<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:1</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:1</urn><passage>Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa . At ang lupa ay walang anyo at walang laman ; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman ; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig . At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag ; at nagkaroon ng liwanag . At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti , at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman . At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw , at tinawag niya ang kadiliman na Gabi . At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw . At sinabi ng Dios , Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig , at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig . At ginawa ng Dios ang kalawakan , at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan , sa tubig na nasa itaas ng kalawakan : at nagkagayon . At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw . At sinabi ng Dios , Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako , at lumitaw ang katuyuan , at nagkagayon . At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa , at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat : at nakita ng Dios na mabuti . At sinabi ng Dios , Sibulan ang lupa ng damo , pananim na nagkakabinhi , at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy , na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa , at nagkagayon . At ang lupa ay sinibulan ng damo , pananim na nagkakabinhi , ayon sa kaniyang pagkapananim , at ng punong kahoy na namumunga , na taglay ang kaniyang binhi , ayon sa kaniyang pagkakahoy , at nakita ng Dios na mabuti . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw . At sinabi ng Dios , Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi ; at maging pinakatanda , at pinakabahagi ng panahon , ng mga araw at ng mga taon : At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit , upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa : at nagkagayon . At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw ; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw , at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi : nilikha rin niya ang mga bituin . At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit , upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa , At upang magpuno sa araw at sa gabi , at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman : at nakita ng Dios na mabuti . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw . At sinabi ng Dios , Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay , at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid . At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat , at ang bawa&#039;t may buhay na kinapal na gumagalaw , na ibinukal na sagana ng tubig , ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon , ayon sa kanikaniyang uri : at nakita ng Dios na mabuti . At mga binasbasan ng Dios , na sinabi , Kayo&#039;y magpalaanakin , at magpakarami , at inyong punuin ang tubig sa mga dagat , at magpakarami ang mga ibon sa lupa . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw . At sinabi ng Dios , Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal , ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad , at ng mga ganid sa lupa , ayon sa kanikaniyang uri : at nagkagayon . At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri , at ang hayop ayon sa kaniyang uri , at ang bawa&#039;t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri : at nakita ng Dios na mabuti . At sinabi ng Dios , Lalangin natin ang tao sa ating larawan , ayon sa ating wangis : at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat , at sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga hayop , at sa buong lupa , at sa bawa&#039;t umuusad , na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa . At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan , ayon sa larawan ng Dios siya nilalang ; nilalang niya sila na lalake at babae . At sila&#039;y binasbasan ng Dios , at sa kanila&#039;y sinabi ng Dios , Kayo&#039;y magpalaanakin , at magpakarami , at kalatan ninyo ang lupa , at inyong supilin ; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat , at sa mga ibon sa himpapawid , at sa bawa&#039;t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa . At sinabi ng Dios , Narito , ibinigay ko sa inyo ang bawa&#039;t pananim na nagkakabinhi , na nasa ibabaw ng balat ng lupa , at ang bawa&#039;t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi ; sa inyo&#039;y magiging pagkain : At sa bawa&#039;t hayop sa lupa , at sa bawa&#039;t ibon sa himpapawid ; at sa bawa&#039;t nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain ; at nagkagayon . At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha , at , narito , napakabuti . At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw . At nayari ang langit at ang lupa , at ang lahat na natatanaw sa mga iyon . At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa ; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa . At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin , sapagka&#039;t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa . Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa , nang likhain noong araw , na gawin ng Panginoong Dios ang lupa&#039;t langit . At wala pa sa lupang kahoy sa parang , at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang : ( sapagka&#039;t hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa ) at wala pang taong magbukid ng lupa , Nguni&#039;t may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa . At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa , at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay ; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay . At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden , sa dakong silanganan : at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang . At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod sa paningin , at mabubuting kanin ; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan , at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama . At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan ; at mula roo&#039;y nabahagi at nagapat na sanga . Ang pangalan ng una ay Pison : na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah , na doo&#039;y may ginto ; At ang ginto sa lupang yao&#039;y mabuti ; mayroon din naman doong bedelio at batong onix . At ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon ; na siyang lumiligid sa buong lupain ng Cush . At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddecel , na siyang umaagos sa tapat ng Asiria . At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates . At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden , upang kaniyang alagaan at ingatan . At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake , na sinabi , Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan : Datapuwa&#039;t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain ; sapagka&#039;t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka . At sinabi ng Panginoong Dios , Hindi mabuti na ang lalake ay magisa ; siya&#039;y ilalalang ko ng isang katulong niya . At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid ; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon : at ang bawa&#039;t itinawag ng lalake sa bawa&#039;t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon . At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop , at ang mga ibon sa himpapawid , at ang bawa&#039;t ganid sa parang ; datapuwa&#039;t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya . At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake , at siya&#039;y natulog : at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon : At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae , at ito&#039;y dinala niya sa lalake . At sinabi ng lalake , Ito nga&#039;y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman : siya&#039;y tatawaging Babae , sapagka&#039;t sa Lalake siya kinuha . Kaya&#039;t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina , at makikipisan sa kaniyang asawa : at sila&#039;y magiging isang laman . At sila&#039;y kapuwa hubad , ang lalake at ang kaniyang asawa , at sila&#039;y hindi nagkakahiyaan . Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios . At sinabi niya sa babae , Tunay bang sinabi ng Dios , Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan ? At sinabi ng babae sa ahas , Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami : Datapuwa&#039;t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios , Huwag kayong kakain niyaon , ni huwag ninyong hihipuin , baka kayo&#039;y mamatay . At sinabi ng ahas sa babae , Tunay na hindi kayo mamamatay : Sapagka&#039;t talastas ng Dios na sa araw na kayo&#039;y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata , at kayo&#039;y magiging parang Dios , na nakakakilala ng mabuti at masama . At nang makita ng babae , na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin , at nakalulugod sa mga mata , at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao , ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain ; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya , at ito&#039;y kumain . At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata , at kanilang nakilalang sila&#039;y mga hubad ; at sila&#039;y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos , at kanilang ginawang panapi . At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw : at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan . At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya&#039;y sinabi , Saan ka naroon ? At sinabi niya , Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan , at ako&#039;y natakot , sapagka&#039;t ako&#039;y hubad ; at ako&#039;y nagtago . At sinabi niya , Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad ? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy , na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin ? At sinabi ng lalake , Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin , ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain . At sinabi ng Panginoong Dios sa babae , Ano itong iyong ginawa ? At sinabi ng babae , Dinaya ako ng ahas , at ako&#039;y kumain . At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas , Sapagka&#039;t ginawa mo ito , ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop , at ng higit sa bawa&#039;t ganid sa parang ; ang iyong tiyan ang ilalakad mo , at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay : At papagaalitin ko ikaw at ang babae , at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi : ito ang dudurog ng iyong ulo , at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong . Sinabi niya sa babae , Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi ; manganganak kang may kahirapan ; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban , at siya&#039;y papapanginoon sa iyo . At kay Adam ay sinabi , Sapagka&#039;t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa , at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi , Huwag kang kakain niyaon ; sumpain ang lupa dahil sa iyo ; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay ; Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag ; at kakain ka ng pananim sa parang ; Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay , hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa ; sapagka&#039;t diyan ka kinuha : sapagka&#039;t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi . At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa , sapagka&#039;t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay . At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila&#039;y dinamitan . At sinabi ng Panginoong Dios , Narito&#039;t ang tao&#039;y naging parang isa sa atin , na nakakakilala ng mabuti at ng masama ; at baka ngayo&#039;y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay , at kumain at mabuhay magpakailan man : Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden , upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya . Ano pa&#039;t itinaboy ang lalake ; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot , upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay . At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa ; at siya&#039;y naglihi at ipinanganak si Cain , at sinabi , Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon . At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel . At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa ; datapuwa&#039;t si Cain ay mangbubukid ng lupa . At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon . At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon . At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog : Datapuwa&#039;t hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog . At naginit na mainam si Cain , at namanglaw ang kaniyang mukha . At sinabi ng Panginoon kay Cain , Bakit ka naginit ? at bakit namanglaw ang iyong mukha ? Kung ikaw ay gumawa ng mabuti , di ba ikaw mamarapatin ? at kung hindi ka gumawa ng mabuti , ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan : at sa iyo&#039;y pahihinuhod ang kaniyang nasa , at ikaw ang papanginoonin niya . At yao&#039;y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel . At nangyari , nang sila&#039;y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid , at siya&#039;y kaniyang pinatay . At sinabi ng Panginoon kay Cain , Saan naroon si Abel na iyong kapatid ? At sinabi niya , Aywan ko : ako ba&#039;y tagapagbantay sa aking kapatid ? At sinabi niya , Anong iyong ginawa ? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa . At ngayo&#039;y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid ; Pagbubukid mo ng lupa , ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas ; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa . At sinabi ni Cain sa Panginoon , Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko . Narito , ako&#039;y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa , at sa iyong harapan ay magtatago ako ; at ako&#039;y magiging palaboy at hampaslupa ; at mangyayari , na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Dahil dito&#039;y sinomang pumatay kay Cain ay makapitong gagantihan . At nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain , baka siya&#039;y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya . At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod , sa silanganan ng Eden . At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa , at siya&#039;y naglihi at ipinanganak si Enoc : at siya&#039;y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak , Enoc . At naging anak ni Enoc si Irad ; at naging anak ni Irad si Mehujael ; at naging anak ni Mehujael si Metusael ; at naging anak ni Metusael si Lamec . At si Lamec ay nagasawa ng dalawa ; ang pangalan ng isa&#039;y Ada , at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla . At naging anak ni Ada si Jabal : na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop . At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal : na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta . At tungkol kay Zilla , ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal : at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama . At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa : Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig : Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay : Sapagka&#039;t pumatay ako ng isang tao , dahil sa ako&#039;y sinugatan , At ng isang binata , dahil sa ako&#039;y hinampas . Kung makapitong gagantihan si Cain , tunay na si Lamec ay makapitong pung pito . At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa ; at nanganak ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang pangalan na Set ; sapagka&#039;t aniya&#039;y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel ; sapagka&#039;t siya&#039;y pinatay ni Cain . At nagkaanak naman si Set ng isang lalake ; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos . Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon . Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam . Nang araw na lalangin ng Dios ang tao , sa wangis ng Dios siya nilalang ; Lalake at babae silang nilalang ; at sila&#039;y binasbasan , at tinawag na Adam ang kanilang pangalan , nang araw na sila&#039;y lalangin . At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon , at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan ; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set : At ang mga naging araw ni Adam , pagkatapos na maipanganak si Set , ay walong daang taon : at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon ; at siya&#039;y namatay . At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos . At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon : at siya&#039;y namatay . At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon , at naging anak si Cainan : At nabuhay si Enos , pagkatapos na maipanganak si Cainan , ng walong daan at labing limang taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon , at siya&#039;y namatay . At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon , at naging anak si Mahalaleel : At nabuhay si Cainan , pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel , ng walong daan at apat na pung taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Cainan , siyam na raan at sangpung taon , at namatay . At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu&#039;t limang taon , at naging anak si Jared : At nabuhay si Mahalaleel , pagkatapos na maipanganak si Jared , ng walong daan at tatlong pung taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu&#039;t limang taon : at namatay . At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu&#039;t dalawang taon , at naging anak si Enoc : At nabuhay si Jared , pagkatapos na maipanganak si Enoc , ng walong daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu&#039;t dalawang taon : at namatay . At nabuhay si Enoc na anim na pu&#039;t limang taon , at naging anak si Matusalem : At lumakad si Enoc na kasama ng Dios , pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu&#039;t limang taon : At lumakad si Enoc na kasama ng Dios : at di siya nasumpungan , sapagka&#039;t kinuha ng Dios . At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu&#039;t pitong taon ; at naging anak si Lamec : At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec , ng pitong daan at walong pu&#039;t dalawang taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae ; At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu&#039;t siyam na taon : at siya&#039;y namatay . At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu&#039;t dalawang taon , at nagkaanak ng isang lalake : At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe , na sinabi , Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay , dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon . At nabuhay si Lamec , pagkatapos na maipanganak si Noe , ng limang daan at siyam na pu&#039;t limang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae : At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu&#039;t pitong taon : at namatay . At si Noe ay may limang daang taon : at naging anak ni Noe si Sem , si Cham , at si Japhet . At nangyari , nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa , at mangagkaanak ng mga babae , Na nakita ng mga anak ng Dios , na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao ; at sila&#039;y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili . At sinabi ng Panginoon , Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man , sapagka&#039;t siya ma&#039;y laman : gayon ma&#039;y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw . Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon , at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao , at mangagkaanak sila sa kanila : ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog . At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa , at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati . At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa , at nalumbay sa kaniyang puso . At sinabi ng Panginoon , Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa ; ang tao at gayon din ang hayop , at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid ; sapagka&#039;t pinagsisisihan ko na aking nilalang sila . Datapuwa&#039;t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon . Ito ang mga lahi ni Noe . Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya : si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios . At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake : si Sem , si Cham , at si Japhet . At sumama ang lupa sa harap ng Dios , at ang lupa ay napuno ng karahasan . At tiningnan ng Dios ang lupa , at , narito sumama ; sapagka&#039;t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa . At sinabi ng Dios kay Noe , Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko ; sapagka&#039;t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila ; at , narito , sila&#039;y aking lilipuling kalakip ng lupa . Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer ; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan , at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing . At ganitong paraan gagawin mo : tatlong daang siko ang haba ng sasakyan , limang pung siko ang luwang , at tatlong pung siko ang taas . Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan ; at wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas ; at ang pintuan ng sasakyan ay ilalagay mo sa tagiliran ; gagawin mong may lapag na lalong mababa , pangalawa at pangatlo . At ako , narito , ako&#039;y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa , upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay ; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay . Datapuwa&#039;t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo ; at ikaw ay lululan sa sasakyan , ikaw , at ang iyong mga anak na lalake , at ang iyong asawa , at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo . At sa bawa&#039;t nangabubuhay , sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa&#039;t uri upang maingatan silang buhay , na kasama mo ; lalake at babae ang kinakailangan . Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri , at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri , sa bawa&#039;t nagsisiusad , ayon sa kanikanilang uri , dalawa sa bawa&#039;t uri , ay isasama mo sa iyo , upang maingatan silang buhay . At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain , at imbakin mo sa iyo ; at magiging pagkain mo at nila . Gayon ginawa ni Noe ; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios , ay gayon ang ginawa niya . At sinabi ng Panginoon kay Noe , Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan ; sapagka&#039;t ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito . Sa bawa&#039;t malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito , ng lalake at ng kaniyang babae ; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa , ng lalake at ng kaniyang babae ; Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito , ng lalake at ng babae ; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa . Sapagka&#039;t pitong araw pa , at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi , at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa . At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon . At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa . At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak , at ang kaniyang asawa , at ang mga asawa ng kaniyang mga anak , dahil sa tubig ng baha . Sa mga hayop na malinis , at sa mga hayop na hindi malinis , at sa mga ibon at sa bawa&#039;t umuusad sa ibabaw ng lupa , Ay dalawa&#039;t dalawang dumating kay Noe sa sasakyan , na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe . At nangyari na pagkaraan ng pitong araw , na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa . Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe , nang ikalawang buwan , sa ikalabing pitong araw ng buwan , nang araw ding yaon , ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman , at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan . At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi . Nang araw ding yaon , ay lumulan sa sasakyan si Noe , at si Sem , at si Cham , at si Japhet , na mga anak ni Noe , at ang asawa ni Noe , at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila ; Sila , at ang bawa&#039;t hayop gubat ayon sa kanikanilang uri , at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri , at bawa&#039;t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri , at bawa&#039;t ibon ayon sa kanikanilang uri , lahat ng sarisaring ibon . At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa&#039;t dalawa , ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay . At ang mga nagsilulan , ay lumulang lalake at babae , ng lahat na laman , gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios : at kinulong siya ng Panginoon . At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa ; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan , at nataas sa ibabaw ng lupa . At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa ; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig . At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa : at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit . Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig ; at inapawan ang mga bundok . At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa , ang mga ibon at gayon din ang hayop , at ang hayop gubat , at ang bawa&#039;t nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa , at ang bawa&#039;t tao . Ang bawa&#039;t may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong , lahat na nasa lupang tuyo ay namatay . At nilipol ang bawa&#039;t may buhay na nasa ibabaw ng lupa , ang tao at gayon din ang hayop , at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid ; at sila&#039;y nalipol sa lupa : at ang natira lamang , ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan . At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa , ng isang daan at limang pung araw . At naalaala ng Dios si Noe , at ang lahat ng may buhay , at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan : at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa , at humupa ang tubig ; Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit , at napigil ang ulan sa langit ; At humupang patuloy ang tubig sa lupa ; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw . At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan , nang ikalabing pitong araw ng buwan , sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat . At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan : nang ikasangpung buwan , nang unang araw ng buwan , ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok . At nangyari , pagkaraan ng apat na pung araw , na binuksan ni Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa : At siya&#039;y nagpalipad ng isang uwak , at ito&#039;y nagparoo&#039;t parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa . At nagpalipad siya ng isang kalapati , upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa . Datapuwa&#039;t hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa , at nagbalik sa kaniya sa sasakyan , sapagka&#039;t ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa : at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan , at ipinasok niya sa sasakyan . At naghintay pa ng muling pitong araw ; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan ; At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon ; at , narito&#039;t may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka : sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa . At naghintay pang muli siya ng pitong araw ; at pinalipad ang kalapati ; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya . At nangyari , nang taong ikaanim na raan at isa , nang unang buwan , nang unang araw ng buwan , ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa : at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya , at , narito&#039;t ang ibabaw ng lupa ay tuyo . At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu&#039;t pitong araw ng buwan , ay natuyo ang lupa . At nagsalita ang Dios kay Noe , na sinasabi , Lumunsad ka sa sasakyan , ikaw at ang iyong asawa , at ang iyong mga anak , at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo . Ilabas mong kasama mo ang bawa&#039;t may buhay na kasama mo sa lahat ng laman , ang mga ibon , at ang mga hayop , at ang bawa&#039;t nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa ; upang magsipanganak ng sagana sa lupa , at magpalaanakin , at mangagsidami sa ibabaw ng lupa . At lumunsad si Noe , at ang kaniyang mga anak , at ang kaniyang asawa , at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya : Ang bawa&#039;t hayop , bawa&#039;t umuusad , at bawa&#039;t ibon , anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan . At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon ; at kumuha sa lahat na malinis na hayop , at sa lahat na malinis na ibon , at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana . At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy ; at nagsabi ang Panginoon sa sarili , Hindi ko na muling susumpain ang lupa , dahil sa tao , sapagka&#039;t ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata ; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa . Samantalang ang lupa ay lumalagi , ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani , at ang lamig at init , at ang tagaraw at taginaw , at ang araw at gabi . At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak , at sa kanila&#039;y sinabi , Kayo&#039;y magpalaanakin , at magpakarami at inyong kalatan ang lupa . At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa&#039;t hayop sa lupa , at sa bawa&#039;t ibon sa himpapawid ; lahat ng umuusad sa lupa , at lahat ng isda sa dagat , ay ibinibigay sa inyong kamay . Bawa&#039;t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo ; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo . Nguni&#039;t ang lamang may buhay , na siya niyang dugo , ay huwag ninyong kakanin . At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo , ang dugo ng inyong mga buhay : sa kamay ng bawa&#039;t ganid ay hihingan ko ng sulit ; at sa kamay ng tao , sa kamay ng bawa&#039;t kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao . Ang magbubo ng dugo ng tao , sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo : sapagka&#039;t sa larawan ng Dios nilalang ang tao . At kayo&#039;y magpalaanakin at magpakarami ; magsilago kayo ng sagana sa lupa , at kayo&#039;y magsidami riyan . At nagsalita ang Dios kay Noe , at sa kaniyang mga anak na kasama niya , na sinasabi , At ako , narito , aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo , at sa inyong binhi na susunod sa inyo ; At sa bawa&#039;t nilikhang may buhay na kasama ninyo , ang mga ibon , ang hayop at bawa&#039;t ganid sa lupa na kasama ninyo ; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa&#039;t ganid sa lupa . At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo ; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha ; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa . At sinabi ng Dios , Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo , at sa bawa&#039;t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon : Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap , at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa . At mangyayari , pagka ako&#039;y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa , na makikita ang bahaghari sa alapaap . At aalalahanin ko ang aking tipan , na inilagda ko sa akin at sa inyo , at sa bawa&#039;t kinapal na may buhay sa lahat ng laman ; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman . At ang bahaghari ay pasa sa alapaap , at aking mamasdan , upang aking maalaala , ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa&#039;t kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa . At sinabi ng Dios kay Noe , Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa . At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem , at si Cham at si Japhet : at si Cham ay siyang ama ni Canaan . Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe : at sa mga ito&#039;y nakalatan ang buong lupa . At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid , at naglagay ng isang ubasan . At uminom ng alak at nalango ; at siya&#039;y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda . At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama , at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas . At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal , at isinabalikat nilang dalawa , at lumakad ng paurong , at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama ; at ang mukha nila ay patalikod , at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama . At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak , at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak . At sinabi , Sumpain si Canaan ! Siya&#039;y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid . At sinabi niya , Purihin ang Panginoon , ang Dios ni Sem ! At si Canaan ay maging alipin niya . Pakapalin ng Dios si Japhet . At matira siya sa mga tolda ni Sem ; At si Canaan ay maging alipin niya . At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw , ng tatlong daan at limang pung taon . At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon : at namatay . Ito nga ang sali&#039;t saling lahi ng mga anak ni Noe : si Sem , si Cham , at si Japhet : at sila&#039;y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw . Ang mga anak ni Japhet ; si Gomer , at si Magog , at si Madai , at si Javan , at si Tubal , at si Meshech , at si Tiras . At ang mga anak ni Gomer : si Azkenaz , at si Rifat , at si Togarma . At ang mga anak ni Javan ; si Elisa , at si Tarsis , si Cittim , at si Dodanim . Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa , sa kanilang mga lupain , na bawa&#039;t isa&#039;y ayon sa kanikaniyang wika ; ayon sa kanikanilang angkan , sa kanikanilang bansa . At ang mga anak ni Cham ; si Cush , at si Mizraim , at si Phut , at si Canaan . At ang mga anak ni Cush ; si Seba , at si Havila , at si Sabta , at si Raama , at si Sabtech : at ang mga anak ni Raama ; si Sheba , at si Dedan . At naging anak ni Cush si Nimrod : siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa . Siya&#039;y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya&#039;t karaniwang sabihin : Gaya ni Nimrod , na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon . At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel , at ang Erech , at ang Accad , at ang Calneh , sa lupain ng Shinar . Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive , at ang Rehobotir , at ang Calah , At ang Ressen , sa pagitan ng Ninive at ng Calah ( na siyang malaking bayan ) . At naging anak ni Mizraim si Ludim , at si Anamim , at si Lehabim , at si Naphtuhim . At si Pathrusim , at si Casluim ( na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo ) , at ang Caphtorim . At naging anak ni Canaan si Sidon , na kaniyang panganay , at si Heth . At ang Jebuseo , at ang Amorrheo , at ang Gergeseo ; At ang Heveo , at ang Araceo , at ang Sineo . At ang Aradio , at ang Samareo at ang Amatheo : at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo . At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon , kung patungo sa Gerar , hanggang sa Gaza ; kung patungo sa Sodoma at Gomorra , at Adma , at Zeboim hanggang Lasa . Ito ang mga anak ni Cham , ayon sa kanikanilang angkan , ayon sa kanikanilang wika , sa kanikanilang mga lupain , sa kanilang mga bansa . At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem , na ama ng lahat ng mga anak ni Heber , na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet . Ang mga anak ni Sem ; si Elam , at si Assur , at si Arphaxad , at si Lud , at si Aram . At ang mga anak ni Aram : si Uz , at si Hul , at si Gether , at si Mas . At naging anak ni Arphaxad si Sala ; at naging anak ni Sala si Heber . At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake ; ang pangalan ng una&#039;y Peleg ; sapagka&#039;t sa mga araw niya&#039;y nahati ang lupa ; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan . At naging anak ni Joctan si Almodad , at si Sheleph , at si Hazarmavet , at si Jerah ; At si Hadoram , at si Uzal , at si Dicla . At si Obal , at si Abimael , at si Sheba . At si Ophir , at si Havila , at si Jobad : lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan . At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa , kung patungo sa Sephar , na siyang bundok sa silanganan . Ito ang mga anak ni Sem , ayon sa kanikanilang angkan , ayon sa kanikanilang wika , sa kanikanilang lupain , ayon sa kanikanilang bansa . Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe , ayon sa kanikanilang lahi , sa kanikanilang bansa : at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw . At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita . At nangyari , na , sa kanilang paglalakbay sa silanganan , ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar ; at sila&#039;y nanahan doon . At nagsangusapang , Halikayo ! tayo&#039;y gumawa ng mga laryo , at ating lutuing mabuti . At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa . At nagsipagsabi , Halikayo ! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog , na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit , at magtaglay tayo ng isang ngalan ; baka tayo&#039;y mangalat sa ibabaw ng buong lupa . At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog , na itinayo ng mga anak ng mga tao . At sinabi ng Panginoon , Narito , sila&#039;y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika ; at ito ang kanilang pinasimulang gawin : at , ngayon nga&#039;y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin . Halikayo ! tayo&#039;y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika , na anopa&#039;t sila&#039;y huwag magkatalastasan sa kanilang salita . Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan , sa ibabaw ng buong lupa ; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan . Kaya ang pangalang itinawag ay Babel ; sapagka&#039;t doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa : at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa . Ito ang sali&#039;t saling lahi ni Sem . May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad , dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw , At nabuhay si Sem , pagkatapos na maipanganak si Arphaxad , ng limang daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Arphaxad , ng tatlong pu&#039;t limang taon , at naging anak si Sala . At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala , ng apat na raan at tatlong taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon , at naging anak si Heber : At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber , ng apat na raan at tatlong taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Heber ng tatlong pu&#039;t apat na taon , at naging anak si Peleg : At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg , ng apat na raan at tatlong pung taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon , at naging anak si Reu : At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu , ng dalawang daan at siyam na taon ; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Reu ng tatlong pu&#039;t dalawang taon , at naging anak si Serug : At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug , ng dalawang daan at pitong taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon , at naging anak si Nachor : At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor , ng dalawang daang taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Nachor ng dalawang pu&#039;t siyam na taon , at naging anak si Thare : At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare , ng isang daan at labing siyam na taon , at nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nabuhay si Thare ng pitong pung taon , at naging anak si Abram , si Nachor at si Haran . Ito nga ang mga lahi ni Thare . Naging anak ni Thare si Abram , si Nachor , at si Haran ; at naging anak ni Haran si Lot . At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan , sa Ur ng mga Caldeo . At nagsipagasawa si Abram at si Nachor : ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai ; at ang pangalan ng asawa ni Nachor , ay Milca , anak ni Haran , ama ni Milca at ama ni Iscah . At si Sarai ay baog ; siya&#039;y walang anak . At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak , at si Lot na anak ni Haran , na anak ng kaniyang anak , at si Sarai na kaniyang manugang , asawa ni Abram na kaniyang anak ; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan , at nagsidating sila sa Haran , at nagsitahan doon . At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon : at namatay si Thare sa Haran . Sinabi nga ng Panginoon kay Abram , Umalis ka sa iyong lupain , at sa iyong mga kamaganak , at sa bahay ng iyong ama , na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo : At gagawin kitang isang malaking bansa , at ikaw ay aking pagpapalain , at padadakilain ko ang iyong pangalan ; at ikaw ay maging isang kapalaran : At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo , at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo : at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa . Kaya&#039;t yumaon si Abram , ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon ; at si Lot ay sumama sa kaniya : at si Abram ay may pitong pu&#039;t limang taon , nang umalis sa Haran . Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa , at si Lot na anak ng kaniyang kapatid , at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran ; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan ; at dumating sa lupain ng Canaan . At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem , hanggang sa punong encina ng More . At noo&#039;y nasa lupaing yaon ang Cananeo , At napakita ang Panginoon kay Abram , at nagsabi , Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito : at siya&#039;y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya . At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel , at doon niya itinayo ang kaniyang tolda , na nasa kalunuran ang Bethel , at nasa silanganan ang Hai : at siya&#039;y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon , at sinambitla ang pangalan ng Panginoon . At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan . At nagkagutom sa lupaing yaon : at bumaba si Abram na nasok sa Egipto , upang manirahan doon ; sapagka&#039;t mahigpit ang kagutom sa lupain . At nangyari , nang siya&#039;y malapit nang papasok sa Egipto , ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa , Narito , ngayon , talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin : At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio , ay kanilang sasabihin , Ito&#039;y kaniyang asawa ; at ako&#039;y kanilang papatayin , datapuwa&#039;t kanilang ililigtas kang buhay . Isinasamo ko sa iyo , na sabihin mong ikaw ay aking kapatid , upang ako&#039;y mapabuti dahil sa iyo , at upang ang kaluluwa ko&#039;y mabuhay dahil sa iyo . At nangyari , nang pumasok si Abram sa Egipto , nakita ng mga Egipcio , na ang babae ay napakaganda . At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon , at kanilang pinuri siya kay Faraon : at dinala ang babae sa bahay ni Faraon . At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya : at nagkaroon si Abram ng mga tupa , at ng mga baka , at ng mga asno , at ng mga aliping lalake at mga alilang babae , at ng mga asna , at ng mga kamelyo , At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan , ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram . At tinawag ni Faraon si Abram , at sinabi , Ano itong ginawa mo sa akin ? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya&#039;y iyong asawa ? Bakit sinabi mong siya&#039;y aking kapatid ? na ano pa&#039;t siya&#039;y aking kinuha upang maging asawa : ngayon nga&#039;y nariyan ang iyong asawa ; siya&#039;y kunin mo at yumaon ka . At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya : at siya&#039;y kanilang inihatid sa daan , at ang kaniyang asawa , at ang lahat ng kaniyang pag-aari . At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto , siya at ang kaniyang asawa , at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik , at si Lot na kaniyang kasama . At si Abram ay totoong mayaman sa hayop , sa pilak , at sa ginto . At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel , hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai ; Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una : at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon . At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan , at mga tolda . At sila&#039;y hindi makayanan ng lupain , na sila&#039;y manahan na magkasama : sapagka&#039;t napakarami ang kanilang pag-aari , na ano pa&#039;t hindi maaring manirahang magkasama . At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot ; at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain . At sinabi ni Abram kay Lot , Ipinamamanhik ko sa iyong huwag magkaroon ng pagtatalo , ikaw at ako , at ang mga pastor mo at mga pastor ko ; sapagka&#039;t tayo&#039;y magkapatid . Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo ? Humiwalay ka nga sa akin , ipinamamanhik ko sa iyo : kung ikaw ay pasa sa kaliwa , ay pasa sa kanan ako : o kung ikaw ay pasa sa kanan , ay pasa sa kaliwa ako . At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata , at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan , na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila , kung pasa sa Zoar , bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra , ay gaya ng halamanan ng Panginoon , gaya ng lupain ng Egipto . Kaya&#039;t pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan ; at si Lot ay naglakbay sa silanganan : at sila&#039;y kapuwa naghiwalay . Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan ; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan , at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma . Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Abram , pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya , Itingin mo ngayon ang iyong mga mata , at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan , sa dakong hilagaan , at sa dakong timugan , at sa dakong silanganan , at sa dakong kalunuran : Sapagka&#039;t ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo , at sa iyong binhi magpakaylan man . At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi : na ano pa&#039;t kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi . Magtindig ka , lakarin mo ang lupain , ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan ; sapagka&#039;t ibibigay ko sa iyo . At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda , at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron , at siya&#039;y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon . At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel , hari sa Sinar , ni Ariok hari sa Elasar , ni Chedorlaomer hari sa Elam , at ni Tidal na hari ng mga Goiim , Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma , at laban kay Birsha hari sa Gomorra , kay Shinab hari sa Adma , at kay Shemeber , hari sa Zeboim , at sa hari sa Bela ( na si Zoar ) . Lahat ng ito&#039;y nagkatipon sa libis ng Siddim ( na siyang Dagat na Alat ) . Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer , at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik . At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya , at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim , at ang mga Zuzita sa Ham , at ang mga Emita sa Shave-ciriataim . At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir , hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang . At sila&#039;y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat ( na siyang Cades ) , at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar . At nagsilabas ang hari sa Sodoma , at ang hari sa Gomorra , at ang hari sa Adma , at ang hari sa Zeboim , at ang hari sa Bela ( na dili iba&#039;t si Zoar ) ; at sila&#039;y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim ; Laban kay Chedorlaomer , hari sa Elam , at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel , hari sa Shinar , at kay Arioch , hari sa Elasar ; apat na hari laban sa lima . At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun ; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra , at nangahulog doon , at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan . At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra , at ang lahat nilang pagkain , at nagsiyaon . At dinala nila si Lot , na anak ng kapatid ni Abram , na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila&#039;y nagsiyaon . At dumating ang isang nakatanan , at ibinalita kay Abram na Hebreo ; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo , kapatid ni Eschol , at kapatid ni Aner ; at ang mga ito ay kakampi ni Abram . At pagkarinig ni Abram , na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake , na mga ipinanganak sa kaniyang bahay , na tatlong daan at labing walo , at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan . At sila&#039;y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan , laban sa kaaway , siya at ang kaniyang mga alipin , at kanilang sinaktan sila , at hinabol nila sila hanggang sa Hobah , na nasa kaliwa ng Damasco . At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari ; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid , at ang kaniyang mga pag-aari , at gayon din ang mga babae at ang bayan . At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya&#039;y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer , at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave ( na siyang libis ng hari ) . At si Melquisedec , na hari sa Salem , ay naglabas ng tinapay at alak ; at siya&#039;y saserdote ng Kataastaasang Dios . At binasbasan niya siya na sinabi , Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios , na may-ari ng langit at ng lupa : At purihin ang Kataastaasang Dios , na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay . At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam . At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram , Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari . At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma , Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan , na may ari ng langit at ng lupa . Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid , o maging isang panali ng pangyapak , o ng anomang nauukol sa iyo , baka iyong sabihin , Pinayaman ko si Abram : Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko ; si Aner , si Eschol , at si Mamre , ay pakunin mo ng kanilang bahagi . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi , Huwag kang matakot , Abram : ako ang iyong kalasag , at ang iyong ganting pala na lubhang dakila . At sinabi ni Abram , Oh Panginoong Dios , anong ibibigay mo sa akin , kung ako&#039;y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer ? At sinabi ni Abram , Narito , hindi mo ako binigyan ng anak at , narito&#039;t isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko . At , narito , ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , na nagsabi , Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo ; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo . At siya&#039;y inilabas at sinabi , Tumingala ka ngayon sa langit , at iyong bilangin ang mga bituin , kung mabibilang mo : at sa kaniya&#039;y sinabi , Magiging ganiyan ang iyong binhi . At sumampalataya siya sa Panginoon ; at ito&#039;y ibinilang na katuwiran sa kaniya . At sinabi sa kaniya , Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo , upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo . At sinabi niya , Oh Panginoong Dios , paanong pagkakilala ko na aking mamanahin ? At sinabi sa kaniya , Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang , at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang , at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang , at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati . At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya , at pinaghati niya sa gitna , at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati ; datapuwa&#039;t hindi hinati ang mga ibon . At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay , at binubugaw ni Abram . At nang lulubog na ang araw , ay nakatulog si Abram ng mahimbing ; at , narito , ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya . At sinabi ng Dios kay Abram , Tunay na pakatalastasin mo , na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila , at mangaglilingkod sa mga yaon ; at pahihirapang apat na raang taon . At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan : at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari . Datapuwa&#039;t ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang ; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan . At sa ikaapat na salin ng iyong binhi , ay magsisipagbalik rito : sapagka&#039;t hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo . At nangyari , na paglubog ng araw , at pagdilim , na narito , ang isang hurnong umuusok , at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop . Nang araw na yaon , ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram , na nagsabi , Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito , mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog , na ilog Eufrates . Ang mga Cineo , at ang mga Ceneceo , at ang mga Cedmoneo , At ang mga Heteo , at ang mga Pherezeo , at ang mga Refaim , At ang mga Amorrheo , at ang mga Cananeo , at ang mga Gergeseo , at ang mga Jebuseo . Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya ; at siya&#039;y may isang alilang babae na taga Egipto , na nagngangalang Agar . At sinabi ni Sarai kay Abram , Narito , ngayon , ako&#039;y hinadlangan ng Panginoon na ako&#039;y magkaanak ; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae ; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya . At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai . At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram , si Agar na taga Egipto , na kaniyang alila , pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan , at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya . At siya&#039;y sumiping kay Agar , at naglihi : at nang makita niyang siya&#039;y naglihi , ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin . At sinabi ni Sarai kay Abram , Ang aking pagkaapi ay sumaiyo : idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan ; at nang makita niyang siya&#039;y naglihi , ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin : ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo . Datapuwa&#039;t sinabi ni Abram kay Sarai , Narito , ang iyong alila ay nasa iyong kamay ; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin . At dinuwahagi siya ni Sarai , at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap . At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang , sa bukal na nasa daang patungo sa Shur . At sinabi , Agar , alila ni Sarai , saan ka nanggaling ? at saan ka paroroon ? at kaniyang sinabi , Ako&#039;y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon . At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Magbalik ka sa iyong panginoon , at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay . At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Pararamihin kong mainam ang iyong binhi , na hindi mabibilang dahil sa karamihan . At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon , Narito&#039;t ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake ; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael , sapagka&#039;t diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian . At siya&#039;y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao ; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat , at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya ; at siya&#039;y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid . At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya , Ikaw ay Dios na nakakakita : sapagka&#039;t sinabi niya , Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin ? Kaya&#039;t nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin ; narito&#039;t ito&#039;y nasa pagitan ng Cades at Bered . At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram , na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar , ay Ismael . At si Abram ay may walong pu&#039;t anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram . At nang si Abram ay may siyam na pu&#039;t siyam na taon , ay napakita ang Panginoon kay Abram , at sa kaniya&#039;y nagsabi , Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko , at magpakasakdal ka . At ako&#039;y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam . At nagpatirapa si Abram : at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya , na sinasabi , Tungkol sa akin , narito , ang aking tipan ay sumasaiyo , at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa . At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram , kundi Abraham ang magiging iyong pangalan ; sapagka&#039;t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa . At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa ; at magbubuhat sa iyo ang mga hari . At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila , na tipang walang hanggan , na ako&#039;y magiging iyong Dios , at ng iyong binhi , pagkamatay mo . At ibibigay ko sa iyo , at sa iyong binhi , pagkamatay mo , ang lupaing iyong mga pinaglakbayan , ang buong lupain ng Canaan , na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila . At sinabi pa ng Dios kay Abraham , At tungkol sa iyo , iingatan mo ang aking tipan , iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo , sa buong kalahian nila . Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo , at ng iyong binhi , pagkamatay mo ; tutuliin ang bawa&#039;t lalake sa inyo . At kayo&#039;y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama ; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo . At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo , ang bawa&#039;t lalake sa buong kalahian ninyo ; ang ipinanganak sa bahay , o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi . Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi , ay dapat tuliin : at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan . At ang lalaking hindi tuli , na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama , ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan ; sinira niya ang aking tipan . At sinabi ng Dios kay Abraham , Tungkol kay Sarai na iyong asawa , ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai , kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan . At akin siyang pagpapalain , at saka sa kaniya&#039;y bibigyan kita ng anak : oo , siya&#039;y aking pagpapalain , at magiging ina ng mga bansa ; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y nagpatirapa si Abraham , at nagtawa , at nasabi sa kaniyang sarili , Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na ? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na ? At sinabi ni Abraham sa Dios , Kahimanawari , si Ismael ay mabuhay sa harapan mo ! At sinabi ng Dios , Hindi , kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo ; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac ; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan , sa kaniyang lahi pagkamatay niya . At tungkol kay Ismael , ay dininig din kita . Narito&#039;t aking pinagpala siya , at siya&#039;y aking papagaanakin ng marami , at siya&#039;y aking pararamihin ng di kawasa ; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak , at siya&#039;y gagawin kong malaking bansa . Nguni&#039;t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara , sa tadhanang araw , sa taong darating . At nang matapos na makipagusap sa kaniya , ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham . At ipinagsama ni Abraham si Ismael , na kaniyang anak , at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay , at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi , ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham , at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon , ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya . At si Abraham ay may siyam na pu&#039;t siyam na taon , nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama . At si Ismael ay may labing tatlong taon , nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama . Nang araw ding yaon tinuli si Abraham , at si Ismael na kaniyang anak . At lahat ng lalaking kasangbahay niya , maging ang mga ipinanganak sa bahay , at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain , ay pinagtuling kasama niya . At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre , habang siya&#039;y nakaupo sa pintuan ng tolda , ng kainitan ng araw . At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas , at , narito&#039;t tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya : at pagkakita niya sa kanila , ay tinakbo niya upang sila&#039;y salubungin mula sa pintuan ng tolda , at yumukod siya sa lupa . At nagsabi , Panginoon ko , kung ngayo&#039;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , ay ipinamamanhik ko sa iyo , na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod . Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig , at maghugas kayo ng inyong mga paa , at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy . At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso ; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo : yamang kayo&#039;y naparito sa inyong lingkod , At nagsipagsabi , Mangyari ang ayon sa iyong sinabi . At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara , at sinabi , Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina , iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay . At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya , at ibinigay sa alipin ; at siya&#039;y nagmadali , upang lutuin . At siya&#039;y kumuha ng mantekilla , at ng gatas , at ng guyang niluto niya , at inihain sa harapan nila ; at siya&#039;y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy ; at sila&#039;y nagsikain . At sinabi nila sa kaniya , Saan naroon si Sara na iyong asawa ? At sinabi niya Narito , nasa tolda . At sinabi niya , Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating ; at narito&#039;t si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake . At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda , na nasa likod niya . Si Abraham at si Sara nga&#039;y matatanda na , at lipas na sa panahon ; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae . At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili , na sinasabi , Pagkatapos na ako&#039;y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan , at matanda na rin pati ng panginoon ko ? At sinabi ng Panginoon kay Abraham , Bakit tumawa si Sara , na sinasabi , Tunay kayang ako&#039;y manganganak , na matanda na ako ? May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon ? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo , sa taong darating , at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake . Nang magkagayo&#039;y nagkaila si Sara , na sinasabi , Hindi ako tumawa , sapagka&#039;t siya&#039;y natakot . Nguni&#039;t sinabi niya , Hindi gayon ; kundi ikaw ay tumawa . At nangagtindig doon ang mga lalake , at nangagsitingin sa dakong Sodoma ; at sinamahan sila ni Abraham , upang ihatid sila sa daan . At sinabi ng Panginoon , Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin ; Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay , at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa ? Sapagka&#039;t siya&#039;y aking kinilala , upang siya&#039;y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya , na maingatan nila ang daan ng Panginoon , na gumawa ng kabanalan , at kahatulan ; upang padatnin ng Panginoon , kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya . At sinabi ng Panginoon , Sapagka&#039;t ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas , at sapagka&#039;t ang kasalanan nila ay napakalubha ; Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin ; at kung hindi ay aking malalaman . At ang mga lalake ay nagsilayo roon at nagsitungo sa Sodoma datapuwa&#039;t si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon . At lumapit si Abraham , at nagsabi , Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama ? Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan : lilipulin mo ba , at di mo patatawarin ang dakong yaon , alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon ? Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito , na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama , anopa&#039;t ang banal ay mapara sa masama ; malayo nawa ito sa iyo : di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa ? At sinabi ng Panginoon , Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan , patatawarin ko ang buong dakong yaon , alangalang sa kanila . At sumagot si Abraham , at nagsabi , Narito , ngayo&#039;y nangahas akong magsalita sa Panginoon , akong alabok at abo lamang : Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal : lilipulin mo ba , dahil sa limang kulang , ang buong bayan ? At sinabi niya , Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu&#039;t lima . At siya&#039;y muling nagsalita pa sa kaniya , at nagsabi , Marahil ay may masusumpungang apat na pu . At sinabi niya , Hindi ko gagawin , alangalang sa apat na pu . At sinabi niya , Oh huwag magalit ang Panginoon , at ako&#039;y magsasalita : kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu . At sinabi niya , Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu . At kaniyang sinabi , Narito ngayon , ako&#039;y nangahas na magsalita sa Panginoon : kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu . At sinabi niya , Hindi ko lilipulin , alangalang sa dalawang pu . At sinabi niya , Oh huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan : kung sakaling may masusumpungan doong sangpu : at sinabi niya , Hindi ko lilipulin , alangalang sa sangpu . At ang Panginoon ay nagpatuloy , pagkatapos na makipagusap kay Abraham : at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako . At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma , nang nagtatakip silim ; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma : at sila&#039;y nakita ni Lot , at nagtindig upang salubungin sila ; at iniyukod ang mukha sa lupa ; At nagsabi , Ngayon nga mga panginoon ko , ipinamamanhik ko sa inyo na kayo&#039;y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod , at kayo&#039;y matira sa buong magdamag , at maghugas ng inyong mga paa , at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad . At kanilang sinabi , Hindi , kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag . At kaniyang pinakapilit sila ; at sila&#039;y nagsiliko , at nagsipasok sa kaniyang bahay ; at sila&#039;y kaniyang pinaghandaan , at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura , at nagsikain . Datapuwa&#039;t bago nagsihiga , ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga&#039;y ng mga tao sa Sodoma , na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot ; At kanilang tinawagan si Lot , at sinabi sa kaniya , Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito ? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila . At nilabas sila ni Lot sa pintuan , at isinara ang pinto sa likuran niya . At sinabi niya , Ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid ko , na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan . Narito , ngayon , may dalawa akong anak na babae , na hindi nakakilala ng lalake ; ipinamamanhik ko sa inyo , na sila&#039;y aking ilalabas sa inyo , at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin : huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito ; yamang sila&#039;y nangasa silong ng aking bubungan . At sinabi nila , Umurong ka ! At sinabi pa nila , Ang taong ito&#039;y naparito upang makipamayan , at ibig niyang maging hukom : ngayon nga&#039;y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila . At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot , at nagsilapit upang sirain ang pintuan . Datapuwa&#039;t iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan . At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila , ang munti&#039;t malaki : ano pa&#039;t sila&#039;y nangayamot sa paghahanap ng pintuan . At sinabi ng mga lalake kay Lot , Mayroon ka pa ritong kamaganakan ? Ang iyong mga manugang , at ang iyong mga anak na lalake at babae , at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan : ay ipagaalis mo sa dakong ito : Sapagka&#039;t aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang sigaw sa harap ng Panginoon ; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin . At si Lot ay lumabas , at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae , at sinabi , Magtindig kayo , magsialis kayo sa dakong ito ; sapagka&#039;t gugunawin ng Panginoon ang bayan . Datapuwa&#039;t ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya . At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot , na sinasabi , Magbangon ka , ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito , baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan . Datapuwa&#039;t siya&#039;y nagluluwat ; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay , at ang kamay ng kaniyang asawa , at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae ; sa habag sa kaniya ng Panginoon : at siya&#039;y kanilang inilabas , at siya&#039;y kanilang inilagay sa labas ng bayan . At nangyari , na nang sila&#039;y mailabas na nila , ay sinabi , Itakas mo ang iyong buhay ; huwag kang lumingon o huminto man sa buong kapatagan ; tumakas ka hanggang sa bundok , baka ikaw ay mamatay . At sinabi sa kanila ni Lot , Huwag ganiyan , panginoon ko : Narito , ngayo&#039;t ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay ; at ako&#039;y di makatatakas sa bundok , baka ako&#039;y abutan ng sama , at ako&#039;y mamatay . Narito , ang bayang ito ay malapit takasan at maliit : Oh tulutan mong tumakas ako roon , ( di ba yao&#039;y maliit ? ) at mabubuhay ako . At sinabi sa kaniya , Narito , sa bagay mang ito ay pinayagan din kita , na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita . Magmadali ka , tumakas ka roon ; sapagka&#039;t wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon . Kaya&#039;t ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar . Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar . Nang magkagayo&#039;y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit ; At ginunaw niya ang mga bayang yaon , at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon , at ang tumutubo sa lupang yaon . Datapuwa&#039;t ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot , at naging haliging asin . At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon . At siya&#039;y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra , at sa buong lupain ng Kapatagan , at tumanaw , at narito , ang usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno . At nangyari , na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan , na naalaala ng Dios si Abraham , at pinalabas si Lot , mula sa gitna ng pinaggunawan , nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot . At sumampa si Lot mula sa Zoar at tumira sa bundok , at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya ; sapagka&#039;t siya&#039;y natakot na tumira sa Zoar : at siya&#039;y tumira sa isang yungib , siya at ang kaniyang dalawang anak na babae . At sinabi ng panganay sa bunso : Ang ating ama ay matanda , at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin , ayon sa ugali ng sangkalupaan : Halika , painumin natin ng alak ang ating ama , at tayo&#039;y sumiping sa kaniya ; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama . At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon : at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama ; at hindi naalaman , ng ama nang siya&#039;y mahiga ni nang siya&#039;y magbangon . At nangyari nang kinabukasan , na sinabi ng panganay sa bunso . Narito , ako&#039;y sumiping kagabi sa aking ama ; painumin din natin ng alak sa gabing ito ; at pumasok ka , at sumiping ka sa kaniya ; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama . At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon : at nagtindig ang bunso , at sumiping sa ama ; at hindi naalaman ng ama nang siya&#039;y mahiga , ni nang siya&#039;y magbangon . Sa ganito&#039;y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama . At nanganak ang panganay ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang ngalang Moab : na siya ngang ama ng mga Moabita , hanggang sa araw na ito . At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang pangalang Ben-ammi : na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon , hanggang ngayon . At mula roon ay naglakbay si Abraham sa dakong lupain ng Timugan , at tumahan sa pagitan ng Cades at Shur ; at siya&#039;y nakipamayan sa Gerar . At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa , Siya&#039;y aking kapatid ; at si Abimelech na hari sa Gerar , ay nagsugo at kinuha si Sara . Datapuwa&#039;t naparoon ang Dios kay Abimelech sa panaginip sa gabi , at sa kaniya&#039;y sinabi , Narito , ikaw ay dili iba&#039;t isang patay dahil sa babaing iyong kinuha ; sapagka&#039;t siya&#039;y asawa ng isang lalake . Nguni&#039;t si Abimelech ay hindi pa , nakasisiping sa kaniya : at nagsabi , Panginoon , papatayin mo ba pati ng isang bansang banal ? Hindi ba siya rin ang nagsabi sa akin , Siya&#039;y aking kapatid ? at si Sara man ay nagsabi , Siya&#039;y aking kapatid ; sa katapatang loob ng aking puso , at kawalang sala ng aking mga kamay , ay ginawa ko ito . At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip : Oo , talastas ko , na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito , at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng laban sa akin : kaya&#039;t hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya . Ngayon nga&#039;y isauli mo ang asawa ng lalaking ito ; sapagka&#039;t siya&#039;y profeta , at ikaw ay ipananalangin niya , at mabubuhay ka : at kung di mo siya isauli , ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka , ikaw at ang lahat ng iyo . At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan , at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito : at ang mga tao&#039;y natakot na mainam . Nang magkagayo&#039;y tinawag ni Abimelech si Abraham , at sa kaniya&#039;y sinabi , Anong ginawa mo sa amin ? at sa ano ako nagkasala laban sa iyo , na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan ? Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin . At sinabi ni Abimelech kay Abraham , Anong nakita mo na ginawa mo ang bagay na ito ? At sinabi ni Abraham , Sapagka&#039;t inisip ko . Tunay na walang takot sa Dios sa dakong ito : at papatayin nila ako dahil sa aking asawa . At saka talagang siya&#039;y kapatid ko , na anak ng aking ama , datapuwa&#039;t hindi anak ng aking ina ; at siya&#039;y naging asawa ko : At nangyari , na nang ako&#039;y palayasin ng Dios sa bahay ng aking ama , na sinabi ko sa kaniya , Ito ang magandang kalooban mo na maipakikita sa akin ; sa lahat ng dakong ating datnin , ay sabihin mo tungkol sa akin , Siya&#039;y aking kapatid . At si Abimelech ay kumuha ng mga tupa at mga baka , at mga aliping lalake at babae , at ipinagbibigay kay Abraham , at isinauli sa kaniya si Sara na kaniyang asawa . At sinabi ni Abimelech , Narito ang lupain ko ay nasa harapan mo : tumahan ka kung saan mo magalingin . At kay Sara&#039;y sinabi niya , Narito , nagbigay ako ng isang libong putol na pilak sa iyong kapatid : narito , ito sa iyo&#039;y piring sa mga mata ng lahat ng kasama mo ; at sa harap ng lahat ay nagbangong puri ka . At nanalangin si Abraham sa Dios ; at pinagaling ng Dios si Abimelech , at ang kaniyang asawa , at ang kaniyang mga aliping babae , na ano pa&#039;t nagkaanak sila . Sapagka&#039;t sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech , dahil kay Sara , na asawa ni Abraham . At dumalaw ang Panginoon kay Sara , ayon sa sinabi niya , at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita . At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan , sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya . At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya , na siyang ipinanganak ni Sara . At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya . At si Abraham ay may isang daang taon , nang sa kaniya&#039;y ipanganak si Isaac na kaniyang anak . At sinabi ni Sara , Pinatawa ako ng Dios , sinomang makarinig ay makikitawa . At sinabi niya , Sinong nakapagsabi kay Abraham na si Sara ay magpapasuso ng anak ? sapagka&#039;t ako&#039;y nagkaanak sa kaniya ng isang lalake sa kaniyang katandaan . At lumaki ang sanggol , at inihiwalay sa suso ; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na ihiwalay sa suso si Isaac . At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto , na ito&#039;y nagkaanak kay Abraham , na tumutuya sa kaniya . Kaya&#039;t sinabi niya kay Abraham , Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak : sapagka&#039;t hindi magmamana ang anak ng aliping ito na kahati ng aking anak , sa makatuwid baga&#039;y ni Isaac . At ang bagay na ito ay naging lubhang mabigat sa paningin ni Abraham dahil sa kaniyang anak . At sinabi ng Dios kay Abraham , Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin ; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara , ay makinig ka sa kaniyang tinig , sapagka&#039;t kay Isaac tatawagin ang iyong lahi . At ang anak din naman ng alipin ay gagawin kong isang bansa , sapagka&#039;t siya&#039;y anak mo . At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham , at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig , at ibinigay kay Agar , na ipinatong sa kaniyang balikat , at ang bata at siya ay pinapagpaalam , at siya&#039;y nagpaalam at naggala sa ilang ng Beerseba . At naubos ang tubig sa bangang balat , at kaniyang inilapag ang bata sa ilalim ng isa sa mabababang punong kahoy . At yumaon at naupo sa tapat niya , na ang layo ay isang hilagpos ng pana ; sapagka&#039;t sinabi niya , Huwag kong makita ang kamatayan ng bata . At naupo sa tapat , at naghihiyaw at umiyak . At narinig ng Dios ang tinig ng bata ; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar , mula sa langit , at sa kaniya&#039;y sinabi , Naano ka Agar ? Huwag kang matakot ; sapagka&#039;t narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan . Magtindig ka , iyong itayo ang bata , at alalayan mo siya ng iyong kamay ; sapagka&#039;t siya&#039;y gagawin kong isang bansang malaki . At idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata , at siya&#039;y nakakita ng isang balon ng tubig : at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat , at pinainom ang bata . At ang Dios ay sumabata , at siya&#039;y lumaki ; at tumahan sa ilang at naging mamamana . At nanahan siya sa ilang ng Paran : at ikinuha siya ng kaniyang ina ng asawa sa lupain ng Egipto . At nangyari ng panahong yaon , na si Abimelech , at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo ay nagsalita kay Abraham , na nagsasabi , Sumasaiyo ang Dios sa lahat mong ginagawa : Ngayon nga&#039;y ipanumpa mo sa akin dito alangalang sa Dios , na di ka maglililo sa akin , kahit sa aking anak , kahit sa anak ng aking anak ; kundi ayon sa kagandahang loob na ipinakita ko sa iyo , ay gayon ang gagawin mo sa akin , at sa lupaing iyong pinakipamayanan . At sinabi ni Abraham , Susumpa ako . At pinagwikaan ni Abraham si Abimelech dahil sa isang balon ng tubig , na marahas na inalis sa kaniya ng mga bataan ni Abimelech . At sinabi ni Abimelech , Aywan , kung sinong gumawa ng bagay na ito : na di mo man sinabi sa akin , at hindi ko man nabalitaan kundi ngayon . At kumuha si Abraham ng mga tupa , at mga baka , at ibinigay kay Abimelech ; at gumawa silang dalawa ng isang tipan . At ibinukod ni Abraham ang pitong korderong babae sa kawan . At sinabi ni Abimelech kay Abraham , Anong kahulugan nitong pitong korderong babae na iyong ibinukod ? At kaniyang sinabi , Itong pitong korderong babae ay iyong kukunin sa aking kamay , upang sa akin ay maging patotoo na hinukay ko ang balong ito . Kaya&#039;t tinawag niya ang dakong yaong Beerseba ; sapagka&#039;t doon sila kapuwa nanumpa . Sa gayo&#039;y gumawa sila ng isang tipan sa Beerseba : at nagtindig si Abimelech , at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo at nagsipagbalik sa lupain ng mga Filisteo . At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba , at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan . At maraming araw na nakipamayan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo . At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito , na sinubok ng Dios si Abraham , at sa kaniya&#039;y sinabi , Abraham ; at sinabi niya , Narito ako . At kaniyang sinabi , Kunin mo ngayon ang iyong anak , ang iyong bugtong na anak na si Isaac , na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria ; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo . At si Abraham ay bumangong maaga , at inihanda ang kaniyang asno , at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila , at si Isaac na kaniyang anak : at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin , at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios . Nang ikatlong araw ay itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata at natanaw niya ang dakong yaon sa malayo . At sinabi ni Abraham sa kaniyang mga alila , Maghintay kayo rito sangpu ng asno , at ako at ang bata ay paroroon doon ; at kami ay sasamba , at pagbabalikan namin kayo . At kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin , at ipinasan kay Isaac na kaniyang anak ; at dinala sa kaniyang kamay ang apoy at ang sundang ; at sila&#039;y kapuwa yumaong magkasama . At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama , na sinabi , Ama ko : at kaniyang sinabi , Narito ako , anak ko . At sinabi , Narito , ang apoy at ang kahoy , nguni&#039;t saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin ? At sinabi ni Abraham , Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin , anak ko : ano pa&#039;t sila&#039;y kapuwa yumaong magkasama . At sila&#039;y dumating sa dakong sa kaniya&#039;y sinabi ng Dios ; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana , at inayos ang kahoy , at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana , sa ibabaw ng kahoy . At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak . At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit , at sinabi , Abraham , Abraham : at kaniyang sinabi , Narito ako . At sa kaniya&#039;y sinabi , Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata , o gawan man siya ng anoman : sapagka&#039;t talastas ko ngayon , na ikaw ay natatakot sa Dios , sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak , ang iyong bugtong na anak . At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata , at nagmalas , at narito , ang isang tupang lalake , sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay : at pumaroon si Abraham , at kinuha ang tupa , at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak . At pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon , ng Jehova-jireh : gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito : Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda . At tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham na ikalawa mula sa langit . At sinabi , Sa aking sarili ay sumumpa ako , anang Panginoon , sapagka&#039;t ginawa mo ito , at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak , ang iyong bugtong na anak ; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita , at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi , na gaya ng mga bituin sa langit , at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat ; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway ; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa ; sapagka&#039;t sinunod mo ang aking tinig . Sa gayo&#039;y nagbalik si Abraham sa kaniyang mga alila , at nagsitindig at samasamang nagsiparoon sa Beerseba ; at tumahan si Abraham sa Beerseba . At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na ibinalita kay Abraham na sinasabi , Narito , si Milca rin naman ay nagkaroon ng mga anak kay Nahor na iyong kapatid . Si Huz ang kaniyang panganay , at si Buz na kaniyang kapatid , at si Kemuel na ama ni Aram ; Si Chesed din naman , at si Hazo , at si Pildas , at si Jidlaph , at si Bethuel . At naging anak ni Bethuel si Rebeca : ang walong ito ay naging anak ni Milca kay Nachor na kapatid ni Abraham . At ipinanganak din naman ng kaniyang babae na tinatawag na Reuma , si Teba , at si Gaham , at si Taas at si Maacha . At ang buhay ni Sara ay tumagal ng isang daan at dalawang pu&#039;t pitong taon : ito ang naging mga taon ng buhay ni Sara . At namatay si Sara sa Kiriatharba ( na siyang Hebron ) , sa lupain ng Canaan : at naparoon si Abraham na ipinagluksa si Sara at iniyakan . At tumindig si Abraham sa harap ng kaniyang patay , at nagsalita sa mga anak ni Heth , na sinasabi , Ako&#039;y tagaibang bayan at nakikipamayan sa inyo : bigyan ninyo ako ng isang pag-aaring libingan sa gitna ninyo , upang aking ilibing ang aking patay , na malingid sa aking paningin . At ang mga anak ni Heth ay sumagot kay Abraham , na nagsasabi sa kaniya , Dinggin mo kami , panginoon ko : ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin : sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay ; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan , upang paglibingan ng iyong patay . At tumindig si Abraham , at yumukod sa bayan ng lupain , sa mga anak nga ni Heth . At nakiusap sa kanila , na sinasabi , Kung kalooban ninyo na aking ilibing ang aking patay na malingid sa aking paningin , ay dinggin ninyo ako , at pamagitanan ninyo ako kay Ephron , na anak ni Zohar , Upang ibigay niya sa akin ang yungib ng Macpela , na kaniyang inaari , na nasa hangganan ng kaniyang parang ; sa tapat na halaga ay ibigay niya sa akin , upang maging pag-aaring libingan sa gitna ninyo . Si Ephron nga ay nakaupo sa gitna ng mga anak ni Heth : at sumagot si Ephron na Hetheo kay Abraham , sa harap ng mga anak ni Heth , na naririnig ng lahat na pumapasok sa pintuan ng bayan , na sinasabi , Hindi , panginoon ko , dinggin mo ako : ang parang ay ibinibigay ko sa iyo , at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo ; sa harap ng mga anak ng aking bayan , ay ibinigay ko sa iyo : ilibing mo ang iyong patay . At si Abraham ay yumukod sa harapan ng bayan ng lupain . At nagsalita kay Ephron sa harap ng bayan ng lupain , na sinasabi , Maanong ako lamang ay iyong pakinggan : ibibigay ko sa iyo ang halaga ng parang ; tanggapin mo sa akin , at ililibing ko roon ang aking patay . At sumagot si Ephron kay Abraham , na sinasabi sa kaniya , Panginoon ko , dinggin mo ako : isang putol ng lupa na ang halaga&#039;y apat na raang siklong pilak : gaano sa akin at sa iyo ? ilibing mo nga ang iyong patay . At dininig ni Abraham si Ephron ; at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi , sa harap ng mga anak ni Heth , apat na raang siklong pilak , na karaniwang salapi ng mga mangangalakal . Kaya&#039;t ang parang ni Ephron na nasa Macpela , na nasa tapat ng Mamre , ang parang at ang yungib na nandoon , at ang lahat ng mga punong kahoy na nasa parang na yaon , na ang nasa buong hangganan niyaon sa palibot , ay pinagtibay Kay Abraham na pag-aari sa harap ng mga anak ni Heth , sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang daan ng kaniyang bayan . At pagkatapos nito ay inilibing ni Abraham si Sara na kaniyang asawa sa yungib ng parang sa Macpela sa tapat ng Mamre ( na siyang Hebron ) sa lupain ng Canaan . At ang parang at ang yungib na naroroon , ay pinagtibay kay Abraham ng mga anak ni Heth , na pag-aaring libingan niya . At si Abraham ay matanda na , at lipas na sa panahon : at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay . At sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala , sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na namamahala ng lahat niyang tinatangkilik : Ipinamamanhik ko sa iyo na ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita : At ikaw ay aking pasusumpain , alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa , na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan : Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain , at sa aking kamaganakan , at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac . At sinabi sa kaniya ng lingkod , Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito : dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo ? At sinabi sa kaniya ni Abraham , Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak . Ang Panginoon , ang Dios ng langit , na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama , at sa lupaing aking tinubuan , at sa akin ay nagsalita , at sa akin ay sumumpa , na nagsasabi , Sa iyong binhi , ibibigay ko ang lupaing ito : ay magsusugo siya ng kaniyang anghel sa unahan mo , at papag-aasawahin mo roon ang aking anak . At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo , ay maliligtas ka rito sa aking sumpa ; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon . At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon , at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito . At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon , at yumaon ; na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon : at tumindig at napasa Mesopotamia , sa bayan ni Nachor . At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan , sa tabi ng balon ng tubig , ng dakong palubog na ang araw , na kapanahunan nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig . At sinabi , Oh Panginoon , Dios ng aking panginoong si Abraham , ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon , at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham . Narito , ako&#039;y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig : at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan , ay nagsilabas upang umigib ng tubig : At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan , Ibaba mo , isinasamo ko sa iyo , ang iyong banga upang ako&#039;y uminom ; at siya&#039;y magsabi , Uminom ka , at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo : maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac : at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon . At nangyari , na bago natapos ang pananalita niya , ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel , na anak ni Milca , na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat . At ang babae ay may magandang anyo , dalaga , na hindi pa nasisipingan ng lalake : at lumusong sa bukal , at pinuno ang kaniyang banga , at umahon . At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi , Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga . At sinabi niya , Uminom ka , panginoon ko : at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay , at pinainom siya . At pagkatapos na kaniyang mapainom , ay sinabi , Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo , hanggang sa makainom na lahat . At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman , at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo . At siya&#039;y tinitigan ng lalake ; na hindi umiimik , upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi . At nangyari , nang makainom ang mga kamelyo , na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto , na may kalahating siklo sa timbang , at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay , na may timbang na sangpung siklong ginto ; At sinabi , Kaninong anak ka ? sabihin mo sa akin , ipinamamanhik ko sa iyo . May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan ? At sinabi niya sa kaniya , Anak ako ni Bethuel , na anak ni Milca , na ipinanganak niya kay Nahor . Sinabi rin niya sa kaniya , Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop , at dakong matutuluyan . At lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon . At siya&#039;y nagsabi , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng aking panginoong si Abraham , na hindi inilayo ang kaniyang habag at ang kaniyang pagtatapat , sa aking panginoon : tungkol sa akin , ay pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon . At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito . At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang Laban : at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas , sa bukal . At nangyari , pagkakita ng singsing , at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid , at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid , na sinasabi , Gayon sinalita sa akin ng lalake ; na naparoon siya sa lalake ; at narito , ito&#039;y nakatayo sa siping ng mga kamelyo , sa bukal . At sinabi niya , Pumasok ka , pinagpala ng Panginoon ; bakit ka nakatayo sa labas ? sapagka&#039;t inihanda ko ang bahay , at ang dako ng mga kamelyo . At pumasok ang lalake sa bahay , at kinalagan ang mga kamelyo ; at binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo , at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa , at ng mga paa ng mga taong kasama niya . At siya&#039;y hinainan nila ng pagkain : datapuwa&#039;t kaniyang sinabi , Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya . At sinabi ni Laban , Magsalita ka . At kaniyang sinabi , Alilang katiwala ako ni Abraham . At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon ; at siya&#039;y naging dakila : at siya&#039;y binigyan ng kawan at bakahan , at ng pilak at ng ginto , at ng mga aliping lalake , at babae , at ng mga kamelyo , at ng mga asno . At si Sara na asawa ng aking panginoon , ay nagkaanak ng lalake sa aking panginoon , nang siya&#039;y matanda na : at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari . At pinapanumpa ako ng aking panginoon , na sinasabi , Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan : Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan , at papag-aasawahin mo roon ang aking anak . At sinabi ko sa aking panginoon , Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin . At kaniyang sinabi sa akin , Ang Panginoon na sa harap niya&#039;y lumalakad ako , ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel , at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad , at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan , at sa angkan ng aking ama : Kung magkagayo&#039;y makakakawala ka sa aking sumpa , pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan ; at kung hindi nila ibigay sa iyo , ay makakakawala ka sa aking sumpa . At dumating ako ng araw na ito , sa bukal , at aking sinabi , Oh Panginoon , na Dios ng aking panginoong si Abraham , kung ngayo&#039;y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko : Narito , nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig ; at mangyari , na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan , Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga ; At siya&#039;y magsasabi sa akin , Uminom ka , at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo : ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon . At bago ko nasalita sa sarili , narito si Rebeca , na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat ; at lumusong sa bukal at umigib : at aking sinabi sa kaniya , Makikiinom ako sa iyo . At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat , at nagsabi , Uminom ka , at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo : sa gayo&#039;y uminom ako , at pinainom niya pati ng mga kamelyo , At siya&#039;y aking tinanong , at aking sinabi , Kaninong anak ka ? at kaniyang sinabi , Anak ako ni Bethuel , na anak ni Nachor , na ipinanganak sa kaniya ni Milca : at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong , at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay . At aking iniyukod ang aking ulo , at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon , na Dios ng aking panginoong si Abraham , na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon , para sa kaniyang anak . At ngayon , kung inyong mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin : at kung hindi , ay sabihin din ninyo sa akin ; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Laban at si Bethuel , at sinabi , Sa Panginoon nagmumula ito : kami ay hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti . Narito , si Rebeca ay nasa harap mo , dalhin mo , at yumaon ka , at siya&#039;y maging asawa ng anak ng iyong panginoon , na gaya ng sinalita ng Panginoon . At nangyari , na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita , ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon . At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto , at mga damit , at mga ibinigay kay Rebeca : nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina . At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya , at doon nagparaan ng magdamag , at sila&#039;y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi , Suguin ninyo ako sa aking panginoon . At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake , at ng kaniyang ina , Matira ang dalaga sa aming ilang araw , sangpung araw man lamang ; pagkatapos ay paroroon siya . At sinabi niya sa kanila , Huwag ninyo akong pigilin , yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad ; papagpaalamin na ninyo ako , upang ako&#039;y umuwi sa aking panginoon . At kanilang sinabi , Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig . At kanila ngang tinawag si Rebeca , at kanilang sinabi sa kaniya , Sasama ka ba sa lalaking ito ? At sinabi niya , Sasama ako . At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid , at ang kaniyang yaya , at ang alilang katiwala ni Abraham , at ang kaniyang mga tao . At kanilang binasbasan si Rebeca , at sinabi nila sa kaniya , Kapatid namin , maging ina ka nawa ng yutayuta , at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila . At tumindig si Rebeca , at ang kaniyang mga abay , at nangagsisakay sa mga kamelyo , at nangagsisunod sa lalake ; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon . At si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi ; sapagka&#039;t siya&#039;y natira sa lupaing Timugan . At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon : at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata , at kaniyang nakita , at , narito , may dumarating na mga kamelyo . Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac , ay bumaba sa kamelyo . At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala , Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin ? At sinabi ng alilang katiwala , Yaon ang aking panginoon : at kinuha niya ang kaniyang lambong , at siya&#039;y nagtakip . At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa . At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina , at ipinagsama si Rebeca , at naging kaniyang asawa : at kaniya namang sininta : at naaliw si Isaac , pagkamatay ng kaniyang ina . At si Abraham ay nagasawa ng iba , at ang pangalan ay Cetura . At naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan , at si Medan , at si Midiam , at si Ishbak , at si Sua . At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan . At ang mga anak na lalake ni Dedan , ay si Assurim at si Letusim , at si Leummim . At ang mga anak ni Midian : si Epha at si Epher , at si Enech , at si Abida , at si Eldaa . Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura . At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac . Datapuwa&#039;t ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham , ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob ; at samantalang nabubuhay pa siya ay mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan . At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham , isang daan at pitong pu&#039;t limang taon . At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan , matanda at puspos ng mga taon ; at nalakip sa kaniyang bayan . At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela , sa parang ni Ephron , na anak ni Zohar na Hetheo , na nasa tapat ng Mamre ; Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth : doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa . At nangyari , pagkamatay ni Abraham , na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak ; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng Beer-lahai-roi . Ang mga ito nga ang sali&#039;t saling lahi ni Ismael , anak ni Abraham , na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto , na alila ni Sara : At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael , ayon sa kanikaniyang lahi : ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth ; at si Cedar , at si Adbeel , at si Mibsam , At si Misma , at si Duma , at si Maasa , At si Hadad , at si Tema , si Jetur , si Naphis , at si Cedema : Ito ang mga anak ni Ismael , at ito ang kanikaniyang pangalan , ayon sa kanikaniyang nayon , at ayon sa kanikaniyang hantungan : labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa . At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael , isang daan at tatlong pu&#039;t pitong taon ; at nalagot ang hininga at namatay ; at siya&#039;y nalakip sa kaniyang bayan . At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur , na natatapat sa Egipto , kung patutungo sa Asiria ; siya&#039;y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid . At ito ang mga sali&#039;t saling lahi ni Isaac , na anak ni Abraham : naging anak ni Abraham si Isaac , At si Isaac ay may apat na pung taon , nang siya&#039;y magasawa kay Rebeca , na anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram , kapatid na babae ni Laban na taga Siria . At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa , sapagka&#039;t baog ; at nadalanginan niya ang Panginoon , at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi . At nagbubuno ang mga bata sa loob niya ; at kaniyang sinabi , Kung ganito&#039;y bakit nabubuhay pa ako ? At siya&#039;y yumaong nagsiyasat sa Panginoon . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata , At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan : At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan ; At ang matanda ay maglilingkod sa bata . At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan , narito&#039;t kambal sa kaniyang bahay-bata . At ang unang lumabas ay mapula na buong katawa&#039;y parang mabalahibong damit ; at siya&#039;y pinanganlang Esau . At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid , at ang kaniyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau ; at ipinangalan sa kaniya ay Jacob : at si Isaac ay may anim na pung taon na , nang sila&#039;y ipanganak ni Rebeca . At nagsilaki ang mga bata ; at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso , lalake sa parang ; at si Jacob ay lalaking tahimik , na tumatahan sa mga tolda . Minamahal nga ni Isaac si Esau , sapagka&#039;t kumakain ng kaniyang pinangangasuhan : at minamahal ni Rebeca si Jacob . At nagluto si Jacob ng lutuin : at dumating si Esau na galing sa parang , at siya&#039;y nanglalambot : At sinabi ni Esau kay Jacob , Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin ; sapagka&#039;t ako&#039;y nanglalambot : kaya&#039;t tinawag ang pangalan niya na Edom . At sinabi ni Jacob , Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay . At sinabi ni Esau , Narito , ako&#039;y namamatay : at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay ? At sinabi ni Jacob , Isumpa mo muna sa akin ; at isinumpa niya sa kaniya : at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob . At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas ; at siya&#039;y kumain , at uminom , at bumangon at yumaon : gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay . At nagkagutom sa lupain , bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham . At naparoon si Isaac kay Abimelech , na hari ng mga Filisteo sa Gerar . At napakita ang Panginoon sa kaniya , at nagsabi , Huwag kang bumaba sa Egipto ; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo : Matira ka sa lupaing ito , at ako&#039;y sasa iyo , at ikaw ay aking pagpapalain ; sapagka&#039;t sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito , at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama ; At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit , at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito : at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa ; Sapagka&#039;t sinunod ni Abraham ang aking tinig , at ginanap ang aking bilin , ang aking mga utos , ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan . At tumahan si Isaac sa Gerar . At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa ; at sinabi niya , Siya&#039;y aking kapatid ; sapagka&#039;t natakot na sabihin , Siya&#039;y aking asawa : baka ako&#039;y patayin , aniya , ng mga taong tagarito , dahil kay Rebeca ; dahil sa siya&#039;y may magandang anyo . At nangyari nang siya&#039;y naroong mahabang panahon , na dumungaw si Abimelech , na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan , at tumingin , at narito&#039;t si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa . At tinawag ni Abimelech si Isaac , at sa kaniya&#039;y sinabi , Narito , tunay na siya&#039;y iyong asawa : at bakit sinabi mo , Siya&#039;y aking kapatid ? At sumagot sa kaniya si Isaac , Sapagka&#039;t sinabi ko , Baka ako&#039;y mamatay dahil sa kaniya . At sinabi ni Abimelech , Ano itong ginawa mo sa amin ? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa , at sa gayon ay pinapagkasala mo kami . At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan , na sinabi , Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin . At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon , at umani siya ng taong yaon , ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon . At naging dakila ang lalake at lalo&#039;t lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila . At siya&#039;y may tinatangkilik na mga kawan , at mga tinatangkilik na mga bakahan , at malaking sangbahayan : at kinainggitan siya ng mga Filisteo . Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama , nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama , ay pinagtabunan ng mga Filisteo , na mga pinuno ng lupa . At sinabi ni Abimelech kay Isaac ; Humiwalay ka sa amin , sapagka&#039;t ikaw ay makapupong matibay kay sa amin . At umalis si Isaac doon , at humantong sa libis ng Gerar , at tumahan doon . At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama ; sapagka&#039;t pinagtabunan ng mga Filisteo , pagkamatay ni Abraham : at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama . At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac , at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal . At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac , na sinasabi , Amin ang tubig ; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon , na Esec ; sapagka&#039;t ipinakipagkaalit sa kaniya . At sila&#039;y humukay ng ibang balon ; at kanilang pinagtalunan din : at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah . At bumunot siya roon , at humukay ng ibang balon ; at hindi nila pinagtalunan : at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth ; at kaniyang sinabi , Sapagka&#039;t ngayo&#039;y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan , at lalago tayo sa lupain . At mula roon ay umahon siya sa Beerseba . At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon , at nagsabi , Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama : huwag kang matakot , sapagka&#039;t ako&#039;y sumasaiyo , at ikaw ay aking pagpapalain , at aking pararamihin ang iyong binhi , alangalang kay Abraham na aking lingkod . At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana , at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon , at itinindig niya roon ang kaniyang tolda : at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon . Nang magkagayo&#039;y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar , at si Ahuzath na kaniyang kaibigan , at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo . At sinabi sa kanila ni Isaac , Bakit kayo naparirito sa akin , dangang kayo&#039;y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo ? At sinabi nila , Malinaw na aming nakita , na ang Panginoon ay sumasaiyo : at aming sinabi , Magkaroon ng pagsusumpaan tayo , kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo : Na hindi ka gagawa sa amin ng masama , gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw , at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti , at pinayaon ka naming payapa : ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon . At pinaghandaan niya sila , at sila&#039;y nagkainan at naginuman . At sila&#039;y gumising ng madaling araw , at sila&#039;y nagpanumpaan : at sila&#039;y pinagpaalam ni Isaac , at nagsialis na payapa sa kaniya . At nangyari , nang araw ding yaon , na nagsidating ang mga bataan ni Isaac , at siya&#039;y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay , at sinabi sa kaniya , Nakasumpong kami ng tubig . At tinawag niyang Seba : kaya&#039;t ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon . At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit , na anak ni Beeri na Heteo , at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo : At sila&#039;y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca . At nangyari , nang matanda na si Isaac , at malabo na ang kaniyang mga mata , na ano pa&#039;t hindi na siya makakita , ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay , at sinabi sa kaniya , Anak ko : at kaniyang sinabi , Narito ako . At sinabi niya , Narito , ako&#039;y matanda , at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan . Ngayon nga&#039;y kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo , ang iyong almas , ang iyong lalagyan ng pana , at ang iyong busog , at lumabas ka sa parang , at ihuli mo ako ng usa ; At igawa mo ako ng masarap na pagkain , na aking ibig , at dalhin mo rito sa akin , upang ako&#039;y kumain ; upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay . At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak . At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa , at upang madala . At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi , Narito , narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid , na sinasabi , Dalhan mo ako ng usa , at igawa mo ako ng pagkaing masarap , upang ako&#039;y kumain , at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon , bago ako mamatay , Ngayon nga , anak ko , sundin mo ang aking tinig , ayon sa iniutos ko sa iyo . Pumaroon ka ngayon sa kawan , at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing ; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama , ayon sa kaniyang ibig . At dadalhin mo sa iyong ama , upang kumain , ano pa&#039;t ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay . At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina , Narito , si Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo , at ako&#039;y taong makinis . Marahil ay hihipuin ako ng aking ama , at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya ; at ang aking mahihita ay sumpa at hindi basbas . At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina , Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo , anak ko : sundin mo lamang ang aking tinig , at yumaon ka , na dalhin mo sa akin . At siya&#039;y yumaon at dinala sa kaniyang ina : at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain , na ibig ng kaniyang ama . At kinuha ni Rebeca ang mainam na damit ni Esau , na kaniyang anak na panganay , na nasa kaniya sa bahay , at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak : At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay , at sa kinis ng kaniyang leeg . At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap , at ang tinapay na kaniyang inihanda , sa kamay ni Jacob na kaniyang anak . At siya&#039;y lumapit sa kaniyang ama , at nagsabi , Ama ko ; at sinabi niya : Narito ako ; sino ka , anak ko ? At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama , Ako&#039;y si Esau na iyong panganay ; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin : bumangon ka , ipinamamanhik ko sa iyo , maupo ka at kumain ka ng aking usa , upang basbasan ako ng iyong kaluluwa . At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak , Ano&#039;t kay dali mong nakasumpong , anak ko ? At sinabi niya , Sapagka&#039;t binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios . At sinabi ni Isaac kay Jacob , Lumapit ka rito , ipinamamanhik ko sa iyo upang hipuin kita , anak ko , kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi . At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama : at hinipo siya , at sinabi , Ang tinig ay tinig ni Jacob , nguni&#039;t ang mga kamay ay mga kamay ni Esau . At hindi siya nakilala , sapagka&#039;t ang kaniyang kamay ay mabalahibo , gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid : at sa gayo&#039;y binasbasan siya . At sinabi niya , Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau ? At sinabi niya , Ako nga . At kaniyang sinabi , Ilapit mo sa akin , at kakain ako ng usa ng aking anak , upang basbasan ka ng aking kaluluwa . At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya : at siya&#039;y dinalhan niya ng alak , at uminom . At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama , Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin , anak ko . At siya&#039;y lumapit at humalik siya sa kaniya : at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot , at siya&#039;y binasbasan , na sinabi , Narito , ang amoy ng aking anak Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon : At bigyan ka ng Dios ng hamog ng langit , At ng taba ng lupa , At ng saganang trigo at alak : Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo . At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo : Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid , At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina : Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo . At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo . At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob , at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama , ay dumating si Esau na kaniyang kapatid , na galing sa kaniyang panghuhuli . At siya ma&#039;y gumawa ng masarap na pagkain , at dinala niya sa kaniyang ama ; at sinabi niya sa kaniyang ama , Bumangon ang ama ko , at kumain ng usa ng kaniyang anak , upang basbasan ako ng iyong kaluluwa . At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya , Sino ka ? At kaniyang sinabi , Ako ang iyong anak , ang iyong panganay na si Esau . At nangilabot na mainam si Isaac , at sinabi , Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin , at ako&#039;y kumain niyaon bago ka dumating , at aking binasbasan siya ? oo , at siya&#039;y magiging mapalad ! Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan : at sinabi sa kaniyang ama . Basbasan mo ako , ako naman , Oh ama ko . At kaniyang sinabi , Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya , at kinuha ang basbas sa iyo . At kaniyang sinabi , Hindi ba matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob ? sapagka&#039;t kaniyang inagawan ako nitong makalawa : kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay ; at , narito , ngayo&#039;y kinuha ang basbas sa akin . At kaniyang sinabi , Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas . At sumagot si Isaac , at sinabi kay Esau . Narito , inilagay ko siyang panginoon mo , at sa kaniya&#039;y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid ; at sa trigo at sa bagong alak , ay kinandili ko siya ; at sa iyo&#039;y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko ? At sinabi ni Esau sa kaniyang ama , Wala ka ba , kundi isa lamang basbas , ama ko ? Basbasan mo ako , ako naman , Oh ama ko . At humiyaw si Esau at umiyak . At sumagot si Isaac na kaniyang ama , at sinabi sa kaniya , Narito , magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan , At sa hamog ng langit mula sa itaas ; At sa iyong tabak ay mabubuhay ka , at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka ; At mangyayari na pagka nakalaya ka , Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya . At kinapootan ni Esau si Jacob , dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama ; at sinasabi ni Esau sa sarili , Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama ; kung magkagayo&#039;y papatayin ko si Jacob na aking kapatid . At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca ; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob , na kaniyang bunso at sa kaniya&#039;y sinabi , Narito , ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo , na inaakalang patayin ka . Ngayon nga , anak ko , sundin mo ang aking tinig ; at bumangon ka , at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid , sa Haran ; At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid . Hanggang ang galit sa iyo , ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya : kung magkagayo&#039;y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon : bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw ? At sinabi ni Rebeca kay Isaac , Ako&#039;y yamot na sa aking buhay , dahil sa mga anak na babae ni Heth : kung si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito , ng mga anak ng lupaing ito , ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay ? At tinawag ni Isaac si Jacob , at siya&#039;y binasbasan , at siya&#039;y pinagbilinan , na sinabi sa kaniya , Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan . Tumindig ka , pumaroon ka sa Padan-aram , sa bahay ni Bethuel , na ama ng iyong ina , at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban , na kapatid na lalake ng iyong ina . At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat , at ikaw ay palaguin , at ikaw ay paramihin , upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan ; At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham , sa iyo , at sangpu sa iyong binhi ; upang iyong ariin ang lupaing iyong pinaglakbayan , na ibinigay ng Dios kay Abraham . At pinapagpaalam ni Isaac si Jacob : at naparoon siya sa Padan-aram kay Laban , anak ni Bethuel na taga Siria , na kapatid ni Rebeca , na ina ni Jacob at ni Esau . Nakita nga ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob , at siya&#039;y pinaparoon sa Padan-aram , upang doon magasawa ; at nang siya&#039;y basbasan ay ipinagbilin sa kaniya , na sinasabi , Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan . At sumunod si Jacob sa kaniyang ama at sa kaniyang ina , at naparoon sa Padan-aram ; At nakita ni Esau na hindi nakalulugod ang mga anak ng Canaan kay Isaac na kaniyang ama ; At naparoon si Esau kay Ismael , at nagasawa kay Mahaleth , anak ni Ismael , na anak ni Abraham , na kapatid na babae ni Nabaioth , bukod pa sa mga asawang mayroon na siya . At umalis si Jacob sa Beerseba at napasa dakong Haran . At dumating sa isang dako , at nagparaan ng buong gabi roon , sapagka&#039;t lumubog na ang araw ; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon , at inilagay sa kaniyang ulunan , at nahiga sa dakong yaon upang matulog . At nanaginip , at narito , ang isang hagdan , na ang puno ay nasa lupa , at ang dulo ay umaabot sa langit ; at narito , ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon . At , narito , ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon , at nagsabi , Ako ang Panginoon , ang Dios ni Abraham na iyong ama , at ang Dios ni Isaac : ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi ; At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa , at kakalat ka sa kalunuran , at sa silanganan , at sa hilagaan , at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa . At , narito&#039;t ako&#039;y sumasa iyo , at iingatan kita saan ka man pumaroon , at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka&#039;t hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo . At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip , at nagsabi , Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito , at hindi ko nalalaman . At siya&#039;y natakot , at kaniyang sinabi , Kakilakilabot na dako ito ! ito&#039;y hindi iba kundi bahay ng Dios , at ito ang pintuan ng langit . At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan , at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya , at kaniyang itinayo na pinakaalaala , at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw . At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel : datapuwa&#039;t ang pangalan ng bayan nang una ay Luz . At si Jacob ay nagpanata , na sinasabi , Kung sasaakin ang Dios , at ako&#039;y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran , at ako&#039;y bibigyan ng tinapay na makakain , at damit na maisusuot , Na ano pa&#039;t ako&#039;y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama , ay ang Panginoon nga ang magiging aking Dios , At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios ; at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo . Nang magkagayo&#039;y nagpatuloy si Jacob ng kaniyang paglalakbay , at napasa lupain ng mga anak ng silanganan . At siya&#039;y tumingin , at nakakita ng isang balon sa parang , at narito , may tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon : sapagka&#039;t sa balong yaon pinaiinom ang mga kawan : at ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay malaki . At doon nagkakatipon ang lahat ng kawan : at kanilang iginugulong ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon , at pinaiinom ang mga tupa , at muling inilalagay ang bato sa ibabaw ng labi ng balon , sa dako niyaon . At sinabi sa kanila ni Jacob , Mga kapatid ko , taga saan kayo ? At kanilang sinabi , Taga Haran kami . At sinabi niya sa kanila , Nakikilala ba ninyo si Laban na anak ni Nachor ? At kanilang sinabi , Nakikilala namin siya . At sinabi niya sa kanila , Siya ba&#039;y mabuti ? At , kanilang sinabi , Siya&#039;y mabuti : at , narito , si Raquel na kaniyang anak ay dumarating na dala ang mga tupa . At sinabi niya , Narito , maaga pa , ni hindi oras tipunin ang mga hayop : painumin ninyo ang mga tupa , at inyo silang pasabsabin . At kanilang sinabi , Hindi namin magagawa hanggang sa magkatipon ang lahat ng kawan , at igugulong ang bato mula sa labi ng balon ; gayon nga aming pinaiinom ang mga tupa . Samantalang nakikipagusap pa siya sa kanila , ay dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kaniyang ama ; sapagka&#039;t siya ang nagaalaga ng mga iyon . At nangyari , nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban , na kapatid ng kaniyang ina , at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina , na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon , at pinainom ang kawan ni Laban , na kapatid ng kaniyang ina . At hinagkan ni Jacob si Raquel ; at humiyaw ng malakas at umiyak . At kay Raquel ay sinaysay ni Jacob na siya&#039;y kapatid ni Laban , na kaniyang ama , at anak siya ni Rebeca : at siya&#039;y tumakbo at isinaysay sa kaniyang ama . At nangyari , nang marinig ni Laban ang mga balita tungkol kay Jacob , na anak ng kaniyang kapatid , ay tumakbo siya na kaniyang sinalubong , at kaniyang niyakap at kaniyang hinagkan , at kaniyang dinala sa kaniyang bahay . At isinaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito . At sinabi sa kaniya ni Laban , Tunay na ikaw ay aking buto at aking laman . At dumoon sa kaniyang isang buwan . At sinabi ni Laban kay Jacob , Sapagka&#039;t ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad ? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo . At may dalawang anak na babae si Laban : ang pangalan ng panganay ay Lea , at ang pangalan ng bunso ay Raquel . At ang mga mata ni Lea ay mapupungay ; datapuwa&#039;t si Raquel ay maganda at kahalihalina . At sininta ni Jacob si Raquel ; at kaniyang sinabi , Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso . At sinabi ni Laban , Magaling ang ibigay ko siya sa iyo , kay sa ibigay ko sa iba : matira ka sa akin . At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel , na pitong taon ; at sa kaniya&#039;y naging parang ilang araw , dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya . At sinabi ni Jacob kay Laban , Ibigay mo sa akin ang aking asawa , sapagka&#039;t naganap na ang aking mga araw upang ako&#039;y sumiping sa kaniya . At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon at siya&#039;y gumawa ng isang piging . At nangyari nang kinagabihan , na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob , at siya&#039;y sumiping sa kaniya . At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa . At nangyari , na sa kinaumagahan , narito&#039;t si Lea : at kaniyang sinabi kay Laban : Ano itong ginawa mo sa akin ? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel ? Bakit mo nga ako dinaya ? At sinabi ni Laban , Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako , na ibinibigay ang bunso , bago ang panganay . Tapusin mo ang kaniyang sanglingo , at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa , dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa , sa akin . At gayon ang ginawa ni Jacob , at tinapos niya ang sanglingo nito , at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya . At sa kaniyang anak na kay Raquel ay ibinigay ni Laban na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Bilha . At sumiping din naman si Jacob kay Raquel , at kaniya namang inibig si Raquel ng higit kay Lea , at naglingkod siya kay Laban na pitong taon pa . At nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapopootan niya , at binuksan ang kaniyang bahay-bata ; datapuwa&#039;t si Raquel ay baog . At naglihi si Lea , at nanganak ng isang lalake , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben ; sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Sapagka&#039;t nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian ; dahil sa ngayo&#039;y mamahalin ako ng aking asawa . At naglihi uli , at nanganak ng isang lalake ; at nagsabi , Sapagka&#039;t narinig ng Panginoon na ako&#039;y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito : at pinanganlan niyang Simeon . At naglihi uli at nanganak ng isang lalake ; at nagsabi , Ngayo&#039;y masasama na sa akin ang aking asawa , sapagka&#039;t nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake : kaya&#039;t pinanganlan niyang Levi . At muling naglihi at nanganak ng isang lalake , at nagsabi , Ngayo&#039;y aking pupurihin ang Panginoon : kaya&#039;t pinanganlang Juda ; at hindi na nanganak . At nang makita ni Raquel , na hindi siya nagkakaanak kay Jacob , ay nainggit si Raquel sa kaniyang kapatid ; at sinabi kay Jacob , Bigyan mo ako ng anak , o kung hindi ay mamamatay ako ! At nagningas ang galit ni Jacob laban kay Raquel ; at nagsabi , Ako ba&#039;y nasa kalagayan ng Dios , na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata ? At sinabi niya , Narito ang aking alilang si Bilha , sumiping ka sa kaniya ; upang manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod , at magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya . At ibinigay niyang asawa si Bilha na kaniyang alila : at sinipingan ni Jacob . At naglihi si Bilha , at nagkaanak kay Jacob , ng isang lalake . At sinabi ni Raquel , Hinatulan ako ng Dios , at dininig din naman ang aking tinig , at binigyan ako ng anak : kaya&#039;t pinanganlang Dan . At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob . At sinabi ni Raquel , Ako&#039;y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid , at ako&#039;y nanaig : at siya&#039;y pinanganlang Nephtali . Nang makita ni Lea , na siya&#039;y hindi na nanganganak , ay kinuha si Zilpa na kaniyang alila at ibinigay na asawa kay Jacob . At si Zilpa na alila ni Lea ay nagkaanak ng isang lalake kay Jacob . At sinabi ni Lea , Kapalaran ! at pinanganlang Gad . At ipinanganak ni Zilpa na alila ni Lea , ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob . At sinabi ni Lea , Mapalad ako ! sapagka&#039;t tatawagin akong mapalad ng mga babae : at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Aser . At yumaon si Ruben nang panahon ng paggapas ng trigo , at nakasumpong ng mga mandragoras sa bukid , at dinala sa kaniyang inang kay Lea . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Raquel kay Lea , Ipinamamanhik ko sa iyo na bigyan mo ako ng mga mandragoras ng iyong anak . At kaniyang sinabi , Kakaunti pa bang bagay na iyong kinuha ang aking asawa ? at ibig mo pa ring kunin ang mga mandragoras ng aking anak ? At sinabi ni Raquel , Kaya&#039;t sisiping siya sa iyo ngayong gabi , dahil sa mga mandragoras ng iyong anak . At si Jacob ay umuwing galing sa bukid ng hapon , at sinalubong siya ni Lea , at sa kaniya&#039;y sinabi , Sa akin ka dapat sumiping ; sapagka&#039;t tunay na ikaw ay aking inupahan ng mga mandragoras ng aking anak . At sumiping siya sa kaniya ng gabing yaon . At dininig ng Dios si Lea : at siya&#039;y naglihi at kaniyang ipinanganak kay Jacob ang kaniyang ikalimang anak . At sinabi ni Lea , Ibinigay sa akin ng Dios ang aking kaupahan , sapagka&#039;t ibinigay ko ang aking alila sa aking asawa : at kaniyang pinanganlang Issachar . At naglihi uli si Lea , at kaniyang ipinanganak ang kaniyang ikaanim na anak kay Jacob . At sinabi ni Lea , Binigyan ako ng Dios ng isang mabuting kaloob ; ngayo&#039;y makikisama na sa akin ang aking asawa , sapagka&#039;t nagkaanak ako sa kaniya ng anim na lalake : at kaniyang pinanganlang Zabulon . At pagkatapos ay nanganak siya ng babae , at kaniyang pinanganlang Dina . At naalala ng Dios si Raquel , at dininig ng Dios , at binuksan ang kaniyang bahay-bata . At siya&#039;y naglihi at nanganak ng lalake ; at kaniyang sinabi , Inalis ng Dios sa akin ang kakutyaan ko : At kaniyang tinawag ang pangalan niya na Jose , na sinasabi , Dagdagan pa ako ng Panginoon ng isang anak . At nangyari , nang maipanganak ni Raquel si Jose , na sinabi ni Jacob kay Laban , Papagpaalamin mo ako upang ako&#039;y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain . Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak , na siyang kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo , at papagpaalamin mo ako : sapagka&#039;t talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo . At sinabi sa kaniya ni Laban , Kung ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa harap ng iyong mga mata , matira ka : aking napagkilala , na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo . At kaniyang sinabi , Sabihin mo sa akin ang iyong kaupahan , at ibibigay ko sa iyo . At sinabi niya sa kaniya , Nalalaman mo kung paanong pinaglingkuran kita , at kung anong lagay ng iyong mga hayop dahil sa akin . Sapagka&#039;t kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating , at naging isang karamihan ; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit ; at ngayo&#039;y kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay ? At sa kaniya&#039;y sinabi , Anong ibibigay ko sa iyo ? At sinabi ni Jacob , Huwag mo akong bigyan ng anoman : kung ito&#039;y iyong gawin sa akin , ay muli kong papastulin at aalagaan ang iyong kawan . Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon , na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis , at ang lahat na maitim sa mga tupa , at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing : at siyang magiging aking kaupahan . Gayon ako sasagutan ng aking katuwiran sