong iyong ginawa ? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ngayo&apos;y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagbubukid mo ng lupa , ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas ; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Cain sa Panginoon , Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , ako&apos;y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa , at sa iyong harapan ay magtatago ako ; at ako&apos;y magiging palaboy at hampaslupa ; at mangyayari , na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako .</div3>

<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Dahil dito&apos;y sinomang pumatay kay Cain ay makapitong gagantihan . At nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain , baka siya&apos;y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod , sa silanganan ng Eden .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa , at siya&apos;y naglihi at ipinanganak si Enoc : at siya&apos;y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak , Enoc .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At naging anak ni Enoc si Irad ; at naging anak ni Irad si Mehujael ; at naging anak ni Mehujael si Metusael ; at naging anak ni Metusael si Lamec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Lamec ay nagasawa ng dalawa ; ang pangalan ng isa&apos;y Ada , at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At naging anak ni Ada si Jabal : na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal : na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tungkol kay Zilla , ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal : at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa : Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig : Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay : Sapagka&apos;t pumatay ako ng isang tao , dahil sa ako&apos;y sinugatan , At ng isang binata , dahil sa ako&apos;y hinampas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung makapitong gagantihan si Cain , tunay na si Lamec ay makapitong pung pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa ; at nanganak ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang pangalan na Set ; sapagka&apos;t aniya&apos;y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel ; sapagka&apos;t siya&apos;y pinatay ni Cain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nagkaanak naman si Set ng isang lalake ; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos . Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam . Nang araw na lalangin ng Dios ang tao , sa wangis ng Dios siya nilalang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Lalake at babae silang nilalang ; at sila&apos;y binasbasan , at tinawag na Adam ang kanilang pangalan , nang araw na sila&apos;y lalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon , at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan ; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga naging araw ni Adam , pagkatapos na maipanganak si Set , ay walong daang taon : at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon ; at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon : at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon , at naging anak si Cainan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nabuhay si Enos , pagkatapos na maipanganak si Cainan , ng walong daan at labing limang taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon , at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon , at naging anak si Mahalaleel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nabuhay si Cainan , pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel , ng walong daan at apat na pung taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang lahat na naging araw ni Cainan , siyam na raan at sangpung taon , at namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu&apos;t limang taon , at naging anak si Jared :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nabuhay si Mahalaleel , pagkatapos na maipanganak si Jared , ng walong daan at tatlong pung taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu&apos;t limang taon : at namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu&apos;t dalawang taon , at naging anak si Enoc :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nabuhay si Jared , pagkatapos na maipanganak si Enoc , ng walong daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu&apos;t dalawang taon : at namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nabuhay si Enoc na anim na pu&apos;t limang taon , at naging anak si Matusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At lumakad si Enoc na kasama ng Dios , pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu&apos;t limang taon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lumakad si Enoc na kasama ng Dios : at di siya nasumpungan , sapagka&apos;t kinuha ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu&apos;t pitong taon ; at naging anak si Lamec :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec , ng pitong daan at walong pu&apos;t dalawang taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu&apos;t siyam na taon : at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu&apos;t dalawang taon , at nagkaanak ng isang lalake :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe , na sinabi , Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay , dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nabuhay si Lamec , pagkatapos na maipanganak si Noe , ng limang daan at siyam na pu&apos;t limang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu&apos;t pitong taon : at namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Noe ay may limang daang taon : at naging anak ni Noe si Sem , si Cham , at si Japhet .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa , at mangagkaanak ng mga babae ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na nakita ng mga anak ng Dios , na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao ; at sila&apos;y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Panginoon , Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man , sapagka&apos;t siya ma&apos;y laman : gayon ma&apos;y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon , at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao , at mangagkaanak sila sa kanila : ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa , at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa , at nalumbay sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng Panginoon , Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa ; ang tao at gayon din ang hayop , at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid ; sapagka&apos;t pinagsisisihan ko na aking nilalang sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ito ang mga lahi ni Noe . Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya : si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake : si Sem , si Cham , at si Japhet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sumama ang lupa sa harap ng Dios , at ang lupa ay napuno ng karahasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tiningnan ng Dios ang lupa , at , narito sumama ; sapagka&apos;t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Dios kay Noe , Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko ; sapagka&apos;t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila ; at , narito , sila&apos;y aking lilipuling kalakip ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer ; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan , at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ganitong paraan gagawin mo : tatlong daang siko ang haba ng sasakyan , limang pung siko ang luwang , at tatlong pung siko ang taas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan ; at wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas ; at ang pintuan ng sasakyan ay ilalagay mo sa tagiliran ; gagawin mong may lapag na lalong mababa , pangalawa at pangatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ako , narito , ako&apos;y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa , upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay ; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo ; at ikaw ay lululan sa sasakyan , ikaw , at ang iyong mga anak na lalake , at ang iyong asawa , at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sa bawa&apos;t nangabubuhay , sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa&apos;t uri upang maingatan silang buhay , na kasama mo ; lalake at babae ang kinakailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri , at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri , sa bawa&apos;t nagsisiusad , ayon sa kanikanilang uri , dalawa sa bawa&apos;t uri , ay isasama mo sa iyo , upang maingatan silang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain , at imbakin mo sa iyo ; at magiging pagkain mo at nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ginawa ni Noe ; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios , ay gayon ang ginawa niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Noe , Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan ; sapagka&apos;t ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa bawa&apos;t malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito , ng lalake at ng kaniyang babae ; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa , ng lalake at ng kaniyang babae ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito , ng lalake at ng babae ; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t pitong araw pa , at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi , at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak , at ang kaniyang asawa , at ang mga asawa ng kaniyang mga anak , dahil sa tubig ng baha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa mga hayop na malinis , at sa mga hayop na hindi malinis , at sa mga ibon at sa bawa&apos;t umuusad sa ibabaw ng lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ay dalawa&apos;t dalawang dumating kay Noe sa sasakyan , na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari na pagkaraan ng pitong araw , na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe , nang ikalawang buwan , sa ikalabing pitong araw ng buwan , nang araw ding yaon , ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman , at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang araw ding yaon , ay lumulan sa sasakyan si Noe , at si Sem , at si Cham , at si Japhet , na mga anak ni Noe , at ang asawa ni Noe , at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila , at ang bawa&apos;t hayop gubat ayon sa kanikanilang uri , at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri , at bawa&apos;t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri , at bawa&apos;t ibon ayon sa kanikanilang uri , lahat ng sarisaring ibon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa&apos;t dalawa , ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga nagsilulan , ay lumulang lalake at babae , ng lahat na laman , gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios : at kinulong siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa ; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan , at nataas sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa ; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa : at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig ; at inapawan ang mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa , ang mga ibon at gayon din ang hayop , at ang hayop gubat , at ang bawa&apos;t nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa , at ang bawa&apos;t tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang bawa&apos;t may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong , lahat na nasa lupang tuyo ay namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nilipol ang bawa&apos;t may buhay na nasa ibabaw ng lupa , ang tao at gayon din ang hayop , at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid ; at sila&apos;y nalipol sa lupa : at ang natira lamang , ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa , ng isang daan at limang pung araw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At naalaala ng Dios si Noe , at ang lahat ng may buhay , at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan : at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa , at humupa ang tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit , at napigil ang ulan sa langit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At humupang patuloy ang tubig sa lupa ; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan , nang ikalabing pitong araw ng buwan , sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan : nang ikasangpung buwan , nang unang araw ng buwan , ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , pagkaraan ng apat na pung araw , na binuksan ni Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y nagpalipad ng isang uwak , at ito&apos;y nagparoo&apos;t parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagpalipad siya ng isang kalapati , upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa , at nagbalik sa kaniya sa sasakyan , sapagka&apos;t ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa : at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan , at ipinasok niya sa sasakyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At naghintay pa ng muling pitong araw ; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon ; at , narito&apos;t may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka : sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At naghintay pang muli siya ng pitong araw ; at pinalipad ang kalapati ; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , nang taong ikaanim na raan at isa , nang unang buwan , nang unang araw ng buwan , ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa : at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya , at , narito&apos;t ang ibabaw ng lupa ay tuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu&apos;t pitong araw ng buwan , ay natuyo ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsalita ang Dios kay Noe , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lumunsad ka sa sasakyan , ikaw at ang iyong asawa , at ang iyong mga anak , at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ilabas mong kasama mo ang bawa&apos;t may buhay na kasama mo sa lahat ng laman , ang mga ibon , at ang mga hayop , at ang bawa&apos;t nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa ; upang magsipanganak ng sagana sa lupa , at magpalaanakin , at mangagsidami sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At lumunsad si Noe , at ang kaniyang mga anak , at ang kaniyang asawa , at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang bawa&apos;t hayop , bawa&apos;t umuusad , at bawa&apos;t ibon , anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon ; at kumuha sa lahat na malinis na hayop , at sa lahat na malinis na ibon , at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy ; at nagsabi ang Panginoon sa sarili , Hindi ko na muling susumpain ang lupa , dahil sa tao , sapagka&apos;t ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata ; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Samantalang ang lupa ay lumalagi , ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani , at ang lamig at init , at ang tagaraw at taginaw , at ang araw at gabi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak , at sa kanila&apos;y sinabi , Kayo&apos;y magpalaanakin , at magpakarami at inyong kalatan ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa&apos;t hayop sa lupa , at sa bawa&apos;t ibon sa himpapawid ; lahat ng umuusad sa lupa , at lahat ng isda sa dagat , ay ibinibigay sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bawa&apos;t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo ; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ang lamang may buhay , na siya niyang dugo , ay huwag ninyong kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo , ang dugo ng inyong mga buhay : sa kamay ng bawa&apos;t ganid ay hihingan ko ng sulit ; at sa kamay ng tao , sa kamay ng bawa&apos;t kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang magbubo ng dugo ng tao , sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo : sapagka&apos;t sa larawan ng Dios nilalang ang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kayo&apos;y magpalaanakin at magpakarami ; magsilago kayo ng sagana sa lupa , at kayo&apos;y magsidami riyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagsalita ang Dios kay Noe , at sa kaniyang mga anak na kasama niya , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako , narito , aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo , at sa inyong binhi na susunod sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa bawa&apos;t nilikhang may buhay na kasama ninyo , ang mga ibon , ang hayop at bawa&apos;t ganid sa lupa na kasama ninyo ; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa&apos;t ganid sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo ; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha ; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Dios , Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo , at sa bawa&apos;t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap , at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mangyayari , pagka ako&apos;y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa , na makikita ang bahaghari sa alapaap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aalalahanin ko ang aking tipan , na inilagda ko sa akin at sa inyo , at sa bawa&apos;t kinapal na may buhay sa lahat ng laman ; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang bahaghari ay pasa sa alapaap , at aking mamasdan , upang aking maalaala , ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa&apos;t kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng Dios kay Noe , Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem , at si Cham at si Japhet : at si Cham ay siyang ama ni Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe : at sa mga ito&apos;y nakalatan ang buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid , at naglagay ng isang ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At uminom ng alak at nalango ; at siya&apos;y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama , at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal , at isinabalikat nilang dalawa , at lumakad ng paurong , at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama ; at ang mukha nila ay patalikod , at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak , at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi , Sumpain si Canaan ! Siya&apos;y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi niya , Purihin ang Panginoon , ang Dios ni Sem ! At si Canaan ay maging alipin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Pakapalin ng Dios si Japhet . At matira siya sa mga tolda ni Sem ; At si Canaan ay maging alipin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw , ng tatlong daan at limang pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon : at namatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang sali&apos;t saling lahi ng mga anak ni Noe : si Sem , si Cham , at si Japhet : at sila&apos;y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga anak ni Japhet ; si Gomer , at si Magog , at si Madai , at si Javan , at si Tubal , at si Meshech , at si Tiras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga anak ni Gomer : si Azkenaz , at si Rifat , at si Togarma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga anak ni Javan ; si Elisa , at si Tarsis , si Cittim , at si Dodanim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa , sa kanilang mga lupain , na bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kanikaniyang wika ; ayon sa kanikanilang angkan , sa kanikanilang bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anak ni Cham ; si Cush , at si Mizraim , at si Phut , at si Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Cush ; si Seba , at si Havila , at si Sabta , at si Raama , at si Sabtech : at ang mga anak ni Raama ; si Sheba , at si Dedan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At naging anak ni Cush si Nimrod : siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya&apos;t karaniwang sabihin : Gaya ni Nimrod , na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel , at ang Erech , at ang Accad , at ang Calneh , sa lupain ng Shinar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive , at ang Rehobotir , at ang Calah ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang Ressen , sa pagitan ng Ninive at ng Calah ( na siyang malaking bayan ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naging anak ni Mizraim si Ludim , at si Anamim , at si Lehabim , at si Naphtuhim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Pathrusim , at si Casluim ( na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo ) , at ang Caphtorim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At naging anak ni Canaan si Sidon , na kaniyang panganay , at si Heth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang Jebuseo , at ang Amorrheo , at ang Gergeseo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang Heveo , at ang Araceo , at ang Sineo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang Aradio , at ang Samareo at ang Amatheo : at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon , kung patungo sa Gerar , hanggang sa Gaza ; kung patungo sa Sodoma at Gomorra , at Adma , at Zeboim hanggang Lasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang mga anak ni Cham , ayon sa kanikanilang angkan , ayon sa kanikanilang wika , sa kanikanilang mga lupain , sa kanilang mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem , na ama ng lahat ng mga anak ni Heber , na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga anak ni Sem ; si Elam , at si Assur , at si Arphaxad , at si Lud , at si Aram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga anak ni Aram : si Uz , at si Hul , at si Gether , at si Mas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At naging anak ni Arphaxad si Sala ; at naging anak ni Sala si Heber .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake ; ang pangalan ng una&apos;y Peleg ; sapagka&apos;t sa mga araw niya&apos;y nahati ang lupa ; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At naging anak ni Joctan si Almodad , at si Sheleph , at si Hazarmavet , at si Jerah ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Hadoram , at si Uzal , at si Dicla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At si Obal , at si Abimael , at si Sheba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Ophir , at si Havila , at si Jobad : lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa , kung patungo sa Sephar , na siyang bundok sa silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ito ang mga anak ni Sem , ayon sa kanikanilang angkan , ayon sa kanikanilang wika , sa kanikanilang lupain , ayon sa kanikanilang bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe , ayon sa kanikanilang lahi , sa kanikanilang bansa : at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , na , sa kanilang paglalakbay sa silanganan , ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar ; at sila&apos;y nanahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsangusapang , Halikayo ! tayo&apos;y gumawa ng mga laryo , at ating lutuing mabuti . At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagsipagsabi , Halikayo ! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog , na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit , at magtaglay tayo ng isang ngalan ; baka tayo&apos;y mangalat sa ibabaw ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog , na itinayo ng mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Panginoon , Narito , sila&apos;y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika ; at ito ang kanilang pinasimulang gawin : at , ngayon nga&apos;y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Halikayo ! tayo&apos;y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika , na anopa&apos;t sila&apos;y huwag magkatalastasan sa kanilang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan , sa ibabaw ng buong lupa ; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya ang pangalang itinawag ay Babel ; sapagka&apos;t doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa : at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ito ang sali&apos;t saling lahi ni Sem . May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad , dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nabuhay si Sem , pagkatapos na maipanganak si Arphaxad , ng limang daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nabuhay si Arphaxad , ng tatlong pu&apos;t limang taon , at naging anak si Sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala , ng apat na raan at tatlong taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon , at naging anak si Heber :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber , ng apat na raan at tatlong taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nabuhay si Heber ng tatlong pu&apos;t apat na taon , at naging anak si Peleg :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg , ng apat na raan at tatlong pung taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon , at naging anak si Reu :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu , ng dalawang daan at siyam na taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nabuhay si Reu ng tatlong pu&apos;t dalawang taon , at naging anak si Serug :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug , ng dalawang daan at pitong taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon , at naging anak si Nachor :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor , ng dalawang daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nabuhay si Nachor ng dalawang pu&apos;t siyam na taon , at naging anak si Thare :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare , ng isang daan at labing siyam na taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nabuhay si Thare ng pitong pung taon , at naging anak si Abram , si Nachor at si Haran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ito nga ang mga lahi ni Thare . Naging anak ni Thare si Abram , si Nachor , at si Haran ; at naging anak ni Haran si Lot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan , sa Ur ng mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nagsipagasawa si Abram at si Nachor : ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai ; at ang pangalan ng asawa ni Nachor , ay Milca , anak ni Haran , ama ni Milca at ama ni Iscah .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Sarai ay baog ; siya&apos;y walang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak , at si Lot na anak ni Haran , na anak ng kaniyang anak , at si Sarai na kaniyang manugang , asawa ni Abram na kaniyang anak ; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan , at nagsidating sila sa Haran , at nagsitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon : at namatay si Thare sa Haran .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinabi nga ng Panginoon kay Abram , Umalis ka sa iyong lupain , at sa iyong mga kamaganak , at sa bahay ng iyong ama , na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gagawin kitang isang malaking bansa , at ikaw ay aking pagpapalain , at padadakilain ko ang iyong pangalan ; at ikaw ay maging isang kapalaran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo , at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo : at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t yumaon si Abram , ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon ; at si Lot ay sumama sa kaniya : at si Abram ay may pitong pu&apos;t limang taon , nang umalis sa Haran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa , at si Lot na anak ng kaniyang kapatid , at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran ; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan ; at dumating sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem , hanggang sa punong encina ng More . At noo&apos;y nasa lupaing yaon ang Cananeo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At napakita ang Panginoon kay Abram , at nagsabi , Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito : at siya&apos;y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel , at doon niya itinayo ang kaniyang tolda , na nasa kalunuran ang Bethel , at nasa silanganan ang Hai : at siya&apos;y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon , at sinambitla ang pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagkagutom sa lupaing yaon : at bumaba si Abram na nasok sa Egipto , upang manirahan doon ; sapagka&apos;t mahigpit ang kagutom sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , nang siya&apos;y malapit nang papasok sa Egipto , ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa , Narito , ngayon , talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio , ay kanilang sasabihin , Ito&apos;y kaniyang asawa ; at ako&apos;y kanilang papatayin , datapuwa&apos;t kanilang ililigtas kang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Isinasamo ko sa iyo , na sabihin mong ikaw ay aking kapatid , upang ako&apos;y mapabuti dahil sa iyo , at upang ang kaluluwa ko&apos;y mabuhay dahil sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangyari , nang pumasok si Abram sa Egipto , nakita ng mga Egipcio , na ang babae ay napakaganda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon , at kanilang pinuri siya kay Faraon : at dinala ang babae sa bahay ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya : at nagkaroon si Abram ng mga tupa , at ng mga baka , at ng mga asno , at ng mga aliping lalake at mga alilang babae , at ng mga asna , at ng mga kamelyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan , ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At tinawag ni Faraon si Abram , at sinabi , Ano itong ginawa mo sa akin ? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya&apos;y iyong asawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bakit sinabi mong siya&apos;y aking kapatid ? na ano pa&apos;t siya&apos;y aking kinuha upang maging asawa : ngayon nga&apos;y nariyan ang iyong asawa ; siya&apos;y kunin mo at yumaon ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya : at siya&apos;y kanilang inihatid sa daan , at ang kaniyang asawa , at ang lahat ng kaniyang pag-aari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto , siya at ang kaniyang asawa , at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik , at si Lot na kaniyang kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Abram ay totoong mayaman sa hayop , sa pilak , at sa ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel , hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una : at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan , at mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y hindi makayanan ng lupain , na sila&apos;y manahan na magkasama : sapagka&apos;t napakarami ang kanilang pag-aari , na ano pa&apos;t hindi maaring manirahang magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot ; at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Abram kay Lot , Ipinamamanhik ko sa iyong huwag magkaroon ng pagtatalo , ikaw at ako , at ang mga pastor mo at mga pastor ko ; sapagka&apos;t tayo&apos;y magkapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo ? Humiwalay ka nga sa akin , ipinamamanhik ko sa iyo : kung ikaw ay pasa sa kaliwa , ay pasa sa kanan ako : o kung ikaw ay pasa sa kanan , ay pasa sa kaliwa ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata , at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan , na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila , kung pasa sa Zoar , bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra , ay gaya ng halamanan ng Panginoon , gaya ng lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan ; at si Lot ay naglakbay sa silanganan : at sila&apos;y kapuwa naghiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan ; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan , at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Panginoon kay Abram , pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya , Itingin mo ngayon ang iyong mga mata , at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan , sa dakong hilagaan , at sa dakong timugan , at sa dakong silanganan , at sa dakong kalunuran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo , at sa iyong binhi magpakaylan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi : na ano pa&apos;t kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magtindig ka , lakarin mo ang lupain , ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan ; sapagka&apos;t ibibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda , at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron , at siya&apos;y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel , hari sa Sinar , ni Ariok hari sa Elasar , ni Chedorlaomer hari sa Elam , at ni Tidal na hari ng mga Goiim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma , at laban kay Birsha hari sa Gomorra , kay Shinab hari sa Adma , at kay Shemeber , hari sa Zeboim , at sa hari sa Bela ( na si Zoar ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lahat ng ito&apos;y nagkatipon sa libis ng Siddim ( na siyang Dagat na Alat ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer , at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya , at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim , at ang mga Zuzita sa Ham , at ang mga Emita sa Shave-ciriataim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir , hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat ( na siyang Cades ) , at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagsilabas ang hari sa Sodoma , at ang hari sa Gomorra , at ang hari sa Adma , at ang hari sa Zeboim , at ang hari sa Bela ( na dili iba&apos;t si Zoar ) ; at sila&apos;y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Laban kay Chedorlaomer , hari sa Elam , at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel , hari sa Shinar , at kay Arioch , hari sa Elasar ; apat na hari laban sa lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun ; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra , at nangahulog doon , at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra , at ang lahat nilang pagkain , at nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At dinala nila si Lot , na anak ng kapatid ni Abram , na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila&apos;y nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At dumating ang isang nakatanan , at ibinalita kay Abram na Hebreo ; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo , kapatid ni Eschol , at kapatid ni Aner ; at ang mga ito ay kakampi ni Abram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagkarinig ni Abram , na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake , na mga ipinanganak sa kaniyang bahay , na tatlong daan at labing walo , at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan , laban sa kaaway , siya at ang kaniyang mga alipin , at kanilang sinaktan sila , at hinabol nila sila hanggang sa Hobah , na nasa kaliwa ng Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari ; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid , at ang kaniyang mga pag-aari , at gayon din ang mga babae at ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya&apos;y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer , at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave ( na siyang libis ng hari ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Melquisedec , na hari sa Salem , ay naglabas ng tinapay at alak ; at siya&apos;y saserdote ng Kataastaasang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At binasbasan niya siya na sinabi , Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios , na may-ari ng langit at ng lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At purihin ang Kataastaasang Dios , na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay . At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram , Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma , Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan , na may ari ng langit at ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid , o maging isang panali ng pangyapak , o ng anomang nauukol sa iyo , baka iyong sabihin , Pinayaman ko si Abram :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko ; si Aner , si Eschol , at si Mamre , ay pakunin mo ng kanilang bahagi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi , Huwag kang matakot , Abram : ako ang iyong kalasag , at ang iyong ganting pala na lubhang dakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Abram , Oh Panginoong Dios , anong ibibigay mo sa akin , kung ako&apos;y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Abram , Narito , hindi mo ako binigyan ng anak at , narito&apos;t isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At , narito , ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , na nagsabi , Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo ; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y inilabas at sinabi , Tumingala ka ngayon sa langit , at iyong bilangin ang mga bituin , kung mabibilang mo : at sa kaniya&apos;y sinabi , Magiging ganiyan ang iyong binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sumampalataya siya sa Panginoon ; at ito&apos;y ibinilang na katuwiran sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi sa kaniya , Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo , upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi niya , Oh Panginoong Dios , paanong pagkakilala ko na aking mamanahin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi sa kaniya , Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang , at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang , at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang , at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya , at pinaghati niya sa gitna , at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati ; datapuwa&apos;t hindi hinati ang mga ibon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay , at binubugaw ni Abram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang lulubog na ang araw , ay nakatulog si Abram ng mahimbing ; at , narito , ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Dios kay Abram , Tunay na pakatalastasin mo , na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila , at mangaglilingkod sa mga yaon ; at pahihirapang apat na raang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan : at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang ; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa ikaapat na salin ng iyong binhi , ay magsisipagbalik rito : sapagka&apos;t hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , na paglubog ng araw , at pagdilim , na narito , ang isang hurnong umuusok , at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang araw na yaon , ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram , na nagsabi , Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito , mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog , na ilog Eufrates .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga Cineo , at ang mga Ceneceo , at ang mga Cedmoneo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga Heteo , at ang mga Pherezeo , at ang mga Refaim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga Amorrheo , at ang mga Cananeo , at ang mga Gergeseo , at ang mga Jebuseo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya ; at siya&apos;y may isang alilang babae na taga Egipto , na nagngangalang Agar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Sarai kay Abram , Narito , ngayon , ako&apos;y hinadlangan ng Panginoon na ako&apos;y magkaanak ; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae ; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya . At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram , si Agar na taga Egipto , na kaniyang alila , pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan , at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y sumiping kay Agar , at naglihi : at nang makita niyang siya&apos;y naglihi , ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Sarai kay Abram , Ang aking pagkaapi ay sumaiyo : idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan ; at nang makita niyang siya&apos;y naglihi , ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin : ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinabi ni Abram kay Sarai , Narito , ang iyong alila ay nasa iyong kamay ; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin . At dinuwahagi siya ni Sarai , at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang , sa bukal na nasa daang patungo sa Shur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi , Agar , alila ni Sarai , saan ka nanggaling ? at saan ka paroroon ? at kaniyang sinabi , Ako&apos;y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Magbalik ka sa iyong panginoon , at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Pararamihin kong mainam ang iyong binhi , na hindi mabibilang dahil sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Narito&apos;t ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake ; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael , sapagka&apos;t diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao ; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat , at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya ; at siya&apos;y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya , Ikaw ay Dios na nakakakita : sapagka&apos;t sinabi niya , Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin ; narito&apos;t ito&apos;y nasa pagitan ng Cades at Bered .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram , na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar , ay Ismael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Abram ay may walong pu&apos;t anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang si Abram ay may siyam na pu&apos;t siyam na taon , ay napakita ang Panginoon kay Abram , at sa kaniya&apos;y nagsabi , Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko , at magpakasakdal ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ako&apos;y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagpatirapa si Abram : at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tungkol sa akin , narito , ang aking tipan ay sumasaiyo , at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram , kundi Abraham ang magiging iyong pangalan ; sapagka&apos;t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa ; at magbubuhat sa iyo ang mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila , na tipang walang hanggan , na ako&apos;y magiging iyong Dios , at ng iyong binhi , pagkamatay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ibibigay ko sa iyo , at sa iyong binhi , pagkamatay mo , ang lupaing iyong mga pinaglakbayan , ang buong lupain ng Canaan , na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi pa ng Dios kay Abraham , At tungkol sa iyo , iingatan mo ang aking tipan , iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo , sa buong kalahian nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo , at ng iyong binhi , pagkamatay mo ; tutuliin ang bawa&apos;t lalake sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kayo&apos;y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama ; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo , ang bawa&apos;t lalake sa buong kalahian ninyo ; ang ipinanganak sa bahay , o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi , ay dapat tuliin : at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang lalaking hindi tuli , na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama , ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan ; sinira niya ang aking tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng Dios kay Abraham , Tungkol kay Sarai na iyong asawa , ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai , kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At akin siyang pagpapalain , at saka sa kaniya&apos;y bibigyan kita ng anak : oo , siya&apos;y aking pagpapalain , at magiging ina ng mga bansa ; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y nagpatirapa si Abraham , at nagtawa , at nasabi sa kaniyang sarili , Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na ? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Abraham sa Dios , Kahimanawari , si Ismael ay mabuhay sa harapan mo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng Dios , Hindi , kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo ; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac ; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan , sa kaniyang lahi pagkamatay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tungkol kay Ismael , ay dininig din kita . Narito&apos;t aking pinagpala siya , at siya&apos;y aking papagaanakin ng marami , at siya&apos;y aking pararamihin ng di kawasa ; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak , at siya&apos;y gagawin kong malaking bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara , sa tadhanang araw , sa taong darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang matapos na makipagusap sa kaniya , ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinagsama ni Abraham si Ismael , na kaniyang anak , at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay , at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi , ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham , at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon , ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Abraham ay may siyam na pu&apos;t siyam na taon , nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Ismael ay may labing tatlong taon , nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang araw ding yaon tinuli si Abraham , at si Ismael na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At lahat ng lalaking kasangbahay niya , maging ang mga ipinanganak sa bahay , at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain , ay pinagtuling kasama niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre , habang siya&apos;y nakaupo sa pintuan ng tolda , ng kainitan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas , at , narito&apos;t tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya : at pagkakita niya sa kanila , ay tinakbo niya upang sila&apos;y salubungin mula sa pintuan ng tolda , at yumukod siya sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsabi , Panginoon ko , kung ngayo&apos;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , ay ipinamamanhik ko sa iyo , na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig , at maghugas kayo ng inyong mga paa , at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso ; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo : yamang kayo&apos;y naparito sa inyong lingkod , At nagsipagsabi , Mangyari ang ayon sa iyong sinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara , at sinabi , Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina , iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya , at ibinigay sa alipin ; at siya&apos;y nagmadali , upang lutuin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y kumuha ng mantekilla , at ng gatas , at ng guyang niluto niya , at inihain sa harapan nila ; at siya&apos;y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy ; at sila&apos;y nagsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi nila sa kaniya , Saan naroon si Sara na iyong asawa ? At sinabi niya Narito , nasa tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya , Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating ; at narito&apos;t si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake . At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda , na nasa likod niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Abraham at si Sara nga&apos;y matatanda na , at lipas na sa panahon ; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili , na sinasabi , Pagkatapos na ako&apos;y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan , at matanda na rin pati ng panginoon ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoon kay Abraham , Bakit tumawa si Sara , na sinasabi , Tunay kayang ako&apos;y manganganak , na matanda na ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon ? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo , sa taong darating , at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y nagkaila si Sara , na sinasabi , Hindi ako tumawa , sapagka&apos;t siya&apos;y natakot . Nguni&apos;t sinabi niya , Hindi gayon ; kundi ikaw ay tumawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangagtindig doon ang mga lalake , at nangagsitingin sa dakong Sodoma ; at sinamahan sila ni Abraham , upang ihatid sila sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng Panginoon , Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay , at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t siya&apos;y aking kinilala , upang siya&apos;y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya , na maingatan nila ang daan ng Panginoon , na gumawa ng kabanalan , at kahatulan ; upang padatnin ng Panginoon , kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng Panginoon , Sapagka&apos;t ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas , at sapagka&apos;t ang kasalanan nila ay napakalubha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin ; at kung hindi ay aking malalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga lalake ay nagsilayo roon at nagsitungo sa Sodoma datapuwa&apos;t si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At lumapit si Abraham , at nagsabi , Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan : lilipulin mo ba , at di mo patatawarin ang dakong yaon , alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito , na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama , anopa&apos;t ang banal ay mapara sa masama ; malayo nawa ito sa iyo : di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ng Panginoon , Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan , patatawarin ko ang buong dakong yaon , alangalang sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sumagot si Abraham , at nagsabi , Narito , ngayo&apos;y nangahas akong magsalita sa Panginoon , akong alabok at abo lamang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal : lilipulin mo ba , dahil sa limang kulang , ang buong bayan ? At sinabi niya , Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya&apos;y muling nagsalita pa sa kaniya , at nagsabi , Marahil ay may masusumpungang apat na pu . At sinabi niya , Hindi ko gagawin , alangalang sa apat na pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi niya , Oh huwag magalit ang Panginoon , at ako&apos;y magsasalita : kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu . At sinabi niya , Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kaniyang sinabi , Narito ngayon , ako&apos;y nangahas na magsalita sa Panginoon : kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu . At sinabi niya , Hindi ko lilipulin , alangalang sa dalawang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi niya , Oh huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan : kung sakaling may masusumpungan doong sangpu : at sinabi niya , Hindi ko lilipulin , alangalang sa sangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang Panginoon ay nagpatuloy , pagkatapos na makipagusap kay Abraham : at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma , nang nagtatakip silim ; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma : at sila&apos;y nakita ni Lot , at nagtindig upang salubungin sila ; at iniyukod ang mukha sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagsabi , Ngayon nga mga panginoon ko , ipinamamanhik ko sa inyo na kayo&apos;y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod , at kayo&apos;y matira sa buong magdamag , at maghugas ng inyong mga paa , at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad . At kanilang sinabi , Hindi , kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang pinakapilit sila ; at sila&apos;y nagsiliko , at nagsipasok sa kaniyang bahay ; at sila&apos;y kaniyang pinaghandaan , at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura , at nagsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t bago nagsihiga , ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga&apos;y ng mga tao sa Sodoma , na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang tinawagan si Lot , at sinabi sa kaniya , Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito ? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nilabas sila ni Lot sa pintuan , at isinara ang pinto sa likuran niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya , Ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid ko , na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , ngayon , may dalawa akong anak na babae , na hindi nakakilala ng lalake ; ipinamamanhik ko sa inyo , na sila&apos;y aking ilalabas sa inyo , at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin : huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito ; yamang sila&apos;y nangasa silong ng aking bubungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi nila , Umurong ka ! At sinabi pa nila , Ang taong ito&apos;y naparito upang makipamayan , at ibig niyang maging hukom : ngayon nga&apos;y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila . At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot , at nagsilapit upang sirain ang pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila , ang munti&apos;t malaki : ano pa&apos;t sila&apos;y nangayamot sa paghahanap ng pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng mga lalake kay Lot , Mayroon ka pa ritong kamaganakan ? Ang iyong mga manugang , at ang iyong mga anak na lalake at babae , at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan : ay ipagaalis mo sa dakong ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang sigaw sa harap ng Panginoon ; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Lot ay lumabas , at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae , at sinabi , Magtindig kayo , magsialis kayo sa dakong ito ; sapagka&apos;t gugunawin ng Panginoon ang bayan . Datapuwa&apos;t ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot , na sinasabi , Magbangon ka , ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito , baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t siya&apos;y nagluluwat ; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay , at ang kamay ng kaniyang asawa , at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae ; sa habag sa kaniya ng Panginoon : at siya&apos;y kanilang inilabas , at siya&apos;y kanilang inilagay sa labas ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , na nang sila&apos;y mailabas na nila , ay sinabi , Itakas mo ang iyong buhay ; huwag kang lumingon o huminto man sa buong kapatagan ; tumakas ka hanggang sa bundok , baka ikaw ay mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi sa kanila ni Lot , Huwag ganiyan , panginoon ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , ngayo&apos;t ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay ; at ako&apos;y di makatatakas sa bundok , baka ako&apos;y abutan ng sama , at ako&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Narito , ang bayang ito ay malapit takasan at maliit : Oh tulutan mong tumakas ako roon , ( di ba yao&apos;y maliit ? ) at mabubuhay ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi sa kaniya , Narito , sa bagay mang ito ay pinayagan din kita , na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Magmadali ka , tumakas ka roon ; sapagka&apos;t wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon . Kaya&apos;t ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ginunaw niya ang mga bayang yaon , at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon , at ang tumutubo sa lupang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot , at naging haliging asin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra , at sa buong lupain ng Kapatagan , at tumanaw , at narito , ang usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan , na naalaala ng Dios si Abraham , at pinalabas si Lot , mula sa gitna ng pinaggunawan , nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sumampa si Lot mula sa Zoar at tumira sa bundok , at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya ; sapagka&apos;t siya&apos;y natakot na tumira sa Zoar : at siya&apos;y tumira sa isang yungib , siya at ang kaniyang dalawang anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ng panganay sa bunso : Ang ating ama ay matanda , at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin , ayon sa ugali ng sangkalupaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Halika , painumin natin ng alak ang ating ama , at tayo&apos;y sumiping sa kaniya ; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon : at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama ; at hindi naalaman , ng ama nang siya&apos;y mahiga ni nang siya&apos;y magbangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nangyari nang kinabukasan , na sinabi ng panganay sa bunso . Narito , ako&apos;y sumiping kagabi sa aking ama ; painumin din natin ng alak sa gabing ito ; at pumasok ka , at sumiping ka sa kaniya ; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon : at nagtindig ang bunso , at sumiping sa ama ; at hindi naalaman ng ama nang siya&apos;y mahiga , ni nang siya&apos;y magbangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sa ganito&apos;y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nanganak ang panganay ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang ngalang Moab : na siya ngang ama ng mga Moabita , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang pangalang Ben-ammi : na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon , hanggang ngayon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At mula roon ay naglakbay si Abraham sa dakong lupain ng Timugan , at tumahan sa pagitan ng Cades at Shur ; at siya&apos;y nakipamayan sa Gerar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa , Siya&apos;y aking kapatid ; at si Abimelech na hari sa Gerar , ay nagsugo at kinuha si Sara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t naparoon ang Dios kay Abimelech sa panaginip sa gabi , at sa kaniya&apos;y sinabi , Narito , ikaw ay dili iba&apos;t isang patay dahil sa babaing iyong kinuha ; sapagka&apos;t siya&apos;y asawa ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t si Abimelech ay hindi pa , nakasisiping sa kaniya : at nagsabi , Panginoon , papatayin mo ba pati ng isang bansang banal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi ba siya rin ang nagsabi sa akin , Siya&apos;y aking kapatid ? at si Sara man ay nagsabi , Siya&apos;y aking kapatid ; sa katapatang loob ng aking puso , at kawalang sala ng aking mga kamay , ay ginawa ko ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip : Oo , talastas ko , na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito , at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng laban sa akin : kaya&apos;t hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y isauli mo ang asawa ng lalaking ito ; sapagka&apos;t siya&apos;y profeta , at ikaw ay ipananalangin niya , at mabubuhay ka : at kung di mo siya isauli , ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka , ikaw at ang lahat ng iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan , at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito : at ang mga tao&apos;y natakot na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Abimelech si Abraham , at sa kaniya&apos;y sinabi , Anong ginawa mo sa amin ? at sa ano ako nagkasala laban sa iyo , na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan ? Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Abimelech kay Abraham , Anong nakita mo na ginawa mo ang bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Abraham , Sapagka&apos;t inisip ko . Tunay na walang takot sa Dios sa dakong ito : at papatayin nila ako dahil sa aking asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At saka talagang siya&apos;y kapatid ko , na anak ng aking ama , datapuwa&apos;t hindi anak ng aking ina ; at siya&apos;y naging asawa ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , na nang ako&apos;y palayasin ng Dios sa bahay ng aking ama , na sinabi ko sa kaniya , Ito ang magandang kalooban mo na maipakikita sa akin ; sa lahat ng dakong ating datnin , ay sabihin mo tungkol sa akin , Siya&apos;y aking kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Abimelech ay kumuha ng mga tupa at mga baka , at mga aliping lalake at babae , at ipinagbibigay kay Abraham , at isinauli sa kaniya si Sara na kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Abimelech , Narito ang lupain ko ay nasa harapan mo : tumahan ka kung saan mo magalingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kay Sara&apos;y sinabi niya , Narito , nagbigay ako ng isang libong putol na pilak sa iyong kapatid : narito , ito sa iyo&apos;y piring sa mga mata ng lahat ng kasama mo ; at sa harap ng lahat ay nagbangong puri ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nanalangin si Abraham sa Dios ; at pinagaling ng Dios si Abimelech , at ang kaniyang asawa , at ang kaniyang mga aliping babae , na ano pa&apos;t nagkaanak sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech , dahil kay Sara , na asawa ni Abraham .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At dumalaw ang Panginoon kay Sara , ayon sa sinabi niya , at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan , sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya , na siyang ipinanganak ni Sara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Abraham ay may isang daang taon , nang sa kaniya&apos;y ipanganak si Isaac na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Sara , Pinatawa ako ng Dios , sinomang makarinig ay makikitawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya , Sinong nakapagsabi kay Abraham na si Sara ay magpapasuso ng anak ? sapagka&apos;t ako&apos;y nagkaanak sa kaniya ng isang lalake sa kaniyang katandaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At lumaki ang sanggol , at inihiwalay sa suso ; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na ihiwalay sa suso si Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto , na ito&apos;y nagkaanak kay Abraham , na tumutuya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t sinabi niya kay Abraham , Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak : sapagka&apos;t hindi magmamana ang anak ng aliping ito na kahati ng aking anak , sa makatuwid baga&apos;y ni Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang bagay na ito ay naging lubhang mabigat sa paningin ni Abraham dahil sa kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Dios kay Abraham , Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin ; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara , ay makinig ka sa kaniyang tinig , sapagka&apos;t kay Isaac tatawagin ang iyong lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang anak din naman ng alipin ay gagawin kong isang bansa , sapagka&apos;t siya&apos;y anak mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham , at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig , at ibinigay kay Agar , na ipinatong sa kaniyang balikat , at ang bata at siya ay pinapagpaalam , at siya&apos;y nagpaalam at naggala sa ilang ng Beerseba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At naubos ang tubig sa bangang balat , at kaniyang inilapag ang bata sa ilalim ng isa sa mabababang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At yumaon at naupo sa tapat niya , na ang layo ay isang hilagpos ng pana ; sapagka&apos;t sinabi niya , Huwag kong makita ang kamatayan ng bata . At naupo sa tapat , at naghihiyaw at umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At narinig ng Dios ang tinig ng bata ; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar , mula sa langit , at sa kaniya&apos;y sinabi , Naano ka Agar ? Huwag kang matakot ; sapagka&apos;t narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Magtindig ka , iyong itayo ang bata , at alalayan mo siya ng iyong kamay ; sapagka&apos;t siya&apos;y gagawin kong isang bansang malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata , at siya&apos;y nakakita ng isang balon ng tubig : at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat , at pinainom ang bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Dios ay sumabata , at siya&apos;y lumaki ; at tumahan sa ilang at naging mamamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nanahan siya sa ilang ng Paran : at ikinuha siya ng kaniyang ina ng asawa sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari ng panahong yaon , na si Abimelech , at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo ay nagsalita kay Abraham , na nagsasabi , Sumasaiyo ang Dios sa lahat mong ginagawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ngayon nga&apos;y ipanumpa mo sa akin dito alangalang sa Dios , na di ka maglililo sa akin , kahit sa aking anak , kahit sa anak ng aking anak ; kundi ayon sa kagandahang loob na ipinakita ko sa iyo , ay gayon ang gagawin mo sa akin , at sa lupaing iyong pinakipamayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Abraham , Susumpa ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pinagwikaan ni Abraham si Abimelech dahil sa isang balon ng tubig , na marahas na inalis sa kaniya ng mga bataan ni Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Abimelech , Aywan , kung sinong gumawa ng bagay na ito : na di mo man sinabi sa akin , at hindi ko man nabalitaan kundi ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kumuha si Abraham ng mga tupa , at mga baka , at ibinigay kay Abimelech ; at gumawa silang dalawa ng isang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ibinukod ni Abraham ang pitong korderong babae sa kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Abimelech kay Abraham , Anong kahulugan nitong pitong korderong babae na iyong ibinukod ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kaniyang sinabi , Itong pitong korderong babae ay iyong kukunin sa aking kamay , upang sa akin ay maging patotoo na hinukay ko ang balong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t tinawag niya ang dakong yaong Beerseba ; sapagka&apos;t doon sila kapuwa nanumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa gayo&apos;y gumawa sila ng isang tipan sa Beerseba : at nagtindig si Abimelech , at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo at nagsipagbalik sa lupain ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba , at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At maraming araw na nakipamayan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito , na sinubok ng Dios si Abraham , at sa kaniya&apos;y sinabi , Abraham ; at sinabi niya , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Kunin mo ngayon ang iyong anak , ang iyong bugtong na anak na si Isaac , na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria ; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Abraham ay bumangong maaga , at inihanda ang kaniyang asno , at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila , at si Isaac na kaniyang anak : at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin , at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang ikatlong araw ay itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata at natanaw niya ang dakong yaon sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Abraham sa kaniyang mga alila , Maghintay kayo rito sangpu ng asno , at ako at ang bata ay paroroon doon ; at kami ay sasamba , at pagbabalikan namin kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin , at ipinasan kay Isaac na kaniyang anak ; at dinala sa kaniyang kamay ang apoy at ang sundang ; at sila&apos;y kapuwa yumaong magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama , na sinabi , Ama ko : at kaniyang sinabi , Narito ako , anak ko . At sinabi , Narito , ang apoy at ang kahoy , nguni&apos;t saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Abraham , Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin , anak ko : ano pa&apos;t sila&apos;y kapuwa yumaong magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y dumating sa dakong sa kaniya&apos;y sinabi ng Dios ; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana , at inayos ang kahoy , at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana , sa ibabaw ng kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit , at sinabi , Abraham , Abraham : at kaniyang sinabi , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa kaniya&apos;y sinabi , Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata , o gawan man siya ng anoman : sapagka&apos;t talastas ko ngayon , na ikaw ay natatakot sa Dios , sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak , ang iyong bugtong na anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata , at nagmalas , at narito , ang isang tupang lalake , sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay : at pumaroon si Abraham , at kinuha ang tupa , at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon , ng Jehova-jireh : gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito : Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham na ikalawa mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi , Sa aking sarili ay sumumpa ako , anang Panginoon , sapagka&apos;t ginawa mo ito , at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak , ang iyong bugtong na anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na sa pagpapala ay pagpapalain kita , at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi , na gaya ng mga bituin sa langit , at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat ; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa ; sapagka&apos;t sinunod mo ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y nagbalik si Abraham sa kaniyang mga alila , at nagsitindig at samasamang nagsiparoon sa Beerseba ; at tumahan si Abraham sa Beerseba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na ibinalita kay Abraham na sinasabi , Narito , si Milca rin naman ay nagkaroon ng mga anak kay Nahor na iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Huz ang kaniyang panganay , at si Buz na kaniyang kapatid , at si Kemuel na ama ni Aram ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Chesed din naman , at si Hazo , at si Pildas , at si Jidlaph , at si Bethuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At naging anak ni Bethuel si Rebeca : ang walong ito ay naging anak ni Milca kay Nachor na kapatid ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ipinanganak din naman ng kaniyang babae na tinatawag na Reuma , si Teba , at si Gaham , at si Taas at si Maacha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang buhay ni Sara ay tumagal ng isang daan at dalawang pu&apos;t pitong taon : ito ang naging mga taon ng buhay ni Sara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At namatay si Sara sa Kiriatharba ( na siyang Hebron ) , sa lupain ng Canaan : at naparoon si Abraham na ipinagluksa si Sara at iniyakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tumindig si Abraham sa harap ng kaniyang patay , at nagsalita sa mga anak ni Heth , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y tagaibang bayan at nakikipamayan sa inyo : bigyan ninyo ako ng isang pag-aaring libingan sa gitna ninyo , upang aking ilibing ang aking patay , na malingid sa aking paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga anak ni Heth ay sumagot kay Abraham , na nagsasabi sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dinggin mo kami , panginoon ko : ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin : sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay ; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan , upang paglibingan ng iyong patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tumindig si Abraham , at yumukod sa bayan ng lupain , sa mga anak nga ni Heth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nakiusap sa kanila , na sinasabi , Kung kalooban ninyo na aking ilibing ang aking patay na malingid sa aking paningin , ay dinggin ninyo ako , at pamagitanan ninyo ako kay Ephron , na anak ni Zohar ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Upang ibigay niya sa akin ang yungib ng Macpela , na kaniyang inaari , na nasa hangganan ng kaniyang parang ; sa tapat na halaga ay ibigay niya sa akin , upang maging pag-aaring libingan sa gitna ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Si Ephron nga ay nakaupo sa gitna ng mga anak ni Heth : at sumagot si Ephron na Hetheo kay Abraham , sa harap ng mga anak ni Heth , na naririnig ng lahat na pumapasok sa pintuan ng bayan , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi , panginoon ko , dinggin mo ako : ang parang ay ibinibigay ko sa iyo , at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo ; sa harap ng mga anak ng aking bayan , ay ibinigay ko sa iyo : ilibing mo ang iyong patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Abraham ay yumukod sa harapan ng bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagsalita kay Ephron sa harap ng bayan ng lupain , na sinasabi , Maanong ako lamang ay iyong pakinggan : ibibigay ko sa iyo ang halaga ng parang ; tanggapin mo sa akin , at ililibing ko roon ang aking patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sumagot si Ephron kay Abraham , na sinasabi sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Panginoon ko , dinggin mo ako : isang putol ng lupa na ang halaga&apos;y apat na raang siklong pilak : gaano sa akin at sa iyo ? ilibing mo nga ang iyong patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dininig ni Abraham si Ephron ; at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi , sa harap ng mga anak ni Heth , apat na raang siklong pilak , na karaniwang salapi ng mga mangangalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t ang parang ni Ephron na nasa Macpela , na nasa tapat ng Mamre , ang parang at ang yungib na nandoon , at ang lahat ng mga punong kahoy na nasa parang na yaon , na ang nasa buong hangganan niyaon sa palibot , ay pinagtibay</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kay Abraham na pag-aari sa harap ng mga anak ni Heth , sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang daan ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagkatapos nito ay inilibing ni Abraham si Sara na kaniyang asawa sa yungib ng parang sa Macpela sa tapat ng Mamre ( na siyang Hebron ) sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang parang at ang yungib na naroroon , ay pinagtibay kay Abraham ng mga anak ni Heth , na pag-aaring libingan niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Abraham ay matanda na , at lipas na sa panahon : at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala , sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na namamahala ng lahat niyang tinatangkilik : Ipinamamanhik ko sa iyo na ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ikaw ay aking pasusumpain , alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa , na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain , at sa aking kamaganakan , at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi sa kaniya ng lingkod , Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito : dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi sa kaniya ni Abraham , Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoon , ang Dios ng langit , na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama , at sa lupaing aking tinubuan , at sa akin ay nagsalita , at sa akin ay sumumpa , na nagsasabi , Sa iyong binhi , ibibigay ko ang lupaing ito : ay magsusugo siya ng kaniyang anghel sa unahan mo , at papag-aasawahin mo roon ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo , ay maliligtas ka rito sa aking sumpa ; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon , at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon , at yumaon ; na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon : at tumindig at napasa Mesopotamia , sa bayan ni Nachor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan , sa tabi ng balon ng tubig , ng dakong palubog na ang araw , na kapanahunan nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi , Oh Panginoon , Dios ng aking panginoong si Abraham , ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon , at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , ako&apos;y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig : at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan , ay nagsilabas upang umigib ng tubig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan , Ibaba mo , isinasamo ko sa iyo , ang iyong banga upang ako&apos;y uminom ; at siya&apos;y magsabi , Uminom ka , at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo : maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac : at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , na bago natapos ang pananalita niya , ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel , na anak ni Milca , na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang babae ay may magandang anyo , dalaga , na hindi pa nasisipingan ng lalake : at lumusong sa bukal , at pinuno ang kaniyang banga , at umahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi , Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya , Uminom ka , panginoon ko : at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay , at pinainom siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagkatapos na kaniyang mapainom , ay sinabi , Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo , hanggang sa makainom na lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman , at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y tinitigan ng lalake ; na hindi umiimik , upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari , nang makainom ang mga kamelyo , na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto , na may kalahating siklo sa timbang , at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay , na may timbang na sangpung siklong ginto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi , Kaninong anak ka ? sabihin mo sa akin , ipinamamanhik ko sa iyo . May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi niya sa kaniya , Anak ako ni Bethuel , na anak ni Milca , na ipinanganak niya kay Nahor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinabi rin niya sa kaniya , Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop , at dakong matutuluyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y nagsabi , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng aking panginoong si Abraham , na hindi inilayo ang kaniyang habag at ang kaniyang pagtatapat , sa aking panginoon : tungkol sa akin , ay pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang Laban : at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas , sa bukal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari , pagkakita ng singsing , at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid , at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid , na sinasabi , Gayon sinalita sa akin ng lalake ; na naparoon siya sa lalake ; at narito , ito&apos;y nakatayo sa siping ng mga kamelyo , sa bukal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi niya , Pumasok ka , pinagpala ng Panginoon ; bakit ka nakatayo sa labas ? sapagka&apos;t inihanda ko ang bahay , at ang dako ng mga kamelyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pumasok ang lalake sa bahay , at kinalagan ang mga kamelyo ; at binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo , at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa , at ng mga paa ng mga taong kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At siya&apos;y hinainan nila ng pagkain : datapuwa&apos;t kaniyang sinabi , Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya . At sinabi ni Laban , Magsalita ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kaniyang sinabi , Alilang katiwala ako ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon ; at siya&apos;y naging dakila : at siya&apos;y binigyan ng kawan at bakahan , at ng pilak at ng ginto , at ng mga aliping lalake , at babae , at ng mga kamelyo , at ng mga asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At si Sara na asawa ng aking panginoon , ay nagkaanak ng lalake sa aking panginoon , nang siya&apos;y matanda na : at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At pinapanumpa ako ng aking panginoon , na sinasabi , Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan , at papag-aasawahin mo roon ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi ko sa aking panginoon , Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At kaniyang sinabi sa akin , Ang Panginoon na sa harap niya&apos;y lumalakad ako , ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel , at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad , at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan , at sa angkan ng aking ama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kung magkagayo&apos;y makakakawala ka sa aking sumpa , pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan ; at kung hindi nila ibigay sa iyo , ay makakakawala ka sa aking sumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At dumating ako ng araw na ito , sa bukal , at aking sinabi , Oh Panginoon , na Dios ng aking panginoong si Abraham , kung ngayo&apos;y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Narito , nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig ; at mangyari , na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan , Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At siya&apos;y magsasabi sa akin , Uminom ka , at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo : ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At bago ko nasalita sa sarili , narito si Rebeca , na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat ; at lumusong sa bukal at umigib : at aking sinabi sa kaniya , Makikiinom ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat , at nagsabi , Uminom ka , at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo : sa gayo&apos;y uminom ako , at pinainom niya pati ng mga kamelyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At siya&apos;y aking tinanong , at aking sinabi , Kaninong anak ka ? at kaniyang sinabi , Anak ako ni Bethuel , na anak ni Nachor , na ipinanganak sa kaniya ni Milca : at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong , at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At aking iniyukod ang aking ulo , at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon , na Dios ng aking panginoong si Abraham , na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon , para sa kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ngayon , kung inyong mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin : at kung hindi , ay sabihin din ninyo sa akin ; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Laban at si Bethuel , at sinabi , Sa Panginoon nagmumula ito : kami ay hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Narito , si Rebeca ay nasa harap mo , dalhin mo , at yumaon ka , at siya&apos;y maging asawa ng anak ng iyong panginoon , na gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At nangyari , na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita , ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto , at mga damit , at mga ibinigay kay Rebeca : nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya , at doon nagparaan ng magdamag , at sila&apos;y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi , Suguin ninyo ako sa aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake , at ng kaniyang ina , Matira ang dalaga sa aming ilang araw , sangpung araw man lamang ; pagkatapos ay paroroon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At sinabi niya sa kanila , Huwag ninyo akong pigilin , yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad ; papagpaalamin na ninyo ako , upang ako&apos;y umuwi sa aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At kanilang sinabi , Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At kanila ngang tinawag si Rebeca , at kanilang sinabi sa kaniya , Sasama ka ba sa lalaking ito ? At sinabi niya , Sasama ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid , at ang kaniyang yaya , at ang alilang katiwala ni Abraham , at ang kaniyang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At kanilang binasbasan si Rebeca , at sinabi nila sa kaniya , Kapatid namin , maging ina ka nawa ng yutayuta , at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At tumindig si Rebeca , at ang kaniyang mga abay , at nangagsisakay sa mga kamelyo , at nangagsisunod sa lalake ; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi ; sapagka&apos;t siya&apos;y natira sa lupaing Timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon : at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata , at kaniyang nakita , at , narito , may dumarating na mga kamelyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac , ay bumaba sa kamelyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala , Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin ? At sinabi ng alilang katiwala , Yaon ang aking panginoon : at kinuha niya ang kaniyang lambong , at siya&apos;y nagtakip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina , at ipinagsama si Rebeca , at naging kaniyang asawa : at kaniya namang sininta : at naaliw si Isaac , pagkamatay ng kaniyang ina .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Abraham ay nagasawa ng iba , at ang pangalan ay Cetura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan , at si Medan , at si Midiam , at si Ishbak , at si Sua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan . At ang mga anak na lalake ni Dedan , ay si Assurim at si Letusim , at si Leummim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga anak ni Midian : si Epha at si Epher , at si Enech , at si Abida , at si Eldaa . Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham , ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob ; at samantalang nabubuhay pa siya ay mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham , isang daan at pitong pu&apos;t limang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan , matanda at puspos ng mga taon ; at nalakip sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela , sa parang ni Ephron , na anak ni Zohar na Hetheo , na nasa tapat ng Mamre ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth : doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , pagkamatay ni Abraham , na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak ; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng Beer-lahai-roi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga ito nga ang sali&apos;t saling lahi ni Ismael , anak ni Abraham , na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto , na alila ni Sara :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael , ayon sa kanikaniyang lahi : ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth ; at si Cedar , at si Adbeel , at si Mibsam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Misma , at si Duma , at si Maasa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Hadad , at si Tema , si Jetur , si Naphis , at si Cedema :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang mga anak ni Ismael , at ito ang kanikaniyang pangalan , ayon sa kanikaniyang nayon , at ayon sa kanikaniyang hantungan : labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael , isang daan at tatlong pu&apos;t pitong taon ; at nalagot ang hininga at namatay ; at siya&apos;y nalakip sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur , na natatapat sa Egipto , kung patutungo sa Asiria ; siya&apos;y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ito ang mga sali&apos;t saling lahi ni Isaac , na anak ni Abraham : naging anak ni Abraham si Isaac ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Isaac ay may apat na pung taon , nang siya&apos;y magasawa kay Rebeca , na anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram , kapatid na babae ni Laban na taga Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa , sapagka&apos;t baog ; at nadalanginan niya ang Panginoon , at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagbubuno ang mga bata sa loob niya ; at kaniyang sinabi , Kung ganito&apos;y bakit nabubuhay pa ako ? At siya&apos;y yumaong nagsiyasat sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata , At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan : At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan ; At ang matanda ay maglilingkod sa bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan , narito&apos;t kambal sa kaniyang bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang unang lumabas ay mapula na buong katawa&apos;y parang mabalahibong damit ; at siya&apos;y pinanganlang Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid , at ang kaniyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau ; at ipinangalan sa kaniya ay Jacob : at si Isaac ay may anim na pung taon na , nang sila&apos;y ipanganak ni Rebeca .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nagsilaki ang mga bata ; at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso , lalake sa parang ; at si Jacob ay lalaking tahimik , na tumatahan sa mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Minamahal nga ni Isaac si Esau , sapagka&apos;t kumakain ng kaniyang pinangangasuhan : at minamahal ni Rebeca si Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nagluto si Jacob ng lutuin : at dumating si Esau na galing sa parang , at siya&apos;y nanglalambot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Esau kay Jacob , Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin ; sapagka&apos;t ako&apos;y nanglalambot : kaya&apos;t tinawag ang pangalan niya na Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni Jacob , Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ni Esau , Narito , ako&apos;y namamatay : at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ni Jacob , Isumpa mo muna sa akin ; at isinumpa niya sa kaniya : at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas ; at siya&apos;y kumain , at uminom , at bumangon at yumaon : gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagkagutom sa lupain , bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham . At naparoon si Isaac kay Abimelech , na hari ng mga Filisteo sa Gerar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At napakita ang Panginoon sa kaniya , at nagsabi , Huwag kang bumaba sa Egipto ; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Matira ka sa lupaing ito , at ako&apos;y sasa iyo , at ikaw ay aking pagpapalain ; sapagka&apos;t sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito , at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit , at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito : at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sinunod ni Abraham ang aking tinig , at ginanap ang aking bilin , ang aking mga utos , ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tumahan si Isaac sa Gerar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa ; at sinabi niya , Siya&apos;y aking kapatid ; sapagka&apos;t natakot na sabihin , Siya&apos;y aking asawa : baka ako&apos;y patayin , aniya , ng mga taong tagarito , dahil kay Rebeca ; dahil sa siya&apos;y may magandang anyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari nang siya&apos;y naroong mahabang panahon , na dumungaw si Abimelech , na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan , at tumingin , at narito&apos;t si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tinawag ni Abimelech si Isaac , at sa kaniya&apos;y sinabi , Narito , tunay na siya&apos;y iyong asawa : at bakit sinabi mo , Siya&apos;y aking kapatid ? At sumagot sa kaniya si Isaac , Sapagka&apos;t sinabi ko , Baka ako&apos;y mamatay dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Abimelech , Ano itong ginawa mo sa amin ? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa , at sa gayon ay pinapagkasala mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan , na sinabi , Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon , at umani siya ng taong yaon , ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naging dakila ang lalake at lalo&apos;t lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y may tinatangkilik na mga kawan , at mga tinatangkilik na mga bakahan , at malaking sangbahayan : at kinainggitan siya ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama , nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama , ay pinagtabunan ng mga Filisteo , na mga pinuno ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Abimelech kay Isaac ; Humiwalay ka sa amin , sapagka&apos;t ikaw ay makapupong matibay kay sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At umalis si Isaac doon , at humantong sa libis ng Gerar , at tumahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama ; sapagka&apos;t pinagtabunan ng mga Filisteo , pagkamatay ni Abraham : at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac , at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac , na sinasabi , Amin ang tubig ; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon , na Esec ; sapagka&apos;t ipinakipagkaalit sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y humukay ng ibang balon ; at kanilang pinagtalunan din : at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At bumunot siya roon , at humukay ng ibang balon ; at hindi nila pinagtalunan : at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth ; at kaniyang sinabi , Sapagka&apos;t ngayo&apos;y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan , at lalago tayo sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mula roon ay umahon siya sa Beerseba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon , at nagsabi , Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama : huwag kang matakot , sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo , at ikaw ay aking pagpapalain , at aking pararamihin ang iyong binhi , alangalang kay Abraham na aking lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana , at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon , at itinindig niya roon ang kaniyang tolda : at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar , at si Ahuzath na kaniyang kaibigan , at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi sa kanila ni Isaac , Bakit kayo naparirito sa akin , dangang kayo&apos;y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi nila , Malinaw na aming nakita , na ang Panginoon ay sumasaiyo : at aming sinabi , Magkaroon ng pagsusumpaan tayo , kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na hindi ka gagawa sa amin ng masama , gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw , at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti , at pinayaon ka naming payapa : ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At pinaghandaan niya sila , at sila&apos;y nagkainan at naginuman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sila&apos;y gumising ng madaling araw , at sila&apos;y nagpanumpaan : at sila&apos;y pinagpaalam ni Isaac , at nagsialis na payapa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangyari , nang araw ding yaon , na nagsidating ang mga bataan ni Isaac , at siya&apos;y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay , at sinabi sa kaniya , Nakasumpong kami ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At tinawag niyang Seba : kaya&apos;t ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit , na anak ni Beeri na Heteo , at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sila&apos;y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang matanda na si Isaac , at malabo na ang kaniyang mga mata , na ano pa&apos;t hindi na siya makakita , ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay , at sinabi sa kaniya , Anak ko : at kaniyang sinabi , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya , Narito , ako&apos;y matanda , at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ngayon nga&apos;y kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo , ang iyong almas , ang iyong lalagyan ng pana , at ang iyong busog , at lumabas ka sa parang , at ihuli mo ako ng usa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At igawa mo ako ng masarap na pagkain , na aking ibig , at dalhin mo rito sa akin , upang ako&apos;y kumain ; upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak . At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa , at upang madala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi , Narito , narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dalhan mo ako ng usa , at igawa mo ako ng pagkaing masarap , upang ako&apos;y kumain , at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon , bago ako mamatay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon nga , anak ko , sundin mo ang aking tinig , ayon sa iniutos ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pumaroon ka ngayon sa kawan , at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing ; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama , ayon sa kaniyang ibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At dadalhin mo sa iyong ama , upang kumain , ano pa&apos;t ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina , Narito , si Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo , at ako&apos;y taong makinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Marahil ay hihipuin ako ng aking ama , at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya ; at ang aking mahihita ay sumpa at hindi basbas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina , Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo , anak ko : sundin mo lamang ang aking tinig , at yumaon ka , na dalhin mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y yumaon at dinala sa kaniyang ina : at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain , na ibig ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kinuha ni Rebeca ang mainam na damit ni Esau , na kaniyang anak na panganay , na nasa kaniya sa bahay , at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay , at sa kinis ng kaniyang leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap , at ang tinapay na kaniyang inihanda , sa kamay ni Jacob na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y lumapit sa kaniyang ama , at nagsabi , Ama ko ; at sinabi niya : Narito ako ; sino ka , anak ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama , Ako&apos;y si Esau na iyong panganay ; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin : bumangon ka , ipinamamanhik ko sa iyo , maupo ka at kumain ka ng aking usa , upang basbasan ako ng iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak , Ano&apos;t kay dali mong nakasumpong , anak ko ? At sinabi niya , Sapagka&apos;t binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Isaac kay Jacob , Lumapit ka rito , ipinamamanhik ko sa iyo upang hipuin kita , anak ko , kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama : at hinipo siya , at sinabi , Ang tinig ay tinig ni Jacob , nguni&apos;t ang mga kamay ay mga kamay ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hindi siya nakilala , sapagka&apos;t ang kaniyang kamay ay mabalahibo , gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid : at sa gayo&apos;y binasbasan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi niya , Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau ? At sinabi niya , Ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang sinabi , Ilapit mo sa akin , at kakain ako ng usa ng aking anak , upang basbasan ka ng aking kaluluwa . At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya : at siya&apos;y dinalhan niya ng alak , at uminom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama , Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin , anak ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y lumapit at humalik siya sa kaniya : at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot , at siya&apos;y binasbasan , na sinabi , Narito , ang amoy ng aking anak Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At bigyan ka ng Dios ng hamog ng langit , At ng taba ng lupa , At ng saganang trigo at alak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo . At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo : Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid , At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina : Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo . At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob , at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama , ay dumating si Esau na kaniyang kapatid , na galing sa kaniyang panghuhuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya ma&apos;y gumawa ng masarap na pagkain , at dinala niya sa kaniyang ama ; at sinabi niya sa kaniyang ama , Bumangon ang ama ko , at kumain ng usa ng kaniyang anak , upang basbasan ako ng iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya , Sino ka ? At kaniyang sinabi , Ako ang iyong anak , ang iyong panganay na si Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nangilabot na mainam si Isaac , at sinabi , Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin , at ako&apos;y kumain niyaon bago ka dumating , at aking binasbasan siya ? oo , at siya&apos;y magiging mapalad !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan : at sinabi sa kaniyang ama . Basbasan mo ako , ako naman , Oh ama ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kaniyang sinabi , Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya , at kinuha ang basbas sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kaniyang sinabi , Hindi ba matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob ? sapagka&apos;t kaniyang inagawan ako nitong makalawa : kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay ; at , narito , ngayo&apos;y kinuha ang basbas sa akin . At kaniyang sinabi , Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sumagot si Isaac , at sinabi kay Esau . Narito , inilagay ko siyang panginoon mo , at sa kaniya&apos;y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid ; at sa trigo at sa bagong alak , ay kinandili ko siya ; at sa iyo&apos;y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ni Esau sa kaniyang ama , Wala ka ba , kundi isa lamang basbas , ama ko ? Basbasan mo ako , ako naman , Oh ama ko . At humiyaw si Esau at umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sumagot si Isaac na kaniyang ama , at sinabi sa kaniya , Narito , magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan , At sa hamog ng langit mula sa itaas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa iyong tabak ay mabubuhay ka , at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka ; At mangyayari na pagka nakalaya ka , Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At kinapootan ni Esau si Jacob , dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama ; at sinasabi ni Esau sa sarili , Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama ; kung magkagayo&apos;y papatayin ko si Jacob na aking kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca ; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob , na kaniyang bunso at sa kaniya&apos;y sinabi , Narito , ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo , na inaakalang patayin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ngayon nga , anak ko , sundin mo ang aking tinig ; at bumangon ka , at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid , sa Haran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Hanggang ang galit sa iyo , ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya : kung magkagayo&apos;y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon : bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi ni Rebeca kay Isaac , Ako&apos;y yamot na sa aking buhay , dahil sa mga anak na babae ni Heth : kung si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito , ng mga anak ng lupaing ito , ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tinawag ni Isaac si Jacob , at siya&apos;y binasbasan , at siya&apos;y pinagbilinan , na sinabi sa kaniya , Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tumindig ka , pumaroon ka sa Padan-aram , sa bahay ni Bethuel , na ama ng iyong ina , at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban , na kapatid na lalake ng iyong ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat , at ikaw ay palaguin , at ikaw ay paramihin , upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham , sa iyo , at sangpu sa iyong binhi ; upang iyong ariin ang lupaing iyong pinaglakbayan , na ibinigay ng Dios kay Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pinapagpaalam ni Isaac si Jacob : at naparoon siya sa Padan-aram kay Laban , anak ni Bethuel na taga Siria , na kapatid ni Rebeca , na ina ni Jacob at ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nakita nga ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob , at siya&apos;y pinaparoon sa Padan-aram , upang doon magasawa ; at nang siya&apos;y basbasan ay ipinagbilin sa kaniya , na sinasabi , Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sumunod si Jacob sa kaniyang ama at sa kaniyang ina , at naparoon sa Padan-aram ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nakita ni Esau na hindi nakalulugod ang mga anak ng Canaan kay Isaac na kaniyang ama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At naparoon si Esau kay Ismael , at nagasawa kay Mahaleth , anak ni Ismael , na anak ni Abraham , na kapatid na babae ni Nabaioth , bukod pa sa mga asawang mayroon na siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At umalis si Jacob sa Beerseba at napasa dakong Haran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At dumating sa isang dako , at nagparaan ng buong gabi roon , sapagka&apos;t lumubog na ang araw ; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon , at inilagay sa kaniyang ulunan , at nahiga sa dakong yaon upang matulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nanaginip , at narito , ang isang hagdan , na ang puno ay nasa lupa , at ang dulo ay umaabot sa langit ; at narito , ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At , narito , ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon , at nagsabi , Ako ang Panginoon , ang Dios ni Abraham na iyong ama , at ang Dios ni Isaac : ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa , at kakalat ka sa kalunuran , at sa silanganan , at sa hilagaan , at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At , narito&apos;t ako&apos;y sumasa iyo , at iingatan kita saan ka man pumaroon , at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka&apos;t hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip , at nagsabi , Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito , at hindi ko nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y natakot , at kaniyang sinabi , Kakilakilabot na dako ito ! ito&apos;y hindi iba kundi bahay ng Dios , at ito ang pintuan ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan , at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya , at kaniyang itinayo na pinakaalaala , at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel : datapuwa&apos;t ang pangalan ng bayan nang una ay Luz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Jacob ay nagpanata , na sinasabi , Kung sasaakin ang Dios , at ako&apos;y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran , at ako&apos;y bibigyan ng tinapay na makakain , at damit na maisusuot ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na ano pa&apos;t ako&apos;y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama , ay ang Panginoon nga ang magiging aking Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios ; at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y nagpatuloy si Jacob ng kaniyang paglalakbay , at napasa lupain ng mga anak ng silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y tumingin , at nakakita ng isang balon sa parang , at narito , may tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon : sapagka&apos;t sa balong yaon pinaiinom ang mga kawan : at ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At doon nagkakatipon ang lahat ng kawan : at kanilang iginugulong ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon , at pinaiinom ang mga tupa , at muling inilalagay ang bato sa ibabaw ng labi ng balon , sa dako niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kanila ni Jacob , Mga kapatid ko , taga saan kayo ? At kanilang sinabi , Taga Haran kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Nakikilala ba ninyo si Laban na anak ni Nachor ? At kanilang sinabi , Nakikilala namin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa kanila , Siya ba&apos;y mabuti ? At , kanilang sinabi , Siya&apos;y mabuti : at , narito , si Raquel na kaniyang anak ay dumarating na dala ang mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya , Narito , maaga pa , ni hindi oras tipunin ang mga hayop : painumin ninyo ang mga tupa , at inyo silang pasabsabin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang sinabi , Hindi namin magagawa hanggang sa magkatipon ang lahat ng kawan , at igugulong ang bato mula sa labi ng balon ; gayon nga aming pinaiinom ang mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Samantalang nakikipagusap pa siya sa kanila , ay dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kaniyang ama ; sapagka&apos;t siya ang nagaalaga ng mga iyon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban , na kapatid ng kaniyang ina , at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina , na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon , at pinainom ang kawan ni Laban , na kapatid ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At hinagkan ni Jacob si Raquel ; at humiyaw ng malakas at umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kay Raquel ay sinaysay ni Jacob na siya&apos;y kapatid ni Laban , na kaniyang ama , at anak siya ni Rebeca : at siya&apos;y tumakbo at isinaysay sa kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , nang marinig ni Laban ang mga balita tungkol kay Jacob , na anak ng kaniyang kapatid , ay tumakbo siya na kaniyang sinalubong , at kaniyang niyakap at kaniyang hinagkan , at kaniyang dinala sa kaniyang bahay . At isinaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi sa kaniya ni Laban , Tunay na ikaw ay aking buto at aking laman . At dumoon sa kaniyang isang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Laban kay Jacob , Sapagka&apos;t ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad ? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At may dalawang anak na babae si Laban : ang pangalan ng panganay ay Lea , at ang pangalan ng bunso ay Raquel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga mata ni Lea ay mapupungay ; datapuwa&apos;t si Raquel ay maganda at kahalihalina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sininta ni Jacob si Raquel ; at kaniyang sinabi , Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Laban , Magaling ang ibigay ko siya sa iyo , kay sa ibigay ko sa iba : matira ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel , na pitong taon ; at sa kaniya&apos;y naging parang ilang araw , dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Jacob kay Laban , Ibigay mo sa akin ang aking asawa , sapagka&apos;t naganap na ang aking mga araw upang ako&apos;y sumiping sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon at siya&apos;y gumawa ng isang piging .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari nang kinagabihan , na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob , at siya&apos;y sumiping sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , na sa kinaumagahan , narito&apos;t si Lea : at kaniyang sinabi kay Laban : Ano itong ginawa mo sa akin ? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel ? Bakit mo nga ako dinaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Laban , Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako , na ibinibigay ang bunso , bago ang panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Tapusin mo ang kaniyang sanglingo , at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa , dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa , sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At gayon ang ginawa ni Jacob , at tinapos niya ang sanglingo nito , at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa kaniyang anak na kay Raquel ay ibinigay ni Laban na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Bilha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sumiping din naman si Jacob kay Raquel , at kaniya namang inibig si Raquel ng higit kay Lea , at naglingkod siya kay Laban na pitong taon pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapopootan niya , at binuksan ang kaniyang bahay-bata ; datapuwa&apos;t si Raquel ay baog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At naglihi si Lea , at nanganak ng isang lalake , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Sapagka&apos;t nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian ; dahil sa ngayo&apos;y mamahalin ako ng aking asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At naglihi uli , at nanganak ng isang lalake ; at nagsabi , Sapagka&apos;t narinig ng Panginoon na ako&apos;y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito : at pinanganlan niyang Simeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At naglihi uli at nanganak ng isang lalake ; at nagsabi , Ngayo&apos;y masasama na sa akin ang aking asawa , sapagka&apos;t nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake : kaya&apos;t pinanganlan niyang Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At muling naglihi at nanganak ng isang lalake , at nagsabi , Ngayo&apos;y aking pupurihin ang Panginoon : kaya&apos;t pinanganlang Juda ; at hindi na nanganak .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang makita ni Raquel , na hindi siya nagkakaanak kay Jacob , ay nainggit si Raquel sa kaniyang kapatid ; at sinabi kay Jacob , Bigyan mo ako ng anak , o kung hindi ay mamamatay ako !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagningas ang galit ni Jacob laban kay Raquel ; at nagsabi , Ako ba&apos;y nasa kalagayan ng Dios , na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya , Narito ang aking alilang si Bilha , sumiping ka sa kaniya ; upang manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod , at magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ibinigay niyang asawa si Bilha na kaniyang alila : at sinipingan ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At naglihi si Bilha , at nagkaanak kay Jacob , ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Raquel , Hinatulan ako ng Dios , at dininig din naman ang aking tinig , at binigyan ako ng anak : kaya&apos;t pinanganlang Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Raquel , Ako&apos;y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid , at ako&apos;y nanaig : at siya&apos;y pinanganlang Nephtali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang makita ni Lea , na siya&apos;y hindi na nanganganak , ay kinuha si Zilpa na kaniyang alila at ibinigay na asawa kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Zilpa na alila ni Lea ay nagkaanak ng isang lalake kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Lea , Kapalaran ! at pinanganlang Gad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ipinanganak ni Zilpa na alila ni Lea , ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Lea , Mapalad ako ! sapagka&apos;t tatawagin akong mapalad ng mga babae : at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Aser .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At yumaon si Ruben nang panahon ng paggapas ng trigo , at nakasumpong ng mga mandragoras sa bukid , at dinala sa kaniyang inang kay Lea . Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Raquel kay Lea , Ipinamamanhik ko sa iyo na bigyan mo ako ng mga mandragoras ng iyong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Kakaunti pa bang bagay na iyong kinuha ang aking asawa ? at ibig mo pa ring kunin ang mga mandragoras ng aking anak ? At sinabi ni Raquel , Kaya&apos;t sisiping siya sa iyo ngayong gabi , dahil sa mga mandragoras ng iyong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Jacob ay umuwing galing sa bukid ng hapon , at sinalubong siya ni Lea , at sa kaniya&apos;y sinabi , Sa akin ka dapat sumiping ; sapagka&apos;t tunay na ikaw ay aking inupahan ng mga mandragoras ng aking anak . At sumiping siya sa kaniya ng gabing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At dininig ng Dios si Lea : at siya&apos;y naglihi at kaniyang ipinanganak kay Jacob ang kaniyang ikalimang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Lea , Ibinigay sa akin ng Dios ang aking kaupahan , sapagka&apos;t ibinigay ko ang aking alila sa aking asawa : at kaniyang pinanganlang Issachar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At naglihi uli si Lea , at kaniyang ipinanganak ang kaniyang ikaanim na anak kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Lea , Binigyan ako ng Dios ng isang mabuting kaloob ; ngayo&apos;y makikisama na sa akin ang aking asawa , sapagka&apos;t nagkaanak ako sa kaniya ng anim na lalake : at kaniyang pinanganlang Zabulon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pagkatapos ay nanganak siya ng babae , at kaniyang pinanganlang Dina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At naalala ng Dios si Raquel , at dininig ng Dios , at binuksan ang kaniyang bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y naglihi at nanganak ng lalake ; at kaniyang sinabi , Inalis ng Dios sa akin ang kakutyaan ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kaniyang tinawag ang pangalan niya na Jose , na sinasabi , Dagdagan pa ako ng Panginoon ng isang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , nang maipanganak ni Raquel si Jose , na sinabi ni Jacob kay Laban , Papagpaalamin mo ako upang ako&apos;y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak , na siyang kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo , at papagpaalamin mo ako : sapagka&apos;t talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi sa kaniya ni Laban , Kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa harap ng iyong mga mata , matira ka : aking napagkilala , na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kaniyang sinabi , Sabihin mo sa akin ang iyong kaupahan , at ibibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi niya sa kaniya , Nalalaman mo kung paanong pinaglingkuran kita , at kung anong lagay ng iyong mga hayop dahil sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating , at naging isang karamihan ; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit ; at ngayo&apos;y kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa kaniya&apos;y sinabi , Anong ibibigay ko sa iyo ? At sinabi ni Jacob , Huwag mo akong bigyan ng anoman : kung ito&apos;y iyong gawin sa akin , ay muli kong papastulin at aalagaan ang iyong kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon , na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis , at ang lahat na maitim sa mga tupa , at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing : at siyang magiging aking kaupahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gayon ako sasagutan ng aking katuwiran sa haharapin , pagparito mo , tungkol sa aking kaupahan , na nasa harap mo ; yaong lahat na walang batik at walang dungis sa mga kambing , at hindi maitim sa mga tupa , na masusumpungan sa akin , ay maibibilang mong nakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Laban , Narito , mangyari nawa ayon sa iyong sabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis , at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis , lahat ng mayroong kaunting puti , at lahat ng maitim sa mga tupa , at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At siya&apos;y naglakad ng tatlong araw ang pagitan kay Jacob ; at pinakain ni Jacob ang nalabi sa mga kawan ni Laban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo , at almendro at kastano ; at pinagbabakbakan ng mga batik na mapuputi , at kaniyang pinalitaw na gayon ang puti na nasa mga sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang , sa harap ng kawan , sa mga pinagpapainuman ; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom ; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit , may batik at may dungis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob , at inihaharap ang kawan sa dakong may batik , at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban ; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin , at hindi isinama sa kawan ni Laban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nangyari , na kailan ma&apos;t maglilihi ang mga malakas sa kawan , ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang , upang sila&apos;y papaglihihin sa gitna ng mga sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Datapuwa&apos;t pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay , kaya&apos;t ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang lalake ay lumagong mainam ; at nagkaroon ng malalaking kawan , at ng mga aliping babae at lalake , at ng mga kamelyo at ng mga asno .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban , na nagsisipagsabi , Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama ; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban , at narito&apos;t hindi sumasa kaniyang gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Panginoon kay Jacob , Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang , at sa iyong kamaganakan ; at ako&apos;y sasaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid , sa kaniyang kawan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi sa kanila , Nakikita ko ang mukha ng inyong ama , na hindi sumasaakin na gaya ng dati ; datapuwa&apos;t ang Dios ng aking ama ay sumaakin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nalalaman ninyo , na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dinaya ako ng inyong ama , at binagong makasangpu ang aking kaupahan ; datapuwa&apos;t hindi pinahintulutan siya ng Dios , na gawan ako ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung kaniyang sinabing ganito , Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo ; kung magkagayo&apos;y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik : at kung kaniyang sinabing ganito , Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo ; kung magkagayo&apos;y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama , at ibinigay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , na sa panahong ang kawan ay naglilihi , ay itiningin ko ang aking mga mata , at nakita ko sa panaginip , at narito , ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit , may batik at may dungis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi sa akin ng anghel ng Dios , sa panaginip , Jacob : at sinabi ko , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinabi , Itingin mo ngayon ang iyong mga mata , tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit , may batik at may dungis : sapagka&apos;t aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako ang Dios ng Betel , na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala , at doon ka gumawa ng panata sa akin : ngayo&apos;y tumindig ka , umalis ka sa lupaing ito , at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsisagot si Raquel at si Lea , at sa kaniya&apos;y sinabi , Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan ? sapagka&apos;t ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama , ay amin yaon at sa aming mga anak : ngayon nga , gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y tumindig si Jacob , at pinasakay sa mga kamello ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga asawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dinala ang kaniyang lahat na hayop , at ang kaniyang buong pag-aaring tinipon , ang hayop na kaniyang napakinabang , na kaniyang tinipon , sa Padan-aram , upang pumaroon kay Isaac na kaniyang ama , sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa : at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tumanan si Jacob na di nalalaman ni Laban na taga Siria , sa di niya pagbibigay alam na siya&apos;y tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya ; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates , at siya&apos;y tumungo sa bundok ng Gilead .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At binalitaan si Laban sa ikatlong araw , na tumakas si Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid , at hinabol niyang pitong araw ; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At naparoon ang Dios kay Laban na taga Siria , sa panaginip sa gabi , at sa kaniya&apos;y sinabi , Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At inabutan ni Laban si Jacob , At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok ; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Laban kay Jacob , Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman , at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Bakit ka tumakas ng lihim , at tumanan ka sa akin ; at hindi mo ipinaalam sa akin , upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan , may tambol at may alpa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking humalik sa aking mga anak na lalake at babae ? Ngayon nga&apos;y gumawa ka ng kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama : nguni&apos;t ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi , na sinasabi , Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ngayon , bagaman iyong inibig yumaon , sapagka&apos;t pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sumagot si Jacob , at sinabi kay Laban , Sapagka&apos;t ako&apos;y natakot : sapagka&apos;t sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios , ay huwag mabuhay : sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo , at dalhin mo sa iyo . Sapagka&apos;t hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob , at sa tolda ni Lea , at sa tolda ng dalawang alilang babae , datapuwa&apos;t hindi niya nasumpungan ; at lumabas sa tolda ni Lea , at pumasok sa tolda ni Raquel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan , at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan . At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda , nguni&apos;t hindi niya nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinabi niya sa kaniyang ama , Huwag magalit ang aking panginoon na ako&apos;y hindi makatindig sa harap mo ; sapagka&apos;t ako&apos;y mayroon ng kaugalian ng mga babae . At kaniyang hinanap , datapuwa&apos;t hindi masumpungan ang mga larawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban , at sumagot si Jacob , at sinabi kay Laban , Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan , upang ako&apos;y habulin mong may pagiinit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan , anong nasumpungan mong kasangkapan , ng iyong bahay ? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid , upang hatulan nila tayong dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ako&apos;y natira sa iyo nitong dalawang pung taon : ang iyong mga babaing tupa , at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak , at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo ; ako ang nagbata ng kawalan ; sa aking kamay mo hiningi , maging nanakaw sa araw , o nanakaw sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ganito nakaraan ako ; sa araw ay pinupugnaw ako ng init , at ng lamig sa gabi ; at ang pagaantok ay tumatakas sa aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay ; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak , at anim na taon dahil sa iyong kawan : at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama , ang Dios ni Abraham , at ang Katakutan ni Isaac , ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala . Nakita ng Dios ang aking kapighatian , ang kapaguran ng aking mga kamay , at sinaway ka niya kagabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob , Ang mga anak na babaing ito , ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko , at ang mga kawan ay mga kawan ko , at ang lahat ng iyong nakikita ay akin : at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae , o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ngayo&apos;y halika , gumawa tayo ng isang tipan , ako&apos;t ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At kumuha si Jacob ng isang bato , at itinindig na pinakaalaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid , Manguha kayo ng mga bato ; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton : at sila&apos;y nagkainan doon sa malapit sa bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha , datapuwa&apos;t pinanganlan ni Jacob na Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sinabi ni Laban , Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon . Kaya&apos;t ang pangalan niya&apos;y tinawag na Galaad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At Mizpa sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Bantayan ng Panginoon ako at ikaw , pag nagkakahiwalay tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Kung pahirapan mo ang aking mga anak , o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak , ay wala tayong ibang kasama ; tingnan mo , ang Dios ay saksi sa akin at sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At sinabi ni Laban kay Jacob , Narito , ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito , na aking inilagay sa gitna natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Maging saksi ang buntong ito , at saksi ang batong ito , na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako mo , at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito sa pagpapahamak sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nachor , ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin . At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa Katakutan ng kaniyang amang si Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At naghandog si Jacob ng hain sa bundok , at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay : at sila&apos;y nagsikain ng tinapay , at sila&apos;y nagparaan ng buong gabi sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban , at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at pinagbabasbasan : at yumaon at umuwi si Laban .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ipinagpatuloy ni Jacob ang kaniyang paglakad , at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Jacob nang makita niya sila , Ito&apos;y hukbo ng Dios : at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau , na kaniyang kapatid sa lupain ng Seir , na parang ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At inutusan niya sila , na sinasabi , Ganito ninyo sabihin sa aking panginoong kay Esau , Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob , Dumoon ako kay Laban at ako&apos;y natira roon hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mayroon akong mga baka , at mga asno , at mga kawan , at mga aliping lalake at babae : at ako&apos;y nagpasugo upang magbigay alam sa aking panginoon , upang makasumpong ng biyaya sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob , na nagsipagsabi , Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau , at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo , at apat na raang tao ang kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y natakot na mainam si Jacob at nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya , at ang mga kawan , at ang mga bakahan , at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang sinabi , Kung dumating si Esau sa isang pulutong , at kaniyang saktan , ang pulutong ngang natitira ay tatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Jacob , Oh Dios ng aking amang si Abraham , at Dios ng aking amang si Isaac , Oh Panginoon , na nagsabi sa akin , Magbalik ka sa iyong lupain at sa iyong kamaganakan , at gagawan kita ng magaling :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan , at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod : sapagka&apos;t dala ko ang aking tungkod , na dinaanan ko ang Jordang ito ; at ngayo&apos;y naging dalawang pulutong ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iligtas mo ako , ipinamamanhik ko sa iyo , sa kamay ng aking kapatid , sa kamay ni Esau ; sapagka&apos;t ako&apos;y natatakot sa kaniya , baka siya&apos;y dumating at ako&apos;y saktan niya , ang ina pati ng mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ikaw ang nagsabi , Tunay na ikaw ay gagawan ko ng magaling , at gagawin ko ang iyong binhi na parang buhangin sa dagat , na hindi mabibilang dahil sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y nagparaan doon ng gabing yaon ; at kumuha ng mayroon siya na ipagkakaloob kay Esau na kaniyang kapatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Dalawang daang kambing na babae , at dalawang pung lalaking kambing ; dalawang daang tupang babae , at dalawang pung tupang lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak ; apat na pung baka at sangpung toro , dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ipinagbibigay sa kamay ng kaniyang mga bataan , bawa&apos;t kawan ay bukod ; at sinabi sa kaniyang mga bataan , Lumagpas kayo sa unahan ko , at iiwanan ninyo ng isang pagitan ang bawa&apos;t kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iniutos sa una , na sinasabi , Pagka ikaw ay nasumpungan ni Esau na aking kapatid , at ikaw ay tinanong na sinasabi , Kanino ka ? at saan ka paroroon ? at kanino itong nangasa unahan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung magkagayo&apos;y sasabihin mo , Sa iyong lingkod na kay Jacob ; isang kaloob nga , na padala sa aking panginoong kay Esau : at , narito , siya&apos;y nasa hulihan din naman namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At iniutos din sa ikalawa , at sa ikatlo , at sa lahat ng sumusunod sa mga kawan , na sinasabi , Sa ganitong paraan sasalitain ninyo kay Esau , pagkasumpong ninyo sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sasabihin ninyo , Saka , narito , ang iyong lingkod na si Jacob , ay nasa hulihan namin , sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Paglulubagin ko ang kaniyang galit sa pamamagitan ng kaloob na sumasaunahan ko , at pagkatapos ay makikita ko ang kaniyang mukha ; marahil ay tatanggapin niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon isinaunahan niya ang mga kaloob ; at siya&apos;y natira ng gabing yaon sa pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At siya&apos;y bumangon ng gabing yaon , at isinama niya ang kaniyang dalawang asawa , at ang kaniyang dalawang alilang babae , at ang kaniyang labing isang anak at tumawid sa tawiran ng Jaboc .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y kaniyang isinama at itinawid sa batis , at kaniyang itinawid ang kaniyang tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At naiwang magisa si Jacob : at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya , hanggang sa magbukang liwayway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang makita nitong siya&apos;y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng hita niya ; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi , Bitawan mo ako , sapagka&apos;t nagbubukang liwayway na . At kaniyang sinabi , Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi niya sa kaniya , Ano ang pangalan mo ? At kaniyang sinabi , Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi niya , Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan , kundi Israel ; sapagka&apos;t ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao , at ikaw ay nanaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya&apos;y tinanong ni Jacob , at sinabi , Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa akin ang iyong pangalan . At kaniyang sinabi , Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan ? At siya&apos;y binasbasan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel ; sapagka&apos;t aniya&apos;y nakita ko ang Dios ng mukhaan , at naligtas ang aking buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinikatan siya ng araw ng siya&apos;y nagdadaan sa Penuel ; at siya&apos;y napipilay sa hita niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya&apos;t hindi kumakain ang mga anak ni Israel ng litid ng balakang na nasa kasukasuan ng hita , hanggang ngayon : sapagka&apos;t hinipo ng taong yaon ang kasukasuan ng hita ni Jacob , sa litid ng pigi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin , at , narito , si Esau ay dumarating , at kasama niya&apos;y apat na raang tao . At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel , at sa dalawang alilang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna , at si Lea na kasama ng kaniyang mga anak na pinakapangalawa , at si Raquel at si Jose na pinakahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya naman ay lumagpas sa unahan nila , at yumukod sa lupa na makapito , hanggang sa nalapit sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tumakbo si Esau na sinalubong siya , at niyakap siya at niyapos siya sa leeg , at hinagkan siya : at nagiyakan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At itiningin ni Esau ang mga mata niya , at nakita ang mga babae at ang mga bata , at sinabi , Sinosino itong mga kasama mo ? At kaniyang sinabi , Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y nagsilapit ang mga alilang babae , sila at ang kanilang mga anak , at nagsiyukod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lumapit din si Lea at ang kaniyang mga anak , at nagsiyukod : at pagkatapos ay nagsilapit si Jose at si Raquel , at nagsiyukod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang sinabi , Anong palagay mo sa buong karamihang ito na nasumpungan ko ? At kaniyang sinabi , Nang makasundo ng biyaya sa paningin ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Esau , Mayroon akong kasiya ; kapatid ko , ariin mo ang iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi sa kaniya ni Jacob , Hindi , ipinamamanhik ko sa iyo , na kung ngayo&apos;y nakasundo ako ng biyaya sa iyong paningin , ay tanggapin mo nga ang aking kaloob sa aking kamay : yamang nakita ko ang iyong mukha , na gaya ng nakakakita ng mukha ng Dios , at ikaw ay nalugod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tanggapin mo , ipinamamanhik ko sa iyo , ang kaloob na dala sa iyo ; sapagka&apos;t ipinagkaloob sa akin ng Dios , at mayroon ako ng lahat . At ipinilit sa kaniya , at kaniyang tinanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinabi , Yumaon tayo at tayo&apos;y lumakad , at ako&apos;y mangunguna sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kaniya , Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso : at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magpauna ang aking panginoon sa kaniyang lingkod : at ako&apos;y mamamatnubay na dahandahan , ayon sa hakbang ng mga hayop na nasa aking unahan , at ng hakbang ng mga bata , hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa Seir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Esau , Pahintulutan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa mga taong kasama ko . At kaniyang sinabi , Ano pang dahil nito ? Makasundo nawa ako ng biyaya sa paningin ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Jacob ay naglakbay sa Succoth , at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya , at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop : kaya&apos;t tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem , na nasa lupain ng Canaan , nang siya&apos;y manggaling sa Padan-aram ; at siya&apos;y humantong sa tapat ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kaniyang tolda , sa kamay ng mga anak ni Hamor , na ama ni Sichem , ng isang daang putol na salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y nagtindig doon ng isang dambana , at tinawag niyang El-Elohe-Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At lumabas si Dina na anak ni Lea , na ipinanganak nito kay Jacob , upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nakita ni Sichem , anak ni Hamor , na Heveo , na prinsipe sa lupain ; at siya&apos;y kinuha at sumiping sa kaniya , at siya&apos;y pinangayupapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina , na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga , at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Sichem ay nagsalita sa kaniyang amang kay Hamor , na sinabi , Ipakamit mo sa akin ang dalagang ito na maging asawa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nabalitaan nga ni Jacob na dinahas ang kaniyang anak na si Dina ; at ang kaniyang mga anak ay nasa kasamahan ng mga hayop niya sa parang : at tumahimik si Jacob hanggang sa sila&apos;y dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nilabas ni Hamor na ama ni Sichem si Jacob upang makiusap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Jacob ay nagsiuwi mula sa parang nang kanilang mabalitaan : at nangagdamdam ang mga lalake , at nagningas ang kanilang galit , sapagka&apos;t gumawa ng kaululan sa Israel , na sinipingan ang anak ni Jacob ; bagay na di nararapat gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nakiusap si Hamor sa kanila , na sinasabi , Ang kaluluwa ni Sichem na aking anak ay sumasa iyong anak ; ipinamamanhik ko sa inyo na ipagkaloob ninyo sa kaniya na maging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At magsipagasawa kayo sa amin ; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae , at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tatahan kayong kasama namin ; at ang lupain ay sasa harap ninyo ; tumahan kayo at mangalakal kayo riyan at magkaroon kayo ng mga pag-aari riyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Sichem sa ama ni Dina , at sa mga kapatid niya , Makasundo nawa ako ng biyaya sa inyong mga mata at ang sabihin ninyo sa akin ay aking ibibigay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob , at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin ; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama , at sila&apos;y nagsalitaan , sapagka&apos;t kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi niya sa kanila , Hindi namin magagawa ito , na ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli ; sapagka&apos;t isang kasiraan ng puri namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa ganitong paraan lamang papayag kami sa inyo : kung kayo&apos;y magiging gaya namin , na mangatuli ang lahat ng lalake sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ay ibibigay nga namin sa inyo ang aming mga anak na babae , at makikisama kami sa inyong mga anak na babae , at tatahan kami sa inyo , at tayo&apos;y magiging isa lamang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t kung ayaw ninyo kaming pakinggan , na kayo&apos;y mangatuli ; ay dadalhin nga namin ang aming anak na babae at kami ay yayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang kanilang mga salita ay kinalugdan ni Hamor at ni Sichem , na anak ni Hamor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hindi iniliban ng binata ang paggawa niyaon , sapagka&apos;t nalugod siya sa anak na babae ni Jacob : at siya ang pinarangalang higit sa buong sangbahayan ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Hamor at si Sichem na kaniyang anak ay napasa pintuang-bayan ng kanilang bayan , at sila&apos;y nakiusap sa mga tao sa kanilang bayan , na sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga taong ito ay tahimik sa atin ; kaya&apos;t magsitahan sila sa lupain at magsipangalakal sila riyan ; sapagka&apos;t narito , ang lupain , ay may malabis na kaluwangan sa kanila ; tayo&apos;y makisama sa kanilang mga anak na babae , at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa ganito lamang paraan papayagan tayo ng mga taong iyan , sa pagtahan sa atin , na maging isa lamang bayan , kung patuli ang lahat ng lalake sa atin , na gaya naman nila na mga tuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pag-aari at ang lahat nilang hayop ? Atin lamang silang payagan , at tatahan sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak , ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan ; at ang lahat ng lalake ay nagtuli , ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , nang ikatlong araw , nang sila&apos;y nangasasaktan , na ang dalawa sa mga anak ni Jacob , si Simeon at si Levi , na mga kapatid ni Dina , na kumuha ang bawa&apos;t isa ng kaniyang tabak , at sila&apos;y lihim na pumasok sa bayan , at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang pinatay si Hamor at si Sichem na kaniyang anak , sa talim ng tabak , at kanilang kinuha si Dina sa bahay ni Sichem , at sila&apos;y nagsialis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nagsiparoon ang mga anak ni Jacob sa mga patay , at kanilang sinamsaman ang bayan , sapagka&apos;t kanilang dinahas ang kapatid nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kinuha nila ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan , at ang kanilang mga asno , at ang nasa bayan , at ang nasa parang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang kanilang buong yaman , at ang lahat ng kanilang mga anak , at mga asawa , ay dinala nilang bihag at samsam , sa makatuwid baga&apos;y lahat na nasa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Jacob kay Simeon at kay Levi , Ako&apos;y inyong binagabag , na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain , sa mga Cananeo , at sa mga Pherezeo ; at akong may kaunting tao , ay magpipisan sila laban sa akin , at ako&apos;y sasaktan nila ; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang sinabi , Aariin ba niya ang aming kapatid na parang isang patutot ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Dios kay Jacob , Tumindig ka , umahon ka sa Bethel , at tumahan ka roon ; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan , at sa lahat niyang kasama . Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo , at magpakalinis kayo , at magbago kayo ng inyong mga suot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tayo&apos;y magsitindig at magsisampa tayo sa Bethel ; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan , at sumaakin sa daan na aking nilakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila , at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga ; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y naglakbay ; at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila , at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y naparoon si Jacob sa Luz , na nasa lupain ng Canaan ( na siyang Bethel ) , siya at ang buong bayang kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el ; sapagka&apos;t ang Dios ay napakita sa kaniya roon , nang siya&apos;y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At namatay si Debora na yaya ni Rebeca , at nalibing sa paanan ng Bethel , sa ilalim ng encina , na ang pangalan ay tinawag na Allon-bacuth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang Dios ay napakita uli kay Jacob , nang siya&apos;y manggaling sa Padan-aram , at siya&apos;y pinagpala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi sa kaniya ng Dios , Ang pangalan mo&apos;y Jacob ; ang pangalan mo&apos;y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo : at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi sa kaniya ng Dios , Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ; ikaw ay lumago at dumami ka ; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo , at mga hari ay lalabas sa iyong balakang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac , ay ibibigay ko sa iyo , at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang Dios ay napailanglang mula sa tabi niya sa dakong pinakipagusapan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios , haliging bato : at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At tinawag ni Jacob na Bethel ang dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y naglakbay mula sa Bethel ; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata : at nagdamdam si Raquel , at siya&apos;y naghihirap sa panganganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , nang siya&apos;y naghihirap sa panganganak , na sinabi sa kaniya ng hilot , Huwag kang matakot , sapagka&apos;t magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang nalalagot ang kaniyang hininga ( sapagka&apos;t namatay siya ) , ay kaniyang pinanganlang Benoni : datapuwa&apos;t pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Ephrata ( na siyang Bethlehem ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan : na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari , samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon , na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha , na babae ng kaniyang ama ; at ito&apos;y nabalitaan ni Israel . Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga anak ni Lea , ay : si Ruben , na panganay ni Jacob , at si Simeon , at si Levi , at si Juda at si Issachar , at si Zabulon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga anak ni Raquel , ay : si Jose at si Benjamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang mga anak ni Bilha , na alila ni Raquel , ay : si Dan at si Nephtali :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea , ay : si Gad at si Aser : ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama , sa Mamre , sa Kiriat-arba ( na siyang Hebron ) , na doon tumahan si Abraham at si Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay , at siya&apos;y nalakip sa kaniyang bayan , matanda at puspos ng mga araw : at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga lahi ni Esau ( na siyang Edom ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan ; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh , at kay Aholibama , anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kay Basemath na anak ni Ismael , na kapatid ni Nabaiot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau ; at ipinanganak ni Basemath si Reuel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ipinanganak ni Aholibama si Jeus , at si Jaalam at si Cora ; ito ang mga anak ni Esau , na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa , at ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay , at ang kaniyang hayop , at ang lahat ng kaniyang kawan , at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan ; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila , sapagka&apos;t napakarami ang kanilang hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tumahan si Esau sa bundok ng Seir : si Esau ay siyang Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ito ang mga lahi ni Esau , na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau : si Eliphas , na anak ni Ada na asawa ni Esau , si Reuel na anak ni Basemath , na asawa ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga anak ni Eliphaz , ay si Teman , si Omar , si Zepho , si Gatham at si Cenaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau ; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec ; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ito ang mga anak ni Reuel ; si Nahat , si Zera , si Samma at si Mizza : ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ito ang mga anak ni Aholibama , na anak ni Ana , na anak ni Zibeon , na asawa ni Esau : at ipinanganak niya kay Esau : si Jeus at si Jaalam at si Cora .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau : ang mga anak ni Eliphaz , na panganay ni Esau ; ang pangulong Teman , ang pangulong Omar , ang pangulong Zepho , ang pangulong Cenaz ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang pangulong Cora , ang pangulong Gatam , ang pangulong Amalec : ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom ; ito ang mga anak ni Ada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau ; ang pangulong Nahath , ang pangulong Zera , ang pangulong Samma ang pangulong Mizza : ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom ; ito ang mga anak ni Basemath , na asawa ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau ; ang pangulong Jeus , ang pangulong Jaalam , ang pangulong Cora : ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana , na asawa ni Esau .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ito ang mga anak ni Esau , at ito ang kanilang mga pangulo : na siyang Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang mga anak ni Seir na Horeo , na nagsisitahan sa lupain ; si Lotan at si Sobal , at si Zibeon , at si Ana ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Dison , at si Ezer , at si Disan : ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo , na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga anak ni Lotan , ay si Hori at si Heman ; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ito ang mga anak ni Sobal ; si Alvan , at si Manahath , at si Ebal , si Zepho , at si Onam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ito ang mga anak ni Zibeon ; si Aja at si Ana : ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang , nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ito ang mga anak ni Ana ; si Dison at si Aholibama , na anak na babae ni Ana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ito ang mga anak ni Dizon : si Hemdan , at si Eshban , at si Ithram , at si Cheran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ito ang mga anak ni Ezer : si Bilhan , at si Zaavan at si Acan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ito ang mga anak ni Disan : si Huz at si Aran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ; ang pangulong Lotan , ang pangulong Sobal , ang pangulong Zibeon , ang pangulong Ana ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang pangulong Dison , ang pangulong Ezer , ang pangulong Disan : ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo , sa lupain ng Seir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom ; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At namatay si Bela , at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera , na taga Bozra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam , na taga lupain ng mga Temaneo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At namatay si Husam , at naghari na kahalili niya si Adad , na anak ni Badad , na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab : at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul , na taga Rehoboth na tabi ng Ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At namatay si Saul , at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At namatay si Baalanan na anak ni Achbor , at naghari na kahalili niya si Adar ; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau ; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred , na anak na babae ni Mezaab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau , ayon sa kanikaniyang angkan , ayon sa kanikaniyang dako , alinsunod sa kanikaniyang pangalan ; ang pangulong Timma , ang pangulong Alva , ang pangulong Jetheth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang pangulong Aholibama , ang pangulong Ela , ang pangulong Pinon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang pangulong Cenaz , ang pangulong Teman , ang pangulong Mibzar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang pangulong Magdiel , ang pangulong Hiram : ito ang mga pangulo ni Edom , ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari . Ito&apos;y si Esau na ama ng mga Edomita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama , sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito ang lahi ni Jacob . Si Jose , na may labing pitong taon , ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid ; at siya&apos;y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa , na mga asawa ng kaniyang ama ; at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak , sapagka&apos;t siya ang anak ng kaniyang katandaan : at siya&apos;y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya&apos;y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid ; at siya&apos;y kinapootan , at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nanaginip si Jose ng isang panaginip , at isinaysay sa kaniyang mga kapatid : at lalo pa nilang kinapootan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa kanila . Pakinggan ninyo , ipinamamanhik ko sa inyo , itong panaginip na aking napanaginip :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t , narito , tayo&apos;y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid , at , narito , na tumindig ang aking bigkis , at tumuwid din naman at , narito , ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa kaniya&apos;y sinabi ng kaniyang mga kapatid , Maghahari ka ba sa amin ? o papapanginoon ka sa amin ? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y nanaginip pa ng ibang panaginip , at isinaysay sa kaniyang mga kapatid , at sinabi , Narito , ako&apos;y nanaginip pa ng isang panaginip ; at narito , na ang araw , at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid ; at sinaway siya ng kaniyang ama , at sa kaniya&apos;y sinabi , Anong panaginip itong iyong napanaginip ? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya : datapuwa&apos;t iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama , sa Sichem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Israel kay Jose , Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid ? Halika , at uutusan kita sa kanila . At sinabi niya sa kaniya , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi sa kaniya , Yumaon ka , tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid , at kung mabuti ang lagay ng kawan ; at balitaan mo ako . Gayon sinugo siya mula sa libis ng Hebron , at siya&apos;y naparoon sa Sichem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nasumpungan siya ng isang tao , at , narito , na siya&apos;y naggagala sa parang ; at siya&apos;y tinanong ng taong yaon , na sinasabi , Anong hinahanap mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Hinahanap ko ang aking mga kapatid ; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng tao , Nagsialis na sila : sapagka&apos;t narinig kong kanilang sinabi , Tayo na sa Dotan . At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid , at nasumpungan niya sila sa Dotan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang natanawan siya sa malayo , at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagsangusapan , Narito , dumarating itong mapanaginipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Halikayo ngayon , siya&apos;y ating patayin , at siya&apos;y ating itapon sa isa sa mga balon , at ating sasabihin , Sinakmal siya ng isang masamang hayop : at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At narinig ni Ruben , at iniligtas siya sa kanilang kamay ; at sinabi , Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Ruben sa kanila , Huwag kayong magbubo ng dugo ; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang , datapuwa&apos;t huwag ninyong pagbuhatan ng kamay ; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid , na hinubdan siya ng kaniyang tunika , ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang sinunggaban , at kanilang itinapon sa balon : at ang balon ay tuyo , walang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagsiupo upang kumain ng tinapay , at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila , at , narito , ang isang pulutong na mga Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga pabango , at mga balsamo , at mga mirra , na kanilang dadalhin sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid . Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid , at ilihim ang kaniyang dugo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Halikayo , at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita , at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay ; sapagka&apos;t siya&apos;y ating kapatid , atin din laman . At dininig siya ng kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita ; at kanilang isinampa si Jose sa balon , at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak . At dinala si Jose sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nagbalik si Ruben sa balon ; at , narito , na si Jose ay wala sa balon ; at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At siya&apos;y nagbalik sa kaniyang mga kapatid , at kaniyang sinabi , Wala ang bata ; at ako , saan ako paroroon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang kinuha ang tunika ni Jose , at sila&apos;y pumatay ng isang lalaking kambing , at kanilang inilubog ang tunika sa dugo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay , at dinala sa kanilang ama ; at kanilang sinabi , Ito&apos;y aming nasumpungan : kilalanin mo ngayon , kung tunika ng iyong anak o hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang kinilala , at sinabi , Siya ngang tunika ng aking anak ; sinakmal siya ng isang masamang hayop ; si Jose ay walang pagsalang nilapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot , at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang , at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya&apos;y aliwin ; datapuwa&apos;t tumanggi siyang maaliw ; at kaniyang sinabi , Sapagka&apos;t lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol . At tinangisan siya ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar , puno ni Faraon , na kapitan ng bantay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang panahong yaon , na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid , at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo , na tinatawag na Sua ; at kinuha niya at kaniyang sinipingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At naglihi , at nanganak ng lalake ; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Er .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At naglihi uli , at nanganak ng lalake ; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At muling naglihi at nanganak ng lalake ; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah : at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya&apos;y manganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay , at ang pangalan niyao&apos;y Thamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Er , na panganay ni Juda , ay naging masama sa paningin ng Panginoon ; at siya&apos;y pinatay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Juda kay Onan , Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid , at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa , at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi ; at nangyari , na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid , ay pinatutulo niya sa lupa , nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon , at siya&apos;y pinatay rin naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Juda kay Thamar na kaniyang manugang na babae : Manatili kang bao sa bahay ng iyong ama , hanggang sa lumaki si Selah na aking anak : sapagka&apos;t sinabi niya , Marahil ay hindi siya mamamatay ng gaya ng kaniyang mga kapatid . At yumaon si Thamar at tumahan sa bahay ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagdaan ang maraming araw ; at namatay ang anak na babae ni Sua , na asawa ni Juda ; at nagaliw si Juda , at umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa , siya at ang kaniyang kaibigang si Hira na Adullamita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naibalita kay Thamar , na sinasabi , Narito , ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y nagalis ng suot pagkabao , at nagtakip ng kaniyang lambong , at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim , na nasa daan ng Timnath ; sapagka&apos;t kaniyang nakikita , na si Selah ay malaki na , at hindi pa siya ibinibigay na asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang patutot , sapagka&apos;t siya&apos;y nagtakip ng kaniyang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At lumapit sa kaniya , sa tabi ng daan , at sinabi , Narito nga , ipinamamanhik ko sa iyo na ako&apos;y pasipingin mo sa iyo : sapagka&apos;t hindi niya nakilalang kaniyang manugang . At kaniyang sinabi , Anong ibibigay mo sa akin sa iyong pagsiping sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Padadalhan kita ng isang anak ng kambing na mula sa kawan . At kaniyang sinabi , Bibigyan mo ba ako ng sangla hanggang sa maipadala mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang sinabi , Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo ? At kaniyang sinabi , Ang iyong singsing , at ang iyong pamigkis , at ang tungkod na dala mo sa kamay . At kaniyang ipinagbibigay sa kaniya , at sumiping sa kaniya ; at siya&apos;y naglihi sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y bumangon , at yumaon , at siya&apos;y nagalis ng kaniyang lambong , at isinuot ang mga kasuutan ng kaniyang pagkabao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ipinadala ni Juda ang anak ng kambing sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang kaibigan , na Adullamita , upang tanggapin ang sangla sa kamay ng babae : datapuwa&apos;t hindi niya nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y kaniyang itinanong sa mga tao sa dakong yaon na sinasabi , Saan nandoon ang patutot na nasa tabi ng daan sa Enaim ? At kanilang sinabi , Walang naparitong sinomang patutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagbalik siya kay Juda , at sinabi , Hindi ko nasumpungan : at sinabi rin naman ng mga tao sa dakong yaon , Walang naging patutot rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Juda , Pabayaang ariin niya , baka tayo&apos;y mapahiya : narito , aking ipinadala itong anak ng kambing at hindi mo siya nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari , na pagkaraan ng tatlong buwan , humigit kumulang , ay naibalita kay Juda , na sinasabi , Ang iyong manugang na si Thamar ay nagpatutot ; at , narito , siya&apos;y buntis sa pakikiapid . At sinabi ni Juda , Siya&apos;y ilabas upang sunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang siya&apos;y ilabas , ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan . Sa lalaking may-ari ng mga ito , ay nagdalangtao ako : at kaniyang sinabi pang , Ipinamamanhik ko sa iyo , na kilalanin mo kung kanino ang mga ito , ang singsing , ang pamigkis , at ang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nangakilala ni Juda , at sinabi , Siya&apos;y matuwid kay sa akin ; sapagka&apos;t hindi ko ibinigay sa kaniya si Selah na aking anak . At hindi na niya muling sinipingan pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari , na sa pagdaramdam niya , na , narito , kambal ang nasa kaniyang tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangyari , nang nanganganak siya , na inilabas ng isa ang kamay : at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula , na sinasabi , Ito ang unang lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , na pagkaurong ng kaniyang kamay , na , narito , ang kaniyang kapatid ang lumabas . At kaniyang sinabi , Bakit nagpumiglas ka ? kaya&apos;t tinawag ang pangalan niyang Phares .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid , na siyang may sinulid na mapula sa kamay : at tinawag na Zara ang kaniyang pangalan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ibinaba si Jose sa Egipto ; at binili siya ni Potiphar , puno ni Faraon , na kapitan ng bantay , na lalaking taga Egipto , sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Panginoon ay suma kay Jose , at naging lalaking mapalad ; at siya&apos;y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nakita ng kaniyang panginoon , na ang Panginoon ay sumasakaniya , at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin , at pinaglingkuran niya siya : at sa kaniya&apos;y ipinamahala niya ang bahay , at ang lahat niyang tinatangkilik ay isinakaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , na mula sa panahon na siya&apos;y pamahalain sa kaniyang bahay , at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik , ay pinagpala ng Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose ; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik , sa bahay at sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang ipinamahala ang lahat niyang tinatangkilik sa kamay ni Jose ; at hindi siya nakikialam ng anomang kaniya , liban sa tinapay na kaniyang kinakain . At si Jose ay may magandang pagmumukha at kahalihalina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na tinitigan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi , Sipingan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t siya&apos;y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kaniyang panginoon , Narito , ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa nasa bahay , at lahat ng kaniyang tinatangkilik ay ipinamahala sa aking kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Walang sinomang dakila kay sa akin sa bahay na ito ; walang ipinagkait sa aking anomang bagay , kung di ikaw lamang , sapagka&apos;t ikaw ay kaniyang asawa : paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan , at kasalanan laban sa Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , na nakikiusap man siya kay Jose araw-araw , ay hindi nakikinig sa kaniya na siya&apos;y sipingan , o pakisamahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari nang panahong ito , na siya&apos;y pumasok sa bahay upang gawin niya ang kaniyang gawain at wala sinoman sa mga tao sa bahay doon sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y pinigilan niya sa kaniyang suot , na sinasabi , Sipingan mo ako : at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas , at lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , na pagkakita niyang iniwan ang kaniyang suot sa kamay niya , at tumakas sa labas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na siya&apos;y tumawag ng mga tao sa kaniyang bahay , at sinalita sa kanila , na sinasabi , Tingnan ninyo , na dinalhan niya tayo ng isang Hebreo , upang tayo&apos;y tuyain ; pinasok niya ako upang ako&apos;y sipingan , at ako&apos;y naghihiyaw ng malakas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari nang marinig niyang ako&apos;y nagtaas ng tinig at naghihiyaw , na iniwan ang kaniyang suot sa aking siping , at tumakas , at lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang iningatan ang suot niya sa kaniyang siping , hanggang sa umuwi ang kaniyang panginoon sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinalita niya sa kaniya ng ayon sa mga salitang ito , na sinasabi , Pinasok ako ng aliping Hebreo na iyong dinala sa atin , upang tuyain ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , na sapagka&apos;t nagtaas ako ng aking tinig at ako&apos;y naghihiyaw , ay kaniyang iniwan ang suot niya sa aking siping , at tumakas sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangyari , na pagkarinig ng kaniyang panginoon ng mga salita na sinalita sa kaniya ng kaniyang asawa , na sinasabi , Ganitong paraan ang ginawa sa akin ng iyong alipin ; ay nagalab ang kaniyang galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dinala ng kaniyang panginoon si Jose , at inilagay sa bilangguan , sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari : at siya&apos;y natira roon sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t ang Panginoon ay suma kay Jose , at iginawad sa kaniya ang awa , at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ipinamahala ng katiwala sa bilangguan sa mga kamay ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan ; at ang lahat ng ginagawa roon ay siya ang gumagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Hindi tinitingnan ng katiwala ng bilangguan ang anomang bagay na nasa kaniyang kamay , sapagka&apos;t ang Panginoo&apos;y suma kay Jose ; at ang kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , na pagkatapos ng mga bagay na ito , na ang katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala , sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga magtitinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinagpipiit sa bilangguan , sa bahay ng kapitan ng bantay , sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ibinigay ng kapitan ng bantay kay Jose ang pamamahala sa kanila at pinaglingkuran niya sila : at sila&apos;y natirang kaunting panahon sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan , ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi , na bawa&apos;t isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan , at sila&apos;y tiningnan , at , narito , sila&apos;y mapanglaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon , na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon , na sinasabi , Bakit kayo&apos;y mapanglaw ngayon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang sinabi sa kaniya , Kami ay nanaginip ng panaginip , at walang sinomang makapagpaliwanag . At sinabi sa kanila ni Jose , Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag ? Isinasamo ko sa inyo , na inyong saysayin sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip , at nagsabi sa kaniya , Sa aking panaginip , narito , ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa puno ng ubas , ay may tatlong sanga : at yao&apos;y pawang sumupling , na namulaklak , at ang mga buwig niyaon , ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay ; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon , at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Jose sa kaniya , Ito ang kapaliwanagan niyaon , ang tatlong sanga ay tatlong araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang iyong ulo , at isasauli ka sa iyong katungkulan : at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay , na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na , at isinasamo ko sa iyo , na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob , at banggitin mo ako kay Faraon , at ako&apos;y alisin mo sa bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ako&apos;y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo : at dito naman ay wala akong ginawang anoman , upang ako&apos;y ilagay nila sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang makita ng puno ng mga magtitinapay , na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose , Ako&apos;y nanaginip din , at narito , tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa kaibaibabawan ng bakol ay mayroon ng lahat na sarisaring pagkaing niluto para kay Faraon ; at kinakain ng mga ibon sa bakol na nasa ibabaw ng aking ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Jose ay sumagot , at nagsabi , Ito ang kapaliwanagan niyaon ; ang tatlong bakol , ay tatlong araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo , at ibibitin ka sa isang punong kahoy ; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari nang ikatlong araw , na siyang kapanganakan kay Faraon , na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod : at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro , at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro ; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t ang puno ng mga magtitinapay , ay ibinitin sa isang puno ng kahoy : gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon ma&apos;y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro , kundi nalimutan siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "41">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , sa katapusan ng dalawang taong ganap , na si Faraon ay nanaginip : at , narito , na siya&apos;y nakatayo sa tabi ng ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At , narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman ; at nanginain sa talahiban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At , narito , na ibang pitong baka , na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila , mga pangit na anyo , at payat ; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka , sa tabi ng ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba , ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat . Sa gayo&apos;y nagising si Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y natulog at nanaginip na bilang ikalawa ; at , narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti , na may isa lamang tangkay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At , narito , may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan , na nagsitubong kasunod ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog . At nagising si Faraon , at , narito , isang panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , sa kinaumagahan , na ang kaniyang diwa ay nagulumihanan at siya&apos;y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng mago sa Egipto , at ang lahat ng pantas doon : at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip : datapuwa&apos;t walang makapagpaliwanag kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagsalita ang puno ng mga katiwala kay Faraon , na sinasabi , Naaalaala ko sa araw na ito ang aking mga sala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t si Faraon laban sa kaniyang mga alila , at ibinilanggo ako sa bahay ng kapitan ng bantay , ako at ang puno ng mga magtitinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi , ako at siya : kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa&apos;t isa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nandoong kasama namin ang isang binata , isang Hebreo , na alipin ng kapitan ng bantay ; at siya naming pinagsaysayan , at kaniyang ipinaliwanag sa amin ang aming panaginip ; ipinaliwanag niya ayon sa panaginip ng bawat isa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , na kung paano ang kaniyang pagkapaliwanag sa amin , ay nagkagayon ; ako&apos;y pinabalik sa aking katungkulan , at ipinabitin ang isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose , at siya&apos;y inilabas na madalian sa bilangguan : siya&apos;y nagahit at nagbihis ng suot , at naparoon kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Faraon kay Jose , Ako&apos;y nanaginip ng isang panaginip , at walang makapagpaliwanag : at nabalitaan kita , na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sumagot si Jose kay Faraon , na sinasabi , Wala sa akin ; Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinalita ni Faraon kay Jose , Sa aking panaginip ay narito , nakatayo ako sa tabi ng ilog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At , narito , may nagsiahon sa ilog na pitong bakang matatabang laman at magagandang anyo , at nanginain sa talahiban :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At , narito , may ibang pitong baka na nagsiahon sa likuran nila , mga payat , at napakapangit ang anyo , at payat na kailan ma&apos;y hindi ako nakakita sa buong lupain ng Egipto ng ibang kawangis ng mga yaon sa kapangitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kinain ng mga bakang payat at pangit , ang pitong nauunang bakang matataba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang kanilang makain , ay hindi man lamang maalaman na sila&apos;y kanilang nakain ; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una . Sa gayo&apos;y nagising ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nakakita ako sa aking panaginip , at , narito , pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay , mapipintog at mabubuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At , narito , may pitong uhay na lanta , mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti : at aking isinaysay sa mga mago : datapuwa&apos;t walang makapagpahayag niyaon sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Jose kay Faraon , Ang panaginip ni Faraon ay iisa ; ang gagawin ng Dios ay ipinahayag kay Faraon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon ; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon ; ang panaginip ay iisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang pitong bakang payat at mga pangit , na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay pitong taon , at gayon din ang pitong uhay na tuyo , na pinapaspas ng hanging silanganan ; kapuwa magiging pitong taong kagutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon : ang gagawin ng Dios , ipinaalam kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Narito , dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At may dadating , pagkatapos ng mga iyan , na pitong taong kagutom ; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto ; at pupuksain ng kagutom ang lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang kasaganaan ay hindi malalaman sa lupain , dahil sa kagutom na sumusunod ; sapagka&apos;t magiging napakahigpit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kaya&apos;t pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa , ay sapagka&apos;t bagay na itinatag ng Dios , at papangyayarihing madali ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ngayon nga&apos;y humanap si Faraon ng isang taong matalino at pantas , at ilagay sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gawing ganito ni Faraon , at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain , na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kanilang tipunin ang lahat ng pagkain nitong mabubuting taon na dumarating , at magkamalig ng trigo sa kapangyarihan ng kamay ni Faraon , na pinakapagkain sa mga bayan at ingatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang pagkain ay kamaligin na itaan sa lupain sa pitong taong kagutom na mangyayari sa lupain ng Egipto ; upang huwag mapuksa ang lupain sa kagutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang bagay ay minabuti ng mga mata ni Faraon , at ng mga mata ng kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod , Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito , na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi ni Faraon kay Jose , Yamang ipinabatid sa iyo ng Dios : ang lahat ng ito , ay walang matalino o pantas na gaya mo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ikaw ay magpupuno sa aking bahay , at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan : sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sinabi ni Faraon kay Jose , Tingnan mo , ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose , at siya&apos;y sinuutan ng magandang lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At siya&apos;y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon at isinisigaw sa unahan niya . Lumuhod kayo : at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinabi ni Faraon kay Jose , Ako&apos;y si Faraon , at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At pinanganlan ni Faraon si Jose na Zaphnath-paanea , at ibinigay na asawa sa kaniya si Asenath , na anak ni Potiphera , na saserdote sa On . At lumabas si Jose , sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At si Jose ay may tatlong pung taon nang tumayo sa harap ni Faraon na hari sa Egipto . At si Jose ay umalis sa harap ni Faraon , at nilibot ang buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At sa pitong taong sagana ay nagdulot ang lupa ng sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At tinipon ni Jose ang lahat na pagkain sa pitong taon na tinamo sa lupain ng Egipto : at inimbak ang nangasabing pagkain sa mga bayan ; na ang pagkain sa bukid na nasa palibot ng bawa&apos;t bayan ay inimbak sa bawa&apos;t kinauukulan ding bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At si Jose ay nagkamalig ng trigo na parang buhangin sa dagat , na napakarami hanggang sa hindi nabilang ; sapagka&apos;t walang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At bago dumating ang taong kagutom ay ipinanganak kay Jose ang dalawang lalake , na ipinanganak sa kaniya ni Asenath na anak ni Potiphera , na saserdote sa On .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases , sapagka&apos;t aniya&apos;y , Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At ang ipinangalan sa ikalawa ay Ephraim : Sapagka&apos;t ako&apos;y pinalago ng Dios sa lupain ng aking kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang dumating , ayon sa sinabi ni Jose : at nagkagutom sa lahat ng lupain ; datapuwa&apos;t sa buong lupain ng Egipto ay may tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nang ang buong lupain ng Egipto ay magutom , ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon : at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Egipcio , Pumaroon kayo kay Jose ; ang kaniyang sabihin sa inyo ay inyong gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa : at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Egipcio ; at lumala ang kagutom sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At lahat ng mga taga ibang lupain ay nagsiparoon kay Jose upang magsibili ng trigo ; sapagka&apos;t lumala ang kagutom sa buong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "42">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto , at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak , Bakit kayo nangagtitinginan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Narito , aking narinig na may trigo sa Egipto : bumaba kayo roon , at bumili kayo roon ng sa ganang atin , upang tayo&apos;y mabuhay at huwag mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba , na bumili ng trigo sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t si Benjamin na kapatid ni Jose , ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid ; sapagka&apos;t aniya&apos;y , Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili , na kasalamuha ng nagsisiparoon : sapagka&apos;t nagkakagutom sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Jose ang tagapamahala sa lupain ; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain : at nagsidating ang mga kapatid ni Jose at nangagpatirapa sa kaniya , na ang kanilang mga mukha ay pasubasob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid , at kaniyang nangakilala , datapuwa&apos;t siya&apos;y nagkunwaring iba sa kanila , at sila&apos;y kinausap niya ng magilas ; at sinabi sa kanila , Saan kayo nagsipanggaling ? At sinabi nila , Sa lupain ng Canaan , upang bumili ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid , datapuwa&apos;t hindi nila siya nakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip , tungkol sa kanila , at sa kanila&apos;y sinabi , Kayo&apos;y mga tiktik ; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang sinabi sa kaniya , Hindi panginoon ko , kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake ; kami ay mga taong tapat , ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinabi sa kanila , Hindi , kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang sinabi , Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid , na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan ; at , narito , ang bunso ay nasa aming ama ngayon , at ang isa&apos;y wala na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi sa kanila ni Jose , Iyan ang sinasalita ko sa inyo , na aking sinasabi , Kayo&apos;y mga tiktik ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Dito ko kayo susubukin : alangalang sa buhay ni Faraon ay hindi kayo aalis dito , malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Suguin ninyo ang isa sa inyo , na dalhin dito ang inyong kapatid , at kayo&apos;y mangabibilanggo ; upang masubok ang inyong mga salita , kung may katotohanan sa inyo : o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon , ay tunay na mga tiktik kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw , Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo ; sapagka&apos;t natatakot ako sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung kayo&apos;y mga taong tapat , ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo ; datapuwa&apos;t kayo&apos;y yumaon , magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso ; sa ganito&apos;y matototohanan ang inyong mga salita , at hindi kayo mangamamatay . At kanilang ginawang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y nagsabisabihan , Katotohanang tayo&apos;y salarin tungkol sa ating kapatid , sapagka&apos;t nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa , nang namamanhik sa atin , at hindi natin siya dininig ; kaya&apos;t dumarating sa atin ang kahapisang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Ruben ay sumagot sa kanila , na nagsasabi , Di ba nagsalita ako sa inyo , na aking sinasabi , Huwag kayong magkasala laban sa bata ; at ayaw kayong makinig ? kaya naman , narito , ang kaniyang dugo ay nagsasakdal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hindi nila nalalaman na sila&apos;y pinakikinggan ni Jose ; sapagka&apos;t may tagapagpaliwanag sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y humiwalay sa kanila , at umiyak ; at siya&apos;y bumalik sa kanila , at sila&apos;y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon , at siya&apos;y tinalian sa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo , at ibalik ang salapi ng bawa&apos;t isa sa kanikaniyang bayong , at sila&apos;y bigyan ng mababaon sa daan : at ginawa sa kanilang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno , at sila&apos;y yumaon mula roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan , ay nakita niya ang kaniyang salapi ; at , narito , nasa labi ng kaniyang bayong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid , Ang salapi ko ay nasauli ; at , narito , nasa aking bayong : at kumutob ang kanilang puso ; at nangagtinginan na nanganginginig , na nagsasabihan , Ano itong ginawa ng Dios sa atin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan , at isinaysay nila sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila ; na sinasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang lalaking panginoon sa lupaing yaon ay kinausap kami na magilas , at inari kaming mga tiktik sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At aming sinabi sa kaniya , Kami ay mga taong tapat ; hindi kami mga tiktik :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kami ay labing dalawang magkakapatid , na mga anak ng aming ama ; ang isa&apos;y wala na , at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi sa amin ng lalaking yaon , ng panginoon sa lupain , Dito ko makikilala na kayo&apos;y mga taong tapat : magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid , at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay , at kayo&apos;y yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso : kung gayo&apos;y makikilala ko , na kayo&apos;y hindi mga tiktik , kundi kayo&apos;y mga taong tapat : sa ganito&apos;y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid at kayo&apos;y mangangalakal sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong , na , narito , sa bayong ng bawa&apos;t isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi : at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi , ay nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob , Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak : si Jose ay wala , at si Simeon ay wala , at aalisin pa ninyo si Benjamin : lahat ng bagay na ito ay laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nagsalita , si Ruben sa kaniyang ama , na sinasabi , Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya&apos;y hindi ko dalhin sa iyo ; ibigay mo sa aking kamay , at siya&apos;y aking ibabalik sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kaniyang sinabi , Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo ; sapagka&apos;t ang kaniyang kapatid ay patay na , at siya lamang ang natitira ; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan , ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "43">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang kagutom ay mahigpit sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , nang makain na nila ang trigong kanilang dinala mula sa Egipto , na sinabi sa kanila ng kanilang ama , Kayo&apos;y pumaroong muli , ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Juda ay nagsalita sa kaniya , na sinasabi , Ipinahayag sa aming mahigpit ng lalaking yaon , na sinasabi , Hindi ninyo makikita ang aking mukha , maliban na ipagsama ninyo ang inyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung pasasamahin mo sa amin ang aming kapatid , ay bababa kami , at ibibili ka namin ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t kung hindi mo paparoroonin ay hindi kami bababa : sapagka&apos;t sinabi sa amin ng lalaking yaon , Hindi ninyo makikita ang aking mukha , malibang kasama ninyo ang inyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Israel , Bakit ninyo ako ginawan ng masama , na inyong sinabi sa lalake na mayroon pa kayong ibang kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang sinabi , Tinanong kami ng buong siyasat , tungkol sa amin , at tungkol sa aming kamaganakan , na sinasabi , Buhay pa ba ang inyong ama ? May iba pa ba kayong kapatid ? At isinaysay namin sa kaniya ayon sa mga salitang ito : saan namin malalaman , kaniyang sasabihin , Ibababa ninyo rito ang inyong kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Juda kay Israel na kaniyang ama . Pasamahin mo sa akin ang bata at kami ay magsisitindig at magsisiyaon ; upang tayo&apos;y mabuhay at huwag mamatay , kami , at ikaw , at gayon din ang aming mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako ang mananagot sa kaniya ; sa aking kamay hahanapin mo siya ; kung hindi ko ibalik sa iyo , at ilagay sa harap mo , ay pasanin ko ang sala magpakailan pa man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t kung hindi tayo nagluwat , ay nakapagbalik na kaming makalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Israel , Kung gayon , ngayo&apos;y gawin ninyo ito : magdala kayo sa inyong bayong ng mga piling bunga ng lupain , at dalhan ninyo ang lalaking yaon ng kaloob , ng kaunting balsamo at kaunting pulot , pabango , at mirra , mga pile at almendras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At magdala kayo ng ibayong halaga ng salapi sa inyong kamay ; at ang salaping nabalik sa labi ng inyong mga bayong ay dalhin ninyong muli sa inyong kamay ; marahil ay kalituhan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dalhin din ninyo ang inyong kapatid , at magtindig kayo at pumaroon kayong muli sa lalaking yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagkalooban nawa kayo ng Dios na Makapangyarihan sa lahat ng kaawaan sa harap ng lalaking yaon , upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid at si Benjamin . At kung mawalan ako ng mga anak , ay mawalan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dinala ng mga lalake ang kaloob na yaon , at ibayong halaga ng salapi ang dinala sa kanilang kamay , at si Benjamin ; at nagsipagtindig , at nagsibaba sa Egipto , at nagsiharap kay Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang makita ni Jose si Benjamin na kasama nila , ay sinabi niya sa katiwala ng kaniyang bahay : Dalhin mo ang mga lalaking iyan sa bahay , at magpatay ka ng mga hayop , at ihanda mo ; sapagka&apos;t ang mga lalaking iyan ay magsisipananghaling kasalo ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ginawa ng lalake ang ayon sa iniutos sa kaniya ni Jose ; at dinala ng katiwala ang mga lalaking yaon sa bahay ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga lalake ay nangatakot , sapagka&apos;t sila&apos;y dinala sa bahay ni Jose ; kanilang sinabi : Dahil sa salaping isinauli sa ating mga bayong ng una , ay dinala tayo rito ; upang hanapan tayo ng dahilan , at tayo&apos;y ibagsak niya , at tayo&apos;y ariin niyang mga alipin , at pati ng atin mga asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nagsilapit sa katiwala ng bahay ni Jose , at kinausap nila sa pintuan ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi nila , Oh panginoon ko , tunay na kami ay bumaba ng una na bumili ng pagkain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangyari , nang dumating kami sa tuluyan , na binuksan namin ang aming mga bayong , at , narito , ang salapi ng bawa&apos;t isa sa amin ay nasa labi ng kanikaniyang bayong , ang salapi namin sa tunay na timbang : at aming muling dinala sa aming kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagdala kami ng ibang salapi sa aming kamay upang ibili ng pagkain ; hindi namin nalalaman kung sino ang naglagay ng aming salapi sa aming mga bayong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang sinabi , Mapayapa kayo ; huwag kayong matakot , ang Dios ninyo at ang Dios ng inyong ama ang nagbigay sa inyo ng kayamanang natatago sa inyong mga bayong : tinanggap ko ang inyong salapi . At inilabas si Simeon sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At dinala ng katiwala ang mga lalake sa bahay ni Jose , at sila&apos;y binigyan ng tubig , at nangaghugas ng kanilang mga paa ; at binigyan ng pagkain ang kanilang mga asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kanilang inihanda ang kaloob sa pagdating ni Jose sa tanghali ; sapagka&apos;t kanilang narinig na doon sila magsisikain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang dumating si Jose sa bahay , ay dinala nila sa kaniya sa loob ng bahay , ang kaloob na nasa kanilang kamay , at sila&apos;y nagpatirapa sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y kaniyang tinanong tungkol sa kanilang kalagayan , at sinabi , Wala bang sakit ang inyong ama , ang matanda na inyong sinalita ? buhay pa ba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kanilang sinabi , Walang sakit ang iyong lingkod na aming ama , buhay pa . At sila&apos;y nagsiyukod at nagsigalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At itiningin niya ang kaniyang mga mata , at nakita si Benjamin na kapatid niya , na anak ng kaniyang ina , at sinabi , Ito ba ang inyong kapatid na bunso , na inyong sinalita sa akin ? At kaniyang sinabi , Pagpalain ka nawa ng Dios , anak ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagmadali si Jose ; sapagka&apos;t nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid : at humanap ng dakong maiiyakan ; at pumasok sa kaniyang silid , at umiyak doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y naghilamos at lumabas ; at nagpigil ng loob , at nagsabi , Maghain kayo ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kanilang hinainan siyang bukod , at silang bukod , at ang mga Egipcio na kumakaing kasama niya ay bukod : sapagka&apos;t ang mga taga Egipcio ay hindi makakaing kasalo ng mga Hebreo ; sapagka&apos;t kasuklamsuklam ito sa mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y nagsiupo sa harap niya , ang panganay ayon sa kaniyang pagkapanganay , at ang bunso ayon sa kaniyang pagkabunso : at ang mga lalake ay nangamamangha na nagtitinginan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sila&apos;y idinampot ni Jose sa harap niya ng mga ulam : datapuwa&apos;t ang ulam ni Benjamin ay humihigit kay sa mga bahagi ng alin man sa kanila ng makalima . At nangaginuman at nangakipagkatuwa sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "44">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay , na sinasabi , Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito , kung gaano ang kanilang madadala : at ilagay mo ang salapi ng bawa&apos;t isa sa labi ng kanikaniyang bayong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ilagay mo ang aking saro , ang sarong pilak , sa labi ng bayong ng bunso , at ang salapi ng kaniyang trigo . At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagliliwanag ng kinaumagahan , ay pinapagpaalam ang mga lalake , sila at ang kanilang mga asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang sila&apos;y mangakalabas na sa bayan , at hindi pa sila nalalayo , ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay , Bumangon ka habulin mo ang mga lalake ; at pagka sila&apos;y iyong inabutan , ay sabihin mo sa kanila , Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon , at tunay na kaniyang ipinanghuhula ? Kayo&apos;y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang inabutan sila , at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang sinabi sa kaniya , Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito ? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan : paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod , ay mamatay , at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinabi , Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita ; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin ; at kayo&apos;y mawawalan ng sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagmadali sila , at ibinaba ng bawa&apos;t isa ang kaniyang bayong sa lupa , at binuksan ng bawa&apos;t isa ang kaniyang bayong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinaliksik , na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso ; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y kanilang hinapak ang kanilang mga suot , at pinasanan ng bawa&apos;t isa ang kaniyang asno , at nagsibalik sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya&apos;y nandoon pa , at sila&apos;y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi sa kanila ni Jose , Anong gawa itong inyong ginawa ? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Juda : Anong aming sasabihin sa aming panginoon ? anong aming sasalitain ? o paanong kami ay magpapatotoo ? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod : narito , kami ay alipin ng aming panginoon , kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Huwag nawang itulot ng Dios na ako&apos;y gumawa ng ganiyan ; ang taong kinasumpungan ng saro , ay siyang magiging aking alipin ; datapuwa&apos;t tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y lumapit si Juda sa kaniya , at nagsabi , Oh panginoon ko , ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod , ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon , at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod ; sapagka&apos;t ikaw ay parang si Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod , na sinasabi ; Kayo ba&apos;y mayroong ama o kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At aming sinabi sa aking panginoon , Kami ay may ama , isang matanda , at isang anak sa kaniyang katandaan , isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay , at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina , at minamahal siya ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi mo sa iyong mga lingkod , Dalhin ninyo rito sa akin , upang mamasdan ko siya ng aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At aming sinabi sa aking panginoon , Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama : sapagka&apos;t kung iiwan niya ang kaniyang ama , ay mamamatay ang ama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At iyong sinabi sa iyong mga lingkod , Hindi na ninyo makikita ang aking mukha , malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama , ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ng aming ama , Pumaroon kayo uli , ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aming sinabi , Hindi kami makabababa : kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami : sapagka&apos;t hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon , malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin , Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang isa&apos;y umalis sa akin , at aking sinabi , Tunay na siya&apos;y nalapa ; at hindi ko siya nakita mula noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin , at may mangyaring sakuna sa kaniya , ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ngayon nga&apos;y kung ako&apos;y dumating sa iyong lingkod na aking ama , at ang bata ay hindi namin kasama ; sapagka&apos;t ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama , na mamamatay siya : at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama , na nagsasabi : Kung hindi ko siya dalhin sa iyo , ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ngayon nga , ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod , aking isinasamo sa iyo , ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon ; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t paanong paroroon ako sa aking ama , at ang bata&apos;y di ko kasama ? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "45">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya ; at sumigaw , Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap . At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y umiyak ng malakas : at narinig ng mga Egipcio , at narinig ng sangbahayan ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid , Ako&apos;y si Jose ; buhay pa ba ang aking ama ? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya : sapagka&apos;t sila&apos;y nagugulumihanan sa kaniyang harap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid , Lumapit kayo sa akin , isinasamo ko sa inyo . At sila&apos;y lumapit . At kaniyang sinabi : Ako&apos;y si Jose na inyong kapatid , na inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ngayo&apos;y huwag kayong magdalamhati , o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito : sapagka&apos;t sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain ; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid , o pagaani man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa , at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito , kundi ang Dios : at kaniya akong ginawang ama kay Faraon , at panginoon sa buo niyang bahay , at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magmadali kayo , at pumaroon kayo sa aking ama , at sabihin ninyo sa kaniya : Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose : Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto : pumarito ka sa akin , huwag kang magluwat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ikaw ay tatahan sa lupain ng Gosen , at malalapit ka sa akin , ikaw at ang iyong mga anak , at ang mga anak ng iyong mga anak , at ang iyong mga kawan , at ang iyong mga bakahan , at ang iyong buong tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At doo&apos;y kakandilihin kita ; sapagka&apos;t may limang taong kagutom pa ; baka ikaw ay madukha , ikaw at ang iyong sangbahayan , at ang lahat ng iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At , narito , nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin , na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong sasaysayin sa aking ama ang aking buong kaluwalhatian sa Egipto , at ang inyong buong nakita ; at kayo&apos;y magmamadali at inyong ibababa rito ang aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y humilig sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin , at umiyak ; at si Benjamin ay umiyak sa ibabaw ng kaniyang leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid , at umiyak sa kanila : at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon , na sinasabi , Nagsidating ang mga kapatid ni Jose : at ikinalugod ni Faraon , at ng kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Faraon kay Jose , Sabihin mo sa iyong mga kapatid , Ito&apos;y gawin ninyo : pasanan ninyo ang inyong mga hayop , at kayo&apos;y yumaon , umuwi sa lupain ng Canaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan , at pumarito kayo sa akin : at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto , at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayo&apos;y inuutusan ka , ito&apos;y gawin ninyo ; kumuha kayo ng mga kariton sa lupain ng Egipto para sa inyong mga bata , at sa inyong mga asawa , at dalhin ninyo rito ang inyong ama , at kayo&apos;y pumarito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag din ninyong lingapin ang inyong pag-aari ; dahil sa ang buti ng buong lupain ng Egipto ay inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ginawang gayon ng mga anak ni Israel : at binigyan sila ni Jose ng mga kariton , ayon sa utos ni Faraon , at sila&apos;y binigyan ng mababaon sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa kanilang lahat ay nagbigay siya ng mga pangpalit na bihisan ; nguni&apos;t kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang putol na pilak , at limang pangpalit na bihisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng ganitong paraan ; sangpung asnong may pasang mabuting mga bagay sa Egipto , at sangpung asna na may pasang trigo at tinapay at pagkain ng kaniyang ama sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid , at sila&apos;y yumaon : at kaniyang sinabi sa kanila , Huwag kayong magkaaalit sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y sumumpa mula sa Egipto , at naparoon sa lupain ng Canaan , kay Jacob na kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang isinaysay sa kaniya , na sinasabi , Si Jose ay buhay pa , at siya&apos;y puno sa buong lupain ng Egipto . At ang kaniyang puso ay nanglupaypay , sapagka&apos;t di niya pinaniwalaan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose , na kaniyang sinabi sa kanila : nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya , ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Israel , Siya na ; si Jose na aking anak ay buhay pa : ako&apos;y paroroon at titingnan ko siya , bago ako mamatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "46">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik , at napasa Beerseba , at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kinausap ng Dios si Israel sa mga panaginip sa gabi , at sinabi , Jacob , Jacob . At sinabi niya , Narito ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang sinabi , Ako&apos;y Dios , ang Dios ng iyong ama , huwag kang matakot na bumaba sa Egipto : sapagka&apos;t doo&apos;y gagawin kitang isang dakilang bansa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y bababang kasama mo sa Egipto ; at tunay na iaahon kita uli , at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At bumangon si Jacob mula sa Beerseba ; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama , at ang kanilang mga bata , at ang kanilang mga asawa , sa mga kariton na ipinadala ni Faraon kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kanilang dinala ang kanilang mga hayop , at ang kanilang mga pag-aari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan , at na pasa Egipto , si Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya , at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel , na napasa Egipto , ni Jacob at ng kaniyang mga anak : si Ruben na anak na panganay ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Ruben ; si Hanoch , at si Phallu , at si Hezron , at si Carmi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga anak ni Simeon ; si Jemuel , at si Jamin , at si Ohad , at si Jachin , at si Zohar , at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga anak ni Levi ; si Gerson , si Coat at si Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga anak ni Juda ; si Er , at si Onan , at si Sela , at si Phares , at si Zara ; nguni&apos;t si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan . At ang mga anak ni Phares , si Hezron at si Hamul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga anak ni Issachar ; si Thola , at si Phua , at si Job , at si Simron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga anak ni Zabulon ; si Sered ; at si Elon , at si Jahleel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ito ang mga anak ni Lea , na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram , sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina : ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga anak ni Gad ; si Ziphion , at si Aggi , si Suni , at si Ezbon , si Heri , at si Arodi , at si Areli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Aser ; si Jimna ; at si Ishua , at si Isui , at si Beria , at si Sera na kanilang kapatid na babae : at ang mga anak ni Beria ; si Heber , at si Malchel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ito ang mga anak ni Zilpa na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae , at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob , na labing anim na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob ; si Jose at si Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim , na ipinanganak sa kaniya ni Asenath , na anak ni Potiphera na saserdote sa On .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga anak ni Benjamin ; si Bela ; at si Becher , at si Asbel , si Gera , at si Naaman , si Ehi , at si Ros , si Muppim , at si Huppim , at si Ard .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob : lahat ay labing apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga anak ni Dan ; si Husim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga anak ni Nephtali ; si Jahzeel , at si Guni , at si Jezer , at si Shillem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ito ang mga anak ni Bilha , na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak , at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob ; lahat na tao ay pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto , na nagsilabas sa kaniyang mga balakang , bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob , ang lahat na tao ay anim na pu&apos;t anim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto , ay dalawang katao ; ang lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob , na napasa Egipto , ay pitongpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At pinapagpauna niya si Juda kay Jose , upang ituro ang daan na patungo sa Gosen ; at sila&apos;y nagsidating sa lupain ng Gosen .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At inihanda ni Jose ang kaniyang karro , at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen ; at siya&apos;y humarap sa kaniya , at yumakap sa kaniyang leeg , at umiyak sa kaniyang leeg na matagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Israel kay Jose , Ngayo&apos;y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha , na ikaw ay buhay pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid , at sa sangbahayan ng kaniyang ama , Ako&apos;y aahon , at aking sasaysayin kay Faraon , at aking sasabihin sa kaniya . Ang aking mga kapatid , at ang sangbahayan ng aking ama , na nangasa lupain ng Canaan , ay naparito sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga lalake ay mga pastor , sapagka&apos;t sila&apos;y naging tagapagalaga ng hayop , at kanilang dinala ang kanilang mga kawan , at ang kanilang mga bakahan , at ang lahat nilang tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At mangyayaring , pagka tatawagin kayo ni Faraon , at sasabihin , Ano ang inyong hanapbuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Na inyong sasabihin , Ang iyong mga lingkod ay naging tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon , kami at ang aming mga magulang ; upang kayo&apos;y matira sa lupain ng Gosen ; sapagka&apos;t bawa&apos;t pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "47">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y pumasok si Jose at isinaysay kay Faraon , at sinabi , Ang aking ama , at ang aking mga kapatid , at ang kanilang mga kawan , at ang kanilang mga bakahan , at ang lahat nilang tinatangkilik , ay dumating na mula sa lupain ng Canaan ; at , narito , sila&apos;y nasa lupain ng Gosen .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake , at mga iniharap niya kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid , Ano ang inyong hanapbuhay ? At kanilang sinabi kay Faraon , Ang iyong mga lingkod ay mga pastor , kami at gayon din ang aming mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang sinabi kay Faraon , Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami ; sapagka&apos;t walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod ; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan : ngayon nga , ay isinasamo namin sa iyo , na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinalita ni Faraon kay Jose , na sinasabi , Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo ; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila : at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila , ay papamahalain mo sa aking hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama , at itinayo niya sa harap ni Faraon , at binasbasan ni Jacob si Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Faraon kay Jacob , Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Jacob kay Faraon , Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon ; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay , at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At itinatag ni Jose ang kaniyang ama , at ang kaniyang mga kapatid , at sila&apos;y binigyan ng pag-aari sa lupain ng Egipto , sa pinakamabuti sa lupain , sa lupain ng Rameses , gaya ng iniutos ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama , at ang kaniyang mga kapatid , at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama , ayon sa kanikaniyang sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At walang tinapay sa buong lupain ; sapagka&apos;t ang kagutom ay totoong malala , na ano pa&apos;t ang lupain ng Egipto , at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto , at sa lupain ng Canaan , dahil sa trigong kanilang binibili : at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto , at sa lupain ng Canaan , ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio , at nagsabi ; Bigyan mo kami ng tinapay : sapagka&apos;t bakit kami mamamatay sa iyong harap ? dahil sa ang aming salapi ay naubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Jose , Ibigay ninyo ang inyong mga hayop ; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop ; kung naubos na ang salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose , at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo , at sa mga kawan , at sa mga bakahan , at sa mga asno ; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon , at kanilang sinabi sa kaniya : Hindi namin ililihim sa aming panginoon , na kung paanong ang aming salapi ay naubos , at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon ; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata , kami at ang aming lupa ? bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon : at bigyan mo kami ng binhi , upang kami ay mabuhay , at huwag mamatay , at ang lupa ay huwag masira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa ganito&apos;y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon ; sapagka&apos;t ipinagbili ng bawa&apos;t isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid , dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila : at ang lupain ay naging kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili : sapagka&apos;t ang mga saserdote&apos;y may bahagi kay Faraon , at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon ; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jose sa bayan : Narito , aking binili kayo ng araw na ito , at ang inyong lupa&apos;y para kay Faraon : narito , ito ang ipangbibinhi ninyo , at inyong hahasikan ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang ikalimang bahagi kay Faraon , at ang apat na bahagi ay sa inyo , sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain , at sa inyong mga kasangbahay , at pinakapagkain sa inyong mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kanilang sinabi , Iyong iniligtas ang aming buhay : makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon , at kami ay maging mga alipin ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito , na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi , liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto , sa lupain ng Gosen ; at sila&apos;y nagkaroon ng mga pag-aari roon , at pawang sagana at totoong dumami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon ; kaya&apos;t ang mga araw ni Jacob , ang mga taon ng kaniyang buhay , ay isang daan at apat na pu&apos;t pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel : at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose , at sinabi niya sa kaniya , Kung ngayo&apos;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , ay ilagay mo , isinasamo ko sa iyo , ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita , at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan ; isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto , at ililibing mo ako sa kanilang libingan . At kaniyang sinabi , Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kaniyang sinabi , Sumumpa ka sa akin : at sumumpa siya sa kaniya . At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "48">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na sinabi ng isa kay Jose , Narito , ang iyong ama ay may sakit : at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak , si Manases at si Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At may nagsaysay kay Jacob , at nagsabi , Narito , pinaparituhan ka ng anak mong si Jose : at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Jacob kay Jose , Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan , at binasbasan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa akin , Narito , palalaguin kita , at pararamihin kita , at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan ; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo , na pinakaari magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto , ay akin ; si Ephraim at si Manases , gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang iyong mga anak , na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo ; sila&apos;y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tungkol sa akin , nang ako&apos;y dumating mula sa Padan , si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan , nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata : at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata ( na siya ring Bethlehem ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose , at sinabi , Sino sino ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Jose sa kaniyang ama , Sila&apos;y aking mga anak , na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito . At kaniyang sinabi , Isinasamo ko sa iyo , na iyong dalhin sila rito sa akin , at sila&apos;y aking babasbasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan , na ano pa&apos;t hindi na siya makakita . At kaniyang inilapit sila sa kaniya ; at sila&apos;y kaniyang hinagkan , at niyakap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Israel kay Jose , Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha : at , narito , ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod ; at siya&apos;y nagpatirapa sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kapuwa dinala ni Jose , si Ephraim sa kaniyang kanang kamay , sa dakong kaliwang kamay ni Israel , at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay , sa dakong kanang kamay ni Israel , at inilapit niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay , at ipinatong sa ulo ni Ephraim , na siyang bunso , at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases , na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay ; sapagka&apos;t si Manases ang panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang binasbasan si Jose , at sinabi , Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac , ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan , ay siya nawang magpala sa mga batang ito ; at tawagin nawa sila sa aking pangalan , at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac ; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim , ay minasama niya ; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama , upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Jose sa kaniyang ama , Hindi ganyan , ama ko : sapagka&apos;t ito ang panganay ; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At tumanggi ang kaniyang ama , at sinabi , Talastas ko , anak ko , talastas ko ; siya man ay magiging isang bayan , at siya man ay magiging dakila : gayon ma&apos;y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya , at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon , na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel , na magsasabi , Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases , at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Israel kay Jose , Narito , ako&apos;y namamatay : nguni&apos;t ang Dios ay sasainyo , at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bukod dito&apos;y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid , na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "49">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak , at sinabi , Magpipisan kayo , upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magpipisan kayo at kayo&apos;y makinig , kayong mga anak ni Jacob ; At inyong pakinggan si Israel na inyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ruben , ikaw ang aking panganay , ang aking kapangyarihan , at siyang pasimula ng aking kalakasan ; Siyang kasakdalan ng kamahalan , at siyang kasakdalan ng kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kumukulong parang tubig na umaawas , hindi ka magtataglay ng kasakdalan , Sapagka&apos;t , sumampa ka sa higaan ng iyong ama : Hinamak mo nga ; sumampa sa aking higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Simeon at si Levi ay magkapatid ; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh kaluluwa ko , huwag kang pumasok sa kanilang payo ; Sa kanilang kapisanan , ay huwag kang makiisa , kaluwalhatian ko ; Sapagka&apos;t sa kanilang galit ay pumatay ng tao : At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sumpain ang kanilang galit , sapagka&apos;t mabangis ; At ang kanilang pagiinit , sapagka&apos;t mabagsik . Aking babahagihin sila sa Jacob . At aking pangangalatin sila sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Juda , ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid : Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway : Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Juda&apos;y isang anak ng leon , Mula sa panghuhuli , anak ko umahon ka : Siya&apos;y yumuko , siya&apos;y lumugmok na parang leon ; At parang isang leong babae ; sinong gigising sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda , Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa , Hanggang sa ang Shiloh ay dumating ; At sa kaniya tatalima ang mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas . At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas ; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak , At ang kaniyang damit sa katas ng ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak , At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat : At siya&apos;y magiging daongan ng mga sasakyan ; At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Issachar ay isang malakas na asno , Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti , At ng lupang kaayaaya ; At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan , At naging aliping mangaatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Si Dan ay hahatol sa kaniyang bayan , Gaya ng isa sa angkan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Si Dan ay magiging ahas sa daan , At ulupong sa landas , Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo , Na ano pa&apos;t nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Aking hinintay ang iyong pagliligtas , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Gad , ay hahabulin ng isang pulutong : Nguni&apos;t siya ang hahabol sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hinggil kay Aser , ay lulusog ang tinapay niya , At gagawa ng masasarap na pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Nephtali ay isang usang babaing kawala : Siya&apos;y nagbabadya ng maririkit na pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Jose ay sangang mabunga , Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal ; Ang kaniyang mga sanga&apos;y gumagapang sa pader .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Pinamanglaw siya ng mga mamamana , At pinana siya , at inusig siya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan , At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay , Sa pamamagitan ng mga kamay ng Makapangyarihan ni Jacob , ( Na siyang pinagmulan ng pastor , ang bato ng Israel ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama , na siyang tutulong sa iyo , At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat , na siyang magpapala sa iyo , Ng pagpapala ng langit sa itaas , Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba , Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan : Mangapapasa ulo ni Jose , At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Benjamin ay isang lobo na mangaagaw : Sa kinaumagaha&apos;y kaniyang kakanin ang huli , At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel : at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila , at sila&apos;y binasbasan ; bawa&apos;t isa&apos;y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kaniyang ipinagbilin sa kanila , at sinabi sa kanila : Ako&apos;y malalakip sa aking bayan : ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa yungib na nasa parang ng Machpela , na nasa tapat ng Mamre , sa lupain ng Canaan , na binili ni Abraham , na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo , na pinakaaring libingan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa ; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa ; at doon ko inilibing si Lea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak , ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan , at nalagot ang hininga , at nalakip sa kaniyang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "50">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama , at umiyak sa ibabaw niya , at hinalikan niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iniutos ni Jose sa kaniyang mga lingkod na manggagamot , na embalsamahin ang kaniyang ama : at inembalsama ng mga manggagamot si Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya ; sapagka&apos;t gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama ; at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon , na sinasabi , Kung ngayo&apos;y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo , isinasamo ko sa inyo , sa mga pakinig ni Faraon , na inyong sabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pinanumpa ako ng ama ko , na sinasabi , Narito , ako&apos;y namamatay : sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan , ay doon mo ako ililibing . Ngayon nga&apos;y pahintulutan ninyo akong umahon , isinasamo ko sa inyo , at aking ilibing ang aking ama , at babalik uli ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Faraon , Umahon ka , at ilibing mo ang iyong ama , ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama : at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon , ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan , at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang buong sangbahayan ni Jose , at ang kaniyang mga kapatid , at ang sangbahayan ng kaniyang ama : ang kanila lamang mga bata , at ang kanilang mga kawan , at ang kanilang bakahan , ang iniwan nila sa lupain ng Gosen .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo : at yao&apos;y naging totoong malaking pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y dumating sa giikan ni Atad , na nasa dako pa roon ng Jordan , at doo&apos;y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy : at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon , ng mga Cananeo , ang panaghoy sa giikan ni Atad , ay kanilang sinabi , Ito&apos;y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya&apos;t ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim , nasa dako pa roon ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan , at inilibing siya sa yungib ng Machpela , na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan , kay Ephron na Hetheo , sa tapat ng Mamre .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At bumalik si Jose sa Egipto , siya , at ang kaniyang mga kapatid , at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama , pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang makita ng mga kapatid ni Jose , na ang kanilang ama&apos;y namatay , ay kanilang sinabi , Marahil si Jose ay mapopoot sa atin , at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ipinasabi nila kay Jose , Iniutos ng iyong ama bago namatay , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ganito sasabihin ninyo kay Jose . Ipatawad mo , isinasamo ko sa iyo ngayon , ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid , at ang kanilang kasalanan ; at ngayon , ay aming isinasamo sa iyo , na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod ng Dios ng iyong ama . At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya ; at kanilang sinabi , Narito , kaming iyong mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Jose sa kanila , Huwag kayong matakot , sapagka&apos;t nasa kalagayan ba ako ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin ; nguni&apos;t ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito , na iligtas ang buhay ng maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya nga huwag kayong matakot : aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata . At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Jose ay tumahan sa Egipto , siya at ang sangbahayan ng kaniyang ama : at si Jose ay nabuhay na isang daan at sangpung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nakita ni Jose ang mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi ; ang mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid : Ako&apos;y namamatay : nguni&apos;t tunay na dadalawin kayo ng Dios , at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham , kay Isaac at kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Tunay na dadalawin kayo ng Dios , at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa gayo&apos;y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon : at kanilang inembalsama siya , at siya&apos;y inilagay sa isang kabaong sa Egipto .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "2">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel , na nagsipasok sa Egipto : ( bawa&apos;t lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Ruben , si Simeon , si Levi , at si Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Issachar , si Zabulon at si Benjamin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Dan at si Nephtali , si Gad at si Aser .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao : at si Jose ay nasa Egipto na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At namatay si Jose , at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Israel ay lumago , at kumapal na maigi at dumami , at naging totoong makapangyarihan ; at ang lupain ay napuno nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto , na hindi kilala si Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kaniyang bayan , Narito , ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hayo&apos;t tayo&apos;y magpakadunong sa kanila ; baka sila&apos;y dumami , at mangyari , na , pagka nagkadigma , ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway , at lumaban sa atin , at magsilayas sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag , upang dalamhatiin sila sa atang sa kanila . At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga bayan na kamaligan , na dili iba&apos;t ang Phithom at Raamses .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t habang dinadalamhati nila sila , ay lalong dumadami at lalong kumakapal . At kinapootan nila ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod , sa argamasa at sa laryo , at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid , at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila , na may kabagsikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang hari sa Egipto ay nagsalita sa mga hilot na Hebrea , na ang pangalan ng isa ay Siphra , at ang pangalan ng isa ay Phua :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Paghilot ninyo sa mga babaing Hebrea , at pagtingin ninyo sa kanila sa dakong panganganakan ; kung lalake , ay papatayin nga ninyo : datapuwa&apos;t kung babae ay inyong bubuhayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ang mga hilot ay nangatakot sa Dios at hindi ginawa ang gaya ng iniutos sa kanila ng hari sa Egipto , kundi iniligtas na buhay ang mga batang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ipinatawag ng hari sa Egipto ang mga hilot , at sinabi sa kanila , Bakit ninyo ginawa ang bagay na ito , at inyong iniligtas na buhay ang mga batang lalake ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng mga hilot kay Faraon , Sapagka&apos;t ang mga babaing Hebrea ay hindi gaya ng mga babaing Egipcia ; sapagka&apos;t sila&apos;y maliliksi , at nakapanganak na , bago dumating ang hilot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Dios ay gumawa ng mabuti sa mga hilot : at ang bayan ay kumapal , at naging totoong makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangyari , na sapagka&apos;t ang mga hilot ay natakot sa Dios , ay iginawa niya sila ng mga sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan , na sinasabi , Itatapon ninyo sa ilog bawa&apos;t lalake na ipanganak , at bawa&apos;t babae ay ililigtas ninyong buhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At isang lalake sa lipi ni Levi ay yumaon , at nagasawa sa isang anak na babae ng lipi ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang babae ay naglihi , at nanganak ng isang lalake : at nang kaniyang makita na maganda , ay kaniyang itinagong tatlong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang hindi na niya maitatagong malaon ay ikinuha niya ng isang takbang yantok , at pinahiran niya ng betun at ng sahing ; at kaniyang isinilid ang bata roon , at inilagay sa katalahiban sa tabi ng ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tumayo sa malayo ang kaniyang kapatid na babae , upang maalaman ang mangyayari sa bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog ; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog ; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban , at ipinakuha sa kaniyang abay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang binuksan , at nakita niya ang bata : at narito , ang sanggol ay umiyak . At kaniyang kinaawaan at sinabi , Ito&apos;y isa sa mga anak ng mga Hebreo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon , Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea , na makapagalaga sa iyo ng batang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon , Yumaon ka . At ang dalaga ay yumaon , at tinawag ang ina ng bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng anak ni Faraon , sa kaniya , Dalhin mo ang batang ito , at alagaan mo sa akin , at bibigyan kita ng iyong kaupahan . At kinuha ng babae ang bata , at inalagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang bata ay lumaki , at kaniyang dinala sa anak ni Faraon , at siya&apos;y kaniyang inaring anak . At kaniyang pinanganlang Moises , at sinabi , Sapagka&apos;t aking sinagip siya sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari nang mga araw na yaon , ng malaki na si Moises , na kaniyang nilabas ang kaniyang mga kapatid , at minasdan ang atang sa kanila : at kaniyang nakita ang isang Egipcio , na nananakit ng isang Hebreo , na isa sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y nagmasid sa magkabikabilang dako , at nang siya&apos;y walang makitang tao , ay kaniyang pinatay ang Egipcio at kaniyang tinabunan sa buhanginan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y lumabas ng ikalawang araw , at , narito , na may dalawang lalaking Hebreo , na nagbababag : at kaniyang sinabi roon sa umaapi , Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi niya , Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin ? Iniisip mo bang patayin ako , na gaya ng pagpatay mo sa Egipcio ? At natakot si Moises , at nagsabi , Tunay na ang bagay na yaon ay nahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito , ay minithi niyang patayin si Moises . Datapuwa&apos;t si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon , at tumahan sa lupain ng Madian : at siya&apos;y umupo sa tabi ng isang balon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang saserdote nga sa Madian ay may pitong anak na babae : at sila&apos;y naparoon at umigib ng tubig , at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga pastor ay dumating , at sila&apos;y pinalayas : datapuwa&apos;t si Moises ay tumayo , at sila&apos;y tinulungan , at pinainom ang kanilang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang sila&apos;y dumating kay Raquel na kanilang ama , ay sinabi niya , Bakit kayo tumindig na madali ngayon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kanilang sinabi , Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor , at saka iniigib pa niya kami ng tubig , at pinainom ang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang sinabi sa mga anak niya , At saan naroon siya ? bakit ninyo iniwan ang lalaking yaon ? tawagin ninyo siya upang makakain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon : at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si Zephora na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nanganak ng isang lalake , at kaniyang pinanganlan ng Gersom ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Ako&apos;y nakipamayan sa ibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay ; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin , at sila&apos;y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At dininig ng Dios ang kanilang hibik , at naalaala ng Dios ang kaniyang tipan kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel , at sila&apos;y kinilala ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan , na saserdote sa Madian : at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang , at napasa bundok ng Dios , sa Horeb .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya , sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy ; at siya&apos;y nagmasid , at , narito , ang kahoy ay nagniningas sa apoy , at ang kahoy ay hindi natutupok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Moises , Ako&apos;y liliko ngayon , at titingnan ko itong dakilang panoorin , kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang makita ng Panginoon na panonoorin niya , ay tinawag siya ng Dios mula sa gitna ng mababang punong kahoy , at sinabi , Moises , Moises . At kaniyang sinabi , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi , Huwag kang lumapit dito , hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa , sapagka&apos;t ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bukod dito ay sinabi , Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham , ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob . At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha ; sapagka&apos;t siya&apos;y natakot na tumingin sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng Panginoon , Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto , at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila ; sapagka&apos;t talastas ko ang kanilang kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ako&apos;y bumaba upang iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila&apos;y isampa sa isang mabuting lupain at malawak , mula sa lupaing yaon , sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot sa dako ng Cananeo , at ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Heveo at ng Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ngayon narito , ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin ; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Halika nga ngayon , at ikaw ay aking susuguin kay Faraon , upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Moises sa Dios , Sino ako , upang pumaroon kay Faraon , at upang ilabas sa Egipto ang mga anak ni Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinabi , Tunay na ako&apos;y sasaiyo ; at ito&apos;y magiging tanda sa iyo , na ikaw ay aking sinugo : pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Moises sa Dios , Narito , pagdating ko sa mga anak ni Israel , at sasabihin ko sa kanila , Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang ; at sasabihin nila sa akin : Ano ang kaniyang pangalan ? anong sasabihin ko sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Dios kay Moises , AKO YAONG AKO NGA ; at kaniyang sinabi , Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel , Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi pa ng Dios kay Moises , Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel , Sinugo ako sa inyo ng Panginoon , ng Dios ng inyong mga magulang , ng Dios ni Abraham , ng Dios ni Isaac , at ng Dios ni Jacob : ito ang aking pangalan magpakailan man , at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel , at sabihin mo sa kanila , Ang Panginoon , ang Dios ng inyong mga magulang , ang Dios ni Abraham , ni Isaac , at ni Jacob ; ay napakita sa akin , na nagsasabi , tunay na kayo&apos;y aking dinalaw , at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking sinabi , Aking aalisin kayo sa kapighatian sa Egipto at dadalhin ko kayo , sa lupain ng Cananeo , at ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Heveo , at ng Jebuseo , sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang didinggin ang iyong tinig : at ikaw ay paroroon , ikaw at ang mga matanda sa Israel , sa hari sa Egipto , at inyong sasabihin sa kaniya , Ang Panginoon , ang Dios ng mga Hebreo , ay nakipagtagpo sa amin : at ngayo&apos;y pahintulutan mo kami na maglakbay , na tatlong araw sa ilang , upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At talastas ko , na hindi kayo pababayaang yumaon ng hari sa Egipto , kung hindi sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At aking iuunat ang aking kamay , at sasaktan ko ang Egipto ng aking buong kababalaghan na aking gagawin sa gitna niyaon at pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niya kayong yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pagkakalooban ko ang bayang ito ng biyaya sa paningin ng mga Egipcio : ay mangyayari , na pagyaon ninyo , ay hindi kayo yayaong walang dala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kundi bawa&apos;t babae ay hihingi sa kaniyang kapuwa , at sa tumatahan sa kaniyang bahay , ng mga hiyas na pilak , at mga hiyas na ginto at mga damit : at inyong ipagsusuot sa inyong mga anak na lalake at babae ; at inyong sasamsaman ang mga Egipcio .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Moises ay sumagot at nagsabi , Datapuwa&apos;t , narito , hindi nila paniniwalaan ako , ni didinggin ang aking tinig sapagka&apos;t kanilang sasabihin , Ang Panginoon ay hindi napakita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Ano iyang nasa iyong kamay ? At kaniyang sinabi , Isang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang sinabi , Ihagis mo sa lupa . At kaniyang inihagis sa lupa , at naging isang ahas ; at si Moises ay tumakas sa harap ng ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay , at sunggaban mo sa buntot : ( at kaniyang iniunat ang kaniyang kamay , at kaniyang hinawakan , at naging isang tungkod sa kaniyang kamay ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang sila&apos;y maniwala , na ang Dios ng iyong mga magulang , ang Dios ni Abraham , ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob ay napakita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi pa sa kaniya ng Panginoon , Ipasok mo ang iyong kamay , sa iyong sinapupunan . At kaniyang ipinasok ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan : at nang kaniyang ilabas , ay narito , ang kaniyang kamay ay may ketong , na maputing parang niebe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang sinabi , Ipasok mo uli ang iyong kamay sa iyong sinapupunan . ( At kaniyang ipinasok uli ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan , at nang kaniyang ilabas sa kaniyang sinapupunan , ay narito , nagsauling gaya ng kaniyang dating laman ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari , na kung sila&apos;y hindi maniniwala sa iyo , ni makikinig sa tinig ng unang tanda , ay kanilang paniniwalaan ang tinig ng huling tanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari na kung sila&apos;y hindi maniniwala sa dalawang tandang ito , ni hindi makikinig sa iyong tinig , ay kukuha ka ng tubig sa ilog , at iyong ibubuhos sa tuyong lupa , at ang tubig na iyong kukunin sa ilog ay magiging dugo sa tuyong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Moises sa Panginoon , Oh Panginoon , ako&apos;y hindi marikit mangusap , kahit ng panahong nakaraan , kahit mula ng magsalita ka sa iyong lingkod : sapagka&apos;t ako&apos;y kimi sa pangungusap at umid sa dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Sinong gumawa ng bibig ng tao ? o sinong gumawa ng pipi , o bingi , o may paningin , o bulag sa tao ? Hindi ba akong Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon nga&apos;y yumaon ka , at ako&apos;y sasaiyong bibig , at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinabi , Oh Panginoon , magsugo ka , isinasamo ko sa iyo , sa pamamagitan ng kamay niyaong iyong susuguin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban kay Moises , at kaniyang sinabi , Wala ba si Aarong kapatid mo na Levita ? Nalalaman kong siya&apos;y makapagsasalitang mabuti . At saka , narito , siya&apos;y lumalabas upang salubungin ka ; at pagkakita niya sa iyo , ay matutuwa sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ikaw ay magsasalita sa kaniya , at iyong isasabibig niya ang mga salita ; at ako&apos;y sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig , at aking ituturo sa inyo , kung ano ang inyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan : at mangyayari na siya&apos;y magiging sa iyo&apos;y bibig , at ikaw ay magiging sa kaniya&apos;y parang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tatangnan mo sa iyong kamay ang tungkod na ito , na iyong ipaggagawa ng mga tanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Moises ay yumaon , at bumalik kay Jethro na kaniyang biyanan , at nagsabi sa kaniya , Pahintulutan mo akong yumaon , isinasamo ko sa iyo , at bumalik sa aking mga kapatid na nasa Egipto , at titingnan ko , kung sila&apos;y nabubuhay pa . At sinabi ni Jethro kay Moises , Yumaon kang payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng Panginoon kay Moises sa Madian , Yumaon ka , bumalik ka sa Egipto : sapagka&apos;t namatay na ang lahat ng tao , na nagmimithi ng iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ipinagsama ni Moises ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak , at kaniyang ipinagsasakay sa isang asno , at siya&apos;y bumalik sa lupain ng Egipto : at tinangnan ni Moises ang tungkod ng Dios sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Pagkabalik mo sa Egipto , iyong gawin nga sa harap ni Faraon ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay : datapuwa&apos;t aking papagmamatigasin ang kaniyang puso , at hindi niya tutulutang yumaon ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iyong sasabihin kay Faraon , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang Israel ay aking anak , aking panganay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking sinabi sa iyo , Pahintulutan mong ang aking anak ay yumaon , upang siya&apos;y makapaglingkod sa akin ; at ayaw mo siyang payaunin , narito , aking papatayin ang iyong anak , ang iyong panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari sa daan , sa dakong panuluyanan , na sinalubong ng Panginoon siya , at pinagsikapang patayin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sumunggab si Sephora ng isang batong matalim , at pinutol ang balat ng masama ng kaniyang anak , at inihagis sa kaniyang paanan ; at kaniyang sinabi , Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa gayo&apos;y kaniyang binitiwan siya . Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi , Isang asawa kang mabagsik , dahil sa pagtutuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ng Panginoon kay Aaron , Pumaroon ka sa ilang na salubungin mo si Moises . At siya&apos;y pumaroon , at nasalubong niya sa bundok ng Dios , at kaniyang hinagkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At isinaysay ni Moises kay Aaron ang lahat ng salita ng Panginoon , na ipinagbilin sa kaniyang sabihin , at ang lahat ng tandang ipinagbilin sa kaniyang gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Moises at si Aaron ay naparoon at tinipon ang lahat ng matanda sa mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinalita ni Aaron ang lahat ng salita na sinalita ng Panginoon kay Moises , at ginawa ang mga tanda sa paningin ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang bayan ay naniwala : at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel , at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian , ay iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkatapos nito , si Moises at si Aaron ay nagsipasok , at sinabi kay Faraon , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Faraon , Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig , upang pahintulutan kong yumaon ang Israel ? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang sinabi , Ang Dios ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin ; pahintulutan mo nga kaming maglakbay na tatlong araw sa ilang , at maghain sa Panginoon naming Dios , baka hulugan niya kami ng salot o ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kanila ng hari sa Egipto , Bakit kinakalagan ninyo , Moises at Aaron , ang bayan sa kanilang mga gawain ? pumaroon kayo sa mga atang sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Faraon , Narito , ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon , at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ng araw ring yaon ay nagutos si Faraon sa mga tagapagpaatag sa bayan at sa kanilang mga puno , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag na ninyong bibigyan ang bayan , ng dayami sa paggawa ng laryo , na gaya ng dati : sila ang pumaroon at magtipon ng dayami sa ganang kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang bilang ng mga laryo , na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila ; wala kayong babawasin : sapagka&apos;t sila&apos;y mga pagayongayon ; kaya&apos;t sila&apos;y dumadaing , na nagsasabi , Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa aming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pabigatin ninyo ang gawain ng mga lalake upang kanilang pagpagalan at huwag nilang pakitunguhan ang mga kabulaanang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga tagapagpaatag sa bayan , ay nagsilabas , at kanilang sinalita sa bayan , na sinasabi , Ganito ang sabi ni Faraon , Hindi ko kayo bibigyan ng dayami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Yumaon kayo ng inyong sarili , kumuha kayo ng dayami kung saan kayo makakakuha : sapagka&apos;t walang babawasin kaunti man sa inyong gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ang bayan ay nangalat sa buong lupain ng Egipto , na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At hinihigpitan sila ng mga tagapagpaatag , na sinasabi , Tapusin ninyo ang inyong mga gawa , ang inyong gawain sa araw-araw , na gaya nang mayroong kayong dayami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga pinuno sa mga anak ni Israel na ipinaglalagay sa kanila ng mga tagapagpaatag ni Faraon , ay nangapalo , at sa kanila&apos;y sinabi , Bakit hindi ninyo tinapos ang inyong gawain kahapon at ngayon , sa paggawa ng laryo , na gaya ng dati ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y ang mga pinuno sa mga anak ni Israel ay naparoon at dumaing kay Faraon , na nagsasabi , Bakit mo ginaganyan ang iyong mga alipin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Walang anomang dayami , na ibinibigay sa iyong mga alipin , at kanilang sinasabi sa amin , Gumawa kayo ng laryo : at , narito , ang iyong mga alipin ay nangapapalo ; nguni&apos;t ang sala&apos;y nasa iyong sariling bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t kaniyang sinabi , Kayo&apos;y mga pagayongayon , kayo&apos;y mga pagayongayon : kaya&apos;t inyong sinasabi , Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kayo nga&apos;y yumaon ngayon at gumawa ; sapagka&apos;t walang anomang dayaming ibibigay sa inyo , at gayon ma&apos;y inyong ibibigay ang bilang ng mga laryo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nakita ng mga pinuno ng mga anak ni Israel , na sila&apos;y nasa masamang kalagayan , nang sabihin , Walang mababawas na anoman sa inyong mga laryo sa inyong gawain sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang nasalubong si Moises at si Aaron na nagsitayo sa daan , pagkapanggaling kay Faraon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi nila sa kanila , Kayo nawa&apos;y tunghan ng Panginoon , at hatulan ; sapagka&apos;t ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon , at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod , na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Moises ay bumalik sa Panginoon , at nagsabi , Panginoon , bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito ? bakit mo sinugo ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t mula nang ako&apos;y pumaroon kay Faraon na magsalita sa iyong pangalan , ay kaniyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito : at ni hindi mo man iniligtas ang iyong bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ngayo&apos;y iyong makikita kung ano ang gagawin ko kay Faraon , sapagka&apos;t sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay payayaunin niya sila , at sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Dios ay nagsalita kay Moises , at nagsabi sa kaniya , Ako&apos;y si Jehova .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y napakita kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat ; nguni&apos;t sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova , noon ay hindi ako napakilala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At akin ding pinapagtibay ang aking tipan sa kanila na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan , ang lupain ng kanilang pakikipamayan , na kanilang pinakipamayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At bukod dito&apos;y aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin ; at aking naalaala ang aking tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t sabihin mo sa mga anak ni Israel , Ako&apos;y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio , at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila , at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kayo&apos;y aking aariin na pinakabayan ko at ako&apos;y magiging sa inyo&apos;y Dios , at inyong makikilala na ako&apos;y si Jehova ninyong Dios , na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking dadalhin kayo sa lupain , na siyang pinagtaasan ko ng aking kamay na aking ibibigay kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob ; at aking ibibigay sa inyo na pinakamana : ako&apos;y si Jehova .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinalitang gayon ni Moises sa mga anak ni Israel ; datapuwa&apos;t hindi sila nakinig kay Moises , dahil sa yamot , at dahil sa mabagsik na pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pumasok ka , salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto , na kaniyang pahintulutang umalis sa lupain niya ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Moises ay nagsalita sa harap ng Panginoon , na sinasabi , Narito ang mga anak ni Israel ay hindi nakinig sa akin ; paano ngang si Faraon ay makikinig sa akin , na ako&apos;y may mga labing di tuli ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron , at pinagbilinan sila hinggil sa mga anak ni Israel , at kay Faraon , na hari sa Egipto , upang ilabas ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ito ang mga pangulo sa mga angkan ng kanilang mga magulang ; ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ; si Hanoch , at si Phallu , at si Hezron , at si Carmi : ito ang mga angkan ni Ruben .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga anak ni Simeon ; si Jemuel , at si Jamin , at si Ohad , at si Jachin , at si Zoar , at si Saul na anak sa isang babaing taga Canaan : ito ang mga angkan ni Simeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon sa kanilang lahi ; si Gerson , at si Coath , at si Merari ; at ang mga naging taon ng buhay ni Levi ay isang daan at tatlong pu&apos;t pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga anak ni Gerson ; si Libni at si Shimi , ayon sa kanikanilang angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga anak ni Coath ; si Amram , at si Izhar , at si Hebron , at si Uzziel ; at ang mga naging taon ng buhay ni Coath ay isang daan at tatlong pu&apos;t tatlong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga anak ni Merari ; si Mahali at si Musi . Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagasawa si Amram kay Jochebed na kapatid na babae ng kaniyang ama , at ipinanganak nito sa kaniya si Aaron at si Moises : at ang mga naging taon ng buhay ni Amram ay isang daan at tatlong pu&apos;t pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga anak ni Izhar ; si Cora , at si Nepheg , at si Zithri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga anak ni Uzziel ; si Misael , at si Elzaphan , at si Zithri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagasawa si Aaron kay Elisabeth , na anak ni Aminadab , na kapatid ni Naason ; at ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abiu , si Eleazar at si Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga anak ni Cora ; si Assir , at si Elcana , at si Abiasaph ; ito ang mga angkan ng mga Corita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Eleazar na anak ni Aaron , ay nagasawa sa isa sa mga anak ni Phutiel ; at ipinanganak niya si Phinees . Ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ito&apos;y yaong si Aaron at si Moises , na siyang pinagsabihan ng Panginoon . Ilabas ninyo ang mga anak ni Israel sa lupaing Egipto ayon sa kanilang mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ito ang mga nagsalita kay Faraon na hari sa Egipto , upang ilabas ang mga anak ni Israel sa Egipto : ang mga ito&apos;y si Moises at si Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangyari ng araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa lupain ng Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi , Ako nga ang Panginoon ; salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto , ang lahat ng aking sinasalita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Moises sa harap ng Panginoon , Narito ako&apos;y may mga labing di tuli , at paanong si Faraon ay makikinig sa akin ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Tingnan mo , ginawa kitang dios kay Faraon : at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong sasalitaing lahat ang aking iniuutos sa iyo : at sasalitain kay Faraon ni Aaron na iyong kapatid upang kaniyang pahintulutan ang mga anak ni Israel ay lumabas sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon , at aking pararamihin ang aking mga tanda at ang aking mga kababalaghan sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t si Faraon ay hindi makikinig sa inyo , at aking ipapatong sa Egipto ang aking kamay at ilalabas ko ang aking mga hukbo , ang aking bayan , na mga anak ni Israel , sa lupaing Egipto sa pamamagitan ng mga dakilang kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon , pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay , at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron : kung paanong iniutos ng Panginoon sa kanila , ay gayon ginawa nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Moises ay may walong pung taon gulang , at si Aaron ay may walong pu&apos;t tatlong taong gulang nang sila&apos;y magsalita kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagsasalita ni Faraon sa inyo , na sasabihin , Magpakita kayo ng isang kababalaghan sa ganang inyo ; ay iyo ngang sasabihin kay Aaron : Kunin mo ang iyong tungkod , at ihagis mo sa harap ni Faraon , na magiging isang ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon , at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon , at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula , at sila naman na mga mahiko sa Egipto , ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t inihagis ng bawa&apos;t isa ang kanikaniyang tungkod , at nangaging ahas : nguni&apos;t nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ang puso ni Farao&apos;y nagmatigas , ayaw niyang paalisin ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan ; narito , siya&apos;y pasasa tubig ; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya ; at ang tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong sasabihin sa kaniya , Sinugo ako sa iyo ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo , na sinasabi , Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon , upang sila&apos;y makapaglingkod sa akin sa ilang at , narito , hanggang ngayo&apos;y hindi mo dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ganito ang sabi ng Panginoon , Dito mo makikilala , na ako ang Panginoon : narito , aking papaluin ng tungkod , na nasa aking kamay , ang tubig , na nasa ilog at magiging dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga isda , na nasa ilog ay mamamatay , at ang ilog ay babaho ; at ang mga Egipcio ay masusuklam na uminom ng tubig sa ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo kay Aaron , Kunin mo ang iyong tungkod , at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto , sa kanilang mga ilog , sa kanilang mga bangbang , at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig , upang mga maging dugo ; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto , maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron , gaya ng iniutos ng Panginoon ; at kaniyang itinaas ang tungkod , at pinalo ang tubig , na nasa ilog , sa paningin ni Faraon , at sa paningin ng kaniyang mga lingkod ; at ang lahat ng tubig , na nasa ilog ay naging dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang isda , na nasa tubig ay namatay ; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog ; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din , sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto ; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Faraon ay pumihit at umuwi sa kaniyang bahay , na hindi man lamang nabagbag ang kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lahat ng mga Egipcio ay humukay sa palibot ng ilog , upang makasumpong ng tubig na mainom ; sapagka&apos;t sila&apos;y hindi makainom ng tubig sa ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At naganap ang pitong araw , pagkatapos na masalot ng Panginoon ang ilog .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Tulutan mong yumaon ang aking bayan , upang ako&apos;y mapaglingkuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kung ayaw mo silang payaunin , ay narito , aking sasalutin ng mga palaka ang inyong buong lupain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka , na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay , at sa iyong tulugan , at sa iyong higaan , at sa bahay ng iyong mga lingkod , at sa iyong bayan , at sa iyong mga hurno , at sa iyong mga masa ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan , at lahat ng iyong mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo kay Aaron , Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog , sa mga bangbang , at sa mga lawa , at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto ; at ang mga palaka ay nagsiahon , at tinakpan ang lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto , at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron , at sinabi , Manalangin kayo sa Panginoon , na alisin ang mga palaka sa akin , at sa aking bayan ; at aking tutulutang yumaon , ang bayan upang sila&apos;y makapaghain sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Moises kay Faraon , Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin : anong oras isasamo kita , at ang iyong mga lingkod , at ang iyong bayan , upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay , at mangatira na lamang sa ilog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinabi , Sa kinabukasan . At sinabi ni Moises , Mangyayari ayon sa iyong salita : upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga palaka ay magsisialis sa iyo , at sa iyong bahay , at sa iyong mga lingkod , at sa iyong bayan ; mangatitira na lamang sa ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ni Faraon : at si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kaniyang dinala kay Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises , at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay , sa mga looban at sa mga parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang pinagpisan sa buntonbunton : at ang lupa ay bumaho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t nang makita ni Faraon na may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo kay Aaron : Iunat mo ang iyong tungkod , at paluin mo ang alabok ng lupa , upang maging mga kuto sa lupaing Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang ginawang gayon ; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod , at pinalo ang alabok ng lupa , at nagkakuto sa tao at sa hayop ; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto , upang maglabas ng mga kuto , nguni&apos;t hindi nila nagawa : at nagkakuto sa tao at sa hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga mahiko kay Faraon , Ito&apos;y daliri ng Dios : at ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bumangon kang maaga sa kinaumagahan , at tumayo ka sa harap ni Faraon ; narito , siya&apos;y pasasa tubig , at sabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon : Payaunin mo ang aking bayan upang sila&apos;y makapaglingkod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo , at sa iyong mga lingkod , at sa iyong bayan , at sa loob ng iyong mga bahay : at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw , at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen , na kinatatahanan ng aking bayan , upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw : ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan : sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ginawang gayon ng Panginoon , at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon , at sa bahay ng kaniyang mga lingkod : at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron , at sinabi , Yumaon kayo , maghain kayo sa inyong Dios sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Moises , Hindi marapat na aming gawing ganyan ; sapagka&apos;t aming ihahain ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio , sa Panginoon naming Dios : narito , ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami babatuhin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang , at maghahain sa Panginoon naming Dios , ayon sa kaniyang iniutos sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Faraon , Aking payayaunin kayo upang kayo&apos;y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang ; huwag lamang kayong pakakalayo : tuloy idaing ninyo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Moises , Narito iiwan kita , at aking idadalangin sa Panginoon , na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon , sa kaniyang mga lingkod , at sa kaniyang bayan : nguni&apos;t huwag nang magdaya pa si Faraon , na huwag na di payaunin ang bayan , upang maghain sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At iniwan ni Moises si Faraon , at nanalangin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises ; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon , sa kaniyang mga lingkod , at sa kaniyang bayan ; na walang natira kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pinapagmatigas ding muli ni Faraon ang kaniyang puso at hindi pinayaon ang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayon ay sinabi ng Panginoon kay Moises , Pasukin mo si Faraon , at saysayin mo sa kaniya . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo : Payaunin mo ang aking bayan , upang ako&apos;y mapaglingkuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kung tatanggihan mong payaunin sila , at sila&apos;y pipigilin mo pa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay narito , ang kamay ng Panginoon ay nakapatong sa iyong hayop na nasa parang , nakapatong sa mga kabayo , nakapatong sa mga asno , nakapatong sa mga kamello , nakapatong sa mga bakahan , at nakapatong sa mga kawan ; na magkakaroon ng malaking pagkakasalot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto : at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon , na sinasabi , Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan , at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay : nguni&apos;t sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Faraon ay nagsugo , at narito , walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita . Nguni&apos;t ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya pinayaon ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno , at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto , at magiging bukol na naknakin sa tao , at sa hayop , sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y kumuha ng abo sa hurno , at tumayo sa harap ni Faraon , at isinaboy ni Moises sa himpapawid ; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol ; sapagka&apos;t nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya dininig sila gaya ng sinalita ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bumangon kang maaga sa kinaumagahan , at tumayo ka sa harap ni Faraon , at sabihin mo sa kaniya : Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo : Payaunin mo ang aking bayan , upang ako&apos;y mapaglingkuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ngayo&apos;y ibubugso ko na ang lahat ng aking salot sa iyong puso , at sa iyong mga lingkod , at sa iyong bayan upang iyong maalaman na walang gaya ko sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ngayo&apos;y iniunat ko na ang aking kamay , upang salutin kita , at ang iyong bayan , at nawala ka na sa lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t totoong totoo , na dahil dito ay pinatayo kita , upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan , at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan , na ayaw mo silang payaunin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , bukas , sa ganitong oras , ay magpapaulan ako ng malakas na granizo , na kailan ma&apos;y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga&apos;y magsugo ka , ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang ; sapagka&apos;t bawa&apos;t tao at hayop na maabutan sa parang , at hindi masisilong , ay lalakpakan ng granizo at mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Yaong natakot sa salita ng Panginoon , sa mga lingkod ni Faraon ay nagpauwing madali ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang hayop sa mga bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At yaong nagwalang bahala sa salita ng Panginoon ay nagpabaya ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang kawan sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit , upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto , na lumagpak sa tao , at sa hayop , at sa bawa&apos;t halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit ; at ang Panginoo&apos;y nagsugo ng kulog at granizo , at may apoy na lumagpak sa lupa ; at ang Panginoo&apos;y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa gayo&apos;y nagkaroon ng granizo at apoy , na nagniningning sa granizo , at napakalakas , na kailan ma&apos;y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egipto , ang lahat na nasa parang , maging tao at maging hayop , at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang , at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa lupain lamang ng Gosen , na kinaroroonan ng mga anak ni Israel , hindi nagkaroon ng granizo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Faraon ay nagsugo , at ipinatawag si Moises at si Aaron , at sinabi sa kanila , Ako&apos;y nagkasala ngayon : ang Panginoo&apos;y matuwid ; at ako at ang aking bayan ay masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Dalanginan ninyo ang Panginoon ; sapagka&apos;t nagkaroon na ng sukat na malalakas na kulog at granizo ; at kayo&apos;y aking payayaunin , at di ko na kayo bibinbinin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Moises sa kaniya , Pagkalabas ko sa bayan , ay aking ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon ; at ang mga kulog ay titigil , at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo ; upang iyong maalaman na ang lupa&apos;y sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod , ay nalalaman ko , na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang lino at ang cebada ay nasaktan ; sapagka&apos;t ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan : sapagka&apos;t hindi pa tumutubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At si Moises ay lumabas sa bayan na galing kay Faraon , at inilahad ang kaniyang mga kamay sa Panginoon : at ang mga kulog at ang granizo ay tumigil , at ang ulan ay di na lumagpak sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang makita ni Faraon , na ang ulan , at ang granizo , at ang mga kulog ay tumigil , ay lalong nagkasala pa , at nagmatigas ang kaniyang puso , siya at ang kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang puso ni Farao&apos;y nagmatigas , at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel ; gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Moises : Pasukin mo si Faraon , sapagka&apos;t aking pinapagmatigas ang kaniyang puso , at ang puso ng kaniyang mga lingkod ; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At upang iyong maisaysay sa mga pakinig ng iyong anak , at sa anak ng iyong anak , kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egipto , at ang aking mga tandang ginawa sa gitna nila ; upang inyong maalaman , na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo , Hanggang kailan tatanggi kang mangayupapa sa harap ko ? payaunin mo ang aking bayan , upang ako&apos;y mapaglingkuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">O kung tatanggihan mong payaunin ang aking bayan , ay narito , bukas ay magdadala ako ng mga balang sa iyong hangganan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang tatakpan ang ibabaw ng lupa , na walang makakakita ng ibabaw ng lupa : at kanilang kakanin ang naiwan sa nangaligtas , na itinira sa inyo ng granizo , at kanilang kakanin ang bawa&apos;t kahoy na itinutubo sa inyo ng parang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang inyong mga bahay ay mapupuno , at ang mga bahay ng lahat mong lingkod , at ang mga bahay ng mga Egipcio : na hindi nakita ng inyong mga magulang , mula nang araw na sila&apos;y mapasa lupa hanggang sa araw na ito . At siya&apos;y pumihit at nilisan si Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi sa kaniya ng mga lingkod ni Faraon , Hanggang kailan magiging isang silo sa atin ang taong ito ? payaunin mo ang mga taong iyan upang sila&apos;y makapaglingkod sa Panginoon nilang Dios : hindi mo pa ba natatalastas , na ang Egipto&apos;y giba na ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Moises at si Aaron ay pinapagbalik kay Faraon , at kaniyang sinabi sa kanila , Kayo&apos;y yumaon , maglingkod kayo sa Panginoon ninyong Dios : datapuwa&apos;t sino sino yaong magsisiyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Moises : Kami ay yayaon sangpu ng aming mga bata at sangpu ng mga matanda , sangpu ng aming mga anak na lalake at babae , sangpu ng aming mga kawan at sangpu ng aming mga bakahan , kami ay yayaon ; sapagka&apos;t kami ay nararapat magdiwang ng isang pista sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinabi sa kanila , Sumainyo nawa ang Panginoon , na gaya ng aking pagpapayaon sa inyo , at sa inyong mga bata : magingat kayo ; sapagka&apos;t ang kasamaan ay nasa harap ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag ganyan : yumaon kayong mga lalake , at maglingkod sa Panginoon ; sapagka&apos;t iyan ang inyong ninanasa . At sila&apos;y pinaalis sa harap ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto , upang magdala ng mga balang , at bumaba sa lupain ng Egipto , at kumain ng lahat na halaman sa lupain , yaong lahat na iniwan ng granizo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto , at ang Panginoo&apos;y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon , at ng buong gabi ; at nang maumaga , ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto , at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto ; totoong napakakapal ; bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang , at hindi na magkakaroon pa , pagkatapos noon , ng gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa , na ano pa&apos;t ang lupain ay nagdilim ; at kinain ang lahat na halaman sa lupain , at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo ; at walang natirang anomang sariwang bagay , maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang , sa buong lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y tinawag na madali ni Faraon si Moises at si Aaron , at kaniyang sinabi , Ako&apos;y nagkasala laban sa Panginoon ninyong Dios , at laban sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon nga&apos;y ipatawad mo , isinasamo ko sa iyo , ang aking kasalanan , na ngayon na lamang at idalangin ninyo sa Panginoon ninyong Dios , na kaniya lamang ilayo sa akin ang kamatayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nilisan niya si Faraon , at nanalangin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pinapagbalik ng Panginoon ang isang napakalakas na hanging kalunuran , na siyang nagpaitaas sa mga balang , at tumangay ng mga yaon sa Dagat na Mapula ; walang natira kahit isang balang sa buong hangganan ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit , upang magdilim sa lupain ng Egipto , ng kadiliman na mahihipo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit ; at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto , na tatlong araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sila&apos;y hindi nagkikita , at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw ; kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tinawag ni Faraon si Moises , at sinabi , Yumaon kayo , maglingkod kayo sa Panginoon ; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan ; isama rin naman ninyo ang inyong mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Moises , ikaw ay nararapat ding magbigay sa aming kamay ng mga hain at mga handog na susunugin , upang aming maihain sa Panginoon naming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang aming hayop man ay yayaong kasama namin ; wala kahit isang paa na maiiwan ; sapagka&apos;t sa kanila kami nararapat kumuha ng aming ipaglilingkod sa Panginoon naming Dios ; at hindi namin nalalaman kung ano ang aming nararapat ipaglingkod sa Panginoon , hanggang sa kami ay dumating doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya pinayaon sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Faraon sa kaniya , Umalis ka sa harap ko , iyong pagingatang huwag mo nang makitang muli ang aking mukha ; sapagka&apos;t sa araw na iyong makita ang aking mukha ay mamamatay ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Moises , Mabuti ang sabi mo , hindi ko na muling makikita ang iyong mukha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Moises , May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto ; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo&apos;y umalis dito : pagpapahintulot niya sa inyong yumaon , ay tunay na kayo&apos;y samasamang palalayasin niya rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan , at humingi ang bawa&apos;t lalake sa kaniyang kapuwa , at bawa&apos;t babae sa kaniyang kapuwa , ng mga hiyas na pilak , at ng mga hiyas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan , sa paningin ng mga Egipcio . Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto , sa paningin ng mga lingkod ni Faraon , at sa paningin ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Moises , Ganito ang sinasabi ng Panginoon , Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay , mula sa panganay ni Faraon , na nakaluklok sa kaniyang luklukan , hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa likuran ng gilingan ; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto , na hindi nagkaroon ng kaparis , at hindi na magkakaroon pa ng kaparis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t sa lahat ng anak ng Israel mula sa tao hanggang sa hayop , ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop : upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod , at magsisiyukod sa akin , na magsasabi , Umalis ka , at ang buong bayan na sumusunod sa iyo : at pagkatapos niyaon ay aalis ako . At siya&apos;y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Hindi kayo didinggin ni Faraon : upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon : at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang buwang ito&apos;y magiging sa inyo&apos;y pasimula ng mga buwan : siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin : Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila , bawa&apos;t lalake , ng isang kordero , ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang , isang kordero sa bawa&apos;t sangbahayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero , ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao ; ayon sa bawa&apos;t tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang , sa kordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan , isang lalake , na iisahing taon : inyong kukunin sa mga tupa , o sa mga kambing :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito , at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel , sa paglubog ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kukuha sila ng dugo niyan , at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan , sa mga bahay na kanilang kakainan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon , na inihaw sa apoy , at tinapay na walang lebadura , kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag ninyong kaning hilaw , o luto man sa tubig , kundi inihaw sa apoy ; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan ; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ganito ninyo kakanin ; may bigkis ang inyong baywang , ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa , at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay ; at inyong kakaning dalidali ; siyang paskua ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ako&apos;y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon , at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , maging tao at maging hayop ; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto , ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang dugo ay magiging sa inyo&apos;y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan : at pagka aking nakita ang dugo , ay lalampasan ko kayo , at walang salot na sasainyo , na papatay sa inyo , pananakit ko sa lupaing Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang araw na ito&apos;y magiging sa inyo&apos;y isang alaala , at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon ; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang tuntunin magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura ; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura ; sapagka&apos;t sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel , ang taong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon ; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan , liban na yaong nararapat kanin ng bawa&apos;t tao , na siya lamang maaaring gawin ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura ; sapagka&apos;t sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto : kaya&apos;t inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi , na bilang tuntunin magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura , hanggang sa ikadalawang pu&apos;t isang araw ng buwan , sa paglubog ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Pitong araw , na walang masusumpungang lebadura sa inyong mga bahay : sapagka&apos;t sinomang kumain niyaong may lebadura , ay ihihiwalay sa kapisanan ng Israel , ang taong yaon , maging taga ibang lupa , o maging ipinanganak sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag kayong kakain ng anomang bagay na may lebadura ; sa lahat ng inyong mga tahanan ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y ipinatawag ni Moises ang lahat ng matanda sa Israel , at sinabi sa kanila , Kayo&apos;y lumabas at kumuha kayo ng mga kordero ayon sa inyo-inyong sangbahayan , at magpatay kayo ng kordero ng paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kayo&apos;y kukuha ng isang bigkis na hisopo , at inyong babasain sa dugo , na nasa palanggana , at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana , ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto : at sinoman sa inyo ay huwag lalabas sa pinto ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio ; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto , ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon , at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At inyong ipangingilin ang bagay na ito , na pinakatuntunin sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At mangyayaring pagdating ninyo sa lupain na ibibigay sa inyo ng Panginoon , gaya ng kaniyang ipinangako , ay inyong tutuparin ang paglilingkod na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At mangyayaring pagsasabi sa inyo ng inyong mga anak : Anong ibig ninyong sabihin sa paglilingkod na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na inyong sasabihin : Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon , na kaniyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Egipto , nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio , at iniligtas ang aming mga sangbahayan . At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga anak ni Israel ay yumaon at ginawang gayon ; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , ay gayong ginawa nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari sa hating gabi , na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan , hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan ; at lahat ng panganay sa mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan , siya at lahat ng kaniyang mga lingkod , at lahat ng mga Egipcio , at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto ; sapagka&apos;t walang bahay na di mayroong isang patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan , at sinabi , Kayo&apos;y bumangon , umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel ; at kayo&apos;y yumaong maglingkod sa Panginoon , gaya ng inyong sinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan , gaya ng inyong sinabi , at kayo&apos;y yumaon : at pagpalain din naman ninyo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pinapagmadali ng mga Egipcio , ang bayan , na madaliang pinaalis sila sa lupain ; sapagka&apos;t kanilang sinabi , Kaming lahat ay patay na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At dinala ng bayan ang kanilang masa bago humilab , na nababalot ang kanilang mga masa sa kanikanilang damit sa ibabaw ng kanikanilang balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises ; at sila&apos;y humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak , at mga hiyas na ginto , at mga damit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egipcio , ano pa&apos;t ibinigay sa kanila anomang hingin nila . At kanilang hinubaran ang mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses hanggang sa Succoth , na may anim na raang libong lalake na naglakad , bukod pa ang mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila ; at mga kawan , at mga bakahan , na napakaraming hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kanilang nilutong mga munting tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang kinuha sa Egipto , sapagka&apos;t hindi pa humihilab , sapagka&apos;t sila&apos;y itinaboy sa Egipto , at hindi sila nakatigil o nakapaghanda man ng anomang pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel , na ipinakipamayan nila sa Egipto , ay apat na raan at tatlong pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon , ng araw ding yaon ay nangyari , na ang lahat ng mga hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto : ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , Ito ang tuntunin sa paskua : walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Datapuwa&apos;t ang alipin ng bawa&apos;t lalake na nabili ng salapi , pagkatuli sa kaniya&apos;y makakakain nga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa isang bahay kakanin ; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay , ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo , at mangingilin ng paskua sa Panginoon , ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin : at siya&apos;y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo ; datapuwa&apos;t sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain , at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel ; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , gayon nila ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At nangyari nang araw ding yaon , na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto , ayon sa kanilang mga hukbo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pakabanalin mo sa akin ang lahat ng mga panganay , anomang nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel : maging sa tao at maging sa hayop ay akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Moises sa bayan , Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto , sa bahay ng pagkaalipin ; sapagka&apos;t sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito , wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng Abib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari , na pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo , at ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Hebreo , at ng Jebuseo , na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , na ibibigay sa iyo , na lupang binubukalan ng gatas at pulot ay iyong ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura , at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw , at huwag makakakita sa iyo , ng tinapay na may lebadura , ni makakakita ng lebadura sa iyo , sa lahat ng iyong mga hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sasaysayin mo sa iyong anak sa araw na yaon , na iyong sasabihin : Dahil sa ginawa ng Panginoon sa akin nang ako&apos;y umalis sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa iyo&apos;y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay , at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata , upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig : sapagka&apos;t sa pamamagitan ng malakas na kamay , ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Isasagawa mo nga ang palatuntunang ito sa kapanahunan nito taon taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mangyayari , pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo , gaya ng isinumpa sa iyo at sa iyong mga magulang , at pagkabigay niyaon sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ay ihihiwalay mo para sa Panginoon yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata , at bawa&apos;t panganay na mayroon ka na mula sa hayop ; ang mga lalake , ay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At bawa&apos;t panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero ; at kung hindi mo tutubusin , ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg : at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mangyayari , na pagtatanong sa iyo ng iyong anak sa panahong darating , na sasabihin , Ano ito ? na iyong sasabihin sa kaniya : Sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto , sa bahay ng pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon , ay pinatay ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop : kaya&apos;t aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake ; nguni&apos;t lahat ng panganay ng aking anak ay aking tinutubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At magiging pinakatanda sa iyong kamay , at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata : sapagka&apos;t sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon , na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo , bagaman malapit ; sapagka&apos;t sinabi ng Dios , Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka , at magsipagbalik sa Egipto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa palibot , sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula : at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose : sapagka&apos;t kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Tunay na dadalawin kayo ng Dios ; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila&apos;y naglakbay mula sa Succoth , at humantong sa Etham , sa hangganan ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw , sa isang haliging ulap , upang patnubayan sila sa daan ; at sa gabi , ay sa isang haliging apoy , upang tanglawan sila ; upang sila&apos;y makapaglakad sa araw at sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , na sila&apos;y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth , sa pagitan ng Migdol at ng dagat , sa tapat ng Baalzephon : sa tapat niyaon hahantong kayo , sa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel : Nangasisilo sila sa lupain , sila&apos;y naliligid ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon , at kaniyang hahabulin sila at kayo&apos;y magiimbot ng karangalan kay Faraon , at sa lahat niyang hukbo ; at malalaman ng mga Egipcio , na ako ang Panginoon . At kanilang ginawang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nasabi sa hari sa Egipto , na ang bayan ay tumakas : at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan , at kanilang sinabi , Ano itong ating ginawa , na ating pinayaon ang Israel , upang huwag na tayong mapaglingkuran ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro , at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y nagdala ng anim na raang piling karro , at lahat ng mga karro sa Egipto , at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto , at hinabol niya ang mga anak ni Israel , sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At hinabol sila ng mga Egipcio , ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon , at ng kaniyang mga taong mangangabayo , at ng kaniyang hukbo , at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat , na nasa siping ng Pi-hahirot , sa tapat ng Baal-zefon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang si Faraon ay nalalapit , ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata , at , narito , ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila ; at sila&apos;y natakot na mainam : at ang mga anak ni Israel ay humibik sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang sinabi kay Moises , Dahil ba sa walang libingan sa Egipto , kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang ? bakit ka gumawa ng ganito sa amin , na inilabas mo kami sa Egipto ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto , na sinasabi , Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio ? Sapagka&apos;t lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Moises sa bayan , Huwag kayong matakot , tumigil kayo , at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon : sapagka&apos;t ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon , ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon , at kayo&apos;y tatahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bakit humihibik ka sa akin ? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila&apos;y magpatuloy na yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At itaas mo ang iyong tungkod , at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat , at hawiin mo ; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ako , narito , aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila : at ako&apos;y magiimbot ng karangalan kay Faraon , at sa buo niyang hukbo , sa kaniyang mga karro , at sa kaniyang mga nangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At malalaman ng mga Egipcio , na ako ang Panginoon , pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon , sa kaniyang mga karro , at sa kaniyang mga nangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel , ay humiwalay at napasa hulihan nila ; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel ; at mayroong ulap at kadiliman , gayon ma&apos;y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa&apos;t isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat ; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag , at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa : at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila , sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hinabol sila ng mga Egipcio , at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat , lahat ng mga kabayo ni Faraon , ang kaniyang mga karro , at ang kaniyang mga nangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari , sa pagbabantay sa kinaumagahan , na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap , at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro , na kanilang hinila ng buong hirap : na ano pa&apos;t sinabi ng mga Egipcio , Tumakas tayo sa harap ng Israel : sapagka&apos;t ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa dagat , upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio , sa kanilang mga karro , at sa kanilang mga nangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat , at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas , nang umumaga ; at ang mga Egipcio ay nagsitakas , at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang tubig ay nagsauli , at tinakpan ang mga karro , at ang mga nangangabayo , sa makatuwid baga&apos;y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat ; walang natira kahit isa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat ; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio ; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nakita ng Israel ang dakilang gawa , na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio , at ang bayan ay natakot sa Panginoon : at sila&apos;y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon , at sinalita , na sinasabi , Ako&apos;y aawit sa Panginoon , sapagka&apos;t siya&apos;y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati : Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoon ay aking lakas at awit , At siya&apos;y naging aking kaligtasan : Ito&apos;y aking Dios , at siya&apos;y aking pupurihin . Dios ng aking ama , at siya&apos;y aking tatanghalin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Panginoo&apos;y isang mangdidigma : Panginoon ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat ; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila : Sila&apos;y lumubog sa mga kalaliman , na parang isang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iyong kanan , Oh Panginoon , ay maluwalhati sa kapangyarihan . Ang iyong kanan , Oh Panginoon , ay dumudurog ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo : Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit , at nililipol silang parang dayami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig , Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton ; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinabi ng kaaway , Aking hahabulin , aking aabutan , magbabahagi ako ng samsam , Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila ; Aking bubunutin ang aking tabak , lilipulin sila ng aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin , at tinabunan sila ng dagat . Sila&apos;y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinong gaya mo , Oh Panginoon , sa mga dios ? Sinong gaya mo , maluwalhati sa kabanalan , Nakasisindak sa pagpuri , na gumagawa ng mga kababalaghan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iyong iniunat ang iyong kanang kamay , Nilamon sila ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos : Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narinig ng mga bayan ; at sila&apos;y nanginig : Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y natulig ang mga pangulo sa Edom ; Sa matatapang sa Moab , ay panginginig ang sumasakanila : Lahat ng taga Canaan ay nauubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sindak at gulat ang suma-sakanila ; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato ; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan , Oh Panginoon , Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y iyong papapasukin , at sila&apos;y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana , Sa dako , Oh Panginoon , na iyong ginawa sa iyo , upang iyong tahanan , Sa santuario , Oh Panginoon , na itinatag ng iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang mga kabayo ni Faraon , ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat , at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila ; datapuwa&apos;t lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron , ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay ; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya , na may mga pandereta at nagsayawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y sinagot ni Miriam , Umawit kayo sa Panginoon , sapagka&apos;t siya&apos;y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati ; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula , at sila&apos;y lumabas sa ilang ng Shur ; at sila&apos;y lumakad na tatlong araw sa ilang , at hindi nakasumpong ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang sila&apos;y dumating sa Mara , ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara , sapagka&apos;t mapait : kaya&apos;t ang pangalang itinawag ay Mara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At inupasala ng bayan si Moises , na sinasabi , Anong aming iinumin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y dumaing sa Panginoon ; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy , at inihagis niya sa tubig , at ang tubig ay tumabang . Doon inatangan niya ng palatuntunan , at ng tagubilin at doon sila sinubok niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi , Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios , at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata , at iyong didinggin ang kaniyang mga utos , at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo , na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio : sapagka&apos;t ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y dumating sa Elim , na doo&apos;y mayroong labingdalawang bukal ng tubig , at pitongpung puno ng palma ; at sila&apos;y humantong doon sa tabi ng mga tubig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sila&apos;y naglakbay mula sa Elim , at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin , na nasa pagitan ng Elim at Sinai , nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan , pagkatapos na sila&apos;y makaalis sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel , Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto , nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne , nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog ; sapagka&apos;t kami ay inyong dinala sa ilang na ito , upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon kay Moises , Narito , kayo&apos;y aking pauulanan ng pagkain mula sa langit ; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawa&apos;t araw ; upang aking masubok sila , kung sila&apos;y lalakad ng ayon sa aking kautusan , o hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari sa ikaanim na araw , na sila&apos;y maghahanda ng kanilang dala , na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel , Sa kinahapunan , ay inyong malalaman , na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa kinaumagahan , ay inyo ngang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon ; sapagka&apos;t kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon : at ano kami , na inyo kaming inuupasala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Moises , Ito&apos;y mangyayari , pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain , at sa kinaumagahan ng pagkain , na makabubusog ; sapagka&apos;t naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya : at ano kami ? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin , kundi laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Moises kay Aaron , Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , Lumapit kayo sa harap ng Panginoon ; sapagka&apos;t kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , na sila&apos;y tumingin sa dakong ilang , at , narito , ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel : salitain mo sa kanila , na iyong sasabihin , Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne , at sa kinaumagahan , ay magpapakabusog kayo ng tinapay ; at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari sa kinahapunan na ang mga pugo ay nagsiahon at tinakpan ang kampamento at sa kinaumagahan , ay nalalatag sa palibot ng kampamento ang hamog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang paitaas na ang hamog na nalalatag na , narito , sa balat ng ilang ay may munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang makita ng mga anak ni Israel , ay nagsangusapan , Ano ito ? sapagka&apos;t hindi nila nalalaman kung ano yaon . At sinabi ni Moises sa kanila , Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon , Pumulot ang bawa&apos;t tao ayon sa kaniyang kain ; isang omer sa bawa&apos;t ulo , ayon sa bilang ng inyong mga tao , ang kukunin ng bawa&apos;t tao para sa mga nasa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At gayon ginawa ng mga anak ni Israel , at may namulot ng marami , at may kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang timbangin sa omer , ang namulot ng marami ay walang higit , at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang ; bawa&apos;t tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Moises sa kanila , Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon ma&apos;y hindi sila nakinig kay Moises ; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga , at inuod at bumaho ; at naginit sa kanila si Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y namumulot tuwing umaga , bawa&apos;t tao ayon sa kaniyang kain : at pagka ang araw ay umiinit na , ay natutunaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari , na nang ikaanim na araw , ay pumulot sila ng pagkain na ibayo ang dami , dalawang omer sa bawa&apos;t isa : at lahat ng puno sa kapisanan ay naparoon at nagsaysay kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang sinabi sa kanila , Ito ang sinalita ng Panginoon , Bukas ay takdang kapahingahan , banal na sabbath sa Panginoon : ihawin ninyo ang inyong iihawin , at lutuin ninyo ang inyong lulutuin ; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo , na inyong itira hanggang sa kinabukasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang itinago hanggang sa kinaumagahan , gaya ng iniutos ni Moises : at hindi bumaho , ni nagkaroon ng anomang uod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Moises , Kanin ninyo yaon ngayon ; sapagka&apos;t ngayo&apos;y sabbath na ipinangingilin sa Panginoon : ngayo&apos;y hindi kayo makakasumpong sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Anim na araw na inyong pupulutin ; datapuwa&apos;t sa ikapitong araw ay sabbath , hindi magkakaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari sa ikapitong araw , na lumabas ang iba sa bayan upang mamulot , at walang nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Hanggang kailan tatanggihan ninyo ganapin ang aking mga utos at ang aking mga kautusan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Tingnan ninyo , na sapagka&apos;t ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath , kung kaya&apos;t kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw ; matira ang bawa&apos;t tao sa kaniyang kinaroroonan , huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan , sa ikapitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At yao&apos;y pinanganlan ng sangbahayan ng Israel na Mana : at kaparis ng buto ng kulantro , maputi ; at ang lasa niyaon ay kasinglasa ng manipis na tinapay na may pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ni Moises , Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon , Punuin ninyo ang isang omer ng mana , na inyong ingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi ; upang kanilang makita ang pagkain , na aking ipinakain sa inyo sa ilang nang kayo&apos;y aking ilabas sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ni Moises kay Aaron , Kumuha ka ng isang palyok at sidlan mo ng isang omer na puno ng mana , at ilagay mo sa harap ng Panginoon , upang maingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon inilagay ni Aaron sa harap ng Patotoo upang ingatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana na apat na pung taon , hanggang sa sila&apos;y dumating sa lupaing tinatahanan ; sila&apos;y kumain ng mana hanggang sa sila&apos;y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang isang omer nga ay ikasangpung bahagi ng isang efa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin , sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon , at humantong sa Rephidim : at walang tubig na mainom ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t ang bayan ay nakipagtalo kay Moises , at nagsabi , Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom . At sinabi ni Moises sa kanila , Bakit kayo nakikipagtalo sa akin ? bakit ninyo tinutukso ang Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang bayan ay nauhaw at inupasala ng bayan si Moises , at sinabi , Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto , upang patayin mo kami sa uhaw , at ang aming mga anak , at ang aming kawan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Moises ay dumaing sa Panginoon , na nagsasabi , Anong aking gagawin sa bayang ito ? kulang na lamang batuhin nila ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Dumaan ka sa harap ng bayan , at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel ; at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog , ay tangnan mo sa iyong kamay , at yumaon ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ako&apos;y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb ; at iyong papaluin ang bato , at lalabasan ng tubig , upang ang bayan ay makainom . At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon , na Massah at Meribah , dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel , at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon , na kanilang sinasabi , Ang Panginoon ba&apos;y nasa gitna natin o wala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y dumating si Amalec , at nakipaglaban sa Israel sa Rephidim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Moises kay Josue , Ipili mo tayo ng mga lalake , at ikaw ay lumabas , lumaban ka kay Amalec ; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol , na aking tangan ang tungkod ng Dios sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon ginawa ni Josue , gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya , at lumaban kay Amalec : at si Moises , si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay , ay nananaig ang Israel : at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay , ay nananaig si Amalec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t ang mga kamay ni Moises ay nangalay ; at sila&apos;y kumuha ng isang bato , at inilagay sa ibaba , at kaniyang inupuan ; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay , ang isa&apos;y sa isang dako , at ang isa&apos;y sa kabilang dako ; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nilito ni Josue si Amalec , at ang kaniyang bayan , sa pamamagitan ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat , at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagtayo si Moises ng isang dambana , at pinanganlang Jehovanissi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Isinumpa ng Panginoon : ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Jethro nga , saserdote sa Madian , biyanan ni Moises , ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises , at sa Israel na kaniyang bayan , kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ipinagsama ni Jethro , na biyanan ni Moises , si Sephora na asawa ni Moises , pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang dalawa niyang anak na lalake : na ang pangalan ng isa&apos;y Gersom ; sapagka&apos;t sinabi ni Moises , Ako&apos;y nakipamayan sa ibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang pangalan ng isa&apos;y Elieser ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Ang Dios ng aking ama&apos;y naging aking saklolo , at ako&apos;y iniligtas sa tabak ni Faraon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Jethro , na biyanan ni Moises , ay dumating , na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa , kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa tabi ng bundok ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang ipinasabi kay Moises , Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo , at ang iyong asawa , at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan , at kaniyang niyukuran at hinalikan . At sila&apos;y nagtanungang isa&apos;t isa ng kanilang kalagayan ; at sila&apos;y pumasok sa tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel , ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan , at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel , na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Jethro , Purihin ang Panginoon , na nagligtas sa inyo , sa kamay ng mga Egipcio , at sa kamay ni Faraon ; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayo&apos;y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios : oo , sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Jethro , na biyanan ni Moises , ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios : at si Aaron ay naparoon , at ang lahat ng mga matanda sa Israel , upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises sa harap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari kinabukasan , na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan : at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan , ay nagsabi , Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan ? bakit nauupo kang magisa , at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan , Sapagka&apos;t ang bayan ay lumalapit sa akin , upang sumangguni sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagka sila&apos;y may usap ay lumapit sa akin ; at aking hinahatulang isa&apos;t isa , at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios , at ang kaniyang mga kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya , Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tunay na ikaw ay manghihina , ikaw at ang bayang ito , na nasa iyo : sapagka&apos;t ang bagay ay totoong mabigat sa iyo ; hindi mo makakayang magisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dinggin mo ngayon ang aking tinig ; papayuhan kita , at sumaiyo nawa ang Dios : ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios , at dalhin mo ang mga usap sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan , at ang mga kautusan , at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran , at ang gawang kanilang nararapat gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bukod dito&apos;y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa , gaya ng matatakutin sa Dios , na mga taong mapagpatotoo , na mga napopoot sa kasakiman ; at siyang mga ilagay mo sa kanila , na magpuno sa mga lilibuhin , magpuno sa mga dadaanin , magpuno sa mga lilimangpuin , at magpuno sa mga sasangpuin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon : at mangyayari , na bawa&apos;t malaking usap ay dadalhin nila sa iyo , datapuwa&apos;t bawa&apos;t munting usap , ay silasila ang maghahatulan : sa ganyan ay magiging magaan sa iyo , at magpapasan silang katulong mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung gagawin mo ang bagay na ito , at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata , at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa gayon , ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan , at ginawang lahat yaong sinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel , at ginawa niyang pangulo sa bayan , na mga puno ng lilibuhin , mga puno ng dadaanin , mga puno ng lilimangpuin , at mga puno ng sasangpuin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon : ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises , datapuwa&apos;t bawa&apos;t munting usap ay silasila ang naghahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at siya&apos;y umuwi sa sariling lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa ikatlong buwan , pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto , ay dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang sila&apos;y umalis sa Rephidim , at dumating sa ilang ng Sinai , ay humantong sila sa ilang ; at doo&apos;y humantong ang Israel sa harap ng bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Moises ay lumapit sa Dios , at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok , na sinasabi , Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob , at sasaysayin sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio , at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila , at kayo&apos;y inilapit ko sa akin din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ngayon , kung tunay na inyong susundin ang aking tinig , at iingatan ang aking tipan , ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin , na higit sa lahat ng bayan : sapagka&apos;t ang buong lupa ay akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kayo&apos;y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin , at isang banal na bansa . Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan , at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa , at nagsabi , Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin . At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Narito ako&apos;y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako&apos;y magsasalita sa iyo , at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man . At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas at labhan nila ang kanilang mga damit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At humanda sa ikatlong araw : sapagka&apos;t sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot , na iyong sasabihin , Magingat kayo , na kayo&apos;y huwag sumampa sa bundok , o sumalang sa hangganan : sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Walang kamay na hihipo sa kaniya , kundi , siya&apos;y tunay na babatuhin , o papanain ; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay : pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok , at pinakabanal ang bayan , at sila&apos;y naglaba ng kanilang mga damit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi sa bayan , humanda kayo sa ikatlong araw ; huwag kayong sumiping sa babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari ng ikatlong araw , ng umaga , na kumulog at kumidlat , at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok , at ang tunog ng pakakak ay napakalakas ; at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios ; at sila&apos;y tumayo sa paanan ng bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok , sapagka&apos;t ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy : at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno , at ang buong bundok ay umuugang mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises , at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai , sa taluktok ng bundok ; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok ; at si Moises ay sumampa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bumaba ka , pagbilinan mo ang bayan , baka sila&apos;y lumagpas upang makita ang Panginoon , at mamatay ang karamihan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At gayon din ang mga saserdote , na lumalapit sa Panginoon ay papagbanalin mo , baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Moises sa Panginoon , Ang baya&apos;y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai : sapagka&apos;t iyong pinagbilinan kami , na iyong sinabi , lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok , at iyong ariing banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Yumaon ka , bumaba ka ; at ikaw ay sasampa , ikaw at si Aaron na iyong kasama : nguni&apos;t ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon , baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa gayo&apos;y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako ang Panginoon mong Dios , na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto , sa bahay ng pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit , o ng nasa ibaba sa lupa , o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag mong yuyukuran sila , o paglingkuran man sila ; sapagka&apos;t akong Panginoon mong Dios , ay Dios na mapanibughuin , na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak , hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan ; sapagka&apos;t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios : sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa , ikaw , ni ang iyong anak na lalake ni babae , ni ang iyong aliping lalake ni babae , ni ang iyong baka , ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa , ang dagat , at lahat ng nangaroon , at nagpahinga sa ikapitong araw ; na ano pa&apos;t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath , at pinakabanal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina : upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag kang papatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag kang mangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag kang magnanakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa , huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa , ni ang kaniyang aliping lalake o babae , ni ang kaniyang baka , ni ang kaniyang asno , ni anomang bagay ng iyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nakikita ng buong bayan ang mga kulog , at ang mga kidlat , at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok : at nang makita ng bayan , ay nanginig sila , at tumayo sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi nila kay Moises , Magsalita ka sa amin , at aming didinggin : datapuwa&apos;t huwag magsalita ang Dios sa amin , baka kami ay mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Moises sa bayan , Huwag kayong matakot : sapagka&apos;t ang Dios ay naparito upang subukin kayo , at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo , upang huwag kayong magkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang bayan ay tumayo sa malayo , at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel : Kayo ang nakakita na ako&apos;y nakipagusap sa inyo mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin ; ng mga dios na pilak , o ng mga dios na ginto , huwag kayong gagawa para sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin , at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin , at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan , ang inyong mga tupa , at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan , ay paparoonan kita at pagpapalain kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato , ay huwag mong itatayong may tapyas : sapagka&apos;t kung iyong gamitin ang iyong patalim doon , ay iyong nilapastangan yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang , upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga hatol na igagawad mo sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung ikaw ay bumili ng isang aliping Hebreo , ay anim na taong maglilingkod siya ; at sa ikapito ay aalis siyang laya na walang sauling bayad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung siya&apos;y pumasok na magisa , ay aalis na mag-isa : kung may asawa ay aalis nga ang kaniyang asawa na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung siya&apos;y bigyan ng kaniyang panginoon ng asawa , at magkaanak sa kaniya ng mga lalake , o mga babae ; ang asawa at ang kaniyang mga anak ay magiging sa kaniyang panginoon , at siya&apos;y aalis na magisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t kung maliwanag na sabihin ng alipin , Aking iniibig ang aking panginoon , ang aking asawa , at ang aking mga anak ; ako&apos;y hindi aalis na laya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung magkagayo&apos;y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa Dios , at dadalhin siya sa pinto , o sa haligi ng pinto ; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas ; at paglilingkuran niya siya magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung ipagbili ng isang lalake ang kaniyang anak na babae na maging alipin , ay hindi siya aalis na gaya ng pagalis ng mga aliping lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung siya&apos;y hindi makapagpalugod sa kaniyang panginoon , na umayaw magasawa sa kaniya , ay ipatutubos nga niya siya : walang kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang lupa , yamang siya&apos;y nadaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung pinapag-asawa ng bumili sa kaniyang anak na lalake , ay kaniyang ipalalagay siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung siya&apos;y magasawa sa iba , ang kaniyang pagkain , ang kaniyang damit at ang kaniyang kapangyarihang pagkaasawa ay hindi niya babawasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kaniya ay aalis nga siya na walang bayad , na walang tubos na salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang sumakit sa isang tao , na ano pa&apos;t mamatay ay papataying walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung hindi sinasadya ng isang tao , kundi Dios ang naghulog sa kaniyang kamay ; ay lalaanan kita ng isang dako na kaniyang tatakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung magtangka ang sinoman sa kaniyang kapuwa , na pumatay na may daya , ay alisin mo siya sa aking dambana , upang patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang sumakit sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , ay papataying walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang magnakaw ng isang tao , at ipagbili , o masumpungan sa kaniyang kamay , ay papataying walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang lumait sa kaniyang ama , o sa kaniyang ina , ay papataying walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung may magbabag , at saktan ng isa ang isa , ng bato , o ng kaniyang suntok , at hindi mamatay , kundi mahiga lamang sa banig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung makabangon uli , at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod , ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya ; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang , at kaniyang pagagalinging maigi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae , ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay ; ay parurusahan siyang walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon ma&apos;y kung tumagal ng isang araw o dalawa , ay hindi siya parurusahan : sapagka&apos;t siya&apos;y kaniyang salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kung may magbabag , at makasakit ng isang babaing buntis , na ano pa&apos;t makunan , at gayon ma&apos;y walang karamdamang sumunod : ay tunay na papagbabayarin siya , ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae ; at siya&apos;y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t kung may anomang karamdamang sumunod , magbabayad ka nga ng buhay kung buhay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Mata kung mata , ngipin kung ngipin , kamay kung kamay , paa kung paa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Paso kung paso , sugat kung sugat , bugbog kung bugbog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung saktan ng sinoman ang mata ng kaniyang aliping lalake , o ang mata ng kaniyang aliping babae at mabulag , ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung kaniyang bungalan ang kaniyang aliping lalake , o babae , ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae , na ano pa&apos;t mamatay , ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama&apos;y hindi kakanin ; datapuwa&apos;t ang may-ari ng baka ay maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan , at naisumbong na sa may-ari at hindi niya kinulong , na ano pa&apos;t makamatay ng isang lalake , o isang babae : ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung siya&apos;y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Maging manuwag sa isang anak na lalake o babae man , ay gagawin sa kaniya ayon sa kahatulang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kung ang baka ay manuwag sa isang aliping lalake o babae , ay magbabayad ang may-ari ng tatlong pung siklong pilak sa kanilang panginoon , at ang baka ay babatuhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kung ang sinoman ay magbubukas ng isang balon , o huhukay ng isang balon at hindi tatakpan , at ang isang baka , o ang isang asno ay mahulog sa loob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ay sasaulian ng may-ari ng balon ; magbabayad siya ng salapi sa may-ari ng mga yaon , at ang patay na hayop ay magiging kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kung ang baka ng sinoman ay sumakit sa baka ng iba , na ano pa&apos;t mamatay ; ay kanila ngang ipagbibili ang bakang buhay , at kanilang paghahatiin ang halaga niyaon ; at ang patay ay paghahatiin din nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">O kung kilala , na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan , at hindi kinulong ng may-ari ; ay tunay ngang magbabayad siya , ng baka kung baka , at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka , o ng isang tupa at patayin , o ipagbili : ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka , at ng apat na tupa ang isang tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan , na naninira , at masaktan na ano pa&apos;t namatay ay hindi aariing mamamataytao ang pumatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung sikatan siya ng araw , ay aariin siyang mamamataytao ; siya&apos;y dapat magsauli ng kabayaran : kung siya&apos;y wala ay ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay , maging baka , o asno , o tupa , ay magbabayad siya ng ibayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid , o sa isang ubasan , at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba ; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang , at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan , ay sasaulian niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung may magningas na apoy , at magtangay ng mga tinik , na ano pa&apos;t ang mga mandala , o ang mga uhay , o ang bukid ay masunog , ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari , at nakawin sa bahay ng taong yaon ; kung masumpungan ang magnanakaw , ay magbabayad ng ibayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung hindi masumpungan ang magnanakaw , ay lalapit ang may-ari ng bahay sa Dios , upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t lahat ng bagay na pagsalangsang , maging sa baka , sa asno , sa tupa , sa damit , o sa anomang bagay na nawala , na may magsabi , Ito nga ay akin ; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa ; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno , o ng isang baka , o ng isang tupa , o ng anomang hayop ; at mamatay , o masasaktan , o maagaw , na walang nakakakitang sinoman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa ; at tatanggapin ng may-ari , at siya&apos;y hindi magsasauli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo , at hindi sasaulian ang nalapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa , at masaktan , o mamatay , na hindi kaharap ang may-ari , ay walang pagsala na siya&apos;y magsasauli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ang may-ari niyaon ay kaharap , ay hindi niya sasaulian ; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga , na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan , ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya , ay magbabayad siya ng salapi , ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Yaong maghain sa anomang dios , maliban sa Panginoon lamang , ay lubos na papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin , o pipighatiin man ; sapagka&apos;t kayo&apos;y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao , o ulila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan , at sila&apos;y dumaing sa akin , ay walang pagsala , na aking didinggin ang kanilang daing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang aking pagiinit ay magaalab , at aking papatayin kayo ng tabak ; at ang inyong mga asawa ay magiging mga bao , at ang inyong mga anak ay mga ulila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha , huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla , ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t iyan ang kaniya lamang pangbihis , siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat : ano ngang kaniyang ipangtutulog ? at mangyayari , na pagka siya&apos;y dumaing sa akin , ay aking didinggin ; sapagka&apos;t ako&apos;y mapagbiyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag mong lalapastanganin ang Dios , ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Huwag kang magmamakupad ng paghahandog ng iyong mga ani , at ng tulo ng iyong mga pigaan . Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka , at sa iyong mga tupa : pitong araw na mapapa sa kaniyang ina ; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kayo&apos;y magpapakabanal na tao sa akin : na ano pa&apos;t huwag kayong kakain ng anomang laman , na nalapa ng ganid sa parang ; inyong ihahagis sa mga asno .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan : huwag kang makikipagkayari sa masama , na maging saksi kang sinungaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama ; ni magbibigay patotoo man sa isang usap , na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ni huwag mo ring kikilingan ang dukha sa kaniyang usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno , na nakawala , ay tunay na ibabalik mo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo , na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan , at ayaw mo mang alisan ng pasan , ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha , sa kaniyang usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Layuan mo ang bagay na kasinungalingan , at ang walang sala at ang matuwid , ay huwag mong papatayin : sapagka&apos;t hindi ko patototohanan ang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At huwag kang tatanggap ng suhol : sapagka&apos;t ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin , at sinisira ang mga salita ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang taga ibang lupa ay huwag mong pipighatiin sapagka&apos;t talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa , yamang kayo&apos;y naging mga taga ibang lupa , sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Anim na taong hahasikan mo ang iyong lupa at aanihin mo ang bunga niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan , upang kumain ang dukha sa iyong bayan : at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid . Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Anim na araw , na iyong gagawin ang iyong gawain , at sa ikapitong araw , ay magpapahinga ka : upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga ; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae , at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan : at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios , o marinig man sa inyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin , sa bawa&apos;t taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang ; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura , gaya ng iniutos ko sa iyo , sa takdang panahon , sa buwan ng Abib ( sapagka&apos;t niyaon ka umalis sa Egipto ) ; at walang lalapit sa harap ko na walang dala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan , na iyong inihasik sa bukid : at ang pista ng pagaani , sa katapusan ng taon , nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Makaitlo sa bawa&apos;t taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag mong ihahandog ang dugo ng hain sa akin , na kasabay ng tinapay na may lebadura ; o iiwan mo man ang taba ng aking pista sa buong magdamag hanggang sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong ipapasok sa bahay ng Panginoon mong Dios . Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Narito , aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo , upang ingatan ka sa daan , at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Magingat kayo sa kaniya , at dinggin ninyo ang kaniyang tinig ; huwag ninyong mungkahiin siya : sapagka&apos;t hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang ; sapagka&apos;t ang aking pangalan ay nasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig , at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita ; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway , kaalit ng iyong mga kaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang aking anghel ay magpapauna sa iyo at dadalhin ka sa Amorrheo , at sa Hetheo at sa Perezeo , at sa Cananeo , at sa Heveo , at sa Jebuseo , at aking lilipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios , o maglilingkod man sa mga yaon , o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa , kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios , at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig ; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Walang babaing makukunan , o magiging baog man , sa iyong lupain : ang bilang ng iyong mga araw ay aking lulubusin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Aking susuguin ang sindak sa unahan mo , at aking liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan , at aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo , na magpapalayas sa Heveo , sa Cananeo at sa Hetheo , sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Hindi ko palalayasin sila sa harap mo sa isang taon ; baka ang lupa&apos;y maging ilang , at ang mga ganid sa parang ay magsidami laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Untiunting aking palalayasin sila sa harap mo , hanggang sa ikaw ay kumapal at manahin mo ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates : sapagka&apos;t aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay , at iyo silang palalayasin sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Huwag kang makikipagtipan sa kanila , ni sa kanilang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sila&apos;y hindi tatahan sa iyong lupain , baka papagkasalahin ka nila laban sa akin : sapagka&apos;t kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios , ay tunay na magiging silo sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kaniyang sinabi kay Moises , Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon , ikaw , at si Aaron , si Nadab , at si Abiu , at pitong pu ng mga matanda sa Israel ; at sumamba kayo mula sa malayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Moises lamang ang lalapit sa Panginoon ; datapuwa&apos;t sila&apos;y hindi lalapit ; o ang bayan man ay sasampang kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon , at ang lahat ng mga palatuntunan . At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan , at nagsabi , Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon , ay aming gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon , at bumangon ng maaga sa kinaumagahan , at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok , at ng labing dalawang batong pinakaalaala , ayon sa labing dalawang lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel , na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo , at inilagay sa mga tasa ; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan , at binasa sa pakinig ng bayan : at kanilang sinabi , Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin , at kami ay magmamasunurin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan , at sinabi , Narito ang dugo ng tipan , na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sumampa si Moises , at si Aaron , si Nadab , at si Abiu , at pitongpu ng mga matanda sa Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang nakita ang Dios ng Israel ; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro , at paris din ng langit sa kaliwanagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay : at sila&apos;y tumingin sa Dios , at kumain at uminom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sampahin mo ako sa bundok , at dumoon ka : at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato , at ng kautusan , at ng utos na aking isinulat , upang iyong maituro sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tumindig si Moises , at si Josue na kaniyang tagapangasiwa : at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi sa mga matanda , Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo : at , narito si Aaron at si Hur ay kasama ninyo : sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sumampa si Moises sa bundok at tinakpan ng ulap ang bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai , at tinakpan ng ulap na anim na araw : at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok , sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pumasok si Moises sa gitna ng ulap , at sumampa sa bundok : at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , na sila&apos;y magdala sa akin ng isang handog : ang bawa&apos;t tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila ; ginto , at pilak , at tanso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kayong bughaw , kulay-ube , at pula , at lino at balahibo ng kambing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula , at mga balat ng poka , at kahoy na akasia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Langis sa ilawan , mga espesia sa langis na pangpahid , at sa mabangong pangsuob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mga batong onix , at mga batong pangkalupkop sa efod , at sa pektoral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang igawa ako ng isang santuario ; upang ako&apos;y makatahan sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo , sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia : na may dalawang siko&apos;t kalahati ang haba niyaon , at may isang siko&apos;t kalahati ang luwang niyaon , at may isang siko&apos;t kalahati ang taas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iyong babalutin ng taganas na ginto ; sa loob at sa labas ay iyong babalutin , at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto , at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon , at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon , at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya , sa mga tagiliran ng kaban , upang mabuhat ang kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban : hindi aalisin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At gagawa ka ng isang luklukan ng awa , na taganas na ginto : na may dalawang siko&apos;t kalahati ang haba niyaon , at may isang siko&apos;t kalahati ang luwang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At gagawa ka ng dalawang querubing ginto ; na yari sa pamukpok iyong gagawin , sa dalawang dulo ng luklukan ng awa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo , at ang isang querubin sa kabilang dulo : kaputol ng luklukan ng awa , gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas , na nilililiman ang luklukan ng awa , ng kanilang mga pakpak , na ang kanilang mukha ay nagkakaharap , sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ; at sa loob ng kaban , ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo , na aking ibibigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At diya&apos;y makikipagkita ako sa iyo , at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa , sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo , tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia : na may dalawang siko ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon , at isang siko&apos;t kalahati ang taas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iyong babalutin ng taganas na ginto , at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot , at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At igagawa mo ng apat na argolyang ginto , at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Malalapit sa gilid ang mga argolya , sa daraanan ng mga pingga , upang madala ang dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia , at iyong babalutin ng ginto , upang ang dulang ay madala ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At gagawa ka ng mga pinggan niyaon , at ng mga kutsara niyaon , at ng mga kopa niyaon , at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan ; na iyong gagawing taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto : yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero , ang tuntungan niyaon , at ang haligi niyaon ; ang mga kopa niyaon , ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon ; tatlong sanga ng kandelero&apos;y sa isang tagiliran niyaon , at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga , isang globito at isang bulaklak ; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga , isang globito at isang bulaklak ; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sa haligi ng kandelero&apos;y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro , sangpu ng mga globito niyaon , at ng mga bulaklak niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga , at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon , at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol : kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok , na taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan , na pito : at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon , upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Isang talentong taganas na ginto gagawin , sangpu ng lahat ng kasangkapang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ingatan mo , na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y gagawin mo ang tabernakulo na may sangpung tabing ; na linong pinili , at bughaw , at kulay-ube , at pula , na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa , iyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang magiging haba ng bawa&apos;t tabing ay dalawang pu&apos;t walong siko , at ang luwang ng bawa&apos;t tabing ay apat na siko : lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Limang tabing ay papagsusugpunging isa&apos;t isa ; at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong , at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing , at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong ; ang mga presilya ay magkakatapat na isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit ; at magiging isa lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo : labing isang tabing ang iyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang magiging haba ng bawa&apos;t tabing ay tatlong pung siko , at ang luwang ng bawa&apos;t tabing ay apat na siko : ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iyong papagsusugpungin ang limang tabing , at gayon din ang anim na tabing , at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkakasugpong , at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso , at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda , na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda , ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo , sa dakong ito at sa dakong yaon , upang takpan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula , at isang pangtakip na balat ng poka , sa ibabaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo , na kahoy na akasia na mga patayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla , at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa&apos;t tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa&apos;t tabla na nagkakasugpong na isa&apos;t isa : ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo : dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla , dalawang tungtungan sa bawa&apos;t tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa , at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo , sa dakong hilagaan , ay dalawang pung tabla :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak ; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla , at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa dakong hulihan ng tabernakulo , sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pagpapatungin sa dakong ibaba , at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya ; gayon ang gagawin sa dalawa ; para sa dalawang sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At magkakaroon ng walong tabla , at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan : dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla , at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At gagawa ka ng mga barakilan , na kahoy na akasia ; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo , at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan , na dakong kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla , at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan : at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon , na ipinakita sa iyo sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube , at pula at linong pinili : na may mga querubing mainam ang pagkayari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto , na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin : na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit , at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo : at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong , at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan : at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube , at pula , at linong pinili , na yari ng mangbuburda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto ; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin : at ipagbububo mo ng limang tungtungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana , na limang siko ang haba at limang siko ang luwang ; ang dambana ay gagawing parisukat : at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon : ang mga anyong sungay ay kaputol din , at iyong babalutin ng tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo , at ng mga pala , at ng mga mangkok , at ng mga pangalawit at ng mga suuban : lahat ng mga kasangkapa&apos;y gagawin mong tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari , at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana , sa dakong ibaba , upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At igagawa mo ng mga pingga ang dambana , mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga pingga niyao&apos;y isusuot sa mga argolya , at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana , pagka dinadala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok , ay gayon gagawin nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo : sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili , na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang ihahaligi doo&apos;y dalawang pu , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan , sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba , at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko : ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan , sa dakong sinisikatan ng araw , ay magkakaroon ng limangpung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko : ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tatlo rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa kabilang dako&apos;y magkakaroon ng mga tabing na ma&apos;y labing limang siko : ang mga haligi ng mga yao&apos;y tatlo , at ang mga tungtungan ng mga yao&apos;y tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko , na ang kayo&apos;y bughaw , at kulay-ube , at pula , at kayong linong pinili , na yari ng mangbuburda : ang mga haligi ng mga yao&apos;y apat , at ang mga tungtungan ng mga yao&apos;y apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak ; ang mga sima ng mga yaon ay pilak , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko , at ang luwang ay limang pu magpasaan man , at ang taas ay limang siko , kayong linong pinili , at ang mga tuntungan ay tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lahat ng mga kasangkapan ng tabernakulo , sa buong paglilingkod doon , at lahat ng mga tulos niyaon , at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila&apos;y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan , upang papagningasing palagi ang ilawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo , ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon : magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ilapit mo sa iyo si Aarong iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya , mula sa gitna ng mga anak ni Israel , upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote , si Aaron , si Nadab at si Abiu , si Eleazar at si Ithamar , na mga anak ni Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At igagawa mo ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid sa ikaluluwalhati at ikagaganda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sasalitain sa lahat ng matalino , na aking pinagpupuspos ng diwa ng karunungan , na kanilang gawin ang kasuutan ni Aaron , upang siya&apos;y italaga , na siya&apos;y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin ; isang pektoral , at isang epod , at isang balabal , at isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat , isang mitra at isang pamigkis : at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid , at ang kaniyang mga anak , upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kukuha sila ng ginto , at ng kayong bughaw , at ng kulay-ube , at ng pula , at ng lino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kanilang gagawin ang epod na ginto , at kayong bughaw , at kulay-ube , pula , at linong pinili , na yari ng bihasang mangbuburda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magkakaroon ng dalawang pangbalikat na nagkakasugpong sa dalawang dulo niyaon ; upang magkasugpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mainam na pagkayaring pamigkis na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis , ay gagawing gaya ng pagkayari ng epod at kaputol , na ginto , kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kukuha ka ng dalawang batong onix , at iyong iuukit na limbag sa ibabaw ng mga yaon ang mga pangalan ng mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Anim sa kanilang mga pangalan ay sa isang bato , at ang mga pangalan ng anim na natitira ay sa isang bato , ayon sa kanilang kapanganakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nayari ng manguukit sa bato , na gaya ng ukit ng isang panatak , iyong iuukit sa dalawang bato , ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel : iyong gagawing napamumutihan ng mga kalupkop na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iyong ilalagay ang dalawang bato sa ibabaw ng pangbalikat ng epod , upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel : at papasanin ni Aaron ang kanilang mga pangalan sa harap ng Panginoon , sa ibabaw ng kaniyang dalawang balikat , na pinakaalaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At gagawa ka ng mga kalupkop na ginto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ng dalawang tanikalang taganas na ginto ; parang pisi iyong gagawin na yaring pinili : at iyong ilalapat sa mga kalupkop ang mga tanikalang pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At gagawin mo ang pektoral ng kahatulan , na gawa ng bihasang manggagawa ; na gaya ng pagkayari ng epod iyong gagawin ; gagawin mo na ginto , na bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gagawing parisukat at nakatiklop ; isang dangkal magkakaroon ang haba niyaon , at isang dangkal ang luwang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iyong kakalupkupan ng mga kalupkop na mga bato , apat na hanay na bato : isang hanay na sardio , topacio , at karbungko ang magiging unang hanay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang ikalawang hanay , ay isang esmeralda , isang zapiro , at isang diamante ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang ikatlong hanay ay isang hasinto , isang agata , at isang amatista ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang ikaapat na hanay ay isang berilo , isang onix , at isang haspe : pawang pamumutihan ng ginto sa kanilang mga kalupkop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga bato ay iaayos sa mga pangalan ng mga anak ni Israel ; labingdalawa , ayon sa mga pangalan nila ; gaya ng ukit ng isang panatak , bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kanilang pangalan , na magiging ukol sa labing dalawang lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At gagawa ka sa ibabaw ng pektoral ng mga tanikalang parang pisi , yaring pinili , na taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At igagawa mo ang ibabaw ng pektoral ng dalawang singsing na ginto , at ilalagay mo ang dalawang singsing sa dalawang sulok ng itaas ng pektoral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At inyong ilalagay ang dalawang pinising tanikalang ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang dalawang dulo ng dalawang tanikala ng pinili ay iyong ilalapat sa dalawang kalupkop , at iyong mga ilalagay sa mga pangbalikat ng epod , sa harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto , at mga ilalagay mo sa dalawang sulok ng pektoral sa laylayan niyaon na nasa dakong kabaligtaran ng epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto , at iyong mga ikakapit sa dalawang pangbalikat ng epod , sa dakong ibaba , sa harapan , na malapit sa pagkakasugpong sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kanilang itatali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing niyaon sa mga singsing ng epod ng isang taling bughaw , upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod , at upang ang pektoral ay huwag makalag sa epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At dadalhin ni Aaron sa kaniyang sinapupunan ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya&apos;y pumapasok sa dakong banal , na pinakaalaala sa harap ng Panginoon , na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ilalagay mo sa pektoral ng kahatulan ang Urim at ang Tummim at mga ilalagay sa sinapupunan ni Aaron , pagka siya&apos;y pumapasok sa harap ng Panginoon at dadalhing palagi ni Aaron sa harap ng Panginoon ang kahatulan sa mga anak ni Israel na nasa kaniyang sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At gagawin mo ang balabal ng epod na taganas na bughaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At magkakaroon ng isang pinakaleeg sa gitna niyaon : magkakaroon ito ng isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg , gaya ng butas ng isang koselete , upang huwag mapunit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang saya niyaon ay igagawa mo ng mga granadang bughaw , at kulay-ube , at pula , sa palibot ng saya niyaon ; at ng mga kampanilyang ginto sa gitna ng mga yaon sa palibot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Isang kampanilyang ginto at isang granada , isang kampanilyang ginto at isang granada sa saya sa ibaba ng balabal sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At isusuot ni Aaron upang mangasiwa : at ang tunog niyao&apos;y maririnig pagka siya&apos;y pumapasok sa dakong banal sa harap ng Panginoon , at pagka siya&apos;y lumalabas , upang siya&apos;y huwag mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At gagawa ka ng isang laminang taganas na ginto , at doo&apos;y isusulat mong ukit na ayon sa ukit ng isang panatak , Banal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At iyong ilalagay sa isang listong bughaw , at malalagay sa ibabaw ng mitra ; sa ibabaw ng harapan ng mitra malalagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At malalagay sa noo ni Aaron , at dadalhin ni Aaron ang kasamaan ng mga banal na bagay , na pakakabanalin ng mga anak ni Israel sa lahat nilang mga banal na kaloob ; at malalagay na palagi sa kaniyang noo , upang tanggapin sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At iyong hahabihin ang kasuutan na anyong parisukat , na lino , at iyong gagawin ang mitra na lino , at iyong gagawin ang pamigkis na yari ng mangbuburda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At iyong igagawa ang mga anak ni Aaron ng mga kasuutan , at iyong igagawa sila ng mga pamigkis , at iyong igagawa sila ng mga tiara sa ikaluluwalhati at ikagaganda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At iyong isusuot kay Aarong iyong kapatid at sa kaniyang mga anak na kasama niya ; at iyong papahiran ng langis sila , at iyong itatalaga sila , at iyong papagbanalin sila , upang sila&apos;y makapangasiwa sa akin , sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At iyong igagawa sila ng mga salawal na lino , upang takpan ang laman ng kanilang kahubaran ; mula sa mga balakang hanggang sa mga hita aabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At isusuot ni Aaron at ng kaniyang mga anak , pagka sila&apos;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan , o pagka sila&apos;y lumalapit sa dambana upang mangasiwa sa dakong banal ; upang sila&apos;y huwag magdala ng kasamaan , at huwag mamatay : magiging isang palatuntunang walang hanggan sa kaniya at sa kaniyang binhi pagkamatay niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila , upang sila&apos;y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote : kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinapay na walang lebadura , at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis , at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis : na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong isisilid sa isang bakol , at dadalhin mo na nasa bakol , sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at iyong huhugasan sila ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iyong kukunin ang mga kasuutan , at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya , at ang balabal ng epod , at ang epod , at ang pektoral , at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo , at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Saka mo kukunin ang langis na pangpahid , at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo , at papahiran mo ng langis siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak , at susuutan mo ng mga tunika sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis , si Aaron at ang kaniyang mga anak , at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo : at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi : at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan : at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kukuha ka ng dugo ng toro , at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka , at ang mga lamak ng atay , at ang dalawang bato , at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon , at susunugin mo sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t ang laman ng toro , at ang balat , at ang dumi ay iyong susunugin sa apoy sa labas ng kampamento : handog nga dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa ; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong papatayin ang lalaking tupa , at iyong kukunin ang dugo , at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka , at ang mga hita , at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana : handog na susunugin nga sa Panginoon ; pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon , na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kukunin mo ang isang tupa ; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Saka mo papatayin ang tupa , at kukunin mo ang dugo , at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron , at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak , at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay , at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa , at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana , at ng langis na pangpahid , at iwiwisik mo kay Aaron , at sa kaniyang mga suot , at sa kaniyang mga anak na kasama niya : at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot , at ng kaniyang mga anak , at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba , at ang matabang buntot , at ang tabang nakababalot sa mga bituka , at ang mga lamak ng atay , at ang dalawang bato , at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon , at ang kanang hita ( sapagka&apos;t isang lalaking tupa na itinalaga ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At isang malaking tinapay , at isang munting tinapay na nilangisan , at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iyong ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron , at sa mga kamay ng kaniyang mga anak ; at iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At iyong kukunin sa kanilang mga kamay , at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin , na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon : handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kukunin mo ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron , at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon : at magiging iyong bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iyong ihihiwalay ang dibdib ng handog na niluglog , at ang hita ng handog na itinaas , ang niluglog at ang itinaas , ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak , na pinaka bahagi magpakailan man , na mula sa mga anak ni Israel : sapagka&apos;t isang handog na itinaas : at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel , na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan : na dili iba&apos;t kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak , pagkamatay niya , upang pahiran ng langis sa mga yaon , at upang italaga sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pitong araw na isusuot ng anak na magiging saserdote nakahalili niya , pagka siya&apos;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa , at ang tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kanilang kakanin ang mga bagay na yaon , na ipinangtubos ng sala , upang italaga at pakabanalin sila : datapuwa&apos;t hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa , sapagka&apos;t mga bagay na banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kung may lumabis sa laman na itinalaga , o sa tinapay , hanggang sa kinaumagahan , ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis : hindi kakanin , sapagka&apos;t yao&apos;y banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ganito mo gagawin kay Aaron , at sa kaniyang mga anak , ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo : pitong araw na iyong itatalaga sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At araw-araw ay maghahandog ka ng toro na pinakahandog , dahil sa kasalanan na pinakapangtubos : at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon ; at iyong papahiran ng langis upang pakabanalin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana , at iyong pakakabanalin ; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan ; anomang masagi sa dambana ay magiging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ito nga ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana : dalawang kordero ng unang taon araw-araw na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga ; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo ; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak , ay pinakahandog na inumin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon , at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga , at ayon sa inuming handog niyaon , na pinaka masarap na amoy , na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Magiging isang palaging handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , sa harap ng Panginoon ; na aking pakikipagkitaan sa inyo , upang makipagusap ako roon sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At doo&apos;y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel : at ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan , at ang dambana ; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At ako&apos;y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel , at ako&apos;y magiging kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At kanilang makikilala , na ako ang Panginoon nilang Dios , na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto , upang ako&apos;y tumahan sa gitna nila : ako ang Panginoon nilang Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan : na kahoy na akasia iyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isang siko magkakaroon ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon ; parisukat nga : at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon : ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon , at ang mga tagiliran niyaon sa palibot , at ang mga sungay niyaon ; at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa , sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin ; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia , at iyong babalutin ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo , sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo , na aking pakikipagtagpuan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia : tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan , ay susunugin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon , ay kaniyang susunugin , na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon , sa buong panahon ng inyong mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon , o ng handog na susunugin , o ng handog na harina man : at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana , minsan sa isang taon : kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon , ng dugo ng handog dahil sa kasalanan , sa buong panahon ng inyong mga lahi : kabanal-banalan nga sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagbilang mo sa mga anak ni Israel , ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa&apos;t isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon , pagka iyong binibilang sila ; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang kanilang ibibigay , bawa&apos;t maraanan sa kanila na nangabibilang : kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario : ( ang isang siklo ay dalawang pung gera ) : kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bawa&apos;t maraanan sa kanila na nangabibilang , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , ay magbibigay ng handog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit , at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo , pagbibigay nila ng handog sa Panginoon , upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi , at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan ; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon , upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso , at ang tungtungan ay tanso , upang paghugasan : at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagka sila&apos;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan , ay maghuhugas sila ng tubig , upang sila&apos;y huwag mamatay , o pagka sila&apos;y lumalapit sa dambana na mangasiwa , upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay : at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila , sa kaniya at sa kaniyang binhi , sa buong panahon ng kanilang mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bukod dito&apos;y nagsalita ang Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia , ng taganas na mira ay limang daang siklo , at ng mabangong kanela ay kalahati nito , dalawang daan at limang pu ; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ng kasia , limang daan , ayon sa siklo ng santuario , at ng langis ng oliva ay isang hin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At iyong gagawing banal na langis na pangpahid , isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango : siya ngang magiging banal na langis na pangpahid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan , at ang kaban ng patotoo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang dulang , at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon , at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon , at ang dambanang suuban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan , at ang hugasan at ang tungtungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan : lahat ng makahipo sa mga yao&apos;y magiging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak , at iyong papagbabanalin sila , upang sila&apos;y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel , na iyong sasabihin , Ito&apos;y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos , ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha : banal nga at aariin ninyong banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinomang kumatha ng gaya niyan , o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa , ay ihihiwalay sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Magdala ka ng mababangong espesia , estacte , at onycha , at galbano ; mabangong espesia na may taganas na kamangyan : na magkakaisa ng timbang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At iyong gagawing kamangyan , na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango , na tinimplahan ng asin , na pulos at banal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo , sa loob ng tabernakulo ng kapisanan na aking pakikipagtagpuan sa iyo : aariin ninyong kabanalbanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang kamangyan na inyong gagawin , ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo : aariin mong banal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sinomang gumawa ng gaya niyan , upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , sa lipi ni Juda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios , sa karunungan at pagkakilala , at kaalaman , at sa lahat ng sarisaring gawain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya , upang gumawa sa ginto , at sa pilak , at sa tanso ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At upang umukit ng mga batong pangkalupkop , upang gumawa ng mga nililok na kahoy , at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ako , narito , aking inihalal na kasama niya si Aholiab , na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan ; at sa puso ng lahat na maalam na puso , ay aking isinilid ang karunungan , upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang tabernakulo ng kapisanan at ang kaban ng patotoo , at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon , at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay , sangpu ng lahat na mga sisidlan ; at ang dambana ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon , at ang hugasan at ang tungtungan niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga kasuutang mabuting yari , at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote , at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak , upang mangasiwa sa katungkulang saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang langis na pangpahid , at ang kamangyan na mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal : ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang Panginoo&apos;y nagsalita kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Salitain mo rin sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath ; sapagka&apos;t isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi , upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Inyong ipangingilin ang sabbath nga ; sapagka&apos;t yao&apos;y pangilin sa inyo : bawa&apos;t lumapastangan ay walang pagsalang papatayin : sapagka&apos;t sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon , ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anim na araw na gagawin ang gawain ; datapuwa&apos;t ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan , pangilin sa Panginoon : sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath , ay walang pagsalang papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath , na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi , na pinakapalaging tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ito&apos;y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man : sapagka&apos;t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa , at sa ikapitong araw , ay nagpahinga at naginhawahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang ibinigay kay Moises , pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai , ang dalawang tapyas ng patotoo , na mga tapyas na bato , na sinulatan ng daliri ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok , ay nagpipisan ang bayan kay Aaron , at nagsabi sa kaniya , Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin ; sapagka&apos;t tungkol sa Moises na ito , na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto , ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Aaron sa kanila , Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto , na nasa tainga ng inyo-inyong asawa , ng inyong mga anak na lalake , at babae , at dalhin ninyo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga , at dinala kay Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay , at niyari sa pamamagitan ng isang buril , at ginawang isang guyang binubo , at kanilang sinabi , Ang mga ito ang maging iyong mga dios , Oh Israel , na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang makita ito ni Aaron , ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon : at itinanyag ni Aaron at sinabi , Bukas ay pista sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y bumangong maaga nang kinabukasan , at naghandog ng mga handog na susunugin , at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan ; at ang bayan ay umupong kumain at uminom , at tumindig upang magkatuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinalita ng Panginoon kay Moises , Yumaon ka , bumaba ka , sapagka&apos;t ang iyong bayan , na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila : sila&apos;y gumawa ng isang guyang binubo , at kanilang sinamba , at kanilang hinainan , at kanilang sinabi , Ang mga ito&apos;y iyong maging mga dios , Oh Israel , na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Aking nakita ang bayang ito , at , narito , isang bayang may matigas na ulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayo&apos;y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila , at upang aking lipulin sila : at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios , at sinabi , Panginoon , bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan , na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bakit sasalitain ng mga Egipcio , na sasabihin , Dahil sa kasamaan , inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok , at upang lipulin sila sa balat ng lupa ? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit , at pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Alalahanin mo si Abraham , si Isaac , at si Israel na iyong mga lingkod , na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili , at mga pinagsabihan , Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit , at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi , at kanilang mamanahin magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Moises ay pumihit , at bumaba sa bundok , na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay ; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon ; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga tapyas ay gawa ng Dios , at ang sulat ay sulat ng Dios , na nakaukit sa mga tapyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw , ay sinabi kay Moises , May ingay ng pagbabaka sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang sinabi , Hindi ingay ng pagtatagumpay , o ingay man ng pagkatalo , kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangyari paglapit niya sa kampamento , na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan ; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa , at sinunog ng apoy , at giniling hanggang sa naging alabok , at isinaboy sa ibabaw ng tubig , at ipinainom sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Moises kay Aaron , Anong ginawa ng bayang ito sa iyo , na dinalhan mo sila ng isang malaking sala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Aaron , Huwag maginit ang galit ng aking panginoon : iyong kilala ang bayan , na sila&apos;y mahilig sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t kanilang sinabi sa akin , Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin : sapagka&apos;t tungkol sa Moises na ito , na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At aking sinabi sa kanila , Sinomang may ginto , ay magalis ; na anopa&apos;t kanilang ibinigay sa akin : at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala ; sapagka&apos;t pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento , at nagsabi , Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin . At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi niya sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Ipatong ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita , at yumaon kayong paroo&apos;t parito sa mga pintuang-daan , sa buong kampamento , at patayin ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang kapatid na lalake , at ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang kasama , at ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises : at nabuwal sa bayan ng araw na yaon , ang may tatlong libong katao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Moises , Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon , oo , bawa&apos;t lalake laban sa kaniyang anak na lalake , at laban sa kaniyang kapatid na lalake , upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari ng kinabukasan , na sinabi ni Moises sa bayan , Kayo&apos;y nagkasala ng malaking kasalanan : at ngayo&apos;y sasampahin ko ang Panginoon ; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At bumalik si Moises sa Panginoon , at nagsabi , Oh , ang bayang ito&apos;y nagkasala ng malaking kasalanan , at gumawa sila ng mga dios na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Gayon ma&apos;y ngayon , kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan ; at kung hindi , ay alisin mo ako , isinasamo ko sa iyo , sa iyong aklat na sinulat mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ngayo&apos;y yumaon ka , iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo : narito , ang aking anghel ay magpapauna sa iyo : gayon ma&apos;y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan , sapagka&apos;t kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , Yumaon ka , sumampa ka mula rito , ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto , na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , na aking sinasabi , Sa iyong binhi ay aking ibibigay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo : at aking palalayasin ang Cananeo , ang Amorrheo , at ang Hetheo , at ang Pherezeo , ang Heveo , at ang Jebuseo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot : sapagka&apos;t hindi ako sasampa sa gitna mo ; sapagka&apos;t ikaw ay bayang may matigas na ulo ; baka ikaw ay aking lipulin sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito , ay nanangis sila : at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo sa mga anak ni Israel , Kayo&apos;y isang bayang may matigas na ulo : kung ako&apos;y sumampa sa gitna mo na sangdali , ay lilipulin kita : kaya&apos;t ngayo&apos;y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento , na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon , Tabernakulo ng kapisanan . At nangyari na bawa&apos;t magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan , na nasa labas ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda , na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo , bawa&apos;t lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari , pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba , na bawa&apos;t isa&apos;y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan , gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan . At siya&apos;y bumabalik uli sa kampamento , datapuwa&apos;t ang kaniyang tagapangasiwang si Josue , na anak ni Nun , na may kabataan pa , ay hindi umaalis sa Tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Moises sa Panginoon , Tingnan mo , iyong sinasabi sa akin : Isampa mo ang bayang ito : at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko . Gayon ma&apos;y iyong sinabi , Aking nakikilala ka sa pangalan , at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , na kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan , upang ikaw ay aking makilala , na ano pa&apos;t ako&apos;y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin : at akalain mo , na ang bansang ito ay iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi , Ako&apos;y sasa iyo , at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kaniya , Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t saan ngayon makikilala na ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ako at ang iyong bayan ? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin , upang kami ay maging bukod , ako at ang iyong bayan , sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita : sapagka&apos;t ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin , at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Moises , Ipakita mo sa akin , idinadalangin ko sa iyo , ang iyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang sinabi , Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo , at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo ; at ako&apos;y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban , at ako&apos;y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang sinabi , Hindi mo makikita ang aking mukha : sapagka&apos;t hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng Panginoon , Narito , may isang dako sa tabi ko , at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At mangyayari , na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan , na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato , at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako&apos;y makaraan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking aalisin ang aking kamay , at iyong makikita ang aking likod : datapuwa&apos;t ang aking mukha ay hindi makikita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una : at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas , na iyong sinira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iyong ihanda sa kinaumagahan , at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin sa taluktok ng bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo , o makikita ang sinomang tao sa buong bundok ; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una ; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan , at sumampa sa bundok ng Sinai , gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya , at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang Panginoon ay bumaba sa ulap , at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Panginoo&apos;y nagdaan sa harap niya , na itinanyag , Ang Panginoon , ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kaawaan at katotohanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo , na nagpapatawad ng kasamaan , at ng pagsalangsang , at ng kasalanan : at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin ; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak , at sa mga anak ng mga anak , hanggang sa ikatlo at ika apat na salin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagmadali si Moises , at itinungo ang kaniyang ulo sa lupa , at sumamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinabi , Kung ngayo&apos;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , Oh Panginoon , ay ipahintulot nawa ng Panginoon , isinasamo ko sa iyo , na pasa gitna namin ; sapagka&apos;t isang bayang may matigas na ulo ; at ipatawad mo ang aming kasamaan , at ang aming kasalanan , at ariin mo kaming iyong mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinabi , Narito , ako&apos;y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at gagawa ako ng mga kababalaghan , na kailan ma&apos;y hindi ginawa sa buong lupa , o sa alin mang bansa : at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon , sapagka&apos;t kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito : narito , aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo , at ang Cananeo , at ang Hetheo , at ang Pherezeo , at ang Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Magingat ka , na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan , baka maging isang silo sa gitna mo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana , at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t hindi ka sasamba sa ibang dios : sapagka&apos;t ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin ; ay mapanibughuin ngang Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Magingat ka ; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain , at sila&apos;y sumunod sa kanilang mga dios , at magsipaghain sa kanilang mga dios , at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae , at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin . Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo , sa takdang panahon sa buwan ng Abib : sapagka&apos;t sa buwan ng Abib , ay umalis ka sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin ; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake , ang panganay ng baka at ng tupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero : at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg . Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin . At walang lalapit sa harapan ko na walang dala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Anim na araw na gagawa ka , nguni&apos;t sa ikapitong araw ay magpapahinga ka : sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo , ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo , at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios , na Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo , at aking palalaparin ang iyong mga hangganan : at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain , pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios , na makaitlo sa isang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin , na kasabay ng tinapay na may lebadura ; o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios . Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Isulat mo ang mga salitang ito : sapagka&apos;t ayon sa tunog ng mga salitang ito , ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y natira doong kasama ng Panginoon , na apat na pung araw at apat na pung gabi ; hindi man lamang siya kumain ng tinapay , o uminom man ng tubig . At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan , ang sangpung utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai , na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya , noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises , narito , ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag ; at sila&apos;y natakot na lumapit sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At tinawag sila ni Moises ; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya : at si Moises ay nagsalita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pagkatapos , ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit ; at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya , ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya&apos;y makalabas ; at siya&apos;y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises , na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag : at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha , hanggang sa siya&apos;y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel , at sinabi sa kanila , Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon , na inyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anim na araw na gagawa , datapuwa&apos;t ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo , isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon : sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinalita ni Moises , sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , na sinasabi , Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon ; sinomang may kusang loob , ay magdala ng handog sa Panginoon ; ginto , at pilak , at tanso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at lino , at balahibo ng kambing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At mga balat ng tupang lalake na tininang pula , at mga balat ng poka , at kahoy na akasia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At langis na pangilawan , at mga espesia sa langis na pangpahid , at sa mabangong kamangyan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mga batong onix , at mga batong pangkalupkop , na pang-epod , at pangpektoral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pumarito ang bawa&apos;t matalino sa inyo , at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang tabernakulo , ang tolda niyan , at ang takip niyan , ang mga kawit niyan , at ang mga tabla niyan , ang mga barakilan niyan , ang mga haligi niyan , at ang mga tungtungan niyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kaban , at ang mga pingga niyan , ang luklukan ng awa , at ang lambong ng tabing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang dulang at ang mga pingga niyan , at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang kandelero rin naman na pangilaw , at ang mga kasangkapan niyan , at ang mga ilawan niyan , at ang langis na pangilawan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan , at ang langis na pangpahid , at ang mabangong kamangyan , at ang tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang dambana ng handog na susunugin , sangpu ng salang tanso niyan , at lahat ng mga kasangkapan niyan , ang hugasan at ang tungtungan niyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga tabing sa looban , ang mga haligi niyan , at ang mga tungtungan ng mga iyan , at ang tabing sa pintuan ng looban ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga tulos ng tabernakulo , at ang mga tulos ng looban , at ang mga panali ng mga iyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal , ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote , at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak , upang mangasiwa sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y lumapit , lahat ng tao na napukaw ang kalooban , at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa , at nagdala ng panghandog sa Panginoon , sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan , at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y naparoon , mga lalake at mga babae , yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob , at nagdala ng mga espile , at ng mga hikaw , at ng mga singsing na panatak , at ng mga pulsera , ng madlang hiyas na ginto ; sa makatuwid baga&apos;y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At bawa&apos;t taong may kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at lino , at balahibo ng mga kambing , at balat ng mga tupa na tininang pula , at ng mga balat ng poka , ay nangagdala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso , ay nagdala ng handog sa Panginoon : at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay , at dinala ang kanilang mga hinabi , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at lino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban , sa karunungan , ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix , at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod , at sa pektoral ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ng mga espesia , at ng langis ; na pangilawan , at langis na pangpahid , at pangmabangong kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon ; bawa&apos;t lalake at babae , na ang puso&apos;y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain , na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel , Tingnan ninyo , tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , sa lipi ni Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios , tungkol sa karunungan , sa pagkakilala , at sa kaalaman , at sa lahat ng sarisaring gawain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya , na gumawa sa ginto , at sa pilak , at sa tanso ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop , at sa pagukit sa kahoy , na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At isinapuso niya ang katalinuhan , na siya&apos;y makapagturo , siya at gayon din si Aholiab , na anak ni Ahisamac , sa lipi ni Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sila&apos;y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa , ng taga-ukit , at tagakatha , at ng mangbuburda sa kayong bughaw , at sa kulay-ube , sa pula , at sa lino , at ng manghahabi , ng mga gumagawa ng anomang gawain , at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa , at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario , ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab , at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso , lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario , upang gawin . At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino , na gumagawa ng lahat na gawa , sa santuario , na bawa&apos;t isa&apos;y mula sa kaniyang gawain na ginagawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y nagsalita kay Moises , na nagsasabi , Ang baya&apos;y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod , na iniutos gawin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi , Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario . Na ano pa&apos;t sinangsala na ang bayan sa pagdadala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin , at higit pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa , ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing , na linong pinili , at kayong bughaw , at kulay-ube , at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang haba ng bawa&apos;t tabing ay dalawang pu&apos;t walong siko , at ang luwang ng bawa&apos;t tabing ay apat na siko : lahat ng tabing ay magkakaisang sukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinapagsugpong na isa&apos;t isa ang limang tabing : at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing , sa gilid ng pagkakasugpong : gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing , at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong : ang mga presilya ay nagkakatapat na isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y gumawa ng limangpung kawit na ginto , at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa&apos;y sa isa , sa pamamagitan ng mga kawit : sa gayo&apos;y naging isa ang tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo : labing isang tabing ang ginawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang haba ng bawa&apos;t tabing ay tatlong pung siko , at apat na siko ang luwang ng bawa&apos;t tabing ; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing , sa dulo ng pagkakasugpong , at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda , upang maging isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula , at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia , na pawang patayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sangpung siko ang haba ng isang tabla , at isang siko&apos;t kalahati ang luwang ng bawa&apos;t tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bawa&apos;t tabla&apos;y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa&apos;t isa : gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo ; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla : dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa ; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan , ay gumawa siya ng dalawang pung tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak ; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla , at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa dakong hulihan ng tabernakulo , sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas , sa isang argolya ; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At mayroong walong tabla , at ang mga tungtungang pilak , ay labing anim na tungtungan ; sa ilalim ng bawa&apos;t tabla ay dalawang tungtungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia ; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo , at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla , mula sa isang dulo hanggang sa kabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto , at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan , at binalot ang mga barakilan ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia , at pinagbalot ng ginto : ang kanilang mga sima ay ginto rin : at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , linong pinili , na yari ng mangbuburda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima : at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto ; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kahoy na akasia ang ginawang kaban ni Bezaleel : na may dalawang siko&apos;t kalahati ang haba niyaon , at may isang siko&apos;t kalahati ang luwang niyaon , at may isang siko&apos;t kalahati ang taas niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas , at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto , sa apat na sulok niyaon ; sa makatuwid baga&apos;y dalawang argolya sa isang tagiliran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia , at pinagbalot ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At isinuot ang mga pingga sa mga argolya , sa mga tagiliran ng kaban , upang mabuhat ang kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto : na may dalawang siko at kalahati ang haba , at may isang siko&apos;t kalahati ang luwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y gumawa ng dalawang querubing ginto ; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Isang querubin sa isang dulo , at isang querubin sa kabilang dulo : na kaputol ng luklukan ng awa , ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas , na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa , na nagkakaharap ang kanilang mga mukha ; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia ; na may dalawang siko ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon , at isang siko&apos;t kalahati ang taas niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At binalot niya ng taganas na ginto , at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot , at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto , at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Malapit sa gilid ang mga argolya , na daraanan ng mga pingga , upang mabuhat ang dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia , at pinagbalot ng ginto , upang mabuhat ang dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang , ang mga pinggan niyaon , at ang mga kutsara niyaon , at ang mga tasa niyaon , at ang mga kopa niyaon , na pagbubuhusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto : niyari niya sa pamukpuk ang kandelero , ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon ; ang mga kopa niyaon , ang mga globito niyaon , at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon ; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran , at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga , isang globito at isang bulaklak ; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga , isang globito at isang bulaklak ; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa kandelero&apos;y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro , sangpu ng mga globito niyaon , at ng mga bulaklak niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon , at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon , at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon , sapagka&apos;t ang anim na sanga ay lumalabas doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero : ang kabuoa&apos;y isa lamang putol na yari sa pamukpok , taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito , at ang mga pangipit niyaon , at ang mga pinggan niyaon , na taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya , at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia : isang siko ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon , parisukat at dalawang siko ang taas niyaon ; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon , at ang mga tagiliran niyaon sa palibot , at ang mga anyong sungay niyaon : at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa , sa dakong itaas ng dalawang panig , sa ibabaw ng dalawang panig , na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia , at mga binalot na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kaniyang ginawa ang banal na langis na pangpahid , at ang taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kaniyang ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia : limang siko ang haba niyaon , at limang siko ang luwang niyaon , parisukat ; at tatlong siko ang taas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang ginawa ang mga anyong sungay niyaon sa ibabaw ng apat na sulok niyaon ; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din : at kaniyang binalot ng tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana : ang mga kawa , at ang mga pala , at ang mga mangkok , ang mga pangalawit , at ang mga suuban lahat ng kasangkapan ay kaniyang ginawang tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang iginawa ang dambana ng isang salang tanso na ayos lambat , sa ibaba ng gilid ng dambana sa palibot niyaon , sa dakong ibaba , na umaabot hanggang sa kalahatian ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y nagbubo ng apat na argolya para sa apat na sulok ng pinakasalang tanso , sa mga dakong susuutan ng mga pingga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia , at pinagbalot ng tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang isinuot ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana , upang mabuhat ; ginawa niya ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso , at ang tungtungan niyao&apos;y tanso , na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang ginawa ang looban , sa tagilirang timugan na dakong timugan , ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga haligi ng mga yao&apos;y dalawangpu , at ang mga tungtungan ay dalawangpu , tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko , ang mga haligi ay dalawangpu , at ang mga tungtungan ay dalawangpu , tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa tagilirang kalunuran , may mga tabing na may limangpung siko , ang mga haligi ay sangpu , at ang mga tungtungan ay sangpu ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa tagilirang silanganan na dakong silanganan ay may limangpung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay may labinglimang siko ; ang mga haligi ay tatlo , at ang mga tungtungan ay tatlo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At gayon din sa kabilang dako : sa dakong ito at sa dakong yaon ng pintuang daan ng looban ay may mga tabing na tiglalabing limang siko ; ang mga haligi niyaon , ay tatlo , at ang mga tungtungan niyaon ay tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lahat ng mga tabing ng looban sa palibot , ay linong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso : ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak ; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak ; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili : at may dalawangpung siko ang haba , at ang taas sa luwang ay may limang siko , na kabagay ng mga tabing sa looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga haligi ay apat , at ang mga tungtungan ay apat , tanso ; ang mga sima ay pilak , at ang mga balot ng kapitel , at ang mga pilete ay pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At lahat ng mga tulos ng tabernakulo , at ng looban sa palibot , ay tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo , sa makatuwid baga&apos;y sa tabernakulo ng patotoo , gaya ng binilang nila , ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , sa lipi ni Juda , yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kasama niya si Aholiab , na anak ni Ahisamac , sa lipi ni Dan , na tagapagukit , at bihasang manggagawa , at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube , at sa pula , at sa lino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario , sa makatuwid baga&apos;y ang gintong handog ay dalawangpu&apos;t siyam na talento , at pitong daan at tatlongpung siklo , ayon sa siklo ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento , at isang libo&apos;t pitong daan at pitongpu&apos;t limang siklo , ayon sa siklo ng santuario :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na tigisang beka bawa&apos;t ulo , samakatuwid , kalahati ng isang siklo , ayon sa siklo ng santuario , sa bawa&apos;t isa na nasanib sa mga nabilang , magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda , sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang isang daang talentong pilak ay ginamit sa pagbububo ng mga tungtungan ng santuario , at ng mga tungtungan ng mga haligi ng lambong ; isang daang tungtungan sa isang daang talento , isang talento sa bawa&apos;t tungtungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa isang libo&apos;t pitong daan at pitong pu&apos;t limang siklo , ay naigawa ng sima ang mga haligi at binalot ang mga kapitel , at iginawa ng mga pilete .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang tansong handog ay pitongpung talento , at dalawang libo at apat na raang siklo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At siyang ipinaggawa ng mga tungtungan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at ng dambanang tanso , at ng salang tanso niyaon , at ng lahat ng kasangkapan ng dambana ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ng mga tungtungan ng looban sa palibot , at ng mga tungtungan ng pintuan ng looban , at ng lahat ng mga tulos ng dampa , at ng lahat ng mga tulos ng looban sa palibot .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , ay gumawa sila ng mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal , at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang ginawa ang epod na ginto , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto , upang itahi sa kayong bughaw , at sa kulay-ube , at sa pula , at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kanilang iginawa ng mga pangbalikat , na nagkakasugpong : sa dalawang dulo ay nagkakasugpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mainam na pagkayaring pamigkis , na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis , ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod ; na ginto , at kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , linong pinili ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto , na ayos ukit ng isang panatak , ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang ginawa ang pektoral , na gawa ng bihasang manggagawa , gaya ng pagkayari ng epod ; na ginto , at kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Parisukat ; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral : isang dangkal ang luwang niyaon , pagka nakatiklop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato : isang hanay ay sardio , topacio , at karbungko na siyang unang hanay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang ikalawang hanay , ay isang esmeralda , isang zafiro , at isang diamante .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang ikatlong hanay , ay isang jacinto , isang agata , at isang ametista .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang ikaapat na hanay ay isang berilo , isang onix , at isang jaspe ; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel , labingdalawa , ayon sa kanilang mga pangalan ; na ayos ukit ng isang panatak ; bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kaniyang pangalan , na ukol sa labingdalawang lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto , at ng dalawang singsing na ginto ; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop , at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto , at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon , na nasa dakong kabaligtaran ng epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila&apos;y gumawa ng dalawang singsing na ginto , at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba , sa may harapan , na malapit sa pagkakasugpong , sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing , sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi , na taganas na bughaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete , na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto , at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot , sa pagitan ng mga granada ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Isang kampanilya at isang granada , isang kampanilya at isang granada , sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot , upang ipangasiwa gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron , at sa kaniyang mga anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mitra na lino , at ang mga mainam na tiara na lino , at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang bigkis na linong pinili , at kayong bughaw at kulay-ube , at pula , na gawa ng mangbuburda ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto , at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak , Banal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw , upang ilapat sa ibabaw ng mitra ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan : at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises : gayon ginawa nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises , ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon , ang mga kawit , ang mga tabla , ang mga barakilan , at ang mga haligi , at ang mga tungtungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula , at ang takip na balat ng mga poka , at ang lambong ng tabing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon , at ang luklukan ng awa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang dulang , lahat ng mga sisidlan niyaon , at ang tinapay na handog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang dalisay na kandelero , ang mga ilawan niyaon , ang mga ilawan na inayos , at lahat ng mga sisidlan niyaon , at ang langis na pangilawan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang dambanang ginto , at ang langis na pangpahid , ang mabangong kamangyan , at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang dambanang tanso , at ang pinakasalang tanso , ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon , ang hugasan at ang tungtungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang mga tabing ng looban , ang mga haligi , at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban , ang mga panali , at ang mga tulos , at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo , na gamit sa tabernakulo ng kapisanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal , at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote , at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak , upang mangasiwa sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At nakita ni Moises ang lahat ng gawain , at , narito , kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa : at pinagbabasbasan ni Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo , at iyong tatabingan ang kaban ng lambong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iyong ipapasok ang dulang , at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon ; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo , at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iyong ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana , at iyong sisidlan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iyong ilalagay ang looban sa palibot , at ibibitin mo ang tabing sa pintuang daan ng looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kukuha ka ng langis na pangpahid , at papahiran mo ang tabernakulo , at lahat na nandoon , at iyong pakakabanalin , at lahat ng kasangkapan niyaon : at magiging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog , at ang lahat ng kasangkapan , at iyong pakakabanalin ang dambana : at ang dambana ay magiging kabanalbanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan , at iyong pakakabanalin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at iyong paliliguan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan ; at iyong papahiran ng langis siya , at iyong papagbanalin siya , upang siya&apos;y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak , at iyong susuutan sila ng mga kasuutan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama , upang sila&apos;y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote , at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila&apos;y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gayon ginawa ni Moises , ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya , ay gayong ginawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan , na ang tabernakulo&apos;y itinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At itinayo ni Moises ang tabernakulo , at inilagay ang mga tungtungan , at ipinatong ang mga malaking tabla , at isinuot ang mga barakilan , at itinayo ang mga haligi niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo , at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban , at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban , at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo , at inayos ang lambong ng tabing , at tinabingan ang kaban ng patotoo : gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan , sa dakong hilagaan ng tabernakulo , sa labas ng lambong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan , sa tapat ng dulang , sa tagilirang timugan ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at pinaghandugan ng handog na susunugin , at ng handog na harina ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo , ng kapisanan at ng dambana , at sinidlan ng tubig upang paghugasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak , ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Pagka sila&apos;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan , at pagka sila&apos;y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila : gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana , at iniayos ang tabing ng pintuang daan ng looban . Gayon tinapos ni Moises ang gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nang magkagayo&apos;y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan , at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan , sapagka&apos;t lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap , at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo , ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t kung ang ulap ay hindi napaiitaas , ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sapagka&apos;t ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw , at may apoy sa loob niyaon sa gabi , sa paningin ng buong lahi ng Israel , sa kanilang buong paglalakbay .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "3">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila , Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon , ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop , sa mga bakahan at sa kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan , ang ihahandog niya&apos;y isang lalake na walang kapintasan : sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya , upang tanggapin sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin ; at tatanggapin sa ikagagaling niya , upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon : at ang mga anak ni Aaron , ang mga saserdote , ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lalaplapin ang handog na susunugin , at kakatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana , at magsisipagayos ng kahoy sa apoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aayusin ng mga anak ni Aaron , na mga saserdote , ang mga pinagputolputol , ang ulo , at ang taba , sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ang mga lamang loob at ang mga paa , ay huhugasan niya ng tubig . At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin , isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan , sa mga tupa , o sa mga kambing , na pinakahandog na susunugin ; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana , sa harap ng Panginoon : at iwiwisik ng mga anak ni Aaron , na mga saserdote , ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang kakatayin pati ang ulo , at ang taba ; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig . At ihahandog ng saserdote ang kabuoan , at susunugin sa dambana : isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon , ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dadalhin ng saserdote sa dambana , at pupugutan ng ulo yaon , at susunugin sa ibabaw ng dambana ; at ang dugo&apos;y pipigain sa tabi ng dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo , at ihahagis sa tabi ng dambana , sa dakong silanganan , sa kinalalagyan ng mga abo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At babaakin na hahawakan sa mga pakpak , datapuwa&apos;t hindi pakakahatiin . At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana , sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy : isa ngang handog na susunugin , na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina , ay mainam na harina ang kaniyang iaalay ; at kaniyang bubuhusan ng langis , at lalagyan ng kamangyan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At dadalhin niya sa mga saserdote , na mga anak ni Aaron ; at siya&apos;y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis , sangpu ng buong kamangyan niyaon . At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala , na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak : kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno , ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina , na hinaluan ng langis , o mga manipis na tinapay na walang lebadura , na hinaluan ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kung ang iyong alay ay handog na harina , na luto sa kawali , ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura , na hinaluan ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong pagpuputolputulin , at bubuhusan mo ng langis : isa ngang handog na harina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal , ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito : at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kukuha ang saserdote ng handog na harina , na pinakaalaala rin niyaon , at susunugin sa ibabaw ng dambana : handog ngang pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak ; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon , na magkakalebadura : sapagka&apos;t huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog , sa Panginoon , na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon : nguni&apos;t hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At titimplahan mo ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina , ni huwag mong titiising magkulang sa iyong handog na harina ng asin ng tipan ng iyong Dios : lahat ng alay mo&apos;y ihahandog mong may asin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga , ay ihahandog mong pinakahandog na harina ng iyong pangunang bunga ay sinangag sa apoy , mga murang butil na pinipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At bubuhusan mo ng langis yaon , at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan : yaon nga&apos;y handog na harina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At susunugin ng saserdote na nakaalaala niyaon , ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis , pati ng buong kamangyan niyaon : handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kung ang kanilang alay ay haing mga handog tungkol sa kapayapaan ; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae , ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay , at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan : at iwiwisik ng mga anak ni Aaron , na mga saserdote , ang dugo sa ibabaw ng dambana , sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan , na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy ; ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon , ang nasa siping ng mga balakang , at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana , sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy ; handog ngang pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung ang kaniyang alay sa Panginoon na pinakahaing mga handog tungkol sa kapayapaan ay kinuha sa kawan ; maging lalake o babae , ay ihahandog niya na walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung isang kordero ang kaniyang ihahandog na pinakaalay niya , ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay , at papatayin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan : at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy ; ang taba niyaon , ang buong matabang buntot , ay aalisin niya sa siping ng gulugod ; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob , at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang dalawang bato , at ang tabang nasa ibabaw niyaon , na malapit sa mga balakang , at ang lamad na nasa ibabaw ng atay , ay aalisin niya na kalakip ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana : pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung kambing ang kaniyang alay ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo niyaon , at papatayin yaon sa harap ng tabernakulo ng kapisanan : at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang ihahandog niya roon na kaniyang alay , na pinakahandog sa Panginoon , na pinaraan sa apoy ; ang tabang nakatatakip ng lamang loob , lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang dalawang bato , at ang tabang nasa ibabaw , na malapit sa mga balakang , at ang lamad na nasa ibabaw ng atay , ay aalisin niya na kalakip ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana ; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy : lahat ng taba ay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi , sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin , at gagawin ng sinoman sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan , ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala , ng isang guyang toro , na walang kapintasan , na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At dadalhin niya ang toro sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon : at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro , at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang pinahiran ng langis na saserdote ay kukuha ng dugo ng toro , at dadalhin sa tabernakulo ng kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo , at magwiwisik na makapito ng dugo sa harap ng Panginoon , sa tapat ng tabing ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang saserdote ay maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon , na nasa tabernakulo ng kapisanan : at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan ; ang tabang nakakatakip sa lamang loob , at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw , na malapit sa mga balakang , at ang lamad na nasa ibabaw ng atay , ay aalisin na kalakip ng mga bato ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan : at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita , at ng lamang loob , at ng dumi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa makatuwid baga&apos;y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis , na pinagtatapunan ng mga abo , at doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy : sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung ang buong kapisanan ng Israel ay magkasala , at ang bagay ay malihim sa mga mata ng kapulungan , at sila&apos;y nakagawa ng anoman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin , at naging salarin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala , ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan , at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ipapatong ng mga matanda ng kapulungan , ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon : at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo , at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon , sa harap ng tabing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At maglalagay siya ng dugo sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana na nasa harap ng Panginoon , na nasa tabernakulo ng kapisanan , at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon , at susunugin niya sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon ang gagawin niya sa toro ; kung paano ang ginawa niya sa torong handog dahil sa kasalanan , ay gayon gagawin niya rito : at itutubos sa kanila ng saserdote , at patatawarin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ilalabas niya ang toro sa kampamento , at susunugin niya , na gaya ng pagkasunog sa unang toro : handog nga dahil sa kasalanan ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pagka ang isang pinuno ay nagkasala , at nakagawa ng hindi sinasadya sa alinman sa lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon niyang Dios na huwag gawin , at siya&apos;y naging salarin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala , ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing , at papatayin niya sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin sa harap ng Panginoon : handog nga dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri , ng dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog , at ang dugo&apos;y ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana , na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan : at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan , at siya&apos;y patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya , sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin , at maging makasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan , ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan , na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan , at papatayin ang handog dahil sa kasalanan sa lagayan ng pagsusunugan ng handog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog , at ang lahat ng dugo niyaon ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang lahat ng taba niyaon ay kaniyang aalisin , na gaya ng pagaalis ng taba sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ; at susunugin ng saserdote sa dambana na pinakamasarap na amoy sa Panginoon ; at itutubos sa kaniya ng saserdote , at siya&apos;y patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan , ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan , at papatayin na pinakahandog dahil sa kasalanan , sa pinagpapatayan ng handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo ng handog dahil sa kasalanan , at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog , at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang lahat ng taba ay kaniyang aalisin , gaya ng pagkaalis ng taba sa kordero na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ; at susunugin ng saserdote sa dambana , sa ibabaw ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy : at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan ; at siya&apos;y patatawarin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kung ang sinoman ay magkasala , sa pagkarinig niya ng tinig ng pautos , sa paraang siya&apos;y saksi maging kaniyang nakita o nalaman , kung hindi niya ihayag , ay siya nga ang magtataglay ng kasamaan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">O kung ang sinoman ay nakahipo ng alinmang bagay na karumaldumal , maging bangkay ng ganid na karumaldumal , o ng bangkay na hayop na karumaldumal , o ng bangkay ng umuusad na karumaldumal , at nalihim sa kaniya , at siya&apos;y maging karumaldumal , ay magiging makasalanan nga siya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">O kung siya&apos;y nakahipo ng karumaldumal ng tao , maging anomang karumaldumal niyaon na ikinapaging karumaldumal niya , at nalihim sa kaniya ; pagka nalaman niya ay magiging makasalanan nga siya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">O kung ang sinoma&apos;y sumumpa ng kaniyang mga labi ng walang dilidili na gumawa ng masama o gumawa ng mabuti , maging anoman na sinasalita ng tao na walang dilidili na kaakbay ang sumpa , at sa kaniya&apos;y nalihim ; pagka nalaman niya yaon , ay magiging makasalanan nga siya sa isa sa mga bagay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari , na pagka siya&apos;y magiging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito , ay kaniyang isasaysay yaong kaniyang ipinagkasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At dadalhin niya sa Panginoon ang handog niya dahil sa pagkakasala , dahil sa kasalanang pinagkasalahan niya , ay isang babae na kinuha sa kawan , isang kordero o isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan ; at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero , ay magdadala nga siya sa Panginoon , na pinakahandog niya sa pagkakasala , dahil sa ipinagkasala niya , ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati : ang isa&apos;y pinakahandog dahil sa kasalanan at ang isa&apos;y pinakahandog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y dadalhin niya sa saserdote , na ang ihahandog nito na pinakahandog dahil sa kasalanan , ay ang una at pupugutin ang ulo sa leeg , nguni&apos;t hindi papaghihiwalaying bigla :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana ; at ang labis sa dugo ay pipigain sa paanan ng dambana : handog nga dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ihahandog niya ang ikalawa na pinakahandog na susunugin ayon sa alituntunin : at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan , at siya&apos;y patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato , o ng dalawang inakay ng kalapati , ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina , na pinakahandog dahil sa kasalanan niya ; hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan ; sapagka&apos;t handog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At dadalhin niya sa saserdote , at ang saserdote ay kukuha ng kaniyang dakot sa pinaka alaala niyaon , na susunugin sa dambana ; na gaya ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy : handog nga dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At itutubos sa kaniya ng saserdote , tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan sa alinman sa mga bagay na ito , at siya&apos;y patatawarin : at ang labis ay mapapasa saserdote , gaya ng handog na harina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon ; ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan , ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong pilak , ayon sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At isasauli niya yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay , at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi , at ibibigay niya sa saserdote : at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala ; at siya&apos;y patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung ang sinoman ay magkasala , at gumawa ng alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin ; bagama&apos;t hindi niya nalalaman , makasalanan din siya at magtataglay siya ng kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y magdadala sa saserdote ng isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan ayon sa iyong pagkahalaga na pinakahandog dahil sa pagkakasala ; at itutubos sa kaniya ng saserdote , tungkol sa bagay na pinagkamalian niya ng di sinasadya , at hindi niya nalalaman , at siya&apos;y patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Yaon nga&apos;y handog dahil sa pagkakasala : tunay ngang siya&apos;y makasalanan sa harap ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung ang sinoman ay magkasala , at sumuway sa Panginoon , na magbulaan sa kaniyang kapuwa tungkol sa isang habilin , o sa isang sanla , o sa nakaw , o pumighati sa kaniyang kapuwa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">O nakasumpong ng nawala , at ipagkaila at sumumpa ng kasinungalingan ; sa alin man sa lahat ng ito na ginawa ng tao ng pinagkakasalahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ay mangyayari nga , na kung siya&apos;y nagkasala at naging salarin , na isasauli niya ang ninakaw , o ang nakuha sa pagpighati , o ang habiling inihabilin sa kaniya , o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan ; na isasauli niyang buo , at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon : sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya&apos;y may kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At dadalhin niya sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala , isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan , ayon sa iyong pagkahalaga , at ibibigay sa saserdote na pinakahandog dahil sa pagkakasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon ; at siya&apos;y patatawarin tungkol sa alin mang kaniyang nagawa , na kaniyang pinagkasalahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iutos mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak , na iyong sabihin , Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin : ang handog na susunugin ay malalagay sa ibabaw ng pinagsusunugan sa ibabaw ng dambana , buong gabi hanggang umaga ; at ang apoy sa dambana ay papananatilihing nagniningas doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At isusuot ng saserdote ang kaniyang kasuutang lino , at ang kaniyang mga salawal na kayong lino at itatakip niya sa kaniyang katawan ; at dadamputin niya ang mga abo ng handog na susunugin na sinunog sa apoy sa ibabaw ng dambana , at ilalagay niya sa tabi ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot , at magbibihis ng ibang mga kasuutan , at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang apoy sa ibabaw ng dambana ay papananatilihing nagniningas doon , hindi papatayin ; at ang saserdote ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw niyaon tuwing umaga : at aayusin niya sa ibabaw niyaon ang handog na susunugin , at susunugin sa ibabaw niyaon ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang apoy ay papananatilihing nagniningas sa ibabaw ng dambana ; hindi papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ito ang kautusan tungkol sa handog na harina : ihahandog ng mga anak ni Aaron sa harap ng Panginoon , sa harap ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kukuha siya niyaon ng kaniyang dakot , ng mainam na harina sa handog na harina , at ng langis niyaon , at ng lahat na kamangyan , na nasa ibabaw ng handog na harina , at kaniyang susunugin sa ibabaw ng dambana , na pinakamasarap na amoy , na alaala niyaon sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang labis sa handog ay kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak : walang lebadurang kakanin sa dakong banal ; sa looban ng tabernakulo ng kapisanan kakanin nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi lulutuing may lebadura . Aking ibinigay sa kanilang pinakabahagi nila , sa mga handog sa akin na pinaraan sa apoy ; kabanalbanalang bagay nga , na gaya ng handog dahil sa kasalanan , at gaya ng handog dahil sa pagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bawa&apos;t lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na pinakabahagi nila magpakailan man , sa buong panahon ng inyong lahi , sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy ; sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang alay ni Aaron at ng kaniyang mga anak na kanilang ihahandog sa Panginoon sa araw na siya&apos;y pahiran ng langis ; ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina , na pinakahandog na harina magpakailan man , ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa kawali ihahandang may langis ; pagkatigmak niyaon dadalhin mo : lutong putolputol na ihaharap mo ang handog na harina na pinaka masarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang saserdoteng pinahiran ng langis na mahahalili sa kaniya , na mula sa gitna ng kaniyang mga anak ay maghahandog niyaon : ayon sa palatuntunang walang hanggan ay susunuging lahat sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At bawa&apos;t handog na harina ng saserdote ay susunuging lahat : hindi kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak , na sabihin , Ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa kasalanan : sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa kasalanan , sa harap ng Panginoon ; kabanalbanalang bagay nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon : sa dakong banal kakanin , sa looban ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Anomang humipo ng laman niyaon ay magiging banal : at pagka pumilansik ang dugo sa alin mang damit , ay lalabhan mo yaong napilansikan sa dakong banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t ang sisidlang lupa na pinaglutuan ay babasagin : at kung niluto sa sisidlang tanso ay lilinisin at babanlawan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Bawa&apos;t lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon : bagay ngang kabanalbanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At hindi kakanin ang anomang handog dahil sa kasalanan , kung may dugo niyao&apos;y ipinasok sa tabernakulo ng kapisanan upang ipangtubos sa dakong banal : sa apoy nga susunugin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa pagkakasala : bagay ngang kabanalbanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa pagkakasala : at ang dugo niyao&apos;y iwiwisik niya sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y maghahandog niyaon ng lahat ng taba niyaon ; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon , ang nasa siping ng mga balakang , at ang lamad na nasa ibabaw ng atay , ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy ; handog nga dahil sa pagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bawa&apos;t lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon ; sa dakong banal kakanin yaon : bagay ngang kabanalbanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay gayon ang handog dahil sa pagkakasala : ang dalawa&apos;y may isang kautusan : mapapasa saserdoteng tumutubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang saserdoteng naghahandog ng handog na susunugin ng sinomang tao , ay siyang magtatangkilik ng balat ng handog na susunugin na inihandog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At bawa&apos;t handog na harina na niluto sa hurno , at yaong lahat na pinagyaman sa kawaling bakal at sa kawaling lupa , ay mapapasa saserdote na naghahandog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At bawa&apos;t handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo , ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron ; sa isa na gaya sa iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan , na ihahandog sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ihahandog niya na pinaka pasalamat , ay ihahandog nga niyang kalakip ng haing pasalamat ang mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis , at ang mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis , at ang mainam na harina na munting tinapay na hinaluan ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kalakip ng munting tinapay na walang lebadura kaniyang ihahandog ang alay niya , na kalakip ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At maghahandog ng isa niyaon na kaakbay ng bawa&apos;t alay na pinakahandog na itinaas sa Panginoon ; mapapasa saserdoteng magwiwisik ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay ; siya&apos;y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata , o kusang handog , ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain : at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin , at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon : aariing kasuklamsuklam , at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin ; yao&apos;y susunugin sa apoy . At tungkol sa lamang hindi nahawa , lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang taong kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon , na taglay niya ang kaniyang karumihan , ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pagka ang sinoman ay nakahipo ng anomang maruming bagay , ng dumi ng tao , o ng hayop na karumaldumal , o ng alin mang kasuklamsuklam , at kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon , ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Iyong salitain sa mga anak ni Israel , na sabihin , Huwag kayong kakain ng taba ng baka , ng tupa , o ng kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang taba ng namatay sa kaniyang sarili , at ang taba ng nilapa ng ganid , ay magagamit sa alin mang kagamitan : nguni&apos;t sa anomang paraan ay huwag ninyong kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon , na handog na pinaraan sa apoy , ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan , maging sa ibon o sa hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sinomang taong kumain ng alin mang dugo , ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin , Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy ; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya , upang ang dibdib ay alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana : datapuwa&apos;t ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ibibigay ninyo sa saserdote na pinakahandog na itinaas , ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Yaong sa mga anak ni Aaron na naghahandog ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan at ng taba , ay mapapasa kaniya ang kanang hita , na pinaka bahagi niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t aking kinuha sa mga anak ni Israel , sa kanilang mga haing mga handog tungkol sa kapayapaan , ang dibdib na inalog at ang hitang itinaas , at aking ibinigay kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak , na karampatang bahagi nila magpakailan man , sa ganang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ito ang nauukol sa pahid na langis ni Aaron at sa pahid na langis ng kaniyang mga anak , sa mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon , sa araw na iniharap sila , upang mangasiwa sa Panginoon sa katungkulang saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Na iniutos ng Panginoon sa kanila&apos;y ibibigay para sa mga anak ni Israel sa araw na kaniyang pinahiran sila . Karampatang bahagi nga nila magpakailan man , sa buong panahon ng kanilang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin , sa handog na harina , at sa handog dahil sa kasalanan , at sa handog dahil sa pagkakasala , at sa pagtatalaga , at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai , nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak , at ang mga kasuutan , at ang langis na pangpahid , at ang torong handog dahil sa kasalanan , at ang dalawang tupang lalake , at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon ; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Moises sa kapisanan , Ito ang ipinagawa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak , at hinugasan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At isinuot sa kaniya ang kasuutan , at binigkisan ng pamigkis , at ibinalabal sa kaniya ang balabal , at sa kaniya&apos;y ipinatong ang epod , at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari , at tinalian nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ipinatong sa kaniya ang pektoral : at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo ; at ipinatong sa mitra sa harap , ang laminang ginto , ang banal na putong ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid , at pinahiran ang tabernakulo , at ang lahat ng nandoon , ay pinapaging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito , at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon , at ang hugasan at ang tungtungan niyaon , upang ariing banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At binuhusan ng langis na pang-pahid ang ulo ni Aaron , at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron , at sila&apos;y sinuutan ng mga kasuutan , at binigkisan ng mga pamigkis , at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan : at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pinatay niya ; at kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot , at nilinis ang dambana , at ang dugo&apos;y ibinuhos sa tungtungan ng dambana , at inaring banal upang pagtubusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob , at ang lamad ng atay , at ang dalawang bato , at ang taba ng mga yaon , at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ang toro , at ang balat , at ang laman , at ang dumi , ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin : at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang pinatay yaon : at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kinatay niya ang tupa ; at sinunog ni Moises ang ulo , at ang mga putolputol , at ang taba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa ; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana ; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy : handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iniharap niya ang ikalawang tupa , ang tupa na itinatalaga : at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang pinatay yaon ; at kumuha si Moises ng dugo niyaon , at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron , at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga , at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila , at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila : at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kinuha niya ang taba , at ang matabang buntot , at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob , at ang lamad ng atay , at ang dalawang bato , at ang taba ng mga yaon , at ang kanang hita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon , ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura , at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay , at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak , at pinagaalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay , at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin : mga talagang pinakamasarap na amoy : handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon : ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kumuha si Moises ng langis na pang-pahid , at ng dugong nasa ibabaw ng dambana , at iniwisik kay Aaron , sa kaniyang mga suot , at sa kaniyang mga anak , at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya ; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot , at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak , Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan : at doon ninyo kanin , at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga , ayon sa iniutos ko , na sinasabi , Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw , hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga : sapagka&apos;t pitong araw na kayo&apos;y matatalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung paano ang ginawa sa araw na ito , ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi&apos;t araw na pitong araw , at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon , upang huwag kayong mamatay : sapagka&apos;t gayon ang iniutos ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa ikawalong araw , na tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak , at ang mga matanda sa Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya kay Aaron , Magdala ka ng isang guyang toro , na handog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na handog na susunugin , na kapuwa walang kapintasan , at ihandog mo sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa mga anak ni Israel ay sasalitain mo , na sasabihin , Kumuha kayo ng isang kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ; at ng isang guyang baka , at ng isang kordero , na kapuwa na may gulang na isang taon , at walang kapintasan , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ng isang toro at ng isang tupang lalake na mga handog tungkol sa kapayapaan , upang ihain sa harap ng Panginoon , at ng isang handog na harina na hinaluan ng langis : sapagka&apos;t napakikita sa inyo ngayon ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang dinala sa harap ng tabernakulo ng kapisanan ang iniutos ni Moises : at lumapit doon ang buong kapisanan , at tumayo sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Moises , Ito ang iniutos ng Panginoon na gawin ninyo : at lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Moises kay Aaron , Lumapit ka sa dambana , at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan , at ang iyong handog na susunugin , at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan : at ihandog mo ang alay ng bayan , at itubos mo sa kanila ; gaya ng iniutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lumapit nga si Aaron sa dambana at pinatay ang guyang handog dahil sa kasalanan , na yao&apos;y para sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iniharap ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo : at itinubog niya ang kaniyang daliri sa dugo , at ipinahid sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana at ang dugong labis ay ibinuhos sa tungtungan ng dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t ang taba at ang mga bato , at ang lamad na nasa atay ng handog dahil sa kasalanan , ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang laman at ang balat ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pinatay niya ang handog na susunugin ; at ibinigay sa kaniya ng mga anak ni Aaron ang dugo , at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng palibot ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang ibinigay sa kaniya ang handog na susunugin , na isaisang putol , at ang ulo : at sinunog niya sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang hinugasan ang lamang loob at ang mga paa at sinunog sa ibabaw ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At iniharap niya ang alay ng bayan ; at kinuha ang kambing na handog dahil sa kasalanan na para sa bayan , at pinatay at inihandog dahil sa kasalanan , na gaya ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iniharap niya ang handog na susunugin , at inihandog ayon sa palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iniharap niya ang handog na harina , at kumuha ng isang dakot , at sinunog sa ibabaw ng dambana , bukod sa handog na susunugin sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang pinatay rin ang toro at ang tupang lalake na haing mga handog tungkol sa kapayapaan , na para sa bayan : at ibinigay ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo , at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang taba ng toro at ng tupang lalake , ang matabang buntot at ang tabang nakatakip sa lamang loob , at ang mga bato , at ang lamad ng atay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang inilagay ang mga taba sa ibabaw ng mga dibdib , at kaniyang sinunog ang taba sa ibabaw ng dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga dibdib at ang kanang hita ay inalog ni Aaron na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon ; gaya ng iniutos ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan at binasbasan niya ; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan , at ng handog na susunugin , at ng mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pumasok si Moises at si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan , at sila&apos;y lumabas , at binasbasan ang bayan : at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At may lumabas na apoy sa harap ng Panginoon , at sinunog sa ibabaw ng dambana ang handog na susunugin at ang taba : at nang makita yaon ng buong bayan , ay nagsigawan at nangagpatirapa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Nadab at si Abiu , na mga anak ni Aaron , ay kumuha ang bawa&apos;t isa sa kanila ng kanikaniyang suuban , at sinidlan nila ng apoy , at pinatungan ng kamangyan , at sila&apos;y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy , at sinupok sila ; at namatay sila sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Moises kay Aaron , Ito ang sinalita ng Panginoon , na sinasabi , Ako&apos;y babanalin ng mga lumalapit sa akin , at sa harap ng buong bayan ay luluwalhatiin ako . At si Aaron ay hindi umimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tinawag ni Moises si Misael at si Elzaphan , na mga anak ni Uziel na amain ni Aaron , at sa kanila&apos;y sinabi , Magsilapit kayo , ilabas ninyo ang inyong mga kapatid sa kampamento mula sa harap ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y lumapit sila , at kanilang binuhat sa kanilang mga kasuutan na inilabas sa kampamento , gaya ng sinabi ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Moises kay Aaron , at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak , Huwag ninyong ilugay ang buhok ng inyong ulo , o hapakin man ninyo ang inyong bihisan ; upang huwag kayong mamatay at ng siya&apos;y huwag magalit laban sa buong kapisanan : kundi ang inyong mga kapatid , ang buong sangbahayan ni Israel ay tumaghoy sa apoy na pinapagalab ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At huwag kayong lalabas sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , baka kayo&apos;y mamatay : sapagka&apos;t ang langis na pang-pahid ng Panginoon ay nasa ulo ninyo . At kanilang ginawa ayon sa salita ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinalita ng Panginoon kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man , ikaw o ang iyong mga anak man , pagka kayo&apos;y papasok sa tabernakulo ng kapisanan , upang kayo&apos;y huwag mamatay : magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At upang inyong malagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan , at ang karumaldumal at ang malinis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At upang inyong maituro sa mga anak ni Israel ang lahat ng palatuntunang sa kanila&apos;y sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinalita ni Moises kay Aaron , at kay Eleazar at kay Ithamar , na mga natitira niyang anak , Kunin ninyo ang handog na harina na lumabis sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy , at inyong kaning walang lebadura sa tabi ng dambana ; sapagka&apos;t kabanalbanalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong kakanin sa dakong banal , sapagka&apos;t karampatang bahagi ninyo , at karampatang bahagi ng inyong mga anak , sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy : sapagka&apos;t gayon iniutos sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang dibdib na inalog at ang hita na itinaas , ay kakanin ninyo sa dakong malinis , kakanin mo at ng iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo : sapagka&apos;t yamang karampatang bahagi mo at karampatang bahagi ng iyong mga anak na ibinigay sa inyo sa mga hain ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang hita na itinaas , at ang dibdib na inalog ay kanilang dadalhin na kalakip ng mga handog na pinaraan sa apoy , na mga taba upang alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon : at mapapasa iyo , at sa iyong mga anak na kasama mo , na karampatang bahagi ninyo magpakailan man ; gaya ng iniutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At hinanap ni Moises ng buong sikap ang kambing na handog dahil sa kasalanan , at , narito , sinunog : at nagalit kay Eleazer at kay Ithamar na mga anak ni Aaron na natira na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bakit hindi ninyo kinain ang handog dahil sa kasalanan sa dakong santuario , yamang kabanalbanalang bagay at sa inyo&apos;y ibinigay upang dalhin ang kasamaan ng kapisanan na itubos sa kanila sa harap ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , hindi ipinasok ang dugo niyaon sa loob ng santuario ; nararapat sana ninyong kanin sa santuario , gaya ng iniutos ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinalita ni Aaron kay Moises , Narito , kanilang inihandog ng araw na ito ang kanilang handog dahil sa kasalanan , at ang kanilang handog na susunugin sa harap ng Panginoon ; at sa akin ay nangyari ang mga ganyang bagay na gaya ng mga ito : at kung ako nga&apos;y nakakain ng handog dahil sa kasalanan ngayon , kalulugdan ba kaya ako ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang marinig ni Moises , ay nakalugod sa kaniyang paningin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sa kanila&apos;y sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Inyong salitain sa mga anak ni Israel , na inyong sabihin , Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya , sa mga hayop , ay inyong makakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa : ang kamelyo , sapagka&apos;t ngumunguya , nguni&apos;t walang hati ang paa , karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang koneho , sapagka&apos;t ngumunguya , datapuwa&apos;t walang hati ang paa , karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang liebre ; sapagka&apos;t ngumunguya datapuwa&apos;t walang hati ang paa , karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang baboy , sapagka&apos;t may hati ang paa at baak , datapuwa&apos;t hindi ngumunguya , karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan , at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin ; mga karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga ito&apos;y inyong makakain sa mga nasa tubig : alin mang may mga palikpik at mga kaliskis sa tubig , sa mga dagat at sa mga ilog , ay makakain ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At lahat ng walang palikpik at kaliskis sa mga dagat , at sa mga ilog , at sa lahat ng mga gumagalaw sa tubig , at sa lahat ng may buhay sa tubig , ay pawang karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At magiging karumaldumal sa inyo ; huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan , at ang bangkay ng mga iyan ay aariin ninyong karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Anomang walang palikpik at kaliskis sa tubig ay magiging karumaldumal sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito ; hindi kakanin , mga karumaldumal nga ; ang agila , ang agilang dumudurog ng mga buto , at ang agilang dagat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang lawin , at ang limbas , ayon sa kaniyang pagkalimbas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang avestruz , at ang chotacabras at ang gaviota , at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang maliit na kuwago , at ang somormuho , at ang malaking kuwago ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano , at ang buitre ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang ciguena , ang tagak ayon sa kaniyang pagkatagak ; at ang abubilla , at ang kabagkabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Lahat na may pakpak na umuusad na lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon man , ang mga ito&apos;y inyong makakain sa lahat ng may pakpak na umuusad na may apat na paa , ang mga may dalawang paang mahaba , bukod pa sa kanilang mga paa , upang kanilang ipanglukso sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa kanila&apos;y makakain ninyo ang mga ito : ang balang ayon sa kaniyang pagkabalang , at ang lukton ayon sa kaniyang pagkalukton , at ang kuliglig lupa ayon sa kaniyang pagkakuliglig , at ang tipaklong ayon sa kaniyang pagkatipaklong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t lahat na may pakpak na umuusad na mayroong apat na paa , ay kasuklamsuklam nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa mga ito ay magiging karumaldumal kayo : sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinomang bumuhat ng bangkay ng mga iyan , ay maglalaba ng kaniyang mga suot , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bawa&apos;t hayop na may hati ang paa na hindi baak , o hindi ngumunguya , ay karumaldumal sa inyo : bawa&apos;t humipo sa mga iyan ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At anomang inilalakad ang kaniyang pangamot sa lahat ng hayop na inilalakad ang apat na paa , ay karumaldumal nga sa inyo : sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang bumuhat ng bangkay ng mga iyan , ay maglalaba ng kaniyang mga suot , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon : mga karumaldumal nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang mga ito&apos;y karumaldumal sa inyo , sa mga umuusad na nagsisiusad , sa ibabaw ng lupa : ang bubwit , at ang daga , at ang bayawak ayon sa kaniyang pagkabayawak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang tuko , at ang buwaya , at ang butiki , at ang bubuli at ang hunyango .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga ito&apos;y karumaldumal sa inyo sa lahat ng umuusad : sinomang mangakahipo sa mga iyan pagka ang mga iyan ay patay , ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At yaong lahat na kabagsakan ng mga iyan , pagka patay , ay magiging karumaldumal nga : maging alin mang kasangkapan kahoy , o bihisan , o balat , o supot , alin mang kasangkapang ginagamit sa anomang gawa , sa tubig dapat ilubog , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon ; kung magkagayo&apos;y magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At bawa&apos;t sisidlang lupa na kahulugan ng mga iyan , lahat ng nalalaman doon ay magiging karumaldumal , at yao&apos;y inyong babasagin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Lahat ng pagkain na makakain na kabuhusan ng tubig , ay magiging karumaldumal ; at lahat ng inuming maiinom na masilid sa alin man sa mga gayong sisidlang lupa , ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At lahat na kahulugan ng anomang bahagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal ; maging hurno o kalan ng mga palyok , ay babasagin : mga karumaldumal nga at magiging karumaldumal sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Gayon ma&apos;y ang isang bukal o ang isang balon , na tipunan ng tubig , ay magiging malinis : datapuwa&apos;t ang masagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kung mahulugan ng kanilang bangkay ang alin mang binhing panhasik na ihahasik , ay malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nguni&apos;t kung nabasa ang binhi at mahulugan ng bangkay ng mga yaon , ay magiging karumaldumal sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kung ang anomang hayop na inyong makakain ay mamatay ; ang makahipo ng bangkay niyaon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang kumain ng bangkay niyaon ay maglalaba ng kaniyang suot , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon : gayon din ang bumuhat ng bangkay niyaon , ay maglalaba ng kaniyang suot , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At bawa&apos;t umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa , ay karumaldumal ; hindi kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Lahat ng lumalakad ng kaniyang tiyan , at lahat ng lumalakad ng apat na paa o mayroong maraming paa , sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa , ay huwag ninyong kakanin ; sapagka&apos;t mga karumaldumal nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Huwag kayong magpakarumal sa anomang umuusad , o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan , na anopa&apos;t huwag kayong mangahawa riyan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sapagka&apos;t ako ang Panginoon ninyong Dios : magpakabanal nga kayo at kayo&apos;y maging mga banal ; sapagka&apos;t ako&apos;y banal : ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Sapagka&apos;t ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto , upang ako&apos;y inyong maging Dios : kayo nga&apos;y magpakabanal , sapagka&apos;t ako&apos;y banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ito ang kautusan tungkol sa hayop , at sa ibon , at sa lahat na may buhay na gumagalaw sa tubig , at sa lahat ng nilikha na umuusad sa ibabaw ng lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Upang lagyan ninyo ng pagkakaiba ang karumaldumal at ang malinis , at ang may buhay na makakain at ang may buhay na hindi makakain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Kung ang babae ay maglihi , at manganak ng isang lalake , ay magiging karumaldumal na pitong araw ; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit , ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y mananatiling tatlong pu&apos;t tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo ; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal , o papasok man sa santuario , hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t kung manganak siya ng babae , ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo , ayon sa kaniyang karumihan : at mananatiling anim na pu&apos;t anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis , maging sa anak na lalake o sa anak na babae , ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon , na pinakahandog na susunugin , at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , sa saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon , at itutubos sa kaniya ; at siya&apos;y malilinis sa agas ng kaniyang dugo . Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero , ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati ; ang isa&apos;y pinakahandog na susunugin at ang isa&apos;y pinakahandog dahil sa kasalanan : at itutubos sa kaniya ng saserdote , at siya&apos;y magiging malinis .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagka ang sinomang tao ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman , ng pamamaga , o langib , o pantal na makintab at naging salot na ketong sa balat ng kaniyang laman , ay dadalhin nga siya kay Aaron na saserdote , o sa isa sa kaniyang mga anak na saserdote :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At titingnan ng saserdote ang tila salot na nasa balat ng kaniyang laman : at kung ang balahibo sa tila salot ay pumuti , at makitang ang sugat ay malalim kay sa balat ng kaniyang laman , ay salot na ketong nga : at siya&apos;y mamasdan ng saserdote at ipakikilala siyang karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung ang pantal na makintab ay maputi sa balat ng kaniyang laman , at makitang hindi malalim kaysa balat , at ang balahibo niyaon ay hindi pumuti , ay kukulungin ng saserdote ang may tila salot na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw : at , narito , kung makitang ang tila salot ay tumigil , at hindi kumalat ang tila salot sa balat , ay kukulungin uli siya ng saserdote na pitong araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At titingnan siya uli ng saserdote sa ikapitong araw : at , narito , kung makitang ang tila salot ay namutla , at ang tila salot ay hindi kumalat sa balat , ay ipakikilalang malinis siya ng saserdote : langib yaon ; at kaniyang lalabhan ang kaniyang suot , at magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t kung ang langib ay kumakalat sa balat , pagkatapos na siya&apos;y makapakita sa saserdote upang siya&apos;y linisin , ay pakikita siya uli sa saserdote :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At titingnan siya ng saserdote ; at , narito , kung ang langib ay kumakalat sa balat , ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal : ketong nga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagka nagkaroon ng tila salot na ketong ang sinomang tao , ay dadalhin siya sa saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At titingnan siya ng saserdote ; at , narito , kung makitang may pamamaga na maputi sa balat , na pumuti ang balahibo , at may matigas na lamang buhay sa pamamaga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ay malaong ketong nga sa balat ng kaniyang laman , at ipakikilala ng saserdote na siya&apos;y karumaldumal ; hindi siya kukulungin ; sapagka&apos;t siya&apos;y karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung kumalat ang ketong sa balat , at matakpan ng ketong ang buong balat ng may tila salot , mula sa ulo hanggang sa kaniyang mga paa , sa buong maaabot ng paningin ng saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At titingnan nga siya ng saserdote ; at , narito , kung makitang ang ketong ay kumalat sa buong laman niya , ay ipakikilalang malinis ang may tila salot : pumuting lahat : siya&apos;y malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t sa alin mang araw na makitaan siya ng lamang buhay , ay magiging karumaldumal siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At titingnan ng saserdote ang lamang buhay , at ipakikilala siyang karumaldumal : ang lamang buhay ay karumaldumal : ketong nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">O kung magbago uli ang lamang buhay at pumuti , ay lalapit nga siya sa saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At titingnan siya ng saserdote : at , narito , kung pumuti ang tila salot ay ipakikilalang malinis ng saserdote ang may tila salot : siya&apos;y malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung magkaroon sa balat ng laman ng isang bukol at gumaling ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At humalili sa bukol ay isang pamamaga na maputi , o isang pantal na makintab , na namumulang puti , ay ipakikita sa saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At titingnan ng saserdote ; at , narito , kung makitang tila impis kaysa balat , at ang balahibo niyaon ay tila pumuti , ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal : salot na ketong yaon ; lumitaw sa bukol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t kung pagtingin ng saserdote , ay makitang walang balahibong puti yaon , o hindi impis man kay sa balat , kungdi namutla , ay kukulungin ng saserdote siya na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kung kumalat sa balat , ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal : salot nga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan , at hindi kumalat , ay piklat nga ng bukol ; at ipakikilala ng saserdote na malinis siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">O pagka nagkaroon sa balat ng laman , ng paso ng apoy , at ang lamang paso ay naging tila pantal na makintab , na namumulang puti , o maputi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At titingnan nga ng saserdote : at , narito , kung makitang ang buhok ay pumuti sa pantal na makintab , at tila mandin malalim kaysa balat ; ay ketong nga na lumitaw sa paso : at ipakikilala ng saserdote na karumaldumal ; salot na ketong nga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t kung pagtingin ng saserdote , at , narito , kung makita ngang sa pantal na makintab ay walang balahibong maputi , at hindi impis kaysa balat , kungdi namutla ; ay kukulungin nga siya ng saserdote na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw : kung kumalat sa balat , ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal : salot na ketong nga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan at hindi kumalat sa balat , kungdi pumutla , ay pamamaga ng paso yaon , at ipakikilala ng saserdote na malinis : sapagka&apos;t piklat ng paso yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kung ang sinomang lalake o babae ay mayroong tila salot sa ulo o sa baba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ay titingnan nga ng saserdote ang tila salot : at , narito , kung makitang tila malalim kaysa balat , at yao&apos;y may buhok na naninilaw na manipis , ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal : tina nga , ketong nga yaon sa ulo o sa baba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kung makita ng saserdote ang tila salot na tina , at , narito , tila hindi malalim kaysa balat , at walang buhok na maitim yaon , ay kukulungin ng saserdote na pitong araw ang may tila salot na tina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa ikapitong araw ay titingnan ng saserdote ang tila salot ; at , narito , kung makita ngang hindi kumalat ang tina , at walang buhok na naninilaw , at tila ang tina ay hindi malalim kaysa balat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ay aahitan nga , datapuwa&apos;t hindi aahitan ang kinaroroonan ng tina ; at ipakukulong ng saserdote ang may tina ng muling pitong araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At titingnan ng saserdote ang tina sa ikapitong araw : at , narito , kung makitang hindi kumalat ang tina sa balat , at tila hindi malalim kaysa balat ; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis at siya&apos;y maglalaba ng kaniyang suot at magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nguni&apos;t kung ang tina ay kumalat sa balat , pagkatapos ng kaniyang paglilinis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ay titingnan nga ng saserdote : at , narito , kung makitang kumalat sa balat ang tina ay hindi hahanapin ng saserdote ang buhok na maninilaw ; siya&apos;y karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t kung sa kaniyang paningin ay tumigil ang tina at may tumubong buhok na itim ; ay gumaling ang tina , siya&apos;y malinis : at ipakikilalang malinis siya ng saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At pagka ang isang lalake o babae ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman ng nangingintab na pantal , ng makikintab na pantal na puti ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ay titingnan nga ng saserdote : at , narito , kung makitang ang nangingintab na pantal sa balat ng kaniyang laman ay namumutimuti ; yao&apos;y buni na sumibol sa balat ; siya&apos;y malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At kung ang sinoman ay malugunan ng buhok , ay kalbo gayon ma&apos;y malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At kung sa dakong harapan ng ulo nalugunan ng buhok , ay kalbo yaon sa noo gayon ma&apos;y malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Datapuwa&apos;t kung sa kakalbuhan , sa ulo o sa noo ay magkaroon ng tila salot ng namumulang maputi ; ay ketong na sumibol sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kung magkagayo&apos;y titingnan siya ng saserdote : at , narito , kung ang pamamaga ng tila salot ay namumulamula ng maputi sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo , gaya ng anyo ng ketong sa balat ng kaniyang laman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ay ketongin siya , siya&apos;y karumaldumal ipakikilala siya ng saserdote na tunay na karumaldumal ; nasa kaniyang ulo ang salot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot , ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay , at siya&apos;y magtatakip ng kaniyang nguso , at maghihihiyaw . Karumaldumal , karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa buong panahong siya&apos;y karoonan ng salot , ay magiging karumaldumal ; siya&apos;y karumaldumal : siya&apos;y tatahang bukod ; sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang suot na kinaroroonan ng ketong , maging kasuutang balahibo ng tupa o kasuutang lino ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Maging nasa paayon o maging nasa pahalang ; ng lino o ng balahibo ng tupa ; maging sa balat o sa alin mang yaring balat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Kung ang tila salot ay namemerde o namumula sa kasuutan , o sa balat , maging sa paayon , o maging sa pahalang , o sa alin mang kasangkapang balat ; ay salot na ketong nga at ipakikita sa saserdote ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At titingnan ng saserdote ang tila salot , at ipatatago ng pitong araw ang bagay na may tila salot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At titingnan ang bagay na may tila salot , sa ikapitong araw : kung kumalat ang tila salot sa kasuutan , maging sa paayon , o sa pahalang , o sa balat , o alin mang ginagawa sa balat , ay ketong na ngumangatngat ang gayon tila salot ; yao&apos;y karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At kaniyang susunugin ang kasuutan , maging paayon , at maging pahalang ng balahibo ng tupa o lino o sa alin mang kasangkapang balat na kinaroroonan ng salot ; sapagka&apos;t yao&apos;y ketong na ngumangatngat , yao&apos;y susunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At kung pagtingin ng saserdote , at , narito , kung makita ngang hindi kumalat ang salot sa kasuutan , maging sa paayon man , o sa pahalang man , o sa alin mang kasangkapang balat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ay palalabhan nga ng saserdote yaong kinaroroonan ng salot , at ipatatago pa ng pitong araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At titingnan ng saserdote ang bagay na may salot , pagkatapos na malabhan : at , narito , kung makitang ang salot ay hindi nagbago ang kulay , at hindi kumalat ang salot , yao&apos;y karumaldumal ; susunugin mo sa apoy : isang ngatngat nga , maging ang nanisnis ay nasa karayagan o nasa kabaligtaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At kung pagtingin ng saserdote , at , narito , kung makita ngang namutla ang dakong may salot pagkatapos na malabhan , ay hahapakin sa kasuutan , o sa balat , o sa paayon , o sa pahalang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At kung muling lumitaw sa kasuutang yaon , maging sa paayon , o sa pahalang , o sa alin mang yari sa balat , ay muling sumisibol : susunugin mo sa apoy yaong kinaroroonan ng salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At ang kasuutan , maging sa paayon , o sa pahalang , o sa alin mang yari sa balat , na iyong labhan , at maalis ang salot , ay lalabhan ngang ikalawa , at magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Ito ang kautusan tungkol sa salot na ketong sa kasuutang balahibo ng tupa o lino , maging sa paayon , o sa pahalang , o sa alin mang yari sa balat , upang ipakilalang malinis , o upang ipakilalang karumaldumal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito ang magiging kautusan tungkol sa may ketong , sa kaarawan ng kaniyang paglilinis , siya&apos;y dadalhin sa saserdote :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang saserdote ay lalabas sa kampamento ; at titingnan ng saserdote , at , narito , kung ang salot na ketong ay gumaling sa may ketong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ay ipagutos nga ng saserdote na ikuha siya na lilinisin , ng dalawang ibong malinis na buhay , at kahoy na cedro , at grana , at hisopo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ipaguutos ng saserdote , na patayin ang isa sa mga ibon , sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tungkol sa ibong buhay , ay kaniyang kukunin at ang kahoy na cedro , at ang grana at ang hisopo , at babasain pati ng ibong buhay , sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng tubig na umaagos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iwiwisik niya na makapito doon sa kaniya na lilinisin sa ketong , at ipakikilalang malinis , at pawawalan ang ibong buhay sa kalawakan ng parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot , at magaahit ng lahat niyang buhok , at maliligo sa tubig ; at magiging malinis : at pagkatapos ay papasok sa kampamento , datapuwa&apos;t tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayaring sa ikapitong araw , ay muling magaahit ng lahat niyang buhok , sa kaniyang ulo , at sa kaniyang baba , at sa kaniyang kilay , na anopa&apos;t aahitin niya ang lahat niyang buhok ; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot , at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig , at magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang korderong lalake na walang kapintasan , at ng isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan , at ng isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis , at ng isang log na langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ihaharap ang taong lilinisin ng saserdoteng naglilinis sa kaniya , at gayon din ang mga bagay na yaon , sa harap ng Panginoon , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kukuha ang saserdote ng isa sa mga korderong lalake at ihahandog na pinakahandog sa pagkakasala , at ng log ng langis , at aalugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At papatayin ang korderong lalake sa pinagpapatayan ng handog dahil sa kasalanan at ng handog na susunugin , sa dako ng santuario : sapagka&apos;t kung paanong ang handog dahil sa kasalanan ay sa saserdote , gayon din ang handog dahil sa pagkakasala ; bagay ngang kabanalbanalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang saserdote ay kukuha sa dugo ng handog dahil sa pagkakasala , at ilalagay ng saserdote sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kukuha ang saserdote sa log ng langis , at ibubuhos sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At itutubog ng saserdote ang kanang daliri niya sa langis na nasa kaniyang kaliwang kamay , at magwiwisik siyang makapito ng langis ng kaniyang daliri sa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa lumabis sa langis na nasa kaniyang kamay , ay maglalagay ang saserdote sa ibabaw ng pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa , sa ibabaw ng dugo ng dahil sa pagkakasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang labis sa langis na nasa kamay ng saserdote , ay ilalagay nito sa ulo niyaong lilinisin : at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ihahandog ng saserdote ang handog dahil sa kasalanan , at itutubos sa kaniya , na lilinisin dahil sa kaniyang karumihan ; at pagkatapos ay papatayin ang handog na susunugin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ihahandog ng saserdote ang handog na susunugin at ang handog na harina sa ibabaw ng dambana : at itutubos sa kaniya ng saserdote , at siya&apos;y magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung siya&apos;y dukha at ang kaniyang kaya ay hindi aabot , ay kukuha nga siya ng isang korderong lalake na handog dahil sa pagkakasala , na aalugin upang itubos sa kaniya , at ng ikasampung bahagi ng isang epa na mainam na harina , na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina , at ng isang log ng langis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati , kung alin ang aabutin ng kaniyang kaya ; at ang isa&apos;y magiging handog dahil sa kasalanan , at ang isa&apos;y handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa ikawalong araw ay kaniyang dadalhin sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan upang gamitin sa kaniyang paglilinis sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kukunin ng saserdote ang korderong handog dahil sa pagkakasala at ang log ng langis , at aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang papatayin ang korderong handog dahil sa pagkakasala , at kukuha ang saserdote ng dugo ng handog dahil sa pagkakasala , at ilalagay sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At magbubuhos ang saserdote ng langis sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At makapitong magwiwisik ang saserdote ng kaniyang kanang daliri , ng langis na nasa kaniyang kaliwang kamay , sa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At maglalagay ang saserdote ng langis na nasa kaniyang kamay , sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay , at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa , sa ibabaw ng pinaglagyan ng dugong handog dahil sa pagkakasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang labis ng langis na nasa kamay ng saserdote ay ilalagay niya sa ulo niyaong lilinisin , upang itubos sa kaniya sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kaniyang ihahandog ang isa sa mga batobato o sa mga inakay ng kalapati , kung alin ang kaniyang kaya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kung alin ang abutin ng kaniyang kaya , na ang isa&apos;y handog dahil sa kasalanan , at ang isa&apos;y handog na susunugin , pati ng handog na harina : at itutubos ng saserdote doon sa malilinis sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ito ang kautusan tungkol sa may salot na ketong , na ang kaniyang kaya ay hindi abot sa nauukol sa kaniyang paglilinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Pagka kayo&apos;y nakapasok na sa lupain ng Canaan , na ibibigay kong pag-aari sa inyo , at ako&apos;y naglagay ng salot na ketong sa alin mang bahay sa lupain ninyong inaari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ay yayaon ang may-ari ng bahay at magbibigay alam sa saserdote , na sasabihin , Tila mandin mayroong parang salot sa bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ipaguutos ng saserdote na alisan ng laman ang bahay bago pumasok ang saserdote na kilalanin ang tila salot , upang ang lahat na nasa bahay ay huwag mahawa : at pagkatapos ay papasok ang saserdote upang tingnan ang bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At titingnan ang salot , at kung makita ngang ang tila salot ay nasa mga panig ng bahay na may ukit na namemerde , o namumula at tila malalim kaysa panig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ay lalabas nga ang saserdote sa bahay hanggang sa pintuan ng bahay at ipasasara ang bahay na pitong araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At babalik ang saserdote sa ikapitong araw , at titingnan : at , narito , kung makita ngang kumalat ang salot sa mga panig ng bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ay ipaguutos nga ng saserdote na bunutin ang mga batong kinaroonan ng tila salot at ipatatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ipakakayas ang palibot ng loob ng bahay , at ang argamasang inalis na kinayas ay itatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At magsisikuha ng ibang mga bato , at ihahalili sa mga batong yaon , at magsisikuha ng ibang argamasa at siyang ihahaplos sa mga panig ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kung muling bumalik ang tila salot , at sumibol sa bahay , pagkatapos na mabunot ang mga bato ; at pagkatapos makayas ang bahay , at pagkatapos na mahaplusan ng argamasa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ay papasok nga ang saserdote at titingnan , at , narito , kung makita ngang ang salot ay kumalat sa bahay ay ketong na nakakahawa sa bahay ; ito&apos;y karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At gigibain niya ang bahay na yaon , ang mga bato at ang mga kahoy , at ang lahat ng argamasa ng bahay ; ay dadalhin sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Bukod dito&apos;y ang pumasok sa bahay na yaon ng buong panahong nasasara ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ang mahiga sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot ; at ang kumain sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At kung papasok ang saserdote , at , narito , kung hindi nga kumalat ang salot sa bahay , pagkatapos na nahaplusan ng argamasa ; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis ang bahay , sapagka&apos;t gumaling sa salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At upang linisin ang bahay ay kukuha ng dalawang ibon , at ng kahoy na cedro , at ng grana , at ng hisopo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At papatayin ang isa sa mga ibon sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At kukunin niya ang kahoy na cedro , at ang hisopo , at ang grana , at ang ibong buhay , at babasain sa dugo ng ibong pinatay , at sa tubig na umaagos , at wiwisikang makapito ang bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At kaniyang lilinisin ng dugo ng ibon ang bahay at ng agos ng tubig , at ng ibong buhay at ng kahoy na cedro , at ng hisopo , at ng grana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Datapuwa&apos;t pawawalan ang ibong buhay sa labas ng bayan , sa kalawakan ng parang : gayon tutubusin ang bahay : at magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ito ang kautusan tungkol sa sarisaring salot na ketong at sa tina ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At sa ketong ng suot , at ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At sa pamamaga at sa langib , at sa pantal na makintab :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Upang ituro kung kailan karumaldumal , at kung kailan malinis : ito ang kautusan tungkol sa ketong .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain ninyo sa mga anak ni Israel , at inyong sabihin sa kanila , Pagka ang sinomang tao ay inagasan sa kaniyang laman , ay magiging karumaldumal siya dahil sa kaniyang agas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ito ang magiging kaniyang karumalan sa kaniyang agas : maging ang kaniyang laman ay balungan dahil sa kaniyang agas , o ang kaniyang laman ay masarhan dahil sa kaniyang agas , ay kaniyang karumalan nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bawa&apos;t higaang mahigan ng inaagasan ay magiging karumaldumal : at bawa&apos;t bagay na kaniyang kaupuan , ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit , at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang maupo sa anomang bagay na kaupuan ng inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit , at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang humipo ng laman niyaong inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung ang inaagasan ay makalura sa taong malinis , ay maglalaba nga siya ng kaniyang mga damit , at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At alin mang siya na kasakyan ng inaagasan , ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang alin mang taong humipo ng alinmang bagay na napalagay sa ilalim niyaon , ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon : at ang magdala ng mga bagay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At yaong lahat na mahipo ng inaagasan na hindi nakapaghugas ng kaniyang mga kamay sa tubig , ay maglalaba nga rin ng kaniyang mga damit , at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang sisidlang lupa na mahipo ng inaagasan , ay babasagin : at ang lahat ng kasangkapang kahoy ay babanlawan sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung ang inaagasan ay gumaling sa kaniyang agas , ay bibilang siya ng pitong araw sa kaniyang paglilinis , at maglalaba ng kaniyang mga damit ; at paliliguan din niya ang kaniyang laman sa tubig na umaagos , at magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato , o ng dalawang inakay ng kalapati , at ihaharap niya sa harap ng Panginoon sa pasukan ng tabernakulo ng kapisanan , at ibibigay niya sa saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ihahandog ng saserdote , na ang isa&apos;y handog dahil sa kasalanan , at ang isa&apos;y handog na susunugin ; at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon , dahil sa kaniyang agas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung ang sinomang tao ay labasan ng binhi ng pakikiapid , ay paliliguan nga niya ng tubig ang buong kaniyang laman , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At lahat ng damit at lahat ng balat na kinaroonan ng binhi ng pakikiapid , ay lalabhan sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang babae rin namang sinipingan ng lalaking mayroong binhi ng pakikiapid , ay maliligo sila kapuwa sa tubig , at magiging karumaldumal sila hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung ang babae ay agasan na ang umaagas sa kaniyang laman ay dugo , ay mapapasa kaniyang karumihan siyang pitong araw : at lahat ng humipo sa kaniya ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At bawa&apos;t kaniyang kahigaan sa panahon ng kaniyang karumihan , ay magiging karumaldumal : bawa&apos;t din namang kaupuan niya ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinomang humipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit , at maliligo sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang sinomang humipo ng alin mang bagay na kaniyang kaupuan ay maglalaba ng kaniyang mga damit , at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kung may nasa higaan o nasa anomang bagay na kinaupuan niya , ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon ang humipo niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kung ang sinomang lalake ay sumiping sa kaniya , at mapasa lalake ang karumihan niya , ay magiging karumaldumal ito na pitong araw ; at bawa&apos;t higaang kaniyang hihigaan ay magiging karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kung ang isang babae ay agasan ng kaniyang dugo ng maraming araw sa di kapanahunan ng kaniyang karumihan , o kung agasan sa dako pa roon ng panahon ng kaniyang karumihan ; buong panahon ng agas ng kaniyang karumalan ay magiging para ng mga araw ng kaniyang karumihan : siya&apos;y karumaldumal nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bawa&apos;t higaan na kaniyang hinihigan buong panahon ng kaniyang agas , ay magiging sa kaniya&apos;y gaya ng higaan ng kaniyang karumihan ; at bawa&apos;t bagay na kaniyang kaupuan , ay magiging karumaldumal , na gaya ng karumalan ng kaniyang karumihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinomang humipo ng mga bagay na yaon ay magiging karumaldumal , at maglalaba ng kaniyang mga damit , at maliligo siya sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t kung siya&apos;y gumaling sa kaniyang agas , ay bibilang siya ng pitong araw , at pagkatapos niyaon ay magiging malinis siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati , at dadalhin niya sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ihahandog ng saserdote ang isa na handog dahil sa kasalanan , at ang isa&apos;y handog na susunugin ; at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon , dahil sa agas ng kaniyang karumihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ganito ihihiwalay ninyo ang mga anak ni Israel sa kanilang karumalan ; upang huwag mangamatay sa kanilang karumalan , kung kanilang ihawa ang aking tabernakulo na nasa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ito ang kautusan tungkol sa inaagasan , at sa nilalabasan ng binhi ng pakikiapid , na ikinarurumal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa babaing may sakit ng kaniyang karumihan , at sa inaagasan , sa lalake at sa babae , at doon sa sumisiping sa babaing karumaldumal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron , noong nagsilapit sa harap ng Panginoon , at namatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag pumasok tuwina sa dakong banal , sa loob ng tabing , sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ; upang siya&apos;y huwag mamatay : sapagka&apos;t ako&apos;y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal , may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan , at isang tupang lalake na handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y magsusuot ng kasuutang banal , na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman , at magbibigkis siya ng pamigkis na lino , at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot : ito ang mga bihisang banal ; at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel , ng dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan , at ng isang tupang lalake na pinakahandog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili , at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing ; ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon , at ihahandog na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon , upang itubos sa kaniya , at payaunin kay Azazel sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan , na patungkol sa kaniyang sarili , at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan , at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga ; at kukuha ng dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik , at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon , upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patoo , upang huwag siyang mamatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa , sa dakong silanganan : at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung magkagayo&apos;y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan , na patungkol sa bayan , at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing , at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro , at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel , at dahil sa kanilang mga pagsalangsang , sa makatuwid baga&apos;y sa lahat nilang kasalanan : at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila , sa gitna ng kanilang mga karumalan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya&apos;y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal , hanggang sa lumabas siya , at matubos ang sarili , at ang kaniyang kasangbahay , at ang buong kapisanan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon , at itutubos sa ito ; at kukuha ng dugo ng toro , at ng dugo ng kambing , at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri , at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagkatapos matubos niya ang dakong banal , at ang tabernakulo ng kapisanan , at ang dambana , ay ihahandog ang kambing na buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay , at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel , at lahat ng kanilang mga pagsalangsang , lahat nga ng kanilang mga kasalanan ; at ilalagay niya sa ulo ng kambing , at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila , sa lupaing hindi tinatahanan : at pawawalan niya ang kambing sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At papasok si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan , at maghuhubad ng mga suot na lino , na isinuot niya nang siya&apos;y pumasok sa dakong banal , at iiwan niya roon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig , sa isang dakong banal , at magsusuot ng kaniyang mga suot , at lalabas , at ihahandog ang kaniyang handog na susunugin at ang handog na susunugin ng bayan , at itutubos sa kaniyang sarili at sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel , ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig , at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan , na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos , ay ilalabas , sa kampamento ; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon , at ang laman at ang dumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang magsusunog ay maglalaba ng kaniyang mga suot , at maliligo ang kaniyang laman sa tubig , at pagkatapos , ay papasok siya sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ito&apos;y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo : sa ikapitong buwan nang ikasangpung araw ng buwan , ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa , at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain , ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo ; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo , at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa ; ito&apos;y palatuntunang magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang saserdote na papahiran at itatalaga upang maging saserdote na kahalili ng kaniyang ama , ay siyang tutubos at magsusuot ng mga kasuutang lino , na mga banal ngang kasuutan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At tutubusin niya ang banal na santuario , at tutubusin niya ang tabernakulo ng kapisanan , at ang dambana ; at tutubusin niya ang mga saserdote at ang buong bayan ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ito&apos;y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo ; na tubusin ang mga anak ni Israel , dahil sa lahat nilang mga kasalanan , ng minsan sa isang taon . At ginawa niya ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong salitain kay Aaron , at sa kaniyang mga anak , at sa lahat ng mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Ito ang iniutos ng Panginoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel , na pumatay ng baka , o kordero , o kambing sa loob ng kampamento , o pumatay sa labas ng kampamento ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon , sa harap ng tabernakulo ng Panginoon : ay dugo ang ipararatang sa taong yaon ; siya&apos;y nagbubo ng dugo ; at ang taong yaon : ay ihihiwalay sa kaniyang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain , na inihahain sa kalawakan ng parang , sa makatuwid baga&apos;y upang kanilang dalhin sa Panginoon , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , sa saserdote , at ihain sa Panginoon na mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na kanilang pinanaligan . Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa buong panahon ng kanilang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sasabihin mo sa kanila , Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel , o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila , na naghandog ng handog na susunugin o hain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , upang ihain sa Panginoon : ay ihihiwalay nga ang taong yaon sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila , na kumain ng anomang dugo , ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo , at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang buhay ng laman ay nasa dugo ; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa : sapagka&apos;t ang dugo&apos;y siyang tumutubos dahil sa buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t aking sinabi sa mga anak ni Israel , Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo , ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinomang tao sa mga anak ni Israel , o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain ; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t tungkol sa buhay ng lahat ng laman , ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan . Kaya&apos;t sinabi ko sa mga anak ni Israel , Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman : sapagka&apos;t ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo : sinomang kumain niyan ay ihihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid , maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan , ay maglalaba ng kaniyang mga damit , at maliligo sa tubig , at magiging karumaldumal hanggang sa hapon : kung magkagayon ay magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t kung di niya labhan , ni paliguan ang kaniyang laman , ay tataglayin nga niya ang kaniyang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kayong gagawa ng gaya ng ginawa sa lupain ng Egipto na inyong tinahanan : at huwag din kayong gagawa ng gaya ng ginagawa sa lupain ng Canaan , na pinagdadalhan ko sa inyo : ni huwag kayong lalakad ng ayon sa mga palatuntunan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tutuparin ninyo ang aking mga kahatulan , at iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan , na inyong lalakaran : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan : na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag lalapit ang sinoman sa inyo sa kanino man sa kaniyang kamaganak na malapit , upang ilitaw ang kaniyang kahubaran : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kahubaran ng iyong ama , o ang kahubaran ng iyong ina ay huwag mong ililitaw : siya&apos;y iyong ina ; huwag mong ililitaw ang kahubaran niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kahubaran ng asawa ng iyong ama ay huwag mong ililitaw : yaon nga&apos;y kahubaran ng iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kahubaran ng iyong kapatid na babae , na anak ng iyong ama o anak ng iyong ina , maging ipinanganak sa sarili o sa ibang bayan , ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang kahubaran ng anak na babae ng iyong anak na lalake , o ng anak na babae ng iyong anak na babae , ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila : sapagka&apos;t ang kahubaran nila ay kahubaran mo rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang kahubaran ng anak ng babae ng asawa ng iyong ama , na naging anak sa iyong ama , siya&apos;y kapatid mo , huwag mong ililitaw ang kahubaran niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ama ay huwag mong ililitaw : siya&apos;y kamaganak na malapit ng iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina ay huwag mong ililitaw : sapagka&apos;t siya&apos;y kamaganak na malapit ng iyong ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang kahubaran ng kapatid na lalake ng iyong ama ay huwag mong ililitaw , sa asawa niya ay huwag kang sisiping : siya&apos;y iyong ali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kahubaran ng iyong manugang na babae ay huwag mong ililitaw : siya&apos;y asawa ng iyong anak ; ang kahubaran niya ay huwag mong ililitaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kahubaran ng asawa ng iyong kapatid na lalake ay huwag mong ililitaw : kahubaran nga ng iyong kapatid na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kahubaran ng isang babae at ng kaniyang anak na babae ay huwag mong ililitaw ; huwag mong pakikisamahan ang anak na babae ng kaniyang anak na lalake o ang anak na babae ng kaniyang anak na babae , upang ilitaw ang kaniyang kahubaran ; sila&apos;y kamaganak na malapit : kasamaan nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At huwag kang makikisama sa isang babaing kalakip ng kaniyang kapatid , na magiging kaagaw niya , na iyong ililitaw ang kahubaran nito , bukod sa kahubaran niyaon , sa buong buhay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At huwag kang sisiping sa isang babae na ililitaw ang kahubaran niya habang siya&apos;y marumi sa kaniyang karumalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapuwa , na magpapakadumi sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At huwag kang magbibigay ng iyong binhi , na iyong palilipatin kay Moloch sa pamamagitan ng apoy ; ni huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Dios : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae : karumaldumal nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At huwag kang sisiping sa anomang hayop na magpapakadumi riyan : ni ang babae ay huwag lalagay sa harap ng hayop upang pasiping : kahalayhalay nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito ; sapagka&apos;t lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nadumhan ang lupain : kaya&apos;t aking dinadalaw ang kasamaang iyan diyan , at ang lupain din ang nagluluwa sa mga tumatahan diyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan , at ang aking mga kahatulan , at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito ; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">( Sapagka&apos;t ang lahat ng karumaldumal na ito , ay ginawa ng mga tao sa lupaing iyan , na mga una kaysa inyo ; at ang lupain ay nadumhan ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Upang huwag naman kayong iluwa ng lupain , sa pagkahawa ninyo , na gaya ng pagluluwa sa bansang nagsitahan ng una kaysa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t yaong lahat na gumawa ng alin man sa mga kahalayang ito , sa makatuwid baga&apos;y ang mga taong magsigawa ng gayon ay ihihiwalay sa kanilang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya ingatan ninyo ang aking bilin , na huwag kayong gumawa ng alin man sa mga karumaldumal na kaugaliang ito na kanilang ginawa ng una bago kayo , at huwag kayong magpakarumal sa mga iyan : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Kayo&apos;y magpakabanal ; sapagka&apos;t akong Panginoon ninyong Dios ay banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Matatakot ang bawa&apos;t isa sa inyo , sa kaniyang ina at sa kaniyang ama , at ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan , ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga dios na binubo : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagka kayo&apos;y maghahandog sa Panginoon ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay inyong ihahandog upang kayo&apos;y tanggapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa araw ding ihandog ay kakanin , at sa kinabukasan : at kung may labis hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung kanin sa anomang paraan sa ikatlong araw , ay karumaldumal nga ; ito&apos;y hindi tatanggapin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi yaong kumain ay siyang magtataglay ng kaniyang kasamaan ; sapagka&apos;t nilapastangan niya ang banal na bagay ng Panginoon : at ihihiwalay ang gayong tao sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka gagapas kayo ng mga uhay sa inyong lupain , ay huwag ninyong pakakagapasin ang mga sulok ng inyong bukid , ni huwag ninyong pamulutan ang inyong lupang ginapasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At huwag ninyong sisimutin ang inyong ubasan , ni huwag ninyong pupulutin ang bungang nahulog sa inyong ubasan ; sa dukha at sa taga ibang bayan , pababayaan ninyo : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag kayong magnanakaw ; ni magdadaya , ni magsisinungaling ang sinoman sa iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At huwag kayong susumpa ng di totoo sa aking pangalan , na anopa&apos;t lapastanganin ninyo ang pangalan ng inyong Dios ; ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa , o magnanakaw man sa kaniya : ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag ninyong lalaitin ang bingi , ni maglalagay ng katitisuran sa harap ng bulag , kundi katatakutan ninyo ang inyong Dios : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol : huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha , ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan : kundi hahatulan ninyo ng katuwiran ang inyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag kayong maghahatid dumapit sa inyong bayan , ni titindig laban sa dugo ng inyong kapuwa : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapatid sa inyong puso ; tunay na inyong sasawayin ang inyong kapuwa , at huwag kayong magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan , kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan . Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba ; huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi ; ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung ang sinomang lalake ay sumiping sa isang babaing aliping may asawa , na hindi pa natutubos , o hindi pa man nabibigyan ng kalayaan ; ay kapuwa parurusahan ; hindi sila papatayin , sapagka&apos;t siya&apos;y hindi laya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang dadalhin sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , sa makatuwid baga&apos;y isang tupang lalake na pinakahandog dahil sa pagkakasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng tupang handog dahil sa pagkakasala sa harap ng Panginoon , dahil sa kaniyang kasalanan niyang pinagkasalahan : at ipatatawad sa kaniya ang kasalanan niyang kaniyang pinagkasalahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagka kayo&apos;y papasok sa lupain , at nakapagtanim na kayo ng sarisaring punong kahoy na pagkain , ay aariin ninyo ang bunga niyaon na parang hindi sa tuli : tatlong taong aariin ninyong parang hindi sa tuli ; hindi kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t sa ikaapat na taon , ang lahat ng bunga niyaon ay magiging banal na pinaka papuri sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa ikalimang taon ay kakain kayo ng bunga niyaon upang papagbungahin sa inyo : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Huwag kayong kakain ng anomang may dugo : ni huwag kayong mag-eenkanto ni magpapamahiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Huwag ninyong gugupitin ng pabilog ang mga buhok sa palibot ng inyong ulo , ni huwag mong sisirain ang mga dulo ng iyong balbas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay : ni huwag ninyong lilimbagan ang inyong laman ng anomang tanda ; ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Huwag mong hahamakin ang iyong anak na babae , na siya&apos;y iyong pagmamasamaing babae : baka ang lupain ay malugmok sa pakikiapid , at mapuno ang lupain ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath , at igagalang ninyo ang aking santuario : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam : huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Titindig kayo sa harap ng may uban at igagalang ninyo ang mukha ng matanda , at katatakutan ninyo ang inyong Dios : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kung ang isang taga ibang bayan ay nakikipamayan na kasama ninyo sa inyong lupain , ay huwag ninyong gagawan ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang taga ibang bayan na nakikipamayan na kasama ninyo , ay inyong aariing tubo sa lupain , at iibigin ninyo na gaya ng sa inyong sarili ; sapagka&apos;t naging taga ibang bayan kayo sa lupain ng Egipto : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol , sa pagsukat , sa pagtimbang , o sa pagtakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Timbangang matuwid , panimbang na matuwid , epa na matuwid at hin na matuwid ang aariin ninyo : ako ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At inyong iingatan ang lahat ng aking palatuntunan , at ang lahat ng aking kahatulan , at inyong isasagawa : ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bukod dito&apos;y sasabihin mo rin sa mga anak ni Israel , Sinomang tao sa mga anak ni Israel , o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa Israel , na magbigay ng kaniyang binhi kay Moloch ; ay papataying walang pagsala ; siya&apos;y babatuhin ng mga bato ng mga tao ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Akin ding itititig ang aking mukha laban sa taong yaon , at akin siyang ihihiwalay sa kaniyang bayan : sapagka&apos;t binigyan niya ng kaniyang binhi si Moloch , upang ihawa ang aking santuario , at lapastanganin ang aking banal na pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung ilingid ng bayan sa lupain sa paraang anoman ang kanilang mga mata sa taong yaon , pagka nagbibigay ng kaniyang binhi kay Moloch , at hindi papatayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ay itititig ko nga ang aking mukha laban sa taong yaon , at laban sa kaniyang sangbahayan , at ihihiwalay ko sa kanilang bayan , siya at lahat ng manalig na sumunod sa kaniya , na nanalig kay Moloch .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang taong magbalik sa inaalihan ng masamang espiritu at sa mga mangkukulam , upang manalig sa mga yaon ay itititig ko ang aking mukha laban sa taong yaon , at ihihiwalay ko siya sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magpakabanal nga kayo at kayo&apos;y maging banal ; sapagka&apos;t ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan , at inyong isasagawa : ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t bawa&apos;t isa na lumalait sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay papatayin na walang pagsala : kaniyang nilait ang kaniyang ama o ang kaniyang ina : mabububo ang kaniyang dugo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang lalake na mangalunya sa asawa ng iba , sa makatuwid baga&apos;y yaong mangalunya sa asawa ng kaniyang kapuwa , ay papatayin na walang pagsala ang nangangalunya at ang napakalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang lalaking sumiping sa asawa ng kaniyang ama , ay kahubaran ng kaniyang ama ang kaniyang inilitaw : kapuwa sila papatayin na walang pagsala ; mabububo ang dugo nila sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung ang isang lalake ay sumiping sa kaniyang manugang , ay kapuwa sila papatayin ; sila&apos;y gumawa ng kahalayhalay ; mabububo ang kanilang dugo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake , na gaya ng pagsiping sa babae : ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal : sila&apos;y papatayin na walang pagsala : mabububo ang kanilang dugo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang isang lalake ay magasawa sa isang babae at sa kaniyang ina , ay kasamaan ; susunugin sa apoy kapuwa siya at sila ; upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung ang isang lalake ay makiapid sa hayop , ay papatayin na walang pagsala : at papatayin din ninyo ang hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung ang isang babae ay lumapit sa alin mang hayop at pasiping ay papatayin mo ang babae at ang hayop : sila&apos;y papatayin na walang pagsala ; mabububo ang kanilang dugo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung kunin ng isang lalake ang kaniyang kapatid na babae , na anak ng kaniyang ama o anak ng kaniyang ina , at kaniyang makita ang kaniyang kahubaran , at makita ng babae ang kahubaran niya : ay bagay na kahalayhalay nga ; at sila&apos;y ihihiwalay sa paningin ng mga anak ng kanilang bayan : ang kahubaran ng kaniyang kapatid na babae ay inilitaw niya ; kaniyang tataglayin ang kasamaan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung ang isang lalake ay sumiping sa isang babaing may karumalan , at ilitaw ang kahubaran niya ; ay kaniyang hinubdan ang agas niya , at siya naman ay lumitaw ng agas ng kaniyang dugo : at sila&apos;y kapuwa ihihiwalay sa kanilang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At huwag mong ililitaw ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina , ni ng kapatid na babae ng iyong ama : sapagka&apos;t hinubdan niya ang kaniyang kamaganak na malapit : kapuwa magtataglay ng kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung ang isang lalake ay sumiping sa asawa ng kaniyang amain ay kaniyang inilitaw ang kahubaran ng kaniyang amain : tataglayin nila ang kanilang kasalanan ; mamamatay silang walang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung ang isang lalake ay makisama sa asawa ng kaniyang kapatid na lalake , ay kahalayan : kaniyang inilitaw ang kahubaran ng kaniyang kapatid na lalake ; mabubuhay silang walang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ingatan nga ninyo ang lahat ng aking mga palatuntunan at ang lahat ng aking mga kahatulan , at inyong isasagawa : upang huwag kayong iluwa ng lupain na aking pinagdadalhan sa inyo na inyong tatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harap ninyo : sapagka&apos;t ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila , at kaya ko kinapopootan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t sa inyo&apos;y aking sinabi , Mamanahin ninyo ang lupain nila , at ibibigay ko sa inyo upang inyong manahin , na isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot : ako ang Panginoon ninyong Dios na ibinukod ko kayo sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Inyo ngang lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang karumaldumal , at ang ibong karumaldumal at ang malinis : at huwag ninyong gagawing karumaldumal ang inyong pagkatao , sa hayop o sa ibon , o sa anomang bagay na umuusad sa lupa , na inihiwalay ko sa inyo palibhasa&apos;y mga karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kayo&apos;y magpapakabanal sa akin : sapagka&apos;t akong , Panginoon , ay banal , at kayo&apos;y ibinukod ko sa mga bayan , upang kayo&apos;y maging akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang isang lalake rin naman o kaya&apos;y ang isang babae na inaalihan ng masamang espiritu , o mangkukulam , ay papatayin na walang pagsala , sila&apos;y babatuhin ng mga bato : mabububo ang kanilang dugo sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Salitain mo sa mga saserdote na mga anak ni Aaron , at sabihin mo sa kanila , Sinoman ay huwag magpakahawa ng dahil sa patay , sa gitna ng kaniyang bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Maliban sa kamaganak na malapit , sa kaniyang ina at sa kaniyang ama at sa kaniyang anak na lalake at babae , at sa kaniyang kapatid na lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa kaniyang kapatid na dalaga , na malapit sa kaniya , na walang asawa , ay maaring magpakahawa siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Yamang puno sa kaniyang bayan , ay huwag siyang magpapakahawa na magpapakarumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag nilang kakalbuhin ang kanilang ulo , o gugupitin man ang dulo ng kanilang balbas , o kukudlitan man ang kanilang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y magpakabanal sa kanilang Dios , at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng kanilang Dios : sapagka&apos;t sila ang naghahandog ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy , na tinapay ng kanilang Dios , kaya&apos;t sila&apos;y magpapakabanal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan , ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa : sapagka&apos;t ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Papagbabanalin mo nga siya ; sapagka&apos;t siya ang naghahandog ng tinapay ng inyong Dios : siya&apos;y magiging banal sa inyo ; sapagka&apos;t akong Panginoon nagpapaging banal sa inyo ay banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung ang anak na babae ng isang saserdote ay magpakarumi sa pagpapatutot , ay kaniyang binigyan ng kahihiyan ang kaniyang ama : siya&apos;y susunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid , na binuhusan ang ulo ng langis na pang-pahid , at itinalaga , upang makapagbihis ng mga banal na bihisan ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ni papasok sa kinaroroonan ng bangkay nino man , ni magpapakahawa dahil sa kaniyang ama , o dahil sa kaniyang ina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ni lalabas sa santuario , ni lalapastanganin ang santuario ng kaniyang Dios ; sapagka&apos;t ang talaga na langis na pang-pahid ng kaniyang Dios ay nasa ulo niya : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y magaasawa sa isang dalagang malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa bao o inihiwalay , sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa ; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan : sapagka&apos;t ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iyong salitain kay Aaron , na iyong sasabihin , Sinoman sa iyong mga binhi , sa buong panahon ng kaniyang lahi , na magkaroon ng anomang kapintasan , ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit ; maging ang taong bulag , o pilay , o magkaroon ng ilong na ungod , o ang mayroong kuntil ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">O taong kuba , o unano , o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata , o galisin , o langibin , o luslusin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote , na magkaroon ng kapintasan , na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy : siya&apos;y may kapintasan ; siya&apos;y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios , ang pinakabanal at ang mga bagay na banal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing , o lalapit man sa dambana , sapagka&apos;t may kapintasan siya ; upang huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario : sapagka&apos;t ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Gayon sinalita ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak , at sa lahat ng mga anak ni Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na sila&apos;y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel , na ikinagiging banal nila sa akin , at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sabihin mo sa kanila , Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi , na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon , na taglay ang kaniyang karumihan , ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o may agas ; ay hindi kakain ng mga banal na bagay hanggang siya&apos;y malinis . At ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay , o lalaking nilabasan ng binhi nito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">O sinomang humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi , o lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon , at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na maligo siya sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagkalubog ng araw , ay magiging malinis siya ; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay , sapagka&apos;t siya niyang tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Yaong bagay na namatay sa sarili , o nilapa ng mga ganid , ay huwag niyang kakanin , na makapagpapahawa sa kaniya : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iingatan nga nila ang aking bilin , baka sila&apos;y magkasala sa paraang iyan , at kanilang ikamatay , kung kanilang lapastanganin : ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay : sinomang nakikipanuluyan sa saserdote , o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi , ay makakakain ito ; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay ay makakakain ng kaniyang tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan , ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay , na walang anak at bumalik sa bahay ng kaniyang ama na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga , ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama , nguni&apos;t ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang sinomang lalake ay magkamaling kumain ng banal na bagay , ay kaniyang daragdagan pa nga ng ikalimang bahagi yaon , at ibibigay niya sa saserdote ang banal na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At huwag nilang dudumhan ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel , na inihahandog sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At gayon papasanin ang kasamaan ng nagtataglay ng sala , pagka kanilang kinakain ang kanilang mga banal na bagay : sapagka&apos;t ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak , at sa lahat ng mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Sinoman sa sangbahayan ni Israel , o sa mga taga ibang bayan sa Israel , na maghahandog ng kaniyang alay , maging anomang panata nila , o maging anomang kusang handog nila , na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinakahandog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Upang kayo&apos;y tanggapin , ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan , sa mga baka , sa mga tupa , o sa mga kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t alin mang may kapintasan , ay huwag ninyong ihahandog ; sapagka&apos;t hindi tatanggapin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan , sa pagtupad ng isang panata o kaya&apos;y kusang handog , na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal , upang tanggapin ; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bulag , o may bali , o may hiwa , o may sugat , o galisin , o malangib , ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon , ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Maging toro o tupa na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan , ay maihahandog mo na handog mo na kusa , datapuwa&apos;t sa panata ay hindi tatanggapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Yaong niluluslusan , o napisa , o nabasag , o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon ; ni huwag kayong gagawa ng ganyan sa inyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito : sapagka&apos;t taglay nila ang kanilang karumhan , may kapintasan sa mga iyan : hindi tatanggapin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Pagka may ipinanganak , na baka , o tupa , o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw ; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At maging baka o tupa ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At pagka kayo&apos;y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon , ay inyong ihahain upang kayo&apos;y tanggapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa araw ding iyan kakanin ; huwag kayong magtitira ng anoman niyan hanggang sa umaga : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t inyong iingatan ang aking mga utos , at inyong tutuparin : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan ; kundi ako&apos;y sasambahin sa gitna ng mga anak ni Israel : ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto , upang ako&apos;y maging inyong Dios : ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila , ang mga takdang kapistahan sa Panginoon , na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong , ay mga ito nga ang aking mga takdang kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Anim na araw na gagawa : datapuwa&apos;t sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan , siyang banal na pagpupulong ; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin : isang sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon ng mga banal na pagpupulong na inyong itatanyag sa takdang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa unang buwan , nang ikalabing apat na araw ng buwan , sa paglubog ng araw , ay paskua sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan , ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa Panginoon : pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong : anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi maghahandog kayo sa Panginoon na pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy ; sa ikapitong araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagka kayo&apos;y nakapasok sa lupain na ibibigay ko sa inyo , at inyong nagapas na ang ani niyaon , ay magdadala nga kayo sa saserdote ng bigkis na pinaka pangunang bunga ng inyong paggapas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aalugin niya ang bigkis sa harap ng Panginoon upang tanggapin sa ganang inyo : sa kinabukasan pagkatapos ng sabbath aalugin ng saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa araw na inyong alugin ang bigkis , ay maghahandog kayo ng isang korderong lalake ng unang taon , na walang kapintasan , na pinakahandog na susunugin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang handog na harina niyaon ay magiging dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis , handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy : at ang pinakahandog na inumin niyaon ay alak , na ikaapat na bahagi ng isang hin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At huwag kayong kakain ng tinapay , ni trigong sinangag , ni uhay na bago , hanggang sa araw na ito , hanggang sa inyong madala ang alay sa inyong Dios : siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi , sa lahat ng inyong mga tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kayo&apos;y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog : magiging pitong sabbath na ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa makatuwid baga&apos;y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath , bibilang kayo ng limang pung araw ; at maghahandog kayo ng bagong handog na harina sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina , at lulutuin na may levadura na pinaka pangunang bunga sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan , at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake : mga handog sa Panginoon na susunugin , na kalakip ng kanilang handog na harina , at ng kanilang mga handog na inumin , handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan , at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga , na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon , na kalakip ng dalawang kordero : ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At inyong ihahayag sa araw ding iyan ; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo ; kayo&apos;y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod : siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan , sa buong panahon ng inyong lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain , ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid , ni pamulutan ang inyong naanihan : sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Salitain mo sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Sa ikapitong buwan , sa unang araw ng buwan , ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan , na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kayo&apos;y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod : at kayo&apos;y maghahandog ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Gayon ma&apos;y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos : magiging sa inyo&apos;y banal na pagpupulong , at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa ; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan : sapagka&apos;t araw ng pagtubos , upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kayo&apos;y huwag gagawa ng anomang gawa : siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo , at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon , mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Iyong salitain sa mga anak ni Israel , na sabihin , Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong ; kayo&apos;y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy ; sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong ; at kayo&apos;y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy ; siyang pinaka dakilang kapulungan ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon , na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong , upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy , ng handog na susunugin , at ng handog na harina , ng hain , at ng mga handog na inumin na bawa&apos;t isa ay sa kaniyang sariling kaarawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Bukod sa mga sabbath sa Panginoon , at bukod sa inyong mga kaloob , at bukod sa lahat ng inyong mga panata , at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Gayon ma&apos;y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan , pagka inyong natipon ang bunga ng lupain , ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw : ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan , at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy , ng mga sanga ng mga palma , at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy , at ng mga sause ng batis ; at kayo&apos;y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios , na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa&apos;t taon : siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi : sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Kayo&apos;y tatahan sa mga balag na pitong araw ; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel , nang aking ilabas sa lupain ng Egipto : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ipinakilala ni Moises sa mga anak ni Israel ang mga takdang kapistahan sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva , na hinalo para sa ilawan , upang laging papagliyabin ang ilawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan , ay aayusing palagi ni Aaron , mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon : siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kukuha ka ng mainam na harina , at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay : tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa&apos;t munting tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ilalagay mong dalawang hanay , anim sa bawa&apos;t hanay , sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At maglalagay ka sa bawa&apos;t hanay ng dalisay na kamangyan , upang ito&apos;y maging paalaala na tinapay , na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa bawa&apos;t sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon ; sa ganang mga anak ni Israel , na pinakatipang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak ; at kanilang kakanin sa dakong banal : sapagka&apos;t kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang anak na lalake ng isang babaing , Israelita na ang ama&apos;y Egipcio , ay napasa gitna ng mga anak ni Israel : at nagbabag sa gitna ng kampamento ang anak ng babaing Israelita at ang isang lalake ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan , at nilait : at siya&apos;y kanilang dinala kay Moises , at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith , na anak ni Dribi sa lipi ni Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento ; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo , at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sasalitain mo sa mga anak ni Israel , na iyong sasabihin , Sinomang mapanungayaw sa kaniyang Dios ay magpapasan ng kaniyang sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala ; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan : maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain , ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao , ay papataying walang pagsala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit : hayop kung hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa : ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bugbog kung bugbog , mata kung mata , ngipin kung ngipin : ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao , ay gayon din ang gagawin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit , at ang pumatay sa isang tao ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan , na gaya sa tubo sa lupain : sapagka&apos;t ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento , at siya&apos;y pinagbatuhanan ng mga bato . At ginawa ng mga anak ni Israel , ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagpasok ninyo sa lupain na ibibigay ko sa inyo , ay mangingilin ng isang sabbath sa Panginoon ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid , at anim na taong kakapunin mo ang iyong ubasan , at titipunin mo ang bunga ng mga iyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t sa ikapitong taon ay magiging sabbath na takdang kapahingahan sa lupain , sabbath sa Panginoon : huwag mong hahasikan ang iyong bukid , ni kakapunin ang iyong ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Yaong tumubo sa sarili sa iyong inaanihan ay huwag mong aanihin , at ang mga ubas ng iyong ubasan na hindi nakapon ay huwag mong titipunin : magiging taong takdang kapahingahan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang bunga sa sabbath ng lupain ay magiging pagkain sa inyo ; sa iyo , at sa iyong aliping lalake at babae , at sa iyong aliping upahan , at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa iyong mga baka at sa mga hayop na nasa iyong lupain ay magiging pagkain ang lahat ng bunga ng mga iyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bibilang ka ng pitong sabbath ng taon , makapitong pitong taon ; at magiging sa iyo&apos;y mga araw ng pitong sabbath ng mga taon , sa makatuwid baga&apos;y apat na pu&apos;t siyam na taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung magkagayo&apos;y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan ; sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon , at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain : iya&apos;y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo ; at bawa&apos;t isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari , at bawa&apos;t isa&apos;y babalik sa kaniyang sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon : huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili , ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kapistahan ng jubileo ; magiging banal sa inyo : kakanin ninyo ang bunga niyan sa bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa taong ito ng jubileo , ay babalik kayo , bawa&apos;t isa sa kaniyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ikaw ay magbili ng anoman sa iyong kapuwa o bumili ng anoman sa kamay ng iyong kapuwa , ay huwag kayong magdadayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ayon sa bilang ng taon pagkatapos ng jubileo , ay bibilhin mo sa iyong kapuwa , ayon sa bilang ng taon ng pagaani , ay kaniyang ipagbibili sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ayon sa dami ng mga taon , ay daragdagan mo ang halaga niyan , at ayon sa kakauntian ng mga taon , ay babawasan mo ang halaga niyan ; sapagka&apos;t ganyang bilang ng ani ang kaniyang ipagbibili sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At huwag kayong magdadayaan ; kundi matatakot kayo sa inyong Dios : sapagka&apos;t ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t inyong tutuparin ang aking mga palatuntunan , at inyong iingatan ang aking mga kahatulan at inyong isasagawa at tatahan kayong tiwasay sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang lupain ay magbubunga , at kakain kayo hanggang sa mabusog at tatahan kayong tiwasay doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung sasabihin ninyo , Anong aming kakanin sa ikapitong taon ? narito , hindi kami maghahasik ni magtitipon ng aming mga bunga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking igagawad ang aking pagpapala sa inyo sa ikaanim na taon , at magbubunga ng kasya sa tatlong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At maghahasik kayo sa ikawalong taon , at kakain kayo ng dating kinamalig na mga bunga hanggang sa ikasiyam na taon , hanggang sa dumating ang pagbubunga ng ikawalo ay kakain kayo ng dating kinamalig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang lupain ay hindi maipagbibili ng magpakailan man ; sapagka&apos;t akin ang lupain : sapagka&apos;t kayo&apos;y taga ibang bayan at makikipamayang kasama ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa buong lupain na iyong pag-aari ay magkakaloob kayo ng pangtubos sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung ang iyong kapatid ay maghirap , at ipagbili ang anoman sa kaniyang pag-aari , ay paroroon ang kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya , at tutubusin ang ipinagbili ng kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung ang taong yaon ay walang manunubos , at siya&apos;y yumaman at nakasumpong ng kasapatan upang matubos yaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ay kaniyang bilangin ang mga taon pagkatapos na kaniyang naipagbili , at isasauli ang labis sa taong kaniyang pinagbilhan ; at babalik siya sa kaniyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t kung siya&apos;y walang kasapatan , upang maibalik niya sa kaniya , ang ipinagbili ay matitira nga sa kapangyarihan ng bumili hanggang sa taon ng jubileo ; at sa jubileo ay maaalis sa kapangyarihan niyaon , at ang may-ari ay babalik sa kaniyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kung ang isang tao ay magbili ng bahay na tahanan sa nakukutaang bayan ay matutubos niya sa loob ng isang buong taon pagkatapos na maipagbili ; sapagka&apos;t isang buong taon ang kaniyang matuwid ng pagtubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kung hindi matubos sa loob ng isang buong taon , ang bahay na nasa nakukutaang bayan ay lalagi magpakailan man , na pag-aari niyaong bumili , sa buong panahon ng kaniyang lahi : hindi maaalis sa kaniya sa jubileo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t ang mga bahay sa mga nayon na walang kuta sa palibot , ay aariing para ng sa mga bukirin sa lupain : kanilang matutubos ; at sa jubileo ay magsisialis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Gayon ma&apos;y sa mga bayan ng mga Levita , kailan ma&apos;y maaaring matubos ng mga Levita ang mga bahay sa mga bayan ng kanilang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kung ang isa sa mga Levita ay tumubos , ang bahay na ipinagbili at ang bayang kaniyang pag-aari , ay maaalis sa jubileo , sapagka&apos;t ang mga bahay sa mga bayan ng mga Levita ay kanilang pag-aari sa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t ang mga bukid sa palibot ng mga bayan nila , ay hindi maipagbibili , sapagka&apos;t pag-aari nila magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping , ay iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo , na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang , kundi matakot ka sa iyong Dios : patuluyin mo ang iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo , ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ako ang Panginoon ninyong Dios , na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto , upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan , at ako&apos;y maging inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kung ang iyong kapatid na kasama mo ay maghirap at pabili siya sa iyo : ay huwag mo siyang papaglilingkuring parang alipin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ipalalagay mo siyang parang lingkod na upahan at parang nakikipamayan ; hanggang sa taon ng jubileo ay maglilingkod siya sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kung magkagayo&apos;y aalis siya sa iyo , siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya , at babalik sa kaniyang sariling sangbahayan , at babalik sa pag-aari ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sapagka&apos;t sila&apos;y aking mga lingkod , na aking inilabas sa lupain ng Egipto ; sila&apos;y hindi maipagbibiling parang mga alipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Huwag kang papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan ; kundi ikaw ay matatakot sa iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At tungkol sa iyong mga aliping lalake at babae na magkakaroon ka ; sa mga bansang nasa palibot ninyo , ay makabibili kayo sa kanila ng mga aliping lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Saka sa mga anak ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa inyo , sa mga ito&apos;y makabibili kayo , at sa kanilang mga sangbahayan na nasa inyo , na mga ipinanganak nila sa inyong lupain : at magiging inyong pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At inyong iiwang pinakapamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo , na pinakapag-aari ; sa mga iyan kukuha kayo ng inyong mga alipin magpakailan man : nguni&apos;t sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel ay huwag kayong magpapanginoonan na may kabagsikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman , at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya , at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Pagkatapos na siya&apos;y maipagbili ay kaniyang matutubos : isa sa kaniyang mga kapatid ay makatutubos sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya ; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya ; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya , mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo : at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon ; at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Kung maraming taon pa ang kulang niya , ayon sa dami ng mga iyan , ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya&apos;y ibinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya ; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon , ay gayon matitira sa kaniya : siya&apos;y huwag papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito , ay aalis siya sa taon ng jubileo , siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Sapagka&apos;t sa akin ang mga anak ni Israel ay mga lingkod ; sila&apos;y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan , ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi , ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain , upang inyong yukuran yaon : sapagka&apos;t ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Inyong ipangingilin ang aking mga sabbath , at inyong igagalang ang aking santuario : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung lalakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan at iingatan ninyo ang aking mga utos , at inyong tutuparin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ay maglalagpak nga ako ng ulan sa kapanahunan , at ang lupain ay pakikinabangan , at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang inyong paggiik ay aabot hanggang sa pagaani ng mga ubas , at ang pagaani ng ubas ay aabot sa paghahasik : at kakanin ninyo ang inyong pagkain na sagana , at tatahan kayong tiwasay sa inyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain , at mahihiga kayo , at walang katatakutan kayo : at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop , ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway , at mangabubuwal sa harap ninyo sa tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At lima sa inyo&apos;y hahabol sa isang daan , at isang daan sa inyo&apos;y hahabol sa sangpung libo : at ang inyong mga kaaway ay mangabubuwal sa tabak sa harap ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At lilingapin ko kayo , at palalaguin ko kayo , at pararamihin ko kayo ; at papagtitibayin ko ang aking tipan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kakanin ninyo ang malaong kinamalig , at inyong ilalabas ang luma dahil sa bago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ilalagay ko ang aking tabernakulo sa gitna ninyo : at hindi ko kayo kapopootan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At lalakad ako sa gitna ninyo at ako&apos;y magiging inyong Dios , at kayo&apos;y magiging aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako ang Panginoon ninyong Dios , na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto , upang huwag kayong maging mga alipin nila ; at sinira ko ang mga kahoy ng inyong pamatok , at pinalakad ko kayo ng mga ulong matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t kung hindi ninyo pakikinggan ako , at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng mga utos na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung inyong tatanggihan ang aking mga palatuntunan , at kasusuklaman nga ninyo ang aking mga hatol , na anopa&apos;t hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos , kundi inyong sisirain ang aking tipan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ay gagawin ko naman ito sa inyo ; ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak , at pagkatuyo , at ang lagnat na uubos sa mga mata , at magpapalupaypay sa kaluluwa : at maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan , sapagka&apos;t kakanin ng inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At itititig ko ang aking mukha laban sa inyo , at kayo&apos;y masasaktan sa harap ng inyong mga kaaway : kayo&apos;y pagpupunuan ng mga napopoot sa inyo ; at kayo&apos;y tatakas nang walang humahabol sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung sa mga bagay na ito man ay hindi ninyo ako pakinggan , ay parurusahan ko kayong makapito pa , dahil sa inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sisirain ko ang kahambugan ng inyong kapangyarihan ; at gagawin kong parang bakal ang inyong langit at parang tanso ang inyong lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At gugugulin ninyo ang inyong kalakasan ng walang kabuluhan ; sapagka&apos;t hindi ibibigay sa inyo ng inyong lupain ang kaniyang bunga ni ng kahoy sa parang ang kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung kayo&apos;y sasalangsang sa akin , at hindi ninyo ako didinggin ; ay dadalhan ko kayo ng makapito ang higit ng salot ayon sa inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At susuguin ko sa inyo ang mga halimaw sa parang , ng samsaman kayo ng inyong mga anak , at papatayin ang inyong mga hayop , at kayo&apos;y pakakauntiin sa bilang ; at mangungulila ang inyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kung sa mga bagay mang ito ay hindi pa kayo magbago sa akin , kundi sasalangsang kayo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lalakad din naman ako ng laban sa inyo , at sasaktan ko kayo , ng makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pararatingin ko sa inyo ang tabak na gaganap ng higanti ng tipan ; at kayo&apos;y matitipon sa loob ng inyong mga bayan : at pararatingin ko ang salot sa gitna ninyo ; at kayo&apos;y mabibigay sa kamay ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Pagka masisira ko ang tungkod ninyong tinapay , ang sangpung babae ay magluluto ng inyong tinapay sa isa lamang hurno , at sa inyo&apos;y isasauli sa timbang ang inyong tinapay : at kayo&apos;y kakain at hindi kayo mangabubusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung sa lahat ng ito ay hindi ninyo ako pakikinggan , kundi kayo&apos;y sasalangsang sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ay sasalangsang ako sa inyo na may kapusukan ; at parurusahan ko kayong makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kakanin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalake , at ang mga laman ng inyong mga anak na babae ay inyong kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sisirain ko ang inyong matataas na dako , at aking wawasakin ang inyong mga larawang araw , at itatapon ko ang inyong mga bangkay sa mga katawan ng inyong mga diosdiosan ; at kapopootan kayo ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At gagawin kong giba ang inyong mga bayan , at gigibain ko ang inyong mga santuario , at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At gagawin kong ilang ang lupain : at pagtatakhan ng inyong mga kaaway na tumatahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kayo&apos;y aking pangangalatin sa mga bansa , at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo : at ang inyong lupain ay magiging isang ilang , at ang inyong mga bayan ay magiging sira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung magkagayo&apos;y magagalak ang lupain sa kaniyang mga sabbath , habang nahahandusay na sira , at kayo&apos;y mapapasa lupain ng inyong mga kaaway ; ang lupain nga ay magpapahinga , at magagalak sa kaniyang mga sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Habang nahahandusay na sira ay magkakaroon ng kapahingahan , sa makatuwid baga&apos;y ang hindi ipinagpahinga sa inyong mga sabbath , nang kayo&apos;y nagsisitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At tungkol sa mga matitira sa inyo , ay sisidlan ko ng takot sa kanilang puso , sa mga lupain ng kaniyang mga kaaway : at hahabulin sila ng kalatis ng isang dahong nalalaglag ; at sila&apos;y tatakas na parang tumatakas sa tabak ; at sila&apos;y mabubuwal nang walang humahabol sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At mangagkakatisuran sila na parang nasa harap ng tabak , kahit walang humahabol : at hindi kayo makatatayo sa harap ng inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At mamamatay kayo sa gitna ng mga bansa , at sasakmalin kayo ng lupain ng inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang mga matitira sa inyo ay magsisipanglupaypay sa kanilang kasamaan sa mga lupain ng inyong mga kaaway ; at sa mga kasamaan naman ng kanilang mga magulang ay magsisipanglupaypay na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At kanilang isasaysay ang kanilang kasamaan , at ang kasamaan ng kanilang mga magulang , sa ang kanilang pagsalangsang na isinalangsang laban sa akin , sapagka&apos;t sila&apos;y lumakad naman ng laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ako naman ay lumakad ng laban sa kanila , at sila&apos;y aking dinala sa lupain ng kanilang mga kaaway : kung magpapakababa nga ang kanilang mga pusong hindi tuli , at kanilang tatanggapin ang parusa sa kanilang kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ay aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob ; at ang akin ding tipan kay Isaac , at gayon din ang aking tipan kay Abraham ay aking aalalahanin ; at aking aalalahanin ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang lupain naman ay pababayaan nila , at magagalak sa kaniyang mga sabbath , samantalang nahahandusay na sira na wala sila ; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan : sapagka&apos;t kanilang tinanggihan ang aking mga hatol , at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sa lahat mang ito , pagka sila&apos;y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay hindi ko sila itatakuwil , ni kapopootan ko sila na sila&apos;y aking lubos na lilipulin , at aking sisirain ang aking tipan sa kanila : sapagka&apos;t ako ang Panginoon nilang Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang , na aking inilabas sa lupain ng Egipto , sa paningin ng mga bansa , upang ako&apos;y maging kanilang Dios : ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ito ang mga palatuntunan at ang mga hatol at ang mga kautusang ginawa ng Panginoon sa kaniyang sarili at sa mga anak ni Israel sa bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata ayon sa iyong inihalaga , ay magiging sa Panginoon ang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake , na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu , ay limang pung siklong pilak , ang iyong ihahalaga ayon sa siklo ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon , ay dalawang pung siklo , ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung sa may anim na pung taon na patanda ; kung lalake , ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga , at sa babae ay sangpung siklo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga , ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote , at hahalagahan siya ng saserdote ; ayon sa ikakakaya ng may panata , ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon , lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti : at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba , ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kung yao&apos;y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon , ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At hahalagahan ng saserdote , maging mabuti o masama : ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t kung tunay na kaniyang tutubusin , ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagka ang sinoman ay magtatalaga ng kaniyang bahay upang maging banal sa Panginoon , ay hahalagahan nga ng saserdote , kung mabuti o masama : ayon sa ihahalaga ng saserdote ay magiging gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay , ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon , at magiging kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pag-aari , ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga : ang hasik na isang omer na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo , ay magiging ayon sa iyong inihalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo , ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon , at mapapasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung hindi niya tutubusin ang bukid , o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo , ay magiging banal sa Panginoon , na parang bukid na itinalaga : ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili , na hindi sa bukid na kaniyang pag-aari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo , at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon , na parang banal na bagay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan , doon sa kinararapatan ng pag-aari ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario : dalawang pung gera ang isang siklo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon , ang hindi maitatalaga ninoman ; maging baka o tupa , ay ukol sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung hayop na karumaldumal , ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon ; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon ma&apos;y walang bagay na itinalaga , na itatalaga ninoman sa Panginoon , sa lahat ng sariling kaniya , maging sa tao o sa hayop , o sa bukid na kaniyang pag-aari , ay maipagbibili o matutubos : bawa&apos;t bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao , ay matutubos : papataying walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain , maging sa binhi ng lupain , o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon : magiging banal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan , anomang madaan sa tungkod , ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama , ni huwag niyang papalitan : at kung sa anomang paraan ay palitan niya , ay kapuwa magiging banal ; hindi matutubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises , sa bundok ng Sinai hinggil sa mga anak ni Israel .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "4">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan , nang unang araw ng ikalawang buwan , sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel , ayon sa mga angkan nila , ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , bawa&apos;t lalake ayon sa dami ng mga ulo nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka , na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa&apos;t lipi ; na bawa&apos;t isa&apos;y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo . Sa lipi ni Ruben : si Elisur na anak ni Sedeur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa lipi ni Simeon ; si Selumiel na anak ni Zurisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa lipi ni Juda ; si Naason na anak ni Aminadab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa lipi ni Issachar ; si Nathanael na anak ni Suar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa lipi ni Zabulon ; si Eliab na anak ni Helon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa mga anak ni Jose : sa lipi ni Ephraim ; si Elisama na anak ni Ammiud : sa lipi ni Manases ; si Gamaliel na anak ni Pedasur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa lipi ni Benjamin ; si Abidan na anak ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa lipi ni Dan ; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa lipi ni Aser ; si Phegiel na anak ni Ocran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa lipi ni Gad ; si Eliasaph na anak ni Deuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa lipi ni Nephtali ; si Ahira na anak ni Enan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang mga tinawag sa kapisanan , na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang ; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan ; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan , sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , ayon sa dami ng mga ulo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga anak ni Ruben , na panganay ni Israel , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , sangayon sa dami ng kanilang mga ulo , bawa&apos;t lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Ruben , ay apat na pu&apos;t anim na libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa mga anak ni Simeon , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ay nangabilang sa kanila , ayon sa bilang ng mga pangalan , sangayon sa dami ng mga ulo nila , bawa&apos;t lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Simeon , ay limang pu&apos;t siyam na libo at tatlong daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa mga anak ni Gad , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Gad , ay apat na pu&apos;t limang libo at anim na raan at limang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa mga anak ni Juda , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Juda , ay pitong pu&apos;t apat na libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa mga anak ni Issachar , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Issachar , ay limang pu&apos;t apat na libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa mga anak ni Zabulon , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Zabulon , ay limang pu&apos;t pitong libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa mga anak ni Jose , sa mga anak ni Ephraim , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim , ay apat na pung libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa mga anak ni Manases , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Manases , ay tatlong pu&apos;t dalawang libo at dalawang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sa mga anak ni Benjamin , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Benjamin , ay tatlong pu&apos;t limang libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa mga anak ni Dan , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Dan , ay anim na pu&apos;t dalawang libo at pitong daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa mga anak ni Aser , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Aser , ay apat na pu&apos;t isang libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sa mga anak ni Nephtali , ang kanilang mga lahi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa bilang ng mga pangalan , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng makalalabas sa pakikibaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ay nangabilang sa kanila , sa lipi ni Nephtali , ay limang pu&apos;t tatlong libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake , na mga pangulo sa Israel : na bawa&apos;t isa sa kanila&apos;y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kaya&apos;t lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Datapuwa&apos;t ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin , ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo , at ang lahat ng kasangkapan niyaon , at ang lahat ng nauukol doon ; kanilang dadalhin ang tabernakulo , at ang lahat ng kasangkapan niyaon ; at kanilang pangangasiwaan at sila&apos;y hahantong sa palibot ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita : at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita : at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda , na bawa&apos;t lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa&apos;t lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Datapuwa&apos;t ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo , upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel : at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Gayon ginawa ng mga anak ni Israel ; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon nila ginawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawa&apos;t lalake sa siping ng kaniyang sariling watawat , na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang : sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At yaong tatayo sa dakong silanganan , sa dakong sinisikatan ng araw , ay ang mga sa watawat ng kampamento ng Juda , ayon sa kanilang mga hukbo : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaniyang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila ay pitong pu&apos;t apat na libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At yaong magsisitayo sa siping niya ay ang lipi ni Issachar : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Issachar ay si Nathanael na anak ni Suar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang kaniyang hukbo , at ang nangabilang niyaon ay limang pu&apos;t apat na libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang lipi ni Zabulon : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Zabulon , ay si Eliab na anak ni Helon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang kaniyang hukbo , at ang nangabilang niyaon , ay limang pu&apos;t pitong libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Juda ay isang daan at walong pu&apos;t anim na libo at apat na raan , ayon sa kanilang mga hukbo . Sila ang unang magsisisulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa dakong timugan , ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ruben , ayon sa kanilang mga hukbo : at ang magiging prinsipe ng mga anak ni Ruben , ay si Elisur na anak ni Sedeur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kaniyang hukbo at ang nangabilang niyaon , ay apat na pu&apos;t anim na libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At yaong tatayo sa siping niya ay ang lipi ni Simeon : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila , ay limang pu&apos;t siyam na libo at tatlong daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang lipi ni Gad : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Gad ay si Eliasaph na anak ni Rehuel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang kaniyang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila , ay apat na pu&apos;t limang libo at anim na raan at limang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Ruben ay isang daan at limang pu&apos;t isang libo at apat na raan at limang pu , ayon sa kanilang mga hukbo . At sila ang pangalawang magsisisulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung magkagayon , ang tabernakulo ng kapisanan ay susulong na kaakbay ng kampamento ng mga Levita sa gitna ng mga kampamento : ayon sa kanilang pagkahantong , ay gayon sila magsisisulong , na bawa&apos;t lalake ay sa kanikaniyang sariling dako , sa siping ng kanilang mga watawat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa dakong kalunuran ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ephraim , ayon sa kanilang mga hukbo : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Ephraim ay si Elisama na anak ni Ammiud .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang kaniyang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pung libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa siping niya ay malalagay ang lipi ni Manases at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Manases ay si Gamaliel na anak ni Pedasur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang kaniyang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila ay tatlong pu&apos;t dalawang libo at dalawang daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang lipi ni Benjamin : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Benjamin , ay si Abidan na anak ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang kaniyang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila , ay tatlong pu&apos;t limang libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Ephraim ay isang daan at walong libo at isang daan , ayon sa kanilang mga hukbo . At sila ang pangatlong magsisisulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa dakong hilagaan ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Dan , ayon sa kanilang mga hukbo : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Dan , ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang kanilang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila ay anim na pu&apos;t dalawang libo at pitong daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At yaong hahantong sa siping niya ay ang lipi ni Aser : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Aser ay si Phegiel na anak ni Ocran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang kaniyang hukbo , at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu&apos;t isang libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang lipi ni Nephtali : at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Nephtali ay si Ahira na anak ni Enan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila ay limang pu&apos;t tatlong libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Dan , ay isang daan at limang pu&apos;t pitong libo at anim na raan . Sila ang magsisisulong na huli , ayon sa kanilang mga watawat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ito ang nangabilang sa mga anak ni Israel , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang : yaong lahat na nangabilang sa mga kampamento , ayon sa kanilang mga hukbo , ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t ang mga Levita ay hindi ibinilang sa mga anak ni Israel : gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gayon ginawa ng mga anak ni Israel ; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila humantong sa siping ng kanilang mga watawat , at gayon sila nagsisulong , na bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises , nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron : si Nadab ang panganay , at si Abiu , si Eleazar , at si Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron , na mga saserdote na pinahiran ng langis , na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon , nang sila&apos;y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon , sa ilang ng Sinai , at sila&apos;y hindi nagkaanak : at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ilapit mo ang lipi ni Levi , at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote , upang pangasiwaan nila siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan , at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak : sila&apos;y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak , at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote : at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tungkol sa akin , narito , aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel : at ang mga Levita ay magiging akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t lahat ng mga panganay ay sa akin ; sapagka&apos;t nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin , ang lahat ng mga panganay sa Israel , maging tao at maging hayop : sila&apos;y magiging akin ; ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bilangin mo ang mga anak ni Levi , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ayon sa kanilang mga angkan : bawa&apos;t lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y binilang ni Moises ayon sa salita ng Panginoon , gaya ng iniutos sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ito ang mga naging anak ni Levi ayon sa kanilang mga pangalan : si Gerson , at si Coath , at si Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan : si Libni at si Simei .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga anak ni Coath ayon sa kanilang mga angkan , ay si Amram , at si Izhar , si Hebron , at si Uzziel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ; ay si Mahali at si Musi . Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kay Gerson galing ang angkan ng mga Libnita , at ang angkan ng mga Simeita : ito ang mga angkan ng mga Gersonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Yaong nangabilang sa kanila , ayon sa bilang ng lahat ng mga lalake , mula sa isang buwang gulang na patanda , ay pitong libo at limang daan ang nangabilang sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay ang tabernakulo , at ang Tolda , ang takip niyaon at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga tabing ng looban at ang tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana , at ang mga tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita , at ang angkan ng mga Hebronita , at ang angkan ng mga Uzzielita : ito ang mga angkan ng mga Coathita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake , mula sa isang buwang gulang na patanda , ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo , sa dakong timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang magiging katungkulan nila ay ang kaban , at ang dulang , at ang kandelero , at ang mga dambana , at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan , at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita : ito ang mga angkan ni Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At yaong nangabilang sa kanila , ayon sa bilang ng lahat na mga lalake , mula sa isang buwang gulang na patanda , ay anim na libo at dalawang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail : sila&apos;y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari , ay ang mga tabla ng tabernakulo , at ang mga barakilan , at ang mga haligi , at ang mga tungtungan , at ang lahat ng kasangkapan , at lahat ng paglilingkod doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang mga haligi sa palibot ng looban , at ang mga tungtungan , at ang mga tulos , at ang mga tali ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan , sa harap ng tabernakulo ng kapisanan , sa dakong sinisikatan ng araw , ay si Moises , at si Aaron , at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario , upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel : at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita na binilang ni Moises at ni Aaron sa utos ng Panginoon ayon sa kanilang mga angkan , lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda , ay dalawang pu&apos;t dalawang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bilangin mo ang lahat ng mga lalaking panganay sa mga anak ni Israel mula sa isang buwang gulang na patanda , at iguhit mo ang bilang ng kanilang mga pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At iuukol mo sa akin ang mga Levita ( ako ang Panginoon ) sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel ; at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga hayop ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At binilang ni Moises , gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon , ang lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At lahat ng mga panganay na lalake ayon sa bilang ng mga pangalan , mula sa isang buwang gulang na patanda , doon sa nangabilang sa kanila , ay dalawang pu&apos;t dalawang libo at dalawang daan at pitong pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kunin mo ang mga Levita sa halip ng lahat na mga panganay sa mga anak ni Israel , at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng kanilang mga hayop : at ang mga Levita ay magiging akin ; ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sa ikatutubos sa dalawang daan at pitong pu&apos;t tatlong panganay ng mga anak ni Israel na higit sa bilang ng mga Levita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ay kukuha ka ng limang siklo sa bawa&apos;t isa ayon sa ulo ; ayon sa siklo ng santuario kukunin mo ( isang siklo ay dalawang pung gera ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At ibibigay mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping ikatutubos na humigit sa bilang nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At kinuha ni Moises ang salaping pangtubos sa mga labis na humigit sa mga natubos ng mga Levita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Mula sa mga panganay ng mga anak ni Israel kinuha niya ang salapi ; isang libo at tatlong daan at anim na pu&apos;t limang siklo , ayon sa siklo ng santuario :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At ibinigay ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping pangtubos ayon sa salita ng Panginoon , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath , sa gitna ng mga anak ni Levi , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang , lahat ng pumapasok sa paglilingkod , upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan , sa mga bagay na kabanalbanalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagka ang kampamento ay isusulong , ay papasok si Aaron sa loob , at ang kaniyang mga anak , at kanilang ibababa ang lambong ng tabing , at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw , at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa ibabaw ng dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw , at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan , at ang mga sandok , at ang mga mangkok , at ang mga tasa upang buhusan ; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula , at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka , at kanilang ilalagay ang mga pingga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan , at ang mga gunting , at ang mga pinggan , at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon , na kanilang pinangangasiwaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang ilalagay , pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka , at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw , at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka , at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario , at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw , at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka , at kanilang ipapatong sa patungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana , ang suuban at ang mga pangipit , at ang mga pala at ang mga mangkok , lahat ng mga kasangkapan ng dambana ; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka , at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario , kailan ma&apos;t isusulong ang kampamento : ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon : datapuwa&apos;t huwag silang hihipo sa santuario , baka sila&apos;y mamatay . Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote , ay ang langis sa ilawan , at ang mabangong kamangyan , at ang palaging handog na harina , at ang langis na pang-pahid , at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon , ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito , upang sila&apos;y mabuhay at huwag mamatay , paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay : si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa&apos;t isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t sila&apos;y huwag magsisipasok upang tingnan ang santuario kahit sandali man , baka sila&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Aayusin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gerson , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ayon sa kanilang mga angkan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila ; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita , sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo , at ang tabernakulo ng kapisanan , ang takip niyaon , at ang panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito , at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga tabing sa looban , at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo , at ng dambana , at ang mga tali ng mga yaon , at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin , at sa buong kanilang paglilingkod : at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita sa tabernakulo ng kapisanan : at ang katungkulan nila ay mapapasa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Tungkol sa mga anak ni Merari , ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila , lahat na pumapasok sa paglilingkod , upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan : ang mga tabla ng tabernakulo , at ang mga barakilan , at ang mga haligi , at ang mga tungtungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga haligi sa palibot ng looban , at ang mga tungtungan , at ang mga tulos , at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod : at ayon sa pangalan , ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan , sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At binilang ni Moises at ni Aaron , at ng mga prinsipe ng kapisanan ang mga anak ng mga Coathita ayon sa kanilang mga angkan , at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang , ang bawa&apos;t isa na pumapasok sa paglilingkod , upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At yaong nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan , ay dalawang libo at pitong daan at limangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga Coathita , lahat ng nagsisipaglingkod sa tabernakulo ng kapisanan na binilang ni Moises at ni Aaron , ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At yaong nangabilang sa mga anak ni Gerson , ang kanilang mga angkan , at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang , bawa&apos;t isa na pumapasok sa paglilingkod upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa makatuwid baga&apos;y ang nangabilang sa kanila , ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson , sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan , na binilang ni Moises at ni Aaron , ayon sa utos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang , bawa&apos;t isa na pumapasok sa paglilingkod , upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sa makatuwid baga&apos;y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan , ay tatlong libo at dalawang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron , ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita , na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel , ayon sa kanilang mga angkan , at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang , bawa&apos;t isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod , at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sa makatuwid baga&apos;y yaong nangabilang sa kanila , ay walong libo at limang daan at walong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises , bawa&apos;t isa ayon sa kaniyang paglilingkod , at ayon sa kaniyang pasanin : ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iutos mo sa mga anak ni Israel na ilabas sa kampamento ang bawa&apos;t may ketong , at bawa&apos;t inaagasan , at ang sinomang karumaldumal sa pagkahipo sa patay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lalake at babae ay kapuwa ninyo ilalabas , sa labas ng kampamento ilalagay ninyo sila ; upang huwag nilang ihawa ang kanilang kampamento na aking tinatahanan sa gitna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ginawang gayon ng mga anak ni Israel , at inilabas sa labas ng kampamento : kung paanong sinalita ng Panginoon kay Moises ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Salitain mo sa mga anak ni Israel , Pagka ang isang lalake o babae ay nakagawa ng anomang kasalanan na nagagawa ng mga tao , na sumasalangsang laban sa Panginoon at ang gayong tao ay naging salarin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ay kaniyang isusulit nga ang kaniyang kasalanang nagawa : at kaniyang pagbabayarang lubos ang kaniyang sala , at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi at ibibigay sa pinagkasalahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kung ang lalake ay walang kamaganak na mapagbabayaran ng sala , ay mapapasa saserdote ang kabayaran ng sala na handog sa Panginoon , bukod sa tupang lalaking pinakatubos na ipangtutubos sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang bawa&apos;t handog na itinaas sa lahat ng bagay na banal ng mga anak ni Israel , na kanilang ihaharap sa saserdote ay magiging kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga bagay na banal ng bawa&apos;t lalake ay magiging kaniya : ang ibigay ng sinomang tao sa saserdote ay magiging kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Kung ang asawa ng sinomang lalake ay malilisya , at sasalangsang sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang ibang lalake ay sisiping sa kaniya , at ito&apos;y makukubli sa mga mata ng kaniyang asawa at ang bagay ay malilihim , at ang babae ay madudumhan at walang saksi laban sa kaniya , o hindi man matututop siya sa pagkakasala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang diwa ng paninibugho ay sasakaniya , at siya&apos;y maninibugho sa kaniyang asawa at siya&apos;y madudumhan : o kung sasakaniya ang diwa ng paninibugho at siya&apos;y maninibugho sa kaniyang asawa , at ito&apos;y hindi madudumhan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ay dadalhin nga ng lalake sa saserdote ang kaniyang asawa , at ipagdadala ng alay ng babae ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng harina ng sebada : hindi niya bubuhusan ng langis o lalagyan man ng kamangyan ; sapagka&apos;t handog na harina tungkol sa paninibugho , handog na harinang alaala na nagpapaalaala ng kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ilalapit ng saserdote ang babae , at pahaharapin sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang saserdote ay kukuha ng banal na tubig sa isang sisidlang lupa : at sa alabok na nasa lapag ng tabernakulo ay dadampot ang saserdote , at ilalagay sa tubig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pahaharapin ng saserdote ang babae sa Panginoon , at ipalulugay ang buhok ng babae , at ilalagay ang handog na harina na alaala sa kaniyang mga kamay , na handog na harina tungkol sa paninibugho : at tatangnan ng saserdote sa kamay ang mapapait na tubig na nagbubugso ng sumpa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y papanunumpain ng saserdote , at sasabihin sa babae , Kung walang sumiping sa iyo na ibang lalake , at kung di ka nalisya sa karumihan , sa isang hindi mo asawa , ay maligtas ka nga sa mapapait na tubig na ito na nagbubugso ng sumpa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t kung ikaw ay tunay na nalisya sa iba na di mo asawa , at kung ikaw ay nadumhan , at ibang lalake ay sumiping sa iyo , bukod sa iyong asawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay panunumpain nga ng saserdote ang babae ng panunumpang sumpa , at sasabihin ng saserdote sa babae , Ilagay ka ng Panginoon na pinakasumpa at pinakapula sa gitna ng iyong bayan , kung papanglumuhin ng Panginoon ang iyong hita at pamagain ang iyong tiyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang tubig na ito na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa iyong tiyan , at ang iyong katawan ay pamamagain at ang iyong hita ay panglulumuhin . At ang babae ay magsasabi , Siya nawa , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At isusulat ng saserdote ang mga sumpang ito sa isang aklat , at kaniyang buburahin sa mapait na tubig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kaniyang ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ng nagbubugso ng sumpa at tatalab sa kaniya ang tubig na nagbubugso ng sumpa , at magiging mapait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kukunin ng saserdote sa kamay ng babae ang handog na harina tungkol sa paninibugho at kaniyang aalugin ang handog na harina sa harap ng Panginoon , at dadalhin sa dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang saserdote ay kukuha ng isang dakot ng handog na harina na pinakaalaala niyaon at susunugin sa ibabaw ng dambana , at pagkatapos ay ipaiinom sa babae ang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagka napainom na siya ng tubig , ay mangyayari na kung siya&apos;y nadumhan , at siya&apos;y sumalangsang sa kaniyang asawa , na ang tubig na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa kaniya at magiging mapait , at ang kaniyang katawan ay mamamaga at ang kaniyang hita ay manglulumo : at ang babae ay magiging sumpa sa gitna ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kung ang babae ay hindi nadumhan , kundi malinis ; ay magiging laya nga at magdadalang-tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ito ang kautusan tungkol sa paninibugho , pagka ang isang babae ay nalilisiya sa lalaking di niya asawa , at nadumhan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">O pagka ang diwa ng paninibugho ay sumasaisang lalake , at naninibugho sa kaniyang asawa ; ay pahaharapin nga ang babae sa Panginoon at gagawin ng saserdote sa kaniya ang buong kautusang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang lalake ay maliligtas sa kasamaan , at ang babae ay siyang magdadala ng kaniyang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata , ng panata ng isang Nazareo , upang tumalaga sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin ; siya&apos;y hindi iinom ng suka ng alak , o tubang nakalalasing , ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas , magmula sa mga butil hanggang sa balat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo : hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon , ay magpapakabanal siya ; kaniyang pababayaang humaba ang buhok ng kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga sa Panginoon , ay huwag siyang lalapit sa patay na katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y huwag magpapakarumi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , o sa kaniyang kapatid na lalake , o babae , pagka sila&apos;y namatay : sapagka&apos;t ang pagtalaga niya sa Dios , ay sumasa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga , ay banal siya sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung ang sinoman ay biglang mamatay sa kaniyang siping , at mahawa ang ulo ng kaniyang pagkatalaga : ay aahitan nga niya ang kaniyang ulo sa araw ng paglilinis , sa ikapitong araw ay aahitan niya ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato o dalawang inakay ng kalapati sa saserdote , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ihahandog ng saserdote ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan , at ang isa&apos;y pinakahandog na susunugin at itutubos sa kaniya , sapagka&apos;t siya&apos;y nagkasala dahil sa patay , at babanalin ang kaniyang ulo sa araw ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga , at siya&apos;y magdadala ng isang korderong lalake ng unang taon na pinakahandog dahil sa pagkakasala : datapuwa&apos;t ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan , sapagka&apos;t ang kaniyang pagkatalaga ay nadumhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ito ang kautusan tungkol sa Nazareo , pagka natupad na ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga : siya&apos;y dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang ihahandog ang kaniyang alay sa Panginoon , na isang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan , na pinakahandog na susunugin , at isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na walang kapintasan na pinakahandog tungkol sa kapayapaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At isang bakol na tinapay na walang lebadura , mga munting tinapay ng mainam na harina na hinaluan ng langis at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis , at ang handog na harina niyaon at ang mga handog na inumin niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ihaharap ng saserdote yaon sa harapan ng Panginoon , at ihahandog ang kaniyang handog dahil sa kasalanan at ang kaniyang handog na susunugin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang ihahandog sa Panginoon ang tupang lalake na pinaka-hain na handog tungkol sa kapayapaan na kalakip ng bakol ng mga tinapay na walang lebadura : ihahandog din ng saserdote ang handog na harina niyaon at ang handog na inumin niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang Nazareo ay magaahit ng ulo sa kaniyang pagkatalaga sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan at kaniyang dadamputin ang buhok ng ulo ng kaniyang pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng hain na handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kukunin ng saserdote ang lutong balikat ng tupa , at isang munting tinapay na walang lebadura sa bakol , at isang manipis na tinapay na walang lebadura , at ilalagay sa mga kamay ng Nazareo , pagkatapos na makapagahit ng ulo ng kaniyang pagkatalaga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harapan ng Panginoon ; ito&apos;y banal sa saserdote , pati ng dibdib na inalog at ng hitang itinaas ; at pagkatapos nito&apos;y ang Nazareo ay makaiinom ng alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ito ang kautusan tungkol sa Nazareo na nagpanata , at tungkol sa kaniyang alay sa Panginoon dahil sa kaniyang pagtalaga , bukod pa sa aabutin ng kaniyang mga kaya : ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata , ay gayon niya dapat gagawin , ayon sa kautusan tungkol sa kaniyang pagkatalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak , na sasabihin , Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel ; inyong sasabihin sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo , at mahabag sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo , at bigyan ka ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel ; at aking pagpapalain sila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo , at mapahiran ng langis at mapaging banal , pati ng lahat ng kasangkapan niyaon , at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon , at mapahiran ng langis at mapaging banal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na naghandog ang mga prinsipe sa Israel , ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang . Ito ang mga prinsipe sa mga lipi , ito ang mga namamahala roon sa nangabilang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon , anim na karitong may takip , at labing dalawang baka ; isang kariton sa bawa&apos;t dalawa sa mga prinsipe , at sa bawa&apos;t isa&apos;y isang baka : at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tanggapin mo sa kanila , upang sila&apos;y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan , at ibibigay mo sa mga Levita , sa bawa&apos;t lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka , at ibinigay sa mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dalawang kariton at apat na baka ay ibinigay niya sa mga anak ni Gerson , ayon sa kanilang paglilingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari , ayon sa kanilang paglilingkod , sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya : sapagka&apos;t ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila ; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis , sa makatuwid baga&apos;y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sila&apos;y maghahandog ng kanilang alay , na bawa&apos;t prinsipe&apos;y sa kaniyang kaarawan , sa pagtatalaga sa dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang ikalawang araw , si Nathanael na anak ni Suar , na prinsipe ni Issachar ay naghandog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang inihandog na pinakaalay niya , ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon , na prinsipe sa mga anak ni Zabulon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang kaniyang alay , ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Isang lalake sa mga kambing , na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang ikaapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur , na prinsipe sa mga anak ni Ruben :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai , na prinsipe sa mga anak ni Simeon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Isang kambing na lalake , na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Nang ikaanim na araw ay si Eliasaph na anak ni Dehuel , na prinsipe sa mga anak ni Gad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Eliasaph na anak ni Dehuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Ammiud , na prinsipe sa mga anak ni Ephraim :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Elisama na anak ni Ammiud .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur , na prinsipe sa mga anak ni Manases :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Nang ikasiyam na araw ay si Abidan , na anak ni Gedeon , na prinsipe sa mga anak ni Benjamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyao&apos;y isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Nang ikasangpung araw ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai , na prinsipe sa mga anak ni Dan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyao&apos;y isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">Nang ikalabing isang araw ay si Pagiel na Anak ni Ocran , na prinsipe sa mga anak ni Aser :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "73">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyao&apos;y isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "74">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "75">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "76">Isang lalake sa mga kambing , na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "77">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , at limang kambing na lalake , at limang korderong lalake , ng unang taon : ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "78">Nang ikalabing dalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan , na prinsipe sa mga anak ni Nephtali :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "79">Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak , na ang bigat niyao&apos;y isang daan at tatlong pung siklo , isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo , ayon sa siklo ng santuario ; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis , na pinakahandog na harina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "80">Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo , na puno ng kamangyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "81">Isang guyang toro , isang tupang lalake , isang korderong lalake ng unang taon , na handog na susunugin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "82">Isang lalake sa mga kambing , na handog dahil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "83">At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang baka , limang tupang lalake , limang kambing na lalake , at limang korderong lalake ng unang taon : ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "84">Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel : labing dalawang pinggang pilak , labing dalawang mangkok na pilak , labing dalawang kutsarang ginto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "85">Na bawa&apos;t pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat , at bawa&apos;t mangkok ay pitong pu : lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo , ayon sa siklo ng santuario ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "86">Ang labing dalawang kutsarang ginto , na puno ng kamangyan , na ang bigat ay sangpung siklo bawa&apos;t isa , ayon sa siklo ng santuario ; lahat ng ginto ng mga kutsara , ay isang daan at dalawang pung siklo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "87">Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro , ang mga tupang lalake ay labing dalawa , ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa , at ang mga handog na harina niyaon ; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "88">At lahat ng mga baka na pinaka-hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , ay dalawang pu&apos;t apat na toro , ang mga tupang lalake ay anim na pu , ang mga kambing na lalake ay anim na pu , ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu . Ito ang pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "89">At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan , upang makipagsalitaan sa kaniya , ay narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya , mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo , na nasa gitna ng dalawang querubin : at siya&apos;y nagsalita sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo kay Aaron , at sabihin mo sa kaniya , Pagsisindi mo ng mga ilawan , ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ginawang gayon ni Aaron : kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ito ang pagkayari ng kandelero , gintong niyari sa pamukpok ; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay yari sa pamukpok : ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises , ay gayon niya ginawa ang kandelero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ganito ang gagawin mo sa kanila , upang linisin sila : iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala , at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila , at labhan nila ang kanilang mga suot , at sila&apos;y magpakalinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung magkagayo&apos;y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon , na mainam na harina na hinaluan ng langis , at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon . At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog , na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro : at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan , at ang isa&apos;y pinakahandog na susunugin sa Panginoon , upang itubos sa mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak , at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel : at ang mga Levita ay magiging akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita , upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin , at ihahandog mo na pinakahandog na inalog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sila&apos;y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel ; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata , ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin , maging tao at maging hayop : nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , ay aking pinapagingbanal para sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan , at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel , upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel , pagka ang mga anak ni Israel , ay lumalapit sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ganito ang ginawa ni Moises , at ni Aaron , at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita : ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita , ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan , at nagsipaglaba ng kanilang mga damit ; at inihandog ni Aaron sila na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon ; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak : kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita , ay gayon ang ginawa nila sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ito ang nauukol sa mga Levita : mula sa dalawang pu&apos;t limang taong gulang na patanda , ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t sila&apos;y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan , upang ingatan ang katungkulan , at sila&apos;y walang gagawing paglilingkod . Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai , sa unang buwan ng ikalawang taon pagkatapos na sila&apos;y makaalis sa lupain ng Egipto , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bukod sa rito ay ipagdiwang ng mga anak ni Israel ang paskua sa kaniyang kaukulang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa ikalabing apat na araw ng buwang ito , sa paglubog ng araw ay inyong ipagdidiwang sa kaniyang kaukulang panahon : ayon sa lahat na palatuntunan niyaon , at ayon sa lahat ng ayos niyaon , ay inyong ipagdidiwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel upang ipagdiwang ang paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang ipinagdiwang ang paskua nang unang buwan , sa ikalabing apat na araw ng buwan , sa paglubog ng araw , sa ilang ng Sinai : ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At may mga lalake na mga marurumi dahil sa bangkay ng isang tao , na anopa&apos;t hindi nila naipagdiwang ang paskua nang araw na yaon ; at nagsiharap sila kay Moises at kay Aaron nang araw na yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga lalaking yaon ay nagsipagsabi sa kanila , Kami ay mga marumi dahil sa bangkay ng isang tao : bakit kami ay masasansala na anopa&apos;t kami ay huwag maghandog ng alay sa Panginoon sa kaniyang kaukulang panahon na kasama ng mga anak ni Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Moises sa kanila , Maghintay kayo ; upang aking marinig ang ipaguutos ng Panginoon tungkol sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Salitain mo sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Kung ang sinomang tao sa inyo o sa inyong sali&apos;t saling lahi ay maging marumi dahil sa isang bangkay , o masumpungan sa isang malayong paglalakbay , ay kaniyang ipagdidiwang din ang paskua sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa ikalawang buwan nang ikalabing apat na araw sa paglubog ng araw , ay kanilang ipagdidiwang ; kanilang kakanin na may mga tinapay na walang lebadura at mga gulay na mapait :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Wala silang ititira niyaon hanggang sa kinaumagahan , ni sisira ng buto niyaon : ayon sa buong palatuntunan ng paskua ay kanilang ipagdidiwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang lalaking malinis , at wala sa paglalakbay , at hindi magdiwang ng paskua , ay ihihiwalay ang taong yaon , sa kaniyang bayan ; sapagka&apos;t siya&apos;y hindi naghandog ng alay sa Panginoon sa kaukulang panahon , ang taong yaon ay magtataglay ng kaniyang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang isang taga ibang bayan ay makikipamayan sa inyo , at ipagdidiwang ang paskua sa Panginoon ; ayon sa palatuntunan ng paskua , at ayon sa ayos , ay gayon gagawin niya ; kayo&apos;y magkakaroon ng isang palatuntunan , maging sa taga ibang lupa , at maging sa ipinanganak sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang araw na ang tabernakulo ay itayo , ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo , sa makatuwid baga&apos;y ang tabernakulo ng patotoo : at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gayon namalagi : ang ulap ang tumakip doon , at ang anyong apoy sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kailan pa man ang ulap ay napaitaas mula sa ibabaw ng Tolda ay naglakbay nga pagkatapos ang mga anak ni Israel : at sa dakong tigilan ng ulap ay doon humantong ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa utos ng Panginoon ay nagsisipaglakbay ang mga anak ni Israel , at sa utos ng Panginoon ay humantong sila : kung gaano kalaon ang itigil ng ulap sa ibabaw ng tabernakulo , ay siya nilang ipina-nanatili sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagka ang ulap ay tumigil sa ibabaw ng tabernakulo na maluwat , ay iningatan ng mga anak ni Israel ang bilin ng Panginoon at hindi naglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung minsan ay nananatiling ilang araw sa ibabaw ng tabernakulo ang ulap ; ayon nga sa utos ng Panginoon ay tumitira sila sa mga tolda at ayon sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung minsan ang ulap ay nananatili mula sa hapon hanggang sa kinaumagahan ; at pagka ang ulap ay napaitaas sa kinaumagahan , ay naglakbay sila : maging araw maging gabi , na ang ulap ay paitaas , ay naglakbay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Maging dalawang araw o isang buwan , o isang taon na nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo , na manatili sa ibabaw niyaon , ay tumitira ang mga anak ni Israel sa mga tolda at hindi naglakbay : datapuwa&apos;t pagtaas ay naglakbay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa utos ng Panginoon ay humantong sila , at sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila ; kanilang iningatan ang bilin ng Panginoon , sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak ; yari sa pamukpok gagawin mo : at iyong gagamitin sa pagtawag sa kapisanan , at sa paglalakbay ng mga kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagka kanilang hihipan , ay magpipisan sa iyo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung kanilang hihipan ang isa lamang , ang mga prinsipe nga , ang mga pangulo sa mga libolibong taga Israel , ay magpipisan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At paghihip ninyo ng hudyat , ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At paghihip ninyo ng hudyat na ikalawa , ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong timugan : sila&apos;y hihihip ng isang hudyat para sa kanilang paglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t pagka ang kapisanan ay magpipisan ay hihihip kayo , nguni&apos;t huwag ninyong patutunuging ayon sa hudyat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Aaron , ang mga saserdote , ay magsisihihip ng mga pakakak ; at magiging palatuntunan sa inyo magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka makikipagbaka kayo sa inyong lupain laban sa kaaway na sa inyo&apos;y pumipighati , ay inyo ngang patutunugin ang hudyat ng pakakak ; at kayo&apos;y aalalahanin sa harap ng Panginoon ninyong Dios , at kayo&apos;y maliligtas sa inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon sa kaarawan ng inyong kasayahan , at sa inyong mga takdang kapistahan , at sa mga pasimula ng inyong mga buwan , ay inyong hihipan ang mga pakakak sa ibabaw ng inyong mga handog na susunugin , at sa ibabaw ng mga hain ng inyong mga handog tungkol sa kapayapaan ; at sa inyo&apos;y magiging alaala sa harap ng inyong Dios : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari sa ikalawang taon , nang ikalawang buwan , nang ikadalawang pung araw ng buwan , na ang ulap ay napaitaas mula sa tabernakulo ng patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga anak ni Israel ay nagsisulong , ayon sa kanilang mga paglalakbay mula sa ilang ng Sinai ; at ang ulap ay tumahan sa ilang ng Paran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang pinasimulan ang kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At unang sumulong ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga hukbo ; at nangungulo sa kaniyang hukbo si Naason na anak ni Aminadab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Issachar , si Nathanael na anak ni Suar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Zebulon , si Eliab na anak ni Helon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang tabernakulo ay tinanggal at ang mga anak ni Gerson at ang mga anak ni Merari , na mga may dala ng tabernakulo ay nagsisulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang watawat ng kampamento ng Ruben ay sumulong ayon sa kanilang mga hukbo : at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisur na anak ni Sedeur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Simeon si Selumiel na anak ni Zurisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Gad , si Eliasaph na anak ni Dehuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga Coathita ay nagsisulong na dala ang santuario : at itinayo ng iba ang tabernakulo samantalang ang mga ito&apos;y nagsisidating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Ephraim ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo : at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisama na anak ni Ammiud .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Manases , si Gamaliel na anak ni Pedasur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Benjamin , si Abidan na anak ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Dan na siyang nasa hulihan ng lahat ng mga kampamento ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo : at nangungulo sa kaniyang hukbo si Ahiezer na anak ni Ammisaddai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Aser si Phegiel na anak ni Ocran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Nephtali si Ahira na anak ni Enan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ganito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel , ayon sa kanilang mga hukbo ; at sila&apos;y nagsisulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Moises ay nagsabi kay Hobab na anak ni Rehuel na Madianita , biyanan ni Moises : Kami ay naglalakbay sa dakong sinabi ng Panginoon , Aking ibibigay sa inyo : sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti : sapagka&apos;t ang Panginoon ay nagsalita ng mabuti tungkol sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi niya sa kaniya , Ako&apos;y hindi paroroon ; kundi ako&apos;y babalik sa aking sariling lupain , at sa aking kamaganakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni Moises , Huwag mo kaming iwan , ipinamamanhik ko sa iyo ; sapagka&apos;t nalalaman mo kung paanong hahantong kami sa ilang , at ikaw ay maaari sa aming pinakamata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At mangyayari , na kung ikaw ay sasama sa amin , oo , mangyayari , na anomang mabuting gagawin ng Panginoon sa amin , ay siya rin naming gagawin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y nagsisulong mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay ; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay , upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw , pagka sila&apos;y sumulong mula sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises , Bumangon ka , Oh Panginoon , at mangalat ang mga kaaway mo , at magsitakas sa harap mo ang nangapopoot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At pagka inilapag ay kaniyang sinabi , Bumalik ka , Oh Panginoon sa mga laksang libolibong Israelita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang bayan ay naging parang mapag-upasala na nagsalita ng masasama sa pakinig ng Panginoon : at nang marinig ng Panginoon ay nagningas ang kaniyang galit ; at ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila , at sinupok ang kahulihulihang bahagi ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang bayan ay humibik kay Moises ; at si Moises ay nanalangin sa Panginoon at ang apoy ay namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Tabera : sapagka&apos;t ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman : at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi , Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ating naaalaala ang isda , na ating kinakain sa Egipto na walang bayad ; ang mga pipino , at ang mga milon , at ang mga puero , at ang mga sibuyas , at ang bawang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ngayo&apos;y ang ating kaluluwa ay natutuyo ; walang kaanoanoman : sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mana ay gaya ng butil ng culantro , at ang kulay niyaon ay gaya ng kulay ng bdelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang bayan ay dumadaan sa palibot , at pinupulot yaon , at kanilang ginigiling sa mga gilingan , o kanilang dinidikdik sa mga lusong , at kanilang niluluto sa mga palyok , at ginagawa nilang munting tinapay at ang lasa ay gaya ng lasa ng bagong langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka ang hamog ay nahuhulog sa ibabaw ng kampamento sa gabi , ang mana ay nahuhulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At narinig ni Moises ang pag-iiyakan ng bayan sa kanikaniyang sangbahayan , na bawa&apos;t lalake ay nasa pintuan ng kaniyang tolda ; at ang galit ng Panginoon ay nagningas na mainam ; at sumama ang loob ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Moises sa Panginoon , Bakit mo ginawan ng masama ang iyong lingkod ? at bakit hindi ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , na iyong iniatang sa akin ang pasan ng buong bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Akin ba kayang ipinaglihi ang buong bayang ito ? ipinanganak ko ba upang iyong sabihin sa akin , Kandungin mo sila sa iyong kandungan , na gaya ng nag-aalagang magulang na kinakandong ang kaniyang batang pasusuhin , sa lupain na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Saan ako kukuha ng karne upang ibigay sa buong bayang ito ? sapagka&apos;t sila&apos;y umiyak sa akin , na nagsisipagsabi , Bigyan mo kami ng karneng aming makain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi ko kayang dalhing magisa ang buong bayang ito , sapagka&apos;t totoong mabigat sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung ako&apos;y ginagawan mo ng ganito ay patayin mo na ako , ipinamamanhik ko sa iyo , kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ; at huwag ko nang makita ang aking kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Pisanin mo sa akin ang pitong pung lalake sa mga matanda sa Israel , sa iyong mga nalalaman na mga matanda sa bayan at mga nangungulo sa kanila ; at dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan , upang sila&apos;y makatayo roon na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ako&apos;y bababa at makikipag-usap sa iyo doon ; at ako&apos;y kukuha sa Espiritung sumasaiyo at aking isasalin sa kanila ; at kanilang dadalhin ang pasan ng bayan na kasama mo , upang huwag mong dalhing magisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sabihin mo sa bayan , Magpakabanal kayo , para sa kinabukasan , at kayo&apos;y magsisikain ng karne : sapagka&apos;t kayo&apos;y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon , na sinasabi , Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain ? sapagka&apos;t maigi kahit nang nasa Egipto : dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi ninyo kakaning isang araw , ni dalawang araw , ni limang araw , ni sangpung araw , ni dalawang pung araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kundi isang buong buwan , hanggang sa lumabas sa inyong mga ilong , at inyong kasuyaan : sapagka&apos;t inyong itinakuwil ang Panginoon na nasa gitna ninyo , at kayo&apos;y umiyak sa harap niya , na nagsasabi , Bakit kami nakaalis sa Egipto ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Moises , Ang bayan na kinaroroonan ko , ay anim na raang libong katao na nakatayo ; at iyong sinabi , Akin silang bibigyan ng karne na kanilang makakain sa buong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Papatayin ba kaya ang mga kawan at mga bakahan , upang magkasya sa kanila ? o ang lahat ng isda sa dagat at titipunin sa kanila upang magkasya sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Umikli na ba kaya ang kamay ng Panginoon ? ngayo&apos;y makikita mo kung ang aking salita ay matutupad sa iyo o hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Moises ay lumabas , at isinaysay sa bayan ang mga salita ng Panginoon : at siya&apos;y nagpisan ng pitong pung lalake sa mga matanda sa bayan at kaniyang pinatayo sa palibot ng Tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang Panginoon ay bumaba sa ulap , at nagsalita sa kaniya ; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda : at nangyari , na nang sumakanila ang Espiritu , ay nanganghula , nguni&apos;t hindi na sila umulit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t naiwan ang dalawang lalake sa kampamento , na ang pangalan ng isa ay Eldad , at ang pangalan ng isa ay Medad : at ang Espiritu ay sumasakanila ; at sila&apos;y kabilang sa nangasulat , nguni&apos;t hindi nagsilabas sa Tolda : at sila&apos;y nanghula sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At tumakbo ang isang binata , at isinaysay kay Moises , at sinabi , Si Eldad at si Medad ay nanghuhula sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At si Josue na anak ni Nun , na tagapangasiwa ni Moises , na isa sa kaniyang mga piling lalake , ay sumagot at nagsabi , Panginoon kong Moises , pagbawalan mo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Moises sa kaniya , Ikaw ba&apos;y may paninibugho sa akin ? ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isakanila ng Panginoon ang kaniyang Espiritu !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At naparoon si Moises sa kampamento , siya at ang mga matanda sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon , at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat , at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito , at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento , at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi , at ng buong ikalawang araw , at nagsipanghuli ng mga pugo ; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung homer : at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa , na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Kibroth-hattaavah ; sapagka&apos;t doon inilibing nila ang bayang sakim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Mula sa Kibroth-hattaavah ay naglakbay ang bayan na patungo sa Haseroth ; at sila&apos;y tumira sa Haseroth .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita : sapagka&apos;t siya&apos;y nag-asawa sa isang babaing Cusita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kanilang sinabi , Ang Panginoon ba&apos;y kay Moises lamang nakipagsalitaan ? hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin ? At narinig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob , na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinalita agad ng Panginoon kay Moises , at kay Aaron , at kay Miriam , Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan . At silang tatlo ay lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap , at tumayo sa pintuan ng Tolda , at tinawag si Aaron at si Miriam : at sila&apos;y kapuwa lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita : kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta , akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain , na kakausapin ko siya sa panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon ; siya&apos;y tapat sa aking buong buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa kaniya&apos;y makikipag-usap ako ng bibig , sa bibig , ng maliwanag , at hindi sa malabong salitaan ; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita : bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod , laban kay Moises ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila ; at siya&apos;y umalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang ulap ay lumayo sa Tolda ; at narito , si Miriam ay nagkaketong , na pumuting gaya ng niebe ; at tiningnan ni Aaron si Miriam , at narito , siya&apos;y nagkaketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Aaron kay Moises , Oh panginoon ko , isinasamo ko sa iyo na huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin , sapagka&apos;t ginawa namin na may kamangmangan , at sapagka&apos;t kami ay nagkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Huwag mong itulot sa kaniya , isinasamo ko sa iyo , na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At humibik si Moises sa Panginoon , na sinasabi , Pagalingin mo siya , Oh Dios , ipinamamanhik ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Kung siya&apos;y niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha , hindi ba siya mahihiyang pitong araw ? kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento , at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento : at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa Haseroth , at humantong sa ilang ng Paran .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsugo ka ng mga lalake na makakapaniktik sa lupain ng Canaan , na aking ibibigay sa mga anak ni Israel : isang lalake sa bawa&apos;t isa sa mga lipi ng kanilang mga magulang ay susuguin ninyo , na bawa&apos;t isa&apos;y prinsipe sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinugo sila ni Moises mula sa ilang ng Paran ayon sa utos ng Panginoon : silang lahat ay mga lalaking pangulo sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ito ang kanilang mga pangalan : sa lipi ni Ruben , ay si Sammua na anak ni Zaccur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa lipi ni Simeon , ay si Saphat na anak ni Huri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa lipi ni Juda , ay si Caleb na anak ni Jephone .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa lipi ni Issachar , ay si Igal na anak ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa lipi ni Efraim , ay si Oseas na anak ni Nun .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa lipi ni Benjamin , ay si Palti na anak ni Raphu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa lipi ni Zabulon , ay si Gaddiel na anak ni Sodi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa lipi ni Jose , sa makatuwid baga&apos;y sa lipi ni Manases , ay si Gaddi na anak ni Susi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa lipi ni Dan , ay si Ammiel na anak ni Gemalli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa lipi ni Aser , ay si Sethur , na anak ni Michael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa lipi ni Nephtali , ay si Nahabi na anak ni Vapsi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa lipi ni Gad , ay si Geuel na anak ni Machi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain . At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si Oseas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinugo sila ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan , at sinabi sa kanila , Sumampa kayo rito sa dakong Timugan at umakyat kayo sa mga bundok :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At tingnan ninyo ang lupain , kung ano ; at ang bayan na tumatahan doon , kung sila&apos;y malakas o mahina , kung sila&apos;y kaunti o marami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung ano ang lupain na kanilang tinatahanan , kung mabuti o masama ; at kung ano ang mga bayan na kanilang tinatahanan , kung sa mga kampamento , o sa mga nakukutaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung ano ang lupain , kung mataba o payat , kung mayroong kahoy o wala . At magpakatapang kayo , at magdala kayo rito ng bunga ng lupain . Ngayon ang panahon ay panahon ng mga unang hinog na ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sila nga&apos;y umakyat , at kanilang tiniktikan ang lupain mula sa ilang ng Zin hanggang sa Rehob , sa pagpasok sa Emath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y umakyat sa dakong Timugan , at sila&apos;y dumating sa Hebron ; at si Aimen , si Sesai at si Talmai , na mga anak ni Anac , ay nangaroon . ( Ngayon ang Hebron ay natayong pitong taon bago ang Zoan sa Egipto ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y dumating sa libis ng Escol , at sila&apos;y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas , at dinala sa isang pingga ng dalawa ; sila&apos;y nagdala rin ng mga granada , at mga igos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol , dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y nagbalik pagkatiktik sa lupain , sa katapusan ng apat na pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y nagsiyaon at nagsiparoon kay Moises , at kay Aaron at sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , sa ilang ng Paran , sa Cades ; at kanilang binigyang sagot sila , at ang buong kapisanan , at kanilang ipinakita sa kanila ang bunga ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kanilang isinaysay sa kaniya , at sinabi , Kami ay dumating sa lupaing yaong pinaparoonan mo sa amin , at tunay na binubukalan ng gatas at pulot ; at ito ang bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon man ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas , at ang mga bayan ay nakukutaan , at napakalalaki : at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Si Amalec ay tumatahan sa lupain ng Timugan : at ang Hetheo , at ang Jebuseo , at ang Amorrheo ay tumatahan sa mga bundok : at ang Cananeo ay tumatahan sa tabi ng dagat , at sa mga pangpang ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At pinatahimik ni Caleb ang bayan sa harapan ni Moises , at sinabi , Ating akyating paminsan , at ating ariin ; sapagka&apos;t kaya nating lupigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t sinabi ng mga lalaking nagsiakyat na kasama niya , Hindi tayo makaaakyat laban sa bayan ; sapagka&apos;t sila&apos;y malakas kay sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sila&apos;y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tiniktikan , sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan ay isang lupain na kinakain ang mga tumatahan doon ; at lahat ng bayan na aming nakita roon , ay mga taong malalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At doo&apos;y aming nakita ang mga Nefilim , ang mga anak ni Anac , na mula sa mga Nefilim : at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga balang , at gayon din kami sa kanilang paningin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig , at humiyaw ; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron : at sinabi sa kanila ng buong kapisanan , Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto ! o kaya&apos;y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito , upang tayo&apos;y mabuwal sa tabak ? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli : hindi ba magaling sa atin na tayo&apos;y magbalik sa Egipto ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nag-sangusapan sila , Tayo&apos;y maglagay ng isang kapitan at tayo&apos;y magbalik sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayon , si Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At hinapak ni Josue na anak ni Nun , at ni Caleb na anak ni Jephone , na mga kasamang tumiktik sa lupain , ang kanilang mga suot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , na sinasabi , Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon , at ibibigay niya sa atin ; na yao&apos;y lupaing binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon , ni matakot sa bayan ng lupaing yaon , sapagka&apos;t sila&apos;y tinapay sa atin ; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila , at ang Panginoon ay sumasaatin : huwag kayong matakot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila . At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito ? at hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin , sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Aking sasaktan sila ng salot , at hindi ko sila pamamanahan at gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Moises sa Panginoon , Kung gayo&apos;y mababalitaan ng mga taga Egipto ; sapagka&apos;t isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito . Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon , ay nasa gitna ng bayang ito ; sapagka&apos;t ikaw Panginoon , ay napakita ng mukhaan , at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon , at ikaw ay nangunguna sa kanila , sa isang haliging ulap sa araw , at sa isang haliging apoy sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao , ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain , na kaniyang isinumpa sa kanila , kaya&apos;t kaniyang pinatay sila sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ngayon , idinadalangin ko sa iyo , na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila , ayon sa iyong sinalita , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan , na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang ; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala , na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ipatawad mo , isinasamo ko sa iyo , ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan , at ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito , mula sa Egipto hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng Panginoon , Aking pinatawad ayon sa iyong salita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t tunay , na kung paanong ako&apos;y buhay at kung paanong mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda , na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong makasangpu , at hindi dininig ang aking tinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang , ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kundi ang aking lingkod na si Caleb , sapagka&apos;t siya&apos;y nagtaglay ng ibang diwa at siya&apos;y sumunod na lubos sa akin , ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan ; at aariin ng kaniyang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ngayon nga&apos;y ang mga Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis : bukas ay magbalik kayo at kayo&apos;y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito , na naguupasala laban sa akin ? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sabihin mo sa kanila , Ako&apos;y buhay , sabi ng Panginoon , tunay na kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito ; at yaong lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing pinagtaasan ko ng aking kamay , na patatahanan ko sana sa inyo , maliban si Caleb na anak ni Jephone , at si Josue na anak ni Nun .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t ang inyong mga bata , na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin , at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nguni&apos;t tungkol sa inyo , ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na apat na pung taon , at kanilang tataglayin ang inyong pakikiapid , hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain , sa makatuwid baga&apos;y apat na pung araw , sa bawa&apos;t araw ay isang taon , ay inyong tataglayin ang inyong mga kasamaan , na apat na pung taon , at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Akong Panginoon ang nagsalita , tunay na ito&apos;y aking gagawin sa buong masamang kapisanang ito , na nagpipisan laban sa akin : sa ilang na ito matutunaw sila , at diyan sila mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang mga lalake , na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain , na nagsipagbalik , at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa makatuwid baga&apos;y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain , ay nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nguni&apos;t si Josue na anak ni Nun , at si Caleb na anak ni Jephone , ay naiwang buhay sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel : at ang bayan ay tumaghoy na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sila&apos;y bumangong maaga sa kinaumagahan , at umakyat sila sa taluktok ng bundok , na sinasabi , Narito kami , at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon : sapagka&apos;t kami ay nagkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sinabi ni Moises , Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang utos ng Panginoon , sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Huwag kayong umakyat , sapagka&apos;t ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo ; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sapagka&apos;t nandoon ang mga Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo , at kayo&apos;y mangabubuwal sa tabak : sapagka&apos;t kayo&apos;y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon , kaya&apos;t ang Panginoon ay wala sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Nguni&apos;t sila&apos;y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok : gayon ma&apos;y ang kaban ng tipan ng Panginoon , at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nang magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon , ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol , hanggang sa Horma .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagpasok ninyo sa lupain na inyong mga tahanan , na aking ibibigay sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin , o ng hain upang tumupad ng panata , o ng kusang handog , o sa inyong mga takdang kapistahan , upang gawing masarap na amoy sa Panginoon , na mula sa bakahan , o mula sa kawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung gayon ay maghandog sa Panginoon yaong maghahandog ng alay ng isang handog na harina , na ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ng alak na inuming handog , na ikaapat na bahagi ng isang hin , ang iyong ihahanda na kalakip ng handog na susunugin , o ng hain , sa bawa&apos;t kordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">O kung isang tupang lalake , ay iyong ihahanda na pinakahandog na harina , ang dalawang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikatlong bahagi ng isang hin ng langis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At bilang pinakainuming handog ay iyong ihahandog ang ikatlong bahagi ng isang hin ng alak na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagka maghahanda ka ng isang toro na handog na susunugin , o upang ihain , sa katuparan ng isang panata , o upang mga handog sa Panginoon tungkol sa kapayapaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ay kaniyang ihahandog nga na kalakip ng toro ang isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng kalahating hin ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong ihahandog na pinakainuming handog ay kalahating hin ng alak na pinakahandog na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon gagawin sa bawa&apos;t toro , o sa bawa&apos;t tupang lalake , o sa bawa&apos;t korderong lalake , o sa mga anak ng kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ayon sa bilang ng inyong ihahanda , ay gayon ninyong gagawin sa bawa&apos;t isa ayon sa kanilang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Lahat ng tubo sa lupain ay gagawa ng mga bagay na ito sa ganitong paraan , sa paghahandog ng handog na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang isang taga ibang bayan ay makipamayang kasama ninyo , o sinomang nasa gitna ninyo sa buong panahon ng inyong mga lahi , at maghahandog ng handog na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon ; ay kaniyang gagawin ang gaya ng inyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo , at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo , isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi : kung paano kayo , ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Isang kautusan at isang ayos ay magkakaroon sa inyo , at sa taga ibang bayan sa nakikipamayan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagpasok ninyo sa lupaing aking pinagdadalhan sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ay mangyayari nga , na pagkain ninyo ng tinapay sa lupain , ay maghahandog kayo ng isang handog na itinaas sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa pinaka una sa inyong masang harina ay maghahandog kayo ng isang munting tinapay na pinakahandog na itinaas : kung paano ninyo ginagawa ang handog na itinaas tungkol sa giikan , ay gayon ninyo itataas ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa pinaka una sa inyong masang harina ay magbibigay kayo sa Panginoon ng isang handog na itinaas sa buong panahon ng inyong mga lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagka kayo&apos;y nagkamali , at hindi ninyo tinupad ang lahat ng utos na ito , na sinalita ng Panginoon kay Moises ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa makatuwid baga&apos;y lahat ng iniutos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises , mula sa araw na lagdaan kayo ng utos ng Panginoon , at sa haharapin sa buong panahon ng inyong mga lahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ay mangyayari nga na kung magkasala ng walang malay , na hindi nalalaman ng kapisanan , na ang buong kapisanan ay maghahandog ng isang guyang toro na pinakahandog na susunugin , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon , na kalakip ng handog na harina niyaon at inuming handog niyaon , ayon sa ayos , at isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At itutubos ng saserdote sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , at sila&apos;y patatawarin ; sapagka&apos;t isang kamalian , at kanilang dinala ang kanilang alay , na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy , at ang kanilang handog dahil sa kasalanan sa harap ng Panginoon , dahil sa kanilang kamalian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay patatawarin at ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila ; sapagka&apos;t tungkol sa buong bayang nakagawa ng walang malay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung ang isang tao ay nagkasala ng walang malay , ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae ng unang taon na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At itutubos ng saserdote sa taong nagkamali , kung tunay na siya&apos;y nagkasala ng walang malay sa harap ng Panginoon , upang itubos sa kaniya ; at siya&apos;y patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kayo&apos;y magkakaroon ng isang kautusan sa kaniya na nagkasala ng walang malay , sa kaniya na ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel , at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t ang tao na makagawa ng anoman ng buong kapusukan , maging tubo sa lupain o taga ibang lupa , ay lumapastangan sa Panginoon ; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa gitna ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t kaniyang hinamak ang salita ng Panginoon , at kaniyang sinira ang kaniyang utos ; ang taong yaon ay lubos na ihihiwalay , ang kaniyang kasamaan ay tataglayin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At samantalang ang mga anak ni Israel ay nangasa ilang , ay nakasumpong sila ng isang lalake na namumulot ng kahoy sa araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy , ay dinala siya kay Moises , at kay Aaron , at sa buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kanilang inilagay siya sa bilangguan , sapagka&apos;t hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ang lalake ay walang pagsalang papatayin ; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila na sila&apos;y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi , at kanilang patungan ang tirintas ng bawa&apos;t laylayan ng isang panaling bughaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sa inyo&apos;y magiging isang tirintas , upang inyong mamasdan , at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ng Panginoon , at inyong tuparin ; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata , na siya ninyong ipinangaapid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos , at maging banal kayo sa inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ako ang Panginoon ninyong Dios , na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto , upang maging inyong Dios : ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Core nga na anak ni Ishar , na anak ni Coath , na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab , at si Hon na anak ni Peleth , na mga anak ni Ruben , ay nagsikuha ng mga tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y tumindig sa harap ni Moises , na kasama ng ilang mga anak ni Israel , na dalawang daan at limang pung prinsipe sa kapisanan na tinawag sa kapulungan na mga lalaking bantog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagpupulong laban kay Moises at laban kay Aaron , at sinabi nila sa kanila , Kayo&apos;y kumukuha ng malabis sa inyo , dangang ang buong kapisanan ay banal , bawa&apos;t isa sa kanila , at ang Panginoon ay nasa gitna nila : bakit nga kayo&apos;y magmamataas sa kapisanan ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang marinig ni Moises , ay nagpatirapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong , na sinasabi , Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya , at kung sino ang banal , at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya : sa makatuwid baga&apos;y ang piliin ay siyang kaniyang palalapitin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ito&apos;y inyong gawin ; kumuha kayo ng mga suuban , si Core at ang kaniyang buong pulutong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng kamangyan bukas sa harap ng Panginoon : at mangyayari na ang tao na piliin ng Panginoon , ay siyang banal : kayo&apos;y kumukuha ng malabis sa inyo , kayong mga anak ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Moises kay Core , Dinggin ninyo ngayon , kayong mga anak ni Levi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Minumunting bagay pa ba ninyo na kayo&apos;y ibinukod ng Dios ng Israel sa kapisanan ng Israel , upang ilapit niya kayo sa kaniya , upang gawin ninyo ang paglilingkod sa tabernakulo ng Panginoon , at upang kayo&apos;y tumayo sa harap ng kapisanan na mangasiwa sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At inilapit ka niya sangpu ng lahat ng iyong mga kapatid na mga anak ni Levi ? at hangarin din naman ninyo ang pagkasaserdote ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ikaw at ang iyong buong pulutong ay napipisan laban sa Panginoon : at si Aaron , ano nga&apos;t siya&apos;y inyong inupasala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ipinatawag ni Moises si Dathan at si Abiram , na mga anak ni Eliab : at kanilang sinabi , Hindi kami sasampa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Munting bagay pa ba na kami ay iyong pinasampa sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot , upang kami ay patayin sa ilang , kundi napapanginoon ka pa mandin sa amin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bukod dito&apos;y hindi mo kami dinala sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot , ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan : dudukitin mo ba ang mga mata ng mga taong ito ? hindi kami sasampa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Moises ay nag-init na mainam , at sinabi sa Panginoon , Huwag mong pagpitaganan ang kanilang handog : ako&apos;y hindi kumuha ng isang asno sa kanila ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Moises kay Core , Humarap ka at ang iyong buong kapisanan sa Panginoon , ikaw , at sila , at si Aaron , bukas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kumuha ang bawa&apos;t isa ng kaniyang suuban , at lagyan ninyo ng kamangyan , at dalhin ninyo sa harap ng Panginoon , na bawa&apos;t isa&apos;y magdala ng kaniyang suuban , na dalawang daan at limang pung suuban ; ikaw naman at si Aaron , bawa&apos;t isa sa inyo&apos;y may kaniyang suuban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kinuha ng bawa&apos;t isa ang kaniyang suuban , at kanilang nilagyan ng apoy at kanilang pinatungan ng kamangyan , at sila&apos;y tumayo sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan na kasama ni Moises at ni Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pinisan ni Core ang buong kapisanan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan : at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Humiwalay kayo sa gitna ng kapisanang ito , upang aking lipulin sila sa isang sangdali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y nagpatirapa , at nagsabi , Oh Dios , na Dios ng mga diwa ng lahat ng laman , sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapisanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Salitain mo sa kapisanan na iyong sabihin , Lumayo kayo sa palibot ng tabernakulo ni Core , ni Dathan , at ni Abiram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Moises ay tumayo at naparoon kay Dathan at kay Abiram ; at ang mga matanda sa Israel ay sumunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinalita ni Moises sa kapisanan na sinasabi , Magsilayo kayo , isinasamo ko sa inyo , sa mga tolda ng masasamang taong ito , at huwag kayong humipo ng anomang bagay nila , baka kayo&apos;y mamatay sa lahat nilang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Gayon sila nagsilayo sa tabernakulo ni Core , ni Dathan , at ni Abiram sa lahat ng dako : at si Dathan at si Abiram ay nagsilabas , at nagsitayo sa pintuan ng kanilang mga tolda , at ang kanilang mga asawa , at ang kanilang mga anak , at ang kanilang bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Moises , Dito ninyo makikilala na ako&apos;y sinugo ng Panginoon na gawin ang lahat ng mga gawang ito ; sapagka&apos;t hindi kinatha ng aking sariling pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang kamatayan ng lahat ng tao , o kung sila&apos;y dalawin ayon sa karaniwang pagdalaw sa lahat ng tao ; ay hindi nga ako sinugo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay , na anopa&apos;t ibuka ng lupa ang kaniyang bibig , at sila&apos;y lamunin , sangpu ng buong nauukol sa kanila , at sila&apos;y ibabang mga buhay sa Sheol ; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nangyari , na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito , na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila , at ang kanilang mga sangbahayan , at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core , at lahat ng kanilang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na anopa&apos;t sila at lahat ng nauukol sa kanila , ay nababang buhay sa Sheol : at sila&apos;y pinagtikuman ng lupa , at sila&apos;y nalipol sa gitna ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila ; sapagka&apos;t kanilang sinabi , Baka pati tayo&apos;y lamunin ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At apoy ang lumabas na mula sa Panginoon , at nilamon ang dalawang daan at limang pung lalake na naghandog ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Salitain mo kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote , na kaniyang kunin ang mga suuban sa sunog , at magkalat ng apoy doon ; sapagka&apos;t mga banal yaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Pati ng mga suuban ng mga makasalanang ito laban sa kanilang sariling buhay , at gawin mo sa kanilang mga laminang pinukpok na pinaka pangtakip sa dambana : sapagka&apos;t kanilang inihandog sa harap ng Panginoon : kaya&apos;t mga banal : at magiging isang tanda sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kinuha ni Eleazar na saserdote ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog ; at kanilang pinukpok na ginawang pinaka pangtakip sa dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Upang maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel , upang sinomang ibang tao na hindi sa mga anak ni Aaron ay huwag lumapit na magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon ; upang huwag magaya kay Core at sa kaniyang mga kasama : gaya ng sinalita ng Panginoon sa kaniya sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Datapuwa&apos;t sa kinabukasan ay inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron , na sinasabi , Inyong pinatay ang bayan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nangyari , nang magpipisan ang kapisanan laban kay Moises at laban kay Aaron , na sila&apos;y tumingin sa dako ng tabernakulo ng kapisanan ; at , narito , tinakpan ng ulap at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At si Moises at si Aaron ay naparoon sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Lumayo kayo sa gitna ng kapisanang ito , upang aking lipulin sila sa isang sangdali . At sila&apos;y nagpatirapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi ni Moises kay Aaron , Kunin mo ang iyong suuban , at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan , at dalhin mong madali sa kapisanan , at itubos mo sa kanila : sapagka&apos;t may galit na lumabas sa harap ng Panginoon ; ang salot ay nagpapasimula na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises , at siya&apos;y tumakbo sa gitna ng kapulungan ; at , narito , ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan ; at siya&apos;y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At siya&apos;y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay ; at ang salot ay tumigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang nangamatay nga sa salot ay labing apat na libo at pitong daan , bukod pa yaong nangamatay dahil kay Core .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At si Aaron ay nagbalik kay Moises sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan : at ang salot ay tumigil .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod , isa sa bawa&apos;t sangbahayan ng mga magulang ; sa lahat nilang mga prinsipe ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , labing dalawang tungkod : isulat mo ang pangalan ng bawa&apos;t isa sa kaniyang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi : sapagka&apos;t isa lamang tungkod magkakaroon sa bawa&apos;t pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iyong ilalagay sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ng patotoo , na aking pinakikipagkitaan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari na ang lalaking aking pipiliin , ay mamumulaklak ang kaniyang tungkod : at aking ipatitigil sa akin , ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel , na kanilang iniupasala laban sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel , at ang lahat nilang mga prinsipe ay nagbigay sa kaniya ng tungkod , na bawa&apos;t pangulo ay isa , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , labing dalawang tungkod : at ang tungkod ni Aaron ay nasa gitna ng kanilang mga tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon sa tabernakulo ng patotoo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari nang kinabukasan , na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo ; at , narito , na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel : at kanilang pinagmalas , at kinuha ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo , upang ingatang pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik ; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin , upang huwag silang mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon ginawa ni Moises : kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya , ay gayon niya ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises , na sinasabi , Narito , kami ay mga patay , kami ay napahamak , kaming lahat ay napahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Lahat ng lumalapit , na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon , ay namamatay : kami bang lahat ay malilipol ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Aaron , Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario : at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang iyong mga kapatid naman , ang lipi ni Levi , ang lipi ng iyong ama , ay palalapitin mo sa iyo upang sila&apos;y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo : nguni&apos;t ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo , ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang iingatan ang iyong katungkulan , at ang katungkulan ng buong tolda : huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana , upang huwag silang mamatay , ni maging kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y lalakip sa iyo , at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan , sa buong paglilingkod sa tolda : at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario , at ang katungkulan ng dambana ; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ako , narito , aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel : sa inyo sila ay isang kaloob , na bigay sa Panginoon , upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa&apos;t bagay ng dambana ; at doon sa nasa loob ng tabing ; at kayo&apos;y maglilingkod : aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob : at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinalita ng Panginoon kay Aaron , At ako&apos;y , narito , aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking , lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel ; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid , at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo , magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ito&apos;y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay , na hindi pinaraan sa apoy : bawa&apos;t alay nila , bawa&apos;t handog na harina nila , at bawa&apos;t handog nila dahil sa kasalanan , at bawa&apos;t handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin , ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan : bawa&apos;t lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ito ay iyo ; ang handog na itinaas na kanilang kaloob , sa makatuwid baga&apos;y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel : aking ibinigay sa iyo , at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man : bawa&apos;t malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Lahat ng pinakamainam sa langis , at lahat ng pinakamainam sa alak , at sa trigo , ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon , ay ibibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain , na kanilang dinadala sa Panginoon , ay magiging iyo ; bawa&apos;t malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Lahat ng mga bagay na natatalaga sa Israel ay magiging iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng bahay-bata , sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon , sa mga tao at gayon din sa mga hayop , ay magiging iyo : gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin , at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At yaong mga matutubos sa kanila , mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin , ayon sa iyong pagkahalaga , ng limang siklong pilak , ayon sa siklo ng santuario ( na dalawang pung gera ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang panganay ng baka , o ang panganay ng tupa , o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin ; mga banal : iyong iwiwisik ang kanilang dugo sa ibabaw ng dambana , at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang laman nila ay magiging iyo , gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang hita ay magiging iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon , ay aking ibinigay sa iyo , at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo , na marapat na bahagi magpakailan man : tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo , at sa iyong binhi na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng Panginoon kay Aaron , Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain , ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila : ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa mga anak ni Levi , ay narito , aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana , na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod , sa makatuwid baga&apos;y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan , baka sila&apos;y magtaglay ng kasalanan , at mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan ; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan : ito&apos;y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi , at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon , ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana : kaya&apos;t aking sinabi sa kanila , Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bukod dito&apos;y sasalitain mo sa mga Levita , at sasabihin mo sa kanila , Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana , ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon , ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo , na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi , na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel ; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa&apos;t handog na itinaas sa Panginoon , ang lahat ng pinakamainam niyaon , sa makatuwid baga&apos;y ang banal na bahagi niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t iyong sasabihin sa kanila , Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog , ay ibibilang nga sa mga Levita , na parang bunga ng giikan , at parang pakinabang sa pisaan ng ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At inyong kakanin saa&apos;t saan man , ninyo at ng inyong mga kasangbahay : sapagka&apos;t kabayaran sa inyo , na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito , pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon : at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel , upang huwag kayong mamatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon , na sinasabi , Salitain mo sa mga anak ni Israel , na sila&apos;y magdala sa iyo ng isang mapulang guyang bakang babae , na walang kapintasan , na walang dungis , na hindi pa napapatungan ng pamatok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ibibigay ninyo kay Eleazar na saserdote , at kaniyang ilalabas sa kampamento at papatayin ng isa sa kaniyang harapan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Eleazar na saserdote ay dadampot ng dugo sa pamamagitan ng kaniyang daliri , at magwiwisik ng dugo na makapito sa dakong harap ng tabernakulo ng kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At susunugin ng isa sa paningin niya ang guyang bakang babae ; ang balat niyaon at ang laman niyaon , at ang dugo niyaon , sangpu ng dumi niyaon , ay susunugin niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang saserdote ay kukuha ng kahoy na sedro , at ng isopo , at ng kulay grana , at ihahagis sa gitna ng pinagsusunugan sa guyang bakang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Saka lalabhan ng saserdote ang kaniyang mga suot at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig , at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento at ang saserdote ay magiging marumi hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At yaong sumunog sa baka ay maglalaba ng kaniyang mga suot sa tubig at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig , at magiging marumi hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pupulutin ng isang taong malinis ang mga abo ng guyang bakang babae at ilalagay sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis ; at iingatan ukol sa kapisanan ng mga anak ni Israel na pinaka tubig para sa karumihan : handog nga dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At yaong pumulot ng mga abo ng guyang bakang babae ay maglalaba ng kaniyang mga suot , at magiging marumi hanggang sa hapon ; at sa mga anak ni Israel at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila , ay magiging isang palatuntunan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang makahipo ng bangkay ng sinomang tao , ay magiging marumi na pitong araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang gayon ay maglilinis sa pamamagitan ng tubig na yaon sa ikatlong araw , at sa ikapitong araw ay magiging malinis : nguni&apos;t kung siya&apos;y hindi maglinis sa ikatlong araw , ay hindi nga siya magiging malinis sa ikapitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinomang humipo ng patay , ng bangkay ng taong patay , at hindi maglilinis , ay ihahawa ang tabernakulo ng Panginoon ; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa Israel : sapagka&apos;t ang tubig para sa karumihan ay hindi iniwisik sa kaniya , siya&apos;y magiging marumi ; ang kaniyang karumihan ay sumasakaniya pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ito ang kautusan pagka ang isang tao ay namamatay sa isang tolda : lahat na pumapasok sa tolda at lahat na nasa tolda ay magiging maruming pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At bawa&apos;t sisidlang bukas na walang takip na nakatali roon , ay marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinomang humipo sa luwal na parang ng alin mang pinatay ng tabak , o ng bangkay , o ng buto ng tao , o ng libingan , ay magiging maruming pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa taong marumi , ay kukuha sila ng mga abo sa sunog niyang handog dahil sa kasalanan , sa mga yaon ay ilalagay ang tubig na buhay sa isang sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At isang malinis na tao ay kukuha ng isopo , at itutubog sa tubig at iwiwisik sa tolda at sa lahat ng kasangkapan , at sa mga taong nandoon , at sa humipo ng buto , o ng bangkay , o ng patay , o ng libingan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At iwiwisik ng taong malinis sa marumi sa ikatlong araw , at sa ikapitong araw : at lilinisin niya siya sa ikapitong araw ; at siya&apos;y maglalaba ng kaniyang mga suot , at maliligo sa tubig at magiging malinis sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang taong magiging marumi , at hindi maglilinis , ay ihihiwalay ang taong yaon sa gitna ng kapulungan , sapagka&apos;t kaniyang inihawa ang santuario ng Panginoon : ang tubig para sa karumihan ay hindi nawisik sa kaniya ; siya&apos;y marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ito&apos;y magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila : at yaong nagwiwisik ng tubig para sa karumihan , ay maglalaba ng kaniyang mga suot ; at yaong humipo ng tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At anomang hipuin ng taong marumi ay magiging marumi ; at ang taong humipo niyaon ay magiging marumi hanggang sa hapon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga anak ni Israel , sa makatuwid baga&apos;y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan : at ang bayan ay tumahan sa Cades ; at si Miriam ay namatay doon , at inilibing doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At walang tubig na mainom ang kapisanan ; at sila&apos;y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinisi ng bayan si Moises , at nagsipagsalita , na sinasabi , Ibigin sana na kami ay nangamatay , nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito , upang mamatay rito , kami at ang aming mga hayop ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto , upang dalhin kami sa masamang dakong ito ? hindi dakong bukirin , o ng igos ; o ng ubasan , o ng mga granada ; at wala kahit tubig na mainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at nangagpatirapa : at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hawakan mo ang tungkod , at pisanin mo ang kapisanan , pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid , at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata , na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig ; at ikukuha mo sila ng tubig sa bato : sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kinuha ni Moises ang tungkod sa harap ng Panginoon , na gaya ng iniutos sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato , at kaniyang sinabi sa kanila , Makinig kayo ngayon , mga mapanghimagsik , ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay , at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod : at ang tubig ay lumabas na sagana , at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , Sapagka&apos;t hindi kayo sumampalataya sa akin upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel , kaya&apos;t hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang tubig ng Meriba ; sapagka&apos;t sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon , at siya&apos;y napakilalang banal sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa hari sa Edom mula sa Cades , na ipinasabi , Ganito , ang sabi ng iyong kapatid na Israelita , Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto , at kami ay tumahan sa Egipto na malaong panahon , at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig , at nagsugo siya ng isang anghel , at inilabas kami sa Egipto : at , narito , kami ay nasa Cades , na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Isinasamo ko sa iyo , na paraanin mo kami , sa iyong lupain : hindi kami dadaan sa kabukiran o sa ubasan , ni di kami iinom ng tubig sa mga balon : kami ay manunuwid sa maluwang na lansangan , hindi kami liliko sa dakong kanan ni sa dakong kaliwa man hanggang sa maraanan namin ang iyong hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Edom sa kaniya , Huwag kang magdadaan sa aking lupain , baka kita&apos;y salubungin ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng mga anak ni Israel sa kaniya , Kami ay aahon sa lansangan : at kung kami ay uminom ng iyong tubig , ako at ang aking mga hayop , ay pagbabayaran ko ang halaga : pahintulutan mo lamang ako na makaraan ng aking mga paa na walang anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang sinabi , Huwag kang magdadaan . At si Edom ay lumabas laban sa kaniya na may dalang maraming tao , at may malakas na kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito tumanggi si Edom na paraanin ang Israel sa kaniyang hangganan : kaya&apos;t ang Israel ay lumayo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y naglakbay mula sa Cades : at ang mga anak ni Israel , sa makatuwid baga&apos;y ang buong kapisanan , ay napasa bundok ng Hor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron sa bundok ng Hor , sa tabi ng hangganan ng lupain ng Edom , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan : sapagka&apos;t siya&apos;y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel , sapagka&apos;t kayo&apos;y nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak , at isampa mo sila sa bundok ng Hor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak : at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan , at doon siya mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon : at sila&apos;y sumampa sa bundok ng Hor sa paningin ng buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At hinubaran ni Moises si Aaron , ng kaniyang mga suot , at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak ; at namatay si Aaron doon sa taluktok ng bundok : at si Moises at si Eleazar ay bumaba sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang makita ng buong kapisanan na si Aaron ay namatay , ay kanilang tinangisan si Aaron na tatlong pung araw , sa makatuwid baga&apos;y ng buong sangbahayan ni Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Cananeo , na hari sa Arad , na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating sa daan ng Atarim ; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Israel ay nanata sa Panginoon , at nagsabi , Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay , ay aking lubos na gigibain nga ang kanilang mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel , at ibinigay ang Cananeo sa kanila , at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan : at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom ; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises : Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto , upang mamatay sa ilang ? sapagka&apos;t walang tinapay at walang tubig ; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan , at kanilang kinagat ang bayan : at maraming tao sa Israel ay namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang bayan ay naparoon kay Moises , at nagsabi , Kami ay nagkasala , sapagka&apos;t kami ay nagsalita laban sa Panginoon , at laban sa iyo ; idalangin mo sa Panginoon , na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas . At idinalangin ni Moises ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin : at mangyayari , na bawa&apos;t taong makagat , ay mabubuhay pag tumingin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin : at nangyari , na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga anak ni Israel ay naglakbay , at humantong sa Oboth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y naglakbay mula sa Oboth , at humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab , sa dakong sinisikatan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mula roon ay naglakbay sila , at humantong sa libis ng Zared .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mula roon ay naglakbay sila , at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon , na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo : sapagka&apos;t ang Arnon ay hangganan ng Moab , na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon , Ang Vaheb ay sa Sufa , At ang mga libis ng Arnon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang kiling ng mga libis Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar , At humihilig sa hangganan ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mula roon , ay napasa Beer sila , na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises , Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y inawit ng Israel ang awit na ito : Bumalong ka , Oh balon ; awitan ninyo siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siyang balong hinukay ng mga prinsipe , Na pinalalim ng mga mahal sa bayan , Ng setro at ng kanilang mga tungkod . At mula sa ilang , sila&apos;y napasa Mathana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel : at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab , sa taluktok ng Pisga , na patungo sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang Israel ay nagutos ng mga sugo kay Sehon , na hari ng mga Amorrheo , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Paraanin mo ako sa iyong lupain : kami ay hindi liliko sa bukid , ni sa ubasan ; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon : kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan , hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan : kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan , at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating hanggang Jahaz : at nilabanan ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak , at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang Jaboc , hanggang sa mga anak ni Ammon : sapagka&apos;t ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito : at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo , sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo , na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab , at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t yaong mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi , Halina kayo sa Hesbon , Itayo at itatag ang bayan ni Sehon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t may isang apoy na lumabas sa Hesbon , Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon : Na sumupok sa Ar ng Moab , Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa aba mo , Moab ! Ikaw ay napahamak , Oh bayan ni Chemos : Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake , At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae , Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Aming pinana sila ; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon , At aming iniwasak hanggang Nopha , Na umaabot hanggang Medeba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer , at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y lumiko at umahon sa daan ng Basan : at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila , siya at ang buong bayan niya , upang makipagbaka sa Edrei .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Huwag mo siyang katakutan ; sapagka&apos;t aking ibinigay siya sa iyong kamay , at ang buong bayan niya , at ang kaniyang lupain , at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo , na tumahan sa Hesbon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Gayon nila sinaktan siya , at ang kaniyang mga anak , at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya : at kanilang inari ang kaniyang lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga anak ni Israel ay naglakbay at humantong sa mga kapatagan ng Moab sa dako roon ng Jordan na nasa tapat ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita ni Balac na anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang Moab ay natakot na mainam sa bayan , sapagka&apos;t sila&apos;y marami : at ang Moab ay nagulumihanan dahil sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Moab sa mga matanda sa Madian , Ngayon ay hihimuran ng karamihang ito yaong lahat na nasa palibot natin , gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang . At si Balac na anak ni Zippor , ay hari sa Moab ng panahong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y nagutos ng mga sugo kay Balaam na anak ni Beor , hanggang sa Pethor na nasa tabi ng ilog , hanggang sa lupain ng mga anak ng kaniyang bayan , upang tawagin siya , na sabihin , Narito , may isang bayan na lumabas mula sa Egipto : narito , kanilang tinatakpan ang ibabaw ng lupa , at sila&apos;y nangakatayo laban sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Parito ka ngayon , isinasamo ko sa iyo , na sumpain mo sa akin ang bayang ito ; sapagka&apos;t sila&apos;y totoong makapangyarihan kay sa akin ; marahil ako&apos;y mananaig , na aming masasaktan sila , at aking silang mapalalayas sa lupain ; sapagka&apos;t talastas ko na ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga matanda sa Moab at ang mga matanda sa Madian , ay nagsiparoon na dala sa kanilang kamay ang mga ganting pala sa panghuhula ; at sila&apos;y dumating kay Balaam at sinalita nila sa kaniya ang mga salita ni Balac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang sinabi sa kanila , Dito na kayo tumuloy ngayong gabi , at bibigyan ko kayo ng kasagutan , kung ano ang sasalitain ng Panginoon sa akin ; at ang mga prinsipe sa Moab ay tumuloy na kasama ni Balaam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang Dios ay naparoon kay Balaam , at nagsabi , Sinong mga tao itong kasama mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Balaam sa Dios , Si Balac , na anak ni Zippor , hari sa Moab , ay nagpasugo sa akin , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , ang bayan na lumabas sa Egipto , ay tumatakip sa ibabaw ng lupa : ngayo&apos;y parito ka , sumpain mo sila sa akin ; marahil ako&apos;y makababaka sa kanila , at sila&apos;y aking mapalalayas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Dios kay Balaam , Huwag kang paroroong kasama nila ; huwag mong susumpain ang bayan ; sapagka&apos;t sila&apos;y pinagpala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan , at sinabi sa mga prinsipe ni Balac , Yumaon kayo sa inyong lupain : sapagka&apos;t ipinagkait ng Panginoon ang pahintulot na ako&apos;y pumaroong kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga prinsipe sa Moab ay bumangon , at sila&apos;y naparoon kay Balac , at nagsabi , Si Balaam ay tumangging pumarito na kasama namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Balac ay nagsugong muli ng marami pang prinsipe , at lalong mga mahal kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y naparoon kay Balaam at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ni Balac na anak ni Zippor , Isinasamo ko sa iyo , na ang anomang bagay huwag mong tulutan na makaabala sa iyo sa pagparito mo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan , at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko : parito ka nga , isinasamo ko sa iyo , na sumpain mo sa akin ang bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac , Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto , ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios , na ako&apos;y gumawa ng kulang o higit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga , isinasamo ko sa inyo , na tumuloy rin kayo rito ngayong gabi , upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan , at nagsabi sa kaniya , Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito , upang tawagin ka ay bumangon ka , sumama ka sa kanila : nguni&apos;t ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo , ay siya mong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan , at siniyahan ang kaniyang asno , at sumama sa mga prinsipe sa Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang galit ng Dios ay nagningas sapagka&apos;t siya&apos;y naparoon : at ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinaka kalaban niya . Siya nga&apos;y nakasakay sa kaniyang asno at ang kaniyang dalawang alipin ay kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan , na hawak ang kaniyang bunot na tabak : at ang asno ay lumiko sa daan , at napasa parang : at pinalo ni Balaam ang asno , upang ibalik siya sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y tumayo ang anghel ng Panginoon sa isang makipot na daan sa pagitan ng mga ubasan , na ang isang bakod ay sumasadako rito , at ang isang bakod ay sumasadakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon , at siya&apos;y inipit sa bakod , at naipit ang paa ni Balaam sa bakod : at kaniyang pinalo uli ang asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang anghel ng Panginoon ay nagpauna uli at tumayo sa isang makipot na dako na walang daan lilikuan kahit sa kanan ni sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon , at siya&apos;y nalugmok sa ilalim ni Balaam : at ang galit ni Balaam ay nagningas , at kaniyang pinalo ang asno ng kaniyang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ibinuka ng Panginoon ang bibig ng asno , at nagsabi kay Balaam , Ano ang ginawa ko sa iyo , na ako&apos;y pinalo mo nitong makaitlo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Balaam sa asno , Sapagka&apos;t tinuya mo ako : mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak , pinatay disin kita ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ng asno kay Balaam , Di ba ako&apos;y iyong asno na iyong sinakyan sa buong buhay mo hanggang sa araw na ito ? gumawa ba kaya ako kailan man ng ganito sa iyo ? At kaniyang sinabi , Hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y idinilat ng Panginoon ang mga mata ni Balaam , at kaniyang nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan , na hawak ang kaniyang bunot na tabak : at kaniyang iniyukod ang kaniyang ulo , at nagpatirapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Bakit mo pinalo ang iyong asno nitong makaitlo ? Narito , ako&apos;y naparito na pinaka kalaban , sapagka&apos;t ang iyong lakad ay masama sa harap ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nakita ako ng asno , at lumiko sa harap ko nitong makaitlo : kundi siya lumihis sa harap ko , ay tunay na ngayon ay napatay kita , at nailigtas ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon , Ako&apos;y nagkasala ; sapagka&apos;t hindi ko nalamang ikaw ay nakatayo sa daan laban sa akin : ngayon nga , kung inaakala mong masama , ay babalik ako uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam , Sumama ka sa mga tao : nguni&apos;t ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo , ang siyang sasalitain mo . Sa gayon ay sumama si Balaam sa mga prinsipe ni Balac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nang mabalitaan ni Balac na si Balaam ay dumarating , ay lumabas upang kaniyang salubungin siya sa bayan ng Moab , na nasa hangganan ng Arnon , na siyang katapusang bahagi ng hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi ni Balac kay Balaam , Di ba ikaw ay aking pinaparoonang dalidali upang tawagin ka ? bakit nga hindi ka naparito sa akin ? hindi ba tunay na mapapupurihan kita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ni Balaam kay Balac , Narito , ako&apos;y naparito sa iyo : mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay ? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig , yaon ang aking sasalitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At si Balaam ay sumama kay Balac , at sila&apos;y naparoon sa Chiriath-huzoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At naghain si Balac , ng mga baka at mga tupa , at ipinadala kay Balaam , at sa mga prinsipe na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nangyari nang kinaumagahan , na isinama ni Balac si Balaam at isinampa siya sa matataas na dako ni Baal , at kaniyang nakita mula roon ang katapustapusang bahagi ng bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni Balaam kay Balac , Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana , at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam ; at si Balac at si Balaam ay naghandog sa bawa&apos;t dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Balaam kay Balac , Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin , at ako&apos;y yayaon ; marahil ang Panginoon ay paririto na sasalubungin ako : at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo . At siya&apos;y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinalubong ng Dios si Balaam : at sinabi niya sa kaniya , Aking inihanda ang pitong dambana , at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa&apos;t dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam , at sinabi : Bumalik ka kay Balac , at ganito ang iyong sasalitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y bumalik sa kaniya , at , narito , siya&apos;y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin , siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga , at sinabi , Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac , Niyang hari sa Moab , na mula sa mga bundok ng Silanganan : Parito ka , sumpain mo sa akin ang Jacob . At parito ka , laitin mo ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios ? At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya , At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan : Narito , siya&apos;y isang bayang tatahang magisa , At hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob , O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel ? Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid , At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Balac kay Balaam , Anong ginawa mo sa akin ? Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway , at , narito , iyong pinagpala silang totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y sumagot , at nagsabi , Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi sa kaniya ni Balac , Isinasamo ko sa iyo , na sumama ka sa akin sa ibang dako , na iyong pagkakakitaan sa kanila ; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila , at hindi mo makikita silang lahat : at sumpain mo sila sa akin mula roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At dinala niya siya sa parang ng Sophim , sa taluktok ng Pisga , at nagtayo roon ng pitong dambana , at naghandog ng isang toro , at ng isang tupang lalake sa bawa&apos;t dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi kay Balac , Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin , samantalang aking sinasalubong ang Panginoon doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinalubong ng Panginoon si Balaam , at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig , at sinabi , bumalik ka kay Balac , at ganito ang iyong sasalitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y naparoon sa kaniya , at , narito , siya&apos;y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin , at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya . At sinabi sa kaniya ni Balac , Anong sinalita ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga , at sinabi , Tumindig ka , Balac , at iyong dinggin ; Makinig ka sa akin , ikaw anak ni Zippor :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling , Ni anak ng tao na magsisisi ; Sinabi ba niya , at hindi niya gagawin ? O sinalita ba niya , at hindi niya isasagawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Narito , ako&apos;y tumanggap ng utos na magpala : At kaniyang pinagpala , at hindi ko na mababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob , Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel : Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya , At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto ; Siya&apos;y may lakas na gaya ng mabangis na toro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Tunay na walang enkanto laban sa Jacob , Ni panghuhula laban sa Israel : Ngayo&apos;y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel , Anong ginawa ng Dios !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Narito , ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae , At parang isang leon na nagpakataas : Siya&apos;y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli , At makainom ng dugo ng napatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Balac kay Balaam , Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac , Di ba isinaysay ko sa iyo , na sinasabi , Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon , ay siya kong nararapat gawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ni Balac kay Balaam , Halika ngayon , ipagsasama kita sa ibang dako ; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng Peor , na nakatungo sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Balaam kay Balac , Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana , at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam , at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa&apos;t dambana .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel , ay hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin , kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata , at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi ; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga , at sinabi , Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi , At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios , Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat , Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagka iinam ng iyong mga tolda , Oh Jacob , Ang iyong mga tabernakulo , Oh Israel !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gaya ng mga libis na nalalatag , Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog , Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon , Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib , At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig , At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay Agag , At ang kaniyang kaharian ay mababantog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto ; May lakas na gaya ng mabangis na toro : Kaniyang lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway , At kaniyang pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto , At palalagpasan sila ng kaniyang mga pana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y yumuko , siya&apos;y lumugmok na parang leon , At parang isang leong babae ; sinong gigising sa kaniya ? Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo , At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam , at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay ; at sinabi ni Balac kay Balaam , Tinawag kita upang iyong sumpain ang aking mga kaaway , at , narito , iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako : aking inisip na itaas kita sa dakilang karangalan ; nguni&apos;t , narito , pinigil ka ng Panginoon sa karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Balaam kay Balac , Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto , ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon , na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling akala ; kung ano nga ang salitain ng Panginoon , ay siya kong sasalitain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ngayon , narito , ako&apos;y paroroon sa aking bayan : parito ka nga , at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga , at sinabi , Nagsabi si Balaam na anak ni Beor , At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y nagsabi , na nakarinig ng mga salita ng Dios , At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan , Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat , Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aking makikita siya , nguni&apos;t hindi ngayon ; Aking mapagmamasdan siya , nguni&apos;t hindi sa malapit : Lalabas ang isang bituin sa Jacob , At may isang setro na lilitaw sa Israel , At sasaktan ang mga sulok ng Moab , At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang Edom ay magiging pag-aari niya . Ang Seir man ay magiging pag-aari niya , na siyang dating kaniyang mga kaaway ; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan , At gigibain niya sa bayan ang nalalabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang minasdan ang Amalec , at ibinadya ang kaniyang talinhaga , at sinabi , Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa ; Nguni&apos;t ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang minasdan ang Cineo , at ibinadya ang kaniyang talinhaga , at sinabi , Matibay ang iyong dakong tahanan , At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y mawawasak ang Cain , Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga , at sinabi , Ay ! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng Cittim . At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur , at kanilang pagdadalamhatiin ang Eber , At siya man ay mapupuksa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Balaam ay tumindig , at yumaon at bumalik sa kaniyang sariling dako : at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Israel ay tumahan sa Sittim , at ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios ; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang Baal-peor ; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw , upang ang maningas na galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Moises sa mga hukom sa Israel , Patayin ng bawa&apos;t isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At , narito , isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises , at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel , samantalang sila&apos;y umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makita ni Phinees , na anak ni Eleazar , na anak ni Aaron na saserdote , ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan , at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda , at kapuwa niya sinaksak , ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan . Sa gayon ang salot ay natigil sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At yaong nangamatay sa salot ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar , na anak ni Aaron na saserdote , ang aking galit sa mga anak ni Israel , sa paraang siya&apos;y nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila , na anopa&apos;t hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking sikap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t sabihin mo , Narito , ako&apos;y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At magiging kaniya , at sa kaniyang binhi pagkamatay niya , ang tipan ng pagkasaserdoteng walang hanggan ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagsikap sa kaniyang Dios , at tumubos sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay , na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu , na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi , na anak ni Zur ; siya&apos;y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bagabagin ninyo ang mga Madianita , at inyong saktan sila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t kanilang binagabag kayo ng kanilang mga lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng Peor , at sa bagay ni Cozbi , na anak na babae ng prinsipe sa Madian , na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos ng salot , na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bilangin ninyo ang bayan , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel , na lumabas sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Ruben ang panganay ni Israel : ang mga anak ni Ruben ; kay Hanoc , ang angkan ng mga Hanocitas ; kay Phallu , ang angkan ng mga Palluita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kay Hesron , ang angkan ng mga Hesronita ; kay Carmi , ang angkan ng mga Carmita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ito ang mga angkan ng mga Rubenita : at yaong nangabilang sa kanila , ay apat na pu&apos;t tatlong libo at pitong daan at tatlong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Phallu ; ay si Eliab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Eliab ; ay si Nemuel , at si Dathan , at si Abiram . Ito yaong Dathan at Abiram , na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron , sa pulutong ni Core , nang sila&apos;y lumaban sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig , at nilamon sila pati ni Core , nang mamatay ang pulutong na yaon ; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao , at sila&apos;y naging isang tanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon ma&apos;y hindi namatay ang mga anak ni Core .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan ; kay Nemuel , ang angkan ng mga Nemuelita : kay Jamin , ang angkan ng mga Jaminita : kay Jachin , ang angkan ng mga Jachinita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kay Zera , ang angkan ng mga Zeraita ; kay Saul , ang angkan ng mga Saulita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ito ang mga angkan ng mga Simeonita , dalawang pu&apos;t dalawang libo at dalawang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan ; kay Zephon , ang angkan ng mga Zephonita ; kay Aggi , ang angkan ng mga Aggita ; kay Suni , ang angkan ng mga Sunita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kay Ozni , ang angkan ng mga Oznita ; kay Eri , ang angkan ng mga Erita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kay Arod , ang angkan ng mga Arodita ; kay Areli , ang angkan ng mga Arelita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nangabilang sa kanila apat na pung libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga anak ni Juda , ay si Er at si Onan ; at si Er at si Onan ay nangamatay sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan : kay Sela , ang angkan ng mga Selaita ; kay Phares , ang angkan ng mga Pharesita ; kay Zera , ang angkan ng mga Zeraita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga naging anak ni Phares : kay Hesron , ang angkan ng mga Hesronita ; kay Hamul , ang angkan ng mga Hamulita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nangabilang sa kanila , pitong pu&apos;t anim na libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan : kay Thola , ang angkan ng mga Tholaita ; kay Pua , ang angkan ng mga Puanita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kay Jasub , ang angkan ng mga Jasubita ; kay Simron , ang angkan ng mga Simronita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ito ang mga angkan ni Issachar ayon sa nangabilang sa kanila , anim na pu&apos;t apat na libo at tatlong daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan : kay Sered , ang angkan ng mga Seredita : kay Elon , ang angkan ng mga Elonita : kay Jalel , ang angkan ng mga Jalelita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nangabilang sa kanila , anim na pung libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan : si Manases at si Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga anak ni Manases : kay Machir , ang angkan ng mga Machirita : at naging anak ni Machir si Galaad : kay Galaad , ang angkan ng mga Galaadita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ito ang mga anak ni Galaad : kay Jezer , ang angkan ng mga Jezerita : kay Helec , ang angkan ng mga Helecita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kay Asriel , ang angkan ng mga Asrielita : at kay Sechem , ang angkan ng mga Sechemita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kay Semida , ang angkan ng mga Semidaita : at kay Hepher , ang angkan ng mga Hepherita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At si Salphaad na anak ni Hepher ay hindi nagkaanak ng lalake , kundi mga babae : at ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Salphaad ay Maala , at Noa , Hogla , Milca , at Tirsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ito ang mga angkan ni Manases ; at yaong nangabilang sa kanila , ay limang pu at dalawang libo at pitong daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ito ang mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan : kay Suthala , ang angkan ng mga Suthalaita : kay Becher , ang angkan ng mga Becherita : kay Tahan , ang angkan ng mga Tahanita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ito ang mga anak ni Suthala : kay Heran , ang angkan ng mga Heranita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ito ang mga angkan ng mga anak ni Ephraim ayon sa nangabilang sa kanila , tatlong pu&apos;t dalawang libo at limang daan . Ito ang mga anak ni Jose , ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan : kay Bela , ang angkan ng mga Belaita ; kay Asbel , ang angkan ng mga Asbelita : kay Achiram , ang angkan ng mga Achiramita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kay Supham ang angkan ng mga Suphamita ; kay Hupham , ang angkan ng mga Huphamita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang mga anak ni Bela ay si Ard at si Naaman : kay Ard , ang angkan ng mga Ardita : kay Naaman , ang angkan ng mga Naamanita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ; at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu&apos;t limang libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan : kay Suham , ang angkan ng mga Suhamita . Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita , ayon sa nangabilang sa kanila , ay anim na pu&apos;t apat na libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ang anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan : kay Imna , ang angkan ng mga Imnaita : kay Issui , ang angkan ng mga Issuita , kay Beria , ang angkan ng mga Beriaita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Sa mga anak ni Beria : kay Heber , ang angkan ng mga Heberita ; kay Malchiel ang angkan ng mga Malchielita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nangabilang sa kanila , limang pu&apos;t tatlong libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ang mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan : kay Jahzeel ang angkan ng mga Jahzeelita : kay Guni , ang angkan ng mga Gunita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Kay Jeser , ang angkan ng mga Jeserita : kay Sillem , ang angkan ng mga Sillemita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ito ang mga angkan ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan : at yaong nangabilang sa kanila , ay apat na pu&apos;t limang libo at apat na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel , anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana , at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana : ang bawa&apos;t isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Gayon ma&apos;y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran : ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana , alinsunod sa dami o kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan : kay Gerson , ang angkan ng mga Gersonita : kay Coath , ang angkan ng mga Coathita : kay Merari , ang angkan ng mga Merarita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Ito ang mga angkan ni Levi : ang angkan ng mga Libnita , ang angkan ng mga Hebronita , ang angkan ng mga Mahalita , ang angkan ng mga Musita , ang angkan ng mga Corita . At naging anak ni Coath si Amram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed , na anak na babae ni Levi , na ipinanganak kay Levi sa Egipto : at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises , at si Miriam na kapatid nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu , si Eleazar at si Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila&apos;y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu&apos;t tatlong libo , lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda : sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel , sapagka&apos;t sila&apos;y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Ito yaong nangabilang ni Moises at ni Eleazar na saserdote , na bumilang ng mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Nguni&apos;t sa mga ito ay walang tao sa kanila , na ibinilang ni Moises at ni Aaron na saserdote , na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Sapagka&apos;t sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila , Sila&apos;y mamamatay na walang pagsala sa ilang . At walang natira kahi&apos;t isang tao sa kanila , liban kay Caleb na anak ni Jephone , at kay Josue na anak ni Nun .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y nagsilapit ang mga anak na babae ni Salphaad , na anak ni Hepher , na anak ni Galaad , na anak ni Machir , na anak ni Manases , sa mga angkan ni Manases , na anak ni Jose ; at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak : Maala , at Noa , at Hogla , at Milca , at Tirsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y nagsitayo sa harap ni Moises , at sa harap ni Eleazar na saserdote , at sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang aming ama ay namatay sa ilang , at siya&apos;y hindi kasama ng nagpipisang magkakasama laban sa Panginoon , sa pulutong ni Core : kundi siya&apos;y namatay sa kaniyang sariling kasalanan ; at hindi nagkaanak ng lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bakit ang pangalan ng aming ama ay aalisin sa angkan niya , sapagka&apos;t siya&apos;y hindi nagkaanak ng lalake ? Bigyan ninyo kami ng pag-aari sa gitna ng mga kapatid ng aming ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At dinala ni Moises ang kanilang usap sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga anak na babae ni Salphaad ay nagsasalita ng matuwid : bibigyan mo nga sila ng isang pag-aari na pinakamana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama ; at iyong isasalin ang mana ng kanilang ama sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel , na iyong sasabihin , Kung ang isang lalake ay mamatay , at walang anak na lalake , ay inyo ngang isasalin ang kaniyang mana sa kaniyang anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung siya&apos;y walang anak na babae , ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kung siya&apos;y walang kapatid , ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa mga kapatid ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kung ang kaniyang ama ay walang kapatid , ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya sa kaniyang angkan , at kaniyang aariin : at sa mga anak ni Israel ay magiging isang palatuntunan ng kahatulan , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim , at tanawin mo ang lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagkakita mo niyaon ay malalakip ka rin naman sa iyong bayan , na gaya ng pagkalakip ni Aaron na iyong kapatid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kayo&apos;y nanghimagsik laban sa aking salita sa ilang ng Zin , sa pakikipagtalo ng kapisanan , na ipakilala ninyong banal ako sa harap ng mga mata nila sa tubig . ( Ito ang tubig ng Meriba sa Cades sa ilang ng Zin . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinalita ni Moises sa Panginoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Maghalal ang Panginoon , ang Dios ng mga diwa ng lahat ng laman , ng isang lalake sa kapisanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na makalalabas sa harap nila , at makapapasok sa harap nila , at makapaglalabas sa kanila , at makapagpapasok sa kanila ; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging parang mga tupa na walang pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun , isang lalake na kinakasihan ng Espiritu , at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote , at sa buong kapisanan ; at pagbilinan mo siya sa kanilang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote , na siyang maguusisa tungkol sa kaniya , ng hatol ng Urim sa harap ng Panginoon : sa kaniyang salita , ay lalabas sila , at sa kaniyang salita , ay papasok sila , siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya , sa makatuwid baga&apos;y ang buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya : at kaniyang ipinagsama si Josue , at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote , at sa buong kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya , at pinagbilinan niya siya , gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iutos mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Ang alay sa akin , ang aking pagkain na pinakahandog sa akin na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa akin , ay inyong pagiingatang ihandog sa akin sa ukol na kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sasabihin sa kanila , Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon ; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan , dalawa araw-araw , na pinakapalaging handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga , at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina , na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Isang palaging handog na susunugin , na iniutos sa bundok ng Sinai na pinakamasarap na amoy , handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang pinakahandog na inumin niyaon , ay ang ikaapat na bahagi ng isang hin sa isang kordero : sa dakong banal magbubuhos ka ng handog na inumin na pinaka mainam na alak para sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang isang kordero , ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw : gaya ng handog na harina sa umaga , at gaya ng handog na inumin niyaon , ay iyong ihahandog , isang handog na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan , at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina , na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis , at ang handog na inumin niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ito ang handog na susunugin sa bawa&apos;t sabbath , bukod pa sa palaging handog na susunugin , at ang inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay maghahandog kayo ng handog na susunugin sa Panginoon ; dalawang guyang toro at isang tupang lalake , pitong korderong lalake ng unang taon , na walang kapintasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina , na hinaluan ng langis , para sa bawa&apos;t toro ; at dalawang ikasangpung bahagi ng mainam na harina na pinakahandog na harina , na hinaluan ng langis para sa isang tupang lalake ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At isang ikasangpung bahagi ng mainam na harina , na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina para sa bawa&apos;t kordero ; pinakahandog na susunugin na pinakamasarap na amoy , handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang magiging handog na inumin ng mga yaon ay kalahati ng isang hin ng alak sa toro , at ang ikatlong bahagi ng isang hin ay sa tupang lalake , at ang ikaapat na bahagi ng isang hin ay sa kordero : ito ang handog na susunugin sa bawa&apos;t buwan sa lahat ng buwan ng taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan ; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa unang buwan , sa ikalabing apat na araw ng buwan , ay paskua ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa ikalabing limang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista ; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy , na pinakahandog na susunugin ; dalawang guyang toro , at isang lalaking tupa , at pitong korderong lalake ng unang taon ; na mga walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang handog na harina ng mga yaon , na mainam na harina na hinaluan ng langis : tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro , at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa&apos;t kordero sa pitong kordero ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan , upang itubos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga , na pinakapalaging handog na susunugin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ganitong paraan ihahandog ninyo araw-araw , sa loob ng pitong araw , ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy , na pinakamasarap na amoy sa Panginoon : ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon din sa araw ng mga unang bunga , na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo , ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kundi kayo&apos;y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon ; dalawang guyang toro , isang tupang lalake , at pitong korderong lalake ng unang taon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang handog na harina ng mga yaon , na mainam na harina na hinaluan ng langis , ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa&apos;t toro , dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Isang ikasangpung bahagi sa bawa&apos;t kordero sa pitong kordero ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina niyaon , ay inyong ihahandog ang mga yaon ( yaong mga walang kapintasan sa inyo ) , at ang mga inuming handog ng mga yaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa ikapitong buwan , sa unang araw ng buwan , ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod ; isang araw ngang sa inyo&apos;y paghihip ng mga pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kayo&apos;y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon , ng isang guyang toro , isang tupang lalake , pitong korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang handog na harina ng mga yaon , na mainam na harina , na hinaluan ng langis , ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro , dalawang ikasangpung bahagi sa lalaking tupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At isang ikasangpung bahagi sa bawa&apos;t kordero sa pitong kordero :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bukod pa sa handog na susunugin sa bagong buwan , at sa handog na harina niyaon , at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon , at sa mga inuming handog niyaon , ayon sa kanilang palatuntunan , na pinakamasarap na amoy , na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan , ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan ; at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa ; huwag kayong gagawa ng anomang gawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi kayo&apos;y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy ; isang guyang toro , isang tupang lalake , pitong korderong lalake ng unang taon : na mga walang kapintasan sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang handog na harina ng mga yaon , na mainam na harina na hinaluan ng langis , ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro , dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Isang ikasangpung bahagi sa bawa&apos;t kordero sa pitong kordero :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan , bukod pa sa handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina , at sa mga inuming handog ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan , ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod , at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At maghahandog kayo ng isang handog na susunugin , na pinakahandog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon : labing tatlong guyang toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon : na mga walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang handog na harina ng mga yaon , na mainam na harina na hinaluan ng langis , ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa&apos;t toro sa labing tatlong toro , dalawang ikasangpung bahagi sa bawa&apos;t tupang lalake sa dalawang tupang lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At isang ikasangpung bahagi sa bawa&apos;t kordero sa labing apat na kordero</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang handog na harina ng mga yaon , at ang mga inuming handog para sa mga toro , sa mga tupang lalake , at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon , alinsunod sa palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina , at sa mga inuming handog ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa ikatlong araw ay labing isang toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro , sa mga tupang lalake , at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang , alinsunod sa palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina niyaon , at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa ikaapat na araw ay sangpung toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro , sa mga tupang lalake , at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang , alinsunod sa palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , sa handog na harina niyaon , at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa ikalimang araw ay siyam na toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro , sa mga tupang lalake , at sa mga kordero , ayon sa kanilang bilang , alinsunod sa palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina niyaon , at sa handog na inumin niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa ikaanim na araw , ay walong toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro , sa mga tupang lalake at sa mga kordero , ayon sa kanilang bilang , alinsunod sa palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan : bukod pa sa palaging handog na susunugin , sa handog na harina niyaon , at sa mga inuming handog niyaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa ikapitong araw ay pitong toro , dalawang tupang lalake , labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang handog na harina ng mga yaon , at ang mga inuming handog para sa mga toro , sa mga tupang lalake , at sa mga kordero , ayon sa kanilang bilang , alinsunod sa palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , sa handog na harina niyaon , at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa ikawalong araw , ay magkakaroon kayo ng isang takdang pagpupulong ; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kundi kayo&apos;y maghahandog ng isang handog na susunugin , na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon : isang toro , isang tupang lalake , pitong korderong lalake ng unang taon , na walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro , sa lalaking tupa , at sa mga kordero , ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan ; bukod pa sa palaging handog na susunugin , at sa handog na harina niyaon , at sa inuming handog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan , bukod pa sa inyong mga panata , at sa inyong mga kusang handog , na mga pinakahandog ninyong susunugin , at ang inyong mga pinakahandog na harina , at ang inyong mga pinakainuming handog , at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At isinaysay ni Moises sa mga anak ni Israel , ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ni Moises sa mga pangulo ng mga lipi ng mga anak ni Israel , na sinasabi , Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagka ang isang lalake ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon , o sumumpa ng isang sumpa , na itinali ang kaniyang kaluluwa sa isang gampanin , ay huwag niyang sisirain ang kaniyang salita , kaniyang gaganapin ayon sa lahat ng binuka ng kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagka ang isang babae naman ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon , at itinali ang kaniyang sarili sa isang gampanin , sa bahay ng kaniyang ama , sa kaniyang kadalagahan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At narinig ng kaniyang ama ang kaniyang panata , at ang kaniyang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa , at ang kaniyang ama ay hindi umimik sa kaniya : ay lahat nga niyang panata ay magkakabisa , at ang bawa&apos;t tali na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t kung sawayin siya ng kaniyang ama sa araw na marinig ; alin man sa kaniyang panata , o sa kaniyang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay hindi magkabisa : at patatawarin siya ng Panginoon , sapagka&apos;t sinaway siya ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung siya&apos;y may asawa at magpanata o magbitiw na walang dilidili sa kaniyang labi ng anomang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At marinig ng kaniyang asawa , at hindi umimik sa kaniya sa araw na marinig yaon : ay magkakabisa nga ang kaniyang mga panata , at ang kaniyang mga gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kung sawayin siya ng kaniyang asawa sa araw na marinig yaon ; ay mawawalan ng kabuluhan ang kaniyang panata na itinali niya sa kaniya at ang nabitawang pangako ng kaniyang mga labi na ipinanali niya sa kaniyang kaluluwa : at patatawarin siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ang panata ng isang babaing bao , o ng isang hiniwalayan ng asawa , ay magkakabisa sa bawa&apos;t bagay na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kung siya&apos;y nagpanata sa bahay ng kaniyang asawa , o kaniyang tinalian ang kaniyang kaluluwa ng isang gampanin na kaakbay ng isang sumpa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At narinig ng kaniyang asawa , at hindi umimik sa kaniya , at hindi sinaway siya ; ay magkakabisa ang lahat niyang panata , at bawa&apos;t gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t kung niwalan ng kabuluhan ng kaniyang asawa sa araw na marinig , ay hindi magkakabisa ang anomang bagay na binitiwan ng kaniyang mga labi tungkol sa kaniyang mga panata o tungkol sa tali ng kaniyang kaluluwa : niwalan ng kabuluhan ng kaniyang asawa ; at patatawarin siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bawa&apos;t panata o bawa&apos;t gampaning inakbayan ng sumpa , na makapagpapadalamhati ng kaluluwa , ay mabibigyang bisa ng kaniyang asawa , o mapawawalan ng kabuluhan ng kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t kung ang kaniyang asawa ay hindi umimik sa kaniya sa araw-araw ; ay binigyan nga ng bisa ang lahat niyang panata , o ang lahat niyang gampaning taglay niya : kaniyang binigyan bisa , sapagka&apos;t hindi umimik nang araw na kaniyang marinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t kung kaniyang pawawalan ng kabuluhan pagkatapos na kaniyang marinig , ay tataglayin nga niya ang kasamaan ng kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang mga palatuntunan na iniutos ng Panginoon kay Moises , sa magasawa at sa magama samantalang ang anak na dalaga ay nasa bahay ng kaniyang ama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ipanghiganti mo ang mga anak ni Israel sa mga Madianita ; pagkatapos nito&apos;y malalakip ka sa iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinalita ni Moises sa bayan , na sinasabi , Magsipagsakbat kayong mga lalake na humanda sa pakikibaka , upang magsiyaon sila laban sa Madian , upang isagawa ang panghihiganti ng Panginoon sa Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa bawa&apos;t lipi ay isang libo , sa lahat ng mga lipi ng Israel , ang susuguin ninyo sa pakikibaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y sinugo sa libolibong Israelita , ang isang libo sa bawa&apos;t lipi , na labing dalawang libo ngang nasasakbatan sa pakikibaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinugo sila ni Moises , sa pakikibaka , isang libo sa bawa&apos;t lipi , sila at si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote , sa pakikibaka , na may mga kasangkapan ng santuario , at may mga pakakak na panghudyat sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At binaka nila ang Madian , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises ; at kanilang pinatay ang bawa&apos;t lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pinatay nila ang mga hari sa Madian na kasama ng mga napatay : si Evi at si Recem , at si Zur , at si Hur , at si Reba , limang hari sa Madian : si Balaam man na anak ni Beor ay kanilang pinatay ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At binihag ng mga anak ng Israel ang mga babae sa Madian at ang kanilang mga bata ; at ang lahat nilang mga hayop at ang lahat nilang mga kawan , at ang lahat nilang pag-aari ay kanilang sinamsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang lahat nilang mga bayan sa mga dakong kanilang tinatahanan at ang lahat nilang mga tolda ay kanilang sinunog sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang dinala ang lahat ng kanilang nakuha , at ang lahat ng kanilang nasamsam , maging sa tao at maging sa hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang dinala ang mga bihag , ang nasamsam at ang nahuli , kay Moises , at kay Eleazar na saserdote , at sa kapisanan ng mga anak ni Israel , na nasa kampamento sa mga kapatagan ng Moab , na nasa tabi ng Jordan sa Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Moises at si Eleazar na saserdote , at ang lahat ng mga prinsipe sa kapisanan , ay nagsilabas na sinalubong sila sa labas ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Moises ay nag-init sa mga pinuno ng hukbo , sa mga kapitan ng libolibo at sa mga kapitan ng daandaan , na nagsipanggaling sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Moises sa kanila , Iniligtas ba ninyo na buhay ang lahat ng mga babae ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , sila&apos;y naging sanhi , sa payo ni Balaam , upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor , at kaya&apos;t nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon nga ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalake at patayin ninyo ang bawa&apos;t babae na nasipingan ng lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t ang lahat ng batang babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo upang mapasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At matira kayo sa labas ng kampamento na pitong araw : sinoman sa inyo na nakamatay ng sinomang tao , at sinoman sa inyo na nakahipo ng anomang pinatay , ay maglilinis kayo sa ikatlong araw at sa ikapitong araw , kayo at ang inyong mga bihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tungkol sa bawa&apos;t kasuutan , at sa lahat ng yari sa balat , at sa lahat ng yari sa balahibo ng kambing , at sa lahat ng bagay na yari sa kahoy , ay pakalinisin ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Eleazar na saserdote sa mga lalake ng hukbo na nagsiparoon sa pakikipagbaka , Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon kay Moises :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y ang ginto at ang pilak , ang tanso , ang bakal , ang lata , at ang tingga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Bawa&apos;t bagay na hindi naaano sa apoy , ay inyong pararaanin sa apoy , at magiging malinis ; gayon ma&apos;y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan : at ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy , ay inyong pararaanin sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At inyong lalabhan ang inyong mga damit sa ikapitong araw , at kayo&apos;y magiging malinis , at pagkatapos nito&apos;y makapapasok kayo sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bilangin mo ang samsam na nakuha sa tao at gayon din sa hayop , ninyo at ni Eleazar na saserdote , at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At hatiin mo ang samsam ng dalawa ; sa mga lalaking mangbabaka na nagsilabas sa pakikipagbaka , at sa buong kapisanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Bigyan mo ng buwis ang Panginoon sa mga lalaking mangdidigma na nagsilabas sa pakikipagbaka : isang tao sa bawa&apos;t limang daan , sa mga tao at gayon din sa mga hayop , at sa mga asno at sa mga kawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa kalahating nauukol sa kanila , ay kukunin mo at ibibigay mo kay Eleazar na saserdote na pinakahandog na itinaas sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel , ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa&apos;t limang pu , sa mga tao , sa mga bata , sa mga asno , at sa mga kawan , sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita , na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang nabihag nga bukod pa sa nasamsam ng mga taong nakipagbaka , ay anim na raan at pitong pu&apos;t limang libong tupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pitong pu&apos;t dalawang libong baka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Anim na pu&apos;t isang libong asno ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At tatlong pu&apos;t dalawang libong tao sa lahat , sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang kalahati , na siyang bahagi niyaong mga nagsilabas sa pakikipagbaka ay umaabot sa bilang na tatlong daan at tatlong pu&apos;t pitong libo at limang daang tupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang buwis na tupa sa Panginoon , ay anim na raan at pitong pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang mga baka ay tatlong pu&apos;t anim na libo ; na ang buwis sa Panginoon ay pitong pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan ; na ang buwis sa Panginoon ay anim na pu&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang mga asno ay labing anim na libo ; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong pu&apos;t dalawang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ibinigay ni Moises ang buwis , na ukol sa handog na itinaas sa Panginoon , kay Eleazar na saserdote , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang kalahati ay sa mga anak ni Israel , na inihiwalay ni Moises sa mga taong nakipagbaka</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">( Siya ngang kalahati na nauukol sa kapisanan ay tatlong daan at tatlong pu&apos;t pitong libo at limang daang tupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At tatlong pu&apos;t anim na libong baka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At tatlong pung libo&apos;t limang daang asno ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At labing anim na libong tao ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel , ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa&apos;t limang pu , sa tao at gayon din sa hayop , at ibinigay sa mga Levita , na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At ang mga pinuno na namamahala sa libolibo ng hukbo , ang mga kapitan ng libolibo , at ang mga kapitan ng daandaan ay nangagsilapit kay Moises :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At sinabi nila kay Moises , Binilang ng iyong mga lingkod ang mga lalaking mangdidigma na nasa aming kapangyarihan , at walang kulang kahit isa man sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At aming dinala na pinakaalay sa Panginoon , ang nakuha ng bawa&apos;t lalake , na mga hiyas na ginto , mga tanikala sa bukongbukong , at mga pulsera , mga singsing na pinaka tanda , mga hikaw , at mga kuwintas sa leeg upang itubos sa aming mga kaluluwa sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto nila , lahat ng hiyas na dalisay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At ang buong gintong handog na itinaas , na kanilang inihandog sa Panginoon , ng mga kapitan ng libolibo , at ng mga kapitan ng daandaan , ay labing anim na libo at pitong daan at limang pung siklo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">( Sapagka&apos;t ang mga lalake na nakipagbaka ay naguwi ng samsam , na bawa&apos;t isa ay may sariling dala . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto ng mga kapitan ng libolibo at ng daandaan , at isinilid sa tabernakulo ng kapisanan , pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga anak nga ni Ruben , at ang mga anak ni Gad ay mayroong napakaraming hayop : at nang kanilang makita ang lupain ng Jazer , at ang lupain ng Galaad , na , narito , ang dako ay minagaling nilang dako sa hayop ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay lumapit at nagsalita ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben kay Moises , at kay Eleazar na saserdote , at sa mga prinsipe ng kapisanan na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Ataroth , at ang Dibon , at ang Jazer , at ang Nimra , at ang Hesbon , at ang Eleale , at ang Saban , at ang Nebo , at ang Beon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na lupaing sinaktan ng Panginoon sa harap ng kapisanan ng Israel , ay lupaing mabuti sa hayop , at ang iyong mga lingkod ay may mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi nila , Kung kami ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ay ibigay mong pinakaari ang lupaing ito sa iyong mga lingkod ; at huwag mo kaming paraanin sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad , at sa mga anak ni Ruben , Paroroon ba ang inyong mga kapatid sa pakikipagbaka , at kayo&apos;y mauupo rito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At bakit pinapanghihina ninyo ang loob ng mga anak ni Israel , na huwag magpatuloy sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ganyan ang ginawa ng inyong mga magulang nang sila&apos;y aking suguin , mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t nang sila&apos;y makasampa sa libis ng Eskol at matiktikan ang lupain , ay kanilang pinapanghina ang loob ng mga anak ni Israel upang huwag pumasok sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang galit ng Panginoon ay nagningas nang araw na yaon , at siya&apos;y sumumpa na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tunay na walang taong lumabas sa Egipto , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , ay makakakita ng lupain na aking isinumpa kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob ; sapagka&apos;t sila&apos;y hindi lubos na sumunod sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Liban si Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo , at si Josue na anak ni Nun : sapagka&apos;t sila&apos;y sumunod na lubos sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel , at kaniyang pinagala sila sa ilang , na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ay nalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At , narito , kayo&apos;y nagsipagtindig na kahalili ng inyong mga magulang , supling ng mga taong makasalanan , upang dagdagan pa ninyo ang mabangis na galit ng Panginoon sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kung kayo&apos;y lumihis ng pagsunod sa kaniya ay kaniyang iiwang muli sila sa ilang ; at inyong lilipulin ang buong bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y nagsilapit sa kaniya , at nagsabi , Gagawa kami rito ng mga kulungan sa aming mga hayop , at ng mga bayan sa aming mga bata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kami ay magsisipagalmas upang magpauna sa mga anak ni Israel hanggang sa aming maipasok sa kanilang dakong karoroonan : at ang aming mga bata ay magsisitahan sa mga bayang nakukutaan dahil sa mga nagsisitahan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kami ay hindi magsisibalik sa aming mga bahay , hanggang sa ang mga anak ni Israel ay magari bawa&apos;t isa ng kaniyang sariling pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t hindi kami makikimana sa kanila sa kabilang ibayo ng Jordan , at sa dako pa roon ; sapagka&apos;t tinaglay na namin ang aming mana rito sa dakong silanganan ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Moises sa kanila , Kung gagawin ninyo ang bagay na ito ; kung kayo&apos;y magsisipagalmas upang pumaroon sa harap ng Panginoon sa pakikipagbaka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At bawa&apos;t may almas sa inyo ay daraan sa Jordan sa harap ng Panginoon , hanggang sa kaniyang mapalayas ang kaniyang mga kaaway sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang lupain ay mapasuko sa harap ng Panginoon : ay makababalik nga kayo pagkatapos , at hindi kayo magiging salarin sa Panginoon , at sa Israel ; at ang lupaing ito ay magiging inyong pag-aari sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t kung hindi ninyo gagawing ganito ay , narito , kayo&apos;y nagkasala laban sa Panginoon : at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Igawa ninyo ng mga siyudad ang inyong mga bata , at ng mga kulungan ang inyong mga tupa ; at isagawa ninyo ang nabuka sa inyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinalita ng mga anak ni Gad at ng mga anak ni Ruben kay Moises , na sinasabi , Isasagawa ng iyong mga lingkod ang gaya ng iniutos ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang aming mga bata , ang aming mga asawa , ang aming kawan at ang aming buong bakahan ay matitira riyan sa mga bayan ng Galaad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t ang iyong mga lingkod ay magsisitawid , bawa&apos;t lalake na may almas sa pakikipagbaka , sa harap ng Panginoon upang makipagbaka , gaya ng sinabi ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y ipinagbilin sila ni Moises kay Eleazar na saserdote , at kay Josue na anak ni Nun , at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi sa kanila ni Moises , Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan , ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka , sa harap ng Panginoon , at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo : ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t kung sila&apos;y hindi tatawid na kasama ninyo na may almas , ay magkakaroon sila ng pag-aari na kasama ninyo sa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay nagsisagot , na nangagsasabi , Kung paano ang sinabi ng Panginoon sa iyong mga lingkod ay gayon ang gagawin namin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kami ay tatawid na may almas sa harap ng Panginoon sa lupain ng Canaan , at ang magiging pag-aari naming mana ay sa dakong ito ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ibinigay ni Moises sa kanila , sa mga anak ni Gad , at sa mga anak ni Ruben , at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose , ang kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo , at ang kaharian ni Og na hari sa Basan , ang lupain ayon sa mga bayan niyaon , sa loob ng mga hangganan niyaon , sa makatuwid baga&apos;y ang mga bayan sa palibot ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At itinayo ng mga anak ni Gad ang Dibon , at ang Ataroth , at ang Aroer ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang Ataroth-sophan , at ang Jazer , at ang Jogbaa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang Beth-nimra at ang Bet-haran : na mga bayang nakukutaan , at kulungan din naman ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At itinayo naman ng mga anak ni Ruben ang Hesbon , at ang Eleale , at ang Ciriathaim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang Nebo , at ang Baal-meon , ( na ang pangalan ng mga yaon ay binago , ) at ang Sibma : at nilagyan ng ibang mga pangalan ang mga bayan na kanilang itinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang mga anak ni Machir na anak ni Manases ay nagsiparoon sa Galaad , at kanilang sinakop , at pinalayas ang mga Amorrheo na nandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ibinigay ni Moises ang Galaad kay Machir na anak ni Manases ; at kaniyang tinahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At si Jair na anak ni Manases ay naparoon at sinakop ang mga bayan niyaon at tinawag na Havoth-jair .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At si Noba ay naparoon at sinakop ang Kenath , at ang mga nayon niyaon , at tinawag na Noba , ayon sa kaniyang sariling pangalan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel , nang sila&apos;y magsilabas sa lupain ng Egipto , ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon : at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang unang buwan , nang ikalabing limang araw ng unang buwan ; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay , na nilipol ng Panginoon sa gitna nila : na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y naglakbay mula sa Etham , at lumiko sa Pi-hahiroth , na nasa tapat ng Baal-sephon : at humantong sa tapat ng Migdol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth , at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang : at sila&apos;y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y naglakbay mula sa Mara , at dumating sa Elim : at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma ; at sila&apos;y humantong doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y naglakbay mula sa Elim , at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y naglakbay mula sa Dagat na Mapula , at humantong sa ilang ng Zin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y naglakbay mula sa ilang ng Zin , at humantong sa Dophca .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y naglakbay mula sa Dophca , at humantong sa Alus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y naglakbay mula sa Alus , at humantong sa Rephidim , na doon , nga walang tubig na mainom ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y naglakbay mula sa Rephidim , at humantong sa ilang ng Sinai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y naglakbay mula sa ilang ng Sinai , at humantong sa Kibroth-hataava .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y naglakbay mula sa Kibroth-hataava , at humantong sa Haseroth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sila&apos;y naglakbay mula sa Haseroth , at humantong sa Ritma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y naglakbay mula sa Ritma , at humantong sa Rimmon-peres .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila&apos;y naglakbay mula sa Rimmon-peres , at humantong sa Libna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y naglakbay mula sa Libna , at humantong sa Rissa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y naglakbay mula sa Rissa , at humantong sa Ceelatha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y naglakbay mula sa bundok ng Sepher , at humantong sa Harada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y naglakbay mula sa Harada , at humantong sa Maceloth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y naglakbay mula sa Maceloth , at humantong sa Tahath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y naglakbay mula sa Tara , at humantong sa Mithca .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y naglakbay mula sa Mithca , at humantong sa Hasmona .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sila&apos;y naglakbay mula sa Hasmona , at humantong sa Moseroth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sila&apos;y naglakbay mula sa Moseroth , at humantong sa Bene-jaacan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sila&apos;y naglakbay mula sa Bene-jaacan , at humantong sa Horhagidgad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sila&apos;y naglakbay mula sa Jotbatha , at humantong sa Abrona .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sila&apos;y naglakbay mula sa Abrona , at humantong sa Esion-geber .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sila&apos;y naglakbay mula sa Esion-geber , at humantong sa ilang ng Zin ( na siya ring Cades ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sila&apos;y naglakbay mula sa Cades , at humantong sa bundok ng Hor , sa gilid ng lupain ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon , at namatay roon , sa ikaapat na pung taon , pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto , sa ikalimang buwan , nang unang araw ng buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu&apos;t tatlong taon nang siya&apos;y mamatay sa bundok ng Hor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang Cananeo na hari sa Arad , na tumatahan sa Timugan , sa lupain ng Canaan , ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sila&apos;y naglakbay mula sa bundok ng Hor , at humantong sa Salmona .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sila&apos;y naglakbay mula sa Salmona , at humantong sa Phunon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sila&apos;y naglakbay mula sa Phunon , at humantong sa Oboth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sila&apos;y naglakbay mula sa Oboth , at humantong sa Igeabarim , sa hangganan ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At sila&apos;y naglakbay mula sa Igeabarim , at humantong sa Dibon-gad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sila&apos;y naglakbay mula sa Dibon-gad , at humantong sa Almon-diblathaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At sila&apos;y naglakbay mula sa Almon-diblathaim , at humantong sa mga bundok ng Abarim , sa harap ng Nebo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sila&apos;y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim , at humantong sa mga kapatagan ng Moab , sa tabi ng Jordan , sa tapat ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At sila&apos;y humantong sa tabi ng Jordan , mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim , sa mga kapatagan ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan , sa tapat ng Jerico , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo , at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan , at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo , at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At inyong ariin ang lupain , at tatahan kayo roon : sapagka&apos;t sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan ; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana , at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana : kung kanino mahulog ang palad sa bawa&apos;t isa , ay yaon ang magiging kaniya ; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Nguni&apos;t kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo ; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata , at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila , at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At mangyayari , na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila , ay gayon ang gagawin ko sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iutos mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan , ( na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana , ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom , at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng Dagat na Alat sa dakong silanganan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa sampahan ng Acrabbim , at patuloy hanggang sa Zin : at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng Cades-barnea ; at mula rito ay pasampa sa Hasar-addar , at patuloy sa Asmon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon hanggang sa batis ng Egipto , at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon : ito ang magiging inyong hangganang kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang pasukan ng Hamath ; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa Sedad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron , at ang magiging mga labasan niyaon , ay ang Hasar-enan : ito ang magiging inyong hangganang hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa Ribla , sa dakong silanganan ng Ain ; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng Cinnereth sa dakong silanganan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang hangganan ay pababa sa Jordan , at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa Dagat na Alat : ito ang magiging inyong lupain , ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran , na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi , at sa kalahating lipi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , ay nagsitanggap na , at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang dalawang lipi na ito , at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico , sa dakong sinisikatan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana : si Eleazar na saserdote , at si Josue na anak ni Nun .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa&apos;t lipi , upang magbahagi ng lupain na pinakamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ito ang mga pangalan ng mga lalake : sa lipi ni Juda , ay si Caleb na anak ni Jephone .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa lipi ng mga anak ni Simeon , ay si Samuel na anak ni Ammiud .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa lipi ni Benjamin , ay si Elidad na anak ni Chislon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa lipi ng mga anak ni Dan , ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa mga anak ni Jose : sa lipi ng mga anak ni Manases , ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa lipi ng mga anak ni Ephraim , ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa lipi ng mga anak ni Zabulon , ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa lipi ng mga anak ni Issachar , ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa lipi ng mga anak ni Aser , ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa lipi ng mga anak ni Nephtali , ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iutos mo sa mga anak ni Israel , na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pag-aari , ng mga bayan na matahanan ; at ang mga pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mapapasa kanila ang mga bayan upang tahanan ; at ang kanilang mga pastulan ay sa kanilang mga kawan , at sa kanilang mga pag-aari , at sa lahat nilang mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga pastulan sa mga bayan , na inyong ibibigay sa mga Levita , ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang inyong susukatin sa labas ng bayan sa dakong silanganan ay dalawang libong siko , at sa dakong timugan ay dalawang libong siko , at sa dakong kalunuran ay dalawang libong siko , at sa dakong hilagaan ay dalawang libong siko , na ang bayan ay sa gitna . Ito ang magiging sa kanila&apos;y mga pastulan sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang anim na bayan na ampunan , na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao : at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu&apos;t dalawang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay apat na pu&apos;t walong bayan : inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tungkol sa mga bayan na pag-aari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng marami sa marami ; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti : bawa&apos;t isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Salitain mo sa mga anak ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Pagkaraan ninyo ng Jordan sa lupain ng Canaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ay pipili nga kayo ng mga bayan na maging mga bayang ampunan sa inyo , upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi sinasadya , ay makatakas doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo&apos;y pinaka ampunan laban sa manghihiganti ; upang ang nakamatay ay huwag mamatay , hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga bayan na inyong ibibigay ay anim na bayang ampunan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan , at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan ; siyang magiging mga bayang ampunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa mga anak ni Israel , at sa taga ibang lupa , at sa makikipamayan sa kanila ay magiging ampunan ang anim na bayang ito : upang ang bawa&apos;t nakamatay ng sinomang tao , na hindi sinasadya , ay makatakas doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal , na ano pa&apos;t namatay , siya nga&apos;y mamamatay tao ; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao , at namatay nga , mamamatay tao siya : ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao , at namatay nga , ay mamamatay tao siya : ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay : pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung kaniyang itinulak sa kapootan , o kaniyang hinagis na binanta , ano pa&apos;t siya&apos;y namatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay , na ano pa&apos;t siya&apos;y namatay : siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin ; siya&apos;y mamamatay tao : ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay , pagka nasumpungan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t kung sa kabiglaanan ay kaniyang maitulak na walang pakikipagkaalit , o mahagisan niya ng anomang bagay na hindi binanta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">O ng anomang bato na ikamamatay ng tao , na hindi niya nakikita at kaniyang maihagis sa kaniya , na ano pa&apos;t namatay at hindi niya kaaway , at hindi niya pinagaakalaan ng masama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung gayo&apos;y ang kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo , ayon sa mga kahatulang ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ililigtas ng kapisanan ang nakamatay sa kamay ng manghihiganti sa dugo , at siya&apos;y pababalikin ng kapisanan sa kaniyang bayang ampunan , na kaniyang tinakasan : at siya&apos;y tatahan doon hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote , na pinahiran ng banal na langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t kung ang nakamatay ay lumabas sa anomang dahilan , sa hangganan ng kaniyang bayang ampunan , na kaniyang tinakasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan , at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay , ay hindi siya magiging salarin sa dugo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t siya&apos;y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan , hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote : nguni&apos;t pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang mga bagay na ito ay magiging isang palatuntunan sa kahatulan sa inyo , sa buong panahon ng inyong mga lahi sa lahat ng inyong mga tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sinomang pumatay sa kaninoman , ay papatayin ang pumatay sa patotoo ng mga saksi : nguni&apos;t ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Bukod sa rito , huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay : kundi siya&apos;y walang pagsalang papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan , upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain , hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaya&apos;t huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan ; sapagka&apos;t ang dugo ay nagpaparumi ng lupain : at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon , kundi sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinatahanan , na ako&apos;y tumahan sa gitna niyan : sapagka&apos;t akong Panginoon ay tumatahan sa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad , na anak ni Machir , na anak ni Manases , sa mga angkan ng mga anak ni Jose , ay nagsilapit , at nagsalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga prinsipe , na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi nila , Ang Panginoon ay nagutos sa aking panginoon na ibigay sa sapalaran ang lupain na pinakamana sa mga anak ni Israel : at inutusan din naman ng Panginoon ang aking panginoon na ibigay ang mana ni Salphaad na aming kapatid sa kaniyang mga anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung sila&apos;y magasawa sa kaninoman sa mga anak ng ibang mga lipi ng mga anak ni Israel ay aalisin nga ang mana nila na mula sa mana ng aming mga magulang , at sa idaragdag sa mana ng lipi na kinauukulan nila : sa gayo&apos;y aalisin sa manang naukol sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagjujubileo ng mga anak ni Israel , ay idaragdag nga ang kanilang mana sa mana ng lipi na kanilang kinaukulan : sa gayo&apos;y ang kanilang mana ay aalisin sa mana ng lipi ng aming mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel ayon sa salita ng Panginoon na sinasabi , Ang lipi ng mga anak ni Jose ay nagsasalita ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon tungkol sa mga anak na babae ni Salphaad , na sinasabi , Magasawa sila sa kaninomang kanilang magalingin ; nguni&apos;t sa angkan ng lipi lamang ng kanilang ama magasawa sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana ng mga anak ni Israel sa iba&apos;t ibang lipi : sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel ay masasanib bawa&apos;t isa sa mana ng lipi ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bawa&apos;t anak na babae na nagaari sa anomang lipi ng mga anak ni Israel ay magasawa sa isa ng angkan ng lipi ng kaniyang ama , upang ang mga anak ni Israel ay magmana bawa&apos;t isa ng mana ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana sa ibang lipi ; sapagka&apos;t ang mga lipi ng mga anak ni Israel ay masasanib bawa&apos;t isa sa kaniyang sariling mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayong ginawa ng mga anak na babae ni Salphaad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t si Maala , si Tirsa , si Holga , at si Milca , at si Noa , na mga anak na babae ni Salphaad ay nagsipagasawa sa mga anak ng mga kapatid ng kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila&apos;y nag-asawa sa mga angkan ng mga anak ni Manases na anak ni Jose ; at ang kanilang mana ay naiwan sa lipi ng angkan ng ama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang mga utos at ang mga kahatulan , na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises sa mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "5">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang , sa Araba na katapat ng Suph , sa pagitan ng Paran , at ng Thopel , at ng Laban , at ng Haseroth , at ng Di-zahab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Labing isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung dadaan ng bundok ng Seir hanggang sa Cades-barnea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari nang ikaapat na pung taon , nang ikalabing isang buwan , nang unang araw ng buwan , na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel , tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo , na tumatahan sa Hesbon , at si Og na hari sa Basan , na tumatahan sa Astarot sa Edrei :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa dako roon ng Jordan , sa lupain ng Moab , pinasimulan ni Moises na ipinahayag ang kautusang ito , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Panginoon nating Dios ay nagsalita sa atin sa Horeb , na nagsasabi , Kayo&apos;y nakatahan ng malaon sa bundok na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pumihit kayo , at kayo&apos;y maglakbay , at kayo&apos;y pumaroon sa lupaing maburol ng mga Amorrheo , at sa lahat ng mga dakong malapit , sa Araba , sa lupaing maburol , at sa mababang lupain , at sa Timugan , at sa baybayin ng dagat , sa lupain ng mga Cananeo at sa Lebano , hanggang sa malaking ilog , na ilog Eufrates .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , aking inilagay ang lupain sa harap ninyo : inyong pasukin at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang , kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi pagkamatay nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako&apos;y nagsalita sa inyo nang panahong yaon na sinasabi , Hindi ko madadalang magisa kayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Dios , at , narito , kayo sa araw na ito ay gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo nawa&apos;y dagdagan ng Panginoon , ng Dios ng inyong mga magulang , ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon , at kayo nawa&apos;y pagpalain , na gaya ng ipinangako niya sa inyo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Paanong madadala kong magisa ang inyong ligalig , at ang inyong pasan , at ang inyong pagkakaalitan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas , at nakakaalam , at kilala , ayon sa inyong mga lipi , at sila&apos;y aking gagawing pangulo sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kayo&apos;y sumagot sa akin at nagsabi , Ang bagay na iyong sinalita ay mabuting gawin namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi , na mga taong pantas , at kilala , at akin silang ginawang pangulo sa inyo , na mga punong kawal ng libolibo , at mga punong kawal ng mga daandaan , at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu , at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu , at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi , Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid , at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid , at ang taga ibang lupa na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan ; inyong didinggin ang maliliit , na gaya ng malaki : huwag kayong matatakot sa mukha ng tao ; sapagka&apos;t ang kahatulan ay sa Dios : at ang usap na napakahirap sa inyo , ay inyong dadalhin sa akin , at aking didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng mga bagay na inyong dapat gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita , sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo , na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin , at tayo&apos;y dumating sa Cades-barnea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At aking sinabi sa inyo , Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amorrheo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Narito , inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo : sampahin mo , ariin mo , na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon , ng Dios ng iyong mga magulang ; huwag kang matakot , ni manglupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kayo&apos;y lumapit sa akin , bawa&apos;t isa sa inyo , at nagsabi , Tayo&apos;y magsugo ng mga lalake sa unahan natin , upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin , at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan , at ng mga bayang ating daratnin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling : at ako&apos;y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo , na isang lalake sa bawa&apos;t lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y pumihit at sumampa sa bundok , at dumating hanggang sa libis ng Escol , at kanilang tiniktikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay , at kanilang ipinanaog sa atin , at sila&apos;y nagdala ng kasagutan at nagsabi , Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon ma&apos;y hindi kayo umakyat , kundi nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kayo&apos;y dumaing sa inyong mga tolda , at inyong sinabi , Sapagka&apos;t kinapootan tayo ng Panginoon , ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto , upang tayo&apos;y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo , upang tayo&apos;y lipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Saan tayo sasampa ? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso , na sinasabi , Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin ; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid ; at bukod dito&apos;y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa inyo , Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang Panginoon ninyong Dios , na nangunguna sa inyo , ay kaniyang ipakikipaglaban kayo , ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa ilang , na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios , na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak , sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Gayon ma&apos;y sa bagay na ito , ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na nagpauna sa inyo sa daan , upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda , na nasa apoy pagka gabi , upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan , at nasa ulap pagka araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita , at nag-init , at sumumpa , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Liban si Caleb na anak ni Jephone ; at siya ang makakakita ; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan , at sa kaniyang mga anak : sapagka&apos;t siya&apos;y lubos na sumunod sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang Panginoon ay nagalit din sa akin , dahil sa inyo , na nagsasabi , Ikaw man ay hindi papasok doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Si Josue na anak ni Nun , na nakatayo sa harap mo , ay siyang papasok doon : palakasin mo ang kaniyang loob ; sapagka&apos;t kaniyang ipamamana sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Bukod dito&apos;y ang inyong mga bata , na inyong sinasabing magiging bihag , at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama , ay sila ang papasok doon , at sa kanila&apos;y aking ibibigay , at kanilang aariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Nguni&apos;t tungkol sa inyo , ay bumalik kayo , at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Nang magkagayo&apos;y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin , Kami ay nagkasala laban sa Panginoon , kami ay sasampa at lalaban , ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios . At nagsipagsakbat bawa&apos;t isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma , at kayo&apos;y nagmadaling sumampa sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi sa akin ng Panginoon , Sabihin mo sa kanila , Huwag kayong sumampa , ni lumaban ; sapagka&apos;t ako&apos;y wala sa inyo ; baka kayo&apos;y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Gayon sinalita ko sa inyo , at hindi ninyo dininig ; kundi kayo&apos;y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon , at naghambog at umakyat sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon , ay nagsilabas na laban sa inyo , at kayo&apos;y hinabol , na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan , at kayo&apos;y tinalo sa Seir , hanggang sa Horma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At kayo&apos;y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon ; nguni&apos;t hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig , ni pinakinggan kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa gayon , ay natira kayong malaon sa Cades , ayon sa mga araw na inyong itinira roon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y pumihit tayo , at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula , gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon ; at tayo&apos;y malaong lumigid sa bundok ng Seir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Panginoon ay nagsalita sa akin , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito : lumiko kayo sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iutos mo sa bayan , na iyong sabihin , Kayo&apos;y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau , na tumatahan sa Seir ; at sila&apos;y matatakot sa inyo . Magsipagingat nga kayong mabuti :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag kayong makipagkaalit sa kanila ; sapagka&apos;t hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain , kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa : sapagka&apos;t ibinigay ko kay Esau , na pinakaari ang bundok ng Seir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi , upang kayo&apos;y makakain ; at kayo&apos;y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi , upang kayo&apos;y makainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t pinagpala ka ng Panginoon mong Dios , sa lahat ng gawa ng iyong kamay ; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang ; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios ; ikaw ay di kinulang ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid , na mga anak ni Esau , na tumatahan sa Seir , mula sa daan ng Araba , mula sa Elath at mula sa Esion-geber . At tayo&apos;y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi sa akin ng Panginoon , Huwag mong kaalitin ang Moab , ni kakalabanin sila sa digma ; sapagka&apos;t hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari ; sapagka&apos;t aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">( Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una , bayang malaki , at marami , at matataas na gaya ng mga Anaceo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim , na gaya ng mga Anaceo ; nguni&apos;t tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una , nguni&apos;t ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila ; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila , at tumahan na kahalili nila ; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari , na ibinigay ng Panginoon sa kanila . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ngayon , tumindig kayo , at tumawid kayo sa batis ng Zered . At tayo&apos;y tumawid sa batis ng Zered .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo&apos;y nakarating sa batis ng Zered , ay tatlong pu&apos;t walong taon , hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento , gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bukod dito&apos;y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila , upang lipulin sila sa gitna ng kampamento , hanggang sa sila&apos;y nalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t nangyari , nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ay sinalita sa akin ng Panginoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar , na hangganan ng Moab :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon , ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila : sapagka&apos;t hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon : sapagka&apos;t aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">( Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim : ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una ; nguni&apos;t tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo ; nguni&apos;t nilipol sila ng Panginoon sa harap nila ; at sila&apos;y humalili sa kanila , at tumahang kahalili nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau , na tumatahan sa Seir , nang kaniyang lipulin ang mga Horeo sa harap nila ; at sila&apos;y humalili sa kanila , at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza , ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor , at tumahang kahalili nila . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Magsitindig kayo , kayo&apos;y maglakbay , at magdaan kayo sa libis ng Arnon : narito , aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo , na hari sa Hesbon , at ang kaniyang lupain : pasimulan mong ariin , at kalabanin mo siya sa digma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit , ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo , na maririnig nila ang iyong kabantugan , at magsisipanginig , at mangahahapis , dahil sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ako&apos;y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon na may mapayapang pananalita , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Paraanin mo ako sa iyong lupain : sa daan lamang ako lalakad , hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi , upang makakain ako , at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi , upang makainom ako ; paraanin mo lamang ako ng aking mga paa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau , na tumatahan sa Seir , at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar ; hanggang sa makatawid ako sa Jordan , sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya ; sapagka&apos;t pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa , at pinapagmatigas ang kaniyang puso , upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi sa akin ng Panginoon , Narito , aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain : pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang magkagayo&apos;y lumabas si Sehon laban sa atin , siya at ang buong bayan niya , sa pakikipagbaka sa Jahaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ibinigay siya ng Panginoon nating Dios sa harap natin ; at ating sinaktan siya , at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon , at ating lubos na nilipol ang bawa&apos;t bayan na tinatahanan , sangpu ng mga babae at ng mga bata ; wala tayong itinira :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam , sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis , hanggang sa Galaad , ay wala tayong minataas na bayan : ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit ; sa buong pangpang ng ilog Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol , at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y pumihit tayo , at ating sinampa ang daang patungo sa Basan : at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa atin , siya at ang buong bayan niya , sa pakikipagbaka sa Edrei .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi sa akin ng Panginoon , Huwag mong katakutan siya , sapagka&apos;t aking ibinigay sa iyong kamay siya , at ang kaniyang buong bayan , at ang kaniyang lupain ; at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo , na tumahan sa Hesbon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og , na hari sa Basan , at ang buong bayan niya ; at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon ; walang bayan na di sinakop natin sa kanila ; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob , ang kaharian ni Og , sa Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang lahat ng ito&apos;y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta , na may mga pintuang-bayan at mga halang ; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ating lubos na nilipol , na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa Hesbon , na lubos nating nilipol bawa&apos;t bayan na tinatahanan , sangpu ng mga babae at ng mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ang madlang kawan at ang nasamsam sa mga bayan ay ating dinala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ating sinakop ang lupain nang panahong yaon sa kamay ng dalawang hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan , mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">( Na siyang Hermon ay tinatawag ng mga taga Sidon na Sirion , at tinatawag ng mga Amorrheo na Senir ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat ng mga bayan ng kapatagan , at ang buong Galaad , at ang buong Basan , hanggang Salcha at Edrei , na mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">( Sapagka&apos;t si Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga Rephaim ; narito , ang kaniyang higaan ay higaang bakal ; wala ba ito sa Rabbath ng mga anak ni Ammon ? siyam na siko ang haba niyaon at apat na siko ang luwang niyaon , ayon sa siko ng isang lalake ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang lupaing ito&apos;y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon ; mula sa Aroer , na nasa tabi ng libis ng Arnon , at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad , at ang mga bayan niyaon , ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang labis ng Galaad , at ang buong Basan , na kaharian ni Og , ay aking ibinigay sa kalahating lipi ni Manases ; ang buong lupain ng Argob , sa makatuwid baga&apos;y ang buong Basan . ( Siya ring tinatawag na lupain ng mga Rephaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinakop ni Jair na anak ni Manases ang buong lupain ng Argob , hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Machateo ; at mga tinawag niya ng Basan ayon sa kaniyang pangalang Havot-jair hanggang sa araw na ito . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aking ibinigay ang Galaad kay Machir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa mga Rubenita at sa mga Gadita ay aking ibinigay ang mula sa Galaad hanggang sa libis ng Arnon , na siyang kalahatian ng libis , na pinaka hangganan niyaon hanggang sa ilog Jaboc , na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pati ng Araba at ng Jordan at ng hangganan niyaon , mula sa Cinereth hanggang sa Dagat ng Araba na Dagat na Alat , sa ibaba ng gulod ng Pisga sa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kayo&apos;y aking inutusan nang panahong yaon , na sinasabi , Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios ang lupaing ito upang ariin : kayo&apos;y daraang may sakbat sa harap ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel , lahat ng taong matapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t ang inyong mga asawa at ang inyong mga bata , at ang inyong mga hayop , ( aking talastas na kayo&apos;y mayroong maraming hayop ) , ay mangatitira sa inyong mga bayan na aking ibinigay sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid , na gaya ninyo , at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios , sa dako roon ng Jordan ; kung magkagayon ay babalik ang bawa&apos;t lalake sa inyo sa kaniyang pag-aari , na aking ibinigay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking iniutos kay Josue nang panahong yaon , na sinasabi , Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ng Panginoon mong Dios sa dalawang haring ito ; gayon ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng mga kahariang iyong daraanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag kayong matakot sa kanila : sapagka&apos;t ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ako&apos;y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Oh Panginoong Dios , iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan : ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa , at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Paraanin mo nga ako , isinasamo ko sa iyo , at aking makita ang mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan , yaong mainam na bundok , at ang Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo , at hindi ako dininig ; at sinabi sa akin ng Panginoon , Siya na ; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran , at sa dakong hilagaan , at sa dakong timugan , at sa dakong silanganan , at masdan mo ng iyong mga mata ; sapagka&apos;t hindi ka makatatawid sa Jordang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t pagbilinan mo si Josue , at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya : sapagka&apos;t siya&apos;y daraan sa harap ng bayang ito , at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa gayo&apos;y tumahan tayo sa libis , na nasa tapat ng Beth-peor .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ngayon , Oh Israel , dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan , na aking itinuturo sa inyo , upang sundin ninyo ; upang kayo&apos;y mabuhay , at pumasok , at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon , ng Dios ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo , upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nakita ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon tungkol kay Baal-peor , sapagka&apos;t lahat ng mga tao na sumunod kay Baal-peor , ay nilipol ng Panginoon mong Dios sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t kayong umayon sa Panginoon ninyong Dios ay nangabubuhay pa ang bawa&apos;t isa sa inyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan , na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ingatan nga ninyo at inyong isagawa ; sapagka&apos;t ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao , na makakarinig ng mga palatuntunang ito , at magsasabi , Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila , na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo&apos;y tumawag sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At anong dakilang bansa nga , ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito , na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magingat ka lamang sa iyong sarili , at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap , baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata , at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay ; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb , nang sabihin sa akin ng Panginoon , Papagpisanin mo sa akin ang bayan , at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita , upang sila&apos;y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa , at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kayo&apos;y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok ; at ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit , sangpu ng kadiliman , ulap , at salisalimuot na kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang Panginoo&apos;y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy ; inyong narinig ang tinig ng mga salita , nguni&apos;t wala kayong anyong nakita ; ang inyo lamang narinig ay isang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan , na kaniyang iniutos sa inyong ganapin , sa makatuwid baga&apos;y ang sangpung utos ; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At iniutos sa akin ng Panginoon nang panahong yaon , na turuan ko kayo ng mga palatuntunan at mga kahatulan , upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili ; sapagka&apos;t wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Baka kayo&apos;y mangagpakasama , at kayo&apos;y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan , na kahawig ng lalake o babae ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa , na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa , na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit , at kung iyong makita ang araw at ang buwan , at ang mga bituin , sangpu ng buong natatanaw sa langit , ay mabuyo ka at iyong sambahin , at paglingkuran , na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kinuha kayo ng Panginoon , at hinango kayo sa hurnong bakal , sa Egipto , upang kayo&apos;y maging sa kaniya&apos;y isang bayang mana , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bukod dito&apos;y nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyo , at sumumpa na ako&apos;y hindi tatawid sa Jordan , at hindi ako papasok sa mabuting lupaing yaon , na ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyo na pinakamana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kundi ako&apos;y nararapat mamatay sa lupaing ito , ako&apos;y hindi nararapat tumawid sa Jordan : nguni&apos;t kayo&apos;y tatawid , at inyong aariin ang mabuting lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mangagingat nga kayo , baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios , na kaniyang pinagtibay sa inyo , at kayo&apos;y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw , mapanibughuing Dios nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak , at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon , at nagpakasama kayo , at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay , at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios , upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ay aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito , na kayo&apos;y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan , upang ariin : hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw , kundi kayo&apos;y lubos na malilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan , at kayo&apos;y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa , na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At doo&apos;y maglilingkod kayo sa mga dios , na yari ng mga kamay ng mga tao , kahoy at bato na hindi nangakakakita , ni nangakakarinig , ni nangakakakain , ni nangakakaamoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nguni&apos;t mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios , at iyong masusumpungan , kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pagka ikaw ay nasa kapighatian , at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo sa mga huling araw , ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios , at iyong didinggin ang kaniyang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay maawaing Dios ; hindi ka niya pababayaan , ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan , na nangauna sa iyo , mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa , at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila , kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito , o may narinig na gaya nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy , gaya ng narinig mo , at nabuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa , sa pamamagitan ng mga tukso , ng mga tanda , at ng mga kababalaghan , at ng pagbabaka , at ng makapangyarihang kamay , at ng unat na bisig , at ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto , sa harap ng iyong mga mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa iyo ipinakita ito , upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios ; wala nang iba liban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kaniyang tinig , upang kaniyang turuan ka ; at sa ibabaw ng lupa ay kaniyang ipinakita sa iyo ang kaniyang dakilang apoy , at iyong narinig ang kaniyang mga salita sa gitna ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sapagka&apos;t kaniyang inibig ang iyong mga magulang , kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila , at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap , ng kaniyang dakilang kapangyarihan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo , upang ikaw ay kaniyang papasukin , na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo , na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa ; wala nang iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At iyong iingatan ang kaniyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos , na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , upang ikabuti mo , at ng iyong mga anak pagkamatay mo , at upang iyong mapalaon ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing yaon , na ibinigay sa iyo magpakailan man ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Nang magkagayo&apos;y inihiwalay ni Moises ang tatlong bayan sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon , na nakamatay sa kaniyang kapuwa na hindi sinasadya , at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan ; at sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sa makatuwid baga&apos;y sa Beser , sa ilang , sa kapatagang lupa , na ukol sa mga Rubenita ; at sa Ramoth sa Galaad , na ukol sa mga Gadita ; at sa Golan sa Basan , na ukol sa mga Manasita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ito ang kautusang sinalaysay ni Moises sa harap ng mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ito ang mga patotoo , at ang mga palatuntunan , at ang mga kahatulan , na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel , nang sila&apos;y lumabas sa Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa dako pa roon ng Jordan , sa libis na nasa tapat ng Beth-peor , sa lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na tumatahan sa Hesbon , na siyang sinaktan ni Moises at ng mga anak ni Israel , nang sila&apos;y umalis sa Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At kanilang sinakop ang kaniyang lupain na pinakaari , at ang lupain ni Og na hari sa Basan , ang dalawang hari ng mga Amorrheo , na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon , hanggang sa bundok ng Sion ( na siya ring Hermon ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ang buong Araba sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan , hanggang sa dagat ng Araba sa ibaba ng gulod ng Pisga .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tinawag ni Moises ang buong Israel , at sinabi sa kanila , Dinggin mo , Oh Israel , ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito , upang matutunan ninyo sila , at ingatan at isagawa sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoong ating Dios ay nakipagtipan sa atin sa Horeb .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi pinagtibay ng Panginoon ang tipang ito sa ating mga magulang , kundi sa atin , sa atin ngang nangariritong lahat na buhay sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinalita ng Panginoon sa inyo ng mukhaan sa bundok mula sa gitna ng apoy</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">( Ako&apos;y tumayo sa pagitan ng Panginoon at ninyo nang panahong yaon , upang ipatalastas sa inyo ang salita ng Panginoon : sapagka&apos;t kayo&apos;y natatakot dahil sa apoy , at hindi kayo sumampa sa bundok ; ) na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto , sa bahay ng pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit , o ng nasa ibaba sa lupa , o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila : sapagka&apos;t akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios , na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak , sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan ; sapagka&apos;t hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath , upang ipangilin , gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Anim na araw na gagawa ka , at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios : sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa , ikaw , ni ang iyong anak na lalake ni babae , ni ang iyong aliping lalake ni babae , ni ang iyong baka , ni ang iyong asno , ni anoman sa iyong hayop , ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan ; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto , at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig : kaya&apos;t iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios , na ipangilin mo ang araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina , gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios : upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kang papatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ni mangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ni magnanakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ni sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa ; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa , ang kaniyang bukid , ni ang kaniyang aliping lalake , o babae , ni ang kaniyang baka , ni ang kaniyang asno , ni anomang bagay ng iyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy , sa ulap , at sa salisalimuot na kadiliman , ng malakas na tinig : at hindi na niya dinagdagan pa . At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato , at ibinigay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman , samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy , ay lumapit kayo sa akin , sa makatuwid baga&apos;y ang lahat ng mga pangulo sa inyong mga lipi , at ang inyong mga matanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At inyong sinabi , Narito , ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan , at aming narinig ang kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy : aming nakita sa araw na ito , na ang Dios ay nakikipag-usap sa tao , at siya&apos;y buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ngayon nga , bakit kami mamamatay ? sapagka&apos;t pupugnawin kami ng dakilang apoy na ito : kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios , ay mamamatay nga kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buhay na Dios na nagsasalita mula sa gitna ng apoy , na gaya namin , at nabuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Lumapit ka , at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios : at iyong salitain sa amin , yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating Dios ; at aming didinggin , at gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita , nang kayo&apos;y magsalita sa akin ; at sinabi ng Panginoon sa akin , Aking narinig ang tinig ng mga salita ng bayang ito , na kanilang sinalita sa iyo ; mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat na kanilang sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito , na sila&apos;y matakot sa akin , at kanilang ingatan kailan man ang lahat ng aking mga utos upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailan man !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Yumaon ka , sabihin mo sa kanila , Magsibalik kayo sa inyong mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t tungkol sa iyo , matira ka rito sa akin , at aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos , at ang mga palatuntunan , at ang mga kahatulan , na iyong ituturo sa kanila , upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios : huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kayo&apos;y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios , upang kayo&apos;y mabuhay , at upang ikabuti ninyo , at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang utos , ang mga palatuntunan , at ang mga kahatulan , na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo , upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios , na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos , na aking iniutos sa iyo , sa iyo , at sa iyong anak , at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay ; at upang ang iyong mga araw ay lumawig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dinggin mo nga , Oh Israel , at iyong isagawa upang ikabuti mo , at upang kayo&apos;y dumaming maigi , na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon , ng Dios ng iyong mga magulang , sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dinggin mo , Oh Israel : ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso , at ng iyong buong kaluluwa , at ng iyong buong lakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga salitang ito , na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , ay sasa iyong puso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak , at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay , at pagka ikaw ay lumakad sa daan , at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At mangyayari , pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , upang ibigay sa iyo ; na may malalaki at mabubuting bayan na hindi mo itinayo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay , na hindi mo pinuno , at mga balong hukay na hindi mo hinukay , mga ubasan at mga puno ng olibo , na hindi mo itinanim , at iyong kakanin at ikaw ay mabubusog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At magingat ka nga , baka iyong malimutan ang Panginoon , na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto , sa bahay ng pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios ; at sa kaniya&apos;y maglilingkod ka , at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag kang susunod sa ibang mga dios , sa mga dios ng mga bansang nasa palibot mo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios na nasa gitna mo , ay isang mapanibughuing Dios ; baka ang galit ng Panginoon mong Dios ay magalab laban sa iyo , at ikaw ay kaniyang lipulin sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios , gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios , at ang kaniyang mga patotoo , at ang kaniyang mga palatuntunan , na kaniyang iniutos sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iyong gagawin ang matuwid at mabuti sa paningin ng Panginoon : upang ikabuti mo , at upang iyong mapasok at ariin ang mabuting lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Upang palayasin ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo , gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagka tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating , na sasabihin : Anong kahulugan ng mga patotoo , at ng mga palatuntunan , at ng mga kahatulan , na iniutos sa inyo ng Panginoon nating Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay iyo ngang sasabihin sa iyong anak : Kami ay naging mga alipin ni Faraon sa Egipto , at inilabas kami ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang Panginoon ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan , dakila at panggiba , sa Egipto , kay Faraon , at sa kaniyang buong sangbahayan , sa harap ng aming mga mata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kami ay inilabas niya roon , na kaniyang ipinasok kami rito , upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito , na matakot sa Panginoon nating Dios , sa ikabubuti natin kailan man , upang ingatan niya tayong buhay , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y magiging katuwiran sa atin , kung ating isagawa ang buong utos na ito sa harap ng Panginoon nating Dios , gaya ng iniutos niya sa atin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin , at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo , ang Hetheo , at ang Gergeseo at ang Amorrheo , at ang Cananeo , at ang Pherezeo , at ang Heveo , at ang Jebuseo , na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagka sila&apos;y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios , at iyong sasaktan sila ; ay lubos mo ngang lilipulin sila ; huwag kang makikipagtipan sa kanila , ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ni magaasawa sa kanila ; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake , ni ang kaniyang anak na babae , ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin , upang sila&apos;y maglingkod sa ibang mga dios : sa gayo&apos;y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo , at kaniyang lilipulin kang madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila ; inyong igigiba ang kanilang mga dambana , at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera , at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios ; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari , na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi kayo inibig ng Panginoon , ni pinili kayo ng dahil sa kayo&apos;y marami sa bilang kay sa alin mang bayan ; sapagka&apos;t kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon , at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang , ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin , mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Talastasin mo nga , na ang Panginoon ninyong Dios , ay siyang Dios : ang tapat na Dios , na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya , at tumutupad ng kaniyang mga utos , hanggang sa isang libong salin ng lahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinanghihigantihan sa kanilang mukha , ang mga napopoot sa kaniya , upang lipulin : siya&apos;y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya , kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyo ngang iingatan ang utos , at ang mga palatuntunan , at ang mga kahatulan , na aking iniutos sa iyo sa araw na ito , na iyong ganapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari , na sapagka&apos;t iyong dininig ang mga kahatulang ito , at iyong tinutupad at iyong ginaganap , ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan , at igagawad ang kagandahang-loob , na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang iibigin ka , at pagpapalain ka , at padadamihin ka : kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan , at ang bunga ng iyong lupa , ang iyong trigo , at ang iyong alak , at ang iyong langis , ang karagdagan ng iyong mga bakahan , at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , upang ibigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan : walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit : at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto , na iyong nalalaman , kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila ; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios ; sapagka&apos;t magiging isang silo sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung iyong sasabihin sa iyong puso , Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin ; paanong aking makakamtan sila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag kang matatakot sa kanila ; iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon , at sa buong Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata , at ang mga tanda , at ang mga kababalaghan , at ang makapangyarihang kamay , at ang unat na bisig , na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios : ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bukod dito&apos;y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan , at nangagtatago ay mamatay sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag kang masisindak sa kanila ; sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo , dakilang Dios at kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo : hindi mo malilipol silang paminsan , baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo , at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila&apos;y mangalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay , at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit : walang lalaking makatatayo doon sa harap mo , hanggang sa iyong malipol sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy : huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon , ni huwag mong kukunin para sa iyo , baka sa iyo&apos;y maging silo : sapagka&apos;t ito&apos;y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay , at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon : iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman , sapagka&apos;t itinalagang bagay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay inyong isasagawa , upang kayo&apos;y mangabuhay at dumami , at inyong mapasok at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iyong aalalahanin ang buong paraan na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang , upang kaniyang mapangumbaba ka , at subukin ka , na maalaman kung ano ang nasa iyong puso , kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ikaw ay pinapangumbaba niya , at pinapagdamdam ka niya ng gutom , at pinakain ka niya ng mana , na hindi mo nakilala , ni nakilala ng iyong mga magulang ; upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao , kundi sa bawa&apos;t bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo , ni hindi namaga ang iyong paa nitong apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iyong pagmunimuniin sa iyong puso , na kung paanong pinarurusahan ng tao ang kaniyang anak , ay gayon pinarurusahan ka ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iyong tutuparin ang mga utos ng Panginoon mong Dios , na lumakad ka sa kaniyang mga daan , at matakot ka sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain , na lupain ng mga batis ng tubig , ng mga bukal at ng mga kalaliman , na bumubukal sa mga libis at mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lupain ng trigo at ng sebada at ng puno ng ubas at ng mga puno ng igos , at ng mga granada ; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos , na walang magkukulang sa iyo roon ; lupain na ang mga bato ay bakal , at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kakain ka , at mabubusog ka , at iyong pupurihin ang Panginoon mong Dios dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magingat ka na baka iyong malimutan ang Panginoon mong Dios , sa hindi mo pagtupad ng kaniyang mga utos , at ng kaniyang mga kahatulan , at ng kaniyang mga palatuntunan , na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Baka pagka ikaw ay nakakain at nabusog , at nakapagtayo ng mabubuting bahay , at iyong natahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ay magmataas ang iyong puso , at iyong malimutan ang Panginoon mong Dios , na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto , sa bahay ng pagkaalipin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan ng mga makamandag na ahas at mga alakdan , at uhaw na lupa , na walang tubig ; na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na siyang nagpakain sa iyo ng mana sa ilang , na hindi nakilala ng iyong mga magulang ; upang kaniyang mapangumbaba ka , at kaniyang subukin ka , na pabutihin ka sa iyong wakas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At baka iyong sabihin sa iyong puso , Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios , sapagka&apos;t siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan ; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , gaya nga sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mangyayari , na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios , at ikaw ay susunod sa ibang mga dios , at iyong paglilingkuran sila , at iyong sasambahin sila ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito , na kayo&apos;y tunay na malilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung paano ang bansang nililipol ng Panginoon sa harap ninyo , ay gayon kayo malilipol ; sapagka&apos;t hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo , Oh Israel , ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito , upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo , na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isang bayang malaki at mataas ng mga anak ng Anaceo , na iyong nakikilala , at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi , Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Talastasin mo nga sa araw na ito , na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy ; kaniyang lilipulin sila , at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo ; sa gayo&apos;y iyong mapalalayas sila , at iyong malilipol silang madali , na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kang magsasalita sa iyong puso , pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo , na iyong sasabihin , Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito ; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain : kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo , at upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran ; sapagka&apos;t ikaw ay isang bayang matigas ang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Alalahanin mo , huwag mong kalimutan , kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang : mula nang araw na kayo&apos;y umalis sa lupain ng Egipto , hanggang sa kayo&apos;y dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit , at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana&apos;y lilipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang ako&apos;y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato , sa makatuwid baga&apos;y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo , ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi ; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios ; at sa mga yao&apos;y nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang araw ng kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi , na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato , sa makatuwid baga&apos;y ang mga tapyas ng tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Panginoon sa akin , Tumindig ka , manaog kang madali rito ; sapagka&apos;t ang iyong bayan na iyong inilabas sa Egipto ay nangagpakasama ; sila&apos;y madaling lumihis sa daang aking iniutos sa kanila ; sila&apos;y nagsigawa para sa kanila ng isang larawang binubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bukod dito&apos;y sinalita sa akin ng Panginoon , na sinasabi , Aking nakita ang bayang ito , at , narito , isang bayang matigas ang ulo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bayaan mo ako na aking lipulin sila , at aking pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit ; at gagawin kita na isang bansang lalong makapangyarihan at lalong malaki kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok , at ang bundok ay nagniningas sa apoy , at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At tumingin ako , at , narito , kayo&apos;y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios : kayo&apos;y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo : kayo&apos;y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking tinangnan ang dalawang tapyas , at aking inihagis sa aking dalawang kamay , at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ako&apos;y nagpatirapa sa harap ng Panginoon , gaya ng una , na apat na pung araw at apat na pung gabi ; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig ; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot , na ikinayamot ng Panginoon sa inyo , na lilipulin sana kayo . Nguni&apos;t dininig din naman ako noon ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Panginoo&apos;y totoong nagalit kay Aaron na siya sana&apos;y papatayin : at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking kinuha ang inyong kasalanan , ang guyang inyong ginawa , at aking sinunog sa apoy , at aking niyapakan , na dinurog na mainam , hanggang sa naging durog na parang alabok ; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa Tabera , at sa Massa , at sa Kibroth-hataa-vah , ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea , na sabihin , Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo ; kayo nga&apos;y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios , at hindi ninyo pinanampalatayanan siya , ni dininig ang kaniyang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kayo&apos;y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon , mula nang araw na kayo&apos;y aking makilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa gayo&apos;y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako&apos;y nagpatirapa , sapagka&apos;t sinabi ng Panginoon , na kaniyang lilipulin kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking ipinanalangin sa Panginoon , at sinabi , Oh Panginoong Dios , huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana , na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Alalahanin mo ang iyong mga lingkod , si Abraham , si Isaac , at si Jacob ; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito , ni ang kasamaan nila , ni ang kasalanan nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin : Sapagka&apos;t hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila , at sa kapootan niya sa kanila , ay inilabas sila upang patayin sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon man sila&apos;y iyong bayan at iyong mana , na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin , Humugis ka ng dalawang tapyas na bato , na gaya ng una , at sampahin mo ako sa bundok , at gumawa ka ng isang kaban na kahoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag , at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y gumawa ako ng isang kaban na kahoy na akasia , at ako&apos;y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una , at ako&apos;y sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang isinulat sa mga tapyas , ang ayon sa unang sulat , ang sangpung utos na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang kaarawan ng kapulungan : at ang mga yaon ay ibinigay sa akin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ako&apos;y pumihit at bumaba mula sa bundok , at aking isinilid ang mga tapyas sa kaban na aking ginawa , at nangandoon , na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">( At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Bene-ja-acan hanggang sa Mosera : doon namatay si Aaron , at doon siya inilibing ; at si Eleazar na kaniyang anak ay nangasiwa sa katungkulang saserdote na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgod ; at mula sa Gudgod hanggang sa Jotbatha , na lupain ng mga batis ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi , upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon , upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya , at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid ; ang Panginoo&apos;y siyang kaniyang mana , ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako&apos;y nalabi sa bundok , gaya ng una , na apat na pung araw at apat na pung gabi ; at ako&apos;y dininig din noon ng Panginoon ; hindi ka lilipulin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon sa akin , Tumindig ka , lumakad ka na manguna sa bayan ; at sila&apos;y papasok at kanilang aariin ang lupain , na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ngayon , Israel , ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios , kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios , lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan , at ibigin mo siya , at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios , ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon , at ang kaniyang mga palatuntunan , na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit , at ang langit ng mga langit , ang lupa , sangpu ng lahat na nangariyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila , at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila , sa makatuwid baga&apos;y kayo , sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso , at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang Panginoon ninyong Dios , ay siyang Dios ng mga dios , at Panginoon ng mga panginoon , siyang dakilang Dios , siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot , na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao , at iniibig ang taga ibang lupa , na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa : sapagka&apos;t kayo&apos;y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios ; sa kaniya&apos;y maglilingkod ka , at sa kaniya&apos;y lalakip ka , at sa pamamagitan ng kaniyang pangalan susumpa ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siya ang iyong kapurihan , at siya ang iyong Dios , na iginawa ka niya nitong mga dakila at kakilakilabot na mga bagay , na nakita ng iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang iyong mga magulang ay lumusong sa Egipto na may pitong pung tao ; at ngayo&apos;y ginawa ka ng Panginoon mong Dios na gaya ng mga bituin sa langit ang dami .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya&apos;t iyong iibigin ang Panginoon mong Dios , at iyong susundin ang kaniyang bilin , at ang kaniyang mga palatuntunan , at ang kaniyang mga kahatulan , at ang kaniyang mga utos kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At talastasin ninyo sa araw na ito : sapagka&apos;t hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala , at hindi nangakakita ng parusa ng Panginoon ninyong Dios ng kaniyang kadakilaan , ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ng kaniyang mga tanda , at ng kaniyang mga gawa , na kaniyang ginawa sa gitna ng Egipto kay Faraon na hari sa Egipto , at sa kaniyang buong lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaniyang ginawa sa hukbo ng Egipto , sa kanilang mga kabayo , at sa kanilang mga karo ; kung paanong tinakpan niya sila ng tubig ng Dagat na Mapula nang kanilang habulin kayo , at kung paanong nilipol sila ng Panginoon sa araw na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kung ano ang kaniyang ginawa sa inyo sa ilang hanggang sa dumating kayo sa dakong ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram , na mga anak ni Eliab , na anak ni Ruben ; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig , at nilamon sila , at ang kanilang mga sangbahayan , at ang kanilang mga tolda , at bawa&apos;t bagay na may buhay na sa kanila&apos;y sumusunod sa gitna ng buong Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito , upang kayo&apos;y lumakas at kayo&apos;y pumasok at ariin ninyo ang lupain , na inyong tatawirin upang ariin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi na lupaing binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin , ay hindi gaya ng lupain ng Egipto , na inyong pinanggalingan , na doo&apos;y nagtatanim ka ng iyong binhi , at iyong dinidilig ng iyong paa , na parang taniman ng mga gulay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kundi ang lupain , na inyong tatawirin upang ariin , ay lupaing maburol at malibis , at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Dios , at ang mga mata ng Panginoon mong Dios ay nandoong lagi , mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mangyayari , na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito , na ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya&apos;y paglingkuran ng buo ninyong puso , at ang buo ninyong kaluluwa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan , ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo , at ang iyong alak , at ang iyong langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid , at ikaw ay kakain at mabubusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangagingat kayo , baka ang inyong puso ay madaya , at kayo&apos;y maligaw , at maglingkod sa ibang mga dios , at sumamba sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo , at kaniyang sarhan ang langit , upang huwag magkaroon ng ulan , at ang lupa&apos;y huwag magbigay ng kaniyang bunga ; at kayo&apos;y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso , at sa inyong kaluluwa ; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At inyong ituturo sa inyong mga anak , na inyong sasalitain sa kanila , pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay , at pagka ikaw ay lumalakad sa daan , at pagka ikaw ay nahihiga , at pagka ikaw ay bumabangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay , at sa iyong mga pintuang-daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak , sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila , gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t kung inyong susunding masikap ang buong utos na ito na aking iniuutos sa inyo upang gawin , na ibigin ang Panginoon ninyong Dios , lumakad sa lahat ng kaniyang daan , at makilakip sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ay palalayasin nga ng Panginoon ang lahat ng mga bansang ito sa harap ninyo , at kayo&apos;y magaari ng mga bansang lalong malaki at lalong makapangyarihan kay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Bawa&apos;t dakong tutuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo : mula sa ilang , at sa Libano , mula sa ilog , sa ilog Eufrates , hanggang sa dagat kalunuran ay magiging inyong hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Walang lalaking makatatayo sa harap ninyo : sisidlan ng Panginoon ninyong Dios ng takot sa inyo at ng sindak sa inyo sa ibabaw ng buong lupain na inyong tutuntungan , gaya ng kaniyang sinalita sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Narito , inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang pagpapala , kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios , na aking iniutos sa inyo sa araw na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang sumpa , kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios , kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito , upang sumunod sa ibang mga dios , na hindi ninyo nangakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At mangyayari , na pagka ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin , na iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim , at ang sumpa sa bundok ng Ebal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Di ba sila&apos;y nasa dako pa roon ng Jordan , sa dakong nilulubugan ng araw , sa lupain ng mga Cananeo na tumatahan sa Araba , sa tapat ng Gilgal na kasiping ng mga encina sa More ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t kayo&apos;y tatawid sa Jordan upang inyong pasukin na ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios , at inyong aariin , at tatahan kayo roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At inyong isasagawa ang lahat ng mga palatuntunan at mga kahatulan na aking iginagawad sa inyo sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang mga palatuntunan at mga kahatulan na inyong isasagawa sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon , ng Dios ng iyong mga magulang upang ariin , sa lahat ng mga araw na inyong ikabubuhay sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako , na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin , sa ibabaw ng matataas na bundok , at sa ibabaw ng mga burol , at sa lilim ng bawa&apos;t punong kahoy na sariwa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana , at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala , at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy ; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan , sa makatuwid baga&apos;y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin , at doon kayo paroroon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin , at ang inyong mga hain , at ang inyong mga ikasangpung bahagi , at ang handog na itataas ng inyong kamay , at ang inyong mga panata , at ang inyong mga kusang handog , at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios , at kayo&apos;y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay , kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag ninyong gagawin ang ayon sa lahat ng mga bagay na ating ginagawa dito sa araw na ito , na ang magalingin ng bawa&apos;t isa sa kaniyang paningin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t hindi pa kayo nakararating sa kapahingahan at sa mana , na ibinibigay sa iyo ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t pagtawid ninyo ng Jordan , at pagtahan sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Dios , at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot , na ano pa&apos;t kayo&apos;y tumahang tiwasay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ay mangyayari nga , na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo ; ang inyong mga handog na susunugin , at ang inyong mga hain , ang inyong mga ikasangpung bahagi , at ang handog na itataas ng inyong kamay , at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kayo&apos;y magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios , kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae , at ang inyong mga aliping lalake at babae , at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan , sapagka&apos;t siya&apos;y walang bahagi ni mana na kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin , at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ma&apos;y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga pintuang-daan , ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa , ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Dios na kaniyang ibinigay sa iyo : ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon , gaya ng maliit na usa , at gaya ng malaking usa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo ; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo , o ng iyong alak , o ng iyong langis , o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan , ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata , ni ang iyong mga kusang handog , ni ang handog na itataas ng iyong kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios , kakanin mo , at ng iyong anak na lalake at babae , at ng iyong aliping lalake at babae , at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan : at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios , ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan , gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo , at iyong sasabihin , Ako&apos;y kakain ng karne , sapagka&apos;t nasa mong kumain ng karne ; ay makakakain ka ng karne , ayon sa buong nasa mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan ay totoong malayo sa iyo , ay papatay ka nga sa iyong bakahan at sa iyong kawan , na ibinigay sa iyo ng Panginoon , gaya ng iniutos ko sa iyo , at makakakain ka sa loob ng iyong mga pintuang-daan , ayon sa buong nasa mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa , ay gayon kakanin ; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo : sapagka&apos;t ang dugo ay siyang buhay ; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag mong kakanin yaon ; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag mong kakanin yaon ; upang ikabuti mo , at ng iyong mga anak pagkamatay mo , kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang iyo lamang mga itinalagang bagay na tinatangkilik mo , at ang iyong mga panata , ang iyong dadalhin , at yayaon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin , ang laman at ang dugo , sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios : at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios ; at iyong kakanin ang karne .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Iyong sundin at dinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo , upang magpakailan man ay ikabuti mo , at ng iyong mga anak pagkamatay mo , pagka iyong ginawa ang mabuti at matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Pagka naihiwalay ng Panginoon mong Dios sa harap mo , ang mga bansa na iyong pinapasok upang ariin , at iyong halinhan sila , at nakatahan ka sa kanilang lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila , pagkatapos na sila&apos;y malipol sa harap mo ; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios , na magsabi , Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios ? na gayon din ang gagawin ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag mong gagawing gayon sa Panginoon mong Dios : sapagka&apos;t bawa&apos;t karumaldumal sa Panginoon , na kaniyang kinapopootan , ay kanilang ginagawa sa kanilang mga dios ; sapagka&apos;t pati ng kanilang mga anak na lalake at babae ay kanilang sinusunog sa apoy sa kanilang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo , ay siya mong isasagawa : huwag mong dadagdagan , ni babawasan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula , o isang mapanaginipin ng mga panaginip , at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari , na kaniyang pagsalitaan ka , na sabihin , Sumunod tayo sa ibang mga dios , na hindi mo nakikilala , at ating paglingkuran sila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon , o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip : sapagka&apos;t sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios , upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayo&apos;y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios , at matatakot sa kaniya , at gaganap ng kaniyang mga utos , at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at lalakip sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang manghuhulang yaon o ang mapanaginiping yaon ng mga panaginip , ay papatayin , sapagka&apos;t siya&apos;y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto , at tumubos sa iyo sa bahay ng pagkaalipin , upang iligaw ka sa daan na iniutos sa iyong lakaran mo ng Panginoon mong Dios . Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ang inyong kapatid na lalake , na anak ng iyong ina , o ang iyong anak na lalake o babae , o ang asawa ng iyong sinapupunan , o ang iyong kaibigan , na parang iyong sariling kaluluwa , ay humimok sa iyo ng lihim , na magsabi , Tayo&apos;y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios , na hindi mo nakilala , ninyo o ng iyong mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot ninyo na malapit sa iyo , o malayo sa iyo , mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ay huwag mong papayagan siya ni didinggin siya ; ni huwag mong kahahabagan siya ng iyong mata , ni patatawarin , ni ikukubli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kundi papatayin mo nga ; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya , at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya&apos;y mamatay , sapagka&apos;t kaniyang pinagsikapang ihiwalay ka sa Panginoon mong Dios , na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto , sa bahay ng pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At maririnig ng buong Israel , at matatakot , at hindi na gagawa ng anomang kasamaan pa na gaya nito sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung iyong maririnig saysayin ang tungkol sa isa sa iyong mga bayan , na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang tumahan ka roon , na sasabihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ilang hamak na tao ay nagsialis sa gitna mo , at iniligaw ang mga nananahan sa kanilang bayan , na sinasabi , Tayo&apos;y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios , na hindi ninyo nangakilala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ay iyo ngang sisiyasatin at uusisain , at itatanong na mainam ; at , narito , kung magkatotoo at ang bagay ay tunay , na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak , ang mga nananahan sa bayang yaon , na iyong lubos na lilipulin , at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At iyong titipunin ang buong nasamsam doon , sa gitna ng lansangan niyaon , at iyong susunugin sa apoy ang bayan , at ang buong nasamsam doon , na bawa&apos;t putol , ay sa Panginoon mong Dios ; at magiging isang bunton ng dumi magpakailan man ; hindi na muling matatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay : upang talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit , at pagpakitaan ka niya ng kaawaan , at mahabag sa iyo at paramihin ka , na gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagka iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios , na iyong gaganapin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , na iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo&apos;y mga anak ng Panginoon ninyong Dios : huwag kayong magkukudlit , ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata , ng dahil sa patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios , at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari , na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ito ang mga hayop na inyong makakain : ang baka , ang tupa , at ang kambing ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang malaking usa , at ang maliit na usa , at ang lalaking usa , at ang mabangis na kambing , at ang pigargo , at ang antilope , at ang gamuza .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At bawa&apos;t hayop na may hati ang paa , at baak , at ngumunguya sa mga hayop , ay inyong makakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya , o sa baak ang paa : ang kamelyo , at ang liebre , at ang coneho , sapagka&apos;t sila&apos;y ngumunguya , nguni&apos;t walang hati ang paa ; mga marumi sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang baboy , sapagka&apos;t may hating paa , nguni&apos;t hindi ngumunguya , ito&apos;y marumi sa inyo : ang laman nila&apos;y huwag ninyong kakanin , at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga ito&apos;y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig : anomang may mga kaliskis at mga palikpik , ay inyong makakain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At anomang walang kaliskis at palikpik , ay huwag ninyong kakanin ; marumi nga ito sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ang mga ito&apos;y hindi ninyo makakain : ang aguila , at ang aguilang dumudurog ng mga buto , at ang aguilang dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang ixio , at ang halkon , at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang avestruz , at ang chotacabras , at ang graviota , at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang munting kuwago , at ang malaking kuwago , at ang kuwagong tila may sungay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang pelikano , at ang buitre , at ang somormuho ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang ciguena at ang tagak , ayon sa kanilang pagkatagak ; at ang abubilla , at ang kabagkabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At lahat ng may pakpak na umuusad , ay marumi sa inyo : hindi kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa lahat ng ibong malinis ay kayo&apos;y makakakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili : iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan , upang kaniyang kanin ; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan : sapagka&apos;t ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios . Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios , sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan , ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo , ng iyong alak at ng iyong langis , at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan ; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo , na ano pa&apos;t hindi mo madadala , sapagka&apos;t totoong malayo sa iyo ang dako , na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan , pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ay iyo ngang sasalapiin , at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka , o sa mga tupa , o sa alak , o sa matapang na inumin , o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa : at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios , at ikaw ay magagalak , ikaw at ang iyong sangbahayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan , ay huwag mong pababayaan : sapagka&apos;t siya&apos;y walang bahagi ni mana na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa katapusan ng bawa&apos;t tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon , at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang Levita , sapagka&apos;t siya&apos;y walang bahagi ni mana na kasama mo , at ang taga ibang bayan , at ang ulila , at ang babaing bao , na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan , ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog ; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa katapusan ng bawa&apos;t pitong taon ay magpapatawad ka ng iyong mga pautang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ito ang paraan ng pagpapatawad : bawa&apos;t may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa ; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa , at sa kaniyang kapatid ; sapagka&apos;t ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa isang taga ibang lupa ay iyong masisingil ; nguni&apos;t anomang tinatangkilik mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad ng iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t hindi magkakadukha sa iyo ( sapagka&apos;t pagpapalain ka nga ng Panginoon sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang iyong ariin ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung iyong didinggin lamang na masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios , na isagawa ang buong utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios , na gaya ng ipinangako niya sa iyo : at ikaw ay magpapautang sa maraming bansa , nguni&apos;t hindi ka mangungutang ; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa , nguni&apos;t hindi ka nila pagpupunuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha , na isa sa iyong mga kapatid , na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso , ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi iyo ngang bubukhin ang iyong kamay sa kaniya , at iyo ngang pauutangin siya ng sapat sa kaniyang kailangan sa kaniyang kinakailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagingatan mong huwag magkaroon ng masamang pagiisip sa iyong puso , na iyong sabihin , Ang ikapitong taon , na taon ng pagpapatawad , ay malapit na ; at ang iyong mata&apos;y magmasama laban sa iyong dukhang kapatid at hindi mo siya bigyan ; at siya&apos;y dumaing sa Panginoon laban sa iyo , at maging kasalanan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya nga&apos;y bibigyan mo , at ang iyong puso&apos;y huwag magdamdam pagka binibigyan mo siya ; sapagka&apos;t dahil sa bagay na ito&apos;y pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong gawa , at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailan man : kaya&apos;t aking iniutos sa iyo , na aking sinasabi , Bubukhin mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid , sa nagkakailangan sa iyo , at sa dukha mo , sa iyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ang iyong kapatid , na Hebreong lalake o babae , ay ipagbili sa iyo , at maglingkod sa iyong anim na taon ; sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo , ay huwag mo siyang papagpapaalaming walang dala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyo siyang papagbabaunin na may kasaganaan ng bunga ng iyong kawan , at ng iyong giikan , at ng iyong pisaan ng ubas , kung paano ang ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios , ay bibigyan mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At iyong aalalahanin na ikaw ay alipin sa lupain ng Egipto , at tinubos ka ng Panginoon mong Dios : kaya&apos;t iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mangyayari , na kung sabihin niya sa iyo , Hindi ako aalis sa iyo ; sapagka&apos;t iniibig ka niya at ang iyong bahay , sapagka&apos;t kinalulugdan mo siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kukuha ka nga ng isang pangbutas at ibutas mo sa kaniyang tainga sa pintuan , at siya&apos;y magiging iyong alipin magpakailan man . At sa iyong aliping babae man ay gayon din ang iyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag mong mamabigatin , pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo : sapagka&apos;t ibayo ng kaupahang magpapaupa ang kaniyang ipinaglingkod sa iyo sa anim na taon : at pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lahat ng panganay na lalake na ipinanganak sa iyong bakahan , at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Dios : huwag mong pagagawin ang panganay ng iyong baka , ni huwag mong gugupitan ang panganay ng iyong kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios taontaon sa dakong pipiliin ng Panginoon , kakanin mo , at ng iyong mga sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung may anomang kapintasan , na pilay o bulag , anomang masamang kapintasan , ay huwag mong ihahain sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Iyong kakanin sa loob ng iyong mga pintuang-daan : ang marumi at ang malinis ay kapuwa kakain , na gaya ng maliit na usa at gaya ng malaking usa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Huwag mo lamang kakanin ang dugo niyaon ; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magdidiwang ka sa buwan ng Abib , at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios : sapagka&apos;t sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios , ang sa kawan at sa bakahan , sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kang kakain sa paskua ng tinapay na may lebadura ; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na walang lebadura , ang tinapay ng pagkapighati ; sapagka&apos;t umalis kang madalian sa lupain ng Egipto : upang iyong maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo , sa lahat ng iyong mga hangganan ; ni sa anomang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay walang maiiwan sa buong gabi , hanggang sa umaga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi mo maihahain ang paskua sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan , na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan , ay doon mo ihahain ang paskua sa pagtatakip silim , sa paglubog ng araw , sa panahon na iyong inialis sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong iihawin at kakanin sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios ; at ikaw ay babalik sa kinaumagahan , at uuwi sa iyong mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Anim na araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura : at sa ikapitong araw ay magkakaroon ka ng takdang pagpupulong sa Panginoon mong Dios : huwag kang gagawa ng anomang gawa sa araw na iyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pitong sanglinggo ang iyong bibilangin sa iyo : mula sa iyong pagpapasimulang isuot ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanglinggo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng kusang handog ng iyong kamay , na iyong ibibigay , ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios , ikaw at ang iyong anak na lalake at babae , at ang iyong aliping lalake at babae , at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan , at ang taga ibang bayan , at ang ulila , at ang babaing bao , na nasa gitna mo , sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa Egipto : at iyong gaganapin at gagawin ang mga palatuntunang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Iyong ipagdidiwang na pitong araw ang kapistahan ng mga tabernakulo , pagkatapos na makamalig mo ang aning mula sa iyong giikan at sa iyong pisaan ng ubas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ikaw ay magagalak sa iyong pagpipista , ikaw , at ang iyong anak na lalake at babae , at ang iyong aliping lalake at babae , at ang Levita , at ang taga ibang bayan , at ang ulila , at ang babaing bao , na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pitong araw na ipagdidiwang mo ang pista sa Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon : sapagka&apos;t pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong kinikita , at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay , at ikaw ay lubos na magagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa Panginoon mong Dios , sa dakong kaniyang pipiliin ; sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura , at sa kapistahan ng mga sanglinggo , at sa kapistahan ng mga tabernakulo : at huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bawa&apos;t lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya , ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Maghahalal ka sa iyo ng mga hukom at ng mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan , na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , ayon sa iyong mga lipi : at sila&apos;y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag kang magliliko ng paghatol ; huwag kang tatangi ng mga pagkatao : ni kukuha ng suhol ; sapagka&apos;t ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong , at nagliliko ng mga salita ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Susundin mo ang tunay na katuwidtuwiran , upang mabuhay ka at manahin mo ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag kang magtatanim sa iyo ng Asera ng anomang kahoy sa siping ng dambana ng Panginoon mong Dios , na gagawin mo para sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ni magtatayo ka para sa iyo ng pinakaalaalang haligi ; na kinapopootan ng Panginoon mong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kang maghahain sa Panginoon mong Dios ng baka o tupa , na may dungis o anomang kapintasan ; sapagka&apos;t yao&apos;y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung may masusumpungan sa gitna mo , sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan , na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , ang lalake o babae na gumagawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon mong Dios , sa pagsalangsang sa kaniyang tipan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At yumaon at naglingkod sa ibang mga dios , at sumamba sa kanila , o sa araw , o sa buwan , o sa anomang natatanaw sa langit na hindi ko iniutos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At maisaysay sa iyo , at iyong mabalitaan ; ay iyo ngang sisiyasating masikap ; at , narito , kung totoo , at ang bagay ay tunay , na ang gayong karumaldumal ay nagawa sa Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ay iyo ngang ilalabas ang lalake o babaing yaon , na gumawa nitong bagay na kasamaan , sa iyong mga pintuang-daan , sa makatuwid baga&apos;y ang lalake o babae ; at iyong babatuhin sila ng mga bato , hanggang sila&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa bibig ng dalawang saksi , o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay ; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kamay ng mga saksi ay siyang unang papatay sa kaniya at pagkatapos ang kamay ng buong bayan . Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung magkakaroon ng totoong mahirap na bagay sa iyo sa paghatol , na dugo&apos;t dugo , usap at usap , at bugbog at bugbog , na bagay na pagkakaalit sa loob ng iyong mga pintuang-daan , ikaw nga&apos;y titindig at sasampa sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ikaw ay paroroon sa mga saserdote na mga Levita , at sa magiging hukom sa mga araw na yaon : at iyong sisiyasatin ; at kanilang ipakikilala sa iyo ang hatol ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong gagawin ayon sa tinig ng hatol , na kanilang ipakikilala sa iyo mula sa dakong yaon na pipiliin ng Panginoon ; at iyong isasagawa ayon sa lahat na kanilang ituturo sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ayon sa tinig ng kautusan na kanilang ituturo sa iyo , at ayon sa kahatulan na kanilang isasaysay sa iyo , ay gagawin mo : huwag kang liliko sa hatol na kanilang ipakikilala sa iyo , maging sa kanan o sa kaliwa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang tao na gumawa ng pagpapalalo , sa di pakikinig sa saserdote na tumatayo upang mangasiwa doon sa harap ng Panginoon mong Dios , o sa hukom , ay papatayin nga ang taong yaon : at iyong aalisin ang kasamaan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At maririnig ng buong bayan at matatakot , at di na gagawa pa ng pagpapalalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagka ikaw ay dumating sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , at iyong aariin , at iyong tatahanan ; at iyong sasabihin , Ako&apos;y maglalagay ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansang nasa palibot ko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo , yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios : na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo : hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan , na hindi mo kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo , ni pababalikin niya ang bayan sa Egipto , upang siya&apos;y makapagparami ng mga kabayo : sapagka&apos;t sinabi sa inyo ng Panginoon , Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa , upang huwag maligaw ang kaniyang puso : ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At mangyayari , na pagka siya&apos;y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian , ay kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat , na nasa harap ng mga saserdote na mga Levita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mamamalagi sa kaniya , at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay : upang siya&apos;y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios , upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya&apos;y huwag maligaw sa utos , maging sa kanan , o sa kaliwa : upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian , niya , at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga saserdote na mga Levita , ang buong lipi ni Levi , ay hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel ; sila&apos;y kakain ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy , at ng kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid ; ang Panginoon ang kanilang mana , gaya ng sinalita niya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa bayan , sa kanila na naghahandog ng hain , maging baka o tupa , na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat , at ang dalawang pisngi , at ang sikmura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga unang bunga ng iyong trigo , ng iyong alak , at ng iyong langis , at ang unang balahibo ng iyong mga tupa , ay ibibigay mo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t pinili siya ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong mga lipi , upang tumayong mangasiwa sa pangalan ng Panginoon , siya at ang kaniyang mga anak magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong Israel na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa sa dakong pipiliin ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ay mangangasiwa nga siya sa pangalan ng Panginoon niyang Dios , na gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang mga kapatid na mga Levita , na tumatayo roon sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakanin , bukod sa magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae , o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador , o manggagaway ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">O enkantador ng mga ahas , o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu , o mahiko , o sumasangguni sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon : at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay magpapakasakdal sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang mga bansang ito , na iyong aariin , ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng mga pamahiin , at sa mga manghuhula : nguni&apos;t tungkol sa iyo , ay hindi pumayag ang Panginoon mong Dios na gawin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo , sa iyong mga kapatid , na gaya ko ; sa kaniya kayo makikinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ayon sa lahat ng iyong ninasa sa Panginoon mong Dios sa Horeb , sa araw ng kapulungan , na sinasabi , Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios , ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy , upang huwag akong mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng Panginoon sa akin , Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid , na gaya mo ; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya , at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mangyayari , na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan , ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan , na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios , ay papatayin nga ang propetang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung iyong sasabihin sa iyong puso : Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon , kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari , ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon : ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan , huwag mong katatakutan siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagka ihihiwalay ng Panginoon mong Dios ang mga bansa , na lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , at hahalili ka sa kanila , at iyong tatahanan ang kanilang mga bayan , at ang kanilang mga bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan sa gitna ng iyong lupain , na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ikaw ay maghahanda sa iyo ng daan , at pagtatluhin mong bahagi ang mga hangganan ng iyong lupain , na ipinamamana sa iyo ng Panginoon mong Dios , upang matakasan ng bawa&apos;t nakamatay tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ito ang bagay ng nakamatay tao , na tatakas doon at mabubuhay : sinomang makapatay sa kaniyang kapuwa ng di sinasadya , at hindi niya kinapopootan ng panahong nakaraan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy , at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy , ay humagpos ang patalim sa tatangnan , at bumagsak sa kaniyang kapuwa , na anopa&apos;t mamatay ; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siya&apos;y mabubuhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay , samantalang ang puso&apos;y nagaalab , at siya&apos;y kaniyang abutan , sapagka&apos;t ang daan ay mahaba , at siya&apos;y saktan ng malubha ; na siya&apos;y di marapat patayin , sapagka&apos;t hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t iniuutos ko sa iyo , na sinasabi , Maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung palakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kaniyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung iyong isasagawa ang buong utos na ito , na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , na ibigin ang Panginoon mong Dios , at lumakad kailan man sa kaniyang mga daan ; ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong bayan sa iyo , bukod sa tatlong ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang huwag mabubo ang dugong walang sala sa gitna ng iyong lupain , na ibinibigay sa iyo na pinakamana ng Panginoon mong Dios , at sa gayo&apos;y maging salarin ka sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t kung ang sinoman ay mapoot sa kaniyang kapuwa , at pag-abangan niya siya , at siya&apos;y tumindig laban sa kaniya , at saktan niya siya ng malubha , na anopa&apos;t mamatay ; at siya&apos;y tumakas sa isa sa mga bayang ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at kukunin siya roon , at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo , upang siya&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang iyong mata&apos;y huwag mahahabag sa kaniya ; kundi aalisin mo sa Israel ang dugong walang sala , upang ikabuti mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag mong babaguhin ang lindero ng iyong kapuwa , na kanilang inilagay ng una , sa iyong mana na iyong mamanahin , sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan , o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan : sa bibig ng dalawang saksi , o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung ang isang sinungaling na saksi ay tumindig laban sa kanino man upang sumaksi laban sa kaniya ng isang masamang gawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang dalawang taong naguusapin ay tatayo sa harap ng Panginoon , sa harap ng mga saserdote at ng mga magiging hukom sa mga araw na yaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sisiyasating masikap ng mga hukom : at , narito , kung ang saksi ay saksing sinungaling , at sumaksi ng kasinungalingan laban sa kaniyang kapatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ay gagawin mo nga sa kaniya , ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid : sa gayo&apos;y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At maririnig niyaong mga natitira at matatakot , at hindi na sila magkakamit pa ng gayong kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang iyong mata&apos;y huwag mahahabag : buhay kung buhay , mata kung mata , ngipin kung ngipin , kamay kung kamay , paa kung paa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagka ikaw ay lalabas upang makibaka laban sa iyong mga kaaway at makakita ka ng mga kabayo , at mga karo , at ng isang bayang higit kay sa iyo , ay huwag kang matatakot sa kanila : sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo , na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayari paglapit ninyo sa pakikibaka , na ang saserdote ay lalapit at magsasalita sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At magsasabi sa kanila , Dinggin mo , Oh Israel , kayo&apos;y lumapit sa araw na ito sa pakikibaka laban sa inyong mga kaaway : huwag manglupaypay ang inyong puso ; huwag kayong matakot , ni manginig , ni maduwag dahil sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo , upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway , upang kayo&apos;y iligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga pinuno ay magsasalita sa bayan , na sasabihin , Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay , at hindi pa niya natatalagahan ? siya&apos;y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay , baka siya&apos;y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinong lalake ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon ? siya&apos;y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay , baka siya&apos;y mamatay sa pakikibaka at ibang lalake ang makinabang ng bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinong lalake ang nagasawa sa isang babae at di pa niya nakukuha ? siya&apos;y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay , baka siya&apos;y mamatay sa pakikibaka , at ibang lalake ang kumuha sa kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At muling magsasalita ang mga puno sa bayan , at kanilang sasabihin , Sinong lalake ang matatakutin at mahinang loob ? siya&apos;y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay , baka ang puso ng kaniyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari , pagka ang mga pinuno ay natapos nang makapanalita sa bayan , na sila&apos;y maghahalal ng mga kapitan ng mga hukbo sa unahan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban , ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mangyayari , na kung sagutin ka ng kapayapaan , at pagbuksan ka , ay mangyayari nga , na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo , at maglilingkod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo , kundi makikipagbaka laban sa iyo , ay kukubkubin mo nga siya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagka ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa&apos;t lalake niyaon ng talim ng tabak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ang mga babae , at ang mga bata , at ang mga hayop , at ang buong nasa bayan , pati ng buong nasamsam doon , ay kukunin mong pinakasamsam ; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang totoong malayo sa iyo , na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana , ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kundi iyong lilipulin sila ; ang Hetheo , at ang Amorrheo , ang Cananeo , at ang Pherezeo , ang Heveo , at ang Jebuseo ; gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang karumaldumal , na kanilang ginawa sa kanilang mga dios ; na anopa&apos;t kayo&apos;y magkasala laban sa Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin , ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon , na pagbubuhatan ng palakol ; sapagka&apos;t makakain mo , at huwag mong ipagbububuwal ; sapagka&apos;t tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga punong kahoy lamang na iyong kilala na hindi mga kahoy na nakakain , ang iyong sisirain at ibubuwal ; at iyong itatayong mga kuta laban sa bayang nakikibaka sa iyo , hanggang sa maibuwal mo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin , na nabubulagta sa parang , at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom , at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mangyayari , na ang mga matanda sa bayang yaon , na bayang malapit sa pinatay , ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan , na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig , na di pa nabubukid , ni nahahasikan , at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit , sapagka&apos;t sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya , at bumasbas sa pangalan ng Panginoon ; at ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa&apos;t pagkakaalit at bawa&apos;t awayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lahat ng mga matanda sa bayang yaon , na malapit sa pinatay , ay maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y sasagot at sasabihin , Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito , ni nakita ng aming mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Patawarin mo , Oh Panginoon , ang iyong bayang Israel , na iyong tinubos , at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel , ang dugong walang sala . At ang dugo&apos;y ipatatawad sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo , pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway , at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay , at dadalhin mo silang bihag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae , at magkaroon ka ng nasa sa kaniya , at iibigin mo siyang kuning asawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay ; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo , at gugupitin ang kaniyang mga kuko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya , at matitira sa iyong bahay , at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan : at pagkatapos noo&apos;y sisiping ka sa kaniya , at ikaw ay magiging asawa niya , at siya&apos;y magiging iyong asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mangyayari , na kung di mo kalugdan siya , ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig ; nguni&apos;t huwag mo siyang ipagbibili ng salapi , huwag mo siyang aalipinin , sapagka&apos;t iyong pinangayupapa siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa , na ang isa&apos;y sinisinta , at ang isa&apos;y kinapopootan , at kapuwa magkaanak sa kaniya , ang sinisinta at ang kinapopootan ; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik , ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan , na siyang panganay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kundi kaniyang kikilalaning panganay , ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik ; sapagka&apos;t siya ang pasimula ng kaniyang lakas ; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak , na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama , o ng tinig ng kaniyang ina , at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan , at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan . Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik , na ayaw niyang dinggin ang aming tinig ; siya&apos;y may masamang pamumuhay , at manglalasing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At babatuhin siya ng mga bato , ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya&apos;y mamatay : gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo ; at maririnig ng buong Israel , at matatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan , at siya&apos;y patayin , at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy , kundi walang pagsalang siya&apos;y iyong ililibing sa araw ding yaon ; sapagka&apos;t ang bitin ay sinumpa ng Dios ; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , na ipinamana .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag mong makikitang naliligaw ang baka ng iyong kapatid o ang kaniyang tupa , at ikaw ay magkukubli sa mga yaon : iyo ngang ibabalik sa iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kung ang iyong kapatid ay hindi malapit sa iyo , o kung hindi mo siya nakikilala , ay iyo ngang iuuwi sa iyong bahay , at mapapasaiyo hanggang sa hanapin ng iyong kapatid , at iyong isasauli sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At gayon ang iyong gagawin sa kaniyang asno ; at gayon ang iyong gagawin sa kaniyang damit , at gayon ang iyong gagawin sa bawa&apos;t nawalang bagay ng iyong kapatid , na nawala sa kaniya at iyong nasumpungan : huwag kang magkukubli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag mong makikitang napahiga sa daan ang asno ng iyong kapatid o ang kaniyang baka at ikaw ay magkukubli sa mga yaon ; iyo ngang tutulungan siya upang itindig sila uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake , ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae ; sapagka&apos;t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ang isang pugad ng ibon ay magkataong masumpungan mo sa daan , sa anomang punong kahoy , o sa lupa , na may mga inakay , o mga itlog at humahalimhim ang inahin sa mga inakay , o sa mga itlog , ay huwag mong kukunin ang inahin na kasama ng mga inakay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa anomang paraan , ay iyong pawawalan ang inahin , nguni&apos;t ang inakay ay makukuha mong sa iyo ; upang ikabuti mo at upang tumagal ang iyong mga araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagka ikaw ay magtatayo ng isang bagong bahay , ay igagawa mo nga ng isang halang ang iyong bubungan , upang huwag kang magtaglay ng sala ng dugo sa iyong bahay , kung ang sinomang tao ay mahulog mula roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag mong tatamnan ang iyong ubasan ng dalawang magkaibang binhi : baka ang buong bunga ay masira , ang binhi na iyong inihasik at ang bunga ng ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag kang mag-aararo na may isang baka at isang asno na magkatuwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag kang magbibihis ng magkahalong kayo , ng lana at lino na magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal , na ipinangbabalabal mo sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung ang sinoman ay magasawa , at sumiping sa kaniya , at kaniyang kapootan siya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay , at ikalat ang isang masamang dangal niya , at sabihin , Aking kinuha ang babaing ito , at nang sipingan ko siya , ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung magkagayo&apos;y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan , sa pintuang-bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda , Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At , narito , kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay , na sinasabi , Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya : at gayon ma&apos;y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak . At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka&apos;t kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel : at siya&apos;y magiging kaniyang asawa ; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay hindi masumpungan sa dalaga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama , at babatuhin siya ng mga bato , ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya&apos;y mamatay : sapagka&apos;t nagkasala siya ng kaululan sa Israel , na nagpatutot sa bahay ng kaniyang ama : gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung ang isang lalake ay masumpungan , na sumisiping sa isang babaing may asawa , ay kapuwa nga sila papatayin , ang lalake na sumiping sa babae , at ang babae : gayon mo aalisin ang kasamaan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung ang isang dalagang magaasawa sa isang lalake , at masumpungan siya ng isang lalake sa bayan , at sumiping sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ay inyo ngang ilalabas kapuwa sila sa pintuan ng bayang yaon , at inyong babatuhin sila ng mga bato upang sila&apos;y mamatay ; ang babae , sapagka&apos;t di siya sumigaw , ay nasa bayan ; at ang lalake , sapagka&apos;t pinangayupapa ang asawa ng kaniyang kapuwa : gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t kung masumpungan sa parang ng lalake ang isang dalagang magaasawa , at dahasin ng lalake siya , at sumiping sa kaniya ; ang lalake nga lamang na sumiping sa kaniya ang papatayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t sa babae ay huwag kang gagawa ng anoman , wala sa babaing yaon ang anomang kasalanang marapat ikamatay : sapagka&apos;t gaya ng kung ang isang lalake ay bumabangon laban sa kaniyang kapuwa , at pinapatay niya siya , ay gayon din ang bagay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t nasumpungan niya siya sa parang , ang dalagang magaasawa ay sumigaw , at walang magligtas sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung masumpungan ng isang lalake ang isang dalagang donselya na hindi pa naipangangako , at ihiga niya siya , at sipingan niya siya , at sila&apos;y masumpungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang lalake nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung siklong pilak , at siya&apos;y magiging kaniyang asawa , sapagka&apos;t kaniyang pinangayupapa siya ; hindi niya mapalalayas sa lahat ng kaniyang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Huwag kukunin ng isang lalake ang asawa ng kaniyang ama , at huwag ililitaw ang balabal ng kaniyang ama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang nasaktan sa mga iklog , o ang may lihim na sangkap na putol ng katawan ay hindi makapapasok sa kapisanan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isang anak sa ligaw ay huwag papasok sa kapisanan ng Panginoon ; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya&apos;y makapapasok sa kapisanan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag papasok ang isang Ammonita o Moabita sa kapulungan ng Panginoon ; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang nauukol sa kanila na makapapasok magpakailan man sa kapisanan ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t hindi kayo sinalubong nila ng tinapay at ng tubig sa daan , nang kayo&apos;y umalis sa Egipto ; at sapagka&apos;t kanilang inupahan laban sa iyo si Balaam na anak ni Beor mula sa Pethor ng Mesopotamia upang sumpain ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon ma&apos;y hindi dininig ng Panginoon mong Dios si Balaam ; kundi pinapaging pagpapala ng Panginoon mong Dios , ang sumpa sa iyo ; sapagka&apos;t iniibig ka ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag mong hahanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang ikasusulong sa lahat ng iyong araw magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag mong kasusuklaman ang Idumeo ; sapagka&apos;t siya&apos;y iyong kapatid : huwag mong kasusuklaman ang taga Egipto ; sapagka&apos;t ikaw ay nakipamayan sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga anak ng ikatlong salin ng lahi nila na ipinanganak sa kanila ay makapapasok sa kapisanan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagka ikaw ay lalabas sa kampamento laban sa iyong mga kaaway , ay magbabawa ka nga sa iyo sa bawa&apos;t masamang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung magkaroon sa iyo ng sinomang lalake , na hindi malinis dahil sa anomang nangyari sa kaniya ng kinagabihan , ay lalabas nga sa kampamento , hindi siya papasok sa kampamento :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t mangyayari kinahapunan , na siya&apos;y maliligo sa tubig : at pagka ang araw ay nakalubog na , ay papasok siya sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ikaw ay magkakaroon naman , ng isang pook sa labas ng kampamento , na iyong lalabasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ikaw ay magkakaroon din ng isang pala sa kasamahan ng iyong mga kasangkapan ; at mangyayari , na pagka ikaw ay palilikod sa labas ay huhukay ka , at ikaw ay babalik at tatabunan mo ang ipinalikod mo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay lumalakad sa gitna ng iyong kampamento , upang iligtas ka , at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo ; kaya&apos;t ang iyong kampamento ay magiging banal : upang huwag siyang makakita ng anomang maruming bagay sa iyo , at baka humiwalay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag mong ibibigay sa kaniyang panginoon ang isang aliping nagtanan sa kaniyang panginoon na napasa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y tatahang kasama mo , sa gitna mo , sa dakong kaniyang pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga pintuang-daan na kaniyang magalingin : huwag mo siyang pipighatiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kang magkakaroon ng masamang babae sa mga anak ng Israel , ni magkakaroon ng sodomita sa mga anak ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag mong dadalhin ang bayad sa isang masamang babae , o ang kaupahan sa isang aso , sa bahay ng Panginoon mong Dios sa anomang panata : sapagka&apos;t ang mga ito ay kapuwa karumaldumal sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid ; tubo ng salapi , tubo ng kakanin , tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa isang taga ibang lupa ay makapagpapahiram ka na may tubo ; nguni&apos;t sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo : upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng pagpapatungan mo ng iyong kamay , sa lupain na iyong pinapasok upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagka ikaw ay magpapanata ng isang panata sa Panginoon mong Dios , ay huwag kang magluluwat ng pagtupad : sapagka&apos;t walang pagsalang uusisain sa iyo ng Panginoon mong Dios ; at magiging kasalanan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t kung ikaw ay magbawang manata , ay hindi magiging kasalanan , sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang nabuka sa iyong mga labi ay iyong gaganapin at gagawin ; ayon sa iyong ipinanata sa Panginoon mong Dios , na isang kusang handog , na ipinangako mo ng iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagka ikaw ay pumasok sa ubasan ng iyong kapuwa , ay makakakain ka nga ng mga ubas sa iyong kagustuhan hanggang sa ikaw ay mabusog ; nguni&apos;t huwag kang maglalagay sa iyong sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagka ikaw ay pumasok sa nangakatayong trigo ng iyong kapuwa , ay makikitil mo nga ng iyong kamay ang mga uhay ; nguni&apos;t huwag mong gagalawin ng karit ang nakatayong trigo ng iyong kapuwa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan , ay mangyayari nga , na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata , sapagka&apos;t kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay , ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay , at ibibigay niya sa kaniyang kamay , at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagkaalis niya sa bahay ng lalake , ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung kapootan siya ng huling asawa , at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay , at ibigay sa kaniyang kamay , at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay ; o kung mamatay ang huling asawa , na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya , pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya ; sapagka&apos;t yao&apos;y karumaldumal sa harap ng Panginoon : at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagka ang isang lalake ay bagong kasal , ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan ; siya&apos;y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla : sapagka&apos;t parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid , sa mga anak ni Israel , at kaniyang inalipin siya , o ipinagbili siya ; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin : gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magingat ka sa salot na ketong , na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita : kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Miriam sa daan nang kayo&apos;y lumalabas sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram , ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ikaw ay tatayo sa labas , at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung siya&apos;y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw , upang siya&apos;y matulog sa kaniyang damit , at pagpalain ka : at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat , maging siya&apos;y sa iyong mga kapatid , o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa kaniyang kaarawan ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan , ni huwag lulubugan ng araw ( sapagka&apos;t siya&apos;y mahirap , at siyang inaasahan ng kaniyang puso ) ; baka siya&apos;y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak , ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang ; bawa&apos;t tao&apos;y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan , ni ng ulila ; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto , at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon : kaya&apos;t iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid , at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid , ay huwag mong pagbabalikang kunin : magiging sa taga ibang lupa , sa ulila , at sa babaing bao : upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo , ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan ; magiging sa taga ibang bayan , sa ulila , at sa babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan , ay huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo ; magiging sa taga ibang bayan , sa ulila , at sa babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto : kaya&apos;t iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao , at sila&apos;y dumating sa hukuman , at sila&apos;y hatulan ng mga hukom ; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayari , na kung ang salarin ay marapat paluin , ay padadapain siya ng hukom sa lupa , at papaluin sa kaniyang harap , ayon sa kaniyang sala na may bilang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya , huwag niyang lalagpasan : baka kung siya&apos;y lumagpas , at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo , ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama , at isa sa kanila&apos;y mamatay , at walang anak , ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas : ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya , at kukunin siya niyang asawa , at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At mangyayari , na ang panganay na kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay , upang ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid , ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa pintuang-bayan sa mga matanda , at sasabihin , Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel ; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung magkagayo&apos;y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya : at kung siya&apos;y tumayo at sabihin niya , Ayaw kong kunin siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa , at luluran siya sa mukha ; at siya&apos;y sasagot at sasabihin , Ganyan ang gagawin sa lalake , na ayaw magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kaniyang pangala&apos;y tatawagin sa Israel , Ang bahay ng hinubaran ng panyapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pag may dalawang lalaking nag-away , at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya , at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ay iyo ngang puputulin ang kaniyang kamay ; ang iyong mata&apos;y huwag manghihinayang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng iba&apos;t ibang panimbang , ng isang malaki at ng isang maliit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng iba&apos;t ibang takalan , ng isang malaki at ng isang maliit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka ; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka : upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t yaong lahat na gumagawa ng gayong mga bagay , sa makatuwid baga&apos;y yaong lahat ng gumagawa ng di matuwid ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan , at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo , yaong lahat na mahina sa hulihan mo , nang ikaw ay pagod at pagal ; at siya&apos;y hindi natakot sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t mangyayari , na pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot , sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin , ay iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit ; huwag mong lilimutin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At mangyayari , pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana , at iyong inaari , at iyong tinatahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain , na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios : at iyong isisilid sa isang buslo , at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios , na patatahanan sa kaniyang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon , at sasabihin mo sa kaniya , Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios , na ako&apos;y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang , upang ibigay sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ikaw ay sasagot , at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios , Isang taga Siria na kamunti nang mamatay ang aking ama ; siyang bumaba sa Egipto , at nakipamayan doon , na kaunti sa bilang ; at doo&apos;y naging isang bansang malaki , makapangyarihan , at makapal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kami ay tinampalasan ng mga taga Egipto , at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kami ay dumaing sa Panginoon , sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig , at nakita ang aming kadalamhatian , at ang aming gawa , at ang aming kapighatian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan , at ng unat na bisig , at ng malaking kakilabutan , at ng mga tanda , at ng mga kababalaghan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang dinala kami sa lupaing ito , at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayon , narito , aking dala ang mga una sa bunga ng lupa , na ibinigay mo sa akin , Oh Panginoon . At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios , at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , at sa iyong sangbahayan , ikaw , at ang Levita , at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon , na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi , ay magbibigay ka nga rin sa Levita , sa taga ibang lupa , sa ulila , at sa babaing bao , upang sila&apos;y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan , at mabusog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios , Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay , at akin ding ibinigay sa Levita , at sa taga ibang lupa , sa ulila at sa babaing bao , ayon sa iyong madlang utos na iyong iniutos sa akin : hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos , ni kinalimutan ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi ko kinain sa aking pagluluksa , ni inilabas ko nang ako&apos;y marumi , ni ibinigay ko upang gamitin sa patay : aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios ; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan , mula sa langit , at pagpalain mo ang iyong bayang Israel , at ang lupa na iyong ibinigay sa amin , gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang , na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios , na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito : iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso , at ng iyong buong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo&apos;y iyong Dios , at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan , at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan , at ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga hatol , at iyong didinggin ang kaniyang tinig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito , na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari , gaya ng ipinangako niya sa iyo , upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At upang itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha , sa ikapupuri , at sa ikababantog , at sa ikararangal ; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios , gaya ng kaniyang sinabi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Moises at ang mga matanda sa Israel ay nagutos sa bayan , na sinasabi , Ganapin mo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayaring sa araw na iyong tatawirin ang Jordan na patungo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , ay maglalagay ka ng malalaking bato , at iyong tatapalan ng argamasa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong isusulat sa mga ito ang lahat ng mga salita ng kautusang ito , pagka iyong naraanan ; upang iyong mapasok ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , na isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot , na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon , ng Dios ng iyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mangyayari na pagtawid mo ng Jordan , na iyong ilalagay ang mga batong ito , na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito , sa bundok ng Ebal , at iyong tatapalan ng argamasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At doo&apos;y magtatayo ka ng isang dambana sa Panginoon mong Dios , ng isang dambana na mga bato ; huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng Panginoon mong Dios , at maghahandog ka roon ng mga handog na susunugin , sa Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ikaw ay maghahain ng mga handog tungkol sa kapayapaan , at iyong kakanin doon ; at ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iyong isusulat na malinaw sa mga batong yaon , ang lahat ng mga salita ng kautusang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Moises at ang mga saserdote na ang mga Levita ay nagsalita sa buong Israel , na sinasabi , Tumahimik ka at dinggin mo , Oh Israel ; sa araw na ito ay naging bayan ka ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyo ngang susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios , at tutuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ibinilin ni Moises sa bayan nang araw ding yaon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga ito&apos;y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim , upang basbasan ang bayan , pagka inyong naraanan na ang Jordan ; ang Simeon , at ang Levi , at ang Juda , at ang Issachar at ang Jose , at ang Benjamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga ito&apos;y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa ; ang Ruben , ang Gad , at ang Aser , at ang Zabulon , ang Dan , at ang Nephtali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga Levita ay sasagot , at magsasabi ng malakas na tinig sa lahat ng mga lalake sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo , bagay na karumaldumal sa Panginoon , na gawa ng mga kamay ng manggagawa , at inilagay sa dakong lihim . At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sumpain yaong sumira ng puri sa kaniyang ama o sa kaniyang ina . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sumpain yaong bumago ng muhon ng kaniyang kapuwa . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sumpain yaong magligaw ng bulag sa daan . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sumpain yaong magliko ng matuwid ng taga ibang bayan , ng ulila at ng babaing bao . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sumpain yaong sumiping sa asawa ng kaniyang ama ; sapagka&apos;t kaniyang inilitaw ang balabal ng kaniyang ama . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sumpain yaong sumiping sa alinmang hayop . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae , sa anak ng kaniyang ama , o sa anak na babae ng kaniyang ina . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sumpain yaong sumakit ng lihim sa kaniyang kapuwa . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sumpain yaong tumanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin . At ang buong bayan ay magsasabi , Siya nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios , upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo , kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magiging mapalad ka sa bayan , at magiging mapalad ka sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan , at ang bunga ng iyong lupa , at ang bunga ng iyong mga hayop , ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok , at magiging mapalad ka sa iyong paglabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo : sila&apos;y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig , at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya , gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo ; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios , at lalakad ka sa kaniyang mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa , na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila&apos;y matatakot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon , sa ikabubuti mo , sa bunga ng iyong katawan , at sa bunga ng iyong mga hayop , at sa bunga ng iyong lupa , sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan , ang langit , upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan , at upang pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay ; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa , at ikaw ay hindi hihiram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot , at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang , at hindi ka mapapasailalim ; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios , na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , na iyong sundin at gawin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At huwag kang lilihis sa anoman sa mga salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito , sa kanan o sa kaliwa , upang sumunod sa ibang mga dios na paglilingkuran sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t mangyayari , na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios , na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Susumpain ka sa bayan , at susumpain ka sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Susumpain ang bunga ng iyong katawan , at ang bunga ng iyong lupa , ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Susumpain ka sa iyong pagpasok , at susumpain ka sa iyong paglabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ibubugso ng Panginoon sa iyo ang sumpa , ang kalituhan , at ang saway , sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin , hanggang sa ikaw ay mabuwal , at hanggang sa ikaw ay malipol na madali ; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa , na sa gayo&apos;y pinabayaan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa , na iyong pinapasok upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo , at ng lagnat , at ng pamamaga , at ng nagaapoy na init , at ng tabak , at ng salot ng hangin , at ng sakit sa pagani ; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo , ay magiging tanso , at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok ; mula sa langit ay bababa sa iyo , hanggang sa ikaw ay magiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pasasaktan ka ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway ; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila , at tatakas sa pitong daan sa harap nila : at ikaw ay papagpaparoo&apos;t parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang iyong bangkay ay magiging pagkain sa lahat ng mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop sa lupa ; at walang taong bubugaw sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sasalutin ka ng Panginoon ng bukol sa Egipto , at ng mga grano , at ng kati , at ng galis , na hindi mapagagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sasaktan ka ng Panginoon ng pagkaulol , at ng pagkabulag , at ng pagkagulat ng puso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman , at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad : at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man , at walang taong magliligtas sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ikaw ay magaasawa , at ibang lalake ang sisiping sa kaniya : ikaw ay magtatayo ng isang bahay , at hindi mo tatahanan : ikaw ay maguubasan , at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata , at hindi mo makakain yaon ; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha , at hindi na masasauli sa iyo : ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway , at walang magliligtas sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan ; at ang iyong mga mata ay titingin , at mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw : at ang iyong kamay ay walang magagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang bunga ng iyong lupa , at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala ; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Na anopa&apos;t ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita , ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling , mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Dadalhin ka ng Panginoon , at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo , sa isang bansang hindi mo nakilala , ninyo ng iyong mga magulang at doo&apos;y maglilingkod ka sa ibang mga dios , na kahoy at bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ikaw ay magiging isang kamanghaan , isang kawikaan , at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid , at kaunti ang iyong titipunin ; sapagka&apos;t uubusin ng balang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan , nguni&apos;t ni hindi ka iinom ng alak , ni mamimitas ng ubas ; sapagka&apos;t kakanin yaon ng uod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan , nguni&apos;t hindi ka magpapahid ng langis ; sapagka&apos;t ang iyong olibo ay malalagasan ng buko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae , nguni&apos;t sila&apos;y hindi magiging iyo ; sapagka&apos;t sila&apos;y yayaon sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo , at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Siya&apos;y magpapahiram sa iyo , at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya : siya&apos;y magiging ulo , at ikaw ay magiging buntot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka , at aabutan ka , hanggang sa magiba ka ; sapagka&apos;t hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios , upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang mga yao&apos;y magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo , at sa iyong lahi magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sapagka&apos;t hindi ka naglingkod sa Panginoon mong Dios na may kagalakan , at may kasayahan ng puso , dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kaya&apos;t maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo , na may gutom , at uhaw , at kahubaran , at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay : at lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo , mula sa katapusan ng lupa , na gaya ng lumilipad ang aguila ; isang bansang ang wika&apos;y hindi mo nababatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Bansang mukhang mabangis , na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda , ni magpapakundangan sa bata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa , hanggang sa maibuwal ka ; na wala ring matitira sa iyong trigo , alak , o langis , ng karagdagan ng iyong bakahan , o ng anak ng iyong kawan , hanggang sa ikaw ay maipalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan , hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak , na siyang iyong inaasahan , sa iyong buong lupain ; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain , na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan , ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae , na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios , sa pagkakubkob at sa kagipitan , na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang lalaking mahabagin sa gitna mo , at totoong maramdamin , ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid , at sa asawa ng kaniyang sinapupunan , at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Na anopa&apos;t hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin , sapagka&apos;t walang natira sa kaniya , sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo , na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin , ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan , at sa kaniyang anak na lalake , at babae ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At sa kaniyang sanggol na lumalabas sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak ; sapagka&apos;t kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay , sa pagkubkob at sa kagipitan , na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito , upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang , Ang Panginoon Mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Kung magkagayo&apos;y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo , at ang salot sa iyong binhi , malaking salot , at totoong malaon , at kakilakilabot na sakit , at totoong malaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto , na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Bawa&apos;t sakit din naman , at bawa&apos;t salot , na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito&apos;y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon , hanggang sa ikaw ay maibuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At kayo&apos;y malalabing kaunti sa bilang , pagkatapos na kayo&apos;y naging gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan ; sapagka&apos;t hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At mangyayari , na kung paanong ang Panginoon ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo : ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo , at ibuwal kayo ; at kayo&apos;y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan , mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa ; at doo&apos;y maglilingkod ka sa ibang mga dios , na hindi mo nakilala , ninyo ng inyong mga magulang , sa makatuwid baga&apos;y sa mga dios na kahoy at bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa , at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa : kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso , at pangangalumata , at panglalambot ng kaluluwa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo ; at ikaw ay matatakot gabi&apos;t araw , at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Sa kinaumagaha&apos;y iyong sasabihin , Kahi manawari ay gumabi na ! at sa kinagabiha&apos;y iyong sasabihin , Kahi manawari ay umumaga na ! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot , at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">At pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan , sa daan na aking sinabi sa iyo , Hindi mo na uli makikita ; at doo&apos;y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake , at babae , at walang taong bibili sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang mga salita ng tipan na iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin sa mga anak ni Israel sa lupain ng Moab , bukod sa tipang kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinawag ni Moises ang buong Israel , at sinabi sa kanila , Inyong nakita yaong lahat na ginawa ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Egipto , kay Faraon at sa lahat ng kaniyang lingkod at kaniyang buong lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata , ang mga tanda , at yaong mga dakilang kababalaghan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t hindi kayo binigyan ng Panginoon ng pusong ikakikilala at ng mga matang ikakikita , at ng mga pakinig na ikaririnig , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking pinatnubayan kayong apat na pung taon sa ilang : ang inyong mga damit ay hindi naluma sa inyo , at ang iyong panyapak ay hindi naluma sa iyong paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi kayo kumain ng tinapay , ni uminom ng alak o inuming nakalalasing : upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang kayo&apos;y dumating sa dakong ito , ay lumabas si Sehon na hari sa Hesbon at si Og na hari sa Basan , laban sa atin sa pakikibaka , at ating sinugatan sila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ating sinakop ang kanilang lupain at ating ibinigay na pinaka mana sa mga Rubenita , at sa mga Gadita , at sa kalahating lipi ni Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganapin nga ninyo ang mga salita ng tipang ito , at inyong gawin , upang kayo&apos;y guminhawa sa lahat ng inyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y tumatayong lahat sa araw na ito , sa harap ng Panginoon ninyong Dios ; ang inyong mga pangulo , ang inyong mga lipi , ang inyong mga matanda , at ang inyong mga puno , sa makatuwid baga&apos;y lahat ng mga lalake sa Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang inyong mga bata , ang inyong mga asawa at ang iyong taga ibang lupa na nasa gitna ng iyong mga kampamento mula sa iyong mangangahoy hanggang sa iyong mananalok :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang ikaw ay pumasok sa tipan ng Panginoon mong Dios , at sa kaniyang sumpa na ginagawa sa iyo ng Panginoon mong Dios sa araw na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Upang kaniyang itatag ka sa araw na ito na isang bayan , at upang siya&apos;y maging iyong Dios , na gaya ng kaniyang sinalita sa iyo , at gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hindi lamang sa inyo ginagawa ko ang tipang ito at ang sumpang ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kundi doon sa nakatayo ritong kasama natin sa araw na ito sa harap ng Panginoon nating Dios , at gayon din sa hindi natin kasama sa araw na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">( Sapagka&apos;t talastas ninyo kung paanong tumahan tayo sa lupain ng Egipto ; at kung paanong tayo&apos;y pumasok sa gitna ng mga bansang inyong dinaanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal , at ang kanilang mga idolo , na kahoy at bato , pilak at ginto na nasa gitna nila : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Baka magkaroon sa gitna ninyo ng lalake , o babae , o angkan , o lipi , na ang puso&apos;y humiwalay sa araw na ito , sa Panginoon nating Dios , na yumaong maglingkod sa mga dios ng mga bansang yaon ; baka magkaroon sa gitna ninyo ng isang ugat na nagbubunga ng nakakalason at ng ajenjo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mangyari , na pagka kaniyang narinig ang mga salita ng sumpang ito , na kaniyang basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso , na magsabi , Ako&apos;y magkakaroon ng kapayapaan , bagaman ako&apos;y lumalakad sa pagmamatigas ng aking puso upang ilakip ang paglalasing sa kauhawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ay hindi siya patatawarin ng Panginoon , kundi ang galit nga ng Panginoon at ang kaniyang paninibugho ay maguusok laban sa taong yaon , at ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito ay hihilig sa kaniya , at papawiin ng Panginoon ang kaniyang pangalan sa silong ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel sa kasamaan , ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga lahing darating , ang inyong mga anak na magsisibangon pagkamatay ninyo , at ang taga ibang bayan na magmumula sa malayong lupain , ay magsasabi , pagka nakita nila ang mga salot ng lupaing yaon , at ang sakit na inilagay ng Panginoon , na ipinagkasakit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang buong lupaing yaon ay asupre , at asin , at sunog , na hindi nahahasikan , at walang ibubunga , ni walang tumutubong damo , na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra , Adma at Seboim , na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na anopa&apos;t lahat ng mga bansa ay magsasabi , Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito ? ano ang kahulugan ng init nitong malaking kagalitan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung magkagayo&apos;y sasabihin ng mga tao , Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon , ng Dios ng kanilang mga magulang , na kaniyang ginawa sa kanila , nang kaniyang kunin sila sa lupain ng Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y yumaon at naglingkod sa ibang mga dios , at sinamba nila , na mga dios na hindi nila nakilala , at hindi niya ibinigay sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing ito , upang dalhin sa kaniya ang buong sumpa na nasusulat sa aklat na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y binunot ng Panginoon sa kanilang lupain , sa kagalitan , at sa pagiinit , at sa malaking pagkagalit , at sila&apos;y itinaboy sa ibang lupain gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios : nguni&apos;t ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man , upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At mangyayari , na pagka ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa iyo , ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harap mo , at iyong mga didilidilihin sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At magbabalik ka sa Panginoon mong Dios , at iyong susundin ang kaniyang tinig ayon sa lahat na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito , ninyo at ng iyong mga anak , ng iyong buong puso at ng iyong buong kaluluwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay babawiin nga ng Panginoon mong Dios ang iyong pagkabihag , at mahahabag sa iyo , at ibabalik , at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung ang bihag sa iyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng langit , mula roo&apos;y titipunin ka ng Panginoon mong Dios , at mula roo&apos;y kukunin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At dadalhin ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na inari ng iyong mga magulang , at iyong aariin , at gagawan ka niya ng mabuti at pararamihin ka niya ng higit kay sa iyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tutuliin ng Panginoon mong Dios ang iyong puso , at ang puso ng iyong binhi , upang ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso , at ng iyong buong kaluluwa , upang ikaw ay mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Dios ay isasa iyong mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo , na nagsiusig sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ikaw ay babalik at susunod sa tinig ng Panginoon , at iyong gagawin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pasasaganain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay , sa bunga ng iyong katawan , at sa anak ng iyong bakahan , at sa bunga ng iyong lupa , sa ikabubuti : sapagka&apos;t pagagalakin ka uli ng Panginoon , sa ikabubuti mo , gaya ng kaniyang iginalak sa iyong mga magulang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios , upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan ; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong Dios ng iyong buong puso , at ng iyong buong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito , ay hindi totoong mabigat sa iyo , ni malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Wala sa langit , upang huwag mong sabihin , Sinong sasampa sa langit para sa atin , at magdadala niyaon sa atin , at magpaparinig sa atin , upang ating magawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ni wala sa dako roon ng dagat , upang huwag mong sabihin , Sino ang daraan sa dagat para sa atin , at magdadala niyaon sa atin , at magpaparinig sa atin , upang ating magawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi ang salita ay totoong malapit sa iyo , sa iyong bibig , at sa iyong puso , upang iyong magawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tingnan mo , na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan , at ang kamatayan at ang kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na ibigin mo ang Panginoon mong Dios , na lumakad ka sa kaniyang mga daan , at tuparin mo ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga palatuntunan , at ang kaniyang mga kahatulan , upang ikaw ay mabuhay at dumami , at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kung ang iyong puso ay lumiko , at hindi mo didinggin , kundi maliligaw ka at sasamba ka sa ibang mga Dios , at maglilingkod ka sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ay aking pinatutunayan sa inyo sa araw na ito , na kayo&apos;y tunay na malilipol ; hindi ninyo palalaunin ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na inyong ipinagtatawid ng Jordan , upang pumasok na ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito , na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan , ang pagpapala at ang sumpa ; kaya&apos;t piliin mo ang buhay , upang ikaw ay mabuhay , ikaw at ang iyong binhi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios , na sundin ang kaniyang tinig , at lumakip sa kaniya : sapagka&apos;t siya ang iyong buhay , at ang kalaunan ng iyong mga araw ; upang matahanan mo ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang , kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , na ibibigay sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi sa kanila , Ako&apos;y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito ; hindi na ako makapaglalabas at pumasok ; at sinabi ng Panginoon sa akin , Huwag kang tatawid sa Jordang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magpapauna ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo , at iyong aariin : si Josue ay magpapauna sa iyo , gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon , at kay Og , na mga hari ng mga Amorrheo , at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo , at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y magpakalakas at magpakatapang , huwag kayong matakot , ni mangilabot sa kanila ; sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo ; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel , Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang : sapagka&apos;t ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila ; at iyong ipamamana sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang Panginoon , ay siyang nagpapauna sa iyo ; siya&apos;y sasa iyo , hindi ka niya iiwan , ni pababayaan ka : ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At isinulat ni Moises ang kautusang ito , at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi , na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon , at sa lahat ng matanda sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iniutos sa kanila ni Moises , na sinabi , Sa katapusan ng bawa&apos;t pitong taon , sa takdang panahon ng taon ng pagtubos , sa kapistahan ng mga balag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pisanin mo ang bayan , ang mga lalake at mga babae at mga bata , at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan , upang kanilang marinig , at upang kanilang pagaralan , at matakot sa Panginoon mong Dios , at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At upang ang kanilang mga anak , na hindi nakakilala , ay makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios , habang kayo&apos;y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan , na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Narito , ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit : tawagin mo si Josue , at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan upang siya&apos;y aking mapagbilinan . At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Panginoon ay napakita sa Tolda , sa isang tila haliging ulap ; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng Panginoon kay Moises , Narito , ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang ; at ang bayang ito&apos;y babangon , at sasamba sa kakaibang mga dios sa lupain , na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila , at ako&apos;y pababayaan , at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung magkagayo&apos;y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon , at aking pababayaan sila , at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila , at sila&apos;y sasakmalin , at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila ; na anopa&apos;t kanilang sasabihin sa araw na yaon , Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa , sa paraang sila&apos;y pumihit sa ibang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga&apos;y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito , at ituro mo sa mga anak ni Israel : ilagay mo sa kanilang mga bibig , upang ang awit na ito&apos;y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t pagka sila&apos;y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang , na binubukalan ng gatas at pulot , at sila&apos;y nakakain at nabusog at tumaba ; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios , at paglilingkuran nila , at ako&apos;y lalabagin nila , at sisirain ang aking tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila , ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi ; sapagka&apos;t hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi ; sapagka&apos;t talastas ko ang kanilang iniisip na kanilang inaakala ngayon pa , bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon , at itinuro sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun , at sinabi , Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang : sapagka&apos;t iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila ; at ako&apos;y sasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari , nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat , hanggang sa natapos ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na nagutos si Moises sa mga Levita , na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios , upang doo&apos;y maging pinakasaksi laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t talastas ko ang iyong panghihimagsik , at ang iyong matigas na ulo : narito , nabubuhay pa akong kasama ninyo , sa araw na ito , kayo&apos;y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon : at gaano pa kaya pagkamatay ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig , at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t talastas ko na pagkamatay ko , kayo&apos;y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo ; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw ; sapagka&apos;t inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon , upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito , hanggang sa natapos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Makinig kayo , mga langit , at ako&apos;y magsasalita , At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang aking aral ay papatak na parang ulan ; Ang aking salita ay bababa na parang hamog ; Gaya ng ambon sa malambot na damo , At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon : Dakilain ninyo ang ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya ang Bato , ang kaniyang gawa ay sakdal ; Sapagka&apos;t lahat niyang daan ay kahatulan : Isang Dios na tapat at walang kasamaan , Matuwid at banal siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nagpakasama , sila&apos;y hindi kaniyang mga anak , itong kanilang kapintasan ; Mga tampalasan at likong lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon , O mangmang na bayan at hindi pantas ? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo ? Kaniyang nilalang ka , at itinatag ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Alalahanin mo ang mga araw ng una , Isipin mo ang mga taon ng lahi&apos;t lahi : Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo ; Sa iyong mga matanda , at kanilang sasaysayin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana , Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao , Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan ; Si Jacob ang bahaging mana niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain , At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang ; Kaniyang kinanlungan sa palibot , kaniyang nilingap , Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad , Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay , Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak , kaniyang kinukuha , Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya , At walang ibang dios na kasama siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa , At siya&apos;y kumain ng tubo sa bukid ; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato , At ng langis na mula sa batong pinkian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ng mantika ng baka , at gatas ng tupa , Na may taba ng mga kordero , At ng mga tupang lalake sa Basan , at mga kambing , Na may taba ng mga butil ng trigo ; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t tumaba si Jeshurun , at tumutol : Ikaw ay tumataba , ikaw ay lumalapad , ikaw ay naging makinis : Nang magkagayo&apos;y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya , At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios , Sa pamamagitan ng mga karumaldumal , minungkahi nila siya sa kagalitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kanilang inihain sa mga demonio , na hindi Dios , Sa mga dios na hindi nila nakilala , Sa mga bagong dios , na kalilitaw pa lamang , Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa Batong nanganak sa iyo , ay nagwalang bahala ka , At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nakita ng Panginoon , at kinayamutan sila , Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang sinabi , Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila , Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas ; Sapagka&apos;t sila&apos;y isang napakasamang lahi , Na mga anak na walang pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios ; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan : At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan : Aking ipamumungkahi sila sa galit , sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t may apoy na nagalab sa aking galit , At nagniningas hanggang sa Sheol , At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito , At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Aking dadaganan sila ng mga kasamaan ; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sila&apos;y mangapupugnaw sa gutom , at lalamunin ng maningas na init , At ng mapait na pagkalipol ; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila , Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa labas ay pipighatiin ng tabak . At sa mga silid ay kakilabutan ; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga , Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Aking sinabi , Aking pangangalatin sila sa malayo , Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway ; Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali , Baka kanilang sabihin , Ang aming kamay ay tanghal , At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t sila&apos;y bansang salat sa payo , At walang kaalaman sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Oh kung sila&apos;y mga pantas , na kanilang tinalastas ito , Kung nababatid nila ang kanilang wakas !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo , At ang dalawa&apos;y magpapatakas sa sangpung libo , Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato , At ibigay sila ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato , Kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma , At sa mga parang ng Gomorra : Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo , Ang kanilang mga buwig ay mapait :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon , At mabagsik na kamandag ng mga ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Di ba ito&apos;y natatago sa akin , Na natatatakan sa aking mga kayamanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang panghihiganti ay akin , at gayon din ang gantingpala , Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa : Sapagka&apos;t ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit , At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan , At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod ; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala , At wala ng natitira na natatakpan o naiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kaniyang sasabihin , Saan nandoon ang kanilang mga dios , Ang bato na siya nilang pinanganlungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain , At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog ? Bumangon sila at tumulong sa inyo , At sila&apos;y maging pagkupkop sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Tingnan ninyo ngayon , na ako , sa makatuwid baga&apos;y ako nga , At walang dios sa akin : Ako&apos;y pumapatay , at ako&apos;y bumubuhay ; Ako&apos;y ang sumusugat , at ako&apos;y ang nagpapagaling : At walang makaliligtas sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t aking itinataas ang aking kamay sa langit , At aking sinasabi , Buhay ako magpakailan man ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak , At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan ; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway , At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod , At ang aking tabak ay sasakmal ng laman ; Sa dugo ng patay at ng mga bihag , Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Mangagalak kayo , O mga bansa , na kasama ng kaniyang bayan ; Sapagka&apos;t ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod , At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit , At patatawarin ang kaniyang lupain , ang kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan , siya , at si Josue na anak ni Nun .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At kaniyang sinabi sa kanila , Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito , na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sapagka&apos;t ito&apos;y hindi hamak na bagay sa inyo ; sapagka&apos;t inyong kabuhayan , at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim , sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab , na nasa tapat ng Jerico ; at masdan mo ang lupain ng Canaan , na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel , na pinakaari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa , at malakip ka sa iyong bayan , gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor , at nalakip sa kaniyang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Sapagka&apos;t kayo&apos;y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades , sa ilang ng Zin ; sapagka&apos;t hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Sapagka&apos;t iyong matatanaw ang lupain sa harap mo ; nguni&apos;t doo&apos;y hindi ka makapapasok , sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ito ang basbas na ibinasbas ni Moises , tao ng Dios , sa mga anak ni Israel bago siya namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Ang Panginoo&apos;y nanggaling sa Sinai , At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila ; Siya&apos;y lumiwanag mula sa bundok ng Paran , At siya&apos;y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal : Sa kaniyang kanan , ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo&apos;t kaniyang iniibig ang bayan : Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay : At sila&apos;y umupo sa iyong paanan ; Na bawa&apos;t isa&apos;y tatanggap ng iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan , Na mana sa kapisanan ng Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y hari sa Jeshurun , Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan , Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mabuhay nawa ang Ruben , at huwag mamatay ; Gayon ma&apos;y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ito ang basbas sa Juda ; at kaniyang sinabi , Dinggin mo , Panginoon , ang tinig ng Juda , At padatnin mo sa kaniyang bayan : Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay ; At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi , Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong banal , Na siyang iyong sinubok sa Massa , Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama , at tungkol sa kaniyang ina , Hindi ko siya nakita ; Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid , Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak ; Sapagka&apos;t kanilang sinunod ang iyong salita , At ginaganap ang iyong tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan , At ng iyong mga kautusan , sa Israel ; Sila&apos;y maglalagay ng kamangyan sa harap mo , At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Basbasan mo , Panginoon , ang kaniyang tinatangkilik , At tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay ; Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya , At niyaong nangapopoot sa kaniya , upang sila&apos;y huwag bumangon uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tungkol sa Benjamin , ay kaniyang sinabi , Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya ; Siya&apos;y kakanlungan niya buong araw , At siya&apos;y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi , Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain , Sa mga mahalagang bagay ng langit , sa hamog , At sa kalaliman na nasa ilalim niya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw , At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok , At sa mga mahalagang bagay ng mga burol na walang hanggan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon , At ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy : Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran , At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang panganay ng kaniyang baka , na may kamahalan ; At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro : Siya niyang ipantutulak sa mga bayan , lahat sa kanila , kahit na nasa mga hangganan ng lupa : At sila ang laksa-laksa ng Ephraim , At sila ang libolibo ng Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi , Magalak ka , Zabulon , sa iyong paglabas ; At ikaw , Issachar , sa iyong mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok ; Doo&apos;y maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran : Sapagka&apos;t kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat , At ang natatagong kayamanan sa buhanginan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tungkol sa Gad , ay kaniyang sinabi , Pagpalain yaong magpalaki sa Gad : Siya&apos;y tumatahan parang isang leona , At dudurog ng bisig , sangpu ng bao ng ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya , Sapagka&apos;t doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan ; At siya&apos;y pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan , Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon , At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi , Ang Dan ay anak ng leon , Na lumukso mula sa Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi , Oh Nephtali , busog ng lingap , At puspos ng pagpapala ng Panginoon : Ariin mo ang kalunuran at ang timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi , Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser , Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid , At ilubog ang kaniyang paa sa langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso ; At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Walang gaya ng Dios , Oh Jeshurun , Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo , At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan , At sa ibaba&apos;y ang walang hanggang mga bisig : At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway , At sinabi , Lansagin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang Israel ay tumatahang tiwala , Ang bukal ng Jacob na nagiisa , Sa isang lupain ng trigo at alak ; Oo&apos;t , ang kaniyang mga langit ay nagbababa ng hamog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Maginhawa ka , Oh Israel : Sino ang gaya mo , bayang iniligtas ng Panginoon , Ng kalasag na iyong tulong , At siyang tabak ng iyong karangalan ! At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo : At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab sa bundok ng Nebo , sa taluktok ng Pisga , na nasa tapat ng Jerico . At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad hanggang sa Dan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases , at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat kalunuran ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang Timugan at ang Kapatagan ng libis ng Jerico na bayan ng mga puno ng palma hanggang sa Soar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , na sinasabi , Aking ibibigay sa iyong binhi : aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata , nguni&apos;t hindi ka daraan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor ; nguni&apos;t sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya&apos;y mamatay : ang kaniyang mata&apos;y hindi lumabo , ni ang kaniyang talagang lakas ay humina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab , na tatlong pung araw : sa gayon , natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan : sapagka&apos;t ipinatong ni Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya ; at dininig siya ng mga anak ni Israel , at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises , na kilala ng Panginoon sa mukhaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghan na iniutos ng Panginoon gawin sa lupain ng Egipto kay Faraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod , at sa kaniyang buong lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa buong makapangyarihang kamay at sa buong dakilang kakilabutan , na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "6">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga pagkamatay ni Moises na lingkod ng Panginoon , na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue na anak ni Nun na tagapangasiwa ni Moises , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Moises na aking lingkod ay patay na ; ngayon nga&apos;y tumindig ka , tumawid ka sa Jordang ito , ikaw , at ang buong bayang ito , hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bawa&apos;t dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa , ay naibigay ko na sa inyo , gaya ng sinalita ko kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mula sa ilang , at ang Libanong ito , hanggang sa malaking ilog , na ilog Eufrates , buong lupain ng mga Hetheo , at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw , ay magiging inyong hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay : kung paanong ako&apos;y suma kay Moises , ay gayon ako sasa iyo : hindi kita iiwan ni pababayaan kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti : sapagka&apos;t iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti , na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod : huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa , upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig , kundi iyong pagbubulayan araw at gabi , upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito : sapagka&apos;t kung magkagayo&apos;y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad , at kung magkagayo&apos;y magtatamo ka ng mabuting kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ba kita inutusan ? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti ; huwag kang matakot , ni manglupaypay : sapagka&apos;t ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nagutos si Josue sa mga pinunong bayan , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y magdaan sa gitna ng kampamento , at magutos sa bayan , na sabihin , Maghanda kayo ng baon ; sapagka&apos;t sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito , upang yumaong ariin ang lupain , na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa mga Rubenita , at sa mga Gadita , at sa kalahating lipi ni Manases , ay nagsalita si Josue , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon , na sinasabi , Binibigyan kayo ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios , at ibibigay sa inyo ang lupaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang inyong mga asawa , ang inyong mga bata , at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan ; nguni&apos;t kayo&apos;y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid , kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang , at tutulong sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid , na gaya ninyo , at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios : kung magkagayo&apos;y babalik kayo sa lupain na inyong ari , at inyong aariin , yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y sumagot kay Josue , na sinasabi , Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin , at saan mo man kami suguin ay paroroon kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay , ay gayon ka namin didinggin : sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios , na gaya kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinomang manghihimagsik laban sa iyong utos , at hindi makikinig ng iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kaniya , ay ipapapatay : magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik , na sinasabi , Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain , at ang Jerico . At sila&apos;y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab , at nakituloy doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ito&apos;y nasaysay sa hari sa Jerico , na sinasabi , Narito , may mga lalake , sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab , na sinasabi , Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo , na pumasok sa iyong bahay ; sapagka&apos;t sila&apos;y naparito upang kilalanin ang buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli , at sinabi niya , Oo , ang mga lalake ay naparito sa akin , nguni&apos;t hindi ko talastas kung sila&apos;y taga saan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan , nang madilim na , na ang mga lalake ay lumabas ; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon ; habulin ninyong madali sila ; sapagka&apos;t inyo silang aabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kaniyang isinampa sila sa bubungan , at ikinubli sa mga puno ng lino , na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran : at pagkalabas ng humabol sa kanila , ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bago sila nahiga , ay sinampa niya sila sa bubungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa mga lalake , Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain , at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo , nang kayo&apos;y lumabas sa Egipto ; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo , na nangasa dako roon ng Jordan , kay Sehon at kay Og , na inyong lubos na pinuksa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagkabalita namin , ay nanglumo ang aming puso , ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao , dahil sa inyo ; sapagka&apos;t ang Panginoon ninyong Dios , ay siyang Dios sa langit sa itaas , at sa lupa sa ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon nga , isinasamo ko sa inyo , sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon , na kung paanong ako&apos;y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang , at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong ililigtas na buhay ang aking ama , at ang aking ina , at ang aking mga kapatid na lalake at babae , at ang lahat nilang tinatangkilik , at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng mga lalake sa kaniya , Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo , kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay ; at mangyayari , na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain , kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan : sapagka&apos;t ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan , at siya&apos;y tumatahan sa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi niya sa kanila , Pumaroon kayo sa bundok , baka kayo&apos;y abutan ng manghahabol sa inyo ; at kayo&apos;y magkubli roon na tatlong araw , hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol : at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng mga lalake sa kaniya , Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito , na iyong ipinasumpa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , pagka kami ay pumasok sa lupain , ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin : at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama , at ang iyong ina , at ang iyong mga kapatid , at ang buong sangbahayan ng iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mangyayari , na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan , ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan : at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya , kung may magbuhat sa kaniya ng kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kung iyong ihayag itong aming pakay , ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo , na iyong ipinapanumpa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang sinabi , Ayon sa inyong mga salita , ay siya nawang mangyari . At kaniyang pinapagpaalam sila at sila&apos;y yumaon : at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y yumaon at naparoon sa bundok , at tumahan doon na tatlong araw , hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol ; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan , nguni&apos;t hindi sila nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok , at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun ; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang sinabi kay Josue , Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain ; at bukod dito&apos;y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan ; at sila&apos;y umalis sa Sittim at napasa Jordan , siya at ang lahat na mga anak ni Israel ; at sila&apos;y tumigil doon bago sila tumawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari pagkatapos ng tatlong araw , na ang mga pinuno ay napasa gitna ng kampamento ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagutos sa bayan , na sinasabi , Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios , at dinadala ng mga saserdote na Levita , ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat : huwag ninyong lapitan , upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan ; sapagka&apos;t hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Josue sa bayan , Magpakabanal kayo ; sapagka&apos;t bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsalita si Josue sa mga saserdote , na sinasabi , Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan . At kanilang binuhat ang kaban ng tipan , at nagpauna sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel , upang kanilang makilala , na kung paanong ako&apos;y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan , na iyong sasabihin , Pagka kayo&apos;y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan , ay tumigil kayo sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel , Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Josue , Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo , at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo , at ang Hetheo , at ang Heveo , at ang Pherezeo , at ang Gergeseo , at ang Amorrheo , at ang Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon nga ay kumuha kayo ng labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel , na isang lalake sa bawa&apos;t lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mangyayari , na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon , ng Panginoon ng buong lupa , ay titigil sa tubig ng Jordan , na ang tubig ng Jordan ay mahahawi , sa makatuwid baga&apos;y ang tubig na bumababang mula sa itaas ; at magiisang bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda , upang tumawid sa Jordan , ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban , at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig , ( sapagka&apos;t inaapawan ng Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong panahon ng pagaani , )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil , at nagisang bunton na malayo sa kanila , sa Adam , na bayang nasa tabi ng Sarethan : at yaong nagsisibaba sa dagat ng Araba , na Dagat na Alat ay lubos na nahawi : at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa , hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa , na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kumuha ka ng labing dalawang lalake sa bayan , na isa sa bawa&apos;t lipi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iutos ninyo sa kanila , na sabihin , Kumuha kayo mula rito sa gitna ng Jordan , mula sa dakong tinatayuang matatag ng mga paa ng mga saserdote , ng labing dalawang bato , at dalhin ninyo , at ilapag ninyo sa tigilang dako , na inyong tutuluyan sa gabing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Josue ang labing dalawang lalake , na kaniyang inihanda sa mga anak ni Israel , na isang lalake sa bawa&apos;t lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Josue sa kanila , Dumaan kayo sa harap ng kaban ng Panginoon ninyong Dios sa gitna ng Jordan , at pasanin ng bawa&apos;t isa sa inyo ang isang bato sa kaniyang balikat , ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang ito&apos;y maging pinaka tanda sa gitna ninyo , na pagka itinanong ng inyong mga anak sa panahong darating , na sasabihin , Anong kahulugan sa inyo ng mga batong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At inyo ngang sasabihin sa kanila , Sapagka&apos;t ang tubig ng Jordan ay nahawi sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon ; nang magdaan yaon sa Jordan , ay nahawi ang tubig sa Jordan : at ang mga batong ito ay magiging pinaka alaala sa mga anak ni Israel magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ginawang gayon ng mga anak ni Israel gaya ng iniutos ni Josue , at pumasan ng labing dalawang bato mula sa gitna ng Jordan , gaya ng sinalita ng Panginoon kay Josue , ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel ; at kanilang dinala sa dakong kanilang tutuluyan , at inilapag doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Josue ay nagpabunton ng labing dalawang bato sa gitna ng Jordan , sa dakong tinayuan ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan : at nangandoon , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ay tumayo sa gitna ng Jordan , hanggang sa natapos ang bawa&apos;t bagay na iniutos ng Panginoon kay Josue na salitain sa bayan , ayon sa buong iniutos ni Moises kay Josue : at ang bayan ay nagmadali at tumawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari nang nakatawid na lubos ang buong bayan , na ang kaban ng Panginoon ay itinawid at ang mga saserdote sa harap ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga anak ni Ruben , at ang mga anak ni Gad , at ang kalahati ni Manases , ay dumaang may sandata sa harap ng mga anak ni Israel , gaya ng salita ni Moises sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">May apat na pung libo na nasasakbatang handa sa pakikidigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka , sa mga kapatagan ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang araw na yaon ay pinadakila ng Panginoon si Josue sa paningin ng buong Israel ; at sila&apos;y natakot sa kaniya , gaya ng kanilang pagkatakot kay Moises , sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Iutos mo sa mga saserdote na nagdadala ng kaban ng patotoo , na sila&apos;y sumampa mula sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nagutos nga si Josue sa mga saserdote , na sinasabi , Umahon kayo mula sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon , at nang matungtong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote , na ang tubig ng Jordan ay nanauli sa kanilang dako , at umapaw sa pangpang na gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang bayan ay umahon mula sa Jordan nang ikasangpung araw ng unang buwan , at humantong sa Gilgal , sa hangganang silanganan ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At yaong labing dalawang bato , na kanilang kinuha sa Jordan , ay ibinunton ni Josue sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y nagsalita sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Pagka itatanong ng inyong mga anak sa kanilang mga magulang sa panahong darating , na sasabihin , Anong kahulugan ng mga batong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ay inyo ngang ipatatalastas sa mga anak ninyo , na sasabihin , Ang Israel ay tumawid sa Jordang ito sa tuyong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t tinuyo ng Panginoon ninyong Dios ang tubig ng Jordan sa harap ninyo , hanggang sa kayo&apos;y nakatawid , gaya ng ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa Dagat na Mapula , na kaniyang tinuyo sa harap namin , hanggang sa kami ay nakatawid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Upang makilala ng lahat na mga bayan sa lupa ang kamay ng Panginoon , na makapangyarihan ; upang sila&apos;y matakot sa Panginoon ninyong Dios magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang mabalitaan ng lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran , at ng lahat ng mga hari ng mga Cananeo , na nangasa tabi ng dagat , kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig ng Jordan sa harap ng mga anak ni Israel , hanggang sa kami ay nangakatawid , na nanglumo ang kanilang puso , at sila&apos;y nawalan ng loob dahil sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon kay Josue , Gumawa ka ng mga sundang na pinkiang bato at tuliin mo uli na ikalawa ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato , at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ito ang dahil na itinuli ni Josue : ang buong bayan na lumabas mula sa Egipto , na mga lalake , lahat na lalaking pangdigma , ay namatay sa ilang sa daan , pagkatapos na sila&apos;y makalabas na mula sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang buong bayan na lumabas ay mga tuli ; nguni&apos;t ang buong bayan na ipinanganak sa ilang sa daan pagkalabas sa Egipto , ay hindi tuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel ay lumakad na apat na pung taon sa ilang , hanggang sa ang buong bansa , sa makatuwid baga&apos;y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto , ay nalipol , sapagka&apos;t hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon : na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin , na lupaing binubukalan ng gatas at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila , ay pinagtuli ni Josue , sapagka&apos;t mga hindi tuli , sapagka&apos;t hindi nila tinuli sila sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa , na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento hanggang sa sila&apos;y magsigaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang pagdusta ng Egipto . Kaya&apos;t ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal ; at kanilang ipinagdiwang ang paskua nang ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y kumain ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng paskua , ng mga tinapay na walang lebadura , at ng sinangag na trigo , sa araw ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mana ay naglikat nang kinabukasan , pagkatapos na sila&apos;y makakain ng imbak na trigo ng lupain ; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel ; kundi sila&apos;y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , nang si Josue ay malapit sa Jerico , na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin , at , narito , nakatayo ang isang lalake sa tapat niya na may kaniyang tabak sa kaniyang kamay na bunot : at si Josue ay naparoon sa kaniya , at sinabi sa kaniya , Ikaw ba&apos;y sa amin , o sa aming mga kaaway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi , Hindi ; kundi ako&apos;y naparito ng parang prinsipe ng hukbo ng Panginoon . At si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba , at nagsabi sa kaniya , Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue , Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa ; sapagka&apos;t ang dakong iyong kinatatayuan ay banal . At ginawang gayon ni Josue .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel : walang nakalalabas , at walang nakapapasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Tingnan mo , aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico , at ang hari niyaon , at ang mga makapangyarihang lalaking matapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong liligirin ang bayan , lahat ng mga lalaking pangdigma , na liligid na minsan sa bayan . Ganito mo gagawin na anim na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa : at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan , at ang mga saserdote ay hihipan ang mga pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari , na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa , at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak , ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan ; at ang kuta ng bayan ay guguho , at ang bayan ay sasampa ang bawa&apos;t isa&apos;y tapatan sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga saserdote , at sinabi sa kanila , Buhatin ninyo ang kaban ng tipan , at magdala ang pitong saserdote ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang sinabi sa bayan , Magpauna kayo , at ligirin ninyo ang bayan , at papagpaunahin ninyo ang mga lalaking may sandata sa unahan ng kaban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , na pagkapagsalita ni Josue sa bayan , ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa , at humihip ng mga pakakak ; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa mga saserdote na humihihip ng mga pakakak , at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban , na ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak habang sila&apos;y yumayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iniutos ni Josue sa bayan , na sinasabi , Huwag kayong hihiyaw , ni huwag ninyong iparirinig ang inyong tinig , ni huwag magbubuka ang inyong bibig ng anomang salita , hanggang sa araw na aking sabihing kayo&apos;y humiyaw ; kung magkagayo&apos;y hihiyaw kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y kaniyang iniligid sa bayan ang kaban ng Panginoon , na lumigid na minsan : at sila&apos;y nasok sa kampamento , at tumigil sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan , at binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon ay yumaon na patuloy , at humihihip ng mga pakakak : at ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa kanila ; at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban ng Panginoon , na ang mga saserdote ay humihihip ng mga pakakak habang sila&apos;y yumayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa ikalawang araw ay kanilang niligid na minsan ang bayan , at nagsibalik sa kampamento : kanilang ginawang gayon na anim na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari nang ikapitong araw , na sila&apos;y bumangong maaga sa pagbubukang liwayway , at niligid ang bayan ng gayon ding paraan na makapito : nang araw lamang na yaon kanilang niligid ang bayan na makapito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , sa ikapito , nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote , ay sinabi ni Josue sa bayan , Humiyaw kayo ; sapagka&apos;t ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon , yaon at ang lahat na tumatahan doon : si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay , siya at ang lahat na kasama niya sa bahay , sapagka&apos;t kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kayo , sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay ; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay ; sa gayo&apos;y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel , at inyong babagabagin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t lahat na pilak , at ginto , at mga sisidlang tanso at bakal , ay banal sa Panginoon : pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y humiyaw ang bayan , at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak : at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas , at ang kuta ay gumuho , na ano pa&apos;t ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad , na bawa&apos;t isa&apos;y matuwid na nagpatuloy , at kanilang sinakop ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang lahat na nasa bayan , ang lalake at gayon din ang babae , ang binata at gayon din ang matanda , at ang baka , at ang tupa , at ang asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking tumiktik sa lupain , Pumasok kayo sa bahay ng patutot , at ilabas ninyo roon ang babae , at ang lahat niyang tinatangkilik , na gaya ng inyong isinumpa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok , at inilabas si Rahab , at ang kaniyang ama , at ang kaniyang ina , at ang kaniyang mga kapatid , at lahat ng kaniyang tinatangkilik ; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas ; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang sinunog ng apoy ang bayan , at lahat na nandoon : ang pilak lamang , at ang ginto , at ang mga sisidlang tanso at bakal , ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama , at ang lahat niyang tinatangkilik , ay iniligtas na buhay ni Josue ; at siya&apos;y tumahan sa gitna ng Israel , hanggang sa araw na ito ; sapagka&apos;t kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon , na sinasabi , Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon , na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico ; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay , at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa gayo&apos;y ang Panginoon ay sumama kay Josue ; at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay : sapagka&apos;t si Achan na anak ni Carmi , na anak ni Zabdi , na anak ni Zera , sa lipi ni Juda ; ay kumuha sa itinalagang bagay , at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven , sa dakong silanganan ng Beth-el , at nagsalita sa kanila , na nagsasabi , Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain . At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsibalik kay Josue , at sinabi sa kaniya , Huwag sumampa ang buong bayan , kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai ; huwag mong pagurin ang buong bayan doon ; sapagka&apos;t sila&apos;y kakaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake : at sila&apos;y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu&apos;t anim na lalake ; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim , at sinaktan sila sa babaan : at ang mga puso ng mga tao ay nanglumo , at naging parang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot , at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan , siya at ang mga matanda ng Israel ; at sila&apos;y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Josue , Ay , Oh Panginoong Dios , bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan , upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo , na ipalipol kami ? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh Panginoon , anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain , at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa : at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Bumangon ka ; bakit ka nagpatirapa ng ganito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Israel ay nagkasala ; oo , kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila ; oo , sila&apos;y kumuha rin sa itinalagang bagay , at nagnakaw rin , at nagbulaan din ; at sila&apos;y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway ; sila&apos;y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway , sapagka&apos;t sila&apos;y naging sinumpa : ako&apos;y hindi na sasa inyo pa , maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bumangon ka , papagbanalin mo ang bayan , at sabihin mo , Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan : sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , May itinalagang bagay sa gitna mo , Oh Israel : ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway , hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi : at mangyayari , na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan : at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan ; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa&apos;t lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mangyayari , na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy , siya at ang lahat niyang tinatangkilik : sapagka&apos;t kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon , at sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng kaululan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan , at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi : at ang lipi ni Juda ay napili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda ; at napili ang angkan ng mga Zeraita : at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa&apos;t lalake ; at si Zabdi ay napili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa&apos;t lalake : at si Achan , na anak ni Carmi , na anak ni Zabdi , na anak ni Zera , sa lipi ni Juda , ay napili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Josue kay Achan , Anak ko , isinasamo ko sa iyo , na iyong luwalhatiin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , at magpahayag ka sa kaniya ; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa ; huwag kang maglihim sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sumagot si Achan kay Josue , at sinabi , Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon , sa Dios ng Israel , at ganito&apos;t ganito ang aking ginawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia , at ang dalawang daang siklong pilak , at ang isang dila na ginto , na limang pung siklo ang timbang , ay akin ngang inimbot , at aking kinuha ; at , narito , nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda , at ang pilak ay nasa ilalim niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda ; at , narito , nakakubli sa kaniyang tolda , at ang pilak ay nasa ilalim niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang kinuha sa gitna ng tolda , at dinala kay Josue , at sa lahat ng mga anak ni Israel ; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kinuha ni Josue , at ng buong Israel na kasama niya , si Achan na anak ni Zera at ang pilak , at ang balabal , at ang dila na ginto , at ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at ang kaniyang mga baka , at ang kaniyang mga asno , at ang kaniyang mga tupa , at ang kaniyang tolda , at ang lahat niyang tinatangkilik : at kanilang isinampa sa libis ng Achor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Josue , Bakit mo kami binagabag ? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon . At binato siya ng mga bato ng buong Israel ; at sinunog nila sila sa apoy , at binato sila ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato , hanggang sa araw na ito ; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit . Kaya&apos;t ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na , Ang libis ng Achor , hanggang sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Huwag kang matakot , ni manglumo : ipagsama mo ang buong bayang pangdigma , at bumangon ka , na sumampa ka sa Hai : tingnan mo , aking ibinigay sa iyong kamay ang hari sa Hai , at ang kaniyang bayan , at ang kaniyang siyudad , at ang kaniyang lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iyong gagawin sa Hai at sa kaniyang hari ang gaya ng iyong ginawa sa Jerico at sa kaniyang hari : ang samsam lamang doon , at ang mga hayop niyaon , ang iyong kukunin na pinakasamsam ninyo : lagyan mo ng mga bakay ang bayan sa likuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y bumangon si Josue , at ang buong bayang pangdigma , upang sumampa sa Hai : at pumili si Josue ng tatlong pung libong lalake , na mga makapangyarihang lalaking matapang , at sinugo ng kinagabihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iniutos niya sa kanila , na sinasabi , Narito , kayo&apos;y babakay laban sa bayan , sa likuran ng bayan : huwag kayong lumayong totoo sa bayan kundi humanda kayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ako , at ang buong bayan na kasama ko ay lalapit sa bayan . At mangyayari , na pagka sila&apos;y lumabas laban sa amin gaya ng una , ay tatakas kami sa harap nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y lalabas na susunod sa amin , hanggang sa aming mailayo sila sa bayan , sapagka&apos;t kanilang sasabihin , Sila&apos;y tumatakas sa harap natin , na gaya ng una ; gayon kami tatakas sa harap nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kayo&apos;y babangon sa pagbakay , at inyong aariin ang bayan : sapagka&apos;t ibibigay ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari , na pagka inyong nasakop ang bayan , ay inyong sisilaban ng apoy ang bayan ; ayon sa salita ng Panginoon ay inyong gagawin : narito , aking iniutos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pinapagpaalam sila ni Josue : at sila&apos;y yumaon sa pagbakay , at lumagay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai , sa dakong kalunuran ng Hai : nguni&apos;t si Josue ay tumigil ng gabing yaon sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan , at binilang ang bayan , at sumampa siya at ang mga matanda ng Israel , sa unahan ng bayan , sa Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang buong bayan , sa makatuwid baga&apos;y ang mga taong pangdigma na kinasama niya , ay sumampa , at lumapit , at naparoon sa harap ng bayan , at humantong sa dakong hilagaan ng Hai : mayroon ngang isang libis sa pagitan niya at ng Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y kumuha ng may limang libong lalake at inilagay niya silang bakay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai sa dakong kalunuran ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon inilagay nila ang bayan , ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan , at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan ; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangyari , nang makita ng hari sa Hai , na sila&apos;y nagmadali at bumangong maaga , at ang mga lalake sa bayan ay lumabas laban sa Israel upang makipagbaka , siya at ang kaniyang buong bayan , sa kapanahunang takda , sa harap ng Araba , nguni&apos;t hindi niya talastas na may bakay laban sa kaniya sa likuran ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ginawa ni Josue at ng buong Israel na parang sila&apos;y nadaig sa harap nila , at tumakas sa daan na ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lahat ng mga tao na nasa bayan ay pinisan upang humabol sa kanila : at kanilang hinabol si Josue , at nangalayo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At walang lalake na naiwan sa Hai o sa Beth-el , na hindi humabol sa Israel : at kanilang iniwang bukas ang bayan , at hinabol ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Iunat mo ang sibat na nasa iyong kamay sa dakong Hai ; sapagka&apos;t aking ibibigay sa iyong kamay . At iniunat ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay sa dakong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang bakay ay bumangong bigla sa kanilang dako , at sila&apos;y tumakbo pagkaunat niya ng kaniyang kamay , at pumasok sa bayan at sinakop at sila&apos;y nagmadali at sinilaban ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang lumingon ang mga lalake sa Hai sa likuran nila , ay kanilang nakita , at , narito , ang usok ng bayan ay napaiilanglang sa langit , at wala silang kapangyarihan na makatakas sa daang ito o sa daang yaon : at ang bayan na tumakas sa ilang ay pumihit sa mga manghahabol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang , ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang iba&apos;y lumabas sa bayan laban sa kanila , na anopa&apos;t sila&apos;y nasa gitna ng Israel , na ang iba&apos;y sa dakong ito , at ang iba&apos;y sa dakong yaon : at sinaktan nila sila , na anopa&apos;t wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buhay , at dinala nila siya kay Josue .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari , nang matapos ng Israel na mapatay sa parang ang lahat ng mga taga Hai , sa ilang na kanilang pinaghabulan sa kanila , at mangabuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak , hanggang sa nalipol nila sila , ay bumalik ang buong Israel sa Hai , at sinugatan ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang lahat na nabuwal ng araw na yaon , lalake at gayon din ang babae ay labing dalawang libo , lahat ng mga tao sa Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t hindi iniurong ni Josue ang kaniyang kamay na kaniyang ipinag-unat ng sibat hanggang sa kaniyang nalipol na lubos ang lahat ng mga taga Hai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang hayop lamang at ang samsam sa bayan na yaon ang kinuha ng Israel na pinakasamsam , ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang iniutos kay Josue .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon sinunog ni Josue ang Hai , at pinapaging isang bunton magpakailan man na isang kagibaan , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ibinitin niya ang hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan : at sa paglubog ng araw ay iniutos ni Josue , at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan , at binuntunan ng malaking bunton ng mga bato , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon , ang Dios ng Israel , sa bundok ng Ebal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon , sa mga anak ni Israel , gaya ng nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises , na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato , na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal : at kanilang pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin , at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At siya&apos;y sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat , sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang buong Israel , at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom , ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita , na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon ; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal ; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon , na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan , ang pagpapala at ang sumpa , ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae , at ng mga bata , at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol , at sa mga kapatagan , at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano , ng Hetheo , at ng Amorrheo , ng Cananeo , ng Pherezeo , ng Heveo , at ng Jebuseo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel , na may pagkakaisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila&apos;y mga sugo , at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma , at punit at tinahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa , at ng mga lumang bihisan na suot nila ; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal , at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel , Kami ay mula sa malayong lupain : ngayon nga&apos;y makipagtipan kayo sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo , Marahil kayo&apos;y nananahang kasama namin ; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang sinabi kay Josue , Kami ay iyong mga lingkod . At sinabi ni Josue sa kanila , Sino kayo at mula saan kayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi nila sa kaniya , Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod , dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios : sapagka&apos;t aming nabalitaan ang kabantugan niya , at ang lahat niyang ginawa sa Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo , na nasa dako roon ng Jordan , kay Sehon na hari sa Hesbon , at kay Og , na hari sa Basan , na nasa Astaroth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin , na sinasabi , Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay , at yumaon kayo na salubungin ninyo sila , at inyong sabihin sa kanila , Kami ay inyong mga lingkod : at ngayo&apos;y makipagtipan kayo sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo ; nguni&apos;t ngayon , narito , tuyo at inaamag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago ; at , narito , mga hapak : at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon , at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila , na pabayaan silang mabuhay : at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , sa katapusan ng tatlong araw , pagkatapos na sila&apos;y makapagtipanan sa kanila , na kanilang nabalitaan na sila&apos;y kanilang kalapit bayan , at sila&apos;y nananahang kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Israel ay naglakbay , at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw . Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon , Caphira , at Beeroth , at Kiriath-jearim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel , sapagka&apos;t ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel . At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan , Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel : ngayon nga&apos;y hindi natin magagalaw sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang ating gagawin sa kanila at sila&apos;y ating pababayaang mabuhay ; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng mga prinsipe sa kanila , Pabayaan silang mabuhay : sa gayo&apos;y sila&apos;y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan ; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ipinatawag sila ni Josue , at nagsalita siya sa kanila , na sinasabi , Bakit kayo&apos;y nagdaya sa amin na nagsasabi , Kami ay totoong malayo sa inyo ; dangang nananahan kayong kasama namin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ngayon nga&apos;y sumpain kayo , at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin , ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y sumagot kay Josue , at nagsabi , Sapagka&apos;t tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod , kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain , at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo ; kaya&apos;t ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo , at aming ginawa ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ngayon , narito , kami ay nasa iyong kamay : kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin , ay gawin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At gayon ang ginawa niya sa kanila , at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel , na hindi sila pinatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan , at sa dambana ng Panginoon , hanggang sa araw na ito , sa dakong kaniyang pipiliin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga , nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos ( na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon , gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon ) , at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon , at nangasa gitna nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay natakot silang mainam , sapagka&apos;t ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari , at sapagka&apos;t lalong malaki kay sa Hai , at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron , at kay Phiream na hari sa Jarmuth , at kay Japhia , na hari sa Lachis , at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako , at saktan natin ang Gabaon : sapagka&apos;t nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ang limang hari ng mga Amorrheo , ang hari sa Jerusalem , ang hari sa Hebron , ang hari sa Jarmuth , ang hari sa Lachis , ang hari sa Eglon , ay nagpipisan at sumampa , sila at ang lahat nilang hukbo , at humantong laban sa Gabaon , at nakipagdigma laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa Gilgal , na sinasabi , Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod ; sampahin mo kaming madali , at iligtas mo kami , at tulungan mo kami : sapagka&apos;t ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y sumampa si Josue mula sa Gilgal , siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya , at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Huwag mo silang katakutan : sapagka&apos;t aking ibinigay sila sa iyong mga kamay ; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila ; siya&apos;y sumampa mula sa Gilgal buong gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel , at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon , at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon , at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca , at sa Maceda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila&apos;y nasa babaan sa Beth-horon , na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit , at sila&apos;y namatay : sila&apos;y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel ; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel , Araw , tumigil ka sa Gabaon ; At ikaw , Buwan , sa libis ng Ajalon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang araw ay tumigil , at ang buwan ay huminto , Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway . Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher ? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit , at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon , na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao : sapagka&apos;t ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya , sa kampamento sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nasaysay kay Josue , na sinasabi , Ang limang hari ay nasumpungan , na nakatago sa yungib sa Maceda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Josue , Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib , at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t huwag kayong magsitigil ; inyong habulin ang inyong mga kaaway , at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila ; huwag ninyong tiising pumasok , sa kanilang mga bayan : sapagka&apos;t ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila , hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay : walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Josue , Inyong buksan ang bunganga ng yungib , at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang ginawang gayon , at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib , ang hari sa Jerusalem , ang hari sa Hebron , ang hari sa Jarmuth , ang hari sa Lachis , ang hari sa Eglon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari , nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel , at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya , Lumapit kayo , ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito . At sila&apos;y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Josue sa kanila , Huwag kayong matakot , ni manglupaypay ; kayo&apos;y magpakalakas at magpakatapang na maigi : sapagka&apos;t ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue , at ipinapatay sila , at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy ; at sila&apos;y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari sa paglubog ng araw , na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy , at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan , at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon , at sinugatan ng talim ng tabak , at ang hari niyaon ; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon , wala siyang iniwang nalabi : at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Josue ay dumaan mula sa Maceda , at ang buong Israel na kasama niya , hanggang sa Libna , at lumaban sa Libna :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ibinigay rin ng Panginoon , sangpu ng hari niyaon , sa kamay ng Israel ; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak , at ang lahat na tao na nandoon ; wala siyang iniwan doon ; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At dumaan si Josue mula sa Libna , at ang buong Israel na kasama niya , hanggang sa Lachis , at humantong laban doon , at lumaban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw , at sinugatan ng talim ng tabak , at ang lahat na tao na nandoon , ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang magkagayo&apos;y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis ; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan , hanggang sa walang iniwan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At dumaan si Josue mula sa Lachis , at ang buong Israel na kasama niya , hanggang sa Eglon ; at sila&apos;y humantong laban doon , at nakipaglaban doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kanilang sinakop nang araw na yaon , at sinugatan ng talim ng tabak , at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon , ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sumampa si Josue mula sa Eglon , at ang buong Israel na kasama niya , hanggang sa Hebron ; at sila&apos;y nakipaglaban doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kanilang sinakop , at sinugatan ng talim ng tabak , at ang hari niyaon , at ang lahat ng mga bayan niyaon , at ang lahat na tao na nandoon ; wala siyang iniwang nalabi , ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon ; kundi kaniyang lubos na nilipol , at ang lahat na tao na nandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir ; at nakipaglaban doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kaniyang sinakop at ang hari niyaon , at ang lahat ng mga bayan niyaon ; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon : wala siyang iniwang nalabi : kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron , ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir , at sa hari niyaon ; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain , ang lupaing maburol , at ang Timugan , at ang mababang lupain , at ang mga tagudtod , at ang lahat ng hari niyaon ; wala siyang iniwang nalabi : kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga , gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza , at ang buong lupain ng Gosen , hanggang sa Gabaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan , sapagka&apos;t ipinakipaglaban ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang mabalitaan ni Jabin na hari sa Hasor , na siya&apos;y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon , at sa hari sa Simron , at sa hari sa Achsaph ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa mga hari na nangasa hilagaan , sa lupaing maburol , at sa Araba sa timugan ng Cinneroth at sa mababang lupain , at sa mga kaitaasan ng Dor sa kalunuran ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo , at sa Hetheo , at sa Pherezeo , at sa Jebuseo sa lupaing maburol , at sa Heveo sa ibaba ng Hermon , sa lupain ng Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y lumabas , sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila , maraming tao , na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan , na may mga kabayo at mga karo na totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan ; at sila&apos;y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom , upang makipaglaban sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Panginoon kay Josue , Huwag kang matakot ng dahil sa kanila ; sapagka&apos;t bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel : inyong pipilayan ang kanilang mga kabayo , at sisilaban ng apoy ang kanilang mga karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y biglang naparoon si Josue , at ang buong bayang pangdigma na kasama niya , laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom , at dumaluhong sila sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel , at sinaktan nila , at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon , at hanggang sa Misrephoth-maim , at hanggang sa libis ng Mizpa , sa dakong silanganan ; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya ; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo , at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor , at sinugatan ng tabak ang hari niyaon : sapagka&apos;t ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon , na kanilang lubos na nilipol : walang naiwan na may hininga , at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue , at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila ; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton , ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon , liban sa Hasor lamang , na sinunog ni Josue .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili ; nguni&apos;t ang bawa&apos;t tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila , ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung paanong nagutos ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod , ay gayon nagutos si Moises kay Josue : at gayon ang ginawa ni Josue ; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon , ang lupaing maburol , at ang buong Timugan , at ang buong lupain ng Gosen , at ang mababang lupain , at ang Araba , at ang lupaing maburol ng Israel , at ang mababang lupain niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mula sa bundok ng Halac na paahon sa Seir , hanggang sa Baal-gad sa libis ng Libano sa ibaba ng bundok Hermon : at kinuha niya ang lahat nilang hari , at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel , liban ang mga Heveo na mga taga Gabaon : kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso , upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka , upang kanilang malipol silang lubos , na huwag silang magtamo ng biyaya , kundi kaniyang malipol sila , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol , sa Hebron , sa Debir , sa Anab , at sa buong lupaing maburol ng Juda , at sa buong lupaing maburol ng Israel : nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel : sa Gaza , sa Gath , at sa Asdod lamang , nagiwan siya ng ilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises ; at ibinigay ni Josue na pinakamana sa Israel , ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi . At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel , at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon , at ng buong Araba na dakong silanganan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Sehon na hari ng mga Amorrheo , na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa Aroer , na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis , at ang kalahati ng Galaad , hanggang sa ilog Jaboc , na hangganan ng mga anak ni Ammon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth , na dakong silanganan , at hanggang sa dagat ng Araba , Dagat na Alat , na dakong silanganan , na daang patungo sa Beth-jesimoth ; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang hangganan ni Og na hari sa Basan , sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa Astaroth at sa Edrei ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagpuno sa bundok ng Hermon , at sa Salca , at sa buong Basan , hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo , at ng kalahati ng Galaad , na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sinaktan sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel : at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita , at sa mga Gadita , at sa kalahating lipi ni Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga ito&apos;y ang mga hari ng lupain na sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran , mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac , na pasampa sa Seir ( at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabahagi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa lupaing maburol , at sa mababang lupain , at sa Araba , at sa mga tagudtod , at sa ilang , at sa Timugan ; ang Hatheo , ang Amorrheo , at ang Cananeo , ang Pherezeo , ang Heveo , at ang Jebuseo ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang hari sa Jerico , isa ; ang hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang hari sa Jerusalem , isa ; ang hari sa Hebron , isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang hari sa Jarmuth , isa ; ang hari sa Lachis , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang hari sa Eglon , isa ; ang hari sa Gezer , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang hari sa Debir , isa ; ang hari sa Geder , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang hari sa Horma , isa ; ang hari sa Arad , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang hari sa Libna , isa ; ang hari sa Adullam , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang hari sa Maceda , isa ; ang hari sa Beth-el , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang hari sa Tappua , isa ; ang hari sa Hepher , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang hari sa Aphec , isa ; ang hari sa Lasaron , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang hari sa Madon , isa ; ang hari sa Hasor , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang hari sa Simron-meron , isa ; ang hari sa Achsaph , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang hari sa Taanach , isa ; ang hari sa Megiddo , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang hari sa Chedes , isa ; ang hari sa Jocneam sa Carmel , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor , isa ; ang hari ng mga bansa sa Gilgal , isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang hari sa Tirsa , isa ; lahat ng hari ay tatlong pu&apos;t isa ;</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Josue nga&apos;y matanda at puspos ng mga taon ; at sinabi ng Panginoon sa kaniya , Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon , at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito ang lupain na nalalabi pa : ang lahat na lupain ng mga Filisteo , at ang lahat na Gessureo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto , hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan , na nabilang sa mga Cananeo : ang limang pangulo ng mga Filisteo , ang mga Gazeo , ang mga Asdodeo , ang mga Ascaloneo , ang mga Getheo , ang mga Accaronneo ; gayon din ang mga Heveo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa dakong timugan : ang lahat na lupain ng mga Cananeo , at ang Mehara , na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec , na hangganan ng mga Amorrheo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano , sa dakong sinisikatan ng araw , mula sa Baal-gad , sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim , sa makatuwid baga&apos;y lahat ng mga Sidonio ; sila&apos;y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel : iyo lamang bahagihin sa Israel na pinakamana , gaya ng iniutos ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi , at sa kalahating lipi ni Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa kaniya&apos;y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita , ang kanilang mana , na ibinigay sa kanila ni Moises , sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon , at ang bayan na nasa gitna ng libis , at ng buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo , na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang Galaad , at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon , at ang buong Basan hanggang sa Salca ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang buong kaharian ni Og sa Basan , na naghari sa Astaroth at sa Edrei ( na siyang naiwang labi sa mga Rephaim ) ; sapagka&apos;t sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo , ni ang mga Maachateo ; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana ; ang mga handog sa Panginoon , sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana , gaya ng sinalita niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer , na nasa tabi ng libis ng Arnon , at ang bayang nasa gitna ng libis , at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan ; ang Dibon at ang Bamoth-baal , at ang Beth-baal-meon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang Jaas , at ang Ced-demoth , at ang Mephaath ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang Chiriataim , at ang Sibma , at ang Zereth-shahar , sa bundok ng libis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Beth-peor , at ang mga tagudtod ng Pisga , at ng Beth-jesimoth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon , na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian , si Hevi , si Recem , at si Sur , at si Hur , at si Reba , na mga prinsipe ni Sehon , na tumahan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula , ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan , at ang hangganan niyaon . Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayan at ang mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad , sa mga anak ni Gad , ng ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang kanilang hangganan ay ang Jacer , at ang lahat na bayan ng Galaad , at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At mula sa Hesbon hanggang sa Ramathmizpe , at sa Betonim ; at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa libis , ang Beth-aram , at ang Beth-nimra , at ang Sucoth , at ang Saphon , na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon , ang Jordan at ang hangganan niyaon , hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth , sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayan at ang mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases : at yao&apos;y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim , ang buong Basan , ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan , anim na pung bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei , ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan , ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases , sa makatuwid baga&apos;y sa kalahati ng mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab , sa dako roon ng Jordan sa Jerico , na dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nguni&apos;t sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana : ang Panginoon , ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana , gaya ng kaniyang sinalita sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan , na binahagi sa kanila ni Eleazar na saserdote , at ni Josue na anak ni Nun , at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa pamamagitan ng sapalaran ng kanilang mana , gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises , sa siyam na lipi , at sa kalahating lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan : nguni&apos;t sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim : at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain , liban ang mga bayan na matahanan , pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung paano iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel , at kanilang binahagi ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal : at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo , Iyong talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na lalake ng Dios , tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y may apat na pung taon nang ako&apos;y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain ; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan : nguni&apos;t ako&apos;y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon , na nagsasabi , Tunay na ang lupain na tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man , sapagka&apos;t sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayon , narito , iningatan akong buhay ng Panginoon , gaya ng kaniyang sinalita , nitong apat na pu&apos;t limang taon , mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises , samantalang lumalakad ang Israel sa ilang ; at ngayon , narito , sa araw na ito ako&apos;y may walong pu&apos;t limang taon na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon ma&apos;y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises : kung paano nga ang lakas ko noon , ay gayon ang lakas ko ngayon , sa pakikidigma , at gayon din sa paglalabas pumasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon nga&apos;y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon : sapagka&apos;t iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo , at mga bayang malalaki at nakukutaan : marahil ay sasa akin ang Panginoon , at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone , na pinakaari niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito ; sapagka&apos;t kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon , ang Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba ; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo . At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom ; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan , sa kahulihulihang bahagi ng timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat , mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim , at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea , at patuloy sa Hezron , at pasampa sa Addar , at paliko sa Carca :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At patuloy sa Azmon , at palabas sa batis ng Egipto , at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat : ito ang magiging inyong hangganang timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat , hanggang sa katapusan ng Jordan . At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla , at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba ; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor , at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal , na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin , na nasa dakong timugan ng ilog : at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes , at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan ( na siya ring Jerusalem ) : at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran , na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa , at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron , at ang hangganan ay paabot sa Baala ( na siya ring Chiriath-jearim ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir , at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan ( na siya ring Chesalon ) , at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan ; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron , at patuloy sa bundok ng Baala , at palabas sa Jabneel ; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat , at ang hangganan niyaon . Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot , ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda , ayon sa utos ng Panginoon kay Josue , sa makatuwid baga&apos;y ang Chiriath-arba , na siyang Arba na ama ni Anac ( na siya ring Hebron ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac : si Sesai , si Aiman at si Talmai , na mga anak ni Anac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir : ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Caleb , Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop , sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez , na kapatid ni Caleb : at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang si Axa ay malakip sa kaniya , na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang : at siya&apos;y bumaba sa kaniyang asno , at sinabi ni Caleb sa kaniya , Anong ibig mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang sinabi , Pagpalain mo ako ; sapagka&apos;t inilagay mo ako sa lupaing Timugan , ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig . At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel , at Eder , at Jagur ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At Cina , at Dimona , at Adada ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At Cedes , at Asor , at Itnan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At Ziph , at Telem , at Bealoth ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At Asor-hadatta , at Cheriothhesron ( na siya ring Asor ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Amam , at Sema , at Molada ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At Asar-gadda , at Hesmon , at Beth-pelet ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At Hasar-sual , at Beer-seba , at Bizotia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Baala , at Iim , at Esem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At Eltolad , at Cesil , at Horma ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At Siclag , at Madmanna , at Sansana ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At Lebaoth at Silim , at Ain at Rimmon : lahat ng mga bayan ay dalawang pu&apos;t siyam , pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa mababang lupain : Estaol , at Sorea , at Asena ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At Zanoa , at En-gannim , Tappua , at En-am ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Jarmuth at Adullam , Socho at Aceca ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At Saraim at Adithaim , at Gedera at Gederothaim ; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Senan , at Hadasa , at Migdalgad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At Dilan , at Mizpe , at Jocteel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Lachis , at Boscat , at Eglon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At Cabon , at Lamas , at Chitlis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At Gederoth , at Beth-dagon , at Naama at Maceda : labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Libna , at Ether , at Asan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At Jiphta , at Asna , at Nesib ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At Ceila , at Achzib , at Maresa ; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ecron at ang mga bayan niyaon , at ang mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Mula sa Ecron hanggang sa dagat , lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Asdod , ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon , Gaza , ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon ; hanggang sa batis ng Egipto , at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sa lupaing maburol , Samir , at Jattir , at Soco ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At Danna , at Chiriat-sanna ( na siyang Debir ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At Anab , at Estemo , at Anim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At Gosen , at Olon , at Gilo : labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Arab , at Dumah , at Esan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At Janum , at Beth-tappua , at Apheca :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At Humta , at Chiriath-arba ( na siyang Hebron ) , at Sior ; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Maon , Carmel , at Ziph , at Juta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At Izreel , at Jocdeam , at Zanoa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Cain , Gibea , at Timna : sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Halhul , Beth-zur , at Gedor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At Maarath , at Beth-anoth , at Eltecon ; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Chiriath-baal ( na siyang Chiriath-jearim ) , at Rabba : dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Sa ilang ; Beth-araba , Middin , at Sechacha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At Nibsan , at ang Bayan ng Asin , at En-gedi : anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda : kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico , sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan , hanggang sa ilang na pasampa , mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At palabas mula sa Beth-el na patungo sa Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo , hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba , hanggang sa Gezer : at ang mga labasan niyaon ay sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose , ng Manases , at ng Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito : ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar , hanggang sa Beth-horon sa itaas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat , sa hilagaan ; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara , at abot hanggang sa Jerico , at palabas sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana : at ang labasan niyaon ay sa dagat . Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pati ng mga bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases , lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer : kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito , at naging mga alilang tagapagatag .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases ; sapagka&apos;t siya ang panganay ni Jose . Tungkol kay Machir na panganay ni Manases , na ama ni Galaad , sapagka&apos;t siya&apos;y lalaking mangdidigma , ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang napasa ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan , sa mga anak ng Abiezer , at sa mga anak ng Helec , at sa mga anak ng Esriel , at sa mga anak ng Sichem , at sa mga anak ng Hepher , at sa mga anak ng Semida ; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose , ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t si Salphaad na anak ni Hepher , na anak ni Galaad na anak ni Machir , na anak ni Manases , ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae : at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak : Maala , at Noa , Hogla , Milcha , at Tirsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y lumapit sa harap ni Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun , at sa harap ng mga prinsipe , na sinasabi , Iniutos ng Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid : kaya&apos;t ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nahulog ang sangpung bahagi kay Manases , bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan , na nasa dako roon ng Jordan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak ; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat , na nasa tapat ng Sichem ; at ang hangganan ay patuloy sa kanan , hanggang sa mga taga En-tappua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases : nguni&apos;t ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana , na dakong timugan ng batis : ang mga bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases : at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis , at ang labasan niyaon ay sa dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim , at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases , at ang dagat ay hangganan niyaon ; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tinatangkilik ng Manases sa Issachar at sa Aser ang Beth-san at ang mga nayon niyaon , at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon , at ang mga taga Dor , at ang mga nayon niyaon , at ang mga taga En-dor at ang mga nayon niyaon , at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon , at ang mga taga Megiddo , at ang mga nayon niyaon , ang tatlong kaitaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon ma&apos;y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon ; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , nang ang mga anak ni Israel ay lumakas , na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa pagaatag , at hindi nila lubos na pinalayas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue , na sinasabi , Bakit ang ibinigay mo sa akin ay isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana , dangang malaking bayan ako , sapagka&apos;t pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Josue sa kanila , Kung ikaw ay malaking bayan , sumampa ka sa gubat , at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim ; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng mga anak ni Jose , Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin ; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay may mga karong bakal , sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon , at gayon din sila na nasa libis ng Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose , ni Ephraim at ni Manases , na sinasabi , Ikaw ay malaking bayan , at may dakilang kapangyarihan : hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo ; sapagka&apos;t bagaman isang gubat ay iyong malalawag , at ang labasan niyaon ay magiging iyo , sapagka&apos;t iyong palalayasin ang mga Cananeo , bagaman sila&apos;y may mga karong bakal , at bagaman sila&apos;y matibay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa Silo , at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon : at ang lupain ay sumuko sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel , Hanggang kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon , ng Dios ng inyong mga magulang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa&apos;t lipi : at aking susuguin , at sila&apos;y babangon at lalakad sa lupain , at iguguhit ayon sa kanilang mana ; at sila&apos;y paririto sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang babahagihin ng pitong bahagi : ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan , at ang sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi , at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin : at aking ipagsasapalaran dito sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo ; sapagka&apos;t ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana : at ang Gad , at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan , na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga lalake ay tumindig at yumaon : at ibinilin sa kanila ni Josue na yumaong iguhit ang lupain , na sinasabi , Yumaon kayo at lakarin ninyo ang lupain at iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin , at aking ipagsasapalaran sa inyo dito sa harap ng Panginoon sa Silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain , at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi , at sila&apos;y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ipinagsapalaran ni Josue sa kanila sa Silo sa harap ng Panginoon ; at binahagi roon ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan : at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan ; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan , at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran ; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng Beth-aven .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz , sa dako ng Luz ( na siyang Beth-el ) , na dakong timugan ; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar , sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng Beth-horon sa ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan , at ang mga labasan niyaon ay sa Chiriath-baal ( na siyang Chiriath-jearim ) , na bayan ng mga anak ni Juda : ito ang kalunurang sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran , at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom , na nasa libis ng Rephaim na dakong hilagaan ; at pababa sa libis ni Hinnom , sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa En-rogel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes , at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim ; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan , at pababa sa Araba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan , at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat , sa timugang dulo ng Jordan ; ito ang timugang hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan . Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot , ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico , at Beth-hogla , at Emec-casis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At Beth-araba , at Samaraim , at Beth-el ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At Avim , at Para , at Ophra ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At Cephar-hammonai , at Ophni , at Gaba , labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Gabaon , at Rama , at Beeroth ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At Mizpe , at Chephira , at Moza ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At Recoem , at Irpeel , at Tarala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At Sela , Eleph , at Jebus ( na siyang Jerusalem ) , Gibeath , at Chiriath ; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon . Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon , sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan : at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba , o Seba , at Molada ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At Hasar-sual , at Bala , at Esem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At Heltolad , at Betul , at Horma ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At Siclag , at Beth-marchaboth , at Hasarsusa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At Beth-lebaoth , at Saruhen : labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ain , Rimmon , at Eter , at Asan , apat na bayan pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer , Ramat ng Timugan . Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon : sapagka&apos;t ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila ; kaya&apos;t ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan . At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala , at abot sa Dabbeseth at mula roo&apos;y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor , at palabas sa Dabrath , at pasampa sa Japhia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher , sa Ittakazin ; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton : at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa Catah , at sa Naalal , at sa Simron , at sa Ideala , at sa Bethlehem : labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar , sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel , at Chesulloth , at Sunem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At Hapharaim , at Sion , at Anaarath ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At Rabbit , at Chision , at Ebes ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At Rameth , at En-gannim , at En-hadda , at Beth-passes ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang hangganan ay abot sa Tabor , at Sahasim , at sa Beth-semes ; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan : labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang kanilang hangganan ay Helchat , at Hali , at Beten , at Axaph ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At Alammelec , at Amead , at Miseal ; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon , at abot sa Zabulon , at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel ; at palabas sa Cabul sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At Hebron , at Rehob , at Hammon , at Cana , hanggang sa malaking Sidon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang hangganan ay paliko sa Rama , at sa bayang nakukutaan ng Tiro ; at ang hangganan ay paliko sa Hosa , at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon din ang Umma , at Aphek , at Rehob : dalawang pu&apos;t dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali , sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph , mula sa encina sa Saananim , at sa Adamineceb , at sa Jabneel , hanggang sa Lacum ; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor , at palabas sa Hucuca mula roon ; at abot sa Zabulon sa timugan , at abot sa Aser sa kalunuran , at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim , Ser , at Hamath , Raccath , at Cinneret ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At Adama , at Rama , at Asor ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At Cedes , at Edrei , at En-hasor ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At Iron , at Migdalel , Horem , at Beth-anath , at Beth-semes : labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ito ang mana ng lipi , ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora , at Estaol , at Ir-semes ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At Saalabin , at Ailon , at Jeth-la ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At Elon , at Timnath , at Ecron ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At Elteche , at Gibbethon , at Baalat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At Jehul , at Bene-berac , at Gatrimmon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At Me-jarcon , at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon ; sapagka&apos;t ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem , at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak , at inari at tumahan doon , at tinawag ang Lesem , na Dan , ayon sa pangalan ni Dan , na kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan , ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon ; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi , ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim : at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun , at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana , sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan . Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsalita ka sa mga anak ni Israel , na sabihin mo , Italaga ninyo sa inyo ang mga bayang ampunan , na aking sinalita sa inyo sa pamamagitan ni Moises :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Upang matakasan ng nakamatay , na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa : at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y tatakas sa isa sa mga bayang yaon , at tatayo sa pasukan ng pintuan ng bayan , at magsasaysay sa mga pakinig ng mga matanda sa bayang yaon ; at kanilang kukunin siya sa bayan na ipagsasama nila , at bibigyan nila siya ng isang dako , upang siya&apos;y tumahan sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kung siya&apos;y habulin ng manghihiganti sa dugo , hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay ; sapagka&apos;t kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya , at hindi niya kinapootan nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y tatahan sa bayang yaon , hanggang sa siya&apos;y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan , hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote , na nalalagay sa mga araw na yaon : kung magkagayo&apos;y uuwi ang nakamatay , at paroroon sa kaniyang sariling bayan , at sa kaniyang sariling bahay , hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang ibinukod ang Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali , at ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim , at ang Chiriath-arba ( na siyang Hebron ) sa lupaing maburol ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan , ay kaniyang itinalaga ang Beser sa ilang sa kapatagan , mula sa lipi ni Ruben , at ang Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad , at ang Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ito ang mga itinalagang bayan sa lahat ng mga anak ni Israel , at sa taga ibang lupa na tumatahan sa gitna nila , na sinomang makamatay ng sinomang tao , na hindi sinasadya , ay makatakas doon , at huwag mapatay ng kamay ng manghihiganti sa dugo , hanggang hindi nahaharap sa kapisanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote , at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y nagsalita sa kanila sa Silo , sa lupain ng Canaan , na sinasabi , Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises , na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan , pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita , ayon sa utos ng Panginoon , ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas ; at ang mga anak ni Aaron na saserdote , na kabilang sa mga Levita , ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda , at sa lipi ng mga Simeonita , at sa lipi ni Benjamin , ng labing tatlong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim , at sa lipi ni Dan , at sa kalahating lipi ni Manases , ng sangpung bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar , at sa lipi ni Aser , at sa lipi ni Nephtali , at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan , ng labing tatlong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben , at sa lipi ni Gad , at sa lipi ni Zabulon , ng labing dalawang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito , gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa lipi ng mga anak ni Juda , at sa lipi ng mga anak ni Simeon , ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pawang sa mga anak ni Aaron , sa mga angkan ng mga Coathita , na mga anak ni Levi : sapagka&apos;t sa kanila ang unang kapalaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba , na siyang Arba na ama ni Anac , ( na siya ring Hebron , ) sa lupaing maburol ng Juda , pati ng mga nayon niyaon sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ang mga parang ng bayan , at ang mga nayon , ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon , ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay , at ang Libna pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon , at ang Estemoa , pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Helon pati ng mga nayon niyaon , at ang Debir pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang Ain pati ng mga nayon niyaon , at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon , at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon ; siyam na bayan sa dalawang liping yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa lipi ni Benjamin , ang Gabaon pati ng mga nayon niyaon , ang Geba pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon , at ang Almon pati ng mga nayon niyaon ; apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tinamo ng mga angkan ng mga anak ni Coath , na mga Levita , sa makatuwid baga&apos;y ang nangalabi sa mga anak ni Coath , ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ibinigay nila sa kanila ang Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim , na bayang ampunan na ukol sa nakamatay , at ang Geser pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon , at ang Beth-horon pati ng mga nayon niyaon ; apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa lipi ni Dan , ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon , ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Ailon pati ng mga nayon niyaon ; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon ; apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa kalahating lipi ni Manases , ang Taanach pati ng mga nayon niyaon ; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon ; dalawang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa mga anak ni Gerson , sa mga angkan ng mga Levita , ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon , ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay ; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon ; dalawang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa lipi ni Issachar , ang Cesion pati ng mga nayon niyaon , ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon , ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon : apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa lipi ni Aser , ang Miseal pati ng mga nayon niyaon , ang Abdon pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon , ang Rehob pati ng mga nayon niyaon ; apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay , ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon , at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon , at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon ; tatlong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sa mga angkan ng mga anak ni Merari , na nalabi sa mga Levita , sa lipi ni Zabulon , ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon , at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon , ang Naalal pati ng mga nayon niyaon ; apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa lipi ni Ruben ; ang Beser pati ng mga nayon niyaon , at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon , at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon ; apat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay , ang Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon , ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon , at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon , apat na bayang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan , sa makatuwid baga&apos;y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita ; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apat na pu&apos;t walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang mga bayang ito ay kalakip bawa&apos;t isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon : gayon sa lahat ng mga bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sa gayo&apos;y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang : at kanilang inari at tumahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot , ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang : at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila ; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel , lahat ay nangyari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita , at ang mga Gadita , at ang kalahating lipi ni Manases ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi sa kanila , Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon , at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito , kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ngayo&apos;y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid , gaya ng sinalita niya sa kanila : kaya&apos;t ngayo&apos;y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari , na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon , na ibigin ang Panginoon ninyong Dios , at lumakad sa lahat niyang mga daan , at ingatan ang kaniyang mga utos , at lumakip sa kaniya , at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila : at sila&apos;y umuwi sa kanilang mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan : nguni&apos;t ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran . Bukod dito&apos;y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda , ay binasbasan sila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinalita sa kanila , na sinasabi , Kayo&apos;y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda , at may maraming hayop , may pilak , at may ginto , at may tanso , at may bakal , at may maraming kasuutan : magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Ruben , at ang mga anak ni Gad , at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo , na nasa lupain ng Canaan , upang pumaroon sa lupain ng Galaad , sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari , ayon sa utos ng Panginoon , sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang sila&apos;y dumating sa may lupain ng Jordan , na nasa lupain ng Canaan , ang mga anak ni Ruben , at ang mga anak ni Gad , at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan , isang malaking dambana na matatanaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At narinig ng mga anak ni Israel , na sinabi , Narito , ang mga anak ni Ruben , ang mga anak ni Gad , at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan , sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang marinig ng mga anak ni Israel , ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel , upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben , at sa mga anak ni Gad , at sa kalahating lipi ni Manases , sa lupain ng Galaad , si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kasama niya ay sangpung prinsipe , na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa&apos;t isa sa mga lipi ng Israel ; at bawa&apos;t isa sa kanila&apos;y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y naparoon sa mga anak ni Ruben , at sa mga anak ni Gad , at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad , at sinalita nila sa kanila na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon , Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel , na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon , sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana , upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor , na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito , bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang kayo&apos;y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon ? at mangyayari na sapagka&apos;t kayo&apos;y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon man , kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi , lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon , na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon , at kumuha kayo ng ari sa gitna namin : nguni&apos;t huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon , ni manghimagsik laban sa amin , sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay , at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel ? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang mga anak ni Ruben , at ang mga anak ni Gad , at ang kalahating lipi ni Manases , at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang Makapangyarihan , ang Dios , ang Panginoon , ang Makapangyarihan , ang Dios , ang Panginoon , ay siyang nakatatalastas ; at matatalastas ng Israel ; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon , ( huwag mo kaming iligtas sa araw na ito , )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon ; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina , o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , siyasatin nga ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kung hindi namin ginawang maingat ito , at inakala , na sabihin . Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak , na sasabihin , Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon , sa Dios ng Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo , ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad : kayo&apos;y walang bahagi sa Panginoon : sa gayo&apos;y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t aming sinabi , Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana , hindi upang sa handog na susunugin , ni sa hain man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo , at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin , upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan ; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating , Kayo&apos;y walang bahagi sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t sinabi namin , Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating , ay aming sasabihin , Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang , hindi upang sa handog na susunugin , ni sa hain : kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon , at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin , para sa handog na harina , o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang marinig ni Phinees na saserdote , at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya , ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben , at ng mga anak ni Gad , at ng mga anak ni Manases , ay nakalugod na mabuti sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben , at sa mga anak ni Gad , at sa mga anak ni Manases , Sa araw na ito ay talastas namin , na ang Panginoon ay nasa gitna natin , sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon : inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe , ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben , at mula sa mga anak ni Gad , sa lupain ng Galaad , na tumungo sa lupain ng Canaan , sa mga anak ni Israel , at binigyan nilang sagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel ; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad : Sapagka&apos;t anila , saksi sa pagitan natin , na ang Panginoon ay Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari pagkaraan ng maraming araw , nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot , at si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na tinawag ni Josue ang buong Israel , ang kanilang mga matanda , at ang kanilang mga pangulo , at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga pinuno , at sinabi sa kanila , Ako&apos;y matanda na at puspos ng mga taon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo ; sapagka&apos;t ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , aking binahagi sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi , upang maging mana sa inyong mga lipi , mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay , hanggang sa malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo , at palalayasin sila sa inyong paningin , at inyong aariin ang kanilang lupain na gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t kayo&apos;y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito , sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo ; huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios , ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon , ni maglingkod sa mga yaon , ni yumukod sa mga yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios , na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas : nguni&apos;t tungkol sa inyo , ay walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo : sapagka&apos;t ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios , gaya ng sinalita niya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili , na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito , sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo , at kayo&apos;y magaasawa sa kanila , at kayo&apos;y lalakip sa kanila , at sila sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ay tatalastasin ninyong lubos na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin : kundi sila&apos;y magiging silo at lalang sa inyo , at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo&apos;y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At , narito , sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa : at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo ; lahat ay nangyari sa inyo , wala kahit isang bagay na nagkulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mangyayari , na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios , ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay , hanggang sa kayo&apos;y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagka inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios , na kaniyang iniutos sa inyo , at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon ; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo , at kayo&apos;y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pinisan ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa Sichem , at tinawag ang mga matanda ng Israel at ang kanilang mga pangulo , at ang kanilang mga hukom , at ang kanilang mga pinuno ; at sila&apos;y nagsiharap sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Josue sa buong bayan , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog , na dili iba&apos;t si Thare , na ama ni Abraham at ama ni Nachor : at sila&apos;y naglingkod sa ibang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kinuha ko ang inyong amang si Abraham mula sa dako roon ng Ilog at pinatnubayan ko siya sa buong lupain ng Canaan , at pinarami ko ang kaniyang binhi at ibinigay ko sa kaniya si Isaac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ibinigay ko kay Isaac si Jacob at si Esau : at ibinigay ko kay Esau ang bundok ng Seir upang ariin ; at si Jacob at ang kaniyang mga anak ay bumabang pumasok sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking sinugo si Moises at si Aaron , at sinalot ko ang Egipto , ayon sa aking ginawa sa gitna niyaon : at pagkatapos ay inilabas ko kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto : at kayo&apos;y naparoon sa dagat ; at hinabol ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang , ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang sila&apos;y dumaing sa Panginoon ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto , at itinabon ang dagat sa kanila , at tinakpan sila ; at nakita ng inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo&apos;y tumahan sa ilang na malaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo , na tumatahan sa dako roon ng Jordan , at sila&apos;y nakipagbaka sa inyo ; at ibinigay ko sila sa inyong kamay , at inyong inari ang kanilang lupain : at nilipol ko sila sa harap ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y tumindig si Balac na anak ni Zippor , na hari sa Moab , at dumigma laban sa Israel ; at siya&apos;y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor , upang sumpain kayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t hindi ko dininig si Balaam ; kaya&apos;t binasbasan nga niya kayo : gayon iniligtas ko kayo sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kayo&apos;y tumawid sa Jordan at dumating sa Jerico : at ang mga tao sa Jerico ay nakipaglaban sa inyo , ang Amorrheo , at ang Pherezeo , at ang Cananeo , at ang Hetheo , at ang Gergeseo , ang Heveo , at ang Jebuseo , at ibinigay ko sila sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo , na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo , sa makatuwid baga&apos;y sa dalawang hari ng mga Amorrheo : hindi sa pamamagitan ng inyong tabak , ni ng inyong busog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid , at ng mga bayang hindi ninyo itinayo , at inyong tinatahanan ; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon , at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan : at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto ; at inyong paglingkuran ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon , ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran ; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog , o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan : nguni&apos;t sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang bayan ay sumagot at nagsabi , Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto , mula sa bahay ng pagkaalipin , at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin , at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan , at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At itinaboy ng Panginoon sa harap natin ang lahat ng mga bayan , ang mga Amorrheo na tumahan sa lupain : kaya&apos;t kami ay maglilingkod din sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Josue sa bayan , Kayo&apos;y hindi makapaglilingkod sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y isang banal na Dios ; siya&apos;y mapanibughuing Dios ; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung inyong pabayaan ang Panginoon , at maglingkod sa ibang mga dios : ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng bayan kay Josue , Hindi : kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Josue sa bayan , Kayo&apos;y mga saksi laban sa inyong sarili na inyong pinili sa inyo ang Panginoon , upang paglingkuran siya . At sinabi nila , Kami ay mga saksi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ngayon nga&apos;y alisin ninyo , sabi niya , ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon , na Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng bayan kay Josue , Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran , at ang kaniyang tinig ay aming didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa gayo&apos;y nakipagtipan si Josue sa bayan nang araw na yaon , at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios ; at siya&apos;y kumuha ng malaking bato , at inilagay sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ni Josue sa buong bayan , Narito , ang batong ito ay magiging saksi laban sa atin , sapagka&apos;t narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita sa atin : ito nga&apos;y magiging saksi laban sa inyo , baka ninyo itakuwil ang inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y pinapagpaalam ni Josue ang bayan , bawa&apos;t isa sa kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na si Josue , na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon , ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa Timnath-sera , na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue , at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga buto ni Jose , na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay inilibing nila sa Sichem , sa putol ng lupa na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi : at mga naging mana ng mga anak ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At namatay si Eleazar na anak ni Aaron ; at inilibing nila siya sa burol ni Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa lupaing maburol ng Ephraim .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "7">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkamatay ni Josue , na itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon , na sinasabi , Sino ang unang sasampa sa amin laban sa mga Cananeo , upang lumaban sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon , Ang Juda ang sasampa : narito , aking ibinigay ang lupain sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Juda sa Simeon na kaniyang kapatid , Sumampa kang kasama ko sa aking kapalaran , upang ating kalabanin ang mga Cananeo ; at ako nama&apos;y sasama sa iyong kapalaran . Sa gayo&apos;y yumaon ang Simeon na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumampa ang Juda ; at ibinigay ng Panginoon ang mga Cananeo , at ang mga Pherezeo sa kanilang kamay : at sinaktan nila sa kanila sa Bezec ay sangpung libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang nasumpungan si Adoni-bezec sa Bezec : at siya&apos;y nilabanan nila , at kanilang sinaktan ang mga Cananeo at ang mga Pherezeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t tumakas si Adoni-bezec ; at kanilang hinabol siya , at hinuli siya , at pinutol nila ang mga daliring hinlalaki ng kaniyang kamay at paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Adoni-bezec , Pitong pung hari , na mga may putol ng kanilang mga hinlalaki sa kamay at sa paa ay namulot ng kanilang pagkain sa ilalim ng aking dulang : kung paano ang aking ginawa ay gayon ako pinaghigantihan ng Dios . At dinala nila siya sa Jerusalem , at siya&apos;y namatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem , at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak , at sinilaban ng apoy ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagkatapos , ang mga anak ni Juda ay lumusong na lumaban sa mga Cananeo na tumatahan sa mga lupaing maburol , at sa Timugan , at sa mababang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Juda&apos;y yumaon laban sa mga Cananeo na tumatahan sa Hebron ( ang pangalan ng Hebron nang una ay Chiriath-arba : ) at kanilang sinaktan ang Sesai , at ang Ahiman , at ang Talmai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mula roo&apos;y yumaon laban sa mga taga Debir . ( Ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Caleb , Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop niyaon , ay doon ko papagaasawahin si Axa na aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Othoniel na anak ni Cenez , kapatid na bata ni Caleb , ay siyang sumakop : at pinapag-asawa nito sa kaniya si Axa na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangyari , nang makipisan si Axa , na kaniyang kinilos siya na humingi sa kaniyang ama ng isang bukid : at siya&apos;y bumaba sa kaniyang asno , at sinabi ni Caleb sa kaniya , Anong ibig mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Axa sa kaniya , Bigyan mo ako ng isang kaloob ; sapagka&apos;t inilagay mo ako sa lupain na Timugan , bigyan mo naman ako ng mga bukal ng tubig . At ibinigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas , at ang mga bukal sa ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga anak ni Cineo , na bayaw ni Moises ay umahon sa bayan ng mga puno ng palma na kasama ng mga anak ni Juda sa ilang ng Juda , na nasa timugan ng Arad ; at sila&apos;y naparoon at nagsitahang kasama ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang Juda&apos;y yumaong kasama ng Simeon na kaniyang kapatid , at kanilang sinaktan ang mga Cananeo na nagsisitahan sa Sephath at lubos na pinuksa . At ang pangalan ng bayan ay tinawag na Horma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinakop rin naman ng Juda ang Gaza pati ng hangganan niyaon at ang Ascalon pati ng hangganan niyaon , at ang Ecron pati ng hangganan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang Panginoon ay sumasa Juda ; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol ; sapagka&apos;t hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis , dahil sa sila&apos;y may mga karong bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang ibinigay ang Hebron kay Caleb , gaya ng sinalita ni Moises : at kaniyang pinalayas doon ang tatlong anak ni Anac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem : kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang sangbahayan ni Jose , sila&apos;y umahon din laban sa Beth-el : at ang Panginoon ay sumakanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang sangbahayan ni Jose , ay nagsugo upang tiktikan ang Beth-el . ( Ang pangalan nga ng bayan nang una ay Luz . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nakita ng mga bakay ang isang lalake na lumalabas sa bayan at kanilang sinabi sa kaniya , Ituro mo sa amin , isinasamo namin sa iyo ang pasukan sa bayan at kahahabagan ka namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At itinuro niya sa kanila ang pasukan sa bayan , at kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang bayan nguni&apos;t pinayaon ang lalake at ang madlang sangbahayan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang lalake ay pumasok sa lupain ng mga Hetheo , at nagtayo ng isang bayan , at tinawag ang pangalan niyaon na Luz : na siyang pangalan niyaon hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At hindi pinalayas ng Manases ang mga taga Beth-sean at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Taanach at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Dor at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Ibleam at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Megiddo at ang mga bayan niyaon : kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangyari , nang lumakas ang Israel , na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo , at hindi nila lubos na pinalayas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At hindi pinalayas ni Ephraim ang mga Cananeo na tumatahan sa Gezer ; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa Gezer sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron , ni ang mga nananahan sa Naalol ; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila , at naging mga tagapagpaatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho , ni ang mga taga Sidon , ni ang taga Ahlab , ni ang taga Achzib , ni ang taga Helba , ni ang taga Aphec , ni ang taga Rehob :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo , na mga taga lupaing yaon : sapagka&apos;t hindi nila pinalayas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes , ni ang mga nananahan sa Beth-anath ; kundi siya&apos;y tumahan sa gitna ng mga Cananeo , na nagsisitahan sa lupaing yaon : gayon ma&apos;y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At piniit ng mga Amorrheo ang mga anak ni Dan sa mga lupaing maburol ; sapagka&apos;t ayaw nilang payagang sila&apos;y lumusong sa libis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nguni&apos;t inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres , sa Ajalon , at sa Saalbin : gayon ma&apos;y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose , na anopa&apos;t sila&apos;y naging mga tagapagpaatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang hangganan ng mga Amorrheo ay mula sa sampahan ng Acrabim , buhat sa batuhan , at paitaas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal . At kaniyang sinabi , Kayo&apos;y pinaahon ko mula sa Egipto , at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang ; at sinabi ko , Kailan ma&apos;y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito ; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana . Nguni&apos;t hindi ninyo dininig ang aking tinig : bakit ginawa ninyo ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t aking sinabi rin , Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo ; kundi sila&apos;y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran , at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel , na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim ; at sila&apos;y naghain doon sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan , pumaroon ang mga anak ni Israel , bawa&apos;t isa , sa kaniyang mana , upang ariin ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue , at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue , na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Josue na anak ni Nun , na lingkod ng Panginoon , ay namatay , na may isang daan at sangpung taon ang gulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana , sa Timnath-heres , sa lupaing maburol ng Ephraim , sa hilagaan ng bundok Gaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang ; at doo&apos;y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila , na hindi nakilala ang Panginoon , ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon , at naglingkod sa mga Baal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto , at sumunod sa ibang mga dios , sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila , at sila&apos;y yumukod sa mga yaon : at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang pinabayaan ang Panginoon , at naglingkod kay Baal at kay Astaroth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila ; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot , na anopa&apos;t sila&apos;y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Saan man sila yumaon , ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila , gaya ng sinalita ng Panginoon , at gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon : sila&apos;y nagipit na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagbangon ang Panginoon ng mga hukom , na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At gayon ma&apos;y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom : sapagka&apos;t sila&apos;y sumamba sa ibang mga dios , at kanilang niyukuran ang mga yaon : sila&apos;y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang , na sumunod ng mga utos ng Panginoon ; nguni&apos;t hindi sila gumawa ng gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom , ang Panginoon ay suma hukom , at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom : sapagka&apos;t nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing , dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t nangyari pagkamatay ng hukom , na sila&apos;y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios , upang maglingkod sa kanila , at yumukod sa kanila ; sila&apos;y hindi naglikat sa kanilang mga gawa , ni sa kanilang tampalasang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel ; at kaniyang sinabi , Sapagka&apos;t sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang , at hindi dininig ang aking tinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya&apos;y mamatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Upang sa pamamagitan nila&apos;y aking masubok ang Israel , kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila , na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon , na hindi niya pinalayas silang biglaan ; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga bansang iniwan ng Panginoon , upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila , sa makatuwid baga&apos;y sa mga hindi nakaalam ng mga pagbabaka sa Canaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang maalaman man lamang yaon ng mga sali&apos;t saling lahi ng mga anak ni Israel , upang turuan sila ng pakikibaka , yaon man lamang nang una&apos;y hindi nakaalam :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo , at ang mga Sidonio , at ang mga Heveo , na tumatahan sa bundok ng Libano , mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila nga upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila , na maalaman kung kanilang didinggin ang mga utos ng Panginoon , na kaniyang iniutos sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga anak ni Israel ay tumahan sa gitna ng mga Cananeo , ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Heveo , at ng Jebuseo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kinuha nila ang kanilang mga anak na babae upang maging mga asawa nila , at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake , at naglingkod sa kanilang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon , at nilimot ang Panginoon nilang Dios , at naglingkod sa mga Baal at sa mga Aseroth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim , na hari sa Mesopotamia : at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel , na siyang nagligtas sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y si Othoniel na anak ni Cenaz , na kapatid na bata ni Caleb .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya , at siya&apos;y naghukom sa Israel ; at siya&apos;y lumabas na nakibaka , at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay : at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon . At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon : at pinatibay ng Panginoon si Eglon na hari sa Moab laban sa Israel , sapagka&apos;t kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec ; at siya&apos;y yumaon at sinaktan niya ang Israel , at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon , ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas , si Aod na anak ni Gera , ang Benjamita , na isang lalaking kaliwete . At ang mga anak ni Israel , ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim , na may isang siko ang haba ; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot , sa kaniyang dakong kanang hita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab : at si Eglon ay lalaking napakataba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang siya&apos;y matapos makapaghandog ng kaloob , ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal , at nagsabi , Ako&apos;y may isang pasugong lihim sa iyo , Oh hari . At kaniyang sinabi , Tumahimik ka . At yaong lahat na nakatayo sa siping niya , ay umalis sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Aod ay naparoon sa kaniya ; at siya&apos;y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit . At sinabi ni Aod , Ako&apos;y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios . At siya&apos;y tumindig sa kaniyang upuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay , at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita , at isinaksak sa kaniyang tiyan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim ; at natikom ang taba sa tabak , sapagka&apos;t hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan ; at lumabas sa likod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y lumabas si Aod sa pintuan , at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan , at pinagtatrangkahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila ; at kanilang nakita , at , narito , ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan ; at kanilang sinabi , Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y nangaghintay hanggang sa sila&apos;y nangapahiya ; at , narito , hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan : kaya&apos;t sila&apos;y kumuha ng susi , at binuksan ; at , narito , ang kanilang panginoon , ay nakabulagtang patay sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At tumakas si Aod samantalang sila&apos;y nangaghihintay , at siya&apos;y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari , pagdating niya , ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim , at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol , at siya&apos;y sa unahan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kaniyang sinabi sa kanila , Sumunod kayo sa akin ; sapagka&apos;t ibinigay ng Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay . At sila&apos;y nagsilusong na kasunod niya , at sinakop ang mga tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita , at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake , bawa&apos;t lalaking may loob , at bawa&apos;t lalaking may tapang ; at doo&apos;y walang nakatakas na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon , sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel : at ang lupa&apos;y nagpahingang walong pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At pagkatapos niya&apos;y si Samgar , na anak ni Anat , ay siyang nanakit sa mga Filisteo , ng anim na raang lalake , sa pamamagitan ng panundot sa baka : at kaniya ring iniligtas ang Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon , nang mamatay si Aod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni Jabin na hari sa Canaan , na naghahari sa Asor ; na ang puno sa hukbong yaon ay si Sisara , na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon : sapagka&apos;t siya&apos;y may siyam na raan na karong bakal ; at dalawang pung taong pinighati niyang mainam ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Debora nga , na propetisa , asawa ni Lapidoth , ay naghukom sa Israel nang panahong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora , sa pagitan ng Rama at Beth-el , sa lupaing maburol ng Ephraim ; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang ipinatawag si Barac , na anak ni Abinoam mula sa Cedes-nephtali , at sinabi sa kaniya , Hindi ba ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ay nagutos na sinasabi , Yumaon ka , at pumaroon ka sa bundok ng Tabor , at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking isusulong sa iyo sa ilog Cison , si Sisara , na puno sa hukbo ni Jabin , pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan ; at aking ibibigay siya sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Barac sa kaniya , Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako : nguni&apos;t kung hindi ka sasama sa akin , ay hindi ako paroroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinabi , Walang pagsalang sasama ako sa iyo : gayon ma&apos;y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan ; sapagka&apos;t ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae . At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tinawag ni Barac ang Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes ; at doo&apos;y umahon ang sangpung libong lalake na kasunod niya : at si Debora ay umahong kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Heber nga na Cineo ay humiwalay sa mga Cineo , sa makatuwid baga&apos;y sa mga anak ni Hobab , na biyanan ni Moises , at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim , na nasa siping ng Cedes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo , na siyam na raang karong bakal , at ang buong bayan na kasama niya , mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Debora kay Barac , Tumindig ka ; sapagka&apos;t ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay : hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo ? Sa gayo&apos;y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor , at sangpung libong lalake ang kasunod niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nilansag ng Panginoon si Sisara , at lahat ng mga karo niya , at ang buong hukbo niya , ng talim ng tabak sa harap ni Barac ; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo , at tumakas na tumakbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t hinabol ni Barac ang mga karo , at ang hukbo , hanggang sa Haroseth ng mga bansa : at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak ; walang lalaking nalabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ma&apos;y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo ; sapagka&apos;t may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinalubong ni Jael si Sisara , at sinabi sa kaniya , Lumiko ka , panginoon ko , lumiko ka rito sa akin : huwag kang matakot . At siya&apos;y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda , at siya&apos;y tinalukbungan niya ng isang banig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kaniya , Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom ; sapagka&apos;t ako&apos;y nauuhaw . At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas , at pinainom niya siya , at tinakpan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Sisara sa kaniya , Tumayo ka sa pintuan ng tolda , at mangyayari , na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo , at magsasabi , May tao ba riyan ? na iyong sasabihin , Wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda , at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya , at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan , at pinalagpasan siya hanggang sa lupa ; sapagka&apos;t siya&apos;y nakatulog ng mahimbing ; sa gayo&apos;y nanglupaypay siya at namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At , narito , sa paraang hinahabol ni Barac si Sisara , ay lumabas si Jael na sinalubong siya , at sinabi sa kaniya : Parito ka , at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap . At siya&apos;y naparoon sa kaniya , at , narito , si Sisara ay nakabulagtang patay , at ang tulos ay nasa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan , hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel , Sapagka&apos;t ang bayan ay humandog na kusa , Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dinggin ninyo , Oh ninyong mga hari ; pakinggan ninyo , Oh ninyong mga prinsipe ; Ako , ako&apos;y aawit sa Panginoon , Ako&apos;y aawit ng pagpupuri sa Panginoon , na Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Panginoon , nang ikaw ay lumabas sa Seir , Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom , Ang lupa&apos;y nayanig , ang langit naman ay pumatak , Oo , ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon , Pati yaong Sinai , sa harap ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa mga kaarawan ni Samgar na anak ni Anat , Sa mga kaarawan ni Jael , ang mga paglalakbay ay naglikat , At ang mga manglalakbay ay bumagtas sa mga lihis na landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel , sila&apos;y naglikat , Hanggang sa akong si Debora , ay bumangon , Na ako&apos;y bumangon na isang ina sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y nagsipili ng mga bagong dios ; Nang magkagayo&apos;y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan : May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang aking puso ay nasa mga gobernador sa Israel , Na nagsihandog na kusa sa bayan ; Purihin ninyo ang Panginoon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Saysayin ninyo , ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno , Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag , At ninyong nangagsisilakad sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Malayo sa ingay ng mga manghuhutok , sa mga dakong igiban ng tubig , Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon , Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel . Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gumising ka , gumising ka , Debora ; gumising ka , gumising ka , bumigkas ka ng awit : Bumangon ka , Barac , at ihatid mo ang iyong mga bihag , ikaw na anak ni Abinoam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal , at ang bayan ; Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat ; Sa likuran mo , ay ang Benjamin , na kasama ng iyong mga bayan ; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador , At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora ; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac , Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan . Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa , Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan ? Sa agusan ng tubig ng Ruben Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan : At ang Dan , bakit siya&apos;y natira sa mga sasakyan sa tubig ? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat , At nanahan sa kaniyang mga daong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay , At ang Nephtali , ay sa matataas na dako ng bukiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban ; Nang magkagayo&apos;y nagsilaban ang mga hari ng Canaan , Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo : Sila&apos;y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit , Sa kanilang paglakad sila&apos;y nakipaglaban kay Sisara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Tinangay sila ng ilog Cison , Ng matandang ilog na yaon , ng ilog Cison . Oh kaluluwa ko , lumakad kang may lakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo , Dahil sa mga pagdamba , sa pagdamba ng kanilang mga malakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sumpain ninyo si Meroz , sabi ng anghel ng Panginoon , Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya ; Sapagka&apos;t sila&apos;y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon , Na tumulong sa Panginoon , laban sa mga makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagpalain sa lahat ng babae si Jael , Ang asawa ni Heber na Cineo , Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Siya&apos;y humingi ng tubig , at binigyan niya ng gatas ; Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos , At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa ; At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara , pinalagpasan niya sa kaniyang ulo , Oo , kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa kaniyang paanan ay nasubasob , siya&apos;y nabuwal , siya&apos;y nalugmok : Sa kaniyang paanan siya&apos;y nasubasob , siya&apos;y nabuwal . Kung saan siya sumubasob , doon siya nalugmok na patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa dungawan ay sumungaw , at sumigaw ; Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia : Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating ? Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya , Oo , siya&apos;y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Hindi ba sila nakasumpong , hindi ba nila binahagi ang samsam ? Isang dalaga , dalawang dalaga sa bawa&apos;t lalake ; Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay , Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda , Na sarisaring kulay , na burda sa dalawang tagiliran , Na suot sa leeg ng mga bihag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway , Oh Panginoon : Nguni&apos;t yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan . At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ginawa ng mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon : at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Madian na pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel : at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok , at ng mga yungib , at ng mga dakong matibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ganito ang nangyari , noong ang Israel ay nakapaghasik , na nagsiahon ang mga Madianita , at ang mga Amalecita , at ang mga anak sa silanganan ; sila&apos;y nagsiahon laban sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y humantong laban sa kanila , at kanilang sinira ang bunga ng lupa , hanggang sa sila&apos;y dumating sa Gaza , at wala silang iniwang anoman sa Israel , maging tupa , o baka man , o asno man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda ; at sila&apos;y nagsipasok na parang balang sa karamihan ; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang : at kanilang pinasok ang lupain upang gibain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Israel ay huminang totoo dahil sa Madian ; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel , dahil sa Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel : at kaniyang sinabi sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel , Kayo&apos;y aking iniahon mula sa Egipto , at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto , at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo , at aking pinalayas sila sa harap ninyo , at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking sinabi sa inyo , Ako ang Panginoon ninyong Dios ; kayo&apos;y huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo , na siyang lupaing inyong tinatahanan : nguni&apos;t hindi ninyo dininig ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra , na kay Joas na Abiezerita : at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan , upang itago sa mga Madianita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya , at sinabi sa kaniya , Ang Panginoo&apos;y sumasaiyo , ikaw lalaking makapangyarihang may tapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Gedeon sa kaniya , Oh Panginoon ko , kung ang Panginoon ay sumasaamin , bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin ? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang , na sinasabi , Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto ? nguni&apos;t ngayo&apos;y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At tiningnan siya ng Panginoon , at sinabi , Yumaon ka sa kalakasan mong ito , at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian : hindi ba kita sinugo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kaniya , Oh Panginoon , paanong ililigtas ko ang Israel ? narito , ang aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases , at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Walang pagsalang ako&apos;y sasaiyo ; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya sa kaniya , Kung ngayo&apos;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , ay bigyan mo nga ako ng isang tanda , na ikaw ang nakikipagusap sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito , hanggang sa ako&apos;y parito sa iyo , at ilabas ko ang aking handog , at ilapag ko sa harap mo . At kaniyang sinabi , Ako&apos;y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Gedeon ay pumasok , at naglutong madali ng isang anak ng kambing , at ng isang efa ng harina , ng mga munting tinapay na walang lebadura : inilagay ang karne sa isang buslo , at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok , at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina , at inihain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya , Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura at ipatong mo sa batong ito at ibuhos mo ang sabaw . At kaniyang ginawang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod , na nasa kaniyang kamay , at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura ; at napailanglang ang apoy sa bato , at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura ; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon ; at sinabi ni Gedeon , Aba , Oh Panginoon Dios ! sapagka&apos;t aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Kapayapaan ang sumaiyo ; huwag kang matakot : hindi ka mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon , at tinawag na Jehova-salom : hanggang sa araw na ito ay nasa sa Ophra pa ng mga Abiezerita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari nang gabi ring yaon , na sinabi ng Panginoon sa kaniya , Kunin mo ang toro ng iyong ama , ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan , at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama , at putulin mo ang Asera na nasa siping niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ipagtayo mo , sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako ; at kunin mo ang ikalawang toro , at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan , at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya : at nangyari , na sapagka&apos;t siya&apos;y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan , kaya&apos;t hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito , ang dambana ni Baal ay wasak , at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol , at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y nangagsalitaan , Sino ang gumawa ng bagay na ito ? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi , Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan , Ilabas mo ang iyong anak upang siya&apos;y mamatay : sapagka&apos;t kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal , at sapagka&apos;t kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya , Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal ? o ililigtas ba ninyo siya ? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa ; kung siya&apos;y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili , sapagka&apos;t may nagwasak ng kaniyang dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya&apos;t nang araw na yaon ay tinawag siyang Jerobaal , na sinasabi , Magsanggalang si Baal laban sa kaniya , sapagka&apos;t iniwasak niya ang kaniyang dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang magkagayo&apos;y lahat ng mga Madianita , at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong ; at sila&apos;y nagtuloy at humantong sa libis ng Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nguni&apos;t ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon ; at humihip siya ng isang pakakak ; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases ; at sila man ay nangakipisan sa kaniya : at siya&apos;y nagsugo ng mga sugo sa Aser , at sa Zabulon , at sa Nephtali , at sila&apos;y umahong sumalubong sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi ni Gedeon sa Dios , Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay , gaya ng iyong sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Narito , aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan ; kung dumoon lamang sa balat ang hamog , at maging tuyo ang buong lupa , ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay , gaya ng iyong sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nagkagayon : sapagka&apos;t siya&apos;y bumangong maaga ng kinaumagahan , at hinigpit ang buong balat , at piniga ang hamog sa balat , na isang tasang malaki ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi ni Gedeon sa Dios , Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin , at magsasalita na lamang ako ng minsan pa : isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat : tuyuin mo ngayon ang balat lamang , at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon : sapagka&apos;t natuyo ang balat lamang , at nagkaroon ng hamog sa buong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y si Jerobaal na siyang Gedeon , at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga , at humantong sa bukal ng Harod : at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila , sa dako roon ng Moreh , sa libis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay , baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin , na sabihin , Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ngayo&apos;y yumaon ka , ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan , na iyong sabihin , Sinomang matatakutin at mapanginig , ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad . At bumalik sa bayan ang dalawang pu&apos;t dalawang libo ; at naiwan ang sangpung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Ang bayan ay totoong marami pa ; palusungin mo sila sa tubig , at doo&apos;y aking susubukin sila sa iyo : at mangyayari , na sinomang aking sabihin sa iyo , Ito&apos;y sumama sa iyo , yaon sumama sa iyo ; at sa sinomang sabihin ko sa iyo , Ito&apos;y huwag sumama sa iyo , yao&apos;y huwag sumama sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig : at sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Bawa&apos;t humimod sa tubig ng kaniyang dila , gaya ng paghimod ng aso , ay iyong ihihiwalay : gayon din ang bawa&apos;t yumukong lumuhod upang uminom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang bilang ng mga humimod , na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig , ay tatlong daang lalake : nguni&apos;t ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo , at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay : at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa&apos;t isa sa kanikaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak : at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa&apos;t isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda , nguni&apos;t pinigil ang tatlong daang lalake : at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya sa libis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari nang gabi ring yaon , na sinabi ng Panginoon sa kaniya , Bumangon ka , lusungin mo ang kampamento ; sapagka&apos;t aking ibinigay sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t kung ikaw ay natatakot na lumusong , ay lumusong ka sa kampamento na kasama ni Phara na iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iyong maririnig kung ano ang kanilang sinasabi , at pagkatapos ang iyong mga kamay ay lalakas na lumusong sa kampamento . Nang magkagayo&apos;y lumusong siyang kasama si Phara na kaniyang lingkod sa pinakahangganan ng mga lalaking may sakbat na nangasa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan ; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang , na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang dumating si Gedeon , narito , may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama , at kaniyang sinabi , Nanaginip ako ng isang panaginip ; at , narito , isang munting tinapay na sebada , ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian , at umabot sa tolda , at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak , at natiwarik , na ang tolda&apos;y lumagpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sumagot ang kaniyang kasama , at nagsabi , Ito&apos;y hindi iba , kundi ang tabak ni Gedeon , na anak ni Joas , isang lalaking Israelita , na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip , at ang pagkapaliwanag niyaon , na siya&apos;y sumamba ; at siya&apos;y bumalik sa kampamento ng Israel , at sinabi , Tumindig kayo ; sapagka&apos;t ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong , at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak , at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi sa kanila , Masdan ninyo ako , at inyong parisan : at , narito , pagka ako&apos;y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento , ay mangyayari , na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagka ako&apos;y hihihip ng pakakak , ako at lahat na kasama ko , ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak , sa buong palibot ng buong kampamento , at sabihin ninyo , Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y si Gedeon , at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi , ng halos kahahalili lamang ng bantay : at sila&apos;y humihip ng mga pakakak , at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak , at binasag ang mga banga , at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay , at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan , at sila&apos;y naghiyawan , Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y nangakatayo , bawa&apos;t isa , sa kaniyang dako sa palibot ng kampamento : at ang buong hukbo ay tumakbo ; at sila&apos;y sumigaw at pinatakas nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng Panginoon ang tabak ng bawa&apos;t isa laban sa kaniyang kasama , at laban sa buong hukbo : at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera , hanggang sa hangganan ni Abelmehola , sa siping ng Tabbat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan , ang sa Nephtali , at ang sa Aser , at sa buong Manases , at hinabol ang Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing maburol ng Ephraim , na sinasabi , Lusungin ninyo ang Madian , at agapan ninyo ang tubig , hanggang sa Beth-bara , at ang Jordan . Sa gayo&apos;y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan , at inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara , at ang Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kanilang hinuli ang dalawang prinsipe sa Madian , si Oreb at si Zeeb : at kanilang pinatay si Oreb sa batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb , at hinabol ang Madian : at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya , Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan , na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian ? At siya&apos;y pinagwikaan nilang mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa kanila , Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo ? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian , si Oreb , at si Zeeb , at ano ang aking magagawa na paris ng inyo ? Nang magkagayo&apos;y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig , nang kaniyang sabihin yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Gedeon ay dumating sa Jordan , at siya&apos;y tumawid , siya , at ang tatlong daang lalake na mga kasama niya , mga pagod na , ay humahabol pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa mga lalake sa Succoth , Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga pagod , at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna , na mga hari sa Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth , Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna , upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Gedeon , Kaya , pagka ibinigay ng Panginoon , si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay , ay akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At inahon niya mula roon ang Penuel , at siya&apos;y nagsalita sa kanila ng gayon din : at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel , na sinasabi , Pagbabalik kong payapa , ay aking ilalagpak ang moog na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayo&apos;y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor , at ang kanilang mga hukbo na kasama nila , na may labing limang libong lalake , yaong lahat na nalabi sa buong hukbo ng mga anak sa silanganan : sapagka&apos;t nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na humahawak ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng Noba at Jogbea , at sinaktan ang hukbo ; sapagka&apos;t ang hukbo ay tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas ; at kaniyang hinabol sila : at kaniyang hinuli ang dalawang hari sa Madian , na si Zeba at si Zalmunna , at nalito ang buong hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka , mula sa sampahan sa Heres .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth , at nagusisa siya sa kaniya : at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth , at ang mga matanda niyaon na pitong pu&apos;t pitong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y naparoon sa mga lalake sa Succoth , at sinabi , Narito si Zeba at si Zalmunna , na tungkol sa kanila , ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi , Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna , upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan , at mga tinik sa ilang at mga dawag , at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang inilagpak ang moog ng Penuel , at pinatay ang mga lalake sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna . Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa Tabor ? At sila&apos;y sumagot , Kung ano ikaw ay gayon sila ; bawa&apos;t isa&apos;y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang sinabi , Sila&apos;y aking mga kapatid , na mga anak ng aking ina : buhay ang Panginoon , kung inyong iniligtas sana silang buhay , disin hindi ko kayo papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay , Bangon , at patayin mo sila . Nguni&apos;t ang bata&apos;y hindi humawak ng tabak : sapagka&apos;t siya&apos;y natakot , dahil sa siya&apos;y bata pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Zeba at ni Zalmunna , Bumangon ka , at daluhungin mo kami : sapagka&apos;t kung paano ang pagkalalake ay gayon ang kaniyang lakas . At bumangon si Gedeon , at pinatay si Zeba at si Zalmunna , at kinuha ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan na nasa mga leeg ng kanilang mga kamelyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon , Magpuno ka sa amin ngayon , ikaw at ang iyong anak , sapagka&apos;t iniligtas mo kami sa kamay ng Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Gedeon sa kanila , Hindi ako magpupuno sa inyo , o magpupuno man ang aking anak sa inyo : ang Panginoon ang magpupuno sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Gedeon sa kanila , Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo , na bigyan ako ng bawa&apos;t isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam . ( Sapagka&apos;t sila&apos;y may mga gintong hikaw , dahil sa sila&apos;y mga Ismaelita . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sumagot sila , Ibibigay namin ng buong pagibig . At sila&apos;y naglatag ng isang balabal , at inilagay roon ng bawa&apos;t isa ang mga hikaw na kaniyang samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling , ay isang libo at pitong daang siklong ginto ; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan , at ang mga hikaw at ang mga damit na morado na suot ng mga hari sa Madian , at bukod pa ang mga tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan , sa makatuwid baga&apos;y sa Ophra : at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa kaniya roon : at siyang naging ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel , at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo . At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagkaroon si Gedeon ng pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang : sapagka&apos;t siya&apos;y mayroong maraming asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake , at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama , sa Ophra ng mga Abiezerita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nangyari , pagkamatay ni Gedeon , na ang mga anak ni Israel ay bumalik at sumamba sa mga Baal , at ginawang kanilang dios ang Baal-berith .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At hindi naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios , na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal , na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem , sa mga kapatid ng kaniyang ina , at nagsalita sa kanila , at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem , Kung ano ang magaling sa inyo , na lahat na anak ni Jerobaal na pitong pung lalake ay magpuno sa inyo , o isa ang magpuno sa inyo ? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong buto at inyong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya , sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech , sapagka&apos;t kanilang sinabi , Siya&apos;y ating kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak , mula sa bahay ng Baal-berith , na siyang iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy , na siyang mga sumunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa Ophra , at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal , na pitong pung katao , sa ibabaw ng isang bato : nguni&apos;t si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagtago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong sangbahayan ni Millo , at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang kanilang saysayin kay Jotham , siya&apos;y yumaon at tumayo sa taluktok ng bundok Gerizim , at inilakas ang kaniyang tinig , at sumigaw , at sinabi sa kanila , Dinggin ninyo ako , ninyong mga lalake sa Sichem , upang dinggin kayo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan ; at kanilang sinabi sa puno ng olibo , Maghari ka sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t sinabi ng puno ng olibo sa kanila , Akin bang iiwan ang aking katabaan , na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao , at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos , Halika , at maghari ka sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t sinabi ng puno ng igos sa kanila , Akin bang iiwan ang aking katamisan , at ang aking mabuting bunga , at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas , Halika , at maghari ka sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng puno ng ubas sa kanila , Akin bang iiwan ang aking alak , na nagpapasaya sa Dios at sa tao , at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag , Halika , at maghari ka sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy , Kung tunay na ako&apos;y inyong inihahalal na hari ninyo , pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim : at kung hindi ay labasan ng apoy ang dawag at pugnawin ang mga sedro ng Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon nga&apos;y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech , at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan , at kayo&apos;y gumawa sa kaniya ng ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">( Sapagka&apos;t ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay , at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kayo&apos;y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito , at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak , na pitong pung lalake , sa ibabaw ng isang bato , at ginawa ninyong hari si Abimelech , na anak ng kaniyang aliping babae , sa mga lalake sa Sichem , sapagka&apos;t siya&apos;y inyong kapatid ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung tapat nga at matuwid na kayo&apos;y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito , magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kung hindi ay labasan ng apoy si Abimelech , at pugnawin ang mga lalake sa Sichem , at ang sangbahayan ni Millo , at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem , at ang sangbahayan ni Millo , at pugnawin si Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Jotham ay tumakbong umalis , at tumakas , at napasa Beer , at tumahan doon , dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem ; at ang mga lalake sa Sichem ay naglilo kay Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating , at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid , na siyang pumatay sa kanila , at sa mga lalake sa Sichem , na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin , at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila ; at naibalita kay Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid , at dumaan sa Sichem : at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y lumabas sa bukid , at namitas sa kanilang mga ubasan , at pinisa , at nagpapista , at napasa bahay ng kanilang dios , at nagkainan at naginuman , at sinumpa si Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed , Sino si Abimelech at sino si Sichem , upang , aming paglingkuran siya ? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal ? at si Zebul ay kaniyang pinuno ? Maglingkod kayo sa mga lalake ni Hamor na ama ni Sichem : nguni&apos;t bakit kami maglilingkod sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kahi manawari ang bayang ito&apos;y mapasa ilalim ng aking kamay . Kung magkagayo&apos;y aking hahalinhan si Abimelech . At kaniyang sinabi kay Abimelech , Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed , ay nagalab ang kaniyang galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech , na nagsabi , Narito , si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem ; at , narito , kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ngayon nga&apos;y bumangon ka sa gabi , ikaw at ang bayan na kasama mo , at bakayan mo sa bukid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At mangyayari , na sa kinaumagahan , pagsikat ng araw , ay babangon kang maaga , at isasalakay mo ang bayan : at , narito , pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo , ay magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At bumangon si Abimelech , at ang buong bayan na kasama niya , sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem , na sila&apos;y apat na pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At lumabas si Gaal na anak ni Ebed , at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan ; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nang makita ni Gaal ang bayan , ay kaniyang sinabi kay Zebul , Narito , bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok . At sinabi ni Zebul sa kaniya , Iyong nakikita&apos;y mga lilim ng mga bundukin , na parang mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nagsalita uli si Gaal , at nagsabi , Tignan mo , bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain , at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Zebul sa kaniya , Saan nandoon ngayon ang iyong bibig , na iyong ipinagsabi , Sino si Abimelech upang tayo&apos;y maglingkod sa kaniya ? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan ? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem , at lumaban kay Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At hinabol ni Abimelech siya , at siya&apos;y tumakas sa harap niya , at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At si Abimelech ay tumahan sa Aruma : at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid , upang sila&apos;y huwag tumahan sa Sichem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nangyari nang kinaumagahan , na ang baya&apos;y lumabas sa parang ; at kanilang isinaysay kay Abimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kaniyang kinuha ang bayan , at binahagi niya ng tatlong pulutong , at bumakay sa parang ; at siya&apos;y tumingin , at narito , ang bayan ay lumabas sa kabayanan ; at siya&apos;y bumangon laban sa kanila , at sila&apos;y sinaktan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan : at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid , at sila&apos;y sinaktan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon ; at sinakop ang bayan , at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon : at iginiba ang kabayanan at hinasikan ng asin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem , ay pumasok sila sa kuta ng bahay ng El-berith .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nasaysay kay Abimelech , na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At umahon si Abimelech sa bundok ng Salmon , siya at ang buong bayan na kasama niya ; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay , at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas , at ipinasan sa kaniyang balikat : at sinabi niya sa bayan na kasama niya , Kung ano ang makita ninyo na gawin ko , magmadali kayo , at gawin ninyo ang aking ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa&apos;t lalake ng kanikaniyang sanga , at sumunod kay Abimelech , at ipinaglalagay sa kuta , at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon ; na ano pa&apos;t ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin , na may isang libong lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Abimelech sa Thebes , at humantong ng laban sa Thebes , at sinakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Nguni&apos;t may isang matibay na moog sa loob ng bayan , at doo&apos;y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan , at sinarhan , at nagsisampa sa bubungan ng moog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At naparoon si Abimelech sa moog , at lumaban , at lumapit sa pintuan ng moog , upang sunugin ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At hinagis ng isang babae , ng isang pangibabaw na bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Nang magkagayo&apos;y tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas , at sinabi niya sa kaniya , Kunin mo ang iyong tabak , at patayin mo ako , upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao , Isang babae ang pumatay sa kaniya . At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan , at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech , ay yumaon ang bawa&apos;t lalake sa kanikaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech , na kaniyang ginawa sa kaniyang ama , sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo : at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkamatay ni Abimelech ay bumangon doon , upang magligtas sa Israel , si Tola na anak ni Pua , na anak ni Dodo , na lalake ng Issachar ; at siya&apos;y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y naghukom sa Israel na dalawang pu&apos;t tatlong taon ; at namatay , at inilibing sa Samir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagkamatay niya&apos;y bumangon si Jair , na Galaadita ; at siya&apos;y naghukom sa Israel na dalawang pu&apos;t dalawang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y may tatlong pung anak na sumasakay sa tatlong pung asno , at sila&apos;y may tatlong pung bayan na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito , na nangasa lupain ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At namatay si Jair , at inilibing sa Camon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon , at naglingkod sa mga Baal , at kay Astaroth , at sa mga dios sa Siria , at sa mga dios sa Sidon , at sa mga dios sa Moab , at sa mga dios ng mga anak ni Ammon , at sa mga dios ng mga Filisteo ; at pinabayaan nila ang Panginoon , at hindi naglingkod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo , at sa kamay ng mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon : labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo , na nasa Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda , at sa Benjamin , at sa sangbahayan ni Ephraim ; na ano pa&apos;t ang Israel ay totoong pinapaghinagpis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon , na sinasabi , Kami ay nagkasala laban sa iyo , sapagka&apos;t aming pinabayaan ang aming Dios , at kami ay naglingkod sa mga Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel , Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto , at sa mga Amorrheo , sa mga anak ni Ammon , at sa mga Filisteo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga Sidonio man , at ang mga Amalecita , at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo ; at kayo&apos;y dumaing sa akin , at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y pinabayaan ninyo ako , at kayo&apos;y naglingkod sa ibang mga dios : kaya&apos;t hindi ko na kayo palalayain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo&apos;y yumaon at dumaing sa mga dios na inyong pinili ; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon , Kami ay nagkasala : gawin mo sa amin anomang iyong mabutihin ; isinasamo namin sa iyo , na iligtas mo lamang kami sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kanilang inihiwalay ang mga dios ng iba sa kanila , at naglingkod sa Panginoon : at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan , at humantong sa Galaad . At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan , at humantong sa Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang bayan , at ang mga prinsipe sa Galaad , ay nagsangusapan , Sinong tao ang magpapasimulang lumaban sa mga anak ni Ammon ? siya&apos;y magiging pangulo ng lahat na taga Galaad .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Jephte nga na Galaadita ay lalaking makapangyarihang may tapang , at siya&apos;y anak ng isang patutot : at si Jephte ay naging anak ni Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake ; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte , at sinabi nila sa kaniya , Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama ; sapagka&apos;t ikaw ay anak ng ibang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid , at tumahan sa lupain ng Tob : at doo&apos;y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan , at nagsilabas na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari pagkaraan ng ilang panahon , na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel , na ang mga matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kanilang sinabi kay Jephte , Halika&apos;t ikaw ay maging aming pinuno , upang kami ay makalaban sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad , Di ba kayo&apos;y napoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa bahay ng aking ama ? at bakit kayo&apos;y naparito sa akin ngayon , pagka kayo&apos;y nasa paghihinagpis ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte , Kaya&apos;t kami ay bumabalik sa iyo ngayon , upang ikaw ay makasama namin , at makipaglaban sa mga anak ni Ammon , at ikaw ay magiging pangulo naming lahat na taga Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad , Kung pauuwiin ninyo ako upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon , at ibigay ng Panginoon sila sa harap ko , magiging pangulo ba ninyo ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte , Ang Panginoon ang maging saksi natin : tunay na ayon sa iyong salita ay siya naming gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad , at ginawa nila siyang pangulo at pinuno : at sinalita ni Jephte sa Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagsugo si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon , na nagsasabi , Anong ipinakikialam mo sa akin , na ikaw ay naparito sa akin upang lumaban sa aking lupain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte , Sapagka&apos;t sinakop ng Israel ang aking lupain , nang siya&apos;y umahong galing sa Egipto , mula sa Arnon hanggang sa Jaboc , at hanggang sa Jordan : kaya&apos;t ngayo&apos;y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsugo uli si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi sa kaniya , Ganito ang sabi ni Jephte , Hindi sumakop ang Israel ng lupain ng Moab , o ng lupain ng mga anak ni Ammon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kundi nang sila&apos;y umahon mula sa Egipto , at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula , at napasa Cades :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom , na nagsasabi , Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain : nguni&apos;t hindi dininig ng hari sa Edom . At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab ; nguni&apos;t ayaw siya : at ang Israel ay tumahan sa Cades :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y naglakad sila sa ilang , at lumiko sa lupain ng Edom , at sa lupain ng Moab , at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab , at sila&apos;y humantong sa kabilang dako ng Arnon ; nguni&apos;t hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab , sapagka&apos;t ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo , na hari sa Hesbon ; at sinabi ng Israel sa kaniya , Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan : kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan , at humantong sa Jaas , at lumaban sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ibinigay ng Panginoon , ng Dios ng Israel si Sehon , at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel , at sinaktan nila sila : sa gayo&apos;y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo , na mga tagaroon sa lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kanilang inari ang buong hangganan ng mga Amorrheo , mula sa Arnon hanggang sa Jaboc , at mula sa ilang hanggang sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ngayon nga&apos;y inalisan ng ari ng Panginoon , ng Dios ng Israel ang mga Amorrheo sa harap ng bayang Israel , at iyo bang aariin ang mga iyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi mo ba aariin ang ibinigay sa iyo ni Chemos na iyong dios upang ariin ? Sinoman ngang inalisan ng ari ng Panginoon naming Dios sa harap namin , ay aming aariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ngayo&apos;y gagaling ka pa ba sa anomang paraan kay Balac na anak ni Zippor , na hari sa Moab ? siya ba&apos;y nakipagkaalit kailan man sa Israel o lumaban kaya sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Samantalang ang Israel ay tumatahan sa Hesbon at sa mga bayan nito , at sa Aroer at sa mga bayan nito , at sa lahat ng mga bayang nangasa tabi ng Arnon , na tatlong daang taon ; bakit hindi ninyo binawi nang panahong yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ako nga&apos;y hindi nagkasala laban sa iyo , kundi ikaw ang gumawa ng masama sa pakikipagdigma mo sa akin : ang Panginoon , ang Hukom , ay maging hukom sa araw na ito sa mga anak ni Israel at sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte , at siya&apos;y nagdaan ng Galaad at Manases , at nagdaan sa Mizpa ng Galaad , at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagpanata si Jephte ng isang panata sa Panginoon , at nagsabi , Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ay mangyayari nga , na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay , pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon , ay magiging sa Panginoon , at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa gayo&apos;y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila ; at sila&apos;y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa Minnith , na may dalawang pung bayan , at hanggang sa Abelkeramim . Sa gayo&apos;y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay ; at , narito , ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw : at siya ang kaniyang bugtong na anak : liban sa kaniya&apos;y wala na siyang anak na lalake o babae man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangyari , pagkakita niya sa kaniya , na kaniyang hinapak ang kaniyang damit , at sinabi , Sa aba ko , aking anak ! pinapakumbaba mo akong lubos , at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin : sapagka&apos;t aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon , at hindi na ako makapanumbalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi niya sa kaniya , Ama ko , iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon ; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig ; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway , sa makatuwid baga&apos;y sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi niya sa kaniyang ama , Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin : pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan , upang ako&apos;y humayo&apos;t yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga , ako at ang aking mga kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kaniyang sinabi , Yumaon ka . At pinapagpaalam niya siyang dalawang buwan : at siya&apos;y yumaon , siya at ang kaniyang mga kasama , at itinangis ang kaniyang pagkadalaga sa mga bundukin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nangyari , sa katapusan ng dalawang buwan , na siya&apos;y nagbalik sa kaniyang ama , na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata : at siya&apos;y hindi nasipingan ng lalake . At naging kaugalian sa Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Na ipinagdidiwang taon taon ng mga anak na babae ng Israel ang anak ni Jephte na Galaadita , na apat na araw sa isang taon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan : at sinabi nila kay Jephte , Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon , at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo ? susunugin ka namin pati ng iyong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Jephte sa kanila , Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon ; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang makita ko na ako&apos;y hindi ninyo iniligtas ay aking inilagak ang aking buhay sa aking kamay , at ako&apos;y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon , at sila&apos;y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay : bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito , upang makipaglaban sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad , at nakipaglaban sa Ephraim ; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim , sapagka&apos;t kanilang sinabi , Kayo&apos;y mga tanan sa Ephraim , kayong mga Galaadita , sa gitna ng Ephraim , at sa gitna ng Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinakop ng mga Galaadita ang mga tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita . At nangyari , na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na , Paraanin mo ako , ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya , Ikaw ba&apos;y Ephraimita ? Kung kaniyang sabihin , Hindi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ay sinabi nga nila sa kaniya , Sabihin mong Shiboleth ; at sinasabi niya , Shiboleth ; sapagka&apos;t hindi matumpakang sabihing matuwid ; kung magkagayo&apos;y kanilang hinuhuli , at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan : at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu&apos;t dalawang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon . Nang magkagayo&apos;y namatay si Jephte na Galaadita , at inilibing sa isang bayan ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagkamatay niya , si Ibzan na taga Bethlehem ang naghukom sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y nagkaanak ng tatlong pung lalake , at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan , at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake . At naghukom siya sa Israel na pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Ibzan ay namatay , at inilibing sa Bethlehem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagkamatay niya , si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel ; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Elon na Zabulonita ay namatay , at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagkamatay niya , si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na sumasakay sa pitong pung asno : at siya&apos;y naghukom sa Israel na walong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay , at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim , sa lupaing maburol ng mga Amalecita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga anak ni Israel ay gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon ; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At may isang lalake sa Sora sa angkan ng mga Danita , na ang pangala&apos;y Manoa ; at ang kaniyang asawa ay baog , at hindi nagkaanak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae , at nagsabi sa kaniya , Narito ngayon , ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak : nguni&apos;t ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ngayon nga&apos;y magingat ka , isinasamo ko sa iyo , at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing , at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t , narito , ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake ; at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo : sapagka&apos;t ang bata ay magiging Nazareo sa Dios , mula sa tiyan : at kaniyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y ang babae&apos;y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa , na sinasabi , Isang lalake ng Dios ay naparito sa akin , at ang kaniyang anyo ay gaya ng anyo ng anghel ng Dios , na kakilakilabot : at hindi ko natanong siya kung siya&apos;y taga saan , ni kaya&apos;y sinaysay niya sa akin ang kaniyang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sinabi niya sa akin , Narito , ikaw ay maglilihi , at manganganak ng isang lalake ; at ngayo&apos;y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man , at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay : sapagka&apos;t ang bata&apos;y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nanalangin si Manoa sa Panginoon , at sinabi niya , Isinasamo ko sa iyo , Oh Panginoon , na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin , at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa ; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya&apos;y nakaupo sa bukid : nguni&apos;t si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagmadali ang babae , at tumakbo , at isinaysay sa kaniyang asawa , at sinabi sa kaniya , Narito , ang lalake ay napakita sa akin , yaong naparito sa akin ng ibang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At bumangon si Manoa , at sumunod sa kaniyang asawa , at naparoon sa lalake , at sinabi sa kaniya , Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito ? At kaniyang sinabi , Ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Manoa , Mano nawa&apos;y mangyari ang iyong mga salita : ano ang ipagpapagawa sa bata , at paanong aming gagawin sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa , Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan , ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing , ni kumain man ng anomang maruming bagay ; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon , Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay aming mapigil , upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa , Bagaman ako&apos;y iyong pigilin , hindi ako kakain ng iyong pagkain : at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin , ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon . Sapagka&apos;t hindi naalaman ni Manoa na siya&apos;y anghel ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon , Ano ang iyong pangalan , upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya , Bakit mo itinatanong ang aking pangalan , dangang kagilagilalas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina , at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato : at gumawa ng kamanghamangha ang anghel , at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t nangyari , nang umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana , na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana : at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa ; at sila&apos;y nangapasubasob sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa . Nang magkagayo&apos;y naalaman ni Manoa na siya&apos;y anghel ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa , Walang pagsalang tayo&apos;y mamamatay , sapagka&apos;t ating nakita ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t sinabi ng asawa niya sa kaniya , Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo , hindi sana niya tinanggap ang handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay , ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito , ang mga bagay na gaya nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nanganak ang babae ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang pangalan na Samson . At ang bata&apos;y lumaki , at pinagpala ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pinasimulang kinilos siya ng Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan , sa pagitan ng Sora at Esthaol .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At lumusong si Samson sa Timnah , at nakita ang isang babae sa Timnah sa mga anak ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y umahon , at isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang ina , at sinabi , Aking nakita ang isang babae sa Timnah , sa mga anak ng mga Filisteo : ngayon nga&apos;y papagasawahin ninyo ako sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng kaniyang ama at ng kaniyang ina sa kaniya , Wala na bang babae sa mga anak ng iyong kapatid , o sa aking buong bayan , na ikaw ay yayaong magaasawa sa mga di tuling Filisteo ? At sinabi ni Samson sa kaniyang ama , Papag-asawahin mo ako sa kaniya ; sapagka&apos;t siya&apos;y lubhang nakalulugod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t hindi naalaman ng kaniyang ama at ng kaniyang ina , na kalooban ng Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y humahanap ng pagkakataon laban sa mga Filisteo . Nang panahong yaon nga&apos;y nagpupuno ang mga Filisteo sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y lumusong si Samson , at ang kaniyang ama , at ang kaniyang ina , sa Timnah , at naparoon sa ubasan ng Timnah : at , narito , isang batang leon ay umuungal laban sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya , at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing , at siya&apos;y walang anoman sa kaniyang kamay ; nguni&apos;t hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y lumusong at nakipagusap sa babae , at siya&apos;y lubhang nakalulugod kay Samson .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagkaraan ng sandali ay bumalik siya upang kunin niya siya , at siya&apos;y lumiko upang tingnan ang patay na leon : at , narito , may isang kawan ng pukyutan sa loob ng bangkay ng leon , at pulot-pukyutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang dinala sa kaniyang kamay at yumaon , na kinakain niya samantalang siya&apos;y yumayaon , at siya&apos;y naparoon sa kaniyang ama at ina , at ibinigay sa kanila , at kanilang kinain ; nguni&apos;t hindi niya sinaysay sa kanila na kaniyang kinuha ang pulot sa bangkay ng leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nilusong ng kaniyang ama ang babae : at gumawa si Samson ng isang kasayahan doon ; sapagka&apos;t kinaugaliang ginagawang gayon ng mga binata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , pagkakita nila sa kaniya , na sila&apos;y nagdala ng tatlong pung kasama , upang maging kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Samson sa kanila , Pagbubugtungan ko kayo : kung maisaysay ninyo sa akin sa loob ng pitong araw na kasayahan , at inyong maturingan , ay bibigyan ko nga kayo ng tatlong pung kasuutang lino at tatlong pung bihisan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t kung hindi ninyo maisaysay sa akin , ay bibigyan nga ninyo ako ng tatlong pung kasuutang lino at ng tatlong pung bihisan . At kanilang sinabi sa kaniya , Ipagbadya mo ang iyong bugtong , upang aming marinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi niya sa kanila , Sa mangangain ay lumabas ang pagkain , At sa malakas ay lumabas ang katamisan . At hindi nila maisaysay sa tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang ikapitong araw , na kanilang sinabi sa asawa ni Samson , Dayain mo ang iyong asawa , upang maisaysay niya sa amin ang bugtong , baka ikaw ay sunugin namin at ang sangbahayan ng iyong ama : inanyayahan ba ninyo kami upang papaghirapin ? di ba gayon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At umiyak ang asawa ni Samson sa harap niya , at nagsabi , Kinapopootan mo lamang ako , at hindi mo ako iniibig : ikaw ay nagbugtong ng isang bugtong sa mga anak ng aking bayan , at hindi mo isinaysay sa akin . At sinabi niya sa kaniya , Narito , hindi ko isinaysay sa aking ama , o sa aking ina man , at akin bang sasaysayin sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At umiyak siya sa harap niya na pitong araw , habang hindi natapos ang kanilang kasayahan : at nangyari nang ikapitong araw , na isinaysay niya sa kaniya , sapagka&apos;t pinilit niya siya : at isinaysay niya ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Samson nang ikapitong araw bago lumubog ang araw . Alin kaya ang lalong matamis kay sa pulot ? at ano pa kaya ang lalong malakas kay sa leon ? At sinabi niya sa kanila . Kung hindi kayo nag-araro ng aking dumalaga , Hindi sana ninyo naturingan ang aking bugtong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya , at siya&apos;y lumusong sa Ascalon , at pumatay ng tatlong pung lalake sa kanila , at kinuha ang samsam sa kanila , at ibinigay ang mga bihisan sa mga nakaturing ng bugtong at ang kaniyang galit ay nagalab , at siya&apos;y umahon sa bahay ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang asawa ni Samson ay ibinigay sa kaniyang kasama , na siya niyang inaaring parang kaniyang kaibigan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t nangyari pagkatapos ng sangdaling panahon , sa panahon ng pagaani ng trigo , na dumalaw si Samson na may dalang isang anak ng kambing sa kaniyang asawa ; at kaniyang sinabi , Aking papasukin ang aking asawa sa loob ng silid . Nguni&apos;t ayaw papasukin siya ng kaniyang biyanang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng kaniyang biyanang lalake , Aking tunay na inisip na iyong lubos na kinapootan siya ; kaya&apos;t aking ibinigay siya sa iyong kasama : di ba ang kaniyang kapatid na bata ay maganda kay sa kaniya ? Isinasamo ko sa iyo na kunin mong kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Samson sa kanila , Ngayon ay wala akong ipagkakasala sa mga Filisteo , kung gawan ko man sila ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At yumaon si Samson at humuli ng tatlong daang zorra at kumuha ng mga sigsig at pinag-kabitkabit ang mga buntot , at nilagyan ng isang sigsig sa gitna ng pagitan ng bawa&apos;t dalawang buntot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang kaniyang masulsulan ang mga sigsig , ay kaniyang binitiwan sa nakatayong trigo ng mga Filisteo at sinunog kapuwa ang mga mangdala at ang nakatayong trigo , at gayon din ang mga olibohan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga Filisteo , Sinong gumawa nito ? At kanilang sinabi , Si Samson na manugang ni Timnateo , sapagka&apos;t kaniyang kinuha ang asawa niya at ibinigay sa kaniyang kasama . At sumampa ang mga Filisteo , at sinunog ang babae at ang kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Samson sa kanila , Kung ginawa ninyo ang ganito ay walang pagsalang aking igaganti sa inyo ; at pagkatapos ay magtitigil ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinaktan niya sila , sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay : at siya&apos;y bumaba at tumahan sa isang guwang ng bato ng Etam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagsisampa ang mga Filisteo , at humantong sa Juda , at nagsikalat sa Lehi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng mga lalake sa Juda , Bakit kayo nagsisampa laban sa amin ? At kanilang sinabi , Upang gapusin si Samson kung kaya&apos;t kami ay nagsisampa upang gawin sa kaniya ang gaya ng ginawa niya sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam , at sinabi kay Samson , Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin ? ano nga itong ginawa mo sa amin ? At sinabi niya sa kanila , Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi nila sa kaniya , Kami ay nagsilusong upang gapusin ka , upang maibigay ka namin sa kamay ng mga Filisteo . At sinabi ni Samson sa kanila , Sumumpa kayo sa akin , na hindi kayo ang dadaluhong sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinalita nila sa kaniya , Hindi kundi gagapusin ka lamang namin , at ibibigay sa kanilang kamay : nguni&apos;t tunay na hindi ka namin papatayin . At kanilang ginapos siya ng dalawang bagong lubid , at iniahon mula sa bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang siya&apos;y dumating sa Lehi , ang mga Filisteo ay naghihiyawan samantalang sinasalubong nila siya : at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya , at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging parang lino na nasupok sa apoy , at ang kaniyang mga tali ay nalaglag sa kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y nakasumpong ng isang bagong panga ng asno , at iniunat ang kaniyang kamay , at kinuha , at ipinanakit sa isang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Samson , Sa pamamagitan ng panga ng isang asno , ay nagkabuntonbunton , Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ay nanakit ako ng isang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , pagkatapos niyang makapagsalita , na kaniyang inihagis ang panga na nasa kaniyang kamay , at ang dakong yao&apos;y tinawag na Ramath-lehi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y nauhaw na mainam at tumawag sa Panginoon , at sinabi , Iyong ibinigay itong dakilang kaligtasan sa kamay ng iyong lingkod : at ngayo&apos;y mamamatay ako dahil sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga hindi tuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t binuksan ng Dios ang isang guwang na nasa Lehi , at nilabasan ng tubig yaon ; at nang siya&apos;y makainom , ang kaniyang diwa ay nanumbalik , at siya&apos;y nabuhay : kaya&apos;t ang pangalan niyaon ay tinawag na En-haccore , na nasa Lehi hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y naghukom sa Israel sa mga kaarawan ng mga Filisteo , ng dalawang pung taon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At naparoon si Samson sa Gaza , at nakakita roon ng isang patutot at sinipingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ibinalita sa mga taga Gaza na sinasabi , Si Samson ay naparito . At kanilang kinulong siya , at binakayan siya buong gabi sa pintuang-bayan , at tahimik buong gabi , na sinasabi , Maghintay tayo hanggang magbukang liwayway , saka natin patayin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Samson ay humiga hanggang hating gabi , at bumangon sa hating gabi at humawak sa mga pinto ng pintuang-bayan , at sa dalawang haligi , at kapuwa binunot , pati ng sikang , at pinasan sa kaniyang mga balikat , at isinampa sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari pagkatapos , na siya&apos;y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec , na ang pangala&apos;y Dalila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae , at sinabi sa kaniya : Dayain mo siya , at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan , at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya : at bibigyan ka ng bawa&apos;t isa sa amin ng isang libo&apos;t isang daang putol na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Dalila kay Samson , Saysayin mo sa akin , isinasamo ko sa iyo , kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan , at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Samson sa kaniya , Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo , ay hihina ako , at ako&apos;y magiging gaya ng alinmang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo , at ipinagtali niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ngayo&apos;y may mga bakay na sa silid sa loob . At sinabi niya sa kaniya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At kaniyang pinatid ang mga yantok , na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy . Sa gayo&apos;y hindi naalaman ang kaniyang lakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Dalila kay Samson , Narito , pinaglaruan mo ako , at pinagbulaanan mo ako : isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya sa kaniya , Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit , ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid , at itinali sa kaniya , at sinabi sa kaniya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob . At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Dalila kay Samson , Hanggang dito&apos;y pinaglaruan mo ako , at pinagbulaanan mo ako : saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka . At sinabi niya sa kaniya , Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang pinagtibay ng tulos , at sinabi sa kaniya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At siya&apos;y gumising sa kaniyang pagkakatulog , at binunot ang tulos ng panghabi , at ang hinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kaniya , Bakit nasasabi mo , na iniibig kita , sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin ? pinaglaruan mo akong makaitlo , at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , nang kaniyang igiit araw araw , at kaniyang ipilit sa kaniya , na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso , at sinabi sa kaniya , Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo ; sapagka&apos;t ako&apos;y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina : kung ako&apos;y ahitan , hihiwalay nga sa akin ang aking lakas , at ako&apos;y hihina , at magiging gaya ng alinmang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya , ang buong taglayin niya sa kaniyang puso , ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo , na sinasabi , Ahunin pa ninyong minsan , sapagka&apos;t sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso . Nang magkagayo&apos;y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo , at nagdala ng salapi sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod ; at nagpatawag siya ng isang lalake , at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo ; at pinasimulan niyang pighatiin siya , at ang kaniyang lakas ay nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At siya&apos;y gumising sa kaniyang pagkakatulog , at sinabi , Ako&apos;y lalabas na gaya ng dati , at ako&apos;y magpupumiglas . Nguni&apos;t hindi niya talos na ang Panginoo&apos;y humiwalay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At hinuli ng mga Filisteo , at dinukit ang kaniyang mga mata ; at inilusong nila sa Gaza , at tinalian siya ng mga pangaw na tanso ; at siya&apos;y gumiling sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y nagpasimulang tumubo uli ang buhok ng kaniyang ulo , pagkatapos na siya&apos;y maahitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay Dagon na kanilang dios , at mangagalak : sapagka&apos;t kanilang sinabi , Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang makita siya ng bayan , ay kanilang pinuri ang kanilang dios : sapagka&apos;t kanilang sinabi , Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway , at ang mangwawasak sa ating lupain , na pumatay sa marami sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , nang masayahan ang kanilang puso , na kanilang sinabi , Tawagin si Samson , upang siya&apos;y ating mapaglaruan . At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan ; at siya&apos;y pinaglaruan nila . At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Samson sa bata na umaakay sa kaniya sa kamay , Ipahipo mo sa akin ang mga haliging pumipigil ng bahay , upang aking mangahiligan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae , at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon ; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae , na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At tumawag si Samson sa Panginoon , at sinabi , Oh Panginoong Dios , idinadalangin ko sa iyo na alalahanin mo ako , at idinadalangin ko sa iyong palakasin mo ako , na minsan na lamang , Oh Dios , upang maiganti kong paminsan sa mga Filisteo ang aking dalawang mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Samson ay pumigil sa dalawang gitnang haligi na pumipigil ng bahay , at isinuhay sa mga yaon , ang isa sa kaniyang kanang kamay , at ang isa&apos;y sa kaniyang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Samson , Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo , At iniubos niya ang kaniyang buong lakas ; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo , at sa buong bayan na nandoon sa loob . Sa gayo&apos;y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y lumusong ang kaniyang mga kapatid at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama , at kinuha siya , at iniahon siya , at inilibing siya sa pagitan ng Sora at Esthaol sa libingan ni Manoa na kaniyang ama . At siya&apos;y naghukom sa Israel na dalawang pung taon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim , na ang pangala&apos;y Michas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa kaniyang ina , Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo , na siyang ikinapagtungayaw mo , at sinalita mo rin sa aking mga pakinig , narito , ang pilak ay nasa akin ; aking kinuha . At sinabi ng kaniyang ina , Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina , at sinabi ng kaniyang ina , Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon , na ukol sa aking anak , upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo : kaya ngayo&apos;y isasauli ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina , ay kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo , na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo : at nasa bahay ni Michas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios , at siya&apos;y gumawa ng isang epod at mga terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak , na maging kaniyang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel : bawa&apos;t tao&apos;y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At may isa namang may kabataan sa Bethlehem-juda , sa angkan ni Juda ; na isang Levita ; at siya&apos;y nakikipamayan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang lalake ay umalis sa bayan , sa Bethlehem-juda , upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan : at siya&apos;y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim , sa bahay ni Michas habang siya&apos;y naglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Michas sa kaniya , Saan ka nanggaling ? At sinabi niya sa kaniya , Ako&apos;y Levita sa Bethlehem-juda , at ako&apos;y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Michas sa kaniya , Tumahan ka sa akin , at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote , at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon , at ng bihisan , at ng iyong pagkain . Sa gayo&apos;y ang Levita ay pumasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake : at ang binata sa kaniya&apos;y parang isa sa kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At itinalaga ni Michas ang Levita , at ang binata ay naging kaniyang saserdote , at nasa bahay ni Michas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Michas , Ngayo&apos;y talastas ko , na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon , yamang ako&apos;y may isang Levita na pinakasaserdote ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel : at nang panahong yaon ay humahanap ang lipi ng mga Danita , ng isang mana na matatahanan ; sapagka&apos;t hanggang sa araw na yaon , ay hindi nahuhulog sa mga lipi ng Israel ang kanilang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga anak ni Dan ay nagsugo ng limang lalake ng kanilang angkan , sa kanilang kabuoang bilang , ng mga lalaking may tapang , na mula sa Sora , at sa Esthaol , upang tiktikan ang lupain , at kilalanin ; at sinabi nila sa kanila , Kayo&apos;y yumaon , at inyong kilalanin ang lupain . At sila&apos;y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim , sa bahay ni Michas , at tumuloy roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang sila&apos;y malapit sa bahay ni Michas , ay nakilala nila ang tinig ng binatang Levita : at sila&apos;y lumiko roon , at sinabi nila sa kaniya , Sinong nagdala sa iyo rito ? at ano ang iyong ginagawa sa dakong ito ? at anong mayroon ka rito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi niya sa kanila , Ganito&apos;t ganito ang ginawa sa akin ni Michas , at kaniyang kinayaring upahan ako , at ako&apos;y naging kaniyang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi nila sa kaniya , Isinasamo namin sa iyo na usisain mo sa Dios , upang aming maalaman , kung ang aming lakad ay papalarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng saserdote sa kanila , Yumaon kayong payapa : nasa harap ng Panginoon ang daang inyong nilalakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y lumakad ang limang lalake at dumating sa Lais , at nakita ang bayan na naroon , kung paanong sila&apos;y tumatahan sa katiwasayan , na gaya ng mga Sidonio , na tahimik at tiwasay : sapagka&apos;t wala sa lupain na nagaaring may kapangyarihan na makapagbibigay kahihiyan sa alin mang bagay , at malayo sa mga Sidonio , at walang pagkikipagkasundo sa kaninoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y naparoon sa kanilang mga kapatid sa Sora at Esthaol : at sinabi ng kanilang mga kapatid sa kanila , Ano kayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kanilang sinabi , Kayo&apos;y bumangon at tayo&apos;y umahon laban sa kanila : sapagka&apos;t aming nakita ang lupain , at , narito , napakabuti : at natatamad ba kayo ? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Paglakad ninyo&apos;y darating kayo sa isang bayang tiwasay , at ang lupain ay malaki : sapagka&apos;t ibinigay ng Dios sa inyong kamay , isang dakong walang kakailanganing anomang bagay na nasa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At umalis mula roon ang ilan sa angkan ng mga Danita , mula sa Sora at sa Esthaol , na anim na raang lalake na may sandata ng mga kasakbatan na pangdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y yumaon , at humantong sa Chiriath-jearim , sa Juda ; kaya&apos;t kanilang tinawag ang dakong yaon na Mahane-dan hanggang sa araw na ito : narito , ito&apos;y nasa likod ng Chiriath-jearim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y nagdaan doon hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim , at naparoon sa bahay ni Michas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang limang lalake na tumiktik ng lupain ng Lais , at sinabi sa kanilang mga kapatid , Nalalaman ba ninyo na mayroon sa mga bahay na ito na isang epod , at mga terap , at isang larawang inanyuan , at isang larawang binubo ? ngayon nga&apos;y akalain ninyo ang marapat ninyong gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y lumiko roon , at naparoon sa bahay ng binatang Levita , sa makatuwid baga&apos;y hanggang sa bahay ni Michas , at tinanong nila siya ng kaniyang kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatan na pangdigma , na pawang mga anak ni Dan , ay nagsitayo sa pasukan ng pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang limang lalake na yumaong tumiktik ng lupain ay nagsiahon at pumasok doon , at kinuha ang larawang inanyuan , at ang epod , at ang mga terap , at ang larawang binubo , at ang saserdote ay nakatayo sa pasukan ng pintuang-bayan na kasama ng anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatang pangdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas , at makuha ang larawang inanyuan , ang epod , at ang mga terap , at ang larawang binubo , ay sinabi ng saserdote sa kanila , Ano ang inyong gagawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi nila sa kaniya , Pumayapa ka , itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin , at maging ama at saserdote ka namin : magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At natuwa ang puso ng saserdote , at kaniyang kinuha ang epod , at ang mga terap , at ang larawang inanyuan , at yumaon sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y bumalik sila , at yumaon , at inilagay ang mga bata at ang kawan , at ang mga daladalahan , sa unahan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang sila&apos;y malayo na sa bahay ni Michas , ang mga lalaking nasa mga bahay na kalapit ng bahay ni Michas ay nagpipisan at inabot ang mga anak ni Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang sinigawan ang mga anak ni Dan . At inilingon nila ang kanilang mga mukha , at sinabi kay Michas , Anong mayroon ka , na ikaw ay nagpisan ng ganyang pulutong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kaniyang sinabi , Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa , at ang saserdote , at kayo&apos;y yumaon , at ano pang mayroon ako ? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin , Anong mayroon ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ng mga anak ni Dan sa kaniya , Huwag ng marinig ang iyong tinig , baka daluhungin ka ng mga mapusok na kasama , at iyong iwala ang iyong buhay , pati ng buhay ng iyong sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ipinagpatuloy ng mga anak ni Dan ang kanilang lakad : at nang makita ni Michas na sila&apos;y totoong malakas kay sa kaniya , ay bumalik at umuwi sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kanilang kinuha ang ginawa ni Michas , at ang saserdote na kaniyang tinatangkilik , at naparoon sa Lais , sa bayang tahimik at tiwasay , at sinaktan nila ng talim ng tabak : at sinunog nila ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At walang magligtas , sapagka&apos;t malayo sa Sidon , at sila&apos;y walang pakikipagkasundo sa kanino man , at nasa libis na lumalaganap sa dakong Bethrehob . At kanilang itinayo ang bayan , at tinahanan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan , ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama na ipinanganak sa Israel : gayon ma&apos;y ang pangalan ng bayan nang una ay Lais .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At itinayo sa kanilang sarili ng mga anak ni Dan ang larawang inanyuan : at si Jonathan na anak ni Gerson , na anak ni Moises , siya at ang kaniyang mga anak ay siyang mga saserdote sa lipi ng mga Danita hanggang sa araw ng pagkabihag sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon nila itinayo ang larawang inanyuan ni Michas na kaniyang ginawa , sa buong panahon na ang bahay ng Dios ay nasa Silo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang mga araw na yaon , nang walang hari sa Israel , na may isang Levita na nakikipamayan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim , na kumuha ng babae mula sa Bethlehem-juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang kaniyang babae ay nagpatutot at iniwan siya na napasa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem-juda , at dumoon sa loob ng apat na buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaniyang asawa ay yumaon at sumunod sa kaniya , upang makiusap na maigi sa kaniya , na ibalik siya , na kasama ang kaniyang bataan , at dalawang magkatuwang na asno : at ipinasok siya ng babae sa bahay ng kaniyang ama : at nang makita siya ng ama ng babae , ay galak na sinalubong siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pinigil siya ng kaniyang biyanan , ng ama ng babae ; at siya&apos;y tumahang kasama niya na tatlong araw : sa gayo&apos;y sila&apos;y nagkainan at naginuman , at tumuloy roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari nang ikaapat na araw , na sila&apos;y bumangong maaga ng kinaumagahan , at siya&apos;y bumangon upang yumaon : at sinabi ng ama ng babae sa kaniyang manugang , Palakasin mo muna ang iyong puso ng isang subong tinapay , at pagkatapos ay ipagpatuloy ninyo ang inyong lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y naupo sila , at kumain at uminom silang dalawa : at sinabi ng ama ng babae sa lalake , Isinasamo ko sa iyo na magsaya ka , at magpahinga sa buong gabi , at matuwa ang iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang lalake ay bumangon upang umalis ; nguni&apos;t pinilit siya ng kaniyang biyanan ; at siya&apos;y tumigil uli roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y bumangong maaga sa kinaumagahan nang ikalimang araw upang yumaon ; at sinabi ng ama ng babae , Isinasamo ko sa iyong palakasin mo muna ang iyong puso , at maghintay ka hanggang sa kumulimlim ang araw ; at sila&apos;y kumain , silang dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang tumindig ang lalake upang yumaon , siya , at ang kaniyang babae , at ang kaniyang bataan , ay sinabi ng kaniyang biyanan , na ama ng kaniyang babae , sa kaniya , Narito , ngayo&apos;y ang araw ay gumagabi na , isinasamo ko sa inyong magpahinga sa buong gabi : narito , ang araw ay nananaw ; tumigil dito , upang ang iyong puso ay sumaya ; at bukas ay yumaon kayong maaga sa inyong paglakad , upang makauwi ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon , kundi siya&apos;y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus ( na siyang Jerusalem ) : at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak ; ang kaniyang babae ay kasama rin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang sila&apos;y nasa tabi na ng Jebus , ang araw ay nananaw ; at sinabi ng bataan sa kaniyang panginoon , Isinasamo ko sa iyo na halina , at tayo&apos;y lumiko sa bayang ito ng mga Jebuseo , at tumigil dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya , Hindi tayo liliko sa bayan ng iba , na hindi sa mga anak ni Israel ; kundi dadaan tayo sa Gabaa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kaniyang alipin , Halina at tayo&apos;y lumapit sa isa sa mga dakong ito ; at tayo&apos;y titigil sa Gabaa o sa Rama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y nagdaan sila at nagpatuloy ng kanilang paglakad ; at nilubugan sila ng araw sa malapit sa Gabaa , na nauukol sa Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y lumiko roon , upang pumasok na tumigil sa Gabaa : at sila&apos;y pumasok , at naupo sila sa lansangan ng bayan : sapagka&apos;t walang taong magpatuloy sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At , narito , may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw ; ang lalake nga&apos;y taga lupaing maburol ng Ephraim , at nakikipamayan sa Gabaa ; nguni&apos;t ang mga tao sa dakong yaon ay mga Benjamita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At itiningin niya ang kaniyang mga mata , at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan ; at sinabi ng matandang lalake , Saan ka paroroon ? at saan ka nanggaling ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya sa kaniya , Kami ay nagdadaang mula sa Bethlehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim ; tagaroon ako at ako&apos;y naparon sa Bethlehem-juda : at ako&apos;y pasasabahay ng Panginoon ; at walang taong magpatuloy sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon man ay may dayami at damo para sa aming mga asno ; at may tinapay at alak naman para sa akin , at sa iyong lingkod na babae , at sa batang kasama ng iyong mga lingkod : walang kakulangang anomang bagay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng matandang lalake , Kapayapaan nawa ang sumaiyo ; sa anomang paraa&apos;y pabayaan mo sa akin ang lahat ng iyong mga kailangan : at huwag ka lamang tumigil sa lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y kaniyang ipinasok sa kaniyang bahay , at binigyan ng pagkain ang mga asno : at sila&apos;y naghugas ng kanilang mga paa , at nagkainan at naginuman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso , narito , ang mga lalake sa bayan , na ilang hamak na tao , ay kinubkob ang bahay sa palibot , na hinahampas ang pintuan ; at sila&apos;y nagsalita sa may-ari ng bahay , sa matanda , na sinasabi , Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At lumabas sa kanila ang lalake , ang may-ari ng bahay , at sinabi sa kanila , Huwag , mga kapatid ko , isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan ; yamang ang lalaking ito&apos;y pumasok sa aking bahay , ay huwag ninyong gawin ang kaululang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Narito , nandito ang aking anak na dalaga , at ang kaniyang babae ; akin silang ilalabas ngayon , at pangayupapain ninyo sila , at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa kanila : nguni&apos;t sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anomang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t hindi siya dininig ng mga lalake : sa gayo&apos;y hinawakan ng lalake ang kaniyang babae at inilabas sa kanila : at sinipingan nila siya , at hinalay buong gabi hanggang sa kinaumagahan ; at nang magbukang liwayway , ay pinayaon nila siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y dumating ang babae , pagbubukang liwayway , at nabuwal sa pintuan ng bahay ng lalake , na kinaroroonan ng kaniyang panginoon , hanggang sa lumiwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At bumangon ang kaniyang panginoon ng kinaumagahan , at ibinukas ang mga pinto ng bahay , at lumabas na nagpatuloy ng kaniyang lakad : at , narito , ang babae na kaniyang kinakasama ay nakabuwal sa pintuan ng bahay , na ang kaniyang mga kamay ay nasa tayuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi niya sa kaniya , Bumangon ka , at tayo na ; nguni&apos;t walang sumagot : nang magkagayo&apos;y kaniyang isinakay sa asno ; at ang lalake ay bumangon , at napasa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang siya&apos;y pumasok sa kaniyang bahay , ay kumuha siya ng isang sundang , at itinaga sa kaniyang babae , at pinagputolputol siya ayon sa kaniyang buto , ng labing dalawang putol ; at ipinadala siya sa lahat ng hangganan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari , na lahat ng nakakita ay nagsabi , Walang ganitong gawang ginawa o nakita man mula sa araw na umahon ang mga anak ni Israel na mula sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito : kayo&apos;y magdilidili , pumayo , at magsalita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel , at ang kapisanan ay nagpisang gaya ng isang tao sa Panginoon sa Mizpa , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , na kalakip ng lupain ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan , sa makatuwid baga&apos;y ng lahat ng mga lipi ng Israel , sa kapulungan ng bayan ng Dios , na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">( Nabalitaan nga ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa . ) At sinabi ng mga anak ni Israel , Saysayin ninyo sa amin kung bakit ang kasamaang ito ay nangyari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang Levita , ang asawa ng babaing pinatay , ay sumagot at kaniyang sinabi , Ako&apos;y naparoon sa Gabaa na ukol sa Benjamin , ako at ang aking babae upang tumigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At bumangon ang mga lalake sa Gabaa laban sa akin , at kinubkob ang bahay sa palibot laban sa akin nang kinagabihan ; ako&apos;y kanilang pinagakalaang patayin , at kanilang dinahas ang aking babae , at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking kinuha ang aking babae , at aking pinagputolputol , at ipinadala ko sa buong lupain ng mana ng Israel : sapagka&apos;t sila&apos;y nagkasala ng kalibugan at ng kaululan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , kayong mga anak ni Israel , kayong lahat , ibigay ninyo rito ang inyong payo at pasiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang buong bayan ay bumangong parang isang tao , na nagsasabi , Hindi na babalik ang sinoman sa amin sa kaniyang tolda , ni uuwi man ang sinoman sa amin sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kundi ngayo&apos;y ito ang bagay na aming gagawin sa Gabaa ; magsisiahon kami laban sa kaniya na aming pagsasapalaran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At magsisikuha kami ng sangpung lalake sa isang daan , sa lahat ng mga lipi ng Israel , at isang daan sa isang libo , at isang libo sa sangpung libo , upang ipagbaon ng pagkain ang bayan , upang kanilang gawin pagparoon nila sa Gabaa ng Benjamin ang ayon sa buong kaululang kanilang ginawa sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y nagpipisan ang lahat ng mga lalake ng Israel laban sa bayang yaon , na nagtibay na magkakapisang parang isang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagsugo ang mga lipi ng Israel ng mga lalake sa buong lipi ng Benjamin , na sinasabi , Anong kasamaan ito na nangyari sa gitna ninyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ngayon nga&apos;y ibigay ninyo ang mga lalake , ang mga hamak na tao , na nasa Gabaa , upang aming patayin sila , at alisin ang kasamaan sa Israel . Nguni&apos;t hindi dininig ng mga anak ni Benjamin ang tinig ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagpisan ang mga anak ni Benjamin sa mga bayang patungo sa Gabaa , upang lumabas na makibaka laban sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan , na dalawang pu&apos;t anim na libong lalake na humahawak ng tabak , bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang , na pitong daang piling lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa kabuoan ng bayang ito ay may pitong daang piling lalake na kaliwete : na bawa&apos;t isa&apos;y nakapagpapahilagpos ng pagpapatama ng bato sa isang buhok , at hindi sumasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At binilang ang mga lalake sa Israel , bukod pa ang sa Benjamin , ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak : lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At bumangon ang mga anak ni Israel , at nagsiahon sa Beth-el upang sumangguni sa Dios ; at kanilang sinabi , Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin ? At sinabi ng Panginoon , Ang Juda ang unang aahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagsibangon ang mga anak ni Israel sa kinaumagahan , at humantong laban sa Gabaa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At lumabas ang mga lalake ng Israel upang makibaka laban sa Benjamin ; at humanay ang mga lalake ng Israel sa Gabaa , sa pakikibaka laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At lumabas ang mga anak ni Benjamin sa Gabaa at ibinuwal sa lupa sa mga Israelita sa araw na yaon ay dalawang pu&apos;t dalawang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang bayan , ang mga lalake ng Israel , ay nagpakatapang , at humanay uli sa pakikibaka sa dakong kanilang hinanayan nang unang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagsiahon ang mga anak ni Israel , at nagsiiyak sa harap ng Panginoon hanggang sa kinahapunan ; at sila&apos;y sumangguni sa Panginoon , na sinasabi , Lalapit ba uli ako upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid ? At sinabi ng Panginoon . Umahon ka laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lumapit uli ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikalawang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At lumabas ang sa Benjamin sa Gabaa laban sa kanila nang ikalawang araw , at nabuwal uli sa lupa sa mga anak ni Israel ay labing walong libong lalake ; lahat ng mga ito ay humahawak ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel , at ang buong bayan , at nagsiparoon sa Bethel , at nagsiiyak , at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon , at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan ; at sila&apos;y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon ( sapagka&apos;t ang kaban ng tipan ng Dios ay nandoon nang mga araw na yaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At si Phinees , na anak ni Eleazar , na anak ni Aaron , ay tumayo sa harap niyaon nang mga araw na yaon , ) na sinasabi , Lalabas ba ako uli upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid , o magtitigil ako ? At sinabi ng Panginoon , Umahon ka ; sapagka&apos;t bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At bumakay ang Israel laban sa Gabaa , sa buong palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagsiahon ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikatlong araw , at humanay laban sa Gabaa , gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga anak ni Benjamin ay nagsilabas laban sa bayan , na ipinalayo sa bayan ; at kanilang pinasimulang sinaktan at pinatay ang bayan gaya ng dati , sa mga lansangan , na ang isa&apos;y umahon sa Beth-el , at ang isa&apos;y sa Gabaa , sa bukid , na may tatlong pung lalake ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ng mga anak ni Benjamin , Sila&apos;y nangasaktan sa harap natin , gaya ng una . Nguni&apos;t sinabi ng mga anak ni Israel , Tayo&apos;y tumakas , at palabasin natin sila mula sa bayan hanggang sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At lahat ng mga lalake sa Israel ay bumangon sa kanilang dako , at nagsihanay sa Baal-tamar : at ang mga bakay ng Israel ay nagsilabas mula sa kanilang dako , sa makatuwid baga&apos;y mula sa Maare-Gabaa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nagsidating laban sa Gabaa ang sangpung libong piling lalake sa buong Israel , at ang pagbabaka ay lumala : nguni&apos;t hindi nila naalaman na ang kasamaan ay malapit na sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinaktan ng Panginoon ang Benjamin sa harap ng Israel : at pinatay ng mga anak ni Israel sa Benjamin nang araw na yaon ay dalawang pu&apos;t limang libo at isang daang lalake : lahat ng mga ito&apos;y humahawak ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sa gayo&apos;y nakita ng mga anak ni Benjamin na sila&apos;y nasaktan : sapagka&apos;t binigyang kaluwagan ng mga lalake ng Israel ang Benjamin , sapagka&apos;t sila&apos;y umaasa sa mga bakay na kanilang inilagay laban sa Gabaa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nangagmadali ang mga bakay at nagsidaluhong sa Gabaa , at nangagpatuloy ang mga bakay , at sinugatan ang buong bayan ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nagkaroon nga ng palatandaan ang mga anak ng Israel at ang mga bakay , na sila&apos;y gagawa ng alapaap na usok na pauusukin mula sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang ang mga lalake ng Israel ay nagsipihit mula sa pagbabaka , at pinasimulang sinaktan at pinatay ng Benjamin ang mga lalake ng Israel na may tatlong pung lalake : sapagka&apos;t kanilang sinabi , Walang pagsalang sila&apos;y nasaktan sa harap natin gaya ng unang pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Nguni&apos;t nang ang alapaap ay magpasimulang umilanglang mula sa bayan , sa isang haliging usok , ang mga Benjaminita ay lumingon sa likuran , at , narito , ang apoy ng buong bayan ay napaiilanglang sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nangagbalik ang mga lalake ng Israel , at ang mga lalake ng Benjamin ay nangabalisa : sapagka&apos;t kanilang nakita na ang kasamaan ay dumating sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Kaya&apos;t kanilang itinalikod ang kanilang likod sa harap ng mga lalake ng Israel , na nangagsitungo sa ilang ; nguni&apos;t hinabol silang mainam ng pakikibaka ; at yaong nangagsilabas sa mga bayan , ay nagsilipol sa kanila sa gitna ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kanilang kinubkob ang mga Benjamita sa palibot , at kanilang hinabol , at kanilang inabutan sa pahingahang dako hanggang sa tapat ng Gabaa , sa dakong sinisikatan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nabuwal sa Benjamin , ay labing walong libong lalake ; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At sila&apos;y nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato sa Rimmon . At hinabol nila sa mga lansangan ang limang libong lalake ; at hinabol silang mainam hanggang sa Gidom , at pumatay sa kanila ng dalawang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Na ano pa&apos;t lahat na nabuwal nang araw na yaon sa Benjamin ay dalawang pu&apos;t limang libong lalake na humawak ng tabak ; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Nguni&apos;t anim na raang lalake ay nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato ng Rimmon , at nagsitahan sa malaking bato ng Rimmon na apat na buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At binalikan ng mga lalake ng Israel ang mga anak ni Benjamin , at sinugatan nila ng talim ng tabak , ang buong bayan , at gayon din ang kawan , at yaong lahat na kanilang nasumpungan : bukod dito&apos;y yaong lahat ng mga bayan na kanilang nasumpungan ay kanilang sinilaban .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa , na nagsasabi , Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios , at inilakas ang kanilang mga tinig , at tumangis na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang sinabi , Oh Panginoon , na Dios ng Israel , bakit nangyari ito sa Israel , na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari nang kinabukasan , na ang bayan ay bumangong maaga , at nagtayo roon ng dambana , at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng mga anak ni Israel , Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel , sa kapulungan sa Panginoon ? Sapagka&apos;t sila&apos;y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa , na sinasabi , Walang pagsalang siya&apos;y papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid , at sinabi , May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan , yamang tayo&apos;y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang sinabi , Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa ? At , narito , walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t nang bilangin ang bayan , narito , wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang , at iniutos sa kanila , na sinasabi , Kayo&apos;y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ito ang bagay na inyong gagawin : inyong lubos na lilipulin ang bawa&apos;t lalake , at bawa&apos;t babae na sinipingan ng lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga , na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya : at kanilang dinala sa kampamento sa Silo , na nasa lupain ng Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon , at inihayag ang kapayapaan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon ; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad : at gayon ma&apos;y hindi sapat sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin , sapagka&apos;t ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga matanda ng kapisanan , Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira , yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang sinabi , Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin , upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae : sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa , na nangagsasabi , Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kanilang sinabi , Narito , may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo , na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el , at sa timugan ng Lebona .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin , na sinasabi , kayo&apos;y yumaon at bumakay sa mga ubasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At tingnan ninyo , at , narito , kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw , lumabas nga kayo sa ubasan , at kumuha ang bawa&apos;t lalake sa inyo , ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo ; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At mangyayari , na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin , ay aming sasabihin sa kanila , Ipagkaloob na ninyo sila sa amin : sapagka&apos;t hindi namin kinuha na asawa sa bawa&apos;t isa sa kanila sa pagkikipagbaka : o ibinigay man ninyo sila sa kanila , sa ibang paraan kayo&apos;y magkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin , at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang , sa mga sumasayaw , na kanilang dinala : at sila&apos;y yumaon at nagbalik sa kanilang mana , at itinayo ang mga bayan , at tinahanan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon , bawa&apos;t lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan , at yumaon mula roon ang bawa&apos;t lalake na umuwi sa kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang mga araw na yao&apos;y walang hari sa Israel : ginagawa ng bawa&apos;t isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "8">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang mga kaarawan nang humatol ang mga hukom , na nagkagutom sa lupain . At isang lalaking taga Bethlehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab , siya , at ang kaniyang asawa , at ang kaniyang dalawang anak na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang pangalan ng lalake ay Elimelech , at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi , at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Chelion , mga Ephrateo na taga Bethlehem-juda . At sila&apos;y naparoon sa lupain ng Moab , at nanirahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Elimelech na asawa ni Noemi ay namatay : at siya&apos;y naiwan at ang kaniyang dalawang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y nagsipagasawa sa mga babae sa Moab ; ang pangalan ng isa&apos;y Orpha , at ang pangalan ng isa&apos;y Ruth : at sila&apos;y tumahan doon na may sangpung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At namatay kapuwa si Mahalon at si Chelion ; at ang babae ay naiwan ng kaniyang dalawang anak at ng kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y bumangon siya na kasama ng kaniyang dalawang manugang upang siya&apos;y bumalik mula sa lupain ng Moab : sapagka&apos;t kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong dinalaw ng Panginoon ang kaniyang bayan sa pagbibigay sa kanila ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y umalis sa dakong kaniyang kinaroroonan , at ang kaniyang dalawang manugang na kasama niya : at sila&apos;y yumaon upang bumalik sa lupain ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Noemi sa kaniyang dalawang manugang , Kayo&apos;y yumaon , na bumalik ang bawa&apos;t isa sa inyo sa bahay ng kaniyang ina : gawan nawa kayo ng magaling ng Panginoon , na gaya ng inyong ginawa sa mga namatay at sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ipagkaloob nawa ng Panginoon na kayo&apos;y makasumpong ng kapahingahan , bawa&apos;t isa sa inyo sa bahay ng kaniyang asawa . Nang magkagayo&apos;y kaniyang hinagkan sila ; at inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi nila sa kaniya , Hindi , kundi kami ay babalik na kasama mo sa iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Noemi , Kayo&apos;y magsibalik , mga anak ko : bakit kayo&apos;y yayaong kasama ko ? may mga anak pa ba ako sa aking tiyan , na magiging inyong mga asawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kayo&apos;y magsibalik , mga anak ko , magpatuloy kayo ng inyong lakad ; sapagka&apos;t ako&apos;y totoong matanda na upang magkaroon pa ng asawa . Kung aking sabihin , Ako&apos;y may pagasa , kung ako&apos;y magkaasawa man ngayong gabi , at ako&apos;y magkakaanak man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maghihintay kaya kayo hanggang sa sila&apos;y lumaki ? magbabawa kaya kayo na magkaasawa ? huwag , mga anak ko : sapagka&apos;t daramdamin kong mainam dahil sa inyo , sapagka&apos;t ang kamay ng Panginoon ay nanaw laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak uli ; at hinagkan ni Orpha ang kaniyang biyanan ; nguni&apos;t si Ruth ay yumakap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya , Narito , ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan , at sa kaniyang dios ; bumalik kang sumunod sa iyong hipag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Ruth , Huwag mong ipamanhik na kita&apos;y iwan , at bumalik na humiwalay sa iyo ; sapagka&apos;t kung saan ka pumaroon , ay paroroon ako : at kung saan ka tumigil , ay titigil ako : ang iyong bayan ay magiging aking bayan , at ang iyong Dios ay aking Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung saan ka mamatay , ay mamamatay ako , at doon ako ililibing ; hatulan ako ng Panginoon at lalo na , maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang makita ni Noemi na mapilit ng pagsama sa kaniya , ay tumigil ng pagsasalita sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y yumaon silang dalawa hanggang sa sila&apos;y dumating sa Bethlehem . At nangyari , nang sila&apos;y dumating sa Bethlehem , na ang buong bayan ay napataka sa kanila ; at sinabi ng mga babae , Ito ba&apos;y si Noemi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa kanila , Huwag na ninyo akong tawaging Noemi , tawagin ninyo akong Mara : sapagka&apos;t ginawan ako ng kapaitpaitan ng Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ako&apos;y umalis na puno , at ako&apos;y iniuwi ng Panginoon na walang dala . Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi , yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin , at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita , na kaniyang manugang na kasama niya , na nagsibalik mula sa lupain ng Moab : at sila&apos;y nagsidating sa Bethlehem sa pasimula ng pagaani ng sebada .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Noemi ay may kamaganak ng kaniyang asawa , isang mayamang makapangyarihan , sa angkan ni Elimelech ; at ang pangalan niya&apos;y Booz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Ruth na Moabita kay Noemi , Paparoonin mo ako ngayon sa bukid , at mamulot ng mga uhay sa likuran niyaong aking kasumpungan ng biyaya sa paningin . At sinabi niya sa kaniya , Yumaon ka , anak ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y yumaon at naparoon , at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani : at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz , na sa angkan ni Elimelech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At , narito , si Booz ay nanggaling sa Bethlehem , at nagsabi sa mga mangaani , Ang Panginoo&apos;y sumainyo nawa . At sila&apos;y sumagot sa kaniya , Pagpalain ka nawa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Booz sa kaniyang lingkod na kaniyang katiwala sa mga mangaani , Sinong babae ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang lingkod na katiwala sa mga mangaani ay sumagot at nagsabi , Siya&apos;y babaing Moabita na bumalik na kasama ni Noemi na mula sa lupain ng Moab :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang sinabi , Isinasamo ko sa iyong pamulutin mo ako , at papagtipunin sa likuran ng mga mangaani sa gitna ng mga bigkis . Sa gayo&apos;y naparoon siya at nagpatuloy , sa makatuwid baga&apos;y mula sa umaga hanggang ngayon , liban sa siya&apos;y nagpahingang sangdali sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Booz kay Ruth , Di mo ba naririnig , anak ko ? Huwag kang mamulot sa ibang bukid , o lumagpas man dito , kundi manahan ka ritong malapit sa piling ng aking mga alilang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Itanaw mo ang iyong mga mata sa bukid na kanilang inaanihan , at sumunod ka sa kanila ; di ba ibinilin ko sa mga bataan na huwag ka nilang gagalawin ? At pagka ikaw ay nauuhaw , pumaroon ka sa mga banga , at uminom ka sa inigib ng mga bataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nagpatirapa siya at yumukod sa lupa , at nagsabi sa kaniya , Bakit ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin na nilingap mo ako , dangang ako&apos;y taga ibang lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya , Ipinatalastas sa akin ang buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa : at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina , at ang lupang pinanganakan sa iyo , at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa , at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon , ng Dios ng Israel , sa ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi , Makasumpong nawa ako ng biyaya sa iyong paningin , panginoon ko ; sapagka&apos;t ako&apos;y iyong inaliw , at sapagka&apos;t may kagandahang loob na pinagsalitaan mo ang iyong lingkod , bagaman ako&apos;y hindi gaya ng isa sa iyong mga alila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa pagkain ay sinabi ni Booz sa kaniya , Parito ka , at kumain ka ng tinapay , at basain mo ang iyong subo sa suka . At siya&apos;y umupo sa siping ng mga mangaani : at iniabot niya sa kaniya , ang sinangag na trigo , at siya&apos;y kumain , at nabusog , at lumabis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang siya&apos;y tumindig upang mamulot , ay iniutos ni Booz sa kaniyang mga bataan , na sinasabi , Pamulutin ninyo siya hanggang sa gitna ng mga bigkis , at huwag ninyo siyang hiyain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ihugot din ninyo siya ng ilan sa mga bigkis , at iwan ninyo at pamulutin niya , at huwag ninyong hiyain siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y namulot siya sa bukid hanggang sa paglubog ng araw ; at kaniyang hinampas yaong kaniyang napamulot , at may isang epa ng sebada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang dinala at pumasok sa bayan : at nakita ng kaniyang biyanan ang kaniyang napamulot : at kaniyang inilabas at ibinigay sa kaniya ang lumabis sa kaniya pagkatapos na siya&apos;y nabusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng kaniyang biyanan sa kaniya , Saan ka namulot ngayon ? at saan ka gumawa ? Pagpalain nawa yaong lumingap sa iyo , At itinuro niya sa kaniyang biyanan kung kanino siya gumawa , at sinabi , Ang pangalan ng lalake na aking ginawan ngayon ay Booz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang : Pagpalain nawa siya ng Panginoon , na hindi ikinait ang kaniyang kagandahang loob sa mga buhay at sa mga patay . At sinabi ni Noemi sa kaniya , Ang lalaking yaon ay isa sa mga kamaganak na malapit natin , isang pinakamalapit na kamaganak natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Ruth na Moabita , Oo , sinabi niya sa akin , Ikaw ay sumunod na malapit sa aking mga bataan hanggang sa kanilang matapos ang aking ani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Noemi kay Ruth na kaniyang manugang , Mabuti , anak ko , na ikaw ay lumabas na kasama ng kaniyang mga alila , at huwag kang masumpungan sa ibang bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y nakipisang maliksi na kasiping ng mga alila ni Booz , upang mamulot hanggang sa katapusan ng pagaani ng sebada at pagaani ng trigo ; at siya&apos;y tumahang kasama ng kaniyang biyanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan , Anak ko , hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan , na ikabubuti mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ngayo&apos;y wala ba rito si Booz na ating kamaganak , na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama ? Narito , kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maligo ka nga , at magpahid ka ng langis , at magbihis ka at bumaba ka sa giikan : nguni&apos;t huwag kang pakilala sa lalake , hanggang siya&apos;y makakain at makainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mangyayari , paghiga niya , na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan , at ikaw ay papasok , at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa , at mahiga ka ; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kaniya , Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y bumaba sa giikan , at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang si Booz ay makakain at makainom , at ang kaniyang puso&apos;y maligayahan , siya&apos;y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo ; at siya&apos;y naparoong marahan , at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa , at siya&apos;y nahiga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , sa hating gabi , na ang lalake ay natakot at pumihit : at , narito , isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya , Sino ka ? At siya&apos;y sumagot , Ako&apos;y si Ruth , na iyong lingkod : iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod ; sapagka&apos;t ikaw ay malapit na kamaganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinabi , Pagpalain ka nawa ng Panginoon , anak ko : ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una , sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ngayon , anak ko , huwag kang matakot ; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi , sapagka&apos;t buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tunay nga na ako&apos;y kamaganak na malapit ; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maghintay ka ngayong gabi , at mangyayari sa kinaumagahan , na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak , ay mabuti ; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak : nguni&apos;t kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo , ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo , kung paano ang Panginoon ay nabubuhay : mahiga ka nga hanggang kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan : at siya&apos;y bumangong maaga bago magkakilala ang isa&apos;t isa . Sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan ; at hinawakan niya ; at siya&apos;y tumakal ng anim na takal na sebada , at isinunong sa kaniya ; at siya&apos;y pumasok sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang siya&apos;y pumaroon sa kaniyang biyanan , ay sinabi niya , Ano nga , anak ko ? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya , Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Maupo kang tahimik , anak ko , hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay : sapagka&apos;t ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga , hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Booz nga&apos;y sumampa sa pintuang-bayan , at naupo siya roon : at , narito , ang malapit na kamaganak na sinalita ni Booz ay nagdaan ; sa lalaking yao&apos;y sinabi niya , Oy , kuwan ! lumiko ka , maupo ka rito . At siya&apos;y lumiko , at naupo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y kumuha ng sangpung lalake sa mga matanda sa bayan , at sinabi , Maupo kayo rito . At sila&apos;y naupo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya sa malapit na kamaganak , Ipinagbibili ni Noemi , na bumalik na galing sa lupain ng Moab , ang bahagi ng lupa , na naging sa ating kapatid na kay Elimelech :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking inisip na ipahayag sa iyo , na sabihin , Bilhin mo sa harap nilang nakaupo rito , at sa harap ng mga matanda ng aking bayan . Kung iyong tutubusin ay tubusin mo ; nguni&apos;t kung hindi mo tutubusin ay saysayin mo nga , upang matalastas ko : sapagka&apos;t wala nang tutubos na iba pa liban sa iyo : at ako ang sumusunod sa iyo . At sinabi niya , Aking tutubusin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Booz , Anomang araw na iyong bilhin ang parang sa kamay ni Noemi , ay marapat na iyong bilhin din ang kay Ruth na Moabita , na asawa ng namatay , upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng malapit na kamaganak , Hindi ko matutubos sa ganang akin , baka masira ang aking sariling mana : iyo na ang aking matuwid ng pagtubos ; sapagka&apos;t hindi ko matutubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ito nga ang kaugalian ng unang panahon sa Israel tungkol sa pagtubos at tungkol sa pagpapalit , upang patotohanan ang lahat ng mga bagay ; hinuhubad ng isa ang kaniyang pangyapak , at ibinibigay sa kaniyang kapuwa : at ito ang paraan ng pagpapatotoo sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y sinabi ng malapit na kamaganak kay Booz , Bilhin mo sa ganang iyo . At hinubad niya ang kaniyang pangyapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Booz sa mga matanda at sa buong bayan , Kayo&apos;y mga saksi sa araw na ito , na aking binili ang lahat ng kay Elimelech , at lahat na kay Chelion , at kay Mahalon , sa kamay ni Noemi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bukod dito&apos;y si Ruth na Moabita , na asawa ni Mahalon , ay aking binili na maging aking asawa , upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana , upang ang pangalan ng namatay ay huwag mahiwalay sa gitna ng kaniyang mga kapatid , at sa pintuang-bayan ng kaniyang dako : kayo&apos;y mga saksi sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang buong bayan na nasa pintuang-bayan , at ang mga matanda ay nagsabi , Kami ay mga saksi . Gawin ng Panginoon ang babae na pumapasok sa iyong bahay , na gaya ni Rachel at gaya ni Lea , na silang dalawa ang nagtatag ng sangbahayan ni Israel , at maging makapangyarihan ka sa Ephrata , at maging bantog sa Bethlehem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang iyong sangbahayan ay maging gaya ng sangbahayan ni Phares , na ipinanganak ni Thamar kay Juda , sa binhi na ibibigay ng Panginoon sa iyo sa batang babaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y kinuha ni Booz si Ruth , at siya&apos;y naging kaniyang asawa ; at siya&apos;y sumiping sa kaniya , at pinapaglihi ng Panginoon , at siya&apos;y nanganak ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng mga babae kay Noemi , Pagpalain ka nawa ng Panginoon na hindi ka binayaan sa araw na ito , na mawalan ng isang malapit na kamaganak ; at maging bantog nawa ang kaniyang pangalan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y magiging sa iyo ay isang tagapagsauli ng buhay , at tagapagkandili sa iyong katandaan : sapagka&apos;t ang inyong manugang na nagmamahal sa iyo , ay nagkaanak sa kaniya , at siya&apos;y mahigit pa sa iyo kay sa pitong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kinuha ni Noemi ang bata , at inihilig sa kaniyang kandungan , at siya&apos;y naging yaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang kapitbahay , na sinasabi , May isang lalake na ipinanganak kay Noemi ; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed ; siya ang ama ni Isai , na ama ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ito nga ang mga lahi ni Phares : naging anak ni Phares si Hesron ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At naging anak ni Hesron si Ram , at naging anak ni Ram si Aminadab ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At naging anak ni Aminadab si Nahason , at naging anak ni Nahason si Salmon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At naging anak ni Salmon si Booz , at naging anak ni Booz si Obed ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At naging anak ni Obed si Isai , at naging anak ni Isai si David .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "9">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim , sa lupaing maburol ng Ephraim , at ang pangalan niya&apos;y Elcana , na anak ni Jeroham , na anak ni Eliu , na anak ni Thohu , na anak ni Suph na Ephraimita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y may dalawang asawa ; ang pangalan ng isa&apos;y Ana , at ang pangalan ng isa&apos;y Peninna : at si Peninna ay may mga anak nguni&apos;t si Ana ay walang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo . At ang dalawang anak ni Eli , na si Ophni at si Phinees , na mga saserdote sa Panginoon , ay nangandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay naghahain , ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa , at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi : sapagka&apos;t minamahal niya si Ana , bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya , sapagka&apos;t sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon , na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa ; kaya&apos;t siya&apos;y umiiyak , at hindi kumakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya , Ana , bakit ka umiiyak ? at bakit hindi ka kumakain ? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso ? hindi ba ako mabuti sa iyo kay sa sangpung anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila&apos;y makainom . Ngayo&apos;y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa , at tumangis na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y nanata ng isang panata , at nagsabi , Oh Panginoon ng mga hukbo , kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod , at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod , kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake , ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay , at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nangyari , habang siya&apos;y nananatili ng pananalangin sa harap ng Panginoon , ay pinagmamasdan ni Eli ang kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Ana nga&apos;y nagsasalita sa kaniyang puso ; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw , nguni&apos;t ang kaniyang tinig ay hindi naririnig : kaya&apos;t inakala ni Eli na siya&apos;y lasing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Eli sa kaniya , Hanggang kailan magiging lasing ka ? ihiwalay mo ang iyong alak sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sumagot si Ana , at nagsabi , Hindi , panginoon ko , ako&apos;y isang babae na may diwang mapanglaw : hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing , kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod : sapagka&apos;t sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Eli , at nagsabi , Yumaon kang payapa : at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya , Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin . Sa gayo&apos;y nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain , at ang kaniyang mukha&apos;y hindi na malumbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y bumangong maaga ng kinaumagahan , at sumamba sa Panginoon , at bumalik , at umuwi sa kanilang bahay sa Ramatha ; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa ; at inalaala siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , nang sumapit ang panahon , na si Ana ay naglihi , at nanganak ng isang lalake ; at tinawag ang pangalan niya na Samuel , na sinasabi , Sapagka&apos;t aking hiningi siya sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang lalaking si Elcana , at ang buong sangbahayan niya , ay nagsiahon upang maghandog sa Panginoon ng hain sa taon-taon , at ganapin ang kaniyang panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t si Ana ay hindi umahon ; sapagka&apos;t sinabi niya sa kaniyang asawa , Hindi ako aahon hanggang sa ang bata&apos;y mahiwalay sa suso ; at kung magkagayo&apos;y aking dadalhin siya , upang siya&apos;y pakita sa harap ng Panginoon , at tumahan doon magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya , Gawin mo ang inaakala mong mabuti ; maghintay ka hanggang sa maihiwalay mo siya sa suso ; pagtibayin lamang ng Panginoon ang kaniyang salita . Sa gayo&apos;y naghintay ang babae , at pinasuso ang kaniyang anak , hanggang sa naihiwalay niya sa suso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang kaniyang maihiwalay na sa suso , ay kaniyang iniahon , na may dala siyang tatlong guyang lalake , at isang epang harina , at isang sisidlang balat ng alak , at dinala niya siya sa bahay ng Panginoon sa Silo : at ang anak ay sanggol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kanilang pinatay ang guyang lalake , at dinala ang bata kay Eli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi niya , Oh panginoon ko , alangalang sa buhay ng iyong kaluluwa , panginoon ko , ako ang babaing tumayo sa siping mo rito , na nanalangin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Dahil sa batang ito ako nanalangin ; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siya&apos;y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon . At siya ay sumamba sa Panginoon doon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Ana ay nanalangin , at nagsabi : Nagagalak ang aking puso sa Panginoon ; Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon ; Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway ; Sapagka&apos;t ako&apos;y nagagalak sa iyong pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Walang banal na gaya ng Panginoon ; Sapagka&apos;t walang iba liban sa iyo , Ni may bato mang gaya ng aming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan ; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig ; Sapagka&apos;t ang Panginoon ay Dios ng kaalaman , At sa pamamagitan niya&apos;y sinusukat ang mga kilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira ; At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay ; At yaong mga gutom ay hindi na gutom : Oo , ang baog ay nanganak ng pito ; At yaong may maraming anak ay nanghihina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Panginoo&apos;y pumapatay , at bumubuhay : Siya ang nagbababa sa Sheol , at nagsasampa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoo&apos;y nagpapadukha at nagpapayaman : Siya ang nagpapababa , at siya rin naman ang nagpapataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok , Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan , Upang sila&apos;y palukluking kasama ng mga prinsipe , At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian : Sapagka&apos;t ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon , At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal ; Nguni&apos;t ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman ; Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay malalansag ; Laban sa kanila&apos;y kukulog siya mula sa langit : Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa ; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari , At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Elcana ay umuwi sa Ramatha sa kaniyang bahay . At ang bata&apos;y nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayo&apos;y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake ; hindi nila nakikilala ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kaugalian ng mga saserdote sa bayan , ay , na pagka ang sinoma&apos;y naghahandog ng hain , lumalapit ang bataan ng saserdote , samantalang ang laman ay niluluto , na may hawak sa kamay na pang-ipit na may tatlong ngipin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang dinuduro sa kawali , o sa kaldera , o sa kaldero , o sa palyok ; at lahat ng nadadala ng pang-ipit ay kinukuha ng saserdote para sa kaniya . Gayon ang ginagawa nila sa Silo sa lahat ng mga Israelita na naparoroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oo , bago nila sunugin ang taba , ay lumalapit ang bataan ng saserdote , at sinasabi sa lalake na naghahain , Magbigay ka ng lamang maiihaw para sa saserdote , sapagka&apos;t hindi siya tatanggap sa iyo ng lamang luto , kundi hilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung sabihin ng lalake sa kaniya , Walang pagsalang kanila munang susunugin ang taba , at saka mo kunin kung gaano ang nasain ng iyong kaluluwa ; kaniya ngang sinasabi , Hindi , kundi ibibigay mo sa akin ngayon : at kung hindi ay aking kukuning sapilitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon ; sapagka&apos;t niwawalan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t si Samuel ay nangangasiwa sa harap ng Panginoon , sa bagay ay bata pa , na may bigkis na isang kayong linong epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bukod sa rito&apos;y iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal , at dinadala sa kaniya taon-taon , pagka siya&apos;y umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At binasbasan ni Eli si Elcana at ang kaniyang asawa , at sinabi , Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon . At sila&apos;y umuwi sa kanilang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At dinalaw ng Panginoon si Ana , at siya&apos;y naglihi , at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae . At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Eli nga ay totoong matanda na ; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel , at kung paanong sila&apos;y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi niya sa kanila , Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay ? sapagka&apos;t aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag , mga anak ko ; sapagka&apos;t hindi mabuting balita ang aking naririnig : inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba , ay hahatulan siya ng Dios ; nguni&apos;t kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon , sino ang mamamagitan sa kaniya ? Gayon ma&apos;y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama , sapagka&apos;t inakalang patayin sila ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang batang si Samuel ay lumalaki , at kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli , at sinabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama , nang sila&apos;y nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko , upang maghandog sa aking dambana , upang magsunog ng kamangyan , at upang magsuot ng epod sa harap ko ? at ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Bakit nga kayo&apos;y tumututol sa aking hain at sa aking handog , na aking iniutos sa aking tahanan , at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin , upang kayo&apos;y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t sinasabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan , at ang sangbahayan ng iyong ama , ay lalakad sa harap ko magpakailan man : nguni&apos;t sinasabi ngayon ng Panginoon , Malayo sa akin ; sapagka&apos;t yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin , at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Narito , ang mga araw ay dumarating , na aking ihihiwalay ang iyong bisig , at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama , upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan , sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel ; at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang lalaking iyo , na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana , ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso ; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ito ang magiging tanda sa iyo , na darating sa iyong dalawang anak , kay Ophni at kay Phinees : sa isang araw , sila&apos;y kapuwa mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ako&apos;y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote , na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip : at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan ; at siya&apos;y lalakad sa harap ng aking pinahiran ng langis , magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At mangyayari , na bawa&apos;t isa na naiwan sa iyong sangbahayan , ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay , at magsasabi , Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote , upang makakain ako ng isang subong tinapay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang batang si Samuel ay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli . At ang salita ng Panginoon ay mahalaga noong mga araw na yaon ; walang hayag na pangitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari nang panahon na yaon , nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako , ( ang kaniya ngang mata&apos;y nagpasimulang lumabo , na siya&apos;y hindi nakakita , )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay , at si Samuel ay nakahiga upang matulog , sa templo ng Panginoon , na kinaroroonan ng kaban ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na tinawag ng Panginoon si Samuel : at kaniyang sinabi , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y tumakbo kay Eli , at nagsabi , Narito ako ; sapagka&apos;t tinawag mo ako . At kaniyang sinabi , Hindi ako tumawag ; mahiga ka uli . At siya&apos;y yumaon at nahiga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tumawag pa uli ang Panginoon , Samuel . At bumangon si Samuel at naparoon kay Eli , at nagsabi , Narito ako : sapagka&apos;t ako&apos;y tinawag mo . At siya&apos;y sumagot , Hindi ako tumawag , anak ko ; mahiga ka uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon , o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo . At siya&apos;y bumangon , at naparoon kay Eli , at nagsabi , Narito ako ; sapagka&apos;t ako&apos;y iyong tinawag . At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t sinabi ni Eli kay Samuel , Yumaon ka , mahiga ka : at mangyayari , na kung tatawagin ka niya , ay iyong sasabihin , Magsalita ka , Panginoon ; sapagka&apos;t dinirinig ng iyong lingkod . Sa gayo&apos;y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Panginoon ay naparoon , at tumayo , at tumawag na gaya ng una , Samuel , Samuel . Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Samuel , Magsalita ka ; sapagka&apos;t dinirinig ng iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Narito , gagawa ako ng isang bagay sa Israel , na ang dalawang tainga ng bawa&apos;t isa na nakikinig ay magpapanting .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan , mula sa pasimula hanggang sa wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t aking isinaysay sa kaniya na aking huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man , dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman , sapagka&apos;t ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili , at hindi niya sinangsala sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaya&apos;t ako&apos;y sumumpa sa sangbahayan ni Eli , na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain , o handog man magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan , at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon . At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Eli si Samuel , at nagsabi , Samuel , anak ko . At kaniyang sinabi , Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Ano ang bagay na sinalita sa iyo ? isinasamo ko sa iyo na huwag mong ilihim sa akin : hatulan ka ng Dios , at lalo na , kung iyong ililihim sa akin ang anomang bagay sa lahat ng mga bagay na kaniyang sinalita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At isinaysay sa kaniya ni Samuel ang buong sinalita , at hindi naglihim ng anoman sa kaniya . At kaniyang sinabi , Panginoon nga : gawin niya ang inaakala niyang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Samuel ay lumalaki at ang Panginoon ay sumasakaniya , at walang di pinapangyari sa kaniyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nakilala ng buong Israel mula sa Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay itinatag na maging propeta ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At napakilala uli ang Panginoon sa Silo , sapagka&apos;t ang Panginoo&apos;y napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel , Ngayo&apos;y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka , at humantong sa Ebenezer : at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel : at nang sila&apos;y magsagupa , ang Israel ay nasaktan sa harap ng mga Filisteo ; at kanilang pinatay sa hukbo sa parang , ay may apat na libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang ang bayan ay dumating sa kampamento , ay sinabi ng mga matanda sa Israel , Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo ? Ating dalhin sa atin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa Silo , upang mapasa gitna natin yaon , at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y nagsugo ang bayan sa Silo , at kanilang dinala mula roon ang kaban ng tipan ng Panginoon ng mga hukbo , na nauupo sa gitna ng mga querubin : at ang dalawang anak ni Eli , si Ophni at si Phinees , ay nandoon na binabantayan ang kaban ng tipan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento , ang buong Israel ay humiyaw ng malakas na hiyaw , na ano pa&apos;t naghinugong sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang marinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyaw , ay nagsipagsabi , Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo ? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga Filisteo ay nangatakot , sapagka&apos;t kanilang sinabi , Ang Dios ay pumasok sa kampamento . At kanilang sinabi , Sa aba natin ! sapagka&apos;t hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa aba natin ! sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng makapangyarihang mga dios na ito ? ito ang mga dios na nanakit sa mga taga-Egipto ng sarisaring salot sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y magpakalakas at magpakalalake , Oh kayong mga Filisteo , upang kayo&apos;y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo , na gaya ng naging lagay nila sa inyo : kayo&apos;y magpakalalake , at magsilaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga Filisteo ay nagsilaban , at ang Israel ay nasaktan , at tumakas ang bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang tolda : at nagkaroon ng malaking patayan ; sapagka&apos;t nabuwal sa Israel ay tatlong pung libong lalaking lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kaban ng Dios ay kinuha ; at ang dalawang anak ni Eli , si Ophni at Phinees ay pinatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tumakbo ang isang lalake ng Benjamin na mula sa hukbo , at naparoon sa Silo nang araw ding yaon , na may barong hapak at may lupa sa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang siya&apos;y dumating , narito , si Eli ay nakaupo sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay ; sapagka&apos;t ang kaniyang puso&apos;y nanginginig dahil sa kaban ng Dios . At nang ang tao ay pumasok sa bayan , at saysayin ang mga balita , ang buong bayan ay humiyaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang marinig ni Eli ang ingay ng hiyawan , ay kaniyang sinabi , Ano ang kahulugan ng kaingay ng gulong ito ? At ang tao&apos;y nagmadali , at naparoon , at isinaysay kay Eli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Si Eli nga&apos;y may siyam na pu&apos;t walong taon na ; at ang kaniyang mga mata&apos;y malalabo na , siya&apos;y di na makakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng lalake kay Eli , Ako yaong nanggaling sa hukbo , at ako&apos;y tumakas ngayon mula sa hukbo . At kaniyang sinabi , Paano ang nangyari , anak ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya na nagdala ng mga balita ay sumagot at nagsabi , Ang Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo , at nagkaroon din naman doon ng isang malaking patayan sa gitna ng bayan , at pati ng iyong dalawang anak , si Ophni at si Phinees ay patay na , at ang kaban ng Dios ay kinuha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang kaniyang banggitin ang kaban ng Dios , na siya&apos;y nabuwal sa likuran sa kaniyang upuan sa dako ng pintuang-bayan ; at nabalian siya sa leeg , at siya&apos;y namatay : sapagka&apos;t siya&apos;y lalaking matanda at mabigat . At hinatulan niya ang Israel na apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang kaniyang manugang , na asawa ni Phinees , ay buntis na kagampan : at pagkarinig niya ng balita na ang kaban ng Dios ay kinuha , at ang kaniyang biyanan at kaniyang asawa ay patay na , ay yumukod siya at napanganak ; sapagka&apos;t ang kaniyang pagdaramdam ay dumating sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang mamatay na siya , ay sinabi sa kaniya ng mga babaing nakatayo sa siping niya , Huwag kang matakot ; sapagka&apos;t ikaw ay nanganak ng isang lalake . Nguni&apos;t hindi siya sumagot , o inalumana man niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ipinangalan niya sa bata ay Ichabod , na sinasabi , Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel ; sapagka&apos;t ang kaban ng Dios ay kinuha , at dahil sa kaniyang biyanan at sa kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang sinabi , Ang kaluwalhatian ng Dios ay nahiwalay sa Israel ; sapagka&apos;t ang kaban ng Dios ay kinuha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kinuha nga ng mga Filisteo ang kaban ng Dios , at kanilang dinala sa Asdod mula sa Eben-ezer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon , at inilagay sa tabi ni Dagon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan , narito , si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon . At kanilang kinuha si Dagon , at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang sila&apos;y bumangong maaga ng kinaumagahan , narito , si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon ; at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan ; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ang mga saserdote man ni Dagon , o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon , ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod , at mga ipinahamak niya , at mga sinaktan ng mga bukol , sa makatuwid baga&apos;y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon , ay kanilang sinabi , Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin ; sapagka&apos;t ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin , at kay Dagon ating dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi , Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel ? At sila&apos;y sumagot , Dalhin sa Gath ang kaban ng Dios ng Israel . At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari , na pagkatapos na kanilang madala , ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan , na nagkaroon ng malaking pagkalito : at sinaktan niya ang mga tao sa bayan , ang maliit at gayon din ang malaki ; at mga bukol ay sumibol sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa Ecron . At nangyari , pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron , na ang mga Ecronita ay sumigaw , na nagsasabi , Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel , upang patayin tayo at ang ating bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo , at kanilang sinabi , Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel , at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako , upang huwag kaming patayin at ang aming bayan . Sapagka&apos;t nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan : ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga lalaking hindi namatay ay nasaktan ng mga bukol ; at ang daing ng bayan ay umabot sa langit .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula , na sinasabi , Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon ? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang sinabi , Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel , ay huwag ninyong ipadalang walang laman ; kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala : kung magkagayo&apos;y gagaling kayo , at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y kanilang sinabi , Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya ? At kanilang sinabi , Limang gintong bukol , at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo ; sapagka&apos;t iisang salot ang napasa inyong lahat , at napasa inyong mga pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t kayo&apos;y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol , at mga larawan ng inyong mga daga na sumira ng lupain , at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel : baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay sa inyo , at sa inyong mga dios , at sa inyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso , na gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso ? Nang siya&apos;y makagawa ng kahangahanga sa kanila , di ba nila pinayaon ang bayan , at sila&apos;y yumaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo , at dalawang bagong bakang gatasan , na hindi napatungan ng pamatok ; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo , at iuwi ninyo ang kanilang mga guya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon , at isilid ninyo sa karo ; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala ; at inyong ipadala upang yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tingnan ninyo ; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa Beth-semes , ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito : nguni&apos;t kung hindi , malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin ; isang pagkakataong nangyari sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ginawang gayon ng mga lalake , at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan , at mga ikinabit sa karo , at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo , at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes ; sila&apos;y nagpatuloy sa lansangan , na umuungal habang yumayaon , at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa ; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis : at kanilang itiningin ang kanilang mga mata , at nakita ang kaban , at nangagalak sa pagkakita niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita , at tumayo roon , sa kinaroroonan ng isang malaking bato : at kanilang biniyak ang kahoy ng karo , at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon , at ang kaha na kasama niyaon , na may silid na mga hiyas na ginto , at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang makita ng limang pangulo ng mga Filisteo , ay bumalik sa Ecron nang araw ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala : sa Asdod ay isa , sa Gaza ay isa , sa Ascalon ay isa , sa Gath ay isa , sa Ecron ay isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga dagang ginto , ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo , ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga nayon sa parang ; sa makatuwid baga&apos;y hanggang sa malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon , na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sumakit ang Dios sa mga tao sa Beth-semes , sapagka&apos;t kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao . At ang bayan ay nanaghoy , sapagka&apos;t sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi , Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon , dito sa banal na Dios ? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa Chiriath-jearim , na nagsasabi , Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon ; kayo&apos;y magsilusong at iahon ninyo sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga lalake sa Chiriath-jearim ay nagsiparoon , at iniahon ang kaban ng Panginoon , at dinala sa bahay ni Abinadab sa burol , at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak , upang ingatan ang kaban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim , na ang panahon ay nagtatagal ; sapagka&apos;t naging dalawang pung taon ; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsalita si Samuel sa buong sangbahayan ng Israel , na nagsasabi , Kung kayo&apos;y babalik sa Panginoon ng buo ninyong puso ay inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba , at ang mga Astaroth , at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon , at sa kaniya lamang kayo maglingkod ; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y inalis ng mga anak ni Israel ang mga Baal at ang mga Astaroth , at sa Panginoon lamang naglingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Samuel , Pisanin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at idadalangin ko kayo sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y nagtitipon sa Mizpa , at nagsiigib ng tubig , at ibinuhos sa harap ng Panginoon , at nagsipagayuno nang araw na yaon , at nangagsabi , Kami ay nangagkasala laban sa Panginoon . At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang mabalitaan ng mga Filisteo na ang mga anak ni Israel ay nagtitipon sa Mizpa , nagsiahon laban sa Israel ang mga pangulo ng mga Filisteo . At nang mabalitaan ng mga anak ni Israel , ay nangatakot sa mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel , Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios , ng dahil sa atin , upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin , at inihandog na pinaka buong handog na susunugin sa Panginoon : at dumaing si Samuel sa Panginoon dahil sa Israel ; at ang Panginoon ay sumagot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na susunugin , ay lumapit ang mga Filisteo upang makipagbaka laban sa Israel ; nguni&apos;t ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na yaon sa mga Filisteo , at nilito sila ; at sila&apos;y nangabuwal sa harap ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga lalake sa Israel ay nagsilabas sa Mizpa , at hinabol ang mga Filisteo , at sinaktan sila , hanggang sa nagsidating sila sa Beth-car .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y kumuha si Samuel ng isang bato , at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen , at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer , na sinasabi , Hanggang dito&apos;y tinulungan tayo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y nagsisuko ang mga Filisteo , at hindi na sila pumasok pa sa hangganan ng Israel : at ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng mga araw ni Samuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga bayan na sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa Israel , mula sa Ecron hanggang sa Gath ; at ang mga hangganan niyaon ay pinapaging laya ng Israel sa kamay ng mga Filisteo . At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At hinatulan ni Samuel ang Israel lahat ng mga araw ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y naparoon na lumigid taon-taon sa Beth-el , at sa Gilgal , at sa Mizpa ; at hinatulan niya ang Israel sa lahat ng mga dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang kaniyang balik ay sa Rama , sapagka&apos;t nandoon ang kaniyang bahay ; at doo&apos;y hinatulan niya ang Israel : at siya&apos;y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang si Samuel ay matanda na , na kaniyang ginawang mga hukom sa Israel ang kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel ; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia : sila&apos;y mga hukom sa Beer-seba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaniyang mga anak ay hindi lumakad sa kaniyang mga daan , kundi lumingap sa mahalay na kapakinabangan , at tumanggap ng mga suhol , at sinira ang paghatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y nagpipisan ang mga matanda ng Israel , at naparoon kay Samuel sa Ramatha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang sinabi sa kaniya , Narito , ikaw ay matanda na , at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan : ngayon nga&apos;y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t hindi minabuti ni Samuel , nang kanilang sabihin , Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin . At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo ; sapagka&apos;t hindi ikaw ang kanilang itinakuwil , kundi itinakuwil nila ako , upang huwag akong maghari sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Egipto hanggang sa araw na ito , sa kanilang pagiiwan sa akin , at paglilingkod sa ibang mga dios ay gayon ang ginagawa nila sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ngayon nga&apos;y dinggin mo ang kanilang tinig : gayon ma&apos;y tatanggi kang mainam sa kanila , at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang sinabi , Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo : kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo , at upang maging mga mangangabayo niya ; at sila&apos;y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin ; at ang iba ay upang umararo ng kaniyang lupa , at umani ng kaniyang aanihin , at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma , at sangkap sa kaniyang mga karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango , at maging mga tagapagluto , at maging mga magtitinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid , at ang inyong mga ubasan , at ang inyong mga olibohan , sa makatuwid baga&apos;y ang pinakamabuti sa mga yaon , upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi , at ng inyong mga ubasan , at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal , at sa kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae , at ang inyong pinakamabuting bataan , at ang inyong mga asno , at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan : at kayo&apos;y magiging kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kayo&apos;y dadaing sa araw na yaon , dahil sa inyong hari na inyong pipiliin ; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t tinanggihang dinggin ng bayan ang tinig ni Samuel ; at kanilang sinabi , Hindi ; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa , at upang hatulan kami ng aming hari , at lumabas sa unahan namin , at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At narinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan , at kaniyang mga isinaysay sa pakinig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari . At sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel , Yumaon ang bawa&apos;t isa sa inyo sa kanikaniyang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">May isang lalake nga sa Benjamin , na ang pangala&apos;y Cis , na anak ni Abiel , na anak ni Seor , na anak ni Bechora , na anak ni Aphia , na anak ng isang Benjamita , na isang makapangyarihang lalake na may tapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y may isang anak na lalake , na ang pangala&apos;y Saul , isang bata at makisig : at sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalake kay sa kaniya : mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa paitaas ay lalong mataas siya kay sa sinoman sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga asno ni Cis na ama ni Saul ay nawala . At sinabi ni Cis kay Saul na kaniyang anak , Ipagsama mo ngayon ang isa sa mga bataan , at ikaw ay tumindig , at hanapin mo ang mga asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim , at nagdaan sa lupain ng Salisa , nguni&apos;t hindi nila nangasumpungan : nang magkagayo&apos;y nagdaan sila sa lupain ng Saalim , at wala roon : at sila&apos;y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita , nguni&apos;t hindi nila nangasumpungan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang sila&apos;y dumating sa lupain ng Suph , ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya , Halina at bumalik tayo , baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa kaniya , Narito , may isa ngang lalake ng Dios sa bayang ito , at siya&apos;y isang lalaking may dangal ; lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari : ngayo&apos;y pumaroon tayo ; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan , Nguni&apos;t narito , kung tayo&apos;y pumaroon , ano ang ating dadalhin sa lalake ? sapagka&apos;t naubos na ang tinapay sa ating mga buslo , at wala na tayong madadalang kaloob sa lalake ng Dios : anong mayroon tayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sumagot uli ang bataan kay Saul , at nagsabi , Narito , mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak : iyan ang aking ibibigay sa lalake ng Dios , upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">( Nang una sa Israel , pagka ang isang lalake ay mag-uusisa sa Dios , ay ganito ang sinasabi , Halika , at tayo&apos;y pumaroon sa tagakita : sapagka&apos;t yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatawag nang una na Tagakita . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan , Mabuti ang sinasabi mo ; halika , tayo&apos;y pumaroon . Sa gayo&apos;y naparoon sila sa bayang kinaroroonan ng lalake ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig , at sinabi nila sa kanila , Narito ba ang tagakita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y sumagot sa kanila , at nagsabi , Siya&apos;y nariyan , narito , nasa unahan mo : magmadali kayo ngayon , sapagka&apos;t siya&apos;y naparoon ngayon sa bayan ; sapagka&apos;t ang bayan ay may hain ngayon sa mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pagkapasok ninyo sa bayan , ay agad masusumpungan ninyo siya , bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain ; sapagka&apos;t ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya&apos;y dumating , sapagka&apos;t kaniyang binabasbasan ang hain ; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan . Kaya nga umahon kayo ; sapagka&apos;t sa oras na ito&apos;y inyong masusumpungan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y umahon sa bayan ; at pagpasok nila sa bayan , narito , si Samuel ay nasasalubong nila , na papaahon sa mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Inihayag nga ng Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin , at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel ; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo : sapagka&apos;t aking tiningnan ang aking bayan , dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang makita ni Samuel si Saul , ay sinabi ng Panginoon sa kaniya , Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo ! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan , at sinabi , Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin , kung saan nandoon ang bahay ng tagakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sumagot si Samuel kay Saul , at nagsabi , Ako ang tagakita ; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako , sapagka&apos;t kakain kang kasalo ko ngayon : at sa kinaumagahan ay payayaunin kita , at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin ; sapagka&apos;t nasumpungan na . At kanino ang buong pagnanasa sa Israel ? Hindi ba sa iyo , at sa buong sangbahayan ng iyong ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Saul ay sumagot , at nagsabi , Hindi ba ako Benjamita , sa pinakamaliit na lipi ng Israel ? at ang aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin ? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan , at ipinasok niya sila sa kabahayan , at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan , na may tatlong pung katao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Samuel sa tagapagluto , Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo , na siyang aking sinabi sa iyo , Ilagay mo ito sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At itinaas nga ng tagapagluto ang hita , at yaong nakapatong , at inilagay sa harap ni Saul . At sinabi ni Samuel , Narito , siya ngang itinago ! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin ; sapagka&apos;t iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo , sapagka&apos;t aking sinabi , Aking inanyayahan ang bayan . Sa gayo&apos;y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang sila&apos;y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako , siya&apos;y nakipagpulong kay Saul sa bubungan ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y bumangong maaga : at nangyari sa pagbubukang liwayway , na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan , na sinasabi , Bangon , upang mapagpaalam kita . At si Saul ay bumangon , at lumabas kapuwa sila , siya at si Samuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang sila&apos;y lumalabas sa hangganan ng bayan , ay sinabi ni Samuel kay Saul , Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin ( at siya&apos;y nagpauna , ) nguni&apos;t tumigil ka sa oras na ito , upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis , at ibinuhos sa ulo niya , at hinagkan niya siya , at sinabi , Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Paghiwalay mo sa akin ngayon , ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng libingan ni Rachel , sa hangganan ng Benjamin sa Selsah ; at sasabihin nila sa iyo , Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na ; at , narito , niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno , at ang inaalaala ay kayo , na sinasabi , Paano ang aking gagawin sa aking anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung magkagayo&apos;y magpapatuloy ka mula roon , at darating ka sa ensina ng Tabor ; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el , ang isa&apos;y may dalang tatlong batang kambing , at ang isa&apos;y may dalang tatlong tinapay , at ang isa&apos;y may dalang isang balat na sisidlan ng alak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At babatiin ka nila , at bibigyan ka ng dalawang tinapay , na iyong tatanggapin sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagkatapos ay darating ka sa burol ng Dios , na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo : at mangyayari pagdating mo roon sa bayan , na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong mula sa mataas na dako , na may salterio , at pandereta , at flauta , at alpa sa harap nila ; at sila&apos;y magsisipanghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo , at manghuhula kang kasama nila , at ikaw ay magiging ibang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At mano nawa , na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo , na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon ; sapagka&apos;t ang Dios ay sumasaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ikaw ay lulusong na una sa akin sa Gilgal ; at , narito , lulusungin kita , upang maghandog ng mga handog na susunugin , at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan : pitong araw na maghihintay ka , hanggang sa ako&apos;y pumaroon sa iyo , at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyaring gayon , na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel , ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso : at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang sila&apos;y dumating doon sa burol , narito , isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya ; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya , at siya&apos;y nanghula sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una , na , narito siya&apos;y nanghuhulang kasama ng mga propeta , ay nagsalisalitaan ang bayan , Ano itong nangyari sa anak ni Cis ? Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi , At sino ang kanilang ama ? Kaya&apos;t naging kawikaan , Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang siya&apos;y makatapos ng panghuhula , siya&apos;y sumampa sa mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ng amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan , Saan kayo naparoon ? At kaniyang sinabi , Upang hanapin ang mga asno , at nang aming makita na hindi mangasumpungan , ay naparoon kami kay Samuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng amain ni Saul , Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin , kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Saul sa kaniyang amain , Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan na . Nguni&apos;t tungkol sa bagay ng kaharian , na sinalita ni Samuel , ay hindi niya isinaysay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tinipon ni Samuel ang bayan sa Panginoon sa Mizpa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya sa mga anak ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto , at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto , at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios , na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian ; at sinabi ninyo sa kaniya , Hindi , kundi lagyan mo kami ng isang hari . Ngayon nga&apos;y humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyoinyong mga lipi , at ayon sa inyong mga libolibo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi , at ang lipi ni Benjamin ang napili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan ; at ang angkan ni Matri ay siyang napili ; at si Saul na anak ni Cis , ay siyang napili : nguni&apos;t nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t kanilang itinanong uli sa Panginoon , May lalake pa bang paririto ? At ang Panginoon ay sumagot , Narito siya&apos;y nagtago sa mga kasangkapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y tumakbo at kinuha nila siya roon ; at nang siya&apos;y tumayo sa gitna ng bayan , ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan , mula sa kaniyang mga balikat at paitaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Samuel sa buong bayan , Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon , na walang gaya niya sa buong bayan ? At ang buong bayan ay sumigaw , at nagsabi , Mabuhay ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sinaysay ni Samuel sa bayan ang paraan ng kaharian , at isinulat sa isang aklat , at inilagay sa harap ng Panginoon . At pinayaon ni Samuel ang buong bayan , na pinauwi bawa&apos;t tao sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa Gabaa ; at yumaong kasama niya ang hukbo , na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t sinabi ng ilang hamak na tao , Paanong ililigtas tayo ng taong ito ? At kanilang niwalang kabuluhan at hindi nila dinalhan ng kaloob . Nguni&apos;t siya&apos;y hindi umimik .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad : at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes , Makipagtipan ka sa amin , at kami ay maglilingkod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila , Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo , na ang lahat ninyong kanang mata ay dukitin ; at aking ilalagay na pinakapintas sa buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng mga matanda sa Jabes sa kaniya , Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpasugo ng mga sugo sa lahat ng mga hangganan ng Israel ; at kung wala ngang magliligtas sa amin , lalabasin ka namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y pumaroon ang mga sugo sa Gabaa kay Saul at sinalita ang mga salitang ito sa mga pakinig ng bayan : at ang buong bayan ay naglakas ng tinig at umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At , narito , sinusundan ni Saul ang mga baka sa bukid ; at sinabi ni Saul , Anong mayroon ang bayan na sila&apos;y umiiyak ? At kanilang isinaysay ang mga salita ng mga lalake sa Jabes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon , at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka , at kaniyang kinatay , at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo , na sinasabi , Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel , ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka . At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan , at sila&apos;y lumabas na parang iisang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At binilang niya sila sa Bezec ; at ang mga anak ni Israel , ay tatlong daang libo , at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi nila sa mga sugo na naparoon , Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalake sa Jabes-galaad , Bukas sa kainitan ng araw , ay magtataglay kayo ng kaligtasan . At naparoon ang mga sugo at isinaysay sa mga lalake sa Jabes ; at sila&apos;y natuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t sinabi ng mga lalake sa Jabes , Bukas ay lalabasin namin kayo at inyong gagawin sa amin ang lahat na inyong inaakalang mabuti sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging gayon sa kinabukasan , na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong ; at sila&apos;y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw : at nangyari , na ang mga nalabi ay nangalat , na anopa&apos;t walang naiwang dalawang magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng bayan kay Samuel , Sino yaong nagsasabi , Maghahari ba si Saul sa amin ? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Saul , Walang taong papatayin sa araw na ito ; sapagka&apos;t ngayo&apos;y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Samuel sa bayan , Halikayo at tayo&apos;y paroon sa Gilgal , at ating baguhin ang kaharian doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal ; at doo&apos;y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harap ng Panginoon ; at doo&apos;y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon ; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni Samuel sa buong Israel , Narito , aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin , at naghalal ako ng isang hari sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ngayo&apos;y narito , ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo ; at ako&apos;y matanda na at mauban ; at , narito , ang aking mga anak ay kasama ninyo : at ako&apos;y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito ako : sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon , at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis : kung kaninong baka ang kinuha ko ? kung kaninong asno ang kinuha ko ? o kung sino ang aking dinaya ? kung sino ang aking pinighati ? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang aking mga mata niyaon ? at aking isasauli sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang sinabi , Hindi ka nagdaya sa amin , ni pumighati man sa amin , ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay . At kanilang sinabi , Siya&apos;y saksi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Samuel sa bayan , Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron , at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y tumayo kayo , upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto , at ang inyong mga magulang ay dumaing sa Panginoon , sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron , na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto , at pinatira sila sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t nilimot nila ang Panginoon nilang Dios ; at ipinagbili niya sila sa kamay ng Sisara , na kapitan ng hukbo ni Azor , at sa kamay ng mga Filisteo , at sa kamay ng hari sa Moab ; at sila&apos;y nakipaglaban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y dumaing sa Panginoon at nagsabi , Kami ay nagkasala , sapagka&apos;t pinabayaan namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth : nguni&apos;t ngayo&apos;y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway , at kami ay maglilingkod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinugo ng Panginoon si Jerobaal , at si Bedan , at si Jephte , at si Samuel , at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa&apos;t dako , at kayo&apos;y tumahang tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo , ay inyong sinabi sa akin , Hindi , kundi isang hari ang maghahari sa amin ; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ngayon nga&apos;y masdan ninyo ang hari na inyong pinili , at siya ninyong hiningi : at , narito , nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung kayo&apos;y matatakot sa Panginoon , at maglilingkod sa kaniya , at makikinig sa kaniyang tinig , at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon , at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios , ay mabuti :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon , kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon , ay magiging laban nga sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon nga&apos;y tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi ba pagaani ng trigo sa araw na ito ? Ako&apos;y tatawag sa Panginoon , na siya&apos;y magpapasapit ng kulog at ulan ; at inyong malalaman at makikita na ang inyong kasamaan ay dakila , na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa gayo&apos;y tumawag si Samuel sa Panginoon ; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon : at ang buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng buong bayan kay Samuel , Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios , upang huwag kaming mamatay ; sapagka&apos;t aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito , na humingi kami para sa amin ng isang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Samuel sa bayan , Huwag kayong matakot : tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito ; gayon ma&apos;y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon , kundi kayo&apos;y maglingkod ng buong puso sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At huwag kayong lumiko ; sapagka&apos;t kung gayo&apos;y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man , sapagka&apos;t mga walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang dakilang pangalan , sapagka&apos;t kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Saka sa ganang akin , malayo nawang sa akin na ako&apos;y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo : kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Matakot lamang kayo sa Panginoon , at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso ; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t kung kayo&apos;y mamamalaging gagawa ng kasamaan , kayo&apos;y malilipol , kayo at gayon din ang inyong hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Saul ay may ( apat na pung ) taong gulang nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawang taon sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pumili si Saul para sa kaniya ng tatlong libong lalake sa Israel , na ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Michmas at sa bundok ng Bethel , at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gabaa ng Benjamin : at ang labis ng bayan ay sinugo niya bawa&apos;t isa sa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinaktan ni Jonathan ang pulutong ng mga Filisteo na nasa Geba ; at nabalitaan ng mga Filisteo . At hinipan ni Saul ang pakakak sa buong lupain , na sinasabi , Marinig ng mga Hebreo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At narinig nga ng buong Israel ng sabihin na sinaktan ni Saul ang pulutong ng mga Filisteo , at ang Israel naman ay naging kasuklam-suklam sa mga Filisteo . At ang bayan ay nagpipisan na sumunod kay Saul sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga Filisteo ay nagpupulong upang lumaban sa Israel , tatlong pung libong karo , at anim na libong mangangabayo , at ang bayan na gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan : at sila&apos;y umahon at humantong sa Michmas sa dakong silanganan ng Beth-aven .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang makita ng mga lalake ng Israel na sila&apos;y nasa kagipitan , ( sapagka&apos;t ang bayan ay napipighati ) ang bayan nga ay nagkubli sa mga yungib , at sa mga tinikan , at sa mga bato , at sa mga katibayan , at sa mga hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang iba nga sa mga Hebreo ay tumawid sa Jordan na patungo sa lupain ng Gad , at ng Galaad ; nguni&apos;t si Saul ay nasa Gilgal siya , at ang buong bayan ay sumunod sa kaniya na nanginginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y naghintay ng pitong araw , ayon sa takdang panahon na itinakda ni Samuel : nguni&apos;t si Samuel ay hindi naparoon sa Gilgal ; at ang bayan ay nangangalat sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Saul , Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin , at ang handog tungkol sa kapayapaan . At kaniyang inihandog ang handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin , narito , si Samuel ay dumating ; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Samuel , Ano ang iyong ginawa ? At sinabi ni Saul , Sapagka&apos;t aking nakita na ang bayan ay nangangalat sa akin , at hindi ka dumarating sa mga takdang araw , at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya aking sinabi , Ngayo&apos;y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal , at hindi ko pa naipamamanhik ang kagalingan sa Panginoon : ako&apos;y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Samuel kay Saul , Gumawa kang may kamangmangan ; hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo : sapagka&apos;t itinatag sana ng Panginoon ang kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian : ang Panginoo&apos;y humanap para sa kaniya ng isang lalaking ayon sa kaniyang sariling puso , at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa kaniyang bayan , sapagka&apos;t hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa Gabaa ng Benjamin . At binilang ni Saul ang bayan na nakaharap sa kaniya , na may anim na raang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Saul , at si Jonathan na kaniyang anak , at ang bayan na nakaharap sa kanila , ay tumigil sa Geba ng Benjamin : nguni&apos;t ang mga Filisteo ay humantong sa Michmas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga mananamsam ay lumabas na tatlong pulutong sa kampamento ng mga Filisteo ; ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa Ophra , na patungo sa lupain ng Sual :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa Beth-horon at ang isang pulutong ay lumiko sa daan ng hangganan na humaharap na palusong sa libis ng Seboim sa dakong ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Wala ngang panday na masumpungan sa buong lupain ng Israel : sapagka&apos;t sinasabi ng mga Filisteo , Baka ang mga Hebreo ay igawa nila ng mga tabak o mga sibat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t nilusong ng lahat ng mga taga Israel ang mga Filisteo upang ihasa ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang pangararo , at ang kaniyang asarol , at ang kaniyang palakol , at ang kaniyang piko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon ma&apos;y mayroon silang pangkikil sa mga piko at sa mga asarol , at sa mga kalaykay , at sa mga palakol , at upang ipang-hasa ng mga panundot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y nangyari , na sa araw ng pagbabaka , ay wala kahit tabak o sibat mang masumpungan sa kamay ng sinoman sa bayan na kasama ni Saul at ni Jonathan : kundi si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ang kinasumpungan lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang pulutong ng mga Filisteo ay lumabas na napatungo sa daanan ng Michmas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga isang araw , na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata , Halika at tayo&apos;y dumaan sa pulutong ng mga Filisteo , na nasa dakong yaon . Nguni&apos;t hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng puno ng granada na nasa Migron : at ang bayan na nasa kaniya ay may anim na raang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Achias na anak ni Achitob , na kapatid ni Ichabod , na anak ni Phinees , na anak ni Eli , na saserdote ng Panginoon sa Silo , ay nagsusuot ng epod . At hindi nalalaman ng bayan na si Jonathan ay yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa pagitan ng mga daanan , na pinagsikapan ni Jonathan na pagdaanan ng pulutong ng mga Filisteo , ay mayroong isang tila tukang bato sa isang dako at isang tila tukang bato sa kabilang dako : at ang pangalan ng isa ay Boses at ang pangalan niyaon isa ay Sene .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang isang tila tuka ay pataas sa hilagaan sa tapat ng Michmas , at ang isa ay sa timugan sa tapat ng Gabaa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata : Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga hindi tuling ito : marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin : sapagka&apos;t hindi maliwag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi sa kaniya ng tagadala niya ng sandata , Gawin mo ang buong nasa loob mo : lumiko ka , narito , ako&apos;y sumasa iyo ayon sa nasa loob mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jonathan , Narito , tayo&apos;y dumaan sa mga lalaking yaon , at tayo&apos;y pakikilala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung kanilang sabihing ganito sa atin , Kayo&apos;y maghintay hanggang sa kami ay dumating sa inyo ; ay maghihintay nga tayo sa ating dako at hindi natin aahunin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t kung kanilang sabihing ganito , Ahunin ninyo kami ; aahon nga tayo : sapagka&apos;t ibinigay sila ng Panginoon sa ating kamay : at ito ang magiging tanda sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo : at sinabi ng mga Filisteo : Narito , ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sumagot ang mga lalake sa pulutong kay Jonathan at sa kaniyang tagadala ng sandata , at sinabi , Ahunin ninyo kami , at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay . At sinabi ni Jonathan sa kaniyang tagadala ng sandata , Umahon ka na kasunod ko : sapagka&apos;t ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At gumapang si Jonathan ng kaniyang mga kamay at ng kaniyang mga paa , at ang kaniyang tagadala ng sandata ay kasunod niya . At sila&apos;y nangabuwal sa harap ni Jonathan ; at ang mga yao&apos;y pinagpapatay ng kaniyang tagadala ng sandata na kasunod niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At yaon ang unang pagpatay na ginawa ni Jonathan at ng kaniyang tagadala ng sandata , sa may dalawang pung lalake , sa may pagitan ng kalahating akre ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagkaroon ng panginginig sa kampamento , sa parang , at sa buong bayan : ang pulutong at ang mga mananamsam ay nagsipanginig din ; lumindol ; sa gayo&apos;y nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga bantay ni Saul sa Gabaa ng Benjamin ay tumanaw ; at , narito , ang karamihan ay nawawala at sila&apos;y nagparoo&apos;t parito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul sa bayan na kasama niya , Magbilang kayo ngayon at inyong tingnan kung sino ang umalis sa atin . At nang sila&apos;y magbilang , narito , si Jonathan at ang kaniyang tagadala ng sandata ay wala roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Saul kay Achias , Dalhin ninyo rito ang kaban ng Dios . Sapagka&apos;t ang kaban ng Dios ay nandoon nang panahong yaon sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangyari , samantalang nagsasalita si Saul sa saserdote , na ang kaingay na nasa kampamento ng mga Filisteo ay lumala ng lumala : at sinabi ni Saul sa saserdote , Iurong mo ang iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagpipisan si Saul at ang buong bayan na nasa kaniya at naparoon sa pakikibaka : at , narito , ang tabak ng bawa&apos;t isa ay laban sa kaniyang kasama , at nagkaroon ng malaking pagkalito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga Hebreo nga na napasa mga Filisteo nang una , na umahong kasama nila sa kampamento mula sa palibot ng lupain , ay nagsibalik pa rin na nakipisan sa mga Israelita na kasama ni Saul at ni Jonathan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon din ang mga lalake sa Israel na nagsikubli sa lupaing maburol ng Ephraim , na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas , ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon : at ang pagbabaka ay napalipat sa Beth-aven .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon : sapagka&apos;t ibinilin ni Saul sa bayan , na sinasabi , Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan , at ako&apos;y nakaganti sa aking mga kaaway . Sa gayo&apos;y wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang buong bayan ay naparoon sa gubat ; at may pulot sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang dumating ang bayan sa gubat , narito , ang pulot ay tumutulo nguni&apos;t walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig ; sapagka&apos;t ang bayan ay natakot sa sumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t hindi narinig ni Jonathan , nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa : kaya&apos;t kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot , at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig , at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang isa sa bayan , at nagsabi , Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa , na sinasabi , Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito . At ang bayan ay pata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jonathan , Binagabag ng aking ama ang lupain : tingnan ninyo , isinasamo ko sa inyo , kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag , sapagka&apos;t ako&apos;y lumasa ng kaunti sa pulot na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan ? sapagka&apos;t hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang sinaktan ang mga Filisteo nang araw na yaon mula sa Michmas hanggang sa Ajalon : at ang bayan ay totoong pata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang bayan ay dumaluhong sa samsam , at kumuha ng mga tupa , at mga baka , at mga guyang baka , at mga pinatay sa lupa : at kinain ng bayan pati ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang magkagayo&apos;y kanilang isinaysay kay Saul , na sinasabi , Narito , ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon , sa kanilang pagkain ng dugo . At kaniyang sinabi , Kayo&apos;y gumawang may paglililo : inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Saul , Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila , Dalhin sa akin dito ng bawa&apos;t tao ang kaniyang baka , at ng bawa&apos;t tao ang kaniyang tupa , at patayin dito , at kanin ; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo . At dinala ng buong bayan , bawa&apos;t tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon : yaon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi ni Saul , Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan , at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga , at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila . At kanilang sinabi , Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo . Nang magkagayo&apos;y sinabi ng saserdote , Tayo&apos;y lumapit dito sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At si Saul ay humingi ng payo sa Dios : Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo ? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel ? Nguni&apos;t hindi siya sinagot nang araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ni Saul , Lumapit kayo rito , kayong lahat na puno ng bayan : at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sapagka&apos;t buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel , na kahit si Jonathan na aking anak , ay walang pagsalang mamatay . Nguni&apos;t walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa buong Israel , Lumagay kayo sa isang dako , at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako . At sinabi ng bayan kay Saul , Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon , sa Dios ng Israel , Ituro mo ang matuwid . At si Jonathan at si Saul ay napili : nguni&apos;t ang bayan ay nakatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi ni Saul , Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak : at si Jonatan ay napili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul kay Jonathan , Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa . At isinaysay ni Jonathan sa kaniya , at sinabi , Tunay na ako&apos;y lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay : at , narito , ako&apos;y marapat mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinabi ni Saul , Gawing gayon ng Dios at lalo na : sapagka&apos;t ikaw ay walang pagsalang mamamatay , Jonathan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At sinabi ng bayan kay Saul , Mamamatay ba si Jonathan , na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel ? Malayo nawa : buhay ang Panginoon , hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa ; sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito . Sa gayo&apos;y iniligtas ng bayan si Jonathan , na anopa&apos;t siya&apos;y hindi namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Nang magkagayo&apos;y umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo : at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel , ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa&apos;t dako , laban sa Moab , at laban sa mga anak ni Ammon , at laban sa Edom , at laban sa mga hari sa Soba , at laban sa mga Filisteo : at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At kaniyang ginawang may katapangan , at sinaktan ang mga Amalecita , at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan , at si Isui , at si Melchi-sua : at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito ; ang pangalan ng panganay ay Merab , at ang pangalan ng bata ay Michal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam , na anak ni Aimaas : at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner , amain ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At si Cis ay ama ni Saul ; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul : at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake , o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni Samuel kay Saul , Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan , sa Israel : ngayon nga&apos;y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel , kung paanong siya&apos;y humadlang sa kaniya sa daan , nang siya&apos;y umahon mula sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ngayo&apos;y yumaon ka at saktan mo ang Amalec , at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik , at huwag kang manghinayang sa kanila ; kundi patayin mo ang lalake at babae , sanggol at sumususo , baka at tupa , kamelyo at asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim , dalawang yutang lalake na naglalakad , at sangpung libong lalake sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At dumating si Saul sa bayan ng Amalec , at bumakay sa libis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Saul sa mga Cineo , Kayo&apos;y magsiyaon , humiwalay kayo at umalis kayo sa gitna ng mga Amalecita , baka kayo&apos;y lipulin kong kasama nila ; sapagka&apos;t kayo&apos;y nagpakita ng kagandahang loob sa mga anak ni Israel , nang sila&apos;y umahong mula sa Egipto . Sa gayo&apos;y umalis ang mga Cineo sa gitna ng mga Amalecita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa Shur , na nasa tapat ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang kinuhang buhay si Agag na hari ng mga Amalecita , at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag , at ang pinakamabuti sa mga tupa , sa mga baka , at sa mga pinataba , at sa mga kordero , at lahat ng mabuti , at yaong mga hindi nila lubos na nilipol : nguni&apos;t bawa&apos;t bagay na hamak at walang kabuluhan , ay kanilang lubos na nilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul ; sapagka&apos;t siya&apos;y tumalikod na hindi sumunod sa akin , at hindi tinupad ang aking mga utos . At si Samuel ay nagalit , at siya&apos;y dumaing sa Panginoon buong gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Samuel ay bumangong maaga upang salubungin si Saul sa kinaumagahan ; at nasaysay kay Samuel , na sinasabi , Si Saul ay naparoon sa Carmel , at , narito , ipinagtayo niya siya ng isang monumento , at siya&apos;y lumibot at nagpatuloy , at lumusong sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naparoon si Samuel kay Saul , at sinabi ni Saul sa kaniya , Pagpalain ka nawa ng Panginoon , aking tinupad ang utos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Samuel , Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig , at ng ungal ng mga baka na aking naririnig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Saul , Sila&apos;y dinala mula sa mga Amalecita : sapagka&apos;t ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka , upang ihain sa Panginoon mong Dios ; at ang natira ay aming lubos na nilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Samuel kay Saul , Tumigil ka , at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito . At sinabi niya sa kaniya , Sabihin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Samuel , Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin , hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel ? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinugo ka ng Panginoon sa isang paglalakbay , at sinabi , Ikaw ay yumaon , at iyong lubos na lipulin ang mga makasalanang Amalecita , at labanan mo sila hanggang sa sila&apos;y malipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon , kundi ikaw ay dumaluhong sa pananamsam , at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Saul kay Samuel , Oo , aking sinunod ang tinig ng Panginoon , at ako&apos;y yumaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon , at aking dinala si Agag na hari ng Amalec , at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka , ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay , upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Samuel , Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain , na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon ? Narito , ang pagsunod ay maigi kay sa hain , at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula , at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap . Sapagka&apos;t dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon , ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Saul kay Samuel , Ako&apos;y nagkasala ; sapagka&apos;t ako&apos;y sumalangsang sa utos ng Panginoon , at sa iyong mga salita ; sapagka&apos;t ako&apos;y natakot sa bayan , at sumunod sa kanilang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ngayon nga&apos;y isinasamo ko sa iyo , ipatawad mo ang aking kasalanan , at bumalik ka uli na kasama ko , upang ako&apos;y sumamba sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Samuel kay Saul , Hindi ako babalik na kasama mo ; sapagka&apos;t iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon , at itinakuwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maging hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang pumihit si Samuel upang yumaon , siya&apos;y pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal , at nahapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Samuel sa kaniya , Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito , at ibinigay sa iyong kapuwa , na maigi kay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man ; sapagka&apos;t siya&apos;y hindi isang tao na magsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi , Ako&apos;y nagkasala : gayon ma&apos;y parangalan mo ako ngayon , isinasamo ko sa iyo , sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel , at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul ; at sumamba si Saul sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Samuel , Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita . At masayang naparoon si Agag sa kaniya . At sinabi ni Agag , Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ni Samuel , Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae , ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak , sa gitna ng mga babae . At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Samuel sa Rama , at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa Gabaa ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan ; sapagka&apos;t tinangisan ni Samuel si Saul : at ang Panginoon ay nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon kay Samuel , Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel ? Punuin mo ng langis ang iyong sungay , at ikaw ay yumaon , susuguin kita kay Isai na Bethlehemita : sapagka&apos;t ako&apos;y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Samuel , Paanong ako&apos;y paroroon ? Kung mabalitaan ni Saul , ay kaniyang papatayin ako . At sinabi ng Panginoon , Magdala ka ng isang dumalagang baka , at iyong sabihin , Ako&apos;y naparito upang maghain sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin ; at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo&apos;y aking sabihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem . At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig , at nagsabi , Naparirito ka bang may kapayapaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang sinabi , May kapayapaan : ako&apos;y naparito upang maghain sa Panginoon : magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain . At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak , at tinawag niya sila sa paghahain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , nang sila&apos;y dumating na siya&apos;y tumingin kay Eliab , at nagsabi , Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sinabi ng Panginoon kay Samuel , Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha , o ang taas ng kaniyang kataasan ; sapagka&apos;t aking itinakuwil siya : sapagka&apos;t hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao : sapagka&apos;t ang tao ay tumitingin sa mukha , nguni&apos;t ang Panginoon ay tumitingin sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Isai si Abinadab , at pinaraan niya sa harap ni Samuel . At kaniyang sinabi , Kahit ito man , ay hindi pinili ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y pinaraan ni Isai si Samma . At kaniyang sinabi , Kahit ito man , ay hindi pinili ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel . At sinabi ni Samuel kay Isai , Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Samuel kay Isai , Narito ba ang iyong lahat na anak ? At kaniyang sinabi , Natitira pa ang bunso , at , narito , siya&apos;y nag-aalaga sa mga tupa . At sinabi ni Samuel kay Isai , Ipasundo mo siya ; sapagka&apos;t hindi tayo uupo hanggang sa siya&apos;y dumating dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y nagsugo , at sinundo siya roon . Siya nga&apos;y may mapulang pisngi , may magandang bikas , at mabuting anyo . At sinabi ng Panginoon , Tumindig ka : pahiran mo siya ng langis , sapagka&apos;t ito nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis , at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid : at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin . Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul , at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng mga bataan ni Saul sa kaniya , Narito ngayon , isang masamang espiritu na mula sa Dios ay bumabagabag sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa ; at mangyayari , pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na siya&apos;y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan , Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti , at dalhin ninyo sa akin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang isa sa mga bataan , at nagsabi , Narito , aking nakita ang isang anak ni Isai na Bethlehemita , na bihasa sa panunugtog , at makapangyarihang lalake na may tapang , at lalaking mangdidigma , at matalino sa pananalita , at makisig na lalake , at ang Panginoon ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai , at sinabi , Suguin mo sa akin si David na iyong anak , na nasa kawan ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kumuha si Isai ng isang asno na may pasang tinapay , at isang balat ng alak , at isang anak ng kambing , at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At dumating si David kay Saul at tumayo sa harap niya : at minahal niya siyang mainam ; at siya&apos;y naging tagadala ng sandata niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagpasabi si Saul kay Isai , Isinasamo ko sa iyo na bayaang tumayo si David sa harapan ko , sapagka&apos;t siya&apos;y nakasumpong ng biyaya sa aking paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul , ay kinukuha ni David ang alpa , at tinutugtog ng kaniyang kamay : gayon nagiginhawahan si Saul , at bumubuti , at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayo&apos;y pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang bumaka at sila&apos;y nagpipisan sa Socho , na nauukol sa Juda , at nagsihantong sa pagitan ng Socho at ng Azeca , sa Ephesdammim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel , at nagsihantong sa libis ng Ela , at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsitayo ang mga Filisteo sa isang dako sa bundok , at tumayo ang Israel sa kabilang dako sa bundok : at may isang libis sa pagitan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At lumabas ang isang bayani sa kampamento ng mga Filisteo na nagngangalang Goliath , taga Gath , na ang taas ay anim na siko at isang dangkal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y mayroong isang turbanteng tanso , sa kaniyang ulo , at siya&apos;y nasusuutan ng isang baluti sa katawan ; at ang bigat ng baluti ay limang libong siklong tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y mayroong kasuutang tanso sa kaniyang mga hita , at isang sibat na tanso sa pagitan ng kaniyang mga balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi ; at ang dulo ng kaniyang sibat ay may anim na raang siklong bakal ang bigat : at ang kaniyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y tumayo at humiyaw sa mga hukbo ng Israel , at nagsabi sa kanila , Bakit kayo&apos;y lumabas na nagsihanay sa pakikipagbaka ? hindi ba ako&apos;y Filisteo , at kayo&apos;y mga lingkod ni Saul ? pumili kayo ng isang lalake sa inyo , at pababain ninyo siya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung siya&apos;y makalaban sa akin at mapatay ako , magiging alipin nga ninyo kami ; nguni&apos;t kung ako&apos;y manaig laban sa kaniya , at mapatay ko siya ay magiging alipin nga namin kayo at maglilingkod sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng Filisteo , Aking hinahamon ang mga hukbo ng Israel sa araw na ito ; bigyan ninyo ako ng isang lalake , upang maglaban kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang mga salitang yaon ng Filisteo , sila&apos;y nanglupaypay , at natakot na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si David nga ay anak niyaong Ephrateo sa Bethlehem-juda , na ang pangala&apos;y Isai ; at may walong anak : at ang lalaking yaon ay matanda na sa mga kaarawan ni Saul na totoong napakatanda sa gitna ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka : at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay , at ang kasunod niya ay si Abinadab , at ang ikatlo ay si Samma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si David ang bunso : at ang tatlong pinakamatanda ay sumunod kay Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t si David ay nagpaparoo&apos;t parito mula kay Saul upang pasabsabin ang mga tupa ng kaniyang ama sa Bethlehem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At lumalapit ang Filisteo sa umaga at hapon , at humarap na apat na pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Isai kay David na kaniyang anak , Dalhin mo ngayon sa iyong mga kapatid ang isang epa nitong trigo na sinangag , at itong sangpung tinapay , at dalhin mong madali sa kampamento , sa iyong mga kapatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dalhin mo ang sangpung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo , at tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid , at kumuha ka ng pinakakatunayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Saul nga , at sila at ang lahat ng mga lalake ng Israel ay nasa libis ng Ela , na nakikipaglaban sa mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si David ay bumangong maaga sa kinaumagahan , at iniwan ang tupa na may isang tagapagalaga , at nagdala at yumaon , na gaya ng iniutos sa kaniya ni Isai ; at siya&apos;y naparoon sa kinaroroonan ng mga karo , habang ang hukbo na lumalabas sa pakikipaglaban ay sumisigaw ng pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang Israel at ang mga Filisteo ay nakahanay na sa pagbabaka , hukbo laban sa hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iniwan ni David ang kaniyang daladalahan sa kamay ng tagapagingat ng daladalahan , at tumakbo sa hukbo , at naparoon , at bumati sa kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa kaniyang pakikipagusap sa kanila , narito , dumating ang bayani , ang Filisteo na taga Gath , na Goliath ang pangalan , mula sa hanay ng mga Filisteo , at nagsalita ng ayon sa mga gayon ding salita : at narinig ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lahat ng mga lalake sa Israel pagkakita sa lalaking yaon ay tumakas mula sa kaniyang harapan , at natakot na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang mga lalake ng Israel ay nagsabi , Nakita ba ninyo ang lalaking iyan na sumasampa ? Tunay na sumasampa siya upang manghamon sa Israel : at mangyayari , na ang lalaking makapatay sa kaniya , ay payayamanin ng hari ng malaking kayamanan , at ibibigay sa kaniya ang kaniyang anak na babae , at palalayain sa Israel ang sangbahayan ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya , na nagsasabi , Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito , at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito ? sapagka&apos;t sinong Filisteong ito na hindi tuli na siya&apos;y humahamon sa mga hukbo ng buhay na Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sumagot sa kaniya ang bayan , ng ganitong paraan , na sinabi , Ganito ang gagawin sa lalake na makapatay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid , nang siya&apos;y magsalita sa mga lalake ; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David , at kaniyang sinabi , Bakit ka lumusong dito ? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang ? Talastas ko ang iyong kahambugan , at ang kalikutan ng iyong puso ; sapagka&apos;t ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni David , Anong aking ginawa ngayon ? Wala bang dahilan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tinalikdan niya siya na napatungo sa iba , at siya&apos;y nagsalita ng gayon ding paraan : at sinagot siya uli ng bayan na gaya ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nang marinig ang mga salita na sinalita ni David , ay sinaysay nila sa harap ni Saul ; at siya&apos;y ipinasundo niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ni David kay Saul , Huwag manglupaypay ang puso ng sinoman dahil sa kaniya ; ang iyong lingkod ay yayaon at makikipaglaban sa Filisteong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ni Saul kay David : Hindi ka makaparoroon laban sa Filisteong ito upang makipaglaban sa kaniya : sapagka&apos;t ikaw ay isang bata , at siya&apos;y isang lalaking mangdidigma mula sa kaniyang pagkabata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni David kay Saul , Ang iyong lingkod ay nagaalaga ng mga tupa ng kaniyang ama ; at pagka pumaroon ang isang leon , o isang oso , at kinukuha ang isang kordero sa kawan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ay lumalabas akong hinahabol ko siya , at aking sinasaktan , at aking inililigtas sa kaniyang bibig : at pagka dinadaluhong ako ay aking pinapangahan , at aking sinasaktan , at aking pinapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso : at ang Filisteong ito na hindi tuli ay magiging isa sa kanila , yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi ni David , Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon , at sa pangamot ng oso , ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito . At sinabi ni Saul kay David , Yumaon ka , at ang Panginoon ay sasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinandatahan ni Saul si David ng kaniyang mga sandata , at kaniyang inilagay ang isang turbanteng tanso sa kaniyang ulo , at kaniyang sinuutan siya ng isang baluti sa katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ibinigkis ni David , ang tabak niya sa kaniyang sandata , at kaniyang tinikmang yumaon ; sapagka&apos;t hindi pa niya natitikman . At sinabi ni David kay Saul , Hindi ako makayayaon na dala ko ang mga ito ; sapagka&apos;t hindi ko pa natitikman . At pawang hinubad ni David sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At tinangnan niya ang kaniyang tungkod sa kaniyang kamay , at pumili siya ng limang makinis na bato mula sa batis , at isinilid sa supot na kaniyang dala , sa makatuwid baga&apos;y sa kaniyang supot pastor ; at ang kaniyang panghilagpos ay nasa kaniyang kamay : at siya&apos;y lumapit sa Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nagpatuloy ang Filisteo at lumapit kay David ; at ang lalake na may dala ng kalasag ay nangunguna sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nang tumingin ang Filisteo , at makita si David , ay kaniyang niwalan ng kabuluhan siya ; sapagka&apos;t siya&apos;y bata pa , at mapula ang pisngi , at may magandang bikas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sinabi ng Filisteo kay David , Ako ba ay aso , na ikaw ay paririto sa akin na may mga tungkod ? At nilait ng Filisteo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinabi ng Filisteo kay David , Halika , at aking ibibigay ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David sa Filisteo , Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak , at may malaking sibat at may kalasag ; nguni&apos;t ako&apos;y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay ; at sasaktan kita , at pupugutin ko ang ulo mo ; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito , at sa mababangis na hayop sa lupa ; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At upang maalaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat : sapagka&apos;t ang pagbabakang ito ay sa Panginoon , at ibibigay niya kayo sa aming kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At nangyari , nang bumangon ang Filisteo , at sumulong at lumapit upang salubungin si David , na si David ay nagmadali , at tumakbo sa dako ng kawal upang salubungin ang Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At isinuot ni David ang kaniyang kamay sa kaniyang supot ; at kumuha roon ng isang bato , at inihilagpos , at tinamaan ang Filisteo sa kaniyang noo ; at ang bato ay bumaon sa kaniyang noo , at nabuwal na pasubsob sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Sa gayo&apos;y nanaig si David sa Filisteo sa pamamagitan ng isang panghilagpos at ng isang bato , at sinaktan ang Filisteo at pinatay niya siya ; nguni&apos;t walang tabak sa kamay ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Nang magkagayo&apos;y tumakbo si David , at tinunghan ang Filisteo , at kinuha ang kaniyang tabak , at binunot sa kaniyang kaluban , at pinatay siya , at ipinagpugot ng kaniyang ulo . At nang makita ng mga Filisteo na ang kanilang bayani ay patay na , sila&apos;y tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At nagsibangon ang mga lalake ng Israel at ng Juda , at humiyaw at hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath , at sa mga pintuang-bayan ng Ecron . At ang mga sugatan sa mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa Saraim , hanggang sa Gath , at sa Ecron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At nagsibalik ang mga anak ni Israel sa paghabol sa mga Filisteo , at kanilang sinamsam ang kanilang kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At kinuha ni David ang ulo ng Filisteo , at dinala sa Jerusalem ; nguni&apos;t kaniyang inilagay ang sandata niya sa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nang makita ni Saul si David na lumalabas laban sa Filisteo , kaniyang sinabi kay Abner , na kapitan ng hukbo , Abner , kaninong anak ang batang ito ? At sinabi ni Abner , Buhay ang iyong kaluluwa , Oh hari , hindi ko masabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At sinabi ng hari , Usisain mo kung kaninong anak ang batang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At pagbalik ni David sa pagpatay sa Filisteo , kinuha siya ni Abner , at dinala siya sa harap ni Saul na dala ang ulo ng Filisteo sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At sinabi ni Saul sa kaniya , Kaninong anak ka , binata ? At sumagot si David , Ako&apos;y anak ng iyong lingkod na si Isai na Bethlehemita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang siya&apos;y makatapos na magsalita kay Saul , na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David , at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon , at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan , sapagka&apos;t minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya , at ibinigay kay David , at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak , at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At lumalabas si David saan man suguin ni Saul , at siya&apos;y nagpakabait : at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma , at minabuti ng paningin ng buong bayan , at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari pagdating nila , nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo , na ang mga babae ay lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel , na nagaawitan at nagsasayawan , upang salubungin ang haring si Saul , ng mga pandereta , ng kagalakan , at ng panugtog ng tugtugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog , at sinasabi , Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo , At ni David ang kaniyang laksa-laksa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagalit na mainam si Saul at ang sabing ito ay isinama niya ng loob ; at kaniyang sinabi , Kanilang inilagay kay David ay laksalaksa , at sa akin ay kanilang inilagay ang libolibo lamang : at ano na lamang ang kaniyang tatangkilikin kundi ang kaharian ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At inirapan ni Saul si David mula sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari nang kinabukasan , na ang masamang espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul , at siya&apos;y nanghula sa gitna ng bahay : at si David ay tumugtog ng kaniyang kamay , gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw ; at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At inihagis ni Saul ang sibat ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Aking tutuhugin si David sa dinding . At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At natakot si Saul kay David , sapagka&apos;t ang Panginoon ay sumasakaniya , at nahiwalay na kay Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t inihiwalay ni Saul siya sa kaniya , at siya&apos;y ginawa niyang punong kawal sa isang libo ; at siya&apos;y naglalabas pumasok sa harap ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nagpakabait si David sa lahat ng kaniyang kilos ; at ang Panginoon ay sumasakaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang makita ni Saul na siya&apos;y nagpakabait , siya&apos;y natakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t minamahal ng buong Israel at Juda si David ; sapagka&apos;t siya&apos;y naglalabas pumasok sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Saul kay David , Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si Merab ; siya&apos;y aking ibibigay sa iyo na asawa : magpakatapang ka lamang dahil sa akin , at iyong ilaban ang mga pagbabaka ng Panginoon . Sapagka&apos;t sinabi ni Saul , Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay , kundi ang kamay ng mga Filisteo , ang magbuhat sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni David kay Saul , Sino ako at ano ang aking buhay , o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel , upang maging manugang ako ng hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul , ay ibinigay na asawa kay Adriel na Meholatita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinisinta ni Michal na anak na babae ni Saul si David : at kanilang isinaysay kay Saul , at ang bagay ay ikinalugod niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Saul , Aking ibibigay sa kaniya siya , upang siya&apos;y maging silo sa kaniya , at upang ang kamay ng mga Filisteo ay maging laban sa kaniya . Kaya&apos;t sinabing ikalawa ni Saul kay David : Ikaw ay magiging aking manugang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iniutos ni Saul sa kaniyang mga lingkod , na sinasabi , Makipagusap kayo kay David ng lihim , at inyong sabihin , Narito , kinatutuwaan ka ng hari at minamahal ka ng lahat ng kaniyang mga lingkod : ngayon nga ay maging manugang ka ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinalita ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang yaon sa pakinig ni David . At sinabi ni David , Inaakala ba ninyo na magaang bagay ang maging manugang ng hari , dangang ako&apos;y isang dukhang tao at niwawalang kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At isinaysay ng mga lingkod ni Saul sa kaniya , na sinabi , Ganitong paraan nagsalita si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Saul , Ganito ang inyong sasabihin kay David : Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya , kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo , upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari . Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang saysayin ng kaniyang mga lingkod kay David ang mga salitang ito , ay ikinalugod na mabuti ni David na maging manugang siya ng hari . At ang mga araw ay hindi pa nagaganap ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At tumindig si David at yumaon , siya at ang kaniyang mga lalake , at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake ; at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama , at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari , upang siya&apos;y maging manugang ng hari . At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nakita at nalaman ni Saul na ang Panginoon ay sumasa kay David ; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Saul ay lalong natatakot kay David ; at naging kaaway ni David si Saul na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y lumabas ang mga pangulo ng mga Filisteo : at nangyari , na sa tuwing sila&apos;y lumalabas ay nagpakabait si David kay sa lahat ng mga lingkod ni Saul ; sa gayon ang kaniyang pangalan ay lalong namahal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagsalita si Saul kay Jonathan na kaniyang anak , at sa lahat ng kaniyang mga lingkod , na kanilang patayin si David . Nguni&apos;t si Jonathan na anak ni Saul ay naliligayang mainam kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At isinaysay ni Jonathan kay David , na sinasabi , Pinagsisikapan ni Saul na aking ama na patayin ka : ngayon nga&apos;y isinasamo ko sa iyo , na magingat ka sa kinaumagahan , at manatili sa isang lihim na dako , at magtago ka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y lalabas at tatayo sa siping ng aking ama sa parang na iyong kinaroroonan , at ako&apos;y makikipagusap sa aking ama ng tungkol sa iyo ; at kung may makita akong anoman , ay aking sasaysayin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagsalita si Jonathan kay Saul na kaniyang ama , ng mabuti tungkol kay David , at sinabi sa kaniya , Huwag magkasala ang hari laban sa kaniyang lingkod na si David ; sapagka&apos;t hindi siya nagkasala laban sa iyo ; at sapagka&apos;t ang kaniyang mga gawa ay naging mabuti sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kaniyang ipinain ang kaniyang buhay , at sinaktan ang Filisteo , at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel : nakita mo at nagalak ka ; bakit nga magkakasala ka laban sa walang salang dugo , na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At dininig ni Saul ang tinig ni Jonathan ; at sumumpa si Saul : Buhay ang Panginoon , siya&apos;y hindi papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tinawag ni Jonathan si David , at isinaysay ni Jonathan sa kaniya ang lahat ng mga bagay na yaon . At dinala ni Jonathan si David kay Saul , at siya&apos;y lumagay sa kaniyang harap , na gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagkaroong muli ng digma : at lumabas si David , at nakipaglaban sa mga Filisteo , at pumatay sa kanila ng malaking pagpatay ; at sila&apos;y tumakas sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At isang espiritung masama na mula sa Panginoon ay suma kay Saul , nang siya&apos;y nakaupo sa kaniyang bahay na tangan niya ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay ; at tumugtog si David sa pamamagitan ng kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinagsikapan ni Saul na tuhugin ng sibat si David sa dinding ; nguni&apos;t siya&apos;y nakatakas sa harap ni Saul at ang kaniyang tinuhog ng sibat ay ang dinding : at tumakas si David at tumanan ng gabing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David , upang siya&apos;y bantayan , at siya&apos;y patayin sa kinaumagahan : at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David , na sinasabi , Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya inihugos ni Michal si David sa isang dungawan , at siya&apos;y yumaon , at tumakas , at tumanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kinuha ni Michal ang mga terap , at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing , at tinakpan ng mga kumot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang magsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David , kaniyang sinabi , Siya&apos;y may sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsugo si Saul ng mga sugo upang tingnan si David , na sinasabi , Ipanhik ninyo siya sa akin na nasa kaniyang higaan , upang aking patayin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang pumasok ang mga sugo , narito , ang mga terap at nasa higaan , pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Saul kay Michal , Bakit mo ako dinaya ng ganiyan , at iyong pinaalis ang aking kaaway , na anopa&apos;t siya&apos;y nakatanan ? At sumagot si Michal kay Saul , Kaniyang sinabi sa akin : Bayaan mo akong yumaon : bakit kita papatayin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si David nga ay tumakas , at tumanan , at naparoon kay Samuel sa Rama , at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya . At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nasaysay kay Saul na sinasabi , Narito si David ay nasa Najoth sa Rama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David : at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula , at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila , ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul , at sila naman ay nanganghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang maisaysay kay Saul , siya&apos;y nagsugo ng ibang mga sugo , at sila man ay nanganghula . At si Saul ay nagsugo uli ng mga sugo na ikaitlo , at sila man ay nanganghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y naparoon din naman siya sa Rama , at dumating sa dakilang balon na nasa Socho : at siya&apos;y tumanong , at nagsabi , Saan naroon si Samuel at si David ? At sinabi ng isa , Narito , sila&apos;y nasa Najoth sa Rama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y naparoon doon sa Najoth sa Rama : at ang Espiritu ng Dios ay dumating din sa kaniya , at siya&apos;y nagpatuloy , at nanghula hanggang sa siya&apos;y dumating sa Najoth sa Rama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya rin nama&apos;y naghubad ng kaniyang mga suot , at siya man ay nanghula sa harap ni Samuel , at nahigang hubad sa buong araw na yaon at sa buong gabing yaon . Kaya&apos;t kanilang sinasabi , Pati ba si Saul ay nasa gitna ng mga propeta ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si David ay tumakas mula sa Najoth , na nasa Rama , at siya&apos;y dumating at nagsabi sa harap ni Jonathan , Anong aking ginawa ? anong aking kasamaan ? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama , upang kaniyang usigin ang aking buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa kaniya , Malayo nawa ; hindi ka mamamatay : narito , ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin : at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito ? hindi gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At gayon ma&apos;y si David ay sumumpa , at nagsabi , Talastas na maigi ng iyong ama , na ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ; at kaniyang sinasabi , Huwag maalaman ni Jonathan ito , baka siya&apos;y magdalamhati ; nguni&apos;t buhay nga ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jonathan kay David , Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni David kay Jonathan , Narito , bukas ay bagong buwan , at ako&apos;y di marapat na di sumalo sa hari ; nguni&apos;t bayaan mo akong yumaon upang ako&apos;y magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ako&apos;y punahin ng iyong ama , iyo ngang sabihing , Hiniling na mainam sa akin ni David na siya&apos;y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan : sapagka&apos;t siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung kaniyang sabihing ganito , Mabuti ; ang iyong lingkod ay matitiwasay ; nguni&apos;t kung siya&apos;y magalit , talastasin mo nga na ang kasamaan ay ipinasiya niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod ; sapagka&apos;t iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo ; nguni&apos;t kung magtaglay ako ng kasamaan , patayin mo ako ; sapagka&apos;t bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Jonathan , Malayo nawa sa iyo : sapagka&apos;t kung matalastas ko sa anomang paraan na ang kasamaan ay ipinasiya ng ama kong sumapit sa iyo , hindi ko ba sasaysayin sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David kay Jonathan , Sino ang magsasaysay sa akin , kung sakaling ang iyong ama ay sumagot sa iyo na may kagalitan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Jonathan kay David , Halika at tayo&apos;y lumabas sa parang . At sila&apos;y kapuwa lumabas sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Jonathan kay David , Ang Panginoon , ang Dios ng Israel , maging saksi ; pagka aking natarok ang aking ama sa oras na ito sa kinabukasan o sa ikatlong araw , narito , kung maging mabuti kay David , hindi ko nga ba pasasapitin sa iyo , at ipababatid sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung mabutihin ng aking ama na gawan ka ng kasamaan , ay hatulan ng Panginoon si Jonathan , malibang ipabatid ko sa iyo at payaunin ka , upang ikaw ay yumaong payapa : at ang Panginoon ay sumaiyo nawa na gaya ng siya&apos;y nasa aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At huwag mangyari kailanman hanggang ako&apos;y nabubuhay , na di mo ako pagpakitaan ng kagandahang loob ng Panginoon upang ako&apos;y huwag mamatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Subali&apos;t huwag mo ring ihihiwalay ang iyong kagandahang loob sa aking sangbahayan magpakailan man : huwag kahit man lipulin ng Panginoon ang lahat ng mga kaaway ni David sa balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y nakipagtipan si Jonathan sa sangbahayan ni David , na sinabi , At hihingin ng Panginoon sa kamay ng mga kaaway ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya : sapagka&apos;t kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jonathan sa kaniya , Bukas ay bagong buwan , at ikaw ay pupunahin , sapagka&apos;t sa iyong upuan ay walang nakaupo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagtatagal mo ng tatlong araw ay bababa kang madali at paroroon ka sa dakong iyong pinagtaguan ng araw na pag-usapan ito , at ikaw ay maghihintay sa tabi ng bato ng Ezel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ako&apos;y papana ng tatlong palaso sa dako niyaon na parang ako&apos;y may pinatatamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At , narito , aking susuguin ang bata : Ikaw ay yumaon na hanapin mo ang mga palaso . Kung aking sabihin sa bata : Narito , ang mga palaso ay nangarito sa dako mo rito : pagkunin mo , at parito ka ; sapagka&apos;t may kapayapaan sa iyo at walang anoman , buhay ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t kung aking sabihing ganito sa bata : Narito , ang mga palaso ay nangasa dako mo pa roon : ituloy mo ang iyong lakad , sapagka&apos;t pinayaon ka ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At tungkol sa usap na ating pinagsalitaan , narito , ang Panginoon ay nasa gitna natin magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa gayo&apos;y nagkubli si David sa parang : at nang dumating ang bagong buwan , ang hari ay umupong kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga&apos;y sa upuang nasa siping ng dinding ; at tumayo si Jonathan , at umupo si Abner sa siping ni Saul ; nguni&apos;t sa upuan ni David ay walang nakaupo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon ma&apos;y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon : sapagka&apos;t kaniyang inisip : May bagay na nangyari sa kaniya , siya&apos;y hindi malinis ; tunay na siya&apos;y hindi malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari nang kinabukasan , pagkaraan ng bagong buwan na ikalawang araw , na sa upuan ni David ay walang nakaupo , sinabi ni Saul kay Jonathan na kaniyang anak , Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain , ni kahapon , ni ngayon man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sumagot si Jonathan kay Saul , Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kaniyang sinabi , Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako ; sapagka&apos;t ang aming angkan ay may paghahain sa bayan ; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon ; at ngayon , kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ay bayaan mo akong yumaon , isinasamo ko sa iyo , at aking tingnan ang aking mga kapatid . Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan , at sinabi niya sa kaniya , Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae , hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo , at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t habang nabubuhay ang anak ni Isai sa ibabaw ng lupa , ikaw ay hindi mapapanatag ni ang iyong kaharian man . Kaya ngayo&apos;y iyong ipasundo at dalhin siya sa akin , sapagka&apos;t siya&apos;y walang pagsalang mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sumagot si Jonathan kay Saul na kaniyang ama ; at nagsabi sa kaniya , Bakit siya papatayin ? anong kaniyang ginawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At inihandulong ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniya upang saktan siya ; na doon nakilala ni Jonathan na pasiya ng kaniyang ama na patayin si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa gayo&apos;y tumindig si Jonathan sa dulang na may mabangis na galit , at hindi kumain sa ikalawang araw ng buwan : sapagka&apos;t siya&apos;y nagdalamhati dahil kay David , sapagka&apos;t hiniya siya ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangyari sa kinaumagahan , na si David ay nilabas ni Jonathan sa parang sa takdang panahon , at isang munting bata ang kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi niya sa kaniyang bataan , Takbo , hanapin mo ngayon ang mga palaso na aking ipinana . At pagtakbo ng bataan , kaniyang ipinana ang palaso sa dako roon niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nang dumating ang bataan sa dako ng palaso na ipinana ni Jonathan , sinigawan ni Jonathan ang bataan , at sinabi , Hindi ba ang palaso ay nasa dako mo pa roon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinigawan ni Jonathan ang bataan , Tulin , magmadali ka , huwag kang tumigil . At pinulot ng bataan ni Jonathan ang mga palaso , at naparoon sa kaniyang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Nguni&apos;t hindi naalaman ng bataan ang anoman : si Jonathan at si David lamang ang nakaalam ng bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ibinigay ni Jonathan ang kaniyang sandata sa kaniyang bataan , at sinabi sa kaniya , Yumaon ka , dalhin mo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At pagkayaon ng bataan , si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan , at sumubsob sa lupa , at yumukod na makaitlo : at sila&apos;y naghalikan , at umiyak kapuwa , hanggang si David ay humigit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi ni Jonathan kay David , Yumaon kang payapa , yamang tayo&apos;y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi , Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin , at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi , magpakailan man . At siya&apos;y bumangon at yumaon : at pumasok si Jonathan sa bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y naparoon si David sa Nob kay Ahimelech na saserdote : at sinalubong si David ni Ahimelech na nanginginig , at sinabi sa kaniya , Bakit ka nagiisa , at walang taong kasama ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si David ay nagsabi kay Ahimelech na saserdote , Inutusan ako ng hari ng isang bagay , at sinabi sa akin , Huwag maalaman ng sinoman ang bagay na aking isinusugo sa iyo , at ang aking iniutos sa iyo : at aking inilagay ang mga bataan sa gayo&apos;t gayong dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ngayon nga anong mayroon ka sa iyong kamay ? Bigyan mo ako ng limang tinapay sa aking kamay , o anomang mayroon ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumagot ang saserdote kay David , at nagsabi , Walang karaniwang tinapay sa aking kamay , nguni&apos;t mayroong banal na tinapay ; kung disin ang mga bataan ay magpakalayo lamang sa mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sumagot si David sa saserdote , at nagsabi sa kaniya , Sa katotohanan ang mga babae ay nalayo sa amin humigit kumulang sa tatlong araw na ito ; nang ako&apos;y lumabas ang mga daladalahan ng mga bataan ay banal , bagaman isang karaniwang paglalakad ; gaano pa kaya kabanal ngayon ang kanilang mga daladalahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay : sapagka&apos;t walang tinapay roon , kundi tinapay na handog , na kinuha sa harap ng Panginoon , upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon , na pinigil sa harap ng Panginoon : at ang kaniyang pangalan ay Doeg na Idumeo , na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni David kay Ahimelech , At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak ? sapagka&apos;t hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man , dahil sa ang bagay ng hari ay madalian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng saserdote , Ang tabak ni Goliath na Filisteo , na iyong pinatay sa libis ng Ela , narito , nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod : kung iyong kukunin yaon , kunin mo : sapagka&apos;t walang iba rito liban yaon . At sinabi ni David , Walang ibang gaya niyaon ; ibigay mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tumindig si David , at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul , at naparoon kay Achis na hari sa Gath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya , Hindi ba ito&apos;y si David na hari sa lupain ? Hindi ba pinagaawitanan siya sa mga sayaw , na sinasabi , Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo , At ni David ang kaniyang laksalaksa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso , at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay , at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan , at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod , Narito , tingnan ninyo ang lalake ay ulol : bakit nga ninyo dinala siya sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kulang ba ako ng mga ulol , na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan ? papasok ba ang taong ito sa aking bahay ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Umalis nga si David doon , at tumakas sa yungib ng Adullam : at nang mabalitaan ng kaniyang mga kapatid at ng sangbahayan ng kaniyang ama , kanilang nilusong siya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At bawa&apos;t isa na napipighati , at bawa&apos;t isa na may utang , at bawa&apos;t isa na may kalumbayan ay nakipisan sa kaniya ; at siya&apos;y naging punong kawal nila : at nagkaroon siya ng may apat na raang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At naparoon si David mula roon sa Mizpa ng Moab , at kaniyang sinabi sa hari sa Moab : Isinasamo ko sa iyo na ang aking ama at aking ina ay makalabas , at mapasama sa inyo , hanggang sa aking maalaman kung ano ang gagawin ng Dios sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang dinala sila sa harap ng hari sa Moab : at sila&apos;y tumahan na kasama niya buong panahon na si David ay nasa moog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng propetang si Gad kay David , Huwag kang tumahan sa moog ; ikaw ay yumaon at pumasok sa lupain ng Juda . Nang magkagayo&apos;y yumaon si David , at pumasok sa gubat ng Hareth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nabalitaan ni Saul na si David ay nasumpungan , at ang mga lalake na kasama niya : si Saul nga&apos;y nauupo sa Gabaa sa ilalim ng punong tamarisko sa Rama , na tangan ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay , at ang lahat ng kaniyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod na nakatayo sa palibot niya , Dinggin ninyo ngayon , mga Benjamita ; bibigyan ba ng anak ni Isai ang bawa&apos;t isa sa inyo ng mga bukiran at mga ubasan , gagawin ba niya kayong lahat na mga punong kawal ng lilibuhin at mga punong kawal ng dadaanin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Upang kayong lahat ay magsipagsuwail laban sa akin , at walang nagpakilala sa akin nang gawin ng aking anak ang isang pakikipagtipan sa anak ni Isai , at wala sinoman sa inyo na nagdamdam dahil sa akin , o nagpakilala sa akin na ang aking anak ay humihikayat sa aking lingkod laban sa akin upang bumakay , gaya sa araw na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Doeg na Idumeo na nakatayo sa siping ng mga lingkod ni Saul , at nagsabi , Aking nakita ang anak ni Isai na naparoroon sa Nob , kay Ahimelech na anak ni Ahitob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At isinangguni niya siya sa Panginoon , at binigyan siya ng mga pagkain , at ibinigay sa kaniya ang tabak ni Goliath na Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y ipinatawag ng hari si Ahimelech na saserdote na anak ni Ahitob , at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama , na mga saserdote na nasa Nob , at sila&apos;y naparoong lahat sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Saul , Iyong dinggin ngayon , ikaw na anak ni Ahitob . At siya&apos;y sumagot . Narito ako , panginoon ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Saul sa kaniya , Bakit kayo ay nagsipagsuwail laban sa akin , ikaw , at ang anak ni Isai , na iyong binigyan siya ng tinapay , at ng tabak , at isinangguni siya sa Dios upang siya&apos;y bumangon laban sa akin na bumakay , gaya sa araw na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Ahimelech sa hari , at nagsabi , At sino sa gitna ng lahat ng iyong mga lingkod ang tapat na gaya ni David , na manugang ng hari , at tinatanggap sa iyong pulong , at karangaldangal sa iyong bahay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pinasimulan ko bang isangguni siya ngayon sa Dios ? malayo sa akin : huwag ibintang ng hari ang anomang bagay sa kaniyang lingkod , o sa buong sangbahayan man ng aking ama : sapagka&apos;t walang nalalamang bagay ang iyong lingkod tungkol sa lahat na ito , munti o malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng hari , Ikaw ay walang pagsalang mamamatay , Ahimelech , ikaw at ang buong sangbahayan ng iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng hari sa bantay na nangakatayo sa palibot niya , Pumihit kayo at patayin ninyo ang mga saserdote ng Panginoon ; sapagka&apos;t ang kanilang kamay man ay sumasa kay David , at sapagka&apos;t kanilang nalaman na siya&apos;y tumakas , at hindi nila ipinakilala sa akin . Nguni&apos;t hindi inibig ng mga lingkod ng hari na iunat ang kanilang kamay upang daluhungin ang mga saserdote ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng hari kay Doeg : Pumihit ka , at iyong daluhungin ang mga saserdote . At pumihit si Doeg na Idumeo , at kaniyang dinaluhong ang mga saserdote , at kaniyang pinatay nang araw na yaon ay walong pu&apos;t limang lalake na nagsusuot ng epod na lino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinugatan ng talim ng tabak ang Nob , ang bayan ng mga saserdote , ang mga lalake at gayon din ang mga babae , ang mga bata at ang mga pasusuhin , at ang mga baka at mga asno at mga tupa , ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At isa sa mga anak ni Ahimelech na anak ni Ahitob na nagngangalang Abiathar ay tumanan , at tumakas na sumunod kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At isinaysay ni Abiathar kay David na pinatay na ni Saul ang mga saserdote ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni David kay Abiathar , Talastas ko nang araw na yaon na si Doeg na Idumeo ay naroon , na kaniyang tunay na sasaysayin kay Saul : ako&apos;y naging kadahilanan ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa sangbahayan ng iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Matira kang kasama ko , huwag kang matakot ; sapagka&apos;t siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay : sapagka&apos;t kasama kita ay maliligtas ka .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kanilang isinaysay kay David , na sinasabi , Narito , ang mga Filisteo ay nakikipaglaban sa Keila , at kanilang ninanakaw ang mga giikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t sumangguni si David sa Panginoon , na nagsasabi , Yayaon ba ako at aking sasaktan ang mga Filisteong ito ? At sinabi ng Panginoon kay David , Yumaon ka at iyong saktan ang mga Filisteo , at iligtas mo ang Keila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng mga lalake ni David sa kaniya , Narito , tayo&apos;y natatakot dito sa Juda : gaano pa nga kaya kung tayo ay pumaroon sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sumangguni uli si David sa Panginoon . At sumagot ang Panginoon sa kaniya at sinabi , Bumangon ka at lumusong ka sa Keila ; sapagka&apos;t aking ibibigay ang mga Filisteo , sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si David at ang kaniyang mga lalake ay naparoon sa Keila , at bumaka sa mga Filisteo , at dinala ang kanilang kawan , at pinatay nila sila ng malaking pagpatay . Gayon iniligtas ni David ang mga tumatahan sa Keila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari nang makatakas si Abiathar na anak ni Ahimelech kay David sa Keila , na siya&apos;y lumusong na may isang epod sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nasaysay kay Saul na si David ay naparoon sa Keila . At sinabi ni Saul , Ibinigay ng Dios siya sa aking kamay ; sapagka&apos;t siya&apos;y nasarhan sa kaniyang pagpasok sa isang bayan na mayroong mga pintuang-bayan at mga halang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tinawag ni Saul ang buong bayan sa pakikidigma , upang lumusong sa Keila na kubkubin si David at ang kaniyang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At naalaman ni David na nagiisip si Saul ng masama laban sa kaniya ; at kaniyang sinabi kay Abiathar na saserdote , Dalhin mo rito ang epod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David , Oh Panginoon , na Dios ng Israel , tunay na nabalitaan ng iyong lingkod na pinagsisikapan ni Saul na pumaroon sa Keila , upang ipahamak ang bayan dahil sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ibibigay ba ako ng mga tao sa Keila sa kaniyang kamay ? lulusong ba si Saul ayon sa nabalitaan ng iyong lingkod ? Oh Panginoon , na Dios ng Israel , idinadalangin ko sa iyo , na saysayin mo sa iyong lingkod . At sinabi ng Panginoon , Siya&apos;y lulusong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David , Ibibigay ba ng mga tao sa Keila ako at ang aking mga tao sa kamay ni Saul ? At sinabi ng Panginoon , Ibibigay ka nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y si David at ang kaniyang mga tao na anim na raan , ay tumindig at umalis sa Keila , at naparoon kung saan sila makakaparoon . At nasaysay kay Saul na si David ay tumanan sa Keila , at siya&apos;y tumigil ng paglabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si David ay tumahan sa ilang sa mga katibayan , at nanira sa lupaing maburol sa ilang ng Ziph . At pinag-uusig siya ni Saul araw-araw , nguni&apos;t hindi siya ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nakita ni David na lumalabas si Saul upang usigin ang kaniyang buhay : at si David ay nasa ilang ng Ziph sa gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Jonathan na anak ni Saul ay bumangon , at naparoon kay David sa gubat , at pinagtibay ang kaniyang kamay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya sa kaniya , Huwag kang matakot : sapagka&apos;t hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na aking ama ; at ikaw ay magiging hari sa Israel , at ako&apos;y magiging pangalawa mo ; at nalalamang gayon ni Saul na aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon : at si David ay tumahan sa gubat , at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y inahon ng mga Zipheo si Saul , sa Gabaa , na sinasabi , Hindi ba nagkukubli sa amin si David sa mga katibayan sa gubat , sa burol ng Hachila , na nasa timugan ng ilang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon nga , Oh hari , lumusong ka , ayon sa buong adhika ng iyong kalooban na lumusong ; at ang aming bahagi ay ibibigay sa kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Saul , Pagpalain nawa kayo ng Panginoon ; sapagka&apos;t kayo&apos;y nahabag sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kayo&apos;y yumaon , isinasamo ko sa inyo , inyong turuling maigi , at alamin at tingnan ang kaniyang kinaroroonan , at kung sino ang nakakita sa kaniya roon : sapagka&apos;t nasaysay sa akin na siya&apos;y nagpapakatalino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Inyo ngang tingnan , at alamin ang mga kublihang dako na kaniyang pinagtataguan , at bumalik kayo sa akin na may katunayan , at ako&apos;y paroroong kasama ninyo : at mangyayari , kung siya&apos;y nasa lupain , ay aking sisiyasatin siya sa gitna ng lahat ng mga libolibo sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y tumindig at naparoon sa Ziph na nagpauna kay Saul : nguni&apos;t si David at ang kaniyang mga tao ay nasa ilang ng Maon sa Araba sa timugan ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Saul at ang kaniyang mga tao ay naparoon upang pag-usigin siya . At kanilang sinaysay kay David : kaya&apos;t siya&apos;y lumusong sa burol na bato at tumahan sa ilang ng Maon . At nang mabalitaan ni Saul , kaniyang hinabol si David sa ilang ng Maon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At naparoon si Saul sa dakong ito ng bundok , at si David at ang kaniyang mga tao ay sa dakong yaon ng bundok : at si David ay nagmadaling umalis dahil sa takot kay Saul ; sapagka&apos;t kinukubkob ni Saul at ng kaniyang mga tao si David at ang kaniyang mga tao upang sila&apos;y hulihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t dumating ang isang sugo kay Saul , na nagsasabi , Magmadali ka at parito ka ; sapagka&apos;t ang mga Filisteo ay sumalakay sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y bumalik si Saul na mula sa paghabol kay David , at naparoon laban sa mga Filisteo : kaya&apos;t kanilang tinawag ang dakong yaon na Sela-hammahlecoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si David ay umahon mula roon , at tumahan sa mga katibayan ng En-gaddi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang si Saul ay bumalik na mula sa paghabol sa mga Filisteo , na nasaysay sa kaniya , na sinasabi , Narito , si David ay nasa ilang ng En-gaddi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalake sa buong Israel , at yumaong inusig si David at ang kaniyang mga lalake sa mga bundok ng maiilap na kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan , na kinaroroonan ng isang yungib ; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa . Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya , Narito , ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo , Narito , aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay , at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo . Nang magkagayo&apos;y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari pagkatapos , na nagdamdam ang puso ni David , sapagka&apos;t kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake , Huwag itulot ng Panginoon na ako&apos;y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon , na pinahiran ng langis ng Panginoon , na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya , yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y pinigilan ni David ang kaniyang mga tao ng mga salitang ito , at hindi niya sila binayaang bumangon laban kay Saul . At tumindig si Saul sa yungib at nagpatuloy ng kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Si David naman ay tumindig pagkatapos , at lumabas sa yungib , at hiniyawan si Saul , na sinasabi , Panginoon ko na hari . At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa , at nagbigay galang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni David kay Saul , Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao , na nagsasabi , Narito , pinagsisikapan kang saktan ni David ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Narito , nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib : at sinabi sa akin ng iba na patayin kita : nguni&apos;t hindi kita inano ; at aking sinabi , Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon ; sapagka&apos;t siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bukod dito&apos;y iyong tingnan , ama ko , oo , tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay : sapagka&apos;t sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay , talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay , at hindi ako nagkasala laban sa iyo , bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hatulan tayo ng Panginoon , at ipanghiganti ako ng Panginoon sa iyo : nguni&apos;t ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gaya ng sabi ng kawikaan ng mga matanda : Sa masama magmumula ang kasamaan : nguni&apos;t ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinong nilabas ng hari ng Israel ? sinong hinahabol mo ? isang patay na aso , isang kuto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Maging hukom nga ang Panginoon , at hatulan tayo , at tingnan , at ipagsanggalang ang aking usap , at iligtas ako sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , nang makatapos si David ng pagsasalita ng mga salitang ito kay Saul , ay sinabi ni Saul , Ito ba ang iyong tinig , anak kong David ? At inilakas ni Saul ang kaniyang tinig , at umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi kay David , Ikaw ay lalong matuwid kay sa akin : sapagka&apos;t ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti , samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iyong ipinakilala sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti , sapagka&apos;t nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay , ay hindi mo ako pinatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t kung masumpungan ng isang tao ang kaniyang kaaway , pababayaan ba niyang yumaong mabuti ? kaya&apos;t gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ngayo&apos;y narito , talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari , at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Isumpa mo nga ngayon sa akin sa pangalan ng Panginoon , na hindi mo puputulin ang aking binhi pagkamatay ko , at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sangbahayan ng aking magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sumumpa si David kay Saul . At si Saul ay umuwi ; nguni&apos;t si David at ang kaniyang mga lalake ay umakyat sa katibayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At namatay si Samuel ; at nagpipisan ang buong Israel , at pinanaghuyan siya , at inilibing siya sa kaniyang bahay sa Rama . At bumangon si David , at lumusong sa ilang ng Paran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At may isang lalake sa Maon , na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo ; at ang lalake ay lubhang dakila , at siya&apos;y mayroong tatlong libong tupa , at isang libong kambing ; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang pangalan nga ng lalake ay Nabal ; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail : at ang babae ay matalino , at may magandang pagmumukha ; nguni&apos;t ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa ; at siya&apos;y supling sa sangbahayan ni Caleb .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At narinig ni David sa ilang na ginugupitan ni Nabal ng balahibo ang kaniyang tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsugo si David ng sangpung bataan , at sinabi ni David sa mga bataan , Umahon kayo sa Carmelo , at kayo&apos;y pumaroon kay Nabal , at batiin ninyo siya sa aking pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa , Kapayapaan nawa ang sumaiyo , at kapayapaan nawa ang sumaiyong sangbahayan , at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ngayo&apos;y aking narinig na ikaw ay nagpapagupit ng balahibo ng tupa ; ang iyong mga pastor nga ay nasa sa amin , at hindi namin inano sila , o nagkulang man ng anomang bagay sa kanilang buong panahon na kanilang ikinaroon sa Carmelo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Tanungin mo ang iyong mga bataan at kanilang sasaysayin sa iyo : kaya&apos;t makasumpong nawa ng biyaya sa iyong mga mata ang mga bataan ; sapagka&apos;t kami ay naparito sa mabuting araw : isinasamo ko sa iyo , na ibigay mo ang anomang masumpungan mo ng iyong kamay , sa iyong mga lingkod , at sa iyong anak na kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang dumating ang mga bataan ni David , kanilang sinalita kay Nabal ang ayon sa lahat ng mga salitang yaon sa pangalan ni David , at nagsitahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David , at nagsabi , Sino si David ? at sino ang anak ni Isai ? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawa&apos;t isa sa kaniyang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig , at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit , at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y ang mga bataan ni David ay pumihit sa kanilang lakad , at nagsibalik , at naparoon , at isinaysay sa kaniya ang ayon sa lahat ng mga salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni David sa kaniyang mga lalake , Ibigkis ng bawa&apos;t isa sa inyo ang kaniyang tabak . At nagbigkis ang bawa&apos;t isa ng kaniyang tabak ; at si David ay nagbigkis din ng kaniyang tabak : at ang umahon na sumunod kay David ay may apat na raang lalake ; at naiwan ang dalawang daan sa daladalahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t isinaysay ng isa sa mga bataan kay Abigail , na asawa ni Nabal , na sinasabi , Narito , si David ay nagsugo ng mga sugo mula sa ilang upang bumati sa ating panginoon ; at kaniyang tinanggihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ang mga lalake ay napakabuti sa amin , at hindi kami sinaktan , o nagkulang man ng anomang bagay habang kami ay nakikisama sa kanila , nang kami ay nasa mga parang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y naging kuta sa amin sa gabi at gayon din sa araw buong panahong aming ikinaroon sa kanila sa pagaalaga ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon nga&apos;y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin ; sapagka&apos;t ang kasamaan ay ipinasiya na laban sa ating panginoon , at laban sa kaniyang buong sangbahayan : sapagka&apos;t siya&apos;y isang hamak na tao , na sinoma&apos;y hindi makapakiusap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y nagmadali si Abigail , at kumuha ng dalawang daang tinapay , at dalawang balat ng alak , at limang handang tupa , at limang takal ng trigo na sinangag , at isang daang kumpol na pasas , at dalawang daang binilong igos , at ipinagpapasan sa mga asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kaniyang mga bataan , Magpauna kayo sa akin ; narito ako&apos;y susunod sa inyo . Nguni&apos;t hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagkagayon na samantalang siya&apos;y nakasakay sa kaniyang asno at lumulusong sa isang kubling dako ng bundok na narito , si David at ang kaniyang mga lalake ay lumulusong na patungo sa kaniya , at sinalubong niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi nga ni David , Tunay na walang kabuluhang aking iningatan ang lahat na tinatangkilik ng taong yaon sa ilang , na anopa&apos;t hindi nawala ang anoman sa lahat na nauukol sa kaniya : at kaniyang iginanti sa akin ay masama sa mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hatulan nawa ng Dios ang mga kaaway ni David , at lalo na , kung ako&apos;y magiwan ng labis sa lahat na nauukol sa kaniya sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang makita ni Abigail si David , ay nagmadali siya , at lumunsad sa kaniyang asno , at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi , Mapasa akin , panginoon ko , mapasa akin ang kasamaan : at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig , at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Isinasamo ko sa iyo , na ang aking panginoon ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak , sa makatuwid baga&apos;y kay Nabal ; sapagka&apos;t kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya : Nabal ang kaniyang pangalan , at ang kamangmangan ay sumasakaniya : nguni&apos;t akong iyong lingkod , hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon , na iyong sinugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ngayon nga , panginoon ko , buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo , at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ngayo&apos;y itong kaloob na dinala ng iyong lingkod sa aking panginoon ay mabigay sa mga bataan na sumusunod sa aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod : sapagka&apos;t tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay , sapagka&apos;t ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon ; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At bagaman bumangon ang isang lalake upang habulin ka , at usigin ang iyong kaluluwa , gayon ma&apos;y ang kaluluwa ng aking panginoon ay matatali sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios ; at ang mga kaluluwa ng iyong mga kaaway , ay pahihilagpusin niya , na parang mula sa gitna ng isang panghilagpos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At mangyayari , pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo , at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na ito&apos;y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutog man ng loob sa aking panginoon , maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan , o gumanti ng sa kaniyang sarili ang aking panginoon : at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon , alalahanin mo nga ang iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ni David kay Abigail , Purihin nawa ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At purihin nawa ang iyong kabaitan , at pagpalain ka , na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo , at sa panghihiganti ng aking sariling kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t tunay , buhay ang Panginoon , ang Dios ng Israel na siyang pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo , kundi ka nagmadali , at pumaritong sumalubong sa akin , tunay na walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa gayo&apos;y tinanggap ni David sa kaniyang kamay ang dinala niya sa kaniya : at sinabi niya sa kaniya , Umahon kang payapa na umuwi sa iyong bahay ; tingnan mo , aking dininig ang iyong tinig , at aking tinanggap ang iyong pagkatao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At naparoon si Abigail kay Nabal ; at , narito , siya&apos;y gumawa ng isang kasayahan sa kaniyang bahay , na gaya ng pagsasaya ng isang hari ; at ang puso ni Nabal ay nagalak sa kaniyang loob , sapagka&apos;t siya&apos;y lubhang nalango ; kaya&apos;t siya&apos;y hindi nagsaysay sa kaniya ng anoman , munti o malaki , hanggang sa pagbubukang liwayway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nangyari sa kinaumagahan , nang ang alak ay mapawi kay Nabal , na isinaysay ng asawa niya sa kaniya ang mga bagay na ito , at nagkasakit siya sa puso , at siya&apos;y naging parang isang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nangyari , pagkaraan ng may sangpung araw , at sinaktan ng Panginoon si Nabal , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay , ay kaniyang sinabi , Purihin nawa ang Panginoon na siyang nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal , at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan : at ang masamang gawa ni Nabal ay ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo . At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmelo , ay kanilang sinalita sa kaniya , na sinasabi , Sinugo kami ni David sa iyo , upang kunin ka na maging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At siya&apos;y bumangon at nagpatirapa sa lupa , at nagsabi , Narito , ang iyong lingkod ay isang aba upang maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nagmadali si Abigail , at bumangon , at sumakay sa isang asno , na kasama ng limang dalaga niya na sumusunod sa kaniya ; at siya&apos;y sumunod sa mga sugo ni David , at naging kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kinuha naman ni David si Ahinoam , na taga Jezreel ; at sila&apos;y kapuwa naging asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ngayo&apos;y ibinigay ni Saul si Michal na kaniyang anak , na asawa ni David , kay Palti na anak ni Lais na taga Gallim .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At naparoon ang mga Zipheo kay Saul sa Gabaa , na nagsasabi , Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hachila , sa tapat ng ilang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y bumangon si Saul at lumusong sa ilang ng Ziph , na may tatlong libong piling lalake sa Israel na kasama niya upang hanapin si David sa ilang ng Ziph .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At humantong si Saul sa burol ng Hachila na nasa tapat ng ilang sa tabi ng daan . Nguni&apos;t si David ay tumahan sa ilang , at kaniyang nakita na sinusundan siya ni Saul sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nagsugo nga si David ng mga tiktik , at nalaman na tunay na dumarating si Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si David ay bumangon at naparoon sa dakong kinahahantungan ni Saul : at nakita ni David ang dakong kinaroroonan ni Saul at ni Abner na anak ni Ner , na kapitan ng kaniyang hukbo : at si Saul ay nakahiga sa dako ng mga karo , at ang bayan ay humantong sa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sumagot si David , at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo , at kay Abisai na anak ni Sarvia , na kapatid ni Joab , na nagsasabi , Sinong lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento ? At sinabi ni Abisai , Ako&apos;y lulusong na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan : at , narito , si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa sa kaniyang ulunan : at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Abisai kay David , Ibinigay ng Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito : ngayon nga&apos;y isinasamo ko sa iyo , na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak , at hindi ko pagmamakalawahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni David kay Abisai , Huwag mong patayin siya : sapagka&apos;t sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni David , Buhay ang Panginoon , ang Panginoon ay siyang sasakit sa kaniya ; o darating ang kaniyang kaarawan upang mamatay ; o siya&apos;y lulusong sa pagbabaka , at mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon : nguni&apos;t ngayo&apos;y iyong kunin , isinasamo ko sa iyo , ang sibat na nasa kaniyang ulunan , at ang banga ng tubig , at tayo&apos;y yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul ; at sila&apos;y umalis , at walang nakakita , o nakaalam man , o nagising man ang sinoman : sapagka&apos;t sila&apos;y pawang mga tulog ; sapagka&apos;t isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y dumaan si David sa kabilang dako , at tumayo sa taluktok ng bundok na may kalayuan ; na may malaking pagitan sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sumigaw si David sa bayan at kay Abner na anak ni Ner , na nagsabi , Hindi ka sumasagot , Abner ? Nang magkagayo&apos;y sumagot si Abner at nagsabi , Sino kang sumisigaw sa hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni David kay Abner , Hindi ka ba matapang na lalake ? at sinong gaya mo sa Israel ? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari ? sapagka&apos;t pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti . Buhay ang Panginoon , kayo&apos;y marapat na mamatay , sapagka&apos;t hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon , ang pinahiran ng langis ng Panginoon . At ngayo&apos;y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari , at ang banga ng tubig na nasa kaniyang ulunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi , Ito ba ang tinig mo , anak kong David ? At sinabi ni David , Aking tinig nga , panginoon ko , Oh hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang sinabi , Bakit hinahabol ng aking panginoon ang kaniyang lingkod ? sapagka&apos;t anong aking ginawa ? o anong kasamaan ang nasa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kaniyang lingkod . Kung ang Panginoon ay siyang nagudyok sa iyo laban sa akin , ay tumanggap siya ng isang handog : nguni&apos;t kung ang mga anak ng tao , sumpain sila sa harap ng Panginoon ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagpalayas sa akin sa araw na ito upang huwag akong magkaroon ng bahagi ng mana sa Panginoon , na nagsasabi , Ikaw ay yumaon , maglingkod ka sa ibang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon nga&apos;y huwag ibubo ang aking dugo sa lupa sa harap ng Panginoon ; sapagka&apos;t lumabas ang hari sa Israel upang humanap ng isang kuto , gaya ng isang humahabol ng isang pugo sa mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul , Ako&apos;y nagkasala : bumalik ka , anak kong David : sapagka&apos;t hindi na ako gagawa ng masama sa iyo , sapagka&apos;t ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito : narito , ako&apos;y nagpakamangmang , at ako&apos;y nagkamali ng di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sumagot si David at nagsabi , Tingnan mo ang sibat , Oh hari ! paparituhin mo ang isa sa mga bataan at kunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At gagantihin ng Panginoon ang bawa&apos;t tao sa kaniyang katuwiran at sa kaniyang pagtatapat : sapagka&apos;t ibinigay ka ng Panginoon sa aking kamay ngayon , at hindi ko iniunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At , narito , kung paanong ang iyong buhay ay mahalagang mainam sa aking paningin sa araw na ito , ay maging gayon nawang mahalagang mainam ang aking buhay sa paningin ng Panginoon , at iligtas niya nawa ako sa madlang kapighatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul kay David , Pagpalain ka , anak kong David : ikaw ay gagawa na makapangyarihan , at tunay na ikaw ay mananaig . Sa gayo&apos;y nagpatuloy si David ng kaniyang lakad , at si Saul ay bumalik sa kaniyang dako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nasabi ni David sa kaniyang sarili , Ako&apos;y mamamatay isang araw sa kamay ni Saul : walang anomang bagay na mabuti sa akin kundi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo ; at si Saul ay mawawalan ng pagasa tungkol sa akin , upang huwag na akong pag-usigin sa lahat ng mga hangganan ng Israel : sa gayo&apos;y tatakas ako mula sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si David ay bumangon at lumipat , siya at ang anim na raang lalake na nasa kaniya , kay Achis na anak ni Maoch na hari sa Gath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath , siya at ang kaniyang mga lalake , bawa&apos;t lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayan , sa makatuwid baga&apos;y si David pati ng kaniyang dalawang asawa , si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nasaysay kay Saul na si David ay tumakas na napatungo sa Gath : at hindi na niya pinagusig siya uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni David kay Achis , Kung ngayo&apos;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain , upang ako&apos;y tumahan doon : sapagka&apos;t bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y ibinigay ni Achis sa kaniya ang Siclag nang araw na yaon : kaya&apos;t ang Siclag ay nauukol sa mga hari sa Juda hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang bilang ng mga araw na itinahan ni David sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon , at apat na buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At umahon si David at ang kaniyang mga lalake , at sinalakay ang mga Gesureo , at ang mga Gerzeo , at ang mga Amalecita ; sapagka&apos;t ang mga yaon ay dating nangananahan sa lupain , mula nang gaya ng kung ikaw ay paroroon sa Shur , hanggang sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinaktan ni David ang lupain , at walang iniligtas na buhay kahit lalake o babae man , at dinala ang mga tupa at ang mga baka , at ang mga asno , at ang mga kamelyo , at ang mga kasuutan ; at siya&apos;y bumalik , at naparoon kay Achis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Achis , Saan kayo sumalakay ngayon ? At sinabi ni David , Laban sa Timugan ng Juda , at laban sa Timugan ng mga Jerameeliteo , at laban sa Timugan ng mga Cineo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At walang iniligtas na buhay si David kahit ng lalake o ng babae man , upang dalhin sa Gath , na sinasabi , Baka sila&apos;y magsumbong laban sa atin , na sabihin , Ganoon ang ginawa ni David , at gayon ang kaniyang paraan sa buong panahon na kaniyang itinahan sa lupain ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At naniwala si Achis kay David , na nagsasabi , Kaniyang ginawa na ang kaniyang bayang Israel ay lubos na nakayayamot sa kaniya : kaya&apos;t siya&apos;y magiging aking lingkod magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa mga araw na yaon , na pinisan ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo sa pakikidigma upang lumaban sa Israel . At sinabi ni Achis kay David , Talastasin mong maigi na ikaw ay lalabas na kasama ko sa hukbo , ikaw at ang inyong mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni David kay Achis , Kaya&apos;t iyong nalalaman kung anong gagawin ng iyong lingkod . At sinabi ni Achis kay David , Kaya&apos;t gagawin kitang bantay sa aking ulo magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Samuel nga ay namatay , at pinanaghuyan ng buong Israel at inilibing siya sa Rama , sa makatuwid baga&apos;y sa kaniyang sariling bayan . At pinalayas ni Saul sa lupain , yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at ang mga manghuhula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagpipisan ang mga Filisteo , at naparoon at humantong sa Sunam : at pinisan ni Saul ang buong Israel , at sila&apos;y humantong sa Gilboa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Filisteo , siya&apos;y natakot , at ang kaniyang puso ay nanginig na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang magusisa si Saul sa Panginoon , ay hindi siya sinagot ng Panginoon , maging sa panaginip man , ni sa Urim man , ni sa pamamagitan man ng mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod , Ihanap ninyo ako ng isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , upang ako&apos;y pumaroon sa kaniya , at magusisa sa kaniya . At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya . Narito , may isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu sa Endor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi napakilala si Saul , at nagsuot ng ibang kasuutan , at naparoon siya at ang dalawang lalake na kasama niya , at sila&apos;y dumating sa babae nang kinagabihan : at kaniyang sinabi , Hulaan mo ako isinasamo ko sa iyo , sa pamamagitan ng sinasanggunian mong espiritu , at iahon mo sa akin sinomang banggitin ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng babae sa kaniya , Narito , iyong nalalaman ang ginawa ni Saul , kung paanong kaniyang inihiwalay yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at ang mga manghuhula , sa lupain : bakit nga ipinaglalagay mo ng silo ang aking buhay , upang ipapatay ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sumumpa si Saul sa kaniya sa pamamagitan ng Panginoon , na sinasabi , Buhay ang Panginoon , walang parusang mangyayari sa iyo dahil sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng babae , Sinong iaahon ko sa iyo ? At kaniyang sinabi , Iahon mo si Samuel sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang makita ng babae si Samuel , ay sumigaw ng malakas na tinig at nagsalita ang babae kay Saul , na sinasabi , Bakit mo ako dinaya ? sapagka&apos;t ikaw ay si Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng hari sa kaniya , Huwag kang matakot : sapagka&apos;t anong iyong nakikita ? At sinabi ng babae kay Saul , Aking nakikita&apos;y isang dios na lumilitaw sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi sa kaniya , Ano ang kaniyang anyo ? At sinabi niya , Isang matandang lalake ay lumilitaw ; at siya&apos;y nabibilot ng isang balabal . At nakilala ni Saul , na si Samuel , at siya&apos;y yumukod sa lupa , at nagbigay galang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Samuel kay Saul , Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon ? At sumagot si Saul , Ako&apos;y totoong naliligalig ; sapagka&apos;t ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin , at ang Dios ay humiwalay sa akin , at hindi na ako sinasagot , kahit sa pamamagitan ng mga propeta , ni ng panaginip man : kaya tinawag kita , upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Samuel , Bakit nga nagtatanong ka sa akin , dangang ang Panginoon ay humiwalay sa iyo , at naging iyong kaaway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ginawa ng Panginoon ang gaya ng sinalita niya sa pamamagitan ko : at inihiwalay ng Panginoon ang kaharian sa iyong kamay , at ibinigay sa iyong kapuwa , sa makatuwid baga&apos;y kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon , at hindi mo ginawa ang kaniyang mabagsik na galit sa Amalec , kaya&apos;t ginawa ng Panginoon ang bagay na ito sa iyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bukod dito&apos;y ibibigay ng Panginoon ang Israel naman na kalakip mo sa kamay ng mga Filisteo : at bukas , ikaw at ang iyong mga anak ay masasama sa akin : ibibigay naman ng Panginoon ang hukbo ng Israel sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y biglang nabulagta si Saul sa lupa , at siya&apos;y natakot na mainam , dahil sa mga salita ni Samuel ; at nawalan siya ng lakas ; sapagka&apos;t hindi siya kumain ng tinapay buong araw , ni buong gabi man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At naparoon ang babae kay Saul at nakita na siya&apos;y totoong bagabag , at sinabi sa kaniya , Narito , narinig ng iyong lingkod ang iyong tinig , at aking inilagay ang aking buhay sa aking kamay , at aking dininig ang iyong mga salita na iyong sinalita sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , iyong dinggin naman ang tinig ng iyong lingkod , at papaglagyin mo ako ng isang subo na tinapay sa harap mo ; at iyong kanin upang ikaw ay lumakas , paglakad mo ng iyong lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t siya&apos;y tumanggi at nagsabi , Hindi ako kakain . Nguni&apos;t ipinilit ng kaniyang mga lingkod na pati ng babae ; at dininig niya ang kanilang tinig . Sa gayo&apos;y siya&apos;y bumangon sa lupa , ay umupo sa higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang babae ay mayroong isang matabang guyang baka sa bahay ; at siya&apos;y nagmadali , at pinatay niya ; at siya&apos;y kumuha ng harina at kaniyang minasa , at kaniyang niluto na tinapay na walang lebadura ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang dinala sa harap ni Saul , at sa harap ng kaniyang mga lingkod ; at sila&apos;y kumain . Nang magkagayo&apos;y sila&apos;y bumangon , at umalis nang gabing yaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pinisan nga ng mga Filisteo ang lahat nilang hukbo sa Aphec : at ang mga taga Israel ay humantong sa bukal na nasa Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan , at mga libolibo : at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na kasama ni Achis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo , Ano ang mga Hebreong ito ? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo , Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin ng mga araw na ito , o ng mga taong ito , at hindi ako nakasumpong ng anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya&apos;y lumapit sa akin hanggang sa araw na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya ; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya , Pabalikin mo ang taong iyan , upang siya&apos;y bumalik sa kaniyang dako na iyong pinaglagyan sa kaniya , at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka , baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya : sapagka&apos;t paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon ? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw , na sinasabi , Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo , At ni David ang kaniyang laksalaksa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Achis si David , at sinabi sa kaniya , Buhay ang Panginoon , ikaw ay matuwid , at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin : sapagka&apos;t hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito : gayon ma&apos;y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ngayo&apos;y ikaw ay bumalik at yumaong payapa , upang huwag kang kagalitan ng mga pangulo ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni David kay Achis , Nguni&apos;t anong aking ginawa ? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako&apos;y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito , upang ako&apos;y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sumagot si Achis , at sinabi kay David , Talastas ko na ikaw ay mabuti sa aking paningin , na gaya ng isang anghel ng Dios : gayon ma&apos;y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo . Hindi siya aahon na kasama natin sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t bumangon kang maaga sa kinaumagahan na kasama ng mga lingkod ng iyong panginoon na naparitong kasama mo ; at pagbangon ninyong maaga sa kinaumagahan , at pagliliwanag ay yumaon kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y bumangong maaga si David , siya at ang kaniyang mga lalake , upang yumaon sa kinaumagahan , na bumalik sa lupain ng mga Filisteo . At ang mga Filisteo ay umahon sa Jezreel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa Siclag , sa ikatlong araw , na ang mga Amalecita ay sumalakay sa Timugan , at sa Siclag , at sinaktan ang Siclag , at sinunog ng apoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At dinalang bihag ang mga babae at lahat na nandoon , ang maliliit at gayon din ang malalaki ; hindi nila pinatay ang sinoman , kundi kanilang pinagdadala , at nagpatuloy ng kanilang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa bayan , narito , sinunog ng apoy ; at ang kanilang mga asawa , at ang kanilang mga anak na lalake at babae ay pinagdadalang bihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y si David at ang bayan na nasa kaniya ay naglakas ng tinig , at umiyak , hanggang sa sila&apos;y nawalan ng lakas na umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang dalawang asawa ni David ay nabihag , si Ahinoam na taga Jezreel , at si Abigail , na asawa ni Nabal , na taga Carmelo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagdalamhating totoo si David , sapagka&apos;t pinagsasalitaan ng bayan na batuhin siya , sapagka&apos;t ang kaluluwa ng buong bayan ay pumanglaw , bawa&apos;t tao dahil sa kanikaniyang mga anak na lalake at babae ; nguni&apos;t si David ay nagpakatibay sa Panginoon niyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote , na anak ni Ahimelech , Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod . At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sumangguni si David sa Panginoon , na nagsasabi , Kung aking habulin ang pulutong na ito , ay akin kayang aabutan sila ? At sinagot niya siya , Iyong habulin : sapagka&apos;t tunay na iyong aabutan , at walang pagsalang mababawi mo ang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y yumaon si David , siya at ang anim na raang lalake na kasama niya , at naparoon sa batis ng Besor , na kinaroroonan niyaong mga naiwan sa likuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t hinabol ni David , niya at ng apat na raang lalake : sapagka&apos;t ang dalawang daan natira sa likuran , na mga pata na hindi na nakatawid sa batis ng Besor :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y nakasumpong ng isang taga Egipto sa parang , at dinala nila siya kay David , at binigyan nila siya ng tinapay , at kumain : at binigyan nila siya ng tubig na mainom :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos , at dalawang buwig na ubas ; at nang kaniyang makain , ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya : sapagka&apos;t hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig , na tatlong araw at tatlong gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni David sa kaniya , Kanino ka ba nauukol ? at taga saan ka ? At sinabi niya , Ako&apos;y isang binatang taga Egipto , bataan ng isang Amalecita ; at iniwan ako ng aking panginoon , sapagka&apos;t tatlong araw na ako&apos;y nagkasakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kami ay sumalakay sa Timugan ng mga Ceretheo , at sa nauukol sa Juda , at sa Timugan ng Caleb ; at aming sinunog ng apoy ang Siclag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni David sa kaniya , Ilulusong mo ba ako sa pulutong na ito ? At kaniyang sinabi , Ipanumpa mo sa akin ang Dios , hindi mo ako papatayin , o ibibigay man sa mga kamay ng aking panginoon , at aking ilulusong ka sa pulutong na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang kaniyang mailusong , narito , sila&apos;y nangangalat sa buong lupa , na nagkakainan at nagiinuman , at nagkakasayahan , dahil sa lahat na malaking samsam na kanilang nakuha sa lupain ng mga Filisteo , at sa lupain ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinaktan ni David sila mula sa pagtatakip silim hanggang sa paglubog ng araw sa sumunod na araw : at walang taong nakatanan sa kanila liban sa apat na raang bataan na nakasakay sa mga kamelyo at tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At binawi ni David ang lahat na nakuha ng mga Amalecita : at iniligtas ni David ang kaniyang dalawang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At walang nagkulang sa kanila , kahit maliit o malaki man , kahit mga anak na lalake o babae man , kahit samsam man , kahit anomang bagay na nakuha nila sa kanila : ibinalik na lahat ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kinuha ni David ang lahat ng kawan at bakahan , na kanilang dinala na nasa unahan niyaong mga ibang hayop , at sinabi , Ito&apos;y samsam ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At naparoon si David sa dalawang daang lalake , na totoong mga pata na hindi nangakasunod kay David , na kanila namang pinatahan sa batis ng Besor ; at sila&apos;y lumabas upang salubungin si David , at upang salubungin ang mga taong kasama niya : at nang lumapit si David sa bayan , siya&apos;y bumati sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang lahat ng masamang tao , at mga tao na hamak , sa mga yumaong kasama ni David , at nagsabi , Sapagka&apos;t hindi sila yumaong kasama namin , hindi namin bibigyan sila ng samsam na aming nabawi , liban sa bawa&apos;t lalake ay ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak , upang kanilang dalhin , at yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David , Huwag ninyong gagawing gayon , mga kapatid ko , sa ibinigay sa atin ng Panginoon , na siyang nagadya sa atin , at nagbigay sa ating kamay ng pulutong na naparito laban sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito ? sapagka&apos;t kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka , ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan : sila&apos;y paraparang magkakabahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagkagayon , na mula sa araw na yaon , na siya&apos;y gumawa ng isang palatuntunan at ayos sa Israel , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang dumating si David sa Siclag , siya&apos;y nagpadala ng mga samsam sa mga matanda sa Juda , sa makatuwid baga&apos;y sa kaniyang mga kaibigan , na sinasabi , Narito , ang isang kaloob sa inyo na mula sa samsam sa mga kaaway ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa kanila na nasa Beth-el , at sa kanila na nasa Ramoth ng Timugan , at sa kanila na nasa Jathir ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa kanila na nasa Aroer , at sa kanila na nasa Siphmoth , at sa kanila na nasa Esthemoa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa kanila na nasa Rachal , at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Jerameelita , at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Cineo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa kanila na sa Horma , at sa kanila na nasa Chorasan , at sa kanila na nasa Athach ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa kanila na nasa Hebron , at sa lahat na dako na karaniwang pinaroroonan ni David at ng kaniyang mga lalake .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga Filisteo nga ay lumaban sa Israel : at ang mga lalake sa Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo , at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At hinabol ng panunod ng mga Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak ; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan , at si Abinadab , at si Melchisua , na mga anak ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang pagbabaka ay lumubha laban kay Saul , at inabutan siya ng mga mamamana ; at siya&apos;y totoong nahirapan dahil sa mga mamamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata , Bunutin mo ang iyong tabak at palagpasan mo ako niyaon ; baka dumating ang mga hindi tuling ito at ako&apos;y palagpasan , at ako&apos;y kanilang pahirapan . Nguni&apos;t ayaw ang kaniyang tagadala ng sandata ; sapagka&apos;t siya&apos;y totoong natakot . Kaya&apos;t kinuha ni Saul ang kaniyang tabak , at nagpakabuwal sa kaniyang tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay , siya naman ay nagpakabuwal sa kaniyang tabak , at nagpakamatay na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon namatay si Saul , at ang kaniyang tatlong anak , at ang kaniyang tagadala ng sandata , at ang lahat niyang mga lalake nang araw na yaon na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makita ng mga lalake sa Israel na nasa kabilang dako ng libis , at ng mga nasa dako roon ng Jordan , na ang mga lalake sa Israel ay tumakas , at si Saul at ang kaniyang mga anak ay namatay , kanilang iniwan ang mga bayan , at nagsitakas ; at naparoon ang mga Filisteo , at tumahan sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari nang kinabukasan nang ang mga Filisteo ay dumating upang hubaran ang mga patay , ay kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang tatlong anak na nabuwal sa bundok ng Gilboa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kanilang pinugot ang kaniyang ulo , at hinubad ang kaniyang mga sakbat , at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot upang ibalita sa mga bahay ng kanilang mga diosdiosan at sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat , sa bahay ni Astaroth : at kanilang ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang mabalitaan ng mga tumatahan sa Jabes-galaad ang tungkol sa ginawa ng mga Filisteo kay Saul ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Lahat ng matapang na lalake ay bumangon at nagsilakad sa buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak sa kuta ng Beth-san ; at sila&apos;y naparoon sa Jabes , at kanilang pinagsunog doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at ibinaon sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes , at nagayuno silang pitong araw .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "10">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkamatay ni Saul , nang magbalik si David na mula sa pagpatay sa mga Amalecita , at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay nangyari , sa ikatlong araw , na narito , ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na hapak ang kaniyang suot , at may lupa ang kaniyang ulo : at nagkagayon , na nang dumating siya kay David , ay nagpatirapa at nagbigay galang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni David sa kaniya , Saan ka nanggaling ? At kaniyang sinabi sa kaniya , Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni David sa kaniya , Ano ang nangyari ? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin . At siya&apos;y sumagot : Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka , at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay ; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya : Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay , Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa , narito , si Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat ; at , narito , hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang siya&apos;y lumingon , kaniyang nakita ako , at tinawag niya ako , at ako&apos;y sumagot : Narito ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi niya sa akin , Sino ka ? At ako&apos;y sumagot sa kaniya , Ako&apos;y isang Amalecita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinabi uli sa akin , Tumayo ka sa siping ko , isinasamo ko sa iyo , at patayin mo ako , dahil sa dinatnan ako ng panglulumo ; sapagka&apos;t ang aking buhay ay lubos ko pang taglay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y tumayo ako sa siping niya , at aking pinatay siya , sapagka&apos;t talastas ko na siya&apos;y hindi mabubuhay pagkatapos na siya&apos;y nabuwal : at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo , at ang pulsera na nasa kaniyang kamay , at aking dinala rito sa aking panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak ; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y tumangis , at umiyak , at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw , dahil kay Saul , at dahil kay Jonathan na kaniyang anak , at dahil sa bayan ng Panginoon , at dahil sa sangbahayan ng Israel ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya , Taga saan ka ? At siya&apos;y sumagot : Ako&apos;y anak ng isang taga ibang lupa , na Amalecita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni David sa kaniya , Bakit hindi ka natakot na iunat mo ang iyong kamay na patayin ang pinahiran ng langis ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At tinawag ni David ang isa sa mga bataan , at sinabi , Lumapit ka , at daluhungin mo siya . At kaniyang sinaktan siya , na anopa&apos;t namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni David sa kaniya , Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo ; sapagka&apos;t ang iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo , na nagsasabi , Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tinaghuyan ni David ng ganitong panaghoy si Saul at si Jonathan na kaniyang anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">( At kaniyang ipinaturo sa mga anak ni Juda ang awit sa pamamana narito , nasusulat sa aklat ni Jaser ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang iyong kaluwalhatian , Oh Israel , ay napatay sa iyong matataas na dako ! Ano&apos;t nangabuwal ang mga makapangyarihan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag ninyong saysayin sa Gath , Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon ; Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak , Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kayong mga bundok ng Gilboa , Huwag magkaroon ng hamog , o ulan man sa inyo , kahit mga bukid na mga handog : Sapagka&apos;t diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay . Ang kalasag ni Saul , na parang isa , na hindi pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa dugo ng pinatay , sa taba ng makapangyarihan , Ang busog ni Jonathan ay hindi umurong , At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan . At sa kanilang kamatayan sila&apos;y hindi naghiwalay ; Sila&apos;y lalong maliliksi kay sa mga agila , Sila&apos;y lalong malalakas kay sa mga leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kayong mga anak na babae ng Israel , iyakan ninyo si Saul , Na siyang sa inyo&apos;y maselang na nagbihis ng escarlata , Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ano&apos;t nangabuwal ang mga makapangyarihan sa gitna ng pagbabaka ! Oh Jonathan , napatay ka sa iyong matataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ako&apos;y namanglaw dahil sa iyo , kapatid kong Jonathan : Naging totoong kalugodlugod ka sa akin ; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas , Na humihigit sa pagsinta ng mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ano&apos;t nangabuwal ang mga makapangyarihan , At nangalipol ang mga sandata na pandigma !</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos nito , na nagusisa si David sa Panginoon , na nagsasabi , Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda ? At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Umahon ka . At sinabi ni David , Saan ako aahon ? At kaniyang sinabi , Sa Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y umahon si David doon , at pati ng kaniyang dalawang asawa , si Ahinoam na taga Jezreel , at si Abigail na asawa ni Nabal , na taga Carmelo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa&apos;t lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan : at sila&apos;y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagsiparoon ang mga lalake ng Juda , at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda . At kanilang isinaysay kay David , na sinasabi , Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad , at sinabi sa kanila , Pagpalain nawa kayo ng Panginoon , na kayo&apos;y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon , sa makatuwid baga&apos;y kay Saul , at inyong inilibing siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ngayon nawa&apos;y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan : at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob , sapagka&apos;t inyong ginawa ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga , magsilakas nawa ang inyong mga kamay , at kayo nawa&apos;y maging matatapang : sapagka&apos;t patay na si Saul na inyong panginoon , at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul , si Is-boseth na anak ni Saul , at inilipat sa Mahanaim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad , at sa mga Asureo , at sa Jezreel , at sa Ephraim , at sa Benjamin , at sa buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari sa Israel , at siya&apos;y naghari na dalawang taon . Nguni&apos;t ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang panahon na ipinaghari ni David sa Hebron sa sangbahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Abner na anak ni Ner , at ang mga lingkod ni Is-boseth na anak ni Saul , ay nangapasa Gabaon mula sa Mahanaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Joab na anak ni Sarvia , at ang mga lingkod ni David ay nagsilabas , at sinalubong sila sa siping ng tangke sa Gabaon ; at sila&apos;y naupo , na ang isa&apos;y sa isang dako ng tangke , at ang isa&apos;y sa kabilang dako ng tangke .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Abner kay Joab , Isinasamo ko sa iyo na bumangon ang mga bataan at magsanay ng tabak sa harap natin . At sinabi ni Joab , Bumangon sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y bumangon sila at tumawid ayon sa bilang ; labing dalawa sa Benjamin , at sa ganang kay Is-boseth na anak ni Saul , at labing dalawa sa mga lingkod ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At hinawakan sa ulo ng bawa&apos;t isa sa kanila ang kaniyang kaaway , at isinaksak ang kaniyang tabak sa tagiliran ng kaniyang kaaway ; sa gayo&apos;y nangabuwal sila na magkakasama : kaya&apos;t ang dakong yaon ay tinatawag na Helcath-assurim na nasa Gabaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang pagbabaka ay lumalalang mainam nang araw na yaon ; at si Abner ay nadaig , at ang mga lalake ng Israel sa harap ng mga lingkod ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nandoon ang tatlong anak ni Sarvia , si Joab , at si Abisai , at si Asael : at si Asael ay magaan ang paa na gaya ng mailap na usa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hinabol ni Asael si Abner ; at sa pagyaon , siya&apos;y hindi lumihis sa kanan o sa kaliwa man sa pagsunod kay Abner .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y nilingon ni Abner , at sinabi , Ikaw ba&apos;y si Asael ? At siya&apos;y sumagot : Ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Abner sa kaniya , Lumihis ka sa iyong kanan o sa iyong kaliwa , at iyong tangnan ang isa sa mga bataan , at kunin mo ang kaniyang sakbat . Nguni&apos;t ayaw ni Asael na humiwalay sa pagsunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi uli ni Abner kay Asael , Lumihis ka sa pagsunod sa akin : bakit nga kita ibubulagta sa lupa ? paanong aking maitataas nga ang aking mukha kay Joab na iyong kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon ma&apos;y tumanggi siyang lumihis : kaya&apos;t sinaktan siya ni Abner sa tiyan ng dulo ng sibat , na anopa&apos;t ang sibat ay lumabas sa likod niya ; at siya&apos;y nabuwal doon at namatay sa dako ring yaon : at nangyari , na lahat na naparoon sa dakong kinabuwalan ni Asael at kinamatayan , ay nangapatigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t hinabol ni Joab at ni Abisai si Abner : at ang araw ay nakalubog na nang sila&apos;y dumating sa burol ng Amma , na nasa harap ng Gia sa siping ng daan sa ilang ng Gabaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang mga anak ng Benjamin ay nagpipisan sa likuran ni Abner , at nagisang pulutong , at nagsitayo sa taluktok ng isang burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Abner si Joab , at nagsabi , Mananakmal ba ang tabak magpakailan man ? hindi mo ba nalalaman na magkakaroon ng kapaitan sa katapusan ? hanggang kailan mo nga pababalikin ang bayan na mula sa pagsunod sa kanilang mga kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ni Joab , Buhay ang Dios , kung hindi mo sana sinalita ay tunay nga na umalis disin ang bayan sa kinaumagahan , o sinundan man ng sinoman ang bawa&apos;t isa sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y hinipan ni Joab ang pakakak , at ang buong bayan ay tumigil , at hindi na hinabol ang Israel , o sila man ay lumaban pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Abner at ang kaniyang mga lalake ay nagdaan buong gabi sa Araba ; at sila&apos;y nagsitawid ng Jordan , at nagsidaan sa buong Bitron , at nagsidating sa Mahanaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At bumalik si Joab na humiwalay ng paghabol kay Abner : at nang kaniyang mapisan ang buong bayan , nagkulang sa mga lingkod ni David ay labing siyam na lalake at si Asael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t sinaktan ng mga lingkod ni David ang Benjamin , at ang mga lalake ni Abner , na anopa&apos;t nangamatay ay tatlong daan at anim na pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kanilang iniahon si Asael , at inilibing nila siya sa libingan ng kaniyang ama , na nasa Bethlehem . At si Joab at ang kaniyang mga lalake ay nagsiyaon buong gabi , at dumating sila sa Hebron sa kinaumagahan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nagkaroon nga ng matagal na pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David : at si David ay lumakas ng lumakas , nguni&apos;t ang sangbahayan ni Saul ay humina ng humina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagkaanak si David sa Hebron : at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga Jezreel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaniyang pangalawa ay si Chileab , kay Abigail na asawa ni Nabal na taga Carmelo ; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maacha na anak ni Talmai na hari sa Gessur ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Haggith ; at ang ikalima ay si Saphatias na anak ni Abital ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang ikaanim ay si Jetream kay Egla , na asawa ni David . Ang mga ito&apos;y ipinanganak kay David sa Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , samantalang may pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David , na si Abner ay nagpakalakas sa sangbahayan ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Si Saul nga ay may babae na ang pangalan ay Rispa , na anak ni Aja : at sinabi ni Is-boseth kay Abner , Bakit ka sumiping sa babae ng aking ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nagalit na mainam si Abner dahil sa mga salita ni Is-boseth , at sinabi , Ako ba&apos;y isang ulo ng aso na nauukol sa Juda ? Sa araw na ito ay nagpapakita ako ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Saul na iyong ama , sa kaniyang mga kapatid , at sa kaniyang mga kaibigan , at hindi ka ibinigay sa kamay ni David , at gayon ma&apos;y iyong ibinibintang sa araw na ito sa akin ang isang kasalanan tungkol sa babaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hatulan ng Dios si Abner , at lalo na , malibang gawin kong gayon sa kaniya , na gaya ng isinumpa ng Panginoon kay David ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na ilipat ang kaharian mula sa sangbahayan ni Saul , at itatag ang luklukan ni David sa Israel , at sa Juda mula sa Dan hanggang sa Beer-seba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At hindi siya nakasagot kay Abner ng isang salita , sapagka&apos;t siya&apos;y natakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Abner ay nagsugo ng mga sugo kay David , sa ganang kaniya , na sinasabi naman , Makipagtipan ka sa akin , at , narito , ang aking kamay ay sasa iyo , upang dalhin sa iyo ang buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinabi , Mabuti ; ako&apos;y makikipagtipan sa iyo ; nguni&apos;t isang bagay ang hinihiling ko sa iyo , na ito nga : huwag mong titingnan ang aking mukha , maliban na iyo munang dalhin si Michal na anak na babae ni Saul , pagparito mo upang tingnan ang aking mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsugo ng mga sugo si David kay Is-boseth na anak ni Saul , na sinasabi , Isauli mo sa akin ang aking asawa na si Michal , na siyang aking pinakasalan sa halaga na isang daang balat ng masama ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsugo si Is-boseth , at kinuha siya sa kaniyang asawa , kay Paltiel na anak ni Lais .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kaniyang asawa&apos;y yumaong kasama niya na umiyak habang siya&apos;y yumayaon , at sumusunod sa kaniya hanggang sa Bahurim . Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Abner sa kaniya , Ikaw ay yumaon , bumalik ka : at siya&apos;y bumalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nakipag-usap si Abner sa mga matanda sa Israel , na sinasabi , Sa panahong nakaraan ay inyong hinanap si David upang maging hari sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ngayon nga ay inyong gawin : sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon tungkol kay David , na sinasabi , Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ay aking ililigtas ang aking bayang Israel sa kamay ng mga Filisteo at sa kamay ng lahat nilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagsalita naman si Abner sa pakinig ng Benjamin : at si Abner naman ay naparoong nagsalita sa pakinig ni David sa Hebron ng lahat na inaakalang mabuti ng Israel , at ng buong sangbahayan ni Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y naparoon si Abner kay David sa Hebron , at dalawang pung lalake ang kasama niya . At ginawan ni David ng isang kasayahan si Abner at ang mga lalake na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Abner kay David , Ako&apos;y babangon at yayaon , at aking pipisanin ang buong Israel sa aking panginoon na hari , upang sila&apos;y makipagtipan sa iyo , at upang iyong pagharian ng buong ninanasa ng iyong kaluluwa . At pinayaon ni David si Abner ; at siya&apos;y yumaong payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At , narito , ang mga lingkod ni David at si Joab ay nagsidating na mula sa isang paghabol , at may dalang malaking samsam : nguni&apos;t si Abner ay wala kay David sa Hebron , sapagka&apos;t pinayaon niya siya , at siya&apos;y yumaong payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang si Joab at ang buong hukbo na kasama niya ay magsidating , kanilang isinaysay kay Joab , na sinasabi , Si Abner na anak ni Ner ay naparoon sa hari , at siya&apos;y pinayaon at siya&apos;y yumaong payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Joab sa hari , at nagsabi , Ano ang iyong ginawa ? narito , si Abner ay naparito sa iyo ; bakit mo pinayaon siya , at siya&apos;y lubos na yumaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok , at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang lumabas si Joab na mula kay David , siya&apos;y nagsugo ng mga sugo na sumunod kay Abner , at kanilang ibinalik siya na mula sa balon ng Sira : nguni&apos;t hindi nalalaman ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang bumalik si Abner sa Hebron , ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim , at sinaktan niya siya roon sa tiyan , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay , dahil sa dugo ni Asael na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At pagkatapos nang mabalitaan ni David , ay kaniyang sinabi , Ako at ang aking kaharian ay walang sala sa harap ng Panginoon magpakailan man sa dugo ni Abner na anak ni Ner :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Bumagsak sa ulo ni Joab , at sa buong sangbahayan ng kaniyang ama ; at huwag na di magkaroon sa sangbahayan ni Joab ng isang inaagasan , o ng isang may ketong , o ng umaagapay sa isang tungkod , o nabubuwal sa pamamagitan ng tabak , o ng kinukulang ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa gayo&apos;y pinatay si Abner ni Joab at ni Abisal na kaniyang kapatid , sapagka&apos;t pinatay niya ang kanilang kapatid na si Asael sa Gabaon , sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya : Hapakin ninyo ang inyong mga suot , at magbigkis kayo ng magaspang na damit , at magluksa kayo sa harap ni Abner . At ang haring si David ay sumunod sa kabaong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kanilang inilibing si Abner sa Hebron : at inilakas ng hari ang kaniyang tinig , at umiyak sa libingan ni Abner ; at ang buong bayan ay umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At tinangisan ng hari si Abner , at sinabi , Marapat bang mamatay si Abner , na gaya ng pagkamatay ng isang mangmang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang iyong mga kamay ay hindi nangatatalian , o ang iyong mga paa man ay nangagagapos : Kung paanong nabubuwal ang isang lalake sa harap ng mga anak ng kasamaan ay gayon ka nabuwal . At iniyakan siyang muli ng buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang buong bayan ay naparoon upang pakanin ng tinapay si David samantalang araw pa ; nguni&apos;t sumumpa si David , na sinasabi , Hatulan ng Dios ako , at lalo na , kung ako&apos;y tumikim ng tinapay o ng anomang bagay hanggang sa ang araw ay lumubog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nahalata ng buong bayan , at minagaling nila : palibhasa&apos;y anomang ginagawa ng hari ay nakalulugod sa buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa gayo&apos;y naunawa ng buong bayan at ng buong Israel sa araw na yaon , na hindi sa hari ang pagpatay kay Abner na anak ni Ner .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ng hari sa kaniyang mga bataan , Hindi ba ninyo nalalaman na may isang prinsipe at mahal na tao , na nabuwal sa araw na ito sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ako&apos;y mahina sa araw na ito , bagaman pinahirang hari ; at ang mga lalaking ito na mga anak ni Sarvia ay totoong mahirap kasamahin : gantihan nawa ng Panginoon ang manggagawang masama ayon sa kaniyang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang mabalitaan ni Is-boseth , na anak ni Saul , na si Abner ay patay na sa Hebron , ang kaniyang mga kamay ay nanghina , at ang lahat na taga Israel ay nabagabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Is-boseth , na anak ni Saul , ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong : ang pangalan ng isa ay Baana , at ang pangalan ng isa ay Rechab , na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin : ( sapagka&apos;t ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa Githaim , at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Jonathan nga na anak ni Saul , ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa . Siya&apos;y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel , at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas : at nangyari , habang siya&apos;y nagmamadali ng pagtakas , na siya&apos;y nabagsak , at naging pilay . At ang kaniyang pangalan ay Mephiboseth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita , na si Rechab at si Baana , ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth , na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y nagsipasok doon sa gitna ng bahay , na parang sila&apos;y kukuha ng trigo ; at kanilang sinaktan siya sa tiyan ; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t nang sila nga&apos;y magsipasok sa bahay habang siya&apos;y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid , kanilang sinaktan siya , at pinatay siya , at pinugutan siya ng ulo , at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy ng lakad sa Araba buong gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron , at sinabi nila sa hari , Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway na umuusig ng iyong buhay ; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul , at sa kaniyang binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid , na mga anak ni Rimmon na Beerothita , at sinabi sa kanila , Buhay ang Panginoon na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang saysayin sa akin ng isa , na sinasabi , Narito , si Saul ay namatay , na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita , ay aking hinawakan siya , at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay , sa kaniyang higaan , hindi ko ba sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay , at aalisin kayo sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan , at pinatay nila sila , at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa , at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron . Nguni&apos;t kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth , at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron , at nagsipagsalita , na nagsisipagsabi , Narito , kami ay iyong buto at iyong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin , ikaw ang naglalabas at nagpapasok sa Israel : at sinabi ng Panginoon sa iyo : Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel : at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa Hebron : at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon : at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si David ay may tatlong pung taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari , at siya&apos;y nagharing apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na pitong taon at anim na buwan : at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo na nagsisitahan sa lupain , na nangagsalita kay David , na nangagsasabi , Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay , hindi ka papasok dito : na iniisip , na si David ay hindi makapapasok doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y sinakop ni David ang katibayan sa Sion ; na siyang bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni David nang araw na yaon , Sino mang sumakit sa mga Jebuseo , ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig , at saktan ang pilay at ang bulag , na kinapopootan ng kaluluwa ni David . Kaya&apos;t kanilang sinasabi , Mayroong bulag at pilay ; hindi siya makapapasok sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David . At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa Millo , at sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si David ay dumakila ng dumakila ; sapagka&apos;t ang Panginoon na Dios ng mga hukbo , ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo , at ng mga puno ng sedro , at mga anluwagi , at mangdadaras sa bato ; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nahalata ni David , na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel , at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kumuha pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem , panggagaling niya sa Hebron : at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem ; si Sammua , at si Sobab , at si Nathan , at si Salomon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Ibhar , at si Elisua ; at si Nephegh at si Japhia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Elisama , at si Eliada , at si Eliphelet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel , ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David ; at nabalitaan ni David , at lumusong sa katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa libis ng Rephaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagusisa si David sa Panginoon , na nagsasabi , Aahon ba ako laban sa mga Filisteo ? ibibigay mo ba sila sa aking kamay ? At sinabi ng Panginoon kay David , Umahon ka : sapagka&apos;t tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At naparoon si David sa Baal-perasim at sila&apos;y sinaktan doon ni David ; at kaniyang sinabi , Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko , na gaya ng pilansik ng tubig . Kaya&apos;t kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan , at mga inalis ni David at ng kaniyang mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo , at nagsikalat sa libis ng Rephaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang isangguni ni David sa Panginoon , kaniyang sinabi , Huwag kang aahon : liligid ka sa likuran nila , at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At mangyayari , pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales , na ikaw nga ay magmamadali : sapagka&apos;t lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ginawang gayon ni David ; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya ; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang sa dumating sa Gezer .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pinisan uli ni David ang lahat na piling lalake sa Israel , na tatlong pung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At bumangon si David at yumaon na kasama ng buong bayan na nasa kaniya , mula sa Baale Juda , upang iahon mula roon ang kaban ng Dios , na tinatawag sa Pangalan , sa makatuwid baga&apos;y sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo , na tumatahan sa gitna ng mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang inilagay ang kaban ng Dios sa isang bagong karo , at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa burol : at si Uzza at si Ahio , na mga anak ni Abinadab , ay siyang nagpatakbo ng bagong karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab , na nasa burol , pati ng kaban ng Dios : at si Ahio ay nagpauna sa kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si David at ang buong sangbahayan ni Israel ay nagsitugtog sa harap ng Panginoon ng sarisaring panugtog na kahoy na abeto , at ng mga alpa , at ng mga salterio , at ng mga pandereta , at ng mga kastaneta at ng mga simbalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang sila&apos;y magsidating sa giikan ni Nachon , iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios , at hinawakan ; sapagka&apos;t ang mga baka ay nangatisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza ; at sinaktan siya ng Dios doon dahil sa kaniyang kamalian ; at doo&apos;y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi minagaling ni David , sapagka&apos;t nagalit ang Panginoon kay Uzza : at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At natakot si David sa Panginoon sa araw na yaon ; at kaniyang sinabi , Paanong madadala rito ang kaban ng Panginoon sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y hindi inilipat ni David ang kaban ng Panginoon sa kaniya sa bayan ni David , kundi iniliko ni David sa bahay ni Obed-edom na Getheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kaban ng Panginoon ay natira sa bahay ni Obed-edom na Getheo na tatlong buwan : at pinagpala ng Panginoon si Obed-edom , at ang kaniyang buong sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nasaysay sa haring kay David , na sinasabi , Pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom , at ang lahat ng nauukol sa kaniya , dahil sa kaban ng Dios . At yumaon si David at iniahon ang kaban ng Dios mula sa bahay ni Obed-edom , hanggang sa bayan ni David , na may kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagkagayon na nang yaong mga nagdadala ng kaban ng Panginoon ay makalakad ng anim na hakbang , siya&apos;y naghain ng isang baka at isang pinataba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon ; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y iniahon ni David at ng buong sangbahayan ng Israel ang kaban ng Panginoon , na may hiyawan , at may tunog ng pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagkagayon , sa pagpapasok ng kaban ng Panginoon sa bayan ni David , na si Michal na anak ni Saul ay tumitingin sa dungawan , at nakita na ang haring si David ay naglulukso at nagsasayaw sa harap ng Panginoon ; at kaniyang niwalan ng kabuluhan siya sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang ipinasok ang kaban ng Panginoon , at inilagay sa kaniyang dako , sa gitna ng tolda na itinayo ni David : at naghandog si David ng mga handog na susunugin at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang makatapos si David na maghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan , kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang binahagi sa buong bayan , sa makatuwid baga&apos;y sa buong karamihan ng Israel , sa mga lalake at gayon din sa mga babae , sa bawa&apos;t isa ay isang tinapay at isang bahaging lamang kati , at isang binilong pasas . Sa gayo&apos;y ang buong bayan ay yumaon bawa&apos;t isa sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y bumalik si David upang basbasan ang kaniyang sangbahayan . At si Michal na anak ni Saul ay lumabas na sinalubong si David , at sinabi , Pagkaluwalhati ngayon ng hari sa Israel , na siya&apos;y naghubad ngayon sa mga mata ng mga babaing lingkod ng kaniyang mga lingkod , na gaya ng naghuhubad na kahiyahiya ang isang walang kabuluhang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni David kay Michal , Yao&apos;y sa harap ng Panginoon , na siyang pumili sa akin na higit sa iyong ama , at sa buong sangbahayan niya , upang ihalal ako na prinsipe sa bayan ng Panginoon , sa Israel : kaya&apos;t ako&apos;y tutugtog sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ako&apos;y magpapakawalang kabuluhan pa kay sa yaon , at ako&apos;y magpapakababa sa aking sariling paningin : nguni&apos;t sa mga babaing lingkod na iyong sinalita , ay pararangalan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Michal na anak ni Saul ay hindi nagkaanak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay , at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta : Tingnan mo ngayon ako&apos;y tumatahan sa isang bahay na sedro , nguni&apos;t ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Nathan sa hari , Yumaon ka , gawin mo ang lahat na nasa iyong puso ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay sumasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , nang gabi ring yaon , na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David , Ganito ang sabi ng Panginoon : Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto , hanggang sa araw na ito , kundi ako&apos;y lumakad sa tolda at sa tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel , nagsalita ba ako ng isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na maging pastor ng aking bayang Israel , na nagsasabi , Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon nga&apos;y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa , sa pagsunod sa tupa , upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan , sa Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako&apos;y suma iyo saan ka man naparoon , at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo ; at gagawin kitang isang dakilang pangalan , gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel , at aking itatatag sila , upang sila&apos;y magsitahan sa kanilang sariling dako , at huwag nang mabago pa ; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan , na gaya ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel ; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway . Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka ang iyong mga araw ay naganap , at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang , aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo , na magmumula sa iyong tiyan , at aking itatatag ang kaniyang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan , at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y magiging kaniyang ama , at siya&apos;y magiging aking anak : kung siya&apos;y gumawa ng kasamaan , aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao , at ng panghampas ng mga anak ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul , na aking inalis sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo : ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ayon sa lahat ng mga salitang ito , at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y ang haring si David ay pumasok , at umupo sa harap ng Panginoon : at kaniyang sinabi , Sino ako , Oh Panginoong Dios , at ano ang aking sangbahayan na ako&apos;y iyong dinala sa ganiyang kalayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ito&apos;y munting bagay pa sa iyong paningin , Oh Panginoong Dios ; nguni&apos;t ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating ; at ito ay ayon sa paraan ng tao , Oh Panginoong Dios !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ano pa ang masasabi ni David sa iyo ? sapagka&apos;t iyong kilala ang iyong lingkod , Oh Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Dahil sa iyong salita , at ayon sa iyong sariling puso , iyong ginawa ang buong kadakilaang ito , upang iyong ipakilala sa iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t ikaw ay dakila , Oh Panginoong Dios : sapagka&apos;t walang gaya mo , o may ibang Dios pa bukod sa iyo , ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan , gaya ng Israel , na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan , at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan , at upang igawa kayo ng mga dakilang bagay , at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain , sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto , mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man ; at ikaw , Panginoon , ay naging kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ngayon , Oh Panginoong Dios , ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod , at tungkol sa kaniyang sangbahayan , iyong pagtibayin nawa magpakailan man , at iyong gawin gaya ng iyong sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man , sa pagsasabi : Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel : at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ikaw , Oh Panginoon ng mga hukbo , ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi , Aking ipagtatayo ka ng isang bahay ; kaya&apos;t nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ngayon , Oh Panginoong Dios , ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan , at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ngayon nga&apos;y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod , upang mamalagi magpakailan man sa harap mo : sapagka&apos;t ikaw , Oh Panginoong Dios ay nagsalita : at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkatapos nito ay nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo at mga pinasuko : at kinuha ni David ang Metheg-amma sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinaktan ang Moab , at sinukat niya sila ng tali , na pinahiga sila sa lupa ; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin , at ng isang buong tali upang buhayin . At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David , at nagsipagdala ng mga kaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinaktan din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob , na hari sa Soba , habang siya&apos;y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo , at dalawang pung libo na naglalakad : at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo , nguni&apos;t sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang sumaklolo ang mga taga Siria sa Damasco kay Hadadezer na hari sa Soba , ay sinaktan ni David sa mga taga Siria ang dalawang pu&apos;t dalawang libong tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria sa Damasco : at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David , at nagsipagdala ng mga kaloob . At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto na nangasa lingkod ni Hadadezer , at dinala sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa Beta at sa Berothai na mga bayan ni Hadadezer , ay kumuha ang haring si David ng lubhang maraming tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang mabalitaan ni Toi na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Hadadezer ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinugo nga ni Toi si Joram na kaniyang anak sa haring David , upang bumati sa kaniya , at upang purihin siya , sapagka&apos;t siya&apos;y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya : sapagka&apos;t si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi . At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak , at mga sisidlang ginto , at mga sisidlang tanso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang mga ito , na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa Siria , at sa Moab , at sa mga anak ni Ammon , at sa mga Filisteo , at sa Amalec , at sa samsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nabantog si David nang siya&apos;y bumalik na mula sa pagsakit sa mga taga Siria sa Libis na Alat , sa makatuwid baga&apos;y sa labing walong libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom ; sa buong Edom ay naglagay siya ng mga pulutong , at ang lahat na Idumeo ay nangaging alipin ni David . At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At naghari si David sa buong Israel ; at iginawad ni David ang kahatulan at ang katuwiran sa kaniyang buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa hukbo ; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Sadoc na anak ni Ahitub at si Ahimelech na anak ni Abiathar ay mga saserdote ; at si Seraia ay kalihim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Benahia na anak ni Joiada ay nasa mga Ceretheo at sa mga Peletheo ; at ang mga anak ni David ay mga pangulong tagapangasiwa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni David , May nalalabi pa ba sa sangbahayan ni Saul , upang aking mapagpakitaan ng kagandahang loob dahil kay Jonathan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At may isang lingkod sa sangbahayan ni Saul na nagngangalang Siba , at kanilang tinawag siya sa harap ni David ; at sinabi ng hari sa kaniya , Ikaw ba&apos;y si Siba ? At kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng hari , wala na ba kayang natitira sa sangbahayan ni Saul , upang aking mapagpakitaan siya ng kagandahang loob ng Dios ? At sinabi ni Siba sa hari , Si Jonathan ay may isang anak pa , na pilay ang kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng hari sa kaniya , Saan nandoon siya ? At sinabi ni Siba sa hari , Narito , siya&apos;y nasa bahay ni Machir na anak ni Amiel , sa Lo-debar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nagsugo ang haring si David at ipinakuha siya sa bahay ni Machir na anak ni Amiel mula sa Lo-debar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Mephiboseth , na anak ni Jonathan , na anak ni Saul , ay naparoon kay David , at nagpatirapa sa kaniyang harap , at nagbigay galang . At sinabi ni David , Mephiboseth . At siya&apos;y sumagot : Narito , ang iyong lingkod !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni David sa kaniya , Huwag kang matakot : sapagka&apos;t aking tunay na pagpapakitaan ka ng kagandahang loob dahil kay Jonathan na iyong ama , at aking isasauli ang buong lupa ni Saul na iyong ama , sa iyo ; at ikaw ay parating kakain ng pagkain sa aking dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y nagbigay galang at nagsabi , Ano ang iyong lingkod upang iyong lingapin akong isang asong patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y tinawag ng hari si Siba na lingkod ni Saul , at sinabi sa kaniya , Lahat ng nauukol kay Saul at sa buong kaniyang sangbahayan ay aking ibinigay sa anak ng iyong panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong bubukirin ang lupain para sa kaniya , ninyo ng iyong mga anak , at ng iyong mga bataan at iyong dadalhin dito ang mga bunga , upang ang anak ng iyong panginoon ay magkaroon ng tinapay na makakain : nguni&apos;t si Mephiboseth na anak ng iyong panginoon ay kakain ng tinapay kailan man sa aking dulang . Si Siba nga ay may labing limang anak at dalawang pung bataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Siba sa hari , Ayon sa lahat na iniutos ng aking panginoon na hari sa kaniyang lingkod , ay gayon gagawin ng iyong lingkod . Tungkol kay Mephiboseth , sinabi ng hari , Siya&apos;y kakain sa aking dulang na gaya ng isa sa mga anak ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Mephiboseth ay may isang anak na binata , na ang pangalan ay Micha . At lahat na nagsisitahan sa bahay ni Siba ay mga bataan ni Mephiboseth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon tumahan si Mephiboseth sa Jerusalem : sapagka&apos;t siya&apos;y kumaing palagi sa dulang ng hari . At siya&apos;y pilay sa kaniyang dalawang paa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari pagkatapos nito , na ang hari ng mga anak ni Ammon ay namatay , at si Hanun na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni David , Aking pagpapakitaan ng kagandahang loob si Hanun na anak ni Naas , na gaya ng pagpapakita ng kagandahang loob ng kaniyang ama sa akin . Sa gayo&apos;y nagsugo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama . At nagsiparoon ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanun na kanilang panginoon , Inakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama , kaya&apos;t siya&apos;y nagsugo ng mga tagaaliw sa iyo ? hindi ba nagsugo si David ng kaniyang mga bataan sa iyo upang kilalanin ang bayan , at upang tiktikan , at upang daigin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David , at inahit ang kalahati ng kanilang balbas , at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna , sa kanilang pigi , at pinayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang kanilang saysayin kay David , siya&apos;y nagsugo upang salubungin sila ; sapagka&apos;t ang mga lalake ay totoong nangapahiya . At sinabi ng hari , Mangaghintay kayo sa Jerico hanggang sa tumubo ang inyong balbas , at kung magkagayo&apos;y mangagbalik kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila&apos;y naging nakapopoot kay David , ang mga anak ni Ammon ay nangagsugo , at inupahan ang mga taga Siria sa Beth-rehob , at ang mga taga Siria sa Soba , na dalawang pung libong naglalakad , at ang hari sa Maaca na may isang libong lalake , at ang mga lalaking taga Tob na labing dalawang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang mabalitaan ni David , kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng makapangyarihang mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Ammon ay nagsilabas at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pasukan sa pintuang-bayan : at ang mga taga Siria sa Soba , at sa Rehob , at ang mga lalaking taga Tob at mga taga Maaca , ay nangabubukod sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nauumang laban sa kaniyang harapan at likuran , siya&apos;y pumili ng lahat na mga hirang na lalake sa Israel , at ipinaghahanay niya laban sa mga taga Siria :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ibinigay sa kamay ni Abisai na kaniyang kapatid , at kaniyang ipinaghahanay laban sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang sinabi , Kung ang mga taga Siria ay maging malakas kay sa akin , iyo ngang tutulungan ako : nguni&apos;t kung ang mga anak ni Ammon ay maging malakas kay sa iyo , ay paparoon nga ako at tutulungan kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Magpakatapang ka , at tayo&apos;y magpakalalake para sa ating bayan , at sa mga bayan ng ating Dios : at gawin nawa ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y nagsilapit si Joab at ang bayan na kasama niya sa pakikipagbaka laban sa mga taga Siria : at sila&apos;y nagsitakas sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas , sila naman ay nagsitakas sa harap ni Abisai , at nagsipasok sa bayan . Ngayo&apos;y bumalik si Joab na mula sa mga anak ni Ammon , at naparoon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang makita ng mga taga Siria na sila&apos;y nasasahol sa harap ng Israel , sila&apos;y nagpipisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagsugo si Hadadezer at dinala ang mga taga Siria na nangaroon sa dako pa roon ng Ilog ; at sila&apos;y nagsiparoon sa Helam , na kasama ni Sobach na puno ng hukbo ni Hadadezer sa kanilang unahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nasaysay kay David , at kaniyang pinisan ang buong Israel , at tumawid sa Jordan , at naparoon sa Helam . At ang mga taga Siria ay nagsihanay laban kay David , at nagsilaban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel ; at pumatay si David sa mga taga Siria ng mga tao ng pitong daang karo , at apat na pung libo na nangangabayo , at sinaktan si Sobach na kapitan sa kanilang hukbo , na anopa&apos;t namatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang makita ng lahat na hari na mga lingkod ni Hadadezer na sila&apos;y nasahol sa harap ng Israel , ay nangakipagpayapaan sa Israel at nangaglingkod sa kanila . Sa gayo&apos;y nangatakot ang mga taga Siria na magsitulong pa sa mga anak ni Ammon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa pagpihit ng taon sa panahon ng paglabas ng mga hari sa pakikipagbaka , na sinugo ni David si Joab , at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya , at ang buong Israel ; at kanilang nilipol ang mga anak ni Ammon at kinubkob sa Rabba . Nguni&apos;t si David ay naghintay sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari sa kinahapunan , na si David ay bumangon sa kaniyang higaan , at lumakad sa bubungan ng bahay ng hari : at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo ; at ang babae ay totoong napakagandang masdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsugo si David , at nagpasiyasat tungkol sa babae . At sinabi ng isa , Hindi ba ito ay si Bath-sheba na anak ni Eliam , na asawa ni Uria na Hetheo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si David ay nagsugo ng mga sugo , at kinuha siya ; at siya&apos;y pumaroon sa kaniya , at kaniyang sinipingan siya ( sapagka&apos;t siya&apos;y malinis sa kaniyang karumihan ; ) at siya&apos;y bumalik sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang babae ay naglihi ; at siya&apos;y nagsugo at nasaysay kay David , at nagsabi : Ako&apos;y buntis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsugo si David kay Joab , na sinasabi , Suguin mo sa akin si Uria na Hetheo . At sinugo ni Joab si Uria kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang si Uria ay dumating sa kaniya , tinanong ni David siya kung paano ang tayo ni Joab , at kung ano ang kalagayan ng bayan , at kung paano ang tayo ng pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni David kay Uria , Babain mo ang iyong bahay , at iyong hugasan ang iyong mga paa . At umalis si Uria sa bahay ng hari at isinusunod sa kaniya ang isang pagkain na mula sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t natulog si Uria sa pintuan ng bahay ng hari na kasama ng lahat ng mga lingkod ng kaniyang panginoon , at hindi binaba ang kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang masaysay kay David , na sabihin , Hindi binaba ni Uria ang kaniyang bahay , sinabi ni David kay Uria , Hindi ka pa ba nakapaglalakbay ? bakit hindi mo binaba ang iyong bahay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Uria kay David , Ang kaban , at ang Israel , at ang Juda , ay nasa mga tolda at ang aking panginoon si Joab , at ang mga lingkod ng aking panginoon , ay nangahahantong sa luwal na parang ; yayaon nga ba ako sa aking bahay , upang kumain , at upang uminom , at upang sumiping sa aking asawa ? buhay ka , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi ko gagawin ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni David kay Uria , Tumigil ka rin dito ngayon at bukas ay aking payayaunin ka . Sa gayo&apos;y tumigil si Uria sa Jerusalem sa araw na yaon , at sa kinabukasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang tawagin siya ni David , siya&apos;y kumain at uminom sa harap niya ; at kaniyang nilango siya : at sa kinahapunan , siya&apos;y lumabas upang mahiga sa kaniyang higaan na kasama ng mga lingkod ng kaniyang panginoon , nguni&apos;t hindi niya binaba ang kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangyari , sa kinaumagahan , na sumulat si David ng isang sulat kay Joab , at ipinadala sa pamamagitan ng kamay ni Uria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang isinulat sa sulat , na sinasabi , Ilagay mo si Uria sa pinakaunahan ng mahigpit na pagbabaka , at kayo&apos;y magsiurong mula sa kaniya , upang siya&apos;y masaktan , at mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , nang bantayan ni Joab ang bayan , na kaniyang inilagay si Uria sa dakong kaniyang nalalaman na kinaroroonan ng mga matapang na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga lalake sa bayan ay nagsilabas at nakipagbaka kay Joab : at nangabuwal ang iba sa bayan , sa mga lingkod ni David ; at si Uria na Hetheo ay namatay rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Joab , at isinaysay kay David ang lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang ibinilin sa sugo , na sinasabi , Pagka ikaw ay nakatapos na magsaysay sa hari ng lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mangyari na , kung ang galit ng hari ay maginit , at kaniyang sabihin sa iyo : Bakit kayo lumapit na mabuti sa bayan upang bumaka ? hindi ba ninyo nalalaman na sila&apos;y papana mula sa kuta ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sino ang sumakit kay Abimelech na anak ni Jerobaal ? hindi ba isang babae ang naghagis ng isang bato sa ibabaw ng gilingan sa kaniya mula sa kuta , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay sa Thebes ? bakit kayo&apos;y nagpakalapit sa kuta ? saka mo sasabihin , Ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y yumaon ang sugo , at naparoon at isinaysay kay David ang lahat na iniutos sa kaniya ni Joab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng sugo kay David , Ang mga lalake ay nanganaig laban sa amin , at nilabas kami sa parang , at aming pinaurong sila hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pinana ng mga mamamana ang iyong mga lingkod mula sa kuta ; at ang iba sa mga lingkod ng hari ay nangamatay , at ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David sa sugo , Ganito ang iyong sasabihin kay Joab : Huwag mong masamain ang bagay na ito , sapagka&apos;t nilalamon ng tabak maging ito gaya ng iba : iyong palakasin pa ang iyong pagbabaka laban sa bayan , at iwasak : at iyong palakasin ang loob niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang marinig ng asawa ni Uria na si Uria na kaniyang asawa ay namatay , kaniyang tinangisan ang kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang ang pagtangis ay makaraan , ay nagsugo si David at kinuha siya sa kaniyang bahay , at siya&apos;y naging kaniyang asawa , at nagkaanak sa kaniya ng isang lalake . Nguni&apos;t ang bagay na ginawa ni David ay minasama ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinugo ng Panginoon si Nathan kay David . At siya&apos;y naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , May dalawang lalake sa isang bayan ; ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mayaman ay mayroon totoong maraming kawan at bakahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ang mahirap ay walang anomang bagay , liban sa isang munting korderong babae , na kaniyang binili at inalagaan : at lumaki sa kaniya , at sa kaniyang mga anak ; kumakain ng kaniyang sariling pagkain at umiinom ng kaniyang sariling inumin , at humihiga sa kaniyang sinapupunan , at sa kaniya&apos;y parang isang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At naparoon ang isang maglalakbay sa mayaman , at ipinagkait niya ang kaniyang sariling kawan at ang kaniyang sariling bakahan , na ihanda sa naglalakbay na dumating sa kaniya , kundi kinuha ang kordero ng mahirap na lalake , at inihanda sa lalake na dumating sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang galit ni David ay nagalab na mainam laban sa lalake ; at kaniyang sinabi kay Nathan , Buhay ang Panginoon , ang lalake na gumawa nito ay karapatdapat na mamatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At isinauli ang kordero na may dagdag na apat , sapagka&apos;t kaniyang ginawa ang bagay na ito , at sapagka&apos;t siya&apos;y hindi naawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Nathan kay David , Ikaw ang lalaking yaon . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Pinahiran kita ng langis na maging hari sa Israel , at aking iniligtas ka sa kamay ni Saul ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon , at ang mga asawa ng iyong panginoon sa iyong sinapupunan , at ibinigay ko sa iyo ang sangbahayan ng Israel at ng Juda ; at kung totoong kakaunti pa ito , ay dadagdagan pa kita ng gayong bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon , na iyong ginawa ang masama sa kaniyang paningin ? iyong sinugatan ng tabak si Uria na Hetheo , at iyong kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong asawa , at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayon nga&apos;y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan ; sapagka&apos;t iyong niwalan ng kabuluhan ako , at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan , at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata , at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa , at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t iyong ginawa na lihim : nguni&apos;t aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel , at sa harap ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni David kay Nathan , Ako&apos;y nagkasala laban sa Panginoon . At sinabi ni Nathan kay David , Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan ; hindi ka mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ma&apos;y sapagka&apos;t sa gawang ito&apos;y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw , ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Nathan ay umuwi sa kaniyang bahay . At sinaktan ng Panginoon ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David , at totoong malubha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata ; at si David ay nagaayuno , at pumapasok , at humihiga buong gabi sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay , at tumatayo sa siping niya , upang itindig siya sa lupa ; nguni&apos;t siya&apos;y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang ikapitong araw , na ang bata ay namatay . At nangatakot ang mga lingkod ni David na saysayin sa kaniya na ang bata ay patay na : sapagka&apos;t kanilang sinabi , Narito , samantalang ang bata ay buhay pa , tayo ay nakipagsalitaan sa kaniya , at hindi siya nakinig sa ating tinig : gaano ngang ikababagabag niya kung ating sasabihin sa kaniya na ang bata ay patay na ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t nang makita ni David na ang kaniyang mga lingkod ay nagbubulong-bulungan , nahalata ni David na ang bata ay patay na : at sinabi ni David sa kaniyang mga lingkod , Patay na ba ang bata ? At kanilang sinabi , Siya&apos;y patay na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y bumangon si David sa lupa at naligo , at nagpahid ng langis , at nagbihis ng kaniyang suot ; at siya&apos;y naparoon sa bahay ng Panginoon , at sumamba : saka naparoon siya sa kaniyang sariling bahay ; at nang siya&apos;y humingi , hinainan nila ng tinapay siya sa harap , at siya&apos;y kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya , Anong bagay ito na iyong ginawa ? ikaw ay nagaayuno at umiiyak dahil sa bata , samantalang siya&apos;y buhay ; nguni&apos;t nang mamatay ang bata , ikaw ay bumangon at kumain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang sinabi , Samantalang ang bata&apos;y buhay pa , ako&apos;y nagaayuno at umiiyak : sapagka&apos;t aking sinabi , Sino ang nakakaalam kung maaawa sa akin ang Panginoon , na anopa&apos;t ang bata&apos;y mabuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t ngayo&apos;y patay na siya ; bakit pa ako magaayuno ? Maibabalik ko pa ba siya ? Ako&apos;y paroroon sa kaniya , nguni&apos;t siya&apos;y hindi babalik sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At inaliw ni David si Bath-sheba na kaniyang asawa , at lumapit sa kaniya , at sumiping sa kaniya : At siya&apos;y nanganak ng isang lalake , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Salomon . At minahal siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagsugo siya sa pamamagitan ng kamay ni Nathan na propeta , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jedidiah alang-alang sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nakipaglaban nga si Joab , sa Rabba sa mga anak ni Ammon , at sinakop ang bayang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nagsugo si Joab ng mga sugo kay David , at nagsabi , Ako&apos;y nakipaglaban sa Rabba , oo , aking sinakop ang bayan ng mga bukal ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ngayon nga&apos;y pisanin mo ang nalabi sa bayan , at humantong ka laban sa bayan , at sakupin mo : baka aking sakupin ang bayan , at tawagin ayon sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At pinisan ni David ang buong bayan , at naparoon sa Rabba , at bumaka laban doon , at sinakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At inalis ang putong ng kanilang hari sa kaniyang ulo : at ang bigat niyaon ay isang talentong ginto , at may mga mahalagang bato ; at ipinutong sa ulo ni David . At siya&apos;y naglabas ng samsam sa bayan na totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon , at inilagay sa ilalim ng mga lagari , at ng mga suyod na bakal , at ng mga palakol na bakal , at mga pinaraan sa mga lutuan ng laryo : at gayon ang ginawa niya sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon . At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos nito , na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda , na ang pangala&apos;y Thamar ; at sininta siya ni Amnon na anak ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Amnon ay totoong nagdamdam , na anopa&apos;t siya&apos;y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar ; sapagka&apos;t siya&apos;y dalaga ; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala&apos;y Jonadab , na anak ni Simea na kapatid ni David : at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi niya sa kaniya , Bakit , Oh anak ng hari , sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan ? hindi mo ba sasaysayin sa akin ? At sinabi ni Amnon sa kaniya , Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Jonadab sa kaniya , Mahiga ka sa iyong higaan , at magsakitsakitan ka : at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka , sabihin mo sa kaniya , Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito , at bigyan ako ng tinapay na makakain , at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita , at kanin sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan : at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya , sinabi ni Amnon sa hari , Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar , at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si David sa bahay kay Thamar , na sinasabi , Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon , at ipaghanda mo siya ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon ; at siya&apos;y nakahiga . At siya&apos;y kumuha ng isang masa , at minasa , at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin , at niluto na mga munting tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kinuha niya ang kawali , at mga ibinuhos sa harap niya ; nguni&apos;t kaniyang tinanggihang kanin . At sinabi ni Amnon : Palabasin ang lahat na tao sa harap ko . At silang lahat ay lumabas , bawa&apos;t isa mula sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Amnon kay Thamar : Dalhin mo rito sa silid ang pagkain , upang aking makain sa iyong kamay . At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa , at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin , kaniyang tinangnan siya , at sinabi niya sa kaniya , Halika , sumiping ka sa akin , kapatid ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sumagot siya sa kaniya , Huwag kapatid ko , huwag mo akong dahasin ; sapagka&apos;t hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay : huwag kang gumawa ng ganitong kaululan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ako , saan ko dadalhin ang aking hiya ? at tungkol sa iyo , ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel . Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , magsalita ka sa hari , sapagka&apos;t hindi ipagkakait ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ma&apos;y hindi niya dininig ang kaniyang tinig : kundi palibhasa&apos;t siya&apos;y malakas kay sa kaniya , dinahas niya siya , at sumiping sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot ; sapagka&apos;t ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya . At sinabi ni Amnon sa kaniya , Bumangon ka , ikaw ay yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi niya sa kaniya , Huwag ganyan , sapagka&apos;t itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin . Nguni&apos;t ayaw niyang dinggin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya , at sinabi , Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko , at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y may suot na sarisaring kulay : sapagka&apos;t ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari . Nang magkagayo&apos;y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo , at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya ; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo , at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad , na umiiyak ng malakas habang siya&apos;y yumayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya , Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid ? nguni&apos;t ngayo&apos;y tumahimik ka , kapatid ko : siya&apos;y iyong kapatid ; huwag mong isapuso ang bagay na ito . Sa gayo&apos;y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito , siya&apos;y totoong napoot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At hindi nagsalita si Absalom kay Amnon kahit mabuti o masama man ; sapagka&apos;t pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , pagkatapos ng dalawang buong taon , na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim : at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At naparoon si Absalom sa hari , at sinabi niya , Narito ngayon , ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa ; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ng hari kay Absalom , Huwag anak ko , huwag tayong magsiyaong lahat , baka maging mabigat na pasan sa iyo . At pinilit niya siya : gayon ma&apos;y hindi siya yumaon , kundi binasbasan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Absalom , Kung hindi isinasamo ko sa iyo , pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon . At sinabi ng hari sa kaniya , Bakit siya sasama sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t pinilit siya ni Absalom , na anopa&apos;t kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi , Tandaan ninyo ngayon , pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak ; at pagka ang aking sinabi sa inyo , Saktan ninyo si Amnon , patayin nga ninyo siya : huwag kayong mangatakot : hindi ba ako ang nagutos sa inyo ? kayo nga&apos;y magpakalakas , at magpakatapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom . Nang magkagayo&apos;y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari , at sumakay bawa&apos;t lalake sa kaniyang mula , at tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari , samantalang sila&apos;y nasa daan , na ang balita ay dumating kay David , na sinasabi , Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari , at walang nalabi isa man sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y bumangon ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot , at humiga sa lupa ; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David , ay sumagot at nagsabi , Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari , sapagka&apos;t si Amnon lamang ang patay : sapagka&apos;t sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ngayon nga&apos;y huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay , na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay : sapagka&apos;t si Amnon lamang ang patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nguni&apos;t si Absalom ay tumakas . At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata , at tumingin , at , narito , dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol , sa likuran niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinabi ni Jonadab sa hari , Narito , ang mga anak ng hari ay nagsisidating : kung ano ang sinabi ng inyong lingkod , ay nagkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita , na , narito , ang mga anak ng hari ay nagsidating , at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak : at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nguni&apos;t tumakas si Absalom at naparoon kay Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur . At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa gayo&apos;y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur , at dumoong tatlong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom : sapagka&apos;t siya&apos;y naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nahalata nga ni Joab , na anak ni Sarvia , na ang puso ng hari ay nahihilig kay Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagsugo si Joab sa Tecoa , at nagdala mula roon ng isang pantas na babae , at sinabi sa kaniya , Isinasamo ko sa iyong ikaw ay magpakunwari na tagapanaghoy at magluksa , at huwag kang magpahid ng langis , kundi ikaw ay magpakunwaring isang babae na mahabang panahon na tumatangis dahil sa isang namatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pasukin mo ang hari , at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya . Sa gayo&apos;y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang magsalita ang babae sa Tecoa sa hari , ay nagpatirapa sa lupa , at nagbigay galang , at nagsabi : Tulungan mo ako , Oh hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng hari sa kaniya , Anong mayroon ka ? At siya&apos;y sumagot : Sa katotohanan ako&apos;y bao , at ang aking asawa ay patay na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang iyong lingkod ay may dalawang anak , at silang dalawa&apos;y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila , kundi sinaktan ng isa ang isa , at pinatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At , narito , ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod , at sila&apos;y nagsabi , Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid , upang siya&apos;y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay , at sa gayo&apos;y iwasak namin ang tagapagmana naman ; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi ; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng hari sa babae , Umuwi ka sa iyong bahay , at ako&apos;y magbibilin tungkol sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang babae sa Tecoa ay nagsabi sa hari : Panginoon ko , Oh hari , ang kasamaan ay suma akin nawa , at sa sangbahayan ng aking ama : at ang hari at ang kaniyang luklukan ay mawalan nawa ng sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng hari , Sinomang magsabi sa iyo ng anoman , dalhin mo sa akin , at hindi ka na niya gagalawin pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Isinasamo ko sa iyo , na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios , na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man , baka kanilang ibuwal ang aking anak . At kaniyang sinabi : Buhay ang Panginoon , walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng babae : Pahintulutan mo ang iyong lingkod , isinasamo ko sa iyo , na magsalita ng isang salita sa aking panginoon na hari . At kaniyang sinabi , Sabihin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng babae , Bakit nga iyong inakala ang gayong bagay laban sa bayan ng Dios ? sapagka&apos;t sa pagsasalita ng ganitong salita ay parang may sala ang hari , dangang hindi ipinabalik ng hari ang kaniyang sariling itinapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t tayo&apos;y mamamatay na walang pagsala at gaya ng tubig na mabubuhos sa lupa , na hindi mapupulot uli : ni nagaalis man ang Dios ng buhay , kundi humahanap ng paraan na siya na itinapon ay huwag mamalagi na tapon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ngayon nga&apos;y kung kaya&apos;t ako&apos;y naparito upang salitain ang salitang ito sa aking panginoon na hari , ay sapagka&apos;t tinakot ako ng bayan : at sinabi ng iyong lingkod , Ako&apos;y magsasalita sa hari ; marahil ay gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t didinggin ng hari upang iligtas ang kaniyang lingkod sa kamay ng lalake na nagiibig magbuwal sa akin at sa aking anak na magkasama sa mana ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng iyong lingkod , Isinasamo ko sa iyo na ang salita ng aking panginoon na hari ay sa ikaaaliw : sapagka&apos;t kung paano ang anghel ng Dios , ay gayon ang aking panginoon na hari na magdilidili ng mabuti at masama : at ang Panginoong iyong Dios ay sumaiyo nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang hari at nagsabi sa babae , Huwag mong ikubli sa akin , isinasamo ko sa iyo , ang anoman na aking itatanong sa iyo . At sinabi ng babae , Magsalita nga ang aking panginoon na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng hari , sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito ? At sumagot ang babae at nagsabi , Buhay ang iyong kaluluwa , panginoon ko na hari , walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari , sapagka&apos;t ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin , at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang baguhin ang anyo ng bagay ay ginawa ng iyong lingkod na si Joab ang bagay na ito : at ang aking panginoon ay pantas ayon sa karunungan ng anghel ng Dios , na makaalam ng lahat ng mga bagay na nasa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng hari kay Joab , Narito , ngayon , aking ginawa ang bagay na ito : yumaon ka nga , dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagpatirapa si Joab sa lupa , at nagbigay galang , at binasbasan ang hari : at sinabi ni Joab , Ngayo&apos;y talastas ng iyong lingkod na ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , panginoon ko , Oh hari , sa paraang pinayagan ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y bumangon si Joab at naparoon sa Gessur , at dinala si Absalom sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng hari , Bumalik siya sa kaniyang sariling bahay , nguni&apos;t huwag makita ang aking mukha . Sa gayo&apos;y bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay , at hindi nakita ang mukha ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa buong Israel nga&apos;y walang gaya ni Absalom na pinakakapuri dahil sa kagandahan : mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo , ay walang ipipintas sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagka kaniyang ipinagugupit ang kaniyang buhok ( sa bawa&apos;t katapusan nga ng bawa&apos;t taon siya ay nagpapagupit : sapagka&apos;t mabigat sa kaniya ang buhok kaya&apos;t kaniyang ipinagugupit : ) kaniyang tinitimbang ang buhok ng kaniyang ulo na may dalawang daang siklo , ayon sa timbangan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ipinanganak kay Absalom ay tatlong lalake , at isang babae , na ang pangala&apos;y Thamar : siya&apos;y isang babae na may magandang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At tumahan si Absalom na dalawang buong taon sa Jerusalem ; at hindi niya nakita ang mukha ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y pinasuguan ni Absalom si Joab , upang suguin sa hari : nguni&apos;t hindi siya naparoon sa kaniya : at siya&apos;y nagsugo na ikalawa , nguni&apos;t siya&apos;y ayaw paroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t kaniyang sinabi sa kaniyang mga alipin : Tingnan ninyo , ang bukid ni Joab ay malapit sa akin , at siya&apos;y may sebada roon ; yumaon kayo , at silaban ninyo . At sinilaban ng mga alipin ni Absalom ang bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y bumangon si Joab , at naparoon kay Absalom sa kaniyang bahay , at nagsabi sa kaniya , Bakit sinilaban ng iyong alipin ang aking bukid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinagot ni Absalom si Joab , Narito , ako&apos;y nagpasugo sa iyo , na nagpasabi , Parito ka , upang aking masugo ka sa hari , na magsabi , Sa anong kapararakan naparoon ako mula sa Gessur ? lalong mabuti sa akin na tumigil doon . Ngayon nga&apos;y ipakita mo sa akin ang mukha ng hari ; at kung may kasamaan sa akin , patayin niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa gayo&apos;y naparoon si Joab sa hari at isinaysay sa kaniya : at nang kaniyang matawag na si Absalom , siya&apos;y naparoon sa hari , at nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari ; at hinagkan ng hari si Absalom .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos nito , na naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo , at limang pung lalaking tatakbo sa unahan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At bumangong maaga si Absalom , at tumayo sa tabi ng daan sa pintuang-bayan ; at nangyari , na pagka ang sinomang tao ay mayroong usap na ilalapit sa hari upang hatulan , na tinatawag nga ni Absalom , at sinabi , Taga saang bayan ka ? At kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod ay isa sa mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Absalom sa kaniya , Tingnan mo , ang iyong usap ay mabuti at matuwid : nguni&apos;t walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinabi ni Absalom bukod dito : Oh maging hukom sana ako sa lupain , upang ang bawa&apos;t tao na may anomang usap , o anomang bagay , ay pumarito sa akin at siya&apos;y aking magawan ng katuwiran !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyayari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kaniya , na kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol : sa gayo&apos;y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , sa katapusan ng apat na pung taon , na sinasabi ni Absalom sa hari , Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako&apos;y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon , sa Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang iyong lingkod ay nanata ng isang panata samantalang ako&apos;y tumatahan sa Gesur sa Siria , na nagsabi , Kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem , maglilingkod nga ako sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng hari sa kaniya , Yumaon kang payapa . Sa gayo&apos;y bumangon siya , at naparoon sa Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel , na sinasabi , Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak , inyo ngang sasabihin , Si Absalom ay hari sa Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake na mga inanyayahan , at nangaparoon silang walang malay ; at wala silang nalalamang anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pinagsuguan ni Absalom si Achitophel na Gilonita , na kasangguni ni David , mula sa kaniyang bayan , mula sa Gilo samantalang siya&apos;y naghahandog ng mga hain . At mahigpit ang pagbabanta : sapagka&apos;t ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naparoon ang isang sugo kay David , na nagsasabi , Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem , magsibangon kayo , at tayo&apos;y magsitakas ; sapagka&apos;t liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom : mangagmadali kayo ng pagtakas , baka sa pagmamadali ay abutan tayo , at dalhan tayo ng kasamaan , at sugatan ang bayan ng talim ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng mga lingkod ng hari sa hari , Narito , ang iyong mga lingkod ay handa na gumawa ng anoman na pipiliin ng aming panginoon na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At lumabas ang hari at ang buong sangbahayan niya na sumunod sa kaniya . At nagiwan ang hari ng sangpung babae , na mga kinakasama niya , upang magingat ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At lumabas ang hari at ang buong bayan na kasunod niya : at sila&apos;y nagpahinga sa Beth-merac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya ; at ang lahat na Ceretheo , at ang lahat na Peletheo , at ang lahat ng mga Getheo , na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa Gath , na nangagpapauna sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari kay Ittai na Getheo , Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin ? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari : sapagka&apos;t ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa : bumalik ka sa iyong sariling dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin , dangang ako&apos;y yumayaon kung saan maaari ? bumalik ka , at ibalik mo ang iyong mga kapatid ; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sumagot si Ittai sa hari , at nagsabi , Buhay ang Panginoon , at buhay ang aking panginoon na hari , tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari , maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni David kay Ittai , Ikaw ay yumaon at magpauna . At si Ittai na Getheo ay nagpauna , at ang lahat niyang lalake , at ang lahat na bata na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang buong lupain ay umiyak ng malakas , at ang buong bayan ay tumawid : ang hari man ay tumawid din sa batis ng Cedron , at ang buong bayan ay tumawid , sa daan ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At , narito , pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya , na may dala ng kaban ng tipan ng Dios ; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios , at sumampa si Abiathar , hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ng hari kay Sadoc , Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan : kung ako&apos;y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon , kaniyang ibabalik ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t kung sabihin niyang ganito , Hindi kita kinalulugdan ; narito , ako&apos;y nandito , gawin niya ; sa akin ang inaakala niyang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote , Hindi ka ba tagakita ? bumalik kang payapa sa bayan , at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo , si Ahimaas na iyong anak , at si Jonathan na anak ni Abiathar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Tingnan mo , ako&apos;y maghihintay sa mga tawiran sa ilang , hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios : at sila&apos;y nagsitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo , at umiiyak habang siya&apos;y umaahon ; at ang kaniyang ulo ay may takip , at lumalakad siya na walang suot ang paa ; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa&apos;t isa , at sila&apos;y nagsisiahon , na nagsisiiyak habang sila&apos;y nagsisiahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At isinaysay ng isa kay David na sinasabi , Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom . At sinabi ni David , Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok , na doon sinasamba ang Dios , narito , si Husai na Arachita ay sumalubong sa kaniya , na ang kaniyang suot ay hapak , at may lupa sa kaniyang ulo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ni David sa kaniya , Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay magiging isang pasan ka nga sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nguni&apos;t kung ikaw ay bumalik sa bayan , at sabihin mo kay Absalom , Ako&apos;y magiging iyong lingkod , Oh hari ; kung paanong ako&apos;y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan , ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon : kung magkagayo&apos;y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote ? kaya&apos;t mangyayari , na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari , iyong sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Narito nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak , si Ahimaas na anak ni Sadoc , at si Jonathan na anak ni Abiathar ; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa&apos;t bagay na inyong maririnig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa gayo&apos;y si Husai na kaibigan ni David ay pumasok sa bayan ; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang si David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok , narito , si Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya , na may handang isang tuwang na asno , at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay , at isang daang kumpol na pasas , at isang daang bunga sa taginit , at isang sisidlang balat ng alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng hari kay Siba , Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito ? At sinabi ni Siba , Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari ; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata ; at ang alak ay upang mainom ng nangapapagod sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng hari , At nasaan ang anak ng iyong panginoon ? At sinabi ni Siba sa hari , Narito , siya&apos;y tumatahan sa Jerusalem ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Ngayo&apos;y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel , ang kaharian ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari kay Siba , Narito , iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth . At sinabi ni Siba , Ako&apos;y yumuyukod ; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo , panginoon ko , Oh hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang dumarating ang hari sa Bahurim , narito , lumalabas na mula roo&apos;y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul , na ang pangala&apos;y Semei , na anak ni Gera : siya&apos;y lumalabas , at manunumpa habang siya&apos;y lumalabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang hinagis ng mga bato si David , at ang lahat ng lingkod ng haring si David : at ang buong bayan , at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan , at sa kaniyang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ganito ang sinabi ni Semei nang siya&apos;y nanunumpa , Lumayas ka , lumayas ka , ikaw na lalaking mabagsik , at hamak na lalake :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari ; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak : at , narito , ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan , sapagka&apos;t ikaw ay lalaking mabagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari , Bakit susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari ? payaunin mo ako , isinasamo ko sa iyo , at pugutin ang kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng hari , Anong ipakikialam ko sa inyo , kayong mga anak ni Sarvia ? Sapagka&apos;t siya&apos;y nanunumpa , at sapagka&apos;t sinabi ng Panginoon sa kaniya , Sumpain mo si David , sino nga ang magsasabi , Bakit ka gumawa ng ganyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni David kay Abisai , at sa lahat niyang mga lingkod , Narito , ang anak ko , na lumabas sa aking tiyan , siyang humahanap ng aking buhay : gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito ? bayaan ninyo siya at manumpa siya : sapagka&apos;t iniutos ng Panginoon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin , at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake : at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya , at sumusumpa habang siya&apos;y yumayaon , at hinahagis ng bato siya , at nananaboy ng alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod ; at siya&apos;y nagpahinga roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Absalom at ang buong bayan , na mga lalake ng Israel , ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , nang si Husai na Arachita , na kaibigan ni David , ay dumating kay Absalom , na sinabi ni Husai kay Absalom , Mabuhay ang hari , mabuhay ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Absalom kay Husai , Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan ? bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Husai kay Absalom , Hindi ; kundi kung sinong piliin ng Panginoon , at ng bayang ito , at ng lahat na lalake sa Israel , doroon ako , at sa kasamahan noon tatahan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At saka , kanino ako maglilingkod ? hindi ba sa harap ng kaniyang anak ? kung paanong ako&apos;y naglingkod sa harap ng iyong ama , ay magiging gayon ako sa iyong harap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Absalom kay Achitophel , Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Achitophel kay Absalom , Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama , na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay ; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama : kung magkagayo&apos;y lalakas ang mga kamay ng lahat na nasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay ; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang payo ni Achitophel , na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon , ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios : gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y sinabi ni Achitophel kay Absalom , Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake , at ako&apos;y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ako&apos;y darating sa kaniya samantalang siya&apos;y pagod at may mahinang kamay , at akin siyang tatakutin : at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas ; at ang hari lamang ang aking sasaktan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan : ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik : sa gayo&apos;y ang buong bayan ay mapapayapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom , at sa lahat ng matanda sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Absalom , Tawagin mo naman ngayon si Husai na Arachita , at atin ding dinggin ang kaniyang sasabihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang dumating si Husai kay Absalom , ay sinalita ni Absalom sa kaniya , na sinasabi , Nagsalita si Achitophel ng ganitong paraan : atin bang gagawin ang ayon sa kaniyang sabi ? Kung hindi , magsalita ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Husai kay Absalom , Ang payo na ibinigay ni Achitophel ngayon ay hindi mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi ni Husai bukod sa rito , Iyong kilala ang iyong Ama at ang kaniyang mga lalake , na sila&apos;y makapangyarihang lalake at sila&apos;y nagngingitngit sa kanilang mga pagiisip na gaya ng isang oso na ninakawan sa parang ng kaniyang mga anak : at ang iyong ama ay lalaking mangdidigma , at hindi tatahan na kasama ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , siya&apos;y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako : at mangyayari , na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula , sinomang makarinig ay magsasabi , May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pati ng matapang , na ang puso ay gaya ng puso ng leon , ay lubos na manglulupaypay : sapagka&apos;t kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake , at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t aking ipinapayo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami ; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y aabutin natin siya sa ibang dako na kasusumpungan natin sa kaniya , at tayo&apos;y babagsak sa kaniya na gaya ng hamog na lumalapag sa lupa : at sa kaniya at sa lahat ng mga lalake na nasa kaniya ay hindi tayo magiiwan kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bukod dito , kung siya&apos;y umurong sa isang bayan , ang buong Israel ay magdadala nga ng mga lubid sa bayang yaon , at ating babatakin sa ilog , hanggang sa walang masumpungan doon kahit isang maliit na bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Absalom at ang lahat na lalake sa Israel ay nagsipagsabi , Ang payo ni Husai na Arachita ay lalong mabuti kay sa payo ni Achitophel . Sapagka&apos;t ipinasiya ng Panginoon na masansala ang mabuting payo ni Achitophel , upang dalhin ng Panginoon ang kasamaan kay Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Husai kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote . Ganito&apos;t ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel ; at ganito&apos;t ganito ang aking ipinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon nga&apos;y magsugo kang madali , at saysayin kay David , na sabihin , Huwag kang tumigil ng gabing ito sa mga tawiran sa ilang , kundi sa anomang paraan ay tumawid ka : baka ang hari ay mapatay at ang buong bayan na nasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng Enrogel ; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila ; at sila&apos;y nagsiparoon , at isinaysay sa haring kay David : sapagka&apos;t sila&apos;y hindi makapakitang pumasok sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t nakita sila ng isang bata , at isinaysay kay Absalom : at sila&apos;y kapuwa lumabas na nagmadali , at sila&apos;y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa Bahurim , na may isang balon sa kaniyang looban ; at sila&apos;y nagsilusong doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang babae ay kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon , at nilagyan ng mga trigo na giniik ; at walang bagay na naalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay ; at kanilang sinabi , Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan ? At sinabi ng babae sa kanila , Sila&apos;y tumawid sa batis ng tubig . At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangyari , pagkatapos na sila&apos;y makaalis , na sila&apos;y nagsilabas sa balon , at nagsiyaon at isinaysay sa haring kay David : at kanilang sinabi kay David , Kayo&apos;y magsibangon , at magsitawid na madali sa tubig : sapagka&apos;t ganito ang ipinayo ni Achitophel laban sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y nagsibangon si David , at ang buong bayan na kasama niya , at sila&apos;y tumawid sa Jordan ; sa pagbubukang liwayway ay walang naiwan kahit isa sa kanila na hindi tumawid sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang makita ni Achitophel na ang kaniyang payo ay hindi sinunod , kaniyang siniyahan ang kaniyang asno , at bumangon , at umuwi siya sa bahay , sa kaniyang bayan at kaniyang inayos ang kaniyang bahay , at nagbigti ; at siya&apos;y namatay , at nalibing sa libingan ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayon ay naparoon si David sa Mahanaim . At si Absalom ay tumawid sa Jordan , siya at ang lahat na lalake ng Israel na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At inilagay ni Absalom si Amasa sa hukbo na kahalili ni Joab . Si Amasa nga ay anak ng isang lalake na ang pangalan ay Itra , na Israelita , na sumiping kay Abigal na anak na babae ni Naas , na kapatid ni Sarvia , na ina ni Joab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang Israel at si Absalom ay nagsihantong sa lupain ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari , ng si David ay dumating sa Mahanaim , na si Sobi na anak ni Naas na taga Rabba sa mga anak ni Ammon , at si Machir na anak ni Ammiel na taga Lodebar , at si Barzillai na Galaadita na taga Rogelim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ay nangagdala ng mga higaan , at mga mangkok , at mga sisidlang lupa , at trigo , at sebada , at harina , at butil na sinangag , at habas , at lentehas , at pagkain na sinangag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At pulot pukyutan , at mantekilya , at mga tupa , at keso ng baka para kay David , at sa bayan na kasama niya , upang kanin ; sapagka&apos;t kanilang sinabi , Ang bayan ay gutom , at pagod , at uhaw sa ilang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At binilang ni David ang bayan na kasama niya , at naglagay ng mga puno ng mga libolibo , at puno ng mga daandaan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinayaon ni David ang bayan , ang isang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Joab , at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Abisai na anak ni Sarvia , na kapatid ni Joab , at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Ittai na Getheo . At sinabi ng hari sa bayan , Walang pagsalang ako&apos;y lalabas na kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sinabi ng bayan , Huwag kang lalabas : sapagka&apos;t kung kami man ay tumakas , ay hindi nila kami aalumanahin , o kung ang kalahati man namin ay mamatay , ay hindi nila kami aalumanahin : nguni&apos;t ikaw ay may halagang sangpung libo sa amin : kaya&apos;t ngayo&apos;y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng hari sa kanila , Kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin . At ang hari ay tumayo sa tabi ng pintuang-bayan , at ang buong bayan ay lumabas na daan daan at libolibo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang hari ay nagutos kay Joab at kay Abisai , at kay Ittai , na nagsasabi , Inyong gamitan ng kaawaan , alangalang sa akin , ang binata , sa makatuwid baga&apos;y si Absalom . At narinig ng buong bayan nang ipagbilin ng hari sa lahat ng punong kawal ang tungkol kay Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y lumabas ang bayan sa parang laban sa Israel ; at ang pagbabaka ay nasa gubat ng Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David , at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon , na may dalawang pung libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t doon ang pagbabaka ay nakalat sa ibabaw ng buong lupain : at ang gubat ay lumamon ng higit na bayan sa araw na yaon kay sa nilamon ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nakasagupa ni Absalom ang mga lingkod ni David . At si Absalom ay nakasakay sa kaniyang mula , at ang mula ay nagdaan sa ilalim ng mayabong na mga sanga ng isang malaking ensina , at ang kaniyang ulo ay nasabit sa ensina , at siya&apos;y nabitin ; at ang mula na nasa ilalim niya ay nagpatuloy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nakita siya ng isang lalake at isinaysay kay Joab , at sinabi , Narito , aking nakita si Absalom na nakabitin sa isang ensina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ni Joab sa lalaking nagsaysay sa kaniya , At , narito , iyong nakita , at bakit hindi mo sinaktan doon sa lupa ? at nabigyan sana kita ng sangpung putol na pilak , at isang pamigkis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng lalake kay Joab , Bagaman ako&apos;y tatanggap ng isang libong putol na pilak sa aking kamay , gayon ma&apos;y hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa anak ng hari : sapagka&apos;t sa aming pakinig ay ibinilin ng hari sa iyo , at kay Abisai , at kay Ittai , na sinabi , Ingatan ninyo na huwag galawin ninoman ang binatang si Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa ibang paraan , kung ako&apos;y gumawa ng paglililo laban sa kaniyang buhay ( at walang bagay na makukubli sa hari , ) ikaw man sa iyong sarili ay mananayong laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Joab , Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo . At siya&apos;y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom , samantalang siya&apos;y buhay pa sa gitna ng ensina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sangpung bataan na tagadala ng sandata ni Joab ay kumubkob at sinaktan si Absalom , at pinatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At hinipan ni Joab ang pakakak , at ang bayan ay bumalik na mula sa paghabol sa Israel : sapagka&apos;t pinigil ni Joab ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat , at tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato : at ang buong Israel ay tumakas bawa&apos;t isa sa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng haligi , na pinaka alaala , na nasa libis ng hari : sapagka&apos;t kaniyang sinasabi , Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan : at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan : at tinawag na monumento ni Absalom , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Ahimaas na anak ni Sadoc , Patakbuhin mo ako ngayon , at magdala ng balita sa hari , kung paanong iginanti siya ng Panginoon sa kaniyang kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Joab sa kaniya , Hindi ka magiging tagapagdala ng balita sa araw na ito : kundi magdadala ka ng balita sa ibang araw : nguni&apos;t sa araw na ito ay hindi ka magdadala ng balita , sapagka&apos;t ang anak ng hari ay namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Joab sa Cusita , Yumaon ka na saysayin mo sa hari kung ano ang iyong nakita . At ang Cusita ay yumukod kay Joab , at tumakbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y nagsabi pa uli si Ahimaas na anak ni Sadoc kay Joab , Nguni&apos;t sa anomang kahinatnan , isinasamo ko sa iyo , na ako naman ay iyong patakbuhin na kasunod ng Cusita . At sinabi ni Joab , Bakit tatakbo ka , anak ko , dangang wala kang mapapala ng dahil sa balita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t sa anomang kahinatnan , ako&apos;y tatakbo . At sinabi niya sa kaniya , Tumakbo ka . Nang magkagayo&apos;y tumakbo si Ahimaas sa daan ng kapatagan , at inunahan ang Cusita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si David nga ay nakaupo sa pagitan ng dalawang pintuang-bayan : at ang bantay ay sumampa sa ibabaw ng pintuang-bayan , sa kuta , at itinanaw ang kaniyang mga mata , at tumingin , at narito , isang lalake ay tumatakbong nagiisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sumigaw ang bantay , at isinaysay sa hari . At sinabi ng hari , Kung siya&apos;y nagiisa , may balita sa kaniyang bibig . At siya&apos;y nagpatuloy at lumapit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang bantay ay nakakita ng ibang lalake na tumatakbo at tinawag ng bantay ang tanod-pinto , at sinabi , Narito , may ibang lalake na tumatakbong nagiisa . At sinabi ng hari , Siya&apos;y may dala ring balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ng bantay , Inaakala ko na ang takbo ng una ay gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc . At sinabi ng hari , Siya&apos;y mabuting lalake at napariritong may mabuting balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari , Lahat ay mabuti . At siya&apos;y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari , at nagsabi , Purihin ang Panginoon mong Dios , na nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ng hari , Ligtas ba ang binatang si Absalom ? At sumagot si Ahimaas . Nang suguin ni Joab , ang lingkod ng hari , sa makatuwid baga&apos;y ako na iyong lingkod , ako&apos;y nakakita ng isang malaking pagkakagulo , nguni&apos;t hindi ko nalalaman kung ano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ng hari , Pumihit ka , at tumayo ka rito . At siya&apos;y pumihit at tumayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At , narito , ang Cusita ay dumating ; at sinabi ng Cusita , Balita sa aking panginoon na hari : sapagka&apos;t iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ng hari sa Cusita , Ligtas ba ang binatang si Absalom ? At sumagot ang Cusita , Ang mga kaaway ng aking panginoon na hari , at yaong lahat na nagsibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang hari ay nagulumihanan , at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan , at umiyak : at habang siya&apos;y yumayaon , ganito ang sinasabi niya , Oh anak kong Absalom , anak ko , anak kong Absalom ! Mano nawa&apos;y ako ang namatay na kahalili mo , Oh Absalom , anak ko , anak ko !</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nasaysay kay Joab ; narito , ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan : sapagka&apos;t narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon . Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon , na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha , at ang hari ay sumigaw ng malakas . Oh anak kong Absalom , Oh Absalom , anak ko , anak ko !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pumasok si Joab sa bahay , sa hari , at nagsabi , Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay , at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae , at ng mga buhay ng iyong mga asawa , at ng mga buhay ng iyong mga babae ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo , at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo . Sapagka&apos;t iyong inihayag sa araw na ito , na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo : sapagka&apos;t aking nagugunita sa araw na ito , na kung si Absalom ay nabuhay , at kaming lahat ay namatay sa araw na ito , ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y bumangon ka , ikaw ay lumabas , at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod : sapagka&apos;t aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon , na kung ikaw ay hindi lalabas , ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito : at yao&apos;y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y tumindig ang hari , at naupo sa pintuang-bayan . At kanilang isinaysay sa buong bayan , na sinasabi , Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan : at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari . Nakatakas nga ang Israel bawa&apos;t isa sa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel , na sinasabi , Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway ; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo ; at ngayo&apos;y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Absalom na ating pinahiran ng langis , upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka . Ngayon nga&apos;y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagsugo ang haring si David kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote , na sinasabi , Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda , na magsipagsabi , Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay ? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari , upang ibalik siya sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kayo&apos;y aking mga kapatid , kayo&apos;y aking buto at aking laman : bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sabihin ninyo kay Amasa , Hindi ka ba aking buto at aking laman ? Hatulan ng Dios ako , at lalo na , kung ikaw ay hindi maging palaging punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda na parang puso ng isang tao ; na anopa&apos;t sila&apos;y nagsipagsugo sa hari , na nagsisipagsabi , Ikaw ay bumalik , at ang lahat ng iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y bumalik ang hari , at naparoon sa Jordan . At ang Juda ay naparoon sa Gilgal , upang salubungin ang hari , na itawid ang hari sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Semei na anak ni Gera , na Benjamita , na taga Bahurim , ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya , at si Siba , na alila sa sangbahayan ni Saul , at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya ; at sila&apos;y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari , at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti . At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari , nang siya&apos;y makatawid sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa hari , Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon , o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem , upang isapuso ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t nalalaman ng iyong lingkod na ako&apos;y nagkasala : kaya&apos;t , narito , ako&apos;y naparirito sa araw na ito , na una sa lahat ng sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot , at nagsabi , Hindi ba papatayin si Semei dahil dito , sapagka&apos;t kaniyang isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni David , Ano ang ipakikialam ko sa inyo , mga anak ni Sarvia , na kayo&apos;y magiging mga kaaway ko sa araw na ito ? may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel ? sapagka&apos;t di ko ba talastas na ako&apos;y hari sa araw na ito sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng hari kay Semei , Ikaw ay hindi mamamatay . At ang hari ay sumumpa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari ; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa , o naggupit man ng kaniyang balbas , o nilabhan man ang kaniyang mga suot , mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya&apos;y umuwi na payapa sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , nang siya&apos;y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari , na sinabi ng hari sa kaniya , Bakit hindi ka yumaong kasama ko , Mephiboseth ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y sumagot , Panginoon ko , Oh hari , dinaya ako ng aking lingkod : sapagka&apos;t sinabi ng iyong lingkod , Ako&apos;y maghahanda ng isang asno , upang aking masakyan , at yumaong kasama ng hari ; sapagka&apos;t ang iyong lingkod ay pilay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari ; nguni&apos;t ang panginoon kong hari ay gaya ng isang anghel ng Dios : gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari : gayon ma&apos;y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang . Ano pa ngang matuwid mayroon ako , na aking maisisigaw pa sa hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ng hari sa kaniya , Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay ? Aking sinabi , Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Mephiboseth sa hari , Oo , ipakuha mo sa kaniya ang lahat , yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim ; at siya&apos;y tumawid sa Jordan na kasama ng hari , upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo , na may walong pung taon : at kaniyang ipinaghanda ang hari ng pagkain samantalang siya&apos;y nasa Mahanaim ; sapagka&apos;t siya&apos;y totoong dakilang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ng hari kay Barzillai , Tumawid kang kasama ko , at aking pakakanin ka sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Barzillai sa hari , Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay , na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ako sa araw na ito&apos;y may walong pung taon na ; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama ? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom ? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae ? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari : at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod , upang ako&apos;y mamatay sa aking sariling bayan , sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina . Nguni&apos;t , narito , ang iyong lingkod na Chimham : bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari ; at gawin mo sa kaniya , kung ano ang mamabutihin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sumagot ang hari , Si Chimham ay tatawid na kasama ko , at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti : at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan , at ang hari ay tumawid : at hinagkan ng hari si Barzillai , at binasbasan siya ; at siya&apos;y bumalik sa kaniyang sariling dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa gayo&apos;y tumawid sa Gilgal ang hari , at si Chimham ay tumawid na kasama niya : at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari , at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At , narito , ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari , at nagsipagsabi sa hari , Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda , at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan , at ang lahat na lalake ni David na kasama niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel , Sapagka&apos;t ang hari ay kamaganak na malapit namin : bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito ? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari ? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda , at nagsipagsabi , Kami ay may sangpung bahagi sa hari , at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo ; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami , na ang aming payo&apos;y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari ? At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagkataon , na may isang lalake , na ang pangala&apos;y Seba , na anak ni Bichri , na Benjamita : at kaniyang hinipan ang pakakak , at nagsabi , Kami ay walang bahagi kay David , o anomang mana sa anak ni Isai : bawa&apos;t tao ay sa kaniyang mga tolda , Oh Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y lahat ng mga lalake ng Israel ay nagsiahong mula sa pagsunod kay David , at nagsisunod kay Seba na anak ni Bichri : nguni&apos;t ang mga anak ni Juda ay nagsisanib sa kanilang hari , mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dumating si David sa kaniyang bahay sa Jerusalem ; at kinuha ng hari ang sangpung babae na kaniyang mga kinakasama , na siyang mga iniwan niya upang magsipagingat ng bahay , at mga inilagay sa pagbabantay at mga hinandaan sila ng pagkain , nguni&apos;t hindi sumiping sa kanila . Sa gayo&apos;y nasarhan sila hanggang sa kaarawan ng kanilang kamatayan , na nangamuhay sa pagkabao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari kay Amasa , Pisanin mo sa akin ang mga lalake ng Juda sa loob ng tatlong araw , at humarap ka rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y yumaon si Amasa upang pisanin ang mga lalake sa Juda : nguni&apos;t siya&apos;y nagluwa&apos;t kay sa panahong takda na kaniyang itinakda sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni David kay Abisai , Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom : kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon , at habulin ninyo siya , baka siya&apos;y makaagap ng mga bayan na nakukutaan , at makatanan sa ating paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab , at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo , at ang lahat na makapangyarihang lalake ; at sila&apos;y nagsilabas sa Jerusalem , upang habulin si Seba na anak ni Bichri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang sila&apos;y na sa malaking bato na nasa Gabaon , ay sumalubong sa kanila si Amasa . At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot , at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban : at samantalang siya&apos;y lumalabas ay nahulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Joab kay Amasa , Mabuti ba sa iyo , kapatid ko ? At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab ; sa gayo&apos;y sinaktan siya sa tiyan , at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa , at hindi na siya inulit pa ; at siya&apos;y namatay . At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab , at nagsabi , Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David , ay sumunod kay Joab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan . At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil , ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang , at tinakpan siya ng isang kasuutan , nang kaniyang makita na bawa&apos;t dumating sa siping niya ay tumitigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang siya&apos;y alisin sa lansangan , ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab , upang habulin si Seba na anak ni Bichri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel , sa Abel , at sa Beth-maacha , at ang lahat na Berita : at sila&apos;y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha , at sila&apos;y nagtindig ng isang bunton laban sa bayan , at tumayo laban sa kuta : at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab , upang ibuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan , Dinggin ninyo , dinggin ninyo : Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab , Lumapit ka rito , na ako&apos;y makapagsalita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y lumapit sa kaniya , at sinabi ng babae , Ikaw ba&apos;y si Joab ? At siya&apos;y sumagot , Ako nga . Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kaniya , Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod . At siya&apos;y sumagot , Aking dinidinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y nagsalita siya , na sinasabi , Sinasalita noong unang panahon , na sinasabi , Sila&apos;y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel ; at gayon nila tinapos ang usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ako&apos;y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel : ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang bayan at ng isang ina sa Israel : bakit ibig mong lamunin ang mana ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Joab ay sumagot , at nagsabi , Malayo , malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang usap ay hindi ganyan : kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim , si Seba na anak ni Bichri ang pangalan , ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari , sa makatuwid baga&apos;y laban kay David : ibigay mo lamang siya sa akin , at aking ihihiwalay sa bayan . At sinabi ng babae kay Joab , Narito , ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y naparoon ang babae sa buong bayan sa kaniyang karunungan . At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri , at inihagis kay Joab . At kaniyang hinipan ang pakakak at sila&apos;y nangalat mula sa bayan , bawa&apos;t tao ay sa kaniyang tolda . At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Si Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel : at si Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Adoram ay nasa mga magpapabuwis at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Seba ay kalihim : at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon , sa tatlong taon ; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon , Dahil kay Saul , at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan , sapagka&apos;t kaniyang pinatay ang mga Gabaonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila ; ( ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel , kundi sa nalabi sa mga Amorrheo ; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila : at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni David sa mga Gabaonita , Ano ang gagawin ko sa inyo ? at ano ang itutubos ko , upang inyong basbasan ang mana ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya , Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul , o sa kaniyang sangbahayan ; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel . At kaniyang sinabi , Ano ang inyong sasabihin , na aking gagawin sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang sinabi sa hari , Ang lalake na pumupugnaw sa amin , at yaong nagbabanta laban sa amin , na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak , at aming ibibitin sa Panginoon sa Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon . At sinabi ng hari , Aking ibibigay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul , dahil sa sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila , kay David at kay Jonathan na anak ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa , na anak ni Aja , na kaniyang ipinanganak kay Saul , si Armoni at si Mephiboseth ; at ang limang anak ni Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai , na Molathita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon , at nangabuwal ang pito na magkakasama . At sila&apos;y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani , sa mga unang araw , sa pasimula ng pagaani ng sebada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit , at inilatag niya sa ibabaw ng bato , mula sa pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit ; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid , o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja , na babae ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa mga lalake ng Jabes-galaad , na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng Beth-san , na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak ; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama : at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari . At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga Filisteo ay nagkaroon ng pakikidigma uli sa Israel ; at si David ay lumusong , at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya , at nangakipagbaka laban sa mga Filisteo . At si David ay napagod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Isbi-benob , na sa mga anak ng higante ; na ang bigat ng sibat niya ay tatlong daang siklong tanso , na palibhasa&apos;y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t sinaklolohan siya ni Abisai na anak ni Sarvia , at sinaktan ang Filisteo , at pinatay niya . Nang magkagayo&apos;y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David , na nangagsasabi , Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka , upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , pagkatapos nito , na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob ; nang magkagayo&apos;y sinaktan ni Sibechai na Husathita si Saph , na sa mga anak ng higante .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob ; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim , na Bethlehemita , si Goliath na Getheo , na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa Gath , na doo&apos;y may isang lalaking lubhang mataas , na mayroon sa bawa&apos;t kamay na anim na daliri , at sa bawa&apos;t paa&apos;y anim na daliri , na dalawang pu&apos;t apat sa bilang : at siya ay ipinanganak din sa higante .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang kaniyang hamunin ang Israel , ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath ; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David , at ng kamay ng kaniyang mga lingkod .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway , at sa kamay ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Ang Panginoo&apos;y aking malaking bato at aking katibayan , at tagapagligtas sa akin , sa makatuwid baga&apos;y akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Dios , ang aking malaking bato , na sa kaniya ako&apos;y manganganlong : Aking kalasag , at siyang sungay ng aking kaligtasan , aking matayog na moog at ampunan sa akin ; Tagapagligtas sa akin , ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin : Sa ganya&apos;y maliligtas ako sa aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin ; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin : Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon ; Oo , ako&apos;y tumawag sa aking Dios : At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo , At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y umuga ang lupa at nayanig . Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos . At nangauga , sapagka&apos;t siya&apos;y nagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong , At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok : Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba : At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y sumakay sa isang querubin at lumipad : Oo , siya&apos;y nakita sa mga pakpak ng hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya . Na nagpisan ng tubig , ng masisinsing alapaap sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Panginoo&apos;y kumulog sa langit , At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagpahilagpos ng mga palaso , at pinangalat niya sila ; Kumidlat , at nangatulig sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw , Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita . Dahil sa saway ng Panginoon , Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Siya&apos;y nagsugo mula sa itaas , kaniyang kinuha ako ; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway , Sa nangagtatanim sa akin ; sapagka&apos;t sila&apos;y totoong malakas kay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sila&apos;y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko : Nguni&apos;t ang Panginoon ay siyang alalay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako : Kaniyang iniligtas ako , sapagka&apos;t kaniyang kinalugdan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran : Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t aking iningatan ang mga daan ng Panginoon , At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko : At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ako rin nama&apos;y sakdal sa harap niya , At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya&apos;t ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran ; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa maawain ay magpapakamaawain ka ; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa dalisay ay magpapakadalisay ka ; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas : Nguni&apos;t ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas , upang iyong papagpakumbabain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ikaw ang aking ilawan , Oh Panginoon : At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong : Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Tungkol sa Dios , ang kaniyang lakad ay sakdal ; Ang salita ng Panginoon ay subok ; Siya&apos;y kalasag sa lahat ng sa kaniya&apos;y kumakanlong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t sino ang Dios , liban sa Panginoon ? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang Dios ay aking matibay na katibayan : At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa ; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma . Na anopa&apos;t binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas : At pinadakila ako ng iyong kaamuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko , At ang aking mga paa ay hindi nadulas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay ; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila&apos;y nalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At aking pinaglilipol , at aking pinagsasaktan sila , na anopa&apos;t sila&apos;y hindi nangakabangon : Oo , sila&apos;y nangabuwal sa paanan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t ako&apos;y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka : Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway , Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sila&apos;y nagsitingin , nguni&apos;t walang mangagligtas : Sa Panginoon , nguni&apos;t hindi niya sinagot sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nang magkagayo&apos;y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa ; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan , at akin silang pinapangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan : Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa ; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin . Pagkarinig nila tungkol sa akin , sila&apos;y magsisitalima sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay , At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang Panginoon ay buhay ; at purihin nawa ang aking malaking bato ; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sa makatuwid baga&apos;y ang Dios na ipinanghihiganti ako . At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At inilalabas ako sa aking mga kaaway : Oo , iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin : Inililigtas mo ako sa marahas na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Kaya&apos;t pasasalamat ako sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bansa , At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari : At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis , Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga huling salita ni David . Sinabi ni David na anak ni Isai , At sinabi ng lalake na pinapangibabaw , Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob , At kalugodlugod na mangaawit sa Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko , At ang kaniyang salita ay suma aking dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinabi ng Dios ng Israel , Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin : Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran , Na mamamahala sa katakutan sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat , Sa isang umagang walang mga alapaap ; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa , Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios ; Gayon ma&apos;y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan , Maayos sa lahat ng mga bagay , at maasahan : Sapagka&apos;t siyang aking buong kaligtasan , at buong nasa . Bagaman hindi niya pinatubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik , Sapagka&apos;t hindi nila matatangnan ng kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi ang lalake na humipo sa kanila , Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat ; At sila&apos;y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David : Si Josebbasebet na Tachemonita , na pinuno ng mga kapitan ; na siya ring si Adino na Eznita , na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagkatapos niya&apos;y si Eleazar , na anak ni Dodo , na anak ng isang Ahohita , na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David , nang sila&apos;y mangakipagaway sa mga Filisteo , na nangapipisan doon upang makipagbaka , at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y bumangon , at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay , at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak : at ang Panginoo&apos;y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon : at ang bayan ay bumalik na kasunod niya , upang manamsam lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagkatapos niya&apos;y si Samma na anak ni Age , na Araita . At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong , na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas ; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t siya&apos;y tumayo sa gitna ng putol na yaon , at ipinagsanggalang niya , at pinatay ang mga Filisteo : at ang Panginoo&apos;y gumawa ng dakilang pagtatagumpay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa yungib ng Adullam ; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa libis ng Rephaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si David nga&apos;y nasa katibayan , at ang pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagnais si David , at nagsabi , Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem , na nasa tabi ng pintuang-bayan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo , at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem , na nasa siping ng pintuang bayan , at kinuha , at dinala kay David : nguni&apos;t hindi niya ininom yaon , kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Malayo sa akin , Oh Panginoon , na aking gawin ito : iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay ? kaya&apos;t hindi niya ininom . Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Abisai , na kapatid ni Joab , na anak ni Sarvia , ay pinuno ng tatlo . At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila , at nagkapangalan sa tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo ? kaya&apos;t siya&apos;y ginawang punong kawal nila : gayon ma&apos;y hindi siya umabot sa unang tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Benaia , na anak ni Joiada , na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel , na gumawa ng makapangyarihang gawa , na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab ; siya&apos;y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake : at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay ; nguni&apos;t siya&apos;y nilusong niyang may tungkod , at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto , at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias , na anak ni Joiada , at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siya&apos;y marangal kay sa tatlongpu , nguni&apos;t sa unang tatlo&apos;y hindi siya umabot . At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu ; si Elhaanan na anak ni Dodo , na taga Bethlehem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Si Samma na Harodita , si Elica na Harodita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Si Heles na Paltita , si Hira na anak ni Jecces na Tecoita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Abiezer na Anathothita , si Mebunai na Husatita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Si Selmo na Hahohita , si Maharai na Netophathita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Si Helec na anak ni Baana , na Netophathita , si Ithai na anak ni Ribai , na taga Gabaa , sa mga anak ng Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Si Benaia na Pirathonita , si Hiddai sa mga batis ng Gaas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Si Abi-albon na Arbathita , si Azmaveth na Barhumita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Eliahba na Saalbonita , ang mga anak ni Jassen , si Jonathan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Si Samma na Ararita , si Ahiam na anak ni Sarar , na Ararita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Si Elipheleth na anak ni Asbai , na anak ni Maachateo , si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Si Hesrai na Carmelita , si Pharai na Arbita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba , si Bani na Gadita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Si Selec na Ammonita , si Naharai na Beerothita , na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Si Ira na Ithrita , si Gareb na Ithrita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Si Uria na Hetheo : silang lahat ay tatlong pu&apos;t pito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang galit ng Panginoon ay nagalab uli laban sa Israel , at kaniyang kinilos si David laban sa kanila , na sinabi , Ikaw ay yumaon , iyong bilangin ang Israel at Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo , na kasama niya , Magparoo&apos;t parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , at bilangin ninyo ang bayan , upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Joab sa hari , Ngayo&apos;y dagdagan ng Panginoon mong Dios ang bayan , sa gaano man karami sila , ng makaisang daan pa ; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari : nguni&apos;t bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab , at laban sa mga puno ng hukbo . At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y nagsitawid ng Jordan , at nagsihantong sa Aroer sa dakong kanan ng bayan na nasa gitna ng libis ng Gad , at sa Jazer :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Saka sila nagsiparoon sa Galaad , at sa lupain ng Tatimhodsi ; at sila&apos;y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro , at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo , at ng mga Cananeo ; at sila&apos;y nagsilabas sa timugan ng Juda , sa Beer-seba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayon nang sila&apos;y makapagparoo&apos;t parito na , sa buong lupain , ay nagsiparoon sila sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawang pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan ; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak ; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan . At sinabi ni David sa Panginoon , Ako&apos;y nagkasala ng malaki sa aking nagawa : nguni&apos;t ngayo&apos;y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod ; sapagka&apos;t aking ginawa ng buong kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang bumangon si David sa kinaumagahan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta Gad na tagakita ni David , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David , Ganito ang sabi ng Panginoon , Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay ; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y naparoon si Gad kay David , at nagsaysay sa kaniya : at nagsabi sa kaniya , Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain ? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila ? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain ? ngayo&apos;y muniin mo , at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni David kay Gad , Ako&apos;y nasa totoong kagipitan : mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon ; sapagka&apos;t ang kaniyang mga kaawaan ay dakila : at huwag akong mahulog sa kamay ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon : at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan , at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan , Siya na ; ngayo&apos;y itigil mo ang iyong kamay . At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nagsalita si David sa Panginoon , nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan , at nagsabi , Narito , ako&apos;y nagkasala , at ako&apos;y gumawa ng kalikuan ; nguni&apos;t ang mga tupang ito , ano ang ginawa ? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin , at laban sa sangbahayan ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David , at nagsabi sa kaniya , Ikaw ay yumaon , magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si David ay umahon ayon sa sinabi ni Gad , kung paanong iniutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tumanaw si Arauna , at nakita ang hari , at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya ; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Arauna : Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod ? At sinabi ni David , Upang bilhin ang giikan sa iyo , na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon , upang ang salot ay magtigil sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Arauna kay David , Kunin ng aking panginoon na hari , at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti : narito , ang mga baka na panghandog na susunugin , at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang lahat na ito , Oh hari , ibinibigay ni Arauna sa hari . At sinabi ni Arauna sa hari , Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng hari kay Arauna , Huwag ; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga : hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman . Sa gayo&apos;y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon , at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan . Sa gayo&apos;y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain , at ang salot ay tumigil sa Israel .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "11">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na ; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot , nguni&apos;t siya&apos;y hindi naiinitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya , Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga : at patayuin siya sa harap ng hari , at libangin niya siya ; at mahiga siya sa iyong sinapupunan , upang ang aking panginoon na hari ay mainitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel , at nasumpungan si Abisag na Sunamita , at dinala sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang dalaga ay totoong maganda : at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya ; nguni&apos;t hindi siya ginalaw ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nagmataas si Adonia na anak ni Haggith , na nagsabi , Ako&apos;y magiging hari : at siya&apos;y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo , at limang pung lalaking mananakbo sa unahan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man , na nagsabi , Bakit ka gumawa ng ganyan ? at siya&apos;y totoong makisig na lalake rin naman ; at siya&apos;y ipinanganak na kasunod ni Absalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia , at sa saserdoteng kay Abiathar : at pagsunod nila kay Adonia ay nagsitulong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t si Sadoc na saserdote , at si Benaia na anak ni Joiada , at si Nathan na propeta , at si Semei , at si Reihi , at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David , ay hindi kasama ni Adonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nagpatay si Adonia ng mga tupa , at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth , na nasa tabi ng Enrogel : at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari , at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t si Nathan na propeta , at si Benaia , at ang mga makapangyarihang lalake , at si Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon , na nagsasabi , Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith , at hindi nalalaman ni David na ating panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon nga&apos;y parito ka , isinasamo ko sa iyo , na bigyang payo kita , upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay , at ang buhay ng iyong anak na si Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay yumaon , at pasukin mo ang haring si David , at sabihin mo sa kaniya , Di ba , panginoon ko , isinumpa mo sa iyong lingkod , na iyong sinasabi , Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko , at siya&apos;y uupo sa aking luklukan ? bakit nga maghahari si Adonia ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari , ay papasok naman ako na kasunod mo , at aking patototohanan ang iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid ; at ang hari ay totoong matanda na ; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari . At sinabi ng hari , Anong ibig mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya sa kaniya , Panginoon ko , isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod , na sinasabi , Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko , at siya&apos;y uupo sa aking luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ngayo&apos;y narito , si Adonia ay naghahari ; at ikaw , panginoon ko na hari , ay hindi mo nalalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y pumatay ng mga baka , at mga pinataba , at tupa na sagana , at tinawag ang lahat na anak ng hari , at si Abiathar na saserdote , at si Joab na puno ng hukbo : nguni&apos;t si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ikaw , panginoon ko na hari , ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo , upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa ibang paraa&apos;y mangyayari , na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang , na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At , narito , samantalang siya&apos;y nakikipagsalitaan pa sa hari , ay pumasok si Nathan na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang isinaysay sa hari , na sinasabi , Narito , si Nathan na propeta . At nang siya&apos;y dumating sa harap ng hari , siya&apos;y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Nathan , Panginoon ko , Oh hari , iyo bang sinabi , Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko , at siya&apos;y uupo sa aking luklukan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t siya&apos;y lumusong nang araw na ito , at nagpatay ng mga baka , at mga pinataba , at mga tupa na sagana , at tinawag ang lahat na anak ng hari , at ang mga puno ng hukbo , at si Abiathar na saserdote ; at , narito , sila&apos;y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi , Mabuhay ang haring si Adonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t ako , akong iyong lingkod , at si Sadoc na saserdote , at si Benaia na anak ni Joiada , at ang iyong lingkod na si Salomon , hindi niya tinawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari , at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang haring si David , at nagsabi , Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba . At siya&apos;y pumasok sa harap ng hari , at tumayo sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sumumpa ang hari , at nagsabi , Buhay ang Panginoon , na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng karalitaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon , na Dios ng Israel , na sinasabi , Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko , at siya&apos;y uupo sa aking luklukan na kahalili ko ; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa , at nagbigay galang sa hari , at nagsabi , Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ng haring si David , Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote , at si Nathan na propeta , at si Benaia na anak ni Joiada . At sila&apos;y pumasok sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi ng hari sa kanila , Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon , at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula , at ilusong ninyo siya sa Gihon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel : at kayo&apos;y magsihihip ng pakakak , at magsipagsabi , Mabuhay ang haring si Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kung magkagayo&apos;y magsisiahon kayong kasunod niya , at siya&apos;y paririto , at uupo sa aking luklukan : sapagka&apos;t siya&apos;y magiging hari , na kahalili ko : at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari , at nagsabi , Siya nawa : ang Panginoon , ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa gayo&apos;y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta , at si Benaia na anak ni Joiada , at ang mga Ceretheo , at ang mga Peletheo ay nagsibaba , at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David , at dinala sa Gihon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa Tolda , at pinahiran ng langis si Salomon . At sila&apos;y humihip ng pakakak ; at ang buong bayan ay nagsabi , Mabuhay ang haring si Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya , at ang bayan ay humihip ng mga plauta , at nangagalak ng malaking pagkagalak , anopa&apos;t ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain . At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak , ay kaniyang sinabi , Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Samantalang siya&apos;y nagsasalita pa , narito , si Jonathan na anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi , Pumasok ka ; sapagka&apos;t ikaw ay karapatdapat na tao , at nagdadala ka ng mabubuting balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At si Jonathan ay sumagot , at nagsabi kay Adonia , Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote , at si Nathan na propeta , at si Benaia na anak ni Joiada , at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At siya&apos;y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon : at sila&apos;y nagsiahong galak mula roon , na anopa&apos;t ang bayan ay umalingawngaw uli . Ito ang hugong na iyong narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At si Salomon naman ay nauupo sa luklukan ng kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At bukod dito&apos;y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David , na nagsisipagsabi , Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan , at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan ; at ang hari ay yumukod sa kaniyang higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At ganito pa ang sinabi ng hari , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito , na nakita ng aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig , at yumaon bawa&apos;t isa sa kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At natakot si Adonia dahil kay Salomon : at siya&apos;y tumindig at yumaon , at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At nasaysay kay Salomon na sinasabi , Narito , si Adonia ay natatakot sa haring Salomon : sapagka&apos;t , narito , siya&apos;y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana , na nagsasabi , Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito , na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At sinabi ni Salomon , Kung siya&apos;y pakikilalang karapatdapat na tao , ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa ; nguni&apos;t kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya&apos;y mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Sa gayo&apos;y nagsugo ang haring Salomon , at kanilang ibinaba siya mula sa dambana . At siya&apos;y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon ; at sinabi ni Salomon sa kaniya , Umuwi ka sa iyong bahay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga araw nga ni David na ikamamatay ay nalalapit ; at kaniyang ibinilin kay Salomon na kaniyang anak , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y yumayaon ng lakad ng buong lupa ; ikaw ay magpakalakas nga at magpakalalake ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios , na lumakad sa kaniyang mga daan , na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan , ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga kahatulan , at ang kaniyang mga patotoo , ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises , upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa , at saan ka man pumihit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang papagtibayin ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita tungkol sa akin , na sinasabi , Kung ang iyong mga anak ay magsisipagingat sa kanilang lakad , na lalakad sa harap ko sa katotohanan ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa , hindi ka kukulangin ( sabi niya ) ng lalake sa luklukan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bukod dito&apos;y talastas mo naman ang ginawa ni Joab na anak ni Sarvia sa akin , sa makatuwid baga&apos;y ang ginawa niya sa dalawang puno ng mga hukbo ng Israel , kay Abner na anak ni Ner , at kay Amasa na anak ni Jether na kaniyang pinatay , at ibinubo sa kapayapaan ang dugo ng pakikidigma at nabubo ang dugo ng pakikidigma sa kaniyang bigkis na nasa kaniyang mga balakang , at sa loob ng kaniyang mga pangyapak na nasa kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan , at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t pagpakitaan mo ng kagandahang loob ang mga anak ni Barzillai na Galaadita , at maging kabilang sa nagsisikain sa iyong dulang ; sapagka&apos;t gayon sila nagsilapit sa akin nang ako&apos;y tumakas kay Absalom na iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At , narito , nasa iyo si Semei na anak ni Gera na Benjamita , na taga Bahurim , na siyang sumumpa sa akin ng mahigpit na sumpa nang araw na ako&apos;y pumaroon sa Mahanaim : nguni&apos;t nilusong niyang sinalubong ako sa Jordan , at isinumpa ko sa kaniya ang Panginoon , na sinasabi , Hindi kita papatayin ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ngayon nga&apos;y huwag mong ariing walang sala , sapagka&apos;t ikaw ay lalaking pantas : at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya , at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga araw na ipinaghari ni David sa Israel ay apat na pung taon : pitong taong naghari siya sa Hebron , at tatlong pu&apos;t tatlong taong naghari siya sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Salomon ay naupo sa luklukan ni David na kaniyang ama : at ang kaniyang kaharian ay natatag na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y si Adonia na anak ni Hagith ay naparoon kay Bath-sheba na ina ni Salomon . At kaniyang sinabi , Naparirito ka bang payapa ? At sinabi niya , Payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaniyang sinabi bukod dito : Mayroon pa akong sasabihin sa iyo . At sinabi niya , Sabihin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Talastas mo na ang kaharian ay naging akin , at itinitig ng buong Israel ang kanilang mukha sa akin , upang ako&apos;y maghari : gayon ma&apos;y ang kaharian ay nagbago , at napasa aking kapatid : sapagka&apos;t kaniya sa ganang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ngayo&apos;y hihingi ako ng isang hiling sa iyo , huwag mo akong pahindian . At sinabi niya sa kaniya , Sabihin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Isinasamo ko sa iyo na iyong salitain kay Salomon na hari , ( sapagka&apos;t hindi siya pahihindi sa iyo , ) na ibigay niyang asawa sa akin si Abisag na Sunamita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Bath-sheba , Mabuti ; aking ipakikiusap ka sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Bath-sheba nga&apos;y naparoon sa haring Salomon , upang ipakiusap sa kaniya si Adonia . At tumindig ang hari na sinalubong siya , at yumukod siya sa kaniya , at umupo sa kaniyang luklukan , at nagpalagay ng luklukan para sa ina ng hari ; at siya&apos;y naupo sa kaniyang kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Ako&apos;y humihingi ng isang munting hiling sa iyo : huwag mo akong pahindian . At sinabi ng hari sa kaniya , Hilingin mo , ina ko : sapagka&apos;t hindi kita pahihindian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya , Ibigay mong asawa si Abisag na Sunamita sa iyong kapatid na kay Adonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang haring Salomon ay sumagot , at nagsabi sa kaniyang ina , At bakit mo hinihiling si Abisag na Sunamita para kay Adonia ? hilingin mo para sa kaniya pati ng kaharian ; sapagka&apos;t siya&apos;y aking matandang kapatid ; oo , para sa kaniya , at kay Abiathar na saserdote , at kay Joab na anak ni Sarvia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y isinumpa ng haring Salomon ang Panginoon , na sinasabi , Hatulan ako ng Dios , at lalo na kung si Adonia ay hindi nagsalita ng salitang ito laban sa kaniyang sariling buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ngayon nga&apos;y buhay ang Panginoon , na nagtatag sa akin , at naglagay sa akin sa luklukan ni David na aking ama , at siyang gumawa sa akin ng isang bahay , gaya ng kaniyang ipinangako , tunay na si Adonia ay papatayin sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagsugo ang haring Salomon sa pamamagitan ng kamay ni Benaia na anak ni Joiada ; at siyang dumaluhong sa kaniya , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari , Umuwi ka sa Anathoth , sa iyong sariling mga bukid ; sapagka&apos;t ikaw ay karapatdapat sa kamatayan : nguni&apos;t sa panahong ito&apos;y hindi kita papatayin , sapagka&apos;t iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama , at sapagka&apos;t ikaw ay napighati sa lahat ng kinapighatian ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa gayo&apos;y inalis ni Salomon si Abiathar sa pagkasaserdote sa Panginoon upang kaniyang tuparin ang salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita tungkol sa sangbahayan ni Eli , sa Silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga balita ay dumating kay Joab : sapagka&apos;t si Joab ay umanib kay Adonia , bagaman hindi siya umanib kay Absalom . At si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon , at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nasaysay sa haring Salomon , Si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon , at , narito , siya&apos;y nasa siping ng dambana . Nang magkagayo&apos;y sinugo niya si Benaia na anak ni Joiada , na sinasabi , Ikaw ay yumaon , daluhungin mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Benaia ay naparoon sa Tolda ng Panginoon , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng hari , Lumabas ka . At kaniyang sinabi , Hindi ; kundi ako&apos;y mamamatay rito , At dinala ni Benaia sa hari ang salita uli , na sinasabi , Ganito ang sinabi ni Joab , at ganito ang isinagot sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ng hari sa kaniya , Gawin kung paano ang sinabi niya , at daluhungin mo siya , at ilibing mo siya ; upang iyong maalis ang dugo na ibinubo ni Joab ng walang kadahilanan sa akin at sa sangbahayan ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ibabalik ng Panginoon ang kaniyang dugo sa kaniyang sariling ulo , sapagka&apos;t siya&apos;y dumaluhong sa dalawang lalake , na lalong matuwid , at maigi kay sa kaniya , at mga pinatay ng tabak , at hindi nalalaman ng aking amang si David , sa makatuwid baga&apos;y si Abner na anak ni Ner , na puno ng hukbo ng Israel , at si Amasa na anak ni Jether , na puno ng hukbo ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa gayo&apos;y ang kanilang dugo ay mababalik sa ulo ni Joab , at sa ulo ng kaniyang binhi magpakailan man : nguni&apos;t kay David , at sa kaniyang binhi , at sa kaniyang sangbahayan , sa kaniyang luklukan ay magkakaroon ng kapayapaan magpakailan man na mula sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nang magkagayo&apos;y sinampa ni Benaia na anak ni Joiada , at dinaluhong siya , at pinatay siya ; at siya&apos;y inilibing sa kaniyang sariling bahay sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At inilagay ng hari si Benaia na anak ni Joiada na kahalili niya sa hukbo : at si Sadoc na saserdote ay inilagay ng hari na kahalili ni Abiathar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei , at sinabi sa kaniya , Magtayo ka ng isang bahay sa Jerusalem , at tumahan ka roon , at huwag kang pumaroon saan man na mula roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t sa araw na ikaw ay lumabas , at tumawid sa batis ng Cedron , talastasin mong mainam , na ikaw ay walang pagsalang mamamatay : ang iyong dugo ay sasa iyong sariling ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ni Semei sa hari , Ang sabi ay mabuti : kung paanong sinabi ng aking panginoong hari , gayon gagawin ng iyong lingkod . At si Semei ay tumahan sa Jerusalem na malaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nangyari , sa katapusan ng tatlong taon , na dalawa sa mga alipin ni Semei ay tumanan na pumaroon kay Achis , na anak ni Maacha , hari sa Gath . At kanilang sinaysay kay Semei , na sinasabi , Narito , ang iyong mga alipin ay nasa Gath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At tumindig si Semei , at siniyahan ang kaniyang asno , at napasa Gath kay Achis , upang hanapin ang kaniyang mga alipin : at si Semei ay yumaon at dinala ang kaniyang mga alipin mula sa Gath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nasaysay kay Salomon na si Semei ay naparoon sa Gath mula sa Jerusalem , at bumalik uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei , at nagsabi sa kaniya , Di ba ipinasumpa ko sa iyo ang Panginoon , at ipinatalastas kong totoo sa iyo , na aking sinasabi , Talastasin mong tunay na sa araw na ikaw ay lumabas , at yumaon saan man , ay walang pagsalang mamamatay ka ? at iyong sinabi sa akin . Ang sabi na aking narinig ay mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Bakit nga hindi mo iningatan ang sumpa sa Panginoon , at ang utos na aking ibinilin sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sinabi pa ng hari kay Semei , Iyong talastas ang buong kasamaan na nalalaman ng iyong puso , na iyong ginawa kay David na aking ama : kaya&apos;t ibabalik ng Panginoon ang iyong kasamaan sa iyong sariling ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nguni&apos;t ang haring si Salomon ay magiging mapalad , at ang luklukan ni David ay magiging matatag sa harap ng Panginoon magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa gayo&apos;y inutusan ng hari si Benaia na anak ni Joiada ; at siya&apos;y lumabas , at dumaluhong sa kaniya , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay . At ang kaharian ay matatag sa kamay ni Salomon ,</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon , at dinala niya sa bayan ni David , hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay , at ang bahay ng Panginoon , at ang kuta ng Jerusalem sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako , sapagka&apos;t walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inibig ni Salomon ang Panginoon , na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama : siya&apos;y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon ; sapagka&apos;t yaon ang pinakamataas na dako ; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi : at sinabi ng Dios , Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Salomon , Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob , ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan , at sa katuwiran , at sa katapatan ng puso sa iyo ; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob , na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ngayon , Oh Panginoon kong Dios , iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama ; at ako&apos;y isang munting bata lamang ; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili , isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan , upang aking makilala ang mabuti at ang masama ; sapagka&apos;t sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon , na hiningi ni Salomon ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Dios sa kaniya , Sapagka&apos;t iyong hiningi ang bagay na ito , at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay ; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan , o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway ; kundi hiningi mo sa iyo&apos;y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , aking ginawa ayon sa iyong salita : narito , aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso ; na anopa&apos;t walang naging gaya mo na una sa iyo , o may babangon mang sinoman pagkamatay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi , ang kayamanan at gayon din ang karangalan , na anopa&apos;t walang magiging gaya mo sa mga hari , sa lahat ng iyong mga kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan , upang ingatan ang aking mga palatuntunan , at ang aking mga utos , gaya ng inilakad ng iyong amang si David , ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagising si Salomon , at narito , yao&apos;y isang panaginip : at siya&apos;y naparoon sa Jerusalem , at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon , at naghandog ng mga handog na susunugin , at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan , at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot , at nagsitayo sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng isang babae , Oh panginoon ko , ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay ; at ako&apos;y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang ikatlong araw pagkatapos na ako&apos;y makapanganak , na ang babaing ito&apos;y nanganak naman ; at kami ay magkasama ; walang iba sa amin sa bahay , liban sa kaming dalawa sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan ; sapagka&apos;t kaniyang nahigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y bumangon sa hating gabi , at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko , samantalang ang iyong lingkod ay natutulog , at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan , at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang ako&apos;y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak , narito , siya&apos;y patay : nguni&apos;t nang aking kilalanin ng kinaumagahan , narito , hindi ang aking anak na aking ipinanganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng isang babae , Hindi ; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak . At sinabi ng isa : Hindi ; kundi ang patay ay ang iyong anak , at ang buhay ay siyang aking anak . Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari , Ang isa&apos;y nagsasabi , Ang aking anak ay ang buhay , at ang iyong anak ay ang patay : at ang isa&apos;y nagsasabi , Hindi ; kundi ang iyong anak ay ang patay , at ang aking anak ay ang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng hari , Dalhan ninyo ako ng isang tabak . At sila&apos;y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ng hari , Hatiin ng dalawa ang buhay na bata , at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari , sapagka&apos;t ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak , at sinabi niya , Oh panginoon ko , ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata , at sa anomang paraa&apos;y huwag mong patayin . Nguni&apos;t ang sabi ng isa , Hindi magiging akin ni iyo man ; hatiin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang hari at nagsabi , ibigay sa kaniya ang buhay na bata , at sa anomang paraa&apos;y huwag patayin : siya ang ina niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari ; at sila&apos;y nangatakot sa hari : sapagka&apos;t kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya , upang gumawa ng kahatulan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang haring Salomon , ay hari sa buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ito ang mga naging prinsipe na napasa kaniya : si Azarias , na anak ng saserdoteng si Sadoc .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Elioreph at si Ahia , na mga anak ni Sisa , ay mga kalihim ; si Josaphat na anak ni Ahilud , ay kasangguni ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Benaia , na anak ni Joiada ay nangungulo sa hukbo ; at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno ; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa , na kaibigan ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay ; at si Adoniram na anak ni Abda ay nasa mga magpapabuwis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel , na sila ang nag-iimbak ng pagkain ukol sa hari , at sa kaniyang sangbahayan : bawa&apos;t isa sa kanila&apos;y nag-iimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa&apos;t taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ito ang kanilang mga pangalan : si Ben-hur sa lupaing maburol ng Ephraim :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Ben-dacer , sa Maccas , at sa Saalbim , at sa Beth-semes , at sa Elonbeth-hanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Si Ben-hesed , sa Aruboth ( sa kaniya&apos;y nauukol ang Socho , at ang buong lupain ng Ephet : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor ( na ang asawa&apos;y si Taphat na anak ni Salomon : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Baana na anak ni Ahilud sa Taanach , at sa Megiddo , at sa buong Beth-san na nasa siping ng Zaretan , sa ibaba ng Jezreel , mula sa Bethsan hanggang sa Abel-mehola , na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Ben-geber , sa Ramoth-galaad ; ( sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases , na nasa Galaad ; sa makatuwid baga&apos;y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob , na nasa Basan , anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Ahinadab , anak ni Iddo sa Mahanaim :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Si Ahimaas , sa Nephtali ; ( Ito rin ang nagasawa kay Basemath na anak na babae ni Salomon . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Si Baana , na anak ni Husai sa Aser at sa Alot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Si Josaphat , na anak ni Pharua sa Issachar :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si Semei , na anak ni Ela sa Benjamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Geber , na anak ni Uri sa lupain ng Galaad , na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo , at ni Og na hari sa Basan ; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Juda at ang Israel ay marami , na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan , na nagkakainan , at nagiinuman , at nagkakatuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Salomon ay nagpupuno sa lahat ng kaharian na mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo , at hanggang sa hangganan ng Egipto : sila&apos;y nagsipagdala ng mga kaloob , at nagsipaglingkod kay Salomon lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang pagkain ni Salomon sa isang araw ay tatlong pung takal ng mainam na harina , at anim na pung takal na harina ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sangpung matabang baka , at dalawang pung baka na mula sa pastulan , at isang daang tupa , bukod pa ang mga usang lalake at babae , at mga usang masungay , at mga pinatabang hayop na may pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t sakop niya ang buong lupain ng dakong ito ng Ilog , mula sa Tiphsa hanggang sa Gaza , sa lahat ng mga hari sa dakong ito ng Ilog : at siya&apos;y may kapayapaan sa lahat ng mga dako sa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay , na bawa&apos;t tao&apos;y sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , sa lahat ng kaarawan ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At mayroon si Salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo , at labing dalawang libong mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ipinag-imbak ng mga katiwalang yaon ng pagkain ang haring Salomon , at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang buwan : walang nagkulang na anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sebada naman at dayami sa mga kabayo , at sa mga matuling kabayo ay nagsipagdala sila sa dakong kinaroroonan ng mga pinuno , bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kaniyang katungkulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan , at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso , gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak ng silanganan , at kay sa buong karunungan ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t lalong pantas kay sa lahat ng mga tao ; kay sa kay Ethan na Ezrahita , at kay Eman , at kay Calchol , at kay Darda , na mga anak ni Mahol : at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At siya&apos;y nagsalita ng tatlong libong kawikaan ; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At siya&apos;y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy , mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader : siya&apos;y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop , at sa mga ibon , at sa nagsisiusad at sa mga isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan , upang marinig ang karunungan ni Salomon na mula sa lahat na hari sa lupa , na nakabalita ng kaniyang karunungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon ; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya&apos;y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama , sapagka&apos;t si Hiram ay naging laging maibigin kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Salomon ay nagsugo kay Hiram , na kaniyang sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya sa bawa&apos;t dako , hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ngayo&apos;y binigyan ako ng Panginoon kong Dios ng katiwasayan sa bawa&apos;t dako ; wala kahit kaaway , o masamang pangyayari man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At , narito , ako&apos;y tumalagang ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios , gaya ng sinalita ng Panginoon kay David na aking ama , na nagsasabi , Ang iyong anak na aking iuupo sa iyong luklukan na kahalili mo , siya ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ngayon nga&apos;y ipagutos mo na iputol nila ako ng mga puno ng sedro sa Libano ; at ang aking mga bataan ay makakasama ng iyong mga bataan : at aking bibigyan ka ng kaupahan sa iyong mga bataan ayon sa lahat na iyong sasabihin : sapagka&apos;t iyong talastas na wala sinoman sa amin na makapagdadaras ng mga kahoy ng gaya ng mga Sidonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari nang mabalitaan ni Hiram ang mga salita ni Salomon , na siya&apos;y nagalak na mainam , at nagsabi , Purihin ang Panginoon sa araw na ito , na nagbigay kay David ng isang pantas na anak , sa malaking bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Hiram ay nagsugo kay Salomon , na nagsasabi , Aking narinig ang pasugo na iyong ipinasugo sa akin : aking gagawin ang iyong buong nasa tungkol sa kahoy na sedro , at tungkol sa kahoy na abeto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang aking mga bataan ay magsisipagbaba mula sa Libano hanggang sa dagat : at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong pagtuturuan sa akin , at aking ipakakalag doon , at iyong tatanggapin : at iyong tutuparin ang aking nasa , sa pagbibigay ng pagkain sa aking sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y binigyan ni Hiram si Salomon ng kahoy na sedro , at kahoy na abeto ayon sa kaniyang buong nasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At binigyan ni Salomon si Hiram ng dalawang pung libong takal na trigo na pinaka pagkain ng kaniyang sangbahayan , at dalawang pung takal na taganas na langis ; ganito binigyan ni Salomon si Hiram sa taon-taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan , gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya ; at may kapayapaan si Hiram at si Salomon ; at silang dalawa&apos;y gumawa ng kasunduan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel ; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa&apos;t buwan na halinhinan : isang buwan ay nasa Libano , at dalawang buwan ay sa bahay : at si Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Salomon ay may pitong pung libong nagsisipagdala ng mga pasan at walong pung libong mangdadaras sa bundukin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod pa ang mga kapatas ni Salomon na nasa gawain , na tatlong libo at tatlong daan , na nagpupuno sa mga taong nagsisigawa ng gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang hari ay nagutos , at nagsitibag sila ng malalaking bato , ng mga mahahalagang bato , upang ilagay ang tatagang-baon ng bahay na gumagamit ng mga batong tabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At tinabas ng mga tagapagtayo ni Salomon , at ng mga tagapagtayo ni Hiram at ng mga Gebalita , at inihanda ang mga kahoy , at ang mga bato upang itayo ang bahay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto , nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel , nang buwan ng Ziph , na ikalawang buwan , na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon , ang haba niyao&apos;y anim na pung siko , at ang luwang ay dalawang pung siko , at ang taas ay tatlong pung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang portiko sa harap ng templo ng bahay , may dalawang pung siko ang haba , ayon sa luwang ng bahay ; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iginawa ang bahay ng mga dungawan na may silahia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot , sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa sanggunian : at siya&apos;y gumawa ng mga silid sa tagiliran sa palibot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang , at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang , at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang : sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot , upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang bahay , nang ginagawa , ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato : at wala kahit pamukpok o palakol man , o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay , samantalang itinatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay : at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado , at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon itinayo niya ang bahay , at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay , na bawa&apos;t isa&apos;y limang siko ang taas : at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo , kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan , at gagawin ang aking mga kahatulan , at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran ; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo , na aking sinalita kay David na iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ako&apos;y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel , at hindi ko pababayaan ang aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon itinayo ni Salomon ang bahay , at tinapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro ; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame , na kaniyang binalot ng kahoy sa loob ; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay , ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas : na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian , sa makatuwid baga&apos;y ukol sa kabanalbanalang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang bahay , sa makatuwid baga&apos;y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak : lahat ay sedro ; walang batong makikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay , upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba , at dalawang pung siko ang luwang , at dalawang pung siko ang taas : at binalot niya ng taganas na ginto : at binalot niya ng sedro ang dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto : at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian ; at binalot ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At binalot ng ginto ang buong bahay , hanggang sa ang bahay ay nayari : gayon din ang buong dambana na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin na kahoy na olibo , na bawa&apos;t isa&apos;y may sangpung siko ang taas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At limang siko ang isang pakpak ng querubin , at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin : mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang isang querubin ay sangpung siko : ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko , at gayon din ang isang querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay : at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa&apos;t ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig , at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig ; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin , at ng mga puno ng palma , at ng mga bukang bulaklak , sa loob at sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto , sa loob at sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa pasukan ng sanggunian , siya&apos;y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo : ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa gayo&apos;y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo ; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin , at mga puno ng palma , at mga bukang bulaklak , at binalot niya ng ginto ; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin , at sa mga puno ng palma ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa gayo&apos;y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo , sa ikaapat na bahagi ng panig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At dalawang pinto na kahoy na abeto ; ang dalawang pohas ng isang pinto ay naititiklop , at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kaniyang pinagukitan ng mga querubin , at mga puno ng palma , at mga bukang bulaklak ; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kaniyang ginawa ang loob na looban , na tatlong hanay na batong tabas , at isang hanay na sikang na kahoy na sedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang ikaapat na taon , sa buwan ng Ziph , inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nang ikalabing isang taon , sa buwan ng Bul , na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon , at ayon sa buong anyo niyaon . Na anopa&apos;t pitong taong ginawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At itinayo ni Salomon ang kaniyang sariling bahay na labing tatlong taon , at kaniyang nayari ang kaniyang buong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kaniyang itinayo ang bahay na kahoy sa gubat ng Libano ; ang haba&apos;y isang daang siko , at ang luwang ay limang pung siko , at ang taas ay tatlong pung siko , sa apat na hanay na haliging sedro na may sikang na sedro sa ibabaw ng mga haligi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At binubungan ng sedro sa ibabaw ng apat na pu&apos;t limang sikang , na nasa ibabaw ng mga haligi ; labing lima sa isang hanay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At may mga dungawan sa tatlong grado , at ang liwanag ng mga yaon ay nangagkakatapatan , sa tatlong grado .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lahat na pintuan at mga haligi ay pawang parisukat ang anyo : at ang mga liwanag ay nangagkakatapatan , sa tatlong grado .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y gumawa ng portiko na may mga haligi : ang haba niyao&apos;y limang pung siko , at ang luwang niyao&apos;y tatlong pung siko , at may isang portiko na nasa harap ng mga yaon ; at mga haligi at sikang ang nangasa harap ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang ginawa ang portiko ng luklukan na kaniyang paghuhukuman , sa makatuwid baga&apos;y ang portiko ng hukuman : at nababalot ng sedro sa lapag at lapag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang kaniyang bahay na tahanan , ibang looban sa loob ng portiko ay sa gayon ding gawa . Kaniyang iginawa rin naman ng bahay ang anak na babae ni Faraon ( na naging asawa ni Salomon ) na hawig portikong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang lahat na ito&apos;y mga mahalagang bato , sa makatuwid baga&apos;y mga batong tabas , ayon sa sukat , na nilagari ng mga lagari , sa labas at sa loob , mula sa mga tatagang-baon hanggang sa kataastaasan , at gayon sa labas hanggang sa malaking looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang tatagang-baon ay mga mahalagang bato , sa makatuwid baga&apos;y mga malaking bato , mga batong may sangpung siko , at mga batong may walong siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa ibabaw ay may mga mahalagang bato , sa makatuwid baga&apos;y mga batong tabas , ayon sa sukat , at kahoy na sedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang malaking looban sa palibot ay may tatlong hanay ng batong tabas , at isang hanay na sikang na sedro ; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon , at ng portiko ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagsugo ang haring Salomon , at ipinasundo si Hiram sa Tiro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y anak ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali , at ang kaniyang ama ay lalaking taga Tiro , na manggagawa sa tanso ; at siya&apos;y puspos ng karunungan , at katalinuhan , at kabihasahan , upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso . At siya&apos;y naparoon sa haring Salomon , at ginawa ang lahat niyang gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kaniyang tinabas ang dalawang haligi na tanso , na may labing walong siko ang taas ng bawa&apos;t isa : at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso , upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi : ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">May mga yaring nilambat , at mga tirintas na yaring tinanikala , na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi ; pito sa isang kapitel , at pito sa kabilang kapitel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gayon ginawa niya ang mga haligi : at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat , upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi ; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi sa portiko ay mga yaring lila , na apat na siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi , na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat : at ang mga granada ay dalawang daan , na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo : at kaniyang itinayo ang kanang haligi , at pinanganlang Jachin : at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi , at pinanganlang Boaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila : sa gayo&apos;y ang gawain sa mga haligi ay nayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi&apos;t labi , na lubos na mabilog , at ang taas ay limang siko : at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot , na sangpu sa bawa&apos;t siko , na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot : ang mga kulukuti ay dalawang hanay , na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka , ang tatlo&apos;y nakaharap sa dakong hilagaan , ang tatlo&apos;y nakaharap sa dakong kalunuran , ang tatlo&apos;y nakaharap sa dakong timugan , at ang tatlo&apos;y nakaharap sa dakong silanganan ; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon , at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal ; at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa , gaya ng bulaklak na lila : naglalaman ng dalawang libong bath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y gumawa ng sangpung patungang tanso : apat na siko ang haba ng bawa&apos;t isa at apat na siko ang luwang , at tatlong siko ang taas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang pagkayari ng mga patungan ay ganitong paraan : may mga gilid na takip sa pagitan ng mga sugpong :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga sugpong ay may mga leon , mga baka , at mga querubin ; at sa itaas ng mga sugpong ay may tungtungan sa ibabaw ; at sa ibaba ng mga leon , at mga baka , ay may mga tirintas na nangagbitin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At bawa&apos;t patungan ay may apat na gulong na tanso , at mga ejeng tanso : at ang apat na paa niyao&apos;y may mga lapatan : sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo , na may mga tirintas sa siping ng bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang bunganga niyaong nasa loob ng kapitel , at ang taas ay may isang siko : at ang bunganga niyao&apos;y mabilog ayon sa pagkayari ng tungtungan , na may isang siko&apos;t kalahati : at sa bunganga naman niyao&apos;y may mga ukit , at ang mga gilid ng mga yaon ay parisukat , hindi mabilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid ; at ang mga eje ng mga gulong ay nasa patungan : at ang taas ng bawa&apos;t gulong ay isang siko at kalahati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karo : ang mga eje ng mga yaon , at ang mga Ilanta ng mga yaon , at ang mga rayos ng mga yaon at ang mga boha niyaon ay pawang binubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At may apat na lapatan sa apat na panulok ng bawa&apos;t patungan : ang mga lapatan ay kaputol ng patungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sa ibabaw ng patungan ay may isang nakababakod na mabilog na may kalahating siko ang taas : at sa ibabaw ng patunga&apos;y nandoon ang mga panghawak , at ang mga gilid ay kaputol niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa mga lamina ng mga panghawak niyaon at sa mga gilid niyaon , ay kaniyang inukitan ng mga querubin , mga leon , at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawa&apos;t isa , na may mga tirintas sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ayon sa paraang ito ay kaniyang ginawa ang sangpung patungan : lahat ng yaon ay iisa ang pagkabubo , iisa ang sukat , at iisa ang anyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At siya&apos;y gumawa ng sangpung hugasang tanso : isang hugasan ay naglalaman ng apat na pung bath : at bawa&apos;t hugasan ay may apat na siko : at sa bawa&apos;t isa sa sangpung patungan ay isang hugasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kaniyang inilagay ang mga patungan , lima sa kanang tagiliran ng bahay , at lima sa kaliwang tagiliran ng bahay : at kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa tagilirang kanan ng bahay sa dakong silanganan , na dakong timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ginawa ni Hiram ang mga hugasan , at ang mga pala , at ang mga mangkok . Gayon tinapos gawin ni Hiram ang lahat na gawa na kaniyang ginawa sa haring Salomon , sa bahay ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang dalawang haligi , at ang dalawang kabilugan sa paligid ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi ; at ang dalawang yaring lambat na nakaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang apat na raang granada sa dalawang yaring lambat ; ang dalawang hanay na granada sa bawa&apos;t yaring lambat , upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang sangpung patungan , at ang sangpung hugasan sa ibabaw ng mga patungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ang isang dagatdagatan , at ang labing dalawang baka sa ilalim ng dagatdagatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At ang mga palyok , at ang mga pala , at ang mga mangkok : sa makatuwid baga&apos;y lahat ng kasangkapang ito na ginawa ni Hiram sa haring Salomon , sa bahay ng Panginoon , ay pawang tansong binuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari , sa malagkit na lupa na nasa pagitan ng Succoth at ng Sarthan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At lahat na kasangkapan ay hindi tinimbang ni Salomon , sapagka&apos;t totoong napakarami : ang timbang ng tanso ay hindi makukuro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon : ang ginintong dambana , at ang dulang na gininto na kinaroroonan ng tinapay na handog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ang mga kandelero na taganas na ginto na lima sa dakong kanan , at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian ; at ang mga bulaklak , at ang mga ilawan , at mga pangipit na ginto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At ang mga saro , at ang mga panggupit ng micha , at ang mga mangkok , at ang mga panandok , at ang mga suuban , na taganas na ginto ; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob , na kabanalbanalang dako , at ang sa mga pinto ng bahay , sa makatuwid baga&apos;y ng templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon . At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama , ang pilak at ang ginto , at ang mga kasangkapan , at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel at ang lahat na pangulo sa mga lipi , ang mga prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel , sa haring Salomon sa Jerusalem , upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon sa kapistahan , sa buwan ng Ethanim , na siyang ikapitong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon , at binuhat ng mga saserdote ang kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon , at ang tabernakulo ng kapisanan , at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda ; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya , ay mga kasama niya sa harap ng kaban , na naghahain ng mga tupa at mga baka , na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa karoroonan , sa loob ng sanggunian ng bahay , sa kabanalbanalang dako , sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban , at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga pingga ay nangapakahaba , na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng sanggunian ; nguni&apos;t hindi nangakikita sa labas : at nandoon hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb , nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel , nang sila&apos;y lumabas sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal , na napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na anopa&apos;t ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap : sapagka&apos;t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Salomon , Ang Panginoo&apos;y nagsabi na siya&apos;y tatahan sa salimuot na kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan , ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha , at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel : at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama , at tinupad ng kaniyang kamay , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto , hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay , upang ang aking pangalan ay dumoon ; nguni&apos;t aking pinili si David upang maging pangulo sa aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon , ang Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t sinabi ng Panginoon kay David na aking ama , Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan , mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y hindi mo itatayo ang bahay ; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang , siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita : sapagka&apos;t ako&apos;y bumangon na kahalili ni David na aking ama , at nakaupo sa luklukan ng Israel , gaya ng ipinangako ng Panginoon , at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At doo&apos;y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban , na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang , nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon , sa harapan ng buong kapisanan ng Israel , at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang sinabi , Oh Panginoong Dios ng Israel , walang Dios na gaya mo , sa langit sa itaas , o sa lupa sa ibaba ; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod , na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya : oo , ikaw ay nagsalita ng iyong bibig , at ginanap mo ng iyong kamay , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ngayon nga , Oh Panginoon , na Dios ng Israel , tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya , na iyong sinasabi , Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin , na uupo sa luklukan ng Israel , kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad , na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ngayon nga , Oh Dios ng Israel , idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa ? Narito , sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya ; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon ma&apos;y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik , Oh Panginoon kong Dios , na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na anopa&apos;t ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw , sa dakong iyong sinabi , Ang aking pangalan ay doroon ; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod , at ng iyong bayang Israel , pagka sila&apos;y mananalangin sa dakong ito : oo , dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako ; at pagka iyong narinig patawarin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa , at papanumpain siya upang siya&apos;y sumumpa , at siya&apos;y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Dinggin mo nga sa langit , at iyong gawin , at hatulan mo ang iyong mga lingkod , na iyong parusahan ang masama , upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo ; at ariing-ganap ang matuwid , upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway , dahil sa sila&apos;y nagkasala laban sa iyo ; kung sila&apos;y bumalik sa iyo , at ipahayag ang iyong pangalan , at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Dinggin mo nga sa langit , at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel , at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Pagka ang langit ay nasarhan , at walang ulan , dahil sa sila&apos;y nagkasala laban sa iyo ; kung sila&apos;y dumalangin sa dakong ito , at ipahayag ang iyong pangalan , at talikdan ang kanilang kasalanan , pagka iyong pinighati sila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Dinggin mo nga sa langit , at ipatawad mo ang sala ng iyong mga lingkod , at ng iyong bayang Israel , pagka iyong tuturuan sila ng mabuting daan na kanilang dapat lakaran ; at paulanan mo ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Kung magkaroon ng kagutom sa lupain , kung magkaroon ng salot , kung magkaroon ng pagkakatuyot , o amag , balang o tipaklong , kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan ; anomang salot , anomang sakit na magkaroon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Anomang dalangin at pamanhik na gawin ng sinomang tao , o ng iyong buong bayang Israel , na makikilala ng bawa&apos;t tao ang salot sa kaniyang sariling puso , at iuunat ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako , at ikaw ay magpatawad at gumawa , at gumanti ka sa bawa&apos;t tao ayon sa lahat niyang mga lakad na ang puso ay iyong natataho ; ( sapagka&apos;t ikaw , ikaw lamang ang nakakataho ng mga puso ng lahat ng mga anak ng mga tao ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Upang sila&apos;y matakot sa iyo sa lahat ng kaarawan na kanilang ikabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Bukod dito&apos;y tungkol sa taga ibang lupa , na hindi sa iyong bayang Israel , pagka siya&apos;y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">( Sapagka&apos;t kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan , at ang iyong makapangyarihang kamay , at ang iyong unat na bisig : ) pagka siya&apos;y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako , at gawin mo ang ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa ; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan , upang matakot sa iyo , gaya ng iyong bayang Israel , at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kaniyang mga kaaway , saan mo man sila suguin , at manalangin sa Panginoon sa dako ng bayan na iyong pinili , at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik , at alalayan mo ang kanilang usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Kung sila&apos;y magkasala laban sa iyo , ( sapagka&apos;t walang tao na di nagkakasala , ) at ikaw ay magalit sa kanila , at ibigay mo sila sa kaaway , na anopa&apos;t sila&apos;y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Gayon ma&apos;y kung sila&apos;y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila , at magbalik-loob , at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag , na magsabi , Kami ay nagkasala , at kami ay gumawa ng kalikuan , kami ay gumawa ng kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kung sila&apos;y bumalik sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang mga kaaway , na nagdala sa kanilang bihag , at manalangin sa iyo sa dako ng kanilang lupain , na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang , na bayang pinili mo , at bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Dinggin mo nga ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik sa langit na iyong tahanang dako , at alalayan mo ang kanilang usap ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At patawarin mo ang iyong bayan , na nagkasala laban sa iyo , at ang lahat nilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo ; at mahabag ka sa kanila sa harap niyaong mga nagdalang bihag sa kanila , upang sila&apos;y mahabag sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">( Sapagka&apos;t sila&apos;y iyong bayan at iyong mana , na iyong inilabas sa Egipto sa gitna ng hurnong bakal ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Upang ang iyong mga mata&apos;y madilat sa dalangin ng iyong lingkod , at sa dalangin ng iyong bayang Israel , upang iyong dinggin sila sa anomang panahong kanilang idaing sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Sapagka&apos;t iyong inihiwalay sila sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa upang maging iyong mana , gaya ng iyong sinalita sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod nang iyong ilabas ang aming mga magulang sa Egipto , Oh Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At nangyari , na pagkatapos ni Salomon na makapanalangin nitong lahat na dalangin at pamanhik sa Panginoon , siya&apos;y tumindig mula sa harap ng dambana ng Panginoon , sa pagkaluhod ng kaniyang mga tuhod na ang kaniyang mga kamay ay nakagawad sa dakong langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At siya&apos;y tumayo , at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel ng malakas na tinig , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Purihin ang Panginoon na nagbigay kapahingahan sa kaniyang bayang Israel , ayon sa lahat na kaniyang ipinangako : walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako , na kaniyang ipinangako sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios , kung paanong siya&apos;y sumaating mga magulang : huwag niya tayong iwan o pabayaan man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya , upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan , at ingatan ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga palatuntunan , at ang kaniyang mga kahatulan , na kaniyang iniutos sa ating mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At ang mga salitang ito na aking idinalangin sa harap ng Panginoon ay malapit nawa sa Panginoon nating Dios sa araw at gabi , na kaniyang alalayan ang usap ng kaniyang lingkod , at ang usap ng kaniyang bayang Israel , ayon sa kailangan sa araw araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa , na ang Panginoon ay siyang Dios : walang iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Kaya&apos;t maging sakdal nawa ang inyong puso sa Panginoon nating Dios , na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan , at ingatan ang kaniyang mga utos , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At ang hari , at ang buong Israel na kasama niya , ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon , na dalawang pu&apos;t dalawang libong baka , at isang daan at dalawang pung libong tupa . Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon : sapagka&apos;t doon niya inihandog ang handog na susunugin , at ang handog na harina , at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan , sapagka&apos;t ang tansong dambana na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin , at ang handog na harina , at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Sa gayo&apos;y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon at ang buong Israel na kasama niya , isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto sa harap ng Panginoon nating Dios , na pitong araw , at pitong araw , sa makatuwid baga&apos;y labing apat na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Nang ikawalong araw , ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan : at kanilang pinuri ang hari , at naparoon sa kanilang mga tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod , at sa Israel na kaniyang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang matapos ni Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon , at ng bahay ng hari , at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na ang Panginoo&apos;y napakita kay Salomon na ikalawa , gaya ng siya&apos;y pakita sa kaniya sa Gabaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko : aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo , upang ilagay ang aking pangalan doon magpakailan man ; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tungkol sa iyo , kung ikaw ay lalakad sa harap ko , gaya ng inilakad ni David , na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo , at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man , ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama , na sinasabi , Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod sa akin , kayo o ang inyong mga anak , at hindi ingatan ang aking mga utos , at ang aking mga palatuntunan , na aking inilagay sa harap ninyo , kundi kayo&apos;y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios , at magsisisamba sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila ; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan , ay aking iwawaksi sa aking paningin ; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas , gayon ma&apos;y ang bawa&apos;t magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin , Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito , at sa bahay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y magsisisagot , Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto , at nagsipanghawak sa ibang mga dios , at sinamba nila , at pinaglingkuran nila : at kaya&apos;t pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari sa katapusan ng dalawang pung taon , nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay , ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">( Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro , at mga kahoy na abeto , at ng ginto , ayon sa buo niyang nasa , ) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya ; at hindi niya kinalugdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinabi , Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin , kapatid ko ? At tinawag niya : lupain ng Cabul , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ito ang kadahilanan ng atang na iniatang ng haring Salomon , upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay , at ang Millo at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor , at ang Megiddo , at ang Gezer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Si Faraong hari sa Egipto ay umahon , at sinakop ang Gezer , at sinunog ng apoy , at pinatay ang mga Cananeo na nagsisitahan sa bayan , at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae , na asawa ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At itinayo ni Salomon ang Gezer , at ang Beth-horon sa ibaba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang Baalath , at ang Tamar sa ilang , sa lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon , at ang mga bayan sa kaniyang mga karo , at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo , at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem , at sa Libano , at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tungkol sa lahat na tao na naiwan , sa mga Amorrheo , mga Hetheo , mga Pherezeo , mga Heveo , at mga Jebuseo , na hindi sa mga anak ni Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain , na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel , ay sa kanila nagtindig si Salomon ng pulutong ng alipin , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon ; kundi sila&apos;y mga lalaking mangdidigma , at kaniyang mga lingkod , at kaniyang mga prinsipe , at kaniyang mga punong kawal , at mga pinuno sa kaniyang mga karo , at sa kaniyang mga mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon , limangdaan at limangpu , na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t ang anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya : saka itinayo niya ang Millo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At makaitlo sa isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon , na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon . Ganoon niya niyari ang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber na nasa siping ng Elath , sa baybayin ng Dagat na Mapula , sa lupain ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinugo ni Hiram sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan , mga magdadagat na bihasa sa dagat , na kasama ng mga bataan ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y nagsiparoon sa Ophir at nagsikuha mula roon ng ginto , na apat na raan at dalawang pung talento , at dinala sa haring Salomon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon tungkol sa pangalan ng Panginoon , ay naparoon siya upang subukin niya siya ng mga mahirap na tanong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y naparoon sa Jerusalem na may maraming kaakbay , may mga kamelyo na may pasang mga espesia at totoong maraming ginto , at mga mahalagang bato : at nang siya&apos;y dumating kay Salomon ay kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga tanong : walang bagay na lihim sa hari na hindi niya isinaysay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang makita ng reina sa Seba ang buong karunungan ni Salomon , at ang bahay na kaniyang itinayo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang pagkain sa kaniyang dulang , at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila , at ang tayo ng kaniyang mga tagapangasiwa , at ang kanilang mga pananamit , at ang kaniyang mga tagahawak ng saro , at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon ; ay nawalan siya ng diwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa hari , Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa , at sa iyong karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon may hindi ko pinaniwalaan ang mga salita hanggang sa ako&apos;y dumating , at nakita ng aking mga mata : at , narito , ang kalahati ay hindi nasaysay sa akin : ang iyong karunungan at pagkaginhawa ay higit kay sa kabantugan na aking narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maginhawa ang iyong mga lalake , maginhawa ang iyong mga lingkod na ito , na nagsisitayong palagi sa harap mo , at nakakarinig ng iyong karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Purihin ang Panginoon mong Dios , na nalulugod sa iyo , upang ilagay ka sa luklukan ng Israel : sapagka&apos;t minamahal ng Panginoon ang Israel magpakailan man , kaya&apos;t ginawa ka niyang hari upang gumawa ng kahatulan at ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto , at mga espesia na totoong sagana , at mga mahalagang bato ; kailan ma&apos;y hindi nagkaroon ng gayong kasaganaan ng mga espesia , gaya ng mga ito na ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga sasakyang dagat naman ni Hiram na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir , ay nagsipagdala ng saganang kahoy na almug at mga mahalagang bato mula sa Ophir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ginawa ng hari na mga haligi ang mga kahoy na almug sa bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari , at ginawa ring mga alpa . At mga salterio sa mga mangaawit : kailan ma&apos;y hindi dumating ang mga gayong kahoy na almug , o nakita man , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang naibigan , at lahat niyang hiningi , bukod doon sa ibinigay ni Salomon sa kaniya na kaloob-hari . Sa gayo&apos;y bumalik siya , at umuwi sa kaniyang sariling lupain , siya , at ang kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu&apos;t anim na talentong ginto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bukod doon sa dinala ng mga naglalako , at sa kalakal ng mga mangangalakal , at sa lahat na hari ng halohalong bayan , at sa mga gobernador sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto : anim na raang siklong ginto ang ginamit sa bawa&apos;t kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y gumawa ng tatlong daang ibang kalasag na pinukpok na ginto : tatlong librang ginto ang ginamit sa bawa&apos;t kalasag : at ipinaglalagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bukod dito&apos;y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing , at binalot ng gintong pinakamainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">May anim na baytang sa luklukan , at ang pinakalangit ng luklukan ay mabilog sa likuran : at may mga pinakakamay sa bawa&apos;t tagiliran sa siping ng dako ng upuan , at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang : walang nagawang gayon sa alinmang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang lahat na sisidlang inuman ng haring Salomon ay ginto , at ang lahat na sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto : walang pilak ; hindi mahalaga ito sa mga kaarawan ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang hari ay mayroon sa dagat ng mga sasakyan na yari sa Tharsis na kasama ng mga sasakyang dagat ni Hiram : minsan sa bawa&apos;t tatlong taon ay nanggagaling ang mga sasakyang dagat na yari sa Tharsis , na nagdadala ng ginto , at pilak , at garing , at mga unggoy , at mga pabo real .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y ang haring Salomon ay humigit sa lahat ng mga hari sa lupa sa kayamanan at sa karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At hinanap ng buong lupa ang harapan ni Salomon , upang makinig ng kaniyang karunungan , na inilagay ng Dios sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y nagsipagdala bawa&apos;t isa ng kanikaniyang kaloob , na mga sisidlang pilak , at mga sisidlang ginto , at damit , at sandata , at mga espesia , mga kabayo , at mga mula , na sanggayon taontaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pinisan ni Salomon ang mga karo , at ang mga mangangabayo : at siya&apos;y may isang libo&apos;t apat na raang karo , at labing dalawang libong mangangabayo , na kaniyang inilagay sa mga bayan ng mga karo , at kasama ng hari sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ginawa ng hari na maging gaya ng mga bato ang pilak sa Jerusalem , at ang mga sedro , ay ginawa niyang maging gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa dahil sa kasaganaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto : at ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap ng kawan ng mga yaon , bawa&apos;t kawan ay sa halaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kanilang isinasampa at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak , at ang isang kabayo , ay sa isang daan at limangpu : at gayon sa lahat ng mga hari sa mga Hetheo , at sa mga hari sa Siria ay kanilang inilabas sa pamamagitan nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa maraming babaing taga ibang lupa na pati sa anak ni Faraon , mga babaing Moabita , Ammonita , Idumea , Sidonia , at Hethea ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel : Kayo&apos;y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo : sapagka&apos;t walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios : nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y nagkaroon ng pitong daang asawa , na mga prinsesa , at tatlong daang babae : at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t nangyari , nang si Salomon ay matanda na , iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios : at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios , na gaya ng puso ni David na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t si Salomon ay sumunod kay Astaroth , diosa ng mga Sidonio , at kay Milcom , na karumaldumal ng mga Ammonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon , at hindi sumunod na lubos sa Panginoon , na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y ipinagtayo ni Salomon ng mataas na dako si Chemos na karumaldumal ng Moab , sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem , at si Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa , na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang Panginoo&apos;y nagalit kay Salomon , dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon , sa Dios ng Israel , na napakita sa kaniyang makalawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siyang nagutos sa kaniya tungkol sa bagay na ito , na siya&apos;y huwag sumunod sa ibang mga dios ; nguni&apos;t hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t sinabi ng Panginoon kay Salomon , Yamang ito&apos;y nagawa mo , at hindi mo iningatan ang aking tipan , at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo , walang pagsalang aking aagawin ang kaharian sa iyo , at aking ibibigay sa iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon ma&apos;y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama : kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y hindi ko aagawin ang buong kaharian ; kundi ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod , at alangalang sa Jerusalem na aking pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ipinagbangon ng Panginoon , si Salomon , ng isang kaaway na si Adad na Idumeo : siya&apos;y sa lahi ng hari sa Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t nangyari , nang si David ay nasa Edom , at si Joab na puno ng hukbo ay umahon upang ilibing ang mga patay , at masaktan ang lahat na lalake sa Edom ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">( Sapagka&apos;t si Joab at ang buong Israel ay natira roong anim na buwan , hanggang sa kaniyang naihiwalay ang lahat na lalake sa Edom ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na si Adad ay tumakas , siya at ang ilan sa mga Idumeo na kasama niya na mga bataan ng kaniyang ama , upang pumasok sa Egipto , na si Adad noo&apos;y munting bata pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sila&apos;y nagsitindig sa Madian , at naparoon sa Paran ; at sila&apos;y nagsipagsama ng mga lalake sa Paran , at sila&apos;y nagsiparoon sa Egipto , kay Faraon na hari sa Egipto ; na siyang nagbigay sa kaniya ng bahay , at naghanda sa kaniya ng pagkain , at nagbigay sa kaniya ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Adad ay nakasumpong ng malaking biyaya sa paningin ni Faraon , na anopa&apos;t kaniyang ibinigay na asawa sa kaniya ang kapatid ng kaniyang sariling asawa , ang kapatid ni Thaphenes na reina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ipinanganak ng kapatid ni Thaphenes sa kaniya si Genubath , na anak na lalake niya , na inihiwalay sa suso ni Thaphenes sa bahay ni Faraon : at si Genubath ay nasa bahay ni Faraon sa kasamahan ng mga anak ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at si Joab na puno ng hukbo ay namatay , sinabi ni Adad kay Faraon , Payaunin mo ako , upang ako&apos;y makauwi sa aking sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi nga ni Faraon sa kaniya , Datapuwa&apos;t anong ipinagkukulang mo sa akin , na , narito , ikaw ay nagsisikap na umuwi sa iyong sariling lupain ? At siya&apos;y sumagot : Wala : gayon ma&apos;y isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako sa anomang paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinagbangon ng Dios si Salomon ng ibang kaaway , na si Rezon na anak ni Eliada , na tumakas sa kaniyang panginoong kay Adadezer na hari sa Soba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y nagpisan ng mga lalake , at naging puno sa isang hukbo , nang patayin ni David ang mga taga Soba ; at sila&apos;y nagsiparoon sa Damasco , at tumahan doon , at naghari sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y naging kaaway ng Israel sa lahat ng kaarawan ni Salomon , bukod pa sa ligalig na ginawa ni Adad : at kaniyang kinapootan ang Israel , at naghari sa Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At si Jeroboam na anak ni Nabat , na Ephrateo sa Sereda , na lingkod ni Salomon , na ang pangalan ng ina ay Serva , na baong babae , ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ito ang kadahilanan ng kaniyang pagtataas ng kaniyang kamay laban sa hari : itinayo ni Salomon ang Millo at hinusay ang sira ng bayan ni David na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang lalaking si Jeroboam ay makapangyarihang lalake na matapang : at nakita ni Salomon ang binata na masipag , at kaniyang ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat na gawain ng sangbahayan ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , nang panahong yaon , nang si Jeroboam ay lumabas sa Jerusalem , na nasalubong siya sa daan ng propeta Ahias na Silonita ; si Ahias nga ay may suot na bagong kasuutan ; at silang dalawa ay nag-iisa sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tinangnan ni Ahias ang bagong kasuutan na nakasuot sa kaniya , at hinapak ng labing dalawang putol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kaniyang sinabi kay Jeroboam , Kunin mo sa iyo ang sangpung putol : sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Narito , aking aagawin ang kaharian sa kamay ni Salomon , at ibibigay ko ang sangpung lipi sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">( Nguni&apos;t mapapasa kaniya ang isang lipi dahil sa aking lingkod na si David , at dahil sa Jerusalem , na bayan na aking pinili sa lahat ng mga lipi ng Israel : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ako , at sinamba si Astaroth na diosa ng mga Sidonio , si Chemos na dios ng Moab , at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon ; at sila&apos;y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin , at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan , na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gayon ma&apos;y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay : kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay , dahil kay David na aking lingkod na aking pinili , sapagka&apos;t kaniyang iningatan ang aking mga utos , at ang aking mga palatuntunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kundi aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak , at ibibigay ko sa iyo , sa makatuwid baga&apos;y ang sangpung lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa kaniyang anak , ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem , na bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kukunin kita , at ikaw ay maghahari ayon sa buong ninanasa ng iyong kaluluwa , at magiging hari ka sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At mangyayari , kung iyong didinggin ang lahat na aking iniuutos sa iyo , at lalakad sa aking mga daan , at gagawin ang matuwid sa aking paningin , upang tuparin ang aking mga palatuntunan , at ang aking mga utos , gaya ng ginawa ni David na aking lingkod ; na ako&apos;y sasa iyo , at ipagtatayo kita ng isang tiwasay na sangbahayan , gaya ng aking itinayo kay David , at ibibigay ko sa iyo ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At dahil dito&apos;y aking pipighatiin ang binhi ni David , nguni&apos;t hindi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Pinagsikapan nga ni Salomon na patayin si Jeroboam : nguni&apos;t si Jeroboam ay tumindig , at tumakas na napasa Egipto , kay Sisac , na hari sa Egipto , at dumoon sa Egipto hanggang sa pagkamatay ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon , at ang lahat na kaniyang ginawa , at ang kaniyang karunungan , hindi ba nasusulat sa aklat ng mga gawa ni Salomon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang panahon na ipinaghari ni Salomon sa Jerusalem sa buong Israel ay apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama : at si Roboam , na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya ,</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Roboam ay naparoon sa Sichem : sapagka&apos;t ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat ( sapagka&apos;t siya&apos;y nasa Egipto pa , na doon siya&apos;y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon , at tumahan sa Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsugo at ipinatawag nila siya , ) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon , at nagsipagsalita kay Roboam , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin : ngayon nga&apos;y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama , at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin , at kami ay maglilingkod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Kayo&apos;y magsiyaon pang tatlong araw , saka magsibalik kayo sa akin . At ang bayan ay yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang nabubuhay pa , na sinasabi , Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin , upang magbalik ng sagot sa bayang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagsipagsalita sa kaniya , na nagsipagsabi , Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito , at maglilingkod sa kanila , at sasagot sa kanila , at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila , ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t tinalikdan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya , at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya , na nagsitayo sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kanila , Anong payo ang ibinibigay ninyo , upang maibalik nating sagot sa bayang ito , na nagsalita sa akin , na nagsasabi , Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya , na nagsisipagsabi , Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo , na nagsasabi , Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin , nguni&apos;t pagaanin mo sa amin ; ganito ang iyong sasalitain sa kanila , Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang , ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo : pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit ; nguni&apos;t parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw , gaya ng iniutos ng hari , na sinasabi , Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan , at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata , na nagsasabi , Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo , nguni&apos;t dadagdagan ko pa ang atang sa inyo : pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit , nguni&apos;t parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y hindi dininig ng hari ang bayan ; sapagka&apos;t bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita , na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari , ay sumagot ang bayan sa hari , na nagsasabi , Anong bahagi mayroon kami kay David ? at wala man kaming mana sa anak ni Isai : sa iyong mga tolda , Oh Israel : ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan , David . Sa gayo&apos;y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda , ay pinagharian sila ni Roboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag ; at binato ng buong Israel siya ng mga bato , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay . At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo , upang tumakas sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , nang mabalitaan ng buong Israel na si Jeroboam ay bumalik , na sila&apos;y nagsugo at ipinatawag siya sa kapisanan , at ginawa siyang hari sa buong Israel : walang sumunod sa sangbahayan ni David , kundi ang lipi ni Juda lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang dumating si Roboam sa Jerusalem , kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda , at ang lipi ni Benjamin , na isang daan at walong pung libo na piling lalake , na mga mangdidigma , upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel , upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon , na hari sa Juda , at sa buong sangbahayan ng Juda , at ng Benjamin , at sa nalabi sa bayan , na sabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y huwag magsisiahon o magsisilaban sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel : bumalik ang bawa&apos;t isa sa kaniyang bahay ; sapagka&apos;t ang bagay na ito ay mula sa akin . Sa gayo&apos;y kanilang dininig ang salita ng Panginoon , at sila&apos;y nagsibalik at nagsiyaon , ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim , at tumahan doon ; at siya&apos;y umalis mula roon , at itinayo ang Penuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili , Ngayo&apos;y mababalik ang kaharian sa sangbahayan ni David :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kung ang bayang ito ay umahon upang maghandog ng mga hain sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem , ang puso nga ng bayang ito&apos;y mababalik sa kanilang panginoon , sa makatuwid baga&apos;y kay Roboam na hari sa Juda ; at ako&apos;y papatayin nila , at mababalik kay Roboam na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t ang hari ay kumuhang payo , at gumawa ng dalawang guyang ginto ; at sinabi niya sa kanila , Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem ; tingnan mo ang iyong mga dios , Oh Israel , na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At inilagay niya ang isa sa Bethel , at ang isa&apos;y inilagay sa Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang bagay na ito ay naging kasalanan : sapagka&apos;t ang bayan ay umahon upang sumamba sa harap ng isa , hanggang sa Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y gumawa ng mga bahay sa mga mataas na dako , at naghalal ng mga saserdote sa buong bayan , na hindi sa mga anak ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan , sa ikalabing limang araw ng buwan , gaya ng kapistahan sa Juda , at siya&apos;y sumampa sa dambana ; gayon ang ginawa niya sa Beth-el , na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa : at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako , na kaniyang mga inihalal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At siya&apos;y sumampa sa dambana na kaniyang ginawa sa Beth-el nang ikalabing limang araw ng ikawalong buwan , sa makatuwid baga&apos;y sa buwan na kaniyang inakala sa kaniyang puso : at kaniyang ipinadaos ang isang kapistahan sa mga anak ni Israel , at sumampa sa dambana upang magsunog ng kamangyan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At , narito , dumating ang isang lalake ng Dios na mula sa Juda ayon sa salita ng Panginoon sa Beth-el : at si Jeroboam ay nakatayo sa siping ng dambana upang magsunog ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y sumigaw laban sa dambana ayon sa salita ng Panginoon , at nagsabi , Oh dambana , dambana , ganito ang sabi ng Panginoon : Narito , isang bata&apos;y ipanganganak sa sangbahayan ni David na ang pangalan ay Josias : at sa iyo&apos;y ihahain ang mga saserdote ng mga mataas na dako na nagsisipagsunog ng kamangyan sa iyo , at mga buto ng mga tao ang kanilang susunugin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y nagbigay ng tanda nang araw ding yaon , na nagsasabi , Ito ang tanda na sinalita ng Panginoon : Narito , ang dambana ay mababaak , at ang mga abo na nasa ibabaw ay mabubuhos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , nang marinig ng hari ang sabi ng lalake ng Dios , na kaniyang isinigaw laban sa dambana sa Beth-el , na iniunat ni Jeroboam ang kaniyang kamay mula sa dambana , na sinasabi , Hulihin siya . At ang kaniyang kamay na kaniyang iniunat laban sa kaniya ay natuyo , na anopa&apos;t hindi niya napanauli sa dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang dambana naman ay nabaak , at ang mga abo ay nabuhos mula sa dambana , ayon sa tanda na ibinigay ng lalake ng Dios ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang hari ay sumagot , at nagsabi sa lalake ng Dios , Isamo mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Dios , at idalangin mo ako , upang ang aking kamay ay gumaling . At idinalangin ng lalake ng Dios sa Panginoon , at ang kamay ng hari ay gumaling uli , at naging gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng hari sa lalake ng Dios , Umuwi kang kasama ko , at kumain ka , at bibigyan kita ng kagantihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng lalake ng Dios sa hari , Kung ang ibibigay mo sa akin ay kalahati ng iyong bahay ay hindi ako yayaong kasama mo , o kakain man ako ng tinapay o iinom man ako ng tubig sa dakong ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t gayon ibinilin sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon , na sinasabi , Huwag kang kakain ng tinapay , o iinom man ng tubig , ni babalik man sa daan na iyong pinanggalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y yumaon siya sa ibang daan , at hindi na bumalik sa daan na kaniyang pinanggalingan sa Beth-el .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tumatahan nga ang isang matandang propeta sa Beth-el ; at isa sa kaniyang mga anak ay naparoon , at isinaysay sa kaniya ang lahat ng mga gawa na ginawa ng lalake ng Dios sa araw na yaon sa Beth-el : ang mga salita na kaniyang sinalita sa hari , ay siya ring isinaysay nila sa kanilang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng kanilang ama sa kanila , Saan siya napatungo ? At itinuro sa kaniya ng kaniyang mga anak ang daang pinatunguhan ng lalake ng Dios na nanggaling sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kaniyang mga anak , Siyahan ninyo sa akin ang asno . Sa gayo&apos;y kanilang siniyahan ang asno sa kaniya : at kaniyang sinakyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinundan ang lalake ng Dios , at nasumpungan niyang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng encina : at sinabi niya sa kaniya , Ikaw ba ang lalake ng Dios na nanggaling sa Juda ? At sinabi niya , Ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kaniya , Umuwi kang kasama ko , at kumain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi niya , Hindi ako makababalik na kasama mo , o makapapasok na kasama mo : ni makakakain man ng tinapay o makaiinom man ng tubig na kasalo mo sa dakong ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t isinaysay sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon . Huwag kang kakain ng tinapay o iinom man ng tubig doon , o babalik man na yumaon sa daan na iyong pinanggalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya sa kaniya , Ako man ay propeta na gaya mo ; at isang anghel ay nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon , na nagsasabi , Ibalik mo siya na kasama mo sa iyong bahay , upang siya&apos;y makakain ng tinapay at makainom ng tubig . Nguni&apos;t siya&apos;y nagbulaan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y bumalik na kasama niya , at kumain ng tinapay sa kaniyang bahay at uminom ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , samantalang sila&apos;y nauupo sa dulang , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta na nagpabalik sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y sumigaw sa lalake ng Dios na nanggaling sa Juda , na sinasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon : Sa paraang ikaw ay naging manunuway sa bibig ng Panginoon , at hindi mo iningatan ang utos na iniutos ng Panginoon sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kundi ikaw ay bumalik at kumain ng tinapay , at uminom ng tubig sa dakong kaniyang pinagsabihan sa iyo : Huwag kang kumain ng tinapay , at huwag kang uminom ng tubig ; ang iyong bangkay ay hindi darating sa libingan ng iyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , pagkatapos na makakain ng tinapay , at pagkatapos na makainom , na siniyahan niya ang asno para sa kaniya , sa makatuwid baga&apos;y , para sa propeta na kaniyang pinabalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang siya&apos;y makayaon , isang leon ay nasalubong niya sa daan , at pinatay siya : at ang kaniyang bangkay ay napahagis sa daan , at ang asno ay nakatayo sa siping ; ang leon naman ay nakatayo sa siping ng bangkay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At , narito , may mga taong nagsipagdaan , at nakita ang bangkay na nakahagis sa daan , at ang leon ay nakatayo sa siping ng bangkay : at sila&apos;y yumaon at isinaysay nila sa bayan na kinatatahanan ng matandang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang marinig ng propeta na nagpabalik sa kaniya sa daan , sinabi niya : Lalake nga ng Dios , na naging masuwayin sa bibig ng Panginoon , kaya&apos;t ibinigay siya ng Panginoon sa leon , na lumapa sa kaniya at pumatay sa kaniya ayon sa salita ng Panginoon , na sinalita sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinalita niya sa kaniyang mga anak na sinasabi , Siyahan ninyo sa akin ang asno . At kanilang siniyahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y yumaon , at nasumpungan ang kaniyang bangkay na nakahagis sa daan , at ang leon at ang asno ay nakatayo sa siping ng bangkay : hindi nilamon ng leon ang bangkay , o nilapa man ang asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kinuha ng propeta ang bangkay ng lalake ng Dios , at ipinatong sa asno , at ibinalik : at naparoon sa bayan ng matandang propeta , upang tumangis , at ilibing siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At inilagay niya ang kaniyang bangkay sa kaniyang sariling libingan ; at kanilang tinangisan siya , na sinasabi , Ay kapatid ko !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nangyari , pagkatapos na kaniyang mailibing , na siya&apos;y nagsalita sa kaniyang mga anak , na sinasabi , Pagka ako&apos;y namatay , ilibing nga ninyo ako sa libingan na pinaglibingan sa lalake ng Dios : ilagay ninyo ang aking mga buto sa siping ng kaniyang mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ang sabi na kaniyang isinigaw sa pamamagitan ng salita ng Panginoon laban sa dambana sa Beth-el , at laban sa lahat ng mga bahay sa mga mataas na dako na nangasa mga bayan ng Samaria , ay walang pagsalang mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Pagkatapos ng bagay na ito , si Jeroboam ay hindi tumalikod sa kaniyang masamang lakad , kundi gumawa uli mula sa buong bayan ng mga saserdote sa mga mataas na dako : sinomang may ibig , kaniyang itinatalaga upang magkaroon ng mga saserdote sa mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang bagay na ito ay naging kasalanan sa sangbahayan ni Jeroboam , kaya&apos;t inihiwalay at nilipol sa ibabaw ng lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa , Bumangon ka , isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam ; at pumaroon ka sa Silo ; narito , naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin , na ako&apos;y magiging hari sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At magdala ka ng sangpung tinapay , at mga munting tinapay , at isang bangang pulot , at paroon ka sa kaniya : kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon , at naparoon sa Silo , at naparoon sa bahay ni Ahias . Si Ahias nga ay di na makakita ; sapagka&apos;t ang kaniyang mga mata&apos;y malabo na , dahil sa kaniyang gulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng Panginoon kay Ahias , Narito , ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak ; sapagka&apos;t siya&apos;y may sakit : ganito&apos;t ganito ang iyong sasabihin sa kaniya : sapagka&apos;t mangyayari , pagka siya&apos;y pumasok , na siya&apos;y magpapakunwari na ibang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagkagayon , nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa , pagpasok niya sa pintuan , na sinabi niya , Pumasok ka , ikaw , na asawa ni Jeroboam ; bakit ka nagpapakunwaring iba ? Sapagka&apos;t ako&apos;y sinugo sa iyo na may masamang balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Yamang kita&apos;y itinaas sa gitna ng bayan , at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David , at ibinigay sa iyo : at gayon ma&apos;y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David , na nagingat ng aking mga utos , at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso , upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo , at ikaw ay yumaon , at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios , at mga larawang binubo upang mungkahiin mo ako sa galit , at inihagis mo ako sa iyong likuran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t , narito ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam , at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa&apos;t lalake ang nakukulong , at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel , at aking lubos na papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam , kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi , hanggang sa mapaalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso ; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid : sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tumindig ka nga , umuwi ka sa iyong bahay : pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tatangisan siya ng buong Israel , at ililibing siya ; sapagka&apos;t siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan : sapagka&apos;t siya&apos;y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam , ng bagay na mabuti sa Panginoon , sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bukod dito&apos;y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel , na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon ; nguni&apos;t ano ? ngayon din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig ; at kaniyang bubunutin ang Israel dito sa mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang , at pangangalatin sila sa dako roon ng ilog ; dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera , na minungkahi ang Panginoon sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam , na kaniyang ipinagkasala , at ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig , at yumaon , at naparoon sa Thirsa : at pagpasok niya sa pasukan ng bahay , ang bata&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At inilibing siya ng buong Israel , at tinangisan siya ; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam kung paanong siya&apos;y nakidigma , at kung paanong siya&apos;y naghari , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga araw na ipinaghari ni Jeroboam ay dalawang pu&apos;t dalawang taon : at siya&apos;y natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at si Nadab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda . Si Roboam ay apat na pu&apos;t isang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari , at siya&apos;y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem , na bayan na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel , upang ilagay ang kaniyang pangalan doon : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon , at kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa , na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga mataas na dako , at ng mga haligi , at ng mga Asera , sa bawa&apos;t mataas na burol , at sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain : sila&apos;y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , nang ikalimang taon ng haring Roboam , na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kaniyang dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ang mga kayamanan ng bahay ng hari ; kaniya ngang dinalang lahat : at kaniyang dinala ang lahat na kalasag na ginto na ginawa ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon , at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal na bantay , na nagiingat ng pintuan ng bahay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangyari , na pagka nanasok ang hari sa bahay ng Panginoon , ay dinadala ng bantay , at ibinabalik sa silid ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa , hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagkaroong palagi ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita . At si Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalabing walong taon nga ng haring Jeroboam , na anak ni Nabat , ay nagpasimula si Abiam na maghari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem , at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha na anak ni Abisalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya : at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios , na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y dahil kay David ay binigyan siya ng Panginoon na kaniyang Dios ng isang ilawan sa Jerusalem , upang itaas ang kaniyang anak pagkamatay niya , at upang itatag sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ginawa ni David ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , at hindi lumihis sa anomang bagay na iniutos niya sa kaniya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay , liban lamang sa bagay ni Uria na Hetheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nagkaroon nga ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam , at ang lahat niyang ginagawa , hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Abiam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang ; at inilibing nila siya sa bayan ni David : at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang ikadalawang pung taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimula si Asa na maghari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At apat na pu&apos;t isang taong naghari siya sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha , na anak ni Abisalom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ginawa ni Asa ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , gaya ng ginawa ni David na kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang inalis ang mga Sodomita sa lupain , at inalis ang lahat ng diosdiosan na ginawa ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Maacha naman na kaniyang ina ay inalis niya sa pagkareina , sapagka&apos;t gumawa ng karumaldumal na larawan na pinaka Asera ; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan , at sinunog sa batis Cedron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ang matataas na dako ay hindi inalis : gayon ma&apos;y ang puso ni Asa ay sakdal sa Panginoon sa lahat ng kaniyang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang ipinasok sa bahay ng Panginoon ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama , at ang mga bagay na itinalaga niya , pilak , at ginto , at mga sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda , at itinayo ang Rama upang huwag niyang matiis na sinoma&apos;y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y kinuha ni Asa ang lahat na pilak at ginto na naiwan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari , at ibinigay sa kamay ng kaniyang mga lingkod : at ipinadala ang mga yaon ng haring Asa kay Ben-adad na anak ni Tabrimon , na anak ni Hezion , na hari sa Siria , na tumatahan sa Damasco , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">May pagkakasundo ako at ikaw , ang aking ama at ang iyong ama : narito , aking ipinadala sa iyo ang isang kaloob na pilak at ginto ; ikaw ay yumaon , sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel , upang siya&apos;y lumayas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dininig ni Ben-adad ang haring Asa , at sinugo ang mga puno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel , at sinaktan ang Ahion at ang Dan , at ang Abel-bethmaacha at ang buong Cinneroth , sangpu ng buong lupain ng Nephtali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangyari nang mabalitaan yaon ni Baasa , na iniwan ang pagtatayo ng Rama , at tumahan sa Thirsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y itinanyag ng haring Asa ang buong Juda ; walang natangi : at kanilang inalis ang mga bato ng Rama , at ang mga kahoy niyaon , na ipinagtayo ni Baasa ; at itinayo ng haring Asa sa pamamagitan niyaon ang Gabaa ng Benjamin at ang Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang iba nga sa lahat na gawa ni Asa , at sa kaniyang buong kapangyarihan , at ang lahat niyang ginawa , at ang mga bayan na kaniyang itinayo , di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? Nguni&apos;t sa panahon ng kaniyang katandaan , siya&apos;y nagkasakit sa kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang : at si Josaphat na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Nadab na anak ni Jeroboam ay nagpasimulang maghari sa Israel sa ikalawang taon ni Asa na hari sa Juda , at siya&apos;y naghari sa Israel na dalawang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , at lumakad ng lakad ng kaniyang ama , at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Baasa na anak ni Ahia , sa sangbahayan ni Issachar ay nagbanta laban sa kaniya ; at sinaktan siya ni Baasa sa Gibbethon , na nauukol sa mga Filisteo ; sapagka&apos;t kinukulong ni Nadab at ng buong Israel ang Gibbethon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang ikatlong taon nga ni Asa na hari sa Juda , ay pinatay siya ni Baasa , at naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , na pagkapaging hari niya , sinaktan niya ang buong sangbahayan ni Jeroboam , hindi siya nag-iwan kay Jeroboam ng sinomang may hininga , hanggang sa kaniyang nilipol siya , ayon sa sabi ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na Silonita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ipinagkasala , at kaniyang ipinapagkasala sa Israel ; dahil sa kaniyang pamumungkahi na kaniyang iminungkahing galit sa Panginoon , sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang iba nga sa mga gawa ni Nadab , at ang lahat niyang ginawa , di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang ikatlong taon ni Asa na hari sa Juda , ay nagpasimulang maghari si Baasa na anak ni Ahia sa buong Israel sa Thirsa , at naghari na dalawang pu&apos;t apat na taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , at lumakad ng lakad ni Jeroboam , at sa kaniyang kasalanan na ipinapagkasala sa Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay , dumating kay Jehu na anak ni Hanani , laban kay Baasa , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Yamang itinaas kita mula sa alabok , at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel ; at ikaw ay lumakad ng lakad ni Jeroboam , at iyong pinapagkasala ang aking bayang Israel , upang mungkahiin mo ako sa galit sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito , aking lubos na papalisin si Baasa at ang kaniyang sangbahayan ; at aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mamatay kay Baasa sa bayan ay kakanin ng mga aso ; at ang mamatay sa kaniya sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iba nga sa mga gawa ni Baasa , at ang kaniyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At natulog si Baasa na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa Thirsa ; at si Ela na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At bukod dito&apos;y , sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani , ay dumating ang salita ng Panginoon laban kay Baasa , at laban sa kaniyang sangbahayan , dahil sa lahat na kasamaan na kaniyang ginawa sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin siya sa galit sa pamamagitan ng gawa ng kaniyang mga kamay , sa pagkagaya sa sangbahayan ni Jeroboam , at sapagka&apos;t sinaktan din niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang ikadalawang pu&apos;t anim na taon ni Asa na hari sa Juda ay nagpasimula si Ela na anak ni Baasa na maghari sa Israel sa Thirsa , at nagharing dalawang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang kaniyang lingkod na si Zimri , na punong kawal sa kalahati ng kaniyang mga karo , ay nagbanta laban sa kaniya . Siya&apos;y nasa Thirsa nga , na nagiinom at lasing sa bahay ni Arsa , na siyang katiwala sa sangbahayan sa Thirsa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pumasok si Zimri , at sinaktan siya , at pinatay siya , nang ikadalawang pu&apos;t pitong taon ni Asa na hari sa Juda , at naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , nang siya&apos;y magpasimulang maghari , pagupo niya sa kaniyang luklukan , ay kaniyang sinaktan ang buong sangbahayan ni Baasa : hindi siya nagiwan ng isa man lamang lalaking bata , kahit kamaganak niya , kahit mga kaibigan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ganito nilipol ni Zimri ang buong sangbahayan ni Baasa , ayon sa salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita laban kay Baasa , sa pamamagitan ni Jehu na propeta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dahil sa lahat ng mga kasalanan ni Baasa , at mga kasalanan ni Ela na kaniyang anak , na kanilang ipinagkasala , at kanilang ipinapagkasala sa Israel , upang mungkahiin sa galit ang Panginoon , ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang iba nga sa mga gawa ni Ela , at ang lahat na kaniyang ginawa , di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang ikadalawang pu&apos;t pitong taon ni Asa na hari sa Juda , ay naghari si Zimri na pitong araw sa Thirsa . Ang bayan nga ay humantong laban sa Gibbethon na nauukol sa mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At narinig ng bayan na nasa hantungan na sinabing nagbanta si Zimri , at sinaktan ang hari : kaya&apos;t ginawang hari sa Israel ng buong Israel si Omri na punong kawal ng hukbo nang araw na yaon sa kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Omri ay umahon mula sa Gibbethon , at ang buong Israel ay kasama niya , at kanilang kinubkob ang Thirsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang makita ni Zimri na ang bayan ay nasakop , na siya&apos;y naparoon sa castilyo ng bahay ng hari , at sinunog ng apoy ang bahay na kinaroroonan ng hari at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dahil sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang ipinagkasala sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon sa paglakad sa lakad ni Jeroboam , at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ginawa , upang papagkasalahin ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang iba nga sa mga gawa ni Zimri , at ang kaniyang panghihimagsik na kaniyang ginawa , di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y ang bayan ng Israel ay nahati sa dalawa : ang kalahati ng bayan ay sumunod kay Thibni na anak ni Gineth , upang gawin siyang hari ; at ang kalahati ay sumunod kay Omri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t ang bayan na sumunod kay Omri ay nanaig laban sa bayan na sumunod kay Thibni na anak ni Gineth : sa gayo&apos;y namatay si Thibni at naghari si Omri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang ikatatlong pu&apos;t isang taon ni Asa na hari sa Juda ay nagpasimula si Omri na maghari sa Israel , at naghari na labing dalawang taon : anim na taon na naghari siya sa Thirsa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At binili niya ang burol ng Samaria kay Semer sa halagang dalawang talentong pilak ; at siya&apos;y nagtayo sa burol , at tinawag ang pangalan ng bayan na kaniyang itinayo , ayon sa pangalan ni Semer , na may-ari ng burol , na Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At gumawa si Omri ng masama sa paningin ng Panginoon , at gumawa ng masama na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t siya&apos;y lumakad sa buong lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat , at sa kaniyang mga kasalanan na ipinapagkasala niya sa Israel , upang mungkahiin sa galit ang Panginoon , ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang iba nga sa mga gawa ni Omri na kaniyang ginawa , at ang kapangyarihan niya na kaniyang ipinamalas , di ba nasusulat sa mga aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y natulog si Omri na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa Samaria ; at si Achab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang ikatatlong pu&apos;t walong taon ni Asa na hari sa Juda , ay nagpasimula si Achab na anak ni Omri na maghari sa Israel : at si Achab na anak ni Omri ay naghari sa Israel sa Samaria na dalawang pu&apos;t dalawang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Achab na anak ni Omri ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nangyari , na wari isang magaang bagay sa kaniya na lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na siya&apos;y nagasawa kay Jezabel , na anak ni Ethbaal na hari ng mga Sidonio , at yumaon at naglingkod kay Baal , at sumamba sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kaniyang ipinagtayo ng dambana si Baal sa bahay ni Baal na kaniyang itinayo sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At gumawa si Achab ng Asera ; at gumawa pa ng higit si Achab upang mungkahiin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , sa galit kay sa lahat ng mga hari sa Israel na nauna sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa kaniyang mga kaarawan itinayo ni Hiel na taga Beth-el ang Jerico : siya&apos;y naglagay ng talagang-baon sa pagkamatay ni Abiram na kaniyang panganay , at itinayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa pagkamatay ng kaniyang bunsong anak na si Segub ; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Josue na anak ni Nun .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Elias na Thisbita , na sa mga nakikipamayan sa Galaad , ay nagsabi kay Achab : Buhay ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na ako&apos;y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito , kundi ayon sa aking salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Umalis ka rito , at lumiko ka sa dakong silanganan , at magkubli ka sa tabi ng batis Cherith na nasa tapat ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mangyayari , na ikaw ay iinom sa batis ; at aking iniutos sa mga uwak na pakanin ka roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y naparoon siya at ginawa ang ayon sa salita ng Panginoon : sapagka&apos;t siya&apos;y pumaroon at tumahan sa tabi ng batis Cherith , na nasa tapat ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At dinadalhan siya ng tinapay at laman ng mga uwak sa umaga , at tinapay at laman sa hapon , at siya&apos;y umiinom sa batis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , pagkaraan ng sanggayon , na ang batis ay natuyo , sapagka&apos;t walang ulan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw ay bumangon , paroon ka sa Sarepta , na nauukol sa Sidon , at tumahan ka roon : narito , aking inutusan ang isang baong babae roon na pakanin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y bumangon siya , at naparoon sa Sarepta ; at nang siya&apos;y dumating sa pintuan ng bayan , narito , isang baong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat : at tinawag niya siya , at sinabi , Isinasamo ko sa iyo na dalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman , upang aking mainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang siya&apos;y yumayaon upang kumuha , tinawag niya siya , at sinabi , Dalhan mo ako , isinasamo ko sa iyo , ng isang subong tinapay sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinabi , Ang Panginoon mong Dios ay buhay , ako&apos;y wala kahit munting tinapay , kundi isang dakot na harina sa gusi , at kaunting langis sa banga : at , narito , ako&apos;y namumulot ng dalawang patpat , upang ako&apos;y pumasok , at ihanda sa akin at sa aking anak , upang aming makain , bago kami mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Elias sa kaniya , Huwag kang matakot ; yumaon ka , at gawin mo ang iyong sinabi , nguni&apos;t igawa mo muna ako ng munting tinapay , at ilabas mo sa akin , at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at para sa iyong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Ang gusi ng harina ay hindi makukulangan , o ang banga ng langis man ay mababawasan hanggang sa araw na magpaulan ang Panginoon sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y yumaon , at ginawa ang ayon sa sabi ni Elias : at kumain ang babae , at siya , at ang kaniyang sangbahayan na maraming araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang gusi ng harina ay hindi nakulangan , o ang banga ng langis man ay nabawasan , ayon sa salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na ang anak na lalake ng babae , na may-ari ng bahay ay nagkasakit ; at ang kaniyang sakit ay malubha , na walang hiningang naiwan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya kay Elias , Ano ang ipakikialam ko sa iyo , Oh ikaw na lalake ng Dios ? ikaw ay naparito sa akin upang ipaalala mo ang aking kasalanan , at upang patayin ang aking anak !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kaniya , Ibigay mo sa akin ang iyong anak . At kinuha niya sa kaniyang kandungan , at dinala sa silid na kaniyang tinatahanan , at inihiga sa kaniyang sariling higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y dumaing sa Panginoon , at nagsabi , Oh Panginoon kong Dios , dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan , sa pagpatay sa kaniyang anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y umunat sa bata na makaitlo , at dumaing sa Panginoon , at nagsabi , Oh Panginoon kong Dios , idinadalangin ko sa iyo na iyong pabalikin sa kaniya ang kaluluwa ng batang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias ; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya , at siya&apos;y muling nabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kinuha ni Elias ang bata , at ibinaba sa loob ng bahay na mula sa silid , at ibinigay siya sa kaniyang ina : at sinabi ni Elias , Tingnan mo , ang iyong anak ay buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng babae kay Elias , Ngayo&apos;y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios , at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkaraan ng maraming araw , na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias , sa ikatlong taon , na nagsasabi , Ikaw ay yumaon , pakita ka kay Achab ; at ako&apos;y magpapaulan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Elias ay yumaon napakita kay Achab . At ang kagutom ay malala sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tinawag ni Achab si Abdias na siyang katiwala sa bahay . ( Si Abdias nga ay natatakot na mainam sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t nangyari , nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon , na kumuha si Abdias ng isang daang propeta , at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib , at pinakain sila ng tinapay at tubig , )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Achab kay Abdias , Lakarin mo ang lupain , hanggang sa lahat ng mga bukal ng tubig , at hanggang sa lahat ng mga batis : marahil tayo&apos;y makakasumpong ng damo , at maililigtas nating buhay ang mga kabayo at mga mula upang huwag tayong mawalan ng lahat na hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin : si Achab ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan , at si Abdias ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At samantalang si Abdias ay nasa daan , narito , nasalubong siya ni Elias : at nakilala niya siya , at nagpatirapa , at nagsabi , Di ba ikaw , ang panginoon kong si Elias ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y sumagot sa kaniya , Ako nga : ikaw ay yumaon , saysayin mo sa iyong panginoon , Narito , si Elias ay nandito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinabi , Sa ano ako nagkasala na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Achab , upang patayin ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Buhay ang Panginoon mong Dios , walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon : at pagka kanilang sinasabi , Siya&apos;y wala rito , kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa , na hindi kinasusumpungan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ngayo&apos;y iyong sinasabi , Ikaw ay yumaon , saysayin mo sa iyong panginoon , Narito , si Elias ay nandito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari , pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman ; na anopa&apos;t pagka ako&apos;y pumaroon at isinaysay ko kay Achab , at ikaw ay hindi niya nasumpungan , papatayin niya ako : nguni&apos;t akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hindi ba nasaysay sa aking panginoon , kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon , kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon , na limalimangpu sa isang yungib , at pinakain ko sila ng tinapay at tubig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ngayo&apos;y iyong sinasabi , Ikaw ay yumaon , saysayin mo sa iyong panginoon . Narito , si Elias ay nandito ; at papatayin niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Elias , Buhay ang Panginoon ng mga hukbo , na sa harap niya&apos;y nakatayo ako , ako&apos;y walang salang pakikita sa kaniya ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab , at sinaysay sa kaniya : at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , nang makita ni Achab si Elias , na sinabi ni Achab sa kaniya , Di ba ikaw , ang mangbabagabag sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y sumagot , Hindi ko binagabag ang Israel ; kundi ikaw , at ang sangbahayan ng iyong ama , sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon , at ikaw ay sumunod kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga&apos;y magsugo ka , at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng Carmelo , at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu , at ang mga propeta ni Asera na apat na raan , na nagsikain sa dulang ni Jezabel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel , at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Elias ay lumapit sa buong bayan , at nagsabi , Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan ? kung ang Panginoon ay Dios , sumunod kayo sa kaniya : nguni&apos;t kung si Baal , sumunod nga kayo sa kaniya . At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Elias sa bayan , Ako , ako lamang , ang naiwang propeta ng Panginoon ; nguni&apos;t ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka ; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka , at katayin , at ilagay sa ibabaw ng kahoy , at huwag lagyan ng apoy sa ilalim : at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy , at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios , at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon : at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy , ay siyang maging Dios . At ang buong bayan ay sumagot , at nagsabi , Mabuti ang pagkasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal , Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo , at inyong ihandang una , sapagka&apos;t kayo&apos;y marami ; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios , nguni&apos;t huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila , at kanilang inihanda , at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat , na nagsisipagsabi , Oh Baal dinggin mo kami . Nguni&apos;t walang tinig , o sinomang sumagot . At sila&apos;y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari , nang kinatanghaliang tapat , na biniro sila ni Elias , at sinabi , Sumigaw kayo ng malakas : sapagka&apos;t siya&apos;y dios ; siya nga&apos;y nagmumunimuni , o nasa tabi , o nasa paglalakbay , o marahil siya&apos;y natutulog , at marapat gisingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y nagsisigaw ng malakas , at sila&apos;y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat , hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat , na sila&apos;y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon : nguni&apos;t wala kahit tinig , ni sinomang sumagot , ni sinomang makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Elias sa buong bayan , Lumapit kayo sa akin ; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya . At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kumuha si Elias ng labing dalawang bato , ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob , na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating , na sinasabi , Israel ang magiging iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon ; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana , na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos , at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy . At kaniyang sinabi , Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig , at ibuhos ninyo sa handog na susunugin , at sa kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kaniyang sinabi , Gawin ninyong ikalawa ; at kanilang ginawang ikalawa . At kaniyang sinabi , Gawin ninyong ikaitlo ; at kanilang ginawang ikaitlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana ; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nangyari , sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon , na si Elias , na propeta ay lumapit , at nagsabi , Oh Panginoon , na Dios ni Abraham , ni Isaac , at ni Israel , pakilala ka sa araw na ito , na ikaw ay Dios sa Israel , at ako ang iyong lingkod , at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Dinggin mo ako , Oh Panginoon , dinggin mo ako , upang matalastas ng bayang ito , na ikaw , na Panginoon , ay Dios , at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nang magkagayo&apos;y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag , at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy , at ang mga bato , at ang alabok , at hinimuran ang tubig na nasa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang makita ng buong bayan , sila&apos;y nagpatirapa : at kanilang sinabi , Ang Panginoon ay siyang Dios ; ang Panginoon ay siyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sinabi ni Elias sa kanila , Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal ; huwag makatanan ang sinoman sa kanila . At kanilang dinakip sila : at sila&apos;y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison , at pinatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sinabi ni Elias kay Achab , Ikaw ay umahon , kumain ka at uminom ka ; sapagka&apos;t may hugong ng kasaganaan ng ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sa gayo&apos;y umahon si Achab upang kumain at uminom . At si Elias ay umahon sa taluktok ng Carmelo ; at siya&apos;y yumukod sa lupa , at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod , Umahon ka ngayon , tumingin ka sa dakong dagat . At siya&apos;y umahon at tumingin , at nagsabi , Walang anomang bagay . At kaniyang sinabi , Yumaon ka uling makapito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nangyari , sa ikapito , na kaniyang sinabi , Narito , may bumangong isang ulap sa dagat , na kasingliit ng kamay ng isang lalake . At kaniyang sinabi , Ikaw ay yumaon , sabihin mo kay Achab , Ihanda mo ang iyong karo , at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nangyari , pagkaraan ng sangdali , na ang langit ay nagdilim sa alapaap at hangin , at nagkaroon ng malakas na ulan . At si Achab ay sumakay , at naparoon sa Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias ; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang , at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinaysay ni Achab kay Jezabel ang lahat na ginawa ni Elias , at kung paanong kaniyang pinatay ng tabak ang lahat ng mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias , na nagsasabi , Ganito ang gawin sa akin ng mga dios , at lalo na , kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang makita niya ay bumangon siya , at yumaon dahil sa kaniyang buhay , at naparoon sa Beerseba , na nauukol sa Juda , at iniwan ang kaniyang lingkod doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t siya&apos;y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon , at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro : at siya&apos;y humiling sa ganang kaniya na siya&apos;y mamatay sana , at nagsabi , Sukat na ; ngayon , Oh Panginoon kunin mo ang aking buhay ; sapagka&apos;t hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro ; at , narito , kinalabit siya ng isang anghel , at sinabi sa kaniya , Ikaw ay gumising at kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y tumingin , at , narito , na sa kaniyang ulunan ang isang munting tinapay na luto sa baga , at isang sarong tubig . At siya&apos;y kumain at uminom , at nahiga uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa , at kinalabit siya , at sinabi , Ikaw ay bumangon at kumain ; sapagka&apos;t ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y bumangon , at kumain , at uminom , at siya&apos;y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon , na apat na pung araw at apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y naparoon sa isang yungib , at tumuloy roon : at , narito , ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , at sinabi niya sa kaniya , Ano ang ginagawa mo rito Elias ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya , Ako&apos;y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon , sa Dios ng mga hukbo ; sapagka&apos;t pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan , ibinagsak ang iyong mga dambana , at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta : at ako , ako lamang , ang naiwan ; at kanilang pinaguusig ang aking buhay , upang kitlin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang sinabi , Ikaw ay yumaon , at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon . At , narito , ang Panginoon ay nagdaan , at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin , at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon ; nguni&apos;t ang Panginoon ay wala sa hangin : at pagkatapos ng hangin ay isang lindol ; nguni&apos;t ang Panginoon ay wala sa lindol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagkatapos ng lindol ay apoy ; nguni&apos;t ang Panginoon ay wala sa apoy : at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , nang marinig ni Elias , ay tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal , at lumabas , at tumayo sa pasukan sa yungib . At , narito , dumating ang isang tinig sa kaniya , at nagsabi , Ano ang ginagawa mo rito Elias ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi , Ako&apos;y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon , sa Dios ng mga hukbo : sapagka&apos;t pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan , ibinagsak ang iyong mga dambana , at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta ; at ako , ako lamang , ang naiwan ; at kanilang pinaguusig ang buhay ko , upang kitlin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Ikaw ay yumaon , bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco : at pagdating mo , ay iyong pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel : at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mangyayari na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay papatayin ni Jehu : at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gayon ma&apos;y iiwan ko&apos;y pitong libo sa Israel , lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal , at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat , na nag-aararo , na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya , at siya&apos;y kasabay ng ikalabing dalawa : at dinaanan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang balabal niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang iniwan ang mga baka , at tumakbong sinundan si Elias , at sinabi , Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina , at susunod nga ako sa iyo . At sinabi niya sa kaniya , Bumalik ka uli ; sapagka&apos;t ano ang ginawa ko sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya , at kinuha ang parehang mga baka , at pinatay ang mga yaon , at inilaga ang laman ng mga yaon sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka , at ibinigay sa bayan , at kanilang kinain . Nang magkagayo&apos;y tumindig siya , at sumunod kay Elias , at naglingkod sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria ang buong hukbo niya : at may tatlong pu&apos;t dalawang hari na kasama siya , at mga kabayo , at mga karo : at siya&apos;y umahon at kinubkob ang Samaria , at nilabanan yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nagsugo ng mga sugo kay Achab na hari sa Israel , sa loob ng bayan , at sinabi niya sa kaniya , Ganito ang sabi ni Ben-adad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin : pati ng iyong mga asawa at ng iyong mga anak , ang mga pinaka mahusay , ay akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang hari ng Israel ay sumagot , at nagsabi , Ayon sa iyong sabi , panginoon ko , Oh hari ; ako&apos;y iyo , at lahat ng aking tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga sugo ay bumalik , at nagsabi , Ganito ang sinasalita ni Ben-adad na sinasabi , Ako&apos;y tunay na nagsugo sa iyo , na nagpapasabi , Iyong ibibigay sa akin ang iyong pilak , at ang iyong ginto , at ang iyong mga asawa , at ang iyong mga anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t susuguin ko sa iyo kinabukasan ang aking mga lingkod ; sa may ganitong panahon , at kanilang sasaliksikin ang iyong bahay , at ang mga bahay ng iyong mga lingkod , at mangyayari , na anomang maligaya sa harap ng iyong mga mata ay hahawakan nila ng kanilang kamay , at dadalhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y tinawag ng hari ng Israel ang lahat na matanda sa lupain , at sinabi , Isinasamo ko sa inyo na inyong tandaan at tingnan kung paanong ang taong ito&apos;y humahanap ng pakikipagkaalit : sapagka&apos;t kaniyang ipinagbilin ang aking mga asawa , at aking mga anak , at aking pilak , at aking ginto ; at hindi ko ipinahindi sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi sa kaniya ng lahat na matanda at ng buong bayan , Huwag mong dinggin , o tulutan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t kaniyang sinabi sa mga sugo ni Ben-adad , Saysayin ninyo sa aking panginoon na hari , Ang lahat na iyong ipinasugo sa iyong lingkod ng una ay aking gagawin : nguni&apos;t ang bagay na ito ay hindi ko magagawa . At ang mga sugo ay nagsialis at nagsipagbalik ng salita sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Ben-adad ay nagsugo sa kaniya , at nagsabi , Gawing gayon ng mga dios sa akin , at lalo na kung ang alabok sa Samaria ay magiging sukat na dakutin ng buong bayan na sumusunod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang hari sa Israel ay sumagot , at nagsabi , Saysayin ninyo sa kaniya na huwag maghambog ang nagbibigkis ng sakbat na gaya ng naghuhubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nangyari , nang marinig ni Ben-adad ang pasugong ito , sa paraang siya&apos;y umiinom , siya , at ang mga hari sa mga kulandong , na kaniyang sinabi sa kaniyang mga lingkod , Magsihanay kayo . At sila&apos;y nagsihanay laban sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At , narito , isang propeta ay lumapit kay Achab na hari sa Israel , at nagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Nakita mo ba ang lubhang karamihang ito ? narito , aking ibibigay sa iyong kamay sa araw na ito ; at iyong makikilala na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Achab , Sa pamamagitan nino ? At kaniyang sinabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa pamamagitan ng mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan . Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Sino ang magpapasimula ng pagbabaka ? At siya&apos;y sumagot , Ikaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y kaniyang hinusay ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan , at sila&apos;y dalawang daan at tatlong pu&apos;t dalawa ; at pagkatapos ay kaniyang pinisan ang buong bayan , ang lahat ng mga anak ni Israel , na may pitong libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y nagsialis ng katanghaliang tapat . Nguni&apos;t si Ben-adad ay umiinom na lango sa mga kulandong , siya , at ang mga hari , na tatlong pu&apos;t dalawang hari na nagsisitulong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan ay nagsilabas na una ; at si Ben-adad ay nagsugo , at isinaysay nila sa kaniya , na sinabi , May mga taong nagsilabas na mula sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang sinabi , Maging sila&apos;y magsilabas sa ikapapayapa , ay hulihin ninyong buhay ; o maging sila&apos;y magsilabas sa pakikidigma , ay hulihin ninyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y ang mga ito ay lumabas sa bayan , ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan , at ang hukbong sumusunod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pinatay ng bawa&apos;t isa ang kanikaniyang kalabang lalake ; at ang mga taga Siria ay nagsitakas , at hinabol sila ng Israel ; at si Ben-adad na hari sa Siria ay tumakas na nakasakay sa isang kabayo na kasama ng mga mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang hari sa Israel ay lumabas , at sinaktan ang mga kabayo at mga karo , at pinatay ang mga taga Siria ng malaking pagpatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang propeta ay lumapit sa hari sa Israel , at nagsabi sa kaniya , Ikaw ay yumaon , magpakalakas ka , at iyong tandaan , at tingnan mo kung ano ang iyong ginagawa ; sapagka&apos;t sa pagpihit ng taon ay aahon ang hari sa Siria laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng mga lingkod ng hari sa Siria sa kaniya , Ang kanilang dios ay dios sa mga burol ; kaya&apos;t sila&apos;y nagsipanaig sa atin : nguni&apos;t magsilaban tayo laban sa kanila sa kapatagan , at walang pagsalang tayo&apos;y magiging lalong malakas kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At gawin mo ang bagay na ito ; alisin mo ang mga hari sa kanikaniyang kalagayan , at maglagay ka ng mga punong kawal na kahalili nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At bumilang ka sa iyo ng isang hukbo , na gaya ng hukbo na iyong ipinahamak , kabayo kung kabayo , at karo kung karo : at tayo&apos;y magsisilaban sa kanila sa kapatagan , at walang pagsalang tayo&apos;y magiging lalong malakas kay sa kanila . At kaniyang dininig ang kanilang tinig at ginawang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nangyari , sa pagpihit ng taon , na hinusay ni Ben-adad ang mga taga Siria at umahon sa Aphec upang lumaban sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga anak ng Israel ay nangaghusay rin , at nangagbaon , at nagsiyaon laban sa kanila : at ang mga anak ng Israel ay humantong sa harap nila na wari dalawang munting kawang anak ng kambing ; nguni&apos;t linaganapan ng mga taga Siria ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At isang lalake ng Dios ay lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at nagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sapagka&apos;t sinabi ng mga taga Siria , Ang Panginoon ay dios sa mga burol , nguni&apos;t hindi siya dios sa mga libis : kaya&apos;t aking ibibigay ang buong malaking karamihang ito sa iyong kamay , at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y humantong na ang isa ay tapat sa isa na pitong araw . At nagkagayon , nang sa ikapitong araw , ay sinimulan ang pagbabaka ; at ang mga anak ni Israel ay nagsipatay sa mga taga Siria ng isang daang libong nangaglalakad sa isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t ang nangatira ay nagsitakas sa Aphec sa loob ng bayan ; at ang kuta ay nabuwal sa dalawang pu&apos;t pitong libong lalake na nangatira . At si Ben-adad ay tumakas at pumasok sa bayan , sa isang silid na pinakaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya , Narito , ngayon , aming narinig na ang mga hari sa sangbahayan ng Israel ay maawaing mga hari : isinasamo namin sa iyo na kami ay papagbigkisin ng magaspang na kayo sa aming mga balakang , at mga lubid sa aming mga leeg at labasin namin ang hari ng Israel : marahil , kaniyang ililigtas ang iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa gayo&apos;y nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang , at mga lubid sa kanilang mga leeg , at nagsiparoon sa hari ng Israel , at nagsipagsabi , Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad , Isinasamo ko sa iyo , na tulutan mong ako&apos;y mabuhay . At sinabi niya , Siya ba&apos;y buhay pa ? siya&apos;y aking kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Minatyagan ngang maingat ng mga lalake , at nagsipagmadaling hinuli kung sa ano nandoon ang kaniyang pagiisip : at kanilang sinabi , Ang iyong kapatid na si Ben-adad . Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Kayo&apos;y magsiyaon , dalhin ninyo siya sa akin . Nang magkagayo&apos;y nilabas siya ni Ben-adad ; at kaniyang pinasampa sa karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Ben-adad sa kaniya , Ang mga bayan na sinakop ng aking ama sa iyong ama ay aking isasauli ; at ikaw ay gagawa sa ganang iyo ng mga lansangan sa Damasco , gaya ng ginawa ng aking ama sa Samaria . At ako , sabi ni Achab , payayaunin kita sa tipang ito . Sa gayo&apos;y nakipagtipan siya sa kaniya , at pinayaon niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At isang lalake sa mga anak ng mga propeta ay nagsabi sa kaniyang kasama sa pamamagitan ng salita ng Panginoon , Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako . At tumanggi ang lalake na saktan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kaniya , Sapagka&apos;t hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon , narito , pagkahiwalay mo sa akin , ay papatayin ka ng isang leon . At pagkahiwalay niya sa kaniya , ay nasumpungan siya ng isang leon , at pinatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang magkagayo&apos;y nakasumpong siya ng isang lalake , at nagsabi , Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako . At sinaktan siya ng lalake , na sinaktan at sinugatan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa gayo&apos;y umalis ang propeta at hinintay ang hari sa daan , at nagpakunwari na may isang piring sa kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At pagdadaan ng hari ay kaniyang sinigawan ang hari : at kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod ay lumabas sa gitna ng pagbabaka ; at , narito , isang lalake ay lumihis , at nagdala ng isang lalake sa akin , at nagsabi , Ingatan mo ang lalaking ito : kung sa anomang paraan ay makatanan siya , ang iyo ngang buhay ang mapapalit sa kaniyang buhay , o magbabayad ka kaya ng isang talentong pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa paraang ang iyong lingkod ay may ginagawa rito at doon , siya&apos;y nakaalis . At sinabi ng hari ng Israel sa kaniya , Magiging ganyan ang iyong kahatulan : ikaw rin ang magpasiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At siya&apos;y nagmadali , at inalis niya ang piring sa kaniyang mga mata ; at nakilala siya ng hari ng Israel na siya&apos;y isa sa mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi niya sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sapagka&apos;t iyong pinabayaang makatanan sa iyong kamay ang lalake na aking itinalaga sa kamatayan , ang iyo ngang buhay ay papanaw na kapalit ng kaniyang buhay , at ang iyong bayan ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang hari ng Israel ay umuwi sa kaniyang bahay na yamot at lunos at , naparoon sa Samaria .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na si Naboth na Jezreelita ay mayroong isang ubasan na nasa Jezreel , na malapit sa bahay ni Achab na hari ng Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinalita ni Achab kay Naboth , na sinabi , Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan , upang aking tangkilikin na pinaka halamanang pananim , sapagka&apos;t malapit sa aking bahay ; at aking ipapalit sa iyo na kahalili niyaon ang isang mainam na ubasan kay sa roon ; o kung inaakala mong mabuti , aking ibibigay sa iyo ang halaga niyaon na salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Naboth kay Achab , Huwag itulot ng Panginoon sa akin , na aking ibigay ang mana sa aking mga magulang sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pumasok si Achab sa kaniyang bahay na yamot at lunos dahil sa salita na sinalita ni Naboth na Jezreelita sa kaniya : sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Hindi ko ibibigay sa iyo ang mana sa aking mga magulang . At siya&apos;y nahiga sa kaniyang higaan , at ipinihit ang kaniyang mukha , at ayaw kumain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t si Jezabel na kaniyang asawa ay naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , Bakit ang iyong diwa ay totoong malungkot na hindi ka kumakain ng tinapay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa kaniya , Sapagka&apos;t nagsalita ako kay Naboth na Jezreelita , at nagsabi sa kaniya , Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan sa kahalagahang salapi ; o kung dili , kung iyong minamabuti , papalitan ko sa iyo ng ibang ubasan : at siya&apos;y sumagot , Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Jezabel na kaniyang asawa sa kaniya , Ikaw ba ngayon ang namamahala sa kaharian ng Israel ? ikaw ay bumangon , at kumain ng tinapay , at pasayahin mo ang iyong puso : aking ibibigay sa iyo ang ubasan ni Naboth na Jezreelita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y sumulat siya ng mga sulat sa pangalan ni Achab , at pinagtatakan ng kaniyang tatak ; at ipinadala ang mga sulat sa mga matanda at sa mga maginoo na nangasa kaniyang bayan , at nagsisitahang kasama ni Naboth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang isinulat sa mga sulat , na sinasabi , Mangagtanyag kayo ng isang ayuno at ilagay ninyo si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At lumagay ang dalawang lalake na mga hamak na tao sa harap niya , at mangagsisaksi laban sa kaniya , na magsipagsabi , Ikaw ay namusong sa Dios at sa hari . At ilabas nga siya , at batuhin siya upang siya&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ginawa ng mga tao sa kaniyang bayan , sa makatuwid baga&apos;y ng mga matanda at ng mga maginoo na nagsisitahan sa kaniyang bayan , kung ano ang ipinagutos ni Jezabel sa kanila , ayon sa nangasusulat sa mga sulat na kaniyang ipinadala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila&apos;y nangagtanyag ng isang ayuno , at inilagay si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang dalawang lalake na mga hamak na tao ay nagsipasok at nagsiupo sa harap niya : at ang mga lalake na hamak ay nagsisaksi laban sa kaniya , sa makatuwid baga&apos;y laban kay Naboth sa harap ng bayan , na nagsisipagsabi , Si Naboth ay namusong sa Dios at sa hari . Nang magkagayo&apos;y inilabas nila sa bayan , at binato nila siya ng mga bato , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sila&apos;y nagsipagsugo kay Jezabel , na nagsisipagsabi , Si Naboth ay pinagbatuhanan , at patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang mabalitaan ni Jezabel na si Naboth ay pinagbatuhanan , at patay , na sinabi ni Jezabel kay Achab , Ikaw ay bumangon , ariin mo ang ubasan ni Naboth , na Jezreelita na kaniyang ipinagkait na ibigay sa iyo sa halaga ng salapi : sapagka&apos;t si Naboth ay hindi buhay , kundi patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , nang mabalitaan ni Achab na patay si Naboth , na bumangon si Achab na bumaba sa ubasan ni Naboth na Jezreelita , upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita , na nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bumangon ka , panaugin mong salubungin si Achab na hari ng Israel , na tumatahan sa Samaria : narito , siya&apos;y nasa ubasan ni Naboth na kaniyang pinapanaog upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At iyong sasalitain sa kaniya , na sasabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Iyo bang pinatay at iyo rin namang inari ? at iyong sasalitain sa kaniya , na sasabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa dakong pinaghimuran ng mga aso ng dugo ni Naboth ay hihimuran ng mga aso ang iyong dugo , sa makatuwid baga&apos;y ang iyong dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Achab kay Elias , Nasumpungan mo ba ako , Oh aking kaaway ? At sumagot siya , Nasumpungan kita : sapagka&apos;t ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Narito , aking dadalhan ng kasamaan ka , at aking lubos na papalisin ka , at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa&apos;t anak na lalake , at ang nakukulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat , at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia , dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit , at iyong pinapagkasala ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At tungkol kay Jezabel ay nagsalita naman ang Panginoon , na nagsabi , Lalapain ng mga aso si Jezabel sa tabi ng kuta ng Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mamatay kay Achab sa bayan ay lalapain ng mga aso ; at ang mamatay sa parang ay tutukain ng mga ibon sa himpapawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">( Nguni&apos;t walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon , na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diosdiosan , ayon sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari , nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon , na kaniyang hinapak ang kaniyang mga damit , at nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan , at nagayuno , at nahiga sa kayong magaspang , at lumakad ng marahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita , na sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko ? sapagka&apos;t siya&apos;y nagpakababa sa harap ko , hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan : kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sila&apos;y nagpatuloy na tatlong taon na walang pagdidigma ang Siria at ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , nang ikatlong taon , na binaba ni Josaphat na hari sa Juda ang hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng hari sa Israel sa kaniyang mga lingkod , Di ba talastas ninyo na ang Ramoth-galaad ay atin , at tayo&apos;y tatahimik , at hindi natin aagawin sa kamay ng hari sa Siria ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi niya kay Josaphat , Sasama ka ba sa akin sa pagbabaka sa Ramoth-galaad ? At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel , Ako&apos;y gaya mo , ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan , ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel , Sumangguni ka , isinasamo ko sa iyo , sa salita ng Panginoon ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta na may apat na raang lalake , at nagsabi sa kanila , Yayaon ba akong laban sa Ramoth-galaad upang bumaka , o uurong ako ? At sinabi nila , Umahon ka : sapagka&apos;t ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sinabi ni Josaphat , Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon upang makapagusisa tayo sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon , si Micheas na anak ni Imla : nguni&apos;t kinapopootan ko siya ; sapagka&apos;t hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin , kundi kasamaan . At sinabi ni Josaphat : Huwag sabihing gayon ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y tumawag ang hari sa Israel ng isang punong kawal , at nagsabi , Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang hari nga sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda , ay nagsiupo kapuwa sa kanikaniyang luklukan , na nakapanamit hari sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria ; at ang lahat na propeta ay nagsipanghula sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Sedechias na anak ni Chanaana ay gumawa ng mga sungay na bakal , at nagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria hanggang sa mangalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon , na nagsisipagsabi , Umahon ka sa Ramoth-galaad , at guminhawa ka : sapagka&apos;t ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya , na nagsasabi , Narito ngayon , ang mga salita ng mga propeta ay mabuti sa hari na magkakaisa : isinasamo ko sa iyo na ang iyong bibig ay maging gaya ng isa sa kanila , at magsalita ka ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Micheas , Buhay ang Panginoon kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin , yaon ang aking sasalitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang siya&apos;y dumating sa hari , sinabi ng hari sa kaniya , Micheas , paroroon ba kami sa Ramoth-galaad upang bumaka , o uurong kami ? At kaniyang isinagot sa kaniya , Ikaw ay yumaon , at guminhawa ; at ibibigay ng Panginoon yaon sa kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ng hari sa kaniya , Makailang manunumpa ako sa iyo , na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin , kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok , na gaya ng mga tupa na walang pastor : at sinabi ng Panginoon , Ang mga ito ay walang panginoon ; umuwi ang bawa&apos;t lalake sa kaniyang bahay na payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , Di ba isinaysay ko sa iyo na siya&apos;y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin , kundi ng kasamaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Micheas , Kaya&apos;t iyong dinggin ang salita ng Panginoon : Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan , at ang buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng Panginoon , Sinong dadaya kay Achab , upang siya&apos;y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad ? At ang isa&apos;y nagsalita ng ganitong paraan ; at ang iba&apos;y nagsalita ng gayong paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon , at nagsabi , Aking dadayain siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Paano ? At kaniyang sinabi , Ako&apos;y lalabas , at magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta . At kaniyang sinabi , Iyong dadayain siya , at mananaig ka rin : lumabas ka , at gawin mong gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ngayon nga , narito , inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng lahat ng iyong mga propetang ito : at ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y lumapit si Sedechias na anak ni Chanaana , at sinampal si Micheas , at sinabi , Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin , upang magsalita sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ni Micheas , Narito , iyong makikita sa araw na yaon pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ng hari sa Israel , Kunin mo si Micheas , at ibalik mo kay Amon na tagapamahala ng bayan , at kay Joas na anak ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iyong sabihin , Ganito ang sabi ng hari , Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan , at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako&apos;y dumating na payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Micheas , Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa , ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko . At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo , ninyong mga bayan , ninyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa gayo&apos;y ang hari sa Israel , at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , Ako&apos;y magpapakunwaring iba , at paroroon sa pagbabaka ; nguni&apos;t ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari . At ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba , at naparoon sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa tatlong pu&apos;t dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo , na nagsasabi , Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man , liban lamang sa hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangyari , nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi , Walang pagsalang hari sa Israel ; at sila&apos;y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya : at si Josaphat ay humiyaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nangyari , nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel , na sila&apos;y humiwalay ng paghabol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali , at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat ; kaya&apos;t kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo , Ipihit mo ang iyong kamay , at ihiwalay mo ako sa hukbo ; sapagka&apos;t ako&apos;y nasugatan ng malubha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon ; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria , at namatay sa kinahapunan : at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw , na nagsasabi , Bawa&apos;t lalake ay sa kaniyang bayan , at bawa&apos;t lalake ay sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa gayo&apos;y namatay ang hari at dinala sa Samaria ; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria ; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo ( ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon ; ) ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang iba nga sa mga gawa ni Achab , at ang lahat niyang ginawa , at ang bahay na garing na kaniyang itinayo , at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo , di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa gayo&apos;y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang ; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At si Josaphat na anak ni Asa ay nagpasimulang maghari sa Juda , nang ikaapat na taon ni Achab na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Si Josaphat ay tatlong pu&apos;t limang taon nang magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawang pu&apos;t limang taon sa Jerusalem . At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At siya&apos;y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama ; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon : gayon ma&apos;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis ; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain , at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat , at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita , at kung paanong siya&apos;y nakidigma , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang nangalabi sa mga sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa , ay pinaalis niya sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At walang hari sa Edom : isang kinatawan ay hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Si Josaphat ay gumawa ng mga sasakyang dagat sa Tharsis , upang pumaroon sa Ophir dahil sa ginto : nguni&apos;t hindi sila nagsiparoon ; sapagka&apos;t ang mga sasakyan ay nangasira sa Ezion-geber .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Ochozias na anak ni Achab kay Josaphat , Magsiyaon ang aking mga lingkod na kasama ng iyong mga lingkod sa mga sasakyan . Nguni&apos;t tumanggi si Josaphat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang : at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria , nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda , at siya&apos;y nagharing dalawang taon sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , at lumakad sa lakad ng kaniyang ama , at sa lakad ng kaniyang ina , at sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat , na ipinagkasala niya sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At siya&apos;y naglingkod kay Baal , at sumamba sa kaniya , at minungkahi sa galit ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "12">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang Moab ay nanghimagsik laban sa Israel pagkamatay ni Achab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria , at nagkasakit : at siya&apos;y nagsugo ng mga sugo , at nagsabi sa kanila , Kayo ay magsiyaon , usisain ninyo kay Baal-zebub , na dios sa Ecron , kung ako&apos;y gagaling sa sakit na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na Thisbita , Ikaw ay bumangon , umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria , at sabihin mo sa kanila , Dahil ba sa walang Dios sa Israel , na kaya kayo&apos;y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ngayon nga&apos;y ganito ang sabi ng Panginoon , Ikaw ay hindi bababa sa higaan na iyong sinampahan , kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay . At si Elias ay umalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga sugo ay nagsibalik sa kaniya , at sinabi niya sa kanila . Bakit kayo&apos;y nagsibalik ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi nila sa kaniya , May umahong isang lalake na sinalubong kami , at sinabi sa amin , Kayo&apos;y magsiyaon , magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo , at sabihin ninyo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron ? Kaya&apos;t hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan , kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya sa kanila , Anong anyo ng lalaking yaong umahon na sumalubong sa inyo , at nagsaysay sa inyo ng mga salitang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nagsisagot sa kaniya : Siya&apos;y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang . At kaniyang sinabi , Siya&apos;y si Elias na Thisbita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagsugo ang hari sa kaniya ng isang punong kawal ng lilimangpuin na kasama ang kaniyang limangpu . At inahon niya siya : at , narito , siya&apos;y nakaupo sa taluktok ng burol . At siya&apos;y nagsalita sa kaniya : Oh lalake ng Dios , sinabi ng hari : Bumaba ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Elias ay sumagot , at nagsabi sa punong kawal ng lilimangpuin : Kung ako&apos;y lalake ng Dios , bumaba ang apoy na mula sa langit , at sakupin ka at ang iyong limangpu . At bumaba ang apoy na mula sa langit , at sinupok siya at ang kaniyang limangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At muli siyang nagsugo sa kaniya ng ibang punong kawal ng limangpuin na kasama ang kaniyang limangpu . At siya&apos;y sumagot , at nagsabi sa kaniya : Oh lalake ng Dios , ganito ang sabi ng hari , Bumaba kang madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Elias ay sumagot , at nagsabi sa kanila , Kung ako&apos;y lalake ng Dios , bumaba ang apoy na mula sa langit , at supukin ka at ang iyong limangpu . At ang apoy ng Dios ay bumaba na mula sa langit , at sinupok siya at ang kaniyang limangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At muling siya&apos;y nagsugo ng punong kawal ng ikatlong lilimangpuin na kasama ng kaniyang limangpu . At ang ikatlong punong kawal ng lilimangpuin ay umahon , at naparoon at lumuhod sa harap ni Elias , at namanhik sa kaniya at nagsabi sa kaniya , Oh lalake ng Dios , isinasamo ko sa iyo na ang aking buhay , at ang buhay ng limangpung ito na iyong mga lingkod ay maging mahalaga nawa sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , bumaba ang apoy na mula sa langit , at sinupok ang dalawang unang punong kawal ng lilimangpuin sangpu ng kanilang limalimangpu ; nguni&apos;t ang aking buhay nga&apos;y maging mahalaga nawa sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias , Bumaba kang kasama niya : huwag kang matakot sa kaniya . At siya&apos;y tumindig , at bumabang kasama niya hanggang sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi niya sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon : Yamang ikaw ay nagsugo ng mga sugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron , dahil ba sa walang Dios sa Israel na mapaguusisaan ng kaniyang salita ? kaya&apos;t hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan , kundi walang pagsalang mamamatay ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y namatay siya , ayon sa salita ng Panginoon na sinalita ni Elias . At si Joram ay nagpasimulang maghari na kahalili niya nang ikalawang taon ni Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda ; sapagka&apos;t wala siyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang iba nga sa mga gawa ni Ochozias na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo , na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Elias kay Eliseo , Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito : sapagka&apos;t sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el . At sinabi ni Eliseo , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . Sa gayo&apos;y bumaba sila sa Beth-el .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo , at nagsipagsabi sa kaniya , Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon ? At kaniyang sinabi , Oo , talastas ko ; pumayapa kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Elias sa kaniya , Eliseo , isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito ; sapagka&apos;t sinugo ako ng Panginoon sa Jerico . At kaniyang sinabi , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . Sa gayo&apos;y nagsiparoon sila sa Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico , at nagsipagsabi sa kaniya , Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon ? At siya&apos;y sumagot , Oo , talastas ko ; pumayapa kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Elias sa kaniya , Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito ; sapagka&apos;t sinugo ako ng Panginoon sa Jordan . At kaniyang sinabi , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . At silang dalawa ay nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon , at nagsitayo sa tapat nila sa malayo ; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal , at tiniklop , at hinampas ang tubig , at nahawi dito at doon , na ano pa&apos;t silang dalawa&apos;y nagsidaan sa tuyong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari , nang sila&apos;y makatawid , na sinabi ni Elias kay Eliseo , Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo , bago ako ihiwalay sa iyo . At sinabi ni Eliseo , Isinasamo ko sa iyo , na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya , Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay : gayon ma&apos;y kung makita mo ako pagka ako&apos;y inihiwalay sa iyo , magiging gayon sa iyo ; nguni&apos;t kung hindi ay hindi magiging gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , samantalang sila&apos;y nagpapatuloy , at nagsasalitaan , na narito , napakita ang isang karong apoy , at mga kabayong apoy , na naghiwalay sa kanila kapuwa ; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nakita ni Eliseo , at siya&apos;y sumigaw . Ama ko , ama ko , mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon ! At hindi na niya nakita siya : at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan , at hinapak ng dalawang hati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya , at siya&apos;y bumalik , at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya , at hinampas ang tubig , at sinabi , Saan nandoon ang Panginoon , ang Dios ni Elias ? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig , ay nahawi dito at doon : at si Eliseo ay tumawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya , ay kanilang sinabi , Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo . At sila&apos;y nagsiyaon na sinalubong siya , at sila&apos;y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kanilang sinabi sa kaniya , Narito ngayon , sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake ; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila , at hanapin ang inyong panginoon , baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon , at inihagis sa isang bundok , o sa isang libis . At kaniyang sinabi , Huwag kayong magsipagsugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya&apos;y mapahiya , at kaniyang sinabi , Magsipagsugo kayo . Sila&apos;y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake , at hinanap nilang tatlong araw , nguni&apos;t hindi nasumpungan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sila&apos;y nagsibalik sa kaniya , samantalang siya&apos;y naghihintay sa Jerico ; at kaniyang sinabi sa kanila , Di ba sinabi ko sa inyo : Huwag kayong magsiyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo : Tingnan mo , isinasamo namin sa iyo , na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya , gaya ng nakikita ng aking panginoon : nguni&apos;t ang tubig ay masama , at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang sinabi , Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga , at sidlan ninyo ng asin . At kanilang dinala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y naparoon sa bukal ng tubig , at hinagisan niya ng asin , at nagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Aking pinabuti ang tubig na ito ; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito , ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y umahon sa Beth-el mula roon : at samantalang siya&apos;y umaahon sa daan , may nagsilabas sa bayan na mga bata , at tinuya siya , at sinabi nila sa kaniya , Umahon ka , ikaw na kalbo ang ulo ; umahon ka , ikaw na kalbo ang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y lumingon sa likuran niya , at nangakita niya , at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon . At doo&apos;y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat , at lumapa ng apat na pu&apos;t dalawang bata sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon , at mula roo&apos;y bumalik siya sa Samaria .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Joram nga na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria nang ikalabing walong taon ni Josaphat na hari sa Juda , at nagharing labing dalawang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon ; nguni&apos;t hindi gaya ng kaniyang ama , at ng kaniyang ina : sapagka&apos;t kaniyang inalis ang haligi na pinakaalaala kay Baal na ginawa ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon ma&apos;y lumakip siya sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na ipinagkasala niya sa Israel ; hindi niya hiniwalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Mesa nga na hari sa Moab ay may mga tupa ; at siya&apos;y nagbubuwis sa hari sa Israel ng balahibo ng isang daang libong kordero at ng isang daang libong lalaking tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t nangyari nang mamatay si Achab , na ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang haring Joram ay lumabas sa Samaria nang panahong yaon , at hinusay ang buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y yumaon , at nagsugo kay Josaphat na hari sa Juda , na nagsasabi , Ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa akin : yayaong ka ba na kasama ko laban sa Moab upang bumaka ? At kaniyang sinabi , Ako&apos;y aahon : ako&apos;y gaya mo , ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan , ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang sinabi , Sa aling daan magsisiahon tayo ? At siya&apos;y sumagot , Sa daan ng ilang ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y yumaon ang hari sa Israel , at ang hari sa Juda , at ang hari sa Edom : at sila&apos;y nagsiligid ng pitong araw na paglalakbay ; at walang tubig para sa hukbo , o sa mga hayop man na nagsisisunod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng hari sa Israel , Sa aba natin ! sapagka&apos;t tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sa kamay ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t sinabi ni Josaphat , Wala ba ritong isang propeta ng Panginoon , upang tayo&apos;y makapagusisa sa Panginoon sa pamamagitan niya ? At isa sa mga lingkod ng hari sa Israel ay sumagot , at nagsabi , Si Eliseo na anak ni Saphat ay nandito na nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Josaphat , Ang salita ng Panginoon ay sumasa kaniya . Sa gayo&apos;y binaba siya ng hari sa Israel , at ni Josaphat at ng hari sa Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel , Anong ipakikialam ko sa iyo ? pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama , at sa mga propeta ng iyong ina . At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya , Hindi ; sapagka&apos;t tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ni Eliseo , Buhay ang Panginoon ng mga hukbo , na nakatayo ako sa harap niya , tunay na kung wala akong pagtingin sa harap ni Josaphat na hari sa Juda , hindi kita lilingapin , ni titingnan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ngayo&apos;y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog . At nangyari , nang ang manunugtog ay tumugtog , na ang kamay ng Panginoon ay suma kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Punuin ninyo ang libis na ito ng mga hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y hindi makakakita ng hangin , ni kayo&apos;y makakakita man ng ulan ; gayon ma&apos;y ang libis na yaon ay mapupuno ng tubig , at kayo&apos;y iinom , kayo at gayon din ang inyong mga baka , at ang inyong mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ito&apos;y isang bagay na magaan sa paningin ng Panginoon : kaniya rin namang ibibigay ang mga Moabita sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At inyong sasaktan ang bawa&apos;t bayang nakukutaan , at ang bawa&apos;t piling bayan , at inyong ibubuwal ang bawa&apos;t mabuting punong kahoy , at inyong patitigilin ang lahat na bukal ng tubig , at inyong sisirain ng mga bato ang bawa&apos;t mabuting bahagi ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , sa kinaumagahan , sa may panahon ng paghahandog ng alay , na , narito , humuho ang tubig sa daan ng Edom , at ang lupain ay napuno ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang mabalitaan nga ng lahat na Moabita na ang mga hari ay nagsiahon upang magsilaban sa kanila , ay nagpipisan silang lahat na makapagsasakbat ng sandata at hanggang sa katandatandaan , at nagsitayo sa hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y nagsibangong maaga nang kinaumagahan , at ang araw ay suminag sa tubig , at nakita ng mga Moabita ang tubig sa tapat nila na mapulang gaya ng dugo : at kanilang sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ito&apos;y dugo ; ang mga hari ay walang pagsalang lipol , at sinaktan ng bawa&apos;t isa sa kanila ang kaniyang kasama : ngayon nga , Moab , sa pagsamsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang sila&apos;y dumating sa kampamento ng Israel , ang mga taga Israel ay nagsitindig , at sinaktan ang mga Moabita , na anopa&apos;t sila&apos;y tumakas sa harap nila ; at sila&apos;y nagpatuloy sa lupain na sinasaktan ang mga Moabita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kanilang giniba ang mga bayan at sa bawa&apos;t mabuting bahagi ng lupain ay naghagis ang bawa&apos;t tao ng kaniyang bato , at pinuno ; at kanilang pinatigil ang lahat ng bukal ng tubig , at ibinuwal ang lahat na mabuting punong kahoy , hanggang sa Cir-hareseth lamang nagiwan ng mga bato niyaon ; gayon ma&apos;y kinubkob ng mga manghihilagpos , at sinaktan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang makita ng hari sa Moab na ang pagbabaka ay totoong malala sa ganang kaniya ay nagsama siya ng pitong daang lalake na nagsisihawak ng tabak , upang dumaluhong sa hari sa Edom : nguni&apos;t hindi nila nagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y kinuha niya ang kaniyang pinaka matandang anak na maghahari sana na kahalili niya , at inihandog niya na pinakahandog na susunugin sa ibabaw ng kuta . At nagkaroon ng malaking galit laban sa Israel : at kanilang nilisan siya , at bumalik sa kanilang sariling lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta , na nagsasabi , Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na : at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon : at ang pinagkautangan ay naparito upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Anong gagawin ko sa iyo ? saysayin mo sa akin ; anong mayroon ka sa bahay ? At sinabi niya , Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Ikaw ay yumaon , manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay , sa makatuwid baga&apos;y ng mga walang lamang sisidlan ; huwag kang manghiram ng kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ikaw ay papasok , at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan , at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon ; at iyong itatabi ang mapuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y nilisan niya siya , at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan ; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya , at kaniyang pinagbuhusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , nang mapuno ang mga sisidlan , na kaniyang sinabi sa kaniyang anak , Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan . At sinabi niya sa kaniya : Wala pang sisidlan . At ang langis ay tumigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y naparoon siya , at kaniyang isinaysay sa lalake ng Dios . At kaniyang sinabi , ikaw ay yumaon , ipagbili mo ang langis , at bayaran mo ang iyong utang , at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa Sunem , na kinaroroonan ng isang dakilang babae ; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay . At nagkagayon , na sa tuwing siya&apos;y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kaniyang asawa , Narito ngayon , aking nahahalata na ito&apos;y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Isinasamo ko sa iyo na tayo&apos;y gumawa ng isang maliit na silid sa pader ; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan , at ng isang dulang , at ng isang upuan , at ng isang kandelero : at mangyayari , pagka siya&apos;y dumarating sa atin , na siya&apos;y papasok doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , isang araw , na siya&apos;y dumating doon , at siya&apos;y lumiko na pumasok sa silid , at nahiga roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod , Tawagin mo ang Sunamitang ito . At nang matawag niya , siya&apos;y tumayo sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kaniya , Sabihin mo ngayon sa kaniya , Narito , ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito ; ano nga ang magagawa sa iyo ? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari , o sa punong kawal ng hukbo ? At siya&apos;y sumagot , Ako&apos;y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi , Ano nga ang magagawa sa kaniya ? At sumagot si Giezi . Katotohanang siya&apos;y walang anak , at ang kaniyang asawa ay matanda na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Tawagin siya . At nang kaniyang tawagin siya , siya&apos;y tumayo sa pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Sa panahong ito , pagpihit ng panahon , ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake . At kaniyang sinabi , Hindi panginoon ko , ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang babae ay naglihi , at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon , nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang lumaki ang bata ay nangyari , isang araw , nang siya&apos;y umalis na patungo sa kaniyang ama , sa mga manggagapas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang sinabi sa kaniyang ama , Ulo ko , ulo ko . At sinabi niya sa kaniyang bataan , Dalhin mo siya sa kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina , siya&apos;y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat , at nang magkagayo&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y pumanhik at inihiga siya sa higaan ng lalake ng Dios , at pinagsarhan niya ng pintuan siya , at lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa , at nagsabi , Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan , at ang isa sa mga asno , upang aking takbuhin ang lalake ng Dios , at bumalik uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang sinabi , Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon ? hindi bagong buwan o sabbath man . At kaniyang sinabi , Magiging mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y siniyahan niya ang isang asno , at nagsabi sa kaniyang bataan , Ikaw ay magpatakbo , at magpatuloy ; huwag mong pahinain ang pagpapatakbo sa akin , malibang sabihin ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa gayo&apos;y yumaon siya at naparoon sa lalake ng Dios sa bundok ng Carmelo . At nangyari , nang makita siya ng lalake ng Dios sa malayo , na kaniyang sinabi kay Giezi na kaniyang lingkod , Narito , nandoon ang Sunamita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Tumakbo ka , isinasamo ko sa iyo ngayon , na salubungin siya , at iyong sabihin sa kaniya , Mabuti ka ba ? mabuti ba ang iyong asawa ? mabuti ba ang bata ? At siya&apos;y sumagot , Mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang siya&apos;y dumating sa lalake ng Dios sa burol , siya&apos;y humawak sa kaniyang mga paa . At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya ; nguni&apos;t sinabi ng lalake ng Dios : Bayaan siya ; sapagka&apos;t siya&apos;y namamanglaw ; at inilihim ng Panginoon sa akin , at hindi isinaysay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Ako ba&apos;y humiling ng isang anak sa aking panginoon ? di ba sinabi ko , Huwag mo akong dayain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya kay Giezi , Bigkisan mo ang iyong mga balakang , at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay , at yumaon ka ng iyong lakad : kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao , huwag mo siyang batiin ; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo , huwag mo siyang sagutin : at ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ng ina ng bata , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . At siya&apos;y tumindig , at sumunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Giezi ay nagpauna sa kanila , at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata ; nguni&apos;t wala kahit tinig , o pakinig man . Kaya&apos;t siya&apos;y bumalik na sinalubong siya , at nagsaysay sa kaniya , na nagsabi , Ang bata&apos;y hindi magising .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nang si Eliseo ay dumating sa bahay , narito , ang bata&apos;y patay , at nakahiga sa kaniyang higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Siya&apos;y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa , at dumalangin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At siya&apos;y sumampa , at dumapa sa ibabaw ng bata , at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya , at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya , at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya : at siya&apos;y dumapa sa kaniya ; at ang laman ng bata ay uminit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nang magkagayo&apos;y bumalik siya , at lumakad sa bahay na paroo&apos;t parito na minsan ; at sumampa , at dumapa sa ibabaw niya : at ang bata&apos;y nagbahing makapito , at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At tinawag niya si Giezi , at sinabi , Tawagin mo ang Sunamitang ito . Sa gayo&apos;y tinawag niya siya . At nang siya&apos;y pumaroon sa kaniya , sinabi niya , Kalungin mo ang iyong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang magkagayo&apos;y pumasok siya at nagpatirapa sa kaniyang mga paa , at yumukod sa lupa ; at kinalong niya ang kaniyang anak , at umalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Eliseo ay bumalik sa Gilgal : at may kagutom sa lupain ; at ang mga anak ng mga propeta ay nangakaupo sa harap niya : at sinabi niya sa kaniyang lingkod : Isalang mo ang malaking palayok , at ipagluto mo ng lutuin ang mga anak ng mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang isa ay lumabas sa bukid upang manguha ng mga gugulayin , at nakasumpong ng isang baging gubat , at namitas doon ng mga kalabasang gubat na ang kaniyang kandungan ay napuno , at bumalik at pinagputolputol sa palayok ng lutuin : sapagka&apos;t hindi nila nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa gayo&apos;y kanilang ibinuhos para sa mga tao upang kanin . At nangyari , samantalang sila&apos;y nagsisikain ng lutuin , na sila&apos;y nagsisigaw , at nagsipagsabi , Oh lalake ng Dios , may kamatayan sa palayok . At hindi nakain yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Nguni&apos;t kaniyang sinabi , Magdala nga rito ng harina . At kaniyang isinilid sa palayok ; at kaniyang sinabi , Ibuhos ninyo para sa bayan , upang sila&apos;y makakain . At wala nang makasasama sa palayok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At dumating ang isang lalake na mula sa Baal-salisa , at nagdala sa lalake ng Dios ng tinapay ng mga unang bunga , na dalawang pung tinapay na sebada , at mga murang uhay ng trigo na nangasa kaniyang bayong . At kaniyang sinabi , Ibigay mo sa bayan , upang kanilang makain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sinabi ng kaniyang lingkod : Ano , ilalapag ko ba ito sa harap ng isang daang tao ? Nguni&apos;t kaniyang sinabi , Ibigay sa bayan upang kanilang makain ; sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Sila&apos;y kakain , at magtitira niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sa gayo&apos;y inilapag niya sa harap nila , at sila&apos;y nagsikain , at nagsipagtira niyaon , ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Naaman nga , na punong kawal ng hukbo ng hari sa Siria , ay dakilang lalake sa kaniyang panginoon , at marangal , sapagka&apos;t sa pamamagitan niya&apos;y nagbigay ang Panginoon ng pagtatagumpay sa Siria : siya rin nama&apos;y malakas na lalake na may tapang , nguni&apos;t may ketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga taga Siria ay nagsilabas na mga pulupulutong , at nagdala ng bihag na mula sa lupain ng Israel na isang dalagita ; at siya&apos;y naglingkod sa asawa ni Naaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya sa kaniyang babaing panginoon . Mano nawa ang aking panginoon ay humarap sa propeta na nasa Samaria ! kung magkagayo&apos;y pagagalingin niya siya sa kaniyang ketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pumasok ang isa , at isinaysay sa kaniyang panginoon , na sinasabi , Ganito&apos;t ganito ang sabi ng dalagita na nagmula sa lupain ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng hari sa Siria , Yumaon ka , yumaon ka , at ako&apos;y magpapadala ng sulat sa hari sa Israel . At siya&apos;y yumaon , at nagdala siya ng sangpung talentong pilak , at anim na libong putol na ginto , at sangpung pangpalit na bihisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang dinala ang sulat sa hari sa Israel , na sinasabi , At pagka nga dumating sa iyo ang sulat na ito , ay talastasin mo na aking sinugo si Naaman na aking lingkod sa iyo , upang iyong pagalingin siya sa kaniyang ketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , nang mabasa ng hari sa Israel ang sulat , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot at nagsabi , Ako ba&apos;y Dios upang pumatay at bumuhay , na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kaniyang ketong ? nguni&apos;t talastasin mo , isinasamo ko sa iyo , at tingnan mo kung paanong siya&apos;y humahanap ng dahilan laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagkagayon , nang mabalitaan ni Eliseo na lalake ng Dios na hinapak ng hari sa Israel ang kaniyang suot , na siya&apos;y nagsugo sa hari , na nagsabi : Bakit mo hinapak ang iyong mga kasuutan ? paparituhin mo siya sa akin , at kaniyang malalaman na may isang propeta sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y naparoon si Naaman na dala ang kaniyang mga kabayo at ang kaniyang mga karo , at tumayo sa pintuan ng bahay ni Eliseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya , na nagsasabi , ikaw ay yumaon , at maligo sa Jordan na makapito , at ang iyong laman ay sasauli sa iyo , at ikaw ay magiging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t si Naaman ay naginit , at umalis , at nagsabi , Narito , aking inakalang , walang pagsalang lalabasin niya ako , at tatayo , at tatawag sa pangalan ng Panginoon niyang Dios , at pagagalawgalawin ang kaniyang kamay sa kinaroroonan , at mapapawi ang ketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi ba ang Abana at ang Pharphar , na mga ilog ng Damasco , ay mainam kay sa lahat ng tubig sa Israel ? hindi ba ako makapaliligo sa mga yaon , at maging malinis ? Sa gayo&apos;y pumihit siya at umalis sa paginit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kaniyang mga lingkod ay nagsilapit , at nagsipagsalita sa kaniya , at nagsabi , Ama ko , kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anomang mahirap na bagay , hindi mo ba gagawin ? gaano nga kung sabihin niya sa iyo , Ikaw ay maligo , at maging malinis ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y lumusong siya at sumugbong makapito sa Jordan , ayon sa sabi ng lalake ng Dios : at ang kaniyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata , at siya&apos;y naging malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y bumalik sa lalake ng Dios , siya at ang buong pulutong niya , at naparoon , at tumayo sa harap niya : at siya&apos;y nagsabi , Narito ngayon , aking talastas na walang Dios sa buong lupa , kundi sa Israel : isinasamo ko ngayon sa iyo na tanggapin mo ang kaloob ng iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kaniyang sinabi , Buhay ang Panginoon , na nakatayo ako sa harap niya , wala akong tatanggapin . At ipinilit niya sa kaniyang kunin ; nguni&apos;t siya&apos;y tumanggi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni Naaman , Kung hindi , isinasamo ko pa sa iyo , na bigyan ko ang iyong lingkod ng lupang mapapasan ng dalawang mula ; sapagka&apos;t ang iyong lingkod buhat ngayon ay hindi maghahandog ng handog na susunugin o hain man sa ibang mga dios , kundi sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa bagay na ito&apos;y patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod , pagka ang aking panginoon ay pumasok sa bahay ni Rimmon upang sumamba roon , at siya&apos;y umagapay sa aking kamay , at ako&apos;y yumukod sa bahay ni Rimmon , pagyukod ko sa bahay ni Rimmon , na patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kaniya , Ikaw ay yumaong payapa . Sa gayo&apos;y nilisan niya siya ng may aguwat na kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t si Giezi , na lingkod ni Eliseo na lalake ng Dios , ay nagsabi , Narito , pinalagpas ng aking panginoon ang Naamang ito na taga Siria , sa di pagtanggap sa kaniyang mga kamay ng kaniyang dala ; buhay ang Panginoon , tatakbuhin ko siya , at kukuha ako ng anoman sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y sinundan ni Giezi si Naaman , at nang makita ni Naaman na isa&apos;y humahabol sa kaniya , siya&apos;y bumaba sa karo na sinalubong niya , at sinabi , Lahat ba&apos;y mabuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang sinabi , Lahat ay mabuti . Sinugo ako ng aking panginoon , na sinabi , Narito , dumating sa akin ngayon mula sa lupaing maburol ng Ephraim ang dalawang binata sa mga anak ng mga propeta : isinasamo ko sa iyo na bigyan mo sila ng isang talentong pilak , at dalawang pangpalit na bihisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Naaman , Matuwa ka , kunin mo ang dalawang talento . At ipinilit niya sa kaniya , at ibinalot ang dalawang talentong pilak sa dalawang supot , sangpu ng dalawang pangpalit na bihisan , at mga ipinasan sa dalawa sa kaniyang mga bataan ; at dinala nila sa unahan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang siya&apos;y dumating sa burol , kinuha niya sa kanilang kamay , at itinago niya sa bahay : at pinayaon niya ang mga lalake , at sila&apos;y nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t siya&apos;y pumasok at tumayo sa harap ng kaniyang panginoon . At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Saan ka nanggaling Giezi ? At kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod ay walang pinaroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kaniyang sinabi , Hindi ba sumasa iyo ang aking puso nang ang lalake ay bumalik mula sa kaniyang karo na sinasalubong ka ? panahon ba ng pagtanggap ng salapi , at pagtanggap ng bihisan , at ng mga olibohan , at ng mga ubasan , at ng mga tupa , at ng mga baka , at ng mga aliping lalake at babae ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang ketong nga ni Naaman ay kakapit sa iyo , at sa iyong binhi magpakailan man . At siya&apos;y umalis sa kaniyang harapan na may ketong na kasingputi ng niebe .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo , Narito ngayon , ang dakong aming kinatitirahan sa harap mo ay totoong gipit sa ganang amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isinasamo namin sa iyo na kami ay paparoonin sa Jordan , at kumuha roon ang bawa&apos;t isa ng sikang , at gumawa kami para sa amin ng isang dako roon , na aming matatahanan . At siya&apos;y sumagot , Magsiyaon kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng isa , Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay matuwa , at yumaon na kasama ng iyong mga lingkod . At siya&apos;y sumagot , Ako&apos;y yayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y yumaon siyang kasama nila . At nang sila&apos;y dumating sa Jordan , sila&apos;y nagsiputol ng kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t samantalang ang isa&apos;y pumuputol ng isang sikang , ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig : at siya&apos;y sumigaw , at nagsabi , Sa aba ko , panginoon ko ! sapagka&apos;t hiram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng lalake ng Dios , Saan nalaglag ? At itinuro niya sa kaniya ang dako . At siya&apos;y pumutol ng isang patpat , at inihagis doon , at pinalutang ang bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang sinabi , Kunin mo . Sa gayo&apos;y kaniyang iniunat ang kaniyang kamay , at kinuha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang hari nga sa Siria ay nakipagdigma sa Israel ; at siya&apos;y kumuhang payo sa kaniyang mga lingkod , na nagsasabi , Sa gayo&apos;t gayong dako malalagay ang aking kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang lalake ng Dios ay nagsugo sa hari sa Israel , na nagsasabi , Magingat ka na huwag dumaan sa dakong yaon ; sapagka&apos;t doo&apos;y lumulusong ang mga taga Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagsugo ang hari sa Israel sa dakong isinaysay sa kaniya ng lalake ng Dios at ipinagpauna sa kaniya ; at siya&apos;y lumigtas doon , na hindi miminsan o mamakalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang puso ng hari sa Siria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito ; at kaniyang tinawag ang kaniyang mga lingkod , at sinabi sa kanila , Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod , Hindi panginoon ko , Oh hari : kundi si Eliseo , na propeta na nasa Israel , ay nagsaysay sa hari sa Israel ng mga salita na iyong sinalita sa iyong silid na tulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinabi , Ikaw ay yumaon at tingnan mo kung saan siya nandoon , upang ako&apos;y makapagpasundo at dalhin siya . At nasaysay sa kaniya , na sinabi , Narito , siya&apos;y nasa Dothan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t siya&apos;y nagsugo roon ng mga kabayo at mga karo , at ng isang malaking hukbo : at sila&apos;y naparoon sa gabi , at kinubkob ang bayan sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang ang lingkod ng lalake ng Dios ay magbangong maaga , at maglabas , narito , isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan . At ang kaniyang lingkod ay nagsabi sa kaniya , Sa aba natin , panginoon ko ! paano ang ating gagawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y sumagot , Huwag kang matakot : sapagka&apos;t ang sumasaatin ay higit kay sa sumasa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Eliseo ay nanalangin , at nagsabi , Idinadalangin ko sa iyo , Panginoon , na idilat ang kaniyang mga mata , upang siya&apos;y makakita . At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata ; at siya&apos;y nakakita , at narito , ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang kanilang lusungin siya , ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon , at nagsabi , Idinadalangin ko sa iyo , na bulagin mo ang bayang ito . At kaniyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Eliseo sa kanila , Hindi ito ang daan , o ang bayan man : sumunod kayo sa akin , at dadalhin ko kayo sa lalake na inyong hinahanap . At kaniyang pinatnubayan sila hanggang sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari , nang sila&apos;y magsidating sa Samaria , na sinabi ni Eliseo , Panginoon , idilat mo ang mga mata ng mga lalaking ito , upang sila&apos;y makakita . At idinilat ng Panginoon ang kanilang mga mata , at sila&apos;y nangakakita ; at , narito , sila&apos;y nangasa gitna ng Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo , nang makita niya sila , Ama ko , sasaktan ko ba sila ? sasaktan ko ba sila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At siya&apos;y sumagot . Huwag mong sasaktan sila ; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog ? maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila , upang kanilang makain at mainom , at magsiparoon sa kanilang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinaghanda niya ng malaking pagkain sila : at nang sila&apos;y makakain at makainom , kaniyang pinayaon sila , at sila&apos;y nagsiparoon sa kanilang panginoon . At ang pulutong ng Siria ay hindi na naparoon pa sa lupain ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangyari , pagkatapos nito , na pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria , ang buo niyang hukbo , at umahon , at kinubkob ang Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagkaroon ng malaking kagutom sa Samaria : at , narito , kanilang kinubkob , hanggang sa ang ulo ng isang asno ay naipagbili ng walong pung putol na pilak , at ang ikaapat na bahagi ng isang takal ng dumi ng kalapati ay ng limang putol na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagdaraan sa kuta ng hari sa Israel , humiyaw ang isang babae sa kaniya , na nagsasabi , Saklolo , panginoon ko , Oh hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kaniyang sinabi , Kung hindi ka saklolohan ng Panginoon , sa ano kita sasaklolohan sa giikan ba , o sa ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ng hari sa kaniya , Anong nangyayari sa iyo ? At siya&apos;y sumagot , Sinabi ng babaing ito sa akin , Ibigay mo ang iyong anak , upang makain natin siya ngayon , at kakanin natin ang anak ko bukas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa gayo&apos;y pinakuluan namin ang anak ko , at kinain namin siya : at sinabi ko sa kaniya sa sumunod na araw , Ibigay mo ang iyong anak , upang makain natin siya ; at kaniyang ikinubli ang kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari , nang marinig ng hari ang mga salita ng babae , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot ( nagdadaan nga siya sa kuta ; ) at ang bayan ay tumingin , at , narito , siya&apos;y may magaspang na damit sa loob sa kaniyang katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi , Gawing gayon ng Dios sa akin , at lalo na , kung ang ulo ni Eliseo , na anak ni Saphat ay matira sa kaniya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nguni&apos;t si Eliseo ay nakaupo sa kaniyang bahay , at ang mga matanda ay nagsiupo na kasama niya ; at ang hari ay nagsugo ng isang lalake na mula sa harap niya : nguni&apos;t bago dumating ang sugo sa kinaroroonan niya , sinabi niya sa mga matanda , Hindi ba ninyo nakita kung paanong ang anak na ito ng isang mamamatay tao ay nagsugo sa akin na alisin ang aking ulo ? masdan ninyo , pagdating ng sugo , sarhan ninyo ang pintuan , at itulak ninyo ang pinto laban sa kaniya : di ba ang ingay ng mga paa ng kaniyang panginoon sa likod niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At samantalang siya&apos;y nakikipagusap sa kanila , narito , nilusong siya ng sugo : at kaniyang sinabi , Narito , ang kasamaang ito&apos;y mula sa Panginoon ; bakit pa ako maghihintay sa Panginoon ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni Eliseo , Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon , ganito ang sabi ng Panginoon : Bukas sa may ganitong oras , ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo , at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo , sa pintuang-bayan ng Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios , at nagsabi , Narito , kung ang Panginoo&apos;y gagawa ng mga dungawan sa langit , mangyayari ba ito ? At kaniyang sinabi , Narito , makikita mo yaon ng iyong mga mata , nguni&apos;t hindi ka kakain niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mayroon ngang apat na may ketong sa pasukan ng pintuang-bayan : at sila&apos;y nagsangusapan . Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo&apos;y mamatay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung ating sabihin , Tayo&apos;y magsisipasok sa bayan , ang kagutom nga&apos;y nasa bayan , at tayo&apos;y mamamatay roon : at kung tayo&apos;y magsisitigil ng pagkaupo rito , tayo&apos;y mamamatay rin . Ngayon nga&apos;y halina , at tayo&apos;y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria : kung tayo&apos;y iligtas nilang buhay , tayo&apos;y mabubuhay ; at kung tayo&apos;y patayin nila , mamamatay lamang tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y nagsitindig pagtatakip silim , upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria : at nang sila&apos;y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria , narito , walang tao roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo , at ang huni ng mga kabayo , sa makatuwid baga&apos;y ang hugong ng malaking hukbo : at sila&apos;y nagsangusapan . Narito , inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo , at ang mga hari ng mga taga Egipto , upang magsidaluhong sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t sila&apos;y nagsitindig , at nagsitakas sa pagtatakip silim , at iniwan ang kanilang mga tolda , at ang kanilang mga kabayo , at ang kanilang mga asno , at ang buong kampamento , na gaya ng dati , at nagsitakas dahil sa kanilang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang ang mga may ketong na ito&apos;y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento , sila&apos;y nagsipasok sa isang tolda , at nagsikain at nagsiinom , at nagsipagdala mula roon ng pilak , at ng ginto , at ng bihisan , at nagsiyaon at itinago ; at sila&apos;y bumalik , at pumasok sa ibang tolda , at nagdala rin mula roon , at nagsiyaon at itinago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagsangusapan sila . Hindi mabuti ang ginagawa natin : ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita , at tayo&apos;y tumatahimik : kung tayo&apos;y magsipaghintay ng hanggang sa pagliliwayway sa kinaumagahan , parusa ang aabot sa atin : ngayon nga&apos;y halina , tayo&apos;y magsiyaon at ating saysayin sa sangbahayan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y nagsiparoon sila , at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan : at kanilang isinaysay sa kanila , na sinasabi , Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria , at , narito , walang lalake roon ni tinig man ng lalake , kundi mga nakataling kabayo , at mga asnong nangakatali , at ang mga tolda na gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tinawag niya ang mga tagatanod-pinto ; at kanilang sinaysay sa sangbahayan ng hari sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang hari ay bumangon sa gabi , at nagsabi sa kaniyang mga lingkod , Ipakikita ko sa inyo ngayon kung ano ang ginawa ng mga taga Siria sa atin . Kanilang talastas na tayo&apos;y gutom ; kaya&apos;t sila&apos;y nagsilabas ng kampamento upang magsipangubli sa parang , na nagsasabi , Pagka sila&apos;y nagsilabas sa bayan , ating kukunin silang buhay at papasok tayo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At isa sa kaniyang mga lingkod ay sumagot , at nagsabi , Isinasamo ko sa inyo na kunin ng ilan ang lima sa mga kabayong nalabi , na natira sa bayan ( narito , sila&apos;y gaya ng buong karamihan ng Israel na natira roon ; narito , sila&apos;y gaya ng buong karamihan ng Israel na nalipol : ) at tayo&apos;y magsugo at ating tingnan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila nga&apos;y nagsikuha ng dalawang karo na may mga kabayo ; at ang hari ay nagsugo na pinasundan ang hukbo ng mga taga Siria , na nagsabi , Kayo ay yumaon at tingnan ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kanilang sinundan sila hanggang sa Jordan ; at , narito , ang buong daa&apos;y puno ng mga kasuutan at ng mga kasangkapan na mga inihagis ng mga taga Siria sa kanilang pagmamadali . At ang mga sugo ay nagsibalik at nagsaysay sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang bayan ay lumabas , at sinamsaman ang kampamento ng mga taga Siria . Sa gayo&apos;y ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo , at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo , ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At inihabilin ng hari sa punong kawal na pinangangapitan niya , ang katungkulan sa pintuang-bayan : at niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan , at siya&apos;y namatay na gaya ng sinabi ng lalake ng Dios , na nagsalita nang lusungin siya ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , gaya ng sinabi ng lalake ng Dios sa hari , na sinasabi , Ang dalawang takal ng sebada ay maipagbibili isang siklo , at ang isang takal ng mainam na harina ay isang siklo , mangyayari bukas sa may ganitong oras sa pintuang-bayan ng Samaria ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang punong kawal na yaon ay sumagot sa lalake ng Dios , at nagsabi , Ngayon , narito , kung ang Panginoon ay gagawa ng mga dungawan sa langit , mangyayari ba ang gayong bagay ? At kaniyang sinabi , Narito , makikita mo yaon ng iyong mga mata , nguni&apos;t hindi ka kakain niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nangyari ngang gayon sa kaniya ; sapagka&apos;t niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan , at siya&apos;y namatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nagsalita nga si Eliseo sa babae , na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay , na sinasabi , Ikaw ay bumangon at yumaon ka at ang iyong sangbahayan , at mangibang bayan ka kung saan ka makakapangibang bayan : sapagka&apos;t nagtalaga ang Panginoon ng kagutom ; at magtatagal naman sa lupain na pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang babae ay bumangon , at ginawa ang ayon sa sinalita ng lalake ng Dios : at siya&apos;y yumaon na kasama ng kaniyang sangbahayan , at nangibang bayan sa lupain ng mga Filisteo na pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari , sa katapusan ng ikapitong taon , na ang babae ay bumalik na mula sa lupain ng mga Filisteo : at siya&apos;y lumabas upang dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang hari nga&apos;y nakipagusap kay Giezi na lingkod ng lalake ng Dios , na sinasabi , Isinasamo ko sa iyo , na saysayin mo sa akin ang lahat na mga dakilang bagay na ginawa ni Eliseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , samantalang kaniyang sinasaysay sa hari kung paanong kaniyang isinauli ang buhay niyaon na patay , na narito , ang babae , na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay , ay dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain . At sinabi ni Giezi , Panginoon ko , Oh hari , ito ang babae , at ito ang kaniyang anak na sinaulian ng buhay ni Eliseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang tanungin ng hari ang babae , sinaysay niya sa kaniya . Sa gayo&apos;y hinalalan ng hari siya ng isang pinuno , na sinasabi , Isauli mo ang lahat ng kaniya , at ang lahat ng bunga ng bukid mula nang araw na kaniyang iwan ang lupain , hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Eliseo ay naparoon sa Damasco ; at si Ben-adad na hari sa Siria ay may sakit : at nasaysay sa kaniya , na sinabi , Ang lalake ng Dios ay naparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng hari kay Hazael , Magdala ka ng isang kaloob sa iyong kamay , at yumaon kang salubungin mo ang lalake ng Dios , at magusisa ka sa Panginoon sa pamamagitan niya , na magsabi , Gagaling ba ako sa sakit na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y naparoon na sinalubong siya ni Hazael , at nagdala siya ng kaloob , ng bawa&apos;t mabuting bagay sa Damasco , na apat na pung pasang kamelyo at naparoon at tumayo sa harap niya , at nagsabi , Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-adad na hari sa Siria , na sinasabi , Gagaling ba ako sa sakit na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Ikaw ay yumaon , sabihin mo sa kaniya , Walang pagsalang ikaw ay gagaling ? gayon ma&apos;y ipinakilala sa akin ng Panginoon na siya&apos;y walang pagsalang mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang itinitig ang kaniyang mukha , hanggang sa siya&apos;y napahiya : at ang lalake ng Dios ay umiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Hazael , Bakit umiyak ang panginoon ko ? At siya&apos;y sumagot , Sapagka&apos;t talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel : ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy , at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak , at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata , at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Hazael , Nguni&apos;t ano ang iyong lingkod na isang aso lamang na kaniyang gagawin ang dakilang bagay na ito ? At sumagot si Eliseo , Ipinakilala sa akin ng Panginoon , na ikaw ay magiging hari sa Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nilisan niya si Eliseo , at naparoon sa kaniyang panginoon ; na nagsabi sa kaniya , Ano ang sabi ni Eliseo sa iyo ? At siya&apos;y sumagot , Kaniyang sinaysay sa akin na walang pagsalang ikaw ay gagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang kinabukasan , na kaniyang kinuha ang munting kumot at binasa sa tubig , at iniladlad sa kaniyang mukha , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay : at si Hazael ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel , noong si Josaphat ay hari sa Juda , ay nagpasimulang maghari si Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Tatlongpu&apos;t dalawang taon ang gulang nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing walong taon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab : sapagka&apos;t ang anak ni Achab ay kaniyang asawa : at siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y hindi giniba ng Panginoon ang Juda , dahil kay David na kaniyang lingkod gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na humiwalay sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Juda , at naghalal sila ng hari sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y nagdaan si Joram sa Seir , at ang lahat niyang mga karo na kasama niya : at siya&apos;y bumangon sa gabi , at sinaktan ang mga Edomeo na kumubkob sa kaniya , at ang mga punong kawal ng mga karo ; at ang bayan ay tumakas sa kanilang mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y nanghimagsik ang Edom sa kamay ng Juda , hanggang sa araw na ito . Nang magkagayo&apos;y nanghimagsik ang Libna nang panahon ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang iba sa mga gawa ni Joram , at ang lahat niyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang ikalabing dalawang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">May dalawangpu&apos;t dalawang taon si Ochozias nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing isang taon sa Jerusalem . At ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y lumakad ng lakad ng sangbahayan ni Achab ; at gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab : sapagka&apos;t siya&apos;y manugang sa sangbahayan ni Achab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y yumaong kasama ni Joram na anak ni Achab upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad : at sinugatan ng mga taga Siria si Joram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang haring Joram ay bumalik upang magpagaling sa Jezreel , ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria sa Ramoth nang siya&apos;y lumaban kay Hazael na hari sa Siria . At si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel , sapagka&apos;t siya&apos;y nasugatan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tinawag ni Eliseo na propeta ang isa sa mga anak ng mga propeta at nagsabi sa kaniya , Bigkisan mo ang iyong mga balakang , at hawakan mo ang sisidlang ito ng langis sa iyong kamay , at pumaroon ka sa Ramoth-galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagdating mo roon , hanapin mo roon si Jehu na anak ni Josaphat na anak ni Nimsi , at iyong pasukin at patayuin mo sa gitna ng kaniyang mga kapatid , at dalhin mo siya sa isang silid sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung magkagayo&apos;y kunin mo ang sisidlan ng langis , at ibuhos mo sa kaniyang ulo , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Pinahiran kita upang maging hari sa Israel . Kung magkagayo&apos;y buksan mo ang pintuan , at ikaw ay tumakas at huwag kang maghintay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayon ang binata , sa makatuwid baga&apos;y ang binatang propeta , ay naparoon sa Ramoth-galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang siya&apos;y dumating , narito ; ang mga punong kawal ng hukbo ay nangakaupo : at kaniyang sinabi , Ako&apos;y may isang sadya sa iyo , Oh punong kawal . At sinabi ni Jehu , Sa alin sa aming lahat ? At kaniyang sinabi , Sa iyo , Oh punong kawal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y tumindig at pumasok sa bahay , at kaniyang ibinuhos ang langis sa kaniyang ulo , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel . Aking pinahiran ka upang maging hari sa bayan ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong sasaktan ang sangbahayan ni Achab na iyong panginoon , upang aking ipaghiganti ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta , at ang dugo ng lahat na lingkod ng Panginoon sa kamay ni Jezabel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang buong sangbahayan ni Achab ay malilipol : at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa&apos;t batang lalake , at ang nakulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At aking gagawin ang sangbahayan ni Achab na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat , at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At lalapain ng mga aso si Jezabel sa putol ng lupa ni Jezreel , at walang maglilibing sa kaniya . At kaniyang binuksan ang pintuan , at tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayon , nilabas ni Jehu ang mga lingkod ng kaniyang panginoon : at sinabi ng isa sa kaniya , Lahat ba&apos;y mabuti ? bakit naparito ang ulol na taong ito sa iyo ? At sinabi niya sa kanila , Inyong kilala ang lalake at ang kaniyang pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang sinabi , Kabulaanan nga ; saysayin mo sa amin ngayon . At kaniyang sinabi , Ganito&apos;t ganito ang sinalita niya sa akin , na sinasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon : Pinahiran kita ng langis upang maging hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sila&apos;y nangagmadali , at kinuha ng bawa&apos;t isa ang kaniyang kasuutan , at inilagay sa ilalim niya sa ibabaw ng hagdan , at humihip ng pakakak , na nagsasabi , Si Jehu ay hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito , si Jehu na anak ni Josaphat , na anak ni Nimsi , nanghimagsik laban kay Joram . ( Iningatan nga ni Joram ang Ramoth-galaad niya at ng buong Israel , dahil kay Hazael na hari sa Siria ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t bumalik ang haring Joram upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria , nang siya&apos;y lumaban kay Hazael na hari sa Siria . ) At sinabi ni Jehu , Kung ito ang inyong isipan , huwag tumanan ang sinoman at lumabas sa bayan , upang yumaon na saysayin sa Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y sumakay si Jehu sa karo at naparoon sa Jezreel ; sapagka&apos;t si Joram ay nahihiga roon . At si Ochozias na hari sa Juda ay bumaba upang tingnan si Joram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang tagatanod nga ay tumayo sa moog sa Jezreel , at kaniyang tinanaw ang pulutong ni Jehu habang dumarating siya , at nagsabi , Ako&apos;y nakakakita ng isang pulutong . At sinabi ni Joram , Kumuha ka ng isang mangangabayo , at iyong suguin na salubungin sila , at magsabi , Kapayapaan ba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa gayo&apos;y naparoon ang isa na nangangabayo na sinalubong siya , at nagsabi , Ganito ang sabi ng hari , Kapayapaan ba ? At sinabi ni Jehu , Anong ipakikialam mo sa kapayapaan ? bumalik kang kasunod ko . At isinaysay ng tagatanod , na sinasabi , Ang sugo ay dumating sa kanila , nguni&apos;t siya&apos;y hindi bumabalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y nagsugo ng ikalawa na nangangabayo na dumating sa kanila , at nagsabi , Ganito ang sabi ng hari , Kapayapaan ba ? At sumagot si Jehu , Ano ang iyong ipakikialam sa kapayapaan ? bumalik kang kasunod ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At isinaysay ng tagatanod , na sinasabi , Siya&apos;y dumating hanggang sa kanila , at hindi bumabalik : at ang pagpapatakbo ay gaya ng pagpapatakbo ni Jehu , na anak ni Nimsi ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagpapatakbo na magilas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ni Joram , Magsingkaw . At kanilang isiningkaw ang kaniyang karo . At si Joram na hari sa Israel at si Ochozias na hari sa Juda ay nagsilabas , bawa&apos;t isa sa kaniyang karo , at sila&apos;y nagsilabas upang salubungin si Jehu , at nasumpungan nila siya sa putol ng lupa ni Naboth na Jezreelita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari , nang makita ni Joram si Jehu , na kaniyang sinabi , Kapayapaan ba Jehu ? At siya&apos;y sumagot . Anong kapayapaan , habang ang mga pakikiapid ng iyong inang si Jezabel at ang kaniyang panggagaway ay totoong lumalala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinihit ni Joram ang kaniyang mga kamay , at tumakas , at nagsabi kay Ochozias . May paglililo , Oh Ochozias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At binunot ni Jehu ang kaniyang busog ng kaniyang buong lakas , at sinaktan si Joram sa pagitan ng kaniyang mga balikat , at ang pana ay lumagpas sa kaniyang puso , at siya&apos;y nabuwal sa kaniyang karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jehu kay Bidkar na kaniyang punong kawal : Itaas mo , at ihagis mo sa bahagi ng bukid ni Naboth na Jezreelita : sapagka&apos;t alalahanin mo kung paanong ako&apos;t ikaw ay sumakay na magkasama na kasunod ni Achab na kaniyang ama , na ipinasan ng Panginoon ang pasang ito sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Tunay na aking nakita kahapon ang dugo ni Naboth , at ang dugo ng kaniyang mga anak , sabi ng Panginoon ; at aking sisiyasatin sa iyo sa panig na ito , sabi ng Panginoon . Ngayon nga&apos;y kunin mo , at ihagis mo sa panig ng lupa , ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t nang makita ito ni Ochozias na hari sa Juda , siya&apos;y tumakas sa daan ng bahay sa halamanan . At si Jehu ay sumunod sa kaniya , at nagsabi , Saktan mo rin siya sa karo : at sinaktan nila siya sa ahunan sa Gur , na nasa siping ng Ibleam . At siya&apos;y tumakas na napatungo sa Megiddo , at namatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At dinala siya ng kaniyang mga lingkod sa isang karo sa Jerusalem , at inilibing siya sa kaniyang libingan na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang ikalabing isang taon ni Joram na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari si Ochozias sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang si Jehu ay dumating sa Jezreel nabalitaan ni Jezabel ; at kaniyang kinulayan ang kaniyang mga mata , at ginayakan ang kaniyang ulo , at dumungaw sa dungawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At samantalang si Jehu ay pumapasok sa pintuang-bayan , kaniyang sinabi , Kapayapaan ba ikaw Zimri , ikaw na mamamatay sa iyong Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kaniyang itiningala ang kaniyang mukha sa dungawan , at nagsabi , Sino ang sa ganang akin ? sino ? At dinungaw siya ng dalawa o tatlong bating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang sinabi , Ibagsak ninyo siya . Sa gayo&apos;y ibinagsak nila siya : at ang iba sa kaniyang dugo ay pumilansik sa pader , at sa mga kabayo : at siya&apos;y kaniyang niyapakan ng paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At pagkapasok niya , siya&apos;y kumain at uminom ; at kaniyang sinabi , Tingnan ninyo ngayon ang sinumpang babaing ito , at ilibing ninyo siya : sapagka&apos;t anak ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sila&apos;y nagsiyaon upang ilibing siya : nguni&apos;t wala na silang nasumpungan sa kaniya kundi ang bungo , at ang mga paa , at ang mga palad ng kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kaya&apos;t sila&apos;y nagsibalik , at isinaysay sa kaniya . At kaniyang sinabi , Ito ang salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias na Thisbita , na sinasabi , Sa bahagi ng Jezreel kakanin ng mga aso ang laman ni Jezabel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang bangkay ni Jezabel ay magiging gaya ng dumi na itinapon sa ibabaw ng bukid sa bahagi ng Jezreel ; na anopa&apos;t hindi nila sasabihin , Ito&apos;y si Jezabel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Achab nga&apos;y may pitong pung anak sa Samaria . At sumulat si Jehu ng mga sulat , at ipinadala sa Samaria , sa mga pinuno sa Jezreel , sa makatuwid baga&apos;y sa mga matanda , at sa kanila na tagapagalaga sa mga anak ni Achab , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagdating nga ng sulat na ito sa inyo , sa paraang ang mga anak ng inyong panginoon ay kasama ninyo , at mayroon kayong mga karo at mga kabayo , at bayan na nakukutaan naman , at sakbat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Piliin ninyo ang pinaka mainam at ang pinaka marapat sa mga anak ng inyong panginoon , at iupo ninyo sa luklukan ng kaniyang ama , at ipakipaglaban ang sangbahayan ng inyong panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t sila&apos;y natakot na mainam , at nagsabi , Narito , ang dalawang hari ay hindi nagsitayo sa harap niya : paano ngang tayo&apos;y tatayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang katiwala , at ang tagapamahala ng bayan , gayon din ang mga matanda , at ang mga tagapagalaga sa mga bata , ay nagsipagsugo kay Jehu , na nagsisipagsabi , Kami ay iyong mga lingkod , at gagawin namin ang lahat na iyong iuutos sa amin ; hindi namin gagawing hari ang sinoman ; gawin mo ang mabuti sa iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sumulat siya ng isang sulat na ikalawa sa kanila , na nagsasabi , Kung kayo&apos;y sasa aking siping , at kung inyong didinggin ang aking tinig , kunin ninyo ang mga ulo ng mga lalake na mga anak ng inyong panginoon , at magsiparito kayo sa akin sa Jezreel sa kinabukasan sa may ganitong panahon . Ang mga anak nga ng hari , yamang pitong pung katao ay nangasa kasamahan ng mga dakilang tao sa bayan , na nagalaga sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , nang ang sulat ay dumating sa kanila , na kanilang kinuha ang mga anak ng hari , at pinagpapatay sila , pitongpung katao , at inilagay ang kanilang mga ulo sa mga batulang na ipinadala sa kaniya sa Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At dumating ang isang sugo , at isinaysay sa kaniya , na sinasabi , Kanilang dinala ang mga ulo ng mga anak ng hari . At kaniyang sinabi , Inyong ihanay ng dalawang bunton sa pasukan ng pintuang-bayan hanggang sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari , sa kinaumagahan , na siya&apos;y lumabas , at tumayo , at nagsabi sa buong bayan , Kayo&apos;y mga matuwid : narito , aking pinagbantaan ang aking panginoon , at pinatay siya , nguni&apos;t sinong sumakit sa lahat ng ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Talastasin ninyo ngayon na walang mahuhulog sa lupa sa salita ng Panginoon , na sinalita ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ni Achab : sapagka&apos;t ginawa ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y sinaktan ni Jehu ang lahat na nalabi sa sangbahayan ni Achab sa Jezreel , at ang lahat niyang dakilang tao , at ang kaniyang mga kasamasamang kaibigan , at ang kaniyang mga saserdote , hanggang sa wala siyang inilabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y nagtindig at yumaon , at naparoon sa Samaria . At samantalang siya&apos;y nasa pagupitang-bahay ng mga pastor sa daan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ay nasalubong ni Jehu ang mga kapatid ni Ochozias na hari sa Juda , at sinabi , Sino kayo ? At sila&apos;y nagsisagot , Kami ay mga kapatid ni Ochozias : at kami ay nagsilusong upang magsibati sa mga anak ng hari at mga anak ng reina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi , Hulihin ninyo silang buhay . At hinuli nila silang buhay , at pinatay sa hukay ng pagupitang-bahay , sa makatuwid baga&apos;y apat na pu&apos;t dalawang lalake ; hindi nagiwan ng sinoman sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang siya&apos;y makayaon mula roon , kaniyang nasumpungan si Jonadab na anak ni Rechab na sumasalubong sa kaniya : at kaniyang binati siya , at nagsabi sa kaniya , Ang iyo bang puso ay tapat , na gaya ng aking puso sa iyong puso ? At sumagot si Jonadab , Tapat . Kung gayon , iabot mo sa akin ang iyong kamay . At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay ; at isinampa niya siya sa loob ng karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking sikap sa Panginoon . Sa gayo&apos;y kanilang pinasakay sila sa kaniyang karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang siya&apos;y dumating sa Samaria , kaniyang sinaktan ang lahat na nalabi kay Achab sa Samaria , hanggang sa kaniyang naibuwal siya , ayon sa salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita kay Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pinisan ni Jehu ang buong bayan , at sinabi sa kanila , Si Achab ay naglingkod kay Baal ng kaunti : nguni&apos;t si Jehu ay maglilingkod sa kaniya ng marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga&apos;y tawagin ninyo sa akin ang lahat na propeta ni Baal , ang lahat niyang mananamba , at ang lahat niyang mga saserdote ; huwag may magkulang ; sapagka&apos;t mayroon akong dakilang haing gagawin kay Baal ; sinomang magkulang ay hindi mabubuhay . Nguni&apos;t ginawa ni Jehu na may katusuhan , na ang nasa ay kaniyang malipol ang mga mananamba kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni Jehu , Magdaos kayo ng isang dakilang kapulungan kay Baal . At kanilang itinanyag yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nagsugo si Jehu sa buong Israel , at ang lahat ng mananamba kay Baal ay nagsiparoon , na anopa&apos;t walang naiwan na hindi naparoon . At sila&apos;y nagsipasok sa bahay ni Baal ; at ang bahay ni Baal ay napuno sa magkabikabilang dulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi niya sa kaniya na katiwala sa bihisang-silid , Ilabas mo ang mga kasuutang para sa lahat na mananamba kay Baal . At nilabasan niya sila ng mga kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Jehu , at si Jonadab na anak ni Rechab , ay pumasok sa bahay ni Baal ; at kaniyang sinabi sa mga mananamba kay Baal , Kayo&apos;y magsihanap , at magsipagmasid kayo na huwag magkaroon sa kasamahan ninyo ng mga lingkod ng Panginoon , kundi mga mananamba kay Baal lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y nagsipasok na nangaghandog ng mga hain at ng mga handog na susunugin . Si Jehu nga ay naghalal para sa kaniya ng walongpung lalake sa labas , at nagsabi , Kung sinoman sa mga lalake na aking dalhin sa inyong mga kamay ay makatanan ang buhay ng nagpakawala ay isasagot sa buhay niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , pagkatapos niyang makapaghandog ng mga handog na susunugin , na sinabi ni Jehu sa bantay at sa mga punong kawal , Kayo&apos;y magsipasok at inyo silang patayin ; huwag makalabas ang sinoman . At sinaktan nila sila ng talim ng tabak ; at inihagis sila sa labas ng bantay , at ng mga punong kawal , at nagsiparoon sa bayan ng bahay ni Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kanilang inilabas ang mga haligi na pinakaalaala na nasa bahay ni Baal , at pinagsunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kanilang sinira ang haligi na pinakaalaala kay Baal , at sinira ang bahay ni Baal , at ginawang bahay na tapunan ng dumi , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ganito ibinuwal ni Jehu si Baal , sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon ma&apos;y ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang pinapagkasala sa Israel , hindi mga hiniwalayan ni Jehu , sa makatuwid baga&apos;y ang pagsunod sa mga guyang ginto na nangasa Beth-el , at nangasa Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ng Panginoon kay Jehu , Sapagka&apos;t ikaw ay gumawa ng mabuti sa paggawa ng matuwid sa harap ng aking mga mata , at iyong ginawa sa sangbahayan ni Achab ang ayon sa nasa aking buong puso , ang iyong mga anak sa ikaapat na lahi ay uupo sa luklukan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t si Jehu ay hindi nagingat na lumakad sa kautusan ng Panginoon , na Dios ng Israel , ng kaniyang buong puso : siya&apos;y hindi humiwalay sa mga kasalanan ni Jeroboam , na kaniyang ipinagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang mga araw na yaon ay pinasimulan ng Panginoon na pinaikli ang Israel : at sinaktan sila ni Hazael sa lahat ng mga hangganan ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Mula sa Jordan , hanggang sa silanganan , ang buong lupain ng Galaad , ang mga Gadita , at ang mga Rubenita at ang mga Manasita , mula sa Aroer , na nasa siping ng libis ng Arnon , hanggang sa Galaad at Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang iba nga sa mga gawa ni Jehu , at ang lahat niyang ginawa , at ang buo niyang kapangyarihan , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At si Jehu ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang : at inilibing nila siya sa Samaria . At si Joachaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang panahon na ipinaghari ni Jehu sa Israel sa Samaria ay dalawangpu&apos;t walong taon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay , siya&apos;y tumindig at nilipol ang lahat na lahing hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t kinuha ni Josaba , na anak na babae ng haring Joram , na kapatid na babae ni Ochozias , si Joas na anak ni Ochozias , at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay , siya , at ang kaniyang yaya , at inilagay sila sa silid na tulugan ; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia , na anopa&apos;t siya&apos;y hindi napatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon : at si Athalia ay naghari sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang ikapitong taon , si Joiada ay nagsugo , at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin , sa mga Cariteo , at sa bantay , at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon ; at siya&apos;y nakipagtipan sa kanila , at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon , at ipinakita sa kanila ang anak ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang iniutos sa kanila , na sinasabi , ito ang bagay na inyong gagawin : ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa pintuang-bayan ng Sur ; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay : gayon kayo magbabantay sa bahay , at magiging hadlang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang dalawang pulutong ninyo , sa makatuwid baga&apos;y ang lahat na nagsilabas sa sabbath , ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At inyong kukulungin ang hari sa palibot , na bawa&apos;t isa&apos;y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay ; at ang pumasok sa hanay , patayin : at kayo&apos;y magsiabay sa hari pagka siya&apos;y lumalabas , at pagka siya&apos;y pumapasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote : at kinuha ng bawa&apos;t lalake ang kaniyang mga lalake , yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath , at nagsiparoon kay Joiada na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga kalasag na naging sa haring David , na nangasa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang bantay ay tumayo , bawa&apos;t isa&apos;y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay , mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay , sa siping ng dambana at ng bahay , sa siping ng hari sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y inilabas niya ang anak ng hari , at inilagay niya ang putong sa kaniya , at binigyan siya ng patotoo ; at ginawa nila siyang hari , at pinahiran siya ng langis ; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay , at nagsipagsabi , Mabuhay ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan , ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y tumingin , at , narito , ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian , at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari ; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at humihip ng mga pakakak . Nang magkagayo&apos;y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan , at humiyaw Paglililo ! paglililo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na nalalagay sa hukbo , at nagsabi sa kanila , Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay , at ang sumunod sa kaniya , patayin ng tabak : sapagka&apos;t sinabi ng saserdote , Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y binigyang daan nila siya , at siya&apos;y naparoon sa daan na pinapasukan ng mga kabayo sa bahay ng hari ; at doon siya pinatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan , na sila&apos;y magiging bayan ng Panginoon ; gayon din sa hari at sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni Baal , at ibinagsak ; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam , at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana . At ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin , at ang mga Cariteo , at ang bantay , at ang buong bayan ng lupain ; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon , at nagsipagdaan sa pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari . At siya&apos;y naupo sa luklukan ng mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at ang bayan ay tahimik . At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikapitong taon ni Jehu ay nagpasimulang maghari si Joas : at siya&apos;y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beerseba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon ma&apos;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Joas sa mga saserdote , Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon , na karaniwang salapi , na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa&apos;t isa , at ang buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kunin ng mga saserdote , ng bawa&apos;t isa sa kaniyang kakilala : at kanilang huhusayin ang mga sira ng bahay saan man makakasumpong ng anomang sira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t nangyari , nang ikadalawangpu&apos;t tatlong taon ng haring si Joas , na hindi hinusay ng mga saserdote ang mga sira ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y tinawag ng haring si Joas si Joiada na saserdote , at ang ibang mga saserdote , at sinabi sa kanila , Bakit hindi ninyo hinuhusay ang mga sira ng bahay ? ngayon nga&apos;y huwag na kayong magsikuha pa ng salapi sa inyong mga kakilala , kundi inyong ibigay para sa mga sira ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pinayagan ng mga saserdote na huwag na silang magsikuha pa ng salapi sa bayan , o husayin man ang mga sira ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t si Joiada na saserdote ay kumuha ng isang kaban , at binutasan ang takip niyaon , at inilagay sa tabi ng dambana sa dakong kanan ng pumapasok sa bahay ng Panginoon : at isinilid doon ng mga saserdote na tagatanod-pinto ang buong salapi na dinala sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagkagayon , nang makita nila na maraming salapi sa kaban , na ang kalihim ng hari at ang dakilang saserdote ay sumampa , at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ibinigay nila ang salapi na tinimbang sa mga kamay nila na gumawa ng gawain , na siyang mga tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon ; at kanilang ibinayad sa mga anluwagi at sa mga manggagawa , na gumawa sa bahay ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa mga mangdadaras ng bato , at sa mga mananabas ng bato , at sa pagbili ng mga kahoy , at mga batong tabas upang husayin ang mga sira ng bahay ng Panginoon , at sa lahat sa magugugol sa bahay upang husayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t walang ginawa para sa bahay ng Panginoon na mga tasang pilak , mga gunting , mga mangkok , mga pakakak , anomang mga kasangkapang ginto , o mga kasangkapang pilak , sa salapi na napasok sa bahay ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kanilang ibinigay yaon sa kanila na nagsigawa ng gawain , at ipinaghusay ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bukod dito&apos;y hindi sila nangakikipagtuos sa mga lalake , na pinagabutan nila sa kamay ng salapi upang ibigay sa nagsisigawa ng gawain : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisigawang may pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang salaping handog dahil sa pagkakasala , at ang salaping handog dahil sa kasalanan , ay hindi ipinasok sa bahay ng Panginoon : yao&apos;y sa mga saserdote nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y si Hazael na hari sa Siria ay umahon , at lumaban sa Gath , at sinakop yaon : at itinanaw ni Hazael ang kaniyang mukha upang umahon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat , at ni Joram , at ni Ochozias , na kaniyang mga magulang , na mga hari sa Juda , at ang kaniyang mga itinalagang bagay , at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ng bahay ng hari , at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria : at siya&apos;y umalis sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang iba nga sa mga gawa ni Joas , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon , at nagsipagbanta , at sinaktan si Joas sa bahay sa Millo , sa daan na palusong sa Silla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath , at ni Jozabad na anak ni Somer , na kaniyang mga lingkod , at siya&apos;y namatay ; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikadalawangpu&apos;t tatlong taon ni Joas na anak ni Ochozias na hari sa Juda , nagpasimulang maghari si Joachaz na anak ni Jehu sa Israel sa Samaria , at nagharing labing pitong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon , at sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel ; hindi niya hiniwalayan ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni Hazael na hari sa Siria , at sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Joachaz ay dumalangin sa Panginoon , at dininig siya ng Panginoon : sapagka&apos;t nakita niya ang kapighatian ng Israel , kung paanong inapi sila ng hari sa Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">( At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas , na anopa&apos;t sila&apos;y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria : at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga tolda , gaya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon ma&apos;y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam , na ipinapagkasala sa Israel , kundi nilakaran nila : at nalabi ang Asera naman na Samaria ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t hindi siya nagiwan kay Joachaz sa mga tao liban sa limangpung nangangabayo , at sangpung karo , at sangpung libong taong lakad ; sapagka&apos;t nilipol sila ng hari sa Siria , at ginawa silang parang alabok sa giikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz , at ang lahat niyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Joachaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang : at inilibing nila siya sa Samaria : at si Joas na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang ikatatlongpu&apos;t pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria , at nagharing labing anim na taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon ; siya&apos;y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel ; kundi kaniyang nilakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang iba nga sa mga gawa ni Joas , at ang lahat niyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda , hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang ; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan ; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay : at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel , at nagsabi , Ama ko , ama ko , ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Kumuha ka ng busog at mga pana : at siya&apos;y kumuha ng busog at mga pana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi niya sa hari sa Israel , Ilagay mo ang iyong kamay sa busog : at inilagay niya ang kaniyang kamay roon . At inilagay ni Eliseo ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang sinabi , Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan : at binuksan niya . Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Eliseo , Magpahilagpos ka : at siya&apos;y nagpahilagpos . At kaniyang sinabi , Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ang pana ng pagtatagumpay sa Siria : sapagka&apos;t iyong sasaktan ang mga taga Siria sa Aphec , hanggang sa iyong mangalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang sinabi , Tangnan mo ang mga pana : at tinangnan niya ang mga yaon . At sinabi niya sa hari sa Israel , Humampas ka sa lupa : at siya&apos;y humampas na makaitlo , at tumigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya , at nagsabi , Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim ; sinaktan mo nga sana ang Siria hanggang sa iyong nalipol : kaya&apos;t ngayo&apos;y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At namatay si Eliseo , at kanilang inilibing siya . Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangyari , samantalang kanilang inililibing ang isang lalake , na , narito , kanilang natanaw ang isang pulutong ; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo : at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo , siya&apos;y nabuhay uli , at tumayo sa kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t ang Panginoo&apos;y naawa sa kanila at nahabag sa kanila , at kaniyang pinakundanganan sila , dahil sa kaniyang tipan kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Hazael na hari sa Siria ay namatay ; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At inalis uli ni Joas na anak ni Joachaz sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael ang mga bayan na kaniyang inalis sa kamay ni Joachaz na kaniyang ama sa pakikipagdigma . Makaitlong sinaktan siya ni Joas , at binawi ang mga bayan ng Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y may dalawangpu&apos;t limang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawangpu&apos;t siyam na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Joaddan na taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , gayon man di gaya ni David na kaniyang magulang : kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ni Joas na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay , na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ang mga anak ng mga mamamatay tao ay hindi niya pinatay ; ayon doon sa nasusulat sa aklat ng kautusan ni Moises , gaya ng iniutos ng Panginoon , na sinasabi , Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak , o ang mga anak man ay papatayin dahil sa mga ama ; kundi bawa&apos;t tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo sa Libis ng Asin , at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma , at pinanganlang Jocteel , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu , na hari sa Israel , na sinasabi , Halika , tayo&apos;y magtitigan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda , na nagsasabi , Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa sedro na nasa Libano , na nagsasabi , Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak : at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano , at niyapakan ang dawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyong tunay na sinaktan ang Edom , at pinapagmataas ka ng iyong puso : lumuwalhati ka nawa , at tumahan sa bahay : sapagka&apos;t bakit ka nakikialam sa ikasasama , upang ikaw ay mabuwal , ikaw , at ang Juda na kasama mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t hindi dininig ni Amasias . Sa gayo&apos;y umahon si Joas na hari sa Israel ; at siya , at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes , na ukol sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel ; at sila&apos;y tumakas bawa&apos;t isa sa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda , na anak ni Joas na anak ni Ochozias , sa Beth-semes , at naparoon sa Jerusalem , at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok , na apat na raang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak , at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari , pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang iba nga sa mga gawa ni Joas na kaniyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , at kung paanong siya&apos;y lumaban kay Amasias na hari sa Juda , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At natulog si Joas na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel ; at si Jeroboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel , na labing limang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem ; at siya&apos;y tumakas sa Lachis : nguni&apos;t pinasundan nila siya sa Lachis , at pinatay siya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dinala nila siya na nakapatong sa mga kabayo : at siya&apos;y nalibing sa Jerusalem na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kinuha ng buong bayan ng Juda si Azarias na may labing anim na taon , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaniyang itinayo ang Elath , at isinauli sa Juda pagkatapos na ang hari ay matulog na kasama ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang ikalabing limang taon ni Amasias na Anak ni Joas na hari sa Juda , si Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari sa Samaria , at nagharing apat na pu&apos;t isang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon : hindi niya hiniwalayan ang lahat na kasalanan ni Jeroboam na Anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaniyang isinauli ang hangganan ng Israel mula sa pasukan ng Hamath hanggang sa dagat ng Araba , ayon sa salita ng Panginoon , ng Dios ng Israel , na nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Jonas na anak ni Amittai , na propeta na taga Gath-hepher .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t nakita ng Panginoon ang kapighatian ng Israel , na totoong masaklap : sapagka&apos;t walang nakulong o naiwan sa kaluwangan man , o sinomang tumulong sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At hindi sinabi ng Panginoon na kaniyang papawiin ang pangalan ng Israel mula sa silong ng langit , kundi iniligtas nila siya sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam na anak ni Joas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang iba nga sa mga gawa ni Jeroboam , at ang lahat na kaniyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , kung paanong siya&apos;y nakipagdigma , at kung paanong binawi niya para sa Israel ang Damasco at ang Hamath , na nangaukol sa Juda , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At si Jeroboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , sa makatuwid baga&apos;y ng mga hari sa Israel ; at si Zacharias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikadalawangpu&apos;t pitong taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Azarias na anak ni Amasias na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">May labing anim na taon siya nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing limangpu&apos;t dalawang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecolia na taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinaktan ng Panginoon ang hari , na anopa&apos;t siya&apos;y nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan , at tumahan na bukod sa bahay . At si Jotham na anak ng hari ay nasa pamamahala ng sangbahayan na humahatol sa bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iba nga sa mga gawa ni Azarias , at ang lahat ng kaniyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang ; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Jotham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang ikatatlongpu&apos;t walong taon ni Azarias na hari sa Juda , ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang : hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya , at sinaktan siya sa harap ng bayan , at pinatay siya , at naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang iba nga sa mga gawa ni Zacharias , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ito ang salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita kay Jehu , na sinasabi , Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel . At gayon ang nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu&apos;t siyam na taon ni Uzzia na hari sa Juda ; at siya&apos;y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Thirza , at naparoon sa Samaria , at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria , at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang nalabi nga sa mga gawa ni Sallum , at ang pagbabanta niya na kaniyang ginawa , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y sinaktan ni Manahem si Tiphsa , at ang lahat na nandoon , at ang mga hangganan niyaon , mula sa Thirza : sapagka&apos;t hindi nila siya pinabuksan , kaya&apos;t sinaktan niya ; at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang ikatatlongpu&apos;t siyam na taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Manahem na anak ni Gadi , at nagharing sangpung taon sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon : siya&apos;y hindi humiwalay ng lahat niyang kaarawan sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria ; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak , upang ang kamay niya&apos;y sumakaniya , upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel , ang lahat na makapangyarihang lalake na mayaman , na bawa&apos;t lalake ay limangpung siklo na pilak upang ibigay sa hari sa Asiria . Sa gayo&apos;y ang hari sa Asiria ay bumalik , at hindi tumigil doon sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang iba nga sa mga gawa ni Manahem , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At natulog si Manahem na kasama ng kaniyang mga magulang ; at si Pekaia na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria , at nagharing dalawang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon : hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Peka na anak ni Remalias , na kaniyang punong kawal , ay nagbanta laban sa kaniya , at sinaktan siya sa Samaria , sa castilyo ng bahay ng hari , na kasama si Argob at si Ariph ; at kasama niya&apos;y limangpung lalake na mga Galaadita : at pinatay niya siya , at naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia , at ang lahat niyang ginawa , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang ikalimangpu&apos;t dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria , at nagharing dalawangpung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon : hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria , at sinakop ang Ihion , at ang Abel-bethmaacha , at ang Janoa , at ang Cedes , at ang Asor , at ang Galaad , at ang Galilea , ang buong lupain ng Nephtali ; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias , at sinaktan niya siya , at pinatay niya siya , at naghari na kahalili niya , nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang iba nga sa mga gawa ni Peka , at ang lahat niyang ginawa , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel , ay nagpasimulang maghari si Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Siya&apos;y may dalawangpu&apos;t limang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari , at siya&apos;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon : kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Gayon ma&apos;y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako . Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang iba nga sa mga gawa ni Jotham , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang mga araw na yao&apos;y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si Resin na hari sa Siria , at si Peka na anak ni Remalias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Jotham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang : at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalabing pitong taon ni Peka na anak ni Remalias ay nagpasimulang maghari si Achaz na anak ni Jotham na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">May dalawangpung taon si Achaz nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios , na gaya ni David na kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kundi siya&apos;y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel , oo , at kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y naghain , at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako , at sa mga burol , at sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma : at kanilang kinulong si Achaz , nguni&apos;t hindi nila nadaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang panahong yaon ay binawi ni Resin na hari sa Siria ang Elath sa Siria at pinalayas ang mga Judio sa Elath : at ang mga taga Siria ay nagsiparoon sa Elath , at tumanan doon , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y nagsugo si Achaz ng mga sugo kay Tiglath-pileser na hari sa Asiria , na ipinasabi , Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak : ikaw ay umahon , at iligtas mo ako sa kamay ng hari sa Siria at sa kamay ng hari sa Israel , na bumabangon laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kinuha ni Achaz ang pilak at ginto na nasumpungan sa bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari , at ipinadalang kaloob sa hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At dininig siya ng hari sa Asiria ; at ang hari sa Asiria ay umahon laban sa Damasco , at sinakop , at dinala sa Cir ang bayan na bihag , at pinatay si Resin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang haring si Achaz ay naparoon sa Damasco upang salubungin si Tiglath-pileser na hari sa Asiria : at nakita ang dambana na nasa Damasco : at ipinadala ng haring si Achaz kay Urias na saserdote ang ayos ng dambana at ang anyo niyaon , ayon sa buong pagkayari niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Urias na saserdote ay nagtayo ng isang dambana : ayon sa buong ipinadala ng haring si Achaz mula sa Damasco , gayon ginawa ni Urias na saserdote , bago dumating ang haring Achaz mula sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang dumating ang hari mula sa Damasco , ay nakita ng hari ang dambana : at ang hari ay lumapit sa dambana , at naghandog doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinunog ang kaniyang handog na susunugin , at ang kaniyang handog na harina , at ibinuhos ang kaniyang inuming handog , at iniwisik ang dugo ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang dambana na tanso na nasa harap ng Panginoon ay kaniyang dinala mula sa harapan ng bahay , mula sa pagitan ng kaniyang dambana at ng bahay ng Panginoon , at inilagay sa dakong hilagaan ng kaniyang dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote , na sinasabi , Sa ibabaw ng malaking dambana , ay magsunog ka ng handog na susunugin sa umaga , at ng handog na harina sa hapon , at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina , at ng kanilang mga handog na inumin ; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin , at ang buong dugo ng hain : nguni&apos;t ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang ginawa ni Urias na saserdote , ayon sa buong iniutos ng haring Achaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan , at inalis sa mga yaon ang hugasan , at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyaon , at ipinatong sa isang pavimentong bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang dakong natatakpan na daan sa sabbath na kanilang itinayo sa bahay , at ang pasukan ng hari na nasa labas , ibinago sa bahay ng Panginoon , dahil sa hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang iba nga sa mga gawa ni Achaz na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalabing dalawang taon ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimula si Oseas na anak ni Ela na maghari sa Samaria sa Israel , at nagharing siyam na taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon , bagaman hindi gaya ng mga hari sa Israel na mga una sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Laban sa kaniya ay umahon si Salmanasar na hari sa Asiria ; at si Oseas ay naging kaniyang lingkod , at dinalhan siya ng mga kaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto , at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria , na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon ; kaya&apos;t kinulong siya ng hari sa Asiria , at ipinangaw siya sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain , at umahon sa Samaria , at kinulong na tatlong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang ikasiyam na taon ni Oseas , sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria , at dinala ang Israel sa Asiria , at inilagay sila sa Hala , at sa Habor , sa ilog ng Gozan , at sa mga bayan ng mga Medo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagkagayon , sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios , na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto , mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto , at sila&apos;y natakot sa ibang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel , at ng mga hari ng Israel , na kanilang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Israel ay nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios , at sila&apos;y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga Asera sa bawa&apos;t mataas na burol , at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At doo&apos;y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako , gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila ; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan , na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon , Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y tumutol ang Panginoon sa Israel , at sa Juda , sa pamamagitan ng bawa&apos;t propeta , at ng bawa&apos;t tagakita , na sinasabi , Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad , at ingatan ninyo ang aking mga utos , at ang aking mga palatuntunan , ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang , at aking ipinadala sa inyo , sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ma&apos;y hindi nila dininig , kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo , na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang , na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan , at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang , at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila ; at sila&apos;y nagsisunod sa walang kabuluhan , at naging walang kabuluhan , at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila , ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios , at nagsigawa ng mga larawang binubo , sa makatuwid baga&apos;y ng dalawang guya , at nagsigawa ng isang Asera , at sinamba ang buong natatanaw sa langit , at nagsipaglingkod kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy , at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway , at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin siya sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel , at inalis sila sa kaniyang paningin : walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios , kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel , at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t kaniyang inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David , at kanilang ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat : at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa ; hindi nila hiniwalayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin , gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta . Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia , at sa Cutha , at sa Ava , at sa Hamath at sa Sepharvaim , at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel : at kanilang inari ang Samaria , at nagsitahan sa mga bayan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagkagayon , sa pasimula ng kanilang pagtahan doon , na hindi sila nangatakot sa Panginoon : kaya&apos;t ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila , na pinatay ang ilan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t kanilang sinalita sa hari sa Asiria , na sinasabi , Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria , hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain ; kaya&apos;t siya&apos;y nagsugo ng mga leon sa gitna nila , at , narito , pinatay sila , sapagka&apos;t hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y nagutos ang hari sa Asiria , na nagsasabi , Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon ; at inyong payaunin at patahanin doon , at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa Beth-el , at tinuruan sila kung paanong sila&apos;y marapat na matakot sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon ma&apos;y bawa&apos;t bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili , at ipinaglalagay sa mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano , na bawa&apos;t bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth , at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal , at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac , at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa Adrammelech at sa Anammelech , na mga dios ng Sefarvaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa gayo&apos;y nangatakot sila sa Panginoon , at nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako , na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay , na nangasa mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sila&apos;y nangatakot sa Panginoon , at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios , ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan : sila&apos;y hindi nangatatakot sa Panginoon , o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan , o ayon sa kanilang mga ayos , o ayon sa kautusan , o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob , na kaniyang pinanganlang Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon , at pinagbilinan na sinasabi , Kayo&apos;y huwag mangatatakot sa ibang mga dios , o nagsisiyukod man sa kanila , o magsisipaglingkod man sa kanila , o magsisipaghain man sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kundi ang Panginoon , na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay , siya ninyong katatakutan , at sa kaniya kayo magsisiyukod , at sa kaniya kayo magsisipaghain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang mga palatuntunan , at ang mga ayos , at ang kautusan , at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man ; at kayo&apos;y huwag mangatatakot sa ibang mga dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo , huwag ninyong kalilimutan ; ni mangatatakot man kayo sa ibang mga dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Nguni&apos;t sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo ; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Gayon ma&apos;y hindi nila dininig , kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sa gayo&apos;y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon , at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan ; ang kanilang mga anak ay gayon din , at ang mga anak ng kanilang mga anak , kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga , nang ikatlong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel , na si Ezechias na anak ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">May dalawangpu&apos;t limang taon siya nang magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawangpu&apos;t siyam na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abi na anak ni Zacharias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang inalis ang mga mataas na dako , at sinira ang mga haligi , at ibinagsak ang mga Asera : at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises ; sapagka&apos;t hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel ; at pinanganlang Nehustan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya&apos;y tumiwala sa Panginoon , na Dios ng Israel ; na anopa&apos;t nang mamatay siya ay walang naging gaya niya sa lahat ng hari sa Juda , o sa nangauna man sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t siya&apos;y lumakip sa Panginoon ; siya&apos;y hindi humiwalay ng pagsunod sa kaniya , kundi iningatan ang kaniyang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang Panginoon ay sumasa kaniya ; saan man siya lumabas ay gumiginhawa siya ; at siya&apos;y nanghimagsik laban sa hari sa Asiria , at hindi niya pinaglingkuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa Gaza , at ang mga hangganan niyaon , mula sa moog ng bantay hanggang sa bayang nakukutaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari , nang ikaapat na taon ng haring Ezechias , na siyang ikapitong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel , na si Salmanasar na hari sa Asiria ay umahon laban sa Samaria , at kinubkob niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa katapusan ng tatlong taon ay kanilang sinakop : sa makatuwid baga&apos;y nang ikaanim na taon ni Ezechias , na siyang ikasiyam na taon ni Oseas na hari sa Israel , ang Samaria ay sinakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria , at inilagay sa Hala , at sa Habor , sa ilog ng Gozan , at sa mga bayan ng mga Medo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon nilang Dios , kundi kanilang sinalangsang ang kaniyang tipan , ang lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon , at hindi dininig o ginawa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang ikalabing apat na taon nga ng haring Ezechias ay umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda , at pinagsakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Ezechias na hari sa Juda ay nagsugo sa hari sa Asiria sa Lachis , na nagsasabi , Ako&apos;y nagkasala ; talikdan mo ako : ang iyong ipabayad sa akin ay aking babayaran . At siningil ng hari sa Asiria si Ezechias na hari sa Juda ng tatlong daang talentong pilak at tatlong pung talentong ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ibinigay ni Ezechias ang lahat na pilak na nasumpungan sa bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang panahong yaon ay inihiwalay ni Ezechias ang ginto sa mga pintuan ng templo ng Panginoon , at sa mga haligi na binalutan ni Ezechias na hari sa Juda , at ibinigay sa hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinugo ng hari sa Asiria si Thartan at si Rab-saris , at si Rabsaces , sa haring kay Ezechias na mula sa Lachis na may malaking hukbo sa Jerusalem . At sila&apos;y nagsiahon at nagsiparoon sa Jerusalem . At nang sila&apos;y mangakaahon , sila&apos;y nagsiparoon at nagsitayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng mataas na tipunan ng tubig na nasa lansangan sa parang ng tagapagpaputi ng kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang matawag na nila ang hari , ay nilabas sila ni Eliacim na anak ni Hilcias , na siyang katiwala ng bahay , at ni Sebna na kalihim , at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Rabsaces sa kanila , Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias , Ganito ang sabi ng dakilang hari , ng hari sa Asiria , Anong pagasa ito sa iyong tinitiwalaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iyong sinasabi ( nguni&apos;t mga salitang walang kabuluhan lamang ) May payo at kalakasan sa pakikipagdigma . Ngayon , kanino ka tumitiwala , na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ngayon , narito , ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na kahoy na lapok , sa makatuwid baga&apos;y sa Egipto ; na kung sinoman ay sumandal , ay tutuhog sa kaniyang kamay , at palalagpasan : gayon si Faraon na hari sa Egipto sa lahat na tumitiwala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t kung inyong sabihin sa akin : Kami ay tumitiwala sa Panginoon naming Dios : hindi ba siya&apos;y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako , at ng mga dambana , at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem , Kayo&apos;y magsisisamba sa harap ng dambanang ito sa Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Isinasamo ko nga ngayon sa iyo na magbigay ka ng mga sangla sa aking panginoon na hari sa Asiria , at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo , kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mangangabayo sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang punong kawal sa pinaka mababa sa mga lingkod ng aking panginoon , at iyong ilalagak ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at sa mga mangangabayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako ba&apos;y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa dakong ito upang lipulin ? Sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito , at iyong lipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Eliacim na anak ni Hilcias , at si Sebna , at ni Joah , kay Rabsaces . Isinasamo ko sa iyo na magsalita ka sa iyong mga lingkod ng wikang Siria ; sapagka&apos;t aming naiintindihan yaon ; at huwag kang magsalita sa amin ng wikang Judio , sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t sinabi ni Rabsaces sa kanila , Sinugo ba ako ng aking panginoon sa iyong panginoon , at sa iyo , upang salitain ang mga salitang ito ? di ba niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta , upang magsikain ng kanilang sariling dumi , at upang magsiinom ng kanilang sariling ihi na kasalo ninyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y si Rabsaces ay tumayo at sumigaw ng malakas sa wikang Judio , at nagsalita , na sinasabi , Dinggin ninyo ang salita ng dakilang hari , ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ganito ang sabi ng hari , Huwag kayong dayain ni Ezechias ; sapagka&apos;t hindi niya kayo maililigtas sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ni patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon , na sabihin , Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon , at ang bayang ito ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag ninyong dinggin si Ezechias : sapagka&apos;t ganito ang sabi ng hari sa Asiria , Makipagpayapaan kayo sa akin , at labasin ninyo ako ; at kumain ang bawa&apos;t isa sa inyo ng bunga ng kaniyang puno ng ubas , at ang bawa&apos;t isa ng bunga ng kaniyang puno ng igos , at uminom ang bawa&apos;t isa sa inyo ng tubig ng kaniyang sariling balon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Hanggang sa ako&apos;y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain , na lupain ng trigo at ng alak , na lupain ng tinapay at ng mga ubasan , na lupain ng langis na olibo at ng pulot , upang kayo&apos;y mangabuhay , at huwag mangamatay : at huwag ninyong dinggin si Ezechias , pagka kayo&apos;y hinihikayat niya , na sinasabi , Ililigtas tayo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nagligtas ba kailan man ang sinoman sa mga dios sa mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Saan nandoon ang mga dios ng Hamath , at ng Arphad ? Saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim , ng Hena , at ng Hiva ? Iniligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupain , ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay , na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nguni&apos;t ang bayan ay tumahimik , at hindi sumagot ng kahit isang salita : sapagka&apos;t utos ng hari , na sinasabi , Huwag ninyong sagutin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias , na siyang katiwala sa sangbahayan , at si Sebna na kalihim , at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni , kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak , at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang mabalitaan ng haring Ezechias , ay hinapak niya ang kaniyang mga suot , at nagbalot ng kayong magaspang , at pumasok sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinugo si Eliacim , na katiwala sa bahay , at si Sebna na kalihim , at ang mga matanda sa mga saserdote na may mga balot na kayong magaspang , kay Isaias na propeta na anak ni Amos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi nila sa kaniya , Ganito ang sabi ni Ezechias , Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan , at ng pagsaway , at ng pagkutya : sapagka&apos;t ang mga anak ay nagsidating sa kapanganakan , at walang kalakasang ilabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Marahil ay didinggin ng Panginoon mong Dios ang lahat ng mga salita ni Rabsaces na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios , at sasansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios : kaya&apos;t idalangin mo ang labis na natitira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay nagsiparoon kay Isaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Isaias sa kanila , Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon , Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig , na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , ako&apos;y maglalagay ng isang espiritu sa kaniya , at siya&apos;y makakarinig ng kaingay , at babalik sa kaniyang sariling lupain ; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y bumalik si Rabsaces , at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna : sapagka&apos;t nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ng kaniyang marinig na sabihin ang tungkol kay Thiraca na hari sa Ethiopia , Narito , siya&apos;y lumabas upang lumaban sa iyo , siya&apos;y nagsugo ng mga sugo uli kay Ezechias , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda , na sasabihin , Huwag kang dayain ng Dios na iyong tinitiwalaan na sabihin , Ang Jerusalem ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , nabalitaan mo ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain , sa paglipol na lubos sa kanila : at maliligtas ka ba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iniligtas ba sila ng mga dios ng mga bansa na nilipol ng aking mga magulang , gaya ng Gozan , at ng Haran , at ng Reseph , at ng mga anak ni Eden na nangasa Thalasar ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Saan nandoon ang hari sa Hamath , at ang hari sa Arphad , at ang hari sa bayan ng Sepharvaim , ng Hena , at ng Hiva ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo , at binasa ; at pumanhik si Ezechias sa bahay ng Panginoon , at iniladlad sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Ezechias ay dumalangin sa harap ng Panginoon at nagsabi , Oh Panginoon , na Dios ng Israel na nauupo sa mga querubin , ikaw ang Dios , ikaw lamang sa lahat ng kaharian sa lupa ; ikaw ang lumikha ng langit at lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ikiling mo ang iyong pakinig , Oh Panginoon , at iyong dinggin ; idilat mo ang iyong mga mata , Oh Panginoon , at tumingin ka : at dinggin mo ang mga salita ni Sennacherib , na kaniyang ipinasugo upang ipanungayaw sa buhay na Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa katotohanan , Panginoon , sinira ng mga hari sa Asiria ang mga bansa , at ang kanilang mga lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At inihagis ang kanilang mga dios sa apoy : sapagka&apos;t sila&apos;y hindi mga dios , kundi gawa ng mga kamay ng mga tao , na kahoy at bato ; kaya&apos;t kanilang nilipol ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon nga , Oh Panginoon naming Dios , iligtas mo kami , isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay , upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Dios , ikaw lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria , dininig kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya . Niwalang kabuluhan ka ng anak na dalaga ng Sion at tinatawanan ka , ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw ang kaniyang ulo sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw ? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas ? sa makatuwid baga&apos;y laban sa Isang Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon , at sinabi mo , Sa karamihan ng aking mga karo ako&apos;y nakaahon sa kataasan ng mga bundok , sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano ; at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon , at ang mga piling puno ng abeto niyaon : at ako&apos;y papasok sa kaniyang pinaka malayong tuluyan , sa gubat ng kaniyang mabungang bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ako&apos;y humukay at uminom ng tubig ng iba , at aking tutuyuin ang lahat na ilog ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Hindi mo ba nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na , at aking iniakma ng una ? ngayo&apos;y aking pinapangyari , upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan , sila&apos;y nanganglupaypay at nangatulig ; sila&apos;y gaya ng damo sa bukid , at ng sariwang gugulayin , na gaya ng damo sa mga bubungan , at gaya ng trigo na lanta bago nakalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t talastas ko ang iyong pagupo , at ang iyong paglabas , at ang iyong pagpasok , at ang iyong pag-iinit laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Dahil sa iyong galit laban sa akin , at dahil sa iyong kagilasan ay dumating sa aking mga pakinig , kaya&apos;t aking ikakawit ang aking taga sa iyong ilong , at ang aking paningkaw sa iyong mga labi , at ibabalik kita sa daan na iyong pinanggalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ito ang magiging tanda sa iyo : ikaw ay kakain sa taong ito ng tumutubo sa sarili , at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon ; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo , at umani , at mag-ubasan , at kanin ninyo ang bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay maguugat uli sa ilalim , at magbubunga sa itaas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t sa Jerusalem ay lalabas ang isang nalabi , at sa bundok ng Sion ay silang magtatanan : gaganapin ito ng sikap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , tungkol sa hari sa Asiria . Siya&apos;y hindi paririto sa bayang ito , o magpapahilagpos man ng pana riyan , ni haharap man siya riyan na may kalasag , o maghahagis man ng bunton laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa daang kaniyang pinanggalingan , doon din siya babalik , at hindi siya darating sa bayang ito , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas , dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangyari , nang gabing yaon , na ang anghel ng Panginoon ay lumabas , at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang daan at walong pu&apos;t limang libo : at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan , narito , silang lahat ay mga bangkay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sa gayo&apos;y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria , at yumaon , at bumalik , at tumahan sa Ninive .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nangyari , nang siya&apos;y sumamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios , na sinugatan siya ng tabak ni Adramelech , at ni Saresar : at sila&apos;y nagsitanan na patungo sa lupain ng Ararat . At si Esar-hadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias . At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ayusin mo ang iyong bahay ; sapagka&apos;t ikaw ay mamamatay , at hindi mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay , at nanalangin sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Idinadalangin ko sa iyo , Oh Panginoon , na iyong alalahanin , kung paanong ako&apos;y lumakad sa harap mo sa katotohanan , at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin . At si Ezechias ay umiyak na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bumalik ka uli , at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan . Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang , Aking narinig ang iyong panalangin , aking nakita ang iyong mga luha : narito , aking pagagalingin ka : sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon ; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria ; at aking ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin , at dahil sa aking lingkod na si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Isaias , Kayo&apos;y magsikuha ng isang binilong igos . At kinuha nila at itinapal sa bukol at siya&apos;y gumaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Ezechias kay Isaias , Ano ang magiging tanda na ako&apos;y pagagalingin ng Panginoon , at ako&apos;y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Isaias , Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon , na gagawin ng Panginoon ang bagay na kaniyang sinalita : magpapauna ba ang anino ng sangpung grado , o magpapahuli ng sangpung grado ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sumagot si Ezechias , Magaang bagay sa anino na kumiling ng sangpung grado : hindi , kundi pahulihin ang anino ng sangpung grado .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon : at kaniyang pinapagpahuli ang anino ng sangpung grado , na nakababa na sa orasan ni Achaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang panahong yaon ay si Berodach-baladan , na anak ni Baladan , na hari sa Babilonia , ay nagpadala ng mga sulat at ng kaloob kay Ezechias : sapagka&apos;t kaniyang nabalitaan na si Ezechias ay nagkasakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At dininig ni Ezechias sila , at ipinakita sa kanila ang buong bahay ng kaniyang mahalagang mga bagay , ang pilak , at ang ginto , at ang mga espesia , at ang mahalagang langis , at ang bahay na taguan ng kaniyang sandata , at ang lahat na nasusumpungan sa mga kayamanan niya : walang anoman sa kaniyang bahay , o sa buong kaniyang sakop , na hindi ipinakita sa kanila ni Ezechias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Isaias na propeta sa haring Ezechias , at nagsabi sa kaniya , Anong sinasabi ng mga lalaking ito ? at saan nagsipanggaling na napasa iyo ? At sinabi ni Ezechias , Sila&apos;y nagsipanggaling sa malayong lupain , sa makatuwid baga&apos;y sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Anong kanilang nakita sa iyong bahay ? At sumagot si Ezechias . Lahat na nasa aking bahay ay kanilang nakita : walang anomang bagay na nasa aking mga kayamanan na di ko ipinakita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi ni Isaias kay Ezechias , Dinggin mo ang salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , na ang lahat na nangasa iyong bahay , at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito , ay dadalhin sa Babilonia : walang maiiwan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang ilan sa iyong mga anak na magmumula sa iyo na iyong ipanganganak , sila&apos;y dadalhin ; at sila&apos;y magiging bating sa bahay ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Ezechias kay Isaias , Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita . Kaniyang sinabi , bukod dito , Hindi ba , kung magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias , at ang buo niyang kapangyarihan , at kung paano niyang ginawa ang tipunan ng tubig , at ang padaluyan , at nagdala ng tubig sa bayan , hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At natulog si Ezechias na kasama ng kaniyang mga magulang : at si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Manases ay may labing dalawang taon nang magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing limangpu&apos;t limang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hepsi-ba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama ; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal , at gumawa ng Asera , gaya ng ginawa ni Achab na hari sa Israel , at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit , at naglingkod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon , na pinagsabihan ng Panginoon , Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang ipinagtayo ng mga dambana ang lahat na natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy , at nagpamahiin , at nagsanay ng panghuhula , at nakipagsanggunian sa masamang espiritu , at sa mga mahiko : siya&apos;y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin niya siya sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y naglagay ng larawang inanyuan na Asera , na kaniyang ginawa , sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon kay David , at kay Salomon na kaniyang anak , Sa bahay na ito , at sa Jerusalem , na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel , aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi ko na pagagalain pa ang mga paa ng Israel sa labas ng lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang , kung kanila lamang tutuparing gawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa kanila , at ayon sa buong kautusan na iniutos sa kanila ng aking lingkod na si Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t hindi nila dininig : at hinikayat sila ni Manases na gumawa ng lalong masama kay sa ginawa ng mga bansa , na pinaglipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ginawa ni Manases na hari sa Juda ang mga karumaldumal na ito , at gumawa ng kasamaan na higit kay sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo , na una sa kaniya , at ipinapagkasala sa Juda naman sa pamamagitan ng kaniyang mga diosdiosan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Narito , aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda , na sinomang makabalita ay magpapanting ang dalawang tainga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking paaabutin sa Jerusalem ang pising panukat ng Samaria , at ang pabato ng bahay ni Achab : at aking lilinisin ang Jerusalem gaya ng paglilinis ng isang tao ng isang pinggan , na nililinis at itinataob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking ihihiwalay ang nalabi sa aking mana , at aking ibibigay sa kamay ng kanilang mga kaaway : at sila&apos;y magiging bihag at samsam sa lahat nilang kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t gumawa sila ng masama sa aking paningin at minungkahi nila ako sa galit , mula nang araw na ang kanilang mga magulang ay magsilabas sa Egipto , hanggang nga sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito&apos;y nagbubong mainam si Manases ng dugong walang sala , hanggang sa kaniyang napuno ang Jerusalem mula sa isang dulo hanggang sa kabila ; bukod sa kaniyang sala na kaniyang ipinapagkasala sa Juda , sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang iba nga sa mga gawa ni Manases , at ang lahat niyang ginawa , at ang sala na kaniyang ipinagkasala , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Manases ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa halamanan ng kaniyang sariling bahay , sa halamanan ng Uzza : at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Amon ay may dalawang pu&apos;t dalawang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Mesalemeth na anak ni Harus na taga Jotba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y lumakad ng buong lakad na inilakad ng kaniyang ama , at naglingkod sa mga diosdiosan na pinaglingkuran ng kaniyang ama , at sinamba niya ang mga yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At binayaan ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang , at hindi lumakad sa daan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga lingkod ni Amon ay nagsipagbanta laban sa kaniya , at pinatay ang hari sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipagbanta laban sa haring Amon ; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang iba nga sa mga gawa ni Amon na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y nalibing sa kaniyang libingan sa halamanan ng Uzza ; at si Josias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Josias ay may walong taon nang magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing tatlongpu&apos;t isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Idida na anak ni Adaia na taga Boscat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , at lumakad sa buong lakad ni David na kaniyang magulang , at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari , nang ikalabing walong taon ng haring Josias , na sinugo ng hari si Saphan na anak ni Azalia , na anak ni Mesullam , na kalihim , sa bahay ng Panginoon , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ahunin mo si Hilcias na dakilang saserdote , upang kaniyang bilangin ang salapi na ipinasok sa bahay ng Panginoon , na tinipon sa bayan ng tagatanod-pinto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon ; at ibigay sa mga manggagawa na nangasa bahay ng Panginoon , upang husayin ang mga sira ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa mga anluwagi , at sa mga manggagawa , at sa mga kantero at sa pagbili ng kahoy , at ng batong tabas upang husayin ang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y walang pagtutuos na ginawa sila sa kanila sa salapi na nabigay sa kanilang kamay ; sapagka&apos;t kanilang ginawang may pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Hilcias na dakilang saserdote ay nagsabi kay Saphan na kalihim , Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon . At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan , at kaniyang binasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Saphan na kalihim ay naparoon sa hari , at nagbalik ng salita sa hari , at nagsabi , Inilabas ng iyong mga lingkod ang salapi na nasumpungan sa bahay , at ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At isinaysay ni Saphan na kalihim , sa hari na sinasabi , Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At binasa ni Saphan sa harap ng hari . At nangyari , nang marinig ng hari ang mga salita ng aklat ng kautusan , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang hari ay nagutos kay Hilcias na saserdote , at kay Ahicam na anak ni Saphan , at kay Achbor na anak ni Michaia , at kay Saphan na kalihim , at kay Asaia na lingkod ng hari , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo&apos;y magsiyaon , isangguni ninyo sa Panginoon ako , at ang bayan , at ang buong Juda , tungkol sa mga salita ng aklat na ito na nasumpungan : sapagka&apos;t malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin , sapagka&apos;t hindi dininig ng ating mga magulang ang mga salita ng aklat na ito , na gawin ang ayon sa lahat na nasusulat tungkol sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y si Hilcias na saserdote , at si Ahicam , at si Achbor , at si Saphan , at si Asaia , ay nagsiparoon kay Hulda na propetisa , na asawa ni Sallum na anak ni Ticva na anak ni Araas , na katiwala sa mga kasuutan ( siya nga&apos;y tumatahan sa Jerusalem sa ikalawang bahagi ; ) at sila&apos;y nakipagsanggunian sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kanila , Ganito , ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa dakong ito , at sa mga tagarito , sa makatuwid baga&apos;y lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ako , at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios , upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay , kaya&apos;t ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito , at hindi mapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t sa hari sa Juda , na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon , ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel . Tungkol sa mga salita na inyong narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang iyong puso ay malumanay , at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon , nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito , at laban sa mga tagarito na sila&apos;y magiging kagibaan , at sumpa , at hinapak mo ang iyong kasuutan , at umiyak sa harap ko : ay dininig naman kita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t narito , ipipisan kita sa iyong mga magulang , at ikaw ay malalagay sa iyong libingan na payapa , at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat ng kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito . At sila&apos;y nagbalik ng salita sa hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang hari ay nagsugo , at pinisan nila sa kaniya ang lahat na matanda sa Juda , at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon , at ang lahat na lalake ng Juda , at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya , at ang mga saserdote , at ang mga propeta , at ang buong bayan , maliit at gayon din ang malaki : at kanilang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang hari ay tumayo sa tabi ng haligi , at nakipagtipan sa harap ng Panginoon , upang lumakad ng ayon sa Panginoon , at upang ingatan ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga patotoo , at ang kaniyang mga palatuntunan , ng buong puso at ng buong kaluluwa , upang tuparin ang mga salita ng tipang ito na nasusulat sa aklat na ito : at ang buong bayan ay nananayo sa tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At inutusan ng hari si Hilcias na dakilang saserdote , at ang mga saserdote sa ikalawang hanay , at ang mga tagatanod-pinto , na ilabas sa templo ng Panginoon ang lahat na kasangkapan na ginawa kay Baal at sa mga Asera , at sa lahat na natatanaw sa langit ; at kaniyang sinunog sa labas ng Jerusalem sa mga parang ng Cedron , at dinala ang mga abo niyaon sa Beth-el .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang inalis ang mga saserdote na palasamba sa mga dios-diosan na inihalal ng mga hari sa Juda na nagpasunog ng kamangyan sa mga mataas na dako sa mga bayan ng Juda , at sa mga dakong nangasa palibot ng Jerusalem ; pati silang nagsisipagsunog ng kamangyan kay Baal , sa araw , at sa buwan , at sa mga tala , at sa lahat ng natatanaw sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon , sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron , at sinunog sa batis ng Cedron , at dinurog , at inihagis ang nangadurog niyaon sa libingan ng karaniwang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita , na nangasa bahay ng Panginoon , na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda , at nilapastangan ang mga mataas na dako , sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote , mula sa Geba hanggang sa Beerseba ; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue , na tagapamahala ng bayan , na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y ang mga saserdote sa mga mataas na dako ay hindi sumampa sa dambana ng Panginoon sa Jerusalem , kundi sila&apos;y nagsikain ng tinapay na walang lebadura sa gitna ng kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang nilapastangan ang Topheth , na nasa libis ng mga anak ni Hinnom , upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalake o babae sa apoy kay Moloch .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang inalis ang mga kabayo na ibinigay ng hari ng Juda sa araw , sa pasukan ng bahay ng Panginoon , sa siping ng silid ni Nathan-melech na kamarero , na nasa looban ; at sinunog niya sa apoy ang mga karo ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga dambana na nangasa bubungan ng silid sa itaas ni Achaz , na ginawa ng mga hari sa Juda , at ang mga dambana na ginawa ni Manases sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon ay ipinagbabagsak ng hari , at pinaggigiba mula roon , at inihagis ang alabok ng mga yaon sa batis ng Cedron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga mataas na dako na nangasa harap ng Jerusalem , na nasa kanan ng bundok ng kapahamakan , na itinayo ng haring Salomon kay Asthareth na karumaldumal ng mga Sidonio , at kay Chemos na karumaldumal ng Moab , at sa kay Milcom na karumaldumal ng mga anak ni Ammon , ay nilapastangan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala , at pinutol ang mga Asera , at pinuno ang kanilang mga dako ng mga buto ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bukod dito&apos;y ang dambana na nasa Bethel at ang mataas na dako na ginawa ni Jeroboam , na anak ni Nabat , na nakapagkasala sa Israel , sa makatuwid baga&apos;y ang dambanang yaon at ang mataas na dako ay kaniyang ibinagsak ; at kaniyang sinunog ang mataas na dako at dinurog , at sinunog ang mga Asera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagpihit ni Josias , ay kaniyang natanawan ang mga libingan na nangasa bundok ; at siya&apos;y nagsugo , at kinuha ang mga buto sa mga libingan , at sinunog sa dambana , at dinumhan , ayon sa salita ng Panginoon na itinanyag ng lalake ng Dios , na siyang nagtanyag ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi , Anong monumento yaong aking nakikita ? At isinaysay ng mga lalake ng bayan sa kaniya , Yao&apos;y libingan ng lalake ng Dios , na nanggaling sa Juda , at itinanyag ang mga bagay na ito na iyong ginawa laban sa dambana sa Beth-el .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang sinabi , Bayaan ninyo ; huwag galawin ng sinoman ang mga buto niya . Sa gayo&apos;y binayaan nila ang mga buto niya , na kasama ng mga buto ng propeta na nanggaling sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang lahat na bahay naman sa mga mataas na dako na nangasa bayan ng Samaria , na ginawa ng mga hari sa Israel upang mungkahiin ang Panginoon sa galit , ay pinagaalis ni Josias , at ginawa sa mga yaon ang ayon sa lahat na gawa na kaniyang ginawa sa Beth-el .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang pinatay ang lahat na saserdote sa mga mataas na dako na nangandoon , sa ibabaw ng mga dambana , at sinunog ang mga buto ng mga tao sa mga yaon ; at siya&apos;y bumalik sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At iniutos ng hari sa buong bayan , na sinasabi , Ipagdiwang ninyo ang paskua sa Panginoon ninyong Dios , gaya ng nasusulat sa aklat na ito ng tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tunay na hindi ipinagdiwang ang gayong paskua mula sa mga araw ng mga hukom na naghukom sa Israel , o sa lahat ng mga araw man ng mga hari sa Israel , o ng mga hari man sa Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kundi nang ikalabing walong taon ng haring Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito sa Panginoon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Bukod dito&apos;y sila na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at ang mga manghuhula , at ang mga terap , at ang mga diosdiosan , at ang lahat na karumaldumal na natanawan sa lupain ng Juda , at sa Jerusalem , ay pinagaalis ni Josias , upang kaniyang matupad ang mga salita ng kautusan na nasusulat sa aklat na nasumpungan ni Hilcias na saserdote sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya , na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya , at ng buong kaluluwa niya , at ng buong kapangyarihan niya , ayon sa buong kautusan ni Moises ; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon ma&apos;y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pag-iinit , na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda , dahil sa lahat na pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ng Panginoon , Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin , gaya ng aking pagaalis sa Israel , at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili , sa makatuwid baga&apos;y ang Jerusalem , at ang bahay na aking pinagsabihan . Ang pangalan ko&apos;y doroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang iba nga sa mga gawa ni Josias , at ang lahat na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang mga kaarawan niya , si Faraon-nechao na hari sa Egipto at umahon laban sa hari sa Asiria , sa ilog Eufrates : at ang haring Josias ay naparoon laban sa kaniya ; at pinatay niya siya sa Megiddo , nang makita niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At dinala siyang patay ng kaniyang mga lingkod sa isang karo , mula sa Megiddo at dinala siya sa Jerusalem , at inilibing siya sa kaniyang sariling libingan . At kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias , at pinahiran ng langis siya , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Si Joachaz ay may dalawangpu&apos;t tatlong taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At inilagay ni Faraon-nechao siya sa pangawan sa Ribla , sa lupain ng Hamath , upang siya&apos;y huwag makapaghari sa Jerusalem ; at siningilan ang bayan ng isang daang talentong pilak , at isang talentong ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ginawa ni Faraon-nechao si Eliacim na anak ni Josias , na hari na kahalili ni Josias , na kaniyang ama , at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim : nguni&apos;t kaniyang dinala si Joachaz ; at siya&apos;y naparoon sa Egipto , at namatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ibinigay ni Joacim ang pilak at ginto kay Faraon ; nguni&apos;t kaniyang pinabuwis ang lupain upang magbigay ng salapi ayon sa utos ni Faraon ; kaniyang siningil ang pilak at ginto ng bayan ng lupain , sa bawa&apos;t isa ayon sa ipinabuwis niya upang ibigay kay Faraon-nechao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Si Joacim ay may dalawangpu&apos;t limang taon nang magpasimulang maghari : at siya&apos;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebuda na anak ni Pedaia na taga Ruma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang kaniyang mga kaarawan ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at si Joacim ay naging kaniyang alipin na tatlong taon : nang magkagayo&apos;y bumalik siya at nanghimagsik laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya ng mga pulutong ng mga Caldeo , at ng mga pulutong ng mga taga Siria , at ng mga pulutong ng mga Moabita , at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon , at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ayon sa salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tunay na sa utos ng Panginoon ay dumating ito sa Juda , upang alisin sila sa kaniyang paningin , dahil sa mga kasalanan ni Manases , ayon sa lahat niyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At dahil naman sa walang salang dugo na kaniyang ibinubo ; sapagka&apos;t kaniyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo : at hindi pinatawad ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y natulog si Joacim na kasama ng kaniyang mga magulang : at si Joachin na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang hari sa Egipto ay hindi na bumalik pa mula sa kaniyang lupain : sapagka&apos;t sinakop ng hari ng Babilonia , mula sa batis ng Egipto hanggang sa ilog Eufrates , lahat na nauukol sa hari sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Si Joachin ay may labing walong taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang panahong yao&apos;y ang mga lingkod ni Nabucodonosor , na hari sa Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem , at ang bayan ay nakubkob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Nabucodonosor , na hari sa Babilonia ay naparoon sa bayan , samantalang ang kaniyang mga lingkod ay nangakukulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nilabas ni Joachin na hari sa Juda ang hari sa Babilonia , niya , at ng kaniyang ina , at ng kaniyang mga lingkod , at ng kaniyang mga prinsipe , at ng kaniyang mga pinuno : at kinuha siya ng hari ng Babilonia sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At dinala niya mula roon ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ang mga kayamanan ng bahay ng hari , at pinagputolputol ang lahat na kasangkapang ginto na ginawa ng haring Salomon sa templo ng Panginoon , gaya ng sinabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang dinala ang buong Jerusalem , at ang lahat na prinsipe , at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang , sa makatuwid baga&apos;y sangpung libong bihag , at ang lahat na manggagawa at mangbabakal ; walang nalabi liban sa mga pinakadukha sa bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dinala niya si Joachin sa Babilonia ; at ang ina ng hari , at ang mga asawa ng hari , at ang kaniyang mga pinuno , at ang mga pinakamahal sa lupain , ay dinala niya sa pagkabihag sa Babilonia mula sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lahat na makapangyarihang lalake na pitong libo , at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal na isang libo , lahat na sa kanila ay malakas at matalino sa pakikipagdigma , ay pinagdadalang bihag sa Babilonia ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ginawa ng hari sa Babilonia na hari si Matanias na kapatid ng ama ni Joachin na kahalili niya , at binago ang kaniyang pangalan ng Sedecias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si Sedecias ay may dalawangpu&apos;t isang taon nang magpasimulang maghari , at siya&apos;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni Joachin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda , hanggang sa kaniyang itinaboy sila sa kaniyang harap : at si Sedecias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan , nang ikasangpung araw ng buwan , na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon , siya at ang buo niyang hukbo , laban sa Jerusalem , at humantong laban doon ; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan , ang kagutom ay lumala sa bayan , na anopa&apos;t walang tinapay sa bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan , at ang lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta , na nasa siping ng halamanan ng hari ( ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan ; ) at ang hari ay yumaon sa daan ng Araba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari , at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico : at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y kinuha nila ang hari at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla ; at sila&apos;y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias , sa harap ng kaniyang mga mata , at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya&apos;y nilagyan ng damal , at dinala siya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang ikalimang buwan nga , nang ikapitong araw ng buwan , na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor , na hari sa Babilonia , ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na punong kawal ng bantay , na lingkod ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon , at ang bahay ng hari ; at ang lahat na bahay sa Jerusalem , sa makatuwid baga&apos;y bawa&apos;t malaking bahay , ay sinunog niya ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot , ng buong hukbo ng mga Caldeo , na kasama ng punong kawal ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan , at yaong nagsihiwalay , na nagsihilig sa hari sa Babilonia , at ang labi sa karamihan , ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon , at ang mga tungtungan at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon , ay dinurog ng mga Caldeo , at dinala ang tanso sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga palayok , at ang mga pala , at ang mga gunting , at ang mga kutchara , at ang lahat na kasangkapan na tanso na kanilang ipinangangasiwa , ay kanilang dinala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga apuyan , at ang mga mangkok ; na ang sa ginto , ay ginto , at ang sa pilak ay pilak , pinagdadala ng punong kawal ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang dalawang haligi , ang dagatdagatan , at ang mga tungtungan , na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon ; ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko , at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon ; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko , na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot , lahat ay tanso ; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kinuha ng punong kawal ng bantay si Saraias na dakilang saserdote , at si Sophonias na ikalawang saserdote , at ang tatlong tagatanod-pinto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma : at limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari na nangasumpungan sa bayan : at ang kalihim , ang punong kawal ng hukbo , na humusay ng bayan ng lupain ; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain , na nangasumpungan sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kinuha sila ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay , at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinaktan sila ng hari sa Babilonia , at pinatay sila sa Ribla , sa lupain ng Hamath . Sa gayo&apos;y dinala ang Juda na bihag mula sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda , na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si Gedalias na anak ni Ahicam , na anak ni Saphan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang mabalitaan nga ng lahat ng pinuno ng mga hukbo , nila , at ng kanilang mga lalake , na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia , ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa , sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias , at si Johanan na anak ni Carea , at si Saraia na anak ni Tanhumet , na Netofatita , at si Jaazanias na anak ng Maachateo , sila at ang kanilang mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake , at nagsabi sa kanila , Kayo&apos;y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo : magsitahan kayo sa lupain , at kayo&apos;y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia , at ikabubuti ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t nangyari nang ikapitong buwan , na si Ismael na anak ni Nathanias , na anak ni Elisama , na mula sa lahing hari , at sangpung lalake na kasama niya , ay naparoon , at sinaktan si Gedalias , na anopa&apos;t namatay , at ang mga Judio at ang mga Caldeo , na mga kasama niya sa Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang buong bayan , maliit at gayon din ang malaki , at ang mga pinuno ng hukbo , ay nagsitindig , at nagsiparoon sa Egipto ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangatakot sa mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari nang ikatatlongpu&apos;t pitong taon ng pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda , nang ikalabing dalawang buwan , nang ikadalawangpu&apos;t pitong araw ng buwan , na si Evil-merodach na hari sa Babilonia , nang taon na siya&apos;y magpasimulang maghari , ay itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya , at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag . At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tungkol sa kaloob sa kaniya , may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari , bawa&apos;t araw isang bahagi ng pagkain , lahat ng mga araw ng kaniyang buhay .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "13">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Adam , si Seth , si Enos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Cainan , si Mahalaleel , si Jared ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Enoch , si Mathusalem , si Lamech ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Noe , si Sem , si Cham , at si Japhet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga anak ni Japhet : si Gomer , at si Magog , at si Dadai , at si Javan , at si Tubal , at si Mesec , at si Tiras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anak ni Gomer : si Askenaz at si Riphath , at si Thogorma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Javan : si Elisa , at si Tharsis , si Chithim at si Dodanim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga anak ni Cham : si Chus , at si Misraim , si Phuth , at si Canaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Chus : si Seba , at si Havila , at si Sabtha , at si Racma , at si Sabtecha . At ang mga anak ni Racma : si Seba , at si Dedan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At naging anak ni Chus si Nimrod : siya ang nagpasimulang naging makapangyarihan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging anak ni Misraim si Ludim , at si Ananim , at si Laabim , at si Nephtuim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Phetrusim , at si Chasluim ( na pinanggalingan ng mga Filisteo ) , at si Caphtorim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naging anak ni Canaan si Sidon , na kaniyang panganay , at si Heth ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang Jebuseo , at ang Amorrheo , at ang Gergeseo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Heveo , at ang Araceo , at ang Sineo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang Arvadeo , at ang Samareo , at ang Hamatheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga anak ni Sem : si Elam , at si Assur , at si Arphaxad , at si Lud , at si Aram , at si Hus , at si Hul , at si Gether , at si Mesec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At naging anak ni Arphaxad si Sela , at naging anak ni Sela si Heber .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake : ang pangalan ng isa&apos;y Peleg ; sapagka&apos;t sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa ; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At naging anak ni Joctan si Elmodad , at si Seleph , at si Asarmaveth , at si Jera ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Adoram , at si Uzal , at si Dicla ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Hebal , at si Abimael , at si Seba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Ophir , at si Havila , at si Jobab . Lahat ng ito&apos;y mga anak ni Joctan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si Sem , si Arphaxad , si Sela ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Si Heber , si Peleg , si Reu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Si Serug , si Nachor , si Thare ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Abram , ( na siyang Abraham . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga anak ni Abraham : si Isaac , at si Ismael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ito ang kanilang mga lahi : ang panganay ni Ismael , si Nabajot ; saka si Cedar , at si Adbeel , at si Misam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Si Misma , at si Duma , si Maasa ; si Hadad , at si Thema ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Si Jetur , si Naphis , at si Cedma . Ito ang mga anak ni Ismael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga anak ni Cethura , na babae ni Abraham : kaniyang ipinanganak si Zimram , at si Jocsan , at si Medan , at si Madian , at si Isbac , at si Sua . At ang mga anak ni Jocsan : si Seba , at si Dan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga anak ni Madian : si Epha , at si Epher , at si Henoch , at si Abida , at si Eldaa . Lahat ng ito&apos;y mga anak ni Cethura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At naging anak ni Abraham si Isaac . Ang mga anak ni Isaac : si Esau , at si Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mga anak ni Esau : si Eliphas , si Rehuel , at si Jeus , at si Jalam , at si Cora .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang mga anak ni Eliphas : si Theman , at si Omar , si Sephi , at si Gatham , si Chenas , at si Timna , at si Amalec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang mga anak ni Rehuel : si Nahath , si Zera , si Samma , at si Mizza .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang mga anak ni Seir : si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana , at si Dison at si Eser at si Disan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang mga anak ni Lotan : si Hori at si Homam : at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang mga anak ni Sobal : si Alian at si Manahach at si Ebal , si Sephi at si Onam . At ang mga anak ni Sibeon : si Aia at si Ana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang mga anak ni Ana : si Dison . At ang mga anak ni Dison : si Hamran at si Hesban at si Ithran at si Cheran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang mga anak ni Eser : si Bilham , at si Zaavan , at si Jaacan . Ang mga anak ni Disan : si Hus at si Aran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel : si Belah na anak ni Beor : at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At namatay si Belah , at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At namatay si Jobab , at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At namatay si Husam , at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab , ay naghari na kahalili niya ; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At namatay si Adad , at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At namatay si Samla , at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At namatay si Saul , at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At namatay si Baal-hanan , at si Adad ay naghari na kahalili niya ; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai : at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel , na anak na babae ni Matred , na anak na babae ni Me-zaab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At namatay si Adad . At ang mga pangulo ng Edom : ang pangulong Timna , ang pangulong Alia , ang pangulong Jetheh ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ang pangulong Oholibama , ang pangulong Ela , ang pangulong Phinon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Ang pangulong Chenaz , ang pangulong Theman , ang pangulong Mibzar ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang pangulong Magdiel , ang pangulong Iram . Ito ang mga pangulo ng Edom .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang mga anak ni Israel : si Ruben , si Simeon , si Levi , at si Juda , at si Issachar , at si Zabulon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Dan , si Jose , at si Benjamin , si Neftali , si Gad at si Aser .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga anak ni Juda : si Er , at si Onan , at si Sela : na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua , na Cananea . At si Er , na panganay ni Juda , ay masama sa paningin ng Panginoon ; at pinatay niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ipinanganak sa kaniya ni Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara . Lahat na anak ni Juda ay lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga anak ni Phares : si Hesron at si Hamul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anak ni Zara : si Zimri , at si Ethan , at si Heman , at si Calcol , at si Darda : lima silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Carmi : si Achar , na mangbabagabag ng Israel , na gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Ethan : si Azaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga anak naman ni Hesron , na mga ipinanganak sa kaniya : si Jerameel , at si Ram , at si Chelubai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At naging anak ni Ram si Aminadab ; at naging anak ni Aminadab si Nahason , na prinsipe ng mga anak ng Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging anak ni Nahason si Salma , at naging anak ni Salma si Booz ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At naging anak ni Booz si Obed , at naging anak ni Obed si Isai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si Eliab , at si Abinadab ang ikalawa , at si Sima ang ikatlo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Nathanael ang ikaapat , si Radai ang ikalima ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Si Osem ang ikaanim , si David ang ikapito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail . At ang mga naging anak ni Sarvia ; si Abisai , at si Joab , at si Asael , tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ipinanganak ni Abigail si Amasa : at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya , at kay Jerioth : at ang mga ito ang kaniyang mga anak : si Jeser , at si Sobad , at si Ardon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At namatay si Azuba , at nagasawa si Caleb kay Ephrata , na siyang nanganak kay Hur sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At naging anak ni Hur si Uri , at naging anak ni Uri si Bezaleel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad ; na siya niyang naging asawa , nang siya&apos;y may anim na pung taong gulang ; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At naging anak ni Segub si Jair , na nagkaroon ng dalawang pu&apos;t tatlong bayan sa lupain ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinakop ni Gesur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila , pati ng Cenath , at ang mga nayon niyaon , sa makatuwid baga&apos;y anim na pung bayan . Lahat ng ito&apos;y mga anak ni Machir na ama ni Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay , at si Buna , at si Orem , at si Osem , si Achia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At si Jerameel ay nagasawa ng iba , na ang pangalan ay Atara ; siya ang ina ni Onam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas , at si Jamin , at si Acar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga anak ni Onam ay si Sammai , at si Jada . At ang mga anak ni Sammai : si Nadab , at si Abisur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail ; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban , at si Molib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga anak ni Nadab : si Seled , at si Aphaim : nguni&apos;t si Seled ay namatay na walang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga anak ni Aphaim : si Isi . At ang mga anak ni Isi ; si Sesan . At ang mga anak ni Sesan : si Alai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga anak ni Jada , na kapatid ni Sammai : si Jether , at si Jonathan : at si Jether ay namatay na walang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga anak ni Jonathan : si Peleth , at si Zaza . Ito ang mga anak ni Jerameel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake , kundi mga babae . At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto , na ang pangalan ay Jarha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At naging anak ni Athai si Nathan , at naging anak ni Nathan si Zabad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At naging anak ni Zabad si Ephlal , at naging anak ni Ephlal , si Obed .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At naging anak ni Obed si Jehu , at naging anak ni Jehu si Azarias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At naging anak ni Azarias si Heles , at naging anak ni Heles si Elasa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At naging anak ni Elasa si Sismai , at naging anak ni Sismai si Sallum ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At naging anak ni Sallum si Jecamia , at naging anak ni Jecamia si Elisama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay , na siyang ama ni Ziph ; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang mga anak ni Hebron : si Core , at si Thaphua , at si Recem , at si Sema .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At naging anak ni Sema si Raham , na ama ni Jorcaam ; at naging anak ni Recem si Sammai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At ang anak ni Sammai ay si Maon ; at si Maon ay ama ni Beth-zur .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ipinanganak ni Epha , na babae ni Caleb , si Haran , at si Mosa , at si Gazez : at naging anak ni Haran si Gazez .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ang mga anak ni Joddai : si Regem , at si Jotham , at si Gesan , at si Pelet , at si Epha , at si Saaph .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ipinanganak ni Maacha , na babae ni Caleb , si Sebet , at si Thirana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah , si Seva na ama ni Macbena , at ang ama ni Ghiba ; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ito ang mga naging anak ni Caleb , na anak ni Hur , na panganay ni Ephrata : si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Si Salma na ama ni Bethlehem , si Hareph na ama ni Beth-gader .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak ; si Haroeh , na kalahati ng mga Manahethita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At ang mga angkan ni Chiriath-jearim : ang mga Ithreo , at ang mga Phuteo , at ang mga Samateo , at ang mga Misraiteo ; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang mga anak ni Salma : ang Bethlehem , at ang mga Netophatita , ang Atroth-beth-joab , at ang kalahati ng mga Manahethita , ang mga Soraita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes : ang mga Thiratheo , ang mga Simatheo , at ang mga Sucatheo . Ito ang mga Cineo , na nagsipagmula kay Hamath , na ama ng sangbahayan ni Rechab .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito nga ang mga anak ni David , na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron : ang panganay ay si Amnon , ni Achinoam na Jezreelita ; ang ikalawa&apos;y si Daniel , ni Abigail na Carmelita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang ikatlo&apos;y si Absalom , na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur ; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang ikalima&apos;y si Sephatias , ni Abithal ; ang ikaanim ay si Itream , ni Egla na asawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron ; at doo&apos;y naghari siyang pitong taon at anim na buwan : At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu&apos;t tatlong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem : si Simma , at si Sobab , at si Nathan , at si Solomon , apat , ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Ibaar , at si Elisama , at si Eliphelet ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Noga , at si Nepheg , at si Japhia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Elisama , at si Eliada , at si Eliphelet , siyam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lahat ng ito&apos;y mga anak ni David , bukod pa ang mga anak ng mga babae ; at si Thamar ay kanilang kapatid na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang anak ni Solomon ay si Roboam , si Abia na kaniyang anak , si Asa na kaniyang anak , si Josaphat na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Joram na kaniyang anak , si Ochozias na kaniyang anak , si Joas na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Amasias na kaniyang anak , si Azarias na kaniyang anak , si Jotham na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Achaz na kaniyang anak , si Ezechias na kaniyang anak , si Manases na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Amon na kaniyang anak , si Josias na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga anak ni Josias : ang panganay ay si Johanan , ang ikalawa&apos;y si Joacim , ang ikatlo&apos;y si Sedecias , ang ikaapat ay si Sallum .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga anak ni Joacim : si Jechonias na kaniyang anak , si Sedecias na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Jechonias , na bihag : si Salathiel na kaniyang anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Mechiram , at si Pedaia at si Seneaser , si Jecamia , si Hosama , at si Nedabia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga anak , ni Pedaia : si Zorobabel , at si Simi . At ang mga anak ni Zorobabel ; si Mesullam , at si Hananias ; at si Selomith , na kanilang kapatid na babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Hasuba , at si Ohel , at si Berechias , at si Hasadia , at si Jusabhesed , lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga anak ni Hananias : si Pelatias , at si Jesaias ; ang mga anak ni Rephaias , ang mga anak ni Arnan , ang mga anak ni Obdias , ang mga anak ni Sechanias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga anak ni Sechanias : si Semaias ; at ang mga anak ni Semaias : si Hattus , at si Igheal , at si Barias , at si Nearias , at si Saphat , anim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga anak ni Nearias : si Elioenai , at si Ezechias , at si Azricam , tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga anak ni Elioenai : si Odavias , at si Eliasib , at si Pelaias , at si Accub , at si Johanan at si Delaias , at si Anani , pito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga anak ni Juda : si Phares , si Hesron , at si Carmi , at si Hur , at si Sobal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath : at naging anak ni Jahath si Ahumai ; at si Laad . Ito ang mga angkan ng mga Sorathita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ito ang mga anak ng ama ni Etham : si Jezreel , at si Isma , at si Idbas : at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Penuel na ama ni Gedor , at si Ezer na ama ni Husa . Ito ang mga anak ni Hur , na panganay ni Ephrata , na ama ni Bethlehem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Asur na ama ni Tecoa ay nagasawa ng dalawa : si Helea , at si Naara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam , at si Hepher , at si Themeni , at si Ahastari . Ito ang mga anak ni Naara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Helea ay si Sereth , at si Jesohar , at si Ethnan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At naging anak ni Coz si Anob , at si Sobeba , at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Arum .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid : at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes , na sinasabi , Sapagka&apos;t ipinanganak kong may kahirapan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel , na nagsasabi , Oh ako nawa&apos;y iyong pagpalain , at palakihin ang aking hangganan , at ang iyong kamay ay suma akin , at ingatan mo ako sa kasamaan , na huwag akong maghirap ! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir , na siyang ama ni Esthon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At naging anak ni Esthon si Beth-rapha , at si Phasea , at si Tehinna , na ama ni Ir-naas . Ito ang mga lalake ni Recha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga anak ni Cenez : si Othniel , at si Seraiah ; at ang anak ni Othniel ; si Hathath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At naging anak ni Maonathi si Ophra : at naging anak ni Seraiah si Joab , na ama ng Geharasim ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone ; si Iru , si Ela , at si Naham ; at ang anak ni Ela ; at si Cenez .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga anak ni Jaleleel : si Ziph , at si Zipha , si Tirias , at si Asareel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Ezra : si Jeter , at si Mered , at si Epher , at si Jalon ; at ipinanganak niya si Mariam , at si Sammai , at si Isba , na ama ni Esthemoa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered , na ama ni Gedor , at si Heber na ama ni Socho , at si Icuthiel na ama ni Zanoa . At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon , na naging asawa ni Mered .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga anak ng asawa ni Odias , na kapatid na babae ni Naham , ay ang ama ni Keila na Garmita , at ni Esthemoa na Maachateo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga anak ni Simon : si Amnon , at si Rinna , si Benhanan , at si Tilon . At ang mga anak ni Isi : si Zoheth , at si Benzoheth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda : si Er na ama ni Lecha , at si Laada na ama ni Maresa , at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino , sa sangbahayan ni Asbea ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Jaocim , at ang mga lalake ni Chozeba , at si Joas , at si Saraph , na siyang mga nagpasuko sa Moab , at si Jasubi-lehem . At ang alaalang ito&apos;y matanda na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga ito&apos;y mga magpapalyok , at mga taga Netaim at Gedera : doo&apos;y nagsisitahan sila na kasama ng hari para sa kaniyang gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga anak ni Simeon : si Nemuel , at si Jamin , si Jarib , si Zera , si Saul :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Si Sallum na kaniyang anak , si Mibsam na kaniyang anak , si Misma na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga anak ni Misma : si Hamuel na kaniyang anak , si Sachur na kaniyang anak , si Simi na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae ; nguni&apos;t ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami , o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y nagsitahan sa Beer-seba , at sa Molada , at sa Hasar-sual ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa Bala , at sa Esem , at sa Tholad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa Bethuel , at sa Horma , at sa Siclag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa Beth-marchaboth , at sa Hasa-susim , at sa Beth-birai , at sa Saaraim . Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang kanilang mga nayon ay Etam , at Ain , Rimmon , at Tochen , at Asan , limang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon , hanggang sa Baal . Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan , at sila&apos;y mayroong kanilang talaan ng lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At si Mesobab , at si Jamlech , at si Josias na anak ni Amasias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At si Joel , at si Jehu na anak ni Josibias , na anak ni Seraiah , na anak ni Aziel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At si Elioenai , at si Jacoba , at si Jesohaia , at si Asaias , at si Adiel , at si Jesimiel , at si Benaias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At si Ziza , na anak ni Siphi , na anak ni Allon , na anak ni Jedaia , na anak ni Simri , na anak ni Semaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan : at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sila&apos;y nagsiparoon sa pasukan ng Gador , hanggang sa dakong silanganan ng libis , upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sila&apos;y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti , at ang lupain ay maluwang , at tahimik , at payapa ; sapagka&apos;t ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda , at iniwasak ang kanilang mga tolda , at ang mga Meunim na nangasumpungan doon , at nilipol na lubos , hanggang sa araw na ito , at sila&apos;y nagsitahan na kahalili nila : sapagka&apos;t may pastulan doon sa kanilang mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang iba sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y sa mga anak ni Simeon , na limang daang lalake , ay nagsiparoon sa bundok ng Seir , na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia , at si Nearias , at si Rephaias , at si Uzziel , na mga anak ni Isi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan , at tumahan doon hanggang sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ( sapagka&apos;t siya ang panganay ; nguni&apos;t sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama , ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel ; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t si Juda&apos;y nanaig sa kaniyang mga kapatid , at sa kaniya nanggaling ang pangulo ; nguni&apos;t ang pagkapanganay ay kay Jose : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel : si Enoch , at si Phallu , at si Esron , at si Charmi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga anak ni Joel : si Semaias na kaniyang anak , si Gog na kaniyang anak , si Simi na kaniyang anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Micha na kaniyang anak , si Recaia na kaniyang anak , si Baal na kaniyang anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Si Beera na kaniyang anak , na dinalang bihag ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria : siya&apos;y prinsipe ng mga Rubenita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang kaniyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi ; ang pinuno&apos;y si Jeiel , at si Zacharias ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Bela , na anak ni Azaz , na anak ni Sema , na anak ni Joel , na tumatahan sa Aroer , hanggang sa Nebo at Baal-meon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa dakong silanganan ay tumahan hanggang sa pasukan sa ilang na mula sa ilog Eufrates , sapagka&apos;t ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa mga kaarawan ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagreo , na nangahulog sa kanilang kamay ; at sila&apos;y nagsitahan sa kanilang mga tolda sa buong lupaing silanganan ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga anak ni Gad ay nagsitahan sa tapat nila , sa lupain ng Basan hanggang sa Salca :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Joel ang pinuno , at si Sepham ang ikalawa , at si Janai , at si Saphat sa Basan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kanilang mga kapatid sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang : si Michael , at si Mesullam , at si Seba , at si Jorai , si Jachan , at si Zia , at si Heber , pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri , na anak ni Jaroa , na anak ni Galaad , na anak ni Michael , na anak ni Jesiai , na anak ni Jaddo , na anak ni Buz ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Si Ahi na anak ni Abdiel , na anak ni Guni , na pinuno sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y nagsitahan sa Galaad sa Basan , at sa kaniyang mga bayan , at sa lahat ng palibot ng Saron , na kasinglayo ng kanilang mga hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang lahat ng mga ito&apos;y nangasulat sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga kaarawan ni Jotham na hari sa Juda , at sa mga kaarawan ni Jeroboam na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga anak ni Ruben , at ang mga Gadita , at ang kalahating lipi ni Manases , na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak , at makapagpapahilagpos ng busog , at bihasa sa pakikipagdigma , ay apat na pu&apos;t apat na libo , at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nakipagdigma sa mga Hagreo , kay Jethur , at kay Naphis , at kay Nodab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila&apos;y tinulungan sa pakikilaban sa kanila , at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay , at ang lahat sa nangasa kanila : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka , at kaniyang inayunan sila ; sapagka&apos;t sila&apos;y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang dinala ang kanilang mga hayop ; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo , at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo , at sa mga asno ay dalawang libo , at sa mga lalake ay isang daang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t maraming nangapatay na nangabuwal , sapagka&apos;t ang pagdidigma ay sa Dios . At sila&apos;y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain : sila&apos;y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang : sa makatuwid baga&apos;y si Epher , at si Isi , at si Eliel , at si Azriel , at si Jeremias , at si Odavia , at si Jadiel , na mga makapangyarihang lalaking may tapang , na mga bantog na lalake , na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y nagsisuway laban sa Dios ng kanilang mga magulang , at yumaong sumamba sa mga dios ng mga bayan ng lupain , na nilipol ng Dios sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria , at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria , at dinalang bihag sila , sa makatuwid baga&apos;y ang mga Rubenita , at ang mga Gadita , at ang kalahati ng lipi ni Manases , at dinala hanggang sa Hala , at sa Habor , at sa Hara , at sa ilog ng Gozan , hanggang sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga anak ni Levi : si Gerson , si Coath , at si Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga anak ni Coath : si Amram , si Ishar , at si Hebron , at si Uzziel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga anak ni Amram : si Aaron , at si Moises , at si Mariam . At ang mga anak ni Aaron : si Nadab , at si Abiu , si Eleazar , at si Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Naging anak ni Eleazar si Phinees , naging anak ni Phinees si Abisua ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At naging anak ni Abisua si Bucci , at naging anak ni Bucci si Uzzi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At naging anak ni Uzzi si Zeraias , at naging anak ni Zeraias si Meraioth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Naging anak ni Meraioth si Amarias , at naging anak ni Amarias si Achitob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At naging anak ni Achitob si Sadoc , at naging anak ni Sadoc si Achimaas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At naging anak ni Achimaas si Azarias , at naging anak ni Azarias si Johanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At naging anak ni Johanan si Azarias ( na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging anak ni Azarias si Amarias , at naging anak ni Amarias si Achitob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At naging anak ni Achitob si Sadoc , at naging anak ni Sadoc si Sallum ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naging anak ni Sallum si Hilcias , at naging anak ni Hilcias si Azarias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At naging anak ni Azarias si Seraiah , at naging anak ni Seraiah si Josadec ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga anak ni Levi : si Gersom , si Coath , at si Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom : si Libni at si Simi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga anak ni Coath ay si Amram , at si Ishar at si Hebron , at si Uzziel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga anak ni Merari : si Mahali at si Musi . At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kay Gerson : si Libni na kaniyang anak , si Joath na kaniyang anak , si Zimma na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Joab na kaniyang anak , si Iddo na kaniyang anak , si Zera na kaniyang anak , si Jeothrai na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga anak ni Coath : si Aminadab na kaniyang anak , si Core na kaniyang anak , si Asir na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Si Elcana na kaniyang anak , at si Abiasaph na kaniyang anak , at si Asir na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si Thahath na kaniyang anak , si Uriel na kaniyang anak , si Uzzia na kaniyang anak , at si Saul na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang mga anak ni Elcana : si Amasai at si Achimoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Tungkol kay Elcana , ang mga anak ni Elcana : si Sophai na kaniyang anak , at si Nahath na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Eliab na kaniyang anak , si Jeroham na kaniyang anak , si Elcana na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga anak ni Samuel : ang panganay ay si Joel , at ang ikalawa&apos;y si Abias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga anak ni Merari : si Mahali , si Libni na kaniyang anak , si Simi na kaniyang anak , si Uzza na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Si Sima na kaniyang anak , si Haggia na kaniyang anak , si Assia na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon , pagkatapos na maipagpahinga ang kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sila&apos;y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem : at sila&apos;y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak . Sa mga anak ng mga Coathita : si Heman , na mangaawit , na anak ni Joel , na anak ni Samuel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Na anak ni Elcana , na anak ni Jeroham , na anak ni Eliel , na anak ni Thoa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Na anak ni Suph , na anak ni Elcana , na anak ni Mahath , na anak ni Amasai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Na anak ni Elcana , na anak ni Joel , na anak ni Azarias , na anak ni Sophonias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Na anak ni Thahat , na anak ni Asir , na anak ni Ahiasaph , na anak ni Core ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Na anak ni Ishar , na anak ni Coath , na anak ni Levi , na anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang kaniyang kapatid na si Asaph , na siyang nakatayo sa kaniyang kanan , sa makatuwid baga&apos;y si Asaph na anak ni Berachias , na anak ni Sima ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Na anak ni Michael , na anak ni Baasias , na anak ni Malchias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Na anak ni Athanai , na anak ni Zera , na anak ni Adaia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Na anak ni Ethan , na anak ni Zimma , na anak ni Simi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Na anak ni Jahat , na anak ni Gersom , na anak ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari : si Ethan na anak ni Chisi , na anak ni Abdi , na anak ni Maluch ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Na anak ni Hasabias , na anak ni Amasias , na anak ni Hilcias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Na anak ni Amasias , na anak ni Bani , na anak ni Semer ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Na anak ni Mahali , na anak ni Musi , na anak ni Merari , na anak ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Nguni&apos;t si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin , at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan , para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako , at upang tubusin sa sala ang Israel , ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At ang mga ito ang mga anak ni Aaron : si Eleazar na kaniyang anak , si Phinees na kaniyang anak , si Abisua na kaniyang anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Si Bucci na kaniyang anak , si Uzzi na kaniyang anak , si Zeraias na kaniyang anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Si Meraioth na kaniyang anak , si Amarias na kaniyang anak , si Achitob na kaniyang anak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Si Sadoc na kaniyang anak , si Achimaas na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan ; sa mga anak ni Aaron , na sa mga angkan ng mga Coathita , ( sapagka&apos;t sa kanila ang unang palad . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Sa kanila ibinigay nila ang Hebron sa lupain ng Juda , at ang mga nayon niyaon sa palibot ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Nguni&apos;t ang mga bukid ng bayan , at ang mga nayon niyaon , ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At sa mga anak ni Aaron ay kanilang ibinigay ang mga bayang ampunan , ang Hebron ; gayon din ang Libna pati ng mga nayon niyaon , at ang Jathir , at ang Esthemoa pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At ang Hilem pati ng mga nayon niyaon , ang Debir pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At ang Asan pati ng mga nayon niyaon , at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At mula sa lipi ni Benjamin ; ang Geba pati ng mga nayon niyaon , at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon , at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon . Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran , sa angkan ng lipi , sa kalahating lipi , na kalahati ng Manases , sangpung bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At sa mga anak ni Gerson , ayon sa kanilang mga angkan , sa lipi ni Issachar , at sa lipi ni Aser , at sa lipi ni Nephtali , at sa lipi ni Manases sa Basan , labing tatlong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran , ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben , at sa lipi ni Gad , at sa lipi ni Zabulon , labing dalawang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ng mga anak ni Juda , at sa lipi ng mga anak ni Simeon , at sa lipi ng mga anak ni Benjamin , ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Coath ay may mga bayan sa kanilang mga hangganan na mula sa lipi ni Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan : ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon ; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">At ang Jocmeam pati ng mga nayon niyaon , at ang Bet-horon pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">At ang Ajalon pati ng mga nayon niyaon ; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">At mula sa kalahating lipi ni Manases ; ang Aner pati ng mga nayon niyaon , at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon , sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">Sa mga anak ng Gerson ay nabigay , mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases , ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon , at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">At mula sa lipi ni Issachar , ang Cedes pati ng mga nayon niyaon , ang Dobrath pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "73">At ang Ramoth pati ng mga nayon niyaon , at ang Anem pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "74">At mula sa lipi ni Aser ; ang Masal pati ng mga nayon niyaon , at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "75">At ang Ucoc pati ng mga nayon niyaon , at ang Rehob pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "76">At mula sa lipi ni Nephtali ; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon , at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon , at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "77">Sa nangalabi sa mga Levita , na mga anak ni Merari , ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon , ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon , ang Thabor pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "78">At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silanganan ng Jordan nabigay sa kanila , mula sa lipi ni Ruben , ang Beser sa ilang pati ng mga nayon niyaon , at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "79">At ang Chedemoth pati ng mga nayon niyaon , at ang Mephaath pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "80">At mula sa lipi ni Gad ; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon , at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "81">At ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon , at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa mga anak ni Issachar ; si Thola , at si Phua , si Jabsub , at si Simron , apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa mga anak ni Thola : si Uzzi , at si Rephaias , at si Jeriel , at si Jamai , at si Jibsam , at si Samuel , mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , sa makatuwid baga&apos;y ni Thola ; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi : ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu&apos;t dalawang libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga anak ni Uzzi : si Izrahias : at ang mga anak ni Izrahias : si Michael , at si Obadias , at si Joel , si Isias , lima : silang lahat ay mga pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa kasamahan nila , ayon sa kanilang mga lahi , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , may mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma , tatlong pu&apos;t anim na libo : sapagka&apos;t sila&apos;y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang kanilang mga kapatid sa lahat na angkan ni Issachar , na mga makapangyarihang lalaking may tapang , na nangabilang silang lahat , ayon sa talaan ng lahi , ay walong pu&apos;t pitong libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga anak ni Benjamin : si Bela , at si Becher , at si Jediael , tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga anak ni Bela : si Esbon , at si Uzzi , at si Uzziel , at si Jerimoth , at si Iri , lima ; mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang , mga makapangyarihang lalaking may tapang ; at sila&apos;y nangabilang ayon sa talaan ng lahi , ay dalawang pu&apos;t dalawang libo at tatlong pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Becher : si Zemira , at si Joas , at si Eliezer , at si Elioenai , at si Omri , at si Jerimoth , at si Abias , at si Anathoth , at si Alemeth . Lahat ng ito&apos;y mga anak ni Becher .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y nangabilang ayon sa talaan ng lahi , ayon sa kanilang lahi , na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , na mga makapangyarihang lalaking may tapang , dalawang pung libo at dalawang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga anak ni Jediael : si Bilhan : at ang mga anak ni Bilhan : si Jebus , at si Benjamin , at si Aod , at si Chenaana , at si Zethan , at si Tharsis , at si Ahisahar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Lahat ng ito&apos;y mga anak ni Jediael , ayon sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , na mga makapangyarihang lalaking may tapang labing pitong libo at dalawang daan na nakalalabas sa hukbo upang makidigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Suppim rin naman , at si Huppim na mga anak ni Hir , si Husim na mga anak ni Aher .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga anak ni Nephtali : si Jaoel , at si Guni , at si Jezer , at si Sallum , na mga anak ni Bilha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga anak ni Manases : si Asriel , na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita ; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Machir ay nagasawa kay Huppim at kay Suppim , na ang pangalan ng kapatid na babae nila ay Maacha ; at ang pangalan ng ikalawa ay Salphaad : at si Salphaad ay nagkaanak ng mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Maacha na asawa ni Machir ay nanganak ng isang lalake , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Peres ; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Seres ; at ang kaniyang mga anak ay si Ulam at si Recem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Ulam ; si Bedan . Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir , na anak ni Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ipinanganak ng kaniyang kapatid na babae na si Molechet si Ichod , at si Abiezer , at si Mahala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga anak ni Semida ay si Ahian , at si Sechem at si Licci , at si Aniam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga anak ni Ephraim : si Suthela , at si Bered na kaniyang anak , at si Thahath na kaniyang anak , at si Elada na kaniyang anak , at si Thahath na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Zabad na kaniyang anak , at si Suthela na kaniyang anak , at si Ezer , at si Elad , na siyang mga pinatay ng mga lalake ng Gath na mga ipinanganak sa lupain , sapagka&apos;t sila&apos;y nagsilusong upang kunin ang kanilang mga hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Ephraim na kanilang ama ay tumangis na maraming araw , at ang kaniyang mga kapatid ay nagsiparoon upang aliwin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y sumiping sa kaniyang asawa , at siya&apos;y naglihi , at nagkaanak ng isang lalake , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Beria , sapagka&apos;t sumakaniyang bahay ang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang kaniyang anak na babae ay si Seera , na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas , at ng Uzzen-seera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At naging anak niya si Repha , at si Reseph , at si Thela na kaniyang anak , at si Taan na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Si Laadan na kaniyang anak , si Ammiud na kaniyang anak , si Elisama na kaniyang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Nun na kaniyang anak , si Josue na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang kanilang mga pag-aari at mga tahanan ay ang Beth-el at ang mga nayon niyaon , at ang dakong silanganan ng Naaran , at ang dakong kalunuran ng Gezer pati ng mga nayon niyaon ; ang Sichem rin naman at ang mga nayon niyaon , hanggang sa Asa at ang mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa siping ng mga hangganan ng mga anak ni Manases , ang Beth-sean at ang mga nayon niyaon , ang Thanach at ang mga nayon niyaon , ang Megiddo at ang mga nayon niyaon , ang Dor at ang mga nayon niyaon . Sa mga ito nagsitahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga anak ni Aser : si Imna , at si Isua , at si Isui , at si Beria , at si Sera na kanilang kapatid na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga anak ni Beria : si Heber , at si Machiel na siyang ama ni Birzabith .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At naging anak ni Heber si Japhlet , at si Semer , at si Hotham , at si Sua na kapatid na babae nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga anak ni Japhlet si Pasac , at si Bimhal , at si Asvath . Ang mga ito ang mga anak ni Japhlet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang mga anak ni Semer , si Ahi , at si Roga , si Jehubba , at si Aram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga anak ni Helem na kaniyang kapatid : si Sopha , at si Imna , at si Selles , at si Amal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang mga anak ni Sopha : si Sua , at si Harnapher , at si Sual , at si Beri ; at si Imra :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Si Beser , at si Hod , at si Samma , at si Silsa , at si Ithram , at si Beera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang mga anak ni Jether : si Jephone , at si Pispa , at si Ara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang mga anak ni Ulla : si Ara , at si Haniel , at si Resia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang lahat na ito ay mga anak ni Aser , mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang , mga pili at makapangyarihang lalake na may tapang , mga pinuno ng mga prinsipe . At ang bilang nilang nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa paglilingkod sa pagdidigma ay dalawang pu&apos;t anim na libong lalake .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At naging anak ni Benjamin si Bela na kaniyang panganay , si Asbel ang ikalawa , at si Ara ang ikatlo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Noha ang ikaapat , at si Rapha ang ikalima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga naging anak ni Bela : si Addar , at si Gera , at si Abiud ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Abisua , at si Naaman , at si Ahoa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Gera , at si Sephuphim , at si Huram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga ito ang mga anak ni Ehud ; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa , at dinala nila silang bihag sa Manahath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Naaman , at si Achias , at si Gera , ay kaniyang dinalang bihag ; at kaniyang ipinanganak si Uzza at si Ahihud .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Saharaim ay nagkaanak sa parang ng Moab , pagkatapos na kaniyang mapagpaalam sila ; si Husim , at si Baara ay ang kaniyang mga asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ipinanganak sa kaniya ni Chodes na kaniyang asawa , si Jobab , at si Sibias , at si Mesa , at si Malcham ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Jeus , at si Sochias , at si Mirma . Ang mga ito ang kaniyang mga anak na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ipinanganak sa kaniya ni Husim si Abitob , at si Elphaal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga anak ni Elphaal : si Heber , at si Misam , at si Semeb , na siyang nagsipagtayo ng Ono at ng Loth , pati ng mga nayon niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Berias , at si Sema na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Ajalon na siyang nangagpatakas sa mga taga Gath ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Ahio , si Sasac , at si Jeremoth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Zebadias , at si Arad , at si Heder ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Michael , at si Ispha , at si Joa , na mga anak ni Berias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Zebadias , at si Mesullam , at si Hizchi , at si Heber .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Ismari , at si Izlia , at si Jobab , na mga anak ni Elphaal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Jacim , at si Zichri , at si Zabdi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Elioenai , at si Silithai , at si Eliel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Adaias , at si Baraias , at si Simrath , na mga anak ni Simi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Isphan , at si Heber , at si Eliel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Adon , at si Zichri , at si Hanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Hanania , at si Belam , at si Anthothias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Iphdaias , at si Peniel , na mga anak ni Sasac ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At si Samseri , at si Seharias , at si Atalia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Jaarsias , at si Elias , at si Ziri , na mga anak ni Jeroham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi , na mga pinunong lalake : ang mga ito&apos;y nagsitahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon , si Jeiel , na ang pangalan ng asawa ay Maacha :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang kaniyang anak na panganay si Abdon , at si Sur , at si Cis , at si Baal , at si Nadab ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Gedor , at si Ahio , at si Zecher .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At naging anak ni Micloth si Simea . At sila nama&apos;y nagsitahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem , sa tapat ng kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At naging anak ni Ner si Cis ; at naging anak ni Cis si Saul ; at naging anak ni Saul si Jonathan , at si Malchi-sua , at si Abinadab , at si Esbaal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal ; at naging anak ni Merib-baal si Micha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga anak ni Micha : si Phiton , at si Melech , at si Thaarea , at si Ahaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At naging anak ni Ahaz si Joadda ; at naging anak ni Joadda si Alemeth , at si Azmaveth , at si Zimri ; at naging anak ni Zimri si Mosa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At naging anak ni Mosa si Bina ; si Rapha na kaniyang anak , si Elasa na kaniyang anak , si Asel na kaniyang anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak , na ang mga pangalan ay ito : si Azricam , si Bochru , at si Ismael , at si Searias , at si Obadias , at si Hanan . Lahat ng ito&apos;y ang mga anak ni Asel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid : si Ulam na kaniyang panganay , si Jehus na ikalawa , at si Elipheleth na ikatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang mga anak ni Ulam ay mga makapangyarihang lalaking may tapang , na mga mamamana , at nagkaroon ng maraming anak , at mga anak ng mga anak , na isang daan at limangpu . Lahat , ng ito&apos;y ang mga anak ni Benjamin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa gayo&apos;y ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi ; at , narito , sila&apos;y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel . At ang Juda&apos;y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga unang mananahanan na nagsitahan sa kanilang mga pag-aari sa kanilang mga bayan ay ang Israel , ang mga saserdote , ang mga Levita , at ang mga Nethineo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa Jerusalem ay tumahan sa mga anak ni Juda , at sa mga anak ni Benjamin , at sa mga anak ni Ephraim at Manases ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Urai , na anak ni Amiud , na anak ni Omri , na anak ni Imrai , na anak ni Bani , sa mga anak ni Phares na anak ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa mga Silonita : si Asaias na panganay , at ang kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa mga anak ni Zara : si Jehuel , at ang kanilang mga kapatid , na anim na raan at siyam na pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa mga anak ni Benjamin : si Sallu , na anak ni Mesullam , na anak ni Odavia , na anak ni Asenua ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Ibnias na anak ni Jeroham , at si Ela na anak ni Uzzi , na anak ni Michri , at si Mesullam na anak ni Sephatias , na anak ni Rehuel , na anak ni Ibnias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang kanilang mga kapatid , ayon sa kanilang mga lahi , na siyam na raan at limangpu&apos;t anim . Lahat ng mga lalaking ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa mga saserdote : si Jedaia , at si Joiarib , at si Joachim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Azarias na anak ni Hilcias , na anak ni Mesullam , na anak ni Sadoc , na anak ni Meraioth , na anak ni Achitob , na tagapamahala sa bahay ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Adaias na anak ni Jeroham , na anak ni Phasur , na anak ni Machias , at si Mahsai na anak ni Adiel , na anak ni Jazera , na anak ni Mesullam , na anak ni Mesillemith , na anak ni Immer ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kanilang mga kapatid , na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , na isang libo at pitong daan at anim na pu ; na mga lalaking totoong bihasa sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa mga Levita : si Semeias na anak ni Hassub , na anak ni Azricam , na anak ni Hasabias sa mga anak ni Merari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Bacbacar , si Heres , at si Galal , at si Mattania na anak ni Michas , na anak ni Zichri , na anak ni Asaph ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Obadias na anak ni Semeias , na anak ni Galal , na anak ni Iduthum , at si Berechias na anak ni Asa na anak ni Elcana , na tumahan sa mga nayon ng mga Nethophatita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga tagatanod-pinto : si Sallum , at si Accub , at si Talmon , at si Ahiman : at ang kanilang mga kapatid ( si Sallum ang puno ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na hanggang ngayo&apos;y namamalagi sa pintuang-daan ng hari na dakong silanganan : sila ang mga tagatanod-pinto sa kampamento ng mga anak ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Sallum na anak ni Core , na anak ni Abiasath , na anak ni Corah , at ang kaniyang mga kapatid , sa sangbahayan ng kaniyang magulang , ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod , na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo ; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon , na mga tagapagingat ng pasukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Phinees na anak ni Eleazar ay pinuno sa kanila nang panahong nakaraan , at ang Panginoon ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Zacarias na anak ni Meselemia ay tagatanod-pinto ng tabernakulo ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Lahat ng mga ito na mga napili upang maging mga tagatanod-pinto sa mga pintuang-daan ay dalawang daan at labing dalawa . Ang mga ito&apos;y nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon , na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y sila , at ang kanilang mga anak ay namahala na pinakabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ng bahay ng tabernakulo , ayon sa paghahalinhinan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto , sa dakong silanganan , kalunuran , hilagaan , at timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang kanilang mga kapatid , sa kanilang mga nayon , ay paroroon sa bawa&apos;t pitong araw , tuwing kapanahunan upang sumakanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ang apat na punong tagatanod-pinto , na mga Levita , ay nangasa takdang katungkulan , at nangasa mga silid at sa mga ingatangyaman sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y nagsitahan sa palibot ng bahay ng Dios , sapagka&apos;t ang katungkulan doon ay kanila , at sa kanila nauukol ang pagbubukas tuwing umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang ilan sa kanila ay may katungkulan sa mga kasangkapan na ipinaglilingkod ; sapagka&apos;t ayon sa bilang ipinapasok , at ayon sa bilang inilalabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang ilan naman sa kanila ay nangahalal sa kasangkapan , at sa lahat ng mga kasangkapan ng santuario , at sa mainam na harina , at sa alak , at sa langis , at sa kamangyan , at sa mga espesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang ilan sa mga anak ng mga saserdote ay nagsisipaghanda ng paghahalohalo ng mga espesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Mathathias , na isa sa mga Levita , na siyang panganay ni Sallum na Coraita , may takdang katungkulan sa mga bagay na niluluto sa kawali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Coatita , ay nangasa tinapay na handog upang ihanda bawa&apos;t sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga ito ang mga mangaawit , na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita , na mga nagsisitahan sa mga silid , at mga laya sa ibang katungkulan : sapagka&apos;t sila&apos;y nangalalagay sa kanilang gawain araw at gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang mga ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita , ayon sa kanilang lahi na mga lalaking pinuno : ang mga ito&apos;y nagsitahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon , si Jehiel , na ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maacha :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang anak niyang panganay si Abdon , at si Sur , at si Cis , at si Baal , at si Ner , at si Nadab ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At si Gedor , at si Ahio , at si Zacharias , at si Micloth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At naging anak ni Micloth si Samaam . At sila nama&apos;y nagsitahan na kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem , sa tapat ng kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At naging anak ni Ner si Cis ; at naging anak ni Cis si Saul ; at naging anak ni Saul si Jonathan , at si Malchi-sua , at si Abinadab , at si Esbaal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal ; at naging anak ni Merib-baal si Micha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ang mga anak ni Micha : si Phiton , at si Melech , at si Tharea , at si Ahaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At naging anak ni Ahaz si Jara ; at naging anak ni Jara si Alemeth , at si Azmaveth , at si Zimri ; at naging anak ni Zimri si Mosa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At naging anak ni Mosa si Bina ; at si Rephaia na kaniyang anak , si Elasa na kaniyang anak , si Asel na kaniyang anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak , na ang kanilang mga pangalan ay ang mga ito : si Azricam , si Bochru , at si Ismael , at si Seraia , at si Obadias , at si Hanan : ang mga ito ang mga naging anak ni Asel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga Filisteo nga ay nakipaglaban sa Israel : at ang mga lalake ng Israel ay nagsitakas sa harap ng mga Filisteo , at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga Filisteo ay nangagsisunod na mainam sa likuran ni Saul at ng kaniyang mga anak ; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan , at si Abinadab , at si Malchi-sua , na mga anak ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang pagbabaka ay lumalang mainam laban kay Saul , at inabutan siya ng mga mamamana ; at siya&apos;y nahirapan dahil sa mga mamamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata : Bunutin mo ang iyong tabak , at iyong palagpasin sa akin ; baka ang mga hindi tuling ito ay magsiparito at pahirapan ako . Nguni&apos;t hindi inibig ng kaniyang tagadala ng sandata ; sapagka&apos;t siya&apos;y totoong natakot . Kaya&apos;t kinuha ni Saul ang kaniyang tabak , at nagpatibuwal doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay , siya nama&apos;y nagpatibuwal sa kaniyang tabak , at namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon namatay si Saul , at ang kaniyang tatlong anak ; at ang kaniyang buong sangbahayan ay namatay na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makita ng lahat na lalake ng Israel na nangasa libis na sila&apos;y nagsitakas , at si Saul at ang kaniyang mga anak ay patay , ay kanilang iniwan ang kanilang mga bayan at nagsitakas ; at ang mga Filisteo ay nagsiparoon at nagsitahan sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari nang kinaumagahan nang magsiparoon upang hubaran ng mga Filisteo ang nangapatay , na kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang mga anak na buwal sa bundok ng Gilboa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At hinubaran nila siya at kinuha ang kaniyang ulo , at ang kaniyang sandata , at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot , upang ibalita sa kanilang mga diosdiosan , at sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At inilagay nila ang kaniyang sandata sa bahay ng kanilang mga dios , at ipinako ang kaniyang ulo sa bahay ni Dagon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang mabalitaan ng buong Jabes-galaad ang buong ginawa ng mga Filisteo kay Saul ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang lahat na matapang na lalake ay nagsitindig , at kinuha ang bangkay ni Saul , at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak , at dinala sa Jabes , at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes , at nangagayunong pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang nagawa laban sa Panginoon , dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya iningatan ; at dahil naman na siya&apos;y nakipagsanggunian sa masamang espiritu , upang pagsiyasatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hindi nagsiyasat sa Panginoon : kaya&apos;t pinatay niya siya , at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Isai .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y ang buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron , na nagsasabi , Narito , kami ay iyong buto at iyong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang mga panahong nakaraan , sa makatuwid baga&apos;y nang si Saul ay hari , ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel : at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios , Iyong aalagaan ang aking bayang Israel , at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron ; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon , at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel , ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem ( na siyang Jebus ) ; at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain , ay nangandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng mga taga Jebus kay David , Ikaw ay hindi makapapasok rito . Gayon ma&apos;y sinakop ni David ang katibayan ng Sion ; na siyang bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni David , Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay magiging pinuno at kapitan . At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una , at naging pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si David ay tumahan sa katibayan ; kaya&apos;t kanilang tinawag na bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot , mula sa Millo hanggang sa palibot : at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si David ay dumakila ng dumakila ; sapagka&apos;t ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David , na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian , na kasama ng buong Israel , upang gawin siyang hari , ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ito ang bilang ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David : si Jasobam , na anak ng isang Hachmonita , na pinuno ng tatlongpu ; siya ang nagtaas ng kaniyang sibat laban sa tatlong daan , at pinatay niya sila na paminsan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagkatapos niya ay si Eleazar na anak ni Dodo , na Ahohita , na isa sa tatlong makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siya&apos;y kasama ni David sa Pasdammin , at doo&apos;y ang mga Filisteo ay nagpipisan upang bumaka , na kinaroroonan ng isang putol na lupa na puno ng sebada ; at ang bayan ay tumakas sa harap ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang , at pinatay ang mga Filisteo ; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno , sa loob ng yungib ni Adullam ; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si David nga ay nasa katibayan , at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si David ay nagbuntonghininga , at nagsabi , Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem na mainom , na nasa siping ng pintuang-bayan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang tatlo&apos;y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo , at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa siping ng pintuang-bayan , at kinuha at dinala kay David : nguni&apos;t hindi ininom ni David yaon , kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi , Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito ; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay ? sapagka&apos;t sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala . Kaya&apos;t hindi niya ininom . Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Abisai na kapatid ni Joab , siyang pinuno ng tatlo : sapagka&apos;t kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan , at pinatay niya sila , at nagkaroon ng pangalan sa tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa tatlo , siya&apos;y lalong marangal kay sa dalawa , at ginawang kanilang pinunong kawal : gayon ma&apos;y hindi siya umabot sa unang tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Benaias na anak ni Joiada , na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel , na gumawa ng mga makapangyarihang gawa , ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab : siya&apos;y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y pumatay ng isang taga Egipto , na isang lalaking may malaking bulas , na limang siko ang taas ; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi ; at binaba niya siya na may isang tungkod , at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto , at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada , at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Narito , siya&apos;y lalong marangal kay sa tatlongpu , nguni&apos;t hindi siya umabot sa unang tatlo : at inilagay ni David sa kaniya na bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo ; si Asael na kapatid ni Joab , si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Samoth na Arorita , si Helles na Pelonita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Si Ira na anak ni Acces na Tecoita , si Abiezer na Anathothita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Si Sibbecai na Husatita , si Ilai na Ahohita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Si Maharai na Nethophatita , si Heled na anak ni Baana na Nethophatita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath , sa mga anak ni Benjamin , si Benaias na Phirathita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Hurai sa mga batis ng Gaas , si Abiel na Arbathonita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Si Azmaveth na Baharumita , si Eliaba na Saalbonita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang mga anak ni Asem na Gizonita , si Jonathan na anak ni Saje na Hararita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Si Ahiam na anak ni Sachar , na Ararita , si Eliphal na anak ni Ur ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Si Hepher na Mecherathita , si Ahia na Phelonita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Si Hesro na Carmelita , si Nahari na anak ni Ezbai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Si Joel na kapatid ni Nathan , si Mibhar na anak ni Agrai ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Si Selec na Ammonita , si Naarai na Berothita , na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Si Ira na Ithrita , si Yared na Ithrita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Si Uria na Hetheo , si Zabad na anak ni Ahli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Si Adina na anak ni Siza na Rubenita , na pinuno ng mga Rubenita , at tatlongpu ang kasama niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Si Hanan na anak ni Maacha , at si Josaphat na Mithnita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Si Uzzias na Astarothita , si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotham na Arorita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Si Jediael na anak ni Simri ; at si Joha na kaniyang kapatid , na Thisaita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Si Eliel na Mahavita , at si Jeribai , at si Josabias na mga anak ni Elnaam , at si Ithma na Moabita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Si Eliel , at si Obed , at si Jaasiel , na taga Mesobiata .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito nga ang nagsiparoon kay David sa Siclag , samantalang siya&apos;y nagkukubli pa dahil kay Saul na anak ni Cis : at sila&apos;y nasa mga makapangyarihang lalake , na kaniyang mga katulong sa pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sila&apos;y nasasakbatan ng mga busog , at kanilang ginagamit kapuwa ang kanang kamay at kaliwa sa pagpapahilagpos ng mga bato , at sa pagpapahilagpos ng mga pana mula sa busog ; sila&apos;y sa mga kapatid ni Saul sa Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang pinuno ay si Ahiezer , saka si Joas , na mga anak ni Semaa na Gabaathita ; at si Jeziel , at si Pheleth , na mga anak ni Azmaveth ; at si Beraca , at si Jehu na Anathothita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Ismaias na Gabaonita , na makapangyarihang lalake sa tatlongpu , at pinuno ng tatlongpu ; at si Jeremias , at si Jahaziel , at si Joanan , at si Jozabad na Gederathita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Eluzai , at si Jeremoth , at si Bealias , at si Semarias , at si Sephatias na Haruphita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Si Elcana , at si Isias , at si Azareel , at si Joezer , at si Jasobam , na mga Corita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Joela , at si Zebadias , na mga anak ni Jeroham na taga Gedor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang , ang mga makapangyarihang lalaking may tapang , na mga lalaking bihasa sa pakikidigma , na makahahawak ng kalasag at sibat ; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon , at sila&apos;y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Eser ang pinuno , si Obadias ang ikalawa , si Eliab ang ikatlo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Si Mismana ang ikaapat , si Jeremias ang ikalima ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Attai ang ikaanim , si Eliel ang ikapito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Johanan ang ikawalo , si Elzabad ang ikasiyam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Jeremias ang ikasangpu , si Machbani ang ikalabingisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga ito sa mga anak ni Gad ay mga pinunong kawal ng hukbo ; ang pinakamaliit ay katimbang ng isang daan , at ang pinakamalaki ay ng isang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga ito ang nagsitawid sa Jordan sa unang buwan , nang apawan ang lahat niyang mga pangpang ; at kanilang pinatakas ang lahat na sa mga libis , ang sa dakong silanganan , at gayon din ang sa dakong kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagsiparoon ang ilan sa mga anak ni Benjamin at ni Juda sa katibayan kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si David ay lumabas na sinalubong sila , at sumagot at nagsabi sa kanila , Kung kayo&apos;y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako , ang aking puso ay malalakip sa inyo : nguni&apos;t kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway , dangang walang kasamaan sa aking mga kamay , masdan ng Dios ng ating mga magulang , at sawayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y ang Espiritu ay dumating kay Amasai , na siyang pinuno ng tatlongpu , at sinabi niya , Iyo kami , David , at para sa iyo , ikaw anak ni Isai : kapayapaan , kapayapaan ang sumaiyo , at kapayapaan ang sumaiyong mga katulong ; sapagka&apos;t tinutulungan ka ng iyong Dios . Nang magkagayo&apos;y tinanggap ni David sila , at ginawa silang mga pinunong kawal ng pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa Manases naman ay nagsihilig ang ilan kay David , nang siya&apos;y pumaroong kasama ng mga Filisteo laban kay Saul upang bumaka : nguni&apos;t hindi nila tinulungan sila : sapagka&apos;t pinapagpaalam siya ng mga panginoon ng mga Filisteo sa payo na sinasabi , Siya&apos;y mahihilig sa kaniyang panginoong kay Saul sa pamumuhunan ng ating mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa pagparoon niya sa Siclag , ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases , si Adnas , at si Jozabad , at si Jediaiel , at si Michael , at si Jozabad at si Eliu , at si Sillethai , na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong ng mga magnanakaw : sapagka&apos;t silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang , at mga pinunong kawal sa hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t araw-araw ay may naparoon kay David upang tumulong sa kaniya , hanggang sa naging malaking hukbo , na gaya ng hukbo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ito ang bilang ng mga ulo nila na mga may sandata na handa sa pakikidigma , na nagsiparoon kay David sa Hebron , upang ibalik ang kaharian ni Saul sa kaniya , ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga anak ni Juda na nagsisihawak ng kalasag at sibat ay anim na libo at walong daan , na may mga sandata sa pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa mga anak ni Simeon , na mga makapangyarihang lalake na may tapang na handa sa pakikipagdigma , pitong libo at isang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa mga anak ni Levi ay apat na libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Joiada ang tagapamatnugot ng sangbahayan ni Aaron , at kasama niya&apos;y tatlong libo at pitong daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At si Sadoc , na isang binatang makapangyarihan na may tapang , at sa sangbahayan ng kaniyang magulang ay dalawang pu at dalawang pinunong kawal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa mga anak ni Benjamin , na mga kapatid ni Saul , tatlong libo : sapagka&apos;t ang kalakhang bahagi sa kanila ay nagsisipagingat ng kanilang pakikipagkasundo sa sangbahayan ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa mga anak ni Ephraim , dalawang pung libo at walong daan , na mga makapangyarihang lalaking may tapang , mga bantog na lalake sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa kalahating lipi ng Manases ay labing walong libo , na mga nasaysay sa pamamagitan ng pangalan , upang magsiparoon at gawing hari si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa mga anak ni Issachar , na mga lalaking maalam ng mga panahon , upang matalastas kung ano ang marapat gawin ng Israel ; ang mga pinuno sa kanila ay dalawang daan ; at ang lahat nilang kapatid ay nasa kanilang utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa Zabulon , yaong mga makalalabas sa hukbo , na makahahanay sa pagbabaka na may sarisaring kasangkapang pangdigma , ay limangpung libo ; at makapagaayos sa hanay sa pagbabaka , at hindi nagaalinlangan ang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sa Nephtali ay isang libong pinunong kawal , at may kasama silang mga may kalasag at sibat na tatlong pu&apos;t pitong libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sa mga Danita na makahahanay sa pagbabaka ay dalawangpu&apos;t walong libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa Aser , yaong mga makalalabas sa hukbo , na makahahanay sa pagbabaka , apat na pung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sa kabilang dako ng Jordan , sa mga Rubenita , at sa mga Gadita , at sa kalahating lipi ni Manases , na may sarisaring kasangkapang pangdigma sa pakikipagbaka , isang daan at dalawangpung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Lahat ng mga ito na mga lalaking mangdidigma na makahahanay sa pagbabaka , ay nagsiparoong may sakdal na puso sa Hebron , upang gawing hari si David sa buong Israel : at ang lahat na nangalabi sa Israel ay nagkaisang loob din naman upang gawing hari si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sila&apos;y dumoong kasama ni David na tatlong araw , na kumain at uminom : sapagka&apos;t ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Bukod dito&apos;y silang malapit sa kaniya , sa makatuwid baga&apos;y hanggang sa Issachar , at Zabulon at Nephtali , ay nagsipagdala ng tinapay na nasa ibabaw ng mga asno , at ng mga kamelyo , at ng mga mula , at ng mga baka , mga pagkaing harina , at mga binilong igos , at mga buwig ng pasas , at alak , at langis , at mga baka , at mga tupa na sagana : sapagka&apos;t may kagalakan sa Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sumangguni si David sa mga pinunong kawal ng mga lilibuhin , at mga dadaanin , sa bawa&apos;t tagapamatnugot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni David sa buong kapisanan ng Israel , Kung inaakala ninyong mabuti , at kung sa Panginoon nating Dios , ay pasuguan natin sa bawa&apos;t dako ang ating mga kapatid na nangaiwan sa buong lupain ng Israel , na makasama nila ang mga saserdote at mga Levita sa kanilang mga bayan na may mga nayon , upang sila&apos;y mapapisan sa atin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ating dalhin uli ang kaban ng ating Dios sa atin : sapagka&apos;t hindi natin hinanap ng mga kaarawan ni Saul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang buong kapulungan ay nagsabi na kanilang gagawing gayon : sapagka&apos;t ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y pinisan ni David ang buong Israel , mula sa Sihor , na batis ng Egipto hanggang sa pasukan sa Hamath , upang dalhin ang kaban ng Dios mula sa Chiriath-jearim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si David ay umahon , at ang buong Israel sa Baala , sa makatuwid baga&apos;y sa Chiriath-jearim , na nauukol sa Juda , upang iahon mula roon ang kaban ng Dios , ng Panginoon na nauupo sa mga querubin , na tinatawag ayon sa Pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang dinala ang kaban ng Dios na nakasakay sa isang bagong karo , at inilabas sa bahay ni Abinadab : at pinalakad ni Uzza at ni Ahio ang karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si David at ang buong Israel ay tumugtog sa harap ng Dios ng kanilang buong lakas : sa pamamagitan ng mga awit , at ng mga alpa , at ng mga salterio , at ng mga pandereta at ng mga simbalo , at ng mga pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang sila&apos;y dumating sa giikan ng Chidon , ay iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay upang hawakan ang kaban ; sapagka&apos;t ang mga baka ay natisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza , at sinaktan niya siya , sapagka&apos;t kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa kaban ; at doo&apos;y namatay siya sa harap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sumama ang loob ni David , sapagka&apos;t nagalit ang Panginoon kay Uzza : at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si David ay natakot sa Dios nang araw na yaon , na nagsasabi , Paanong aking iuuwi ang kaban ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y hindi inilipat ni David ang kaban sa kaniya sa bayan ni David , kundi nilihisan ang daan at dinala sa bahay ni Obed-edom na Getheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kaban ng Dios ay naiwan sa sangbahayan ni Obed-edom sa kaniyang bahay na tatlong buwan : at pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom , at ang buo niyang tinatangkilik .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David , at nagpadala ng mga puno ng sedro , at mga mananabas ng bato , at mga anluwagi , upang ipagtayo siya ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel ; sapagka&apos;t ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas , dahil sa kaniyang bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem : at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem : si Smua , at si Sobab , si Nathan , at si Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Ibhar , at si Elisua , at si Elphelet ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Noga , at si Nepheg , at si Japhias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Elisama , at si Beeliada , at si Eliphelet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel , ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David : at nabalitaan ni David , at nilabas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si David ay sumangguni sa Dios , na nagsasabi , Aahon ba ako laban sa mga Filisteo ? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay ? At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Umahon ka : sapagka&apos;t aking ibibigay sila sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y nagsiahon sila sa Baal-perasim , at sinaktan sila ni David doon ; at sinabi ni David , Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig . Kaya&apos;t kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios ; at nagutos si David , at sinunog sa apoy ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si David ay sumangguni uli sa Dios ; at sinabi ng Dios sa kaniya , Huwag kang aahong kasunod nila ; lihisan mo sila , at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mangyayari , na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales , na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka : sapagka&apos;t ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios : at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang sa Gezer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain ; at sinidlan ng Panginoon ng takot sa kaniya ang lahat na bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David ; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios , at ipinaglagay roon ng isang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David , Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi ang mga Levita : sapagka&apos;t sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios , at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem , upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron , at ang mga Levita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa mga anak ni Coath : si Uriel na pinuno , at ang kaniyang mga kapatid , isang daan at dalawangpu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa mga anak ni Merari : si Asaias na pinuno , at ang kaniyang mga kapatid , dalawang daan at dalawangpu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa mga anak ni Gersom : si Joel na pinuno , at ang kaniyang mga kapatid , isang daan at tatlongpu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa mga anak ni Elisaphan : si Semeias na pinuno , at ang kaniyang mga kapatid , dalawang daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa mga anak ni Hebron : si Eliel na pinuno , at ang kaniyang mga kapatid , walongpu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa mga anak ni Uzziel : si Aminadab na pinuno , at ang kaniyang mga kapatid , isang daan at labing dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ipinatawag ni David si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote , at ang mga Levita , si Uriel , si Asaias , at si Joel , si Semeias , at si Eliel , at si Aminadab ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi sa kanila , Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita : magpakabanal kayo , at gayon din ang inyong mga kapatid , upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon , ng Dios ng Israel , hanggang sa dakong aking pinaghandaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t dahil sa hindi ninyo dinala nang una , ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin , sapagka&apos;t hindi natin hinanap siya ayon sa utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal , upang iahon ang kaban ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pingga niyaon , gaya ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita , na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit , na may mga panugtog ng tugtugin , mga salterio , at mga alpa , at mga simbalo , upang magsitugtog ng malakas , at maglakas ng tinig na may kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel ; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias ; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kasama nila , ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay , si Zacharias , si Ben , at si Jaaziel , at si Semiramoth , at si Jehiel , at si Unni , si Eliab , at si Benaias , at si Maasias , at si Mathithias , at si Eliphelehu , at si Micnias , at si Obed-edom , at si Jehiel , na mga tagatanod-pinto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y ang mga mangaawit , si Heman , si Asaph , at si Ethan , ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Zacharias , at si Jaaziel , at si Semiramoth , at si Jehiel , at si Unni , at si Eliab , at si Maasias , at si Benaias , na may mga salterio na itinugma sa Alamoth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Mathithias , at si Eliphelehu , at si Micnias , at si Obed-edom , at si Jehiel , at si Azazias , na may mga alpa na itinugma sa Seminit , upang magayos sa pagawit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Chenanias , na pinuno ng mga Levita , nasa pamamahala sa awitan : siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit , sapagka&apos;t siya&apos;y bihasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Berechias , at si Elcana ay mga tagatanod sa kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Sebanias , at si Josaphat , at si Nathanael , at si Amasai , at si Zacharias , at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote , ay nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios : at si Obed-edom , at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa gayo&apos;y si David , at ang mga matanda sa Israel , at ang mga punong kawal sa mga lilibuhin , ay nagsiyaon upang iahong may sayahan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nangyari , na pagka tinulungan ng Dios ang mga Levita na nangagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon , na sila&apos;y naghahain ng pitong baka at pitong tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong lino , at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban , at ang mga mangaawit , at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit : at si David ay mayroong isang epod na lino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan , at may mga tunog ng korneta , at mga pakakak , at may mga simbalo , na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David , na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan , at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog ; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios , at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon : at sila&apos;y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin , at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan , ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y nagbigay sa bawa&apos;t isa sa Israel , sa lalake at gayon din sa babae , sa bawa&apos;t isa ng isang tinapay , at ng isang bahaging laman , at isang binilong pasas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon , at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat , at mangagpuri sa Panginoon , sa Dios ng Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Asaph ang pinuno , at ang ikalawa niya&apos;y si Zacharias , si Jeiel , at si Semiramoth , at si Jehiel , at si Eliab , at si Benaias , at si Obed-edom , at si Jeiel , na may mga salterio at mga alpa ; at si Asaph na may mga simbalo , na tumutunog ng malakas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi , sa harap ng kaban ng tipan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y nang araw na yao&apos;y unang iniutos ni David ang magpasalamat sa Panginoon , sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh kayo&apos;y mangagpasalamat sa Panginoon , magsitawag kayo sa kaniyang pangalan ; Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magsiawit kayo sa kaniya , magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya ; Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan : Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas ; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa ; Ang kaniyang mga kababalaghan , at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod , Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya ang Panginoon nating Dios ; Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man , Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali&apos;t saling lahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham , At ang kaniyang sumpa kay Isaac :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan , Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na sinasabi , Sa iyo&apos;y ibibigay ko ang lupain ng Canaan , Ang kapalaran ng inyong mana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Noong kayo&apos;y kakaunting tao sa bilang ; Oo , totoong kaunti , at nangakikipamayan doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila&apos;y nagsiyaon sa bansa at bansa , At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan ; Oo , kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na sinasabi , Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis , At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kayo&apos;y magsiawit sa Panginoon , buong lupa , Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa , Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t dakila ang Panginoon , at marapat na purihing mainam : Siya rin nama&apos;y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan : Nguni&apos;t nilikha ng Panginoon ang mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya : Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Mangagbigay kayo sa Panginoon , kayong mga angkan ng mga bayan , Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan : Mangagdala kayo ng handog , at magsiparoon kayo sa harap niya : Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Manginig sa harap niya ang buong lupa : Ang sanglibutan nama&apos;y natatatag na hindi makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Mangagsaya ang mga langit , at magalak ang lupa ; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa , Ang Panginoon ay naghahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon ; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kung magkagayo&apos;y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon , Sapagka&apos;t siya&apos;y naparirito upang hatulan ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti : Sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sabihin ninyo , Iligtas mo kami , Oh Dios ng aming kaligtasan , At pisanin mo kami , at iligtas mo kami sa mga bansa , Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan , At magtagumpay sa iyong kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan . At sinabi ng buong bayan , Siya nawa : at pinuri ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa gayo&apos;y iniwan niya roon sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon , si Asaph at ang kaniyang mga kapatid upang magsipangasiwang palagi sa harap ng kaban , gaya ng kinakailangan ng gawain sa araw-araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Obed-edom pati ng kanilang mga kapatid , ay anim na pu&apos;t walo ; si Obed-edom din na anak ni Jeduthun at si Asa ay upang maging mga tagatanod-pinto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At si Sadoc na saserdote , at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote , sa harap ng tabernakulo ng Panginoon sa mataas na dako na nasa Gabaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Upang maghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin sa umaga at hapon , ayon sa lahat na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At kasama nila si Heman at si Jeduthun , at ang nalabi sa mga pinili , na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon , sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas , at mga may panugtog sa mga awit sa Dios : at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang buong bayan ay nagsiuwi bawa&apos;t tao sa kanikaniyang bahay : at si David ay bumalik upang basbasan ang kaniyang sangbahayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang si David ay tumahan sa kaniyang bahay , na sinabi ni David kay Nathan na propeta , Narito , ako&apos;y tumatahan sa isang bahay na sedro , nguni&apos;t ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sa ilalim ng mga kubong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Nathan kay David , Gawin mo ang buong nasa iyong kalooban ; sapagka&apos;t ang Dios ay sumasaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari , nang gabing yaon , na ang salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod , Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag mo akong ipagtatayo ng bahay na matatahanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t hindi ako tumahan sa bahay mula nang araw na aking iahon ang Israel , hanggang sa araw na ito ; kundi ako&apos;y yumaon sa tolda at tolda , at sa tabernakulo , at tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel , ako ba&apos;y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga hukom ng Israel , na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan , na nagsasabi , Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kita&apos;y kinuha sa pasabsaban , sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ako&apos;y sumaiyo saan ka man naparoon , at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo ; at gagawin kitang isang pangalan , na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At aking ipagtataan ng isang dako ang aking bayang Israel , at itatatag sila , upang sila&apos;y mangakatahan sa kanilang sariling dako , at huwag nang mabago pa ; ni sisirain pa man sila ng mga anak ng kasamaan , na gaya ng una ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At gaya ng araw na maghalal ako ng mga hukom upang malagay sa aking bayang Israel ; at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway . Bukod dito&apos;y isinaysay ko sa iyo na ipagtatayo ka ng Panginoon ng isang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mangyayari , pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang , na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo , na magiging sa iyong mga anak ; at aking itatatag ang kaniyang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay , at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako&apos;y magiging kaniyang ama , at siya&apos;y magiging aking anak : at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya , gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi siya&apos;y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man : at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ayon sa lahat na salitang ito , at ayon sa buong pangitaing ito , ay gayon sinalita ni Nathan kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y yumaon ang haring David at naupo sa harap ng Panginoon ; at kaniyang sinabi , Sino ako , Oh Panginoong Dios , at ano ang aking bahay na ako&apos;y dinala mo sa ganyang kalayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ito&apos;y munting bagay sa harap ng iyong mga mata , Oh Dios ; nguni&apos;t iyong sinalita tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod ang hanggang sa malaong panahong darating , at ako&apos;y iyong nilingap na ayon sa kalagayan ng isang tao na may mataas na kalagayan , Oh Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ano pa ang masasabi ni David sa iyo , tungkol sa karangalang ginawa sa iyong lingkod ? sapagka&apos;t iyong kilala ang iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh Panginoon , dahil sa iyong lingkod , at ayon sa iyong sariling puso , ay iyong ginawa ang buong kadakilaang ito , upang ipakilala ang lahat na dakilang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Oh Panginoon , walang gaya mo , ni mayroon mang sinomang Dios liban sa iyo , ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayang Israel , na tinubos ng Dios upang maging kaniyang sariling bayan , upang gawin kang pangalan sa pamamagitan ng malaki at kakilakilabot na mga bagay , sa pagpapalayas ng mga bansa sa harap ng iyong bayan , na iyong tinubos sa Egipto ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man ; at ikaw , Panginoon , ay naging kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ngayon , Oh Panginoon , matatag nawa ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod , at tungkol sa kaniyang sangbahayan magpakailan man , at gawin mo nawa na gaya ng iyong sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang iyong pangalan ay mamalagi nawa , at dakilain magpakailan man , na sabihin , Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios ng Israel , sa makatuwid baga&apos;y Dios sa Israel : at ang sangbahayan ni David na iyong lingkod ay natatag sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ikaw , Oh aking Dios , napakilala sa iyong lingkod na iyong ipagtatayo siya ng bahay : kaya&apos;t pinangahasan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na dumalangin sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ngayon , Oh Panginoon , ikaw ang Dios , at iyong ipinangako ang dakilang bagay na ito sa iyong lingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ngayo&apos;y kinalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod , upang mamalagi magpakailan man sa harap mo : sapagka&apos;t iyong pinagpala , Oh Panginoon , at yao&apos;y magiging mapalad magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkatapos nito&apos;y nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo , at pinasuko sila , at sinakop ang Gath , at ang mga nayon niyaon sa kamay ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinaktan niya ang Moab ; at ang mga Moabita ay naging alipin ni David , at nagsipagdala ng mga kaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinaktan ni David sa Hamath si Adarezer na hari sa Soba samantalang kaniyang itinatatag ang kaniyang kapangyarihan sa tabi ng ilog Eufrates .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kumuha si David sa kaniya ng isang libong karo , at pitong libong mangangabayo , at dalawangpung libong naglalakad : at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo , nguni&apos;t nagtira sa mga yaon ng sa isang daang karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang ang mga taga Siria sa Damasco ay magsiparoon upang magsisaklolo kay Adarezer na hari sa Soba , sumakit si David sa mga taga Siria ng dalawangpu&apos;t dalawang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria ng Damasco ; at ang mga taga Siria ay naging mga alipin ni David , at nagsipagdala ng mga kaloob . At binigyan ng Panginoon ng pagtatagumpay si David saan man siya naparoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto , na nangasa mga lingkod ni Adarezer , at pinagdadala sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mula sa Thibath at mula sa Chun , na mga bayan ni Adarezer ; ay kumuha si David ng totoong maraming tanso , na siyang ginawa ni Salomon na dagatdagatan na tanso , at mga haligi , at mga kasangkapang tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang mabalitaan ni Tou na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Adarezer na hari sa Soba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaniyang sinugo si Adoram na kaniyang anak sa haring David , upang bumati sa kaniya , at purihin siya , sapagka&apos;t siya&apos;y lumaban kay Adarezer at sinaktan niya siya ( sapagka&apos;t si Adarezer ay may mga pakikipagdigma kay Tou ) ; at siya&apos;y nagdala ng lahat na sarisaring kasangkapang ginto , at pilak , at tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga ito naman ay itinalaga ng haring David sa Panginoon , pati ng pilak at ginto na kaniyang kinuha sa lahat na bansa ; na mula sa Edom , at mula sa Moab , at mula sa mga anak ni Ammon , at mula sa mga Filisteo , at mula sa Amalec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bukod dito&apos;y si Abisai na anak ni Sarvia ay sumakit sa mga Idumeo sa Libis ng Asin , ng labingwalong libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom ; at lahat ng mga Idumeo ay naging mga alipin ni David . At binigyan ng pagtatagumpay ng Panginoon si David saan man siya naparoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si David ay naghari sa buong Israel ; at siya&apos;y gumawa ng kahatulan at ng katuwiran sa buong bayan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa pamamahala sa hukbo ; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Sadoc na anak ni Achitob , at si Abimelec na anak ni Abiathar , ay mga saserdote ; at si Sausa ay kalihim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Benaias na anak ni Joiada ay nasa pamamahala sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo ; at ang mga anak ni David ay mga pinuno sa siping ng hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos nito , na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay namatay , at ang kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni David , Ako&apos;y magpapakita ng kagandahang loob kay Hanan na anak ni Naas , sapagka&apos;t ang kaniyang ama ay nagpakita ng kagandahang loob sa akin . Sa gayo&apos;y nagsugo si David ng mga sugo upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama . At ang mga lingkod ni David ay naparoon sa lupain ng mga anak ni Ammon kay Hanan , upang aliwin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanan : Inaakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama , na siya&apos;y nagsugo ng mga mangaaliw sa iyo ? hindi ba ang kaniyang mga lingkod ay nagsiparito sa iyo upang kilalanin , at upang gibain , at upang tiktikan ang lupain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y sinunggaban ni Hanan ang mga lingkod ni David , at inahitan , at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna hanggang sa kanilang pigi , at sila&apos;y pinayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y may nagsiparoong ilan at nagsipagsaysay kay David kung paanong dinuwahagi ang mga lalake . At kaniyang sinugong salubungin sila ; sapagka&apos;t ang mga lalake ay nangapahiyang mainam . At sinabi ng hari , Kayo&apos;y magsipaghintay sa Jerico hanggang sa ang inyong balbas ay tumubo , at kung magkagayo&apos;y magsibalik kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila&apos;y naging nakapopoot kay David , si Hanan at ang mga anak ni Ammon ay nagpadala ng isang libong talentong pilak , upang mangupahan sila ng mga karo at mga mangangabayo na mula sa Mesopotamia , at mula sa Aram-maacha , at mula sa Soba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y nangupahan sila ng tatlongpu&apos;t dalawang libong karo , at sa hari sa Maacha at sa kaniyang bayan ; na siyang pumaroon at humantong sa harap ng Medeba . At ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan mula sa kanilang mga bayan , at nagsiparoon upang makipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang mabalitaan ni David , ay kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng makapangyarihang mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga anak ni Ammon , ay nagsilabas , at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pintuan ng bayan : at ang mga hari na nagsiparoon ay nangagisa sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nahahanay laban sa kaniya sa harapan at sa likuran , pinili niya yaong mga piling lalake ng Israel , at inihanay laban sa mga taga Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ipinamahala sa kapangyarihan ng kaniyang kapatid na si Abisai , at sila&apos;y nagsihanay laban sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi niya , Kung ang mga taga Siria ay manaig sa akin , iyo ngang tutulungan ako : nguni&apos;t kung ang mga anak ni Ammon ay manaig sa iyo , akin ngang tutulungan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magpakatapang kang mabuti , at tayo&apos;y magpakalalake para sa ating bayan , at sa mga bayan ng ating Dios : at gawin ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y si Joab at ang bayan na nasa kaniya ay nagsilapit sa harap ng mga taga Siria sa pakikipagbaka ; at sila&apos;y nagsitakas sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas , sila ma&apos;y nagsitakas sa harap ni Abisai na kaniyang kapatid , at nagsipasok sa bayan . Nang magkagayo&apos;y si Joab ay naparoon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang makita ng mga taga Siria na sila&apos;y nalagay sa kasamaan sa harap ng Israel , sila&apos;y nagsipagsugo ng mga sugo , at dinala ang mga taga Siria na nandoon sa dako roon ng Ilog , na kasama ni Sophach na punong kawal ng hukbo ni Adarezer sa kanilang unahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nasaysay kay David ; at kaniyang pinisan ang buong Israel , at tumawid sa Jordan , at naparoon sa kanila , at humanay laban sa kanila . Sa gayo&apos;y nang humanay sa pakikipagbaka si David laban sa mga taga Siria , sila&apos;y nangakipaglaban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel ; at si David ay pumatay sa mga taga Siria ng mga tao sa pitong libong karo , at apat na pung libong naglalakad , at pinatay si Sophach na pinunong kawal ng hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang makita ng mga lingkod ni Adarezer na sila&apos;y nangalagay sa kasamaan sa harap ng Israel , sila&apos;y nakipagpayapaan kay David , at nangaglingkod sa kaniya : ni hindi na tumulong pa ang mga taga Siria sa mga anak ni Ammon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa panahon ng pagpihit ng taon , sa panahong ang mga hari ay nagsisilabas sa pakikipagbaka , na pinatnubayan ni Joab ang hukbo , at sinira ang lupain ng mga anak ni Ammon , at naparoon at kinubkob ang Rabba . Nguni&apos;t si David ay naghintay sa Jerusalem . At sinaktan ni Joab ang Rabba , at sinira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kinuha ni David ang putong ng kanilang hari sa ibabaw ng kaniyang ulo , at nasumpungang may timbang na isang talentong ginto , at may mga mahalagang bato roon : at naputong sa ulo ni David : at kaniyang inilabas ang samsam sa bayan , na totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon , at pinutol sila ng mga lagari , at ng mga suyod na bakal , at ng mga palakol . At ganito ang ginawa ni David sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon . At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , pagkatapos nito , na nagkaroon ng pagdidigma sa Gezer laban sa mga Filisteo : nang magkagayo&apos;y pinatay ni Sibbecai na Husathita si Sippai , sa mga anak ng mga higante ; at sila&apos;y sumuko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagkaroon uli ng pakikipagdigma laban sa mga Filisteo ; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lahmi na kapatid ni Goliath na Getheo , na ang puluhan ng sibat niya ay gaya ng panghabi ng manghahabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagkaroon uli ng pagdidigma sa Gath , na doo&apos;y may isang lalaking may malaking bulas , na ang mga daliri ng kamay at paa ay dalawangpu&apos;t apat , anim sa bawa&apos;t kamay at anim sa bawa&apos;t paa ; at siya rin nama&apos;y ipinanganak sa higante .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang kaniyang hamunin ang Israel , pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga ito ang ipinanganak sa higante sa Gath , at sila&apos;y nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David , at sa pamamagitan ng kamay ng mga lingkod niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Satan ay tumayo laban sa Israel , at kinilos si David na bilangin ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni David kay Joab , at sa mga prinsipe ng bayan , Kayo&apos;y magsiyaon , bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan ; at dalhan ninyo ako ng salita ; upang aking maalaman ang bilang nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Joab , Gawin nawa ng Panginoon ang kaniyang bayan na makasandaang higit sa dami nila ; nguni&apos;t , panginoon ko na hari , di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon ? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito ? bakit siya&apos;y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab . Kaya&apos;t si Joab ay yumaon , at naparoon sa buong Israel , at dumating sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David . At silang lahat na taga Israel ay labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak : at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ang Levi at ang Benjamin ay hindi binilang ; sapagka&apos;t ang pananalita ng hari ay kahalayhalay kay Joab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sumama ang loob ng Dios sa bagay na ito ; kaya&apos;t kaniyang sinaktan ang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni David sa Dios , Ako&apos;y nagkasala ng mabigat sa aking paggawa ng bagay na ito : nguni&apos;t ngayo&apos;y alisin mo , ipinamamanhik ko sa iyo , ang kasamaan ng iyong lingkod , sapagka&apos;t aking ginawang may lubhang kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Yumaon ka at magsalita kay David na sasabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay ; pumili ka ng isa sa mga iyan , upang aking magawa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y naparoon si Gad kay David , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Piliin mo ang iniibig mo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tatlong taong kagutom ; o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway , samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo ; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ang salot sa lupain , at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat na hangganan ng Israel . Ngayon nga&apos;y akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kaniya na nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni David kay Gad , Ako&apos;y totoong nasa kagipitan : ipinamamanhik ko na ihulog mo ako ngayon sa kamay ng Panginoon ; sapagka&apos;t totoong malaki ang kaniyang kaawaan ; at huwag akong mahulog sa kamay ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel : at nabuwal sa Israel ay pitongpung libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Dios ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem , upang gibain ; at nang kaniyang lilipulin , ang Panginoo&apos;y tumingin , at nagsisi siya tungkol sa kasamaan , at sinabi sa manglilipol na anghel , Siya na , ngayo&apos;y itigil mo ang iyong kamay . At ang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At itinanaw ni David ang kaniyang mga mata , at nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit , na may hawak na tabak sa kaniyang kamay na nakaunat sa Jerusalem . Nang magkagayo&apos;y si David at ang mga matanda , na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ni David sa Dios , Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan ? sa makatuwid baga&apos;y ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan ; nguni&apos;t ang mga tupang ito , ano ang kanilang ginawa ? Idinadalangin ko sa iyo , Oh Panginoon kong Dios , na ang iyong kamay ay maging laban sa akin , at laban sa sangbahayan ng aking ama ; nguni&apos;t huwag laban sa iyong bayan , na sila&apos;y masasalot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya&apos;y sumampa , at magtayo ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si David ay sumampa sa sabi ni Gad na kaniyang sinalita sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Ornan ay bumalik at nakita ang anghel ; at ang kaniyang apat na anak na kasama niya ay nagsipagkubli . Si Ornan nga ay gumigiik ng trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At samantalang si David ay naparoroon kay Ornan , si Ornan ay tumanaw at nakita si David , at lumabas sa giikan , at iniyukod kay David ang kaniyang mukha sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David kay Ornan , Ibigay mo sa akin ang dako ng giikang ito , upang aking mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon : sa buong halaga ay ibibigay mo sa akin : upang ang salot ay tumigil sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Ornan kay David , Kunin mo , at gawin ng panginoon kong hari ang mabuti sa harap ng kaniyang mga mata : narito , aking ibinibigay sa iyo ang mga baka na mga pinakahandog na susunugin , at ang mga kasangkapan ng giikan na pinaka kahoy , at ang trigo na pinakahandog na harina ; aking ibinibigay sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ng haring David kay Ornan , Huwag ; kundi katotohanang aking bibilhin ng buong halaga : sapagka&apos;t hindi ko kukunin ang iyo para sa Panginoon , o maghahandog man ng handog na susunugin na walang bayad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa gayo&apos;y ibinigay ni David kay Ornan dahil sa dakong yaon ang anim na raang siklong ginto na pinakatimbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ipinagtayo roon ni David ng isang dambana ang Panginoon , at naghandog ng mga handog na susunugin , at ng mga handog tungkol sa kapayapaan , at tumawag sa Panginoon ; at sinagot niya siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At inutusan ng Panginoon ang anghel ; at kaniyang isinuksok sa kaluban ang kaniyang tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang panahong yaon , nang makita ni David na sinagot siya ng Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo , siya nga&apos;y naghain doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ang tabernakulo ng Panginoon na ginawa ni Moises sa ilang at ang dambana ng handog na susunugin , ay nasa mataas na dako nang panahong yaon sa Gabaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t si David ay hindi makaparoon sa harap niyaon upang magusisa sa Dios : sapagka&apos;t siya&apos;y natakot dahil sa tabak ng anghel ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni David , Ito ang bahay ng Panginoong Dios , at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iniutos ni David na pisanin ang mga taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel ; at siya&apos;y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato , upang itayo ang bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan , at sa mga sugpong ; at tanso na sagana na walang timbang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mga puno ng sedro na walang bilang ; sapagka&apos;t ang mga Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni David , Si Salomong aking anak ay bata at mura , at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam , na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain : akin ngang ipaghahanda . Sa gayo&apos;y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak , at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon , sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak , Tungkol sa akin , na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Ikaw ay nagbubo ng dugo na sagana , at gumawa ng malaking pagdidigma : huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan , sapagka&apos;t ikaw ay nagbubo ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , isang lalake ay ipanganganak sa iyo , na siyang magiging lalaking mapayapa ; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot : sapagka&apos;t ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon , at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan ; at siya&apos;y magiging aking anak , at ako&apos;y magiging kaniyang ama ; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayon , anak ko , ang Panginoon ay sumaiyo ; at guminhawa ka , at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Dios , gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni , at pagkakilala , at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel ; na anopa&apos;t iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung magkagayo&apos;y giginhawa ka , kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel : ikaw ay magpakalakas at magpakatapang ; huwag kang matakot o manglupaypay man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ngayon , narito , sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng isang daang libong talentong ginto , at isang libong libong talentong pilak ; at ng tanso at bakal na walang timbang ; dahil sa kasaganaan : gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako ; at iyong madadagdagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bukod dito&apos;y may kasama kang mga manggagawa na sagana , mga mananabas ng bato at manggagawa sa bato at sa kahoy , at lahat ng mga tao na bihasa sa anoman gawain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa ginto , sa pilak , at sa tanso , at sa bakal , walang bilang . Ikaw ay bumangon at iyong gawin , at ang Panginoon ay sumaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi ba ang Panginoon ninyong Dios ay sumasainyo ? at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat na dako ? sapagka&apos;t kaniyang ibinigay ang mga nananahan sa lupain sa aking kamay ; at ang lupain ay suko sa harap ng Panginoon , at sa harap ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayo&apos;y inyong ilagak ang inyong puso at ang inyong kaluluwa upang hanaping sundin ang Panginoon ninyong Dios ; kayo&apos;y bumangon nga , at itayo ninyo ang santuario ng Panginoong Dios , upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon , at ang mga banal na kasangkapan ng Dios , sa loob ng bahay na itatayo sa pangalan ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw : at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel , pati ang mga saserdote at ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda : at ang kanilang bilang , ayon sa kanilang mga ulo , lalake&apos;t lalake , ay tatlongpu&apos;t walong libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa mga ito , dalawangpu&apos;t apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon ; at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At apat na libo ay tagatanod-pinto : at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa , sabi ni David , upang ipangpuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi ; si Gerson , si Coath , at si Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa mga Gersonita : si Ladan , at si Simi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga anak ni Ladan : si Jehiel na pinuno , at si Zetham , at si Joel , tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga anak ni Simi : si Selomith , at si Haziel , at si Aran , tatlo . Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga anak ni Simi : si Jahath , si Zinat , at si Jeus , at si Berias . Ang apat na ito ang mga anak ni Simi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Jahath ay siyang pinuno , at si Zinat ang ikalawa : nguni&apos;t si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak ; kaya&apos;t sila&apos;y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga anak ni Coath : si Amram , si Ishar , si Hebron , at si Uzziel , apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga anak ni Amram : si Aaron at si Moises : at si Aaron ay nahiwalay , upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay , niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man , upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon , upang mangasiwa sa kaniya , at upang bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan , magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t tungkol kay Moises na lalake ng Dios , ang kaniyang mga anak ay ibinilang na lipi ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga anak ni Moises : si Gerson at si Eliezer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga anak ni Gerson : si Sebuel na pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Eliezer : si Rehabia na pinuno . At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak ; nguni&apos;t ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga anak ni Ishar : si Selomith na pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga anak ni Hebron : si Jeria ang pinuno , si Amarias ang ikalawa , si Jahaziel ang ikatlo , at si Jecaman ang ikaapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga anak ni Uzziel : si Micha ang pinuno , at si Isia ang ikalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga anak ni Merari : si Mahali at si Musi . Ang mga anak ni Mahali : si Eleazar at si Cis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Eleazar ay namatay , at hindi nagkaanak ng lalake , kundi mga babae lamang : at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga anak ni Musi : si Mahali , at si Eder , at si Jerimoth , tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga ito ang mga anak ni Levi , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , sa makatuwid baga&apos;y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga nabilang , sa bilang ng mga pangalan , ayon sa kanilang mga ulo , na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon , mula sa dalawangpung taong gulang na patanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t sinabi ni David , Ang Panginoon , ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan ; at siya&apos;y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi , mula sa dalawangpung taong gulang na patanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon , sa mga looban , at sa mga silid , at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay , sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon din sa tinapay na handog , at sa mainam na harina na pinakahandog na harina , maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura , at doon sa niluto sa kawali , at doon sa pinirito ; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon , at gayon din naman sa hapon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath , sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan , sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila , na palagi sa harap ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sila ang magsisipagingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan , at ng katungkulan sa banal na dako , at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid , sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito . Ang mga anak ni Aaron ; si Nadab at si Abiu , si Eleazar at si Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama , at hindi nangagkaanak : kaya&apos;t si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si David na kasama ni Sadoc sa mga anak ni Eleazar , at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar , ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar : at ganito nila binahagi : sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim , na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ; at sa mga anak ni Ithamar , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng sapalaran , ng isa&apos;t isa sa kanila ; sapagka&apos;t may mga prinsipe sa santuario , at mga prinsipe ng Dios , sa mga anak ni Eleazar , at gayon din sa mga anak ni Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim , na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari , at ng mga prinsipe , at si Sadoc na saserdote , at ni Ahimelech na anak ni Abiathar , at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote , at ng mga Levita : isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar , at isa&apos;y kinuha para sa kay Ithamar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib , ang ikalawa&apos;y kay Jedaia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang ikatlo ay kay Harim , ang ikaapat ay kay Seorim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang ikalima ay kay Malchias , ang ikaanim ay kay Miamim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang ikapito ay kay Cos , ang ikawalo ay kay Abias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang ikasiyam ay kay Jesua , ang ikasangpu ay kay Sechania ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang ikalabing isa ay kay Eliasib , ang ikalabing dalawa ay kay Jacim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa , ang ikalabing apat ay kay Isebeab ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang ikalabing lima ay kay Bilga , ang ikalabing anim ay kay Immer ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang ikalabing pito ay kay Hezir , ang ikalabing walo ay kay Aphses ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia , ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang ikadalawangpu&apos;t isa ay kay Jachin , ang ikadalawangpu&apos;t dalawa ay kay Hamul ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang ikadalawangpu&apos;t tatlo ay kay Delaia , ang ikadalawangpu&apos;t apat ay kay Maazia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod , upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang , gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa nalabi sa mga anak ni Levi : sa mga anak ni Amram : si Subael ; sa mga anak ni Subael , si Jehedias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kay Rehabia : sa mga anak ni Rehabia , si Isias ang pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa mga Isharita , si Selomoth ; sa mga anak ni Selomoth , si Jath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa mga anak ni Hebron : si Jeria ang pinuno , si Amarias ang ikalawa , si Jahaziel ang ikatlo , si Jecaman ang ikaapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga anak ni Uzziel ; si Micha ; sa mga anak ni Micha , si Samir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang kapatid ni Micha , si Isia ; sa mga anak ni Isia , si Zacharias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga anak ni Merari : si Mahali at si Musi : ang mga anak ni Jaazia : si Benno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang mga anak ni Merari : kay Jaazia , si Benno , at si Soam , at si Zachur , at si Ibri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kay Mahali : si Eleazar , na hindi nagkaanak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kay Cis : ang mga anak ni Cis , si Jerameel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga anak ni Musi : si Mahali , at si Eder , at si Jerimoth . Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga ito nama&apos;y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron , sa harap ni David na hari , at ni Sadoc , at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita : ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno , gaya ng kaniyang batang kapatid .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph , at ni Heman , at ni Jeduthun ; na magsisipuri na may mga alpa , at mga salterio , at may mga simbalo : at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa mga anak ni Asaph : si Zachur , at si Jose , at si Methanias , at si Asareela , na mga anak ni Asaph ; sa ilalim ng kapangyarihan ni Asaph na siyang pumuri ayon sa utos ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kay Jeduthun : ang mga anak ni Jeduthun ; si Gedalias , at si Sesi , at si Jesaias , si Hasabias , at si Mathithias , anim ; sa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama na si Jeduthun na may alpa , na siyang pumuri na may pagpapasalamat at pagpapaunlak sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kay Heman : ang mga anak ni Heman : si Buccia , at si Mathania , si Uzziel , si Sebuel , at si Jerimoth , si Hananias , si Hanani , si Eliatha , si Gidalthi , at si Romamti-ezer , si Josbecasa , si Mallothi , si Othir , si Mahazioth :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Lahat ng mga ito&apos;y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios , upang magtaas ng sungay . At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Lahat ng mga ito&apos;y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon , na may mga simbalo , mga salterio , at mga alpa , sa paglilingkod sa bahay ng Dios ; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari , sa makatuwid baga&apos;y si Asaph , si Jeduthun , at si Heman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang bilang nila , pati ng kanilang mga kapatid na mga tinuruan sa pagawit sa Panginoon , lahat na bihasa ay dalawang daan at walongpu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nagsapalaran sa ganang kanilang mga katungkulan , silang lahat na parapara , kung paano ang maliit ay gayon din ang malaki , ang guro na gaya ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang una ngang kapalaran ay kay Asaph na nahulog kay Jose ; ang ikalawa&apos;y kay Gedalias ; siya at ang kaniyang mga kapatid at mga anak ay labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang ikatlo ay kay Zachur , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang ikaapat ay kay Isri , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang ikalima ay kay Nethanias , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang ikaanim ay kay Buccia , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang ikapito ay kay Jesarela , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang ikawalo ay kay Jesahias , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang ikasiyam ay kay Mathanias , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang ikasangpu ay kay Simi , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang ikalabing isa ay kay Azareel , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang ikalabing dalawa ay kay Hasabias , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang ikalabing tatlo ay kay Subael , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang ikalabing apat ay kay Mathithias , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang ikalabing lima ay kay Jerimoth , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang ikalabing anim ay kay Hananias sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang ikalabing pito ay kay Josbecasa , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang ikalabing walo ay kay Hanani , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang ikalabing siyam ay kay Mallothi , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang ikadalawangpu ay kay Eliatha , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang ikadalawangpu&apos;t isa ay kay Othir , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang ikadalawangpu&apos;t dalawa&apos;y kay Giddalthi , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang ikadalawangpu&apos;t tatlo ay kay Mahazioth , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang ikadalawangpu&apos;t apat ay kay Romamti-ezer , sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid , labing dalawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa pagka bahagi ng mga tagatanod-pinto : sa mga Coraita : si Meselemia na anak ni Core , sa mga anak ni Asaph .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Meselemia ay nagkaanak ; si Zacharias ang panganay , si Jediael ang ikalawa , si Zebadias ang ikatlo , si Jatnael ang ikaapat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Elam ang ikalima , si Johanam ang ikaanim , si Elioenai ang ikapito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Obed-edom ay nagkaanak ; si Semeias ang panganay , si Jozabad ang ikalawa , si Joab ang ikatlo , at si Sachar ang ikaapat , at si Nathanael ang ikalima ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Anmiel ang ikaanim , si Issachar ang ikapito , si Peullethai ang ikawalo ; sapagka&apos;t pinagpala siya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kay Semeias namang kaniyang anak ay nagkaanak ng mga lalake na nagsipagpuno sa sangbahayan ng kanilang magulang : sapagka&apos;t sila&apos;y mga makapangyarihang lalaking matatapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga anak ni Semeias : si Othni , at si Raphael at si Obed , si Elzabad , na ang mga kapatid ay matatapang na lalake , si Eliu , at si Samachias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lahat ng mga ito&apos;y sa mga anak ni Obed-edom : sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid , mga bihasang lalake sa kalakasan ukol sa paglilingkod ; anim na pu&apos;t dalawa kay Obed-edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na matatapang na lalake , labing walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak ; si Simri ang pinuno ( sapagka&apos;t bagaman hindi siya panganay , gayon ma&apos;y ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Hilcias ang ikalawa , si Tebelias ang ikatlo , si Zacharias ang ikaapat ; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labing tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto , sa makatuwid baga&apos;y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y nangagsapalaran , gayon ang maliit na gaya ng malaki , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa&apos;t pintuang-daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay Selemia . Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni , sila&apos;y nagsapalaran ; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kay Obed-edom ay dakong timugan ; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran , sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet , sa daanang paahon , na pulutong at pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa dakong silanganan ay anim na Levita , sa dakong hilagaan ay apat araw-araw , sa dakong timugan ay apat araw-araw , at sa kamalig ay dalawa&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa Parbar sa dakong kalunuran , apat sa daanan , at dalawa sa Parbar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto ; sa mga anak ng mga Coraita , at sa mga anak ni Merari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa mga Levita , si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios , at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga anak ni Ladan : ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan ; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita ; si Jehieli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga anak ni Jehieli : si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid , sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa mga Amramita , sa mga Isharita , sa mga Hebronita , sa mga Uzzielita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Sebuel na anak ni Gerson , na anak ni Moises , ay puno sa mga ingatang-yaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang kaniyang mga kapatid kay Eliezer ay nanggaling si Rehabia na kaniyang anak , at si Isaias na kaniyang anak , at si Joram na kaniyang anak , at si Zichri na kaniyang anak , at si Selomith na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na itinalaga ni David na hari , at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin , at ng mga pinunong kawal ng hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang samsam na pinanalunan sa pakikipagbaka , ay kanilang itinalaga upang ayusin ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At lahat na itinalaga ni Samuel na tagakita , at ni Saul na anak ni Cis , at ni Abner na anak ni Ner , at ni Joab na anak ni Sarvia ; ang anomang bagay na itinalaga ninoman ay nasa ilalim ng pamamahala ni Selomith , at ng kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa mga Isharita , si Chenania at ang kaniyang mga anak ay mga tagapamahala at hukom sa mga gawain sa labas ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa mga Hebronita , si Hasabias , at ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang , na isang libo&apos;t pitong daan , ay nangamamahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran , na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon , at sa paglilingkod sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa mga Hebronita ay si Jerias ang pinuno , sa makatuwid baga&apos;y sa mga Hebronita , ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang . Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David , sila&apos;y hinanapan , at may nasumpungan , sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa Jazer ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang , ay dalawang libo at pitong daan , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita , at sa mga Gadita , at sa kalahating lipi ng mga Manasita , sa lahat ng usap na ukol sa Dios , at sa mga bagay ng hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang , sa makatuwid baga&apos;y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin , at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari , sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon , sa bawa&apos;t bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si Jasobam na anak ni Zabdiel : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siya&apos;y sa mga anak ni Phares , na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita , at ang kaniyang bahagi , at si Miclot na tagapamahala : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si Benaias , na anak ni Joiada na saserdote , pinuno : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ito yaong Benaias na siyang makapangyarihang lalake sa tatlong pu , at pinuno sa tatlong pu ; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si Asael na kapatid ni Joab , at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Icces na Tecoita : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si Helles na Pelonita , sa mga anak ni Ephraim : at sa kanilang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si Sibbecai na Husatita , sa mga Zarahita ; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita ; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si Benaias na Piratonita , sa mga anak ni Ephraim : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na Nethophatita , sa Othniel : at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu&apos;t apat na libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito&apos;y sa mga lipi ng Israel : sa mga Rubenita , si Eliezer , na anak ni Zichri , na tagapamahala ; sa mga Simeonita , si Sephatias na anak ni Maacha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa Levi , si Hasabias , na anak ni Camuel ; sa Aaron , si Sadoc ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa Juda , si Eliu , isa sa mga kapatid ni David ; sa Issachar , si Omri na anak ni Michael :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa Zabulon , si Ismaias na anak ni Abdias : sa Nephtali , si Jerimoth na anak ni Azriel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa mga anak ni Ephraim , si Oseas na anak ni Azazia : sa kalahating lipi ni Manases , si Joel na anak ni Pedaia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad , si Iddo na anak ni Zacharias : sa Benjamin , si Jaaciel na anak ni Abner .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa Dan , si Azarael na anak ni Jeroam . Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba : sapagka&apos;t sinabi ng Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang , nguni&apos;t hindi natapos ; at dumating sa Israel ang pag-iinit dahil dito : ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nasa mga ingatang-yaman ng hari , si Azmaveth na anak ni Adiel : at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid , sa mga bayan , at sa mga nayon , at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa nagsisigawa sa bukiran , na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita : at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita : at sa mga kamalig ng langis ay si Joas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita : at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita : at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita : At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Lahat ng mga ito&apos;y mga katiwala sa mga pag-aari ng haring David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino , at kalihim ; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At si Achitophel ay kasangguni ng hari : at si Husai na Archita ay kaibigan ng hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias , at si Abiathar : at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pinulong ni David ang lahat na prinsipe sa Israel , ang mga prinsipe ng mga lipi , at ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan , at ang mga punong kawal ng lilibuhin , at ang mga punong kawal ng dadaanin , at ang mga katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pag-aari ng hari at ng kaniyang mga anak , na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake , lahat na makapangyarihang lalaking matapang , sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa , at nagsabi , Dinggin ninyo ako : mga kapatid ko , at bayan ko sa ganang akin , na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon , at upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios ; at ako&apos;y humanda sa pagtatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sinabi ng Dios sa akin , Huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan , sapagka&apos;t ikaw ay lalaking mangdidigma , at nagbubo ka ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y pinili ako ng Panginoon , ng Dios ng Israel , sa buong sangbahayan ng aking ama upang maging hari sa Israel magpakailan man : sapagka&apos;t kaniyang pinili ang Juda upang maging pangulo : at sa sangbahayan ng Juda , ang sangbahayan ng aking ama ; at sa gitna ng mga anak ng aking ama ay kinaluguran niya ako upang gawin akong hari sa buong Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa lahat ng aking mga anak ( sapagka&apos;t binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak , ) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang sinabi sa akin , Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban ; sapagka&apos;t aking pinili siya upang maging anak ko , at ako&apos;y magiging kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man , kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon nga&apos;y sa paningin ng buong Israel , ng kapisanan ng Panginoon , at sa pakinig ng ating Dios , sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios : upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito , at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo , magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ikaw , Salomon na aking anak , kilalanin mo ang Dios ng iyong ama , at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip : sapagka&apos;t sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso , at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip : kung iyong hanapin siya , ay masusumpungan siya sa iyo ; nguni&apos;t kung pabayaan mo siya , kaniyang itatakwil ka magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magingat ka ngayon ; sapagka&apos;t pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario ; magpakalakas ka , at gawin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng portiko ng templo , at ng mga kabahayan niyaon , at ng mga ingatang-yaman niyaon , at ng mga mataas na silid niyaon , at ng mga pinakaloob na silid niyaon , at ng dakong luklukan ng awa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon , at tungkol sa lahat ng silid sa palibot , tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios , at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tungkol din naman sa mga bahagi ng mga saserdote at ng mga Levita , at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon , at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto , sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod ; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang , sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na ang timbang din naman na ukol sa mga kandelero na ginto , at sa mga ilawan niyaon , na ginto : na ang timbang sa bawa&apos;t kandelero at sa mga ilawan niyaon : at sa mga kandelerong pilak , pilak na ang timbang sa bawa&apos;t kandelero , at sa mga ilawan niyaon , ayon sa kagamitan sa bawa&apos;t kandelero :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog , na ukol sa bawa&apos;t dulang ; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga panduro , at ang mga mangkok , at ang mga saro , na taganas na ginto : at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa&apos;t taza ; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa&apos;t taza ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa dambana ng kamangyan ay gintong dalisay ayon sa timbang : at ginto sa anyo ng karo , sa makatuwid baga&apos;y ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak at lumililim sa kaban ng tipan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lahat ng ito&apos;y , sabi ni David , aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y lahat ng gawain sa anyong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak , Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang , at gawin mo : huwag kang matakot , o manglupaypay man ; sapagka&apos;t ang Panginoong Dios , na aking Dios , ay sumasaiyo ; hindi ka niya iiwan , o pababayaan man , hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At , narito , may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita , na ukol sa lahat na paglilingkod sa bahay ng Dios : at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa&apos;t may kusang kaloobang tao na bihasa sa sarisaring paglilingkod : ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni David na hari sa buong kapisanan , si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios ay bata pa at sariwa , at ang gawain ay malaki ; sapagka&apos;t ang templo ay hindi ukol sa tao , kundi sa Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios , ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto , at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak , at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso , ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal , at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy ; ng mga batong onix , at mga batong pangkalupkop , ng mga batong panggayak , at may sarisaring kulay , at ng lahat na sarisaring mahalagang bato , at ng mga batong marmol na sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bukod din naman dito , sapagka&apos;t aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios , na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak , ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios , bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa makatuwid baga&apos;y tatlong libong talentong ginto , na ginto sa Ophir , at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ginto na ukol sa mga bagay na ginto , at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa . Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang , at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel , at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin , pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios , ay ginto , na limang libong talento , at sangpung libong dariko , at pilak na sangpung libong talento , at tanso na labing walong libong talento , at bakal na isang daang libong talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon , sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagalak ang bayan , dahil sa sila&apos;y nangaghandog na kusa , sapagka&apos;t sila&apos;y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon : at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan ; at sinabi ni David , Purihin ka , Oh Panginoon , na Dios ng Israel na aking ama , magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyo , Oh Panginoon ang kadakilaan , at ang kapangyarihan , at ang kaluwalhatian , at ang pagtatagumpay , at ang karangalan : sapagka&apos;t lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo : iyo ang kaharian , Oh Panginoon , at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo , at ikaw ang nagpupuno sa lahat ; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan ; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila , at pagpapalakas sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ngayon , aming Dios , kami ay nagpasasalamat sa iyo , at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t sino ako , at ano ang aking bayan , na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan ? sapagka&apos;t ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo , at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo , at mga nakikipamayan , gaya ng lahat naming mga magulang : ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino , at hindi nagtatagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oh Panginoon naming Dios , lahat ng bagay na ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa iyong kamay , at iyong sariling lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Talastas ko rin , Dios ko na iyong sinusubok ang puso , at nalulugod sa katuwiran . Sa ganang akin , sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito : at ngayo&apos;y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito , na naghahandog na kusa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh Panginoon , na Dios ni Abraham , ni Isaac , at ni Israel na aming mga magulang , ingatan mo ito magpakailan man sa akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan , at ihanda mo ang kanilang puso sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng sakdal na puso , upang ingatan ang iyong mga utos , ang iyong mga patotoo , at ang iyong mga palatuntunan , at upang gawin ang lahat na bagay na ito , at upang itayo ang templo , na siyang aking ipinaghanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ni David sa buong kapisanan , Ngayo&apos;y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios . At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang , at iniyukod ang kanilang mga ulo , at sumamba sa Panginoon , at sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon , at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan , pagkatapos nang araw na yaon , sa makatuwid baga&apos;y isang libong baka , at isang libong tupang lalake , at isang libong kordero , pati ng mga inuming handog na ukol sa mga yaon , at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan . At kanilang ginawang hari na ikalawa si Salomon na anak ni David , at pinahiran ng langis siya sa Panginoon upang maging pangulo , at si Sadoc upang maging saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama , at guminhawa ; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake , at ang lahat ding anak ng haring David , ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel , at isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay apat na pung taon ; pitong taon na naghari siya sa Hebron , at tatlong pu&apos;t tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y namatay sa mabuting katandaan , puspus ng mga araw , mga kayamanan , at karangalan : at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga gawa nga ni David na hari , na una at huli , narito , nangasusulat sa kasaysayan ni Samuel na tagakita , at sa kasaysayan ni Nathan na propeta , at sa kasaysayan ni Gad na tagakita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pati ng buo niyang paghahari , at kaniyang kapangyarihan at ang mga panahong dinaanan niya , at ng Israel , at ng lahat ng mga kaharian ng mga lupain .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "14">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Salomon na anak ni David ay tumibay sa kaniyang kaharian , at ang Panginoon niyang Dios ay sumakaniya , at pinadakila siyang mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Salomon ay nagsalita sa buong Israel , sa mga pinunong kawal ng lilibuhin at dadaanin , at sa mga hukom , at sa bawa&apos;t prinsipe sa buong Israel , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y si Salomon , at ang buong kapisanan na kasama niya , ay naparoon sa mataas na dako na nasa Gabaon ; sapagka&apos;t nandoon ang tabernakulo ng kapisanan ng Dios , na ginawa sa ilang ni Moises na lingkod ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ang kaban ng Dios ay iniahon ni David mula sa Chiriath-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David : sapagka&apos;t kaniyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bukod dito&apos;y ang dambanang tanso na ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon : at doo&apos;y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Salomon ay sumampa roon sa dambanang tanso sa harap ng Panginoon , na nasa tabernakulo ng kapisanan , at naghandog ng isang libong handog na susunugin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon , at nagsabi sa kaniya , Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Salomon sa Dios , Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama , at ginawa mo akong hari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ngayon , Oh Panginoong Dios , itatag mo ang iyong pangako kay David na aking ama : sapagka&apos;t ginawa mo akong hari sa bayang gaya ng alabok ng lupa sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman , upang ako&apos;y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito : sapagka&apos;t sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Dios kay Salomon , Sapagka&apos;t ito ang sumaiyong puso , at hindi ka humingi ng kayamanan , pag-aari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo , o humingi ka kaya ng mahabang buhay ; kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili , upang iyong mahatulan ang aking bayan , na aking pinaggawan sa iyo na hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo ; at bibigyan kita ng kayamanan , at pag-aari , at karangalan na walang hari na una sa iyo na nagkaroon ng ganyan , o sinoman ay magkakaroon ng gayong pagkamatay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y dumating si Salomon mula sa mataas na dako na nasa Gabaon , mula sa harap ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa Jerusalem ; at siya&apos;y naghari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo : at siya&apos;y mayroong isang libo at apat na raang karo , at labing dalawang libong mangangabayo , na kaniyang inilagay sa bayan ng mga karo , at kasama ng hari sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem , at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto ; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan , na bawa&apos;t kawan ay sa halaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang iniaahon at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak , at ang isang kabayo sa isang daan at limangpu : at gayon sa lahat na hari ng mga Hetheo , at sa mga hari sa Siria , kanilang mga inilalabas sa pamamagitan nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Salomon nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon , at ng isang bahay ang kaniyang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Salomon ay bumilang ng pitong pung libong lalake upang magsipagpasan ng mga pasan , at walong pung libong lalake na mga maninibag ng bato sa mga bundok , at tatlong libo at anim na raan upang mamahala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Salomon ay nagsugo kay Hiram na hari sa Tiro , na ipinasasabi , Kung paanong iyong ginawa kay David na aking ama at pinadalhan siya ng mga sedro upang ipagtayo siya ng bahay na matirahan doon , gayon din ang gawin mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios , upang italaga sa kaniya , at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia , at maiukol sa palaging tinapay na handog , at sa mga handog na susunugin sa umaga at hapon , sa mga sabbath , at sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios . Ito ang utos sa Israel magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang bahay na aking itinatayo ay dakila : sapagka&apos;t dakila ang aming Dios kay sa lahat ng mga Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t sinong makapagtatayo para sa kaniya ng isang bahay , dangang sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasiya ? sino nga ako , na ipagtatayo ko siya ng isang bahay , liban sa magsunog lamang ng kamangyan sa harap niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto , at sa pilak , at sa tanso , at sa bakal , at sa kulay ube , at matingkad na pula , at bughaw , at ng makauukit ng sarisaring ukit , upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem , na itinaan ni David na aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro , mga kahoy na abeto , at mga kahoy na algum , na mula sa Libano , sapagka&apos;t talastas ko na ang iyong mga bataan ay matalinong pumutol ng kahoy sa Libano . At , narito , ang aking mga alipin ay sasama sa iyong mga bataan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa makatuwid baga&apos;y upang ipaghanda ako ng kahoy na sagana : sapagka&apos;t ang bahay na aking itatayo ay magiging dakila at kagilagilalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At narito , aking ibibigay sa iyong mga bataan , na mga mamumutol ng kahoy , ang dalawangpung libong koro ng binayong trigo , at dalawang pung libong koro ng sebada , at dalawangpung libong bath ng alak , at dalawangpung libong bath ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y si Hiram na hari sa Tiro ay sumagot sa sulat , na kaniyang ipinadala kay Salomon , Sapagka&apos;t minamahal ng Panginoon ang kaniyang bayan , ay ginawa ka niyang hari sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi ni Hiram bukod dito , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na lumikha ng langit at lupa , na nagbigay kay David na hari ng isang pantas na anak , na may bait at kaalaman , na ipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon , at ng isang bahay ang kaniyang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ngayo&apos;y nagsugo ako ng bihasang lalake na may kaalaman , kay Hiram na aking ama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na anak ng isang babae sa mga anak ni Dan ; at ang kaniyang ama ay taga Tiro na bihasang manggagawa sa ginto , at sa pilak , sa tanso , sa bakal , sa bato , at sa kahoy , sa kulay ube , sa bughaw , at sa mainam na kayong lino , at sa matingkad na pula ; upang umukit din naman ng anomang paraan ng ukit , at magmunakala ng anoman ; upang magkaroon ng isang takdang dako sa kaniya na kasama ng iyong mga bihasang lalake at ng mga bihasang lalake ng aking panginoong si David na iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ngayon nga&apos;y ang trigo at ang sebada , ang langis at ang alak , na sinalita ng aking panginoon , ipadala niya sa kaniyang mga bataan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kami ay magsisiputol ng kahoy mula sa Libano , kung gaano ang iyong kakailanganin : at aming dadalhin sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat hanggang sa Joppe ; at iyong iaahon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At binilang ni Salomon ang lahat na taga ibang lupa na nangasa lupain ng Israel , ayon sa bilang na ibinilang ni David na kaniyang ama sa kanila ; at nasumpungan ay isang daan at limang pu&apos;t tatlong libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang inilagay sa kanila ay pitong pung libong tagadala ng pasan , at walong pung libo na mga maninibag ng bato sa mga bundok , at tatlong libo at anim na raan na kapatas upang magayos ng gawain ng bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y pinasimulan ni Salomon na itayo ang bahay ng Panginoon , sa Jerusalem sa bundok ng Moria , na pinagkakitaan ng Panginoon kay David na kaniyang ama , sa dakong kaniyang pinaghandaan na pinagtakdaan ni David sa giikan ni Ornan na Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nagpasimulang magtayo nang ikalawang araw ng ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kaniyang paghahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga ito nga ay ang mga tatagangbaon na inilagay ni Salomon na ukol sa pagtatayo ng bahay ng Dios . Ang haba sa mga siko ayon sa panukat ng una ay anim na pung siko , at ang luwang ay dalawangpung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang portiko na nasa harap ng bahay , ang haba niyao&apos;y ayon sa luwang ng bahay ay dalawang pung siko , at ang taas ay isang daang at dalawangpu : at kaniyang binalutan sa loob ng taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lalong malaking bahay ay kaniyang kinisamihan ng kahoy na abeto , na kaniyang binalot ng dalisay na ginto , at ginawan niya ng mga palma at mga tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang ginayakan ang bahay ng mga mahalagang bato na pinakapangpaganda : at ang ginto , ay ginto sa Parvaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang binalutan din naman ng ginto ang bahay , ang mga sikang , ang mga pintuan , at ang mga panig niyaon at ang mga pinto ; at inukitan ng mga querubin sa mga panig niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang ginawa ang kabanalbanalang bahay ; ang haba niyaon , ayon sa luwang ng bahay , ay dalawangpung siko , at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko ; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto , na may timbang na anim na raang talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang bigat ng mga pako ay limangpung siklong ginto . At kaniyang binalot ng ginto ang pinakamataas na silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng dalawang querubin na gawang nilarawan ; at binalot nila ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga pakpak ng mga querubin ay dalawangpung siko ang haba ; ang pakpak ng isang querubin ay limang siko , na abot sa panig ng bahay ; at ang kabilang pakpak ay gayon din na limang siko na abot sa pakpak ng isang querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang pakpak ng isang querubin ay limang siko , na abot sa panig ng bahay : at ang kabilang pakpak ay limang siko rin , na nakadaiti sa pakpak ng isang querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga pakpak ng mga querubing ito ay nangakaladlad ng dalawangpung siko : at sila&apos;y nangakatayo ng kanilang mga paa , at ang kanilang mga mukha ay paharap sa dako ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang ginawa ang lambong na bughaw , at kulay ube , at matingkad na pula , at mainam na kayong lino , at ginawan ng mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y gumawa rin sa harap ng bahay ng dalawang haligi na may tatlongpu&apos;t limang siko ang taas , at ang kapitel na nasa ibabaw ng bawa&apos;t isa sa mga yaon ay limang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi ; at siya&apos;y gumawa ng isang daang granada , at inilagay sa mga tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang itinayo ang mga haligi sa harap ng templo , ang isa&apos;y sa kanan , at ang isa&apos;y sa kaliwa ; at tinawag ang pangalan niyaong nasa kanan ay Jachin , at ang pangalan niyaong nasa kaliwa ay Boaz .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y gumawa siya ng dambanang tanso na dalawangpung siko ang haba niyaon , at dalawangpung siko ang luwang niyaon , at sangpung siko ang taas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gumawa rin siya ng dagatdagatan na binubo na may sangpung siko sa labi&apos;t labi , na mabilog , at ang taas niyaon ay limang siko ; at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko na nakalibid sa paligid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa ilalim niyao&apos;y may kawangis ng mga baka na lumilibot sa palibot , na sangpung siko , na nakaligid sa palibot ng dagatdagatan . Ang mga baka ay dalawang hanay , na binubo nang bubuin yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka , tatlo&apos;y nakaharap sa dakong hilagaan , at tatlo&apos;y nakaharap sa dakong kalunuran , at tatlo&apos;y nakaharap sa dakong timugan , at tatlo&apos;y nakaharap sa dakong silanganan : at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon sa ibabaw , at lahat nilang puwitan ay nasa dakong loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal ; at ang labi niyao&apos;y yaring gaya ng labi ng isang saro , gaya ng bulaklak ng lila : naglalaman ng tatlong libong bath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya nama&apos;y gumawa ng sangpung hugasan , at inilagay ang lima sa kanan , at lima sa kaliwa , upang paghugasan : na ang mga bagay na nauukol sa handog na susunugin ay hinugasan doon : nguni&apos;t ang dagatdagatan ay upang paghugasan ng mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y gumawa ng sangpung kandelero na ginto ayon sa ayos tungkol sa mga yaon ; at inilagay niya sa templo , na lima sa kanan , at lima sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gumawa rin naman siya ng sangpung dulang , at inilagay sa templo , na lima sa dakong kanan , at lima sa kaliwa . At siya&apos;y gumawa ng isang daang mangkok na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bukod dito&apos;y ginawa niya ang looban ng mga saserdote , at ang malaking looban , at ang mga pinto na ukol sa looban at binalot ng tanso ang mga pinto ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa dakong kanan ng bahay sa may dakong silanganan na gawing timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ginawa ni Hiram ang mga palayok , at ang mga pala , at ang mga mangkok . Gayon tinapos ni Hiram ang paggawa ng gawain na ginawa niya na ukol sa haring Salomon sa bahay ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang dalawang haligi , at ang mga kabilugan , at ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi , at ang dalawang yaring lambat na nagsisitakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang apat na raang granada na ukol sa dalawang yaring lambat ; dalawang hanay na granada na ukol sa bawa&apos;t yaring lambat , upang tumakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ginawa rin niya ang mga tungtungan , at ang mga hugasan ay ginawa niya sa ibabaw ng mga tungtungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Isang dagatdagatan , at ang labing dalawang baka ay sa ilalim niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga palayok naman , at ang mga pala , at ang mga pangduro , at lahat ng kasangkapan niyaon , ay ginawa ni Hiram na kaniyang ama para sa haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon na tansong binuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari , sa malagkit na lupa sa pagitan ng Suchot at ng Sereda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ganito ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapang ito na totoong sagana ; sapagka&apos;t ang timbang ng tanso ay hindi makukuro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nangasa bahay ng Dios , ang gintong dambana rin naman , at ang mga dulang na kinaroroonan ng tinapay na handog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga kandelero na kalakip ng mga ilawan niyaon , na mga paniningasan ayon sa ayos sa harap ng sanggunian , na taganas na ginto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga bulaklak , at ang mga ilawan at ang mga gunting , na ginto , at yao&apos;y dalisay na ginto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga gunting , at ang mga mangkok , at ang mga panandok , at ang mga pangsuob , na taganas na ginto : at tungkol sa pasukan ng bahay , ang mga pinakaloob na pinto niyaon na ukol sa kabanalbanalang dako , at ang mga pinto ng bahay , ng templo , ay ginto .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon . At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama ; sa makatuwid baga&apos;y ang pilak , at ang ginto , at ang lahat ng mga kasangkapan , at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel , at ang lahat na pangulo ng mga lipi , ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel , sa Jerusalem , upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang lahat na lalake ng Israel ay nangakipagpulong sa hari sa kapistahan , na sa ikapitong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon ; at pinasan ng mga Levita ang kaban ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kanilang iniahon ang kaban , at ang tabernakulo ng kapisanan , at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda ; ang mga ito&apos;y iniahon ng mga saserdote na mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel , na nangakipagpulong sa kaniya , ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka , na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon , sa loob ng sanggunian ng bahay , sa kabanalbanalang dako , sa makatuwid baga&apos;y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ibinubuka ng mga querubin ang kanilang mga pakpak sa dako ng kaban , at ang mga querubin ay nagsisitakip sa kaban , at sa mga pingga niyaon sa ibabaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga pingga ay nangapakahaba na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa kaban sa harap ng sanggunian : nguni&apos;t hindi nangakikita sa labas : at nandoon hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb , nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel , nang sila&apos;y magsilabas sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako ( sapagka&apos;t ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal , at hindi sinunod ang kanilang pagkakahalihalili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit , silang lahat , sa makatuwid baga&apos;y si Asaph , si Heman , si Jeduthun , at ang kanilang mga anak , at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino , na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa , ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana , at kasama nila&apos;y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nangyari nga , nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma , upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon ; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak , at mga simbalo , at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon , na magsipagsabi , Sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti ; sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man : na nang magkagayo&apos;y ang bahay ay napuno ng ulap ; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na anopa&apos;t ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap : sapagka&apos;t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Salomon , Ang Panginoo&apos;y nagsabi na siya&apos;y tatahan sa salimuot na kadiliman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan , at isang dako na ukol sa iyo na tahanan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha , at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel : at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang sinabi , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama , at tinupad ng kaniyang mga kamay , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mula sa araw na aking ilabas ang aking bayan mula sa lupain ng Egipto , hindi ako pumili ng siyudad mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang pagtayuan ng bahay , upang ang aking pangalan ay dumoon ; o pumili man ako ng sinomang lalake upang maging pangulo sa aking bayang Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang aking pangalan ay dumoon ; aking pinili si David upang mamahala sa aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon , ang Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sinabi ng Panginoon kay David na aking ama , Yamang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan , mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y hindi mo itatayo ang bahay ; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang ay siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tinupad ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita ; sapagka&apos;t ako&apos;y bumangon na kahalili ni David na aking ama , at umupo sa luklukan ng Israel , gaya ng ipinangako ng Panginoon , at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At doo&apos;y aking inilagay ang kaban na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon sa harapan ng buong kapisanan ng Israel , at iniunat ang kaniyang mga kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">( Sapagka&apos;t gumawa si Salomon ng isang tungtungang tanso , na may limang siko ang haba , at limang siko ang luwang , at tatlong siko ang taas , at inilagay sa gitna ng looban ; at sa ibabaw niyao&apos;y tumayo siya , at lumuhod ng kaniyang mga tuhod sa harap ng buong kapisanan ng Israel , at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sinabi , Oh Panginoon ang Dios ng Israel , walang Dios na gaya mo , sa langit o sa lupa ; na nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod , na nagsisilakad sa harap mo ng kanilang buong puso :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na siyang tumupad sa iyong lingkod na kay David na aking ama , ng iyong ipinangako sa kaniya : oo , ikaw ay nagsalita ng iyong bibig , at tinupad mo ng iyong kamay , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon nga , Oh Panginoon , ang Dios ng Israel , tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya , na iyong sinasabi , Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin na uupo sa luklukan ng Israel ; kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad , na magsisilakad sa aking kautusan , gaya ng inilakad mo sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon nga , Oh Panginoon , ang Dios ng Israel , papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t katotohanan bang ang Dios ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa ? narito , sa langit , at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya ; gaano pa nga sa bahay na ito na aking itinayo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod , at ang kaniyang samo , Oh Panginoon kong Dios , na dinggin ang daing at ang dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na anopa&apos;t ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito araw at gabi , sa makatuwid baga&apos;y sa gawi ng dakong iyong pinagsabihan na iyong ilalagay ang iyong pangalan doon : upang dinggin ang dalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At dinggin mo ang mga samo ng iyong lingkod , at ng iyong bayang Israel , pagka sila&apos;y dadalangin sa gawi ng dakong ito : oo , dinggin mo mula sa iyong tahanang dako , sa makatuwid baga&apos;y mula sa langit ; at pagka iyong narinig ay patawarin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa , at papanumpain siya upang siya&apos;y sumumpa , at siya&apos;y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Dinggin mo nga sa langit , at iyong gawin , at hatulan mo ang iyong mga lingkod , na papagbayarin ang masama , upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo : at patotohanan ang matuwid , upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kung ang iyong bayang Israel ay masaktan sa harap ng kaaway , dahil sa sila&apos;y nagkasala laban sa iyo , at magbabalik-loob , at kikilalanin ang iyong pangalan , at mananalangin at mamamanhik sa harap mo sa bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Dinggin mo nga sa langit , at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel , at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanila at sa kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Pagka ang langit ay nasarhan , at walang ulan , dahil sa sila&apos;y nagkasala laban sa iyo : kung sila&apos;y dumalangin sa gawi ng dakong ito , at kilalanin ang iyong pangalan , at talikdan ang kanilang kasalanan , pagka iyong pinagdadalamhati sila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Dinggin mo nga sa langit , at ipatawad mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod , at ng iyong bayang Israel , pagka iyong tinuturuan sila ng mabuting daan na kanilang lalakaran ; at hulugan mo ng ulan ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung magkaroon ng kagutom sa lupain , kung magkaroon ng salot , kung magkaroon ng pagkalanta o amag , balang o tipaklong ; kung kubkubin sila ng kanilang mga kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan ; anomang salot o anomang sakit na magkaroon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Anomang dalangin at samo na gawin ng sinomang tao , o ng iyong buong bayang Israel , pagka makikilala ng bawa&apos;t isa ang kaniyang sariling salot at ang kaniyang sariling sakit , at igagawad ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako , at iyong ipatawad , at gantihin mo ang bawa&apos;t tao , ng ayon sa lahat niyang mga lakad , na ang puso ay iyong natataho : ( sapagka&apos;t ikaw , sa makatuwid baga&apos;y ikaw lamang , ang nakatataho ng mga puso ng mga anak ng mga tao ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Upang sila&apos;y mangatakot sa iyo , upang magsilakad sa iyong mga daan , samantalang sila&apos;y nangabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Bukod dito&apos;y tungkol sa taga ibang lupa , na hindi sa iyong bayang Israel , pagka siya&apos;y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong dakilang pangalan , at sa iyong makapangyarihang kamay , at sa iyong unat na bisig ; pagka sila&apos;y magsisiparito at magsisidalangin sa dako ng bahay na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Dinggin mo nga sa langit , sa makatuwid baga&apos;y sa iyong tahanang dako , at gawin mo ang ayon sa lahat na itawag sa iyo ng taga ibang lupa ; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan , at mangatakot sa iyo , na gaya ng iyong bayang Israel , at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kanilang mga kaaway , saan mo man sila suguin , at manalangin sa iyo sa dako ng bayang ito na iyong pinili , at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang samo , at alalayan mo ang kanilang usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kung sila&apos;y magkasala laban sa iyo , ( sapagka&apos;t walang tao na di nagkakasala , ) at ikaw ay magalit sa kanila , at ibigay mo sila sa kaaway , na anopa&apos;t sila&apos;y dalhing bihag sa isang lupaing malayo o malapit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Gayon ma&apos;y kung sila&apos;y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila , at magbalik-loob , at sumamo sa iyo sa lupain ng kanilang pagkabihag , na sasabihin , Kami ay nangagkasala , kami ay nagsigawa ng kalikuan , at nagsigawa ng kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kung sila&apos;y nangagbalik-loob sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang pagkabihag , saan man sila dalhing bihag , at manalangin sa dako ng kanilang lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang , at ng bayan na iyong pinili , at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Dinggin mo nga sa langit , sa makatuwid baga&apos;y sa iyong tahanang dako , ang kanilang dalangin at ang kanilang mga pamanhik , at alalayan mo ang kanilang usap ; at patawarin mo ang iyong bayan na nagkasala laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ngayon , Oh Dios ko , isinasamo ko sa iyo na iyong idilat ang iyong mga mata , at pakinggan ng iyong mga pakinig ang dalangin na gawin sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ngayon nga&apos;y bumangon ka , Oh Panginoong Dios , sa iyong pahingahang dako , ikaw , at ang kaban ng iyong kalakasan : suutan mo ng kaligtasan , Oh Panginoong Dios , ang iyong mga saserdote , at ang iyong mga banal ay mangagalak sa kabutihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Oh Panginoon , Dios , huwag mong papihitin ang mukha ng iyong pinahiran ng langis : alalahanin mo ang iyong mga kaawaan kay David na iyong lingkod .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang makatapos nga ng pananalangin si Salomon , ang apoy ay lumagpak mula sa langit , at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain ; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon , sapagka&apos;t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin , nang ang apoy ay lumagpak , at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay ; at sila&apos;y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento , at nagsisamba , at nangagpasalamat sa Panginoon , na nagsisipagsabi , Sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti ; sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y ang hari at ang buong bayan ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang haring Salomon ay naghandog ng hain sa dalawangpu&apos;t dalawang libong baka , at isang daan at dalawangpung libong tupa . Gayon ang hari at ang buong bayan ay nagtalaga sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga saserdote ay nagsitayo ayon sa kanilang mga katungkulan ; gayon din ang mga Levita na may mga panugtog ng tugtugin ng Panginoon , na ginawa ni David na hari na ipinagpasalamat sa Panginoon , ( sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man ) , nang si David ay dumalangin sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa : at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak sa harap nila , at ang buong Israel ay tumayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bukod dito&apos;y itinalaga ni Salomon ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon ; sapagka&apos;t doon niya inihandog ang mga handog na susunugin , at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan , sapagka&apos;t ang tansong dambana na ginawa ni Salomon ay hindi makakaya sa handog na susunugin , at sa handog na harina , at sa taba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y ipinagdiwang ang kapistahan nang panahong yaon na pitong araw , ni Salomon , at ng buong Israel na kasama niya , ng totoong malaking kapisanan , mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa ikawalong araw ay nagsipagdiwang sila ng dakilang kapulungan : sapagka&apos;t kanilang iningatan ang pagtatalaga sa dambana na pitong araw , at ang kapistahan ay pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa ikadalawangpu&apos;t tatlong araw ng ikapitong buwan , ay kaniyang pinauwi ang bayan sa kanilang mga tolda , na galak at may masayang puso dahil sa kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David , at kay Salomon , at sa Israel na kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito tinapos ni Salomon ang bahay ng Panginoon , at ang bahay ng hari : at lahat na isinaloob ni Salomon gawin sa bahay ng Panginoon , at sa kaniyang sariling bahay , ay nagkawakas ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi , at sinabi sa kaniya , Aking narinig ang iyong dalangin , at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung aking sarhan ang langit na anopa&apos;t huwag magkaroon ng ulan , o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain , o kung ako&apos;y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin , at hanapin ang aking mukha , at talikuran ang kanilang masamang mga lakad ; akin ngang didinggin sa langit , at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan , at pagagalingin ko ang kanilang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ngayo&apos;y ang aking mga mata ay didilat , at ang aking pakinig ay makikinig , sa dalangin na gagawin sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ngayon ay aking pinili at itinalaga ang bahay na ito , upang ang aking pangalan ay dumoon magpakailan man ; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tungkol sa iyo , kung ikaw ay lalakad sa harap ko , gaya ng inilakad ni David na iyong ama , at iyong gagawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo , at iyong iingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian ayon sa aking itinipan kay David na iyong ama , na sinasabi , Hindi magkukulang sa iyo ng lalake na magpupuno sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t kung kayo ay magsisihiwalay , at iiwan ninyo ang aking mga palatuntunan , at ang aking mga utos na aking inilagay sa harap ninyo , at magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios , at magsisisamba sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Akin ngang bubunutin sila sa aking lupain na aking ibinigay sa kanila ; at ang bahay na ito na aking itinalaga para sa aking pangalan , at iwawaksi ko sa aking paningin , at gagawin kong isang kawikaan , at isang kakutyaan sa gitna ng lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang bahay na ito na totoong mataas , bawa&apos;t magdaan sa kaniya&apos;y magtataka , at magsasabi , Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito , at sa bahay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y magsisisagot , Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto , at nanghawak sa ibang mga dios at sinamba nila , at pinaglingkuran nila : kaya&apos;t kaniyang dinala ang lahat na kasamaang ito sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , sa katapusan ng dalawangpung taon na ipinagtayo ni Salomon ng bahay ng Panginoon , at ng kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na ang mga bayan na ibinigay ni Hiram kay Salomon , mga itinayo ni Salomon , at pinatahan doon ang mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Salomon ay naparoon sa Hamath-soba , at nanaig laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang itinayo ang Tadmor sa ilang , at lahat na bayan na imbakan na kaniyang itinayo sa Hamath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Itinayo rin niya ang Bet-horon sa itaas , at ang Bet-horon sa ibaba , na mga bayang nakukutaan , na may mga kuta , mga pintuang-bayan , at mga halang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Baalath at ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon , at lahat na bayan na ukol sa kaniyang mga karo , at ang mga bayan na ukol sa kaniyang mga mangangabayo , at lahat na ninasa ni Salomon , na itayo para sa kaniyang kasayahan sa Jerusalem , at sa Libano , at sa buong lupain ng kaniyang sakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tungkol sa buong bayan na naiwan sa mga Hetheo , at mga Amorrheo , at mga Perezeo , at mga Heveo , at mga Jebuseo , na hindi sa Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain na hindi nilipol ng mga anak ni Israel , ay sa kanila naglagay si Salomon ng mangaatag na mga alipin , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon sa kaniyang gawain ; kundi sila&apos;y mga lalaking mangdidigma , at mga pinuno sa kaniyang mga pinunong kawal , at mga pinuno sa kaniyang mga karo , at sa kaniyang mga mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ito ang mga pangulong pinuno ng haring Salomon , na dalawang daan at limang pu na nagpupuno sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iniahon ni Salomon ang anak na babae ni Faraon mula sa bayan ni David hanggang sa bahay na kaniyang itinayo na ukol sa kaniya ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Hindi tatahan ang aking asawa sa bahay ni David na hari sa Israel , sapagka&apos;t ang mga dako ay banal na pinagpasukan sa kaban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y naghandog si Salomon sa Panginoon ng mga handog na susunugin , sa dambana ng Panginoon , na kaniyang itinayo sa harap ng portiko ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa makatuwid baga&apos;y ayon sa kailangan sa bawa&apos;t araw , na naghahandog ayon sa utos ni Moises , sa mga sabbath , at sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan , na makaitlo sa isang taon , sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura , at sa kapistahan ng mga sanglinggo , at sa kapistahan ng mga balag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y naghalal , ayon sa utos ni David na kaniyang ama ng mga bahagi ng mga saserdote sa kanilang paglilingkod , at ng mga Levita sa kanilang mga katungkulan upang mangagpuri , at upang mangasiwa sa harap ng mga saserdote , ayon sa kailangan ng katungkulan sa bawa&apos;t araw : ang mga tagatanod-pinto naman ayon sa kanilang mga bahagi sa bawa&apos;t pintuang-daan : sapagka&apos;t gayon ang iniutos ni David na lalake ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sila&apos;y hindi nagsihiwalay sa utos ng hari sa mga saserdote at mga Levita tungkol sa anomang bagay , o tungkol sa mga kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang lahat ngang gawain ni Salomon ay nahanda sa araw ng pagtatayo ng bahay ng Panginoon , at hanggang sa natapos . Sa gayo&apos;y nayari ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Salomon sa Ezion-geber , at sa Eloth , sa tabi ng dagat sa lupain ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagpadala sa kaniya si Hiram ng mga sasakyang dagat sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga bataan , at mga bataan na bihasa sa dagat ; at sila&apos;y nagsiparoon sa Ophir na kasama ng mga bataan ni Salomon , at nagsipagdala mula roon ng apat na raan at limangpung talentong ginto , at dinala sa haring Salomon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon , siya&apos;y naparoon upang subukin si Salomon , sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem , na may maraming kaakbay , at mga kamelyo na may pasang mga espesia , at ginto na sagana , at mga mahalagang bato : at nang siya&apos;y dumating kay Salomon , kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong : at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon , at ang bahay na kaniyang itinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang pagkain sa kaniyang dulang , at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila , at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod , at ang kanilang mga pananamit , gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro , at ang kanilang mga pananamit ; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon : nawalan siya ng loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa hari , Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa , at sa iyong karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon ma&apos;y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako&apos;y dumating , at nakita ng aking mga mata : at , narito , ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin : ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mapapalad ang iyong mga tao , at mapapalad itong iyong mga lingkod , na nagsisitayong palagi sa harap mo , at nangakakarinig ng iyong karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Purihin ang Panginoon mong Dios , na nalulugod sa iyo , na inilagay ka sa kaniyang luklukan , upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios : sapagka&apos;t minamahal ng iyong Dios ang Israel , upang itatag magpakailan man , kaya&apos;t ginawa ka niyang hari sa kanila , upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto , at mga espesia na totoong sagana , at mga mahalagang bato : ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga bataan naman ni Hiram , at ang mga bataan ni Salomon , na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir , nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari , at mga alpa , at mga salterio na ukol sa mga mangaawit : at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa , anomang hiningi niya , bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari . Sa gayo&apos;y siya&apos;y bumalik , at umuwi sa kaniyang sariling lupain , siya at ang kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu&apos;t anim na talentong ginto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bukod doon sa dinala ng mga manglalako at mga mangangalakal ; at ang lahat na hari sa Arabia at ang mga tagapamahala sa lupain ay nagsipagdala ng ginto at pilak kay Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto : anim na raang siklo na pinukpok na ginto ang ginamit sa bawa&apos;t kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y gumawa ng tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto ; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa&apos;t kalasag : at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bukod dito&apos;y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing , at binalot ng taganas na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At may anim na baytang sa luklukan , at isang gintong tungtungan , na mga nakakapit sa luklukan , at may mga pinakakamay sa bawa&apos;t tagiliran sa siping ng dako ng upuan , at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang : walang nagawang gayon sa alinmang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto , at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto ; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang hari ay may mga sasakyan na nagsisiparoon sa Tharsis na kasama ng mga bataan ni Hiram : minsan sa bawa&apos;t tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang dagat ng Tharsis , na nagsisipagdala ng ginto , at pilak , garing , at mga ungoy , at mga pabo real .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y ang haring Salomon ay humihigit sa lahat ng hari sa lupa , sa kayamanan at sa karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Salomon , upang magsipakinig ng kaniyang karunungan , na inilagay ng Dios sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y nagsipagdala bawa&apos;t isa ng kanikaniyang kaloob , na mga sisidlang pilak , at mga sisidlang ginto , at damit , sandata , at mga espesia , mga kabayo , at mga mula , isang takdang kayamanan sa taon-taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo , at labing dalawang libong mangangabayo , na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo , at kasama ng hari sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y nagpuno sa lahat ng mga hari mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo , at sa hangganan ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem , at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa , dahil sa kasaganaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto , at mula sa lahat ng mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon , na una at huli , di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta , at sa panghuhula ni Ahias na Silonita , at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang , at siya&apos;y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama : at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Roboam ay naparoon sa Sichem : sapagka&apos;t ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat ( sapagka&apos;t siya&apos;y nasa Egipto , na siya niyang tinakasan mula sa harap ng haring Salomon , ) na si Jeroboam ay bumalik mula sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nangagsugo at ipinatawag nila siya ; at si Jeroboam at ang buong Israel ay nagsiparoon , at sila&apos;y nagsipagsalita kay Roboam , na nagsisipagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin : ngayon nga&apos;y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama , at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin , at kami ay magsisipaglingkod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Magsiparito uli kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw . At ang bayan ay yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang siya&apos;y nabubuhay pa , na sinasabi , Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin upang magbalik ng sagot sa bayang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nagsipagsalita sa kaniya , na nagsisipagsabi , Kung ikaw ay magmagandang loob sa bayang ito , at iyong pagbigyang loob sila , at magsalita ng mga mabuting salita sa kanila , iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t iniwan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya , at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya , na nagsitayo sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kanila , Anong payo ang ibinibigay ninyo , upang maibalik nating sagot sa bayang ito , na nagsalita sa akin , na sinasabi , Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga binata na nagsilaki na kasabay niya , ay nagsipagsalita sa kaniya , na nagsisipagsabi , Ganito ang iyong sasabihin sa bayan na nagsalita sa iyo , na sinasabi , Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin , nguni&apos;t pagaanin mo sa amin ; ganito ang iyong sasabihin sa kanila , Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa paraan ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang , aking dadagdagan pa ang atang sa inyo : pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit , nguni&apos;t parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw , gaya ng iniutos ng hari na sinasabi , Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang hari ay sumagot sa kanila na may katigasan , at iniwan ng haring Roboam ang payo ng mga matanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata , na sinasabi , Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo , nguni&apos;t aking dadagdagan pa : pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit , nguni&apos;t parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y hindi dininig ng hari ang bayan : sapagka&apos;t buhat sa Dios , upang itatag ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari , sumagot ang bayan sa hari , na sinasabi , Anong bahagi mayroon kami kay David ? wala man kaming mana sa anak ni Isai : bawa&apos;t tao sa inyo-inyong tolda , Oh Israel : ngayo&apos;y ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan , David . Sa gayo&apos;y yumaon ang buong Israel sa kanikanilang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t tungkol sa mga anak ni Israel na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda , pinagharian sila ni Roboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sinugo ng haring Roboam si Adoram , na nasa buwisan ; at binato siya ng mga bato ng mga anak ni Israel , na anopa&apos;t siya&apos;y namatay . At ang haring Roboam ay nagmadaling sumampa sa kaniyang karo , upang tumakas sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David , hanggang sa araw na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang dumating si Roboam sa Jerusalem , kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin , na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake , na mga mangdidigma , na magsisilaban sa Israel , upang ibalik ang kaharian kay Roboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon , na hari sa Juda , at sa buong Israel sa Juda at Benjamin , na iyong sabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y huwag magsisiahon , o magsisilaban man sa inyong mga kapatid : bumalik ang bawa&apos;t lalake sa kaniyang bahay ; sapagka&apos;t ang bagay na ito ay sa akin . Sa gayo&apos;y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon , at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem , at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem , at ang Etham , at ang Tecoa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang Beth-sur , at ang Socho , at ang Adullam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang Gath , at ang Maresa , at ang Ziph ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang Adoraim , at ang Lachis , at ang Asecha ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Sora , at ang Ajalon , at ang Hebron , na nangasa Juda at sa Benjamin , na mga bayang nangakukutaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan , at mga nilagyan ng mga pinunong kawal , at saganang pagkain , at ng langis at alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa bawa&apos;t bayan , siya&apos;y naglagay ng mga kalasag at mga sibat , at pinatibay niyang mainam ang mga yaon . At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari , at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem : sapagka&apos;t pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak , na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako , at sa mga kambing na lalake , at sa mga guya na kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagkatapos nila , yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda , at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David , at kay Abihail na anak ni Eliab , na anak ni Isai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake ; si Jeus , at si Samaria , at si Zaham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom ; ipinanganak nito sa kaniya si Abias , at si Athai , at si Ziza , at si Selomith .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae ( sapagka&apos;t siya&apos;y nagasawa ng labing walo , at anim na pung babae , at nagkaanak ng dalawang pu&apos;t walong lalake , at anim na pung babae . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno , sa makatuwid baga&apos;y prinsipe sa kaniyang mga kapatid : sapagka&apos;t kaniyang inisip na gawin siyang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y kumilos na may katalinuhan , at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi , sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin , hanggang sa bawa&apos;t bayang nakukutaan : at binigyan niya sila ng pagkaing sagana . At inihanap niya sila ng maraming asawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya&apos;y malakas , na kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon , at ang buong Israel ay kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam , na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem , sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisalangsang laban sa Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na may isang libo at dalawang daang karo , at anim na pung libong mangangabayo . At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto ; ang mga Lubim , ang mga Sukim , at ang mga taga Etiopia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinupok niya ang mga bayang nakukutaan na nauukol sa Juda , at naparoon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam , at sa mga prinsipe ng Juda , na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac , at nagsabi sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , Inyo akong pinabayaan , kaya&apos;t iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa ; at kanilang sinabi , Ang Panginoon ay matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makita ng Panginoon na sila&apos;y nangagpakumbaba , ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias , na sinasabi , Sila&apos;y nangagpakumbaba ; hindi ko gigibain sila : kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas , at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y sila&apos;y magiging kaniyang alipin ; upang kanilang makilala ang paglilingkod sa akin , at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem , at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at mga kayamanan ng bahay ng hari ; kaniyang kinuhang lahat : kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na ginawa ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon , at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay , na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon , ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon , at ibinabalik sa silid ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang siya&apos;y magpakumbaba , ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya , na anopa&apos;t siya&apos;y hindi lubos na pinatay : at bukod dito&apos;y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari : sapagka&apos;t si Roboam ay may apat na pu&apos;t isang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari , at siya&apos;y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem , na bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel , upang ilagay ang kaniyang pangalan doon : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y gumawa ng masama , sapagka&apos;t hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga gawa nga ni Roboam , na una at huli , di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Semeias na propeta at ni Iddo na tagakita , ayon sa ayos ng mga talaan ng lahi ? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David : at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalabing walong taon ng haring Jeroboam ay nagpasimula si Abias na maghari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tatlong taong naghari siya sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Michaia na anak ni Uriel na taga Gabaa . At nagkaroon ng digmaan si Abias at si Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Abias ay nagpisan sa pakikipagbaka ng isang hukbo na matatapang na lalaking mangdidigma , na apat na raang libo , na mga piling lalake : at humanay si Jeroboam sa pakikipagbaka laban sa kaniya na may walong daang libo , na piling mga lalake , na mga makapangyarihang lalaking may tapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Abias ay tumayo sa bundok ng Semaraim , na nasa lupaing maburol ng Ephraim , at nagsabi , Dinggin ninyo ako , Oh Jeroboam at buong Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi ba ninyo nalalaman na ibinigay ng Panginoon , ng Dios ng Israel , ang kaharian sa Israel kay David magpakailan man , sa kaniya at sa kaniyang mga anak , sa pamamagitan ng tipan na asin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon ma&apos;y si Jeroboam na anak ni Nabat , na lingkod ni Salomon na anak ni David , ay tumindig , at nanghimagsik laban sa kaniyang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At napisan sa kaniya ay mga walang kabuluhang lalake , na mga hamak na tao , na nangagpakatibay laban kay Roboam na anak ni Salomon , nang si Roboam ay bata at malumanay na puso , at hindi makapanaig sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ngayo&apos;y inyong inaakalang daigin ang kaharian ng Panginoon sa kamay ng mga anak ni David ; at kayo&apos;y isang malaking karamihan , at mayroon kayong mga gintong guya , na ginawang mga dios sa inyo ni Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ba ninyo pinalayas ang mga saserdote ng Panginoon , na mga anak ni Aaron , at ang mga Levita , at kayo&apos;y naghalal ng mga saserdote na ayon sa kaugalian ng mga bayan ng mga ibang lupain ? na anopa&apos;t sinomang naparoroon upang tumalaga sa pamamagitan ng isang guyang baka , at pitong lalaking tupa , yao&apos;y maaaring saserdote sa mga yaon na hindi mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t tungkol sa amin , ang Panginoon ay ang aming Dios , at hindi namin pinabayaan siya ; at mayroon kaming mga saserdote na nagsisipangasiwa sa Panginoon , ang mga anak ni Aaron , at ang mga Levita sa kanilang gawain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y nagsisipagsunog sa Panginoon tuwing umaga at tuwing hapon ng mga handog na susunugin at ng mainam na kamangyan : ang tinapay na handog naman ay inihanay nila sa dulang na dalisay ; at ang kandelerong ginto na may mga ilawan , upang magsipagningas tuwing hapon : sapagka&apos;t aming iningatan ang bilin ng Panginoon naming Dios ; nguni&apos;t pinabayaan ninyo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At , narito , ang Dios ay nangungulo sa amin , at ang kaniyang mga saserdote ay mga may pakakak na panghudyat , upang mangagpatunog ng hudyat laban sa iyo . Oh mga anak ni Israel , huwag kayong mangakipaglaban sa Panginoon , sa Dios ng inyong mga magulang ; sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi magsisiginhawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t pinaligid sa likuran nila ni Jeroboam ang isang kawal na bakay : na anopa&apos;t sila&apos;y nangasa harap ng Juda , at ang bakay ay nasa likuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang ang Juda ay lumingon , narito , ang pagbabaka&apos;y nasa harap at likuran nila : at sila&apos;y nagsidaing sa Panginoon , at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda : at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda , nangyari , na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga anak ni Israel ay nagsitakas sa harap ng Juda : at ibinigay ng Dios sila sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pinatay sila ni Abias at ng kaniyang bayan ng malaking pagpatay : sa gayo&apos;y nangabuwal na patay sa Israel ay limang daang libo na piling mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ganito nangasakop ang mga anak ni Israel nang panahong yaon , at ang mga anak ni Juda ay nagsipanaig , sapagka&apos;t sila&apos;y nagsitiwala sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hinabol ni Abias si Jeroboam , at inagawan siya ng mga bayan , ang Beth-el pati ng mga nayon niyaon , at ang Jesana pati ng mga nayon niyaon at ang Ephron pati ng mga nayon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias : at sinaktan siya ng Panginoon at siya&apos;y namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t si Abias ay naging makapangyarihan , at nagasawa ng labing apat , at nagkaanak ng dalawang pu&apos;t dalawang lalake , at labing anim na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang iba sa mga gawa ni Abias , at ang kaniyang mga lakad , at ang kaniyang mga sabi ay nangakasulat sa kasaysayan ni Iddo na propeta .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa gayo&apos;y natulog si Abias na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa bayan ni David , at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang kaniyang mga kaarawan ay tahimik ang lupain na sangpung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kaniyang inalis ang mga dambana ng iba , at ang mga mataas na dako , at pinagputolputol ang mga haligi , at ibinagsak ang mga Asera ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , at tuparin ang kautusan at ang utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaniya rin namang inalis sa lahat na bayan ng Juda ang mga mataas na dako at ang mga larawang araw : at ang kaharian ay tahimik sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y nagtayo ng mga bayang nakukutaan sa Juda : sapagka&apos;t ang lupain ay tahimik , at siya&apos;y hindi nagkaroon ng pakikipagdigma sa mga taong yaon ; sapagka&apos;t binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t sinabi niya sa Juda , Itayo natin ang mga bayang ito , at gawan sa palibot ng mga kuta , at ng mga moog , ng mga pintuang-bayan , at ng mga halang ; ang lupain ay nasa harap pa natin , sapagka&apos;t ating hinahanap ang Panginoon nating Dios ; ating hinanap siya , at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako . Sa gayo&apos;y kanilang itinayo at nagsiginhawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Asa ay may isang hukbo na may dalang mga kalasag at mga sibat , na mula sa Juda , na tatlong daang libo ; at mula sa Benjamin , na nagdadala ng mga kalasag at nagpapahilagpos ng mga busog na dalawang daan at walong pung libo : lahat ng mga ito ay mga makapangyarihang lalake na matatapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At lumabas laban sa kanila si Zera na taga Etiopia na may hukbo na isang angaw , at tatlong daang karo ; at siya&apos;y naparoon sa Maresa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y lumabas si Asa na sumalubong sa kaniya , at sila&apos;y nagsihanay ng pakikipagbaka sa libis ng Sephata sa Maresa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios , at kaniyang sinabi , Panginoon , walang iba liban sa iyo na makatutulong , sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas : tulungan mo kami , Oh Panginoon naming Dios : sapagka&apos;t kami ay nagsisitiwala sa iyo , at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito . Oh Panginoon , ikaw ay aming Dios ; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa , at sa harap ng Juda ; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar : at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami , na anopa&apos;t sila&apos;y hindi makabawi , sapagka&apos;t sila&apos;y nalansag sa harap ng Panginoon , at sa harap ng kaniyang hukbo ; at sila&apos;y nagsipagdala ng totoong maraming samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang sinaktan ang lahat na bayan sa palibot ng Gerar ; sapagka&apos;t sila&apos;y naratnan ng takot sa Panginoon ; at kanilang sinamsaman ang lahat na bayan ; sapagka&apos;t maraming nasamsam sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kanila rin namang sinaktan ang mga toldang silungan ng mga hayop , at nagsipagdala ng mga tupa na sagana , at mga kamelyo , at nagsibalik sa Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y lumabas na sinalubong si Asa , at sinabi niya sa kaniya , Dinggin ninyo ako , Asa , at buong Juda at Benjamin : ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo&apos;y sumasa kaniya : at kung inyong hanapin siya , siya&apos;y masusumpungan ninyo ; nguni&apos;t kung pabayaan ninyo siya , kaniyang pababayaan kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote , at walang kautusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon , sa Dios ng Israel , at hinanap nila siya , siya&apos;y nasumpungan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang mga panahong yaon ay walang kapayapaan sa kaniya na lumabas , o sa kaniya na pumasok , kundi malaking ligalig ang nangasa lahat ng mga nananahan sa mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y nagkapangkatpangkat , bansa laban sa bansa , at bayan laban sa bayan : sapagka&apos;t niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t mangagpakalakas kayo , at huwag manglata ang inyong mga kamay ; sapagka&apos;t ang inyong mga gawa ay gagantihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito , at ang hula ni Obed na propeta , siya&apos;y lumakas , at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin , at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim ; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon , na nasa harap ng portiko ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin , at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases , at mula sa Simeon ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana , nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan , sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon , sa samsam na kanilang dinala , na pitong daang baka at pitong libong tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , ng kanilang buong puso , at ng kanilang buong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinomang hindi humanap sa Panginoon , sa Dios ng Israel , ay papatayin , maging maliit o malaki , maging lalake o babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig , at may mga hiyawan , at may mga pakakak , at may mga patunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisumpa ng kanilang buong puso , at hinanap siya ng buo nilang nasa ; at siya&apos;y nasumpungan sa kanila : at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Maacha naman na ina ni Asa na hari , ay inalis niya sa pagkareina , sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng nakasusuklam na larawan na pinaka Asera ; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan , at ginawang alabok , at sinunog sa batis ng Cedron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang mga mataas na dako ay hindi inalis sa Israel : gayon ma&apos;y ang puso ni Asa ay sakdal sa lahat ng kaniyang mga kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama , at yaon mang kaniyang itinalaga , na pilak , at ginto , at mga sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nawalan na ng digma sa ikatatlong pu&apos;t limang taon ng paghahari ni Asa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikatatlong pu&apos;t anim na taon ng paghahari ni Asa , si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda , at itinayo ang Rama , upang huwag niyang matiis na sinoma&apos;y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y kumuha si Asa ng pilak , at ginto sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari , at nagsugo kay Ben-adad , na hari sa Siria , na tumatahan sa Damasco , na ipinasasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">May pagkakasundo ako at ikaw , na gaya ng aking ama at ng iyong ama : narito , ako&apos;y nagpapadala sa iyo ng pilak at ginto ; yumaon ka , sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel , upang siya&apos;y lumayas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At dininig ni Ben-adad ang haring Asa , at sinugo niya ang mga pinunong kawal ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel , at kanilang sinaktan ang Ion , at ang Dan , at ang Abel-maim , at ang lahat na bayang kamaligan ng Nephtali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , nang mabalitaan ni Baasa , na iniwan niya ang pagtatayo ng Rama , at ipinatigil ang kaniyang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y ipinagsama ni Asa na hari ang buong Juda ; at kanilang dinala ang mga bato ng Rama , at ang kahoy niyaon , na ipinagtayo ni Baasa ; at itinayo niya sa pamamagitan niyaon ang Gibaa at Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang panahong yaon ay naparoon kay Asa na hari sa Juda si Hanani na tagakita , at nagsabi sa kaniya , Sapagka&apos;t ikaw ay nagtiwala sa hari sa Siria , at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios , kaya&apos;t ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi ba ang mga taga Etiopia at ang mga Lubim ay makapal na hukbo , na may mga karo at mangangabayo na totoong marami ? gayon ma&apos;y sapagka&apos;t ikaw ay nagtiwala sa Panginoon , ibinigay sila sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa , upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa kaniya . Ikaw ay gumawang may kamangmangan ; sapagka&apos;t mula ngayo&apos;y magkakaroon ka ng mga pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nagalit si Asa sa tagakita , at inilagay niya siya sa bilangguan : sapagka&apos;t siya&apos;y nagalit sa kaniya dahil sa bagay na ito . At pinighati ni Asa ang iba sa bayan nang panahon ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At , narito , ang mga gawa ni Asa , na una at huli , narito , nangakasulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang ikatatlong pu&apos;t siyam na taon ng kaniyang paghahari , si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa ; ang kaniyang sakit ay totoong malubha : gayon ma&apos;y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon , kundi ang mga manggagamot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at namatay sa ikaapat na pu&apos;t isang taon ng kaniyang paghahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan , na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David , at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango ; at ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Josaphat na kaniyang anak ay naghari , na kahalili niya , at nagpakalakas laban sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda , at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda , at sa mga bayan ng Ephraim , na sinakop ni Asa sa kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat , sapagka&apos;t siya&apos;y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David , at hindi hinanap ang mga Baal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama , at lumakad sa kaniyang mga utos , at hindi ayon sa mga gawa ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay ; at ang buong Juda ay nagdala kay Josaphat ng mga kaloob ; at siya&apos;y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon : at bukod dito&apos;y inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe , sa makatuwid bagay si Ben-hail , at si Obdias , at si Zacharias , at si Nathaniel , at si Micheas , upang mangagturo sa mga bayan ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kasama nila ang mga Levita , na si Semeias , at si Nethanias , at si Zebadias , at si Asael , at si Semiramoth , at si Jonathan , at si Adonias , at si Tobias , at si Tob-adonias , na mga Levita ; at kasama nila si Elisama , at si Joram na mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y nangagturo sa Juda , na may aklat ng kautusan ng Panginoon ; at sila&apos;y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda , at nangagturo sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda , na anopa&apos;t sila&apos;y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang ilan sa mga Filisteo ay nangagdala ng mga kaloob kay Josaphat , at pilak na pinakabuwis ; ang mga taga Arabia man ay nangagdala rin sa kaniya ng mga kawan , na pitong libo at pitong daang lalaking tupa , at pitong libo at pitong daang kambing na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Josaphat ay dumakilang mainam ; at siya&apos;y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo at mga bayang kamaligan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y nagkaroon ng maraming mga gawain sa mga bayan ng Juda ; at ng mga lalaking mangdidigma , na mga makapangyarihang lalaking matatapang , sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ito ang bilang nila ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang : sa Juda , ang mga pinunong kawal ng lilibuhin ; si Adna na pinunong kawal , at ang kasama niya na mga makapangyarihang lalaking matatapang ay tatlong daang libo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sumusunod sa kaniya ay si Johanan na pinunong kawal , at kasama niya&apos;y dalawang daan at walong pung libo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sumusunod sa kaniya ay si Amasias na anak ni Zichri , na humandog na kusa sa Panginoon ; at kasama niya ay dalawang daang libo na mga makapangyarihang lalaking matatapang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa Benjamin ; si Eliada na makapangyarihang lalaking matapang , at kasama niya ay dalawang daang libong may sakbat na busog at kalasag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sumusunod sa kaniya ay si Jozabad , at kasama niya ay isang daan at walong pung libo na handa sa pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Josaphat nga ay nagkaroon ng kayamanan , at dangal na sagana ; at siya&apos;y nakipagkamaganak kay Achab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagkatapos ng ilang taon , kaniyang nilusong si Achab sa Samaria . At ipinagpatay siya ni Achab ng mga tupa at baka na sagana , at ang bayan na kasama niya ; at inupahan siya na umahon na kasama niya sa Ramoth-galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ni Achab na hari sa Israel kay Josaphat na hari sa Juda , Sasama ka ba sa akin sa Ramoth-galaad ? At sinagot niya siya , Ako&apos;y gaya mo , at ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan ; at kami ay sasaiyo sa pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel , Magusisa ka ngayon , isinasamo ko sa iyo , sa salita ng Panginoon .</div3>

<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta , na apat na raang lalake , at sinabi sa kanila , Magsisiparoon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka , o uurong ako ? At sinabi nila , Umahon ka ; sapagka&apos;t ibibigay ng Dios sa kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t sinabi ni Josaphat : Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon , upang tayo&apos;y makapagusisa sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon : nguni&apos;t kinapopootan ko siya : sapagka&apos;t kailan man ay hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin , kundi laging kasamaan ; si Micheas nga na anak ni Imla . At sinabi ni Josaphat , Huwag magsabi ng ganyan ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y tumawag ang hari sa Israel ng isang pinuno , at kaniyang sinabi , Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang hari nga ng Israel at si Josaphat na hari sa Juda , ay nakaupo bawa&apos;t isa sa kanikaniyang luklukan na nakapanamit hari , at sila&apos;y nakaupo sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria ; at ang lahat na propeta ay nanganghula sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Sedechias na anak ni Chenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal , at kaniyang sinabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria , hanggang sa mangalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At lahat na propeta ay nanganghulang gayon , na sinasabi , Umahon ka sa Ramoth-galaad , at guminhawa ka : sapagka&apos;t ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya na sinasabi , Narito , ang mga salita ng mga propeta ay nagsaysay ng mabuti sa hari na magkakaisa : isinasamo ko nga sa iyo na ang iyong salita ay maging gaya ng isa sa kanila , at magsalita ka ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Micheas , Buhay ang Panginoon , kung ano ang sabihin ng aking Dios , yaon ang aking sasalitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang siya&apos;y dumating sa hari , sinabi ng hari sa kaniya , Micheas , magsisiyaon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka , o uurong ako ? At sinabi niya , Magsiyaon kayo at magsiginhawa nawa ; at sila&apos;y mangabibigay sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ng hari sa kaniya : Makailang ipasusumpa ko sa iyo na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin kundi katotohanan sa pangalan ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang sinabi , Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok , na gaya ng mga tupa na walang pastor : at sinabi ng Panginoon , Ang mga ito&apos;y walang panginoon ; umuwing payapa ang bawa&apos;t lalake sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , Di ba isinaysay ko sa iyo na siya&apos;y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin , kundi kasamaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Micheas , Kaya&apos;t dinggin ninyo ang salita ng Panginoon : Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan , at ang buong hukbo ng langit na nakatayo sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng Panginoon , Sinong dadaya kay Achab na hari sa Israel , upang siya&apos;y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad ? At ang isa&apos;y nagsalita na nagsabi ng ayon sa ganitong paraan , at ang iba&apos;y nagsabi ayon sa gayong paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At lumabas ang isang espiritu , at tumayo sa harap ng Panginoon , at nagsabi , Aking dadayain siya . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Sa ano ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang sinabi , Ako&apos;y lalabas , at ako&apos;y magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta . At kaniyang sinabi , Iyong dadayain siya , at mananaig ka rin : lumabas ka , at gawin mong gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ngayon nga , narito , inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng iyong mga propetang ito ; ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y lumapit si Sedechias na anak ni Chenaana , at sinampal si Micheas , at nagsabi , Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin upang magsalita sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Micheas , Narito , iyong makikita sa araw na yaon , pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi ng hari sa Israel , Dalhin ninyo si Micheas , at ibalik ninyo siya kay Amon na tagapamahala ng bayan , at kay Joas na anak ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sabihin ninyo , Ganito ang sabi ng hari , Ilagay ang taong ito sa bilangguan , at pakanin siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako&apos;y bumalik na payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi ni Micheas , Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa , ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko . At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo , ninyong mga bayan , ninyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y ang hari sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , Ako&apos;y magpapakunwaring iba , at paroroon ako sa pagbabaka ; nguni&apos;t ikaw ay magbalabal ng iyong mga balabal hari . Sa gayo&apos;y ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba ; at sila&apos;y nagsiparoon sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang hari nga sa Siria ay nagutos sa mga pinunong kawal ng kaniyang mga karo , na sinasabi , Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man , liban lamang sa hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nangyari , nang makita ng mga punong kawal ng mga karo ni Josaphat , na kanilang sinabi , Siyang hari sa Israel . Kaya&apos;t sila&apos;y nagsiligid upang magsilaban sa kaniya : nguni&apos;t si Josaphat ay humiyaw , at tinulungan siya ng Panginoon ; at kinilos sila ng Dios na humiwalay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangyari nang makita ng mga pinunong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel , na sila&apos;y nagsihiwalay ng paghabol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa isang pagbabakasakali , at tinamaan ang hari sa Israel , sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat kaya&apos;t sinabi niya sa nagpapatakbo ng karo , Ipihit mo ang iyong kamay , at ihiwalay mo ako sa hukbo ; sapagka&apos;t ako&apos;y nasugatan ng mabigat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon ; gayon ma&apos;y ang hari sa Israel ay nanatili sa kaniyang karo laban sa mga taga Siria hanggang sa kinahapunan : at sa may paglubog ng araw ay namatay siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya , at sinabi sa haring Josaphat : Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon ? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon ma&apos;y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo , sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain , at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem : at siya&apos;y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim , at ibinalik niya sila sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi sa mga hukom , Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa : sapagka&apos;t hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao , kundi dahil sa Panginoon , at siya&apos;y sumasainyo sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga&apos;y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon ; magsipagingat kayo at inyong gawin : sapagka&apos;t walang kasamaan sa Panginoon nating Dios , o tumangi man sa mga tao , o tumanggap man ng mga suhol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bukod dito&apos;y naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita , at sa mga saserdote , at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , dahil sa kahatulan ng Panginoon , at sa mga pagkakaalitan . At sila&apos;y nagsibalik sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang binilinan sila , na sinasabi , Ganito ang inyong gagawin , sa takot sa Panginoon , na may pagtatapat , at may sakdal na puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan , na dugo&apos;t dugo , kautusan at utos , mga palatuntunan at mga kahatulan , ay inyong papayuhan sila , upang sila&apos;y huwag maging salarin sa Panginoon , at sa gayo&apos;y kapootan ay huwag dumating sa inyo , at sa inyong mga kapatid : ito&apos;y inyong gawin , at kayo&apos;y hindi magiging salarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At , narito , si Amarias na punong saserdote ay nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon ; at si Zebadias na anak ni Ismael , na tagapamahala sa sangbahayan ni Juda , sa lahat ng mga bagay ng hari : ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo . Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabuti nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , pagkatapos nito , na ang mga anak ni Moab , at ang mga anak ni Ammon , at pati ng iba sa mga Ammonita , ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat , na nagsasabi , May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria ; at , narito , sila&apos;y nangasa Hasason-tamar ( na siyang Engedi ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Josaphat ay natakot , at tumalagang hanapin ang Panginoon ; at siya&apos;y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang Juda&apos;y nagpipisan , upang huminging tulong sa Panginoon : sa makatuwid baga&apos;y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem , sa bahay ng Panginoon , sa harap ng bagong looban ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang sinabi , Oh Panginoon , na Dios ng aming mga magulang , di ba ikaw ay Dios sa langit ? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa ? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas , na anopa&apos;t walang makahaharap sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Di mo ba pinalayas , Oh aming Dios , ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel , at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung ang kasamaan ay dumating sa amin , ang tabak ng kahatulan , o salot , o kagutom , kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito , at sa harap mo , ( sapagka&apos;t ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito , ) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati , at kami ay iyong didinggin at ililigtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayon , narito , ang mga anak ni Ammon at ni Moab , at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel , nang sila&apos;y magsilabas sa lupain ng Egipto , kundi kanilang nilikuan sila , at hindi sila nilipol ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tingnan mo , kung paanong sila&apos;y gumaganti sa amin , na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari , na iyong ibinigay sa amin upang manahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oh aming Dios , hindi mo ba hahatulan sila ? sapagka&apos;t wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin , ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin ; nguni&apos;t ang aming mga mata ay nasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon , pati ang kanilang mga bata , ang kanilang mga asawa , at ang kanilang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias , na anak ni Benaias , na anak ni Jeiel , na anak ni Mathanias na Levita , sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo , buong Juda , at ninyong mga taga Jerusalem , at ikaw na haring Josaphat : ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo , Huwag kayong mangatakot , o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito ; sapagka&apos;t ang pakikipagbaka ay hindi inyo , kundi sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila : narito , sila&apos;y nagsiahon sa ahunan ng Sis ; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis , sa harap ng ilang ng Jeruel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kayo&apos;y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito : magsilagay kayo , magsitayo kayong panatag , at tingnan ninyo ang pagliligtas , ng Panginoon na kasama ninyo , Oh Juda at Jerusalem : huwag kayong mangatakot , o manganglupaypay man : bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay sumasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa : at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon , na nagsisamba sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga Levita , sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita ; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ng totoong malakas na tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila&apos;y nagsibangong maaga sa kinaumagahan , at nagsilabas sa ilang ng Tecoa : at habang sila&apos;y nagsisilabas , si Josaphat ay tumayo , at nagsabi , Dinggin ninyo ako , Oh Juda , at ninyong mga taga Jerusalem ; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios , sa gayo&apos;y matatatag kayo ; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta , sa gayo&apos;y giginhawa kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang siya&apos;y makakuhang payo sa bayan , kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila&apos;y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi , Mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang sila&apos;y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri , ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon , ni Moab , at ng sa bundok ng Seir , na nagsiparoon laban sa Juda ; at sila&apos;y nangasugatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir , upang lubos na magsipatay at lipulin sila : at nang sila&apos;y makatapos sa mga taga bundok ng Seir , bawa&apos;t isa&apos;y tumulong na lumipol sa iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang , sila&apos;y nagsitingin sa karamihan ; at , narito , mga bangkay na nangakabuwal sa lupa , at walang nakatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila , kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay , at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili , na higit kay sa kanilang madala : at sila&apos;y nagsidoon na tatlong araw , sa pagkuha ng samsam , na totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang ikaapat na araw , sila&apos;y nagpupulong sa libis ng Baracah ; sapagka&apos;t doo&apos;y kanilang pinuri ang Panginoon : kaya&apos;t ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y nagsibalik sila , bawa&apos;t lalake sa Juda , at sa Jerusalem , at si Josaphat ay sa unahan nila , upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan ; sapagka&apos;t sila&apos;y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa , at mga pakakak sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain , nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa gayo&apos;y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik : sapagka&apos;t binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At si Josaphat ay naghari sa Juda : siya&apos;y may tatlong pu&apos;t limang taong gulang nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawang pu&apos;t limang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At siya&apos;y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama , at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gayon ma&apos;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis ; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat , na una at huli , narito , nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani , na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel ; na siyang gumawa ng totoong masama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At siya&apos;y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis : at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang magkagayo&apos;y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat , na kaniyang sinabi , Sapagka&apos;t ikaw ay nakipisan kay Ochozias , giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa . At ang mga sasakyan ay nangabasag , na anopa&apos;t sila&apos;y hindi na makaparoon sa Tharsis .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nagkaroon ng mga kapatid , na mga anak ni Josaphat , na si Azarias , at si Jehiel , at si Zacharias , at si Azarias , at si Michael , at si Sephatias : lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob , na pilak , at ginto , at mga mahalagang bagay , pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda : nguni&apos;t ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram , sapagka&apos;t siya ang panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama , at lumakas , ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid , at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Joram ay tatlongpu&apos;t dalawang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing walong taon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagasawa sa anak ni Achab : at siya&apos;y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David , dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David , at yamang siya&apos;y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda , at naghalal ng hari sa kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagdaan si Joram na kasama ang kaniyang mga punong kawal , at dala ang lahat niyang mga karo : at siya&apos;y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya , at ang mga pinunong kawal sa mga karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda , hanggang sa araw na ito : nang magkagayo&apos;y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan : sapagka&apos;t kaniyang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bukod dito&apos;y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda , at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem , at iniligaw ang Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta , na sinasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ni David na iyong ama , sapagka&apos;t hindi ka lumakad ng mga lakad ni Josaphat na iyong ama , o ng mga lakad man ni Asa na hari sa Juda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kundi ikaw ay lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel , at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab ; at iyo rin namang pinatay ang iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama , na lalong mabuti kay sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan , at sa iyong mga anak , at sa iyong mga asawa , at sa lahat ng iyong pag-aari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ikaw ay magkakasakit ng mabigat , na sakit ng iyong tiyan , hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga Filisteo , at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga taga Etiopia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y nagsiahon laban sa Juda , at nagpumilit doon , at dinala ang lahat na pag-aari na nasumpungan sa bahay ng hari , at pati ang mga anak niya , at ang mga asawa niya ; na anopa&apos;t walang naiwang anak sa kaniya , liban si Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangyari , sa lakad ng panahon sa katapusan ng dalawang taon , na ang loob ng kaniyang tiyan ay lumabas dahil sa kaniyang sakit , at siya&apos;y namatay sa mabigat na sakit . At hindi ipinagsunog siya ng kaniyang bayan , na gaya ng pagsusunog sa kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">May tatlongpu&apos;t dalawang taon siya nang siya&apos;y magpasimulang maghari , at siya&apos;y naghari sa Jerusalem na walong taon : at siya&apos;y nanaw na walang nagnasang pumigil ; at inilibing nila siya sa bayan ni David , nguni&apos;t hindi sa mga libingan ng mga hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ginawang hari ng mga taga Jerusalem si Ochozias na kaniyang bunsong anak na kahalili niya : sapagka&apos;t pinatay ang mga pinaka matanda sa kampamento ng pulutong na lalake na naparoon na kasama ng mga taga Arabia . Sa gayo&apos;y si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay naghari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">May apat na pu&apos;t dalawang taon si Ochozias nang magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siya rin naman ay lumakad ng mga lakad ng sangbahayan ni Achab : sapagka&apos;t ang kaniyang ina ay siyang kaniyang taga-payo upang gumawang may kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab : sapagka&apos;t sila ang naging kaniyang taga-payo pagkamatay ng kaniyang ama , sa ikapapahamak niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya&apos;y lumakad din naman ng ayon sa kanilang payo , at yumaon na kasama ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad : at sinugatan ng mga taga Siria si Joram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama , ng siya&apos;y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria . At si Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel , sapagka&apos;t siya&apos;y may sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios , sa kaniyang pagparoon kay Joram : sapagka&apos;t nang siya&apos;y dumating , siya&apos;y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi , na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , nang si Jehu ay maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab , na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda , at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias , na nagsisipangasiwa kay Ochozias , at pinatay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang hinanap si Ochozias , at hinuli nila siya , ( siya nga&apos;y nagtatago sa Samaria , ) at dinala nila siya kay Jehu , at pinatay siya ; at inilibing nila siya , sapagka&apos;t kanilang sinabi , Siya&apos;y anak ni Josaphat , na humanap sa Panginoon ng buo niyang puso . At ang sangbahayan ni Ochozias ay walang kapangyarihang humawak ng kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay , siya&apos;y tumindig at nilipol ang lahat na binhing hari ng sambahayan ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t kinuha ni Josabeth , na anak na babae ng hari , si Joas na anak ni Ochozias , at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay , at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan . Gayon ikinubli ni Josabeth , na anak ng haring Joram , na asawa ni Joiada na saserdote , ( sapagka&apos;t siya&apos;y kapatid ni Ochozias ) kay Athalia , na anopa&apos;t siya&apos;y hindi napatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y nakakubling kasama nila sa bahay ng Dios na anim na taon : at si Athalia ay naghari sa lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa ikapitong taon ay lumakas si Joiada , at nakipagtipan siya sa mga pinunong kawal ng dadaanin , kay Azarias na anak ni Joram , at kay Ismael na anak ni Johanan , at kay Azarias na anak ni Obed , at kay Maasias na anak ni Adaias , at kay Elisaphat na anak ni Zichri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kanilang nilibot ang Juda , at pinisan ang mga Levita mula sa lahat na bayan ng Juda , at ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , at sila&apos;y nagsiparoon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang buong kapisanan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Dios . At sinabi niya sa kanila , Narito , ang anak ng hari ay maghahari , gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa mga anak ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ito ang bagay na inyong gagawin : isang ikatlong bahagi ninyo , na pumapasok sa sabbath , sa mga saserdote at sa mga Levita , magiging mga tagatanod-pinto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang ikatlong bahagi ay magiging sa bahay ng hari ; at ang ikatlong bahagi sa pintuang-bayan ng patibayan ; at ang buong bayan ay malalagay sa mga looban ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t walang papasok sa bahay ng Panginoon , liban sa mga saserdote , at nagsisipangasiwang mga Levita ; sila&apos;y magsisipasok , sapagka&apos;t sila&apos;y mga banal : nguni&apos;t ang buong bayan ay magiingat ng pagbabantay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kukulungin ng mga Levita ang hari sa palibot , bawa&apos;t isa&apos;y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay ; at sinomang pumasok sa bahay , patayin : at kayo&apos;y magsiabay sa hari pagka siya&apos;y pumapasok at pagka siya&apos;y lumalabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote : at sila&apos;y kumuha bawa&apos;t lalake ng kaniyang mga lalake , yaong nagsisipasok sa sabbath , na kasama niyaong nagsisilabas sa sabbath ; sapagka&apos;t hindi pinayaon ni Joiada na saserdote ang mga pangkat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Joiada na saserdote ay nagbigay sa mga pinunong kawal ng mga dadaanin ng mga sibat , at mga maliit na kalasag at mga kalasag na naging sa haring David , na nangasa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang inilagay ang buong bayan , na bawa&apos;t isa&apos;y may kaniyang sandata sa kaniyang kamay , mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay , sa siping ng dambana at ng bahay , sa siping ng hari sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y kanilang inilabas ang anak ng hari , at ipinutong nila ang putong sa kaniya , at binigyan siya ng patotoo , at ginawa siyang hari : at pinahiran siya ng langis ni Joiada at ng kaniyang mga anak ; at kanilang sinabi , Mabuhay ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang marinig ni Athalia ang kaingay ng bayan , na tumatakbo at pinupuri ang hari , siya&apos;y naparoon sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y tumingin , at , narito , ang hari ay nakatayo sa siping ng kaniyang haligi sa pasukan , at ang mga punong kawal at ang mga may pakakak ay sa siping ng hari : at ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at humihip ng mga pakakak ; ang mga mangaawit naman ay nagsitugtog ng mga panugtog ng tugtugin , at tinugmaan ang awit ng papuri . Nang magkagayo&apos;y hinapak ni Athalia ang kaniyang suot , at sinabi : Paglililo , paglililo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At inilabas ni Joiada na saserdote ang mga pinunong kawal ng dadaanin na nangalalagay sa hukbo , at sinabi sa kanila , Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay ; at sinomang sumunod sa kaniya , patayin ng tabak : sapagka&apos;t sinabi ng saserdote , Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y binigyang daan nila siya ; at siya&apos;y naparoon sa pasukan ng pintuang-daan ng kabayo sa bahay ng hari : at pinatay nila siya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Joiada ay nakipagtipan sa kaniya , at sa buong bayan , at sa hari na sila&apos;y magiging bayan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal , at ibinagsak , at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan , at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At inihalal ni Joiada ang mga katungkulan sa bahay ng Panginoon , sa kapangyarihan ng kamay ng mga saserdote na mga Levita , na siyang binahagi ni David sa bahay ng Panginoon , upang maghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon , gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises , na may pagkagalak , at may pagawit ayon sa ayos ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang inilagay ang mga tagatanod-pinto sa mga pintuangdaan ng bahay ng Panginoon , upang walang pumasok na marumi sa anomang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang ipinagsama ang mga pinunong kawal ng dadaanin at ang mga mahal na tao , at ang mga tagapamahala ng bayan , at ang buong bayan ng lupain , at ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon : at sila&apos;y pumasok sa bahay ng hari , na nagdaan sa pinakamataas na pintuang-daan , at inilagay ang hari sa luklukan ng kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at ang bayan ay natahimik : at pinatay nila ng tabak si Athalia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari , at siya&apos;y nagkaanak ng mga lalake at mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , pagkatapos nito , na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita , at sinabi sa kanila , Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda , at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon , at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay . Gayon ma&apos;y hindi minadali ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno , at sinabi sa kaniya , Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis na iniutos ni Moises , na lingkod ng Panginoon , at ng kapisanan ng Israel , mula sa Juda , at mula sa Jerusalem , na ukol sa tabernakulo ng patotoo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t giniba ng mga anak ni Athalia , niyaong masamang babae , ang bahay ng Dios , at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y nagutos ang hari , at sila&apos;y nagsigawa ng isang kaban , at inilagay sa labas sa pintuang daan ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem , na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak , at dinala , at inilagay sa kaban , hanggang sa natapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagkagayon , nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari , sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita , at nang kanilang makita na maraming salapi , na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban , at kinuha , at dinala uli sa dakong kinaroroonan . Ganito ang kanilang ginawa araw-araw , at nagtipon ng salapi na sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon ; at sila&apos;y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon , at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y nagsigawa ang mga manggagawa , at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila , at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan , at pinatibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang kanilang matapos , kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada , na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y mga sisidlan upang ipangasiwa , at upang ipaghandog ng hain , at mga sandok , at mga sisidlang ginto , at pilak . At sila&apos;y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw , at siya&apos;y namatay ; siya&apos;y may isang daan at tatlongpung taon nang siya&apos;y mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari , sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng mabuti sa Israel , at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda , at nangagbigay galang sa hari . Nang magkagayo&apos;y dininig sila ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon , ng Dios ng kanilang mga magulang , at nangaglingkod sa mga Asera at sa mga dios-diosan : at ang pag-iinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon ; at sila&apos;y sumaksi laban sa kanila ; nguni&apos;t hindi sila pinakinggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote ; at siya&apos;y tumayong mataas kay sa bayan , at nagsabi sa kanila , Ganito ang sabi ng Dios , Bakit kayo&apos;y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon , na anopa&apos;t kayo&apos;y huwag magsiginhawa ? sapagka&apos;t inyong pinabayaan ang Panginoon , kaniya namang pinabayaan kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y nagsipagbanta laban sa kaniya , at binato siya ng mga bato , sa utos ng hari sa looban ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya , kundi pinatay ang kaniyang anak . At nang siya&apos;y mamatay , kaniyang sinabi , Masdan ng Panginoon , at pakialaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , sa katapusan ng taon , na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya : at sila&apos;y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem , at nilipol ang lahat na prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan , at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ang hukbo ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake ; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang . Sa gayo&apos;y nilapatan nila ng kahatulan si Joas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang kanilang lisanin siya , ( sapagka&apos;t iniwan nila siya sa maraming mga sakit , ) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote , at pinatay siya sa kaniyang higaan , at siya&apos;y namatay : at inilibing nila siya sa bayan ni David , nguni&apos;t hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya ; si Zabad na anak ni Simath , na Ammonita , at si Jozabad na anak ni Simrith , na Moabita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Tungkol nga sa kaniyang mga anak , at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya , at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios , narito , nakasulat sa kasaysayan ng aklat ng mga hari . At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Amasias ay may dalawangpu&apos;t limang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y naghari na dalawangpu&apos;t siyam na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay si Joadan na taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , nguni&apos;t hindi ng sakdal na puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nangyari nga nang ang kaharian ay matatag sa kaniya , na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t hindi niya pinatay ang kanilang mga anak , kundi gumawa ng ayon sa nakasulat sa kautusan sa aklat ni Moises , gaya ng iniutos ng Panginoon , na sinasabi , ang mga ama ay hindi mangamamatay ng dahil sa mga anak , ni ang mga anak man ay nangamamatay ng dahil sa ama : kundi bawa&apos;t tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bukod dito&apos;y pinisan ni Amasias ang Juda , at iniutos sa kanila ang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , sa kapangyarihan ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng mga pinunong kawal ng dadaanin , sa makatuwid baga&apos;y ang buong Juda at Benjamin : at kaniyang binilang sila mula sa dalawangpung taong gulang na patanda , at nasumpungan niya silang tatlong daang libong piling lalake , na makalalabas sa pakikipagdigma , na makahahawak ng sibat at kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y umupa rin naman ng isang daang libong makapangyarihang lalake na matatapang na mula sa Israel sa halagang isang daang talentong pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t naparoon ang isang lalake ng Dios sa kaniya , na nagsasabi , Oh hari , huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay hindi sumasa Israel , sa makatuwid baga&apos;y sa lahat ng mga anak ni Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kung ikaw ay yayaon , gumawa kang may katapangan , magpakalakas ka sa pakikipagbaka : ibubuwal ka ng Dios sa harap ng kaaway : sapagka&apos;t ang Dios ay may kapangyarihang tumulong at magbuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Amasias sa lalake ng Dios , Nguni&apos;t anong aming gagawin sa isang daang talento na aking ibinigay sa hukbo ng Israel ? At ang lalake ng Dios ay sumagot : Ang Panginoon ay makapagbibigay sa iyo ng mahigit kay sa rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y inihiwalay sila ni Amasias , sa makatuwid baga&apos;y ang hukbo na paparoon sa kaniya na mula sa Ephraim , upang umuwi uli : kaya&apos;t ang kanilang galit ay totoong nagalab laban sa Juda , at sila&apos;y nagsiuwi na may malaking galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Amasias ay tumapang , at inilabas ang kaniyang bayan , at naparoon sa Libis ng Asin , at sumakit sa mga anak ni Scir ng sangpung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buhay , at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa&apos;t silang lahat ay nagkawaraywaray .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ang mga lalake ng hukbo na ipinabalik ni Amasias , upang sila&apos;y huwag magsisunod sa kaniya sa pakikipagbaka , ay nagsidaluhong sa mga bayan ng Juda , mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon , at nanakit sa kanila ng tatlong libo , at nagsikuha ng maraming samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nangyari nga , pagkatapos na si Amasias ay manggaling na mula sa pagpatay sa mga Idumio na kaniyang dinala ang mga dios ng mga anak ni Seir , at inilagay na maging kaniyang mga dios , at yumukod sa harap ng mga yaon , at nagsunog ng kamangyan sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Amasias , at siya&apos;y nagsugo sa kaniya ng isang propeta , na sinabi sa kaniya , Bakit mo hinanap ang dios ng bayan na hindi nakapagligtas ng kanilang sariling bayan sa iyong kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , habang siya&apos;y nakikipagusap sa kaniya , na sinabi ng hari sa kaniya , Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari ? umurong ka ; bakit ka sasaktan ? Nang magkagayo&apos;y umurong ang propeta , at nagsabi , Talastas ko na pinasiyahan ng Dios na patayin ka , sapagka&apos;t iyong ginawa ito , at hindi mo dininig ang aking payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y kumuhang payo si Amasias na hari sa Juda , at nagsugo kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu , na hari sa Israel , na nagsabi , Halika , tayo&apos;y magtitigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda , na nagsasabi , Ang dawag na nasa Libano , ay nagsugo sa sedro na nasa Libano , na nagsasabi , Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak : at nagdaan ang mabangis na hayop na nasa Libano , at niyapakan ang dawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ikaw ay nagsasabi , Narito , iyong sinaktan ang Edom ; at itinaas ka ng iyong puso upang magmalaki : tumahan ka ngayon sa bahay ; bakit ibig mong makialam sa iyong ikapapahamak , upang ikaw ay mabuwal , ikaw , at ang Juda na kasama mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t hindi dininig ni Amasias ; sapagka&apos;t sa Dios , upang sila&apos;y mabigay sa kamay ng kanilang mga kaaway , sapagka&apos;t hinanap nila ang mga dios ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y umahon si Joas na hari sa Israel ; at siya at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes , na ukol sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang Juda ay nalagay sa kasamasamaan sa harap ng Israel ; at sila&apos;y nagsitakas bawa&apos;t isa sa kanikaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda , na anak ni Joas , na anak ni Joachaz , sa Beth-semes , at dinala siya sa Jerusalem , at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok , na apat na raang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak , at lahat na sisidlan na nasumpungan sa bahay ng Dios na kay Obed-edom ; at ang mga kayamanan ng bahay ng hari , pati ng mga sanglang tao , at bumalik sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel na labing limang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias , na una at huli , narito , di ba nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Mula sa panahon nga na humiwalay si Amasias sa pagsunod sa Panginoon ay nagsipagbanta sila laban sa kaniya sa Jerusalem ; at siya&apos;y tumakas sa Lachis : nguni&apos;t pinasundan nila siya sa Lachis , at pinatay siya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At dinala siya na nakapatong sa mga kabayo , at inilibing siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ng Juda .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda , pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">May labing anim na taon si Uzzias nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing limangpu&apos;t dalawang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias , na siyang maalam sa pangitain sa Dios : at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon , pinagiginhawa siya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo , at ibinagsak ang kuta ng Gath , at ang kuta ng Jabnia , at ang kuta ng Asdod ; at siya&apos;y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng Asdod , at sa gitna ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo , at laban sa mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal , at sa mga Meunim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga kaloob kay Uzzias ; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto ; sapagka&apos;t siya&apos;y lumakas na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bukod dito&apos;y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan na nasa panulok , at sa pintuang-bayan sa libis , at sa pagliko ng kuta , at mga pinagtibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y nagtayo ng mga moog sa ilang , at humukay ng maraming balon , sapagka&apos;t siya&apos;y nagkaroon ng maraming kawan ; sa mababang lupa rin naman , at sa kapatagan ; at siya&apos;y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid ; sapagka&apos;t siya&apos;y may hilig sa bukiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bukod dito&apos;y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban , na nagsisilabas sa pakikipagdigma na pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim , at ni Maasias na pinuno , sa kapangyarihan ni Hananias , na isa sa mga punong kawal ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , na mga makapangyarihang lalaking matatapang , ay dalawang libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa kapangyarihan ng kanilang kamay ay may isang maayos na hukbo , na tatlong daan at pitong libo at limang daan , na nakikipagdigmang may malakas na kapangyarihan , upang tulungan ang hari laban sa kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga&apos;y ang buong hukbo , ng mga kalasag , at mga sibat , at ng mga turbante , at ng mga sapyaw , at ng mga busog , at ng mga bato na ukol sa panghilagpos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y gumawa sa Jerusalem ng mga makina , na katha ng mga bihasang tao , upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato . At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam : sapagka&apos;t siya&apos;y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya&apos;y lumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t nang siya&apos;y lumakas , ang kaniyang puso ay nagmataas , na anopa&apos;t siya&apos;y gumawa ng kapahamakan , at siya&apos;y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios ; sapagka&apos;t siya&apos;y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Azarias na saserdote ay pumasok pagkatapos niya , at kasama niya&apos;y walong pung saserdote ng Panginoon , na mga matapang na lalake :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari , at nagsipagsabi sa kaniya , Hindi nauukol sa iyo , Uzzias , na magsunog ng kamangyan sa Panginoon , kundi sa mga saserdote na mga anak ni Aaron , na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan ; lumabas ka sa santuario ; sapagka&apos;t ikaw ay sumalangsang ; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y si Uzzias ay naginit ; at siya&apos;y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan ; at habang siya&apos;y nagiinit sa mga saserdote , ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon , sa siping ng dambana ng kamangyan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Azarias na punong saserdote , at ang lahat ng mga saserdote , ay nagsitingin sa kaniya , at narito , siya&apos;y may ketong sa kaniyang noo , at kanilang itinulak siya na madalian mula roon ; oo , siya nama&apos;y nagmadaling lumabas sapagka&apos;t sinaktan siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Uzzias na hari ay nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan , at tumahan sa bahay na bukod dahil sa may ketong : sapagka&apos;t siya&apos;y nahiwalay sa bahay ng Panginoon ; at si Joatham na kaniyang anak ay katiwala ng bahay ng hari , na humahatol sa bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang iba nga sa mga gawa ni Uzzias , na una at huli , isinulat ni Isaias na propeta , na anak ni Amos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y natulog si Uzzias na kasama ng kaniyang mga magulang ; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa parang na libingan na ukol sa mga hari ; sapagka&apos;t kanilang sinabi , Siya&apos;y may ketong : at si Joatham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Joatham ay may dalawangpu&apos;t limang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzias : gayon ma&apos;y hindi siya pumasok sa templo ng Panginoon , At ang bayan ay gumawa pa ng kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siya&apos;y nagtayo ng mataas na pintuang-daan ng bahay ng Panginoon , at sa kuta ng Ophel ay nagtayo siya ng marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bukod dito&apos;y nagtayo siya ng mga bayan sa lupaing maburol ng Juda , at sa mga gubat ay nagtayo siya ng mga palasyo at mga moog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya&apos;y nakipaglaban din naman sa hari ng mga anak ni Ammon , at nanaig laban sa kanila . At ang mga anak ni Ammon ay nagsipagbigay sa kaniya ng taon ding yaon ng isang daang talentong pilak , at sangpung libong karo ng trigo , at sangpung libo ng sebada . Gayon ding karami ang ibinayad ng mga anak ni Ammon sa kaniya sa ikalawang taon naman , at sa ikatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y si Joatham ay naging makapangyarihan , sapagka&apos;t kaniyang inayos ang kaniyang mga lakad sa harap ng Panginoon niyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang iba nga sa mga gawa ni Joatham , at ang lahat niyang mga pakikipagdigma , at ang kaniyang mga lakad , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel , at sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siya&apos;y may dalawangpu&apos;t limang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari , at nagharing labing anim na taon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Joatham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa bayan ni David : at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Achaz ay may dalawangpung taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , na gaya ni David na kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kundi siya&apos;y lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel , at iginawa rin naman ng mga larawang binubo ang mga Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bukod dito&apos;y nagsunog siya ng kamangyan sa libis ng anak ni Hinnom , at sinunog ang kaniyang mga anak sa apoy , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa , na mga pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako , at sa mga burol , at sa ilalim ng bawa&apos;t punong kahoy na sariwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ibinigay ng Panginoon niyang Dios siya sa kamay ng hari sa Siria ; at sinaktan nila siya , at tumangay sa kaniya ng isang malaking karamihang bihag , at mga dinala sa Damasco . At siya nama&apos;y nabigay sa kamay ng hari sa Israel na siyang sumakit sa kaniya ng malaking pagpatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t si Peca na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isang daan at dalawangpung libo sa isang araw , silang lahat ay mga matapang na lalake ; sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pinatay ni Zichri , na makapangyarihang lalake sa Ephraim , si Maasias na anak ng hari , at si Azricam na pinuno sa bahay , at si Elcana na pangalawa ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga anak ni Israel ay nagsipagdala ng bihag sa kanilang mga kapatid na dalawang daang libo , mga babae , mga anak na lalake at babae , at nagsipaglabas din ng maraming samsam na mula sa kanila , at dinala ang samsam sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t isang propeta ng Panginoon ay nandoon , na ang pangalan ay Obed : at siya&apos;y lumabas na sinalubong ang hukbo na dumarating sa Samaria , at sinabi sa kanila , Narito , sapagka&apos;t ang Panginoon , ang Dios ng inyong mga magulang , ay naginit sa Juda , ay ibinigay niya sila sa inyong kamay , at inyong pinatay sila sa isang pagaalab ng loob na umaabot hanggang sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayo&apos;y inyong inaakalang pasukuin ang mga anak ni Juda at ng Jerusalem na maging pinaka aliping lalake at babae sa inyo : wala ba kayong pagsalangsang sa inyong sarili laban sa Panginoon ninyong Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayo&apos;y dinggin nga ninyo ako , at pabalikin ninyo ang mga bihag , na inyong kinuhang bihag sa inyong mga kapatid : sapagka&apos;t ang malaking pagiinit ng Panginoon ay dumating sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y ilan sa mga pangulo sa mga anak ni Ephraim , si Azarias na anak ni Johanan , si Berachias na anak ni Mesillemoth at si Ezechias na anak ni Sallum , at si Amasa na anak ni Hadlai , ay nagsitayo laban sa kanila na nanggaling sa pakikipagdigma ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi sa kanila , Huwag kayong magsisipagdala ng mga bihag dito : sapagka&apos;t inyong inaakala na magdala sa atin ng pagsalangsang laban sa Panginoon , upang idagdag sa ating mga kasalanan at sa ating mga pagsalangsang : sapagka&apos;t ang ating pagsalangsang ay malaki , at may malaking pagiinit laban sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y iniwan ng mga lalaking may sakbat ang mga bihag at ang mga samsam sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga lalaking nasaysay sa pangalan ay nagsitindig , at kinuha ang mga bihag , at sa samsam ay binihisan ang lahat na hubad sa kanila , at dinamtan at sinapatusan , at mga pinakain at pinainom , at mga pinahiran ng langis , at dinala ang lahat na mahina sa kanila na nakasakay sa mga asno , at mga dinala sa Jerico , na bayan ng mga puno ng palma , sa kanilang mga kapatid : saka nagsibalik sila sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang panahong yao&apos;y nagsugo ang haring Achaz sa mga hari sa Asiria upang tulungan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t nagsiparoon uli ang mga Idumeo at sinaktan ang Juda , at dinalang bihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nilusob naman ng mga Filisteo ang mga bayan ng mababang lupain , at ang Timugan ng Juda , at sinakop ang Beth-semes , at ang Ajalon , at ang Gederoth , at ang Socho pati ang mga nayon niyaon , at ang Timna pati ang mga nayon niyaon , ang Gimzo man at ang mga nayon niyaon : at sila&apos;y nagsitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil kay Achaz na hari sa Israel ; sapagka&apos;t hinubaran ang Juda , at sumalangsang na mainam laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Tilgath-pilneser na hari sa Asiria ay naparoon sa kaniya , at ginipit siya , nguni&apos;t hindi siya pinalakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t si Achas ay kumuha ng bahagi sa bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari at sa mga prinsipe , at ibinigay sa hari sa Asiria : nguni&apos;t hindi siya tinulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa panahon ng kaniyang kagipitan ay lalo pa manding sumalangsang siya laban sa Panginoon , ang hari ring ito na si Achaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t siya&apos;y naghain sa mga dios ng Damasco , na sumakit sa kaniya : at sinabi niya , Sapagka&apos;t tinulungan sila ng mga dios ng mga hari sa Siria , kaya&apos;t ako&apos;y maghahain sa kanila , upang tulungan nila ako . Nguni&apos;t sila ang naging kapahamakan niya at ng buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pinisan ni Achaz ang mga sisidlan ng bahay ng Dios , at pinagputolputol ang mga sisidlan ng bahay ng Dios , at isinara ang mga pinto ng bahay ng Panginoon ; at siya&apos;y gumawa sa kaniya ng mga dambana sa bawa&apos;t sulok ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa bawa&apos;t iba&apos;t ibang bayan ng Juda ay gumawa siya ng mga mataas na dako upang pagsunugan ng kamangyan sa mga ibang dios , at minungkahi sa galit ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang iba nga sa kaniyang mga gawa , at ang lahat niyang mga lakad , na una at huli , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa bayan , sa Jerusalem ; sapagka&apos;t hindi nila dinala siya sa mga libingan ng mga hari sa Israel : at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Ezechias ay nagpasimulang maghari nang siya&apos;y dalawangpu&apos;t limang taon : at siya&apos;y naghari na dalawangpu&apos;t siyam na taon sa Jerusalem , at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abia na anak ni Zacharias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siya&apos;y nagbukas sa unang taon ng kaniyang paghahari , na unang buwan , ng mga pinto ng bahay ng Panginoon , at mga hinusay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kaniyang ipinasok ang mga saserdote at mga Levita , at pinisan sila sa maluwang na dako sa silanganan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi sa kanila , Dinggin ninyo ako , ninyong mga Levita ; ngayo&apos;y mangagpakabanal kayo , at italaga ninyo ang bahay ng Panginoon , ang Dios ng inyong mga magulang , at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang ating mga magulang ay nagsisalangsang , at nagsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon nating Dios , at pinabayaan siya , at itinalikod ang kanilang mga mukha sa tahanan ng Panginoon , at nagsitalikod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kanila ring isinara ang mga pinto ng portiko , at pinatay ang mga ilawan , at hindi nagsipagsunog ng kamangyan ni nagsipaghandog man ng mga handog na susunugin sa dakong banal sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ang pagiinit ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem , at ibinigay niya sila upang hamakin saa&apos;t saan man , upang maging katigilan , at kasutsutan , gaya ng inyong nakikita ng inyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t narito , ang ating mga magulang ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang ating mga anak na lalake at babae at ang ating mga asawa ay nangasa pagkabihag dahil dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nasa akin ngang puso na makipagtipan sa Panginoon , sa Dios ng Israel , upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga anak ko , huwag kayong mangagpabaya : sapagka&apos;t pinili kayo ng Panginoon upang magsitayo sa harap niya , upang magsipangasiwa sa kaniya , at kayo&apos;y maging kaniyang mga tagapangasiwa , at mangagsunog kayo ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y nagsitindig ang mga Levita , si Mahath na anak ni Amasai , at si Joel na anak ni Azarias sa mga anak ng mga Coathita : at sa mga anak ni Merari , si Cis na anak ni Abdi , at si Azarias na anak ni Jehaleleel : at sa mga Gersonita , si Joah na anak ni Zimma , at si Eden na anak ni Joah :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa mga anak ni Elisaphan , si Simri , at si Jehiel : at sa mga anak ni Asaph , si Zacharias at si Mathanias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa mga anak ni Heman , si Jehiel at si Simi : at sa mga anak ni Jeduthun , si Semeias at si Uzziel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pinisan nila ang kanilang mga kapatid , at nangagpakabanal , at nagsipasok ayon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon , upang linisin ang bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga saserdote ay nagsipasok sa pinakaloob ng bahay ng Panginoon , upang linisin , at inilabas ang lahat na dumi na kanilang nasumpungan sa templo ng Panginoon . At kinuha ng mga Levita upang ilabas sa batis ng Cedron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila nga&apos;y nagpasimula na mangagpakabanal nang unang araw ng unang buwan , at nang ikawalong araw ng buwan ay nagsiparoon sila sa portiko ng Panginoon ; at kanilang itinalaga ang bahay ng Panginoon sa walong araw ; at sa ikalabing anim na araw ng unang buwan ay kanilang niwakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y kanilang pinasok si Ezechias na hari , sa loob ng palasio , at kanilang sinabi , Aming nilinis ang buong bahay ng Panginoon , at ang dambana ng handog na susunugin , pati ng lahat na kasangkapan niyaon , at ang dulang ng tinapay na handog , pati ng lahat na kasangkapan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bukod dito&apos;y lahat na kasangkapan , na inihagis ng haring Achaz sa kaniyang paghahari , nang siya&apos;y sumalangsang , aming inihanda at itinalaga , at , narito , nangasa harap ng dambana ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y si Ezechias na hari ay bumangong maaga , at pinisan ang mga prinsipe ng bayan , at sumampa sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y nagsipagdala ng pitong baka , at pitong tupa , at pitong kordero , at pitong kambing na lalake , na pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian , at ng santuario , at ng Juda . At siya&apos;y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y kanilang pinatay ang mga baka , at tinanggap ng mga saserdote ang dugo , at iniwisik sa dambana : at kanilang pinatay ang mga tupa , at iwinisik ang dugo sa ibabaw ng dambana : pinatay rin nila ang mga kordero , at iniwisik ang dugo sa ibabaw ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang inilapit ang mga kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan sa harap ng hari at ng kapisanan ; at ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At mga pinatay ng mga saserdote , at sila&apos;y nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana , upang itubos sa buong Israel : sapagka&apos;t iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga simbalo , may mga salterio , at may mga alpa , ayon sa utos ni David , at ni Gad na tagakita ng hari , at ni Nathan na propeta : sapagka&apos;t ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang mga Levita ay nagsitayo na may mga panugtog ni David , at ang mga saserdote na may mga pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Ezechias ay nagutos na maghandog ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana . At nang ang handog na susunugin ay pasimulan , ang awit sa Panginoon ay pinasimulan naman , at ang mga pakakak , pati ang mga panugtog ni David na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang buong kapisanan ay sumamba , at ang mga mangaawit ay nagsiawit , at ang mga manghihihip ng pakakak ay nangagpatunog ; lahat ng ito ay ipinagpatuloy hanggang sa ang handog na susunugin ay natapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang sila&apos;y makatapos ng paghahandog ang hari at ang lahat na nakaharap na kasama niya ay nagsiyukod at nagsisamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Bukod dito&apos;y iniutos ni Ezechias na hari at ng mga prinsipe sa mga Levita na magsiawit ng mga pagpuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga salita ni David , at ni Asaph na tagakita . At sila&apos;y nagsiawit ng mga pagpuri na may kasayahan , at kanilang itinungo ang kanilang mga ulo at nagsisamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Ezechias na nagsabi , Ngayo&apos;y nagsitalaga kayo sa Panginoon , kayo&apos;y magsilapit at mangagdala ng mga hain at mga handog na pasalamat sa bahay ng Panginoon : At nagdala ng mga hain at ng mga handog na pasalamat ang kapisanan ; at lahat ng may kusang kalooban ay nagsipagdala ng mga handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapisanan , pitongpung baka , isang daang tupang lalake , dalawang daang kordero : lahat ng mga ito ay pinakahandog na susunugin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga bagay na itinalaga ay anim na raang baka at tatlong libong tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nguni&apos;t ang mga saserdote ay naging kakaunti , na anopa&apos;t hindi nila malapnusan ang lahat na handog na susunugin kaya&apos;t tinulungan sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita , hanggang sa natapos ang gawain , at hanggang sa nangagpakabanal ang mga saserdote ; sapagka&apos;t ang mga Levita ay matuwid ang puso na mangagpakabanal na higit kay sa mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga handog na susunugin naman ay sagana , pati ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan , at pati ang mga handog na inumin na ukol sa bawa&apos;t handog na susunugin . Sa gayo&apos;y ang paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay naayos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At si Ezechias ay nagalak , at ang buong bayan , dahil sa inihanda ng Dios ang bayan : sapagka&apos;t ang bagay ay biglang nagawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Ezechias ay nagsugo sa buong Israel at Juda , at sumulat ng mga liham naman sa Ephraim at Manases , na sila&apos;y magsiparoon sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem , upang ipangilin ang paskua sa Panginoon , sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang hari ay nakipagsanggunian , at ang kaniyang mga prinsipe , at ang buong kapisanan sa Jerusalem , upang ipangilin ang paskua sa ikalawang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t hindi nila maipangilin sa panahong yaon , sapagka&apos;t ang mga saserdote ay hindi nangagpakabanal sa sukat na bilang , ni nagsipisan man ang bayan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan , na sila&apos;y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon , sa Dios ng Israel , sa Jerusalem : sapagka&apos;t hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda , at ayon sa utos ng hari , na sinasabi , Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon , sa Dios ni Abraham , ni Isaac , at ni Israel , upang siya&apos;y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kayo&apos;y huwag maging gaya ng inyong mga magulang , at gaya ng inyong mga kapatid , na nagsisalangsang laban sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang , na anopa&apos;t ibinigay niya sila sa pagkapahamak , gaya ng inyong nakikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayo&apos;y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo , na gaya ng inyong mga magulang ; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon , at magsipasok sa kaniyang santuario , na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo&apos;y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios , upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kung kayo&apos;y manumbalik sa Panginoon , ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag , at magsisibalik sa lupaing ito : sapagka&apos;t ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain , at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo , kung kayo&apos;y manumbalik sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon : nguni&apos;t sila&apos;y tinatawanang mainam , at tinutuya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon ma&apos;y ang iba sa Aser , at sa Manases , at sa Zabulon ay nangagpakumbaba , at nagsiparoon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Suma Juda naman ang kamay ng Dios upang papagisahing puso sila upang gawin ang utos ng hari at ng mga prinsipe sa pamamagitan ng salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagpupulong sa Jerusalem ang maraming tao upang ipagdiwang ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa ikalawang buwan , na isang totoong malaking kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y nagsitindig at inalis ang mga dambana na nangasa Jerusalem , at ang lahat na dambana na ukol sa kamangyan ay inalis nila , at kanilang inihagis sa batis ng Cedron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y kanilang pinatay ang kordero ng paskua nang ikalabing apat ng ikalawang buwan : at ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangapahiya , at nangagpakabanal , at nangagdala ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y nagsitayo sa kanilang dako ayon sa kanilang ayos , ayon sa kautusan ni Moises na lalake ng Dios : iniwisik ng mga saserdote ang dugo , na kanilang tinanggap sa kamay ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t marami sa kapisanan na hindi nangagpakabanal ; kaya&apos;t ang mga Levita ang may katungkulan ng pagpatay sa kordero ng paskua na ukol sa bawa&apos;t isa na hindi malinis , upang mga italaga sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t isang karamihan sa bayan , sa makatuwid baga&apos;y marami sa Ephraim at sa Manases , sa Issachar , at sa Zabulon , ay hindi nangagpakalinis , gayon ma&apos;y nagsikain sila ng kordero ng paskua na hindi gaya ng nasusulat . Sapagka&apos;t idinalangin sila ni Ezechias , na sinasabi , Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na naglalagak ng kaniyang puso upang hanapin ang Dios , ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang , bagaman hindi siya nalinis ng ayon sa paglilinis sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dininig ng Panginoon si Ezechias , at pinagaling ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga anak ni Israel na nakaharap sa Jerusalem ay nagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw , na may malaking kasayahan : at ang mga Levita at ang mga saserdote ay nagsipuri araw-araw sa Panginoon na nagsisiawit na may matunog na panugtog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon . Sa gayo&apos;y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw , na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , at nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang buong kapisanan ay nagsanggunian upang magdiwang ng ibang pitong araw : at sila&apos;y nangagdiwang ng ibang pitong araw na may kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t si Ezechias na hari sa Juda ay nagbigay sa kapisanan ng pinakahandog na isang libong baka at pitong libong tupa ; at ang mga prinsipe ay nangagbigay sa kapisanan ng isang libong baka at sangpung libong tupa ; at lubhang maraming bilang ng mga saserdote ay nangagpakabanal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang buong kapisanan ng Juda , pati ng mga saserdote at mga Levita , at ang buong kapisanan na lumabas sa Israel , at ang mga taga ibang lupa na nagsilabas sa lupain ng Israel , at nagsitahan sa Juda , ay nangagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa gayo&apos;y nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem : sapagka&apos;t mula sa panahon ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel , ay hindi nagkaroon ng gayon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at binasbasan ang bayan : at ang kanilang tinig ay narinig , at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na tahanan , hanggang sa langit .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang matapos nga ang lahat ng ito , ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda , at pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala , at ibinuwal ang mga Asera , at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin , sa Ephraim man at sa Manases , hanggang sa kanilang naigibang lahat . Nang magkagayo&apos;y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang pag-aari , sa kanilang sariling mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inihalal ni Ezechias ang mga bahagi ng mga saserdote , at ng mga Levita ayon sa kanilang pagkakabahagi , bawa&apos;t lalake ay ayon sa kaniyang katungkulan , ang mga saserdote at gayon din ang mga Levita , na ukol sa mga handog na susunugin at sa mga handog tungkol sa kapayapaan , upang magsipangasiwa , at upang mangagpasalamat , at upang mangagpuri sa mga pintuang-daan ng hantungan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Itinakda naman niya ang bahagi ng hari sa kaniyang pag-aari na ukol sa mga handog na susunugin , sa makatuwid baga&apos;y sa mga handog na susunugin sa umaga at sa hapon , at ang mga handog na susunugin sa mga sabbath , at sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan , na gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bukod dito&apos;y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem , na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita , upang magsitalaga sa kautusan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At paglabas ng utos , ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo , alak , at langis , at pulot , at sa lahat na bunga sa bukid ; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anak ni Israel at ni Juda , na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda , sila nama&apos;y nangagdala ng ikasangpung bahagi ng mga baka at mga tupa , at ng ikasangpung bahagi ng mga itinalagang bagay na mga itinalaga sa Panginoon nilang Dios , at inilagay ang mga yaon na bunton bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang ikatlong buwan ay nangagpasimula silang naglagay ng pasimula ng mga bunton , at nangatapos sa ikapitong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang pumaroon si Ezechias at ang mga prinsipe at makita ang mga bunton , kanilang pinuri ang Panginoon , at ang kaniyang bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagtanong si Ezechias sa mga saserdote at sa mga Levita tungkol sa mga bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Azarias na punong saserdote sa bahay ni Sadoc , ay sumagot sa kaniya , at nagsabi , Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon , kami ay nagsikain at nangabusog kami , at lumabis ng sagana sapagka&apos;t pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan ; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagutos si Ezechias na maghanda ng mga silid sa bahay ng Panginoon ; at inihanda nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi , at ng mga itinalagang bagay , na may pagtatapat . At sa mga yaon ay katiwala si Chonanias na Levita , at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Jehiel , at si Azazias , at si Nahat , at si Asael , at si Jerimoth , at si Josabad , at si Eliel , at si Ismachias , at si Mahaath , at si Benaias , ay mga tagapangasiwa sa kapangyarihan ng kamay ni Chonanias , at ni Simi na kaniyang kapatid , ayon sa pagkahalal ni Ezechias , na hari , at ni Azarias na tagapamahala sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Core na anak ni Imna na Levita , na tagatanod-pinto sa silanganang pintuang-daan , ay katiwala sa mga kusang handog sa Dios , upang magbahagi ng mga alay sa Panginoon , at ng mga kabanalbanalang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nasa kapangyarihan niya si Eden , at si Benjamin , at si Jeshua , at si Semaias , si Amarias , at si Sechanias , sa mga bayan ng mga saserdote , sa kanilang takdang katungkulan , upang magbigay sa kanilang mga kapatid ng ayon sa mga bahagi , gayon sa malaki na gaya sa maliit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod doon sa nangabilang sa mga talaan ng lahi ng mga lalake , na mula sa tatlong taong gulang na patanda , sa makatuwid baga&apos;y sa bawa&apos;t pumapasok sa bahay ng Panginoon , ayon sa kailangan sa bawa&apos;t araw , na ukol sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At silang mangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng mga saserdote ayon sa sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ang mga Levita mula sa dalawangpung taong gulang na patanda , sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At silang nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng lahat nilang mga bata , ng kanilang mga asawa , at ng kanilang mga anak na lalake at babae , sa buong kapisanan : sapagka&apos;t sa kanilang takdang katungkulan ay nangagpakabanal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon din sa mga anak ni Aaron na mga saserdote , na nangasa bukiran ng mga nayon ng kanilang mga bayan , sa bawa&apos;t iba&apos;t ibang bayan , may mga lalake na nasaysay sa pangalan , upang magbigay ng mga pagkain sa lahat na lalake na saserdote , at sa lahat na nangabilang ayon sa talaan ng lahi ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ganito ang ginawa ni Ezechias sa buong Juda ; at siya&apos;y gumawa ng mabuti , at matuwid , at tapat sa harap ng Panginoon niyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa bawa&apos;t gawain na kaniyang pinasimulan sa paglilingkod sa bahay ng Dios , at sa kautusan at sa mga utos , upang hanapin ang kaniyang Dios , kaniyang ginawa ng buong puso niya , at guminhawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito , at ng pagtatapat na ito , ay naparoon si Sennacherib na hari sa Asiria at pumasok sa Juda , at humantong laban sa mga bayan na nakukutaan , at kaniyang inisip sakupin upang kaniyahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang makita ni Ezechias na si Sennacherib ay dumating , at siya&apos;y tumalaga na lumaban sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay nakipagsanggunian siya sa kaniyang mga prinsipe at sa kaniyang mga makapangyarihang lalake upang patigilin ang tubig sa mga bukal na nangasa labas ng bayan at kanilang tinulungan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y nagpipisan ang maraming tao sa bayan at kanilang pinatigil ang lahat na bukal , at ang batis na umaagos sa gitna ng lupain , na sinasabi , Bakit paririto ang mga hari sa Asiria , at makakasumpong ng maraming tubig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y nagdalang tapang , at itinayo niya ang lahat na kuta na nabagsak , at pinataas pa ang mga moog , at ang ibang kuta sa labas , at pinagtibay ang Millo sa bayan ni David , at gumawa ng mga sandata at mga kalasag na sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y naglagay ng mga pinunong kawal sa bayan na mangdidigma , at pinisan niya sila sa luwal na dako sa pintuang-bayan , at nagsalita na may kagandahang loob sa kanila , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kayo&apos;y mangagpakalakas at mangagpakatapang na mabuti , huwag ninyong katakutan o panglupaypayan man ang hari sa Asiria , o ang buong karamihan man na kasama niya ; sapagka&apos;t may lalong dakila sa atin kay sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumasakaniya ay isang kamay na laman ; nguni&apos;t sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo , at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka , At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagkatapos nito&apos;y sinugo ni Sennacherib na hari sa Asiria ang kaniyang mga lingkod sa Jerusalem , ( siya nga&apos;y nasa harap ni Lachis , at ang kaniyang buong kapangyarihan ay sumasa kaniya , ) kay Ezechias na hari sa Juda , at sa buong Juda na nasa Jerusalem , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang sabi ni Sennacherib na hari sa Asiria , Sa ano kayo nagsisiasa na kayo&apos;y nagsisitahan sa pagkakubkob sa Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi ba kayo hinihikayat ni Ezechias , upang kayo&apos;y ibigay sa pagkamatay sa pamamagitan ng kagutom at ng kauhaw , na sinasabi , Ililigtas tayo ng Panginoon nating Dios sa kamay ng hari sa Asiria ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi ba ang Ezechias ding ito ang nagalis ng kaniyang mga mataas na dako at ng kaniyang mga dambana , at nagutos sa Juda at sa Jerusalem , na sinasabi , Kayo&apos;y magsisisamba sa harap ng isang dambana , at sa ibabaw niyao&apos;y mangagsusunog kayo ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hindi ba ninyo nalalaman , kung ano ang ginawa ko at ng aking mga magulang sa lahat ng bayan ng mga lupain ? Ang mga dios ba ng mga bansa ng mga lupain ay nakapagligtas sa anomang paraan ng kanilang lupain sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sino sa lahat ng mga dios ng mga bansang yaon na lubos na giniba ng aking mga magulang na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay , upang kayo&apos;y mailigtas ng inyong Dios sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t huwag nga kayong padaya kay Ezechias , ni hikayatin kayo ng ganitong paraan , ni paniwalaan man ninyo siya : sapagka&apos;t walang dios sa alinmang bansa o kaharian na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay , at sa kamay ng aking mga magulang : gasino pa nga kaya ang inyong Dios na makapagliligtas sa inyo sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kaniyang mga lingkod ay nagsalita pa laban sa Panginoong Dios , at laban sa kaniyang lingkod na si Ezechias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Siya&apos;y sumulat din ng mga sulat upang tungayawin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , at upang magsalita laban sa kaniya , na sinasabi , Kung paanong hindi iniligtas ng mga dios ng mga bansa ng mga lupain ang kanilang bayan sa aking kamay , gayon hindi iniligtas ng Dios ni Ezechias ang kaniyang bayan sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y sumigaw ng malakas sa wikang Judio sa bayan ng Jerusalem na nasa kuta , upang takutin sila , at upang bagabagin sila ; upang kanilang masakop ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nangagsalita tungkol sa Dios ng Jerusalem , na gaya sa mga dios ng mga bayan sa lupa , na gawa ng mga kamay ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Ezechias na hari , at si Isaias na propeta na anak ni Amos , ay nagsidalangin dahil dito , at nagsidaing sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang Panginoon ay nagsugo ng isang anghel , na naghiwalay ng lahat na makapangyarihang lalaking may tapang , at ng mga pangulo at mga pinunong kawal , sa kampamento ng hari sa Asiria . Sa gayo&apos;y bumalik siya na nahihiya sa kaniyang sariling lupain . At nang siya&apos;y dumating sa bahay ng kaniyang dios , ay pinatay siya roon ng tabak ng nagsilabas sa kaniyang sariling tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ganito iniligtas ng Panginoon si Ezechias at ang mga taga Jerusalem sa kamay ni Sennacherib na hari , sa Asiria , at sa kamay ng lahat na iba , at pinatnubayan sila sa bawa&apos;t dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At marami ay nangagdala ng mga kaloob ng Panginoon sa Jerusalem , at ng mga mahalagang bagay kay Ezechias na hari sa Juda : na anopa&apos;t siya&apos;y nataas sa paningin ng lahat na bansa mula noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang mga araw na yao&apos;y nagkasakit ng ikamamatay si Ezechias : at siya&apos;y dumalangin sa Panginoon ; at siya&apos;y nagsalita sa kaniya , at binigyan niya siya ng tanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t si Ezechias ay hindi nagbayad uli ng ayon sa kabutihang ginawa sa kaniya ; sapagka&apos;t ang kaniyang puso ay nagmataas : kaya&apos;t nagkaroon ng kapootan sa kaniya , at sa Juda , at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon ma&apos;y nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kaniyang puso , siya , at gayon din ang mga taga Jerusalem , na anopa&apos;t ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila sa mga kaarawan ni Ezechias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Ezechias ay nagkaroon ng malabis na mga kayamanan at karangalan : at siya&apos;y nagtaan para sa kaniya , ng mga ingatang-yaman na ukol sa pilak , at sa ginto ; at sa mga mahalagang bato , at sa mga espisia , at sa mga kalasag , at sa lahat na sarisaring mabubuting mga sisidlan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Mga kamalig din naman na ukol sa saganang trigo , at alak at langis ; at mga silungan na ukol sa lahat na sarisaring hayop , at mga silungan na ukol sa mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Bukod dito&apos;y nagtaan siya sa kaniya ng mga bayan , at mga pag-aari na mga kawan at mga bakahan na sagana : sapagka&apos;t binigyan siya ng Dios ng maraming tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang Ezechias ding ito ang nagpatigil ng pinakamataas na bukal ng tubig sa Gihon , at ibinabang tuloy sa dakong kalunuran ng bayan ni David . At si Ezechias ay guminhawa sa lahat ng kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon ma&apos;y sa bagay ng mga sugo ng mga prinsipe sa Babilonia , na nangagsugo sa kaniya upang magusisa ng kagilagilalas na gawa sa lupain ay pinabayaan siya ng Dios upang tikman siya , upang kaniyang maalaman ang lahat na nasa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias , at ang kaniyang mga mabuting gawa , narito , nangakasulat sa pangitain ni Isaias na propeta na anak ni Amos , na aklat ng mga hari , sa Juda at Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At si Ezechias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa ahunan ng mga libingan ng mga anak ni David : at binigyan siyang karangalan ng buong Juda at ng mga taga Jerusalem sa kaniyang kamatayan . At si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Manases ay may labing dalawang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing limang pu&apos;t limang taon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama : at siya&apos;y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga Baal , at gumawa ng mga Asera , at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit , at naglingkod sa mga yaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon , na pinagsabihan ng Panginoon , Sa Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng anak ni Hinnom : at siya&apos;y nagpamahiin , at nagsanay ng panggagaway at nanghula , at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu , at sa mga mahiko : siya&apos;y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin niya siya sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan , na kaniyang ginawa , sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David , at kay Salomon na kaniyang anak , Sa bahay na ito , at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel , aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ni babaguhin pa man ang paa ng Israel sa lupain na aking itinakda na ukol sa inyong mga magulang , kung kanila lamang isasagawa ang lahat na aking iniutos sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y ang buong kautusan at ang mga palatuntunan at ang mga ayos , sa pamamagitan ng kamay ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem , na anopa&apos;t sila&apos;y nagsigawa ng higit na sama kay sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases , at sa kaniyang bayan : nguni&apos;t niwalang bahala nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t dinala ng Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria , na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala , at ginapos siya ng mga damal , at nagdala sa kaniya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang siya&apos;y nasa pagkapighati siya&apos;y dumalangin sa Panginoon niyang Dios , at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y dumalangin sa kaniya ; at siya&apos;y dininig , at pinakinggan ang kaniyang pamanhik , at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian . Nang magkagayo&apos;y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya ng isang kutang panglabas sa bayan ni David , sa dakong kalunuran ng Gihon , sa libis , hanggang sa pasukan sa pintuang-bayan ng mga isda ; at kaniyang kinulong ang Ophel , at itinaas ng malaking kataasan : at kaniyang nilagyan ng mga matapang na pinunong kawal ang lahat ng bayan na nakukutaan sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kaniyang inalis ang mga dios ng iba , at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon , at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon , at sa Jerusalem , at inihagis ang mga yaon mula sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang itinayo ang dambana ng Panginoon , at naghandog doon ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , at tungkol sa mga pasalamat , at inutusan ang Juda na maglingkod sa Panginoon , sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ma&apos;y naghain ang bayan na nagpatuloy sa mga mataas na dako , nguni&apos;t sa Panginoon lamang na kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang iba nga sa mga gawa ni Manases , at ang kaniyang dalangin sa kaniyang Dios , at ang mga salita ng mga tagakita na nagsalita sa kaniya sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel , narito , nangakasulat sa mga gawa ng mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon din ang kaniyang panalangin , at kung paanong dininig siya , at ang buo niyang kasalanan at pagsalangsang niya , at ang mga dakong kaniyang pinagtayuan ng mga mataas na dako , at pinagtindigan ng mga Asera at ng mga larawang inanyuan , bago siya nagpakumbaba : narito , nangakasulat sa kasaysayan ni Hozai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y natulog si Manases na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa kaniyang sariling bahay : at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Amon ay may dalawang pu&apos;t dalawang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing dalawang taon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama : at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama , at naglingkod sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y hindi nagpakumbaba sa harap ng Panginoon , na gaya na pagpapakumbaba ni Manases na kaniyang ama : kundi ang Amon ding ito ay siyang sumalangsang ng higit at higit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang kaniyang mga lingkod ay naghimagsik laban sa kaniya , at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon ; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Josias ay may walong taong gulang nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing tatlong pu&apos;t isang taon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , at lumakad ng mga lakad ni David na kaniyang magulang , at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari , samantalang siya&apos;y bata pa , kaniyang pinasimulang hinanap ang Dios ni David na kaniyang magulang : at sa ikalabing dalawang taon ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako , at ang mga Asera , at ang mga larawang inanyuan , at ang mga larawang binubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang ibinagsak ang mga dambana ng mga Baal sa kaniyang harapan ; at ang mga larawang araw na nasa ibabaw nila , ay kaniyang ibinagsak ; at ang mga Asera , at ang mga larawang inanyuan , at ang mga larawang binubo , ay kaniyang pinagputolputol , at dinurog , at isinabog sa mga libingan ng nangaghain sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana , at nilinis ang Juda at ang Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At gayon ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases at Ephraim at Simeon , hanggang sa Nephtali , sa kanilang mga guho sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog , at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel , at nagbalik sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa ikalabing walong taon nga ng kaniyang paghahari , nang kaniyang malinis ang lupain , at ang bahay , ay kaniyang sinugo si Saphan na anak ni Asalias , at si Maasias na tagapamahala ng bayan , at si Joah na anak ni Joachaz na kasangguni , upang husayin ang bahay ng Panginoon niyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y nagsiparoon kay Hilcias na dakilang saserdote at ibinigay ang salapi na napasok sa bahay ng Dios , na nakuha ng mga Levita , na mga tagatanod-pinto , sa kamay ng Manases at ng Ephraim , at sa lahat ng nalabi sa Israel , at sa buong Juda , at Benjamin , at sa mga taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang namamahala sa bahay ng Panginoon ; at ibinigay ng mga manggagawa ng bahay ng Panginoon upang husayin at pagtibayin ang bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa makatuwid baga&apos;y sa mga anluwagi at sa mga nagtatayo ibinigay nila , upang ibili ng mga batong tinabas , at ng mga kahoy na panghalang , at upang ipaggawa ng mga sikang sa mga bahay na giniba ng mga hari , sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain : at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias , na mga Levita , sa mga anak ni Merari ; at si Zacharias at si Mesullam , sa mga anak ng mga Coathita , upang ipagpatuloy : at ang iba sa mga Levita , lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nasa mga tagadala ng mga pasan naman sila , at pinamamahalaan ang lahat na nagsisigawa ng gawain sa sarisaring paglilingkod : at sa mga Levita ay may mga kalihim , at mga pinuno , at mga tagatanod-pinto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang kanilang ilalabas ang salapi na napasok sa bahay ng Panginoon , nasumpungan ni Hilcias na saserdote ang aklat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Hilcias ay sumagot , at sinabi niya kay Saphan na kalihim : Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon , At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dinala ni Saphan ang aklat sa hari , at bukod dito&apos;y nagdala ng salita sa hari , na sinasabi , Lahat na ipinamahala sa iyong mga lingkod , ay kanilang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang ibinubo ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon , at ibinigay sa kamay ng mga tagapamahala , at sa kamay ng mga manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinaysay ni Saphan na kalihim sa hari , na sinasabi , Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat . At binasa ni Saphan sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangyari , nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang hari ay nagutos kay Hilcias , at kay Ahicham na anak ni Saphan , at kay Abdon na anak ni Micha , at kay Saphan na kalihim , at kay Asaia na lingkod ng hari , na kaniyang sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kayo&apos;y magsiyaon , isangguni ninyo ako sa Panginoon , at silang naiwan sa Israel , at sa Juda , tungkol sa mga salita ng aklat na nasumpungan : sapagka&apos;t malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin , sapagka&apos;t hindi iningatan ng ating mga magulang ang salita ng Panginoon , upang gawin ayon sa lahat na nasusulat sa aklat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y si Hilcias at silang pinagutusan ng hari , nagsiparoon kay Hulda na propetisa , na asawa ni Sallum na anak ni Tikoath , na anak ni Hasra , na tagapagingat ng silid ng kasuutan ; ( siya nga&apos;y tumahan sa Jerusalem sa ikalawang pook ; ) at kanilang sinabi sa kanila sa gayong paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi niya sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa dakong ito , at sa mga tagarito , sa makatuwid baga&apos;y lahat ng sumpa na nangakasulat sa aklat na kanilang nabasa sa harap ng hari sa Juda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ako , at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios , upang mungkahiin nila ako sa galit ng lahat na gawa ng kanilang mga kamay ; kaya&apos;t ang aking pagiinit ay nabugso sa dakong ito , at hindi mapapawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t sa hari sa Juda , na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon , ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Tungkol sa mga salita na iyong narinig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ang iyong puso ay malumanay , at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Dios ng iyong marinig ang kaniyang mga salita laban sa dakong ito , at laban sa mga tagarito ; at ikaw ay nagpakababa sa harap ko , at hinapak mo ang iyong suot , at umiyak sa harap ko ; dininig naman kita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Narito , ipipisan kita sa iyong mga magulang , at ikaw ay mapipisan na payapa sa iyong libingan , at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat na kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito , at sa mga tagarito . At sila&apos;y nagbalik ng salita sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y nagsugo ang hari at pinisan ang lahat na matanda sa Juda at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon , at ang lahat na lalake ng Juda , at ang mga taga Jerusalem , at ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang buong bayan , malaki at gayon din ang maliit : at kaniyang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang hari ay tumayo sa kaniyang dako , at nakipagtipan sa harap ng Panginoon , upang lumakad ng ayon sa Panginoon , at upang ingatan ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga patotoo , at ang kaniyang mga palatuntunan , ng buong puso niya , at ng buong kaluluwa niya , upang tuparin ang mga salita ng tipan na nasusulat sa aklat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kaniyang pinapanayo sa tipan ang lahat na nasumpungan sa Jerusalem at Benjamin . At ginawa ng mga taga Jerusalem ang ayon sa tipan ng Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At inalis ni Josias ang lahat na karumaldumal sa lahat ng lupain na ukol sa mga anak ni Israel , at pinapaglingkod ang lahat na nangasumpungan sa Israel , upang mangaglingkod nga sa Panginoon nilang Dios . Lahat ng mga kaarawan niya ay hindi sila nagsihiwalay sa pagsunod sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem ; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua , sa ikalabing apat na araw ng unang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inilagay niya ang mga saserdote sa kanilang mga katungkulan , at pinatapang sila sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya sa mga Levita na nangagturo sa buong Israel , na mga banal sa Panginoon , Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel ; hindi na magkakaroon pa ng pasan sa inyong mga balikat . Maglingkod kayo ngayon sa Panginoon ninyong Dios , at sa kaniyang bayang Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At magsihanda kayo ayon sa mga sangbahayan ng inyong mga magulang ayon sa inyong mga bahagi , ayon sa sulat ni David na hari sa Israel , at ayon sa sulat ni Salomon sa kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At magsitayo kayo sa dakong banal ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng inyong mga kapatid na mga anak ng bayan , at maukol sa bawa&apos;t isa&apos;y isang bahagi ng sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At patayin ninyo ang kordero ng paskua , at mangagpakabanal kayo , at ihanda ninyo sa inyong mga kapatid , upang magsigawa ng ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Josias ay nagbigay sa mga anak ng bayan , buhat sa kawan , ng mga kordero at ng mga anak ng kambing , lahat ng yaon ay mga pinakahandog sa paskua , sa lahat na nakaharap , sa bilang na tatlong pung libo , at tatlong libo na baka : ang mga ito&apos;y mga pag-aari ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang kaniyang mga prinsipe ay nangagbigay ng pinakakusang handog sa bayan , sa mga saserdote , at sa mga Levita . Si Hilcias at si Zacharias at si Jehiel , na mga pinuno sa bahay ng Dios , nangagbigay sa mga saserdote ng mga pinakahandog sa paskua , na dalawang libo at anim na raang tupa at kambing , at tatlong daang baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Chonanias naman , at si Semeias , at si Nathanael , na kaniyang mga kapatid , at si Hasabias at si Jehiel at si Josabad , na mga pinuno ng mga Levita , nangagbigay sa mga Levita ng mga pinakahandog sa paskua , na limang libong tupa at kambing , at limang daang baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y ang paglilingkod ay nahanda , at ang mga saserdote ay nagsitayo sa kanilang dako , at ang mga Levita ayon sa kanilang mga bahagi , ayon sa utos ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang pinatay ang kordero ng paskua , at iwinisik ng mga saserdote ang dugo , na tinangnan nila sa kanilang kamay , at mga nilapnusan ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang ibinago ang mga handog na susunugin , upang kanilang ipamigay ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ng bayan , upang ihandog sa Panginoon , gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises . At gayon ang ginawa nila sa mga baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang inihaw ang kordero ng paskua , sa apoy ayon sa ayos : at ang mga banal na handog ay niluto sa mga palayok , at sa mga kaldera , at sa mga kawali , at pinagdadalang madali sa lahat na anak ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagkatapos ay nangaghanda sila sa kanilang sarili , at sa mga saserdote ; sapagka&apos;t ang mga saserdote na mga anak ni Aaron ay nangasa paghahandog ng mga handog na susunugin at ng taba hanggang sa kinagabihan : kaya&apos;t ang mga Levita ay nangaghanda sa kanilang sarili , at sa mga saserdote na mga anak ni Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga mangaawit na mga anak ni Asaph , ay nangasa kanilang dako , ayon sa utos ni David , at ni Asaph , at ni Heman , at ni Jeduthun na tagakita ng hari ; at ang mga tagatanod-pinto ay nangasa bawa&apos;t pintuang-daan : sila&apos;y hindi nangagkakailangang magsialis sa kanilang paglilingkod ; sapagka&apos;t ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y ang lahat na paglilingkod sa Panginoon ay nahanda nang araw ding yaon , upang ipagdiwang ang paskua , at upang maghandog ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon , ayon sa utos ng haring Josias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga anak ni Israel na nangakaharap ay nangagdiwang ng paskua nang panahong yaon , at ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At hindi nagkaroon ng paskua na gaya ng ipinagdiwang na yaon sa Israel mula sa mga araw ni Samuel na propeta ; ni nagdiwang man ang sinoman sa mga hari sa Israel ng gayong paskua na gaya ng ipinagdiwang ni Josias , at ng mga saserdote , at ng mga Levita , at ng buong Juda at Israel na nangakaharap , at ng mga taga Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagkatapos ng lahat ng ito , nang maihanda ni Josias ang templo , si Nechao na hari sa Egipto ay umahon upang makipaglaban sa Carchemis sa siping ng Eufrates : at si Josias ay lumabas laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t siya&apos;y nagsugo ng mga sugo sa kaniya , na ipinasasabi , Anong aking ipakikialam sa iyo , ikaw na hari sa Juda ? ako&apos;y hindi naparirito laban sa iyo sa araw na ito , kundi laban sa sangbahayan na kinakalaban ko : at iniutos sa akin ng Dios na ako&apos;y magmamadali : iwan mo ang pakikialam sa Dios , na nasa akin nga , upang huwag ka niyang lipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y hindi itinalikod ni Josias ang kaniyang mukha sa kaniya , kundi nagpakunwaring iba , upang siya&apos;y makipaglaban sa kaniya , at hindi dininig ang salita ni Nechao , na mula sa bibig ng Dios , at naparoong nakipaglaban sa libis ng Megiddo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pinana ng mga mamamana si Josias : at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod , Ilabas ninyo ako ; sapagka&apos;t ako&apos;y nasugatan ng mabigat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa gayo&apos;y inalis siya ng kaniyang mga lingkod sa karo , at inilagay siya sa ikalawang karo , na kaniyang dala , at dinala siya sa Jerusalem ; at siya&apos;y namatay , at nalibing sa mga libingan ng kaniyang mga magulang . At ang buong Juda at Jerusalem ay tumangis kay Josias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At tinaghuyan ni Jeremias si Josias : at ang lahat na mangaawit na lalake at babae ay nagsipanambitan tungkol kay Josias sa kanilang mga panaghoy , hanggang sa araw na ito ; at sila&apos;y nagsigawa ng alituntunin sa Israel ; at , narito , nangasusulat sa mga panaghoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang iba nga sa mga gawa ni Josias , at ang kaniyang mga mabuting gawa , ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang kaniyang mga gawa , na una at huli , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Joachaz ay may dalawang pu&apos;t tatlong taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inalis siya sa Jerusalem ng hari sa Egipto , at pinabuwis ang lupain ng isang daang talentong pilak at ng isang talentong ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At inihalal na hari sa Juda at sa Jerusalem ng hari sa Egipto si Eliacim na kaniyang kapatid , at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim . At kinuha ni Nechao si Joachaz na kaniyang kapatid , at dinala niya siya sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Joacim ay may dalawang pu&apos;t limang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing labing isang taon , sa Jerusalem : at siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at tinanikalaan siya , upang dalhin siya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Si Nabucodonosor ay nagdala naman ng mga sisidlan ng bahay ng Panginoon sa Babilonia , at inilagay sa kaniyang templo sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim , at ang kaniyang mga karumaldumal na kaniyang ginawa , at ang nasumpungan sa kaniya , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda : at si Joachin , na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Joachin ay may walong taong gulang nang siya&apos;y magpasimulang maghari : at siya&apos;y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem : at siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa pagpihit ng taon , si Nabucodonosor ay nagsugo , at dinala siya sa Babilonia , pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Zedecias ay may dalawang pu&apos;t isang taong gulang nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios ; siya&apos;y hindi nagpakababa sa harap ni Jeremias na propeta na nagsasalita ng galing sa bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya rin nama&apos;y nanghimagsik laban sa haring Nabucodonosor , na siyang nagpasumpa sa kaniya sa pangalan ng Dios : nguni&apos;t pinapagmatigas niya ang kaniyang ulo at pinapagmatigas niya ang kaniyang puso sa panunumbalik sa Panginoon , sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bukod dito&apos;y lahat ng mga pinuno ng mga saserdote , at ang bayan , ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa ; at kanilang dinumhan ang bahay ng Panginoon na kaniyang itinalaga sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo , na bumangong maaga at nagsugo , sapagka&apos;t siya&apos;y nagdalang habag sa kaniyang bayan , at sa kaniyang tahanang dako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios , at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita , at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo , na siyang pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario , at hindi nagkaroon ng habag sa binata , o sa dalaga , sa matanda o sa may uban : ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At lahat ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios , malaki at maliit , at ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ang mga kayamanan ng hari , at ng kaniyang mga prinsipe ; lahat ng mga ito&apos;y dinala niya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinunog nila ang bahay ng Dios , at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem , at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya , at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga nakatanan sa tabak , dinala niya sa Babilonia ; at mga naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang ganapin ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias , hanggang sa ang lupain ay nagalak sa kaniyang mga sabbath : sapagka&apos;t habang giba ay kaniyang ipinagdidiwang ang sabbath , upang ganapin ang pitong pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia , upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap , kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia , na siya&apos;y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian , at isinulat din naman , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia : Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon , ng Dios ng langit ; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem , na nasa Juda . Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan , sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios , at umahon siya .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "15">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia , upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap , kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia , na siya&apos;y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian , at isinulat din naman , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia , Ibinigay sa akin ng Panginoon , ng Dios ng langit , ang lahat na kaharian sa lupa ; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem , na nasa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan , sumakaniya nawa ang kaniyang Dios , at umahon siya sa Jerusalem , na nasa Juda , at itayo ang bahay ng Panginoon , ng Dios ng Israel , ( siya&apos;y Dios , ) na nasa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan , tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak , at ng ginto , at ng mga pag-aari , at ng mga hayop , bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin , at ang mga saserdote , at ang mga Levita , sa makatuwid baga&apos;y lahat na ang diwa&apos;y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak , ng ginto , ng mga pag-aari , at ng mga hayop , at ng mga mahalagang bagay , bukod pa sa lahat na kusang inihandog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem , at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa makatuwid baga&apos;y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman , at mga binilang kay Sesbassar , na prinsipe sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ito ang bilang ng mga yaon : tatlong pung pinggang ginto , at isang libong pinggang pilak , dalawang pu&apos;t siyam na sundang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tatlong pung mangkok na ginto , mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu , at ang ibang mga sisidlan ay isang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan . Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar , nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito nga&apos;y ang mga anak ng lalawigan , na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala , na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda , na bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na nagsidating na kasama ni Zorobabel , si Jesua , si Nehemias , si Seraias , si Reelias , si Mardocheo , si Bilsan , si Mispar , si Bigvai , si Rehum , si Baana . Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga anak ni Paros , dalawang libo&apos;t isang daan at pitong pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga anak ni Sephatias , tatlong daan at pitong pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga anak ni Ara , pitong daan at pitong pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga anak ni Pahath-moab , sa mga anak ni Josue at ni Joab , dalawang libo&apos;t walong daan at labing dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga anak ni Elam , isang libo&apos;t dalawang daan at limang pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga anak ni Zattu , siyam na raan at apat na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga anak ni Zachai , pitong daan at anim na pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga anak ni Bani , anim na raan at apat na pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga anak ni Bebai , anim na raan at dalawang pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga anak ni Azgad , isang libo at dalawang daan at dalawang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga anak ni Adonicam , anim na raan at anim na pu&apos;t anim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga anak ni Bigvai , dalawang libo at limang pu&apos;t anim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga anak ni Adin , apat na raan at limang pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga anak ni Ater , ni Ezechias , siyam na pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga anak ni Besai , tatlong daan at dalawang pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga anak ni Jora , isang daan at labing dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga anak ni Bethlehem , isang daan at dalawang pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga lalake ng Nethopha , limang pu&apos;t anim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga lalake ng Anathoth , isang daan at dalawang pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga anak ni Azmaveth , apat na pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga anak ni Chiriathjearim , ni Cephira , at ni Beeroth , pitong daan at apat na pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba , anim na raan at dalawang pu&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang mga lalake ng Michmas , isang daan at dalawang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai , dalawang daan at dalawang pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga anak ni Nebo , limang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga anak ni Magbis , isang daan at limang pu&apos;t anim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga anak ng ibang Elam , isang libo&apos;t dalawang daan at limang pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang mga anak ni Harim , tatlong daan at dalawang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang mga anak ni Lod , ni Hadid , at ni Ono , pitong daan at dalawang pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang mga anak ni Jerico , tatlong daan at apat na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mga anak ni Senaa , tatlong libo&apos;t anim na raan at tatlong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang mga saserdote : ang mga anak ni Jedaia , sa sangbahayan ng Jesua , siyam na raan at pitong pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang mga anak ni Immer , isang libo at limang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ang mga anak ni Pashur , isang libo&apos;t dalawang daan at apat na pu&apos;t pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang mga anak ni Harim , isang libo at labing pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang mga Levita : ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel , sa mga anak ni Hodavias , pitong pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang mga mangaawit : ang mga anak ni Asaph , isang daan at dalawang pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto : ang mga anak ni Sallum , ang mga anak ni Ater , ang mga anak ni Talmon , ang mga anak ni Accub , ang mga anak ni Hatita , ang mga anak ni Sobai , ang lahat ay isang daan at tatlong pu&apos;t siyam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang mga Nethineo : ang mga anak ni Siha , ang mga anak ni Hasupha , ang mga anak ni Thabaoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ang mga anak ni Cheros , ang mga anak ni Siaa , ang mga anak ni Phadon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang mga anak ni Lebana , ang mga anak ni Hagaba , ang mga anak ni Accub ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ang mga anak ni Hagab , ang mga anak ni Samlai , ang mga anak ni Hanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang mga anak ni Gidiel , ang mga anak ni Gaher , ang mga anak ni Reaia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ang mga anak ni Resin , ang mga anak ni Necoda , ang mga anak ni Gazam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang mga anak ni Uzza , ang mga anak ni Phasea , ang mga anak ni Besai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ang mga anak ni Asena , ang mga anak ni Meunim , ang mga anak ni Nephusim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ang mga anak ni Bacbuc , ang mga anak ni Hacusa , ang mga anak ni Harhur ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ang mga anak ni Bazluth , ang mga anak ni Mehida , ang mga anak ni Harsa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Ang mga anak ni Bercos , ang mga anak ni Sisera , ang mga anak ni Tema ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang mga anak ni Nesia , ang mga anak ni Hatipha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay : ang mga anak ni Sotai , ang mga anak ni Sophereth , ang mga anak ni Peruda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ang mga anak ni Jaala , ang mga anak ni Darcon , ang mga anak ni Giddel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Ang mga anak ni Sephatias , ang mga anak ni Hatil , ang mga anak ni Pochereth-hassebaim , ang mga anak ni Ami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Lahat ng mga Nethineo , at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon , tatlong daan at siyam na pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela , Tel-harsa , Cherub , Addan , at Immer : nguni&apos;t hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ang kanilang binhi kung sila&apos;y taga Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Ang mga anak ni Delaia , ang mga anak ni Tobias , ang mga anak ni Nicoda , anim na raan at limang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At sa mga anak ng mga saserdote : ang mga anak ni Abaia , ang mga anak ni Cos , ang mga anak ni Barzillai , na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita , at tinawag ayon sa kanilang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi , nguni&apos;t hindi nangasumpungan : kaya&apos;t sila&apos;y nangabilang na hawa , at nangaalis sa pagkasaserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At sinabi ng tagapamahala sa kanila , na sila&apos;y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay , hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu&apos;t dalawang libo at tatlong daan at anim na pu ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae , na may pitong libo&apos;t tatlong daan at tatlong pu&apos;t pito : at sila&apos;y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu&apos;t anim ; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu&apos;t lima ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Ang kanilang mga kamelyo , apat na raan at tatlong pu&apos;t lima ; ang kanilang mga asno , anim na libo&apos;t pitong daan at dalawang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , nang sila&apos;y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem , ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios , upang husayin sa kinatatayuan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">Sila&apos;y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain , na anim na pu&apos;t isang libong darikong ginto , at limang libong librang pilak , at isang daan na bihisan ng mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Gayon ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang iba sa bayan , at ang mga mangaawit , at ang mga tagatanod-pinto , at ang mga Nethineo , nagsitahan sa kanilang mga bayan , at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang dumating ang ikapitong buwan , at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan , ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y tumayo si Jesua na anak ni Josadec , at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote , at si Zorobabel na anak ni Sealthiel , at ang kaniyang mga kapatid , at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel , upang paghandugan ng mga handog na susunugin , gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises , na lalake ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya ; sapagka&apos;t ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain : at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ng mga handog na susunugin sa umaga&apos;t hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan ng mga balag , gaya ng nasusulat , at naghandog ng mga handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang , ayon sa ayos , gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa&apos;t araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagkatapos ng palaging handog na susunugin , at ng mga handog sa mga bagong buwan , at ng lahat na takdang kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga , at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mula sa unang araw ng ikapitong buwan , nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon : nguni&apos;t ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero , at sa mga anluwagi ; at pagkain , at inumin , at langis , sa kanila na mga taga Sidon , at sa kanila na mga taga Tiro , upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat , hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem , sa ikalawang buwan , nangagpasimula si Zorobabel na anak ni Sealthiel , at si Jesua na anak ni Josadec , at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita , at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag ; at inihalal ang mga Levita , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak , at ng kaniyang mga kapatid , si Cadmiel at ang kaniyang mga anak , ang mga anak ni Juda , na magkakasama , upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios : ang mga anak ni Henadad , na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon , kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis , na may mga pakakak , at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo , upang magsipuri sa Panginoon , ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y nagawitang isa&apos;t isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon , na nangagsasabi : Sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti , sapagka&apos;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel . At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas , nang sila&apos;y magsipuri sa Panginoon , sapagka&apos;t ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t marami sa mga saserdote , at mga Levita , at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , mga matanda na nangakakita ng unang bahay , ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata , ay nagsiiyak ng malakas ; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na anopa&apos;t hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan ; sapagka&apos;t ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw , at ang ingay ay narinig sa malayo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon , sa Dios ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nagsilapit nga sila kay Zorobabel , at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , at nangagsabi sa kanila , Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo : sapagka&apos;t aming hinahanap ang inyong Dios , na gaya ng inyong ginagawa ; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria , na nagahon sa amin dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t si Zorobabel , at si Jesua , at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , ay nangagsabi sa kanila , Kayo&apos;y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios ; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon , ang Dios ng Israel , gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda , at binagabag sila sa pagtatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila , upang iurong ang kanilang akala , sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia , hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa paghahari ni Assuero , sa pasimula ng kaniyang paghahari , nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa mga kaarawan ni Artajerjes , nagsisulat si Bislam , si Mitridates , si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia ; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria , at ang laman niyaon ay wikang Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim , sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim , at ang nalabi sa kanilang mga kasama ; ang mga Dinaita , at ang mga Apharsacita , ang mga Tharphelita , ang mga Apharsita , ang mga Archevita , ang mga Babilonio , ang mga Susanchita , ang mga Dehaita , ang mga Elamita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si Asnappar , at inilagay sa bayan ng Samaria , at sa nalabi sa lupain , na nasa dako roon ng Ilog , at sa iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari : Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog , at iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Talastasin ng hari , na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem ; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan , at nayari ang mga kuta , at isinauli ang mga tatagang-baon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Talastasin ngayon ng hari , na , kung ang bayang ito ay matayo , at ang mga kuta ay mayari , sila&apos;y hindi mangagbabayad ng buwis , kabayaran , o upa , at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari , at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari , kaya&apos;t kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang : sa gayo&apos;y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala , at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan , at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan , at sila&apos;y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon : na siyang ikinagiba ng bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aming pinatototohanan sa hari , na , kung ang bayang ito ay matayo , at ang mga kuta ay mayari , ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni , at kay Simsai na kalihim , at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria , at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog : Kapayapaan , at iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang sulat na inyong ipinadala sa amin , ay nabasa na maliwanag sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ako&apos;y nagpasiya , at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari , at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem , na nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog ; at buwis , kabayaran , at upa , ay nabayad sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito , at upang ang bayang ito ay huwag matayo , hanggang sa ang pasiya ay magawa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kayo&apos;y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito : bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum , at ni Simsai na kalihim , at ng kanilang mga kasama , sila&apos;y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio , at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem ; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario , na hari sa Persia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga propeta nga , si Haggeo na propeta , at si Zacharias na anak ni Iddo , ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem ; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel , at si Jesua na anak ni Josadach , at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem ; at kasama nila ang mga propeta ng Dios , na nagsisitulong sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai , na tagapamahala sa dako roon ng Ilog , at si Sethar-boznai , at ang kanilang mga kasama , at nagsabi ng ganito sa kanila : Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito , at yariin ang kutang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan : Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ang mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio , at hindi nila pinatigil , hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario , at nang magkagayo&apos;y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang salin ng sulat na ipinadala ni Tatnai , na tagapamahala sa dako roon ng Ilog at ni Sethar-boznai , at ng kaniyang mga kasama na mga Apharsachita , na nangasa dako roon ng Ilog , kay Dario na hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya , na kinasusulatan ng ganito : Kay Dario na hari , buong kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Talastasin ng hari , na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda , sa bahay ng dakilang Dios , na natayo ng mga malaking bato , at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta ; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y tumanong kami sa mga matandang yaon , at nagsabi sa kanila ng ganito : Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito at upang yariin ang kutang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Aming itinanong naman sa kanila ang kanilang mga pangalan , na patotohanan sa iyo , upang aming maisulat ang mga pangalan ng mga tao na nangungulo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ganito sila nangagbalik ng sagot sa amin , na nangagsasabi , Kami ay mga lingkod ng Dios ng langit at lupa , at nangagtatayo ng bahay na natayo nitong malaong panahon , na itinayo at niyari ng isang dakilang hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang , ibinigay niya sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na Caldeo , na siyang gumiba ng bahay na ito , at dinala ang bayan sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t sa unang taon ni Ciro na hari sa Babilonia , gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem , at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia , ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari , at ibinigay sa isang nagngangalang Sesbassar , na siya niyang ginawang tagapamahala ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kaniya , Kunin mo ang mga sisidlang ito , ikaw ay yumaon , ipagpasok mo sa templo na nasa Jerusalem , at ipahintulot mo na matayo ang bahay ng Dios sa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y naparoon ang Sesbassar na yaon , at inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem : at mula sa panahong yaon hanggang ngayon ay itinatayo , at hindi pa yari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon nga , kung inaakalang mabuti ng hari , magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari , na nandiyan sa Babilonia , kung gayon nga , na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem , at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y si Dario , na hari ay gumawa ng pasiya , at ang pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat , na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nasumpungan sa Achmetta , sa bahay-hari na nasa lalawigan ng Media , ang isang ikid , at doo&apos;y nasusulat ang ganito na pinakaalaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang unang taon ni Ciro na hari , si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya : Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem , ipahintulot na matayo ang bahay , ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain , at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon ; ang taas niyao&apos;y anim na pung siko , at ang luwang niyao&apos;y anim na pung siko ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na may tatlong hanay na mga malaking bato , at isang hanay ng bagong kahoy : at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem , at nangadala sa Babilonia , masauli , at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem , bawa&apos;t isa&apos;y sa kanikaniyang dako , at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ngayon nga , Tatnai , na tagapamahala sa dako roon ng Ilog , Setharboznai , at ang inyong mga kasama na mga Apharsachita , na nasa dako roon ng Ilog , magsilayo kayo mula riyan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pabayaan ninyo ang gawain sa bahay na ito ng Dios ; ipahintulot ninyo na itayo ng tagapamahala ng mga Judio at ng mga matanda ng mga Judio ang bahay na ito ng Dios sa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bukod dito&apos;y gumagawa ako ng pasiya kung ano ang inyong gagawin sa mga matandang ito ng mga Judio sa pagtatayo ng bahay na ito ng Dios : na sa mga pag-aari ng hari , sa makatuwid baga&apos;y sa buwis sa dako roon ng Ilog , ang mga magugugol ay ibigay ng buong sikap sa mga taong ito upang huwag mangagluwat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang kanilang kakailanganin , mga guyang toro , at gayon din ang mga tupa , at mga kordero , na ukol sa mga handog na susunugin para sa Dios ng langit ; trigo , asin , alak , at langis , ayon sa salita ng mga saserdote na nangasa Jerusalem , ibigay sa kanila araw-araw na walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang sila&apos;y makapaghandog ng mga hain na pinaka masarap na amoy sa Dios ng langit , at idalangin ang buhay ng hari at ng kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako nama&apos;y gumawa ng pasiya , na sinomang bumago ng salitang ito , hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya , at mabitin doon ; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At lipulin ng Dios na nagpatahan ng kaniyang pangalan doon ang lahat ng mga hari at mga bayan , na maguunat ng kanilang kamay na baguhin , upang gibain ang bahay na ito ng Dios na nasa Jerusalem . Akong si Dario ang gumawa ng pasiya : isagawa ng buong sikap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y si Tatnai na tagapamahala sa dako roon ng Ilog , si Sethar-boznai , at ang kanilang mga kasama , dahil sa iniutos ni Dario na hari , ay gumawa ng buong sikap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong , ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo . At kanilang itinayo at niyari , ayon sa utos ng Dios ng Israel , at ayon sa pasiya ni Ciro at ni Dario , at ni Artajerjes na hari sa Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng Adar , nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga anak ni Israel , ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag , ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka , dalawang daang lalaking tupa , apat na raang kordero ; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel , ay labing dalawang lalaking kambing , ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi , at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili , sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem ; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis na magkakasama ; silang lahat ay malilinis : at kanilang pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag , at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote , at sa kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga anak ni Israel , na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag , at yaong lahat na sa kanila&apos;y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain , upang hanapin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ay nagsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan : sapagka&apos;t pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila , upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios , ng Dios ng Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos nga ng mga bagay na ito , sa paghahari ni Artajerjes na hari sa Persia , si Ezra na anak ni Seraias , na anak ni Azarias , na anak ni Hilcias ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na anak ni Sallum , na anak ni Sadoc , na anak ni Achitob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na anak ni Amarias , na anak ni Azarias , na anak ni Meraioth ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na anak ni Zeraias , na anak ni Uzzi , na anak ni Bucci ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na anak ni Abisue , na anak ni Phinees , na anak ni Eleazar , na anak ni Aaron , na pangulong saserdote :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia . At siya&apos;y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises , na ibinigay ng Panginoon , ng Dios ng Israel : at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan , ayon sa kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel , at sa mga saserdote , at sa mga Levita , at sa mga mangaawit , at sa mga tagatanod-pinto , at sa mga Nethineo , sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan , na sa ikapitong taon ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia , at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem , ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon , at upang gawin , at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote , na kalihim , na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon , at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Artajerjes , na hari ng mga hari , kay Ezra na saserdote , na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit , na sakdal at iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako&apos;y gumagawa ng pasiya , na silang lahat na sa bayan ng Israel , at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita , sa aking kaharian , na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem , ay magsisama sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang pitong kasangguni , upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem , ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel , na ang tahanan ay nasa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia , pati ng kusang handog ng bayan , at ng mga saserdote , na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro , mga lalaking tupa , mga kordero , pati ng mga handog na harina at ng mga handog na inumin ng mga yaon , at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto , gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios , ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios , na ipagkakailangan mong ibigay , ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ako , akong si Artajerjes na hari , nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog , na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote , na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit , ibigay ng buong sikap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hanggang isang daang talentong pilak , at hanggang isang daang takal ng trigo , at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis , at asin na walang tasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Anomang iniutos ng Dios ng langit , gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit ; sapagka&apos;t bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pinatototohanan din naman namin sa inyo , na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita , mga mangaawit , mga tagatanod-pinto , mga Nethineo , o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios , ay hindi marapat na lapatan sila ng buwis , kabayaran , o upa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ikaw , Ezra , ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay , maghalal ka ng mga magistrado , at mga hukom , na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog , niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios ; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios , at ng kautusan ng hari , gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap , maging sa kamatayan , o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pag-aari , o sa pagkabilanggo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Purihin ang Panginoon , ang Dios ng ating mga magulang , na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari , na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari , at ng kaniyang mga kasangguni , at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari . At ako&apos;y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin , at ako&apos;y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ito ang talaan ng lahi nila na nagsiahong kasama ko mula sa Babilonia , sa paghahari ni Artajerjes na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa mga anak ni Phinees , si Gerson ; sa mga anak ni Ithamar , si Daniel ; sa mga anak ni David , si Hattus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa mga anak ni Sechanias : sa mga anak ni Pharos , si Zacarias ; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa mga anak ni Pahath-moab , si Eliehoenai na anak ni Zarahias , at kasama niya&apos;y dalawang daang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa mga anak ni Sechanias , ang anak ni Jahaziel ; at kasama niya&apos;y tatlong daang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa mga anak ni Adin , si Ebed na anak ni Jonathan ; at kasama niya ay limang pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa mga anak ni Elam , si Isaia na anak ni Athalias , at kasama niya&apos;y pitong pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa mga anak ni Sephatias , si Zebadias na anak ni Michael ; at kasama niya&apos;y walong pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa mga anak ni Joab , si Obadias na anak ni Jehiel ; at kasama niya&apos;y dalawang daan at labing walong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa mga anak ni Solomit , ang anak ni Josiphias ; at kasama niya&apos;y isang daan at anim na pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa mga anak ni Bebai , si Zacarias na anak ni Bebai ; at kasama niya ay dalawang pu&apos;t walong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa mga anak ni Azgad , si Johanan na anak ni Catan ; at kasama niya ay isang daan at sangpung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa mga anak ni Adonicam , na siyang mga huli : at ang mga ito ang kanilang mga pangalan : Eliphelet , Jeiel , at Semaias , at kasama nila ay anim na pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa mga anak ni Bigvai , si Utai at si Zabud : at kasama nila ay pitong pung lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava ; at doo&apos;y nangagpahinga kaming tatlong araw ; at aking minasdan ang bayan at ang mga saserdote , at walang nasumpungan doon sa mga anak ni Levi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y ipinasundo ko si Eliezer , si Ariel , si Semaias , at si Elnathan , at si Jarib , at si Elnathan , at si Nathan , at si Zacarias , at si Mesullam , na mga pangulong lalake ; gayon din si Joiarib , at si Elnathan , na mga tagapagturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia ; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo , at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo , sa dako ng Casipia , upang sila&apos;y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino , sa mga anak ni Mahali , na anak ni Levi , na anak ni Israel ; at si Serebias , pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid , labing walo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Hasabias , at kasama niya&apos;y si Isaia sa mga anak ni Merari , ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake , dalawang pu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa mga Nethineo , na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita , dalawang daan at dalawang pung Nethineo ; silang lahat ay nasasaysay ayon sa pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y nagtanyag ako ng ayuno doon , sa ilog ng Ahava , upang tayo&apos;y magpakababa sa harap ng ating Dios , upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan , sa ganang atin , at sa ating mga bata , at sa lahat ng ating pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ako&apos;y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo , at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan : sapagka&apos;t aming sinalita sa hari , na sinasabi , Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya , sa ikabubuti ; nguni&apos;t ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito : at dininig niya tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote , sa makatuwid baga&apos;y si Serebias , si Hasabias , at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At tinimbang sa kanila ang pilak , at ang ginto , at ang mga sisidlan , sa makatuwid baga&apos;y ang handog sa bahay ng ating Dios , na pinaghandugan ng hari , at ng kaniyang mga kasangguni , at ng kaniyang mga prinsipe , at ng buong Israel na nakaharap doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak , at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento : sa ginto ay isang daang talento ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At dalawang pung mangkok na ginto , na may isang libong dariko ; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso , na halagang gaya ng ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ko sa kanila , Kayo&apos;y banal sa Panginoon , at ang mga sisidlan ay natatalaga ; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon , na Dios ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Magsipagbantay kayo , at ingatan ninyo , hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote , at ng mga Levita , at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , sa Jerusalem , sa mga silid ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa gayo&apos;y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto , at ng mga sisidlan , upang dalhin sa Jerusalem , sa bahay ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng Ahava , nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan , upang pumaroon sa Jerusalem : at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin , at iniligtas niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At tayo ay nagsidating sa Jerusalem , at nagsitahan doon na tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang ikaapat na araw , ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni Meremoth na anak ni Urias na saserdote ( at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees ; at kasama nila si Jozabad na anak ni Jesua , at si Noadias na anak ni Binnui , na mga Levita )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang kabuoan sa pamamagitan ng bilang , at ng timbang : at ang buong timbang ay nasulat nang panahong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mga anak sa pagkabihag , na nagsipanggaling sa pagkatapon , ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel , labing dalawang toro sa ganang buong Israel , siyam na pu&apos;t anim na lalaking tupa , pitong pu&apos;t pitong kordero , labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan : lahat ng ito&apos;y handog na susunugin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari , at sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog : at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magawa nga ang mga bagay na ito , ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin , na nangagsasabi : Ang bayan ng Israel , at ang mga saserdote , at ang mga Levita , ay hindi nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain , na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal , sa makatuwid baga&apos;y ang mga Cananeo , ang mga Hetheo , ang mga Pherezeo , ang mga Jebuseo , ang mga Ammonita , ang mga Moabita , ang mga taga Egipto , at ang mga Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kinuha nila ang kanilang mga anak na babae sa ganang kanilang sarili , at sa kanilang mga anak na lalake , na anopa&apos;t ang banal na binhi ay nahalo nga sa bayan ng mga lupain : oo , ang kamay ng mga prinsipe at ng mga pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang mabalitaan ko ang bagay na ito , aking hinapak ang aking suot at ang aking balabal , at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba , at ako&apos;y naupong natitigilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y nagpipisan sa akin ang lahat na nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel , dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag ; at ako&apos;y naupong natitigilan hanggang sa pagaalay sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba , na hapak ang aking suot at ang aking balabal ; at ako&apos;y lumuhod ng aking mga tuhod , at iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking sinabi , Oh aking Dios ; ako&apos;y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo , na aking Dios : sapagka&apos;t ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo , at ang aming sala ay umabot hanggang sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito ; at dahil sa aming mga kasamaan , kami , ang aming mga hari , at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain , sa tabak , sa pagkabihag , sa pagkasamsam , at sa kahihiyan ng mukha , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios , upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang pako sa kaniyang dakong banal , upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata , at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kami ay mga alipin ; gayon ma&apos;y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin , kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia , upang bigyan kami ng kabuhayan , upang itayo ang bahay ng aming Dios , at upang husayin ang sira niyaon , at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayon , Oh aming Dios , ano ang aming sasabihin pagkatapos nito ? sapagka&apos;t aming pinabayaan ang iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta , na nangagsasabi , Ang lupain , na inyong pinaroroonan upang ariin , ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain , dahil sa kanilang mga karumaldumal , na pinuno sa dulo&apos;t dulo ng kanilang karumihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon nga&apos;y huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake , ni kunin man ninyo ang kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake , ni hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang kaginhawahan magpakailan man : na kayo baga&apos;y magsilakas , at magsikain ng buti ng lupain , at iwan ninyo na pinakamana sa inyong mga anak magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa , at dahil sa aming malaking sala , sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin , ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan , at binigyan mo kami ng ganitong nalabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos , at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito ? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa inyong malipol kami , na anopa&apos;t huwag magkaroon ng nalabi , o ng sinomang nakatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oh Panginoon , na Dios ng Israel , ikaw ay matuwid , sapagka&apos;t kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan , na gaya sa araw na ito : narito , kami ay nangasa harap mo sa aming sala ; sapagka&apos;t walang makatatayo sa harap mo dahil dito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Habang si Ezra nga ay dumadalangin , at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios , nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata : sapagka&apos;t ang bayan ay umiyak na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Sechanias na anak ni Jehiel , na isa sa mga anak ni Elam , ay sumagot at nagsabi kay Ezra : Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios , at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain : gayon man , may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ngayon nga&apos;y mangakipagtipan tayo sa ating Dios , na ating ihiwalay ang lahat na asawa , at ang mga ipinanganak nila , ayon sa payo ng aking panginoon , at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios ; at gawin ayon sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bumangon ka : sapagka&apos;t bagay na ukol sa iyo , at kami ay sumasaiyo : magpakatapang kang mabuti , at iyong gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote , ang mga Levita at ang buong Israel , na kanilang gagawin ayon sa salitang ito . Sa gayo&apos;y sumumpa sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios , at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib : at nang siya&apos;y dumating doon , siya&apos;y hindi kumain ng tinapay , o uminom man ng tubig : sapagka&apos;t siya&apos;y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y gumawa ng pahayag sa Juda&apos;t Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag , na sila&apos;y magpipisan sa Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw , ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda , lahat niyang pag-aari ay sasamsamin , at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw ( siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan ) : at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios , na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Ezra na saserdote ay tumayo , at nagsabi sa kanila : Kayo&apos;y nagsisalangsang , at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan , upang palalain ang sala ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayon nga&apos;y mangagpahayag kayo sa Panginoon , sa Dios ng inyong mga magulang , at inyong gawin ang kaniyang kalooban : at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain , at sa mga babaing tagaibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas , Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin , gayon ang nararapat naming gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ang bayan ay marami , at panahong maulan , at kami ay hindi makatatayo sa labas : ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa : sapagka&apos;t kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan , at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan , at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan , at ang mga hukom doon , hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin , hanggang sa ang bagay na ito ay matapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Si Jonathan lamang na anak ni Asael , at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito : at si Mesullam , at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag . At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan , ay nangaghiwalay ; at sila&apos;y nangaupo sa unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan ; sa mga anak ni Jesua , na anak ni Josadec , at sa kaniyang mga kapatid , si Maasias , at si Elieser , at si Jarib , at si Gedalias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa ; at yamang mga salarin , sila&apos;y nangaghandog ng isang lalaking tupa sa kawan dahil sa kanilang sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa mga anak ni Immer ; si Hanani at si Zebadias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa mga anak ni Harim ; si Maasias , at si Elias , at si Semeias , at si Jehiel , at si Uzzias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa mga anak ni Phasur ; si Elioenai , si Maasias , si Ismael , si Nathanael , si Jozabad at si Elasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa mga Levita ; si Jozabad , at si Simi , at si Kelaia ( na siya ring Kelita ) , si Pethaia , si Juda , at si Eliezer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa mga mangaawit : si Eliasib : at sa mga tagatanod-pinto ; si Sellum , at si Telem , at si Uri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa Israel : sa mga anak ni Pharos ; si Ramia at si Izzias , at si Malchias , at si Miamim , at si Eleazar , at si Malchias , at si Benaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa mga anak ni Elam : si Mathanias , si Zacharias , at si Jehiel , at si Abdi , at si Jeremoth , at si Elia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa mga anak ni Zattu ; si Elioenai , si Eliasib , si Mathanias , at si Jeremoth , at si Zabad , at si Aziza .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa mga anak ni Bebai ; si Johanan , si Hananias , si Zabbai , at si Atlai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa mga anak ni Bani ; si Mesullam , si Malluch , at si Adaias , si Jasub , si Seal , at si Ramoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa mga anak ni Pahath-moab ; si Adna , at si Cheleal , si Benaias , si Maasias , si Mathanias , si Besaleel , at si Bennui , at si Manases .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sa mga anak ni Harim ; si Eliezer , si Issia , at si Malchias , si Semeia , si Simeon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Benjamin , si Malluch , si Semarias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa mga anak ni Hasum ; si Mathenai , si Mathatha , si Zabad , si Eliphelet , si Jeremai , si Manases , at si Sami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa mga anak ni Bani ; si Maadi si Amram , at si Uel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Si Benaias , si Bedias , si Cheluhi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Si Vanias , si Meremoth , si Eliasib ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Si Mathanias , si Mathenai , at si Jaasai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At si Bani , at si Binnui , si Simi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At si Selemias , at si Nathan , at si Adaias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Si Machnadbai , si Sasai , si Sarai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Si Azareel , at si Selemias , si Semarias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Si Sallum , si Amarias , si Joseph .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sa mga anak ni Nebo ; si Jehiel , si Matithias , si Zabad , si Zebina , si Jadau , at si Joel , si Benaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Lahat ng mga ito&apos;y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan : at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "16">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hachalias . Nangyari nga sa buwan ng Chislu , sa ikadalawang pung taon , samantalang ako&apos;y nasa bahay-hari sa Susan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na si Hanani , na isa sa aking mga kapatid , ay dumating , siya at ilang lalake na mula sa Juda ; at tinanong ko sila ng tungkol sa mga Judio na nakatanan , na nangaiwan sa pagkabihag , at tungkol sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi nila sa akin , Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan , ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan : ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak , at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , nang marinig ko ang mga salitang ito , na ako&apos;y naupo at umiyak , at nanangis na ilang araw ; at ako&apos;y nagayuno , at dumalangin sa harap ng Dios ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsabi , Aking idinadalangin sa iyo , Oh Panginoon , na Dios ng langit , na dakila at kakilakilabot na Dios , na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya , at nangagiingat ng kaniyang mga utos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pakinggan ngayon ng iyong tainga , at idilat ang iyong mga mata , upang iyong dinggin ang dalangin ng iyong lingkod , na aking idinadalangin sa harap mo sa panahong ito , araw at gabi , dahil sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod , habang aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel , na aming ipinagkasala laban sa iyo . Oo , ako at ang sangbahayan ng aking magulang ay nagkasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kami ay lubhang nagpakahamak laban sa iyo , at hindi nangagingat ng mga utos , o ng mga palatuntunan man , o ng mga kahatulan , na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Alalahanin mo , isinasamo ko sa iyo , ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises , na sinasabi , Kung kayo&apos;y magsisalangsang , aking pangangalatin kayo sa lahat na bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t kung kayo&apos;y magsibalik sa akin , at ingatan ninyo ang aking mga utos , at gawin , bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng mga langit , akin ngang pipisanin sila mula roon , at dadalhin ko sila sa dakong aking pinili upang patahanin doon ang aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga ito nga&apos;y ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan , na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan , at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , pakinggan ngayon ng inyong pakinig ang dalangin ng iyong lingkod , at ang dalangin ng iyong mga lingkod , na nangasasayahang matakot sa iyong pangalan : at paginhawahin mo , isinasamo ko sa iyo , ang iyong lingkod sa araw na ito , at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito . ( Ngayo&apos;y tagahawak ako ng saro ng hari . )</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa buwan ng Nisan , sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari , nang ang alak ay nasa harap niya , na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari . Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng hari sa akin , Bakit ang iyong mukha ay malungkot , dangang wala kang sakit ? ito&apos;y dili iba kundi kalungkutan ng puso . Nang magkagayo&apos;y natakot akong mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ko sa hari , Mabuhay ang hari magpakailan man : bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot , kung ang bayan , ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba , at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari sa akin , Ano ang iyong hinihiling ? Sa gayo&apos;y dumalangin ako sa Dios ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsabi ako sa hari , Kung ikinalulugod ng hari , at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda , sa bayan ng libingan sa aking mga magulang , upang aking maitayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang hari ay nagsabi sa akin , ( ang reina ay nakaupo naman sa siping niya , ) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay ? at kailan ka babalik ? Sa gayo&apos;y nalugod ang hari na suguin ako , at nagtakda ako sa kaniya ng panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bukod dito&apos;y sinabi ko sa hari , Kung ikinalulugod ng hari , bigyan ako ng mga sulat sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog , upang ako&apos;y kanilang paraanin hanggang sa ako&apos;y dumating sa Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari , upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng kastillo na nauukol sa bahay , at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan . At pinagkalooban ako ng hari ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog , at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari . Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita , at ni Tobias na lingkod , na Ammonita , ay namanlaw na mainam , sapagka&apos;t may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y naparoon ako sa Jerusalem , at dumoon akong tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ako&apos;y bumangon sa kinagabihan , ako , at ilang lalake na kasama ko ; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem : wala rin namang anomang hayop na kasama ako , liban sa hayop na aking sinasakyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ako&apos;y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis , sa makatuwid baga&apos;y sa dako ng balon ng dragon , at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi , at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem , na nangabagsak , at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari : nguni&apos;t walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y namaybay ako ng kinagabihan sa batis , at aking minasdan ang kuta ; at ako&apos;y bumalik , at pumasok sa pintuang-bayan ng libis , at sa gayo&apos;y pumihit ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon , o kung ano ang ginawa ko ; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio , ni sa mga saserdote man , ni sa mga mahal na tao man , ni sa mga pinuno man , ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa kanila , Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin , kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy : kayo&apos;y parito , at ating itayo ang kuta ng Jerusalem , upang tayo&apos;y huwag nang maging kadustaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At isinaysay ko sa kanila ang kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin , at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin . At kanilang sinabi , Magbangon tayo at magtayo . Sa gayo&apos;y kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita , at ni Tobias na lingkod , na Ammonita , at ni Gesem na taga Arabia , ay kanilang tinawanang mainam kami , at hinamak kami , at sinabi , Ano itong bagay na inyong ginagawa ? manghihimagsik ba kayo laban sa hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y sumagot ako sa kanila , at sinabi ko sa kanila , Ang Dios ng langit , siya ang magpapaginhawa sa amin : kaya&apos;t kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo : nguni&apos;t kayo&apos;y walang bahagi , o matuwid man , o alaala man , sa Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y si Eliasib na pangulong saserdote ay tumayo na kasama ng kaniyang mga kapatid na mga saserdote , at kanilang itinayo ang pintuang-bayan ng mga tupa ; kanilang itinalaga , at inilagay ang mga pinto niyaon ; hanggang sa moog ng Meah ay kanilang itinalaga , hanggang sa moog ng Hananeel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sumunod sa kaniya ay nagsipagtayo ang mga lalake ng Jerico . At sumunod sa kanila ay nagtayo si Zachur na anak ni Imri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang pintuang-bayan ng mga isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa ; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumunod sa kanila ay hinusay ni Meremoth na anak ni Urias , na anak ni Cos . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Mesullam , na anak ni Berechias , na anak ni Mesezabeel . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Baana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sumunod sa kanila ay hinusay ng mga Tecoita ; nguni&apos;t hindi inilagay ng kanilang mga mahal na tao ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang dating pintuang-bayan ay hinusay ni Joiada na anak ni Pasea at ni Mesullam na anak ni Besodias ; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon , at inilagay ang mga pinto niyaon , at ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sumunod sa kanila ay hinusay ni Melatias na Gabaonita , at ni Jadon na Meronothita , ng mga lalaking taga Gabaon , at taga Mizpa , na ukol sa luklukan ng tagapamahala sa dako roon ng Ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumunod sa kanila ay hinusay ni Uzziel na anak ni Harhaia , na platero . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na isa sa mga manggagawa ng pabango , at kanilang pinagtibay ang Jerusalem , hanggang sa maluwang na kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sumunod sa kanila ay hinusay ni Repaias na anak ni Hur , na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sumunod sa kanila ay hinusay ni Jedaias na anak ni Harumaph , sa tapat ng kaniyang bahay . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hattus na anak ni Hasbanias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang ibang bahagi at ang moog ng mga hurno ay hinusay ni Malchias na anak ni Harim , at ni Hasub na anak ni Pahatmoab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Sallum na anak ni Lohes , na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem , niya at ng kaniyang mga anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang pintuang-bayan ng libis ay hinusay ni Hanun , at ng mga taga Zanoa ; kanilang itinayo , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon , at isang libong siko sa kuta hanggang sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ay hinusay ni Malchias na anak ni Rechab , na pinuno ng distrito ng Beth-haccerem ; kaniyang itinayo , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang pintuang-bayan ng bukal ay hinusay ni Sallum na anak ni Cholhoce , na pinuno ng distrito ng Mizpa , kaniyang itinayo , at tinakpan , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang trangka niyaon , at ang mga halang niyaon , at ang pader ng tangke ng Selah sa tabi ng halamanan ng hari , hanggang sa mga baytang na paibaba mula sa bayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Nehemias na anak ni Azbuc , na pinuno ng kalahating distrito ng Beth-sur , hanggang sa dako ng tapat ng mga libingan ni David , at hanggang sa tangke na ginawa , at hanggang sa bahay ng mga makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Levita , ni Rehum na anak ni Bani . Sumunod sa kaniya , ay hinusay ni Asabias , na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila , na pinaka distrito niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sumunod sa kaniya ay hinusay ng kanilang mga kapatid , ni Bavvai na anak ni Henadad , na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Ezer na anak ni Jesua , na pinuno ng Mizpa , na ibang bahagi , sa tapat ng sampahan sa lagayan ng mga sandata sa pagliko ng kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sumunod sa kaniya ay hinusay na masikap ni Baruch na anak ni Zachai ang ibang bahagi , mula sa may pagliko ng kuta hanggang sa pintuan ng bahay ni Eliasib na pangulong saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Meremoth , na anak ni Urias na anak ni Cos ang ibang bahagi mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa hangganan ng bahay ni Eliasib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sumunod sa kaniya , ay hinusay ng mga saserdote , na mga lalake sa Kapatagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sumunod sa kanila , ay hinusay ni Benjamin at ni Hasub sa tapat ng kanilang bahay . Sumunod sa kanila ay hinusay ni Azarias na anak ni Maasias na anak ni Ananias , sa siping ng kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Binnui na anak ni Henadad ang ibang bahagi , mula sa bahay ni Azarias hanggang sa pagliko ng kuta , at hanggang sa sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Si Paal na anak ni Uzai ay naghusay ng tapat ng may pagliko ng kuta , at ng moog na lumalabas mula sa lalong mataas na bahay ng hari , na nasa tabi ng looban ng bantay . Sumunod sa kaniya&apos;y si Pedaia na anak ni Pharos ang naghusay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">( Ang mga Nethineo nga ay nagsitahan sa Ophel , hanggang sa dako na nasa tapat ng pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan , at ng moog na nakalabas . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Tecoita ang ibang bahagi , sa tapat ng malaking moog na nakalabas , at hanggang sa pader ng Ophel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa itaas ng pintuang-bayan ng mga kabayo , mga saserdote ang naghusay na bawa&apos;t isa&apos;y sa tapat ng kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Immer sa tapat ng kaniyang sariling bahay . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Semaias na anak ni Sechanias na tagatanod ng pintuang silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na anak ni Selemias , at ni Anun na ikaanim na anak ni Salaph ang ibang bahagi . Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Mesullam na anak ni Berechias sa tapat ng kaniyang silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sumunod sa kaniya , ay hinusay ni Malchias na isa sa mga platero sa bahay ng mga Nethineo , at sa mga mangangalakal , sa tapat ng pintuang-bayan ng Hammiphcad , at sa sampahan sa sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa pagitan ng sampahan sa sulok at ng pintuang-bayan ng mga tupa , ang naghusay ay ang mga platero at ang mga mangangalakal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t nangyari , na nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinayo ang kuta , siya&apos;y naginit , at nagalit na mainam , at tinuya ang mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid , at ng hukbo ng Samaria , at nagsabi , Anong ginagawa nitong mahihinang Judio ? magpapakatibay ba sila ? mangaghahain ba sila ? wawakasan ba nila sa isang araw ? kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng dumi , dangang nangasunog na ang mga yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Tobias nga na Ammonita ay nasa tabi niya , at sinabi niya , Bagaman sila&apos;y nangagtatayo , kung ang isang zorra ay sumampa , ibabagsak ang kanilang mga batong kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dinggin mo , Oh aming Dios : sapagka&apos;t kami ay hinamak ; at ibalik mo ang kanilang pagdusta sa kanilang sariling ulo , at ibigay mo sila sa pagkasamsam sa isang lupain sa pagkabihag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At huwag mong ikubli ang kanilang kasamaan , at huwag mong pawiin ang kanilang kasalanan sa harap mo : sapagka&apos;t kanilang minungkahi ka sa galit sa harap ng mga manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y aming itinayo ang kuta ; at ang buong kuta ay nahusay hanggang sa kalahatian ng taas niyaon : sapagka&apos;t ang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t nangyari , na nang mabalitaan ni Sanballat , at ni Tobias , at ng mga taga Arabia , at ng mga Ammonita , at ng mga Asdodita , na ipinatuloy ang paghuhusay ng mga kuta ng Jerusalem , at ang mga sira ay pinasimulang tinakpan , sila nga&apos;y nangaginit na mainam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagsipagbanta silang lahat na magkakasama upang magsiparoon , at magsilaban sa Jerusalem , at upang manggulo roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t kami ay nagsidalangin sa aming Dios , at naglagay ng bantay laban sa kanila araw at gabi , dahil sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Juda ay nagsabi , Nawalan ng lakas ang mga tagadala ng mga pasan , at may maraming dumi ; na anopa&apos;t hindi kami makapagtayo ng kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng aming mga kalaban : Sila&apos;y hindi mangakakaalam , o mangakakakita man hanggang sa kami ay magsidating sa gitna nila , at patayin sila , at ipatigil ang gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nangyari , na nang magsidating ang mga Judio na nagsisitahan sa siping nila , sinabi nila sa aming makasangpu , mula sa lahat na dako : Kayo&apos;y marapat magsibalik sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t inilagay ko sa mga pinakamababang dako ng pagitan ng likuran ng kuta , sa mga luwal na dako , sa makatuwid baga&apos;y aking inilagay ang bayan ayon sa kanilang mga angkan , pati ng kanilang mga tabak , ng kanilang mga sibat , at ng kanilang mga busog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ako&apos;y tumingin , at tumayo , at nagsabi sa mga mahal na tao , at sa mga pinuno , at sa nalabi sa bayan : Huwag kayong mangatakot sa kanila : inyong alalahanin ang Panginoon , na dakila at kakilakilabot , at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid , ang inyong mga anak na lalake at babae , ang inyong mga asawa at ang inyong mga bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang mabalitaan ng aming mga kaaway na naalaman namin , at iniuwi sa wala ng Dios ang kanilang payo , na kami na nagsibalik na lahat sa kuta , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , mula nang panahong yaon , na kalahati sa aking mga lingkod ay nagsigawa sa gawain , at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat , mga kalasag , at mga busog , at ng mga baluti ; at ang mga pinuno ay nangasa likuran ng buong sangbahayan ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Silang nangagtayo ng kuta , at silang nangagpapasan ng mga pasan ay nagsipagsakbat , bawa&apos;t isa&apos;y may isa ng kaniyang mga kamay na iginagawa sa gawain , at may isa na inihahawak ng kaniyang sakbat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga manggagawa , bawa&apos;t isa&apos;y may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran , at gayon gumagawa . At ang nagpapatunog ng pakakak ay nasa siping ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ko sa mga mahal na tao at sa mga pinuno , at sa nalabi sa bayan : Ang gawain ay malaki at malaon , at tayo&apos;y nangagkakahiwalay sa kuta , isa&apos;y malayo sa isa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa anomang dako na inyong marinig ang tunog ng pakakak , ay makipisan kayo sa amin ; ipakikipaglaban tayo ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito nagsigawa kami sa gawain : at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat mula sa pagbubukang liwayway hanggang sa ang mga bituin ay magsilitaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi ko rin nang panahong yaon sa bayan : Magsitahan bawa&apos;t isa sa Jerusalem , na kasama ng kanikaniyang lingkod upang sa gabi ay maging bantay sila sa atin , at makagawa sa araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa gayo&apos;y maging ako , ni ang aking mga kapatid man , ni ang aking mga lingkod man , ni ang mga lalake mang bantay na nagsisisunod sa akin , ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot , na bawa&apos;t isa&apos;y yumaon na may kaniyang sandata sa tubig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y umalingawngaw ang malakas na daing ng bayan at ng kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t may nagsisipagsabi , Kami , ang aming mga anak na lalake at babae ay marami : tulutan kaming magsikuha ng trigo , upang aming makain at mabuhay kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">May nagsisipagsabi naman : Aming isinasangla ang aming mga bukid at ang aming mga ubasan , at ang aming mga bahay : tulutan kaming magsikuha ng trigo , dahil sa kasalatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">May nagsisipagsabi naman : Aming ipinangutang ng salapi ang buwis sa hari na hinihingi sa aming mga bukid at aming mga ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon ma&apos;y ang aming laman ngayon ay gaya ng laman ng aming mga kapatid , ang aming mga anak ay gaya ng kanilang mga anak : at , narito , aming dinadala sa pagkaalipin ang aming mga anak na lalake at babae upang maging mga alipin , at ang iba sa aming mga anak na babae ay nangadala sa pagkaalipin : wala man lamang kaming kapangyarihang makatulong ; sapagka&apos;t ibang mga tao ang nagtatangkilik ng aming bukid at ng aming mga ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ako&apos;y nagalit na mainam , nang aking marinig ang kanilang daing at ang mga salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sumangguni ako sa aking sarili , at nakipagtalo ako sa mga mahal na tao at sa mga pinuno , at nagsabi sa kanila , Kayo&apos;y nangagpapatubo , bawa&apos;t isa sa kaniyang kapatid . At ako&apos;y nagdaos ng malaking kapulungan laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ko sa kanila , Kami ayon sa aming kaya ay aming tinubos ang aming mga kapatid na mga Judio , na mga naipagbili sa mga bansa ; at inyo ba ring ipagbibili ang inyong mga kapatid , at sila&apos;y maipagbibili sa amin ? Nang magkagayo&apos;y nagsitahimik sila , at hindi nakasumpong kailan man ng salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinabi ko rin , Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti : hindi ba kayo marapat magsilakad sa takot sa ating Dios , dahil sa pagdusta ng mga bansa , na ating mga kaaway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako&apos;y gayon din , ang aking mga kapatid at ang aking mga lingkod ay nangutang sa kanila ng salapi at trigo . Isinasamo ko sa inyo na ating iwan ang patubong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Isinasamo ko sa inyo , na isauli ninyo sa kanila , sa araw ding ito , ang kanilang mga bukid , at ang kanilang mga ubasan , ang kanilang mga olibohan , at ang kanilang mga bahay , gayon din ang ikasangdaang bahagi ng salapi , at ng trigo , ng alak , at ng langis , na inyong hinihingi sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinabi nila , Aming isasauli , at wala kaming hihilingin sa kanila ; gayon namin gagawin , gaya ng iyong sinasabi . Nang magkagayo&apos;y tinawag ko ang mga saserdote at pinanumpa ko sila , na sila&apos;y magsisigawa ng ayon sa pangakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ipinagpag ko naman ang aking laylayan , at ako&apos;y nagsabi , Ganito ipagpag ng Dios ang bawa&apos;t tao mula sa kaniyang bahay , at mula sa kaniyang gawain , na hindi tumupad ng pangakong ito ; sa makatuwid baga&apos;y ganito ipagpag siya , at mahungkag . At ang buong kapisanan ay nagsabi , Siya nawa , at pumuri sa Panginoon . At ginawa ng bayan ayon sa pangakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bukod dito&apos;y mula sa panahon na ako&apos;y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda , mula sa ikadalawang pung taon hanggang sa ikatatlong pu&apos;t dalawang taon ni Artajerjes na hari , sa makatuwid baga&apos;y labing dalawang taon , ako at ang aking mga kapatid ay hindi nagsikain ng tinapay ng tagapamahala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan , at kumuha sa kanila ng tinapay at alak , bukod sa apat na pung siklong pilak ; oo , pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan : nguni&apos;t ang gayon ay hindi ko ginawa , dahil sa takot sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oo , ako nama&apos;y nagpatuloy sa gawain ng kutang ito , ni hindi man lamang kami nagsibili ng anomang lupain : at ang lahat ng aking mga lingkod ay nagpipisan doon sa gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bukod dito&apos;y nagkaroon sa dulang ko ng mga Judio at mga pinuno na isang daan at limang pung tao , bukod sa nagsiparoon sa amin na mula sa mga bansa na nasa palibot namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang inihahanda nga sa bawa&apos;t araw ay isang baka at anim na piling tupa ; mga ibon naman ay nahanda sa akin , at minsan sa sangpung araw ay sarisaring alak na masagana : gayon ma&apos;y sa lahat ng ito ay hindi ako humingi ng tinapay sa tagapamahala , sapagka&apos;t ang pagkaalipin ay mabigat sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Alalahanin mo ako , Oh aking Dios , sa ikabubuti , lahat na aking ginawa dahil sa bayang ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias , at kay Gesem na taga Arabia , at sa nalabi sa aming mga kaaway , na aking naitayo na ang kuta , at wala nang sirang naiiwan doon ; ( bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin , na nagpapasabi , Ikaw ay parito , magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono . Nguni&apos;t pinagisipan nila akong gawan ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y nagsugo ng mga sugo sa kanila , na nangagsasabi , Ako&apos;y gumagawa ng dakilang gawain , na anopa&apos;t hindi ako makababa : bakit ititigil ang gawain , habang aking maiiwan , at binababa kayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito ; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na kinasusulatan : Naibalita sa mga bansa , at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik ; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta : at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem , na nangagsasabi , May isang hari sa Juda ; at ngayo&apos;y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito . Parito ka nga ngayon , at magsanggunian tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nagsugo ako sa kaniya , na aking sinasabi , Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi , kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami , na sinasabi , Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa&apos;t hindi mayayari . Nguni&apos;t ngayon , Oh Dios , palakasin mo ang aking mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako&apos;y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong ; at kaniyang sinabi , Tayo&apos;y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios , sa loob ng templo , at ating isara ang mga pinto ng templo : sapagka&apos;t sila&apos;y magsisiparito upang patayin ka ; oo , sa kinagabiha&apos;y magsisiparito sila upang patayin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking sinabi , Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko ? at sino kaya ; na sa paraang gaya ko , ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay ? hindi ako papasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nahalata ko , at , narito , hindi siya sinugo ng Dios ; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin : at inupahan siya ni Tobias , at ni Sanballat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dahil sa bagay na ito inupahan siya , upang ako&apos;y matakot , at gumawa ng gayon , at magkasala , at upang sila&apos;y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig , upang kanilang madusta ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Alalahanin mo , Oh aking Dios , si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila , at gayon din ang propetisa na Noadias , at ang nalabi sa mga propeta , na ibig nilang sidlan ako ng katakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y natapos ang kuta sa ikadalawang pu&apos;t limang araw ng buwan ng Elul , sa limang pu&apos;t dalawang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , nang mabalitaan ng lahat naming mga kaaway , na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot , at nangalumatang mainam : sapagka&apos;t kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bukod dito&apos;y sa mga araw na yao&apos;y ang mga mahal na tao sa Juda ay nangagpadala ng maraming sulat kay Tobias at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t marami sa Juda na nanganumpa sa kaniya , sapagka&apos;t siya&apos;y manugang ni Sechanias na anak ni Arah ; at ang kaniyang anak na si Johanan ay nagasawa sa anak na babae ni Mesullam na anak ni Berechias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sila nama&apos;y nangagsalita ng kaniyang mga mabuting gawa sa harap ko , at ibinalita ang aking mga salita sa kaniya . At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang sidlan ako ng katakutan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo , at aking mailagay ang mga pinto , at ang mga tagatanod-pinto , at ang mga mangaawit , at ang mga Levita ay mangahalal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na aking ibinigay kay Hanani , na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta , ang pamamahala sa Jerusalem : sapagka&apos;t siya&apos;y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking sinabi sa kanila , Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit ; at samantalang sila&apos;y nangagbabantay , isara nila ang mga pinto , at inyong mga itrangka : at kayo&apos;y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang pagbabantay , at bawa&apos;t isa&apos;y sa tapat ng kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang bayan nga ay maluwang at malaki : nguni&apos;t ang mga tao ay kakaunti roon , at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao , at ang mga pinuno , at ang bayan , upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi . At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una , at aking nasumpungang nakasulat doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga ito sa nangadala , ang mga anak ng lalawigan , na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda , na bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na siyang nagsisama kay Zorobabel , kay Jesua , kay Nehemias , kay Azarias , kay Raamias , kay Nahamani , kay Mardocheo , kay Bilsan , kay Misperet , kay Bigvai , kay Nehum , kay Baana . Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga anak ni Paros , dalawang libo&apos;t isang daan at pitong pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga anak ni Sephatias , tatlong daan at pitong pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga anak ni Ara , anim na raan at limang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga anak ni Pahath-moab , sa mga anak ni Jesua at ni Joab , dalawang libo&apos;t walong daan at labing walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga anak ni Elam , isang libo&apos;t dalawang daan at limang pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga anak ni Zattu , walong daan at apat na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga anak ni Zachai , pitong daan at anim na pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga anak ni Binnui , anim na raan at apat na pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga anak ni Bebai , anim na raan at dalawang pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga anak ni Azgad , dalawang libo&apos;t tatlong daan at dalawang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga anak ni Adonicam , anim na raan at anim na pu&apos;t pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga anak ni Bigvai , dalawang libo&apos;t anim na pu&apos;t pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga anak ni Addin , anim na raan at limang pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga anak ni Ater , ni Ezechias , siyam na pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga anak ni Hasum , tatlong daan at dalawang pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga anak ni Besai , tatlong daan at dalawang pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga anak ni Hariph , isang daan at labing dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga anak ni Gabaon , siyam na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga lalake ng Bethlehem , at ng Netopha , isang daan at walong pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang mga lalake ng Anathoth , isang daan at dalawang pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga lalake ng Beth-azmaveth , apat na pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga lalake ng Chiriathjearim , ng Chephra , at ng Beeroth , pitong daan at apat na pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga lalake ng Rama , at ng Gebaa , anim na raan at dalawang pu&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga lalake ng Michmas , isang daan at dalawang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang mga lalake ng isang Nebo , limang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang mga anak ng isang Elam , isang libo&apos;t dalawang daan at limang pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mga anak ni Harim , tatlong daan at dalawang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang mga anak ni Jerico , tatlong daan at apat na pu&apos;t lima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang mga anak ni Lod , ni Hadid , at ni Ono , pitong daan at dalawang pu&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ang mga anak ni Senaa , tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang mga saserdote : ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua , siyam na raan at pitong pu&apos;t tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang mga anak ni Immer , isang libo&apos;t limang pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang mga anak ni Pashur , isang libo&apos;t dalawang daan at apat na pu&apos;t pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang mga anak ni Harim , isang libo&apos;t labing pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang mga Levita : ang mga anak ni Jesua , ni Cadmiel , sa mga anak ni Odevia , pitong pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ang mga mangaawit : ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang mga tagatanod-pinto : ang mga anak ni Sallum , ang mga anak ni Ater , ang mga anak ni Talmon , ang mga anak ni Accub , ang mga anak ni Hatita , ang mga anak ni Sobai , isang daan at tatlong pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ang mga Nethineo : ang mga anak ni Siha , ang mga anak ni Hasupha , ang mga anak ni Thabaoth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang mga anak ni Ceros , ang mga anak ni Siaa , ang mga anak ni Phadon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ang mga anak ni Lebana , ang mga anak ni Hagaba , ang mga anak ni Salmai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang mga anak ni Hanan , ang mga anak ni Giddel , ang mga anak ni Gahar ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ang mga anak ni Rehaia , ang mga anak ni Resin , ang mga anak ni Necoda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ang mga anak ni Gazzam , ang mga anak ni Uzza , ang mga anak ni Phasea ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ang mga anak ni Besai , ang mga anak ni Meunim , ang mga anak ni Nephisesim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Ang mga anak ni Bacbuc , ang mga anak ni Hacupha , ang mga anak ni Harhur ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang mga anak ni Baslit , ang mga anak ni Mehida , ang mga anak ni Harsa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Ang mga anak ni Barcos , ang mga anak ni Sisera , ang mga anak ni Tema ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ang mga anak ni Nesia , ang mga anak ni Hatipha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ; ang mga anak ni Sotai , ang mga anak ni Sophereth , ang mga anak ni Perida ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Ang mga anak ni Jahala , ang mga anak ni Darcon , ang mga anak ni Giddel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Ang mga anak ni Sephatias , ang mga anak ni Hattil , ang mga anak ni Pochereth-hassebaim , ang mga anak ni Amon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Lahat ng Nethineo , at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon , ay tatlong daan at siyam na pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah , Telharsa , Cherub , Addon , at Immer : nguni&apos;t hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Ang mga anak ni Delaia , ang mga anak ni Tobias , ang mga anak ni Necoda , anim na raan at apat na pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At sa mga saserdote : ang mga anak ni Hobaias , ang mga anak ni Cos , ang mga anak ni Barzillai , na nagasawa sa anak ni Barzillai , na Galaadita , at tinawag ayon sa kanilang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi , nguni&apos;t hindi nasumpungan : kaya&apos;t sila&apos;y nangabilang na hawa , at nangaalis sa pagkasaserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila&apos;y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay , hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu&apos;t dalawang libo at tatlong daan at anim na pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae , na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu&apos;t pito : at sila&apos;y may dalawang daan at apat na pu&apos;t lima na mangaawit na lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu&apos;t anim ; ang kanilang mga mula , dalawang daan at apat na pu&apos;t lima ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">Ang kanilang mga kamelyo , apat na raan at tatlong pu&apos;t lima ; ang kanilang mga asno , anim na libo&apos;t pitong daan at dalawang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain . Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto , limangpung mangkok , limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto , at dalawang libo at dalawang daang librang pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto , at dalawang libong librang pilak , at anim na pu&apos;t pitong bihisan ng mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "73">Sa gayo&apos;y ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang mga tagatanod-pinto , at ang mga mangaawit , at ang iba sa bayan , at ang mga Nethineo , at ang buong Israel , ay nagsitahan sa kanilang mga bayan . At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig ; at sila&apos;y nangagsalita kay Ezra na kalihim , na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises , na iniutos ng Panginoon sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan , na mga lalake at mga babae , at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig , mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae , at ng makakaalam : at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Ezra na kalihim ay tumayo sa pulpitong kahoy , na kanilang ginawa sa panukalang ito ; at sa tabi niya ay nakatayo si Mathithias , at si Sema , at si Anaias , at si Urias , at si Hilcias , at si Maasias , sa kaniyang kanan ; at sa kaniyang kaliwa , si Pedaias , at si Misael , at si Malchias , at si Hasum , at si Hasbedana , si Zacharias , at si Mesullam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan ; ( sapagka&apos;t siya&apos;y nasa mataas sa buong bayan ; ) at nang kaniyang buksan , ang buong bayan ay tumayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Ezra ay pumuri sa Panginoon , na dakilang Dios . At ang buong bayan ay sumagot : Siya nawa , Siya nawa , na may pagtataas ng kanilang mga kamay : at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo , at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha&apos;y nakatungo sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Si Jesua naman , at si Bani , at si Serebias , at si Jamin , si Accub , si Sabethai , si Odias , si Maasias , si Celita , si Azarias , si Jozabed , si Hanan , si Pelaia , at ang mga Levita , ay nangagpakilala sa bayan ng kautusan ; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nagsibasa sa aklat , sa kautusan ng Dios , na maliwanag ; at kanilang ibinigay ang kahulugan , na anopa&apos;t kanilang nabatid ang binasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Nehemias na siyang tagapamahala , at si Ezra na saserdote na kalihim , at ang mga Levita na nangagturo sa bayan , ay nangagsabi sa buong bayan : Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios ; huwag kayong magsitaghoy , ni magsiiyak man . Sapagka&apos;t ang buong bayan ay umiyak , nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinabi sa kanila , Magsilakad kayo ng inyong lakad , magsikain kayo ng taba , at magsiinom kayo ng matamis ; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda : sapagka&apos;t ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon : huwag din kayong mangamanglaw ; sapagka&apos;t ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan , na sinasabi , Kayo&apos;y magsitahimik , sapagka&apos;t ang kaarawan ay banal ; ni huwag man kayong mamanglaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi , at nangagsayang mainam sapagka&apos;t kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang ikalawang araw ay nagpipisan ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng buong bayan , ang mga saserdote , at ang mga Levita , kay Ezra na kalihim , upang makinig sa mga salita ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan , kung paanong iniutos ng Panginoon , sa pamamagitan ni Moises , na ang mga anak ni Israel ay magsitahan sa mga balag sa kapistahan ng ikapitong buwan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kanilang ihahayag at itatanyag sa lahat ng kanilang mga bayan , at sa Jerusalem , na sasabihin : Magsilabas kayo sa bundok , at magsikuha kayo ng mga sanga ng olibo , at ng mga sanga ng olibong gubat , at ng mga sanga ng mirto , at mga sanga ng palma , at mga sanga ng mga mayabong na punong kahoy , upang magsigawa ng mga balag , gaya ng nakasulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y lumabas ang bayan , at nangagdala sila , at nagsigawa ng mga balag , bawa&apos;t isa&apos;y sa bubungan ng kaniyang bahay , at sa kanilang mga looban , at sa mga looban ng bahay ng Dios , at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig , at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag , at tumahan sa mga balag : sapagka&apos;t mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon . At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gayon din naman araw-araw , mula sa unang araw hanggang sa huling araw , kaniyang binasa ang aklat ng kautusan ng Dios . At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw ; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan , ayon sa ayos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikadalawang pu&apos;t apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno , at may pananamit na magaspang , at may lupa sa ulo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan , at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan , at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsitayo sa kanilang dako , at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw ; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan , at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita , si Jesua , at si Bani , si Cadmiel , si Sebanias , si Bunni , si Serebias , si Bani at si Chenani , at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y ang mga Levita ; si Jesua at si Cadmiel , si Bani , at si Hosabnias , si Serebias , si Odaias , si Sebanias , at si Pethaia , ay nagsipagsabi , Kayo&apos;y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan : at purihin ang iyong maluwalhating pangalan , na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ikaw ang Panginoon , ikaw lamang ; ikaw ang lumikha ng langit , ng langit ng mga langit , pati ng lahat na natatanaw roon , ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon , ng mga dagat at ng lahat na nangaroon , at iyong pinamalaging lahat ; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ang Panginoon na Dios , na siyang pumili kay Abram , at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo , at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo , at nakipagtipan ka sa kaniya , upang ibigay ang lupain ng Cananeo , ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Jebuseo , at ng Gergeseo , upang ibigay sa kaniyang binhi , at tumupad ng iyong mga salita ; sapagka&apos;t ikaw ay matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto , at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon , at sa lahat niyang mga lingkod , at sa buong bayan ng kaniyang lupain ; sapagka&apos;t iyong nakilala na sila&apos;y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila ; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa&apos;t sila&apos;y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa ; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bukod dito&apos;y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw ; at sa isang tila haliging apoy sa gabi , upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai , at nagsalita ka sa kanila mula sa langit , at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan , mga mabuting palatuntunan at mga utos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath , at nagutos ka sa kanila ng mga utos , at ng mga palatuntunan , at ng kautusan , sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom , at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw , at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan , at nagpatigas ng kanilang leeg , at hindi dininig ang iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nagsitanggi na magsisunod , ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila , kundi nagpatigas ng kanilang leeg , at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag . Nguni&apos;t ikaw ay Dios na madaling magpatawad , mapagbiyaya at puspos ng kaawaan , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kahabagan , at hindi mo pinabayaan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oo , nang sila&apos;y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo , at magsabi , Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto , at sila&apos;y nagsigawa ng malaking pamumungkahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang : ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw , upang patnubayan sila sa daan ; ni ang tila haliging apoy man sa gabi , upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila , at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig , at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang , at hindi sila nagkulang ng anoman ; ang kanilang mga suot ay hindi naluma , at ang kanilang mga paa ay hindi namaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bukod dito&apos;y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan , na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi : sa gayo&apos;y kanilang inari ang lupain ng Sehon , sa makatuwid baga&apos;y ang lupain ng hari sa Hesbon , at ang lupain ni Og na hari , sa Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit , at mga ipinasok mo sila sa lupain , tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang , na sila&apos;y magsiparoon , upang ariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa gayo&apos;y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain , at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain , ang mga Cananeo , at ibinigay mo sa kanilang mga kamay , pati ng kanilang mga hari , at ang mga bayan ng lupain , upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan , at ng matabang lupain , at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay , ng mga balon na hinukay , ng mga ubasan , at ng mga olibohan , at ng mga punong kahoy na may bungang sagana : na anopa&apos;t sila&apos;y nagsikain , at nangabusog , at naging mataba , at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon ma&apos;y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo , at tinalikdan ang iyong kautusan , at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila&apos;y magsipanumbalik sa iyo , at sila&apos;y nagsigawa ng malaking pamumungkahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban , na siyang nangagpapanglaw sa kanila : at sa panahon ng kanilang kabagabagan , nang sila&apos;y magsidaing sa iyo , iyong dininig mula sa langit ; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas , na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t pagkatapos ng kanilang kapahingahan , sila&apos;y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo : kaya&apos;t pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway , na anopa&apos;t mga napapanginoon sa kanila : gayon ma&apos;y nang sila&apos;y magsipanumbalik , at magsidaing sa iyo , iyong dininig mula sa langit ; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sumaksi ka laban sa kanila , upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan . Gayon ma&apos;y nagsigawa sila na may kapalaluan , at hindi dininig ang iyong mga utos , kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan , ( na kung gawin ng isang tao , siya&apos;y mabubuhay sa kanila , ) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg , at hindi nangakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon ma&apos;y tiniis mong malaon sila , at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta : gayon ma&apos;y hindi sila nangakinig : kaya&apos;t ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon ma&apos;y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila , o pinabayaan man sila ; sapagka&apos;t ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ngayon nga , aming Dios , na dakila , na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios , na nagiingat ng tipan at kaawaan , huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin , sa aming mga hari , sa aming mga prinsipe , at sa aming mga saserdote , at sa aming mga propeta , at sa aming mga magulang , at sa iyong buong bayan , mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gayon ma&apos;y banal ka sa lahat na dumating sa amin ; sapagka&apos;t gumawa kang may pagtatapat , nguni&apos;t nagsigawa kaming may kasamaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kahit ang aming mga hari , ang aming mga pangulo , ang aming mga saserdote , o ang aming mga magulang man , hindi nangagingat ng iyong kautusan , o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo , na iyong ipinatotoo laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian , at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila , at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila , o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Narito , kami ay mga alipin sa araw na ito , at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon , at ang buti niyaon , narito , kami ay mga alipin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan : sila nama&apos;y may kapangyarihan din sa aming mga katawan , at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila , at kami ay nangasa malaking kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At gayon ma&apos;y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami , at isinusulat namin ; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe , ng aming mga Levita , at ng aming mga saserdote .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Yaon ngang nagsipagtakda ay : si Nehemias , ang tagapamahala , na anak ni Hachalias , at si Sedecias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Seraias , si Azarias , si Jeremias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Pashur , si Amarias , si Malchias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Hattus , si Sebanias , si Malluch ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Harim , si Meremoth , si Obadias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Si Daniel , si Ginethon , si Baruch ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Si Mesullam , si Abias , si Miamin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Si Maazias , si Bilgai , si Semeias : ang mga ito&apos;y saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga Levita : sa makatuwid baga&apos;y , si Jesua na anak ni Azanias , si Binnui , sa mga anak ni Henadad , si Cadmiel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kanilang mga kapatid , si Sebanias , si Odaia , si Celita , si Pelaias , si Hanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Micha , si Rehob , si Hasabias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Zachur , si Serebias , si Sebanias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Si Odaia , si Bani , si Beninu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga puno ng bayan : si Pharos , si Pahath-moab , si Elam , si Zattu , si Bani ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Si Bunni , si Azgad , si Bebai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Si Adonias , si Bigvai , si Adin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Si Ater , si Ezekias , si Azur ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si Odaia , si Hasum , si Bezai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Ariph , si Anathoth , si Nebai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Si Magpias , si Mesullam , si Hezir ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Si Mesezabel , Sadoc , si Jadua ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Pelatias , si Hanan , si Anaias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Si Hoseas , si Hananias , si Asub ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si Lohes , si Pilha , si Sobec ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Si Rehum , si Hasabna , si Maaseias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At si Ahijas , si Hanan , si Anan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Malluch , si Harim , si Baana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang nalabi sa bayan , ang mga saserdote , ang mga Levita , ang mga tagatanod-pinto , ang mga mangaawit , ang mga Nethineo , at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios , ang kanilang mga asawa , ang kanilang mga anak , na lalake at babae , bawa&apos;t may kaalaman at kaunawaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sila&apos;y nagsilakip sa kanilang mga kapatid , na kanilang mga mahal na tao , at nagsisumpa , at nagsipanumpa , na magsilakad sa kautusan ng Dios , na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios , at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon , at ng kaniyang mga kahatulan , at ng kaniyang mga palatuntunan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain , o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kung ang mga bayan ng lupain ay mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili , na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath , o sa pangiling araw : aming ipagpapahinga ang ikapitong taon , at ang pagsingil ng bawa&apos;t utang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin , na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ukol sa tinapay na handog , at sa palaging handog na harina , at sa palaging handog na susunugin , sa mga sabbath , sa mga bagong buwan sa mga takdang kapistahan , at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang itubos sa Israel , at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kami ay nangagsapalaran , ang mga saserdote , ang mga Levita , at ang bayan , dahil sa kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios , ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang sa mga panahong takda , taon-taon , upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios , gaya ng nasusulat sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At upang dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa , at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy , taon-taon , sa bahay ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake , at sa aming hayop , gaya ng nasusulat sa kautusan , at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan , upang dalhin sa bahay ng aming Dios , sa mga saserdote , na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At upang aming dalhin ang mga unang bunga ng aming harina , at ang aming mga handog na itataas , at ang bunga ng sarisaring punong kahoy , ang alak , at ang langis , sa mga saserdote , sa mga silid ng bahay ng aming Dios ; at ang ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita ; sapagka&apos;t sila , na mga Levita , ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita , pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi ; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios , sa mga silid sa loob ng bahay ng kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel , at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas , na trigo , alak , at langis , sa mga silid , na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario , at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa , at ng mga tagatanod-pinto , at ng mga mangaawit : at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem : ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa&apos;t sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal , at siyam na bahagi sa ibang mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem : nguni&apos;t sa bayan ng Juda ay tumahan bawa&apos;t isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan , sa makatuwid baga&apos;y ang Israel , ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang mga Nethineo , at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda , at sa mga anak ni Benjamin . Sa mga anak ni Juda : si Athaias na anak ni Uzzias , na anak ni Zacarias , na anak ni Amarias , na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel , sa mga anak ni Phares .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Maasias na anak ni Baruch , na anak ni Col-hoze , na anak ni Hazaias , na anak ni Adaias , na anak ni Joiarib , na anak ni Zacarias , na anak ng Silonita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem , ay apat na raan at anim na pu&apos;t walo na mga matapang na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin : si Salu na anak ni Mesullam , na anak ni Joed , na anak ni Pedaias , na anak ni Colaias , na anak ni Maaseias , na anak ni Ithiel , na anak ni Jesaia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sumusunod sa kaniya , si Gabbai , si Sallai , na siyam na raan at dalawang pu&apos;t walo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala : at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa mga saserdote : si Jedaias na anak ni Joiarib , si Jachin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Seraias na anak ni Hilcias , na anak ni Mesullam , na anak ni Sadoc , na anak ni Meraioth , na anak ni Ahitub , na pinuno sa bahay ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay , walong daan at dalawang pu&apos;t dalawa : at si Adaias na anak ni Jeroham , na anak ni Pelalias , na anak ni Amsi , na anak ni Zacarias , na anak ni Pashur , na anak ni Malchias ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kaniyang mga kapatid , na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang , dalawang daan at apat na pu&apos;t dalawa : at si Amasai na anak ni Azarael , na anak ni Azai , na anak ni Mesillemoth , na anak ni Imer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kanilang mga kapatid , na mga makapangyarihang lalake na matatapang , isang daan at dalawang pu&apos;t walo : at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa mga Levita ; si Semaias na anak ni Hassub , na anak ni Azricam , na anak ni Hasabias , na anak ni Buni ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Sabethai at si Jozabad , sa mga pinuno ng mga Levita , na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Mattanias , na anak ni Micha , na anak ni Zabdi , na anak ni Asaph , na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin , at si Bacbucias , sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid ; at si Abda na anak ni Samua , na anak ni Galal , na anak ni Jeduthun .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Lahat na Levita sa bayang banal , dalawang daan at walong pu&apos;t apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bukod dito&apos;y ang mga tagatanod-pinto , na si Accub , si Talmon , at ang kanilang mga kapatid , na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan , ay isang daan at pitong pu&apos;t dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang nalabi sa Israel , sa mga saserdote , sa mga Levita , ay nangasa lahat na bayan ng Juda , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel : at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani , na anak ni Hasabias , na anak ni Mattanias , na anak ni Micha , sa mga anak ni Asaph , na mga mangaawit , na nasa mga gawain sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t may utos na mula sa hari tungkol sa kanila , at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit , ayon sa kailangan sa bawa&apos;t araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At si Pethahias na anak ni Mesezabel , sa mga anak ni Zerah , na anak ni Juda , ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At tungkol sa mga nayon , pati ng kanilang mga bukid , ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon , at sa Dibon at sa mga nayon niyaon , at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa Jesua , at sa Moladah , at sa Beth-pelet ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa Hasar-sual , at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa Siclag , at sa Mechona at sa mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa En-rimmon , at sa Soreah , at sa Jarmuth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa Zanoah , sa Adullam , at sa mga nayon niyaon , sa Lachis , at sa mga parang niyaon , sa Azeca at sa mga nayon niyaon . Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba , hanggang sa Michmas at sa Aia , at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa Anathoth , sa Nob , sa Ananiah ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa Hasor , sa Rama , sa Gitthaim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa Hadid , sa Seboim , sa Neballath ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa Lod , at sa Ono , na libis ng mga manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito nga ang mga saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel , at ni Jesua : si Seraias , si Jeremias , si Ezra ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Amarias ; si Malluch , si Hartus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Sechanias , si Rehum , si Meremoth ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Iddo , si Ginetho , si Abias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Si Miamin , si Maadias , si Bilga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Si Semaias , at si Joiarib , si Jedaias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Si Sallum , si Amoc , si Hilcias , si Jedaias . Ang mga ito&apos;y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bukod dito&apos;y ang mga Levita : si Jesua , si Binnui , si Cadmiel , si Serebias , si Juda , at si Mathanias , na namamahala sa pagpapasalamat , siya at ang kaniyang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Bacbucias , naman at si Unni , na kanilang mga kapatid , ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At naging anak ni Jesua si Joiacim , at naging anak ni Joiacim si Eliasib , at naging anak ni Eliasib , si Joiada ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa mga kaarawan ni Joiacim , ay mga saserdote , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang : kay Seraias , si Meraias ; kay Jeremias , si Hananias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kay Ezra , si Mesullam ; kay Amarias , si Johanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kay Melicha si Jonathan ; kay Sebanias , si Joseph ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kay Harim , si Adna ; kay Meraioth , si Helcai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kay Iddo , si Zacarias ; kay Ginnethon , si Mesullam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kay Abias , si Zichri ; kay Miniamin , kay Moadias , si Piltai ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kay Bilga , si Sammua ; kay Semaias , si Jonathan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kay Joiarib , si Mathenai ; kay Jedaias , si Uzzi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kay Sallai , si Callai ; kay Amoc , si Eber ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kay Hilcias , si Hasabias ; kay Jedaias , si Nathanael .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib , ni Joiada , at ni Johanan , at ni Jaddua , ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang : gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga anak ni Levi , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , ay nangasulat sa aklat ng mga alaala , hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga pinuno ng mga Levita : si Hasabias , si Serabias , si Jesua na anak ni Cadmiel , na may mga kapatid na nangasa tapat nila upang magsipuri at nangagpasalamat , ayon sa utos ni David na lalake ng Dios , sa pulutong at pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Si Mathanias , at si Bucbucias , si Obadias , si Mesullam , si Talmon , si Accub , ay mga tagatanod-pinto , na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga ito&apos;y sa mga kaarawan ni Joiacim , na anak ni Jesua , na anak ni Josadac , at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala , at ng saserdoteng Ezra na kalihim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa pagtatalaga ng kuta ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita mula sa lahat nilang dako upang dalhin nila sila sa Jerusalem , na ipagdiwang ang pagtatalaga na may kasayahan , na may mga pagpapasalamat , at may mga awitan din may mga cimbalo , mga salterio , at may mga alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga anak ng mga mangaawit ay nagpipisan mula sa kapatagan ng palibot ng Jerusalem , at mula sa mga nayon ng mga Netophatita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mula rin naman sa Beth-gilgal , at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth : sapagka&apos;t nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis ; at kanilang nilinis ang bayan , at ang mga pintuang-bayan , at ang kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta , at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod ; na ang isa&apos;y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sumusunod sa kanila si Osaias , at ang kalahati sa mga prinsipe sa Juda ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At si Azarias , si Ezra , at si Mesullam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Si Juda , at si Benjamin , at si Semaias , at si Jeremias ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang iba sa mga anak ng mga saserdote na may mga pakakak : si Zacarias na anak ni Jonathan , na anak ni Semaias , na anak ni Mathanias , na anak ni Micaya , na anak ni Zacur , na anak ni Asaph ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang kaniyang mga kapatid , na si Semaias , at si Azarel , si Milalai , si Gilalai , si Maai , si Nathanael , at si Juda , si Hanani , na may mga panugtog ng tugtugin ni David na lalake ng Dios ; at si Ezra na kalihim ay nasa unahan nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sa tabi ng pintuang-bayan ng bukal , at nagtuwid sila sa harapan nila , na sila&apos;y nagsisampa sa mga baytang ng bayan ni David sa sampahan sa kuta , sa ibabaw ng bahay ni David , hanggang sa pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang isang pulutong nila na nagpapasalamat ay yumaong sinalubong sila , at ako&apos;y sa hulihan nila , na kasama ko ang kalahati ng bayan sa ibabaw ng kuta , sa itaas ng moog ng mga hurno , hanggang sa maluwang na kuta ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim , at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda , at sa moog ng Hananel , at sa moog ng Meah , hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa : at sila&apos;y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa gayo&apos;y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios , at ako , at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ang mga saserdote , si Eliacim , si Maaseias , si Miniamin , si Michaias , si Elioenai , si Zacarias , at si Hananias , na may mga pakakak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At si Maaseias , at si Semeias , at si Eleazar , at si Uzzi , at si Johanan , at si Malchias , at si Elam , at si Ezer . At ang mga mangaawit ay nagsiawit ng malakas , na kasama si Jezrahias , na tagapamahala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sila&apos;y nangaghandog ng malalaking hain ng araw na yaon , at nangagalak ; sapagka&apos;t sila&apos;y pinapagkatuwa ng Dios ng di kawasa ; at ang mga babae naman at ang mga bata ay nangagalak : na anopa&apos;t ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nang araw na yaon ay nahalal ang ilan sa mga lalake sa mga silid na ukol sa mga kayamanan , sa mga handog na itataas , sa mga unang bunga , at sa mga ikasangpung bahagi , upang pisanin sa mga yaon , ayon sa mga bukid ng mga bayan , na mga bahaging takda ng kautusan sa mga saserdote at mga Levita : sapagka&apos;t kinagagalakan ng Juda ang mga saserdote at mga Levita na nagsitayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At sila&apos;y nangagingat ng tungkulin sa kanilang Dios , at ng tungkulin sa paglilinis , at gayong ginawa ng mga mangaawit at mga tagatanod-pinto , ayon sa utos ni David , at ni Salomon sa kaniyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sapagka&apos;t sa mga kaarawan ni David at ni Asaph ng una ay may pinuno sa mga mangaawit , at mga awit na pagpuri at pasasalamat sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel , at sa mga kaarawan ni Nehemias , ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit , at mga tagatanod-pinto , ayon sa kailangan sa bawa&apos;t araw : at kanilang itinalaga sa mga Levita ; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan ; at doo&apos;y nasumpungang nakasulat , na ang Ammonita at Moabita , ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig , kundi inupahan si Balaam laban sa kanila , upang sumpain sila : gayon ma&apos;y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari , nang kanilang marinig ang kautusan , na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bago nga nangyari ito , si Eliasib na saserdote , na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios , palibhasa&apos;y nakipisan kay Tobias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid , na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina , ng mga kamangyan , at ng mga sisidlan , at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo , ng alak , at ng langis , na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita , at sa mga mangaawit , at sa mga tagatanod-pinto ; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem : sapagka&apos;t sa ikatatlong pu&apos;t dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari , at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ako&apos;y naparoon sa Jerusalem , at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias , sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ikinamanglaw kong mainam : kaya&apos;t aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nagutos ako , at nilinis nila ang mga silid ; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila ; na anopa&apos;t ang mga Levita , at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain , ay nangagsitakas bawa&apos;t isa sa kanikaniyang bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nakipagtalo ako sa mga pinuno , at sinabi ko , Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios ? At pinisan ko sila , at inilagay sa kanilang kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman , si Selemias na saserdote , at si Sadoc na kalihim , at sa mga Levita , si Pedaias : at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur , na anak ni Mathanias : sapagka&apos;t sila&apos;y nangabilang na tapat , at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Alalahanin mo ako , Oh aking Dios , tungkol dito , at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios , at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath , at nagdadala ng mga uhay , at nangasasakay sa mga asno ; gaya naman ng alak , mga ubas , at mga higos , at lahat na sarisaring pasan , na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath : at ako&apos;y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Doo&apos;y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro , na nangagpapasok ng isda , at ng sarisaring kalakal , at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda , at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda , at sinabi ko sa kanila , Anong masamang bagay itong inyong ginagawa , at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang , at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin , at sa bayang ito ? gayon ma&apos;y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel , sa paglapastangan ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangyari , na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath , aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan , at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath : at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan , upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal , ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y nagpatotoo ako laban sa kanila , at nagsabi sa kanila , Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta ? kung kayo&apos;y magsigawa uli ng ganiyan , aking pagbubuhatan ng kamay kayo . Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ako&apos;y nagutos sa mga Levita na sila&apos;y mangagpakalinis , at sila&apos;y magsiparoon , at ingatan ang mga pintuang-bayan , upang ipangilin ang araw ng sabbath . Alalahanin mo ako , Oh aking Dios , dito man , at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod , ng Ammon , at ng Moab :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod , at hindi makapagsalita ng wikang Judio , kundi ayon sa wika ng bawa&apos;t bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ako&apos;y nakipagtalo sa kanila , at sinumpa ko sila , at sinaktan ko ang iba sa kanila , at sinabunutan ko sila , at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios , na sinasabi ko , Kayo&apos;y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake , ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake , o sa inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito ? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya ; at siya&apos;y minahal ng kaniyang Dios , at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel : gayon ma&apos;y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito , na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At isa sa mga anak ni Joiada , na anak ni Eliasib na dakilang saserdote , ay manugang ni Sanballat na Horonita : kaya&apos;t aking pinalayas siya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Alalahanin mo sila , Oh Dios ko , sapagka&apos;t kanilang dinumhan ang pagkasaserdote , at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa , at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita , na bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang gawain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At tungkol sa kaloob na panggatong , sa mga takdang panahon , at tungkol sa mga unang bunga . Alalahanin mo ako , Oh Dios ko , sa ikabubuti .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "17">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga , sa mga kaarawan ni Assuero , ( ito ang Assuero na naghari , mula sa India hanggang sa Etiopia , sa isang daan at dalawang pu&apos;t pitong lalawigan : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na sa mga kaarawang yaon , nang maupo ang haring Assuero sa luklukan ng kaniyang kaharian , na nasa Susan na bahay-hari ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari , siya&apos;y gumawa ng isang kapistahan sa kaniyang lahat na mga prinsipe , at mga lingkod niya ; ang kapangyarihan ng Persia at Media , ang mga mahal na tao at mga prinsipe , ng mga lalawigan ay nangasa harap nga niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang kaniyang ipakita ang mga kayamanan ng kaniyang maluwalhating kaharian at ang karangalan ng kaniyang marilag na kamahalan na malaong araw , na isang daan at walong pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang maganap ang mga kaarawang ito , ang hari ay nagdaos ng isang kapistahan sa buong bayan na nangasa Susan na bahay-hari sa mataas at gayon din sa mababa , na pitong araw , sa looban ng halamanan ng bahay ng hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na may tabing na kayong puti , verde , at bughaw , na naiipit ng mga panaling mainam na lino at ng kulay ube sa mga singsing na pilak at mga haliging marmol : na ang mga hiligan ay ginto at pilak , sa isang lapag na mapula , at maputi , at madilaw , at maitim na marmol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nangagbigay sa kanila ng inumin sa mga sisidlang ginto , ( na ang mga sisidlan ay magkakaiba , ) at saganang alak hari , ayon sa kasaganaan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang paginom ay ayon sa kautusan ; walang pagpilit : sapagka&apos;t gayon ibinilin ng hari sa lahat na pinuno ng kaniyang bahay , na kanilang gawin ayon sa kalooban ng bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Vasthi na reina naman ay nagdaos ng kapistahan sa mga babae sa bahay-hari na ukol sa haring Assuero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang ikapitong araw , nang masayahan ang puso ng hari sa pamamagitan ng alak , kaniyang iniutos kay Mehuman , kay Biztha , kay Harbona , kay Bigtha , at kay Abagtha , kay Zetar , at kay Carcas , na pitong kamarero na nangaglilingkod sa harapan ng haring Assuero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na dalhin si Vasthi na reina na may putong pagkareina sa harap ng hari , upang ipakita sa mga tao at sa mga prinsipe ang kaniyang kagandahan : sapagka&apos;t siya&apos;y may magandang anyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ang reinang si Vasthi ay tumanggi na pumaroon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga kamarero : kaya&apos;t ang hari ay lubhang naginit , at ang kaniyang galit ay nagalab sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari sa mga pantas na nakakaalam ng mga panahon ( sapagka&apos;t gayon ang paraan ng hari sa lahat na nakakaalam ng kautusan at ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang sumusunod sa kaniya ay si Carsena , si Sethar , si Admatha , si Tharsis , si Meres , si Marsena , at si Memucan , na pitong prinsipe sa Persia at Media , na nangakakita ng mukha ng hari , at nangaupong una sa kaharian ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anong ating gagawin sa reinang si Vasthi ayon sa kautusan , sapagka&apos;t hindi niya sinunod ang bilin ng haring Assuero sa pamamagitan ng mga kamarero ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Memucan ay sumagot sa harap ng hari at ng mga prinsipe : Ang reinang si Vasthi ay hindi lamang sa hari nagkasala , kundi pati sa lahat na prinsipe , at sa lahat ng mga bayan na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang gawang ito ng reina ay kakalat sa lahat ng babae , upang hamakin ang kanilang mga asawa sa harap ng kanilang mga mata , pagka nabalitaan : Ang haring Assuero ay nagpautos kay Vasthi na reina , na dalhin sa harap niya , nguni&apos;t hindi siya naparoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa araw na ito ay lahat na asawa ng mga prinsipe sa Persia at Media , na nangakabalita ng gawang ito ng reina ay mangagsasabi ng gayon sa lahat na prinsipe ng hari . Na anopa&apos;t kasasanghian ng maraming pagkahamak at pagkapoot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung kalulugdan ng hari , maglabas ng utos hari sa ganang hari , at isulat sa mga kautusan ng mga taga Persia at mga Medo , upang huwag mabago , na si Vasthi ay huwag nang pumaroon sa harap ng haring Assuero ; at ibigay ng hari ang kaniyang kalagayang reina sa iba na maigi kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagka ang pasiya ng hari na kaniyang isasagawa ay mahahayag sa lahat niyang kaharian , ( sapagka&apos;t dakila , ) lahat ng babae ay mangagbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan , sa mataas at gayon din sa mababa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang sabi ay nakalugod sa hari at sa mga prinsipe ; at ginawa ng hari ang ayon sa salita ni Memucan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t siya&apos;y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga lalawigan ng hari , sa bawa&apos;t lalawigan , ayon sa sulat noon , at sa bawa&apos;t bayan ayon sa kanilang wika , na ang bawa&apos;t lalake ay magpupuno sa kaniyang sariling bahay at mahahayag ayon sa wika ng kaniyang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito , nang mapayapa ang pagiinit ng haring Assuero kaniyang inalaala si Vasthi , at kung ano ang kaniyang ginawa , at kung ano ang ipinasiya laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya : Ihanap ng magagandang batang dalaga ang hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At maghalal ang hari ng mga pinuno sa lahat ng mga lalawigan ng kaniyang kaharian , upang kanilang mapisan ang lahat na magandang batang dalaga sa Susan na bahay-hari , sa bahay ng mga babae , sa pamamahala ni Hegai , na kamarero ng hari , na tagapagingat ng mga babae ; at ibigay sa kanila ang kanilang mga bagay na kailangan sa paglilinis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang dalaga na kalugdan ng hari ay maging reina na kahalili ni Vasthi . At ang bagay ay nakalugod sa hari ; at ginawa niyang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">May isang Judio sa Susan na bahay-hari , na ang pangala&apos;y Mardocheo , na anak ni Jair , na anak ni Simi , na anak ni Cis na Benjamita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na nadala mula sa Jerusalem na kasama ng mga bihag na nangadalang kasama ni Jechonias na hari sa Juda , na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pinalaki niya si Hadasa , sa makatuwid baga&apos;y si Esther , na anak na babae ng kaniyang amain : sapagka&apos;t siya&apos;y wala kahit ama o ina man , at ang dalaga ay maganda at may mabuting anyo ; at nang mamatay ang kaniyang ama&apos;t ina inari siya ni Mardocheo na parang tunay na anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y nangyari nang mabalitaan ang utos ng hari at ang kaniyang pasiya , at nang napipisan ang maraming dalaga sa Susan na bahay-hari , sa pamamahala ni Hegai , na si Esther ay dinala sa bahay ng hari , sa pamamahala ni Hegai , na tagapagingat sa mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang dalaga ay nakalugod sa kaniya , at nilingap niya ; at nagbigay siyang madali sa kaniya ng mga bagay na ukol sa paglilinis , pati ng mga bahagi niya , at ng pitong dalaga na marapat na ibigay sa kaniya , na mula sa bahay ng hari : at inilipat niya siya at ang kaniyang mga dalaga sa pinaka mabuting dako ng bahay ng mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi ipinakilala ni Esther ang kaniyang bayan o ang kaniyang kamaganakan man ; sapagka&apos;t ibinilin sa kaniya ni Mardocheo na huwag niyang ipakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Mardocheo ay lumakad araw-araw sa harap ng looban ng bahay ng mga babae , upang maalaman kung anong ginagawa ni Esther , at kung ano ang mangyayari sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang sumapit nga ang paghahalihalili ng bawa&apos;t dalaga na pasukin ang haring Assuero , pagkatapos na magawa sa kaniya ang ayon sa kautusan sa mga babae , na labing dalawang buwan , ( sapagka&apos;t ganito nagaganap ang mga araw ng kanilang paglilinis , sa makatuwid baga&apos;y anim na buwan na ma&apos;y langis na mirra , at anim na buwan na may mainam na pabango , at ng mga bagay na ukol sa paglilinis ng mga babae . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa ganito ngang paraan naparoroon ang dalaga sa hari : Na anomang kaniyang nasain ay ibinibigay sa kaniya upang yumaong kasama niya na mula sa bahay ng mga babae hanggang sa bahay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa kinahapunan ay naparoroon siya , at sa kinaumagahan ay bumabalik siya sa ikalawang bahay ng mga babae , sa pamamahala ni Saasgaz , na kamarero ng hari , na nagiingat sa mga babae ; hindi na niya pinapasok ang hari malibang ang hari ay malugod sa kaniya , at siya&apos;y tawagin sa pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang sumapit ang paghalili nga ni Esther , na anak ni Abihail , na amain ni Mardocheo , na umaring anak kay Esther , upang pasukin ang hari , wala siyang tinamong anoman , kundi ang ibinigay ni Hegai na kamarero ng hari , na tagapagingat sa mga babae . At si Esther ay nilingap ng lahat na nakakita sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y dinala si Esther sa haring Assuero sa loob ng kaniyang bahay-hari , nang ikasangpung buwan na siyang buwan ng Tebeth nang ikapitong taon ng kaniyang paghahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sininta ng hari si Esther ng higit kay sa lahat na babae , at siya&apos;y nilingap at minahal na higit kay sa lahat na dalaga ; na anopa&apos;t kaniyang ipinutong ang putong na pagkareina sa kaniyang ulo , at ginawa siyang reina na kahalili ni Vasthi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y gumawa ang hari ng malaking kapistahan sa kaniyang lahat na prinsipe at kaniyang mga lingkod , sa makatuwid baga&apos;y kapistahan ni Esther ; at siya&apos;y gumawa ng pagpapatawad ng sala sa mga lalawigan , at nagbigay ng mga kaloob , ayon sa kalooban ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang mapisan na ikalawa ang mga dalaga , naupo nga si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi pa ipinakikilala ni Esther ang kaniyang kamaganakan o ang kaniyang bayan man ; gaya ng ibinilin sa kaniya ni Mardocheo : sapagka&apos;t ginawa ni Esther ang utos ni Mardocheo , na gaya ng siya&apos;y palakihing kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa mga araw na yaon , samantalang nauupo si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari , dalawa sa kamarero ng hari , si Bigthan at si Teres , sa nangagiingat ng pintuan , ay nangapoot at nangagaakalang buhatan ng kamay ang haring Assuero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang bagay ay naalaman ni Mardocheo na siyang nagturo kay Esther na reina : at sinaysay ni Esther sa hari , sa pangalan ni Mardocheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon , sila&apos;y kapuwa binigti sa punong kahoy : at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dinakila ng haring Assuero si Aman na anak ni Amedatha na Agageo , at pinataas siya , at inilagay ang kaniyang upuan na mataas kay sa lahat na prinsipe na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At lahat ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari , ay nagsiyukod at nagsigalang kay Aman ; sapagka&apos;t iniutos na gayon ng hari tungkol sa kaniya . Nguni&apos;t si Mardocheo ay hindi yumukod , o gumalang man sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari kay Mardocheo : Bakit mo sinasalangsang ang utos ng hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nangyari nga , nang sila&apos;y mangagsalita araw-araw sa kaniya , at hindi niya dinggin sila , na kanilang sinaysay kay Aman , upang makita kung mangyayari ang bagay ni Mardocheo : sapagka&apos;t sinaysay niya sa kanila na siya&apos;y Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang makita ni Aman na si Mardocheo ay hindi yumuyukod , o gumagalang man sa kaniya , napuspos nga ng pagkapoot si Aman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t inakala niyang walang kabuluhan na pagbuhatan ng kamay si Mardocheo na magisa ; sapagka&apos;t ipinakilala nila sa kaniya ang bayan ni Mardocheo : kaya&apos;t inisip ni Aman na lipulin ang lahat na Judio na nangasa buong kaharian ni Assuero , sa makatuwid baga&apos;y ang bayan ni Mardocheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang unang buwan , na siyang buwan ng Nisan , nang ikalabing dalawang taon ng haring Assuero , kanilang pinagsapalaran nga ang Pur sa harap ni Aman sa araw-araw , at sa buwan-buwan , hanggang sa ikalabing dalawang buwan , na siyang buwan ng Adar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ni Aman sa haring Assuero , May isang bayang nakakalat at nakasabog sa gitna ng mga bayan sa lahat ng mga lalawigan ng iyong kaharian at ang kanilang kautusan ay kaiba sa bawa&apos;t bayan ; na hindi man lamang iniingatan nila ang mga kautusan ng hari ; kaya&apos;t hindi mapakinabang sa hari na sila&apos;y tiisin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung kalugdan ng hari , masulat na sila&apos;y lipulin : at ako&apos;y magbabayad ng sangpung libong talentong pilak sa mga kamay niyaong mga may katungkulan sa mga gawain ng hari , upang dalhin sa mga ingatang-yaman ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y hinubad ng hari ang kaniyang singsing sa kaniyang kamay , at ibinigay kay Aman na anak ni Amedatha na Agageo , na kaaway ng mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng hari kay Aman , Ang pilak ay nabigay sa iyo at gayon din ang bayan upang gawin mo sa mga yaon kung ano ang inaakala mong mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y tinawag ang mga kalihim ng hari sa unang buwan , nang ikalabing tatlong araw niyaon ; at nangasulat ayon sa lahat na iniutos ni Aman sa mga satrapa ng hari , at sa mga tagapamahala na nangasa bawa&apos;t lalawigan , at sa mga prinsipe ng bawa&apos;t bayan , sa bawa&apos;t lalawigan ayon sa sulat niyaon , at sa bawa&apos;t bayan ayon sa kanilang wika ; sa pangalan ng haring Assuero nasulat , at tinatakan ng singsing ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga lalawigan ng hari , upang ipahamak , upang patayin , at upang lipulin ang lahat na Judio , ang bata at gayon din ang matanda , ang mga bata at ang mga babae sa isang araw , sa makatuwid baga&apos;y sa ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan , na siyang buwan ng Adar , at upang kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Isang salin ng sulat ay ibigay sa bawa&apos;t lalawigan upang ang pasiya ay mahayag sa lahat na bayan , na sila&apos;y magsihanda sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga sugo ay nagsilabas na madalian sa utos ng hari , at ang pasiya ay natanyag sa Susan na bahay-hari . At ang hari at si Aman ay naupo upang uminom ; nguni&apos;t ang bayan ng Susan ay natitigilan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa , hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot , at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo , at lumabas sa gitna ng bayan , at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari : sapagka&apos;t walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa bawa&apos;t lalawigan , na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya , ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio , at ng pagaayuno , at ng iyakan at ng taghuyan ; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang mga kamarero ay nagsiparoon , at isinaysay sa kaniya ; at ang reina ay namanglaw na mainam : at siya&apos;y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo , at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang : nguni&apos;t hindi niya tinanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Esther si Atach , na isa sa mga kamarero ng hari , na siya niyang inihalal na magingat sa kaniya , at binilinan niyang pumaroon kay Mardocheo , upang maalaman kung ano yaon , at kung bakit gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y nilabas nga ni Atach si Mardocheo , sa luwal na dako ng bayan , na nasa harap ng pintuang-daan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At isinaysay sa kaniya ni Mardocheo ang lahat na nangyari sa kaniya , at ang lubos na kabilangan ng salapi na ipinangako ni Aman na ibayad sa mga ingatang-yaman ng hari hinggil sa mga Judio , upang lipulin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Binigyan din niya siya ng salin ng pasiya na natanyag sa Susan upang lipulin sila , upang ipakilala kay Esther , at ipahayag sa kaniya : at upang ibilin sa kaniya na siya&apos;y paroon sa hari upang mamanhik sa kaniya , at upang hingin sa kaniya , dahil sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Atach ay naparoon , at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Esther kay Atach , at nagpasabi kay Mardocheo , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam , na sinoman , maging lalake o babae , na paroroon sa hari sa pinakaloob na looban , na hindi tinatawag , may isang kautusan sa kaniya , na siya&apos;y patayin , liban yaong paglawitan ng hari ng gintong cetro , upang siya&apos;y mabuhay : nguni&apos;t hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther : Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari , ng higit kay sa lahat na mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito , ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako , nguni&apos;t ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak : at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ikaw ay yumaon , pisanin mo ang lahat na Judio , na nangakaharap sa Susan , at ipagayuno ninyo ako , at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw , gabi o araw ; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan ; at sa gayo&apos;y papasukin ko ang hari , na hindi ayon sa kautusan : at kung ako&apos;y mamatay ay mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga , nang ikatlong araw , na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina , at tumayo sa pinakaloob ng bahay ng hari , sa tapat ng bahay-hari ; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari , sa tapat ng pasukan sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagkagayon , nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban , na siya&apos;y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin : at inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay . Sa gayo&apos;y lumapit si Esther , at hinipo ang dulo ng cetro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari sa kaniya , Anong ibig mo , reina Esther ? at ano ang iyong hiling ? mabibigay sa iyo kahit kalahati ng kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Esther , Kung inaakalang mabuti ng hari , pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari , Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther . Sa gayo&apos;y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak : Ano ang iyong hingi ? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling ? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Esther , at nagsabi , Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari , at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi , at gawin ang aking hiling , na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila , at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso : nguni&apos;t nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari , na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya , siya&apos;y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili , at umuwi sa bahay ; at siya&apos;y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si Zeres na kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan , at ang karamihan ng kaniyang mga anak , at lahat ng bagay na ipinagkaloob ng hari sa kaniya , at kung paanong siya&apos;y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi ni Aman , bukod dito : Oo , si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang ; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y ang lahat ng ito&apos;y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya : Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas , at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo : kung magkagayo&apos;y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan . At ang bagay ay nakalugod kay Aman ; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari ; at kaniyang iniutos na dalhin ang aklat ng mga alaala ng mga gawa , at mga binasa sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nasumpungang nakasulat , na si Mardocheo ay nagsaysay tungkol kay Bigthana at kay Teres , dalawa sa mga kamarero ng hari , sa nangagingat ng pintuan na nangagisip magbuhat ng kamay sa haring Assuero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng hari , Anong karangalan at kamahalan ang nagawa kay Mardocheo sa bagay na ito ? Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya , Walang anomang nagawa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng hari , Sino ang nasa looban ? Si Aman nga ay pumasok sa looban ng bahay ng hari , upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya . Narito , si Aman ay nakatayo sa looban . At sinabi ng hari , Papasukin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y pumasok si Aman . At ang hari ay nagsabi sa kaniya , Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari ? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili : Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ni Aman sa hari , Sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ay dalhan ng damit-hari na isinusuot ng hari , at ng kabayo na sinasakyan ng hari , at putungan sa ulo ng putong na hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang bihisan at ang kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari , upang bihisang gayon ang lalake na kinalulugdang parangalin ng hari , at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan , at itanyag sa unahan niya ; Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari kay Aman , Ikaw ay magmadali , at kunin mo ang bihisan at ang kabayo , gaya ng iyong sinabi , at gawin mong gayon kay Mardocheo , na Judio , na nauupo sa pintuang-daan ng hari ; huwag magkulang ang anomang bagay sa lahat na iyong sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y kinuha ni Aman ang bihisan at ang kabayo , at binihisan si Mardocheo , at pinasakay sa lansangan ng bayan , at nagtanyag sa unahan niya : Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Mardocheo ay bumalik sa pintuang-daan ng hari . Nguni&apos;t si Aman ay nagmadaling umuwi , na tumatangis at may takip ang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At isinaysay ni Aman kay Zeres na kaniyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang bawa&apos;t bagay na nangyari sa kaniya . Nang magkagayo&apos;y sinabi ng kaniyang mga pantas na lalake , at ni Zeres na kaniyang asawa sa kaniya : Kung si Mardocheo , na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap , ay sa binhi ng mga Judio , hindi ka mananaig laban sa kaniya , kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Samantalang sila&apos;y nakikipagsalitaan pa sa kaniya , dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa gayo&apos;y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak : Ano ang iyong hingi , reina Esther ? at ibibigay sa iyo : at ano ang iyong hiling ? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sumagot , at nagsabi si Esther na reina , Kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , Oh hari , at kung kalulugdan ng hari , ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kami ay naipagbili , ako at ang aking bayan upang ipahamak , upang patayin , at upang lipulin . Nguni&apos;t kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae , ako&apos;y tumahimik , bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nagsalita ang haring Assuero , at nagsabi kay Esther na reina : Sino siya , at saan nandoon siya , na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Esther , Ang isang kaaway at kaalit : itong masamang si Aman . Nang magkagayo&apos;y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot , at pumasok sa halamanan ng bahay-hari : at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina ; sapagka&apos;t nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak ; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther . Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari , Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay ? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Harbona , na isa sa kamarero na nasa harap ng hari : Narito naman , ang bibitayan na may limang pung siko ang taas , na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo , na siyang nagsalita sa ikabubuti ng hari , ay nakatayo sa bahay ni Aman . At sinabi ng hari , Bitayin siya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo . Nang magkagayo&apos;y napayapa ang kapootan ng hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina . At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari ; sapagka&apos;t isinaysay ni Esther kung ano niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At hinubad ng hari ang kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman , at ibinigay kay Mardocheo . At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari , at nagpatirapa sa kaniyang mga paa , at ipinamanhik sa kaniya na may luha , na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo , at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro . Sa gayo&apos;y tumindig si Esther , at tumayo sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya , Kung kinalulugdan ng hari at kung ako&apos;y nakasumpong ng biyaya sa kaniyang paningin , at ang bagay ay inaakalang matuwid sa harap ng hari , at ako&apos;y nakalulugod sa kaniyang mga mata , masulat na tiwaliin ang mga sulat na ibinanta ni Aman na anak ni Amedata , na Agageo , na kaniyang sinulat upang lipulin ang mga Judio na nangasa lahat na lalawigan ng hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t paanong ako&apos;y makapagtitiis na makita ang kasamaan na darating sa aking bayan ? o paanong ako&apos;y makapagtitiis na makita ang paglipol sa aking kamaganakan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina , at kay Mardocheo na Judio : Narito , ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman , at siya ang kanilang binitay sa bibitayan , sapagka&apos;t siya&apos;y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumulat naman kayo sa mga Judio , kung anong maibigan ninyo sa pangalan ng hari , at tatakan ninyo ng singsing ng hari : sapagka&apos;t ang sulat na nasusulat sa pangalan ng hari , at natatakan ng singsing ng hari ay walang taong makatitiwali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon , sa ikatlong buwan , na siyang buwan ng Sivan , nang ikadalawang pu&apos;t tatlo niyaon ; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga satrapa , at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon mula sa India hanggang sa Etiopia , na isang daan at dalawang pu&apos;t pitong lalawigan , sa bawa&apos;t lalawigan ayon sa sulat niyaon , at sa bawa&apos;t bayan ayon sa wika nila , at sa mga Judio ayon sa sulat nila , at ayon sa wika nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero , at tinatakan ng singsing ng hari , at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari , at sa mga batang dromedario ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa&apos;t bayan , na magpipisan , at ipagsanggalang ang kanilang buhay , upang magpahamak , pumatay , at magpalipol , sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila , sa kanilang mga bata at mga babae , at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa isang araw sa lahat na lalawigan ng haring Assuero , nang ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan , na siyang buwan ng Adar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Isang salin ng sulat na ang pasiya&apos;y ihayag sa bawa&apos;t lalawigan , ay nahayag sa lahat ng mga bayan , at upang ang mga Judio ay magsihanda sa araw na yaon na magsipanghiganti sa kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y ang mga sugo na nangasasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari ay nagsilabas , na nangagmamadali at nangagtutumulin sa utos ng hari ; at ang pasiya ay nahayag sa Susan na bahay-hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na nakapanamit hari na bughaw , at puti , at may dakilang putong na ginto , at may balabal na mainam na lino at kulay ube : at ang bayan ng Susan ay humiyaw at natuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nagkaroon ang mga Judio ng kaliwanagan at ng kasayahan , at ng kagalakan at ng karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa bawa&apos;t lalawigan , at sa bawa&apos;t bayan , saan man dumating ang utos ng hari at pasiya niya , ay nagkaroon ang mga Judio ng kasayahan at kagalakan , ng kapistahan at mabuting araw . At marami na mula sa mga bayan ng lupain ay naging mga Judio ; sapagka&apos;t ang takot sa mga Judio ay suma kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa ikalabing dalawang buwan nga , na siyang buwan ng Adar , nang ikalabing tatlong araw ng buwan ding yaon , nang ang utos ng hari at ang pasiya niya ay malapit nang gagawin , nang araw na inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na magpuno sa kanila ; ( yamang napabaligtad , na ang mga Judio ay siyang naghari sa kanila na nangapopoot sa kanila ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga Judio ay nagpipisan sa kanilang mga bayan sa lahat na lalawigan ng haring Assuero , upang magbuhat ng kamay sa mga nagbabanta ng kanilang kapahamakan : at walang makatayo sa kanila ; sapagka&apos;t ang takot sa kanila ay nahulog sa lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At lahat ng mga prinsipe sa mga lalawigan , at ang mga satrapa , at ang mga tagapamahala , at ang mga nagsisigawa ng gawain ng hari , ay nagsitulong sa mga Judio ; sapagka&apos;t ang takot kay Mardocheo ay suma kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t si Mardocheo ay dakila sa bahay ng hari , at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan : sapagka&apos;t ang lalaking si Mardocheo ay dumakila , ng dumakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinaktan ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa taga ng tabak , at sa pagpatay at paggiba , at ginawa ang naibigan nila sa nangapopoot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa Susan na bahay-hari ay nagsipatay ang mga Judio at nagsilipol ng limang daang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Phorsandatha , at si Dalphon , at si Asphatha ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Phoratha , at si Ahalia , at si Aridatha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Pharmastha , at si Arisai , at si Aridai , at si Vaizatha ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na sangpung anak ni Aman , na anak ni Amedatha , na kaaway ng mga Judio , ay pinatay nila ; nguni&apos;t sa pagsamsam , hindi nila binuhat ang kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang araw na yaon ay ang bilang ng nangapatay sa Susan na bahay-hari ay dinala sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng hari kay Esther na reina ; Ang mga Judio ay nagsipatay at nagsilipol ng limang daang lalake sa Susan na bahay-hari , at ng sangpung anak ni Aman ; ano nga ang kanilang ginawa kaya sa ibang mga lalawigan ng hari ? Ngayon , ano pa ang iyong kahilingan ? at ipagkakaloob sa iyo : o ano pa ang iyong kahingian ? at gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Esther , Kung kinalulugdan ng hari ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito , at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At iniutos ng hari na gawing gayon : at ang pasiya ay nabigay mula sa Susan ; at kanilang ibinitin ang sangpung anak ni Aman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar , at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan : nguni&apos;t sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang ibang mga Judio na nangasa mga lalawigan ng hari ay nagpipisan , at ipinagsanggalang ang kanilang buhay , at nangagkaroon ng kapahingahan sa kanilang mga kaaway , at nagsipatay sa mga nangapopoot sa kanila ng pitong pu&apos;t limang libo ; nguni&apos;t sa pagsamsam ay hindi nila binuhat ang kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ito&apos;y nagawa nang ikalabing tatlong araw ng buwan ng Adar : at nang ikalabing apat na araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila , at ginawang araw ng pistahan at kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing tatlong araw niyaon , at nang ikalabing apat niyaon ; at nang ikalabing limang araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila , at ginawang araw ng kapistahan at kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ang mga Judio sa mga nayon , na nagsisitahan sa mga bayan na hindi nangakukutaan , ginagawa ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar na araw ng kasayahan at pistahan , at mabuting araw , at ng padalahan ng mga bahagi ng isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinulat ni Mardocheo ang mga bagay na ito , at nagpadala ng mga sulat sa lahat ng Judio , na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero , sa malapit at gayon din sa malayo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang ipagbilin sa kanila na kanilang ipangilin ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar , at ang ikalabing lima niyaon , taon-taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na mga pinakaaraw na ipinagkaroon ng kapahingahan ng mga Judio sa kanilang mga kaaway , at buwan ng ikinapaging kasayahan ng kapanglawan , at ikinapaging mabuting araw ng pagtangis : upang kanilang gawing mga araw ng pistahan at kasayahan , at ng pagpapadalahan ng mga bahagi ng isa&apos;t isa , at ng mga kaloob sa mga dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pinagkasunduan ng mga Judio na gawin ang gaya ng kanilang pinasimulan , at ang isinulat ni Mardocheo sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t si Aman na anak ni Amedatha na Agageo , na kaaway ng lahat na Judio ay nagbanta laban sa mga Judio upang lipulin sila , at pinagsapalaran nga ang Pur , upang patayin , at upang lipulin sila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t nang dumating sa harap ng hari ang bagay , ay kaniyang iniutos sa pamamagitan ng mga sulat na ang kaniyang masamang banta , na kaniyang ibinanta laban sa mga Judio , ay mauwi sa kaniyang sariling ulo ; at siya at ang kaniyang mga anak ay mabitay sa bibitayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t kanilang tinawag ang mga araw na ito na Purim , ayon sa pangalan ng Pur . Kaya&apos;t dahil sa lahat na salita ng sulat na ito , at ng kanilang nakita tungkol sa bagay na ito , at ng dumating sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang mga Judio ay nangagpasiya at nagsipangako sa kanilang sarili at sa kanilang binhi , at sa lahat ng yaon na nagpipisan sa kanila , na anopa&apos;t huwag magkulang , na kanilang ipangingilin ang dalawang araw na ito ayon sa sulat niyaon , at ayon sa takdang panahon niyaon taon-taon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga araw na ito ay aalalahanin at ipangingilin sa buong panahon , na bawa&apos;t angkan , ng bawa&apos;t lalawigan , at ng bawa&apos;t bayan ; at ang mga araw na ito ng Purim ay hindi lilipas sa mga Judio , o ang alaala man sa mga yaon ay lilipas sa kanilang binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y si Esther na reina na anak ni Abihail , at si Mardocheo na Judio , sumulat ng buong kapamahalaan upang pagtibayin ang ikalawang sulat na ito ng Purim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At siya&apos;y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga Judio , sa isang daan at dalawang pu&apos;t pitong lalawigan ng kaharian ni Assuero , na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim , sa kanilang mga takdang panahon , ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina , at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi , sa bagay ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim ; at nasulat sa aklat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang haring Assuero ay nagatang ng buwis sa lupain , at sa mga pulo ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At lahat ng mga gawa ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang kakayahan , at ang lubos na kasaysayan ng kadakilaan ni Mardocheo , na ipinagtaas sa kaniya ng hari , hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Media at Persia ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t si Mardocheo na Judio ay pangalawa ng haring Assuero , at dakila sa gitna ng mga Judio , at kinalulugdan ng karamihan ng kaniyang mga kapatid : na humahanap ng ikabubuti ng kaniyang bayan , at nagsasalita ng kapayapaan sa kaniyang buong lahi .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "18">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">May isang lalake sa lupain ng Uz , na ang pangalan ay Job ; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid , at natatakot sa Dios , at humihiwalay sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kaniyang pag-aari naman ay pitong libong tupa , at tatlong libong kamelyo , at limang daang magkatuwang na baka , at limang daang asnong babae , at isang totoong malaking sangbahayan ; na anopa&apos;t ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaniyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawa&apos;t isa sa kanikaniyang kaarawan ; at sila&apos;y nangagsugo , at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari , nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista , na si Job ay nagsugo , at pinapagbanal sila , at bumangong maaga sa kinaumagahan , at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat : sapagka&apos;t sinabi ni Job , Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala , at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso . Ganito ang ginawa ni Job na palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon , na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Saan ka nanggaling ? Nang magkagayo&apos;y sumagot si Satanas sa Panginoon , at nagsabi , Sa pagpaparoo&apos;t parito sa lupa , at sa pagmamanhik manaog doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job ? sapagka&apos;t walang gaya niya sa lupa , na sakdal at matuwid na lalake , na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Satanas sa Panginoon , at nagsabi , Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi mo ba kinulong siya , at ang kaniyang sangbahayan , at ang lahat niyang tinatangkilik , sa bawa&apos;t dako ? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay , at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon , at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik , at itatakuwil ka niya ng mukhaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Narito , lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan ; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay . Sa gayo&apos;y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari isang araw , nang ang kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na dumating ang isang sugo kay Job , at nagsabi , Ang mga baka ay nagsisipagararo , at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dinaluhong ng mga Sabeo , at pinagdadala ; oo , kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Samantalang siya&apos;y nagsasalita pa , ay dumating naman ang iba , at nagsabi , Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit , at sinunog ang mga tupa , at ang mga bataan , at pinagsupok ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Samantalang siya&apos;y nagsasalita pa , ay dumating naman ang iba , at nagsabi , Ang mga Caldeo ay nagtatlong pulutong , at dumaluhong sa mga kamelyo , at pinagdadala , oo , at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Samantalang siya&apos;y nagsasalita pa , ay dumating naman ang iba , at nagsabi , Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At , narito , dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang , at hinampas ang apat na sulok ng bahay , at lumagpak sa mga binata , at sila&apos;y nangamatay ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y bumangon si Job , at hinapak ang kaniyang balabal , at inahitan ang kaniyang ulo , at nagpatirapa sa lupa at sumamba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya , Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina , at hubad na babalik ako roon : ang Panginoon ang nagbigay , at ang Panginoon ang nagalis ; purihin ang pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job , ni inari mang mangmang ang Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon , na nakiparoon din si Satanas , upang humarap sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Saan ka nanggaling ? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon , at nagsabi , Sa pagpaparoo&apos;t parito sa lupa , at sa pagmamanhik manaog doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job ? sapagka&apos;t walang gaya niya sa lupa , na sakdal at matuwid na lalake , na natatakot sa Dios , at humihiwalay sa kasamaan : at siya&apos;y namamalagi sa kaniyang pagtatapat , bagaman ako&apos;y kinilos mo laban sa kaniya , upang ilugmok siya ng walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Satanas ay sumagot sa Panginoon , at nagsabi , Balat kung balat , oo , lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay , at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman , at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas , Narito , siya&apos;y nasa iyong kamay ; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon , at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib ; at siya&apos;y naupo sa mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya , Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat ? itakuwil mo ang Dios , at mamatay ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t sinabi niya sa kaniya , Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae . Ano ? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios , at hindi tayo tatanggap ng masama ? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila&apos;y naparoon bawa&apos;t isa na mula sa kanikaniyang sariling pook , si Eliphaz na Temanita , at si Bildad na Suhita , at si Sophar na Naamathita : at sila&apos;y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo , at hindi siya makilala , kanilang inilakas ang kanilang tinig , at nagsiiyak at hinapak ng bawa&apos;t isa sa kanila ang kanikaniyang balabal , at nagbuhos ng alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa na pitong araw at pitong gabi , at walang nagsalita sa kaniya : sapagka&apos;t kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos nito&apos;y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Job ay sumagot , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin , at ang gabi na nagsabi , may lalaking ipinaglihi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magdilim nawa ang kaarawang yaon ; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas , ni silangan man ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon ; pag-ulapan nawa yaon ; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman : huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon ; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , mapagisa ang gabing yaon ; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw , ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon : maghintay nawa ng liwanag , nguni&apos;t huwag magkaroon : ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina , o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata ? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bakit tinanggap ako ng mga tuhod ? O bakit ng mga suso , na aking sususuhin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik ; ako sana&apos;y nakakatulog ; na napapahinga ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa , na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto , na pumuno sa kanilang bahay ng pilak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">O gaya sana ng nalagas na nakatago , na hindi nabuhay ; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Doo&apos;y naglilikat ang masama sa pagbagabag ; at doo&apos;y nagpapahinga ang pagod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Doo&apos;y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama ; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mababa at ang mataas ay nangaroon ; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan , at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na naghihintay ng kamatayan , nguni&apos;t hindi dumarating ; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na nagagalak ng di kawasa , at nangasasayahan , pagka nasumpungan ang libingan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad , at ang kinulong ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t nagbubuntong hininga ako bago ako kumain , at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin , at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Hindi ako tiwasay , ni ako man ay tahimik , ni ako man ay napapahinga ; kundi kabagabagan ang dumarating .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Eliphaz na Temanita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo , ikababalisa mo ba ? Nguni&apos;t sinong makapipigil ng pagsasalita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito , ikaw ay nagturo sa marami , at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal , at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ngayo&apos;y dinaratnan ka ng kasamaan , at ikaw ay nanglulupaypay ; ginagalaw ka , at ikaw ay nababagabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala , at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iyong alalahanin , isinasamo ko sa iyo , kung sino ang namatay , na walang malay ? O saan nangahiwalay ang mga matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan , at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa hinga ng Dios sila&apos;y nangamamatay , at sa bugso ng kaniyang galit sila&apos;y nangalilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang ungal ng leon , at ang tinig ng mabangis na leon , at ang mga ngipin ng mga batang leon , ay nangabali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli , at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayo&apos;y nadalang lihim sa akin ang isang bagay , at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi , pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Takot ay dumating sa akin , at panginginig , na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha . Ang balahibo ng aking balat ay nanindig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tumayong nakatigil , nguni&apos;t hindi ko mawari ang anyo niyaon ; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata : tahimik , at ako&apos;y nakarinig ng tinig , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios ? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , siya&apos;y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod ; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik , na ang patibayan ay nasa alabok , na napipisang gaya ng paroparo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa pagitan ng umaga at hapon , ay nangagigiba ; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila ? Sila&apos;y nangamamatay at walang karunungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tumawag ka ngayon ; may sasagot ba sa iyo ? At sa kanino sa mga banal babalik ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal , at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking nakita ang hangal na umuunlad : nguni&apos;t agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan , at sila&apos;y mangapipisa sa pintuang-bayan , na wala mang magligtas sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom , at kinukuha na mula sa mga tinik , at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok , ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan . Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sa ganang akin , ay hahanapin ko ang Dios , at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita ; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa , at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na anopa&apos;t kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa ; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha , na anopa&apos;t hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha : at ang payo ng suwail ay napapariwara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw , at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig , sa makatuwid baga&apos;y ang maralita sa kamay ng malakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na anopa&apos;t ang dukha ay may pagasa , at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Narito , maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios : kaya&apos;t huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t siya&apos;y sumusugat , at nagtatapal ; siya&apos;y sumusugat , at pinagagaling ng kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan . Oo , sa pito , ay walang kasamaang kikilos sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan ; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikaw ay makukubli sa talas ng dila ; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka ; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang ; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan ; at iyong dadalawin ang iyong kulungan , at walang mawawala na anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila , at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan . Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , aming siniyasat , at gayon nga ; dinggin mo , at talastasin mo sa iyong ikabubuti .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh timbangin nawa ang aking pagkainip , at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ngayo&apos;y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat : kaya&apos;t ang aking pananalita ay napabigla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin , ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa ; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo ? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Makakain ba ng walang asin ang matabang ? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa ; mga karumaldumal na pagkain sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh mangyari nawa ang aking kahilingan ; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa makatuwid baga&apos;y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako ; na bitawan ang kaniyang kamay , at ihiwalay ako !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung magkagayo&apos;y magtataglay pa ako ng kaaliwan ; Oo , ako&apos;y makapagbabata sa mga walang awang sakit ; sapagka&apos;t hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ano ang aking lakas , na ako&apos;y maghihintay ? At ano ang aking wakas na ako&apos;y magtitiis ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato ? O ang akin bang laman ay tanso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Di ba ako&apos;y walang sukat na kaya , at ang karunungan ay lumayo sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan ; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis , na parang daan ng mga batis na nababago ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na malabo dahil sa hielo , at siyang kinatunawan ng nieve :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Paginit ay nawawala : pagka mainit , ay nangatutunaw sa kanilang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw ; nagsisilihis sa ilang at nawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema , hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sila&apos;y nangapahiya , sapagka&apos;t sila&apos;y nagsiasa ; sila&apos;y nagsiparoon at nangatulig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ngayon , kayo&apos;y nauwi sa wala ; kayo&apos;y nangakakakita ng kakilabutan , at nangatatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi ko baga : Bigyan mo ako ? O , Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">O , Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway ? O , tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Turuan mo ako , at ako&apos;y mamamayapa ; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran ! Nguni&apos;t anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita ? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Oo , kayo&apos;y magsasapalaran sa ulila , at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ngayon nga&apos;y kalugdan mong lingapin ako ; sapagka&apos;t tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kayo&apos;y magsibalik isinasamo ko sa inyo , huwag magkaroon ng kalikuan ; Oo , kayo&apos;y magsibalik uli , ang aking usap ay matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">May di ganap ba sa aking dila ? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa ? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim , at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pag ako&apos;y nahihiga , aking sinasabi , kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi ? At ako&apos;y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok ; ang aking balat ay namamaga at putok putok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi , at nagugugol na walang pagasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga : Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan : ang iyong mga mata ay sasa akin , nguni&apos;t wala na ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala , gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay , ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t hindi ko pipigilin ang aking bibig ; ako&apos;y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa ; ako&apos;y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako ba&apos;y isang dagat , o isang malaking hayop dagat , na pinababantayan mo ako sa isang bantay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pag aking sinasabi , Aaliwin ako ng aking higaan , papayapain ng aking unan ang aking karamdaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung magkagayo&apos;y pinupukaw mo ako ng mga panaginip , at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na anopa&apos;t pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis , at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking kinayayamutan ang aking buhay ; di ko na ibig mabuhay magpakailan man : bayaan akong magisa ; sapagka&apos;t ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ano ang tao , na iyong palalakhin siya , at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iyong dadalawin siya tuwing umaga , at susubukin siya sa tuwi-tuwina ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hanggang kailan di mo ako iiwan , ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung ako&apos;y nagkasala , ano ang aking magagawa sa iyo , Oh ikaw na bantay sa mga tao ? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo . Na anopa&apos;t ako&apos;y isang pasan sa aking sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang , at inaalis ang aking kasamaan ? Sapagka&apos;t ngayo&apos;y mahihiga ako sa alabok ; at ako&apos;y hahanapin mong mainam , nguni&apos;t wala na ako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Bildad na Suhita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito ? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios ? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya , at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung hanapin mong mainam ang Dios , at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ikaw ay malinis at matuwid ; walang pagsalang ngayo&apos;y gigising siya dahil sa iyo . At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At bagaman ang iyong pasimula ay maliit , gayon ma&apos;y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ikaw ay magsisiyasat , isinasamo ko sa iyo , sa unang panahon , at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">( Sapagka&apos;t tayo&apos;y kahapon lamang , at walang nalalaman , sapagka&apos;t ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi ka ba nila tuturuan , at sasaysayin sa iyo , at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Makatataas ba ang yantok ng walang putik ? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Samantalang nasa kasariwaan , at hindi pinuputol , natutuyong una kay sa alin mang damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios ; at ang pagasa ng di banal ay mawawala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam , at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y sasandal sa kaniyang bahay , nguni&apos;t hindi tatayo ; siya&apos;y pipigil na mahigpit dito , nguni&apos;t hindi makapagmamatigas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y sariwa sa harap ng araw , at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton , kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung siya&apos;y magiba sa kaniyang dako , kung magkagayo&apos;y itatakuwil niya siya , na sinasabi : Hindi kita nakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , ito ang kagalakan ng kaniyang lakad , at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Narito , hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao , ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa , at ang iyong mga labi ng paghiyaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya ; at ang tolda ng masama ay mawawala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa katotohanan ay nalalaman kong ito&apos;y gayon : nguni&apos;t paanong makapaggaganap ang tao sa Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya , siya&apos;y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya ay pantas sa puso , at may kaya sa kalakasan : sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na siyang naglilipat ng mga bundok , at hindi nila nalalaman , pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan , at ang mga haligi nito ay nangayayanig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na siyang naguutos sa araw , at hindi sumisikat ; at nagtatakda sa mga bituin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na nagiisang inuunat ang langit , at tumutungtong sa mga alon ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na lumikha sa Oso , sa Orion , at sa mga Pleyade , at sa mga silid ng timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod ; Oo , mga kamanghamanghang bagay na walang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , siya&apos;y dumaraan sa siping ko , at hindi ko siya nakikita : siya&apos;y nagpapatuloy rin naman , nguni&apos;t hindi ko siya namamataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , siya&apos;y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya ? Sinong magsasabi sa kaniya : Anong ginagawa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit ; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya , at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na kahiman ako&apos;y matuwid , gayon may hindi ako sasagot sa kaniya ; ako&apos;y mamamanhik sa aking hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung ako&apos;y tumawag , at siya&apos;y sumagot sa akin ; gayon ma&apos;y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ako&apos;y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo , at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi niya ako tutulutang ako&apos;y huminga , nguni&apos;t nililipos niya ako ng hirap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan , narito , siya&apos;y may kapangyarihan ! At kung sa kahatulan , sino , sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kahiman ako&apos;y matuwid , ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin : kahiman ako&apos;y sakdal patototohanan niya akong masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ako&apos;y sakdal ; hindi ko talos ang aking sarili ; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Lahat ay isa ; kaya&apos;t aking sinasabi : kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla , tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama : kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito ; kung hindi siya , sino nga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ngayo&apos;y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo : dumadaang matulin , walang nakikitang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sila&apos;y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan : parang agila na dumadagit ng huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kung aking sabihin : Aking kalilimutan ang aking daing , aking papawiin ang aking malungkot na mukha , at magpapakasaya ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ako&apos;y natatakot sa lahat kong kapanglawan , talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ako&apos;y mahahatulan ; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung ako&apos;y maligo ng nieveng tubig , at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon ma&apos;y itutulak mo ako sa hukay , at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t siya&apos;y hindi tao , na gaya ko , na sasagot ako sa kaniya , na tayo&apos;y pumasok kapuwa sa kahatulan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Walang hukom sa pagitan natin , na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod , at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kung magkagayo&apos;y magsasalita ako , at hindi matatakot sa kaniya ; sapagka&apos;t hindi gayon ako sa aking sarili .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay ; aking palalayain ang aking daing ; ako&apos;y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sasabihin ko sa Dios : Huwag mo akong hatulan ; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati , na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway , at iyong pasilangin ang payo ng masama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw ba&apos;y may mga matang laman , o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao , o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan , at magusisa ng aking kasalanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bagaman iyong nalalaman na ako&apos;y hindi masama ; at walang makapagliligtas sa iyong kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot ; gayon ma&apos;y pinahihirapan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iyong alalahanin , isinasamo ko sa iyo , na ako&apos;y iyong binigyang anyo na gaya ng putik ; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas , at binuo mo akong parang keso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y binihisan mo ng balat at laman , at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako&apos;y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob , at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso ; talastas ko na ito&apos;y sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ako&apos;y magkasala , iyo nga akong tinatandaan , at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ako&apos;y maging masama , sa aba ko ; at kung ako&apos;y maging matuwid , hindi ko man itataas ang aking ulo ; yamang puspos ng kakutyaan , at ng pagmamasid niring kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung ang aking ulo ay mataas , iyong hinuhuli akong parang leon : at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin , at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin ; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata ? Napatid sana ang aking hininga , at wala nang matang nakakita pa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ako sana&apos;y naging parang hindi nabuhay ; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi ba kaunti ang aking mga araw ? paglikatin mo nga , at ako&apos;y iyong bayaan , upang ako&apos;y maginhawahan ng kaunti ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bago ako manaw doon na hindi ako babalik , sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang lupain na dilim , na gaya ng salimuot na kadiliman ; lupain ng lilim ng kamatayan , na walang anomang ayos , at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Sophar na Naamathita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita ? At ang lalaking masalita ay aariing ganap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog . At kung ikaw ay nanunuya , wala bang hihiya sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t iyong sinasabi , Ang aking aral ay dalisay , at ako&apos;y malinis sa iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t Oh ang Dios nawa&apos;y magsalita , at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan , pagka&apos;t siya ay masagana sa pagkaunawa . Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik ? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mataas na gaya ng langit ; anong iyong magagawa ? Malalim kay sa Sheol : anong iyong malalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang sukat niyao&apos;y mahaba kay sa lupa . At maluwang kay sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung siya&apos;y dumaan at magsara , at tumawag sa kahatulan , sino ngang makapipigil sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao : Nakikita rin naman niya ang kasamaan , bagaman hindi niya pinapansin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ang walang kabuluhang tao ay walang unawa , Oo , ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung iyong ihahanda ang iyong puso , at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay , ilayo mo , at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan ; Oo , ikaw ay matatatag , at hindi matatakot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t iyong malilimutan ang iyong karalitaan ; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat ; bagaman magkaroon ng kadiliman , ay magiging gaya ng umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ikaw ay matitiwasay sapagka&apos;t may pagasa ; Oo , ikaw ay magsiyasat sa palibot mo , at magpapahinga kang tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ikaw nama&apos;y hihiga at walang tatakot sa iyo ; Oo , maraming liligaw sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang mga mata ng masama ay mangangalumata , at mawawalan sila ng daang tatakasan , at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job ; at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan , At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ako&apos;y may pagkaunawang gaya ninyo : Hindi ako huli sa inyo : Oo , sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa , ako na tumawag sa Dios , at sinagot niya : Ang ganap , ang taong sakdal ay tinatawanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi ; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa , at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay ; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t tanungin mo ngayon ang mga hayop , at tuturuan ka nila : at ang mga ibon sa himpapawid , at kanilang sasaysayin sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">O magsalita ka sa lupa , at magtuturo sa iyo ; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito , na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa&apos;t bagay na may buhay , at ang hininga ng lahat ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig ; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nasa mga matanda ang karunungan , at sa kagulangan ang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nasa Dios ang karunungan at kakayahan ; kaniya ang payo at pagkaunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , siya&apos;y nagbabagsak at hindi maitayo uli ; siya&apos;y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo ; muli , kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan , ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait , at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari , at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang pinalalakad na hubad sa bait ang mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan . At inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siya&apos;y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo , at kinakalag ang pamigkis ng malakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Siya&apos;y naglilitaw ng mga malalim na bagay mula sa kadiliman , at inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya : kaniyang pinalaki ang mga bansa , at mga dinala sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa , at kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo&apos;y walang lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sila&apos;y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag , at kaniyang pinagigiraygiray sila na gaya ng lango .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , nakita ang lahat na ito ng aking mata , ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung ano ang iyong nalalaman , ay nalalaman ko rin naman : hindi ako huli sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Walang pagsalang ako&apos;y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat , at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t kayo&apos;y mapagkatha ng mga kabulaanan . Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat ! At magiging inyong karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran , at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kayo ba&apos;y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios , at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios ? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mabuti ba na kayo&apos;y siyasatin niya ? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Walang pagsalang sasawayin niya kayo , kung lihim na kayo&apos;y tatangi ng pagkatao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan , at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo , ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magsitahimik kayo , bayaan ninyo ako , na ako&apos;y makapagsalita , at paratingin sa akin ang darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman , at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bagaman ako&apos;y patayin niya , akin ding hihintayin siya : gayon ma&apos;y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito man ay magiging aking kaligtasan ; sapagka&apos;t ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita , at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , ngayon , aking inayos ang aking usap ; talastas ko na ako&apos;y matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sino ang makikipagtalo sa akin ? Sapagka&apos;t ngayo&apos;y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin , kung magkagayo&apos;y hindi ako magkukubli sa iyong mukha :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin ; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung magkagayo&apos;y tumawag ka , at ako&apos;y sasagot ; o papagsalitain mo ako , at sumagot ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan ? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha , at inaari mo akong iyong kaaway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin ? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin , at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan , at pinupuna mo ang lahat kong landas : ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Bagaman ako&apos;y parang bagay na bulok na natutunaw , na parang damit na kinain ng tanga .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw , at lipos ng kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y umuusli na gaya ng bulaklak , at nalalagas : siya rin nama&apos;y tumatakas na gaya ng anino , at hindi namamalagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito , at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi ? wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan , ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo , at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin , upang siya&apos;y makapagpahinga , hanggang sa maganap niya , na gaya ng isang magpapaupa , ang kaniyang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t may pagasa sa isang punong kahoy , na kung ito&apos;y putulin , ay sisibol uli , at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa , at ang puno niyao&apos;y mamatay sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol , at magsasanga na gaya ng pananim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang tao ay namamatay at natutunaw ; Oo , ang tao ay nalalagutan ng hininga , at saan nandoon siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat , at ang ilog ay humuhupa at natutuyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon : hanggang sa ang langit ay mawala , sila&apos;y hindi magsisibangon , ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol . Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan , na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon , at iyong alalahanin ako !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ang isang tao ay mamatay , mabubuhay pa ba siya ? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako , hanggang sa dumating ang pagbabago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw ay tatawag , at ako&apos;y sasagot sa iyo : ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t ngayo&apos;y binibilang mo ang aking mga hakbang : hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot , at iyong inilalapat ang aking kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At tunay na ang bundok na natitibag , ay nawawala , at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Inuukit ng tubig ang mga bato ; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa : sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya&apos;y pumapanaw ; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha , at iyong pinayayaon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan , at hindi niya nalalaman ; at sila&apos;y ibinababa , nguni&apos;t hindi niya nahahalata sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit , at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Eliphaz na Temanita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman , at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap , o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oo , ikaw ay nagaalis ng katakutan , at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig , at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo , at hindi ako ; Oo , ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak ? O nalabas ka bang una kay sa mga burol ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios ? At ikaw ba&apos;y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Anong nalalaman mo na di namin nalalaman ? Anong nauunawa mo na wala sa amin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kasama namin ay mga ulong may uban , at mga totoong napakatandang tao , matandang makapupo kay sa iyong ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo , sa makatuwid baga&apos;y ang salitang napakabuti sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bakit ka napadadala sa iyong puso ? At bakit kumikindat ang iyong mga mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios , at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ano ang tao upang maging malinis ? At siyang ipinanganak ng babae , upang siya&apos;y maging matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , siya&apos;y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal ; Oo , ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak , ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ipakikilala ko sa iyo , dinggin mo ako ; at ang aking nakita ay aking ipahahayag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">( Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang , at hindi inilingid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain , at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw , sa makatuwid baga&apos;y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig ; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Siya&apos;y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman , at siya&apos;y hinihintay ng tabak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siya&apos;y gumagala dahil sa tinapay , na nagsasabi : Nasaan ? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya : nangananaig laban sa kaniya , na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios . At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg , sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y tumahan sa mga sirang bayan , sa mga bahay na walang taong tumatahan , na madaling magiging mga bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Hindi siya yayaman , o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari . Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Siya&apos;y hindi hihiwalay sa kadiliman ; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga , at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili : sapagka&apos;t kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan , at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas , at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago , at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sila&apos;y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan , at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y nakarinig ng maraming ganyang bagay : maralitang mga mangaaliw kayong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita ? O anong naguudyok sa iyo , na ikaw ay sumagot ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako nama&apos;y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa ; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa , ako&apos;y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo , at maigagalaw ang aking ulo sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t aking palalakasin kayo ng aking bibig , at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bagaman ako&apos;y nagsasalita , ang aking hirap ay hindi naglilikat : at bagaman ako&apos;y tumatahimik , anong ikinalalayo sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ngayo&apos;y niyamot niya ako : nilansag mo ang aking buong pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ako&apos;y pinagdalamhati mo , na siyang saksi laban sa akin ; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin , nagpapatotoo sa aking mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Niluray niya ako sa kaniyang kapootan , at inusig ako ; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin : pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig : kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya : sila&apos;y nagpipisan laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ibinibigay ako ng Dios sa di banal , at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako&apos;y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam ; Oo , sinunggaban niya ako sa leeg , at pinagwaraywaray niya ako : inilagay naman niya akong pinakatanda niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana , kaniyang sinaksak ang aking mga bato , at hindi nagpapatawad ; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog ; siya&apos;y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan , at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak , at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay , at ang aking dalangin ay malinis ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh lupa , huwag mong tabunan ang aking dugo , at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kahit na ngayon , narito , ang aking saksi ay nasa langit , at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ginagalit ako ng aking mga kaibigan : nguni&apos;t ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios ; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t pagsapit ng ilang taon , ako&apos;y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang aking diwa ay nanglulumo , ang aking mga kaarawan ay natatapos , ang libingan ay handa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tunay na may mga manunuya na kasama ako , at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magbigay ka ngayon ng sangla , panagutan mo ako ng iyong sarili ; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa : kaya&apos;t hindi mo sila itataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli , ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan : at niluraan nila ako sa mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan . At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mga matuwid na tao ay matitigilan nito , at ang walang sala ay babangon laban sa di banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad , at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t tungkol sa inyong lahat , magsiparito kayo ngayon uli ; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang aking mga kaarawan ay lumipas , ang aking mga panukala ay nangasira , sa makatuwid baga&apos;y ang mga akala ng aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kanilang ipinalit ang araw sa gabi : ang liwanag , wika nila , ay malapit sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay ; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung sinabi ko sa kapahamakan : ikaw ay aking ama : sa uod : ikaw ay aking ina , at aking kapatid na babae ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nasaan nga ang aking pagasa ? At tungkol sa aking pagasa , sinong makakakita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lulusong sa mga pangawan ng Sheol , pagtataglay ng kapahingahan sa alabok .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Bildad na Suhita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita ? Inyong bulayin , at pagkatapos ay magsasalita kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop , at naging marumi sa iyong paningin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit , pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo ? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , ang ilaw ng masama ay papatayin , at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda , at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil , at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t siya&apos;y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa , at siya&apos;y lumalakad sa mga silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong . At isang silo ay huhuli sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa , at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako , at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom , at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan , Oo , lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan ; at siya&apos;y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano : azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim , at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa , at siya&apos;y mawawalan ng pangalan sa lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siya&apos;y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag , at itatapon sa labas ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya&apos;y hindi magkakaroon kahit anak , ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan , ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan , gaya ng nangauna na nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko , at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa , at babagabagin ako ng mga salita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako : kayo&apos;y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kahima&apos;t ako&apos;y magkamali , ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung tunay na kayo&apos;y magpapakalaki laban sa akin , at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios , at inikid ako ng kaniyang silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , ako&apos;y humihiyaw dahil sa kamalian , nguni&apos;t hindi ako dinidinig ; ako&apos;y humihiyaw ng tulong , nguni&apos;t walang kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan , at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian , at inalis ang putong sa aking ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaniyang inilugmok ako sa bawa&apos;t dako , at ako&apos;y nananaw : at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin , at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama , at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin , at kinubkob ang palibot ng aking tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin , at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo , at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Silang nagsisitahan sa aking bahay , at ang aking mga lingkod na babae , ay ibinibilang akong manunuluyan ; ako&apos;y naging kaiba sa kanilang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking tinatawag ang aking lingkod , at hindi ako sinasagot , bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang aking hininga ay iba sa aking asawa , at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pati ng mga bata ay humahamak sa akin ; kung ako&apos;y bumangon , sila&apos;y nangagsasalita ng laban sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin : at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman , at ako&apos;y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mahabag kayo sa akin , mahabag kayo sa akin , Oh kayong mga kaibigan ko ; sapagka&apos;t kinilos ako ng kamay ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios . At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita ! Oh mangalagda nawa sa isang aklat !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ng isa nawang panulat na bakal at tingga , na mangaukit nawa sa bato magpakailan man !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t talastas ko na manunubos sa akin ay buhay , at siya&apos;y tatayo sa lupa sa kahulihulihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat , gayon ma&apos;y makikita ko ang Dios sa aking laman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siyang makikita ko ng sarili , at mamamasdan ng aking mga mata , at hindi ng iba . Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung inyong sabihin : paanong aming pag-uusigin siya ? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mangatakot kayo sa tabak : sapagka&apos;t ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak , upang inyong malaman na may kahatulan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Zophar na Naamathita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip , dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan , at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi mo ba nalalaman ito ng una , mula nang ang tao&apos;y malagay sa lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli , at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit , at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon may matutunaw siya magpakailan man , na gaya ng kaniyang sariling dumi : silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi : Nasaan siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siya&apos;y mawawala na gaya ng panaginip , at hindi masusumpungan . Oo , siya&apos;y mawawala na parang pangitain sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa ; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha , at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan , nguni&apos;t hihiga na kasama niya sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig , bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bagaman kaniyang patawarin , at hindi niya ito babayaan , kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ma&apos;y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan , siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y sumakmal ng mga kayamanan , at kaniyang mga isusuka uli : mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas ; papatayin siya ng dila ng ulupong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi niya matitingnan ang mga ilog , ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan , at hindi lalamunin ; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik , hindi siya magagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha ; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay ; at hindi niya itatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya , hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal ; kaya&apos;t ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya ; ang kamay ng bawa&apos;t nasa karalitaan ay darating sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan , ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya . At ibubugso sa kaniya samantalang siya&apos;y kumakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal , at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Binubunot niya ang pana , at lumalabas sa kaniyang katawan : Oo , ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo ; mga kakilabutan ang sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya ; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya : susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan , at ang lupa ay babangon laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon , ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios , at ang manang takda sa kaniya ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita ; at ito&apos;y maging inyong mga kaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagdalitaan ninyo ako , at ako nama&apos;y magsasalita , at pagkatapos na ako&apos;y makapagsalita , ay manuya kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tungkol sa akin , ay sa tao ba ang aking daing ? At bakit hindi ako maiinip ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tandaan ninyo ako , at matigilan kayo . At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako , at kikilabutan ang humahawak sa aking laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bakit nabubuhay ang masama , nagiging matanda , oo , nagiging malakas ba sa kapangyarihan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin , at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot , kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang kanilang baka ay naglilihi , at hindi nababaog ; ang kanilang baka ay nanganganak , at hindi napapahamak ang kaniyang guya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan , at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila&apos;y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa , at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan , at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinasabi nila sa Dios : Lumayo ka sa amin ; sapagka&apos;t hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya&apos;y paglilingkuran namin ? At anong pakinabang magkakaroon kami , kung kami ay magsidalangin sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay : ang payo ng masama ay malayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama ? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila ? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na sila&apos;y gaya ng dayami sa harap ng hangin , at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Inyong sinasabi , Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak . Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba , at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya , pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios ? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Isa&apos;y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan , palibhasa&apos;t walang bahala at tahimik :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas , at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang iba&apos;y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa , at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sila&apos;y nahihigang magkakasama sa alabok , at tinatakpan sila ng uod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , aking nalalaman ang inyong pagiisip , at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t inyong sinasabi , Saan naroon ang bahay ng prinsipe ? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan ? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan ? Na sila&apos;y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha ? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Gayon ma&apos;y dadalhin siya sa libingan , at magbabantay ang mga tao sa libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya , at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya , gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan , dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Eliphaz na Temanita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios ? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid ? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka , na siya&apos;y pumasok sa iyo sa kahatulan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi ba malaki ang iyong kasamaan ? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala , at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom , at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t tungkol sa makapangyarihang tao , siya&apos;y nagtatangkilik ng lupa ; at ang marangal na tao , ay tumatahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao , at ang mga kamay ng ulila ay nangabali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t ang mga silo ay nangasa palibot mo , at biglang takot ay bumabagabag sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">O kadiliman , upang huwag kang makakita . At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit ? At , narito , ang kataasan ng mga bituin , pagkataastaas nila !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iyong sinasabi , Anong nalalaman ng Dios ? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya , na siya&apos;y hindi nakakakita ; at siya&apos;y lumalakad sa balantok ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan , na nilakaran ng mga masamang tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan . Na ang patibayan ay nahuhong parang agos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na nagsabi sa Dios : Lumayo ka sa amin ; at , anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gayon ma&apos;y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay ; nguni&apos;t ang payo ng masama ay malayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa ; at tinatawanang mainam ng walang sala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na nagsasabi , Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay , at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Makipagkilala ka sa kaniya , at ikaw ay mapayapa : anopa&apos;t ang mabuti ay darating sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Iyong tanggapin , isinasamo ko sa iyo , ang kautusan mula sa kaniyang bibig , at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat , ay matatayo ka ; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok , at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan , at mahalagang pilak sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat , at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ikaw ay dadalangin sa kaniya , at kaniyang didinggin ka : at iyong babayaran ang iyong mga panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ikaw nama&apos;y magpapasiya ng isang bagay , at ito&apos;y matatatag sa iyo ; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Pagka inilulugmok ka nila , ay iyong sasabihin : Magpakataas ; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaniyang ililigtas , pati ng hindi banal : Oo , siya&apos;y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magpahanggang ngayo&apos;y mapanghimagsik ang aking daing : ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya , upang ako&apos;y dumating hanggang sa kaniyang likmuan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking aayusin ang aking usap sa harap niya , at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin , at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan ? Hindi ; kundi pakikinggan niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Doo&apos;y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid ; sa gayo&apos;y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , ako&apos;y nagpapatuloy , nguni&apos;t wala siya ; at sa dakong likuran , nguni&apos;t hindi ko siya mamataan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa kaliwa pagka siya&apos;y gumagawa , nguni&apos;t hindi ko mamasdan siya : siya&apos;y nagkukubli sa kanan , na hindi ko makita siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t nalalaman niya ang daang aking nilalakaran ; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang . Ang kaniyang daan ay aking iningatan , at hindi ako lumiko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako&apos;y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi ; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t siya&apos;y sa isang akala , at sinong makapagpapabalik sa kaniya ? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin : at maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t ako&apos;y nababagabag sa kaniyang harapan ; pagka aking binubulay , ay natatakot ako sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Dahil sa pinapanglupaypay ng Dios ang aking puso , at binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t hindi ako inihiwalay sa harap ng kadiliman , ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat ? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">May nagsisipagbago ng lindero ; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan , at pinasasabsab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kanilang itinataboy ang asno ng ulila , kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan : ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , gaya ng mga mabangis na asno sa ilang , sila&apos;y nagsisilabas sa kanilang gawa , na nagsisihanap na masikap ng pagkain ; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain ; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot . At walang kumot sa ginaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y basa ng ulan sa mga bundok , at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso , at nagsisikuha ng sangla ng dukha :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na anopa&apos;t sila&apos;y yumayaong hubad na walang damit , at palibhasa&apos;y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sila&apos;y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito ; sila&apos;y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas , at nagtitiis ng uhaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao , at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw ; gayon ma&apos;y hindi inaaring mangmang ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito&apos;y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag ; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon , ni tumatahan man sa mga landas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag , pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan ; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim , na sinasabi , Walang matang makakakita sa akin : at nagiiba ng kaniyang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay : sila&apos;y nagkukulong sa sarili kung araw ; hindi nila nalalaman ang liwanag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman , sapagka&apos;t kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siya&apos;y matulin sa ibabaw ng tubig ; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa : siya&apos;y hindi babalik sa daan ng mga ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig : gaya ng Sheol ng mga nagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kalilimutan siya ng bahay-bata : siya&apos;y kakaning maigi ng uod ; siya&apos;y hindi na maaalaala pa : at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak ; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan : siya&apos;y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan , at sila&apos;y nagpapahinga roon ; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sila&apos;y nangataas , gayon ma&apos;y isang sandali pa , at sila&apos;y wala na . Oo , sila&apos;y nangababa , sila&apos;y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba , at nangaputol na gaya ng mga uhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kung hindi gayon ngayon , sinong magpapatotoo na ako&apos;y sinungaling , at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Bildad na Suhita , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya ; siya&apos;y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo ? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios ? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , pati ng buwan ay walang liwanag , at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gaano pa nga kaliit ang tao , na isang uod ! At ang anak ng tao , na isang uod !</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan ! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan , at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kanino mo binigkas ang mga salita ? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig , at ang mga nananahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios , at ang Abaddon ay walang takip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman , at ibinibitin ang lupa sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap ; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan , at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig , hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig . At nangatitigilan sa kaniyang saway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan , at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit ; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan : at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya ! Nguni&apos;t sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Buhay ang Dios , na siyang nagalis ng aking katuwiran , at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">( Sapagka&apos;t ang aking buhay ay buo pa sa akin , at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan , ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Malayo nawa sa aking kayo&apos;y ariin kong ganap : Hanggang sa ako&apos;y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan : hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako&apos;y buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama , at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ano ang pagasa ng di banal , bagaman siya&apos;y makikinabang sa kaniya , pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak , pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat , at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios ; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , kayong lahat ay nangakakita ; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios , at ang mana ng mga mamimighati , na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ang kaniyang mga anak ay dumami , ay para sa tabak , at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan , at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bagaman siya&apos;y magbunton ng pilak na parang alabok , at maghahanda ng bihisan na parang putik ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Maihahanda niya , nguni&apos;t ang ganap ang magsusuot niyaon . At babahagihin ng walang sala ang pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siya&apos;y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga , at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya&apos;y nahihigang mayaman , nguni&apos;t hindi siya pupulutin ; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata , nguni&apos;t wala na siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig ; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Tinangay siya ng hanging silanganan , at siya&apos;y nananaw ; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t hahalibasin siya ng Dios , at hindi magpapatawad ; siya&apos;y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya . At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tunay na may mina na mayroong pilak , at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bakal ay hinuhukay sa lupa , at tanso ay binububo mula sa bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang tao&apos;y naglalagay ng wakas sa kadiliman , at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao : nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao , sila&apos;y umuugoy na paroo&apos;t parito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tungkol sa lupa , mula rito&apos;y nanggagaling ang tinapay : at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga bato nito&apos;y kinaroroonan ng mga zafiro . At ito&apos;y may alabok na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam . Ni nakita man ng mata ng falkon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi natungtungan ng mga palalong hayop , ni naraanan man ng mabangis na leon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian ; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y nagbabangbang sa gitna ng mga bato ; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa&apos;t mahalagang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos ; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t saan masusumpungan ang karunungan ? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon ; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinasabi ng kalaliman . Wala sa akin : at sinasabi ng dagat : Hindi sumasaakin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi mabibili ng ginto , ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir , ng mahalagang onix , o ng zafiro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon : ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi mabibilang ang coral o ang cristal ; Oo , ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon , ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Saan nanggagaling nga ang karunungan ? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Palibhasa&apos;t nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay , at natatago sa mga ibon sa himpapawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi , narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nauunawa ng Dios ang daan niyaon , at nalalaman niya ang dako niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa , at nakikita ang silong ng buong langit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Upang bigyan ng timbang ang hangin ; Oo , kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang siya&apos;y gumawa ng pasiya sa ulan , at ng daan sa kidlat ng kulog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y nakita niya ito , at inihayag ; kaniyang itinatag ito , oo , at siniyasat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa tao ay sinabi niya , Narito , ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan ; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh ako nawa&apos;y napasa mga buwan noong dakong una , gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gaya noong ako&apos;y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan , noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa , at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas , at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Noong ako&apos;y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan , noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nakikita ako ng mga binata , at nagsisipagkubli , at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap , at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik , at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t pagka naririnig ako ng pakinig , ay pinagpapala nga ako ; at pagka nakikita ako ng mata , ay sumasaksi sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t aking iniligtas ang dukha na dumadaing , ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin : at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y nagbibihis ng katuwiran , at sinusuutan niya ako : ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y naging mga mata sa bulag , at naging mga paa ako sa pilay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y naging ama sa mapagkailangan ; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking binali ang mga pangil ng liko , at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , mamamatay ako sa aking pugad , at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang aking ugat ay nakalat sa tubig , at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin , at ang aking busog ay nababago sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa akin ay nangakikinig ang mga tao , at nangaghihintay , at nagsisitahimik sa aking payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli ; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang hinihintay ako , na gaya ng paghihintay sa ulan , at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ako&apos;y ngumingiti sa kanila pagka sila&apos;y hindi nanganiniwala : at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako&apos;y namimili sa kanilang daan , at nauupong gaya ng puno , at tumatahang gaya ng hari sa hukbo , gaya ng nangaaliw sa nananangis .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t ngayo&apos;y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin , na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oo , ang kalakasan ng kanilang kamay , sa ano ko mapapakinabangan ? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sila&apos;y lata sa pangangailangan at sa kagutom ; kanilang nginangata ang tuyong lupa , sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy ; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y pinalayas mula sa gitna ng mga tao ; sila&apos;y sumisigaw sa likuran nila , na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang sila&apos;y magsitahan sa nakatatakot na mga libis , sa mga puwang ng lupa , at ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal ; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mga anak ng mga mangmang , oo , mga anak ng mga walang puring tao ; sila&apos;y mga itinapon mula sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ngayon ay naging kantahin nila ako , Oo , ako&apos;y kasabihan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kanilang kinayayamutan ako , nilalayuan nila ako , at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kinalag niya ang kaniyang panali , at pinighati ako , at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga ; itinutulak nila ang aking mga paa , at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kanilang sinisira ang aking landas , kanilang isinusulong ang aking kapahamakan , mga taong walang tumulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan : sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin , kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin ; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ngayo&apos;y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko ; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto , at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot : tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Inihahagis niya ako sa banlik , at ako&apos;y naging parang alabok at mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ako&apos;y dumadaing sa iyo , at hindi mo ako sinasagot : ako&apos;y tumatayo , at minamasdan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikaw ay naging mabagsik sa akin : sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Itinataas mo ako sa hangin , pinasasakay mo ako roon ; at tinutunaw mo ako sa bagyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan , at sa bahay na takda sa lahat na may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog ? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan ? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Pagka ako&apos;y humahanap ng mabuti , ang kasamaan nga ang dumarating : at pagka ako&apos;y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang aking puso&apos;y nababagabag at walang pahinga ; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ako&apos;y yumayaong tumatangis na walang araw ; ako&apos;y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ako&apos;y kapatid ng mga chakal , at mga kasama ng mga avestruz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang aking balat ay maitim , at natutuklap , at ang aking mga buto ay nagpapaltos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t ang aking alpa ay naging panangis , at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y nakipagtipan sa aking mga mata ; paano nga akong titingin sa isang dalaga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas , at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi ba kasakunaan sa liko , at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad , at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung ako&apos;y lumakad na walang kabuluhan , at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">( Timbangin ako sa matuwid na timbangan , upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan , at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata , at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung gayo&apos;y papaghasikin mo ako , at bayaang kanin ng iba ; Oo , bunutin ang bunga ng aking bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung ang aking puso ay napadaya sa babae , at ako&apos;y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung magkagayo&apos;y iba ang ipaggiling ng aking asawa , at iba ang yumuko sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t iya&apos;y isang mabigat na sala ; Oo , isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak , at bubunutin ang lahat ng aking bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae , nang sila&apos;y makipagtalo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios ? At pagka kaniyang dinadalaw , anong isasagot ko sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya ; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa , o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">O kumain akong magisa ng aking subo , at ang ulila ay hindi kumain niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">( Hindi , mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko , na gaya ng may isang ama , at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung ako&apos;y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan , o ng mapagkailangan ng walang kumot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang , at kung siya&apos;y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila , sapagka&apos;t nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung nagkagayo&apos;y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin , at ang aking kamay ay mabali sa buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin , at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa , at sinabi ko sa dalisay na ginto , ikaw ay aking tiwala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung ako&apos;y nagalak sapagka&apos;t ang aking kayamanan ay malaki , at sapagka&apos;t ang aking kamay ay nagtamo ng marami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung ako&apos;y tumingin sa araw pagka sumisikat , o sa buwan na lumalakad sa kakinangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang aking puso ay napadayang lihim , at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom : sapagka&apos;t itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kung ako&apos;y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin , o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">( Oo , hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi , sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan ; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang , sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t aking kinatakutan ang lubhang karamihan , at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan . Na anopa&apos;t ako&apos;y tumahimik , at hindi lumabas sa pintuan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">O mano nawang may duminig sa akin ! ( Narito ang aking tala , sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat ; ) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat ; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang , gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin , at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad , o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Tubuan ng dawag sa halip ng trigo , at ng mga masamang damo sa halip ng cebada . Ang mga salita ni Job ay natapos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa gayo&apos;y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job , sapagka&apos;t siya&apos;y matuwid sa kaniyang sariling paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y nagalab ang poot ni Eliu , na anak ni Barachel na Bucita , na angkan ni Ram : laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot , sapagka&apos;t siya&apos;y nagpapanggap na ganap kay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot , sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nakasumpong ng sagot , at gayon man ay nahatulan si Job .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job , sapagka&apos;t sila&apos;y matanda kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito , ay nagalab ang kaniyang poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi , Ako&apos;y bata , at kayo&apos;y totoong matatanda ; kaya&apos;t ako&apos;y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking sinabi , Ang mga kaarawan ang mangagsasalita , at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t may espiritu sa tao , at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ang dakila ang siyang pantas , ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t aking sinabi , Dinggin ninyo ako ; akin namang ipakikilala ang aking haka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , aking hinintay ang inyong mga salita , aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran , samantalang kayo&apos;y naghahagilap ng masasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oo , aking inulinig kayo , at , narito , walang isang makahikayat kay Job , o sa inyo&apos;y may makasagot sa kaniyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magbawa nga kayo , baka kayo&apos;y magsabi , Kami ay nakasumpong ng karunungan ; madadaig ng Dios siya , hindi ng tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin ; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sila&apos;y nangalito , sila&apos;y hindi na nagsisagot pa ; Sila&apos;y walang salitang masabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ako ba&apos;y maghihintay , sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nangagsasalita , sapagka&apos;t sila&apos;y nangakatigil , at hindi na nagsisisagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ako nama&apos;y sasagot ng ganang akin , akin namang ipakikilala ang aking haka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ako&apos;y puspos ng mga salita ; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan : parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ako&apos;y magsasalita , upang ako&apos;y maginhawahan : aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko , isinasamo ko sa inyo , ang pagkatao ninoman ; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita ; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Gayon man , Job , isinasamo ko sa iyo na , dinggin mo ang aking pananalita , at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig ; nagsalita ang aking dila sa aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso ; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nilalang ako ng Espiritu ng Dios , at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin ; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko , tumayo ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ako&apos;y sa Dios na gaya mo : ako ma&apos;y nilalang mula rin sa putik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan , ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig , at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y malinis na walang pagsalangsang ; ako&apos;y walang sala , ni may kasamaan man sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Narito , siya&apos;y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin , ibinilang niya ako na pinakakaaway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan , kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , ako&apos;y sasagot sa iyo , dito&apos;y hindi ka ganap ; sapagka&apos;t ang Dios ay dakila kay sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bakit ka nakikilaban sa kaniya ? Sapagka&apos;t hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang Dios ay minsang nagsasalita , Oo , makalawa , bagaman hindi pinakikinggan ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa isang panaginip , sa isang pangitain sa gabi , pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao , sa mga pagkakatulog sa higaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung magkagayo&apos;y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao , at itinatatak ang kanilang turo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala , at ikubli ang kapalaluan sa tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay , at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya nama&apos;y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan , at ng palaging antak sa kaniyang mga buto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na anopa&apos;t kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay , at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kaniyang laman ay natutunaw , na hindi makita ; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Oo , ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay , at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung doroong kasama niya ang isang anghel , isang tagapagpaaninaw , na isa sa gitna ng isang libo , upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung magkagayo&apos;y binibiyayaan niya siya at nagsasabi , Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay , ako&apos;y nakasumpong ng katubusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata ; siya&apos;y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Siya&apos;y dumadalangin sa Dios , at nililingap niya siya : na anopa&apos;t kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan : at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siya&apos;y umaawit sa harap ng mga tao , at nagsasabi , Ako&apos;y nagkasala , at sumira ng matuwid , at hindi ko napakinabangan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay , at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Narito , ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios , makalawa , oo , makaitlo sa tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay , upang siya&apos;y maliwanagan ng liwanag ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Pansinin mong mabuti , Oh Job , dinggin mo ako : tumahimik ka , at ako&apos;y magsasalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin , sagutin mo ako : ikaw ay magsalita , sapagka&apos;t ibig kong ariin kang ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kung hindi , dinggin mo ako : tumahimik ka , at tuturuan kita ng karunungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y sumagot si Eliu , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin ninyo ang aking mga salita , kayong mga pantas ; at pakinggan ninyo ako , ninyong may kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang pakinig ay tumitikim ng mga salita , gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ating piliin sa ganang atin ang matuwid : ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sinabi ni Job , Ako&apos;y matuwid , at inalis ng Dios ang aking katuwiran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon ma&apos;y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling ; at ang aking sugat ay walang kagamutan , bagaman ako&apos;y walang pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinong tao ang gaya ni Job , na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan , at lumalakad na kasama ng mga masamang tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Walang napapakinabang ang tao na siya&apos;y makapagpalugod sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t dinggin ninyo ako , ninyong mga lalaking may unawa : malayo nawa sa Dios na siya&apos;y gumawa ng masama ; at sa Makapangyarihan sa lahat , na siya&apos;y magkamit ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya , at ipatatagpo sa bawa&apos;t tao ang ayon sa kaniyang mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oo , sa katotohanan , ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan , ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa ? O sinong nagayos ng buong sanglibutan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao , kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tanang laman ay mamamatay na magkakasama , at ang tao ay mababalik uli sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito : Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran ? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siya na nagsabi sa isang hari : ikaw ay hamak ? O sa mga mahal na tao : Kayo&apos;y masasama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo , ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap ; sapagka&apos;t silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa isang sangdali ay nangamamatay sila , kahit sa hating gabi ; ang bayan ay inuuga at nawawala , at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao , at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Walang kadiliman , ni makapal man pangungulimlim , na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t hindi na niya pakukundanganan ang tao , upang siya&apos;y humarap sa Dios sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod , at naglalagay ng mga iba na kahalili nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya&apos;t siya&apos;y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa ; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi , na anopa&apos;t sila&apos;y nangalilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya , at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na anopa&apos;t kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya , at dininig niya ang daing ng napipighati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Pagka siya&apos;y nagbibigay ng katahimikan , sino ngang makahahatol ? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha , sinong makakakita sa kaniya ? Maging gawin sa isang bansa , o sa isang tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Upang ang taong di banal ay huwag maghari , upang huwag maging silo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t may nagsabi ba sa Dios : Aking tinitiis ang parusa , hindi na ako magkakasala pa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin : kung ako&apos;y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan ? Sapagka&apos;t ikaw ang marapat pumili at hindi ako : kaya&apos;t salitain mo kung ano ang iyong nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin , Oo , bawa&apos;t pantas na taong nakakarinig sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman . At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Si Job nawa&apos;y subukin hanggang sa wakas , dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t siya&apos;y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan , kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin , at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y sumagot si Eliu , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iniisip mo bang ito&apos;y matuwid ? O sinasabi mong : Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na iyong sinasabi , Anong pakinabang ang tatamuhin mo ? At , anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako&apos;y nagkasala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sasagutin kita , at ang iyong mga kasamahang kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan ; at masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ikaw ay nagkasala , anong iyong ginagawa laban sa kaniya ? At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami , anong iyong ginagawa sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya ? O anong tinatanggap niya sa iyong kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo ; at ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dahil sa karamihan ng mga kapighatian , sila&apos;y humihiyaw : sila&apos;y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t walang nagsasabing , Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin , na siyang nagbibigay ng awit kung gabi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa . At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Doo&apos;y tumatawag sila , nguni&apos;t walang sumasagot , dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan , ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya . Ang usap ay nasa harap niya , at iyong hinihintay siya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ngayon sapagka&apos;t hindi niya dinalaw sa kaniyang galit , ni ginunita mang maigi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan ; siya&apos;y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagdalitaan mo akong sandali , at aking ipakikilala sa iyo ; sapagka&apos;t mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo , at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan : Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito ang Dios ay makapangyarihan , at hindi humahamak sa kanino man ; siya&apos;y makapangyarihan sa lakas ng unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama : nguni&apos;t nagbibigay ng matuwid sa napipighati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid : kundi kasama ng mga hari sa luklukan , kaniyang itinatatag sila magpakailan man , at sila&apos;y natataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung sila&apos;y mapapangaw , at mapipigil sa mga panali ng kapighatian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa , at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo , at iniuutos na sila&apos;y magsihiwalay sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung sila&apos;y makinig at maglingkod sa kaniya , kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan , at ang kanilang mga taon sa kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t kung hindi sila mangakinig , sila&apos;y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak , at sila&apos;y mangamamatay na walang kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit : hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y nangamamatay sa kabataan , at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati , at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oo , hahanguin ka niya mula sa kagipitan , hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan ; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama : kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t may poot , magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan ; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan , O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag mong nasain ang gabi , pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikaw ay magingat , huwag mong lingunin ang kasamaan ; sapagka&apos;t ito&apos;y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Narito , ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan : sinong tagapagturo ang gaya niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan ? O sinong makapagsasabi , ikaw ay gumawa ng kalikuan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa , na inawit ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Lahat ng mga tao&apos;y nakakita noon ; makikita ito ng tao sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Narito , ang Dios ay dakila , at hindi natin nakikilala siya ; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t pinailanglang niya ang mga patak ng tubig , na nagiging ulan mula sa singaw na yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Oo , may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap , ng mga kulog ng kaniyang kulandong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Narito , pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya ; at inaapawan ang kalaliman ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan ; siya&apos;y nagbibigay ng pagkaing sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat ; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya , ang hayop nama&apos;y ng tungkol sa bagyo na dumarating .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oo , dahil din dito&apos;y nanginginig ang aking puso , at napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig , at ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit , at ang kidlat niya&apos;y sa mga wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sumunod nito&apos;y isang hugong na dumadagundong ; siya&apos;y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan : at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig ; dakilang mga bagay ang ginawa niya , na hindi natin matalastas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sinabi niya sa nieve , Lumagpak ka sa lupa ; gayon din sa ambon , at sa bugso ng kaniyang malakas na ulan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tinatatakan niya ang kamay ng bawa&apos;t tao : upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung gayo&apos;y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga , at namamalagi sa kanilang mga tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mula sa timog nanggagaling ang bagyo : at ang ginaw ay mula sa hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo : at ang kaluwangan ng tubig ay naiipit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oo , kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig ; kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay , upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila , sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maging sa saway , o maging sa kaniyang lupain , o maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Dinggin mo ito , Oh Job : Tumigil ka , at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios , at pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap , ang kagilagilalas na mga gawa niya na sakdal sa kaalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Paanong umiinit ang inyong mga suot , pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit , na matibay na gaya ng isang salaming binubo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya ; sapagka&apos;t hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sasaysayin ba sa kaniya na ako&apos;y magsasalita ? O iisipin ba ng isang tao na siya&apos;y sasakmalin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ngayo&apos;y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit : nguni&apos;t ang hangin ay dumadaan , at pinapalis ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan ; may taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat , hindi natin mauunawa ; siya&apos;y marilag sa kapangyarihan ; at sa kahatulan at saganang kaganapan siya&apos;y hindi pipighati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kinatatakutan nga siya ng mga tao : hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake : sapagka&apos;t tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa ? Ipahayag mo , kung mayroon kang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinong naglagay ng mga sukat niyaon , kung iyong nalalaman ? O sinong nagunat ng panukat diyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan ? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga . At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat , nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon , at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking itinatag doon ang aking pasiya , at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking sinabi , Hanggang dito ay darating ka , nguni&apos;t hindi ka na lalagpas : at dito&apos;y titigil ang iyong mga palalong alon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan , at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Upang humawak sa mga wakas ng lupa , at ang masasama ay maugoy doon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak ; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag , at ang mataas na kamay ay mababali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat ? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan ? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa ? Ipahayag mo , kung iyong nalalamang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag , at tungkol sa kadiliman , saan nandoon ang dako niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang iyong madala sa hangganan niyaon , at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Marahil nalalaman mo , sapagka&apos;t ikaw nga&apos;y ipinanganak noon , at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve , o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan , laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa aling daan naghiwalay ang liwanag , o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig , o ng daanan ng kidlat ng kulog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Upang magpaulan sa lupa , na hindi tinatahanan ng tao , sa ilang na doon ay walang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Upang busugin ang giba at sirang lupa ; at upang pasibulin ang sariwang damo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">May ama ba ang ulan ? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo ? At ang escarcha sa himpapawid , ay ipinanganak nino ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato , at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade , o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan ? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit ? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap , upang takpan ka ng saganang tubig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat , upang magsiyaon , at magsabi sa iyo : Nangarito kami ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi ? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan ? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Pagka ang alabok ay napuputik , at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae ? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Pagka sila&apos;y nagsisihilig sa kanilang mga lungga , at nagsisitahan sa guwang upang bumakay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya , pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios , at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok ? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan ? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sila&apos;y nagsisiyuko , kanilang inilalabas ang kanilang mga anak , kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas , sila&apos;y nagsisilaki sa kaparangan ; sila&apos;y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinong nagpakawala sa mabangis na asno ? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na ginawa kong bahay niya ang ilang , at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan . Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan , at kaniyang sinasaliksik ang bawa&apos;t sariwang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo ? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid ? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aasa ka ba sa kaniya , dahil sa siya&apos;y totoong malakas ? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi , at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak ; nguni&apos;t may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa , at pinaiinit ang mga yaon sa alabok ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kinalilimutang mangapipisa ng paa , o mangayuyurakan ng mabangis na hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya : bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan , hindi niya ikinatatakot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t binawian siya ng Dios ng karunungan , ni hindi siya binahaginan ng unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Anomang panahon na siya&apos;y napaiitaas , hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan ? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pinalulukso mo ba siya na parang balang ? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siya&apos;y kumukutkot sa libis , at nagagalak sa kaniyang kalakasan , siya&apos;y sumasagupa sa mga taong may sandata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay : ni hindi tinatalikuran ang tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya , ang makintab na sibat at ang kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot ; ni hindi siya naniniwala na yao&apos;y tunog ng pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak : Aha ! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo , ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan , at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos , at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sila&apos;y nananahan sa malaking bato , at doon tumitira , sa taluktok ng burol at sa katibayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mula roo&apos;y tumitingin siya ng madadagit ; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo : at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y sumagot ang Panginoon kay Job , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat ? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios , ay sagutin niya ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job sa Panginoon , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , ako&apos;y walang kabuluhan ; anong isasagot ko sa iyo ? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Minsan ay nagsalita ako , at hindi ako sasagot : Oo , makalawa , nguni&apos;t hindi ako magpapatuloy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake : ako&apos;y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan ? Iyo bang hahatulan ako , upang ikaw ay ariing ganap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">O mayroon ka bang kamay na parang Dios ? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan ; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit : at tunghan mo ang bawa&apos;t palalo , at abain mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Masdan mo ang bawa&apos;t palalo , at papangumbabain mo siya ; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama ; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung magkagayo&apos;y ipahayag naman kita ; na maililigtas ka ng iyong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito ngayon , ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo : siya&apos;y kumakain ng damo na gaya ng baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , ngayon , ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang , at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro : ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso ; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios : ang lumalang sa kaniya , ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain ; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siya&apos;y humihiga sa ilalim ng punong loto , sa puwang ng mga tambo , at mga lumbak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim ; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Narito , kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig : siya&apos;y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">May kukuha ba sa kaniya pag siya&apos;y natatanod , o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "41">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit ? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong ? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo ? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Makikipagtipan ba siya sa iyo , upang ariin mo siyang alipin magpakailan man ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon ? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda ? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal , o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya ; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , ang pagasa riyan ay walang kabuluhan : hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon : sino ngang makatatayo sa harap ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya ? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan , ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan , ni sa kaniya mang mainam na hugis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit ? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha ? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan , nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nagkakadikit sa isa&apos;t isa , na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y nagkakasugpongan sa isa&apos;t isa ; Nagkakalakip na magkasama , na hindi maihihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy , at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo , at mga alipatong apoy ay nagsisilabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok , na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga , at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan , at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan ; nangagtutumibay sa kaniya ; hindi magagalaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato ; Oo , matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagka siya&apos;y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan : dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung siya&apos;y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab ; ni ng sibat man , ng pana , ni ng matalas na tulis man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami , at ang tanso na parang lapok na kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Hindi niya mapatakas ng palaso : ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya&apos;y parang pinagputulan ng trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo : kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga : lumalaganap na tila saksak sa banlik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok : kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya ; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya , na likhang walang takot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kaniyang minamasdan ang bawa&apos;t mataas na bagay : siya&apos;y hari sa lahat ng mga anak na palalo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "42">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Job sa Panginoon , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay , at wala kang akala na mapipigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman ? Kaya&apos;t aking sinambit na hindi ko nauunawa , mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dinggin mo , isinasamo ko sa iyo , at ako&apos;y magsasalita ; ako&apos;y magtatanong sa iyo , at magpahayag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narinig kita sa pakikinig ng pakinig ; nguni&apos;t ngayo&apos;y nakikita ka ng aking mata ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t ako&apos;y nayayamot sa sarili , at nagsisisi ako sa alabok at mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job , sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita , Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo , at laban sa iyong dalawang kaibigan : sapagka&apos;t hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid , na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka , at pitong lalaking tupa , at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job , at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin : at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job : sapagka&apos;t siya&apos;y aking tatanggapin , baka kayo&apos;y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan ; sapagka&apos;t hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid , na gaya ng aking lingkod na si Job .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita , at si Bildad na Suhita , at si Sophar na Naamatita , at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon : at nilingap ng Panginoon si Job .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job , nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan ; at binigyan ng Panginoon si Job na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagsiparoon sa kaniya ang lahat niyang mga kapatid na lalake at babae , at lahat na naging kakilala niya ng una , at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay ; at nakipagdamdam sa kaniya , at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon : bawa&apos;t tao nama&apos;y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi , at bawa&apos;t isa&apos;y ng isang singsing na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y pinagpala ng Panginoon , ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula : at siya&apos;y nagkaroon ng labing apat na libong tupa , at anim na libong kamelyo , at isang libong tuwang na baka , at isang libong asnong babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siya nama&apos;y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima ; at ang pangalan ng ikalawa , Cesiah , at ang pangalan ng ikatlo , Keren-hapuch .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job : at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagkatapos nito&apos;y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon , at nakita niya ang kaniyang mga anak , at ang mga anak ng kaniyang mga anak , hanggang sa apat na saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon namatay si Job , na matanda at puspos ng mga kaarawan .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "19">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama , ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan , ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon ; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig , na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan , ang kaniyang dahon nama&apos;y hindi malalanta ; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang masama ay hindi gayon ; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ang masama ay hindi tatayo sa paghatol , ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid : nguni&apos;t ang lakad ng masama ay mapapahamak .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bakit ang mga bansa ay nangagugulo , at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda , at ang mga pinuno ay nagsasanggunian , Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis , na sinasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lagutin natin ang kanilang tali , at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa : ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung magkagayo&apos;y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot , at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon ma&apos;y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya : sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay aking anak ; sa araw na ito ay ipinanganak kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Humingi ka sa akin , at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana , at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sila&apos;y iyong babaliin ng isang pamalong bakal ; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayon nga&apos;y magpakapantas kayo , Oh kayong mga hari : mangatuto kayo , kayong mga hukom sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y mangaglingkod sa Panginoon na may takot , at mangagalak na may panginginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hagkan ninyo ang anak , baka magalit siya , at kayo&apos;y mangapahamak sa daan , sapagka&apos;t ang kaniyang poot ay madaling magalab . Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , ano&apos;t ang aking mga kaaway ay nagsisidami ! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa : walang tulong sa kaniya ang Dios . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko : aking kaluwalhatian ; at siyang tagapagtaas ng aking ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon , at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y nahiga , at natulog ; ako&apos;y nagising ; sapagka&apos;t inaalalayan ako ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan , na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bumangon ka , Oh Panginoon ; iligtas mo ako , Oh aking Dios : sapagka&apos;t iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway ; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagliligtas ay ukol sa Panginoon : sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala . ( Selah )</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sagutin mo ako , pagka tumatawag ako , Oh Dios ng aking katuwiran ; inilagay mo ako sa kaluwagan , nang ako&apos;y nasa kagipitan : maawa ka sa akin , at dinggin mo ang aking dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh kayong mga anak ng tao , hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian ? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan , at hahanap sa kabulaanan ? ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal : didinggin ng Panginoon pagka ako&apos;y tumawag sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayo&apos;y magsipanginig , at huwag mangagkasala : mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan , at kayo&apos;y magsitahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran , at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Marami ang mangagsasabi , sinong magpapakita sa amin ng mabuti ? Panginoon , pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso , ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil , at kanilang alak ay magsidami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Payapa akong hihiga at gayon din matutulog : sapagka&apos;t ikaw , Panginoon , pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pakinggan mo ang aking mga salita , Oh Panginoon , pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin mo ang tinig ng aking daing , Hari ko , at Dios ko ; sapagka&apos;t sa iyo&apos;y dumadalangin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh Panginoon , sa kinaumagaha&apos;y didinggin mo ang aking tinig ; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo , at magbabantay ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan : ang masama ay hindi tatahang kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin : iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan : kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sa ganang akin , sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay ; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Patnubayan mo ako , Oh Panginoon , sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway ; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t walang pagtatapat sa kanilang bibig ; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan ; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan ; sila&apos;y nanganunuya ng kanilang dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bigyan mong sala sila , Oh Dios ; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo : palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang ; Sapagka&apos;t sila&apos;y nanganghimagsik laban sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo , pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man , sapagka&apos;t iyong ipinagsasanggalang sila : mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t iyong pagpapalain ang matuwid ; Oh Panginoon , lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , huwag mo akong sawayin sa iyong galit , ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Maawa ka sa akin , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t ako&apos;y naluluoy , Oh Panginoon , pagalingin mo ako ; sapagka&apos;t ang aking mga buto ay nagsisipangalog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam : at ikaw , Oh Panginoon , hanggang kailan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bumalik ka , Oh Panginoon , palayain mo ang aking kaluluwa : iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sa kamatayan ay walang alaala sa iyo ; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y pagal ng aking pagdaing ; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan ; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan ; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magsilayo kayo sa akin , kayong lahat na manggagawa ng kasamaan : sapagka&apos;t narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narinig ng Panginoon ang aking pananaing ; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat ng kaaway ko&apos;y mapapahiya , at mababagabag na mainam : sila&apos;y magsisibalik , sila&apos;y mangapapahiyang kagyat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon kong Dios , sa iyo nanganganlong ako . Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin , at palayain mo ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa , na lurayin ito , habang walang magligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh Panginoon kong Dios , kung ginawa ko ito ; kung may kasamaan sa aking mga kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung ako&apos;y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin ; ( Oo , aking pinawalan siya , na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa , at abutan ; Oo , yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa , at ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ikaw ay bumangon , Oh Panginoon , sa iyong galit , magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway ; at gumising ka dahil sa akin ; ikaw ay nagutos ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot : at sila&apos;y pihitan mong nasa mataas ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang panginoo&apos;y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan : iyong hatulan ako , Oh Panginoon , ayon sa aking katuwiran , at sa aking pagtatapat na nasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh wakasan ang kasamaan ng masama , nguni&apos;t itatag mo ang matuwid ; sapagka&apos;t sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang aking kalasag ay sa Dios . na nagliligtas ng matuwid sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Dios ay matuwid na hukom , Oo , Dios na may galit araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ang tao ay hindi magbalik-loob , kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak ; kaniyang iniakma ang kaniyang busog , at inihanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan ; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , siya&apos;y nagdaramdam ng kasamaan ; Oo , siya&apos;y naglihi ng kasamaan , at nanganak ng kabulaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y gumawa ng balon , at hinukay , at nahulog sa hukay na kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo , at ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ako&apos;y magpapasalamat sa Panginoon , ayon sa kaniyang katuwiran : at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , aming Panginoon , pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa ! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan , dahil sa iyong mga kaaway , upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagka binubulay ko ang iyong mga langit , ang gawa ng iyong mga daliri , ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ano ang tao upang iyong alalahanin siya ? At ang anak ng tao , upang iyong dalawin siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios , at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay ; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat na tupa at baka , Oo , at ang mga hayop sa parang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga isda sa dagat , anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh Panginoon , aming Panginoon , pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa !</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso ; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo : ako&apos;y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan , Oh ikaw na kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik , sila&apos;y matitisod at malilipol sa iyong harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap ; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyong sinaway ang mga bansa , iyong nilipol ang masama , iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kaaway ay dumating sa wakas , sila&apos;y lipol magpakailan man ; at ang mga siyudad na iyong dinaig , ang tanging alaala sa kanila ay napawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man : inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan , siya&apos;y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati , matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo ; sapagka&apos;t ikaw , Panginoon , ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon , na nagsisitahan sa Sion : ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila : hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maawa ka sa akin , Oh Panginoon ; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin , ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan : sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion , ako&apos;y magagalak sa iyong pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa : sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang Panginoon ay napakilala , siya&apos;y naglapat ng kahatulan : ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay . ( Higgaion . Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang masama ay mauuwi sa Sheol , pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan , ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bumangon ka , Oh Panginoon ; huwag manaig ang tao : mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ilagay mo sila sa katakutan Oh , Panginoon : ipakilala mo sa mga bansa na sila&apos;y mga tao lamang . ( Selah )</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bakit ka tumatayong malayo , Oh Panginoon ? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam ; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso , at ang mapagimbot ay nagtatakuwil , oo , nagwawalang kabuluhan sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang masama , sa kapalaluan ng kaniyang mukha , ay nagsasabi , hindi niya sisiyasatin . Lahat niyang pagiisip ay , walang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon ; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin : tungkol sa lahat niyang mga kaaway , tinutuya niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sinasabi niya sa kaniyang puso , Hindi ako makikilos : sa lahat ng sali&apos;t saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw , at pagdaraya , at pang-aapi : sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siya&apos;y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon : sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala ; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y bumabakay sa kubli , na parang leon sa kaniyang lungga : siya&apos;y nagaabang upang hulihin ang dukha : hinuhuli niya ang dukha , pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y naninibasib , siya&apos;y nagpapakaliit , at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinasabi niya sa kaniyang puso : ang Dios ay nakalimot : kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha , hindi na niya makikita kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bumangon ka , Oh Panginoon , Oh Dios , itaas mo ang iyong kamay : huwag mong kalimutan ang dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bakit sinusumpa ng masama ang Dios , at nagsasabi sa kaniyang puso : hindi mo sisiyasatin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyong nakita ; sapagka&apos;t iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay : ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo ; ikaw ay naging tagakandili sa ulila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Baliin mo ang bisig ng masama : at tungkol sa masamang tao , pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man . Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Panginoon , iyong narinig ang nasa ng mga maamo : iyong ihahanda ang kanilang puso , iyong pakikinggan ng iyong pakinig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang hatulan ang ulila at ang napipighati , upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa Panginoon ay nanganganlong ako : ano&apos;t inyong sinasabi sa aking kaluluwa , tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t , narito , binalantok ng masama ang busog , kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting , upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ang mga patibayan ay masira , anong magagawa ng matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo , ang Panginoon , ang kaniyang luklukan ay nasa langit ; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas , ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid , sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinusubok ng Panginoon ang matuwid ; nguni&apos;t ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo ; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay matuwid ; minamahal niya ang katuwiran : Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tumulong ka , Panginoon , sapagka&apos;t ang banal na tao ay nalilipol ; sapagka&apos;t nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sila&apos;y nangagsasalitaan bawa&apos;t isa ng kabulaanan , sa kanikaniyang kapuwa : na may mapanuyang labi , at may giring pulang puso na nangagsasalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ihihiwalay ng Panginoon , ang lahat na mapanuyang labi , ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na nagsipagsabi , sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami ; ang aming mga labi ay aming sarili : sino ang panginoon sa amin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa pagsamsam sa dukha , dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan , titindig nga ako , sabi ng Panginoon ; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita ; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa , na makapitong dinalisay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iyong iingatan sila , Oh Panginoon , iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang masama ay naggala saa&apos;t saan man . Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hanggang kailan , Oh Panginoon ? iyong kalilimutan ako magpakailan man ? Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa , na may kalumbayan sa aking puso buong araw ? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong bulayin , at sagutin mo ako , Oh Panginoon kong Dios : liwanagan mo ang aking mga mata , baka ako&apos;y matulog ng tulog na kamatayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Baka sabihin ng aking kaaway , ako&apos;y nanaig laban sa kaniya ; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako&apos;y nakilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ako&apos;y tumiwala sa iyong kagandahang-loob . Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y aawit sa Panginoon , sapagka&apos;t ginawan niya ako ng sagana .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso , walang Dios : sila&apos;y nangapapahamak , sila&apos;y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa ; walang gumagawa ng mabuti ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit , upang tingnan , kung may sinomang nakakaunawa , na hinahanap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Silang lahat ay nagsihiwalay ; sila&apos;y magkakasama na naging kahalayhalay ; walang gumagawa ng mabuti , wala , wala kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan ? na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay , at hindi nagsisitawag sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Doo&apos;y nangapasa malaking katakutan sila : sapagka&apos;t ang Dios ay nasa lahi ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha , sapagka&apos;t ang Panginoon ang kaniyang kanlungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling sa Sion ! Kung ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan , magagalak nga ang Jacob , at masasayahan ang Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo ? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siyang lumalakad na matuwid , at gumagawa ng katuwiran , at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila , ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan , ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama ; kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon , siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo , ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala . Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ingatan mo ako , Oh Dios ; sapagka&apos;t sa iyo nanganganlong ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh kaluluwa ko , iyong sinabi sa Panginoon , ikaw ay aking Panginoon : ako&apos;y walang kabutihan liban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tungkol sa mga banal na nangasa lupa , sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga kalumbayan nila ay dadami , na nangaghahandog sa ibang dios : ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog , ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro : iyong inaalalayan ang aking kapalaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako ; Oo , ako&apos;y may mainam na mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo : Oo , tinuturuan ako sa gabi ng aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko : sapagka&apos;t kung siya ay nasa aking kanan , hindi ako makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ang aking puso ay masaya , at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak : ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol ; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay : nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan ; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo ang matuwid , Oh Panginoon , pakinggan mo ang aking daing ; ulinigin mo ang aking panalangin , na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan ; masdan ng iyong mga mata ang karampatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong sinubok ang aking puso ; iyong dinalaw ako sa kinagabihan ; iyong nilitis ako , at wala kang nasumpungan ; ako&apos;y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tungkol sa mga gawa ng mga tao , sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi . Ako&apos;y nagingat sa mga daan ng pangdadahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang aking mga hakbang ay nagsipanatili sa iyong mga landas , ang aking mga paa ay hindi nangadulas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y tumawag sa iyo , sapagka&apos;t ikaw ay sasagot sa akin , Oh Dios : Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin , at dinggin mo ang aking pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob , Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo . Sa nagsisibangon laban sa kanila , sa pamamagitan ng iyong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata , ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa masama na sumasamsam sa akin , sa aking mga kaaway na nagsisipatay , na nagsisikubkub sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y nangabalot sa kanilang sariling taba : sila&apos;y nangagsasalita ng kanilang bibig na may kapalaluan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang : itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila&apos;y parang leon na masiba sa kaniyang huli , at parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bumangon ka , Oh Panginoon , harapin mo siya , ilugmok mo siya : iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa mga tao , sa pamamagitan ng iyong kamay , Oh Panginoon , sa mga tao ng sanglibutan , na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito , at ang tiyan nila&apos;y pinupuno mo ng iyong kayamanan : kanilang binubusog ang kanilang mga anak , at iniiwan nila ang natira sa kanilang pag-aari sa kanilang sanggol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tungkol sa akin , aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran : ako&apos;y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iniibig kita , Oh Panginoon , na aking kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoon ay aking malaking bato , at aking kuta , at aking tagapagligtas ; aking Dios , aking malaking bato na sa kaniya&apos;y manganganlong ako ; aking kalasag , at siyang sungay ng aking kaligtasan , aking matayog na moog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y tatawag sa Panginoon , na marapat na purihin : sa gayo&apos;y maliligtas ako sa aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan , at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko : ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon , at dumaing ako sa aking Dios : dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo , at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y nauga at nayanig ang lupa , ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos , at nauga , sapagka&apos;t siya&apos;y napoot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong , at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok : mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniya namang iniyuko ang mga langit , at ibinaba ; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y sumakay sa isang querubin , at lumipad : Oo , siya&apos;y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako , ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya ; mga kadiliman ng tubig , masinsing mga alapaap sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap , mga granizo at mga bagang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit , at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig ; mga granizo , at mga bagang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana , at pinapangalat sila ; Oo , mga kidlat na di masayod at ginulo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig , at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan , sa iyong pagsaway , Oh Panginoon , sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y nagsugo mula sa itaas , kinuha niya ako ; sinagip niya ako sa maraming tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway , At sa mga nangagtatanim sa akin , sapagka&apos;t sila&apos;y totoong makapangyarihan sa ganang akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sila&apos;y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan , nguni&apos;t ang Panginoon ay siyang aking gabay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako ; iniligtas niya ako , sapagka&apos;t siya&apos;y nalulugod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran ; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t aking iningatan ang mga daan ng Panginoon , at hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko , at hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ako rin nama&apos;y sakdal sa kaniya , at ako&apos;y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran , ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin ; sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay ; at sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t iyong ililigtas ang napipighating bayan : nguni&apos;t ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t iyong papagniningasin ang aking ilawan ; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo ; at sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal : ang salita ng Panginoon ay subok ; siya&apos;y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t sino ang Dios , liban sa Panginoon ? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan , at nagpapasakdal sa aking lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa : at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma , na anopa&apos;t ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas : at inalalayan ako ng iyong kanan , at pinadakila ako ng iyong kahinahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko , at ang aking mga paa ay hindi nangadulas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Aking hahabulin ang aking mga kaaway , at aabutan ko sila : hindi man ako babalik hanggang sa sila&apos;y malipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Aking sasaktan sila , na anopa&apos;t sila&apos;y huwag makatayo : sila&apos;y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sapagka&apos;t iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka : iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway , upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sila&apos;y nagsihiyaw , nguni&apos;t walang magligtas : pati sa Panginoon , nguni&apos;t hindi niya sinagot sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Nang magkagayo&apos;y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin : aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan ; iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa : isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako ; ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka , at sila&apos;y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato ; at dakilain ang Dios ng aking kaligtasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sa makatuwid baga&apos;y ang Dios na ipinanghihiganti ako , at nagpapasuko ng mga bayan sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway : Oo , itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin : iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Kaya&apos;t ako&apos;y magpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bansa , at aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari ; at nagpapakita ng kagandahang-loob sa kaniyang pinahiran ng langis . Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios ; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita , at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Walang pananalita o wika man ; ang kanilang tinig ay hindi marinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa , at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan . Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid . At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit , at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon : at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal , na nagsasauli ng kaluluwa : ang patotoo ng Panginoon ay tunay , na nagpapapantas sa hangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid , na nagpapagalak sa puso : ang utos ng Panginoon ay dalisay , na nagpapaliwanag ng mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang takot sa Panginoon ay malinis , na nananatili magpakailan man : ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan , at lubos na matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mga pinipitang higit kay sa ginto , oo , higit kay sa maraming dalisay na ginto : lalong mainam kay sa pulot , at sa pulot-pukyutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Higit dito&apos;y sa pamamagitan ng mga iyo&apos;y mapagpapaunahan ang iyong lingkod : sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian ? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala : huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin : kung magkagayo&apos;y magiging matuwid ako , at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig , at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin , Oh Panginoon , na aking malaking bato , at aking manunubos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan ; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Saklolohan ka mula sa santuario , at palakasin ka mula sa Sion ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog , at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog ; ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso , at tuparin ang lahat ng iyong payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas , at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat : ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis ; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang iba ay tumitiwala sa mga karo , at ang iba ay sa mga kabayo : nguni&apos;t babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y nangakasubsob at buwal : nguni&apos;t kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magligtas ka , Panginoon : sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan , Oh Panginoon ; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso , at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan : iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y humingi ng buhay sa iyo , iyong binigyan siya ; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas : karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man : iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang hari ay tumitiwala sa Panginoon , at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway : masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit . Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot , at susupukin sila ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa , at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagakala ng kasamaan laban sa iyo : sila&apos;y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t iyong patatalikurin sila , ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mataas ka , Oh Panginoon , sa iyong kalakasan : sa gayo&apos;y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dios ko , Dios ko , bakit mo ako pinabayaan ? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin , at sa mga salita ng aking pagangal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh Dios ko , ako&apos;y humihiyaw sa araw , nguni&apos;t hindi ka sumasagot : at sa gabi , at hindi ako tahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ikaw ay banal , Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo : sila&apos;y nagsitiwala , at iyong iniligtas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nagsidaing sa iyo at nangaligtas : sila&apos;y nagsitiwala sa iyo , at hindi nangapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ako&apos;y uod at hindi tao ; duwahagi sa mga tao , at hinamak ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako : inilalawit nila ang labi , iginagalaw nila ang ulo , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magpakatiwala ka sa Panginoon ; iligtas niya siya : iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata : Pinatiwala mo ako nang ako&apos;y nasa mga suso ng aking ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata : ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag mo akong layuan ; sapagka&apos;t kabagabagan ay malapit ; sapagka&apos;t walang tumulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Niligid ako ng maraming toro ; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sila&apos;y magbubuka sa akin ng kanilang bibig , na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y nabuhos na parang tubig , at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad : ang aking puso ay parang pagkit ; natutunaw ito sa loob ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga ; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala ; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t niligid ako ng mga aso : kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama ; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto ; kanilang minamasdan , at pinapansin ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila , at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t huwag kang lumayo , Oh Panginoon : Oh ikaw na aking saklolo , magmadali kang tulungan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak ; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Iligtas mo ako sa bibig ng leon ; Oo , mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid : sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya : kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya ; at magsitayong may takot sa kaniya , kayong lahat na binhi ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati ; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya ; kundi nang siya&apos;y dumaing sa kaniya , ay kaniyang dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan : aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang maamo ay kakain at mabubusog : kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya ; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala , at magsisipanumbalik sa Panginoon : at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t ang kaharian ay sa Panginoon : at siya ang puno sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain , at magsisisamba : silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya , sa makatuwid baga&apos;y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya , sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sila&apos;y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran , sa bayan na ipanganganak ay ibabalita , yaong kaniyang ginawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay aking pastor ; hindi ako mangangailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan : pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa : pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oo , bagaman ako&apos;y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan , wala akong katatakutang kasamaan ; sapagka&apos;t ikaw ay sumasa akin : ang iyong pamalo at ang iyong tungkod , ay nagsisialiw sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway : iyong pinahiran ang aking ulo ng langis ; ang aking saro ay inaapawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay : at ako&apos;y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito ; ang sanglibutan , at silang nagsisitahan dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat , at itinatayo sa ibabaw ng mga baha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinong aahon sa bundok ng Panginoon ? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso ; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan , at hindi sumumpa na may kabulaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya&apos;y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon , at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya , na nagsisihanap ng iyong mukha , sa makatuwid baga&apos;y Jacob . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Itaas ninyo ang inyong mga ulo , Oh kayong mga pintuang-bayan ; at kayo&apos;y mangataas , kayong mga walang hanggang pintuan : at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sino ang Hari ng kaluwalhatian ? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan , ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Itaas ninyo ang inyong mga ulo , Oh kayong mga pintuang-bayan ; Oo , magsitaas kayo , kayong mga walang hanggang pintuan : at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sino itong Hari ng kaluwalhatian ? Ang Panginoon ng mga hukbo , siya ang Hari ng kaluwalhatian . ( Selah )</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa iyo , Oh Panginoon , iginagawad ko ang aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh Dios ko sa iyo&apos;y tumiwala ako , huwag nawa akong mapahiya ; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , walang naghihintay sa iyo na mapapahiya ; sila&apos;y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ituro mo sa akin ang iyong mga daan , Oh Panginoon ; ituro mo sa akin ang iyong mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan , at ituro mo sa akin ; sapagka&apos;t ikaw ay Dios ng aking kaligtasan ; sa iyo&apos;y naghihintay ako buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong alalahanin , Oh Panginoon , ang iyong malumanay na mga kaawaan , at ang iyong mga kagandahang-loob ; sapagka&apos;t magpakailan man mula ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan , ni ang aking mga pagsalangsang : ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako , dahil sa iyong kabutihan , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mabuti at matuwid ang Panginoon : kaya&apos;t tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan : at ituturo niya sa maamo ang daan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dahil sa iyong pangalan , Oh Panginoon , iyong ipatawad ang aking kasamaan , sapagka&apos;t malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Anong tao siya na natatakot sa Panginoon ? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan ; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya ; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon ; sapagka&apos;t huhugutin niya ang aking mga paa sa silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Panumbalikan mo ako , at maawa ka sa akin ; sapagka&apos;t ako&apos;y nag-iisa at nagdadalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki : Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam ; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Masdan mo ang aking mga kaaway , sapagka&apos;t sila&apos;y marami ; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Oh ingatan mo ang aking kaluluwa , at iyong iligtas ako : huwag nawa akong mapahiya , sapagka&apos;t nanganganlong ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran , sapagka&apos;t hinihintay kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tubusin mo ang Israel , Oh Dios , mula sa lahat na kaniyang kabagabagan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iyong hatulan ako Oh Panginoon , sapagka&apos;t ako&apos;y lumakad sa aking pagtatapat : ako naman ay tumiwala sa Panginoon , na walang bulay-bulay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siyasatin mo ako , Oh Panginoon , at iyong subukin ako ; subukin mo ang aking puso at ang aking isip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata : at ako&apos;y lumakad sa iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao ; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan , at hindi ako uupo na kaumpok ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala ; sa gayo&apos;y aking lilibirin ang iyong dambana , Oh Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat , at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Panginoon , aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay , at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan , ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan , at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat : iyong tubusin ako , at mahabag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako : sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay aking liwanag , at aking kaligtasan : kanino ako matatakot ? Ang Panginoon , ay katibayan ng aking buhay ; kanino ako masisindak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman , ang aking mga kaaway at aking mga kaalit , sila&apos;y nangatisod at nangarapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin , hindi matatakot ang aking puso : bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin , gayon ma&apos;y titiwala rin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon , na aking hahanapin ; na ako&apos;y makatahan sa bahay ng Panginoon , lahat ng mga kaarawan ng aking buhay , upang malasin ang kagandahan ng Panginoon , at magusisa sa kaniyang templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong : sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako ; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ngayo&apos;y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko ; at ako&apos;y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan ; ako&apos;y aawit , oo , ako&apos;y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dinggin mo , Oh Panginoon , pagka ako&apos;y sumisigaw ng aking tinig : maawa ka rin sa akin , at sagutin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang iyong sabihin , hanapin ninyo ang aking mukha ; ang aking puso ay nagsabi sa iyo , ang iyong mukha , Panginoon , ay hahanapin ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin ; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit : ikaw ay naging aking saklolo ; huwag mo akong itakuwil , o pabayaan man , Oh Dios ng aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina , gayon ma&apos;y dadamputin ako ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ituro mo sa akin ang iyong daan , Oh Panginoon : at patnubayan mo ako sa patag na landas , dahil sa aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway : sapagka&apos;t mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin , at ang nagsisihinga ng kabagsikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako sana&apos;y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon . Sa lupain ng may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magantay ka sa Panginoon : ikaw ay magpakalakas , at magdalang tapang ang iyong puso ; Oo , umasa ka sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa iyo , Oh Panginoon , tatawag ako ; bato ko , huwag kang magpakabingi sa akin : baka kung ikaw ay tumahimik sa akin , ako&apos;y maging gaya nila na bumaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing , pagka ako&apos;y dumadaing sa iyo , pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama , at ng mga manggagawa ng kasamaan ; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa , Nguni&apos;t kasamaan ay nasa kanilang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa , at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain : gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay . Bayaran mo sila ng ukol sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon , ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay , kaniyang ibabagsak sila , at hindi sila itatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Purihin ang Panginoon , sapagka&apos;t dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag ; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya , at ako&apos;y nasaklolohan : kaya&apos;t ang aking puso ay nagagalak na mainam ; at aking pupurihin siya ng aking awit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Panginoon ay kanilang kalakasan , at siya&apos;y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iligtas mo ang iyong bayan , at pagpalain mo ang iyong pamana : naging pastor ka rin naman nila , at alalayan mo sila magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mangagbigay kayo sa Panginoon , Oh kayong mga anak ng makapangyarihan , mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan : inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig : ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog , sa makatuwid baga&apos;y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan ; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro ; Oo , pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya : ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang : niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa , at hinuhubdan ang mga gubat : at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa&apos;t bagay : kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari ; Oo , ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan ; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dadakilain kita , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t itinindig mo ako , at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh Panginoon kong Dios , dumaing ako sa iyo , at ako&apos;y pinagaling mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh Panginoon , iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol : iyong iningatan akong buhay , upang huwag akong bumaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon , Oh kayong mga banal niya , at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang kaniyang galit ay sangdali lamang ; ang kaniyang paglingap ay habang buhay : pagiyak ay magtatagal ng magdamag , nguni&apos;t kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tungkol sa akin , sinabi ko sa aking kaginhawahan : hindi ako makikilos kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw , Panginoon , sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok : iyong ikinubli ang iyong mukha ; ako&apos;y nabagabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ako&apos;y dumaing sa iyo , Oh Panginoon ; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo , pagka ako&apos;y mababa sa hukay ? Pupuri ba sa iyo ang alabok ? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyong dinggin , Oh Panginoon , at maawa ka sa akin : Panginoon , maging saklolo nawa kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis ; iyong kinalag ang aking kayong magaspang , at binigkisan mo ako ng kasayahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik : Oh Panginoon kong Dios , ako&apos;y magpapasalamat sa iyo magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa iyo , Oh Panginoon , nanganganlong ako ; huwag akong mapahiya kailan man ; palayain mo ako sa iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin ; iligtas mo akong madali : maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin , bahay na sanggalangan upang iligtas ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ikaw ang aking malaking bato , at aking kuta ; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako , at patnubayan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin ; sapagka&apos;t ikaw ang aking katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa ; iyong tinubos ako , Oh Panginoon , ikaw na Dios ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan : nguni&apos;t tumitiwala ako sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob : sapagka&apos;t iyong nakita ang aking kadalamhatian : iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway ; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Maawa ka sa akin , Oh Panginoon , sapagka&apos;t ako&apos;y nasa kahirapan : ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan , oo , ang aking kaluluwa , at aking katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan , at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga : ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan , at ang aking mga buto ay nangangatog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako , Oo , lubha nga sa aking mga kapuwa , at takot sa aking mga kakilala : silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako&apos;y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao : Ako&apos;y parang basag na sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t aking narinig ang paninirang puri ng marami , kakilabutan sa bawa&apos;t dako . Samantalang sila&apos;y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin , kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t tumiwala ako sa iyo , Oh Panginoon : aking sinabi : Ikaw ay aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay : iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway , at sa mga nagsisiusig sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod : iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag nawa akong mapahiya , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t ako&apos;y tumawag sa iyo : mapahiya nawa ang masama , magsitahimik nawa sila sa Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi ; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan , ng kapalaluan at paghamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh pagkadakila ng iyong kabutihan , na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo , na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo , sa harap ng mga anak ng mga tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao : iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Purihin ang Panginoon : sapagka&apos;t ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tungkol sa akin , sinabi ko sa aking pagmamadali , nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata : gayon ma&apos;y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik , nang ako&apos;y dumaing sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Oh ibigin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na mga banal niya : pinalalagi ng Panginoon ang tapat , at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kayo&apos;y mangagpakalakas , at mangagdalang tapang ang inyong puso , kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang , na tinakpan ang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon , at walang pagdaraya ang diwa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang ako&apos;y tumahimik , ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay : ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo , at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli : aking sinabi , aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon ; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dahil dito&apos;y dalanginan ka nawa ng bawa&apos;t isa na banal sa panahong masusumpungan ka : tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay aking kublihang dako ; iyong iingatan ako sa kabagabagan ; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran : papayuhan kita na ang aking mga mata , ay nakatitig sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo , o gaya ng mula na walang unawa : na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila , na kung dili&apos;y hindi sila magsisilapit sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama : nguni&apos;t siyang tumitiwala sa Panginoon , kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y mangatuwa sa Panginoon , at mangagalak kayo , kayong mga matuwid : at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mangagalak kayo sa Panginoon , Oh kayong mga matuwid : pagpuri ay maganda sa ganang matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo&apos;y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa : magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit ; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang salita ng Panginoon ay matuwid ; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan : ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit ; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton : inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon : magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t siya&apos;y nagsalita , at nangyari ; siya&apos;y nagutos , at tumayong matatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa : kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man , ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon ; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit ; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat , na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo : ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas : ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya , sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan , at upang ingatan silang buhay sa kagutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon : siya&apos;y aming saklolo at aming kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang aming puso ay magagalak sa kaniya , sapagka&apos;t kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , ayon sa aming pagasa sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon : ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon : maririnig ng maamo at masasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon , at tayo&apos;y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking hinanap ang Panginoon , at sinagot niya ako , at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nagsitingin sa kaniya , at nangaliwanagan : at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Itong abang tao&apos;y dumaing , at dininig siya ng Panginoon . At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya , at ipinagsasanggalang sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti : mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh mangatakot kayo sa Panginoon , kayong mga banal niya : sapagka&apos;t walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom . Nguni&apos;t silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magsiparito kayo , kayong mga anak , dinggin ninyo ako : aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinong tao ang nagnanasa ng buhay , at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama . At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Lumayo ka sa kasamaan , at gumawa ka ng mabuti ; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid , at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan , upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang matuwid ay nagsidaing , at dininig ng Panginoon , at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso , at inililigtas ang mga may pagsisising diwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Marami ang kadalamhatian ng matuwid ; nguni&apos;t inililigtas ng Panginoon sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto : wala isa man sa mga yaon na nababali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Papatayin ng kasamaan ang masama : at silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod : at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Awayin mo , Oh Panginoon , silang nagsisiaway sa akin : lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Humawak ka ng kalasag at ng longki , at tumayo ka na pinaka tulong sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kumuha ka rin naman ng sibat , at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin : sabihin mo sa aking kaluluwa , Ako&apos;y iyong kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mangahiya nawa sila , at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa : mangapabalik sila , at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin , at itaboy sila ng anghel ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maging madilim nawa , at madulas ang kanilang daan , at habulin sila ng anghel ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay , walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak ; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli : mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon : magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat ng aking mga buto ay magsasabi , Panginoon , sino ang gaya mo , na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya , Oo , ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga saksing masasama ay nagsisitayo ; sila&apos;y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti , sa pagpapaulila ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t tungkol sa akin , nang sila&apos;y may sakit , ang aking suot ay magaspang na kayo : aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno ; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid : ako&apos;y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t pagka ako&apos;y natisod sila&apos;y nangagagalak , at nagpipisan : ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin , at hindi ko nalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan , kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Panginoon , hanggang kailan titingin ka ? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira , ang aking sinta mula sa mga leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan : aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway ; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nangagsasalita ng kapayapaan : kundi sila&apos;y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oo , kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin ; kanilang sinasabi : Aha , aha , nakita ng aming mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Iyong nakita ito , Oh Panginoon ; huwag kang tumahimik , Oh Panginoon , huwag kang lumayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kumilos ka , at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan , sa aking usap , Dios ko at Panginoon ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hatulan mo ako , Oh Panginoon kong Dios , ayon sa iyong katuwiran ; at huwag mo silang pagalakin sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag silang magsabi sa kanilang sarili : Aha , nasa namin : huwag silang magsabi : Aming sinakmal siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Mangapahiya nawa sila , at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak : manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Magsihiyaw nawa ng kagalakan , at mangasayahan , ang nagsisilingap ng aking katuwiran : Oo , mangagsabi nawa silang palagi : Dakilain ang Panginoon , na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran , at ng pagpuri sa iyo sa buong araw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso : walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t siya&apos;y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata , na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan : iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan ; siya&apos;y lumagay sa isang daan na hindi mabuti ; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , ay nasa mga langit : ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios : ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman : Oh Panginoon , iyong iniingatan ang tao at hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob , Oh Dios ! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay ; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t nasa iyo ang bukal ng buhay : sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oh , ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo : at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan , at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Doo&apos;y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan : sila&apos;y nangalugmok at hindi makakatindig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan , ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t sila&apos;y madaling puputuling gaya ng damo , at matutuyong gaya ng sariwang damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tumiwala ka sa Panginoon , at gumawa ka ng mabuti ; tumahan ka sa lupain , at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magpakaligaya ka naman sa Panginoon ; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon ; tumiwala ka rin naman sa kaniya , at kaniyang papangyayarihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran , at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay magpahinga sa Panginoon , at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya : huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad , dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maglikat ka ng pagkagalit , at bayaan mo ang poot : huwag kang mabalisa , iya&apos;y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay : nguni&apos;t yaong nagsipaghintay sa Panginoon , ay mangagmamana sila ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sangdali na lamang , at ang masama ay mawawala na : Oo , iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako , at siya&apos;y mawawala na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ang maamo ay magmamana ng lupain , at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang masama ay kumakatha laban sa ganap , at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tatawanan siya ng Panginoon : sapagka&apos;t kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hinugot ng masama ang tabak , at inihanda ang kanilang busog : upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan , upang patayin ang matuwid sa paglakad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso , at ang kanilang busog ay mababali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid , kay sa kasaganaan ng maraming masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang mga bisig ng masasama ay mangababali : nguni&apos;t inaalalayan ng Panginoon ang matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal : at ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan : at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang masama ay mamamatay , at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero : sila&apos;y mangapupugnaw : sa usok mangapupugnaw sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang masama ay humihiram , at hindi nagsasauli : nguni&apos;t ang matuwid ay nahahabag , at nagbibigay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain ; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon ; at siya&apos;y nasasayahan sa kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Bagaman siya&apos;y mabuwal , hindi siya lubos na mapapahiga : Sapagka&apos;t inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako&apos;y naging bata , at ngayo&apos;y matanda ; gayon ma&apos;y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan , ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Lahat ng araw ay nahahabag , at nagpapahiram ; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ikaw ay humiwalay sa kasamaan , at gumawa ka ng mabuti ; at manahan ka magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t iniibig ng Panginoon ang kahatulan , at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal ; sila&apos;y iniingatan magpakailan man : nguni&apos;t ang lahi ng masama ay mahihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mamanahin ng matuwid ang lupain , at tatahan doon magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan , at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso , walang madudulas sa kaniyang mga hakbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Inaabatan ng masama ang matuwid , at pinagsisikapang patayin niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay , ni parurusahan man siya pagka siya&apos;y nahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Hintayin mo ang Panginoon , at ingatan mo ang kaniyang daan , at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain : pagka nahiwalay ang masama , iyong makikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan , at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nguni&apos;t may dumaan at , narito , wala na siya : Oo , hinanap ko siya , nguni&apos;t hindi siya masumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Tandaan mo ang sakdal na tao , at masdan mo ang matuwid : sapagka&apos;t may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Tungkol sa mga mananalangsang , mangalilipol silang magkakasama : ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Nguni&apos;t ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon : siya&apos;y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sila&apos;y tinutulungan ng Panginoon , at sinasagip sila : sinasagip niya sila sa masama , at inililigtas sila . Sapagka&apos;t sila&apos;y nagsipagkanlong sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit : ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin , at pinipisil akong mainam ng iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit ; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo : gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang aking mga sugat ay mabaho , at putokputok , dahil sa aking kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y nahirapan at ako&apos;y nahukot ; ako&apos;y tumatangis buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang aking mga balakang ay lipos ng hirap ; at walang kagalingan sa aking laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ako&apos;y nanglalata , at bugbog na mainam : ako&apos;y umangal dahil sa kaba ng aking loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Panginoon , lahat ng aking nais ay nasa harap mo ; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang aking loob ay kakabakaba , ang aking kalakasan ay nanglalata : tungkol sa liwanag ng aking mga mata , ay napawi rin ito sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap ; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin ; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay , at nangagiisip ng pagdaraya buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ako&apos;y gaya ng binging tao , na hindi nakakarinig ; at ako&apos;y gaya ng piping tao , na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Oo , ako&apos;y gaya ng tao na hindi nakakarinig , at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t sa iyo , Oh Panginoon ay umaasa ako : ikaw ay sasagot , Oh Panginoon kong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t aking sinabi : Baka ako&apos;y kagalakan nila : pagka ang aking paa ay nadudulas , ay nagsisipagmataas sila laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ako&apos;y madali ng mahulog , at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t aking ipahahayag ang aking kasamaan ; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas : at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko , sapagka&apos;t aking sinunod ang bagay na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag mo akong pabayaan , Oh Panginoon : Oh Dios ko , huwag kang lumayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Magmadali kang tulungan mo ako , Oh Panginoon na aking kaligtasan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking sinabi , ako&apos;y magiingat sa aking mga lakad , upang huwag akong magkasala ng aking dila : aking iingatan ang aking dila ng paningkaw , samantalang ang masama ay nasa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y napipi ng pagtahimik , ako&apos;y tumahimik pati sa mabuti ; at ang aking kalungkutan ay lumubha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang aking puso ay mainit sa loob ko ; habang ako&apos;y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy : nang magkagayo&apos;y nagsalita ako ng aking dila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Panginoon , ipakilala mo sa akin ang aking wakas , at ang sukat ng aking mga kaarawan , kung ano ; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan ; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo : tunay na bawa&apos;t tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tunay na bawa&apos;t tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim : tunay na sila&apos;y nagugulo ng walang kabuluhan : kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan , at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ngayon , Panginoon , ano pa ang aking hinihintay ? Ang aking pagasa ay nasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang : huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y pipi , hindi ko ibinuka ang aking bibig ; sapagka&apos;t ikaw ang gumawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iurong mo sa akin ang iyong suntok : ako&apos;y bugbog na sa suntok ng iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao , iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga : tunay na bawa&apos;t tao ay walang kabuluhan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iyong dinggin ang aking dalangin , Oh Panginoon , at pakinggan mo ang aking daing : huwag kang tumahimik sa aking mga luha : sapagka&apos;t ako&apos;y taga ibang lupa na kasama mo ; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh tulungan mo ako , upang ako&apos;y magbawing lakas , Bago ako manaw , at mawala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon ; at siya&apos;y kumiling sa akin , at dininig ang aking daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon , mula sa balahong malagkit ; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato , at itinatag ang aking mga paglakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y naglagay ng bagong awit sa aking bibig , sa makatuwid baga&apos;y pagpuri sa aming Dios : marami ang mangakakakita at mangatatakot , at magsisitiwala sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon , at hindi iginagalang ang palalo , ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Marami , Oh Panginoon kong Dios , ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa , at ang iyong mga pagiisip sa amin : hindi malalagay na maayos sa harap mo ; kung ako&apos;y magpapahayag at sasalitain ko sila , sila&apos;y higit kay sa mabibilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran ; ang aking pakinig ay iyong binuksan : handog na susunugin , at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko : Narito , dumating ako ; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban , Oh Dios ko ; Oo , ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan ; narito , hindi ko pipigilin ang aking mga labi , Oh Panginoon , iyong nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso ; aking ibinalita ang iyong pagtatapat , at ang iyong pagliligtas : hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan , Oh Panginoon : panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kinulong ako ng walang bilang na kasamaan . Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin , na anopa&apos;t hindi ako makatingin ; sila&apos;y higit kay sa mga buhok ng aking ulo , at ang aking puso ay nagpalata sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kalugdan mo nawa , Oh Panginoon , na iligtas ako : Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak : Sila nawa&apos;y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin , Aha , aha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo : yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi , Ang Panginoon ay dakilain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ako&apos;y dukha at mapagkailangan ; Gayon ma&apos;y inalaala ako ng Panginoon : Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas ; huwag kang magluwat , Oh Dios ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "41">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha : ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pananatilihin siya , at iingatan siyang buhay ng Panginoon , at siya&apos;y pagpapalain sa ibabaw ng lupa ; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina : iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking sinabi , Oh Panginoon , maawa ka sa akin : pagalingin mo ang aking kaluluwa ; sapagka&apos;t ako&apos;y nagkasala laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin , na nangagsasabi , kailan siya mamamatay , at mapapawi ang kaniyang pangalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung siya&apos;y pumaritong tingnang ako siya&apos;y nagsasalita ng walang kabuluhan ; ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili ; pagka siya&apos;y lumabas , isinasaysay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin : laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Isang masamang sakit , wika nila , ay kumapit na madali sa kaniya ; at ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oo , ang aking kasamasamang kaibigan , na aking tiniwalaan , na kumain ng aking tinapay , nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon , maawa ka sa akin , at ibangon mo ako , upang aking magantihan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin , sapagka&apos;t ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tungkol sa akin , iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat , at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan . Siya nawa , at Siya nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "42">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis , gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo , Oh Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios , ang buhay na Dios : kailan ako paririto , at haharap sa Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi , Habang kanilang sinasabing lagi sa akin , saan nandoon ang iyong Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala , at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko , kung paanong ako&apos;y nagpatuloy sa karamihan , at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios , na may tinig ng kagalakan at pagpupuri , na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit ka nanglulumo , Oh kaluluwa ko ? At bakit ka nababagabag sa loob ko ? Umasa ka sa Dios : sapagka&apos;t pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh Dios ko , ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko ; kaya&apos;t aking inaalaala ka mula sa lupain ng Jordan , at ng Hermonitas , mula sa burol ng Mizhar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha : lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw , at sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya , sa makatuwid baga&apos;y isang dalangin sa Dios ng aking buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aking sasabihin sa Dios na aking malaking bato , bakit mo ako kinalimutan ? Bakit ako&apos;y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na wari tabak sa aking mga buto , na tinutuya ako ng aking mga kaaway ; habang sinasabi nilang lagi sa akin , saan nandoon ang iyong Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bakit ka nanglulumo , Oh kaluluwa ko ? At bakit ka nababagabag sa loob ko ? Umasa ka sa Dios : sapagka&apos;t pupuri pa ako sa kaniya , na siyang kagalingan ng aking mukha , at aking Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "43">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hatulan mo ako , Oh Dios , at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa : Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ikaw ang Dios ng aking kalakasan ; bakit mo ako itinakuwil ? Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan ; patnubayan nawa nila ako : dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok , at sa iyong mga tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung magkagayo&apos;y paparoon ako sa dambana ng Dios , sa Dios na aking malabis na kagalakan : at sa alpa ay pupuri ako sa iyo , Oh Dios , aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit ka nanglulumo , Oh kaluluwa ko ? At bakit ka nababagabag sa loob ko ? Umasa ka sa Dios : sapagka&apos;t pupuri pa ako sa kaniya , na siyang kagalingan ng aking mukha , at aking Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "44">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narinig namin ng aming mga pakinig , Oh Dios , isinaysay sa amin ng aming mga magulang , kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan , ng mga kaarawan ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa , nguni&apos;t itinatag mo sila ; iyong dinalamhati ang mga bayan , nguni&apos;t iyong pinangalat sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak , ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay : kundi ng iyong kanan , at ng iyong bisig , at ng liwanag ng iyong mukha , sapagka&apos;t iyong nilingap sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw ang aking Hari , Oh Dios : magutos ka ng kaligtasan sa Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa iyo&apos;y itutulak namin ang aming mga kaaway : sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t hindi ako titiwala sa aking busog , ni ililigtas man ako ng aking tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t iniligtas mo kami sa aming mga kaaway , at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa Dios ay naghahambog kami buong araw , at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ngayo&apos;y itinakuwil mo kami , at inilagay mo kami sa kasiraang puri ; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyong pinatatalikod kami sa kaaway : at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain ; at pinangalat mo kami sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad , at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa , isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa , at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri , at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw ; dahil sa kaaway at sa manghihiganti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Lahat ng ito&apos;y dumating sa amin ; gayon ma&apos;y hindi namin kinalimutan ka , ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang aming puso ay hindi tumalikod , ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal , at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios , O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios ? Sapagka&apos;t nalalaman niya ang mga lihim ng puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Oo , dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw ; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ikaw ay gumising , bakit ka natutulog , Oh Panginoon ? Ikaw ay bumangon , huwag mo kaming itakuwil magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha , at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok : ang aming katawan ay nadidikit sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan , at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "45">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay : aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari : ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao ; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi : kaya&apos;t pinagpala ka ng Dios magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita , Oh makapangyarihan , kalakip ang iyong kaluwalhatian at ang iyong kamahalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan , dahil sa katotohanan , at sa kaamuan , at sa katuwiran : at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iyong mga palaso ay matulis ; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo : sila&apos;y nangasa puso ng mga kaaway ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iyong luklukan , Oh Dios , ay magpakailan-kailan man : cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iyong iniibig ang katuwiran , at pinagtataniman ang kasamaan : kaya&apos;t ang Dios , ang iyong Dios , ay nagpahid sa iyo ng langis , ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira , at aloe , at kasia : mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae : sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto sa Ophir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyong dinggin , Oh anak na babae , at iyong pakundanganan , at ikiling mo ang iyong pakinig ; kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan , at ang bahay ng iyong magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y nanasain ng hari ang iyong kagandahan ; sapagka&apos;t siya&apos;y iyong panginoon ; at sumamba ka sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na may kaloob ; pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay mamamanhik ng iyong lingap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari . Ang kaniyang suot ay yaring may ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y ihahatid sa hari na may suot na bordado : ang mga dalaga , na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya , ay dadalhin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila : sila&apos;y magsisipasok sa bahay-hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak , na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali&apos;t saling lahi : kaya&apos;t ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "46">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan , handang saklolo sa kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago , at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag . Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">May isang ilog , na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios . Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Dios ay nasa gitna niya ; siya&apos;y hindi makikilos : tutulungan siya ng Dios na maaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga bansa ay nangagkagulo , ang mga kaharian ay nangakilos : inihiyaw niya ang kaniyang tinig , ang lupa ay natunaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin ; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo&apos;y parito , inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon , kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa ; kaniyang binabali ang busog , at pinuputol ang sibat ; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios : ako&apos;y mabubunyi sa gitna ng mga bansa , ako&apos;y mabubunyi sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin ; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "47">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan ; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot ; siya&apos;y dakilang Hari sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin , at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang ipipili tayo ng ating mana , ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan , ang Panginoon na may tunog ng pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios , kayo&apos;y magsiawit ng mga pagpuri : kayo&apos;y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari , kayo&apos;y magsiawit ng mga pagpuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang Dios ay Hari ng buong lupa : magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Dios ay naghahari sa mga bansa : ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham ; sapagka&apos;t ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios ; siya&apos;y totoong bunyi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "48">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dakila ang Panginoon , at marapat pakapurihin , sa bayan ng aming Dios , sa kaniyang banal na bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Maganda sa kataasan , ang kagalakan ng buong lupa , siyang bundok ng Sion , sa mga dako ng hilagaan , na bayan ng dakilang Hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari , na pinakakanlungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t narito , ang mga hari ay nagpupulong , sila&apos;y nagsidaang magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kanilang nakita , nagsipanggilalas nga sila ; sila&apos;y nanganglupaypay , sila&apos;y nangagmadaling tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Panginginig ay humawak sa kanila roon ; sakit , gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung ano ang aming narinig , ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo , sa bayan ng aming Dios : itatatag ito ng Dios magpakailan man . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob , Oh Dios , sa gitna ng iyong templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung ano ang iyong pangalan , Oh Dios , gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa ; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Matuwa ka bundok ng Sion , magalak ang mga anak na babae ng Juda , dahil sa iyong mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Libutin ninyo ang Sion , at inyong ligirin siya : inyong saysayin ang mga moog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta , inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari ; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man : siya&apos;y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "49">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ito , ninyong lahat na mga bayan ; pakinggan ninyo , ninyong lahat na nananahan sa daigdig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ng mababa at gayon din ng mataas , ng mayaman at ng dukha na magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan ; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga : ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan , pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan , at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid , ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">( Sapagka&apos;t ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal , at ito&apos;y naglilikat magpakailan man : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Upang siya&apos;y mabuhay na lagi , upang siya&apos;y huwag makakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay , ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol , at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang kanilang pagiisip sa loob ay , na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man , at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali&apos;t saling lahi ; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ang tao&apos;y hindi lalagi sa karangalan : siya&apos;y gaya ng mga hayop na nangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan : gayon ma&apos;y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y nangatakda sa Sheol na parang kawan ; kamatayan ay magiging pastor sa kanila : at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan ; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw , upang mawalan ng tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol : sapagka&apos;t tatanggapin niya ako . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag kang matakot pagka may yumaman . Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t pagka siya&apos;y namatay ay wala siyang dadalhin ; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bagaman habang siya&apos;y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa , ( at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya&apos;y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang ; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Taong nasa karangalan , at hindi nakakaunawa , ay gaya ng mga hayop na namamatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "50">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang makapangyarihang Dios , ang Dios na Panginoon , ay nagsalita , at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan , sumilang ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik ; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya , at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y tatawag sa langit sa itaas , at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pisanin mo ang aking mga banal sa akin ; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran ; sapagka&apos;t ang Dios ay siyang hukom . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iyong dinggin , Oh aking bayan , at ako&apos;y magsasalita ; Oh Israel , at ako&apos;y magpapatotoo sa iyo : Ako&apos;y Dios , iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain ; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay , ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t bawa&apos;t hayop sa gubat ay akin , at ang hayop sa libong burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok : at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ako&apos;y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo : sapagka&apos;t ang sanglibutan ay akin , at ang buong narito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kakanin ko ba ang laman ng mga toro , o iinumin ang dugo ng mga kambing ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat : at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan ; ililigtas kita , at iyong luluwalhatiin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t sa masama ay sinasabi ng Dios , Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan , at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Palibhasa&apos;t iyong kinapopootan ang pagtuturo , at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagka nakakita ka ng magnanakaw , pumipisan ka sa kaniya , at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan , at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay nauupo , at nagsasalita laban sa iyong kapatid ; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa , at ako&apos;y tumahimik ; iyong inisip na tunay na ako&apos;y gayong gaya mo : nguni&apos;t sasawayin kita , at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gunitain nga ninyo ito , ninyong nangakalilimot sa Dios , baka kayo&apos;y aking pagluraylurayin at walang magligtas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin ; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "51">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Maawa ka sa akin , Oh Dios , ayon sa iyong kagandahang-loob : ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan , at linisin mo ako sa aking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang : at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Laban sa iyo , sa iyo lamang ako nagkasala , at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin : upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka , at maging malinis pag humahatol ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , ako&apos;y inanyuan sa kasamaan ; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap ; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Linisin mo ako ng hisopo , at ako&apos;y magiging malinis : hugasan mo ako at ako&apos;y magiging lalong maputi kay sa nieve .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan ; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan , at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Likhaan mo ako ng isang malinis na puso , Oh Dios ; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan ; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas : at alalayan ako ng kusang espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung magkagayo&apos;y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad ; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo , Oh Dios , ikaw na Dios ng aking kaligtasan ; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oh Panginoon , bukhin mo ang aking mga labi ; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t hindi ka nalulugod sa hain ; na kung dili ay bibigyan kita : wala kang kaluguran sa handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob : isang bagbag at may pagsisising puso , Oh Dios , ay hindi mo wawaling kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion : itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung magkagayo&apos;y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran , sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo : kung magkagayo&apos;y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "52">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bakit ka naghahambog sa kasamaan , Oh makapangyarihang tao ? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang dila mo&apos;y kumakatha ng totoong masama ; gaya ng matalas na pangahit , na gumagawang may karayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan ; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita , Oh ikaw na magdarayang dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man , itataas ka niya , at ilalabas ka sa iyong tolda , at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Makikita naman ng matuwid , at matatakot , at tatawa sa kaniya , na magsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan , ang Dios ; kundi tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan , at nagpakalakas sa kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t tungkol sa akin , ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios : tumitiwala ako sa kagandahang-loob ng Dios magpakailan-kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo magpakailan man , sapagka&apos;t iyong ginawa : at ako&apos;y maghihintay sa iyong pangalan sapagka&apos;t mabuti , sa harapan ng iyong mga banal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "53">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya , Walang Dios . Nangapahamak sila , at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan ; walang gumawa ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit , upang tignan kung may sinomang nakakaunawa , na humanap sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bawa&apos;t isa sa kanila ay tumalikod : sila&apos;y magkakasamang naging mahahalay ; walang gumawa ng mabuti , wala , wala kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan ? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay , at hindi nagsisitawag sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Doo&apos;y nangapasa malaking katakutan sila na hindi kinaroroonan ng takot : sapagka&apos;t pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo ; iyong inilagay sila sa kahihiyan , sapagka&apos;t itinakuwil sila ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion . Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan , magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "54">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iligtas mo ako , Oh Dios , sa pamamagitan ng iyong pangalan . At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin mo ang aking dalangin , Oh Dios ; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin , at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa : hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , ang Dios ay aking katulong : ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway : gibain mo sila sa iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y maghahain sa iyo ng kusang handog : ako&apos;y magpapasalamat sa iyong pangalan , Oh Panginoon , sapagka&apos;t mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan ; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "55">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo ang aking dalangin , Oh Dios ; at huwag kang magkubli sa aking pananaing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pakinggan mo ako , at iyong sagutin ako : ako&apos;y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam , at ako&apos;y dumadaing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dahil sa tinig ng kaaway , dahil sa pagpighati ng masama ; sapagka&apos;t sila&apos;y naghagis ng kasamaan sa akin , at sa galit ay inuusig nila ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko : at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Katakutan at panginginig ay dumating sa akin , at tinakpan ako ng kakilabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking sinabi , Oh kung ako&apos;y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati ! Lilipad nga ako , at magpapahinga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , kung magkagayo&apos;y gagala ako sa malayo , ako&apos;y titigil sa ilang . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ako&apos;y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ipahamak mo , Oh Panginoon , at guluhin mo ang kanilang wika : sapagka&apos;t ako&apos;y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon : kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kasamaan ay nasa gitna niyaon ; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin ; akin nga sanang nabata : ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin ; nagtago nga sana ako sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kundi ikaw , lalake na kagaya ko , aking kasama at aking kaibigang matalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama , tayo&apos;y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan , mababa nawa silang buhay sa Sheol : sapagka&apos;t kasamaan ay nasa kanilang tahanan , sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tungkol sa akin , ay tatawag ako sa Dios ; at ililigtas ako ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa hapon at sa umaga , at sa katanghaliang tapat , ako&apos;y dadaing at hihibik : at kaniyang didinggin ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin : Sapagka&apos;t sila&apos;y marami na nakikipaglaban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Didinggin ng Dios , at paghihigantihan sila , siyang tumatahan ng una . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya : kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya : nguni&apos;t ang kaniyang puso ay pakikidigma : ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis , gayon ma&apos;y mga bunot na tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon , at kaniyang aalalayan ka : hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t ikaw , Oh Dios , ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan : mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan ; nguni&apos;t titiwala ako sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "56">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Maawa ka sa akin , Oh Dios : sapagka&apos;t sasakmalin ako ng tao : buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw : sapagka&apos;t sila&apos;y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa panahong ako&apos;y matakot , aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa Dios ( ay pupuri ako ng kaniyang salita ) , sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala , hindi ako matatakot ; anong magagawa ng laman sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita : lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y nagpipisan , sila&apos;y nagsisipagkubli , kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang , gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama ? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan , Oh Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala : ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya ; wala ba sila sa iyong aklat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako&apos;y tumawag : ito&apos;y nalalaman ko , sapagka&apos;t ang Dios ay kakampi ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa Dios ( ay pupuri ako ng salita ) , sa Panginoon ( ay pupuri ako ng salita ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala , hindi ako matatakot ; anong magagawa ng tao sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang iyong mga panata ay sa akin , Oh Dios : ako&apos;y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan : hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog ? upang ako&apos;y makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "57">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Maawa ka sa akin , Oh Dios , maawa ka sa akin ; sapagka&apos;t ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo . Oo , sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako , hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y dadaing sa Dios na Kataastaasan ; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siya&apos;y magsusugo mula sa langit , at ililigtas ako , pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi ; ( Selah ) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon : ako&apos;y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy , sa mga anak ng tao , na ang mga ngipin ay sibat at mga pana , at ang kanilang dila ay matalas na tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mabunyi ka , Oh Dios , sa itaas ng mga langit ; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang . Ang aking kaluluwa ay nakayuko : sila&apos;y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko . Sila&apos;y nangahulog sa gitna niyaon . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang aking puso ay matatag , Oh Dios , ang aking puso ay matatag : ako&apos;y aawit , oo , ako&apos;y aawit ng mga pagpuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gumising ka , kaluwalhatian ko ; gumising ka , salterio at alpa : ako&apos;y gigising na maaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bayan : ako&apos;y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit , at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mabunyi ka , Oh Dios , sa itaas ng mga langit ; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "58">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tunay bang kayo&apos;y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan ? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid , Oh kayong mga anak ng mga tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oo , sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan ; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata : sila&apos;y naliligaw pagkapanganak sa kanila , na nagsasalita ng mga kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas : sila&apos;y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador , na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin , Oh Dios , sa kanilang bibig : iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos : pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso , maging gaya nawa ng nangaluray .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi : na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong , kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo , ang sariwa at gayon din ang nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti : kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na anopa&apos;t sasabihin ng mga tao , Katotohanang may kagantihan sa matuwid : katotohanang may Dios na humahatol sa lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "59">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iligtas mo ako sa aking mga kaaway , Oh Dios ko : ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan , at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t narito , kanilang binabakayan ang aking kaluluwa ; ang mga makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin : hindi dahil sa aking pagsalangsang , o sa aking kasalanan man , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala : ikaw ay gumising na tulungan mo ako , at masdan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa makatuwid baga&apos;y ikaw , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , na Dios ng Israel , ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa : huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y nagsibalik sa kinahapunan , sila&apos;y nagsitahol na parang aso , at nililigid ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , sila&apos;y nanunungayaw ng kanilang bibig ; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi : sapagka&apos;t sino , sabi nila , ang nakikinig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon , tatawa sa kanila ; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dahil sa kaniyang kalakasan , didinggin kita ; sapagka&apos;t ang Dios ay aking matayog na moog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin : ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag mo silang patayin , baka makalimot ang aking bayan ; pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan , at ibaba mo sila , Oh Panginoon na kalasag namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig , at sa mga salita ng kanilang mga labi , makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan , at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pugnawin mo sila sa poot , pugnawin mo sila , upang sila&apos;y mawala : at ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob , hanggang sa mga wakas ng lupa . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila , pahagulhulin mo silang parang aso , at libutin nila ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sila&apos;y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain , at maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t aking aawitin ang iyong kalakasan ; Oo , aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan : sapagka&apos;t ikaw ay naging aking matayog na moog , at kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa iyo , Oh kalakasan ko , aawit ako ng mga pagpuri : sapagka&apos;t ang Dios ay aking matayog na moog , ang Dios ng aking kaawaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "60">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Dios , iniwaksi mo kami , ibinagsak mo kami ; ikaw ay nagalit ; Oh papanauliin mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong niyanig ang lupain ; iyong pinabuka : pagalingin mo ang mga sira niyaon : sapagka&apos;t umuuga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay : iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo , upang maiwagayway dahil sa katotohanan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang ang iyong minamahal ay makaligtas , magligtas ka ng iyong kanan , at sagutin mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan ; ako&apos;y magsasaya : aking hahatiin ang Sichem , at aking susukatin ang libis ng Succoth ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Galaad ay akin , at Manases ay akin ; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo ; Juda ay aking setro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Moab ay aking hugasan ; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak ; Filistia , humiyaw ka dahil sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan ? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi mo ba kami iniwaksi , Oh Dios ? At hindi ka lumalabas , Oh Dios , na kasama ng aming mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tulungan mo kami laban sa kaaway ; sapagka&apos;t walang kabuluhan ang tulong ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan : sapagka&apos;t siya ang yumayapak sa aming mga kaaway .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "61">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo ang aking daing , Oh Dios ; pakinggan mo ang aking dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo , pagka nanglupaypay ang aking puso : patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ikaw ay naging aking kanlungan , matibay na moog sa kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man : ako&apos;y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t dininig mo , Oh Dios , ang aking mga panata : ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong pahahabain ang buhay ng hari : Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man : Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan , upang mapalagi siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man . Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "62">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa : sa kaniya galing ang aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan : siya ang aking matayog na moog ; hindi ako lubhang makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao . Upang patayin siya ninyong lahat , na gaya ng pader na tumagilid , o bakod na nabubuwal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan ; sila&apos;y natutuwa sa mga kasinungalingan : sila&apos;y nagsisibasbas ng kanilang bibig , nguni&apos;t nanganunumpa sa loob . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaluluwa ko , maghintay kang tahimik sa Dios lamang ; sapagka&apos;t ang aking pagasa ay mula sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan : siya&apos;y aking matayog na moog ; hindi ako makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian ; ang malaking bato ng aking kalakasan , at ang kanlungan ko&apos;y nasa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon , kayong mga bayan ; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya ; Dios ay kanlungan sa atin . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan , at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan : sa mga timbangan ay sasampa sila ; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag kang tumiwala sa kapighatian , at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw : kung ang mga kayamanan ay lumago , huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Dios ay nagsalitang minsan , makalawang aking narinig ito ; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa iyo naman , Oh Panginoon , ukol ang kagandahang-loob : sapagka&apos;t ikaw ay nagbabayad sa bawa&apos;t tao ayon sa kaniyang gawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "63">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Dios , ikaw ay Dios ko ; hahanapin kitang maaga : kinauuhawan ka ng aking kaluluwa , pinananabikan ka ng aking laman , sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y tumingin ako sa iyo sa santuario . Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay : pupurihin ka ng aking mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y pupurihin kita habang ako&apos;y nabubuhay : igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang kaluluwa ko&apos;y matutuwa na gaya sa utak at taba ; at ang bibig ko&apos;y pupuri sa iyo ng masayang mga labi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagka naaalaala kita sa aking higaan , at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t naging katulong kita , at sa lilim ng mga pakpak mo&apos;y magagalak ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kaluluwa ko&apos;y nanununod na mainam sa iyo : inaalalayan ako ng iyong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ang nagsisihanap ng kaluluwa ko , upang ipahamak , magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak : sila&apos;y magiging pagkain sa mga zorra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ang hari ay magagalak sa Dios : bawa&apos;t sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati ; sapagka&apos;t ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "64">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo ang tinig ko , Oh Dios , sa aking hibik : ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan ; sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak , at pinahilagpos ang kanilang mga palaso , sa makatuwid baga&apos;y ang masasakit na salita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako : biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nagpapakatapang sa masamang akala ; sila&apos;y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo ; Sinasabi nila , Sinong makakakita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan ; aming naganap , sabi nila , ang masikap na pagsiyasat ; at ang pagiisip sa loob ng bawa&apos;t isa , at ang puso ay malalim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t pahihilagpusan sila ng Dios ; sila&apos;y masusugatang bigla ng isang palaso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y sila&apos;y matitisod palibhasa&apos;t ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila : ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At lahat ng mga tao ay mangatatakot ; at kanilang ipahahayag ang salita ng Dios , at may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon , at manganganlong sa kaniya ; at lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "65">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo , Oh Dios , sa Sion : at sa iyo&apos;y maisasagawa ang panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh ikaw na dumidinig ng dalangin , sa iyo&apos;y paroroon ang lahat ng laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin : tungkol sa aming pagsalangsang , ay lilinisin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mapalad ang tao na iyong pinipili , at pinalalapit mo sa iyo , upang siya&apos;y makatahan sa iyong mga looban : kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay , ng iyong banal na templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay , Oh Dios ng aming kaligtasan ; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa , at nila na malayo sa dagat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan ; palibhasa&apos;t nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat , ng hugong ng kanilang mga alon , at ng kaingay ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda : ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iyong dinadalaw ang lupa , at dinidilig mo , iyong pinayayamang mainam ; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig : iyong pinagtataanan sila ng trigo , pagka&apos;t inihanda mo ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana ; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal ; iyong mga pinalalambot ng ambon ; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan ; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang ; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan ; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo ; sila&apos;y magsisihiyaw sa kagalakan , sila naman ay nagsisiawit .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "66">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios , buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan : paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Inyong sabihin sa Dios , napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa ! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Buong lupa ay sasamba sa iyo , at aawit sa iyo ; sila&apos;y magsisiawit sa iyong pangalan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayo ay magsiparito , at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios ; siya&apos;y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat : sila&apos;y nagsidaan ng paa sa ilog : doo&apos;y nangagalak kami sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man : papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa : huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh purihin ninyo ang ating Dios , ninyong mga bayan , at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay , at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ikaw , Oh Dios , tinikman mo kami : Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iyong isinuot kami sa silo ; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo ; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig ; nguni&apos;t dinala mo kami sa saganang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako&apos;y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin , aking babayaran sa iyo ang mga panata ko ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na sinambit ng aking mga labi , at sinalita ng aking bibig , nang ako&apos;y nasa kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin , na may haing mga tupa ; ako&apos;y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kayo&apos;y magsiparito at dinggin ninyo , ninyong lahat na nangatatakot sa Dios , at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ako&apos;y dumaing sa kaniya ng aking bibig , at siya&apos;y ibinunyi ng aking dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso , hindi ako didinggin ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t katotohanang dininig ako ng Dios ; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Purihin ang Dios , na hindi iniwaksi ang aking dalangin , ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "67">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dios maawa ka sa amin , at pagpalain mo kami , at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin ; ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa , ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin ka ng mga bayan , Oh Dios ; purihin ka ng lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa : sapagka&apos;t iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan , at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Purihin ka ng mga bayan , Oh Dios ; purihin ka ng lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga : ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pagpapalain kami ng Dios : at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "68">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bumangon nawa ang Dios , mangalat ang kaniyang mga kaaway ; sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila . Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy , gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t mangatuwa ang matuwid ; mangagalak sila sa harap ng Dios : Oo , mangagalak sila ng kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayo&apos;y magsiawit sa Dios , kayo&apos;y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan : ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang ; ang kaniyang pangalan ay JAH ; at mangagalak kayo sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ama ng mga ulila , at hukom ng mga babaing bao , ang Dios sa kaniyang banal na tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pinapagmamaganak ng Dios ang mga nagiisa : kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo : nguni&apos;t ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh Dios , nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan , nang ikaw ay lumakad sa ilang ; ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang lupa ay nayanig , ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios : ang Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw , Oh Dios , naglagpak ng saganang ulan , iyong pinatibay ang iyong mana , noong ito&apos;y mahina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang iyong kapisanan ay tumahan doon : ikaw , Oh Dios , ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nagbibigay ng salita ang Panginoon : ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mga hari ng mga hukbo ay nagsisitakas , sila&apos;y nagsisitakas : at nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan , na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak , at ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon , ay tila nagka nieve sa Salmon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan ; mataas na bundok ang bundok ng Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bakit kayo&apos;y nagsisiirap , kayong matataas na mga bundok , sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan ? Oo , tatahan doon ang Panginoon magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo sa makatuwid baga&apos;y libolibo : ang Panginoon ay nasa gitna nila , kung paano sa Sinai , gayon sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sumampa ka sa mataas , pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag ; tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao , Oo , pati sa mga mapanghimagsik , upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan , sa makatuwid baga&apos;y ang Dios na siyang aming kaligtasan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan ; at kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway . Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi ng Panginoon , ibabalik ko uli mula sa Basan , ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Upang madurog mo sila , na nalulubog ang iyong paa sa dugo , upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kanilang nakita ang iyong mga lakad , Oh Dios , sa makatuwid baga&apos;y ang lakad ng aking Dios , ng aking Hari , sa loob ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga mangaawit ay nangagpauna , ang mga manunugtog ay nagsisunod , sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan , sa makatuwid baga&apos;y ang Panginoon , ninyong mga sa bukal ng lahi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Doo&apos;y ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno , ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong , ang mga pangulo ng Zabulon , ang mga pangulo ng Nephtali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang Dios mo&apos;y nagutos ng iyong kalakasan : patibayin mo , Oh Dios , ang ginawa mo sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Dahil sa iyong templo sa Jerusalem mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo , ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan , na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak ; iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Mga pangulo ay magsisilabas sa Egipto ; magmamadali ang Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Magsiawit kayo sa Dios , kayong mga kaharian sa lupa ; Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit , na noon pang una : narito , binibigkas niya ang kaniyang tinig , na makapangyarihang tinig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Inyong isa Dios ang kalakasan : ang kaniyang karilagan ay nasa Israel , at ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Oh Dios , ikaw ay kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal : ang Dios ng Israel , ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan . Purihin ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "69">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iligtas mo ako , Oh Dios ; sapagka&apos;t ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan : ako&apos;y lumulubog sa malalim na tubig , na tinatabunan ako ng agos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y hapo sa aking daing ; ang lalamunan ko&apos;y tuyo : ang mga mata ko&apos;y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo : silang ibig maghiwalay sa akin , na mga kaaway kong may kamalian , ay mga makapangyarihan : akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oh Dios , kilala mo ang kamangmangan ko ; at ang mga kasalanan ko&apos;y hindi lihim sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo : huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo , Oh Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan ; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ako&apos;y naging iba sa aking mga kapatid , at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t napuspos ako ng sikap sa iyong bahay ; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa , yao&apos;y pagkaduwahagi sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magsuot ako ng kayong magaspang , ay naging kawikaan ako sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan ; at ako ang awit ng mga lango .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t tungkol sa akin , ang dalangin ko&apos;y sa iyo , Oh Panginoon , sa isang kalugodlugod na panahon : Oh Dios , sa karamihan ng iyong kagandahang-loob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iligtas mo ako sa burak , at huwag mo akong ilubog : maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin , at sa malalim na tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag akong tangayin ng baha , ni lamunin man ako ng kalaliman : at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sagutin mo ako , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t ang iyong kagandahang-loob ay mabuti : ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod ; sapagka&apos;t ako&apos;y nasa kahirapan ; sagutin mo akong madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Lumapit ka sa aking kaluluwa , at tubusin mo : Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Talastas mo ang aking kadustaan , at ang aking kahihiyan , at ang aking kasiraang puri : ang aking mga kaaway , ay pawang nangasa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso ; at ako&apos;y lipos ng kabigatan ng loob : at ako&apos;y naghintay na may maawa sa akin , nguni&apos;t wala ; at mga mangaaliw , nguni&apos;t wala akong masumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait ; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang ; at maging isang silo kung sila&apos;y nasa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Manglabo ang kanilang mga mata , na sila&apos;y huwag makakita ; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ibugso mo ang iyong galit sa kanila , at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Magiba ang tahanan nila ; walang tumahan sa kanilang mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t kanilang hinabol siya na iyong sinaktan , at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan : at huwag silang masok sa iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Mapawi sila sa aklat ng buhay , at huwag masulat na kasama ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nguni&apos;t ako&apos;y dukha at mapanglaw : sa pamamagitan ng pagliligtas mo , Oh Dios , ay iahon mo nawa ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios , at dadakilain ko siya ng pasalamat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka , o sa toro na may mga sungay at mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nakita ng mga maamo , at nangatuwa : mabuhay ang puso , ninyong nagsisihanap sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan , at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Purihin siya ng langit at lupa , ng mga dagat , at ng bawa&apos;t bagay na gumagalaw roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t ililigtas ng Dios ang Sion , at itatayo ang mga bayan ng Juda ; at sila&apos;y magsisitahan doon , at tatangkilikin nila na pinakaari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod ; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "70">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magmadali ka , Oh Dios , na iligtas mo ako ; magmadali ka na tulungan mo ako , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mangapahiya at mangalito sila , na nagsisiusig ng aking kaluluwa : mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri . Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan . Silang nangagsasabi , Aha , aha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo ; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan : Dakilain ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ako&apos;y dukha at mapagkailangan ; magmadali ka sa akin , Oh Dios : ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas ; Oh Panginoon , huwag kang magluwat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "71">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa iyo Oh Panginoon , nanganganlong ako : huwag akong mapahiya kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iligtas mo ako sa iyong katuwiran , at sagipin mo ako : ikiling mo ang iyong pakinig sa akin , at iligtas mo ako ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan , na aking kapaparunang lagi : ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako ; sapagka&apos;t ikaw ay aking malaking bato at aking kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sagipin mo ako , Oh aking Dios , sa kamay ng masama , sa kamay ng liko at mabagsik na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ikaw ay aking pagasa , Oh Panginoong Dios : ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata : ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina : ang pagpuri ko&apos;y magiging laging sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y naging isang kagilagilalas sa marami ; nguni&apos;t ikaw ang matibay kong kanlungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang bibig ko&apos;y mapupuno ng pagpuri sa iyo , at ng iyong karangalan buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag mo akong itakuwil sa katandaan ; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang mga kaaway ko&apos;y nangagsasalita tungkol sa akin : at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na nangagsasabi , pinabayaan siya ng Dios : iyong habulin at hulihin siya ; sapagka&apos;t walang magligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oh Dios , huwag kang lumayo sa akin : Oh Dios ko , magmadali kang tulungan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa ; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila , na nagsisihanap ng aking kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ako&apos;y maghihintay na palagi , at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang bibig ko&apos;y magsasaysay ng iyong katuwiran , at ng iyong pagliligtas buong araw ; sapagka&apos;t hindi ko nalalaman ang mga bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios : aking babanggitin ang iyong katuwiran , sa makatuwid baga&apos;y ang iyo lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Oh Dios , iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan ; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oo , pag ako&apos;y tumanda at may uban , Oh Dios , huwag mo akong pabayaan ; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi , ang iyong kapangyarihan sa bawa&apos;t isa na darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang iyo ring katuwiran , Oh Dios , ay totoong mataas ; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay , Oh Dios , sino ang gaya mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan , bubuhayin mo uli kami , at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Palaguin mo ang aking kadakilaan , at bumalik ka uli , at aliwin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pupurihin din kita ng salterio , ang iyong katotohanan , Oh Dios ko ; sa iyo&apos;y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa , Oh ikaw na Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga labi ko&apos;y mangagagalak na mainam pagka ako&apos;y umaawit ng mga pagpuri sa iyo ; at ang kaluluwa ko , na iyong tinubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw : sapagka&apos;t sila&apos;y nangapahiya , sila&apos;y nangalito , na nagsisihanap ng aking kapahamakan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "72">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan , Oh Dios , at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaniyang hahatulan ang iyong bayan , ng katuwiran , at ang iyong dukha , ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan , at ang mga gulod , sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan , kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan , at pagwawaraywarayin ang mangaapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw , at habang sumisilang ang buwan , sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y babagsak na parang ulan sa tuyong damo : gaya ng ambon na dumidilig sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid ; at saganang kapayapaan , hanggang sa mawala ang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat , at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya ; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga hari ng Tharsis , at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob ; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oo , lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya : lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing ; at ang dukha na walang katulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siya&apos;y maaawa sa dukha at mapagkailangan , at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan ; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y mabubuhay at sa kaniya&apos;y ibibigay ang ginto ng Sheba : at dadalanginang lagi siya ng mga tao : pupurihin nila siya buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok ; ang bunga niyao&apos;y uugang gaya ng Libano : at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man ; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw : at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya ; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Purihin ang Panginoong Dios , ang Dios ng Israel , na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man ; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian . Siya nawa , at Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "73">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel . Sa mga malilinis sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t tungkol sa akin , ang mga paa ko&apos;y halos nahiwalay : ang mga hakbang ko&apos;y kamunti nang nangadulas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ako&apos;y nanaghili sa hambog , nang aking makita ang kaginhawahan ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t walang mga tali sa kanilang kamatayan : kundi ang kanilang kalakasan ay matatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao ; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t kapalalua&apos;y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg : tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan : sila&apos;y mayroong higit kay sa mananasa ng puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y manganunuya , at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati : sila&apos;y nangagsasalitang may kataasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit , at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t ibinabalik dito ang kaniyang bayan : at tubig ng punong saro ay nilalagok nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang sinasabi , Paanong nalalaman ng Dios ? At may kaalaman ba sa Kataastaasan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , ang mga ito ang masama ; at palibhasa&apos;y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso , at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t buong araw ay nasalot ako , at naparusahan tuwing umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung aking sinabi , Ako&apos;y magsasalita ng ganito ; narito , ako&apos;y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito , ay napakahirap sa ganang akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hanggang sa ako&apos;y pumasok sa santuario ng Dios , at aking nagunita ang kanilang huling wakas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako : iyong inilugmok sila sa kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali ! Sila&apos;y nilipol na lubos ng mga kakilabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang panaginip sa pagkagising : sa gayon , Oh Panginoon , pag gumising ka , iyong hahamakin ang kanilang larawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang puso ko&apos;y namanglaw , at sa aking kalooban ay nasaktan ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y naging walang muwang ako , at musmos ; ako&apos;y naging gaya ng hayop sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon ma&apos;y laging sumasaiyo ako : iyong inalalayan ang aking kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Iyong papatnubayan ako ng iyong payo , at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw ? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay : nguni&apos;t ang Dios ay kalakasan ng aking puso , at bahagi ko magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t narito , silang malayo sa iyo ay mangalilipol : iyong ibinuwal silang lahat , na nangakikiapid , na nagsisihiwalay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t mabuti sa akin na lumapit sa Dios ; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios , upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "74">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Dios , bakit mo itinakuwil kami magpakailan man ? Bakit ang iyong galit ay umuusok laban sa mga tupa ng iyong pastulan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Alalahanin mo ang iyong kapisanan na iyong binili ng una , na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana ; at ang bundok ng Sion na iyong tinahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho , ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga kaaway mo&apos;y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan ; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ngayo&apos;y lahat ng gawang inanyuan doon . Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario ; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kanilang sinabi sa kanilang puso , ating gibaing paminsan : kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi namin nakikita ang aming mga tanda : Wala nang propeta pa ; at wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hanggang kailan , Oh Dios , mangduduwahagi ang kaaway ? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bakit mo iniuurong ang iyong kamay , ang iyong kanan ? Ilabas mo sa iyong sinapupunan , at iyong lipulin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon ma&apos;y ang Dios ay aking Hari ng una , na nagliligtas sa gitna ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan : iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan , ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog : iyong tinutuyo ang mga malaking ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang araw ay iyo , ang gabi ay iyo rin : iyong inihanda ang liwanag at ang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa : iyong ginawa ang taginit at taginaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Iyong alalahanin ito , na nangduwahagi ang kaaway , Oh Panginoon , at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop : huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Magkaroong pitagan ka sa tipan : sapagka&apos;t ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi : pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bumangon ka , Oh Dios , ipaglaban mo ang iyong sariling usap : alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway : ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "75">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kami ay nagpapasalamat sa iyo , Oh Dios : kami ay nagpapasalamat , sapagka&apos;t ang iyong pangalan ay malapit : isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan , hahatol ako ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw : aking itinayo ang mga haligi niyaon . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking sinabi sa hambog , Huwag kang gumawang may kahambugan : at sa masama , Huwag kang magtaas ng sungay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas ; huwag kang magsalitang may matigas na ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t hindi man mula sa silanganan , o mula man sa kalunuran , o mula man sa timugan , ang pagkataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi ang Dios ay siyang hukom : kaniyang ibinababa ang isa , at itinataas ang isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sa kamay ng Panginoon ay may isang saro , at ang alak ay bumubula ; puno ng pagkakahalohalo , at kaniyang inililiguwak din : tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak , at iinumin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t aking ipahahayag magpakailan man , ako&apos;y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay ; nguni&apos;t ang mga sungay ng matuwid ay matataas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "76">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa Juda ay kilala ang Dios : ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo , at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Doo&apos;y binali niya ang mga pana ng busog ; at kalasag , at ang tabak , at ang pagbabaka . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Maluwalhati ka at marilag , mula sa mga bundok na hulihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga puso na matapang ay nasamsaman , sila&apos;y nangatulog ng kanilang pagtulog ; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob , ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw , ikaw ay katatakutan : at sinong makatatayo sa iyong paningin , sa minsang ikaw ay magalit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit ; ang lupa ay natakot , at tumahimik ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol , upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao : ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios : magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan , yaong lahat na nangasa buong palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo : siya&apos;y kakilakilabot sa mga hari sa lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "77">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y dadaing ng aking tinig sa Dios ; sa Dios ng aking tinig ; at kaniyang didinggin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon : ang kamay ko&apos;y nakaunat sa gabi , at hindi nangangalay ; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Naaalaala ko ang Dios , at ako&apos;y nababalisa : ako&apos;y nagdaramdam , at ang diwa ko&apos;y nanglulupaypay . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Iyong pinupuyat ang mga mata ko : ako&apos;y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking ginunita ang mga araw ng una , ang mga taon ng dating mga panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking inaalaala ang awit ko sa gabi : sumasangguni ako sa aking sariling puso ; at ang diwa ko&apos;y masikap na nagsiyasat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man ? At hindi na baga siya lilingap pa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man ? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain ? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan ? ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking sinabi , Ito ang sakit ko ; nguni&apos;t aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon ; sapagka&apos;t aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa , at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang iyong daan , Oh Dios , ay nasa santuario : sino ang dakilang dios na gaya ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas : iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan , ang mga anak ng Jacob at ng Jose . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nakita ka ng tubig , Oh Dios ; nakita ka ng tubig , sila&apos;y nangatakot : ang mga kalaliman din naman ay nanginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig ; ang langit ay humugong : ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang tinig ng iyong kulog , ay nasa ipoipo ; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan : ang lupa ay nayanig at umuga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang daan mo&apos;y nasa dagat , at ang mga landas mo&apos;y nasa malalawak na tubig , at ang bakas mo&apos;y hindi nakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan , sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "78">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Makinig kayo , Oh bayan ko , sa aking kautusan : ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga ; ako&apos;y magsasalita ng mga malabong sabi ng una :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na aming narinig at naalaman , at isinaysay sa amin ng aming mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak , na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon , at ang kaniyang kalakasan , at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t siya&apos;y nagtatag ng patotoo sa Jacob , at nagtakda ng kautusan sa Israel , na kaniyang iniutos sa aming mga magulang , na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang maalaman ng lahing darating , sa makatuwid baga&apos;y ng mga anak na ipanganganak ; na siyang magsisibangon , at mangagsasaysay sa kanilang mga anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios , at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios , Kundi ingatan ang kaniyang mga utos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang , may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi ; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso , at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga anak ni Ephraim , gayong may sakbat at may dalang mga busog , at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios , at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa , at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang , sa lupain ng Egipto , sa parang ng Zoan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hinawi niya ang dagat , at pinaraan niya sila ; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap , at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang , at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nagpabukal naman siya mula sa bato . At nagpababa ng tubig na parang mga ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ma&apos;y nagkasala uli sila laban sa kaniya , upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso , sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oo , sila&apos;y nagsalita laban sa Dios ; kanilang sinabi , Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Narito , kaniyang pinalo ang bato , na ang mga tubig ay bumubuluwak , at mga bukal ay nagsisiapaw ; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman ? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t narinig ng Panginoon , at napoot : at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob , at galit naman ay napailanglang laban sa Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nagsisampalataya sa Dios , at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon ma&apos;y nagutos siya sa mga langit sa itaas , at binuksan ang mga pintuan ng langit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pinaulanan niya sila ng mana upang makain . At binigyan sila ng trigo ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan : pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit : at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok , at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento , sa palibot ng kanilang mga tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa gayo&apos;y nagsikain sila , at nangabusog na mabuti ; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita , ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila , at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila , at sinaktan ang mga binata sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila , at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaya&apos;t kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan , at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nang kaniyang patayin sila , sila&apos;y nangagusisa sa kaniya : at sila&apos;y nagsibalik , at nagsihanap ng tapat sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato , at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nguni&apos;t tinutuya nila siya ng kanilang bibig , at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya , ni tapat man sila sa kaniyang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nguni&apos;t siya , palibhasa&apos;y puspos ng kaawaan , ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol : Oo , madalas na inihiwalay ang kaniyang galit , at hindi pinukaw ang buo niyang poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At naalaala niyang sila&apos;y laman lamang ; hanging dumadaan , at hindi bumabalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang , at pinapanglaw nila siya sa ilang !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sila&apos;y nagsibalik uli , at tinukso ang Dios , at minungkahi ang Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay , ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto , at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog , at ang kanilang mga bukal , na anopa&apos;t hindi sila makainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila ; at mga palaka , na nagsigiba sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong , at ang kanilang pakinabang sa balang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo , at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo , at sa mga lintik ang kanilang mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit , poot at galit , at kabagabagan , pulutong ng mga anghel ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit ; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan , kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto , ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Nguni&apos;t kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa , at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At inihatid niya silang tiwasay , na anopa&apos;t hindi sila nangatakot : nguni&apos;t tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario , sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila , at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat , at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Gayon ma&apos;y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios , at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Kundi nagsitalikod , at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang : sila&apos;y nagsilisyang parang magdarayang busog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Sapagka&apos;t minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako , at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Nang marinig ito ng Dios , ay napoot , at kinayamutang lubha ang Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Sa gayo&apos;y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo , ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag , at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak ; at napoot sa kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata ; at ang mga dalaga nila&apos;y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Ang mga saserdote nila&apos;y nabuwal sa pamamagitan ng tabak ; at ang mga bao nila&apos;y hindi nanganaghoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Nang magkagayo&apos;y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog , gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway : inilagay niya sila sa laging kadustaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Bukod dito&apos;y tinanggihan niya ang tolda ng Jose , at hindi pinili ang lipi ni Ephraim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Kundi pinili ang lipi ni Juda , ang bundok ng Zion na kaniyang inibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan , parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod , at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso , upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan , at ang Israel na kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">Sa gayo&apos;y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso ; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "79">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Dios , ang mga bansa ay dumating sa iyong mana ; ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan ; kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid , ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem ; at walang naglibing sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit , kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hanggang kailan , Oh Panginoon , magagalit ka magpakailan man ? Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo , at sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t kanilang nilamon ang Jacob , at inilagay na sira ang kaniyang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang : magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami : sapagka&apos;t kami ay totoong hinamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iyong tulungan kami , Oh Dios ng aming kaligtasan , dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan : at iyong iligtas kami , at linisin mo ang aming mga kasalanan , dahil sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bakit sasabihin ng mga bansa , Saan nandoon ang kanilang Dios ? Ang kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag ; ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa makapito sa kanilang sinapupunan , ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man : aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "80">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo , Oh Pastor ng Israel , ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan ; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin , sumilang ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa harap ng Ephraim , ng Benjamin at ng Manases , ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo , at parito kang iligtas mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Papanumbalikin mo kami , Oh Dios ; at pasilangin mo ang iyong mukha , at maliligtas kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha , at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa : at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ibalik mo kami , Oh Dios ng mga hukbo ; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto ; iyong pinalayas ang mga bansa , at itinanim mo yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya , at napailalim ang ugat , at pinuno ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon , at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat , at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod , na anopa&apos;t siya&apos;y binubunot nilang lahat na nangagdadaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinisira ng baboy-ramo , at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bumalik ka uli , isinasamo ko sa iyo , Oh Dios ng mga hukbo : tumungo ka mula sa langit , at iyong masdan , at dalawin mo ang puno ng ubas na ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan , at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nasunog ng apoy , at naputol : sila&apos;y nalipol sa saway ng iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan . Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa gayo&apos;y hindi kami magsisitalikod sa iyo : buhayin mo kami , at tatawagan namin ang iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Papanumbalikin mo kami , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo ; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "81">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan : mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta , ang masayang alpa sangpu ng salterio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan , sa kabilugan ng buwan , sa ating dakilang kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t pinakapalatuntunan sa Israel , ayos ng Dios ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaniyang inilagay na pinakapatotoo sa Jose , nang siya&apos;y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto : na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan : ang mga kamay niya&apos;y napabitiw sa luwelang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay tumawag sa kabagabagan , at iniligtas kita ; sinagot kita sa lihim na dako ng kulog ; sinubok kita sa tubig ng Meriba . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dinggin mo , Oh bayan ko , at ako&apos;y sasaksi sa iyo : Oh Israel , kung ikaw ay makikinig sa akin !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo ; at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako ang Panginoon mong Dios , na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto : bukhin mong maluwang ang iyong bibig , at aking pupunuin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko ; at hindi ako sinunod ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa gayo&apos;y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso , upang sila&apos;y makalakad sa kanilang sariling mga payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh kung ako&apos;y didinggin ng aking bayan , kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway , at ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya : nguni&apos;t ang kanilang panahon ay mananatili kailan man ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo : at ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "82">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios ; siya&apos;y humahatol sa gitna ng mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan , at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama ? ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hatulan mo ang dukha at ulila : gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan : iligtas ninyo sila sa kamay ng masama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi nila nalalaman , ni nauunawa man ; sila&apos;y nagsisilakad na paroo&apos;t parito sa kadiliman : lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking sinabi , Kayo&apos;y mga dios , at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y mangamamatay kayong parang mga tao , at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bumangon ka , O Dios , hatulan mo ang lupa : sapagka&apos;t iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "83">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Dios , huwag kang tumahimik : huwag kang mapayapa , at tumiwasay , Oh Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t narito , ang mga kaaway mo&apos;y nanggugulo : at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sila&apos;y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan , at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kanilang sinabi , Kayo&apos;y parito , at atin silang ihiwalay sa pagkabansa ; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sila&apos;y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon ; laban sa iyo ay nangagtitipanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita ; ang Moab at ang mga Agareno ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Gebal , at ang Ammon , at ang Amalec ; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila ; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita ; gaya kay Sisara , gaya kay Jabin , sa ilog ng Cison :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na nangamatay sa Endor ; sila&apos;y naging parang dumi sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb ; Oo , lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na siyang nagsipagsabi , kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh Dios ko , gawin mo silang parang ipoipong alabok ; Parang dayami sa harap ng hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Parang apoy na sumusunog ng gubat , at parang liyab na nanunupok ng mga bundok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t habulin mo sila ng iyong bagyo , at pangilabutin mo sila ng iyong unos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan ; upang hanapin nila ang iyong pangalan , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man ; Oo , mangahiya sila at mangalipol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang kanilang maalaman na ikaw lamang , na ang pangalan ay JEHOVA , ay Kataastaasan sa buong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "84">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kay iinam ng iyong mga tabernakulo , Oh Panginoon ng mga hukbo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang kaluluwa ko&apos;y aasamasam , oo , nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon ; ang puso ko&apos;t laman ay dumadaing sa buhay na Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , ang maya ay nakasumpong ng bahay , at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya , na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay , sa makatuwid baga&apos;y iyong mga dambana , Oh Panginoon ng mga hukbo , Hari ko , at Dios ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay : kanilang pupurihin kang palagi . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo ; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal ; Oo , tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y nagsisiyaon sa kalakasa&apos;t kalakasan , bawa&apos;t isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , dinggin mo ang aking dalangin : pakinggan mo , Oh Dios ni Jacob . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Masdan mo , Oh Dios na aming kalasag , at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo . Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios , kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang Panginoong Dios ay araw at kalasag : ang Panginoo&apos;y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian : hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oh Panginoon ng mga hukbo , mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "85">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , ikaw ay naging lingap sa iyong lupain : iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan , iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan , ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong pinawi ang buong poot mo : iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ibalik mo kami , Oh Dios ng aming kaligtasan , at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magagalit ka ba sa amin magpakailan man ? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali&apos;t saling lahi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi mo ba kami bubuhayin uli : upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon : sapagka&apos;t siya&apos;y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal : nguni&apos;t huwag silang manumbalik uli sa kaululan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya ; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong ; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Katotohanan ay bumubukal sa lupa ; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oo , ibibigay ng Panginoon ang mabuti ; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Katuwira&apos;y mangunguna sa kaniya ; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "86">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ikiling mo ang iyong pakinig , Oh Panginoon , at sagutin mo ako ; sapagka&apos;t ako&apos;y dukha at mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ingatan mo ang aking kaluluwa ; sapagka&apos;t ako&apos;y banal : Oh ikaw na Dios ko , iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maawa ka sa akin , Oh Panginoon , sapagka&apos;t sa iyo&apos;y dumadaing ako buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod ; sapagka&apos;t sa iyo , Oh Panginoon , itinataas ko ang aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ikaw , Panginoon , ay mabuti , at mapagpatawad , at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dinggin mo , Oh Panginoon , ang aking dalangin ; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo ; sapagka&apos;t iyong sasagutin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Walang gaya mo sa gitna ng mga dios , Oh Panginoon ; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito , at magsisisamba sa harap mo , Oh Panginoon ; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ikaw ay dakila , at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay : ikaw na magisa ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ituro mo sa akin ang iyong daan , Oh Panginoon ; lalakad ako sa iyong katotohanan : ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pupurihin kita , Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso ; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin ; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Oh Dios , ang palalo ay bumangon laban sa akin , at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa , at hindi inilagay ka sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon , ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oh bumalik ka sa akin , at maawa ka sa akin ; ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod . At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti : upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin , at mangapahiya , sapagka&apos;t ikaw , Panginoon , ay tumulong sa akin , at umaliw sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "87">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion , ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo , Oh bayan ng Dios . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin : narito , ang Filistia at ang Tiro , pati ng Etiopia ; ang isang ito ay ipinanganak diyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , tungkol sa Sion ay sasabihin , ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya ; at itatatag siya ng Kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sasalaysayin ng Panginoon , pagka kaniyang isinulat ang mga bayan , ang isang ito ay ipinanganak diyan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi , lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "88">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , na Dios ng aking kaligtasan , ako&apos;y dumaing araw at gabi sa harap mo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Masok ang aking dalangin sa iyong harapan : ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan , at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay ; ako&apos;y parang taong walang lakas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nakahagis sa gitna ng mga patay , gaya ng napatay na nakahiga sa libingan , na hindi mo na inaalaala ; at sila&apos;y mangahiwalay sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay , sa mga madilim na dako , sa mga kalaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lubhang idinidiin ako ng iyong poot , at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko ; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila : ako&apos;y nakulong at hindi ako makalabas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mata ko&apos;y nangangalumata dahil sa kadalamhatian : ako&apos;y tumawag araw-araw sa iyo , Oh Panginoon , aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay ? Sila bang mga patay ay magsisibangon , at magsisipuri sa iyo ? ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan ? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim ? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t sa iyo , Oh Panginoon , dumaing ako , at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Panginoon , bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko ? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y nadadalamhati , at handang mamatay mula sa aking kabataan : habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin ; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw ; kinubkob ako nilang magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin , at ang aking kakilala ay sa dilim .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "89">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man : aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t aking sinabi , Kaawaan ay matatayo magpakailan man : ang pagtatapat mo&apos;y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y nakipagtipan sa aking hirang , aking isinumpa kay David na aking lingkod ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang binhi mo&apos;y itatatag ko magpakailan man , at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali&apos;t saling lahi . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan , Oh Panginoon ; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon ? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal , at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , sino ang makapangyarihang gaya mo , Oh JAH ? At ang pagtatapat mo&apos;y nasa palibot mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat : pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay ; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang langit ay iyo , ang lupa ay iyo rin : ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha ; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay may makapangyarihang bisig : malakas ang iyong kamay , at mataas ang iyong kanang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan : kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog : sila&apos;y nagsisilakad , Oh Panginoon , sa liwanag ng iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw : at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan : at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon ; at ang aming hari ay sa banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal , at iyong sinabi , Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan ; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Aking nasumpungan si David na aking lingkod ; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na siyang itatatag ng aking kamay ; palakasin naman siya ng aking bisig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway ; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya , at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya ; at sa pangalan ko&apos;y matataas ang kaniyang sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat , at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Siya&apos;y dadaing sa akin , Ikaw ay Ama ko , Dios ko , at malaking bato ng aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Akin namang gagawin siyang panganay ko , na pinakamataas sa mga hari sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang kagandahang-loob ko&apos;y aking iingatan sa kaniya magpakailan man , at ang tipan ko&apos;y mananayong matibay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man , at ang luklukan niya&apos;y parang mga araw ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko , at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko , at hindi ingatan ang mga utos ko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kung magkagayo&apos;y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang , at ng mga hampas ang kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nguni&apos;t ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya , ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko&apos;y magkulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang tipan ko&apos;y hindi ko sisirain , ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan . Hindi ako magbubulaan kay David ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man ; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Matatatag magpakailan man na parang buwan , at tapat na saksi sa langit . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nguni&apos;t iyong itinakuwil at tinanggihan , ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod : iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod : iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya . Siya&apos;y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway ; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Oo , iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak , at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan . At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan : iyong tinakpan siya ng kahihiyan . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Hanggang kailan , Oh Panginoon , magkukubli ka magpakailan man ? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon : sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan , na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol ? ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Panginoon , saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob , na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Alalahanin mo Panginoon , ang kadustaan ng iyong mga lingkod ; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Na idinusta ng iyong mga kaaway , Oh Panginoon , na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Purihin ang Panginoon , magpakailan man . Siya nawa , at Siya nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "90">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bago nalabas ang mga bundok , O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan , mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan , ikaw ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao ; at iyong sinasabi , Magsipanumbalik kayo , kayong mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan , at parang pagpupuyat sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyong dinadala sila na parang baha ; sila&apos;y parang pagkakatulog : sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago ; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t kami ay nangasupok sa iyong galit , at sa iyong poot ay nangabagabag kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo , ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot : aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon , o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon ; gayon ma&apos;y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang ; sapagka&apos;t madaling napapawi , at kami ay nagsisilipad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit , at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan , upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Manumbalik ka , Oh Panginoon ; hanggang kailan pa ? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob ; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin , at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod , at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios : at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay ; Oo , ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "91">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan . Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking sasabihin tungkol sa Panginoon , siya&apos;y aking kanlungan at aking katibayan , ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo , at sa mapamuksang salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis , at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka : ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi , ni sa pana man na humihilagpos kung araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman , ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping , at sangpung libo sa iyong kanan ; nguni&apos;t hindi lalapit sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata , at iyong makikita ang ganti sa masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ikaw , Oh Panginoon , ay aking kanlungan ! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Walang kasamaang mangyayari sa iyo , ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t siya&apos;y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo , upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay , baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong : ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin , kaya&apos;t iniligtas ko siya : aking ilalagay siya sa mataas , sapagka&apos;t kaniyang naalaman ang pangalan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y tatawag sa akin , at sasagutin ko siya ; ako&apos;y sasa kaniya sa kabagabagan : aking ililigtas siya , at pararangalan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking bubusugin siya ng mahabang buhay , at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "92">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon , at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan , Oh Kataastaasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga , at ng iyong pagtatapat gabigabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na may panugtog na may sangpung kawad , at may salterio ; na may dakilang tunog na alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ikaw , Panginoon , iyong pinasaya ako sa iyong gawa : ako&apos;y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kay dakila ng iyong mga gawa , Oh Panginoon ! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang taong hangal ay hindi nakakaalam ; ni nauunawa man ito ng mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo , at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan ; ay upang mangalipol sila magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon , ay mataas magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t , narito , ang mga kaaway mo , Oh Panginoon , sapagka&apos;t , narito , ang mga kaaway mo&apos;y malilipol ; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang sungay ko&apos;y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro : ako&apos;y napahiran ng bagong langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway , narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma . Siya&apos;y tutubo na parang cedro sa Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sila&apos;y nangatatag sa bahay ng Panginoon ; sila&apos;y giginhawa sa mga looban ng aming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y mangagbubunga sa katandaan ; sila&apos;y mapupuspos ng katas at kasariwaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid ; siya&apos;y aking malaking bato , at walang kalikuan sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "93">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay naghahari ; siya&apos;y nananamit ng karilagan ; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan ; siya&apos;y nagbigkis niyaon : ang sanglibutan naman ay natatag , na hindi mababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang luklukan mo&apos;y natatag ng una : ikaw ay mula sa walang pasimula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga baha ay nagtaas , Oh Panginoon , ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong ; ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig , malalakas na hampas ng alon sa dagat , ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay : ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay , Oh Panginoon , magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "94">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti , ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti , sumilang ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bumangon ka , ikaw na hukom ng lupa : ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Panginoon , hanggang kailan ang masama , hanggang kailan magtatagumpay ang masama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y dumadaldal , sila&apos;y nagsasalita na may kapalaluan : lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan , Oh Panginoon , at dinadalamhati ang iyong mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa , at pinapatay ang ulila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang sinasabi , ang Panginoo&apos;y hindi makakakita , ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gunitain ninyo , ninyong mga hangal sa gitna ng bayan : at ninyong mga mangmang , kailan tayo magiging pantas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siyang lumikha ng pakinig , hindi ba siya makakarinig ? Siyang lumikha ng mata , hindi ba siya makakakita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siyang nagpaparusa sa mga bansa , hindi ba siya sasaway , sa makatuwid baga&apos;y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao , na sila&apos;y pawang walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan , Oh Panginoon , at tinuturuan mo sa iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan , hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan , ni pababayaan man niya ang kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kahatulan ay babalik sa katuwiran : at susundan ng lahat na matuwid sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan ? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong , ang kaluluwa ko&apos;y tumahang madali sana sa katahimikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang aking sabihin , Ang aking paa ay natitisod ; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan , na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sila&apos;y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid , at pinarusahan nila ang walang salang dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t ang Panginoon ay naging aking matayog na moog ; at ang Dios ko&apos;y malaking bato na aking kanlungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan , at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan ; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "95">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh magsiparito kayo , tayo&apos;y magsiawit sa Panginoon : tayo&apos;y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tayo&apos;y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat , tayo&apos;y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay dakilang Dios , at dakilang Hari sa lahat ng mga dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa , ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang dagat ay kaniya , at kaniyang ginawa : at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh magsiparito kayo , tayo&apos;y magsisamba at magsiyukod ; tayo&apos;y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t siya&apos;y ating Dios , at tayo&apos;y bayan ng kaniyang pastulan , at mga tupa ng kaniyang kamay . Ngayon , kung inyong didinggin ang kaniyang tinig !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso , gaya sa Meriba , gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang , tinikman ako , at nakita ang gawa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon , at aking sinabi , Bayan na nagkakamali sa kanilang puso . At hindi naalaman ang aking mga daan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ako&apos;y sumumpa sa aking poot , na sila&apos;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "96">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit : magsiawit kayo sa Panginoon , buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsiawit kayo sa Panginoon , purihin ninyo ang pangalan niya ; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t dakila ang Panginoon , at marapat na purihin : siya&apos;y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan . Nguni&apos;t nilikha ng Panginoon ang langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya : kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magbigay kayo sa Panginoon , kayong mga angkan ng mga bayan , magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan ; kayo&apos;y mangagdala ng handog , at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan : manginig kayo sa harap niya , buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa , ang Panginoon ay naghahari : ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos : kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Matuwa ang langit at magalak ang lupa ; humugong ang dagat , at ang buong naroon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya ; kung magkagayo&apos;y aawit dahil sa kagalakan , ang lahat na punong kahoy sa gubat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa harap ng Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y dumarating : sapagka&apos;t siya&apos;y dumarating upang hatulan ang lupa : kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan , at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "97">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay naghahari ; magalak ang lupa ; matuwa ang karamihan ng mga pulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya : katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Apoy ay nagpapauna sa kaniya , at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan : nakita ng lupa , at niyanig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon , sa harapan ng Panginoon ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran , at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan , nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan : kayo&apos;y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narinig ng Sion , at natuwa , at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak ; dahil sa iyong mga kahatulan , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ikaw , Oh Panginoon , ay kataastaasan sa buong lupa : ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon , ipagtanim ninyo ang kasamaan . Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal ; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal , at kasayahan ay sa may matuwid na puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangatuwa kayo sa Panginoon , kayong mga matuwid ; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "98">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit ; sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay : ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas : ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel : nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon , buong lupa . Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan , oo , magsiawit kayo ng mga pagpuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa ; ng alpa at ng tinig na tugma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari , ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Humugong ang dagat at ang buong naroon ; ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay ; magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa harap ng Panginoon , sapagka&apos;t siya&apos;y dumarating upang hatulan ang lupa : kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan , at ng karapatan ang mga bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "99">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay naghahari : manginig ang mga bayan . Siya&apos;y nauupo sa mga querubin ; makilos ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoon ay dakila sa Sion ; at siya&apos;y mataas na higit sa lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan : siya&apos;y banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan ; ikaw ay nagtatatag ng karampatan , ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios , at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan ; siya&apos;y banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote , at si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan ; sila&apos;y nagsisitawag sa Panginoon , at siya&apos;y sumasagot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap : kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo , at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumagot ka sa kanila , Oh Panginoon naming Dios ; ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila , bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios , at magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok ; sapagka&apos;t ang Panginoon nating Dios ay banal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "100">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon , kayong lahat na lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon ; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios ; siya ang lumalang sa atin , at tayo&apos;y kaniya : tayo&apos;y kaniyang bayan , at mga tupa ng kaniyang pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat , at sa kaniyang looban na may pagpupuri : mangagpasalamat kayo sa kaniya , at purihin ninyo ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay mabuti ; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man ; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "101">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan : sa iyo , Oh Panginoon , aawit ako ng mga pagpupuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y magpapakapantas sa sakdal na lakad : Oh kailan ka pasasa akin ? Ako&apos;y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata : aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya : hindi kakapit sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin : hindi ako makakaalam ng masamang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal : siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga mata ko&apos;y itititig ko sa mga tapat sa lupain , upang sila&apos;y makatahan na kasama ko : siya na lumalakad sa sakdal na daan , siya&apos;y mangangasiwa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay : siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain ; upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "102">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo ang dalangin ko , Oh Panginoon , at dumating nawa ang daing ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan : ikiling mo ang iyong pakinig sa akin ; sa araw na ako&apos;y tumawag , ay sagutin mo akong madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang mga kaarawan ko&apos;y nangapapawi na parang usok , at ang mga buto ko&apos;y nangasusunog na parang panggatong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang puso ko&apos;y nasaktan na parang damo , at natuyo ; sapagka&apos;t nalimutan kong kanin ang aking tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko&apos;y nagsisidikit sa aking laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y parang pelikano sa ilang ; ako&apos;y naging parang kuwago sa kaparangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y umaabang , at ako&apos;y naging parang maya na nagiisa sa bubungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw ; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kinain ko ang mga abo na parang tinapay , at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil sa iyong galit at iyong poot : sapagka&apos;t ako&apos;y iyong itinaas , at inihagis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling ; at ako&apos;y natuyo na parang damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon , ay mamamalagi magpakailan man ; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion : sapagka&apos;t kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya , Oo , ang takdang panahon ay dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato , at nanghihinayang sa kaniyang alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon . At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t itinayo ng Panginoon ang Sion , siya&apos;y napakita sa kaniyang kaluwalhatian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon , at hindi hinamak ang kanilang dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ito&apos;y isusulat na ukol sa lahing susunod : at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t siya&apos;y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario ; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo : upang kalagan yaong nangaitakdang patayin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion , at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang ang mga bayan ay mapisan , at ang mga kaharian , upang maglingkod sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan ; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Aking sinabi , Oh Dios ko , huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan ; ang mga taon mo&apos;y lampas sa mga sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa ; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sila&apos;y uuwi sa wala , nguni&apos;t ikaw ay mananatili : Oo , silang lahat ay maluluma na parang bihisan ; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan , at sila&apos;y mga mapapalitan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t ikaw rin , at ang mga taon mo&apos;y hindi magkakawakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi , at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "103">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko : at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko , at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan ; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak : na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay ; Na anopa&apos;t ang iyong kabataan ay nababagong parang agila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa , at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises , ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya , banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi siya makikipagkaalit na palagi ; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan , ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa , gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran , gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak , gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t nalalaman niya ang ating anyo ; kaniyang inaalaala na tayo&apos;y alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tungkol sa tao , ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo : kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t dinadaanan ng hangin , at napaparam ; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya , at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan , at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit ; at ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Purihin ninyo ang Panginoon , ninyong mga anghel niya : ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita , na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na hukbo niya ; ninyong mga ministro niya , na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na mga gawa niya , sa lahat na dako na kaniyang sakop ; purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "104">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko . Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila ; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan ; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig ; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro ; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya ; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa , upang huwag makilos magpakailan man ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan ; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa iyong pagsaway sila&apos;y nagsitakas ; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y nagsiahon sa mga bundok , sila&apos;y nagsilusong sa mga libis , sa dako mong itinatag ukol sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila&apos;y huwag makaraan ; upang sila&apos;y huwag magsibalik na tumakip sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis ; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sila&apos;y nagpapainom sa bawa&apos;t hayop sa parang ; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid , sila&apos;y nagsisiawit sa mga sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid : ang lupa&apos;y busog sa bunga ng iyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop , at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao : upang siya&apos;y maglabas ng pagkain sa lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao , at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha , at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog ; ang mga sedro sa Libano , na kaniyang itinanim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na pinamumugaran ng mga ibon : tungkol sa tagak , ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing ; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon : nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi ; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila , at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang araw ay sumisikat sila&apos;y nagsisialis , at nangahihiga sa kanilang mga yungib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain , at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Oh Panginoon , pagka sarisari ng iyong mga gawa ! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat : ang lupa ay puno ng iyong kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nandoon ang dagat , na malaki at maluwang , na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay , ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Doo&apos;y nagsisiyaon ang mga sasakyan : nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo , upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila ; iyong ibinubukas ang iyong kamay , sila&apos;y nangabubusog ng kabutihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Iyong ikinukubli ang iyong mukha , sila&apos;y nangababagabag ; iyong inaalis ang kanilang hininga , sila&apos;y nangamamatay , at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Iyong sinusugo ang iyong Espiritu , sila&apos;y nangalalalang ; at iyong binabago ang balat ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man ; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig : kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Aawit ako sa Panginoon habang ako&apos;y nabubuhay : ako&apos;y aawit ng pagpuri sa aking Dios , samantalang mayroon akong kabuhayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay : ako&apos;y magagalak sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa , at mawala nawa ang masama . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "105">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh magpasalamat kayo sa Panginoon , kayo&apos;y magsitawag sa kaniyang pangalan ; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsiawit kayo sa kaniya , magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri ; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan : mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan ; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa : ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod , ninyong mga anak ni Jacob , na kaniyang mga hirang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya ang Panginoon nating Dios : ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man , ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali&apos;t saling lahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham , at ang kaniyang sumpa kay Isaac ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan , sa Israel na pinakawalang hanggang tipan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na sinasabi , sa iyo&apos;y ibibigay ko ang lupain ng Canaan , ang kapalaran na iyong mana ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang sila&apos;y kaunti lamang tao sa bilang ; Oo , totoong kaunti , at nangakikipamayan doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y nagsiyaon sa bansa at bansa , mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian ; Oo , kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na sinasabi , Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis . At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y nagdala ng kagutom sa lupain ; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Siya&apos;y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila ; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw ; siya&apos;y nalagay sa mga tanikalang bakal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita ; tinikman siya ng salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang hari ay nagsugo , at pinawalan siya ; sa makatuwid baga&apos;y ang pinuno ng mga bayan , at pinalaya niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay , at pinuno sa lahat niyang pag-aari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan , at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Si Israel naman ay nasok sa Egipto ; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan , at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan , upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod , at si Aaron na kaniyang hirang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda , at mga kababalaghan sa lupain ng Cham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Siya&apos;y nagsugo ng mga kadiliman , at nagpadilim ; at sila&apos;y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig , at pinatay ang kanilang mga isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka , sa mga silid ng kanilang mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Siya&apos;y nagsalita , at dumating ang mga pulutong na mga langaw , at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso , at liyab ng apoy sa kanilang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas , at ang kanilang mga puno ng higos ; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Siya&apos;y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating , at ang mga higad , ay yao&apos;y walang bilang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain , at kinain ang bunga ng kanilang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain , ang puno ng lahat nilang kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto : at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Natuwa ang Egipto nang sila&apos;y magsialis ; sapagka&apos;t ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong ; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sila&apos;y nagsihingi , at dinalhan niya ng mga pugo , at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig ; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sapagka&apos;t kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita , at si Abraham na kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan , at ang kaniyang hirang na may awitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa ; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan , at sundin ang kaniyang mga kautusan . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "106">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti ; sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon , o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan , at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Alalahanin mo ako , Oh Panginoon , ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan ; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang , upang ako&apos;y magalak sa kasayahan ng iyong bansa , upang ako&apos;y lumuwalhati na kasama ng iyong mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang , kami ay nangakagawa ng kasamaan , kami ay nagsigawa ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto ; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob , kundi naging mapanghimagsik sa dagat , sa makatuwid baga&apos;y sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan , upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula , at natuyo : sa gayo&apos;y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman , na parang ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila , at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway : walang nalabi sa kanila kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita ; inawit nila ang kaniyang kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa ; hindi sila naghintay sa kaniyang payo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang , at tinukso ang Dios sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At binigyan niya sila ng kanilang hiling ; nguni&apos;t pinangayayat ang kanilang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento , at si Aaron na banal ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang lupa ay bumuka , at nilamon si Dathan , at tinakpan ang pulutong ni Abiram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong ; sinunog ng liyab ang mga masama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sila&apos;y nagsigawa ng guya sa Horeb , at nagsisamba sa larawang binubo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas , na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham , at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t sinabi niya , na kaniyang lilipulin sila , kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak , upang pawiin ang kaniyang poot , upang huwag niyang lipulin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Oo , kanilang hinamak ang maligayang lupain , hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda , at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t kaniyang isinumpa sa kanila , na kaniyang ibubulid sila sa ilang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa , at pangalatin sila sa mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sila&apos;y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor , at nagsikain ng mga hain sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa ; at ang salot ay lumitaw sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y tumayo si Phinees , at gumawa ng kahatulan : at sa gayo&apos;y tumigil ang salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nabilang sa kaniya na katuwiran , sa lahat ng sali&apos;t saling lahi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba , na anopa&apos;t naging masama kay Moises dahil sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t sila&apos;y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa , at siya&apos;y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Hindi nila nilipol ang mga bayan , gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kundi nangakihalo sa mga bansa , at nangatuto ng kanilang mga gawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sila&apos;y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan ; na naging silo sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Oo , kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nagbubo ng walang salang dugo , sa makatuwid baga&apos;y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae , na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan ; at ang lupain ay nadumhan ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa , at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kaya&apos;t nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan , at kinayamutan niya ang kaniyang pamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa ; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway , at sila&apos;y nagsisuko sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Madalas na iligtas niya sila ; nguni&apos;t sila&apos;y mapanghimagsik sa kanilang payo , at nangababa sila sa kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Gayon ma&apos;y nilingap niya ang kanilang kahirapan , nang kaniyang marinig ang kanilang daing :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan , at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ginawa naman niyang sila&apos;y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Iligtas mo kami , Oh Panginoon naming Dios , at pisanin mo kami na mula sa mga bansa , upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan , at mangagtagumpay sa iyong kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan . At sabihin ng buong bayan , Siya nawa . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "107">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon , na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mga pinisan mula sa mga lupain , mula sa silanganan , at mula sa kalunuran , mula sa hilagaan at mula sa timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nagsilaboy sa ilang , sa ulilang landas ; sila&apos;y hindi nakasumpong ng bayang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gutom at uhaw , ang kanilang kaluluwa&apos;y nanglupaypay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan , upang sila&apos;y magsiyaon sa bayang tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa , at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang gayong tumatahan sa kadiliman , at sa lilim ng kamatayan , na natatali sa dalamhati at pangaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sila&apos;y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios , at hinamak ang payo ng Kataastaasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap ; sila&apos;y nangabuwal , at walang sumaklolo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan , at pinatid ang kanilang mga tali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso , at pinutol ang mga halang na bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang , at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain ; at sila&apos;y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sinugo niya ang kaniyang salita , at pinagaling sila , at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat , at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan , na nangangalakal sa mga malawak na tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga ito&apos;y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon , at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t siya&apos;y naguutos , at nagpapaunos , na nagbabangon ng mga alon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nagsisitaas sa mga langit , nagsisibaba uli sa mga kalaliman : ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sila&apos;y hahampashampas na paroo&apos;t parito , at gigiraygiray na parang lasing , at ang kanilang karunungan ay nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kaniyang pinahihimpil ang bagyo , na anopa&apos;t ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y natutuwa sila , dahil sa sila&apos;y tiwasay . Sa gayo&apos;y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan , at purihin siya sa upuan ng mga matanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog , at uhaw na lupa ang mga bukal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Na maalat na ilang ang mainam na lupain , dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang , at mga bukal ang tuyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kaniyang pinatatahan doon ang gutom , upang makapaghanda sila ng bayang tahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At maghasik sa mga bukid , at magtanim ng mga ubasan , at magtamo ng mga bunga na pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kaniya namang pinagpapala sila , na anopa&apos;t sila&apos;y lubhang nagsisidami ; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Muli , sila&apos;y nakulangan at nahapay sa kapighatian , kabagabagan , at kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo , at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Gayon ma&apos;y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian , at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Makikita ng matuwid , at matutuwa ; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito , at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "108">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang aking puso&apos;y matatag , Oh Dios ; ako&apos;y aawit , oo , ako&apos;y aawit ng mga pagpuri , ng aking kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo&apos;y gumising , salterio at alpa : ako ma&apos;y gigising na maaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bayan : at ako&apos;y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit , at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mabunyi ka , Oh Dios , sa itaas sa mga langit : at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang ang iyong minamahal ay maligtas , magligtas ka ng iyong kanan , at sagutin mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan ; ako&apos;y magsasaya : aking hahatiin ang Sichem , at susukatin ko ang libis ng Sucoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Galaad ay akin ; Manases ay akin ; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo : Juda&apos;y aking cetro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Moab ay aking hugasan ; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak : sa Filistia ay hihiyaw ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan ? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin , at hindi lumalabas , Oh Dios , na kasama ng aming mga hukbo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway ; sapagka&apos;t walang kabuluhan ang tulong ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan : sapagka&apos;t siya ang yayapak sa aming mga kaaway .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "109">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kang mapayapa , Oh Dios na aking kapurihan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin : sila&apos;y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim , at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila : nguni&apos;t ako&apos;y tumatalaga sa dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti , at pagtatanim sa pagibig ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Lagyan mo ng masamang tao siya : at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pagka siya&apos;y nahatulan , lumabas nawa siyang salarin ; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan ; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Maulila nawa ang kaniyang mga anak , at mabao ang kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak , at mangagpalimos ; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik ; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mawalan nawa ng maawa sa kaniya ; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan ; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang ; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon , upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan , kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan , at ang may bagbag na puso , upang patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Oo , kaniyang inibig ang sumpa , at dumating sa kaniya ; at hindi siya nalulugod sa pagpapala , at malayo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit , at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig , at parang langis sa kaniyang mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa kaniya&apos;y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal , at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon , at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t gumawa kang kasama ko , Oh Dios na Panginoon , alang-alang sa iyong pangalan : sapagka&apos;t ang iyong kagandahang-loob ay mabuti , iligtas mo ako ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ako&apos;y dukha at mapagkailangan , at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ako&apos;y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling : ako&apos;y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno , at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako nama&apos;y naging kadustaan sa kanila : pagka kanilang nakikita ako , kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Tulungan mo ako , Oh Panginoon kong Dios ; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Upang kanilang maalaman na ito&apos;y iyong kamay ; na ikaw , Panginoon , ang may gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sumumpa sila , nguni&apos;t magpapala ka : pagka sila&apos;y nagsibangon , sila&apos;y mangapapahiya , nguni&apos;t ang iyong lingkod ay magagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko , at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ako&apos;y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon ; Oo , aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t siya&apos;y tatayo sa kanan ng mapagkailangan , upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "110">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon , umupo ka sa aking kanan , hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion : magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang bayan mo&apos;y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan , sa kagandahan ng kabanalan : mula sa bukang liwayway ng umaga , ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sumumpa ang Panginoon , at hindi magsisisi , Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y hahatol sa gitna ng mga bansa , kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook ; siya&apos;y manghahampas ng ulo sa maraming lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y iinom sa batis sa daan : kaya&apos;t siya&apos;y magtataas ng ulo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "111">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Ako&apos;y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso , sa kapulungan ng matuwid , at sa kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila , siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan : at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin : ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya&apos;y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya : kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa , sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan : lahat niyang mga tuntunin ay tunay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nangatatatag magpakailan-kailan man , mga yari sa katotohanan at katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan ; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man : banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan ; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos . Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "112">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon , na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa ; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay : at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman : siya&apos;y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan , at matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram , kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t siya&apos;y hindi makikilos magpakailan man ; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y hindi matatakot sa mga masamang balita : ang kaniyang puso ay matatag , na tumitiwala sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kaniyang puso ay natatag , siya&apos;y hindi matatakot , hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang pinanabog , kaniyang ibinigay sa mapagkailangan ; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man , ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Makikita ng masama , at mamamanglaw ; siya&apos;y magngangalit ng kaniyang mga ngipin , at matutunaw : ang nasa ng masama ay mapaparam .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "113">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo , Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon , purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa , at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios , na may kaniyang upuan sa itaas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok , at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo , sa makatuwid baga&apos;y ng mga pangulo ng kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae , at maging masayang ina ng mga anak . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "114">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang lumabas ang Israel sa Egipto , ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Juda ay naging kaniyang santuario , ang Israel ay kaniyang sakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nakita ng dagat , at tumakas ; ang Jordan ay napaurong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa , ang mga munting gulod na parang mga batang tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Anong ipakikialam ko sa iyo , Oh dagat , na ikaw ay tumatakas ? sa iyo Jordan , na ikaw ay umuurong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa inyo mga bundok , na kayo&apos;y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa ; sa inyong mga munting gulod , na parang mga batang tupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mayanig ka , ikaw na lupa , sa harapan ng Panginoon , sa harapan ng Dios ni Jacob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato . Na bukal ng tubig ang pingkiang bato .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "115">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag sa amin , Oh Panginoon , huwag sa amin , kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan , dahil sa iyong kagandahang-loob , at dahil sa iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bakit sasabihin ng mga bansa , Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ang aming Dios ay nasa mga langit : kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto , yari ng mga kamay ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y may mga bibig , nguni&apos;t sila&apos;y hindi nangagsasalita ; mga mata&apos;y mayroon sila , nguni&apos;t hindi sila nangakakakita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y may mga tainga , nguni&apos;t hindi sila nangakakarinig ; mga ilong ay mayroon sila , nguni&apos;t hindi sila nangakakaamoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mayroon silang mga kamay , nguni&apos;t hindi sila nangakatatangan ; mga paa ay mayroon sila , nguni&apos;t hindi sila nangakalalakad ; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila ; Oo , bawa&apos;t tumitiwala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh Israel , tumiwala ka sa Panginoon : siya&apos;y kanilang saklolo at kanilang kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oh sangbahayan ni Aaron , magsitiwala kayo sa Panginoon : siya&apos;y kanilang saklolo at kanilang kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayong nangatatakot sa Panginoon , magsitiwala kayo sa Panginoon ; siya&apos;y kanilang saklolo at kanilang kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Inalaala tayo ng Panginoon ; kaniyang pagpapalain tayo : kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel , kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon , ang mababa at gayon ang mataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit , kayo at ang inyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pinagpala kayo ng Panginoon , na gumawa ng langit at lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon ; nguni&apos;t ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon , ni sinomang nabababa sa katahimikan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "116">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking iniibig ang Panginoon , sapagka&apos;t kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin , kaya&apos;t ako&apos;y tatawag sa kaniya habang ako&apos;y nabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin , at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin : aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon ; Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , iligtas mo ang aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mapagbiyaya ang Panginoon , at matuwid ; Oo , ang Dios namin ay maawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob : ako&apos;y nababa , at kaniyang iniligtas ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bumalik ka sa iyong kapahingahan , Oh kaluluwa ko ; sapagka&apos;t ginawan ka ng mabuti ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan , at ang mga mata ko sa mga luha , at ang mga paa ko sa pagkabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y lalakad sa harap ng Panginoon , sa lupain ng mga buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y sumasampalataya , sapagka&apos;t ako&apos;y magsasalita : ako&apos;y lubhang nagdalamhati :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking sinabi sa aking pagmamadali , lahat ng tao ay bulaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Aking kukunin ang saro ng kaligtasan , at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon , Oo , sa harapan ng buo niyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oh Panginoon , tunay na ako&apos;y iyong lingkod ; ako&apos;y iyong lingkod , na anak ng iyong lingkod na babae ; iyong kinalag ang aking mga tali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat , at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon , Oo , sa harapan ng buo niyang bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa mga looban ng bahay ng Panginoon , sa gitna mo , Oh Jerusalem . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "117">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na mga bansa : purihin ninyo siya , ninyong lahat na mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin ; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "118">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsabi ngayon ang Israel , na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron , na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon , na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon : sinagot ako ng Panginoon , at inilagay ako sa maluwag na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Panginoon ay kakampi ko ; hindi ako matatakot : anong magagawa ng tao sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin : kaya&apos;t makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot : sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kanilang kinubkob ako sa palibot ; oo , kanilang kinubkob ako sa palibot : sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan : sila&apos;y nangamatay na parang apoy ng mga dawag : sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Itinulak mo akong bigla upang ako&apos;y mabuwal : nguni&apos;t tulungan ako ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit ; at siya&apos;y naging aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid : ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi ; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi ako mamamatay , kundi mabubuhay , at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pinarusahan akong mainam ng Panginoon ; nguni&apos;t hindi niya ako ibinigay sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran ; aking papasukan , ako&apos;y magpapasalamat sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito&apos;y siyang pintuan ng Panginoon ; papasukan ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo , sapagka&apos;t sinagot mo ako ! At ikaw ay naging aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ito ang gawa ng Panginoon : kagilagilalas sa harap ng ating mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ito ang araw na ginawa ng Panginoon ; tayo&apos;y mangagagalak at ating katutuwaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Magligtas ka ngayon , isinasamo namin sa iyo , Oh Panginoon : Oh Panginoon , isinasamo namin sa iyo , magsugo ka ngayon ng kaginhawahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon : aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang Panginoon ay Dios , at binigyan niya kami ng liwanag ; talian ninyo ang hain ng mga panali , sa makatuwid baga&apos;y sa mga tila sungay ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ikaw ay aking Dios , at magpapasalamat ako sa iyo : ikaw ay aking Dios , aking ibubunyi ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon , sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "119">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mapalad silang sakdal sa lakad , na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo , na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , silang hindi nagsisigawa ng kalikuan ; sila&apos;y nagsisilakad sa kaniyang mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo , upang aming sunding masikap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oh matatag nawa ang aking mga daan , upang sundin ang mga palatuntunan mo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi nga ako mapapahiya , pagka ako&apos;y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso , pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo : Oh huwag mo akong pabayaang lubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan ? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hinanap kita ng aking buong puso : Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang salita mo&apos;y aking iningatan sa aking puso : upang huwag akong magkasala laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mapalad ka , Oh Panginoon : ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo , na gaya ng lahat na kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y magbubulay sa iyong mga tuntunin , at gagalang sa iyong mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y magaaliw sa iyong mga palatuntunan : hindi ko kalilimutan ang iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gawan ng mabuti ang iyong lingkod , upang ako&apos;y mabuhay ; sa gayo&apos;y aking susundin ang iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Idilat mo ang aking mga mata , upang ako&apos;y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ako&apos;y nakikipamayan sa lupa : huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang puso ko&apos;y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa , na nagsisihiwalay sa iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan ; sapagka&apos;t iningatan ko ang iyong mga patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mga pangulo naman ay nagsiupo , at naguusap ng laban sa akin ; nguni&apos;t ang lingkod mo&apos;y nagbulay sa iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang kaluluwa ko&apos;y dumidikit sa alabok : buhayin mo ako ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Aking ipinahayag ang mga lakad ko , at ikaw ay sumagot sa akin : ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin : sa gayo&apos;y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang kaluluwa ko&apos;y natutunaw sa kabigatan ng loob : iyong palakasin ako ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan : at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Aking pinili ang daan ng pagtatapat : ang mga kahatulan mo&apos;y inilagay ko sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ako&apos;y kumapit sa iyong mga patotoo : Oh Panginoon , huwag mo akong ilagay sa kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos , pagka iyong pinalaki ang aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ituro mo sa akin , Oh Panginoon , ang daan ng iyong mga palatuntunan ; at aking iingatan hanggang sa wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan ; Oo , aking susundin ng aking buong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos ; sapagka&apos;t siya kong kinaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo , at huwag sa kasakiman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan . At buhayin mo ako sa iyong mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod , na ukol sa takot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan : sapagka&apos;t ang mga kahatulan mo&apos;y mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Narito , ako&apos;y nanabik sa iyong mga tuntunin ; buhayin mo ako sa iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob , Oh Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ang iyong kaligtasan , ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sa gayo&apos;y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin ; sapagka&apos;t ako&apos;y tumitiwala sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig ; sapagka&apos;t ako&apos;y umasa sa iyong mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At lalakad ako sa kalayaan ; sapagka&apos;t aking hinanap ang iyong mga tuntunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ako nama&apos;y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari , at hindi ako mapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ako&apos;y maaaliw sa iyong mga utos , na aking iniibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos , na aking inibig ; at ako&apos;y magbubulay sa iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod , na doo&apos;y iyong pinaasa ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ito&apos;y aking kaaliwan sa aking pagkapighati : sapagka&apos;t binuhay ako ng iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin : gayon ma&apos;y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una , Oh Panginoon , at ako&apos;y nagaliw sa sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Maalab na galit ang humawak sa akin , dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo , Oh Panginoon , at sinunod ko ang iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ito ang tinamo ko , sapagka&apos;t aking iningatan ang mga tuntunin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Ang Panginoon ay aking bahagi : aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso : magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Ako&apos;y nagiisip sa aking mga lakad , at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Ako&apos;y nagmadali , at hindi ako nagmakupad , na sundin ang iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Pinuluputan ako ng mga panali ng masama ; nguni&apos;t hindi ko nilimot ang iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo , dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Ako&apos;y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo , at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Ang lupa , Oh Panginoon , ay puno ng iyong kagandahang-loob : ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod , Oh Panginoon , ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman ; sapagka&apos;t ako&apos;y sumampalataya sa iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako ; nguni&apos;t ngayo&apos;y tinutupad ko ang iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Ikaw ay mabuti , at gumagawa ng mabuti ; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin : aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo ; nguni&apos;t ako&apos;y naaaliw sa iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">Mabuti sa akin na ako&apos;y napighati ; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "73">Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay : bigyan mo ako ng unawa , upang matutuhan ko ang iyong mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "74">Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako , at matutuwa ; sapagka&apos;t ako&apos;y umasa sa iyong salita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "75">Talastas ko , Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid , at sa pagtatapat , iyo akong dinalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "76">Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob , ayon sa iyong salita sa iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "77">Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako&apos;y mabuhay : sapagka&apos;t ang kautusan mo&apos;y aking kaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "78">Mahiya ang palalo ; sapagka&apos;t dinaig nila ako ng walang kadahilanan : nguni&apos;t ako&apos;y magbubulay sa iyong mga tuntunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "79">Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo , at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "80">Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan ; upang huwag akong mapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "81">Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas : nguni&apos;t umaasa ako sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "82">Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita , samantalang aking sinasabi , Kailan mo ako aaliwin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "83">Sapagka&apos;t ako&apos;y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok ; gayon ma&apos;y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "84">Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod ? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "85">Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "86">Lahat mong mga utos ay tapat . Kanilang inuusig ako na may kamalian ; tulungan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "87">Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa ; nguni&apos;t hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "88">Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob ; sa gayo&apos;y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "89">Magpakailan man , Oh Panginoon , ang iyong salita ay natatag sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "90">Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali&apos;t saling lahi : iyong itinatag ang lupa , at lumalagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "91">Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin ; sapagka&apos;t lahat ng bagay ay mga lingkod mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "92">Kundi ang kautusan mo&apos;y naging aking kaaliwan , namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "93">Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo ; sapagka&apos;t sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "94">Ako&apos;y iyo , iligtas mo ako , sapagka&apos;t aking hinanap ang mga tuntunin mo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "95">Inabatan ako ng masama upang ako&apos;y patayin ; nguni&apos;t aking gugunitain ang iyong mga patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "96">Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan ; nguni&apos;t ang utos mo&apos;y totoong malawak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "97">Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan ! Siya kong gunita buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "98">Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos ; sapagka&apos;t mga laging sumasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "99">Ako&apos;y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin ; sapagka&apos;t ang iyong mga patotoo ay gunita ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "100">Ako&apos;y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan , sapagka&apos;t aking iningatan ang mga tuntunin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "101">Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad , upang aking masunod ang salita mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "102">Ako&apos;y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan ; sapagka&apos;t iyong tinuruan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "103">Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa ! Oo , matamis kay sa pulot sa aking bibig !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "104">Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa : kaya&apos;t aking ipinagtatanim ang bawa&apos;t lakad na sinungaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "105">Ang salita mo&apos;y ilawan sa aking mga paa , at liwanag sa aking landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "106">Ako&apos;y sumumpa , at pinagtibay ko , na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "107">Ako&apos;y nagdadalamhating mainam : buhayin mo ako , Oh Panginoon , ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "108">Tanggapin mo , isinasamo ko sa iyo , ang mga kusang handog ng aking bibig , Oh Panginoon , at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "109">Ang kaluluwa ko&apos;y laging nasa aking kamay ; gayon ma&apos;y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "110">Ipinaglagay ako ng silo ng masama ; gayon ma&apos;y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "111">Ang mga patotoo mo&apos;y inari kong pinakamana magpakailanman ; sapagka&apos;t sila ang kagalakan ng aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "112">Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo , magpakailan man , sa makatuwid baga&apos;y hanggang sa wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "113">Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip ; nguni&apos;t ang iyong kautusan ay iniibig ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "114">Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko : ako&apos;y umaasa sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "115">Magsihiwalay kayo sa akin , kayong mga manggagawa ng kasamaan ; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "116">Alalayan mo ako ayon sa iyong salita , upang ako&apos;y mabuhay ; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "117">Alalayan mo ako , at ako&apos;y maliligtas , at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "118">Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan ; sapagka&apos;t ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "119">Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal ; kaya&apos;t iniibig ko ang mga patotoo mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "120">Ang laman ko&apos;y nanginginig dahil sa takot sa iyo ; at ako&apos;y takot sa iyong mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "121">Ako&apos;y gumawa ng kahatulan at kaganapan : huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "122">Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti : huwag mong ipapighati ako sa palalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "123">Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas , at ang iyong matuwid na salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "124">Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob , at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "125">Ako&apos;y lingkod mo ; bigyan mo ako ng unawa ; upang aking maalaman ang mga patotoo mo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "126">Kapanahunan sa Panginoon na gumawa ; sapagka&apos;t kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "127">Kaya&apos;t aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto , oo , higit sa dalisay na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "128">Kaya&apos;t aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay ; at ipinagtatanim ko ang bawa&apos;t sinungaling na lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "129">Ang mga patotoo mo&apos;y kagilagilalas ; kayat sila&apos;y iniingatan ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "130">Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag ; nagbibigay ng unawa sa walang muwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "131">Aking binuka ng maluwang ang bibig ko , at ako&apos;y nagbuntong-hininga ; sapagka&apos;t aking pinanabikan ang mga utos mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "132">Manumbalik ka sa akin , at maawa ka sa akin , gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "133">Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita ; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "134">Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao : sa gayo&apos;y aking tutuparin ang mga tuntunin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "135">Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod ; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "136">Ang mga mata ko&apos;y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig ; sapagka&apos;t hindi nila tinutupad ang kautusan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "137">Matuwid ka , Oh Panginoon , at matuwid ang mga kahatulan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "138">Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "139">Tinunaw ako ng aking sikap , sapagka&apos;t kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "140">Ang salita mo&apos;y totoong malinis ; kaya&apos;t iniibig ito ng iyong lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "141">Ako&apos;y maliit at hinahamak : gayon ma&apos;y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "142">Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran , at ang kautusan mo&apos;y katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "143">Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin : gayon ma&apos;y ang mga utos mo&apos;y aking kaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "144">Ang mga patotoo mo&apos;y matuwid magpakailan man : bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "145">Ako&apos;y tumawag ng aking buong puso ; sagutin mo ako , Oh Panginoon : iingatan ko ang iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "146">Ako&apos;y tumawag sa iyo ; iligtas mo ako , at aking tutuparin ang mga patotoo mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "147">Ako&apos;y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga , at dumaing ako : ako&apos;y umasa sa iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "148">Ang mga mata ko&apos;y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi , upang aking magunita ang salita mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "149">Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob : buhayin mo ako , Oh Panginoon , ayon sa iyong mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "150">Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit ; sila&apos;y malayo sa iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "151">Ikaw ay malapit , Oh Panginoon ; at lahat mong utos ay katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "152">Nang una&apos;y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo , na iyong pinamalagi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "153">Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako ; sapagka&apos;t hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "154">Ipaglaban mo ang aking usap , at iligtas mo ako : buhayin mo ako ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "155">Kaligtasan ay malayo sa masama ; sapagka&apos;t hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "156">Dakila ang mga malumanay mong kaawaan , Oh Panginoon : buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "157">Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko ; gayon ma&apos;y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "158">Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako&apos;y namanglaw ; sapagka&apos;t hindi nila sinusunod ang salita mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "159">Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo : buhayin mo ako , Oh Panginoon , ayon sa iyong kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "160">Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan ; at bawa&apos;t isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "161">Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan ; nguni&apos;t ang puso ko&apos;y nanginginig sa iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "162">Ako&apos;y nagagalak sa iyong salita , na parang nakakasumpong ng malaking samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "163">Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling ; nguni&apos;t ang kautusan mo&apos;y aking iniibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "164">Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo , dahil sa iyong matutuwid na kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "165">Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan . At sila&apos;y walang kadahilanang ikatitisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "166">Ako&apos;y umasa sa iyong pagliligtas , Oh Panginoon . At ginawa ko ang mga utos mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "167">Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo ; at iniibig kong mainam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "168">Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo ; sapagka&apos;t lahat ng aking lakad ay nasa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "169">Dumating nawa sa harap mo ang aking daing , Oh Panginoon : bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "170">Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik : iligtas mo ako ayon sa iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "171">Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi ; sapagka&apos;t itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "172">Awitin ng aking dila ang iyong salita ; sapagka&apos;t lahat ng mga utos mo ay katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "173">Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako ; sapagka&apos;t aking pinili ang iyong mga tuntunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "174">Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas , Oh Panginoon : at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "175">Mabuhay nawa ang aking kaluluwa , at pupuri sa iyo ; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "176">Ako&apos;y naligaw na parang tupang nawala ; hanapin mo ang iyong lingkod ; sapagka&apos;t hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "120">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon , at sinagot niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iligtas mo ang aking kaluluwa , Oh Panginoon , sa mga sinungaling na labi , at mula sa magdarayang dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Anong maibibigay sa iyo , at anong magagawa pa sa iyo , ikaw na magdarayang dila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mga hasang pana ng makapangyarihan , at mga baga ng enebro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa aba ko , na nakikipamayan sa Mesech , na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y sa kapayapaan : nguni&apos;t pagka ako&apos;y nagsasalita , sila&apos;y sa pakikidigma .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "121">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok ; saan baga manggagaling ang aking saklolo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon , na gumawa ng langit at lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi niya titiising ang paa mo&apos;y makilos : siyang nagiingat sa iyo , ay hindi iidlip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo : ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi ka sasaktan ng araw sa araw , ni ng buwan man sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan ; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok , mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "122">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin , tayo&apos;y magsiparoon sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan , Oh Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Jerusalem , na natayo na parang bayang siksikan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na inaahon ng mga lipi , sa makatuwid baga&apos;y ng mga lipi ng Panginoon , na pinaka patotoo sa Israel , upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t doo&apos;y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan , ang mga luklukan ng sangbahayan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem : sila&apos;y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta , at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama , aking sasabihin ngayon , kapayapaan ang sumaiyong loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios . Hahanapin ko ang iyong buti .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "123">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa iyo&apos;y aking itinitingin ang mga mata ko , Oh sa iyo na nauupo sa mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon , kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae ; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios , hanggang sa siya&apos;y maawa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maawa ka sa amin , Oh Panginoon , maawa ka sa amin : sapagka&apos;t kami ay lubhang lipos ng kadustaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aming kaluluwa&apos;y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay . At ng paghamak ng palalo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "124">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin , sabihin ng Israel ngayon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin , nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nilamon nga nila sana tayong buhay , nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tinabunan nga sana tayo ng tubig , dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Purihin ang Panginoon , na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli : ang silo ay nasira , at tayo ay nakatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon , na siyang gumawa ng langit at lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "125">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion , na hindi maaaring makilos , kundi nananatili magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem , gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan , mula sa panahong ito at sa magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid ; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gawan mo ng mabuti , Oh Panginoon , yaong mabubuti , at yaong matutuwid sa kanilang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad , ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan . Kapayapaan nawa ay suma Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "126">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion , tayo ay gaya niyaong nangananaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y napuno ang bibig natin ng pagtawa , at ang dila natin ng awit : nang magkagayo&apos;y sinabi nila sa gitna ng mga bansa , Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay ; na siyang ating ikinatutuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag , Oh Panginoon , na gaya ng mga batis sa Timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siyang lumalabas at umiiyak , na nagdadala ng binhing itatanim ; siya&apos;y di sasalang babalik na may kagalakan , na dala ang kaniyang mga tangkas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "127">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Malibang itayo ng Panginoon ang bahay , walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo : malibang ingatan ng Panginoon ang bayan , walang kabuluhang gumigising ang bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Walang kabuluhan sa inyo na kayo&apos;y magsibangong maaga , at magpahingang tanghali , at magsikain ng tinapay ng kapagalan : sapagka&apos;t binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito , ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon : at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake , gayon ang mga anak ng kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon : sila&apos;y hindi mapapahiya , pagka sila&apos;y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "128">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mapalad ang bawa&apos;t isa na natatakot sa Panginoon , na lumalakad sa kaniyang mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay : magiging maginhawa ka , at ikabubuti mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang asawa mo&apos;y magiging parang mabungang puno ng ubas , sa mga pinakaloob ng iyong bahay : ang mga anak mo&apos;y parang mga puno ng olibo , sa palibot ng iyong dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , na ganito nawa pagpalain ang tao , na natatakot sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion : at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oo , iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak . Kapayapaan nawa&apos;y suma Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "129">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Madalas na ako&apos;y dinalamhati nila mula sa aking kabataan , sabihin ngayon ng Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Madalas na ako&apos;y dinalamhati nila mula sa aking kabataan : gayon ma&apos;y hindi sila nanganaig laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod ; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang Panginoon ay matuwid : kaniyang pinutol ang mga panali ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mapahiya sila at magsitalikod , silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y maging parang damo sa mga bubungan , na natutuyo bago lumaki :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon , ni siyang nagtatali man ng mga bigkis , ang kaniyang sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan , ang pagpapala ng Panginoon , ay sumainyo nawa ; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "130">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Panginoon , dinggin mo ang aking tinig : pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ikaw , Panginoon , magtatanda ng mga kasamaan , Oh Panginoon , sinong tatayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t may kapatawarang taglay ka , upang ikaw ay katakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking hinihintay ang Panginoon , hinihintay ng aking kaluluwa , at sa kaniyang salita ay umaasa ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon , ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga ; Oo , higit kay sa bantay sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh Israel , umasa ka sa Panginoon ; sapagka&apos;t sa Panginoon ay may kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "131">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , hindi hambog ang aking puso , ni mayabang man ang aking mga mata ; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay , o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa ; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina , ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh Israel , umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "132">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon , at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay , ni sasampa man sa aking higaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata , o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hanggang sa ako&apos;y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon , ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , narinig namin sa Ephrata : aming nasumpungan sa mga parang ng gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo ; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bumangon ka , Oh Panginoon , sa iyong pahingahang dako : ikaw , at ang kaban ng iyong kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran ; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan ; hindi niya babaligtarin : ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan . At ang aking patotoo na aking ituturo , magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t pinili ng Panginoon ang Sion ; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ito&apos;y aking pahingahang dako magpakailan man . Dito ako tatahan ; sapagka&apos;t aking ninasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain ; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan : at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Doo&apos;y aking pamumukuhin ang sungay ni David : aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan : nguni&apos;t sa kaniya&apos;y mamumulaklak ang kaniyang putong .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "133">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Masdan ninyo , na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Parang mahalagang langis sa ulo , na tumutulo sa balbas , sa makatuwid baga&apos;y sa balbas ni Aaron . Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gaya ng hamog sa Hermon , na tumutulo sa mga bundok ng Sion : sapagka&apos;t doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala , sa makatuwid baga&apos;y ang buhay na magpakailan pa man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "134">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na lingkod ng Panginoon . Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario , at purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion ; sa makatuwid baga&apos;y niyaong gumawa ng langit at lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "135">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon ; purihin ninyo siya , Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon . Sa mga looban ng bahay ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin ninyo ang Panginoon ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay mabuti : magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan ; sapagka&apos;t maligaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob , at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila , at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Anomang kinalugdan ng Panginoon , ay kaniyang ginawa , sa langit at sa lupa , sa mga dagat , at sa lahat ng mga kalaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa ; kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan ; kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto , sa tao at gayon din sa hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo , Oh Egipto , kay Faraon , at sa lahat niyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na siyang sumakit sa maraming bansa , at pumatay sa mga makapangyarihang hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo , at kay Og na hari sa Basan , at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana , isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang iyong pangalan , Oh Panginoon , ay magpakailan man ; ang alaala sa iyo , Oh Panginoon , ay sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan , at magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto , na gawa ng mga kamay ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y may mga bibig , nguni&apos;t hindi sila nangagsasalita ; mga mata ay mayroon sila , nguni&apos;t hindi sila nangakakakita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y may mga tainga , nguni&apos;t hindi sila nangakakarinig ; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila ; Oo , bawa&apos;t tumitiwala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh sangbahayan ni Israel , purihin ninyo ang Panginoon : Oh sangbahayan ni Aaron , purihin ninyo ang Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Oh sangbahayan ni Levi , purihin ninyo ang Panginoon : ninyong nangatatakot sa Panginoon , purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Purihin ang Panginoon mula sa Sion , na siyang tumatahan sa Jerusalem . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "136">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y mabuti : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw ; sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ng araw upang magpuno sa araw : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kinuha ang Israel sa kanila : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa pamamagitan ng malakas na kamay , at ng unat na bisig : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pumatay sa mga bantog na hari : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo ; sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kay Og na hari sa Basan : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana . Sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa makatuwid baga&apos;y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iniligtas tayo sa ating mga kaaway : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Siya&apos;y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit : sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "137">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia , doo&apos;y nangaupo tayo , oo , nagiyak tayo , nang ating maalaala ang Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t doo&apos;y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit , at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan , na nangagsasabi : Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung kalimutan kita , Oh Jerusalem , kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig , kung hindi kita alalahanin ; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Alalahanin mo Oh Panginoon , laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem ; na nagsabi , Sirain , sirain , pati ng patibayan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh anak na babae ng Babilonia , na sira ; magiging mapalad siya , na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magiging mapalad siya , na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "138">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso : sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y sasamba sa dako ng iyong banal na templo , at magpapasalamat sa iyong pangalan , dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan : sapagka&apos;t iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang araw na ako&apos;y tumawag ay sinagot mo ako , iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sapagka&apos;t kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , sila&apos;y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon ; sapagka&apos;t dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t bagaman ang Panginoon ay mataas , gumagalang din sa mababa : nguni&apos;t ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bagaman ako&apos;y lumakad sa gitna ng kabagabagan , iyong bubuhayin ako ; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway , at ililigtas ako ng iyong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin : ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , ay magpakailan man ; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "139">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , iyong siniyasat ako , at nakilala ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig , iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan , at iyong kilala ang lahat kong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t wala pa ang salita sa aking dila , nguni&apos;t , narito , Oh Panginoon , natatalastas mo nang buo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan , at inilapag mo ang iyong kamay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin ; ito&apos;y mataas , hindi ko maabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu ? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung sumampa ako sa langit , nandiyan ka : kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol , narito , ikaw ay nandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga , at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Doon ma&apos;y papatnubayan ako ng iyong kamay , at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung aking sabihin , Tunay na tatakpan ako ng kadiliman , at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo , kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw : ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t iyong inanyo ang aking mga lamang loob : iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y magpapasalamat sa iyo ; sapagka&apos;t nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas : kagilagilalas ang iyong mga gawa ; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang katawan ko&apos;y hindi nakubli sa iyo , nang ako&apos;y gawin sa lihim , at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal , at sa iyong aklat ay pawang nangasulat , kahit na ang mga araw na itinakda sa akin , nang wala pang anoman sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin , Oh Dios ! Pagka dakila ng kabuoan nila !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung aking bibilangin , higit sila sa bilang kay sa buhangin : pagka ako&apos;y nagigising ay laging nasa iyo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Walang pagsalang iyong papatayin ang masama , Oh Dios : hiwalayan nga ninyo ako , Oh mga mabagsik na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sila&apos;y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan , at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ko ba ipinagtatanim sila , Oh Panginoon , na nagtatanim sa iyo ? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan : sila&apos;y naging mga kaaway ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siyasatin mo ako , Oh Dios , at alamin mo ang aking puso ; subukin mo ako , at alamin mo ang aking mga pagiisip :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin , at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "140">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iligtas mo ako , Oh Panginoon , sa masamang tao ; ingatan mo ako sa marahas na tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso : laging nagpipipisan sila sa pagdidigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas ; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ingatan mo ako , Oh Panginoon , sa mga kamay ng masama ; ingatan mo ako sa marahas na tao : na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ipinagkubli ako ng palalo ng silo , at ng mga panali ; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan ; sila&apos;y naglagay ng mga silo na ukol sa akin . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking sinabi sa Panginoon . Ikaw ay Dios ko : Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh Dios na Panginoon , na kalakasan ng aking kaligtasan , iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag mong ipagkaloob , Oh Panginoon , ang mga nasa ng masama ; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka ; baka sila&apos;y mangagmalaki . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot , takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas : mangahagis sila sa apoy ; sa mga malalim na hukay , upang huwag na silang mangakabangon uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa : huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati , at ang matuwid ng mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan : ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "141">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panginoon , ako&apos;y tumawag sa iyo : magmadali ka sa akin : pakinggan mo ang tinig ko , pagka ako&apos;y tumatawag sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo ; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maglagay ka ng bantay , Oh Panginoon , sa harap ng aking bibig ; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay , na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan : at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sugatan ako ng matuwid , magiging kagandahan pa ng loob ; at sawayin niya ako , magiging parang langis sa ulo ; huwag tanggihan ng aking ulo : sapagka&apos;t sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato ; at kanilang maririnig ang aking mga salita ; sapagka&apos;t matatamis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa , gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang mga mata ko&apos;y nangasa iyo , Oh Dios na Panginoon : sa iyo nanganganlong ako ; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin , at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating . Habang ako&apos;y nakatatanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "142">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon ; ako&apos;y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya ; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko , nalaman mo ang aking landas . Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tumingin ka sa aking kanan , at tingnan mo : sapagka&apos;t walang tao na nakakakilala sa akin : kanlungan ay kulang ako ; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y dumaing sa iyo , Oh Panginoon ; aking sinabi : Ikaw ay aking kanlungan , aking bahagi sa lupain ng may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pakinggan mo ang aking daing ; sapagka&apos;t ako&apos;y totoong nababa : iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin ; sapagka&apos;t sila&apos;y malakas kay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan , upang ako&apos;y makapagpasalamat sa iyong pangalan : kubkubin ako ng matuwid ; sapagka&apos;t ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "143">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon ; pakinggan mo ang aking mga pamanhik : sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako , at sa iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod ; sapagka&apos;t sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko ; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa : kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako , gaya ng mga namatay nang malaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko ; ang puso ko sa loob ko ay bagbag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking naaalaala ang mga araw ng una ; aking ginugunita ang lahat mong mga gawa : aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo : ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo , na parang uhaw na lupain . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magmadali kang sagutin mo ako , Oh Panginoon ; ang diwa ko&apos;y nanglulupaypay : huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin ; baka ako&apos;y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan ; sapagka&apos;t sa iyo ako tumitiwala : ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran ; sapagka&apos;t itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iligtas mo ako , Oh Panginoon , sa aking mga kaaway : tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban ; sapagka&apos;t ikaw ay aking Dios : ang iyong Espiritu ay mabuti ; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Buhayin mo ako , Oh Panginoon , dahil sa iyong pangalan : sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway , at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa ; sapagka&apos;t ako&apos;y iyong lingkod .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "144">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ang Panginoon na aking malaking bato , na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma , at ang mga daliri ko na magsilaban :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking kagandahang-loob , at aking katibayan , aking matayog na moog , at aking tagapagligtas ; aking kalasag , at siya na doon ako nanganganlong ; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Panginoon , ano ang tao , upang iyong kilalanin siya ? O ang anak ng tao , upang iyong pahalagahan siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang tao ay parang walang kabuluhan : ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ikiling mo ang iyong mga langit , Oh Panginoon , at bumaba ka : hipuin mo ang mga bundok , at magsisiusok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maghagis ka ng kidlat , at pangalatin mo sila ; suguin mo ang iyong mga pana , at lituhin mo sila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas ; sagipin mo ako , at iligtas mo ako sa malaking tubig , sa kamay ng mga taga ibang lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan , at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y aawit ng bagong awit sa iyo , Oh Dios : sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari : na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sagipin mo ako , at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa . Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan , at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan ; at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pagka ang mga kamalig namin ay puno , na may sarisaring bagay ; at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti ; pagka walang salot , at sakuna , at walang panaghoy sa aming mga lansangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Maginhawa ang bayan , na nasa gayong kalagayan : maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "145">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ibubunyi kita , Dios ko , Oh Hari ; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Araw-araw ay pupurihin kita ; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dakila ang Panginoon , at marapat na purihin ; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa . At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan , at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa , magbubulay ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa ; at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan , at aawitin nila ang iyong katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Panginoon ay mapagbiyaya , at puspos ng kahabagan ; banayad sa pagkagalit , at dakila sa kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang Panginoon ay mabuti sa lahat ; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon ; at pupurihin ka ng iyong mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sila&apos;y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian , at mangungusap ng iyong kapangyarihan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa , at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang kaharian mo&apos;y walang hanggang kaharian , at ang kapangyarihan mo&apos;y sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal , at itinatayo yaong nangasusubasob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo ; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Iyong binubuksan ang iyong kamay , at sinasapatan mo ang nasa ng bawa&apos;t bagay na may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan , at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya , sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya ; kaniya ring didinggin ang kanilang daing , at ililigtas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya ; nguni&apos;t lahat ng masama ay lilipulin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon ; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "146">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Samantalang ako&apos;y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon : ako&apos;y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios , samantalang ako&apos;y may buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo , ni sa anak man ng tao , na walang pagsaklolo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang hininga niya ay pumapanaw , siya&apos;y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa ; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob , na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na gumawa ng langit at lupa , ng dagat , at ng lahat na nandoon ; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati ; na nagbibigay ng pagkain sa gutom : pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag ; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob ; iniibig ng Panginoon ang matuwid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa ; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao ; nguni&apos;t ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Maghahari ang Panginoon magpakailan man . Ang iyong Dios , Oh Sion , sa lahat ng sali&apos;t saling lahi . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "147">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon ; sapagka&apos;t mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios ; sapagka&apos;t maligaya , at ang pagpuri ay nakalulugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem ; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso , at tinatalian niya ang kanilang mga sugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin ; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dakila ang ating Panginoon , at makapangyarihan sa kapangyarihan ; ang kaniyang unawa ay walang hanggan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Inaalalayan ng Panginoon ang maamo : kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat ; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap . Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa , na nagpapatubo ng damo sa mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain . At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo : siya&apos;y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya , sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Purihin mo ang Panginoon , Oh Jerusalem ; purihin mo ang iyong Dios , Oh Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan ; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan ; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa ; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa ; siya&apos;y nagkakalat ng eskarcha na parang abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo : sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang pinahahatdan ng salita , at tinutunaw : kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin , at ang tubig ay pinaagos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob , ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siya&apos;y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa : at tungkol sa kaniyang mga kahatulan , hindi nila nalaman . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "148">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit : purihin ninyo siya sa mga kaitaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Purihin ninyo siya , ninyong lahat niyang mga anghel : purihin ninyo siya , buo niyang hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin ninyo siya , araw at buwan : purihin ninyo siya , ninyong lahat na mga bituing maliwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Purihin ninyo siya , ninyong mga langit ng mga langit , at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Purihin nila ang pangalan ng Panginoon : sapagka&apos;t siya&apos;y nagutos , at sila&apos;y nangalikha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man : siya&apos;y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa , Ninyong mga buwaya , at lahat ng mga kalaliman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Apoy at granizo , nieve at singaw ; unos na hangin , na gumaganap ng kaniyang salita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mga bundok at lahat ng mga gulod ; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mga hayop at buong kawan ; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan ; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mga binata at gayon din ng mga dalaga ; mga matanda at mga bata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Purihin nila ang pangalan ng Panginoon ; sapagka&apos;t ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi : ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan , ang papuri ng lahat niyang mga banal ; sa makatuwid baga&apos;y ng mga anak ni Israel , na bayang malapit sa kaniya . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "149">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit , at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya : magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw : magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan : kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian : magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios , at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa , at mga parusa sa mga bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala , at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat : mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "150">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario : purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa : purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak : purihin ninyo siya ng salterio at alpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw : purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo . Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Purihin ng bawa&apos;t bagay na may hininga ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "20">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang umalam ng karunungan at turo ; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali , sa katuwiran , at kahatulan , at karampatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos . Kaalaman at pagbubulay sa kabataan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang marinig ng pantas , at lumago sa ikatututo : at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan ; ng mga salita ng pantas , at ng kanilang malalabong sabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman : nguni&apos;t ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Anak ko , dinggin mo ang turo ng iyong ama , at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sila&apos;y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo , at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Anak ko , kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan , huwag mong tulutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung kanilang sabihin , sumama ka sa amin , tayo&apos;y magsibakay sa pagbububo ng dugo , tayo&apos;y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila&apos;y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol . At buo , na gaya ng nagsibaba sa lungaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tayo&apos;y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari , ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin ; magkakaroon tayong lahat ng isang supot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anak ko , huwag kang lumakad sa daan na kasama nila ; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan , at sila&apos;y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t walang kabuluhang naladlad ang silo , sa paningin ng alin mang ibon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo , kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ganyan ang mga lakad ng bawa&apos;t sakim sa pakinabang ; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan ; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siya&apos;y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan ; sa pasukan ng mga pintuang-bayan , sa bayan , kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hanggang kailan kayong mga musmos , magsisiibig sa inyong kamusmusan ? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya , at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Magsibalik kayo sa aking saway : narito , aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ako&apos;y tumawag , at kayo&apos;y tumanggi : aking iniunat ang aking kamay , at walang makinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo , at hindi ninyo inibig ang aking saway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan : ako&apos;y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo . At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo ; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung magkagayo&apos;y tatawag sila sa akin , nguni&apos;t hindi ako sasagot ; hahanapin nila akong masikap , nguni&apos;t hindi nila ako masusumpungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t kanilang ipinagtanim ang kaalaman , at hindi pinili ang takot sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ayaw sila ng aking payo ; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t sila&apos;y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad , at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t papatayin sila ng pagtalikod ng musmos , at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nguni&apos;t ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay . At tatahimik na walang takot sa kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Anak ko , kung iyong tatanggapin ang aking mga salita , at tataglayin mo ang aking mga utos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na anopa&apos;t iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan , at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay , at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung iyong hahanapin siya na parang pilak , at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung magkagayo&apos;y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon , at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan , sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan , siya&apos;y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan , at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung magkagayo&apos;y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan , at ang karampatan , oo , bawa&apos;t mabuting landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t karunungan ay papasok sa iyong puso , at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kabaitan ay magbabantay sa iyo , pagkaunawa ay magiingat sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan , sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran , upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan , at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na mga liko sa kanilang mga lakad , at mga suwail sa kanilang mga landas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Upang iligtas ka sa masamang babae , sa makatuwid baga&apos;y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan , at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan , at ang kaniyang mga landas na sa patay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli , ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao , at maingatan ang mga landas ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang matuwid ay tatahan sa lupain , at ang sakdal ay mamamalagi roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t ang masama ay mahihiwalay sa lupain , at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Anak ko , huwag mong kalimutan ang aking kautusan ; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t karamihan ng mga araw , at mga taon ng buhay , at kapayapaan , ay madadagdag sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan : itali mo sa palibot ng iyong leeg ; ikintal mo sa iyong puso :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan , sa paningin ng Dios at ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo , at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad , at kaniyang ituturo ang iyong mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata ; matakot ka sa Panginoon , at humiwalay ka sa kasamaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magiging kagalingan sa iyong pusod , at utak sa iyong mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik , at ng mga unang bunga ng lahat mong ani :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana , at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Anak ko , huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon ; ni mayamot man sa kaniyang saway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig : gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan , at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak , at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mahalaga nga kay sa mga rubi ; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya , sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan , at lahat niyang mga landas ay kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya : at mapalad ang bawa&apos;t isa na nangamamalagi sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan ; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman , at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Anak ko , huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata ; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa , at biyaya sa iyong leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung magkagayo&apos;y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay , at ang iyong paa ay hindi matitisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagka ikaw ay nahihiga , hindi ka matatakot : Oo , ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot , ni sa pagkabuwal man ng masama , pagka dumarating :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala , at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan , pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito&apos;y gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa , Yumaon ka , at bumalik uli , at bukas ay magbibigay ako ; pagka ikaw ay mayroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa , na palibhasa&apos;t tumatahang tiwasay sa siping mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan , kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag kang managhili sa taong marahas , at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama ; nguni&apos;t pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi , nguni&apos;t binibigyan niya ng biyaya ang mababa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian ; nguni&apos;t kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo , mga anak ko , ang turo ng ama , at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t bibigyan ko kayo ng mabuting aral ; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ako&apos;y anak sa aking ama , malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tinuruan niya ako , at nagsabi sa akin : Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita ; ingatan mo ang aking mga utos , at mabuhay ka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magtamo ka ng karunungan , magtamo ka ng kaunawaan ; huwag mong kalimutan , ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya ; ibigin mo siya at iingatan ka niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Karunungan ay pinaka pangulong bagay ; kaya&apos;t kunin mo ang karunungan : Oo , sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong ibunyi siya , at kaniyang itataas ka : kaniyang dadalhin ka sa karangalan , pagka iyong niyakap siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya&apos;y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya : isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dinggin mo , Oh anak ko , at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi ; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking itinuro ka sa daan ng karunungan ; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang ; at kung ikaw ay tumatakbo , hindi ka matitisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hawakan mong mahigpit ang turo ; huwag mong bitawan : iyong ingatan ; sapagka&apos;t siya&apos;y iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag kang pumasok sa landas ng masama , at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ilagan mo , huwag mong daanan ; likuan mo , at magpatuloy ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t hindi sila nangatutulog , malibang sila&apos;y nakagawa ng kasamaan ; at ang kanilang tulog ay napapawi , malibang sila&apos;y makapagpabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan , at nagsisiinom ng alak ng karahasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag , na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang lakad ng masama ay parang kadiliman : Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Anak ko , makinig ka sa aking mga salita ; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata ; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t buhay sa nangakakasumpong , at kagalingan sa buo nilang katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap ; sapagka&apos;t dinadaluyan ng buhay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig , at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Tuminging matuwid ang iyong mga mata , at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa , at mangatatag ang lahat ng iyong lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man : ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Anak ko , pakinggan mo ang aking karunungan ; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang makapagingat ka ng kabaitan , at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot , at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho , matalas na parang tabak na may talim sa magkabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan ; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na anopa&apos;t hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay ; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag , at hindi niya nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga , mga anak ko , dinggin ninyo ako , at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya , at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba , at ang iyong mga taon sa mga mabagsik :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan ; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas , pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iyong sabihin , bakit ko kinayamutan ang turo , at hinamak ng aking puso ang saway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo , O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig , at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan , at mga agos ng tubig sa mga lansangan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Maging iyong magisa , at huwag sa di kilala na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagpalain ang iyong bukal ; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae , bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon ; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t bakit ka malulugod , anak ko , sa ibang babae , at yayakap sa sinapupunan ng di kilala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon , at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama . At siya&apos;y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siya&apos;y mamamatay sa kakulangan ng turo ; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Anak ko , kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa , kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig , ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gawin mo ito ngayon , anak ko , at lumigtas ka , yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa : yumaon ka , magpakababa ka , at mangayupapa ka sa iyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata . O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso , at parang ibon sa kamay ng mamimitag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pumaroon ka sa langgam , ikaw na tamad ; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na bagaman walang pangulo , tagapamahala , o pinuno ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit , at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hanggang kailan matutulog ka , Oh tamad ? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaunti pang pagkakatulog , kaunti pang pagkaidlip , kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw , at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Taong walang kabuluhan , taong masama , ay siya na lumalakad na may masamang bibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na kumikindat ng kaniyang mga mata , na nagsasalita ng kaniyang mga paa , na nagsasalita ng kaniyang mga daliri ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagdaraya ay nasa kaniyang puso , siya&apos;y laging kumakatha ng kasamaan ; siya&apos;y naghahasik ng pagtatalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t darating na bigla ang kaniyang kasakunaan ; sa kabiglaanan ay mababasag siya , at walang kagamutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon ; Oo , pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mga palalong mata , sinungaling na dila , at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Puso na kumakatha ng mga masamang akala , mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan , at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Anak ko , ingatan mo ang utos ng iyong ama , at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikintal mong lagi sa iyong puso , itali mo sa iyong leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pagka ikaw ay lumalakad , papatnubay sa iyo ; pagka ikaw ay natutulog , babantay sa iyo ; at pagka ikaw ay gumigising , makikipagusap sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang utos ay tanglaw ; at ang kautusan ay liwanag ; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Upang ingatan ka sa masamang babae , Sa tabil ng dila ng di kilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso ; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay : at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan , at hindi masusunog ang kaniyang mga suot ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga , at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa ; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya&apos;y nagnanakaw , upang busugin siya pagka siya&apos;y gutom :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t kung siya&apos;y masumpungan , isasauli niyang makapito ; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait : ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya ; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t ang paninibugho ay pagiinit ng tao ; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos ; ni magpapahinga man siyang tuwa , bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Anak ko ingatan mo ang aking mga salita , at impukin mo sa iyo ang aking mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka ; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Itali mo sa iyong mga daliri ; ikintal mo sa iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sabihin mo sa karunungan , Ikaw ay aking kapatid na babae ; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama ; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ako&apos;y tumingin sa mga musmos , ako&apos;y nagmasid sa mga may kabataan , sa may kabataang walang bait ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok , at siya&apos;y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa pagtatakip silim , sa kinagabihan ng araw , sa kalahatian ng gabi , at sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At , narito , doo&apos;y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot , at tuso sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siya&apos;y madaldal at matigas ang ulo ; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayo&apos;y nasa mga lansangan siya , mamaya&apos;y nasa mga luwal na dako siya , at nagaabang sa bawa&apos;t sulok ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya , at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin ; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t lumabas ako upang salubungin ka , hinanap kong masikap ang iyong mukha , at nasumpungan kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda , na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira , mga oleo , at sinamomo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Parito ka , tayo&apos;y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan ; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang lalake ay wala sa bahay , siya&apos;y naglakbay sa malayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siya&apos;y nagdala ng supot ng salapi ; siya&apos;y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita , hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya , gaya ng toro na naparoroon sa patayan , O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay ; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag , at hindi nakakaalam na yao&apos;y sa kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ngayon nga , mga anak ko , dinggin ninyo ako , at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad , huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t kaniyang inihiga ang maraming may sugat : Oo , lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol . Pababa sa mga silid ng kamatayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hindi ba umiiyak ang karunungan , at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan , sa mga salubungang landas , siya&apos;y tumatayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan , sa pasukan sa mga pintuan siya&apos;y humihiyaw ng malakas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa inyo , Oh mga lalake , ako&apos;y tumatawag ; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oh kayong mga musmos , magsiunawa kayo ng katalinuhan ; at , kayong mga mangmang , makaunawa kayo sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y mangakinig , sapagka&apos;t magsasalita ako ng mga marilag na bagay ; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan ; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran ; walang bagay na liko o suwail sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa , at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak ; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi ; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan , at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan ; Kapalaluan , at kahambugan at masamang lakad , at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Payo ay akin at magaling na kaalaman : ako&apos;y kaunawaan ; ako&apos;y may kapangyarihan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari , at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo , at ang mga mahal na tao , sa makatuwid baga&apos;y lahat ng mga hukom sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin ; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin ; Oo , lumalaging mga kayamanan at katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto , oo , kay sa dalisay na ginto ; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ako&apos;y lumalakad sa daan ng katuwiran , sa gitna ng mga landas ng kahatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin , at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad , bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ako&apos;y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula , bago nalikha ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ako&apos;y nailabas ng wala pang mga kalaliman ; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Bago ang mga bundok ay nalagay , bago ang mga burol ay ako&apos;y nailabas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa , ni ang mga parang man , ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako : nang siya&apos;y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas : nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan , upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos : nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa : at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw , na nagagalak na lagi sa harap niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa ; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ngayon nga , mga anak ko , dinggin ninyo ako : sapagka&apos;t mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Mangakinig kayo ng turo , at kayo&apos;y magpakapantas , at huwag ninyong tanggihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Mapalad ang tao na nakikinig sa akin , na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan , na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t sinomang nakakasumpong sa akin , ay nakakasumpong ng buhay . At magtatamo ng lingap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nguni&apos;t siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa ; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay , kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pinatay niya ang kaniyang mga hayop : hinaluan niya ang kaniyang alak ; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae ; siya&apos;y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung sinoma&apos;y musmos , pumasok dito : tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa , sinasabi niya sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayo&apos;y magsiparito , magsikain kayo ng aking tinapay , at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iwan ninyo , ninyong mga musmos at kayo&apos;y mabuhay ; at kayo&apos;y magsilakad sa daan ng kaunawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili : at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag mong sawayin ang manglilibak , baka ipagtanim ka niya : sawayin mo ang pantas , at kaniyang iibigin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Turuan mo ang pantas , at siya&apos;y magiging lalong pantas pa : iyong turuan ang matuwid , at siya&apos;y lalago sa pagkatuto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan : at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan , at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ikaw ay pantas , ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili : at kung ikaw ay manglilibak , ikaw na magisa ang magpapasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang hangal na babae ay madaldal ; siya&apos;y musmos at walang nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay , sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Upang tawagin ang nangagdadaan , na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinomang musmos ay pumasok dito : at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa , sinasabi niya sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga nakaw na tubig ay matamis , at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon ; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga kawikaan ni Salomon . Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama : nguni&apos;t ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan : nguni&apos;t ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid : nguni&apos;t kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan : nguni&apos;t yumayaman ang kamay ng masipag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak : nguni&apos;t siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid : nguni&apos;t tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang alaala sa ganap ay pinagpapala : nguni&apos;t ang pangalan ng masama ay mapaparam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos : nguni&apos;t ang madaldal na musmos ay mabubuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay : nguni&apos;t siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw : nguni&apos;t ang madaldal na musmos ay mabubuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bibig ng matuwid , ay bukal ng kabuhayan : nguni&apos;t tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan : nguni&apos;t tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan : nguni&apos;t ang pamalo ay sa likod ng walang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman : nguni&apos;t ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan : ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay ; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway : nguni&apos;t siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi ; at siyang nagpaparatang ay mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang : nguni&apos;t siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak : ang puso ng masama ay kaunti ang halaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami : nguni&apos;t ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang pagpapala ng Panginoon , ay nagpapayaman , at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan : at gayon ang karunungan sa taong naguunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang takot ng masama ay darating sa kaniya : at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama : nguni&apos;t ang matuwid ay walang hanggang patibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung paano ang suka sa mga ngipin , at kung paano ang usok sa mata , gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan : nguni&apos;t ang mga taon ng masama ay mangangaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan : nguni&apos;t ang pagasa ng masama ay mawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid ; nguni&apos;t kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man : nguni&apos;t ang masama ay hindi tatahan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan : nguni&apos;t ang magdarayang dila ay ihihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod : nguni&apos;t ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan : nguni&apos;t nasa mababa ang karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila : nguni&apos;t ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot : nguni&apos;t ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad : nguni&apos;t mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila : nguni&apos;t silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pagka ang masamang tao ay namamatay , ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak ; at ang pagasa ng masama ay nawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan , at ang masama ay dumarating na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa : nguni&apos;t sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak : at pagka ang masama ay namamatay , may hiyawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid : nguni&apos;t napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan : nguni&apos;t ang taong naguunawa ay tumatahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim : nguni&apos;t ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung saan walang pantas na pamamahala , ang bayan ay nababagsak : nguni&apos;t sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siyang nananagot sa di kilala , ay mapapariwara : nguni&apos;t siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan : at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa : nguni&apos;t ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod : nguni&apos;t ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay : at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bagaman ang kamay ay makikikamay , ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan : nguni&apos;t ang binhi ng matuwid ay maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy , gayon ang magandang babae na walang bait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang nasa ng matuwid ay buti lamang : nguni&apos;t ang hintay ng masama ay poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">May nagsasabog , at tumutubo pa , at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan , nguni&apos;t nauuwi lamang sa pangangailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba : at siyang dumidilig ay madidilig din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan : nguni&apos;t kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap : nguni&apos;t siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal : nguni&apos;t ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin : at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay ; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Narito , ang matuwid ay gagantihin sa lupa : gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan !</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman : nguni&apos;t siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon : nguni&apos;t kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan : nguni&apos;t ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa : nguni&apos;t siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap : nguni&apos;t ang mga payo ng masama ay magdaraya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo : nguni&apos;t ililigtas sila ng bibig ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang masama ay inilulugmok at nawawala : nguni&apos;t ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan : nguni&apos;t ang masama sa puso ay hahamakin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti , at may alipin , kay sa nagmamapuri , at kinukulang ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop : nguni&apos;t ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay : nguni&apos;t siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao : nguni&apos;t ang ugat ng matuwid ay nagbubunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao : nguni&apos;t ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig ; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata : nguni&apos;t siyang pantas ay nakikinig sa payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala : nguni&apos;t ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran , nguni&apos;t ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak : nguni&apos;t ang dila ng pantas ay kagalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man . Nguni&apos;t ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan : nguni&apos;t sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid : nguni&apos;t ang masama ay mapupuno ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman : nguni&apos;t ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang kamay ng masipag ay magpupuno : nguni&apos;t ang tamad ay malalagay sa pagatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot ; nguni&apos;t ang mabuting salita ay nagpapasaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa : nguni&apos;t ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan ; nguni&apos;t ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nasa daan ng katuwiran ang buhay ; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama : nguni&apos;t hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig : nguni&apos;t ang magdaraya ay kakain ng karahasan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siyang nagiingat ng kaniyang bibig , nagiingat ng kaniyang buhay : nguni&apos;t siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang tamad ay nagnanasa , at walang anoman : nguni&apos;t ang kaluluwa ng masipag ay tataba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling : nguni&apos;t ang masama ay kasuklamsuklam , at napapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad ; nguni&apos;t inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">May nagpapakayaman , gayon ma&apos;y walang anoman : may nagpapakadukha , gayon ma&apos;y may malaking kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan : nguni&apos;t ang dukha ay hindi nakikinig sa banta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak : nguni&apos;t ang ilawan ng masama ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa kapalaluan , ang dumarating ay pagtatalo lamang : nguni&apos;t ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa : nguni&apos;t siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso : nguni&apos;t pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili : nguni&apos;t siyang natatakot sa utos ay gagantihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay , upang lumayo sa mga silo ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap : nguni&apos;t ang lakad ng mananalangsang ay mahirap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bawa&apos;t mabait na tao ay gumagawang may kaalaman : nguni&apos;t ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan : nguni&apos;t ang tapat na sugo ay kagalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway : nguni&apos;t siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa : nguni&apos;t kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao , at ikaw ay magiging pantas ; nguni&apos;t ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan ; nguni&apos;t ang matuwid ay gagantihan ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak ; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha : nguni&apos;t may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak : nguni&apos;t siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa ; nguni&apos;t ang tiyan ng masama ay mangangailangan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bawa&apos;t pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay : nguni&apos;t binubunot ng mangmang , ng kaniyang sariling mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon : nguni&apos;t siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan : nguni&apos;t ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung saan walang baka , ang bangan ay malinis : nguni&apos;t ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan : nguni&apos;t ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan : nguni&apos;t ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Paroon ka sa harapan ng taong mangmang , at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad : nguni&apos;t ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mangmang ay tumutuya sa sala : nguni&apos;t sa matuwid ay may mabuting kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan ; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bahay ng masama ay mababagsak : nguni&apos;t ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">May daan na tila matuwid sa isang tao , nguni&apos;t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw ; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad : at masisiyahang loob ang taong mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa&apos;t salita : nguni&apos;t ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan : nguni&apos;t ang mangmang ay nagpapakilalang palalo , at timawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan : at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan : nguni&apos;t ang mabait ay puputungan ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti ; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa : nguni&apos;t ang mayaman ay maraming kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala : nguni&apos;t siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan ? Nguni&apos;t kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa lahat ng gawain ay may pakinabang : nguni&apos;t ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan : nguni&apos;t ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao : nguni&apos;t siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala : at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan , upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari : nguni&apos;t na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa : nguni&apos;t siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan : nguni&apos;t ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya . Nguni&apos;t siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa : nguni&apos;t ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa : nguni&apos;t ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa : nguni&apos;t ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan : nguni&apos;t ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot : nguni&apos;t ang mabigat na salita ay humihila ng galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman : nguni&apos;t ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa&apos;t dako , na nagbabantay sa masama at sa mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay : nguni&apos;t ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama : nguni&apos;t siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan : nguni&apos;t sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman : nguni&apos;t ang puso ng mangmang ay hindi gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">May mabigat na saway sa kaniya , na nagpapabaya ng lakad : at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon : gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ayaw ang manglilibak na siya&apos;y sawayin . Siya&apos;y hindi paroroon sa pantas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha : nguni&apos;t sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman : nguni&apos;t ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama : nguni&apos;t siyang may masayang puso ay may laging kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon , kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig , kay sa matabang baka at may pagtataniman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo : nguni&apos;t siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag : nguni&apos;t ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama : nguni&apos;t hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait : nguni&apos;t pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala : nguni&apos;t sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig : at ang salita sa ukol na panahon , ay anong pagkabuti !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay , upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo : nguni&apos;t kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&apos;t ang mga maligayang salita ay dalisay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan : nguni&apos;t siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot : nguni&apos;t ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang Panginoon ay malayo sa masama : nguni&apos;t kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso : at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay , ay tatahan sa gitna ng pantas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa : nguni&apos;t siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan ; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao : nguni&apos;t ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata : nguni&apos;t tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa , at ang iyong mga panukala ay matatatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ginawa ng Panginoon ang bawa&apos;t bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas : Oo , pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bawa&apos;t palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon : bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan : at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon , kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad : nguni&apos;t ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari : at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon : lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan : sapagka&apos;t ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari ; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan : nguni&apos;t papayapain ng pantas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay ; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto ! Oo , magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan : siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan , at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha , kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti : at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait : at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo : nguni&apos;t ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig , at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan , matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">May daan na tila matuwid sa tao , nguni&apos;t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya ; sapagka&apos;t kinasasabikan ng kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan : at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo : at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa , at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ikinikindat ang kaniyang mga mata , upang kumatha ng mga magdarayang bagay : siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian , masusumpungan sa daan ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan ; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan ; nguni&apos;t ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan , kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya , at siya&apos;y makakabahagi sa mana ng magkakapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang dalisayan ay sa pilak , at ang hurno ay sa ginto : nguni&apos;t sinusubok ng Panginoon ang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi ; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya : at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao ; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang : lalo na ang magdarayang mga labi , sa isang pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo : saan man pumihit ay gumiginhawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig : nguni&apos;t ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa , kay sa isang daang hampas sa mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik ; kaya&apos;t isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak , maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti , kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig : kaya&apos;t iwan ninyo ang pagtatalo , bago maginit sa pagkakaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya na umaaring ganap sa masama , at siya na nagpaparusa sa matuwid , kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan , gayong wala siyang pagkaunawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon , at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang taong walang unawa ay nakikikamay , at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit : ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti : at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan : at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang masayang puso ay mabuting kagamutan : nguni&apos;t ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan , upang ipahamak ang daan ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa : nguni&apos;t ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama , at kapaitan sa nanganak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti , ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman : at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mangmang man , pagka siya&apos;y tumatahimik , ay nabibilang na pantas : pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi , ay inaari siyang mabait .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa , at nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa , kundi maihayag lamang ang kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagka ang masama ay dumarating , dumarating din naman ang paghamak , at kasama ng kutya ang pagkaduwahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig ; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti , ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit , at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan , at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo , at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain ay kapatid siya ng maninira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog : tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan , at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao , at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang sumasagot bago makinig , ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit ; nguni&apos;t ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman ; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya , at dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap ; nguni&apos;t dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo , at naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan : at ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig ; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila ; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay , at nagtatamo ng lingap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik : nguni&apos;t ang mayaman ay sumasagot na may kagilasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan : nguni&apos;t may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti ; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad ; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan : nguni&apos;t ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan ; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob : at bawa&apos;t tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha : gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan ! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita , nguni&apos;t wala na sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa : siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan ; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang ; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit . At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon ; nguni&apos;t ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama : at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang : nguni&apos;t ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog ; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa : nguni&apos;t ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon , at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Parusahan mo ang iyong anak , dangang may pagasa ; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa : sapagka&apos;t kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Makinig ka ng payo , at tumanggap ka ng turo , upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">May maraming katha sa puso ng tao ; nguni&apos;t ang payo ng Panginoon , ay siyang tatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya&apos;y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob : at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan ; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan : hindi siya dadalawin ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan , at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Iyong saktan ang manglilibak , at ang musmos ay magaaral ng kabaitan : at iyong sawayin ang naguunawa , at siya&apos;y makakaunawa ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang sumasamsam sa kaniyang ama , at nagpapalayas sa kaniyang ina , ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Magtigil ka , anak ko , sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan : at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak , at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang alak ay manunuya , ang matapang na alak ay manggugulo ; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon : ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit : nguni&apos;t bawa&apos;t mangmang ay magiging palaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw ; kaya&apos;t siya&apos;y magpapalimos sa pagaani , at wala anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig ; nguni&apos;t iibigin ng taong naguunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maraming tao ay magtatanyag bawa&apos;t isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob : nguni&apos;t sinong makakasumpong sa taong tapat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat , mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinong makapagsasabi , nilinis ko ang aking puso , ako&apos;y dalisay sa aking kasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mga iba&apos;t ibang panimbang , at mga iba&apos;t ibang takalan , kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa , kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis , at kung magiging matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang nakikinig na tainga , at ang nakakakitang mata , kapuwa ginawa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag mong ibigin ang pagtulog , baka ka madukha ; idilat mo ang iyong mga mata , at mabubusog ka ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Walang halaga , walang halaga , sabi ng mamimili : nguni&apos;t pagka nakalayo siya , naghahambog nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">May ginto , at saganang mga rubi : nguni&apos;t ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala ; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao : nguni&apos;t pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bawa&apos;t panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo : at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim : kaya&apos;t huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mana ay matatamong madali sa pasimula ; nguni&apos;t ang wakas niyao&apos;y hindi pagpapalain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag mong sabihin , ako&apos;y gaganti ng kasamaan : maghintay ka sa Panginoon , at kaniyang ililigtas ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mga iba&apos;t ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon ; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon ; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan , banal nga , at magsiyasat pagkatapos ng mga panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama . At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon , na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari : at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan : at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan : at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis : kumikiling saan man niya ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bawa&apos;t lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata : nguni&apos;t tinitimbang ng Panginoon ang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mapagmataas na tingin , at ang palalong puso , siyang ilaw ng masama , ay kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang : nguni&apos;t bawa&apos;t nagmamadali ay sa pangangailangan lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo&apos;t parito noong nagsisihanap ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsitangging magsigawa ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko ; nguni&apos;t tungkol sa malinis , ang kaniyang gawa ay matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan , kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan : ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan , ang musmos ay nagiging pantas : at pagka ang pantas ay tinuturuan , siya&apos;y tumatanggap ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama , kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha , siya naman ay dadaing , nguni&apos;t hindi didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit , at ang alay sa sinapupunan , ay ng malaking poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan ; nguni&apos;t kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan , magpapahinga sa kapisanan ng patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha : ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid , at ang taksil ay sa lugar ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain , kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas ; nguni&apos;t ito&apos;y sinasakmal ng mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay , katuwiran , at karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan , at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang palalo at mapagmataas na tao , manglilibak ang kaniyang pangalan , siya&apos;y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya ; sapagka&apos;t tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">May nagiimbot sa kasakiman buong araw : nguni&apos;t ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang hain ng masama ay karumaldumal : gaano pa nga , pagka kaniyang dinadala na may masamang isip !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang sinungaling na saksi ay mamamatay : nguni&apos;t ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha ; nguni&apos;t tungkol sa taong matuwid , nagaayos ng kaniyang mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Walang karunungan , o kaunawaan man , O payo man laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka : nguni&apos;t ang pagtatagumpay ay sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mabuting pangalan ay maiging piliin , kay sa malaking kayamanan , at ang magandang kalooban , kay sa pilak at ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa : ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli : nguni&apos;t dinadaanan ng musmos at nagtitiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan , at karangalan , at buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya : ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran , at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mayaman ay magpupuno sa dukha , at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan ; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain : sapagka&apos;t nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Itaboy mo ang manglilibak , at ang pagtatalo ay maalis ; Oo , ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siyang umiibig ng kalinisan ng puso , dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam : nguni&apos;t kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinasabi ng tamad , may leon sa labas : mapapatay ako sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw : siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata ; nguni&apos;t ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang , at ang nagbibigay sa mayaman , ay humahangga sa pangangailangan lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ikiling mo ang iyong pakinig , at iyong dinggin ang mga salita ng pantas , at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo , kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon , aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito , oo , sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan , upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag kang magnakaw sa dukha , sapagka&apos;t siya&apos;y dukha , ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap , at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin ; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad , at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay , o sa kanila na mangananagot sa mga utang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kung wala kang ikabayad , bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa , na inilagay ng iyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain ? siya&apos;y tatayo sa harap ng mga hari : hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo , kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan , kung ikaw ay taong bigay sa pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain ; yamang mga marayang pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kang mainip sa pagyaman ; tumigil ka sa iyong sariling karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala ? Sapagka&apos;t ang mga kayamanan , ay tunay na nagsisipagpakpak , gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata , ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t kung ano ang iniisip niya sa loob niya , ay gayon siya : kumain ka at uminom ka , sabi niya sa iyo ; nguni&apos;t ang puso niya ay hindi sumasaiyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka , at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang ; sapagka&apos;t kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa ; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang kanilang Manunubos ay malakas ; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ihilig mo ang iyong puso sa turo , at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag mong ipagkait ang saway sa bata : sapagka&apos;t kung iyong hampasin siya ng pamalo , siya&apos;y hindi mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyong hahampasin siya ng pamalo , at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anak ko , kung ang iyong puso ay magpakapantas , ang puso ko&apos;y matutuwa sa makatuwid baga&apos;y ang akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oo , ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan : kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t tunay na may kagantihan ; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Makinig ka , anak ko , at ikaw ay magpakapantas , at patnubayan mo ang iyong puso sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag kang mapasama sa mga mapaglango ; sa mga mayamong mangangain ng karne :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan : at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka , at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya&apos;y tumanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili : Oo karunungan , at turo , at pag-uunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos : at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina , at magalak siyang nanganak sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Anak ko , ibigay mo sa akin ang iyong puso , at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ang isang patutot ay isang malalim na lubak ; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Oo , siya&apos;y bumabakay na parang tulisan , at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sinong may ay ? sinong may kapanglawan ? sinong may pakikipagtalo ? sinong may daing ? sino ang may sugat na walang kadahilanan ? sino ang may maningas na mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Silang nangaghihintay sa alak ; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula , pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas , at tumutukang parang ulupong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay , at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Oo , ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat , o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kanilang pinalo ako , iyong sasalitain , at hindi ako nasaktan ; kanilang hinampas ako , at hindi ko naramdaman : kailan gigising ako ? aking hahanapin pa uli .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao , ni magnasa ka man na masama sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati , at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa karunungan ay natatayo ang bahay ; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid , ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang pantas na tao ay malakas ; Oo , ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka : at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang : hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan , tatawagin siya ng mga tao na masamang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan : at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan , ang iyong kalakasan ay munti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan , at ang mga handang papatayin , ay tingnan mo na iyong ibalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung iyong sinasabi , narito , hindi kami nakakaalam nito : hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso ? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa , hindi ba niya nalalaman ? At hindi ba niya gagantihin ang bawa&apos;t tao ayon sa gawa niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Anak ko , kumain ka ng pulot , sapagka&apos;t mabuti ; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa : kung iyong nasumpungan ito , sa gayo&apos;y magkakaroon ka nga ng kagantihan , at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag kang bumakay , Oh masamang tao , sa tahanan ng matuwid ; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ang matuwid ay nabubuwal na makapito , at bumabangon uli : nguni&apos;t ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal , at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya&apos;y nabubuwal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Baka makita ng Panginoon , at ipagdamdam ng loob siya , at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama ; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao ; ang ilawan ng masama ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Anak ko , matakot ka sa Panginoon at sa hari : at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla ; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas . Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan , ay hindi mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Siyang nagsasabi sa masama , Ikaw ay matuwid ; susumpain siya ng mga bayan , kayayamutan siya ng mga bansa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran , at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Siya&apos;y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ihanda mo ang iyong gawa sa labas , at ihanda mo sa iyo sa parang ; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan ; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Huwag mong sabihin , gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin : aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ako&apos;y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad , at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At , narito , tinubuang lahat ng mga tinik , ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag , at ang bakod na bato ay nabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ako nga&apos;y tumingin , at aking binulay na mabuti : aking nakita , at tumanggap ako ng turo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaunti pang tulog , kaunti pang idlip , kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw ; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon , na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay : nguni&apos;t ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gaya ng langit sa kataasan , at ng lupa sa kalaliman , gayon ang puso ng mga hari ay di masayod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Alisin ang dumi sa pilak , at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Alisin ang masama sa harap ng hari , at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag kang magpauna sa harapan ng hari , at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t maigi na sabihin sa iyo , sumampa ka rito : kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo , na nakita ng iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag , baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon , pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa , at huwag mong ihayag ang lihim ng iba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo , at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung paano ang hikaw na ginto , at kagayakang dalisay na ginto , gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani , gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya ; sapagka&apos;t kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan , gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo , at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nakasumpong ka ba ng pulot ? kumain ka ng sapat sa iyo ; baka ka masuya , at iyong isuka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa ; baka siya&apos;y mayamot sa iyo , at ipagtanim ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak , at isang matulis na pana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin , at ng nabaliang paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw , at kung paano ang suka sa sosa , gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung ang iyong kaaway ay magutom , bigyan mo siya ng pagkain na makakain ; at kung siya&apos;y mauhaw , bigyan mo siya ng tubig na maiinom :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo , at gagantihin ka ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan : gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan , kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa , gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung paano ang malabong balon , at ang bukal na nalabusaw , gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Hindi mabuting kumain ng maraming pulot : gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian , ay hindi kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung paano ang niebe sa taginit , at kung paano ang ulan sa pagaani , gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala , kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad , gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang paghagupit ay sa kabayo , ang paningkaw ay sa asno , at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan , baka ikaw man ay maging gaya rin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan , baka siya&apos;y maging pantas sa ganang kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa , at umiinom sa kasiraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga hita ng pilay ay nabibitin : gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung paano ang isa&apos;y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog , gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango , gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat , gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka , gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili . May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinabi ng tamad , may leon sa daan ; isang leon ay nasa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra , gayon ang tamad sa kaniyang higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan ; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang nagdaraan , at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya , ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy , mga pana , at kamatayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa , at nagsasabi , hindi ko ba ginagawa sa paglilibang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy : at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung paano ang mga uling sa mga baga , at ang kahoy sa apoy ; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo , at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi , nguni&apos;t siya&apos;y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagka siya&apos;y nagsasalitang mainam , huwag mo siyang paniwalaan ; sapagka&apos;t may pitong karumaldumal sa kaniyang puso :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan , at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon : at siyang nagpapagulong ng bato , ay babalikan nito siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya ; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan ; Sapagka&apos;t hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig ; ng iba , at huwag ng iyong sariling mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang bato ay mabigat , at ang buhangin ay matimbang ; nguni&apos;t ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Poot ay mabagsik , at ang galit ay mamumugnaw , nguni&apos;t sinong makatatayo sa harap ng paninibugho ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tapat ang mga sugat ng kaibigan : nguni&apos;t ang mga halik ng kaaway ay malabis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan : nguni&apos;t sa gutom na tao ay matamis ang bawa&apos;t mapait na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad , gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso : gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama , ay huwag mong pabayaan ; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan : maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Anak ko , ikaw ay magpakadunong , at iyong pasayahin ang aking puso , upang aking masagot siya na tumutuya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan , at nagkukubli : nguni&apos;t dinadaanan ng musmos , at naghihirap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala ; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig , na bumabangong maaga sa kinaumagahan , mabibilang na sumpa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang magibig pumigil sa kaniya , ay pumipigil sa hangin , at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal ; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon ; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha , gayon ang puso ng tao sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man ; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang sangagan ay sa pilak , at ang hurno ay sa ginto , at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo , gayon ma&apos;y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan , at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man : at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali&apos;t saling lahi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang tuyong damo ay pinupulot , at ang sariwang damo ay lumilitaw , at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan , at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain , sa pagkain ng iyong sangbahayan ; at pagkain sa iyong mga alilang babae .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol : nguni&apos;t ang matuwid ay matapang na parang leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo : nguni&apos;t sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama : nguni&apos;t ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan : nguni&apos;t silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat , kay sa suwail sa kaniyang mga lakad , bagaman siya&apos;y mayaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak : nguni&apos;t siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang , ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan , maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan , siya&apos;y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw : nguni&apos;t ang sakdal ay magmamana ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili ; nguni&apos;t ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay , may dakilang kaluwalhatian : nguni&apos;t pagka ang masama ay bumabangon , nagsisipagtago ang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa : nguni&apos;t ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Masaya ang tao na natatakot na lagi : nguni&apos;t siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung paano ang umuungal na leon at ang gutom na oso , gayon ang masamang pinuno sa maralitang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin : nguni&apos;t siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao , tatakas sa lungaw ; huwag siyang pigilin ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas : nguni&apos;t siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay : nguni&apos;t siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala : nguni&apos;t siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti : ni hindi man sasalangsang ang tao dahil sa isang putol na tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman , at hindi nakakaalam , na kasalatan ay darating sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap kay sa doon sa kunwa&apos;y pumupuri ng dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , at nagsasabi , hindi ito pagsalangsang ; Yao&apos;y kasama rin ng maninira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan : nguni&apos;t siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay tataba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang : nguni&apos;t ang lumakad na may kapantasan , ay maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat : nguni&apos;t siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Pagka ang masama ay bumabangon , nagsisipagkubli ang mga tao ; nguni&apos;t pagka sila&apos;y nangamamatay , dumadami ang matuwid .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg , biglang mababali , at walang kagamutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagka ang matuwid ay dumadami , ang bayan ay nagagalak : nguni&apos;t pagka ang masama ay nagpupuno , ang bayan ay nagbubuntong-hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama : nguni&apos;t ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan : nguni&apos;t ang humihingi ng suhol ay gumigiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo : nguni&apos;t ang matuwid ay umaawit at nagagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha : ang masama ay walang unawang makaalam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab : nguni&apos;t ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang , magalit man o tumawa , ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal : at tungkol sa matuwid , hinahanap nila ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya : nguni&apos;t ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan , lahat niyang mga lingkod ay masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong ; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang hari na humahatol na tapat sa dukha , ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan : nguni&apos;t ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagka ang masama ay dumadami , pagsalangsang ay dumadami : nguni&apos;t mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sawayin mo ang iyong anak , at bibigyan ka niya ng kapahingahan ; Oo , bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung saan walang pangitain , ang bayan ay sumasama : nguni&apos;t siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita : sapagka&apos;t bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nakikita mo ba ang tao , na nagmamadali sa kaniyang mga salita ? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata , magiging anak niya siya sa kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan , at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya : nguni&apos;t ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa : siya&apos;y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo : nguni&apos;t ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno : nguni&apos;t ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid : at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache ; ang sanggunian . Sinabi ng lalake kay Ithiel , kay Ithiel , at kay Ucal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tunay na ako&apos;y hangal kay sa kaninoman , at walang kaunawaan ng isang tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At hindi ako natuto ng karunungan , ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sino ang sumampa sa langit , at bumaba ? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot ? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan ? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa ? Ano ang kaniyang pangalan , at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bawa&apos;t salita ng Dios ay subok : siya&apos;y kalasag sa kanila , na nanganganlong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita , baka kaniyang sawayin ka , at masunduan kang sinungaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo ; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan : huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man ; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Baka ako&apos;y mabusog , at magkaila sa iyo , at magsabi , sino ang Panginoon ? O baka ako&apos;y maging dukha , at magnakaw ako , at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon , baka ka tungayawin niya , at ikaw ay maging salarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama . At hindi pinagpapala ang kanilang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata , at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">May lahi , Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata ! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak , at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang , upang lamunin ang dukha mula sa lupa , at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang linga ay may dalawang anak , na sumisigaw , bigyan mo , bigyan mo . May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan , Oo , apat na hindi nagsasabi , siya na :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang Sheol ; at ang baog na bahay-bata ; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig ; at ang apoy na hindi nagsasabi , siya na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama , at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina , tutukain ito ng mga uwak sa libis , at kakanin ito ng mga inakay na aguila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin , Oo , apat na hindi ko nalalaman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang lipad ng aguila sa hangin ; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato ; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat ; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae ; siya&apos;y kumakain , at nagpapahid ng kaniyang bibig , at nagsasabi , hindi ako gumawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa , at sa apat na hindi niya madala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa isang alipin , pagka naghahari ; at sa isang mangmang , pagka nabubusog ng pagkain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa isang babaing nakayayamot , pagka nagaasawa ; at sa isang aliping babae , na nagmamana sa kaniyang panginoong babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">May apat na bagay na maliit sa lupa , nguni&apos;t lubhang mga pantas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga langgam ay bayang hindi matibay , gayon ma&apos;y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga koneho ay hayop na mahina , gayon ma&apos;y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang mga balang ay walang hari , gayon ma&apos;y lumalabas silang lahat na pulupulutong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay , gayon ma&apos;y nasa mga bahay ng mga hari siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad , Oo , apat na mainam sa lakad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop , at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang asong matulin ; ang kambing na lalake rin naman : at ang hari na hindi malalabanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas , o kung ikaw ay umisip ng kasamaan , ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya , at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo : Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga salita ng haring Lemuel ; ang sanggunian na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ano anak ko ? at ano , Oh anak ng aking bahay-bata ? At ano , Oh anak ng aking mga panata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae , o ang iyo mang mga lakad sa lumilipol ng mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi sa mga hari , Oh Lemuel , hindi sa mga hari ang paginom ng alak ; ni sa mga pangulo man , na magsabi , saan nandoon ang matapang na alak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Baka sila&apos;y uminom , at makalimotan ang kautusan , at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw , at ng alak ang mapanglaw na loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Uminom siya at limutin niya ang kaniyang kahirapan , at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang karalitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi , sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bukhin mo ang iyong bibig , humatol ka ng katuwiran , at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Isang mabait na babae sinong makakasumpong ? Sapagka&apos;t ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya , at siya&apos;y hindi kukulangin ng pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siya&apos;y humahanap ng balahibo ng tupa at lino , at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y parang mga sasakyang dagat ng kalakal ; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y bumabangon naman samantalang gabi pa , at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan , at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili : sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan , at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang : ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid , at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha : Oo , iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe ; sapagka&apos;t ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda ; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan , pagka siya&apos;y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili ; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot . At kaniyang tinatawanan ang panahong darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan ; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan , at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nagsisibangon ang kaniyang mga anak , at tinatawag siyang mapalad ; gayon din ang kaniyang asawa , at pinupuri siya niya , na sinasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan , nguni&apos;t ikaw , ay humihigit sa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang lingap ay magdaraya , at ang kagandahan ay walang kabuluhan : nguni&apos;t ang babae na natatakot sa Panginoon , ay siya&apos;y pupurihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay ; at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-bayan .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "21">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga salita ng Mangangaral , na anak ni David , hari sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan , sabi ng Mangangaral ; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan , lahat ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa , na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Isang salin ng lahi ay yumayaon , at ibang salin ng lahi ay dumarating ; nguni&apos;t ang lupa ay nananatili magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang araw naman ay sumisikat , at ang araw ay lumulubog , at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan , at pumipihit sa hilagaan : at laging pumipihit na patuloy , at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat , gayon may hindi napupuno ang dagat ; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog , doon din nagsisihugos uli ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap ; hindi maisasaysay ng tao : ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin , ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Yaong nangyari ay siyang mangyayari ; at yaong nagawa ay siyang magagawa : at walang bagong bagay sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">May bagay ba na masasabi ang mga tao , Tingnan mo , ito&apos;y bago ? nayari nga sa mga panahon na una sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Walang alaala sa mga dating lahi ; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating , sa mga yaon na darating pagkatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit : mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao , upang pagsanayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Aking nakita ang lahat na gawa , na nagawa sa ilalim ng araw ; at , narito , lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang baluktot ay hindi matutuwid : at ang kulang ay hindi mabibilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y sumangguni sa aking sariling puso , na sinasabi ko , Narito , nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem : oo , ang puso ko&apos;y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan , at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan : aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sa maraming karunungan at maraming kapanglawan : at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinabi ko sa aking puso : Pumarito ka ngayon , Susubukin kitang may kasayahan ; kaya&apos;t magsawa ka sa kalayawan : at narito , ito rin ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking sinabi tungkol sa tawa , Ito&apos;y ulol : at sa kasayahan , Anong ginagawa nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak , pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan , hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa ; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay ; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan , at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig , upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako&apos;y bumili ng mga aliping lalake at babae , at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay ; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan , ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto , at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan : nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit , at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao , mga sarisaring instrumento ng musiko iya&apos;y totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa gayo&apos;y naging dakila ako , at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem : ang akin namang karunungan ay namamalagi sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait : hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan , sapagka&apos;t nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain ; at ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y minasdan ko ang lahat ng mga gawa , na ginawa ng aking mga kamay , at ang gawain na aking pinagsikapang gawin ; at , narito , lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala , at walang pakinabang sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ako&apos;y pumihit upang masdan ang karunungan , at ang kaululan at ang kamangmangan ; sapagka&apos;t ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari ? samakatuwid baga&apos;y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y aking nakita , na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan , na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo , at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman : at gayon ma&apos;y aking namalas na isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa puso ko , Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin ; at bakit pa nga ako naging lalong pantas ? Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa puso ko , na ito man ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang , walang alaala magpakailan man ; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na . At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y ipinagtanim ko ang buhay ; sapagka&apos;t ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin : sapagka&apos;t lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw : yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinong nakakaalam kung siya&apos;y magiging isang pantas o isang mangmang ? gayon ma&apos;y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa , na aking ginawa , at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw . Ito man ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t ako&apos;y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t may tao , na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan , at ng kaalaman , at ng kabihasnan ; gayon ma&apos;y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon . Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa , at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang , at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis ; oo , pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso . Ito man ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom , at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa . Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t sinong makakakain , o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ang tao na kinaluluguran niya , binibigyan ng Dios ng karunungan , at kaalaman , at kagalakan : nguni&apos;t ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam , na magpisan at magbunton , upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios . Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa bawa&apos;t bagay ay may kapanahunan , at panahon sa bawa&apos;t panukala sa silong ng langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Panahon ng kapanganakan , at panahon ng kamatayan ; panahon ng pagtatanim , at panahon ng pagbunot ng itinanim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Panahon ng pagpatay , at panahon ng pagpapagaling ; panahon ng paggiba , at panahon ng pagtatayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Panahon ng pagiyak , at panahon ng pagtawa ; panahon ng pagtangis , at panahon ng pagsayaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Panahon ng paghahagis ng mga bato , at panahon ng pagpipisan ng mga bato ; panahon ng pagyakap , at panahon ng pagpipigil sa pagyakap ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Panahon ng paghanap , at panahon ng pagkawala : panahon ng pagiingat , at panahon ng pagtatapon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Panahon ng pagpunit , at panahon ng pananahi ; panahon ng pagtahimik , at panahon ng pagsasalita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Panahon ng pagibig , at panahon ng pagtatanim ; panahon ng digma , at panahon ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Anong pakinabang ang tinatamo niya , na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ginawa niya ang bawa&apos;t bagay na maganda sa kapanahunan niyaon : inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso , na anopa&apos;t hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nalalaman ko , na walang maigi sa kanila , kay sa magalak , at gumawa ng mabuti habang sila&apos;y nabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang bawa&apos;t tao rin naman ay marapat kumain at uminom , at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa , siyang kaloob ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nalalaman ko , na anomang ginagawa ng Dios , magiging magpakailan pa man : walang bagay na maidadagdag , o anomang bagay na maaalis : at ginawa ng Dios , upang ang tao ay matakot sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na ; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin ; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At bukod dito&apos;y aking nakita sa ilalim ng araw , sa dako ng kahatulan , na nandoon ang kasamaan ; at sa dako ng katuwiran , na nandoon ang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sinabi ko sa puso ko , Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama : sapagka&apos;t may panahon doon sa bawa&apos;t panukala at sa bawa&apos;t gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinabi ko sa puso ko , Dahil sa mga anak ng mga tao , upang subukin sila ng Dios , at upang kanilang makita na sila&apos;y mga hayop lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop : sa makatuwid baga&apos;y isang bagay ang nangyari sa kanila : kung paanong namamatay ang hayop , gayon namamatay ang tao ; oo , silang lahat ay may isang hininga ; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop : sapagka&apos;t lahat ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako ; lahat ay buhat sa alabok , at lahat ay nangauuwi sa alabok uli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang , at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t aking nakita , na walang bagay na maigi , kundi ang tao ay magalak sa kaniyang mga gawa ; sapagka&apos;t siyang kaniyang bahagi : sapagka&apos;t sinong magbabalik sa kaniya upang makita ang mangyayari pagkamatay niya ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y pumihit ako , at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw : at , narito , ang mga luha ng mga yaon , na napipighati , at wala silang mangaaliw : at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan , nguni&apos;t wala silang mangaaliw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t aking pinuri ang patay na namatay na , ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak , na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y nakita ko ang lahat na gawa , at bawa&apos;t gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa . Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay , at kumakain ng kaniyang sariling laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maigi ang isang dakot na may katahimikan , kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">May isa na nagiisa , at siya&apos;y walang pangalawa ; oo , siya&apos;y walang anak o kapatid man ; gayon ma&apos;y walang wakas sa lahat niyang gawa , ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan . Dahil kanino nga , sabi niya , nagpapagal ako , at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti ? Ito man ay walang kabuluhan , oo , mahirap na damdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dalawa ay maigi kay sa isa ; sapagka&apos;t sila&apos;y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t kung sila&apos;y mabuwal , ibabangon ng isa ang kaniyang kasama ; nguni&apos;t sa aba niya , na nagiisa pagka siya&apos;y nabuwal , at walang iba na magbangon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Muli , kung ang dalawa ay mahigang magkasama , may init nga sila : nguni&apos;t paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa , ang dalawa ay makalalaban sa kaniya ; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari , na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari ; oo , sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Aking nakita ang lahat na may buhay , na nagsisilakad sa ilalim ng araw , na sila&apos;y kasama ng bata , ng ikalawa , na tumatayo na kahalili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Walang wakas sa lahat ng bayan , sa makatuwid baga&apos;y sa lahat na pinaghaharian niya : gayon ma&apos;y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya . Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios ; sapagka&apos;t ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang : sapagka&apos;t hindi nila nalalaman na sila&apos;y nagsisigawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag kang pakabigla ng iyong bibig , at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios ; sapagka&apos;t ang Dios ay nasa langit , at ikaw ay nasa lupa : kaya&apos;t pakauntiin mo ang iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain ; at ang tinig ng mangmang sa karamihan ng mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios , huwag kang magliban ng pagtupad ; sapagka&apos;t siya&apos;y walang kaligayahan sa mga mangmang : tuparin mo ang iyong ipinanata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maigi nga ang ikaw ay huwag manata , kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag bayaan ang iyong bibig , na papagkasalanin ang iyong laman ; at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel , na isang kamalian : bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig , at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan , at sa maraming mga salita : nguni&apos;t matakot ka sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung iyong nakikita ang kapighatian ng dukha , at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan , huwag mong kamanghaan ang bagay : sapagka&apos;t ang lalong mataas kay sa mataas ay nagmamasid ; at may lalong mataas kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bukod dito , ay sa lahat ang pakinabang sa lupa : ang hari man ay pinaglilingkuran ng bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak ; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang : ito man ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagka ang mga pag-aari ay nagsisidami , ay nagsisidami silang nagsisikain ng mga yaon : at anong pakinabang mayroon ang may-ari niyaon , kundi ang mamasdan ng kaniyang mga mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing , maging siya&apos;y kumain ng kaunti o marami : nguni&apos;t ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">May malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw , ito nga , ang mga yamang iningatan ng may-ari niyaon sa kapahamakan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga yamang yaon ay nawawala ng masamang pangyayari ; at kung siya&apos;y magkaanak ng lalake , walang maiiwan sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung paanong siya&apos;y lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina , hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya&apos;y dumating , at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa , na kaniyang madadala sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ito man ay malubhang kasamaan , na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon : at anong pakinabang mayroon siya , na gumagawa sa hangin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Lahat ng mga araw naman niya ay ikinakain niya sa kadiliman , at siya&apos;y totoong nayayamot , at may sakit at pag-iinit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , na aking nakita na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom , at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios : sapagka&apos;t ito&apos;y kaniyang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bawa&apos;t tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pag-aari , at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon , at kumuha ng kaniyang bahagi , at magalak sa kaniyang gawa , ito&apos;y kaloob ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay ; sapagka&apos;t sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">May kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw , at mabigat sa mga tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang tao na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan , pag-aari , at karangalan , na anopa&apos;t walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa , gayon ma&apos;y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon , kundi iba ang kumakain niyaon ; ito&apos;y walang kabuluhan , at masamang sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan , at mabuhay na maraming taon , na anopa&apos;t ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami , nguni&apos;t ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti , at bukod dito ay wala siyang pangpalibing ; aking sinasabing maigi ang isang naagas kay sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t dumarating na walang kabuluhan , at yumayaon sa kadiliman , at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bukod dito ay hindi nakita ang araw o nakilala man ; ito&apos;y may kapahingahang maigi kay sa isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oo , bagaman siya&apos;y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay , at hindi man nagalak na mabuti : hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat ng gawa ng tao ay para sa kaniyang bibig , at gayon ma&apos;y ang panglasa ay hindi nasisiyahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t anong pakinabang mayroon ang pantas na higit sa mangmang ? o anong pakinabang mayroon ang dukha na maalam lumakad sa harap ng mga buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili ; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Anomang nangyari , ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon , at kilala na siya&apos;y tao : ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan , ano ang lalong ikinaigi ng tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay , lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na gaya ng anino ? sapagka&apos;t sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento ; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Maigi ang pasa bahay ng tangisan , kay sa bahay ng pistahan : sapagka&apos;t siyang wakas ng lahat ng mga tao ; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa : sapagka&apos;t sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan ; nguni&apos;t ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao&apos;y makinig ng awit ng mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok , gayon ang tawa ng mangmang : ito ma&apos;y walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tunay na nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati ; at ang suhol ay sumisira ng unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon : at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban : sapagka&apos;t ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag mong sabihin , Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito ? sapagka&apos;t hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Karunungan ay mabuting gaya ng mana : oo , lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang karunungan ay sanggalang , sa makatuwid baga&apos;y gaya ng salapi na sanggalang : nguni&apos;t ang karilagan ng kaalaman , ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gunitain mo ang gawa ng Dios : sapagka&apos;t sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka , at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka : oo , ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa , upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan : may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran , at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag kang lubhang magpakamatuwid ; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas : bakit sisirain mo ang iyong sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kang magpakasamang lubha , ni magpakamangmang man : bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mabuti na ikaw ay manghawak dito ; oo , doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay : sapagka&apos;t siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Karunungan ay kalakasan sa pantas , na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tunay na walang matuwid sa lupa , na gumagawa ng mabuti , at hindi nagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita , baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso , na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan : aking sinabi , Ako&apos;y magiging pantas : nguni&apos;t malayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang nilikha ay malayo at totoong malalim ; sinong makaaabot ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako&apos;y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam , at sumiyasat , at humanap ng karunungan , at ng kadahilanan ng mga bagay , at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan , at ang kamangmangan ay kaululan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan , sa makatuwid baga&apos;y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag , at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali : ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya ; nguni&apos;t ang makasalanan ay makukuha niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , ito&apos;y aking nasumpungan , sabi ng Mangangaral , na iniaagapay ang isang bagay sa iba , upang matagpuan ang kadahilanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na hinahanap pa ng aking kaluluwa , nguni&apos;t hindi ko nasumpungan : isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan ; nguni&apos;t isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Narito , ito lamang ang aking nasumpungan , na ginawang matuwid ng Dios ang tao ; nguni&apos;t nagsihanap sila ng maraming katha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sino ang gaya ng pantas na lalake ? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay ? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha , at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ipinapayo ko sa iyo , ingatan mo ang utos ng hari , at siya&apos;y dahil sa sumpa ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kang magmadaling umalis sa kaniyang harapan ; huwag kang mamalagi sa masamang bagay : sapagka&apos;t kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang salita ng hari ay may kapangyarihan ; at sinong makapagsasabi sa kaniya , Anong ginagawa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay ; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sa bawa&apos;t panukala ay may kapanahunan at kahatulan ; sapagka&apos;t ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t hindi niya nalalaman ang mangyayari ; sapagka&apos;t sinong makapagsasaysay sa kaniya , kung paanong mangyayari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa ; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan ; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon : ni maililigtas siya ng kasamaan , na taglay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lahat ng ito ay nakita ko , at inihilig ko ang aking puso sa bawa&apos;t gawa , na nagawa sa ilalim ng araw : may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing , at nagsidating sa hukay ; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal , at nalimutan sa bayan : ito man ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad , kaya&apos;t ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan , at humaba ang kaniyang buhay , gayon ma&apos;y tunay , na talastas ko , na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios , na nangatatakot sa harap niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t hindi ikabubuti ng masama , ni hahaba man ang kaniyang buhay na parang isang anino ; sapagka&apos;t siya&apos;y hindi natatakot sa harap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa ; na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama ; muli , may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid ; aking sinabi , na ito man ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y pinuri ko ang kalayawan , sapagka&apos;t ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw , kundi ang kumain , at uminom , at magsaya : sapagka&apos;t tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan , at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa : ( sapagka&apos;t may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios , na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw : sapagka&apos;t sikaping mainam man ng tao na hanapin , ay hindi rin masusumpungan ; oo , bukod dito , bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso , upang siyasatin ang lahat ng ito ; na ang matuwid , at ang pantas , at ang kanilang mga gawa , ay nangasa kamay ng Dios : maging pagibig o pagtatanim hindi nalalaman ng tao ; lahat ay nangasa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Lahat ng mga bagay ay nagsisidating na parapara sa lahat : may isang pangyayari sa matuwid at sa masama ; sa mabuti , at sa malinis , at sa marumi ; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain : kung paano ang mabuti , gayon ang makasalanan ; at ang sumusumpa , gaya ng natatakot sa sumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ito&apos;y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw , na may isang pangyayari sa lahat : oo , gayon din , ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan , at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila&apos;y nangabubuhay , at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t sa kaniya , na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa : sapagka&apos;t ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t nalalaman ng mga buhay , na sila&apos;y mangamamatay : nguni&apos;t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan ; sapagka&apos;t ang alaala sa kanila ay nakalimutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maging ang kanilang pagibig , gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon ; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Yumaon ka ng iyong lakad , kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan , at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso ; sapagka&apos;t tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maging maputing lagi ang iyong mga suot ; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan , na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw , lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan : sapagka&apos;t iyan ang iyong bahagi sa buhay , at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay , gawin mo ng iyong kapangyarihan ; sapagka&apos;t walang gawa , ni katha man , ni kaalaman man , ni karunungan man , sa Sheol , na iyong pinaparunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y bumalik , at nakita ko sa ilalim ng araw , na ang paguunahan ay hindi sa mga matulin , ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas , ni sa mga pantas man ang tinapay , ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong naguunawa , ni ang kaloob man ay sa taong matalino ; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan : kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat , at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag , gayon ang mga anak ng mga tao , ay nasisilo sa masamang kapanahunan , pagka biglang nahuhulog sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw , sa ganitong anyo , at naging tila dakila sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nagkaroon ng maliit na bayan , at iilan ang tao sa loob niyaon ; at may dumating na dakilang hari laban doon , at kumubkob , at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake , at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan ; gayon ma&apos;y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Karunungan ay maigi kay sa kalakasan : gayon ma&apos;y karunungan ng dukhang taong yaon ay hinamak , at ang kaniyang mga salita ay hindi dinidinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga salita ng pantas na sinalitang marahan ay narinig na higit kay sa hiyaw ng nagpupuno sa mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Karunungan ay maigi kay sa mga sandata sa pakikipagdigma : nguni&apos;t ang isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango : gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay ; nguni&apos;t ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo gayon din , pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan , ay nawawalan siya ng bait , at kaniyang sinasabi sa bawa&apos;t isa , na siya&apos;y isang ulol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo , huwag kang umalis : sapagka&apos;t ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">May isang kasamaan , na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan , at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo , at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon : at ang sumisira sa pader , ay kakagatin siya ng ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon ; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung ang bakal ay pumurol , at hindi ihasa ninoman ang talim , marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan : nguni&apos;t ang karunungan ay pinakikinabangang magturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto , wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya ; nguni&apos;t ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan : at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita : gayon ma&apos;y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari ; at ang mangyayari pagkamatay niya , sinong makapagsasaysay sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa&apos;t isa sa kanila ; sapagka&apos;t hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa aba mo , Oh lupain , kung ang iyong hari ay isang bata , at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mapalad ka , Oh lupain , kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao , at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon , sa ikalalakas , at hindi sa paglalasing !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan ; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa , at ang alak ay nagpapasaya sa buhay : at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag mong sumpain ang hari , huwag , huwag sa iyong pagiisip ; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan : sapagka&apos;t isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig , at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan : sapagka&apos;t iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magbigay ka ng bahagi sa pito , oo , sa walo ; sapagka&apos;t hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan , ay tumutulo sa lupa : at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan , o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy , ay doon ito mamamalagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik ; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung paanong hindi mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis ; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi , at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon ; sapagka&apos;t hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo , kung ito o yaon , o kung kapuwa magiging mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tunay na ang liwanag ay mainam , at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oo , kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon , magalak siya sa lahat ng yaon ; nguni&apos;t alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman , sapagka&apos;t magiging marami . Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw ay magalak , Oh binata , sa iyong kabataan : at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan , at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban , at sa paningin ng iyong mga mata : nguni&apos;t talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso , at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan : sapagka&apos;t ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan , bago dumating ang mga masamang araw , at ang mga taon ay lumapit , pagka iyong sasabihin , Wala akong kaluguran sa mga yaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bago ang araw , at ang liwanag , at ang buwan , at ang mga bituin ay magdilim , at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig , at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod , at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka&apos;t sila&apos;y kaunti , at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan ; pagka ang tunog ng giling ay humina , at ang isa&apos;y babangon sa tinig ng ibon , at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , sila&apos;y mangatatakot sa mataas , at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan ; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak ; at ang balang ay magiging pasan , at ang pita ay manglulupaypay : sapagka&apos;t ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan , at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bago ang panaling pilak ay mapatid , o ang mangkok na ginto ay mabasag , o ang banga ay mabasag sa bukal , o ang gulong ay masira sa balon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una , at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan , sabi ng Mangangaral ; lahat ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At bukod dito , sapagka&apos;t ang Mangangaral ay pantas , ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan ; oo , siya&apos;y nagaral , at sumiyasat , at umayos ng maraming kawikaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita , at ng nasusulat na matuwid , na mga salita ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis ; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti , ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan , na nabigay mula sa isang pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At bukod dito , anak ko , maaralan ka : tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas ; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang wakas ng bagay ; lahat ay narinig : ikaw ay matakot sa Dios , at sundin mo ang kaniyang mga utos ; sapagka&apos;t ito ang buong katungkulan ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t dadalhin ng Dios ang bawa&apos;t gawa sa kahatulan , pati ng bawa&apos;t kubling bagay , maging ito&apos;y mabuti o maging ito&apos;y masama .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "22">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang awit ng mga awit , na kay Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig : sapagka&apos;t ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy ; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos ; kaya&apos;t sinisinta ka ng mga dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Batakin mo ako , tatakbo kaming kasunod mo : Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid : kami ay matutuwa at magagalak sa iyo . Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak : matuwid ang pagsinta nila sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y maitim , nguni&apos;t kahalihalina , Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem , gaya ng mga tolda sa Cedar , gaya ng mga tabing ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako&apos;y kayumanggi , sapagka&apos;t sinunog ako ng araw . Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin , kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan ; nguni&apos;t ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Saysayin mo sa akin , ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa , kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan , kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat : sapagka&apos;t bakit ako&apos;y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung hindi mo nalalaman , Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae , yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan , at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aking itinulad ka , Oh aking sinta , sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok , ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang , ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin , na humihilig sa pagitan ng aking mga suso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , ikaw ay maganda , sinta ko , narito , ikaw ay maganda ; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , ikaw ay maganda sinisinta ko , oo , maligaya : ang ating higaan naman ay lungtian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro , at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y rosa ng Saron , lila ng mga libis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik , gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat , gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake . Ako&apos;y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran . At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dinala niya sa bahay na may pigingan , at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kandilihin ninyo ako ng mga pasas , aliwin ninyo ako ng mga mansanas : sapagka&apos;t ako&apos;y may sakit na pagsinta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo , at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pinagbibilinan ko kayo , Oh mga anak na babae ng Jerusalem , alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang , na huwag ninyong pukawin , o gisingin man ang aking pagsinta , hanggang sa ibigin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang tinig ng aking sinta ! narito , siya&apos;y dumarating , na lumulukso sa mga bundok , lumulundag sa mga burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa : narito , siya&apos;y tumatayo sa likod ng ating bakod , siya&apos;y sumusungaw sa mga dungawan , siya&apos;y napakikita sa mga silahia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang aking sinta ay nagsalita , at nagsabi sa akin , Bumangon ka , sinta ko , maganda ko , at tayo na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t narito , ang tagginaw ay nakaraan ; ang ulan ay lumagpas at wala na ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa ; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating , at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos , at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak , kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango . Bumangon ka , sinta ko , maganda ko , at tayo na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Oh kalapati ko , na nasa mga bitak ng malalaking bato , sa puwang ng matarik na dako , ipakita mo sa akin ang iyong mukha , iparinig mo sa akin ang iyong tinig ; Sapagka&apos;t matamis ang iyong tinig , at ang iyong mukha ay kahalihalina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora , ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan ; sapagka&apos;t ang ating mga ubasan ay namumulaklak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang sinta ko ay akin , at ako ay kaniya : pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hanggang sa ang araw ay lumamig , at ang mga lilim ay mawala , pumihit ka , sinta ko , at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa kinagabihan sa aking higaan , ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa : aking hinanap siya , nguni&apos;t hindi ko siya nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking sinabi , ako&apos;y babangon at liligid sa bayan , sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan , aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa : aking hinanap siya , nguni&apos;t hindi ko siya nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako : na siya kong pinagsabihan , nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila . Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa : pinigilan ko siya , at hindi ko binayaang umalis , hanggang sa siya&apos;y aking nadala sa bahay ng aking ina , at sa silid niya na naglihi sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pinagbibilinan ko kayo , Oh mga anak na babae ng Jerusalem , alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang , na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta , hanggang sa ibigin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok , na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan , ng lahat na blanquete ng mangangalakal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , ito ang arag-arag ni Salomon ; anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito , sa mga makapangyarihang lalake ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak , at bihasa sa pakikidigma : bawa&apos;t isa&apos;y may tabak sa kaniyang pigi , dahil sa takot kung gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin na kahoy sa Libano ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak , ang pinakailalim niyaon ay ginto , at ang upuan ay kulay ube , ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta , na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magsilabas kayo , Oh kayong mga anak na babae ng Sion , at inyong masdan ang haring Salomon , na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina , sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa , at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , ikaw ay maganda , sinta ko ; narito , ikaw ay maganda ; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong lambong : ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing , na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang iyong mga ngipin ay gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit , na nagsiahong mula sa pagpaligo , na bawa&apos;t isa&apos;y may anak na kambal , at walang baog sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula , at ang iyong bibig ay kahalihalina : ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada . Sa likod ng iyong lambong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang iyong leeg ay gaya ng moog ni David na itinayo na pinaka sakbatan , na kinabibitinan ng libong kalasag , ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal ng isang inahin , na nagsisisabsab sa gitna ng mga lila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hanggang sa ang araw ay lumamig at ang mga lilim ay tumakas , ako&apos;y paroroon sa bundok ng mira , at sa burol ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ikaw ay totoong maganda , sinta ko ; at walang kapintasan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumama ka sa akin mula sa Libano , kasintahan ko , na kasama ko mula sa Libano : tumanaw ka mula sa taluktok ng Amana , mula sa taluktok ng Senir at ng Hermon , mula sa mga yungib ng mga leon , mula sa mga bundok ng mga leopardo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Inagaw mo ang aking puso , kapatid ko , kasintahan ko , iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata , ng isang kuwintas ng iyong leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagkaganda ng iyong pagsinta , kapatid ko , kasintahan ko ! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak ! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sari-saring pabango !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang iyong mga labi , Oh kasintahan ko , na nagsisitulo na gaya ng pulot-pukyutan : pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila ; at ang amoy ng iyong mga suot ay gaya ng amoy ng Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Halamanang nababakuran ang kapatid ko , ang kasintahan ko ; bukal na nababakuran , balon na natatakpan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang iyong mga pananim ay halamanan ng mga granada , na may mahalagang mga bunga ; albena sangpu ng mga pananim na nardo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nardo at azafran , calamo at kanela , sangpu ng lahat na punong kahoy na kamangyan ; mira at mga eloe , sangpu ng lahat na pinakamainam na especia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw ay bukal ng mga halamanan , balon ng mga buhay na tubig , at mga balong na tubig na mula sa Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gumising ka , Oh hilagaang hangin ; at parito ka , ikaw na timugan ; humihip ka sa aking halamanan , upang ang mga bango niya&apos;y sumalimuoy . Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan , at kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y dumating sa aking halamanan , kapatid ko , kasintahan ko : aking dinampot ang aking mira pati ang aking especia ; aking kinain ang aking pulotpukyutan pati ang aking pulot ; aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas . Magsikain kayo , Oh mga kaibigan ; magsiinom kayo , oo , magsiinom kayo ng sagana , Oh sinisinta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y nakatulog , nguni&apos;t ang aking puso ay gising : ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok , na kaniyang sinasabi , pagbuksan mo ako , kapatid ko , sinta ko , kalapati ko , sakdal ko : sapagka&apos;t ang aking ulo ay basa ng hamog , ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking hinubad ang aking suot ; paanong aking isusuot ? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila&apos;y aking dudumhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan , at nakilos ang aking puso sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta ; at ang aking mga kamay ay tutulo ng mira , at ang aking mga daliri ng malabnaw na mira . Sa mga tatangnan ng trangka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking pinagbuksan ang aking sinta : nguni&apos;t ang aking sinta ay umurong at nakaalis , napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa nang siya&apos;y magsalita : aking hinanap siya , nguni&apos;t hindi ko nasumpungan siya ; aking tinawag siya , nguni&apos;t hindi siya sumagot sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nasumpungan ako ng mga bantay na nagsisilibot sa bayan , sinaktan nila ako , sinugatan nila ako , inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pinagbibilinan ko kayo , Oh mga anak na babae ng Jerusalem , kung inyong masumpungan ang aking sinta , na inyong saysayin sa kaniya , na ako&apos;y may sakit , na pagsinta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta , Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae ? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta , na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula na pinakamainam sa sangpung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto : ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig ; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia , gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay : ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo : ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol , na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto : ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis : Oo , siya&apos;y totoong kaibigibig . Ito&apos;y aking sinta at ito&apos;y aking kaibigan , Oh mga anak na babae ng Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Saan naparoon ang iyong sinisinta , Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae ? Saan tumungo ang iyong sinisinta , upang siya&apos;y aming mahanap na kasama mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang sinisinta ko&apos;y bumaba sa kaniyang halamanan , sa mga pitak ng mga especia , upang magaliw sa mga halaman , at upang mamitas ng mga lila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y sa aking sinisinta , at ang sinisinta ko ay akin : pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw ay maganda , sinta ko , na gaya ng Tirsa , kahalihalina na gaya ng Jerusalem , kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin , Sapagka&apos;t kanilang dinaig ako . Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing , na nangahihilig sa gulod ng Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa , na nagsiahong mula sa pagpaligo ; na bawa&apos;t isa&apos;y may anak na kambal , at walang baog sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">May anim na pung reina , at walong pung babae ; at mga dalaga na walang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang aking kalapati , ang aking sakdal ay isa lamang ; siya ang bugtong ng kaniyang ina ; siya ang pili ng nanganak sa kaniya . Nakita siya ng mga anak na babae , at tinawag siyang mapalad ; Oo , ng mga reina at ng mga babae , at pinuri siya nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sino siyang tumitinging parang umaga , maganda na parang buwan , maliwanag na parang araw , kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y bumaba sa halamanan ng mga pile , upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis , upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas , at ang mga puno ng granada ay namumulaklak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bago ko naalaman , inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bumalik ka , bumalik ka , Oh Sulamita ; bumalik ka , bumalik ka , upang ikaw ay aming masdan . Bakit ninyo titingnan ang Sulamita , nang gaya sa sayaw ng Mahanaim .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak , Oh anak na babae ng pangulo ! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas , na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa , na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo : ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing ; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim ; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo , at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube ; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagkaganda at pagkaligaya mo , Oh sinta , sa mga kaluguran !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Itong iyong tayo ay parang puno ng palma , at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking sinabi , ako&apos;y aakyat sa puno ng palma , ako&apos;y hahawak sa mga sanga niyaon ; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas , at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak , na tumutulong marahan para sa aking sinisinta , na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y sa aking sinisinta , at ang kaniyang nasa ay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Parito ka , sinisinta ko , lumabas tayo sa parang ; tumigil tayo sa mga nayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sampahin nating maaga ang mga ubasan : tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko , at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka , at kung ang mga granada ay namumulaklak : doo&apos;y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango , at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga , bago at luma , na aking inilapag para sa iyo , Oh sinisinta ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh ikaw sana&apos;y naging aking kapatid , na humitit ng mga suso ng aking ina ! Pagka nasumpungan kita sa labas , hahagkan kita ; Oo , at walang hahamak sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking papatnubayan ka , at dadalhin kita sa bahay ng aking ina , na magtuturo sa akin ; aking paiinumin ka ng hinaluang alak , ng katas ng aking granada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo , at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pinagbibilinan ko kayo , Oh mga anak na babae ng Jerusalem , na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko , hanggang sa ibigin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sino itong umaahong mula sa ilang , na humihilig sa kaniyang sinisinta ? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita : doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina , doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso , pinakatatak sa iyong bisig : sapagka&apos;t ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan , panibugho ay mabagsik na parang Sheol : ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy , isang pinaka liyab ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta , ni mapauurong man ng mga baha ; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta , siya&apos;y lubos na kukutyain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Tayo&apos;y may isang munting kapatid na babae , at siya&apos;y walang mga suso : ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya&apos;y ipakikiusap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung siya&apos;y maging isang kuta , pagtatayuan natin siya ng moog na pilak : at kung siya&apos;y maging isang pintuan , ating tatakpan ng mga tablang sedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y isang kuta , at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon : ako nga&apos;y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon ; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala ; bawa&apos;t isa&apos;y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko ; ikaw , Oh Salomon , ay magkakaroon ng libo , at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw na tumatahan sa mga halamanan , ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig : iparinig mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ikaw ay magmadali , sinisinta ko , at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "23">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz , na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem , sa mga kaarawan ni Uzias , ni Jotham , ni Ahaz , at ni Ezechias , na mga hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin mo , Oh langit , at pakinggan mo , Oh lupa , sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon : Ako&apos;y nagalaga at nagpalaki ng mga bata , at sila&apos;y nanganghimagsik laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon , at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon : nguni&apos;t ang Israel ay hindi nakakakilala , ang bayan ko ay hindi gumugunita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ah bansang salarin , bayang napapasanan ng kasamaan , lahi ng mga manggagawa ng kasamaan , mga anak na nagsisigawa ng kalikuan : pinabayaan nila ang Panginoon , hinamak nila ang Banal ng Israel , sila&apos;y nangapalayo na nagsiurong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit kayo&apos;y hahampasin pa , na kayo&apos;y manganghimagsik ng higit at higit ? ang buong ulo ay masakit , at ang buong puso ay nanglulupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan ; kundi mga sugat , at mga pasa , at nangagnananang sugat : hindi nangatikom , o nangatalian man , o nangapahiran man ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang inyong lupain ay giba ; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy ; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan , at giba , na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan , parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino , parang bayang nakukubkob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo , naging gaya sana tayo ng Sodoma , naging gaya sana tayo ng Gomorra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon , ninyong mga pinuno ng Sodoma ; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios , kayong bayan ng Gomorra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa anong kapararakan ang karamihan ng inyong mga hain sa akin ? sabi ng Panginoon : ako&apos;y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa , at ng mataba sa mga hayop na pinataba ; at ako&apos;y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro , o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang kayo&apos;y magsidating na pakita sa harap ko , sinong humingi nito sa inyong kamay , upang inyong yapakan ang aking mga looban ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay ; kamangyan ay karumaldumal sa akin ; ang bagong buwan , at ang sabbath , ang tawag ng mga kapulungan , hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan : mga kabagabagan sa akin ; ako&apos;y pata ng pagdadala ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay , aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo : oo , pagka kayo&apos;y nagsisidalangin ng marami , hindi ko kayo didinggin : ang inyong mga kamay ay puno ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangaghugas kayo , mangaglinis kayo ; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata ; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti ; inyong hanapin ang kahatulan , inyong saklolohan ang napipighati , inyong hatulan ang ulila , ipagsanggalang ninyo ang babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Magsiparito kayo ngayon , at tayo&apos;y magkatuwiranan , sabi ng Panginoon : bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula , ay magiging mapuputi na parang niebe ; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula , ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung kayo&apos;y magkusa at mangagmasunurin , kayo&apos;y magsisikain ng buti ng lupain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kung kayo&apos;y magsitanggi at manganghimagsik , kayo&apos;y lilipulin ng tabak : sapagka&apos;t sinalita ng bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ano&apos;t ang tapat na bayan ay naging tila patutot ! noong una siya&apos;y puspos ng kahatulan ! katuwiran ay tumatahan sa kaniya , nguni&apos;t ngayo&apos;y mga mamamatay tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang iyong pilak ay naging dumi , ang iyong alak ay nahaluan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik , at mga kasama ng mga tulisan ; bawa&apos;t isa&apos;y umiibig ng mga suhol , at naghahangad ng mga kabayaran : hindi nila hinahatulan ang ulila , o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , ng Makapangyarihan ng Israel , Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit , at manghihiganti ako sa aking mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo , at aking lilinising lubos ang naging dumi mo , at aalisin ko ang iyong lahat na tingga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una , at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula : pagkatapos ay tatawagin ka , Ang bayan ng katuwiran , ang tapat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan , at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan , at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t kanilang ikahihiya ang mga encina na inyong ninasa , at kayo&apos;y mangalilito dahil sa mga halamanan na inyong pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t kayo&apos;y magiging parang encina na ang dahon ay nalalanta , at parang halamanan na walang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang malakas ay magiging parang taling estopa , at ang kaniyang gawa ay parang alipato ; at kapuwa sila magliliyab , at walang papatay sa apoy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayari sa mga huling araw , na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok , at magiging mataas sa mga burol ; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi , Halina kayo , at tayo&apos;y magsiahon sa bundok ng Panginoon , sa bahay ng Dios ni Jacob ; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan , at tayo&apos;y magsisilakad sa kaniyang mga landas : sapagka&apos;t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan , at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y hahatol sa gitna ng mga bansa , at sasaway sa maraming tao : at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod , at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit : ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa , o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oh sangbahayan ni Jacob , halikayo , at tayo&apos;y magsilakad sa liwanag ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob , sapagka&apos;t sila&apos;y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan , at mga enkantador gaya ng mga Filisteo , at sila&apos;y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto , ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan ; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo , ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan ; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay , na ginawa ng kanilang sariling mga daliri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang taong hamak ay yumuyuko , at ang mataas na tao ay nabababa : kaya&apos;t huwag mong patawarin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pumasok ka sa malaking bato , at magkubli ka sa alabok , sa kakilabutan sa Panginoon , at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa , at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok , at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas , at sa lahat na nagmamataas ; at yao&apos;y mabababa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa lahat ng cedro ng Libano , na matayog at mataas , at sa lahat ng encina ng Basan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa lahat ng matataas na bundok , at sa lahat ng mga burol na nangataas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa bawa&apos;t matayog na moog , at sa bawa&apos;t kutang nababakod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis , at sa lahat ng maligayang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang kahambugan ng tao ay huhutukin , at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa : at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato , at sa mga puwang ng lupa , sa harap ng kakilabutan sa Panginoon , at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan , pagka siya&apos;y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak , at ang kanilang mga diosdiosang ginto , na kanilang ginawa upang sambahin , sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato , at sa mga bitak ng mga malaking bato , sa harap ng kakilabutan sa Panginoon , at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan , pagka siya&apos;y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Layuan ninyo ang tao , na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong : sapagka&apos;t sa ano pahahalagahan siya ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t , narito , ang Panginoon , ang Panginoon ng mga hukbo , ay nagaalis sa Jerusalem at sa Juda ng alalay at tungkod , ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ng makapangyarihang lalake , at ng lalaking mangdidigma ; ng hukom , at ng propeta , at ng manghuhula , at ng matanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ng kapitan ng lilimang puin , at ng marangal na tao , at ng tagapayo , at ng bihasang manggagawa , at ng matalinong mangeenkanto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo , at mga sanggol ang magpupuno sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang bayan ay mapipighati , bawa&apos;t isa&apos;y ng iba , at bawa&apos;t isa&apos;y ng kaniyang kapuwa : ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama , na magsasabi : Ikaw ay may damit , ikaw ay maging aming pinuno , at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig , na magsasabi , Hindi ako magiging tagapagpagaling ; sapagka&apos;t sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man ; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang Jerusalem ay giba , at ang Juda ay bagsak : sapagka&apos;t ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon , upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila ; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma , hindi nila ikinukubli . Sa aba ng kanilang kaluluwa ! sapagka&apos;t sila&apos;y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sabihin ninyo sa matuwid , na ikabubuti niya : sapagka&apos;t sila&apos;y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa aba ng masama ! ikasasama niya : sapagka&apos;t ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tungkol sa aking bayan , mga bata ang mga mamimighati sa kanila , at mga babae ang mangagpupuno sa kanila . Oh bayan ko , silang nagsisipatnubay sa iyo , mangagliligaw sa iyo , at sisira ng daan ng iyong mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Panginoon ay tumayo upang magsanggalang , at tumayo upang humatol sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan , at sa mga pangulo niyaon ; Kayo ang nagkainan sa ubasan : ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anong ibig ninyong sabihin na inyong dinidikdik ang aking bayan , at inyong ginigiling ang mukha ng dukha ? sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito&apos;y sinabi ng Panginoon , Sapagka&apos;t ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas , at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap , na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon , at nagpapakalatis ng kanilang mga paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion , at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa , at ang mga hiyas ng ulo , at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga hikaw , at ang mga pulsera , at ang mga lambong na pangmukha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga laso ng buhok , at ang mga kuwintas sa bukong-bukong , at ang mga pamigkis , at ang mga sisidlan ng pabango , at ang mga amuleto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga singsing , at ang mga hiyas na pang-ilong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga damit na pamista , at ang mga balabal , at ang mga panleeg , at ang mga supot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga maliit na salamin , at ang mainam na kayong lino , at ang mga turbante , at ang mga lambong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan ; at sa halip na pamigkis ay panali ; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan ; at sa halip na pamigkis na mainam ay pamigkis na kayong magaspang ; hero sa halip ng kagandahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang kaniyang mga pintuang-bayan ay tataghoy at magsisitangis ; at siya&apos;y magiging giba at guho sa lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pitong babae ay magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon , na mangagsasabi , Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay , at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan : tawagin lamang kami sa iyong pangalan ; alisin mo ang aming kadustaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon , at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mangyayari , na siyang naiwan sa Sion , at siyang nalabi sa Jerusalem , tatawaging banal , sa makatuwid baga&apos;y bawa&apos;t nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion , at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan , at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion , at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw , at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi : sapagka&apos;t sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init , at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal , ng awit ng aking minamahal tungkol sa kaniyang ubasan . Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato , at tinamnan ng piling puno ng ubas , at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon , at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas : at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas , at nagbunga ng ubas gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ngayon , Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda , hatulan ninyo , isinasamo ko sa inyo , ako at ang aking ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan na hindi ko nagawa ? ano&apos;t nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas , nagbunga ng ubas gubat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ngayo&apos;y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan : aking aalisin ang bakod na siit niyaon , at sasalantain ; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking pababayaang sira ; hindi kakapunin o bubukirin man ; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik : akin ding iuutos sa mga alapaap , na huwag nilang ulanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel , at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim : at siya&apos;y naghihintay ng kahatulan , nguni&apos;t narito , kapighatian ; ng katuwiran , nguni&apos;t narito , daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa aba nila , na nangaguugpong ng bahay sa bahay , na nangaglalagay ng bukid sa bukid hanggang sa mawalan ng pagitan , at kayo&apos;y magsisitahang magisa sa gitna ng lupain !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa aking mga pakinig ay sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sa katotohana&apos;y maraming bahay ang magigiba , malalaki at magaganda , na walang mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sangpung acre ng ubasan ay mangagbubunga ng isang bath , at isang homer na binhi ay magbubunga ng isang epa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa aba nila na nagsisibangong maaga sa umaga , upang sila&apos;y makasunod sa nakalalasing na inumin ; na nagtatagal hanggang sa kalaliman ng gabi , hanggang sa magalab ang alak sa kanila !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang alpa at ang viola , ang pandareta at ang plauta , at ang alak , ay nangasa kanilang mga kapistahan : nguni&apos;t hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon , o ginunita man nila ang gawa ng kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ang aking bayan ay nasok sa pagkabihag , sa kasalatan sa kaalaman : at ang kanilang mararangal na tao ay nangagugutom , at ang kanilang karamihan ay nangahahandusay sa uhaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa , at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat : at ang kanilang kaluwalhatian , at ang kanilang karamihan , at ang kanilang kahambugan , at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang taong hamak ay pinayuyukod , at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba , at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t ang Panginoon ng mga hukbo ay nabunyi sa kahatulan , at ang Dios na Banal ay inaring banal sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung magkagayo&apos;y sasabsab ang mga kordero na gaya sa kanilang sabsaban , at ang mga sirang dako ng matataba ay kakanin ng mga palaboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan , at ng kasalanan na tila panali ng kariton :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na nagsasabi , Magmaliksi siya , madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita : at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama , at ng masama ay mabuti ; na inaaring dilim ang liwanag , at liwanag ang dilim ; na inaaring mapait ang matamis , at matamis ang mapait !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata , at mabait sa kanilang sariling paningin !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa aba nila na malakas uminom ng alak , at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na nagsisiaring ganap sa masama dahil sa suhol , at inaalis ang katuwiran sa matuwid !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo , at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab , gayon magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat , at ang kanilang bulaklak ay iilanglang na gaya ng alabok : sapagka&apos;t kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon ng mga hukbo , at hinamak ang salita ng Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya&apos;t nagalab ang galit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan , at iniunat niya ang kaniyang kamay laban sa kanila , at sinaktan sila , at ang mga burol ay nanginig , at ang kanilang mga bangkay ay naging dumi sa gitna ng mga lansangan . Sa lahat ng ito ay hindi napawi ang kaniyang galit , kundi laging nakaunat ang kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y magtataas ng watawat sa mga bansa mula sa malayo , at susutsutan sila mula sa wakas ng lupa : at , narito , sila&apos;y darating na lubhang nagmamadali :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Walang mapapagod o matitisod man sa kanila ; walang iidlip o matutulog man ; ni hindi man kakalagin ang pamigkis ng kanilang mga balakang , o mapapatid man ang mga panali ng kanilang mga panyapak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na ang kanilang mga pana ay hasa , at lahat nilang busog ay nangakaakma ; ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay maibibilang na parang pingkiang bato , at ang kanilang mga gulong ay parang ipoipo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang kanilang angal ay magiging gaya ng sa leon , sila&apos;y magsisiangal na gaya ng mga batang leon : oo , sila&apos;y magsisiangal , at magsisipangal ng huli , at tatangayin , at walang magliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga yao&apos;y magsisiangal laban sa kanila sa araw na yaon na gaya ng hugong ng dagat : at kung tingnan ang lupain , narito , kadiliman at kahirapan , at ang liwanag ay magdidilim sa mga ulap niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan , matayog at mataas ; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin : bawa&apos;t isa&apos;y may anim na pakpak : na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha , at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa , at may dalawa na naglilipad sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsisigawang isa&apos;t isa , at nagsasabi , Banal , banal , banal ang Panginoon ng mga hukbo : ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw , at ang bahay ay napuno ng usok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Sa aba ko ! sapagka&apos;t ako&apos;y napahamak ; sapagka&apos;t ako&apos;y lalaking may maruming mga labi , at ako&apos;y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi : sapagka&apos;t nakita ng aking mga mata ang Hari , ang Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y nilipad ako ng isa sa mga serapin , na may baga sa kaniyang kamay , na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At hinipo niya niyaon ang aking bibig , at nagsabi , Narito , hinipo nito ang iyong mga labi ; at ang iyong kasamaan ay naalis , at ang iyong kasalanan ay naalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At narinig ko ang tinig ng Panginoon , na nagsasabi , Sinong susuguin ko , at sinong yayaon sa ganang amin ? Nang magkagayo&apos;y sinabi ko : Narito ako ; suguin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya , Ikaw ay yumaon , at saysayin mo sa bayang ito , inyong naririnig nga , nguni&apos;t hindi ninyo nauunawa ; at nakikita nga ninyo , nguni&apos;t hindi ninyo namamalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Patabain mo ang puso ng bayang ito , at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig , at iyong ipikit ang kanilang mga mata ; baka sila&apos;y mangakakita ng kanilang mga mata ; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig , at mangakaunawa ng kanilang puso , at mangagbalik loob , at magsigaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Panginoon , hanggang kailan ? At siya&apos;y sumagot , Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan , at ang mga bahay ay mangawalan ng tao , at ang lupain ay maging lubos na giba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ilayo ng Panginoon ang mga tao , at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon , mapupugnaw uli : gaya ng isang roble , at gaya ng isang encina , na ang puno ay naiiwan , pagka pinuputol ; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham , anak ni Uzzias , na hari sa Juda , na si Rezin na hari sa Siria , at si Peca na anak ni Remalias , hari sa Israel , ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon ; nguni&apos;t hindi nanganaig laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nasaysay sa sangbahayan ni David , na sinasabi , Ang Siria ay nalakip sa Ephraim . At ang puso niya&apos;y nakilos , at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon kay Isaias , Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz , ikaw , at si Sear-jasub na iyong anak , sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas , sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sabihin mo sa kaniya , Ikaw ay magingat , at tumahimik ka ; huwag kang matakot , o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok , ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria , at ng anak ni Remalias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo , ang Ephraim din naman , at ang anak ni Remalias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magsiahon tayo laban sa Juda , at ating bagabagin , at ating papasukin sila , at tayo&apos;y maglagay ng hari sa gitna niyaon , sa makatuwid baga&apos;y ang anak ni Tabeel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Hindi matatayo o mangyayari man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang pangulo ng Siria ay ang Damasco , at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin : at sa loob ng anim na pu&apos;t limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim , upang huwag maging bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria , at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias . Kung kayo&apos;y hindi maniniwala , tunay na hindi kayo mangatatatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios ; humingi ka maging sa kalaliman , o sa kaitaasan sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t sinabi ni Achaz , Hindi ako hihingi , ni tutuksuhin ko man ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo ngayon , Oh sangbahayan ni David ; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda ; narito , isang dalaga ay maglilihi , at manganganak ng isang lalake , at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y kakain ng mantekilla at pulot , pagka siya&apos;y natutong tumanggi sa kasamaan , at pumili ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan , at pumili ng mabuti , pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo , at sa iyong bayan , at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang Ephraim sa Juda ; sa makatuwid baga&apos;y ang hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At mangyayari sa araw na yaon , na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto , at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y magsisidating , at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis , at sa mga bitak ng malalaking bato , at sa lahat ng mga tinikan , at sa lahat ng mga sukal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa araw na yaon ay aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa , ng pangahit na inupahan , ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog , ang hari sa Asiria : at aalisin din ang balbas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At mangyayari sa araw na yaon , na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka , at ng dalawang tupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At mangyayari , na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla : sapagka&apos;t ang bawa&apos;t isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mangyayari sa araw na yaon , na ang bawa&apos;t dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak , ay magiging dawagan at tinikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Paroroon ang isa na may mga pana at may busog ; sapagka&apos;t ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol , hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan ; kundi magiging pagalaan sa mga baka , at yurakan ng mga tupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon sa akin , Kumuha ka ng malapad na tabla , at sulatan mo ng panulat ng tao , Kay Maher-salalhash-baz ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala , si Urias na saserdote , at si Zacarias na anak ni Jeberechias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y naparoon sa propetisa ; at siya&apos;y naglihi , at nanganak ng isang lalake . Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t bago ang anak ay matutong dumaing ng , Ama ko , at : Ina ko , ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan , at siya&apos;y nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga , narito , iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog , malakas at marami , sa makatuwid baga&apos;y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian : at siya&apos;y aahon sa lahat niyang bangbang , at aapaw sa buo niyang baybayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda ; aapaw at lalampas ; aabot hanggang sa leeg ; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain , Oh Emmanuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y magsamasama , Oh mga bayan , at kayo&apos;y mangagkakawatakwatak ; at kayo&apos;y mangakinig , kayong lahat na taga malayong lupain : mangagbigkis kayo , at kayo&apos;y mangagkakawatakwatak ; kayo&apos;y mangagbigkis , at kayo&apos;y mangagkakawatakwatak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mangagsanggunian kayo , at yao&apos;y mauuwi sa wala ; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo : sapagka&apos;t ang Dios ay sumasaamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay , at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Huwag ninyong sabihin , Pagbabanta ; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito , Pagbabanta , o huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot , o mangilabot man doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Panginoon ng mga hukbo , siya ang inyong aariing banal ; at sumakaniya ang inyong takot , at sumakaniya ang inyong pangingilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y magiging pinakasantuario ; nguni&apos;t pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel , na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At marami ang mangatitisod doon , at mangabubuwal , at mangababalian , at mangasisilo , at mangahuhuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Talian mo ang patotoo , tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob , at aking hahanapin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo , na tumatahan sa bundok ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagka kanilang sasabihin sa inyo , Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula , na nagsisihuni at nagsisibulong ; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios ? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa kautusan at sa patotoo ! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito , tunay na walang umaga sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y magsisidaan doon , na nahihirapan at gutom : at mangyayari , na pagka sila&apos;y mangagugutom , sila&apos;y mangagagalit , at magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios , at ititingala nila ang kanilang mga mukha :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y titingin sa lupa , at , narito , kahirapan at kadiliman , ulap ng kahapisan , at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan . Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali , nguni&apos;t sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati , sa daang patungo sa dagat , sa dako roon ng Jordan , ng Galilea ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag : silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan , sa kanila sumilang ang liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong pinarami ang bansa , iyong pinalago ang kanilang kagalakan : sila&apos;y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani , gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang pamatok na kaniyang pasan , at ang pingga sa kaniyang balikat , ang panghampas ng mamimighati sa kaniya , ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan , at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog , para sa mitsa ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sa atin ay ipinanganak ang isang bata , sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake ; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat : at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha , Tagapayo , Makapangyarihang Dios , Walang hanggang Ama , Pangulo ng Kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas , sa luklukan ni David , at sa kaniyang kaharian , upang itatag , at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man . Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob , at naliliwanagan ang Israel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At malalaman ng buong bayan ng Ephraim , at ng nananahan sa Samaria , na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga laryo ay nangahulog , nguni&apos;t aming itatayo ng tinabas na bato : ang mga sikomoro ay nangaputol , nguni&apos;t aming papalitan ng mga cedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin , at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga taga Siria sa unahan , at ang mga Filisteo sa likuran ; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig . Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila , o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo&apos;t buntot , ang sanga ng palma at ang tambo , sa isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang matanda at ang marangal na tao , siyang ulo ; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan , siyang buntot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw ; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata , ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao : sapagka&apos;t bawa&apos;t isa ay marumi at manggagawa ng kasamaan , at bawa&apos;t bibig ay nagsasalita ng kamangmangan . Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy ; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan : oo , nagaalab na sa siitan sa gubat , at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain : ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy ; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At isa&apos;y susunggab ng kanang kamay , at magugutom ; at kakain ng kaliwa , at hindi sila mabubusog : sila&apos;y magsisikain bawa&apos;t isa ng laman ng kaniyang sariling bisig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang Manases , ay kakanin ang Ephraim ; at ang Ephraim , ay ang Manases : at sila kapuwa ay magiging laban sa Juda . Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba nila na nagpapasiya ng mga likong pasiya , at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan , at upang alisin ang katuwiran ng dukha ng aking bayan , upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam , at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ano ang inyong gagawin sa araw ng pagdalaw , at sa kagibaan na manggagaling sa malayo ? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo&apos;y tulungan ? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo , at mangabubuwal sa bunton ng mga patay . Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hoy , taga Asiria , na pamalo ng aking galit , siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking susuguin siya laban sa maruming bansa , at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya , upang manamsam , at upang manunggab , at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y hindi niya inaakalang gayon , o iniisip mang gayon ng kaniyang puso ; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba , at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kaniyang sinasabi , Hindi baga ang aking mga pangulo ay hari silang lahat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi baga ang calno ay gaya ng Carchemis ? hindi ba ang Hamath ay gaya ng Arphad ? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan , na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan , ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga diosdiosan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t mangyayari , na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem , aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria , at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan ; sapagka&apos;t ako&apos;y mabait : at aking binago ang mga hangganan ng mga tao , at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan , at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao ; at ako&apos;y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan : at walang magkilos ng pakpak , o magbuka ng bibig o sumiyap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon ? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon ? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon , o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t pangangayayatin ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , ang kaniyang mga mataba ; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy , at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab : at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat , at ng kaniyang pinakikinabangang bukid , ang kaluluwa at gayon din ang katawan : at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti , na anopat mabibilang ng bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At mangyayari sa araw na yaon , na ang nalabi sa Israel , at ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob , hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila ; kundi titiwala sa Panginoon , sa Banal ng Israel , sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Isang nalabi ay manunumbalik , sa makatuwid baga&apos;y ang nalabi sa Jacob , sa makapangyarihang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat , ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik : ang pagkalipol ay naipasiya , na magtataglay ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang kagibaan , at ang ipinasiya , gagawin ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , sa gitna ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , Oh bayan kong tumatahan sa Sion , huwag kang matakot sa taga Asiria : bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo , ayon sa paraan ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t sangdali pa , at ang pagkagalit ay magaganap , at ang aking galit , sa kanilang ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo , ang kasakunaan laban sa kaniya , na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb : at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat , at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At mangyayari sa araw na yaon , na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat , at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg , at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Siya&apos;y dumating sa Ajad , siya&apos;y nagdaan sa Migron ; sa Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sila&apos;y nangagdaraan sa landas ; sila&apos;y nagsituloy na nangagpahinga sa Geba : ang Rama ay nanginginig ; ang Gabaa ni Saul ay tumakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Humiyaw kang malakas ng iyong tinig , Oh anak na babae ng Galim ! duminig ka , Oh Lais ! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Madmena ay palaboy ; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob : kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion , na burol ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Narito , puputulin ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , na kakilakilabot ang mga sanga : at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal , at ang mapagmataas ay ibababa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal , at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At may lalabas na usbong sa puno ni Isai , at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya , ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan , ang diwa ng payo at ng katibayan , ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon : at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata , ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha , at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa : at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig , at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang , at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero , at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing ; at ang guya , at ang batang leon , at ang patabain na magkakasama ; at papatnubayan sila ng munting bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang baka at ang oso ay manginginain ; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping : at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas , at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok : sapagka&apos;t ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon , gaya ng tubig na tumatakip sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At mangyayari , sa araw na yaon na ang angkan ni Isai , na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan , hahanapin ng mga bansa ; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mangyayari , sa araw na yaon , na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi , mula sa Asiria , at mula sa Egipto , at mula sa Patros , at mula sa Cus , at mula sa Elam , at mula sa Sinar , at mula sa Amath , at mula sa mga pulo ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At siya&apos;y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa , at titipunin niya ang mga tapon ng Israel , at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang inggit naman ng Ephraim ay maaalis , at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay : ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda , at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran ; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan : kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab ; at susundin sila ng mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At lubos na sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto ; at iwawaswas ang kaniyang kamay sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin , at papagpipituhing batis , at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan , na malalabi , mula sa Asiria ; gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya&apos;y umahon mula sa lupain ng Egipto .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa araw na yaon ay iyong sasabihin , Ako&apos;y pasasalamat sa iyo , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi , at iyong inaaliw ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , Dios ay aking kaligtasan ; ako&apos;y titiwala , at hindi ako matatakot : sapagka&apos;t ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit ; at siya&apos;y naging aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t kayo&apos;y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa araw na yao&apos;y inyong sasabihin , Mangagpasalamat kayo sa Panginoon , kayo&apos;y magsitawag sa kaniyang pangalan , ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan , sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magsiawit kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng mga marilag na bagay : ipaalam ito sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka , ikaw na nananahan sa Sion : sapagka&apos;t dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo&apos;y mangaglagay ng isang watawa&apos;t sa bundok , na walang punong kahoy , mangaglakas kayo ng tinig sa kanila , inyong senyasan ng kamay , upang sila&apos;y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking inutusan ang aking mga itinalaga , oo , aking tinawag ang aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit , sa makatuwid baga&apos;y ang nangagagalak sa aking kamahalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang ingay ng karamihan sa mga bundok , gaya ng malaking bayan : ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan ! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nangagmumula sa malayong lupain , mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit , sa makatuwid baga&apos;y ang Panginoon , at ang mga almas ng kaniyang galit , upang gibain ang buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magsiangal kayo ; sapagka&apos;t ang araw ng Panginoon ay malapit na ; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t lahat ng kamay ay manghihina , at bawa&apos;t puso ng tao ay manglulumo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y manglulupaypay ; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila ; sila&apos;y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam : mangagkakatigilan ; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating , mabagsik , na may poot at mabangis na galit ; upang gawin kagibaan ang lupa , at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon , hindi magbibigay ng kanilang liwanag : ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat , at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan , at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan ; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo , at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto , ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t aking panginginigin ang mga langit , at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo , at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mangyayari , na kung paano ang usang hinahabol , at kung paano ang mga tupa na walang pumisan , ay magsisibalik sila bawa&apos;t isa sa kaniyang sariling bayan , at tatakas bawa&apos;t isa sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bawa&apos;t masusumpungan ay palalagpasan ; at bawa&apos;t nahuli ay mabubuwal sa tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata ; ang kanilang mga bahay ay sasamsaman , at ang kanilang mga asawa ay dadahasin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Narito , aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila , na hindi magpapakundangan sa pilak , at tungkol sa ginto , hindi nila kaluluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata ; at sila&apos;y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata ; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang Babilonia , ang kaluwalhatian ng mga kaharian , ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo , ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi matatahanan kailan man , ni di tatahanan sa buong panahon : ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda ; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon ; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal ; at mga avestruz ay magsisitahan doon , at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog , at ang mga chakal sa mga maligayang palasio : at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit , at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay maaawa sa Jacob , at kaniyang pipiliin pa ang Israel , at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain : at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila , at sila&apos;y masasanib sa sangbahayan ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kukunin sila ng mga tao , at dadalhin sila sa kanilang dako : at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon , na mga pinakaaliping lalake at babae : at kanilang bibihagin sila , na nagsibihag sa kanila ; at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mangyayari , sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan , at sa iyong kabagabagan , at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia , at iyong sasabihin , Kung paano ang mamimighati ay naglikat ! ang bayang ginto ay naglikat !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama , ang cetro ng mga pinuno ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog , na nagpuno sa mga bansa sa galit , na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang buong lupa ay nasa katiwasayan , at tahimik : sila&apos;y biglang nagsisiawit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oo , ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo , at ang mga cedro sa Libano , na nangagsasabi , Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating ; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo , sa makatuwid baga&apos;y ang lahat na pinakapangulo sa lupa ; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo , Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin ? ikaw ba&apos;y naging gaya namin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola : ang uod ay nangangalat sa ilalim mo , at tinatakpan ka ng mga uod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ano&apos;t nahulog ka mula sa langit , Oh tala sa umaga , anak ng umaga ! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa , ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi mo sa iyong sarili , Ako&apos;y sasampa sa langit , aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios ; at ako&apos;y uupo sa bundok ng kapisanan , sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap ; ako&apos;y magiging gaya ng Kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ma&apos;y mabababa ka sa Sheol , sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo , kanilang mamasdan ka , na mangagsasabi , Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa , na nagpauga ng mga kaharian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan , at gumiba ng mga bayan nito ; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Lahat ng mga hari ng mga bansa , silang lahat , nangatutulog sa kaluwalhatian , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga , gaya ng bihisan ng mga patay , na tinaga ng tabak , na bumaba sa mga bato ng hukay : gaya ng bangkay na nayapakan ng paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan , sapagka&apos;t iyong sinira ang iyong lupain , iyong pinatay ang iyong bayan ; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi lalagi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang ; upang sila&apos;y huwag magsibangon , at ariin ang lupain , at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ako&apos;y babangon laban sa kanila , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at ihihiwalay ko sa Babilonia ang pangalan at ang nalabi , at ang anak at ang anak ng anak , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo , at mga lawa ng tubig : at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa , na nagsabi , Tunay na kung ano ang iniisip ko , gayon ang mangyayari ; at kung ano ang aking pinanukala , gayon mananayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain , at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa ; kung magkagayo&apos;y mahihiwalay ang kaniyang atang sa kanila , at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa : at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo , at sinong wawala ng kabuluhan ? at ang kaniyang kamay na nakaunat , at sinong maguurong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nagkaroon ng hulang ito nang taong mamatay ang haring Achaz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ikaw ay huwag magalak , ikaw na buong Filistia , sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo : sapagka&apos;t sa ahas ay lalabas ang ulupong , at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang panganay ng dukha ay kakain , at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay : at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan , at ang nalabi sa iyo ay papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ikaw ay umungal , Oh pintuang-bayan ; ikaw ay humiyaw , Oh bayan ; ikaw ay napugnaw , Oh ikaw na buong Filistia ; sapagka&apos;t lumalabas ang usok na mula sa hilagaan , at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa ? Na itinayo ng Panginoon ang Sion , at doon nanganganlong ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa Moab . Sapagka&apos;t sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba , at nawalan ng kabuluhan ; sapagka&apos;t sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab , at nawalan ng kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y umahon sa Bayith , at sa Dibon , sa mga mataas na dako , upang umiyak : ang Moab ay umaangal sa Nebo , at sa Medeba : lahat nilang ulo ay kalbo , bawa&apos;t balbas ay gupit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang : sa kanilang mga bubungan , at sa kanilang mga luwal na dako , umaangal ang bawa&apos;t isa , na umiiyak ng di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang Hesbon ay humihiyaw , at ang Eleale ; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahas : kaya&apos;t ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas ; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab , ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar , sa Eglat-selisiyah : sapagka&apos;t sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan : sapagka&apos;t sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang tubig ng Nimrim ay natuyo , sapagka&apos;t ang damo ay natuyo , ang sariwang damo ay nalalanta , walang sariwang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ang kasaganaan na kanilang tinamo , at ang kanilang tinipon , ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab ; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim , at ang angal niya ay hanggang sa Beer-elim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ang tubig ng Dimon ay nahaluan ng dugo : sapagka&apos;t magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang leon na nakatanan sa Moab , at sa nalabi sa lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang , hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t mangyayari , na gaya ng mga ibong nagsisigala , na gaya ng kalat na pugad , magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magpayo ka , magsagawa ka ng kahatulan ; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat : ikubli mo ang mga tapon ; huwag mong ilitaw ang palaboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Patirahin mong kasama mo ang aking natapon ; tungkol sa Moab , maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam : sapagka&apos;t ang mamimighati ay mauuwi sa wala , ang pagsamsam ay matitigil , ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob , at isa&apos;y uupo roon sa katotohanan , sa tabernakulo ni David ; na humahatol at humahanap ng kahatulan , at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab , na siya&apos;y totoong palalo ; ang kaniyang kahambugan , at ang kaniyang kapalaluan , at ang kaniyang poot , ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t aangal ang Moab dahil sa Moab , bawa&apos;t isa&apos;y aangal : dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina , at ang ubasan ng Sibma ; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon ; sila&apos;y nagsisapit hanggang sa Jazer , sila&apos;y nagsilaboy sa ilang ; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad , sila&apos;y nagsitawid sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma : aking didiligin ka ng aking mga luha , Oh Hesbon , at Eleale ; sapagka&apos;t sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani , dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kasayahan ay naalis , at ang kagalakan sa mainam na bukid ; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan , o masayang kaingay man : walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan ; aking pinatigil ang awitan sa pagaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab , at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari , pagka ang Moab ay humarap , pagka siya&apos;y napagod sa mataas na dako , at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin , ay hindi siya mananaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ngayo&apos;y nagsalita ang Panginoon , na nagsasabi , Sa loob ng tatlong taon , na gaya ng mga taon ng isang upahan , ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan ; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa Damasco . Narito , ang Damasco ay naalis sa pagkabayan , at magiging isang buntong ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan : yao&apos;y magiging sa mga kawan , na hihiga , at walang tatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim , at mawawalan ng kaharian ang Damasco , at ang nalabi sa Siria ; sila&apos;y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mangyayari sa araw na yaon , na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit , at ang katabaan ng kaniyang laman ay mangangayayat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari na gaya ng pamumulot ng mangaani ng nakatayong trigo , at ng panggapas ng kaniyang kamay ng mga uhay ; oo , magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa libis ng Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon ma&apos;y maiiwan doon ang mga pinulot , gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga , apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy , sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa Maylalang sa kanila , ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y hindi titingin sa mga dambana , na gawa ng kanilang mga kamay , o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri , maging sa mga Asera , o sa mga larawang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa araw na yao&apos;y ang kanilang mga matibay na bayan ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat , at sa taluktok ng bundok , na pinabayaan sa harap ng angkan ni Israel : at magiging sira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t iyong nilimot ang Dios ng inyong kaligtasan , at hindi mo inalaala ang malaking bato ng iyong kalakasan : kaya&apos;t nagtatanim ka ng mga maligayang pananim , at iyong ibinabaon ang punla ng iba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong binabakuran , at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi ; nguni&apos;t nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ah , ang kaingay ng maraming bayan , na nagsisiugong na gaya ng ugong ng mga dagat ; at ang daluhong ng mga bansa , na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng tubig !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga bansa ay magsisihugos na parang agos ng maraming tubig nguni&apos;t sila&apos;y sasawayin niya , at magsisitakas sa malayo , at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin , at gaya ng ipoipong alabok sa harap ng bagyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gabi ay narito ang kakilabutan ; at bago dumating ang umaga ay wala na sila . Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin , at ang palad nila na nangagnanakaw sa atin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ah , ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak , na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat , sa makatuwid baga&apos;y sa mga sasakyang papiro sa tubig , na nagsasabi , Magsiyaon kayo , maliliksing sugo , sa bansang mataas at patag , sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin ; sa bansang sumusukat at yumayapak , na ang lupain ay hinahati ng mga ilog !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan , at kayong mga naninirahan sa lupa , pagka ang isang watawat ay nataas sa mga bundok , inyong tingnan ; at pagka ang pakakak ay hinipan , makinig kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin , Ako&apos;y tatahimik , at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan , gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw , gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t bago magani , pagka ang bulaklak ay nalagas , at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog , kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong , at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok , at sa mga hayop sa lupa : at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit , at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa panahong yao&apos;y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig , at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin ; isang bansa na sumusukat at yumayapak , na ang lupain ay hinahati ng mga ilog , sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo , na bundok ng Sion .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa Egipto . Narito , ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap , at napasasa Egipto : at ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan , at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio : at lalaban bawa&apos;t isa sa kanikaniyang kapatid , at bawa&apos;t isa laban sa kaniyang kapuwa ; bayan laban sa bayan , at kaharian laban sa kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon ; at aking sisirain ang payo niyaon : at sasangguni sila sa mga diosdiosan , at sa mga enkantador , at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at sa mga manghuhula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking ibibigay ang mga Egipcio sa kamay ng mabagsik na panginoon ; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At magkukulang ng tubig sa mga dagat , at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga ilog ay babaho ; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo : ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga parang sa pangpang ng Nilo , sa baybayin ng Nilo , at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo , mangatutuyo , mangatatangay , at mangawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy , at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis , at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bukod dito&apos;y silang nagsisigawa sa mga lino , at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol , silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang ; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan : paanong masasabi ninyo kay Faraon , Ako&apos;y anak ng pantas , anak ng mga dating hari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Saan nangaroon nga ang iyong mga pantas ? at sasabihin nila sa iyo ngayon ; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang , ang mga pangulo sa Nof ay nangadaya ; kanilang iniligaw ang Egipto , na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Naghalo ang Panginoon ng diwa ng kasuwailan sa gitna niya : at iniligaw nila ang Egipto sa bawa&apos;t gawa niya , na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi na magkakaroon man sa Egipto ng anomang gawain , na magagawa ng ulo o ng buntot , sanga ng palma , o tambo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa araw na yaon ay magiging parang mga babae ang Egipto : at manginginig at matatakot dahil sa bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo , na kaniyang ibinabala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto ; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot , dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo , na ipinanukala laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto , na mangagsasalita ng wika ng Canaan , at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo ; isa&apos;y tatawagin : Ang bayang giba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa araw na yaon ay magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Egipto , at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto : sapagka&apos;t sila&apos;y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati , at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas , at isang tagapagsanggalang , at kaniyang ililigtas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto , at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon ; oo , sila&apos;y magsisisamba na may hain at alay , at magsisipanata ng panata sa Panginoon , at tutuparin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sasaktan ng Panginoon ang Egipto , na nananakit at magpapagaling ; at sila&apos;y manunumbalik sa Panginoon , at siya&apos;y madadalanginan nila , at pagagalingin niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa araw na yaon ay magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria , at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto , at ang mga Egipcio ay sa Asiria , at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa araw na yao&apos;y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria , na pagpapala sa gitna ng lupain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo , na sinasabi , Pagpalain ang bayan kong Egipto , at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay , at ang Israel na aking mana .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang taong dumating si Tartan kay Asdod , nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria , at siya&apos;y makipaglaban kay Asdod , at sakupin niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz , na nagsasabi , Ikaw ay yumaon , at kalagin mo ang kayong magaspang sa iyong mga balakang , at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa . At ginawa niyang gayon na lumakad na hubad at walang panyapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng Panginoon , Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa Etiopia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ihahatid ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto , at ang mga tapon sa Etiopia , bata at matanda , hubad at walang panyapak , at may mga pigi na litaw , sa ikapapahiya ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y manganglulupaypay at mangapapahiya , dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang nananahan sa baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon , Narito , gayon na lamang ang aming pagasa , na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria : at kami paanong makatatanan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng dagat . Kung paanong umiikot ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin ; ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan , at ang mananamsam ay nananamsam . Umahon ka , Oh Elam ; kumubkob ka , Oh Media ; lahat ng buntong-hininga niya&apos;y aking pinatigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan ; mga hirap ay dinamdam ko , gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam ; ako&apos;y naghihirap na anopa&apos;t hindi ako makarinig ; ako&apos;y nanglulupaypay na anopa&apos;t hindi ako makakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aking puso ay sumisikdo , kakilabutan ay tumakot sa akin : ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nangaghanda ng dulang , sila&apos;y nangaglagay ng bantay , sila&apos;y nagsisikain , sila&apos;y nagsisiinom : magsitindig kayo , kayong mga pangulo , inyong ihanda ang kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay yumaon , maglagay ka ng bantay ; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagka siya&apos;y nakakita ng pulutong , ng mga nangangabayong dalawa&apos;t dalawa , ng mga asno , ng pulutong ng mga kamelyo siya&apos;y masikap na makikinig na ma&apos;y pagiingat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y umungal na parang leon : Oh Panginoon , ako&apos;y tumatayong lagi sa moog na bantayan kung araw , at ako&apos;y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At , narito , dito&apos;y dumarating ang isang pulutong na lalake , mga nangangabayong dalawa&apos;t dalawa . At siya&apos;y sumagot at nagsabi , Babilonia ay nabagsak , nabagsak , at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oh ikaw na aking giniik , at trigo ng aking giikan : ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo , sa Dios ng Israel , aking ipinahayag sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang hula tungkol sa Duma . May tumatawag sa akin mula sa Seir , Bantay , anong nangyari sa gabi ? Bantay , anong nangyari sa gabi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi ng bantay , Ang umaga ay dumarating , at gayon din ang gabi : kung inyong uusisain , usisain ninyo : magsipihit kayo , parito kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang hula tungkol sa Arabia . Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo , Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga Dedaneo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig ; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kanilang tinatakasan ang mga tabak , ang bunot na tabak , at ang akmang busog , at ang lala ng digmaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin , Sa loob ng isang taon , ayon sa mga taon ng magpapaupa , ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar ay mapapawi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog , sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar , ay mangiilan : sapagka&apos;t ang Panginoon , ang Dios ng Israel , siyang nagsalita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa libis ng pangitain . Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan , magulong bayan , masayang bayan ; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak , o nangamatay man sila sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama , nangatalian ng mga mangbubusog : lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama , nagsitakas na malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t sinabi ko , Bayaan ninyo ako , ako&apos;y iiyak na may kapanglawan ; huwag ninyong sikaping aliwin ako , ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t araw na pagkatulig at ng pagyurak , at ng pagkalito , mula sa Panginoon , mula sa Panginoon ng mga hukbo , sa libis ng pangitain ; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana , may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo ; at ang Kir ay Bunot ang kalasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo , at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang inalis ang takip ng Juda ; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay na kahoy sa gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At inyong nakita ang mga sira ng bayan ni David , na napakarami : at inyong pinisan ang tubig ng mababang tangke .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem , at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y nagsigawa naman ng tipunang tubig sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke . Nguni&apos;t hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito , o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang araw na yao&apos;y tumawag ang Panginoon , ang Panginoon ng mga hukbo , sa pagiyak , at sa pagtangis , at sa pagkakalbo , at sa pagbibigkis ng kayong magaspang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At , narito , kagalakan at kasayahan , pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa , pagkain ng karne , at paginom ng alak : Tayo&apos;y magsikain at magsiinom , sapagka&apos;t bukas tayo ay mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig , Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo&apos;y mangamatay , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , Ikaw ay yumaon , pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito sa makatuwid baga&apos;y kay Sebna , na katiwala sa bahay , at iyong sabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Anong ginagawa mo rito ? at sinong ibinaon mo rito , na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo ? na gumagawa ka ng libingan sa itaas , at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Narito , ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao : oo , kaniyang hihigpitan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain ; doon ka mamamatay , at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian , ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aalisin kita sa iyong katungkulan , at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At mangyayari sa araw na yaon , na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking susuutan siya ng iyong balabal , at patitibayin siya ng iyong pamigkis , at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay : at siya&apos;y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa sangbahayan ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat ; at siya&apos;y magbubukas , at walang magsasara ; at siya&apos;y magsasara , at walang magbubukas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking ikakapit siya na parang pako sa isang matibay na dako ; at siya&apos;y magiging pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang , ang mga anak at ang angkan , bawa&apos;t sisidlan , mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako ; at mababalikwat , at mahuhulog , at ang mga sabit niyaon ay malalaglag ; sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa Tiro . Magsiangal kayo , kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis ; sapagka&apos;t nasira , na anopa&apos;t walang bahay , walang pasukan : mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsitahimik kayo , kayong mga nananahan sa baybayin ; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon , na nagdaraan sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor , ang ani ng Nilo , naging kaniyang pakinabang ; at siya&apos;y naging pamilihan ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mahiya ka , O Sidon : sapagka&apos;t sinalita ng dagat , ng tanggulan ng dagat , na sinasabi , hindi ako nagdamdam , o nanganak man , o nagalaga man ako ng mga binata , o nagpalaki ng mga dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagka ang balita ay dumating sa Egipto , ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mangagpatuloy kayo sa Tarsis : magsiangal kayo , kayong mga nananahan sa baybayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ito baga ang inyong masayang bayan , na matanda na mula pa noong unang araw , na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong , na ang mga manininda ay mga pangulo , na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo , upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian , upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo , Oh anak na babae ng Tarsis ; wala ka ng lakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat , kaniyang niyanig ang mga kaharian : ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan , upang gibain ang mga kuta niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang sinabi , Ikaw ay hindi na magagalak pa , Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon ; bumangon ka , magdaan ka sa Chittim : doon ma&apos;y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo ; ang bayang ito ay wala na ; inilaan ng taga Asiria para sa mga hayop sa ilang ; kanilang itinayo ang kanilang mga moog ; iginiba nila ang mga palacio niyaon : kaniyang pinapaging isang guho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magsiangal kayo , kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis : sapagka&apos;t ang inyong tanggulan ay giba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mangyayari , sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang pitong pung taon , ayon sa mga kaarawan ng isang hari : pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ikaw ay humawak ng alpa , lumibot ka sa bayan , ikaw na patutot na nalimutan ; magpainam ka ng tinig , umawit ka ng maraming awit , upang ikaw ay maalaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mangyayari , sa katapusan ng pitong pung taon , na dadalawin ng Panginoon ang Tiro , at pagbabalikan niya ang kaniyang upa , at magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay itatalaga sa Panginoon : hindi itatago o isisimpan man , sapagka&apos;t ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon , upang magsikaing may kabusugan , at manamit na mainam .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa , at sinisira , at binabaligtad , at pinangangalat ang mga nananahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayari , na kung paano sa mga tao , gayon sa saserdote ; kung paano sa alipin , gayon sa kaniyang panginoon ; kung paano sa alilang babae , gayon sa kaniyang panginoong babae ; kung paano sa mamimili , gayon sa nagbibili ; kung paano sa mapagpahiram , gayon sa manghihiram ; kung paano sa mapagpatubo , gayon sa pinatutubuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman , at lubos na masasamsaman ; sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon ang salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang lupa ay tumatangis at nasisira , ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata , ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon ; sapagka&apos;t kanilang sinalangsang ang kautusan , binago ang alituntunin , sinira ang walang hanggang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t nilamon ng sumpa ang lupa , at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin ; kaya&apos;t ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog , at nangagilan ang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang bagong alak ay pinabayaan , ang puno ng ubas ay nalanta , lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang saya ng mga pandereta ay naglikat , ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas , ang galak ng alpa ay naglikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sila&apos;y hindi magsisiinom ng alak na may awitan ; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak : bawa&apos;t bahay ay nasarhan , upang walang taong makapasok doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">May daing sa mga lansangan dahil sa alak ; lahat ng kagalakan ay naparam , ang kasayahan sa lupa ay nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Naiwan sa bayan ay kagibaan , at ang pintuang-bayan ay nawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo , gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig , sila&apos;y magsisihiyaw ; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan , sa makatuwid baga&apos;y ang pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel , sa mga pulo ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit , kaluwalhatian sa matuwid . Nguni&apos;t aking sinabi , Namamatay ako , namamayat ako , sa aba ko ! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan , oo , ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Takot , at ang hukay , at ang silo ay nangasa iyo , Oh nananahan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At mangyayari , na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay ; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo : sapagka&apos;t ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan , at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang lupa ay nagibang lubos , ang lupa ay lubos na nasira , ang lupa ay nakilos ng di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang lupa ay gigiray na parang lango , at mauuga na parang dampa ; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya , at mabubuwal , at hindi na magbabangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At mangyayari , sa araw na yaon , na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas , at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y mangapipisan , gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay , at masasarhan sa bilangguan , at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung magkagayo&apos;y malilito ang buwan , at ang araw ay mapapahiya ; sapagka&apos;t ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion , at sa Jerusalem ; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Panginoon , ikaw ay aking Dios ; aking ibubunyi ka , aking pupurihin ang iyong pangalan ; sapagka&apos;t ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay , sa makatuwid baga&apos;y ang iyong binalak noong una , sa pagtatapat at katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t iyong pinapaging isang bunton ang isang bayan , ang bayang matibay ay pinapaging isang guho : ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan ; hindi matatayo kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t luluwalhatiin ka ng matibay na bayan , ang bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ikaw ay naging ampunan sa dukha , ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan , silongan sa bagyo , lilim sa init , pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa ; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap , matitigil ang awit ng mga kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan , ng isang kapistahan ng mga matabang bagay , ng isang kapistahan ng mga alak na laon , ng mga matabang bagay na puno ng utak , ng mga alak na laon na totoong sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan , at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man ; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha ; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa : sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sasabihin sa araw na yaon , Narito , ito&apos;y ating Dios ; hinintay natin siya , at ililigtas niya tayo : ito ang Panginoon ; ating hinintay siya , tayo&apos;y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon ; at ang Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako , gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon , gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy : at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay kaniyang ibinaba , giniba , at ibinagsak sa lupa , hanggang sa alabok .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda : Tayo ay may matibay na bayan ; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan , upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan , na ang pagiisip ay sumasa iyo : sapagka&apos;t siya&apos;y tumitiwala sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man : sapagka&apos;t nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas , na mapagmataas na bayan : kaniyang ibinaba , ibinaba hanggang sa lupa : kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Yayapakan ng paa , sa makatuwid baga&apos;y ng mga paa ng dukha , at ng mga hakbang ng mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang daan ng ganap ay katuwiran : ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oo , sa daan ng iyong mga kahatulan , Oh Panginoon , nangaghintay kami sa iyo : sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi ; oo , ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap : sapagka&apos;t pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magpakita man ng awa sa masama , hindi rin siya matututo ng katuwiran ; sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian , at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Panginoon , ang iyong kamay ay nakataas , gayon ma&apos;y hindi nila nakikita : nguni&apos;t makikita nila ang iyong sikap sa bayan , at mangapapahiya ; oo , sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Panginoon , ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin : sapagka&apos;t ikaw rin ang gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh Panginoon naming Dios , ang ibang mga panginoon , bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin ; nguni&apos;t ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y patay , sila&apos;y hindi mabubuhay ; sila&apos;y namatay , sila&apos;y hindi babangon : kaya&apos;t iyong dinalaw at sinira sila , at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Iyong pinarami ang bansa , Oh Panginoon , iyong pinarami ang bansa ; ikaw ay nagpakaluwalhati : iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Panginoon , sa kabagabagan ay dinalaw ka nila , sila&apos;y nangagbugso ng dalangin , nang pinarurusahan mo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gaya ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak , ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam ; naging gayon kami sa harap mo , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kami ay nangagdalang-tao , kami ay nalagay sa pagdaramdam , kami ay tila nanganak ng hangin ; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa ; o nabuwal man ang mga nananahan sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang iyong mga patay ay mangabubuhay ; ang aking patay na katawan ay babangon . Magsigising at magsiawit , kayong nagsisitahan sa alabok : sapagka&apos;t ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo , at iluluwa ng lupa ang mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay parito , bayan ko , pumasok ka sa iyong mga silid , at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo : magkubli kang sangdali , hanggang sa ang galit ay makalampas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t , narito , ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan : ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo , at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon , ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas , at ang leviatan na lumilikaw na ahas , at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa araw na yaon : Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Akong Panginoon ang nagiingat ; aking didiligin tuwituwina : baka saktan ng sinoman , aking iingatan gabi&apos;t araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kagalitan ay hindi sumasa akin : kung makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin ! akin yaong yayapakan , aking susunuging magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">O manghawak sana siya sa aking lakas , upang siya&apos;y makipagpayapaan sa akin ; oo , makipagpayapaan siya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa mga araw na darating ay maguugat ang Jacob ; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko : at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon , na nanakit sa kaniya ? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila , na napatay niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa sukat , pagka iyong pinayayaon siya , ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya ; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob , at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan : pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang ang mga Asera at ang mga Iarawang araw ay hindi na matatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang bayang nakukutaan ay nagiisa , isang tahanang pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang : doon manginginain ang guya , at doon hihiga , at kakainin ang mga sanga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo , babaliin ; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy : sapagka&apos;t bayan na walang unawa ; kaya&apos;t ang gumawa sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila , at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari sa araw na yaon , na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos ng ilog hanggang sa batis ng Egipto , at kayo&apos;y mapipisang isa isa , Oh kayong mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mangyayari sa araw na yaon , na ang malaking pakakak ay hihipan ; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito , at silang mga tapon sa lupain ng Egipto ; at sila&apos;y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim , at ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan , na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo parang bagyo ng granizo , na manggigibang bagyo , parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha , ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan , na nasa ulunan ng mainam na libis , magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit ; na kung nakikita ng tumitingin , samantalang na sa kaniyang kamay pa , kinakain na niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo , at pinakadiadema ng kagandahan , sa nalabi sa kaniyang bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pinaka diwa ng kahatulan sa kaniya na nauupo sa kahatulan , at pinakalakas sa kanila na umuurong sa pakikipagbaka hanggang sa pintuang-daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak , at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay ; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak , sila&apos;y nangasakmal ng alak , sila&apos;y pahapayhapay dahil sa matapang na alak : sila&apos;y nangamamali sa pangitain , sila&apos;y nangatitisod sa paghatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t lahat ng mga dulang ay puno ng suka , at ng karumihan , na anopa&apos;t walang dakong malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kanino siya magtuturo ng kaalaman ? at kanino niya ipatatalastas ang balita ? silang nangalayo sa gatas , at nangahiwalay sa suso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t utos at utos : utos at utos ; bilin at bilin , bilin at bilin ; dito&apos;y kaunti , doo&apos;y kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi , kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba&apos;t ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na kaniyang pinagsabihan , Ito ang kapahingahan , papagpahingahin ninyo siya na pagod ; at ito ang kaginhawahan : gayon ma&apos;y hindi nila pinakinggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila&apos;y utos at utos , utos at utos ; bilin at bilin , bilin at bilin ; dito&apos;y kaunti , doo&apos;y kaunti ; upang sila&apos;y mangakayaon , at mangapahinga , at mangabalian , at mangasilo , at mangahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t iyong dinggin ang salita ng Panginoon , ninyong mga mangduduwahaging tao , na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t inyong sinabi , Tayo&apos;y nakipagtipan sa kamatayan , at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo ; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan , hindi darating sa atin ; sapagka&apos;t ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan , at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato , isang batong subok , isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan : ang naniniwala ay hindi magmamadali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran , at pinakapabato ang kabanalan : at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan , at aapawan ng tubig ang taguang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan , at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi ; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan , kayo nga&apos;y ipapahamak niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa tuwing dadaan , tatangayin kayo ; sapagka&apos;t tuwing umaga ay daraan , sa araw at sa gabi : at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang higaan ay lalong maikli na hindi maunatan ng tao ; at ang kumot ay lalong makitid na hindi makabalot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng Perasim , siya&apos;y napopoot na gaya sa libis ng Gabaon ; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain , ang kaniyang kakaibang gawain , at papangyarihin ang kaniyang gawain , ang kaniyang kakaibang gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag nga kayong mapagtuya , baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay : sapagka&apos;t ang paglipol na ipinasiya , narinig ko sa Panginoon , sa Panginoon ng mga hukbo , sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Pakinggan ninyo , at dinggin ninyo ang aking tinig , inyong dinggin , at pakinggan ang aking pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik ? Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo , at ikinakalat ang binhing comino , at inihahanay ang trigo , at ang cebada sa takdang dako , at ang espelta sa hangganan niyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios , at itinuturo sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas , o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino ; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod , at ang comino ay ng pamalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling ; sapagka&apos;t hindi laging magigiik : at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo , hindi niya ginigiling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon ma&apos;y ito&apos;y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo , na kamanghamangha sa payo , at marilag sa karunungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hoy Ariel , Ariel , na bayang hinantungan ni David ! magdagdag kayo ng taon sa taon ; magdiwang sila ng mga kapistahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Akin ngang pahihirapan ang Ariel , at magsisitangis at mananaghoy : at siya&apos;y magiging gaya ng Ariel sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot , at kukubkubin kita ng mga kuta , at ako&apos;y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ikaw ay mabababa , at magsasalita mula sa lupa , at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok : at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , mula sa lupa , at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ang karamihan ng iyong mga kaaway ay magiging gaya ng munting alabok , at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay gaya ng ipang inililipad ng hangin : oo , magiging sa biglang sandali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog , at ng lindol , at ng malaking kaingay , ng ipoipo at bagyo , at ng liyab ng mamumugnaw na apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel , lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta , at ang nagpapahirap sa kaniya , ay magiging gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari , na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip , at , narito , siya&apos;y kumakain ; nguni&apos;t siya&apos;y nagigising , at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman : o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip , at , narito , siya&apos;y umiinom ; nguni&apos;t siya&apos;y nagigising , at , narito , siya&apos;y malata , at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw : gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa , na nagsisilaban sa bundok ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y mangatigilan at manganggilalas ; kayo&apos;y mangalugod at mangabulag : sila&apos;y lango , nguni&apos;t hindi sa alak ; sila&apos;y gumigiray , nguni&apos;t hindi sa matapang na alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t inihulog ng Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog , at ipinikit ang inyong mga mata , na mga propeta ; at ang iyong mga pangulo , na mga tagakita , ay kaniyang tinakpan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo&apos;y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan , na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa , na sinasabi , Iyong basahin ito , isinasamo ko sa iyo : at kaniyang sinasabi , Hindi ko mababasa , sapagka&apos;t natatatakan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong , na sinasabi , Iyong basahin ito , isinasamo ko sa iyo : at kaniyang sinasabi , Ako&apos;y hindi marunong bumasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoon , Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin , at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi , nguni&apos;t inilayo ang kanilang puso sa akin , at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Dahil dito narito , pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito , isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha : at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay mapapawi , at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa aba nila , na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo , at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman , at kanilang sinasabi , Sinong nakakakita sa atin ? at sinong nakakakilala sa atin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kayo&apos;y nangagbabaligtad ng mga bagay ! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok ; upang sabihin ng bagay na yari sa may-gawa sa kaniya , Hindi niya ginawa ako ; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo , Siya&apos;y walang unawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang , at ang Libano ay magiging mainam na bukid , at ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat , at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon , ang maamo , at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang kakilakilabot ay nauwi sa wala , at ang mangduduwahagi ay naglilikat , at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin , at naglalagay ng silo doon sa sumasaway sa pintuang-bayan , at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , na siyang tumubos kay Abraham , tungkol sa sangbahayan ni Jacob , Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak , ang gawa ng aking mga kamay , sa gitna niya , ay kanilang aariing banal ang aking pangalan ; oo , kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob , at magsisitayong may takot sa Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa , at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak , sabi ng Panginoon , na nagsisisangguni , nguni&apos;t hindi sa akin ; at nangagaalay ng alay , nguni&apos;t hindi sa aking Espiritu , upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto , at hindi nangagtanong sa aking bibig ; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon , at magsitiwala sa lilim ng Egipto !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan , at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan , at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan , na hindi tulong o pakinabang man , kundi kahihiyan , at kakutyaan din naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan . Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan , na pinanggagalingan ng leong babae at lalake , ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas , kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno , at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo , sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan , at walang kapararakan : kaya&apos;t aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayo&apos;y yumaon ka , isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato , at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t mapanghimagsik na bayan , mga sinungaling na anak , mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na nagsasabi sa mga tagakita , Huwag kayong kumita ; at sa mga propeta , Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay , magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay , manghula kayo ng mga magdarayang bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Humiwalay kayo sa daan , lumihis kayo sa landas , papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Banal ng Israel , Sapagka&apos;t inyong hinamak ang salitang ito , at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan , at yaon ay inyong inaasahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ang kasamaang ito ay magiging sa inyo&apos;y gaya ng batong sira na madaling mababagsak , na natatanggal sa isang matayog na pader , na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At yao&apos;y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok , na nababasag na putolputol na walang matitira ; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon , na maikukuha ng apoy mula sa apuyan , o maikakadlo ng tubig sa balon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , ng Banal ng Israel , Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo ; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas . At hindi ninyo inibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kundi inyong sinabi , Hindi , sapagka&apos;t kami ay magsisitakas na mangangabayo : kaya kayo&apos;y magsisitakas : at , Kami ay magsisisakay sa mga maliksi ; kaya&apos;t silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Isang libo ay tatakas sa saway ng isa ; sa saway ng lima ay tatakas kayo : hanggang sa kayo&apos;y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok , at gaya ng isang watawat sa isang burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dahil dito maghihintay ang Panginoon , upang siya&apos;y maging mapagbiyaya sa inyo , at kaya&apos;t mabubunyi siya , na siya&apos;y magdadalang habag sa inyo : sapagka&apos;t ang Panginoon ay Dios ng kahatulan ; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang bayan ay tatahan sa Sion sa Jerusalem : ikaw ay hindi na iiyak pa ; siya&apos;y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing ; pagka kaniyang maririnig , sasagutin ka niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian , gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo , kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo , na nagsasabi , Ito ang daan , lakaran ninyo ; pagka kayo&apos;y pumipihit sa kanan , at pagka kayo&apos;y pumipihit sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo : iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay : iyong sasabihin , Humayo ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi , na iyong hahasikan ang lupa ; at ng pagkaing bunga ng lupa , at magiging mataba at sagana . Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain , na pinahanginan ng pala at hunkoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok , at sa lahat na matayog na burol , sa araw ng malaking patayan , pagka ang mga moog ay nabubuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bukod dito&apos;y ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw , at ang liwanag ng araw ay magpipito , na gaya ng liwanag ng pitong araw , sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan , at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo , na nagniningas ng kaniyang galit , at nasa umiilanglang na salimuot na usok : ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit , at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang kaniyang hinga ay gaya ng umaapaw na ilog , na umaabot hanggang sa leeg , upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira ; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw ay malalagay sa mga panga ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kayo&apos;y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang ; at kasayahan ng puso , na gaya ng yumayaon na may plauta upang masok sa bundok ng Panginoon , sa malaking Bato ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig , at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig , na may pagkagalit ng kaniyang galit , at ng liyab ng mamumugnaw na apoy , na may bugso ng ulan , at bagyo , at granizo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria , na nananakit ng pamalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At bawa&apos;t hampas ng takdang tungkod , na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya , mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa ; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t ang Topheth ay handa nang malaon ; oo , sa ganang hari ay inihanda ; kaniyang pinalalim at pinalaki : ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy : ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre , ay nagpapaningas ng apoy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong , at nagsisiasa sa mga kabayo ; at nagsisitiwala sa mga karo , sapagka&apos;t marami , at sa mga mangangabayo , sapagka&apos;t mga totoong napakalakas ; nguni&apos;t hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel , o hinahanap man ang Panginoon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gayon ma&apos;y siya&apos;y pantas , at magdadala ng kasamaan , at hindi iuurong ang kaniyang mga salita , kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan , at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga Egipcio nga ay mga tao , at hindi Dios ; at ang kanilang mga kabayo ay laman , at hindi diwa : at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay , siyang tumutulong ay matitisod , at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal , at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon sa akin , Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli , pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya , na hindi siya matatakot sa kanilang tinig , o maduduwag man dahil sa ingay nila : gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion , at sa burol niyaon upang makipaglaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gaya ng mga ibong nagsisilipad gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem ; yao&apos;y kaniyang aampunin at ililigtas , siya&apos;y daraan at iingatan niya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan lubha , Oh mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t sa araw na yaon ay itatapon ng bawa&apos;t tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak , at ang kaniyang mga diosdiosang ginto , na ginawa ng inyong sariling mga kamay , sa ganang inyo ay naging kasalanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung magkagayo&apos;y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak , na hindi sa tao : at ang tabak , na hindi sa mga tao , lalamon sa kaniya : at kaniyang tatakasan ang tabak , at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan , dahil sa kakilabutan , at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak sa watawat , sabi ng Panginoon , na ang kaniyang apoy ay nasa Sion , at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , isang hari ay maghahari sa katuwiran , at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin , at kanlungan sa bagyo , gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako , gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo , at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman , at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan , at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan , upang magsanay ng paglapastangan , at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon , upang alisan ng makakain ang taong gutom , at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama : siya&apos;y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita , pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya ; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y magsibangon , kayong mga babaing tiwasay , at dinggin ninyo ang tinig ko ; ninyong mga walang bahalang anak na babae , pakinggan ninyo ang aking pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo , kayong mga walang bahalang babae : sapagka&apos;t ang ani ng ubas ay magkukulang , ang pagaani ay hindi darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y magsipanginig , kayong mga babaing tiwasay ; kayo&apos;y mangabagabag , kayong mga walang bahala ; kayo&apos;y magsipaghubo , at kayo&apos;y magsipaghubad , at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sila&apos;y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang , dahil sa mabungang puno ng ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag ; oo , sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang bahay-hari ay mapapabayaan ; ang mataong bayan ay magiging ilang ; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man , kagalakan ng mga mailap na asno , pastulan ng mga kawan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas , at ang ilang ay maging mabungang bukid , at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung magkagayo&apos;y tatahan ang kahatulan sa ilang , at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan ; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan , at sa mga tiwasay na tahanan , at sa mga tahimik na dako na pahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t lalagpak ang granizo , sa ikasisira ng gubat ; at ang bayan ay lubos na mawawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig , na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba mo na sumasamsam , at ikaw ay hindi nasamsaman ; at gumagawa na may kataksilan , at sila&apos;y hindi gumawang may kataksilan sa iyo ! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam , ikaw ay sasamsaman ; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan , sila&apos;y gagawang may kataksilan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh Panginoon , magmahabagin ka sa amin ; aming hinintay ka : ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga ; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan ; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod : kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Panginoon ay nahayag ; sapagka&apos;t siya&apos;y tumatahan sa mataas : kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon , kasaganaan ng kaligtasan , karunungan at kaalaman : ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas ; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga lansangan ay sira , ang palalakad na tao ay naglilikat : kaniyang sinira ang tipan , kaniyang hinamak ang mga bayan , hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang lupain ay nananangis at nahahapis : ang Libano ay nahihiya at natutuyo : ang Saron ay gaya ng isang ilang ; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayo&apos;y babangon ako , sabi ng Panginoon ; ngayo&apos;y magpapakataas ako ; ngayo&apos;y magpapakadakila ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y mangaglilihi ng ipa , kayo&apos;y manganganak ng dayami : ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog : gaya ng mga putol na mga tinik , na mga nasusunog sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pakinggan ninyo , ninyong nangasa malayo , kung ano ang aking ginawa ; at kilalanin ninyo , na nangasa malapit , ang aking kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot ; nanginginig ang mga masasama . Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy ? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siyang lumalakad ng matuwid , at nagsasalita ng matuwid ; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian , na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol , na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo , at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya&apos;y tatahan sa mataas , ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato : ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya ; ang kaniyang tubig ay sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan : sila&apos;y tatanaw sa isang lupaing malawak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan : saan nandoon siya na bumibilang , saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis ? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan , ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas , na may ibang wika na hindi mo mauunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tumingin ka sa Sion , ang bayan ng ating mga takdang kapistahan : makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan , isang tabernakulo na hindi makikilos , ang mga tulos niyao&apos;y hindi mangabubunot kailan man , o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan , na dako ng mga maluwang na ilog at batis ; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod , o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay ating hukom , ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan , ang Panginoon ay ating hari ; kaniyang ililigtas tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang iyong mga tali ay nangakalag : hindi nila mapatibay ang kanilang palo , hindi nila mailadlad ang layag : ang huli nga na malaking samsam ay binahagi ; ang pilay ay kumuha ng huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mamamayan ay hindi magsasabi , Ako&apos;y may sakit : ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo&apos;y magsilapit , kayong mga bansa , upang mangakinig ; at dinggin ninyo , ninyong mga bayan : dinggin ng lupa at ng buong narito ; ng sanglibutan , at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa , at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo : kaniyang lubos na nilipol sila , kaniyang ibinigay sila sa patayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kanilang patay naman ay matatapon , at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw , at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol , at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid : at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas , at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang aking tabak ay nalango sa langit : narito , yao&apos;y bababa sa Edom , at sa bayan ng aking sumpa , sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo , tumaba ng katabaan , sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing , sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa : sapagka&apos;t may hain sa Panginoon sa Bosra , at may malaking patayan sa lupain ng Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro , at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo , at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon , na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga batis niya ay magiging sahing , at ang alabok niya ay azufre , at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man ; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man : sa buong panahon ay malalagay na sira ; walang daraan doon magpakailankailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo ; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon : at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito , at ang pabatong pangpawala ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian , nguni&apos;t mawawalan doon ; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio , mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon : at magiging tahanan ng mga chakal , looban ng mga avestruz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo , at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama ; oo , ang malaking kuwago ay tatahan doon , at makakasumpong siya ng dakong pahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Doon maglulungga ang maliksing ahas , at mangingitlog , at mangapipisa , at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim ; oo , doon magpipisan ang mga lawin , bawa&apos;t isa&apos;y kasama ng kaniyang kasamahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon , at inyong basahin : kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang , walang mangangailangan ng kaniyang kasama ; sapagka&apos;t iniutos ng aking bibig , at pinisan sila ng kaniyang Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang pinagsapalaran , at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat : kanilang aariin magpakailan man , sa sali&apos;t saling lahi ay tatahan sila roon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasaya ; at ang ilang ay magagalak , at mamumulaklak na gaya ng rosa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mamumulaklak ng sagana , at magagalak ng kagalakan at awitan ; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon , ang karilagan ng Carmel at ng Saron : kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon , ang karilagan ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Inyong palakasin ang mga mahinang kamay , at patatagin ang mga mahinang tuhod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso , Kayo&apos;y mangagpakatapang , huwag kayong mangatakot : narito , ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti , may kagantihan ng Dios ; siya&apos;y paririto at ililigtas kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung magkagayo&apos;y madidilat ang mga mata ng bulag , at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung magkagayo&apos;y lulukso ang pilay na parang usa , at ang dila ng pipi ay aawit : sapagka&apos;t sa ilang ay bubukal ang tubig , at magkakailog sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa , at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig ; sa tahanan ng mga chakal , na kanilang hinihiligan , magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At magkakaroon doon ng isang lansangan , at ng isang daan , at tatawagin Ang daan ng kabanalan ; ang marumi ay hindi daraan doon ; kundi magiging sa kaniyang bayan : ang mga palalakad na tao , oo , maging ang mga mangmang , ay hindi mangaliligaw roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi magkakaroon ng leon doon , o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop , hindi mangasusumpungan doon ; kundi ang nangatubos ay lalakad doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik , at magsisiparoong nagaawitan sa Sion ; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo : sila&apos;y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan , at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga nang ikalabing apat na taon ng haring Ezechias , na umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda , at pinagsakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinugo ng hari sa Asiria si Rabsaces sa Jerusalem mula sa Lachis sa haring Ezechias , na may malaking hukbo . At siya&apos;y tumayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng lalong mataas na tipunan ng tubig sa lansangan ng parang ng tagapagpaputi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y nilabas siya ni Eliacim na anak ni Hilcias , na katiwala sa bahay , at ni Sebna na kalihim , at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Rabsaces sa kanila , Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias , Ganito ang sabi ng dakilang hari , ng hari sa Asiria , Anong pagasa itong iyong tinitiwalaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking sinasabing ang iyong payo at kalakasan sa pakikidigma ay mga salita lamang na walang kabuluhan : ngayo&apos;y kanino ka tumitiwala na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na tambong lapok , sa makatuwid baga&apos;y sa Egipto , na kung ang sinoman ay sumandal , ay bubutas sa kaniyang kamay , at tatasakan : nagiging gayon si Faraong hari sa Egipto sa lahat na nagsisitiwala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t kung iyong sabihin sa akin , Kami ay nagsisitiwala sa Panginoon naming Dios : hindi baga siya&apos;y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako at ng mga dambana , at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem , Kayo&apos;y magsisisamba sa harap ng dambanang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon nga isinasamo ko sa iyo , na magbigay ka ng mga sanla sa aking panginoon na hari sa Asiria , at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo , kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mananakay sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang kapitan sa pinakamababa sa mga alipin ng aking panginoon , at ilalagak mo ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at dahil sa mga mangangabayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako baga&apos;y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa lupaing ito upang lipulin ? Sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito , at iyong lipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Eliacim , at ni Sebna at ni Joah kay Rabsaces , Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay magsalita sa iyong mga lingkod sa wikang Siria : sapagka&apos;t aming naiintindihan : at huwag kang magsalita sa amin sa wikang Judio , sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t sinabi ni Rabsaces , Sinugo baga ako ng aking panginoon sa iyong panginoon , at sa iyo , upang magsalita ng mga salitang ito ? di baga niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta , upang kumain ng kanilang sariling dumi , at upang uminom ng kanilang tubig na kasama ninyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y tumayo si Rabsaces , at humiyaw ng malakas na tinig sa wikang Judio , at nagsabi : Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari , ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito ang sabi ng hari , Huwag kayong padaya kay Ezechias ; sapagka&apos;t hindi niya maililigtas kayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">O patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon , na sabihin : Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon ; ang bayang ito ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag ninyong dinggin si Ezechias : sapagka&apos;t ganito ang sabi ng hari sa Asiria , Makipagpayapaan kayo sa akin , at labasin ninyo ako ; at kumain ang bawa&apos;t isa sa inyo sa kaniyang puno ng ubas , at ang bawa&apos;t isa sa kaniyang puno ng igos , at inumin ng bawa&apos;t isa sa inyo ang tubig ng kaniyang sariling balon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hanggang sa ako&apos;y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain , na lupain ng trigo at ng alak , na lupain ng tinapay at ng mga ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag kayong pahikayat kay Ezechias , na sabihin , Ililigtas tayo ng Panginoon . Nagligtas baga ang sinoman sa mga dios ng mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Saan nandoon ang mga dios ng Hamath at ng Arphad ? saan nandoon ang mga dios ng Sephar-vaim ? iniligtas baga nila ang Samaria sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupaing ito , ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay , na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t sila&apos;y nagsitahimik , at hindi nagsisagot sa kaniya ng kahit isang salita : sapagka&apos;t iniutos nga ng hari na sinasabi , Huwag ninyong sagutin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias , na siyang tagapamahala sa bahay , at si Sebna na kalihim at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni , kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak , at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang marinig ng haring Ezechias ay hinapak niya ang kaniyang mga suot , at nagbalot ng kayong magaspang , at pumasok sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinugo si Eliacim , na katiwala sa bahay , at si Sebna na kalihim , at ang mga matanda sa mga saserdote , na may balot na kayong magaspang , kay Isaias na propeta na anak ni Amoz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi nila sa kaniya , Ganito ang sabi ni Ezechias , Ang araw na ito ay kaarawan ng kabagabagan , at ng pagsaway , at ng paghamak : sapagka&apos;t ang mga anak ay dumating sa kapanganakan , at walang kalakasang ipanganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Marahil ay pakikinggan ng Panginoon mong Dios ang mga salita ni Rabsaces , na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios , at sansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios : kaya&apos;t ilakas mo ang iyong dalangin dahil sa nalabi na naiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay naparoon kay Isaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Isaias sa kanila , Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon , Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig , na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , ako&apos;y maglalagay ng espiritu sa kaniya , at siya&apos;y makakarinig ng kaingay , at babalik sa kaniyang sariling lupain ; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y bumalik si Rabsaces , at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna : sapagka&apos;t nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang narinig na sinabi tungkol kay Tirhakah na hari sa Etiopia , Siya&apos;y lumabas upang makipaglaban sa iyo . At nang kaniyang marinig , siya&apos;y nagsugo ng mga sugo kay Ezechias , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda , na sasabihin , Huwag kang padaya sa iyong Dios na iyong tinitiwalaan , na sabihin , Ang Jerusalem ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain , na yao&apos;y sinira ng lubos : at maliligtas ka baga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iniligtas baga sila ng mga dios ng mga bansa , na siyang nilipol ng aking mga magulang , gaya ng Gozan , ng Haran ; at ng Rezeph , at ng mga anak ni Eden , na nangasa Thelasar ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Saan nandoon ang hari sa Hamath , at ang hari sa Arphad , at ang hari ng bayan ng Sepharvaim , ng Henah , at ng Hivah ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo , at binasa : at umahon si Ezechias sa bahay ng Panginoon , at binuklat sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Ezechias ay dumalangin sa Panginoon , na kaniyang sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oh Panginoon ng mga hukbo , na Dios ng Israel , na nakaupo sa mga kerubin , ikaw ang Dios , ikaw lamang , sa lahat ng kaharian sa lupa ; ikaw ang gumawa ng langit at lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ikiling mo ang iyong pakinig , Oh Panginoon , at iyong dinggin ; idilat mo ang iyong mga mata , Oh Panginoon , at tumingin ka ; at pakinggan mo ang lahat na salita ni Sennacherib , na kaniyang ipinasabi upang ipanungayaw sa buhay na Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa katotohanan , Panginoon , ang lahat na bansa ay sinira ng mga hari sa Asiria at ang kanikanilang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At inihagis ang kanikanilang mga dios sa apoy : sapagka&apos;t sila&apos;y hindi mga dios , kundi mga gawa ng mga kamay ng mga tao , kahoy at bato ; kaya&apos;t kanilang sinira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon nga , Oh Panginoon naming Dios , iligtas mo kami sa kaniyang kamay , upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa , na ikaw ang Panginoon , ikaw lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Isaias na anak ni Amoz kay Ezechias , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya : Hinamak ka ng anak na dalaga ng Sion , at tinawanan kang mainam ; iginalaw ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw ? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas ? laban nga sa Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay iyong pinulaan ang Panginoon , at nagsabi ka , Sa karamihan ng aking mga karo ay nakaahon ako sa kataasan ng mga bundok , sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano ; at aking puputulin ang mga matayog na cedro niyaon , at ang mga piling puno ng abeto niyaon : at ako&apos;y papasok sa pinakataluktok na kataasan , ng gubat ng kaniyang mabuting bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako&apos;y humukay at uminom ng tubig , at aking tutuyuin ng talampakan ng aking mga paa ang lahat ng mga ilog ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Hindi mo baga nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na , at aking pinanukala ng una ? ngayo&apos;y aking pinapangyari , upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guhong bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan , sila&apos;y nanganglupaypay at nangatulig ; sila&apos;y parang damo sa bukid , at sariwang gugulayin , parang damo sa mga bubungan , at parang bukid ng trigo bago tumaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t talastas ko ang iyong pagupo , at ang iyong paglabas , at ang iyong pagpasok , at ang iyong galit laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Dahil sa iyong galit laban sa akin , at dahil sa iyong kapalaluan ay nanuot sa aking mga pakinig , kaya&apos;t ilalagay ko ang aking taga ng bingwit sa iyong ilong , at ang aking paningkaw sa iyong mga labi , at pababalikin kita sa daan na iyong pinanggalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ito ang magiging tanda sa iyo : kayo&apos;y magsisikain sa taong ito ng tumutubo sa kaniyang sarili , at sa ikalawang taon ay ng tumubo doon ; at sa ikatlong taon ay kayo&apos;y mangaghasik , at magsiani , at mangagtanim ng mga ubasan , at kumain ng bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang nalabi na nakatanan sa sangbahayan ni Juda ay maguugat uli sa ilalim , at magbubunga sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t sa Jerusalem ay lalabas ang nalabi , at mula sa bundok ng Sion ay silang magtatanan . Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari sa Asiria , Siya&apos;y hindi paririto sa bayang ito o magpapahilagpos man ng pana diyan , o haharap man siya diyan na may kalasag , o mahahagis ang bunton laban diyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa daan na kaniyang pinanggalingan , doon din siya babalik , at hindi siya paririto sa bayang ito , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas , dahil sa akin , at dahil sa aking lingkod na si David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang anghel ng Panginoon ay lumabas , at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu&apos;t limang libo : at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan , narito , ang lahat ay mga katawang bangkay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sa gayo&apos;y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria , at yumaon at umuwi , at tumahan sa Ninive ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nangyari , nang siya&apos;y sumasamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios , na sinugatan siya ng tabak ni Adremelech at ni Sarezer na kaniyang mga anak at sila&apos;y nagtanan sa lupain ng Ararat . At si Esarhadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias . At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ayusin mo ang iyong sangbahayan ; sapagka&apos;t ikaw ay mamamatay , at hindi mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig , at nanalangin sa Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsabi , Idinadalangin ko sa iyo ; Oh Panginoon , na iyong alalahanin , kung paanong ako&apos;y lumakad sa harap mo sa katotohanan , at may dalisay na puso , at gumawa ng mabuti sa iyong paningin . At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ikaw ay yumaon , at sabihin mo kay Ezechias , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ni David na iyong magulang , Aking dininig ang iyong panalangin , aking nakita ang iyong mga luha : narito , aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria : at aking ipagsasanggalang ang bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon , na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , aking ipauurong ang anino sa mga baytang , ng sangpung baytang , na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw , Sa gayo&apos;y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda , nang siya&apos;y magkasakit , at gumaling sa kaniyang sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Aking sinabi , Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol : Ako&apos;y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking sinabi , hindi ko makikita ang Panginoon , ang Panginoon sa lupain ng buhay : Hindi ko na makikita pa ang tao , na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang tirahan ko&apos;y inaalis , at dinadala na gaya ng tolda ng pastor : Aking pinupulon ang aking buhay , na gaya ng pagpupulon ng manghahabi ; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan : Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako&apos;y tumigil hanggang sa kinaumagahan ; katulad ng leon , gayon niya binabali ang lahat kong mga buto : Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gaya ng langaylangayan o ng tagak , humihibik ako ; Ako&apos;y tumangis na parang kalapati : ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala ; Oh Panginoon , ako&apos;y napipighati , ikaw nawa&apos;y maging tangulan sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anong aking sasabihin ? siya&apos;y nagsalita sa akin , at kaniya namang ginawa : Ako&apos;y yayaong marahan lahat kong taon , dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oh Panginoon , sa pamamagitan ng mga bagay na ito , nabubuhay ang mga tao ; At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa : Kaya&apos;t pagalingin mo ako , at ako&apos;y iyong buhayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Narito , sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap : Nguni&apos;t ikaw , sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan ; Sapagka&apos;t iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t hindi ka maaring purihin ng Sheol , hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan ! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang buhay , ang buhay , siya&apos;y pupuri sa iyo , gaya ng ginagawa ko sa araw na ito : Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako : Kaya&apos;t aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad , Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi nga ni Isaias , Magsikuha sila ng isang binilong igos , at ilagay na pinakatapal sa bukol , at siya&apos;y gagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi rin ni Ezechias , Ano ang tanda na ako&apos;y sasampa sa bahay ng Panginoon ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahong yaon si Merodachbaladan na anak ni Baladan , na hari sa Babilonia , ay nagpadala ng mga sulat at isang kaloob kay Ezechias : sapagka&apos;t nabalitaan niya na siya&apos;y nagkasakit , at gumaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Ezechias ay natuwa sa kanila , at ipinakita sa kanila ang bahay ng kaniyang mahalagang bagay , ang pilak , at ang ginto , at ang mga especia , at ang mahalagang langis , at ang buong bahay na kaniyang sakbatan , at lahat na nandoon sa kaniyang mga kayamanan : walang bagay sa kaniyang bahay , o sa buong sakop man niya , na hindi ipinakita ni Ezechias sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y dumating si Isaias na propeta sa haring Ezechias , at nagsabi sa kaniya , Anong sinabi ng mga lalaking ito ? at saan nanggaling na nagsiparito sila sa iyo ? At sinabi ni Ezechias , Sila&apos;y nagsiparito sa akin mula sa malayong lupain , sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Anong kanilang nakita sa iyong bahay ? At sumagot si Ezechias , Lahat ng nangasa aking bahay ay kanilang nakita : walang anomang bagay sa aking mga kayamanan na hindi ko ipinakita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Isaias kay Ezechias , Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , na ang lahat na nangasa iyong bahay , at ang mga tinangkilik ng iyong mga magulang hanggang sa kaarawang ito , dadalhin sa Babilonia : walang maiiwan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa iyong mga anak na magmumula sa iyo , na ipanganganak sa iyo , ay kanilang dadalhin ; at sila&apos;y magiging mga bating sa bahay ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Ezechias kay Isaias , Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita . Kaniyang sinabi bukod dito , Sapagka&apos;t magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Inyong aliwin , inyong aliwin ang aking bayan , sabi ng inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem ; at sigawan ninyo siya , na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap , na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad , sapagka&apos;t siya&apos;y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang tinig ng isang sumisigaw , Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bawa&apos;t libis ay mataas , at bawa&apos;t bundok at burol ay mabababa ; at ang mga bakobako ay matutuwid , at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag , at makikitang magkakasama ng lahat na tao , sapagka&apos;t sinalita ng bibig ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang tinig ng isang nagsasabi , Ikaw ay dumaing . At sinabi ng isa , Ano ang aking idadaing ? Lahat ng laman ay damo , at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang damo ay natutuyo , at ang bulaklak ay nalalanta , sapagka&apos;t ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon ; tunay na ang bayan ay damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang damo ay natutuyo , ang bulaklak ay nalalanta ; nguni&apos;t ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion , sumampa ka sa mataas na bundok ; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem , ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan ; ilakas mo , huwag kang matakot ; sabihin mo sa mga bayan ng Juda , Tingnan ang inyong Dios !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Narito , ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan , at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya : Narito , ang kaniyang ganting pala ay dala niya , at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan , na gaya ng pastor , kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay , at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan , at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kaniyang kamay , at sumukat sa langit ng dangkal , at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal , at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang , at ng mga burol sa timbangan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinong pumatnubay ng Espiritu ng Panginoon , o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kanino siya kumuhang payo , at sinong nagsaysay sa kaniya , at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan , at nagturo sa kaniya ng kaalaman , at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba , inaari na parang munting alabok sa timbangan : narito , kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang Libano ay hindi sukat upang sunugin , ni ang mga hayop niyaon ay sukat na pinakahandog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Lahat ng mga bansa ay parang walang anoman sa harap niya ; nangabilang sa kaniya na kulang kay sa wala , at walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kanino nga ninyo itutulad ang Dios ? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang larawang inanyuan na binubo ng mangbububo , at binabalot ng ginto ng platero , at binubuan ng mga pilak na kuwintas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok ; siya&apos;y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang ihandang larawang inanyuan , na hindi makikilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ba ninyo naalaman ? hindi ba ninyo narinig ? hindi ba nasaysay sa inyo mula ng una ? hindi ba nasaysay sa inyo bago nalagay ang mga patibayan ng lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa , at ang mga nananahan doon ay parang mga balang ; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing , at inilaladlad na parang tolda upang tahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na iniuuwi sa wala ang mga pangulo ; siyang umaaring tila walang kabuluhan sa mga hukom sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Oo , sila&apos;y hindi nangatanim ; oo , sila&apos;y hindi nangahasik ; oo , ang kanilang puno ay hindi nagugat sa lupa : bukod dito&apos;y humihihip siya sa kanila , at sila&apos;y nangatutuyo , at tinatangay sila ng ipoipo na gaya ng dayami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kanino nga ninyo itutulad ako , upang makaparis ako niya ? sabi ng Banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas , at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito , na tinutuos ang kanilang hukbo ayon sa bilang ; tinatawag niya sila sa pangalan ; sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan , at dahil sa siya&apos;y malakas sa kapangyarihan ay walang nagkukulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Bakit sinasabi mo , Oh Jacob , at sinasalita mo , Oh Israel , Ang daan ko ay lingid sa Panginoon , at nilalagpasan ng aking Dios ang kahatulan ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Hindi mo baga naalaman ? hindi mo baga narinig ? ang walang hanggang Dios , ang Panginoon , ang Maylalang ng mga wakas ng lupa , hindi nanlalata , o napapagod man ; walang makatarok ng kaniyang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Siya&apos;y nagbibigay ng lakas sa mahina ; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod , at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas ; sila&apos;y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila ; sila&apos;y magsisitakbo , at hindi mangapapagod ; sila&apos;y magsisilakad , at hindi manganghihina .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "41">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magsitahimik kayo sa harap ko , Oh mga pulo ; at mangagbagong lakas ang mga bayan : magsilapit sila ; saka mangagsalita sila ; tayo&apos;y magsilapit na magkakasama sa kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan , na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan ? siya&apos;y nagbigay ng mga bansa sa harap niya , at pinagpuno niya siya sa mga hari ; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak , na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang hinahabol sila , at nagpatuloy na tiwasay , sa makatuwid baga&apos;y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinong gumawa at yumari , na tumawag ng mga sali&apos;t saling lahi mula ng una ? Akong Panginoon , ang una , at kasama ng huli , ako nga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nakita ng mga pulo , at nangatakot ; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig : sila&apos;y nagsilapit , at nagsiparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y tumutulong bawa&apos;t isa sa kaniyang kapuwa ; at bawa&apos;t isa&apos;y nagsasabi sa kaniyang kapatid , Ikaw ay magpakatapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto , at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan , na sinasabi tungkol sa paghinang , Mabuti , at kaniyang inilalapat ng mga pako , upang huwag makilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ikaw , Israel , lingkod ko , Jacob na siyang aking pinili , na binhi ni Abraham na aking kaibigan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa , at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon , at pinagsabihan kita , Ikaw ay aking lingkod , aking pinili ka at hindi kita itinakuwil ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag kang matakot , sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo ; huwag kang manglupaypay , sapagka&apos;t ako&apos;y iyong Dios ; aking palalakasin ka ; oo , aking tutulungan ka ; oo , aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito : silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iyong hahanapin sila , at hindi mo mangasusumpungan , sa makatuwid baga&apos;y silang nangakikipaglaban sa iyo : silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw , at gaya ng bagay ng wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t akong Panginoon mong Dios , ay hahawak ng iyong kanang kamay , na magsasabi sa iyo , Huwag kang matakot ; aking tutulungan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag kang matakot , ikaw na uod na Jacob , at kayong mga tao ng Israel ; aking tutulungan ka , sabi ng Panginoon , at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin ; iyong gigiikin ang mga bundok , at didikdiking durog , at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Iyong pahahanginan , at tatangayin ng hangin , at pangangalatin ng ipoipo : at ikaw ay magagalak sa Panginoon , ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig , at wala , at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw ; akong Panginoon ay sasagot sa kanila , akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ako&apos;y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan , at mga bukal sa gitna ng mga libis : aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig , at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Aking itatanim sa ilang ang cedro , ang puno ng acacia , at ang arayan , at ang olivo ; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto , at ang pino , at ang boj na magkakasama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang sila&apos;y makakita at makaalam , at makagunita , at makatalos na magkakasama , na ginawa ito ng kamay ng Panginoon , at nilikha ng Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Iharap ninyo ang inyong usap , sabi ng Panginoon ; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid , sabi ng Hari ng Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ilabas nila , at ipahayag sa amin kung anong mangyayari : ipahayag ninyo ang mga dating bagay , maging anoman ang mga yaon , upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila : o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos , upang aming maalaman na kayo&apos;y mga dios ; oo , kayo&apos;y magsigawa ng mabuti , o magsigawa ng kasamaan , upang kami ay mangawalan ng loob , at mamasdan naming magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Narito , kayo&apos;y sa wala , at ang inyong gawa ay sa wala : kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">May ibinangon ako mula sa hilagaan , at siya&apos;y dumating ; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan : at siya&apos;y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento , at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman ? at nang una , upang aming masabi , Siya&apos;y matuwid ? oo , walang magpahayag , oo , walang magpakita , oo , walang duminig ng inyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ako&apos;y unang magsasabi sa Sion , Narito , narito sila ; at ako&apos;y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At pagka ako&apos;y tumitingin , walang tao ; sa gitna nila ay walang tagapayo , na makasagot ng isang salita , pagka ako&apos;y tumatanong sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Narito , silang lahat , ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "42">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , ang aking lingkod , na aking inaalalayan ; ang aking hinirang , na kinalulugdan ng aking kaluluwa ; isinakaniya ko ang aking Espiritu ; siya&apos;y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y hindi hihiyaw , o maglalakas man ng tinig , o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin , ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin : siya&apos;y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siya&apos;y hindi manglulupaypay o maduduwag man , hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa ; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon , na lumikha ng langit , at nagladlad ng mga yaon ; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito ; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito , at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako , ang Panginoon , ay tumawag sa iyo sa katuwiran , at hahawak ng iyong kamay , at magiingat sa iyo , at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan , na pinakaliwanag sa mga bansa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang magdilat ng mga bulag na mata , upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan , at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ako ang Panginoon ; na siyang aking pangalan : at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba , o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , ang mga dating bagay ay nangyayari na , at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko : bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit , at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa ; kayong nagsisibaba sa dagat , at ang buong nariyan , ang mga pulo , at mga nananahan doon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon , ang mga nayon na tinatahanan ng Cedar : magsiawit ang mga nananahan sa Selah , magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon , at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake ; siya&apos;y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma : siya&apos;y hihiyaw , oo , siya&apos;y hihiyaw ng malakas ; siya&apos;y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y tumahimik ng malaon ; ako&apos;y hindi kumibo , at nagpigil ako : ngayo&apos;y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae ; ako&apos;y manggigiba at mananakmal na paminsan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Aking gagawing giba ang mga bundok at mga burol , at tutuyuin ko ang lahat nilang mga pananim ; at gagawin kong mga pulo ang mga ilog , at aking tutuyuin ang mga lawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman ; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila ; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila , at mga likong daan ang matuwid . Ang mga bagay na ito ay aking gagawin , at hindi ko kalilimutan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y mangapapaurong , sila&apos;y mangapapahiyang mainam , na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan , na nangagsasabi sa mga larawang binubo , Kayo&apos;y aming mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Makinig kayong mga bingi ; at tumingin kayong mga bulag , upang kayo&apos;y mangakakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sino ang bulag kundi ang aking lingkod ? o ang bingi , na gaya ng aking sugo na aking sinusugo ? sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan sa akin , at bulag na gaya ng lingkod ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay nakakakita ng maraming bagay , nguni&apos;t hindi mo binubulay ; ang kaniyang mga tainga ay bukas , nguni&apos;t hindi niya dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kaniyang katuwiran , na dakilain ang kautusan , at gawing marangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam ; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay , at sila&apos;y nangakubli sa mga bilangguan : sila&apos;y pinaka huli at walang magligtas ; pinaka samsam , at walang magsabi , Iyong papanumbalikin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito ? na makikinig at didinig para sa panahong darating ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sino ang nagbigay ng Jacob na pinaka samsam , at ng Israel sa mga magnanakaw ? di baga ang Panginoon ? na laban sa kaniya ay nangagkasala tayo , at sa mga daan niya ay hindi sila nagsilakad , o naging masunurin man sila sa kaniyang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya&apos;t ibinugso niya sa kaniya ang pusok ng kaniyang galit , at ang lakas ng pakikipagbaka ; at sinulsulan siya ng apoy sa palibot , gayon ma&apos;y hindi niya naalaman ; at sinunog siya , gayon ma&apos;y hindi siya naglagak ng kalooban .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "43">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t ngayo&apos;y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo , Oh Jacob , at naganyo sa iyo , Oh Israel , Ikaw ay huwag matakot , sapagka&apos;t tinubos kita ; tinawag kita sa iyong pangalan , ikaw ay akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig , ako&apos;y sasaiyo ; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon : pagka ikaw ay lumalakad sa apoy , hindi ka masusunog ; o magniningas man ang alab sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ako ang Panginoon mong Dios , ang Banal ng Israel , ang Tagapagligtas sa iyo ; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto , ang Etiopia at ang Seba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin , at kagalanggalang , at aking inibig ka ; kaya&apos;t magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo , at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag kang matakot , sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo : aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan , at pipisanin kita mula sa kalunuran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking sasabihin sa hilagaan , Bayaan mo , at sa timugan , Huwag mong pigilin ; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo , at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bawa&apos;t tinatawag sa aking pangalan , at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian , yaong aking inanyuan oo , yaong aking ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata , at ang bingi may mga tainga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mapisan ang lahat na bansa , at magpulong ang mga bayan : sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito , at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay ? dalhin nila ang kanilang mga saksi , upang sila&apos;y mapatotohanan : o dinggin nila , at magsabi , Katotohanan nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y aking mga saksi , sabi ng Panginoon , at aking lingkod na aking pinili : upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin , at inyong matalastas na ako nga ; walang Dios na inanyuan na una sa akin , o magkakaroon man pagkatapos ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako , sa makatuwid baga&apos;y ako , ang Panginoon ; at liban sa akin ay walang tagapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako&apos;y nagpahayag , at ako&apos;y nagligtas , at ako&apos;y nagpakilala , at walang ibang dios sa gitna ninyo : kaya&apos;t kayo ang aking mga saksi , sabi ng Panginoon , at ako ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oo , mula nang magkaroon ng araw ay ako nga ; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay : ako&apos;y gagawa , at sinong pipigil ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito ang sabi ng Panginoon , na inyong Manunubos , na Banal ng Israel , Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia , at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy , sa makatuwid baga&apos;y ang mga Caldeo , sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako ang Panginoon , na inyong Banal , ang Maylalang ng Israel , na inyong Hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng Panginoon , na gumagawa ng daan sa dagat , ng landas sa mga malawak na tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na pinalabas ang karo at kabayo , ang hukbo at ang kapangyarihan ( sila&apos;y nangahihigang magkakasama , sila&apos;y hindi na magsisibangon ; sila&apos;y nangamamatay na parang timsim ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay , o bulayin man ang mga bagay ng una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , ako&apos;y gagawa ng bagong bagay ; ngayon yao&apos;y lalabas ; hindi baga ninyo malalaman yaon ? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal , at mga ilog sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pararangalan ako ng mga hayop sa parang , ng mga chakal at ng mga avestruz : sapagka&apos;t ako&apos;y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal , at ng mga ilog sa ilang , upang painumin ang aking bayan , na aking pinili ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang bayan , na aking inanyuan para sa aking sarili , upang kanilang maihayag ang aking kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y hindi ka tumawag sa akin , Oh Jacob ; kundi ikaw ay nayamot sa akin , Oh Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa&apos;t kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin ; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain . Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog , o niyamot man kita ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi , o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain : kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan , iyong niyamot ako ng iyong mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako , ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin ; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ipaalaala mo ako ; tayo&apos;y kapuwa magkatuwiranan : ilabas mo ang iyong usap , upang ikaw ay mapatotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang iyong pangunang ama ay nagkasala , at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario , at gagawin kong sumpa ang Jacob , at isang kadustaan ang Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "44">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Gayon ma&apos;y dinggin mo ngayon , Oh Jacob na aking lingkod , at Israel , na aking pinili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo , at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata , na siyang tutulong sa iyo ; Ikaw ay huwag matakot , Oh Jacob na aking lingkod ; at ikaw Jeshurun , na aking pinili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw , at ng mga bukal ang tuyong lupa ; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi , at ang aking pagpapala sa iyong suwi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y sisibol sa gitna ng damo , gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sasabihin ng isa , Ako&apos;y sa Panginoon ; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob ; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon , at magpapamagat ng pangalan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Hari ng Israel , at ng kaniyang Manunubos , na Panginoon ng mga hukbo , Ako ang una , at ako ang huli ; at liban sa akin ay walang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sino , na gaya ko , tatawag , at magpapahayag , at magaayos sa ganang akin , mula nang aking itatag ang matandang bayan ? at ang mga bagay na dumarating , at ang mangyayari , ay ipahahayag nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo&apos;y huwag mangatakot , o magsipangilabot man : hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una , at ipinakilala ? at kayo ang aking mga saksi . May Dios baga liban sa akin ? oo , walang malaking Bato ; ako&apos;y walang nakikilalang iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat ; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan : at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita , o nangakakaalam man : upang sila&apos;y mangapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sino ang naganyo sa isang dios , o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , lahat niyang kasama ay mangapapahiya ; at ang mga manggagawa ay sa mga tao : mapisan sila , magsitayo sila ; sila&apos;y mangatatakot , sila&apos;y mangahihiyang magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol , at gumagawa sa mga baga , at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok , at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig : oo , siya&apos;y gutom , at ang kaniyang lakas ay nawawala ; siya&apos;y hindi umiinom ng tubig , at pata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat ; kaniyang tinatandaan ng lapis ; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam , at kaniyang tinatandaan ng mga kompas , at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao , ayon sa kagandahan ng tao , upang tumahan sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro , at kumukuha ng puno ng roble at ng encina , at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat : siya&apos;y nagtatanim ng puno ng abeto , at yao&apos;y kinakandili ng ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung magkagayo&apos;y ilalaan sa tao upang ipanggatong ; at kumukuha siya niyaon , at nagpapainit ; oo , kaniyang pinaliliyaban yaon , at ipinagluluto ng tinapay : oo , kaniyang ginagawang isang dios , at sinasamba ; ginagawa niyang larawang inanyuan , at pinagpapatirapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy ; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne ; siya&apos;y nagiihaw ng iihawin , at nabubusog : oo , siya&apos;y nagpapainit , at nagsasabi , Aha , ako&apos;y naiinitan , aking nakita ang apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios , sa makatuwid baga&apos;y kaniyang larawang inanyuan : kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba , at dinadalanginan , at nagsasabi , Iligtas mo ako ; sapagka&apos;t ikaw ay aking dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi sila mangakakaalam , o nagsisigunita man : sapagka&apos;t ipinikit niya ang kanilang mga mata , upang sila&apos;y huwag mangakakita ; at ang kanilang mga puso , upang huwag silang mangakaunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman , o unawa upang magsabi , Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy ; oo , ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon ; ako&apos;y nagihaw ng karne at kinain ko : at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam ? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Siya&apos;y kumain ng abo : iniligaw siya ng nadayang puso , at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa , o makapagsabi , Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Iyong alalahanin ang mga bagay na ito , Oh Jacob , at Israel ; sapagka&apos;t ikaw ay aking lingkod : aking inanyuan ka ; ikaw ay aking lingkod : Oh Israel , ikaw ay hindi ko malilimutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang , at , parang alapaap , ang iyong mga kasalanan : manumbalik ka sa akin ; sapagka&apos;t tinubos kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Magsiawit , Oh kayong mga langit , sapagka&apos;t nilikha ng Panginoon ; kayo&apos;y magsihiyaw , mga lalong mababang bahagi ng lupa : kayo&apos;y magbiglang magsiawit , kayong mga bundok , Oh gubat , at bawa&apos;t punong kahoy na nandiyan : sapagka&apos;t tinubos ng Panginoon ang Jacob , at magpapakaluwalhati sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng iyong Manunubos , at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata , Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay ; na naglaladlad , na magisa ng langit ; na naglalatag ng lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling , at nagpapaging ulol sa mga manghuhula ; na nagpapaurong sa mga pantas , at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod , at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo ; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem , Siya&apos;y tatahan ; at tungkol sa mga bayan ng Juda , Mangatatayo , at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na nagsasabi sa kalaliman , Ikaw ay matuyo , at aking tutuyuin ang iyong mga ilog ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na nagsasabi tungkol kay Ciro , Siya&apos;y aking pastor , at isasagawa ang lahat kong kaligayahan : na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem , Siya&apos;y matatayo ; at sa templo , Ang iyong patibayan ay malalagay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "45">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis , kay Ciro , na ang kanang kamay ay aking hinawakan , upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya ; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari ; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya , at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y magpapauna sa iyo , at , papatagin ko ang mga bakobakong dako : aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso , at aking puputulin ang mga halang na bakal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman , at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako , upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan , sa makatuwid baga&apos;y ang Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dahil sa Jacob na aking lingkod , at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan : aking pinamagatan ka , bagaman hindi mo nakilala ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako ang Panginoon , at walang iba ; liban sa akin ay walang Dios . Aking bibigkisan ka , bagaman hindi mo ako nakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw , at mula sa kalunuran , na walang iba liban sa akin : ako ang Panginoon , at walang iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking inilalagay ang liwanag , at nililikha ko ang kadiliman ; ako&apos;y gumagawa ng kapayapaan , at lumilikha ako ng kasamaan ; ako ang Panginoon , na gumagawa ng lahat na bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maghulog , oh kayong mga langit mula sa itaas , at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran : bumuka ang lupa , upang maglabas siya ng kaligtasan , at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon ; akong Panginoon ang lumikha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa aba niya , na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya ! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa ! Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya , Anong ginagawa mo ? o ang iyong gawa , Siya&apos;y walang mga kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa aba niya na nagsasabi sa ama , Ano ang naging anak mo ? o sa babae , Ano ang ipinagdamdam mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Banal ng Israel , at ng May-lalang sa kaniya , Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating ; tungkol sa aking mga anak , at tungkol sa gawa ng aking mga kamay , magutos kayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Aking ginawa ang lupa , at nilalang ko ang tao rito : ako , sa makatuwid baga&apos;y ang aking mga kamay , nagladlad ng langit , at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Aking ibinangon siya sa katuwiran , at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad ; kaniyang itatayo ang aking bayan , at kaniyang palalayain ang aking mga natapon , hindi sa halaga o sa kagantihan man , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang yari ng Egipto , at ang kalakal ng Etiopia , at ang mga Sabeo , sa mga taong matatangkad , ay magsisiparito sa iyo , at sila&apos;y magiging iyo ; sila&apos;y magsisisunod sa iyo , sila&apos;y magsisidaang may tanikala ; at sila&apos;y mangagpapatirapa sa iyo , sila&apos;y magsisipamanhik sa iyo , na mangagsasabi , Tunay na ang Dios ay nasa iyo ; at walang ibang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli , Oh Dios ng Israel , na Tagapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y mangapapahiya , oo , mangalilito silang lahat ; sila&apos;y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan : kayo&apos;y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit , na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon , na kaniyang itinatag , at hindi niya nilikha na sira , na kaniyang inanyuan upang tahanan : ako ang Panginoon ; at wala nang iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ako&apos;y hindi nagsalita ng lihim , sa dako ng lupain ng kadiliman ; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob , Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan : akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran , ako&apos;y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kayo&apos;y mangagpipisan at magsiparito ; magsilapit kayong magkakasama , kayong mga nakatanan sa mga bansa : sila&apos;y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan , at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kayo&apos;y mangagpahayag , at mangagpasapit ; oo , magsanggunian silang magkakasama : sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon ? sinong nagpahayag niyaon nang una ? hindi baga ang Panginoon ? at walang Dios liban sa akin : isang ganap na Dios at Tagapagligtas ; walang iba liban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kayo&apos;y magsitingin sa akin , at kayo&apos;y mangaligtas , lahat na taga wakas ng lupa : sapagka&apos;t ako&apos;y Dios , at walang iba liban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ako&apos;y sumumpa ng aking sarili , ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran , at hindi babalik , na sa akin ay luluhod ang bawa&apos;t tuhod , bawa&apos;t dila ay susumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa Panginoon lamang , sasabihin ng isa tungkol sa akin , ang katuwiran at kalakasan : sa makatuwid baga&apos;y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao , at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel , at luluwalhati .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "46">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Bel ay nagpapatirapa , sa Nebo ay yumuyukod ; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop , at sa ibabaw ng mga baka : ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sila&apos;y yumuyukod , sila&apos;y nangagpapatirapang magkakasama ; hindi nila maiwasan ang pasan , kundi sila ma&apos;y napapasok sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Inyong dinggin ako , Oh sangbahayan ni Jacob , at lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel , na kinalong ko mula sa tiyan , na dala mula sa bahay-bata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At hanggang sa katandaan ay ako nga , at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita ; aking ginawa , at aking dadalhin ; oo , aking dadalhin , at aking ililigtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kanino ninyo ako itutulad , at ipaparis , at iwawangis ako , upang kami ay magkagaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y dumudukot ng maraming ginto sa supot , at tumitimbang ng pilak sa timbangan , sila&apos;y nagsisiupa ng panday-ginto , at kaniyang ginagawang dios ; sila&apos;y nangagpapatirapa , oo , sila&apos;y nagsisisamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pinapasan nila siya sa balikat , dinadala nila siya , at inilalagay siya sa kaniyang dako , at siya&apos;y nakatayo ; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos : oo , may dadaing sa kaniya , gayon ma&apos;y hindi siya makasasagot , o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Inyong alalahanin ito , at mangagpakalalake kayo : isaisip ninyo uli , Oh ninyong mga mananalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una : sapagka&apos;t ako&apos;y Dios , at walang iba liban sa akin ; ako&apos;y Dios , at walang gaya ko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula , at mula nang mga unang panahon , ng mga bagay na hindi pa nangyayari ; na nagsasabi , Ang payo ko ay mananayo , at gagawin ko ang aking buong kaligayahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan , ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain ; oo , aking sinalita , akin namang papangyayarihin ; aking , pinanukala , akin namang gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Inyong dinggin ako , ninyong may mapagmatigas na loob ; na malayo sa katuwiran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Aking inilalapit ang aking katuwiran , hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat : at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "47">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ikaw ay bumaba , at umupo sa alabok , Oh anak na dalaga ng Babilonia ; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan , Oh anak na babae ng mga Caldeo : sapagka&apos;t hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato , at gumiling ka ng harina ; magalis ka ng iyong lambong , maghubad ka ng balabal , maglitaw ka ng binti , tumawid ka sa mga ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang iyong kahubaran ay malilitaw , oo , ang iyong kahihiyan ay makikita , ako&apos;y manghihiganti , at hindi tatangi ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aming Manunubos , ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya , ang Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Maupo kang tahimik , at masok ka sa kadiliman , Oh anak na babae ng mga Caldeo : sapagka&apos;t hindi ka na tatawagin . Ang mahal na babae ng mga kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y napoot sa aking bayan , aking dinumhan ang aking mana , at ibinigay ko sa iyong kamay : hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan ; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong sinabi , Ako&apos;y magiging mahal na babae magpakailan man : na anopa&apos;t hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban , o inalaala mo man ang huling wakas nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon nga&apos;y dinggin mo ito , ikaw na hinati sa mga kalayawan , na tumatahang matiwasay , na nagsasabi sa kaniyang puso , Ako nga , at walang iba liban sa akin ; hindi ako uupong gaya ng babaing bao , o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali , sa isang araw , ang pagkawala ng mga anak at pagkabao ; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo , sa karamihan ng iyong panggagaway , at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan ; iyong sinabi , Walang nakakakita sa akin ; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman , nagpaligaw sa iyo : at iyong sinabi sa iyong puso , Ako nga , at walang iba liban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ang kasamaan ay darating sa iyo ; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon : at kasakunaan ay sasapit sa iyo ; hindi mo maaalis : at kagibaan ay darating sa iyong bigla , na hindi mo nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto , at sa karamihan ng iyong panggagaway , na iyong ginawa mula sa iyong kabataan : marahil makikinabang ka , marahil mananaig ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo : magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit , at ng mga bituin , ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan , at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , sila&apos;y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo ; susunugin sila ng apoy ; sila&apos;y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab : hindi babaga na mapagpapainitan , o magiging apoy na mauupuan sa harap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo , na iyong ginawa : silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa&apos;t isa ng kaniyang sariling lakad ; walang magliligtas sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "48">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iyong dinggin ito , Oh sangbahayan ni Jacob , na tinatawag sa pangalan ng Israel , at nagsilabas sa bukal ng Juda ; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon , at nagsibanggit ng Dios ng Israel , nguni&apos;t hindi sa katotohanan , o sa katuwiran man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">( Sapagka&apos;t sila&apos;y tinatawag ayon sa bayang banal , at nagsitiwala sa Dios ng Israel ; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una ; oo , yao&apos;y lumabas sa aking bibig , at aking ipinakilala : biglang ginawa ko , at nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t nakilala ko , na ikaw ay mapagmatigas , at ang iyong leeg ay parang litid na bakal , at ang iyong noo ay parang tanso :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t aking ipinahayag sa iyo mula nang una ; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo : baka iyong sabihin , Mga ginawa ng aking diosdiosan , at ang aking larawang inanyuan , at ang aking larawang binubo , nagutos sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong narinig ; tingnan mong lahat ito ; at kayo , hindi ba ninyo ipahahayag ? Ako&apos;y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito , sa makatuwid baga&apos;y mga kubling bagay na hindi mo naalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mga nalikha ngayon , at hindi mula nang una ; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig ; baka iyong sabihin , Narito , aking nangaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oo , hindi mo narinig ; oo , hindi mo naalaman ; oo , mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig : sapagka&apos;t talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan , at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit , at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil , upang huwag kitang ihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Narito dinalisay kita , nguni&apos;t hindi parang pilak ; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dahil din sa akin , dahil din sa akin , aking gagawin yaon ; sapagka&apos;t , bakit lalapastanganin ang aking pangalan ? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Inyong dinggin ako , Oh Jacob , at Israel na tinawag ko : Ako nga ; ako ang una , ako rin ang huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oo , ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa , at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit : pagka ako&apos;y tumatawag sa kanila , sila&apos;y nagsisitayong magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo&apos;y magpipisan , kayong lahat , at inyong dinggin ; sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito ? Siyang iniibig ng Panginoon ay kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia , at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako , ako nga&apos;y nagsalita ; oo , aking tinawag siya ; aking dinala siya ; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kayo&apos;y magsilapit sa akin , inyong dinggin ito ; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim ; mula nang panahon na nangyari ito , nandoon nga ako : at ngayo&apos;y sinugo ako ng Panginoong Dios , at nang kaniyang Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng inyong Manunubos , ng Banal ng Israel , Ako ang Panginoon mong Dios , na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan , na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh kung dininig mo ang aking mga utos ! ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog , at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon : ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kayo&apos;y magsilabas sa Babilonia , inyong takasan ang mga Caldeo ; kayo&apos;y mangagpahayag na may tinig ng awitan , inyong saysayin ito , itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa : inyong sabihin , Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang ; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila ; kaniyang ginuwangan din naman ang bato , at ang tubig ay bumukal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Walang kapayapaan sa masama , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "49">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo&apos;y magsipakinig sa akin , Oh mga pulo ; at inyong pakinggan , ninyong mga bayan , sa malayo : tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata ; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak ; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako : at ginawa niya akong makinang na pana ; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya sa akin , Ikaw ay aking lingkod ; Israel , na siyang aking ikaluluwalhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t aking sinabi , Ako&apos;y gumawang walang kabuluhan , aking ginugol ang aking lakas sa wala , at sa walang kabuluhan ; gayon ma&apos;y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon , at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ngayo&apos;y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod , upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya , at ang Israel ay mapisan sa kaniya : ( sapagka&apos;t ako&apos;y marangal sa mga mata ng Panginoon , at ang aking Dios ay naging aking kalakasan ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oo , kaniyang sinasabi , Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob , at isauli ang iningatan ng Israel , ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Manunubos ng Israel , na kaniyang Banal , doon sa hinahamak ng tao , doon sa kinayayamutan ng bansa , sa lingkod ng mga pinuno , Ang mga hari at ang mga pangulo , ay mangakakakita at magsisibangon , at sila&apos;y magsisisamba ; dahil sa Panginoon na tapat , sa Banal ng Israel , na siyang pumili sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita , at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita : at aking iningatan ka , at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan , upang ibangon ang lupain , upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo , Kayo&apos;y magsilabas ; sa kanilang nangasa kadiliman , Pakita kayo . Sila&apos;y magsisikain sa mga daan , at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y hindi mangagugutom , o mangauuhaw man ; at hindi man sila mangapapaso ng init , o ng araw man : sapagka&apos;t siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking gagawing daan ang lahat ng aking mga bundok , at ang aking mga lansangan ay patataasin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , ang mga ito&apos;y manggagaling sa malayo ; at , narito , ang mga ito ay mula sa hilagaan , at mula sa kalunuran ; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay umawit , Oh langit ; at magalak , Oh lupa ; at kayo&apos;y biglang magsiawit , Oh mga bundok : sapagka&apos;t inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan , at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t sinabi ng Sion , Pinabayaan ako ni Jehova , at nilimot ako ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin ; na siya&apos;y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata ? oo , ito&apos;y makalilimot , nguni&apos;t hindi kita kalilimutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay ; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang iyong mga anak ay mangagmamadali ; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot , at tingnan mo : lahat ng mga ito ay nagpipipisan , at naparirito sa iyo . Buhay ako , sabi ng Panginoon , ikaw ay mabibihisan ng lahat ng mga yaon , na parang pinakagayak , at mabibigkisan ka ng mga yaon na parang isang kasintahang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak , tunay na ikaw ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan , at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig , Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin : bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung magkagayo&apos;y sasabihin mo sa iyong sarili , Sinong nanganak ng mga ito sa akin , dangang nawalan ako ng aking mga anak , at ako&apos;y nagiisa , tapon , at lumalaboy na paroo&apos;t parito ? at sinong nagpalaki ng mga ito ? Narito , ako&apos;y naiwang magisa ; mga ito , saan nangandoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa , at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan ; at sila&apos;y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan , at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama , at ang kanilang mga reina , ay iyong mga taga kandiling ina : sila&apos;y magsisiyukod sa iyo ng kanilang mga mukha sa lupa , at hihimuran ang alabok ng inyong mga paa : at iyong makikilala , na ako ang Panginoon , at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan , o maliligtas ang mga talagang nabihag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Pati ng mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin , at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas ; sapagka&apos;t ako&apos;y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo , at aking ililigtas ang iyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman ; at sila&apos;y mangalalango ng kanilang sariling dugo , na gaya ng matamis na alak : at makikilala ng lahat ng tao , na akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas , at iyong Manunubos , na Makapangyarihan ng Jacob .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "50">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon , Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina , na aking ipinaghiwalay sa kaniya ? o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita ? Narito , dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo , at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bakit , nang ako&apos;y parito , ay walang tao ? nang ako&apos;y tumawag , ay walang sumagot ? naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos ? o wala akong kapangyarihang makapagligtas ? Narito , sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat , aking pinapaging ilang ang mga ilog : ang kanilang isda ay bumabaho , sapagka&apos;t walang tubig , at namamatay dahil sa uhaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan , upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay . Siya&apos;y nagigising tuwing umaga , ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig , at ako&apos;y hindi naging mapanghimagsik , o tumalikod man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit , at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas ; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t tutulungan ako ng Panginoong Dios ; kaya&apos;t hindi ako nalito : kaya&apos;t inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian , at talastas ko na hindi ako mapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siya&apos;y malapit na nagpapatotoo sa akin ; sinong makikipaglaban sa akin ? tayo&apos;y magsitayong magkakasama : sino ang aking kaaway ? bayaang lumapit siya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , tutulungan ako ng Panginoong Dios ; sino siya na hahatol sa akin ? narito , silang lahat ay mangalulumang parang bihisan ; lalamunin sila ng tanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon , na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod ? Siyang lumalakad sa kadiliman , at walang liwanag , tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon , at umasa sa kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy , na kumukubkob ng mga sulo : magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy , at sa gitna ng mga sulo na inyong pinagalab . Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay ; kayo&apos;y hihiga sa kapanglawan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "51">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo&apos;y magsipakinig sa akin , kayong nagsisisunod sa katuwiran , kayong nagsisihanap sa Panginoon : magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan , at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama , at si Sara na nanganak sa inyo ; sapagka&apos;t nang siya&apos;y iisa ay tinawag ko siya , at aking pinagpala siya , at aking pinarami siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t inaliw ng Panginoon ang Sion ; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako , at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang , at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon ; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon , pagpapasalamat , at tinig na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Makinig ka sa akin , Oh bayan ko ; at pakinggan mo ako , Oh bansa ko : sapagka&apos;t isang kautusan ay magmumula sa akin , at ang aking kahatulan ay gagawin kong pinakaliwanag sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang katuwiran ko ay malapit , ang aking pagliligtas ay lumabas , at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan ; ang mga pulo ay magsisipaghintay sa akin , at sa aking bisig ay magsisitiwala sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit , at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba ; sapagka&apos;t ang mga langit ay mapapawing parang usok , at ang lupa ay malulumang parang bihisan ; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan : nguni&apos;t ang pagliligtas ko ay magpakailan man , at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Inyong pakinggan ako , ninyong nakakaalam ng katuwiran , bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan ; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao , o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sila&apos;y lalamunin ng tanga na parang bihisan , at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa ; nguni&apos;t ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man , at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gumising ka , gumising ka , magbihis ka ng kalakasan , Oh bisig ng Panginoon ; gumising ka na gaya nang kaarawan noong una , nang mga lahi ng mga dating panahon . Hindi baga ikaw ang pumutol ng Rahab , na sumaksak sa buwaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi baga ikaw ang tumuyo sa dagat , sa tubig ng malaking kalaliman ; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat upang daanan ng natubos ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik , at magsisiparoong may awitan sa Sion ; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo : sila&apos;y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan ; at ang kapanglawan at pagbubungtong-hininga ay tatakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ako , ako nga , ay siyang umaaliw sa inyo : sino ka na natatakot sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang damo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo , na nagladlad ng mga langit , at naglalagay ng mga patibayan ng lupa ; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati , pagka siya&apos;y nagmamadali upang gumiba ? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan ; at hindi mamamatay at bababa sa hukay , o magkukulang man ang kaniyang tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ako ang Panginoon mong Dios , na nagpapahugong sa dagat , na ang mga alon niyao&apos;y humuhugong : ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig , at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay , upang aking mailadlad ang mga langit , at mailagay ang mga patibayan ng lupa , at magsabi sa Sion , Ikaw ay aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gumising ka , gumising ka , tumayo ka , Oh Jerusalem , na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa saro ng kaniyang kapusukan ; iyong ininuman ang saro ng pangpagiray , at iyong sinaid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak ; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo ; sinong makikidamdam sa iyo ? kagibaan , at kasiraan , at ang kagutom at ang tabak ; paanong aaliwin kita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay , sila&apos;y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan , na gaya ng isang usa sa isang silo ; sila&apos;y puspos ng kapusukan ng Panginoon , ng saway ng iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t pakinggan mo ito ngayon , ikaw na nagdadalamhati , at lango , nguni&apos;t hindi ng alak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova , at ng iyong Dios na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan , Narito , aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray , ang saro nga ng aking kapusukan ; hindi ka na iinom pa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo , na nakapagsabi sa iyong kaluluwa , Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan , at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa , at parang lansangan sa kanilang nagdaraan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "52">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Gumising ka , gumising ka , magsuot ka ng iyong kalakasan , Oh Sion ; magsuot ka ng iyong mga magandang damit , Oh Jerusalem , na bayang banal : sapagka&apos;t mula ngayo&apos;y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magpagpag ka ng alabok ; ikaw ay bumangon , umupo ka sa iyong luklukan , Oh Jerusalem : magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg , Oh bihag na anak na babae ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y naipagbili sa wala ; at kayo&apos;y matutubos ng walang salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang bayan ko ay bumaba noong una sa Egipto upang makipamayan doon : at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ngayon nga , anong ginagawa ko rito , sabi ng Panginoon , yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano ? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal , sabi ng Panginoon , at ang aking pangalan ay natutungayaw na lagi buong araw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t makikilala ng aking bayan ang aking pangalan : kaya&apos;t matatalastas nila sa araw na yaon , na ako yaong nagsasalita ; narito , ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita , na naghahayag ng kapayapaan , na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti , na nagtatanyag ng kaligtasan , na nagsasabi sa Sion , Ang iyong Dios ay naghahari !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang tinig ng iyong mga bantay ! sila&apos;y naglalakas ng tinig , na magkakasamang nagsisiawit ; sapagka&apos;t sila&apos;y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y magbiglang magalak , kayo&apos;y magsiawit na magkakasama , kayong mga sirang dako ng Jerusalem ; sapagka&apos;t inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan , kaniyang tinubos ang Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa ; at makikita ng lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo&apos;y magsiyaon , kayo&apos;y magsiyaon , kayo&apos;y magsialis doon , huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay ; kayo&apos;y magsilabas sa gitna niya ; kayo&apos;y mangagpakalinis , kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi magsisilabas na nagmamadali , o magsisilabas man kayo na takas : sapagka&apos;t ang Panginoon ay magpapauna sa inyo ; at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , ang lingkod ko ay gagawang may karunungan , siya&apos;y mabubunyi , at malalagay na mataas , at magiging napakataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo ( ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake , at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa ; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya : sapagka&apos;t ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita ; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "53">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinong naniwala sa aming balita ? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t siya&apos;y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim , at gaya ng ugat sa tuyong lupa : walang anyo o kagandahan man ; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siya&apos;y hinamak at itinakuwil ng mga tao ; isang taong sa kapanglawan , at bihasa sa karamdaman : at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao , na siya&apos;y hinamak , at hindi natin hinalagahan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman , at dinala ang ating mga kapanglawan ; gayon ma&apos;y ating pinalagay siya na hinampas , sinaktan ng Dios , at dinalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t siya&apos;y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang , siya&apos;y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan , ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya ; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw ; tayo ay tumungo bawa&apos;t isa sa kaniyang sariling daan ; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y napighati , gayon man nang siya&apos;y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig ; gaya ng kordero na dinadala sa patayan , at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi , gayon ma&apos;y hindi niya binuka ang kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya : at tungkol sa kaniyang lahi , sino sa kanila ang gumunita na siya&apos;y nahiwalay sa lupain ng buhay ? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama , at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan ; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas , o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon ma&apos;y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya ; inilagay niya siya sa pagdaramdam : pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan , makikita niya ang kaniyang lahi , pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan , at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siya&apos;y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan : sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami ; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila , at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas ; sapagka&apos;t kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan , at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang : gayon ma&apos;y dinala niya ang kasalanan ng marami , at namagitan sa mga mananalangsang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "54">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Umawit ka , Oh baog , ikaw na hindi nanganak ; ikaw ay magbiglang umawit , at humiyaw ng malakas , ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak : sapagka&apos;t higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng may asawa , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda , at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan ; huwag kang magurong : habaan mo ang iyong mga lubid , at patibayin mo ang iyong mga tulos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa ; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa , at patatahanan ang mga gibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kang matakot ; sapagka&apos;t ikaw ay hindi mapapahiya : o malilito ka man ; sapagka&apos;t hindi ka malalagay sa kahihiyan : sapagka&apos;t iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan , at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa ; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan : at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos , ang Dios ng buong lupa tatawagin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban , parang asawa ng kabataan , pagka siya&apos;y itinatakuwil , sabi ng iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan kita ; nguni&apos;t pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali ; nguni&apos;t kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob , sabi ng Panginoon , na iyong Manunubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ito ay parang tubig ng panahon ni Noe sa akin ; sapagka&apos;t kung paanong ako&apos;y sumumpa , na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa , gayon ako&apos;y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo , o sasaway sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang mga bundok ay mangapapaalis , at ang mga burol ay mangapapalipat ; nguni&apos;t ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo , o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis , sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oh ikaw na nagdadalamhati , na pinapaspas ng bagyo , at hindi naaaliw , narito , aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay , at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan , at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan , at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon ; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa katuwiran ay matatatag ka : ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka&apos;t yao&apos;y hindi mo katatakutan ; at sa kakilabutan , sapagka&apos;t hindi lalapit sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , sila&apos;y magkakapisan , nguni&apos;t hindi sa pamamagitan ko : sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga , at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa ; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at bawa&apos;t dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan . Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon , at ang katuwiran nila ay sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "55">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh lahat na nangauuhaw , magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi ; magsiparito kayo , kayo&apos;y magsibili , at magsikain ; oo , kayo&apos;y magsiparito , kayo&apos;y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ano&apos;t kayo&apos;y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain ? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog ? inyong pakinggan ako , at magsikain kayo ng mabuti , at mangalugod kayo sa katabaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Inyong ikiling ang inyong tainga , at magsiparito kayo sa akin ; kayo&apos;y magsipakinig , at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay : at ako&apos;y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan , sa makatuwid baga&apos;y ng tunay na mga kaawaan ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , ibinigay ko siya na pinakasaksi sa mga bayan , na patnubay at tagapagutos sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , ikaw ay tatawag ng bansa na hindi mo nakikilala ; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo , dahil sa Panginoon mong Dios , at dahil sa Banal ng Israel ; sapagka&apos;t kaniyang niluwalhati ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya&apos;y masusumpungan , magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya&apos;y malapit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lisanin ng masama ang kaniyang lakad , at ng liko ang kaniyang mga pagiisip ; at manumbalik siya sa Panginoon , at kaaawaan niya siya ; at sa aming Dios , sapagka&apos;t siya&apos;y magpapatawad ng sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip , o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa , gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad , at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit , at hindi bumabalik doon , kundi dinidilig ang lupa , at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman , at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko : hindi babalik sa akin na walang bunga , kundi gaganap ng kinalulugdan ko , at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kayo&apos;y magsisilabas na may kagalakan , at papatnubayang may kapayapaan : ang mga bundok at ang mga burol ay magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo , at ipapakpak ng lahat na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kahalili ng tinik ay tutubo ang puno ng abeto ; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan : at sa Panginoon ay magiging pinaka pangalan , pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "56">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y mangagingat ng kahatulan , at magsigawa ng katuwiran ; sapagka&apos;t ang aking pagliligtas ay malapit nang darating , at ang aking katuwiran ay mahahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mapalad ang taong gumagawa nito , at ang anak ng tao na nanghahawak dito ; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin , at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa , na nalakip sa Panginoon , na magsasabi , Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan ; at huwag ding magsabi ang bating , Narito , ako&apos;y punong kahoy na tuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath , at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin , at nagiingat ng aking tipan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y bibigyan ko sa aking bahay at sa loob ng aking mga kuta , ng alaala at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae ; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan , na hindi mapaparam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon din ang mga taga ibang lupa , na nakikilakip sa Panginoon , upang magsipangasiwa sa kaniya , at magsiibig sa pangalan ng Panginoon , upang magsipangasiwa sa kaniya , at magsiibig sa pangalan ng Panginoon , upang maging kaniyang mga lingkod , bawa&apos;t nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin , at nagiingat ng aking tipan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok , at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan : ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana ; sapagka&apos;t ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi , Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya , bukod sa kaniyang sarili na nangapisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayong lahat na mga hayop sa parang , kayo&apos;y magsiparitong lumamon , oo , kayong lahat na mga hayop sa gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag , silang lahat ay walang kaalaman ; silang lahat ay mga piping aso , sila&apos;y hindi makatahol ; mapanaginipin , mapaghiga , maibigin sa pagidlip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oo , ang mga aso ay matatakaw , sila&apos;y kailan man ay walang kabusugan ; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa : sila&apos;y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kayo&apos;y magsiparito , sabi nila , ako&apos;y magdadala ng alak , at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin ; at bukas ay magiging gaya ng araw na ito , dakilang araw , na walang kapantay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "57">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang matuwid na namamatay , at walang taong nagdadamdam ; at mga taong mahabagin ay pumapanaw , walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y nanasok sa kapayapaan ; sila&apos;y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawa&apos;t lumalakad sa kaniyang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t magsilapit kayo rito , kayong mga anak ng babaing manghuhula , na lahi ng mangangalunya at ng patutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Laban kanino nakipagaglahian kayo ? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig , at naglalawit ng dila ? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang , lahing sinungaling ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayong mga nangagaalab sa inyong sarili sa gitna ng mga encina , sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy ; na pumapatay ng mga anak sa mga libis , sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi ; sila , sila ang iyong bahagi ; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog , ikaw ay naghandog ng alay . Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan ; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala : sapagka&apos;t ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin , at ikaw ay sumampa ; iyong pinalaki ang iyong higaan , at nakipagtipan ka sa kanila : iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis , at iyong pinarami ang iyong mga pabango , at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo , at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad ; gayon ma&apos;y hindi mo sinabi , Walang kabuluhan : ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas ; kaya&apos;t hindi ka nanglupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanino ka nangilabot at natakot , na ikaw ay nagsisinungaling , at hindi mo ako inalaala , o dinamdam mo man ? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon , at hindi mo ako kinatatakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Aking ipahahayag ang iyong katuwiran ; at tungkol sa iyong mga gawa , ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pagka ikaw ay humihiyaw , iligtas ka nila na iyong pinisan ; nguni&apos;t tatangayin sila ng hangin , isang hinga ay tatangay sa kanila : nguni&apos;t siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain , at magmamana ng aking banal na bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang sasabihin , inyong patagin , inyong patagin , inyong ihanda ang lansangan , inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan , na ang pangalan ay Banal ; Ako&apos;y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob , upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba , at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t hindi ako makikipagtalo magpakailan man , o mapopoot man akong lagi ; sapagka&apos;t ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko , at ang mga kaluluwa na aking ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako , at sinaktan ko siya ; aking ikinubli ang aking mukha at ako&apos;y napoot ; at siya&apos;y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Aking nakita ang kaniyang mga lakad , at pagagalingin ko siya ; akin ding papatnubayan siya , at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya , at ang kaniyang nangananangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Aking nililikha ang bunga ng mga labi : Kapayapaan , kapayapaan , sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit , sabi ng Panginoon ; at aking pagagalingin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang masama ay parang maunos na dagat ; sapagka&apos;t hindi maaring humusay , at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Walang kapayapaan , sabi ng aking Dios , sa mga masama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "58">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Humiyaw ka ng malakas , huwag kang magpigil , ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak , at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang , at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gayon ma&apos;y hinahanap nila ako araw-araw , at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan : na gaya ng bansa na gumawang matuwid , at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios , hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran ; sila&apos;y nangalulugod na magsilapit sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ano&apos;t kami ay nangagayuno , sabi nila , at hindi mo nakikita ? ano&apos;t aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa , at hindi mo napapansin ? Narito , sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan , at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , kayo&apos;y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo , at upang manakit ng suntok ng kasamaan : hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito , upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyan baga ang ayuno na aking pinili ? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa ? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok , at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya ? iyo bang tatawagin ito na ayuno , at kalugodlugod na araw sa Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili : na kalagin ang mga tali ng kasamaan , na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati , at iyong alisin ang lahat na atang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom , at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan ? pagka nakakakita ka ng hubad , na iyong bihisan ; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung magkagayo&apos;y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga , at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw ; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo ; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung magkagayo&apos;y tatawag ka , at ang Panginoon ay sasagot ; ikaw ay dadaing , at siya&apos;y magsasabi , Narito ako . Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang , ang pagtuturo , at ang pagsasalita ng masama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kung magmamagandang-loob ka sa gutom , at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa ; kung magkagayo&apos;y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman , at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi , at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako , at palalakasin ang iyong mga buto ; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig , at parang bukal ng tubig , na ang tubig ay hindi naglilikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako ; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali&apos;t saling lahi ; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira , Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath , sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan ; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran , at ang banal ng Panginoon na marangal ; at iyong pararangalan , na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad , ni hahanap ng iyong sariling kalayawan , ni magsasalita ng iyong mga sariling salita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung magkagayo&apos;y malulugod ka nga sa Panginoon ; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa ; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama ; sapagka&apos;t sinalita ng bibig ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "59">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi , na di makapagligtas ; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig , na di makarinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios , at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo , upang siya&apos;y huwag makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo , at ang inyong mga daliri ng kasamaan ; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan , ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Walang dumadaing ng katuwiran at walang nanananggalang ng katotohanan : sila&apos;y nagsisitiwala sa walang kabuluhan , at nangagsasalita ng mga kasinungalingan ; sila&apos;y nangaglilihi ng kalikuan , at nanganganak ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y pumipisa ng mga itlog ng ahas , at gumagawa ng bahay gagamba : ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay ; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan , o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa : ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan , at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan , at sila&apos;y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo : ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan ; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman : at walang kahatulan sa kanilang mga lakad : sila&apos;y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas ; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ang kahatulan ay malayo sa amin , o umaabot man sa amin ang katuwiran : kami&apos;y nagsisihanap ng liwanag , nguni&apos;t narito , kadiliman ; ng kaliwanagan , nguni&apos;t nagsisilakad kami sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kami&apos;y nagsisikapa sa bakod na parang bulag , oo , kami&apos;y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata : kami&apos;y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi ; sa gitna ng mga malakas , kami&apos;y parang mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso , at lubhang dumadaing na parang mga kalapati : kami&apos;y nagsisihanap ng kahatulan , nguni&apos;t wala ; ng kaligtasan , nguni&apos;t malayo sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo , at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin ; sapagka&apos;t ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin , at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios , sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik , sa pagaakala at paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kahatulan ay tumatalikod , at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo ; sapagka&apos;t ang katotohanan ay nahulog sa lansangan , at ang karampatan ay hindi makapasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oo , ang katotohanan ay nagkukulang , at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli . At nakita ng Panginoon , at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kaniyang nakita na walang tao , at namangha na walang tagapamagitan : kaya&apos;t ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya ; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y nagsuot ng katuwiran na wari sapyaw , at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang ulo at siya&apos;y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit , at nagbihis ng sikap na wari balabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ayon sa kanilang mga gawa , ay gayon niya gagantihin , pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway , kagantihan sa kaniyang mga kaalit ; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa gayo&apos;y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran , at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka&apos;t siya&apos;y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At isang Manunubos ay paroroon sa Sion , at sa kanila , na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At tungkol sa akin , ito ang aking tipan sa kanila , sabi ng Panginoon : ang aking Espiritu na nasa iyo , at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig , hindi hihiwalay sa iyong bibig , o sa bibig man ng iyong lahi , o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi , sabi ng Panginoon , mula ngayon at magpakailan pa man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "60">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ikaw ay bumangon , sumilang ka : sapagka&apos;t ang iyong liwanag ay dumating , at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t narito , tatakpan ng kadiliman ang lupa , at ng salimuot na dilim ang mga bayan : nguni&apos;t ang Panginoon ay sisikat sa iyo , at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag , at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Imulat mo ang iyong mata sa palibot , at ikaw ay tumingin : silang lahat ay nangagpipisan , sila&apos;y nagsiparoon sa iyo : ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka , at ang iyong puso ay titibok at lalaki ; sapagka&apos;t ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo , ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo , ng mga dromedario sa Madian at sa Epha ; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba : mangagdadala ng ginto at kamangyan , at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo , ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin : sila&apos;y kalugodlugod , na tatanggapin sa aking dambana , at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin , at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna , upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo , ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila , dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios , at dahil sa Banal ng Israel , sapagka&apos;t kaniyang niluwalhati ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta , at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo : sapagka&apos;t sa aking poot ay sinaktan kita , nguni&apos;t sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi ; hindi masasara sa araw o sa gabi man ; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa , at ang kanilang mga hari ay makakasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay ; oo , ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang kaluwalhatian ng Libano ay darating sa iyo , ang puno ng abeto , ng pino , at ng boj na magkakasama , upang pagandahin ang dako ng aking santuario ; at aking gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo ; at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa ; at tatanawin ka nila Ang bayan ng Panginoon , Ang Sion ng Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Yamang ikaw ay napabayaan at ipinagtanim , na anopa&apos;t walang tao na dumadaan sa iyo , gagawin kitang walang hanggang karilagan , na kagalakan ng maraming sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa , at sususo sa mga suso ng mga hari ; at iyong malalaman na akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo , at Manunubos sa iyo , Makapangyarihan ng Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto , at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak , at kahalili ng kahoy ay tanso , at kahalili ng mga bato ay bakal . Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan , at ang iyong mga maniningil ay katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain , ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan ; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan , at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw ; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag : kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag , at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang iyong araw ay hindi na lulubog , o ang iyo mang buwan ay lulubog ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag , at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat ; sila&apos;y mangagmamana ng lupain magpakailan man , ang sanga ng aking pananim , ang gawa ng aking mga kamay , upang ako&apos;y luwalhatiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang munti ay magiging isang libo , at ang maliit ay magiging matibay na bansa : akong Panginoon , ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "61">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin ; sapagka&apos;t pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo ; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso , upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag , at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon , at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios ; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion , upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo , ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis , ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob ; upang sila&apos;y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran , na pananim ng Panginoon upang siya&apos;y luwalhatiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y magtatayo ng mga dating sira , sila&apos;y magbabangon ng mga dating giba , at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan , ang mga nagiba sa maraming sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan , at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kayo&apos;y tatawaging mga saserdote ng Panginoon ; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios : kayo&apos;y magsikain ng kayamanan ng mga bansa , at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan ; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi : kaya&apos;t sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan , walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ako , ang Panginoon , ay umiibig ng kahatulan , aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan ; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan , at ako&apos;y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa , at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan : lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila , na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y magagalak na mainam sa Panginoon , ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios ; sapagka&apos;t binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan ; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran , gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak , at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kung paanong ang lupa&apos;y nagsisibol ng pananim , at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya ; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "62">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik , at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga , hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning , at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran , at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian ; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan , na ipangangalan ng bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ikaw naman ay magiging putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon , at diademang hari sa kamay ng iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan ; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba : kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah , at ang iyong lupain ay Beulah : sapagka&apos;t ang Panginoon ay nalulugod sa iyo , at ang iyong lupain ay tatangkilikin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga , gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo ; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae , gayon magagalak ang Dios sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta , Oh Jerusalem ; sila&apos;y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi : kayong mga mapagalaala sa Panginoon , huwag kayong mangagpahinga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan , hanggang sa siya&apos;y matatag , at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan sa lupa ang Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay , at ng bisig ng kaniyang kalakasan , Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway ; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak , na iyong pinagpagalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon , at magsisipuri sa Panginoon ; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon sa mga looban ng aking santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y magsidaan , kayo&apos;y magsidaan sa mga pintuang-bayan ; inyong ihanda ang lansangan ng bayan ; inyong patagin ; inyong patagin ang maluwang na lansangan ; inyong pulutin ang mga bato ; mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa , Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion , Narito , ang iyong kaligtasan ay dumarating ; narito , ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya , at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tatawagin nila sila Ang banal na bayan , Ang tinubos ng Panginoon : at ikaw ay tatawagin Hinanap , Bayang hindi pinabayaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "63">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sino ito na nanggagaling sa Edom , na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra ? itong maluwalhati sa kaniyang suot , na lumalakad sa di kawasang lakas ? Ako na nagsasalita ng katuwiran , makapangyarihang magligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bakit ka mapula sa iyong kasuutan , at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak ; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin : oo , aking niyapakan siya sa aking galit , at aking niyurakan sila sa aking kapusukan ; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot , at natigmak ang buong suot ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso , at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ako&apos;y lumingap , at walang tumulong ; at ako&apos;y namangha na walang umalalay : kaya&apos;t iniligtas ako ng aking sariling kamay ; at ang aking kapusukan , ay umalalay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit , at nilango ko sila sa aking kapusukan , at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon , at ang mga kapurihan ng Panginoon , ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin , at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan , at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Tunay , sila&apos;y aking bayan , mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan : sa gayo&apos;y siya&apos;y naging Tagapagligtas sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya , at iniligtas sila ng anghel na nasa kaniyang harapan : sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya sila ; at kaniyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t sila&apos;y nanganghimagsik , at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu : kaya&apos;t siya&apos;y naging kaaway nila , at siya rin ang nakipaglaban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y inalaala niya ang mga araw nang una , si Moises at ang kaniyang bayan , na sinasabi , Saan nandoon siya na nagahon sa kanila mula sa dagat , na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan ? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises ? na humawi ng tubig sa harap nila , upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman , na parang isang kabayo sa ilang , upang sila&apos;y huwag mangatisod ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis , ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon : gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan , upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tumungo ka mula sa langit , at tumingin ka , mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian : saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa ? ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ikaw ay aming Ama , bagaman hindi kami kinilala ni Abraham , at hindi kami kilala ng Israel : ikaw , Oh Panginoon , ay aming Ama , aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Oh Panginoon ; bakit mo kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan , at pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo ? Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod , na mga lipi ng iyong mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Inaring sangdali lamang ng iyong banal na bayan : niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man , gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "64">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh buksan mo sana ang langit , na ikaw ay bumaba , na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan , at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig ; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway , upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay , ikaw ay bumaba , ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t hindi narinig ng mga tao mula nang una , o naulinigan man ng pakinig , o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo , na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran , yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan : narito , ikaw ay napoot , at kami ay nagkasala : napasa kanila kaming malaong panahon ; at maliligtas baga kami ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t kaming lahat ay naging parang marumi , at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi : at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat ; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan , na parang hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At walang tumatawag ng iyong pangalan , na gumigising upang manghawak sa iyo ; sapagka&apos;t ikinubli mo ang iyong mukha sa amin , at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ngayon , Oh Panginoon , ikaw ay aming Ama ; kami ang malagkit na putik , at ikaw ay magpapalyok sa amin ; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kang lubhang mapoot , Oh Panginoon , o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man : narito , tingnan mo , isinasamo namin sa iyo , kaming lahat ay iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang , ang Sion ay naging giba , ang Jerusalem ay sira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang aming banal at magandang bahay , na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy ; at lahat naming maligayang bagay ay nasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito , Oh Panginoon ? ikaw baga&apos;y tatahimik , at pagdadalamhatiin mo kaming mainam ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "65">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin ; ako&apos;y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin : aking sinabi , Narito ako , narito ako , sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan , na lumalakad sa daang hindi mabuti , ayon sa kanilang sariling mga pagiisip ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bayan na minumungkahi akong palagi ng mukhaan , na naghahain sa mga halamanan , at nagsusunog ng kamangyan sa ibabaw ng mga laryo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na nauupo sa gitna ng mga libingan , at tumitigil sa mga lihim na dako ; na kumakain ng laman ng baboy , at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na nagsasabi , Humiwalay ka , huwag kang lumapit sa akin , sapagka&apos;t ako&apos;y lalong banal kay sa iyo . Ang mga ito ay usok sa aking ilong , apoy na nagliliyab buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , nasulat sa harap ko : hindi ako tatahimik , kundi ako&apos;y gaganti , oo , ako&apos;y gaganti sa kanilang sinapupunan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang inyong sariling mga kasamaan , at ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama , sabi ng Panginoon , na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok , at nagsitungayaw sa akin sa mga burol : ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol , at may nagsasabi , Huwag mong sirain , sapagka&apos;t iyan ay mapapakinabangan : gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod , upang huwag kong malipol silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako&apos;y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob , at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok ; at mamanahin ng aking pinili , at tatahanan ng aking mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Saron ay magiging kulungan ng mga kawan , at ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan , dahil sa aking bayan na humanap sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t kayo , na nangagpapabaya sa Panginoon , na nagsisilimot ng aking banal na bundok , na nangaghahanda ng dulang para sa Kapalaran , at pinupuno ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Aking iuukol kayo sa tabak , at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan ; sapagka&apos;t nang ako&apos;y tumawag , kayo&apos;y hindi nagsisagot ; nang ako&apos;y magsalita , kayo&apos;y hindi nangakinig ; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata , at inyong pinili ang di ko kinaluluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ang aking mga lingkod ay magsisikain , nguni&apos;t kayo&apos;y mangagugutom ; narito , ang aking mga lingkod ay magsisiinom , nguni&apos;t kayo&apos;y mangauuhaw ; narito , mangagagalak ang aking mga lingkod , nguni&apos;t kayo&apos;y mangapapahiya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso , nguni&apos;t kayo&apos;y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso , at aangal dahil sa pagkabagbag ng loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili , at papatayin ka ng Panginoong Dios ; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na anopa&apos;t siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan ; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan ; sapagka&apos;t ang mga dating kabagabagan ay nalimutan , at sapagka&apos;t nangakubli sa aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t narito , ako&apos;y lumilikha ng mga bagong langit , at ng bagong lupa , at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala , o mapapasa isip man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t kayo&apos;y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha ; sapagka&apos;t , narito , aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem , at kaligayahan ang kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ako&apos;y magagalak sa Jerusalem , at maliligaya sa aking bayan ; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya , o ang tinig man ng daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay , o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan ; sapagka&apos;t ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang , at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y mangagtatayo ng mga bahay , at ang mga yao&apos;y kanilang tatahanan ; at sila&apos;y mangaguubasan , at magsisikain ng bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sila&apos;y hindi magtatayo , at iba ang tatahan ; sila&apos;y hindi magtatanim , at iba ang kakain ; sapagka&apos;t kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy , ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan , at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sila&apos;y hindi gagawa ng walang kabuluhan , o manganganak man para sa kasakunaan , sapagka&apos;t sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon , at ang kanilang mga anak na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At mangyayari , na bago sila magsitawag , sasagot ako ; at samantalang sila&apos;y nangagsasalita , aking didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama , at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka ; at alabok ang magiging pagkain ng ahas . Sila&apos;y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "66">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang langit ay aking luklukan , at ang lupa ay aking tungtungan : anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin ? at anong dako ang magiging aking pahingahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay , at sa gayo&apos;y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito , sabi ng Panginoon : nguni&apos;t ang taong ito ay titingnan ko , sa makatuwid baga&apos;y siyang dukha at may pagsisising loob , at nanginginig sa aking salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Siyang pumapatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao ; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso ; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy ; siyang nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan . Oo , sila&apos;y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad , at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan , at dadalhan ko sila ng kanilang takot , sapagka&apos;t nang ako&apos;y tumawag , walang sumagot ; nang ako&apos;y magsalita ay walang nakinig ; kundi sila&apos;y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata , at pinili ang hindi ko kinaluluguran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon , ninyong nanginginig sa kaniyang salita , Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin , nangagsabi , Luwalhatiin ang Panginoon , upang makita namin ang inyong kagalakan ; nguni&apos;t sila&apos;y mangapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan , ang tinig na mula sa templo , ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bago siya nagdamdam , siya&apos;y nanganak ; bago dumating ang kaniyang paghihirap , siya&apos;y nanganak ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinong nakarinig ng ganyang bagay ? sinong nakakita ng ganyang mga bagay ? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw ? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa ? sapagka&apos;t pagdaramdam ng Sion , ay nanganak ng kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dadalhin ko baga sa kapanganakan , at hindi ko ilalabas ? sabi ng Panginoon ; magsasara baga ako ng bahay bata , akong nagpapanganak ? sabi ng iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y mangagalak na kasama ng Jerusalem , at mangatuwa dahil sa kaniya , kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya : kayo&apos;y mangagalak ng kagalakan na kasama niya , kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Upang kayo&apos;y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan ; upang kayo&apos;y makagatas , at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog , at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha , at inyong sususuhin yaon ; kayo&apos;y kikilikin , at lilibangin sa mga tuhod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung paanong ang sinoma&apos;y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo ; at kayo&apos;y mangaaliw sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At inyong makikita , at magagalak ang inyong puso , at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo : at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod , at siya&apos;y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t , narito , ang Panginoon ay darating na may apoy , at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan , at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon , at sa pamamagitan ng kaniyang tabak , sa lahat ng mga tao : at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Silang nangagpapakabanal , at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan , sa likuran ng isa sa gitna , na nagsisikain ng laman ng baboy , at ng kasuklamsuklam , at ng daga ; sila&apos;y darating sa isang wakas na magkakasama , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip : ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba&apos;t ibang wika ; at sila&apos;y magsisiparoon , at mangakikita ang aking kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ako&apos;y maglalagay ng tanda sa gitna nila , at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa , sa Tarsia , Pul , at Lud , na nagsisihawak ng busog , sa Tubal at Javan , sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan , o nakakita man ng aking kaluwalhatian ; at sila&apos;y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon , na nasasakay sa mga kabayo , at sa mga karo , at sa mga duyan , at sa mga mula , at sa mga maliksing hayop , sa aking banal na bundok na Jerusalem , sabi ng Panginoon , gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa , na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko , sabi ng Panginoon , gayon mananatili ang inyong lahi , at ang inyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mangyayari , na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago , at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago , paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y magsisilabas , at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin : sapagka&apos;t ang kanilang uod ay hindi mamamatay , o mamamatay man ang kanilang apoy ; at sila&apos;y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "24">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilcias , isa sa mga saserdote na nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon , na hari sa Juda , nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dumating din nang kaarawan ni Joacim na anak ni Josias , hari sa Juda , nang katapusan nang ikalabing isang taon ni Sedechias , na anak ni Josias , hari sa Juda , hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita , at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita ; inihalal kitang propeta sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Ah , Panginoong Dios ! narito , hindi ako marunong magsalita : sapagka&apos;t ako&apos;y bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sinabi sa akin ng Panginoon , Huwag mong sabihin , Ako&apos;y bata : sapagka&apos;t saan man kita susuguin ay paroroon ka , at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag kang matakot dahil sa kanila ; sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo upang iligtas kita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay , at hinipo ang aking bibig ; at sinabi sa akin ng Panginoon , Narito , inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tingnan mo , aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian , upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak , upang magtayo at magtatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon , na nagsasabi , Jeremias , anong nakikita mo ? At aking sinabi , Ako&apos;y nakakakita ng isang tungkod na almendro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Iyong nakitang mabuti : sapagka&apos;t aking iniingatan ang aking salita upang isagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa , na nagsasabi , Ano ang iyong nakikita ? At aking sinabi , Ako&apos;y nakakakita ng isang palyok na pinagpapakuluan ; at paharap sa hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Mula sa hilagaan ay lalabasin ng kasamaan ang lahat na nananahan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t , narito , aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan , sabi ng Panginoon ; at sila&apos;y magsisiparoon , at sila&apos;y maglalagay bawa&apos;t isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem , at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot , at laban sa lahat na bayan ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At aking sasalitain ang aking mga kahatulan laban sa kanila tungkol sa lahat nilang kasamaan , sa kanilang nangagpabaya sa akin , at nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios , at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ikaw nga&apos;y magbigkis ng iyong mga balakang , at ikaw ay bumangon , at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo : huwag kang manglupaypay sa kanila , baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t , narito , ginawa kita sa araw na ito , na nakukutaang bayan , at pinakahaliging bakal , at pinaka kutang tanso , laban sa buong lupain , laban sa mga hari sa Juda , laban sa mga prinsipe niyaon , laban sa mga saserdote niyaon , at laban sa bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y magsisilaban sa iyo ; nguni&apos;t hindi sila mangananaig laban sa iyo : sapagka&apos;t ako&apos;y sumasa iyo , sabi ng Panginoon , upang iligtas ka .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikaw ay yumaon , at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng iyong kabataan , ang pagibig sa iyong mga pagaasawa ; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang , sa lupain na hindi hinasikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Israel ay kabanalan sa Panginoon , na mga pangunang bunga ng kaniyang halaman : lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin ; kasamaan ay darating sa kanila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Inyong dinggin ang salita ng Panginoon , Oh sangbahayan ni Jacob , at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoon , Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin , na sila&apos;y nagsilayo sa akin , at nagsisunod sa walang kabuluhan , at naging walang kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi man nila sinabi , Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto , na pumatnubay sa atin sa ilang , sa mga lupaing ilang at bakobako , sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan , sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dinala ko kayo sa saganang lupain , upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon ; nguni&apos;t nang kayo&apos;y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain , at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi sinabi ng mga saserdote , Saan nandoon ang Panginoon ? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin : ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin , at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal , at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ako&apos;y makikipagtalo pa sa inyo , sabi ng Panginoon , at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t mangagdaan kayo sa mga pulo ng Chittim , at tingnan , at kayo&apos;y mangagsugo sa Cedar , at mangagbulay na maingat ; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios , na hindi mga dios ? nguni&apos;t ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit , sa bagay na ito , at mangatakot ng kakilakilabot , mangatuyo kang lubha , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan ; kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig , at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Israel baga&apos;y alipin ? siya baga&apos;y aliping ipinanganak sa bahay ? bakit siya&apos;y naging samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga batang leon ay nagsiungal sa kaniya , at nagsihiyaw : at sinira nila ang kaniyang lupain ; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog , na walang mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili , dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios , nang kaniyang patnubayan ka sa daan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ngayo&apos;y anong ipakikialam mo sa daan na patungo sa Egipto , upang uminom ng tubig sa Sikor ? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria , upang uminom ng tubig sa ilog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan , at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod : talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw , na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios : at ang takot sa akin ay wala sa iyo , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok , at nilagot ko ang iyong mga tali ; at iyong sinabi : Hindi ako maglilingkod ; sapagka&apos;t sa bawa&apos;t mataas na burol , at sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy ay yumuko ka , na nagpatutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon ma&apos;y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas , na pawang mabuting binhi : bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t bagaman maghugas ka ng lihiya , at magbunton ka ng maraming sabon , gayon ma&apos;y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Paanong masasabi mo , Hindi ako nagpakahawa , hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal ? tingnan mo ang iyong daan sa libis , talastasin mo kung ano ang iyong ginawa : ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais ; sa kaniyang pagkakataon , sinong makapagliligaw sa kaniya ? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod : sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot , at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw . Nguni&apos;t iyong sinabi , Walang kabuluhan ; hindi , sapagka&apos;t ako&apos;y umibig sa mga taga ibang lupa , at sa kanila&apos;y susunod ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya&apos;y nahuhuli , gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel ; sila , ang kanilang mga hari , ang kanilang mga prinsipe , at ang kanilang mga saserdote , at ang kanilang mga propeta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na nangagsasabi sa kahoy , Ikaw ay aking ama ; at sa bato , Iyong ipinanganak ako : sapagka&apos;t kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin , at hindi ang kanilang mukha : nguni&apos;t sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila , Ikaw ay bumangon , at iligtas mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo ? magsibangon sila , kung sila&apos;y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan : sapagka&apos;t ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios , Oh Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin ? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang inyong mga anak ; sila&apos;y hindi nagsitanggap ng saway ; nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta , na parang manglilipol na leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Oh lahi , tingnan ninyo ang salita ng Panginoon . Naging ilang baga ako sa Israel ? o lupain ng salimuot na kadiliman ? bakit nga sinasabi ng aking bayan , Kami ay nangakalaya ; hindi na kami paroroon pa sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas , o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan ? gayon ma&apos;y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig ! kaya&apos;t gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala : hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas ; kundi dahil sa lahat ng mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Gayon ma&apos;y sinabi mo : Ako&apos;y walang sala ; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin . Narito , hahatulan kita , sapagka&apos;t iyong sinabi , Hindi ako nagkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad ? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Mula doon ay lalabas ka rin , na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo : sapagka&apos;t itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan , at hindi ka giginhawa sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kanilang sinabi , Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa , at siya&apos;y humiwalay sa kaniya , at mapasa ibang lalake , babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya ? hindi baga lubos na madudumhan ang lupaing yaon ? Nguni&apos;t ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig ; gayon ma&apos;y manumbalik ka uli sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Imulat mo ang iyong mga mata sa mga luwal na kaitaasan , at tingnan mo ; saan hindi ka nasipingan ? Sa tabi ng mga lansangan ay naghintay ka sa kanila , gaya ng taga Arabia sa ilang ; at iyong dinumhan ang lupain ng iyong mga pakikiapid at ng iyong kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ang ambon , ay napigil , at hindi nagkaroon ng huling ulan ; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi ka baga dadaing mula sa panahong ito sa akin , Ama ko , ikaw ang patnubay ng aking kabataan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaniya bagang iingatan ang kaniyang galit magpakailan man ? kaniya bagang iingatan hanggang sa kawakasan ? Narito , ikaw ay nagsalita at gumawa ng mga masamang bagay , at sinunod mo ang iyong ibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Bukod dito&apos;y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari , Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel ? siya&apos;y yumaon sa bawa&apos;t mataas na bundok at sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy , at doon siya nagpatutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito , Siya&apos;y babalik sa akin ; nguni&apos;t hindi siya bumalik : at nakita ng taksil niyang kapatid na Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking nakita , nang , dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel , akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng sulat ng paghihiwalay , gayon ma&apos;y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda ; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari , sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan , na ang lupain ay nadumhan , at siya&apos;y sumamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At gayon ma&apos;y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda , ng kaniyang buong puso , kundi paimbabaw , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon sa akin , Ang tumatalikod na Israel ay napakilala na lalong matuwid kay sa taksil na Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ikaw ay yumaon , at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong hilagaan , at iyong sabihin , Ikaw ay manumbalik , ikaw na tumatalikod na Israel , sabi ng Panginoon ; hindi ako titinging may galit sa inyo : sapagka&apos;t ako&apos;y maawain , sabi ng Panginoon , hindi ako magiingat ng galit magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan , na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios , at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa mga taga ibang lupa sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy , at kayo&apos;y hindi nagsisunod sa aking tinig , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo&apos;y manumbalik , Oh tumatalikod na mga anak , sabi ng Panginoon , sapagka&apos;t ako&apos;y asawa ninyo ; at kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan , at dalawa sa isang angkan , at dadalhin ko kayo sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At bibigyan ko kayo ng mga pastor ayon sa aking kalooban , na kakandili sa inyo ng kaalaman at unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mangyayari , pagka kayo&apos;y dumami at lumago sa lupain sa mga araw na yaon , sabi ng Panginoon , hindi na nila sasabihin , Ang kaban ng tipan ng Panginoon ; ni mapapasaisip nila yaon : ni aalalahanin nila yaon : ni nanaisin nila yaon ; ni mayayari pa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon , at lahat ng mga bansa ay mapipisan doon , sa pangalan ng Panginoon , sa Jerusalem : hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel , at sila&apos;y manggagaling na magkasama sa lupain ng hilagaan sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t aking sinabi , Paanong ilalagay kita sa gitna ng mga anak , at bibigyan kita ng masayang lupain , ng mainam na mana ng mga hukbo ng mga bansa ? at aking sinabi , Inyong tatawagin ako , Ama ko ; at hindi ka na hihiwalay pa ng pagsunod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa , gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin , Oh sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Isang tinig ay naririnig sa mga luwal na kaitaasan , ang iyak at ang mga samo ng mga anak ni Israel ; sapagka&apos;t kanilang pinasama ang kanilang lakad , kanilang nilimot ang Panginoon nilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kayo&apos;y manumbalik , kayong nagsisitalikod na mga anak , aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod . Narito , kami ay nagsiparito sa iyo ; sapagka&apos;t ikaw ay Panginoon naming Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Tunay na walang kabuluhan ang tulong na maaasahan sa mga burol , ang kagulo sa mga bundok : tunay na nasa Panginoon naming Dios ang kaligtasan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t nilamon ng nakahihiyang bagay ang gawa ng ating mga magulang na mula sa ating kabataan , ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan , ang kanilang mga anak na lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Tayo&apos;y magsihiga sa ating kahihiyan , at takpan tayo ng ating kalituhan : sapagka&apos;t tayo&apos;y nangagkasala laban sa Panginoon nating Dios , tayo at ang ating mga magulang , mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito ; at hindi tayo nakinig sa tinig ng Panginoon nating Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung ikaw ay manunumbalik , Oh Israel , sabi ng Panginoon , kung ikaw ay manunumbalik sa akin , at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin ; hindi ka nga makikilos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ikaw ay susumpa , Buhay ang Panginoon , sa katotohanan , sa kahatulan , at sa katuwiran ; at ang mga bansa ay magiging mapalad sa kaniya , at sa kaniya luluwalhati sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem , Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran , at huwag kayong maghasik sa gitna ng mga tinik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magsipagtuli kayo para sa Panginoon , at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso , ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem ; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy , at magningas na walang makapatay , dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ipahayag ninyo sa Juda , at ibalita ninyo sa Jerusalem ; at inyong sabihin , Inyong hipan ang pakakak sa lupain : magsihiyaw kayo ng malakas , at inyong sabihin , Magpisan kayo , at tayo&apos;y magsipasok sa mga bayang nakukutaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion : kayo&apos;y magsitakas sa ikatitiwasay , huwag kayong magsitigil : sapagka&apos;t ako&apos;y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan , at ng malaking paglipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan , at ang manglilipol ng mga bansa ; siya&apos;y nasa kaniyang paglalakad , siya&apos;y lumabas mula sa kaniyang dako , upang sirain ang iyong lupain , upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang , kayo&apos;y magsipanaghoy at magsipanangis ; sapagka&apos;t ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , na ang puso ng hari ay mapapahamak , at ang puso ng mga prinsipe : at ang mga saserdote ay mangatitigilan , at ang mga propeta ay mangamamangha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Ah Panginoong Dios : tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem , na iyong sinabi , Kayo&apos;y mangagkakaroon ng kapayapaan : gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem , Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan , hindi upang sumimoy , o maglinis man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin : ngayo&apos;y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , siya&apos;y sasagupang parang mga ulap , at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila . Sa aba natin ! sapagka&apos;t tayo&apos;y nangapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Oh Jerusalem , hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan , upang ikaw ay maligtas . Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t isang tinig ay nagpapahayag mula sa Dan , at nagbabalita ng kasamaan , mula sa mga burol ng Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Inyong banggitin sa mga bansa : narito , inyong ibalita laban sa Jerusalem , na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain , at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y gaya ng mga bantay sa parang , laban sa kaniya sa palibot , sapagka&apos;t siya&apos;y naging mapanghimagsik laban sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito sa iyo : ito ang iyong kasamaan ; sapagka&apos;t napakasama , sapagka&apos;t tinataglay ng iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang hirap ko , ang hirap ko ! Ako&apos;y nagdaramdam sa aking puso ; ang dibdib ko ay kakabakaba , hindi ako matahimik ; sapagka&apos;t iyong narinig , Oh kaluluwa ko , ang tunog ng pakakak , ang hudyat ng pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw ; sapagka&apos;t ang buong lupain ay nasira : biglang nangasira ang aking mga tolda , at ang aking mga tabing sa isang sandali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hanggang kailan makikita ko ang watawat , at maririnig ang tunog ng pakakak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang bayan ko ay hangal , hindi nila ako nakikilala ; sila&apos;y mga mangmang na anak , at sila&apos;y walang unawa ; sila&apos;y pantas sa paggawa ng masama , nguni&apos;t sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Aking minasdan ang lupa , at , narito , sira at walang laman ; at ang langit ay walang liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Aking minasdan ang mga bundok , at narito , nagsisiyanig , at ang lahat na burol ay nagsisiindayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ako&apos;y nagmasid , at , narito , walang tao , at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ako&apos;y nagmasid , at , narito , ang mainam na parang ay ilang , at , lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon , at sa harap ng kaniyang mabangis na galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Ang buong lupain ay magiging sira ; gayon ma&apos;y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Dahil dito ay tatangis ang lupa , at ang langit sa itaas ay magiging maitim : sapagka&apos;t aking sinalita , aking pinanukala , at hindi ako nagsisi , o akin mang tatalikuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana ; sila&apos;y nagsipasok sa mga kagubatan , at nangagukyabit sa mga malaking bato ; bawa&apos;t bayan ay napabayaan , at walang tao na tumatahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ikaw , pagka ikaw ay napahamak , anong iyong gagawin ? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula ; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto , bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta , sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka ; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo , pinagsisikapan nila ang iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t ako&apos;y nakarinig ng tinig na gaya ng sa babaing nagdaramdam , ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay , ng tinig ng anak na babae ng Sion , na nagsisikip ang hininga , na naguunat ng kaniyang mga kamay , na nagsasabi , Sa aba ko ngayon ! sapagka&apos;t ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magsitakbo kayong paroo&apos;t parito sa mga lansangan ng Jerusalem , at tingnan ngayon , at alamin , at hanapin sa mga luwal na dako niyaon , kung kayo&apos;y makakasumpong ng tao , kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan , na humahanap ng katotohanan ; at aking patatawarin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At bagaman kanilang sinasabi , Buhay ang Panginoon ; tunay na sila&apos;y nagsisisumpa na may kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh Panginoon , hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan ? iyong hinampas sila , nguni&apos;t hindi sila nangagdamdam ; iyong pinugnaw sila , nguni&apos;t sila&apos;y nagsitangging tumanggap ng sawa&apos;y ; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato ; sila&apos;y nagsitangging manumbalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Tunay na ang mga ito ay dukha ; sila&apos;y mga hangal ; sapagka&apos;t hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon , o ng kahatulan ng kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y paroroon sa mga dakilang tao , at magsasalita sa kanila ; sapagka&apos;t kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon , at ang kahatulan ng kanilang Dios . Nguni&apos;t ang mga ito ay nagkaiisang magalis ng pamatok , at lumagot ng mga panali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t papatayin sila ng leon na mula sa gubat , sisirain sila ng lobo sa mga ilang , babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo ; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa ; sapagka&apos;t ang kanilang mga pagsalangsang ay marami , at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Paanong mapatatawad kita ? pinabayaan ako ng iyong mga anak , at nagsisumpa sa pamamagitan niyaong mga hindi dios . Nang sila&apos;y aking mabusog , sila&apos;y nangalunya , at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y parang pinakaing mga kabayong pagalagala : bawa&apos;t isa&apos;y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito ? sabi ng Panginoon : at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain ; nguni&apos;t huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan ; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga ; sapagka&apos;t sila&apos;y hindi sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay gumagawang may kataksilan laban sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kanilang ikinaila ang Panginoon , at sinabi , Hindi siya ; ni darating sa atin ang kasamaan ; ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga propeta ay magiging parang hangin , at ang salita ay wala sa kanila : ganito ang gagawin sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo , Sapagka&apos;t inyong sinalita ang salitang ito , narito , gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy , at ang bayang ito ay kahoy , at sila&apos;y pupugnawin niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , dadalhin ko ang bansa sa inyo na mula sa malayo , Oh sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoon : siyang makapangyarihang bansa , siyang matandang bansa , isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan , o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan , silang lahat ay makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kakanin nila ang iyong ani , at ang iyong tinapay , na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae ; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan ; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos ; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran , na iyong tinitiwalaan , sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t sa mga araw mang yaon , sabi ng Panginoon , hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mangyayari , pagka inyong sasabihin , Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin ? kung magkagayo&apos;y sasabihin mo sa kanila , Kung paanong inyong pinabayaan ako , at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain , gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob , at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Inyong dinggin ngayon ito , Oh hangal na bayan , at walang unawa ; na may mga mata , at hindi nakakakita ; na may mga pakinig , at hindi nakakarinig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hindi kayo nangatatakot sa akin ? sabi ng Panginoon : hindi baga kayo manginginig sa aking harapan , na naglagay ng buhangin na pinakahangganan ng dagat , sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya , upang huwag makalampas ? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon , hindi rin mananaig ; bagaman ang mga ito&apos;y nagsisihugong , hindi rin ang mga ito&apos;y makaraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso ; sila&apos;y nanghimagsik at nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi man nila sinasabi sa sarili , Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios , na naglalagpak ng ulan , ng maaga at gayon din ng huli , sa kaniyang kapanahunan ; na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito , at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao : sila&apos;y nagbabantay , gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag ; sila&apos;y nangaglalagay ng silo , sila&apos;y nanghuhuli ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon , gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan : kaya&apos;t sila&apos;y naging dakila , at nagsisiyaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sila&apos;y nagsisitaba , sila&apos;y makintab : oo , sila&apos;y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan ; hindi nila ipinakikipaglaban ang usap , ang usap ng ulila , upang sila&apos;y guminhawa ; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito ? sabi ng Panginoon ; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga propeta ay nanganghuhula ng kasinungalingan , at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay ; at iniibig ng aking bayan na magkagayon : at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo&apos;y magsitakas para maligtas , kayong mga anak ni Benjamin , mula sa gitna ng Jerusalem , at kayo&apos;y magsihihip ng pakakak sa Tecoa , at mangagtaas ng tanda sa Beth-hacherem ; sapagka&apos;t ang kasamaan ay natatanaw sa hilagaan , at isang malaking paglipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang maganda at maayos na babae , ang anak na babae ng Sion , ihihiwalay ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya ; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot ; sila&apos;y mangagpapasabsab bawa&apos;t isa sa kanikaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya ; kayo&apos;y magsibangon , at tayo&apos;y magsisampa sa katanghaliang tapat . Sa aba natin ! sapagka&apos;t ang araw ay kumikiling , sapagka&apos;t ang mga dilim ng gabi ay nangangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magsibangon , at tayo&apos;y magsisampa sa gabi , at ating gibain ang kaniyang mga palacio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kayo&apos;y magsiputol ng mga punong kahoy , at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem : ito ang bayang dadalawin ; siya&apos;y lubos na kapighatian sa gitna niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig , gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan : pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya ; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Maturuan ka , Oh Jerusalem , baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo ; baka ikaw ay gawin kong sira , lupaing hindi tinatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kanilang lubos na sisimutin ang nalabi sa Israel na parang puno ng ubas : idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kanino ako magsasalita at magpapatotoo , upang kanilang marinig ? narito , ang kanilang pakinig ay paking , at hindi mangakarinig : narito , ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila ; sila&apos;y walang kaluguran sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ako&apos;y puspus ng kapusukan ng Panginoon ; ako&apos;y pagod na ng pagpipigil ko : ibuhos sa mga bata sa lansangan , at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama : sapagka&apos;t gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli , ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba , ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama : sapagka&apos;t iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila , bawa&apos;t isa ay ibinigay sa kasakiman ; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa&apos;t isa&apos;y gumagawang may kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan , na sinasabi , Kapayapaan , kapayapaan ; gayon ma&apos;y walang kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nangahiya baga sila nang sila&apos;y gumawa ng kasuklamsuklam ? hindi , hindi sila nangahiya sa anoman , o sila man ay nangamula : kaya&apos;t sila&apos;y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal ; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng Panginoon , Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo , at ipagtanong ninyo ang mga dating landas , kung saan nandoon ang mabuting daan ; at magsilakad kayo roon , at kayo&apos;y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa : nguni&apos;t kanilang sinabi , Hindi kami magsisilakad doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ako&apos;y naglagay ng mga bantay sa inyo , na aking sinasabi , Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak , nguni&apos;t kanilang sinabi , Hindi kami makikinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t inyong pakinggan , ninyong mga bansa , at inyong talastasin , Oh kapulungan , kung ano ang nasa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Iyong pakinggan , Oh lupa : narito , ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa bayang ito , na bunga ng kanilang mga pagiisip , sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nangakinig sa aking mga salita ; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin ng kamangyan na mula sa Seba , at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain ? ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod , ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito : at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon ; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ang isang bayan ay nagmumula sa hilagaang lupain ; at isang dakilang bansa ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sila&apos;y nagsisihawak ng busog at ng sibat ; sila&apos;y mabagsik at walang habag ; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat , at sila&apos;y nagsisisakay sa mga kabayo , bawa&apos;t isa ay humahanay , na parang isang lalake sa pakikipagbaka , laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Aming narinig ang balita niyaon ; ang aming mga kamay ay nanganghihina : kahirapan ay humawak sa amin , at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Huwag kang lumabas sa parang , o lumakad man sa daan ; sapagka&apos;t may tabak ng kaaway , at kakilabutan sa bawa&apos;t dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Oh anak na babae ng aking bayan , magbigkis ka ng kayong magaspang , at gumumon ka sa abo : manangis ka , gaya ng sa bugtong na anak , ng kalagimlagim na panaghoy ; sapagka&apos;t ang manglilipol ay biglang darating sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Iginawa kita ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan : upang iyong maalaman at masubok ang kanilang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na nanganinirang puri ; sila&apos;y tanso at bakal : silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang panghihip ay humihihip na malakas ; ang tingga ay natutunaw sa apoy : sa walang kabuluhan nagdadalisay sila ; sapagka&apos;t ang masasama ay hindi nangaalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Tatawagin silang pilak na itinakuwil , sapagka&apos;t itinakuwil sila ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikaw ay tumayo sa pintuang-daan ng bahay ng Panginoon , at itanyag mo roon ang salitang ito , at iyong sabihin , Inyong dinggin ang salita ng Panginoon , ninyong lahat na nasa Juda , na nagsisipasok sa mga pintuang-daang ito upang magsisamba sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa , at akin kayong patatahanin sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kayong magsitiwala sa mga kabulaanang salita , na nangagsasabi , Ang templo ng Panginoon , ang templo ng Panginoon , ang templo ng Panginoon , ay ang mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kung inyong lubos na pabubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa ; kung kayo&apos;y lubos na magsisigawa ng kahatulan sa isang tao at sa kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung hindi ninyo pipighatiin ang makikipamayan , ang ulila , at ang babaing bao , at hindi kayo magbububo ng walang salang dugo sa dakong ito , o susunod man sa ibang mga dios sa inyong sariling kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ay patatahanin ko nga kayo sa dakong ito , sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una hanggang sa walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , kayo&apos;y nagsisitiwala sa mga kabulaanang salita , na hindi mapapakinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo baga&apos;y mangagnanakaw , magsisipatay , at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan , at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal , at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito , na tinatawag sa aking pangalan , na mangagsasabi , Kami ay laya ; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan , naging yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata ? Narito , ako , ako nga ang nakakita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t magsiparoon kayo ngayon sa aking dako na nasa Silo , na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una , at inyong tingnan kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ngayon , sapagka&apos;t inyong ginawa ang lahat ng gawang ito , sabi ng Panginoon , at nagsalita ako sa inyo , na ako&apos;y bumabangong maaga at nagsasalita , nguni&apos;t hindi ninyo dininig : at aking tinawag kayo , nguni&apos;t hindi kayo sumagot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan , na inyong tinitiwalaan , at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang , ang gaya ng aking ginawa sa Silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At akin kayong itatakuwil sa aking paningin , gaya ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid , sa buong binhi ni Ephraim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t huwag mong idalangin ang bayang ito , ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man , o mamagitan man ikaw sa akin ; sapagka&apos;t hindi kita didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi mo ba nakikita kung ano ang kanilang ginagawa sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga anak ay nangamumulot ng kahoy , at ang mga ama ay nangagpapaningas ng apoy , at ang mga babae ay nangagmamasa ng masa , upang igawa ng mga tinapay ang reina ng langit , at upang magbuhos ng mga handog na inumin sa ibang mga dios , upang kanilang mungkahiin ako sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kanila baga akong minumungkahi sa galit ? sabi ng Panginoon ; hindi baga sila namumungkahi sa kanilang sarili sa ikalilito ng kanila ring mukha ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ang aking galit at ang aking kapusukan ay mabubuhos sa dakong ito , sa tao , at sa hayop , at sa mga punong kahoy sa parang , at sa bunga ng lupa : at masusupok , at hindi mapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain , at magsikain kayo ng laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang , o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto , tungkol sa mga handog na susunugin , o sa mga hain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila , na aking sinasabi , Inyong dinggin ang aking tinig , at ako&apos;y magiging inyong Dios , at kayo&apos;y magiging aking bayan ; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo , sa ikabubuti ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t hindi nila dininig , o ikiniling man ang kanilang pakinig , kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso , at nagsiyaong paurong at hindi pasulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito , aking sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta , na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon ma&apos;y hindi sila nangakinig sa akin , o nangagkiling man ng kanilang pakinig , kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg : sila&apos;y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iyong sasalitain ang lahat na salitang ito sa kanila ; nguni&apos;t hindi sila mangakikinig sa iyo : iyo namang tatawagin sila ; nguni&apos;t hindi sila magsisisagot sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At iyong sasabihin sa kanila , Ito ang bansang hindi nakinig sa tinig ng Panginoon nilang Dios , o tumanggap man ng aral : katotohanan ay nawala , at nahiwalay sa kanilang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Iyong gupitin ang iyong buhok , Oh Jerusalem , at ihagis mo , at maglakas ka ng panaghoy sa mga luwal na kaitaasan ; sapagka&apos;t itinakuwil ng Panginoon at nilimot ang lahat ng kaniyang poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin , sabi ng Panginoon : kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinatawag sa aking pangalan , upang lapastanganin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ng Topheth , na nasa libis ng anak ni Hinnom , upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy ; na hindi ko iniuutos , o pumasok man sa aking pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya&apos;t , narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na hindi na siya tatawaging Topheth , o ang libis ng anak ni Hinnom man , kundi Ang libis ng Patayan : sapagka&apos;t sila&apos;y mangaglilibing sa Topheth , hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop sa lupa ; at walang bubugaw sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung magkagayo&apos;y aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda , at sa mga lansangan ng Jerusalem , ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan , ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae : sapagka&apos;t ang lupain ay masisira .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa panahong yaon , sabi ng Panginoon , ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari sa Juda , at ang mga buto ng kaniyang mga prinsipe , at ang mga buto ng mga saserdote , at ang mga buto ng mga propeta , at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem , mula sa kanilang mga libingan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kanilang ikakalat sa liwanag ng araw , at ng buwan , at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig , at kanilang pinaglingkuran , at siya nilang sinundan , at siyang kanilang hinanap , at siyang kanilang sinamba : hindi mangapipisan , o mangalilibing man , sila&apos;y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kamatayan ay pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan , na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bukod dito&apos;y sasabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon . Mangabubuwal baga ang mga tao , at hindi magsisibangon uli ? maliligaw baga ang isa , at hindi babalik ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod ? sila&apos;y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan , sila&apos;y nagsisitangging bumalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aking pinakinggan at narinig ko , nguni&apos;t hindi sila nagsalita ng matuwid : walang nagsisisi ng kaniyang kasamaan , na nagsasabi , Anong aking ginawa ? bawa&apos;t isa&apos;y lumilihis sa kaniyang lakad , gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oo , nalalaman ng ciguena sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan ; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon ; nguni&apos;t hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Paano ninyo sinasabi , Kami ay pantas , at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin ? Nguni&apos;t , narito , ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga pantas ay nangapapahiya , sila&apos;y nanganglulupaypay at nangahuhuli : narito , kanilang itinakuwil ang salita ng Panginoon : at anong uri ng karunungan ang nasa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba , at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon : sapagka&apos;t bawa&apos;t isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan , ay ibinigay sa kasakiman ; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa&apos;t isa&apos;y gumagawang may kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng aking bayan , na sinasabi , Kapayapaan , kapayapaan ; gayon ma&apos;y walang kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nangahiya baga sila nang sila&apos;y gumawa ng kasuklamsuklam ? hindi , hindi sila nangahiya sa anoman , ni nangamula man sila : kaya&apos;t sila&apos;y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal ; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Aking lubos na lilipulin sila , sabi ng Panginoon : hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas , o ng mga higos man sa mga puno ng higos , at ang dahon ay malalanta ; at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bakit tayo&apos;y nagsisitigil na nakaupo ? kayo&apos;y magkatipon , at tayo&apos;y magsipasok sa mga bayang nakukutaan , at tayo&apos;y magsitahimik doon ; sapagka&apos;t tayo&apos;y pinatahimik ng Panginoon nating Dios , at binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin , sapagka&apos;t tayo&apos;y nangagkasala laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tayo&apos;y nangaghihintay ng kapayapaan , nguni&apos;t walang dumating na mabuti ; at ng panahon ng kagalingan , at narito panglulupaypay !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang singasing ng kaniyang mga kabayo ay naririnig mula sa Dan : sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsidating , at nilamon ang lupain at lahat ng naroon ; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t , narito , ako&apos;y magsusugo ng mga ahas , ng mga ulupong sa gitna ninyo , na hindi maeenkanto , at kakagatin nila kayo , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh kung ako&apos;y makapagaaliw laban sa kapanglawan ! ang puso ko ay nanglulupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo : Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion ? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon ? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan , at ng mga walang kabuluhan ng iba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang pagaani ay nakaraan , ang taginit ay lipas na , at tayo&apos;y hindi ligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasasakitan ako ; ako&apos;y luksa ; ako&apos;y natigilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Wala bagang balsamo sa Galaad ? wala bagang manggagamot doon ? bakit nga hindi gumaling ang anak na babae ng aking bayan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig , at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha , upang ako&apos;y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh kung magkaroon ako sa ilang ng patuluyan sa mga naglalakad ; upang aking maiwan ang aking bayan , at lisanin ko sila ! sapagka&apos;t silang lahat ay mangangalunya , kapulungan ng mga taong taksil !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog , dahil sa kabulaanan ; at sila&apos;y nagsisitakas sa lupain , nguni&apos;t hindi para sa katotohanan : sapagka&apos;t sila&apos;y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan , at hindi nila ako nakikilala , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mangagingat bawa&apos;t isa sa inyo sa kaniyang kapuwa , at huwag kayong mangagkatiwala sa kanino mang kapatid ; sapagka&apos;t bawa&apos;t kapatid ay mangaagaw , at bawa&apos;t kapuwa ay makikisama sa mapanirang puri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangagdaya bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa , at hindi mangagsasalita ng katotohanan : kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan ; sila&apos;y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang iyong tahanan ay nasa gitna ng pangdadaya : dahil sa pangdadaya ay ayaw silang kumilala sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , aking lilituhin sila , at susubukin sila ; sapagka&apos;t ano pa ang aking magagawa , dahil sa anak na babae ng aking bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanilang dila ay panang nakamamatay ; nagsasalita ng karayaan : nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa , nguni&apos;t bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ko baga dadalawin sila dahil sa mga bagay na ito ? sabi ng Panginoon ; hindi baga manghihiganti ako sa isang bansa na gaya nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa mga bundok ay maglalakas ako ng pagiyak at pananangis , at sa mga sabsaban sa ilang ay panaghoy , sapagka&apos;t nasunog ang mga yaon , na anopa&apos;t walang dumaraan ; hindi man narinig ng mga tao ang angal ng kawan ; ang mga ibon sa himpapawid at gayon din ang mga hayop sa parang ay nagsitakas , ang mga ito&apos;y nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking gagawin na mga bundok ang Jerusalem , na tahanang dako ng mga chakal ; at aking sisirain ang mga bayan ng Juda , na walang mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sino ang pantas na makakaunawa nito ? at sino siya na pinagsalitaan ng bibig ng Panginoon , upang kaniyang maipahayag ? bakit ang lupain ay napupugnaw at nasusunog na parang ilang , na anopa&apos;t walang dumaraan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoon , Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang aking kautusan na aking inilagay sa harap nila , at hindi nagsisunod sa aking tinig , o nilakaran man nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi sila&apos;y nagsisunod sa pagmamatigas ng kanilang sariling puso , at nagsisunod sa mga Baal , na itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking pakakanin sila , ang bayang ito , ng ajenjo , at bibigyan ko sila ng inuming mapait upang inumin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Akin ding pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa , na hindi nakilala kahit nila o ng kanilang mga magulang man ; at ipahahabol ko sila sa tabak , hanggang sa aking malipol sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kayo&apos;y mangagdilidili , at magsitawag ng mga tagapanangis na babae , upang sila&apos;y mangakaparito ; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae , upang sila&apos;y mangakaparito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At mangagmadali sila , at mangaglakas sila ng panangis dahil sa atin , upang ang ating mga mata ay daluyan ng mga luha , at ang ating mga talukapmata ay labasan ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang tinig ng panangis ay naririnig mula sa Sion , Ano&apos;t tayo&apos;y nasisira ! tayo&apos;y lubhang nangalito , sapagka&apos;t ating pinabayaan ang lupain , sapagka&apos;t kanilang ibinagsak ang ating mga tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon ma&apos;y inyong dinggin ang salita ng Panginoon , Oh ninyong mga babae , at tanggapin ng inyong pakinig ang salita ng kaniyang bibig ; at turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis , at turuan ng bawa&apos;t isa ang kaniyang kapuwa ng panaghoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan , ito&apos;y pumasok sa ating mga palacio ; upang ihiwalay ang mga anak sa labas , at ang mga binata sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Salitain mo : Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang mga bangkay ng mga tao ay mangabubuwal na parang dumi sa luwal na parang , at parang bigkis sa likod ng manggagapas : at walang dadampot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan , o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan , huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati , na kaniyang nauunawa , at kaniyang nakikilala ako , na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob , kahatulan at katuwiran ; sapagka&apos;t sa mga bagay na ito ay nalulugod ako , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aking parurusahan silang lahat na nangatuli sa hindi tunay na pagkatuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang Egipto , at ang Juda , at ang Edom , at ang mga anak ni Ammon , at ang Moab , at lahat ng nagsisigupit ng laylayan ng kaniyang buhok , na nagsisitahan sa ilang ; sapagka&apos;t lahat ng mga bansa ay hindi tuli , at ang buong sangbahayan ni Israel ay hindi tuli sa puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Inyong dinggin ang salita na sinasalita ng Panginoon sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa , at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit ; sapagka&apos;t ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan : sapagka&apos;t may pumuputol ng punong kahoy sa gubat , na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto ; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok , upang huwag makilos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y gaya ng puno ng palma , na binilog , at hindi nagsasalita : kinakailangang pasanin , sapagka&apos;t hindi makalakad . Huwag ninyong katakutan ang mga yaon , sapagka&apos;t hindi makagagawa ng kasamaan , ni wala ring magagawang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Walang gaya mo , Oh Panginoon ; ikaw ay dakila , at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinong hindi matatakot sa iyo , Oh Hari ng mga bansa ? sapagka&apos;t sa iyo nauukol ; palibhasa&apos;y sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa , at sa lahat nilang kaharian , ay walang gaya mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi sila&apos;y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan , yao&apos;y kahoy lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis , at ginto mula sa Uphaz , na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday ; azul at kulay ube ang kanilang damit ; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang Panginoon ay tunay na Dios ; siya ang buhay na Dios , at walang hanggang Hari : sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa , at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang inyong sasabihin sa kanila , Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa , ang mga ito ang mangalilipol sa lupa , at sa silong ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan , kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan , at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pagka siya&apos;y naguutos , may hugong ng tubig sa langit , at kaniyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa ; siya&apos;y nagpapakidlat para sa ulan , at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bawa&apos;t tao ay naging tampalasan at walang kaalaman ; bawa&apos;t panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan ; sapagka&apos;t ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan , at hindi humihinga ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sila&apos;y walang kabuluhan , gawang karayaan : sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito ; sapagka&apos;t siya ang may kapal sa lahat ng mga bagay ; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iyong pulutin ang iyong mga kalakal mula sa lupain , Oh ikaw na nakukubkob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito , at aking pahihirapan sila upang sila&apos;y makaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa aba ko , dahil sa aking sugat ! ang aking sugat ay malubha : nguni&apos;t aking sinabi , Tunay na ito ay aking hirap , at aking marapat na tiisin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang aking tolda ay nagiba , at lahat ng panali ko ay nangapatid ; iniwan ako ng aking mga anak , at sila&apos;y wala na : wala nang magtayo pa ng aking tolda , at magtaas ng aking mga tabing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang mga pastor ay naging tampalasan , at hindi nagsisangguni sa Panginoon : kaya&apos;t hindi sila magsisiginhawa , at lahat nilang kawan ay nangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang tinig ng mga balita , narito , dumarating , at malaking kagulo mula sa lupaing hilagaan , upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda , at tahanan ng mga chakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Oh Panginoon , talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili ; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Oh Panginoon , sawayin mo ako , nguni&apos;t sa pamamagitan ng kahatulan ; huwag sa iyong galit , baka ako&apos;y iuwi mo sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Iyong ibuhos ang iyong kapusukan sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo , at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan ; sapagka&apos;t kanilang sinakmal ang Jacob , oo , kanilang sinakmal siya , at nilipol siya , at sinira ang kaniyang tahanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito , at inyong salitain sa mga tao ng Juda , at sa mga nananahan sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na aking iniutos sa iyong mga magulang , nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto , mula sa hurnong bakal , na nagsasabi , inyong talimahin ang aking tinig , at inyong isagawa , ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo : sa gayo&apos;y magiging bayan ko kayo , at ako&apos;y magiging inyong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang , upang ibigay ko sa kanila ang isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot , gaya sa araw na ito . Nang magkagayo&apos;y sumagot ako , at sinabi ko , Siya nawa , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Panginoon sa akin , Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda , at sa mga lansangan ng Jerusalem , na inyong sabihin , Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito , at inyong isagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto , hanggang sa araw na ito , na ako&apos;y bumabangong maaga at pinatutunayan ko , na aking sinasabi , Inyong talimahin ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa&apos;t isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso : kaya&apos;t dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito , na aking iniutos sa kanila na isagawa , nguni&apos;t hindi nila isinagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon sa akin , Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda , at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y nanganumbalik sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan , na nagsitangging duminig ng aking mga salita ; at sila&apos;y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran : sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa kanila , na hindi nila matatakasan ; at sila&apos;y magsisidaing sa akin , nguni&apos;t hindi ko sila didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung magkagayo&apos;y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan : nguni&apos;t hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios . Oh Juda ; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay , mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t huwag mong idalangin ang bayang ito , o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man ; sapagka&apos;t hindi ko didinggin sila sa panahon na sila&apos;y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay , yamang siya&apos;y gumawa ng kahalayan sa marami , at ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo ? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan , ikaw nga&apos;y nagagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan , Sariwang puno ng olivo , maganda na may mainam na bunga : sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy , at ang mga sanga niyaon ay nangabali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang Panginoon ng mga hukbo , na nagtatag sa iyo , ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo , dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel , at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon , at naalaman ko : nang magkagayo&apos;y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t ako&apos;y gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan ; at hindi ko naalaman na sila&apos;y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin , na nangagsasabi , Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon , at ating ihiwalay siya sa lupain ng buhay , upang ang kaniyang pangalan ay huwag ng maalaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t , Oh Panginoon ng mga hukbo , na humahatol ng matuwid , na tumatarok ng puso at ng pagiisip , ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila ; sapagka&apos;t sa iyo inihayag ko ang aking usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na nagsisiusig ng iyong buhay , na nangagsasabi , Ikaw ay huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon , upang huwag kang mamatay sa aming kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , aking parurusahan sila : ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak ; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila : sapagka&apos;t ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth , sa makatuwid baga&apos;y sa taon ng pagdalaw sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ikaw ay matuwid , Oh Panginoon , nang ako&apos;y makipagtalo sa iyo ; gayon ma&apos;y makikipagmatuwiranan ako sa iyo : bakit gumiginhawa ang lakad ng masama ? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Iyong itinanim sila , oo , sila&apos;y nangagkaugat ; nagsisitubo , oo , sila&apos;y nangagbubunga : ikaw ay malapit sa kanilang bibig , at malayo sa kanilang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ikaw , Oh Panginoon , nakakakilala sa akin ; iyong nakikita ako , at tinatarok mo ang aking puso : itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan , at ihanda mo sila sa kaarawan ng pagpatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hanggang kailan tatangis ang lupain , at matutuyo ang mga damo sa buong lupain ? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon , nilipol ang mga hayop , at ang mga ibon ; sapagka&apos;t kanilang sinabi , Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad , at kanilang pinagod ka , paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo ? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka , gayon ma&apos;y paano ang gagawin mo sa kapalaluan ng Jordan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang , ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo ; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo : huwag mong paniwalaan sila , bagaman sila&apos;y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking pinabayaan ang aking bahay , aking itinakuwil ang aking mana ; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat : kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin ; kaya&apos;t aking ipinagtanim siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik ? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot ? kayo&apos;y magsiyaon , inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang , inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinira ng maraming pastor ang aking ubasan , kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi , kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kanilang ginawa , itong isang kagibaan ; tumatangis sa akin , palibhasa&apos;y sira ; ang buong lupain ay nasira , sapagka&apos;t walang taong gumugunita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang : sapagka&apos;t ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sila&apos;y nangaghasik ng trigo , at nagsiani ng mga tinik : sila&apos;y nangagpakahirap , at walang pinakikinabang : at kayo&apos;y mangapapahiya sa inyong mga gawa , dahil sa mabangis na galit ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama kong kapuwa , na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel , Narito , akin silang bubunutin sa kanilang lupain , at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mangyayari , na pagkatapos na aking mabunot sila , ako&apos;y babalik at maaawa sa kanila ; at aking ibabalik sila uli , bawa&apos;t tao ay sa kaniyang mana , at bawa&apos;t tao ay sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mangyayari , kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan , ang pagsumpa sa pangalan ko , Buhay ang Panginoon ; sa makatuwid baga&apos;y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal : ay mangatatayo nga sila sa gitna ng aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kung hindi nila didinggin , akin ngang bubunutin ang bansang yaon , na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang pamigkis na lino , at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon , at inilagay ko sa aking mga bayawang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang salita ng Panginoon , ay dumating sa akin na ikalawa , na nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kunin mo ang pamigkis na iyong binili , na nasa iyong mga bayawang , at ikaw ay bumangon , yumaon ka sa Eufrates , at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y yumaon ako , at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , pagkaraan ng maraming araw , na sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay bumangon , yumaon ka sa Eufrates , at kunin mo ang pamigkis mula roon , na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y yumaon ako sa Eufrates , at hinukay ko , at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan ; at , narito , ang pamigkis ay bulok , hindi mapapakinabangan sa anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y dumating sa akin ang salita ng Panginoon , na nagsasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ayon sa paraang ito ay aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda , at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang masamang bayang ito , na ayaw makinig ng mga salita ko , na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso , at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran , at upang sambahin , ay magiging gaya ng pamigkis na ito , na hindi mapapakinabangan sa anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake , gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda , sabi ng Panginoon ; upang sila&apos;y maging pinakabayan sa akin , at pinakapangalan , at pinakapuri , at pinakaluwalhati : nguni&apos;t hindi nila dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t sasalitain mo sa kanila ang salitang ito . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Bawa&apos;t sisidlang balat ay mapupuno ng alak : at kanilang sasabihin sa iyo , Hindi baga namin nalalaman na ang bawa&apos;t sisidlang balat ay mapupuno ng alak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung magkagayo&apos;y sasabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking pupunuin ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito , ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David , at ang mga saserdote at ang mga propeta , at ang lahat na nananahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking itutulak ang isa laban sa isa , sa makatuwid baga&apos;y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama , sabi ng Panginoon : hindi ako magpapatawad , o maaawa man , o mahahabag man , na sila&apos;y lilipulin ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Inyong dinggin , at kayo&apos;y mangakinig ; Huwag kayong mangagpalalo ; sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios , bago siya magpadilim , at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok , at , habang kayo&apos;y nangaghihintay ng liwanag , ay kaniyang gagawing lilim ng kamatayan , at papagsasalimuutin niya ang kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kung hindi ninyo didinggin , ako&apos;y iiyak , na lihim dahil sa inyong kapalaluan ; at ang mata ko ay iiyak na mainam , at dadaluyan ng mga luha , sapagka&apos;t ang kawan ng Panginoon ay nabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Iyong sabihin sa hari at sa ina ng hari , Kayo&apos;y mangagpapakababa , magsiupo kayo ; sapagka&apos;t ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak , ang putong ng inyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan , at walang mangagbukas : ang buong Juda ay nadalang bihag ; buong nadalang bihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Inyong itanaw ang inyong mga mata , at inyong masdan sila na nanganggagaling sa hilagaan : saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo , ang iyong magandang kawan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo , na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo ? hindi baga mamamanglaw ka , ng parang isang babae na nagdaramdam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kung iyong sabihin sa puso , Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin ? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay nalilis ang iyong mga laylayan , at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat , o ang leopardo ng kaniyang batik ? kung magkagayo&apos;y mangakagagawa naman kayo ng mabuti , na mga bihasang gumawa ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t aking pangangalatin sila , gaya ng dayami na dumaraan , sa pamamagitan ng hangin sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ito ang iyong kapalaran , ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin , sabi ng Panginoon ; sapagka&apos;t iyong nilimot ako , at tumiwala ka sa kabulaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha , at ang iyong kahihiyan ay malilitaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa , sa makatuwid baga&apos;y ang iyong mga pangangalunya , at ang iyong mga paghalinghing , ang kahalayan ng iyong pakikiapid , sa mga burol sa parang . Sa aba mo , Oh Jerusalem ! ikaw ay hindi malilinis ; hanggang kailan pa magkakaganyan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Juda ay tumatangis , at ang mga pintuang-bayan niya ay nagsisihapay , mga bagsak na nangingitim sa lupa ; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig : sila&apos;y nagsisiparoon sa mga balon , at hindi nangakasumpong ng tubig ; sila&apos;y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman ; sila&apos;y nangapapahiya at nangalilito , at nangagtatakip ng kanilang mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dahil sa lupa na pumuputok , palibhasa&apos;t hindi nagkaroon ng ulan sa lupain , ang mga mangbubukid ay nangapahiya , kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , ang usa sa parang naman ay nanganganak , at pinababayaan ang anak , sapagka&apos;t walang damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan , sila&apos;y humihingal na parang mga chakal ; sila ay nangangalumata , sapagka&apos;t walang pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin , gumawa ka alangalang sa iyong pangalan , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t ang aming mga pagtalikod ay marami ; kami ay nangagkasala laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh ikaw na pagasa ng Israel , na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan , bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain , at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bakit ka magiging parang taong natigilan , parang makapangyarihan na hindi makapagligtas ? gayon man ikaw , Oh Panginoon , ay nasa gitna namin , at kami ay tinatawag sa iyong pangalan ; huwag mo kaming iwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito , Yamang kanilang inibig ang paglaboy ; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa : kaya&apos;t hindi sila tinatanggap ng Panginoon ; ngayo&apos;y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan , at dadalawin ang kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng Panginoon sa akin , Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka sila&apos;y nangagaayuno , hindi ko didinggin ang kanilang daing ; at pagka sila&apos;y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay , hindi ko tatanggapin ; kundi aking lilipulin sila ng tabak , at ng kagutom , at ng salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Ah Panginoong Dios ! narito , sinasabi ng mga propeta sa kanila , Kayo&apos;y hindi makakakita ng tabak , o magkakaroon man kayo ng kagutom ; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan ; hindi ko sila sinugo , o inutusan ko man sila , o nagsalita man ako sa kanila : sila&apos;y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain , at ng panghuhula , at ng bagay na wala , at ng daya ng kanilang sariling puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan , at hindi ko sila sinugo , na gayon ma&apos;y nagsasabi sila , Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito : Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak ; at walang maglilibing sa kanila-sa kanila , sa kanilang mga asawa , o sa kanilang mga anak na lalake man , o babae man : sapagka&apos;t aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila , Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw , at huwag maglikat ; sapagka&apos;t ang anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira , na may totoong mabigat na sugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung ako&apos;y lumabas sa parang , narito , ang mga pinatay ng tabak ! at kung ako&apos;y pumasok sa bayan , narito , sila na mga may sakit ng pagkagutom ! sapagka&apos;t ang propeta at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda ? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion ? bakit mo sinaktan kami , at walang kagalingan sa amin ? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan , nguni&apos;t walang kabutihang dumating ; at ng panahon ng kagalingan , at , narito , panglulupaypay !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Aming kinikilala , Oh Panginoon , ang aming kasamaan , at ang kasamaan ng aming mga magulang ; sapagka&apos;t kami ay nangagkasala laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag mo kaming kayamutan , alangalang sa iyong pangalan ; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian : iyong alalahanin , huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Mayroon bagang sinoman sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan ? o makapagpapaambon baga ang mga langit ? Hindi baga ikaw ay siya , Oh Panginoon naming Dios ? kaya&apos;t kami ay mangaghihintay sa iyo ; sapagka&apos;t iyong ginawa ang lahat na bagay na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Bagaman si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko , gayon ma&apos;y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito : iyong itakuwil sila sa aking paningin , at iyong palabasin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayari , pagka kanilang sinabi sa iyo , Saan kami magsisilabas ? sasaysayin mo nga sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang sa kamatayan , ay sa kamatayan ; at ang sa tabak , ay sa tabak ; at ang sa kagutom , ay sa kagutom ; at ang sa pagkabihag , ay sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay , sabi ng Panginoon : ang tabak upang pumatay , at ang mga aso upang lumapa , at ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga hayop sa lupa , upang lumamon at lumipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking ipagugulo sila na paroo&apos;t parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa , dahil kay Manases , na anak ni Ezechias , na hari sa Juda , dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sinong mahahabag sa iyo , Oh Jerusalem ? o sinong tataghoy sa iyo ? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iyong itinakuwil ako , sabi ng Panginoon , ikaw ay umurong : kaya&apos;t iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo , at pinatay kita ; ako&apos;y dala na ng pagsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain ; aking niwalaan sila ng mga anak , aking nilipol ang aking bayan ; sila&apos;y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat ; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat : aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay ; siya&apos;y nalagutan ng hininga ; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa ; napahiya at nalito : at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa aba ko , ina ko , na ipinanganak mo ako na lalaking sa pakikipagpunyagi at lalaking sa pakikipaglaban sa buong lupa ! ako&apos;y hindi nagpautang na may tubo , o pinautang man ako na may patubo ng mga tao ; gayon ma&apos;y sinusumpa ako ng bawa&apos;t isa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinabi ng Panginoon , Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti ; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mababasag baga ng sinoman ang bakal , ang bakal na mula sa hilagaan , at ang tanso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang iyong pag-aari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga , at iya&apos;y dahil sa lahat mong kasalanan , sa lahat mo ngang hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At akin silang pararaanin na kasama ng iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala ; sapagka&apos;t ang apoy ay nagniningas sa aking galit , na magniningas sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oh Panginoon , talastas mo ; iyong alalahanin ako , at dalawin mo ako , at ipanghiganti mo ako sa mga manguusig sa akin ; huwag mo akong kunin sa iyong pagtitiis : talastasin mo na dahil sa iyo ay nagtiis ako ng kakutyaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang iyong mga salita ay nangasumpungan , at aking kinain ; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso : sapagka&apos;t ako&apos;y tinawag sa iyong pangalan , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan , o nagagalak man ; ako&apos;y nauupong magisa dahil sa iyong kamay ; sapagka&apos;t pinuno mo ako ng pagkagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bakit ang aking sakit ay walang hanggan , at ang aking sugat ay walang kagamutan , na hindi mapagaling ? ikaw baga&apos;y tunay na magiging parang magdarayang batis sa akin , parang tubig na nauubos ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kung ikaw ay magbalikloob , papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko ; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga , ikaw ay magiging parang aking bibig : sila&apos;y manunumbalik sa iyo , nguni&apos;t hindi ka manunumbalik sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At gagawin kita sa bayang ito na tansong kuta na sanggalangan ; at sila&apos;y magsisilaban sa iyo , nguni&apos;t hindi sila magsisipanaig laban sa iyo ; sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo upang iligtas kita at upang papaging layain kita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ililigtas kita sa kamay ng masama , at tutubusin kita sa kamay ng kakilakilabot .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita rin naman ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag kang magaasawa , o magkakaroon ka man ng mga anak na lalake o babae sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito , at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila , at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y mangamamatay ng mga mabigat na pagkamatay : hindi sila pananaghuyan , o ililibing man sila ; sila&apos;y magiging parang dumi sa ibabaw ng lupa ; at sila&apos;y mangalilipol ng tabak , at ng kagutom ; at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan , o pumaroon man upang tumaghoy , o manangis man sa mga yaon ; sapagka&apos;t aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito , sabi ng Panginoon , ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito ; sila&apos;y hindi mangalilibing , o tataghuyan man sila ng mga tao , o magkukudlit man o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">O magpuputol man ng tinapay ang mga tao , sa kanila na nananangis , upang aliwin sila dahil sa namatay ; hindi man sila paiinumin sa saro ng kaaliwan ng dahil sa kanilang ama o dahil sa kanilang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila , na kumain at uminom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking ipatitigil sa dakong ito , sa harap ng iyong mga mata at sa inyong mga kaarawan , ang tinig ng kalayawan , at ang tinig ng kasayahan , ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At mangyayari , pagka iyong ipakikilala sa bayang ito ang lahat ng mga salitang ito , at kanilang sasabihin sa iyo , Bakit sinalita ng Panginoon ang lahat na malaking kasamaang ito laban sa amin ? o ano ang aming kasamaan ? o ano ang aming kasalanan na aming ginawa laban sa Panginoon naming Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung magkagayo&apos;y iyong sasabihin sa kanila , Sapagka&apos;t pinabayaan ako ng inyong mga magulang , sabi ng Panginoon , at nagsisunod sa ibang mga dios , at nangaglingkod sa kanila , at nagsisamba sa kanila , at pinabayaan ako , at hindi iningatan ang aking kautusan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kayo&apos;y nagsigawa ng kasamaan na higit kay sa inyong mga magulang , sapagka&apos;t , narito , lumakad bawa&apos;t isa sa inyo ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang kalooban , na anopa&apos;t hindi ninyo ako dininig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t kayo&apos;y itataboy ko sa lupain na hindi ninyo nakilala , ninyo o ng inyong mga magulang man , na mula sa lupaing ito , at doo&apos;y mangaglilingkod kayo sa ibang mga dios araw at gabi , sapagka&apos;t hindi ako magpapakita ng kagandahang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t , narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na hindi na sasabihin pa , Buhay ang Panginoon , na nagahon ng angkan ni Israel mula sa lupain ng Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kundi , Buhay ang Panginoon , na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng hilagaan , at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila . At akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , ipasusundo ko ang maraming mangingisda , sabi ng Panginoon , at magsisipangisda sila ; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso , at sila&apos;y magsisipangaso sa bawa&apos;t bundok , at sa bawa&apos;t burol , at sa mga bitak ng mga malaking bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad , sila&apos;y hindi nangakukubli sa aking mukha , o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At akin munang gagantihin ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan , sapagka&apos;t kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay , at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh Panginoon , aking kalakasan , at aking katibayan , at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati , sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa , at mangagsasabi , Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios na hindi mga dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t , narito , ipakikilala ko sa kanila , na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan ; at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay Jehova .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal , at ng dulo ng diamante : nakintal sa kanilang puso , at sa mga sungay ng inyong mga dambana ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang kanilang mga Asera sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh aking bundok sa parang , aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan , at ang iyong mga mataas na dako , dahil sa kasalanan , sa lahat ng iyong hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ikaw , sa makatuwid baga&apos;y ang iyong sarili , mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo ; at paglilingkurin kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala : sapagka&apos;t pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoon : Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao , at ginagawang laman ang kaniyang bisig , at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t siya&apos;y magiging gaya ng kugon sa ilang , at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating , kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang , lupaing maalat at hindi tinatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon , at ang pagasa ay ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t siya&apos;y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig , at naguugat sa tabi ng ilog , at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating , kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa ; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu , o maglilikat man ng pagbubunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay , at totoong masama : sinong makaaalam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Akong Panginoon , ay sumisiyasat ng pagiisip , aking tinatarok ang mga puso , upang magbigay sa bawa&apos;t tao ng ayon sa kanikaniyang lakad , ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya , gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan , at hindi sa pamamagitan ng matuwid ; sa kaniyang mga kaarawan ay iiwan niya yaon , at sa kaniyang wakas ay nagiging mangmang siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang maluwalhating luklukan , na naitaas mula nang pasimula , ay siyang dako ng aming santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh Panginoon , na pagasa ng Israel , lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya . Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa , sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , na bukal ng buhay na tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyong pagalingin ako , Oh Panginoon , at gagaling ako ; iyong iligtas ako , at maliligtas ako : sapagka&apos;t ikaw ang aking kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , kanilang sinasabi sa akin , Saan nandoon ang salita ng Panginoon ? paratingin ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa ganang akin , ay hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo ; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan : iyong nalalaman : ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag maging kakilabutan sa akin : ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin , nguni&apos;t huwag akong mapahiya ; manganglupaypay sila , nguni&apos;t huwag akong manglupaypay ; datnan sila ng araw ng kasakunaan , at ipahamak sila ng ibayong pagkapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay yumaon , at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan , na pinapasukan , at nilalabasan ng mga hari sa Juda , at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At iyong sabihin sa kanila , Inyong dinggin ang salita ng Panginoon , ninyong mga hari sa Juda , at ng buong Juda , at ng lahat na nananahan sa Jerusalem , na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito ang sabi ng Panginoon , Mangagingat kayo sa inyong sarili , at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath , o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath , o magsigawa man kayo ng anomang gawain : kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath , gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t hindi nila dininig , o ikiniling man ang kanilang pakinig , kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg , upang huwag nilang marinig , at huwag makatanggap ng turo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At mangyayari , kung kayo&apos;y mangakinig na maingat sa akin , sabi ng Panginoon , na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath , kundi ipangilin ang araw ng sabbath , upang huwag gawan ng anomang gawain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung magkagayo&apos;y magsisipasok sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David , na nangakakaro at nangakakabayo , sila at ang kanilang mga pangulo , ang mga lalake ng Juda , at ang mga taga Jerusalem ; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y manganggagaling sa mga bayan ng Juda , at sa mga palibot ng Jerusalem , at sa lupain ng Benjamin , at sa mababang lupain , at sa mga bundok , at sa Timugan , na magdadala ng mga handog na susunugin , at ng mga hain , at ng mga alay , at ng kamangyan , at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath , at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath ; kung magkagayo&apos;y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon , at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem , at hindi mapapatay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikaw ay bumangon , at bumaba sa bahay ng magpapalyok , at aking iparirinig sa iyo ang aking mga salita roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y bumaba ako sa bahay ng magpapalyok , at , narito , siya&apos;y gumagawa ng kaniyang gawa sa pamamagitan ng mga gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa , ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan , na minagaling na gawin ng magpapalyok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y dumating sa akin ang salita ng Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh sangbahayan ni Israel , hindi baga ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito ? sabi ng Panginoon . Narito , kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok , gayon kayo sa kamay ko , Oh sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa anomang sandali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa , at tungkol sa isang kaharian , upang bunutin at upang ibagsak at upang lipulin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung ang bansang yaon , na aking pinagsalitaan , ay humiwalay sa kanilang kasamaan , ako&apos;y magsisisi sa kasamaan na aking inisip gawin sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa anomang sangdali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa , at tungkol sa isang kaharian , upang itayo at upang itatag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung gumawa ng kasamaan sa aking paningin , na hindi sundin ang aking tinig , ay pagsisisihan ko nga ang kabutihan , na aking ipinagsabing pakikinabangan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayon nga , salitain mo sa mga tao sa Juda , at sa mga nananahan sa Jerusalem , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y humahaka ng kasamaan laban sa inyo , at kumatha ng katha-katha laban sa inyo : manumbalik bawa&apos;t isa sa inyo mula sa kanikaniyang masamang lakad , at inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t kanilang sinabi , Walang pagasa ; sapagka&apos;t kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha , at magsisigawa bawa&apos;t isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Inyong itanong nga sa mga bansa , kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay ? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang ? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kinalimutan ako ng aking bayan , sila&apos;y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan ; at sila&apos;y nangatisod sa kanilang mga lakad , sa mga dating landas , at pinalalakad sa mga lana , sa daan na hindi patag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Upang gawin ang kanilang lupain na isang katigilan , at walang hanggang kasutsutan ; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan , at mangaggagalaw ng ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aking pangangalatin sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway ; tatalikuran ko sila , at hindi ko haharapin , sa kaarawan ng kanilang kasakunaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sinabi nila , Kayo&apos;y magsiparito , at tayo&apos;y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias ; sapagka&apos;t ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote , o ang payo man sa pantas , o ang salita man sa propeta . Kayo&apos;y magsiparito , at ating saktan siya ng dila , at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Pakinggan mo ako , Oh Panginoon , at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Igaganti baga&apos;y kasamaan sa kabutihan ? sapagka&apos;t sila&apos;y nagsihukay ng hukay para sa akin . Iyong alalahanin kung paanong ako&apos;y tumayo sa harap mo , upang magsalita ng mabuti para sa kanila , upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom , at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak ; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak , at mga bao ; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan , at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay , pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako , at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon man , Panginoon , iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako ; huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan , o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin ; kundi sila&apos;y mangatisod sa harap mo ; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ikaw ay yumaon , at bumili ka ng isang sisidlang lupa ng magpapalyok , at magsama ka ng mga matanda sa bayan , at ng mga matanda sa mga saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ikaw ay lumabas sa libis ng anak ni Hinnom , na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit , at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sabihin , Inyong dinggin ang salita ng Panginoon , Oh mga hari sa Juda , at mga nananahan sa Jerusalem : Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , ako&apos;y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito , na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ako , at kanilang pinapaging iba ang dakong ito , at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios , na hindi nila nakilala , nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda , at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At itinayo ang mga mataas na dako ni Baal , upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal ; na hindi ko iniutos , o sinalita man , o pumasok man sa aking pagiisip :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na ang dakong ito ay hindi na tatawaging Topheth , ni Ang libis ng anak ni Hinnom , kundi Ang libis ng Patayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito ; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway , at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay : at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At gagawin ko ang bayang ito na katigilan , at kasutsutan ; bawa&apos;t isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae ; at kakain bawa&apos;t isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan , sa pagkakulong at sa kagipitan , na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway , at ng nagsisiusig ng kanilang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung magkagayo&apos;y babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo , at iyong sasabihin sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito , gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok , na hindi mabubuo uli ; at sila&apos;y mangaglilibing sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ganito ang gagawin ko sa dakong ito , sabi ng Panginoon , at sa mga nananahan dito , sa makatuwid baga&apos;y gagawin ang bayang ito na gaya ng Topheth :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga bahay ng Jerusalem , at ang mga bahay ng mga hari sa Juda , na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth , lahat ng bahay na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit , at pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth , na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula ; at siya&apos;y tumayo sa looban ng bahay ng Panginoon , at nagsabi sa buong bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , ako&apos;y magdadala sa bayang ito , at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon ; sapagka&apos;t kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg , upang huwag nilang marinig ang aking salita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Napakinggan ni Pashur , na anak ni Immer , na saserdote , na siyang pangulong pinuno sa bahay ng Panginoon , si Jeremias na nanghuhula ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta , at inilagay siya sa pangawan na nasa lalong mataas na pintuang-bayan ng Benjamin , na nasa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangyari , nang kinabukasan , na inilabas ni Pashur si Jeremias mula sa pangawan . Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias sa kaniya , Hindi tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan na Pashur , kundi Magormissabib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , gagawin kitang kakilabutan sa iyong sarili , at sa lahat mong mga kaibigan ; at sila&apos;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway , at mamamasdan ng iyong mga mata : at ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari sa Babilonia , at kaniyang dadalhin sila na bihag sa Babilonia , at papatayin sila ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat na kayamanan ng bayang ito , at ang lahat na pakinabang nito , at ang lahat na mahalagang bagay nito , oo , ang lahat na kayamanan ng mga hari sa Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway ; na magsisisamsam sa kanila , at magsisihuli sa kanila , at mangagdadala sa kanila sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ikaw Pashur , at ang lahat na tumatahan sa iyong bahay ay magsisipasok sa pagkabihag ; at paroroon ka sa Babilonia , at doon ka mamamatay , at doon ka malilibing , ikaw , at ang lahat mong mga kaibigan , na iyong pinanghulaan na may kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh Panginoon , iyong hinikayat ako , at ako&apos;y nahikayat ; ikaw ay lalong malakas kay sa akin , at nanaig ka : ako&apos;y nagiging katatawanan lahat ng araw , bawa&apos;t isa&apos;y tumutuya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kung paano kadalas nagsasalita ako , humihiyaw ako ; humihiyaw ako , Pangdadahas at paninira ; sapagka&apos;t ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin , at kadustaan , lahat ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung aking sabihin , Hindi ko babanggitin siya , o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan , mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto , at ako&apos;y pagod ng pagpipigil , at hindi makapagpigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t aking narinig ang paninirang puri ng marami , kakilabutan sa lahat ng dako . Kayo&apos;y mangagsumbong , at aming isusumbong siya , sabi ng lahat ng mga kasamasama kong kaibigan , na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak ; marahil siya&apos;y mahihikayat , at tayo&apos;y mangananaig laban sa kaniya , at tayo&apos;y mangakagaganti sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot : kaya&apos;t ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod , at sila&apos;y hindi mangananaig ; sila&apos;y lubhang mangapapahiya , sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nagsisigawang may karunungan , ng walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t , Oh Panginoon ng mga hukbo , na tumatarok ng matuwid , at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso , ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila ; sapagka&apos;t sa iyo ay inihayag ko ang aking usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo&apos;y magsiawit sa Panginoon , magsipuri kayo sa Panginoon ; sapagka&apos;t kaniyang iniligtas ang kaluluwa ng mapagkailangan mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sumpain ang araw na kinapanganakan sa akin : huwag pagpalain ang araw na kinapanganakan sa akin ng aking ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sumpain ang tao na nagdala ng balita sa aking ama , na nagsabi , Isang lalake ay ipinanganak sa iyo , na pinasaya siyang mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lalaking yaon ay maging gaya ng mga bayang giniba ng Panginoon , at hindi pinagsisihan : at makarinig nawa siya ng daing sa umaga , at hiyawan sa katanghaliang tapat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t hindi niya pinatay ako sa bahay-bata ; at sa gayo&apos;y naging libingan ko sana ang aking ina , at ang kaniyang bahay-bata , ay naging laging dakila sana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bakit nga ako&apos;y nalabas sa bahay-bata upang makakita ng hirap at kapanglawan , upang ang aking mga araw ay manaw na may kahihiyan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , nang suguin ng haring Sedechias sa kaniya si Pashur na anak ni Malchias , at si Sephanias na anak ni Maasias na saserdote , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isinasamo ko sa iyo , na ipagusisa mo kami sa Panginoon ; sapagka&apos;t si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , ay nakikipagdigma laban sa amin : marahil ang Panginoon ay gagawa sa amin ng ayon sa lahat niyang kamanghamanghang gawa , upang siya&apos;y sumampa na mula sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias sa kanila , Ganito ang inyong sasabihin kay Sedechias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Narito , ibabalik ko ang mga almas na pangdigma na nangasa inyong mga kamay , na inyong ipinakikipaglaban sa hari sa Babilonia , at laban sa mga Caldeo na kinukubkob ninyo sa labas ng mga kuta , at aking pipisanin sa gitna ng bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ako sa aking sarili ay lalaban sa inyo na may unat na kamay at may malakas na bisig , sa galit , at sa kapusukan , at sa malaking poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking susugatan ang mga mananahan sa bayang ito , ang tao at gayon din ang hayop : sila&apos;y mangamamatay sa malaking pagkasalot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagkatapos , sabi ng Panginoon , aking ibibigay si Sedechias na hari sa Juda , at ang kaniyang mga lingkod , at ang bayan , at yaong nangaiwan sa bayang ito na mula sa pagkasalot , mula sa tabak , at mula sa gutom , sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at sa kamay ng kanilang mga kaaway , at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay : at kaniyang susugatan sila ng talim ng tabak ; hindi niya patatawarin sila , o panghihinayangan man , o kaaawaan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa bayang ito ay sasabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng kabuhayan at ang daan ng kamatayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom , at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot ; nguni&apos;t ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo , siya&apos;y mabubuhay , at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya&apos;y pinakahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t itinitig ko ang mukha ko sa bayang ito sa ikasasama , at hindi sa ikabubuti , sabi ng Panginoon : ito&apos;y ibibigay sa kamay ng hari sa Babilonia , at kaniyang susunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda , inyong pakinggan ang salita ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oh sangbahayan ni David , ganito ang sabi ng Panginoon , Maglapat ka ng kahatulan sa umaga , at iligtas mo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati , baka ang aking kapusukan ay lumabas na parang apoy , at magningas na walang makapatay , dahil sa kasamaan ng inyong mga gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh nananahan sa libis , at sa batohan ng kapatagan , sabi ng Panginoon ; kayong nangagsasabi , Sinong bababang laban sa atin ? o sinong papasok sa ating mga tahanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa , sabi ng Panginoon ; at ako&apos;y magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat , at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon , Bumaba ka sa bahay ng hari sa Juda , at iyong salitain doon ang salitang ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iyong sabihin , Dinggin mo ang salita ng Panginoon , Oh hari sa Juda , na nauupo sa luklukan ni David , ikaw at ang iyong mga lingkod , at ang iyong bayan na pumapasok sa mga pintuang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoon , Mangagsagawa kayo ng kahatulan at ng katuwiran , at iligtas ninyo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati : at huwag kayong magsigawa ng kamalian , huwag kayong magsigawa ng pangdadahas sa mga nakikipamayan , sa ulila , o sa babaing bao man ; o mangagbubo man ng walang salang dugo sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kung tunay na inyong gawin ang bagay na ito , magsisipasok nga sa mga pintuang-daan ng bahay na ito ang mga hari na nangauupo sa luklukan ni David , na nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo , siya at ang kaniyang mga lingkod , at ang kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito , ako&apos;y susumpa sa aking sarili , sabi ng Panginoon , na ang bahay na ito ay masisira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda , Ikaw ay Galaad sa akin , at ulo ng Libano ; gayon ma&apos;y tunay na gagawin kitang isang ilang , at mga bayang hindi tinatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ako&apos;y maghahanda ng mga manglilipol laban sa iyo , bawa&apos;t isa&apos;y may kaniyang mga almas ; at kanilang puputulin ang iyong mga piling cedro , at ipaghahagis sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At maraming bansa&apos;y magsisipagdaan sa bayang ito , at mangagsasabi bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa , Ano&apos;t gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung magkagayo&apos;y magsisisagot sila , Sapagka&apos;t kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon na kanilang Dios , at nagsisamba sa ibang mga dios , at mga pinaglingkuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag ninyong iyakan ang patay , o panaghuyan man ninyo siya ; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon ; sapagka&apos;t hindi na siya babalik , o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Sallum na anak ni Josias , na hari sa Juda , na nagharing kahalili ni Josias na kaniyang ama , na lumabas sa dakong ito . Siya&apos;y hindi na babalik pa rito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag , doon siya mamamatay , at hindi na niya makikita ang lupaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan , at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan ; na pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa na walang upa , at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na nagsasabi , Ako&apos;y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid , at nabubuksan ng mga dungawan ; at nakikisamihan ng cedro , at nakukulayan ng pula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw baga&apos;y maghahari , sapagka&apos;t ikaw ay mayroong lalong maraming cedro ? hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom , at naglapat ng kahatulan at kaganapan ? nang magkagayo&apos;y ikinabuti niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan ; nang magkagayo&apos;y ikinabuti nga . Hindi baga ito ang pagkilala sa akin ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang , at upang magbubo ng walang salang dugo , at sa kapighatian , at sa karahasan , upang gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda , Hindi nila tataghuyan siya , na sasabihin , Ah kapatid kong lalake ! o , Ah kapatid na babae ! hindi nila tataghuyan siya , na sasabihin , Ah panginoon ! o , Ah kaniyang kaluwalhatian !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya&apos;y malilibing ng libing asno , na hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay sumampa sa Libano , at humiyaw ; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan , at ikaw ay humiyaw mula sa Abarim ; sapagka&apos;t lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ako&apos;y nagsalita sa iyo sa iyong kaginhawahan ; nguni&apos;t iyong sinabi , Hindi ko didinggin . Ito ang naging iyong paraan mula sa iyong kabataan , na hindi mo dininig ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Lahat mong pastor ay pakakanin ng hangin , at ang mga mangingibig sa iyo ay mapapapasok sa pagkabihag ; kung magkagayon ikaw ay mapapahiya at malilito dahil sa lahat mong kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Oh nananahan sa Libano , na ginagawa mo ang iyong pugad sa mga cedro , kahabaghabag ka nga pagka ang mga pagdaramdam ay dumating sa iyo , ang hirap na gaya ng sa babae sa pagdaramdam !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Buhay ako , sabi ng Panginoon , bagaman si Conias na anak ni Joacim na hari sa Juda ay maging singsing na panatak sa aking kanang kamay , akin ngang huhugutin ka mula roon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At aking ibibigay ka sa kamay ng nagsisiusig ng iyong buhay , at sa kamay nila na iyong kinatatakutan , sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at sa kamay ng mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At itataboy ka , at ang iyong ina na nanganak sa iyo , sa ibang lupain , na hindi pinapanganakan sa inyo ; at doon kayo mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t sa lupain na pinagnanasaan ng kanilang kaluluwa na pagbalikan , doon hindi sila mababalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan ? siya baga&apos;y sisidlan na hindi kinaluluguran ? bakit kanilang itinataboy , siya at ang kaniyang angkan , at itinapon sa lupain na hindi nila kilala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Oh lupa , lupa , lupa , iyong pakinggan ang salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ganito ang sabi ng Panginoon , Isulat ninyo ang lalaking ito na walang anak , ang lalake na hindi giginhawa sa kaniyang mga kaarawan ; sapagka&apos;t walang tao sa kaniyang angkan na giginhawa pa , na nauupo sa luklukan ni David , hindi na magpupuno pa sa Juda .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba ng mga pastor na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan ! sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan , Inyong pinangalat ang aking kawan , at inyong iniligaw sila , at hindi ninyo sila dinalaw ; narito , dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila , at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan ; at sila&apos;y magiging palaanak at magsisidami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ako&apos;y maglalagay ng mga pastor sa kanila na kakandili sa kanila ; at hindi na sila matatakot , o manglulupaypay pa , o kukulangin ang sinoman sa kanila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na ako&apos;y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga , at siya&apos;y maghahari na gaya ng hari , at gagawang may kapantasan , at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda , at ang Israel ay tatahang tiwasay ; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya , Ang Panginoon ay ating katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na hindi na nila sasabihin , Buhay ang Panginoon , na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi , Buhay ang Panginoon , na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain , at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila . At sila&apos;y magsisitahan sa kanilang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tungkol sa mga propeta . Ang puso ko sa loob ko ay bagbag , lahat kong buto ay nanginginig ; ako&apos;y parang langong tao , at parang taong dinaig ng alak , dahil sa Panginoon , at dahil sa kaniyang mga banal na salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang lupain ay puno ng mga mangangalunya ; sapagka&apos;t dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain ; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo . At ang kanilang lakad ay masama , at ang kanilang lakas ay hindi matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi ; oo , sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ang kanilang daan ay magiging sa kanila&apos;y parang mga madulas na dako sa kadiliman : sila&apos;y isusudlong , at mangabubuwal doon ; sapagka&apos;t ako&apos;y magpaparating ng kasamaan sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y sa taon ng pagdalaw sa kanila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng Samaria ; sila&apos;y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal , at inililigaw ang aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay : sila&apos;y nangangalunya , at nagsisilakad sa mga kasinungalingan ; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan , na anopa&apos;t walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan : silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin , at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta , Narito , aking pakakanin sila ng ajenjo , at paiinumin ko sila ng inuming mapait , sapagka&apos;t mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo : sila&apos;y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan ; sila&apos;y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso , at hindi mula sa bibig ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin , Sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y mangagkakaroon ng kapayapaan ; at sa bawa&apos;t isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila , Walang kasamaang darating sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sinong tumayo sa payo ng Panginoon , upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita ? sinong nakinig ng aking salita , at nakarinig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , ang bagyo ng Panginoon , ang kaniyang kapusukan , ay lumabas , oo , ipoipong bagyo : babagsak sa ulo ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang galit ng Panginoon ay hindi mapaparam , hanggang sa kaniyang magawa , at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso : sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ko sinugo ang mga propetang ito , gayon ma&apos;y nagsitakbo sila : ako&apos;y hindi nagsalita sa kanila , gayon ma&apos;y nanghula sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t kung sila&apos;y nanayo sana sa aking payo , kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan , at kanilang naihiwalay sa kanilang masamang lakad , at sa kasamaan ng kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ako baga&apos;y Dios lamang sa malapit , sabi ng Panginoon , at hindi Dios sa malayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya ? sabi ng Panginoon , Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta , na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan , na nangagsasabi , Ako&apos;y nanaginip , ako&apos;y nanaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan ; sa makatuwid baga&apos;y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa , gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang propeta na nanaginip , ay magsaysay siya ng isang panaginip ; at siyang nagtamo ng aking salita , salitain niya ang aking salita na may pagtatapat . Ano ang dayami sa trigo ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Hindi baga ang aking salita ay parang apoy ? sabi ng Panginoon ; at parang pamukpok na dumudurog ng bato ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t narito , ako&apos;y laban sa mga propeta , sabi ng Panginoon , na ninanakaw ng bawa&apos;t isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Narito , ako&apos;y laban sa mga propeta , sabi ng Panginoon , na nagsisipagsalita , at nangagsasabi , Kaniyang sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Narito , ako&apos;y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip , sabi ng Panginoon , at sinasaysay , at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan , at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan : gayon man ay hindi ko sinugo sila , o inutusan ko man sila ; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pagka ang bayang ito , o ang propeta , o ang saserdote ay magtatanong sa iyo , na magsasabi , Ano ang hula na mula sa Panginoon ? iyo ngang sasabihin sa kanila , Anong hula ! Aking itatakuwil kayo , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At tungkol sa propeta , at sa saserdote , at sa bayan , na magsasabi , Ang hula na mula sa Panginoon , ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ganito ang sasabihin ng bawa&apos;t isa sa inyo sa kaniyang kapuwa , at ng bawa&apos;t isa sa kaniyang kapatid , Ano ang isinagot ng Panginoon ? at , Ano ang sinalita ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa : sapagka&apos;t bawa&apos;t sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula ; sapagka&apos;t inyong binago ang mga salita ng buhay na Dios , ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ganito ang iyong sasabihin sa propeta , Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon ? at , Ano ang sinalita ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nguni&apos;t kung inyong sabihin , Ang hula na mula sa Panginoon ; ganito nga ang sabi ng Panginoon : Sapagka&apos;t inyong sinasabi ang salitang ito , Ang hula na mula sa Panginoon , at ako&apos;y nagsugo sa inyo , na sinabi ko , Huwag ninyong sasabihin , Ang hula na mula sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kaya&apos;t , narito , aking lubos na kalilimutan kayo , at aking itatakuwil kayo , at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang , mula sa aking harapan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ako&apos;y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo , at walang hanggang kahihiyan , na hindi malilimutan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Panginoon ay nagpakita sa akin , at , narito , dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon , pagkatapos na madalang bihag ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia si Jechonias na anak ni Joacim , hari sa Juda , at ang mga prinsipe sa Juda , na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal , mula sa Jerusalem , at mangadala sila sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang isang bakol ay may totoong mga mabuting igos , na parang mga igos na mga unang hinog ; at ang isang bakol ay may totoong masamang mga igos , na hindi makain , nangapakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Anong iyong nakikita , Jeremias ? At aking sinabi , Mga igos ; ang mga mabuting igos , totoong mabuti ; at ang masasama , totoong masama na hindi makakain , dahil sa nangapakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Kung paano ang mga mabuting igos na ito , gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda , na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo , sa ikabubuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti , at aking dadalhin sila uli sa lupaing ito : at aking itatayo sila , at hindi ko itutulak sila ; at aking itatatag sila , at hindi ko paaalisin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking bibigyan sila ng puso upang makilala ako , na ako ang Panginoon : at sila&apos;y magiging aking bayan , at ako&apos;y magiging kanilang Dios ; sapagka&apos;t sila&apos;y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung paanong ang masasamang igos , na hindi makakain , dahil sa nangapakasama , tunay na ganito ang sabi ng Panginoon , Sa gayo&apos;y pababayaan ko si Sedechias na hari sa Juda , at ang kaniyang mga prinsipe , at ang nalabi sa Jerusalem , na naiwan sa lupaing ito , at ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Akin silang pababayaan upang mapahapay na paroo&apos;t parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama ; upang maging kakutyaan at kawikaan , kabiruan at sumpa , sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking pararatingin ang tabak , ang kagutom , at ang salot , sa gitna nila , hanggang sa sila&apos;y mangalipol sa lupain na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga magulang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda ( siya ring unang taon ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na siyang sinalita ni Jeremias na propeta sa buong bayan ng Juda , at sa lahat ng nananahan sa Jerusalem , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mula nang ikalabing tatlong taon ni Josias na anak ni Ammon , na hari sa Juda , hanggang sa araw na ito , nitong dalawang pu&apos;t tatlong taon , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , at aking sinalita sa inyo na ako&apos;y bumangong maaga , at nagsalita ; nguni&apos;t hindi ninyo dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinugo ng Panginoon sa inyo ang lahat niyang lingkod na mga propeta na gumising na maaga , at sinugo sila ( nguni&apos;t hindi ninyo dininig , o ikiniling man ninyo ang inyong pakinig upang mangakinig ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na nangagsasabi , Magsihiwalay bawa&apos;t isa sa inyo sa kanikaniyang masamang lakad , at sa kasamaan ng inyong mga gawa , at kayo&apos;y magsitahan sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa inyo at sa inyong mga magulang , mula nang una at hanggang sa magpakailan pa man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At huwag kayong magsisunod sa ibang mga dios na mangaglingkod sa kanila , at magsisamba sa kanila , at huwag ninyo akong mungkahiin sa galit ng gawa ng inyong mga kamay , at hindi ko kayo sasaktan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y hindi kayo nangakinig sa akin , sabi ng Panginoon ; upang mungkahiin ninyo ako sa galit , ng gawa ng inyong mga kamay sa inyong sariling ikapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sapagka&apos;t hindi ninyo dininig ang aking mga salita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , ako&apos;y magsusugo at kukunin ko ang lahat na angkan sa hilagaan , sabi ng Panginoon , at ako&apos;y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na aking lingkod , at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito , at laban sa mga nananahan dito , at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot ; at aking lubos na lilipulin sila , at gagawin ko silang katigilan , at kasutsutan , at mga walang hanggang kagibaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bukod dito&apos;y aalisin ko sa kanila ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan , ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae , ang tunog ng mga batong gilingan , at ang liwanag ng ilawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang buong lupaing ito ay magiging sira , at katigilan ; at ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na pitong pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari , pagkaganap ng pitong pung taon , na aking parurusahan ang hari sa Babilonia , at ang bansang yaon , sabi ng Panginoon , dahil sa kaniyang kasamaan , at ang lupain ng mga Caldeo ; at aking gagawing sira magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon , lahat ng nakasulat sa aklat na ito , na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila , nila nga ; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos , at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , sa akin , Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay , at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y magsisiinom , at magsisihapay na paroo&apos;t parito , na mangauulol , dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y inabot ko ang saro sa kamay ng Panginoon , at pinainom ko ang lahat na bansang pinagsuguan ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa makatuwid , ang Jerusalem , at ang mga bayan ng Juda , at ang mga hari niyaon , at ang mga prinsipe niyaon , upang gawin silang kagibaan , katigilan , kasutsutan , at sumpa ; gaya sa araw na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Faraong hari sa Egipto , at ang kaniyang mga lingkod , at ang kaniyang mga prinsipe , at ang buong bayan niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang lahat ng halohalong bayan , at ang lahat ng hari sa lupain ng Hus , at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo , at ang Ascalon , at ang Gaza , at ang Ecron , at ang nalabi sa Asdod ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang Edom , at ang Moab , at ang mga anak ni Ammon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang lahat ng hari sa Tiro , at ang lahat ng hari sa Sidon , at ang hari sa pulo na nasa dako roon ng dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang Dedan , at ang Tema , at ang Buz , at ang lahat ng magsisiputol ng mga laylayan ng kanilang buhok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang lahat ng hari sa Arabia , at ang lahat ng hari sa halohalong bayan na nagsisitahan sa ilang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang lahat ng hari sa Zimri , at ang lahat ng hari sa Elam , at ang lahat ng hari ng mga Medo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang lahat ng hari sa hilagaan , malayo&apos;t malapit na isa&apos;t isa ; at ang lahat ng kaharian sa sanglibutan , na nangasa ibabaw ng lupa : at ang hari sa Sesach ay magsisiinom pagkatapos nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At iyong sasabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Kayo&apos;y magsiinom , at kayo&apos;y mangagpakalasing , at kayo&apos;y magsisuka , at mangabuwal , at huwag na kayong magsibangon , dahil sa tabak na aking pasasapitin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At mangyayari , kung tanggihan nilang abutin ang saro sa iyong kamay upang inuman , sasabihin mo nga sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kayo&apos;y walang pagsalang magsisiinom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t , narito , ako&apos;y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa aking pangalan , at kayo baga&apos;y lubos na hindi mapaparusahan ? Kayo&apos;y walang pagsalang parurusahan ; sapagka&apos;t aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng nananahan sa lupa , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito , at sabihin mo sa kanila , Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas , at ilalakas ang kaniyang tinig mula sa kaniyang banal na tahanan ; siya&apos;y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan ; siya&apos;y hihiyaw , gaya nila na magsisiyapak ng ubas , laban sa lahat na nananahan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa , siya&apos;y papasok sa paghatol sa lahat ng tao ; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa , at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao&apos;y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa : sila&apos;y hindi tataghuyan , o dadamputin man , o ililibing man ; sila&apos;y magiging dumi sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kayo&apos;y magsiangal , kayong mga pastor , at kayo&apos;y magsihiyaw ; at kayo&apos;y mangagsigumon sa abo , kayong pinakamainam sa kawan ; sapagka&apos;t ang mga kaarawan ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating , at kayo&apos;y mangababagsak na parang mainam na sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga pastor ay walang daang tatakasan , o tatanan man ang pinakamainam sa kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Tinig ng hiyaw ng mga pastor , at ng angal ng pinakamainam sa kawan ! sapagka&apos;t inilalagay ng Panginoon na sira ang kanilang pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang mga payapang tahanan ay nangadala sa katahimikan dahil sa mabangis na galit ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kaniyang pinabayaan ang kaniyang kublihan na gaya ng leon ; sapagka&apos;t ang kanilang lupain ay naging katigilan dahil sa kabangisan ng mamimighating tabak , at dahil sa kaniyang mabangis na kagalitan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda , dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda , na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon , ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila ; huwag kang magbawas ng kahit isang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Marahil ay kanilang didinggin , at hihiwalay ang bawa&apos;t tao sa kanikaniyang masamang lakad ; upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iyong sasabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , Kung hindi ninyo didinggin ako , na magsilakad sa aking kautusan , na aking inilagay sa harap ninyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta , na aking sinusugo sa inyo , na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila , nguni&apos;t hindi ninyo pinakinggan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng Silo , at gagawin ko ang bayang ito na sumpa sa lahat ng mga bansa sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At narinig ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan , na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan , na sinasabi : Ikaw ay walang pagsalang mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon , na iyong sinasabi , Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo , at ang bayang ito ay magiging sira , na mawawalan ng mananahan ? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito , sila&apos;y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari ; at sila&apos;y nangaupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan , na sinasabi , Ang lalaking ito ay marapat patayin ; sapagka&apos;t siya&apos;y nanghula laban sa bayang ito , gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan , na sinasabi , Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ngayo&apos;y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa , at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios ; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t tungkol sa akin , narito , ako&apos;y nasa inyong kamay : inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako&apos;y inyong ipapatay , kayo&apos;y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito , at sa mga nananahan dito : sapagka&apos;t katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta : Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y nagsitindig ang ilan sa mga matanda sa lupain , at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan , na nangagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Si Miqueas na Morastita ay nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda : at siya&apos;y nagsalita sa buong bayan ng Juda , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang Sion ay aararuhing parang bukid , at ang Jerusalem ay magiging mga bunton , at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya ? hindi baga siya natakot sa Panginoon , at dumalangin ng lingap ng Panginoon , at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila ? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon , si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim : at siya&apos;y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake , at ng lahat na prinsipe , ang kaniyang mga salita , pinagsikapan ng hari na ipapatay siya ; nguni&apos;t nang marinig ni Urias , siya&apos;y natakot , at tumakas , at pumasok sa Egipto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa Egipto , ang mga ito nga , si Elnathan na anak ni Acbor , at ilang mga lalake na kasama niya , sa Egipto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto , at dinala niya siya kay Joacim na hari ; na pumatay sa kaniya ng tabak , at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t ang kamay ni Ahicam na anak ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda , dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin , Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok , at ilagay mo sa iyong batok ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong mga ipadala sa hari sa Edom , at sa hari sa Moab , at sa hari ng mga anak ni Ammon , at sa hari sa Tiro , at sa hari sa Sidon , sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking ginawa ang lupa , ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa , sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan , at sa pamamagitan ng aking unat na bisig ; at aking ibinigay doon sa minamarapat ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya , at sa kaniyang anak at sa anak ng kaniyang anak , hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain : at kung magkagayo&apos;y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari , na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia , ang bansang yaon , sabi ng Panginoon , ay parurusahan ko ng tabak , at ng kagutom , at ng salot , hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t tungkol sa inyo , huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta , o ang inyong mga manghuhula man , o ang inyong mga panaginip man , o ang inyong mga mapamahiin man , o ang inyong mga manggagaway man , na nangagsasalita sa inyo , na nagsasabi , Kayo&apos;y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sila&apos;y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo , upang ilayo kayo sa inyong lupain ; at aking palalayasin kayo at kayo&apos;y mangalilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia , at maglilingkod sa kaniya , ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain , sabi ng Panginoon ; at kanilang bubukirin , at tatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ako&apos;y nagsalita kay Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi , Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia , at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan , at kayo&apos;y mangabuhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bakit kayo&apos;y mangamamatay , ikaw , at ang iyong bayan , sa pamamagitan ng tabak , ng kagutom , at ng salot , gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo , na nangagsasabi , Kayo&apos;y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia : sapagka&apos;t sila&apos;y nanganghuhula ng kabulaanan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t hindi ko sinugo sila , sabi ng Panginoon ; kundi sila&apos;y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan ; upang aking mapalayas kayo , at kayo&apos;y mangalipol , kayo , at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon : Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta , na nanganghuhula sa inyo , na nangagsasabi , Narito , ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia : sapagka&apos;t sila&apos;y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag ninyong dinggin sila , mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia , at kayo&apos;y mangabuhay : bakit nga ang bayang ito ay magiging sira ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t kung sila&apos;y mga propeta , at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila , mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo , upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda , at ng Jerusalem , ay huwag mangaparoon sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga haligi , at tungkol sa dagatdagatan , at tungkol sa mga tungtungan , at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda , mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia , at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oo , ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari sa Juda , at ng Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Mangadadala sa Babilonia , at mangapaparoon , hanggang sa araw na dalawin ko sila , sabi ng Panginoon ; kung magkagayo&apos;y isasampa ko sila , at isasauli ko sa dakong ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda , sa ikaapat na taon , sa ikalimang buwan , na si Hananias na anak ni Azur na propeta , na taga Gabaon , ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon , sa harapan ng mga saserdote , at ng buong bayan , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , na nagsasabi , Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito , ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon , na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito , at mga dinala sa Babilonia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim , na hari sa Juda , sangpu ng lahat na bihag sa Juda , na nangaparoon sa Babilonia , sabi ng Panginoon : sapagka&apos;t aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote , at sa harapan ng buong bayan , na nakatayo sa bahay ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sinabi nga ng propeta Jeremias , Siya nawa : gawing gayon ng Panginoon : isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula , na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon , at silang lahat na bihag , mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig , at sa mga pakinig ng buong bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain , at laban sa mga malaking kaharian , tungkol sa digma , at tungkol sa kasamaan , at tungkol sa salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang propeta , na nanghuhula ng tungkol sa kapayapaan , ay makikilala nga siyang propeta , na tunay na sinugo ng Panginoon siya , pagka ang salita ng propeta ay mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y kinuha ng propeta Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias , at binali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan , na nagsasabi : Ganito ang sabi ng Panginoon , Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap sa batok ng lahat na bansa . At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias , pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay yumaon , at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon : Iyong binali ang mga pamatok na kahoy , nguni&apos;t ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Ako&apos;y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito , upang sila&apos;y makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia ; at sila&apos;y mangaglilingkod sa kaniya : at ibinigay ko rin sa kaniya ang mga hayop sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta , Dinggin mo ngayon , Hananias ; hindi ka sinugo ng Panginoon ; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa : mamamatay ka sa taong ito sapagka&apos;t ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa mga matanda sa pagkabihag , at sa mga saserdote , at sa mga propeta , at sa buong bayan , na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">( Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si Jechonias na hari , at ang ina ng hari , at ang mga bating , at ang mga prinsipe sa Juda at sa Jerusalem , at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Saphan , at ni Gemarias na anak ni Hilcias , ( na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia , ) na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayo&apos;y mangagtayo ng mga bahay , at inyong tahanan ; at kayo&apos;y maghalamanan , at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magsipagasawa kayo , at kayo&apos;y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae ; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake , at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae , upang sila&apos;y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae : at kayo&apos;y magsidami roon , at huwag kayong magpakaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag , at inyong idalangin sa Panginoon : sapagka&apos;t sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo , at ng inyong mga manghuhula , o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sila&apos;y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan : hindi ko sinugo sila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia , aking dadalawin kayo , at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo , sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo , sabi ng Panginoon , mga pagiisip tungkol sa kapayapaan , at hindi tungkol sa kasamaan , upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kayo&apos;y magsisitawag sa akin , at kayo&apos;y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin , at aking didinggin kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong hahanapin ako , at masusumpungan ako , pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ako&apos;y masusumpungan sa inyo , sabi ng Panginoon , at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag , at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa , at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo , sabi ng Panginoon ; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t inyong sinabi , Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na nauupo sa luklukan ni David , at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito , sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , aking susuguin sa kanila ang tabak , ang kagutom at ang salot , at gagawin ko silang parang masamang igos , na hindi makakain , dahil sa nangapakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At aking hahabulin sila ng tabak , at kagutom , at ng salot , at aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo&apos;t parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa , upang maging kasumpaan , at katigilan , at kasutsutan , at katuyaan , sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t hindi sila nangakinig sa aking mga salita , sabi ng Panginoon , na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta , na ako&apos;y bumangong maaga at sinugo ko sila ; nguni&apos;t hindi ninyo dininig sila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon , ninyong lahat na nasa pagkabihag , na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , tungkol kay Achab na anak ni Colias , at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan , Narito , aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa kanila kukuha ng kasumpaan sa lahat ng bihag sa Juda na nangasa Babilonia , na magsasabi , Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab , na iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t sila&apos;y gumawang may kamangmangan sa Israel , at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa , at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan , na hindi ko iniutos sa kanila ; at ako ang siyang nakakakilala , at ako&apos;y saksi , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain , na sasabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , na sinasabi , Sapagka&apos;t ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem , at kay Sophonias na anak ni Maasias na saserdote , at sa lahat na saserdote , na iyong sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote , upang kayo&apos;y maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon , sa bawa&apos;t tao na ulol , at nagpapanggap na propeta , upang iyong mailagay sa pangawan at sa mga tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ngayon nga , bakit hindi mo sinaway si Jeremias na taga Anathoth , na nagpapanggap na propeta sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Yamang siya&apos;y nagsugo sa Babilonia , na nagsasabi , Ang pagkabihag ay malaon : kayo&apos;y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan ; at kayo&apos;y mangaghalaman , at inyong kanin ang bunga ng mga yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita . Yamang nanghula si Semaias sa inyo , at hindi ko sinugo siya , at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking parurusahan si Semaias na Nehelamita , at ang kaniyang binhi ; siya&apos;y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito , o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan , sabi ng Panginoon , sapagka&apos;t siya&apos;y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sinasalita ng Panginoon , ng Dios ng Israel , na nagsasabi , Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t , narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon na aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang Israel at Juda , sabi ng Panginoon , at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang , at kanilang aariin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig , ng takot , at hindi ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y magtanong ngayon , at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak : bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam , at ang lahat na mukha ay naging maputla ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ay ! sapagka&apos;t ang araw na yaon ay dakila , na anopa&apos;t walang gaya niyaon : siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob ; nguni&apos;t siya&apos;y maliligtas doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo , at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios , at si David na kanilang hari , na aking ibabangon sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t huwag kang masindak , Oh Jacob na aking lingkod , sabi ng Panginoon ; huwag ka mang manglupaypay , Oh Israel : sapagka&apos;t narito , ililigtas kita mula sa malayo , at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag ; at ang Jacob ay babalik , at magiging tahimik at tiwasay , at walang tatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita : sapagka&apos;t gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo , nguni&apos;t hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo ; kundi sasawayin kita ng kahatulan , at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Ang iyong sakit ay walang kagamutan , at ang iyong sugat ay mabigat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling : ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo ; hindi ka nila hinahanap : sapagka&apos;t sinugatan kita ng sugat ng kaaway , ng parusa ng mabagsik ; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan , sapagka&apos;t ang iyong mga kasalanan ay dumami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit ? ang iyong hirap ay walang kagamutan : dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan , sapagka&apos;t ang iyong mga kasalanan ay dumami , aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay mangalalamon ; at lahat ng iyong kaaway , bawa&apos;t isa sa kanila&apos;y magsisipasok sa pagkabihag ; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam , at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t pagiginhawahin kita , at pagagalingin kita sa iyong mga sugat , sabi ng Panginoon ; kanilang tinawag ka na tapon , na sinasabi , Ito ang Sion , na hindi hinahanap ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ganito ang sabi ng Panginoon : Narito , aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob , at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako ; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton , at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat , at ang tinig ng nangagsasaya : at aking pararamihin sila , at sila&apos;y hindi magiging kaunti ; akin ding luluwalhatiin sila , at sila&apos;y hindi magiging maliit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una , at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko , at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila , at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila : at aking palalapitin siya , at siya&apos;y lalapit sa akin : sapagka&apos;t sino yaong nangahas upang lumapit sa akin ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kayo&apos;y magiging aking bayan , at ako&apos;y magiging inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Narito , ang unos ng Panginoon , ang kaniyang kapusukan , ay bumulalas na parang buhawi : hahampas sa ulo ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa , at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso ; sa mga huling araw ay iyong mauunawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa panahong yaon , sabi ng Panginoon , magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel , at sila&apos;y magiging aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang ; oo , ang Israel , nang aking papagpahingahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin , na nagsasabi , Oo , inibig kita ng walang hanggang pagibig : kaya&apos;t ako&apos;y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Muling itatayo kita , at ikaw ay matatayo , Oh dalaga ng Israel : muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta , at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Muli kang magtatanim ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria : ang mga manananim ay mangagtatanim , at mangagagalak sa bunga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t magkakaroon ng araw , na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw . Kayo&apos;y magsibangon , at tayo&apos;y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob , at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa : mangagtanyag kayo , magsipuri kayo , at mangagsabi , Oh Panginoon , iligtas mo ang iyong bayan , ang nalabi sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , aking dadalhin sila mula sa lupaing hilagaan , at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa , at kasama nila ang bulag at ang pilay , at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama : malaking pulutong na magsisibalik sila rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sila&apos;y magsisiparitong may iyakan , at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila ; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig , sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran ; sapagka&apos;t ako&apos;y pinakaama sa Israel , at ang Ephraim ang aking panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Inyong dinggin ang salita ng Panginoon , Oh ninyong mga bansa , at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo ; at inyong sabihin , Ang nagpangalat sa Israel , siyang magpipisan sa kaniya , at magiingat sa kaniya , gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t tinubos ng Panginoon ang Jacob , at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y magsisiparito at magsisiawit sa kaitaasan ng Sion , at magsisihugos na magkakasama sa kabutihan ng Panginoon , sa trigo , at sa alak , at sa langis , at sa guya ng kawan at ng bakahan : at ang kanilang kaluluwa ay magiging parang dinilig na halamanan ; at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung magkagayo&apos;y magagalak ang dalaga sa sayawan , at ang mga binata , at ang matanda na magkakasama : sapagka&apos;t aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa , at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking sisiyahin ang loob ng mga saserdote sa kaginhawahan , at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ang sabi ng Panginoon , Isang tinig ay narinig sa Rama , panaghoy , at kalagimlagim na iyak , iniiyakan ni Raquel ang kaniyang mga anak ; siya&apos;y tumatangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak , sapagka&apos;t sila&apos;y wala na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng Panginoon , Iyong pigilin ang iyong tinig sa pagiyak , at ang iyong mga mata sa mga luha : sapagka&apos;t gagantihin ang iyong mga gawa , sabi ng Panginoon ; at sila&apos;y magsisibalik na mula sa lupain ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At may pagasa sa iyong huling wakas , sabi ng Panginoon ; at ang iyong mga anak ay magsisiparoon uli sa kanilang sariling hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito , Inyong pinarusahan ako , at ako&apos;y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok : papanumbalikin mo ako , at ako&apos;y manunumbalik sa iyo ; sapagka&apos;t ikaw ang Panginoon kong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tunay na pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako ; at pagkatapos na ako&apos;y maturuan ay nagsugat ako ng hita : ako&apos;y napahiya , oo , lito , sapagka&apos;t aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Ephraim baga&apos;y aking minamahal na anak ? siya baga&apos;y iniibig na anak ? sapagka&apos;t kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya , ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa : kaya&apos;t nananabik ang aking puso sa kaniya ; ako&apos;y tunay na maaawa sa kaniya , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Maglagay ka ng mga patotoo , gumawa ka ng mga haliging tanda : ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan , sa daan na iyong pinaroonan : ikaw ay magbalik uli , Oh dalaga ng Israel , ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hanggang kailan magpaparoo&apos;t parito ka , Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae ? sapagka&apos;t ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa , Ang babae ay siyang mananaig sa lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon , pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag : Pagpalain ka ng Panginoon . Oh tahanan ng kaganapan , Oh bundok ng kabanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang Juda at ang lahat na bayan niya ay tatahan doon na magkakasama ; ang mga mangbubukid at ang mga lumilibot na may mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t aking bibigyang kasiyahan ang pagod na tao , at lahat na mapanglaw na tao ay aking pinasasaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Dito&apos;y nagising ako , at ako&apos;y lumingap ; at ang aking pagkakatulog ay masarap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At mangyayari , na kung paanong binantayan ko sila upang alisin , at upang ibuwal , at upang madaig at upang ipahamak , at upang pagdalamhatiin , gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi . Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas , at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t bawa&apos;t isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan : lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na ako&apos;y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel , at sa sangbahayan ni Juda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto ; na ang aking tipan ay kanilang sinira , bagaman ako&apos;y asawa nila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon , sabi ng Panginoon , Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban , at aking isusulat sa kanilang puso ; at ako&apos;y magiging kanilang Dios , at sila&apos;y magiging aking bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At hindi na magtuturo bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa , at bawa&apos;t tao sa kaniyang kapatid , na magsasabi , Iyong kilalanin ang Panginoon ; sapagka&apos;t makikilala nilang lahat ako , mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila , sabi ng Panginoon : sapagka&apos;t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan , at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ganito ang sabi ng Panginoon , na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw , at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi , na nagpapakilos sa dagat , na humugong ang mga alon niyaon ; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko , sabi ng Panginoon , ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kung ang langit sa itaas ay masusukat , at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim , akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na ang bayan ay matatayo sa Panginoon mula sa moog ni Hananeel hanggang sa pintuang-bayan sa sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang panukat na pisi ay magpapatuloy na matuwid sa burol ng Gareb , at pipihit hanggang sa Goa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang buong libis ng mga katawang patay , at ng mga abo , at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron , hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan , magiging banal sa Panginoon ; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang panahon ngang yao&apos;y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem , at si Jeremias na propeta ay nakulong sa looban ng bantayan , na nasa bahay ng hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda , na sinasabi , Bakit ka nanghuhula , at nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia , at kaniyang sasakupin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Sedechias na hari sa Juda ay hindi makatatanan sa kamay ng mga Caldeo , kundi tunay na mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia , at makikipagusap sa kaniya ng bibig , at ang kaniyang mga mata ay titingin sa kaniyang mga mata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang dadalhin si Sedechias sa Babilonia , at siya&apos;y doroon hanggang sa dalawin ko siya , sabi ng Panginoon : bagaman kayo&apos;y magsilaban sa mga Caldeo , hindi kayo magsisiginhawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ni Jeremias , Ang salita ng Panginoon , ay dumating sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo , na magsasabi , Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth : sapagka&apos;t ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon , at sinabi sa akin , Bilhin mo ang aking parang , isinasamo ko sa iyo , na nasa Anathoth , na nasa lupain ng Benjamin ; sapagka&apos;t ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo , at ang pagtubos ay ukol sa iyo ; bilhin mo para sa iyong sarili . Nang magkagayo&apos;y nakilala ko na ito&apos;y salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain , at tinimbang ko sa kaniya ang salapi , na labing pitong siklong pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako&apos;y naglagda ng pangalan sa katibayan , at aking tinatakan , at tumawag ako ng mga saksi , at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili , ang natatatakan , yaong ayon sa kautusan at kaugalian , at ang bukas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias , na anak ni Maasias , sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain , at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili , sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila , na aking sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Iyong kunin ang mga katibayang ito , ang katibayang ito ng pagkabili , ang natatatakan , at gayon din itong katibayang bukas , at iyong isilid sa sisidlang lupa ; upang tumagal ng maraming araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Mga bahay , at mga parang , at mga ubasan ay mangabibili pa uli sa lupaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagkatapos nga na aking maibigay ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias , dumalangin ako sa Panginoon , na aking sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ah Panginoong Dios ! narito , iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan , at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay ; walang bagay na totoong napakahirap sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo , at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila ; ang dakila , na makapangyarihang Dios , ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa ; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao , upang bigyan ang bawa&apos;t isa ng ayon sa kaniyang mga lakad , at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto , hanggang sa araw na ito , sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao ; at magtaglay ka ng pangalan , gaya sa araw na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan , at ng malakas na kamay , at ng unat na kamay , at ng malaking kakilabutan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila , lupain na binubukalan ng gatas at pulot ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y pumasok , at kanilang inari ; nguni&apos;t hindi dininig ang itong tinig , o lumakad man sa iyong kautusan ; sila&apos;y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin : kaya&apos;t iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Narito , ang mga bunton , nagsisidating sa bayan upang sakupin ; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon , dahil sa tabak , at sa kagutom , at sa salot : at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari ; at , narito , iyong nakikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At iyong sinabi sa akin , Oh Panginoong Dios , iyong bilhin ng salapi ang parang , at ikaw ay tumawag ng mga saksi ; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , ako ang Panginoon , ang Dios ng lahat na tao ; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo , at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at kaniyang sasakupin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang mga Caldeo , na nagsisilaban sa bayang ito , magsisiparito at susulsulan ang bayang ito , at susunugin , sangpu ng mga bahay na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal , at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios , upang mungkahiin ako sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t ang ginawa lamang ng mga anak ni Israel , at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan , sapagka&apos;t minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit ng gawa ng kanilang mga kamay , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito ; upang aking mailayo sa aking mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda , na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit , sila , ng kanilang mga hari , ng kanilang mga prinsipe , ng kanilang mga saserdote , at ng kanilang mga propeta , at ng mga tao ng Juda , at ng mga nananahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kanilang tinalikdan ako , at hindi ako hinarap : bagaman aking tinuruan sila , na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila , gayon ma&apos;y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kundi kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan , upang lapastanganin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal , na nasa libis ng anak ni Hinnom , upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch ; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip , na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito ; na pinapagkasala ang Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , tungkol sa bayang ito , na inyong sinasabi , Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak , at ng kagutom , at ng salot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Narito , aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain , na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit , at sa aking kapusukan at sa malaking poot , at dadalhin ko sila uli sa dakong ito , at akin silang patatahaning tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sila&apos;y magiging aking bayan , at ako&apos;y magiging kanilang Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan , upang sila&apos;y matakot sa akin magpakailan man ; sa ikabubuti nila , at ng kanilang mga anak pagkamatay nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ako&apos;y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila , na hindi ako hihiwalay sa kanila , upang gawan ko sila ng mabuti : at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin , upang huwag silang magsihiwalay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Oo , ako&apos;y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti , at aking tunay na itatatag sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito , gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At mga parang ay mabibili sa lupaing ito , na iyong sinasabi , Sira , na walang tao o hayop man ; nabigay sa kamay ng mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan , at mga tatatakan , at magsisitawag ng mga saksi , sa lupain ng Benjamin , at sa mga dako na palibot ng Jerusalem , at sa mga bayan ng Juda , at sa mga bayan ng lupaing maburol , at sa mga bayan ng mababang lupain , at sa mga bayan ng Timugan : sapagka&apos;t aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y dumating na ikalawa ang salita ng Panginoon kay Jeremias , samantalang nakukulong pa siya sa looban ng bantayan , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon na gumagawa niyaon , ng Panginoon na umaanyo niyaon upang itatag ; Panginoon ay siyang kaniyang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tumawag ka sa akin , at ako&apos;y sasagot sa iyo , at ako&apos;y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay , at mahihirap na hindi mo nangalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , tungkol sa mga bahay ng bayang ito , at tungkol sa mga bahay ng mga hari sa Juda na nangabagsak upang gawing sanggalangan laban sa mga bunton at laban sa tabak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y nagsisidating upang magsilaban sa mga Caldeo , nguni&apos;t upang sila&apos;y mangapuno ng mga bangkay ng mga tao , na aking pinatay sa aking galit at sa aking kapusukan , at dahil sa lahat ng kasamaang yaon ay ikinubli ko ang aking mukha sa bayang ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ako&apos;y magdadala ng kagalingan at kagamutan , aking gagamutin sila ; at ako&apos;y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda , at ang nangabihag sa Israel , at aking itatayo sila na gaya nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking lilinisin sila sa lahat nilang kasamaan , na kanilang pinagkasalahan laban sa akin ; at aking ipatatawad ang lahat nilang kasamaan na kanilang ipinagkasala laban sa akin , at kanilang ikinasalangsang laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang bayang ito ay magiging pinakapangalan ng kagalakan sa akin , pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian , sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila , at mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang sabi ng Panginoon , Maririnig pa uli sa dakong ito , na inyong sinasabi , Sira , na walang tao at walang hayop , sa mga bayan ng Juda , at sa mga lansangan ng Jerusalem , na sira , na walang tao at walang mananahan , at walang hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan , ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae , ang tinig nilang nangagsasabi , Kayo&apos;y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo , sapagka&apos;t ang Panginoon ay mabuti , sapagka&apos;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man ; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon . Sapagka&apos;t aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Magkakaroon pa uli sa dakong ito , na sira , na walang tao at walang hayop , at sa lahat ng bayan nito , ng tahanan ng mga pastor na nagpapahiga ng kanilang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa mga bayan ng maburol na lupain , sa mga bayan ng mababang lupain , at sa mga bayan ng Timugan , at sa lupain ng Benjamin , at sa mga dako na palibot ng Jerusalem , at sa mga bayan ng Juda , magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel , at tungkol sa sangbahayan ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa mga araw na yaon , at sa panahong yaon , aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran ; at siya&apos;y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda , at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay ; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya : Ang Panginoon ay ating katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Si David ay hindi kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ni hindi kukulangin ang mga saserdote na mga Levita ng lalake sa harap ko na maghahandog ng mga handog na susunugin , at upang magsunog ng mga alay , at upang maghaing palagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kung inyong masisira ang aking tipan sa araw , at ang aking tipan sa gabi , na anopa&apos;t hindi magkakaroon ng araw at ng gabi sa kanilang kapanahunan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang akin ngang tipan ay masisira kay David na aking lingkod , na siya&apos;y hindi magkakaroon ng anak upang maghari sa kaniyang luklukan ; at sa mga Levita na mga saserdote na aking mga tagapangasiwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung paanong ang lahat na natatanaw sa langit ay hindi mabibilang , o matatakal man ang buhangin sa dagat ; gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod , at ang mga Levita na nagsisipangasiwa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi mo baga napupuna ang sinasalita ng bayang ito , na nagsasabi , Ang dalawang angkan na pinili ng Panginoon , ay kaniyang mga itinakuwil ? ganito nila hinahamak ang aking bayan , upang huwag ng maging bansa sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ganito ang sabi ng Panginoon , Kung ang aking tipan sa araw at sa gabi ay hindi manayo , kung hindi ko itinatag ang mga ayos ng langit at ng lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Akin ngang itatakuwil din ang binhi ni Jacob , at ni David na aking lingkod , na anopa&apos;t hindi ako kukuha ng kanilang binhi na maging mga puno sa binhi ni Abraham , ni Isaac , at ni Jacob : sapagka&apos;t aking ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag , at maaawa ako sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at ang buo niyang hukbo , at ang lahat na kaharian sa lupa na nangasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan , at ang lahat na bayan , ay nakipagbaka laban sa Jerusalem , at laban sa lahat ng mga bayan niyaon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Ikaw ay yumaon , at magsalita kay Sedechias na hari sa Juda , at iyong saysayin sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia , at kaniyang susunugin ng apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ikaw ay hindi makatatanan sa kaniyang kamay , kundi tunay na mahuhuli ka , at mabibigay sa kaniyang kamay ; at ang iyong mga mata ay titingin sa mga mata ng hari sa Babilonia , at siya&apos;y makikipagsalitaan sa iyo ng bibig at ikaw ay mapaparoon sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y iyong pakinggan ang salita ng Panginoon , Oh Sedechias na hari sa Juda : ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa iyo , Ikaw ay hindi mamamatay sa pamamagitan ng tabak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ikaw ay mamamatay sa kapayapaan ; at ayon sa pagsusunog ng kamangyan ng iyong mga magulang na mga unang hari na una sa iyo , gayon sila magsusunog para sa iyo ; at kanilang tataghuyan ka , na magsasabi , Ah Panginoon ! sapagka&apos;t aking sinalita ang salita , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sinalita ni Jeremias na propeta ang lahat ng salitang ito kay Sedechias na hari sa Juda sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang lumaban ang hukbo ng hari sa Babilonia laban sa Jerusalem , at laban sa lahat na bayan ng Juda na nalabi , laban sa Lechis at laban sa Azeca ; sapagka&apos;t ang mga ito lamang ang nalalabi na mga bayan ng Juda na mga bayang nakukutaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , pagkatapos na makipagtipan ang haring Sedechias , sa buong bayan na nasa Jerusalem upang magtanyag ng kalayaan sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na papaging layain ng bawa&apos;t isa ang kaniyang aliping lalake , at ng bawa&apos;t isa ang kaniyang aliping babae , na Hebreo o Hebrea ; na walang paglilingkuran sila , sa makatuwid baga&apos;y ang Judio na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagsitalima , na nasok sa tipan , na bawa&apos;t isa&apos;y palalayain ang kaniyang aliping lalake , at palalayain ng bawa&apos;t isa ang kaniyang aliping babae , na wala nang paglilingkuran pa sila ; sila&apos;y nagsitalima , at kanilang pinayaon sila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t pagkatapos ay nangagbalik sila , at pinapagbalik ang mga aliping lalake at babae na kanilang pinapaging laya , at kanilang dinala sa ilalim ng pagkaaliping lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Ako&apos;y nakipagtipan sa inyong mga magulang sa araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto , mula sa bahay ng pagkaalipin , na aking sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa katapusan ng pitong taon ay payayaunin ng bawa&apos;t isa sa inyo ang kaniyang kapatid na Hebreo , na naipagbili sa iyo , at naglingkod sa iyo na anim na taon , at iyong palalayain sa iyo : nguni&apos;t ang iyong mga magulang ay hindi nakinig sa akin , o ikiniling man ang kanilang pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ngayo&apos;y nanumbalik kayo , at nagsigawa ng matuwid sa aking mga mata sa pagtatanyag ng kalayaan ng bawa&apos;t tao sa kaniyang kapuwa ; at kayo&apos;y nakipagtipan sa harap ko sa bahay na tinawag sa aking pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kayo&apos;y tumalikod at inyong nilapastangan ang aking pangalan , at pinabalik ng bawa&apos;t isa ang kaniyang aliping lalake , at ng bawa&apos;t isa ang kaniyang aliping babae na inyong pinapaging laya sa kanilang ikaliligaya ; at inyong dinala sila sa pagkaalipin upang maging sa inyo&apos;y mga aliping lalake at babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&apos;y hindi nangakinig sa akin , na magtanyag ng kalayaan bawa&apos;t isa sa kaniyang kapatid , at bawa&apos;t isa sa kaniyang kapuwa : narito , ako&apos;y nagtatanyag sa inyo ng kalayaan , sabi ng Panginoon , sa tabak , sa salot , o sa kagutom ; at akin kayong ihahagis na paroo&apos;t parito sa lahat ng kaharian sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At aking ibibigay ang mga tao na nagsisalangsang ng aking tipan , na hindi nagsitupad ng mga salita ng tipan na kanilang ginawa sa harap ko , nang kanilang hatiin ang guya at mangagdaan sa pagitan ng mga bahagi niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga prinsipe sa Juda , at ang mga prinsipe sa Jerusalem , ang mga bating , at ang mga saserdote , at ang buong bayan ng lupain , na nagsidaan sa pagitan ng mga bahagi ng guya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Akin ngang ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway , at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay , at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Sedechias na hari sa Juda at ang kaniyang mga prinsipe ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway , at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia , na umahon mula sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Narito , ako&apos;y maguutos , sabi ng Panginoon , at akin silang pababalikin sa bayang ito ; at sila&apos;y magsisilaban dito , at sasakupin , at kanilang susunugin ng apoy : at aking sisirain ang mga bayan ng Juda , na mawawalan ng mananahan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon sa mga kaarawan ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pumaroon ka sa bahay ng mga Rechabita , at magsalita ka sa kanila , at iyong dalhin sila sa bahay ng Panginoon , sa isa sa mga silid , at bigyan mo sila ng alak na mainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y kinuha ko si Jazanias na anak ni Jeremias , na anak ni Habassinias , at ang kaniyang mga kapatid , at ang lahat niyang anak , at ang buong sangbahayan ng mga Rechabita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At dinala ko sila sa bahay ng Panginoon , sa silid ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias , na lalake ng Dios , na nasa siping ng silid ng mga prinsipe , na nasa itaas ng silid ni Maasias na anak ni Sallum , na tagatanod ng pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking inilagay sa harap ng mga anak ng sangbahayan ng mga Rechabita ang mga mankok na puno ng alak , at ang mga saro , at aking sinabi sa kanila , Magsisiinom kayo ng alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kanilang sinabi , Kami ay hindi magsisiinom ng alak ; sapagka&apos;t si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin , na nagsasabi , Huwag kayong magsisiinom ng alak , maging kayo , o ang inyong mga anak man , magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay , o mangaghahasik ng binhi , o mangagtatanim sa ubasan , o mangagtatangkilik ng anoman ; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda ; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin , kami , ang aming mga asawa , ang aming mga anak na lalake o babae man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ni huwag kaming mangagtayo ng mga bahay na aming matahanan ; ni huwag kaming mangagtangkilik ng ubasan , o ng bukid , o ng binhi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kundi kami ay nagsitahan sa mga tolda , at kami ay nagsitalima , at nagsigawa ng ayon sa lahat na iniutos sa amin ni Jonadab na aming magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t nangyari , nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay umahon sa lupain , na aming sinabi , Tayo na , at tayo&apos;y magsiparoon sa Jerusalem dahil sa takot sa hukbo ng mga Caldeo , at dahil sa takot sa hukbo ng mga taga Siria ; sa ganito&apos;y nagsisitahan kami sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Yumaon ka , at sabihin mo sa mga tao ng Juda at sa mga nananahan sa Jerusalem , Hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang aking mga salita ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab , na kaniyang iniutos sa kaniyang mga anak , na huwag magsiinom ng alak , ay nangatupad ; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom , sapagka&apos;t kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang . Nguni&apos;t aking sinalita , sa inyo , na bumangon akong maaga , at aking sinasalita , at hindi ninyo ako dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Akin din namang sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta , na bumabangon akong maaga , at akin silang sinusugo , na aking sinasabi , Magsihiwalay kayo ngayon bawa&apos;t isa sa kanikaniyang masamang lakad , at pabutihin ninyo ang inyong mga gawain , at huwag kayong magsisunod sa mga ibang dios na mangaglingkod sa kanila , at kayo&apos;y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyo , at sa inyong mga magulang : nguni&apos;t hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig , o dininig man ninyo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Yamang tinupad ng mga anak ni Jonadab na anak ni Rechab ang utos ng kanilang magulang na iniutos sa kanila , nguni&apos;t ang bayang ito ay hindi nakinig sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila ; sapagka&apos;t ako&apos;y nagsalita sa kanila , nguni&apos;t hindi sila nangakinig ; at ako&apos;y tumawag sa kanila , nguni&apos;t hindi sila nagsisagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Jeremias sa sangbahayan ng mga Rechabita , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Sapagka&apos;t inyong tinalima ang utos ni Jonadab na inyong magulang , at inyong iningatan ang lahat niyang palatuntunan , at inyong ginawa ang ayon sa lahat na kaniyang iniutos sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Si Jonadab na anak ni Rechab ay hindi kukulangin ng lalake na tatayo sa harap ko magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda , na ang salitang ito ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kumuha ka ng isang balumbon , at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel , at laban sa Juda , at laban sa lahat ng mga bansa , mula nang araw na magsalita ako sa iyo , mula nang kaarawan ni Josias , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Marahil ay maririnig ng sangbahayan ni Juda ang lahat na kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila ; upang humiwalay bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang masamang lakad ; upang aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Jeremias si Baruch na anak ni Nerias ; at sinulat ni Baruch ang lahat ng salita ng Panginoon na mula sa bibig ni Jeremias , na sinalita niya sa kaniya , sa balumbon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Jeremias ay nagutos kay Baruch , na nagsasabi , Ako&apos;y nakukulong ; hindi ako makapasok sa bahay ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t pumaroon ka , at basahin mo sa balumbon , ang iyong isinulat na mula sa aking bibig , ang mga salita ng Panginoon sa mga pakinig ng bayan sa bahay ng Panginoon sa kaarawan ng pagaayuno ; at iyo ring babasahin sa mga pakinig ng buong Juda na lumabas sa kanilang mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Marahil ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon , at hihiwalay bawa&apos;t isa sa kaniyang masamang lakad ; sapagka&apos;t malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ginawa ni Baruch na anak ni Nerias ang ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ni Jeremias na propeta , na binasa sa aklat ang mga salita ng Panginoon sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nangyari nga nang ikalimang taon ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda nang ikasiyam na buwan , na ang buong bayan sa Jerusalem , at ang buong bayan na nanggaling sa mga bayan ng Juda sa Jerusalem , ay nagtanyag ng ayuno sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y binasa ni Baruch sa balumbon ang mga salita ni Jeremias sa bahay ng Panginoon , sa silid ni Gemarias na anak ni Saphan na kalihim , sa mataas na looban sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon , sa mga pakinig ng buong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang marinig ni Micheas na anak ni Gemarias , na anak ni Saphan , ang lahat na salita ng Panginoon mula sa aklat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Siya&apos;y bumaba sa bahay ng hari , sa loob ng silid ng kalihim : at , narito , lahat ng prinsipe ay nangakaupo roon , si Elisama na kalihim , at si Delaias na anak ni Semeias , at si Elnathan na anak ni Achbor , at si Gemarias na anak ni Saphan , at si Sedechias na anak ni Ananias , at ang lahat na prinsipe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y ipinahayag ni Micheas sa kaniya ang lahat na salita na kaniyang narinig , nang basahin ni Baruch ang aklat sa mga pakinig ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t sinugo ng lahat na prinsipe si Jehudi na anak ni Nethanias , na anak ni Selemias , na anak ni Chusi , kay Baruch , na nagsasabi , Tangnan mo sa iyong kamay ang balumbon na iyong binasa sa mga pakinig ng bayan , at parito ka . Sa gayo&apos;y tinangnan ni Baruch na anak ni Nerias ang balumbon sa kaniyang kamay , at naparoon sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi nila sa kaniya , Ikaw ay umupo ngayon , at basahin mo sa aming mga pakinig . Sa gayo&apos;y binasa ni Baruch sa kanilang pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nangyari nga , nang kanilang marinig ang lahat na salita , sila&apos;y nagharapharapan sa takot , at nagsabi kay Baruch , Tunay na aming sasalitain sa hari ang lahat na salitang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kanilang tinanong si Baruch , na sinasabi , Iyong saysayin ngayon sa amin , Paanong isinulat mo ang lahat ng salitang ito sa kaniyang bibig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Baruch sa kanila , Kaniyang sinalita ang lahat na salitang ito sa akin ng kaniyang bibig , at aking isinulat ng tinta sa aklat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga prinsipe kay Baruch , Yumaon ka , magtago ka , ikaw at si Jeremias , at huwag maalaman ng tao ang inyong karoroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kanilang pinasok ang hari sa looban ; nguni&apos;t kanilang inilagay ang balumbon sa silid ni Elisama na kalihim ; at kanilang isinaysay ang lahat na salita sa mga pakinig ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa gayo&apos;y sinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang balumbon ; at kaniyang kinuha sa silid ni Elisama na kalihim . At binasa ni Jehudi sa mga pakinig ng hari , at sa mga pakinig ng lahat na prinsipe na nangakatayo sa tabi ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang hari nga ay nakaupo sa bahay na tagginaw sa ikasiyam na buwan : at may apoy sa apuyan na nagniningas sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , ng mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na dahon , na pinutol ng hari ng lanseta , at inihagis sa apoy na nasa apuyan , hanggang sa masupok ang buong balumbon sa apoy na nasa apuyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y hindi nangatakot o hinapak man nila ang kanilang mga suot , maging ang hari , o ang sinoman sa kaniyang mga lingkod na nakarinig ng lahat ng salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Bukod dito&apos;y si Elnathan , at si Delaias , at si Gemarias ay namanhik sa hari na huwag niyang sunugin ang balumbon ; nguni&apos;t hindi niya dininig sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nagutos ang hari kay Jerameel na anak ng hari , at kay Seraias na anak ni Azriel , at kay Selemias na anak ni Abdeel , upang hulihin si Baruch na kalihim at si Jeremias na propeta : nguni&apos;t ikinubli ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias pagkatapos na masunog ng hari ang balumbon , at ang mga salita na sinulat ni Baruch na mula sa bibig ni Jeremias , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kumuha ka uli ng ibang balumbon , at sulatan mo ng lahat na dating salita na nasa unang balumbon na sinunog ni Joacim na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At tungkol kay Joacim na hari sa Juda ay iyong sasabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Iyong sinunog ang balumbon na ito , na iyong sinasabi , Bakit mo isinulat doon , na sinasabi , Tunay na ang hari sa Babilonia ay paririto at sisirain ang lupaing ito , at papaglilikatin dito ang tao at ang hayop ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , tungkol kay Joacim na hari sa Juda , Siya&apos;y mawawalan ng uupo sa luklukan ni David ; at ang kaniyang bangkay sa araw ay mahahagis sa init , at sa gabi ay sa hamog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At aking parurusahan siya at ang kaniyang binhi at ang kaniyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan ; at aking dadalhin sa kanila , at sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa mga tao ng Juda , ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila , nguni&apos;t hindi nila dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang magkagayo&apos;y kumuha si Jeremias ng ibang balumbon , at ibinigay kay Baruch na kalihim , na anak ni Nerias , na sumulat doon ng mula sa bibig ni Jeremias ng lahat ng mga salita ng aklat na sinunog sa apoy ni Joacim na hari sa Juda ; at nagdagdag pa sa mga yaon ng maraming gayong salita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari , na humalili kay Conias na anak ni Joacim , na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t maging siya , o ang kaniyang mga lingkod man , o ang bayan man ng lupain , hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinugo ni Sedechias na hari si Jucal na anak ni Selemias , at si Sephanias na anak ni Maasias na saserdote , sa propeta Jeremias , na sinabi , Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Jeremias nga ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan : sapagka&apos;t hindi nila inilagay siya sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto : at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem , ay nagsialis sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda , na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin : Narito , ang hukbo ni Faraon , na lumabas upang tulungan kayo , ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli , at magsisilaban sa bayang ito ; at kanilang sasakupin , at susunugin ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag ninyong dayain ang inyong sarili , na magsabi , Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo : sapagka&apos;t hindi magsisialis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo , at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila , gayon ma&apos;y babangon sila , ang bawa&apos;t isa sa kaniyang tolda , at susunugin ng apoy ang bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin , upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon , sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang siya&apos;y nasa pintuang-bayan ng Benjamin , isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias , na anak ni Selemias , na anak ni Hananias ; at kaniyang dinakip si Jeremias , na propeta , na sinasabi , Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias ; Kasinungalingan , hindi ako kumakampi sa mga Caldeo . Nguni&apos;t hindi niya dininig siya : sa gayo&apos;y dinakip ni Irias si Jeremias , at dinala sa mga prinsipe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya , at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim : sapagka&apos;t kanilang ginawang bilangguan yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa , at sa loob ng mga silid , at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nagsugo nga si Sedechias na hari at ipinasundo siya : at tinanong siyang lihim ng hari sa kaniyang bahay , at nagsabi , May anoman bagang salitang mula sa Panginoon ? At sinabi ni Jeremias : Mayroon . Sinabi rin niya , Ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bukod dito&apos;y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias , Sa ano ako nagkasala laban sa iyo , o laban sa iyong mga lingkod , o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo , na nangagsasabi , Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo , o laban man sa lupaing ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ngayo&apos;y dinggin mo , isinasamo ko sa iyo , Oh panginoon ko na hari : isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo , na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim , baka mamatay ako roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y nagutos si Sedechias na hari , at kanilang ibinilanggo si Jeremias sa looban ng bantay ; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay , hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan . Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At narinig ni Sephatias na anak ni Mathan , at ni Gedalias na anak ni Pashur , at ni Jucal na anak ni Selemias , at ni Pasur na anak ni Melchias , ang mga salita na sinalita ni Jeremias sa buong bayan , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak , sa pamamagitan ng kagutom , at sa pamamagitan ng salot ; nguni&apos;t ang lumalabas sa mga Caldeo ay mabubuhay , at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya&apos;y pinakasamsam , at siya&apos;y mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoon , Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia , at sasakupin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga prinsipe sa hari , Isinasamo namin sa iyo na ipapatay ang lalaking ito ; yamang kaniyang pinahina ang mga kamay ng mga lalaking mangdidigma na nalalabi sa bayang ito , at ang mga kamay ng buong bayan , sa pagsasalita ng kaniyang mga salita sa kanila : sapagka&apos;t hindi hinahanap ng lalaking ito ang ikabubuti ng bayang ito , kundi ang ikapapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Sedechias na hari , Narito , siya&apos;y nasa inyong kamay ; sapagka&apos;t hindi ang hari ang makagagawa ng anoman laban sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y sinunggaban nila si Jeremias , at inihagis siya sa hukay ni Malchias na anak ng hari , na nasa looban ng bantay : at kanilang inihugos si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid . At sa hukay ay walang tubig , kundi burak ; at lumubog si Jeremias sa burak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang marinig nga ni Ebed-melec na taga Etiopia , na bating na nasa bahay ng hari , na kanilang isinilid si Jeremias sa hukay ; ( na ang hari noo&apos;y nakaupo sa pintuang-bayan ng Benjamin ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Si Ebed-melec ay lumabas sa bahay ng hari , at nagsalita sa hari , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Panginoon ko na hari , ang mga lalaking ito ay nagsigawa ng kasamaan sa lahat ng kanilang ginawa kay Jeremias na propeta , na kanilang isinilid sa hukay ; at siya&apos;y mamamatay sa dakong kaniyang kinaroonan dahil sa kagutom ; sapagka&apos;t wala nang tinapay sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nagutos ang hari kay Ebed-melec na taga Etiopia , na nagsasabi , Magsama ka mula rito ng tatlong pung lalake , at isampa mo si Jeremias na propeta mula sa hukay , bago siya mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa gayo&apos;y nagsama ng mga lalake si Ebed-melec , at pumasok sa bahay ng hari , sa ilalim ng silid ng kayamanan , at kumuha mula roon ng mga basahan , at mga lumang damit , at kanilang ibinaba sa pamamagitan ng mga lubid sa hukay kay Jeremias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ni Ebed-melec na taga Etiopia kay Jeremias , Ilagay mo ngayon ang mga basahang ito at mga lumang damit sa iyong mga kilikili sa ibabaw ng mga lubid . At ginawang gayon ni Jeremias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y isinampa nila si Jeremias ng mga lubid , at itinaas siya mula sa hukay : at si Jeremias ay naiwan sa looban ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Sedechias na hari , at ipinagsama si Jeremias na propeta sa ikatlong pasukan na nasa bahay ng Panginoon : at sinabi ng hari kay Jeremias , Magtatanong ako sa iyo ng isang bagay ; huwag kang maglihim ng anoman sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias kay Sedechias , Kung saysayin ko sa iyo , hindi mo baga tunay na ipapapatay ako ? at kung bigyan kita ng payo , hindi ka makikinig sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y si Sedechias ay sumumpang lihim kay Jeremias , na nagsasabi , Buhay ang Panginoon na lumalang ng ating kaluluwa , hindi kita ipapapatay , o ibibigay man kita sa kamay ng mga lalaking ito na nagsisiusig ng iyong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias kay Sedechias , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Kung iyong lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia , mabubuhay ka nga , at ang bayang ito ay hindi masusunog ng apoy ; at ikaw ay mabubuhay , at ang iyong sangbahayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia , mabibigay nga ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo , at kanilang susunugin ng apoy , at ikaw ay hindi makatatanan sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ni Sedechias na hari kay Jeremias , Ako&apos;y natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo , baka ako&apos;y ibigay nila sa kanilang kamay , at kanilang libakin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t sinabi ni Jeremias , Hindi ka ibibigay nila . Isinasamo ko sa iyo , na talimahin mo ang tinig ng Panginoon , tungkol sa aking sinalita sa iyo : sa gayo&apos;y ikabubuti mo , at ikaw ay mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t kung ikaw ay tumangging lumabas , ito ang salita na ipinakilala sa akin ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Narito , lahat ng babae na naiwan sa bahay ng hari sa Juda ay malalabas sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia , at ang mga babaing yaon ay mangagsasabi , Hinikayat ka ng iyong mga kasamasamang mga kaibigan , at nanaig sa iyo : ngayon ang iyong paa nga ay nalubog sa burak , at sila&apos;y nagsitalikod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang dadalhin ang lahat mong asawa at ang iyong mga anak sa mga Caldeo , at hindi ka makatatanan sa kanilang kamay , kundi ikaw ay mahuhuli ng kamay ng hari sa Babilonia : at iyong ipasusunog ng apoy ang bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Sedechias kay Jeremias , Huwag maalaman ng tao ang mga salitang ito , at hindi ka mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako&apos;y nakipagsalitaan sa iyo , at sila&apos;y magsiparito sa iyo , at mangagsabi sa iyo , Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari ; huwag mong ikubli sa amin , at hindi ka namin ipapapatay ; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Iyo ngang sasabihin sa kanila , Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari , na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan , na mamatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y dumating ang lahat na prinsipe kay Jeremias , at tinanong siya : at kaniyang isinaysay sa kanila ang ayon sa lahat ng salitang ito na iniutos ng hari . Sa gayo&apos;y pinabayaan nilang magsalita siya ; sapagka&apos;t ang bagay ay hindi nahalata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y tumahan si Jeremias sa looban ng bantay hanggang sa araw na masakop ang Jerusalem .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang masakop ang Jerusalem , ( nang ikasiyam na taon ni Sedechias na hari sa Juda , sa ikasangpung buwan , dumating si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at ang kaniyang buong hukbo laban sa Jerusalem , at kinubkob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang ikalabing isang taon ni Sedechias , nang ikaapat na buwan , nang ikasiyam na araw ng buwan , isang sira ay nagawa sa bayan ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na ang lahat ng mga prinsipe ng hari sa Babilonia , ay nagsipasok , at nagsiupo sa gitnang pintuang-bayan , si Nergal-sarezer , si Samgar-nebo , si Sarsechim , si Rabsaris , si Nergal-sarezer , si Rab-mag , sangpu ng nalabi sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , na nang makita sila ni Sedechias na hari , sa Juda at ng lahat na lalaking mangdidigma , ay nagsitakas nga sila , at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan , sa daan ng halamanan ng hari , sa pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta ; at siya&apos;y lumabas sa daan ng Araba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo , at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico : at nang kanilang mahuli siya , isinampa nila siya kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa Ribla , sa lupain ng Hamath , at kaniyang nilapatan siya ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa Ribla sa harap ng kaniyang mga mata ; pinatay rin ng hari sa Babilonia ang lahat na mahal na tao sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bukod dito&apos;y kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias , at inilagay siya sa pangawan , upang dalhin siya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinunog ng mga Caldeo ng apoy ang bahay ng hari , at ang mga bahay ng mga tao , at ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y dinalang bihag sa Babilonia ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay , ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan , gayon din ang nagsilipat na nagsikampi sa kaniya , at ang nalabi sa bayan na naiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t iniwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan , na walang tinatangkilik sa lupain ng Juda , at binigyan sila ng mga ubasan at ng mga bukid sa panahon ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Nabucodonosor nga na hari sa Babilonia ay nagbilin kay Nabuzaradan na kapitan ng bantay ng tungkol kay Jeremias , na sinasabi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kunin mo siya , at ingatan mo siyang mabuti , at huwag mo siyang saktan ; kundi gawin mo sa kaniya ang kaniyang sasabihin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y nagsugo si Nabuzaradan na kapitan ng bantay , at si Nabusazban , si Rab-saris , at si Nergal-sareser , si Rab-mag , at lahat ng punong oficial ng hari sa Babilonia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y nangagsugo , at kinuha si Jeremias sa looban ng bantay , at kanilang ipinagbilin siya kay Gedalias na anak ni Ahicam , na anak ni Saphan , na kaniyang iuwi siya . Sa gayo&apos;y tumahan siya sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jeremias , samantalang siya&apos;y nakukulong sa looban ng bantay , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ikaw ay yumaon , at magsalita kay Ebed-melec na taga Etiopia , na magsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking dadalhin ang aking salita sa bayang ito sa ikasasama , at hindi sa ikabubuti ; at mangatutupad sa harap mo sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ililigtas kita sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ; at hindi ka mabibigay sa kamay ng mga lalake na iyong kinatatakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t tunay na ililigtas kita , at ikaw ay hindi ibubuwal ng tabak , kundi ang iyong buhay ay magiging pinakasamsam sa iyo ; sapagka&apos;t iyong inilagak ang iyong tiwala sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon , pagkatapos na mapayaon siya mula sa Rama ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay , nang dalhin siya na siya&apos;y natatanikalaan sa gitna ng lahat na bihag sa Jerusalem at sa Juda , na nadalang bihag sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kinuha si Jeremias ng kapitan ng bantay , at nagsabi sa kaniya , Ang Panginoon mong Dios ay nagbadya ng kasamaang ito sa dakong ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinapangyari , at ginawa ng Panginoon ayon sa kaniyang sinalita : sapagka&apos;t kayo&apos;y nangagkasala laban sa Panginoon , at hindi nagsitalima ng kaniyang tinig , kaya&apos;t ang bagay na ito ay dumating sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ngayon , narito , aking kinakalagan ka sa araw na ito ng mga tanikala na nangasa iyong kamay . Kung inaakala mong mabuti na sumama sa akin sa Babilonia , halina , at lilingapin kitang mabuti ; nguni&apos;t kung inaakala mong masama na sumama sa akin sa Babilonia , tanggihan mo ; narito , ang buong lupain ay nasa harap mo , kung saan inaakala mong mabuti at marapat sa iyo na pumaroon , doon ka pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Samantala ngang hindi pa siya bumabalik . Bumalik ka nga , sabi niya , kay Gedalias na anak ni Ahicam , na anak ni Saphan , na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia sa mga bayan ng Juda , at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan , o pumaroon ka kung saan mo inaakalang mabuting pumaroon . Sa gayo&apos;y binigyan siya ng kapitan ng bantay ng pagkain at kaloob , at pinayaon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa , at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan na naiwan sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang mabalitaan nga ng lahat ng kapitan sa mga kawal na nangasa mga parang , sa makatuwid baga&apos;y nila , at ng kanilang mga lalake na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia si Gedalias na anak ni Ahicam sa lupain , at ipinagbilin sa kaniya ang mga lalake , at ang mga babae , at ang mga bata , at ang mga pinakadukha sa lupain , yaong hindi nangadalang bihag sa Babilonia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nagsiparoon nga sila kay Gedalias sa Mizpa , sa makatuwid baga&apos;y si Ismael na anak ni Nethanias at si Johanan at si Jonathan na mga anak ni Carea , at si Seraias na anak ni Tanhumeth , at ang mga anak ni Ephi na Netophatita , at si Jezanias na anak ng Maachatita , sila , at ang kanilang mga lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan , ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga lalake , na sinasabi , Huwag kayong mangatakot na magsipaglingkod sa mga Caldeo ; kayo&apos;y magsitahan sa lupain , at magsipaglingkod sa hari sa Babilonia , at ikabubuti ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tungkol sa akin , narito , ako&apos;y tatahan sa Mizpa , upang tumayo sa harap ng mga Caldeo , na paririto sa atin : nguni&apos;t kayo , mangagpisan kayo ng alak at ng mga bunga sa taginit at ng langis , at inyong ilagay sa inyong mga sisidlan , at kayo&apos;y magsitahan sa inyong mga bayan na inyong sinakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon din nang mabalitaan ng lahat ng Judio na nangasa Moab , at sa gitna ng mga anak ni Ammon , at sa Edom , at ng nangasa lahat ng lupain , na ang hari sa Babilonia ay nagiwan ng labi sa Juda , at inilagay niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahicam , na anak ni Saphan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Lahat ng Judio nga ay nagsibalik na mula sa lahat ng dakong kinatabuyan sa kanila , at naparoon sa lupain ng Juda kay Gedalias , sa Mizpa , at nagpisan ng alak at ng mga bunga sa taginit na totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bukod dito&apos;y si Johanan na anak ni Carea , at lahat na kapitan ng mga kawal na nangasa mga parang , ay nagsiparoon kay Gedalias sa Mizpa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangagsabi sa kaniya , Nalalaman mo baga na sinugo ni Baalis na hari ng mga anak ni Ammon si Ismael na anak ni Nethanias upang kunin ang iyong buhay ? Nguni&apos;t si Gedalias na anak ni Ahicam ay hindi naniwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y si Johanan na anak ni Carea ay nagsalita ng lihim kay Gedalias sa Mizpa , na sinabi , Isinasamo ko sa iyo , na payaunin mo ako , at aking papatayin si Ismael na anak ni Nethanias , at walang lalaking makakaalam : bakit niya kikitilin ang iyong buhay , upang ang lahat na Judio na napipisan sa iyo ay mangalat , at malipol ang nalabi sa Juda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t sinabi ni Gedalias na anak ni Ahicam kay Johanan na anak ni Carea , Huwag mong gagawin ang bagay na ito ; sapagka&apos;t ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan tungkol kay Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "41">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga , nang ikapitong buwan , na si Ismael na anak ni Nethanias , na anak ni Elisama , na lahing hari , at isa sa mga punong oficial ng hari , at sangpung lalake na kasama niya , ay nagsiparoon kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa ; at doo&apos;y magkasama silang nagsikain ng tinapay sa Mizpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y tumindig si Ismael na anak ni Nethanias , at ang sangpung lalake na kasama niya , at sinugatan ng tabak , si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan , at pinatay siya , na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pinatay rin naman ni Ismael ang lahat na Judio na kasama niya , na kasama ni Gedalias , sa Mizpa , at ang mga Caldeo na nangasumpungan doon , sa makatuwid baga&apos;y ang mga lalaking mangdidigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , nang ikalawang araw , pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias , at wala pang lalaking nakakaalam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na nagsiparoon ang mga lalake na mula sa Sichem , mula sa Silo , at mula sa Samaria , sa makatuwid baga&apos;y walong pung lalake , na may mga ahit na balbas at may mga hapak na kasuutan , at may mga kudlit , may mga alay at mga kamangyan sa kanilang kamay , upang dalhin sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Ismael na anak ni Nethanias ay lumabas na mula sa Mizpa upang salubungin sila , na umiiyak siya habang lumalakad : at nangyari , pagkasalubong niya sa kanila , sinabi niya sa kanila , Magsiparoon kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , na nang sila&apos;y pumasok sa gitna ng bayan , na pinatay sila ni Ismael na anak ni Nethanias at inihagis sila sa hukay , niya at ng mga lalake na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sangpung lalake ay nangasumpungan sa kanila na nangagsabi kay Ismael , Huwag mo kaming patayin ; sapagka&apos;t kami ay may mga kayamanan na kubli sa parang , na trigo , at cebada , at langis , at pulot . Sa gayo&apos;y nagpigil siya , at hindi niya pinatay sila sa gitna ng kanilang mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang hukay nga na pinagtapunan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga tao na kaniyang pinatay , sa siping ni Gedalias , ( siya ring ginawa ni Asa na hari dahil sa takot kay Baasa na hari sa Israel ) , pinuno ni Ismael na anak ni Nethanias ng nangapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y dinalang bihag ni Ismael ang lahat na nangalabi sa bayan na nangasa Mizpa , sa makatuwid baga&apos;y ang mga anak na babae ng hari , at ang buong bayan na nalabi sa Mizpa , na siyang mga ibinilin ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay kay Gedalias na anak ni Ahicam ; sila&apos;y dinalang bihag ni Ismael na anak ni Nethanias , at nagpatuloy na yumaon sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t nang mabalitaan ni Johanan na anak ni Carea , at ng lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya , ang buong kasamaan na ginawa ni Ismael na anak ni Nethanias ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ipinagsama nga nila ang lahat na lalake , at sila&apos;y nagsiyaong lumaban kay Ismael na anak ni Nethanias , at nasumpungan nila siya sa tabi ng malaking bukal na nasa Gabaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nangyari nga , nang makita ng buong bayan na kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Carea at ang lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya , sila nga&apos;y nangatuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y ang buong bayan na dinalang bihag ni Ismael na mula sa Mizpa , ay pumihit at bumalik , at naparoon kay Johanan na anak ni Carea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t si Ismael na anak ni Nethanias ay tumanan mula kay Johanan na kasama ng walong lalake , at naparoon sa mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y kinuha ni Johanan na anak ni Carea at ng lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya , ang lahat na nalabi sa bayan na kaniyang nabawi kay Ismael na anak ni Nethanias , mula sa Mizpa , pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias na anak ni Ahicam , sa makatuwid ang mga lalaking magdidigma , at ang mga babae , at ang mga bata , at ang mga bating , na kaniyang mga ibinalik mula sa Gabaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y nagsiyaon at nagsitahan sa Geruth chimham , na malapit sa Bethlehem upang pumaroong masok sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Dahil sa mga Caldeo ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangatakot sa kanila , sapagka&apos;t pinatay ni Ismael na anak ni Nethanias si Gedalias na anak ni Ahicam , na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "42">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y ang lahat na kapitan sa mga kawal , at si Johanan na anak ni Carea , at si Jezanias na anak ni Osaia , at ang buong bayan , mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan , ay nagsilapit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangagsabi kay Jeremias na propeta , Isinasamo namin sa iyo , na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo , at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios , sa makatuwid baga&apos;y ang lahat na nalabing ito ( sapagka&apos;t kaming naiwan ay kaunti sa karamihan , gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran , at ang bagay na marapat naming gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila , Aking narinig kayo ; narito , aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita ; at mangyayari , na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo ; aking ipahahayag sa inyo ; hindi ako maglilihim sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi nila kay Jeremias , Ang Panginoon ay maging tunay at tapat na saksi sa gitna natin , kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maging mabuti , o maging masama , aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios , na siya naming pinagsusuguan sa iyo ; upang ikabuti namin , pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nangyari , pagkatapos ng sangpung araw , na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea , at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya , at ang buong bayan , mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung kayo&apos;y magsisitahan pa sa lupaing ito , akin ngang itatayo kayo , at hindi ko kayo itutulak , at itatatag kayo , at hindi ko kayo paaalisin ; sapagka&apos;t aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan ; huwag kayong mangatakot sa kaniya , sabi ng Panginoon , sapagka&apos;t ako&apos;y sumasainyo upang iligtas ko kayo , at alisin kayo sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagpapakitaan ko kayo ng kaawaan , upang kaawaan niya kayo , at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t kung inyong sabihin , Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito ; na anopa&apos;t hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na nagsasabi , Hindi ; kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto , na hindi namin kakikitaan ng digma , o kariringgan man ng tunog ng pakakak , o kagugutuman ng tinapay : at doon kami magsisitahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon , Oh nalabi sa Juda : ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel ; Kung inyong lubos na ihaharap ang inyong mukha na pumasok sa Egipto , at magsiparoon upang mangibang bayan doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan , ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto , at ang kagutom na inyong kinatatakutan , ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto ; at doon kayo mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto , upang mangibang bayan doon ; sila&apos;y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak , ng kagutom at ng salot : at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel : Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem , gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo , pagka kayo&apos;y pumasok sa Egipto : at kayo&apos;y magiging katungayawan , at katigilan , at kasumpaan , at kadustaan : at hindi na ninyo makikita ang dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo , Oh nalabi sa Juda , Huwag kayong pumasok sa Egipto : talastasin ninyong tunay na ako&apos;y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t dinaya ninyo ang inyong sarili ; sapagka&apos;t inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios , na inyong sinasabi , Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios : at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin , at aming gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito ; nguni&apos;t hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ngayon nga&apos;y talastasin ninyong tunay na kayo&apos;y mangapapatay ng tabak , ng kagutom , at ng salot , sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "43">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , na nang si Jeremias ay makatapos ng pagsasalita sa buong bayan ng lahat ng mga salita ng Panginoon nilang Dios , na ipinasugo sa kaniya ng Panginoon nilang Dios sa kanila , sa makatuwid ang lahat ng mga salitang ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na anak ni Osaias , at si Johanan na anak ni Carea , at ang lahat na palalong lalake , na nangagsasabi , Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan : hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios , na magsabi , Kayo&apos;y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kundi hinikayat ka ni Baruch na anak ni Nerias laban sa amin , upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo , upang maipapatay nila kami , at mangadala kaming bihag sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa gayo&apos;y si Johanan na anak ni Carea , at ang lahat na kapitan sa mga kawal , at ang buong bayan , ay hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon na tumahan sa lupain ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea , at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga lalake , at ang mga babae , at ang mga bata , at ang mga anak na babae ng hari , at bawa&apos;t tao na naiwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay na kasama ni Gedalias na anak ni Ahicam , na anak ni Saphan , at si Jeremias na propeta , at si Baruch na anak ni Nerias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nagsipasok sa lupain ng Egipto ; sapagka&apos;t hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon : at sila&apos;y nagsiparoon hanggang sa Taphnes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias sa Taphnes , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay , at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan , na nasa pasukan ng bahay ni Faraon , sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At iyong sabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , ako&apos;y magsusugo at kukunin ko si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na aking lingkod , at aking ilalagay ang kaniyang luklukan sa mga batong ito na aking ikinubli ; at kaniyang ilaladlad ang kaniyang pabillong hari sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y paririto , at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto ; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan , at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag , at yaong sa tabak ay sa tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ako&apos;y magsisilab ng apoy sa mga bahay ng mga dios ng Egipto ; at kaniyang mga susunugin , at sila&apos;y dadalhing bihag : at kaniyang aariin ang lupain ng Egipto na parang pastor na nagaari ng kaniyang kasuutan ; at siya&apos;y lalabas na payapa mula riyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaniya ring babaliin ang mga haligi ng Beth-semes na nasa lupain ng Egipto ; at ang mga bahay ng mga dios ng Egipto ay susunugin ng apoy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "44">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa lahat na Judio na nagsitahan sa lupain ng Egipto sa Migdol , at sa Taphnes , at sa Memphis , at sa lupain ng Patros , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel : Inyong nakita ang buong kasamaan na aking dinala sa Jerusalem , at sa lahat ng mga bayan ng Juda ; at , narito , sa araw na ito , sila&apos;y kagibaan , at walang taong tumatahan doon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit , sa kanilang pagsusunog ng kamangyan , at sa paglilingkod sa ibang mga dios , na hindi nila nakilala , kahit nila , o ninyo man , o ng inyong mga magulang man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta , na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila , na nagsasabi , Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t hindi sila nakinig , o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan , na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos , at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem ; at mga sira at giba , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ngayo&apos;y ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Bakit kayo&apos;y nagsigawa nitong malaking kasamaan laban sa inyong sariling mga kaluluwa , upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae , ng sanggol at pasusuhin , sa gitna ng Juda , upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay , na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto , na inyong kinaparoonan na mangibang bayan ; upang kayo&apos;y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang , at ang kasamaan ng mga hari sa Juda , at ang kasamaan ng kanilang mga asawa , at ang inyong sariling kasamaan , at ang kasamaan ng inyong mga asawa , na kanilang ginawa sa lupain ng Juda , at sa mga lansangan ng Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito , o nangatakot man sila , o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan , o sa aking mga palatuntunan man , na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama , sa makatuwid baga&apos;y upang ihiwalay ang buong Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon , at silang lahat ay mangalipol ; sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila ; sila&apos;y lilipulin ng tabak , at ng kagutom ; sila&apos;y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ; at sila&apos;y magiging katungayawan , at katigilan , at kasumpaan , at kadustaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t aking parurusahan silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto , gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak , ng kagutom , at ng salot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na anopa&apos;t wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon , ay makatatanan o maiiwan man , upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan : sapagka&apos;t walang magsisibalik liban sa mga makatatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios , at ang lahat na babae na nangakatayo , isang malaking kapulungan , sa makatuwid baga&apos;y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto , sa Pathros , ay sumagot kay Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon , hindi ka namin didinggin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa&apos;t salita na lumabas sa aming bibig , upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit , at ipagbuhos siya ng inuming handog , gaya ng aming ginawa , namin , at ng aming mga magulang , ng aming mga hari , at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda , at sa mga lansangan ng Jerusalem ; sapagka&apos;t noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain , at kami ay nagsisibuti , at hindi nakakita ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa reina ng langit , at ipagbuhos siya ng mga inuming handog , kami ay nangailangan ng lahat na bagay , at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa reina ng langit at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya , at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog , na wala ang aming mga asawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jeremias sa buong bayan , sa mga lalake , at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kamangyan na inyong sinunog sa mga bayan ng Juda , at sa mga lansangan ng Jerusalem , ninyo , at ng inyong mga magulang , ng inyong mga hari at ng inyong mga prinsipe , at ng bayan ng lupain , hindi baga inalaala ng Panginoon , at hindi baga pumasok sa kaniyang pagiisip ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na anopa&apos;t ang Panginoon ay hindi nakapagpigil ng maluwat , dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa , at dahil sa mga kasuklamsuklam na inyong ginawa ; kaya&apos;t ang inyong lupain ay naging sira , at katigilan , at kasumpaan , na walang mananahan gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t kayo&apos;y nangagsunog ng kamangyan , at sapagka&apos;t kayo&apos;y nangagkasala laban sa Panginoon , at hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon , o nagsilakad man sa kaniyang kautusan , o sa kaniyang palatuntunan man , o sa kaniyang mga patotoo man ; dahil dito ang kasamaang ito ay nangyari sa inyo , gaya sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan , at sa lahat ng mga babae , Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon , buong Juda , na nasa lupain ng Egipto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , na nagsasabi , Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig , at ginanap ng inyong mga kamay , na nagsasabi , Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata , na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit , at ipagbuhos ng mga inuming handog siya : inyo ngang isagawa ang inyong mga panata , at inyong tuparin ang inyong mga panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t inyong pakinggan ang salita ng Panginoon , buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto . Narito , ako&apos;y sumumpa ng aking dakilang pangalan , sabi ng Panginoon , na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto , na sabihin , Buhay ang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito , aking binabantayan sila sa ikasasama , at hindi sa ikabubuti ; at lahat ng tao ng Juda na nangasa lupain ng Egipto ay mangalilipol sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom , hanggang sa umabot sila sa kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto , na kaunti sa bilang ; at ang buong nalabi sa Juda , na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon , ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo , kung akin , o kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ito ang magiging tanda sa inyo , sabi ng Panginoon , na aking parurusahan kayo sa dakong ito , upang inyong makilala na ang aking salita ay tunay na tatayo laban sa inyo sa ikasasama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking ibibigay si Faraon Hophra na hari sa Egipto sa kamay ng kaniyang mga kaaway , at sa kamay ng nagsisiusig ng kaniyang buhay ; gaya ng pagkabigay ko kay Sedechias na hari sa Juda sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na kaniyang kaaway , at umuusig ng kaniyang buhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "45">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Baruch na anak ni Nerias , nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias , nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias , hari sa Juda na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , sa iyo , Oh Baruch :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong sinabi , Sa aba ko ngayon ! sapagka&apos;t ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit ; ako&apos;y pagod sa kaaangal , at wala akong kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sasabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , na ang aking itinayo ay aking ibabagsak , at ang aking itinanim ay aking bubunutin ; at ito&apos;y sa buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili ? huwag mong hanapin ; sapagka&apos;t , narito , ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao , sabi ng Panginoon ; nguni&apos;t ang iyong buhay ay ibibigay ko sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "46">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tungkol sa Egipto : tungkol sa hukbo ni Faraon Nechao na hari sa Egipto , na nasa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carchemis na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias , na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Inyong iayos ang pansalag at kalasag , at kayo&apos;y magsilapit sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Singkawan ninyo ang mga kabayo , at kayo&apos;y magsisakay , kayong mga nangangabayo , at magsitayo kayong mga turbante ; pakintabin ninyo ang mga sibat , at mangagsuot kayo ng sapyaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit ko nakita ? sila&apos;y nanganglulupaypay at nagsisibalik ; at ang kanilang mga makapangyarihan ay buwal , at nagsisitakas na maliksi , at hindi nagsisilingon : kakilabutan ay nasa bawa&apos;t dako , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag tumakas ang maliksi , o tumanan man ang makapangyarihan ; sa hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates ay nangatisod sila at nangabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sino itong bumabangon na parang Nilo na ang mga tubig ay nagiinalong parang mga ilog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Egipto ay bumabangong parang Nilo , at ang tubig ay nagiinalong parang mga ilog : at kaniyang sinasabi , Ako&apos;y babangon , aking tatakpan ang lupa ; aking ipapahamak ang bayan at ang mga mananahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y magsisampa , kayong mga kabayo ; at kayo&apos;y magsihagibis , kayong mga karo ; at magsilabas ang mga lalaking makapangyarihan : ang Cus at ang Phut , na humahawak ng kalasag ; at ang mga Ludio , na nagsisihawak at nangagaakma ng busog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang araw na yaon ay sa Panginoon , sa Panginoon ng mga hukbo , araw ng panghihiganti , upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway : at ang tabak ay lalamon at mabubusog , at magpapakalango sa dugo nila : sapagka&apos;t ang Panginoon , ang Panginoon ng mga hukbo , may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sumampa ka sa Galaad , at kumuha ka ng balsamo , Oh anak na dalaga ng Egipto : sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot ; hindi ka na gagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan , at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw , sapagka&apos;t ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan , sila&apos;y nangabuwal kapuwa na magkasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang salita na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta , kung paanong si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay darating , at sasaktan ang lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ipahayag ninyo sa Egipto , at inyong ihayag sa Migdol , at inyong ihayag sa Memphis , at sa Taphnes : sabihin ninyo , Tumayo ka , at humanda ka ; sapagka&apos;t ang tabak ay nanakmal sa palibot mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bakit ang iyong mga malakas ay napaalis ? sila&apos;y hindi nagsitayo , sapagka&apos;t itinaboy ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniyang itinisod ang marami , oo , sila&apos;y nangabuwal na patongpatong , at kanilang sinabi , Bumangon ka , at magsiparoon tayo uli sa ating sariling bayan , at sa lupain na kinapanganakan sa atin , mula sa mapagpighating tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y nagsihiyaw roon , Si Faraong hari sa Egipto ay isang hugong lamang ; kaniyang pinaraan ang takdang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Buhay ako , sabi ng Hari , na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo , tunay na kung paano ang Tabor sa gitna ng mga bundok , at kung paano ang Carmel sa tabi ng dagat , gayon siya darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Egipto , gumayak ka sa pagpasok sa pagkabihag ; sapagka&apos;t ang Memphis ay masisira , at magniningas na mawawalan ng mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka ; nguni&apos;t pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating , dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan ; sapagka&apos;t sila man ay nagsibalik , sila&apos;y nagsitakas na magkakasama , sila&apos;y hindi nagsitayo : sapagka&apos;t ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila , ang panahon ng pagdalaw sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang hugong niyaon ay yayaong parang ahas ; sapagka&apos;t sila&apos;y magsisiyaong kasama ng hukbo , at magsisiparoong laban sa kaniya na mga may palakol , na parang mga mamumutol ng kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kanilang puputulin ang kaniyang gubat , sabi ng Panginoon , bagaman mahirap pasukin ; sapagka&apos;t sila&apos;y higit kay sa mga balang , at walang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang anak na babae ng Egipto ay malalagay sa kahihiyan ; siya&apos;y mabibigay sa kamay ng bayan ng hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking parurusahan si Amon na taga No , at si Faraon , at ang Egipto , sangpu ng kaniyang mga dios at ng kaniyang mga hari ; maging si Faraon , at silang nagsisitiwala sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking ibibigay sila sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang mga buhay , at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at sa kamay ng kaniyang mga lingkod ; at pagkatapos ay tatahanan na gaya ng mga araw nang una , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t huwag kang matakot , Oh Jacob na aking lingkod , ni manglupaypay ka , Oh Israel : sapagka&apos;t narito , ililigtas kita mula sa malayo , at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag ; at ang Jacob ay babalik , at magiging tahimik at tiwasay , at walang tatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag kang matakot , Oh Jacob na aking lingkod , sabi ng Panginoon , sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo : sapagka&apos;t ako&apos;y gagawa ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinagtabuyan sa iyo ; nguni&apos;t hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo , kundi sasawayin kita ng kahatulan , at hindi kita iiwan sa anomang paraan ng walang kaparusahan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "47">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo , bago sinaktan ni Faraon ang Gaza .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , tubig ay umaahon mula sa hilagaan , at magiging baha , at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon , ang bayan at ang nagsisitahan doon ; at ang mga tao ay magsisihiyaw , at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kaniyang mga malakas , sa hagibis ng kaniyang mga karo , sa hugong ng kaniyang mga gulong , hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa kahinaan ng mga kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dahil sa araw na dumarating upang lipulin ang lahat ng Filisteo , upang ihiwalay sa Tiro at Sidon , ang bawa&apos;t manunulongan na nalabi : sapagka&apos;t lilipulin ng Panginoon ang mga Filisteo , ang nalabi sa pulo ng Caphtor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kakalbuhan ay dumating sa Gaza ; Ascalon ay napahamak , at ang nalabi sa kanilang libis : hanggang kailan magkukudlit ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oh ikaw na tabak ng Panginoon , hanggang kailan di ka tatahimik ? pumasok ka sa iyong kalooban ; ikaw ay magpahinga , at tumahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Paanong ikaw ay matatahimik dangang binigyan ka ng Panginoon ng bilin ? laban sa Ascalon , at laban sa baybayin ng dagat ay doon niya itinakda .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "48">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tungkol sa Moab . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Sa aba ng Nebo ! sapagka&apos;t nalagay na sira ; Chiriathaim ay nalagay sa kahihiyan , nasakop ; ang Misgab ay nalagay sa kahihiyan at nabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang kapurihan ng Moab ay nawala ; sa Hesbon ay nagsisikatha sila ng kasamaan laban sa kaniya : Magsiparito kayo , at ihiwalay natin siya sa pagkabansa . Ikaw , naman , Oh Madmena , madadala sa katahimikan ; hahabulin ka ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang hugong ng hiyaw mula sa Horonaim , pananamsam at malaking kapahamakan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang Moab ay sira ; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak ; sapagka&apos;t kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magsitakas kayo , inyong iligtas ang inyong mga buhay , at kayo&apos;y maging parang kugon sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t yamang ikaw ay tumiwala sa iyong mga gawa at sa iyong mga kayamanan , ikaw man ay makukuha : at si Chemos ay papasok sa pagkabihag , ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang manglilipol ay darating sa bawa&apos;t bayan , at walang bayan na makatatanan ; ang libis naman ay nawawala , at ang kapatagan ay masisira ; gaya ng sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab , upang siya&apos;y makalipad makalabas : at ang kaniyang mga bayan ay masisira , na walang sinomang tatahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sumpain nawa siya na gumagawa na walang bahala sa gawain ng Panginoon ; at sumpain siya na naguurong ng kaniyang tabak sa dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan , at siya&apos;y nagpahinga sa kaniyang mga latak , at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan , o pumasok man siya sa pagkabihag : kaya&apos;t ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya , at ang kaniyang bango ay hindi nababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos , at siya&apos;y ibubuhos nila ; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan , at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos , gaya ng sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa Beth-el na kanilang tiwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bakit ninyo sinasabi , Kami ay mga makapangyarihang lalake , at mga matapang na lalake na mangdidigma ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang Moab ay nalalagay na sira , at ang kaniyang mga bayan ay mga sinampa , at ang kaniyang mga piling binata ay nagsibaba sa patayan , sabi ng Hari , na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kasakunaan ng Moab ay malapit nang darating , at ang kaniyang pagdadalamhati ay nagmamadali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kayong lahat na nangasa palibot niya , panaghuyan ninyo siya , at ninyong lahat na nangakakakilala ng kaniyang pangalan ; inyong sabihin , Bakit ang matibay na tukod ay nabali , ang magandang tungkod !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Dibon , bumaba ka na mula sa inyong kaluwalhatian , at umupo kang uhaw ; sapagka&apos;t ang manglilipol ng Moab ay sumampa laban sa iyo , kaniyang giniba ang iyong mga katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh nananahan sa Aroer , tumayo ka sa tabi ng daan , at manubok ka : itanong mo sa kaniya na tumatakas , at sa kaniya na tumatanan ; iyong sabihin ; Ano ang nangyari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan ; sapagka&apos;t nagiba : kayo ay magsitangis at magsihiyaw ; saysayin ninyo sa Arnon , na ang Moab ay nasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang kahatulan ay dumating sa lupaing patag , sa Holon , at sa Jahzah , at sa Mephaath ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa Dibon , at sa Nebo , at sa Beth-diblathaim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa Chiriathaim , at sa Beth-gamul , at sa Beth-meon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa Cherioth , at sa Bosra , at sa lahat ng bayan ng lupain ng Moab , malayo o malapit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang sungay ng Moab ay nahiwalay , at ang kaniyang bisig ay nabali , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Languhin ninyo siya ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagmalaki laban sa Panginoon : at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka , at siya man ay magiging kakutyaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo ? hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw ? sapagka&apos;t kung paanong kadalas sinasalita mo siya , gayon naguuga ka ng ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Oh kayong mga nananahan sa Moab , inyong iwan ang mga bayan , at kayo&apos;y magsitahan sa malaking bato ; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab , na siya&apos;y totoong palalo ; ang kaniyang pagmamataas , at ang kaniyang pagpapalalo , at ang kaniyang kahambugan , at ang pagmamatigas ng kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari ; sabi ng Panginoon , ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t aking tatangisan ang Moab ; oo , ako&apos;y hihiyaw dahil sa buong Moab : dahil sa mga tao ng Kir-heres ay magsisitangis sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Tatangis ako ng higit kay sa pagtangis ng Jazer dahil sa iyo , Oh puno ng ubas ng Sibma : ang iyong mga sanga ay nagsisidaan ng dagat , nagsisiabot hanggang sa dagat ng Jazer : sa iyong mga bungang taginit at sa iyong ani ay dumaluhong ang manglilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang kasayahan at kagalakan ay naalis , sa mainam na bukid at sa lupain ng Moab ; at aking pinatigil ang alak sa mga alilisan : walang yayapak na may hiyawan ; ang paghihiyawan ay hindi magiging paghihiyawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Mula sa hiniyawan ng Hesbon hanggang sa Eleale , hanggang sa Jajaz ay naglakas sila ng kanilang tinig , mula sa Zoar hanggang sa Horonaim , sa Eglat-selisiya : sapagka&apos;t ang tubig ng Nimrim man ay masisira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab , sabi ng Panginoon , ang naghahandog sa mataas na dako , at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kaya&apos;t ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa Moab , at ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa mga lalake sa Kir-heres : kaya&apos;t ang kasaganaan na kaniyang tinangkilik ay napawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t bawa&apos;t ulo ay kalbo , at bawa&apos;t balbas ay ginupit : sa lahat ng mga kamay ay may mga kudlit , at sa mga baywang ay may kayong magaspang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa lahat ng mga bubungan ng Moab at sa mga lansangan niyaon ay may panaghoy saa&apos;t saan man ; sapagka&apos;t aking binasag ang Moab na parang sisidlan na di kinalulugdan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ano&apos;t nabagsak ! ano&apos;t tumatangis ! ano&apos;t ang Moab ay tumalikod na may kahihiyan ! gayon magiging kakutyaan at kapanglupaypayan ang Moab sa lahat na nangasa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon : Narito , siya&apos;y lilipad na parang aguila , at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang Cherioth ay nasakop , at ang mga katibayan ay nasamsam , at ang puso ng mga makapangyarihang tao ng Moab sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang Moab ay masisira sa pagiging bayan , sapagka&apos;t siya&apos;y nagmalaki laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Pagkatakot , at hukay , at silo , ay sasa iyo , Oh nananahan sa Moab , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay ; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo : sapagka&apos;t dadalhin ko sa kaniya , sa Moab , ang taon ng pagdalaw sa kaniya , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon ; sapagka&apos;t ang apoy ay lumabas sa Hesbon , at ang alab mula sa gitna ng Sihon , at pinugnaw ang tagiliran ng Moab , at ang bao ng ulo ng mga manggugulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa aba mo , Oh Moab ! ang bayan ni Chemos ay nawala ; sapagka&apos;t ang iyong mga anak na lalake ay nadalang bihag , at ang iyong mga anak na babae ay nasok sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Gayon ma&apos;y ibabalik ko uli ang Moab na mula sa pagkabihag sa mga huling araw , sabi ng Panginoon . Hanggang dito ang kahatulan sa Moab .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "49">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tungkol sa mga anak ni Ammon . Ganito ang sabi ng Panginoon . Wala bagang mga anak ang Israel ? wala ba siyang tagapagmana ? bakit nga minamana ni Malcam ang Gad , at tumatahan ang kaniyang bayan sa mga bayan niyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t , narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aking iparirinig ang kaingay ng digmaan laban sa Rabba ng mga anak ng Ammon ; at magiging isang gibang bunton , at ang kaniyang mga anak na babae ay masusunog ng apoy : kung magkagayo&apos;y mga aariin ng Israel ang nagari sa kaniya , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tumangis ka , Oh Hesbon , sapagka&apos;t ang Hai ay nasamsaman ; magsiiyak kayo , kayong mga anak na babae ng Rabba , kayo&apos;y mangagbigkis ng kayong magaspang : kayo&apos;y magsitaghoy , at magsitakbong paroo&apos;t parito sa gitna ng mga bakuran ; sapagka&apos;t si Malcam ay papasok sa pagkabihag , ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bakit ka nagpapakaluwalhati sa mga libis , ikaw na mainam na libis , Oh tumatalikod na anak na babae ? na tumiwala sa kaniyang mga kayamanan , na kaniyang sinasabi , Sinong paririto sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , sisidlan kita ng takot , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , mula sa lahat na nangasa buong palibot mo ; at kayo&apos;y mangatataboy bawa&apos;t isa na patuloy , at walang magiipon sa kanila na nagsisitakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t pagkatapos ay aking ibabalik na muli ang mga anak ni Ammon mula sa pagkabihag , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tungkol sa Edom . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Wala na baga ang karunungan sa Teman ? nawala baga ang payo sa mabait ? nawala baga ang kanilang karunungan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magsitakas kayo , magsibalik kayo , kayo&apos;y magsitahan sa kalaliman , Oh mga nananahan sa Dedan ; sapagka&apos;t aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya , sa panahon na aking dadalawin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung ang mga mangaani ng ubas ay magsidating sa iyo , hindi baga sila mangagiiwan ng mapupulot na mga ubas ? kung mga magnanakaw sa gabi , hindi baga sila magsisigiba ng hanggang magkaroon ng kahustuhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t aking hinubdan ang Esau , aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan , at siya&apos;y hindi makapagkukubli : ang kaniyang mga binhi ay nasira , at ang kaniyang mga kapatid , at ang kaniyang mga kalapit , at siya&apos;y wala na rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Iwan mo ang iyong mga ulilang anak , aking iingatan silang buhay : at magsitiwala sa akin ang iyong mga babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , silang hindi nangauukol magsiinom sa saro ay walang pagsalang magsisiinom ; at ikaw baga&apos;y yayaong lubos na walang parusa ? ikaw ay hindi yayaon na walang parusa , kundi walang pagsalang iinom ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ako&apos;y sumumpa sa pamamagitan ng aking sarili , sabi ng Panginoon , na ang Bosra ay magiging katigilan , kakutyaan , kasiraan , at kasumpaan ; at ang lahat ng mga bayan niyaon ay magiging walang hanggang pagkasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon , at isang sugo ay sinugo sa gitna ng mga bansa , na sinasabi , Kayo&apos;y magpipisan , at magsiparoon laban sa kaniya , at magsibangon sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t , narito , ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa , at hinamak kita sa gitna ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tungkol sa iyong mga kakilabutan , dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso , Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato , na humahawak sa kaitaasan ng burol : bagaman iyong pataasin ang iyong pugad na kasingtaas ng aguila , aking ibababa ka mula roon , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang Edom ay magiging katigilan : bawa&apos;t nagdaraan ay matitigilan , at susutsot dahil sa lahat ng salot doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung paano ang nangyari sa Sodoma at Gomorra , at sa mga kalapit bayan niyaon , sabi ng Panginoon , gayon walang lalake na tatahan doon , ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , siya&apos;y sasampa na parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan : sapagka&apos;t bigla kong patatakbuhin siya mula roon ; at ang mapili siya kong ihahalal sa kaniya : sapagka&apos;t sino ang gaya ko ? at sinong nagtatakda sa akin ng panahon ? at sino ang pastor na makatatayo sa harap ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t inyong dinggin ang payo ng Panginoon , na kaniyang ipinasiya laban sa Edom ; at ang kaniyang mga panukala na kaniyang pinanukala laban sa mga nananahan sa Teman : Tunay na itataboy sila , sa makatuwid baga&apos;y ang mga maliit ng kawan ; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan kalakip nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang lupa ay nayayanig sa hugong ng kanilang pagkabuwal ; may hiyawan , na ang ingay ay naririnig sa Dagat na Mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Narito , siya&apos;y sasampa at parang aguila na lilipad , at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Bosra : at ang puso ng mga makapangyarihang lalake ng Edom sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Tungkol sa Damasco . Ang Hamath ay napahiya , at ang Arphad ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangakarinig ng mga masamang balita , sila&apos;y nanganglulupaypay : may kapanglawan sa dagat ; hindi maaaring tumahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Damasco ay humihina , siya&apos;y tumatalikod upang tumakas , at panginginig ay humahawak sa kaniya : kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ano&apos;t hindi pinabayaan ang bayan na kapurihan , ang bayan na aking kagalakan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya&apos;t ang kaniyang mga binata ay mangabubuwal sa kaniyang mga lansangan , at lahat ng lalake na mangdidigma ay mangadadala sa katahimikan sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ako&apos;y magsusulsol ng apoy sa kuta ng Damasco , at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni Benhadad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Tungkol sa Cedar , at sa mga kaharian ng Hasor na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia . Ganito ang sabi ng Panginoon , Magsibangon kayo , magsisampa kayo sa Cedar , at inyong lipulin ang mga anak ng silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan ay kanilang kukunin ; kanilang kukunin para sa kanilang sarili ang kanilang mga tabing , at lahat nilang sisidlan , at ang kanilang mga kamelyo : at hihiyawan nila sila : Kakilabutan sa lahat ng dako !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Magsitakas kayo , gumala kayo ng malayo , magsitahan kayo sa kalaliman , Oh kayong mga nananahan sa Hasor , sabi ng Panginoon ; sapagka&apos;t kumuhang payo si Nabucodonosor na hari sa Babilonia laban sa inyo , at may ipinasiya laban sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Magsibangon kayo , inyong sampahin ang bansang tiwasay , na tumatahang walang bahala , sabi ng Panginoon ; na wala kahit pintuangbayan o mga halang man , na tumatahang magisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang kanilang mga kamelyo ay magiging samsam , at ang karamihan ng kanilang kawan ay samsam : at aking pangangalatin sa lahat ng hangin ang mga may gupit sa dulo ng kanilang buhok ; at aking dadalhin ang kanilang kasakunaan na mula sa lahat nilang dako , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang Hasor ay magiging tahanang dako ng mga chakal , sira magpakailan man : walang taong tatahan doon , ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa Elam sa pagpapasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , aking babaliin ang busog ng Elam , ang pinakapangulo ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa Elam ay dadalhin ko ang apat na hangin na mula sa apat na sulok ng langit , at aking pangangalatin sila sa lahat ng hanging yaon ; at walang bansang hindi kararatingan ng mga tapon na mula sa Elam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At aking panglulupaypayin ang Elam sa harap ng kanilang mga kaaway , at sa harap ng nagsisiusig ng kanilang buhay ; at ako&apos;y magdadala ng kasamaan sa kanila , sa makatuwid baga&apos;y ang aking mabangis na galit , sabi ng Panginoon ; at aking ipahahabol sila sa tabak , hanggang sa malipol ko sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At aking ilalagay ang aking luklukan sa Elam , at aking lilipulin mula roon ang hari at mga prinsipe , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At mangyayari sa mga huling araw , na aking ibabalik ang pagkabihag ng Elam , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "50">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Babilonia , tungkol sa lupain ng mga Caldeo , sa pamamagitan ni Jeremias na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa , at inyong itanyag , at mangagtaas kayo ng watawat ; inyong itanyag , at huwag ninyong ikubli : inyong sabihin , Ang Babilonia ay nasakop , si Bel ay nalagay sa kahihiyan , si Merodach ay nanglulupaypay ; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan , ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t mula sa hilagaan ay sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya , na sisira ng kaniyang lupain , at walang tatahan doon : sila&apos;y nagsitakas , sila&apos;y nagsiyaon , ang tao at gayon din ang hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa mga araw na yaon , at sa panahong yaon , sabi ng Panginoon , ang mga anak ni Israel ay magsisidating , sila , at ang mga anak ni Juda na magkakasama : sila&apos;y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak , at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion , na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon , na magsasabi , Magsiparito kayo , at lumakip kayo sa Panginoon sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang aking bayan ay naging gaya ng nawalang tupa : iniligaw sila ng kanilang mga pastor ; sila&apos;y inilihis sa mga bundok ; sila&apos;y nagsiparoon sa burol mula sa bundok ; kanilang nalimutan ang kanilang pahingahang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinasakmal sila ng lahat na nangakakasumpong sa kanila ; at sinabi ng kanilang mga kaaway , Kami ay walang kasalanan , sapagka&apos;t sila&apos;y nangagkasala laban sa Panginoon , na tatahanan ng kahatulan , sa makatuwid baga&apos;y sa Panginoon , na pagasa ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magsitakas kayo mula sa gitna ng Babilonia , at kayo&apos;y magsilabas mula sa lupain ng mga Caldeo , at kayo&apos;y maging gaya ng mga kambing na lalake sa harap ng mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t , narito , aking patatayuin at pasasampahin laban sa Babilonia ang isang kapulungan ng mga dakilang bansa na mula sa hilagaang lupain ; at sila&apos;y magsisihanay laban sa kaniya ; mula diya&apos;y sasakupin siya ; ang kanilang mga pana ay magiging gaya sa isang magilas na makapangyarihan ; walang babalik na di may kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Caldea ay magiging samsam : lahat na nagsisisamsam sa kaniya ay mangabubusog , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kayo ay masasaya , sapagka&apos;t kayo&apos;y nangagagalak , Oh kayong nagsisisamsam ng aking mana , sapagka&apos;t kayo&apos;y malilikot na parang babaing guyang baka , na yumayapak ng trigo , at humahalinghing na parang mga malakas na kabayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang inyong ina ay mapapahiyang lubha ; siyang nanganak sa inyo ay malilito : narito , siya&apos;y magiging pinakahuli sa mga bansa , isang gubatan , isang tuyong lupain , isang ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dahil sa poot ng Panginoon ay hindi tatahanan , kundi magiging lubos na sira : bawa&apos;t magdaan sa Babilonia ay matitigilan , at susutsot dahil sa kaniyang lahat na pagkasalot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot , kayong lahat na nagsisiakma ng busog ; hilagpusan ninyo siya , huwag kayong manganghinayang ng mga pana : sapagka&apos;t siya&apos;y nagkasala laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot : siya&apos;y sumuko sa kaniyang sarili ; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal , ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak : sapagka&apos;t siyang kagantihan ng Panginoon : manghiganti kayo sa kaniya ; kung ano ang kaniyang ginawa , gawin ninyo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia , at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani : dahil sa takot sa mamimighating tabak ay babalik bawa&apos;t isa sa kaniyang bayan , at tatakas bawa&apos;t isa sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Israel ay parang nakalat na tupa ; itinaboy siya ng mga leon : ang unang sumakmal sa kaniya ay ang hari sa Asiria ; at si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay siyang huling bumali ng kaniyang mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Narito , aking parurusahan ang hari sa Babilonia , at ang kaniyang lupain , gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aking dadalhin uli ang Israel sa kaniyang pastulan , at siya&apos;y sasabsab sa Carmel at sa Basan , at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa mga araw na yaon , at sa panahong yaon , sabi ng Panginoon , ang kasamaan ng Israel ay mauusig , at hindi magkakaroon ng anoman ; at ang mga kasalanan ng Juda , at hindi sila masusumpungan : sapagka&apos;t aking patatawarin sila na aking iniiwan na pinakalabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sumampa ka laban sa lupain ng Merathaim , laban doon , at laban sa mga nananahan sa Pekod : pumatay ka at manglipol na lubos na manunod sa kanila , sabi ng Panginoon , at iyong gawin ang ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang hugong ng pagbabaka ay nasa lupain , at ang malaking kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ano&apos;t naputol at nabali ang pamukpok ng buong lupa ! ano&apos;t ang Babilonia ay nasira sa gitna ng mga bansa !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pinaglagyan kita ng silo , at ikaw naman ay nahuli , Oh Babilonia , at hindi mo ginunita : ikaw ay nasumpungan at nahuli rin , sapagka&apos;t ikaw ay nakipagtalo laban sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Binuksan ng Panginoon ang kaniyang lalagyan ng almas , at inilabas ang mga almas ng kaniyang pagkagalit ; sapagka&apos;t ang Panginoon , ang Panginoon ng mga hukbo , ay may gawang gagawin sa lupain ng mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Magsiparoon kayo laban sa kaniya , mula sa kahulihulihang hangganan ; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig ; inyong ihagis na parang mga bunton , at siya&apos;y inyong siraing lubos ; huwag maiwanan siya ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Inyong patayin ang lahat niyang mga toro ; pababain sila sa patayan : sa aba nila ! sapagka&apos;t ang kanilang araw ay dumating , ang araw ng pagdalaw sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia , upang maghayag sa Sion ng kagantihan ng Panginoon nating Dios , ng kagantihan ng kaniyang templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia , silang lahat na nangagaakma ng busog ; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot ; huwag bayaang mangakatanan : inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa ; ayon sa lahat niyang ginawa , gawin ninyo sa kaniya ; sapagka&apos;t siya&apos;y naging palalo laban sa Panginoon , laban sa Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan , at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh ikaw na palalo , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo ; sapagka&apos;t ang iyong kaarawan ay dumating , ang panahon na dadalawin kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang palalo ay matitisod at mabubuwal , at walang magbabangon sa kaniya ; at ako&apos;y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan , at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay napipighating magkasama ; at lahat na nagsikuhang bihag sa kanila ay hinahawakang mahigpit sila ; ayaw pawalan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang Manunubos sa kanila ay malakas ; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan : kaniyang ipakikipaglabang maigi ang kanilang usap , upang mabigyan niya ng kapahingahan ang lupa , at bagabagin ang mga nananahan sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang tabak ay nasa mga Caldeo , sabi ng Panginoon , at sa mga nananahan sa Babilonia , at sa kaniyang mga prinsipe , at sa kaniyang mga pantas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang tabak ay nasa mga hambog , at sila&apos;y mangahahangal , ang tabak ay nasa kaniyang mga makapangyarihan , at sila&apos;y manganglulupaypay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang tabak ay nasa kanilang mga kabayo , at sa kanilang mga karo , at sa buong bayang halohalo na nasa gitna niya ; at sila&apos;y magiging parang mga babae ; isang tabak ay nasa kaniyang mga kayamanan , at mangananakaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig , at mangatutuyo ; sapagka&apos;t lupain ng mga larawang inanyuan , at sila&apos;y mga ulol dahil sa mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kaya&apos;t ang mga mabangis na hayop sa ilang sangpu ng mga lobo ay magsisitahan doon , at ang avestruz ay tatahan doon : at hindi na matatahanan kailan pa man ; ni matatahanan sa sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kung paanong sinira ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon , sabi ng Panginoon , gayon hindi tatahan doon ang sinoman , o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Narito , isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan ; at isang malaking bansa , at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat ; sila&apos;y mababagsik , at walang awa ; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat , at sila&apos;y nagsisisakay sa mga kabayo , bawa&apos;t isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka , laban sa iyo , Oh anak na babae ng Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila , at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina : pagdadalamhati ay humawak sa kaniya , at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Narito , ang kaaway ay sasampa na parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan : nguni&apos;t bigla kong palalayasin sila sa kaniya ; at ang mapili , siya kong ihahalal sa kaniya : sapagka&apos;t sinong gaya ko ? at sinong magtatakda sa akin ng panahon ? at sino ang pastor na tatayo sa harap ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kaya&apos;t inyong dinggin ang payo ng Panginoon , na kaniyang ipinayo laban sa Babilonia ; at ang kaniyang mga pasiyang ipinasiya niya , laban sa lupain ng mga Caldeo : Tunay na kanilang itataboy ang mga maliit sa kawan ; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan pati sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia , ay nayayanig ang lupa , at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "51">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y magbabangon laban sa Babilonia , at laban sa nagsisitahan sa Lebcamai , ng manggigibang hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ako&apos;y magsusugo sa Babilonia ng mga taga ibang lupa na papalisin siya ; at kanilang wawalaan ang kaniyang lupain : sapagka&apos;t sa kaarawan ng kabagabagan ay magiging laban sila sa kaniya sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Laban sa kaniya na umaakma ay iakma ng mangbubusog ang kaniyang busog , at sa kaniya na nagmamataas sa kaniyang sapyaw : at huwag ninyong patawarin ang kaniyang mga binata ; inyong lipuling lubos ang buo niyang hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y mangabubuwal na patay sa lupain ng mga Caldeo , at napalagpasan sa kaniyang mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang Israel ay hindi pinababayaan , o ang Juda man , ng kaniyang Dios , ng Panginoon ng mga hukbo ; bagaman ang kanilang lupain ay puno ng sala laban sa Banal ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tumakas ka na mula sa gitna ng Babilonia , at iligtas ng bawa&apos;t tao ang kaniyang buhay ; huwag kayong mangahiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan : sapagka&apos;t panahon ng panghihiganti ng Panginoon ; siya&apos;y maglalapat sa kaniya ng kagantihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Babilonia ay naging gintong tasa sa kamay ng Panginoon , na lumango sa buong lupa : ang mga bansa ay nagsiinom ng kaniyang alak ; kaya&apos;t ang mga bansa ay nangaulol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Babilonia ay biglang nabuwal at napahamak : inyong tangisan siya , ikuha ninyo ng balsamo ang kaniyang sakit , baka sakaling siya&apos;y mapagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ibig sana nating mapagaling ang Babilonia , nguni&apos;t siya&apos;y hindi napagaling : pabayaan siya , at yumaon bawa&apos;t isa sa atin sa kanikaniyang sariling lupain ; sapagka&apos;t ang kaniyang kahatulan ay umaabot hanggang sa langit , at nataas hanggang sa mga alapaap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Inilabas ng Panginoon ang ating katuwiran : magsiparito kayo , at ating ipahayag sa Sion , ang gawa ng Panginoon nating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Inyong patalasin ang mga pana , inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag ; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo ; sapagka&apos;t ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia , upang sirain : sapagka&apos;t siyang panghihiganti ng Panginoon , panghihiganti ng kaniyang templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagtaas kayo ng watawat laban sa mga kuta ng Babilonia , inyong patibayin ang bantayan , inyong lagyan ng mga bantay , kayo&apos;y mangaghanda ng mga pangbakay : sapagka&apos;t ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig , sagana sa mga kayamanan , ang iyong wakas ay dumating , ang sukat ng iyong kasakiman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili , na sinasabi , Tunay na pupunuin kita ng mga tao , na parang balang ; at sila&apos;y mangaglalakas ng hiyaw laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan , kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan , at sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay iniladlad niya ang langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Paglalakas niya ng kaniyang tinig , nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit , at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa : kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan , at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bawa&apos;t tao ay naging tampalasan at walang kaalaman ; bawa&apos;t panday ginto ay nalagay sa kahihiyan dahil sa kaniyang larawang inanyuan ; sapagka&apos;t ang kaniyang larawang binubo ay kasinungalingan , at walang hinga sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga yaon ay walang kabuluhan , isang gawa ng karayaan : sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon ay mangalilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito ; sapagka&apos;t siya ang naganyo sa lahat ng bagay ; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana : ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay aking pangbakang palakol at mga almas na pangdigma : at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga bansa ; at sa pamamagitan mo ay sisira ako ng mga kaharian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang kabayo at ang kaniyang sakay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang karo at ang nakasakay roon ; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang lalake at ang babae ; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang matanda at ang bata : at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang binata at ang dalaga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang pastor at ang kaniyang kawan ; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mangbubukid at ang kaniyang tuwang na mga baka ; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At aking ilalapat sa Babilonia at sa lahat na nananahan sa Caldea ang buo nilang kasamaan na kanilang ginawa sa Sion sa inyong paningin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh mapangpahamak na bundok , sabi ng Panginoon , na gumigiba ng buong lupa ; at aking iuunat ang aking kamay sa iyo , at pagugulungin kita mula sa malaking bato , at gagawin kitang bundok na sunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok , o ng bato man na mga patibayan ; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain , inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa , magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya , pisanin laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat , ng Minmi , at ng Aschenaz : mangaghalal ng puno laban sa kaniya ; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa , ang mga hari ng mga Medo , ang mga gobernador niyaon , at ang lahat na kinatawan niyaon , at ang buong lupain na kaniyang sakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap ; sapagka&apos;t ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo , upang sirain ang lupain ng Babilonia , na nawalan ng mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban , sila&apos;y nanatili sa kanilang mga katibayan ; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay ; sila&apos;y naging parang mga babae : ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban ; ang kaniyang mga halang ay nabali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba , at isang sugo upang sumalubong sa iba , upang ibalita sa hari sa Babilonia , na ang kaniyang bayan ay nasakop sa lahat ng sulok :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga tawiran ay nangasapol , at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy , at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Ang anak na babae ng Babilonia ay parang giikan ng panahong yaon ng niyayapakan ; sangdali na lamang , at ang panahon ng pagaani ay darating sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , kaniyang pinisa ako , kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman , ako&apos;y sinakmal niyang parang buwaya , kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain ; kaniyang itinakuwil ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking laman ay mahulog nawa sa Babilonia , sasabihin ng taga Sion ; at , Ang dugo ko ay mahulog nawa sa mga nananahan sa Caldea , sasabihin ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , aking ipakikipaglaban ang iyong usap , at igaganti kita ; at aking tutuyuin ang kaniyang dagat , at gagawin ko siyang bukal na tuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang Babilonia ay magiging mga bunton , tahanang dako sa mga chakal , katigilan , at kasutsutan , na mawawalan ng mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sila&apos;y magsisiangal na magkakasama na parang mga batang leon ; sila&apos;y magsisiangal na parang mga anak ng leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Pagka sila&apos;y nag-init , aking gagawin ang kanilang kapistahan , at akin silang lalanguhin , upang sila&apos;y mangagalak , at patutulugin ng walang hanggang pagtulog , at huwag mangagising , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Aking ibababa sila na parang mga kordero sa patayan , mga lalaking tupa na kasama ng mga kambing na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ano&apos;t nasakop ang Sesach ! at ang kapurihan ng buong lupa ay nagitla ! ano&apos;t ang Babilonia ay naging kagibaan sa gitna ng mga bansa !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Ang dagat ay umapaw sa Babilonia ; siya&apos;y natakpan ng karamihan ng mga alon niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ang kaniyang mga bayan ay nasira , tuyong lupain at ilang , lupain na walang taong tumatahan , o dinaraanan man ng sinomang anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ako&apos;y maglalapat ng kahatulan kay Bel sa Babilonia , at aking ilalabas sa kaniyang bibig ang kaniyang nasakmal ; at ang mga bansa ay hindi na bubugsong magkakasama pa sa kaniya : oo , ang kuta ng Babilonia ay mababagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Bayan ko , magsilabas kayo sa kaniya , at lumigtas bawa&apos;t isa sa mabangis na galit ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At huwag manganglupaypay ang inyong puso , o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain ; sapagka&apos;t ang balita ay darating na isang taon , at pagkatapos niyaon ay darating sa ibang taon ang isang balita , at ang pangdadahas sa lupain , pinuno laban sa pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Kaya&apos;t narito , ang mga araw ay dumarating , na ako&apos;y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia ; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya ; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kung magkagayo&apos;y ang langit at ang lupa , at lahat na nandoon , magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan ; sapagka&apos;t ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel , gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Kayong nangakatanan sa tabak , magsiyaon kayo , huwag kayong magsitigil ; inyong alalahanin ang Panginoon sa malayo , at pasukin ang inyong pagiisip ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Kami ay nangapahiya , sapagka&apos;t kami ay nangakarinig ng kakutyaan ; kalituhan ay tumakip sa aming mga mukha : sapagka&apos;t ang mga taga ibang lupa ay pumasok sa mga santuario ng bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Kaya&apos;t narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na ako&apos;y maglalapat ng kahatulan sa kaniyang mga larawang inanyuan ; at sa buong lupain niya ay dadaing ang nasugatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Bagaman ang Babilonia ay umilanglang hanggang sa langit , at bagaman kaniyang patibayin ang kataasan ng kaniyang kalakasan , gayon ma&apos;y darating sa kaniya ang mga manglilipol na mula sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang ingay ng hiyaw na mula sa Babilonia , at ng malaking paglipol na mula sa lupain ng mga Caldeo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia , at nanglilipol doon ang dakilang tinig ; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig ; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Sapagka&apos;t ang manglilipol ay dumating doon , sa Babilonia , at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli , ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol : sapagka&apos;t ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan , siya&apos;y tunay na magbabayad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe at ang kaniyang mga pantas , ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan , at ang kaniyang mga makapangyarihan ; at siya&apos;y matutulog ng walang hanggang pagtulog , at hindi magigising , sabi ng Hari , na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba , at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy ; at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan , at ang mga bansa sa apoy ; at sila&apos;y mangapapagod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias , na anak ni Maasias , ng siya&apos;y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda , nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari . Si Seraias nga ay punong bating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia , ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At sinabi ni Jeremias kay Seraias , Pagdating mo sa Babilonia , iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At iyong sabihin , Oh Panginoon , ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito , upang iyong ihiwalay , upang walang tumahan doon , maging tao o hayop man , kundi masisira magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At mangyayari , pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito , na iyong tatalian ng bato , at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">At iyong sasabihin , Ganito lulubog ang Babilonia , at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya ; at sila&apos;y mapapagod . Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "52">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Sedechias ay dalawang pu&apos;t isang taon nang siya&apos;y magpasimulang maghari ; at siya&apos;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal , na anak ni Jeremias na taga Libna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni Joacim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t dahil sa galit ng Panginoon ay nangyari yaon sa Jerusalem at sa Juda , hanggang sa kaniyang napalayas sila sa kaniyang harapan . At si Sedechias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari , nang ikasangpung buwan , nang ikasangpung araw ng buwan , na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay dumating , siya at ang kaniyang buong hukbo , laban sa Jerusalem , at humantong laban doon ; at sila&apos;y nangagtayo ng mga katibayan laban doon sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa gayo&apos;y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang ikaapat na buwan nang ikasiyam na araw ng buwan , ang kagutom ay mahigpit sa bayan na anopa&apos;t walang tinapay para sa bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y nagkasira sa kuta ng bayan , at lahat ng lalaking mangdidigma ay nagsitakas , at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan , sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta , na nasa tabi ng halamanan ng hari ( ang mga Caldeo nga ay naging laban sa bayan sa palibot ) ; at sila&apos;y nagsiyaon sa daan ng Araba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari , at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico ; at ang buo niyang hukbo ay nangalat na napahiwalay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y kanilang hinuli ang hari , at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla , sa lupain ng Hamath ; at siya&apos;y nilapatan niya ng kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa harap ng kaniyang mga mata : kaniyang pinatay rin ang lahat na prinsipe ng Juda sa Ribla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias ; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia , at dinala siya sa Babilonia , at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang ikalimang buwan nga sa ikasangpung araw ng buwan , na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor , na hari sa Babilonia , dumating sa loob ng Jerusalem si Nabuzaradan na kapitan ng bantay , na tumayo sa harap ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon , at ang bahay ng hari ; at lahat ng mga bahay sa Jerusalem , sa makatuwid baga&apos;y bawa&apos;t malaking bahay , sinunog niya ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng kapitan ng bantay , nagbagsak ng lahat ng kuta sa Jerusalem sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y dinalang bihag ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan , at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan , at yaong mga takas , na nagsitakas sa hari sa Babilonia , at ang nalabi sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t nagiwan si Nabuzaradan na kapitan ng bantay , sa mga dukha sa lupain upang maging mga manguubasan at mga mangbubukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon , ang mga tungtungan , at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon , pinagputolputol ng mga Caldeo , at dinala ang lahat na tanso ng mga yaon sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga palayok naman , at ang mga pala , at ang mga gunting , at ang mga mankok , at ang mga kuchara , at lahat na sisidlan na tanso , na kanilang ipinangangasiwa , dinala nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga saro , at ang mga apuyan , at ang mga mankok , at ang mga palayok , at ang mga kandelero , at ang mga kuchara , at ang mga tasa , ang ginto sa ginto , at ang pilak sa pilak , dinala ng kapitan ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang dalawang haligi , ang dagatdagatan , at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan , na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon , ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At tungkol sa mga haligi , ang taas ng isang haligi ay labing walong siko ; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon ; at ang kapal niyao&apos;y apat na daliri : may guwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon ; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko , na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot , taganas na tanso : at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito , at mga granada .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mayroong siyam na pu&apos;t anim na granada sa mga tagiliran ; lahat na granada ay isang daan na yaring nilambat sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kinuha ng kapitan ng bantay si Seraias na pangulong saserdote , at si Sophonias na ikalawang saserdote , at ang tatlong tagatanod-pinto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa bayan ay kinuha niya ang isang oficial na inilagay niya sa mga lalaking mangdidigma ; at pitong lalake sa kanila na nangakakita ng mukha ng hari , na nasumpungan sa bayan ; at ang kalihim ng kapitan ng hukbo , na pumipisan ng bayan ng lupain , at anim na pung katao sa bayan ng lupain , na nangasumpungan sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At dinala sila ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay , at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinaktan sila ng hari sa Babilonia , at ipinapatay sila sa Ribla , sa lupain ng Hamath . Gayon nadalang bihag ang Juda , mula sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ito ang bayan na dinalang bihag ni Nabucodonosor nang ikapitong taon , tatlong libo at dalawang pu&apos;t tatlong Judio :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodonosor ay nagdala siya ng bihag na mula sa Jerusalem na walong daan at tatlong pu&apos;t dalawang tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang ikadalawang pu&apos;t tatlong taon ni Nabucodonosor ay nagdala ng bihag sa mga Judio si Nabuzaradan na kapitan ng bantay na pitong daan at apat na pu&apos;t limang tao : lahat na tao ay apat na libo at anim na raan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nangyari , nang ikatatlong pu&apos;t pitong taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda , nang ikalabing dalawang buwan , nang ikadalawang pu&apos;t limang araw ng buwan , na si Evil-merodach na hari sa Babilonia , nang unang taon ng kaniyang paghahari , nagtaas ng ulo ni Joacim na hari sa Juda , at inilabas niya siya sa bilangguan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At siya&apos;y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya , at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang binago ang kaniyang mga damit na pagkabihag . At si Joacim ay laging kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At tungkol sa kaloob sa kaniya , may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia , bawa&apos;t araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan , lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "25">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ano&apos;t nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao ! Siya&apos;y naging parang isang bao , na naging dakila sa gitna ng mga bansa ! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan , ay naging mamumuwis !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y umiiyak na lubha sa gabi , at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi ; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya : ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan ; sila&apos;y naging kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati , at sa kabigatan ng paglilingkod ; siya&apos;y tumatahan sa gitna ng mga bansa , siya&apos;y walang masumpungang kapahingahan ; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa , sapagka&apos;t walang pumaparoon sa takdang kapulungan ; lahat niyang pintuang-bayan ay giba , ang mga saserdote niya&apos;y nangagbubuntong-hininga : ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati , at siya&apos;y nasa kahapisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo , ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa ; sapagka&apos;t pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang : ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion : ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan , at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una : nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban , at walang sumaklolo sa kaniya , nakita siya ng mga kalaban , tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala ; kaya&apos;t siya&apos;y naging parang maruming bagay ; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya , sapagka&apos;t kanilang nakita ang kaniyang kahubaran : Oo , siya&apos;y nagbubuntong-hininga , at tumatalikod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan ; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas ; kaya&apos;t siya&apos;y nababa ng katakataka ; siya&apos;y walang mangaaliw ; masdan mo , Oh Panginoon , ang aking pagdadalamhati ; sapagka&apos;t ang kaaway ay nagmalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay ; sapagka&apos;t nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario , yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga , sila&apos;y nagsisihanap ng tinapay ; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa . Iyong tingnan , Oh Panginoon , at masdan mo ; sapagka&apos;t ako&apos;y naging hamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Wala bagang anoman sa inyo , sa inyong lahat na nagsisipagdaan ? Inyong masdan , at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan , na nagawa sa akin , na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto , at mga pinananaigan ; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa , kaniyang ibinalik ako : kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay ; mga nagkalakiplakip , nagsiabot sa aking leeg ; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan : ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay , laban sa mga hindi ko matatayuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko ; siya&apos;y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata : niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako ; ang mata ko , ang mata ko ay dinadaluyan ng luha ; sapagka&apos;t ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin : ang mga anak ko ay napahamak , sapagka&apos;t nanaig ang kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay ; walang umaliw sa kaniya ; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob , na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban : ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Panginoon ay matuwid ; sapagka&apos;t ako&apos;y nanghimagsik laban sa kaniyang utos : inyong pakinggan , isinasamo ko sa inyo , ninyong lahat na bayan , at inyong masdan ang aking kapanglawan : ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin , nguni&apos;t dinaya nila : nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan , habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Masdan mo , Oh Panginoon ; sapagka&apos;t ako&apos;y nasa kapanglawan ; ang aking puso ay namamanglaw ; ang aking puso ay nagugulumihanan ; sapagka&apos;t ako&apos;y lubhang nanghimagsik : sa labas ay tabak ang lumalansag , sa loob ay may parang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nabalitaan nila na ako&apos;y nagbubuntong-hininga ; walang umaliw sa akin ; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan ; sila&apos;y nangatuwa na iyong ginawa : iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag , at sila&apos;y magiging gaya ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo ; at gawin mo sa kanila , ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang : sapagka&apos;t ang aking mga buntong-hininga ay marami , at ang aking puso ay nanglulupaypay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ano&apos;t tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit ! Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa ang kagandahan ng Israel , at hindi inalaala ang kaniyang tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob , at siya&apos;y hindi naawa : Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda ; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa : kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel ; kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway : at kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy , na namumugnaw sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway , kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban , at pinatay ang lahat na maligaya sa mata : sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Panginoon ay naging parang kaaway , kaniyang nilamon ang Israel ; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio , kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan ; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan ; kaniyang sinira ang kaniyang mga dako ng kapulungan : ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at sabbath sa Sion , at hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana , kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario ; kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio : sila&apos;y nangagingay sa bahay ng Panginoon , na parang kaarawan ng takdang kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion ; kaniyang iniladlad ang lubid , hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba : at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta ; nanganglulupaypay kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kaniyang mga pintuang-bayan ay nangabaon sa lupa ; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang : ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na hindi kinaroroonan ng kautusan ; Oo , ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa , sila&apos;y nagsisitahimik ; sila&apos;y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo ; sila&apos;y nangagbigkis ng kayong magaspang : itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata , namamanglaw ang aking puso , ako&apos;y lubhang nahahapis , dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan , dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga lansangan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina , saan nandoon ang trigo at alak ? Pagka sila&apos;y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan , pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ano ang aking patototohanan sa iyo ? sa ano kita iwawangis , Oh anak na babae ng Jerusalem ? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo , upang maaliw kita , Oh anak na dalaga ng Sion ? Sapagka&apos;t ang iyong sira ay malaking parang dagat : sinong makapagpapagaling sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan ; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan , upang bawiin ang iyong pagkabihag , kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo ; sila&apos;y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem , na sinasabi , Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan , Ang kagalakan ng buong lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ibinukang maluwang ng lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo : sila&apos;y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin ; kanilang sinasabi , Aming nilamon siya ; tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay ; aming nasumpungan , aming nakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ginawa ng Panginoon ang kaniyang ipinasiya ; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos nang mga kaarawan nang una ; kaniyang ibinagsak , at hindi naawa : at kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway ; kaniyang pinataas ang sungay ng iyong mga kalaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon : Oh kuta ng anak na babae ng Sion , dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi ; huwag kang magpahinga ; huwag maglikat ang itim ng iyong mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bumangon ka , humiyaw ka sa gabi , sa pasimula ng mga pagpupuyat ; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon : igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak , na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tingnan mo , Oh Panginoon , at masdan mo , kung kanino mo ginawa ang ganito ! Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak , ang mga anak na kinakalong sa mga kamay ? Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang binata at ang matanda ay humihiga sa lupa sa mga lansangan ; ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak : iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit ; iyong pinatay at hindi ka naawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tinawag mo , gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan , ang aking mga kakilabutan ay sa bawa&apos;t dako ; at walang nakatanan , o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon : yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ako&apos;y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman , at hindi sa liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli&apos;t muli buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya ; kaniyang binali ang aking mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y kinalaban niya , at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako , gaya ng nangamatay nang malaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang binakuran ako na anopa&apos;t ako&apos;y hindi makalabas ; kaniyang pinabigat ang aking tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oo , pagka ako&apos;y dumadaing , at humihinging tulong , kaniyang pinagsasarhan ang aking daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato , kaniyang iniliko ang aking mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y parang oso na nagaabang sa akin , parang leon sa mga kubling dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad , at ako&apos;y pinagwaraywaray niya ; kaniyang ipinahamak ako ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaniyang iniakma ang kaniyang busog , at ginawa akong pinaka tanda sa pana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y naging kakutyaan sa aking buong bayan , at kanilang awit buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan , kaniyang sinuya ako ng ajenjo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava ; kaniyang tinabunan ako ng mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan ; ako&apos;y nakalimot ng kaginhawahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At aking sinabi , Ang lakas ko&apos;y nawala , at ang aking pagasa sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan , ang ajenjo at ng apdo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang kaluluwa ko&apos;y naaalaala pa nila , at napangumbaba sa loob ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip ; kaya&apos;t may pagasa ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol , sapagka&apos;t ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga yao&apos;y bago tuwing umaga , dakila ang inyong pagtatapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Panginoon ay aking bahagi , sabi ng aking kaluluwa ; kaya&apos;t ako&apos;y aasa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya , sa kaluluwa na humahanap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Maupo siyang magisa at tumahimik , sapagka&apos;t kaniyang iniatang sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sumubsob siya sa alabok , kung gayo&apos;y magkakaroon siya ng pagasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya ; mapuspos siya ng kadustaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t bagaman siya&apos;y nagpapapanglaw , gayon ma&apos;y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t siya&apos;y hindi kusang dumadalamhati , o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Na iligaw ang tao sa kaniyang usap , hindi kinalulugdan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sino siya na nagsasabi , at nangyayari , kung hindi iniuutos ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama&apos;t mabuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Bakit dumadaing ang taong may buhay , ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ating usisain at suriin ang ating mga lakad , at manumbalik sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Kami ay sumalangsang at nanghimagsik ; ikaw ay hindi nagpatawad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami ; ikaw ay pumatay , ikaw ay hindi naawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap , na anopa&apos;t hindi makadaan ang anomang panalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Takot at ang hukay ay dumating sa amin , ang pagkasira at pagkagiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ang mata ko&apos;y dumadaloy ng mga ilog ng tubig , dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang mata ko&apos;y dinadaluyan at hindi naglilikat , na walang pagitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo , at tumingin mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa , dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Lubha nila akong hinahabol na parang ibon , na mga kaaway kong walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo ; aking sinabi , Ako&apos;y nahiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Ako&apos;y tumawag sa iyong pangalan , Oh Panginoon , mula sa kababababaang hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Iyong dininig ang aking tinig ; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal , sa aking daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Ikaw ay lumapit sa araw na ako&apos;y tumawag sa iyo ; iyong sinabi , Huwag kang matakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Oh Panginoon , iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa ; iyong tinubos ang aking buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Oh Panginoon , iyong nakita ang aking pagkakamali ; hatulan mo ang aking usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti , at ang lahat nilang pasiya laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi , Oh Panginoon , at lahat nilang pasiya laban sa akin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin , at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Masdan mo ang kanilang pagupo , at ang kanilang pagtayo ; ako ang kanilang awit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan , Oh Panginoon , ayon sa gawa ng kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso , ang iyong sumpa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Iyong hahabulin sila sa galit , at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ano&apos;t ang ginto ay naging malabo ! Ano&apos;t ang pinakadalisay na ginto ay nagbago ! Ang mga bato ng santuario ay natapon sa dulo ng lahat na lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga mahalagang anak ng Sion , na katulad ng dalisay na ginto , ano&apos;t pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa , na gawa ng mga kamay ng magpapalyok !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso , nangagpapasuso sa kanilang mga anak : ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik , parang mga avestruz sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang dila ng sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw : ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay , at walang taong magpuputol nito sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan : silang nagsilaki sa matingkad na pula ay nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang kasamaan ng anak na babae ng aking bayan ay lalong malaki kay sa kasalanan ng Sodoma , na nagiba sa isang sangdali , at walang mga kamay na humawak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang kaniyang mga mahal na tao ay lalong malinis kay sa nieve , mga lalong maputi kay sa gatas ; sila&apos;y lalong mapula sa katawan kay sa mga rubi , ang kanilang kinis ay parang zafiro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanilang anyo ay lalong maitim kay sa uling ; sila&apos;y hindi makilala sa mga lansangan : ang kanilang balat ay naninikit sa kanilang mga buto ; natutuyo , nagiging parang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Silang napatay ng tabak ay maigi kay sa kanila na napatay ng gutom ; sapagka&apos;t ang mga ito ay nagsisihapay , na napalagpasan , dahil sa pangangailangan ng mga bunga sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga kamay ng mga mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak ; mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan , kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit ; at siya&apos;y nagpaalab ng apoy sa Sion , na pumugnaw ng mga patibayan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala , o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan , na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta , at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote , na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sila&apos;y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag , sila&apos;y nangadudumhan ng dugo , na anopa&apos;t hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Magsihiwalay kayo , sila&apos;y nagsisihiyaw sa kanila , Marurumi ! magsihiwalay kayo , magsihiwalay kayo , huwag ninyong hipuin : nang sila&apos;y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa , Hindi na sila nangingibang bayan pa rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pinangalat sila ng galit ng Panginoon ; sila&apos;y hindi na niya lilingapin pa . Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote , hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay ng walang kabuluhang tulong : sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang bansa na hindi makapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang , upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan : ang aming wakas ay malapit na , ang aming mga kaarawan ay nangaganap ; sapagka&apos;t ang aming wakas ay dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga manghahabol sa amin ay lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid : kanilang hinabol kami sa mga bundok , kanilang binakayan kami sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang hinga ng aming mga butas ng ilong , ang pinahiran ng Panginoon ay nahuli sa kanilang mga hukay ; na siya naming pinagsasabihan , sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikaw ay magalak at matuwa Oh anak na babae ng Edom , na tumatahan sa lupain ng Uz : ang saro ay darating din sa iyo ; ikaw ay malalango , at magpapakahubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap , Oh anak na babae ng Sion , hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag : kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan , Oh anak na babae ng Edom ; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Iyong alalahanin , Oh Panginoon , kung anong dumating sa amin : iyong masdan , at tingnan ang aming pagkadusta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa , ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kami ay mga ulila at walang ama ; ang aming mga ina ay parang mga bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi ; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg : kami ay mga pagod , at walang kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto , at sa mga taga Asiria , upang mangabusog ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na ; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mga alipin ay nangagpupuno sa amin : walang magligtas sa amin sa kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay , dahil sa tabak sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang aming balat ay maitim na parang hurno , dahil sa maningas na init ng kagutom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kanilang dinahas ang mga babae , sa Sion , ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay : ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan , at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan . Ang mga binata&apos;y wala na sa kanilang mga tugtugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat ; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo : sa aba namin ! sapagka&apos;t kami ay nangagkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay ; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Dahil sa bundok ng Sion na nasira ; nilalakaran ng mga zora .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ikaw , Oh Panginoon , nananatili magpakailan man : ang iyong luklukan ay sa sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bakit mo kami nililimot magpakailan man , at pinababayaan mo kaming totoong malaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Manumbalik ka sa amin , Oh Panginoon , at kami ay manunumbalik : baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t itinakuwil mo kaming lubos , ikaw ay totoong napoot sa amin .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "26">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga nang ikatatlong pung taon , sa ikaapat na buwan , nang ikalimang araw ng buwan , samantalang ako&apos;y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar , na ang langit ay nabuksan , at ako&apos;y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang ikalimang araw ng buwan , na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring Joacim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote , na anak ni Buzi , sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar : at ang kamay ng Panginoon , ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ako&apos;y tumingin , at , narito , isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan , na isang malaking ulap , na may isang apoy na naglilikom sa sarili , at isang ningning sa palibot , at mula sa gitna niyao&apos;y may parang metal na nagbabaga , mula sa gitna ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mula sa gitna niyao&apos;y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay . At ito ang kanilang anyo , Sila&apos;y nakawangis ng isang tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At bawa&apos;t isa ay may apat na mukha , at bawa&apos;t isa sa kanila ay may apat na pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa ; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya ; at sila&apos;y nagsisikinang na parang kulay ng tansong binuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran ; at silang apat ay may kanilang mga mukha , at may kanilang mga pakpak na ganito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan ; sila&apos;y hindi nagsisipihit nang sila&apos;y yumaon ; yumaon bawa&apos;t isa sa kanila na patuloy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha , sila&apos;y may mukhang tao ; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran ; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran ; silang apat ay may mukha rin ng aguila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas : dalawang pakpak ng bawa&apos;t isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At yumaon bawa&apos;t isa sa kanila na patuloy ; kung saan naparoroon ang espiritu , doon sila nangaparoroon ; sila&apos;y hindi nagsisipihit nang sila&apos;y yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay , ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas ; parang mga sulo : ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas , at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang kislap ng kidlat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay , narito , ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay , sa bawa&apos;t isa ng apat na mukha ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo : at ang apat na yaon ay may isang anyo : at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pagka yumaon , nagsisiyaon sa kanilang apat na dako : hindi nagsisipihit nang sila&apos;y yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot ; at itong apat ay may kanilang mga Ilanta na puno ng mga mata sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon , ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila ; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa , ang mga gulong ay nangatataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila ; doon pinaparoonan ng espiritu ; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila ; sapagka&apos;t ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon , ang mga ito&apos;y nagsisiyaon ; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo , ang mga ito ay nagsisitayo ; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa , ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila ; sapagka&apos;t ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa ibabaw ng ulo ng nilalang na may buhay , may kawangis ng langit , na parang kulay ng kakilakilabot na bubog , na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak , na ang isa ay sa gawi ng isa : bawa&apos;t isa&apos;y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito , at bawa&apos;t isa&apos;y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang sila&apos;y magsiyaon , aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig , parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat , na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo : pagka sila&apos;y nagsisitayo , kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo : pagka sila&apos;y nagsisitayo , kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro ; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ako&apos;y nakakita ng parang metal na nagbabaga , na parang anyo ng apoy sa loob niyaon , na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas ; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy , at may ningning sa palibot niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan , gayon ang anyo ng kinang sa palibot . Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon . At nang aking makita , ako&apos;y nasubasob , at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , tumayo ka ng iyong mga paa , at ako&apos;y makikipagsalitaan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Espiritu ay sumaakin nang siya&apos;y magsalita sa akin , at itinayo ako sa aking mga paa ; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang sinabi sa akin , Anak ng tao , sinusugo kita sa mga anak ni Israel , sa mga bansa na mapanghimagsik , na nanganghimagsik laban sa akin : sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin , hanggang sa kaarawan ngang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob ; sinusugo kita sa kanila : at iyong sasabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila sa didinggin man nila , o sa itatakuwil man nila ( sapagka&apos;t sila&apos;y mapanghimagsik na sangbahayan ) , gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ikaw , anak ng tao , huwag matakot sa kanila , o matakot man sa kanilang mga salita , bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo , at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan : huwag kang matakot sa kanilang mga salita , o manglupaypay man sa kanilang mga tingin , bagaman sila&apos;y mapanghimagsik na sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila , sa didinggin , o sa itatakuwil man ; sapagka&apos;t sila&apos;y totoong mapanghimagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t ikaw , anak ng tao , dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo ; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan ; ibuka mo ang iyong bibig , at iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang ako&apos;y tumingin , narito , isang kamay ay nakaunat sa akin ; at narito , isang balumbon ay nandoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ikinadkad niya sa harap ko : at nasusulatan sa loob at sa labas ; at may nakasulat doon na mga taghoy , at panangis , at mga daing .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , kanin mo ang iyong nasusumpungan ; kanin mo ang balumbong ito , at ikaw ay yumaon , magsalita ka sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y ibinuka ko ang aking bibig , at ipinakain niya sa akin ang balumbon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , pakanin mo ang iyong tiyan , at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo . Nang magkagayo&apos;y kinain ko , at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , yumaon ka , paroon ka sa sangbahayan ni Israel , at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita , kundi sa sangbahayan ni Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita , na ang mga salita ay hindi mo nauunawa . Tunay na kung suguin kita sa mga yaon , didinggin ka ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel ; sapagka&apos;t hindi nila ako didinggin : sapagka&apos;t ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo , at may mapagmatigas na loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha , at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo : huwag mo silang katakutan , o manglupaypay man sa kanilang tingin , bagaman sila&apos;y mapanghimagsik na sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Bukod dito&apos;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso , at dinggin mo ng iyong mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At yumaon ka , pumaroon ka sa mga bihag , na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila , at saysayin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; sa didinggin man nila , o sa itatakuwil man nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y itinaas ako ng Espiritu , at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong , na nagsasabi ; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan , at ang hugong ng mga gulong sa siping nila , sa makatuwid baga&apos;y ang ingay ng malaking hugong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y itinaas ako ng Espiritu , at ako&apos;y dinala ; at ako&apos;y yumaong namamanglaw , sa pagiinit ng aking kalooban ; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib , na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar , at sa kanikanilang kinatatahanan ; at ako&apos;y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , sa katapusan ng pitong araw , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Anak ng tao , ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel : kaya&apos;t pakinggan mo ang salita sa aking bibig , at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagka aking sinabi sa masama , Ikaw ay walang pagsalang mamamatay ; at hindi mo pinagpaunahan siya , o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad , upang iligtas ang kaniyang buhay ; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan ; nguni&apos;t ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y kung iyong pagpaunahan ang masama , at siya&apos;y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan , o sa kaniyang masamang lakad man , siya&apos;y mamamatay sa kaniyang kasamaan ; nguni&apos;t iyong iniligtas ang iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Muli , pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran , at gumawa ng kasamaan , at ako&apos;y naglalagay ng katitisuran sa harap niya , siya&apos;y mamamatay ; sapagka&apos;t hindi mo siya pinagpaunahan , siya&apos;y mamamatay sa kaniyang kasalanan , at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin ; nguni&apos;t ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon ma&apos;y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid , upang ang matuwid ay huwag magkasala , at siya&apos;y hindi nagkakasala , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay , sapagka&apos;t siya&apos;y nahikayat ; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin , at sinabi niya sa akin , Bumangon ka , lumabas ka sa kapatagan at doo&apos;y makikipagusap ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y bumangon ako , at ako&apos;y lumabas sa kapatagan ; at , narito , ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon , na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar ; at ako&apos;y napasubasob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y suma akin ang Espiritu , at itinayo ako sa aking mga paa ; at siya&apos;y nakipagsalitaan sa akin , at nagsabi sa akin , Yumaon ka , magsara ka sa loob ng iyong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t ikaw , anak ng tao , narito , sila&apos;y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo , at itatali sa iyo , at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig , upang ikaw ay mapipi , at huwag maging mananaway sa kanila : sapagka&apos;t sila&apos;y mapanghimagsik na sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t pag ako&apos;y makikipagsalitaan sa iyo , aking ibubuka ang iyong bibig , at iyong sasabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Siyang nakikinig ay makinig ; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil : sapagka&apos;t sila&apos;y mapanghimagsik na sangbahayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ikaw naman , anak ng tao , kumuha ka ng isang losa , at ilagay mo sa harap mo , at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan , sa makatuwid baga&apos;y ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kubkubin mo , at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon , at maglagay ka ng bunton sa tapat noon ; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon ; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At magdala ka ng kawaling bakal , at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan : at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon , at makukubkob , at iyong kukubkubin . Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bukod dito&apos;y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon ; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon , magdadanas ka ng kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo&apos;y isang bilang ng mga araw , sa makatuwid baga&apos;y tatlong daan at siyam na pung araw : gayon mo dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At muli , pagka iyong natapos ang mga ito , ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan , at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda ; apat na pung araw , bawa&apos;t araw ay pinaka isang taon , aking itinakda sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas ; at ikaw ay manghuhula laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At , narito , ipinaglalagay kita ng lubid , at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila , hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magdala ka rin ng trigo , at ng cebada , at ng habas , at ng lentejas , at ng mijo , at ng espelta , at ilagay mo sa isang sisidlan , at gawin mong tinapay ; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran , sa makatuwid baga&apos;y tatlong daan at siyam na pung araw , iyong kakanin yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang , dalawang pung siklo isang araw : araw-araw ay iyong kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal , na ikaanim na bahagi ng isang hin : araw-araw ikaw ay iinom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada , at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoon , Ganito kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay , sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Ah Panginoong Dios ! narito , ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan , sapagka&apos;t mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili , o nilapa ng mga hayop ; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Tingnan mo , ibinigay ko sa iyo&apos;y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao , at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito&apos;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , narito , aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem : at sila&apos;y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang , at may pagkatakot ; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal , at manglulupaypay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang sila&apos;y mangailangan ng tinapay at tubig , at manglupaypay na magkakasama , at manganlata sa kanilang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ikaw , anak ng tao , magdala ka ng matalas na tabak ; na parang pangahit ng manggugupit ang iyong dadalhin , at iyong pararaanin sa iyong ulo at sa iyong balbas : kung magkagayo&apos;y kumuha ka ng timbangang panimbang , at bahagihin mo ang buhok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan , pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap ; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi , at susugatan mo ng tabak sa palibot ; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin , at ako&apos;y magbubunot ng tabak sa likuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kukuha ka sa mga yaon ng kaunti sa bilang , at ipagtatali mo sa iyong mga tunika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa mga ito&apos;y kukuha ka uli , at ihahagis mo sa gitna ng apoy , at susunugin mo sa apoy ; siyang panggagalingan ng apoy sa buong sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ito ay Jerusalem ; inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa , at mga lupain ay nangasa palibot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y nanghimagsik laban sa aking mga kahatulan sa paggawa ng kasamaan na higit kay sa ginawa ng mga bansa , at laban sa aking mga palatuntunan na higit kay sa mga lupain na nangasa palibot niya ; sapagka&apos;t kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan , at tungkol sa aking mga palatuntunan , hindi nila nilakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t kayo&apos;y manggugulo na higit kay sa mga bansa na nangasa palibot ninyo , at hindi nagsilakad sa aking mga palatuntunan , o iningatan man ang aking mga kahatulan , o nagsigawa man ng ayon sa mga ayos sa mga bansa na nangasa palibot ninyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako , sa makatuwid baga&apos;y ako , ay laban sa iyo ; at ako&apos;y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa , at hindi ko na gagawin pa ang kaparis , dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo , at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang ; at ako&apos;y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo ; at ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , walang pagsala , na sapagka&apos;t iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay , at ng lahat mong karumaldumal , kaya&apos;t akin namang babawasan ka ; ni hindi magpapatawad ang aking mata , at ako nama&apos;y hindi mahahabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot , at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo ; at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo ; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako , at magbubunot ako ng tabak sa likuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito magaganap ang aking galit , at aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila , at ako&apos;y maaaliw : at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa aking pagsisikap , pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bukod dito&apos;y gagawin kitang kasiraan at kapulaan , sa gitna ng mga bansa na nangasa palibot mo , sa paningin ng lahat na nagsisidaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y magiging kadustaan at kapulaan , aral at katigilan sa mga bansang nangasa palibot mo , pagka ako&apos;y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa kapusukan , at sa mababagsik na pagsaway ( akong Panginoon ang nagsalita ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagka ako&apos;y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila , na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo . At aking palalalain ang kagutom sa inyo , at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ako&apos;y magpapasapit sa inyo ng kagutom at mga masamang hayop , at kanilang aalisan ka ng anak ; at salot at dugo ay daraan sa iyo ; at aking pararatingin ang tabak sa iyo ; ako ang Panginoon na nagsalita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel , at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At magsabi , Kayong mga bundok ng Israel , pakinggan ang salita ng Panginoong Dios . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol , sa mga batis at sa mga libis : Narito , ako sa makatuwid baga&apos;y ako , magpaparating ng tabak sa inyo , at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang inyong mga dambana ay masisira , at ang inyong mga larawang araw ay mababasag ; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan ; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan , at ang mga mataas na dako ay mangasisira ; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba , at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat , at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak , at ang inyong mga gawa ay mangawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo , at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y magiiwan ako ng nalabi , upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa , pagka kayo&apos;y mangangalat sa mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag , kung paanong ako&apos;y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin , at sa kanilang mga mata , na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan ; at sila&apos;y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang malalaman na ako ang Panginoon : hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Saktan mo ng iyong kamay , at sikaran mo ng iyong paa , at iyong sabihin , Sa aba nila ! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel ; sapagka&apos;t sila&apos;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , ng kagutom , at ng salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang malayo ay mamamatay sa salot ; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom : ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana , sa ibabaw ng bawa&apos;t mataas na burol , sa lahat na taluktok ng mga bundok , at sa ilalim ng bawa&apos;t sariwang punong kahoy , at sa ilalim ng bawa&apos;t mayabong na encina , na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila , at gagawin kong sira at giba ang lupa , mula sa ilang hanggang sa Diblah , sa lahat nilang tahanan ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ikaw , anak ng tao , ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel , May wakas : ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo , at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad ; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At hindi ka patatawarin ng aking mata , o kahahabagan man kita ; kundi aking parurusahan ang iyong mga lakad , at ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa ay malilitaw ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang kasamaan , ang tanging kasamaan ; narito , dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang wakas ay dumating , ang wakas ay dumating ; ito&apos;y gumigising laban sa iyo ; narito , dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang parusa sa iyo ay dumarating , Oh mananahan sa lupain : ang panahon ay dumarating , ang kaarawan ay malapit na , kaarawan ng pagkakagulo , at hindi ng kagalakang may hiyawan , sa ibabaw ng mga bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan , at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo , at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad ; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang aking mata ay hindi magpapatawad , o mahahabag man ako : padadatnin ko sa iyo ang ayon sa iyong mga lakad ; at ang iyong mga kasuklamsuklam ay dadanasin mo ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Narito , ang kaarawan , narito , dumarating ; ang hatol sa iyo ay ipinasiya ; ang tungkod ay namulaklak , ang kapalaluan ay namuko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pangdadahas ay bumangon na naging pamalo ng kasamaan ; walang malalabi sa kanila , o sa kanilang karamihan man , o sa kanilang kayamanan man : at hindi magkakaroon ng kahit karangalan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang panahon ay dumarating , ang kaarawan ay nalalapit : huwag magalak ang mamimili , o tumangis man ang manininda : sapagka&apos;t ang poot ay nasa lahat ng karamihan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t hindi na pagbabalikan ng manininda ang ipinagbili , bagaman sila&apos;y buhay pa : sapagka&apos;t ang pangitain ay tungkol sa buong karamihan niyaon , walang babalik ; at sinoman ay hindi magpapakalakas pa sa kasamaan ng kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nagsihihip sila ng pakakak , at nagsihanda ; nguni&apos;t walang naparoroon sa pagbabaka ; sapagka&apos;t ang aking poot ay nasa buong karamihan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang tabak ay nasa labas , at ang salot at ang kagutom ay nasa loob : siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak ; at siyang nasa bayan , kagutom at salot ay lalamon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t silang nagsisitanan sa mga yaon ay tatanan , at mangapapasa mga bundok , na parang mga kalapati sa mga libis , silang lahat ay nagsisitangis , bawa&apos;t isa&apos;y dahil sa kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Lahat ng kamay ay manghihina , at lahat ng tuhod ay manglalata na gaya ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sila&apos;y mangagbibigkis din naman ng kayong magaspang , at pangingilabot ay sasa kanila ; at kahihiyan ay sasa lahat ng mukha , at pagkakalbo sa lahat nilang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan , at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay ; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon : hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa , o mabubusog man ang kanilang mga tiyan ; sapagka&apos;t naging katitisuran ng kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak , inilagay niya sa kamahalan ; nguni&apos;t kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay : kaya&apos;t ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli , at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam ; at kanilang lalapastanganin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila , at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako : at mga magnanakaw ay magsisipasok doon , at lalapastangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gumawa ka ng tanikala ; sapagka&apos;t ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo , at ang bayan ay puno ng pangdadahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t aking dadalhin ang mga pinakamasama ng mga bansa , at aariin nila ang kanilang mga bahay : akin namang patitigilin ang kapalaluan ng malakas , at ang kanilang mga dakong banal ay lalapastanganin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kagibaan ay dumarating ; at sila&apos;y magsisihanap ng kapayapaan , at wala doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kapanglawan at kapanglawan ay darating , at balita at balita ay darating ; at sila&apos;y magsisihanap ng pangitain ng propeta ; nguni&apos;t ang kautusa&apos;y mawawala sa saserdote , at ang payo&apos;y mawawala sa mga matanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang hari ay tatangis , at ang prinsipe ay mananamit ng kapahamakan , at ang mga kamay ng mga tao ng lupain ay mababagbag : aking gagawin sa kanila ang ayon sa kanilang lakad , at ayon sa kanilang kaugalian ay hahatulan ko sila ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ikaanim na taon , nang ikaanim na buwan , nang ikalima ng buwan , ako&apos;y nakaupo sa aking bahay , at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko , na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y tumingin ako , at , narito , may isang anyo na parang apoy ; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba , ay apoy ; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas , parang anyo ng kinang , na parang metal na nagbabaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay , at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo ; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit , at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem , sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan ; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho , na namumungkahi sa paninibugho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At , narito , ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon , gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan . Sa gayo&apos;y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan , at narito , nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , nakikita mo baga ang kanilang ginagawa ? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito , upang ako&apos;y lumayo sa aking santuario ? Nguni&apos;t iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dinala niya ako sa pintuan ng looban ; at nang ako&apos;y tumingin , narito , ang isang butas sa pader .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , humukay ka ngayon sa pader : at nang ako&apos;y humukay sa pader , narito , ang isang pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa akin , Ikaw ay pumasok , at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y pumasok ako at nakita ko ; at narito , ang bawa&apos;t anyo ng nagsisiusad na mga bagay , at kasuklamsuklam na mga hayop , at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel , na nakaguhit sa pader sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel ; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan , bawa&apos;t lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay ; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman , bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang mga silid na nilarawanan ? sapagka&apos;t kanilang sinasabi , Hindi tayo nakikita ng Panginoon ; pinabayaan ng Panginoon ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinabi rin niya sa akin , Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan ; at , narito , doo&apos;y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Nakita mo baga ito , Oh anak ng tao ? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon , at , narito , sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana , ay may dalawang pu&apos;t limang lalake , na sila&apos;y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon , at nakaharap sa dakong silanganan ; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Nakita mo baga ito , Oh anak ng tao ? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda , na sila&apos;y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito ? sapagka&apos;t kanilang pinuno ng karahasan ang lupa , at sila&apos;y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit : at , narito , kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t akin namang gagawin sa kapusukan ; ang aking mata ay hindi magpapatawad , o mahahabag man ako : at bagaman sila&apos;y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig , gayon ma&apos;y hindi ko sila didinggin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig , na nagsasabi , Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan , na bawa&apos;t isa&apos;y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narito , anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan , na nalalagay sa dako ng hilagaan , na bawa&apos;t isa&apos;y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay ; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino , na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran . At sila&apos;y nagsipasok , at nagsitayo sa siping ng tansong dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin , na kinapapatungan , hanggang sa pintuan ng bahay : at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino , na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Pumaroon ka sa gitna ng bayan , sa gitna ng Jerusalem , at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig , Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya , at manakit kayo : huwag magpatawad ang inyong mata , o kayo man ay mahabag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Lipulin ninyong lubos ang matanda , ang binata at ang dalaga , at ang mga bata at ang mga babae ; nguni&apos;t huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan ; at inyong pasimulan sa aking santuario . Nang magkagayo&apos;y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya sa kanila , Lapastanganin ninyo ang bahay , at punuin ninyo ng patay ang mga looban : magsilabas kayo . At sila&apos;y nagsilabas , at nanakit sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , habang sila&apos;y nananakit , at ako&apos;y naiwan , na ako&apos;y nasubasob , at sumigaw ako , at aking sinabi , Ah Panginoong Dios ! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel , sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki , at ang lupain ay puno ng dugo , at ang bayan ay puno ng kasuwailan : sapagka&apos;t kanilang sinasabi , Pinabayaan ng Panginoon ang lupa , at hindi nakikita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tungkol sa akin naman , ang aking mata ay hindi magpapatawad , o mahahabag man ako , kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At , narito , ang lalaking nakapanamit ng kayong lino , na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran , nagbalita ng bagay ; na sinabi , Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y tumingin ako , at , narito , sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin , may nakita na parang isang batong zafiro , na parang isang luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nagsalita sa lalake na nakapanamit ng kayong lino , at kaniyang sinabi , Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong , sa ilalim ng kerubin , at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin , at ikalat mo sa bayan . At sa aking paningin ay pumasok siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga kerubin nga ay nagsitayo sa dakong kanan ng bahay , nang ang lalake ay pumasok ; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin , at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay ; at ang bahay ay napuno ng ulap , at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas , na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat , pagka siya&apos;y nagsasalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino , na sabihin , Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin , na siya&apos;y pumasok , at tumayo sa tabi ng isang gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin , at kumuha niyaon , at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino , na siyang kumuha at lumabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At lumitaw sa gitna ng mga kerubin ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako&apos;y tumingin , at narito , apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin , isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin , at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin ; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong berila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tungkol sa kanilang anyo , silang apat ay may isang pagkakawangis , na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagka nagsisiyaon , ay nagsisiyaon sa kanilang apat na dako : hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon , kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila : hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kanilang buong katawan , at ang kanilang mga likod , at ang kanilang mga kamay , at ang kanilang mga pakpak , at ang mga gulong ay puno ng mga mata sa palibot , sa makatuwid baga&apos;y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tungkol sa mga gulong , tinawag sa aking pakinig , ang nagsisiikot na mga gulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At bawa&apos;t isa&apos;y may apat na mukha : ang unang mukha ay mukha ng kerubin , at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao , at ang ikatlo ay mukha ng leon , at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga kerubin ay napaitaas : ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang magsiyaon ang mga kerubin , ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila : at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa , ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pagka sila&apos;y nagsisitayo , ang mga ito ay nagsisitayo ; at pagka sila&apos;y nangapaiitaas , ang mga ito&apos;y nangapaiitaas na kasama nila : sapagka&apos;t ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumabas mula sa pintuan ng bahay , at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak , at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin , nang sila&apos;y magsilabas , at ang mga gulong ay sa siping nila : at sila&apos;y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon ; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar ; at naalaman ko na sila&apos;y mga kerubin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bawa&apos;t isa&apos;y may apat na mukha , at bawa&apos;t isa&apos;y may apat na pakpak ; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha , ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar , ang kanilang mga anyo at sila rin ; sila&apos;y yumaon bawa&apos;t isa na patuloy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y itinaas ako ng Espiritu , at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon , na nakaharap sa dakong silanganan : at narito , nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu&apos;t limang lalake ; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur , at si Pelatias na anak ni Benaias , na mga prinsipe ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan , at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na nagsasabi , Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay ; ang bayang ito ang caldera , at tayo ang karne .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t manghula ka laban sa kanila , manghula ka , Oh anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin , at sinabi niya sa akin , Salitain mo , Ganito ang sabi ng Panginoon : Ganito ang inyong sinabi , Oh sangbahayan ni Israel ; sapagka&apos;t nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito , at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito , ay karne , at ang bayang ito ay siyang caldera : nguni&apos;t kayo&apos;y ilalabas sa gitna nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo&apos;y nangatakot sa tabak ; at aking pararatingin ang tabak sa inyo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At aking ilalabas kayo sa gitna nito , at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa , at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera , o kayo man ay magiging karne sa gitna nito , aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At inyong malalaman na ako ang Panginoon : sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan , kundi kayo&apos;y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , nang ako&apos;y nanghuhula , na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay . Nang magkagayo&apos;y nasubasob ako , at ako&apos;y sumigaw ng malakas , at aking sinabi , Ah Panginoong Dios ! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Anak ng tao , ang iyong mga kapatid , sa makatuwid baga&apos;y ang iyong mga kapatid , na mga lalake sa iyong kamaganakan , at ang buong sangbahayan ni Israel , silang lahat , siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem . Magsilayo kayo sa Panginoon ; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Bagaman sila&apos;y aking inilayo sa gitna ng mga bansa , at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain , gayon ma&apos;y ako&apos;y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan , at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan , at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sila&apos;y magsisiparoon , at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon , at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon , mula roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aking bibigyan sila ng isang puso , at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo ; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman , at aking bibigyan sila ng pusong laman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Upang sila&apos;y magsilakad sa aking mga palatuntunan , at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa : at sila&apos;y magiging aking bayan , at ako&apos;y magiging kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay , at sa kanilang mga kasuklamsuklam , aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak , at ang mga gulong ay nangasa siping nila ; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan , lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At itinaas ako ng Espiritu , at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios , sa kanila na mga bihag . Sa gayo&apos;y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan , na may mga mata na maititingin , at hindi nagsisitingin , na may mga pakinig na maipakikinig , at hindi nangakikinig ; sapagka&apos;t sila&apos;y isang mapanghimagsik na sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ikaw na anak ng tao , maghanda ka ng daladalahan sa paglipat , at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin ; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin : baka sakaling sila&apos;y magbulay , bagaman sila&apos;y mapanghimagsik na sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin , na parang daladalahan sa paglipat ; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin , na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin , at iyong ilabas doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat , at ilalabas sa pagdilim ; iyong tatakpan ang iyong mukha , upang huwag mong makita ang lupa : sapagka&apos;t inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin : aking inilabas ang aking daladalahan sa araw , na gaya ng daladalahan sa paglipat , at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader ; aking inilabas sa dilim , at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Anak ng tao , hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan , ay nagsabi sa iyo , Anong ginagawa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem , at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sabihin mo , Ako&apos;y inyong tanda : kung ano ang aking ginawa , gayon ang gagawin sa kanila : sila&apos;y mapapasa pagkatapon , sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim , at lalabas : sila&apos;y magsisibutas sa pader upang ilabas doon : siya&apos;y magtatakip ng kaniyang mukha , sapagka&apos;t hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang akin namang panilo ay aking ilaladlad sa kaniya , at siya&apos;y mahuhuli sa aking silo ; at aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo ; gayon ma&apos;y hindi niya makikita , bagaman siya&apos;y mamamatay roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking pangangalatin sa bawa&apos;t dako ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya , at ang lahat niyang mga pulutong ; at aking huhugutin ang tabak sa likuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka sila&apos;y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa , at aking pinangalat sa mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila , na maiiwan ng tabak , ng kagutom , at ng salot , upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Anak ng tao , kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig , at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sabihin mo sa bayan ng lupain , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa lupain ng Israel . Sila&apos;y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot , at nanglulupaypay na iinom ng tubig , upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon , dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak , at ang lupain ay masisira ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Anak ng tao , ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel , na sinasabi , Ang mga kaarawan ay tumatagal , at ang bawa&apos;t pangitain ay nabubulaanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Saysayin mo nga sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Aking papaglilikatin ang kawikaang ito , at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel ; kundi sabihin mo nga sa kanila , Ang mga kaarawan ay malapit na , at ang pagtupad ng lahat na pangitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ako ang Panginoon : ako&apos;y magsasalita , at ang salita na aking sasalitain ay matutupad : hindi na magluluwat pa : sapagka&apos;t sa inyong mga kaarawan , Oh mapanghimagsik na sangbahayan , aking sasalitain ang salita , at aking tutuparin , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Anak ng tao , narito , silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi , Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating , at nanghuhula ng mga panahong malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita , kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula , at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso , Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sa aba ng mga hangal na mga propeta , na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa , at walang nakitang anoman !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oh Israel , ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayo&apos;y hindi sumampa sa mga sira , o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel , upang siya&apos;y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y nangakakita ng walang kabuluhan , at sinungaling na panghuhula , na nagsasabi , Sabi ng Panginoon ; at hindi sila sinugo ng Panginoon ; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain , at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula , sa inyong pagsasabi , Sabi ng Panginoon ; yamang hindi ko sinalita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t kayo&apos;y nangagsasalita ng walang kabuluhan , at nangakakita ng mga kasinungalingan , kaya&apos;t , narito , ako&apos;y laban sa inyo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan , at nanganghuhula ng mga kasinungalingan : sila&apos;y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan , o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel , o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel ; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t , sa makatuwid baga&apos;y sapagka&apos;t kanilang hinikayat ang aking bayan , na nangagsabi , Kapayapaan ; at walang kapayapaan ; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta , narito , kanilang tinatapalan ng masamang argamasa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa , na yao&apos;y mababagsak : magkakaroon ng bugso ng ulan ; at kayo . Oh malalaking granizo , ay babagsak ; at isang unos na hangin ay titibag niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , pagka ang kuta ay nabagsak , hindi baga sasabihin sa inyo : Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan ; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit , at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa , at aking ilalagpak sa lupa , na anopa&apos;t ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw : at mababagsak , at kayo&apos;y malilipol sa gitna niyaon ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta , at sa nangagtapal ng masamang argamasa ; at sasabihin ko sa iyo , Ang kuta ay wala na , o ang nangagtatapal man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa makatuwid baga&apos;y ang mga propeta ng Israel , na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem , at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan , at walang kapayapaan , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ikaw , anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan , na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso ; at manghula ka laban sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iyong sabihin , ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko , at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba&apos;t ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa ! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan , at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada , at dahil sa mga putol ng tinapay , upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay , at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay , sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ako&apos;y laban sa inyong mga unan , na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa , na paliparin sila , at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay ; at aking pawawalan ang mga kaluluwa , sa makatuwid baga&apos;y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin , at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay , at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid , na hindi ko pinalungkot , at inyong pinalakas ang kamay ng masama , upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad , at maligtas na buhay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula : at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel , at nangaupo sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Anak ng tao , tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso , at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha : dapat bagang sanggunian nila ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t salitain mo sa kanila , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Bawa&apos;t tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso , at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha , at naparoroon sa propeta ; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka&apos;t silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Mangagbalik-loob kayo , at kayo&apos;y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan ; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t bawa&apos;t tao sa sangbahayan ni Israel , o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel , na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin , at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso , at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha , at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili ; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon , at aking gagawin siyang katigilan , na pinakatanda at pinaka kawikaan , at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita , akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon , at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya , at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan : ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin , o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang ; kundi upang sila&apos;y maging aking bayan , at ako&apos;y maging kanilang Dios , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Anak ng tao , pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang , at aking iniunat ang aking kamay roon , at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon , at nagsugo ako ng kagutom doon , at aking inihiwalay roon ang tao at hayop ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bagaman ang tatlong lalaking ito , na si Noe , si Daniel at si Job , ay nangandoon , ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa , sa pamamagitan ng kanilang katuwiran , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain , at kanilang sirain , at ito&apos;y magiba na anopa&apos;t walang taong makadaan dahil sa mga hayop ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon , buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man ; sila lamang ang maliligtas , nguni&apos;t ang lupain ay masisira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">O kung ako&apos;y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon , at aking sabihin , Tabak , dumaan ka sa lupain ; na anopa&apos;t aking ihiwalay roon ang tao at hayop ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon , buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , sila&apos;y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man , kundi sila lamang ang maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">O kung ako&apos;y magsugo ng salot sa lupaing yaon , at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan , upang ihiwalay ang tao&apos;t hayop ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bagaman si Noe , si Daniel , at si Job , ay nangandoon , buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man ; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem , ang tabak , at ang kagutom , at ang mabangis na hayop , at ang salot , upang ihiwalay roon ang tao at hayop ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y , narito , doo&apos;y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas , mga anak na lalake at sangpu ng babae : narito , kanilang lalabasin kayo , at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa ; at kayo&apos;y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem , tungkol sa lahat na aking pinasapit doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang aaliwin kayo pagka nakikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga gawa at inyong makikilala na hindi ko ginawang walang kadahilanan ang lahat na aking ginawa roon , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , ano ang higit ng puno ng baging kay sa alin mang puno ng kahoy , ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punong kahoy sa gubat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Makakakuha baga ng kahoy doon upang gawing anomang kayarian ? o makakakuha baga roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anomang kasangkapan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , inihahagis sa apoy na parang panggatong ; sinusupok ng apoy ang dalawang dulo niyaon , at ang gitna niyao&apos;y nasusunog ; magagamit baga sa anomang gawain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , ng buo pa , hindi nagagamit sa anomang gawain : gaano pa nga kaya , pagka nasupok ng apoy , at nasunog , magagamit pa baga sa anomang gawain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Kung paano ang puno ng baging sa gitna ng mga puno ng kahoy sa gubat , na aking ibinigay sa apoy na panggatong , gayon ko ibibigay ang mga nananahan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking ititingin ang aking mukha laban sa kanila : sila&apos;y magsisilabas sa apoy , nguni&apos;t susupukin sila ng apoy ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking itiningin ang aking mukha laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking sisirain ang lupain , sapagka&apos;t sila&apos;y gumawa ng pagsalangsang , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , ipakilala mo sa Jerusalem ang kaniyang mga kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Jerusalem : Ang iyong pinagmulan at ang iyong kapanganakan ay ang lupain ng Cananeo ; ang Amorrheo ay iyong Ama , at ang iyong ina ay Hethea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tungkol sa iyong kapanganakan , nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod , o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka ; ikaw ay hindi pinahiran ng asin , o nabalot man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Walang matang nahabag sa iyo ; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo , na maawa sa iyo ; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang , sapagka&apos;t ang iyong pagkatao ay itinakuwil , nang araw na ikaw ay ipanganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang ako&apos;y dumaan sa tabi mo , at makita kita na nagugumon sa iyong dugo , sinabi ko sa iyo , Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo , mabuhay ka : oo , sinabi ko sa iyo , Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo , mabuhay ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pinarami kita na parang damo sa parang , at ikaw ay kumapal at dumakilang mainam , at ikaw ay nagtamo ng mainam na kagayakan : ang iyong dibdib ay naganyo , at ang iyong buhok ay lumago ; gayon ma&apos;y ikaw ay hubo at hubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang ako nga&apos;y magdaan sa tabi mo , at tumingin sa iyo , narito , ang iyong panahon ay panahon ng pagibig ; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo , at tinakpan ko ang iyong kahubaran : oo , ako&apos;y sumumpa sa iyo , at nakipagtipan sa iyo , sabi ng Panginoong Dios , at ikaw ay naging akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y pinaliguan kita ng tubig ; oo , aking nilinis na mainam ang iyong dugo , at pinahiran kita ng langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Binihisan din naman kita ng yaring may burda , at sinapatusan kita ng balat ng foka , at binigkisan kita sa palibot ng mainam na kayong lino , at binalot kita ng sutla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ginayakan din naman kita ng hiyas , at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay , at ng isang kuwintas ang iyong leeg .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong , at ng mga hikaw ang iyong mga tainga , at isang magandang putong ang iyong ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak ; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino , at sutla at yaring may burda ; ikaw ay kumain ng mainam na harina , at ng pulot , at ng langis ; at ikaw ay lubhang maganda , at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang iyong kabantugan ay nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan ; sapagka&apos;t naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan , at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan , at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa&apos;t nagdaraan ; yao&apos;y kaniya nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kinuha mo ang iyong mga suot , at ginawa mo para sa iyo ang mga mataas na dako na kagayakan na may sarisaring kulay , at nagpatutot sa kanila : ang gayong mga bagay ay hindi na darating , o mangyayari pa man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak , na aking ibinigay sa iyo , at ginawa mo sa iyo ng mga larawan ng mga tao , at iyong ipinagpatutot sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At iyong kinuha ang iyong mga bihisang may burda , at ibinalot mo sa kanila , at inilagay mo ang aking langis at ang aking kamangyan sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang aking tinapay naman na aking ibinigay sa iyo , mainam na harina , at langis , pulot , na aking ipinakain sa iyo , iyong inilagay nga sa harap nila na pinakamasarap na amoy ; at ganito nangyari , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bukod dito&apos;y kinuha mo ang iyong mga anak na lalake at babae , na iyong ipinanganak sa akin , at ang mga ito ay iyong inihain sa kanila upang lamunin . Ang iyo bagang mga pakikiapid ay maliit na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na iyong pinatay ang aking mga anak , at iyong ibinigay sila na pinararaan sila sa apoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam , at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan , nang ikaw ay hubo at hubad , at nagugumon sa iyong dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , pagkatapos ng iyong buong kasamaan ( sa aba , sa aba mo ! sabi ng Panginoong Dios ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na ikaw ay nagtayo para sa iyo ng isang matayog na dako , at gumawa ka para sa iyo ng mataas na dako sa bawa&apos;t lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa&apos;t bukana ng daan , at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan , at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa&apos;t nagdaraan , at pinarami mo ang iyong pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ikaw naman ay nakiapid din sa mga taga Egipto , na iyong mga kalapit bayan , na malaki sa pangangatawan ; at iyong pinarami ang iyong pakikiapid upang mungkahiin mo ako sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narito nga , iniunat ko ang aking kamay sa iyo , at binawasan ko ang iyong karaniwang pagkain , at ibinigay kita sa balang maibigan ng nangagtatanim sa iyo , na mga anak na babae ng mga Filisteo , na nangapapahiya sa iyong kalibugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ikaw naman ay nagpatutot din sa mga taga Asiria , sapagka&apos;t ikaw ay hindi nasisiyahan : oo , ikaw ay nagpatutot sa kanila , at gayon ma&apos;y hindi ka nasisiyahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Bukod dito&apos;y iyong pinarami ang iyong pakikiapid sa lupain ng Canaan , hanggang sa Caldea ; at gayon ma&apos;y hindi ka nasisiyahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pagkahinahina ng iyong loob , sabi ng Panginoong Dios , palibhasa&apos;y iyong ginagawa ang lahat na bagay na ito , na gawa ng isang hambog na patutot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa iyong pagtatayo ng iyong matayog na dako sa bukana ng bawa&apos;t daan , at ginagawa mo ang iyong mataas na dako sa bawa&apos;t lansangan ; at hindi ka naging gaya ng isang patutot sa iyong pagwawalang kabuluhan ng upa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Isang babae na napakakalunya ! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sila&apos;y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot : nguni&apos;t ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo , at iyong sinusuhulan sila , upang sila&apos;y magsilapit sa iyo sa bawa&apos;t dako , dahil sa iyong mga pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid , sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid : at sa iyong pagbibigay ng upa , at walang upa na ibinibigay sa iyo , kaya&apos;t ikaw ay kaiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kaya&apos;t , Oh patutot , pakinggan mo ang salita ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t ang iyong karumihan ay nahayag , at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo ; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam , at dahil sa dugo ng iyong mga anak , na iyong ibinigay sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Kaya&apos;t , narito , aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo , na iyong pinagkaroonan ng kalayawan , at lahat ng iyong inibig , sangpu ng lahat na iyong kinapuotan ; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa&apos;t dako , at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila , upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo ; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay , at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako , at igigiba ang iyong mga mataas na dako , at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot , at kukunin ang iyong magandang mga hiyas ; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sila naman ay mangagaahon ng isang pulutong laban sa iyo , at babatuhin ka nila ng mga bato , at palalagpasan ka ng kanilang mga tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay , at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae ; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot , at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sa gayo&apos;y aking papawiin ang aking kapusukan sa iyo , at ang aking paninibugho ay hihiwalay sa iyo , at ako&apos;y matatahimik , at hindi na magagalit pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sapagka&apos;t hindi mo naalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan , kundi ako&apos;y pinapagiinit mo sa lahat ng mga bagay na ito ; kaya&apos;t , narito , akin namang pararatingin ang iyong lakad sa iyong ulo , sabi ng Panginoong Dios : at hindi ka na gagawa ng kahalayang ito , na higit kay sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Narito , bawa&apos;t sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo , na sasabihin , Kung ano ang ina , gayon ang kaniyang anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ikaw ang anak na babae ng iyong ina , na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak ; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid , na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak : ang inyong ina ay Hetea , at ang inyong ama ay Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa , siya at ang kaniyang mga anak na babae ; at ang iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Gayon ma&apos;y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad , o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam , kundi wari napakaliit na bagay , ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , ang Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa , siya o ang kaniyang mga anak na babae man , na gaya ng iyong ginawa , ng ginawa mo , at ng iyong mga anak na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Narito , ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma ; kapalaluan , kayamuan sa tinapay , at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae ; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At sila&apos;y palalo at gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko : kaya&apos;t aking inalis sila , ayon sa aking minagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati ng iyong mga kasalanan , nguni&apos;t pinarami mo ang iyong mga kasuklamsuklam na higit kay sa kanila , at iyong pinabuti ang iyong mga kapatid na babae sa pamamagitan ng lahat mong mga kasuklamsuklam na iyong ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ikaw rin naman , taglayin mo ang iyong sariling kahihiyan , sa iyong paglalapat ng kahatulan sa iyong mga kapatid na babae ; sa iyong mga kasalanan na iyong nagawa na higit na kasuklamsuklam kay sa kanila , sila&apos;y lalong matuwid kay sa iyo : oo , malito ka , at taglayin mo ang iyong kahihiyan , sa iyong pagpapabuti sa iyong mga kapatid na babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At aking panunumbalikin uli sila mula sa kanilang pagkabihag , sa pagkabihag ng Sodoma at ng kaniyang mga anak na babae , at sa pagkabihag ng Samaria at ng kaniyang mga anak na babae , at sa pagkabihag ng iyong mga bihag sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Upang iyong taglayin ang iyong sariling kahihiyan , at ikaw ay mapahiya dahil sa lahat na iyong ginawa sa iyong pagaliw sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At ang iyong mga kapatid na babae ang Sodoma at ang kaniyang mga anak na babae mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan ; at ang Samaria at ang kaniyang mga anak na babae ay mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan ; at ikaw at ang iyong mga anak ay mangagbabalik sa inyong dating kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Sapagka&apos;t ang iyong kapatid na babae na Sodoma ay hindi nabanggit ng iyong bibig sa kaarawan ng iyong kapalaluan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Bago nalitaw ang iyong kasamaan , gaya sa panahon ng kapulaan sa mga anak na babae ng Siria , at sa lahat na nangasa palibot niya , na mga anak na babae ng mga Filisteo , na siyang kumukutya sa iyo sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Iyong isinagawa ang iyong kahalayan at ang iyong mga kasuklamsuklam , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa , na iyong hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Gayon ma&apos;y aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan , at aking itatatag sa iyo ang isang walang hanggang tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Kung magkagayo&apos;y aalalahanin mo ang iyong mga lakad , at mapapahiya ka , pagka iyong tatanggapin ang iyong mga kapatid na babae , ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid : at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae , nguni&apos;t hindi sa pamamagitan ng iyong tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At aking itatatag ang aking tipan sa iyo ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Upang iyong maalaala , at malito ka , at kailan pa man ay hindi mo na bukahin ang iyong bibig , dahil sa iyong kahihiyan , pagka aking pinatawad ka ng lahat na iyong nagawa , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , magbugtong ka , at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo , na may sarisaring kulay , naparoon sa Libano , at kinuha ang dulo ng cedro :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon , at dinala sa isang lupain na kalakalan ; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kumuha rin siya sa binhi ng lupain , at itinanim sa isang mainam na lupa ; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig ; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tumubo , at naging mayabong , na puno ng baging na mababa , na ang mga sanga ay patungo sa dako niya , at ang mga ugat niyao&apos;y nasa ilalim niya ; sa gayo&apos;y naging isang puno ng baging , at nagsanga , at nagsupling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo : at , narito , ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon , sa dako niya , at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan , upang kaniyang madilig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig , upang makapagsanga , at makapagbunga , upang maging mabuting puno ng baging .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Giginhawa baga yaon ? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon , at kikitlin ang bunga niyaon , upang matuyo ; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo ? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito&apos;y mabubunot sa mga ugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oo , narito , yamang natanim ay giginhawa baga ? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan ? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan , Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito ? saysayin mo sa kanila , Narito , ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem , at kinuha ang hari niyaon , at ang mga prinsipe niyaon , at dinala niya sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y kumuha sa lahing hari , at nakipagtipan siya sa kaniya : isinailalim din niya siya sa panunumpa , at dinala ang mga dakila sa lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Upang ang kaharian ay mababa , upang huwag makataas , kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t siya&apos;y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo sa Egipto , upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao . Giginhawa baga siya ? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay ? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari , na ang sumpa ay hinamak niya , at ang tipan ay sinira niya , siya nga&apos;y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay walang magagawa , pagka sila&apos;y mangagtitindig ng mga bunton ; at mangagtatayo ng mga katibayan , upang pumatay ng maraming mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan ; at narito , naiabot na niya ang kaniyang kamay , at gayon ma&apos;y ginawa ang lahat na bagay na ito ; siya&apos;y hindi makatatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Buhay ako , walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak , at ang tipan sa akin na kaniyang sinira , aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya , at siya&apos;y mahuhuli sa aking silo , at dadalhin ko siya sa Babilonia , at siya&apos;y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang nalabi ay mangangalat sa bawa&apos;t dako : at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro , at aking itatanim ; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling , at aking itatanim sa isang mataas na bundok at matayog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim : at magsasanga at magbubunga , at magiging mainam na cedro : at sa lilim niyao&apos;y tatahan ang lahat na ibon na ma&apos;y iba&apos;t ibang uri ; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy , nagtaas sa mababang punong kahoy , tumuyo sa sariwang punong kahoy , at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy : akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel , na sinasabi , Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas , at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , lahat ng kaluluwa ay akin ; kung paano ang kaluluwa ng ama , gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin : ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t kung ang isang tao ay maging ganap , at gumawa ng tapat at matuwid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At hindi kumain sa mga bundok , o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel , o nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa , o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At hindi pumighati sa kanino man , kundi nagsauli ng sangla sa mangungutang sa kaniya , hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom , at nagbalot ng kasuutan sa hubad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Siya na hindi nagbigay na may patubo , o kumuha man ng anomang pakinabang , na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan , gumawa ng tunay na kahatulan sa tao&apos;t tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan ; siya&apos;y ganap , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung siya&apos;y magkaanak ng isang lalake na tulisan , mangbububo ng dugo , at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon , kundi kumain nga sa mga bundok , at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pumighati ng dukha at mapagkailangan , sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas , hindi nagsauli ng sangla , at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan , gumawa ng kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nagbigay na may patubo , at tumanggap ng pakinabang ; mabubuhay nga baga siya ? siya&apos;y hindi mabubuhay : kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito : siya&apos;y walang pagsalang mamamatay ; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ngayon , narito , kung siya&apos;y magkaanak ng isang lalake , na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa , at natatakot , at hindi gumagawa ng gayon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na hindi kumain sa mga bundok , o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel ; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">O pumighati man sa kanino man , hindi tumanggap ng anomang sangla , o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas , kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom , at nagbalot ng kasuutan sa hubad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha , na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man , ginawa ang aking mga kahatulan , lumakad sa aking mga palatuntunan , hindi siya mamamatay , ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tungkol sa kaniyang ama , sapagka&apos;t siya&apos;y pumighating may kabagsikan , sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas , at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan , narito siya&apos;y mamamatay sa kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y sinasabi ninyo , Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama ? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid , at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan , at isinagawa , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang kaluluwa na nagkakasala , mamamatay : ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama , o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak ; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya , at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa , at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan , at gumawa ng tapat at matuwid , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay , siya&apos;y hindi mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya : sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama ? sabi ng Panginoong Dios : at hindi baga mabuti na siya&apos;y humiwalay sa kaniyang lakad , at mabuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran , at gumagawa ng kasamaan , at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao , mabubuhay baga siya ? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa : sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang , at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala , sa mga yaon mamamatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Gayon ma&apos;y inyong sinasabi , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid . Pakinggan mo ngayon , Oh sangbahayan ni Israel , Hindi baga ang aking daan ay matuwid ? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran , at gumagawa ng kasamaan , at kinamamatayan ; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Muli , pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa , at gumawa ng tapat at matuwid , kaniyang ililigtas na buhay ang kaniyang kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t siya&apos;y nagmunimuni , at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay , siya&apos;y hindi mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon ma&apos;y sabi ng sangbahayan ni Israel , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid . Oh sangbahayan ni Israel , hindi baga ang aking mga daan ay matuwid ? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t hahatulan ko kayo , Oh sangbahayan ni Israel , bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kaniyang mga lakad , sabi ng Panginoong Dios . Kayo&apos;y mangagbalik-loob , at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang ; sa gayo&apos;y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang , na inyong isinalangsang : at kayo&apos;y magbagong loob at magbagong diwa : sapagka&apos;t bakit kayo mamamatay , Oh angkan ni Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay , sabi ng Panginoong Dios : kaya&apos;t magsipagbalik-loob kayo , at kayo&apos;y mangabuhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y magbadya ka ng isang taghoy na ukol sa mga prinsipe sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At iyong sabihin , naging ano baga ang iyong ina ? Isang leona : siya&apos;y humiga sa gitna ng mga leon , sa gitna ng mga batang leon , pinakain niya ang kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak : yao&apos;y naging isang batang leon , at yao&apos;y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narinig naman yaon ng mga bansa ; yao&apos;y nahuli sa kanilang hukay ; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang makita nga niya na siya&apos;y naghintay , at ang kaniyang pagasa ay nawala , kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak , at ginawang batang leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At yao&apos;y nagpanhik manaog sa gitna ng mga leon , yao&apos;y naging batang leon ; at yao&apos;y natuto na manghuli , at lumamon ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At naalaman niya ang kanilang mga palacio , at sinira ang kanilang mga bayan ; at ang lupain ay nagiba , at ang lahat na nangandoon , dahil sa hugong ng kaniyang angal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa&apos;t dako na mula sa mga lalawigan ; at ipinaglagay nila siya ng panilo ; nahuli siya sa kanilang hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan , at dinala nila siya sa hari sa Babilonia ; ipinasok nila siya sa katibayan , upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang inyong ina ay parang puno ng ubas sa iyong dugo , na natanim sa tabi ng tubig : siya&apos;y mabunga at puno ng mga sanga , dahil sa maraming tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno , at ang kanilang taas ay nataas sa mga masinsing sanga , at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t siya&apos;y nabunot sa pag-aalab ng loob , siya&apos;y nahagis sa lupa , at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya : ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok ; pinagsupok sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ngayo&apos;y natanim siya sa ilang , sa isang tuyo at uhaw na lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At lumabas ang apoy sa mga tutungkurin ng kaniyang mga sanga , sinupok ang kaniyang bunga , na anopa&apos;t nawalan ng matibay na tutungkurin na magiging cetro upang ipagpuno . Ito ay panaghoy , at magiging pinakapanaghoy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ikapitong taon , nang ikalimang buwan , nang ikasangpu ng buwan , na ang ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon , at nagsiupo sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Anak ng tao , salitain mo sa mga matanda ng Israel , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kayo baga&apos;y naparito upang sumangguni sa akin ? Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi ako mapagsasanggunian ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hahatulan mo baga sila , anak ng tao , hahatulan mo baga sila ? Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sabihin mo sa kanila ; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Nang araw na aking piliin ang Israel , at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob , at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto , na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi , Ako ang Panginoon ninyong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila , upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto , na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot , na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ko sa kanila , Itakuwil ng bawa&apos;t isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata , at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto ; ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sila&apos;y nanghimagsik laban sa akin , at hindi nakinig sa akin ; hindi itinakuwil ng bawa&apos;t isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata , o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto . Nang magkagayo&apos;y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan , upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila , sa gitna ng lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ako&apos;y gumawa alangalang sa aking pangalan , upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa , na kinaroroonan nila , na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila , sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto , at dinala ko sila sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan , at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan , na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bukod dito&apos;y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath , upang maging tanda sa akin at sa kanila , upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang : sila&apos;y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan , na kung gawin ng tao , ay mabubuhay sa mga yaon ; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam . Nang magkagayo&apos;y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang , upang lipulin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ako&apos;y gumawa alangalang sa aking pangalan , upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa , na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bukod dito&apos;y iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang , upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila , na binubukalan ng gatas at pulot , na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan , at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan , at nilapastangan ang aking mga sabbath : sapagka&apos;t ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ma&apos;y ang aking mata ay nagpatawad sa kanila at hindi ko sila nilipol , o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang , Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang , o ingatan man ang kanilang mga kahatulan , o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ako ang Panginoon ninyong Dios : magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan , at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan , at inyong isagawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At inyong ipangilin ang aking mga sabbath ; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo , upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin ; sila&apos;y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa , na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon : kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath . Nang magkagayo&apos;y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila , upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y iniurong ko ang aking kamay , gumawa ako alang-alang sa aking pangalan , upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa , na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Bukod dito&apos;y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang , upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa , at panabugin sila sa mga lupain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan , kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan , at nilapastangan ang aking mga sabbath , at ang kanilang mga mata&apos;y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Bukod dito&apos;y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti , at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob , sa kanilang pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata , upang aking ipahamak sila , upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t , anak ng tao , salitain mo sa sangbahayan ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa ganito ma&apos;y nilapastangan ako ng inyong mga magulang , sa kanilang pagsalangsang laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t nang dalhin ko sila sa lupain , na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila , kanila ngang nakita ang lahat na mataas na burol , at lahat na mayabong na punong kahoy , at inihandog nila roon ang kanilang mga hain , at doo&apos;y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog ; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango , at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa kanila , Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan ? Sa gayo&apos;y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya&apos;t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang ? at kayo baga&apos;y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At pagka inyong inihahandog ang inyong mga kaloob , pagka , inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak , nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito ? at ako baga&apos;y mapagsasanggunian ninyo , Oh sangbahayan ni Israel ? Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi ninyo ako mapagsasanggunian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay hindi mangyayari sa anomang paraan , sa inyong sinasabi , Kami ay magiging gaya ng mga bansa ; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa kahoy at bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay , at ng unat na bisig , at ng kapusukan na ibinubugso , ay maghahari ako sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan , at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain , na inyong pinangalatan , sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay , at ng unat na bisig , at ng kapusukan na ibinubuhos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At aking dadalhin kayo sa ilang ng mga bayan , at doo&apos;y makikipagkatuwiranan ako sa inyo ng harapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kung paanong ako&apos;y nakipagkatuwiranan sa inyong mga magulang sa ilang ng lupain ng Egipto , gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod , at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik , at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin ; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan , nguni&apos;t hindi sila magsisipasok sa lupain ng Israel : at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Tungkol sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel , ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; magsiyaon kayo , maglingkod bawa&apos;t isa sa kaniyang mga diosdiosan , at sa haharapin man , kung hindi ninyo ako didinggin ; nguni&apos;t ang aking banal na pangalan ay hindi na ninyo lalapastanganin ng inyong mga kaloob , at ng inyong mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t sa aking banal na bundok , sa bundok na kaitaasan ng Israel , sabi ng Panginoong Dios , doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel , nilang lahat : doo&apos;y tatanggapin ko sila , at doon ko hihingin ang inyong mga handog , at ang mga unang bunga na inyong mga alay , sangpu ng lahat ninyong banal na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo , pagka kayo&apos;y aking naihiwalay sa mga bayan , at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan ; at ako&apos;y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka kayo&apos;y aking ipapasok sa lupain ng Israel , sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At doo&apos;y maaalaala ninyo ang inyong mga lakad , at lahat ng inyong gawa , na inyong pinagpakadumhan ; at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka ako&apos;y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan , hindi ayon sa inyong mga masamang lakad , o ayon sa inyong mga masamang gawa man , Oh ninyong sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan , at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan , at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At sabihin mo sa gubat ng Timugan , Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo , at susupukin ang bawa&apos;t sariwang punong kahoy sa iyo , at ang bawa&apos;t tuyong punong kahoy : ang maalab na liyab at hindi mapapatay , at ang lahat na mukha na mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon ; hindi mapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko : Ah Panginoong Dios ! sinasabi nila sa akin , Hindi baga siya&apos;y mapagsalita ng mga talinghaga ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem , at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario , at manghula ka laban sa lupain ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sabihin mo sa lupain ng Israel , Ganito ang sabi ng Panginoon : Narito , ako&apos;y laban sa iyo , at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban , at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama , kaya&apos;t aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban ; hindi na isusuksok pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Magbuntong-hininga ka nga , ikaw na anak ng tao ; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At mangyayari , pagka kanilang sinasabi sa iyo , Bakit ka nagbubuntong-hininga ? na iyong sasabihin , Dahil sa mga balita , sapagka&apos;t dumarating ; at ang bawa&apos;t puso ay manglulumo , at ang lahat na kamay ay manghihina , at ang bawa&apos;t espiritu ay manglulupaypay , at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig : narito , dumarating , at mangyayari , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Anak ng tao , manghula ka , at sabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoon : Sabihin mo , Isang tabak , isang tabak ay nahasa , at kuminang din naman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nahasa upang manglipol ; kuminang upang maging parang kidlat : gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan ? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa&apos;t punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pinakikinang , upang hawakan : ang tabak , ito&apos;y nahasa , oo , pinakinang , upang ibigay sa kamay ng manglilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Humiyaw ka at manambitan ka , anak ng tao ; sapagka&apos;t nauumang sa aking bayan , nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel : sila&apos;y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan ; tampalin mo nga ang iyong hita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t may paglilitis ; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala ? sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ikaw nga , anak ng tao , manghula ka , at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay ; at ang tabak ay malupi sa ikatlo , ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay : siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan , upang ang kanilang puso ay manglumo , at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami : ah ! ang pagkayari ay parang kidlat , na inihasa upang ipangpatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Humayo ka sa isang dako , lumagay ka sa kanan , o lumagay ka sa kaliwa , saan man mapaharap ang iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay , at aking lulubusin ang aking kapusukan : ako ang Panginoon , ang nagsalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon din , ikaw na anak ng tao , magtakda ka sa iyo ng dalawang daan , na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia ; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain : at landasan mo ng dako , landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon , at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan , sa bukana ng dalawang daan , upang magbadya ng panghuhula : kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo&apos;t parito , siya&apos;y sumangguni sa mga diosdiosan , siya&apos;y nagsiyasat sa atay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem , upang mag-umang ng mga pangsaksak , upang bukahin ang bibig sa pagpatay , upang itaas ang tinig sa paghiyaw , upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan , upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin , na nanumpa sa kanila ; nguni&apos;t ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan , upang sila&apos;y mangahuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan , palibhasa&apos;y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw , na anopa&apos;t sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan ; sapagka&apos;t dumating ang pagkaalaala sa inyo , kayo&apos;y huhulihin ng kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ikaw , Oh masama na nasugatan ng ikamamatay , na prinsipe sa Israel , na ang kaarawan ay dumating , sa panahon ng parusang pinaka wakas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ilapag mo ang tiara , at alisin mo ang putong ; ito&apos;y hindi na mangyayari pa uli ; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Aking ititiwarik , ititiwarik , ititiwarik : ito rin nama&apos;y hindi na mangyayari uli , hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya ; at aking ibibigay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ikaw , anak ng tao , manghula ka , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon , at tungkol sa kanilang kapulaan ; at sabihin mo , Isang tabak , isang tabak ay binunot , na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin , upang maging parang kidlat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Samantalang sila&apos;y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan , samantalang sila&apos;y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan , upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay , na ang kaarawan ay dumating , sa panahon ng parusang pinaka wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban . Sa dakong pinaglalangan sa iyo , sa lupain ng kapanganakan mo , hahatulan kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo ; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot : at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ikaw ay magiging pinakapanggatong sa apoy ; ang iyong dugo ay mabububo sa gitna ng lupain ; ikaw ay hindi na maaalaala : sapagka&apos;t akong Panginoon ang nagsalita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At Ikaw , anak ng tao , hahatulan mo baga , hahatulan mo baga ang bayang mabagsik ? ipakilala mo nga sa kaniya ang lahat niyang kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya , na ang kaniyang panahon ay darating , at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili , upang mapahamak siya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo , at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa ; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan , at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon ; kaya&apos;t ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa , at isang katuyaan sa lahat na lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Yaong mga malapit , at yaong mga malayo , ay magsisituya sa iyo , ikaw na napahamak at puno ng kagulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Narito , ang mga prinsipe sa Israel , na bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kaniyang kapangyarihan , napasa iyo upang magbubo ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa iyo&apos;y kanilang niwalang kabuluhan ang ama&apos;t ina ; sa gitna mo ay pinahirapan nila ang taga ibang lupa ; sa iyo&apos;y kanilang pinighati ang ulila at ang babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Iyong hinamak ang aking mga banal na bagay , at iyong nilapastangan ang aking mga sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mga maninirang puri ay napasa iyo upang magbubo ng dugo : at sa iyo&apos;y nagsikain sila sa mga bundok : sa gitna mo ay nagkasala sila ng kahalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa iyo&apos;y kanilang inilitaw ang kahubaran ng kanilang mga magulang ; sa iyo&apos;y pinapakumbaba niya siya na marumi sa kaniyang pagkahiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang isa&apos;y gumawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kaniyang kapuwa ; at ang isa&apos;y gumawa ng kahalayhalay sa kaniyang manugang na babae ; at sa iyo&apos;y sinipingan ng isa ang kaniyang kapatid na babae na anak ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa iyo ay nagsitanggap sila ng suhol upang magbubo ng dugo ; ikaw ay kumuha ng patubo&apos;t pakinabang , at ikaw ay nakinabang ng malabis sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng pagpighati , at nilimot mo ako , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito nga , aking ipinakpak ang aking kamay dahil sa iyong masamang pakinabang na iyong ginawa , at sa iyong dugo na iyong ibinubo sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Makapagmamatigas baga ang iyong puso , o makapagmamalakas baga ang iyong mga kamay sa mga araw na parurusahan kita ? Akong Panginoon ang nagsalita , at gagawa niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa , at pananabugin kita sa mga lupain ; at aking papawiin ang iyong karumihan sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ikaw ay malalapastangan sa iyong sarili , sa paningin ng mga bansa ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Anak ng tao , ang sangbahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin : silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga , sa gitna ng hurno ; sila ay naging dumi ng pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t kayong lahat ay naging dumi ng bakal , kaya&apos;t narito , aking pipisanin kayo sa gitna ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno , upang hipan ng apoy , upang tunawin ; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan , at aking ilalapag kayo roon , at pupugnawin ko kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oo , aking pipisanin kayo , at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot , at kayo&apos;y mangapupugnaw sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno , gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon ; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Anak ng tao , sabihin mo sa kaniya , Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis , o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon , gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli : sila&apos;y nanganakmal ng mga tao ; sila&apos;y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay ; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan , at nilapastangan ang aking mga banal na bagay : sila&apos;y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan , o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis , at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath , at ako&apos;y nalapastangan sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli , upang mangagbubo ng dugo , at upang magpahamak ng mga tao , upang sila&apos;y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila , na nakakita ng walang kabuluhan , at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila , na nangagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , dangang hindi sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati , at nagnakaw ; oo , kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan , at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ako&apos;y humanap ng lalake sa gitna nila , na makakagawa ng bakod , at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain , upang huwag kong ipahamak ; nguni&apos;t wala akong nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t aking ibinuhos ang aking galit sa kanila ; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot : ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , may dalawang babae , na mga anak na babae ng isang ina :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagpatutot sa Egipto ; sila&apos;y nagpatutot sa kanilang kadalagahan : doo&apos;y nangahigpit ang kanilang mga dibdib , at doo&apos;y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda , at Oholiba ang kapatid niya : at sila&apos;y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae . At tungkol sa kanilang mga pangalan , Samaria ay Ohola , at Jerusalem ay Oholiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Ohola ay nagpatutot nang siya&apos;y akin ; at siya&apos;y suminta sa mga mangingibig sa kaniya , sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na nananamit ng kulay asul , ang mga tagapamahala at ang mga pinuno , silang lahat na binatang makisig , mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid , sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat ; at sa sino man na inibig niya , sa lahat nilang diosdiosan , ay nadumhan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto , sapagka&apos;t sa kaniyang kadalagahan , sila&apos;y sumisiping sa kaniya , at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga ; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya , sa kamay ng mga taga Asiria , na siya niyang mga inibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran ; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae ; at siya&apos;y pinatay nila ng tabak : at siya&apos;y naging kakutyaan sa mga babae ; sapagka&apos;t sila&apos;y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba , gayon ma&apos;y siya&apos;y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya , at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Siya&apos;y umibig sa mga taga Asiria , sa mga tagapamahala at mga pinuno , sa kaniyang mga kalapit bayan , na nararamtan ng mga pinakamahusay , sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo , silang lahat ay mga binatang makisig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking nakita na siya&apos;y nadumhan ; na sila kapuwa ay nagisang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot ; sapagka&apos;t siya&apos;y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig , na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang , na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo , silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea , na lupain na kanilang kinapanganakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila , at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig , at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot , at siya&apos;y nahawa sa kanila , at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa gayo&apos;y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot , at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran : nang magkagayo&apos;y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya , na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid , na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan , na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya , na ang laman ay parang laman ng mga asno , at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan , sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya , Oh Oholiba , ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Narito , aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo , na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban , at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo , ang Pekod , at ang Soa , at ang Coa , at lahat ng taga Asiria na kasama nila ; na mga binatang makisig , mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat , mga prinsipe , at mga lalaking bantog , silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y magsisiparitong laban sa iyo na ma&apos;y mga almas , mga karo , at mga kariton , at may kapulungan ng mga tao ; sila&apos;y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki , at kalasag at turbante ; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila , at sila&apos;y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo , at sila&apos;y magsisigawa sa iyo sa kapusukan ; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga ; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak : kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae ; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot , at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan , at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto : na anopa&apos;t hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila , o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo , sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At hahatulan ka nila na may pagtatanim , at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan , at iiwan kang hubad at hubo : at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw , ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo , sapagka&apos;t ikaw ay nagpatutot sa mga bansa , at sapagka&apos;t ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid ; kaya&apos;t ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid , na malalim at malaki : ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan ; maraming laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw , sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan , sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Iyo ngang iinumin at tutunggain , at iyong hahaluin ang labo niyaon , at sasaktan ang iyong dibdib ; sapagka&apos;t aking sinalita , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t ako&apos;y iyong nilimot , at tinalikdan mo ako , taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito : Anak ng tao : hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba ? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagkasala ng pangangalunya , at dugo ay nasa kanilang mga kamay ; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba ; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak , na kanilang ipinanganak sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Bukod dito&apos;y ginawa nila ito sa akin : kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon , at nilapastangan ang aking mga sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sapagka&apos;t nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan , nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin ; at , narito , ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo , na siyang mga ipinasundo sa sugo , at , narito , sila&apos;y nagsisidating ; na siyang dahil ng iyong ipinaligo , at ipinagkulay mo ng iyong mga mata , at pinaggayakan mo ng mga gayak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At naupo ka sa isang mainam na higaan , na may dulang na nakahanda sa harap niyaon , na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya : at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang ; at sila&apos;y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila , at mga magandang putong sa kanilang mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya , Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya , at siya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinipingan nila siya , na parang sumiping sa isang patutot : gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba , na malibog na mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya , at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo ; sapagka&apos;t sila&apos;y mangangalunya , at dugo ang nasa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ako&apos;y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila , at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo&apos;t parito at samsaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At babatuhin sila ng kapulungan , ng mga bato , at tatagain sila ng kanilang mga tabak ; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae , at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain , upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo , at inyong dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan , at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Muli , nang ikasiyam na taon , nang ikasangpung araw ng buwan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , isulat mo ang pangalan ng kaarawan , ang kaarawan ding ito : ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem sa kaarawan ding ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ipagsabi mo ng isang talinhaga ang mapanghimagsik na sangbahayan , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Magsalang ka ng kaldera , isalang mo , at buhusan mo rin naman ng tubig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pisanin mo ang mga putol niyaon doon , lahat ng mabuting putol , ang hita , at ang balikat ; punuin mo ng mga piling buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kumuha ka ng pinili sa kawan , at ibunton mo ang mga buto sa ilalim niyaon : pakuluan mong mabuti ; oo , lutuin mo ang mga buto sa loob niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa aba ng mabagsik na bayan , ng kaldera na may kalawang , at ang kalawang ay hindi naalis doon ! ilabas mo na putolputol ; walang sapalaran na ginawa roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang dugo niya ay nasa gitna niya ; kaniyang inilagay sa luwal na bato ; hindi niya ibinuhos sa lupa , na tabunan ng alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Upang pukawin ang kapusukan ng manghihiganti , inilagay ko ang kaniyang dugo sa luwal na bato , upang huwag matakpan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Sa aba ng mabagsik na bayan ! akin ding palalakihin ang bunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ibunton ang kahoy , paningasin ang apoy , pakuluang mabuti ang laman , palaputin ang sabaw , at sunugin ang mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung magkagayo&apos;y ipatong mong walang laman sa mga baga niyaon , upang uminit , at ang tanso niyao&apos;y masunog , at ng ang dumi niyaon ay matunaw roon , upang mapugnaw ang kalawang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Siya&apos;y nagpakapagod sa paggawa ; gayon ma&apos;y ang maraming kalawang ay hindi naaalis ; ang kalawang niyaon ay hindi naaalis sa pamamagitan ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nasa iyong karumihan ang kahalayan : sapagka&apos;t ikaw ay aking nilinis at hindi ka nalinis , hindi ka na malilinis pa sa iyong karumihan , hanggang sa aking malubos ang aking kapusukan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Akong Panginoon ang nagsalita : mangyayari , at aking gagawin ; hindi ako magbabalik-loob , ni magpapatawad man , ni magsisisi man ; ayon sa iyong mga lakad , at ayon sa iyong mga gawa , kanilang hahatulan ka , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang salita ng Panginoon ay dumating din sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Anak ng tao , narito , aalisin ko sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan ang nasa ng iyong mga mata : gayon ma&apos;y hindi ka tatangis , ni iiyak man , ni aagos man ang iyong mga luha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magbuntong-hininga ka , nguni&apos;t huwag malakas ; huwag mong tangisan ang patay ; itali mo ang pugong mo sa ulo , at isuot mo ang iyong mga panyapak sa iyong mga paa , at huwag mong takpan ang iyong mga labi , at huwag kang kumain ng tinapay ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa gayo&apos;y nagsalita ako sa bayan nang kinaumagahan ; at sa kinahapunan ay namatay ang aking asawa ; at aking ginawa nang kinaumagahan ang gaya ng iniutos sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng bayan sa akin , Hindi mo baga sasaysayin sa amin kung anong mga bagay ito sa amin , na ikaw ay gumagawa ng ganyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa kanila , Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Salitain mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking lalapastanganin ang aking santuario , na kapalaluan ng inyong kapangyarihan , na nasa ng inyong mga mata , at kinahihinayangan ng inyong kalooban , at ang inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At inyong gagawin ang aking ginawa ; hindi ninyo tatakpan ang inyong mga labi , o kakain man ng tinapay ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang inyong turbante ay malalagay sa inyong mga ulo , at ang inyong mga panyapak sa inyong mga paa : kayo&apos;y hindi tatangis o iiyak man ; kundi kayo&apos;y manganglulupaypay sa inyong mga kasamaan , at mangagdadaingang isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ganito magiging isang tanda sa inyo si Ezekiel ; ayon sa lahat niyang ginawa ay inyong gagawin : pagka ito&apos;y nangyari ay inyo ngang malalaman na ako ang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ikaw , anak ng tao , hindi baga mangyayari sa araw na aking alisin sa kanila ang kanilang lakas , ang kagalakan ng kanilang kaluwalhatian , ang nasa ng kanilang mga mata , at ang kanilang pinaglalagakan ng kanilang puso , ang kanilang mga anak na lalake at babae ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na sa araw na yaon ang makatatanan ay paroroon sa iyo , upang iparinig sa iyo ng iyong mga pakinig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa araw na yaon ay mabubuka ang iyong bibig sa kaniya na nakatanan , at ikaw ay magsasalita , at hindi na mapipipi pa : gayon magiging isang tanda ka sa kanila ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon , at manghula ka laban sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sabihin mo sa mga anak ni Ammon , Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t iyong sinabi , Aha , laban sa aking santuario , nang malapastangan ; at laban sa lupain ng Israel , nang masira ; at laban sa sangbahayan ni Juda , nang sila&apos;y pumasok sa pagkabihag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t narito , aking ibibigay ka sa mga anak ng silanganan na pinakaari , at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo , at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo ; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy , at kanilang iinumin ang iyong gatas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking gagawin ang Raba na pinaka silungan ng mga kamello , at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t pumakpak ka ng iyong mga kamay , at tumadyak ka ng mga paa , at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t narito , aking iniunat ang aking kamay sa iyo , at ibibigay kita na pinakasamsam sa mga bansa ; at ihihiwalay kita sa mga bayan , at ipalilipol kita sa mga lupain : aking ibubuwal ka ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t ang Moab at ang Seir ay nagsasabi , Narito , ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t , narito , aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan , mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan , na kaluwalhatian ng lupain , ang Beth-jesimoth , ang Baal-meon , at ang Chiriathaim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hanggang sa mga anak ng silanganan , upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon ; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari , upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ako&apos;y maglalapat ng kahatulan sa Moab : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&apos;t ang Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti , at nagalit na mainam , at nanghiganti sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom , at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon ; at aking gagawing sira mula sa Teman ; hanggang sa Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom , sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel ; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit , at ayon sa aking kapusukan ; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t ang mga Filisteo ay gumawa ng panghihiganti , at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo , at aking ihihiwalay ang mga Ceretheo , at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ako&apos;y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang ikalabing isang taon , nang unang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , sapagka&apos;t ang Tiro ay nagsabi laban sa Jerusalem , Aha , siya na naging pintuan ng mga bayan ay sira ; siya&apos;y nabalik sa akin : ako&apos;y mapupuno ngayong siya&apos;y sira :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh Tiro , at aking pasasampahin ang maraming bansa laban sa iyo , gaya ng pagpapasampa ng dagat ng kaniyang mga alon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kanilang gigibain ang mga kuta ng Tiro , at ibabagsak ang kaniyang mga moog : akin din namang papalisin sa kaniya ang kaniyang alabok , at gagawin ko siyang hubad na bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya&apos;y magiging dakong ladlaran ng mga lambat sa gitna ng dagat : sapagka&apos;t ako ang nagsalita sabi ng Panginoong Dios ; at siya&apos;y magiging samsam sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang kaniyang mga anak na babae na nangasa parang ay papatayin ng tabak : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na hari ng mga hari , mula sa hilagaan , na may mga kabayo , at may mga karo , at may mga nangangabayo , at isang pulutong , at maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang ; at siya&apos;y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo , at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo , at magtataas ng longki laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang ilalagay ang kaniyang mga pangsaksak laban sa iyong mga kuta , at sa pamamagitan ng kaniyang mga palakol ay kaniyang ibabagsak ang iyong mga moog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil sa kasaganaan ng kaniyang mga kabayo , tatakpan ka ng kaniyang alabok : ang iyong mga kuta ay uuga sa hugong ng mga mangangabayo , at ng mga kariton , at ng mga karo , pagka siya&apos;y papasok sa iyong mga pintuang-bayan , na gaya ng pagpasok ng tao sa isang bayan na pinamutasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tutungtungan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan ; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan ; at ang mga haligi ng iyong lakas ay mabubuwal sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y magsisisamsam ng iyong mga kayamanan , at lolooban ang iyong kalakal ; at kanilang ibabagsak ang iyong mga kuta , at gigibain ang iyong mga masayang bahay ; at ilalagay ang iyong mga bato , at ang iyong kahoy at ang iyong alabok sa gitna ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit ; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At gagawin kitang hubad na bato : ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat ; ikaw ay hindi na matatayo ; sapagka&apos;t akong Panginoon ang nagsalita , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Tiro ; Hindi baga mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak , pagka ang nasugatan ay dumadaing , pagka may patayan sa gitna mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung magkagayo&apos;y lahat na prinsipe sa dagat ay magsisibaba mula sa kanilang mga luklukan , at aalisin ang kanilang mga balabal , at huhubuin ang kanilang mga damit na may burda : sila&apos;y dadatnan ng panginginig ; sila&apos;y magsisiupo sa lupa , at manginginig sa tuwituwina , at mangatitigilan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pananaghuyan ka nila , at magsasabi sa iyo , Ano&apos;t nagiba ka , na tinatahanan ng mga taong dagat , na bantog na bayan na malakas sa dagat , siya at ang mga mananahan sa kaniya , na nagpapangilabot sa lahat na nagsisitahan sa kaniya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak ; oo , ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan , na parang mga bayan na hindi tinatahanan , pagka tatabunan kita ng kalaliman , at tatakpan ka ng maraming tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ibababa nga kita na kasama nila na bumababa sa hukay , sa mga tao nang una , at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa , sa mga dakong sira nang una , na kasama ng nagsibaba sa hukay , upang ikaw ay huwag tahanan ; at ako&apos;y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gagawin kitang kakilakilabot , at hindi ka na mabubuhay : bagaman ikaw ay hanapin ay hindi ka na masusumpungan pa uli , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ikaw , anak ng tao , panaghuyan mo ang Tiro ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sabihin mo sa Tiro , Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat , na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ikaw , Oh Tiro , nagsabi , Ako&apos;y sakdal sa kagandahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang iyong mga hangganan ay nangasa kalaliman ng mga dagat , ang nagsipagtayo sa iyo ay nangagpasakdal ng iyong kagandahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang ginawa nilang makakapal mong tabla ay mga puno ng abeto na mula sa Senir : sila&apos;y nagsikuha ng cedro mula sa Libano , upang gawing palo ng sasakyan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan ; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag , upang maging sa iyo&apos;y isang watawat ; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan : ang iyong mga pantas , Oh Tiro , ay nangasa iyo , sila ang iyong mga tagaugit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga matanda sa Gebal at ang mga pantas niyao&apos;y pawang tagapagpasak mo : ang lahat na sasakyan sa dagat sangpu ng mga tao ng mga yaon ay nangasa iyo upang pangasiwaan ang iyong kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang Persia , ang Lud , at ang Phut ay nangasa iyong hukbo , na iyong mga lalaking mangdidigma : kanilang ibinitin ang kalasag at ang turbante sa iyo ; nagpapaganda sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga lalake sa Arvad na kasama ng iyong hukbo ay nangasa ibabaw ng iyong mga kuta sa palibot , at ang mga matatapang ay nasa iyong mga moog ; kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot ; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan ; na ang pilak , bakal , lata , at tingga , ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Javan , ang Tubal , at ang Mesec , mga mangangalakal mo : kanilang kinakalakal ang mga tao at ang mga sisidlang tanso na ipinapalit nila sa iyong mga kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang sangbahayan ni Togarma ay nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga kabayo at ng mga kabayong pangdigma at ng mga mula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga tao sa Dedan ay iyong mangangalakal : maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay : kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay : sila&apos;y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda , kulay ube , at yaring may burda , at manipis na kayong lino , at gasang at mga rubi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Naging mga mangangalakal mo ang Juda , at ang lupain ng Israel : sila&apos;y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo ng Minith , at ng pannag , at ng pulot , at ng langis , at ng balsamo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mangangalakal mo ang Damasko dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay , dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan , sangpu ng alak sa Helbon , at maputing lana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana : ang makinang na bakal , ang kasia , at ang kalamo , ay ilan sa iyong mga kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Naging iyong mangangalakal ang Dedan sa mga mahalagang kayo na ukol sa pangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang Arabia , at lahat na prinsipe sa Cedar , mga naging mangangalakal ng iyong kamay ; sa mga cordero , at mga lalaking tupa , at mga kambing , sa mga ito&apos;y naging mga mangangalakal mo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga mangangalakal sa Seba at sa Raama , mga naging mangangalakal mo ; kanilang ipinapalit sa iyong mga kalakal ang mga pinakamainam na especia , at lahat na mahalagang bato , at ang ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang Haran at ang Canneh at ang Eden , na mga mangangalakal sa Seba , ang Assur at ang Chilmad ay naging mga mangangalakal mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga ito ang iyong mga mangangalakal sa mga piling kalakal sa mga balutan ng mga yaring asul at may burda , at sa mga baul na may mainam na hiyas , natatalian ng mga sintas , at yaring cedro , na ilan sa iyong mga kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga sasakyan sa Tarsis ay iyong mga pulutong sa iyong kalakal : at ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati sa kalagitnaan ng mga dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Dinala ka ng iyong mga manggagaod sa malawak na dagat : binagbag ka ng hanging silanganan sa kalagitnaan ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang iyong kayamanan , at ang iyong mga kalakal , ang iyong tinda , at ang iyong mga manggagaod , at ang iyong mga tagaugit , ang iyong mga tagapagpasak , at ang nagsisipamahala ng iyong mga kalakal , at ang lahat mong lalaking mangdidigma na nangasa iyo , sangpu ng iyong lahat na pulutong na nangasa gitna mo , mangalulubog sa kalagitnaan ng dagat sa kaarawan ng iyong pagkasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa lakas ng hiyaw ng iyong mga tagaugit , ang mga nayon ay mangayayanig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At lahat na nagsisihawak ng gaod , ang mga tao sa sasakyan , at lahat ng tagaugit sa dagat , ay magsisibaba sa kanilang mga sasakyan ; sila&apos;y magsisitayo sa ibabaw ng lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At iparirinig ang kanilang tinig sa iyo , at hihiyaw ng kalagimlagim , at mangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo , sila&apos;y magsisigumon sa mga abo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At mangagpapakakalbo dahil sa iyo , at mangagbibigkis ng kayong magaspang , at kanilang iiyakan ka ng kapanglawpanglaw sa kalooban , na may mapanglaw na pananangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila , at tatangisan ka , na sasabihin , Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Pagka ang iyong mga kalakal ay inilalabas sa mga dagat , iyong binubusog ang maraming bayan ; iyong pinayaman ang mga hari sa lupa ng karamihan ng iyong mga kayamanan at ng iyong mga kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa panahon na ikaw ay bagbag sa tabi ng mga dagat sa kalaliman ng tubig , ang iyong kalakal at ang iyong buong pulutong ay lumubog sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Lahat ng mananahan sa mga pulo ay nangatitigilan dahil sa iyo , at ang kanilang mga hari ay nangatakot ng di kawasa , sila&apos;y nangamanglaw sa kanilang mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Pinagsutsutan ka ng mga mangangalakal sa gitna ng mga bayan ; ikaw ay naging kakilakilabot , at hindi ka na mabubuhay pa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , sabihin mo sa prinsipe sa Tiro , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t ang iyong puso ay nagmataas , at iyong sinabi , Ako&apos;y dios , ako&apos;y nauupo sa upuan ng Dios , sa gitna ng mga dagat ; gayon man ikaw ay tao , at hindi Dios , bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito , ikaw ay lalong marunong kay Daniel ; walang lihim na malilihim sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa pamamagitan ng iyong karunungan , at ng iyong unawa , nagkaroon ka ng mga kayamanan , at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan , at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t narito , ako&apos;y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo , na kakilakilabot sa mga bansa ; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan , at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kanilang ibababa ka sa hukay ; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo , Ako&apos;y Dios ? nguni&apos;t ikaw ay tao , at hindi Dios , sa kamay niya na sumusugat sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa : sapagka&apos;t ako ang nagsalita , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Anak ng tao , panaghuyan mo ang hari sa Tiro , at sabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , iyong tinatatakan ang kabuoan , na puno ng karunungan , at sakdal sa kagandahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay nasa Eden , na halamanan ng Dios ; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan , ang sardio , ang topacio , at ang diamante , ang berilo , ang onix , at ang jaspe , ang zafiro , ang esmeralda , at ang karbungko , at ang ginto : ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo ; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip : at itinatag kita , na anopa&apos;t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios ; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin , hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas , at ikaw ay nagkasala : kaya&apos;t inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios ; at ipinahamak kita , Oh tumatakip na kerubin , mula sa gitna ng mga batong mahalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan ; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan : aking inihagis ka sa lupa ; aking inilagay ka sa harap ng mga hari , upang kanilang masdan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan , sa kalikuan ng iyong pangangalakal , iyong nilapastangan ang iyong mga santuario : kaya&apos;t ako&apos;y naglabas ng apoy sa gitna mo ; sinupok ka , at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan , mangatitigilan dahil sa iyo : ikaw ay naging kakilakilabot , at ikaw ay hindi na mabubuhay pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha sa Sidon , at manghula ka laban doon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At iyong sabihin , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh Sidon ; at ako&apos;y luluwalhati sa gitna mo ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka ako&apos;y naglapat ng kahatulan sa kaniya , at aariing banal sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ako&apos;y magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan ; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya , sa pamamagitan ng tabak , na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel , o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya , na nagwalang kabuluhan sa kanila ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan , at ako&apos;y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa , sila nga&apos;y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y magsisitahang tiwasay roon , oo , sila&apos;y mangagtatayo ng mga bahay , at mag-uubasan , at tatahang tiwasay , pagka ako&apos;y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "29">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikasangpung taon , nang ikasangpung buwan , nang ikalabing dalawang araw ng buwan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto , at manghula ka laban sa kaniya , at laban sa buong Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iyong salitain , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y lalaban sa iyo , Faraong hari sa Egipto , na malaking buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog , na nagsabi : Ang ilog ko ay aking sarili , at aking ginawa sa ganang aking sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga , at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis ; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog , na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang , ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog : ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang ; ikaw ay hindi pipisanin , o pupulutin man ; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa , at sa mga ibon sa himpapawid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon , sapagka&apos;t sila&apos;y naging tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang kanilang pigilan ka sa iyong kamay , iyong binali , at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat ; at nang sila&apos;y sumandal sa iyo , iyong binalian , at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , pagdadalhan kita ng tabak sa iyo , at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Ang ilog ay akin , at aking ginawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t , narito , ako&apos;y laban sa iyo , at laban sa iyong mga ilog , at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto , mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Walang paa ng tao na daraan doon , o paa man ng hayop ay daraan doon , o tatahanan man siyang apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking gagawing sira ang lupain ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira ; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon ; at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa , at aking pananabugin sila sa mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto , mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto , at aking pababalikin sila sa lupain ng Patros , na lupain na kinapanganakan sa kanila ; at sila&apos;y magiging doo&apos;y isang mababang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian ; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa : at aking babawasan sila , upang huwag na silang magpuno sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At hindi na magiging pagasa pa ng sangbahayan ni Israel , na nagpapaalaala ng kasamaan , pagka kanilang lilingunin sila : at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , nang ikadalawang pu&apos;t pitong taon , nang unang buwan , nang unang araw ng buwan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Anak ng tao , pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro : lahat ng ulo ay nakalbo , at lahat ng balikat ay nalabnot ; gayon ma&apos;y wala siyang kaupahan , o ang kaniyang hukbo man , mula sa Tiro , sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia ; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan , at kukunin ang samsam sa kaniya , at kukunin ang huli sa kaniya ; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod , sapagka&apos;t sila&apos;y nagsipagpagal ng dahil sa akin , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa araw na yao&apos;y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel , at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "30">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , manghula ka , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Manambitan kayo : Sa aba ng araw na yaon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang kaarawan ay malapit na , sa makatuwid baga&apos;y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na ; magiging kaarawan ng pagaalapaap ; panahon ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At isang tabak ay darating sa Egipto , at kahirapan ay sasa Etiopia , pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto ; at dadalhin nila ang kaniyang karamihan , at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Etiopia , at ang Phut , at ang Lud , at ang buong halohalong bayan , at ang Chub , at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo , mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ganito ang sabi ng Panginoon : Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal ; at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay mabababa : mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y magiging sira sa gitna ng mga lupain na sira ; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka ako&apos;y nagsulsol ng apoy sa Egipto , at lahat niyang katulong ay nangalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia ; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto ; sapagka&apos;t narito , dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto , sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya , na kakilakilabot sa mga bansa , ay ipapasok upang gibain ang lupain ; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto , at pupunuin ng mga patay ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking tutuyuin ang mga ilog , at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao ; at aking sisirain ang lupain , at lahat na nandoon , sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa : akong Panginoon ang nagsalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan , at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis ; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto ; at ako&apos;y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking sisirain ang Patros , at ako&apos;y magsisilab ng apoy sa Zoan , at maglalapat ako ng mga kahatulan sa No .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin , na katibayan ng Egipto ; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ako&apos;y magsusulsol ng apoy sa Egipto : ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian , at ang No ay magigiba : at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa Tafnes nama&apos;y magdidilim ang araw , pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto , at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon : tungkol sa kaniya , ay tatakpan siya ng alapaap , at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan , nang ikapitong araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Anak ng tao , aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto ; at , narito , hindi natalian , upang lapatan ng mga gamot , na lagyan ng isang tapal upang talian , upang humawak na matibay ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y laban kay Faraon na hari sa Egipto , at aking babaliin ang kaniyang mga bisig , ang malakas na bisig , at yaon na nabali ; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa , at pananabugin ko sila sa mga lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia , at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay ; nguni&apos;t aking babaliin ang mga bisig ni Faraon , at siya&apos;y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia ; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia , at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa , at pananabugin ko sila sa mga lupain ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "31">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari nang ikalabing isang taon , nang ikatlong buwan , nang unang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , sabihin mo kay Faraon , na hari sa Egipto , at sa kaniyang karamihan : Sino ang iyong kawangis sa iyong kalakhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito , ang taga Asiria ay isang cedro sa Libano , na may magandang mga sanga , at may mayabong na lilim , at may mataas na kataasan ; at ang kaniyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kinakandili siya ng tubig , pinalalaki siya ng kalaliman : ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan ; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang ; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami , at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig , nang kaniyang pabugsuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga ; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang ; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan , sa kahabaan ng kaniyang mga sanga : sapagka&apos;t ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya ; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga , at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga , o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga , na anopa&apos;t lahat ng punong kahoy sa Eden , na nangasa halamanan ng Dios , nanaghili sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t ikaw ay nataas sa kataasan , at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga , at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa ; walang pagsalang siya&apos;y susugpuin : aking pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At inihiwalay siya at iniwan siya , ng mga taga ibang lupa , ng kakilakilabot sa mga bansa : sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kaniyang mga sanga , at ang kaniyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain ; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kaniyang lilim at iniwan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa kaniyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid , at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kaniyang mga sanga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Upang walang magmataas sa kanilang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig , o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga , o ang kanila mang mga makapangyarihan ay magsitayo sa kanilang pagkataas , sa makatuwid baga&apos;y yaong lahat na nagsisiinom ng tubig : sapagka&apos;t silang lahat ay nangabigay sa kamatayan , sa pinakamalalim na bahagi ng lupa , sa gitna ng mga anak ng tao , na kasama ng nagsibaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Nang araw na siya&apos;y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako : aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya , at pinigil ko ang mga ilog niya ; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil ; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano , at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal , nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay ; at ang lahat na punong kahoy sa Eden , ang pili at pinakamahusay ng Libano , lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila rin nama&apos;y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak ; oo , silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden ? gayon ma&apos;y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden , sa pinakamalalim na bahagi ng lupa : ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli , na kasama nila na nangapatay ng tabak . Ito&apos;y si Faraon at ang buo niyang karamihan , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "32">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang ikalabing dalawang taon , nang ikalabing dalawang buwan , nang unang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , panaghuyan mo si Faraong hari sa Egipto , at sabihin mo sa kaniya , Ikaw ay kawangis ng isang batang leon sa mga bansa ; gayon man ikaw ay parang malaking hayop sa mga dagat ; at ikaw ay sumagupa sa iyong mga ilog , at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig , at dinumhan mo ang kanilang mga ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo na kasama ng isang pulutong ng maraming tao ; at iaahon ka nila sa aking lambat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At iiwan kita sa lupain , ihahagis kita sa luwal na parang , at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid , at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok , at pupunuin ko ang mga libis ng iyong kataasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Akin namang didiligin ng iyong dugo ang lupain na iyong nilalanguyan , hanggang sa mga bundok ; at ang mga daan ng tubig ay mapupuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagka ikaw ay aking nautas , aking tatakpan ang langit , at padidilimin ko ang mga bituin niyaon ; aking tatakpan ng alapaap ang araw , at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo , at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Akin namang papaghihirapin ang puso ng maraming bayan , pagka aking dadalhin ang iyong kagibaan sa gitna ng mga bansa , sa mga lupain na hindi mo nakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oo , aking papanggigilalasin ang maraming bayan sa iyo , at ang kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo , pagka aking ikinumpas ang aking tabak sa harap nila ; at sila&apos;y manginginig tuwituwina , bawa&apos;t tao dahil sa kaniyang sariling buhay sa kaarawan ng iyong pagkabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan ; kakilakilabot sa mga bansa silang lahat : at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto , at ang buong karamihan niyao&apos;y malilipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Akin din namang lilipuling lahat ang mga hayop niyaon mula sa siping ng maraming tubig ; at hindi na lalabukawin pa man ng paa ng tao , o ang kuko man ng mga hayop ay magsisilabukaw sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung magkagayo&apos;y aking palilinawin ang kanilang tubig , at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pagka aking gagawin ang lupain ng Egipto na sira at giba , na lupaing iniwan ng lahat na nangandoon , pagka aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon kung magkagayon ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito nga ang panaghoy na kanilang itataghoy ; na itataghoy ng mga anak na babae ng mga bansa ; sa Egipto , at sa lahat na kaniyang karamihan ay itataghoy nila , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nangyari rin nang ikalabing dalawang taon , nang ikalabing limang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Anak ng tao , taghuyan mo ang karamihan ng Egipto , at ibaba mo sila , sa makatuwid baga&apos;y siya , at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa , hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa , na kasama ng nagsibaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sinong iyong dinadaig sa kagandahan ? bumaba ka , at malagay kang kasama ng mga di tuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sila&apos;y mangabubuwal sa gitna nila na nangapatay ng tabak : siya&apos;y nabigay sa tabak : ilabas mo siya at ang lahat niyang karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya : sila&apos;y nagsibaba , sila&apos;y nangakatigil , sa makatuwid baga&apos;y ang mga hindi tuli , na nangapatay ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang Assur ay nandoon at ang buo niyang pulutong ; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya : silang lahat na nangapatay , na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na ang mga libingan ay nangalalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay , at ang kaniyang pulutong ay nasa palibot ng kaniyang libingan ; silang lahat na nangapatay , na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak , na nakapangingilabot sa lupain ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan ; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak , na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa , na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay , at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Inilagay nila ang kaniyang higaan sa gitna ng mga patay na kasama ng buong karamihan niya ; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya ; silang lahat na di tuli na nangapatay sa pamamagitan ng tabak ; sapagka&apos;t nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay , at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay : siya&apos;y nalagay sa gitna niyaong nangapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nandoon ang Mesech , ang Tubal , at ang buo niyang karamihan ; ang mga libingan niya ay nangasa palibot niya ; silang lahat na hindi tuli , na nangapatay sa pamamagitan ng tabak ; sapagka&apos;t sila&apos;y nakapagpangilabot sa lupain ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli , na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma , at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo , at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto ; sapagka&apos;t sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di tuli , at ikaw ay mahihiga na kasama nila na nangapatay sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nandoon ang Edom , ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe , na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak : sila&apos;y mangahihiga na kasama ng mga di tuli , at niyaong nagsibaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nandoon ang mga prinsipe sa hilagaan , silang lahat , at lahat ng mga taga Sidon , na nagsibabang kasama ng nangapatay ; sa kakilabutan na kanilang ipinangilabot ng kanilang kapangyarihan sila&apos;y nangapahiya ; at sila&apos;y nangahihigang hindi tuli na kasama ng nangapapatay sa pamamagitan ng tabak , at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Makikita sila ni Faraon , at maaaliw sa lahat niyang karamihan , sa makatuwid baga&apos;y ni Faraon at ng buo niyang hukbo , na nangapatay ng tabak , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t inilagay ko ang kaniyang kakilabutan sa lupain ng buhay ; at siya&apos;y ihihiga sa gitna ng mga di tuli , na kasama ng nangapatay ng tabak , si Faraon at ang buong karamihan niya , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "33">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , salitain mo sa mga anak ng iyong bayan , at sabihin mo sa kanila , Pagka aking dinala ang tabak sa lupain , kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila , at ilagay na pinakabantay nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung , pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain , kaniyang hipan ang pakakak , at magbigay alam sa bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak , at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya , ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narinig niya ang tunog ng pakakak , at hindi pinansin ; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya ; sapagka&apos;t kung siya&apos;y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kung makita ng bantay na dumarating ang tabak , at hindi humihip ng pakakak , at ang bayan ay hindi napagbigyang alam , at ang tabak ay dumating , at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila ; siya&apos;y nahiwalay sa kaniyang kasamaan , nguni&apos;t ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y ikaw , anak ng tao , ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel ; kaya&apos;t dinggin mo ang salita sa aking bibig , at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagka aking sinabi sa masama , Oh masamang tao , ikaw ay walang pagsalang mamamatay , at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad : ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan , nguni&apos;t ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay , at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad ; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan , nguni&apos;t iniligtas mo ang iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ikaw , anak ng tao , sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang inyong sinasalita , na sinasabi , Ang aming pagsalangsang , at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin , at aming pinanglulupaypayan ; paano ngang kami ay mangabubuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sabihin mo sa kanila , Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama ; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay : manumbalik kayo , manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad ; sapagka&apos;t bakit kayo mangamamatay , Oh sangbahayan ni Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ikaw , anak ng tao , sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan , Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang ; at tungkol sa kasamaan ng masama , hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan ; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya&apos;y magkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay ; kung siya&apos;y tumiwala sa kaniyang katuwiran , at gumawa ng kasamaan , anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin ; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Muli , pagka aking sinabi sa masama , Ikaw ay walang pagsalang mamamatay ; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan , at gawin ang tapat at matuwid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung isauli ng masama ang sanla , ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw , lumakad sa palatuntunan ng buhay , na di gumawa ng kasamaan , siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay , siya&apos;y hindi mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya ; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid ; siya&apos;y walang pagsalang mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ma&apos;y sinabi ng mga anak ng iyong bayan , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid : nguni&apos;t tungkol sa kanila , ay hindi matuwid ang kanilang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran , at gumagawa ng kasamaan , kaniyang ikamamatay yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan , at gumawa ng tapat at matuwid , kaniyang ikabubuhay yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon ma&apos;y inyong sinasabi , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid . Oh sangbahayan ni Israel , aking hahatulan kayo bawa&apos;t isa , ayon sa kaniyang mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangyari , nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag , nang ikasangpung buwan ; nang ikalimang araw ng buwan , na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin , na nagsasabi , Ang bayan ay nasaktan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan , bago dumating ang nakatanan ; at ibinuka niya ang aking bibig , hanggang sa siya&apos;y dumating sa akin nang kinaumagahan ; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Anak ng tao , ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel , ay nangagsasalita , na sinasabi , Si Abraham ay iisa , at kaniyang minana ang lupain : nguni&apos;t tayo&apos;y marami ; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya&apos;t sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kayo&apos;y nagsisikain ng may dugo , at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan , at nagbububo ng dugo : at inyo bagang aariin ang lupain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kayo&apos;y nagsisitayo sa inyong tabak , kayo&apos;y nagsisigawa ng kasuklamsuklam , at nanirang puri bawa&apos;t isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa : at inyo bagang aariin ang lupain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sabihin mong ganito sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Buhay ako , walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin , at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At aking gagawing sira ang lupain at katigilan ; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat ; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira , na walang dadaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kung magkagayo&apos;y malalaman nila na ako ang Panginoon , pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain , dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tungkol sa iyo , anak ng tao , pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay , at nangagsasalitaan na bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang kapatid , na sinasabi , Pumarito ka , isinasamo ko sa iyo , at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating , at sila&apos;y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan , at kanilang dinidinig ang iyong mga salita , nguni&apos;t hindi nila ginagawa ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig , nguni&apos;t ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At , narito , ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig , at nakatutugtog na mabuti sa panugtog ; sapagka&apos;t kanilang naririnig ang iyong mga salita , nguni&apos;t hindi nila ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pagka ito&apos;y nangyari , ( narito , nangyayari , ) kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "34">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , manghula ka laban sa mga pastor ng Israel , manghula ka , at iyong sabihin sa kanila , sa mga pastor , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili ! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kayo&apos;y nagsisikain ng gatas , at kayo&apos;y nangananamit sa inyo ng lana , inyong pinapatay ang mga pinataba ; nguni&apos;t hindi ninyo pinakakain ang mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi ninyo pinalakas ang payat , o inyo mang pinagaling ang may sakit , o inyo mang tinalian ang may bali , o inyo mang ibinalik ang iniligaw , o inyo mang hinanap ang nawala ; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y nangalat dahil sa walang pastor , at sila&apos;y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang , at sila&apos;y nangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok , at sa lahat na mataas na burol : oo , ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa ; at walang magsiyasat o humanap sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t kayong mga pastor , pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam , at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang , sapagka&apos;t walang pastor , o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa , kundi ang mga pastor ay nagsikain , at hindi pinakain ang aking mga tupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t , Oh kayong mga pastor , pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ako&apos;y laban sa mga pastor ; at aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay , at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa ; at hindi na naman pakakanin ng mga pastor ang kanilang sarili ; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig , upang huwag maging pagkain sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako , sa makatuwid baga&apos;y ako , sisiyasat ng aking mga tupa , at aking hahanapin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya&apos;y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat , gayon ko hahanapin ang aking mga tupa ; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking ilalabas sila sa mga bayan , at pipisanin ko sila mula sa mga lupain , at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain ; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel , sa tabi ng mga daan ng tubig , at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan ; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan : doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan ; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking hahanapin ang nawala , at ibabalik ang iniligaw , at tatalian ang nabalian , at palalakasin ang may sakit : nguni&apos;t aking lilipulin ang mataba at malakas ; aking pakakanin sila sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tungkol sa inyo , Oh aking kawan , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y humahatol sa gitna ng hayop at hayop , sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan , nguni&apos;t inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan ? at uminom sa malinaw na tubig , nguni&apos;t inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At tungkol sa aking mga tupa , kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa , at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila : Narito , ako , sa makatuwid baga&apos;y ako , ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat , at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit , hanggang sa inyong napangalat sila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t aking ililigtas ang aking kawan , at hindi na sila magiging samsam ; at ako&apos;y hahatol sa tupa at tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ako&apos;y maglalagay ng isang pastor sa kanila , at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga&apos;y ang aking lingkod na si David ; kaniyang papastulin sila , at siya&apos;y magiging kanilang pastor ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At akong Panginoon ay magiging kanilang Dios , at ang aking lingkod na si David ay prinsipe sa kanila ; akong Panginoon ang nagsalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ako&apos;y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan , at aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain ; at sila&apos;y magsisitahang tiwasay sa ilang , at mangatutulog sa mga gubat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol ; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan ; magkakaroon ng ulan ng pagpapala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga , at ang lupa&apos;y magsisibol ng halaman niya , at sila&apos;y matitiwasay sa kanilang lupain ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok , at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa , o lalamunin man sila ng hayop sa lupa ; kundi sila&apos;y magsisitahang tiwasay , at walang tatakot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At aking pagkakalooban sila ng mga pananim na ikababantog , at sila&apos;y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain , o magtataglay pa man ng kahihiyan sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila , at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kayong mga tupa ko , na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao , at ako&apos;y inyong Dios , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "35">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir , at manghula ka laban doon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sabihin mo roon , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh bundok ng Seir , at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo , at gagawin kitang sira at katigilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan , at ikaw ay magiging sira ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit , at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan , sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , aking itatalaga ka sa dugo , at ang dugo ay hahabol sa iyo : yamang hindi mo kinapootan ang dugo , kaya&apos;t matatalaga ka sa dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan ; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay : sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan , at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t iyong sinabi , Ang dalawang bansang ito , at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin , at aming aariin ; bagaman kinaroroonan ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , aking gagawin ayon sa iyong galit , at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila : at ako&apos;y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel , na sinasabi , Nangalagay na sira ang mga yaon , nangabigay sa atin upang lamunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kayo&apos;y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig , at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin : aking narinig yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Pagka ang buong lupa ay nagagalak , akin gagawin kang sira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel , dahil sa sira , gayon ang gagawin ko sa iyo : ikaw ay magiging sira , Oh bundok ng Seir , at buong Edom , oo , lahat ng ito ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "36">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ikaw , anak ng tao , manghula ka laban sa mga bundok ng Israel , at sabihin mo , Kayong mga bundok ng Israel , pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : sapagka&apos;t sinabi ng kaaway sa inyo , Aha ! at , Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t manghula ka , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t , sa makatuwid baga&apos;y sapagka&apos;t kanilang ginawang sira kayo , at nadaig kayo sa lahat ng dako , upang kayo&apos;y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa , at kayo&apos;y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal , at masamang ulat ng bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t kayong mga bundok ng Israel , inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol , sa mga daan ng tubig at sa mga libis , sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan , na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa , at laban sa buong Edom , na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pag-aari na may kagalakan ng buo nilang puso , na may sama ng loob , upang ihagis na pinakasamsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t manghula ka tungkol sa lupain ng Israel , at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol , sa mga daan ng tubig at sa mga libis , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan , sapagka&apos;t inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Aking itinaas ang aking kamay , na aking sinasabi , Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo , mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t , kayo , Oh mga bundok ng Israel , inyong isusupling ang inyong mga sanga , at magbubunga sa aking bayang Israel ; sapagka&apos;t sila&apos;y malapit nang dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t , narito , ako&apos;y sa inyo , at ako&apos;y babalik sa inyo , at kayo&apos;y mabubukid at mahahasikan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako&apos;y magpaparami ng mga tao sa inyo , buong sangbahayan ni Israel , sa makatuwid baga&apos;y siyang lahat ; at ang mga bayan ay tatahanan , at ang mga sirang dako ay mangatatayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ako&apos;y magpaparami sa inyo ng tao at hayop ; at sila&apos;y magsisidami at mangagkakaanak : at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan , at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una : at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oo , aking palalakarin sa inyo ang mga tao , sa makatuwid baga&apos;y ang aking bayang Israel ; at kanilang aariin ka , at ikaw ay magiging kanilang mana , at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&apos;t kanilang sinasabi sa iyo , Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao , at naging mapagpahirap sa iyong bansa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa , sabi ng Panginoong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa , o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan , o ititisod mo pa man ang iyong bansa , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito&apos;y dumating sa akin ang salita ng Panginoon , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Anak ng tao , nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain , kanilang inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa : ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain , at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aking pinangalat sila sa mga bansa , at sila&apos;y nagsipanabog sa mga lupain : ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang sila&apos;y dumating sa mga bansa , na kanilang pinaroonan , kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan ; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila , Ang mga ito ay bayan ng Panginoon , at nagsilabas sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t iginalang ko ang aking banal na pangalan , na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel , kundi dahil sa aking banal na pangalan , na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking babanalin ang aking dakilang pangalan , na nalapastangan sa mga bansa , na inyong nilapastangan sa gitna nila ; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon , sabi ng Panginoong Dios , pagka ako&apos;y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t aking kukunin kayo sa mga bansa , at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain , at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ako&apos;y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo , at kayo&apos;y magiging malinis : sa buo ninyong karumihan , at sa lahat ninyong mga diosdiosan , lilinisin ko kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso , at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa ; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan , at aking bibigyan kayo ng pusong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo , at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan , at inyong iingatan ang aking mga kahatulan , at isasagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kayo&apos;y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang ; at kayo&apos;y magiging aking bayan , at ako&apos;y magiging inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan : at aking patutubuin ang trigo , at aking pararamihin , at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy , at ang ani sa bukid , upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kung magkagayo&apos;y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad , at ang inyong mga gawa na hindi mabuti ; at kayo&apos;y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili , dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Hindi dahil sa inyo ginagawa ko ito , sabi ng Panginoong Dios , tantuin ninyo : kayo&apos;y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad , Oh sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan , aking patatahanan ang mga bayan , at ang mga gibang dako ay mangatatayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang lupain na naging sira ay mabubukid , na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kanilang sasabihin , Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden ; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kung magkagayo&apos;y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako , at tinamnan ko ang dakong sira : akong Panginoon ang nagsalita , at aking gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Bukod dito pa&apos;y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel , upang gawin sa kanila ; ako&apos;y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kung paano ang kawan na panghain , kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan , gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "37">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin , at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon , at inilagay niya ako sa gitna ng libis ; at yao&apos;y puno ng mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot : at , narito , may totoong marami sa luwal na libis ; at , narito , mga totoong tuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kaniyang sinabi sa akin , Anak ng tao , maaari bagang mabuhay ang mga butong ito ? At ako&apos;y sumagot , Oh Panginoong Dios ; ikaw ang nakakaalam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Muling sinabi niya sa akin , Manghula ka sa mga butong ito , at sabihin mo sa kanila , Oh kayong mga tuyong buto , inyong pakinggan ang salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito : Narito , aking papapasukin ang hinga sa inyo , at kayo&apos;y mangabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lalagyan ko kayo ng mga litid , at babalutin ko kayo ng laman , at tatakpan ko kayo ng balat , at lalagyan ko kayo ng hininga , at kayo&apos;y mangabubuhay ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin : at habang ako&apos;y nanghuhula , may naghinugong , at , narito , isang lindol ; at ang mga buto ay nangagkalapit , buto sa kaniyang buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ako&apos;y tumingin , at , narito , may mga litid sa mga yaon , at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw ; nguni&apos;t walang hininga sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Manghula ka sa hangin , manghula ka , anak ng tao , at sabihin mo sa hangin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Manggaling ka sa apat na hangin , Oh hinga , at humihip ka sa mga patay na ito , upang sila&apos;y mangabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa gayo&apos;y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin , at ang hininga ay pumasok sa kanila , at sila&apos;y nangabuhay , at nagsitayo ng kanilang mga paa , isang totoong malaking pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel : narito , kanilang sinasabi , Ang ating mga buto ay natuyo , at ang ating pagasa ay nawala ; tayo&apos;y lubos na nahiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t manghula ka , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking bubuksan ang inyong mga libingan , at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan , Oh bayan ko ; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking binuksan ang inyong libingan , at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan , Oh bayan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo , at kayo&apos;y mangabubuhay , at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain , at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita , at nagsagawa , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ikaw , anak ng tao , kumuha ka ng isang tungkod , at sulatan mo sa ibabaw , Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama : saka kumuha ka ng ibang tungkod , at iyong sulatan : Sa Jose , na siyang tungkod ng Ephraim , at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod , upang maging isa sa iyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo , na mangagsasabi , Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking kukunin ang tungkod ng Jose , na nasa kamay ng Ephraim , at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama : at akin silang isasama roon , sa tungkod ng Juda , at gagawin ko silang isang tungkod , at sila&apos;y magiging isa sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo sa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa , na kanilang pinaroonan , at pipisanin ko sila sa lahat ng dako , at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At gagawin ko silang isang bansa sa lupain , sa mga bundok ng Israel ; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat ; at hindi na sila magiging dalawang bansa , o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan , o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay , o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang ; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako , na kanilang pinagkasalanan , at lilinisin ko sila : sa gayo&apos;y magiging bayan ko sila , at ako&apos;y magiging kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila ; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor ; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan , at susundin ang aking mga palatuntunan , at isasagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sila&apos;y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod , na tinahanan ng inyong mga magulang ; at sila&apos;y magsisitahan doon , sila at ang kanilang mga anak , at ang mga anak ng kanilang mga anak , magpakailan man : at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Bukod dito&apos;y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila ; magiging tipan na walang hanggan sa kanila ; at aking ilalagay sila , at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila ; at ako&apos;y magiging kanilang Dios , at sila&apos;y magiging aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel , pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "38">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Anak ng tao , iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog , sa lupain ng Magog , na prinsipe sa Ros , sa Mesech , at sa Tubal , at manghula ka laban sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iyong sabihin , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh Gog , na pangulo sa Ros , sa Mesech , at sa Tubal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking ipipihit ka sa palibot , at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga , at ilalabas kita , at ang iyong buong kawal , mga kabayo at mga mangangabayo , na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan , na malaking pulutong na may longki at kalasag , silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Persia , ang Cus , at ang Phut ay kasama nila ; silang lahat na may kalasag at turbante ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong ; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan , at lahat niyang mga pulutong ; maraming bayan na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Humanda ka , oo , humanda ka , ikaw , at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo , at maging bantay ka sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka : sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan , sa mga bundok ng Israel , na naging laging giba ; nguni&apos;t nalabas sa mga bayan , at sila&apos;y magsisitahang tiwasay , silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ikaw ay sasampa , ikaw ay darating na parang bagyo , ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain , ikaw , at ang lahat mong mga pulutong , at ang maraming tao na kasama mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Mangyayari sa araw na yaon , na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip , at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At iyong sasabihin , Ako&apos;y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta ; sasampahin ko sila na nasa katahimikan , na nagsisitahang tiwasay , silang lahat na nagsisitahang walang kuta , at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang kumuha ng samsam , at upang kumuha ng huli ; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon , at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa , na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari , na nagsisitahan sa gitna ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Seba , at ang Dedan , at ang mga mangangalakal sa Tarsis , sangpu ng lahat ng batang leon niyaon , ay magsasabi sa iyo , Naparito ka baga upang kumuha ng samsam ? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam ? upang magdala ng pilak at ginto , upang magdala ng mga hayop at mga pag-aari , upang kumuha ng malaking samsam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t , anak ng tao , ikaw ay manghula , at sabihin mo kay Gog , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay , hindi mo baga malalaman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ikaw ay darating na mula sa iyong dako , mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan , ikaw , at ang maraming tao na kasama mo , silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo , malaking pulutong at makapangyarihang hukbo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel , na parang ulap na tatakip sa lupain : mangyayari sa mga huling araw , na dadalhin kita laban sa aking lupain , upang makilala ako ng mga bansa , pagka ako&apos;y aariing banal sa iyo , Oh Gog , sa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel , na nagsipanghula nang mga araw na yaon , ng tungkol sa malaong panahon , na aking dadalhin ka laban sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At mangyayari sa araw na yaon , pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel , sabi ng Panginoong Dios , na ang aking kapusukan ay sasampa sa aking mga butas ng ilong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako , Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na anopa&apos;t ang mga isda sa dagat , at ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga hayop sa parang , at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa , at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa , magsisipanginig sa aking harapan , at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa , at bawa&apos;t kuta ay mangababagsak sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya , sabi ng Panginoong Dios : ang tabak ng bawa&apos;t lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ako&apos;y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo ; at pauulanan ko siya , at ang kaniyang mga pulutong , at ang maraming bayan na kasama niya , ng napakalakas na ulan , at ng mga malaking granizo , ng apoy , at ng azufre .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ako&apos;y pakikitang dakila at banal , at ako&apos;y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "39">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ikaw , anak ng tao , manghula ka laban kay Gog , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&apos;y laban sa iyo , Oh Gog , na prinsipe sa Ros , sa Mesech , at sa Tubal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At aking ipipihit ka sa palibot , at ihahatid kita , at pasasampahin kita mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan ; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa , at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel , ikaw , at ang lahat mong mga pulutong , at ang mga bayan na kasama mo : aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari , at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang : sapagka&apos;t aking sinalita , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ako&apos;y magpapasapit ng apoy sa Magog , at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel ; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan : at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon , ang banal sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , dumarating , at mangyayari , sabi ng Panginoong Dios ; ito ang araw na aking sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas , at sisilaban ng mga apoy ang mga almas , at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki , ang mga busog at ang mga pana , at ang mga tungkod , at ang mga sibat , at mga sisilaban nilang pitong taon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na anopa&apos;t sila&apos;y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang , o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat ; sapagka&apos;t kanilang sisilaban ang mga almas ; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila , at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mangyayari sa araw na yaon , na ako&apos;y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel , ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat : at paglilikatan nilang daanan ; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan ; at kanilang tatawagin ito : Ang libis ng Hamon-gog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel , upang kanilang linisin ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Oo , sila&apos;y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain ; at magiging sa kanila&apos;y kabantugan , sa araw na ako&apos;y luluwalhati , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi , na mangagdaraan sa lupain at , kasama nilang nangagdaraan , silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain , upang linisin : pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan ; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao , lalagyan nga niya ng tanda , hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa libis ng Hamon-gog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan . Ganito nila lilinisin ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ikaw , anak ng tao , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Salitain mo sa sarisaring ibon , at sa lahat na hayop sa parang , Magpupulong kayo , at kayo&apos;y magsiparito ; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo , sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel , upang kayo&apos;y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kayo&apos;y magsisikain ng laman ng makapangyarihan , at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa , ng mga lalaking tupa , ng mga batang tupa , at ng mga kambing , ng mga toro , na pawang patabain sa Basan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kayo&apos;y magsisikain ng taba hanggang sa kayo&apos;y mangabusog , at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo&apos;y mangalango , sa aking hain na aking inihain sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kayo&apos;y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo , ng mga makapangyarihang lalake , at ng lahat na lalaking mangdidigma , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa ; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat , at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa gayo&apos;y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios , mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisalangsang laban sa akin , at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila : sa gayo&apos;y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway , at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila ; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ngayo&apos;y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag , at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel ; at ako&apos;y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan , at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin , pagka sila&apos;y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain , at walang tatakot sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Pagka sila&apos;y aking nadala uli na mula sa mga bayan , at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway , at ako&apos;y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios , sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa , at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain ; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila ; sapagka&apos;t binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "40">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikadalawang pu&apos;t limang taon ng aming pagkabihag , nang pasimula ng taon , nang ikasangpung araw ng buwan , nang ikalabing apat na taon pagkatapos na ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon , ang kamay ng Panginoon ay sumaakin , at dinala niya ako roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel , at inilagay ako sa totoong mataas na bundok , na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dinala niya ako roon ; at , narito , may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso , na may pising lino sa kaniyang kamay , at isang panukat na tambo ; at siya&apos;y natayo sa pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng lalake sa akin , Anak ng tao , tumingin ka ng iyong mga mata , at makinig ka ng iyong mga pakinig , at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo ; sapagka&apos;t sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito : ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At , narito ; isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot , at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba , na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa&apos;t isa : sa gayo&apos;y kaniyang sinukat ang luwang ng bahay , na isang tambo ; at ang taas , isang tambo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y naparoon siya sa pintuang-daan , na nakaharap sa dakong silanganan , at sumampa sa mga baytang niyaon : at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan , isang tambo ang luwang ; at ang kabilang pasukan , isang tambo ang luwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At bawa&apos;t silid ng bahay ay isang tambo ang haba , at isang tambo ang luwang ; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko ; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay , isang tambo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan , walong siko ; at ang mga haligi niyaon , dalawang siko ; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito , at tatlo sa dakong yaon ; ang tatlo ay iisang sukat : at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito , at sa dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan , sangpung siko ; at ang haba ng pintuang-daan , labing tatlong siko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay , isang siko sa dakong ito , at ang isang pagitan , isang siko sa dakong yaon ; at ang mga silid ng bantay , anim na siko sa dakong ito , at anim na siko sa dakong yaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila , may luwang na dalawang pu&apos;t limang siko ; pintuan sa tapat ng pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan , na anim na pung siko ; at ang looban ay hanggang sa haligi , ang pintuang-daan ay sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay , at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot , at gayon din sa mga hubog ; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob ; at sa bawa&apos;t haligi ay may mga puno ng palma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa loob ng looban sa labas ; at , narito , may mga silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban : tatlong pung silid ang nasa lapag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan , ayon sa haba ng mga pintuang-daan , sa makatuwid baga&apos;y ang lalong mababang lapag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas , na isang daang siko , sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan , kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon ; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan : ang haba niyaon ay limang pung siko , at ang luwang ay dalawang pu&apos;t limang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang mga dungawan niyaon , at ang mga hubog niyaon , at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan ; at kanilang sinampa ng pitong baytang ; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan , sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan ; at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At dinala niya ako sa dakong timugan ; at , narito , ang isang pintuang-daan sa dakong timugan : at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon , at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot , gaya ng mga dungawang yaon : ang haba ay limang pung siko , at ang luwang ay dalawang pu&apos;t limang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At may pitong baytang na sampahan , at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon ; at may mga puno ng palma ; sa dakong ito , at isa sa dakong yaon , sa mga haligi niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan : at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa lalong loob na looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan : at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang mga silid ng bantay niyaon , at ang mga hubog niyaon , ay ayon sa mga sukat na ito : at may mga dungawan yaon , at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot ; may limang pung siko ang haba , at dalawang pu&apos;t limang siko ang luwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At may mga hubog sa palibot , na dalawang pu&apos;t limang siko ang haba , at limang siko ang luwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas ; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon : at ang sampahan ay may walong baytang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan ; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga silid ng bantay niyaon , at ang mga haligi niyaon , at ang mga hubog niyaon , ayon sa mga sukat na ito : at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot : may limang pung siko ang haba , at dalawang pu&apos;t limang siko ang luwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas ; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon , sa dakong ito , at sa dakong yaon : at ang sampahan ay may walong baytang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan : at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang mga silid ng bantay niyaon , ang mga haligi niyaon , at ang mga hubog niyaon : at may mga dungawan sa loob sa palibot ; ang haba ay limang pung siko , at ang luwang ay dalawang pu&apos;t limang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas ; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon , sa dakong ito , at sa dakong yaon : at ang sampahan ay may walong baytang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan ; doon sila naghugas ng handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito , at dalawang dulang sa dakong yaon , upang patayin doon ang handog na susunugin , at ang handog dahil sa kasalanan at ang handog dahil sa pagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang ; at sa kabilang dako , na ukol sa portiko ng pintuang-daan , ay may dalawang dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Apat na dulang sa dakong ito , at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan ; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin , na batong tinabas , na isang siko at kalahati ang haba , at isang siko at kalahati ang luwang , at isang siko ang taas ; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba , ay natitibayan sa loob sa palibot ; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban , na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan ; at mga nakaharap sa timugan ; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At kaniyang sinabi sa akin , Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan , ay sa mga saserdote , sa mga namamahala sa bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote , na mga namamahala sa dambana : ang mga ito ay mga anak ni Sadoc , na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba , at isang daang siko ang luwang , parisukat ; at ang dambana ay nasa harap ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa portiko ng bahay , at sinukat niya ang bawa&apos;t haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito , at limang siko sa dakong yaon : at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito , at tatlong siko sa dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang haba ng portiko ay dalawang pung siko , at ang luwang ay labing isang siko : kahit sa pamamagitan ng mga baytang na kanilang sinampahan : at may mga haligi , isa sa dakong ito , at isa sa dakong yaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "41">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi , na anim na siko ang luwang sa isang dako , at anim na siko ang luwang sa kabilang dako , na siyang luwang ng tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang luwang ng pasukan ay sangpung siko ; at ang mga tagiliran ng pasukan ay limang siko sa isang dako , at limang siko sa kabilang dako : at sinukat niya ang haba niyaon na apat na pung siko , at ang luwang , dalawang pung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y pumasok siya sa loob , at sinukat ang bawa&apos;t haligi sa pasukan , na dalawang siko ; at ang pasukan ay anim na siko ; at ang luwang ng pasukan , pitong siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinukat niya ang haba niyaon , dalawang pung siko , at ang luwang , dalawang pung siko , sa harap ng templo : at sinabi niya sa akin , Ito ang kabanalbanalang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinukat niya ang pader ng bahay , anim na siko ; at ang luwang ng bawa&apos;t tagilirang silid apat na siko , sa palibot ng bahay sa lahat ng dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado , patongpatong at tatlong pu sa ayos ; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon , at huwag makapit sa pader ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga tagilirang silid ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas ; sapagka&apos;t ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay : kaya&apos;t ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas ; at sa gayo&apos;y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid , hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot : ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay buong tambo na anim na malaking siko ang haba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kapal ng pader , na nasa mga tagilirang silid , sa dakong labas , ay limang siko : at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang pagitan ng mga silid ay may luwang na dalawang pung siko sa palibot ng bahay sa lahat ng dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay sa dakong naiwan , isang pintuan sa dakong hilagaan , at isang pintuan sa dakong timugan : at ang luwang ng dakong naiwan ay limang siko sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang bahay na nasa harapan ng bukod na dako sa tagilirang dakong kalunuran ay pitong pung siko ang luwang ; at ang pader ng bahay ay limang siko ang kapal sa palibot , at ang haba niyaon ay siyam na pung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y sinukat niya ang bahay , na isang daang siko ang haba ; at ang bukod na dako , at ang bahay , sangpu ng pader niyaon , isang daang siko ang haba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang luwang naman ng harapan ng bahay , at ng bukod na dako sa dakong silanganan , isang daang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon , at ang mga galeria niyaon sa isang dako , at sa kabilang dako , isang daang siko ; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga pasukan , at ang mga nasasarang dungawan , at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado , sa tapat ng pasukan , nakikisamihan ng tabla sa palibot , at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan ( natatakpan nga ang mga dungawan ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa pagitan ng itaas ng pintuan , sa lalong loob ng bahay , at sa labas , at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma ; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin , at bawa&apos;t kerubin ay may dalawang mukha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na anopa&apos;t may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako , at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako . Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari ; ganito ang pader ng templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Tungkol sa templo , ang mga haligi ng pintuan ay parisukat ; at tungkol sa harapan ng santuario , ang anyo niyao&apos;y gaya ng anyo ng templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang dambana ay kahoy , na tatlong siko ang taas , at ang haba niyao&apos;y dalawang siko ; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon , at ang mga pader niyaon , ay kahoy : at sinabi niya sa akin , Ito ang dulang na nasa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang templo , at ang santuario ay may dalawang pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto , dalawang tiklop na pinto , dalawang pinto sa isang pintuan , at dalawang pinto sa kabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At mga niyari sa mga yaon , sa mga pintuan ng templo , mga kerubin at mga puno ng palma , gaya ng niyari sa mga pader ; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At may nangasasarang dungawan at mga puno ng palma sa isang dako at sa kabilang dako , sa mga tagiliran ng portiko : ganito ang mga tagilirang silid ng bahay , at ang mga pasukan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "42">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa looban sa labas ng bahay , sa daan na dakong hilagaan : at dinala niya ako sa silid na nasa tapat ng bukod na dako , at siyang nasa tapat ng bahay sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa harapan ng isang daang siko ang haba , ay nandoon ang pintuang hilagaan , at ang luwang ay limang pung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban , at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay , ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa harap ng mga silid ay may isang lakaran na sangpung siko ang luwang sa loob , isang daanang may isang siko ; at ang mga pintuan ay sa dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang lalong mataas ngang silid ay siyang lalong maikli ; sapagka&apos;t ang mga galeria ay kumukuha sa mga ito , ng higit kay sa lalong mababa at sa pinaka gitna sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t tatlong grado , at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban : kaya&apos;t ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang pader na nasa labas sa tabi ng mga silid , sa dako ng looban sa labas ng bahay sa harap ng mga silid , ang haba niyao&apos;y limang pung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang haba ng mga silid na nasa looban sa labas ay limang pung siko : at , narito , ang harapan ng templo ay may isang daang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nasa ilalim ng mga silid na ito ang pasukan sa dakong silanganan , sa pagpasok na mula sa looban sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa kakapalan ng pader ng looban sa dakong silanganan , sa harap ng bukod na dako , at sa harap ng bahay , may mga silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan ; ayon sa haba ay gayon ang luwang : ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon , at ayon sa mga pintuan ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan sa bukana ng daan , sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan , sa papasok sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako , mga itinalagang silid , na pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay ng mga saserdote na malapit sa Panginoon : doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay , at ang handog na harina , at ang handog dahil sa kasalanan , at ang handog dahil sa pagkakasala ; sapagka&apos;t ang dako ay banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagka ang mga saserdote ay nagsisipasok , hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas , kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa ; sapagka&apos;t mga banal : at sila&apos;y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan , at magsisilapit sa ukol sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang matapos nga niyang masukat ang lalong loob ng bahay , inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan , at sinukat sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat na tambo , na limang daang tambo , ng panukat na tambo sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sinukat niya sa dakong hilagaan , na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinukat niya sa dakong timugan , na limang daang tambo ng panukat na tambo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya&apos;y pumihit sa dakong kalunuran , at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sinukat niya sa apat na sulok : may pader sa palibot , ang haba&apos;y limang daan , at ang luwang ay limang daan , upang igawa ng pagkakahiwalay ang banal at ang karaniwan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "43">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan , sa makatuwid baga&apos;y sa pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At , narito , ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan : at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig ; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita , ayon sa pangitain na nakita ko nang ako&apos;y pumaroon upang gibain ang bayan ; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar : at ako&apos;y nasubasob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At itinaas ako ng Espiritu , at dinala ako sa lalong loob na looban ; at , narito , napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay ; at isang lalake ay tumayo sa siping ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ito ang dako ng aking luklukan , at dako ng mga talampakan ng aking mga paa , na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man . At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan , nila man , o ng kanilang mga hari man , ng kanilang pagpapatutot , at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan , at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan , at wala kundi pader sa pagitan ko at nila ; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa : kaya&apos;t aking pinugnaw sila sa aking galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot , at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari , at ako&apos;y tatahan sa gitna nila magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw , anak ng tao , ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel , upang sila&apos;y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan ; at sukatin nila ang anyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At kung sila&apos;y mangapahiya sa lahat nilang ginawa , ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay , at ang pagka-anyo niyaon , at ang mga labasan niyaon , at ang mga pasukan niyaon , at lahat ng anyo niyaon , at ang lahat ng mga alituntunin niyaon , at lahat ng anyo niyaon , at lahat ng kautusan niyaon ; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin ; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon , at ang lahat ng mga alituntunin niyaon , at kanilang isagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ito ang kautusan tungkol sa bahay ; ang taluktok ng bundok sa buong hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan . Narito , ito ang kautusan tungkol sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ito ang mga sukat ng dambana ayon sa mga siko ( ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay ) : ang patungan ay isang siko , at ang luwang ay isang siko , at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal ; at ito ang magiging patungan ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang grado ay malalagay na dalawang siko , at ang luwang ay isang siko ; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko , at ang luwang ay isang siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko ; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang , parisukat sa apat na tagiliran niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon ; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko ; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot ; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin , upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin , at upang pagwisikan ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin , upang magsipangasiwa sa akin , sabi ng Panginoong Dios , ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kukuha ka ng dugo niyaon , at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon , at sa apat na sulok ng patungan , at sa laylayan sa palibot : ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan , at susunugin mo sa takdang dako ng bahay , sa labas ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan ; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis , maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan , at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon , at hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote , at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pitong araw na maghahanda ka sa bawa&apos;t araw ng isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan : maghahanda rin sila ng guyang toro , at isang lalaking tupang mula sa kawan , na walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin ; gayon nila itatalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan , mangyayari na sa ikawalong araw , at sa haharapin , maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana , at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan ; at aking tatanggapin kayo , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "44">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario , na nakaharap sa dakong silanganan ; at ito&apos;y nasara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon sa akin , Ang pintuang-daang ito ay sasarhan , hindi bubuksan , o papasukan man ng sinoman , sapagka&apos;t pinasukan ng Panginoon , ng Dios ng Israel ; kaya&apos;t ito&apos;y masasara .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tungkol sa prinsipe , siya&apos;y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon ; siya&apos;y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan , at lalabas sa daan ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay : at ako&apos;y tumingin , at , narito , napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon : at nasubasob ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang Panginoon ay nagsabi sa akin , Anak ng tao , tandaan mong mabuti , at masdan mo ng iyong mga mata , at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon , at tungkol sa lahat ng kautusan doon ; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa&apos;t labasan sa santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iyong sasabihin sa mapanghimagsik , sa makatuwid baga&apos;y sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Oh kayong sangbahayan ni Israel , mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman , upang malagay sa aking santuario , na lapastanganin yaon , sa makatuwid baga&apos;y ang aking bahay , pagka inyong inihahandog ang aking tinapay , ang taba at ang dugo , at sinira nila ang aking tipan , upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay ; kundi kayo&apos;y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Walang taga ibang lupa , na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario , kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan ; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon ma&apos;y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario , na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay , at magsisipangasiwa sa bahay : kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan , at sila&apos;y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan , at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel ; kaya&apos;t itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila , sabi ng Panginoong Dios , at dadanasin nila ang kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin , o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko , sa mga bagay na kabanalbanalan ; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan , at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ma&apos;y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay , para sa buong paglilingkod doon , at sa lahat na gagawin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc , na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin , sila&apos;y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin ; at sila&apos;y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo , sabi ng Panginoong Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y magsisipasok sa aking santuario , at sila&apos;y magsisilapit sa aking dulang , upang magsipangasiwa sa akin , at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mangyayari , na pagka sila&apos;y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban , susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan ; at walang lanang dadaiti sa kanila , samantalang sila&apos;y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban , at sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sila&apos;y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo , at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang ; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas , ng bahay , kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa , at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid ; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan , upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo , ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba ; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila&apos;y magsisipasok sa lalong loob na looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ni mangagaasawa man sa babaing bao , o sa inihiwalay man : kundi sila&apos;y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel , o ng babaing bao na nabao sa saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan , at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol ; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan : at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan ; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa ; nguni&apos;t sa ama , o sa ina , o sa anak na lalake , o babae , sa kapatid na lalake , o babae na hindi nagkaasawa , maaaring mangagpakahawa sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkatapos na siya&apos;y malinis , sila&apos;y bibilang sa kaniya ng pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa kaarawan na siya&apos;y pumasok sa santuario , sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario , siya&apos;y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y mangagkakaroon ng mana ; ako&apos;y kanilang mana ; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel ; ako&apos;y kanilang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sila&apos;y magsisikain ng handog na harina , at ng handog dahil sa kasalanan , at ng handog dahil sa pagkakasala ; at bawa&apos;t bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa&apos;t bagay , at lahat na alay na bawa&apos;t bagay , sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote : inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili , o nalapa , maging ibon o hayop man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "45">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito&apos;y pagka inyong hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran ang lupain na pinakamana , mangaghahandog kayo ng alay sa Panginoon , isang banal na bahagi ng lupain ; ang haba ay magkakaroon ng habang dalawang pu&apos;t limang libong tambo , at ang luwang ay magiging sangpung libo : ito&apos;y magiging banal sa lahat ng hangganan niyaon sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dito&apos;y magkakaroon ukol sa dakong banal ng limang daan ang haba at limang daang luwang , parisukat sa palibot ; limang pung siko sa pagitan niyaon sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa sukat na ito iyong susukatin , na ang haba ay dalawang pu&apos;t limang libo , at ang luwang ay sangpung libo : at doo&apos;y malalagay ang santuario , na pinakabanal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Siyang banal na bahagi ng lupain ; ito&apos;y para sa mga saserdote , na mga tagapangasiwa ng santuario , na nagsisilapit upang magsipangasiwa sa Panginoon ; at ito&apos;y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay , at banal na dakong kalalagyan ng santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At dalawang pu&apos;t limang libo ang haba , at sangpung libo ang luwang ay magiging sa mga Levita , na mga tagapangasiwa ng bahay , na pinaka pag-aari sa kanilang sarili , na dalawang pung silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At inyong itatakda ang pag-aari ng bayan na limang libo ang luwang , at dalawang pu&apos;t limang libo ang haba , sa tabi ng alay na banal na bahagi : magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magkakaroon naman para sa prinsipe ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pag-aari ng bayan , sa harap ng banal na alay at sa harap ng pag-aari ng bayan , sa dakong kalunuran na gawing kalunuran , at sa dakong silanganan na gawing silanganan ; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi , mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa lupaing ito&apos;y magiging kaniya na pinakaari sa Israel : at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan ; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Magkasiya ito sa inyo , Oh mga prinsipe ng Israel : iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam , at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan ; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y magkakaroon ng mga ganap na timbangan ; at ganap na efa , at ganap na bath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan , upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang homer , at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer : ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang siklo ay magiging dalawang pung gera : dalawangpung siklo , lima at dalawang pung siklo , labing limang siklo ay siyang magiging maneh ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito ang alay na inyong ihahandog : ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng trigo ; at inyong ibibigay ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng cebada ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang takdang bahagi ng langis , ng bath ng langis , ang ikasangpung bahagi ng bath mula sa isang kor , na sangpung bath , o isang homer ( sapagka&apos;t sangpung bath ay isang homer ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At isang batang tupa sa kawan , mula sa dalawang daan , na mula sa matabang pastulan ng Israel ; na pinakahandog na harina , at pinakahandog na susunugin , at pinakahandog tungkol sa kapayapaan , upang ipangtubos sa kanila , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa prinsipe sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin , at ng mga handog na harina , at ng mga inuming handog , sa mga kapistahan , at sa mga bagong buwan , at sa mga sabbath , sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel : siya&apos;y maghahanda ng handog dahil sa kasalanan , at ng handog na harina , at ng handog na susunugin , at ng mga handog tungkol sa kapayapaan , upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa unang buwan , sa unang araw ng buwan , kukuha ka ng guyang toro na walang kapintasan ; at iyong lilinisin ang santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog dahil sa kasalanan , at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay , at sa apat na sulok ng patungang dambana , at sa mga haligi ng pintuang-daan ng lalong loob na looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At gayon ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawa&apos;t nagkakamali , at sa bawa&apos;t walang malay : gayon ninyo lilinisin ang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa unang buwan , sa ikalabing apat na araw ng buwan , magdidiwang kayo ng paskua , isang kapistahan na pitong araw ; tinapay na walang levadura ang kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon , pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw ; at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y maghahanda ng handog na harina , ng isang efa sa isang toro , at ng isang efa sa isang lalaking tupa , at isang hin ng langis sa isang efa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa ikapitong buwan , sa ikalabing limang araw ng buwan , sa kapistahan , kaniyang gagawin ang gaya ng pitong araw ; ayon sa handog dahil sa kasalanan , ayon sa handog na susunugin , at ayon sa handog na harina , at ayon sa langis .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "46">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa ; nguni&apos;t sa sabbath ay bubuksan , at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas ; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan ; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin , at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan , at siya&apos;y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan ; kung magkagayo&apos;y lalabas siya ; nguni&apos;t ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang handog na harina ay isang efa sa lalaking tupa , at ang handog na harina sa mga batang tupa ay ang kaniyang kayang ibigay , at isang hin ng langis sa isang efa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan , at anim na batang tupa at isang lalaking tupa ; mga walang kapintasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y maghahanda ng handog na harina , isang efa sa toro , at isang efa sa lalaking tupa , at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya , at isang hin na langis sa isang efa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagka ang prinsipe ay papasok , siya&apos;y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan , at sa daan ding yaon siya lalabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t pagka ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan , siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan ; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan , kundi lalabas na matuwid sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang prinsipe , pagka sila&apos;y magsisipasok , ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon ; at pagka sila&apos;y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro , at isang efa sa lalaking tupa , at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya , at isang hin ng langis sa isang efa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog , ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon , may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan ; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan , gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath ; kung magkagayo&apos;y lalabas siya ; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw : tuwing umaga ay maghahanda ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga , ang ikaanim na bahagi ng isang efa , at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis , upang basain ang mainam na harina ; isang handog na harina na lagi sa Panginoon : na pinakalaging alituntunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina , at ang langis , tuwing umaga , na pinakahandog na susunuging lagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak , ay magiging kaniyang mana , mauukol sa kaniyang mga anak ; siyang kanilang pag-aari na pinakamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kung ibigay niya ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin , magiging kaniya sa taon ng kalayaan ; kung magkagayo&apos;y mababalik sa prinsipe ; nguni&apos;t tungkol sa kaniyang mana , magiging sa kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Bukod dito&apos;y hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan , na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari ; siya&apos;y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pag-aari , upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa&apos;t isa sa kaniyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako sa pasukan , na nasa tabi ng pintuang-daan , sa loob ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote , na nakaharap sa hilagaan : at , narito , may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa akin , Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan , na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina ; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban , upang banalin ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban ; at , narito , sa bawa&apos;t sulok ng looban ay may isang looban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod , apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang : ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At may isang pader sa palibot ng mga yaon , sa palibot ng apat , at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Ito ang mga dako na pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng hain ng bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "47">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ibinalik niya ako sa pintuan ng bahay ; at , narito , ang tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan ( sapagka&apos;t ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan ) ; at ang tubig ay umaagos sa ilalim , mula sa dakong kanan ng bahay , sa timugan ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan , at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan sa labas , sa lalong labas ng pintuang-daan , sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan ; at , narito , doo&apos;y lumalabas ang tubig sa dakong kanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may pising panukat sa kaniyang kamay , siya&apos;y sumukat ng isang libong siko , at pinaraan niya ako sa tubig , sa tubig na hanggang bukongbukong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Muling sumukat siya ng isang libo , at pinaraan niya ako sa tubig , sa tubig na hanggang mga tuhod . Muli siyang sumukat ng isang libo , at pinaraan niya ako sa tubig , sa tubig na hanggang sa mga balakang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagkatapos ay sumukat siya ng isang libo ; at isang ilog na hindi ko naraanan ; sapagka&apos;t ang tubig ay sumasampa , tubig upang languyan , ilog na hindi mararaanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , nakita mo baga ito ? Nang magkagayo&apos;y dinala niya ako , at pinabalik niya ako sa pangpang ng ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang ako nga&apos;y makabalik , narito , sa pangpang ng ilog , ay may totoong maraming puno ng kahoy sa magkabilang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Ang tubig na ito ay lumalabas sa dakong silanganang lupain , at bababa sa Araba ; at huhugos sa dagat ; sa dagat ay huhugos ang tubig na pinalabas ; at ang tubig ay mapagagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari , na bawa&apos;t likhang may buhay na dumadami , saan mang dako umaagos ang tubig , ay mabubuhay ; at magkakaroon ng totoong napakaraming isda ; sapagka&apos;t ang tubig na ito ay dumarating diyan at ang tubig ng dagat ay mapagagaling , at bawa&apos;t may buhay ay mabubuhay saan man dumating ang ilog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At mangyayari , na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon : mula sa En-gedi hanggang sa En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat ; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon , gaya ng isda sa malaking dagat , na totoong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ang kaniyang mga dakong maburak , at ang mga lumbak niyaon , ay hindi mapapagaling ; magiging asinan nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon , sa dakong ito at sa dakong yaon , tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain , na ang dahon ay hindi matutuyo , ni magkukulang man ang bunga niyaon : magbubunga ng bago buwan-buwan , sapagka&apos;t ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario ; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ito ang magiging hangganan , na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labing dalawang lipi ng Israel : ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At inyong mamanahin , ng isa na gaya ng iba ; sapagka&apos;t aking isinumpa na ibigay ito sa inyong mga magulang : at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo na pinakamana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ito ang magiging hangganan ng lupain : Sa dakong hilagaan , mula sa malaking dagat , sa daang Hethlon , hanggang sa pasukan sa Sedad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hamath , Berotha , Sibrahim , na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco at ng hangganan ng Hamath ; Haser-hatticon na nasa tabi ng hangganan ng Hauran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco , at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath . Ito ang dakong hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang dakong silanganan , ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad , at ang lupain ng Israel , ay siyang magiging Jordan ; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang dagat ay inyong susukatin . Ito ang dakong silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribot-cades , sa batis ng Egipto , hanggang sa malaking dagat . Ito ang timugang dako na gawing timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat , mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath . Ito ang dakong kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon ninyo hahatiin ang lupaing ito sa inyo ayon sa mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At mangyayari na inyong hahatiin sa sapalaran na pinakamana sa inyo at sa mga taga ibang lupa na makikipamayan sa gitna ninyo , na magkakaanak sa gitna ninyo ; at sila&apos;y magiging sa inyo&apos;y gaya ng ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel ; sila&apos;y magkakaroon ng mana na kasama ninyo sa gitna ng mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mangyayari , na kung saang lipi nakipamayan ang taga ibang lupa , doon ninyo bibigyan siya ng mana , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "48">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga ito nga ang mga pangalan ng mga lipi : Mula sa dulong hilagaan , sa tabi ng daan ng Hethlon hanggang sa pasukan sa Hamath , Hasar-enan , sa hangganan ng Damasco , na dakong hilagaan sa gawing yaon ng Hamath ; ( at mga magkakaroon ng mga dakong silanganan at kalunuran ) , ang Dan , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa tabi ng hangganan ng Dan , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Aser , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa tabi ng hangganan ng Aser , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Nephtali , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa tabi ng hangganan ng Nephtali , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Manases , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa tabi ng hangganan ng Manases , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Ephraim , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa tabi ng hangganan ng Ephraim , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Ruben , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa tabi ng hangganan ng Ruben , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Juda , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa tabi ng hangganan ng Juda , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , malalagay ang alay na inyong ihahandog , dalawang pu&apos;t limang libong tambo ang luwang , at ang haba ay gaya ng isa sa mga bahagi , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran ; at ang santuario ay malalagay sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu&apos;t limang libong tambo ang haba , at sangpung libo ang luwang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At magiging sa mga ito , sa makatuwid baga&apos;y sa mga saserdote , ang banal na alay ; sa dakong hilagaan ay dalawang pu&apos;t limang libo ang haba , at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang , at sa dakong timugan ay dalawang pu&apos;t limang libo ang haba : at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ito&apos;y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal sa mga anak ni Sadoc , na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel , na gaya ng mga Levita na nangagpakaligaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa kanila&apos;y magiging alay na mula sa alay ng lupain , bagay na kabanalbanalan sa tabi ng hangganan ng mga Levita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ayon sa hangganan ng mga saserdote , ang mga Levita ay mangagkakaroon ng dalawang pu&apos;t limang libo ang haba , at sangpung libo ang luwang : ang buong haba ay magiging dalawang pu&apos;t limang libo , at ang luwang ay sangpung libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hindi nila ipagbibili , o ipagpapalit man , o ipagkakaloob sa iba man ang mga unang bunga ng lupain ; sapagka&apos;t ito&apos;y banal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang limang libo na naiwan sa naluwangan , sa tapat ng dalawang pu&apos;t limang libo , magiging sa karaniwang kagamitan na ukol sa bayan , sa tahanan at sa mga nayon ; at ang bayan ay malalagay sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga ito ang magiging mga sukat niyaon : sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daan , at sa dakong timugan ay apat na libo at limang daan , at sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daan , at sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang bayan ay magkakaroon ng mga nayon : sa dakong hilagaan ay dalawang daan at limang pu , at sa dakong timugan ay dalawang daan at limang pu , at sa dakong silanganan ay dalawang daan at limang pu , at sa dakong kalunuran ay dalawang daan at limang pu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang labis sa haba , na nauukol sa banal na alay , magiging sangpung libo sa dakong silanganan , at sangpung libo sa dakong kalunuran ; at magiging ukol sa banal na alay ; at ang bunga niyaon ay magiging pinakapagkain sa nagsisigawa sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At tatamnan nilang nagsisigawa sa bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Buong alay ay magiging dalawang pu&apos;t limang libong tambo at dalawang pu&apos;t limang libo : inyong ihahandog na parisukat ang banal na alay , sangpu ng pag-aari ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang labis ay magiging sa prinsipe , sa isang dako at sa kabilang dako ng banal na alay at sa pag-aari ng bayan ; sa tapat ng dalawang pu&apos;t limang libo sa alay sa dako ng silanganang hangganan , at sa dakong kalunuran sa tapat ng dalawang pu&apos;t limang libo sa dako ng kalunurang hangganan , na ukol sa mga bahagi , magiging sa prinsipe : at ang banal na alay at ang santuario ng bahay ay malalagay sa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bukod dito&apos;y mula sa pag-aari ng mga Levita , at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe , sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin , magiging sa prinsipe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At tungkol sa nalabi sa mga lipi : mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Benjamin , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa tabi ng hangganan ng Benjamin , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Simeon , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa tabi ng hangganan ng Simeon , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Issachar , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa tabi ng hangganan ng Issachar , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Zabulon , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa tabi ng hangganan ng Zabulon mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Gad , isang bahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa tabi ng hangganan ng Gad , sa dakong timugan na gawing timugan , ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto , hanggang sa malaking dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana , at ang mga ito ang kanilang mga iba&apos;t ibang bahagi , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga ito ang mga labasan sa bayan : Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel , tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan : ang pintuang-daan ng Ruben , isa ; ang pintuang-daan ng Juda , isa ; ang pintuang-daan ng Levi , isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo , at tatlong pintuang-daan : ang pintuang-daan ng Jose , isa ; ang pintuang-daan ng Benjamin , isa ; ang pintuang-daan ng Dan , isa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat , at tatlong pintuang-daan : ang pintuang-daan ng Simeon , isa ; ang pintuang-daan ng Issachar , isa ; ang pintuang-daan ng Zabulon , isa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo , na may kanilang tatlong pintuang-daan : ang pintuang-daan ng Gad , isa ; ang pintuang-daan ng Aser , isa ; ang pintuang-daan ng Nephtali , isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Magkakaroon ng labing walong libong tambo ang sukat sa palibot : at ang magiging pangalan ng bayan mula sa araw na yaon ay , Ang Panginoon ay naroroon .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "27">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda , ay dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at kinubkob niya yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda , sangpu ng bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios ; at ang mga yao&apos;y dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios : at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz , na puno ng kaniyang mga bating , na siya&apos;y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel , sa makatuwid baga&apos;y sa lahing hari at sa mga mahal na tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mga binatang walang kapintasan , kundi may mabubuting bikas , at matatalino sa lahat na karunungan , at bihasa sa kaalaman , at nakakaunawa ng dunong , at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari ; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari , at sa alak na kaniyang iniinom , at sila&apos;y kakandilihin na tatlong taon ; upang sa wakas niyao&apos;y mangakatayo sila sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na sa mga ito nga , sa mga anak ni Juda , si Daniel , si Ananias , si Misael , at si Azarias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating : kay Daniel ang ipinangalan ay Beltsasar , at kay Ananias ay Sadrach ; at kay Misael ay Mesach ; at kay Azarias ay Abed-nego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya&apos;y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari , o sa alak man na kaniyang iniinom : kaya&apos;t kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya&apos;y huwag mapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios , ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel , Ako&apos;y natatakot sa aking panginoong hari , na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin : sapagka&apos;t bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang ? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel , kay Ananias , kay Misael , at kay Azarias :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ipinamamanhik ko sa iyo , na subukin mo ang iyong mga lingkod , na sangpung araw ; at bigyan kami ng mga gulay na makain , at tubig na mainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung magkagayo&apos;y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo , at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari ; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y dininig niya sila sa bagay na ito , at sinubok niya sila na sangpung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha , at sila&apos;y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa gayo&apos;y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain , at ang alak na kanilang inumin , at binigyan sila ng mga gulay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Tungkol nga sa apat na binatang ito , pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan : at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila , ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila ; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel , ni Ananias , ni Misael , at ni Azarias : kaya&apos;t sila&apos;y nanganatili sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa bawa&apos;t bagay ng karunungan at unawa , na inusisa ng hari sa kanila , nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At si Daniel ay namalagi hanggang sa unang taon ng haring Ciro .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip ; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag , at siya&apos;y napukaw sa pagkakatulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y ipinatawag ng hari ang mga mahiko , at ang mga enkantador , at ang mga manghuhula , at ang mga Caldeo , upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip . Sa gayo&apos;y nagsipasok sila at sila&apos;y nagsiharap sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng hari sa kanila , Ako&apos;y nanaginip ng isang panaginip , at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man : saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip , at aming ipaliliwanag ang kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang hari ay sumagot , at nagsabi sa mga Caldeo , Ang bagay ay nawala sa akin : kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon , kayo&apos;y pagpuputolputulin , at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon , kayo&apos;y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan : kaya&apos;t ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y nagsisagot na ikalawa , at nangagsabi , Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip , at aming ipaliliwanag ang kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang hari ay sumagot , at nagsabi . Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan , sapagka&apos;t inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip , iisang kautusan lamang mayroon sa inyo ; sapagka&apos;t kayo&apos;y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko , hanggang sa ang panahon ay magbago : kaya&apos;t saysayin ninyo sa akin ang panaginip , at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari , at nangagsabi , Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari , palibhasa&apos;y walang hari , panginoon , o pinuno man , na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko , enkantador , o Caldeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari , at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari , liban ang mga dios , na ang tahanan ay hindi kasama ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit , at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa gayo&apos;y itinanyag ang pasiya , at ang mga pantas na tao ay papatayin ; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari , na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Siya&apos;y sumagot , at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari , Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari ? Nang magkagayo&apos;y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Daniel ay pumasok , at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon , at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay , at ipinaalam ang bagay kay Ananias , kay Misael , at kay Azarias , na kaniyang mga kasama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang sila&apos;y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito ; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi . Nang magkagayo&apos;y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Si Daniel ay sumagot , at nagsabi , Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man : sapagka&apos;t ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan ; siya&apos;y nagaalis ng mga hari , at naglalagay ng mga hari ; siya&apos;y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Siya&apos;y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay ; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman , at ang liwanag ay tumatahang kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Pinasasalamatan kita , at pinupuri kita , Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang , na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas , at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo ; sapagka&apos;t iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia ; siya&apos;y naparoon , at nagsabi sa kaniya ng ganito , Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia ; dalhin mo ako sa harap ng hari , at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari , at nagsabing ganito sa kaniya , Ako&apos;y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda , na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang hari ay sumagot , at nagsabi kay Daniel , na ang pangalan ay Beltsasar , Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita , at ang kahulugan niyaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari , at nagsabi , Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao , ng mga enkantador , ng mga mahiko man , o ng mga manghuhula man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim , at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw . Ang iyong panaginip , at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Tungkol sa iyo , Oh hari , ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan , kung ano ang mangyayari sa panahong darating ; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay , kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ikaw , Oh hari , nakakita , at narito , ang isang malaking larawan . Ang larawang ito na makapangyarihan , at ang kaniyang kakinangan ay mainam , ay tumayo sa harap mo ; at ang anyo niyao&apos;y kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Tungkol sa larawang ito , ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto , ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak , ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang kaniyang mga binti ay bakal , ang kaniyang mga paa&apos;y isang bahagi ay bakal , at isang bahagi ay putik na luto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato , hindi ng mga kamay , na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto , at mga yao&apos;y binasag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nang magkagayo&apos;y ang bakal , ang putik na luto , ang tanso , ang pilak , at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama , at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw ; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon : at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok , at pinuno ang buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ito ang panaginip ; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ikaw , Oh hari , ay hari ng mga hari , na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian , ng kapangyarihan , at ng kalakasan , at ng kaluwalhatian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao , ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay , at pinapagpuno ka sa kanilang lahat : ikaw ang ulo na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo ; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal , palibhasa&apos;y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay ; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito , siya&apos;y magkakaputolputol at madidikdik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri , ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok , at ang isang bahagi ay bakal , ay magiging kahariang hati ; nguni&apos;t magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal , yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik , magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay , at isang bahagi ay marupok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto , sila&apos;y magkakahalo ng lahi ng mga tao ; nguni&apos;t hindi sila magkakalakipan , gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian , na hindi magigiba kailan man , o ang kapangyarihan man niyao&apos;y iiwan sa ibang bayan ; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito , at yao&apos;y lalagi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok , hindi ng mga kamay , at pumutol ng mga bakal , ng tanso , ng putik , ng pilak , at ng ginto ; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin : at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao&apos;y tapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Nang magkagayo&apos;y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa , at sumamba kay Daniel , at nagutos na sila&apos;y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang hari ay sumagot kay Daniel , at nagsabi , Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios , at Panginoon ng mga hari , at tagapaghayag ng mga lihim , yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Nang magkagayo&apos;y pinadakila ng hari si Daniel , at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob , at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia , at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At si Daniel ay humiling sa hari , at kaniyang inihalal , si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia ; nguni&apos;t si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko , at ang luwang niyao&apos;y anim na siko : kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura , sa lalawigan ng Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa , ang mga kinatawan , at ang mga gobernador , ang mga hukom , ang mga tagaingat-yaman , ang mga kasangguni , ang mga pinuno , at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y ang mga satrapa , ang mga kinatawan , at ang mga gobernador , ang mga hukom , ang mga tagaingat-yaman , ang mga kasangguni , ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan , ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari ; at sila&apos;y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas , Sa inyo&apos;y iniuutos , Oh mga bayan , mga bansa , at mga wika ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , ng gaita , at ng lahat na sarisaring panugtog , kayo&apos;y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t sa oras na yaon , pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , at ng lahat na sarisaring panugtog , lahat na bayan , mga bansa , at mga wika , ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea , at nagsumbong laban sa mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sila&apos;y nagsisagot , at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw , Oh hari , nagpasiya , na bawa&apos;t tao na makarinig ng tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , ng gaita , at ng lahat na sarisaring panugtog , ay magpapatirapa , at sasamba sa larawang ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinomang hindi magpatirapa at sumamba , ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego ; ang mga lalaking ito , Oh hari , ay hindi ka pinakundanganan : sila&apos;y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios , ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sa poot at pusok ni Nabucodonosor , ay nagutos na dalhin si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego . Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Nabucodonosor ay sumagot , at nagsabi sa kanila , Sinasadya nga ba ninyo , Oh Sadrach , Mesach , at Abed-nego , na kayo&apos;y hindi mangaglilingkod sa aking dios , ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung kayo nga&apos;y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , ng gaita , at ng lahat na sarisaring panugtog , na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa , mabuti : nguni&apos;t kung kayo&apos;y hindi magsisamba , kayo&apos;y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas ; at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , ay nagsisagot , at nangagsabi sa hari , Oh Nabucodonosor , kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Narito , ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas ; at ililigtas niya kami sa iyong kamay , Oh hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t kung hindi , talastasin mo , Oh hari , na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios , ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y napuspos ng kapusukan si Nabucodonosor , at ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago laban kay Sadrach , kay Mesach , at kay Abed-nego : kaya&apos;t siya&apos;y nagsalita , at nagutos na kanilang paiinitin ang hurno ng makapito na higit kay sa dating pagiinit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang inutusan ang ilang malakas na lalake na nangasa kaniyang hukbo na gapusin si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , at sila&apos;y ihagis sa mabangis na hurnong nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y ang mga lalaking ito&apos;y tinalian na may mga suot , may tunika , at may balabal , at may kanilang ibang mga kasuutan , at sila&apos;y inihagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang utos ng hari ay madalian , at ang hurno ay totoong mainit , napatay ng liyab ng apoy ang mga lalaking yaon na nagsibuhat kay Sadrach , kay Mesach , at kay Abed-nego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang tatlong lalaking ito , si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , ay nagsibagsak na nagagapos sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka , at tumindig na madali : siya&apos;y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni , Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy ? Sila&apos;y nagsisagot , at nangagsabi sa hari , Totoo , Oh hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Siya&apos;y sumagot , at nagsabi , Narito , aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy , at sila&apos;y walang paso ; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas : siya&apos;y nagsalita , at nagsabi , Sadrach , Mesach , at Abed-nego , kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios , kayo&apos;y magsilabas at magsiparito . Nang magkagayo&apos;y si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga satrapa , ang mga kinatawan , at ang mga gobernador , at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito , na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan , ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog , ni ang kanila mang mga suot ay nabago , ni nagamoy apoy man sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Si Nabucodonosor ay nagsalita at nagsabi , Purihin ang Dios ni Sadrach , ni Mesach , at ni Abed-nego , na nagsugo ng kaniyang anghel , at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagsitiwala sa kaniya , at binago ang salita ng hari , at ibinigay ang kanilang mga katawan , upang sila&apos;y hindi maglingkod ni sumamba sa kanino mang dios , liban sa kanilang sariling Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kaya&apos;t nagpapasiya ako , na bawa&apos;t bayan , bansa , at wika , na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach , ni Mesach , at ni Abed-nego , pagpuputolputulin , at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan : sapagka&apos;t walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang magkagayo&apos;y pinaginhawa ng hari si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , sa lalawigan ng Babilonia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Nabucodonosor na hari , sa lahat na bayan , bansa , at wika , na nagsisitahan sa buong lupa : Kapayapaa&apos;y managana sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kay dakila ang kaniyang mga tanda ! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan ! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian , at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay , at gumiginhawa sa aking palasio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin ; at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat na pantas sa Babilonia , upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y nagsidating ang mga mahiko , ang mga enkantador , ang mga Caldeo , at ang mga manghuhula ; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila ; nguni&apos;t hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sa kahulihuliha&apos;y dumating sa harap ko si Daniel , na ang pangala&apos;y Beltsasar , ayon sa pangalan ng aking dios , at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios : at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya , na aking sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh Beltsasar , na pangulo ng mga mahiko , sapagka&apos;t talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo , at walang lihim na bumabagabag sa iyo , isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita , at ang kahulugan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan , Ako&apos;y tumitingin , at narito , ang isang punong kahoy sa gitna ng lupa , at ang taas niyao&apos;y di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang punong kahoy ay lumaki , at tumibay , at ang taas niyao&apos;y umaabot hanggang sa langit , at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga dahon niyao&apos;y magaganda , at ang bunga niyao&apos;y marami , at pagkain sa lahat ; ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon , at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon , at ang lahat na laman ay nangabubusog doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan , at , narito , isang bantay at isang banal ay bumaba mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Siya&apos;y sumigaw ng malakas , at nagsabi ng ganito , Ibuwal ang kahoy , at putulin ang mga sanga niyan , lagasin ang mga dahon niyan , at isambulat ang mga bunga niyan : paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan , at ang mga ibon sa mga sanga niyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ma&apos;y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa , na magkatali ng bakal at tanso , sa murang damo sa parang ; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit , at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya ; at mangyaring makapito sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng mga bantay , at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal ; upang makilala ng mga may buhay na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin , at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito : at ikaw , Oh Beltsasar , ipahayag ang kahulugan , sapagka&apos;t lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan ; nguni&apos;t maipaaaninaw mo ; sapagka&apos;t ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y si Daniel na ang pangala&apos;y Beltsasar , natigilang sangdali , at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip . Ang hari ay sumagot , at nagsabi , Beltsasar , huwag kang bagabagin ng panaginip , o ng kahulugan . Si Beltsasar ay sumagot , at nagsabi , Panginoon ko , ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot sa iyo , at ang kahulugan niyao&apos;y mangyari nawa sa iyong mga kaaway ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang punong kahoy na iyong nakita na tumutubo , at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit , at ang tanaw niyao&apos;y sa buong lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na ang mga daho&apos;y magaganda , at ang bunga niyao&apos;y marami , at pagkain sa lahat ; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang , at ang kaniyang mga sanga&apos;y dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ay ikaw , Oh hari , na lumalaki at nagiging malakas ; sapagka&apos;t ang iyong kadakilaan ay lumaki , at umaabot hanggang sa langit , at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit , at nagsasabi , Ibuwal ninyo ang punong kahoy , at inyong lipulin ; gayon ma&apos;y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso , sa murang damo sa parang , at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit , at makasalo siya ng mga hayop sa parang , hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ito ang kahulugan , Oh hari , at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao , at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang , at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka , at mababasa ka ng hamog ng langit , at makapitong mangyayari sa iyo ; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy ; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo , pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t , Oh hari , tanggapin mo ang aking payo , at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan , at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan ; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Lahat ng ito&apos;y sumapit sa haring Nabucodonosor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang hari ay nagsalita , at nagsabi , Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka tahanang hari , sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari , ay may isang tinig na nanggaling sa langit , na nagsasabi , Oh haring Nabucodonosor , sa iyo&apos;y sinalita : Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ikaw ay palalayasin sa mga tao ; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang ; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka ; at makapitong mangyayari sa iyo ; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor : at siya&apos;y pinalayas sa mga tao , at kumain ng damo na gaya ng mga baka , at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit , hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila , at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sa katapusan ng mga kaarawan , akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit , at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin , at aking pinuri ang Kataastaasan , at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man ; sapagka&apos;t ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan , at ang kaniyang kaharian ay sa sali&apos;t saling lahi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala ; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit , at sa mga mananahan sa lupa ; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay , o makapagsasabi sa kaniya , Anong ginagawa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa ; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian , ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan ; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao ; at ako&apos;y natatag sa aking kaharian , at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ngayo&apos;y akong si Nabucodonosor ay pumupuri , at nagbubunyi , at nagpaparangal sa Hari ng langit ; sapagka&apos;t ang lahat niyang gawa ay katotohanan , at ang kaniyang mga daan ay kahatulan ; at yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao , at uminom ng alak sa harap ng sanglibo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak , ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem ; upang mainuman ng hari , ng kaniyang mga mahal na tao , ng kaniyang mga asawa , at ng kaniyang mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem ; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao , at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nangaginuman ng alak , at nagsipuri sa mga dios na ginto , at pilak , tanso , bakal , kahoy , at bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio : at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y nagbago ang pagmumukha ng hari , at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip ; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag , at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang hari ay sumigaw ng malakas , na papasukin ang mga enkantador , mga Caldeo , at mga manghuhula . Ang hari ay nagsalita , at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia , Sinomang makababasa ng sulat na ito , at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan , magdadamit ng kulay morado , at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg , at magiging ikatlong puno sa kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari ; nguni&apos;t hindi nila nabasa ang sulat , o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y nabagabag na mainam ang haring Belsasar , at ang kaniyang pagmumukha ay nabago , at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang reina , dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan : ang reina ay nagsalita , at nagsabi , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man ; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip , o mabago man ang iyong pagmumukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios ; at sa mga kaarawan ng iyong ama , ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan , na gaya ng karunungan ng mga dios ; at ang haring Nabucodonosor , na iyong ama , ang hari , sinasabi ko , ang iyong ama , ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago , ng mga enkantador , ng mga Caldeo , at ng mga manghuhula ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Palibhasa&apos;y isang marilag na espiritu , at kaalaman , at unawa , pagpapaaninaw ng mga panaginip , at pagpapakilala ng mga malabong salita , at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan , ay nangasumpungan sa Daniel na iyan , na pinanganlan ng hari na Beltsasar . Tawagin nga si Daniel , at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y dinala si Daniel sa harap ng hari . Ang hari ay nagsalita , at nagsabi kay Daniel , Ikaw baga&apos;y si Daniel na sa mga anak ng pagkabihag sa Juda , na kinuha sa Juda ng haring aking ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nabalitaan kita , na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo , at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga pantas nga , ang mga enkantador , dinala sa harap ko , upang kanilang basahin ang sulat na ito , at ipaaninaw sa akin ang kahulugan ; nguni&apos;t hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t nabalitaan kita , na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan , at makapagpapaliwanag ng alinlangan : kung iyo ngang mabasa ang sulat , at maipaaninaw sa akin ang kahulugan , mananamit ka ng kulay morado , at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg , at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y sumagot , at nagsabi si Daniel sa harap ng hari , Iyo na ang iyong mga kaloob , at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba ; gayon ma&apos;y aking babasahin sa hari ang sulat , at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh ikaw na hari , ang Kataastaasang Dios , nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian , at kadakilaan , at kaluwalhatian , at kamahalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya , nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan , bansa , at wika : ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay , at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay ; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas , at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t nang ang kaniyang puso ay magpakataas , at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya&apos;y gumawang may kapalaluan , siya&apos;y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari , at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y pinalayas sa mga anak ng mga tao , at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop , at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno ; siya&apos;y pinakain ng damo na gaya ng mga baka , at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit ; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ikaw na kaniyang anak , Oh Belsasar , hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso , bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit ; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo , at ikaw , at ang iyong mga mahal na tao , ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae , ay nagsiinom ng alak sa mga yaon ; at iyong pinuri ang mga dios na pilak , at ginto , tanso , bakal , kahoy at bato , na hindi nangakakakita , o nangakakarinig man , o nakakaalam man ; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga , at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad , hindi mo niluwalhati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya , at ang sulat na ito&apos;y nalagda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ito ang sulat na nalagda , MENE , MENE , TEKEL , UPHARSIN .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ito ang kahulugan ng bagay : MENE ; binilang ng Dios ang iyong kaharian , at niwakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">TEKEL ; ikaw ay tinimbang sa timbangan , at ikaw ay nasumpungang kulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">PERES ; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y nagutos si Belsasar , at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado , at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya , at nagtanyag tungkol sa kaniya , na siya&apos;y ikatlong puno sa kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian , na noo&apos;y anim na pu&apos;t dalawang taon ang gulang niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa , na doroon sa buong kaharian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa kanila&apos;y tatlong pangulo , na si Daniel ay isa ; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila , at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa , sapagka&apos;t isang marilag na espiritu ay nasa kaniya ; at inisip ng hari na ilagay siya sa buong kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel , tungkol sa kaharian ; nguni&apos;t hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan , ni kakulangan man , palibhasa&apos;y tapat siya , walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng mga lalaking ito , Hindi tayo mangakakasumpong ng anomang maisusumbong laban sa Daniel na ito , liban sa tayo&apos;y mangakasumpong laban sa kaniya ng tungkol sa kautusan ng kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari , at nagsabi ng ganito sa kaniya , Haring Dario , mabuhay ka magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang lahat ng pangulo ng kaharian , ang mga kinatawan at mga satrapa , ang mga kasangguni at ang mga gobernador , ay nangagsanggunian upang magtatag ng isang palatuntunang hari sa kaharian , at upang maglagda ng isang pasiyang mahigpit , na sinomang humingi ng isang kahilingan sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw , liban sa iyo , Oh hari , ihahagis sa yungib ng mga leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon , Oh hari , papagtibayin mo ang pasiya , at lagdaan mo ng iyong pangalan ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia , na hindi nababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ang kasulatan at ang pasiya ay nilagdaan ng pangalan ng haring Dario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya&apos;y pumasok sa kaniyang bahay ( ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem ) ; at siya&apos;y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw , at dumalangin , at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios , gaya ng kaniyang dating ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagpisan ang mga lalaking ito , at nasumpungan si Daniel na sumasamo at dumadaing sa harap ng kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y lumapit sila , at nagsalita sa harap ng hari ng tungkol sa pasiya ng hari , Hindi ka baga naglagda ng pasiya , na bawa&apos;t tao na humingi sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw , liban sa iyo , Oh hari , ihahagis sa yungib ng mga leon ? Ang hari ay sumagot , at nagsabi , Ang bagay ay tunay , ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia , na hindi nababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y nagsisagot sila , at nangagsabi sa harap ng hari , Ang Daniel na yaon na sa mga anak ng nangabihag sa Juda , hindi ka pinakukundanganan , Oh hari , o ang pasiya man na iyong nilagdaan ng pangalan , kundi dumadalangin na makaitlo isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang marinig nga ng hari ang mga salitang ito namanglaw na mainam , at inilagak ang kaniyang puso kay Daniel , upang iligtas siya ; at kaniyang pinagsikapan hanggang sa paglubog ng araw na iligtas siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y nagpisan ang mga lalaking ito sa hari at nagsabi sa hari , Talastasin mo , Oh hari , na isang kautusan ng mga taga Media , at ng mga taga Persia , na walang pasiya o palatuntunan man na pinagtitibay ng hari na mababago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y nagutos ang hari , at kanilang dinala si Daniel , at inihagis siya sa yungib ng mga leon . Ang hari nga ay nagsalita , at nagsabi kay Daniel , Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi , ay siyang magliligtas sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At isang bato ay dinala , at inilagay sa bunganga ng yungib ; at tinatakan ng hari ng kaniyang singsing na panatak , at ng singsing na panatak ng kaniyang mga mahal na tao ; upang walang anomang bagay ay mababago tungkol kay Daniel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y umuwi ang hari sa kaniyang palacio , at nagparaan ng buong gabi na nagaayuno ; at wala kahit panugtog ng tugtugin na dinala sa harap niya : at ang kaniyang pagaantok ay nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y bumangong maagang maaga ang hari , at naparoon na madali sa yungib ng mga leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang siya&apos;y lumapit sa yungib kay Daniel , siya&apos;y sumigaw ng taghoy na tinig ; ang hari ay nagsalita , at nagsabi kay Daniel , Oh Daniel , na lingkod ng buhay na Dios , ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi nga ni Daniel sa hari , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang Dios ko&apos;y nagsugo ng kaniyang anghel , at itinikom ang mga bibig ng mga leon , at hindi nila ako sinaktan ; palibhasa&apos;y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala ; at gayon din sa harap mo , Oh hari , wala akong ginawang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang magkagayo&apos;y natuwang mainam ang hari , at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib . Sa gayo&apos;y isinampa si Daniel mula sa yungib , at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya , sapagka&apos;t siya&apos;y tumiwala sa kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang hari ay nagutos , at kanilang dinala ang mga lalaking yaon na nagsumbong laban kay Daniel , at sila&apos;y inihagis nila sa yungib ng mga leon , sila ang kanilang mga anak , at ang kanilang mga asawa ; at ang leon ay nanaig sa kanila , at pinagwaraywaray ang lahat ng kanilang buto , bago sila dumating sa kalooblooban ng yungib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang magkagayo&apos;y sumulat ang haring Dario sa lahat ng mga bayan , bansa , at wika na tumatahan sa buong lupa ; Kapayapaa&apos;y managana sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ako&apos;y nagpapasiya , na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel ; sapagka&apos;t siya ang buhay na Dios , at namamalagi magpakailan man , at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba ; at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siya&apos;y nagliligtas at nagpapalaya , at siya&apos;y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa , na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon guminhawa ang Daniel na ito sa paghahari ni Dario , at sa paghahari ni Ciro na taga Persia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang unang taon ni Belsasar na hari sa Babilonia , ay nagtaglay si Daniel ng isang panaginip at mga pangitain ng kaniyang ulo sa kaniyang higaan : nang magkagayo&apos;y kaniyang isinulat ang panaginip , at isinaysay ang kabuoan ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Daniel ay nagsalita , at nagsabi , May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan , at , narito , ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang una&apos;y gaya ng leon , at may mga pakpak ng aguila : aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao&apos;y nahugot , at ito&apos;y nataas mula sa lupa , at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao ; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At , narito , ang ibang hayop , na ikalawa , na gaya ng isang oso ; at lumitaw sa isang tagiliran , at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin : at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya , Bumangon ka , manakmal ka ng maraming laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagkatapos nito&apos;y tumingin ako , at narito ang iba , gaya ng isang leopardo , na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon ; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo ; at binigyan siya ng kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pagkatapos nito&apos;y may nakita ako sa pangitain sa gabi , at , narito , ang ikaapat na hayop , kakilakilabot at makapangyarihan , at totoong malakas ; at may malaking mga ngiping bakal ; nananakmal at lumuluray , at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi : at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya ; at siya&apos;y may sangpung sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking pinagdilidili ang mga sungay , at , narito , sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay , isang munti , na sa harap niyao&apos;y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat : at , narito , sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao , at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay , at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo : ang kaniyang suot , maputing parang niebe , at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana ; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy , at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya : mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya , at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya : ang kahatulan ay nalagda , at ang mga aklat ay nangabuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay ; ako&apos;y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay , at ang kaniyang katawan ay nagiba , at siya&apos;y nabigay upang sunugin sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tungkol sa nalabi sa mga hayop , ang kanilang kapangyarihan ay naalis : gayon ma&apos;y ang kanilang mga buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako&apos;y nakakita sa pangitain sa gabi , at , narito , lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao , at siya&apos;y naparoon sa matanda sa mga araw , at inilapit nila siya sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At binigyan siya ng kapangyarihan , at kaluwalhatian , at isang kaharian , upang lahat ng mga bayan , bansa , at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya : ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan , na hindi lilipas , at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tungkol sa aking si Daniel , ang aking kalooban ay namanglaw sa loob ng aking katawan , at binagabag ako ng mga pangitain ng aking ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y lumapit sa isa sa kanila na nakatayo , at itinanong ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa lahat na ito . Sa gayo&apos;y kaniyang isinaysay sa akin , at ipinaaninaw niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga dakilang hayop na ito na apat , ay apat na hari , na magbabangon sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian , at aariin ang kaharian magpakailan man , sa makatuwid baga&apos;y magpakakailan-kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop , na kaiba sa lahat ng yaon , na totoong kakilakilabot , na ang mga ngipin ay bakal , at ang mga kuko ay tanso ; na nananakmal , lumalamuray , at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo , at sa isa na sumibol , at sa harap niyao&apos;y nabuwal ang tatlo , sa makatuwid baga&apos;y yaong sungay na may mga mata , at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay , na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ako&apos;y tumingin , at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal , at nanaig laban sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hanggang sa ang matanda sa mga araw ay dumating , at ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal , ng Kataastaasan ; at ang panaho&apos;y dumating na inari ng mga banal ang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ganito ang sabi niya , Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa , na magiging kaiba sa lahat ng kaharian , at sasakmalin ang buong lupa , at yuyurakan , at pagluluraylurayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tungkol sa sangpung sungay , mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon : at ang isa&apos;y babangong kasunod nila ; at siya&apos;y magiging kaiba kay sa mga una , at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan , at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan ; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan ; at sila&apos;y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon , at mga panahon at kalahati ng isang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t ang kahatulan ay matatatag , at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan , upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang kaharian , at ang kapangyarihan , at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit , mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan : ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian , at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Narito ang wakas ng bagay . Tungkol sa aking si Daniel , ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip , at ang aking pagmumukha ay nabago : nguni&apos;t iningatan ko ang bagay sa aking puso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar , ang isang pangitain ay napakita sa akin , sa aking si Daniel , pagkatapos noong napakita sa akin nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ako&apos;y may nakita sa pangitain : nangyari nga , na nang aking makita , nasa Susan ako na palacio , na nasa lalawigan ng Elam ; at ako&apos;y may nakita sa pangitain , at ako&apos;y nasa tabi ng ilog Ulai .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y itiningin ko ang aking mga mata , at ako&apos;y may nakita , at narito , tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay : at ang dalawang sungay ay mataas ; nguni&apos;t ang isa&apos;y lalong mataas kay sa isa , at ang lalong mataas ay tumaas na huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran , at sa dakong hilagaan , at sa dakong timugan ; at walang hayop na makatayo sa harap niya , ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay ; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban , at nagmalaking mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At habang aking ginugunita , narito , isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa , at hindi sumayad sa lupa : at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog , at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking nakitang siya&apos;y lumapit sa lalaking tupa , at siya&apos;y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya , at sinaktan ang tupa , at binali ang kaniyang dalawang sungay : at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya ; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa , at kaniyang niyapakan siya ; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam : at nang siya&apos;y lumakas , ang malaking sungay ay nabali ; at kahalili niyao&apos;y lumitaw ang apat na marangal na sungay , sa dako ng apat na hangin ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo , sa dakong timugan , at sa dakong silanganan , at sa dakong maluwalhating lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At lumaking mainam , hanggang sa hukbo sa langit ; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa , at mga niyapakan yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oo , nagmalaki , hanggang sa prinsipe ng hukbo ; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin , at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang ; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa , at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y narinig ko ang isang banal na nagsalita ; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita , Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin , at ang pagsalangsang na sumisira , upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi niya sa akin , Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga ; kung magkagayo&apos;y malilinis ang santuario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , nang ako , sa makatuwid baga&apos;y akong si Daniel , ay makakita ng pangitain , na aking pinagsikapang maunawaan ; at , narito , nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai , na tumatawag at nagsasabi , Gabriel , ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y lumapit siya sa kinatatayuan ko ; at nang siya&apos;y lumapit , ako&apos;y natakot at napasubasob : nguni&apos;t sinabi niya sa akin , Talastasin mo , Oh anak ng tao ; sapagka&apos;t ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Samantalang siya nga&apos;y nagsasalita sa akin , ako&apos;y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa ; nguni&apos;t hinipo niya ako , at itinayo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang sinabi , Narito , aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit ; sapagka&apos;t ukol sa takdang panahon ng kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang lalaking tupa na iyong nakita , na may dalawang sungay , ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia : at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tungkol sa nabali , sa dakong tinayuan ng apat , ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa , nguni&apos;t hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa huling panahon ng kanilang kaharian , pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan , isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha , at nakaunawa ng malabong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila , nguni&apos;t hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan ; at siya&apos;y lilipol na kamanghamangha , at giginhawa , at gagawa ng kaniyang maibigan ; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay ; at siya&apos;y magmamalaki ng kaniyang loob , at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami : siya&apos;y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe ; nguni&apos;t siya&apos;y mabubuwal hindi ng kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay : nguni&apos;t ilihim mo ang pangitain ; sapagka&apos;t ukol sa maraming araw na darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At akong si Daniel ay nanglupaypay , at nagkasakit na ilang araw ; nang magkagayon ako&apos;y nagbangon , at ginawa ko ang mga gawain ng hari : at ako&apos;y natigilan sa pangitain , nguni&apos;t walang nakakaunawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang unang taon ni Dario na anak ni Assuero , sa lahi ng mga taga Media , na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat , ng bilang ng mga taon , na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta , dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem , pitong pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo , ng pagaayuno , at pananamit ng magaspang , at ng mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ako&apos;y nanalangin sa Panginoon kong Dios , at ako&apos;y nagpahayag ng kasalanan , at nagsabi , Oh Panginoon , Dios na dakila at kakilakilabot , na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kami ay nangagkasala , at nangagasal ng kasuwalian , at nagsigawang may kasamaan , at nanganghimagsik , sa makatuwid baga&apos;y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na hindi man kami nangakinig sa iyong mga lingkod na mga propeta , na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari , sa aming mga prinsipe , at sa aming mga magulang , at sa buong bayan ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oh Panginoon , katuwira&apos;y ukol sa iyo , nguni&apos;t sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito ; sa mga tao ng Juda , at sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa buong Israel , na malapit , at malayo , sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oh Panginoon , sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha , sa aming mga hari , sa aming mga prinsipe , at sa aming mga magulang , sapagka&apos;t kami ay nangagkasala laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa Panginoon naming Dios ukol ang kaawaan at kapatawaran ; sapagka&apos;t kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios , upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan , na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oo , buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan , sa pagtalikod , upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig : kaya&apos;t ang sumpa ay nabuhos sa amin , at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios ; sapagka&apos;t kami ay nangagkasala laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita , na kaniyang sinalita laban sa amin , at laban sa aming mga hukom na nagsihatol sa amin , sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan ; sapagka&apos;t sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises , lahat ng kasamaang ito&apos;y nagsidating sa amin : gayon ma&apos;y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios , upang aming talikuran ang aming mga kasamaan , at gunitain ang iyong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t iniingatan ng Panginoon ang kasamaan , at ibinagsak sa amin ; sapagka&apos;t ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa , at hindi namin dininig ang kaniyang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ngayon , Oh Panginoon naming Dios , na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay , at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito ; kami ay nangagkasala , kami ay nagsigawa na may kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oh Panginoon , ayon sa iyong buong katuwiran , isinasamo ko sa iyo , na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem , na iyong banal na bundok ; sapagka&apos;t dahil sa aming mga kasalanan , at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang , ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya nga , Oh aming Dios , iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod , at ang kaniyang mga samo , at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira , alangalang sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oh Dios ko , ikiling mo ang iyong tainga , at iyong dinggin ; idilat mo ang iyong mga mata , at masdan mo ang aming mga kasiraan , at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan : sapagka&apos;t hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran , kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh Panginoon , dinggin mo ; Oh Panginoon , patawarin mo ; Oh Panginoon , iyong pakinggan at gawin ; huwag mong ipagpaliban , alangalang sa iyong sarili , Oh Dios ko , sapagka&apos;t ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At samantalang ako&apos;y nagsasalita , at nananalangin , at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel , at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oo , samantalang ako&apos;y nagsasalita sa panalangin , ang lalaking si Gabriel , na aking nakita sa pangitain nang una , na pinalipad ng maliksi , hinipo ako sa panahon ng pagaalay sa hapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniya akong tinuruan , at nakipagsalitaan sa akin , at nagsabi , Oh Daniel , ako&apos;y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos , at ako&apos;y naparito upang saysayin sa iyo ; sapagka&apos;t ikaw ay totoong minahal : kaya&apos;t gunitain mo ang bagay , at unawain mo ang pangitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan , upang tapusin ang pagsalangsang , at upang wakasan ang pagkakasala , at upang linisin sa kasamaan , at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran , at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula , at upang pahiran ang kabanalbanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Iyo ngang talastasin at bulayin , na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe , magiging pitong sanglinggo , at anim na pu&apos;t dalawang sanglinggo : ito&apos;y matatayo uli , na may lansangan at kuta , sa makatuwid baga&apos;y sa mga panahong mabagabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkatapos ng anim na pu&apos;t dalawang sanglinggo , mahihiwalay ang pinahiran , at mawawalaan ng anoman : at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating ; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha , at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma ; mga pagkasira ay ipinasiya na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo : at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay ; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira ; at hanggang sa wakas , at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel , na ang pangala&apos;y Beltsasar ; at ang bagay ay tunay , sa makatuwid baga&apos;y isang malaking pakikipagbaka ; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang mga araw na yao&apos;y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi ako kumain ng masarap na tinapay , ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig , ni naglangis man ako , hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang ikadalawang pu&apos;t apat na araw ng unang buwan , palibhasa&apos;y ako&apos;y nasa tabi ng malaking ilog , na siyang Hiddekel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Aking itiningin ang aking mga mata , at tumanaw , at narito , ang isang lalake na nakapanamit ng kayong lino , na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na ginto sa Uphas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kaniyang katawan naman ay gaya ng berilo , at ang kaniyang mukha ay gaya ng anyo ng kidlat , at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy , at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa , ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso , at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon ; sapagka&apos;t ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain ; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig , at sila&apos;y nagsitakas upang magsikubli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y iniwan akong magisa , at nakakita nitong dakilang pangitain , at nawalan ako ng lakas ; sapagka&apos;t ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita ; at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita , ako nga&apos;y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog , na ang aking mukha ay pasubsob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At , narito , isang kamay ay humipo sa akin , na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya sa akin , Oh Daniel , ikaw na lalaking minamahal na mainam , unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo , at tumayo kang matuwid ; sapagka&apos;t sa iyo&apos;y sinugo ako ngayon . At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin , ako&apos;y tumayo na nanginginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Huwag kang matakot , Daniel ; sapagka&apos;t mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa , at magpakababa sa harap ng iyong Dios , ang iyong mga salita ay dininig : at ako&apos;y naparito alangalang sa iyong mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu&apos;t isang araw ; nguni&apos;t , narito , si Miguel ay isa sa mga punong prinsipe , dumating upang tulungan ako : at ako&apos;y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ngayo&apos;y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga huling araw ; sapagka&apos;t ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito , ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa , at ako&apos;y napipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At , narito , isang gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay humipo ng aking mga labi : nang magkagayo&apos;y ibinuka ko ang aking bibig , at ako&apos;y nagsalita , at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko , Oh panginoon ko , dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan , at hindi nananatili sa akin ang lakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito ? sapagka&apos;t tungkol sa akin , ay biglang nawalan ako ng lakas , ni may naiwan mang hininga sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang magkagayo&apos;y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao , at kaniyang pinalakas ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kaniyang sinabi , Oh taong minamahal na mainam , huwag kang matakot : kapayapaan ang sumaiyo , magpakalakas ka , oo , magpakalakas ka . At nang siya&apos;y magsalita sa akin , ako&apos;y lumakas , at nagsabi , Magsalita ang aking panginoon ; sapagka&apos;t iyong pinalakas ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Talastas mo baga kung bakit ako&apos;y naparito sa iyo ? at ngayo&apos;y babalik ako upang makipaglaban sa prinsipe sa Persia : at pagka ako&apos;y lumabas , narito , ang prinsipe sa Grecia ay darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nguni&apos;t aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan : at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito , kundi si Miguel na inyong prinsipe .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tungkol sa akin , nang unang taon ni Dario na taga Media , ako&apos;y tumayo upang patibayin at palakasin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ngayo&apos;y aking ipatatalastas sa iyo ang katotohanan . Narito , tatayo pa ang tatlong hari sa Persia ; at ang ikaapat ay magiging totoong mayaman kay sa kanilang lahat : at pagka siya&apos;y lumakas sa kaniyang mga yaman , ay kaniyang kikilusin ang lahat laban sa kaharian ng Grecia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At isang makapangyarihang hari ay tatayo , na magpupuno na may malaking kapangyarihan , at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagka tatayo siya ay magigiba ang kaniyang kaharian , at mababahagi sa apat na hangin ng langit , nguni&apos;t hindi sa kaniyang anak , ni ayon man sa kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinagpuno ; sapagka&apos;t ang kaniyang kaharian ay mabubunot para sa mga iba bukod sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang hari sa timugan ay magiging malakas , at ang isa sa kaniyang mga prinsipe ; at siya&apos;y magiging malakas kay sa kaniya , at magtataglay ng kapangyarihan ; ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakilang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa katapusan ng mga taon , sila&apos;y magpipipisan ; at ang anak na babae ng hari sa timugan ay paroroon sa hari sa hilagaan upang gumawa ng pakikipagkasundo : nguni&apos;t hindi niya mapananatili ang lakas ng kaniyang bisig ; o siya ma&apos;y tatayo , o ang bisig man niya ; kundi siya&apos;y mabibigay , at yaong mga nangagdala sa kaniya , at ang nanganak sa kaniya , at ang nagpalakas sa kaniya sa mga panahong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sa suwi ng kaniyang mga ugat ay tatayo ang isa na kahalili niya na paroroon sa hukbo , at papasok sa katibayan ng hari sa hilagaan , at gagawa ng laban sa kanila , at mananaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At gayon din ang kanilang mga dios sangpu ng kanilang mga larawang binubo , at ng kanilang mga mainam na sisidlan na pilak at ginto ay dadalhing samsam sa Egipto ; at siya&apos;y magluluwat na ilang taon kay sa hari sa hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y paroroon sa kaharian ng hari sa timugan , nguni&apos;t siya&apos;y babalik sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kaniyang mga anak ay makikipagdigma , at mapipisan ng isang karamihang malaking hukbo , na magpapatuloy , at aabot , at lalagpas ; at sila&apos;y magsisibalik at makikipagdigma , hanggang sa kaniyang katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang hari sa timugan ay makikilos ng pagkagalit , at lalabas at makikipaglaban sa kaniya , sa makatuwid baga&apos;y sa hari sa hilagaan ; at siya&apos;y maglalabas ng malaking karamihan , at ang karamiha&apos;y mabibigay sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang karamihan ay madadala , at ang kaniyang puso ay magpapalalo ; at siya&apos;y magbubuwal ng libo-libo , nguni&apos;t hindi mananaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang hari sa hilagaan ay babalik , at maglalabas ng isang karamihan na lalong malaki kay sa una ; at siya&apos;y magpapatuloy hanggang sa wakas ng mga panahon , ng mga taon , na ma&apos;y malaking hukbo , at maraming kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa mga panahong yaon ay maraming magsisitayo laban sa hari sa timugan : gayon din ang mga anak na mangdadahas sa gitna ng iyong bayan ay magsisibangon upang itatag ang pangitain ; nguni&apos;t sila&apos;y mangabubuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y paroroon ang hari sa hilagaan , at gagawa ng isang bunton , at sasakop ng isang bayan na nakukutaang mabuti : at ang pulutong ng timugan ay hindi makatatayo ni ang kaniya mang piling bayan , ni magtataglay man sila ng anomang kalakasan , upang tumayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t ang dumarating laban sa kaniya , ay gagawa ng ayon sa sariling kalooban , at walang tatayo sa harap niya ; at siya&apos;y tatayo sa maluwalhating lupain , at sasa kaniyang kamay ang paglipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kaniyang itatanaw ang kaniyang mukha upang pumaroon na kasama ng lakas ng kaniyang buong kaharian , at ng mga tapat na kasama niya ; at siya&apos;y gagawa ng mga yaon : at ibibigay niya sa kaniya ang anak na babae ng mga babae , upang hamakin ; nguni&apos;t siya&apos;y hindi tatayo , ni siya&apos;y mapapasa kaniya man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagkatapos nito&apos;y kaniyang ipipihit ang kaniyang mukha sa mga pulo , at sasakop ng marami : nguni&apos;t isang prinsipe ay magpapatigil ng pagkutya niya ; oo , bukod dito&apos;y kaniyang pababalikin ang kaniyang kakutyaan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung magkagayo&apos;y kaniyang ipipihit ang kaniyang mukha sa dako ng mga kuta ng kaniyang sariling lupain ; nguni&apos;t siya&apos;y matitisod at mabubuwal , at hindi masusumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung magkagayo&apos;y tatayo na kahalili niya ang isa na magpaparaan ng maniningil sa kaluwalhatian ng kaharian ; nguni&apos;t sa loob ng kaunting araw ay mapapahamak , na hindi sa kagalitan , o sa pagbabaka man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kahalili niya na tatayo ang isang hamak na tao , na hindi nila pinagbigyan ng karangalan ng kaharian : nguni&apos;t siya&apos;y darating sa panahong katiwasayan , at magtatamo ng kaharian sa pamamagitan ng mga daya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya , at mabubuwal ; oo , pati ng prinsipe ng tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagkatapos ng pakikipagkasundo sa kaniya , siya&apos;y gagawang may karayaan ; sapagka&apos;t siya&apos;y sasampa , at magiging matibay , na kasama ng isang munting bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa panahon ng katiwasayan darating siya hanggang sa mga pinakamainam na dako ng lalawigan ; at kaniyang gagawin ang hindi ginawa ng kaniyang mga magulang , o ng mga magulang ng kaniyang mga magulang ; siya&apos;y magbabahagi sa kanila ng huli , at samsam , at kayamanan : oo , siya&apos;y hahaka ng kaniyang mga haka laban sa mga kuta , hanggang sa takdang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang kikilusin ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang tapang laban sa hari sa timugan na may malaking hukbo ; at ang hari sa timugan ay makikipagdigma sa pakikipagbaka na may totoong malaki at makapangyarihang hukbo ; nguni&apos;t hindi siya tatayo , sapagka&apos;t sila&apos;y magsisihaka ng mga panukala laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Oo , silang nagsisikain ng kaniyang masarap na pagkain ay siyang magpapahamak sa kaniya , at ang kaniyang hukbo ay mapapalis ; at marami ay mabubuwal na patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At tungkol sa dalawang haring ito , ang kanilang mga puso ay magtataglay ng kasamaan , at sila&apos;y mangagsasalita ng mga kabulaanan sa isang dulang : nguni&apos;t hindi giginhawa ; sapagka&apos;t ang wakas ay magiging sa panahong takda pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung magkagayo&apos;y babalik siya sa kaniyang lupain na may malaking kayamanan ; at ang kaniyang puso ay magiging laban sa banal na tipan ; at siya&apos;y gagawa ng kaniyang maibigan , at babalik sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa takdang panahon ay babalik siya , at papasok sa timugan ; nguni&apos;t hindi magiging gaya ng una ang huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t mga sasakyan sa Chittim ay magsisiparoon laban sa kaniya ; kaya&apos;t siya&apos;y mahahapis , at babalik , at magtataglay ng galit laban sa banal na tipan , at gagawa ng kaniyang maibigan : siya nga&apos;y babalik , at lilingapin yaong nangagpabaya ng banal na tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi , at kanilang lalapastanganin ang santuario , sa makatuwid baga&apos;y ang kuta , at aalisin ang palaging handog na susunugin , at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan , ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya ; nguni&apos;t ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay , at gagawa ng kabayanihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At silang marunong sa bayan ay magtuturo sa marami ; gayon ma&apos;y mangabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak at ng liyab , ng pagkabihag at ng samsam , na maraming araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Pagka nga sila&apos;y mangabubuwal , sila&apos;y tutulungan ng kaunting tulong ; nguni&apos;t marami ay magsisipisan sa kanila na may mga daya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang ilan sa kanila na pantas ay mangabubuwal , upang dalisayin sila , at linisin , at paputiin , hanggang sa panahon ng kawakasan ; sapagka&apos;t ukol sa panahon pang takda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban ; at siya&apos;y magmamalaki , at magpapakataas ng higit kay sa bawa&apos;t dios , at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios ; at siya&apos;y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap ; sapagka&apos;t ang ipinasiya ay gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang , o ang nasa man sa mga babae , o pakukundanganan man ang sinomang dios ; sapagka&apos;t siya&apos;y magmamalaki sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan ; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto , at pilak , at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios ; sinomang kumilala sa kaniya , mananagana sa kaluwalhatian ; at pagpupunuin niya sila sa marami , at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan ; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo , na may mga karo , at may mga mangangabayo , at may maraming sasakyan ; at kaniyang papasukin ang mga lupain , at aabot at lalagpas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Siya&apos;y papasok din naman sa maluwalhating lupain , at maraming lupain ay mababagsak ; nguni&apos;t ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay : ang Edom , at ang Moab , at ang puno ng mga anak ni Ammon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain ; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nguni&apos;t siya&apos;y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak , at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto ; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Nguni&apos;t mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya ; at siya&apos;y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok ; gayon ma&apos;y darating siya sa kaniyang wakas , at walang tutulong sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel , na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan ; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan , na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon : at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan , bawa&apos;t isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising , ang iba&apos;y sa walang hanggang buhay , at ang iba&apos;y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit ; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ikaw , Oh Daniel , isara mo ang mga salita , at tatakan mo ang aklat , hanggang sa panahon ng kawakasan : marami ang tatakbo ng paroo&apos;t parito , at ang kaalaman ay lalago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y akong si Daniel ay tumingin , at , narito , nakatayo ang ibang dalawa , ang isa&apos;y sa dakong ito ng pangpang ng ilog , at ang isa&apos;y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang isa&apos;y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino , na nasa ibabaw ng tubig ng ilog , Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino , na nasa ibabaw ng tubig ng ilog , nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit , at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon , mga panahon , at kalahati ng isang panahon ; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan , ang lahat na bagay na ito ay matatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking narinig , nguni&apos;t di ko naunawa : nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Oh Panginoon ko , ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya , Yumaon ka ng iyong lakad , Daniel ; sapagka&apos;t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Marami ang magpapakalinis , at magpapakaputi , at magpapakadalisay ; nguni&apos;t ang masasama ay gagawa na may kasamaan ; at wala sa masasama na makakaunawa ; nguni&apos;t silang pantas ay mangakakaunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin , at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira , ay magkakaroon ng isang libo&apos;t dalawang daan at siyam na pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mapalad siyang naghihintay , at datnin ng isang libo&apos;t tatlong daan at tatlong pu&apos;t limang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari ; sapagka&apos;t ikaw ay magpapahinga , at tatayo sa iyong kapalaran , sa wakas ng mga araw .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "28">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri , nang mga kaarawan ni Uzias , ni Jotam , ni Ahaz , at ni Ezechias , na mga hari sa Juda , at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas , na hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas , sinabi ng Panginoon kay Oseas , Yumaon ka , magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot ; sapagka&apos;t ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot , na humihiwalay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y yumaon siya , at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim ; at siya&apos;y naglihi , at nanganak sa kaniya ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel ; sapagka&apos;t sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu , at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mangyayari sa araw na yaon , na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y naglihi uli , at nanganak ng isang babae . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama ; sapagka&apos;t hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel , na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ako&apos;y maaawa sa sangbahayan ni Juda , at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios , at hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog , o sa pamamagitan man ng tabak , o sa pamamagitan man ng pagbabaka , o sa pamamagitan man ng mga kabayo , o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama , siya&apos;y naglihi , at nanganak ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon , Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi ; sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi aking bayan , at ako&apos;y hindi magiging inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon ma&apos;y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal , o mabibilang man ; at mangyayari , na sa dakong pagsabihan sa kanila , Kayo&apos;y hindi aking bayan , sasabihin sa kanila , Kayo&apos;y mga anak ng buhay na Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga anak ni Juda , at ang mga anak ni Israel ay mapipisan , at sila&apos;y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo , at sila&apos;y magsisisampa mula sa lupain ; sapagka&apos;t magiging dakila ang kaarawan ng Jezreel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalake , Ammi ; at sa inyong mga kapatid na babae ay , Ruhama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Makipagtalo kayo sa inyong ina , makipagtalo kayo ; sapagka&apos;t siya&apos;y hindi ko asawa , ni ako man ay kaniyang asawa ; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha , at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Baka siya&apos;y aking hubaran , at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya&apos;y ipanganak , at gawin ko siyang parang isang ilang , at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa , at patayin ko siya sa uhaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oo , sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga anak sa patutot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang kanilang ina ay nagpatutot ; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya ; sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Ako&apos;y susunod sa mga mangingibig sa akin , na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig , ng aking lana at ng aking lino , ng langis ko at ng inumin ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t , narito , aking babakuran ng mga tinik ang iyong daan , at ako&apos;y gagawa ng bakod laban sa kaniya , na hindi niya , masusumpungan ang kaniyang mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y susunod sa mga mangingibig sa kaniya , nguni&apos;t hindi niya sila aabutan ; at hahanapin niya sila , nguni&apos;t hindi niya sila masusumpungan ; kung magkagayo&apos;y sasabihin niya , Ako&apos;y yayaon at babalik sa aking unang asawa ; sapagka&apos;t naging mabuti sa akin kay sa ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t hindi niya naalaman na ako ang nagbigay sa kaniya ng trigo , at ng alak , at ng langis , at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto , na kanilang ginamit kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon , at ang aking alak sa panahon niyaon , at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana&apos;y tatakip sa kaniyang kahubaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayo&apos;y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya , at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan , ang kaniyang mga kapistahan , ang kaniyang mga bagong buwan , at ang kaniyang mga sabbath , at lahat ng kaniyang takdang kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas , at ang kaniyang mga puno ng higos , na siya niyang sinasabi , Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin ; at ang mga yao&apos;y aking gagawing isang gubat , at kakanin ng mga hayop sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal , na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan , nang siya&apos;y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas , at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya , at kinalilimutan ako , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t , narito , akin siyang hihikayatin , at dadalhin siya sa ilang , at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon , at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa ; at siya&apos;y sasagot doon , gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan , at gaya ng araw na siya&apos;y sumampa mula sa lupain ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , na tatawagin mo akong Ishi , at hindi mo na ako tatawaging Baali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig , at siya&apos;y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang , at sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa : at aking babaliin ang busog at ang tabak , at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain , at akin silang pahihigaing tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ako&apos;y magiging asawa mo magpakailan man ; oo , magiging asawa mo ako sa katuwiran , at sa kahatulan , at sa kagandahang-loob , at sa mga kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat ; at iyong makikilala ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At mangyayari sa araw na yaon , na ako&apos;y sasagot , sabi ng Panginoon , ako&apos;y sasagot sa langit , at sila&apos;y magsisisagot sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang lupa&apos;y sasagot sa trigo , at sa alak , at sa langis ; at sila&apos;y magsisisagot sa Jezreel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At aking itatatag siya para sa akin sa lupa ; at ako&apos;y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan ; at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan , Ikaw ay aking bayan ; at siya&apos;y magsasabi , Ikaw ay aking Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng Panginoon sa akin , Yumaon ka pa , suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan , at mangangalunya , sa makatuwid baga&apos;y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel , bagaman sila&apos;y nagsisipihit sa ibang mga dios , at nangakakagusto ng mga binilong pasas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gayo&apos;y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak , at ng isang homer na cebada , at ng kalahating homer na cebada ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ko sa kaniya , Ikaw ay mapapa sa akin na maraming araw ; ikaw ay hindi magpapatutot , at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake ; kaya&apos;t ako naman ay sasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na walang hari , at walang prinsipe , at walang hain , at walang haligi , at walang efod o mga teraf :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel , at hahanapin ang Panginoon nilang Dios , at si David na kanilang hari , at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon , ninyong mga anak ni Israel ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain , sapagka&apos;t walang katotohanan , ni kaawaan man , ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat , at pagpatay , pagnanakaw , at pangangalunya ; sila&apos;y nagsisidaluhong , at nagkakabubuan ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ang lupain ay tatangis , at bawa&apos;t tumatahan doon ay manglulupaypay , kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ; oo , ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y huwag makipaglaban ang sinoman , o sumuway man ang sinoman ; sapagka&apos;t ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ikaw ay matitisod sa araw , at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi ; at aking papatayin ang iyong ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman : sapagka&apos;t ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman , akin namang itatakuwil ka , upang ikaw ay huwag maging saserdote ko : yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios , akin namang kalilimutan ang iyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung paanong sila&apos;y nagsidami , gayon sila nangagkasala laban sa akin : aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sila&apos;y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan , at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari , na kung paano ang bayan , gayon ang saserdote , at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad , at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y magsisikain , at hindi mangabubusog ; sila&apos;y magpapatutot , at hindi dadami ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangagwalang bahala sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod , at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila ; sapagka&apos;t ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila , at sila&apos;y nagpatutot , na nagsisihiwalay sa kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sila&apos;y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok , at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol , sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble , sapagka&apos;t ang lilim ng mga yaon ay mabuti : kaya&apos;t ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot , at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila&apos;y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila&apos;y nangangalunya ; sapagka&apos;t ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot , at sila&apos;y nangaghahain na kasama ng mga patutot : at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bagaman ikaw , Oh Israel , ay nagpapatutot , gayon ma&apos;y huwag ipagkasala ng Juda : at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal , ni magsisampa man kayo sa Bethaven , ni magsisumpa man , Buhay ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ang Israel ay nagpakatigas ng ulo , gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae : ngayo&apos;y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan ; pabayaan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang kanilang inumin ay naging maasim ; sila&apos;y nagpapatutot na palagi ; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak ; at sila&apos;y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ito , Oh ninyong mga saserdote , at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel , at inyong ulinigin , Oh sangbahayan ng hari , sapagka&apos;t sa inyo&apos;y nauukol ang kahatulan ; sapagka&apos;t kayo&apos;y naging isang silo sa Mizpa , at isang panghuli na nalagay sa Tabor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam ; nguni&apos;t ako&apos;y mananaway sa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking kilala ang Ephraim , at ang Israel na hindi lingid sa akin ; sapagka&apos;t ngayon , Oh Ephraim , ikaw ay nagpatutot , ang Israel ay napahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios ; sapagka&apos;t ang pagpapatutot ay nasa loob nila , at hindi nila nakikilala ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha : kaya&apos;t ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan ; ang Juda&apos;y matitisod ding kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sila&apos;y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon ; nguni&apos;t hindi nila masusumpungan siya : Siya&apos;y umurong sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon ; sapagka&apos;t sila&apos;y naganak ng ibang mga anak : lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa , at ang pakakak sa Rama : kayo&apos;y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven ; sa likuran mo , Oh Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway : sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipinakilala ang tunay na mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero : aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Ephraim ay napighati , siya&apos;y nadikdik sa kahatulan ; sapagka&apos;t siya&apos;y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ako&apos;y sa Ephraim na parang tanga , at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit , at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat , naparoon nga ang Ephraim sa Asiria , at nagsugo sa haring Jareb : nguni&apos;t hindi niya mapagagaling kayo , ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ako&apos;y magiging parang leon sa Ephraim , at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda , Ako , sa makatuwid baga&apos;y ako , ay aagaw at aalis ; ako&apos;y magaalis , at walang magliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y yayaon at babalik sa aking dako , hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala , at hanapin ang aking mukha : sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magsiparito kayo , at tayo&apos;y manumbalik sa Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y lumapa , at pagagalingin niya tayo ; siya&apos;y nanakit , at kaniyang tatapalan tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo : sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo , at tayo&apos;y mangabubuhay sa harap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ating kilalanin , tayo&apos;y magpatuloy upang makilala ang Panginoon : ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga ; at siya&apos;y paririto sa atin na parang ulan , na parang huling ulan na dumidilig ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oh Ephraim , ano ang gagawin ko sa iyo ? Oh Juda , ano ang gagawin ko sa iyo ? sapagka&apos;t ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga , at parang hamog na lumalabas na maaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta ; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig ; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ako&apos;y nagnanasa ng kaawaan , at hindi hain ; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan : doo&apos;y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan ; tigmak sa dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao , ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem ; Oo , sila&apos;y gumawa ng kahalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay : doo&apos;y nagpatutot ang Ephraim , ang Israel ay napahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa iyo man , Oh Juda , may takdang paggapas , pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang aking pagagalingin ang Israel , ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw , at ang kasamaan ng Samaria ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsinungaling ; at ang magnanakaw ay pumapasok , at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan : ngayo&apos;y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa ; sila&apos;y nangasa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari , at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Silang lahat ay mga mangangalunya ; sila&apos;y parang hurnong iniinit ng magtitinapay ; siya&apos;y tumitigil na magsulong ng apoy , mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak ; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno , samantalang sila&apos;y nangagaabang : ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag ; sa kinaumagaha&apos;y nagniningas na parang liyab na apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno , at nilalamon ang kanilang mga hukom ; lahat nilang hari ay nangabuwal : wala sa kanila na tumawag sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Ephraim , nakikisalamuha sa mga bayan ; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang yaman , at hindi niya nalalaman : oo , mga uban ay nasasabog sa kaniya , at hindi niya nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha : gayon ma&apos;y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios , ni hinanap man siya nila , dahil sa lahat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang Ephraim ay parang isang mangmang na kalapati , na walang unawa sila&apos;y nagsitawag sa Egipto , sila&apos;y nagsiparoon sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka sila&apos;y magsisiyaon , ay aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila ; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid ; aking parurusahan sila , gaya ng narinig sa kanilang kapisanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa aba nila ! sapagka&apos;t sila&apos;y nagsilayas sa akin ; kagibaa&apos;y suma kanila ! sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisalangsang laban sa akin : bagaman sila&apos;y aking tinubos , gayon ma&apos;y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso , kundi sila&apos;y nagsiangal sa kanilang mga higaan : sila&apos;y nagpupulong dahil sa trigo at alak ; sila&apos;y nanganghimagsik laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig , gayon ma&apos;y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y nanganunumbalik , nguni&apos;t hindi sa kaniya na nasa kaitaasan : sila&apos;y parang magdarayang busog : ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot ng kanilang dila : ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Egipto .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ilagay mo ang pakakak sa iyong bibig . Gaya ng isang aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon , sapagka&apos;t kanilang sinuway ang aking tipan , at nagsisalangsang laban sa aking kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sila&apos;y magsisidaing sa akin , Dios ko , kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Itinakuwil ng Israel ang mabuti : hahabulin siya ng kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nangaglagay ng mga hari , nguni&apos;t hindi sa pamamagitan ko ; sila&apos;y nangaglagay ng mga prinsipe , at hindi ko nalaman : sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan , upang sila&apos;y mangahiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaniyang inihiwalay ang iyong guya , Oh Samaria ; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila : hanggang kailan sila ay magiging mga musmos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t mula sa Israel nanggaling ito ; ito&apos;y ginawa ng manggagawa , at ito&apos;y hindi Dios ; oo , ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t sila&apos;y nangagsasabog ng hangin , at sila&apos;y magsisiani ng ipoipo : siya&apos;y walang nakatayong trigo ; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina ; at kung maglaman , ay lalamunin ng mga taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Israel ay nalamon : ngayo&apos;y nasa gitna siya ng mga bansa na parang sisidlang hindi kinalulugdan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sila&apos;y nagsiahon sa Asiria , na parang isang mailap na asno na nagiisa : ang Ephraim ay umupa ng mga mangingibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oo , bagaman sila&apos;y umuupa sa gitna ng mga bansa , akin nga silang pipisanin ngayon ; at sila&apos;y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis sa hari at mga prinsipe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang Ephraim , ay nagparami ng mga dambana upang magkasala , ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinulat ko para sa kaniya ang sangpung libong bagay ng aking kautusan ; kanilang inaring parang katuwang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin , sila&apos;y nangaghahain ng karne , at kinakain nila ; nguni&apos;t ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon ; ngayo&apos;y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan , at dadalawin ang kanilang mga kasalanan ; sila&apos;y mangababalik sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya , at nagtayo ng mga palacio ; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan ; nguni&apos;t magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan , at susupukin ang mga kuta niyaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kang magalak , Oh Israel sa katuwaan , na gaya ng mga bayan ; sapagka&apos;t ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios ; iyong inibig ang upa sa bawa&apos;t giikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila , at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sila&apos;y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon ; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto , at sila&apos;y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon , ni makalulugod man sa kaniya : ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila&apos;y parang tinapay ng nangagluksa ; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak ; sapagka&apos;t ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana ; hindi papasok sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan , at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t , narito , sila&apos;y nagsialis sa kagibaan , gayon ma&apos;y pipisanin sila ng Egipto , sila&apos;y ililibing ng Memphis ; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag ; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating , ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating ; malalaman ng Israel : ang propeta ay mangmang , ang lalake na may espiritu ay ulol , dahil sa karamihan ng iyong kasamaan , at sapagka&apos;t ang poot ay malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios : tungkol sa propeta , ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan , at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sila&apos;y nangagpapahamak na mainam , na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa : kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan , kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang ; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan : nguni&apos;t sila&apos;y nagsiparoon kay Baalpeor , at nangagsitalaga sa mahalay na bagay , at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tungkol sa Ephraim , ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon ; mawawalan ng panganganak , at walang magdadalang tao , at walang paglilihi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak , gayon ma&apos;y aking babawaan sila , na walang tao ; oo , sa aba nila pagka ako&apos;y humiwalay sa kanila !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Ephraim , gaya ng aking makita ang Tiro , ay natatanim sa isang masayang dako : nguni&apos;t ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bigyan mo sila , Oh Panginoon-anong iyong ibibigay ? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal ; sapagka&apos;t doo&apos;y kinapootan ko sila ; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa , akin silang palalayasin sa aking bahay ; hindi ko na sila iibigin ; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang Ephraim ay nasaktan , ang kaniyang ugat ay natuyo , sila&apos;y hindi mangagbubunga : oo , bagaman sila&apos;y nanganak , gayon ma&apos;y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Itatakuwil sila ng aking Dios , sapagka&apos;t hindi nila dininig siya ; at sila&apos;y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Israel ay isang mayabong na baging , na nagbunga : ayon sa karamihan ng kaniyang bunga kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana ; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay nagsigawa sila ng mga mainam na haligi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang kanilang puso ay nahati ; ngayo&apos;y mangasusumpungan silang salarin : kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana , kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Walang pagsalang ngayo&apos;y kanilang sasabihin , Kami ay walang hari ; sapagka&apos;t kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon ; at ang hari , ano ang magagawa niya para sa atin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila&apos;y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita , na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan : kaya&apos;t ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven ; sapagka&apos;t ang bayan niyaon ay mananangis doon , at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon , dahil sa kaluwalhatian niyaon , sapagka&apos;t nawala roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb : ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan , at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tungkol sa Samaria , ang kaniyang hari ay nahiwalay , na parang bula sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mataas na dako naman ng Aven , ang kasalanan ng Israel ay masisira : ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana ; at sasabihin nila sa mga bundok , Takpan ninyo kami ; at sa mga burol , Mahulog kayo sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oh Israel , ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa : doon sila nagsitayo ; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagka siya kong nasa , ay aking parurusahan sila ; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila , pagka sila&apos;y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan , na maibigin sa pagiik ng trigo ; nguni&apos;t aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg : ako&apos;y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim ; magaararo ang Juda , dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran , magsigapas kayo ayon sa kaawaan ; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran ; sapagka&apos;t panahon na hanapin ang Panginoon , hanggang sa siya&apos;y dumating , at magdala ng katuwiran sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo&apos;y nangaghasik ng kasamaan , kayo&apos;y nagsiani ng kasalanan ; kayo&apos;y nagsikain ng bunga ng kabulaanan ; sapagka&apos;t ikaw ay tumiwala sa iyong lakad , sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan , at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba , na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka : ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan : sa pagbubukang liwayway , ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang bata pa ang Israel , aking minahal siya , at tinawag kong aking anak mula sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Lalo silang tinawag ng mga propeta , ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila : sila&apos;y nangaghahain sa mga Baal , at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon ma&apos;y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad ; aking kinalong sila sa aking mga bisig ; nguni&apos;t hindi nila kinilala na aking pinagaling sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao , ng mga panali ng pag-ibig ; at ako&apos;y naging sa kanila&apos;y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga ; at ako&apos;y naglagay ng pagkain sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y hindi babalik sa lupain ng Egipto ; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari , sapagka&apos;t sila&apos;y nagsisitangging manumbalik sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan , at susupukin ang kanilang mga halang , at lalamunin sila , dahil sa kanilang sariling mga payo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin : bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas , walang lubos na magtataas sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Paanong pababayaan kita , Ephraim ? paanong itatakuwil kita , Israel ? paanong gagawin kitang parang Adma ? paanong ilalagay kitang parang Zeboim ? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko , ang aking mga habag ay nangagalab .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit , hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim : sapagka&apos;t ako&apos;y Dios , at hindi tao ; ang Banal sa gitna mo ; at hindi ako paroroon na may galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila&apos;y magsisilakad ng ayon sa Panginoon , na siyang uungal , na parang leon ; sapagka&apos;t siya&apos;y uungal , at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sila&apos;y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto , at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria ; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot , at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya ; nguni&apos;t ang Juda&apos;y nagpupuno pang kasama ng Dios , at tapat na kasama ng Banal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Ephraim ay kumakain ng hangin , at sumusunod sa hanging silanganan : siya&apos;y laging nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan ; at sila&apos;y nakikipagtipan sa Asiria , at ang langis ay dinadala sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda , at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad ; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid ; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oo , siya&apos;y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel , at nanaig : siya&apos;y tumangis , at namanhik sa kaniya : nasumpungan niya siya sa Beth-el , at doo&apos;y nakipagsalitaan siya sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa makatuwid baga&apos;y ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo ; ang Panginoon ay kaniyang alaala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan , at hintayin mong lagi ang iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay : maibigin ng pagpighati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng Ephraim , Tunay na ako&apos;y naging mayaman , ako&apos;y nakasumpong ng kayamanan ; sa lahat ng aking gawin , walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto , akin pa kitang patatahanin uli sa mga tolda , gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta , at ako&apos;y nagparami ng mga pangitain ; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Galaad baga&apos;y kasamaan ? sila&apos;y pawang walang kabuluhan ; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro ; oo , ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At si Jacob ay tumakas na napatungo sa parang ng Aram , at naglingkod si Israel dahil sa isang asawa , at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa pamamagitan ng isang propeta ay isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto , at sa pamamagitan ng isang propeta , siya&apos;y naingatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit : kaya&apos;t ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya , at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magsalita ang Ephraim , ay nagkaroon ng panginginig ; siya&apos;y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel ; nguni&apos;t nang siya&apos;y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ngayo&apos;y nangagkasala sila ng higit at higit , at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak , mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa , lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa : sinasabi nila tungkol sa mga yaon ; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t sila&apos;y magiging parang ulap sa umaga , at parang hamog na nawawalang maaga , na gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan , at parang usok na lumalabas sa Chimenea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto ; at wala kang makikilalang Dios kundi ako , at liban sa akin ay walang tagapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nakilala kita sa ilang , sa lupain ng malaking katuyuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ayon sa pastulan sa kanila , gayon sila nangabusog ; sila&apos;y nangabusog , at ang kanilang puso ay nagmalaki : kaya&apos;t kinalimutan nila ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ako&apos;y magiging parang leon sa kanila ; parang leopardo na ako&apos;y magbabantay sa tabi ng daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak , at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso ; at doo&apos;y lalamunin ko sila ng gaya ng leon ; lalapain sila ng mabangis na hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siyang iyong kapahamakan Oh Israel , na ikaw ay laban sa akin , laban sa iyong katulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan ? at ang iyong mga hukom , na iyong pinagsasabihan , Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking binigyan ka ng hari sa aking kagalitan , at inalis ko siya sa aking poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot ; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya : siya&apos;y hindi pantas na anak ; sapagka&apos;t panahon na hindi sana siya marapat maghirap sa pagwawaksi ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol ; aking tutubusin sila mula sa kamatayan . Oh kamatayan , saan nandoon ang iyong mga salot ? Oh Sheol , saan nandoon ang iyong kasiraan ? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bagaman siya&apos;y mabunga sa kaniyang mga kapatid , isang hanging silanganan ay darating , ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang ; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo , at ang kaniyang bukal ay matutuyo : kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala ; sapagka&apos;t siya&apos;y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios : sila&apos;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh Israel , manumbalik ka sa Panginoon mong Dios ; sapagka&apos;t ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magpahayag kayo na may pagsisisi , at magsipanumbalik kayo sa Panginoon : sabihin ninyo sa kaniya , Alisin mo ang boong kasamaan , at tanggapin mo ang mabuti : sa gayo&apos;y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi kami ililigtas ng Asiria ; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo ; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay , Kayo&apos;y aming mga dios ; sapagka&apos;t dahil sa iyo&apos;y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod , akin silang iibiging may kalayaan ; sapagka&apos;t ang aking galit ay humiwalay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y magiging parang hamog sa Israel : siya&apos;y bubukang parang lila , at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong , at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo , at ang kaniyang bango ay parang Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik ; sila&apos;y mangabubuhay uling gaya ng trigo , at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas : at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sasabihin ng Ephraim , Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan ? Ako&apos;y sasagot , at aking hahalatain siya : ako&apos;y parang sariwang abeto ; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sino ang pantas , at siya&apos;y makakaunawa ng mga bagay na ito ? at mabait , at kaniyang mangalalaman ? sapagka&apos;t ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid , at lalakaran ng mga ganap ; nguni&apos;t kabubuwalan ng mga mananalangsang .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "29">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin ninyo ito , ninyong mga matanda , at pakinggan ninyo , ninyong lahat na mananahan sa lupain . Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Saysayin ninyo sa inyong mga anak , at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak , at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang iniwan ng tipaklong , ay kinain ng balang ; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod ; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magsibangon kayo , kayong mga manglalasing , at magsiiyak kayo ; at manambitan kayo , kayong lahat na manginginom ng alak , dahil sa matamis na alak ; sapagka&apos;t nahiwalay sa inyong bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t isang bansa ay sumampa sa aking lupain , malakas at walang bilang ; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon , at siya&apos;y may bagang ng malaking leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas , at ibinagsak ang aking puno ng igos : kaniyang tinalupang malinis at inihagis ; ang mga sanga niyao&apos;y naging maputi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon ; ang mga saserdote , ang mga tagapangasiwa ng Panginoon , ay nangananangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang bukid ay sira , ang lupain ay nahahapis ; sapagka&apos;t ang trigo ay sira , ang bagong alak ay tuyo , ang langis ay kulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mangahiya kayo , Oh kayong mga mangbubukid , manambitan kayo , Oh kayong mga maguubas , dahil sa trigo at dahil sa cebada ; sapagka&apos;t ang pagaani sa bukid ay nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang puno ng ubas ay natuyo , at ang puno ng higos ay nalalanta ; ang puno ng granada , ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas , lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo ; sapagka&apos;t ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang , at magsipanaghoy kayong mga saserdote ; manambitan kayo , kayong mga tagapangasiwa ng dambana ; halikayo , magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang , kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios : sapagka&apos;t ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mangaghayag kayo ng ayuno , magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan , inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios , at magsidaing kayo sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa aba ng araw na yaon ! sapagka&apos;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na , at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata , oo , ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal ; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira , ang mga imbakan ay bagsak ; sapagka&apos;t ang trigo ay natuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop ! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan , sapagka&apos;t wala silang pastulan ; oo , ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Oh Panginoon , sa iyo&apos;y dumadaing ako : sapagka&apos;t sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang , at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Oo , ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo ; sapagka&apos;t ang mga batis ng tubig ay nangatuyo , at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hipan ninyo ang pakakak sa Sion , at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok ; manginig ang lahat na mananahan sa lupain : sapagka&apos;t ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating , sapagka&apos;t malapit na ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim , araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim , gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok ; isang malaking bayan at matibay ; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon , ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon , hanggang sa mga taon ng maraming sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Isang apoy ang sumusupok sa harap nila ; at sa likuran nila&apos;y isang liyab ang sumusunog : ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila , at sa likuran nila&apos;y isang sirang ilang ; oo , at walang nakatanan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo ; at kung paano ang mga mangangabayo , gayon sila nagsisitakbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila , parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami , parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan ; lahat ng mukha ay nangamumutla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake ; sila&apos;y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma ; at sila&apos;y nagsisilakad bawa&apos;t isa ng kanikaniyang mga lakad , at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ni nagtutulakan mang isa&apos;y isa ; sila&apos;y lumalakad bawa&apos;t isa sa kanikaniyang landas ; at sila&apos;y magsisisagupa sa mga almas , at hindi sila malalansag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kanilang nilulukso ang bayan ; kanilang tinatakbo ang kuta ; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay ; sila&apos;y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang lupa ay nayayanig sa harap nila ; ang langit ay nanginginig ; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo ; sapagka&apos;t ang kaniyang kampamento ay totoong malaki ; sapagka&apos;t malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita ; sapagka&apos;t ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot ; at sinong makatatahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon ma&apos;y ngayon , sabi ng Panginoon , magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso , na may pagaayuno , at may pananangis , at may pananambitan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso , at hindi ang mga damit ang inyong hapakin , at kayo&apos;y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios ; sapagka&apos;t siya&apos;y maawain at puspos ng kahabagan , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kagandahang-loob , at nagsisisi siya sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinong nakakaalam kung siya&apos;y hindi magbabalik-loob , at magsisisi , at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya , ng handog na harina , at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hipan ninyo ang pakakak sa Sion : magsipangilin kayo ng isang ayuno , magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Tipunin ninyo ang bayan , banalin ang kapisanan , pisanin ang mga matanda , tipunin ang mga bata , at yaong mga pasusuhin ; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid , at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Manangis ang mga saserdote , ang mga tagapangasiwa ng Panginoon , sa pagitan ng portiko at ng dambana , at kanilang sabihin , Maawa ka sa iyong bayan , Oh Panginoon , at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan , na ang mga bansa baga&apos;y magpuno sa kanila : bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan , Saan nandoon ang kanilang Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain , at nahabag sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang Panginoon ay sumagot , at nagsabi sa kaniyang bayan , Narito , ako&apos;y magdadala sa inyo ng trigo , at alak , at langis , at inyong kabubusugan ; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan , at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira , ang kaniyang unaha&apos;y sa dagat silanganan , at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran ; at ang kaniyang baho ay aalingasaw , at ang masamang amoy ay iilanglang , sapagka&apos;t siya&apos;y gumawa ng mga malaking bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag kang matakot , Oh lupain , ikaw ay matuwa at magalak ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag kayong mangatakot , kayong mga hayop sa parang ; sapagka&apos;t ang mga pastulan sa ilang ay lumalago , sapagka&apos;t ang punong kahoy ay nagbubunga , ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kayo nga&apos;y mangatuwa , kayong mga anak ng Sion , at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios ; sapagka&apos;t kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat , at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo , ang maagang ulan at ang huling ulan , sa unang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo , at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang , ng uod , at ng kuliglig , at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo , na aking sinugo sa gitna ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kayo&apos;y magsisikaing sagana , at mangabubusog , at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios , na gumawa ng kababalaghan sa inyo ; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At inyong malalaman na ako&apos;y nasa gitna ng Israel , at ako ang Panginoon ninyong Dios , at wala nang iba ; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At mangyayari pagkatapos , na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman ; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula , ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip , ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ako&apos;y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa , dugo , at apoy , at mga haliging usok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang araw ay magiging kadiliman , at ang buwan ay dugo , bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas , sapagka&apos;t sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan , gaya ng sinabi ng Panginoon , at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t , narito , sa mga kaarawang yaon , at sa panahong yaon , pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking pipisanin ang lahat na bansa , at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat ; at ako&apos;y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel , na kanilang pinangalat sa mga bansa , at binahagi ang aking lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan , at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot , at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak , upang sila&apos;y mangakainom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oo , at ano kayo sa akin . Oh Tiro , at Sidon , at buong lupain ng Filistia ? gagantihin baga ninyo ako ? at kung ako&apos;y inyong gantihin , maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Yamang inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto , at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia , upang inyong mailayo sa kanilang hangganan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila , at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda , at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba , sa isang bansang malayo : sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Itanyag ninyo ito sa mga bansa : mangaghanda kayo ng digma ; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake ; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma , sila&apos;y magsisampa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod , at mga sibat ang inyong mga karit : magsabi ang mahina , Ako&apos;y malakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mangagmadali kayo , at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot , at magpipisan kayo : iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Magpakasigla ang mga bansa , at magsisampa sa libis ni Josaphat ; sapagka&apos;t doo&apos;y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gamitin ninyo ang karit ; sapagka&apos;t ang aanihin ay hinog na : kayo&apos;y magsiparito , at magsiyapak ; sapagka&apos;t ang alilisan ng alak ay puno , ang kamalig ng alak ay inaapawan ; sapagka&apos;t ang kanilang kasamaan ay malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mga karamihan , mga karamihan sa libis ng pasiya ! sapagka&apos;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang araw at ang buwan ay nagdidilim , at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang Panginoo&apos;y aangal mula sa Sion , at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem ; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig : nguni&apos;t ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan , at katibayan sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayo&apos;y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios , na tumatahan sa Sion , na aking banal na bundok : kung magkagayo&apos;y magiging banal ang Jerusalem , at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At mangyayari sa araw na yaon , na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak , at ang mga burol ay aagusan ng gatas , at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig ; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon , at didiligin ang libis ng Sittim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang Egipto ay masisira , at ang Edom ay magiging ilang na sira , dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda , sapagka&apos;t sila&apos;y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang Juda&apos;y tatahan magpakailan man , at ang Jerusalem ay sa sali&apos;t saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis : sapagka&apos;t ang Panginoon ay tumatahan sa Sion .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "30">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga salita ni Amos , na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa , na nakita niya tungkol sa Israel , nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda , at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel , na dalawang taon bago lumindol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion , at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem ; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan , at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Damasco , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael , at susupukin niyaon ang mga palacio ni Ben-hadad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking iwawasak ang halang ng Damasco , at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven , at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden ; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Gaza , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t kanilang dinalang bihag ang buong bayan , upang ibigay sa Edom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ako&apos;y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza , at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod , at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon ; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron , at ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Tiro , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom , at hindi inalaala ang tipan ng pagkakapatiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ako&apos;y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro , at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid , at ipinagkait ang buong habag , at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol , at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t magsusugo ako ng isang apoy sa Teman , at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng mga anak ni Ammon , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila ; sapagka&apos;t kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad , upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng Rabba , at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon , na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka , na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag , siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t ako&apos;y magsusugo ng isang apoy sa Moab , at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth ; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay , may hiyawan , at may tunog ng pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon , at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon , at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan , at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan , ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t magsusugo ako ng isang apoy sa Juda ; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ganito ang sabi ng Panginoon , Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&apos;t kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak , at ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na iniimbot ang alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha , at inililiko ang lakad ng maamo : at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga , upang lapastanganin ang aking banal na pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana , sa ibabaw ng mga kasuutang sangla ; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila , na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro , at siya&apos;y malakas na gaya ng mga encina ; gayon ma&apos;y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas , at ang kaniyang mga ugat sa ilalim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Egipto , at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang , upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta , at sa inyong mga binata ng mga Nazareo . Di baga gayon , Oh kayong mga anak ng Israel ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom , at inutusan ninyo ang mga propeta , na sinasabi , Huwag kayong manganghuhula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , aking huhutukin kayo sa inyong dako , na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang pagtakas ay mapapawi sa matulin ; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan ; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog ; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas ; ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo , Oh mga anak ni Israel , laban sa buong angkan na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa : kaya&apos;t aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Makalalakad baga ang dalawa na magkasama , liban na sila&apos;y magkasundo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Uungal baga ang leon sa gubat , kung wala siyang huli ? sisigaw baga ang batang leon sa kaniyang yungib , kung wala siyang huling anoman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa , ng walang silo sa kaniya ? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa , at walang nahuling anoman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tutunog baga ang pakakak sa bayan , at ang bayan ay hindi manginginig ? sasapit baga ang kasamaan sa bayan , at hindi ginawa ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin , kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang leon ay umungal , sinong di matatakot ? Ang Panginoong Dios ay nagsalita ; sinong hindi manghuhula ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ihayag ninyo sa mga palacio sa Asdod , at sa mga palacio sa lupain ng Egipto , at inyong sabihin , Magpipisan kayo sa mga bundok ng Samaria , at inyong masdan kung anong laking ingay ang nandoon , at kung anong pahirap ang nasa gitna niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t hindi sila marunong magsigawa ng matuwid , sabi ng Panginoon , na nagiimbak ng pangdadahas at pagnanakaw sa kanilang mga palacio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kaaway ay paririto sa palibot ng lupain ; at kaniyang ibabagsak ang lakas mo sa iyo , at ang iyong mga palacio ay sasamsaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ganito ang sabi ng Panginoon : Kung paanong inaagaw ng pastor sa bibig ng leon ang dalawang hita , o ang isang putol ng tainga ; gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na nangauupo sa Samaria sa sulok ng hiligan , at sa mga sedang colchon ng higaang malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dinggin ninyo , at patotohanan ninyo laban sa sangbahayan ni Jacob , sabi ng Panginoong Dios , ng Dios ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t sa araw na aking dadalawin ang mga pagsalangsang ng Israel sa kaniya , aking dadalawin din ang mga dambana ng Beth-el , at ang mga sungay ng dambana ay mahihiwalay , at malalaglag sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aking sisirain ang bahay na pangtagginaw na kasabay ng bahay na pangtaginit ; at ang mga bahay na garing ay mangawawala , at ang mga malaking bahay ay magkakawakas , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ang salitang ito , Oh mga baka ng Basan , na nangasa bundok ng Samaria , na nagsisipighati sa mga dukha , na nagsisigipit sa mga mapagkailangan , na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon , Dalhin ninyo rito , at ating inumin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan , na , narito , ang mga kaarawan ay darating sa inyo , na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit , at ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kayo&apos;y magsisilabas sa mga sira , na bawa&apos;t isa&apos;y tuloytuloy ; at kayo&apos;y mangagpapakatapon sa Harmon , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Magsiparoon kayo sa Beth-el , at magsisalangsang kayo ; sa Gilgal , at paramihin ninyo ang pagsalangsang ; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga , at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kayo&apos;y mangaghandog ng hain ng pasasalamat na may lebadura , at kayo&apos;y mangaghayag ng kusang mga handog at inyong itanyag ; sapagka&apos;t ito&apos;y nakalulugod sa inyo , Oh ninyong mga anak ni Israel , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan , at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako ; gayon ma&apos;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At akin namang pinigil ang ulan sa inyo , nang tatlong buwan na lamang at pagaani na ; at aking pinaulan sa isang bayan , at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan : isang bahagi ay inulanan , at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa gayo&apos;y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig , at hindi nangapawi ang uhaw : gayon ma&apos;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag : ang karamihan ng inyong mga halaman , at ng inyong mga ubasan , at ng inyong mga igusan , at ng inyong mga olibohan ay nilipol ng tipaklong : gayon ma&apos;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Egipto : ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak , at dinala ko ang inyong mga kabayo ; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong ; gayon ma&apos;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Aking ibinuwal ang iba sa inyo , gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra , at kayo&apos;y naging gaya ng dupong na naagaw sa apoy : gayon ma&apos;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ganito ang gagawin ko sa iyo , Oh Israel ; at yamang aking gagawin ito sa iyo , humanda kang salubungin mo ang iyong Dios , Oh Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t , narito , siyang nagaanyo ng mga bundok , at lumilikha ng hangin , at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip ; na nagpapadilim ng umaga , at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa , ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang dalaga ng Israel ay nabuwal ; siya&apos;y hindi na magbabangon pa , siya&apos;y nahagis sa kaniyang lupain ; walang magbangon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ang bayan na lalabas na isang libo , maiiwang isang daan , at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu , sa sangbahayan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel ; Hanapin ninyo ako , at kayo&apos;y mangabubuhay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t huwag ninyong hanapin ang Beth-el , ni magsipasok man sa Gilgal , at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba : sapagka&apos;t walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag , at ang Beth-el ay mauuwi sa wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Inyong hanapin ang Panginoon , at kayo&apos;y mangabubuhay ; baka siya&apos;y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose , at supukin yaon , at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kayong nagpapaging ajenjo sa kahatulan , at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Inyong hanapin ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion , at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga , pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi ; yaong tumatawag sa tubig sa dagat , at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa ( Panginoon ang siya niyang pangalan ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas , na anopa&apos;t ang pagkasira ay dumarating sa katibayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuang-bayan , at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Palibhasa nga&apos;t inyong niyayapakan ang dukha , at inyong hinihingan siya ng trigo : kayo&apos;y nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas , nguni&apos;t hindi ninyo tatahanan ; kayo&apos;y nangagtanim ng mga maligayang ubasan , nguni&apos;t hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang , at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan : kayong nagsisidalamhati sa ganap , na kinukunan ninyo ng suhol , at inyong inililigaw sa kanilang matuwid ang mapagkailangan sa pintuang-bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon ; sapagka&apos;t masamang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magsihanap kayo ng kabutihan , at huwag kasamaan , upang kayo&apos;y mangabuhay ; at sa gayo&apos;y ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo , ay sasa inyo , gaya ng inyong sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Inyong kapootan ang masama , at ibigin ang mabuti , at kayo&apos;y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan : marahil ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo , ng Panginoon : Panaghoy ay sa lahat na daan ; at sila&apos;y mangagsasabi sa lahat na lansangan , Sa aba ! sa aba ! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan , at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy ; sapagka&apos;t ako&apos;y daraan sa gitna mo , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa aba ninyo na nangagnanasa ng kaarawan ng Panginoon ! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon ? kadiliman nga , at hindi kaliwanagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon , at isang oso ang sumasalubong sa kaniya ; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid , at isang ahas ang tumutuka sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon , at hindi kaliwanagan ? na totoong madilim , at walang ningning ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Aking kinapopootan , aking hinahamak ang inyong mga kapistahan , at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Oo , bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina , hindi ko tatanggapin ; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit ; sapagka&apos;t hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig , at ang katuwiran na parang malakas na agos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nagdala baga kayo sa akin ng mga hain , at ng mga handog sa ilang na apat na pung taon , Oh sangbahayan ni Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Oo , inyong pinasan ang tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan , ang bituin ng inyong dios , na inyong ginawa para sa inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t kayo&apos;y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco , sabi ng Panginoon , na ang pangala&apos;y Dios ng mga hukbo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion , at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria , na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa , ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsidaan kayo sa Calne , at inyong tingnan ; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki ; kung magkagayo&apos;y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo : magaling baga sila kay sa mga kahariang ito ? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na nangahihiga sa mga higaang garing , at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan , at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan , at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola ; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin , na gaya ni David ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok , at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango ; nguni&apos;t hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila nga ngayo&apos;y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag , at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili , sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo : Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob , at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio ; kaya&apos;t aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari , kung may matirang sangpung tao sa isang bahay , na pawang mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pagka itataas siya ng amain , sa makatuwid baga&apos;y ng sumusunog sa kaniya , upang ilabas ang mga buto sa bahay , at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay , May kasama ka pa bagang sinoman ? at kaniyang sasabihin : Wala ; kung magkagayo&apos;y kaniyang sasabihin : Tumahimik ka ; sapagka&apos;t hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t narito , naguutos ang Panginoon , at ang malaking bahay ay magkakasira , at ang munting bahay ay magkakabutas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato ? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro ? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan , at ajenjo ang bunga ng katuwiran ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi ; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t , narito , aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa , Oh sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo ; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios : at , narito , siya&apos;y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi ; at , narito , na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangyari , na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain , akin ngang sinabi , Oh Panginoong Dios , isinasamo ko sa iyo , na magpatawad ka : paanong tatayo ang Jacob ? sapagka&apos;t siya&apos;y maliit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Panginoo&apos;y nagsisi tungkol dito , Hindi mangyayari , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios : at , narito , ang Panginoong Dios ay tumawag , upang humatol sa pamamagitan ng apoy ; at sinupok ang malaking kalaliman , at susupukin sana ang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Oh Panginoong Dios , itigil mo , isinasamo ko sa iyo : paanong makatatayo ang Jacob ? sapagka&apos;t siya&apos;y maliit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang Panginoo&apos;y nagsisi tungkol dito : Ito&apos;y hindi rin mangyayari , sabi ng Panginoong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito siya nagpakita sa akin : at , narito , ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga , na may pabatong tingga sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng Panginoon sa akin , Amos , anong iyong nakikita ? At aking sinabi , Isang pabatong tingga . Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon , Narito , ako&apos;y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel ; hindi na ako magdadaan pa sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira , at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak ; at ako&apos;y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel , na nagsasabi , Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel : hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ni Amos , Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak , at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi rin ni Amasias kay Amos , Oh ikaw na tagakita , yumaon ka , at tumakas ka sa lupain ng Juda , at doo&apos;y kumain ka ng tinapay , at manghula ka roon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t huwag ka nang manghula pa sa Beth-el : sapagka&apos;t siyang santuario ng hari , at siyang bahay-hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Amos , at nagsabi kay Amasias , Ako&apos;y hindi propeta , o anak man ng propeta ; kundi ako&apos;y pastor , at manggagawa sa mga puno ng sikomoro :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan , at sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay yumaon , manghula ka sa aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ngayo&apos;y dinggin mo ang salita ng Panginoon , Iyong sinasabi , Huwag kang manghula laban sa Israel , at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan , at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat ; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi , at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin : at , narito , ang isang bakol ng bunga ng taginit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Amos , anong iyong nakikita ? At aking sinabi , Isang bakol ng bunga ng taginit . Nang magkagayo&apos;y sinabi ng Panginoon sa akin , Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel ; hindi na ako daraan pa uli sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon , sabi ng Panginoong Dios : ang mga bangkay ay magiging marami ; sa bawa&apos;t dako ay tahimik silang itatapon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pakinggan ninyo ito , Oh kayong nananakmal ng mapagkailangan , at inyong pinagkukulang ang dukha sa lupain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sinasabi , Kailan daraan ang bagong buwan , upang tayo&apos;y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath , upang ating mailabas ang trigo ? na gawing munti ang efa , at malaki ang siklo , at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang ating mabili ng pilak ang dukha , at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan , at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoon ay sumumpa alangalang sa karilagan ng Jacob , Tunay na hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito , at mananaghoy ang bawa&apos;t tumatahan doon ? oo , sasampang buo na gaya ng Ilog ; at mababagabag at lulubog uli , gaya ng Ilog ng Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoong Dios , na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat , at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan , at taghoy ang lahat ninyong awit ; at ako&apos;y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang , at kakalbuhan sa bawa&apos;t ulo ; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak , at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoong Dios , na ako&apos;y magpapasapit ng kagutom sa lupain , hindi kagutom sa tinapay , o kauhawan man dahil sa tubig , kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y magsisilaboy sa dagat at dagat , at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan ; sila&apos;y magsisitakbo ng paroo&apos;t parito upang hanapin ang salita ng Panginoon , at hindi masusumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria , at nagsasabi , Buhay ang Dios mo , Oh Dan ; at , Buhay ang daan ng Beer-seba ; sila&apos;y mangabubuwal , at kailan may hindi na mangakababangon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Aking nakita ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng dambana : at kaniyang sinabi , Hampasin mo ang mga kapitel , upang ang mga tungtungan ay mauga ; at mangagkaputolputol sa ulo nilang lahat ; at aking papatayin ng tabak ang huli sa kanila : walang makatatakas sinoman sa kanila , at walang makatatanang sinoman sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bagaman sila&apos;y humukay hanggang sa Sheol , mula roo&apos;y kukunin sila ng aking kamay ; at bagaman sila&apos;y sumampa hanggang sa langit , mula roo&apos;y ibababa ko sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At bagaman sila&apos;y magsipagtago sa taluktok ng Carmelo , aking hahanapin at kukunin sila mula roon ; at bagaman sila&apos;y magsikubli sa aking paningin sa gitna ng dagat , mula roo&apos;y uutusan ko ang ahas , at tutukain niyaon sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At bagaman sila&apos;y magsipasok sa pagkabihag sa harap ng kanilang mga kaaway , mula roon ay aking uutusan ang tabak , at papatayin niyaon sila : at aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikasasama , at hindi sa ikabubuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo , ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw , at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis ; at babangong samasama na gaya ng Ilog , at lulubog uli , na gaya ng Ilog ng Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit , at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa ; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa ; Panginoon ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Di baga kayo&apos;y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin , Oh mga anak ni Israel ? sabi ng Panginoon . Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto , at ang mga Filisteo , ay mula sa Caphtor , at ang mga taga Siria ay sa Chir ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Narito , ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian , at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa ; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t , narito , ako&apos;y maguutos , at aking sasalain ang sangbahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa , gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay , gayon ma&apos;y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Lahat na makasalanan sa aking bayan ay mangamamatay sa pamamagitan ng tabak , na nangagsasabi , Ang kasamaan ay hindi aabot sa atin o mauuna man sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal , at tatakpan ko ang mga sira niyaon ; at ibabangon ko ang mga guho niyaon , at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom , at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan , sabi ng Panginoon na gumagawa nito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aabutan ng mangaararo ang mangaani , at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi ; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak , at lahat na burol ay mangatutunaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel , at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan , at tatahanan nila ; at sila&apos;y mangaguubasan , at magsisiinom ng alak niyaon ; magsisigawa rin sila ng mga halamanan , at magsisikain ng bunga ng mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At aking itatatag sila sa kanilang lupain ; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain , na aking ibinigay sa kanila , sabi ng Panginoon mong Dios .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "31">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang pangitain ni Obadias . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom , Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon , at isang sugo ay sinugo sa mga bansa , na nagsasabi , Magsibangon kayo , at tayo&apos;y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , ginawa kitang maliit sa mga bansa : ikaw ay lubhang hinamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso , Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato , na ang tahanan ay matayog ; na nagsasabi sa kaniyang puso , Sinong magbababa sa akin sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila , at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin , aking ibababa ka mula roon , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo , kung mga mangloloob sa gabi ( paano kang nahiwalay ! ) di baga sila sana&apos;y nangagnakaw hanggang sa sila&apos;y nangagkaroon ng sapat ? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo , di baga sila sana&apos;y nangagiwan ng laglag na ubas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau ! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad , hanggang sa hangganan : ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka , at nanaig laban sa iyo ; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo : walang paguunawa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Di ko baga lilipulin sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , ang mga pantas na tao sa Edom , at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang iyong mga makapangyarihang tao , Oh Teman , ay manglulupaypay , palibhasa&apos;y bawa&apos;t isa&apos;y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo , at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako , nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan , at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem , ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan , at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal ; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan ; oo , huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan , o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan ; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na , laban sa lahat ng bansa : kung ano ang iyong gawin , ay siyang gagawin sa iyo ; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kung paanong kayo&apos;y nagsiinom sa aking banal na bundok , gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa , oo , sila&apos;y magsisiinom , at magsisitungga , at magiging wari baga sila&apos;y hindi nangabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan , at magiging banal ; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy , at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab , at ang sangbahayan ni Esau ay dayami , at sila&apos;y kanilang susunugin , at sila&apos;y susupukin ; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau ; sapagka&apos;t sinalita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At silang sa Timugan , ay mangagaari ng bundok ng Esau , at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo ; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim , at ang parang ng Samaria ; at aariin ng Benjamin ang Galaad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan , ay magaari ng hanggang sa Sarefat ; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau ; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "32">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bumangon ka , pumaroon ka sa Ninive , sa malaking bayang yaon , at humiyaw ka laban doon ; sapagka&apos;t ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon ; at siya&apos;y lumusong sa Joppe , at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis : sa gayo&apos;y nagbayad siya ng upa niyaon , at siya&apos;y lumulan , upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat , at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat , na anopa&apos;t ang sasakyan ay halos masira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa&apos;t tao sa kanikaniyang dios ; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila . Nguni&apos;t si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan ; at siya&apos;y nahiga at nakatulog ng mahimbing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan , at sinabi sa kaniya , Ano ang inaakala mo , O matutulugin ? bumangon ka , tumawag ka sa iyong Dios , baka sakaling alalahanin ng Dios tayo , upang huwag tayong mangamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi ng bawa&apos;t isa sa kanila sa kaniyang kasama , Magsiparito kayo at tayo&apos;y mangagsapalaran , upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin . Sa gayo&apos;y nangagsapalaran sila , at ang palad ay nahulog kay Jonas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi nila sa kaniya , Isinasamo namin sa iyo na iyong saysayin sa amin , kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin ; ano ang iyong hanap-buhay ? at saan ka nanggaling ? ano ang iyong lupain ? at taga saang bayan ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinabi sa kanila , Ako&apos;y isang Hebreo ; at ako&apos;y natatakot sa Panginoon , sa Dios ng langit , na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y nangatakot na mainam ang mga tao , at sinabi sa kaniya , Ano itong iyong ginawa ? Sapagka&apos;t talastas ng mga tao na siya&apos;y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon , sapagka&apos;t isinaysay niya sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sinabi nila sa kaniya , Anong gagawin namin sa iyo , upang ang dagat ay tumahimik sa atin ? sapagka&apos;t ang dagat ay lalo&apos;t lalong umuunos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi niya sa kanila , Ako&apos;y inyong buhatin , at ihagis ninyo ako sa dagat ; sa gayo&apos;y ang dagat ay tatahimik sa inyo : sapagka&apos;t talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa ; nguni&apos;t hindi nila magawa ; sapagka&apos;t ang dagat ay lalo&apos;t lalong umuunos laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t sila&apos;y nagsidaing sa Panginoon , at nangagsabi , Ipinamamanhik namin sa iyo , Oh Panginoon , ipinamamanhik namin sa iyo , huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito , at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo ; sapagka&apos;t ikaw , Oh Panginoon , iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa gayo&apos;y kanilang binuhat si Jonas , at inihagis sa dagat ; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon ; at sila&apos;y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon , at nagsipanata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas ; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kaniyang sinabi , Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati , At siya&apos;y sumagot sa akin ; Mula sa tiyan ng Sheol ako&apos;y sumigaw , At iyong dininig ang aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t inihagis mo ako sa kalaliman , sa gitna ng dagat , At ang tubig ay nasa palibot ko ; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking sinabi , Ako&apos;y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata ; Gayon ma&apos;y titingin ako uli sa iyong banal na templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa ; Ang kalaliman ay nasa palibot ko ; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok ; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man : Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay , Oh Panginoon kong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko ; naaalaala ko ang Panginoon ; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ako&apos;y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat ; Aking tutuparin yaong aking ipinanata . Kaligtasa&apos;y sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Panginoon ay nagsalita sa isda , at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bumangon ka , pumaroon ka sa Ninive , sa malaking bayang yaon , at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gayo&apos;y bumangon si Jonas , at naparoon sa Ninive , ayon sa salita ng Panginoon . Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan , na tatlong araw na lakarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala , at siya&apos;y sumigaw , at nagsasabi , Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios ; at sila&apos;y nangaghayag ng ayuno , at nangagsuot ng kayong magaspang , mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive , at siya&apos;y tumindig sa kaniyang luklukan , at hinubad niya ang kaniyang balabal , at nagbalot siya ng kayong magaspang , at naupo sa mga abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao , na sinasabi , Huwag lumasa maging tao ni hayop man , bakahan ni kawan man , ng anomang bagay : huwag silang magsikain , ni magsiinom man ng tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang , ang tao at gayon din ang hayop , at magsidaing silang mainam sa Dios : oo , talikdan ng bawa&apos;t isa ang kaniyang masamang lakad , at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi , at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit , upang tayo&apos;y huwag mangamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa , na sila&apos;y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad ; at nagsisi ang Dios sa kasamaan , na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila ; at hindi niya ginawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t naghinanakit na mainam si Jonas , at siya&apos;y nagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nanalangin sa Panginoon , at nagsabi , Ako&apos;y nakikipanayam sa iyo , Oh Panginoon , di baga ito ang aking sinabi , nang ako&apos;y nasa aking lupain pa ? Kaya&apos;t ako&apos;y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis ; sapagka&apos;t talastas ko na ikaw ay Dios na mapagbiyaya , at puspos ng kahabagan , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kagandahang-loob , at nagsisisi ka sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya nga , Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , na kitlin mo ang aking buhay ; sapagka&apos;t mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng Panginoon , Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y lumabas si Jonas sa bayan , at naupo sa dakong silanganan ng bayan , at doo&apos;y gumawa siya ng isang balag , at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim , hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon , at pinataas sa itaas ni Jonas , upang maging lilim sa kaniyang ulo , upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan . Sa gayo&apos;y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon , na anopa&apos;t natuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , nang sumikat ang araw , na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan ; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas , na anopa&apos;t siya&apos;y nanglupaypay , at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya&apos;y mamatay , at nagsasabi , Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Dios kay Jonas , Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon ? At kaniyang sinabi , Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ng Panginoon , Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man ; na sumampa sa isang gabi , at nawala sa isang gabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive , sa malaking bayang yaon , na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay ; at marami ring hayop ?</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "33">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita , nang mga kaarawan ni Jotham , ni Achaz , at ni Ezechias , na mga hari sa Juda , na nakakita ng tungkol sa Samaria at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin ninyong mga bayan , ninyong lahat ; dinggin mo , Oh lupa , at ng lahat na nasa iyo : at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo , ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t , narito , ang Panginoo&apos;y lumalabas sa kaniyang dako , at bababa , at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya , at ang mga libis ay mauupos , na parang pagkit sa harap ng apoy , parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito , at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel , Ano ang pagsalangsang ng Jacob ? hindi baga ang Samaria ? at ano ang mga mataas na dako ng Juda ? di baga ang Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang , at parang mga pananim sa ubasan ; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis , at aking ililitaw ang mga patibayan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin , at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy , at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira ; sapagka&apos;t sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan , at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil dito tataghoy ako , at mananambitan ; ako&apos;y yayaong hinubdan at hubad ; ako&apos;y uungal na parang chakal , at mananangis na gaya ng mga avestruz .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan ; sapagka&apos;t dumarating hanggang sa Juda ; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa , hanggang sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag ninyong saysayin sa Gath huwag kayong pakaiyak : sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magdaan ka , Oh nananahan sa Saphir , sa kahubaran at kahihiyan : ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas ; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti , sapagka&apos;t ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo , Oh nananahan sa Lachis : siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion : sapagka&apos;t ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa Moresethgath : ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Dadalhin ko pa sa iyo , Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo : ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Magpakakalbo ka , at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan : palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangapasa pagkabihag mula sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba nila na humahaka ng kasamaan , at nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan ! pagliliwanag sa umaga , ay kanilang isinasagawa , sapagka&apos;t nasa kapangyarihan ng kanilang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y nangagiimbot ng mga bukid , at kanilang inaangkin ; at ng mga bahay , at inaalis : at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan , ang tao , at ang kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , laban sa angkang ito ay humahaka ako ng isang kasamaan na doo&apos;y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg , ni makalalakad man ng kahambugan ; sapagka&apos;t isang masamang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa araw na yaon ay magsisisambit sila ng talinhaga laban sa inyo , at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy , at mangagsasabi , Kami ay lubos na nasira : kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan ; ano&apos;t inilalayo niya sa akin ! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag kayong manganghuhula , ganito sila nanganghuhula . Hindi sila manganghuhula sa mga ito : ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob , Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit ? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa ? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway : inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay ; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y magsibangon , at magsiyaon ; sapagka&apos;t hindi ito ang inyong kapahingahan ; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga&apos;y sa mahigpit na paggiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling , na nagsasabi , Ako&apos;y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin ; siya nga&apos;y magiging propeta sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Walang pagsalang aking pipisanin , Oh Jacob , ang lahat ng iyo ; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel : akin silang ilalagay na magkakasama na parang mga tupa sa Bosra , na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila ; sila&apos;y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan : sila&apos;y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan , at nagsilabas doon ; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila , at ang Panginoon sa unahan nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At aking sinabi , Isinasamo ko sa inyo , na inyong dinggin , ninyong mga pangulo ng Jacob , at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel : hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan ; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila , at ng kanilang laman sa kanilang mga buto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan , at lumalapnos ng kanilang balat , at bumabali ng kanilang mga buto , at kanilang pinagputolputol yaon , na wari&apos;y para sa palyok , at parang laman sa loob ng caldera .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung magkagayo&apos;y magsisidaing sila sa Panginoon , nguni&apos;t hindi niya sasagutin sila ; oo , kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon , ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan ; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw , Kapayapaan ; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig , ay pinaghahandaan siya nila ng digma :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t magiging gabi sa inyo , na hindi kayo magkakaroon ng pangitain ; at magkakaroon ng kadiliman , na hindi kayo makapanghuhula ; at ang araw ay lulubog sa mga propeta , at ang araw ay mangungulimlim sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga tagakita ay mangapapahiya , at ang mga manghuhula ay mangatutulig ; oo , silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi ; sapagka&apos;t walang kasagutan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sa ganang akin , ako&apos;y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon , at ng kahatulan , at ng kapangyarihan , upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang , at sa Israel ang kaniyang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dinggin ninyo ito , isinasamo ko sa inyo , ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob , at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel , na nangapopoot sa kahatulan , at nangagbabaluktot ng matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo , at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga pangulo niya&apos;y nagsisihatol dahil sa suhol , at ang mga saserdote , niya&apos;y nangagtuturo dahil sa upa , at ang mga propeta niya&apos;y nanganghuhula dahil sa salapi : gayon ma&apos;y sila&apos;y sasandal sa Panginoon , at mangagsasabi , Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin ? walang kasamaang darating sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo , at ang Jerusalem ay magiging mga bunton , at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t sa mga huling araw ay mangyayari , na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok , at matataas sa mga burol ; at mga tao&apos;y paroroon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At maraming bansa&apos;y magsisiparoo&apos;t mangagsasabi , Magsiparito kayo , at tayo&apos;y magsiahon sa bundok ng Panginoon , at sa bahay ng Dios ni Jacob ; at siya&apos;y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan , at tayo&apos;y magsisilakad sa kaniyang mga landas . Sapagka&apos;t sa Sion ay lalabas ang kautusan , at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y hahatol sa gitna ng maraming bayan , at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo : at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud , at ang kanilang mga sibat upang maging karit ; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa , ni magaaral pa man ng pakikipagdigma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kundi sila&apos;y uupo bawa&apos;t isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos ; at walang tatakot sa kanila : sapagka&apos;t sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa&apos;t isa sa pangalan ng kanikaniyang dios : at tayo&apos;y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , aking pipisanin siya na napipilay , at aking titipunin siya na natapon , at siya na aking pinagdalamhati ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking gagawin ang pilay na isang nalabi , at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa : at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ikaw , oh moog ng kawan , na burol ng anak na babae ng Sion , ito sa iyo&apos;y darating , oo , ang dating kapangyarihan ay darating , ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ngayo&apos;y bakit ka sumisigaw ng malakas ? Wala ka bagang hari , ang iyo bagang kasangguni ay namatay , upang ang mga paghihirap ay suma iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Magdamdam ka , at magtiis ka ng hirap , Oh anak na babae ng Sion , na gaya ng babae sa pagdaramdam : sapagka&apos;t ngayo&apos;y lalabas ka sa bayan , at ikaw ay tatahan sa parang , at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia : doon ka maliligtas ; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ngayo&apos;y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo , na nangagsasabi , Madumhan siya , at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon , ni nauunawa man nila ang kaniyang payo ; sapagka&apos;t kaniyang pinisan sila na parang mga bigkis sa giikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay bumangon , at gumiik , Oh anak na babae ng Sion ; sapagka&apos;t aking gagawing bakal ang iyong sungay , at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko ; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan : at iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon , at ang kanilang pag-aari ay sa Panginoon ng buong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo , Oh anak na babae ng mga hukbo : siya&apos;y nangubkob laban sa atin ; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t ikaw , Beth-lehem Ephrata , na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda , mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel ; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una , mula nang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak : kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y titindig , at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon , sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios : at sila&apos;y mananatili ; sapagka&apos;t ngayon siya&apos;y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin . Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain , at pagka siya&apos;y tutungtong sa ating mga palacio , tayo nga&apos;y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor , at walong pinakapangulong tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria , at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon : at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria , pagka siya&apos;y pumasok sa ating lupain , at pagka siya&apos;y tumungtong sa loob ng ating hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan , parang ulan sa damo , na hindi naghihintay sa tao , ni naghihintay man sa mga anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa , sa gitna ng maraming bayan , na parang leon sa mga hayop sa gubat , na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa ; na kung siya&apos;y dumaraan ay yumayapak at lumalapa , at walang magligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway , at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo , at aking gigibain ang iyong mga karo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain , at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay ; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo ; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aking bubunutin ang iyong mga Asera mula sa gitna mo ; at aking sisirain ang iyong mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ako&apos;y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon : Bumangon ka , makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok , at dinggin ng mga burol ang iyong tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dinggin ninyo , Oh ninyong mga bundok , ang usap ng Panginoon , at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa ; sapagka&apos;t ang Panginoon ay may usap sa kaniyang bayan , at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oh bayan ko , anong ginawa ko sa iyo ? at sa ano kita pinagod ? sumaksi ka laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Egipto , at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin ; at aking sinugo sa unahan mo si Moises , si Aaron , at si Miriam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oh bayan ko , alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab , at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor ; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal , upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon , at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios ? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin , na may guyang isang taon ang gulang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa , o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis ? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang , ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaniyang ipinakilala sa iyo , Oh tao , kung ano ang mabuti ; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo , kundi gumawa na may kaganapan , at ibigin ang kaawaan , at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan , at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan : dinggin ninyo ang tungkod , at ang naghalal niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama , at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magiging malinis baga ako na may masamang timbangan , at sa marayang supot na panimbang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas , at ang mga mananahan doo&apos;y nangagsalita ng mga kabulaanan , at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t sinugatan din naman kita ng mabigat na sugat ; ginawa kitang kasiraan dahil sa iyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ikaw ay kakain , nguni&apos;t hindi ka mabubusog ; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo : at ikaw ay magtatabi , nguni&apos;t wala kang dadalhing maitatabi ; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw ay maghahasik , nguni&apos;t hindi ka magaani : ikaw ay magpipisa ng mga olibo , nguni&apos;t hindi ka magpapahid ng langis ; at ng ubas , nguni&apos;t hindi ka iinom ng alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t naiingatan ang mga palatuntunan ni Omri , at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni Achab , at kayo&apos;y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo ; upang gawin kitang kasiraan , at ang mga mananahan niya&apos;y kasutsutan : at inyong dadalhin ang kakutyaan ng aking bayan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba ko ! sapagka&apos;t ako&apos;y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit , gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan : walang kumpol na makain ; ako&apos;y nananabik sa unang bunga ng igos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mabuting tao ay namatay sa lupa , at wala nang matuwid sa mga tao : silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo ; hinuhuli ng bawa&apos;t isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa ; ang prinsipe ay humihingi , at ang hukom ay maagap sa suhol ; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa : ganito nila nilalala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag ; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan : ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay , sa makatuwid baga&apos;y ang araw ng pagdalaw sa iyo , ay dumating ; ngayo&apos;y mangatitigilan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay ; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan ; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama , ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina , ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae ; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t sa ganang akin , ako&apos;y titingin sa Panginoon ; ako&apos;y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan : didinggin ako ng aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag kang magalak laban sa akin , Oh aking kaaway : pagka ako&apos;y nabuwal , ako&apos;y babangon ; pagka ako&apos;y naupo sa kadiliman , ang Panginoo&apos;y magiging ilaw sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon , sapagka&apos;t ako&apos;y nagkasala laban sa kaniya , hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap , at lapatan ako ng kahatulan : kaniyang ilalabas ako sa liwanag , at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung magkagayo&apos;y makikita ng aking kaaway , at kahihiyan ang tatakip sa kaniya , na nagsabi sa akin , Saan nandoon ang Panginoon mong Dios ? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya ; siya nga&apos;y yayapakan na parang putik sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaarawan ng pagtatayo ng iyong mga kuta ! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto , at mula sa Egipto hanggang sa ilog , at mula sa dagat at dagat , at sa bundok at bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon , dahil sa bunga ng kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod , ang kawan na iyong mana , na tumatahang magisa , sa gubat sa gitna ng Carmelo : pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad , gaya ng mga araw nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan sila ng mga kagilagilalas na bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Makikita ng mga bansa , at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan ; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig , ang kanilang mga pakinig ay mabibingi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sila&apos;y magsisihimod sa alabok na parang ahas ; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila&apos;y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan ; sila&apos;y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios , at mangatatakot dahil sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sino ang Dios na gaya mo , na nagpapatawad ng kasamaan , at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana ? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man , sapagka&apos;t siya&apos;y nalulugod sa kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Siya&apos;y muling magtataglay ng habag sa atin ; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan : at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob , at ang kagandahang-loob kay Abraham , na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "34">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula tungkol sa Ninive . Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti ; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan ; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway , at siya&apos;y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit , at dakila sa kapangyarihan , at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin : ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo , at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaniyang sinasaway ang dagat , at tinutuyo , at tinutuyo ang lahat na ilog : ang Basan ay nanlalata , at ang Carmelo ; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya , at ang mga burol ay nangatutunaw ; at ang lupa&apos;y lumilindol sa kaniyang harapan , oo , ang sanglibutan , at ang lahat na nagsisitahan dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit ? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit ? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy , at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang Panginoo&apos;y mabuti , katibayan sa kaarawan ng kabagabagan ; at nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako , at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon ? siya&apos;y gagawa ng lubos na kawakasan ; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t yamang sila&apos;y maging gaya ng mga salasalabat na tinik , at maging napakalasing na parang manglalasing , sila&apos;y lubos na masusupok na parang tuyong dayami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">May lumabas na isa sa iyo , na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon , na pumapayo ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ganito ang sabi ng Panginoon : Bagaman sila&apos;y nangasa lubos na kalakasan , at totoong marami , gayon may sila&apos;y nangalulugmok , at daraan siya . Bagaman pinagdalamhati kita , hindi na kita pagdadalamhatiin pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ngayo&apos;y aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo , at aking sisirain ang iyong mga paningkaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo , na hindi na matatatag ang iyong pangalan : sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo ; aking gagawin ang iyong libingan ; sapagka&apos;t ikaw ay hamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Narito , nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita , na nangaghahayag ng kapayapaan ! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan , Oh Juda , tuparin mo ang iyong mga panata ; sapagka&apos;t ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo ; siya&apos;y lubos na nahiwalay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo : ingatan mo ang katibayan , bantayan mo ang daan , palakasin mo ang iyong mga balakang , patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel : sapagka&apos;t ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila , at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula , ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula : ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda , at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan ; nangagkakabanggang isa&apos;t isa sa mga daan : ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo ; nagsisitakbong parang mga kidlat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani : sila&apos;y nangatitisod sa kanilang paglakad ; sila&apos;y nangagmamadali sa kuta niyaon , at ang panakip ay handa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas , at ang palacio ay nalansag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Huzab ay nahubdan ; siya&apos;y dinala ; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati , na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig : gayon ma&apos;y nagsisitakas . Tigil kayo , tigil kayo , isinisigaw nila ; nguni&apos;t walang lumilingon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kunin ninyo ang samsam na pilak , kunin ninyo ang samsam na ginto ; sapagka&apos;t walang katapusang kayamanan , na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y tuyo , at walang laman , at wasak ; at ang puso ay natutunaw , at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan , at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang , at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Saan nandoon ang yungib ng mga leon , at ang dakong sabsaban ng mga batang leon , na nililibutan ng leon at ng babaeng leon , ng batang leon , at walang tumatakot sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak , at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon , at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba , at ng tangay ang kaniyang mga yungib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , ako&apos;y laban sa iyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok , at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon ; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa , at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba ng mabagsik na bayan ! siya&apos;y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw ; ang panghuhuli ay hindi tumitigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang higing ng panghagupit , at ang hugong ng pihit ng mga gulong , at ng mga madambang kabayo , at ng lukso ng mga karo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang sakay ng mga mangangabayo , at ang kinang ng tabak ; at ang kislap ng sibat , at isang karamihan na patay , ay malaking bunton ng mga bangkay , at walang katapusang mga bangkay ; sila&apos;y nangatitisod sa kanilang mga bangkay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot , na panguna ng pangeenkanto , na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot , at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , ako&apos;y laban sa iyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo ; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran , at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan , at gagawin kitang hamak , at ilalagay kitang pinakakutya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At mangyayari , na ang lahat na mangakakakita sa iyo , ay iilag sa iyo , at mangagsasabi , Ang Ninive ay nahahandusay na sira : sinong mananaghoy sa kaniya ? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ikaw baga&apos;y mabuti pa sa Noamon , na natatayo sa gitna ng mga ilog , na may tubig sa palibot niya ; na ang katibaya&apos;y ang dagat , at ang kaniyang kuta ay nasa dagat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan , at walang hanggan ; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon ma&apos;y siya&apos;y nadala , siya&apos;y pumasok sa pagkabihag ; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan ; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao , at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ikaw naman ay malalango ; ikaw ay matatago ; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos , na may unang hinog na mga igos : kung mga ugugin , nangalalaglag sa bibig ng kumakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae ; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway : nilamon ng apoy ang iyong mga halang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob ; tibayan mo ang iyong mga katibayan ; pumasok ka sa putikan , at yapakan mo ang argamasa , tibayan mo ang hurno ng ladrillo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Doon ka sasakmalin ng apoy ; ihihiwalay ka ng tabak ; sasakmalin kang parang uod : magpakarami kang gaya ng uod : magpakarami kang gaya ng balang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit : ang uod ay sumasamsam , at lumilipad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang , at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton , na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig , nguni&apos;t pagka ang araw ay sumikat sila&apos;y nagsisilipad , at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang iyong mga pastor ay nangatutulog , Oh hari sa Asiria ; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga ; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok , at walang magpisan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Walang kagamutan sa iyong sakit : ang iyong sugat ay malubha : lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo ; sapagka&apos;t sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan ?</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "35">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh Panginoon , hanggang kailan dadaing ako , at hindi mo didinggin ? Ako&apos;y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas , at hindi ka magliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan , at iyong pinamamasdan ang kasamaan ? sapagka&apos;t ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko ; at may pakikipagalit , at pagtatalong bumabangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kaya&apos;t ang kautusan ay natitigil , at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man ; sapagka&apos;t kinukulong ng masama ang matuwid ; kaya&apos;t ang kahatulan ay lumalabas na liko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa , at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas ; sapagka&apos;t ako&apos;y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t narito , aking itinitindig ang mga Caldeo , yaong makapangingilabot at marahas na bansa , na lumalakad sa kaluwangan ng lupa , upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sila&apos;y kakilakilabot at nangakatatakot ; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo , at mababangis kay sa lobo sa gabi ; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan : oo , ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo ; sila&apos;y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sila&apos;y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas ; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan ; at sila&apos;y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oo , siya&apos;y nanunuya sa mga hari , at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya ; kaniyang kinukutya ang bawa&apos;t katibayan ; sapagka&apos;t nagbubunton siya ng alabok , at sinasakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung magkagayo&apos;y lalampas siya na parang hangin , at magdaraan , at magiging salarin , sa makatuwid baga&apos;y siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan , Oh Panginoon kong Dios , aking Banal ? kami ay hindi mangamamatay . Oh Panginoon , iyong itinakda siya ukol sa kahatulan ; at ikaw , Oh Malaking Bato , ay iyong itinatag siya na pinakasaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan , at hindi ka makatitingin sa kasamaan , bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo , at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat , parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaniyang binubuhat ng bingwit silang lahat , kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala , at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat : kaya&apos;t siya&apos;y nagagalak at siya&apos;y masaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t siya&apos;y naghahain sa kaniyang lambat , at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat ; sapagka&apos;t sa pamamagitan ng mga yao&apos;y ang kaniyang bahagi ay mataba , at ang kaniyang pagkain ay sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat , at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako&apos;y tatayo sa aking bantayan , at lalagay ako sa moog , at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin , at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang Panginoon ay sumagot sa akin , at nagsabi , Isulat mo ang pangitain , at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang pangitain ay sa panahong takda pa , at nagmamadali sa pagkatapos , at hindi magbubulaan : bagaman nagluluwat ay hintayin mo ; sapagka&apos;t walang pagsalang darating , hindi magtatagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo , hindi tapat sa kaniya ; nguni&apos;t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , bukod dito&apos;y ang alak ay magdaraya , isang taong hambog , at hindi natitira sa bahay ; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol , at siya&apos;y parang kamatayan , at hindi masisiyahan , kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa , at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi baga ang lahat ng ito ay magbabadya ng talinhaga laban sa kaniya , at ng nakagagalit na kawikaan laban sa kaniya , at mangagsasabi , Sa aba niya na nagpaparami ng di kaniya ! hanggang kailan ? at nagpapasan siya sa kaniyang sarili ng mga sangla !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi baga sila mangagtitindig , na bigla na kakagat sa iyo , at magsisigising na babagabag sa iyo , at ikaw ay magiging samsam sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil sa iyong sinamsaman ang maraming bansa , lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo , dahil sa dugo ng mga tao , at dahil sa karahasang ginawa sa lupain , sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa aba niya na nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan , upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas , upang siya&apos;y maligtas sa kamay ng kasamaan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan , sa paghihiwalay ng maraming tao , at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang bato ay dadaing mula sa pader , at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa aba niya na nagtatayo ng bayan sa pamamagitan ng dugo , at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Narito , hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy , at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon , gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa , na idinadagdag mo ang iyong kamandag , at nilalasing mo rin naman siya , upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ikaw ay puno ng kahihiyan , at hindi ng kaluwalhatian : uminom ka naman , at maging gaya ng isang hindi tuli ; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo , at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang pangdadahas na ginawa sa Libano ay tatakip sa iyo , at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila ; dahil sa dugo ng mga tao , at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain , sa bayan , at sa lahat na nagsisitahan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao&apos;y inanyuan ng manggagawa niyaon ; ng binubong larawan , na tagapagturo ng mga kasinungalingan , na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya , na gumawa ng mga piping diosdiosan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy , Gumising ka ; sa piping bato , Bumangon ka ! Magtuturo baga ito ? Narito , nababalot ng ginto at pilak , at walang hinga sa loob niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t ang Panginoo&apos;y nasa kaniyang banal na templo : tumahimik ang buong lupa sa harap niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Panalangin ni Habacuc na propeta , itinugma sa Sigionoth .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oh Panginoon , aking narinig ang kagitingan mo , at ako&apos;y natatakot : Oh Panginoon , buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon ; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid ; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema , At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran . ( Selah ) Ang kaniyang kaluwalhatia&apos;y tumakip sa langit . At ang lupa&apos;y napuno ng kaniyang kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaniyang ningning ay parang liwanag ; Siya&apos;y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay ; At doo&apos;y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa unahan niya&apos;y nagpapauna ang salot , At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y tumayo , at sinukat ang lupa ; Siya&apos;y tumingin , at pinaghiwalay ang mga bansa ; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat ; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod ; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati ; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog ? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog , O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat , Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo , Sa iyong mga karo ng kaligasan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang iyong busog ay nahubarang lubos ; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita . ( Selah ) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo , at nangatakot ; Ang unos ng tubig ay dumaan : Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig , At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan , Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila&apos;y nagsisiyaon , Sa kislap ng iyong makinang na sibat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit ; Iyong giniik ang mga bansa sa galit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan , Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis ; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama , Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg . ( Selah )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma : Sila&apos;y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako ; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo . Sa bunton ng makapangyarihang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Aking narinig , at ang aking katawan ay nanginginig , Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig ; kabuluka&apos;y pumapasok sa aking mga buto , at ako&apos;y nanginginig sa aking dako ; Sapagka&apos;t ako&apos;y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan , Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t bagama&apos;t ang puno ng igos ay hindi namumulaklak , Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas ; Ang bunga ng olibo ay maglilikat . At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain ; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan , At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Gayon ma&apos;y magagalak ako sa Panginoon , Ako&apos;y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Si Jehova , na Panginoon , siyang aking lakas ; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa . At ako&apos;y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako . Sa Pangulong Manunugtog , sa aking mga panugtog na kawad .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "36">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi , na anak ni Gedalias , na anak ni Amarias , na anak ni Ezechias , nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon , na hari sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Aking lilipulin ang tao at ang hayop ; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga isda sa dagat , at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama ; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking iuunat ang aking kamay sa Juda , at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito , at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay ; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon ; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon , ni sumangguni man sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios ; sapagka&apos;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na : sapagka&apos;t inihanda ng Panginoon ang isang hain , kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon , na aking parurusahan ang mga prinsipe , at ang mga anak ng hari , at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat na nagsisilukso sa pasukan , na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda , at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi , at malaking hugong na mula sa mga burol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Manambitan kayo , kayong mga nananahan sa Mactes ; sapagka&apos;t ang buong bayan ng Canaan ay nalansag ; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mangyayari sa panahong yaon , na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan ; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak , na nangagsasabi sa kanilang puso , Ang Panginoo&apos;y hindi gagawa ng mabuti , ni gagawa man siya ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam , at ang kanilang mga bahay ay kasiraan : oo , sila&apos;y mangagtatayo ng mga bahay , nguni&apos;t hindi nila titirahan ; at sila&apos;y mag-uubasan , nguni&apos;t hindi sila magsisiinom ng alak niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na , malapit na at nagmamadaling mainam , sa makatuwid baga&apos;y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon ; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan , kaarawan ng kabagabagan at kahapisan , kaarawan ng kawakasan at kasiraan , kaarawan ng kadiliman at kalumbayan , kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan , laban sa mga bayang nakukutaan , at laban sa mataas na kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao , na sila&apos;y magsisilakad na parang mga bulag , sapagka&apos;t sila&apos;y nangagkasala laban sa Panginoon ; at ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok , at ang kanilang katawan ay parang dumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon ; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho : sapagka&apos;t wawakasan niya , oo , isang kakilakilabot na wakas , nilang lahat na nagsisitahan sa lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo&apos;y magpipisan , oo , magpipisan , Oh bansang walang kahihiyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bago ang pasiya&apos;y lumabas , bago dumaang parang dayami ang kaarawan , bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon , bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hanapin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na maamo sa lupa , na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan ; hanapin ninyo ang katuwiran , hanapin ninyo ang kaamuan : kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang Gaza ay pababayaan , at ang Ascalon ay sa kasiraan ; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat , at ang Ecron ay mabubunot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat , bansa ng mga Chereteo ! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo , Oh Canaan , na lupain ng mga Filisteo ; aking gigibain ka , upang mawalan ng mga mananahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan , na may mga dampa para sa mga pastor , at mga kulungan para sa mga kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda ; sila&apos;y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon ; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi ; sapagka&apos;t dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios , at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking narinig ang panunungayaw ng Moab , at ang pagapi ng mga anak ni Ammon , na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan , at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Buhay nga ako , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma , at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra , pag-aari na mga dawag , at lubak na asin , at isang pagkasira sa tanang panahon : sila&apos;y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan , at sila&apos;y mamanahin ng nalabi sa aking bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo , sapagka&apos;t sila&apos;y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Panginoo&apos;y magiging kakilakilabot sa kanila ; sapagka&apos;t kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa ; at sasambahin siya ng mga tao ; ng bawa&apos;t isa mula sa kanikaniyang dako , ng lahat na pulo ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kayong mga taga Etiopia naman , kayo&apos;y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan , at gigibain ang Asiria , at ang Nineve ay sisirain , at tutuyuing gaya ng ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At mga bakaha&apos;y hihiga sa gitna niyaon , lahat ng hayop ng mga bansa : ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon ; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan ; kasiraa&apos;y sasapit sa mga pasukan ; sapagka&apos;t kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala , na nagsasabi sa sarili , Ako nga , at walang iba liban sa akin : ano&apos;t siya&apos;y naging sira , naging dakong higaan para sa mga hayop ! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot , at ikukumpas ang kaniyang kamay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan ! ng mapagpighating kamay !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y hindi sumunod sa tinig ; siya&apos;y hindi napasaway ; siya&apos;y hindi tumiwala sa Panginoon ; siya&apos;y hindi lumapit sa kaniyang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal ; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi ; sila&apos;y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil ; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario , sila&apos;y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid ; siya&apos;y hindi gagawa ng kasamaan ; tuwing umaga&apos;y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan , siya&apos;y hindi nagkukulang ; nguni&apos;t ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y naghiwalay ng mga bansa ; ang kanilang mga kuta ay sira ; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan , na anopa&apos;t walang makaraan ; ang kanilang mga bayan ay giba , na anopa&apos;t walang tao , na anopa&apos;t walang tumatahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Aking sinabi , Matakot ka lamang sa akin ; tumanggap ng pagsaway ; sa gayo&apos;y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay , ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya : nguni&apos;t sila&apos;y bumangong maaga , at kanilang sinira ang lahat nilang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t hintayin ninyo ako , sabi ng Panginoon , hanggang sa kaarawan na ako&apos;y bumangon sa panghuhuli ; sapagka&apos;t ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa , upang aking mapisan ang mga kaharian , upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan , sa makatuwid baga&apos;y ang aking buong mabangis na galit ; sapagka&apos;t ang buong lupa ay sasakmalin , ng silakbo ng aking paninibugho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika , upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon ; na paglingkuran siya na may pagkakaisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia , ang mga nagsisipamanhik sa akin , sa makatuwid baga&apos;y ang anak na babae ng aking pinapangalat , ay magdadala ng handog sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa araw na yao&apos;y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa , na iyong isinalangsang laban sa akin ; sapagka&apos;t kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya , at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan , at sila&apos;y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan , ni magsasalita man ng mga kabulaanan ; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig ; sapagka&apos;t sila&apos;y magsisikain at magsisihiga , at walang takot sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Umawit ka , Oh anak na babae ng Sion ; humiyaw ka ; Oh Israel ; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso , Oh anak na babae ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo , kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway : ang hari sa Israel , sa makatuwid baga&apos;y ang Panginoon , ay nasa gitna mo ; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem ; Huwag kang matakot ; Oh Sion , huwag manghina ang iyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo , na makapangyarihan na magliligtas ; siya&apos;y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan ; siya&apos;y magpapahinga sa kaniyang pagibig ; siya&apos;y magagalak sa iyo na may pagawit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan , na sila&apos;y mga naging iyo ; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , sa panahong yao&apos;y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo : at aking ililigtas ang napipilay , at aking pipisanin ang pinalayas ; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan , na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa panahong yao&apos;y aking ipapasok kayo , at sa panahong yao&apos;y aking pipisanin kayo ; sapagka&apos;t aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa , pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "37">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalawang taon ni Dario na hari , nang ikaanim na buwan , nang unang araw ng buwan , dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel , na gobernador sa Juda , at kay Josue na anak ni Josadac na dakilang saserdote , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo , na sinasabi , ang bayang ito&apos;y nagsasabi , Hindi pa dumarating ang panahon , ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay , samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ngayon nga&apos;y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Gunitain ninyo ang inyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kayo&apos;y nangaghasik ng marami , at nagsisiani ng kaunti ; kayo&apos;y nagsisikain , nguni&apos;t hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan ; kayo&apos;y nagsisiinom , nguni&apos;t hindi kayo nangapapatirang-uhaw ; kayo&apos;y nangananamit , nguni&apos;t walang mainit ; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Gunitain ninyo ang inyong mga lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magsiahon kayo sa bundok , at mangagdala ng kahoy , at mangagtayo kayo ng bahay ; at aking kalulugdan , at ako&apos;y luluwalhati , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y nangaghintay ng marami , at , narito , ang dumating ay kaunti ; at nang inyong dalhin sa bahay , aking hinipan . Bakit ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak , samantalang tumatakbo bawa&apos;t isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t dahil sa inyo , pinipigil ng langit ang hamog , at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ako&apos;y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa , at sa mga bundok , at sa trigo , at sa alak , at sa langis , at sa sumisibol sa lupa , at sa mga tao , at sa baka , at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y si Zorobabel na anak ni Sealtiel , at si Josue na anak ni Josadac , na pangulong saserdote , sangpu ng buong nalabi sa bayan , nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios , at sa mga salita ni Hagai na propeta , na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios ; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Hagai , na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan , na nagsasabi , Ako&apos;y sumasainyo , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel , na gobernador sa Juda , at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote , at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan ; at sila&apos;y nagsiparoon , at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo , na kanilang Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang ikadalawang pu&apos;t apat na araw ng buwan , nang buwang ikaanim , nang ikalawang taon ni Dario na hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu&apos;t isang araw ng buwan , dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Salitain mo ngayon kay Zorobabel na anak ni Sealtiel , na gobernador sa Juda , at kay Josue na anak ni Josadac , na pangulong saserdote , at sa nalabi sa bayan , na sabihin mo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian ? at paanong nakikita ninyo ngayon ? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y magpakalakas ka ngayon , Oh Zorobabel , sabi ng Panginoon ; at magpakalakas ka , Oh Josue , na anak ni Josadac , na pangulong saserdote ; at mangagpakalakas kayo , kayong buong bayan sa lupain , sabi ng Panginoon , at kayo&apos;y magsigawa : sapagka&apos;t ako&apos;y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ayon sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo&apos;y magsilabas sa Egipto , at ang aking Espiritu ay nanahan sa inyo : huwag kayong mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Minsan na lamang , sangdaling panahon , at aking uugain ang langit , at ang lupa , at ang dagat , at ang tuyong lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking uugain ang lahat na bansa ; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa ; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang pilak ay akin , at ang ginto ay akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang ikadalawang pu&apos;t apat nang ikasiyam na buwan , nang ikalawang taon ni Dario , dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan , na mangagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal na karne , at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay , o ulam , o alak , o langis , o anomang pagkain , magiging banal pa baga ? At ang mga saserdote ay nagsisagot , at nangagsabi , Hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Hagai , Kung ang sinomang marumi dahil sa bangkay ay masagi ang anoman sa mga ito , magiging marumi baga ? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi , Magiging marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Hagai , at nagsabi , Gayon nga ang bayang ito , at gayon ang bansang ito sa harap ko , sabi ng Panginoon ; at gayon ang bawa&apos;t gawa ng kanilang mga kamay ; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ngayo&apos;y isinasamo ko sa inyo , na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan , bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang buong panahong yaon , pagka ang isa ay lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal , may sangpu lamang ; pagka ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan , may dalawang pu lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay ; gayon ma&apos;y hindi kayo nanumbalik sa akin , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Isinasamo ko nga sa inyo , na kayo&apos;y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan , mula nang ikadalawang pu&apos;t apat na araw ng ikasiyam na buwan , mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay , gunitain ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">May binhi pa baga sa kamalig ? oo , ang puno ng ubas , at ang puno ng igos , at ang granada , at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga ; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu&apos;t apat na araw ng buwan , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda , na iyong sabihin , Aking uugain ang langit at ang lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian , at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa ; at aking guguluhin ang mga karo , at yaong nagsisisakay sa mga yaon ; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog , ang bawa&apos;t isa&apos;y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , kita&apos;y kukunin , Oh Zorobabel , na aking lingkod , na anak ni Sealtiel , sabi ng Panginoon , at gagawin kitang pinaka panatak ; sapagka&apos;t pinili kita , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "38">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikawalong buwan , nang ikalawang taon ni Dario , dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias , na anak ni Iddo , na propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang Panginoo&apos;y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Manumbalik kayo sa akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at ako&apos;y manunumbalik sa inyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang , na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta , na nangagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad , at sa inyong mga masamang gawain : nguni&apos;t hindi nila dininig , o pinakinggan man ako , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang inyong mga magulang , saan nangandoon sila ? at ang mga propeta , nangabubuhay baga sila ng magpakailan man ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan , na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta , hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang ? at sila&apos;y nanumbalik at nangagsabi , Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin , ayon sa aming mga lakad , at ayon sa aming mga gawa , gayon ang ginawa niya sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang ikadalawang pu&apos;t apat na araw ng ikalabing isang buwan , na siyang buwan ng Sebath , nang ikalawang taon ni Dario , dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias , na anak ni Berechias , na anak ni Iddo , na propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking nakita sa gabi , at , narito , ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo , at siya&apos;y tumayo sa mga puno ng mirto , na nasa pinakamababa ; at sa likuran niya&apos;y may mga kabayong mapula , alazan , at maputi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi , Oh Panginoon ko , ano ang mga ito ? At ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin , Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi , Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto , at nagsabi , Aming nilibot ang lupa , at , narito , ang buong lupa ay tahimik , at tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi , Oh Panginoon ng mga hukbo , hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda , laban sa iyong mga kinagalitan nitong pitong pung taon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang Panginoo&apos;y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita , ng mga salitang pangaliw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa gayo&apos;y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin . Ikaw ay humiyaw , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Ako&apos;y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ako&apos;y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay ; sapagka&apos;t ako&apos;y naghinanakit ng kaunti , at sila&apos;y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon , Ako&apos;y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag ; ang aking bahay ay matatayo roon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Humiyaw ka pa uli , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong ; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion , at pipiliin pa ang Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At aking itinanaw ang aking mga mata , at aking nakita , at , narito , ang apat na sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin , Ano ang mga ito ? At siya&apos;y sumagot sa akin , Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda , sa Israel , at sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito ? At siya&apos;y nagsalita na nagsabi , Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda , na anopa&apos;t walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo ; nguni&apos;t ang mga ito&apos;y naparito upang takutin sila , upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa , na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At aking itinanaw ang aking mga mata , at aking nakita at , narito , ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Saan ka paroroon ? At sinabi niya sa akin , Upang sukatin ang Jerusalem , upang tingnan kung gaano ang luwang , at kung gaano ang haba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At , narito , ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis , at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kaniya , Tumakbo ka , iyong salitain sa binatang ito , na sabihin , Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na walang mga kuta , dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ako , sabi ng Panginoon , ay magiging sa kaniya&apos;y isang kutang apoy sa palibot , at ako&apos;y magiging kaluwalhatian sa gitna niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Oy , oy , magsitakas kayo mula sa lupain ng hilagaan , sabi ng Panginoon ; sapagka&apos;t kayo&apos;y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Oy Sion , tumanan ka , ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo ; sapagka&apos;t ang humihipo sa inyo , ay humihipo sa itim ng kaniyang mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t narito , aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila , at sila&apos;y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila ; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ikaw ay umawit at magalak , Oh anak na babae ng Sion ; sapagka&apos;t narito , ako&apos;y naparirito , at ako&apos;y tatahan sa gitna mo , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon , at magiging aking bayan ; at ako&apos;y tatahan sa gitna mo , at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tumahimik ang lahat na tao , sa harap ng Panginoon ; sapagka&apos;t siya&apos;y gumising na sa kaniyang banal na tahanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon , at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Sawayin ka nawa ng Panginoon , Oh Satanas ; oo , ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo : di baga ito&apos;y isang dupong na naagaw sa apoy ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan , at nakatayo sa harap ng anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya , na nagsabi , Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya . At sa kaniya&apos;y kaniyang sinabi , Narito , aking pinaram ang iyong kasamaan , at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking sinabi , Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo . Sa gayo&apos;y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo , at sinuutan siya ng mga kasuutan ; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue , na nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan , at kung iyong iingatan ang aking bilin , iyo nga ring hahatulan ang aking bayan , at iyo ring iingatan ang aking mga looban , at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dinggin mo ngayon , Oh Josue , na pangulong saserdote , dinggin mo , at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga taong pinaka tanda : sapagka&apos;t narito , aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t , narito , ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue ; sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata : narito , aking iuukit ang ukit niyaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , tatawagin ng bawa&apos;t isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas , at sa lilim ng puno ng igos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik , at ginising ako , na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa akin , Ano ang iyong nakikita ? At aking sinabi , Ako&apos;y tumingin , at , narito , isang kandelero na taganas na ginto , na may taza sa ibabaw niyaon , at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw ; may pitong tubo sa bawa&apos;t isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon , isa sa dakong kanan ng taza , at ang isa&apos;y sa dakong kaliwa niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ako&apos;y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin , na aking sinabi , Anong mga bagay ito , panginoon ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin , Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito ? At aking sinabi , Hindi , panginoon ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang magkagayo&apos;y siya&apos;y sumagot at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel , na sinasabi , Hindi sa pamamagitan ng kalakasan , ni ng kapangyarihan , kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sino ka , Oh malaking bundok ? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka ; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan , Biyaya , biyaya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bukod dito&apos;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito ; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos ; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay ? sapagka&apos;t ang pitong ito ay mangagagalak , at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel ; ang mga ito&apos;y mga mata ng Panginoon , na nangagpaparoo&apos;t parito sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y sumagot ako , at nagsabi sa kaniya , Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero , at sa dakong kaliwa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ako&apos;y sumagot na ikalawa , at nagsabi sa kaniya : Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan , na dinadaluyan ng langis na ginintuan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y sumagot sa akin , at nagsabi , Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito ? At aking sinabi , Hindi , panginoon ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya , Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis , na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y itinanaw ko uli ang aking mga mata , at aking nakita , at , narito , isang lumilipad na balumbon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa akin , Ano ang iyong nakikita ? At ako&apos;y sumagot , Aking nakikita&apos;y isang lumilipad na balumbon ; ang haba niyaon ay dalawang pung siko , at ang luwang niyaon ay sangpung siko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa akin , Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain : sapagka&apos;t ang bawa&apos;t nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon ; at bawa&apos;t manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aking ilalabas yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at papasok sa bahay ng magnanakaw , at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko ; at tatahan sa gitna ng bahay niya , at pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas , at nagsabi sa akin , itanaw mo ngayon ang iyong mga mata , at tingnan mo kung ano ito na lumalabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking sinabi , Ano yaon ? At kaniyang sinabi , Ito ang efa na lumalabas . Sinabi niya bukod dito , Ito ang kawangis nila sa buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">( At , narito , itinaas ang isang talentong tingga ) ; at ito&apos;y isang babae na nauupo sa gitna ng efa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kaniyang sinabi , Ito ang kasamaan ; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa : at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y itinanaw ko ang aking mga mata , at aking nakita at , narito , lumabas ang dalawang babae , at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak ; sila nga&apos;y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak : at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin , Saan dinadala ng mga ito ang efa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya sa akin , Upang ipagtayo siya ng bahay sa lupain ng Shinar : at pagka nahanda na , siya&apos;y malalagay roon sa kaniyang sariling dako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At itinanaw ko uli ang aking mga mata , at aking nakita at , narito , lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok ; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa unang karo ay may mga kabayong mapula ; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi ; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y ako&apos;y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin , Ano ang mga ito , panginoon ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin , Ito ang apat na hangin sa himpapawid , na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan ; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon ; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga malakas ay nagsilabas , at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa : at kaniyang sinabi , Kayo&apos;y magsiyaon at magparoo&apos;t parito sa buong lupa . Sa gayo&apos;y sila&apos;y nangagparoo&apos;t parito sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y hiniyawan niya ako , at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Narito , silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kumuha ka sa nangabihag , kay Heldai , kay Tobias , at kay Jedaia ; at yumaon ka sa araw ding yaon , at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias , na nagsibalik mula sa Babilonia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Oo , kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto , at gawin mong mga putong , at mga iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadac , na pangulong saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At salitain mo sa kaniya , na sabihin , Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo , na nagsasabi , Narito , ang lalake na ang pangala&apos;y Sanga : at siya&apos;y sisibol sa kaniyang dako ; at itatayo niya ang templo ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa makatuwid baga&apos;y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon ; at siya&apos;y magtataglay ng kaluwalhatian , at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan ; at siya&apos;y magiging saserdote sa kaniyang luklukan : at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem , at kay Tobias , at kay Jedaia , at kay Hen na anak ni Sefanias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon , at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo . At ito&apos;y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang ikaapat na taon ng haring si Dario , na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan , sa makatuwid baga&apos;y sa Chislev .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech , at ang kanilang mga lalake , upang hilingin ang lingap ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At upang magsalita sa mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo , at sa mga propeta , na sabihin , Iiyak baga ako sa ikalimang buwan , na ako&apos;y hihiwalay , gaya ng aking ginawa nitong maraming taon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote , na iyong sabihin , Nang kayo&apos;y magayuno , at tumangis ng ikalima at ikapitong buwan , nito ngang pitong pung taon , kayo baga&apos;y nagayunong lubos sa akin , para sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pagka kayo&apos;y nagsisikain , at pagka kayo&apos;y nagsisiinom , di baga kayo&apos;y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom , sa ganang inyong sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta , nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan , at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya , at ang Timugan , at ang mababang lupain ay tinatahanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo , na nagsasabi , Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan , at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa&apos;t isa sa kaniyang kapatid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao , ni ang ulila man , ang taga ibang lupa , ni ang dukha man ; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t kanilang tinanggihang dinggin , at kanilang iniurong ang balikat , at nagtakip ng pakinig , upang huwag nilang marinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oo , kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan , at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu , ng mga unang propeta : kaya&apos;t dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangyari , na kung paanong siya&apos;y sumigaw , at hindi nila dininig , ay gayon sila sisigaw , at hindi ko didinggin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala . Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila , na anopa&apos;t walang tao na nagdadaan o nagbabalik : sapagka&apos;t kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ako&apos;y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho , at ako&apos;y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ganito ang sabi ng Panginoon , Ako&apos;y nagbalik sa Sion , at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem : at ang Jerusalem ay tatawagin , Bayan ng katotohanan ; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo , Ang banal na bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem , bawa&apos;t tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon , magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking dadalhin sila , at sila&apos;y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem ; at sila&apos;y magiging aking bayan , at ako&apos;y magiging kanilang Dios , sa katotohanan at sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Inyong palakasin ang inyong mga kamay , ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta , mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo , sa templo , upang matayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao , ni anomang upa sa hayop ; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway : sapagka&apos;t aking inilagay ang lahat na tao na bawa&apos;t isa&apos;y laban sa kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ngayo&apos;y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t magkakaroon ng binhi ng kapayapaan ; ang puno ng ubas ay magbubunga , at ang lupa&apos;y mapapakinabangan , at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog ; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mangyayari , na kung paanong kayo&apos;y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa , Oh sangbahayan ni Juda , at sangbahayan ni Israel , gayon ko kayo ililigtas , at kayo&apos;y magiging isang kapalaran . Huwag kayong mangatakot , kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama , nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at hindi ako nagsisi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda : huwag kayong mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang mga bagay na inyong gagawin , Magsalita ang bawa&apos;t isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa ; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa ; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa : sapagka&apos;t ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang ayuno sa ikaapat na buwan , at ang ayuno sa ikalima , at ang ayuno sa ikapito , at ang ayuno sa ikasangpu , ay magiging sa sangbahayan , ni Juda&apos;y kagalakan at kaligayahan , at mga masayang kapistahan ; kaya&apos;t inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Mangyayari pa , na darating ang mga bansa , at ang nagsisitahan sa maraming bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa , na magsasabi , Magsiparoon tayong madali , na ating hilingin ang lingap ng Panginoon , at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo ; ako man ay paroroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Oo , maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem , at hilingin ang lingap ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sa mga araw na yao&apos;y mangyayari , na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan , sila nga&apos;y magsisitangan sa laylayan niya na Judio , na mangagsasabi , Kami ay magsisiyaong kasama mo , sapagka&apos;t aming narinig na ang Dios ay kasama mo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach , at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon , ( sapagka&apos;t ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At gayon din sa Hamath , na kahangganan nito ; sa Tiro at Sidon , sapagka&apos;t sila&apos;y totoong pantas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan , at nagbunton ng pilak na parang alabok , at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , aalisan siya ng Panginoon , at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya ; at siya&apos;y lalamunin ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Makikita ng Ascalon , at matatakot ; ng Gaza rin , at mamamanglaw na mainam , at ng Ecron , sapagka&apos;t ang kaniyang pagasa ay mapapahiya ; at ang hari ay mamamatay sa Gaza , at ang Ascalon ay hindi tatahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At isang anak sa ligaw ay tatahan sa Asdod , at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At aking aalisin ang kaniyang dugo sa kaniyang bibig , at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin ; at siya nama&apos;y maiiwan para sa ating Dios : at siya&apos;y magiging gaya ng pangulo sa Juda , at ang Ecron ay gaya ng Jebuseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ako&apos;y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo , na walang makadadaan ni makababalik ; at walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon : sapagka&apos;t ngayo&apos;y tumingin ako ng aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magalak kang mainam , Oh anak na babae ng Sion ; humiyaw ka , Oh anak na babae ng Jerusalem : narito , ang iyong hari ay naparirito sa iyo ; siya&apos;y ganap at may pagliligtas ; mapagmababa , at nakasakay sa isang asno , sa isang batang asno na anak ng asnong babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim , at ang kabayo&apos;y mula sa Jerusalem ; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol ; at siya&apos;y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa : at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat , at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tungkol sa iyo naman , dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagbalik kayo sa katibayan , kayong mga bilanggo na may pag-asa , ngayo&apos;y aking inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t aking binaluktot ang Juda para sa akin , aking inakmaan ang Ephraim ng busog ; at aking gigisingin ang iyong mga anak , Oh Sion , laban sa iyong mga anak , Oh Grecia , at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang Panginoo&apos;y makikita sa itaas nila ; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat ; at ang Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak , at yayaon na kasama ng mga ipoipo sa timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo ; at sila&apos;y mangananakmal , at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos ; at sila&apos;y magsisiinom , at mangagiingay na gaya ng sa alak ; at sila&apos;y mangapupunong parang mga taza , parang mga sulok ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan ; sapagka&apos;t magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa kaniyang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t pagkalaki ng kaniyang kabutihan , at pagkalaki ng kaniyang kagandahan ! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata , at ng bagong alak ang mga dalaga ;</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan , sa Panginoon na nagpapakidlat ; at kaniyang bibigyan sila ng ulan , at ang bawa&apos;t isa&apos;y ng damo sa parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan , at ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan ; at sila&apos;y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip , sila&apos;y nagsisialiw ng walang kabuluhan : kaya&apos;t sila&apos;y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa , sila&apos;y nadadalamhati , sapagka&apos;t walang pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor , at aking parurusahan ang mga lalaking kambing ; sapagka&apos;t dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda , at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa kaniya lalabas ang batong panulok , sa kaniya ang pako , sa kaniya ang busog na pangbaka , sa kaniya ang bawa&apos;t pinuno na magkakasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y magiging parang mga makapangyarihang lalake , na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka ; at sila&apos;y magsisilaban , sapagka&apos;t ang Panginoon ay sumasakanila ; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda , at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose , at aking ibabalik sila uli ; sapagka&apos;t ako&apos;y naawa sa kanila ; at sila&apos;y magiging parang hindi ko itinakuwil : sapagka&apos;t ako ang Panginoon nilang Dios , at aking didinggin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake , at ang kanilang puso ay mangagagalak na gaya ng sa alak ; oo , ito&apos;y makikita ng kanilang mga anak , at mangagagalak : ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking susutsutan sila , at sila&apos;y pipisanin ; sapagka&apos;t aking tinubos sila ; at sila&apos;y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At aking pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa ; at aalalahanin nila ako sa mga malayong lupain ; at sila&apos;y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak , at magsisipagbalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto , at pipisanin sila mula sa Asiria ; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano ; at walang dakong masusumpungan para sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y magdadaan ng dagat ng kadalamhatian , at hahawiin ang mga alon sa dagat , at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo ; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak , at ang cetro ng Egipto ay mawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At aking palalakasin sila sa Panginoon ; at sila&apos;y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan , sabi ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ibukas mo ang iyong mga pinto , Oh Libano , upang supukin ng apoy ang iyong mga cedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Manambitan ka , Oh puno ng abeto , sapagka&apos;t ang cedro ay nabuwal , sapagka&apos;t ang mga mabuti ay nabuwal ; magsipanambitan kayo , Oh mga encina sa Basan , sapagka&apos;t ang matibay na gubat ay nasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang isang hugong ng panambitan ng mga pastor ! sapagka&apos;t ang kanilang kaluwalhatian ay nasira ; ang isang hugong ng ungal ng mga batang leon ! sapagka&apos;t ang kapalaluan ng Jordan ay nasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ganito ang sabi ng Panginoon kong Dios , Pakanin mo ang kawan na papatayin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na mga pinapatay ng mga mayari , at hindi mga inaaring maysala ; at silang nangagbibili ng mga yaon ay nangagsasabi , Purihin ang Panginoon , sapagka&apos;t akoy mayaman ; at ang kanilang sariling mga pastor ay hindi nangaawa sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t hindi na ako maaawa sa nagsisitahan sa lupain , sabi ng Panginoon ; kundi , narito , aking ibibigay ang bawa&apos;t isa ng mga tao sa kamay ng kaniyang kapuwa , at sa kamay ng kaniyang hari ; at kanilang ipapahamak ang lupain , at mula sa kanilang kamay ay di ko ililigtas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa gayo&apos;y aking pinapanginain ang kawan na papatayin , katotohanang kaawaawang kawan . At nagdala ako ng dalawang tungkod ; ang isa&apos;y tinawag kong Maganda , at ang isa&apos;y tinawag kong mga Panali ; at aking pinapanginain ang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At aking inihiwalay ang tatlong pastor sa isang buwan ; sapagka&apos;t ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila , at sila&apos;y nayamot sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Hindi ko na papanginginainin kayo : ang namamatay , ay mamatay ; at ang nahihiwalay , ay mahiwalay ; at ang mangaiwan ay mangagkainan ng laman ng isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At hinawakan ko ang aking tungkod na Maganda , at aking binali , upang aking sirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nasira nang araw na yaon ; at ganito nakilala ng kaawaawa sa kawan na nagmamasid sa akin na yao&apos;y salita ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi ko sa kanila ; Kung inaakala ninyong mabuti , bigyan ninyo ako ng aking kaupahan ; at kung hindi , inyong pabayaan . Sa gayo&apos;y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng Panginoon sa akin , Ihagis mo sa magpapalyok , ang mainam na halaga na aking inihalaga sa kanila . At aking kinuha ang tatlong pung putol na pilak , at inihagis ko sa magpapalyok sa bahay ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y binali ko ang aking isang tungkod , sa makatuwid baga&apos;y ang mga Panali , upang aking masira ang pagkakapatiran ng Juda at ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi sa akin ng Panginoon . Magdala ka pa uli ng mga kasangkapan ng isang mangmang na pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t , narito , ako&apos;y magtitindig ng isang pastor sa lupain , na hindi dadalawin yaong nangahihiwalay , ni hahanapin man yaong nangaliligaw , ni pagagalingin man yaong mga pilay ; ni papanginginainin man yaong mga magaling kundi kaniyang kakanin ang laman ng mataba at lulurayin ang kanilang mga kuko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa aba ng walang kabuluhang pastor na nagpapabaya ng kawan ! ang tabak ay sasapit sa kaniyang kamay , at sa kaniyang kanang mata : ang kaniyang kamay ay matutuyong mainam , at ang kaniyang kanang mata ay lalabong lubos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel . Ganito ang sabi ng Panginoon , na naguunat ng langit , at naglalagay ng mga patibayan ng lupa , at naglalang ng diwa sa loob ng tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot , at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mangyayari sa araw na yaon , na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan ; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam ; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , aking tutuligin ang bawa&apos;t kabayo , at ang kaniyang sakay ng pagkaulol ; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda , at aking bubulagin ang bawa&apos;t kabayo ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili , Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa araw na yao&apos;y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis ; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot , sa kanan at sa kaliwa ; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako , sa makatuwid bagay sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda , upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem , at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David ; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios , parang anghel ng Panginoon sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At mangyayari sa araw na yaon , na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David , at ang mga mananahan sa Jerusalem , ng espiritu ng biyaya at ng daing ; at sila&apos;y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan : at kanilang tatangisan siya , na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak , at magiging kapanglawan sa kaniya , na parang kapanglawan sa kaniyang panganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem , na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang lupain ay tatangis , bawa&apos;t angkan ay bukod ; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ; ang angkan ni Simei ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang lahat na angkang nalabi , bawa&apos;t angkan ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa araw na yaon ay mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem , sa kasalanan , at sa karumihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan , at sila&apos;y hindi na mangaaalaala pa ; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At mangyayari , na pagka ang sinoman ay manghuhula , sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya , Ikaw ay hindi mabubuhay ; sapagka&apos;t ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon ; at palalagpasan siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya&apos;y nanghuhula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At mangyayari sa araw na yaon na ang mga propeta ay mangahihiya bawa&apos;t isa dahil sa kaniyang pangitain , pagka siya&apos;y nanghuhula ; hindi man sila mangagsusuot ng kasuutang balahibo , upang mangdaya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kundi kaniyang sasabihin , Ako&apos;y hindi propeta , ako&apos;y mangbubukid sa lupa ; sapagka&apos;t ako&apos;y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sasabihin ng isa sa kaniya , Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig ? Kung magkagayo&apos;y siya&apos;y sasagot , Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gumising ka , Oh tabak , laban sa pastor ko , at laban sa lalake na aking kasama , sabi ng Panginoon ng mga hukbo : saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat ; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari , na sa buong lupain , sabi ng Panginoon , dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay ; nguni&apos;t ang ikatlo ay maiiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy , at sila&apos;y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay , at sila&apos;y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto . Sila&apos;y magsisitawag sa aking pangalan , at akin silang didinggin : aking sasabihin , Siya&apos;y bayan ko ; at kanilang sasabihin , Ang Panginoon ay aking Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating , na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka ; at ang bayan ay masasakop , at ang mga bahay ay lolooban , at ang mga babae ay dadahasin ; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag , at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung magkagayo&apos;y lalabas ang Panginoon , at makikipaglaban sa mga bansang yaon , gaya nang siya&apos;y makipaglaban sa araw ng pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo , na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan ; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya , sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran , at magiging totoong malaking libis ; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan , at ang kalahati ay sa dakong timugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kayo&apos;y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok ; sapagka&apos;t ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel ; oo , kayo&apos;y magsisitakas gaya nang kayo&apos;y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda ; at ang Panginoon kong Dios ay darating , at ang lahat na banal na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At mangyayari sa araw na yaon , na hindi magkakaroon ng liwanag ; at ang mga nagniningning ay uurong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t magiging isang araw na kilala sa Panginoon ; hindi araw , at hindi gabi ; nguni&apos;t mangyayari , na sa gabi ay magliliwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mangyayari sa araw na yaon , na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem ; kalahati niyao&apos;y sa dakong dagat silanganan , at kalahati niyao&apos;y sa dakong dagat kalunuran : sa taginit at sa tagginaw mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang Panginoo&apos;y magiging Hari sa buong lupa : sa araw na yao&apos;y magiging ang Panginoon ay isa , at ang kaniyang pangalan ay isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba , mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem ; at siya&apos;y matataas , at tatahan sa kaniyang dako , mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan , hanggang sa sulok na pintuang-bayan , at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga tao&apos;y magsisitahan doon , at hindi na magkakaroon pa ng sumpa ; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem : ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila&apos;y nangakatayo ng kanilang mga paa , at ang kanilang mga mata&apos;y mangatutunaw sa kanilang ukit , at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mangyayari sa araw na yaon , na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon ; at hahawak ang bawa&apos;t isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa , at ang kamay niya&apos;y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem ; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan , ginto , at pilak , at kasuutan , na totoong sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At magiging gayon ang salot sa kabayo , sa mula , sa kamelyo , at sa asno , at sa lahat ng hayop na naroroon , sa mga kampamentong yaon , na gaya ng salot na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mangyayari , na bawa&apos;t maiwan , sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari , sa Panginoon ng mga hukbo , at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mangyayari , na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari , sa Panginoon ng mga hukbo , sila&apos;y mawawalan ng ulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon , mawawalan din ng ulan sila , magkakaroon ng salot , na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto , at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo , KABANALAN SA PANGINOON ; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Oo , bawa&apos;t palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo ; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon , at magpapakulo roon : at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "39">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Inibig ko kayo , sabi ng Panginoon . Gayon ma&apos;y inyong sinasabi , Sa ano mo kami inibig ? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob ? sabi ng Panginoon : gayon ma&apos;y inibig ko si Jacob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t si Esau ay aking kinapootan , at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan , at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Yamang sabi ng Edom , Tayo&apos;y nangabagsak , nguni&apos;t mangagbabalik tayo , at ating itatayo ang mga wasak na dako ; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sila&apos;y mangagtatayo , nguni&apos;t aking ibabagsak ; at tatawagin sila ng mga tao , Ang hangganan ng kasamaan , at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At makikita ng inyong mga mata , at inyong sasabihin , Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iginagalang ng anak ang kaniyang ama , at ng alila ang kaniyang panginoon : kung ako nga&apos;y ama , saan nandoon ang aking dangal ? at kung ako&apos;y panginoon , saan nandoon ang takot sa akin ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo , Oh mga saserdote , na nagsisihamak ng aking pangalan . At inyong sinasabi , Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kayo&apos;y nangaghahandog ng karumaldumal na hain sa aking dambana . At inyong sinasabi , Sa ano namin nilapastangan ka ? Sa inyong sinasabi , ang dulang ng Panginoon ay hamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagka kayo&apos;y nangaghahandog ng bulag na pinakahain , di kasamaan ! at pagka kayo&apos;y nangaghahandog ng pilay at may sakit , di kasamaan ! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala ; kalulugdan ka baga niya ? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ngayo&apos;y isinasamo ko sa inyo , inyong dalanginin ang lingap ng Dios , upang pagbiyayaan niya tayo ; ito&apos;y nangyari sa inyong mga paraan : tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto , upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan ! Hindi ko kayo kinalulugdan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon , magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil ; at sa bawa&apos;t dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan , at ng dalisay na handog : sapagka&apos;t ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t inyong nilapastangan na inyong sinasabi , Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan , at ang laman niyaon , sa makatuwid baga&apos;y ang hain doon ay hamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Inyong sinasabi rin naman , Narito , nakayayamot ! at inyong nginusuan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas , at ang pilay , at ang may sakit ; ganito ninyo dinadala ang handog : tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay ? sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake , at nananata , at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay ; sapagka&apos;t ako&apos;y dakilang Hari , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ngayon , Oh kayong mga saserdote , ang utos na ito&apos;y sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung hindi ninyo didinggin , at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo , at aking susumpain ang inyong kapalaran ; oo , akin na silang sinumpa , sapagka&apos;t hindi ninyo inilagak sa inyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Narito , aking sisirain ang inyong binhi , at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha , sa makatuwid baga&apos;y ng dumi ng inyong mga kapistahan ; at kayo&apos;y pawang ilalabas na kasama niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At inyong malalaman na aking ipinasugo ang utos na ito sa inyo , upang ang aking tipan kay Levi ay manatili , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang aking tipan ay buhay at kapayapaan sa kaniya ; at aking mga ibinigay sa kaniya upang siya&apos;y matakot ; at siya&apos;y natakot sa akin , at siya&apos;y nagpakababa sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig , at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi : siya&apos;y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran , at inilayo sa kasamaan ang marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman , at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig ; sapagka&apos;t siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kayo&apos;y nagsilihis sa daan ; inyong itinisod ang marami sa kautusan ; inyong sinira ang tipan ni Levi , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t kayo&apos;y ginawa ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan , ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan , kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Wala baga tayong lahat na isang ama ? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin ? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa&apos;t isa laban sa kaniyang kapatid , na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Juda&apos;y gumawa ng paglililo , at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem ; sapagka&apos;t nilapastangan ng Juda ang santuario ng Panginoon , na kaniyang iniibig , at nagasawa sa anak na babae ng ibang dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito , ang gumigising at ang sumasagot , mula sa mga tolda ng Jacob , at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ito&apos;y muli ninyong ginagawa : inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha , ng tangis , at ng buntong hininga , na anopa&apos;t hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon ma&apos;y inyong sinasabi , Bakit ? Sapagka&apos;t ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa asawa ng iyong kabataan , na ginawan mo ng paglililo , bagaman siya&apos;y iyong kasama , at siyang asawa ng iyong tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At di baga siya&apos;y gumawa ng isa , bagaman siya&apos;y may labis na Espiritu ? At bakit isa ? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios . Kaya&apos;t ingatan ninyo ang inyong kalooban , at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t aking kinapopootan ang paghihiwalay , sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo : kaya&apos;t ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita . Gayon ma&apos;y inyong sinasabi , Sa ano namin niyamot siya ? Na inyong sinasabi , Bawa&apos;t gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon , at kaniyang kinalulugdan sila ; o saan nandoon ang Dios ng kahatulan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Narito , aking sinusugo ang aking sugo , at siya&apos;y maghahanda , ng daan sa harap ko : at ang Panginoon na inyong hinahanap , ay biglang paroroon sa kaniyang templo ; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan , narito , siya&apos;y dumarating , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito ? at sino ang tatayo pagka siya&apos;y pakikita ? sapagka&apos;t siya&apos;y parang apoy ng mangdadalisay , at parang sabon ng mga tagapagpaputi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak , at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi , at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak ; at sila&apos;y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung magkagayo&apos;y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon , gaya ng mga araw nang una , at gaya ng mga taon nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At aking lalapitan kayo sa kahatulan ; at ako&apos;y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula , at laban sa mga mangangalunya , at laban sa mga sinungaling na manunumpa , at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan , sa babaing bao , at sa ulila , at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid , at hindi natatakot sa akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ako , ang Panginoon , ay hindi nababago , kaya&apos;t kayo , Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo&apos;y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin , at hindi ninyo tinalima . Manumbalik kayo sa akin , at ako&apos;y manunumbalik sa inyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Nguni&apos;t inyong sinasabi , Sa ano kami manunumbalik ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nanakawan baga ng tao ang Dios ? gayon ma&apos;y ninanakaw ninyo ako . Nguni&apos;t inyong sinasabi , Sa ano ka namin ninakawan ? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y nangagsumpa ng sumpa sapagka&apos;t inyo akong ninakawan , sa makatuwid baga&apos;y nitong buong bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig , upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay , at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit , at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala , na walang sapat na silid na kalalagyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo , at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa ; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad : sapagka&apos;t kayo&apos;y magiging maligayang lupain , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin , sabi ng Panginoon . Gayon ma&apos;y inyong sinasabi , Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Inyong sinabi , Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios ; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin , at tayo&apos;y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ngayo&apos;y ating tinatawag ang palalo na mapalad , oo , silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo ; oo , kanilang tinutukso ang Dios , at tumatakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayo&apos;y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan : at pinakinggan ng Panginoon , at dininig , at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya , para sa kanila na nangatakot sa Panginoon , at gumunita ng kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y magiging akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , sa araw na aking gawin , sa makatuwid baga&apos;y isang tanging kayamanan ; at akin silang kaaawaan , na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung magkagayo&apos;y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama , yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t , narito , ang araw ay dumarating , na nagniningas na parang hurno ; at ang lahat na palalo , at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami , at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , na anopa&apos;t hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nguni&apos;t sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak ; at kayo&apos;y magsisilabas , at magsisiluksong parang guya mula sa silungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inyong yayapakan ang masasama ; sapagka&apos;t sila&apos;y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel , sa makatuwid baga&apos;y ang mga palatuntunan at mga kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Narito , aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak , at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang ; baka ako&apos;y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "40">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang aklat ng lahi ni Jesucristo , na anak ni David , na anak ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Naging anak ni Abraham si Isaac ; at naging anak ni Isaac si Jacob ; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara ; at naging anak ni Fares si Esrom ; at naging anak ni Esrom si Aram ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At naging anak ni Aram si Aminadab ; at naging anak ni Aminadab si Naason ; at naging anak ni Naason si Salmon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz ; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed ; at naging anak ni Obed si Jesse .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At naging anak ni Jesse ang haring si David ; at naging anak ni David si Salomon , doon sa naging asawa ni Urias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At naging anak ni Salomon si Reboam ; at naging anak ni Reboam si Abias ; at naging anak ni Abias si Asa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At naging anak ni Asa si Josafat ; at naging anak ni Josafat si Joram ; at naging anak ni Joram si Ozias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At naging anak ni Ozias si Joatam ; at naging anak ni Joatam si Acaz ; at naging anak ni Acaz si Ezequias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At naging anak ni Ezequias si Manases ; at naging anak ni Manases si Amon ; at naging anak ni Amon si Josias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid , nang panahon ng pagkadalang-bihag sa Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia , ay naging anak ni Jeconias si Salatiel ; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At naging anak ni Zorobabel si Abiud ; at naging anak ni Abiud si Eliaquim ; at naging anak ni Eliaquim si Azor ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At naging anak ni Azor si Sadoc ; at naging anak ni Sadoc si Aquim ; at naging anak ni Aquim si Eliud ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At naging anak ni Eliud si Eleazar ; at naging anak ni Eleazar si Matan ; at naging anak ni Matan si Jacob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria , na siyang nanganak kay Jesus , na siyang tinatawag na Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi ; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali&apos;t-saling lahi ; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali&apos;t-saling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito : Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose , bago sila magsama ay nasumpungang siya&apos;y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Jose na kaniyang asawa , palibhasa&apos;y lalaking matuwid , at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan , ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t samantalang pinagiisip niya ito , narito , ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip , na nagsasabi : Jose , anak ni David , huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa : sapagka&apos;t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y manganganak ng isang lalake ; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya&apos;y JESUS ; sapagka&apos;t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari nga ang lahat ng ito , upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Narito , ang dalaga&apos;y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake , At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel ; na kung liliwanagin , ay sumasa atin ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog , at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon , at tinanggap ang kaniyang asawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake : at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes , narito , ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan , na nagsisipagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio ? sapagka&apos;t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan , at naparito kami upang siya&apos;y sambahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang marinig ito ng haring si Herodes , ay nagulumihanan siya , at pati ng buong Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan , ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi nila sa kaniya , sa Bet-lehem ng Judea : sapagka&apos;t ganito ang pagkasulat ng propeta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ikaw Bet-lehem , na lupa ng Juda , Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda : Sapagka&apos;t mula sa iyo&apos;y lalabas ang isang gobernador , Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake , at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pinayaon niya sila sa Bet-lehem , at sinabi , Kayo&apos;y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol ; at pagkasumpong ninyo sa kaniya , ay ipagbigay-alam ninyo sa akin , upang ako nama&apos;y makaparoon at siya&apos;y aking sambahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila , pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad ; at narito , ang bituing kanilang nakita sa silanganan , ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang makita nila ang bituin , ay nangagalak sila ng di kawasang galak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagsipasok sila sa bahay , at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria ; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya ; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay , na ginto at kamangyan at mira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At palibhasa&apos;y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes , ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang mangakaalis nga sila , narito , ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip , na nagsasabi , Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina , at tumakas ka hanggang sa Egipto , at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo : sapagka&apos;t hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya&apos;y puksain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan , at napasa Egipto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes : upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi , Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayon , nang mapansin ni Herodes na siya&apos;y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake , ay nagalit na mainam , at nagutos , at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem , at sa buong palibotlibot noon , mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa , alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Isang tinig ay narinig sa Rama , Pananangis at kalagimlagim na iyak , Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak ; At ayaw na siyang maaliw , sapagka&apos;t sila&apos;y wala na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t pagkamatay ni Herodes , narito , ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina , at pumatungo ka sa lupain ng Israel : sapagka&apos;t nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina , at pumatungo sa lupa ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes , ay natakot siyang pumatungo roon ; at palibhasa&apos;y pinagsabihan ng Dios sa panaginip , ay napatungo siya sa mga sakop ng Galilea ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret ; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta , na siya&apos;y tatawaging Nazareno .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista , na nangangaral sa ilang ng Judea , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mangagsisi kayo ; sapagka&apos;t malapit na ang kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias , na nagsasabi , Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang , Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon , Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo , at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang ; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nilabas siya ng Jerusalem , at ng buong Judea , at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan , na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo , ay sinabi niya sa kanila , Kayong lahi ng mga ulupong , sino ang sa inyo&apos;y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo nga&apos;y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili , Si Abraham ang aming ama ; sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ngayon pa&apos;y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy : ang bawa&apos;t punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi : datapuwa&apos;t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin , na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak : siya ang sa inyo&apos;y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay , at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan ; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan , datapuwa&apos;t ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan , upang siya&apos;y bautismuhan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t ibig siyang sansalain ni Juan , na nagsasabi , Kinakailangan ko na ako&apos;y iyong bautismuhan , at ikaw ang naparirito sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya , Payagan mo ngayon : sapagka&apos;t ganyan ang nararapat sa atin , ang pagganap ng buong katuwiran . Nang magkagayo&apos;y pinayagan niya siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang mabautismuhan si Jesus , pagdaka&apos;y umahon sa tubig : at narito , nangabuksan sa kaniya ang mga langit , at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati , at lumalapag sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At narito , ang isang tinig na mula sa mga langit , na nagsasabi , Ito ang sinisinta kong Anak , na siya kong lubos na kinalulugdan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya&apos;y tuksuhin ng diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang siya&apos;y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi , sa wakas ay nagutom siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya , Kung ikaw ang Anak ng Dios , ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot , at sinabi , Nasusulat , Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao , kundi sa bawa&apos;t salitang lumalabas sa bibig ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y dinala siya ng diablo sa bayang banal ; at inilagay siya sa taluktok ng templo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa kaniya&apos;y sinabi , Kung ikaw ang Anak ng Dios , ay magpatihulog ka : sapagka&apos;t nasusulat , Siya&apos;y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo : at , Aalalayan ka ng kanilang mga kamay , Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Nasusulat din naman , Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas , at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan , at ang kaluwalhatian nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kaniya , Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo , kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka , Satanas : sapagka&apos;t nasusulat , Sa Panginoon mong Dios sasamba ka , at siya lamang ang iyong paglilingkuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y iniwan siya ng diablo ; at narito , nagsidating ang mga anghel at siya&apos;y pinaglingkuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip , ay umuwi siya sa Galilea ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagkaiwan sa Nazaret , ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum , na nasa tabi ng dagat , sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali , Sa gawing dagat , sa dako pa roon ng Jordan , Galilea ng mga Gentil ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang bayang nalulugmok sa kadiliman , ay Nakakita ng dakilang ilaw , At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan , ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus , at magsabi , Mangagsisi kayo ; sapagka&apos;t malapit na ang kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea ; ay nakita niya ang dalawang magkapatid , si Simon na tinatawag na Pedro , at si Andres na kaniyang kapatid , na inihuhulog ang isang lambat sa dagat ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga mamamalakaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kanila , Magsisunod kayo sa hulihan ko , at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagdaka&apos;y iniwan nila ang mga lambat , at nagsisunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid , si Santiago na anak ni Zebedeo , at ang kaniyang kapatid na si Juan , sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama , na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat ; at sila&apos;y kaniyang tinawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagdaka&apos;y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama , at nagsisunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nilibot ni Jesus ang buong Galilea , na nagtuturo sa mga sinagoga nila , at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian , at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria : at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman , at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap , at ang mga inaalihan ng mga demonio , at ang mga himatayin , at ang mga lumpo : at sila&apos;y pinagagaling niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkakita sa mga karamihan , ay umahon siya sa bundok : at pagkaupo niya , ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob : sapagka&apos;t kanila ang kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mapapalad ang nangahahapis : sapagka&apos;t sila&apos;y aaliwin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mapapalad ang maaamo : sapagka&apos;t mamanahin nila ang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran : sapagka&apos;t sila&apos;y bubusugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mapapalad ang mga mahabagin : sapagka&apos;t sila&apos;y kahahabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mapapalad ang mga may malinis na puso : sapagka&apos;t makikita nila ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Mapapalad ang mga mapagpayapa : sapagka&apos;t sila&apos;y tatawaging mga anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran : sapagka&apos;t kanila ang kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mapapalad kayo pagka kayo&apos;y inaalimura , at kayo&apos;y pinaguusig , at kayo&apos;y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan , dahil sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagalak kayo , at mangagsayang totoo : sapagka&apos;t malaki ang ganti sa inyo sa langit : sapagka&apos;t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo ang asin ng lupa : nguni&apos;t kung ang asin ay tumabang , ay ano ang ipagpapaalat ? wala nang ano pa mang kabuluhan , kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo ang ilaw ng sanglibutan . Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan , at inilalagay sa ilalim ng isang takalan , kundi sa talagang lalagyan ng ilaw ; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao ; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa , at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag ninyong isiping ako&apos;y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta : ako&apos;y naparito hindi upang sirain , kundi upang ganapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa , ang isang tuldok o isang kudlit , sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan , hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito , at ituro ang gayon sa mga tao , ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit : datapuwa&apos;t ang sinomang gumanap at ituro , ito&apos;y tatawaging dakila sa kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo , sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una , Huwag kang papatay ; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na ang bawa&apos;t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan ; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid , Raca , ay mapapasa panganib sa Sanedrin ; at ang sinomang magsabi , Ulol ka , ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana , at doo&apos;y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo , at yumaon ka ng iyong lakad , makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid , at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit , samantalang ikaw ay kasama niya sa daan ; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom , at ibigay ka ng hukom sa punong kawal , at ipasok ka sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Katotohanang sinasabi ko sa iyo , Hindi ka aalis doon sa anomang paraan , hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Narinig ninyong sinabi , Huwag kang mangangalunya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na ang bawa&apos;t tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala , na ng pangangalunya sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo , ay dukitin mo , at iyong itapon : sapagka&apos;t may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan , at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo , at iyong itapon : sapagka&apos;t may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan , at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sinabi rin naman , Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa , ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa , liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil , ay siya ang sa kaniya&apos;y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya : at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Bukod sa rito&apos;y inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una , Huwag kang manunumpa ng di katotohanan , kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , Huwag ninyong ipanumpa ang anoman ; kahit ang langit , sapagka&apos;t siyang luklukan ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kahit ang lupa , sapagka&apos;t siyang tungtungan ng kaniyang mga paa ; kahit ang Jerusalem , sapagka&apos;t siyang bayan ng dakilang Hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa , sapagka&apos;t hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t ang magiging pananalita ninyo&apos;y , Oo , oo ; Hindi , hindi ; sapagka&apos;t ang humigit pa rito ay buhat sa masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Narinig ninyong sinabi , Mata sa mata , at ngipin sa ngipin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong makilaban sa masamang tao : kundi sa sinomang sa iyo&apos;y sumampal sa kanan mong pisngi , iharap mo naman sa kaniya ang kabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal , at kunin sa iyo ang iyong tunika , ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya , ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Bigyan mo ang sa iyo&apos;y humihingi , at huwag mong talikdan ang sa iyo&apos;y nangungutang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Narinig ninyong sinabi , Iibigin mo ang iyong kapuwa , at kapopootan mo ang iyong kaaway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway , at idalangin ninyo ang sa inyo&apos;y nagsisiusig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Upang kayo&apos;y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit : sapagka&apos;t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti , at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sapagka&apos;t kung kayo&apos;y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo , ano ang ganti na inyong kakamtin ? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin , ano ang kalabisan ng inyong ginagawa ? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kayo nga&apos;y mangagpakasakdal , na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao , upang kanilang makita : sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos , ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo , na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan , upang sila&apos;y mangagkapuri sa mga tao . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Tinanggap na nila ang sa kanila&apos;y ganti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t pagka ikaw ay naglilimos , ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang ang iyong paglilimos ay malihim : at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagka kayo ay nagsisidalangin , ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw : sapagka&apos;t iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan , upang sila&apos;y mangakita ng mga tao . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Tinanggap na nila ang sa kanila&apos;y ganti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ikaw , pagka ikaw ay mananalangin , pumasok ka sa iyong silid , at kung mailapat mo na ang iyong pinto , ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim , at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit , na gaya ng ginagawa ng mga Gentil : sapagka&apos;t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag nga kayong magsigaya sa kanila : sapagka&apos;t talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan , bago ninyo hingin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magsidalangin nga kayo ng ganito : Ama namin na nasa langit ka , Sambahin nawa ang pangalan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dumating nawa ang kaharian mo . Gawin nawa ang iyong kalooban , kung paano sa langit , gayon din naman sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang , gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At huwag mo kaming ihatid sa tukso , kundi iligtas mo kami sa masama . Sapagka&apos;t iyo ang kaharian , at ang kapangyarihan , at ang kaluwalhatian , magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan , ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan , ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito , pagka kayo&apos;y nangagaayuno , ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw , na may mapapanglaw na mukha : sapagka&apos;t kanilang pinasasama ang mga mukha nila , upang makita ng mga tao na sila&apos;y nangagaayuno . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Tinanggap na nila ang sa kanila&apos;y ganti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ikaw , sa pagaayuno mo , ay langisan mo ang iyong ulo , at hilamusan mo ang iyong mukha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno , kundi ng Ama mo na nasa lihim : at ang Ama mo , na nakakikita sa lihim , ay gagantihin ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa , na dito&apos;y sumisira ang tanga at ang kalawang , at dito&apos;y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit , na doo&apos;y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang , at doo&apos;y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t kung saan naroon ang iyong kayamanan , doon naman doroon ang iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang ilawan ng katawan ay ang mata : kung tapat nga ang iyong mata , ang buong katawan mo&apos;y mapupuspos ng liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t kung masama ang iyong mata , ang buong katawan mo&apos;y mapupuspos ng kadiliman . Kaya&apos;t kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman , gaano kaya kalaki ang kadiliman !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sinoma&apos;y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon : sapagka&apos;t kapopootan niya ang isa , at iibigin ang ikalawa : o kaya&apos;y magtatapat siya sa isa , at pawawalang halaga ang ikalawa . Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay , kung ano baga ang inyong kakanin , o kung ano ang inyong iinumin ; kahit ang sa inyong katawan , kung ano ang inyong daramtin . Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain , at ang katawan kay sa pananamit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Masdan ninyo ang mga ibon sa langit , na hindi sila nangaghahasik , ni nagsisigapas , ni nangagtitipon man sa mga bangan ; at sila&apos;y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan . Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At tungkol sa pananamit , bakit kayo nangababalisa ? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang , kung paanong nagsisilaki ; hindi nangagpapagal , ni nangagsusulid man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon ma&apos;y sinasabi ko sa inyo , na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nguni&apos;t kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang , na ngayon ay buhay , at sa kinabukasa&apos;y iginagatong sa kalan , hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya , Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya huwag kayong mangabalisa , na mangagsabi , Ano ang aming kakanin ? o , Ano ang aming iinumin ? o , Ano ang aming daramtin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil ; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian , at ang kaniyang katuwiran ; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kaya&apos;t huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas : sapagka&apos;t ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili . Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag kayong magsihatol , upang huwag kayong hatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t sa hatol na inyong ihahatol , ay hahatulan kayo : at sa panukat na inyong isusukat , ay susukatin kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid , nguni&apos;t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid , Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo ; at narito , ang tahilan sa iyong sariling mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ikaw na mapagpaimbabaw , alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata ; at kung magkagayo&apos;y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal , ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy , baka yurakan ng kanilang mga paa , at mangagbalik at kayo&apos;y lapain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magsihingi kayo , at kayo&apos;y bibigyan ; magsihanap kayo , at kayo&apos;y mangakasusumpong ; magsituktok kayo , at kayo&apos;y bubuksan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t humihingi ay tumatanggap ; at ang humahanap ay nakasusumpong ; at ang tumutuktok ay binubuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">O anong tao sa inyo , ang kung siya&apos;y hingan ng tinapay ng kaniyang anak , ay bato ang ibibigay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">O kung hingan siya ng isda , ay bibigyan niya ng ahas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung kayo nga , bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak , gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo&apos;y gawin ng mga tao , gawin naman ninyo ang gayon sa kanila : sapagka&apos;t ito ang sa kautusan at ang mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo&apos;y magsipasok sa makipot na pintuan : sapagka&apos;t maluwang ang pintuan , at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak , at marami ang doo&apos;y nagsisipasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t makipot ang pintuan , at makitid ang daang patungo sa buhay , at kakaunti ang nangakakasumpong noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta , na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa , datapuwa&apos;t sa loob ay mga lobong maninila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila . Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan , o ng mga igos sa mga dawagan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon din naman ang bawa&apos;t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti ; datapuwa&apos;t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama , at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Bawa&apos;t punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol , at inihahagis sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ang bawa&apos;t nagsasabi sa akin , Panginoon , Panginoon , ay papasok sa kaharian ng langit ; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon , Panginoon , Panginoon , hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan , at sa pangalan mo&apos;y nangagpalayas kami ng mga demonio , at sa pangalan mo&apos;y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kung magkagayo&apos;y ipahahayag ko sa kanila , Kailan ma&apos;y hindi ko kayo nangakilala : magsilayo kayo sa akin , kayong manggagawa ng katampalasanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t ang bawa&apos;t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap , ay matutulad sa isang taong matalino , na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At lumagpak ang ulan , at bumaha , at humihip ang mga hangin , at hinampas ang bahay na yaon ; at hindi nabagsak : sapagka&apos;t natatayo sa ibabaw ng bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang bawa&apos;t dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap , ay matutulad sa isang taong mangmang , na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At lumagpak ang ulan , at bumaha , at humihip ang mga hangin , at hinampas ang bahay na yaon ; at nabagsak : at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangyari , na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito , ay nangatilihan ang mga karamihan sa kaniyang aral :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t sila&apos;y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan , at hindi gaya ng kanilang mga eskriba .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang siya&apos;y bumaba mula sa bundok , ay sinundan siya ng lubhang maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narito , lumapit sa kaniya ang isang ketongin , at siya&apos;y sinamba , na nagsasabi , Panginoon , kung ibig mo , ay maaaring malinis mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iniunat niya ang kaniyang kamay , at siya&apos;y hinipo , na nagsasabi , Ibig ko ; luminis ka . At pagdaka&apos;y nalinis ang kaniyang ketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Ingatan mong huwag sabihin kanino man ; kundi humayo ka , pakita ka sa saserdote , at ihandog mo ang alay na ipinagutos ni Moises , na bilang patotoo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagpasok niya sa Capernaum , ay lumapit sa kaniya ang isang senturion , na sa kaniya&apos;y namanhik ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsasabi , Panginoon , ang aking alila ay nararatay sa bahay , lumpo , at lubhang nahihirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya sa kaniya , Paroroon ako , at siya&apos;y aking pagagalingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sumagot ang senturion at sinabi , Panginoon , hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan ; datapuwa&apos;t sabihin mo lamang ang salita , at gagaling ang aking alila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan , na may nasasakupan akong mga kawal : at sinasabi ko rito , Yumaon ka , at siya&apos;y yumayaon ; at sa isa , Halika , at siya&apos;y lumalapit ; at sa aking alipin , Gawin mo ito , at kaniyang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang marinig ito ni Jesus , ay nagtaka siya , at sinabi sa nagsisisunod , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na kahit sa Israel man , ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ko sa inyo , na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran , at magsisiupong kasama ni Abraham , at ni Isaac , at ni Jacob , sa kaharian ng langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas : diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ni Jesus sa senturion , Humayo ka ng iyong lakad ; at ayon sa iyong pagsampalataya , ay gayon ang sa iyo&apos;y mangyari . At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro , ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At hinipo ang kaniyang kamay , at inibsan siya ng lagnat ; at siya&apos;y nagbangon , at naglingkod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang kinahapunan , ay dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng demonio : at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias , na nagsasabi , Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit , at nagdala ng ating mga karamdaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya , ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At lumapit ang isang eskriba , at sa kaniya&apos;y nagsabi , Guro , susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi sa kaniya ni Jesus , May mga lungga ang mga zorra , at may mga pugad ang mga ibon sa langit ; datapuwa&apos;t ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ni Jesus , Sumunod ka sa akin ; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagkalulan niya sa isang daong , ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At narito , bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat , na ano pa&apos;t inaapawan ang daong ng mga alon : datapuwa&apos;t siya&apos;y natutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagsilapit sila sa kaniya , at siya&apos;y ginising , na sinasabi , Panginoon , iligtas mo kami ; kami&apos;y mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi niya sa kanila , Bakit kayo&apos;y nangatatakot , Oh kayong kakaunti ang pananampalataya ? Nang magkagayo&apos;y nagbangon siya , at sinaway ang mga hangin at ang dagat ; at humusay na totoo ang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga tao ay nangagtaka , na sinasabi , Anong tao ito , na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang siya&apos;y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno , ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan , na totoong mababangis , na ano pa&apos;t sinoma&apos;y walang makapagdaan sa daang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At narito , sila&apos;y nagsisigaw , na nangagsasabi , Anong aming ipakikialam sa iyo , ikaw na Anak ng Dios ? naparito ka baga upang kami&apos;y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At namanhik sa kaniya ang mga demonio , na nangagsasabi , Kung kami&apos;y palalayasin mo , ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon kayo . At sila&apos;y nagsilabas , at nagsipasok sa mga baboy : at narito , ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat , at nangamatay sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon , at nagsitungo sa bayan , at sinabi ang lahat ng mga nangyari , at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At narito , lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus : at pagkakita nila sa kaniya , ay pinamanhikan siyang umalis sa kanilang mga hangganan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At lumulan siya sa isang daong , at tumawid , at dumating sa kaniyang sariling bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narito , dinala nila sa kaniya ang isang lumpo , na nakahiga sa isang higaan : at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya , ay sinabi sa lumpo , Anak , laksan mo ang iyong loob ; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At narito , ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili , Ang taong ito&apos;y namumusong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan , ay sinabi , Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t alin baga ang lalong magaang sabihin , Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan ; o sabihin , Magtindig ka , at lumakad ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao&apos;y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan ( sinabi nga niya sa lumpo ) , Magtindig ka , buhatin mo ang iyong higaan , at umuwi ka sa iyong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagtindig siya , at umuwi sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t nang makita ito ng karamihan , ay nangatakot sila , at kanilang niluwalhati ang Dios , na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagdaraan doon ni Jesus , ay nakita niya ang isang tao , na kung tawagi&apos;y Mateo , na nakaupo sa paningilan ng buwis : at sinabi niya sa kaniya , Sumunod ka sa akin . At siya&apos;y nagtindig , at sumunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangyari , na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay , narito , ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang makita ito ng mga Fariseo , ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad , Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t nang ito&apos;y marinig niya , ay kaniyang sinabi , Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot , kundi ang mga may sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito , Habag ang ibig ko , at hindi hain : sapagka&apos;t hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid , kundi ng mga makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan , na nangagsabi , Bakit kami at ang mga Fariseo ay nangagaayunong madalas , datapuwa&apos;t hindi nangagaayuno ang mga alagad mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi sa kanila ni Jesus , Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan , samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila ? datapuwa&apos;t darating ang mga araw , na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila , at kung magkagayo&apos;y mangagaayuno sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinoma&apos;y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma ; sapagka&apos;t ang tagpi ay bumabatak sa damit , at lalong lumalala ang punit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma : sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat , at nangabububo ang alak , at nangasisira ang mga balat : kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat , at kapuwa nagsisitagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito sa kanila , narito , dumating ang isang pinuno , at siya&apos;y sinamba , na nagsasabi , Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae : datapuwa&apos;t halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya , at siya&apos;y mabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Jesus ay nagtindig , at sumama sa kaniya , pati ng kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At narito , isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na , ay lumapit sa kaniyang likuran , at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t sinabi niya sa kaniyang kalooban , Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit , ay gagaling ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya , ay sinabi , Anak , laksan mo ang iyong loob ; pinagaling ka ng iyong pananampalataya . At gumaling ang babae mula sa oras na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno , at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta , at ang mga taong nangagkakagulo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ay sinabi niya , Magparaan kayo : sapagka&apos;t hindi patay ang dalaga , kundi natutulog . At tinawanan nila siya na nililibak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t nang mapalabas na ang mga tao , ay pumasok siya , at tinangnan niya siya sa kamay ; at nagbangon ang dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kumalat ang pagkabantog na ito sa buong lupang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag , na nangagsisisigaw , at nangagsasabi , Mahabag ka sa amin , ikaw na Anak ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang pumasok siya sa bahay , ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag : at sinabi sa kanila ni Jesus , Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito ? Sinabi nila sa kaniya , Oo , Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang magkagayo&apos;y kaniyang hinipo ang mga mata nila , na sinasabi , Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangadilat ang kanilang mga mata . At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila , na sinasabi , Ingatan ninyong sinoma&apos;y huwag makaalam nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t sila&apos;y nagsialis , at kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At samantalang sila&apos;y nagsisialis , narito , sa kaniya&apos;y dinala ang isang lalaking pipi na inaalihan ng demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang mapalabas ang demonio , ay nagsalita ang lalaking pipi : at nangagtaka ang mga karamihan , na nangagsasabi , Kailan ma&apos;y hindi nakita sa Israel ang ganito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t sinabi ng mga Fariseo , sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon , na nagtuturo sa mga sinagoga nila , at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian , at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Datapuwa&apos;t nang makita niya ang mga karamihan , ay nahabag siya sa kanila , sapagka&apos;t pawang nangahahapis at nangangalat , na gaya ng mga tupa na walang pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Katotohana&apos;y ang aanihin ay marami , datapuwa&apos;t kakaunti ang mga manggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin , na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad , at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu , upang mapalabas nila , at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito : Ang una&apos;y si Simon na tinatawag na Pedro , at si Andres na kaniyang kapatid ; si Santiago na anak ni Zebedeo , at ang kaniyang kapatid na si Juan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Felipe , at si Bartolome ; si Tomas , at si Mateo na maniningil ng buwis ; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Simon na Cananeo , at si Judas Iscariote , na siya ring sa kaniya&apos;y nagkanulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang labingdalawang ito&apos;y sinugo ni Jesus , at sila&apos;y pinagbilinan , na sinasabi , Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil , at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At samantalang kayo&apos;y nangaglalakad , ay magsipangaral kayo , na mangagsabi , Ang kaharian ng langit ay malapit na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mangagpagaling kayo ng mga may sakit , mangagpabangon kayo ng mga patay , mangaglinis kayo ng mga ketong , mangagpalabas kayo ng mga demonio : tinanggap ninyong walang bayad , ay ibigay ninyong walang bayad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kayong mangagbaon ng ginto , kahit pilak , kahit tanso sa inyong mga supot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kahit supot ng pagkain sa paglalakad , kahit dalawang tunika , kahit mga pangyapak , o tungkod : sapagka&apos;t ang manggagawa ay karapatdapat sa kaniyang pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin , siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat ; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo&apos;y magsialis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagpasok ninyo sa bahay , ay batiin ninyo ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung karapatdapat ang bahay , ay dumoon ang inyong kapayapaan : datapuwa&apos;t kung hindi karapatdapat , ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinomang hindi tumanggap sa inyo , ni duminig sa inyong mga pananalita , pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon , ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom , kay sa bayang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Narito , sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo : mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t mangagpakaingat kayo sa mga tao : sapagka&apos;t kayo&apos;y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo&apos;y hahampasin sa kanilang mga sinagoga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oo at kayo&apos;y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin , sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t pagka kayo&apos;y ibinigay nila , huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin : sapagka&apos;t sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t hindi kayo ang mangagsasalita , kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo&apos;y magsasalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan , at ng ama ang kaniyang anak : at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang , at sila&apos;y ipapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kayo&apos;y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan : datapuwa&apos;t ang magtitiis hanggang sa wakas , ay siyang maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t pagka kayo&apos;y pinagusig nila sa isang bayang ito , ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan : sapagka&apos;t sa katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel , hanggang sa pumarito ang Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro , ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro , at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon . Kung pinanganlan nilang Beelzebub ang panginoon ng sangbahayan , gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Huwag nga ninyo silang katakutan : sapagka&apos;t walang bagay na natatakpan , na hindi mahahayag ; at natatago na hindi malalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman , ay sabihin ninyo sa kaliwanagan ; at ang narinig ninyo sa bulong , ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan , datapuwa&apos;t hindi nangakakapatay sa kaluluwa : kundi bagkus ang katakutan ninyo&apos;y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya ? at kahit isa sa kanila&apos;y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Huwag nga kayong mangatakot : kayo&apos;y lalong mahalaga kay sa maraming maya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kaya&apos;t ang bawa&apos;t kumikilala sa akin sa harap ng mga tao , ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t sinomang sa aki&apos;y magkaila sa harap ng mga tao , ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Huwag ninyong isiping ako&apos;y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa : hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan , kundi tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t ako&apos;y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama , at ang anak na babae laban sa kaniyang ina , at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin ; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin , ay hindi karapatdapat sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito ; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang tumatanggap sa inyo ay ako ang tinatanggap , at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng ganti ng isang propeta : at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa pangalan ng isang taong matuwid ay tatanggap ng ganti ng isang taong matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig , dahil sa pangalang alagad , katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad , ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo , ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi sa kaniya , Ikaw baga yaong paririto , o hihintayin namin ang iba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga bulag ay nangakakakita , ang mga pilay ay nangakalalakad , ang mga ketongin ay nangalilinis , at ang mga bingi ay nangakaririnig , at ang mga patay ay ibinabangon , at sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At samantalang ang mga ito&apos;y nagsisiyaon ng kanilang lakad , ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan , Ano ang nilabas ninyo upang masdan sa ilang ? isang tambo na inuuga ng hangin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ano ang nilabas ninyo upang makita ? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan ? Narito , ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ano ang nilabas ninyo ? upang makita ang isang propeta ? Oo , sinasabi ko sa inyo , at lalo pang higit kay sa isang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ito yaong tungkol sa kaniya&apos;y nasusulat , Narito , sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha , Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista : gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon , ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan , at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ibig ninyong tanggapin , ay siya&apos;y si Elias na paririto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang may mga pakinig upang ipakinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t sa ano ko itutulad ang lahing ito ? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan , na sinisigawan ang kanilang mga kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinasabi , Tinutugtugan namin kayo ng plauta , at hindi kayo nagsisisayaw ; nagsipanambitan kami , at hindi kayo nangahapis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man , at sinasabi nila , Siya&apos;y mayroong demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom , at sinasabi nila , Narito , ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak , isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan , sapagka&apos;t hindi sila nangagsisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa aba mo , Corazin ! sa aba mo , Bethsaida ! sapagka&apos;t kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo , malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom , kay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ikaw , Capernaum , magpapakataas ka baga hanggang sa langit ? ibababa ka hanggang sa Hades : sapagka&apos;t kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo&apos;y ginawa , ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom , kay sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi , Ako&apos;y nagpapasalamat sa iyo , Oh Ama , Panginoon ng langit at ng lupa , na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino , at ipinahayag mo sa mga sanggol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Oo nga , Ama , sapagka&apos;t gayon ang nakalugod sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama : at sinoma&apos;y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama ; at sinoma&apos;y hindi nakakakilala sa Ama , kundi ang Anak , at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Magsiparito sa akin , kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha , at kayo&apos;y aking papagpapahingahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Pasanin ninyo ang aking pamatok , at magaral kayo sa akin ; sapagka&apos;t ako&apos;y maamo at mapagpakumbabang puso : at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t malambot ang aking pamatok , at magaan ang aking pasan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo ; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t pagkakita nito ng mga Fariseo , ay sinabi nila sa kaniya , Tingnan mo , ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya&apos;y nagutom , at ang mga kasamahan niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung paanong siya&apos;y pumasok sa bahay ng Dios , at kumain siya ng mga tinapay na handog , na hindi matuwid na kanin niya , ni ng mga kasamahan niya , kundi ng mga saserdote lamang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan , kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath , at hindi nangagkakasala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito , Habag ang ibig ko , at hindi hain , ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At narito , may isang tao na tuyo ang isang kamay . At sa kaniya&apos;y itinanong nila , na sinasabi , Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath ? upang siya&apos;y kanilang maisumbong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya sa kanila , Sino kaya sa inyo , na kung mayroong isang tupa , na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath , ay hindi baga niya aabutin , at hahanguin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa ! Kaya&apos;t matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa lalake , Iunat mo ang iyong kamay . At iniunat niya ; at napauling walang sakit , na gaya ng isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t nagsialis ang mga Fariseo , at nangagpulong laban sa kaniya , kung papaanong siya&apos;y maipapupuksa nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon : at siya&apos;y sinundan ng marami ; at kaniyang pinagaling silang lahat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ipinagbilin niya sa kanila , na siya&apos;y huwag nilang ihayag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , ang lingkod ko na aking hinirang ; At minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa : Isasakaniya ko ang aking Espiritu , At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi siya makikipagtalo , ni sisigaw ; Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi niya babaliin ang tambong gapok , At hindi papatayin ang timsim na umuusok , Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y dinala sa kaniya ang isang inaalihan ng demonio , bulag at pipi , at kaniyang pinagaling , ano pa&apos;t ang pipi ay nagsalita at nakakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang buong karamihan ay nangagtaka , at nangagsabi , Ito kaya ang Anak ni David ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t nang marinig ito ng mga Fariseo , ay kanilang sinabi , Ang taong ito&apos;y hindi nagpapalabas ng mga demonio , kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pagkaalam niya ng mga iniisip nila , ay sinabi niya sa kanila , Ang bawa&apos;t kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak ; ang bawa&apos;t bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas , siya nababahagi laban sa kaniyang sarili ; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio , ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila&apos;y pinalalabas ? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio , ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas , at samsamin ang kaniyang mga pag-aari , kung hindi muna gapusin ang malakas ? at kung magkagayo&apos;y masasamsaman niya ang kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin ; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t sinasabi ko sa inyo , Ang bawa&apos;t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao ; datapuwa&apos;t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao , ay ipatatawad sa kaniya ; datapuwa&apos;t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo , ay hindi ipatatawad sa kaniya , kahit sa sanglibutang ito , o maging sa darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">O pabutihin ninyo ang punong kahoy , at mabuti ang bunga niyaon ; o pasamain ninyo ang punong kahoy , at masama ang bunga niyaon : sapagka&apos;t ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kayong lahi ng mga ulupong , papaano kayo na masasama , ay makapagsasalita ng mabubuting bagay ? sapagka&apos;t sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay : at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinasabi ko sa inyo , na ang bawa&apos;t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal , at sa iyong mga salita ay hahatulan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nang magkagayo&apos;y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo , na nangagsasabi , Guro , ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot , at sinabi sa kanila , Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda ; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi ; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito , at ito&apos;y hahatulan : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas ; at narito , dito&apos;y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito , at ito&apos;y hahatulan : sapagka&apos;t siya&apos;y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon ; at narito , dito&apos;y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Datapuwa&apos;t ang karumaldumal na espiritu , kung siya&apos;y lumabas sa tao , ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan , at hindi makasumpong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Kung magkagayo&apos;y sinasabi niya , Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko ; at pagdating niya , ay nasusumpungan niyang walang laman , walis na , at nagagayakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kung magkagayo&apos;y yumayaon siya , at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya , at sila&apos;y nagsisipasok at nagsisitahan doon : at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una . Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Samantalang siya&apos;y nagsasalita pa sa mga karamihan , narito , ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas , at ibig nilang siya&apos;y makausap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At may nagsabi sa kaniya , Narito , ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas , na ibig nilang makausap ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Nguni&apos;t siya&apos;y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya , Sino ang aking ina ? at sino-sino ang aking mga kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad , at sinabi , Narito , ang aking ina at ang aking mga kapatid !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Sapagka&apos;t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit , ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae , at ina .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay , at naupo sa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakisama sa kaniya ang lubhang maraming tao , ano pa&apos;t lumulan siya sa isang daong , at naupo ; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga , na sinasabi , Narito , ang manghahasik ay yumaon upang maghasik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa paghahasik niya , ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan , at dumating ang mga ibon at kinain nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga iba&apos;y nangahulog sa mga batuhan , na doo&apos;y walang sapat na lupa : at pagdaka&apos;y sumibol , sapagka&apos;t hindi malalim ang lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pagsikat ng araw ay nangainitan ; at dahil sa walang ugat , ay nangatuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga iba&apos;y nangahulog sa mga dawagan , at nagsilaki ang mga dawag , at ininis ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga iba&apos;y nangahulog sa mabuting lupa , at nangagbunga , ang ila&apos;y tigisang daan , at ang ila&apos;y tigaanim na pu , at ang ila&apos;y tigtatatlongpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang may mga pakinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagsilapit ang mga alagad , at sinabi nila sa kaniya , Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sumagot siya at sinabi sa kanila , Sa inyo&apos;y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit , datapuwa&apos;t hindi ipinagkaloob sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t sinomang mayroon ay bibigyan , at siya&apos;y magkakaroon ng sagana : nguni&apos;t sinomang wala , pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t sila&apos;y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga ; sapagka&apos;t nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita , at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig , ni hindi sila nangakakaunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias , na sinasabi , Sa pakikinig ay inyong maririnig , at sa anomang paraa&apos;y hindi ninyo mapaguunawa ; At sa pagtingin ay inyong makikita , at sa anomang paraa&apos;y hindi ninyo mamamalas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kumapal ang puso ng bayang ito , At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga , At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata ; Baka sila&apos;y mangakakita ng kanilang mga mata , At mangakarinig ng kanilang mga tainga , At mangakaunawa ng kanilang puso , At muling mangagbalik loob , At sila&apos;y aking pagalingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t mapapalad ang inyong mga mata , sapagka&apos;t nangakakakita ; at ang iyong mga tainga , sapagka&apos;t nangakakarinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita , at hindi nila nakita ; at marinig ang inyong naririnig , at hindi nila narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pakinggan nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian , at ito&apos;y hindi niya napaguunawa , ay pinaroroonan ng masama , at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso . Ito yaong nahasik sa tabi ng daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang nahasik sa mga batuhan , ay yaong nakikinig ng salita , at pagdaka&apos;y tinatanggap ito ng buong galak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon ma&apos;y wala siyang ugat sa kaniyang sarili , kundi sangdaling tumatagal ; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita , ay pagdaka&apos;y natitisod siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang nahasik sa mga dawagan , ay yaong dumirinig ng salita ; nguni&apos;t ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan , at ang daya ng mga kayamanan , ay siyang umiinis sa salita , at yao&apos;y nagiging walang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang nahasik sa mabuting lupa , ay siyang dumirinig , at nakauunawa ng salita ; na siyang katotohanang nagbubunga , ang ila&apos;y tigisang daan , ang ila&apos;y tigaanim na pu , at ang ila&apos;y tigtatatlongpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga , na sinasabi , Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t samantalang nangatutulog ang mga tao , ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo , at umalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t nang sumibol ang usbong at mamunga , ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya , Ginoo , hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid ? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi niya sa kanila , Isang kaaway ang gumawa nito . At sinabi sa kaniya ng mga alipin , Ibig mo baga na kami nga&apos;y magsiparoon at ang mga yao&apos;y pagtipunin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t sinabi niya , Huwag ; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo , ay inyong mabunot pati ng trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani : at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani , Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo , at inyong pagbibigkisin upang sunugin ; datapuwa&apos;t tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga , na sinasabi , Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa , na kinuha ng isang tao , at inihasik sa kaniyang bukid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi ; datapuwa&apos;t nang tumubo , ay lalong malaki kay sa mga gulay , at nagiging punong kahoy , ano pa&apos;t nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga : Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura , na kinuha ng isang babae , at itinago sa tatlong takal na harina , hanggang sa ito&apos;y nalebadurahang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Lahat ng mga bagay na ito&apos;y sinabi ni Jesus sa mga karamihan sa mga talinghaga ; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi , Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga ; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan , at pumasok sa bahay : at sa kaniya&apos;y nagsilapit ang kaniyang mga alagad , na nagsisipagsabi , Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At siya&apos;y sumagot at nagsabi , Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang bukid ay ang sanglibutan ; at ang mabuting binhi , ay ito ang mga anak ng kaharian : at ang mga pangsirang damo ay ang mga anak ng masama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo : at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan ; at ang mga mangaani ay ang mga anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy ; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel , at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod , at ang nagsisigawa ng katampalasanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sila&apos;y igagatong sa kalan ng apoy : diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kung magkagayo&apos;y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama . Ang may mga pakinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid ; na nasumpungan ng isang tao , at inilihim ; at sa kaniyang kagalaka&apos;y yumaon at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik , at binili ang bukid na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Gayon din naman , ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas , ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik , at binili yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat , na inihulog sa dagat , na nakahuli ng sarisaring isda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Na , nang mapuno , ay hinila nila sa pampang ; at sila&apos;y nagsiupo , at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti , datapuwa&apos;t itinapon ang masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan : lalabas ang mga anghel , at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At sila&apos;y igagatong sa kalan ng apoy : diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito ? Sinabi nila sa kaniya , Oo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At sinabi niya sa kanila , Kaya&apos;t ang bawa&apos;t eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan , na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At nangyari , na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito , ay umalis siya doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At pagdating sa kaniyang sariling lupain , ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga , ano pa&apos;t sila&apos;y nangagtaka , at nangagsabi , Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan , at ng ganitong mga makapangyarihang gawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Hindi baga ito ang anak ng anluwagi ? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina ? at Santiago , at Jose , at Simon , at Judas ang kaniyang mga kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At ang kaniyang mga kapatid na babae , hindi baga silang lahat ay nanga sa atin ? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At siya&apos;y kinatisuran nila . Datapuwa&apos;t sinabi sa kanila ni Jesus , Walang propeta na di may kapurihan , liban sa kaniyang sariling lupain , at sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At siya&apos;y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahong yao&apos;y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod , Ito&apos;y si Juan Bautista ; siya&apos;y muling nagbangon sa mga patay ; kaya&apos;t ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t hinuli ni Herodes si Juan , at siya&apos;y iginapos , at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias , na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t sinabi ni Juan sa kaniya , Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang ibig niyang ipapatay siya , ay natakot siya sa karamihan , sapagka&apos;t siya&apos;y kanilang ibinibilang na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes , ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias , at kinalugdan ni Herodes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dahil dito&apos;y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya&apos;y ibibigay ang anomang hingin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya , na inudyukan ng kaniyang ina , ay nagsabi , Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At namanglaw ang hari ; datapuwa&apos;t dahil sa kaniyang mga sumpa , at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang , ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan , at ibinigay sa dalaga : at dinala nito sa kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon , at kanilang binuhat ang bangkay , at kanilang inilibing ; at sila&apos;y nagsialis at isinaysay kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang marinig nga ito ni Jesus , ay lumigpit sila mula roon , sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod : at nang mabalitaan ito ng mga karamihan , ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y lumabas , at nakita ang isang malaking karamihan , at nahabag siya sa kanila , at pinagaling niya ang sa kanila&apos;y mga may sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang nagtatakipsilim na , ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Ilang ang dakong ito , at lampas na sa panahon ; paalisin mo na ang mga karamihan , upang sila&apos;y magsiparoon sa mga nayon , at sila&apos;y mangakabili ng kanilang makakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi kailangang sila&apos;y magsialis ; bigyan ninyo sila ng makakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinasabi nila sa kaniya , Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya , Dalhin ninyo rito sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila&apos;y magsiupo sa damuhan ; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda , at pagtingala sa langit , ay kaniyang pinagpala , at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad , at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagsikain silang lahat , at nangabusog : at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol , na labingdalawang bakol na puno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake , bukod pa ang mga babae at ang mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagdaka&apos;y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong , at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo , hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan , ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin : at nang gumabi na , ay siya&apos;y nagiisa doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t ang daong ay nasa gitna na ng dagat , na hinahampas ng mga alon ; sapagka&apos;t pasalungat sa hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila , na lumalakad sa ibabaw ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat , ay nangagulumihanan sila , na nangagsasabi , Multo ! at sila&apos;y nagsisigaw dahil sa takot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t pagdaka&apos;y nagsalita sa kanila si Jesus , na nagsasabi , Laksan ninyo ang inyong loob ; ako nga : huwag kayong mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sumagot sa kaniya si Pedro , at nagsabi , Panginoon , kung ikaw nga , ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi niya , Halika . At lumunsad si Pedro sa daong , at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t pagkakita niyang malakas ang hangin , ay natakot siya , at nang siya&apos;y malulubog , ay sumigaw , na nagsasabi , Panginoon , iligtas mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At pagdaka&apos;y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya , at sa kaniya&apos;y sinabi , Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya , bakit ka nagalinglangan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pagkalulan nila sa daong , ay humimpil ang hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya , na nangagsasabi , Tunay na ikaw ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang makatawid na sila , ay narating nila ang lupa ng Genezaret .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang siya&apos;y makilala ng mga tao sa dakong yaon , ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon , at sa kaniya&apos;y dinala ang lahat ng mga may sakit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit : at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba , na nagsisipagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali&apos;t-saling sabi ng matatanda ? sapagka&apos;t hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y sumagot at sinabi sa kanila , Bakit naman kayo&apos;y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali&apos;t-saling sabi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t sinabi ng Dios , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina : at , Ang manungayaw sa ama at sa ina , ay mamatay siyang walang pagsala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t sinasabi ninyo , Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama . At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali&apos;t-saling sabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kayong mga mapagpaimbabaw , mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang bayang ito&apos;y iginagalang ako ng kanilang mga labi ; Datapuwa&apos;t ang kanilang puso ay malayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin , Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan , at sa kanila&apos;y sinabi , Pakinggan ninyo , at unawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao ; kundi ang lumalabas sa bibig , ito ang nakakahawa sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y nagsilapit ang mga alagad , at sa kaniya&apos;y sinabi , Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo , pagkarinig nila ng pananalitang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sumagot siya at sinabi , Ang bawa&apos;t halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan , ay bubunutin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pabayaan ninyo sila : sila&apos;y mga bulag na tagaakay . At kung ang bulag ay umakay sa bulag , ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sumagot si Pedro , at sinabi sa kaniya , Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi niya , Kayo baga nama&apos;y wala pa ring pagiisip ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi pa baga ninyo nalalaman , na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan , at inilalabas sa daanan ng dumi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling ; at siyang nangakakahawa sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip , mga pagpatay , mga pangangalunya , pakikiapid , mga pagnanakaw , mga pagsaksi sa di katotohanan , mga pamumusong :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao ; datapuwa&apos;t ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At umalis doon si Jesus , at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At narito , ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon , at nagsisigaw , na nagsasabi , Kahabagan mo ako , Oh Panginoon , ikaw na Anak ni David ; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t siya&apos;y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya . At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya&apos;y pinamanhikan , na nangagsasabi , Paalisin mo siya ; sapagka&apos;t nagsisisigaw siya sa ating hulihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sinabi , Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t lumapit siya at siya&apos;y sinamba niya , na nagsasabi , Panginoon , saklolohan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y sumagot at sinabi , Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t sinabi niya , Oo , Panginoon : sapagka&apos;t ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya , Oh babae , malaki ang pananampalataya mo : mangyari sa iyo ayon sa ibig mo . At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At umalis si Jesus doon , at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea ; at umahon sa bundok , at naupo doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao , na may mga pilay , mga bulag , mga pipi , mga pingkaw , at iba pang marami , at sila&apos;y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan ; at sila&apos;y pinagaling niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ano pa&apos;t nangagtaka ang karamihan , nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi , nagsisigaling ang mga pingkaw , at nagsisilakad ang mga pilay , at nangakakakita ang mga bulag : at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad , at sinabi , Nahahabag ako sa karamihan , sapagka&apos;t tatlong araw nang sila&apos;y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain : at di ko ibig na sila&apos;y paalising nangagaayuno , baka sila&apos;y manganglupaypay sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa kaniya&apos;y sinabi ng mga alagad , Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Jesus sa kanila , Ilang tinapay mayroon kayo ? At sinabi nila , Pito , at ilang maliliit na isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda ; at siya&apos;y nagpasalamat at pinagputolputol , at ibinigay sa mga alagad , at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nagsikain silang lahat , at nangabusog : at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol , na pitong bakol na puno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At silang nagsikain ay apat na libong lalake , bukod ang mga babae at mga bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong , at napasa mga hangganan ng Magdala .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo , na tinutukso siya na sa kaniya&apos;y nagsisihiling na sila&apos;y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sa kanila&apos;y sinabi , Sa kinahapunan , ay sinasabi ninyo , Bubuti ang panahon : sapagka&apos;t ang langit ay mapula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa umaga , Ngayo&apos;y uunos : sapagka&apos;t mapula at makulimlim ang langit . Kayo&apos;y marurunong magsikilala ng anyo ng langit ; datapuwa&apos;t hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda ; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda , kundi ng tanda ni Jonas . At sila&apos;y iniwan niya , at yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi sa kanila ni Jesus , Kayo&apos;y mangagingat at magsipangilag sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili , na nagsasabi , Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang matalastas ni Jesus ay sinabi , Oh kayong kakaunti ang pananampalataya , bakit kayo&apos;y nangagbubulaybulay sa inyong sarili , sapagka&apos;t wala kayong tinapay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi pa baga ninyo natatalastas , at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake , at kung ilang bakol ang inyong nailigpit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ni yaong pitong tinapay sa apat na libong lalake , at kung ilang bakol ang inyong nailigpit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ano&apos;t hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo&apos;y tungkol sa tinapay ? Datapuwa&apos;t kayo&apos;y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayo&apos;y kanilang natalastas na sa kanila&apos;y hindi ipinagutos na sila&apos;y magsipagingat sa lebadura ng tinapay , kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo , ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad , na sinasabi , Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang sinabi , Anang ilan , Si Juan Bautista ; ang ilan , Si Elias ; at ang mga iba , Si Jeremias , o isa sa mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaniyang sinabi sa kanila , Datapuwa&apos;t , ano ang sabi ninyo kung sino ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sumagot si Simon Pedro at sinabi , Ikaw ang Cristo , Ang anak ng Dios na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sumagot si Jesus at sa kaniya&apos;y sinabi , Mapalad ka , Simon Bar-Jonas : sapagka&apos;t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo , kundi ng aking Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinasabi ko naman sa iyo , na ikaw ay Pedro , at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia ; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit : at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit ; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mula ng panahong yao&apos;y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad , na kinakailangang siya&apos;y pumaroon sa Jerusalem , at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba , at siya&apos;y patayin , at muling ibangon sa ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At isinama siya ni Pedro , at nagpasimulang siya&apos;y pinagwikaan , na nagsasabi , Panginoon , malayo ito sa iyo : kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t lumingon siya , at sinabi kay Pedro , Lumagay ka sa likuran ko , Satanas : ikaw ay tisod sa akin : sapagka&apos;t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios , kundi ang mga bagay ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang magkagayo&apos;y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad , Kung ang sinomang tao&apos;y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin ang kaniyang krus , at sumunod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito : at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ano ang pakikinabangin ng tao , kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay ? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel ; at kung magkagayo&apos;y bibigyan ang bawa&apos;t tao ayon sa kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , May ilan sa nangakatayo rito , na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan , hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkaraan ng anim na araw , ay isinama ni Jesus si Pedro , at si Santiago , at si Juan na kapatid niya , at sila&apos;y dinalang bukod sa isang mataas na bundok :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagbagong-anyo siya sa harap nila ; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw , at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At narito , napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumagot si Pedro , at sinabi kay Jesus , Panginoon , mabuti sa atin ang tayo&apos;y dumito : kung ibig mo , ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo ; isa ang sa iyo , at isa ang kay Moises , at isa ang kay Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Samantalang nagsasalita pa siya , narito , ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila : at narito , ang isang tinig na mula sa alapaap , na nagsasabi , Ito ang sinisinta kong Anak , na siya kong kinalulugdan ; siya ang inyong pakinggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang marinig ito ng mga alagad , ay nangasubasub sila , at lubhang nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lumapit si Jesus at sila&apos;y tinapik , at sinabi , Mangagbangon kayo , at huwag kayong mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa paglingap ng kanilang mga mata , ay wala silang nakitang sinoman , kundi si Jesus lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At habang sila&apos;y nagsisibaba mula sa bundok , ay iniutos sa kanila ni Jesus , na nagsasabi , Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain , hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tinanong siya ng kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sumagot siya , at sinabi , Katotohanang si Elias ay paririto , at isasauli ang lahat ng mga bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na naparito na si Elias , at hindi nila siya nakilala , kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig . Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila&apos;y sinasabi niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagdating nila sa karamihan , ay lumapit sa kaniya ang isang lalake , na sa kaniya&apos;y lumuhod , at nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Panginoon , mahabag ka sa aking anak na lalake : sapagka&apos;t siya&apos;y himatayin , at lubhang naghihirap ; sapagka&apos;t madalas na siya&apos;y nagsusugba sa apoy , at madalas sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y dinala ko sa iyong mga alagad , at hindi nila siya mapagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sumagot si Jesus at sinabi , Oh lahing walang pananampalataya at taksil , hanggang kailan titiisin ko kayo ? dalhin ninyo siya rito sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pinagwikaan siya ni Jesus ; at ang demonio ay lumabas sa kaniya : at ang bata&apos;y gumaling mula nang oras ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang magkagayo&apos;y nagsilapit na bukod ang mga alagad kay Jesus , at nangagsabi , Bakit baga hindi namin napalabas yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa kanila , Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya : sapagka&apos;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa , ay masasabi ninyo sa bundok na ito , Lumipat ka mula rito hanggang doon ; at ito&apos;y lilipat ; at sa inyo&apos;y hindi may pangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t ang ganito&apos;y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At samantalang sila&apos;y nangakahimpil sa Galilea , ay sinabi sa kanila ni Jesus , Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y papatayin nila , at sa ikatlong araw ay siya&apos;y muling ibabangon . At sila&apos;y lubhang nangamanglaw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pagdating nila sa Capernaum , ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo , at nangagsabi , Hindi baga pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinabi niya , Oo . At nang pumasok siya sa bahay , ay pinangunahan siya ni Jesus , na nagsasabi , Anong akala mo , Simon ? ang mga hari sa lupa , kanino baga sila nanganiningil ng kabayaran ng buwis ? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang sabihin niya , Sa nangaiiba , ay sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung gayo&apos;y hindi nangagbabayad ang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t , baka katisuran tayo nila , ay pumaroon ka sa dagat , at ihulog mo ang kawil , at kunin mo ang unang isdang lumitaw ; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig , ay masusumpungan mo ang isang siklo : kunin mo , at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus , na nangagsasabi , Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata , at inilagay sa gitna nila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Malibang kayo&apos;y magsipanumbalik , at maging tulad sa maliliit na bata , sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito , ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin , ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan , at siya&apos;y ilubog sa kalaliman ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod ! sapagka&apos;t kinakailangang dumating ang mga kadahilanan ; datapuwa&apos;t sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo , at iyong itapon : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay , kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo , ay dukitin mo , at iyong itapon : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata , kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito : sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ano ang akala ninyo ? kung ang isang tao ay may isang daang tupa , at maligaw ang isa sa mga yaon , hindi baga iiwan niya ang siyam na pu&apos;t siyam , at pasasa kabundukan , at hahanapin ang naligaw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kung mangyaring masumpungan niya , ay katotohanang sinasabi ko sa inyo , na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu&apos;t siyam na hindi nangaligaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit , na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo , pumaroon ka , at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa : kung ikaw ay pakinggan niya , ay nagwagi ka sa iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t kung hindi ka niya pakinggan , ay magsama ka pa ng isa o dalawa , upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa&apos;t salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung ayaw niyang pakinggan sila , ay sabihin mo sa iglesia : at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia , ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit : at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Muling sinasabi ko sa inyo , na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin , ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan , ay naroroon ako sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang magkagayo&apos;y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya , Panginoon , makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya&apos;y aking patatawarin ? hanggang sa makapito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Hindi ko sinasabi sa iyo , Hanggang sa makapito ; kundi , Hanggang sa makapitongpung pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari , na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang siya&apos;y magpasimulang makipaghusay , ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya&apos;y may utang na sangpung libong talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t palibhasa&apos;y wala siyang sukat ibayad , ipinagutos ng kaniyang panginoon na siya&apos;y ipagbili , at ang kaniyang asawa&apos;t mga anak , at ang lahat niyang tinatangkilik , at nang makabayad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya , na nagsasabi , Panginoon , pagtiisan mo ako , at pagbabayaran ko sa iyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa habag ng panginoon sa aliping yaon , ay pinawalan siya , at ipinatawad sa kaniya ang utang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t lumabas ang aliping yaon , at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin , na sa kaniya&apos;y may utang na isang daang denario : at kaniyang hinawakan siya , at sinakal niya , na sinasabi , Bayaran mo ang utang mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kaya&apos;t nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya , na nagsasabi , Pagtiisan mo ako , at ikaw ay pagbabayaran ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At siya&apos;y ayaw : at yumaon at siya&apos;y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari , ay nangamanglaw silang lubha , at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang magkagayo&apos;y pinalapit siya ng kaniyang panginoon , at sa kaniya&apos;y sinabi , Ikaw na aliping masama , ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon , sapagka&apos;t ipinamanhik mo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin , na gaya ko namang nahabag sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nagalit ang kaniyang panginoon , at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap , hanggang sa siya&apos;y magbayad ng lahat ng utang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan , kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso , ng bawa&apos;t isa ang kaniyang kapatid .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga salitang ito , ay umalis siya sa Galilea at napasa mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao , at sila&apos;y pinagaling niya doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo , na siya&apos;y tinutukso nila , at kanilang sinasabi , Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa&apos;t kadahilanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y sumagot at sinabi , Hindi baga ninyo nabasa , na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula , ay sila&apos;y nilalang niya na lalake at babae ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi , Dahil dito&apos;y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina , at makikisama sa kaniyang asawa ; at ang dalawa ay magiging isang laman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya nga hindi na sila dalawa , kundi isang laman . Ang pinapagsama nga ng Dios , ay huwag papaghiwalayin ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinabi nila sa kaniya , Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay , at ihiwalay ang babae ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi niya sa kanila , Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa : datapuwa&apos;t buhat sa pasimula ay hindi gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinasabi ko sa inyo , Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae , liban na kung sa pakikiapid , at magasawa sa iba , ay nagkakasala ng pangangalunya : at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya , Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa , ay hindi nararapat magasawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito , kundi niyaong mga pinagkalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t may mga bating , na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina : at may mga bating , na ginagawang bating ng mga tao : at may mga bating , na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit . Ang makakatanggap nito , ay pabayaang tumanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata , upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila , at ipanalangin : at sinaway sila ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t sinabi ni Jesus , Pabayaan ninyo ang maliliit na bata , at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin : sapagka&apos;t sa mga ganito ang kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila , at umalis doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At narito , lumapit sa kaniya ang isa , at nagsabi , Guro , ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako&apos;y magkaroon ng buhay na walang hanggan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya sa kaniya , Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti ? May isa , na siyang mabuti : datapuwa&apos;t kung ibig mong pumasok sa buhay , ingatan mo ang mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinabi niya sa kaniya , Alin-alin ? At sinabi ni Jesus , Huwag kang papatay , Huwag kang mangangalunya , Huwag kang magnanakaw , Huwag sasaksi sa di katotohanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina ; at , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sinabi sa kaniya ng binata , Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko : ano pa ang kulang sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung ibig mong maging sakdal , humayo ka , ipagbili mo ang tinatangkilik mo , at ibigay mo sa mga dukha , at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit : at pumarito ka , sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t nang marinig ng binata ang ganitong pananalita , ay yumaon siyang namamanglaw ; sapagka&apos;t siya&apos;y isang may maraming pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At muling sinasabi ko sa inyo , Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom , kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang marinig ito ng mga alagad , ay lubhang nangagtaka , na nagsisipagsabi , Sino nga kaya ang makaliligtas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila , Hindi mangyayari ito sa mga tao ; datapuwa&apos;t sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya , Narito , iniwan namin ang lahat , at nagsisunod sa iyo : ano nga baga ang kakamtin namin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Jesus sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na kayong nagsisunod sa akin , sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian , kayo nama&apos;y magsisiupo sa labingdalawang luklukan , upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang bawa&apos;t magiwan ng mga bahay , o mga kapatid na lalake , o mga kapatid na babae , o ama , o ina , o mga anak , o mga lupa , dahil sa aking pangalan , ay tatanggap ng tigisang daan , at magsisipagmana ng walang hanggang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t maraming mga una na mangahuhuli ; at mga huli na mangauuna .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan , na lumabas pagkaumagang-umaga , upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa&apos;t araw , ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras , at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon din naman kayo sa ubasan , at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran . At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam , at gayon din ang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo ; at sinabi niya sa kanila , Bakit kayo&apos;y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi nila sa kaniya , Sapagka&apos;t sinoma&apos;y walang umupa sa amin . Sinabi niya sa kanila , Magsiparito din naman kayo sa ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang dumating ang hapon , sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala , Tawagin mo ang mga manggagawa , at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila , na mula sa mga huli hanggang sa mga una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa&apos;t tao ng isang denario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang magsilapit ang mga nauna , ang isip nila&apos;y magsisitanggap sila ng higit ; at sila&apos;y nagsitanggap din bawa&apos;t tao ng isang denario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nangagsasabi , Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli , sila&apos;y ipinantay mo sa amin , na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sinabi sa isa sa kanila , Kaibigan , hindi kita iniiring : hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kunin mo ang ganang iyo , at humayo ka sa iyong lakad ; ibig kong bigyan itong huli , nang gaya rin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari ? o masama ang mata mo , sapagka&apos;t ako&apos;y mabuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya&apos;t ang mga una&apos;y mangahuhuli , at ang mga huli ay mangauuna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Samantalang umaahon si Jesus , ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad , at sa daa&apos;y sinabi niya sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Narito , nagsisiahon tayo sa Jerusalem ; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba ; at kanilang hahatulang siya&apos;y patayin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya&apos;y kanilang alimurahin , at hampasin , at ipako sa krus : at sa ikatlong araw siya&apos;y ibabangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang magkagayo&apos;y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo , na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya&apos;y sinamba , at may hinihinging isang bagay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya sa kaniya , Ano ang ibig mo ? Sinabi niya sa kaniya , Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo , ang isa sa iyong kanan , at ang isa sa iyong kaliwa , sa iyong kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t sumagot si Jesus at sinabi , Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi . Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman ? Sa kaniya&apos;y sinabi nila , Mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinabi niya sa kanila , Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro : datapuwa&apos;t ang maupo sa aking kanan , at sa aking kaliwa , ay hindi sa akin ang pagbibigay ; datapuwa&apos;t yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang marinig ito ng sangpu , ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t sila&apos;y pinalapit ni Jesus sa kaniya , at sinabi , Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila , at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa inyo&apos;y hindi magkakagayon : kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran , kundi upang maglingkod , at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang sila&apos;y magsialis sa Jerico , ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At narito , ang dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan , pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus , ay nangagsisigaw , na nagsisipagsabi , Panginoon , mahabag ka sa amin , ikaw na Anak ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At pinagwikaan sila ng karamihan , upang sila&apos;y magsitahimik : datapuwa&apos;t sila&apos;y lalong nangagsisigaw , na nagsisipagsabi , Panginoon , mahabag ka sa amin , ikaw na Anak ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At tumigil si Jesus , at sila&apos;y tinawag , at sinabi , Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinabi nila sa kaniya , Panginoon , na mangadilat ang mga mata namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At si Jesus , sa pagkahabag , ay hinipo ang kanilang mga mata , at pagdaka&apos;y nagsitanggap sila ng kanilang paningin ; at nagsisunod sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang malapit na sila sa Jerusalem , at magsidating sa Betfage , sa bundok ng mga Olivo , ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na sinasabi sa kanila , Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo , at pagdaka&apos;y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno , na may kasamang isang batang asno : kalagin ninyo , at dalhin ninyo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo , ay sasabihin ninyo , Kinakailangan sila ng Panginoon ; at pagdaka&apos;y kaniyang ipadadala sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nangyari nga ito , upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion : Narito , ang Hari mo&apos;y pumaparito sa iyo , Na maamo , at nakasakay sa isang asno , At sa isang batang asno na anak ng babaing asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsiparoon ang mga alagad , at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang dinala ang babaing asno , at ang batang asno , at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit ; at dito siya&apos;y sumakay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit ; at ang mga iba&apos;y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy , at inilalatag sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga karamihang nangasa unahan niya , at ang nagsisunod , ay nagsisigawan , na nagsisipagsabi , Hosana sa Anak ni David : Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon : Hosana sa kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem , ay nagkagulo ang buong bayan , na nagsasabi , Sino kaya ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi ng mga karamihan , Ito&apos;y ang propeta , Jesus , na taga Nazaret ng Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pumasok si Jesus sa templo ng Dios , at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo , at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi , at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kanila , Nasusulat , Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan , datapuwa&apos;t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay , at sila&apos;y kaniyang pinagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga katakatakang bagay na kaniyang ginawa , at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nangagsasabi , Hosana sa Anak ni David ; ay nangagalit sila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi nila sa kaniya , Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito ? At sinabi sa kanila ni Jesus , Oo : kailan man baga&apos;y hindi ninyo nabasa , Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y kaniyang iniwan , at pumaroon sa labas ng bayan sa Betania , at nakipanuluyan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pagka umaga nga nang siya&apos;y bumabalik sa bayan , nagutom siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan , ay kaniyang nilapitan , at walang nasumpungang anoman doon , kundi mga dahon lamang ; at sinabi niya rito , Mula ngayo&apos;y huwag kang magbunga kailan man . At pagdaka&apos;y natuyo ang puno ng igos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang makita ito ng mga alagad , ay nangagtaka sila , na nangagsasabi , Ano&apos;t pagdaka&apos;y natuyo ang puno ng igos ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung kayo&apos;y may pananampalataya , at di mangagaalinlangan , hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos , kundi maging sabihin ninyo sa bundok na ito , mapataas ka , at mapasugba ka sa dagat , ay mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin , na may pananampalataya , ay inyong tatanggapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagpasok niya sa templo , ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan , samantalang siya&apos;y nagtuturo , at nangagsabi , Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito ? at sino ang sa iyo&apos;y nagbigay ng kapamahalaang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong , na kung inyong sasabihin sa akin , ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang bautismo ni Juan , saan baga nagmula ? sa langit o sa mga tao ? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili , na nangagsasabi , Kung sabihin natin , Sa langit ; sasabihin niya sa atin , Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t kung sasabihin , Sa mga tao ; nangatatakot tayo sa karamihan ; sapagka&apos;t kinikilala ng lahat na propeta si Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y nagsisagot kay Jesus , at sinabi , Hindi namin nalalaman . Kaniyang sinabi naman sa kanila , Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t ano sa akala ninyo ? Isang taong may dalawang anak ; at lumapit siya sa una , at sinabi , Anak , pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinagot niya at sinabi , Ayaw ko : datapuwa&apos;t nagsisi siya pagkatapos , at naparoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At siya&apos;y lumapit sa ikalawa , at gayon din ang sinabi . At sumagot siya at sinabi , Ginoo , ako&apos;y paroroon : at hindi naparoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama ? Sinabi nila , Ang una . Sinabi sa kanila ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t naparito si Juan sa inyo sa daan ng katuwiran , at hindi ninyo siya pinaniwalaan ; datapuwa&apos;t pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot : at kayo , sa pagkakita ninyo nito , ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos , upang kayo&apos;y magsipaniwala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga : May isang tao , na puno ng sangbahayan , na nagtanim ng isang ubasan , at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot , at humukay roon ng isang pisaan ng ubas , at nagtayo ng isang bantayan , at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka , at napasa ibang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang malapit na ang panahon ng pamumunga , ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka , upang tanggapin ang kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin , at hinampas nila ang isa , at ang isa&apos;y pinatay , at ang isa&apos;y binato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Muling sinugo niya ang ibang mga alipin , na mahigit pa sa nangauna ; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake , na nagsasabi , Igagalang nila ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t nang makita ng mga magsasaka ang anak , ay nangagusapan sila , Ito ang tagapagmana ; halikayo , siya&apos;y ating patayin , at kunin natin ang kaniyang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y hinawakan nila , at itinaboy siya sa ubasan , at pinatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Pagdating nga ng panginoon ng ubasan , ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sinabi nila sa kaniya , Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon , at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka , na sa kaniya&apos;y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sinabi sa kanila ni Jesus , Kailan man baga&apos;y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan , Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali , Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok ; Ito&apos;y mula sa Panginoon , At ito&apos;y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios , at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog : datapuwa&apos;t sinomang kaniyang malagpakan , ay pangangalating gaya ng alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga , ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nang sila&apos;y nagsisihanap ng paraang siya&apos;y mahuli , ay nangatakot sila sa karamihan , sapagka&apos;t ipinalalagay nito na siya&apos;y propeta .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan : at sila&apos;y ayaw magsidalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin , na sinasabi , Sabihin ninyo sa mga inanyayahan , Narito , inihanda ko na ang aking piging ; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba , at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na : magsiparito kayo sa piging ng kasalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t hindi nila pinansin , at sila&apos;y nagsiyaon sa kanilang lakad , ang isa&apos;y sa kaniyang sariling bukid , ang isa&apos;y sa kaniyang mga kalakal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin , at sila&apos;y dinuwahagi , at pinagpapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t ang hari ay nagalit ; at sinugo ang kaniyang mga hukbo , at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon , at sinunog ang kanilang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kaniyang mga alipin , Nahahanda ang kasalan , nguni&apos;t hindi karapatdapat ang mga inanyayahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan , at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan , at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan , masasama at mabubuti : at napuno ng mga panauhin ang kasalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin , ay doo&apos;y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi niya sa kaniya , Kaibigan , ano&apos;t pumasok ka rito na walang damit-kasalan ? At siya&apos;y naumid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi ng hari sa mga naglilingkod , Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya , at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas ; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t marami ang mga tinawag , datapuwa&apos;t kakaunti ang mga nahirang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang magkagayo&apos;y nagsialis ang mga Fariseo , at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad , na kasama ng mga Herodiano , na nagsisipagsabi , Guro , nalalaman naming ikaw ay totoo , at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios , at hindi ka nangingimi kanino man : sapagka&apos;t hindi ka nagtatangi ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sabihin mo nga sa amin , Ano sa akala mo ? Matuwid bagang bumuwis kay Cesar , o hindi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan , at sinabi sa kanila , Bakit ninyo ako tinutukso , kayong mga mapagpaimbabaw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis . At dinala nila sa kaniya ang isang denario .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa kanila , Kanino ang larawang ito at ang nasusulat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi nila sa kaniya , Kay Cesar . Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kanila , Kaya&apos;t ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar ; at sa Dios ang sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila , at siya&apos;y iniwan , at nagsiyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo , na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli : at siya&apos;y kanilang tinanong ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na sinasabi , Guro , sinabi ni Moises , Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake , ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya , at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake : at nagasawa ang panganay at namatay , at sapagka&apos;t hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa , at sa pangatlo , hanggang sa ikapito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa kahulihulihan nilang lahat , ay namatay ang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa ? sapagka&apos;t siya&apos;y naging asawa nilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nguni&apos;t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Nangagkakamali kayo , sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan , ni ng kapangyarihan man ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa , ni mga papagaasawahin pa , kundi gaya ng mga anghel sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay , hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ako ang Dios ni Abraham , at ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob ? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay , kundi ng mga buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo , ay nangagkatipon sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At isa sa kanila , na tagapagtanggol ng kautusan , ay tinanong siya ng isang tanong , upang siya&apos;y tuksuhin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Guro , alin baga ang dakilang utos sa kautusan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi sa kaniya , Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo , at ng buong kaluluwa mo , at ng buong pagiisip mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ito ang dakila at pangunang utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang pangalawang katulad ay ito , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sa dalawang utos na ito&apos;y nauuwi ang buong kautusan , at ang mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo , ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Na sinasabi , Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo ? kanino bagang anak siya ? Sinabi nila sa kaniya , kay David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sinabi niya sa kanila , Kung gayo&apos;y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon , sa espiritu , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon , Maupo ka sa aking kanan , Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon , paanong siya&apos;y kaniyang anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita , ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayo&apos;y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na nagsasabi , Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lahat nga ng mga bagay na sa inyo&apos;y kanilang ipagutos , ay gawin ninyo at ganapin : datapuwa&apos;t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa ; sapagka&apos;t kanilang sinasabi , at hindi ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Oo , sila&apos;y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin , at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao ; datapuwa&apos;t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao : sapagka&apos;t nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria , at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan , at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagpugayan sa mga pamilihan , at ang sila&apos;y tawagin ng mga tao , Rabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kayo&apos;y huwag patawag na Rabi : sapagka&apos;t iisa ang inyong guro , at kayong lahat ay magkakapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa : sapagka&apos;t iisa ang inyong ama , sa makatuwid baga&apos;y siya na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ni huwag kayong patawag na mga panginoon ; sapagka&apos;t iisa ang inyong panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinomang nagmamataas ay mabababa ; at sinomang nagpapakababa ay matataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&apos;t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao : sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi na nagsisipasok , at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa aba ninyo , mga eskriba&apos;t mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! Sapagka&apos;t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao , at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin : kaya&apos;t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&apos;t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi ; at kung siya&apos;y magkagayon na , ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa aba ninyo , kayong mga tagaakay na bulag , na inyong sinasabi , Kung ipanumpa ninoman ang templo , ay walang anoman ; datapuwa&apos;t kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo , ay nagkakautang nga siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kayong mga mangmang at mga bulag : sapagka&apos;t alin baga ang lalong dakila , ang ginto , o ang templong bumabanal sa ginto ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At , kung ipanumpa ninoman ang dambana , ay walang anoman ; datapuwa&apos;t kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito , ay nagkakautang nga siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kayong mga bulag : sapagka&apos;t alin baga ang lalong dakila , ang handog , o ang dambana na bumabanal sa handog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana , ay ipinanunumpa ito , at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo , ay ipinanumpa ito , at yaong tumatahan sa loob nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit , ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios , at yaong nakaluklok doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&apos;t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena , at ng anis at ng komino , at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan , na dili iba&apos;t ang katarungan , at ang pagkahabag , at ang pananampalataya : datapuwa&apos;t dapat sana ninyong gawin ang mga ito , at huwag pabayaang di gawin yaong iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok , at nilulunok ninyo ang kamelyo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpapaimbabaw ! sapagka&apos;t inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan , datapuwa&apos;t sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ikaw bulag na Fariseo , linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan , upang luminis naman ang kaniyang labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&apos;t tulad kayo sa mga libingang pinaputi , na may anyong maganda sa labas , datapuwa&apos;t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao , at ng lahat na karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon din naman kayo , sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao , datapuwa&apos;t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&apos;t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta , at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinasabi ninyo , Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi&apos;y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t kayo&apos;y nangagpapatotoo sa inyong sarili , na kayo&apos;y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kayong mga ahas , kayong mga lahi ng mga ulupong , paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kaya&apos;t , narito , sinusugo ko sa inyo ang mga propeta , at mga pantas na lalake , at mga eskriba : ang mga iba sa kanila&apos;y inyong papatayin at ipapako sa krus ; at ang mga iba sa kanila&apos;y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga , at sila&apos;y inyong paguusigin sa bayan-bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa , buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Oh Jerusalem , Jerusalem , na pumapatay sa mga propeta , at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya ! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak , na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak , ay ayaw kayo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Narito , ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita , hanggang sa inyong sabihin , Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At lumabas si Jesus sa templo , at payaon sa kaniyang lakad ; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya&apos;y ipamalas ang mga gusali ng templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sa kanila&apos;y sinabi , Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito ? katotohanang sinasabi ko sa inyo , Dito&apos;y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato , na hindi ibabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At samantalang siya&apos;y nakaupo sa bundok ng mga Olivo , ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad , na nagsisipagsabi , Sabihin mo sa amin , kailan mangyayari ang mga bagay na ito ? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito , at ng katapusan ng sanglibutan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t marami ang magsisiparito sa aking pangalan , na mangagsasabi , Ako ang Cristo ; at ililigaw ang marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan ; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan : sapagka&apos;t kinakailangang ito&apos;y mangyari datapuwa&apos;t hindi pa ang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t magsisitindig ang bansa laban sa bansa , at ang kaharian laban sa kaharian ; at magkakagutom at lilindol sa iba&apos;t ibang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung magkagayo&apos;y ibibigay kayo sa kapighatian , at kayo&apos;y papatayin : at kayo&apos;y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kung magkagayo&apos;y maraming mangatitisod , at mangagkakanuluhan ang isa&apos;t isa , at mangagkakapootan ang isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At magsisibangon ang maraming bulaang propeta , at kanilang ililigaw ang marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At dahil sa pagsagana ng katampalasanan , ang pagibig ng marami ay lalamig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa ; at kung magkagayo&apos;y darating ang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira , na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel , na natatayo sa dakong banal ( unawain ng bumabasa ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung magkagayo&apos;y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw , o sa sabbath man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t kung magkagayo&apos;y magkakaroon ng malaking kapighatian , na ang gayo&apos;y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon , at ni hindi na mangyayari kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At malibang paikliin ang mga araw na yaon , ay walang lamang makaliligtas : datapuwa&apos;t dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung magkagayon , kung may magsabi sa inyong sinomang tao , Narito ang Cristo , o , Nariyan ; huwag ninyong paniwalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo , at mga bulaang propeta , at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan ; ano pa&apos;t ililigaw , kung maaari , pati ng mga hirang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Narito , ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya nga kung sa inyo&apos;y kanilang sasabihin , Narito , siya&apos;y nasa ilang ; huwag kayong magsilabas : Narito , siya&apos;y nasa mga silid ; huwag ninyong paniwalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan , at nakikita hanggang sa kalunuran ; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Saan man naroon ang bangkay , ay doon mangagkakatipon ang mga uwak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw , at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag , at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit , at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kung magkagayo&apos;y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit : at kung magkagayo&apos;y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa , at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak , at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan , mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga : pagka nananariwa ang kaniyang sanga , at sumusupling ang mga dahon , ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gayon din naman kayo , pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito , ay talastasin ninyo na siya&apos;y malapit na , nasa mga pintuan nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi lilipas ang lahing ito , hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang langit at ang lupa ay lilipas , datapuwa&apos;t ang aking mga salita ay hindi lilipas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nguni&apos;t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam , kahit ang mga anghel sa langit , kahit ang Anak , kundi ang Ama lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kung paano ang mga araw ni Noe , gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sapagka&apos;t gaya ng mga araw bago nagkagunaw , sila&apos;y nagsisikain at nagsisiinom , at nangagaasawa at pinapapagaasawa , hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw , at sila&apos;y tinangay na lahat ; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kung magkagayo&apos;y sasa bukid ang dalawang lalake ; ang isa&apos;y kukunin , at ang isa&apos;y iiwan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan ; ang isa&apos;y kukunin , at ang isa&apos;y iiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Mangagpuyat nga kayo : sapagka&apos;t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Datapuwa&apos;t ito&apos;y talastasin ninyo , na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw , ay siya&apos;y magpupuyat , at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Kaya nga kayo&apos;y magsihanda naman ; sapagka&apos;t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Sino nga baga ang aliping tapat at matalino , na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan , upang sila&apos;y bigyan ng pagkain sa kapanahunan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon , ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na sa kaniya&apos;y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Datapuwa&apos;t kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso , Magtatagal ang aking panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin , at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay , at oras na hindi niya nalalaman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At siya&apos;y babaakin , at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw : doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga , na kinuha ang kanilang mga ilawan , at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang lima sa kanila&apos;y mga mangmang , at ang lima&apos;y matatalino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan , ay hindi sila nangagdala ng langis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake , ay nangagantok silang lahat at nangakatulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t pagkahating gabi ay may sumigaw , Narito , ang kasintahang lalake ! Magsilabas kayo upang salubungin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon , at pinagigi ang kanilang mga ilawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi ng mga mangmang sa matatalino , Bigyan ninyo kami ng inyong langis ; sapagka&apos;t nangamamatay ang aming mga ilawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t nagsisagot ang matatalino , na nangagsasabi , Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo : magsiparoon muna kayo sa nangagbibili , at magsibili kayo ng ganang inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At samantalang sila&apos;y nagsisiparoon sa pagbili , ay dumating ang kasintahang lalake ; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan : at inilapat ang pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga , na nagsisipagsabi , Panginoon , Panginoon , buksan mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t sumagot siya at sinabi , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi ko kayo nangakikilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mangagpuyat nga kayo , sapagka&apos;t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t tulad sa isang tao , na nang paroroon sa ibang lupain , ay tinawag ang kaniyang sariling mga alipin , at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang isa&apos;y binigyan niya ng limang talento , ang isa&apos;y dalawa , at ang isa&apos;y isa ; sa bawa&apos;t isa&apos;y ayon sa kanikaniyang kaya ; at siya&apos;y yumaon sa kaniyang paglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang tumanggap ng limang talento pagdaka&apos;y yumaon at ipinangalakal niya ang mga yaon , at siya&apos;y nakinabang ng lima pang talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa gayon ding paraan ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng ibang dalawa pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t ang tumanggap ng isa ay yumaon at humukay sa lupa , at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Pagkatapos nga ng mahabang panahon , ay dumating ang panginoon ng mga aliping yaon , at nakipaghusay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagdala ng lima pang talento , na nagsasabi , Panginoon , binigyan mo ako ng limang talento : narito , ako&apos;y nakinabang ng lima pang talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon , Mabuting gawa , mabuti at tapat na alipin : nagtapat ka sa kakaunting bagay , pamamahalain kita sa maraming bagay ; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At lumapit naman ang tumanggap ng dalawang talento at sinabi , Panginoon , binigyan mo ako ng dalawang talento : narito , ako&apos;y nakinabang ng dalawa pang talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon , Mabuting gawa , mabuti at tapat na alipin : nagtapat ka sa kakaunting bagay , pamamahalain kita sa maraming bagay ; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi , Panginoon , nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas , na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan , at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ako&apos;y natakot , at ako&apos;y yumaon at aking itinago sa lupa ang talento mo : narito , nasa iyo ang iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya , Ikaw na aliping masama at tamad , nalalaman mong ako&apos;y gumagapas sa hindi ko hinasikan , at nagaani doon sa hindi ko sinabugan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Gayon pala&apos;y ibinigay mo sana ang aking salapi sa nagsisipangalakal ng salapi , at nang sa aking pagdating ay tinanggap ko sana ang ganang akin pati ng pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Alisin nga ninyo sa kaniya ang talento , at ibigay ninyo sa may sangpung talento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t mayroon ay bibigyan , at siya&apos;y magkakaroon ng sagana : nguni&apos;t ang wala , pati pa nang nasa kaniya ay aalisin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas : diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian , na kasama niya ang lahat ng mga anghel , kung magkagayo&apos;y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa : at sila&apos;y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan , datapuwa&apos;t sa kaliwa ang mga kambing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung magkagayo&apos;y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan , Magsiparito kayo , mga pinagpala ng aking Ama , manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t ako&apos;y nagutom , at ako&apos;y inyong pinakain ; ako&apos;y nauhaw , at ako&apos;y inyong pinainom ; ako&apos;y naging taga ibang bayan , at inyo akong pinatuloy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Naging hubad , at inyo akong pinaramtan ; ako&apos;y nagkasakit , at inyo akong dinalaw ; ako&apos;y nabilanggo , at inyo akong pinaroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Kung magkagayo&apos;y sasagutin siya ng mga matuwid , na mangagsasabi , Panginoon , kailan ka namin nakitang nagutom , at pinakain ka namin ? o nauuhaw , at pinainom ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan , at pinatuloy ka ? o hubad , at pinaramtan ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At kailan ka namin nakitang may-sakit , o nasa bilangguan , at dinalaw ka namin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid , kahit sa pinakamaliit na ito , ay sa akin ninyo ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kung magkagayo&apos;y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa , Magsilayo kayo sa akin , kayong mga sinumpa , at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sapagka&apos;t ako&apos;y nagutom , at hindi ninyo ako pinakain ; ako&apos;y nauhaw , at hindi ninyo ako pinainom ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Ako&apos;y naging isang taga ibang bayan , at hindi ninyo ako pinatuloy ; hubad , at hindi ninyo ako pinaramtan ; maysakit at nasa bilangguan , at hindi ako dinalaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Kung magkagayo&apos;y sila nama&apos;y magsisisagot , na magsisipagsabi , Panginoon , kailan ka namin nakitang nagugutom , o nauuhaw , o isang taga ibang bayan , o hubad , o may-sakit , o nasa bilangguan , at hindi ka namin pinaglingkuran ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kung magkagayo&apos;y sila&apos;y sasagutin niya , na sasabihin , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito , ay hindi ninyo ginawa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At ang mga ito&apos;y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan : datapuwa&apos;t ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito , ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua , at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y ang mga pangulong saserdote , at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote , na tinatawag na Caifas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya , at siya&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t sinabi nila , Huwag sa kapistahan , baka magkagulo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga , at ibinuhos sa kaniyang ulo , samantalang siya&apos;y nakaupo sa pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t nang makita ito ng mga alagad , ay nangagalit sila , na nangagsasabi , Ano ang layon ng pagaaksayang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ito&apos;y maipagbibili sa malaking halaga , at maibibigay sa mga dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila , Bakit ninyo binabagabag ang babae ? sapagka&apos;t gumawa siya sa akin ng mabuting gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t laging nangasa inyo ang mga dukha ; datapuwa&apos;t ako&apos;y hindi laging nasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan , ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan , ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayo&apos;y isa sa labingdalawa , na tinatawag na Judas Iscariote , ay naparoon sa mga pangulong saserdote ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi , Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin , at siya&apos;y ibibigay ko sa inyo ? At siya&apos;y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At buhat nang panahong yao&apos;y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus , na nagsisipagsabing , Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya , Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao , at sabihin ninyo sa kaniya , Sinabi ng Guro , malapit na ang aking panahon ; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus ; at inihanda nila ang kordero ng paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang dumating nga ang gabi , ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At samantalang sila&apos;y nagsisikain , ay sinabi niya , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ako&apos;y ipagkakanulo ng isa sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sila&apos;y lubhang nangamanglaw , at nagpasimula ang bawa&apos;t isa na magsabi sa kaniya , Ako baga , Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y sumagot at sinabi , Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan , ay siya ring magkakanulo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Anak ng tao ay papanaw , ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya : datapuwa&apos;t sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao ! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At si Judas , na sa kaniya&apos;y nagkanulo , ay sumagot at nagsabi , Ako baga , Rabi ? Sinabi niya sa kaniya , Ikaw ang nagsabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At samantalang sila&apos;y nagsisikain , ay dumampot si Jesus ng tinapay , at pinagpala , at pinagputolputol ; at ibinigay sa mga alagad , at sinabi , Kunin ninyo , kanin ninyo ; ito ang aking katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At dumampot siya ng isang saro , at nagpasalamat , at ibinigay sa kanila , na nagsasabi , Magsiinom kayong lahat diyan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t ito ang aking dugo ng tipan , na nabubuhos dahil sa marami , sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas , hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At pagkaawit nila ng isang himno , ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang magkagayo&apos;y sinabi sa kanila ni Jesus , Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito : sapagka&apos;t nasusulat , Sasaktan ko ang pastor , at mangangalat ang mga tupa ng kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t pagkapagbangon ko , ay mauuna ako sa inyo sa Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya , Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo , ako kailan ma&apos;y hindi magdaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa iyo , na sa gabing ito , bago tumilaok ang manok , ay ikakaila mo akong makaitlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sinabi sa kaniya ni Pedro , Kahima&apos;t ako&apos;y mamatay na kasama mo , ay hindi kita ikakaila . Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nang magkagayo&apos;y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani , at sinabi sa kaniyang mga alagad , Magsiupo kayo rito , samantalang ako&apos;y pumaparoon doon at manalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo , at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kanila , Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko , hanggang sa kamatayan : mangatira kayo rito , at makipagpuyat sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At lumakad siya sa dako pa roon , at siya&apos;y nagpatirapa , at nanalangin , na nagsasabi , Ama ko , kung baga maaari , ay lumampas sa akin ang sarong ito : gayon ma&apos;y huwag ang ayon sa ibig ko , kundi ang ayon sa ibig mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At lumapit siya sa mga alagad , at sila&apos;y kaniyang naratnang nangatutulog , at sinabi kay Pedro , Ano , hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kayo&apos;y mangagpuyat at magsipanalangin , upang huwag kayong magsipasok sa tukso : ang espiritu sa katotohanan ay may ibig , datapuwa&apos;t mahina ang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Muli siyang umalis na bilang ikalawa , at nanalangin , na nagsasabi , Ama ko , kung di mangyayaring makalampas ito , kundi ko inumin , mangyari nawa ang iyong kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At siya&apos;y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog , sapagka&apos;t nangabibigatan ang kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At muli niya silang iniwan , at umalis , at nanalangin bilang ikatlo , na sinabing muli ang gayon ding mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nang magkagayo&apos;y lumapit siya sa mga alagad , at sinabi sa kanila , Mangatulog na kayo , at mangagpahinga : narito , malapit na ang oras , at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Magsitindig kayo , hayo na tayo : narito , malapit na ang nagkakanulo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At samantalang nagsasalita pa siya , narito , dumating si Judas , na isa sa labingdalawa , at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas , mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat , na sinasabi , Ang aking hagkan , ay yaon nga : hulihin ninyo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At pagdaka&apos;y lumapit siya kay Jesus , at nagsabi , Magalak , Rabi ; at siya&apos;y hinagkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Gawin mo ang dahil ng pagparito mo . Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus , at siya&apos;y kanilang dinakip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At narito , ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak , at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote , at tinagpas ang kaniyang tainga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Nang magkagayo&apos;y sinabi sa kaniya ni Jesus , Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan : sapagka&apos;t ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama , at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Kung gayo&apos;y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan , na ganyan ang nauukol na mangyari ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan , Kayo baga&apos;y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan , na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako ? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo , at hindi ninyo ako dinakip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Datapuwa&apos;t nangyari ang lahat ng ito , upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta . Nang magkagayo&apos;y iniwan siya ng lahat ng mga alagad , at nagsitakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas , na doo&apos;y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Datapuwa&apos;t si Pedro&apos;y sumunod sa kaniya sa malayo , hanggang sa looban ng dakilang saserdote , at siya&apos;y pumasok , at nakiumpok sa mga punong kawal , upang makita niya ang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus , upang siya&apos;y kanilang maipapatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At yao&apos;y hindi nila nangasumpungan , bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan . Nguni&apos;t pagkatapos ay nagsidating ang dalawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At nangagsabi , Sinabi ng taong ito , Maigigiba ko ang templo ng Dios , at muling itatayo ko sa tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At nagtindig ang dakilang saserdote , at sinabi sa kaniya , Wala kang isinasagot na anoman ? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Datapuwa&apos;t hindi umimik si Jesus . At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya , Kita&apos;y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay , na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo , ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Ikaw ang nagsabi : gayon ma&apos;y sinasabi ko sa inyo , Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan , at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Nang magkagayo&apos;y hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit , na sinasabi , Nagsalita siya ng kapusungan : ano pa ang kailangan natin ng mga saksi ? narito , ngayo&apos;y narinig ninyo ang kapusungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Ano ang akala ninyo ? Nagsisagot sila at kanilang sinabi , Karapatdapat siya sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Nang magkagayo&apos;y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya&apos;y kanilang pinagsusuntok : at tinatampal siya ng mga iba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Na nangagsasabi , Hulaan mo sa amin , ikaw Cristo : sino ang sa iyo&apos;y bumubugbog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">Nakaupo nga si Pedro sa labas ng looban : at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae , na nagsasabi , Ikaw man ay kasama ng taga Galileang si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Datapuwa&apos;t siya&apos;y kumaila sa harap nilang lahat , na sinasabi , Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila , at sinabi sa nangaroon , Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">At muling kumailang may sumpa , Hindi ko nakikilala ang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "73">At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro , Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila ; sapagka&apos;t ipinakikilala ka ng iyong pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "74">Nang magkagayo&apos;y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa , Hindi ko nakikilala ang tao . At pagdaka&apos;y tumilaok ang manok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "75">At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus , Bago tumilaok ang manok , ay ikakaila mo akong makaitlo . At siya&apos;y lumabas at nanangis na mainam .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagka umaga nga , ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya&apos;y ipapatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y ginapos nila , at siya&apos;y inilabas , at kanilang ibinigay siya kay Pilato na gobernador .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y si Judas , na nagkanulo sa kaniya , pagkakitang siya&apos;y nahatulan na , ay nagsisi , at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na sinasabi , Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan . Datapuwa&apos;t kanilang sinabi , Ano sa amin ? ikaw ang bahala niyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak , at umalis ; at siya&apos;y yumaon at nagbigti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak , at sinabi , Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman , sapagka&apos;t halaga ng dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nangagsanggunian , at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok , upang paglibingan ng mga taga ibang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil dito&apos;y tinawag ang bukid na yaon , ang bukid ng dugo , hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang magkagayo&apos;y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias , na nagsasabi , At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak , halaga noong hinalagahan , na inihalaga ng mga anak ng Israel ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok , ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador : at tinanong siya ng gobernador , na nagsasabi , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? At sinabi sa kaniya ni Jesus , Ikaw ang nagsasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang siya&apos;y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda , ay hindi siya sumagot ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sinabi sa kaniya ni Pilato , Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hindi siya sinagot niya , ng kahit isang salita man lamang : ano pa&apos;t nanggilalas na mainam ang gobernador .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo , na sinoman ang kanilang ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At noo&apos;y sila&apos;y may isang bilanggong bantog , na tinatawag na Barrabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang sila&apos;y mangagkatipon nga , ay sinabi sa kanila ni Pilato , Sino ang ibig ninyong sa inyo&apos;y aking pawalan ? si Barrabas , o si Jesus na tinatawag na Cristo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom , ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa , na nagsasabi , Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan ; sapagka&apos;t ngayong araw na ito&apos;y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Inudyukan ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas , at puksain si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t sumagot ang gobernador at sa kanila&apos;y sinabi , Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo&apos;y aking pawalan ? At sinabi nila , Si Barrabas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi sa kanila ni Pilato , Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo ? Sinabi nilang lahat , Mapako siya sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi niya , Bakit , anong kasamaan ang kaniyang ginawa ? Datapuwa&apos;t sila&apos;y lalong nangagsigawan , na nangagsasabi , Mapako siya sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya&apos;t nang makita ni Pilato na wala siyang magawa , kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan , siya&apos;y kumuha ng tubig , at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan , na sinasabi , Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao ; kayo ang bahala niyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sumagot ang buong bayan at nagsabi , Mapasa amin ang kaniyang dugo , at sa aming mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y pinawalan niya sa kanila si Barrabas ; nguni&apos;t si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio , at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y kanilang hinubdan , at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y nangagkamakama ng isang putong na tinik , at ipinutong sa kaniyang ulo , at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo ; at sila&apos;y nagsiluhod sa harap niya at siya&apos;y kanilang nilibak , na nagsisipagsabi , Magalak , Hari ng mga Judio !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At siya&apos;y kanilang niluluraan , at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nang siya&apos;y kanilang malibak , ay hinubdan nila siya ng balabal , at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit , at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At paglabas nila&apos;y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene , na ang pangala&apos;y Simon : ito&apos;y kanilang pinilit na sumama sa kanila , upang pasanin niya ang kaniyang krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang sila&apos;y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota , sa makatuwid baga&apos;y , Ang dako ng bungo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo : at nang kaniyang matikman , ay ayaw niyang inumin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang siya&apos;y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit , na kanilang pinagsapalaran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sila&apos;y nangagsiupo at binantayan siya roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya , na nasusulat : ITO&apos; Y SI JESUS , ANG HARI NG MGA JUDIO .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nang magkagayo&apos;y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan , isa sa kanan at isa sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y nililibak ng nangagdaraan , na iginagalaw ang kanilang mga ulo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At nangagsasabi , Ikaw na igigiba mo ang templo , at sa tatlong araw ay iyong itatayo , iyong iligtas ang sarili mo : kung ikaw ay Anak ng Dios , ay bumaba ka sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote , pati ng mga eskriba at ng matatanda , na nagsipagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Nagligtas siya sa mga iba ; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas . Siya ang Hari ng Israel ; bumaba siya ngayon sa krus , at tayo&apos;y magsisisampalataya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nananalig siya sa Dios ; iligtas niya siya ngayon , kung siya&apos;y iniibig : sapagka&apos;t sinabi niya , Ako&apos;y Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig , na sinasabi : Eli , Eli , lama sabachthani ? sa makatuwid baga&apos;y , Dios ko , Dios ko bakit mo ako pinabayaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon , ay sinabi , Tinatawag ng taong ito si Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At pagkaraka&apos;y tumakbo ang isa sa kanila , at kumuha ng isang espongha , at binasa ng suka , saka inilagay sa isang tambo , at ipinainom sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At sinabi ng mga iba , Pabayaan ninyo ; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya&apos;y iligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig , at nalagot ang kaniyang hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At narito , ang tabing ng templo&apos;y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba ; at nayanig ang lupa ; at nangabaak ang mga bato ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At nangabuksan ang mga libingan ; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya&apos;y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang senturion nga , at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus , nang mangakita nila ang lindol , at ang mga bagay na nangyari , ay lubhang nangatakot , na nangagsasabi , Tunay na ito ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nangaroroon ang maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo , na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea , na siya&apos;y kanilang pinaglilingkuran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena , at si Maria na ina ni Santiago at ni Jose , at ang ina ng mga anak ni Zebedeo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea , na nagngangalang Jose , na ito&apos;y naging alagad din naman ni Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Ang taong ito&apos;y naparoon kay Pilato , at hiningi ang bangkay ni Jesus . Nang magkagayo&apos;y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan , na kaniyang hinukay sa bato : at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan , at umalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At nangaroon si Maria Magdalena , at ang isang Maria , at nangakaupo sa tapat ng libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Nang kinabukasan nga , na siyang araw pagkatapos ng Paghahanda , ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Na nagsisipagsabi , Ginoo , naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa , Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw , baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya&apos;y nakawin , at sabihin sa bayan , Siya&apos;y nagbangon sa gitna ng mga patay : at lalong sasama ang huling kamalian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">Sinabi sa kanila ni Pilato , Mayroon kayong bantay : magsiparoon kayo , inyong ingatan ayon sa inyong makakaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Kaya&apos;t sila&apos;y nagsiparoon , at iningatan nila ang libingan , tinatakan ang bato , na kasama nila ang bantay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magtatapos ang araw ng sabbath , nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo , ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narito , lumindol ng malakas ; sapagka&apos;t bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon , at naparoon at iginulong ang bato , at nakaupo sa ibabaw nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat , at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa takot sa kaniya&apos;y nagsipanginig ang mga bantay , at nangaging tulad sa mga taong patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae , Huwag kayong mangatakot ; sapagka&apos;t nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y wala rito ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagbangon , ayon sa sinabi niya . Magsiparito kayo , tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At magsiyaon kayong madali , at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo , Siya&apos;y nagbangon sa mga patay ; at narito , siya&apos;y nangunguna sa inyo sa Galilea ; doon makikita ninyo siya : narito , nasabi ko na sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak , at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At narito , sila&apos;y sinalubong ni Jesus na nagsasabi , Mangagalak kayo . At sila&apos;y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa , at siya&apos;y sinamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi sa kanila ni Jesus , Huwag kayong mangatakot : magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea , at doo&apos;y makikita nila ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Samantala ngang sila&apos;y nagsisiparoon , narito , ang ilan sa mga bantay ay nagsiparoon sa bayan , at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang sila&apos;y mangakipagkatipon na sa matatanda , at makapagsanggunian na , ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na nangagsasabi , Sabihin ninyo , Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad , at siya&apos;y kanilang ninakaw samantalang kami&apos;y nangatutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ito&apos;y dumating sa tainga ng gobernador , ay siya&apos;y aming hihikayatin , at kayo&apos;y aming ilalagay sa panatag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t kinuha nila ang salapi , at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila : at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio , at nananatili hanggang sa mga araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea , sa bundok na sa kanila&apos;y itinuro ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang siya&apos;y kanilang makita , ay kanilang sinamba siya ; datapuwa&apos;t ang ilan ay nangagalinlangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At lumapit si Jesus sa kanila at sila&apos;y kaniyang kinausap , na sinasabi , Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dahil dito magsiyaon nga kayo , at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa , na sila&apos;y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo : at narito , ako&apos;y sumasa inyong palagi , hanggang sa katapusan ng sanglibutan .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "41">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo , ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta , Narito , sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha , Na maghahanda ng iyong daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang , Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon , Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Dumating si Juan , na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nilalabas siya ng buong lupain ng Judea , at nilang lahat na mga taga Jerusalem ; at sila&apos;y binabautismuhan niya sa ilog ng Jordan , na nangagpapahayag ng kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Juan ay nananamit ng balahibo ng kamelyo , at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang , at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y nangangaral , na nagsasabi , Sumusunod sa hulihan ko ang lalong makapangyarihan kay sa akin ; hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali ng kaniyang mga pangyapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Binabautismuhan ko kayo sa tubig ; datapuwa&apos;t kayo&apos;y babautismuhan niya sa Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangyari nang mga araw na yaon , na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea , at siya&apos;y binautismuhan ni Juan sa Jordan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At karakarakang pagahon sa tubig , ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit , at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At may isang tinig na nagmula sa mga langit , Ikaw ang sinisinta kong Anak , sa iyo ako lubos na nalulugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagdaka&apos;y itinaboy siya ng Espiritu sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas ; at kasama siya ng mga ganid ; at pinaglingkuran siya ng mga anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagkatapos ngang madakip si Juan , ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinasabi , Naganap na ang panahon , at malapit na ang kaharian ng Dios : kayo&apos;y mangagsisi , at magsisampalataya sa evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea , ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga mamamalakaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi sa kanila ni Jesus , Magsisunod kayo sa aking hulihan , at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pagdaka&apos;y iniwan nila ang mga lambat , at nagsisunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At paglakad sa dako pa roon ng kaunti , ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo , at si Juan na kaniyang kapatid , na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagdaka&apos;y kaniyang tinawag sila : at kanilang iniwan sa daong ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ng mga aliping upahan , at nagsisunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nagsipasok sila sa Capernaum ; at pagdaka&apos;y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangagtaka sila sa kaniyang aral : sapagka&apos;t sila&apos;y tinuturuan niyang tulad sa may kapamahalaan , at hindi gaya ng mga eskriba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagdaka&apos;y may isang tao sa kanilang sinagoga na may isang karumaldumal na espiritu ; at siya&apos;y sumigaw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na nagsasabi , Anong pakialam namin sa iyo , Jesus ikaw na Nazareno ? naparito ka baga upang kami&apos;y puksain ? Nakikilala kita kung sino ka , ang Banal ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinaway siya ni Jesus , na nagsasabi , Tumahimik ka , at lumabas ka sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang karumaldumal na espiritu , nang mapangatal niya siya at makapagsisigaw ng malakas na tinig , ay lumabas sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At silang lahat ay nangagtaka , ano pa&apos;t sila-sila rin ay nangagtatanungan , na sinasabi , Ano kaya ito ? isang bagong aral yata ! may kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu , at siya&apos;y tinatalima nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At lumipana pagdaka ang pagkabantog niya sa lahat ng dako sa buong palibotlibot ng lupain ng Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At paglabas nila sa sinagoga , ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres , na kasama si Santiago at si Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon ; at pagdaka&apos;y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay , at siya&apos;y itinindig ; at inibsan siya ng lagnat , at siya&apos;y naglingkod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nang kinagabihan , paglubog ng araw , ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit , at ang mga inaalihan ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit , at nagpalabas ng maraming demonio ; at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio , sapagka&apos;t siya&apos;y kanilang kilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nagbangon siya nang madaling-araw , na malalim pa ang gabi , at lumabas , at napasa isang dakong ilang , at doo&apos;y nanalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At siya&apos;y nasumpungan nila , at sinabi sa kaniya , Hinahanap ka ng lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan , upang ako&apos;y makapangaral din naman doon ; sapagka&apos;t sa ganitong dahilan ako&apos;y naparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y pumasok sa mga sinagoga nila sa buong Galilea , na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At lumapit sa kaniya ang isang ketongin , na namamanhik sa kaniya , at nanikluhod sa kaniya , at sa kaniya&apos;y nagsasabi , Kung ibig mo , ay maaaring malinis mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay , at siya&apos;y hinipo , at sinabi sa kaniya , Ibig ko ; luminis ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At pagdaka&apos;y nawalan siya ng ketong , at siya&apos;y nalinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At siya&apos;y kaniyang pinagbilinang mahigpit , at pinaalis siya pagdaka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinabi sa kaniya , Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman : kundi yumaon ka , at pakita ka sa saserdote , at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises , na bilang isang patotoo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Datapuwa&apos;t siya&apos;y umalis , at pinasimulang ipamalitang mainam , at ipahayag ang nangyari , ano pa&apos;t hindi na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan , kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang : at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang siya&apos;y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw , ay nahayag na siya&apos;y nasa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At maraming nagkatipon , ano pa&apos;t hindi na magkasiya , kahit sa pintuan man : at sa kanila&apos;y sinaysay niya ang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsidating , na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya , na usong ng apat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan , ay kanilang binakbak ang bubungan ng kaniyang kinaroroonan : at nang yao&apos;y kanilang masira , ay inihugos nila ang higaang kinahihigan ng lumpo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo , Anak , ipinatatawad ang iyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba , at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito ? siya&apos;y namumusong : sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa , ang Dios lamang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagkaunawa ni Jesus , sa kaniyang espiritu na sila&apos;y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili , pagdaka&apos;y sinabi sa kanila , Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Alin baga ang lalong magaang sabihin sa lumpo , Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan ; o sabihin , Magtindig ka , at buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan ( sinabi niya sa lumpo ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa iyo ko sinasabi , Magtindig ka , buhatin mo ang iyong higaan , at umuwi ka sa bahay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagtindig siya , at pagdaka&apos;y binuhat ang higaan , at yumaon sa harap nilang lahat ; ano pa&apos;t nangagtaka silang lahat , at niluwalhati nila ang Dios , na nangagsabi , Kailan ma&apos;y hindi tayo nakakita ng ganito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At muling lumabas at naparoon siya sa tabi ng dagat ; at lumapit sa kaniya ang buong karamihan , at sila&apos;y kaniyang tinuruan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa kaniyang pagdaraan , ay nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis , at sinabi niya sa kaniya , Sumunod ka sa akin . At nagtindig siya at sumunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , na siya&apos;y nakaupo sa pagkain sa kaniyang bahay , at maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad : sapagka&apos;t sila&apos;y marami , at sila&apos;y nagsisunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo , na siya&apos;y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis , ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad , Ano ito na siya&apos;y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang ito&apos;y marinig ni Jesus , ay sinabi niya sa kanila , Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit , kundi ang mga maysakit : hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid , kundi ng mga makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo : at sila&apos;y nagsilapit at sinabi sa kaniya , Bakit nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Fariseo , datapuwa&apos;t hindi nangagaayuno ang iyong mga alagad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi sa kanila ni Jesus , Mangyayari bagang mangagayuno ang mga abay sa kasalan , samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila ? samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila , ay hindi sila mangakapagaayuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t darating ang mga araw , na aalisin sa kanila ang kasintahang-lalake , at kung magkagayo&apos;y mangagaayuno sila sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Walang taong nagtatagpi ng matibay na kayo sa damit na luma : sa ibang paraan ang itinagpi ay binabatak ang tinagpian , sa makatuwid baga&apos;y ang bago sa luma , at lalong lumalala ang punit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma ; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat : kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang araw ng sabbath ; at ang mga alagad niya , samantalang nagsisilakad , ay nagpasimulang nagsikitil ng mga uhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo , Narito , bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang hindi matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi niya sa kanila , Kailan man baga&apos;y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David , nang siya&apos;y mangailangan , at magutom , siya , at ang kaniyang mga kasamahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si Abiatar , at kumain siya ng tinapay na itinalaga , na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang , at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi niya sa kanila , Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao , at di ang tao ng dahil sa sabbath :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y muling pumasok sa sinagoga ; at doo&apos;y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath ; upang siya&apos;y maisakdal nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay , Magtindig ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi niya sa kanila , Katuwiran baga ang gumawa ng magaling sa araw ng sabbath , o ang gumawa ng masama ? magligtas ng isang buhay , o pumatay ? Datapuwa&apos;t sila&apos;y hindi nagsiimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang siya&apos;y lumingap sa kanila sa palibotlibot na may galit , sapagka&apos;t ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso , ay sinabi niya sa lalake , Iunat mo ang iyong kamay . At iniunat niya : at gumaling ang kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsilabas ang mga Fariseo , at pagdaka&apos;y nakipagsanggunian sa mga Herodiano laban sa kaniya , kung paanong siya&apos;y maipapupuksa nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat : at nagsisunod sa kaniya ang lubhang karamihang taong mula sa Galilea ; at mula sa Judea ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At mula sa Jerusalem , at mula sa Idumea , at mula sa dakong ibayo ng Jordan , at sa palibotlibot ng Tiro , at Sidon , na lubhang maraming tao , nang mabalitaan ang lubhang mga dakilang bagay na kaniyang ginagawa , ay nagsiparoon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , na ihanda sa kaniya ang isang maliit na daong dahil sa karamihan , baka siya&apos;y kanilang siksikin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t siya&apos;y nakapagpagaling sa marami ; ano pa&apos;t sinisiksik siya ng lahat ng mga nasasalot upang siya&apos;y mahipo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga karumaldumal na espiritu , pagkakita sa kaniya , ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan , at nangagsisisigaw , na nangagsasabi , Ikaw ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit na siya&apos;y huwag nilang ihayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y umahon sa bundok , at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan : at nagsilapit sila sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At naghalal siya ng labingdalawa , upang sila&apos;y makisama sa kaniya , at upang sila&apos;y suguin niyang magsipangaral ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At si Santiago na anak ni Zebedeo , at si Juan na kapatid ni Santiago ; at sila&apos;y pinamagatan niyang Boanerges , na sa makatuwid baga&apos;y mga Anak ng kulog :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Andres , at si Felipe , at si Bartolome , at si Mateo , at si Tomas , at si Santiago , na anak ni Alfeo , at si Tadeo , at si Simon ang Cananeo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At si Judas Iscariote , na siya ring nagkanulo sa kaniya . At pumasok siya sa isang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At muling nagkatipon ang karamihan , ano pa&apos;t sila&apos;y hindi man lamang makakain ng tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan , ay nagsilabas sila upang siya&apos;y hulihin : sapagka&apos;t kanilang sinabi , Sira ang kaniyang bait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem , Nasa kaniya si Beelzebub , at , Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y kaniyang pinalapit sa kaniya , at sinabi sa kanila sa mga talinghaga , Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kung ang isang kaharian ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili , hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kung ang isang bahay ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili , ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili , at magkabahabahagi , hindi siya makapanananatili , kundi magkakaroon ng isang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t walang makapapasok sa bahay ng malakas na tao , at samsamin ang kaniyang mga pag-aari , malibang gapusin muna niya ang malakas na tao ; at kung magkagayo&apos;y masasamsaman ang kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao , at ang mga kapusungan nila kailan ma&apos;t sila&apos;y mangagsasalita ng kapusungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man , kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t sinabi nila , Siya&apos;y may isang karumaldumal na espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At dumating nga ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ; at , palibhasa&apos;y nangakatayo sila sa labas , ay nangagpasugo sila sa kaniya , na siya&apos;y tinatawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya ; at sinabi nila sa kaniya , Narito , nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinagot niya sila , at sinabi , Sino ang aking ina at aking mga kapatid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya , ay sinabi niya , Narito , ang aking ina at aking mga kapatid !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios , ito&apos;y ang aking kapatid na lalake , at aking kapatid na babae , at ina .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat . At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao , ano pa&apos;t siya&apos;y lumulan sa isang daong , at siya&apos;y naupo sa dagat ; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga , at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pakinggan ninyo : Narito , ang manghahasik ay yumaon upang maghasik :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , sa kaniyang paghahasik , na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan , at nagsidating ang mga ibon at kinain ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang mga iba&apos;y nangahulog sa batuhan , na doo&apos;y walang maraming lupa ; at pagdaka&apos;y sumibol , sapagka&apos;t hindi malalim ang lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang sumikat ang araw , ay nangainitan ; at dahil sa walang ugat , ay nangatuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga iba&apos;y nangahulog sa dawagan , at nagsilaki ang mga dawag , at ininis ang mga pananim , at ito&apos;y hindi nangamunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang mga iba&apos;y nangahulog sa mabuting lupa , at nangamunga , na nagsitaas at nagsilago ; at may namunga ng tigtatatlongpu , at tiganim na pu , at tigisang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya , Ang may mga pakinig na ipakikinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang siya&apos;y magisa na , ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya sa kanila , Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios : datapuwa&apos;t sa kanilang nangasa labas , ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang kung magsitingin sila&apos;y mangakakita , at huwag mamalas ; at kung mangakinig sila&apos;y mangakarinig , at huwag mangakaunawa ; baka sakaling sila&apos;y mangagbalikloob , at patawarin sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kanila , Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito ? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang manghahasik ay naghahasik ng salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga ito&apos;y yaong nangasa tabi ng daan , na doon nahahasik ang salita ; at nang kanilang mapakinggan , pagdaka&apos;y pinaroroonan ni Satanas , at inaalis ang salita na inihasik sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan , na , pagkarinig nila ng salita , pagdaka&apos;y nagsisitanggap na may galak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At hindi nangaguugat sa kanilang sarili , kundi sangdaling tumatagal ; kaya&apos;t pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita , pagdaka&apos;y nangatisod sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang mga iba&apos;y yaong nangahasik sa dawagan ; ang mga ito&apos;y yaong nangakinig ng salita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan , at ang daya ng mga kayamanan , at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok , ang nagsisiinis sa salita , at ito&apos;y nagiging walang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa ; na nangakikinig ng salita , at tinatanggap ito , at namumunga ng tigtatatlongpu , at tigaanim na pu , at tigiisang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya sa kanila , Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan , o sa ilalim ng higaan , at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t walang anomang bagay na natatago , kundi upang mahayag ; ni nalilihim , kundi yao&apos;y upang mapasa liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi niya sa kanila , Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan : sa panukat na inyong isinusukat ay kayo&apos;y susukatin ; at higit pa ang sa inyo&apos;y ibibigay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang mayroon , ay bibigyan pa ; at ang wala , pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi niya , Ganyan ang kaharian ng Dios , na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw , at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa ; una-una&apos;y usbong , saka uhay , pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t pagka hinog na ang bunga , ay ginagamit agad ang panggapas , sapagka&apos;t dumating na ang pagaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At kaniyang sinabi , Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios ? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ito&apos;y tulad sa butil ng binhi ng mostasa , na pagkahasik sa lupa , bagama&apos;t siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Gayon ma&apos;y pagkatanim , ay tumataas , at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay , at nagsasanga ng malalabay ; ano pa&apos;t ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita , ayon sa makakaya ng kanilang pakinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga : datapuwa&apos;t sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang araw ding yaon , nang gabi na , ay sinabi niya sa kanila , Tumawid tayo sa kabilang ibayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At pagkaiwan sa karamihan , ay kanilang dinala siya sa daong , ayon sa kaniyang kalagayan . At mayroon siyang kasamang ibang mga daong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nagbangon ang isang malakas na bagyo , at sinasalpukan ang daong ng mga alon , na ano pa&apos;t ang daong ay halos natitigib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At siya&apos;y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson ; at siya&apos;y ginising nila , at sinabi sa kaniya , Guro , wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At gumising siya , at sinaway ang hangin , at sinabi sa dagat , Pumayapa , tumahimik ka . At humimpil ang hangin , at humusay na totoo ang panahon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sinabi niya sa kanila , Bakit kayo nangatakot ? wala pa baga kayong pananampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sila&apos;y nangatakot na lubha , at sila-sila&apos;y nangagsasabihan , Sino nga ito , na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At paglunsad niya sa daong , pagdaka&apos;y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na tumatahan sa mga libingan : at sinoma&apos;y hindi siya magapos , kahit ng tanikala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t madalas na siya&apos;y ginapos ng mga damal at mga tanikala , at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala , at pinagbabalibali ang mga damal : at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At palaging sa gabi&apos;t araw , ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan , at sinusugatan ang sarili ng mga bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus , ay tumakbo at siya&apos;y kaniyang sinamba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagsisisigaw ng malakas na tinig , na kaniyang sinabi , Ano ang pakialam ko sa iyo , Jesus , ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan ? kita&apos;y pinamamanhikan alangalang sa Dios , na huwag mo akong pahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sinabi niya sa kaniya , Lumabas ka sa taong ito , ikaw na karumaldumal na espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tinanong niya siya , Ano ang pangalan mo ? At sinabi niya sa kaniya , Pulutong ang pangalan ko ; sapagka&apos;t marami kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ipinamamanhik na mainam sa kaniya na huwag silang palayasin sa lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa libis ng bundok na yaon ay may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisipanginain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nangamanhik sila sa kaniya , na nagsisipagsabi , Paparoonin mo kami sa mga baboy , upang kami ay magsipasok sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ipinahintulot niya sa kanila . At ang mga karumaldumal na espiritu ay nangagsilabas , at nangagsipasok sa mga baboy : at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagat , na sila&apos;y may mga dalawang libo ; at sila&apos;y nangalunod sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon , at ibinalita sa bayan , at sa mga bukid . At nagsiparoon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsiparoon sila kay Jesus , at nakita nila ang inalihan ng mga demonio na nakaupo , nakapanamit at matino ang kaniyang pagiisip , sa makatuwid baga&apos;y siyang nagkaroon ng isang pulutong : at sila&apos;y nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinabi sa kanila ng nangakakita kung paanong pagkapangyari sa inalihan ng mga demonio , at tungkol sa mga baboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y nangagpasimulang magsipamanhik sa kaniya na siya&apos;y umalis sa kanilang mga hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At habang lumululan siya sa daong , ay ipinamamanhik sa kaniya ng inalihan ng mga demonio na siya&apos;y ipagsama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hindi niya itinulot sa kaniya , kundi sa kaniya&apos;y sinabi , Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan , at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon , at kung paanong kinaawaan ka niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y yumaon ng kaniyang lakad , at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya&apos;y ginawa ni Jesus : at nangagtaka ang lahat ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang si Jesus ay muling makatawid sa daong sa kabilang ibayo , ay nakipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao ; at siya&apos;y nasa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At lumapit ang isa sa mga pinuno sa sinagoga , na nagngangalang Jairo ; at pagkakita sa kaniya , ay nagpatirapa siya sa kaniyang paanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinamamanhik na mainam sa kaniya , na sinasabi , Ang aking munting anak na babae ay naghihingalo : ipinamamanhik ko sa iyo , na ikaw ay pumaroon at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya , upang siya&apos;y gumaling , at mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y sumama sa kaniya ; at sinundan siya ng lubhang maraming tao ; at siya&apos;y sinisiksik nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot , at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik , at hindi gumaling ng kaunti man , kundi bagkus pang lumulubha siya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus , ay lumapit siya sa karamihan , sa likuran niya , at hinipo ang kaniyang damit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t sinasabi niya , Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit , ay gagaling ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At pagdaka&apos;y naampat ang kaniyang agas ; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At si Jesus , sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na bisa sa kaniya , ay pagdaka&apos;y pumihit sa karamihan at nagsabi , Sino ang humipo ng aking mga damit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad , Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan , at sasabihin mo , Sino ang humipo sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At lumingap siya sa palibotlibot upang makita siya na gumawa ng bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nguni&apos;t ang babae na natatakot at nangangatal , palibhasa&apos;y nalalaman ang sa kaniya&apos;y nangyari , lumapit at nagpatirapa sa harap niya , at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi niya sa kaniya , Anak , pinagaling ka ng pananampalataya mo ; yumaon kang payapa , at gumaling ka sa salot mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Samantalang nagsasalita pa siya , ay may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno sa sinagoga , na nagsasabi , Patay na ang anak mong babae : bakit mo pa binabagabag ang Guro ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Datapuwa&apos;t hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinasalita , at nagsabi sa pinuno ng sinagoga , Huwag kang matakot , manampalataya ka lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At hindi niya ipinahintulot na sinoma&apos;y makasunod sa kaniya , liban kay Pedro , at kay Santiago , at kay Juan na kapatid ni Santiago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nagsidating sila sa bahay ng pinuno sa sinagoga ; at napanood niya ang pagkakagulo , at ang nagsisitangis , at nangagbubuntong-hininga ng labis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At pagkapasok niya , ay kaniyang sinabi sa kanila , Bakit kayo&apos;y nangagkakagulo at nagsisitangis ? hindi patay ang bata , kundi natutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At tinatawanan nila siya na nililibak . Datapuwa&apos;t , nang mapalabas na niya ang lahat , ay isinama niya ang ama ng bata at ang ina nito , at ang kaniyang mga kasamahan , at pumasok sa kinaroroonan ng bata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At pagkahawak niya sa kamay ng bata , ay sinabi niya sa kaniya , Talitha cumi ; na kung liliwanagin ay , Dalaga , sinasabi ko sa iyo , Magbangon ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At pagdaka&apos;y nagbangon ang dalaga , at lumakad : sapagka&apos;t siya&apos;y may labingdalawang taon na . At pagdaka&apos;y nangagtaka silang lubha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit , na sinoman ay huwag makaalam nito : at kaniyang ipinagutos na siya&apos;y bigyan ng pagkain .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At umalis siya doon ; at napasa kaniyang sariling lupain ; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang dumating ang sabbath , ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga : at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka , na nangagsasabi , Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito ? at , Anong karunungan ito na sa kaniya&apos;y ibinigay , at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi baga ito ang anluwagi , ang anak ni Maria , at kapatid ni Santiago , at ni Jose , at ni Judas , at ni Simon ? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae ? At siya&apos;y kinatitisuran nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kanila ni Jesus , Walang propetang di may kapurihan , liban sa kaniyang sariling lupain , at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak , at sa kaniyang sariling bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa , liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit , at pinagaling sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya . At siya&apos;y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa , at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa ; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad , kundi tungkod lamang ; kahit tinapay , kahit supot ng ulam , kahit salapi sa kanilang supot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t gumamit ng mga sandalyas : at , huwag magsuot ng dalawang tunika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya sa kanila , Saan man kayo magsipasok sa isang bahay , mangatira kayo roon hanggang sa kayo&apos;y magsialis doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin , at hindi kayo pakinggan , pagalis ninyo doo&apos;y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sila&apos;y nangagsialis , at nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangagpalabas ng maraming demonio , at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit , at pinagaling sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At narinig ng haring Herodes ; sapagka&apos;t nabantog na ang pangalan niya ; at sinabi niya , Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay , at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinasabi ng mga iba , Siya&apos;y si Elias . At sinasabi ng mga iba , Siya&apos;y propeta , na gaya ng ibang mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t nang marinig ni Herodes , ay sinabi , Si Juan na aking pinugutan ng ulo , siya&apos;y nagbangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan , at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias , na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid ; sapagka&apos;t nagasawa siya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sinabi ni Juan kay Herodes , Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ipinagtanim siya ni Herodias , at hinahangad siyang patayin ; at hindi niya magawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t natatakot si Herodes kay Juan palibhasa&apos;y nalalamang siya&apos;y lalaking matuwid at banal , at siya&apos;y ipinagsanggalang niya . At kung siya&apos;y pinakikinggan niya , ay natitilihan siyang mainam ; at pinakikinggan niya siya na may galak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang sumapit ang isang kaukulang araw , na kapanganakan niya , ay ipinaghanda ni Herodes ng isang hapunan ang kaniyang mga maginoo , at mga mataas na kapitan , at mga pangulong lalake sa Galilea ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw , at siya&apos;y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang ; at sinabi ng hari sa dalaga , Hingin mo sa akin ang maibigan mo , at ibibigay ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ipinanumpa niya sa kaniya , Ang anomang hingin mo sa akin ay ibibigay ko sa iyo , kahit ang kalahati ng aking kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At lumabas siya , at sinabi sa kaniyang ina , Ano ang aking hihingin ? At sinabi niya , Ang ulo ni Juan ang Mangbabautismo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pagdaka&apos;y pumasok siyang dalidali sa kinaroroonan ng hari , at humingi , na sinasabi , Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At namanglaw na lubha ang hari ; datapuwa&apos;t dahil sa kaniyang sumpa , at sa nangakaupo sa dulang , ay hindi niya itinanggi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagdaka&apos;y nagsugo ang hari sa isang kawal na kaniyang bantay , at ipinagutos na dalhin sa kaniya ang ulo niya : at yumaon siya at pinugutan siya ng ulo sa bilangguan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan , at ibinigay sa dalaga ; at ibinigay ng dalaga sa kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang mabalitaan ng kaniyang mga alagad , ay nagsiparoon sila at binuhat ang kaniyang bangkay , at inilagay sa isang libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus ; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa , at ang lahat ng kanilang itinuro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi niya sa kanila , Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang , at mangagpahinga kayo ng kaunti . Sapagka&apos;t marami ang nangagpaparoo&apos;t parito , at sila&apos;y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nangakita sila ng mga tao sa pagalis , at sila&apos;y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan , at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao , at nahabag siya sa kanila , sapagka&apos;t sila&apos;y gaya ng mga tupa na walang pastor : at siya&apos;y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang gumabi na , ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad , at nangagsabi , Ilang ang dakong ito , at gumagabi na ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Payaunin mo sila , upang sila&apos;y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito , at mangagsibili ng anomang makakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sinabi sa kanila , Bigyan ninyo sila ng makakain . At sinabi nila sa kaniya , Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay , at ipakakain namin sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi niya sa kanila , Ilang tinapay mayroon kayo ? magsiparoon kayo at inyong tingnan . At nang mangaalaman nila , ay kanilang sinabi , Lima , at dalawang isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sila&apos;y nagsiupong hanayhanay , na tigsasangdaan , at tiglilimangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda , at pagtingala sa langit , ay kaniyang pinagpala , at pinagputolputol ang mga tinapay ; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila ; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nagsikain silang lahat , at nangabusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol , labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At pagdaka&apos;y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad , at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo , sa Betsaida , samantalang pinayayaon niya ang karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At pagkatapos na mapagpaalam niya sila , ay naparoon siya sa bundok upang manalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nang dumating ang gabi , ang daong ay nasa gitna ng dagat , at siya&apos;y nagiisa sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod , sapagka&apos;t sinasalunga sila ng hangin , at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila , na lumalakad sa ibabaw ng dagat ; at ibig silang lagpasan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Datapuwa&apos;t sila , nang makita nilang siya&apos;y lumalakad sa ibabaw ng dagat , ay inakala nilang siya&apos;y isang multo , at nangagsisigaw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Sapagka&apos;t nakita siya nilang lahat , at nangagulumihanan . Datapuwa&apos;t pagdaka&apos;y nagsalita siya sa kanila , at sa kanila&apos;y sinabi , Laksan ninyo ang inyong loob : ako nga ; huwag kayong mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At pinanhik niya sila sa daong ; at humimpil ang hangin : at sila&apos;y nanganggilalas ng di kawasa sa kanilang sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Palibhasa&apos;y hindi pa nila natatalastas yaong tungkol sa mga tinapay , dahil sa ang kanilang puso&apos;y pinatigas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At nang mangakatawid na sila , ay narating nila ang lupa ng Genezaret , at nagsisadsad sa daungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At paglunsad nila sa daong , pagdaka&apos;y nakilala siya ng mga tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nang malibot nilang nagtutumulin ang buong lupaing yaon , at nagpasimulang dalhin sa kaniya ang mga may-sakit na nasa kanilang higaan , saan man nila marinig na naroon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At saan man siya pumasok , sa mga nayon , o sa mga bayan o sa mga bukid , ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit , at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit : at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakisama sa kanila ang mga Fariseo , at ilan sa mga eskriba , na nagsipanggaling sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi , sa makatuwid baga&apos;y mga kamay na hindi hinugasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">( Sapagka&apos;t ang mga Fariseo , at ang lahat ng mga Judio , ay hindi nagsisikain , kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay , na pinanghahawakan ang mga sali&apos;t-saling sabi ng matatanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan , kung hindi muna mangaghugas , ay hindi sila nagsisikain ; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana , upang ganapin ; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman , at ng mga saro , at ng mga inumang tanso . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba , Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali&apos;t-saling sabi ng matatanda , kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa kanila , Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw , ayon sa nasusulat , Ang bayang ito&apos;y iginagalang ako ng kaniyang mga labi , Datapuwa&apos;t ang kanilang puso ay malayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin , Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nilisan ninyo ang utos ng Dios , at inyong pinanghahawakan ang sali&apos;t-saling sabi ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi niya sa kanila , Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios , upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali&apos;t-saling sabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t sinabi ni Moises , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina ; at , Ang manungayaw sa ama o sa ina , ay mamatay siyang walang pagsala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t sinasabi ninyo , Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban , sa makatuwid baga&apos;y , hain sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali&apos;t-saling sabi , na inyong itinuro : at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan , at sinabi sa kanila , Pakinggan ninyong lahat ako , at inyong unawain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao , na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya ; datapuwa&apos;t ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan , ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya sa kanila , Kayo baga naman ay wala ring pagiisip ? Hindi pa baga ninyo nalalaman , na anomang nasa labas na pumapasok sa tao , ay hindi nakakahawa sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t hindi pumapasok sa kaniyang puso , kundi sa kaniyang tiyan , at lumalabas sa dakong daanan ng dumi ? Sa salitang ito&apos;y nililinis niya ang lahat ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya , Ang lumalabas sa tao , yaon ang nakakahawa sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t mula sa loob , mula sa puso ng mga tao , lumalabas ang masasamang pagiisip , ang mga pakikiapid , ang mga pagnanakaw , ang mga pagpatay sa kapuwa-tao , ang mga pangangalunya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga kasakiman , ang mga kasamaan , ang pagdaraya , ang kalibugan , ang matang masama , ang kapusungan , ang kapalaluan , ang kamangmangan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling , at nangakakahawa sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagtindig siya doon , at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon . At pumasok siya sa isang bahay , at ibig niya na sinomang tao&apos;y huwag sanang makaalam ; at hindi siya nakapagtago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t ang isang babae na ang kaniyang munting anak na babae ay may isang karumaldumal na espiritu , pagdaka&apos;y nang mabalitaan siya , ay lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang babae nga ay isang Griega , isang Sirofenisa , ayon sa lahi . At ipinamamanhik niya sa kaniya na palabasin sa kaniyang anak ang demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi niya sa kaniya , Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak : sapagka&apos;t hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sinabi sa kaniya , Oo , Panginoon ; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi niya sa kaniya , Dahil sa sabing ito humayo ka ; nakaalis na ang demonio sa iyong anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At umuwi siya sa kaniyang bahay , at naratnan ang anak na nakahiga sa higaan , at nakaalis na ang demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro , at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea , na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Decapolis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal ; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At siya&apos;y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan , at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya , at siya&apos;y lumura , at hinipo ang kaniyang dila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At pagkatingala sa langit , ay siya&apos;y nagbuntong-hininga , at sinabi sa kaniya , Ephatha , sa makatuwid baga&apos;y , Mabuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig , at nakalag ang tali ng kaniyang dila , at siya&apos;y nakapagsalitang malinaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin : nguni&apos;t kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila , ay lalo namang kanilang ibinabantog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sila&apos;y nangagtataka ng di kawasa , na nangagsasabi , Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay ; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi , at pinapagsasalita ang mga pipi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang mga araw na yaon , nang magkaroong muli ng maraming tao , at wala silang mangakain , ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad , at sinabi sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nahahabag ako sa karamihan , sapagka&apos;t tatlong araw nang sila&apos;y nangatira sa akin , at walang mangakain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung sila&apos;y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan , ay magsisipanglupaypay sila sa daan ; at nagsipanggaling sa malayo ang ilan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nagsisagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad , Paanong mabubusog ninoman ang mga taong ito ng tinapay dito sa isang ilang na dako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang tinanong sila , Ilang tinapay mayroon kayo ? At sinabi nila , Pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa ; at kinuha niya ang pitong tinapay , at pagkapagpasalamat , ay pinagputolputol niya , at ibinigay sa kaniyang mga alagad , upang ihain sa kanila ; at inihain nila sa karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At mayroon silang ilang maliliit na isda : at nang mapagpala ang mga ito , ay ipinagutos niya na ihain din naman ang mga ito sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nagsikain , at nangabusog : at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pinagputolputol , na pitong bakol na puno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y may mga apat na libo : at pinayaon niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pagdaka&apos;y lumulan siya sa daong na kasama ang kaniyang mga alagad , at napasa mga sakop ng Dalmanuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagsilabas ang mga Fariseo , at nangagpasimulang makipagtalo sa kaniya , na hinahanapan siya ng isang tandang mula sa langit , na tinutukso siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagbuntong-hininga siya ng malalim sa kaniyang espiritu , at nagsabi , Bakit humahanap ng tanda ang lahing ito ? katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang tandang ibibigay sa lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y iniwan niya , at muling pagkalulan sa daong ay tumawid sa kabilang ibayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nangalimutan nilang magsipagdala ng tinapay ; at wala sila kundi isang tinapay sa daong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ipinagbilin niya sa kanila , na nagsabi , Tingnan ninyo , mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni Herodes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangagkatuwiranan sila-sila rin , na nangagsasabi , Wala tayong tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pagkahalata nito ni Jesus ay sinabi sa kanila , Bakit nangagbubulaybulay kayo , sapagka&apos;t wala kayong tinapay ? hindi pa baga ninyo napaghahalata , ni napaguunawa man ? nangagmatigas na baga ang inyong puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mayroon kayong mga mata , hindi baga kayo nangakakakita ? at mayroon kayong mga tainga , hindi baga kayo nangakakarinig ? at hindi baga ninyo nangaaalaala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang aking pagputolputulin ang limang tinapay sa limang libong lalake , ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang inyong binuhat ? Sinabi nila sa kaniya , Labingdalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang pagputolputulin ang pitong tinapay sa apat na libo , ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang binuhat ninyo ? At sinabi nila sa kaniya , Pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya sa kanila , Hindi pa baga ninyo napaguunawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nagsidating sila sa Betsaida . At dinala nila sa kaniya ang isang lalaking bulag , at ipinamanhik sa kaniya na siya&apos;y hipuin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hinawakan niya sa kamay ang lalaking bulag , at dinala niya sa labas ng nayon ; at nang maluraan ang kaniyang mga mata , at maipatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya , ay kaniyang tinanong siya , Nakakakita ka baga ng anoman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y tumingala , at nagsabi , Nakakakita ako ng mga tao ; sapagka&apos;t namamasdan ko silang tulad sa mga punong kahoy , na nagsisilakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Saka ipinatong na muli sa kaniyang mga mata ang mga kamay niya ; at siya&apos;y tumitig , at gumaling , at nakita niyang maliwanag ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pinauwi niya siya sa kaniyang tahanan , na sinasabi , Huwag kang pumasok kahit sa nayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pumaroon si Jesus , at ang kaniyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo : at sa daan ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad , na sinabi sa kanila , Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinaysay nila sa kaniya , na sinasabi , Si Juan Bautista ; at ang mga iba , si Elias ; datapuwa&apos;t ang mga iba , Isa sa mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At tinanong niya sila , Datapuwa&apos;t ano ang sabi ninyo kung sino ako ? Sumagot si Pedro at nagsabi sa kaniya , Ikaw ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang tungkol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y nagpasimulang magturo sa kanila , na ang Anak ng tao ay kinakailangang magbata na maraming mga bagay , at itakuwil ng matatanda , at ng mga pangulong saserdote , at ng mga eskriba , at patayin , at pagkaraan ng tatlong araw ay muling magbangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At hayag na sinabi niya ang pananalitang ito . At isinama siya ni Pedro , at pinasimulang siya&apos;y pagwikaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t paglingap niya sa palibot , at pagtingin sa kaniyang mga alagad , ay pinagwikaan si Pedro , at sinabi , Lumagay ka sa likuran ko , Satanas ; sapagka&apos;t hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Dios , kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad , at sa kanila&apos;y sinabi , Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin , ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin ang kaniyang krus , at sumunod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito : at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t ano ang mapapakinabang ng tao , na makamtan ang buong sanglibutan , at mapapahamak ang kaniyang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sapagka&apos;t ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan , ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao , pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi niya sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , May ilan sa nangakatayong ito , na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan , hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagkaraan ng anim na araw , ay isinama ni Jesus si Pedro , at si Santiago , at si Juan , at sila&apos;y dinalang bukod sa isang mataas na bundok : at siya&apos;y nagbagong-anyo sa harap nila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang kaniyang mga damit ay nangagningning , na nagsiputing maigi , na ano pa&apos;t sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At doo&apos;y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises : at sila&apos;y nakikipagusap kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus , Rabi , mabuti sa atin ang tayo&apos;y dumito : at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo ; isa ang sa iyo , at isa ang kay Moises , at isa ang kay Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot ; sapagka&apos;t sila&apos;y lubhang nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dumating ang isang alapaap na sa kanila&apos;y lumilim : at may isang tinig na nanggaling sa alapaap , Ito ang sinisinta kong Anak ; siya ang inyong pakinggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At karakaraka&apos;y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot , ay wala silang nakitang sinoman , kundi si Jesus lamang na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At habang nagsisibaba sila sa bundok , ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita , maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kanilang iningatan ang pananalitang ito , na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tinanong nila siya , na sinasabi , Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi niya sa kanila , Katotohanang si Elias ay pariritong mauna , at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay : at paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao , na siya&apos;y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , na naparito na si Elias , at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig , ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagdating nila sa mga alagad , ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao , at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagdaka&apos;y ang buong karamihan , pagkakita nila sa kaniya , ay nangagtakang mainam , at tinakbo siya na siya&apos;y binati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At tinanong niya sila , Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya , Guro , dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At saan man siya alihan nito , ay ibinubuwal siya : at nagbububula ang kaniyang bibig , at nagngangalit ang mga ngipin , at untiunting natutuyo : at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya&apos;y palabasin ; at hindi nila magawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sumagot siya sa kanila at nagsabi , Oh lahing walang pananampalataya , hanggang kailan makikisama ako sa inyo ? hanggang kailan titiisin ko kayo ? dalhin ninyo siya rito sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dinala nila siya sa kaniya : at pagkakita niya sa kaniya , ay pagdaka&apos;y pinapangatal siyang lubha ng espiritu ; at siya&apos;y nalugmok sa lupa , at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At tinanong niya ang kaniyang ama , Kailan pang panahon nangyayari sa kaniya ito ? At sinabi niya , Mula sa pagkabata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At madalas na siya&apos;y inihahagis sa apoy at sa tubig , upang siya&apos;y patayin : datapuwa&apos;t kung mayroon kang magagawang anomang bagay , ay maawa ka sa amin , at tulungan mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung kaya mo ! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagdaka&apos;y sumigaw ang ama ng bata , at sinabi , Nananampalataya ako ; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan , ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu , na sinasabi sa kaniya , Ikaw bingi at piping espiritu , iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya , at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang makapagsisisigaw , at nang siya&apos;y mapangatal na mainam , ay lumabas siya : at ang bata&apos;y naging anyong patay ; ano pa&apos;t marami ang nagsabi , Siya&apos;y patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t hinawakan siya ni Jesus sa kamay , at siya&apos;y ibinangon ; at siya&apos;y nagtindig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang pumasok siya sa bahay , ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad , Paano ito na siya&apos;y hindi namin napalabas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi niya sa kanila , Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman , maliban sa pamamagitan ng panalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagsialis sila roon , at nangagdaan sa Galilea ; at ayaw siyang sinomang tao&apos;y makaalam niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t tinuruan niya ang kaniyang mga alagad , at sa kanila&apos;y sinabi , Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao , at siya&apos;y papatayin nila ; at pagkapatay sa kaniya , ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nguni&apos;t hindi nila naunawa ang sabing ito , at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y nagsidating sa Capernaum : at nang siya&apos;y nasa bahay na ay tinanong niya sila , Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t hindi sila nagsiimik : sapagka&apos;t sila-sila ay nangagtalo sa daan , kung sino ang pinakadakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At siya&apos;y naupo , at tinawag ang labingdalawa ; at sa kanila&apos;y sinabi niya , Kung sinoman ang ibig na maging una , ay siyang mahuhuli sa lahat , at lingkod ng lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kinuha niya ang isang maliit na bata , at inilagay sa gitna nila : at siya&apos;y kaniyang kinalong , na sa kanila&apos;y sinabi niya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan , ay ako ang tinatanggap : at ang sinomang tumanggap sa akin , ay hindi ako ang tinatanggap , kundi yaong sa aki&apos;y nagsugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sinabi sa kaniya ni Juan , Guro , nakita namin ang isa na sa pangalan mo&apos;y nagpapalabas ng mga demonio ; at pinagbawalan namin siya , sapagka&apos;t hindi sumusunod sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t sinabi ni Jesus , Huwag ninyong pagbawalan siya : sapagka&apos;t walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko , na pagdaka&apos;y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t ang hindi laban sa atin ay sumasa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sapagka&apos;t ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig , dahil sa kayo&apos;y kay Cristo , katotohanang sinasabi ko sa inyo , na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin , ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato , at siya&apos;y ibulid sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw , kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno , sa apoy na hindi mapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Na doo&apos;y hindi namamatay ang kanilang uod , at hindi namamatay ang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At kung ang paa mo&apos;y makapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo : mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Na doo&apos;y hindi namamatay ang kanilang uod , at hindi namamatay ang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At kung ang mata mo&apos;y makapagpapatisod sa iyo , ay dukitin mo : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata , kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Na doo&apos;y hindi namamatay ang kanilang uod , at hindi namamatay ang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Sapagka&apos;t bawa&apos;t isa&apos;y aasnan sa pamamagitan ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Mabuti ang asin : datapuwa&apos;t kung tumabang ang asin , ay ano ang inyong ipagpapaalat ? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin , at kayo&apos;y magkaroon ng kapayapaan sa isa&apos;t isa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y umalis doon , at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan : at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya ; at , ayon sa kaniyang kinaugalian , ay muling tinuruan niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo , at siya&apos;y tinanong , Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa ? na siya&apos;y tinutukso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sumagot siya at sa kanila&apos;y sinabi , Ano ang iniutos sa inyo ni Moises ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi nila , Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay , at ihiwalay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t sinabi sa kanila ni Jesus , Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t buhat nang pasimula ng paglalang , Lalake at babaing ginawa niya sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dahil dito&apos;y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina , at makikisama sa kaniyang asawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang dalawa ay magiging isang laman ; kaya hindi na sila dalawa , kundi isang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang pinapagsama nga ng Dios , ay huwag papaghiwalayin ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya sa kanila , Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa , at magasawa sa iba , ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa , at magasawa sa iba , ay nagkakasala siya ng pangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata , upang sila&apos;y kaniyang hipuin : at sinaway sila ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t nang ito&apos;y makita ni Jesus , ay nagdalang galit siya , at sinabi sa kanila , Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata ; huwag ninyo silang pagbawalan : sapagka&apos;t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata , ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kinalong niya sila , at sila&apos;y pinagpala , na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang siya&apos;y umalis na lumalakad sa daan , ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya , at lumuhod sa harap niya , at siya&apos;y tinanong , Mabuting Guro , ano ang gagawin ko upang ako&apos;y magmana ng buhay na walang hanggan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Bakit tinatawag mo akong mabuti ? walang mabuti kundi isa lamang , ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nalalaman mo ang mga utos , Huwag kang pumatay , Huwag kang mangalunya , Huwag kang magnakaw , Huwag kang sumaksi sa di katotohanan , Huwag kang magdaya , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa kaniya , Guro , ang lahat ng mga bagay na ito&apos;y aking ginanap mula sa aking kabataan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pagtitig sa kaniya ni Jesus , ay giniliw siya , at sinabi sa kaniya , Isang bagay ang kulang sa iyo : yumaon ka , ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik , at ibigay mo sa dukha , at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit : at pumarito ka , sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t siya&apos;y nahapis sa sabing ito , at siya&apos;y yumaong namamanglaw : sapagka&apos;t siya&apos;y isang may maraming mga pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At lumingap si Jesus sa palibotlibot , at sinabi sa kaniyang mga alagad , Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nangagtaka ang mga alagad sa kaniyang mga salita . Datapuwa&apos;t si Jesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila , Mga anak , kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga magsisiasa sa mga kayamanan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom , kay sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y nangagtatakang lubha , na sinasabi sa kaniya , Sino nga kaya ang makaliligtas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Pagtingin ni Jesus sa kanila&apos;y nagsabi , Hindi maaari ito sa mga tao , datapuwa&apos;t hindi gayon sa Dios : sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya , Narito , iniwan namin ang lahat , at nagsisunod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sinabi ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang taong nagiwan ng bahay , o mga kapatid na lalake , o mga kapatid na babae , o ina , o ama , o mga anak , o mga lupa , dahil sa akin , at dahil sa evangelio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito , ng mga bahay , at mga kapatid na lalake , at mga kapatid na babae , at mga ina , at mga anak , at mga lupa , kalakip ng mga paguusig ; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t maraming nangauuna ay mangahuhuli ; at nangahuhuli na mangauuna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sila&apos;y nangasa daan , na nagsisiahon sa Jerusalem ; at nangunguna sa kanila si Jesus : at sila&apos;y nangagtaka ; at ang nangagsisisunod ay nangatakot . At muling kinuha niya ang labingdalawa , at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya&apos;y mangyayari ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na sinasabi , Narito , nagsisiahon tayo sa Jerusalem ; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba ; at siya&apos;y kanilang hahatulang patayin , at ibibigay siya sa mga Gentil :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At siya&apos;y kanilang aalimurahin , at siya&apos;y luluraan , at siya&apos;y hahampasin , at siya&apos;y papatayin ; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan , na mga anak ni Zebedeo , na sa kaniya&apos;y nagsisipagsabi , Guro , ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi niya sa kanila , Ano ang ibig ninyong sa inyo&apos;y aking gawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi nila sa kaniya , Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami , ang isa&apos;y sa iyong kanan , at ang isa&apos;y sa iyong kaliwa , sa iyong kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi . Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman ? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi nila sa kaniya , Kaya namin . At sinabi sa kanila ni Jesus , Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo ; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Datapuwa&apos;t ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay ; datapuwa&apos;t yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nang marinig ito ng sangpu , ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sila&apos;y pinalapit ni Jesus sa kaniya , at sa kanila&apos;y sinabi , Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila ; at ang sa kanila&apos;y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Datapuwa&apos;t sa inyo ay hindi gayon : kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo , ay magiging lingkod ninyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna , ay magiging alipin ng lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Sapagka&apos;t ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran , kundi upang maglingkod , at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nagsidating sila sa Jerico : at habang nililisan niya ang Jerico , na kasama ng kaniyang mga alagad at ng lubhang maraming mga tao , ang anak ni Timeo , si Bartimeo , na isang pulubing bulag , ay nakaupo sa tabi ng daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nang marinig niya na yao&apos;y si Jesus na Nazareno , siya&apos;y nagpasimulang magsisigaw , at nagsabi , Jesus , ikaw na anak ni David , mahabag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At siya&apos;y pinagwikaan ng marami upang siya&apos;y tumahimik : datapuwa&apos;t siya&apos;y lalong sumisigaw , Ikaw na Anak ni David , mahabag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At tumigil si Jesus , at sinabi , Tawagin ninyo siya . At tinawag nila ang lalaking bulag , na sinasabi sa kaniya , Laksan mo ang iyong loob ; ikaw ay magtindig , tinatawag ka niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At siya , pagkatapon ng kaniyang balabal , ay nagmadaling tumindig , at lumapit kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At sumagot sa kaniya si Jesus , at sinabi , Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo ? At sinabi ng lalaking bulag , Raboni , na tanggapin ang aking paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka ng iyong lakad ; pinagaling ka ng iyong pananampalataya . At pagdaka&apos;y tinanggap niya ang kaniyang paningin , at siya&apos;y sumunod sa kaniya sa daan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang malapit na sila sa Jerusalem , sa Betfage at sa Betania , sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa kanila&apos;y sinabi , Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo : at pagkapasok ninyo roon , ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno , na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao ; inyong kalagin siya , at dalhin ninyo siya rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung may magsabi sa inyo , Bakit ninyo ginagawa ito ? sabihin ninyo , Kinakailangan siya ng Panginoon ; at pagdaka&apos;y ipadadala niya siya rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y nagsiyaon , at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan ; at siya&apos;y kanilang kinalag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila , Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus : at pinabayaan nilang sila&apos;y magsialis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dinala nila ang batang asno kay Jesus , at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit ; at ito&apos;y sinakyan ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan ; at ang mga iba&apos;y ng mga sanga , na kanilang pinutol sa mga parang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang nangasa unahan , at ang nagsisisunod , ay nangagsisigawan , Hosanna ; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mapalad ang kahariang pumaparito , ang kaharian ng ating amang si David : Hosanna sa kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pumasok siya sa Jerusalem , sa templo ; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay , at palibhasa&apos;y hapon na , ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa kinabukasan , pagkaalis nila sa Betania , ay nagutom siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon , ay lumapit siya , na baka sakaling makasumpong doon ng anoman : at nang siya&apos;y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon ; sapagka&apos;t hindi panahon ng mga igos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sumagot si Jesus at sinabi rito , Sinomang tao&apos;y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man . At ito&apos;y narinig ng kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsidating sila sa Jerusalem : at pumasok siya sa templo , at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo , at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi , at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y nagturo , at sinabi sa kanila , Hindi baga nasusulat , Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa ? datapuwa&apos;t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At yao&apos;y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba , at pinagsisikapan kung paanong siya&apos;y kanilang maipapapuksa : sapagka&apos;t nangatatakot sila sa kaniya , dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At gabi-gabi&apos;y lumalabas siya sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa pagdaraan nila pagka umaga , ay nakita nila na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya , Rabi , narito , ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila , Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sinomang magsabi sa bundok na ito , Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat ; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso , kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya ; ay kakamtin niya yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi , ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na , at inyong kakamtin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kailan man kayo&apos;y nangakatayong nagsisipanalangin , mangagpatawad kayo , kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man ; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t kung hindi kayo magpapatawad , hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y nagsiparoong muli sa Jerusalem : at samantalang lumalakad siya sa templo , ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote , at ang mga eskriba , at ang matatanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi nila sa kaniya , Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito ? o sino ang sa iyo&apos;y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa kanila&apos;y sinabi ni Jesus , Tatanungin ko kayo ng isang tanong , at sagutin ninyo ako , at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang bautismo ni Juan , ay mula baga sa langit , o sa mga tao ? sagutin ninyo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili , na sinasabi . Kung sabihin natin , Mula sa langit ; ay sasabihin niya , Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t kung sabihin natin , Mula sa mga tao-ay nangatatakot sila sa bayan : sapagka&apos;t kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi , Hindi namin nalalaman . At sinabi ni Jesus sa kanila , Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga . Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan , at binakuran ng mga buhay na punong kahoy , at humukay roon ng isang pisaan ng ubas , at nagtayo ng isang bantayan , at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka , at napasa ibang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka , upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At hinawakan nila siya , at hinampas siya , at siya&apos;y pinauwing walang dala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin ; at ito&apos;y kanilang sinugatan sa ulo , at dinuwahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nagsugo siya ng iba ; at ito&apos;y kanilang pinatay : at ang iba pang marami ; na hinampas ang iba , at ang iba&apos;y pinatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mayroon pa siyang isa , isang sinisintang anak na lalake : ito&apos;y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila , na sinasabi , Igagalang nila ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan , Ito ang tagapagmana ; halikayo , atin siyang patayin , at magiging atin ang mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y kanilang hinawakan , at siya&apos;y pinatay , at itinaboy sa labas ng ubasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan ? siya&apos;y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka , at ibibigay ang ubasan sa mga iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito : Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali , Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ito&apos;y mula sa Panginoon , At ito&apos;y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pinagsikapan nilang hulihin siya ; at sila&apos;y natakot sa karamihan ; sapagka&apos;t kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila : at siya&apos;y iniwan nila , at nagsialis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano , upang siya&apos;y mahuli nila sa pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang sila&apos;y magsilapit , ay kanilang sinabi sa kaniya , Guro , nalalaman namin na ikaw ay totoo , at hindi ka nangingimi kanino man ; sapagka&apos;t hindi ka nagtatangi ng mga tao , kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios : Matuwid bagang bumuwis kay Cesar , o hindi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Bubuwis baga kami , o hindi kami bubuwis ? Datapuwa&apos;t siya , na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw , ay nagsabi sa kanila , Bakit ninyo ako tinutukso ? magdala kayo rito sa akin ng isang denario , upang aking makita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dinalhan nila . At sinabi niya sa kanila , Kanino ang larawang ito at ang nasusulat ? At sinabi nila sa kaniya , kay Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi sa kanila ni Jesus , ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar , at sa Dios ang sa Dios . At sila&apos;y nanggilalas na mainam sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo , na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli ; at siya&apos;y kanilang tinanong , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Guro , isinulat sa amin ni Moises , Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay , at may maiwang asawa , at walang maiwang anak , ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa , at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">May pitong lalaking magkakapatid : at nagasawa ang panganay , at nang mamatay ay walang naiwang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nagasawa sa bao ang pangalawa , at namatay na walang naiwang anak ; at gayon din naman ang pangatlo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang ikapito&apos;y walang naiwang anak . Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa pagkabuhay na maguli , sino sa kanila ang magiging asawa ng babae ? sapagka&apos;t siya&apos;y naging asawa ng pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan , na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan , ni ang kapangyarihan ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t sa pagbabangon nilang muli sa mga patay , ay hindi na mangagaasawa , ni papagaasawahin pa ; kundi gaya ng mga anghel sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t tungkol sa mga patay , na sila&apos;y mga ibabangon ; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises , tungkol sa Mababang punong kahoy , kung paanong siya&apos;y kinausap ng Dios na sinasabi , Ako ang Dios ni Abraham , at ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Hindi siya ang Dios ng mga patay , kundi ng mga buhay : kayo&apos;y nangagkakamaling lubha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At lumapit ang isa sa mga eskriba , at nakarinig ng kanilang pagtatalo , at palibhasa&apos;y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila , ay tinanong siya , Ano baga ang pangulong utos sa lahat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sumagot si Jesus , Ang pangulo ay , Pakinggan mo , Oh Israel ; Ang Panginoon nating Dios , ang Panginoon ay iisa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo , at ng buong kaluluwa mo , at ng buong pagiisip mo , at ng buong lakas mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang pangalawa ay ito , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili . Walang ibang utos na hihigit sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi sa kaniya ng eskriba , Sa katotohanan , Guro , ay mabuti ang pagkasabi mo na siya&apos;y iisa ; at wala nang iba liban sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang siya&apos;y ibigin ng buong puso , at ng buong pagkaunawa , at ng buong lakas , at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili , ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang makita ni Jesus na siya&apos;y sumagot na may katalinuhan , ay sinabi niya sa kaniya , Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios . At walang tao , pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya&apos;y nagtuturo sa templo , Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon , Maupo ka sa aking kanan , Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya ; at paano ngang siya&apos;y kaniyang anak ? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo , Mangagingat kayo sa mga eskriba , na ibig magsilakad na may mahahabang damit , at pagpugayan sa mga pamilihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga , at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao , at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin ; ang mga ito&apos;y tatanggap ng lalong malaking kahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman , at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman : at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At lumapit ang isang babaing bao , at siya&apos;y naghulog ng dalawang lepta , na ang halaga&apos;y halos isang beles .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad , at sinabi sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang dukhang baong babaing ito , ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sapagka&apos;t silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila&apos;y labis ; datapuwa&apos;t siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya , sa makatuwid baga&apos;y ang buong kaniyang ikabubuhay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At paglabas niya sa templo , ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad , Guro , masdan mo , pagkaiinam ng mga bato , at pagkaiinam na mga gusali !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi ni Jesus sa kaniya , Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito ? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At samantalang siya&apos;y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo , ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sabihin mo sa amin , kailan mangyayari ang mga bagay na ito ? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila , Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Maraming paririto sa aking pangalan , na magsisipagsabi , Ako ang Cristo ; at maliligaw ang marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma , ay huwag kayong mangagulumihanan : ang mga bagay na ito&apos;y dapat na mangyari : datapuwa&apos;t hindi pa ang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t magtitindig ang bansa laban sa bansa , at ang kaharian laban sa kaharian ; at lilindol sa iba&apos;t ibang dako ; magkakagutom : ang mga bagay na ito&apos;y pasimula ng kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t mangagingat kayo sa inyong sarili : sapagka&apos;t kayo&apos;y ibibigay nila sa mga Sanedrin ; at kayo&apos;y hahampasin sa mga sinagoga ; at kayo&apos;y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin , na bilang patotoo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagka kayo&apos;y dinala sa harap ng mga kapulungan , at kayo&apos;y ibigay , ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin : datapuwa&apos;t ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon , ay siya ninyong sabihin ; sapagka&apos;t hindi kayo ang magsasalita , kundi ang Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid , at ng ama ang kaniyang anak ; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang , at sila&apos;y ipapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kayo&apos;y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan : datapuwa&apos;t ang magtitiis hanggang sa wakas , ay siyang maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira , na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan ( unawain ng bumabasa ) , kung magkagayo&apos;y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang nasa bubungan ay huwag bumaba , ni pumasok , upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At magsipanalangin kayo na ito&apos;y huwag mangyari sa panahong taginaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian , na ang gayo&apos;y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon , at ni hindi na mangyayari kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw , ay walang laman na makaliligtas ; datapuwa&apos;t dahil sa mga hirang , na kaniyang hinirang , ay pinaikli niya ang mga araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao , Narito , ang Cristo ; o , Nariyan ; huwag ninyong paniwalaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta , at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan , upang mailigaw nila , kung mangyayari , ang mga hirang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t mangagingat kayo : narito , ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t sa mga araw na yaon , pagkatapos ng kapighatiang yaon , ay magdidilim ang araw , at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit , at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung magkagayo&apos;y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung magkagayo&apos;y susuguin niya ang mga anghel , at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin , mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga : pagka nananariwa ang kaniyang sanga , at sumusupling ang mga dahon , ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gayon din naman kayo , pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito , ay talastasin ninyo na siya&apos;y malapit na , nasa mga pintuan nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi lilipas ang lahing ito , hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang langit at ang lupa ay lilipas : datapuwa&apos;t ang aking mga salita ay hindi lilipas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nguni&apos;t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam , kahit ang mga anghel sa langit , kahit ang Anak , kundi ang Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kayo&apos;y mangagingat , mangagpuyat at magsipanalangin : sapagka&apos;t hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain , na pagkaiwan ng kaniyang bahay , at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin , sa bawa&apos;t isa&apos;y ang kaniyang gawain , ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Mangagpuyat nga kayo : sapagka&apos;t hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay , kung sa hapon , o sa hating gabi , o sa pagtilaok ng manok , o sa umaga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Baka kung biglang pumarito ay kayo&apos;y mangaratnang nangatutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat , Mangagpuyat kayo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura : at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya&apos;y huhulihin sa pamamagitan ng daya , at siya&apos;y maipapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t sinasabi nila , Huwag sa kapistahan , baka magkagulo ang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At samantalang siya&apos;y nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin , samantalang siya&apos;y nakaupo sa pagkain , ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga ; at binasag niya ang sisidlan , at ibinuhos sa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t may ilan na nangagalit sa kanilang sarili , na nagsipagsabi , Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang unguentong ito&apos;y maipagbibili ng mahigit sa tatlong daang denario , at maibibigay sa mga dukha . At inupasalaan nila ang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinabi ni Jesus , Pabayaan ninyo siya ; bakit ninyo siya binabagabag ? mabuting gawa ang ginawa niya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t laging nasa inyo ang mga dukha , at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling : datapuwa&apos;t ako&apos;y hindi laging nasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ginawa niya ang kaniyang nakaya ; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At katotohanang sinasabi ko sa inyo , Saan man ipangaral ang evangelio sa buong sanglibutan , ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At si Judas Iscariote , na isa sa labingdalawa , ay naparoon sa mga pangulong saserdote , upang maipagkanulo niya siya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila , pagkarinig nila nito , ay nangatuwa , at nagsipangakong siya&apos;y bibigyan ng salapi . At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang unang araw ng mga tinapay na walang lebadura , nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua , ay sinabi sa kaniya , ng kaniyang mga alagad , Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinugo ang dalawa sa kaniyang mga alagad , at sa kanila&apos;y sinabi , Magsiparoon kayo sa bayan , at doo&apos;y masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig : sundan ninyo siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At saan man siya pumasok , ay sabihin ninyo sa puno ng sangbahayan , Sinasabi ng Guro , Saan naroon ang aking tuluyan , na makakanan ko ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan at handa na : at ipaghanda ninyo roon tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagsiyaon ang mga alagad , at nagsipasok sa bayan , at nasumpungan ang ayon sa sinabi niya sa kanila : at inihanda nila ang kordero ng paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang gumabi na ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At samantalang sila&apos;y nangakaupo na at nagsisikain , ay sinabi ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain , ay ipagkakanulo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sila&apos;y nagpasimulang nangamanglaw , at isaisang nagsabi sa kaniya , Ako baga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa kanila , Isa nga sa labingdalawa , yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t papanaw ang Anak ng tao , ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya : datapuwa&apos;t sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao ! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At samantalang sila&apos;y nagsisikain , ay dumampot siya ng tinapay , at nang kaniyang mapagpala , ay kaniyang pinagputolputol , at ibinigay sa kanila , at sinabi , Inyong kunin : ito ang aking katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y dumampot ng isang saro , at nang siya&apos;y makapagpasalamat , ay ibinigay niya sa kanila : at doo&apos;y nagsiinom silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi niya sa kanila , Ito&apos;y ang aking dugo ng tipan , na nabubuhos dahil sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas , hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkaawit nila ng isang imno , ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi sa kanila ni Jesus , Kayong lahat ay mangatitisod : sapagka&apos;t nasusulat , Sasaktan ko ang pastor , at mangangalat ang mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon ma&apos;y pagkapagbangon ko , ay mauuna ako sa inyo sa Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ni Pedro , Bagama&apos;t mangatitisod ang lahat , nguni&apos;t ako&apos;y hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa iyo , na ngayon , sa gabi ring ito , bago tumilaok ang manok ng makalawa , ay ikakaila mo akong makaitlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t lalo nang nagmatigas siya na sinabi , Kahima&apos;t kailangang mamatay akong kasama mo , ay hindi kita ikakaila . At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani : at sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Magsiupo kayo rito , samantalang ako&apos;y nananalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan , at nagpasimulang nagtakang totoo , at namanglaw na mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi niya sa kanila , Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa , hanggang sa kamatayan : mangatira kayo rito , at mangagpuyat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At lumakad siya sa dako pa roon , at nagpatirapa sa lupa , at idinalangin na , kung mangyayari , ay makalampas sa kaniya ang oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kaniyang sinabi , Abba , Ama , may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay ; ilayo mo sa akin ang sarong ito : gayon ma&apos;y hindi ang ayon sa ibig ko , kundi ang ayon sa ibig mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At siya&apos;y lumapit , at naratnang sila&apos;y nangatutulog , at sinabi kay Pedro , Simon , natutulog ka baga ? hindi ka makapagpuyat ng isang oras ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kayo&apos;y mangagpuyat at magsipanalangin , upang huwag kayong magsipasok sa tukso : ang espiritu sa katotohanan ay may ibig , datapuwa&apos;t mahina ang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At muli siyang umalis , at nanalangin , na sinabi ang gayon ding mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At muli siyang nagbalik , at naratnang sila&apos;y nangatutulog , sapagka&apos;t nangabibigatang totoo ang kanilang mga mata ; at wala silang maalamang sa kaniya&apos;y isagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At lumapit siyang bilang ikatlo , at sinabi sa kanila , Mangatulog na kayo , at mangagpahinga : sukat na ; dumating na ang oras ; narito , ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Magsitindig kayo , hayo na tayo : narito , malapit na ang nagkakanulo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At pagdaka , samantalang nagsasalita pa siya , ay dumating si Judas , na isa sa labingdalawa , at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas , na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat , na sinasabi , Ang aking hagkan , ay yaon nga ; hulihin ninyo siya , at dalhin ninyo siyang maingat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nang dumating siya , pagdaka&apos;y lumapit siya sa kaniya , at nagsabi , Rabi ; at siya&apos;y hinagkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At siya&apos;y sinunggaban nila , at siya&apos;y kanilang dinakip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Datapuwa&apos;t isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak , at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote , at tinigpas ang kaniyang tainga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Kayo baga&apos;y nagsilabas , na parang laban sa isang tulisan , na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo , na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli : nguni&apos;t nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At iniwan siya ng lahat , at nagsitakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At sinundan siya ng isang binata , na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo&apos;t hubad : at hinawakan nila siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Datapuwa&apos;t kaniyang binitiwan ang kumot , at tumakas na hubo&apos;t hubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At dinala nila si Jesus sa dakilang saserdote : at nangagpipisan sa kaniya ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At si Pedro ay sumunod sa kaniya sa malayo , hanggang sa loob ng looban ng dakilang saserdote ; at nakiumpok siya sa mga punong kawal , at nagpapainit sa ningas ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya&apos;y ipapatay ; at hindi nangasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Sapagka&apos;t marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya , at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At nagsipagtindig ang ilan , at nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Narinig naming sinabi niya , Aking igigiba ang templong ito na gawa ng mga kamay , at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At kahit sa papagayon man ay hindi rin nangagkatugma ang patotoo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote , at tinanong si Jesus na sinabi , Hindi ka sumasagot ng anoman ? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Datapuwa&apos;t siya&apos;y hindi umiimik , at walang isinagot . Tinanong siyang muli ng dakilang saserdote , at sinabi sa kaniya , Ikaw baga ang Cristo , ang Anak ng Mapalad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At sinabi ni Jesus , Ako nga ; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan , at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit , at nagsabi , Ano pang kailangan natin ng mga saksi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Narinig ninyo ang kapusungan : ano sa akala ninyo ? At hinatulan nilang lahat na siya&apos;y dapat mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At pinasimulang luraan siya ng ilan , at tinakpan ang kaniyang mukha , at siya&apos;y pinagsusuntok , at sa kaniya&apos;y kanilang sinasabi , Hulaan mo : at siya&apos;y pinagsusuntok ng mga punong kawal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At samantalang nasa ibaba si Pedro , sa looban , ay lumapit ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit , ay tinitigan niya siya , at sinabi , Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno , na si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Datapuwa&apos;t siya&apos;y kumaila , na sinasabi , Hindi ko nalalaman , ni nauunawa man ang sinasabi mo : at lumabas siya sa portiko ; at tumilaok ang manok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">At nakita siya ng alilang babae , at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon , Ito ay isa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Datapuwa&apos;t muling ikinaila niya . At hindi nalaon , at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro . Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila ; sapagka&apos;t ikaw ay Galileo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">Datapuwa&apos;t siya&apos;y nagpasimulang manungayaw , at manumpa , Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">At pagdaka , bilang pangalawa&apos;y tumilaok ang manok . At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya , Bago tumilaok ang manok ng makalawa , ay ikakaila mo akong makaitlo . At nang maisip niya ito , ay tumangis siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagdaka , pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba , at ang buong Sanedrin , at ginapos si Jesus , at inilabas siya , at ibinigay siya kay Pilato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At itinanong sa kaniya ni Pilato , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya , Ikaw ang nagsasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At muling tinanong siya ni Pilato , na sinasabi , Hindi ka sumasagot ng anoman ? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman ; ano pa&apos;t nanggilalas si Pilato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo , na kanilang hingin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas , na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik , mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila&apos;y gawin ang gaya ng sa kanila&apos;y laging ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinagot sila ni Pilato , na sinasabi , Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t natatalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan , na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sumagot na muli si Pilato at sa kanila&apos;y sinabi , Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y muling nagsigawan , Ipako siya sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi sa kanila ni Pilato , Bakit , anong masama ang kaniyang ginawa ? Datapuwa&apos;t sila&apos;y lalong nagsigawan , Ipako siya sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan , ay pinawalan sa kanila si Barrabas , at ibinigay si Jesus , pagkatapos na siya&apos;y mahampas niya , upang siya&apos;y ipako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dinala siya ng mga kawal sa looban , na siyang Pretorio ; at kanilang tinipon ang buong pulutong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y kanilang dinamtan ng kulay-ube , at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik , ay ipinutong nila sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagpasimula silang siya&apos;y batiin , Aba , Hari ng mga Judio !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo , at siya&apos;y niluluraan , at pagkaluhod nila , siya&apos;y sinamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang siya&apos;y kanilang malibak na , ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube , at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit . At siya&apos;y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang pinilit ang isang nagdaraan , si Simon na taga Cirene , na ama ni Alejandro at ni Rufo , na nanggagaling sa bukid , upang sumama sa kanila , upang pasanin niya ang kaniyang krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At siya&apos;y kanilang dinala sa dako ng Golgota , na kung liliwanagin ay , Ang dako ng bungo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At siya&apos;y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra : datapuwa&apos;t hindi niya tinanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y kanilang ipinako sa krus , at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit , na kanilang pinagsapalaran , kung alin ang dadalhin ng bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ikatlo na ang oras , at siya&apos;y kanilang ipinako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang pamagat ng pagkasakdal sa kaniya ay isinulat sa ulunan , ANG HARI NG MGA JUDIO .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan ; isa sa kaniyang kanan , at isa sa kaniyang kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At natupad ang kasulatan , na nagsasabi : At siya&apos;y ibinilang sa mga suwail .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya&apos;y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo , at sinasabi , Ah ! ikaw na iginigiba mo ang templo , at sa tatlong araw ay iyong itinatayo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Iyong iligtas ang sarili mo , at bumaba ka sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba , siya&apos;y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi , Nagligtas siya sa mga iba ; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo , ang Hari ng Israel , upang aming makita at sampalatayanan . At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang dumating ang ikaanim na oras , ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig : Eloi , Eloi , lama sabacthani ? na kung liliwanagin ay , Dios ko , Dios ko , bakit mo ako pinabayaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang marinig ng ilang nangaroon , ay sinabi nila , Narito , tinatawag niya si Elias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At tumakbo ang isa , at binasa ng suka ang isang espongha , saka inilagay sa isang tambo , at ipinainom sa kaniya , na sinasabi , Pabayaan ninyo ; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya&apos;y ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig , at nalagot ang hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang senturiong nakatayo sa tapat niya , nang makitang malagot ang hininga niya , ay kaniyang sinabi , Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo : na sa mga yao&apos;y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena , at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose , at si Salome ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Na , nang siya&apos;y nasa Galilea , ay nagsisunod sila sa kaniya , at siya&apos;y pinaglilingkuran nila ; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nang kinahapunan , sapagka&apos;t noo&apos;y Paghahanda , sa makatuwid baga&apos;y ang araw na nauuna sa sabbath ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Dumating si Jose na taga Arimatea , isang kasangguni na may marangal na kalagayan , na naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios ; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato , at hiningi ang bangkay ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nanggilalas si Pilato kung siya&apos;y patay na : at nang mapalapit niya sa kaniya ang senturion , ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nang matanto niya sa senturion , ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At binili niya ang isang kayong lino , at pagkababa sa kaniya sa krus , ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato ; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang makaraan ang sabbath , si Maria Magdalena , at si Mariang ina ni Santiago , at si Salome , ay nagsibili ng mga pabango , upang sila&apos;y magsiparoon at siya&apos;y pahiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo , ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kanilang pinaguusapan , Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagkatingin , ay nakita nilang naigulong na ang bato : sapagka&apos;t yao&apos;y totoong malaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagkapasok sa libingan , ay kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan , na nararamtan ng isang damit na maputi ; at sila&apos;y nangagitla .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa kanila , Huwag kayong mangagitla : hinahanap ninyo si Jesus , ang Nazareno , na ipinako sa krus : siya&apos;y nagbangon ; wala siya rito : tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t magsiyaon kayo , sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro , Siya&apos;y nangunguna sa inyo sa Galilea : doon siya makikita , ayon sa sinabi niya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y nagsilabas , at nagsitakas mula sa libingan ; sapagka&apos;t sila&apos;y nagsipangilabot at nangagitla : at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man ; sapagka&apos;t sila&apos;y nangatatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang siya nga&apos;y magbangon nang unang araw ng sanglinggo , ay napakita muna siya kay Maria Magdalena , na sa kaniya&apos;y pitong demonio ang pinalabas niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y yumaon at ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus , samantalang sila&apos;y nangahahapis at nagsisitangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila , nang kanilang mabalitaan na siya&apos;y nabuhay , at nakita ni Magdalena , ay hindi sila nagsipaniwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo sa dalawa sa kanila , nang sila&apos;y nangaglalakad na patungo sa bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba : at kahit sa kanila&apos;y hindi rin sila nagsipaniwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagkatapos siya&apos;y napakita sa labingisa samantalang sila&apos;y nangakaupong nagsisikain ; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso , sapagka&apos;t hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya&apos;y magbangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kanila , Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan , at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas ; datapuwa&apos;t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya : mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan ; mangagsasalita sila ng mga bagong wika ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sila&apos;y magsisihawak ng mga ahas , at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay , sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila ; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit , at sila&apos;y magsisigaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang Panginoong Jesus nga , pagkatapos na sila&apos;y mangakausap niya , ay tinanggap sa itaas ng langit , at lumuklok sa kanan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nagsialis sila , at nagsipangaral sa lahat ng dako , na gumagawang kasama nila ang Panginoon , at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "42">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay minagaling ko naman , pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una , na isulat sa iyong sunodsunod , kagalanggalang na Teofilo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nagkaroon nang mga araw ni Herodes , hari sa Judea , ng isang saserdoteng ang ngala&apos;y Zacarias , sa pulutong ni Abias : at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron , at ang kaniyang ngala&apos;y Elisabet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y kapuwa matuwid sa harap ng Dios , na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At wala silang anak , sapagka&apos;t baog si Elisabet , at sila&apos;y kapuwa may pataw ng maraming taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nangyari nga , na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote , ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon , na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagulumihanan si Zacarias , pagkakita niya sa kaniya , at dinatnan siya ng takot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ng anghel , Huwag kang matakot , Zacarias : sapagka&apos;t dininig ang daing mo , at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake , at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At magkakaroon ka ng ligaya at galak ; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t siya&apos;y magiging dakila sa paningin ng Panginoon , at siya&apos;y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin ; at siya&apos;y mapupuspos ng Espiritu Santo , mula pa sa tiyan ng kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At marami sa mga anak ni Israel , ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias , upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak , at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid , upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi ni Zacarias sa anghel , Sa ano malalaman ko ito ? sapagka&apos;t ako&apos;y matanda na , at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya , Ako&apos;y si Gabriel , na nananayo sa harapan ng Dios ; at ako&apos;y sinugo upang makipagusap sa iyo , at magdala sa iyo nitong mabubuting balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At narito , mapipipi ka at hindi ka makapangungusap , hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito , sapagka&apos;t hindi ka sumampalataya sa aking mga salita , na magaganap sa kanilang kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At hinihintay ng bayan si Zacarias , at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang lumabas siya , ay hindi siya makapagsalita sa kanila : at hininagap nila na siya&apos;y nakakita ng isang pangitain sa templo : at siya&apos;y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila , sa pamamagitan ng mga hudyat , at nanatiling pipi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nangyari , na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod , siya&apos;y umuwi sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet ; at siya&apos;y lumigpit ng limang buwan , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako&apos;y tingnan niya , upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang ikaanim na buwan nga&apos;y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea , ngala&apos;y Nazaret ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake , na ang kaniyang ngala&apos;y Jose , sa angkan ni David ; at Maria ang pangalan ng dalaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At pumasok siya sa kinaroroonan niya , at sinabi , Magalak ka , ikaw na totoong pinakamamahal , ang Panginoon ay sumasa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t siya&apos;y totoong nagulumihanan sa sabing ito , at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi sa kaniya ng anghel , Huwag kang matakot , Maria : sapagka&apos;t nakasumpong ka ng biyaya sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At narito , maglilihi ka sa iyong tiyan , at manganganak ka ng isang lalake , at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Siya&apos;y magiging dakila , at tatawaging Anak ng Kataastaasan : at sa kaniya&apos;y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At siya&apos;y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man ; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Maria sa anghel , Paanong mangyayari ito , sa ako&apos;y hindi nakakakilala ng lalake ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sumagot ang anghel , at sinabi sa kaniya , Bababa sa iyo ang Espiritu Santo , at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan : kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At narito , si Elisabet na iyong kamaganak , ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan ; at ito ang ikaanim na buwan niya , na dati&apos;y tinatawag na baog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi ni Maria , Narito , ang alipin ng Panginoon ; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita . At iniwan siya ng anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang mga araw na ito&apos;y nagtindig si Maria , at nagmadaling napasa lupaing maburol , sa isang bayan ng Juda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nangyari , pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria , ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan ; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sumigaw siya ng malakas na tinig , at sinabi , Pinagpala ka sa mga babae , at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ano&apos;t nangyari sa akin , na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sapagka&apos;t ganito , pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati , lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At mapalad ang babaing sumampalataya ; sapagka&apos;t matutupad ang mga bagay na sa kaniya&apos;y sinabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi ni Maria , Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sapagka&apos;t nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin . Sapagka&apos;t , narito , mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Sapagka&apos;t ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay ; At banal ang kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At ang kaniyang awa ay sa mga lahi&apos;t lahi . Sa nangatatakot sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Siya&apos;y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig ; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila , At itinaas ang mga may mababang kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay ; At pinaalis niya ang mayayaman , na walang anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin , Upang maalaala niya ang awa</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">( Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang ) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan , at umuwi sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak ; at siya&apos;y nanganak ng isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak , na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya ; at sila&apos;y nangakigalak sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At nangyari , na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol ; at siya&apos;y tatawagin sana nila na Zacarias , ayon sa pangalan ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi , Hindi gayon ; kundi ang itatawag sa kaniya&apos;y Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At sinabi nila sa kaniya , Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At hinudyatan nila ang kaniyang ama , kung ano ang ibig niyang itawag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At humingi siya ng isang sulatan at sumulat , na sinasabi , Ang kaniyang pangalan ay Juan . At nagsipanggilalas silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">At pagdaka&apos;y nabuka ang kaniyang bibig , at ang kaniyang dila&apos;y nakalag , at siya&apos;y nagsalita , na pinupuri ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila ; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso , na sinasabi , Magiging ano nga kaya ang batang ito ? Sapagka&apos;t ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo , at nanghula , na nagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel ; Sapagka&apos;t kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">( Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">Kaligtasang mula sa ating mga kaaway , at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "72">Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang , At alalahanin ang kaniyang banal na tipan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "73">Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "74">Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway , Ay paglingkuran natin siya ng walang takot ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "75">Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya , lahat ng ating mga araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "76">Oo at ikaw , sanggol , tatawagin kang propeta ng kataastaasan ; Sapagka&apos;t magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon , upang ihanda ang kaniyang mga daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "77">Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan , Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "78">Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios , Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "79">Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan ; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "80">At lumaki ang sanggol , at lumakas sa espiritu , at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar , na magpatala ang buong sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nagsisiparoon ang lahat upang sila&apos;y mangatala , bawa&apos;t isa sa kaniyang sariling bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea , mula sa bayan ng Nazaret , hanggang sa Judea , sa bayan ni David , na kung tawagi&apos;y Bet-lehem , sapagka&apos;t siya&apos;y sa angkan at sa lahi ni David ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang patala siya pati ni Maria , na magaasawa sa kaniya , na kasalukuyang kagampan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , samantalang sila&apos;y nangaroroon , at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake ; at ito&apos;y binalot niya ng mga lampin , at inihiga sa isang pasabsaban , sapagka&apos;t wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang , na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon , at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila : at sila&apos;y totoong nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi sa kanila ng anghel , Huwag kayong mangatakot ; sapagka&apos;t narito , dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan , na siyang sasa buong bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas , na siya ang Cristo ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ito ang sa inyo&apos;y magiging pinakatanda : Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin , at nakahiga sa isang pasabsaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit , na nangagpupuri sa Dios , at nangagsasabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Luwalhati sa Dios sa kataastaasan , At sa lupa&apos;y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit , ang mga pastor ay nangagsangusapan . Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa Bet-lehem , at tingnan natin itong nangyari , na ipinagbigay alam sa atin ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose , at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang makita nila yaon , ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito , na pinagbulaybulay sa kaniyang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nangagbalik ang mga pastor , na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita , ayon sa sinabi sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya , ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan , na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises , ay kanilang dinala siya sa Jerusalem , upang iharap siya sa Panginoon</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">( Ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon , Ang bawa&apos;t lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon , Dalawang batobato , o dalawang inakay ng kalapati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At narito , may isang lalake sa Jerusalem , na nagngangalang Simeon ; at ang lalaking ito&apos;y matuwid at masipag sa kabanalan , na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel : at sumasa kaniya ang Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo , na di niya makikita ang kamatayan , hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y napasa templo sa Espiritu : at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang , upang sa kaniya&apos;y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig , at pinuri ang Dios , at nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ngayo&apos;y papanawin mo , Panginoon , ang iyong alipin , Ayon sa iyong salita , sa kapayapaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil , At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sila&apos;y pinagpala ni Simeon , at sinabi sa kaniyang inang si Maria , Narito , ito ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel ; at pinakatandang tudlaan ng pagsalangsang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Oo at paglalampasanan ng isang tabak ang iyong sariling kaluluwa ; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At naroroon din naman si Ana , na isang propetisa , anak na babae ni Fanuel , sa angkan ni Aser , ( siya&apos;y lubhang matanda na , at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At siya&apos;y bao nang walongpu&apos;t apat na taon ) , na hindi humihiwalay sa templo , at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At pagdating niya sa oras ding yaon , siya&apos;y nagpasalamat sa Dios , at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng nagsisipaghintay ng katubusan sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon , ay nangagbalik sila sa Galilea , sa kanilang sariling bayang Nazaret .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At lumalaki ang bata , at lumalakas , at napupuspos ng karunungan : at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nang siya&apos;y may labindalawang taon na , ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At nang kanilang maganap na ang mga araw , sa pagbalik nila , ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem ; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Nguni&apos;t sa pagaakala nilang siya&apos;y nasa kasamahan , ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay ; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nang di nila siya matagpuan , ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem , na hinahanap siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nangyari , na nang makaraan ang tatlong araw , ay nangatagpuan nila siya sa templo , na nakaupo sa gitna ng mga guro , na sila&apos;y pinakikinggan , at sila&apos;y tinatanong :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ang lahat ng sa kaniya&apos;y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At nang siya&apos;y mangakita nila , ay nangagtaka sila ; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina , Anak , bakit ginawa mo sa amin ang ganyan ? narito , ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At sinabi niya sa kanila , Bakit ninyo ako hinahanap ? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila&apos;y sinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At lumusong siyang kasama nila , at napasa Nazaret ; at napasakop sa kanila : at iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan , at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar , na noo&apos;y gobernador sa Judea si Poncio Pilato , at tetrarka sa Galilea si Herodes , at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite , at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas , ay dumating ang salita ng Dios kay Juan , anak ni Zacarias , sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan , na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias , Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang , Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon , Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Lahat ng libis ay tatambakan , At pababain ang bawa&apos;t bundok at burol ; At ang liko ay matutuwid , At ang mga daang bakobako ay mangapapatag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya , Kayong lahi ng mga ulupong , sino ang sa inyo&apos;y nagudyok upang tumakas sa galit na darating ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo nga&apos;y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi , at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili , Si Abraham ang siya naming ama ; sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ngayon pa&apos;y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy : ang bawa&apos;t punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol , at inihahagis sa apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At tinanong siya ng karamihan , na nangagsasabi , Ano ngang dapat namin gawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinagot niya at sinabi sa kanila , Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala ; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo , at sinabi nila sa kaniya , Guro , anong dapat naming gawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi niya sa kanila , Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At tinanong naman siya ng mga kawal , na nangagsasabi , At kami , anong dapat naming gawin ? At sa kanila&apos;y sinabi niya , Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man , ni mangagparatang ; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At samantalang ang mga tao&apos;y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan , kung siya kaya ang Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat , Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig ; datapuwa&apos;t dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin ; ako&apos;y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak : kayo&apos;y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay , upang linising lubos ang kaniyang giikan , at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan ; datapuwa&apos;t susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t si Herodes na tetrarka , palibhasa&apos;y pinagwikaan niya dahil kay Herodias , na asawa ng kaniyang kapatid , at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ay naparagdag naman ito sa lahat , na kinulong niya si Juan sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nangyari nga , nang mabautismuhan ang buong bayan , na si Jesus ay binautismuhan naman , at nang nananalangin , ay nabuksan ang langit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan , tulad sa isang kalapati , at nanggaling ang isang tinig sa langit , Ikaw ang sinisinta kong Anak ; sa iyo ako lubos na nalulugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At si Jesus din , nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon , na anak ( ayon sa sinasapantaha ) ni Jose , ni Eli ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ni Matat , ni Levi , ni Melqui , ni Jane , ni Jose ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ni Matatias , ni Amos , ni Nahum , ni Esli , ni Nage ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ni Maat , ni Matatias , ni Semei , ni Jose , ni Juda ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ni Joana , ni Resa , ni Zorobabel , ni Seatiel , ni Neri ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ni Melqui , ni Adi , ni Cosam , ni Elmodam , ni Er ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ni Jesus , ni Eliezer , ni Jorim , ni Mata , ni Levi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ni Simeon , ni Juda , ni Jose , ni Jonan , ni Eliaquim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ni Melea , ni Mena , ni Matata , ni Natan , ni David ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ni Jesse , ni Obed , ni Booz , ni Salmon , ni Naason ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ni Aminadab , ni Aram , ni Esrom , ni Fares , ni Juda ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ni Jacob , ni Isaac , ni Abraham , ni Tare , ni Nacor ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ni Serug , ni Regan , ni Paleg , ni Heber , ni Selah ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ni Cainan , ni Arfaxjad , ni Sem , ni Noe , ni Lamec ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ni Matusalem , ni Enoc , ni Jared , ni Mahalaleel , ni Cainan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ni Enos , ni Set , ni Adam , ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Jesus , na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo . At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon ; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi sa kaniya ng diablo , Kung ikaw ang Anak ng Dios , ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinagot siya ni Jesus , Nasusulat , Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At iniakyat pa siya niya , at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi sa kaniya ng diablo , Sa iyo&apos;y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito , at ang kaluwalhatian nila : sapagka&apos;t ito&apos;y naibigay na sa akin ; at ibibigay ko kung kanino ko ibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko , ay magiging iyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya , Nasusulat , Sa Panginoon mong Dios sasamba ka , at siya lamang ang iyong paglilingkuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At dinala niya siya sa Jerusalem , at inilagay siya sa taluktok ng templo , at sinabi sa kaniya , Kung ikaw ay Anak ng Dios , ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t nasusulat , Siya&apos;y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo , upang ikaw ay ingatan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At , Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay , Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya , Nasasabi , Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso , ay hiniwalayan siya niya ng ilang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu : at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila , na niluluwalhati ng lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan : at ayon sa kaniyang kaugalian , siya&apos;y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath , at nagtindig upang bumasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias . At binuklat niya ang aklat , na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon , Sapagka&apos;t ako&apos;y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha : Ako&apos;y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas , At sa mga bulag ang pagkakita , Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At binalumbon niya ang aklat , at isinauli sa naglilingkod , at naupo : at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At siya&apos;y nagpasimulang magsabi sa kanila , Ngayo&apos;y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At siya&apos;y pinatotohanan ng lahat , at nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig : at sinabi nila , Hindi baga ito ang anak ni Jose ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi niya sa kanila , Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga , Manggagamot , gamutin mo ang iyong sarili : ang anomang aming narinig na ginawa sa Capernaum , ay gawin mo naman dito sa iyong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi niya , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias , nang sarhan ang langit sa loob ng tatlong taon at anim na buwan , noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias , kundi sa Sarepta sa lupa ng Sidon , sa isang babaing bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At maraming ketongin sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta ; at sinoman sa kanila&apos;y hindi nilinis , kundi lamang si Naaman na Siro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga , sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y nagsitindig , at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan , upang siya&apos;y maibulid nila ng patiwarik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t pagdaraan niya sa gitna nila , ay yumaon ng kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y bumaba sa Capernaum , na isang bayan ng Galilea . At sila&apos;y tinuruan niya sa araw ng sabbath :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangagtaka sila sa kaniyang aral , sapagka&apos;t may kapamahalaan ang kaniyang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio ; at siya&apos;y sumigaw ng malakas na tinig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ah ! anong mayroon kami sa iyo , Jesus , ikaw na Nazareno ? naparito ka baga upang kami&apos;y iyong puksain ? nakikilala ko ikaw kung sino ka , ang Banal ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinaway siya ni Jesus , na sinasabi , Tumahimik ka , at lumabas ka sa kaniya . At nang siya&apos;y mailugmok ng demonio sa gitna , ay lumabas siya sa kaniya , na hindi siya sinaktan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa&apos;t isa , na nangagsasabi , Anong salita kaya ito ? sapagka&apos;t siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu , at nagsisilabas sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At siya&apos;y nagtindig sa sinagoga , at pumasok sa bahay ni Simon . At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon , at siya&apos;y kanilang ipinamanhik sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At tinunghan niya siya , at sinaway ang lagnat ; at inibsan siya : at siya&apos;y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At nang lumulubog na ang araw , ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya ; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa&apos;t isa sa kanila , at sila&apos;y pinagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw , na nagsasabi , Ikaw ang anak ng Dios . At sinasaway sila , na di niya sila tinutulutang mangagsalita , sapagka&apos;t naalaman nilang siya ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nang araw na , ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako : at hinahanap siya ng mga karamihan , at nagsiparoon sa kaniya , at pinagpipilitang pigilin siya , upang huwag siyang humiwalay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios : sapagka&apos;t sa ganito ay sinugo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At siya&apos;y nangangaral sa mga sinagoga ng Galilea .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga , na samantalang siya&apos;y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios , na siya&apos;y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan : datapuwa&apos;t nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya , at hinuhugasan ang kanilang mga lambat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At lumulan siya sa isa sa mga daong , na kay Simon , at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa . At siya&apos;y naupo at nagturo sa mga karamihan buhat sa daong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagtigil niya ng pagsasalita , ay sinabi niya kay Simon , Pumaroon ka sa laot , at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sumagot si Simon at sinabi , Guro , sa buong magdamag ay nagsipagpagal kami , at wala kaming nahuli : datapuwa&apos;t sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang magawa nila ito , ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda ; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kinawayan nila ang mga kasamahan sa isang daong upang magsilapit at sila&apos;y tulungan . At sila&apos;y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong , ano pa&apos;t sila&apos;y nagpasimulang lulubog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t nang makita ni Simon Pedro , ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus , na nagsasabi , Lumayo ka sa akin ; sapagka&apos;t ako&apos;y taong makasalanan , Oh Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas , dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At gayon din si Santiago at si Juan , mga anak ni Zebedeo , na mga kasama ni Simon . At sinabi ni Jesus kay Simon , Huwag kang matakot ; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong , ay iniwan nila ang lahat , at nagsisunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nangyari , samantalang siya&apos;y nasa isa sa mga bayan , narito , may isang lalake na lipos ng ketong : at nang makita niya si Jesus , ay nagpatirapa siya , at namanhik sa kaniya , na sinasabi , Panginoon , kung ibig mo , ay maaaring linisin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya&apos;y hinipo , na sinasabi , Ibig ko ; luminis ka . At pagdaka&apos;y nilisan siya ng ketong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man : kundi yumaon ka ng iyong lakad , at pakita ka sa saserdote , at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo , alinsunod sa iniutos ni Moises , na pinakapatotoo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya : at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig , at upang pagalingin sa kanilang mga sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t siya&apos;y lumigpit sa mga ilang , at nananalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari nang isa sa mga araw na yaon , na siya&apos;y nagtuturo ; at may nangakaupo doong mga Fariseo at mga guro sa kautusan , na nagsipanggaling sa bawa&apos;t nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem : at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At narito , dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo : at pinagpipilitan niyang maipasok siya , at ilagay siya sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan , dahil sa karamihan , ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay , at siya&apos;y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan , sa gitna , sa harapan ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagkakita sa kanilang pananampalataya , ay kaniyang sinabi , Lalake , ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan , na nangagsasabi , Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan ? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan , kundi ang Dios lamang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t si Jesus , na nakatatanto ng kanilang mga iniisip , ay sumagot at sinabi sa kanila , Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Alin baga ang lalong magaang sabihin , Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan ; o sabihin , Magtindig ka at lumakad ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan ( sinabi niya sa lumpo ) , Sa iyo ko sinasabi , Magtindig ka , at buhatin mo ang iyong higaan , at umuwi ka sa bahay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pagdaka&apos;y nagtindig siya sa harap nila , at binuhat ang kaniyang hinigan , at napasa kaniyang bahay , na niluluwalhati ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios ; at nangapuspos sila ng takot , na nangagsasabi , Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagkatapos ng mga bagay na ito , siya&apos;y umalis , at nakita ang isang maniningil ng buwis , na nagngangalang Levi , na nakaupo sa paningilan ng buwis , at sinabi sa kaniya , Sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya&apos;y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay : at lubhang maraming maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Bakit kayo&apos;y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila , Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot ; kundi ang mga may sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid , kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi nila sa kaniya , Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas , at nagsisigawa ng mga pagdaing ; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo ; datapuwa&apos;t ang mga iyo&apos;y nagsisikain at nagsisiinom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Jesus sa kanila , Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Datapuwa&apos;t darating ang mga araw ; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake , kung magkagayo&apos;y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinalita rin naman niya sa kanila ang isang talinghaga : Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma ; sa ibang paraa&apos;y sisirain ang bago , at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At walang taong nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma ; sa ibang paraa&apos;y papuputukin ng alak na bago ang mga balat , at mabububo , masisira ang mga balat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kundi dapat isilid ang alak na bago sa mga bagong balat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At walang taong nakainom ng alak na laon , ay iibig sa alak na bago ; sapagka&apos;t sasabihin niya , Mabuti ang laon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath , ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya , at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t sinabi ng ilan sa mga Fariseo , Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi , Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David , nang siya&apos;y magutom , siya , at ang mga kasamahan niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung paanong siya&apos;y pumasok sa bahay ng Dios , at kumain ng mga tinapay na handog , at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan ; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari nang ibang sabbath , na siya&apos;y pumasok sa sinagoga at nagturo : at doo&apos;y may isang lalake , at tuyo ang kaniyang kanang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo , kung siya&apos;y magpapagaling sa sabbath ; upang makasumpong sila ng paraan na siya&apos;y maisakdal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan ; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay , Magtindig ka at tumayo ka sa gitna . At siya&apos;y nagtindig at tumayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi sa kanila ni Jesus , Itinatanong ko sa inyo , Matuwid bagang gumawa ng magaling , o gumawa ng masama kung sabbath ? magligtas ng isang buhay o pumuksa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot , at sinabi sa kaniya , Iunat mo ang iyong kamay . At ginawa niyang gayon ; at gumaling ang kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t sila&apos;y nangapuno ng galit ; at nangagsangusapan , kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nangyari nang mga araw na ito , na siya&apos;y napasa bundok upang manalangin ; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang araw na , ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad ; at siya&apos;y humirang ng labingdalawa sa kanila , na tinawag naman niyang mga apostol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Simon , na tinawag naman niyang Pedro , at si Andres na kaniyang kapatid , at si Santiago at si Juan , at si Felipe at si Bartolome .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At si Mateo at si Tomas , at si Santiago anak ni Alfeo , at si Simon , na tinatawag na Masikap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At si Judas na anak ni Santiago , at si Judas Iscariote na naging lilo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At bumaba siya na kasama nila , at tumigil sa isang patag na dako , at ang lubhang marami sa mga alagad niya , at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem , at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon , na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya , at upang pagalingin sa kanilang mga sakit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya&apos;y mahipo ; sapagka&apos;t lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa , at nagpapagaling sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad , at sinabi , Mapapalad kayong mga dukha : sapagka&apos;t inyo ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mapapalad kayong nangagugutom ngayon : sapagka&apos;t kayo&apos;y bubusugin . Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon : sapagka&apos;t kayo&apos;y magsisitawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Mapapalad kayo kung kayo&apos;y kapootan ng mga tao , at kung kayo&apos;y ihiwalay nila , at kayo&apos;y alimurahin , at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama , dahil sa Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Mangagalak kayo sa araw na yaon , at magsilukso kayo sa kagalakan ; sapagka&apos;t narito , ang ganti sa inyo&apos;y malaki sa langit ; sapagka&apos;t sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t sa aba ninyong mayayaman ! sapagka&apos;t tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa aba ninyo mga busog ngayon ! sapagka&apos;t kayo&apos;y mangagugutom . Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon ! sapagka&apos;t kayo&apos;y magsisitaghoy at magsisitangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa aba ninyo , pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo ! sapagka&apos;t sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyong nangakikinig , Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway , gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Pagpalain ninyo ang sa inyo&apos;y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo&apos;y lumalait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi , iharap mo naman ang kabila ; at ang sa iyo&apos;y magalis ng iyong balabal , huwag mong itanggi pati ng iyong tunika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Bigyan mo ang bawa&apos;t sa iyo&apos;y humihingi ; at sa kumuha ng pag-aari mo , ay huwag mong hinging muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kung ano ang ibig ninyong sa inyo&apos;y gawin ng mga tao , gayon din ang gawin ninyo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kung kayo&apos;y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo , anong pasasalamat ang inyong kakamtin ? sapagka&apos;t ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti , anong pasasalamat ang inyong kakamtin ? sapagka&apos;t ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kung kayo&apos;y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin , anong pasasalamat ang inyong kakamtin ? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan , upang muling magsitanggap ng gayon din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Datapuwa&apos;t ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti , at mangagpahiram kayo , na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa ; at malaki ang sa inyo&apos;y magiging ganti , at kayo&apos;y magiging mga anak ng Kataastaasan : sapagka&apos;t siya&apos;y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Magmaawain kayo , gaya naman ng inyong Ama na maawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At huwag kayong mangagsihatol , at hindi kayo hahatulan : at huwag kayong mangagparusa , at hindi kayo parurusahan : mangagpalaya kayo , at kayo&apos;y palalayain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Mangagbigay kayo , at kayo&apos;y bibigyan ; takal na mabuti , pikpik , liglig , at umaapaw , ay ibibigay nila sa inyong kandungan . Sapagka&apos;t sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga : Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag ? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro : datapuwa&apos;t ang bawa&apos;t isa , pagka naging sakdal , ay nagiging katulad ng kaniyang guro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid , datapuwa&apos;t hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">O paanong masasabi mo sa iyong kapatid , Kapatid , pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata , kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata ? Ikaw na mapagpaimbabaw , alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata , kung magkagayo&apos;y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sapagka&apos;t walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama ; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sapagka&apos;t bawa&apos;t punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga . Sapagka&apos;t ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag , at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso ; at ang masamang tao&apos;y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan : sapagka&apos;t sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At bakit tinatawag ninyo ako , Panginoon , Panginoon , at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang bawa&apos;t lumalapit sa akin , at pinakikinggan ang aking mga salita , at ginagawa , ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Siya&apos;y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay , na humukay at pinakalalim , at inilagay ang patibayan sa bato : at nang dumating ang isang baha , ay hinampas ng agos ang bahay na yaon , at hindi nakilos ; sapagka&apos;t natitirik na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Datapuwa&apos;t ang dumirinig , at hindi ginagawa , ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa , na walang patibayan ; laban sa yaon ay hinampas ng agos , at pagdaka&apos;y nagiba ; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan , ay pumasok siya sa Capernaum .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang alipin ng isang senturion , na minamahal nito , ay may sakit at malapit nang mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus , ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio , na ipamanhik sa kaniya , na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang magsidating sila kay Jesus , ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya , na sinasabi , Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t iniibig niya ang ating bansa , at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Jesus ay sumama sa kanila . At nang siya&apos;y di na lubhang malayo sa bahay , ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan , na nagsisipagsabi sa kaniya , Panginoon , huwag ka nang maligalig , sapagka&apos;t di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dahil dito&apos;y hindi ko inakalang ako&apos;y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo : datapuwa&apos;t sabihin mo ang salita , at gagaling ang aking alipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan , may nasasakupan akong mga kawal : at sinasabi ko rito , Yumaon ka , at siya&apos;y yumayaon ; at sa isa , Halika , at siya&apos;y lumalapit ; at sa aking alipin , Gawin mo ito , at kaniyang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito , ay nagtaka siya sa kaniya , at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya , Sinasabi ko sa inyo , Hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya , hindi , kahit sa Israel man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pagbalik sa bahay ng mga sinugo , ay kanilang naratnang magaling na ang alipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon , na siya&apos;y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain ; at kasama niya ang kaniyang mga alagad , at ang lubhang maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang siya nga&apos;y malapit na sa pintuan ng bayan , narito , inilalabas ang isang patay , bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina , at siya&apos;y bao : at kasama niya ang maraming tao na taga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At pagkakita sa kaniya ng Panginoon , siya&apos;y kinahabagan niya , at sinabi sa kaniya , Huwag kang tumangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At siya&apos;y lumapit at hinipo ang kabaong : at ang nangagdadala ay tumigil . At sinabi niya , Binata , sinasabi ko sa iyo , Magbangon ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At naupo ang patay , at nagpasimulang magsalita . At siya&apos;y ibinigay niya sa kaniyang ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinidlan ng takot ang lahat : at niluluwalhati nila ang Dios , na sinasabi , Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta : at , dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kumalat ang balitang ito tungkol sa kaniya sa buong Judea , at sa buong palibotlibot ng lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sa pagpapalapit ni Juan sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad , ay sinugo sila sa Panginoon , na nagpapasabi , Ikaw baga yaong paririto , o hihintayin namin ang iba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagdating sa kaniya ng mga tao , ay kanilang sinabi , Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista , na ipinasasabi , Ikaw baga yaong paririto , o hihintayin namin ang iba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu ; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sumagot siya at sa kanila&apos;y sinabi , Magsiparoon kayo , at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig ; ang mga bulag ay nangakakakita , ang mga pilay ay nagsisilakad , ang mga ketongin ay nangalilinis , at ang mga bingi ay nangakaririnig , ang mga patay ay ibinabangon , sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang mangakaalis na ang mga sugo ni Juan , ay nagpasimula siyang magsalita tungkol kay Juan sa mga karamihan , Ano ang linabas ninyo upang mamasdan sa ilang ? isang tambong inuuga ng hangin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t ano ang linabas ninyo upang makita ? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselang ? Narito , ang nagsisipanamit ng maririlag , at nangabubuhay sa pagmamaselang ay nasa mga palasio ng mga hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t ano ang linabas ninyo upang makita ? isa bagang propeta ? Oo , sinasabi ko sa inyo , at higit pa sa isang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ito yaong tungkol sa kaniya&apos;y nasusulat , Narito , sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha , Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sinasabi ko sa inyo , Sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang dakila kay sa kay Juan : gayon ma&apos;y ang lalong maliit sa kaharian ng Dios ay lalong dakila kay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At pagkarinig ng buong bayan , at ng mga maniningil ng buwis ay pinatotohanan ang Dios , na nagsipagbautismo ng bautismo ni Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t pinawalang halaga ng mga Fariseo at ng mga tagapagtanggol ng kautusan sa kanilang sarili ang payo ng Dios , at hindi napabautismo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa ano ko itutulad ang mga tao ng lahing ito , at ano ang kanilang katulad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Tulad sila sa mga batang nangakaupo sa pamilihan , at nagsisigawan sa isa&apos;t isa ; na sinasabi , Tinutugtugan namin kayo ng plauta , at hindi kayo nagsisayaw ; nanambitan kami at hindi kayo nagsitangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi , Siya&apos;y may isang demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom ; at inyong sinasabi , Narito ang isang matakaw na tao , at isang magiinum ng alak , isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang karunungan ay pinatotohanan ng lahat ng kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ipinamanhik sa kaniya ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya . At siya&apos;y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At narito , ang isang babaing makasalanan na nasa bayan ; at nang maalaman niyang siya&apos;y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis , ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa , at ang mga ito&apos;y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo , at hinahagkan ang kaniyang mga paa , at pinapahiran ng unguento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya&apos;y naganyaya , ay nagsalita sa kaniyang sarili , na sinasabi , Ang taong ito , kung siya&apos;y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya&apos;y humihipo , na siya&apos;y makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya , Simon , ako&apos;y may isang bagay na sasabihin sa iyo . At sinabi niya , Guro , sabihin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya : at ang isa&apos;y may utang na limang daang denario , at ang isa&apos;y limangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Nang sila&apos;y walang maibayad , ay kapuwa pinatawad niya . Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sumagot si Simon at sinabi , Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki . At sinabi niya sa kaniya , Matuwid ang pagkahatol mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At paglingon sa babae , ay sinabi niya kay Simon , Nakikita mo baga ang babaing ito ? Pumasok ako sa iyong bahay , hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa : datapuwa&apos;t dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha , at kinuskos ng kaniyang buhok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Hindi mo ako binigyan ng halik : datapuwa&apos;t siya , buhat nang ako&apos;y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo : datapuwa&apos;t pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan ; sapagka&apos;t siya ay umibig ng malaki : datapuwa&apos;t sa pinatatawad ng kaunti , ay kakaunti ang pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sinabi niya sa babae , Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili , Sino ito , na nagpapatawad pati ng mga kasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At sinabi niya sa babae , Iniligtas ka ng iyong pananampalataya ; yumaon kang payapa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon , na siya&apos;y naglalakad sa mga bayan at mga nayon , na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios , at kasama niya ang labingdalawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit , si Maria , na tinatawag na Magdalena , na sa kaniya&apos;y pitong demonio ang nagsilabas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At si Juana na asawa ni Chuza , katiwala ni Herodes , at si Susana , at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang magkatipon ang malaking karamihang tao , at ang mga mula sa bawa&apos;t bayan na nagsadya sa kaniya , ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi : at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan ; at napagyapakan , at ito&apos;y kinain ng mga ibon sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang iba&apos;y nahulog sa batuhan ; at pagsibol , ay natuyo , sapagka&apos;t walang halumigmig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang iba&apos;y nahulog sa mga dawagan ; at tumubong kasama ang mga dawag , at yao&apos;y ininis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang iba&apos;y nahulog sa mabuting lupa , at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan . Pagkasabi niya ng mga bagay na ito , siya ay sumigaw , Ang may mga pakinig na ipakikinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tinanong siya ng kaniyang mga alagad , kung ano kaya ang talinghagang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi niya , Sa inyo&apos;y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios : datapuwa&apos;t sa mga iba&apos;y sa mga talinghaga ; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita , at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ito ang talinghaga : Ang binhi ay ang salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang mga sa tabi ng daan , ay ang nangakinig ; kung magkagayo&apos;y dumarating ang diablo , at inaalis ang salita sa kanilang puso , upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga sa batuhan , ay yaong mga pagkarinig , ay tinatanggap na may galak ang salita ; at ang mga ito&apos;y walang ugat , na sila sa sangdaling panaho&apos;y nagsisisampalataya , at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang nahulog sa dawagan , ay ito ang nangakinig , at samantalang sila&apos;y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito , at hindi nangagbubunga ng kasakdalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti , na iniingatan ang salita pagkarinig , at nangagbubunga may pagtitiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At walang taong pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga , o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan ; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan , upang makita ng nagsisipasok ang ilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t walang bagay na natatago , na di mahahayag ; o walang lihim , na di makikilala at mapapasa liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig : sapagka&apos;t sino mang mayroon ay bibigyan ; at ang sinomang wala , pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid , at sila&apos;y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At may nagsabi sa kaniya , Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid , na ibig nilang makita ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot , at sinabi sa kanila , Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay itong nangakikinig ng salita ng Dios , at ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nangyari nga sa mga araw na yaon , na siya&apos;y lumulan sa isang daong , siya at ang kaniyang mga alagad ; at sinabi niya sa kanila , Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan : at sila&apos;y nagsitulak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t samantalang sila&apos;y nangaglalayag , siya&apos;y nakatulog : at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan ; at sila&apos;y nangatitigib ng tubig , at nangasa kapanganiban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y nangagsilapit sa kaniya at siya&apos;y ginising , na nangagsasabi , Guro , guro , tayo&apos;y mangamamatay . At siya&apos;y gumising , at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig : at nangagsitigil , at humusay ang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi niya sa kanila , Saan naroon ang inyong pananampalataya ? At palibhasa&apos;y nangatakot sila&apos;y nagsisipanggilalas , na sinasabi ng isa sa iba , Sino nga ito , na siya&apos;y naguutos maging sa hangin at sa tubig , at siya&apos;y tinatalima nila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y nagsidating sa lupain ng mga Gadareno , na nasa tapat ng Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagkalunsad niya sa lupa , siya&apos;y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan , na may mga demonio ; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit , at hindi tumatahan sa bahay , kundi sa mga libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang makita niya si Jesus , siya&apos;y sumigaw , at nagpatirapa sa harap niya , at sinabi ng malakas na tinig , Ano ang pakialam ko sa iyo , Jesus , ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan ? Ipinamamanhik ko sa iyo , na huwag mo akong pahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ipinagutos niya sa karumaldumal na espiritu na lumabas sa tao . Sapagka&apos;t madalas siyang inaalihan : at siya&apos;y binabantayan at gapos ng mga tanikala at mga damal ; at pagka pinapatid ang gapos ay siya&apos;y itinataboy ng demonio sa mga ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tinanong siya ni Jesus , Ano ang pangalan mo ? At sinabi niya , Pulutong ; sapagka&apos;t maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Doon nga&apos;y may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain sa bundok : at ipinamanhik nila sa kaniya na pabayaang sila&apos;y magsipasok sa mga yaon . At sila&apos;y pinahintulutan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nagsilabas ang mga demonio sa tao , at nagsipasok sa mga baboy : at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagatdagatan , at nangalunod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang makita ng nagsisipagalaga ng mga yaon ang nangyari , ay nagsitakas , at isinaysay sa bayan at sa bukid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sila&apos;y nagsilabas upang makita ang nangyari ; at nagsilapit sila kay Jesus , at kanilang naratnan sa paanan ni Jesus ang taong nilabasan ng mga demonio , na nakaupo , may pananamit , at matino ang kaniyang bait : at sila&apos;y nangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa kanila&apos;y isinaysay ng nangakakita kung paanong pinagaling ang inaalihan ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga tao sa palibotlibot ng lupain ng mga Gadareno na siya&apos;y umalis sa kanila , sapagka&apos;t sila&apos;y napipigilan ng malaking takot : at siya&apos;y lumulan sa daong , at nagbalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t namanhik sa kaniya ang taong nilabasan ng mga demonio , na siya&apos;y ipagsama niya : datapuwa&apos;t siya&apos;y pinaalis niya , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Umuwi ka sa iyong bahay , at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo . At siya&apos;y yumaon ng kaniyang lakad , na ibinabalita sa buong bayan , kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya&apos;y ginawa ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa pagbalik ni Jesus , ay sinalubong siyang may galak ng karamihan ; sapagka&apos;t hinihintay siya nilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At narito , lumapit ang isang lalaking nagngangalang Jairo , at siya&apos;y isang pinuno sa sinagoga : at siya&apos;y nagpatirapa sa paanan ni Jesus , at ipinamamanhik sa kaniya , na pumasok sa kaniyang bahay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sapagka&apos;t siya&apos;y may isang bugtong na anak na babae , na may labingdalawang taong gulang , at siya&apos;y naghihingalo . Datapuwa&apos;t samantalang siya&apos;y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan , na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay , at sinoma&apos;y walang makapagpagaling sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Ay lumapit sa kaniyang likuran , at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka&apos;y naampat ang kaniyang agas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At sinabi ni Jesus , Sino ang humipo sa akin ? At nang tumatanggi ang lahat , ay sinabi ni Pedro , at ng mga kasamahan niya , Guro , iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Datapuwa&apos;t sinabi ni Jesus , May humipo sa akin , sapagka&apos;t naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nang makita ng babae na siya&apos;y hindi nalingid , ay lumapit siya na nangangatal , at nagpatirapa sa harapan niya na isinasaysay sa harapan ng buong bayan ang dahil kung bakit siya&apos;y hinipo niya , at kung paanong gumaling siya kapagdaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sinabi niya sa kaniya , Anak , pinagaling ka ng iyong pananampalataya ; yumaon kang payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Samantalang nagsasalita pa siya ay dumating ang isa na mula sa bahay ng pinuno sa sinagoga , na nagsasabi , Patay na ang anak mong babae ; huwag mong bagabagin ang Guro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Datapuwa&apos;t nang marinig ito ni Jesus ay sumagot sa kaniya , Huwag kang matakot : manampalataya ka lamang , at siya&apos;y gagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At nang dumating siya sa bahay , ay hindi niya ipinahintulot na pumasok na kasama niya ang sinomang tao , maliban na kay Pedro , at kay Juan , at kay Santiago , at ang ama ng dalaga at ang ina nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At tumatangis ang lahat , at pinananambitanan ang dalaga : datapuwa&apos;t sinabi niya , Huwag kayong magsitangis ; sapagka&apos;t siya&apos;y hindi patay , kundi natutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At tinawanan nila siya na nililibak , na napagaalamang siya&apos;y patay na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Datapuwa&apos;t tinangnan niya sa kamay , at tinawag , na sinasabi , Dalaga , magbangon ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nagbalik ang kaniyang espiritu , at siya&apos;y nagbangon pagdaka : at kaniyang ipinagutos na siya&apos;y bigyan ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At nangagtaka ang kaniyang mga magulang : datapuwa&apos;t ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang kaniyang ginawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tinipon niya ang labingdalawa , at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio , at upang magpagaling ng mga sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios , at magpagaling ng mga may sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya sa kanila , Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad , kahit tungkod , kahit supot ng ulam , kahit tinapay , kahit salapi ; at kahit magkaroon ng dalawang tunika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa anomang bahay na inyong pasukin , doon kayo mangatira , at buhat doo&apos;y magsialis kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon , ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa , na pinaka patotoo laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sila&apos;y nagsialis , at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon , na ipinangangaral ang evangelio , at nagpapagaling saa&apos;t saan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nabalitaan nga ni Herodes na tetrarka ang lahat na ginawa ; at siya&apos;y totoong natitilihan , sapagka&apos;t sinasabi ng ilan , na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ng ilan , na si Elias ay lumitaw ; at ng mga iba , na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ni Herodes , Pinugutan ko ng ulo si Juan : datapuwa&apos;t sino nga ito , na tungkol sa kaniya&apos;y nababalitaan ko ang gayong bagay ? At pinagsisikapan niyang siya&apos;y makita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang magsibalik ang mga apostol , ay isinaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa . At sila&apos;y isinama niya , at lumigpit na bukod sa isang bayan na tinatawag na Betsaida .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa kaniya : at sila&apos;y tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa kaharian ng Dios , at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagpasimulang kumiling ang araw ; at nagsilapit ang labingdalawa , at nangagsabi sa kaniya , Paalisin mo ang karamihan , upang sila&apos;y magsiparoon sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibotlibot , at mangakapanuluyan , at mangakakuha ng pagkain : sapagka&apos;t tayo&apos;y nangarito sa isang ilang na dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Bigyan ninyo sila ng makakain . At sinabi nila , Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda ; malibang kami&apos;y magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t sila&apos;y may limang libong lalake . At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Paupuin ninyo sila ng pulupulutong , na may tiglilimangpu bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At gayon ang ginawa nila , at pinaupo silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda , at pagtingala sa langit , ay kaniyang pinagpala , at pinagputolputol ; at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa harap ng karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sila&apos;y nagsikain , at nangabusog ang lahat : at ang lumabis sa kanila na mga pinagputolputol ay pinulot na labingdalawang bakol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangyari , nang siya&apos;y nananalangin ng bukod , na ang mga alagad ay kasama niya : at tinanong niya sila , na sinasabi , Ano ang sinasabi ng karamihan kung sino ako ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pagsagot nila&apos;y nangagsabi , Si Juan Bautista ; datapuwa&apos;t sinasabi ng mga iba , Si Elias ; at sinasabi ng mga iba na isa sa mga datihang propeta ay muling nagbangon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya sa kanila , Datapuwa&apos;t , ano ang sabi ninyo kung sino ako ? At pagsagot ni Pedro , ay nagsabi , Ang Cristo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t ipinagbilin niya , at ipinagutos sa kanila na huwag sabihin ito sa kanino mang tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na sinasabi , Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao , at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba , at patayin , at muling ibangon sa ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi niya sa lahat , Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin , ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus , at sumunod sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay , ay mawawalan nito ; datapuwa&apos;t sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin , ay maililigtas nito yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ano ang pakikinabangin ng tao , kung makamtan niya ang buong sanglibutan , at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita , ay ikahihiya siya ng Anak ng tao , pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian , at sa kaluwalhatian ng Ama , at ng mga banal na anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , May ilan sa nangakatayo rito , na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan , hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangyari , nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito , na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago , at umahon sa bundok upang manalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At samantalang siya&apos;y nananalangin , ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha , at ang kaniyang damit ay pumuti , at nakasisilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At narito , dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya , na ang mga ito&apos;y si Moises at si Elias ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na napakitang may kaluwalhatian , at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok : datapuwa&apos;t nang sila&apos;y mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian , at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nangyari , samantalang sila&apos;y nagsisihiwalay sa kaniya , ay sinabi ni Pedro kay Jesus , Guro , mabuti sa atin ang tayo&apos;y dumito : at magsigawa tayo ng tatlong dampa ; isa ang sa iyo , at isa ang kay Moises , at isa ang kay Elias : na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito , ay dumating ang isang alapaap , at sila&apos;y naliliman : at sila&apos;y nangatakot nang sila&apos;y mangapasok sa alapaap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At may tinig na nanggaling sa alapaap , na nagsasabi , Ito ang aking Anak , ang aking hirang : siya ang inyong pakinggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nang dumating ang tinig , si Jesus ay nasumpungang nagiisa . At sila&apos;y di nagsisiimik , at nang mga araw na yao&apos;y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nangyari nang kinabukasan , nang pagbaba nila mula sa bundok , ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At narito , isang lalake sa karamihan , ay sumigaw na nagsasabi , Guro , ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake ; sapagka&apos;t siya&apos;y aking bugtong na anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At narito , inaalihan siya ng isang espiritu , at siya&apos;y biglang nagsisigaw ; at siya&apos;y nililiglig , na pinabubula ang bibig , at bahagya nang siya&apos;y hiwalayan , na siya&apos;y totoong pinasasakitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya ; at hindi nila magawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sumagot si Jesus at nagsabi , Oh lahing walang pananampalataya at taksil , hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo ? dalhin mo rito ang anak mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At samantalang siya&apos;y lumalapit , ay ibinuwal siya ng demonio , at pinapangatal na mainam . Datapuwa&apos;t pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu , at pinagaling ang bata , at isinauli siya sa kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios . Datapuwa&apos;t samantalang ang lahat ay nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa , ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito : sapagka&apos;t ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Datapuwa&apos;t hindi nila napaguunawa ang sabing ito , at sa kanila&apos;y nalilingid , upang ito&apos;y huwag mapagunawa ; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Datapuwa&apos;t pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso , ay kumuha siya ng isang maliit na bata , at inilagay sa kaniyang siping ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At sinabi sa kanila , Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko , ay ako ang tinatanggap : at ang sinomang tumanggap sa akin , ay tinatanggap ang nagsugo sa akin : sapagka&apos;t ang pinaka maliit sa inyong lahat , ay siyang dakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At sumagot si Juan at sinabi , Guro , may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonio sa pangalan mo ; at aming pinagbawalan siya , sapagka&apos;t siya&apos;y hindi sumasama sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Datapuwa&apos;t sinabi sa kanila ni Jesus , Huwag ninyong pagbawalan siya : sapagka&apos;t ang hindi laban sa inyo , ay sumasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At nangyari , nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya&apos;y tatanggapin sa itaas , ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha : at nagsiyaon sila , at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya&apos;y ipaghanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At hindi nila siya tinanggap , sapagka&apos;t ang mukha niya&apos;y anyong patungo sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan , ay nangagsabi , Panginoon , ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit , at sila&apos;y pugnawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Datapuwa&apos;t , lumingon siya , at sila&apos;y pinagwikaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At sila&apos;y nagsiparoon sa ibang nayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At paglakad nila sa daan ay may nagsabi sa kaniya , Susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At sinabi sa kaniya ni Jesus , May mga lungga ang mga sorra , at ang mga ibon sa langit ay may mga pugad ; datapuwa&apos;t ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At sinabi niya sa iba , Sumunod ka sa akin . Datapuwa&apos;t siya&apos;y nagsabi , Panginoon , tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kaniya , Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay ; datapuwa&apos;t yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At ang iba nama&apos;y nagsabi , Susunod ako sa iyo , Panginoon ; datapuwa&apos;t pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ni Jesus , Walang taong pagkahawak sa araro , at lumilingon sa likod , ay karapatdapat sa kaharian ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos nga ng mga bagay na ito , ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa , at sila&apos;y sinugong daladalawa , sa unahan ng kaniyang mukha , sa bawa&apos;t bayan at dako na kaniyang paroroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa kanila , Sa katotohana&apos;y marami ang aanihin , datapuwa&apos;t kakaunti ang mga manggagawa : kaya&apos;t idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin , na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magsiyaon kayo sa iyong lakad ; narito , sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi , ng supot man ng pagkain , ng mga pangyapak man ; at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa alin mang bahay na inyong pasukin , ay sabihin ninyo muna , Kapayapaan nawa sa bahay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung mayroon doong anak ng kapayapaan , ang inyong kapayapaa&apos;y mananatili sa kaniya : datapuwa&apos;t kung wala , ay babalik ito sa inyong muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon , na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay : sapagka&apos;t ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan . Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa alin mang bayan na iyong pasukin , at kayo&apos;y kanilang tanggapin , ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagalingin ninyo ang mga maysakit na nangaroon , at sabihin ninyo sa kanila , Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t sa alin mang bayan na inyong pasukin , at hindi kayo tanggapin , magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa , ay ipinapagpag namin laban sa inyo : gayon ma&apos;y inyong talastasin ito , na lumapit na ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinasabi ko sa inyo , Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan ang Sodoma kay sa bayang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa aba mo , Corazin ! sa aba mo , Betsaida ! sapagka&apos;t kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo , ay maluwat na dising nangagsisi , na nangauupong may kayong magaspang at abo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t sa paghuhukom , higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon , kay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ikaw , Capernaum , magpapakataas ka hanggang sa langit ? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang nakikinig sa inyo , ay sa akin nakikinig ; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil ; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki&apos;y nagsugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan , na nangagsasabi , Panginoon , pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya sa kanila , Nakita ko si Satanas , na nahuhulog na gaya ng lintik , mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Narito , binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan , at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway : at sa anomang paraa&apos;y hindi kayo maaano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon ma&apos;y huwag ninyong ikagalak ito , na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo ; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang oras ding yaon siya&apos;y nagalak sa Espiritu Santo , at sinabi , Ako&apos;y nagpapasalamat sa iyo , Oh Ama , Panginoon ng langit at lupa , na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino , at ipinahayag mo sa mga sanggol : gayon nga , Ama ; sapagka&apos;t gayon ang nakalulugod sa iyong paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama : at walang nakakakilala kung sino ang Anak , kundi ang Ama ; at kung sino ang Ama , kundi ang Anak , at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At paglingon sa mga alagad , ay sinabi niya ng bukod , Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita , at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig , at hindi nila nangarinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At narito , ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya&apos;y tinutukso , na sinasabi , Guro , anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi niya sa kaniya , Ano ang nasusulat sa kautusan ? ano ang nababasa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagsagot niya&apos;y sinabi , Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo , at ng buong kaluluwa mo , at ng buong lakas mo , at ng buong pagiisip mo ; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi niya sa kaniya , Matuwid ang sagot mo : gawin mo ito , at mabubuhay ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t siya , na ibig magaringganap sa kaniyang sarili , ay nagsabi kay Jesus , At sino ang aking kapuwa tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sumagot si Jesus at sinabi , Isang tao&apos;y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem ; at siya&apos;y nahulog sa kamay ng mga tulisan , na sa kaniya&apos;y sumamsam at sa kaniya&apos;y humampas , at nagsialis na siya&apos;y iniwang halos patay na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote ; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman , nang dumating siya sa dakong yaon , at makita siya , ay dumaan sa kabilang tabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t ang isang Samaritano , sa kaniyang paglalakbay , ay dumating sa kinaroroonan niya : at nang siya&apos;y makita niya , ay nagdalang habag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At lumapit sa kaniya , at tinalian ang kaniyang mga sugat , na binuhusan ng langis at alak ; at siya&apos;y isinakay sa kaniyang sariling hayop , at dinala siya sa bahay-tuluyan , at siya&apos;y inalagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang kinabukasa&apos;y dumukot siya ng dalawang denario , at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan , at sinabi , Alagaan mo siya , at ang anomang magugol mong higit , ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sino sa tatlong ito , sa akala mo , ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi niya , Ang nagkaawanggawa sa kaniya . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka , at gayon din ang gawin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad , ay pumasok siya sa isang nayon : at isang babaing nagngangalang Marta , ay tinanggap siya sa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y may isang kapatid na tinatawag na Maria , na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon , at pinakikinggan ang kaniyang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Nguni&apos;t si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod ; at siya&apos;y lumapit sa kaniya , at sinabi , Panginoon , wala bagang anoman sa iyo , na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa ? iutos mo nga sa kaniya na ako&apos;y tulungan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Datapuwa&apos;t sumagot ang Panginoon , at sinabi sa kaniya , Marta , Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Datapuwa&apos;t isang bagay ang kinakailangan : sapagka&apos;t pinili ni Maria ang magaling na bahagi , na hindi aalisin sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , nang siya&apos;y nananalangin sa isang dako , nang siya&apos;y matapos , ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad , Panginoon , turuan mo kaming manalangin , na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya sa kanila , Pagka kayo&apos;y nagsisipanalangin , inyong sabihin , Ama , Sambahin nawa ang pangalan mo . Dumating nawa ang kaharian mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ibigay mo sa amin arawaraw ang aming pangarawaraw na kakanin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan ; sapagka&apos;t aming pinatawad naman ang bawa&apos;t may utang sa amin . At huwag mo kaming ihatid sa tukso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan , at paroroon sa kaniya sa hating gabi , at sa kaniya&apos;y sasabihin , Kaibigan , pahiramin mo ako ng tatlong tinapay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan , at wala akong maihain sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin , Huwag mo akong bagabagin : nalalapat na ang pinto , at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak ; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinasabi ko sa inyo , Kahit siya&apos;y hindi bumangon , at magbigay sa kaniya , dahil sa siya&apos;y kaibigan niya , gayon ma&apos;y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya&apos;y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinasabi ko sa inyo , Magsihingi kayo , at kayo&apos;y bibigyan ; magsihanap kayo , at kayo&apos;y mangakakasumpong ; magsituktok kayo , at kayo&apos;y bubuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t humihingi ay tumatanggap ; at ang humahanap ay nakasusumpong ; at ang tumutuktok ay binubuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At aling ama sa inyo , na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay , ay bibigyan niya siya ng isang bato ? o ng isang isda kaya , at hindi isda ang ibibigay , kundi isang ahas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">O kung siya&apos;y humingi ng itlog , kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung kayo nga , bagaman masasama , ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak , gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagpalabas siya ng isang demoniong pipi . At nangyari , nang makalabas na ang demonio , ang pipi ay nangusap ; at nangagtaka ang mga karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t sinabi ng ilan sa kanila , Sa pamamagitan ni Beelzebub , na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya&apos;y hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t siya , na nakatataho ng mga pagiisip nila , sa kanila&apos;y sinabi , Ang bawa&apos;t kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak ; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili , paanong mananatili ang kaniyang kaharian ? sapagka&apos;t sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub , sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong mga anak ? kaya nga , sila ang inyong magiging mga hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio , dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban , ang kaniyang mga pag-aari ay wala sa panganib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t kung siya&apos;y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya , at siya&apos;y matalo , ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan , at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin ; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagka ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao , ay lumalakad sa mga dakong walang tubig , na humahanap ng kapahingahan , at pagka hindi makasumpong , ay sinasabing , Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung magkagayo&apos;y yumayaon siya , at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya ; at sila&apos;y nagsisipasok at nagsisitahan doon : at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nangyari , na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito , ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya , Mapalad ang tiyang sa iyo&apos;y nagdala , at ang mga dibdib na iyong sinusuhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t sinabi niya , Oo , bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios , at ito&apos;y ginaganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang ang mga karamihan ay nangagkakatipon sa kaniya , ay nagpasimula siyang magsabi , Ang lahing ito&apos;y isang masamang lahi : siya&apos;y humahanap ng isang tanda ; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t kung paanong si Jonas ay naging tanda sa mga Ninivita , ay gayon din naman ang Anak ng tao sa lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito , at sila&apos;y hahatulan : sapagka&apos;t siya&apos;y naparitong galing sa mga wakas ng lupa , upang pakinggan ang karunungan ni Salomon ; at narito , dito&apos;y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito , at ito&apos;y hahatulan : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas ; at narito , dito&apos;y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Walang taong pagkapagpaningas niya ng isang ilawan , ay ilalagay sa isang dakong tago , ni sa ilalim man ng takalan , kundi sa talagang lalagyan ng ilaw , upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong mata : kung magaling ang iyong mata , ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag ; datapuwa&apos;t kung ito&apos;y may sakit , ang katawan mo nama&apos;y puspos ng kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kaya nga , kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag , na walang anomang bahaging madilim , ito&apos;y lubos na mapupuspos ng liwanag , na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Samantala ngang siya&apos;y nagsasalita , ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya : at siya&apos;y pumasok , at naupo sa dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nang makita ito ng Fariseo , ay nagtaka na siya&apos;y hindi muna naghugas bago mananghali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan ; datapuwa&apos;t ang loob ninyo&apos;y puno ng panglulupig at kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kayong mga haling , di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Datapuwa&apos;t ilimos ninyo ang mga bagay na nasa kalooban ; at narito , ang lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Datapuwa&apos;t sa aba ninyong mga Fariseo ! sapagka&apos;t nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena , at ng ruda , at ng bawa&apos;t gugulayin , at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios : datapuwa&apos;t dapat ngang gawin ninyo ang mga ito , at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sa aba ninyong mga Fariseo ! sapagka&apos;t inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga , at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sa aba ninyo ! sapagka&apos;t kayo&apos;y tulad sa mga libingang hindi nakikita , at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At pagsagot ng isa sa mga tagapagtanggol ng kautusan , ay nagsabi sa kaniya , Guro , sa pagsasabi mo nito , pati kami ay iyong pinupulaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi niya , Sa aba rin naman ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan ! sapagka&apos;t inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasang mahihirap dalhin , at hindi man lamang ninyo hinihipo ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sa aba ninyo ! sapagka&apos;t inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta , at ang mga yao&apos;y pinatay ng inyong mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kayo nga&apos;y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang : sapagka&apos;t pinatay ng mga ito ang mga yaon , at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Kaya nga , sinasabi naman ng karunungan ng Dios , Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol ; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta , na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Mula sa dugo ni Abel , hanggang sa dugo ni Zacarias , na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario : oo , sinasabi ko sa inyo , na ito&apos;y hihingin sa lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan ! sapagka&apos;t inalis ninyo ang susi ng karunungan : hindi kayo nagsipasok , at inyong sinasansala ang nagsisipasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At paglabas niya roon , ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya , at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Na siya&apos;y inaabangan , upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao , na ano pa&apos;t nagkakayapakan silasila , ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad , Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo , na ito&apos;y pagpapaimbabaw nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t walang bagay na natatakpan , na hindi mahahayag : at natatago , na hindi malalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya nga , ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan , at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid , ay ipagsisigawan sa mga bubungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko , Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan , na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan : Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay , ay may kapangyarihang magbulid sa impierno ; tunay , sinasabi ko sa inyo , Siya ninyong katakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles ? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat . Huwag kayong mangatakot : kayo&apos;y lalong mahalaga kay sa maraming maya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinasabi ko sa inyo , Ang bawa&apos;t kumikilala sa akin sa harap ng mga tao , ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao , ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang bawa&apos;t magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin : nguni&apos;t ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagka kayo&apos;y dadalhin sa harap ng mga sinagoga , at sa mga pinuno , at sa mga may kapamahalaan , ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot , o kung ano ang inyong sasabihin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan , Guro , iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kaniya , Lalake , sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kanila , Mangagmasid kayo , at kayo&apos;y mangagingat sa lahat ng kasakiman : sapagka&apos;t ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga , na sinasabi , Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At iniisip niya sa sarili na sinasabi , Ano ang gagawin ko , sapagka&apos;t wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinabi niya , Ito ang gagawin ko : igigiba ko ang aking mga bangan , at gagawa ako ng lalong malalaki ; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sasabihin ko sa aking kaluluwa , Kaluluwa , marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon ; magpahingalay ka , kumain ka , uminom ka , matuwa ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ng Dios , Ikaw na haling , hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa ; at ang mga bagay na inihanda mo , ay mapapa sa kanino kaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili , at hindi mayaman sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay , kung ano ang inyong kakanin ; kahit sa inyong katawan , kung ano ang inyong daramtin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang buhay ay higit kay sa pagkain , at ang katawan kay sa damit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Wariin ninyo ang mga uwak , na hindi sila nangaghahasik , ni nagsisigapas man ; na walang bangan ni kamalig man ; at sila&apos;y pinakakain ng Dios : gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit , bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Wariin ninyo ang mga lirio , kung paano silang nagsisilaki : hindi nangagpapagal , o nangagsusulid man ; gayon ma&apos;y sinasabi ko sa inyo , Kahit si Salomon man , sa buong kaluwalhatian niya , ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang , na ngayon ay buhay , at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan ; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan , Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin , at kung ano ang inyong iinumin , o huwag man kayo&apos;y mapagalinlangang pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan : datapuwa&apos;t talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon ma&apos;y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian , at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Huwag kayong mangatakot , munting kawan ; sapagka&apos;t nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo&apos;y ibigay ang kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik , at kayo&apos;y mangaglimos ; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma , isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang , na doo&apos;y hindi lumalapit ang magnanakaw , o naninira man ang tanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t kung saan naroroon ang inyong kayamanan , ay doroon naman ang inyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang , at paningasan ang inyong mga ilawan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya&apos;y bumalik na galing sa kasalan ; upang kung siya&apos;y dumating at tumuktok , pagdaka&apos;y mabuksan nila siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang nangagpupuyat : katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya&apos;y magbibigkis sa sarili , at sila&apos;y pauupuin sa dulang , at lalapit at sila&apos;y paglilingkuran niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kung siya&apos;y dumating sa ikalawang pagpupuyat , o sa ikatlo , at masumpungan sila sa gayon , ay mapapalad ang mga aliping yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t talastasin ninyo ito na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw , siya&apos;y magpupuyat , at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kayo rin naman ay mangagsihanda : sapagka&apos;t sa oras na hindi ninyo iniisip , ang Anak ng tao ay darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At sinabi ni Pedro , Panginoon , sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin , o sa lahat naman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi ng Panginoon , Sino nga baga ang katiwalang tapat at matalino , na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan , upang sila&apos;y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Mapalad ang aliping yaon , na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na sa kaniya&apos;y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Datapuwa&apos;t kung sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso , Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon ; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae , at kumain at uminom , at maglasing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay , at sa oras na hindi niya nalalaman , at siya&apos;y babaakin , at isasama ang kaniyang bahagi sa mga di tapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon , at hindi naghanda , at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Datapuwa&apos;t ang hindi nakaaalam , at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo , ay papaluin ng kaunti . At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya : at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ako&apos;y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa ; at ano pa ang iibigin ko , kung magningas na ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Datapuwa&apos;t ako&apos;y may isang bautismo upang ibautismo sa akin ; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito&apos;y maganap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Inaakala baga ninyo na ako&apos;y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa ? Sinasabi ko sa inyo , Hindi , kundi bagkus pagkakabahabahagi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Sapagka&apos;t mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay , tatlo laban sa dalawa , at dalawa laban sa tatlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Sila&apos;y mangagkakabahabahagi , ang ama&apos;y laban sa anak na lalake , at ang anak na lalake ay laban sa ama ; ang ina&apos;y laban sa anak na babae , at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina ; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae , at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At sinabi rin naman niya sa mga karamihan , Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap , ay agad ninyong sinasabi , Uulan ; at gayon ang nangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At kung humihihip ang hanging timugan , ay sinasabi ninyo , Iinit na maigi ; at ito&apos;y nangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Kayong mga mapagpaimbabaw ! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit ; datapuwa&apos;t bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Sapagka&apos;t samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit , ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya ; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom , at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Sinasabi ko sa iyo , Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan , hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang lepta .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan , na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo , na ang dugo ng mga ito&apos;y inihalo ni Pilato sa mga hain nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y sumagot at sinabi sa kanila , Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo , dahil sa sila&apos;y nangagbata ng mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinasabi ko sa inyo , Hindi : datapuwa&apos;t , malibang kayo&apos;y mangagsisi , ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">O yaong labingwalo , na nalagpakan ng moog sa Siloe , at nangamatay , ay inaakala baga ninyo na sila&apos;y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinasabi ko sa inyo , Hindi : datapuwa&apos;t , malibang kayo&apos;y mangagsisi , ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinalita niya ang talinghagang ito , Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan ; at siya&apos;y naparoong humahanap ng bunga niyaon , at walang nasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan , Narito , tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito , at wala akong masumpungan : putulin mo ; bakit pa makasisikip sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagsagot niya&apos;y sinabi sa kaniya , Panginoon , pabayaan mo muna sa taong ito , hanggang sa aking mahukayan sa palibot , at malagyan ng pataba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kung pagkatapos ay magbunga , ay mabuti ; datapuwa&apos;t kung hindi , ay puputulin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At narito , ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na ; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang siya&apos;y makita ni Jesus , ay kaniyang tinawag siya , at sinabi niya sa kaniya , Babae , kalag ka na sa iyong sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya : at pagdaka siya&apos;y naunat , at niluwalhati niya ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang pinuno sa sinagoga , dala ng kagalitan , sapagka&apos;t si Jesus ay nagpagaling nang sabbath , ay sumagot at sinabi sa karamihan , May anim na araw na ang mga tao&apos;y dapat na magsigawa : kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo , at kayo&apos;y pagagalingin , at huwag sa araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t sinagot siya ng Panginoon , at sinabi , Kayong mga mapagpaimbabaw , hindi baga kinakalagan ng bawa&apos;t isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban , at ito&apos;y inilalabas upang painumin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang babaing itong anak ni Abraham , na tinalian ni Satanas , narito , sa loob ng labingwalong taon , hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito , ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit : at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinabi nga niya , Sa ano tulad ang kaharian ng Dios ? at sa ano ko itutulad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao , at inihagis sa kaniyang sariling halamanan ; at ito&apos;y sumibol , at naging isang punong kahoy ; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At muling sinabi niya , Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae , at itinago sa tatlong takal na harina , hanggang sa ito&apos;y nalebadurahang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At siya&apos;y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon , na nagtuturo , at naglalakbay na tungo sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At may isang nagsabi sa kaniya , Panginoon , kakaunti baga ang mangaliligtas ? At sinabi niya sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot : sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok , at hindi mangyayari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan , at mailapat na ang pinto , at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas , at mangagsituktok sa pintuan , na mangagsasabi , Panginoon , buksan mo kami ; at siya&apos;y sasagot at sasabihin sa inyo , Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo&apos;y taga saan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung magkagayo&apos;y pasisimulan ninyong sabihin , Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo , at nagturo ka sa aming mga lansangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sasabihin niya , Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo&apos;y taga saan ; magsilayo kayo sa akin , kayong lahat na manggagawa ng kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Diyan na nga ang pagtangis , at ang pagngangalit ng mga ngipin , kung mangakita ninyo si Abraham , at si Isaac , at si Jacob , at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios , at kayo&apos;y palabasin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sila&apos;y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran , at sa timugan at sa hilagaan , at magsisiupo sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At narito , may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo , na nangagsasabi sa kaniya , Lumabas ka , at humayo ka rito : sapagka&apos;t ibig kang patayin ni Herodes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon kayo , at inyong sabihin sa sorrang yaon , Narito , nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas , at ako&apos;y magiging sakdal sa ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gayon ma&apos;y kailangang ako&apos;y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa : sapagka&apos;t hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Oh Jerusalem , Jerusalem , na pumapatay sa mga propeta , at bumabato sa mga sinugo sa kaniya ! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak , na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak , at ayaw kayo !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Narito , sa inyo&apos;y iniwang walang anoman ang inyong bahay : at sinasabi ko sa inyo , Hindi ninyo ako makikita , hanggang sa inyong sabihin , Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath upang kumain ng tinapay , at inaabangan nila siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narito , sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagsagot ni Jesus , ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo , na sinasabi , Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t sila&apos;y di nagsiimik . At siya&apos;y tinangnan niya , at siya&apos;y pinagaling , at siya&apos;y pinayaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya sa kanila , Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay , at pagdaka&apos;y hindi kukunin kahit araw ng sabbath ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan , nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga pangulong luklukan ; na nagsasabi sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan , huwag kang uupo sa pangulong luklukan ; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya , at sabihin sa iyo , Bigyan mong puwang ang taong ito ; at kung magkagayo&apos;y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kundi pagka inaanyayahan ka , ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan ; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo , ay sa iyo&apos;y sabihin niya , Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas : kung magkagayo&apos;y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t nagmamataas ay mabababa ; at ang nagpapakababa ay matataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya , Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan , ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan , ni ang iyong mga kapatid , ni ang iyong mga kamaganak , ni ang mayayamang kapitbahay ; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan , at gantihan ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t kung maghahanda ka , ay anyayahan mo ang mga dukha , ang mga pingkaw , ang mga pilay , ang mga bulag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At magiging mapalad ka ; sapagka&apos;t wala silang sukat ikaganti sa iyo : sapagka&apos;t gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang , ay sinabi sa kaniya , Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kaniya , May isang naghanda ng isang malaking hapunan ; at marami siyang inanyayahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin , upang sabihin sa mga inanyayahan , Magsiparito kayo ; sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan . Sa kaniya&apos;y sinabi ng una , Bumili ako ng isang bukid , at kailangan akong umalis at tingnan ; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi ng iba , Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake , at paroroon ako upang sila&apos;y subukin ; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi ng iba , Bago akong kasal , at kaya nga hindi ako makaparoroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At dumating ang alipin , at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon . Nang magkagayon , sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin , Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makikipot ng bayan , at dalhin mo rito ang mga dukha , at ang mga pingkaw , at ang mga bulag , at ang mga pilay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ng alipin , panginoon , nagawa na ang ipinagutos mo , at gayon ma&apos;y maluwag pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinabi ng panginoon sa alipin , Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran , at pilitin mo silang magsipasok , upang mapuno ang aking bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao ; at siya&apos;y lumingon at sa kanila&apos;y sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung ang sinomang tao&apos;y pumaparito sa akin , at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama , at ina , at asawang babae , at mga anak , at mga kapatid na lalake , at mga kapatid na babae , oo , at pati sa kaniyang sariling buhay man , ay hindi siya maaaring maging alagad ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus , at sumusunod sa akin , ay hindi maaaring maging alagad ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t alin sa inyo , ang kung ibig magtayo ng isang moog , ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Baka kung mailagay na niya ang patibayan , at hindi matapos , ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya&apos;y libakin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na sabihin , Nagpasimula ang taong ito na magtayo , at hindi nakayang tapusin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">O aling hari , na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari , ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">O kung hindi , samantalang malayo pa ang isa , ay magsusugo siya ng isang sugo , at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik , ay di maaaring maging alagad ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Mabuti nga ang asin : datapuwa&apos;t kung ang asin ay tumabang , ay ano ang ipagpapaalat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi : itinatapon sa labas . Ang may mga pakinig upang ipakinig , ay makinig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan , na nangagsasabi , Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan , at sumasalo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Aling tao sa inyo , na kung mayroong isang daang tupa , at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu&apos;t siyam sa ilang , at hahanapin ang nawala , hanggang sa ito&apos;y kaniyang masumpungan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagka nasumpungan niya , ay pinapasan niya sa kaniyang balikat , na natutuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At paguwi niya sa tahanan , ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay , na sasabihin sa kanila , Makipagkatuwa kayo sa akin , sapagka&apos;t nasumpungan ko ang aking tupang nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinasabi ko sa inyo , na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi , kay sa siyam na pu&apos;t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">O aling babae na may sangpung putol na pilak , na kung mawalan siya ng isang putol , ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan , at wawalisan ang bahay , at hahanaping masikap hanggang sa ito&apos;y masumpungan niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka nasumpungan niya , ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay , na sinasabi , Makipagkatuwa kayo sa akin , sapagka&apos;t nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon din , sinasabi ko sa inyo , na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios , dahil sa isang makasalanang nagsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya , May isang tao na may dalawang anak na lalake :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi sa kaniyang ama ng bunso , Ama , ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin . At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At hindi nakaraan ang maraming araw , ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya , at naglakbay sa isang malayong lupain ; at doo&apos;y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang magugol na niyang lahat , ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon ; at siya&apos;y nagpasimulang mangailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon ; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang , upang magpakain ng mga baboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy : at walang taong magbigay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t nang siya&apos;y makapagisip ay sinabi niya , Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain , at ako rito&apos;y namamatay ng gutom ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Magtitindig ako at paroroon sa aking ama , at aking sasabihin sa kaniya , Ama , nagkasala ako laban sa langit , at sa iyong paningin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo : gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y nagtindig , at pumaroon sa kaniyang ama . Datapuwa&apos;t samantalang nasa malayo pa siya , ay natanawan na siya ng kaniyang ama , at nagdalang habag , at tumakbo , at niyakap siya sa leeg , at siya&apos;y hinagkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi ng anak sa kaniya , Ama , nagkasala ako laban sa langit , at sa iyong paningin : hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin , Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal , at isuot ninyo sa kaniya ; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay , at mga panyapak ang kaniyang mga paa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kunin ninyo ang pinatabang guya , at inyong patayin , at tayo&apos;y magsikain , at mangagkatuwa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t patay na ang anak kong ito , at muling nabuhay ; siya&apos;y nawala , at nasumpungan . At sila&apos;y nangagpasimulang mangagkatuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nasa bukid nga ang anak niyang panganay : at nang siya&apos;y dumating at malapit sa bahay , ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin , at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi niya sa kaniya , Dumating ang kapatid mo ; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya , dahil sa siya&apos;y tinanggap niya na ligtas at magaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t nagalit siya , at ayaw pumasok : at lumabas ang kaniyang ama , at siya&apos;y namanhik sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sumagot at sinabi sa kaniyang ama , Narito , maraming taon nang kita&apos;y pinaglilingkuran , at kailan ma&apos;y hindi ako sumuway sa iyong utos ; at gayon ma&apos;y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing , upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot , ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi niya sa kaniya , Anak , ikaw ay palaging nasa akin , at iyo ang lahat ng akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo : sapagka&apos;t patay ang kapatid mong ito , at muling nabuhay ; at nawala , at nasumpungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi rin naman niya sa mga alagad , May isang taong mayaman , na may isang katiwala ; at ito&apos;y isinumbong sa kaniya na siya&apos;y nagsisira ng kaniyang mga pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinawag niya siya , at sa kaniya&apos;y sinabi , Ano ito na nababalitaan ko tungkol sa iyo ? magbigay sulit ka ng pagiging katiwala ; sapagka&apos;t hindi ka na maaaring maging katiwala pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili , Anong gagawin ko , yamang inaalis sa akin ng panginoon ko ang pagiging katiwala ? Magdukal ng lupa&apos;y wala akong kaya ; magpalimos ay nahihiya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nalalaman ko na ang gagawin ko , upang , kung mapaalis ako sa pagiging katiwala , ako ay matanggap nila sa kanilang mga bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagtawag niya sa bawa&apos;t isa sa mga may utang sa kaniyang panginoon , ay sinabi niya sa una , Gaano ang utang mo sa aking panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya , Isang daang takal na langis . At sinabi niya sa kaniya , Abutin mo ang iyong kasulatan , at maupo kang madali at isulat mong limangpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayon ay sinabi niya sa iba , At ikaw , gaano ang utang mo ? At sinabi niya , Isang daang takal na trigo . Sinabi niya sa kaniya , Abutin mo ang iyong kasulatan , at isulat mong walongpu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala , sapagka&apos;t siya&apos;y gumawang may katalinuhan : sapagka&apos;t ang mga anak ng sanglibutang ito , sa kanilang sariling lahi , ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ko sa inyo , Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan ; upang , kung kayo&apos;y magkulang , ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami : at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung kayo nga&apos;y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan , sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba , sino ang sa inyo&apos;y magbibigay ng sa inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon : sapagka&apos;t kapopootan niya ang isa , at iibigin ang ikalawa ; o di kaya&apos;y magtatapat sa isa , at pawawalang halaga ang ikalawa . Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga Fariseo , na pawang maibigin sa salapi , ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito ; at siya&apos;y tinutuya nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kanila , Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao ; datapuwa&apos;t nakikilala ng Dios ang inyong mga puso ; sapagka&apos;t ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan : mula noo&apos;y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral , at ang bawa&apos;t tao ay pumapasok doon na nagpipilit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa , kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang bawa&apos;t lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa , at magasawa sa iba , ay nagkakasala ng pangangalunya : at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mayroon ngang isang taong mayaman , at siya&apos;y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino , at sa araw-araw ay kumakain ng sagana :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At isang pulubi na ang pangala&apos;y Lazaro , lipos ng mga sugat , ay inilalagay sa kaniyang pintuan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman ; oo , at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nangyari , na namatay ang pulubi at siya&apos;y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham : at namatay naman ang mayaman , at inilibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata , at natanaw sa malayo si Abraham , at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At siya&apos;y sumigaw at sinabi , Amang Abraham , maawa ka sa akin , at suguin mo si Lazaro , upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri , at palamigin ang aking dila ; sapagka&apos;t naghihirap ako sa alab na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t sinabi ni Abraham , Anak , alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay , at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay : datapuwa&apos;t ngayon , ay inaaliw siya rini , at ikaw ay nasa kahirapan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At bukod sa lahat ng ito , ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo , upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari , at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sinabi niya , Ipinamamanhik ko nga sa iyo , ama , na suguin mo siya sa bahay ng aking ama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t ako&apos;y may limang kapatid na lalake ; upang sa kanila&apos;y patotohanan niya , baka pati sila&apos;y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t sinabi ni Abraham , Nasa kanila si Moises at ang mga propeta ; bayaang sila&apos;y pakinggan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi niya , Hindi amang Abraham : datapuwa&apos;t kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila , sila&apos;y mangagsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi niya sa kaniya , Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta , ay di rin mangahihikayat sila , kahit ang isa&apos;y magbangon sa mga patay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi niya sa kaniyang mga alagad Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod ; datapuwa&apos;t sa aba niyaong pinanggalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato , at siya&apos;y ihagis sa dagat , kay sa siya&apos;y magpatisod sa isa sa maliliit na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mangagingat kayo sa inyong sarili : kung magkasala ang iyong kapatid , sawayin mo siya ; at kung siya&apos;y magsisi , patawarin mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung siya&apos;y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo , at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin , Pinagsisisihan ko ; patawarin mo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ng mga apostol sa Panginoon , Dagdagan mo ang pananampalataya namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Panginoon , Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa , sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito , Mabunot ka , at matanim ka sa dagat ; at kayo&apos;y tatalimahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t sino sa inyo , ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa , na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya , Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi sasabihin sa kaniya , Ipaghanda mo ako ng mahahapunan , at magbigkis ka , at paglingkuran mo ako , hanggang sa ako&apos;y makakain at makainom ; at saka ka kumain at uminom ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka&apos;t ginawa ang iniutos sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gayon din naman kayo , pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo&apos;y iniutos , inyong sabihin , Mga aliping walang kabuluhan kami ; ginawa namin ang katungkulan naming gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nangyari , na samantalang sila&apos;y napapatungo sa Jerusalem , na siya&apos;y nagdaraan sa mga hangganan ng Samaria at Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa pagpasok niya sa isang nayon , ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin , na nagsitigil sa malayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sila&apos;y nagsisigaw na nagsisipagsabi , Jesus , Guro , maawa ka sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagkakita niya sa kanila , ay sinabi niya sa kanila , Magsihayo kayo at kayo&apos;y pakita sa mga saserdote . At nangyari , na samantalang sila&apos;y nagsisiparoon , ay nangalinis sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At isa sa kanila , nang makita niyang siya&apos;y gumaling , ay nagbalik , na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y nagpatirapa sa kaniyang paanan , na nagpapasalamat sa kaniya : at siya&apos;y isang Samaritano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At pagsagot ni Jesus ay nagsabi , Hindi baga sangpu ang nagsilinis ? datapuwa&apos;t saan nangaroon ang siyam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios , kundi itong taga ibang lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kaniya , Magtindig ka , at yumaon ka sa iyong lakad : pinagaling ka ng iyong pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At palibhasa&apos;y tinanong siya ng mga Fariseo , kung kailan darating ang kaharian ng Dios , ay sinagot niya sila at sinabi , Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ni sasabihin man nila , Naririto ! o Naririyan ! sapagka&apos;t narito , ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi niya sa mga alagad , Darating ang mga araw , na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao , at hindi ninyo makikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sasabihin nila sa inyo , Naririyan ! Naririto ! huwag kayong magsisiparoon , ni magsisisisunod man sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t gaya ng kidlat , na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit , ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit ; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe , ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sila&apos;y nagsisikain , sila&apos;y nagsisiinom , sila&apos;y nangagaasawa , at sila&apos;y pinapagaasawa , hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe , at dumating ang paggunaw , at nilipol silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot ; sila&apos;y nagsisikain , sila&apos;y nagsisiinom , sila&apos;y nagsisibili , sila&apos;y nangagbibili , sila&apos;y nangagtatanim , sila&apos;y nangagtatayo ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot , ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre , at nilipol silang lahat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa araw na yaon , ang mapapasa bubungan , at nasa bahay ng kaniyang mga pag-aari , ay huwag silang manaog upang kunin : at ang nasa bukid ay gayon din , huwag siyang umuwi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito : datapuwa&apos;t ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sinasabi ko sa inyo , Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan ; ang isa&apos;y kukunin , at ang isa&apos;y iiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Magkasamang gigiling ang dalawang babae ; kukunin ang isa , at ang isa&apos;y iiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Mapapasa bukid ang dalawang lalake ; ang isa&apos;y kukunin at ang isa&apos;y iiwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya , Saan , Panginoon ? At sinabi niya sa kanila , Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga , na sila&apos;y dapat magsipanalanging lagi , at huwag manganglupaypay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na sinasabi , May isang hukom sa isang bayan , na hindi natatakot sa Dios , at walang taong pinagpipitaganan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa bayang yaon ay may isang babaing bao ; at siya&apos;y naparoroong madalas sa kaniya , na sinasabi , Iganti mo ako sa aking kaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At may ilang panahon na siya&apos;y tumatanggi : datapuwa&apos;t pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili , Bagaman di ako natatakot sa Dios , at di nagpipitagan sa tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon man , sapagka&apos;t nililigalig ako ng baong ito , ay igaganti ko siya , baka niya ako bagabagin ng kapaparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi ng Panginoon , Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At hindi baga , igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang , na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi , at siya&apos;y may pagpapahinuhod sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinasabi ko sa inyo , na sila&apos;y madaling igaganti niya . Gayon ma&apos;y pagparito ng Anak ng tao , makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa nagsisiasa sa kanilang sarili , na nangagpapanggap na sila&apos;y matutuwid , at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin ; ang isa&apos;y Fariseo , at ang isa&apos;y maniningil ng buwis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito , Dios , pinasasalamatan kita , na hindi ako gaya ng ibang mga tao , na mga manglulupig , mga liko , mga mapangalunya , o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo ; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang maniningil ng buwis , na nakatayo sa malayo , ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit , kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib , na sinasabi , Dios , ikaw ay mahabag sa akin , na isang makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinasabi ko sa inyo , Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa : sapagka&apos;t ang bawa&apos;t nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa ; datapuwa&apos;t ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol , upang kaniyang hipuin sila ; datapuwa&apos;t nang mangakita ito ng mga alagad , ay sila&apos;y sinaway nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t pinalapit sila ni Jesus sa kaniya , na sinasabi , Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata , at huwag ninyo silang pagbawalan : sapagka&apos;t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata , ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At tinanong siya ng isang pinuno , na sinasabi , Mabuting Guro , anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Bakit mo ako tinatawag na mabuti ? walang mabuti , kundi isa , ang Dios lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Talastas mo ang mga utos , Huwag kang mangalunya , Huwag kang pumatay , Huwag kang magnakaw , Huwag kang sumaksi sa di katotohanan , Igalang mo ang iyong ama at ina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya , Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang marinig ito ni Jesus , ay sinabi niya sa kaniya , Isang bagay pa ang kulang sa iyo : ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik , at ipamahagi mo sa mga dukha , at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit : at pumarito ka , sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t nang marinig niya ang mga bagay na ito , siya&apos;y namanglaw na lubha ; sapagka&apos;t siya&apos;y totoong mayaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi , Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom , kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sinabi ng mga nakarinig nito , Sino nga kaya ang makaliligtas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t sinabi niya , Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Pedro , Narito , iniwan namin ang aming sarili , at nagsisunod sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi niya sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang taong nagiwan ng bahay , o asawang babae , o mga kapatid , o mga magulang o mga anak , dahil sa kaharian ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito , at sa sanglibutang darating , ng walang hanggang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At isinama niya ng bukod ang labingdalawa , at sa kanila&apos;y sinabi , Narito , nagsisiahon tayo sa Jerusalem , at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t siya&apos;y ibibigay sa mga Gentil , at siya&apos;y aalimurahin , at duduwahaginin , at luluraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kanilang papaluin at papatayin siya : at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito ; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila , at hindi nila napagtalastas ang sinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nangyari , na nang nalalapit na sila sa Jerico , isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao , ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi nila sa kaniya , na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At siya&apos;y nagsisigaw , na sinasabi , Jesus , ikaw na anak ni David , mahabag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y sinaway ng nangasa unahan , upang siya&apos;y tumahimik : datapuwa&apos;t siya&apos;y lalong nagsisigaw , Ikaw na anak ni David , mahabag ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At si Jesus ay tumigil , at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya : at nang mailapit siya , ay itinanong niya sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Anong ibig mo na sa iyo&apos;y gawin ko ? At sinabi niya , Panginoon , na tanggapin ko ang aking paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Tanggapin mo ang iyong paningin : pinagaling ka ng pananampalataya mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At pagdaka&apos;y tinanggap niya ang kaniyang paningin , at sumunod sa kaniya , na niluluwalhati ang Dios : at pagkakita nito ng buong bayan , ay nangagpuri sa Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y pumasok at nagdaan sa Jerico .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narito , isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo ; at siya&apos;y isang puno ng mga maniningil ng buwis , at siya&apos;y mayaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya ; at hindi mangyari , dahil sa maraming tao , sapagka&apos;t siya&apos;y pandak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At tumakbo siya sa unahan , at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya : sapagka&apos;t siya&apos;y magdaraan sa daang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang dumating si Jesus sa dakong yaon , ay siya&apos;y tumingala , at sinabi sa kaniya , Zaqueo , magmadali ka , at bumaba ka ; sapagka&apos;t ngayo&apos;y kinakailangang ako&apos;y tumuloy sa bahay mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At siya&apos;y nagmadali , at bumaba , at tinanggap siyang may tuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makita nila ito , ay nangagbulongbulungan silang lahat , na nangagsasabi , Siya&apos;y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Zaqueo ay nagtindig , at sinabi sa Panginoon , Narito , Panginoon , ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha ; at kung sakali&apos;t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao , ay isinasauli ko ng makaapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas , sapagka&apos;t siya&apos;y anak din naman ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito , ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga , sapagka&apos;t siya&apos;y malapit na sa Jerusalem , at sapagka&apos;t kanilang inakala na pagdaka&apos;y mahahayag ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi nga niya , Isang mahal na tao ay naparoon sa isang malayong lupain , upang tumanggap ng isang kaharian na ukol sa kaniyang sarili , at magbalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tinawag niya ang sangpu sa kaniyang mga alipin at binigyan sila ng sangpung mina , at sinabi sa kanila , Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako&apos;y dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t kinapopootan siya ng kaniyang mga mamamayan , at ipinahabol siya sa isang sugo , na nagsasabi , Ayaw kami na ang taong ito&apos;y maghari pa sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , na nang siya&apos;y muling magbalik , nang matanggap na ang kaharian , ay ipinatawag niya sa kaniyang harapan ang mga aliping yaon , na binigyan niya ng salapi , upang maalaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dumating sa harapan niya ang una , na nagsasabi , Panginoon , nagtubo ang iyong mina ng sangpung mina pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya sa kaniya , Mabuting gawa , ikaw na mabuting alipin : sapagka&apos;t nagtapat ka sa kakaunti , magkaroon ka ng kapamahalaan sa sangpung bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At dumating ang ikalawa , na nagsasabi , Panginoon , nagtubo ang iyong mina ng limang mina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kaniya , Magkaroon ka naman ng kapamahalaan sa limang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At dumating ang iba pa , na nagsasabi , Panginoon , narito ang iyong mina , na aking itinago sa isang panyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Dahil sa ako&apos;y natakot sa iyo , sapagka&apos;t ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay , at ginagapas mo ang hindi mo inihasik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi niya sa kaniya , Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin . Nalalaman mo na ako&apos;y taong mabagsik , na kumukuha ng hindi ko inilagay , at gumagapas ng hindi ko inihasik ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung gayon , bakit hindi mo inilagay ang salapi ko sa bangko , at nang sa aking pagbalik ay mahingi ko yaon pati ng tinubo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi niya sa mga nahaharap , Alisin ninyo sa kaniya ang mina , at ibigay ninyo sa may sangpung mina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi nila sa kaniya , Panginoon , siya&apos;y mayroong sangpung mina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sinasabi ko sa inyo , na bibigyan ang bawa&apos;t mayroon ; datapuwa&apos;t ang wala , pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t itong aking mga kaaway , na ayaw na ako&apos;y maghari sa kanila , ay dalhin ninyo rito , at patayin ninyo sila sa harapan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang masabi niyang gayon , ay nagpatuloy siya sa unahan , na umahon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nangyari , na nang siya&apos;y malapit na sa Betfage at Betania , sa bundok na tinatawag na Olivo , ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na sinasabi , Magsiyaon kayo sa inyong lakad sa katapat na nayon ; sa pagpasok ninyo roon , ay masusumpungan ninyo ang isang nakatali na batang asno , na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao : kalagin ninyo siya , at dalhin ninyo siya rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kung may sinomang tumanong sa inyo , Bakit ninyo kinakalag iyan ? ganito ang inyong sasabihin , Kinakailangan siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nagsiparoon ang mga sugo at nasumpungan ng ayon sa sinabi niya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang kinakalag nila ang batang asno , ay sinabi sa kanila ng mga mayari niyaon , Bakit kinakalag ninyo ang batang asno ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi nila , Kinakailangan siya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At dinala nila siya kay Jesus : at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno , at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At samantalang siya&apos;y lumalakad , ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo , ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Na sinasabi , Mapalad ang Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon : kapayapaan sa langit , at kaluwalhatian sa kataastaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ilan sa mga Fariseo na mula sa karamihan ay nangagsabi sa kaniya , Guro , sawayin mo ang iyong mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sumagot siya at nagsabi , Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mangagsiimik ang mga ito , ang mga bato&apos;y sisigaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nang malapit na siya , nakita niya ang bayan , at ito&apos;y kaniyang tinangisan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Na sinasabi , Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana , sa iyong sarili , ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan ! datapuwa&apos;t ngayo&apos;y pawang nangatatago sa iyong mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sapagka&apos;t darating sa iyo ang mga araw , na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo , at kukubkubin ka , at gigipitin ka sa magkabikabila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ilulugso ka sa lupa , at ang mga anak mo na nasa loob mo ; at sa iyo&apos;y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato ; sapagka&apos;t hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo&apos;y pagdalaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At pumasok siya sa templo , at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nangagbibili ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Na sinasabi sa kanila , Nasusulat nga , At ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan : datapuwa&apos;t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nagtuturo siya arawaraw sa templo . Datapuwa&apos;t ang mga pangulong saserdote , at ang mga eskriba , at ang mga taong pangunahin sa bayan ay nangagsisikap na siya&apos;y patayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At di nila masumpungan kung ano ang kanilang magagawa ; sapagka&apos;t natitigilan ang buong bayan sa pakikinig sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , sa isa sa mga araw , samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo , at ipinangangaral ang evangelio , na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote , at ang mga eskriba pati ng matatanda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sila&apos;y nangagsalita , na nangagsasabi sa kaniya , Sabihin mo sa amin : Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito ? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y sumagot , at sinabi sa kanila , Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong ; at sabihin ninyo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang bautismo ni Juan , ay mula baga sa langit , o sa mga tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y nangagkatuwiranan , na nangagsasabi , Kung sabihin natin , Mula sa langit ; ay sasabihin niya , Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t kung sabihin natin , Mula sa mga tao ; ay babatuhin tayo ng buong bayan , sapagka&apos;t sila&apos;y nanganiniwala na si Juan ay propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sila&apos;y nagsisagot , na hindi nila nalalaman kung saan mula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito : Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan , at ipinagkatiwala sa mga magsasaka , at napasa ibang lupain na mahabang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka , upang siya&apos;y bigyan ng bunga ng ubas : datapuwa&apos;t hinampas siya ng mga magsasaka , at pinauwing walang dala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nagsugo pa siya ng ibang alipin : at ito nama&apos;y kanilang hinampas , at inalimura , at pinauwing walang dala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagsugo pa siya ng ikatlo : at kanila ring sinugatan ito , at pinalayas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi ng panginoon ng ubasan , Anong gagawin ko ? aking susuguin ang minamahal kong anak ; marahil siya&apos;y igagalang nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t nang makita siya ng mga magsasaka , ay nangagsangusapan sila , na sinasabi , Ito ang tagapagmana ; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At itinaboy nila siya sa ubasan , at pinatay siya . Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito , at ibibigay ang ubasan sa mga iba . At nang marinig nila ito , ay sinabi nila , Huwag nawang mangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t kaniyang tinitigan sila , at sinabi , Ano nga baga ito na nasusulat , Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali . Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang bawa&apos;t mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog ; datapuwa&apos;t sinomang kaniyang malagpakan , ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote ; at sila&apos;y nangatatakot sa bayan : sapagka&apos;t nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At siya&apos;y inaabangan nila , at sila&apos;y nangagsugo ng mga tiktik , na nangagpakunwaring mga matuwid , upang siya&apos;y mahuli sa kaniyang salita , na siya&apos;y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng gobernador .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kanilang tinanong siya , na sinasabi , Guro , nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid , at wala kang itinatanging tao , kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar , o hindi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t napagkilala niya ang kanilang lalang , at sinabi sa kanila ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagpakitaan ninyo ako ng isang denario . Kanino ang larawan at ang nasusulat dito ? At sinabi nila , Kay Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi niya sa kanila , Kung gayo&apos;y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar , at ang sa Dios ang sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan : at sila&apos;y nanganggilalas sa kaniyang sagot , at hindi nangagsiimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo , na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kanilang itinanong sa kaniya , na sinasabi , Guro , isinulat sa amin ni Moises , na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay , na may asawa , at siya&apos;y walang anak , ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa , at bigyang anak ang kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid : at nagasawa ang panganay , at namatay na walang anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang pangalawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang pangatlo&apos;y nagasawa sa bao ; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak , at nangamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Pagkatapos ay namatay naman ang babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa pagkabuhay na maguli nga , kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon ? sapagka&apos;t siya&apos;y naging asawa ng pito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi sa kanila ni Jesus , Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito , at pinapagaasawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Datapuwa&apos;t ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon , at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay , ay hindi mangagaasawa , ni papagaasawahin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t hindi na sila maaaring mangamatay pa : sapagka&apos;t kahalintulad na sila ng mga anghel ; at sila&apos;y mga anak ng Dios , palibhasa&apos;y mga anak ng pagkabuhay na maguli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t tungkol sa pagbabangon ng mga patay , ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy , nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham , at Dios ni Isaac , at Dios ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Siya nga&apos;y hindi Dios ng mga patay , kundi ng mga buhay : sapagka&apos;t nangabubuhay sa kaniya ang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At pagsagot ng ilan sa mga eskriba , ay nangagsabi , Guro , mabuti ang pagkasabi mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At kaniyang sinabi sa kanila , Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sapagka&apos;t si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon ; Maupo ka sa aking kanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David , at paanong siya&apos;y anak niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , na naririnig ng buong bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit , at iniibig nila ang sila&apos;y pagpugayan sa mga pamilihan , at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga , at ang mga pangulong dako sa mga pigingan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao , at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba : ang mga ito&apos;y tatanggap ng lalong malaking kahatulan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y tumunghay , at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabangyaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo&apos;y naghuhulog ng dalawang lepta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya , Sa katotohana&apos;y sinasabi ko sa inyo , Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila&apos;y labis ; datapuwa&apos;t siya , sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At samantalang sinasalita ng ilan ang tungkol sa templo , kung paanong ito&apos;y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain , ay kaniyang sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita , ay darating ang mga araw , na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato , na hindi ibabagsak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kanilang itinanong sa kaniya , na sinasabi , Guro , kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito ? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi niya , Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw : sapagka&apos;t marami ang paririto sa aking pangalan , na mangagsasabi , Ako ang Cristo ; at , Malapit na ang panahon : huwag kayong magsisunod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka kayo&apos;y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan , ay huwag kayong mangasindak : sapagka&apos;t kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito ; datapuwa&apos;t hindi pa malapit ang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa kanila , Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa , at ang isang kaharian laban sa kaharian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At magkakaroon ng malalakas na lindol , at sa iba&apos;t ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot ; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot , at ng mga dakilang tanda mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito , ay huhulihin kayo , at paguusigin kayo , na kayo&apos;y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan , na kayo&apos;y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ito&apos;y magiging patotoo sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso , na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan , na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t kayo&apos;y ibibigay ng kahit mga magulang , at mga kapatid , at mga kamaganak , at mga kaibigan ; at ipapapatay nila ang iba sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kayo&apos;y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At hindi mawawala kahit isang buhok ng inyong ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem , kung magkagayo&apos;y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung magkagayo&apos;y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok ; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas ; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ito ang mga araw ng paghihiganti , upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa aba ng mga nagdadalangtao , at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon ! sapagka&apos;t magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa , at kagalitan sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak , at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa : at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil , hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin ; at sa lupa&apos;y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa , na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot , at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan : sapagka&apos;t mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung magkagayo&apos;y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito , ay magsitingin kayo , at itaas ninyo ang inyong mga ulo ; sapagka&apos;t malapit na ang pagkatubos ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga : Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pagka nangagdadahon na sila , ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon din naman kayo , pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito , talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi lilipas ang lahing ito , hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang langit at ang lupa ay lilipas : datapuwa&apos;t ang aking mga salita ay hindi lilipas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t mangagingat kayo sa inyong sarili , baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan , at sa kalasingan , at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito , at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Datapuwa&apos;t mangagpuyat kayo sa bawa&apos;t panahon , na mangagsidaing , upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari , at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At araw-araw ay nagtuturo siya sa templo ; at lumalabas gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo , upang makinig sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura , na tinatawag na Paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya ; sapagka&apos;t nangatatakot sila sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pumasok si Satanas kay Judas , na tinatawag na Iscariote , na kabilang sa labingdalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y umalis , at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sila&apos;y nangagalak , at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pumayag siya , at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila , nang hindi kaharap ang karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura , na noon ay kinakailangang ihain ang paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinugo niya si Pedro at si Juan , na sinasabi , Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin , upang tayo&apos;y magsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kanilang sinabi sa kaniya , Saan mo ibig na aming ihanda ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kaniyang sinabi sa kanila , Narito , pagpasok ninyo sa bayan , ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig ; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan , Sinasabi ng Guro sa iyo , Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan : doon ninyo ihanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nagsiparoon sila , at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila : at inihanda nila ang kordero ng paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang dumating ang oras , ay naupo siya , at ang mga apostol ay kasalo niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa kanila , Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , Ito&apos;y hindi ko kakanin , hanggang sa ito&apos;y maganap sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y tumanggap ng isang saro , at nang siya&apos;y makapagpasalamat , ay sinabi niya , Kunin ninyo ito , at inyong pagbahabahaginin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas , hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y dumampot ng tinapay , at nang siya&apos;y makapagpasalamat , ay kaniyang pinagputolputol , at ibinigay sa kanila , na sinasabi , Ito&apos;y aking katawan , na ibinibigay dahil sa inyo : gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Gayon din naman ang saro , pagkatapos na makahapon , na sinasabi , Ang sarong ito&apos;y ang bagong tipan sa aking dugo , na nabubuhos nang dahil sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t narito , ang kamay ng nagkakanulo sa akin , ay kasalo ko sa dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang Anak ng tao nga ay yayaon , ayon sa itinakda : datapuwa&apos;t sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila&apos;y nagpasimulang nangagtanungan sa isa&apos;t isa , kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagkaroon naman ng isang pagtatalotalo sa gitna nila , kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At kaniyang sinabi sa kanila , Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila ; at ang mga may kapamahalaan sa kanila&apos;y tinatawag na mga Tagapagpala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t sa inyo&apos;y hindi gayon : kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata ; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t alin ang lalong dakila , ang nakaupo baga sa dulang , o ang naglilingkod ? hindi baga ang nakaupo sa dulang ? datapuwa&apos;t ako&apos;y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kayo&apos;y inihahalal kong isang kaharian , na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Upang kayo&apos;y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko ; at kayo&apos;y magsisiupo sa mga luklukan , na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Simon , Simon , narito , hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t ikaw ay ipinamanhik ko , na huwag magkulang ang iyong pananampalataya ; at ikaw , kung makapagbalik ka nang muli , ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi niya sa kaniya , Panginoon , nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At kaniyang sinabi , Sinasabi ko sa iyo , Pedro , na hindi titilaok ngayon ang manok , hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako&apos;y hindi mo nakikilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinabi niya sa kanila , Nang kayo&apos;y suguin ko na walang supot ng salapi , at supot ng pagkain , at mga pangyapak , kinulang baga kayo ng anoman ? At kanilang sinabi , Hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sinabi niya sa kanila , Nguni&apos;t ngayon , ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito , at gayon din ang supot ng pagkain ; at ang wala , ay ipagbili niya ang kaniyang balabal , at bumili ng isang tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t sinasabi ko sa inyo , na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat , At ibinilang siya sa mga suwail : sapagka&apos;t ang nauukol sa akin ay may katuparan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi nila , Panginoon , narito ang dalawang tabak . At sinabi niya sa kanila , Sukat na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y lumabas , at pumaroon , ayon sa kaniyang kaugalian , sa bundok ng mga Olivo ; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At nang siya&apos;y dumating sa dakong yaon , ay sinabi niya sa kanila , Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At siya&apos;y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato ; at siya&apos;y nanikluhod at nanalangin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Na sinasabi , Ama , kung ibig mo , ilayo mo sa akin ang sarong ito : gayon ma&apos;y huwag mangyari ang aking kalooban , kundi ang iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit , na nagpalakas sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nang siya&apos;y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas ; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin , ay lumapit siya sa mga alagad , at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi sa kanila , Bakit kayo nangatutulog ? mangagbangon kayo at magsipanalangin , upang huwag kayong magsipasok sa tukso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Samantalang nagsasalita pa siya , narito , ang isang karamihan , at siyang tinatawag na Judas , na isa sa labingdalawa , ay nangunguna sa kanila ; at siya&apos;y lumapit kay Jesus upang ito&apos;y hagkan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Datapuwa&apos;t sinabi ni Jesus sa kaniya , Judas , sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari , ay kanilang sinabi , Panginoon , magsisipanaga baga kami ng tabak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote , at tinigpas ang kanang tainga niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Datapuwa&apos;t sumagot si Jesus , na nagsabi , Pabayaan ninyo sila hanggang dito . At hinipo niya ang tainga ng alipin , at ito&apos;y pinagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote , at sa mga punong kawal sa templo , at sa mga matanda , na nagsidating laban sa kaniya , Kayo&apos;y nagsilabas , na tila laban sa isang tulisan , na may mga tabak at mga panghampas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Nang ako&apos;y kasama ninyo sa templo araw-araw , ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin ; datapuwa&apos;t ito ang inyong oras , at ang kapangyarihan ng kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At kanilang dinakip siya , at dinala siya , at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote . Datapuwa&apos;t sa malayo&apos;y sumusunod si Pedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng looban , at mangakaupong magkakasama , si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At isang alilang babae , na nakakakita sa kaniya samantalang siya&apos;y nakaupo sa liwanag ng apoy , ay tinitigan siya , at sinabi , Ang taong ito ay kasama rin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Datapuwa&apos;t siya&apos;y nagkaila , na nagsasabi , Babae , hindi ko siya nakikilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba , at sinabi , Ikaw man ay isa sa kanila . Datapuwa&apos;t sinabi ni Pedro , Lalake , ako&apos;y hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At nang makaraan ang may isang oras , ay pinatotohanan ng iba pa , na nagsasabi , Sa katotohanan , ang taong ito&apos;y kasama rin niya ; sapagka&apos;t siya&apos;y Galileo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pedro , Lalake , hindi ko nalalaman ang sinasabi mo . At pagdaka , samantalang siya&apos;y nagsasalita pa , ay tumilaok ang manok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">At lumingon ang Panginoon , at tinitigan si Pedro . At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon , kung paanong sinabi niya sa kaniya , Bago tumilaok ang manok ngayon , ay ikakaila mo akong makaitlo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">At siya&apos;y lumabas , at nanangis ng kapaitpaitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">At nililibak si Jesus , at siya&apos;y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">At siya&apos;y piniringan nila , at tinatanong siya , na sinasabi , Hulaan mo ; sino ang sa iyo&apos;y humampas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya , na siya&apos;y inaalimura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">At nang araw na , ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan , ang mga pangulong saserdote , at gayon din ang mga eskriba , at dinala siya sa kanilang Sanedrin , na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Kung ikaw ang Cristo , ay sabihin mo sa amin . Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Kung sabihin ko sa inyo , ay hindi ninyo ako paniniwalaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">At kung kayo&apos;y aking tanungin , ay hindi kayo magsisisagot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">Datapuwa&apos;t magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">At sinabi nilang lahat , Kung gayo&apos;y ikaw baga ang Anak ng Dios ? At sinabi niya sa kanila , Kayo ang nangagsasabi na ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">At sinabi nila , Ano pa ang kailangan natin ng patotoo ? sapagka&apos;t tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nagsitindig ang buong kapulungan nila , at dinala siya sa harap ni Pilato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nangagpasimula silang isumbong siya , na sinasabi , Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa , at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar , at sinasabi na siya rin nga ang Cristo , ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At tinanong siya ni Pilato , na nagsasabi , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? At sumagot siya at sinabi , Ikaw ang nagsasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan , Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t sila&apos;y lalong nangagpipilit na sinasabi , Ginugulo niya ang bayan , na nagtuturo sa buong Judea , magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t nang ito&apos;y marinig ni Pilato , ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang maunawa na siya&apos;y nasasakop ni Herodes , ay ipinadala niya siya kay Herodes , na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang makita nga ni Herodes si Jesus , ay nagalak siyang lubha : sapagka&apos;t malaon nang hinahangad niya na makita siya , sapagka&apos;t siya&apos;y nakabalita tungkol sa kaniya ; at siya&apos;y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tinanong niya siya ng maraming salita ; datapuwa&apos;t siya&apos;y hindi sumagot ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig , na isinusumbong siyang mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya , at siya&apos;y nilibak , at sinuutan siya ng maringal na damit , at ipinabalik siya kay Pilato .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato : sapagka&apos;t dating sila&apos;y nagkakagalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote , at ang mga pinuno at ang bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi sa kanila , Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan : at narito , nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo , ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito , tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Wala , kahit si Herodes man ; sapagka&apos;t siya&apos;y ipinabalik niyang muli sa atin ; at narito , walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Siya nga&apos;y aking parurusahan , at siya&apos;y pawawalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kinakailangan nga niyang sa kanila&apos;y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t silang lahat ay nagsisigawang paminsan , na nangagsabi , Alisin mo ang taong ito , at pawalan mo sa amin si Barrabas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan , at sa pagpatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Pilato&apos;y nagsalitang muli sa kanila , sa pagnanais na pawalan si Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t sila&apos;y nagsigawan , na sinasabi , Ipako sa krus , ipako siya sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kaniyang sinabi sa kanila , na bilang ikatlo , Bakit , anong masama ang ginawa ng taong ito ? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya : parurusahan ko nga siya , at siya&apos;y pawawalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig , na siya&apos;y ipako sa krus . At nanaig ang kanilang mga tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay , na siyang kanilang hiningi ; datapuwa&apos;t ibinigay si Jesus sa kalooban nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang siya&apos;y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene , na nanggaling sa bukid , at ipinasan sa kaniya ang krus , upang dalhin sa likuran ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan , at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi , Mga anak na babae ng Jerusalem , huwag ninyo akong tangisan , kundi tangisan ninyo ang inyong sarili , at ang inyong mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t narito , darating ang mga araw , na kanilang sasabihin , Mapapalad ang mga baog , at ang mga tiyang kailan ma&apos;y hindi nangagdalang-tao , at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok , mangahulog kayo sa ibabaw namin ; at sa mga burol , Takpan ninyo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t kung ginagawa ang mga bagay na ito sa punong kahoy na sariwa , ano kaya ang gagawin sa tuyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At dinala rin naman na kasama niya , ang dalawang tampalasan , upang patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo , ay kanilang ipinako roon siya sa krus , at ang mga tampalasan , isa sa kanan at isa sa kaliwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi ni Jesus , Ama , patawarin mo sila ; sapagka&apos;t hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa . At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nakatayong nanonood ang bayan . At tinutuya naman siya ng mga pinuno , na sinasabi , Nagligtas siya sa mga iba ; iligtas niya ang kaniyang sarili , kung ito ang Cristo ng Dios , ang hinirang niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nililibak rin naman siya ng mga kawal , na nagsisilapit sa kaniya , na dinudulutan siya ng suka ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi , Kung ikaw ang Hari ng mga Judio , iligtas mo ang iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat , ITO&apos; Y ANG HARI NG MGA JUDIO .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At siya&apos;y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin , na sinasabi , Hindi baga ikaw ang Cristo ? iligtas mo ang iyong sarili at kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Datapuwa&apos;t sumagot ang isa , at pagsaway sa kaniya&apos;y sinabi , Hindi ka pa baga natatakot sa Dios , yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran ; sapagka&apos;t tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa ; datapuwa&apos;t ang taong ito&apos;y hindi gumagawa ng anomang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi niya , Jesus , alalahanin mo ako , pagdating mo sa iyong kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At sinabi niya sa kaniya , Katotohanang sinasabi ko sa iyo , Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nang may oras na ikaanim na , ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa , hanggang sa oras na ikasiyam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At nagdilim ang araw : at nahapak sa gitna ang tabing ng templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At si Jesus , na sumigaw ng malakas na tinig , ay nagsabi , Ama , sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu : at pagkasabi nito , ay nalagot ang hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At nang makita ng senturion ang nangyari , ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi , Tunay na ito&apos;y isang taong matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito , pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kaniya&apos;y nagsisunod buhat sa Galilea , at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose , na isang kasangguni , isang lalaking mabuti at matuwid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">( Siya&apos;y hindi umayon sa kanilang payo at gawa ) , isang lalaking taga Arimatea , bayan ng mga Judio , na naghihintay ng kaharian ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ang taong ito&apos;y naparoon kay Pilato : at hiningi ang bangkay ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At ito&apos;y ibinababa niya , at binalot ng isang kayong lino , at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato , na doo&apos;y wala pang nalilibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">At noo&apos;y araw ng Paghahanda , at nalalapit na ang sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At ang mga babae , na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea , ay nagsisunod , at tiningnan ang libingan , at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At sila&apos;y nagsiuwi , at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento . At nang araw ng sabbath sila&apos;y nangagpahinga ayon sa utos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga , ay nagsiparoon sila sa libingan , na may dalang mga pabango na kanilang inihanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsipasok , at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangyari , na samantalang sila&apos;y nangatitilihan dahil dito , narito , tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang sila&apos;y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila , Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Wala siya rito , datapuwa&apos;t nagbangon : alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya&apos;y nasa Galilea pa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na sinasabi , Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan , at ipako sa krus , at magbangong muli sa ikatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At naalaala nila ang kaniyang mga salita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nagsibalik mula sa libingan , at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa , at sa lahat ng mga iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sila nga&apos;y si Maria Magdalena , si Juana , at si Mariang ina ni Santiago : at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga salitang ito&apos;y inakala nilang walang kabuluhan ; at hindi nila pinaniwalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t nagtindig si Pedro , at tumakbo sa libingan ; at nang siya&apos;y tumungo pagtingin niya sa loob , ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi ; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At narito , dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala&apos;y Emaus , na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nangyari , na samantalang sila&apos;y naguusap at nagtatanongan , na si Jesus din ay lumapit , at nakisabay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t sa mga mata nila&apos;y may nakatatakip upang siya&apos;y huwag nilang makilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinabi niya sa kanila , Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad ? At sila&apos;y nagsitigil , na nangalulumbay ang mga mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At isa sa kanila , na nagngangalang Cleopas , sa pagsagot ay sinabi sa kaniya , Ikaw baga&apos;y nakikipamayan lamang sa Jerusalem , at hindi nakaalam ng mga bagay na doo&apos;y nangyari nang mga araw na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sinabi niya sa kanila , Anong mga bagay ? At sinabi nila sa kaniya , Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno , na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan , at siya&apos;y ipako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel . Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan , ay nakapagtaka sa amin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay , ay nangagbalik sila , na nangagsabing sila nama&apos;y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel , na nangagsabing siya&apos;y buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin , at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae : datapuwa&apos;t siya&apos;y hindi nila nakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sinabi niya sa kanila , Oh mga taong haling , at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito , at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At magmula kay Moises at sa mga propeta , ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y malapit na sa nayong kanilang paroroonan : at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya&apos;y kanilang pinigil , na sinasabi , tumuloy ka sa amin , sapagka&apos;t gumagabi na , at kumikiling na ang araw . At pumasok siya upang tumuloy sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nangyari , nang siya&apos;y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain , ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan ; at ito&apos;y pinagputolputol , at ibinigay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nangabuksan ang kanilang mga mata , at siya&apos;y nakilala nila ; at siya&apos;y nawala sa kanilang mga paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sila-sila&apos;y nangagsabihan , Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin , habang tayo&apos;y kinakausap niya sa daan , samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y nagsitindig sa oras ding yaon , at nangagbalik sa Jerusalem , at naratnang nangagkakatipon ang labingisa , at ang kanilang mga kasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Na nangagsasabi , Tunay na nagbangong muli ang Panginoon , at napakita kay Simon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan , at kung paanong siya&apos;y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito , siya rin ay tumayo sa gitna nila , at sa kanila&apos;y nagsabi , Kapayapaa&apos;y suma inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t sila&apos;y kinilabutan , at nangahintakutan , at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi niya sa kanila , Bakit kayo&apos;y nangagugulumihanan ? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa , ako rin nga : hipuin ninyo ako , at tingnan ; sapagka&apos;t ang isang espiritu&apos;y walang laman at mga buto , na gaya ng inyong nakikita na nasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At pagkasabi niya nito , ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak , at nagsisipanggilalas , ay sinabi niya sa kanila , Mayroon baga kayo ritong anomang makakain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At kaniyang inabot yaon , at kumain sa harap nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sinabi niya sa kanila , Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo , nang ako&apos;y sumasa inyo pa , na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises , at sa mga propeta , at sa mga awit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nang magkagayo&apos;y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip , upang mapagunawa nila ang mga kasulatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi niya sa kanila , Ganyan ang pagkasulat , na kinakailangang maghirap ang Cristo , at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa , magbuhat sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kayo&apos;y mga saksi ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At narito , ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama , datapuwa&apos;t magsipanatili kayo sa bayan , hanggang sa kayo&apos;y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania : at itinaas niya ang kaniyang mga kamay , at sila&apos;y binasbasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At nangyari , na samantalang sila&apos;y binabasbasan niya , ay iniwan niya sila ; at dinala siya sa itaas sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At siya&apos;y sinamba nila , at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">At palaging sila&apos;y nasa templo , na nangagpupuri sa Dios .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "43">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang pasimula siya ang Verbo , at ang Verbo ay sumasa Dios , at ang Verbo ay Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito rin nang pasimula&apos;y sumasa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya ; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nasa kaniya ang buhay ; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman ; at ito&apos;y hindi napagunawa ng kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Naparito ang isang tao , na sugong mula sa Dios , na ang kaniyang pangalan ay Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ito&apos;y naparitong saksi , upang kaniyang patotohanan ang ilaw , upang sa pamamagitan niya&apos;y magsisampalataya ang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi siya ang ilaw , kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nagkaroon ng tunay na ilaw , sa makatuwid baga&apos;y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa&apos;t tao , na pumaparito sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Siya&apos;y nasa sanglibutan , at ang sanglibuta&apos;y ginawa sa pamamagitan niya , at hindi siya nakilala ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siya&apos;y naparito sa sariling kaniya , at siya&apos;y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t ang lahat ng sa kaniya&apos;y nagsitanggap , ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios , sa makatuwid baga&apos;y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na mga ipinanganak na hindi sa dugo , ni sa kalooban ng laman , ni sa kalooban ng tao , kundi ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagkatawang-tao ang Verbo , at tumahan sa gitna natin ( at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian , kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama ) , na puspos ng biyaya at katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pinatotohanan siya ni Juan , at sumigaw , na nagsasabi , Ito yaong aking sinasabi , Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin : sapagka&apos;t siya&apos;y una sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sa kaniyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat , at biyaya sa biyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan ; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Walang taong nakakita kailan man sa Dios ; ang bugtong na Anak , na nasa sinapupunan ng Ama , siya ang nagpakilala sa kanya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ito ang patotoo ni Juan , nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya&apos;y itanong , Sino ka baga ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kaniyang ipinahayag , at hindi ikinaila ; at kaniyang ipinahayag , Hindi ako ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sa kaniya&apos;y kanilang itinanong , Kung gayo&apos;y ano nga ? Ikaw baga&apos;y si Elias ? At sinabi niya , Hindi ako . Ikaw baga ang propeta ? At siya&apos;y sumagot , Hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi nga nila sa kaniya , Sino ka baga ? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin . Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinabi niya , Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang , Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon , gaya ng sinabi ng propeta Isaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y sinugo buhat sa mga Fariseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa kaniya&apos;y kanilang itinanong , at sinabi sa kaniya , Bakit nga bumabautismo ka , kung hindi ikaw ang Cristo , ni si Elias , ni ang propeta ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sila&apos;y sinagot ni Juan , na nagsasabi , Ako&apos;y bumabautismo sa tubig : datapuwa&apos;t sa gitna ninyo&apos;y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin , na sa kaniya&apos;y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang mga bagay na ito&apos;y ginawa sa Betania , sa dako pa roon ng Jordan , na pinagbabautismuhan ni Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya , at sinabi , Narito , ang Cordero ng Dios , na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ito yaong aking sinasabi , Sa hulihan ko&apos;y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin : sapagka&apos;t siya&apos;y una sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y hindi ko nakilala ; datapuwa&apos;t upang siya&apos;y mahayag sa Israel , dahil dito&apos;y naparito ako na bumabautismo sa tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nagpatotoo si Juan , na nagsasabi , Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit ; at dumapo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At siya&apos;y hindi ko nakilala ; datapuwa&apos;t ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig , ay siyang nagsabi sa akin , Ang makita mong babaan ng Espiritu , at manahan sa kaniya , ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At aking nakita , at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan , at ang dalawa sa kaniyang mga alagad ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya&apos;y naglalakad , at sinabi , Narito , ang Cordero ng Dios !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad , at sila&apos;y nagsisunod kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At lumingon si Jesus , at nakita silang nagsisisunod , at sinabi sa kanila , Ano ang inyong hinahanap ? At sinabi nila sa kaniya , Rabi ( na kung liliwanagin , ay Guro ) , saan ka tumitira ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sinabi niya sa kanila , Magsiparito kayo , at inyong makikita . Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira ; at sila&apos;y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon : noo&apos;y magiikasangpu na ang oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan , at sumunod sa kaniya , ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon , at sa kaniya&apos;y sinabi , Nasumpungan namin ang Mesias ( na kung liliwanagin , ay ang Cristo ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Siya&apos;y kaniyang dinala kay Jesus . Siya&apos;y tiningnan ni Jesus , at sinabi , Ikaw ay si Simon na anak ni Juan : tatawagin kang Cefas ( na kung liliwanagin , ay Pedro ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea , at kaniyang nasumpungan si Felipe : at sa kaniya&apos;y sinabi ni Jesus , Sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Si Felipe nga ay taga Betsaida , sa bayan ni Andres at ni Pedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nasumpungan ni Felipe si Natanael , at sinabi sa kaniya , Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan , at gayon din ng mga propeta , si Jesus na taga Nazaret , ang anak ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At sinabi sa kaniya ni Natanael , Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret ? Sinabi sa kaniya ni Felipe , Pumarito ka at tingnan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya , at sinabi ang tungkol sa kaniya , Narito , ang isang tunay na Israelita , na sa kaniya&apos;y walang daya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sinabi sa kaniya ni Natanael , Saan mo ako nakilala ? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya , Bago ka tinawag ni Felipe , nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos , ay nakita kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Sumagot si Natanael sa kaniya , Rabi , ikaw ang Anak ng Dios ; ikaw ang Hari ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya , Dahil baga sa sinabi ko sa iyo , Kita&apos;y nakita sa ilalim ng puno ng igos , kaya ka sumasampalataya ? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At sinabi niya sa kaniya , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Makikita ninyong bukas ang langit , at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea ; at naroon ang ina ni Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inanyayahan din naman si Jesus , at ang kaniyang mga alagad , sa kasalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang magkulang ng alak , ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya , Wala silang alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kaniya ni Jesus , Babae , anong pakialam ko sa iyo ? ang aking oras ay hindi pa dumarating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila , Gawin ninyo ang anomang sa inyo&apos;y kaniyang sabihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio , na naglalaman ang bawa&apos;t isa ng dalawa o tatlong bangang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinabi sa kanila ni Jesus , Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan . At kanilang pinuno hanggang sa labi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi niya sa kanila , Kunin ninyo ngayon , at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan . At kanilang iniharap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga , at hindi niya nalalaman kung saan buhat ( datapuwa&apos;t nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig ) , ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi sa kaniya , Ang bawa&apos;t tao ay unang inilalagay ang mabuting alak ; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao , ay saka inilalagay ang pinakamasama : itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea , at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian ; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum , siya , at ang kaniyang ina , at ang kaniyang mga kapatid , at ang kaniyang mga alagad ; at sila&apos;y nangatira roong hindi maraming araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At malapit na ang paskua ng mga Judio , at umahon si Jesus sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati , at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid , itinaboy niyang lahat sa templo , ang mga tupa at gayon din ang mga baka ; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit , at ginulo ang kanilang mga dulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya , Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito ; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat , Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga Judio nga&apos;y nagsisagot at sa kaniya&apos;y sinabi , Anong tanda ang maipakikita mo sa amin , yamang ginawa mo ang mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Igiba ninyo ang templong ito , at aking itatayo sa tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sinabi nga ng mga Judio , Apat na pu&apos;t anim na taon ang pagtatayo ng templong ito , at itatayo sa tatlong araw ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay , ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito ; at nagsisampalataya sila sa kasulatan , at sa salitang sinabi ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nang siya nga&apos;y nasa Jerusalem nang paskua , sa loob ng panahon ng kapistahan , ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan , pagkakita ng kaniyang mga tandang ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila , sapagka&apos;t nakikilala niya ang lahat ng mga tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao ; sapagka&apos;t nalalaman nga niya ang isinasaloob ng tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">May isang lalake nga sa mga Fariseo , na nagngangalang Nicodemo , isang pinuno ng mga Judio :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi , at sa kaniya&apos;y nagsabi , Rabi , nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios ; sapagka&apos;t walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa , maliban na kung sumasa kaniya ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sumagot si Jesus at sa kaniya&apos;y sinabi , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Maliban na ang tao&apos;y ipanganak na muli , ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinabi sa kaniya ni Nicodemo , Paanong maipanganganak ang tao kung siya&apos;y matanda na ? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina , at ipanganak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sumagot si Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Maliban na ang tao&apos;y ipanganak ng tubig at ng Espiritu , ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang ipinanganak ng laman ay laman nga ; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo , Kinakailangan ngang kayo&apos;y ipanganak na muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Humihihip ang hangin kung saan niya ibig , at naririnig mo ang kaniyang ugong , nguni&apos;t hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling , at kung saan naparoroon : gayon ang bawa&apos;t ipinanganak ng Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sumagot si Nicodemo at sa kaniya&apos;y sinabi , Paanong pangyayari ng mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sumagot si Jesus at sa kaniya&apos;y sinabi , Ikaw ang guro sa Israel , at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Ang nalalaman namin ay sinasalita namin , at ang aming nakita ay pinatototohanan namin ; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan , paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At walang umakyat sa langit , kundi ang nanggaling sa langit , sa makatuwid baga&apos;y ang Anak ng tao , na nasa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas , ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan , na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak , upang ang sinomang sa kaniya&apos;y sumampalataya ay huwag mapahamak , kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan ; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan ; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na , sapagka&apos;t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ito ang kahatulan , na naparito ang ilaw sa sanglibutan , at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw ; sapagka&apos;t masasama ang kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw , at hindi lumalapit sa ilaw , upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw , upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea ; at doon siya tumira na kasama nila , at bumabautismo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim , sapagka&apos;t doo&apos;y maraming tubig : at sila&apos;y nagsiparoon , at nangabautismuhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa paglilinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y nagparoon kay Juan , at sa kaniya&apos;y sinabi , Rabi , yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan , na binigyan mong patotoo , narito , siya&apos;y bumabautismo , at ang lahat ng mga tao&apos;y nagsisiparoon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sumagot si Juan at sinabi , Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao , malibang ito&apos;y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kayo man ay magsisisaksi sa akin , na aking sinabi , Hindi ako ang Cristo , kundi , na ako&apos;y sinugo sa unahan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake : datapuwa&apos;t ang kaibigan ng kasintahang lalake , na nakatayo at nakikinig sa kaniya , ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake : ito ngang aking kaligayahan ay naganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Siya&apos;y kinakailangang dumakila , nguni&apos;t ako&apos;y kinakailangang bumaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat : ang galing sa lupa ay taga lupa nga , at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya : ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kaniyang nakita at narinig , ay siyang pinatototohanan niya ; at walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak , na ang Dios ay totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios : sapagka&apos;t hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sinisinta ng Ama ang Anak , at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan ; nguni&apos;t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay , kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">( Bagaman hindi bumabautismo si Jesus , kundi ang kaniyang mga alagad ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nilisan niya ang Judea , at naparoong muli sa Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kinakailangang magdaan siya sa Samaria .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria , na tinatawag na Sicar , malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At naroon ang balon ni Jacob . Si Jesus nga , nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay , ay naupong gayon sa tabi ng balon . Magiikaanim na nga ang oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig : sa kaniya&apos;y sinabi ni Jesus , Painumin mo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana , Paano ngang ikaw , na isang Judio , ay humingi ng maiinom sa akin , na ako&apos;y babaing Samaritana ? ( Sapagka&apos;t hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sumagot si Jesus at sa kaniya&apos;y sinabi , Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios , at kung sino ang sa iyo&apos;y nagsasabi , Painumin mo ako ; ikaw ay hihingi sa kaniya , at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinabi sa kaniya ng babae , Ginoo , wala kang sukat isalok ng tubig , at malalim ang balon : saan nga naroon ang iyong tubig na buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob , na sa ami&apos;y nagbigay ng balon , at dito&apos;y uminom siya , at ang kaniyang mga anak , at ang kaniyang mga hayop ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya , Ang bawa&apos;t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya&apos;y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man ; nguni&apos;t ang tubig na sa kaniya&apos;y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sinabi sa kaniya ng babae , Ginoo , ibigay mo sa akin ang tubig na ito , upang ako&apos;y huwag mauhaw , ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka , tawagin mo ang iyong asawa , at pumarito ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya , Wala akong asawa . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Mabuti ang pagkasabi mo , Wala akong asawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t nagkaroon ka na ng limang asawa ; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa : dito&apos;y sinabi mo ang katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sinabi sa kaniya ng babae , Ginoo , napaghahalata kong ikaw ay isang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito ; at sinasabi ninyo , na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa kaniya&apos;y sinabi ni Jesus , Babae , paniwalaan mo ako , na dumarating ang oras , na kahit sa bundok na ito , ni sa Jerusalem , ay hindi ninyo sasambahin ang Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman : sinasamba namin ang nalalaman namin ; sapagka&apos;t ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t dumarating ang oras , at ngayon nga , na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan : sapagka&apos;t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Dios ay Espiritu : at ang mga sa kaniya&apos;y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinabi sa kaniya ng babae , Nalalaman ko na paririto ang Mesias ( ang tinatawag na Cristo ) : na pagparito niya , ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa ganito&apos;y nagsidating ang kaniyang mga alagad ; at sila&apos;y nangagtaka na siya&apos;y nakikipagsalitaan sa isang babae ; gayon ma&apos;y walang taong nagsabi , Ano ang iyong hinahanap ? o , Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa gayo&apos;y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig , at napasa bayan , at sinabi sa mga tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Magsiparito kayo , tingnan ninyo ang isang lalake , na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa : mangyayari kayang ito ang Cristo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nagsilabas sila sa bayan , at nagsisiparoon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad , na nangagsasabi , Rabi , kumain ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Ako&apos;y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan , May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sinabi sa kanila ni Jesus , Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo , at tapusin ang kaniyang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Hindi baga sinasabi ninyo , May apat na buwan pa , at saka darating ang pagaani ? narito , sa inyo&apos;y aking sinasabi , Itanaw ninyo ang inyong mga mata , at inyong tingnan ang mga bukid , na mapuputi na upang anihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang umaani ay tumatanggap ng upa , at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan ; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t dito&apos;y totoo ang kasabihan , Isa ang naghahasik , at iba ang umaani .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kayo&apos;y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan : iba ang nangagpagal , at kayo&apos;y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya&apos;y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae , na nagpatotoo , Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kaya nang sa kaniya&apos;y magsidating ang mga Samaritano , ay sa kaniya&apos;y ipinamanhik nila na matira sa kanila : at siya&apos;y natira roong dalawang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sinabi nila sa babae , Ngayo&apos;y nagsisisampalataya kami , hindi dahil sa iyong pananalita : sapagka&apos;t kami rin ang nakarinig , at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sapagka&apos;t si Jesus din ang nagpatotoo , na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Kaya nang siya&apos;y dumating sa Galilea , ay tinanggap siya ng mga Galileo , nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan : sapagka&apos;t sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea , na doo&apos;y kaniyang pinapaging alak ang tubig . At naroroon ang isang mahal na tao , na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea , ay naparoon siya sa kaniya , at ipinamanhik sa kaniya na siya&apos;y lumusong , at pagalingin ang kaniyang anak na lalake ; sapagka&apos;t siya&apos;y naghihingalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sinabi nga sa kaniya ni Jesus , Malibang kayo&apos;y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan , ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya , Ginoo , lumusong ka bago mamatay ang aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Yumaon ka ng iyong lakad ; buhay ang anak mo . Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus , at siya&apos;y yumaon sa kaniyang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">At samantalang siya&apos;y lumulusong , ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin , na nangagsasabi , na ang kaniyang anak ay buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya&apos;y pasimulan ng paggaling . Sa kaniya nga&apos;y kanilang sinabi , Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus , Buhay ang anak mo : at siya&apos;y sumampalataya , at ang kaniyang buong sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus , nang siya&apos;y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito&apos;y nagkaroon ng pista ang mga Judio ; at umahon si Jesus sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa Jerusalem nga&apos;y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa , na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda , na may limang portiko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit , mga bulag , mga pilay , mga natutuyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig : at ang unang manaog sa tangke , pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At naroon ang isang lalake , na may tatlongpu&apos;t walong taon nang maysakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang makita ni Jesus na siya&apos;y nakahandusay , at mapagkilalang siya&apos;y malaon nang panahong maysakit , ay sinabi niya sa kaniya , Ibig mo bagang gumaling ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit , Ginoo , wala ng taong maglusong sa akin sa tangke , pagkalawkaw sa tubig : datapuwa&apos;t samantalang ako&apos;y naparoroon , ay nakalusong na muna ang iba bago ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Magtindig ka , buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagdaka&apos;y gumaling ang lalake , at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad . Noon nga&apos;y araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling , Ito&apos;y araw ng sabbath , at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t sila&apos;y sinagot niya , Ang nagpagaling sa akin , ang siya ring sa akin ay nagsabi , Buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tinanong nila siya , Sino ang taong sa iyo&apos;y nagsabi , Buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya ; sapagka&apos;t si Jesus ay humiwalay , palibhasa&apos;y may isang karamihan sa dakong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo , at sa kaniya&apos;y sinabi , Narito , ikaw ay gumaling na : huwag ka nang magkasala , baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Umalis ang tao , at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya&apos;y nagpagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At dahil dito&apos;y pinagusig ng mga Judio si Jesus , sapagka&apos;t ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t sinagot sila ni Jesus , Hanggang ngayo&apos;y gumagawa ang aking Ama , at ako&apos;y gumagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Dahil dito nga&apos;y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya&apos;y patayin , sapagka&apos;t hindi lamang sinira ang araw ng sabbath , kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios , na siya&apos;y nakikipantay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama ; sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa , ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sinisinta ng Ama ang Anak , at sa kaniya&apos;y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa : at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya&apos;y ipakikita niya , upang kayo&apos;y magsipanggilalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila&apos;y binubuhay , gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang Ama&apos;y hindi humahatol sa kanino mang tao , kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Upang papurihan ng lahat ang Anak , na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama . Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya&apos;y nagsugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang dumirinig ng aking salita , at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin , ay may buhay na walang hanggan , at hindi mapapasok sa paghatol , kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Dumarating ang panahon , at ngayon nga , na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios ; at ang mangakarinig ay mangabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili , ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol , sapagka&apos;t siya&apos;y anak ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Huwag ninyong ipanggilalas ito : sapagka&apos;t dumarating ang oras , na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At magsisilabas ; ang mga nagsigawa ng mabuti , ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay ; at ang mga nagsigawa ng masama , ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili : humahatol ako ayon sa aking naririnig : at ang paghatol ko&apos;y matuwid ; sapagka&apos;t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban , kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kung ako&apos;y nagpapatotoo sa aking sarili , ang patotoo ko ay hindi katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Iba ang nagpapatotoo sa akin ; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kayo&apos;y nangagsugo kay Juan , at siya&apos;y nagpatotoo sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t ang patotoo ay hindi mula sa tao : gayon ma&apos;y sinasabi ko ang mga bagay na ito , upang kayo&apos;y mangaligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag ; at inibig ninyong kayo&apos;y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Datapuwa&apos;t ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan ; sapagka&apos;t ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin , ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa , ay nagpapatotoo tungkol sa akin , na ako&apos;y sinugo ng Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang Ama na nagsugo sa akin , ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin . Kailan ma&apos;y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig , ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At kayo&apos;y walang salita niya na nananatili sa inyo : sapagka&apos;t hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Saliksikin ninyo ang mga kasulatan , sapagka&apos;t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan ; at ang mga ito&apos;y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At ayaw kayong magsilapit sa akin , upang kayo&apos;y magkaroon ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Datapuwa&apos;t nakikilala ko kayo , na kayo&apos;y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Naparito ako sa pangalan ng aking Ama , at ayaw ninyo akong tanggapin : kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan , ay siya ninyong tatanggapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Paanong kayo&apos;y makapananampalataya , kayong nangagtatanggapan sa isa&apos;t isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo&apos;y magsusumbong sa Ama : may isang magsusumbong sa inyo , sa makatuwid baga&apos;y si Moises , yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sapagka&apos;t kung kayo&apos;y nagsisisampalataya kay Moises , ay magsisisampalataya kayo sa akin ; sapagka&apos;t tungkol sa akin siya&apos;y sumulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Nguni&apos;t kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat , ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea , na siyang dagat ng Tiberias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao , sapagka&apos;t kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At umahon si Jesus sa bundok , at doo&apos;y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Malapit na nga ang paskua , na pista ng mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata , at pagkakita na ang lubhang maraming tao&apos;y lumalapit sa kaniya , ay sinabi kay Felipe , Saan tayo magsisibili ng tinapay , upang mangakakain ang mga ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ito&apos;y sinabi niya upang siya&apos;y subukin : sapagka&apos;t nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sumagot si Felipe sa kaniya , Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay , upang makakain ng kaunti ang bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad , si Andres , na kapatid ni Simon Pedro ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">May isang batang lalake rito , na mayroong limang tinapay na sebada , at dalawang isda : datapuwa&apos;t gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinabi ni Jesus , Inyong paupuin ang mga tao . Madamo nga sa dakong yaon . Kaya&apos;t nagsiupo ang mga lalake , na may limang libo ang bilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay ; at nang makapagpasalamat , ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo ; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang sila&apos;y mangabusog , ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis , upang walang anomang masayang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t kanilang tinipon , at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada , na lumabis sa nagsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya&apos;t nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya , ay kanilang sinabi , Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila&apos;y magsisilapit at siya&apos;y agawin , upang siya&apos;y gawing hari , ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang kinahapunan , ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nagsilulan sila sa isang daong , at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum . At madilim na nga , at hindi dumarating sa kanila si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang sila nga&apos;y mangakagaod na ng may dalawangpu&apos;t lima o tatlongpung estadio , ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat , at lumalapit sa daong : at sila&apos;y nangahintakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t sinabi niya sa kanila , Ako nga ; huwag kayong mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong : at pagdaka&apos;y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na doo&apos;y walang ibang daong , kundi isa , at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad , kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">( Gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus , ni ang kaniyang mga alagad man , ay nagsilulan sila sa mga daong , at nagsidating sa Capernaum , na hinahanap si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang siya&apos;y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat , ay kanilang sinabi sa kanila , Rabi , kailan ka dumating dito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sinagot sila ni Jesus at sinabi , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ako&apos;y inyong hinahanap , hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda , kundi dahil sa kayo&apos;y nagsikain ng tinapay , at kayo&apos;y nangabusog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis , kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan , na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao : sapagka&apos;t siyang tinatakan ng Ama , sa makatuwid baga&apos;y ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sinabi nga nila sa kaniya , Ano ang kinakailangan naming gawin , upang aming magawa ang mga gawa ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Ito ang gawa ng Dios , na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sinabi nga nila sa kaniya , Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda , upang aming makita , at sampalatayanan ka namin ? ano ang ginagawa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang ; gaya ng nasusulat , Tinapay na galing sa langit ang sa kanila&apos;y kaniyang ipinakain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit ; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit , at nagbibigay buhay sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sa kaniya nga&apos;y kanilang sinabi , Panginoon , bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa kanila&apos;y sinabi ni Jesus , Ako ang tinapay ng kabuhayan : ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom , at ang sumasampalataya sa akin kailan ma&apos;y hindi mauuhaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Datapuwa&apos;t sinabi ko sa inyo , na nakita ninyo ako , at gayon ma&apos;y hindi kayo nagsisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin ; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sapagka&apos;t bumaba akong mula sa langit , hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban , kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin , na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman , kundi ibangon sa huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t ito ang kalooban ng aking Ama , na ang bawa&apos;t nakakakita sa Anak , at sa kaniya&apos;y sumampalataya , ay magkaroon ng walang hanggang buhay ; at akin siyang ibabangon sa huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At kanilang sinabi , Hindi baga ito&apos;y si Jesus , ang anak ni Jose , na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina ? paano ngang sinasabi niya , Ako&apos;y bumabang galing sa langit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Huwag kayong mangagbulongbulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Walang taong makalalapit sa akin , maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya&apos;y magdala sa akin ; at siya&apos;y aking ibabangon sa huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nasusulat sa mga propeta , At tuturuan silang lahat ng Dios . Ang bawa&apos;t nakarinig sa Ama , at natuto , ay lumalapit sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Hindi sa ang sinoma&apos;y nakakita sa Ama , kundi yaong nanggaling sa Dios , siya ang nakakita sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ako ang tinapay ng kabuhayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang , at sila&apos;y nangamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit , upang ang taong makakain , ay huwag mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit : kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito , siya&apos;y mabubuhay magpakailan man : oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman , sa ikabubuhay ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Ang mga Judio nga&apos;y nangagtatalo , na nangagsasabi , Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo , ay wala kayong buhay sa inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan ; at siya&apos;y aking ibabangon sa huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Sapagka&apos;t ang aking laman ay tunay na pagkain , at ang aking dugo ay tunay na inumin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin , at ako&apos;y sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay , at ako&apos;y nabubuhay dahil sa Ama ; gayon din naman ang kumakain sa akin , siya nama&apos;y mabubuhay dahil sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit : hindi gaya ng mga magulang na nagsikain , at nangamatay ; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga , samantalang siya&apos;y nagtuturo sa Capernaum .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">Marami nga sa kaniyang mga alagad , nang kanilang marinig ito , ay nangagsabi , Matigas ang pananalitang ito ; sino ang makaririnig noon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "61">Datapuwa&apos;t pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito , sa kanila&apos;y sinabi , Ito baga&apos;y nakapagpapatisod sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "62">Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "63">Ang espiritu nga ang bumubuhay ; sa laman ay walang anomang pinakikinabang : ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu , at pawang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "64">Datapuwa&apos;t may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya . Sapagka&apos;t talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya , at kung sino ang sa kaniya&apos;y magkakanulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "65">At sinabi niya , Dahil dito&apos;y sinabi ko sa inyo , na walang taong makalalapit sa akin , maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "66">Dahil dito&apos;y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod , at hindi na nagsisama sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "67">Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa , Ibig baga ninyong magsialis din naman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "68">Sinagot siya ni Simon Pedro , Panginoon , kanino kami magsisiparoon ? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "69">At kami&apos;y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "70">Sinagot sila ni Jesus , Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa , at ang isa sa inyo ay diablo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "71">Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote , sapagka&apos;t siya ang sa kaniya&apos;y magkakanulo , palibhasa&apos;y isa sa labingdalawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea : sapagka&apos;t ayaw siyang maglakad sa Judea , dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Malapit na nga ang pista ng mga Judio , ang pista ng mga tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid , Umalis ka rito , at pumaroon ka sa Judea , upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim , at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili . Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Hindi pa dumarating ang aking panahon ; datapuwa&apos;t ang inyong panahon ay laging nahahanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi mangyayaring kayo&apos;y kapootan ng sanglibutan ; nguni&apos;t ako&apos;y kinapopootan , sapagka&apos;t siya&apos;y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mangagsiahon kayo sa pista : ako&apos;y hindi aahon sa pistang ito ; sapagka&apos;t hindi pa nagaganap ang aking panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito , ay nanahan pa siya sa Galilea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista , saka naman siya umahon , hindi sa hayag , kundi waring sa lihim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hinahanap nga siya ng mga Judio sa pista , at kanilang sinasabi , Saan naroon siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagkaroon ng maraming bulongbulungan tungkol sa kaniya ang karamihan : sinasabi ng ilan , Siya&apos;y taong mabuti ; sinasabi ng mga iba , Hindi gayon , kundi inililigaw niya ang karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t nang ang kapistahan nga&apos;y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo , at nagturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nagsipanggilalas nga ang mga Judio , na nangagsasabi , Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan , gayong hindi naman nagaral kailan man ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinagot nga sila ni Jesus , at sinabi , Ang turo ko ay hindi akin , kundi doon sa nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban , ay makikilala niya ang turo , kung ito&apos;y sa Dios , o kung ako&apos;y nagsasalita na mula sa aking sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili&apos;y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian : datapuwa&apos;t ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya&apos;y nagsugo , ang gayon ay totoo , at sa kaniya&apos;y walang kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan , at gayon ma&apos;y wala sa inyong gumaganap ng kautusan ? Bakit ninyo pinagsisikapang ako&apos;y patayin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sumagot ang karamihan , Mayroon kang demonio : sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Isang gawa ang aking ginawa , at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ibinigay sa inyo ni Moises ang pagtutuli ( hindi sa ito&apos;y kay Moises , kundi sa mga magulang ) ; at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath , upang huwag labagin ang kautusan ni Moises ; nangagagalit baga kayo sa akin , dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao sa sabbath ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo , kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem , Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At narito , siya&apos;y hayag na nagsasalita , at walang anomang sinasabi sila sa kaniya . Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya : datapuwa&apos;t pagparito ng Cristo , sinoma&apos;y walang makakaalam kung taga saan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sumigaw nga si Jesus sa templo , na nagtuturo at sinasabi , Ako&apos;y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako ; at hindi ako naparito sa aking sarili , datapuwa&apos;t ang nagsugo sa akin ay tunay , na hindi ninyo nakikilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Siya&apos;y nakikilala ko ; sapagka&apos;t ako&apos;y mula sa kaniya , at siya ang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Pinagsisikapan nga nilang siya&apos;y hulihin : at walang taong sumunggab sa kaniya , sapagka&apos;t hindi pa dumarating ang kaniyang oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya ; at kanilang sinasabi , Pagparito ng Cristo , ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya ; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang siya&apos;y hulihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinabi nga ni Jesus , Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon , at ako&apos;y paroroon sa nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Hahanapin ninyo ako , at hindi ako masusumpungan : at kung saan ako naroroon , ay hindi kayo makaparoroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang mga Judio nga&apos;y nangagsangusapan , Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan ? siya kaya&apos;y paroroon sa nagsisipangalat sa gitna ng mga Griego , at magtuturo sa mga Griego ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi , Hahanapin ninyo ako , at hindi ninyo ako masusumpungan ; at kung saan ako naroroon , ay hindi kayo makaparoroon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang huling araw nga , na dakilang araw ng kapistahan , si Jesus ay tumayo at sumigaw , na nagsasabi , Kung ang sinomang tao&apos;y nauuhaw , ay pumarito siya sa akin , at uminom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ang sumasampalataya sa akin , gaya ng sinasabi ng kasulatan , ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">( Nguni&apos;t ito&apos;y sinalita niya tungkol sa Espiritu , na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya : sapagka&apos;t hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu ; sapagka&apos;t si Jesus ay hindi pa niluluwalhati . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Ang ilan nga sa karamihan , nang marinig ang mga salitang ito , ay nangagsabi , Tunay na ito ang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sinasabi ng mga iba , Ito nga ang Cristo . Datapuwa&apos;t sinasabi ng ilan , Ano , sa Galilea baga manggagaling ang Cristo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David , at mula sa Bet-lehem , ang nayong kinaroonan ni David ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ibig ng ilan sa kanila na siya&apos;y hulihin ; datapuwa&apos;t walang taong sumunggab sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo ; at sinabi nila sa kanila , Bakit hindi ninyo siya dinala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Nagsisagot ang mga punong kawal , Kailan ma&apos;y walang taong nagsalita ng gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sinagot nga sila ng mga Fariseo , Kayo baga naman ay nangailigaw rin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno , o ang sinoman sa mga Fariseo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Datapuwa&apos;t ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Sinabi sa kanila ni Nicodemo ( yaong pumaroon kay Jesus nang una , na isa sa kanila ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao , malibang siya muna&apos;y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Sila&apos;y nagsisagot at sinabi sa kaniya , Ikaw baga&apos;y taga Galilea rin ? Siyasatin mo , at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Ang bawa&apos;t tao&apos;y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay :</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo , at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya ; at siya&apos;y naupo , at sila&apos;y tinuruan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya ; at nang mailagay siya sa gitna ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ay sinabi nila sa kaniya , Guro , nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan : ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ito&apos;y kanilang sinabi , na siya&apos;y sinusubok , upang sa kaniya&apos;y may maisumbong sila . Datapuwa&apos;t yumuko si Jesus , at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t nang sila&apos;y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya , ay umunat siya , at sa kanila&apos;y sinabi , Ang walang kasalanan sa inyo , ay siyang unang bumato sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At muli siyang yumuko , at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila , nang ito&apos;y kanilang marinig , ay nagsialis na isa-isa , na nagpasimula sa katandatandaan , hanggang sa kahulihulihan : at iniwang magisa si Jesus at ang babae , sa kinaroroonan nito , sa gitna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At umunat si Jesus , at sa kaniya&apos;y sinabi , Babae , saan sila nangaroroon ? wala bagang taong humatol sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi niya , Wala sinoman , Panginoon . At sinabi ni Jesus , Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo : humayo ka ng iyong lakad ; mula ngayo&apos;y huwag ka nang magkasala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus , na sinasabi , Ako ang ilaw ng sanglibutan : ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman , kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo , Nagpapatotoo ka sa iyong sarili ; hindi totoo ang patotoo mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sumagot si Jesus at sa kanila&apos;y sinabi , Bagama&apos;t ako&apos;y nagpapatotoo sa akin din , ay totoo ang aking patotoo ; sapagka&apos;t nalalaman ko kung saan ako nanggaling , at kung saan ako paroroon ; datapuwa&apos;t hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling , o kung saan ako paroroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nagsisihatol kayo ayon sa laman ; ako&apos;y hindi humahatol sa kanino mang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Oo , at kung ako&apos;y humahatol , ang hatol ko&apos;y totoo ; sapagka&apos;t hindi ako nagiisa , kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Oo , at sa inyong kautusan ay nasusulat , na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ako ang nagpapatotoo sa akin din , at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa kaniya nga&apos;y kanilang sinabi , Saan naroroon ang iyong Ama ? Sumagot si Jesus , Hindi ninyo nakikilala ako , ni ang aking Ama : kung ako&apos;y inyong makilala , ay makikilala rin ninyo ang aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman , nang nagtuturo siya sa templo : at walang taong humuli sa kaniya ; sapagka&apos;t hindi pa dumarating ang kaniyang oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Muli ngang sinabi niya sa kanila , Yayaon ako , at ako&apos;y inyong hahanapin , at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan : sa aking paroroonan , ay hindi kayo mangakaparoroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi nga ng mga Judio , Siya kaya&apos;y magpapakamatay , sapagka&apos;t kaniyang sinabi , Sa aking paroroonan , ay hindi kayo mangakaparoroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa kanila&apos;y kaniyang sinabi , Kayo&apos;y mga taga ibaba ; ako&apos;y taga itaas : kayo&apos;y mga taga sanglibutang ito ; ako&apos;y hindi taga sanglibutang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sinabi ko nga sa inyo , na kayo&apos;y mangamamatay sa inyong mga kasalanan : sapagka&apos;t malibang kayo&apos;y magsisampalataya na ako nga ang Cristo , ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa kaniya nga&apos;y kanilang sinabi , Sino ka baga ? Sinabi sa kanila ni Jesus , Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo : gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo ; at ang mga bagay na sa kaniya&apos;y aking narinig , ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sinabi nga ni Jesus , Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao , saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo , at wala akong ginagawa sa aking sarili , kundi sinalita ko ang mga bagay na ito , ayon sa itinuro sa akin ng Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin ; hindi niya ako binayaang nagiisa ; sapagka&apos;t ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya&apos;y nakalulugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito , ay maraming nagsisampalataya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya , Kung kayo&apos;y magsisipanatili sa aking salita , kung magkagayo&apos;y tunay nga kayong mga alagad ko ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At inyong makikilala ang katotohanan , at ang katotohana&apos;y magpapalaya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa kaniya&apos;y kanilang isinagot , Kami&apos;y binhi ni Abraham , at kailan ma&apos;y hindi pa naging alipin ninomang tao : paanong sinasabi mo , Kayo&apos;y magiging laya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sinagot sila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang bawa&apos;t nagkakasala ay alipin ng kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man : ang anak ang nananahan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Kung palayain nga kayo ng Anak , kayo&apos;y magiging tunay na laya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Talastas ko na kayo&apos;y binhi ni Abraham ; gayon ma&apos;y pinagsisikapan ninyong ako&apos;y patayin , sapagka&apos;t ang salita ko&apos;y hindi magkasiya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama : at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sila&apos;y nagsisagot at sa kaniya&apos;y sinabi , Si Abraham ang aming ama . Sa kanila&apos;y sinabi ni Jesus , Kung kayo&apos;y mga anak ni Abraham , ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Datapuwa&apos;t ngayo&apos;y pinagsisikapan ninyo akong patayin , na taong sa inyo&apos;y nagsaysay ng katotohanan , na aking narinig sa Dios : ito&apos;y hindi ginawa ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama . Sinabi nila sa kaniya , Hindi kami inianak sa pakikiapid ; may isang Ama kami , ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Sinabi sa kanila ni Jesus , Kung ang Dios ang inyong ama , ay inyong iibigin ako : sapagka&apos;t ako&apos;y nagmula at nanggaling sa Dios ; sapagka&apos;t hindi ako naparito sa aking sarili , kundi sinugo niya ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita ? sapagka&apos;t hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Kayo&apos;y sa inyong amang diablo , at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin . Siya&apos;y isang mamamatay-tao buhat pa nang una , at hindi nananatili sa katotohanan , sapagka&apos;t walang katotohanan sa kaniya . Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan , ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya : sapagka&apos;t siya&apos;y isang sinungaling , at ama nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Nguni&apos;t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan , ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan ? Kung sinasabi ko ang katotohanan , bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios : dahil dito&apos;y hindi ninyo dinirinig , sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya&apos;y sinabi , Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano , at mayroon kang demonio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Sumagot si Jesus , Ako&apos;y walang demonio ; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama , at ako&apos;y inyong sinisiraan ng puri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Nguni&apos;t hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian : may isang humahanap at humahatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita , ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Sinabi ng mga Judio sa kaniya , Ngayo&apos;y nalalaman naming mayroon kang demonio . Namatay si Abraham , at ang mga propeta ; at sinasabi mo , Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita , ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham , na namatay ? at nangamatay ang mga propeta : sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Sumagot si Jesus , Kung niluluwalhati ko ang aking sarili , ang kaluwalhatian ko ay walang anoman : ang aking Ama&apos;y siyang lumuluwalhati sa akin ; na tungkol sa kaniya&apos;y sinasabi ninyo , na siya&apos;y inyong Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">At hindi ninyo siya napagkilala : nguni&apos;t nakikilala ko siya ; at kung aking sasabihin , na hindi ko siya nakikilala , ay ako&apos;y matutulad sa inyo , na sinungaling : datapuwa&apos;t nakikilala ko siya , at tinutupad ko ang kaniyang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw ; at nakita niya , at natuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio , Wala ka pang limangpung taon , at nakita mo si Abraham ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Sinabi sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Bago ipinanganak si Abraham , ay ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">Sila nga&apos;y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya : datapuwa&apos;t nagtago si Jesus , at lumabas sa templo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa pagdaraan niya , ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Rabi , sino ang nagkasala , ang taong ito , o ang kaniyang mga magulang , upang siya&apos;y ipanganak na bulag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sumagot si Jesus , Hindi dahil sa ang taong ito&apos;y nagkasala , ni ang kaniyang mga magulang man : kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin , samantalang araw : dumarating ang gabi , na walang taong makagagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Samantalang ako&apos;y nasa sanglibutan , ako ang ilaw ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang masabi niya ang ganito , siya&apos;y lumura sa lupa , at pinapagputik ang lura , at pinahiran ang mga mata niya ng putik ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi sa kaniya , Humayo ka , maghugas ka sa tangke ng Siloe ( na kung liliwanagin ay Sinugo ) . Siya nga&apos;y humayo , at naghugas , at nagbalik na nakakakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga kapitbahay nga , at ang nangakakita sa kaniya nang una , na siya&apos;y pulubi , ay nangagsabi , Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinabi ng mga iba , Siya nga : sinabi ng mga iba , Hindi , kundi nakakamukha niya . Sinabi niya , Ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa kaniya nga&apos;y kanilang sinabi , Paano nga ang pagkadilat ng iyong mga mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sumagot siya , Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik , at pinahiran ang aking mga mata , at sinabi sa akin , Humayo ka sa Siloe , at maghugas ka : kaya&apos;t ako&apos;y humayo at naghugas , at ako&apos;y tumanggap ng paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sinabi nila sa kaniya , Saan naroon siya ? Sinabi niya , Hindi ko nalalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dinala nila sa mga Fariseo siya na nang una&apos;y bulag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Araw nga ng sabbath nang gumawa ng putik si Jesus , at padilatin ang kaniyang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Muli ngang tinanong naman siya ng mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin . At sinabi niya sa kanila , Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata , at naghugas ako , at ako&apos;y nakakakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi , Ang taong ito&apos;y hindi galing sa Dios , sapagka&apos;t hindi nangingilin sa sabbath . Datapuwa&apos;t sinasabi ng mga iba , Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan ? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Muling sinabi nga nila sa bulag , Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya , na siyang nagpadilat ng iyong mga mata ? At kaniyang sinabi , Siya&apos;y isang propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya , na siya&apos;y naging bulag , at tumanggap ng kaniyang paningin , hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nangagtanong sa kanila , na sinasabi , Ito baga ang inyong anak , na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag ? paano ngang nakakakita siya ngayon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nagsisagot ang kaniyang mga magulang , at nangagsabi , Nalalaman naming ito&apos;y aming anak , at siya&apos;y ipinanganak na bulag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t kung paanong siya&apos;y nakakakita ngayon , ay hindi namin nalalaman ; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata , ay hindi namin nalalaman : tanungin siya ; siya&apos;y may gulang na ; siya&apos;y magsasalita para sa sarili niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga bagay na ito&apos;y sinabi ng kaniyang mga magulang , sapagka&apos;t nangatatakot sa mga Judio : sapagka&apos;t pinagkaisahan na ng mga Judio , na kung ang sinomang tao&apos;y ipahayag siya na siya ang Cristo , ay palayasin siya sa sinagoga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t sinabi ng kaniyang mga magulang , Siya&apos;y may gulang na ; tanungin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Dahil dito&apos;y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag , at sinabi sa kaniya , Luwalhatiin mo ang Dios : nalalaman naming makasalanan ang taong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sumagot nga siya , Kung siya&apos;y makasalanan ay hindi ko nalalaman : isang bagay ang nalalaman ko , na , bagaman ako&apos;y naging bulag , ngayo&apos;y nakakakita ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sinabi nga nila sa kaniya , Ano ang ginawa niya sa iyo ? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sinagot niya sila , Kasasabi ko lamang sa inyo , at hindi ninyo pinakinggan ; bakit ibig ninyong marinig uli ? ibig baga naman ninyong kayo&apos;y maging mga alagad niya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y kanilang inalipusta , at sinabi , Ikaw ang alagad niya ; datapuwa&apos;t kami&apos;y mga alagad ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises : datapuwa&apos;t tungkol sa taong ito , ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sumagot ang tao at sa kanila&apos;y sinabi , Narito nga ang kagilagilalas , na hindi ninyo nalalaman kung siya&apos;y taga saan , at gayon ma&apos;y pinadilat niya ang aking mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan : datapuwa&apos;t kung ang sinomang tao&apos;y maging mananamba sa Dios , at ginagawa ang kaniyang kalooban , siya&apos;y pinakikinggan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Kung ang taong ito&apos;y hindi galing sa Dios , ay hindi makagagawa ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sila&apos;y nagsisagot at sa kaniya&apos;y sinabi , Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan , at ikaw baga ang nagtuturo sa amin ? At siya&apos;y pinalayas nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nabalitaan ni Jesus na siya&apos;y pinalayas nila ; at pagkasumpong sa kaniya , ay sinabi niya , Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sumagot siya at sinabi . At sino baga siya , Panginoon , upang ako&apos;y sumampalataya sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Siya&apos;y nakita mo na , at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi niya , Panginoon , sumasampalataya ako . At siya&apos;y sinamba niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sinabi ni Jesus , Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito , upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita ; at upang ang mga nakakakita , ay maging mga bulag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito , at sinabi sa kaniya , Kami baga naman ay mga bulag din ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sa kanila&apos;y sinabi ni Jesus , Kung kayo&apos;y mga bulag , ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan : datapuwa&apos;t ngayo&apos;y sinasabi ninyo , Kami&apos;y nangakakakita : nananatili ang inyong kasalanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan , ang gayon ay tulisan at magnanakaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Binubuksan siya ng bantaypinto ; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig : at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan , at sila&apos;y inihahatid sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya , ay pinangungunahan niya sila , at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa : sapagka&apos;t nakikilala nila ang kaniyang tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa iba&apos;y hindi sila magsisisunod , kundi magsisitakas sa kaniya : sapagka&apos;t hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito : datapuwa&apos;t hindi nila napagunawa kung anong mga bagay ang sa kanila&apos;y sinasalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ako ang pintuan ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan : datapuwa&apos;t hindi sila dininig ng mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako ang pintuan ; ang sinomang taong pumasok sa akin , ay siya&apos;y maliligtas , at papasok at lalabas , at makasusumpong ng pastulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi pumaparito ang magnanakaw , kundi upang magnakaw , at pumatay , at pumuksa : ako&apos;y naparito upang sila&apos;y magkaroon ng buhay , at magkaroon ng kasaganaan nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako ang mabuting pastor : ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang nagpapaupa , at hindi ang pastor , na hindi may-ari ng mga tupa , ay nakikitang dumarating ang lobo , at pinababayaan ang mga tupa , at tumatakas , at inaagaw sila ng lobo , at pinapangangalat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Siya&apos;y tumatakas sapagka&apos;t siya&apos;y upahan , at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako ang mabuting pastor ; at nakikilala ko ang sariling akin , at ang sariling akin ay nakikilala ako ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama , at ng sa Ama ay pagkakilala ko ; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At mayroon akong ibang mga tupa , na hindi sa kulungang ito : sila&apos;y kailangan din namang dalhin ko , at kanilang diringgin ang aking tinig ; at sila&apos;y magiging isang kawan , at magkakaroon ng isang pastor .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Dahil dito&apos;y sinisinta ako ng Ama , sapagka&apos;t ibinibigay ko ang aking buhay , upang kunin kong muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinoma&apos;y hindi nagaalis sa akin nito , kundi kusa kong ibinibigay . May kapangyarihan akong magbigay nito , at may kapangyarihan akong kumuhang muli . Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At muling nagkaroon ng isang pagbabahabahagi sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinasabi ng marami sa kanila , Mayroon siyang demonio , at siya&apos;y nauulol ; bakit ninyo siya pinakikinggan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinasabi ng mga iba , Hindi sa inaalihan ng demonio ang mga sabing ito . Maaari bagang ang demonio ay makapagpadilat ng mga mata ng bulag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At niyao&apos;y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Noo&apos;y tagginaw ; at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nilibot nga siya ng mga Judio , at sa kaniya&apos;y sinabi , Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami ? Kung ikaw ang Cristo , ay sabihin mong maliwanag sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinagot sila ni Jesus , Sinabi ko sa inyo , at hindi kayo nagsisampalataya : ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama , ay siyang nangagpapatotoo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t hindi kayo nagsisampalataya , sapagka&apos;t hindi kayo sa aking mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig , at sila&apos;y aking nakikilala , at sila&apos;y nagsisisunod sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sila&apos;y binibigyan ko ng walang hanggang buhay ; at kailan ma&apos;y hindi sila malilipol , at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang aking Ama , na sa kanila ay nagbigay sa akin , ay lalong dakila kay sa lahat ; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ako at ang Ama ay iisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya&apos;y batuhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sinagot sila ni Jesus , Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo ; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sinagot siya ng mga Judio , Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin , kundi sa pamumusong ; at sapagka&apos;t ikaw , bagaman ikaw ay tao , ay nagpapakunwari kang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sinagot sila ni Jesus , Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan , Aking sinabi , Kayo&apos;y mga dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kung tinawag niyang mga dios , yaong mga dinatnan ng salita ng Dios ( at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya , na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan , Ikaw ay namumusong ; sapagka&apos;t sinasabi ko , Ako ang anak ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama , ay huwag ninyo akong sampalatayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t kung ginagawa ko , ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin , ay magsisampalataya kayo sa mga gawa ; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin , at ako&apos;y nasa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Muling pinagsikapan nilang siya&apos;y hulihin : at siya&apos;y tumakas sa kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At siya&apos;y muling naparoon sa dako pa roon ng Jordan sa dako nang una&apos;y pinagbautismuhan ni Juan ; at siya&apos;y tumira doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya ; at kanilang sinabi , Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda : nguni&apos;t lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya roon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Isang tao nga na may-sakit , si Lazaro na taga Betania , na nayon ni Maria at ni Marta na kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ito&apos;y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento , at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok , na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae , na nagsasabi , Panginoon , narito , siya na iyong iniibig ay may-sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t pagkarinig ni Jesus nito , ay sinabi niya , Ang sakit na ito&apos;y hindi sa ikamamatay , kundi sa ikaluluwalhati ng Dios , upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iniibig nga ni Jesus si Marta , at ang kaniyang kapatid na babae , at si Lazaro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nang mabalitaan nga niya na siya&apos;y may-sakit , siya&apos;y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad , Tayo nang muli sa Judea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi sa kaniya ng mga alagad , Rabi , ngayo&apos;y pinagsisikapang batuhin ka ng mga Judio ; at muli kang paroroon doon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sumagot si Jesus , Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras ? Kung ang isang tao&apos;y lumalakad samantalang araw , ay hindi siya natitisod , sapagka&apos;t nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang isang taong lumalakad samantalang gabi , ay natitisod siya , sapagka&apos;t walang ilaw sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga bagay na ito&apos;y sinalita niya : at pagkatapos nito&apos;y sinabi niya sa kanila , Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog ; nguni&apos;t ako&apos;y paroroon , upang gisingin ko siya sa pagkakatulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya , Panginoon , kung siya&apos;y natutulog , ay siya&apos;y gagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay : datapuwa&apos;t sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw , Si Lazaro ay patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako&apos;y wala roon , upang kayo&apos;y magsipaniwala ; gayon ma&apos;y tayo na sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Si Tomas nga , na tinatawag na Didimo , ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad , Tayo&apos;y magsiparoon din naman , upang tayo&apos;y mangamatay na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t nang dumating si Jesus , ay naratnan niyang apat na araw na siya&apos;y nalilibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang Betania nga&apos;y malapit sa Jerusalem , na may layong labing-limang estadio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria , upang sila&apos;y aliwin tungkol sa kanilang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Si Marta nga , nang marinig niyang si Jesus ay dumarating , ay yumaon at sumalubong sa kaniya : nguni&apos;t si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi nga ni Marta kay Jesus , Panginoon , kung ikaw sana&apos;y narito , disin ang kapatid ko ay hindi namatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ngayon man nama&apos;y nalalaman ko na , anomang hingin mo sa Dios , ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Magbabangon uli ang iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Si Marta ay nagsabi sa kaniya , Nalalaman ko na siya&apos;y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ako ang pagkabuhay na maguli , at ang kabuhayan : ang sumasampalataya sa akin , bagama&apos;t siya&apos;y mamatay , gayon ma&apos;y mabubuhay siya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man . Sinasampalatayanan mo baga ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sinabi niya sa kaniya , Oo , Panginoon : sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios , sa makatuwid baga&apos;y ang naparirito sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang masabi na niya ito , ay yumaon siya , at tinawag ng lihim si Maria na kapatid niya , na sinasabi , Ang Guro ay narito , at tinatawag ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya , nang marinig niya ito , ay nagtindig na madali , at pumaroon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">( Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon , kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay , at nangagsisialiw sa kaniya , pagkakita nilang si Maria , na siya&apos;y nagtindig na madali at lumabas , ay nagsisunod sa kaniya , na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo&apos;y tumangis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Maria nga , pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus , at pagkakita sa kaniya , ay nagpatirapa sa kaniyang paanan , na sinabi sa kaniya , Panginoon , kung ikaw sana&apos;y narito , disin ay hindi namatay ang aking kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang makita nga ni Jesus na siya&apos;y tumatangis , at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating , ay nalagim siya sa espiritu , at nagulumihanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi , Saan ninyo siya inilagay ? Sinabi nila sa kaniya , Panginoon , halika at tingnan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Tumangis si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sinabi nga ng mga Judio , Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t ang ilan sa kanila&apos;y nagsipagsabi , Hindi baga magagawa ng taong ito , na nagpadilat ng mga mata ng bulag , na ang taong ito naman ay huwag mamatay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan . Yaon nga&apos;y isang yungib , at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sinabi ni Jesus , Alisin ninyo ang bato . Si Marta , na kapatid niyaong namatay , ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka&apos;t may apat na araw nang siya&apos;y namamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Di baga sinabi ko sa iyo , na , kung ikaw ay sasampalataya , ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Kaya&apos;t inalis nila ang bato . At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata , at sinabi , Ama , nagpapasalamat ako sa iyo , na ako&apos;y iyong dininig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At nalalaman ko na ako&apos;y lagi mong dinirinig : nguni&apos;t ito&apos;y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot , upang sila&apos;y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At nang masabi niya ang gayon , ay sumigaw siya ng malakas na tinig , Lazaro , lumabas ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Siya na patay ay lumabas , na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing ; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo . Sinabi sa kanila ni Jesus , Siya&apos;y inyong kalagan , at bayaan ninyo siyang yumaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa niya , ay nagsisampalataya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Datapuwa&apos;t ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo , at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong , at nagsipagsabi , Ano ang ginagawa natin ? sapagka&apos;t ang taong ito&apos;y gumagawa ng maraming tanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kung siya&apos;y ating pabayaang gayon , ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya : at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Nguni&apos;t ang isa sa kanila na si Caifas , na dakilang saserdote nang taong yaon , ay nagsabi sa kanila , Kayo&apos;y walang nalalamang anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Ni inyong niwawari na sa inyo&apos;y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan , at hindi ang buong bansa ay mapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Ito nga&apos;y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili : kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon , ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At hindi dahil sa bansa lamang , kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Kaya&apos;t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio , kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang , sa isang bayan na tinatawag na Efraim ; at siya&apos;y nanahanan doong kasama ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Ang paskua nga ng mga Judio ay malapit na : at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua , upang magsipaglinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Pinaghahanap nga nila si Jesus , at pinaguusapan ng isa&apos;t isa , samantalang nangakatayo sila sa templo , Anong akala ninyo ? Na hindi na kaya siya paririto sa pista ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos , na , kung ang sinomang tao&apos;y nakakaalam ng kung saan siya naroroon , ay dapat niyang ihayag , upang kanilang madakip siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania , na kinaroroonan ni Lazaro , na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya&apos;t iginawa siya doon ng isang hapunan : at si Marta ay naglilingkod ; datapuwa&apos;t si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Maria nga&apos;y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo , na totoong mahalaga , at pinahiran ang mga paa ni Jesus , at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok : at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t si Judas Iscariote , na isa sa kaniyang mga alagad , na sa kaniya&apos;y magkakanulo , ay nagsabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario , at ibigay sa mga dukha ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ito&apos;y sinabi nga niya , hindi sapagka&apos;t ipinagmalasakit niya ang mga dukha ; kundi sapagka&apos;t siya&apos;y magnanakaw , at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinabi nga ni Jesus , Pabayaan ninyong ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang mga dukha ay laging nasa inyo ; nguni&apos;t ako&apos;y hindi laging nasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya&apos;y naroroon : at sila&apos;y nagsiparoon , hindi dahil kay Jesus lamang , kundi upang makita nila si Lazaro naman , na muling ibinangon niya mula sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t dahil sa kaniya&apos;y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista , pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma , at nagsilabas na sumalubong sa kaniya , na nagsisigawan , Hosanna : Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y ang Hari ng Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Jesus , pagkasumpong sa isang batang asno , ay sumakay doon , gaya ng nasusulat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag kang matakot , anak na babae ng Sion : narito , ang iyong Hari ay pumaparito , na nakasakay sa isang anak ng asno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga bagay na ito ay hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula : nguni&apos;t nang si Jesus ay maluwalhati na , ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya , at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan , at siya&apos;y ibangon sa mga patay , ay siyang nangagpapatotoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya , sapagka&apos;t nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga Fariseo nga&apos;y nangagsangusapan , Tingnan ninyo kung paanong kayo&apos;y walang anomang ikapanaig ; narito , ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mayroon ngang ilang Griego sa nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mga ito nga&apos;y nagsilapit kay Felipe , na taga Betsaida ng Galilea , at nagsipamanhik sa kaniya , na sinasabi , Ginoo , ibig sana naming makita si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres : lumapit si Andres , at si Felipe , at kanilang sinabi kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sinagot sila ni Jesus , na nagsasabi , Dumating na ang oras , na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay , ay natitira siyang magiisa ; nguni&apos;t kung mamatay , ay nagbubunga ng marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito ; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung ang sinomang tao&apos;y naglilingkod sa akin , ay sumunod sa akin ; at kung saan ako naroroon , ay doon naman doroon ang lingkod ko : kung ang sinomang tao&apos;y maglingkod sa akin , ay siya&apos;y pararangalan ng Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa ; at ano ang aking sasabihin ? Ama , iligtas mo ako sa oras na ito . Nguni&apos;t dahil dito ay naparito ako sa oras na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ama , luwalhatiin mo ang iyong pangalan . Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit , na nagsasabi , Niluwalhati ko na , at muli kong luluwalhatiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang karamihan ngang nangaroroon , at nangakarinig , ay nagsipagsabing kumulog : sinabi ng mga iba , Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sumagot si Jesus at sinabi , Ang tinig na ito&apos;y hindi dumating dahil sa akin , kundi dahil sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito : ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ako , kung ako&apos;y mataas na mula sa lupa , ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t ito&apos;y sinabi niya , na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sinagot nga siya ng karamihan , Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man : at paanong sinasabi mo , Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas ? sino ang Anak ng taong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw . Kayo&apos;y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw , upang huwag kayong abutin ng kadiliman : at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Samantalang nasa inyo ang ilaw , ay magsisampalataya kayo sa ilaw , upang kayo&apos;y maging mga anak ng ilaw . Ang mga bagay na ito&apos;y sinalita ni Jesus , at siya&apos;y umalis at nagtago sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nguni&apos;t bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda , gayon ma&apos;y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Upang maganap ang salita ng propeta Isaias , na kaniyang sinalita , Panginoon , sino ang naniwala sa aming balita ? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Dahil dito&apos;y hindi sila makapaniwala , sapagka&apos;t muling sinabi ni Isaias ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Binulag niya ang kanilang mga mata , at pinatigas niya ang kanilang mga puso ; Baka sila&apos;y mangakakita ng kanilang mga mata , at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob , At sila&apos;y mapagaling ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Ang mga bagay na ito&apos;y sinabi ni Isaias , sapagka&apos;t nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian ; at siya&apos;y nagsalita ng tungkol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya ; datapuwa&apos;t dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag , baka sila&apos;y mapalayas sa sinagoga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Sapagka&apos;t iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At si Jesus ay sumigaw at nagsabi , Ang sumasampalataya sa akin , ay hindi sa akin sumasampalataya , kundi doon sa nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At ang nakakita sa akin , ay nakakita doon sa nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Ako&apos;y naparito na isang ilaw sa sanglibutan , upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">At kung ang sinomang tao&apos;y nakikinig sa aking mga pananalita , at hindi ingatan , ay hindi ko siya hinahatulan : sapagka&apos;t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan , kundi upang iligtas ang sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Ang nagtatakuwil sa akin , at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita , ay mayroong isang hahatol sa kaniya : ang salitang aking sinalita , ay siyang sa kaniya&apos;y hahatol sa huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Sapagka&apos;t ako&apos;y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili ; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo , ay siyang nagbigay sa akin ng utos , kung ano ang dapat kong sabihin , at kung ano ang dapat kong salitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan ; ang mga bagay nga na sinasalita ko , ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama , gayon ko sinasalita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bago nga magpista ng paskua , sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama , sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan , ay inibig niya sila hanggang sa katapusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At habang humahapon , nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote , na anak ni Simon , ang pagkakanulo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Jesus , sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay , at siya&apos;y nanggaling sa Dios , at sa Dios din paroroon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ay nagtindig sa paghapon , at itinabi ang kaniyang mga damit ; at siya&apos;y kumuha ng isang toalya , at ibinigkis sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nang magkagayo&apos;y nagsalin ng tubig sa kamaw , at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad , at kinuskos ng toalya na sa kaniya&apos;y nakabigkis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa gayo&apos;y lumapit siya kay Simon Pedro . Sinabi niya sa kaniya , Panginoon , huhugasan mo baga ang aking mga paa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sumagot si Jesus at sa kaniya&apos;y sinabi , Ang ginagawa ko&apos;y hindi mo nalalaman ngayon ; datapuwa&apos;t mauunawa mo pagkatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi sa kaniya ni Pedro , Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man . Sinagot siya ni Jesus , Kung hindi kita huhugasan , ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro , Panginoon , hindi ang aking mga paa lamang , kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa , sapagka&apos;t malinis nang lubos : at kayo&apos;y malilinis na , nguni&apos;t hindi ang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t nalalaman niya ang sa kaniya&apos;y magkakanulo ; kaya&apos;t sinabi niya , Hindi kayong lahat ay malilinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t nang mahugasan niya ang kanilang mga paa , at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo , ay sinabi niya sa kanila , Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Tinatawag ninyo akong Guro , at Panginoon : at mabuti ang inyong sinasabi ; sapagka&apos;t ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ako nga , na Panginoon at Guro , ay naghugas ng inyong mga paa , kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kayo&apos;y binigyan ko ng halimbawa , upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon ; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito , kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat : nalalaman ko ang aking mga hinirang : nguni&apos;t upang matupad ang kasulatan , Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari , upang , pagka nangyari , kayo&apos;y magsisampalataya na ako nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap ; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Nang masabing gayon ni Jesus , siya&apos;y nagulumihanan sa espiritu , at pinatotohanan , at sinabi , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ako&apos;y ipagkakanulo ng isa sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga alagad ay nangagtingintinginan , na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad , na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro , at sinabi sa kaniya , Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , sino yaon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sumagot nga si Jesus , Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga . Kaya&apos;t nang maisawsaw niya ang tinapay , ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas , na anak ni Simon Iscariote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At pagkatapos na maisubo , si Satanas nga ay pumasok sa kaniya . Sinabi nga sa kaniya ni Jesus , Ang ginagawa mo , ay gawin mong madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t iniisip ng ilan , na sapagka&apos;t si Judas ang may tangan ng supot , ay sinabi ni Jesus sa kaniya , Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista ; o , magbigay siya ng anoman sa mga dukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad : at noo&apos;y gabi na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nang siya nga&apos;y makalabas na , ay sinabi ni Jesus , Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao , at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At luluwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili , at pagdaka&apos;y luluwalhatiin siya niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Maliliit na anak , sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon . Ako&apos;y inyong hahanapin : at gaya ng sinabi ko sa mga Judio , Sa paroroonan ko , ay hindi kayo mangakaparoon : gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Isang bagong utos ang sa inyo&apos;y ibinibigay ko , na kayo&apos;y mangagibigan sa isa&apos;t isa : na kung paanong iniibig ko kayo , ay mangagibigan naman kayo sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sa ganito&apos;y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad , kung kayo&apos;y may pagibig sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro , Panginoon , saan ka paroroon ? Sumagot si Jesus , Sa paroroonan ko , ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon : nguni&apos;t pagkatapos ay makasusunod ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sinabi sa kaniya ni Pedro , Panginoon , bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon ? Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sumagot si Jesus . Ang buhay mo baga&apos;y iyong ibibigay dahil sa akin ? Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Hindi titilaok ang manok , hanggang ikaila mo akong makaitlo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag magulumihanan ang inyong puso : magsisampalataya kayo sa Dios , magsisampalataya naman kayo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan ; kung di gayon , ay sinabi ko sana sa inyo ; sapagka&apos;t ako&apos;y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung ako&apos;y pumaroon at kayo&apos;y maipaghanda ng kalalagyan , ay muling paririto ako , at kayo&apos;y tatanggapin ko sa aking sarili ; upang kung saan ako naroroon , kayo naman ay dumoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung saan ako paroroon , ay nalalaman ninyo ang daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinabi sa kaniya ni Tomas , Panginoon , hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon ; paano ngang malalaman namin ang daan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ako ang daan , at ang katotohanan , at ang buhay : sinoman ay di makaparoroon sa Ama , kundi sa pamamagitan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung ako&apos;y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama : buhat ngayon siya&apos;y inyong mangakikilala , at siya&apos;y inyong nakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sinabi sa kaniya ni Felipe , Panginoon , ipakita mo sa amin ang Ama , at sukat na ito sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Malaon nang panahong ako&apos;y inyong kasama , at hindi mo ako nakikilala , Felipe ? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama ; paanong sinasabi mo , Ipakita mo sa amin ang Ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Hindi ka baga nananampalataya na ako&apos;y nasa Ama , at ang Ama ay nasa akin ? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo&apos;y hindi ko sinasalita sa aking sarili : kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magsisampalataya kayo sa akin na ako&apos;y nasa Ama , at ang Ama ay nasa akin : o kungdi kaya&apos;y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sa akin ay sumasampalataya , ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa ; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya ; sapagka&apos;t ako&apos;y paroroon sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan , ay yaon ang aking gagawin , upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung kayo&apos;y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko , ay yaon ang aking gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ako&apos;y inyong iniibig , ay tutuparin ninyo ang aking mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ako&apos;y dadalangin sa Ama , at kayo&apos;y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw , upang siyang suma inyo magpakailan man ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa makatuwid baga&apos;y ang Espiritu ng katotohanan : na hindi matatanggap ng sanglibutan ; sapagka&apos;t hindi nito siya nakikita , ni nakikilala man siya : siya&apos;y nakikilala ninyo ; sapagka&apos;t siya&apos;y tumatahan sa inyo , at sasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hindi ko kayo iiwang magisa : ako&apos;y paririto sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaunti pang panahon , at hindi na ako makikita ng sanglibutan ; nguni&apos;t inyong makikita ako : sapagka&apos;t ako&apos;y nabubuhay , ay mangabubuhay rin naman kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa araw na yao&apos;y makikilala ninyong ako&apos;y nasa aking Ama , at kayo&apos;y nasa akin , at ako&apos;y nasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang mayroon ng aking mga utos , at tinutupad ang mga yaon , ay siyang umiibig sa akin : at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama , at siya&apos;y iibigin ko , at ako&apos;y magpapakahayag sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Si Judas ( hindi ang Iscariote ) ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , ano&apos;t mangyayari na sa amin ka magpapakahayag , at hindi sa sanglibutan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya , Kung ang sinoman ay umiibig sa akin , ay kaniyang tutuparin ang aking salita : at siya&apos;y iibigin ng aking Ama , at kami&apos;y pasasa kaniya , at siya&apos;y gagawin naming aming tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita : at ang salitang inyong narinig ay hindi akin , kundi sa Amang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga bagay na ito&apos;y sinalita ko sa inyo , samantalang ako&apos;y tumatahang kasama pa ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t ang Mangaaliw , sa makatuwid baga&apos;y ang Espiritu Santo , na susuguin ng Ama sa aking pangalan , siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay , at magpapaalaala ng lahat na sa inyo&apos;y aking sinabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo ; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo : hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan , ang ibinibigay ko sa inyo . Huwag magulumihanan ang inyong puso , ni matakot man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo , Papanaw ako , at paririto ako sa inyo . Kung ako&apos;y inyong iniibig , kayo&apos;y mangagagalak , dahil sa ako&apos;y pasasa Ama : sapagka&apos;t ang Ama ay lalong dakila kay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari , upang , kung ito&apos;y mangyari , ay magsisampalataya kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo , sapagka&apos;t dumarating ang prinsipe ng sanglibutan : at siya&apos;y walang anoman sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t upang maalaman ng sanglibutan na ako&apos;y umiibig sa Ama , at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama , ay gayon din ang aking ginagawa . Magsitindig kayo , at magsialis tayo rito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako ang tunay na puno ng ubas , at ang aking Ama ang magsasaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang bawa&apos;t sanga na sa akin ay hindi nagbubunga , ay inaalis niya : at ang bawa&apos;t sanga na nagbubunga ay nililinis niya , upang lalong magbunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kayo&apos;y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo&apos;y aking sinalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayo&apos;y manatili sa akin , at ako&apos;y sa inyo . Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno ; gayon din naman kayo , maliban na kayo&apos;y manatili sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako ang puno ng ubas , kayo ang mga sanga : Ang nananatili sa akin , at ako&apos;y sa kaniya , ay siyang nagbubunga ng marami : sapagka&apos;t kung kayo&apos;y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin , ay siya&apos;y matatapong katulad ng sanga , at matutuyo ; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy , at mangasusunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung kayo&apos;y magsipanatili sa akin , at ang mga salita ko&apos;y magsipanatili sa inyo , ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin , at gagawin sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa ganito&apos;y lumuluwalhati ang aking Ama , na kayo&apos;y magsipagbunga ng marami ; at gayon kayo&apos;y magiging aking mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung paanong inibig ako ng Ama , ay gayon din naman iniibig ko kayo : magsipanatili kayo sa aking pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos , ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig ; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama , at ako&apos;y nananatili sa kaniyang pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo , upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo , at upang ang inyong kagalakan ay malubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ito ang aking utos , na kayo&apos;y mangagibigan sa isa&apos;t isa , na gaya ng pagibig ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito , na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo&apos;y aking mga kaibigan , kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin ; sapagka&apos;t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon : nguni&apos;t tinatawag ko kayong mga kaibigan ; sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y hindi ninyo hinirang , nguni&apos;t kayo&apos;y hinirang ko , at aking kayong inihalal , upang kayo&apos;y magsiyaon at magsipagbunga , at upang manatili ang inyong bunga : upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan , ay maibigay niya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo , upang kayo&apos;y mangagibigan sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung kayo&apos;y kinapopootan ng sanglibutan , ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung kayo&apos;y taga sanglibutan , ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili : nguni&apos;t sapagka&apos;t kayo&apos;y hindi taga sanglibutan , kundi kayo&apos;y hinirang ko sa sanglibutan , kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo&apos;y aking sinabi , Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon . Kung ako&apos;y kanilang pinagusig , kayo man ay kanilang paguusigin din ; kung tinupad nila ang aking salita , ang inyo man ay tutuparin din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan , sapagka&apos;t hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila , ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan : datapuwa&apos;t ngayo&apos;y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung ako sana&apos;y hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba , ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan : datapuwa&apos;t ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t nangyari ito , upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan , Ako&apos;y kinapootan nila na walang kadahilanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t pagparito ng Mangaaliw , na aking susuguin sa inyo mula sa Ama , sa makatuwid baga&apos;y ang Espiritu ng katotohanan , na nagbubuhat sa Ama , ay siyang magpapatotoo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kayo naman ay magpapatotoo , sapagka&apos;t kayo&apos;y nangakasama ko buhat pa nang una .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga bagay na ito&apos;y aking sinalita sa inyo , upang kayo&apos;y huwag mangatisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo&apos;y palalayasin nila sa mga sinagoga : oo , dumarating ang oras , na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang mga bagay na ito&apos;y gagawin nila , sapagka&apos;t hindi nila nakikilala ang Ama , ni ako man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t ang mga bagay na ito&apos;y sinalita ko sa inyo , upang kung dumating ang kanilang oras , ay inyong mangaalaala , kung paanong sinabi ko sa inyo . At ang mga bagay na ito&apos;y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una , sapagka&apos;t ako&apos;y sumasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ngayong ako&apos;y paroroon sa nagsugo sa akin ; at sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin , Saan ka paroroon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t sapagka&apos;t sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo , ay napuno ng kalumbayan ang inyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan : Nararapat sa inyo na ako&apos;y yumaon ; sapagka&apos;t kung hindi ako yayaon , ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo ; nguni&apos;t kung ako&apos;y yumaon , siya&apos;y susuguin ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya , pagparito niya , ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan , at sa katuwiran , at sa paghatol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tungkol sa kasalanan , sapagka&apos;t hindi sila nagsisampalataya sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tungkol sa katuwiran , sapagka&apos;t ako&apos;y paroroon sa Ama , at hindi na ninyo ako makikita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tungkol sa paghatol , sapagka&apos;t ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin , nguni&apos;t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gayon ma&apos;y kung siya , ang Espiritu ng katotohanan ay dumating , ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan : sapagka&apos;t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili ; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig , ang mga ito ang kaniyang sasalitain : at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Luluwalhatiin niya ako : sapagka&apos;t kukuha siya sa nasa akin , at sa inyo&apos;y ipahahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin : kaya sinabi ko , na siya&apos;y kukuha sa nasa akin , at sa inyo&apos;y ipahahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sangdali na lamang , at ako&apos;y hindi na ninyo makikita ; at muling sandali pa , at ako&apos;y inyong makikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan , Ano itong sinasabi niya sa atin , Sangdali na lamang , at ako&apos;y hindi na ninyo makikita ; at muling sangdali pa , at ako&apos;y inyong makikita : at , Sapagka&apos;t ako&apos;y paroroon sa Ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinabi nga nila , Ano nga itong sinasabi niya , Sangdali na lamang ? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Natalastas ni Jesus na sa kaniya&apos;y ibig nilang itanong , at sa kanila&apos;y sinabi niya , Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi , Sangdali na lamang , at ako&apos;y hindi na ninyo makikita , at muling sangdali pa , at ako&apos;y inyong makikita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , na kayo&apos;y magsisiiyak at magsisipanaghoy , datapuwa&apos;t ang sanglibutan ay magagalak : kayo&apos;y mangalulumbay , datapuwa&apos;t ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay , sapagka&apos;t dumating ang kaniyang oras : nguni&apos;t pagkapanganak niya sa sanggol , ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan : nguni&apos;t muli ko kayong makikita , at magagalak ang inyong puso , at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung kayo&apos;y hihingi ng anoman sa Ama , ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hanggang ngayo&apos;y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko : kayo&apos;y magsihingi , at kayo&apos;y tatanggap , upang malubos ang inyong kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita : darating ang oras , na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita , kundi maliwanag na sa inyo&apos;y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa araw na yao&apos;y magsisihingi kayo sa aking pangalan : at sa inyo&apos;y hindi ko sinasabi , na kayo&apos;y idadalangin ko sa Ama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ang Ama rin ang umiibig sa inyo , sapagka&apos;t ako&apos;y inyong inibig , at kayo&apos;y nagsisampalataya na ako&apos;y nagbuhat sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nagbuhat ako sa Ama , at naparito ako sa sanglibutan : muling iniiwan ko ang sanglibutan , at ako&apos;y paroroon sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sinasabi ng kaniyang mga alagad , Narito , ngayo&apos;y nagsasalita kang malinaw , at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay , at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman : dahil dito&apos;y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sinagot sila ni Jesus , Ngayon baga&apos;y nagsisisampalataya kayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Narito , ang oras ay dumarating , oo , dumating na , na kayo&apos;y mangangalat , ang bawa&apos;t tao sa kanikaniyang sarili , at ako&apos;y iiwan ninyong magisa : at gayon ma&apos;y hindi ako nagiisa , sapagka&apos;t ang Ama ay sumasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo , upang kayo&apos;y magkaroon sa akin ng kapayapaan . Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian : nguni&apos;t laksan ninyo ang loob ; aking dinaig ang sanglibutan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus ; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit , ay sinabi niya , Ama , dumating na ang oras ; luwalhatiin mo ang iyong Anak , upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman , upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ito ang buhay na walang hanggan , na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay , at siyang iyong sinugo , sa makatuwid baga&apos;y si Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Niluwalhati kita sa lupa , pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ngayon , Ama , luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan : sila&apos;y iyo , at sila&apos;y ibinigay mo sa akin ; at tinupad nila ang iyong salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila ; at kanilang tinanggap , at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo , at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Idinadalangin ko sila : hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko , kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo ; sapagka&apos;t sila&apos;y iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang lahat ng mga bagay ay iyo , at ang mga iyo ay akin : at ako&apos;y lumuluwalhati sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At wala na ako sa sanglibutan , at ang mga ito ay nasa sanglibutan , at ako&apos;y paririyan sa iyo . Amang Banal , ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin , upang sila&apos;y maging isa , na gaya naman natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Samantalang ako&apos;y sumasa kanila , ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin : at sila&apos;y binantayan ko , at isa man sa kanila&apos;y walang napahamak , kundi ang anak ng kapahamakan ; upang matupad ang kasulatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t ngayon ay napaririyan ako sa iyo ; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan , upang sila&apos;y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita : at kinapootan sila ng sanglibutan , sapagka&apos;t hindi sila taga sanglibutan , gaya ko naman na hindi taga sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan , kundi ingatan mo sila mula sa masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hindi sila taga sanglibutan , na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Pakabanalin mo sila sa katotohanan : ang salita mo&apos;y katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung paanong ako&apos;y iyong sinugo sa sanglibutan , sila&apos;y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At dahil sa kanila&apos;y pinabanal ko ang aking sarili , upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Hindi lamang sila ang idinadalangin ko , kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang silang lahat ay maging isa ; na gaya mo , Ama , sa akin , at ako&apos;y sa iyo , na sila nama&apos;y suma atin : upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako&apos;y sinugo mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang kaluwalhatiang sa aki&apos;y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila ; upang sila&apos;y maging isa , na gaya naman natin na iisa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ako&apos;y sa kanila , at ikaw ay sa akin , upang sila&apos;y malubos sa pagkakaisa ; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo , at sila&apos;y iyong inibig , na gaya ko na inibig mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ama , yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon , sila naman ay dumoong kasama ko , upang makita nila ang kaluwalhatian ko , na ibinigay mo sa akin : sapagka&apos;t ako&apos;y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Oh Amang banal , hindi ka nakikilala ng sanglibutan , nguni&apos;t nakikilala kita ; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan , at ipakikilala ko ; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila , at ako&apos;y sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang masalita ni Jesus ang mga salitang ito , siya&apos;y umalis na kasama ng kaniyang mga alagad na nagsitawid ng batis ng Cedron , na doo&apos;y may isang halamanan , na pinasok niya at ng kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Si Judas nga rin naman , na sa kaniya&apos;y nagkanulo , ay nalalaman ang dako : sapagka&apos;t madalas na si Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Si Judas nga , pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal , at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo , ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Jesus nga , na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya , ay lumabas , at sa kanila&apos;y sinabi , Sino ang inyong hinahanap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinagot niya sila , Si Jesus na taga Nazaret . Sinabi sa kanila ni Jesus , Ako nga . At si Judas din naman , na sa kaniya&apos;y nagkanulo , ay nakatayong kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagkasabi nga niya sa kanila , Ako nga , ay nagsiurong sila , at nangalugmok sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Muli ngang sila&apos;y tinanong niya , Sino ang inyong hinahanap ? At sinabi nila , Si Jesus na taga Nazaret .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sumagot si Jesus , Sinabi ko sa inyo na ako nga ; kung ako nga ang inyong hinahanap , ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Upang matupad ang salitang sinalita niya , Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito , at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote , at tinagpas ang kaniyang kanang tainga . Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinabi nga ni Jesus kay Pedro , Isalong mo ang iyong tabak : ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama , ay hindi ko baga iinuman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya dinakip si Jesus ng pulutong at ng pangulong kapitan , at ng mga punong kawal ng mga Judio , at siya&apos;y ginapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y dinala muna kay Anas ; sapagka&apos;t siya&apos;y biyenan ni Caifas , na dakilang saserdote nang taong yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Caifas nga na siyang nagpayo sa mga Judio , na dapat na ang isang tao&apos;y mamatay dahil sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sumunod si Simon Pedro kay Jesus , at gayon din ang isa pang alagad . Ang alagad ngang yaon ay kilala ng dakilang saserdote , at pumasok na kasama ni Jesus sa looban ng dakilang saserdote ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t si Pedro ay nakatayo sa pintuan sa labas . Kaya&apos;t ang isang alagad , na kilala ng dakilang saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tanod-pinto , at ipinasok si Pedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sinabi nga kay Pedro ng dalagang tanod-pinto , Pati baga ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito ? Sinabi niya , Ako&apos;y hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nangakatayo nga doon ang mga alipin at ang mga punong kawal , na nangagpapaningas ng sigang uling ; sapagka&apos;t maginaw ; at sila&apos;y nangagpapainit : at si Pedro rin naman ay kasama nila , na nakatayo at nagpapainit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tinanong nga ng dakilang saserdote si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad , at sa kaniyang pagtuturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sinagot siya ni Jesus , Ako&apos;y hayag na nagsalita sa sanglibutan ; ako&apos;y laging nagtuturo sa mga sinagoga , at sa templo , na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio ; at wala akong sinalita sa lihim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Bakit ako&apos;y iyong tinatanong ? tanungin mo silang nangakarinig sa akin , kung anong sinalita ko sa kanila : narito , ang mga ito ang nangakakaalam ng mga bagay na sinabi ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang kaniyang masabi ito , ay sinampal si Jesus ng isa sa mga punong kawal na nakatayo roon , na nagsasabi , Ganyan ang pagsagot mo sa dakilang saserdote ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinagot siya ni Jesus , Kung ako&apos;y nagsalita ng masama , patotohanan mo ang kasamaan ; datapuwa&apos;t kung mabuti , bakit mo ako sinasampal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ipinadala nga siyang gapos ni Anas kay Caifas na dakilang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nakatayo nga si Pedro na nagpapainit . Sinabi nga nila sa kaniya , Ikaw baga ay isa rin naman sa kaniyang mga alagad ? Siya&apos;y kumaila , at sinabi , Ako&apos;y hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang isa sa mga alipin ng dakilang saserdote , na kamaganak niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga , ay nagsabi , Hindi baga ikaw ay nakita kong kasama niya sa halamanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Muli ngang kumaila si Pedro : at pagdaka&apos;y tumilaok ang manok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa Pretorio : at niyao&apos;y maaga pa ; at sila&apos;y hindi nagsipasok sa Pretorio , upang huwag silang madungisan , upang sila&apos;y mangyaring makakain ng kordero ng paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nilabas nga sila ni Pilato , at sinabi , Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sila&apos;y nagsisagot at sinabi sa kaniya , Kung ang taong ito&apos;y hindi manggagawa ng masama , ay hindi sana namin dinala sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa kanila nga&apos;y sinabi ni Pilato , Kunin ninyo siya , at siya&apos;y inyong hatulan ayon sa inyong kautusan . Ang mga Judio&apos;y nangagsabi sa kaniya , Sa amin ay hindi naaayon sa kautusan na magpapatay ng sinomang tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Upang matupad ang salitang sinalita ni Jesus , na ipinaalam kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Si Pilato nga&apos;y muling pumasok sa Pretorio , at tinawag si Jesus , at sa kaniya&apos;y sinabi , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sumagot si Jesus , Sinasabi mo baga ito sa iyong sarili , o sinabi sa iyo ng mga iba tungkol sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Si Pilato ay sumagot , Ako baga&apos;y Judio ? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo&apos;y nagdala sa akin : anong ginawa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sumagot si Jesus , Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito : kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito , ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka , upang ako&apos;y huwag maibigay sa mga Judio : nguni&apos;t ngayo&apos;y ang aking kaharian ay hindi rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sinabi nga sa kaniya ni Pilato , Ikaw nga baga&apos;y hari ? Sumagot si Jesus , Ikaw ang nagsasabing ako&apos;y hari . Ako&apos;y ipinanganak dahil dito , dahil dito ako naparito sa sanglibutan , upang bigyang patotoo ang katotohanan . Ang bawa&apos;t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sinabi sa kaniya ni Pilato , Ano ang katotohanan ? At nang masabi niya ito ay lumabas siyang muli sa mga Judio , at sa kanila&apos;y sinabi , Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Nguni&apos;t kayo&apos;y may ugali , na pawalan sa inyo ang isa sa paskua : ibig nga baga ninyong sa inyo&apos;y pawalan ko ang Hari ng mga Judio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sila nga&apos;y nagsigawang muli , na nangagsasabi , Huwag ang taong ito , kundi si Barrabas . Si Barrabas nga&apos;y isang tulisan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang magkagayon nga&apos;y tinangnan ni Pilato si Jesus , at siya&apos;y hinampas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik , at ipinutong sa kaniyang ulo , at siya&apos;y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nagsilapit sa kaniya , at nangagsabi , Magalak , Hari ng mga Judio ! at siya&apos;y kanilang pinagsuntukanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At si Pilato ay lumabas na muli , at sa kanila&apos;y sinabi , Narito , siya&apos;y inilabas ko sa inyo , upang inyong matalastas na wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Lumabas nga si Jesus , na may putong na tinik at balabal na kulay-ube . Sa kanila&apos;y sinabi ni Pilato , Narito , ang tao !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal , ay sila&apos;y nangagsigawan , na sinasabi , Ipako siya sa krus , ipako siya sa krus ! Sinabi sa kanila ni Pilato , Kunin ninyo siya , at ipako ninyo siya sa krus : sapagka&apos;t ako&apos;y walang masumpungang kasalanan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio , Kami&apos;y mayroong isang kautusan , at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay , sapagka&apos;t siya&apos;y nagpapanggap na Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito , ay lalong sinidlan siya ng takot ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y muling pumasok sa Pretorio , at sinabi kay Jesus , Taga saan ka ? Nguni&apos;t hindi siya sinagot ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinabi nga sa kaniya ni Pilato , Sa akin ay hindi ka nagsasalita ? Hindi mo baga nalalaman na ako&apos;y may kapangyarihang sa iyo&apos;y magpawala , at may kapangyarihang sa iyo&apos;y magpako sa krus ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sumagot si Jesus sa kaniya , Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito&apos;y ibinigay sa iyo mula sa itaas : kaya&apos;t ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Dahil dito&apos;y pinagsisikapan ni Pilato na siya&apos;y pawalan : nguni&apos;t ang mga Judio ay nagsisigawan , na nangagsasabi , Kung pawalan mo ang taong ito , ay hindi ka kaibigan ni Cesar : ang bawa&apos;t isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito , ay inilabas niya si Jesus , at siya&apos;y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento , datapuwa&apos;t sa Hebreo ay Gabbatha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Noon nga&apos;y Paghahanda ng paskua : at noo&apos;y magiikaanim ng oras . At sinabi niya sa mga Judio , Narito , ang inyong Hari !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sila nga&apos;y nagsigawan , Alisin siya , alisin siya , ipako siya sa krus ! Sinabi sa kanila ni Pilato , Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari ? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote , Wala kaming hari kundi si Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nang magkagayon nga&apos;y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kinuha nga nila si Jesus : at siya&apos;y lumabas , na pasan niya ang krus , hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo , na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na doo&apos;y ipinako nila siya sa krus , at kasama niya ang dalawa pa , isa sa bawa&apos;t tagiliran , at si Jesus sa gitna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sumulat din naman si Pilato ng isang pamagat , at inilagay sa ulunan ng krus . At ang nasusulat ay , JESUS NA TAGA NAZARET , ANG HARI NG MGA JUDIO .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito , sapagka&apos;t ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan ; at ito&apos;y nasusulat sa Hebreo , at sa Latin , at sa Griego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio , Huwag mong isulat , Ang Hari ng mga Judio ; kundi , ang kanyang sinabi , Hari ako ng mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sumagot si Pilato , Ang naisulat ko ay naisulat ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga kawal nga , nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus , ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi , sa bawa&apos;t kawal ay isang bahagi ; at gayon din naman ang tunika : at ang tunika ay walang tahi , na hinabing buo mula sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nangagsangusapan nga sila , Huwag natin itong punitin , kundi ating pagsapalaranan , kung mapapakanino : upang matupad ang kasulatan , na nagsasabi , Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan , At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal . Datapuwa&apos;t nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina , at ang kapatid ng kaniyang ina , na si Maria na asawa ni Cleopas , at si Maria Magdalena .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina , at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig , ay sinabi niya sa kaniyang ina , Babae , narito , ang iyong anak !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya sa alagad , Narito , ang iyong ina ! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Pagkatapos nito , pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga , upang matupad ang kasulatan , ay sinabi , Nauuhaw ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka : kaya&apos;t naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo , at kanilang inilagay sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Nang matanggap nga ni Jesus ang suka , ay sinabi niya , Naganap na : at iniyukayok ang kaniyang ulo , at nalagot ang kaniyang hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang mga Judio nga , sapagka&apos;t noo&apos;y Paghahanda , upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath ( sapagka&apos;t dakila ang araw ng sabbath na yaon ) , ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita , at upang sila&apos;y mangaalis doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nagsiparoon na ang mga kawal , at inumog ang mga hita ng una , at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nguni&apos;t nang magsiparoon sila kay Jesus , at makitang siya&apos;y patay na , ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gayon ma&apos;y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal , at pagdaka&apos;y lumabas ang dugo at tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang nakakita ay nagpatotoo , at ang kaniyang patotoo ay totoo : at nalalaman niyang siya&apos;y nagsasabi ng totoo , upang kayo naman ay magsisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t ang mga bagay na ito ay nangyari , upang matupad ang kasulatan , Ni isa mang buto niya&apos;y hindi mababali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi naman sa ibang kasulatan , Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea , palibhasa&apos;y alagad ni Jesus , bagama&apos;t lihim dahil sa katakutan sa mga Judio , ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus ; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya . Naparoon nga siya , at inalis ang kaniyang bangkay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At naparoon naman si Nicodemo , yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi , na may dalang isang pinaghalong mirra at mga aloe , na may mga isang daang libra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus , at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango , ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan ; at sa halamana&apos;y may isang bagong libingan na kailan ma&apos;y hindi pa napaglalagyan ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Doon nga , dahil sa Paghahanda ng mga Judio ( sapagka&apos;t malapit ang libingan ) ay kanilang inilagay si Jesus .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena , samantalang madilim pa , at nakita ang bato na naalis na sa libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tumakbo nga siya , at naparoon kay Simon Pedro , at sa isang alagad na iniibig ni Jesus , at sa kanila&apos;y sinabi , Kinuha nila sa libingan ang Panginoon , at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Umalis nga si Pedro , at ang isang alagad , at nagsitungo sa libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y kapuwa tumakbong magkasama : at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro , at dumating na una sa libingan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob , ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino ; gayon ma&apos;y hindi siya pumasok sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dumating naman nga si Simon Pedro , na sumusunod sa kaniya , at pumasok sa libingan ; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang panyo na nasa kaniyang ulo , ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino , kundi bukod na natitiklop sa isang tabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y pumasok din naman nga ang isang alagad , na unang dumating sa libingan , at siya&apos;y nakakita at sumampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan , na kinakailangang siya&apos;y muling magbangon sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na umiiyak : sa gayon , samantalang siya&apos;y umiiyak , siya&apos;y yumuko at tumingin sa loob ng libingan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo , ang isa&apos;y sa ulunan , at ang isa&apos;y sa paanan , ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sinabi nila sa kaniya , Babae , bakit ka umiiyak ? Sinabi niya sa kanila , Sapagka&apos;t kinuha nila ang aking Panginoon , at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagkasabi niya ng gayon , siya&apos;y lumingon , at nakitang nakatayo si Jesus , at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Babae , bakit ka umiiyak ? sino ang iyong hinahanap ? Siya , sa pagaakalang yao&apos;y maghahalaman , ay nagsabi sa kaniya , Ginoo , kung ikaw ang kumuha sa kaniya , ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay , at akin siyang kukunin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Maria . Lumingon siya , at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo , Raboni ; na ang ibig sabihin ay , Guro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Huwag mo akong hipuin ; sapagka&apos;t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama , nguni&apos;t pumaroon ka sa aking mga kapatid , at sabihin mo sa kanila , Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama , at aking Dios at inyong Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad , Nakita ko ang Panginoon ; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nang kinahapunan nga , nang araw na yaon , na unang araw ng sanglinggo , at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad , dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna , at sa kanila&apos;y sinabi , Kapayapaan ang sumainyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang masabi niya ito , ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran . Ang mga alagad nga&apos;y nangagalak , nang makita nila ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus , Kapayapaan ang sumainyo : kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama , ay gayon din naman sinusugo ko kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang masabi niya ito , sila&apos;y hiningahan niya , at sa kanila&apos;y sinabi , Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan , ay ipinatatawad sa kanila ; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan , ay hindi pinatatawad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t si Tomas , isa sa labingdalawa , na tinatawag na Didimo , ay wala sa kanila nang dumating si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad , Nakita namin ang Panginoon . Nguni&apos;t sinabi niya sa kanila , Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako , at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako , at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran , ay hindi ako sasampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad , at kasama nila si Tomas . Dumating si Jesus , nang nangapipinid ang mga pinto , at tumayo sa gitna , at sinabi , Kapayapaan ang sumainyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang magkagayo&apos;y sinabi niya kay Tomas , idaiti mo rito ang iyong daliri , at tingnan mo ang aking mga kamay ; at idaiti mo rito ang iyong kamay , at isuot mo siya sa aking tagiliran : at huwag kang di mapanampalatayahin , kundi mapanampalatayahin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sumagot si Tomas , at sa kaniya&apos;y sinabi , Panginoon ko at Dios ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Sapagka&apos;t ako&apos;y nakita mo ay sumampalataya ka : mapapalad yaong hindi nangakakita , at gayon ma&apos;y nagsisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gumawa rin nga si Jesus ng iba&apos;t ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad , na hindi nangasusulat sa aklat na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Nguni&apos;t ang mga ito ay nangasulat , upang kayo&apos;y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo , ang Anak ng Dios ; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias ; at siya&apos;y napakita sa ganitong paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Samasama nga si Simon Pedro , at si Tomas na tinatawag na Didimo , at si Natanael na taga Cana ng Galilea , at ang mga anak ni Zebedeo , at dalawa pa sa kaniyang mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sinabi sa kanila ni Simon Pedro , Mangingisda ako . Sinabi nila sa kaniya , Kami man ay magsisisama sa iyo . Sila&apos;y nagsiyaon , at nagsilulan sa daong ; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t nang nagbubukang liwayway na , si Jesus ay tumayo sa baybayin : gayon ma&apos;y hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa kanila nga&apos;y sinabi ni Jesus , Mga anak , mayroon baga kayong anomang makakain ? Nagsisagot sila sa kaniya , Wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kaniyang sinabi sa kanila , Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong , at makakasumpong kayo . Inihulog nga nila , at hindi na nila mahila dahil sa karamihan ng mga isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Yaong alagad nga na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro , Ang Panginoon nga . Kaya&apos;t pagkarinig nga ni Simon Pedro na yao&apos;y ang Panginoon , ay nagbigkis siya ng kaniyang tunika ( sapagka&apos;t siya&apos;y hubo&apos;t hubad ) , at tumalon sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang ibang mga alagad ay nagsilapit sa maliit na daong ( sapagka&apos;t sila&apos;y hindi lubhang malayo sa lupa , kundi may mga dalawangdaang siko ) , na hinihila ang lambat na puno ng mga isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t nang sila&apos;y magsilunsad sa lupa , ay nakakita sila doon ng mga bagang uling , at isda ang nakalagay sa ibabaw , at tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sinabi sa kanila ni Jesus , Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Umahon nga si Simon Pedro , at hinila ang lambat sa lupa , puno ng malalaking isda , na isang daan at limangpu at tatlo , at sa ganoong karami ay hindi napunit ang lambat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi sa kanila ni Jesus , Magsiparito kayo at mangagpawing gutom . At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya&apos;y tanungin , Sino ka ? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Lumapit si Jesus , at dinampot ang tinapay , at sa kanila&apos;y ibinigay , at gayon din ang isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ito&apos;y ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad , pagkatapos na siya&apos;y magbangon sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t nang mangakapagpawing gutom sila , ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro , Simon , anak ni Juan , iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito ? Sinabi niya sa kaniya , Oo , Panginoon ; nalalaman mo na kita&apos;y iniibig . Sinabi niya sa kaniya , Pakanin mo ang aking mga kordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa , Simon anak ni Juan , Iniibig mo baga ako ? Sinabi niya sa kaniya , Oo , Panginoon ; nalalaman mo na kita&apos;y iniibig . Sinabi niya sa kaniya , Alagaan mo ang aking mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo , Simon , anak ni Juan , Iniibig mo baga ako ? Nalumbay si Pedro sapagka&apos;t sa kaniya&apos;y sinabing makaitlo , Iniibig mo baga ako ? At sinabi niya sa kaniya , Panginoon , nalalaman mo ang lahat ng mga bagay ; nalalaman mo na kita&apos;y iniibig . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Pakanin mo ang aking mga tupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Nang ikaw ay bata pa , ikaw ay nagbibihis , at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig ; nguni&apos;t pagtanda mo&apos;y iuunat mo ang iyong mga kamay , at bibigkisan ka ng iba , at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ito nga&apos;y sinalita niya , na ipinaalam kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios . At pagkasalita niya nito , ay sinabi niya sa kaniya , Sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Si Pedro , paglingon , ay nakita yaong alagad na iniibig ni Jesus na sumusunod ; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon , at nagsabi , Panginoon , sino ang sa iyo&apos;y magkakanulo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus , Panginoon , at ano ang gagawin ng taong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung ibig kong siya&apos;y manatili hanggang sa ako&apos;y pumarito , ay ano nga sa iyo ? sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid , na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay : gayon ma&apos;y hindi sinabi ni Jesus , sa kaniya na hindi siya mamamatay ; kundi , Kung ibig kong siya&apos;y manatili hanggang sa ako&apos;y pumarito , ay ano nga sa iyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito , at sumulat ng mga bagay na ito ; at nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At mayroon ding iba&apos;t ibang mga bagay na ginawa si Jesus , na kung susulating isa-isa , ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "44">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang unang kasaysayan na ginawa ko , Oh Teofilo , ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan , pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo , sa mga apostol na kaniyang hinirang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na sa kanila nama&apos;y napakita rin siyang buhay , sa pamamagitan ng maraming mga katunayan , pagkatapos na siya&apos;y makapaghirap , na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw , at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At , palibhasa&apos;y nakikipagpulong sa kanila , ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem , kundi hintayin ang pangako ng Ama , na sinabi niyang narinig ninyo sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig ; datapuwa&apos;t kayo&apos;y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tinanong nga siya nila nang sila&apos;y nangagkakatipon , na nangagsasabi , Panginoon , isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi niya sa kanila , Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon , na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan , pagdating sa inyo ng Espiritu Santo : at kayo&apos;y magiging mga saksi ko sa Jerusalem , at sa buong Judea at Samaria , at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagkasabi niya ng mga bagay na ito , nang siya&apos;y tinitingnan nila , ay dinala siya sa itaas ; at siya&apos;y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya&apos;y lumalayo , narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na nangagsabi naman , Kayong mga lalaking taga Galilea , bakit kayo&apos;y nangakatayong tumitingin sa langit ? itong si Jesus , na tinanggap sa langit mula sa inyo , ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo , na malapit sa Jerusalem , na isang araw ng sabbath lakarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang sila&apos;y magsipasok sa bayan , ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas , na kinatitirahan nila ; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres , ni Felipe at ni Tomas , ni Bartolome at ni Mateo , ni Santiago na anak ni Alfeo , at ni Simong Masikap , at ni Judas na anak ni Santiago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang lahat ng mga ito&apos;y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae , at si Maria na ina ni Jesus , at pati ng mga kapatid niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang mga araw na ito&apos;y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid , at nagsabi ( at nangagkakatipon ang karamihang mga tao , na may isang daa&apos;t dalawangpu ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mga kapatid , kinakailangang matupad ang kasulatan , na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo , sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas , na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t siya&apos;y ibinilang sa atin , at siya&apos;y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan ; at sa pagpapatihulog ng patiwarik , ay pumutok siya sa gitna , at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ito&apos;y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem ; ano pa&apos;t tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama , sa makatuwid baga&apos;y , Ang parang ng Dugo . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t nasusulat sa aklat ng Mga Awit , Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan , At huwag bayaang manahan doon ang sinoman ; at , Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Magmula sa pagbautismo ni Juan , hanggang sa araw na siya&apos;y tanggapin sa itaas mula sa atin , ay nararapat na ang isa sa mga ito&apos;y maging saksi na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kanilang ibinukod ang dalawa , si Jose na tinatawag na Barsabas , na pinamagatang Justo , at si Matias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila&apos;y nagsipanalangin , at nagsipagsabi , Ikaw , Panginoon , na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao , ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas , upang siya&apos;y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y pinagsapalaran nila ; at nagkapalad si Matias ; at siya&apos;y ibinilang sa labingisang apostol .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes , silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas , at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa kanila&apos;y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy , na nagkabahabahagi ; at dumapo sa bawa&apos;t isa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo , at nangagpasimulang magsalita ng iba&apos;t ibang wika , ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio , mga lalaking religioso , na buhat sa bawa&apos;t bansa sa ilalim ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang marinig ang ugong na ito , ay nangagkatipon ang karamihan , at nangamaang , sapagka&apos;t sa kanila&apos;y narinig ng bawa&apos;t isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas , na nangagsasabi , Narito , hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bakit nga naririnig ng bawa&apos;t isa sa atin , ang ating sariling wikang kinamulatan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tayong mga Parto , at mga Medo , at mga Elamita , at ang nangananahan sa Mesapotamia , sa Judea , at sa Capadocia , sa Ponto at sa Asia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa Frigia at Pamfilia , sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma , mga Judio , at gayon din ang mga naging Judio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga Cretense at mga Arabe , ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At silang lahat ay nangagtaka at nangalito , na sinasabi ng isa sa isa , Anong kahulugan nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang mga iba&apos;y nanganglilibak na nangagsabi , Sila&apos;y puno ng bagong alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa , ay itinaas ang kaniyang tinig , at sa kanila&apos;y nagsaysay , na sinasabing , Kayong mga lalaking taga Judea , at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem , mangaalaman nawa ninyong lahat ito , at inyong pakinggan ang aking mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang mga ito&apos;y hindi mga lasing , na gaya ng inyong inaakala ; yamang ngayo&apos;y oras na ikatlo lamang ng araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t ito&apos;y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mangyayari sa mga huling araw , sabi ng Dios , Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman : At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula , At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain , Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oo&apos;t sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae , sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu ; at magsisipanghula sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas , At mga tanda sa lupa sa ibaba , Dugo , at apoy , at singaw ng usok :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang araw ay magiging kadiliman , At ang buwan ay dugo , Bago dumating ang araw ng Panginoon , Yaong araw na dakila at tangi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon , ay maliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kayong mga lalaking taga Israel , pakinggan ninyo ang mga salitang ito : Si Jesus na taga Nazaret , lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo , gaya rin ng nalalaman ninyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siya , na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios , kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na siya&apos;y binuhay na maguli ng Dios , pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan : sapagka&apos;t hindi maaari na siya&apos;y mapigilan nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t sinasabi ni David tungkol sa kaniya , Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan ; Sapagka&apos;t siya&apos;y nasa aking kanang kamay , upang huwag akong makilos :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Dahil dito&apos;y nagalak ang aking puso , at natuwa ang aking dila ; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades , Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay ; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Mga kapatid , malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David , na siya&apos;y namatay at inilibing , at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Palibhasa nga&apos;y isang propeta , at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya , na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Palibhasa&apos;y nakikita na niya ito , ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo , na siya&apos;y hindi pinabayaan sa Hades , ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang Jesus na ito&apos;y binuhay na maguli ng Dios , at tungkol dito&apos;y mga saksi kaming lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Palibhasa nga&apos;y pinarangal ng kanang kamay ng Dios , at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo , ay ibinuhos niya ito , na inyong nakikita at naririnig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t hindi umakyat si David sa mga langit ; datapuwa&apos;t siya rin ang nagsabi , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon ; Maupo ka sa kanan ko ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel , na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Nang marinig nga nila ito , ay nangasaktan ang kanilang puso , at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol , Mga kapatid , anong gagawin namin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sinabi sa kanila ni Pedro , Mangagsisi kayo , at mangagbautismo ang bawa&apos;t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan ; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sapagka&apos;t sa inyo ang pangako , at sa inyong mga anak , at sa lahat ng nangasa malayo , maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya , at nangaral sa kanila , na sinasabi , Magsiligtas kayo sa likong lahing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan : at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sila&apos;y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama , sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At ang takot ay dumating sa bawa&apos;t kaluluwa : at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkakatipon , at lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at kayamanan , at ipinamahagi sa lahat , ayon sa pangangailangan ng bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At araw-araw sila&apos;y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo , at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay , at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Na nangagpupuri sa Dios , at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan . At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik sa templo nang oras ng pananalangin , na ikasiyam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon , na siya&apos;y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda , upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ito , pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo , ay namanhik upang tumanggap siya ng limos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagtitig sa kaniya ni Pedro , na kasama si Juan , ay sinabi , Tingnan mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kaniyang pinansin sila , na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pedro , Pilak at ginto ay wala ako ; datapuwa&apos;t ang nasa akin , ay siya kong ibinibigay sa iyo . Sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret , lumakad ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay , at siya&apos;y itinindig : at pagdaka&apos;y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At paglukso , siya&apos;y tumayo , at nagpasimulang lumakad ; at pumasok na kasama nila sa templo , na lumalakad , at lumulukso , at nagpupuri sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nakita ng buong bayang siya&apos;y lumalakad , at nagpupuri sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo ; at sila&apos;y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At samantalang siya&apos;y nakahawak kay Pedro at kay Juan , ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang makita ito ni Pedro , ay sumagot sa mga tao , Kayong mga lalaking taga Israel , bakit kayo&apos;y nagsisipanggilalas sa taong ito ? o bakit kami ang inyong tinititigan , na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang Dios ni Abraham , at ni Isaac , at ni Jacob , ang Dios ng ating mga magulang , ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus ; na inyong ibinigay , at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato , nang pasiyahan nito na siya&apos;y pawalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito , at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay : na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay ; mga saksi kami ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito , na inyong nakikita at nakikilala : oo , ang pananampalataya na sa pamamagitan niya&apos;y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ngayon , mga kapatid , nalalaman ko na inyong ginawa yaon sa di pagkaalam , gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta , na ang kaniyang Cristo ay magbabata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya nga mangagsisi kayo , at mangagbalik-loob , upang mangapawi ang inyong mga kasalanan , upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo , na si Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na siya&apos;y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay , na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tunay na sinabi ni Moises , Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid ; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo&apos;y sasalitain niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At mangyayari , na ang bawa&apos;t kaluluwa na hindi makinig sa propetang yaon , ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Oo at ang lahat ng mga propetang mula kay Samuel at ang mga nagsisunod , sa dami ng mga nagsipagsalita , sila naman ay nagsipagsaysay rin tungkol sa mga araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kayo ang mga anak ng mga propeta , at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang , na sinasabi kay Abraham , At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa inyo una-una , nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod , ay sinugo niya upang kayo&apos;y pagpalain , sa pagtalikod ng bawa&apos;t isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang sila&apos;y nangagsasalita pa sa bayan , ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote , at ang puno sa templo , at ang mga Saduceo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Palibhasa&apos;y totoong nangabagabag sapagka&apos;t tinuruan nila ang bayan , at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan : sapagka&apos;t noon nga&apos;y gabi na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya ; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nangyari nang kinabukasan , na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At si Anas , na dakilang saserdote , at si Caifas , at si Juan , at si Alejandro , at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila , ay sila&apos;y tinanong , Sa anong kapangyarihan , o sa anong pangalan ginawa ninyo ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nang magkagayo&apos;y si Pedro , na puspos ng Espiritu Santo , ay nagsabi sa kanila , Kayong mga pinuno sa bayan , at matatanda ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung kami sa araw na ito&apos;y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit , na kung sa anong paraan gumaling ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Talastasin ninyong lahat , at ng buong bayan ng Israel , na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret , na inyong ipinako sa krus , na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay , dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay , na naging pangulo sa panulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan : sapagka&apos;t walang ibang pangalan sa silong ng langit , na ibinigay sa mga tao , na sukat nating ikaligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan , at pagkatalastas na sila&apos;y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang , ay nangagtaka sila ; at nangapagkilala nila , na sila&apos;y nangakasama ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila , ay wala silang maitutol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t nang sila&apos;y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong , ay nangagsangusapan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na nangagsasabi , Anong gagawin natin sa mga taong ito ? sapagka&apos;t tunay na ginawa sa pamamagitan nila ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem ; at hindi natin maikakaila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon ma&apos;y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan , atin silang balaan , na buhat ngayo&apos;y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sila&apos;y tinawag nila , at binalaan sila , na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t si Pedro at si Juan ay nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila , Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios , inyong hatulan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila , nang mapagbalaan na nila , ay pinakawalan , palibhasa&apos;y hindi nangakasumpong ng anomang bagay upang sila&apos;y kanilang mangaparusahan , dahil sa bayan ; sapagka&apos;t niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na ginawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t may mahigit nang apat na pung taong gulang ang tao , na ginawan nitong himala ng pagpapagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang sila&apos;y mangapakawalan na , ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan , at iniulat ang lahat ng sa kanila&apos;y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sila , nang kanilang marinig ito , ay nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios , at nangagsabi , Oh Panginoon , ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat , at ng lahat ng nangasa mga yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo , sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David , na iyong lingkod , ay sinabi mo , Bakit nangagalit ang mga Gentil , At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa , At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan , Laban sa Panginoon , at laban sa kaniyang Pinahiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t sa katotohanan sa bayang ito&apos;y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus , na siya mong pinahiran , ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato , kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel , ay nangagpisanpisan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay at ng iyong pasiya upang mangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ngayon , Panginoon , tingnan mo ang kanilang mga bala : at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling ; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa pangalan ng iyong banal na si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nang sila&apos;y makapanalangin na , ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila ; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo , at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa : at sinoma&apos;y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari : kundi lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan , ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus : at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t walang sinomang nasasalat sa kanila : palibnasa&apos;y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito , at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ang mga ito&apos;y inilagay sa mga paanan ng mga apostol : at ipinamamahagi sa bawa&apos;t isa , ayon sa kinakailangan ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At si Jose , na pinamagatang Bernabe ng mga apostol ( na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral ) , isang Levita , tubo sa Chipre ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Na may isang bukid , ay ipinagbili ito , at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t isang lalake na tinatawag na Ananias , na kasama ng kaniyang asawang si Safira , ay nagbili ng isang pag-aari ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inilingid ang isang bahagi ng halaga , na nalalaman din ito ng kaniyang asawa , at dinala ang isang bahagi , at inilagay sa mga paanan ng mga apostol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pedro , Ananias , bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo , at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang yao&apos;y nananatili pa , hindi baga yao&apos;y nanatiling iyong sarili ? at nang maipagbili na , hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan ? Ano&apos;t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso ? hindi ka nagsinungaling sa mga tao , kundi sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga : at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsitindig ang mga kabinataan at siya&apos;y binalot , at kanilang dinala siya sa labas at inilibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At may tatlong oras ang nakaraan , nang ang kaniyang asawa , na di nalalaman ang nangyari , ay pumasok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi sa kaniya ni Pedro , Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa . At sinabi niya , Oo , sa gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ni Pedro , Bakit kayo&apos;y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon ? narito , nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa , at kanilang dadalhin ka sa labas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pagdaka&apos;y nahandusay sa paanan niya ang babae , at nalagot ang hininga : at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay , at siya&apos;y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia , at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao : at nangaroon silang lahat na nangagkakaisa sa portiko ni Salomon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila : bagaman sila&apos;y pinapupurihan ng bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon , ang mga karamihang lalake at babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na ano pa&apos;t dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit , at inilagay sa mga higaan at mga hiligan , upang , pagdaan ni Pedro , ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem , na nangagdadala ng mga may-sakit , at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu : at sila&apos;y pawang pinagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t nagtindig ang dakilang saserdote , at ang lahat ng kasama niya ( na siyang sekta ng mga Saduceo ) , at sila&apos;y nangapuspos ng kainggitan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kanilang sinunggaban ang mga apostol , at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t nang gabi na ay binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan , at sila&apos;y inilabas , at sinabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Magsihayo kayo , at magsitayo kayo sa templo , at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang marinig nila ito , ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway , at nangagturo . Datapuwa&apos;t dumating ang dakilang saserdote , at ang mga kasamahan niya , at pinulong ang sanedrin , at ang buong senado sa mga anak ni Israel , at nagpautos sa bilangguan upang sila&apos;y dalhin doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan ; at sila&apos;y nangagbalik , at nangagbigay alam ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na sinasabi , Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan , at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay : datapuwa&apos;t ng aming mabuksan , wala kaming nasumpungang sinoman sa loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo , at ng mga pangulong saserdote , ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At may dumating na isa at nagsabi sa kanila , Narito , ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal , at sila&apos;y dinalang hindi sa pilitan : sapagka&apos;t nangatatakot sa bayan , baka sila&apos;y batuhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang kanilang mangadala sila , ay kanilang iniharap sa Sanedrin . At tinanong sila ng dakilang saserdote ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na sinasabi : Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito : at narito , pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral , at ibig ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi , Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus , na siya ninyong pinatay , na ibinitin sa isang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Siya&apos;y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas , upang magbigay ng pagsisisi sa Israel , at kapatawaran ng mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At kami&apos;y mga saksi ng mga bagay na ito ; at gayon din ang Espiritu Santo , na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Datapuwa&apos;t sila , nang kanilang marinig ito , ay nangasugatan sa puso , at nangagpasiyang sila&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo , na nagngangalang Gamaliel , doktor sa kautusan , na pinapupurihan ng buong bayan , at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At sinabi niya sa kanila , Kayong mga lalaking taga Israel , ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito , kung ano ang inyong gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas , na nagsabing siya&apos;y dakila ; at sa kaniya&apos;y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang : na siya&apos;y pinatay ; at ang lahat ng sa kaniya&apos;y nagsisunod , ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat , at nakahila siya ng marami sa bayan : siya&apos;y nalipol rin ; at ang lahat ng sa kaniya&apos;y nagsisunod ay pawang nagsipangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ngayo&apos;y sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito , at pabayaan ninyo sila : sapagka&apos;t kung ang pasiyang ito , o ang gawang ito ay sa mga tao , ay mawawasak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t kung sa Dios , ay hindi ninyo maiwawasak ; baka pa kayo&apos;y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sila&apos;y nagsisangayon sa kaniya : at pagkatawag nila sa mga apostol , ay pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus , at sila&apos;y pinawalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Sila nga&apos;y nagsialis sa harapan ng Sanedrin , na nangatutuwang sila&apos;y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sa araw-araw , sa templo at sa mga bahay-bahay , ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral , na si Jesus ang siyang Cristo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang mga araw ngang ito , nang dumadami ang bilang ng mga alagad , ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo , sapagka&apos;t ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad , at sinabi , Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios , at mangaglingkod sa mga dulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Magsihanap nga kayo , mga kapatid , sa inyo , ng pitong lalake na may mabuting katunayan , puspos ng Espiritu at ng karunungan , na ating mailalagay sa gawaing ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin , at sa ministerio ng salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito : at kanilang inihalal si Esteban , taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo , at si Felipe , at si Procoro , at si Nicanor , at si Timon , at si Parmenas , at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na siyang iniharap nila sa mga apostol : at nang sila&apos;y mangakapanalangin na , ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At lumago ang salita ng Dios ; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad ; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Esteban , na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan , ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga , na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino , at ng mga Cireneo , at ng mga Alejandrino , at ng mga taga Cilicia , at taga Asia , na nangakipagtalo kay Esteban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang magkagayo&apos;y nagsisuhol sila sa mga lalake , na nangagsabi , Narinig naming siya&apos;y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang ginulo ang bayan , at ang mga matanda , at ang mga eskriba , at kanilang dinaluhong , at sinunggaban si Esteban , at dinala siya sa Sanedrin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nangagharap ng mga saksing sinungaling , na nangagsabi , Ang taong ito&apos;y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal , at sa kautusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t narinig naming kaniyang sinabi , na itong si Jesus na taga Nazaret ay iwawasak ang dakong ito , at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin , na nagsisititig sa kaniya , ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ng dakilang saserdote , Tunay baga ang mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinabi niya , Mga kapatid na lalake at mga magulang , mangakinig kayo : Ang Dios ng kaluwalhatia&apos;y napakita sa ating amang si Abraham , nang siya&apos;y nasa Mesapotamia , bago siya tumahan sa Haran ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi sa kaniya , Umalis ka sa iyong lupain , at sa iyong kamaganakan , at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang magkagayo&apos;y umalis siya sa lupain ng mga Caldeo , at tumahan sa Haran : at buhat doon , pagkamatay ng kaniyang ama , ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito , na inyong tinatahanan ngayon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At hindi siya pinamanahan ng anoman doon , kahit mayapakan ng kaniyang paa : at siya&apos;y nangakong yao&apos;y ibibigay na pinakaari sa kaniya , at sa kaniyang binhi pagkatapos niya , nang wala pa siyang anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ganito ang sinalita ng Dios , na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain , at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin , at sila&apos;y pahihirapang apat na raang taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang bansang sa kanila&apos;y aalipin ay aking hahatulan , sabi ng Dios : at pagkatapos nito&apos;y magsisialis sila , at paglilingkuran nila ako sa dakong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli : at sa ganito&apos;y naging anak ni Abraham si Isaac , at ito&apos;y tinuli nang ikawalong araw ; at naging anak ni Isaac si Jacob , at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose , ay ipinagbili siya , upang dalhin sa Egipto ; at ang Dios ay sumasa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian , at siya&apos;y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto ; at siya&apos;y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan , at nagkaroon ng malaking kapighatian : at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto , ay sinugo niyang una ang ating mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa ikalawa&apos;y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid ; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nagsugo si Jose , at pinaparoon sa kaniya si Jacob , na kaniyang ama , at ang lahat niyang kamaganakan , na pitongpu&apos;t limang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At lumusong si Jacob sa Egipto ; at namatay siya , at ang ating mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y inilipat sa Siquem , at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem , sa halaga ng pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t nang nalalapit na ang panahon ng pangako , na ginawa ng Dios kay Abraham , ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi , at pinahirapan ang ating mga magulang , na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nang panahong yaon , ay ipinanganak si Moises , at siya&apos;y totoong maganda ; at siya&apos;y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang siya&apos;y matapon , ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon , at siya&apos;y inalagaang gaya ng sariling anak niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio : at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t nang siya&apos;y magaapat na pung taong gulang na , ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta , ay kaniyang ipinagsanggalang siya , at ipinaghiganti ang pinipighati , at pinatay ang Egipcio :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang isip niya&apos;y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya : datapuwa&apos;t hindi nila napagunawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila&apos;y nagaaway , at sila&apos;y ibig sana niyang payapain , na sinasabi , mga Ginoo , kayo&apos;y magkapatid ; bakit kayo&apos;y nagaalipustaan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao , na sinasabi , Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ibig mo bagang ako&apos;y patayin mo , na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa salitang ito&apos;y tumakas si Moises , at nakipamayan sa lupain ng Midian , na doo&apos;y nagkaanak siya ng dalawang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang maganap ang apat na pung taon , ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai , sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nang makita ito ni Moises , ay nanggilalas sa tanawin ; at nang siya&apos;y lumapit upang pagmasdan , ay dumating ang isang tinig ng Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ako ang Dios ng iyong mga magulang , ang Dios ni Abraham , at ni Isaac , at ni Jacob . At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa : sapagka&apos;t ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto , at narinig ko ang kanilang hibik , at ako&apos;y bumaba upang sila&apos;y iligtas : at ngayo&apos;y halika , susuguin kita sa Egipto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil , na sinasabi , Sino ang sa iyo&apos;y naglagay na puno at hukom ? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya&apos;y napakita sa mababang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Pinatnugutan sila ng taong ito , pagkagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto , at sa dagat na Pula , at sa ilang sa loob ng apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Ito&apos;y yaong Moises , na nagsabi sa mga anak ni Israel , Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko , mula sa inyong mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Ito&apos;y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai , at kasama ang ating mga magulang : na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Sa kaniya&apos;y ayaw magsitalima ang ating mga magulang , kundi siya&apos;y kanilang itinakuwil , at sa kanilang mga puso&apos;y nangagbalik sa Egipto ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Na sinasabi kay Aaron , Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin : sapagka&apos;t tungkol dito kay Moises , na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto , ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka , at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon , at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Datapuwa&apos;t tumalikod ang Dios , at sila&apos;y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit ; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta , Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang , Oh angkan ni Israel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc , At ang bituin ng dios Refan , Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin : At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo , ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises , na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Na yao&apos;y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol , na kasama ni Josue nang sila&apos;y magsipasok sa inaari ng mga bansa , na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang , hanggang sa mga araw ni David ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios , at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Datapuwa&apos;t iginawa siya ni Salomon ng isang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Bagama&apos;t ang Kataastaasa&apos;y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay ; gaya ng sinasabi ng propeta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">Ang langit ay ang aking luklukan , At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa : Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin ? sabi ng Panginoon : O anong dako ang aking pahingahan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Kayong matitigas ang ulo , at di tuli ang puso&apos;t mga tainga , kayo&apos;y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo : kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang , ay gayon din naman ang ginagawa ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang ? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito ; na sa kaniya&apos;y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel , at hindi ninyo ginanap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito , ay nangasugatan sila sa puso , at siya&apos;y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Datapuwa&apos;t siya , palibhasa&apos;y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit , at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios , at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">At nagsabi , Narito , nakikita kong bukas ang mga langit , at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Datapuwa&apos;t sila&apos;y nagsigawan ng malakas na tinig , at nangagtakip ng kanilang mga tainga , at nangagkaisang siya&apos;y dinaluhong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">At siya&apos;y kanilang itinapon sa labas ng bayan , at binato : at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "59">At kanilang pinagbatuhanan si Esteban , na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi , Panginoong Jesus , tanggapin mo ang aking espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "60">At siya&apos;y nanikluhod , at sumigaw ng malakas na tinig , Panginoon , huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito . At pagkasabi niya nito , ay nakatulog siya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay . At nang araw na yao&apos;y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem ; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria , maliban na sa mga apostol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan , at siya&apos;y tinangisan ng di kawasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t pinuksa ni Saulo ang iglesia , na pinapasok ang bahay-bahay , at kinakaladkad ang mga lalake&apos;t mga babae , at sila&apos;y ipinapasok sa bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay , na ipinangangaral ang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria , at ipinangaral sa kanila ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga karamiha&apos;y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe , pagkarinig nila , at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t sa maraming may mga karumaldumal na espiritu , ay nangagsilabas sila , na nangagsisisigaw ng malakas na tinig : at maraming lumpo , at pilay , ang pinagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t may isang tao , na nagngangalang Simon , na nang unang panaho&apos;y nanggagaway sa bayan , at pinahahanga ang mga tao sa Samaria , at nagsasabing siya&apos;y isang dakila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na siyang pinakikinggan nilang lahat , buhat sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan , na sinasabi , Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na Dakila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y pinakinggan nila , sapagka&apos;t mahabang panahong pinahahanga niya sila ng kaniyang mga panggagaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo , ay nangabautismuhan ang mga lalake&apos;t mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At si Simon man ay naniwala rin : at nang mabautismuhan na , ay nanatili siyang kasama ni Felipe ; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa , ay napahanga siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios , ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na nang sila&apos;y makalusong , ay ipinanalangin nila sila , upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ito&apos;y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila : kundi sila&apos;y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang magkagayo&apos;y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay , at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo , ay inalok niya sila ng salapi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na sinasabi , Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito , upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay , ay tumanggap ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ni Pedro , Ang iyong salapi&apos;y mapahamak na kasama mo , sapagka&apos;t inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito : sapagka&apos;t ang puso mo&apos;y hindi matuwid sa harap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito , at manalangin ka sa Panginoon , baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sumagot si Simon at sinabi , Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon , upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sila nga , nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon , ay nangagbalik sa Jerusalem , at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon , na nagsasabi , Magtindig ka , at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan , sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza : na ito&apos;y ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At siya&apos;y nagtindig at yumaon : at narito , ang isang lalaking taga Etiopia , isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace , reina ng mga Etiope , na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan , at siya&apos;y naparoon sa Jerusalem upang sumamba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo , at binabasa ang propeta Isaias .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi kay Felipe ng Espiritu , Lumapit ka , at makisama sa karong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya , at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta , at sinabi , Nauunawa mo baga ang binabasa mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi niya , Paanong magagawa ko , maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman ? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito , Siya&apos;y gaya ng tupa na dinala sa patayan ; At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya , Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa kaniyang pagpapakababa&apos;y inalis ang kaniyang paghuhukom . Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi ? Sapagka&apos;t inalis sa lupa ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sumagot ang bating kay Felipe , at sinabi , Ipinamamanhik ko sa iyo , kanino sinasabi ng propeta ito ? sa kaniya bagang sarili , o sa alin mang iba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig , at pagpapasimula sa kasulatang ito , ay ipinangaral sa kaniya si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At sa pagpapatuloy sa daan , ay nagsidating sila sa dakong may tubig ; at sinabi ng bating , Narito , ang tubig ; ano ang nakahahadlang upang ako&apos;y mabautismuhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari . At sumagot siya at sinabi : Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At ipinagutos niyang itigil ang karo : at sila&apos;y kapuwa lumusong sa tubig , si Felipe at ang bating ; at kaniyang binautismuhan siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang magsiahon sila sa tubig , ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon ; at hindi na siya nakita ng bating , sapagka&apos;t ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Nguni&apos;t nasumpungan si Felipe sa Azoto : at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan , hanggang sa dumating siya sa Cesarea .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t si Saulo , na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon , ay naparoon sa dakilang saserdote ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga , upang kung siya&apos;y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan , maging mga lalake o mga babae , ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa kaniyang paglalakad , ay nangyari na siya&apos;y malapit sa Damasco : at pagdaka&apos;y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y nasubasob sa lupa , at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya&apos;y nagsasabi , Saulo , Saulo , bakit mo ako pinaguusig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi niya , Sino ka baga , Panginoon ? At sinabi niya , Ako&apos;y si Jesus na iyong pinaguusig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t magtindig ka , at ikaw ay pumasok sa bayan , at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita , na naririnig ang tinig , datapuwa&apos;t walang nakikitang sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nagtindig sa lupa si Saulo ; at pagkadilat ng kaniyang mga mata , ay di siya nakakita ng anoman ; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y tatlong araw na walang paningin , at hindi kumain ni uminom man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayon nga&apos;y may isang alagad sa Damasco , na nagngangalang Ananias ; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain , Ananias . At sinabi niya , Narito ako , Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Magtindig ka , at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid , at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo , lalaking taga Tarso : sapagka&apos;t narito , siya&apos;y nananalangin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok , at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya , upang tanggapin niya ang kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t sumagot si Ananias , Panginoon , nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito , kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At dito siya&apos;y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t sinabi sa kaniya ng Panginoon , Pumaroon ka : sapagka&apos;t siya&apos;y sisidlang hirang sa akin , upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari , at ng mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sa kaniya&apos;y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At umalis si Ananias at pumasok sa bahay ; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi , Kapatid na Saulo , ang Panginoon , sa makatuwid baga&apos;y si Jesus , na sa iyo&apos;y napakita sa daan na iyong pinanggalingan , ay nagsugo sa akin , upang tanggapin mo ang iyong paningin , at mapuspos ka ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At pagdaka&apos;y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis , at tinanggap niya ang kaniyang paningin ; at siya&apos;y nagtindig at siya&apos;y binautismuhan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y kumain at lumakas . At siya&apos;y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagdaka&apos;y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus , na siya ang Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang lahat ng sa kaniya&apos;y nakarinig ay namangha , at nangagsabi , Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito ? at sa ganitong nasa ay naparito siya , upang sila&apos;y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t lalo nang lumakas ang loob ni Saulo , at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco , na pinatutunayan na ito ang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang maganap ang maraming mga araw , ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya&apos;y patayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta . At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya&apos;y kanilang patayin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad , at siya&apos;y ibinaba sa kuta na siya&apos;y inihugos na nasa isang balaong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang siya&apos;y dumating sa Jerusalem , ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad : at silang lahat ay nangatakot sa kaniya , sa di paniniwala na siya&apos;y alagad ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t kinuha siya ni Bernabe , at siya&apos;y iniharap sa mga apostol , at sa kanila&apos;y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon , at kinausap siya , at kung paanong siya&apos;y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At siya&apos;y kasamasama nila , na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon : at siya&apos;y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio ; datapuwa&apos;t pinagpipilitan nilang siya&apos;y mapatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang maalaman ito ng mga kapatid , ay inihatid nila siya sa Cesarea , at siya&apos;y sinugo nila sa Tarso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa gayo&apos;y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa&apos;y pinagtibay ; at , sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo , ay nagsisidami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nangyari , na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako , siya&apos;y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At doo&apos;y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas , na walo nang taong sumasabanig ; sapagka&apos;t siya&apos;y lumpo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sinabi sa kaniya ni Pedro , Eneas , pinagagaling ka ni Jesucristo : magtindig ka , at husayin mo ang iyong higaan . At pagdaka&apos;y nagtindig siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At siya&apos;y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona , at sila&apos;y nangagbalik-loob sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita , na ang kahuluga&apos;y Dorcas : ang babaing ito&apos;y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nangyari nang mga araw na yaon , na siya&apos;y nagkasakit , at namatay : at nang siya&apos;y mahugasan na nila , ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At sapagka&apos;t malapit ang Lidda sa Joppe , pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon , ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao , na ipinamamanhik sa kaniya , Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila . At pagdating niya , ay inihatid nila sa silid sa itaas : at siya&apos;y niligid ng lahat ng mga babaing bao , na nagsisitangis , at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas , nang ito&apos;y kasama pa nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Datapuwa&apos;t pinalabas silang lahat ni Pedro , at lumuhod , at nanalangin ; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi , Tabita , magbangon ka . At iminulat niya ang kaniyang mga mata , at nang makita niya si Pedro , ay naupo siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay , at siya&apos;y itinindig ; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao , at siya&apos;y iniharap niyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ito&apos;y nabansag sa buong Joppe : at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">At nangyari , na siya&apos;y nanahang maraming mga araw sa Joppe , na kasama ni Simong mangluluto ng balat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At may isang lalake nga sa Cesarea , na nagngangalang Cornelio , senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao , at laging nananalangin sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nakita niyang maliwanag , sa isang pangitain , nang may oras na ikasiyam ng araw , na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios , at nagsasabi sa kaniya , Cornelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya , sa pagtitig niya sa kaniya , at sa pagkatakot niya , ay nagsabi , Ano ito , Panginoon ? At sinabi niya sa kaniya , Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ngayo&apos;y magsugo ka ng mga tao sa Joppe , at ipagsama mo yaong Simon , na may pamagat na Pedro ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Siya&apos;y nanunuluyan sa isa na Simong mangluluto ng balat , na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang umalis ang anghel na sa kaniya&apos;y nagsalita , ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila , at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay , sila&apos;y sinugo niya sa Joppe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nang kinabukasan nga samantalang sila&apos;y patuloy sa kanilang paglalakad , at nang malapit na sa bayan , si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin , nang may oras na ikaanim ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At siya&apos;y nagutom at nagnais kumain : datapuwa&apos;t samantalang nangaghahanda sila , ay nawalan siya ng diwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakita niyang bukas ang langit , at may isang sisidlang bumababa , gaya ng isang malapad na kumot , na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na doo&apos;y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At dumating sa kaniya ang isang tinig , Magtindig ka , Pedro ; magpatay ka at kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pedro , Hindi maaari , Panginoon ; sapagka&apos;t kailan ma&apos;y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa , Ang nilinis ng Dios , ay huwag mong ipalagay na marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ito&apos;y nangyaring makaitlo : at pagdaka&apos;y binatak sa langit ang sisidlan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili , kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita , narito , ang mga taong sinugo ni Cornelio , nang maipagtanong ang bahay ni Simon , ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon , na pinamagatang Pedro , ay nanunuluyan doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain , ay sinabi sa kaniya ng Espiritu , Narito , hinahanap ka ng tatlong tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t magtindig ka , at manaog ka , at sumama ka sa kanila , na huwag kang magalinlangan ng anoman : sapagka&apos;t sila&apos;y aking sinugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pinanaog ni Pedro ang mga tao , at sinabi , Narito , ako ang hinahanap ninyo : ano baga ang dahil ng inyong ipinarito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi nila , Ang senturiong si Cornelio , na taong matuwid at matatakutin sa Dios , at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio , ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay , at upang makarinig sa iyo ng mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t sila&apos;y pinapasok at pinatuloy sila . At nang kinabukasa&apos;y nagbangon siya at umalis na kasama nila , at siya&apos;y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang kinabukasa&apos;y nagsipasok sila sa Cesarea . At sila&apos;y hinihintay ni Cornelio , na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nangyari , na pagpasok ni Pedro , ay sinalubong siya ni Cornelio , at nagpatirapa sa kaniyang paanan , at siya&apos;y sinamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t itinindig siya ni Pedro , na sinasabi , Magtindig ka ; ako man ay tao rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya , ay pumasok siya , at kaniyang naratnan ang maraming nangagkakatipon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi niya sa kanila , Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa ; at gayon ma&apos;y ipinakilala sa akin ng Dios , na sinomang tao&apos;y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Dahil din dito&apos;y naparito akong hindi tumutol ng anoman , nang ako&apos;y ipasundo . Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sinabi ni Cornelio , May apat nang araw , hanggang sa oras na ito , na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na ikasiyam sa bahay ko ; at narito , tumindig sa harapan ko ang isang lalake na may pananamit na nagniningning ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At sinabi , Cornelio , dininig ang dalangin mo , at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Magsugo ka nga sa Joppe , at ipatawag mo si Simon , na pinamagatang Pedro ; siya&apos;y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat , na nasa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Pagdaka nga&apos;y nagsugo ako sa iyo ; at mabuti ang ginawa mo&apos;t naparito ka . Ngayon nga&apos;y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios , upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo&apos;y ipinagutos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig , at sinabi , Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Kundi sa bawa&apos;t bansa siya na may takot sa kaniya , at gumagawa ng katuwiran , ay kalugodlugod sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel , na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo ( siya&apos;y Panginoon ng lahat : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea , magbuhat sa Galilea , pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sa makatuwid baga&apos;y si Jesus na taga Nazaret , kung paanong siya&apos;y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan : na naglilibot na gumagawa ng mabuti , at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo ; sapagka&apos;t sumasa kaniya ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio , at sa Jerusalem ; na siya nama&apos;y kanilang pinatay , na siya&apos;y ibinitin sa isang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Siya&apos;y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw , at siya&apos;y itinalagang mahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Hindi sa buong bayan , kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una , sa makatuwid baga&apos;y sa amin , na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya , pagkatapos na siya&apos;y muling mabuhay sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At sa ami&apos;y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan , at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta , na ang bawa&apos;t sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito , ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro , sapagka&apos;t ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Sapagka&apos;t nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika , at nangagpupuri sa Dios . Nang magkagayo&apos;y sumagot si Pedro ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig , upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo . Nang magkagayo&apos;y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang umahon si Pedro sa Jerusalem , ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na nagsisipagsabi , Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli , at kumain kang kasalo nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t si Pedro ay nagpasimula , at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ako&apos;y nananalangin sa bayan ng Joppe : at sa kawalan ng diwa&apos;y nakakita ako ng isang pangitain , na may isang sisidlang bumababa , na gaya ng isang malapad na kumot , na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok ; at dumating hanggang sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang yao&apos;y aking titigan , ay pinagwari ko , at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin , Magtindig ka , Pedro ; magpatay ka at kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t sinabi ko , Hindi maaari , Panginoon : sapagka&apos;t kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit , Ang nilinis ng Dios , ay huwag mong ipalagay na marumi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ito&apos;y nangyaring makaitlo : at muling binatak ang lahat sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At narito , pagdaka&apos;y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan , ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At iniutos sa akin ng Espiritu na ako&apos;y sumama sa kanila , na huwag magtangi . At nagsisama naman sa akin itong anim na kapatid ; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay , at nagsasabi , Magsugo ka sa Joppe , at ipagsama mo si Simon , na may pamagat na Pedro ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita , na ikaliligtas mo , ikaw at ng buong sangbahayan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang ako&apos;y magpasimulang magsalita , ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo , na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At naalaala ko ang salita ng Panginoon , kung paanong sinabi niya , Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig ; datapuwa&apos;t kayo&apos;y babautismuhan sa Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin , nang tayo&apos;y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo , sino baga ako , na makahahadlang sa Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang marinig nila ang mga bagay na ito , ay nagsitahimik sila , at niluwalhati ang Dios , na sinasabi , Kung gayo&apos;y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa Fenicia , at sa Chipre , at sa Antioquia , na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t may ilan sa kanila , mga taong taga Chipre at taga Cirene , na , nang sila&apos;y magsidating sa Antioquia , ay nangagsalita naman sa mga Griego , na ipinangangaral ang Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon : at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem : at kanilang sinugo si Bernabe hanggang sa Antioquia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na , nang siya&apos;y dumating , at makita ang biyaya ng Dios , ay nagalak ; at kaniyang inaralan ang lahat , na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t siya&apos;y lalaking mabuti , at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya : at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y naparoon sa Tarso upang hanapin si Saulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang siya&apos;y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia . At nangyari , na sa buong isang taon sila&apos;y nakisama sa iglesia , at nagsipagturo sa maraming tao ; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano , sa Antioquia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nang mga araw ngang ito ay may lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang Agabo , at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan : na nangyari nang mga kaarawan ni Claudio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang mga alagad , ayon sa kaya ng bawa&apos;t isa , ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga kapatid na nangananahan sa Judea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Na siya nga nilang ginawa , na ipinadala nila sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang makita niya na ito&apos;y ikinatutuwa ng mga Judio , ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro . At noo&apos;y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang siya&apos;y mahuli na niya , ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya&apos;y ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siya&apos;y bantayan ; na inaakalang siya&apos;y iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya nga&apos;t si Pedro ay iningatan sa bilangguan : datapuwa&apos;t ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang siya&apos;y malapit nang ilabas ni Herodes , nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal , na nagagapos ng dalawang tanikala : at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At narito , tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon , at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan : at tinapik si Pedro sa tagiliran , at siya&apos;y ginising , na sinasabi , Magbangon kang madali . At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sinabi sa kaniya ng anghel , Magbigkis ka , at itali mo ang iyong mga pangyapak . At gayon ang ginawa niya . At sinabi niya sa kaniya . Isuot mo sa iyo ang damit mo , at sumunod ka sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y lumabas , at sumunod ; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya&apos;y nakakita siya ng isang pangitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay , ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan ; na kusang nabuksan sa kanila : at sila&apos;y nagsilabas , at nangagpatuloy sa isang lansangan ; at pagdaka&apos;y humiwalay sa kaniya ang anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip , ay kaniyang sinabi , Ngayo&apos;y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang siya&apos;y makapagnilay na , ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos ; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang siya&apos;y tumuktok sa pintuang-daan , ay lumabas upang sumagot , ang isang dalagang nagngangalang Rode .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang makilala niya ang tinig ni Pedro , sa tuwa&apos;y hindi niya binuksan ang pintuan , kundi nagtakbo sa loob , ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kanilang sinabi sa kaniya , Nauulol ka . Datapuwa&apos;t buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga . At kanilang sinabi , na yao&apos;y kaniyang anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t nanatili si Pedro nang pagtuktok : at nang kanilang buksan , ay nakita nila siya , at sila&apos;y nangamangha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t siya , nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila&apos;y tumahimik , ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan . At sinabi niya , Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago , at sa mga kapatid . At siya&apos;y umalis , at napasa ibang dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal , tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang siya&apos;y maipahanap na ni Herodes , at hindi siya nasumpungan , ay siniyasat niya ang mga bantay , at ipinagutos na sila&apos;y patayin . At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea , at doon tumira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon : at sila&apos;y nangagkaisang pumaroon sa kaniya , at , nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari , ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo , sapagka&apos;t ang lupain nila&apos;y pinakakain ng lupain ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari , at naupo sa luklukan , at sa kanila&apos;y tumalumpati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang bayan ay sumigaw , Tinig ng dios , at hindi ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pagdaka&apos;y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon , sapagka&apos;t hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios : at siya&apos;y kinain ng mga uod , at nalagot ang hininga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t lumago ang salita ng Dios at dumami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo , nang maganap na nila ang kanilang ministerio , na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro , si Bernabe , at si Simeon na tinatawag na Niger , at si Lucio na taga Cirene , at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka , at si Saulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang sila&apos;y nagsisipaglingkod sa Panginoon , at nangagaayuno , ay sinabi ng Espiritu Santo , Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayon , nang sila&apos;y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila , ay kanilang pinayaon sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sila nga , palibhasa&apos;y sinugo ng Espiritu Santo , ay nagsilusong sa Seleucia ; at buhat doo&apos;y nangaglayag hanggang sa Chipre .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang sila&apos;y nasasa Salamina , ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa mga sinagoga ng mga Judio : at kanila namang katulong si Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos , ay nakasumpong sila ng isang manggagaway , bulaang propeta , Judio , na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na kasama ng proconsul , Sergio Paulo , lalaking matalino . Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo , at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t si Elimas na manggagaway ( sapagka&apos;t ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan ) ay humadlang sa kanila , na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t si Saulo , na tinatawag ding Pablo , na puspos ng Espiritu Santo , ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi , Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan , ikaw na anak ng diablo , ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran , hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ngayon , narito , nasa iyo ang kamay ng Panginoon , at mabubulag ka , na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon . At pagdaka&apos;y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman ; at siya&apos;y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya&apos;y aakay sa kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayon , pagkakita ng proconsul sa nangyari , ay nanampalataya , na nanggigilalas sa aral ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nagsitulak nga sa Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama , at sumadsad sa Perga ng Pamfilia : at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t sila , pagkatahak sa Perga , ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia ; at sila&apos;y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath , at nagsiupo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta , ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila , na sinasabi , Mga kapatid , kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan , ay mangagsalita kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagtindig si Pablo , at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi , Mga lalaking taga Israel , at kayong nangatatakot sa Dios , magsipakinig kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang , at pinaunlakan ang bayan nang sila&apos;y nakipamayan sa Egipto , at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang panahong halos apat na pung taon , ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan , ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana , sa loob ng halos apat na raa&apos;t limangpung taon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari : at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin ; sa loob ng apat na pung taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang siya&apos;y alisin niya , ay ibinangon niya si David upang maging hari nila ; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi , Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang lalaking kinalulugdan ng aking puso , na gagawa ng buong kalooban ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa binhi ng taong ito , ayon sa pangako , ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas , na si Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan , ay sinabi niya , Sino baga ako sa inyong akala ? Hindi ako siya . Datapuwa&apos;t narito , may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Mga kapatid , mga anak ng lahi ni Abraham , at ang mga sa inyo&apos;y nangatatakot sa Dios , sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila , dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya , ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa , ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay , gayon ma&apos;y kanilang hiningi kay Pilato na siya&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya , ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy , at inilagay siya sa isang libingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t siya&apos;y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At siya&apos;y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem , na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus ; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit , Ikaw ay aking Anak , sa araw na ito ay naging anak kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At tungkol sa muling binuhay niya , upang ngayon at kailan ma&apos;y huwag nang magbalik sa kabulukan , ay nagsalita siya ng ganito , Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sapagka&apos;t sinabi rin naman niya sa ibang awit , Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t si David , nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios , ay natulog , at isinama sa kaniyang mga magulang , at nakakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kaya maging hayag nawa sa inyo , mga kapatid , na sa pamamagitan ng taong ito&apos;y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sa pamamagitan niya ang bawa&apos;t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay , na sa mga ito&apos;y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Magsipagingat nga kayo , na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Tingnan ninyo , mga mapagwalang-halaga , at mangapagilalas kayo , at kayo&apos;y mangaparam : Sapagka&apos;t ako&apos;y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan , Isang gawang sa anomang paraa&apos;y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At pagalis nila , ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga , marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe ; na , sa pagsasalita sa kanila , ay sila&apos;y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Datapuwa&apos;t nang makita ng mga Judio ang mga karamihan , ay nangapuno ng kapanaghilian , at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo , at nagsipamusong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe , at nagsipagsabi , Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo . Yamang inyong itinatakuwil , at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay , narito , kami ay pasasa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Sapagka&apos;t ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon , na sinasabi , Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil , Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">At nang marinig ito ng mga Gentil , ay nangagalak sila , at niluwalhati ang salita ng Dios : at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Datapuwa&apos;t inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal , at ang mga mahal na tao sa bayan , at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe , at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Datapuwa&apos;t ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila , at nagsiparoon sa Iconio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari sa Iconio na sila&apos;y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio , at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa&apos;t nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil , at pinasama sila laban sa mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon , na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya , na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan ; at ang isang bahagi&apos;y nakisama sa mga Judio , at ang ibang bahagi&apos;y nakisama sa mga apostol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno , upang sila&apos;y halayin at batuhin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa pagkaalam nila nito , ay nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia , Listra at Derbe , at sa palibotlibot ng lupain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At doon nila ipinangaral ang evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo , na sa mga paa&apos;y walang lakas , pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina , na kailan ma&apos;y hindi nakalakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narinig nitong nagsasalita si Pablo : na , nang titigan siya ni Pablo , at makitang may pananampalataya upang mapagaling ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ay nagsabi ng malakas na tinig , Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa . At siya&apos;y lumukso at lumakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo , ay nagsigawan sila , na sinasabi sa wikang Licaonia , Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At tinawag nilang Jupiter , si Bernabe ; at Mercurio , si Pablo , sapagka&apos;t siya ang pangulong tagapagsalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan , ay nagdala ng mga baka&apos;t mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan , at ibig maghaing kasama ng mga karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t nang marinig ito ng mga apostol , na si Bernabe at si Pablo , ay hinapak nila ang kanilang mga damit , at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan , na nagsisigaw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nagsisipagsabi , Mga ginoo , bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito ? Kami&apos;y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo , at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo , upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay , na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat , at ng lahat ng nasa mga yaon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na nang mga panahong nakaraan ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At gayon man ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo , tungkol sa kaniyang sarili , na gumawa ng mabuti at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana , na pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at ng katuwaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t nagsirating ang mga Judiong buhat sa Antioquia at Iconio : at nang mahikayat nila ang mga karamihan , ay kanilang pinagbabato si Pablo , at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan , na inaakalang siya&apos;y patay na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya , ay nagtindig siya , at pumasok sa bayan : at nang kinabukasa&apos;y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa Derbe .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon , at makahikayat ng maraming mga alagad , ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio , at sa Antioquia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad , at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya , at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa&apos;t iglesia , at nang makapanalanging may pagaayuno , ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang tinahak ang Pisidia , at nagsiparoon sa Pamfilia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang masalita na nila ang salita sa Perga , ay nagsilusong sila sa Atalia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At buhat doo&apos;y nagsilayag sila sa Antioquia , na doo&apos;y ipinagtagubilin sila sa biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang sila&apos;y magsidating , at matipon na ang iglesia , ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila , at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid , na sinasabi , Maliban na kayo&apos;y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises , ay hindi kayo mangaliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila , ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe , at ang ilan sa kanila , ay magsiahon sa Jerusalem , sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sila nga , palibhasa&apos;y inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay , ay tinahak ang Fenicia at Samaria , na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil : at sila&apos;y nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang sila&apos;y magsidating sa Jerusalem , ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda , at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi , Kinakailangang sila&apos;y tuliin , at sa kanila&apos;y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagkatapos ng maraming pagtatalo , ay nagtindig si Pedro , at sinabi sa kanila , Mga kapatid , nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo , upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio , at sila&apos;y magsisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang Dios , na nakatataho ng puso , ay nagpatotoo sa kanila , na sa kanila&apos;y ibinigay ang Espiritu Santo , na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At tayo&apos;y hindi niya itinangi sa kanila , na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios , na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t naniniwala tayo na tayo&apos;y mangaliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus , na gaya rin naman nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nagsitahimik ang buong karamihan ; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang matapos na silang magsitahimik , ay sumagot si Santiago , na sinasabi , Mga kapatid , pakinggan ninyo ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil , upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dito&apos;y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta ; gaya ng nasusulat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagkatapos ng mga bagay na ito , ako&apos;y babalik , At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David , na nabagsak ; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya . At ito&apos;y aking itatayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon , At ng lahat ng mga Gentil , na tinatawag sa aking pangalan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sabi ng Panginoon , na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dahil dito&apos;y ang hatol ko , ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kundi sumulat tayo sa kanila , na sila&apos;y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan , at sa pakikiapid , at sa binigti , at sa dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa&apos;t bayan na nangangaral tungkol sa kaniya , palibhasa&apos;y binabasa sa mga sinagoga sa bawa&apos;t sabbath .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang magkagayo&apos;y minagaling ng mga apostol at ng matatanda , pati ng buong iglesia , na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama , at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe ; si Judas na tinatawag na Barsabas , at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nagsisulat sila sa pamamagitan nila , Ang mga apostol at ang mga matanda , mga kapatid , sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia , ay bumabati :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t aming nabalitaan na ang ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita , na isininsay ang inyong mga kaluluwa ; na sa kanila&apos;y hindi kami nangagutos ng anoman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ay minagaling namin , nang mapagkaisahan na , na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na mga lalaking nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas , na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t minagaling ng Espiritu Santo , at namin , na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na kayo&apos;y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan , at sa dugo , at sa mga binigti , at sa pakikiapid ; kung kayo&apos;y mangilag sa mga bagay na ito , ay ikabubuti ninyo . Paalam na sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kaya nga , nang sila&apos;y mapayaon na , ay nagsilusong sa Antioquia ; at nang matipon na nila ang karamihan , ay kanilang ibinigay ang sulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nang ito&apos;y kanilang mabasa na , ay nangagalak dahil sa pagkaaliw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Si Judas at si Silas , palibhasa&apos;y mga propeta rin naman , ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita , at sila&apos;y pinapagtibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At nang sila&apos;y makapaggugol na ng ilang panahon doon , ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t minagaling ni Silas ang matira roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Datapuwa&apos;t nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia , na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon , na kasama naman ng ibang marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe , Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa&apos;t bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon , at tingnan natin kung ano ang lagay nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan , na tinatawag na Marcos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t hindi minagaling ni Pablo na isama nila ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia , at hindi sumama sa kanila sa gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nagkaroon ng pagtatalo , ano pa&apos;t sila&apos;y naghiwalay , at isinama ni Bernabe si Marcos , at lumayag sa Chipre :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Datapuwa&apos;t hinirang ni Pablo si Silas , at yumaon , na sila&apos;y ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At kaniyang tinahak ang Siria at Cilicia , na pinagtitibay ang mga iglesia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra : at narito , naroon ang isang alagad , na nagngangalang Timoteo , na anak ng isang Judiang sumasampalataya ; datapuwa&apos;t Griego ang kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Siya&apos;y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya ; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon : sapagka&apos;t nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama&apos;y Griego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa kanilang pagtahak sa mga bayan , ay ibinigay sa kanila ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem , upang kanilang tuparin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya nga , ang mga iglesia&apos;y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia , ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang sila&apos;y magsidating sa tapat ng Misia , ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia ; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagkaraan nila sa Misia , ay nagsilusong sila sa Troas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo : May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo , na namamanhik sa kaniya , at sinasabi , Tumawid ka sa Macedonia , at tulungan mo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pagkakita niya sa pangitain , pagdaka&apos;y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia , na pinatutunayang kami&apos;y tinawag ng Dios upang sa kanila&apos;y ipangaral ang evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Pagtulak nga sa Troas , ay pinunta namin ang Samotracia , at nang kinabukasa&apos;y ang Neapolis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At mula doo&apos;y ang Filipos , na isang bayan ng Macedonia , na siyang una sa purok , lupang nasasakupan ng Roma : at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog , na doo&apos;y sinapantaha naming may mapapanalanginan ; at kami&apos;y nangaupo , at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At isang babaing nagngangalang Lidia , na mangangalakal ng kayong kulay-ube , na taga bayan ng Tiatira , isang masipag sa kabanalan , ay nakinig sa amin : na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang siya&apos;y mabautismuhan na , at ang kaniyang mga kasangbahay , ay namanhik siya sa amin , na sinasabi , Kung inyong inaakalang ako&apos;y tapat sa Panginoon , ay magsipasok kayo sa aking bahay , at kayo&apos;y magsitira doon . At kami&apos;y pinilit niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nangyari , na nang kami&apos;y nagsisiparoon sa mapapanalanginan , ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula , at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Siya&apos;y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw , na sinasabi , Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito , na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At maraming mga araw na ginawa niya ito . Datapuwa&apos;t palibhasa&apos;y si Pablo ay totoong nababagabag , ay lumingon at sinabi sa espiritu , Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya . At ito ay lumabas nang oras ding yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t nang makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan , ay hinuli nila si Pablo at si Silas , at kinaladkad sila sa pamilihan , sa harapan ng mga may kapangyarihan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang maiharap na sila sa mga hukom , ay sinabi nila , Ang mga lalaking ito , palibhasa&apos;y mga Judio , ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin , o gawin , palibhasa tayo&apos;y Romano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila : at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit , at ipinapalo sila ng mga panghampas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang sila&apos;y mapalo na nila ng marami , ay ipinasok sila sa bilangguan , na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila&apos;y bantayang maigi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na , nang tanggapin nito ang gayong tagubilin , ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan , at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios , at sila&apos;y pinakikinggan ng mga bilanggo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kaginsaginsa&apos;y nagkaroon ng isang malakas na lindol , ano pa&apos;t nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan : at pagdaka&apos;y nangabuksan ang lahat ng mga pinto ; at nangakalas ang mga gapos ng bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang tagapamahala , palibhasa&apos;y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan , ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana , sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t sumigaw si Pablo ng malakas na tinig , na sinasabi , Huwag mong saktan ang iyong sarili : sapagka&apos;t nangaririto kaming lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At siya&apos;y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob , at , nanginginig sa takot , ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sila&apos;y inilabas at sinabi , Mga ginoo , ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At kanilang sinabi , Manampalataya ka sa Panginoong Jesus , at maliligtas ka , ikaw at ang iyong sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sa kaniya&apos;y sinalita nila ang salita ng Panginoon , pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila&apos;y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi , at hinugasan ang kanilang mga latay ; at pagdaka&apos;y binautismuhan , siya at ang buong sangbahayan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At sila&apos;y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay , at hinainan sila ng pagkain , at nagalak na totoo , pati ng buong sangbahayan niya , na nagsisampalataya sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Datapuwa&apos;t nang umaga na , ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento , na nagsasabi , Pawalan mo ang mga taong iyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito , na sinasabi , Ipinagutos ng mga hukom na kayo&apos;y pawalan : ngayon nga&apos;y magsilabas kayo , at magsiyaon kayong payapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Datapuwa&apos;t sinabi sa kanila ni Pablo , Pinalo nila kami sa hayag , na hindi nangahatulan , bagama&apos;t mga lalaking Romano , at kami&apos;y ibinilanggo ; at ngayo&apos;y lihim na kami&apos;y pinawawalan nila ? tunay na hindi nga ; kundi sila rin ang magsiparito at kami&apos;y pawalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom : at sila&apos;y nangatakot nang kanilang marinig na sila&apos;y mga Romano ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At sila&apos;y nagsiparoon at pinamanhikan sila ; at nang kanilang mailabas na sila , ay hiniling nila sa kanila na magsilabas sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At sila&apos;y nagsilabas sa bilangguan , at nagsipasok sa bahay ni Lidia : at nang makita nila ang mga kapatid , ay kanilang inaliw sila , at nagsialis .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia , ay nagsirating sila sa Tesalonica , na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At si Pablo , ayon sa ugali niya ay pumasok sa kanila , at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila sa mga kasulatan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na binubuksan at pinatunayan na kinakailangang si Cristo ay maghirap , at muling mabuhay sa mga patay ; at itong si Jesus , aniya , na aking ipinangangaral sa inyo , ay siyang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangahikayat ang ilan sa kanila , at nakikampi kay Pablo at kay Silas ; at gayon din ang lubhang maraming mga Griegong masisipag sa kabanalan , at hindi kakaunting mga babaing mararangal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ang mga Judio , palibhasa&apos;y nangaudyokan ng inggit , ay nangagsama ng ilang masasamang tao sa pamilihan , at pagkatipon ng isang karamihan , ay ginulo ang bayan ; at pagkalusob sa bahay ni Jason , ay pinagsikapan nilang sila&apos;y iharap sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang hindi sila mangasumpungan , ay kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga punong bayan , na ipinagsisigawan , Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan , ay nagsiparito rin naman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na tinanggap sila ni Jason : at ang lahat ng mga ito ay nagsisigawa ng laban sa mga utos ni Cesar , na nagsasabing may ibang hari , si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kanilang ginulo ang karamihan at ang mga punong bayan , nang kanilang marinig ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang matanggap na nila ang pinakaako kay Jason at sa mga iba , ay kanilang pinawalan sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At pagdaka&apos;y pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea : na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica , sapagka&apos;t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap , at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan , kung tunay nga ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya ; gayon din sa mga babaing Griega na may mga kalagayang mahal , at sa mga lalake , ay hindi kakaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios , ay nagsiparoon din naman , na ginulo at binagabag ang mga karamihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang magkagayo&apos;y pagdaka&apos;y pinayaon ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat : at nangatira pa roon si Silas at si Timoteo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay dinala siya hanggang sa Atenas : at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya , ay nagsialis sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Samantala ngang sila&apos;y hinihintay ni Pablo sa Atenas , ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t sa sinagoga&apos;y nakipagmatuwiran siya sa mga Judio at sa mga taong masisipag sa kabanalan , at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya . At sinabi ng ilan , Anong ibig sabihin ng masalitang ito ? binagabag ang mga iba , Parang siya&apos;y tagapagbalita ng mga ibang dios : sapagka&apos;t ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At siya&apos;y tinangnan nila , at dinala siya sa Areopago , na sinasabi , Mangyayari bagang maalaman namin kung ano itong bagong aral , na sinasalita mo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga : ibig nga naming maalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">( Lahat nga ng mga Ateniense at ang mga taga ibang bayang nakikipamayan doon ay walang ibang ginagawa , kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago , at sinabi , Kayong mga lalaking taga Atenas , sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo&apos;y lubhang relihioso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t sa aking pagdaraan , at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba , ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito , SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA . Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala , siya ang sa inyo&apos;y ibinabalita ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto , siya , palibhasa&apos;y Panginoon ng langit at ng lupa , ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao , na para bagang siya&apos;y nangangailangan ng anomang bagay , yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay , at ng hininga , at ng lahat ng mga bagay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ginawa niya sa isa ang bawa&apos;t bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa , na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya&apos;y masumpungan , bagaman hindi siya malayo sa bawa&apos;t isa sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t sa kaniya tayo&apos;y nangabubuhay , at nagsisikilos , at mayroon tayong pagkatao : na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula , Sapagka&apos;t tayo nama&apos;y sa kaniyang lahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Yamang tayo nga&apos;y lahi ng Dios , ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto , o ng pilak , o ng bato , na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios ; datapuwa&apos;t ngayo&apos;y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t siya&apos;y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga ; na ito&apos;y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao , nang siya&apos;y buhayin niyang maguli sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli , ay nanglibak ang ilan ; datapuwa&apos;t sinabi ng mga iba , Pakikinggan ka naming muli tungkol dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sa gayo&apos;y umalis si Pablo sa gitna nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t nakisama sa kanya ang ilang mga tao , at nagsisampalataya : na sa mga yao&apos;y isa si Dionisio na Areopagita , at ang isang babaing nagngangalang Damaris , at mga iba pang kasama nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito&apos;y umalis siya sa Atenas , at napasa Corinto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila , isang lalaking tubo sa Ponto , na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia , kasama ni Priscila na kaniyang asawa , sapagka&apos;t ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma : at siya&apos;y lumapit sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sapagka&apos;t ang hanap-buhay niya&apos;y gaya rin ng kanila , ay nakipanuluyan siya sa kanila , at sila&apos;y nagsigawa : sapagka&apos;t ang hanap-buhay nila&apos;y gumawa ng mga tolda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y nangangatuwiran tuwing sabbath sa sinagoga , at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia , si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita , na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang sila&apos;y magsitutol at magsipamusong , ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila&apos;y sinabi , Ang inyong dugo&apos;y sumainyong sariling mga ulo : ako&apos;y malinis : buhat ngayo&apos;y paparoon ako sa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y umalis doon , at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo , na isang sumasamba sa Dios , na ang bahay niya&apos;y karugtong ng sinagoga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At si Crispo , ang pinuno sa sinagoga , ay nanampalataya sa Panginoon , pati ng buong sangbahayan niya ; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya , at pawang nangabautismuhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain , Huwag kang matakot , kundi magsalita ka , at huwag kang tumahimik :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ako&apos;y sumasaiyo , at sinoma&apos;y hindi ka madadaluhong upang saktan ka : sapagka&apos;t makapal ang mga tao ko sa bayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y tumahan doong isang taon at anim na buwan , na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t nang si Galion ay proconsul ng Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at siya&apos;y dinala sa harapan ng hukuman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na nagsasabi , Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig , ay sinabi ni Galion sa mga Judio , Kung ito&apos;y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan , Oh mga Judio , may matuwid na tiisin ko kayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan , kayo sa inyong sarili na ang bahala noon ; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sila&apos;y pinalayas niya sa hukuman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At hinawakan nilang lahat si Sostenes , na pinuno sa sinagoga , at siya&apos;y hinampas sa harapan ng hukuman . At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At si Pablo , pagkatapos na makatira na roong maraming araw , ay nagpaalam sa mga kapatid , at buhat doo&apos;y lumayag na patungo sa Siria , at kasama niya si Priscila at si Aquila : na inahit niya ang kaniyang buhok sa Cencrea ; sapagka&apos;t siya&apos;y may panata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nagsidating sa Efeso , at sila&apos;y iniwan niya doon : datapuwa&apos;t pumasok siya sa sinagoga , at nangatuwiran sa mga Judio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang siya&apos;y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon , ay hindi siya pumayag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kundi nang siya&apos;y nagpaalam sa kanila , at nagsabi , Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios , siya&apos;y naglayag buhat sa Efeso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang makalunsad na siya sa Cesarea , ay siya&apos;y umahon at bumati sa iglesia , at lumusong sa Antioquia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon , ay umalis siya , at tinahak ang lupain ng Galacia , at Frigia , na sunodsunod , na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos , na isang Alejandrino sa lahi , at taong marikit mangusap , ay dumating sa Efeso ; at siya&apos;y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang taong ito&apos;y tinuruan sa daan ng Panginoon ; at palibhasa&apos;y may maningas na espiritu , ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus , na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At siya&apos;y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga . Datapuwa&apos;t nang siya&apos;y marinig ni Priscila at ni Aquila , ay kanilang isinama siya , at isinaysay sa kaniya ang daan ng Panginoon ng lalong maingat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang ibig niyang lumipat sa Acaya , ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila&apos;y nagsisulat sa mga alagad na siya&apos;y tanggapin : at nang siya&apos;y dumating doon , ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t may kapangyarihang dinaig niya ang mga Judio , at hayag , na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nangyari , na , samantalang si Apolos ay nasa Corinto , pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso , at nakasumpong ng ilang mga alagad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa kanila&apos;y sinabi niya , Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo&apos;y magsisampalataya ? At sinabi nila sa kaniya , Hindi , hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinabi niya , Kung gayo&apos;y sa ano kayo binautismuhan ? At sinabi nila , Sa bautismo ni Juan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ni Pablo , Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi , na sinasabi sa bayan na sila&apos;y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya , sa makatuwid baga&apos;y kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang kanilang marinig ito , ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay , ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo ; at sila&apos;y nagsipagsalita ng mga wika , at nagsipanghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At silang lahat ay may labingdalawang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At siya&apos;y pumasok sa sinagoga , at nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan , na nangangatuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala , na pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan , ay umalis siya sa kanila , at inihiwalay ang mga alagad , na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tiranno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ito&apos;y tumagal sa loob ng dalawang taon ; ano pa&apos;t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon , ang mga Judio at gayon din ang mga Griego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ano pa&apos;t ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit , at nawawala sa kanila ang mga sakit , at nangagsisilabas ang masasamang espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ilan sa mga Judiong pagalagala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu , ay nagsipangahas na sambitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga may masasamang espiritu , na nagsisipagsabi , Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na siyang ipinangangaral ni Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At may pitong anak na lalake ang isang Esceva na Judio , isang pangulong saserdote , na nagsisigawa nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila&apos;y sinabi , Nakikilala ko si Jesus , at nakikilala ko si Pablo ; datapuwa&apos;t sino-sino kayo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila , at sila&apos;y kaniyang natalo , at nadaig sila , ano pa&apos;t nagsitakas sila sa bahay na yaon na mga hubo&apos;t hubad at mga sugatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nahayag ito sa lahat , sa mga Judio at gayon din sa mga Griego , na nangananahanan sa Efeso ; at sinidlan silang lahat ng takot , at pinadakila ang pangalan ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating , na ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat , at pinagsusunog sa paningin ng lahat ; at kanilang binilang ang halaga niyaon , at nasumpungang may limampung libong putol na pilak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa gayo&apos;y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagkatapos nga ng mga bagay na ito , ay ipinasiya ni Pablo sa espiritu , nang matahak na niya ang Macedonia at ang Acaya , na pumaroon sa Jerusalem , na sinasabi , Pagkapanggaling ko roon , ay kinakailangang makita ko naman ang Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At nang maisugo na niya sa Macedonia ang dalawa sa nagsisipaglingkod sa kaniya , na si Timoteo at si Erasto , siya rin ay natirang ilang panahon sa Asia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At halos nang panahong yao&apos;y may nangyaring hindi mumunting kaguluhan tungkol sa Daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t may isang taong nagngangalang Demetrio , pandaypilak , na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana , ay nagbibigay ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na sila&apos;y kaniyang tinipon pati ng mga manggagawa ng mga gayong gawa , at sinabi , Mga Ginoo , talastas ninyo na nagsisiyaman tayo sa hanap-buhay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At inyong nakikita at naririnig , na hindi lamang sa Efeso , kundi halos sa buong Asia , ay nakaakit ang Pablong ito at naghiwalay ng maraming mga tao , na sinasabing hindi raw mga dios , ang mga ginagawa ng mga kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At hindi lamang may panganib na mawalang kapurihan ang hanapbuhay nating ito ; kundi naman ang templo ng dakilang diosa Diana ay mawawalan ng halaga , at hanggang sa malugso ang kadakilaan niya na sinasamba ng buong Asia at ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nang marinig nila ito&apos;y nangapuno sila ng galit , at nangagsigawan , na nagsipagsabi , Dakila ang Diana ng mga taga Efeso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At napuno ng kaguluhan ang bayan : at pinagkaisahan nilang lusubin ang dulaan , na sinunggaban si Gayo at si Aristarco , mga lalaking taga Macedonia , na kasama ni Pablo sa paglalakbay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang inakala ni Pablo na pasukin ang mga tao , ay hindi siya tinulutan ng mga alagad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang ilan din naman sa mga puno sa Asia , palibhasa&apos;y kaniyang mga kaibigan , ay nangagpasugo sa kaniya at siya&apos;y pinakiusapang huwag siyang pumaroon sa dulaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang iba nga&apos;y sumisigaw ng isang bagay , at ang iba&apos;y iba naman : sapagka&apos;t ang pulong ay nasa kaguluhan ; at hindi maalaman ng karamihan kung bakit sila&apos;y nangagkatipon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At kanilang inilabas si Alejandro sa karamihan , na siya&apos;y itinutulak ng mga Judio sa dakong harap . At inihudyat ang kamay ni Alejandro , at ibig sanang magsanggalang sa harapan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Datapuwa&apos;t nang matalastas nilang siya&apos;y Judio , ay nangagkaisang lahat na mangagsigawan sa loob halos ng dalawang oras , Dakila ang Diana ng mga Efeso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang mapatahimik na ng kalihim-bayan ang karamihan , ay kaniyang sinabi , Kayong mga lalaking taga Efeso , sino sa mga tao ang hindi nakakaalam na ang bayan ng mga Efeso ay tagapagingat ng templo ng dakilang Diana , at ng larawang nahulog mula kay Jupiter ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Yamang hindi nga maikakaila ang mga bagay na ito , ay dapat kayong magsitahimik , at huwag magsigawa ng anomang bagay sa madalian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t dinala ninyo rito ang mga taong ito , na hindi mga mangloloob sa templo , ni mga mamumusong man sa ating diosa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kung si Demetrio nga , at ang mga panday na kasama niya , ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man , ay bukas ang mga hukuman , at may mga proconsul : bayaan ninyong mangagsakdal ang isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t kung may inuusig kayo sa ano pa mang ibang mga bagay , ay mahahatulan sa karaniwang kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Sapagka&apos;t totoong nanganganib tayo na mangasakdal tungkol sa pagkakagulo sa araw na ito , palibhasa&apos;y walang anomang kadahilanan : at tungkol dito ay hindi tayo makapagbibigay sulit tungkol sa pagkakatipong ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">At nang siya&apos;y makapagsalitang gayon , ay pinaalis niya ang kapulungan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan , nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila&apos;y mapangaralan , ay nagpaalam sa kanila , at umalis upang pumaroon sa Macedonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang matahak na niya ang mga dakong yaon , at maaralan na sila ng marami , siya&apos;y napasa Grecia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang siya&apos;y makapaggugol na ng tatlong buwan doon , at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya&apos;y lalayag na sa Siria , ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y sinamahan hanggang sa Asia , ni Sopatro na taga Berea , na anak ni Pirro ; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo ; at ni Gayo na taga Derbe , at ni Timoteo ; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t nangauna ang mga ito , at hinintay kami sa Troas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kami&apos;y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan ng mga tinapay na walang lebadura , at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw ; na doo&apos;y nagsitira kaming pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang unang araw ng sanglinggo , nang kami&apos;y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay , si Pablo ay nangaral sa kanila , na nagaakalang umalis sa kinabukasan ; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico , na mahimbing sa pagtulog ; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba , palibhasa&apos;y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado , at siya&apos;y binuhat na patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nanaog si Pablo , at dumapa sa ibabaw niya , at siya&apos;y niyakap na sinabi , Huwag kayong magkagulo ; sapagka&apos;t nasa kaniya ang kaniyang buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang siya&apos;y makapanhik na , at mapagputolputol na ang tinapay , at makakain na , at makapagsalita sa kanila ng mahaba , hanggang sa sumikat ang araw , kaya&apos;t siya&apos;y umalis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kanilang dinalang buhay ang binata , at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t kami , na nangauna sa daong , ay nagsilayag na patungong Ason , na doon namin inaakalang ilulan si Pablo : sapagka&apos;t gayon ang kaniyang ipinasiya , na ninanasa niyang maglakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang salubungin niya kami sa Ason , siya&apos;y inilulan namin , at nagsiparoon kami sa Mitilene .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagtulak namin doon , ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio ; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo ; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso , upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia ; sapagka&apos;t siya&apos;y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso , at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang sila&apos;y magsidating sa kaniya , ay sinabi niya sa kanila , Nalalaman ninyo , na mula nang unang araw na ako&apos;y tumungtong sa Asia , kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na ako&apos;y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip , at ng mga luha , at ng mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagbakay ng mga Judio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan , at hayag na itinuro sa inyo , at sa mga bahay-bahay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios , at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ngayon , narito , ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem , na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa&apos;t bayan , na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga , maganap ko lamang ang aking katungkulan , at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus , na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ngayon , narito , nalalaman ko na kayong lahat , na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian , ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito , na ako&apos;y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ingatan ninyo ang inyong sarili , at ang buong kawan , na sa kanila&apos;y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo , upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo , na hindi mangagpapatawad sa kawan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama , upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya nga kayo&apos;y mangagpuyat , na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa&apos;t isa na may pagluha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ngayo&apos;y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios , at sa salita ng kaniyang biyaya , na makapagpapatibay , at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Hindi ko inimbot ang pilak ninoman , o ang ginto , o ang pananamit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko , at sa aking mga kasamahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay , na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina , at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus , na siya rin ang may sabi , Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At nang makapagsalita na siya ng gayon , ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa , at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya&apos;y hinagkan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya , na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha . At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang mangyaring kami&apos;y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag , ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos , at nang kinabukasa&apos;y ang Rodas , at buhat doo&apos;y ang Patara :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia , ay nagsilulan kami , at nagsipaglayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang matanaw namin ang Chipre , na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria , at nagsidaong sa Tiro ; sapagka&apos;t ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang masumpungan ang mga alagad , ay nangatira kami doong pitong araw : at sinabi ng mga ito kay Pablo na sa pamamagitan ng Espiritu , na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon , ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay : at silang lahat , pati ng mga asawa at mga anak , ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan : at sa paninikluhod namin sa baybayin , kami&apos;y nagsipanalangin , at nangagpaalaman sa isa&apos;t isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nagsilulan kami sa daong , datapuwa&apos;t sila&apos;y muling nagsiuwi sa bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro , ay nagsidating kami sa Tolemaida ; at kami&apos;y nagsibati sa mga kapatid , at kami&apos;y nagsitahan sa kanilang isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nang kinabukasan ay nagsialis kami , at nagsidating sa Cesarea : at sa pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista , na isa sa pito , ay nagsitahan kaming kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang tao ngang ito&apos;y may apat na anak na binibini , na nagsisipanghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa pagtira namin doong ilang araw , ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta , na nagngangalang Agabo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At paglapit sa amin , at pagkakuha ng pamigkis ni Pablo , ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa&apos;t kamay , at sinabi , Ganito ang sabi ng Espiritu Santo , Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito , at siya&apos;y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang marinig namin ang mga bagay na ito , kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang magkagayo&apos;y sumagot si Pablo , Anong ginagawa ninyo , na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso ? sapagka&apos;t ako&apos;y nahahanda na hindi lamang gapusin , kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami , na nagsisipagsabi , Mangyari ang kalooban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad , at kanilang isinama ang isang Mnason , na taga Chipre , isa sa mga kaunaunahang alagad , na sa kaniya kami magsisipanuluyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang magsidating kami sa Jerusalem , ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay Santiago ; at ang lahat ng mga matanda ay nangaroroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang sila&apos;y mangabati na niya , ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sila , nang kanilang marinig yaon , ay niluwalhati ang Dios ; at sa kaniya&apos;y sinabi nila , Nakikita mo na , kapatid , kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya ; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nabalitaan nila tungkol sa iyo , na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises , na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ano nga baga ito ? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo : Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Isama mo sila , maglinis kang kasama nila , at pagbayaran mo ang kanilang magugugol , upang sila&apos;y mangagpaahit ng kanilang mga ulo : at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo ; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya , ay sinulatan namin , na pinagpayuhang sila&apos;y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan , at sa dugo , at sa binigti , at sa pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nang magkagayo&apos;y isinama ni Pablo ang mga tao , at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila ay pumasok sa templo , na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis , hanggang sa ihain ang haing patungkol sa bawa&apos;t isa sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At nang halos tapos na ang pitong araw , ang mga Judiong taga Asia , nang siya&apos;y makita nila sa templo , ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siya&apos;y kanilang dinakip ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na nangagsisigawan , Mga lalaking taga Israel , magsitulong kayo : Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan , at sa kautusan , at sa dakong ito ; at bukod pa sa rito&apos;y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo , at dinungisan itong dakong banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t nakita muna nila na kasama niya sa bayan si Trofimo taga Efeso , na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang buong bayan ay napakilos , at ang mga tao&apos;y samasamang nagsipanakbuhan ; at kanilang sinunggaban si Pablo , at siya&apos;y kinaladkad na inilabas sa templo : at pagdaka&apos;y inilapat ang mga pinto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At samantalang pinagpipilitan nilang siya&apos;y patayin , ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong , na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At pagdaka&apos;y kumuha siya ng mga kawal at mga senturion , at sumagasa sa kanila : at sila , nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nang magkagayo&apos;y lumapit ang pangulong kapitan , at tinangnan siya , at siya&apos;y ipinagapos ng dalawang tanikala ; at itinanong kung sino siya , at kung ano ang ginawa niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At iba&apos;y sumisigaw ng isang bagay , ang iba&apos;y iba naman , sa gitna ng karamihan : at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan , ay ipinadala siya sa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang siya&apos;y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya&apos;y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t siya&apos;y sinusundan ng karamihan ng mga tao , na nangagsisigawan , Alisin siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At nang ipapasok na si Pablo sa kuta , ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan , Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman ? At sinabi niya , Marunong ka baga ng Griego ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Hindi nga baga ikaw yaong Egipcio , na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pablo , Ako&apos;y Judio , na taga Tarso sa Cilicia , isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan : at ipinamamanhik ko sa iyo , na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At nang siya&apos;y mapahintulutan na niya , si Pablo , na nakatayo sa hagdanan , inihudyat ang kamay sa bayan ; at nang tumahimik nang totoo , siya&apos;y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo , na sinasabi ,</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga kapatid na lalake at mga magulang , pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang marinig nilang sila&apos;y kinakausap niya sa wikang Hebreo , ay lalo pang tumahimik sila : at sinabi niya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y Judio , na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia , datapuwa&apos;t pinapagaral sa bayang ito , sa paanan ni Gamaliel , na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang , palibhasa&apos;y masikap tungkol sa Dios , na gaya ninyong lahat ngayon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay , na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin , at ang buong kapulungan ng matatanda : na sa kanila nama&apos;y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid , at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangyari , na , samantalang ako&apos;y naglalakbay , at nalalapit na sa Damasco , nang magtatanghaling tapat , biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ako&apos;y nasubasob sa lupa , at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin , Saulo , Saulo , bakit mo ako pinaguusig ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ako&apos;y sumagot , Sino ka baga , Panginoon ? At sinabi niya sa akin , Ako&apos;y si Jesus na taga Nazaret , na iyong pinaguusig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa katotohana&apos;y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw , datapuwa&apos;t hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinabi ko , Ano ang gagawin ko , Panginoon ? At sinabi sa akin ng Panginoon , Magtindig ka , at pumaroon ka sa Damasco ; at doo&apos;y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon , palibhasa&apos;y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko , ay pumasok ako sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At isang Ananias , lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan , na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ay lumapit sa akin , at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin , Kapatid na Saulo , tanggapin mo ang iyong paningin . At nang oras ding yao&apos;y tumingin ako sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi niya , Ang Dios ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban , at makita mo ang Banal , at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ngayon bakit ka tumitigil ? magtindig ka , at ikaw ay magbautismo , at hugasan mo ang iyong mga kasalanan , na tumatawag sa kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , na , nang ako&apos;y makabalik na sa Jerusalem , at nang ako&apos;y nananalangin sa templo ay nawalan ako ng diwa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya&apos;y nakita ko na nagsasabi sa akin , Magmadali ka , at umalis ka agad sa Jerusalem ; sapagka&apos;t hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At aking sinabi , Panginoon , napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa&apos;t sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi , ay ako nama&apos;y nakatayo sa malapit , at sinasangayunan ko , at iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya&apos;y nagsipatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi niya sa akin , Yumaon ka : sapagka&apos;t susuguin kita sa malayo sa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito ; at sila&apos;y nangagtaas ng kanilang tinig , at nangagsabi , Alisin sa lupa ang isang gayong tao : sapagka&apos;t hindi marapat na siya&apos;y mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At samantalang sila&apos;y nangagsisigawan , at ipinaghahagisan ang kanilang mga damit , at nangagsasabog ng alabok sa hangin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ay ipinagutos ng pangulong kapitan na siya&apos;y ipasok sa kuta , na ipinaguutos na siya&apos;y sulitin sa pamamagitan ng hampas , upang maalaman niya kung sa anong kadahilanan sila&apos;y nangagsigawan ng gayon laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang siya&apos;y kanilang magapos na ng mga panaling katad , ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit , Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma , na hindi pa nahahatulan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At nang ito&apos;y marinig ng senturion , ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya&apos;y ipinagbigay-alam , na sinasabi , Ano baga ang gagawin mo ? sapagka&apos;t ang taong ito ay taga Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya , Sabihin mo sa akin , ikaw baga&apos;y taga Roma ? At sinabi niya , Oo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sumagot ang pangulong kapitan , Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito . At sinabi ni Pablo , Nguni&apos;t ako&apos;y katutubong taga Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Pagkaraka nga&apos;y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana&apos;y susulit : at ang pangulong kapitan din naman ay natakot nang maalamang siya&apos;y taga Roma , at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t nang kinabukasan , sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya&apos;y isinakdal ng mga Judio , ay kaniyang pinawalan siya , at pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin , at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "23">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At si Pablo , na tumititig na mabuti sa Sanedrin , ay nagsabi , Mga kapatid na lalake , ako&apos;y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ipinagutos ng dakilang saserdoteng si Ananias sa mga nalalapit sa kaniya na siya&apos;y saktan sa bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nang magkagayo&apos;y sinabi sa kaniya ni Pablo , sasaktan ka ng Dios , ikaw na pinaputing pader : at nakaupo ka baga upang ako&apos;y hatulan mo ayon sa kautusan , at ako&apos;y sinasaktan mo ng laban sa kautusan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi ng nangakatayo sa malapit , Nilalait mo ang dakilang saserdote ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi ni Pablo , Hindi ko nalalaman , mga kapatid na lalake , na siya&apos;y dakilang saserdote : sapagka&apos;t nasusulat , Huwag kang magsasalita ng masama sa isang pinuno ng iyong bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo at ang iba&apos;y mga Fariseo , ay sumigaw siya sa Sanedrin , Mga kapatid na lalake , ako&apos;y Fariseo , anak ng mga Fariseo : ako&apos;y sinisiyasat tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang masabi na niya ang gayon , nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at sa mga Saduceo ; at nagkabahabahagi ang kapulungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na maguli , ni anghel , ni espiritu ; datapuwa&apos;t kapuwa pinaniniwalaan ng mga Fariseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nagkaroon ng malaking sigawan , at nagsitindig ang ilan sa mga eskriba na kakampi ng mga Fariseo , at nakikipagtalo , na nagsipagsabi , Wala kaming masumpungang anomang kasalanan sa taong ito : at ano kung siya&apos;y kinausap man ng isang espiritu , o ng isang anghel ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang magkaroon ng malaking pagtatalo , sa takot ng pangulong kapitan na baka pagwaraywarayin nila si Pablo , ay pinapanaog ang mga kawal at ipinaagaw siya sa gitna nila , at siya&apos;y ipinasok sa kuta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon , at sinabi , Laksan mo ang iyong loob : sapagka&apos;t kung paano ang pagkapatotoo mo tungkol sa akin sa Jerusalem , ay kailangang patotohanan mo rin gayon sa Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang araw na , ay nangagkatipon ang mga Judio , at sila&apos;y nangagpanata sa ilalim ng sumpa , na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mahigit sa apat na pu ang mga nagsipanumpa ng ganito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sila&apos;y nagsiparoon sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda , at nangagsabi , Kami ay nangagpanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa , na hindi titikim ng anoman hanggang sa mapatay namin si Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ngayon nga kayo pati ng Sanedrin ay mangagpahiwatig sa pangulong kapitan na siya&apos;y ipapanaog niya sa inyo , na waring ibig ninyong mahatulan ng lalong ganap ang sakdal tungkol sa kaniya : at kami , bago siya dumating ay nangahanda upang siya&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t ang anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ay narinig ang tungkol sa kanilang pagbabakay , at siya&apos;y naparoon at pumasok sa kuta at isinaysay kay Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion , at sinabi , Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan ; sapagka&apos;t siya&apos;y may isang bagay na sasabihin sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t siya&apos;y kinuha , at dinala siya sa pangulong kapitan , at sinabi , Tinawag ako ng bilanggong si Pablo , at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito , na may isang bagay na sasabihin sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At tinangnan siya ng pangulong kapitan sa kamay , at pagtabi ay lihim na tinanong siya , Ano yaong sasabihin mo sa akin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinabi niya , Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo&apos;y ipamanhik na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa Sanedrin , na waring ikaw ay may sisiyasating lalong ganap tungkol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag ka ngang palamuyot sa kanila : sapagka&apos;t binabakayan siya ng mahigit na apat na pung katao sa kanila , na nangagsipagpanata sa ilalim ng sumpa , na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya&apos;y kanilang mapatay : at ngayo&apos;y nangahahanda sila , na nangaghihintay ng pangako mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t pinaalis ng pangulong kapitan ang binata , na ipinagbilin sa kaniya , Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinahiwatig mo sa akin ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion , at sinabi , Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa Cesarea , at pitong pung kabayuhan , at dalawang daang sibatan , sa ikatlong oras ng gabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At pinapaghanda niya sila ng mga hayop , upang mapagsakyan kay Pablo , at siya&apos;y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y sumulat ng isang sulat , na ganito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Si Claudio Lisias sa kagalanggalang na gobernador Felix , bumabati .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang taong ito&apos;y hinuli ng mga Judio , at papatayin na lamang sana nila , nang dumalo akong may kasamang mga kawal at siya&apos;y iniligtas ko , nang mapagtantong siya&apos;y isang taga Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa pagkaibig kong mapagunawa ang dahilan kung bakit siya&apos;y kanilang isinakdal , ay ipinanaog ko siya sa kanilang Sanedrin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na nasumpungan ko na siya&apos;y kanilang isinasakdal sa mga suliranin tungkol sa kanilang kautusan , datapuwa&apos;t walang anomang sakdal laban sa kaniya na marapat sa kamatayan o sa tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nang ipakilala sa akin na may banta laban sa taong iyan , ay ipinadala ko siya agad sa iyo , na aking ipinagbilin din sa mga sa kaniya&apos;y nangagsasakdal na mangagsalita sa harapan mo laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya&apos;t ang mga kawal , alinsunod sa iniutos sa kanila , ay kinuha si Pablo at dinala siya sa gabi sa Antipatris .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t nang kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan , at nangagbalik sa kuta :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sila , nang sila&apos;y magsidating sa Cesarea at maibigay ang sulat sa gobernador , ay iniharap din si Pablo sa harapan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nang mabasa niya ito , ay itinanong niya kung taga saang lalawigan siya ; at nang maalamang siya&apos;y taga Cilicia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Pakikinggan kitang lubos , ang sabi niya , pagdating naman ng mga nagsisipagsakdal sa iyo : at ipinagutos na siya&apos;y ingatan sa palasio ni Herodes .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "24">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si Ananias na kasama ang ilang matatanda , at ang isang Tertulo na mananalumpati ; at sila&apos;y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nang siya&apos;y tawagin , si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya , na sinasabi , Yamang dahil sa iyo&apos;y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan , at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako , kagalanggalang na Felix , ng buong pagpapasalamat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t , nang huwag akong makabagabag pa sa iyo , ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t nangasumpungan namin ang taong ito&apos;y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan , at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na kaniya rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo : na siya ring dahil ng aming inihuli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t dumating ang pangulong pinunong si Lysias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na mapagtatalastas mo , sa iyong pagsisiyasat sa kaniya , ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya&apos;y isinasakdal namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal , na pinatutunayan na ang mga bagay na ito&apos;y gayon nga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nang siya&apos;y mahudyatan ng gobernador upang magsalita , si Pablo ay sumagot , Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito , ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t napagtatalastas mo na wala pang labingdalawang araw buhat nang ako&apos;y umahon sa Jerusalem upang sumamba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ni hindi nila ako nasumpungan sa templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya&apos;y nanggugulo sa karamihan , ni sa mga sinagoga , ni sa bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo&apos;y kanilang isinasakdal laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ito ang ipinahahayag ko sa iyo , na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta , ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang , na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan , at nangasusulat sa mga propeta ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na may pagasa sa Dios , na siya rin namang hinihintay nila , na magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na dahil nga rito&apos;y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang makaraan nga ang ilang mga taon ay naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa , at ng mga hain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na ganito nila ako nasumpungang pinalinis sa templo , na walang kasamang karamihan , ni wala ring kaguluhan : datapuwa&apos;t mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na dapat magsiparito sa harapan mo , at mangagsakdal , kung may anomang laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">O kaya&apos;y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila nang ako&apos;y nakatayo sa harapan ng Sanedrin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Maliban na sa isang tinig na ito na aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila , Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako&apos;y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t si Felix , na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol sa Daan , ay ipinagpaliban sila , na sinasabi , Paglusong ni Lisias na pangulong kapitan , ay pasisiyahan ko ang inyong usap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At iniutos niya sa senturion na siya&apos;y tanuran at siya&apos;y pagbigyang-loob ; at huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya&apos;y paglingkuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t nang makaraan ang ilang mga araw , si Felix ay dumating na kasama si Drusila , na kaniyang asawa , na isang Judia , at ipinatawag si Pablo , at siya&apos;y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At samantalang siya&apos;y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran , at sa sariling pagpipigil , at sa paghuhukom na darating , ay nangilabot si Felix , at sumagot , Ngayo&apos;y humayo ka ; at pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kaniyang inaasahan din naman na siya&apos;y bibigyan ni Pablo ng salapi : kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya , at sa kaniya&apos;y nakikipagusap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t nang maganap ang dalawang taon , si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo ; at sa pagkaibig ni Felix na siya&apos;y kalugdan ng mga Judio , ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "25">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan , pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo ; at siya&apos;y kanilang pinamanhikan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na humihingi ng lingap laban sa kaniya , na siya&apos;y ipahatid sa Jerusalem ; na binabakayan upang siya&apos;y mapatay sa daan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon ma&apos;y sumagot si Festo , na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea , at siya&apos;y paroroon sa lalong madaling panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya nga , sinabi niya , ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin , at kung may anomang pagkakasala ang taong ito , ay isakdal siya nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nang siya&apos;y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw , ay lumusong siya sa Cesarea : at nang kinabukasa&apos;y lumuklok siya sa hukuman , at ipinaharap sa kaniya si Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang siya&apos;y dumating , ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem , na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya , na pawang hindi nila mapatunayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang , Laban man sa kautusan ng mga Judio , ni laban sa templo , ni laban kay Cesar , ay hindi ako nagkakasala ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t si Festo , sa pagkaibig na siya&apos;y kalugdan ng mga Judio , ay sumagot kay Pablo , at nagsabi , Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem , at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pablo , Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar , na doon ako dapat hatulan : wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio , gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung ako nga&apos;y isang makasalanan , at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan , ay hindi ako tumatangging mamatay ; datapuwa&apos;t kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin , ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila . Maghahabol ako kay Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang magkagayon si Festo , nang makapagpanayam na sa Sanedrin , ay sumagot , Naghabol ka kay Cesar ; kay Cesar ka paparoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang makaraan nga ang ilang mga araw , si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea , at nagsibati kay Festo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang sila&apos;y magsitira roong maraming araw , ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo , na sinasabi , May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tungkol sa kaniya nang ako&apos;y nasa Jerusalem , ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin , na hinihinging ako&apos;y humatol laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa kanila&apos;y aking isinagot , na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao , hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal , at siya&apos;y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang sila nga&apos;y mangagkatipon dito , ay hindi ako nagpaliban , kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman , at ipinaharap ko ang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tungkol sa kaniya , nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal , ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion , at sa isang Jesus , na namatay , na pinatutunayan ni Pablo na ito&apos;y buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ako , palibhasa&apos;y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito , ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t nang makapaghabol na si Pablo na siya&apos;y ingatan upang hatulan ng emperador , ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya&apos;y maipadala ko kay Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At sinabi ni Agripa kay Festo , Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao . Bukas , sinasabi niya , siya&apos;y mapapakinggan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaya&apos;t nang kinabukasan , nang dumating si Agripa , at si Bernice , na may malaking karilagan , at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan , sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At sinabi ni Festo , Haring Agripa , at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin , nakikita ninyo ang taong ito , na tungkol sa kaniya&apos;y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio , na nangagsisigawang hindi marapat na siya&apos;y mabuhay pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t aking nasumpungang siya&apos;y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan : at sapagka&apos;t siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya&apos;y ipadala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Tungkol sa kaniya&apos;y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon . Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo , at lalong-lalo na sa harapan mo , haring Agripa , upang , pagkatapos ng pagsisiyasat , ay magkaroon ng sukat na maisulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t inaakala kong di katuwiran , na sa pagpapadala ng isang bilanggo , ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "26">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sinabi ni Agripa kay Pablo , Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo . Nang magkagayo&apos;y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay , at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ikinaliligaya kong lubha , haring Agripa , na sa harapan mo&apos;y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Lalong-lalo na sapagka&apos;t bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio : kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata , na nang una&apos;y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem , ay nalalaman ng lahat ng mga Judio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na napagtatalastas nila mula pa nang una , kung ibig nilang magsisaksi , na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ngayo&apos;y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dahil sa pangakong ito&apos;y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi&apos;t araw , na inaasahang kakamtin . At tungkol sa pagasang ito ako&apos;y isinasakdal ng mga Judio , Oh hari !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bakit inaakala ninyong ito&apos;y hindi mapaniniwalaan , kung binubuhay ng Dios ang mga patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tunay na ako ma&apos;y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ginawa ko rin ito sa Jerusalem : at kinulong ko sa mga bilangguan ang marami sa mga banal , pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote , at nang sila&apos;y ipinapapatay , ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga , ay pinipilit ko silang magsipamusong ; at sa totoong pagkagalit ko sa kanila , ay sila&apos;y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hinggil dito sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nang katanghalian , Oh hari , ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit , na lalong maningning kay sa araw , at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat , ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo , Saulo , Saulo , bakit mo ako pinaguusig ? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi ko , Sino ka baga , Panginoon ? At sinabi ng Panginoon , Ako&apos;y si Jesus na iyong pinaguusig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t magbangon ka , at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa : sapagka&apos;t dahil dito&apos;y napakita ako sa iyo , upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin , at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na ililigtas kita sa bayan , at sa mga Gentil , na sa kanila&apos;y sinusugo kita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang idilat mo ang kanilang mga mata , upang sila&apos;y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios , upang sila&apos;y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dahil nga dito , Oh haring Agripa , hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco , at sa Jerusalem din naman , at sa buong lupain ng Judea , at gayon din sa mga Gentil , na sila&apos;y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios , na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Dahil dito&apos;y hinuli ako ng mga Judio sa templo , at pinagsisikapang ako&apos;y patayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios , ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki , na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap , at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan , at gayon din sa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig , Pablo , ikaw ay ulol ; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo&apos;y nagpapaulol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t sinabi ni Pablo , Hindi ako ulol , kagalanggalang na Festo ; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t nalalaman ng hari ang mga bagay na ito , na sa kaniya&apos;y nagsasalita naman ako ng buong laya : sapagka&apos;t naniniwala ako na sa kaniya&apos;y walang nalilingid sa mga bagay na ito ; sapagka&apos;t ito&apos;y hindi ginawa sa isang sulok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Haring Agripa , naniniwala ka baga sa mga propeta ? Nalalaman kong naniniwala ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sinabi ni Agripa kay Pablo , Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sinabi ni Pablo , Loobin nawa ng Dios , na sa kakaunti o sa marami man , ay hindi lamang ikaw , kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon , ay pawang maging katulad ko naman , tangi lamang sa mga tanikalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At nagtindig ang hari , at ang gobernador , at si Bernice , at ang mga nagsiupong kasama nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At nang sila&apos;y makahiwalay , ay nangagsalitaan sila sa isa&apos;t isa , na nagsisipagsabi , Ang taong ito ay walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At sinabi ni Agripa kay Festo , mapalalaya sana ang taong ito , kung hindi naghabol kay Cesar .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "27">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia , ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio , sa pulutong ni Augusto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto , na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia , ay nagsitulak kami , na kasama namin si Aristarco na isang taga Macedonia mula sa Tesalonica .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon : at pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo , at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan , at siya&apos;y magpakaginhawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang kami&apos;y magsitulak buhat doon , ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre , sapagka&apos;t pasalunga ang hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia , ay nagsirating kami sa Mira , na isang bayan ng Licia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nasumpungan doon ng senturion ang isang daong Alejandria na lumalayag na patungo sa Italia ; at inilulan niya kami roon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw , at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido , na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa , ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta , sa tapat ng Salmon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan ; na malapit doon ang bayan ng Lasea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang magugol na ang mahabang panahon , at mapanganib na ang paglalayag , sapagka&apos;t nakalampas na ang Pagaayuno , ay pinamanhikan sila ni Pablo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa kanila&apos;y sinabi , Mga ginoo , nakikita ko na ang paglalayag na ito ay makapipinsala at magiging malaking kapahamakan , hindi lamang sa lulan at sa daong , kundi naman sa ating mga buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t may higit pang paniwala ang senturion sa piloto at sa may-ari ng daong , kay sa mga bagay na sinalita ni Pablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sapagka&apos;t hindi bagay hintuan sa tagginaw ang daongan , ay ipinayo ng karamihan na tumulak mula roon , at baka sakaling sa anomang paraan ay makarating sila sa Fenix , at doon huminto sa tagginaw ; na yao&apos;y daungan ng Creta , na nasa dakong hilagang-silanganan at timugang-silanganan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang marahang humihihip ang hanging timugan na inaakalang maisasagawa nila ang kanilang nasa , itinaas nila ang sinepete at namaybay sa baybayin ng Creta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin , na tinatawag na Euraclidon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At nang ipadpad ang daong , at hindi makasalungat sa hangin , ay nangagpabaya na kami , at kami&apos;y ipinadpad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa pagtakbo ng daong na nanganganlong sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda , ay may kahirapan naming maitaas ang bangka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang maitaas na ito , ay nagsigamit sila ng mga lubid , na tinalian ang ibaba ng daong ; at , sa takot na baka mapapadpad sa Sirte , ay ibinaba nila ang mga layag , at sa gayo&apos;y napaanod sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sapagka&apos;t lubhang nakikipaglaban kami sa bagyo , nang sumunod na araw ay nangagsimula silang magtapon ng lulan sa dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nang ikatlong araw ay kanilang ipinagtatapon ng kanilang sariling mga kamay ang mga kasangkapan ng daong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw , at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo , ay nawala ang buong pagasa na kami&apos;y makaliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain , ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila , at sinabi , Mga ginoo , nangakinig sana kayo sa akin , at hindi umalis sa Creta , at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob ; sapagka&apos;t walang buhay na mapapahamak sa inyo , kundi ang daong lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin , at siya ko namang pinaglilingkuran ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na nagsabi , Huwag kang matakot , Pablo ; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar : at narito , ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya nga , mga ginoo , laksan ninyo ang inyong loob : sapagka&apos;t ako&apos;y sumasampalataya sa Dios , na mangyayari ayon sa sinalita sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t tayo&apos;y kailangang mapapadpad sa isang pulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Datapuwa&apos;t nang dumating ang ikalabingapat na gabi , samantalang kami&apos;y ipinapadpad ng hangin sa magkabikabila ng Dagat ng Adriatico , nang maghahating gabi na ay sinasapantaha ng mga mangdaragat na sila&apos;y nangalalapit na sa isang lupain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kanilang tinarok , at nasumpungang may dalawangpung dipa ; at pagkasulongsulong ng kaunti , ay tinarok nilang muli at nasumpungang may labinglimang dipa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At sa takot naming mapapadpad sa batuhan , ay nangaghulog sila ng apat na sinepete sa hulihan , at iniibig magumaga na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At sa pagpipilit ng mga mangdaragat na mangagtanan sa daong , at nang maibaba na ang bangka sa dagat , na ang dinadahilan ay mangaghuhulog sila ng mga sinepete sa unahan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal , Maliban na magsipanatili ang mga ito sa daong , kayo&apos;y hindi mangakaliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Nang magkagayo&apos;y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka , at pinabayaang mahulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At samantalang naguumaga , ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain , na sinasabi , Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo&apos;y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain , na walang kinakaing anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo&apos;y magsikain : sapagka&apos;t ito&apos;y sa ikaliligtas ninyo : sapagka&apos;t hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At nang masabi na niya ito , at makadampot ng tinapay , ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat ; at kaniyang pinagputolputol , at pinasimulang kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nang magkagayo&apos;y nagsilakas ang loob ng lahat , at sila nama&apos;y pawang nagsikain din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu&apos;t anim na kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">At nang mangabusog na sila , ay pinagaan nila ang daong , na ipinagtatapon sa dagat ang trigo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At nang magumaga na , ay hindi nila makilala ang lupain ; datapuwa&apos;t nababanaagan nila ang isang look ng dagat na may baybayin , at sila&apos;y nangagsangusapan kung kanilang maisasadsad ang daong doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">At inihulog ang mga sinepete , at kanilang pinabayaan sa dagat , samantalang kinakalag ang mga tali ng mga ugit ; at nang maitaas na nila sa hangin ang layag sa unahan , ay nagsipatungo sila sa baybayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Datapuwa&apos;t pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat , ay kanilang isinadsad ang daong ; at ang unahan ng daong ay napabunggo at tumigil na hindi kumikilos , datapuwa&apos;t nagpasimulang magkawasakwasak ang hulihan sa kalakasan ng mga alon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">At ang payo ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo , upang ang sinoma&apos;y huwag makalangoy at makatanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Datapuwa&apos;t ang senturion , sa pagkaibig na iligtas si Pablo , ay pinigil sila sa kanilang balak ; at ipinagutos na ang mga makalangoy ay magsitalon , at mangaunang magsidating sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">At sa mga naiwan , ang iba&apos;y sa mga kahoy , at ang iba nama&apos;y sa mga bagay na galing sa daong . At sa ganito nangyari , na ang lahat ay nangakatakas na ligtas hanggang sa lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "28">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang kami&apos;y mangakatakas na , nang magkagayo&apos;y napagtalastas namin na ang pulo&apos;y tinatawag na Melita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro : sapagka&apos;t sila&apos;y nagsiga , at tinanggap kaming lahat , dahil sa ulan niyaon , at dahil sa ginaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy , ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init , at kumapit sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay , ay nagsabi ang isa sa iba , Walang salang mamamatay-tao ang taong ito , na , bagama&apos;t siya&apos;y nakatakas sa dagat , gayon ma&apos;y hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon ma&apos;y ipinagpag niya ang hayop sa apoy , at siya&apos;y hindi nasaktan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kanilang hinihintay na siya&apos;y mamaga , o biglang mabuwal na patay : datapuwa&apos;t nang maluwat na silang makapaghintay , at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman , ay nangagbago sila ng akala , at nangagsabing siya&apos;y isang dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa mga kalapit ng dakong yao&apos;y may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon , na nagngangalang Publio ; na tumanggap sa amin , at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At nangyari , nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti : at pinasok siya ni Pablo , at nanalangin , at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siya&apos;y pinagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang magawa na ito , ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo , at pawang pinagaling :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kami nama&apos;y kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal ; at nang magsilayag kami , ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo , na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nang dumaong kami sa Siracusa , ay nagsitigil kami roong tatlong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At mula doo&apos;y nagsiligid kami , at nagsirating sa Regio : at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang timugan , at nang ikalawang araw ay nagsirating kami sa Puteoli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na doo&apos;y nakasumpong kami ng mga kapatid , at kami&apos;y pinakiusapang matira sa kanilang pitong araw : at sa gayo&apos;y nagsirating kami sa Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At buhat doo&apos;y pagkabalita ng mga kapatid , ay sinalubong kami sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan ; na nang sila&apos;y makita ni Pablo , ay nagpasalamat sa Dios , at lumakas ang loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At nang mangakapasok kami sa Roma , si Pablo ay pinahintulutang mamahay na magisa na kasama ng kawal na sa kaniya&apos;y nagbabantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nangyari , na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio : at nang sila&apos;y mangagkatipon na , ay sinabi niya sa kanila , Ako , mga kapatid , bagaman wala akong ginawang anoman laban sa bayan , o sa mga kaugalian ng ating mga magulang , ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na , nang ako&apos;y kanilang masulit na , ay ibig sana nila akong palayain , sapagka&apos;t wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t nang magsalita laban dito ang mga Judio , ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar ; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin : sapagka&apos;t dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sinabi nila sa kaniya , Kami&apos;y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo , ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip : sapagka&apos;t tungkol sa sektang ito&apos;y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At nang mataningan na nila siya ng isang araw , ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan ; at sa kanila&apos;y kaniyang ipinaliwanag ang bagay , na sinasaksihan ang kaharian ng Dios , at sila&apos;y hinihikayat tungkol kay Jesus , sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta , buhat sa umaga hanggang sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga iba&apos;y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi , at ang mga iba&apos;y hindi nagsipaniwala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At nang sila&apos;y hindi mangagkaisa , ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita , Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na sinasabi , Pumaroon ka sa bayang ito , at sabihin mo , Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan , at sa anomang paraa&apos;y hindi ninyo mapaguunawa ; At sa pagtingin ay inyong makikita , at sa anomang paraa&apos;y hindi ninyo mamamalas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t kumapal ang puso ng bayang ito , At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga , At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata ; Baka sila&apos;y mangakakita ng kanilang mga mata , At mangakarinig ng kanilang mga tainga , At mangakaunawa ng kanilang puso , At muling mangagbalik-loob , At sila&apos;y aking pagalingin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Maging hayag nawa sa inyo , na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga Gentil : sila&apos;y makikinig naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nang masabi na niya ang mga salitang ito&apos;y nagsialis ang mga Judio , at sila-sila&apos;y nangagtatalong mainam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan , at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya&apos;y nagsisipagsadya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios , at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan , wala sinomang nagbabawal sa kaniya .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "45">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo na alipin ni Jesucristo , na tinawag na maging apostol , ibinukod sa evangelio ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Tungkol sa kaniyang Anak , na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan , sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay , sa makatuwid baga&apos;y si Jesucristo na Panginoon natin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sa pamamagitan niya&apos;y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol , sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa , dahil sa kaniyang pangalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa mga ito kayo naman , ay tinawag kay Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa lahat ninyong nangasa Roma , mga iniibig ng Dios , tinawag na mangagbanal : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaunaunahan , ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat , na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ang Dios ang aking saksi , na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak , na walang patid na aking kayong binabanggit , sa aking mga panalangin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At laging isinasamo ko , kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ninanasa kong makita kayo , upang ako&apos;y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu , upang kayo&apos;y mangagsitibay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa makatuwid baga , upang ako&apos;t kayo ay maaliw sa inyo , ang bawa&apos;t isa sa atin sa pananampalataya ng iba , ang sa inyo at sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At hindi ko ibig , mga kapatid , na hindi ninyo matalastas na madalas kong inaakalang makarating sa inyo ( datapuwa&apos;t hanggang ngayon ako&apos;y nahahadlangan ) , upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga , na gaya sa mga ibang Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ako&apos;y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro , sa marurunong at gayon din sa mga mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya nga , sa ganang akin , ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t hindi ko ikinahihiya ang evangelio : sapagka&apos;t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa&apos;t sumasampalataya ; una&apos;y sa Judio , at gayon din sa Griego .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya : gaya ng nasusulat , Nguni&apos;t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao , na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila ; sapagka&apos;t ito&apos;y ipinahayag ng Dios sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag , sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya , maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios ; upang sila&apos;y walang madahilan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t kahit kilala nila ang Dios , siya&apos;y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios , ni pinasalamatan ; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira , ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira , at ng mga ibon , at ng mga hayop na may apat na paa , at ng mga nagsisigapang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Dahil dito&apos;y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan , upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan , at sila&apos;y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang , na siyang pinupuri magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Dahil dito&apos;y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita : sapagka&apos;t pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At gayon din naman ang mga lalake , na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae , ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa&apos;t isa , na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake , at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At palibhasa&apos;y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios , ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip , upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nangapuspus sila ng buong kalikuan , ng kasamaan , ng kasakiman , ng kahalayan ; puspos ng kapanaghilian , ng pagpatay sa kapuwa tao , ng pagtatalo , ng pagdaraya , ng mga kasamaan ; mga mapagupasala ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Mga mapanirang puri , mga napopoot sa Dios , mga manglalait , mga palalo , mga mapagmapuri , mga mangangatha ng mga kasamaan , mga masuwayin sa mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Mga haling , mga hindi tapat sa tipanan , mga walang katutubong paggiliw , mga walang habag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Na , bagama&apos;t nalalaman nila ang kautusan ng Dios , na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan , ay hindi lamang gayon ang ginagawa , kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dahil dito&apos;y wala kang madadahilan , Oh tao , sino ka man na humahatol : sapagka&apos;t sa iyong paghatol sa iba , ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo ; sapagka&apos;t ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At iniisip mo baga ito , Oh tao , na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay , at ginagawa mo ang gayon din , na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod , na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na siya ang magbibigay sa bawa&apos;t tao ayon sa kaniyang mga gawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira , ay ang buhay na walang hanggan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang sa mga palaaway , at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan , kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan , ay ang kagalitan at kapootan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kapighatian at kahapisan , ang sa bawa&apos;t kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama , ng Judio una-una , at gayon din ng Griego ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa&apos;t taong gumagawa ng mabuti , sa Judio ang una-una , at gayon din sa Griego :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan : at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios , kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">( Sapagka&apos;t kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo , ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan , ang mga ito , na walang kautusan , ay siyang kautusan sa kanilang sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso , na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi , at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa&apos;t isa ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao , ayon sa aking evangelio , sa pamamagitan ni Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kung ikaw na may taglay na pangalang Judio , at nasasalig sa kautusan , at nagmamapuri sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nakaaalam ng kaniyang kalooban , at sumasangayon sa mga bagay na magagaling , palibhasa&apos;y tinuruan ka ng kautusan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nagkakatiwala ka na ikaw ay tagaakay ng mga bulag , ilaw ng mga nasa kadiliman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tagasaway sa mga di nakaaalam , guro ng mga bata , na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikaw nga na nagtuturo sa iba , hindi mo tinuturuan ang iyong sarili ? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw , ay nagnanakaw ka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya , ay nangangalunya ka ? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan , ay nanakawan mo ang mga templo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ikaw na nagmamapuri sa kautusan , sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo , gaya ng nasusulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang pagtutuli&apos;y tunay na pinakikinabangan , kung tinutupad mo ang kautusan ; datapuwa&apos;t kung ikaw ay masuwayin sa kautusan , ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan , hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang di pagtutuli sa katutubo , kung tumupad ng kautusan , ay hindi baga hahatol sa iyo na may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t siya&apos;y hindi Judio kung sa labas lamang ; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t siya&apos;y Judio sa loob ; at ang pagtutuli ay yaong sa puso , sa Espiritu hindi sa titik ; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao , kundi sa Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ano nga ang kahigitan ng Judio ? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Marami sa anomang paraan : ang una sa lahat , ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya ? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag nawang mangyari : oo , bagkus pa nga ang Dios ay tapat , datapuwa&apos;t ang bawa&apos;t tao&apos;y sinungaling ; gaya ng nasusulat , Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita , At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios , ano ang ating sasabihin ? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot ? ( nagsasalita akong ayon sa pagkatao . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag nawang mangyari : sapagka&apos;t kung gayo&apos;y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya , bakit pa naman ako&apos;y hinahatulang tulad sa isang makasalanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At bakit hindi ( gaya ng pagkalibak sa atin , at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi ) , Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti ? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ano nga ? tayo baga&apos;y lalong mabuti kay sa kanila ? Hindi , sa anomang paraan : sapagka&apos;t ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego , na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gaya ng nasusulat , Walang matuwid , wala , wala kahit isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Walang nakatatalastas , Walang humahanap sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Silang lahat ay nagsilihis , magkakasamang nawalan ng kasaysayan ; Walang gumagawa ng mabuti , wala , wala kahit isa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas ; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila : Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan , yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan ; upang matikom ang bawa&apos;t bibig , at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya ; sapagka&apos;t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios , na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa makatuwid baga&apos;y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya ; sapagka&apos;t walang pagkakaiba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang lahat ay nangagkasala nga , at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Palibhasa&apos;y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob , sa pamamagitan ng pananampalataya , sa kaniyang dugo , upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa pagpapakilala&apos;y aking sinasabi , ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan , upang siya&apos;y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri ? Ito&apos;y inihiwalay na . Sa pamamagitan ng anong kautusan ? ng mga gawa ? Hindi : kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang ? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil ? Oo , ng mga Gentil din naman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung gayon nga na iisa ang Dios , at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya , at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya ? Huwag nawang mangyari : kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ano nga ang ating sasabihin , na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa , ay mayroon sana siyang ipagmamapuri ; datapuwa&apos;t hindi sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ano ang sinasabi ng kasulatan ? At sumampalataya si Abraham sa Dios , at sa kaniya&apos;y ibinilang na katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ngayon sa kaniya na gumagawa&apos;y , hindi ibinibilang na biyaya ang ganti , kundi utang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t sa kaniya na hindi gumagawa , nguni&apos;t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama , ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao , na sa kaniya&apos;y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na sinasabi , Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad , At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mapalad ang tao na sa kaniya&apos;y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli , o tungkol din naman sa di-pagtutuli ? sapagka&apos;t sinasabi natin , Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Paano ngang ito&apos;y ibinilang ? nang siya baga&apos;y nasa pagtutuli , o sa di-pagtutuli ? Hindi sa pagtutuli , kundi sa di-pagtutuli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli , na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya&apos;y nasa di-pagtutuli : upang siya&apos;y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya , bagaman sila&apos;y nasa di-pagtutuli , upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli , kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya&apos;y nasa di-pagtutuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan , kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana , ay walang kabuluhan ang pananampalataya , at nawawalang kabuluhan ang pangako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang kautusan ay gumagawa ng galit ; datapuwa&apos;t kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Dahil dito&apos;y sa pananampalataya , upang maging ayon sa biyaya ; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi ; hindi lamang sa nasa kautusan , kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham , na ama nating lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">( Gaya ng nasusulat , Ginawa kitang ama ng maraming bansa ) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan , sa makatuwid baga&apos;y ang Dios , na nagbibigay ng buhay sa mga patay , at tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa , upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi , Magiging gayon ang iyong binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hindi humina sa pananampalataya na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na ( gayon siya&apos;y may mga isang daang taon na ) , at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kundi , sa pagtingin niya sa pangako ng Dios , ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya , kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya , na niluluwalhati ang Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Dahil dito&apos;y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ngayo&apos;y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat , na sa kaniya&apos;y ibinilang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kundi dahil din naman sa atin , na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay , kay Jesus na ating Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan , at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya , mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa pamamagitan din naman niya&apos;y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo ; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At hindi lamang gayon , kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang katiyagaan , ng pagpapatunay ; at ang pagpapatunay , ng pagasa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang pagasa ay hindi humihiya ; sapagka&apos;t ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang isang tao&apos;y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid : bagama&apos;t dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin , na nang tayo&apos;y mga makasalanan pa , si Cristo ay namatay dahil sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo , ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t kung , noong tayo&apos;y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak , lubha pa , ngayong nangagkakasundo na , ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At hindi lamang gayon , kundi tayo&apos;y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo , na sa pamamagitan niya&apos;y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya , kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan , at ang kamataya&apos;y sa pamamagitan ng kasalanan ; at sa ganito&apos;y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao , sapagka&apos;t ang lahat ay nangagkasala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan : nguni&apos;t hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises , kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam , na siyang anyo niyaong darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway . Sapagka&apos;t kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami , lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios , at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala : sapagka&apos;t ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa , datapuwa&apos;t ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t kung , sa pagsuway ng isa , ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa ; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa , sa makatuwid baga&apos;y si Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa ; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran , ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan , gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan , upang ang pagsuway ay makapanagana ; datapuwa&apos;t kung saan nanagana ang kasalanan , ay nanaganang lubha ang biyaya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Upang , kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay , ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ano nga ang ating sasabihin ? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag nawang mangyari . Tayong mga patay na sa pagkakasala , paano nga tayong mabubuhay pa riyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tayo nga&apos;y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan : na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama , ay gayon din naman tayo&apos;y makalalakad sa panibagong buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan , ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na nalalaman natin , na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus , upang ang katawang salarin ay magiba , at nang sa gayo&apos;y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kung tayo&apos;y nangamatay na kalakip ni Cristo , ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay ; ang kamataya&apos;y hindi naghahari sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang kamatayan na ikinamatay niya , ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan : datapuwa&apos;t ang buhay na kaniyang ikinabubuhay , ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon din naman kayo , ibilang ninyong kayo&apos;y tunay na mga patay na sa kasalanan , nguni&apos;t mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan , upang kayo&apos;y magsisunod sa kaniyang mga pita :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan ; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios , na tulad sa nangabuhay sa mga patay , at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo : sapagka&apos;t wala kayo sa ilalim ng kautusan , kundi sa ilalim ng biyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ano nga ? mangagkakasala baga tayo , dahil sa tayo&apos;y wala sa ilalim ng kautusan , kundi sa ilalim ng biyaya ? Huwag nawang mangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hindi baga ninyo nalalaman , na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo&apos;y mga alipin niyaong inyong tinatalima ; maging ng kasalanan sa ikamamatay , maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t salamat sa Dios , na , bagama&apos;t kayo&apos;y naging mga alipin ng kasalanan , kayo&apos;y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman : sapagka&apos;t kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo&apos;t lalong kasamaan , gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t nang kayo ay mga alipin ng kasalanan , kayo&apos;y laya tungkol sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo&apos;y ikinahihiya ninyo ? sapagka&apos;t ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios , kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal , at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ; datapuwa&apos;t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid ( sapagka&apos;t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan ) , na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya&apos;y nabubuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay ; datapuwa&apos;t kung ang asawa&apos;y mamatay , ay kalag na sa kautusan ng asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya nga kung , samantalang nabubuhay ang asawa , siya&apos;y makikisama sa ibang lalake , siya&apos;y tatawaging mangangalunya : datapuwa&apos;t kung mamatay ang asawa , ay laya na siya sa kautusan , ano pa&apos;t siya&apos;y hindi na mangangalunya , bagaman siya&apos;y makisama sa ibang lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Gayon din naman , mga kapatid ko , kayo&apos;y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo ; upang kayo&apos;y makisama sa iba , sa makatuwid baga&apos;y doon sa nabuhay na maguli , upang tayo&apos;y magsipagbunga sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t nang tayo&apos;y nangasa laman , ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan , ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ngayon tayo&apos;y nangaligtas sa kautusan , yamang tayo&apos;y nangamatay doon sa nakatatali sa atin ; ano pa&apos;t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu , at hindi sa karatihan ng sulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ano nga ang ating sasabihin ? Ang kautusan baga&apos;y kasalanan ? Huwag nawang mangyari . Datapuwa&apos;t , hindi ko sana nakilala ang kasalanan , kundi sa pamamagitan ng kautusan : sapagka&apos;t hindi ko sana nakilala ang kasakiman , kung hindi sinasabi ng kautusan , Huwag kang mananakim :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang kasalanan , nang makasumpong ng pagkakataon , ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman : sapagka&apos;t kung walang kautusan ang kasalanan ay patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang isang panahon ako&apos;y nabubuhay na walang kautusan : datapuwa&apos;t nang dumating ang utos , ay muling nabuhay ang kasalanan at ako&apos;y namatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang utos na sa ikabubuhay , ay nasumpungan kong ito&apos;y sa ikamamatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang kasalanan , nang makasumpong ng pagkakataon , ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos , at sa pamamagitan nito ay pinatay ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga ang kautusan ay banal , at ang utos ay banal , at matuwid , at mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin ? Huwag nawang mangyari . Kundi ang kasalanan , upang maipakilalang kasalanan , sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan ; na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t nalalaman natin na ang kautusa&apos;y sa espiritu : nguni&apos;t ako&apos;y sa laman , na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang ginagawa ko&apos;y hindi ko nalalaman : sapagka&apos;t ang hindi ko ibig , ang ginagawa ko ; datapuwa&apos;t ang kinapopootan ko , yaon ang ginagawa ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kung ang hindi ko ibig , ang siyang ginagawa ko , ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya ngayo&apos;y hindi ako ang gumagawa nito , kundi ang kasalanang tumitira sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t nalalaman ko na sa akin , sa makatuwid ay sa aking laman , ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti : sapagka&apos;t ang pagnanasa ay nasa akin , datapuwa&apos;t ang paggawa ng mabuti ay wala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang mabuti na aking ibig , ay hindi ko ginagawa : nguni&apos;t ang masama na hindi ko ibig , ay siya kong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t kung ang hindi ko ibig , ang siya kong ginagawa , ay hindi na ako ang gumagawa nito , kundi ang kasalanang tumitira sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na , kung ibig kong gumawa ng mabuti , ang masama ay nasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ako&apos;y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip , at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Abang tao ako ! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin . Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip , sa kautusan ng Dios ; datapuwa&apos;t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon nga&apos;y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang hindi magawa ng kautusan , na mahina sa pamamagitan ng laman , sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan , ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin , na hindi nangagsisilakad ayon sa laman , kundi ayon sa Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman ; datapuwa&apos;t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ang kaisipan ng laman ay kamatayan ; datapuwa&apos;t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios ; sapagka&apos;t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios , ni hindi nga maaari :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t kayo&apos;y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu , kung gayo&apos;y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios . Datapuwa&apos;t kung ang sinoma&apos;y walang Espiritu ni Cristo , siya&apos;y hindi sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kung si Cristo ay nasa sa inyo , ang katawan ay patay dahil sa kasalanan ; datapuwa&apos;t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo , ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan , sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga , mga kapatid , mga may utang tayo , hindi sa laman , upang mabuhay ayon sa laman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman , ay mangamamatay kayo ; datapuwa&apos;t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman , ay mangabubuhay kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios , ay sila ang mga anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot ; datapuwa&apos;t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop , na dahil dito&apos;y sumisigaw tayo , Abba , Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu , na tayo&apos;y mga anak ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung mga anak , ay mga tagapagmana nga ; mga tagapagmana sa Dios , at mga kasamang tagapagmana ni Cristo ; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya , upang tayo&apos;y lumuwalhati namang kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito&apos;y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan , hindi sa kaniyang kalooban , kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya , sa pagasa</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At hindi lamang gayon , kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu , sa makatuwid baga&apos;y tayo nama&apos;y nangagsisihibik din sa ating sarili , sa paghihintay ng pagkukupkop , na dili iba&apos;t , ang pagtubos sa ating katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t tayo&apos;y iniligtas sa pagasa : datapuwa&apos;t ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa : kaya&apos;t sino nga ang umaasa sa nakikita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita , kung magkagayo&apos;y hinihintay nating may pagtitiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan : sapagka&apos;t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat ; nguni&apos;t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ang nakasisiyasat ng mga puso&apos;y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu , sapagka&apos;t siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios , sa makatuwid baga&apos;y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t yaong mga nang una pa&apos;y kaniyang nakilala , ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak , upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At yaong mga itinalaga niya , ay kaniyang tinawag naman : at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya : at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito ? Kung ang Dios ay kakampi natin , sino ang laban sa atin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Siya , na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat , bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios ? Ang Dios ay ang umaaring-ganap ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sino ang hahatol ? Si Cristo Jesus na namatay , oo , yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios , na siya namang namamagitan dahil sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo ? ang kapighatian , o ang kahapisan , o ang paguusig , o ang kagutum , o ang kahubaran , o ang panganib , o ang tabak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Gaya ng nasusulat , Dahil sa iyo kami&apos;y pinapatay sa buong araw ; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Hindi , kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo&apos;y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Sapagka&apos;t ako&apos;y naniniwalang lubos , na kahit ang kamatayan man , kahit ang buhay , kahit ang mga anghel , kahit ang mga pamunuan , kahit ang mga bagay na kasalukuyan , kahit ang mga bagay na darating , kahit ang mga kapangyarihan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kahit ang kataasan , kahit ang kababaan , kahit ang alin mang ibang nilalang , ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios , na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo , na hindi ako nagsisinungaling , na ako&apos;y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ako&apos;y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid , na aking mga kamaganak ayon sa laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na pawang mga Israelita ; na sa kanila ang pagkukupkop , at ang kaluwalhatian , at ang mga tipan , at ang pagbibigay ng kautusan , at ang paglilingkod sa Dios , at ang mga kapangakuan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sa kanila ang mga magulang , at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman , na siyang lalo sa lahat , Dios na maluwalhati magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala . Sapagka&apos;t hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ni sapagka&apos;t sila&apos;y binhi ni Abraham , ay mga anak na silang lahat : kundi , Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa makatuwid , ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios : kundi ang mga anak sa pangako&apos;y siyang ibibilang na isang binhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ito ang salita ng pangako , Ayon sa panahong ito&apos;y paririto ako , at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At hindi lamang gayon ; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa , ito nga&apos;y ng ating ama na si Isaac-</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak , at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama , upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang , na hindi sa mga gawa , kundi doon sa tumatawag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ay sinabi sa kaniya , Ang panganay ay maglilingkod sa bunso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Gaya ng nasusulat , Si Jacob ay inibig ko , datapuwa&apos;t si Esau ay aking kinapootan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ano nga ang ating sasabihin ? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios ? Huwag nawang mangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t sinasabi niya kay Moises , Ako&apos;y maaawa sa aking kinaaawaan , at ako&apos;y mahahabag sa aking kinahahabagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya nga hindi sa may ibig , ni hindi sa tumatakbo , kundi sa Dios na naaawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon , Dahil sa layong ito , ay itinaas kita , upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan , at upang ang aking pangala&apos;y maitanyag sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya nga sa kaniyang ibig siya&apos;y naaawa , at sa kaniyang ibig siya&apos;y nagpapatigas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sasabihin mo nga sa akin , Bakit humahanap pa siya ng kamalian ? Sapagka&apos;t sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t , Oh tao , sino kang tumututol sa Dios ? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya , Bakit mo ako ginawang ganito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok , upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri , at ang isa&apos;y sa ikahihiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan , at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan , ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa , na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Maging sa atin na kaniya namang tinawag , hindi lamang mula sa mga Judio , kundi naman mula sa mga Gentil ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas , Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan ; At iniibig , na hindi dating iniibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At mangyayari , na sa dakong pinagsabihan sa kanila , kayo&apos;y hindi ko bayan , Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel , Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat , ay ang nalalabi lamang ang maliligtas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa , na tatapusin at paiikliin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At gaya ng sinabi nang una ni Isaias , Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo , Tayo&apos;y naging katulad sana ng Sodoma , at naging gaya ng Gomorra .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ano nga ang ating sasabihin ? Na ang mga Gentil , na hindi nangagsisisunod sa katuwiran , ay nagkamit ng katuwiran , sa makatuwid baga&apos;y ng katuwiran sa pananampalataya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran , ay hindi umabot sa kautusang iyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Bakit ? Sapagka&apos;t hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya , kundi ng ayon sa mga gawa . Sila&apos;y nangatisod sa batong katitisuran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gaya ng nasusulat , Narito , inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran , at batong pangbuwal : At ang sumasampalataya sa kaniya&apos;y hindi mapapahiya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga kapatid , ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila , upang sila&apos;y mangaligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t sila&apos;y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios , datapuwa&apos;t hindi ayon sa pagkakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios , at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila , ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa&apos;t sumasampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito , Huwag mong sabihin sa iyong puso , Sino ang aakyat sa langit ? ( sa makatuwid baga&apos;y upang ibaba si Cristo : )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">O , Sino ang mananaog sa kalalimlaliman ? ( sa makatuwid baga&apos;y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ano ang sinasabi nito ? Ang salita ay malapit sa iyo , sa iyong bibig , at sa iyong puso : sa makatuwid baga&apos;y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon , at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang tao&apos;y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid ; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sinasabi ng kasulatan , Ang lahat na sa kaniya&apos;y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego : sapagka&apos;t ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat , at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya&apos;y nagsisitawag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t , Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan ? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan ? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At paano silang magsisipangaral , kung hindi sila nga sinugo ? gaya nga ng nasusulat , Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita . Sapagka&apos;t sinasabi ni Isaias , Panginoon , sino ang naniwala sa aming balita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya nga ang paniniwala&apos;y nanggagaling sa pakikinig , at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t sinasabi ko , Hindi baga sila&apos;y nangakinig ? Oo , tunay nga , Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa , At ang kanilang mga salita&apos;y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t sinasabi ko , Hindi baga nalalaman ng Israel ? Unauna&apos;y sinasabi ni Moises , Ipamumungkahi ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bansa , Sa pamamagitan ng isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi , Ako&apos;y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin ; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t tungkol sa Israel ay sinasabi niya , Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayang suwail at matutol .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sinasabi ko nga , Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan ? Huwag nawang mangyari . Sapagka&apos;t ako man ay Israelita , sa binhi ni Abraham , sa angkan ni Benjamin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na nang una pa&apos;y kinilala niya . O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias ? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Panginoon , pinatay nila ang iyong mga propeta , giniba nila ang iyong mga dambana ; at ako&apos;y naiwang nagiisa , at hinahanap nila ang aking buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya ? Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t kung ito&apos;y sa pamamagitan ng biyaya , ay hindi na sa mga gawa : sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ano nga ? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan ; datapuwa&apos;t ito&apos;y kinamtan ng pagkahirang , at ang mga iba&apos;y pinapagmatigas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ayon sa nasusulat , Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog , ng mga matang hindi nangakakakita , at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig , hanggang sa araw na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinasabi ni David , Ang kanilang dulang nawa&apos;y maging isang silo , at isang panghuli , At isang katitisuran , at isang kabayaran sa kanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Manganglabo nawa ang kanilang mga mata , upang sila&apos;y huwag mangakakita , At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinasabi ko nga , Nangatisod kaya sila upang mangahulog ? Huwag nawang mangyari : datapuwa&apos;t sa pagkahulog nila&apos;y dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil , upang ipamungkahi sila sa paninibugho .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan , at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil ; gaano pa ang kapunuan nila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t nagsasalita ako sa inyong mga Gentil . Palibasa&apos;y ako nga&apos;y apostol ng mga Gentil , ay niluluwalhati ko ang aking ministerio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman , at maligtas ang ilan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan , ano kaya ang pagtanggap sa kanila , kundi buhay mula sa mga patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung ang pangunahing bunga ay banal , ay gayon din ang lahat : at kung ang ugat ay banal , ay gayon din ang mga sanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t kung ang ilang mga sanga&apos;y nangabali , at ikaw , na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila , at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Huwag kang magpalalo sa mga sanga : datapuwa&apos;t kung magpalalo ka , ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat , kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sasabihin mo nga , Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mabuti ; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila , at sa iyong pananampalataya&apos;y nakatayo ka . Huwag kang magpalalo kundi matakot ka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga , ikaw man ay hindi patatawarin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios : ang kabagsikan ay sa nangahulog , datapuwa&apos;t ang kabutihan ng Dios ay sa iyo , kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan : sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At sila naman , kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib : sapagka&apos;t makapangyarihan ang Dios upang sila&apos;y isanib na muli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw , at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo ; gaano pa nga ang mga ito , na mga talagang sanga , na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t hindi ko ibig , mga kapatid , na di ninyo maalaman ang hiwagang ito , baka kayo&apos;y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka , na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel , hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sa ganito&apos;y ang buong Israel ay maliligtas : gaya ng nasusulat , Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas ; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At ito ang aking tipan sa kanila , Pagka aalisin ko ang kanilang mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Tungkol sa evangelio , ay mga kaaway sila dahil sa inyo : datapuwa&apos;t tungkol sa pagkahirang , ay mga pinakaiibig sila dahil sa mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t kung paanong kayo nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios , datapuwa&apos;t ngayon kayo&apos;y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon , upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo , sila nama&apos;y magkamit ngayon ng habag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sapagka&apos;t ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan , upang siya&apos;y mahabag sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios ! oh di matingkalang mga hatol niya , at hindi malirip na kaniyang mga daan !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon ? o sino ang kaniyang naging kasangguni ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">O sino ang nagbigay na una sa kaniya , at siya&apos;y babayarang muli ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t kaniya , at sa pamamagitan niya , at sa kaniya , ang lahat ng mga bagay . Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya nga , mga kapatid , ipinamamanhik ko sa inyo , alangalang sa mga kahabagan ng Dios , na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay , banal , na kaayaaya sa Dios , na siya ninyong katampatang pagsamba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito : kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip , upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t sinasabi ko , sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay , sa bawa&apos;t tao sa inyo , na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin ; kundi magisip na may kahinahunan , ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap , at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ay gayon din tayo , na marami , ay iisang katawan kay Cristo , at mga sangkap na samasama sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin , kung hula , ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">O kung ministerio , ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio ; o ang nagtuturo , ay sa kaniyang pagtuturo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">O ang umaaral , ay sa kaniyang pagaral : ang namimigay , ay magbigay na may magandang-loob ; ang nagpupuno , ay magsikap ; ang nahahabag ay magsaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw . Kapootan ninyo ang masama ; makisanib kayo sa mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo ; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa&apos;t isa ang iba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag mga tamad sa pagsusumikap ; maningas sa espiritu ; mapaglingkod sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagalak sa pagasa ; magmatiisin sa kapighatian ; magmatiyagain sa pananalangin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal ; maging mapagpatuloy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Pagpalain ninyo ang mga sa inyo&apos;y nagsisiusig ; pagpalain ninyo , at huwag ninyong sumpain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Makigalak kayo sa nangagagalak ; makiiyak kayo sa nagsisiiyak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangagkaisa kayo ng pagiisip . Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan , kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan . Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama . Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung maaari , ayon sa inyong makakaya , ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag kayong mangaghigantihan , mga iniibig , kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios : sapagka&apos;t nasusulat , Akin ang paghihiganti ; ako ang gaganti , sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kaya&apos;t kung ang iyong kaaway ay magutom , pakanin mo ; kung siya&apos;y mauhaw , painumin mo : sapagka&apos;t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Huwag kang padaig sa masama , kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang bawa&apos;t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan : sapagka&apos;t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios ; at ang mga kapangyarihang yao&apos;y hinirang ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaya nga&apos;t ang sumasalangsang sa kapangyarihan , ay sa utos ng Dios sumasalangsang : at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti , kundi sa masama . At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan ? gawin mo ang mabuti , at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t siya&apos;y ministro ng Dios sa ikagagaling mo . Datapuwa&apos;t kung ginagawa mo ang masama , ay matakot ka ; sapagka&apos;t hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak : sapagka&apos;t siya&apos;y ministro ng Dios , tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya nga&apos;t dapat na kayo&apos;y pasakop , hindi lamang dahil sa kagalitan , kundi naman dahil sa budhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios , na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila&apos;y nararapat : buwis sa dapat buwisan ; ambag sa dapat ambagan ; takot sa dapat katakutan ; puri sa dapat papurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man , maliban na sa mangagibigan kayo : sapagka&apos;t ang umiibig sa kaniyang kapuwa&apos;y nakaganap na ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ito , Huwag kang mangangalunya , Huwag kang papatay , Huwag kang magnanakaw , Huwag kang mananakim , at kung mayroon pang ibang utos , ay nauuwi sa salitang ito , sa makatuwid baga&apos;y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa : ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ito , yamang nakikilala ang panahon , na ngayo&apos;y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog : sapagka&apos;t ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo&apos;y magsisampalataya nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang gabi ay totoong malalim , at ang araw ay malapit na : iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman , at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magsilakad tayong mahinhin , gaya ng sa araw ; huwag sa katakawan at paglalasing , huwag sa kalibugan at sa kahalayan , huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo , at huwag ninyong paglaanan ang laman , upang masunod ang mga kahalayan noon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo , hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay : nguni&apos;t ang mahina&apos;y kumakain ng mga gulay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain ; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain : sapagka&apos;t siya&apos;y tinanggap ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sino kang humahatol sa alila ng iba ? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal . Oo , patatayuin siya ; sapagka&apos;t makapangyarihan ang Panginoon na siya&apos;y maitayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba : may ibang nagmamahal sa bawa&apos;t araw . Bawa&apos;t isa&apos;y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang nagmamahal sa araw , ay minamahal ito sa Panginoon ; at ang kumakain , ay kumakain sa Panginoon , sapagka&apos;t siya&apos;y nagpapasalamat sa Dios ; at ang hindi kumakain , ay hindi kumakain sa Panginoon , at nagpapasalamat sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili , at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kung nangabubuhay tayo , sa Panginoon tayo&apos;y nangabubuhay ; o kung nangamamatay tayo , sa Panginoon tayo&apos;y nangamamatay : kaya&apos;t sa mabuhay tayo , o sa mamatay man , tayo&apos;y sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli , upang siya&apos;y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t ikaw , bakit humahatol ka sa iyong kapatid ? at ikaw naman , bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid ? sapagka&apos;t tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t nasusulat , Buhay ako , sabi ng Panginoon , sa akin ang bawa&apos;t tuhod ay luluhod , At ang bawa&apos;t dila ay magpapahayag sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga ang bawa&apos;t isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa&apos;t isa : kundi bagkus ihatol ninyo ito , na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nalalaman ko , at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon , na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili : maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi , sa kaniya&apos;y marumi ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig . Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom , kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios , at pinatutunayan ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa , at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain . Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis ; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati , ni uminom ng alak , ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios . Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain , sapagka&apos;t hindi siya kumakain sa pananampalataya ; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina , at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bawa&apos;t isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa , sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili ; kundi gaya ng nasusulat , Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo , ay nangahulog sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin , upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw , na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa&apos;t isa ayon kay Cristo Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa ganito&apos;y mangagtanggapan kayo , gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios , upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan ; gaya ng nasusulat , Kaya nga&apos;t ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil . At aawit ako sa iyong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At muling sinasabi niya , Makigalak kayo , kayong mga Gentil , sa kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At muli , Purihin ninyo ang Panginoon , kayong lahat ng mga Gentil ; At purihin siya ng lahat ng mga bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At muli , sinasabi ni Isaias , Magkakaroon ng ugat kay Jesse , At siya&apos;y lilitaw upang maghari sa mga Gentil ; Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya , upang kayo&apos;y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko , na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan , pinuspos ng lahat ng kaalaman , na ano pa&apos;t makapagpapaalaala naman kayo sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo , dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Upang ako&apos;y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil , na nangangasiwa sa evangelio ng Dios , upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog , palibhasa&apos;y pinapaging banal ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay , maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko , sa pagtalima ng mga Gentil , sa salita at sa gawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan , sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios ; ano pa&apos;t buhat sa Jerusalem , at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico , ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Aking nilayon na maipangaral ang evangelio , hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo , upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kundi , gaya ng nasusulat , Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya , At silang hindi nangakapakinig , ay mangakakatalastas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya&apos;t madalas namang napigil ako ng pagpariyan sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t ngayon , na wala nang dako sa mga lupaing ito , at malaon nang panahong ako&apos;y may nasang pumariyan sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako ( sapagka&apos;t inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay , at ako&apos;y sasamahan ninyo patungo doon , pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t ngayon , sinasabi ko , ako&apos;y pasasa-Jerusalem , upang mamahagi sa mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Oo , ito&apos;y kalugodlugod sa kanila ; at sila&apos;y may utang na loob sa kanila . Sapagka&apos;t kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu , nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kung maganap ko nga ito , at aking matatakan na sa kanila ang bungang ito , ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At nalalaman ko na , pagpariyan ko sa inyo , ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Ngayo&apos;y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , alangalang sa Panginoon nating Jesucristo , at sa pagibig ng Espiritu , na kayo&apos;y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Upang ako&apos;y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea , at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , ako&apos;y makarating sa inyo na may kagalakan , at ako&apos;y makipamahinga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat . Siya nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae , na lingkod sa iglesia na nasa Cencrea :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon , ayon sa nararapat sa mga banal , at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo : sapagka&apos;t siya nama&apos;y naging katulong ng marami , at ng aking sarili naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay ; na sa kanila&apos;y hindi lamang ako ang nagpapasalamat , kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay . Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko , na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Batiin ninyo si Maria , na lubhang nagpagal sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Batiin ninyo si Andronico at si Junias , na aking mga kamaganak , at mga kasama ko sa pagkabilanggo , na siyang mga bantog sa mga apostol , na sila nama&apos;y nangauna sa akin kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo , at si Estaquis na minamahal ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo . Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak . Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso , yaong nangasa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa , na nangagpapagal sa Panginoon . Batiin ninyo si Persida na minamahal , na lubhang nagpagal sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon , at ang kaniyang ina at akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Batiin ninyo si Asincrito , si Flegonte , si Hermes , si Patrobas , si Hermas , at ang mga kapatid na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Batiin ninyo si Filologo at si Julia , si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae , at si Olimpas , at ang lahat ng mga banal na kasama nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangagbatian kayo ng banal na halik . Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayo&apos;y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran , laban sa mga aral na inyong nangapagaralan : at kayo&apos;y magsilayo sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon , kundi sa kanilang sariling tiyan ; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao . Kaya&apos;t nagagalak ako tungkol sa inyo : datapuwa&apos;t ibig ko na kayo&apos;y maging marunong sa kabutihan , at musmos sa kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa . Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa ; at ni Lucio at ni Jason at ni Sosipatro , na aking mga kamaganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Akong si Tercio , na sumusulat ng sulat na ito , ay bumabati sa inyo sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Binabati kayo ni Gayo na pinanunuluyanan ko , at ng buong iglesia . Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng bayan , at ng kapatid na si Cuarto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo&apos;y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo , ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Datapuwa&apos;t nahayag na ngayon , at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta , ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan , ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa iisang Dios na marunong , sa pamamagitan ni Jesucristo , na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "46">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at si Sostenes na ating kapatid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto , sa makatuwid baga&apos;y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus , na tinawag na mangagbanal , na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa&apos;t dako , sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kanila at ating Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo , dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na kayo ay pinayaman sa kanya , sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ano pa&apos;t kayo&apos;y hindi nagkulang sa anomang kaloob ; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan , upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang Dios ay tapat , na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayo&apos;y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay , at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi ; kundi kayo&apos;y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo , mga kapatid ko , ng mga kasangbahay ni Cloe , na sa inyo&apos;y may mga pagtatalotalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ibig ko ngang sabihin ito , na ang bawa&apos;t isa sa inyo ay nagsasabi , Ako&apos;y kay Pablo ; at ako&apos;y kay Apolos ; at ako&apos;y kay Cefas ; at ako&apos;y kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nabahagi baga si Cristo ? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo ? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo , maliban si Crispo at si Gayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Baka masabi ninoman na kayo&apos;y binautismuhan sa pangalan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas : maliban sa mga ito , di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo , kundi upang mangaral ng evangelio : hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak ; nguni&apos;t ito&apos;y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t nasusulat , Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong , At isasawala ko ang kabaitan ng mababait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Saan naroon ang marunong ? saan naroon ang eskriba ? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito ? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan , ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda , at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus , na sa mga Judio ay katitisuran , at sa mga Gentil ay kamangmangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nguni&apos;t sa kanila na mga tinawag , maging mga Judio at mga Griego , si Cristo ang kapangyarihan ng Dios , at ang karunungan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao ; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t masdan ninyo ang sa inyo&apos;y pagkatawag , mga kapatid , na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman , hindi ang maraming may kapangyarihan , hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan , upang hiyain niya ang mga marurunong ; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan , upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan , at ang mga bagay na hinamak , ang pinili ng Dios , oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t sa kaniya kayo&apos;y nangasa kay Cristo Jesus , na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios , at katuwiran at kabanalan , at katubusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Na , ayon sa nasusulat , Ang nagmamapuri , ay magmapuri sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ako , mga kapatid , nang pumariyan sa inyo , ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan , na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo , maliban na si Jesucristo , at siya na napako sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y nakisama sa inyo na may kahinaan , at may katakutan , at may lubhang panginginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan , kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao , kundi sa kapangyarihan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon man , ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang : bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito , o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito , na ang mga ito&apos;y nangauuwi sa wala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga , yaong karunungan na itinalaga ng Dios , bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito : sapagka&apos;t kung nakilala sana nila , ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t gaya ng nasusulat , Ang mga bagay na hindi nakita ng mata , at ni narinig ng tainga , Ni hindi pumasok sa puso ng tao , Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu ; sapagka&apos;t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay , oo , ang malalalim na mga bagay ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao , kundi ang espiritu ng tao , na nasa kaniya ? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman , maliban na ng Espiritu ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t ating tinanggap , hindi ang espiritu ng sanglibutan , kundi ang espiritung mula sa Dios ; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita , hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao , kundi sa itinuturo ng Espiritu ; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios : sapagka&apos;t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya ; at hindi niya nauunawa , sapagka&apos;t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay , at siya&apos;y hindi sinisiyasat ng sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon , upang siya&apos;y turuan niya ? Datapuwa&apos;t nasa atin ang pagiisip ni Cristo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ako , mga kapatid , ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu , kundi tulad sa mga nasa laman , tulad sa mga sanggol kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kinandili ko kayo ng gatas , at hindi ng lamang-kati ; sapagka&apos;t kayo&apos;y wala pang kaya noon : wala , na ngayon pa man ay wala kayong kaya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kayo&apos;y mga sa laman pa : sapagka&apos;t samantalang sa inyo&apos;y may mga paninibugho at mga pagtatalo , hindi baga kayo&apos;y mga sa laman , at kayo&apos;y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kung sinasabi ng isa , Ako&apos;y kay Pablo ; at ng iba , Ako&apos;y kay Apolos ; hindi baga kayo&apos;y mga tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ano nga si Apolos ? at Ano si Pablo ? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo ; at sa bawa&apos;t isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako ang nagtanim , si Apolos ang nagdilig ; nguni&apos;t ang Dios ang siyang nagpalago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ano pa&apos;t walang anoman ang nagtatanim , ni ang nagdidilig ; kundi ang Dios na nagpapalago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa : nguni&apos;t ang bawa&apos;t isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t tayo ay mga kamanggagawa ng Dios : kayo ang bukid ng Dios , ang gusali ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin , na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan ; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito . Nguni&apos;t ingatan ng bawa&apos;t tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan , kundi ang nalalagay na , na ito&apos;y si Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t kung ang sinoma&apos;y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto , pilak , mga mahahalagang bato , kahoy , tuyong dayami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang gawa ng bawa&apos;t isa ay mahahayag : sapagka&apos;t ang araw ang magsasaysay , sapagka&apos;t sa pamamagitan ng apoy inihahayag ; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa&apos;t isa kung ano yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung ang gawa ng sinoman ay manatili , na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon , siya&apos;y tatanggap ng kagantihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ang gawa ng sinoman ay masunog , ay malulugi siya : nguni&apos;t siya sa kaniyang sarili ay maliligtas ; gayon ma&apos;y tulad sa pamamagitan ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Hindi baga ninyo nalalaman na kayo&apos;y templo ng Dios , at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios , siya&apos;y igigiba ng Dios ; sapagka&apos;t ang templo ng Dios ay banal , na ang templong ito ay kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinoma&apos;y huwag magdaya sa kaniyang sarili . Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya&apos;y marunong sa kapanahunang ito , ay magpakamangmang siya , upang siya ang maging marunong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios . Sapagka&apos;t nasusulat , Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At muli , Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong , na pawang walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao , Sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay ay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kahit si Pablo , kahit si Apolos , kahit si Cefas , kahit ang sanglibutan , kahit ang buhay , kahit ang kamatayan , kahit ang mga bagay na kasalukuyan , kahit ang mga bagay na darating ; lahat ay sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kayo&apos;y kay Cristo ; at si Cristo ay sa Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo , at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bukod dito&apos;y kinakailangan sa mga katiwala , na ang bawa&apos;t isa ay maging tapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako&apos;y siyasatin ninyo , o ng pagsisiyasat ng tao : oo , ako&apos;y hindi nagsisiyasat sa aking sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili ; bagaman hindi dahil dito&apos;y inaaring-ganap ako : sapagka&apos;t ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman , hanggang sa dumating ang Panginoon , na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman , at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso ; at kung magkagayon ang bawa&apos;t isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga bagay ngang ito , mga kapatid , ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo ; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat ; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t sino ang gumawa na ikaw ay matangi ? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap ? nguni&apos;t kung tinanggap mo , ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo&apos;y mga busog na , kayo&apos;y mayayaman na , kayo&apos;y nangaghari nang wala kami : at ibig ko sanang mangaghari kayo , upang kami nama&apos;y mangagharing kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t iniisip ko , na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat , na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan : sapagka&apos;t kami&apos;y ginawang panoorin ng sanglibutan , at ng mga anghel , at ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kami&apos;y mga mangmang dahil kay Cristo , nguni&apos;t kayo&apos;y marurunong kay Cristo ; kami&apos;y mahihina , nguni&apos;t kayo&apos;y malalakas ; kayo&apos;y may karangalan , datapuwa&apos;t kami ay walang kapurihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hanggang sa oras na ito&apos;y nangagugutom kami , at nangauuhaw , at mga hubad , at mga tinampal , at wala kaming tiyak na tahanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kami&apos;y nangagpapagal , na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay : bagama&apos;t inuupasala , ay kami&apos;y nangagpapala ; bagama&apos;t mga pinaguusig , ay nangagtitiis kami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bagama&apos;t mga sinisiraangpuri , ay aming pinamamanhikan : kami&apos;y naging tulad ng yagit sa sanglibutan , sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo&apos;y hiyain , kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo , ay wala nga kayong maraming mga ama ; sapagka&apos;t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ipinamamanhik ko nga sa inyo , na kayo&apos;y maging mga tagatulad sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Dahil dito&apos;y aking sinugo sa inyo si Timoteo , na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon , na siya ang sa inyo&apos;y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo , gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa&apos;t iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang mga iba nga&apos;y nangagpapalalo , na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t ako&apos;y paririyan agad sa inyo , kung loloobin ng Panginoon ; at aking aalamin , hindi ang salita ng nangagpapalalo , kundi ang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita , kundi sa kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Anong ibig ninyo ? paririyan baga ako sa inyo na may panghampas , o sa pagibig , at sa espiritu ng kahinahunan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa kasalukuya&apos;y nababalita na sa inyo&apos;y may pakikiapid , at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil , na isa sa inyo&apos;y nagaari ng asawa ng kaniyang ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kayo&apos;y mga mapagpalalo , at hindi kayo bagkus nangalumbay , upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ako sa katotohanan , bagama&apos;t wala sa harapan ninyo sa katawan nguni&apos;t ako&apos;y nasa harapan ninyo sa espiritu , akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito , na tulad sa ako&apos;y nahaharap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus , nang nangagkakatipon kayo , at ang aking espiritu , na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman , upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri . Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Alisin ninyo ang lumang lebadura , upang kayo&apos;y maging bagong limpak , na tulad sa kayo&apos;y walang lebadura . Sapagka&apos;t ang kordero ng ating paskua ay naihain na , sa makatuwid baga&apos;y si Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya nga ipangilin natin ang pista , hindi sa lumang lebadura , ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan , kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito , o sa mga masasakim at mga manglulupig , o sa mga mananamba sa diosdiosan ; sapagka&apos;t kung gayo&apos;y kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t sinusulatan ko nga kayo , na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid , kung siya&apos;y mapakiapid , o masakim , o mananamba sa diosdiosan , o mapagtungayaw , o manglalasing , o manglulupig ; sa gayo&apos;y huwag man lamang kayong makisalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ano sa akin ang humatol sa nangasa labas ? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t sa nangasa labas ay Dios ang humahatol . Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nangangahas baga ang sinoman sa inyo , kung mayroong anomang bagay laban sa iba , na siya&apos;y magsakdal sa harapan ng mga liko , at hindi sa harapan ng mga banal ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan ? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo , hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel ? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung kayo nga&apos;y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito , ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo . Ano , diyata&apos;t wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid , at ito&apos;y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayon nga , tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo&apos;y magkaroon ng mga usapin . Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan ? bakit hindi bagkus kayo&apos;y padaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan , at nangagdaraya , at ito&apos;y sa mga kapatid ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios ? Huwag kayong padaya : kahit ang mga mapakiapid , ni ang mga mananamba sa diosdiosan , ni ang mga mangangalunya , ni ang mga nangbababae , ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ni ang mga magnanakaw , ni ang mga masasakim , ni ang mga manglalasing , ni ang mga mapagtungayaw , ni ang mga manglulupig , ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ganyan ang mga ilan sa inyo : nguni&apos;t nangahugasan na kayo , nguni&apos;t binanal na kayo , nguni&apos;t inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo , at sa Espiritu ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid ; nguni&apos;t hindi ang lahat ay nararapat . Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid ; nguni&apos;t hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga pagkain ay sa tiyan , at ang tiyan ay sa mga pagkain : nguni&apos;t kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito . Datapuwa&apos;t ang katawan ay hindi sa pakikiapid , kundi sa Panginoon ; at ang Panginoon ay sa katawan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At muling binuhay ng Dios ang Panginoon , at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo ? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo , at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot ? Huwag nawang mangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot , ay kaisang katawan niya ? sapagka&apos;t sinasabi niya , Ang dalawa ay magiging isang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang nakikisama sa Panginoon , ay kaisang espiritu niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Magsitakas kayo sa pakikiapid . Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan ; nguni&apos;t ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo , na tinanggap ninyo sa Dios ? at hindi kayo sa inyong sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t kayo&apos;y binili sa halaga : luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin : Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t , dahil sa mga pakikiapid , ang bawa&apos;t lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa , at bawa&apos;t babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya&apos;y nararapat : at gayon din naman ang babae sa asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan , kundi ang asawa : at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan , kundi ang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Huwag magpigil ang isa&apos;t isa , maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon , upang kayo&apos;y mamalagi sa pananalangin , at muling kayo&apos;y magsama , baka kayo&apos;y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ito&apos;y sinasabi ko na parang payo , hindi sa utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kaya&apos;t ibig ko sana , na ang lahat ng tao ay maging gaya ko . Nguni&apos;t ang bawa&apos;t tao&apos;y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios , ang isa&apos;y ayon sa paraang ito , at ang iba&apos;y ayon sa paraan yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa mga walang asawa , at sa mga babaing bao , Mabuti sa kanila kung sila&apos;y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga&apos;y gaya ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t kung sila&apos;y hindi makapagpigil , ay magsipagasawa : sapagka&apos;t magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t sa mga may asawa ay aking ipinaguutos , Nguni&apos;t hindi ako , kundi ang Panginoon , na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">( Datapuwa&apos;t kung siya&apos;y humiwalay , ay manatiling walang asawa , o kaya&apos;y makipagkasundo sa kaniyang asawa ) ; at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t sa iba , ay ako ang nagsasabi , hindi ang Panginoon : Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya , at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya , ay huwag niyang hiwalayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya , at kalooban niyang makipamahay sa kaniya , ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa , at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa : sa ibang paraa&apos;y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan ; nguni&apos;t ngayo&apos;y mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon ma&apos;y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya , ay bayaan siyang humiwalay : ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay : kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t paanong malalaman mo , Oh babae , kung maililigtas mo ang iyong asawa ? o paanong malalaman mo , Oh lalake , kung maililigtas mo ang iyong asawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa&apos;t isa , at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa&apos;t isa , ay gayon siya lumakad . At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tinawag baga ang sinomang taong tuli na ? huwag siyang maging di tuli . Tinawag baga ang sinomang di tuli ? huwag siyang maging tuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang pagtutuli ay walang anoman , at ang di pagtutuli ay walang anoman ; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Bayaang ang bawa&apos;t isa&apos;y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ikaw baga&apos;y alipin ng ikaw ay tinawag ? huwag kang magalaala : kung maaaring ikaw ay maging malaya , ay pagsikapan mo ng maging laya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t ang tinawag sa Panginoon nang siya&apos;y alipin , ay malaya sa Panginoon : gayon din naman ang tinawag nang siya&apos;y malaya , ay alipin ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa halaga kayo&apos;y binili ; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Mga kapatid , bayaang ang bawa&apos;t isa&apos;y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ngayon , tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon : nguni&apos;t ibinibigay ko ang aking pasiya , na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan , sa makatuwid baga&apos;y mabuti ngang ang tao&apos;y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Natatali ka ba sa asawa ? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag . Ikaw baga&apos;y kalag sa asawa ? huwag kang humanap ng asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Nguni&apos;t kung ikaw ay magasawa , ay hindi ka nagkakasala ; at kung ang isang dalaga ay magasawa , ay hindi siya nagkakasala . Datapuwa&apos;t ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman : at ibig ko sanang kayo&apos;y iligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Nguni&apos;t sinasabi ko ito , mga kapatid , ang panahon ay pinaikli , upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At ang mga nagsisiiyak , ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak ; at ang nangagagalak , ay maging tulad sa hindi nangagagalak ; at ang mga nagsisibili , ay maging tulad sa mga walang inaari ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan , ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit : sapagka&apos;t ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan . Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon , kung paanong makalulugod sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Nguni&apos;t ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan , kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">At nagkakabahagi ang isipan . Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga , ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon , upang siya&apos;y maging banal sa katawan at sa espiritu man ; nguni&apos;t ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan , kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At ito&apos;y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan ; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan , kundi dahil sa bagay na nararapat , at upang kayo&apos;y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Nguni&apos;t kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga , kung ito&apos;y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang , at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan , hindi siya nagkakasala ; bayaang mangagasawa sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Subali&apos;t ang nananatiling matibay sa kaniyang puso , na walang kailangan , kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban , at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga , ay mabuti ang gagawin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti ; at ang hindi nagpapahintulot na siya&apos;y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa ; nguni&apos;t kung patay na ang kaniyang asawa , ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya ; sa kalooban lamang ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Nguni&apos;t lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan , ayon sa aking akala : at iniisip ko na ako&apos;y may Espiritu rin naman ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan : Nalalaman natin na tayong lahat ay may kaalaman . Ang kaalaman ay nagpapalalo , nguni&apos;t ang pagibig ay nagpapatibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung ang sinoman ay nagaakala na siya&apos;y may nalalamang anoman , ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t kung ang sinoman ay umiibig sa Dios , ay kilala niya ang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan , nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan , at walang Dios liban sa iisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t bagama&apos;t mayroong mga tinatawag na mga dios , maging sa langit o maging sa lupa ; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t sa ganang atin ay may isang Dios lamang , ang Ama , na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay , at tayo&apos;y sa kaniya ; at isa lamang Panginoon , si Jesucristo , na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay , at tayo&apos;y sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon ma&apos;y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan : kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan , ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan ; at ang kanilang budhi palibhasa&apos;y mahina ay nangahahawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios : ni hindi tayo masama , kung tayo&apos;y di magsikain ; ni hindi tayo lalong mabuti , kung tayo&apos;y magsikain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging katitisuran sa mahihina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t kung makita ng sinomang ikaw na may kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan , hindi baga titibay ang kaniyang budhi , kung siya&apos;y mahina , upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina , ang kapatid na dahil sa kaniya&apos;y namatay si Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid , at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito&apos;y mahina , ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya , kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid , kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati , upang ako&apos;y huwag makapagpatisod sa aking kapatid .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Hindi baga ako&apos;y malaya ? hindi baga ako&apos;y apostol ? hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin ? hindi baga kayo&apos;y gawa ko sa Panginoon ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung sa iba&apos;y hindi ako apostol , sa inyo man lamang ako&apos;y gayon ; sapagka&apos;t ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya , gaya ng iba&apos;t ibang mga apostol , at ng mga kapatid ng Panginoon , at ni Cefas ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sinong kawal ang magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol ? sino ang nagtatanim ng isang ubasan , at hindi kumakain ng bunga niyaon ? o sino ang nagpapakain sa kawan , at hindi kumakain ng gatas ng kawan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang mga ito baga&apos;y sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao ? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t nasusulat sa kautusan ni Moises , Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik . Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin ? Oo , dahil sa atin ito sinulat : sapagka&apos;t ang nagsasaka ay dapat magsaka sa pagasa , at ang gumigiik , ay sa pagasa na makakabahagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu , malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid , hindi baga lalo pa kami ? Gayon ma&apos;y hindi namin ginamit ang matuwid na ito ; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay , upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisipangasiwa sa mga bagay na banal , ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo , at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ako&apos;y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito : at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin ; sapagka&apos;t mabuti pa sa akin ang mamatay , kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kung ipinangangaral ko ang evangelio , ay wala akong sukat ipagmapuri ; sapagka&apos;t ang pangangailangan ay iniatang sa akin ; sapagka&apos;t sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t kung ito&apos;y gawin ko sa aking sariling kalooban , ay may ganting-pala ako : nguni&apos;t kung hindi sa aking sariling kalooban , ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ano nga kaya ang aking ganting-pala ? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio , ay ang evangelio ay maging walang bayad , upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao , ay napaalipin ako sa lahat , upang ako&apos;y makahikayat ng lalong marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa mga Judio , ako&apos;y nagaring tulad sa Judio , upang mahikayat ko ang mga Judio ; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan , bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa mga walang kautusan , ay tulad sa walang kautusan , bagama&apos;t hindi ako walang kautusan sa Dios , kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo , upang mahikayat ko ang mga walang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa mga mahihina ako&apos;y nagaring mahina , upang mahikayat ko ang mahihina : sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao , upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio , upang ako&apos;y makasamang makabahagi nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat , nguni&apos;t iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala ? Magsitakbo kayo ng gayon ; upang magsipagtamo kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang bawa&apos;t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay . Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira ; nguni&apos;t tayo&apos;y niyaong walang pagkasira .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ako nga&apos;y tumatakbo sa ganitong paraan , na hindi gaya ng nagsasapalaran ; sa ganito rin ako&apos;y sumusuntok , na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Nguni&apos;t hinahampas ko ang aking katawan , at aking sinusupil : baka sakaling sa anomang paraan , pagkapangaral ko sa iba , ay ako rin ay itakuwil .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t hindi ko ibig mga kapatid , na di ninyo maalaman , na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap , at ang lahat ay nagsitawid sa dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu ; sapagka&apos;t nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila : at ang batong yaon ay si Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios ; sapagka&apos;t sila&apos;y ibinuwal sa ilang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga bagay na ito nga&apos;y pawang naging mga halimbawa sa atin , upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan , gaya niyaong ilan sa kanila ; ayon sa nasusulat , Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom , at nagsitindig upang magsipagsayaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ni huwag din naman tayong makiapid , na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid , at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon , na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila , at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan , na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan , at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga bagay na ito nga&apos;y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa ; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin , na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t ang may akalang siya&apos;y nakatayo , magingat na baka mabuwal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao : datapuwa&apos;t tapat ang Dios , na hindi niya itutulot na kayo&apos;y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya ; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag , upang ito&apos;y inyong matiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya , mga minamahal ko , magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ako&apos;y nagsasalitang tulad sa marurunong ; hatulan ninyo ang sinasabi ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala , hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo ? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol , hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Bagaman tayo&apos;y marami , ay iisa lamang tinapay , iisang katawan : sapagka&apos;t tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman : ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ano ang aking sinasabi ? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan ? o ang diosdiosan ay may kabuluhan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Subali&apos;t sinasabi ko , na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil , ay kanilang inihahain sa mga demonio , at hindi sa Dios : at di ko ibig na kayo&apos;y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon , at ang saro ng mga demonio : kayo&apos;y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon , at sa dulang ng mga demonio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">O minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon ? tayo baga&apos;y lalong malakas kay sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Lahat ng mga bagay ay matuwid ; nguni&apos;t hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat . Lahat ng mga bagay ay matuwid ; nguni&apos;t hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili , kundi ang ikabubuti ng kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo , at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t ang lupa ay sa Panginoon , at ang kabuuan ng naririto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kung kayo&apos;y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya , at ibig ninyong pumaroon ; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo , at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t kung sa inyo&apos;y may magsabi , Ito&apos;y inihandog na hain , ay huwag ninyong kanin , dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Budhi , sinasabi ko , hindi ang inyong sarili , kundi ang sa iba ; sapagka&apos;t bakit hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat , bakit ako&apos;y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya kung kayo&apos;y nagsisikain man , o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa , gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod , sa mga Judio man , sa mga Griego man , o sa iglesia man ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na gaya ko din naman , na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao , na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan , kundi ang sa marami , upang sila&apos;y mangaligtas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Maging taga tulad kayo sa akin , na gaya ko naman kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo&apos;y aking pinupuri nga , na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako , at iniingatan ninyong matibay ang mga turo , na gaya ng ibinigay ko sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t ibig ko na inyong maalaman , na ang pangulo ng bawa&apos;t lalake ay si Cristo , at ang pangulo ng babae ay ang lalake , at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang bawa&apos;t lalaking nanalangin , o nanghuhula na may takip ang ulo , ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ang bawa&apos;t babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo , niwawalan ng puri ang kaniyang ulo ; sapagka&apos;t gaya rin ng kung kaniyang inahitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t kung ang babae ay walang lambong , ay pagupit naman ; nguni&apos;t kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit , ay maglambong siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo , palibhasa&apos;y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios : nguni&apos;t ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang lalake ay hindi sa babae ; kundi ang babae ay sa lalake :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t hindi nilalang ang lalake dahil sa babae ; kundi ang babae dahil sa lalake ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil dito&apos;y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan , dahil sa mga anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon man , ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae , sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kung paanong ang babae ay sa lalake , gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae ; datapuwa&apos;t ang lahat ng mga bagay ay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili : nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo , na kung may mahabang buhok ang lalake , ay mahalay sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t kung ang babae ang may mahabang buhok , ay isang kapurihan niya ; sapagka&apos;t ang buhok sa kaniya&apos;y ibinigay na pangtakip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t kung tila mapagtunggali ang sinoman , walang gayong ugali kami , ni ang iglesia man ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t sa pagtatagubilin sa inyo nito , ay hindi ko kayo pinupuri , sapagka&apos;t kayo&apos;y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t unauna&apos;y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia , ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi ; at may kaunting paniniwala ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t tunay na sa inyo&apos;y mayroong mga hidwang pananampalataya , upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung kayo nga ay nangagkakatipon , ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t sa inyong pagkain , ang bawa&apos;t isa&apos;y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba ; at ang isa ay gutom , at ang iba&apos;y lasing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ano , wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman ? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios , at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman ? Ano ang aking sasabihin sa inyo ? Kayo baga&apos;y aking pupurihin ? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo ; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya&apos;y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nang siya&apos;y makapagpasalamat , ay kaniyang pinagputolputol , at sinabi , Ito&apos;y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo : gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon , na sinasabi , Ang sarong ito&apos;y siyang bagong tipan sa aking dugo : gawin ninyo ito sa tuwing kayo&apos;y magsisiinom , sa pagaalaala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito , at inuman ninyo ang saro , ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kaya&apos;t ang sinomang kumain ng tinapay , o uminom sa saro ng Panginoon , na di nararapat , ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t siyasatin ng tao ang kaniyang sarili , at saka kumain ng tinapay , at uminom sa saro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ang kumakain at umiinom , ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili , kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Dahil dito&apos;y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin , at hindi kakaunti ang nangatutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t kung ating kilalanin ang ating sarili , ay hindi tayo hahatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t kung tayo&apos;y hinahatulan , ay pinarurusahan tayo ng Panginoon , upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Dahil dito , mga kapatid ko , kung kayo&apos;y mangagsasalosalo sa pagkain , ay mangaghintayan kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Kung ang sinoman ay magutom , kumain siya sa bahay ; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol . At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu , mga kapatid , ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nalalaman ninyo na nang kayo&apos;y mga Gentil pa , ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan , sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kaya&apos;t ipinatatalastas ko sa inyo , na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi , Si Jesus ay itinakwil ; at wala sinoman ay makapagsasabi , Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ngayo&apos;y may iba&apos;t ibang mga kaloob , datapuwa&apos;t iisang Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At may iba&apos;t ibang mga pangangasiwa , datapuwa&apos;t iisang Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At may iba&apos;t ibang paggawa , datapuwa&apos;t iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t sa bawa&apos;t isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu , upang pakinabangan naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sa isa , sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan ; at sa iba&apos;y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa iba&apos;y ang pananampalataya , sa gayon ding Espiritu ; at sa iba&apos;y ang mga kaloob na pagpapagaling , sa iisang Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa iba&apos;y ang mga paggawa ng mga himala ; at sa iba&apos;y hula ; at sa iba&apos;y ang pagkilala sa mga espiritu ; at sa iba&apos;y ang iba&apos;t ibang wika ; at sa iba&apos;y ang pagpapaliwanag ng mga wika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu , na binabahagi sa bawa&apos;t isa ayon sa kaniyang ibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kung paanong ang katawan ay iisa , at mayroong maraming mga sangkap , at ang lahat ng mga sangkap ng katawan , bagama&apos;t marami , ay iisang katawan ; gayon din naman si Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan , maging tayo&apos;y Judio o Griego , maging mga alipin o mga laya ; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang katawan ay hindi iisang sangkap , kundi marami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung sasabihin ng paa , Sapagka&apos;t hindi ako kamay , ay hindi ako sa katawan ; hindi nga dahil dito&apos;y hindi sa katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At kung sasabihin ng tainga , Sapagka&apos;t hindi ako mata , ay hindi ako sa katawan ; hindi nga dahil dito&apos;y hindi sa katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung ang buong katawan ay pawang mata , saan naroroon ang pakinig ? Kung ang lahat ay pawang pakinig , saan naroroon ang pangamoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t ngayo&apos;y inilagay ng Dios ang bawa&apos;t isa sa mga sangkap ng katawan , ayon sa kaniyang minagaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung ang lahat nga&apos;y pawang isang sangkap , saan naroroon ang katawan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t maraming mga sangkap nga , nguni&apos;t iisa ang katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay , Hindi kita kinakailangan : at hindi rin ang ulo sa mga paa , Hindi ko kayo kailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Hindi , kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari&apos;y lalong mahihina :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At yaong mga sangkap ng katawan , na inaakala nating kakaunti ang kapurihan , sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri ; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan : datapuwa&apos;t hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan ; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam , ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya ; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri , ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kayo nga ang katawan ni Cristo , at bawa&apos;t isa&apos;y samasamang mga sangkap niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia , una-una&apos;y mga apostol , ikalawa&apos;y mga propeta , ikatlo&apos;y mga guro , saka mga himala , saka mga kaloob na pagpapagaling , mga pagtulong , mga pamamahala , at iba&apos;t ibang mga wika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Lahat baga&apos;y mga apostol ? lahat baga&apos;y mga propeta ? lahat baga&apos;y mga guro ? lahat baga&apos;y mga manggagawa ng mga himala ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat ? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika ? lahat baga ay nangagpapaliwanag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Datapuwa&apos;t maningas ninyong nasain , ang lalong dakilang mga kaloob . At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung ako&apos;y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel , datapuwa&apos;t wala akong pagibig , ay ako&apos;y naging tanso na tumutunog , o batingaw na umaalingawngaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula , at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman ; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya , na ano pa&apos;t mapalipat ko ang mga bundok , datapuwa&apos;t wala akong pagibig , ay wala akong kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha , at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin , datapuwa&apos;t wala akong pagibig , ay walang pakikinabangin sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang pagibig ay mapagpahinuhod , at magandang-loob ; ang pagibig ay hindi nananaghili ; ang pagibig ay hindi nagmamapuri , hindi mapagpalalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi naguugaling mahalay , hindi hinahanap ang kaniyang sarili , hindi nayayamot , hindi inaalumana ang masama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi nagagalak sa kalikuan , kundi nakikigalak sa katotohanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Lahat ay binabata , lahat ay pinaniniwalaan , lahat ay inaasahan , lahat ay tinitiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man : kahit maging mga hula , ay mangatatapos ; maging mga wika , ay titigil : maging kaalaman , ay mawawala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t nangakakakilala tayo ng bahagya , at nanganghuhula tayo ng bahagya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t kung dumating ang sakdal , ang bahagya ay matatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nang ako&apos;y bata pa , ay nagsasalita akong gaya ng bata , nagdaramdam akong gaya ng bata , nagiisip akong gaya ng bata : ngayong maganap ang aking pagkatao , ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ngayo&apos;y malabo tayong nakakikita sa isang salamin ; nguni&apos;t pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan : ngayo&apos;y nakikilala ko ng bahagya , nguni&apos;t pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ngayo&apos;y nanatili ang tatlong ito : ang pananampalataya , ang pagasa , at ang pagibig ; nguni&apos;t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sundin ninyo ang pagibig ; gayon ma&apos;y maningas ninyong pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu , nguni&apos;t lalo na ang kayo&apos;y mangakapanghula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita , kundi sa Dios ; sapagka&apos;t walang nakauunawa sa kaniya ; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay , at sa ikapangangaral , at sa ikaaaliw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang nagsasalita ng wika , ay nagpapatibay sa sarili ; nguni&apos;t ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika , datapuwa&apos;t lalo na ang kayo&apos;y magsipanghula : at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika , maliban na kung siya&apos;y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ngayon nga , mga kapatid , kung ako&apos;y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika , anong inyong pakikinabangin sa akin , maliban na kung kayo&apos;y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag , o ng kaalaman , o ng panghuhula , o ng aral ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kahit ang mga bagay na walang buhay , na nagsisitunog , maging plauta , o alpa , kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog , paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan , sino ang hahanda sa pakikibaka ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon din naman kayo , kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan , paanong matatalos ang inyong sinasalita ? sapagka&apos;t sa hangin kayo magsisipagsalita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Halimbawa , mayroon ngang iba&apos;t ibang mga tinig sa sanglibutan , at walang di may kahulugan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig , magiging barbaro ako sa nagsasalita , at ang nagsasalita ay magiging barbaro sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon din naman kayo , na yamang kayo&apos;y mapagsikap sa mga kaloob na ayon sa espiritu ay pagsikapan ninyong kayo&apos;y magsisagana sa ikatitibay ng iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya&apos;y makapagpaliwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kung ako&apos;y nananalangin sa wika , ay nananalangin ang aking espiritu , datapuwa&apos;t ang aking pagiisip ay hindi namumunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ano nga ito ? Mananalangin ako sa espiritu , at mananalangin din naman ako sa pagiisip : aawit ako sa espiritu , at aawit din naman ako sa pagiisip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa ibang paraan , kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu , ang nasa kalagayan ng di marunong , paanong siya&apos;y makapagsasabi ng Siya nawa , sa iyong pagpapasalamat , palibhasa&apos;y hindi nalalaman ang inyong sinasabi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti , datapuwa&apos;t ang iba&apos;y hindi napapagtibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nagpapasalamat ako sa Dios , na ako&apos;y nagsasalita ng mga wika na higit kay sa inyong lahat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t sa iglesia ibig ko pang magsalita ng limang salita ng aking pagiisip , upang makapagturo ako naman sa iba , kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa wika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mga kapatid , huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip ; gayon ma&apos;y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo , datapuwa&apos;t sa pagiisip kayo&apos;y mangagpakatao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa kautusan ay nasusulat , sa pamamagitan ng mga taong may iba&apos;t ibang wika , at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako , sa bayang ito : at gayon ma&apos;y hindi ako pakikinggan nila , ang sabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda , hindi sa mga nagsisisampalataya ; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya ; nguni&apos;t ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya , kundi sa mga nagsisisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung ang buong iglesia nga&apos;y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika , at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya , hindi baga nila sasabihing kayo&apos;y mga ulol ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t kung ang lahat ay nagsisipanghula , at may pumasok na isang hindi sumasampalataya , o hindi marunong , mahihikayat siya ng lahat , masisiyasat siya ng lahat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag ; at sa gayo&apos;y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios , na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ano nga ito , mga kapatid ? Pagka kayo&apos;y nangagkakatipon ang bawa&apos;t isa sa inyo&apos;y may isang awit , may isang aral , may isang pahayag , may wika , may isang pagpapaliwanag . Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kung nagsasalita ang sinoman ng wika , maging dalawa , o huwag higit sa tatlo , at sunodsunod ; at ang isa&apos;y magpaliwanag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Datapuwa&apos;t kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia ; at siya&apos;y magsalita sa kaniyang sarili , at sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At ang dalawa o tatlo sa mga propeta ay magsipagsalita , at ang mga iba&apos;y mangagsiyasat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Datapuwa&apos;t kung may ipinahayag na anoman sa isang nauupo , ay tumahimik ang nauuna .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sapagka&apos;t kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa , upang ang lahat ay mangatuto , at ang lahat ay maaralan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Sapagka&apos;t ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan , kundi ng kapayapaan . Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia : sapagka&apos;t sila&apos;y walang kapahintulutang mangagsalita ; kundi sila&apos;y pasakop , gaya naman ng sinasabi ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay , magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay ; sapagka&apos;t mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ano ? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios ? o sa inyo lamang dumating ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Kung iniisip ninoman na siya&apos;y propeta , o ayon sa espiritu , ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo&apos;y isinusulat ko , na pawang utos ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t kung ang sinoman ay mangmang , ay manatili siyang mangmang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Kaya nga , mga kapatid ko , maningas na pakanasain ninyong makapanghula , at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Datapuwa&apos;t gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayo&apos;y ipinatatalastas ko sa inyo , mga kapatid , ang evangelio na sa inyo&apos;y aking ipinangaral , na inyo namang tinanggap , na siya naman ninyong pinananatilihan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa pamamagitan naman nito&apos;y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo , maliban na kung kayo&apos;y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ibinigay ko sa inyo una sa lahat , ang akin namang tinanggap : na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan , ayon sa mga kasulatan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At siya&apos;y inilibing ; at siya&apos;y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y napakita kay Cefas , at saka sa labingdalawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan , na ang karamihan sa mga ito&apos;y nangabubuhay hanggang ngayon , datapuwa&apos;t ang mga iba&apos;y nangatulog na ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Saka napakita kay Santiago ; at saka sa lahat ng mga apostol ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa kahulihulihan , tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan , ay napakita naman siya sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol , at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol , sapagka&apos;t pinagusig ko ang iglesia ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t sa pamamagitan ng biyaya ng Dios , ako nga&apos;y ako ; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan ; bagkus ako&apos;y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat : bagaman hindi ako , kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Maging ako nga o sila , ay gayon ang aming ipinangangaral , at gayon ang inyong sinampalatayanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung si Cristo nga&apos;y ipinangangaral na siya&apos;y muling binuhay sa mga patay , bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay , ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung si Cristo&apos;y hindi muling binuhay , ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral , wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oo , at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios ; sapagka&apos;t aming sinasaksihan tungkol sa Dios , na kaniyang muling binuhay si Cristo ; na hindi siyang muling nabuhay , kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kung hindi muling binubuhay ang mga patay , ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung si Cristo ay hindi muling binuhay , ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo&apos;y nasa inyong mga kasalanan pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung gayon nga , ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo , ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t si Cristo nga&apos;y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t yamang sa pamamagitan ng tao&apos;y dumating ang kamatayan , sa pamamagitan din naman ng tao&apos;y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay , gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t ang bawa&apos;t isa&apos;y sa kaniyang sariling katayuan ; si Cristo ang pangunahing bunga ; pagkatapos ay ang mga kay Cristo , sa kaniyang pagparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Kung magkagayo&apos;y darating ang wakas , pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios , sa makatuwid baga&apos;y sa Ama ; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari , at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t kinakailangang siya&apos;y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa . Datapuwa&apos;t kung sinasabi , ang lahat ng mga bagay ay pinasuko , ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya , kung magkagayo&apos;y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya , upang ang Dios ay maging lahat sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa ibang paraan , anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay ? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay , bakit nga sila&apos;y binabautismuhan dahil sa kanila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Bakit baga naman tayo&apos;y nanganganib bawa&apos;t oras ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo , mga kapatid , na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Kung ako&apos;y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid , ayon sa kaugalian ng tao , ano ang pakikinabangin ko ? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay , magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo&apos;y mangamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Huwag kayong padaya : Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Gumising kayo ng ayon sa katuwiran , at huwag mangagkasala ; sapagka&apos;t may mga ibang walang pagkakilala sa Dios : sinasabi ko ito upang kayo&apos;y kilusin sa kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Datapuwa&apos;t sasabihin ng iba , Paanong muling bubuhayin ang mga patay ? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Ikaw na mangmang , ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw , kundi ang butil lamang , na marahil ay trigo , o ibang bagay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Datapuwa&apos;t ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling , at sa bawa&apos;t binhi ay ang sariling katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman : kundi may laman sa mga tao , at ibang laman sa mga hayop , at ibang laman sa mga ibon , at ibang laman sa mga isda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Mayroon namang mga katawang ukol sa langit , at mga katawang ukol sa lupa : datapuwa&apos;t iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit , at iba ang ukol sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "41">Iba ang kaluwalhatian ng araw , at iba ang kaluwalhatian ng buwan , at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin ; sapagka&apos;t ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "42">Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay . Itinatanim na may kasiraan ; binubuhay na maguli na walang kasiraan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "43">Itinatanim na may pagkasiphayo ; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian : itinatanim na may kahinaan ; binubuhay na maguli na may kapangyarihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "44">Itinatanim na may katawang ukol sa lupa ; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu . Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "45">Gayon din naman nasusulat , Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay . Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "46">Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una , kundi ang ukol sa lupa : pagkatapos ang ukol sa espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "47">Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa : ang ikalawang tao ay taga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "48">Kung ano ang ukol sa lupa , ay gayon din naman silang mga taga lupa : at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "49">At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa , ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "50">Sinasabi ko nga ito , mga kapatid , na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios ; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "51">Narito , sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga : hindi tayong lahat ay mangatutulog , nguni&apos;t tayong lahat ay babaguhin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "52">Sa isang sangdali , sa isang kisap-mata , sa huling pagtunog ng pakakak : sapagka&apos;t tutunog ang pakakak , at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan , at tayo&apos;y babaguhin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "53">Sapagka&apos;t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan , at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "54">Datapuwa&apos;t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan , at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan , kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat , Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "55">Saan naroon , Oh kamatayan , ang iyong pagtatagumpay ? Saan naroon , Oh kamatayan , ang iyong tibo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "56">Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan ; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "57">Datapuwa&apos;t salamat sa Dios , na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "58">Kaya nga , mga kapatid kong minamahal , kayo&apos;y magsitatag , huwag makilos , na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon , yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal , ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa&apos;t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan , ayon sa kaniyang iginiginhawa , upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At pagdating ko , ang sinomang inyong mamagalingin , ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kung nararapat na ako naman ay pumaroon , sila&apos;y isasama ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ako&apos;y paririyan sa inyo , pagkaraan ko sa Macedonia ; sapagka&apos;t magdaraan ako sa Macedonia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t marahil ako&apos;y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw , upang ako&apos;y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t hindi ko ibig na kayo&apos;y makita ngayon sa paglalakbay ; sapagka&apos;t inaasahan kong ako&apos;y makikisama sa inyong kaunting panahon , kung itutulot ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ako&apos;y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan , at marami ang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ngayon kung dumating si Timoteo , ingatan ninyo na siya&apos;y mapasainyo na walang pangamba ; sapagka&apos;t ginagawa niya ang gawain ng Panginoon , na gaya ko rin naman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya . Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay , upang siya&apos;y makaparito sa akin : sapagka&apos;t inaasahan ko siya&apos;y kasama ng mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t tungkol sa kapatid na si Apolos , ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya&apos;y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid : at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon ; nguni&apos;t paririyan pagkakaroon niya ng panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magsipagingat kayo , mangagpakatibay kayo sa pananampalataya , kayo&apos;y mangagpakalalake , kayo&apos;y mangagpakalakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ipinamamanhik ko nga sa inyo , mga kapatid ( nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya , at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na kayo&apos;y pasakop naman sa mga gayon , at sa bawa&apos;t tumutulong sa gawa at nagpapagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico : sapagka&apos;t ang kakulangan ninyo ay pinunan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo : magsikilala nga kayo sa mga gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia . Kayo&apos;y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid . Kayo&apos;y mangagbatian ng halik na banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang bati ko , ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon , ay maging takuwil siya . Maranatha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "47">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at si Timoteo , na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto , kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo , ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian , upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian , sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kung paanong sumasagana sa atin ang mga sakit ni Cristo , ay gayon din naman ang aming kaaliwan ay sumasagana sa pamamagitan ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t maging kami man ay mapighati , ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan ; o maging kami man ay maaliw ay para sa inyong kaaliwan , na siyang gumagawa sa pagdadalitang may pagtitiis ng mga gayon ding pagbabata na amin namang binabata :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay ; yamang nalalaman na kung paanong kayo&apos;y mga karamay sa mga sakit , ay gayon din naman kayo sa kaaliwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi namin ibig na kayo&apos;y di makaalam , mga kapatid , ng tungkol sa mga kapighatian namin na nangyari sa Asia , na kami ay totoong nabigatan , ng higit sa aming kaya , ano pa&apos;t kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Oo , kami&apos;y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan , upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili , kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan , at nagliligtas : na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kayo naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin ; upang dahil sa kaloob na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng marami , ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang aming pagmamapuri ay ito , ang pagpapatotoo ng aming budhi , ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios , hindi ayon sa karunungan ng laman , kundi sa biyaya ng Dios , na kami&apos;y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay , maliban na sa inyong binabasa , o kinikilala , at umaasa ako na inyong kikilalanin hanggang sa katapusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gaya naman ng inyong bahagyang pagkilala sa amin , na kami&apos;y inyong kapurihan , gayon din naman kayo&apos;y sa amin , sa araw ng Panginoong si Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa pagkakatiwalang ito ay ninasa kong pumariyan muna sa inyo , upang kayo&apos;y mangagkaroon ng pangalawang pakinabang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At magdaan sa inyo na patungo sa Macedonia , at muling buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo , at nang tulungan ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nang nasain ko nga ang ganito , ako baga kaya ay nagatubili ? o ang mga bagay na ninasa ko , ay mga ninasa ko baga ayon sa laman , upang magkaroon sa akin ng oo , oo , at ng hindi , hindi ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t palibhasa&apos;y ang Dios ay tapat , ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang Anak ng Dios , si Jesucristo , na ipinangaral namin sa inyo , ako at si Silvano at si Timoteo , hindi naging oo at hindi , kundi sa kaniya ay naging oo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t maging gaano man ang mga pangako ng Dios , ay nasa kaniya ang oo : kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ngayon , siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo , at nagpahid sa atin , ay ang Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na siyang nagtatak naman sa atin , at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Datapuwa&apos;t ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa , na upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong pananampalataya , kundi kami ay mga tagatulong sa inyong katuwaan : sapagka&apos;t sa pananampalataya kayo&apos;y nangagsisitatag .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t ito&apos;y ipinasiya ko sa aking sarili , na hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kung kayo&apos;y palulumbayin ko , sino nga ang sa akin ay magpapagalak , kundi yaong pinalulumbay ko ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At aking isinulat ang bagay ring ito , upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak ; sa pagkakatiwala sa inyong lahat , na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha ; hindi upang kayo&apos;y palumbayin , kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t kung ang sinoman ay nakapagpalumbay , hindi ako ang pinalumbay niya , kundi sa isang paraan ay kayong lahat ( upang huwag kong higpitang totoo ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa ng marami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya , baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Dahil dito&apos;y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako , upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo , kung kayo&apos;y mga matalimahin sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman : sapagka&apos;t ang aking ipinatawad naman , kung ako&apos;y nagpapatawad ng anoman , ay dahil sa inyo , sa harapan ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Upang huwag kaming malamangan ni Satanas : sapagka&apos;t kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nang ako&apos;y dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo , at nang mabuksan sa akin ang isang pinto sa Panginoon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ay hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking espiritu , sapagka&apos;t hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko : datapuwa&apos;t pagkapagpaalam ko sa kanila , ako&apos;y napasa Macedonia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t salamat sa Dios , na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo , at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa&apos;t dako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t sa mga inililigtas , at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay ; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay . At sino ang sapat sa mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios : kundi sa pagtatapat , at gaya ng mula sa Dios , sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pinasisimulan baga naming muli na ipagkapuri ang aming sarili ? o kami baga ay nangangailangan gaya ng iba , ng mga sulat na papuri sa inyo , o mula sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo ay ang aming sulat , na nasusulat sa aming mga puso , nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Yamang nahahayag na kayo&apos;y sulat ni Cristo , na pinangasiwaan namin , hindi isinulat ng tinta , kundi ng Espiritu , ng Dios na buhay , hindi sa mga tapyas ng bato , kundi sa mga tapyas ng pusong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili , upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili ; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan ; hindi ng titik , kundi ng espiritu : sapagka&apos;t ang titik ay pumapatay , datapuwa&apos;t ang espiritu ay nagbibigay ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t kung ang pangangasiwa ng kamatayan , na nasusulat , at nauukit sa mga bato , ay nangyaring may kaluwalhatian , ano pa&apos;t ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises , dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha ; na ang kaluwalhatiang ito&apos;y lumilipas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian , ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito , ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian , ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At hindi gaya ni Moises , na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas : sapagka&apos;t hanggang sa araw na ito , pagka binabasa ang matandang tipan , ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas , na ito&apos;y naalis sa pamamagitan ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Datapuwa&apos;t hanggang sa araw na ito , kailan ma&apos;t binabasa ang mga aklat ni Moises , ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kailan ma&apos;t magbalik sa Panginoon , ay maaalis ang talukbong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu : at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon , doon ay may kalayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t tayong lahat , na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon , ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian , na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong ito , ayon sa aming tinanggap na kaawaan , ay hindi kami nanghihina .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago , na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan , ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios ; kundi sa pagpapahayag ng katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa bawa&apos;t budhi ng mga tao sa harapan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa , ay may talukbong sa mga napapahamak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya , upang sa kanila&apos;y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo , na siyang larawan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t hindi namin ipinangangaral ang aming sarili , kundi si Cristo Jesus na Panginoon , at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Yamang ang Dios , ang nagsabi , Magniningning ang ilaw sa kadiliman , na siyang nagningning sa aming mga puso , upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa , upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios , at huwag mula sa aming sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa magkabikabila ay nangagigipit kami , gayon ma&apos;y hindi nangaghihinagpis ; nangatitilihan , gayon ma&apos;y hindi nangawawalan ng pagasa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pinaguusig , gayon ma&apos;y hindi pinababayaan ; inilulugmok , gayon ma&apos;y hindi nangasisira ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Laging saan ma&apos;y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus , upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t kaming nangabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus , upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin , datapuwa&apos;t ang buhay ay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya , na gaya ng nasusulat , Sumampalataya ako , at kaya&apos;t nagsalita ako ; kami naman ay nagsisisampalataya , at kaya&apos;t kami naman ay nangagsasalita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus , at ihaharap kaming kasama ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo , upang ang biyaya na pinarami sa pamamagitan ng marami , ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya nga hindi kami nanghihimagod ; bagama&apos;t ang aming pagkataong labas ay pahina , nguni&apos;t ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang aming magaang kapighatian , na sa isang sangdali lamang , ay siyang gumagawa sa amin ng lalo&apos;t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita , kundi sa mga bagay na hindi nangakikita : sapagka&apos;t ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan ; datapuwa&apos;t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa , ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios , bahay na hindi gawa ng mga kamay , walang hanggan , sa sangkalangitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik , na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik , na nangabibigatan ; hindi sa ninanasa naming maging hubad , kundi ninanasa naming kami&apos;y bihisan , upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios , na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya nga kami&apos;y laging malakas ang loob , at nalalaman namin na , samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan , ay wala kami sa harapan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">( Sapagka&apos;t nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya , hindi sa pamamagitan ng paningin ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na malakas ang loob namin , ang sabi ko , at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan , at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ang amin namang pinagsisikapan , maging sa tahanan man o di man , ay maging kalugodlugod kami sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo ; upang tumanggap ang bawa&apos;t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan , ayon sa ginawa niya , maging mabuti o masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon , ay aming hinihikayat ang mga tao , nguni&apos;t kami ay nangahahayag sa Dios ; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo , kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin , upang kayo&apos;y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo , at hindi sa puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t kung kami ay maging mga ulol , ay para sa Dios ; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip , ay para sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin ; sapagka&apos;t ipinasisiya namin ang ganito , na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat , kung gayo&apos;y lahat ay nangamatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y namatay dahil sa lahat , upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili , kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman : bagama&apos;t nakilala namin si Cristo ayon sa laman , nguni&apos;t sa ngayo&apos;y hindi na namin nakikilala siyang gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t kung ang sinoman ay na kay Cristo , siya&apos;y bagong nilalang : ang mga dating bagay ay nagsilipas na ; narito , sila&apos;y pawang naging mga bago .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios , na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo , at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sa makatuwid baga&apos;y , na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin , na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan , at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kami nga&apos;y mga sugo sa pangalan ni Cristo , na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin : kayo&apos;y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo , na kayo&apos;y makipagkasundo sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin : upang tayo&apos;y maging sa kaniya&apos;y katuwiran ng Dios .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">( Sapagka&apos;t sinasabi niya , Sa panahong ukol kita&apos;y pinakinggan , At sa araw ng pagliligtas kita&apos;y sinaklolohan : Narito , ngayon ang panahong ukol ; narito , ngayon ang araw ng kaligtasan ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman , upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili , gaya ng mga ministro ng Dios , sa maraming pagtitiis , sa mga kapighatian , sa mga pangangailangan , sa mga paghihinagpis ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa mga latay , sa mga pagkabilanggo , sa mga kaguluhan , sa mga gawa , sa mga pagpupuyat , sa mga pagaayuno ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa kalinisan , sa kaalaman , sa pagpapahinuhod , sa kagandahang-loob , sa Espiritu Santo , sa pagibig na hindi pakunwari ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa salita ng katotohanan , sa kapangyarihan ng Dios ; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri , sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat ; gaya ng mga magdaraya gayon ma&apos;y mga mapagtapat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Waring hindi mga kilala , gayon ma&apos;y mga kilalang mabuti ; tulad sa nangaghihingalo , at narito , kami ay nangabubuhay ; gaya ng mga pinarurusahan , at hindi pinapatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tulad sa nangalulungkot , gayon ma&apos;y laging nangagagalak ; tulad sa mga dukha , gayon ma&apos;y nangagpapayaman sa marami ; gaya ng walang anomang pag-aari , gayon ma&apos;y mayroon ng lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang aming bibig ay bukas para sa inyo , Oh mga taga Corinto , ang aming puso ay lumalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi kayo nangakasisikip sa amin , kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay ( nangungusap akong gaya sa aking mga anak ) , ay mangagsilaki naman kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya : sapagka&apos;t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan ? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial ? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan ? sapagka&apos;t tayo&apos;y templo ng Dios na buhay ; gaya ng sabi ng Dios , Mananahan ako sa kanila , at lalakad ako sa kanila ; at ako&apos;y magiging kanilang Dios , at sila&apos;y magiging aking bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya nga , Magsialis kayo sa kanila , at magsihiwalay kayo , sabi ng Panginoon , At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi , At kayo&apos;y aking tatanggapin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ako sa inyo&apos;y magiging ama , At sa akin kayo&apos;y magiging mga anak na lalake at babae , sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Yamang taglay natin ang mga pangakong ito , mga minamahal , ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu , na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso : hindi namin inapi ang sinoman , hindi namin ipinasama ang sinoman , hindi namin dinaya ang sinoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi ko sinasabi ito upang kayo&apos;y hatulan : sapagka&apos;t sinabi ko na nang una , na kayo&apos;y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo , malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo : ako&apos;y puspos ng kaaliwan , nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan , kundi sa lahat kami ay pinipighati ; sa labas ay mga pagbabaka , sa loob ay mga katakutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gayon man ang Dios na umaaliw sa mabababang-loob , ay kami&apos;y inaliw sa pamamagitan ng pagdating ni Tito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At hindi lamang sa kaniyang pagdating , kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo , nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik , ang inyong kalumbayan , ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin ; ano pa&apos;t ako&apos;y lubha pang nagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t bagaman ako&apos;y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat , ay hindi ko dinaramdam : bagama&apos;t aking dinamdam ( sapagka&apos;t akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo , bagama&apos;t sa maikling panahon lamang ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ngayo&apos;y nagagalak ako , hindi dahil sa inyong pagkalumbay , kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi ; sapagka&apos;t kayo&apos;y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios , upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang kalumbayang mula sa Dios , ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas , na hindi ikalulungkot : datapuwa&apos;t ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito nga , ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios , gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo&apos;y ginawa , oo&apos;t gaanong pagtatanggol ng inyong sarili , oo&apos;t gaanong pagkagalit , oo&apos;t gaanong katakutan , oo&apos;t gaanong pananabik , oo&apos;t gaanong pagmamalasakit , oo&apos;t gaanong paghihiganti ! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga , bagama&apos;t ako&apos;y sumulat sa inyo , ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian , ni dahil doon sa nagbata ng kamalian , kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t kami&apos;y pawang nangaaliw : at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito , sapagka&apos;t ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo , ay hindi ako nahiya ; datapuwa&apos;t kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan , ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang kaniyang pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo , samantalang naaalaala niya ang pagtalima ninyong lahat , kung paanong siya&apos;y tinanggap ninyo na may takot at panginginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ako&apos;y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Bukod dito , mga kapatid , ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ayon sa kanilang kaya , ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya , ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ito , ay hindi ayon sa aming inaasahan , kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon , at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ano pa&apos;t namanhik kami kay Tito , na yamang siya&apos;y nagpasimula nang una , ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t yamang kayo&apos;y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay , sa pananampalataya , at pananalita , at kaalaman , at sa buong kasipagan , at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos , kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo , na , bagaman siya&apos;y mayaman , gayon ma&apos;y nagpakadukha dahil sa inyo , upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa ganito&apos;y ibinibigay ko ang aking pasiya : sapagka&apos;t ito&apos;y nararapat sa inyo , na naunang nangagpasimula na may isang taon na , hindi lamang sa paggawa , kundi naman sa pagnanais .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t ngayo&apos;y tapusin din naman ninyo ang paggawa ; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais , ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t kung may sikap , ay tinatanggap ayon sa tinataglay , hindi ayon sa di tinataglay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo&apos;y mabigatan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay : ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan , upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan ; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gaya ng nasusulat , Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis ; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t salamat sa Dios , na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t tunay na tinanggap niya ang aming pamanhik , nguni&apos;t palibhasa&apos;y lubha siyang masikap , ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sinugo naming kasama niya ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa lahat ng mga iglesia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hindi lamang gayon , kundi siya naman ang inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito , na pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon , at upang ipamalas ang aming sikap :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na iniilagan ito , na sinoma&apos;y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t iniisip namin ang mga bagay na kapuripuri , hindi lamang sa paningin ng Panginoon , kundi naman sa paningin ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid , na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay , datapuwa&apos;t ngayon ay lalo nang masikap , dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung may magsiyasat tungkol kay Tito , siya&apos;y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo ; o sa aming mga kapatid , sila&apos;y mga sugo ng mga iglesia , at kaluwalhatian ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig , at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal , ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t nakikilala ko ang inyong sikap , na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia , na ang Acaya ay nahahandang isang taon na ; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t sinugo ko ang mga kapatid , upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito ; na , ayon sa aking sinabi , kayo&apos;y mangakapaghanda :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Baka sakaling sa anomang paraan kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo&apos;y maratnang hindi nangahahanda , kami ( upang huwag sabihing kayo ) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid , na mangaunang pumariyan sa inyo , at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una , upang ito&apos;y maihanda na gaya ng abuloy , at hindi gaya ng sapilitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t sinasabi ko , Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na ; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Magbigay ang bawa&apos;t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso : huwag mabigat sa loob , o dahil sa kailangan : sapagka&apos;t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo ; upang kayo , na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa&apos;t mabuting gawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gaya ng nasusulat , Siyang nagsabog , siyang nagbigay sa mga dukha ; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain , ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik , at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Yamang kayo&apos;y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob , na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal , kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Palibhasa&apos;y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo , at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Samantalang sila rin naman , sa panalanging patungkol sa inyo , ay nananabik sa inyo dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo , ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo , nguni&apos;t ako&apos;y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Oo , ako&apos;y namamanhik sa inyo , upang kung ako&apos;y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin , na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t bagaman kami ay nagsisilakad sa laman , ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">( Sapagka&apos;t ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman , kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na siyang gumigiba ng mga maling haka , at ng bawa&apos;t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios , at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway , kung maganap na ang inyong pagtalima .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha . Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya&apos;y kay Cristo , ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na , kung paanong siya&apos;y kay Cristo , kami naman ay gayon din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan ( na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo , at hindi sa ikagigiba ninyo ) ay hindi ako mapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Upang huwag akong wari&apos;y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t , sinasabi nila , Ang kaniyang mga sulat , ay malaman at mabisa ; datapuwa&apos;t ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina , at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bayaang isipin ng isang gayon ito , na , kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan , ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili : nguni&apos;t sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin , at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat , kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios , na gaya ng sukat , upang umabot hanggang sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t hindi kami nagsisilagpas ng higit , na waring hindi na namin kayo aabutin : sapagka&apos;t hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat , sa makatuwid baga&apos;y ang mga gawa ng ibang mga tao ; kundi yamang may pagasa , na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya , kami&apos;y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo , at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili , kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kahimanawari&apos;y mapagtiisan ninyo ako sa kaunting kamangmangan : nguni&apos;t tunay na ako&apos;y inyong pinagtitiisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ako&apos;y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios : sapagka&apos;t kayo&apos;y aking pinapagasawa sa isa , upang kayo&apos;y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ako&apos;y natatakot , baka sa anomang paraan , kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan , ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus , na hindi namin ipinangaral , o kung kayo&apos;y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap , o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap , ay mabuting pagtiisan ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t bagaman ako ay magaspang sa pananalita , gayon ma&apos;y hindi ako sa kaalaman ; hindi , kundi sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ako nga baga&apos;y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili , upang kayo&apos;y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia , sa pagtanggap ko ng upa sa kanila , upang ipangasiwa ko sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka ako&apos;y kaharap ninyo at ako&apos;y nagkukulang ng ikabubuhay , ako&apos;y hindi naging pasan sa kanino man ; sapagka&apos;t mga kapatid nang sila&apos;y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan ; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo , at magiingat nga ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo , sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Bakit ? sapagka&apos;t hindi ko baga kayo iniibig ? Nalalaman ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t ang aking ginagawa ay siya kong gagawin , upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan ; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol , mga magdarayang manggagawa , na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At hindi katakataka : sapagka&apos;t si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran ; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Muling sinasabi ko , Huwag isipin ng sinoman na ako&apos;y mangmang ; nguni&apos;t kung gayon , gayon ma&apos;y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang , upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang ipinangungusap ko ay hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon , kundi gaya ng sa kamangmangan , sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman , ako nama&apos;y magmamapuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t pinagtitiisan ninyo na may kasayahan ang mga mangmang , palibhasa&apos;y marurunong kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t inyong pinagtitiisan ang sinoman , kung kayo&apos;y inaalipin , kung kayo&apos;y sinasakmal , kung kayo&apos;y binibihag , kung siya&apos;y nagpapalalo , kung kayo&apos;y sinasampal sa mukha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan , na wari ay naging mahina kami . Nguni&apos;t kung ang sinoman ay matapang sa anoman ( nangungusap ako sa kamangmangan ) , ako&apos;y matapang din naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sila baga&apos;y mga Hebreo ? ako man . Sila baga&apos;y mga Israelita ? ako man . Sila baga&apos;y binhi ni Abraham ? ako man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sila baga&apos;y mga ministro ni Cristo ? ( ako&apos;y nangungusap na waring nasisira ang bait ) lalo pa ako ; sa pagpapagal ako&apos;y lubhang sagana , sa mga bilangguan ay lubhang madalas , sa mga palo ay walang bilang , sa mga ikamamatay ay malimit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo , kulang ng isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Makaitlong ako&apos;y hinampas ng mga panghampas , minsan ako&apos;y binato , makaitlong ako&apos;y nabagbag , isang araw at isang gabi na ako&apos;y nasa kalaliman ng dagat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa mga paglalakbay ay madalas , sa mga kapanganiban sa mga ilog , sa mga kapanganiban sa mga tulisan , sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan , sa mga kapanganiban sa mga Gentil , sa mga kapanganiban sa bayan , sa mga kapanganiban sa mga ilang , sa mga kapanganiban sa dagat , sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa pagpapagal at sa pagdaramdam , sa mga pagpupuyat ay madalas , sa gutom at uhaw , mga pagaayuno ay madalas , sa ginaw at kahubaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Bukod sa mga bagay na yaon , ay may umiinis sa akin sa araw-araw , ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sino ang nanghina , at ako&apos;y hindi nanghina ? Sino ang napapatisod , at ako&apos;y di nagdaramdam ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Kung kinakailangang ako&apos;y magmapuri , ako&apos;y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus , na mapalad magpakailan pa man , ang nakakaalam na ako&apos;y hindi nagsisinungaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Sa Damasco ay binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco , upang ako&apos;y hulihin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">At sa isang dungawan , ay napahugos ako sa kuta , sa isang balaong , at ako&apos;y nakatanan sa kanilang mga kamay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kinakailangang ako&apos;y magmapuri , bagaman ito&apos;y hindi nararapat ; nguni&apos;t aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo , na mayroong nang labingapat na taon ( maging sa katawan , aywan ko ; o maging sa labas ng katawan , aywan ko ; Dios ang nakaaalam ) na inagaw hanggang sa ikatlong langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nakikilala ko ang taong iyan ( maging sa katawan , o sa labas ng katawan , aywan ko ; Dios ang nakaaalam ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na kung paanong siya&apos;y inagaw sa Paraiso , at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Tungkol sa taong yaon ako&apos;y magmamapuri : nguni&apos;t tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri , maliban na sa aking mga kahinaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t kung ibigin kong ako&apos;y magmapuri , ay hindi ako magiging mangmang ; sapagka&apos;t sasalitain ko ang katotohanan : nguni&apos;t nagpipigil ako , baka ang sinoman ay magakalang ako&apos;y mataas sa nakikita niya sa akin , o naririnig sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang ako&apos;y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag , ay binigyan ako ng isang tinik sa laman , ng isang sugo ni Satanas , upang ako&apos;y tampalin , nang ako&apos;y huwag magpalalo ng labis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Tungkol dito&apos;y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon , upang ilayo ito sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At siya&apos;y nagsabi sa akin , Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo : sapagka&apos;t ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan . Kaya&apos;t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya nga ako&apos;y nagagalak sa mga kahinaan , sa mga pagkaapi , sa mga pangangailangan , sa mga pagkakausig , sa mga paghihinagpis , dahil kay Cristo : sapagka&apos;t pagka ako&apos;y mahina , ako nga&apos;y malakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y naging mangmang : pinilit ninyo ako ; ako sana&apos;y dapat ninyong purihin : sapagka&apos;t sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol , bagaman ako&apos;y walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis , sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia , kundi ang ako&apos;y hindi naging pasanin ninyo ? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Narito , ito ang ikatlo na ako&apos;y handang pumariyan sa inyo ; at ako&apos;y hindi magiging pasanin ninyo : sapagka&apos;t hindi ko hinahanap ang inyo , kundi kayo : sapagka&apos;t hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang , kundi ng mga magulang ang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ako&apos;y gugugol ng may malaking kagalakan at pagugugol dahil sa inyong mga kaluluwa . Kung kayo&apos;y iniibig ko ng lalong higit , ako baga&apos;y iniibig ng kaunti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t magkagayon man , ako&apos;y hindi naging pasan sa inyo ; kundi dahil sa pagkatuso ko , kayo&apos;y hinuli ko sa daya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kayo baga&apos;y aking dinaya sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Pinamanhikan ko si Tito , at sinugo kong kasama niya ang kapatid . Kayo baga&apos;y dinaya ni Tito ? hindi baga kami ay nagsilakad sa isang Espiritu ? hindi baga kami ay nagsisunod sa gayon ding mga hakbang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Iniisip ninyo na sa buong panahong ito&apos;y kami ay nangagdadahilan sa inyo . Sa paningin ng Dios ay nangagsasalita kami sa pangalan ni Cristo . Datapuwa&apos;t ang lahat ng mga bagay , mga minamahal , ay sa inyong mga ikatitibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan , kung ako&apos;y dumating ay kayo&apos;y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko , at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo ; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo , mga paninibugho , mga kagalitan , mga pagkakampikampi , mga pagsirang-puri , mga paghatid-dumapit , mga kapalaluan , mga pagkakagulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Baka pagka ako&apos;y dumating na muli ay ako&apos;y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo , at ako&apos;y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una , at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito ang ikatlo na ako&apos;y paririyan sa inyo . Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa&apos;t salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sinabi ko na nang una , at muling aking ipinagpapauna , gaya nang ako&apos;y nahaharap ng ikalawa , gayon din ngayon , na ako&apos;y wala sa harapan , sa mga nagkasala nang una , at sa mga iba pa , na kung ako&apos;y pumariyang muli ay hindi ko na patatawarin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay nagsasalita sa akin ; na siya sa inyo&apos;y hindi mahina , kundi sa inyo&apos;y makapangyarihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t siya&apos;y ipinako sa krus dahil sa kahinaan , gayon ma&apos;y nabubuhay siya dahil sa kapangyarihan ng Dios . Sapagka&apos;t kami naman ay sa kaniya&apos;y mahihina , nguni&apos;t kami ay mabubuhay na kasama niya sa kapangyarihan ng Dios sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siyasatin ninyo ang inyong sarili , kung kayo&apos;y nangasa pananampalataya ; subukin ninyo ang inyong sarili . Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili , na si Jesucristo ay nasa inyo ? maliban na nga kung kayo&apos;y itinakuwil na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ngayo&apos;y idinadalangin namin sa Dios na kayo&apos;y huwag magsigawa ng masama ; hindi upang kami&apos;y mangakitang subok , kundi upang gawin ninyo ang may karangalan , kahit kami&apos;y maging gaya ng itinakuwil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kami&apos;y walang anomang magagawang laban sa katotohanan , kundi ayon sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t kami&apos;y natutuwa kung kami&apos;y mahihina , at kayo&apos;y malalakas : at ito naman ang idinadalangin namin , sa makatuwid baga&apos;y ang inyong pagkasakdal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil dito&apos;y sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako&apos;y wala sa harapan , upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan , ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay , at hindi sa ikagigiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa katapustapusan , mga kapatid , paalam na . Mangagpakasakdal kayo ; mangaaliw kayo ; mangagkaisa kayo ng pagiisip ; mangabuhay kayo sa kapayapaan : at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagbatian ang isa&apos;t isa sa inyo ng banal na halik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Binabati kayo ng lahat ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo , at ang pagibig ng Dios , at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "48">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na Apostol ( hindi mula sa mga tao , ni sa pamamagitan man ng tao , kundi sa pamamagitan ni Jesucristo , at ng Dios Ama , na siyang sa kaniya&apos;y muling bumuhay ; )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko , sa mga iglesia ng Galacia :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama , at sa ating Panginoong Jesucristo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan , upang tayo&apos;y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan , ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ako&apos;y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na ito&apos;y hindi ibang evangelio : kundi mayroong ilan na sa inyo&apos;y nagsisiligalig , at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kahima&apos;t kami , o isang anghel na mula sa langit , ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo , ay matakuwil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ayon sa aming sinabi nang una , ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon , Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na , ay matakuwil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ako baga&apos;y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios ? o ako baga&apos;y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao ? kung ako&apos;y magbibigay-lugod pa sa mga tao , ay hindi ako magiging alipin ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t aking ipinatatalastas sa inyo , mga kapatid , tungkol sa evangelio na aking ipinangaral , na ito&apos;y hindi ayon sa tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t hindi ko tinanggap ito sa tao , ni itinuro man sa akin , kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio , kung paanong aking inuusig na malabis , at nilipol ang iglesia ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ako&apos;y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan , palibhasa&apos;y totoong masikap ako sa mga sali&apos;t-saling sabi ng aking mga magulang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t nang magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod , buhat pa sa tiyan ng aking ina , at ako&apos;y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin , upang siya&apos;y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil ; pagkaraka&apos;y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin : kundi sa Arabia ako naparoon ; at muling nagbalik ako sa Damasco .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas , at natira akong kasama niyang labing-limang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nguni&apos;t wala akong nakita sa mga ibang apostol , maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo , narito , sa harapan ng Dios , hindi ako nagsisinungaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay , Yaong umuusig sa atin nang una , ngayo&apos;y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nang makaraan nga ang labingapat na taon ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si Bernabe , at isinama ko rin naman si Tito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ako&apos;y umahon dahil sa pahayag ; at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil , datapuwa&apos;t sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim , baka sa anomang paraan ako&apos;y tatakbo , o tumakbo , ng walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Datapuwa&apos;t maging si Tito man na kasama ko , bagama&apos;t Griego , ay hindi napilit na patuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At yaon ay dahil sa mga hindi tunay na kapatid na ipinasok ng lihim , na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus , upang kami&apos;y ilagay nila sa pagkaalipin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami , kahit isang oras ; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ang mga wari&apos;y may dangal ng kaunti ( maging anoman sila , ay walang anoman sa akin : ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman ) silang may dangal , sinasabi ko , ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi bagkus nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli , gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">( Sapagka&apos;t ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob , ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan , sila na mga inaaring haligi , upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil , at sila&apos;y sa pagtutuli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha ; na ang bagay ring ito&apos;y aking pinagsisikapan gawain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t nang dumating si Cefas sa Antioquia , ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan , sapagka&apos;t siya&apos;y nararapat hatulan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago , ay nakisalo siya sa mga Gentil ; nguni&apos;t nang sila&apos;y magsidating na , siya&apos;y umurong , at humiwalay sa mga Gentil , palibhasa&apos;y natatakot sa mga sa pagtutuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya : ano pa&apos;t pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio , sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat , Kung ikaw , na Judio , ay namumuhay gaya ng mga Gentil , at di gaya ng mga Judio , bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tayo&apos;y mga Judio sa katutubo , at hindi mga makasalanang Gentil ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bagama&apos;t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan , maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo , tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus , upang tayo&apos;y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo , at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan : sapagka&apos;t sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kung , samantalang ating pinagsisikapan na tayo&apos;y ariing-ganap kay Cristo , ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan , si Cristo baga ay ministro ng kasalanan ? Huwag nawang mangyari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira , sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako&apos;y suwail .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay , sa kautusan , upang ako&apos;y mabuhay sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ako&apos;y napako sa krus na kasama ni Cristo ; at hindi na ako ang nabubuhay , kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin : at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya , ang pananampalataya na ito&apos;y sa Anak ng Dios , na sa akin ay umibig , at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios : sapagka&apos;t kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran , kung gayo&apos;y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Oh mga mangmang na taga Galacia , sino ang mga nagsigayuma sa inyo , na sa harapan ng inyong mga mata&apos;y si Jesucristo , na napako sa krus , ay maliwanag na inihayag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo , Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan , o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Napakamangmang na baga kayo ? kayong nagpasimula sa Espiritu , ngayo&apos;y nangagpapakasakdal kayo sa laman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay ? kung tunay na walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu , at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo , ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan , o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios , at ito&apos;y ibinilang sa kaniya na katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya , ang mga yaon ay mga anak ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sapagka&apos;t ipinakita na ng kasulatan , na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya , ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham , na sinasabi , Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya&apos;t ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa : sapagka&apos;t nasusulat , Sinusumpa ang bawa&apos;t hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan , upang gawin nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios ; sapagka&apos;t , Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya ; kundi , Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo , na naging sumpa sa ganang atin ; sapagka&apos;t nasusulat , Sinusumpa ang bawa&apos;t binibitay sa punong kahoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus ; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mga kapatid , nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao : Bagama&apos;t ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao , gayon ma&apos;y pagka pinagtibay , sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan , o makapagdaragdag man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako , at sa kaniyang binhi . Hindi sinasabi ng Dios , At sa mga binhi , na gaya baga sa marami ; kundi gaya sa iisa lamang , At sa iyong binhi , na si Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ito nga ang aking sinasabi : Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios , ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan , na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon , ano pa&apos;t upang pawalang kabuluhan ang pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan , ay hindi na sa pamamagitan ng pangako : datapuwa&apos;t ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ano nga ang kabuluhan ng kautusan ? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang , hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan ; at ito&apos;y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa ; datapuwa&apos;t ang Dios ay iisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios ? Huwag nawang mangyari : sapagka&apos;t kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay , tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan , upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t bago dumating ang pananampalataya , ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan , na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ano pa&apos;t ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo , upang tayo&apos;y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t ngayong dumating na ang pananampalataya , ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t kayong lahat ay mga anak ng Dios , sa pamamagitan ng pananampalataya , kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Walang magiging Judio o Griego man , walang magiging alipin o malaya man , walang magiging lalake o babae man ; sapagka&apos;t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">At kung kayo&apos;y kay Cristo , kayo nga&apos;y binhi ni Abraham , at mga tagapagmana ayon sa pangako .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata , ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama&apos;t siya&apos;y panginoon ng lahat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Datapuwa&apos;t nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Gayon din naman tayo , nang tayo&apos;y mga bata pa , tayo&apos;y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Datapuwa&apos;t nang dumating ang kapanahunan , ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak , na ipinanganak ng isang babae , na ipinanganak sa ilalim ng kautusan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan , upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sapagka&apos;t kayo&apos;y mga anak , ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso , na sumisigaw , Abba , Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ano pa&apos;t hindi ka na alipin , kundi anak ; at kung anak , ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon man nang panahong yaon , sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios , kayo&apos;y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios , o ang lalong mabuting sabihin , kayo&apos;y nangakikilala ng Dios , bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral , na sa mga yao&apos;y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ipinangingilin ninyo ang mga araw , at mga buwan , at mga panahon , at mga taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y natatakot tungkol sa inyo , baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , na kayo&apos;y mangagsitulad sa akin , sapagka&apos;t ako&apos;y katulad din ninyo . Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman , ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At yaong sa inyo&apos;y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta , ni itinakuwil man ; kundi ako&apos;y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios , tulad kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Saan nga naroon yaong inyong kapalaran ? sapagka&apos;t pinatototohanan ko sa inyo , na , kung mangyayari , ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya nga ako baga&apos;y naging kaaway ninyo , sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">May nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala ; subali&apos;t , ang ibig nila ay ihiwalay kayo , upang ipagmalasakit ninyo sila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon , at hindi lamang samantalang ako&apos;y kaharap ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Maliliit kong mga anak , na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t , ibig kong makaharap ninyo ako ngayon , at baguhin ang aking tinig ; sapagka&apos;t ako&apos;y nagaalinlangan tungkol sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sabihin ninyo sa akin , kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan , hindi baga ninyo naririnig ang kautusan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sapagka&apos;t nasusulat , na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak , ang isa&apos;y sa aliping babae , at ang isa&apos;y sa babaing malaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman ; nguni&apos;t ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga bagay na ito&apos;y may lamang talinghaga : sapagka&apos;t ang mga babaing ito&apos;y dalawang tipan ; ang isa&apos;y mula sa bundok ng Sinai , na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin , na ito&apos;y si Agar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia , at ito&apos;y katulad ng Jerusalem ngayon : sapagka&apos;t ito&apos;y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Nguni&apos;t ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya , na siyang ina natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sapagka&apos;t nasusulat , Magsaya ka , Oh baog na hindi nanganganak ; Magbiglang umawit at humiyaw ka , ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak : Sapagka&apos;t higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At tayo , mga kapatid , tulad ni Isaac , ay mga anak sa pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Datapuwa&apos;t kung papaanong yaong ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu , ay gayon din naman ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan ? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak : sapagka&apos;t hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kaya nga , mga kapatid , hindi tayo mga anak ng babaing alipin , kundi ng babaing malaya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo : magsitibay nga kayo , at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Narito , akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo , na , kung inyong tinatanggap ang pagtutuli , ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , pinatotohanan kong muli sa bawa&apos;t taong tumatanggap ng pagtutuli , na siya&apos;y may kautangang tumupad ng buong kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayo&apos;y hiwalay kay Cristo , kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan ; nangahulog kayo mula sa biyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t kay Cristo Jesus , kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan , kahit man ang di-pagtutuli ; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nagsisitakbo kayong mabuti nang una ; sino ang gumambala sa inyo upang kayo&apos;y huwag magsisunod sa katotohanan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon , na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan : datapuwa&apos;t ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan , maging sinoman siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ako , mga kapatid , kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli , bakit ako&apos;y pinaguusig pa ? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t kayo , mga kapatid , ay tinawag sa kalayaan ; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan , upang magbigay kadahilanan sa laman , kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita , sa makatuwid ay dito : Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan , magsipagingat kayo na baka kayo&apos;y mangaglipulan sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinasabi ko nga , Magsilakad kayo ayon sa Espiritu , at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu , at ang Espiritu ay laban sa laman ; sapagka&apos;t ang mga ito ay nagkakalaban ; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t kung kayo&apos;y pinapatnubayan ng Espiritu , ay wala kayo sa ilalim ng kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hayag ang mga gawa ng laman , sa makatuwid ay ang mga ito : pakikiapid , karumihan , kalibugan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Pagsamba sa diosdiosan , pangkukulam , mga pagtataniman , mga pagtatalo , mga paninibugho , mga pagkakaalitan , mga pagkakampikampi , mga pagkakabahabahagi , mga hidwang pananampalataya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mga kapanaghilian , mga paglalasing , mga kalayawan , at ang mga katulad nito ; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo , tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo , na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t ang bunga ng Espiritu ay pagibig , katuwaan , kapayapaan , pagpapahinuhod , kagandahang-loob , kabutihan , pagtatapat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kaamuan , pagpipigil ; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kung tayo&apos;y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu , ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Huwag tayong maging mga palalo , na tayo-tayo&apos;y nangagmumungkahian sa isa&apos;t isa , nangagiinggitan sa isa&apos;t isa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga kapatid , kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway , kayong mga sa espiritu , ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan ; na iyong pagwariin ang iyong sarili , baka ikaw naman ay matukso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa&apos;t isa , at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kung ang sinoman ay nagaakala na siya&apos;y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan , ang kaniyang sarili ang dinadaya niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t siyasatin ng bawa&apos;t isa ang kaniyang sariling gawa , at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang , at hindi tungkol sa kapuwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag kayong padaya ; ang Dios ay hindi napabibiro : sapagka&apos;t ang lahat na ihasik ng tao , ay siya namang aanihin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan ; datapuwa&apos;t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti : sapagka&apos;t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo , kung hindi tayo manganghihimagod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya nga , samantalang tayo&apos;y may pagkakataon , ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat , at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Yaong lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman , ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli ; upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan ; nguni&apos;t ibig nilang kayo&apos;y ipatuli , upang sila&apos;y mangagmapuri sa inyong laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri , maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo , na sa pamamagitan niyao&apos;y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin , at ako&apos;y sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang pagtutuli ay walang anoman , kahit man ang di-pagtutuli , kundi ang bagong nilalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito , kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila , at sa Israel ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin ; sapagka&apos;t dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mga kapatid , ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "49">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , sa mga banal na nangasa Efeso , at sa mga tapat kay Cristo Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo , na siyang nagpala sa atin ng bawa&apos;t pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan , upang tayo&apos;y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na tayo&apos;y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya , ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya , na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na sa kaniya&apos;y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo , na kapatawaran ng ating mga kasalanan , ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na pinasagana niya sa atin , sa buong karunungan at katalinuhan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban , ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon , upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo , ang mga bagay na nangasa sangkalangitan , at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa ; sa kaniya , sinasabi ko ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana , na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang tayo&apos;y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian , tayong nagsiasa nang una kay Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na sa kaniya&apos;y kayo rin naman , pagkarinig ng aral ng katotohanan , ng evangelio ng inyong kaligtasan , na sa kaniya rin naman , mula nang kayo&apos;y magsisampalataya , ay kayo&apos;y tinatakan ng Espiritu Santo , na ipinangako ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na siyang patotoo sa ating mana , hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios , sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Dahil dito ako rin naman , pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo , at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ay hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo , na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo , ng Ama ng kaluwalhatian , ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso , upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag , kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya , ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na kaniyang ginawa kay Cristo , nang ito&apos;y kaniyang buhaying maguli sa mga patay , at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan , at kapamahalaan , at kapangyarihan , at pagkasakop , at sa bawa&apos;t pangalan na ipinangungusap , hindi lamang sa sanglibutang ito , kundi naman sa darating :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa , at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na siyang katawan niya , na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At kayo&apos;y binuhay niya , nang kayo&apos;y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito , ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin , ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa gitna ng mga yaon , tayo rin naman , ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman , na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip , at tayo noo&apos;y katutubong mga anak ng kagalitan , gaya naman ng mga iba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t ang Dios , palibhasa&apos;y mayaman sa awa , dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Bagama&apos;t tayo&apos;y mga patay dahil sa ating mga kasalanan , tayo&apos;y binuhay na kalakip ni Cristo ( sa pamamagitan ng biyaya kayo&apos;y nangaligtas ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tayo&apos;y ibinangong kalakip niya , at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan , kay Cristo Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sa biyaya kayo&apos;y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ; at ito&apos;y hindi sa inyong sarili , ito&apos;y kaloob ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi sa pamamagitan ng mga gawa , upang ang sinoman ay huwag magmapuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t tayo&apos;y kaniyang gawa , na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa , na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kaya nga alalahanin ninyo , na kayo noong una , mga Gentil sa laman , tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman , na ginawa ng mga kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo , na mga di kabilang sa bansa ng Israel , at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako , na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t siya ang ating kapayapaan , na kaniyang pinagisa ang dalawa , at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman , kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan ; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago , sa ganito&apos;y ginagawa ang kapayapaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus , na sa kaniya&apos;y pinatay ang pagkakaalit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo , at ang kapayapaan sa nangalalapit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sa pamamagitan niya tayo&apos;y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay , kundi kayo&apos;y mga kababayan na kasama ng mga banal , at sangbahayan ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta , na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na sa kaniya&apos;y ang buong gusali , na nakalapat na mabuti , ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na sa kaniya&apos;y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Dahil dito , akong si Pablo , na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga , gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa pamamagitan niyaon , sa pagbasa ninyo , ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao , na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana , at mga kasangkap ng katawan , at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na dito&apos;y ginawa akong ministro , ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa akin , na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal , ay ibinigay ang biyayang ito , upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang ngayo&apos;y sa pamamagitan ng iglesia , ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na sa kaniya&apos;y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo , na pawang kapurihan ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na sa kaniya&apos;y kumukuha ng pangalan ang bawa&apos;t sangbahayan sa langit at sa lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Upang sa inyo&apos;y ipagkaloob niya , ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian , na kayo&apos;y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya ; upang kung kayo&apos;y magugat at magtumibay sa pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman , upang kayo&apos;y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip , ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man . Siya nawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon , na kayo&apos;y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo&apos;y itinawag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ng buong kapakumbabaan at kaamuan , na may pagpapahinuhod , na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">May isang katawan , at isang Espiritu , gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Isang Panginoon , isang pananampalataya , isang bautismo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Isang Dios at Ama ng lahat , na siyang sumasa ibabaw sa lahat , at sumasa lahat , at nasa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t ang bawa&apos;t isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t sinasabi niya , Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag , At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">( Ngayon ito , Umakyat Siya , ano ito , kundi siya&apos;y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan , upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol ; at ang mga iba&apos;y propeta ; at ang mga iba&apos;y evangelista ; at ang mga iba&apos;y pastor at mga guro ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa ikasasakdal ng mga banal , sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya , at ang pagkakilala sa Anak ng Dios , hanggang sa lubos na paglaki ng tao , hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Upang tayo&apos;y huwag nang maging mga bata pa , na napapahapay dito&apos;t doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral , sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao , sa katusuhan , ayon sa mga lalang ng kamalian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig , ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya , na siyang pangulo , sa makatuwid baga&apos;y si Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na dahil sa kaniya&apos;y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa&apos;t kasukasuan , ayon sa paggawang nauukol sa bawa&apos;t iba&apos;t ibang sangkap , ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ito nga ang sinasabi ko , at sinasaksihan sa Panginoon , na kayo&apos;y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil , sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip , ay nangahiwalay sa buhay ng Dios , dahil sa kahangalang nasa kanila , dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan , upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kayo&apos;y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung tunay na siya&apos;y inyong pinakinggan , at kayo&apos;y tinuruan sa kaniya , gaya ng katotohanan na kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At inyong iwan , tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan , ang dating pagkatao , na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At kayo&apos;y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kayo&apos;y mangagbihis ng bagong pagkatao , na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Kaya nga , pagkatakuwil ng kasinungalingan , ay magsasalita ang bawa&apos;t isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa : sapagka&apos;t tayo&apos;y mga sangkap na isa&apos;t isa sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kayo&apos;y mangagalit at huwag kayong mangakasala : huwag lumubog ang araw sa inyong galit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ni bigyan daan man ang diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa : bagkus magpagal , na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay , upang siya&apos;y may maibigay sa nangangailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig , kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan , upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios , na sa kaniya kayo&apos;y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Ang lahat ng kapaitan , at kagalitan , at pagkakaalit , at kadaldalan , at panglilibak , ay mangaalis nawa sa inyo , pati ng lahat ng masasamang akala :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At magmagandang-loob kayo sa isa&apos;t isa , mga mahabagin , na mangagpatawaran kayo sa isa&apos;t isa , gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kayo nga&apos;y magsitulad sa Dios , na gaya ng mga anak na minamahal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At magsilakad kayo sa pagibig , gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo , at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili , na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t ang pakikiapid , at ang lahat ng karumihan , o kasakiman , ay huwag man lamang masambit sa inyo , gaya ng nararapat sa mga banal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">O ang karumihan man , o mga mangmang na pananalita , o ang mga pagbibiro , na di nangararapat : kundi kayo&apos;y magpasalamat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t talastas ninyong lubos , na sinomang mapakiapid , o mahalay , o masakim , na isang mapagsamba sa mga diosdiosan , ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan : sapagka&apos;t dahil sa mga bagay na ito&apos;y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Huwag kayong makibahagi sa kanila ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t noong panahon kayo&apos;y kadiliman , datapuwa&apos;t ngayon kayo&apos;y kaliwanagan sa Panginoon : magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">( Sapagka&apos;t ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman , kundi bagkus inyong sawatain ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan : sapagka&apos;t ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya sinasabi niya , Gumising kang natutulog , at magbangon ka sa gitna ng mga patay , at liliwanagan ka ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad , huwag gaya ng mga mangmang , kundi gaya ng marurunong ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na inyong samantalahin ang panahon , sapagka&apos;t ang mga araw ay masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya huwag kayong maging mga mangmang , kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan , kundi kayo&apos;y mangapuspos ng Espiritu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na kayo&apos;y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu , na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na kayo&apos;y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na pasakop kayo sa isa&apos;t isa sa takot kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Mga babae , pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa , na gaya ng sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa , gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia , na siya rin ang tagapagligtas ng katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo , ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Mga lalake , ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa , gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia , at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Upang kaniyang pakabanalin ito , na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati , na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay ; kundi ito&apos;y nararapat maging banal at walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa , na gaya ng kanilang sariling mga katawan . Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan ; kundi kinakandili at minamahal , gaya naman ni Cristo sa iglesia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Dahil dito&apos;y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina , at makikisama sa kaniyang asawa ; at ang dalawa ay magiging isang laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Ang hiwagang ito ay dakila : datapuwa&apos;t sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Gayon man ay umibig naman ang bawa&apos;t isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili ; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga anak , magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon : sapagka&apos;t ito&apos;y matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Igalang mo ang iyong ama at ina ( na siyang unang utos na may pangako ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Upang yumaon kang mabuti , at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At , kayong mga ama , huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak : kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mga alipin , magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon , na may takot at panginginig , sa katapatan ng inyong puso , na gaya ng kay Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi ang paglilingkod sa paningin , na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao ; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo , na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Maglingkod na may mabuting kalooban , na gaya ng sa Panginoon , at hindi sa mga tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa&apos;t isa , ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon , maging alipin o laya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At kayong mga panginoon , gayon din ang inyong gawin sa kanila , at iwan ninyo ang mga pagbabala : yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit , at sa kaniya&apos;y walang itinatanging tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa katapustapusa&apos;y magpakalakas kayo sa Panginoon , at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios , upang kayo&apos;y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo , kundi laban sa mga pamunuan , laban sa mga kapangyarihan , laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan , laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios , upang kayo&apos;y mangakatagal sa araw na masama , at kung magawa ang lahat , ay magsitibay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Magsitibay nga kayo , na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan , na may sakbat na baluti ng katuwiran ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya , na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan , at ng tabak ng Espiritu , na siyang salita ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon , at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sa akin , upang ako&apos;y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig , upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na dahil dito ako&apos;y isang sugong natatanikalaan ; upang sa ganito ako&apos;y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Datapuwa&apos;t upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin , at ang kalagayan ko , si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon , ay siyang magpapakilala sa inyo ng lahat ng mga bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito , upang makilala ninyo ang aming kalagayan , at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kapayapaan nawa sa mga kapatid , at pagibig na may pananampalataya , mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang biyaya nawa&apos;y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "50">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo at si Timoteo , na mga alipin ni Cristo Jesus , sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos , pati ng mga obispo at ng mga diakono :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ako&apos;y nagpapasalamat sa aking Dios , sa tuwing kayo&apos;y aking naaalaala ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na parating sa bawa&apos;t daing ko , ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio , mula nang unang araw hanggang ngayon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na ako&apos;y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito , na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa , ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat , sapagka&apos;t kayo&apos;y nasa aking puso , palibhasa&apos;y , sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio , kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t saksi ko ang Dios , kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ito&apos;y idinadalangin ko , na ang inyong pagibig ay lalo&apos;t lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling ; upang kayo&apos;y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan , na ito&apos;y sa pamamagitan ni Jesucristo , sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ngayon ibig ko na inyong maalaman , mga kapatid , na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ano pa&apos;t ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio , at sa mga iba&apos;t iba pa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon , na palibhasa&apos;y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala , ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo ; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang isa&apos;y gumagawa nito sa pagibig , palibhasa&apos;y nalalaman na ako&apos;y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi , hindi sa pagtatapat , na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ano nga ? gayon man , sa lahat ng paraan , maging sa pagdadahilan o sa katotohanan , ay itinatanyag si Cristo ; at sa ganito&apos;y nagagalak ako , oo , at ako&apos;y magagalak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t nalalaman ko na ang kahihinatnan nito&apos;y sa aking ikaliligtas , sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa , na , sa anoma&apos;y hindi ako mapapahiya , kundi sa buong katapangan , na gaya ng dati , gayon din naman ngayon , ay dadakilain si Cristo sa aking katawan , maging sa pamamagitan ng kabuhayan , o sa pamamagitan ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo , at ang mamatay ay pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad , ito&apos;y magiging mabungang pagpapagal , na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t ako&apos;y nagigipit sa magkabila , akong may nasang umalis at suma kay Cristo ; sapagka&apos;t ito&apos;y lalong mabuti :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Gayon ma&apos;y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At sa pagkakatiwalang ito , ay aking nalalaman na ako&apos;y mananatili , oo , at mananatili ako na kasama ninyong lahat , sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo : upang , maging ako ay dumating at kayo&apos;y makita , o wala man sa harap ninyo , ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan , na kayo&apos;y matitibay sa isang espiritu , na kayo&apos;y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway : na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan , datapuwa&apos;t tanda ng inyong pagkaligtas , at ito&apos;y mula sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t sa inyo&apos;y ipinagkaloob alangalang kay Cristo , hindi lamang upang manampalataya sa kaniya , kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin , at ngayo&apos;y nababalitaan ninyong taglay ko .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo , kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig , kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu , kung mayroong anomang mahinahong awa at habag ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan , upang kayo&apos;y mangagkaisa ng pagiisip , mangagtaglay ng isa ring pagibig , na mangagkaisa ng akala , at isa lamang pagiisip ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo , kundi sa kababaan ng pagiisip , na ipalagay ng bawa&apos;t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Huwag tingnan ng bawa&apos;t isa sa inyo ang sa kaniyang sarili , kundi ang bawa&apos;t isa naman ay sa iba&apos;t iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip , na ito&apos;y na kay Cristo Jesus din naman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na siya , bagama&apos;t nasa anyong Dios , ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi bagkus hinubad niya ito , at naganyong alipin , na nakitulad sa mga tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At palibhasa&apos;y nasumpungan sa anyong tao , siya&apos;y nagpakababa sa kaniyang sarili , na nagmasunurin hanggang sa kamatayan , oo , sa kamatayan sa krus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios , at siya&apos;y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod , ng nangasa langit , at ng nangasa ibabaw ng lupa , at ng nangasa ilalim ng lupa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon , sa ikaluluwalhati ng Dios Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya nga , mga minamahal ko , kung paano ang inyong laging pagsunod , na hindi lamang sa harapan ko , kundi bagkus pa ngayong ako&apos;y wala , ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa , ayon sa kaniyang mabuting kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Upang kayo&apos;y maging walang sala at walang malay , mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama , na sa gitna nila&apos;y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan ; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo , na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Oo , kahit ako&apos;y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya , ako&apos;y nakikipagkatuwa , at nakikigalak sa inyong lahat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa ganyan ding paraan kayo&apos;y nakikipagkatuwa naman , at nakikigalak sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Datapuwa&apos;t inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo , upang ako naman ay mapanatag , pagkaalam ko ng inyong kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili , hindi ang mga bagay ni Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nguni&apos;t nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama , ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Siya nga ang aking inaasahang suguin madali , pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t umaasa ako sa Panginoon , na diya&apos;y makararating din naman akong madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito , na aking kapatid at kamanggagawa , at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Yamang siya&apos;y nananabik sa inyong lahat , at totoong siya&apos;y namanglaw , sapagka&apos;t inyong nabalitaan na siya&apos;y may-sakit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan : nguni&apos;t kinahabagan siya ng Dios ; at hindi lamang siya kundi pati ako , upang ako&apos;y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Siya nga&apos;y sinugo kong may malaking pagpipilit , upang , pagkakitang muli ninyo sa kaniya , kayo&apos;y mangagalak , at ako&apos;y mabawasan ng kalumbayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak ; at ang gayon ay papurihan ninyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan , na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa katapustapusan , mga kapatid ko , mangagalak kayo sa Panginoon . Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay , sa akin ay tunay na hindi nakangangalay , nguni&apos;t sa inyo&apos;y katiwasayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magsipagingat kayo sa mga aso , magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa , magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t tayo ang pagtutuli , na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios , at nangagmamapuri kay Cristo Jesus , at walang anomang pagkakatiwala sa laman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Bagama&apos;t ako&apos;y makapagkakatiwala sa laman : na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman , ay lalo na ako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na tinuli ng ikawalong araw , mula sa lahi ng Israel , mula sa angkan ni Benjamin , Hebreo sa mga Hebreo ; tungkol sa kautusan , ay Fariseo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tungkol sa pagsisikap , ay manguusig sa iglesia ; tungkol sa kabanalan na nasa kautusan , ay walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang , ay inari kong kalugihan , alangalang kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Oo nga , at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko : na alangalang sa kaniya&apos;y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay , at inari kong sukal lamang , upang tamuhin ko si Cristo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako&apos;y masumpungan sa kaniya , na walang katuwirang aking sarili , sa makatuwid baga&apos;y sa kautusan , kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo , ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang makilala ko siya , at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli , at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan , na ako&apos;y natutulad sa kaniyang pagkamatay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi sa ako&apos;y nagtamo na , o ako&apos;y nalubos na : kundi nagpapatuloy ako , baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mga kapatid , hindi ko pa inaaring inabot : datapuwa&apos;t isang bagay ang ginagawa ko , na nililimot ang mga bagay na nasa likuran , at tinutungo ang mga bagay na hinaharap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya nga , kung ilan tayong mga sakdal , ay magisip ng gayon : at kung sa anoma&apos;y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Lamang , ay magsilakad tayo ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Mga kapatid , kayo&apos;y mangagkaisang tumulad sa akin , at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon , ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t marami ang mga nagsisilakad , na siyang madalas na aking sinabi sa inyo , at ngayo&apos;y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak , na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan , na ang kanilang dios ay ang tiyan , at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan , na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit ; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas , ang Panginoong Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa , upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian , ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya nga , mga kapatid kong minamahal at pinananabikan , aking katuwaan at putong , magsitibay nga kayo sa Panginoon , mga minamahal ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ipinamamanhik ko kay Euodias , at ipinamamanhik ko kay Sintique , na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Oo , ipinamamanhik ko rin naman sa iyo , tapat na kasama sa pagtulong , na iyong tulungan ang mga babaing ito , sapagka&apos;t sila&apos;y nangagpagal na kasama ko sa evangelio , at kasama rin naman ni Clemente , at ng ibang aking mga kamanggagawa , na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mangagalak kayong lagi sa Panginoon : muli kong sasabihin , Mangagalak kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Makilala nawa ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao . Ang Panginoon ay malapit na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay ; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang kapayapaan ng Dios , na di masayod ng pagiisip , ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Katapustapusan , mga kapatid , anomang bagay na katotohanan , anomang bagay na kagalanggalang , anomang bagay na matuwid , anomang bagay na malinis , anomang bagay na kaibigibig , anomang bagay na mabuting ulat ; kung may anomang kagalingan , at kung may anomang kapurihan , ay isipin ninyo ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin , ang mga bagay na ito ang gawin ninyo : at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t ako&apos;y totoong nagagalak sa Panginoon , na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin ; na dito&apos;y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit , nguni&apos;t kayo&apos;y nagkulang ng mabuting pagkakataon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan : sapagka&apos;t aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Marunong akong magpakababa , at marunong naman akong magpakasagana : sa bawa&apos;t bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan , at maging sa kagutuman , at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo&apos;y nakiramay sa aking kapighatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kayo mga taga Filipos , nalalaman naman ninyo , na nang pasimulan ang evangelio , nang ako&apos;y umalis sa Macedonia , alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Hindi sa ako&apos;y naghahanap ng kaloob ; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t mayroon ako ng lahat ng bagay , at sumasagana : ako&apos;y busog , palibhasa&apos;y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo , na isang samyo ng masarap na amoy , isang handog na kaayaaya , na lubhang nakalulugod sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At pupunan ng aking Dios ang bawa&apos;t kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon nawa&apos;y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Batiin ninyo ang bawa&apos;t banal kay Cristo Jesus . Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Binabati kayo ng lahat ng mga banal , lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "51">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at ang kapatid nating si Timoteo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo , na nangasa sa Colosas : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nagpapasalamat kami sa Dios , na Ama ng ating Panginoong Jesucristo , na kayo&apos;y laging idinadalangin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus , at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit , na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na ito&apos;y dumating sa inyo ; gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap , gaya rin naman sa inyo , mula nang araw na inyong marinig at maalaman ang biyaya ng Dios sa katotohanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod , na isang tapat na ministro ni Cristo , sa ganang atin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong pagibig sa Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dahil dito&apos;y kami naman , mula nang araw na aming marinig ito , ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo , upang kayo&apos;y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban , sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Upang kayo&apos;y magsilakad ng nararapat sa Panginoon , sa buong ikalulugod niya , at magsipamunga sa bawa&apos;t gawang mabuti , at magsilago sa kaalaman ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na kayo&apos;y palakasin ng buong kapangyarihan , ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian , sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nagpapasalamat sa Ama , na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman , at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan , na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita , ang panganay ng lahat ng mga nilalang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay , sa sangkalangitan at sa sangkalupaan , na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita , maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan ; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At siya&apos;y una sa lahat ng mga bagay , at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga&apos;y ng iglesia ; na siya ang pasimula , ang panganay sa mga patay ; upang sa lahat ng mga bagay , ay magkaroon siya ng kadakilaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay , na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus ; sa pamamagitan niya , sinasabi ko , maging mga bagay sa kalupaan , o mga bagay sa sangkalangitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At kayo , nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Gayon ma&apos;y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman , sa pamamagitan ng kamatayan , upang kayo&apos;y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kung tunay na kayo&apos;y mamamalagi sa pananampalataya , na nababaon at matitibay , at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig , na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit ; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ngayo&apos;y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo , at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan , na siyang iglesia ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na ako&apos;y ginawang ministro nito , ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi : datapuwa&apos;t ngayo&apos;y ipinahayag sa kaniyang mga banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na sa kanila&apos;y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil , na ito&apos;y si Cristo na nasa inyo , na pagasa ninyo sa kaluwalhatian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Na siya naming inihahayag , na pinaaalalahanan ang bawa&apos;t tao at tinuturuan ang bawa&apos;t tao , sa buong karunungan , upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa&apos;t tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Na dahil dito&apos;y nagpapagal din naman ako , na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa , na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo , at sa nangasa Laodicea , at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang mangaaliw ang kanilang mga puso , sa kanilang pagkakalakip sa pagibig , at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa , upang makilala nila ang hiwaga ng Dios , sa makatuwid baga&apos;y si Cristo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ito&apos;y sinasabi ko , upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t bagaman sa laman ako&apos;y wala sa harap , gayon ma&apos;y nasa inyo ako sa espiritu , na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos , at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon , ay magsilakad kayong gayon sa kaniya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya , at matibay sa inyong pananampalataya , gaya ng pagkaturo sa inyo , na sumasagana sa pagpapasalamat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo&apos;y magsipagingat , baka sa inyo&apos;y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya , ayon sa sali&apos;t saling sabi ng mga tao , ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan , at di ayon kay Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sa kaniya&apos;y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sa kaniya kayo&apos;y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay , sa pagkahubad ng katawang laman , sa pagtutuli ni Cristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo , na kayo nama&apos;y muling binuhay na kalakip niya , sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios , na muling bumangon sa kaniya sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang kayo&apos;y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan , at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya , na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin , na hindi naayon sa atin : at ito&apos;y kaniyang inalis , na ipinako sa krus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila&apos;y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan , na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain , o sa paginom , o tungkol sa kapistahan , o bagong buwan o araw ng sabbath :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na isang anino ng mga bagay na magsisidating : nguni&apos;t ang katawan ay kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel , na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita , na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At hindi nangangapit sa Ulo , na sa kaniya&apos;y ang buong katawan , na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid , ay lumalago ng paglagong mula sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung kayo&apos;y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa mga pasimulang aral ng sanglibutan , bakit , na waring kayo&apos;y nangabubuhay pa sa sanglibutan , kayo&apos;y nangapasasakop sa mga palatuntunan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gaya ng : Huwag dumampot , ni huwag lumasap , ni huwag humipo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">( Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit ) , ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang mga bagay na iya&apos;y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa , at sa pagpapakababa , at sa pagpapakahirap sa katawan ; nguni&apos;t walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung kayo nga&apos;y muling binuhay na kalakip ni Cristo , ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas , na kinaroroonan ni Cristo , na nakaupo sa kanan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas , huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t kayo&apos;y nangamatay na , at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag , ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa , pakikiapid , karumihan , masamang pita , masasamang nasa , at kasakiman , na iya&apos;y pagsamba sa mga diosdiosan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na inyo ring nilakaran nang una , nang kayo&apos;y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito : galit , kapootan , paghihinala , panunungayaw , mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kayong mangagbubulaan sa isa&apos;t isa ; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kayo&apos;y nangagbihis ng bagong pagkatao , na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Doo&apos;y hindi maaaring magkaroon ng Griego at ng Judio , ng pagtutuli at ng di pagtutuli , ng barbaro , ng Scita , ng alipin , ng laya ; kundi si Cristo ang lahat , at sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios , na mga banal at minamahal , ng isang pusong mahabagin , ng kagandahangloob , ng kababaan , ng kaamuan , ng pagpapahinuhod :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mangagtiisan kayo sa isa&apos;t isa , at mangagpatawaran kayo sa isa&apos;t isa , kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man ; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon , ay gayon din naman ang inyong gawin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo , na diya&apos;y tinawag din naman kayo sa isang katawan ; at kayo&apos;y maging mapagpasalamat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo ; ayon sa buong karunungan , kayo&apos;y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa&apos;t isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu , na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At anomang inyong ginagawa , sa salita , o sa gawa , gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus , na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mga babae , pasakop kayo sa inyo-inyong asawa , gaya ng nararapat sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mga lalake , ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa , at huwag kayong maging mapait sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Mga anak , magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay , sapagka&apos;t ito&apos;y totoong nakalulugod sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mga ama , huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak , upang huwag manghina ang loob nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Mga alipin , magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon : hindi ang paglilingkod sa paningin , na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao , kundi sa katapatan ng puso , na mangatakot sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Anomang inyong ginagawa , ay inyong gawin ng buong puso , na gaya ng sa Panginoon , at hindi sa mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana ; sapagka&apos;t naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa ; at walang itinatanging mga tao .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga panginoon , gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid , at katampatan ; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Manatili kayong palagi sa pananalangin , na kayo&apos;y mangagpuyat na may pagpapasalamat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na tuloy idalangin din ninyo kami , na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita , upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo , na dahil din dito&apos;y may mga tanikala ako ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang ito&apos;y aking maihayag , gaya ng aking nararapat na salitain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas , na inyong samantalahin ang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang inyong pananalita nawa&apos;y laging may biyaya , na magkalasang asin , upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico , na minamahal na kapatid at tapat na ministro , at kasamang lingkod sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito , upang maalaman ninyo ang aming kalagayan , at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na kasama ni Onesimo , tapat at minamahal na kapatid , na siya&apos;y isa sa inyo . Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan , at ni Marcos na pinsan ni Bernabe ( tungkol sa kaniya&apos;y tinanggap na ninyo ang mga utos : kung paririyan siya sa inyo , ay inyong tanggapin ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At si Jesus na tinatawag na Justo , na pawang sa pagtutuli : ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios , mga taong naging kaaliwan ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Binabati kayo ni Epafras , na isa sa inyo , na lingkod ni Cristo Jesus , na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin , upang kayo&apos;y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t siya&apos;y binibigyan kong patotoo na siya&apos;y totoong nagpapagal sa inyo , at sa nangasa Laodicea , at sa nangasa Hierapolis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Binabati kayo ni Lucas , ang minamahal na manggagamot , at ni Demas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea , at si Nimfas , at ang iglesiang nasa kanilang bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At pagkabasa ng sulat na ito sa inyo , ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea ; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sabihin ninyo kay Arquipo , Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang bating sinulat ng aking sariling kamay , akong si Pablo . Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala . Ang biyaya&apos;y sumasainyo nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "52">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , at si Silvano , at si Timoteo , sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat , na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama , ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Yamang aming nalalaman , mga kapatid na minamahal ng Dios , ang pagkahirang sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang , kundi sa kapangyarihan din naman , at sa Espiritu Santo , at sa lubos na katiwasayan ; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kayo&apos;y nagsitulad sa amin , at sa Panginoon , nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian , na may katuwaan sa Espiritu Santo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ano pa&apos;t kayo&apos;y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t mula sa inyo&apos;y nabansag ang salita ng Panginoon , hindi lamang sa Macedonia at Acaya , kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios ; ano pa&apos;t kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo ; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan , upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit , na kaniyang ibinangon sa mga patay , si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya nga nalalaman ninyo rin , mga kapatid , na ang aming pagkapasok sa inyo , ay hindi nawalan ng kabuluhan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kundi palibhasa&apos;y nagsipagbata kami nang una at inalipusta , gaya ng inyong nalalaman , sa Filipos , ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian , ni sa karumihan , ni sa pagdaraya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kundi kung paanong kami&apos;y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio , ay gayon namin sinasalita ; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao , kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw , gaya ng nalalaman ninyo , ni ng balabal man ng kasakiman , saksi ang Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan , ni sa inyo man , ni sa mga iba man , nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo , na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon din kami , palibhasa&apos;y may magiliw na pagibig sa inyo , ay kinalugdan naming kayo&apos;y bahaginan , hindi lamang ng evangelio ng Dios , kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa , sapagka&apos;t kayo&apos;y naging lalong mahal sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t inaalaala ninyo , mga kapatid , ang aming pagpapagal at pagdaramdam : amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi&apos;t araw , upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kayo&apos;y mga saksi , at ang Dios man , kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa&apos;t isa sa inyo , na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak , na kayo&apos;y inaaralan , at pinalalakas ang loob ninyo , at nagpapatotoo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang kayo&apos;y magsilakad ng nararapat sa Dios , na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios , na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral , sa makatuwid baga&apos;y ang salita ng Dios , ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao , kundi , ayon sa katotohanan , na salita ng Dios , na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kayo , mga kapatid , ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus : sapagka&apos;t nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan , gaya naman nila sa mga Judio ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na nagsipatay sa Panginoong Jesus , at gayon din sa mga propeta , at kami ay kanilang pinalayas , at di nangagbibigay lugod sa Dios , at laban sa lahat ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na pinagbabawalan kaming makipagusap sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito ; upang kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan : nguni&apos;t dumating sa kanila ang kagalitan , hanggang sa katapusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kami , mga kapatid , na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon , sa katawan hindi sa puso , ay nangagsisikap na lubha , upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo , akong si Pablo , na minsan at muli ; at hinadlangan kami ni Satanas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ano ang aming pagasa , o katuwaan , o putong , na ipinagmamapuri ? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya&apos;t nang hindi na kami mangakatiis , ay minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At aming sinugo si Timoteo , na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo , upang kayo&apos;y kaniyang patibayin at aliwin , tungkol sa inyong pananampalataya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Upang ang sinoma&apos;y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito ; sapagka&apos;t kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t sa katotohanan , nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian ; gaya nga na nangyari , at nalalaman ninyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil dito naman , nang hindi ko na matiis pa , ako&apos;y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya , baka sa anomang paraan kayo&apos;y nangatukso ng manunukso , at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t nang si Timoteo ay dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo , at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig , at laging kami&apos;y inaalaalang mabuti ninyo , na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Dahil dito&apos;y nangaaliw kami , mga kapatid , tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t ngayon ay nangabubuhay kami , kung kayo&apos;y nangamamalaging matibay sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo , dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Gabi&apos;t araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha , at aming malubos ang inyong pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayo&apos;y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama , at ng ating Panginoong Jesus , ang aming paglalakbay sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kayo&apos;y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa&apos;t isa , at sa lahat ng mga tao , na gaya naman ng amin sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Upang patibayin niya ang inyong mga puso , na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama , sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Katapustapusan nga , mga kapatid , kayo&apos;y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus , na , ayon sa tinanggap ninyo sa amin , na kung paanong kayo&apos;y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios , na gaya ng inyong paglakad , upang kayo&apos;y magsipanagana ng higit at higit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ito ang kalooban ng Dios , sa makatuwid baga&apos;y ang inyong pagpapakabanal , na kayo&apos;y magsiilag sa pakikiapid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na ang bawa&apos;t isa sa inyo&apos;y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi sa pita ng kahalayan , na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na sinoma&apos;y huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito : sapagka&apos;t ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito , na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t tayo&apos;y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi , kundi sa pagpapakabanal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t ang nagtatakuwil , hindi ang tao ang itinatakuwil , kundi ang Dios , na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo&apos;y sulatan ng sinoman : sapagka&apos;t kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isa&apos;t isa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia . Nguni&apos;t aming iniaaral sa inyo , mga kapatid , na kayo&apos;y lalo&apos;t lalong magsipanagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagaralan ninyong maging matahimik , at gawin ang inyong sariling gawain , at kayo&apos;y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay , na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang kayo&apos;y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas , at huwag kayong maging mapagkailangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t hindi namin ibig na kayo&apos;y di makaalam , mga kapatid , tungkol sa nangatutulog ; upang kayo&apos;y huwag mangalumbay , na gaya ng mga iba , na walang pagasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t kung tayo&apos;y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli , ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ito&apos;y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon , na tayong nangabubuhay , na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon , ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit , na may isang sigaw , may tinig ng arkanghel , at may pakakak ng Dios : at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung magkagayon , tayong nangabubuhay , na nangatitira , ay aagawing kasama nila sa mga alapaap , upang salubungin ang Panginoon sa hangin : at sa ganito&apos;y sasa Panginoon tayo magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t mangagaliwan kayo sa isa&apos;t isa ng mga salitang ito .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon , mga kapatid , hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam , na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Pagka sinasabi ng mga tao , Kapayapaan at katiwasayan , kung magkagayo&apos;y darating sa kanila ang biglang pagkawasak , na gaya ng pagdaramdam , sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao ; at sila&apos;y hindi mangakatatanan sa anomang paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t kayo , mga kapatid , ay wala sa kadiliman , upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan , at mga anak ng araw : tayo&apos;y hindi ng gabi , ni ng kadiliman man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Huwag nga tayong mangatulog , gaya ng mga iba , kundi tayo&apos;y mangagpuyat at mangagpigil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi ; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t palibhasa&apos;y mga anak tayo ng araw , mangagpigil tayo , na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig ; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t tayo&apos;y hindi itinalaga ng Dios sa galit , kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na namatay dahil sa atin , upang tayo , sa gising o tulog man , ay mangabuhay tayong kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dahil dito kayo&apos;y mangagpangaralan , at mangagpatibayan sa isa&apos;t isa sa inyo , gaya ng inyong ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t ipinamamanhik namin sa inyo , mga kapatid , na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo , at nangamumuno sa inyo sa Panginoon , at nangagpapaalaala sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig , dahil sa kanilang gawa . Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At aming ipinamamanhik sa inyo , mga kapatid , na inyong paalalahanan ang mga manggugulo , palakasin ang mga mahihinang-loob , alalayan ang mga mahihina , at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama ; nguni&apos;t sundin ninyong lagi ang mabuti , ang isa&apos;y sa iba , at sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangagalak kayong lagi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magsipanalangin kayong walang patid ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo ; sapagka&apos;t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay , ingatan ninyo ang mabuti ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Layuan ninyo ang bawa&apos;t anyo ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan ; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo , na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Tapat yaong sa inyo&apos;y tumatawag , na gagawa rin naman nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Mga kapatid , idalangin ninyo kami .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "53">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , at si Silvano , at si Timoteo , sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kami ay nararapat , mga kapatid , na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo , gaya ng marapat , dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha , at ang pagibig ng bawa&apos;t isa sa iba&apos;t iba sa inyong lahat ay sumasagana ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ano pa&apos;t kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios ; upang kayo&apos;y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios , na dahil dito&apos;y nangagbabata rin naman kayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios , at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na siyang tatanggap ng kaparusahan , na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pagka paririto siya upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal , at upang siya&apos;y maging kahangahanga sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon ( sapagka&apos;t ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo , upang kayo&apos;y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo , at ganaping may kapangyarihan ang bawa&apos;t nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo , at kayo&apos;y sa kaniya , ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo , mga kapatid , tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo , at sa ating pagkakatipon sa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip , at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu , o sa pamamagitan ng salita , o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin , na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan : sapagka&apos;t ito&apos;y hindi darating , maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas , at mahayag ang taong makasalanan , ang anak ng kapahamakan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba ; ano pa&apos;t siya&apos;y nauupo sa templo ng Dios , na siya&apos;y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Hindi baga ninyo naaalaala nang ako&apos;y kasama ninyo pa , ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ngayo&apos;y nalalaman ninyo ang nakapipigil , upang siya&apos;y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na : lamang ay may pumipigil ngayon , hanggang sa alisin ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung magkagayo&apos;y mahahayag ang tampalasan , na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig , at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siya , na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak ; sapagka&apos;t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan , upang sila&apos;y mangaligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At dahil dito&apos;y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian , upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan , kundi nangalugod sa kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo , mga kapatid na minamahal ng Panginoon , sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sa kalagayang ito&apos;y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio , upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya nga , mga kapatid , kayo&apos;y mangagpakatibay , at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo&apos;y itinuro , maging sa pamamagitan ng salita , o ng aming sulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin , at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Aliwin nawa ang inyong puso , at patibayin kayo sa bawa&apos;t mabuting gawa at salita .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Katapustapusan , mga kapatid , ay inyong idalangin kami , upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama ; sapagka&apos;t hindi lahat ay mayroong pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo , at sa inyo&apos;y magiingat sa masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo , na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios , at sa pagtitiis ni Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Aming inuutos nga sa inyo , mga kapatid , sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kayo&apos;y magsihiwalay sa bawa&apos;t kapatid na lumalakad ng walang kaayusan , at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan : sapagka&apos;t kami ay hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman ; kundi sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi&apos;t araw , upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi dahil sa kami ay walang karapatan , kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran , upang kami ay inyong tularan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t noon pa mang kami ay kasama ninyo , ay aming iniutos ito sa inyo , Kung ang sinoman ay ayaw gumawa , ay huwag din namang kumain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan , na hindi man lamang nagsisigawa , kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo , na sila&apos;y magsigawang may katahimikan , at magsikain ng kanilang sariling tinapay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t kayo , mga kapatid , huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At kung ang sinoma&apos;y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito , inyong tandaan ang taong yaon , upang huwag kayong makisama sa kaniya , nang siya&apos;y mahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At gayon ma&apos;y huwag ninyong ariin siyang kaaway , kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan . Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay , akong si Pablo , na siyang tanda sa bawa&apos;t sulat : gayon sumusulat ako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "54">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas , at ni Cristo Jesus na ating pagasa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya : Biyaya , kahabagan , at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso , nang pumaparoon ako sa Macedonia , upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan , na pinanggagalingan ng pagtatalo , at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya ; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan , bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi , kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti , kung ginagamit ng tao sa matuwid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Yamang nalalaman ito , na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid , kundi sa mga walang kautusan at manggugulo , dahil sa masasama at mga makasalanan , dahil sa mga di banal at mapaglapastangan , dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina , dahil sa mga mamamatay-tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil sa mga nakikiapid , dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake , dahil sa mga nagnanakaw ng tao , dahil sa mga bulaan , dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan , at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios , na ipinagkatiwala sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin , kay Cristo Jesus na Panginoon natin , sapagka&apos;t ako&apos;y inari niyang tapat , na ako&apos;y inilagay sa paglilingkod sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Bagaman nang una ako&apos;y naging mamumusong , at manguusig ; at mangaalipusta : gayon ma&apos;y kinahabagan ako , sapagka&apos;t yao&apos;y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At totoong sumagana ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Tapat ang pasabi , at nararapat tanggapin ng lahat , na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan ; na ako ang pangulo sa mga ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gayon ma&apos;y dahil dito , kinahabagan ako , upang sa akin na pangulong makasalanan , ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya , na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya , sa ikabubuhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ngayon sa Haring walang hanggan , walang kamatayan , di nakikita , sa iisang Dios , ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo , Timoteo na aking anak , ayon sa mga hula na nangauna tungkol sa iyo , upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi ; na nang ito&apos;y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na sa mga ito&apos;y si Himeneo at si Alejandro ; na sila&apos;y aking ibinigay kay Satanas , upang sila&apos;y maturuang huwag mamusong .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Una-una nga sa lahat ng mga bagay , ay iniaaral ko na manaing , manalangin , mamagitan , at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan ; upang tayo&apos;y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ito&apos;y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao&apos;y mangaligtas , at mangakaalam ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao , ang taong si Cristo Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat ; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na dito&apos;y itinalaga ako na tagapangaral at apostol ( sinasabi ko ang katotohanan , hindi ako nagsisinungaling ) , guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ibig ko ngang ang mga tao&apos;y magsipanalangin sa bawa&apos;t dako , na iunat ang mga kamay na banal , na walang galit at pakikipagtalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon din naman , na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon ; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok , at ginto o perlas o damit na mahalaga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kundi ( siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal ) sa pamamagitan ng mabubuting gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang babae&apos;y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo , ni magkaroon ng pamumuno sa lalake , kundi tumahimik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t si Adam ay siyang unang nilalang , saka si Eva ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At si Adam ay hindi nadaya , kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak , kung sila&apos;y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Tapat ang pasabi , Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo , ay mabuting gawa ang ninanasa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan , asawa ng isa lamang babae , mapagpigil , mahinahon ang pagiisip , mahusay , mapagpatuloy , sapat na makapagturo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Hindi magulo , hindi palaaway , kundi malumanay , hindi mapakipagtalo , hindi maibigin sa salapi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan , na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">( Nguni&apos;t kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios ? )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Hindi baguhan , baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Bukod dito&apos;y dapat din namang siya&apos;y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas , baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon din naman ang mga diakono dapat ay mahuhusay , hindi dalawang dila , hindi mahilig sa maraming alak , hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na iniingatan ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga ito rin naman ay subukin muna ; kung magkagayo&apos;y mamahalang may pagka diakono , kung walang kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay , hindi palabintangin , mapagpigil , tapat sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae , na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono , ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan , at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo , na inaasahang makararating sa iyong madali ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t kung ako&apos;y magluwat ng mahabang panahon , ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios , na siyang iglesia ng Dios na buhay , at haligi at suhay ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At walang pagtatalo , dakila ang hiwaga ng kabanalan ; Yaong nahayag sa laman , Pinapaging-banal sa espiritu , Nakita ng mga anghel , Ipinangaral sa mga bansa , Sinampalatayanan sa sanglibutan , Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t hayag na sinasabi ng Espiritu , na sa mga huling panahon ang iba&apos;y magsisitalikod sa pananampalataya , at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan , na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na ipinagbabawal ang pagaasawa , at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati , na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t nilalang ng Dios ay mabuti , at walang anomang nararapat na itakuwil , kung tinatanggap na may pagpapasalamat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito , ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus , na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan . At magsanay ka sa kabanalan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang , nguni&apos;t ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan , na may pangako sa buhay na ito , at sa darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Tapat ang pasabi , at nararapat tanggapin ng lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap , sapagka&apos;t may pagasa kami sa Dios na buhay , na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao , lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang mga bagay na ito&apos;y iyong iutos at ituro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan ; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya , sa pananalita , sa pamumuhay , sa pagibig , sa pananampalataya , sa kalinisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Hanggang ako&apos;y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa , sa pangangaral , sa pagtuturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo , na sa iyo&apos;y ibinigay sa pamamagitan ng hula , na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Magsipag ka sa mga bagay na ito ; tumalaga kang lubos sa mga ito ; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Magingat ka sa iyong sarili , at sa iyong turo . Manatili ka sa mga bagay na ito ; sapagka&apos;t sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag mong pagwikaan ang matanda , kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama ; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina ; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Papurihan mo ang mga babaing bao na tunay na bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo , magsipagaral ang mga ito muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan , at magsiganti sa kanilang mga magulang : sapagka&apos;t ito&apos;y nakalulugod sa paningin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t ang tunay na babaing bao at walang nagaampon , ay may pagasa sa Dios , at nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin gabi&apos;t araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan , bagama&apos;t buhay ay patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang mga bagay na ito&apos;y iutos mo rin naman , upang sila&apos;y mawalan ng kapintasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya , lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan , ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung taon , na naging asawa ng isang lalake ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa ; kung siya&apos;y nagalaga sa mga anak , kung siya&apos;y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan , kung siya&apos;y naghugas ng mga paa ng mga banal , kung siya&apos;y umabuloy sa mga napipighati , kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa&apos;t mabuting gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t tanggihan mo ang mga batang babaing bao : sapagka&apos;t pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo , ay nagsisipagnasang magasawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nagkakaroon ng kahatulan , sapagka&apos;t itinakuwil nila ang unang pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad , na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay ; at hindi lamang mga tamad , kundi matatabil din naman at mga mapakialam , na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao , magsipanganak , magsipamahala ng sangbahayan , huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang mga iba&apos;y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao , ay umabuloy sa kanila , at huwag pabigatan ang iglesia , upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan , lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t sinasabi ng kasulatan , Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik . At , ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong , maliban sa dalawa o tatlong saksi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama&apos;y mangatakot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Pinagbibilinan kita sa paningin ng Dios , at ni Cristo Jesus , at ng mga anghel na hinirang , na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Huwag mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man , ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba : ingatan mong malinis ang iyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Huwag kang iinom pa ng tubig lamang , kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na , na nagsisipanguna sa paghukom : at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag : at ang mga di gayo&apos;y hindi maaaring ilihim .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan , upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga may panginoong nagsisisampalataya , ay huwag mayamot sa kanila , sapagka&apos;t sila&apos;y pawang magkakapatid ; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti , sapagka&apos;t nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan . Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung ang sinoma&apos;y nagtuturo ng ibang aral , at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling , sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo , at sa aral na ayon sa kabanalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang gayon ay palalo , walang nalalamang anoman , kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo , sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian , mga pagkakaalit , mga pagalipusta , mga masasamang akala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan , na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan , at wala rin naman tayong mailalabas na anoman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t kung tayo&apos;y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ang mga nagsisipagnasang yumaman , ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama , na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan ; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya , at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Datapuwa&apos;t ikaw , Oh tao , ng Dios , tumakas ka sa mga bagay na ito , at sumunod ka sa katuwiran , sa kabanalan , sa pananampalataya , sa pagibig , sa pagtitiis , sa kaamuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya , manangan ka sa buhay na walang hanggan , na dito&apos;y tinawag ka , at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay , at ni Cristo Jesus , na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na tuparin mo ang utos , na walang dungis , walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya , na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari , at Panginoon ng mga panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na siya lamang ang walang kamatayan , na nananahan sa liwanag na di malapitan ; na di nakita ng sinomang tao , o makikita man : sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mayayaman sa sanglibutang ito , ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip , at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili , kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na sila&apos;y magsigawa ng mabuti , na sila&apos;y magsiyaman sa mabuting gawa , na sila&apos;y maging handa sa pamimigay , maibigin sa pamamahagi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating , upang sila&apos;y makapanangan sa buhay na tunay na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Oh Timoteo , ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo , na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na palibhasa&apos;y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya . Ang biyaya ay sumainyo nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "55">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kay Timoteo na aking minamahal na anak : Biyaya , kaawaan , kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nagpapasalamat ako sa Dios , na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis , na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing , gabi&apos;t araw ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na kinasasabikan kong makita kita , na inaalaala ang iyong mga pagluha , upang ako&apos;y mapuspos ng kagalakan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo ; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang , at kay Eunice na iyong ina ; at , ako&apos;y naniniwalang lubos , na nasa iyo rin naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios , na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan ; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon , ni ako na bilanggo niya : kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na siyang sa atin ay nagligtas , at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag , hindi ayon sa ating mga gawa , kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya , na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus , na siyang nagalis ng kamatayan , at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na sa bagay na ito ay ako&apos;y itinalaga na tagapangaral , at apostol at guro .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Dahil dito&apos;y nagtiis din ako ng mga bagay na ito : gayon ma&apos;y hindi ako nahihiya ; sapagka&apos;t nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan , at lubos akong naniniwalang siya&apos;y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ingatan mo ang mga ulirang mga salitang magagaling na narinig mo sa akin , sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ito&apos;y nalalaman mo , na nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia ; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo : sapagka&apos;t madalas niya akong pinaginhawa , at hindi ikinahiya ang aking tanikala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kundi , nang siya&apos;y nasa Roma , ay hinanap niya ako ng buong sikap , at ako&apos;y nasumpungan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">( Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon ) ; at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ikaw nga , anak ko , magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi , ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat , na makapagtuturo naman sa mga iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan , na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito ; upang siya&apos;y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro , ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Isipin mo ang sinasabi ko ; sapagka&apos;t bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay , sa binhi ni David , ayon sa aking evangelio :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala , na tulad sa tampalasan ; nguni&apos;t ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang , upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tapat ang pasabi : Sapagka&apos;t kung tayo&apos;y nangamatay na kalakip niya , ay mangabubuhay naman tayong kasama niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kung tayo&apos;y mangagtiis , ay mangaghahari naman tayong kasama niya : kung ating ikaila siya , ay ikakaila naman niya tayo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kung tayo&apos;y hindi mga tapat , siya&apos;y nananatiling tapat ; sapagka&apos;t hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito , na sila&apos;y pagbilinan sa paningin ng Panginoon , na sila&apos;y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan , sa ikapapahamak ng mga nakikinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios , manggagawang walang anomang ikahihiya , na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan : sapagka&apos;t sila&apos;y lalong magpapatuloy sa kasamaan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena : na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay , na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na , at ginugulo ang pananampalataya ng iba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Gayon ma&apos;y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito , Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya : at , Lumayo sa kalikuan ang bawa&apos;t isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak , kundi mayroon din namang kahoy at lupa ; at ang iba&apos;y sa ikapupuri , at ang iba&apos;y sa ikasisirang-puri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito , ay magiging sisidlang ikapupuri , pinakabanal , marapat gamitin ng mayari , nahahanda sa lahat ng gawang mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan , at sundin mo ang kabanalan , ang pananampalataya , ang pagibig , ang kapayapaan , kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Nguni&apos;t tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal , yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo , kundi maamo sa lahat , sapat na makapagturo , matiisin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang ; baka sakaling sila&apos;y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At sila&apos;y makawala sa silo ng diablo , na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Datapuwa&apos;t alamin mo ito , na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t ang mga tao&apos;y magiging maibigin sa kanilang sarili , maibigin sa salapi , mayayabang , mga mapagmalaki , mapagtungayaw , masuwayin sa mga magulang , mga walang turing , mga walang kabanalan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Walang katutubong pagibig , mga walang paglulubag , mga palabintangin , mga walang pagpipigil sa sarili , mga mabangis , hindi mga maibigin sa mabuti ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Mga lilo , mga matitigas ang ulo , mga palalo , mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na may anyo ng kabanalan , datapuwa&apos;t tinanggihan ang kapangyarihan nito : lumayo ka rin naman sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay , at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan , hinihila ng mga iba&apos;t ibang pita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na laging nagsisipagaral , at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises , ay gayon din naman ang mga ito&apos;y nagsisilaban sa katotohanan ; mga taong masasama ang pagiisip , mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t sila&apos;y hindi mangagpapatuloy : sapagka&apos;t mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan , gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Nguni&apos;t sinunod mo ang aking aral , ugali , akala , pananampalataya , pagpapahinuhod , pagibig , pagtitiis ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga paguusig , mga pagbabata ; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia , sa Iconio , sa Listra ; anomang mga paguusig ang tiniis ko : at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Oo , at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Datapuwa&apos;t ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama , na mangagdadaya , at sila rin ang mangadadaya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan , yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo , sa pagsansala , sa pagsaway , sa ikatututo na nasa katuwiran :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal , tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios , at ni Cristo Jesus , na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay , sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ipangaral mo ang salita ; magsikap ka sa kapanahunan , at sa di kapanahunan , sumawata ka , sumaway ka , mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral ; kundi , pagkakaroon nila ng kati ng tainga , ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga , at mga ibabaling sa katha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay , magtiis ka ng mga kahirapan , gawin mo ang gawa ng evangelista , ganapin mo ang iyong ministerio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ako&apos;y iniaalay na , at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka , natapos ko na ang aking takbo , iningatan ko ang pananampalataya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran , na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon ; at hindi lamang sa akin , kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Magsikap kang pumarini na madali sa akin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ako&apos;y pinabayaan ni Demas , palibhasa&apos;y iniibig niya ang sanglibutang ito , at napasa Tesalonica ; si Crescente ay napasa Galacia , at si Tito ay sa Dalmacia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Si Lucas lamang ang kasama ko . Kaunin mo si Marcos , at ipagsama mo ; sapagka&apos;t siya&apos;y napapakinabangan ko sa ministerio .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t si Tiquico ay sinugo ko sa Efeso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo , at ang mga aklat , lalong lalo na ang mga pergamino .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan ako ng lubhang masama : gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Magingat ka rin naman sa kaniya ; sapagka&apos;t totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sa aking unang pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin , bagkus pinabayaan ako ng lahat : huwag nawang ibilang sa kanila ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ang Panginoon ay sumaakin , at ako&apos;y pinalakas ; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap , at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil : at ako&apos;y iniligtas sa bibig ng leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ako&apos;y ililigtas ng Panginoon sa bawa&apos;t gawa ng masama , at ako&apos;y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit : na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Batiin mo si Prisca at si Aquila , at ang sangbahayan ni Onesiforo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Si Erasto ay natira sa Corinto ; datapuwa&apos;t si Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa Mileto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Magsikap kang pumarini bago magtaginaw . Binabati ka ni Eubulo , at ni Pudente , at ni Lino , at ni Claudia , at ng lahat ng mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang Panginoon nawa&apos;y sumainyong espiritu . Ang biyaya nawa&apos;y sumainyo .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "56">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na alipin ng Dios , at apostol ni Jesucristo , ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios , at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa pagasa sa buhay na walang hanggan , na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral , na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat : Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dahil dito&apos;y iniwan kita sa Creta , upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang , at maghalal ng mga matanda sa bawa&apos;t bayan , na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung ang sinoman ay walang kapintasan , asawa ng isang babae lamang , na may mga anak na nagsisisampalataya , na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t dapat na ang obispo ay walang kapintasan , palibhasa siya&apos;y katiwala ng Dios ; hindi mapagsariling kalooban , hindi magagalitin , hindi manggugulo , hindi palaaway , hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kundi mapagpatuloy , maibigin sa mabuti , mahinahon ang pagiisip , matuwid , banal , mapagpigil ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo , upang umaral ng magaling na aral , at papaniwalain ang nagsisisalangsang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t may maraming mga suwail , na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya , lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom ; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan , na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat , dahil sa mahalay na kapakinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinabi ng isa sa kanila rin , ng isang propetang sarili nila , Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling , masasamang hayop , matatakaw na mga tamad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang patotoong ito ay tunay . Dahil dito&apos;y sawayin mong may kabagsikan sila , upang mangapakagaling sa pananampalataya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio , at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis : datapuwa&apos;t sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis ; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios ; nguni&apos;t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa , palibhasa&apos;y mga malulupit , at mga masuwayin , at mga itinakuwil sa bawa&apos;t gawang mabuti .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil , mahusay , mahinahon ang pagiisip , magagaling sa pananampalataya , sa pagibig , sa pagtitiis :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos , hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak , mga guro ng kabutihan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa , magsiibig sa kanilang mga anak , mangagpakahinahon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mangagpakahinahon , mangagpakalinis , mangagpakasipag sa bahay , magagandang-loob , pasakop sa kanikaniyang asawa , upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila&apos;y mangagpakahinahon ng pagiisip :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa ; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Pangungusap na magaling , na di mahahatulan ; upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya , nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Iaral mo sa mga alipin na sila&apos;y pasakop sa kanikaniyang Panginoon , at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay ; at huwag mga masagutin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag mangagdaya , kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat ; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay ang aral ng Dios na ating Tagapagligtas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t napakita ang biyaya ng Dios , na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nagtuturo sa atin , upang , pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan , ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin , upang tayo&apos;y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan , at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa , upang maging kaniyang sariling pag-aari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan . Sinoman ay huwag humamak sa iyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno , sa mga may kapangyarihan , na mangagmasunurin , na humanda sa bawa&apos;t gawang mabuti ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man , na huwag makipagtalo , kundi mapakahinhin , at magpakahinahon sa lahat ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang , mga suwail , mga nadaya , na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan , na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian , mga napopoot , at tayo&apos;y nangagkakapootan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas , at ang kaniyang pagibig sa tao ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili , kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo , sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin , sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang , sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya , ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Tapat ang pasabi , at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala , upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa . Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t ilagan mo ang mga hangal na usapan , at ang mga pagsasalaysay ng lahi , at ang mga pagtatalo , at pagtataltalan tungkol sa kautusan ; sapagka&apos;t ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak , at nagkakasala at siya&apos;y hinahatulan ng kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas , o si Tiquico , ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis : sapagka&apos;t pinasiyahan kong doon matira sa taginaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Suguin mong may sikap si Zenas na tagapagtanggol ng kautusan at si Apolos sa kanilang paglalakbay , upang sila&apos;y huwag kulangin ng ano man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa sa kagamitang kailangan , upang huwag mawalan ng bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko . Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya . Biyaya ang sumainyo nawang lahat .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "57">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pablo , na bilanggo ni Cristo Jesus , at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At kay Apia na ating kapatid na babae , at kay Arquipo na kapuwa kawal namin , at sa iglesia sa iyong bahay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios , na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig , at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus , at sa lahat ng mga banal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya , ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa&apos;t mabuting bagay na nasa iyo , sa kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ako&apos;y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig , sapagka&apos;t ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo , kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya , bagama&apos;t kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Gayon ma&apos;y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik , kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na , at ngayon nama&apos;y bilanggo ni Cristo Jesus :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak , na aking ipinanganak sa aking mga tanikala , si Onesimo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan , datapuwa&apos;t ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na siya&apos;y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan , sa makatuwid baga&apos;y , ang aking sariling puso :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling , upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa mga tanikala ng evangelio :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman ; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan , kundi sa sariling kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t marahil sa ganito siya&apos;y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon , upang siya&apos;y mapasa iyo magpakailan man ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na hindi na alipin , kundi higit sa alipin , isang kapatid na minamahal , lalong lalo na sa akin , nguni&apos;t gaano pa kaya sa iyo , na siya&apos;y minamahal mo maging sa laman at gayon din sa Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kung ako nga ay inaari mong kasama , ay tanggapin mo siyang tila ako rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nguni&apos;t kung siya&apos;y nagkasala sa iyo ng anoman , o may utang sa iyong anoman , ay ibilang mo sa akin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay , ay siyang magbabayad sa iyo : hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Oo , kapatid , magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon : panariwain mo ang aking puso kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kita&apos;y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima , palibhasa&apos;y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan : sapagka&apos;t inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Binabati ka ni Epafras , na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At gayon din ni Marcos , ni Aristarco , ni Demas , at ni Lucas na aking mga kamanggagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "58">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Dios , na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba&apos;t ibang panahon at sa iba&apos;t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan , ng kaniyang Anak , na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay , na sa pamamagitan naman niya&apos;y ginawa ang sanglibutan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Palibhasa&apos;y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian , at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios , at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan , nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan , ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel , palibhasa&apos;y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man , Ikaw ay aking Anak , Ikaw ay aking ipinanganak ngayon ? at muli , Ako&apos;y magiging kaniyang Ama , At siya&apos;y magiging aking Anak ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi , At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinasabi niya tungkol sa mga anghel , Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin , At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t tungkol sa Anak ay sinasabi , Ang iyong luklukan , Oh Dios , ay magpakailan man ; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Inibig mo ang katuwiran , at kinapootan mo ang kasamaan ; Kaya&apos;t ang Dios , ang Dios mo , ay nagbuhos sa inyo , Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At , Ikaw , Panginoon , nang pasimula&apos;y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa , At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sila&apos;y mangapapahamak ; datapuwa&apos;t ikaw ay nananatili : At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At gaya ng isang balabal sila&apos;y iyong bibilutin , At sila&apos;y mapapalitang gaya ng kasuutan : Nguni&apos;t ikaw ay ikaw rin , At ang iyong mga taon ay di matatapos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man , Lumuklok ka sa aking kanan , Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod , na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya&apos;t nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig , baka sakaling tayo&apos;y makahagpos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay , at ang bawa&apos;t pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Paanong makatatanan tayo , kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan ? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila , sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan , at ng saganang kapangyarihan , at ng mga kaloob ng Espiritu Santo , ayon sa kaniyang sariling kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating , na siya naming isinasaysay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t pinatunayan ng isa sa isang dako , na sinasabi , Ano ang tao , upang siya&apos;y iyong alalahanin ? O ang anak ng tao , upang siya&apos;y iyong dalawin ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Siya&apos;y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel ; Siya&apos;y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan , At siya&apos;y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa . Sapagka&apos;t nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya , ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya . Nguni&apos;t ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel , sa makatuwid ay si Jesus , na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan , upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa&apos;t tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay , at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay , sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa : na dahil dito&apos;y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na sinasabi , Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid , Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At muli , ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya . At muli , Narito , ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo , siya nama&apos;y gayon ding nakabahagi sa mga ito ; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan , sa makatuwid ay ang diablo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel , kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya&apos;t nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid , upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios , upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Palibhasa&apos;y nagbata siya sa pagkatukso , siya&apos;y makasasaklolo sa mga tinutukso .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya , mga banal na kapatid , mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan , inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala , si Jesus ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na siya&apos;y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises , palibhasa&apos;y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t bahay ay may nagtayo ; datapuwa&apos;t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod , na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t si Cristo , gaya ng anak ay puno sa bahay niya ; na ang bahay niya ay tayo , kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo , Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso , na gaya ng sa pamumungkahi , Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin , At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dahil dito&apos;y nagalit ako sa lahing ito , At aking sinabi , Laging sila&apos;y nangagkakamali sa kanilang puso : Nguni&apos;t hindi nila nangakilala ang aking mga daan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ano pa&apos;t aking isinumpa sa aking kagalitan , Sila&apos;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Magsipagingat kayo , mga kapatid , baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya , na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t kayo&apos;y mangagpangaralan sa isa&apos;t isa araw-araw , samantalang sinasabi , Ngayon ; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t tayo&apos;y nagiging kabahagi ni Cristo , kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Samantalang sinasabi , Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig , Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso , na gaya ng sa pamumungkahi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t sino-sino , na pagkarinig ay namungkahi ? nguni&apos;t , hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon ? hindi baga yaong nangagkasala , na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan , kundi yaong mga nagsisuway ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nakikita natin na sila&apos;y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mangatakot nga tayo , yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan , baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t tunay na tayo&apos;y pinangaralan ng mabubuting balita , gaya rin naman nila : nguni&apos;t hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan , dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon ; gaya ng sinabi niya , Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan , Sila&apos;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan : bagama&apos;t ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw , At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa dakong ito ay muling sinabi , Sila&apos;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon , at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ay muling nagtangi siya ng isang araw , Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David ( ayon sa sinabi na ng una ) , Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig , Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kung ibinigay sa kanila ni Josue ang kapahingahan , ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath , ukol sa bayan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa , gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon , upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang salita ng Dios ay buhay , at mabisa , at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim , at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu , ng mga kasukasuan at ng utak , at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin : nguni&apos;t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Yaman ngang tayo&apos;y mayroong isang lubhang dakilang saserdote , na pumasok sa kalangitan , si Jesus na Anak ng Dios , ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t tayo&apos;y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan , kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma&apos;y walang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya , upang tayo&apos;y magsipagtamo ng awa , at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t dakilang saserdote palibhasa&apos;y hinugot sa mga tao , ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios , upang siya&apos;y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali , yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dahil dito&apos;y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan , at hindi lamang patungkol sa mga tao , kundi naman sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito , liban na kung tawagin siya ng Dios , na gaya ni Aaron .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote , kundi yaong sa kaniya ay nagsabi , Ikaw ay aking Anak . Ikaw ay aking naging anak ngayon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako , Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan , at siya&apos;y dininig dahil sa kaniyang banal na takot ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Bagama&apos;t siya&apos;y Anak , gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang siya&apos;y mapaging sakdal , ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Tungkol sa kaniya&apos;y marami kaming sasabihin , at mahirap na saysayin , palibhasa&apos;y nagsipurol kayo sa pakikinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t nang kayo&apos;y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan , ay muling kayo&apos;y nangangailangan na kayo&apos;y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios ; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas , at hindi ng pagkaing matigas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t bawa&apos;t tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran ; sapagka&apos;t siya&apos;y isang sanggol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang , sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam , upang makilala ang mabuti at ang masama .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya&apos;t tayo&apos;y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo , at tayo&apos;y mangagpatuloy sa kasakdalan ; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa , at ng pananampalataya sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ng aral na tungkol sa mga paglilinis , at ng pagpapatong ng mga kamay , at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay , at ng paghuhukom na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ating gagawin ito , kung ipahihintulot ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan , at mga nakabahagi ng Espiritu Santo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nakalasap ng mabuting salita ng Dios , at ng mga kapangyarihan ng panahong darating ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi ; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios , at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya , at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila&apos;y binukid , ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kung namumunga ng mga tinik at dawag , ay itinatakuwil at malapit sa sumpa ; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nguni&apos;t , mga minamahal , naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo , at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas , bagama&apos;t kami ay nagsasalita ng ganito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan , sa inyong paglilingkod sa mga banal , at hanggang ngayo&apos;y nagsisipaglingkod kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ninanasa namin na ang bawa&apos;t isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na huwag kayong mga tamad , kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t nang mangako ang Dios kay Abraham , palibhasa&apos;y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas , ay ipinanumpa ang kaniyang sarili ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na sinasabi , Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita , at sa pagpaparami ay pararamihin kita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa ganito , nang makapaghintay na may pagtitiis , ay nagtamo siya ng pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas : at sa bawa&apos;t pagtatalo nila&apos;y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa ganito , sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya , ay ipinamagitan ang sumpa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang sa dalawang bagay na di mababago , na diya&apos;y di maaaring ang Dios ay magbulaan , ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan , tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa , isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na doo&apos;y pumasok dahil sa atin si Jesus , na gaya ng pangunahin , na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t itong si Melquisedec , hari sa Salem , saserdote ng Kataastaasang Dios , na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya&apos;y pinagpala niya ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat ( na kung sasaysayin , una-una , siya&apos;y Hari ng katuwiran , at saka Hari naman sa Salem , na sa makatuwid , ay Hari ng kapayapaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na walang ama , walang ina , walang tandaan ng lahi , at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man , datapuwa&apos;t naging katulad ng Anak ng Dios ) , ay nanatiling saserdote magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito , na binigyan ni Abraham , na patriarka , ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote , ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan , sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid , bagama&apos;t ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham , at pinagpala yaong may mga pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At dito&apos;y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi ; datapuwa&apos;t doon ay ang isa , na pinatutunayang nabubuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sa makatuwid baga&apos;y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi , na tumatanggap ng ikasangpung bahagi , ay nagbayad ng ikasangpung bahagi ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t siya&apos;y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama , nang ito&apos;y salubungin ni Melquisedec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita ( sapagka&apos;t sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan ) , anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote , ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan , na doon ang sinoma&apos;y hindi naglilingkod sa dambana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda ; na tungkol sa angkang yao&apos;y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At lalo pang napakaliwanag ito , kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na ginawa , hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman , kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t pinatotohanan tungkol sa kaniya , Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">( Sapagka&apos;t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal ) , at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling , na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At yamang yao&apos;y hindi naging sa walang sumpa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">( Sapagka&apos;t sila&apos;y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa ; datapuwa&apos;t siya&apos;y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya , Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi , Ikaw ay saserdote magpakailan man ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At katotohanang sila&apos;y marami sa bilang na naging mga saserdote , sapagka&apos;t dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t siya , sapagka&apos;t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Dahil dito naman siya&apos;y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya , palibhasa&apos;y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal , walang sala , walang dungis , nahihiwalay sa mga makasalanan , at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain , na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una&apos;y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan : sapagka&apos;t ito&apos;y ginawa niyang minsan magpakailan man , nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sapagka&apos;t inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan ; nguni&apos;t ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak , na sakdal magpakailan man .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito : Mayroon tayong isang dakilang saserdote , na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ministro sa santuario , at sa tunay na tabernakulo , na itinayo ng Panginoon , hindi ng tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman : sa ganito&apos;y kinakailangan din namang siya&apos;y magkaroon ng anomang ihahandog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kung siya nga&apos;y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan , palibhasa&apos;y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan , gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo : sapagka&apos;t sinabi niya , Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Datapuwa&apos;t ngayo&apos;y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal , palibhasa&apos;y siya nama&apos;y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling , na inilagda sa lalong mabubuting pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan , ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t sa pagkakita ng kakulangan sa kanila , ay sinabi niya , Narito , dumarating ang mga araw , sinasabi ng Panginoon , Na ako&apos;y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan ; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila&apos;y aking tangnan sa kamay , upang sila&apos;y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto ; Sapagka&apos;t sila&apos;y hindi nanatili sa aking tipan , At akin silang pinabayaan , sinasabi ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon , sinasabi ng Panginoon ; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip , At sa kanilang mga puso&apos;y aking isusulat ang mga ito . At ako&apos;y magiging Dios nila , At sila&apos;y magiging bayan ko :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At hindi magtuturo ang bawa&apos;t isa sa kaniyang kababayan , At ang bawa&apos;t isa sa kaniyang kapatid , na sasabihing , Kilalanin mo ang Panginoon : Sapagka&apos;t ako&apos;y makikilala ng lahat , Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ako&apos;y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan , At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Doon sa sinasabi niya , Isang bagong tipan , ay linuma niya ang una . Datapuwa&apos;t ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon , ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios , at ng kaniyang santuario , ang santuario ng sanglibutang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t inihanda ang isang tabernakulo , ang una , na kinaroroonan ng kandelero , at ng dulang , at ng mga tinapay na handog ; na siyang tinatawag na Dakong Banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan , at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto , na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana , at tungkod ni Aaron na namulaklak , at mga tapyas na bato ng tipan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa ibabaw nito ay ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa luklukan ng awa ; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito , sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok ang mga saserdote , na tinutupad ang mga katungkulan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Datapuwa&apos;t sa ikalawa ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote , minsan sa isang taon , na hindi walang dalang dugo , na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili , at sa mga kamalian ng bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na ipinakikilala ng Espiritu Santo , na hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na yao&apos;y isang talinghaga ng panahong kasalukuyan ; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain , tungkol sa budhi , na hindi magpapasakdal sa sumasamba ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Palibhasa&apos;y palatuntunan lamang na ukol sa laman , na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago ( gaya ng mga pagkain , at mga inumin at sarisaring paglilinis ) .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating , sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo , na hindi gawa ng mga kamay , sa makatuwid baga&apos;y hindi sa paglalang na ito ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka , kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo , ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal , na kinamtan ang walang hanggang katubusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka , at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan , ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo , na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios , ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At dahil dito&apos;y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan , upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan , ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kung saan mayroong tipan doo&apos;y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa : sa ibang paraa&apos;y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kaya&apos;t ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t nang salitain ni Moises ang bawa&apos;t utos sa buong bayan ayon sa kautusan , ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing , na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo , at winisikan ang aklat at gayon din ang buong bayan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na sinasabi , Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ayon sa kautusan , ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo , at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Kinakailangan nga na ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito ; nguni&apos;t ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay , na kahalintulad lamang ng tunay ; kundi sa talagang langit , upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At siya&apos;y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili , na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sa ibang paraan ay kailangan na siya&apos;y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan : datapuwa&apos;t ngayon ay minsan siya&apos;y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan , at pagkatapos nito ay ang paghuhukom ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ay gayon din naman si Cristo , na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami , sa ikalawa&apos;y pakikita na hiwalay sa kasalanan , sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sapagka&apos;t ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating , hindi ang tunay na larawan ng mga bagay , kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog ? sapagka&apos;t ang mga nagsisisamba , yamang nalinis na minsan , ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Nguni&apos;t sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t pagpasok niya sa sanglibutan , ay sinasabi , Hain at handog ay hindi mo ibig . Nguni&apos;t isang katawan ang sa akin ay inihanda mo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nang magkagayo&apos;y sinabi ko , Narito , ako&apos;y pumarito ( sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin . ) Upang gawin , Oh Dios , ang iyong kalooban .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa itaas ay sinasabi , Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig , at di mo rin kinalulugdan ( mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan ) ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Saka sinabi niya , Narito , ako&apos;y pumarito upang gawin ang iyong kalooban . Inaalis niya ang una , upang maitatag ang ikalawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa kaloobang yaon tayo&apos;y pinapaging-banal , sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At katotohanang ang bawa&apos;t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain , na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t siya , nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man , ay umupo sa kanan ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin ; sapagka&apos;t pagkasabi niya na ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon , sabi ng Panginoon ; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso , At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mga kapatid , yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin , sa pamamagitan ng tabing , sa makatuwid baga&apos;y sa kaniyang laman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Tayo&apos;y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya , na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi : at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan : sapagka&apos;t tapat ang nangako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At tayo&apos;y mangagtinginan upang tayo&apos;y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon , na gaya ng ugali ng iba , kundi mangagaralan sa isa&apos;t isa ; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan , ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom , at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi , ay mamamatay na walang awa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Gaano kayang higpit ng parusa , sa akala ninyo , ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios , at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya , at umalipusta sa Espiritu ng biyaya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sapagka&apos;t ating nakikilala yaong nagsabi , Akin ang paghihiganti , ako ang gaganti . At muli , Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">Datapuwa&apos;t alalahanin ang mga nakaraang araw , na sa mga yaon , pagkatapos na kayo&apos;y maliwanagan , ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan ; at sa ikalawa , ay naging kasama niyaong mga inaring gayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Sapagka&apos;t kayo&apos;y nangahabag sa mga may tanikala , at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pag-aari , palibhasa&apos;y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pag-aaring lalong mabuti at tumatagal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala , na may dakilang ganting-pala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">Sapagka&apos;t kayo&apos;y nangangailangan ng pagtitiis , upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios , ay magsitanggap kayo ng pangako .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sapagka&apos;t sa madaling panahon , Siyang pumaparito ay darating , at hindi magluluwat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">Nguni&apos;t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya : At kung siya ay umurong , ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">Nguni&apos;t tayo&apos;y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan ; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ngayon , ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay , ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios , ano pa&apos;t ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain , sa pamamagitan nito&apos;y sinaksihan sa kaniyang siya&apos;y matuwid , na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob : at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan ; at hindi siya nasumpungan , sapagka&apos;t siya&apos;y inilipat ng Dios : sapagka&apos;t bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya&apos;y naging kalugodlugod sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya ; sapagka&apos;t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios , at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya&apos;y nagsisihanap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa pananampalataya si Noe , nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita , dala ng banal na takot , ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan ; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan , at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa pananampalataya si Abraham , nang tawagin , ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana ; at siya&apos;y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sa pananampalataya siya&apos;y naging manglalakbay sa lupang pangako , na gaya sa hindi niya sariling lupa , at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob , na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan , na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi , nang lipas na ang kaniyang gulang , palibhasa&apos;y inari niyang tapat ang nangako :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya naman sumibol sa isa , sa kaniya na tila patay na , ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan , at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito , na hindi kinamtan ang mga pangako , nguni&apos;t kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo , at kanilang ipinahayag na sila&apos;y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan , ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain , sa makatuwid baga&apos;y ang sa langit : kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila ; sapagka&apos;t kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa pananampalataya , nang subukin si Abraham , ay inihandog si Isaac : oo , siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa makatuwid baga&apos;y yaong pinagsabihan , Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios ; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sa pananampalataya&apos;y binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau , tungkol sa mga bagay na darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sa pananampalataya , si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawa&apos;t isa sa mga anak ni Jose ; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sa pananampalataya , nang malapit nang mamatay si Jose , ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel ; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa pananampalataya , nang ipanganak si Moises , ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang , sapagka&apos;t kanilang nakitang maganda ang bata ; at hindi sila natakot sa utos ng hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sa pananampalataya , nang lumaki na si Moises , ay tumangging siya&apos;y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Na pinili pa ang siya&apos;y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios , kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo , kay sa mga kayamanan ng Egipto : sapagka&apos;t ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Sa pananampalataya&apos;y iniwan niya ang Egipto , na hindi natakot sa poot ng hari : sapagka&apos;t nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Sa pananampalataya&apos;y itinatag niya ang paskua , at ang pagwiwisik ng dugo , upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sa pananampalataya&apos;y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo : na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "30">Sa pananampalataya&apos;y nangalagpak ang mga kuta ng Jerico , pagkatapos na makubkob na pitong araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "31">Sa pananampalataya&apos;y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway , ang patutot na si Rahab , na tumanggap na payapa sa mga tiktik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "32">At ano pa ang aking sasabihin ? sapagka&apos;t kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang tungkol kay Gideon , kay Barac , kay Samson , kay Jefte ; tungkol kay David , at kay Samuel at sa mga propeta :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "33">Na ang mga ito , sa pamamagitan ng pananampalataya&apos;y nagsilupig ng mga kaharian , nagsigawa ng katuwiran , nangagtamo ng mga pangako , nangagtikom ng mga bibig ng mga leon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "34">Nagsipatay ng bisa ng apoy , nangakatanan sa talim ng tabak , nagsilakas sa kahinaan , naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka , nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "35">Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli : at ang iba&apos;y nangamatay sa hampas , na hindi tinanggap ang kanilang katubusan ; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "36">At ang iba&apos;y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas , oo , bukod dito&apos;y sa mga tanikala at bilangguan naman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "37">Sila&apos;y pinagbabato , pinaglagari , pinagtutukso , pinagpapatay sa tabak : sila&apos;y nagsilakad na paroo&apos;t parito na may balat ng mga tupa&apos;t kambing : na mga salat , nangapipighati , tinatampalasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "38">( Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan ) , na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib , at sa mga lungga ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "39">At ang lahat ng mga ito , nang sila&apos;y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya , ay hindi kinamtan ang pangako ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "40">Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin , upang sila&apos;y huwag maging sakdal ng bukod sa atin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya&apos;t yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi , itabi namang walang liwag ang bawa&apos;t pasan , at ang pagkakasalang pumipigil sa atin , at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya , na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus , na niwalang bahala ang kahihiyan , at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili , upang kayo&apos;y huwag magsihina , na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo , na nakikipagaway laban sa kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak , Anak ko , huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon , O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig , At hinahampas ang bawa&apos;t tinatanggap na anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na dahil sa ito&apos;y parusa kayo&apos;y nagtitiis ; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak ; sapagka&apos;t alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t kung kayo&apos;y hindi pinarurusahan , na pawang naranasan ng lahat , kung gayo&apos;y mga anak sa ligaw kayo , at hindi tunay na anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Bukod dito , tayo&apos;y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo&apos;y parusahan , at sila&apos;y ating iginagalang : hindi baga lalong tayo&apos;y pasasakop sa Ama ng mga espiritu , at tayo&apos;y mabubuhay ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t katotohanang tayo&apos;y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling ; nguni&apos;t siya&apos;y sa kapakinabangan natin , upang tayo&apos;y makabahagi ng kaniyang kabanalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot ; gayon ma&apos;y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t itaas ninyo ang mga kamay na nakababa , ang mga tuhod namang nanginginig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa , upang huwag maligaw ang pilay , kundi bagkus gumaling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao , at ang pagpapakabanal na kung wala ito&apos;y sinoman ay di makakakita sa Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na pakaingatan na baka ang sinoma&apos;y di makaabot sa biyaya ng Dios ; baka kayo&apos;y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol , at dahil dito&apos;y mahawa ang marami ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid , o mapaglapastangan , gaya ni Esau , na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t nalalaman ninyo na bagama&apos;t pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala , siya&apos;y itinakuwil ; sapagka&apos;t wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama , bagama&apos;t pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t hindi kayo nagsilapit sa bundok na nahihipo , at nagliliyab sa apoy , at sa kapusikitan , at sa kadiliman , at sa unos ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At tunog ng pakakak , at tinig ng mga salita ; na ang nakarinig ng tinig na ito ay nagsipamanhik na huwag nang sa kanila&apos;y salitain pa ang anomang salita ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t hindi matiis ang iniuutos , Kahit ang isang hayop kung tumungtong sa bundok ay babatuhin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At totoong kakilakilabot ang napanood , ano pa&apos;t sinabi ni Moises , Ako&apos;y totoong nasisindak at nanginginig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t nagsilapit kayo sa bundok ng Sion , at sa bayan ng Dios na buhay , ang Jerusalem sa kalangitan , at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit , at sa Dios na Hukom ng lahat , at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan , at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Pagingatan ninyong kayo&apos;y huwag tumanggi sa nagsasalita . Sapagka&apos;t kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa , ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa : datapuwa&apos;t ngayo&apos;y nangako siya , na nagsasabi , Minsan pang yayanigin ko , hindi lamang ang lupa , kundi pati ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At itong salita , Minsan pang , ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig , gaya ng mga bagay na ginawa , upang mamalagi ang mga hindi niyanig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">Kaya&apos;t pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw , ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Sapagka&apos;t ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa : sapagka&apos;t sa pamamagitan nito ang iba&apos;y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Alalahanin ninyo ang mga may tanikala , gaya ng kayo&apos;y nangagagapos na kasama nila ; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa , at huwag nawang magkadungis ang higaan : sapagka&apos;t ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Mangilag kayo sa pagibig sa salapi ; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik : sapagka&apos;t siya rin ang nagsabi , Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin , sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ano pa&apos;t ating masasabi ng buong tapang , Ang Panginoon ang aking katulong ; hindi ako matatakot : Anong magagawa sa akin ng tao ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios ; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay , ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon , oo at magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala : sapagka&apos;t mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya ; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain , na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tayo ay may isang dambana , na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo&apos;y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan , ay sinusunog sa labas ng kampamento .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya naman si Jesus , upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan , ay nagbata sa labas ng pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t dito&apos;y wala tayong bayan na namamalagi , nguni&apos;t hinahanap natin ang bayan na darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios , sa makatuwid baga , ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan : sapagka&apos;t sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo , at kayo&apos;y pasakop sa kanila : sapagka&apos;t pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa , na parang sila ang mangagsusulit ; upang ito&apos;y gawin nilang may kagalakan , at huwag may hapis : sapagka&apos;t sa ganito&apos;y di ninyo mapapakinabangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Idalangin ninyo kami : sapagka&apos;t kami&apos;y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi , na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito , upang ako&apos;y masauli na lalong madali sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan , sa makatuwid baga&apos;y ang Panginoon nating si Jesus ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa&apos;t mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban , na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya , sa pamamagitan ni Jesucristo ; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , na inyong pagtiisan ang salitang iniaral : sapagka&apos;t kayo&apos;y sinulatan ko ng ilang salita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Inyong talastasin na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na ; na kung siya&apos;y dumating na madali , kayo&apos;y makikita kong kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Batiin ninyo ang lahat ng mga namiminuno sa inyo , at ang lahat ng mga banal . Kayo&apos;y binabati ng nangasa Italia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Ang biyaya&apos;y sumainyo nawang lahat . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "59">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Santiago , na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo , ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mga kapatid ko , ariin ninyong buong kagalakan , kung kayo&apos;y mangahulog sa sarisaring tukso ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa , upang kayo&apos;y maging sakdal at ganap , na walang anoman kakulangan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Nguni&apos;t kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo , ay humingi sa Dios , na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat ; at ito&apos;y ibibigay sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t humingi siyang may pananampalataya , na walang anomang pagaalinlangan : sapagka&apos;t yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t huwag isipin ng taong yaon na siya&apos;y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang taong may dalawang akala , ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mayaman , dahil sa siya&apos;y pinababa : sapagka&apos;t siya&apos;y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog , at naluluoy ang damo ; at nangalalagas ang bulaklak nito , at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo : gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso ; sapagka&apos;t pagkasubok sa kaniya , siya&apos;y tatanggap ng putong ng buhay , na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag sabihin ng sinoman pagka siya&apos;y tinutukso , Ako&apos;y tinutukso ng Dios ; sapagka&apos;t ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay , at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kundi ang bawa&apos;t tao ay natutukso , pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung magkagayo&apos;y ang kahalayan , kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan : at ang kasalanan , pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Huwag kayong padaya , mga minamahal kong kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang bawa&apos;t mabuting kaloob at ang bawa&apos;t sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas , na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw , na walang pagbabago , ni kahit anino man ng pagiiba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan , upang tayo&apos;y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nalalaman ninyo ito , minamahal kong mga kapatid . Nguni&apos;t magmaliksi ang bawa&apos;t tao sa pakikinig , magmakupad sa pananalita , magmakupad sa pagkagalit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Kaya&apos;t ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan , at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim , na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Datapuwa&apos;t maging tagatupad kayo ng salita , at huwag tagapakinig lamang , na inyong dinadaya ang inyong sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Sapagka&apos;t kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad , ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t minamasdan niya ang kaniyang sarili , at siya&apos;y umaalis at pagdaka&apos;y kaniyang nalilimutan kung ano siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Nguni&apos;t ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan , ang kautusan ng kalayaan , at nananatiling gayon , na hindi tagapakinig na lumilimot , kundi tagatupad na gumagawa , ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Kung ang sinoman ay nagiisip na siya&apos;y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila , kundi dinadaya ang kaniyang puso , ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito , dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian , at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga kapatid ko , yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo , na Panginoon ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto , at may magandang kasuotan , at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inyong itangi ang may suot na damit na maganda , at inyong sabihin , Maupo ka rito sa dakong mabuti ; at sa dukha ay inyong sabihin , Tumayo ka riyan , o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Hindi baga kayo&apos;y nagtatangi sa inyong sarili , at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Dinggin ninyo , mga minamahal kong kapatid ; hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya , at mga tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t inyong niwalang-puri ang dukha . Hindi baga kayo&apos;y pinahihirapan ng mayayaman , at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo&apos;y itinatawag ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon man kung inyong ganapin ang kautusang hari , ayon sa kasulatan , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili , ay nagsisigawa kayo ng mabuti :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t kung kayo&apos;y nagtatangi ng mga tao , ay nangagkakasala kayo , at kayo&apos;y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t ang sinomang gumaganap ng buong kautusan , at gayon ma&apos;y natitisod sa isa , ay nagiging makasalanan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang nagsabi , Huwag kang mangalunya , ay nagsabi , naman , Huwag kang pumatay . Ngayon , kung ikaw ay hindi nangangalunya , nguni&apos;t pumapatay ka , ay nagiging suwail ka sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Gayon ang inyong salitain , at gayon ang inyong gawin , na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sapagka&apos;t ang paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa : ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Anong pakikinabangin , mga kapatid ko , kung sinasabi ng sinoman na siya&apos;y may pananampalataya , nguni&apos;t walang mga gawa ? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila , Magsiyaon kayong payapa , kayo&apos;y mangagpainit at mangagpakabusog ; at gayon ma&apos;y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan ; anong mapapakinabang dito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa , ay patay sa kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Oo , sasabihin ng isang tao , Ikaw ay mayroong pananampalataya , at ako&apos;y mayroong mga gawa : ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa , at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa ; mabuti ang iyong ginagawa : ang mga demonio man ay nagsisisampalataya , at nagsisipanginig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t ibig mo bagang maalaman , Oh taong walang kabuluhan , na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi baga ang ating amang si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa , dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa , at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At natupad ang kasulatan na nagsasabi , At si Abraham ay sumampalataya sa Dios , at yao&apos;y ibinilang na katuwiran sa kaniya ; at siya&apos;y tinawag na kaibigan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa&apos;y inaaring ganap ang tao , at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At gayon din naman hindi rin baga si Rahab na patutot ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa , dahil sa tinanggap niya ang mga sugo , at kaniyang pinapagdaan sila sa ibang daan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Sapagka&apos;t kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay , ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Huwag maging guro ang marami sa inyo , mga kapatid ko , yamang nalalamang tayo&apos;y tatanggap ng lalong mabigat na hatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod . Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita , ay isang taong sakdal ang gayon , may kaya rin namang makapigil ng buong katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig , upang tayo&apos;y talimahin , ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , ang mga daong naman , bagama&apos;t lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin , gayon ma&apos;y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap , at nagpapalalo ng malalaking bagay . Narito , kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang dila&apos;y isang apoy : ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba&apos;t ang dila , na nakakahawa sa buong katawan , at pinagningas ang gulong ng katalagahan , at ang dila&apos;y pinagniningas ng impierno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t ang bawa&apos;t uri ng mga hayop at mga ibon , ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat , ay pinaaamo , at napaaamo ng tao :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao ; isang masamang hindi nagpapahinga , na puno ng lasong nakamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama ; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sa bibig din lumalabas ang pagpuri&apos;t paglait . Mga kapatid ko , ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang bukal baga&apos;y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Maaari baga , mga kapatid ko , na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas , o ng mga igos ang puno ng ubas ? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sino ang marunong at matalino sa inyo ? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nguni&apos;t kung kayo&apos;y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso , ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas , kundi ang nauukol sa lupa , sa laman , sa diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi , ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t ang karunungang buhat sa itaas , ay una-una&apos;y malinis saka mapayapa , banayad , madaling panaingan , puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga , walang inaayunan , walang pagpapaimbabaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo ? hindi baga nagbubuhat dito , sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga sangkap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kayo&apos;y nangagiimbot , at kayo&apos;y wala : kayo&apos;y nagsisipatay , at kayo&apos;y nangaiinggit , at hindi maaaring kamtan : kayo&apos;y nangakikipagaway at nangakikipagbaka ; kayo&apos;y wala , sapagka&apos;t hindi kayo nagsisihingi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kayo&apos;y nagsisihingi , at hindi kayo nagsisitanggap , sapagka&apos;t nagsisihingi kayo ng masama , upang gugulin sa inyong mga kalayawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayong mga mangangalunya , hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios ? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan ? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t siya&apos;y nagbibigay ng lalong biyaya . Kaya&apos;t sinasabi ng kasulatan , Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo , datapuwa&apos;t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Pasakop nga kayo sa Dios ; datapuwa&apos;t magsisalangsang kayo sa diablo , at tatakas siya sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Magsilapit kayo sa Dios , at siya&apos;y lalapit sa inyo . Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay , kayong mga makasalanan ; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso , kayong mga may dalawang akala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kayo&apos;y mangagpighati , at magsihibik , at magsitangis : inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik , at ang inyong kagalakan ng kalumbayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon , at kaniyang itataas kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa&apos;t isa , mga kapatid . Ang nagsasalita laban sa kapatid , o humahatol sa kaniyang kapatid , ay nagsasalita laban sa kautusan , at humahatol sa kautusan : datapuwa&apos;t kung ikaw ay humahatol sa kautusan , hindi ka na tagatupad ng kautusan , kundi hukom .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom , sa makatuwid baga&apos;y ang makapagliligtas at makapagwawasak : datapuwa&apos;t sino ka na humahatol sa iyong kapuwa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Magsiparito ngayon , kayong nagsisipagsabi , Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan , at titira kami doong isang taon , at mangangalakal , at magtutubo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas . Ano ang inyong buhay ? Kayo nga&apos;y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw , at pagdaka&apos;y napapawi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t ang dapat ninyong sabihin ay , Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami , at gagawin namin ito o yaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo : ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti , at hindi ginagawa , ito&apos;y kasalanan sa kaniya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Magsiparito ngayon , kayong mayayaman , kayo&apos;y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo&apos;y darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok , at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na ; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo , at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman . Kayo&apos;y nagtipon ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Narito , ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid , na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya , ay humihibik : at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng mga hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayo&apos;y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa , at nangagalak ; inyong pinataba ang inyong mga puso sa araw ng patayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Inyong hinatulan , inyong pinatay ang matuwid ; hindi niya kayo nilalabanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mangagtiis nga kayo , mga kapatid , hanggang sa pagparito ng Panginoon . Narito , inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa , na may pagtitiis , hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mangagtiis din naman kayo ; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso , sapagka&apos;t ang pagparito ng Panginoon ay malapit na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Huwag kayong mangagupasalaan , mga kapatid , laban sa isa&apos;t isa , upang kayo&apos;y huwag mahatulan ; narito , ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis , mga kapatid , ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Narito , tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis : inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job , at inyong nakita ang pinapangyari ng Panginoon , kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Nguni&apos;t higit sa lahat ng mga bagay , mga kapatid ko , ay huwag ninyong ipanumpa , kahit ang langit , ni ang lupa , ni ang anomang ibang sumpa : kundi ang inyong oo , ay maging oo ; at ang inyong hindi , ay maging hindi ; upang kayo&apos;y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nagbabata baga ang sinoman sa inyo ? siya&apos;y manalangin . Natutuwa ang sinoman ? awitin niya ang mga pagpupuri .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">May sakit baga ang sinoman sa inyo ? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia ; at ipanalangin nila siya , na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit , at ibabangon siya ng Panginoon ; at kung nagkasala siya , ay ipatatawad sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Mangagpahayagan nga kayo sa isa&apos;t isa ng inyong mga kasalanan , at ipanalangin ng isa&apos;t isa ang iba , upang kayo&apos;y magsigaling . Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin , at siya&apos;y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan ; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At muli siyang nanalangin ; at ang langit ay nagbigay ng ulan , at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Mga kapatid ko , kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan , at siya&apos;y papagbaliking loob ng sinoman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan , mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan , at magtatakip ng karamihang kasalanan .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "60">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Pedro , na apostol ni Jesucristo , sa mga hinirang na nangingibang bayan na nasa Pangangalat sa Ponto , Galacia , Capadocia , Asia at Bitinia ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama , sa pagpabanal ng Espiritu , upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo : Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo&apos;y sumagana .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo , na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sa isang manang di nasisira , at walang dungis , at hindi kumukupas , na inilaan sa langit para sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na ito ang inyong totoong ikinagagalak , bagama&apos;t ngayo&apos;y sa sangdaling panahon , kung kailangan , ay pinalumbay kayo sa muli&apos;t muling pagsubok ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama&apos;t ito&apos;y sinusubok sa pamamagitan ng apoy , ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig ; na bagama&apos;t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita , gayon ma&apos;y inyong sinasampalatayanan , na kayo&apos;y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya , ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta , na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila , nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo , at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na ipinahayag sa kanila , na hindi sa ganang kanilang sarili , kundi sa ganang inyo , pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito , na ngayo&apos;y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit ; na ang mga bagay na ito&apos;y ninanasang mamasdan ng mga anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kaya&apos;t inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip , na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na gaya ng mga anak na matalimahin , na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo&apos;y na sa kawalang kaalaman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t yamang banal ang sa inyo&apos;y tumawag , ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t nasusulat , Kayo&apos;y mangagpakabanal ; sapagka&apos;t ako&apos;y banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At kung inyong tinatawagan , na Ama , siyang walang itinatanging tao , na humahatol ayon sa gawa ng bawa&apos;t isa , ay gugulin ninyo sa takot ang panahon ng inyong pangingibang bayan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Na inyong nalalamang kayo&apos;y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira , ng pilak o ginto , mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay , na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kundi ng mahalagang dugo , gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis , sa makatuwid baga&apos;y ang dugo ni Cristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan , nguni&apos;t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios , na sa kaniya&apos;y bumuhay na maguli sa mga patay , at sa kaniya&apos;y nagbigay ng kaluwalhatian ; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan , sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid , ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa&apos;t isa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Yamang ipinanganak kayong muli , hindi sa binhing nasisira , kundi sa walang kasiraan , sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Sapagka&apos;t , Ang lahat ng laman ay gaya ng damo , At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo . Ang damo&apos;y natutuyo , at ang bulaklak ay nalalanta :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Datapuwa&apos;t ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man . At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kaya&apos;t sa paghihiwalay ng lahat na kasamaan , at lahat ng pagdaraya , at pagpapaimbabaw , at mga pananaghili , at ng lahat ng panglalait ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu , upang sa pamamagitan nito&apos;y magsilago kayo sa ikaliligtas ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na kayo&apos;y magsilapit sa kaniya , na isang batong buhay , na sa katotohana&apos;y itinakuwil ng mga tao , datapuwa&apos;t sa Dios ay hirang , mahalaga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kayo rin naman , na gaya ng mga batong buhay , ay natatayong bahay na ukol sa espiritu , upang maging pagkasaserdoteng banal , upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu , na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ito ang nilalaman ng kasulatan , Narito , aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo , hirang mahalaga : At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa inyo ngang nangananampalataya , siya&apos;y mahalaga : datapuwa&apos;t sa hindi nangananampalataya , Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At , Batong katitisuran , at bato na pangbuwal ; Sapagka&apos;t sila ay natitisod sa salita , palibhasa&apos;y mga suwail : na dito rin naman sila itinalaga ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t kayo&apos;y isang lahing hirang , isang makaharing pagkasaserdote , bansang banal , bayang pag-aaring sarili ng Dios , upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman , hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan , datapuwa&apos;t ngayo&apos;y bayan ng Dios : na hindi nagsipagkamit ng awa , datapuwa&apos;t ngayo&apos;y nagsipagkamit ng awa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga minamahal , ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay , na kayo&apos;y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman , na nakikipaglaban sa kaluluwa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na kayo&apos;y mangagkaroon ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil ; upang , sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama , dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita , ay purihin nila ang Dios sa araw ng pagdalaw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo&apos;y pasakop sa bawa&apos;t palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon : maging sa hari , na kataastaasan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">O sa mga gobernador , na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Sapagka&apos;t siyang kalooban ng Dios , na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na gaya nang kayo&apos;y mga laya , at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan , kundi gaya ng mga alipin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Igalang ninyo ang lahat ng mga tao . Ibigin ninyo ang pagkakapatiran . Mangatakot kayo sa Dios . Igalang ninyo ang hari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mga alila , kayo&apos;y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon ; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon , kundi naman sa mababagsik .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ito&apos;y kalugodlugod , kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan , na magbata ng di matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t anong kapurihan nga , kung kayo&apos;y nangagkakasala , at kayo&apos;y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis ? nguni&apos;t kung kayo&apos;y gumagawa ng mabuti , at kayo&apos;y nagbabata , ay inyong tanggapin na may pagtitiis , ito&apos;y kalugodlugod sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t sa ganitong bagay kayo&apos;y tinawag : sapagka&apos;t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo , na kayo&apos;y iniwanan ng halimbawa , upang kayo&apos;y mangagsisunod sa mga hakbang niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na siya&apos;y hindi nagkasala , o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Na , nang siya&apos;y alipustain , ay hindi gumanti ng pagalipusta ; nang siya&apos;y magbata , ay hindi nagbala ; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy , upang pagkamatay natin sa mga kasalanan , ay mangabuhay tayo sa katuwiran ; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sapagka&apos;t kayo&apos;y gaya ng mga tupang nangaliligaw ; datapuwa&apos;t ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Gayon din naman , kayong mga asawang babae , pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa ; upang , kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita , ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok , at pagsusuot ng mga hiyas na ginto , o pagbibihis ng maringal na damit ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa , na may malaking halaga sa paningin ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t nang unang panahon , ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios , na pasakop sa kanikaniyang asawa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham , na kaniyang tinawag na panginoon : na kayo ang mga anak niya ngayon , kung nagsisigawa kayo ng mabuti , at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon din naman kayong mga lalake , magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala , na pakundanganan ang babae , na gaya ng marupok na sisidlan , yamang kayo nama&apos;y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan : upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Katapustapusan , kayong lahat ay mangagkaisang akala , madamayin , mangagibigang tulad sa magkakapatid , mga mahabagin , mga mapagkumbabang pagiisip :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama , o ng alipusta ang pagalipusta ; kundi ng pagpapala ; sapagka&apos;t dahil dito kayo&apos;y tinawag , upang kayo&apos;y mangagmana ng pagpapala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t , Ang magnais umibig sa buhay , At makakita ng mabubuting araw , Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama , At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At tumalikod siya sa masama , at gumawa ng mabuti ; Hanapin ang kapayapaan , at kaniyang sundan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sapagka&apos;t ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid , At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing : Nguni&apos;t ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sino ang sa inyo ay aapi , kung kayo&apos;y mapagmalasakit sa mabuti ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo : at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot , o huwag kayong mangagulo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso : na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa&apos;t tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo , nguni&apos;t sa kaamuan at takot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na taglay ang mabuting budhi ; upang , sa mga bagay na salitain laban sa inyo , ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t lalong magaling , kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo&apos;y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan , ang matuwid dahil sa mga di matuwid , upang tayo&apos;y madala niya sa Dios ; siyang pinatay sa laman , nguni&apos;t binuhay sa espiritu ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na nang unang panahon ay mga suwail , na ang pagpapahinuhod ng Dios , ay nanatili noong mga araw ni Noe , samantalang inihahanda ang daong , na sa loob nito&apos;y kakaunti , sa makatuwid ay walong kaluluwa , ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na ayon sa tunay na kahawig ngayo&apos;y nagligtas , sa makatuwid baga&apos;y ang bautismo , hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman , kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios , sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Na nasa kanan ng Dios , pagkaakyat niya sa langit ; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman , ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip ; sapagka&apos;t siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao , kundi sa kalooban ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil , at lumakad sa kalibugan , sa mga masamang pita , sa mga paglalasing , sa mga kalayawan , sa mga kayamuan , at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo&apos;y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan , kung kaya&apos;t kayo&apos;y pinagsasalitaan ng masama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Na sila&apos;y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t dahil dito&apos;y ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio , upang sila , ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan , datapuwa&apos;t mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na : kayo nga&apos;y mangagpakahinahon , at mangagpuyat sa pananalangin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan ; sapagka&apos;t ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa&apos;t isa , ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin , na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na kung ang sinoma&apos;y nagsasalita , ay gaya ng sa mga aral ng Dios : kung ang sinoman ay nangangasiwa , ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios : upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo , na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Mga minamahal , huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo , na dumarating sa inyo upang kayo&apos;y subukin , na waring ang nangyayari sa inyo&apos;y di karaniwang bagay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kundi kayo&apos;y mangagalak , sapagka&apos;t kayo&apos;y mga karamay sa mga hirap ni Cristo ; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kung kayo&apos;y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo , ay mapapalad kayo ; sapagka&apos;t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nguni&apos;t huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao , o magnanakaw , o manggagawa ng masama , o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Nguni&apos;t kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano , ay huwag mahiya ; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios : at kung mauna sa atin , ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas , ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Kaya&apos;t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa matatanda nga sa inyo&apos;y umaaral ako , akong matandang kasamahan ninyo , at isang saksi ng mga hirap ni Cristo , na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo , na magsigamit kayo ng pagpupuno , na hindi sapilitan , kundi may kasayahan , na ayon sa kalooban ng Dios ; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan , kundi sa handang pagiisip ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Ni hindi din naman ang gaya ng kayo&apos;y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo , kundi kayo&apos;y maging mga uliran ng kawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagkahayag ng pangulong Pastor , ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Gayon din naman , kayong mga kabataan , ay magsisuko sa matatanda . Oo , kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan , na kayo-kayo&apos;y maglingkuran : sapagka&apos;t ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo , datapuwa&apos;t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kaya&apos;t kayo&apos;y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios , upang kayo&apos;y kaniyang itaas sa kapanahunan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan , sapagka&apos;t kayo&apos;y ipinagmamalasakit niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kayo&apos;y maging mapagpigil , kayo&apos;y maging mapagpuyat ; ang inyong kalaban na diablo , na gaya ng leong umuungal , ay gumagala na humahanap ng masisila niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Na siya&apos;y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya , yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo&apos;y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo , pagkatapos na kayo&apos;y makapagbatang sangdaling panahon , ay siya rin ang magpapasakdal , magpapatibay , at magpapalakas sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sa pamamagitan ni Silvano , na tapat nating kapatid , ayon sa aking palagay sa kaniya , ay sinulatan ko kayo ng maiksi , na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na biyaya ng Dios : magsitibay kayo dito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Binabati kayo ng nasa Babilonia , na kasamang hinirang ; at ni Marcos na aking anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mangagbatian kayo ng halik ng pagibig . Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "61">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Simon Pedro , na alipin at apostol ni Jesucristo , sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Biyaya at kapayapaan ang sa inyo&apos;y dumami sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan , sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako ; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios , yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Oo , at dahil din dito , sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap , ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan ; at sa kagalingan ay ang kaalaman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa kaalaman ay ang pagpipigil ; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis ; at sa pagtitiis ay ang kabanalan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid ; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana , ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Sapagka&apos;t yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag , na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit , sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya , mga kapatid , lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo : sapagka&apos;t kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito , bagama&apos;t inyong nalalaman , at kayo&apos;y pinatitibay sa katotohanang nasa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At inaakala kong matuwid , na samantalang ako&apos;y nasa tabernakulong ito , ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo , na gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Oo , pagsisikapan ko na sa tuwituwi na , pagkamatay ko&apos;y inyong maalaala ang mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam , noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesucristo , kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t siya&apos;y tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian , nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian , Ito ang sinisinta kong Anak , na siya kong kinalulugdan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit , nang kami ay kasama niya sa banal na bundok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula ; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito&apos;y inyong sinusundan , na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim , hanggang sa pagbubukang liwayway , at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Na maalaman muna ito , na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman : kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios , na nangaudyokan ng Espiritu Santo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Nguni&apos;t may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta , na gaya naman sa inyo&apos;y magkakaroon ng mga bulaang guro , na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya , na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila , na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay ; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo : na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat , at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon , kundi sila&apos;y ibinulid sa impierno , at kinulong sa mga hukay ng kadiliman , upang ilaan sa paghuhukom ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad , datapuwa&apos;t iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa , noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo , nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At iniligtas ang matuwid na si Lot , na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">( Sapagka&apos;t ang matuwid na ito na namamayang kasama nila , ay lubhang nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya , ng mga gawa nilang laban sa kautusan ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal , sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t lalong-lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan , at nangapopoot sa pagkasakop . Mga pangahas , mapagsariling kalooban , sila&apos;y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Samantalang ang mga anghel , bagama&apos;t lalong dakila ang lakas at kapangyarihan , ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Datapuwa&apos;t ang mga ito , na gaya ng mga kinapal na walang bait , na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin , na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Na nangagbabata ng masama na kabayaran ng gawang masama ; palibhasa&apos;y inaari nilang isang kaligayahan ang magpakalayaw kung araw , mga dungis at kapintasan , na nangagpapakalayaw sa kanilang mga daya , samantalang sila&apos;y nangakikipagpiging sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na may mga matang puspos ng pangangalunya , at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala ; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga ; na may pusong sanay sa kasakiman ; mga anak ng paglait ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila , palibhasa&apos;y nagsisunod sa daan ni Balaam na anak ni Beor , na nagibig ng kabayaran ng gawang masama ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Datapuwa&apos;t siya&apos;y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang : na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang mga ito&apos;y mga bukal na walang tubig , mga ulap na tinatangay ng unos ; na sa kanila&apos;y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sapagka&apos;t , sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan , ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman , sa pamamagitan ng kalibugan , doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Na pinangangakuan ng kalayaan , samantalang sila&apos;y mga alipin ng kabulukan ; sapagka&apos;t ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t kung , pagkatapos na sila&apos;y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo , ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon , ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Sapagka&apos;t magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran , kay sa , pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay , Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka , at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ito nga ang ikalawang sulat , mga minamahal , na isinusulat ko sa inyo ; at sa dalawa&apos;y ginigising ko ang inyong tapat na pagiisip sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa inyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Upang maalaala ninyo ang mga salitang sinabi nang una ng mga banal na propeta , at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na maalaman muna ito , na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya , na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At magsisipagsabi , Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito ? sapagka&apos;t , buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang , ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t sadyang nililimot nila , na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon , at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig , sa pamamagitan ng salita ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon , na inapawan ng tubig , ay napahamak :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t ang sangkalangitan ngayon , at ang lupa , sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy , na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Datapuwa&apos;t huwag ninyong kalimutan , mga minamahal , ang isang bagay na ito , na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon , at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako , na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba ; kundi mapagpahinuhod sa inyo , na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak , kundi ang lahat ay magsipagsisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw ; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong , at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init , at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito , ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios , na dahil dito&apos;y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw , at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nguni&apos;t , ayon sa kaniyang pangako , ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa , na tinatahanan ng katuwiran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kaya nga , mga minamahal , yamang kayo&apos;y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito , ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan , na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas ; na gaya rin naman ni Pablo , na ating minamahal na kapatid , na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya , ay sinulatan kayo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat , na doo&apos;y sinasalita ang mga bagay na ito ; na doo&apos;y may ilang bagay na mahirap unawain , na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga , na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan , sa ikapapahamak din nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Kaya nga , mga minamahal , yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito , ay magsipagingat kayo , baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama , ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Datapuwa&apos;t magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo . Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "62">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Yaong buhat sa pasimula , yaong aming narinig , yaong nakita ng aming mga mata , yaong aming namasdan , at nahipo ng aming mga kamay , tungkol sa salita ng buhay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">( At ang buhay ay nahayag , at aming nakita , at pinatotohanan , at sa inyo&apos;y aming ibinabalita ang buhay , ang buhay na walang hanggan , na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag ) ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo , upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin : oo , at tayo ay may pakikisama sa Ama , at sa kaniyang Anak na si Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat , upang ang ating kagalakan ay malubos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo&apos;y aming ibinabalita , na ang Dios ay ilaw , at sa kaniya&apos;y walang anomang kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Kung sinasabi nating tayo&apos;y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman , ay nangagbubulaan tayo , at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Nguni&apos;t kung tayo&apos;y nagsisilakad sa liwanag , na gaya niyang nasa liwanag , ay may pakikisama tayo sa isa&apos;t isa , at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kung sinasabi nating tayo&apos;y walang kasalanan , ay ating dinadaya ang ating sarili , at ang katotohanan ay wala sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan , ay tapat at banal siya na tayo&apos;y patatawarin sa ating mga kasalanan , at tayo&apos;y lilinisin sa lahat ng kalikuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung sinasabi nating tayo&apos;y hindi nangagkasala , ay ating ginagawang sinungaling siya , at ang kaniyang salita ay wala sa atin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mumunti kong mga anak , ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo&apos;y huwag mangagkasala . At kung ang sinoman ay magkasala , ay may Tagapamagitan tayo sa Ama , si Jesucristo ang matuwid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan ; at hindi lamang sa ating mga kasalanan , kundi ng sa buong sanglibutan din naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sa ganito&apos;y nalalaman natin na siya&apos;y ating nakikilala , kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang nagsasabing , Nakikilala ko siya , at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos , ay sinungaling , at ang katotohanan ay wala sa kaniya ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Datapuwa&apos;t ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita , tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios . Dahil dito&apos;y nalalaman nating tayo&apos;y nasa kaniya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang nagsasabing siya&apos;y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mga minamahal , wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos , kundi ang dating utos na nasa inyo buhat nang pasimula ; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Muli , isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo , bagay na tunay sa kaniya at sa inyo ; sapagka&apos;t ang kadiliman ay lumilipas , at ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang nagsasabing siya&apos;y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid , ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag , at sa kaniya&apos;y walang anomang kadahilanang ikatitisod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Nguni&apos;t ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman , at lumalakad sa kadiliman , at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon , sapagka&apos;t ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kayo&apos;y sinusulatan ko , mumunti kong mga anak , sapagka&apos;t ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Kayo&apos;y sinusulatan ko , mga ama , sapagka&apos;t inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na . Kayo&apos;y sinusulatan ko , mga binata , sapagka&apos;t inyong dinaig ang masama . Kayo&apos;y aking sinulatan , mumunting mga anak , sapagka&apos;t inyong nakikilala ang Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Kayo&apos;y aking sinulatan , mga ama , sapagka&apos;t inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na . Kayo&apos;y aking sinulatan , mga binata , sapagka&apos;t kayo&apos;y malalakas , at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo , at inyong dinaig ang masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan , ni ang mga bagay na nasa sanglibutan . Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan , ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sapagka&apos;t ang lahat na nangasa sanglibutan , ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay , ay hindi mula sa Ama , kundi sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang sanglibutan ay lumilipas , at ang masamang pita niyaon ; datapuwa&apos;t ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mumunting mga anak , ito ang huling oras : at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo , kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo ; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sila&apos;y nangagsilabas sa atin , nguni&apos;t sila&apos;y hindi sa atin ; sapagka&apos;t kung sila&apos;y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin : nguni&apos;t nangagsilabas , upang sila&apos;y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At kayo&apos;y may pahid ng Banal , at nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan , kundi dahil sa inyong nalalaman , at sapagka&apos;t alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo ? Ito ang anticristo , sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">Ang sinomang tumatanggi sa Anak , ay hindi sumasa kaniya ang Ama : ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Tungkol sa inyo , ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula . Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig , kayo naman ay mananahan sa Anak , at sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin , ang buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At tungkol sa inyo , ang pagkapahid na sa kaniya&apos;y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo , at hindi ninyo kailangang kayo&apos;y turuan ng sinoman ; nguni&apos;t kung paanong kayo&apos;y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay , at siyang totoo , at hindi kasinungalingan , at kung paanong kayo&apos;y tinuruan nito , ay gayon kayong nananahan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At ngayon , mumunti kong mga anak , manahan kayo sa kaniya ; upang , kung siya&apos;y mahayag , ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala , at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Kung nalalaman ninyong siya&apos;y matuwid , nalalaman naman ninyo na ang bawa&apos;t gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama , upang tayo&apos;y mangatawag na mga anak ng Dios ; at tayo&apos;y gayon nga . Dahil dito&apos;y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan , sapagka&apos;t siya&apos;y hindi nakilala nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Mga minamahal , ngayon ay mga anak tayo ng Dios , at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo . Nalalaman natin , na kung siya&apos;y mahayag , tayo&apos;y magiging katulad niya : sapagka&apos;t siya&apos;y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili , gaya naman niyang malinis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan : at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nalalaman ninyo na siya&apos;y nahayag upang magalis ng mga kasalanan ; at sa kaniya&apos;y walang kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala ; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya , ni hindi man nakakilala sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mumunti kong mga anak , huwag kayong padaya kanino man : ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid , gaya niya na matuwid :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo ; sapagka&apos;t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo . Sa bagay na ito&apos;y nahayag ang Anak ng Dios , upang iwasak ang mga gawa ng diablo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala , sapagka&apos;t ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya : at siya&apos;y hindi maaaring magkasala , sapagka&apos;t siya&apos;y ipinanganak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Dito nahahayag ang mga anak ng Dios , at ang mga anak ng diablo : ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios , ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula , na mangagibigan tayo sa isa&apos;t isa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Hindi gaya ni Cain na siya&apos;y sa masama , at pinatay ang kaniyang kapatid . At bakit niya pinatay ? Sapagka&apos;t ang kaniyang mga gawa ay masasama , at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Huwag kayong mangagtaka , mga kapatid , kung kayo&apos;y kinapopootan ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nalalaman nating tayo&apos;y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan , sapagka&apos;t tayo&apos;y nagsisiibig sa mga kapatid . Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao : at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Dito&apos;y nakikilala natin ang pagibig , sapagka&apos;t kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin ; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Datapuwa&apos;t ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito , at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan , at doo&apos;y ipagkait ang kaniyang awa , paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Mumunti kong mga anak , huwag tayong magsiibig ng salita , ni ng dila man ; kundi ng gawa at katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Dito&apos;y makikilala nating tayo&apos;y sa katotohanan , at papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Sapagka&apos;t kung hinahatulan tayo ng ating puso , ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso , at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mga minamahal , kung tayo&apos;y hindi hinahatulan ng ating puso , ay may pagkakatiwala tayo sa Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya , sapagka&apos;t tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ito ang kaniyang utos , na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo , at tayo&apos;y mangagibigan , ayon sa ibinigay niyang utos sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay mananahan sa kaniya , at siya ay sa kaniya . At dito&apos;y nakikilala natin na siya&apos;y nananahan sa atin , sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Mga minamahal , huwag kayong magsipaniwala sa bawa&apos;t espiritu , kundi inyong subukin ang mga espiritu , kung sila&apos;y sa Dios : sapagka&apos;t maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dito&apos;y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios : ang bawa&apos;t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang bawa&apos;t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus , ay hindi sa Dios : at ito ang sa anticristo , na inyong narinig na darating ; at ngayo&apos;y nasa sanglibutan na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Kayo&apos;y sa Dios , mumunti kong mga anak , at inyong dinaig sila : sapagka&apos;t lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sila&apos;y sa sanglibutan : kaya&apos;t tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila , at sila&apos;y dinidinig ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Tayo nga&apos;y sa Dios : ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin ; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin . Dito&apos;y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan , at ang espiritu ng kamalian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Mga minamahal , mangagibigan tayo sa isa&apos;t isa : sapagka&apos;t ang pagibig ay sa Dios ; at ang bawa&apos;t umiibig ay ipinanganak ng Dios , at nakakakilala sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios ; sapagka&apos;t ang Dios ay pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin , sapagka&apos;t sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo&apos;y mabuhay sa pamamagitan niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Narito ang pagibig , hindi sa tayo&apos;y umibig sa Dios , kundi siya ang umibig sa atin , at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Mga minamahal , kung tayo&apos;y inibig ng Dios ng gayon , ay nararapat na mangagibigan din naman tayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios : kung tayo&apos;y nangagiibigan , ang Dios ay nananahan sa atin , at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Dito&apos;y nakikilala natin na tayo&apos;y nangananahan sa kaniya at siya&apos;y sa atin , sapagka&apos;t binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios , ang Dios ay nananahan sa kaniya , at siya&apos;y sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin . Ang Dios ay pagibig ; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios , at ang Dios ay nananahan sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Dito&apos;y naging sakdal ang pagibig sa atin , upang tayo&apos;y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom ; sapagka&apos;t kung ano siya , ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Walang takot sa pagibig : kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot , sapagka&apos;t ang takot ay may kaparusahan ; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Tayo&apos;y nagsisiibig , sapagka&apos;t siya&apos;y unang umibig sa atin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Kung sinasabi ng sinoman , Ako&apos;y umiibig sa Dios , at napopoot sa kaniyang kapatid , ay sinungaling ; sapagka&apos;t ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita , ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin , na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios : at ang bawa&apos;t umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Dito&apos;y ating nakikilala na tayo&apos;y nagsisiibig sa mga anak ng Dios , pagka tayo&apos;y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ito ang pagibig sa Dios , na ating tuparin ang kaniyang mga utos : at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan : at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan , sa makatuwid ay ang ating pananampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sino ang dumadaig sa sanglibutan , kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo , sa makatuwid ay si Jesucristo ; hindi sa tubig lamang , kundi sa tubig at sa dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang Espiritu ang nagpapatotoo , sapagka&apos;t ang Espiritu ay katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sapagka&apos;t may tatlong nagpapatotoo , ang Espiritu , ang tubig , at ang dugo : at ang tatlo ay nagkakaisa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao , ay lalong dakila ang patotoo ng Dios , sapagka&apos;t ito ang patotoo ng Dios : sapagka&apos;t ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya : ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios : sapagka&apos;t hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ito ang patotoo , na tayo&apos;y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan , at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay ; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo , upang inyong maalaman na kayo&apos;y mayroong buhay na walang hanggan , sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya , na kung tayo&apos;y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban , ay dinidinig tayo niya :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung ating nalalaman na tayo&apos;y dinidinig niya sa anomang ating hingin , ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya&apos;y ating hiningi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay , ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay , na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay . May kasalanang ikamamatay : hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Lahat ng kalikuan ay kasalanan : at may kasalanang hindi ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala ; datapuwa&apos;t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili , at hindi siya ginagalaw ng masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nalalaman natin na tayo&apos;y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios , at tayo&apos;y binigyan ng pagkaunawa , upang ating makilala siya na totoo , at tayo&apos;y nasa kaniya na totoo , sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo . Ito ang tunay na Dios , at ang buhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Mga anak ko , mangagingat kayo sa mga diosdiosan .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "63">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak , na aking iniibig sa katotohanan ; at hindi lamang ako , kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin , at sasa atin magpakailan man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sumaatin nawa ang biyaya , awa , at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo , Anak ng Ama , sa katotohanan at sa pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ako&apos;y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan , ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ngayo&apos;y ipinamamanhik ko sa iyo , ginang , na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos , kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula , na tayo&apos;y mangagibigan sa isa&apos;t isa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ito ang pagibig , na tayo&apos;y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos . Ito ang utos , na tayo&apos;y mangagsilakad sa kaniya , gaya ng inyong narinig nang pasimula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan , sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman . Ito ang magdaraya at ang anticristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Mangagingat kayo sa inyong sarili , upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan , kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo , ay hindi kinaroroonan ng Dios : ang nananahan sa aral , ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung sa inyo&apos;y dumating ang sinoman , at hindi dala ang aral na ito , ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay , at huwag ninyo siyang batiin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sapagka&apos;t ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo , ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta ; datapuwa&apos;t inaasahan kong pumariyan sa inyo , at makipagusap ng mukhaan , upang malubos ang inyong galak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga anak ng iyong hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "64">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang matanda , kay Gayo na minamahal , na aking iniibig sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Minamahal , aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan , na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t ako&apos;y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan , ayon sa paglakad mo sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito , na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Minamahal , ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa mga kapatid at sa mga taga ibang lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia : na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios , sa kanilang paglalakbay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sapagka&apos;t dahil sa Pangalan , ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon , upang tayo&apos;y maging kasama sa paggawa sa katotohanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Ako&apos;y sumulat ng ilang bagay sa iglesia : datapuwa&apos;t si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila , ay hindi kami tinatanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kaya&apos;t kung pumariyan ako , ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa , na nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin : at hindi nasisiyahan sa ganito , ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid , at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila sa iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Minamahal , huwag mong tularan ang masama , kundi ang mabuti . Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios : ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Si Demetrio ay pinatototohanan ng lahat , at ng katotohanan : oo , kami man ay nagpapatotoo rin ; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay tunay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo , datapuwa&apos;t hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t inaasahan kong makita kang madali , at tayo&apos;y magkakausap ng mukhaan . Ang kapayapaa&apos;y sumainyo nawa . Binabati ka ng mga kaibigan . Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "65">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Si Judas , na alipin ni Jesucristo , at kapatid ni Santiago , sa mga tinawag , na minamahal sa Dios Ama , at iniingatang para kay Jesucristo :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa&apos;y paramihin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mga minamahal , samantalang ako&apos;y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat , ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sapagka&apos;t may ilang taong nagsipasok ng lihim , yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito , mga di banal , na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios , na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo , bagama&apos;t nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay , na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan , sa lupain ng Egipto , ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan , kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan , ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Gayon din ang Sodoma at Gomorra , at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito , na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman , ay inilagay na pinakahalimbawa , na sila&apos;y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Gayon ma&apos;y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman , at hinahamak ang mga paghahari , at nilalait ang mga puno .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Datapuwa&apos;t ang arkanghel Miguel , nang makipaglaban sa diablo , na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises , ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta , kundi sinabi , Sawayin ka nawa ng Panginoon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Datapuwa&apos;t ang mga ito&apos;y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman : at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa , ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sa aba nila ! sapagka&apos;t sila&apos;y nagsilakad sa daan ni Cain , at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa , at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang mga ito&apos;y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan , kung sila&apos;y nakikipagpiging sa inyo , mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili ; mga alapaap na walang tubig , na tinatangay ng mga hangin ; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga , na makalawang namatay , na binunot pati ugat ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Mga mabangis na alon sa dagat , na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan ; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc , na ikapito sa bilang mula kay Adam , na nagsabi , Narito , dumating ang Panginoon , na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat , at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan , at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Ang mga ito&apos;y mga mapagbulong , mga madaingin , na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita ( at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan ) , nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Nguni&apos;t kayo , mga minamahal , ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una&apos;y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Kung paanong sinabi sa inyo , Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon , na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay , malalayaw , na walang taglay na Espiritu .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Nguni&apos;t kayo , mga minamahal , papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya , na manalangin sa Espiritu Santo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios , na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang iba&apos;y inyong iligtas , na agawin ninyo sa apoy ; at ang iba&apos;y inyong kahabagan na may takot ; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod , at sa inyo&apos;y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak , sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas , sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon , ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian , ang karangalan , ang paghahari , at ang kapangyarihan , sa kaunaunahang panahon , at ngayon at magpakailan man . Siya nawa .</div3>
</div2></div1>
<div1 type = "book" n = "66">
<div2 type = "chapter" n = "1">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Ang Apocalipsis ni Jesucristo , na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin , sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali : at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na sumaksi sa salita ng Dios , at sa patotoo ni Jesucristo , sa lahat ng mga bagay na nakita niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Mapalad ang bumabasa , at ang nangakikinig ng mga salita ng hula , at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon : sapagka&apos;t ang panaho&apos;y malapit na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia : Biyaya ang sumainyo nawa , at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon , at nang nakaraan at darating ; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat , na panganay sa mga patay , at pangulo ng mga hari sa lupa . Doon sa umiibig sa atin , at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ginawa tayong kaharian , mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama ; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Narito , siya&apos;y pumaparitong nasasa mga alapaap ; at makikita siya ng bawa&apos;t mata , at ng nangagsiulos sa kaniya ; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya . Gayon din , Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Ako ang Alpha at ang Omega , sabi ng Panginoong Dios , ngayon at nang nakaraan at sa darating , ang Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Akong si Juan , na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus , ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos , dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ako&apos;y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon , at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig , na tulad sa isang pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na nagsasabi , Ang iyong nakikita , ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia : sa Efeso , at sa Smirna , at sa Pergamo , at sa Tiatira , at sa Sardis , at sa Filadelfia , at sa Laodicea .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ako&apos;y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin . At nang ako&apos;y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao , na may suot na damit hanggang sa paa , at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa , gaya ng niebe ; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli , na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal ; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin : at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim : at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang siya&apos;y aking makita , ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan . At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay , na sinasabi , Huwag kang matakot ; ako&apos;y ang una at ang huli ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang Nabubuhay ; at ako&apos;y namatay , at narito , ako&apos;y nabubuhay magpakailan man , at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo , at ang mga bagay ngayon , at ang mga bagay na mangyayari sa darating ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay , at ng pitong kandelerong ginto . Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia : at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "2">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay , na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Nalalaman ko ang iyong mga gawa , at ang iyong pagpapagal at pagtitiis , at hindi mo matiis ang masasamang tao , at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol , at sila&apos;y hindi gayon , at nasumpungan mo silang pawang bulaan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan , at hindi ka napagod .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t mayroon akong laban sa iyo , na iyong iniwan ang iyong unang pagibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Kaya&apos;t alalahanin mo kung saan ka nahulog , at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa ; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo , at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan , maliban na magsisi ka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Nguni&apos;t ito&apos;y nasa iyo , na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita , na kinapopootan ko naman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Ang magtagumpay , ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay , na nasa Paraiso ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli , na namatay , at muling nabuhay :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Nalalaman ko ang iyong kapighatian , at ang iyong kadukhaan ( datapuwa&apos;t ikaw ay mayaman ) , at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila&apos;y mga Judio , at hindi sila gayon , kundi isang sinagoga ni Satanas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin : narito , malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan , upang kayo&apos;y masubok ; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw . Magtapat ka hanggang sa kamatayan , at bibigyan kita ng putong ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Nalalaman ko kung saan ka tumatahan , sa makatuwid baga&apos;y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas ; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan , at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya , kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi , aking taong tapat , na pinatay sa gitna ninyo , na tinatahanan ni Satanas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Datapuwa&apos;t mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo , sapagka&apos;t mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam , na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel , upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan , at makiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Magsisi ka nga ; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo , at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago , at siya&apos;y bibigyan ko ng isang batong puti , at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan , na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios , na may mga matang gaya ng ningas ng apoy , at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Nalalaman ko ang iyong mga gawa , at ang iyong pagibig , at pananampalataya at ministerio at pagtitiis , at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Datapuwa&apos;t mayroon akong laban sa iyo , na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel , na nagpapanggap na propetisa ; at siya&apos;y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid , at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi ; at siya&apos;y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Narito , akin siyang iniraratay sa higaan , at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian , maliban na kung sila&apos;y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak ; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako&apos;y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso : at bibigyan ko ang bawa&apos;t isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">Datapuwa&apos;t sinasabi ko sa inyo , sa mga iba na nasa Tiatira , sa lahat ng walang aral na ito , na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas , gaya ng sinasabi nila ; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">Gayon ma&apos;y ang nasa inyo&apos;y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako&apos;y pumariyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At ang magtagumpay , at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan , ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At sila&apos;y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal , gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok ; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "28">At sa kaniya&apos;y ibibigay ko ang tala sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "29">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "3">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios , at may pitong bituin : Nalalaman ko ang iyong mga gawa , na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay , at ikaw ay patay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Magpuyat ka , at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira , na malapit ng mamatay : sapagka&apos;t wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig ; at ito&apos;y tuparin mo , at magsisi ka . Kaya&apos;t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw , at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Nguni&apos;t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit : at sila&apos;y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi ; sapagka&apos;t sila&apos;y karapatdapat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit ; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay , at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama , at sa harapan ng kaniyang mga anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal , niyaong totoo , niyaong may susi ni David , niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman , at naglalapat at di maibubukas ng sinoman :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nalalaman ko ang iyong mga gawa ( narito , inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas , na di mailalapat ng sinoman ) , na ikaw ay may kaunting kapangyarihan , at tinupad mo ang aking salita , at hindi mo ikinaila ang aking pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito , ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas , ang mga nagsasabing sila&apos;y mga Judio , at sila&apos;y hindi , kundi nangagbubulaan ; narito , sila&apos;y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa , at nang maalamang ikaw ay aking inibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Sapagka&apos;t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis , ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok , na darating sa buong sanglibutan , upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ako&apos;y dumarating na madali : panghawakan mong matibay ang nasa iyo , upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang magtagumpay , ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios , at hindi na siya&apos;y lalabas pa doon : at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios , at ang pangalan ng bayan ng aking Dios , ang bagong Jerusalem , na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios , at ang aking sariling bagong pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa , ng saksing tapat at totoo , ng pasimula ng paglalang ng Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nalalaman ko ang iyong mga gawa , na ikaw ay hindi malamig o mainit man : ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Kaya sapagka&apos;t ikaw ay malahininga , at hindi mainit o malamig man , ay isusuka kita sa aking bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t sinasabi mo , Ako&apos;y mayaman , at nagkamit ng kayamanan , at hindi ako nangangailangan ng anoman ; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy , upang ikaw ay yumaman : at ng mapuputing damit , upang iyong maisuot , at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran ; at ng pangpahid sa mata , na ipahid sa iyong mga mata , upang ikaw ay makakita .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang lahat kong iniibig , ay aking sinasaway at pinarurusahan : ikaw nga&apos;y magsikap , at magsisi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Narito ako&apos;y nakatayo sa pintuan at tumutuktok : kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto , ako&apos;y papasok sa kaniya , at hahapong kasalo niya , at siya&apos;y kasalo ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang magtagumpay , ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan , gaya ko naman na nagtagumpay , at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "4">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako , at narito , ang isang pintong bukas sa langit , at ang unang tinig na aking narinig , na gaya ng sa pakakak , na nakikipagusap sa akin , ay sa isang nagsasabi , Umakyat ka rito , at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Pagdaka&apos;y napasa Espiritu ako : at narito , may isang luklukang nalalagay sa langit , at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio : at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu&apos;t apat na luklukan : at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu&apos;t apat na matatanda , na nadaramtan ng mapuputing damit ; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat , at mga tinig at mga kulog . At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan , na siyang pitong Espiritu ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa harapan ng luklukan , ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin ; at sa gitna ng luklukan , at sa palibot ng luklukan , ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon , at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka , at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao , at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang apat na nilalang na buhay , na may anim na pakpak bawa&apos;t isa sa kanila , ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob ; at sila&apos;y walang pahinga araw at gabi , na nagsasabi , Banal , banal , banal , ang Panginoong Dios , ang Makapangyarihan sa lahat , na nabuhay at nabubuhay at siyang darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri , at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan , doon sa nabubuhay magpakailan kailan man ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ang dalawangpu&apos;t apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan , at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man , at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Marapat ka , Oh Panginoon namin at Dios namin , na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan : sapagka&apos;t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw , at nangalikha .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "5">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas , na tinatakang mahigpit ng pitong tatak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig , Sinong karapatdapat magbukas ng aklat , at magtanggal ng mga tatak nito ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sinoman sa langit , o sa ibabaw man ng lupa , o sa ilalim man ng lupa , ay hindi makapagbukas ng aklat , o makatingin man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ako&apos;y umiyak na mainam , sapagka&apos;t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat , o makatingin man :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sinabi sa akin ng isa sa matatanda , Huwag kang umiyak ; narito , ang Leon sa angkan ni Juda , ang Ugat ni David , ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay , at sa gitna ng matatanda , ang isang Cordero na nakatayo , na wari ay pinatay , na may pitong sungay , at pitong mata , na siyang pitong Espiritu ng Dios , na sinugo sa buong lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At siya&apos;y lumapit , at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At pagkakuha niya ng aklat , ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu&apos;t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero , na ang bawa&apos;t isa&apos;y may alpa , at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan , na siyang mga panalangin ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y nangagaawitan ng isang bagong awit , na nagsasabi , Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat , at magbukas ng mga tatak nito : sapagka&apos;t ikaw ay pinatay , at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa&apos;t angkan , at wika , at bayan , at bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios ; at sila&apos;y nangaghahari sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakita ko , at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda ; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nangagsasabi ng malakas na tinig , Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan , at kayamanan , at karunungan , at kalakasan , at kapurihan , at kaluwalhatian , at pagpapala .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang bawa&apos;t bagay na nilalang na nasa langit , at nasa ibabaw ng lupa , at nasa ilalim ng lupa , at nasa ibabaw ng dagat , at lahat ng mga bagay na nasa mga ito , ay narinig kong nangagsasabi , Sa kaniya na nakaupo sa luklukan , at sa Cordero ay ang pagpapala , at kapurihan , at kaluwalhatian , at paghahari , magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi , Siya nawa . At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "6">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak , at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay , na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog , Halika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At tumingin ako , at narito , ang isang kabayong maputi , at yaong nakasakay dito ay may isang busog ; at binigyan siya ng isang putong : at siya&apos;y yumaong nagtatagumpay , at upang magtagumpay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nang buksan niya ang ikalawang tatak , ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay , na sinasabi , Halika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At may lumabas na ibang kabayo , na kabayong mapula : at ang nakasakay dito , ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan , at upang mangagpatayan ang isa&apos;t isa : at binigyan siya ng isang malaking tabak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At nang buksan niya ang ikatlong tatak , ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay , na nagsasabi , Halika . At tumingin ako , at narito , ang isang kabayong maitim ; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi , Sa isang denario ay isang takal na trigo , at sa isang denario ay tatlong takal na sebada ; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nang buksan niya ang ikaapat na tatak , ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi , Halika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At tumingin ako , at narito , ang isang kabayong maputla : at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan ; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya . At sila&apos;y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa , na pumatay sa pamamagitan ng tabak , at ng gutom , at ng salot , at ng mga ganid na hayop sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nang buksan niya ang ikalimang tatak , ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios , at dahil sa patotoong sumakanila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y sumigaw ng tinig na malakas , na nagsasabi , Hanggang kailan , Oh Panginoong banal at totoo , hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo , sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At binigyan ang bawa&apos;t isa sa kanila ng isang maputing balabal ; at sa kanila&apos;y sinabi , na mangagpahinga pa ng kaunting panahon , hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid , na mga papatayin namang gaya nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak , at nagkaroon ng malakas na lindol ; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim , at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa , gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon ; at ang bawa&apos;t bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang mga hari sa lupa , at ang mga prinsipe , at ang mga pangulong kapitan , at ang mayayaman , at ang mga makapangyarihan , at ang bawa&apos;t alipin at ang bawa&apos;t laya , ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato , Mahulog kayo sa amin , at kami&apos;y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan , at sa galit ng Cordero :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan ; at sino ang makatatayo ?</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "7">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa , na pinipigil ang apat na hangin ng lupa , upang huwag humihip ang hangin sa lupa , o sa dagat man , o sa anomang punong kahoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw , na taglay ang tatak ng Dios na buhay : at siya&apos;y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Na nagsasabi , Huwag ninyong ipahamak ang lupa , kahit ang dagat , kahit ang mga punong kahoy , hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At narinig ko ang bilang ng mga natatakan , na isang daan at apat na pu&apos;t apat na libo , na natatakan , sa bawa&apos;t angkan ng mga anak ni Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan ; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako , at narito , ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman , na mula sa bawa&apos;t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika , na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero , na nangadaramtan ng mapuputing damit , at may mga palma sa kanilang mga kamay ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nagsisigawan ng tinig na malakas , na nangagsasabi , Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan , at sa Cordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan , at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay ; at sila&apos;y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan , at nangagsisamba sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na nangagsasabi , Siya nawa : Pagpapala at kaluwalhatian , at karunungan , at pagpapasalamat , at karangalan , at kapangyarihan , at kalakasan , nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man . Siya nawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At sumagot ang isa sa matatanda na , nagsasabi sa akin , Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit , ay sino-sino at saan nagsipanggaling ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sinabi ko sa kaniya , Panginoon ko , Ikaw ang nakakaalam . At sinabi niya sa akin , Ang mga ito&apos;y ang nanggaling sa malaking kapighatian , at nangaghugas ng kanilang mga damit , at pinaputi sa dugo ng Cordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Kaya&apos;t sila&apos;y nasa harapan ng luklukan ng Dios ; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo : at siyang nakaupo sa luklukan , ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Sila&apos;y hindi na magugutom pa , ni mauuhaw pa man ; ni hindi na sila tatamaan ng araw , o ng anomang init :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila , at sila&apos;y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay : at papahirin ng Dios ang bawa&apos;t luha ng kanilang mga mata .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "8">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nang buksan niya ang ikapitong tatak , ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios ; at sila&apos;y binigyan ng pitong pakakak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana , na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan ; at binigyan siya ng maraming kamangyan , upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto , na nasa harapan ng luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ang usok ng kamangyan , kalakip ng mga panalangin ng mga banal , ay napailanglang mula sa kamay ng anghel , sa harapan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan ; at pinuno niya ng apoy ng dambana , at itinapon sa lupa : at nagkaroon ng mga kulog , at mga tinig , at mga kidlat , at ng isang lindol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At humihip ang una , at nagkaroon ng granizo at apoy , na may halong dugo , at itinapon sa lupa : at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog , at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog , at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At humihip ang ikalawang anghel , at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat : at ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat , na mga may buhay ; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At humihip ang ikatlong anghel , at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin , na nagliliyab na gaya ng isang sulo , at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog , at sa mga bukal ng tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo : at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo ; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig , sapagka&apos;t mapait ang tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At humihip ang ikaapat na anghel , at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw , at ang ikatlong bahagi ng buwan , at ang ikatlong bahagi ng bituin ; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila , at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag , at gayon din naman ang gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nakita ko , at narinig ko ang isang anghel , na lumilipad sa pagitan ng langit , na nagsasabi ng malakas na tinig , Sa aba , sa aba , sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa , dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel , na magsisihihip pa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "9">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At humihip ang ikalimang anghel , at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit : at sa kaniya&apos;y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At binuksan niya ang balon ng kalaliman ; at napailanglang ang usok mula sa hukay , na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal ; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nangagsilabas sa usok ang mga balang sa lupa ; at binigyan sila ng kapangyarihan , na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa , ni ang anomang bagay na sariwa , ni ang anomang punong kahoy , kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito , kundi pahirapan nilang limang buwan : at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan , at sa anomang paraa&apos;y hindi nila masusumpungan ; at mangagnanasang mamatay , at ang kamatayan ay tatakas sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka ; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto , at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sila&apos;y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae , at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sila&apos;y may mga baluti , na gaya ng baluting bakal ; at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro , at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan , at mga tibo ; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Sila&apos;y may pinakahari na anghel ng kalaliman : ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon , at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na : narito , darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At humihip ang ikaanim na anghel , at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak , Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kinalagan ang apat na anghel , na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo : aking narinig ang bilang nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo , at ang mga nakasakay dito , na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre : at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon ; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao , sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre , na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Sapagka&apos;t ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig , at nasa kanilang mga buntot ; sapagka&apos;t ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas , at may mga ulo ; at siya nilang ipinananakit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At ang nalabi sa mga tao , na hindi napatay sa mga salot na ito , ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay , upang huwag sumamba sa mga demonio , at sa mga diosdiosang ginto , at pilak , at tanso , at bato , at kahoy ; na hindi nangakakakita , ni nangakaririnig man , ni nangakalalakad man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At sila&apos;y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay , kahit man sa kanilang panggagaway , kahit man sa kanilang pakikiapid , kahit man sa kanilang pagnanakaw .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "10">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit , na nabibihisan ng isang alapaap ; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo , at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw , at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay : at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat , at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sumigaw ng malakas na tinig , na gaya ng leon na umaangal : at pagkasigaw niya , ay ang pitong kulog ay umugong .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At pagkaugong ng pitong kulog , ay isusulat ko sana : at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit , na nagsasabi , Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog , at huwag mong isulat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man , na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon , at ng lupa at ng mga bagay na naririto , at ng dagat at ng mga bagay na naririto , na hindi na magluluwat ang panahon :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel , pagka malapit nang siya&apos;y humihip , kung magkagayo&apos;y ganap na ang hiwaga ng Dios , ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang tinig na aking narinig na mula sa langit , ay muling nagsalita sa akin , at nagsabi , Humayo ka , kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ako&apos;y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat . At kaniyang sinabi sa akin , Kunin mo ito , at ito&apos;y kanin mo ; at papapaitin ang iyong tiyan , datapuwa&apos;t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel , at aking kinain ; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot : at nang aking makain , ay pumait ang aking tiyan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sinasabi nila sa akin , Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "11">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat : at may isang nagsabi , Magtindig ka , at sukatin mo ang templo ng Dios , at ang dambana , at ang mga sumasamba doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo , at huwag mong sukatin ; sapagka&apos;t ibinigay sa mga Gentil ; at kanilang yuyurakang apat na pu&apos;t dalawang buwan ang banal na siudad .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi , at sila&apos;y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw , na nararamtan ng magagaspang na kayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga ito&apos;y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero , na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At kung nasain ng sinoman na sila&apos;y ipahamak , ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig , at lumalamon sa kanilang mga kaaway ; at kung nasain ng sinoman na sila&apos;y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ang mga ito&apos;y may kapangyarihang magsara ng langit , upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula : at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo , at mapahirapan ang lupa ng bawa&apos;t salot sa tuwing kanilang nasain .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At pagka natapos nila ang kanilang patotoo , ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila , at pagtatagumpayan sila , at sila&apos;y papatayin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan , na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto , na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa , ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati , at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila , at mangatutuwa ; at sila&apos;y mangagpapadalahan ng mga kaloob ; sapagka&apos;t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati , ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila , at sila&apos;y nangagsitindig ; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila , Umakyat kayo rito . At sila&apos;y umakyat sa langit sa isang alapaap ; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol , at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan ; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao : at ang mga iba ay nangatatakot , at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba : narito , nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At humihip ang ikapitong anghel ; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit , at nagsasabi , Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon , at sa kaniyang Cristo : at siya&apos;y maghahari magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang dalawangpu&apos;t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa , at nangagsisamba sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Na nangagsasabi , Pinasasalamatan ka namin , Oh Panginoong Dios , na Makapangyarihan sa lahat , na ikaw ngayon , at naging ikaw nang nakaraan ; sapagka&apos;t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan , at ikaw ay naghari .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangagalit ang mga bansa , at dumating ang iyong poot , at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan , at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta , at sa mga banal , at sa mga natatakot sa iyong pangalan , maliliit at malalaki ; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit : at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan ; at nagkaroon ng mga kidlat , at mga tinig , at mga kulog , at isang lindol , at malaking granizo .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "12">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit : isang babae na nararamtan ng araw , at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa , at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y nagdadalang tao ; at siya&apos;y sumisigaw , na nagdaramdam sa panganganak , at sa hirap upang manganak .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ang ibang tanda ay nakita sa langit : at narito , ang isang malaking dragong mapula , na may pitong ulo at sangpung sungay , at sa kaniyang mga ulo&apos;y may pitong diadema .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit , at ipinaghagis sa lupa : at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na , upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At siya&apos;y nanganak ng isang anak na lalake , na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa : at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios , at hanggang sa kaniyang luklukan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At tumakas ang babae sa ilang , na doon siya&apos;y ipinaghanda ng Dios ng isang dako , upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At nagkaroon ng pagbabaka sa langit : si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon ; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At hindi sila nanganalo , ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At inihagis ang malaking dragon , ang matandang ahas , ang tinatawag na Diablo at Satanas , ang dumadaya sa buong sanglibutan ; siya&apos;y inihagis sa lupa , at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit , na nagsasabi , Ngayo&apos;y dumating ang kaligtasan , at ang kapangyarihan , at ang kaharian ng ating Dios , at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo : sapagka&apos;t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila&apos;y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At siya&apos;y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero , at dahil sa salita ng kanilang patotoo , at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Kaya&apos;t mangagalak kayo , Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan . Sa aba ng lupa at ng dagat : sapagka&apos;t ang diablo&apos;y bumaba sa inyo , na may malaking galit , sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nang makita ng dragon na siya&apos;y inihagis sa lupa , ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At sa babae&apos;y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki , upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan , na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon , at mga panahon , at kalahati ng isang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog , upang maipatangay siya sa agos .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At tinulungan ng lupa ang babae , at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nagalit ang dragon sa babae , at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi , na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios , at mga may patotoo ni Jesus :</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "13">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At siya&apos;y tumayo sa buhanginan ng dagat . At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat , na may sangpung sungay at pitong ulo , at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema , at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo , at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso , at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon : at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan , at ang kaniyang luklukan , at dakilang kapamahalaan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay ; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling : at ang buong lupa&apos;y nanggilalas sa hayop ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At sila&apos;y nangagsisamba sa dragon , sapagka&apos;t ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop ; at nangagsisamba sa hayop , na nangagsasabi , Sino ang kagaya ng hayop ? at sinong makababaka sa kaniya ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan : at binigyan siya ng kapamahalaan , upang magpatuloy na apat na pu&apos;t dalawang buwan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios , upang pusungin ang kaniyang pangalan , at ang kaniyang tabernakulo , gayon din naman ang mga nananahan sa langit .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal , at pagtagumpayan sila ; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa&apos;t angkan at bayan at wika at bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya , na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Kung ang sinoman ay may pakinig , ay makinig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Kung ang sinoman ay sa pagkabihag , ay sa pagkabihag paroroon siya : kung ang sinoman ay papatay sa tabak , ay dapat siyang mamatay sa tabak . Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa ; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero , at siya&apos;y nagsasalitang gaya ng dragon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin . At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop , na gumaling ang sugat na ikamamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y gumagawa ng mga dakilang tanda , na ano pa&apos;t nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya&apos;y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop ; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa , na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At siya&apos;y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop , upang ang larawan ng hayop ay makapangusap , at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang lahat , maliliit at malalaki , at mayayaman at mga dukha , at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay , o sa noo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman , kundi siyang mayroong tanda , sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Dito&apos;y may karunungan . Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop ; sapagka&apos;t siyang bilang ng isang tao : at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu&apos;t anim .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "14">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At tumingin ako , at narito , ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion , at ang kasama niya&apos;y isang daan at apat na pu&apos;t apat na libong may pangalan niya , at pangalan ng kaniyang Ama , na nasusulat sa kanikaniyang noo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit , na gaya ng lagaslas ng maraming tubig , at gaya ng ugong ng malakas na kulog : at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y nangagaawitan na wari&apos;y isang bagong awit sa harapan ng luklukan , at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda : at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu&apos;t apat na libo lamang , sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Ang mga ito&apos;y ang hindi nangahawa sa mga babae ; sapagka&apos;t sila&apos;y mga malilinis . At ang mga ito&apos;y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon . Ang mga ito&apos;y ang binili sa gitna ng mga tao , na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan : sila&apos;y mga walang dungis .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit , na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa , at sa bawa&apos;t bansa at angkan at wika at bayan ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinasabi niya ng malakas na tinig , Matakot kayo sa Dios , at magbigay kaluwalhatian sa kaniya ; sapagka&apos;t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol : at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang iba , ang pangalawang anghel , ay sumunod na nagsasabi , Naguho , naguho ang dakilang Babilonia , na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang ibang anghel , ang pangatlo , ay sumunod sa kanila , na nagsasabi ng malakas na tinig , Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan , at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo , o sa kaniyang kamay ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios , na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan ; at siya&apos;y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel , at sa harapan ng Cordero :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man ; at sila&apos;y walang kapahingahan araw at gabi , silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan , at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito ang pagtitiyaga ng mga banal , ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios , at ng pananampalataya kay Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi , Isulat mo , Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon : oo , sinasabi ng Espiritu , upang sila&apos;y mangagpahinga sa kanilang mga gawa ; sapagka&apos;t ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At nakita ko , at narito , ang isang alapaap na maputi ; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao , na sa kaniyang ulo&apos;y may isang putong na ginto , at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At lumabas ang ibang anghel sa templo , na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap , Ihulog mo ang iyong panggapas , at gumapas ka ; sapagka&apos;t dumating ang oras ng paggapas , sapagka&apos;t ang aanihin sa lupa ay hinog na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa ; at ang lupa ay nagapasan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit , na may panggapas din namang matalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana , na siyang may kapangyarihan sa apoy , at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas , na sinasabi , Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas , at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa ; sapagka&apos;t ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa , at pinuti ang mga ubas sa lupa , at inihagis sa pisaan ng ubas , sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan , at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo , na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo , sa lawak na isang libo at anim na raang estadio .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "15">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakita ko ang ibang tanda sa langit , dakila at kagilagilalas . Pitong anghel na may pitong salot , na siyang mga panghuli , sapagka&apos;t sa mga yao&apos;y magaganap ang kagalitan ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy , at yaong nangagtagumpay sa hayop , at sa kaniyang larawan , at sa bilang ng kaniyang pangalan , ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog , na may mga alpa ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios , at ang awit ng Cordero , na sinasabi , Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa , Oh Panginoong Dios , na Makapangyarihan sa lahat ; matuwid at tunay ang iyong mga daan , ikaw na Hari ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">Sinong hindi matatakot , Oh Panginoon , at luluwalhatiin ang iyong pangalan ? sapagka&apos;t ikaw lamang ang banal ; sapagka&apos;t ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo ; sapagka&apos;t ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako , at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot , na nararamtan ng mahalagang bato , tunay at makintab , at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios , na siyang nabubuhay magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios , at sa kaniyang kapangyarihan ; at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario , hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "16">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario , na nagsasabi sa pitong anghel , Humayo kayo , at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At humayo ang una , at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa ; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon , at nangagsisamba sa kaniyang larawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat ; at naging dugo na gaya ng isang patay ; at bawa&apos;t kaluluwang may buhay , sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig ; at nangaging dugo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi , Matuwid ka , na ngayon at nang nakaraan , Oh Banal , sapagka&apos;t humatol ka na gayon ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Sapagka&apos;t ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta , at pinainom mo sila ng dugo ; ito&apos;y karapatdapat sa kanila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At narinig ko ang dambana na nagsasabi , Oo , Oh Panginoong Dios , na Makapangyarihan sa lahat , tunay at matuwid ang iyong mga hatol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw ; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangasunog ang mga tao sa matinding init : at sila&apos;y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito ; at hindi sila nangagsisi upang siya&apos;y luwalhatiin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon ; at nagdilim ang kaniyang kaharian ; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At sila&apos;y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat ; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates ; at natuyo ang tubig nito , upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon , at sa bibig ng hayop , at sa bibig ng bulaang propeta , ang tatlong espiritung karumaldumal , na gaya ng mga palaka :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Sapagka&apos;t sila&apos;y mga espiritu ng mga demonio , na nagsisigawa ng mga tanda ; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan , upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios , na Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">( Narito , ako&apos;y pumaparitong gaya ng magnanakaw . Mapalad siyang nagpupuyat , at nagiingat ng kaniyang mga damit , na baka siya&apos;y lumakad na hubad , at makita nila ang kaniyang kahihiyan . )</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin ; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig , mula sa luklukan na nagsasabi , Nagawa na :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nagkaroon ng mga kidlat , at mga tinig , at mga kulog ; at nagkaroon ng malakas na lindol , na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa , isang lindol na lubhang malakas , lubhang kakilakilabot .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo , at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho : at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios , upang siya&apos;y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At tumakas ang bawa&apos;t pulo , at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit , at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo ; sapagka&apos;t ang salot na ito ay lubhang malaki .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "17">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok , at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Pumarito ka , ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa , at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At ako&apos;y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang : at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula , na puno ng mga pangalang pamumusong , na may pitong ulo at sangpung sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula , at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas , na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam , atng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan , HIWAGA , DAKILANG BABILONIA , INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal , at sa dugo ng mga martir ni Jesus . At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At sinabi sa akin ng anghel , Bakit ka nanggilalas ? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae , at ng hayop na sinasakyan niya , na may pitong ulo at sangpung sungay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At ang hayop na nakita mo ay naging siya , at wala na ; at malapit ng umahon sa kalaliman , at patungo sa kapahamakan . At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan , pagkakita nila sa hayop , kung paano naging siya at wala na , at darating .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">Narito ang pagiisip na may karunungan . Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sila&apos;y pitong hari ; ang lima ay nanga buwal , ang isa&apos;y narito , ang isa ay hindi pa dumarating ; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang hayop na naging siya , at wala na , ay siya ring ikawalo at siya&apos;y sa pito at siya&apos;y patungo sa kapahamakan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari , na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian ; datapuwa&apos;t magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ang mga ito ay may isang kaisipan , at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero , at sila&apos;y dadaigin ng Cordero , sapagka&apos;t siya&apos;y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari ; at ng mga kasama niya , na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sinabi niya sa akin , Ang tubig na iyong nakita , na kinauupuan ng patutot , ay mga bayan , at mga karamihan , at mga bansa , at mga wika .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang sangpung sungay na iyong nakita , at ang hayop , ay siyang nangapopoot sa patutot , at siya&apos;y pababayaan at huhubaran , at kakanin ang kaniyang laman , at siya&apos;y lubos na susupukin ng apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan , at mangagkaisa ng kaisipan , at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop , hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan , na naghahari sa mga hari sa lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "18">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit , na may dakilang kapamahalaan ; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At siya&apos;y sumigaw ng malakas na tinig , na nagsasabi , Naguho , naguho ang dakilang Babilonia , at naging tahanan ng mga demonio , at kulungan ng bawa&apos;t espiritung karumaldumal , at kulungan ng bawa&apos;t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">Sapagka&apos;t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa ; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya , at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit , na nagsasabi , Mangagsilabas kayo sa kaniya , bayan ko , upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan , at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Sapagka&apos;t ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo , at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa : sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Kung gaano ang pagkakapagmapuri , at pagkapamuhay na malayaw , ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa : sapagka&apos;t sinasabi niya sa kaniyang puso , Ako&apos;y nakaupong reina , at hindi ako bao , at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Kaya&apos;t darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya , kamatayan at pagluluksa , at gutom ; at siya&apos;y lubos na susunugin sa apoy ; sapagka&apos;t malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At ang mga hari sa lupa , na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya , ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya , pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya , na nangagsasabi , Sa aba , sa aba ng dakilang bayang Babilonia , ng bayang matibay ! sapagka&apos;t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya , sapagka&apos;t wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Ng kalakal na ginto at pilak , at mahalagang bato , at mga perlas , at mainam na lino , at kayong kulay ube , at sutla , at kayong pula ; at sarisaring mababangong kahoy , at bawa&apos;t kasangkapang garing , at bawa&apos;t kasangkapang mahalagang kahoy , at tanso , at bakal , at marmol ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At kanela , at especias , at incienso , at ungguento , at kamangyan , at alak , at langis , at mainam na harina , at trigo , at mga baka , at mga tupa ; at kalakal na mga kabayo at mga karo , at mga alipin ; at mga kaluluwa ng mga tao .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo , at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo , at hindi na mangasusumpungan pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito , na nangagsiyaman dahil sa kaniya , ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya , na nagsisiiyak at nagsisipagluksa ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Na nangagsasabi , Sa aba , sa aba , niyaong dakilang bayan , siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube , at pula , at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas !</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">Sapagka&apos;t sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan . At bawa&apos;t pinunong daong , at bawa&apos;t naglalayag saan mang dako , at ang mga mangdaragat , at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat , ay nangakatayo sa malayo ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog , na nangagsasabi , Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan ?</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At sila&apos;y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo , at nagsisigawan , na nagiiyakan at nagtataghuyan , na nangagsasabi , Sa aba , sa aba , ang dakilang bayan , na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan ! sapagka&apos;t sa loob ng isang oras ay nalipol .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Magalak ka tungkol sa kaniya , Oh langit , at kayong mga banal , at kayong mga apostol , at kayong mga propeta ; sapagka&apos;t inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato , na gaya ng isang malaking gilingang bato , at inihagis sa dagat , na sinasabi , Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog , igigiba ang Babilonia , ang dakilang bayan , at hindi na masusumpungan pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa , at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta , at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo ; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo ; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo , at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo ; sapagka&apos;t ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa ; sapagka&apos;t dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta , at ng mga banal , at ng lahat ng mga pinatay sa lupa .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "19">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit , na nagsasabi , Aleluya ; Kaligtasan , at kaluwalhatian , at kapangyarihan , ay nauukol sa ating Dios :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sapagka&apos;t tunay at matuwid ang kaniyang mga paghatol ; sapagka&apos;t hinatulan niya ang bantog na patutot , na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid , at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At sila&apos;y muling nangagsabi , Aleluya . At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nangagpatirapa ang dalawangpu&apos;t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay , at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan , na nangagsasabi , Siya nawa ; Aleluya .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At lumabas ang isang tinig sa luklukan , na nagsasabi , Purihin ninyo ang ating Dios , ninyong lahat na mga lingkod niya , ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya , maliliit at malalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan , at gaya ng lagaslas ng maraming tubig , at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi , Aleluya : sapagka&apos;t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Tayo&apos;y mangagalak at tayo&apos;y mangagsayang mainam , at siya&apos;y ating luwalhatiin ; sapagka&apos;t dumating ang pagkakasal ng Cordero , at ang kaniyang asawa ay nahahanda na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At sa kaniya&apos;y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino , makintab at tunay ; sapagka&apos;t ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinasabi niya sa akin , Isulat mo , Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero . At sinasabi niya sa akin , Ang mga ito&apos;y siyang tunay na mga salita ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ako&apos;y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya&apos;y aking sambahin . At sinasabi niya sa akin , Ingatan mong huwag gawin iyan : ako&apos;y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus : sumamba ka sa Dios : sapagka&apos;t ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakita kong bukas ang langit ; at narito , ang isang kabayong maputi , at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo ; at sa katuwiran siya&apos;y humahatol at nakikipagbaka .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy , at sa kaniyang ulo ay maraming diadema ; at siya&apos;y may isang pangalang nakasulat , na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At siya&apos;y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo : at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti , at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas , upang sa pamamagitan nito&apos;y sugatan niya ang mga bansa : at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal : at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At siya&apos;y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita , HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw ; na siya&apos;y sumisigaw ng malakas na tinig , na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid , Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Upang kayo&apos;y makakain ng laman ng mga hari , at ng laman ng mga pangulong kapitan , at ng laman ng mga taong makapangyarihan , at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito , at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man , at maliliit at malalaki .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At nakita ko ang hayop , at ang mga hari sa lupa , at ang kanilang mga hukbo , na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo , at laban sa kaniyang hukbo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">At sinunggaban ang hayop , at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito , na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito : ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo , at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "20">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit , na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At sinunggaban niya ang dragon , ang matandang ahas , na siyang Diablo at Satanas , at ginapos na isang libong taon ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At siya&apos;y ibinulid sa kalaliman at sinarhan , at tinatakan ito sa ibabaw niya , upang huwag ng magdaya sa mga bansa , hanggang sa maganap ang isang libong taon : pagkatapos nito ay kailangang siya&apos;y pawalang kaunting panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At nakakita ako ng mga luklukan , at may mga nagsisiluklok sa mga ito , sila&apos;y pinagkalooban ng paghatol : at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus , at dahil sa salita ng Dios , at ang mga hindi sumamba sa hayop , o sa kaniyang larawan man , at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay ; at sila&apos;y nangabuhay , at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon . Ito ang unang pagkabuhay na maguli .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli : sa mga ito&apos;y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan ; kundi sila&apos;y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo , at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At kung maganap na ang isang libong taon , si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa , sa Gog at sa Magog , upang tipunin sila sa pagbabaka : na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa , at kinubkob ang kampamento ng mga banal , at ang bayang iniibig : at bumaba ang apoy mula sa langit , at sila&apos;y nasupok .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre , na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta ; at sila&apos;y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi , at ang nakaluklok doon , na sa kaniyang harapan , ang lupa at ang langit ay tumakas ; at walang nasumpungang kalalagyan nila .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">At nakita ko ang mga patay , malalaki at maliliit , na nangakatayo sa harapan ng luklukan ; at nangabuksan ang mga aklat : at nabuksan ang ibang aklat , na siyang aklat ng buhay : at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat , ayon sa kanilang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya ; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila : at sila&apos;y hinatulan bawa&apos;t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy . Ito ang ikalawang kamatayan , sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay , ay ibinulid sa dagatdagatang apoy .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "21">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa : sapagka&apos;t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam ; at ang dagat ay wala na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">At nakita ko ang bayang banal , ang bagong Jerusalem , na nananaog mula sa langit buhat sa Dios , na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan , na nagsasabi , Narito , ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao , at siya&apos;y mananahan sa kanila , at sila&apos;y magiging mga bayan niya , at ang Dios din ay sasa kanila , at magiging Dios nila :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At papahirin niya ang bawa&apos;t luha sa kanilang mga mata ; at hindi na magkakaroon ng kamatayan ; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati , o ng pananambitan man , o ng hirap pa man : ang mga bagay nang una ay naparam na .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi , Narito , ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay . At sinabi niya , Isulat mo : sapagka&apos;t ang mga salitang ito ay tapat at tunay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa akin , Nagawa na . Ako ang Alpha at ang Omega , ang pasimula at ang wakas . Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito ; at ako&apos;y magiging Dios niya , at siya&apos;y magiging anak ko .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">Nguni&apos;t sa mga duwag , at sa mga hindi mananampalataya , at sa mga kasuklamsuklam , at sa mga mamamatay-tao , at sa mga mapakiapid , at sa mga manggagaway , at sa mga mapagsamba sa diosdiosan , at sa lahat na mga sinungaling , ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre ; na siyang ikalawang kamatayan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok , na mga puno ng pitong huling salot ; at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Halika , ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan , ang asawa ng Cordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok , at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem , na nananaog mula sa langit buhat sa Dios ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Na may kaluwalhatian ng Dios : ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato , na gaya ng batong jaspe , na malinaw na gaya ng salamin :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Na may isang malaki at mataas na kuta ; na may labingdalawang pintuan , at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel ; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon , na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Sa silanganan ay may tatlong pintuan ; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan ; at sa timugan ay may tatlong pintuan ; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan , at sa mga ito&apos;y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan , at ang mga pintuan nito , at ang kuta nito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat , at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang : at sinukat niya ng tambo ang bayan , ay labingdalawang libong estadio : ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At sinukat niya ang kuta nito , ay isang daan at apat na pu&apos;t apat na siko , ayon sa sukat ng tao , sa makatuwid baga&apos;y ng isang anghel .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe : at ang bayan ay dalisay na ginto , na katulad ng malinis na bubog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato . Ang unang pinagsasaligan ay jaspe ; ang ikalawa ay zafiro ; ang ikatlo ay calcedonia ; ang ikaapat ay esmeralda ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang ikalima ay sardonica ; ang ikaanim ay sardio ; ang ikapito ay crisolito ; ang ikawalo ay berilo ; ang ikasiyam ay topacio ; ang ikasangpu ay crisopasio ; ang ikalabingisa ay jacinto ; ang ikalabingdalawa ay amatista .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas ; at bawa&apos;t pinto ay isang perlas ; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto , na gaya ng nanganganinag na bubog .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "22">At hindi ako nakakita ng templo doon : sapagka&apos;t ang Panginoong Dios , ang Makapangyarihan sa lahat , at ang Cordero ay siyang templo doon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "23">At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw , o ng buwan man , upang lumiwanag sa kaniya : sapagka&apos;t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios , at ang ilaw doon ay ang Cordero .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "24">At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito : at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "25">At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw ( sapagka&apos;t hindi magkakaroon doon ng gabi ) :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "26">At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "27">At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal , o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan : kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero .</div3>
</div2>
<div2 type = "chapter" n = "22">
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "1">At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay , na maningning na gaya ng bubog , na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero ,</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "2">Sa gitna ng lansangang yaon . At sa dako rito ng ilog , at sa ibayo nito , naroon ang punong kahoy ng buhay , na namumunga ng labingdalawang iba&apos;t ibang bunga , na namumunga sa bawa&apos;t buwan : at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "3">At hindi na magkakaroon pa ng sumpa : at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon : at siya&apos;y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin ;</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "4">At makikita nila ang kaniyang mukha ; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "5">At hindi na magkakaroon pa ng gabi , at sila&apos;y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan , ni ng liwanag man ng araw ; sapagka&apos;t liliwanagan sila ng Panginoong Dios : at sila&apos;y maghahari magpakailan kailan man .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "6">At sinabi niya sa akin , Ang mga salitang ito&apos;y tapat at tunay , at ang Panginoon , ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta , ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "7">At narito , ako&apos;y madaling pumaparito . Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "8">At akong si Juan , ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito . At nang aking marinig at makita , ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "9">At sinasabi niya sa akin , Ingatan mong huwag gawin iyan : ako&apos;y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta , at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito : sumamba ka sa Dios .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "10">At sinasabi niya sa akin , Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito ; sapagka&apos;t malapit na ang panahon .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "11">Ang liko , ay magpakaliko pa : at ang marumi , ay magpakarumi pa : at ang matuwid , ay magpakatuwid pa : at ang banal , ay magpakabanal pa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "12">Narito , ako&apos;y madaling pumaparito ; at ang aking ganting-pala ay nasa akin , upang bigyan ng kagantihan ang bawa&apos;t isa ayon sa kaniyang gawa .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "13">Ako ang Alpha at ang Omega , at ang una at ang huli , ang pasimula at ang wakas .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "14">Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit , upang sila&apos;y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay , at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "15">Nangasa labas ang mga aso , at ang mga manggagaway , at ang mga mapakiapid , at ang mga mamamatay-tao , at ang mga mapagsamba sa diosdiosan , at ang bawa&apos;t nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "16">Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo&apos;y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia . Ako ang ugat at ang supling ni David , ang maningning na tala sa umaga .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "17">At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi , Halika . At ang nakikinig ay magsabi , Halika . At ang nauuhaw , ay pumarito : ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "18">Aking sinasaksihan sa bawa&apos;t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito , Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito , ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito :</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "19">At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito , ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay , at sa bayang banal , na nangakasulat sa aklat na ito .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "20">Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi , Oo : ako&apos;y madaling pumaparito . Siya nawa : pumarito ka Panginoong Jesus .</div3>
<div3 type = "sentence" xml:lang="tgl" n = "21">Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa . Siya nawa .</div3>
</div2></div1></body></text></TEI>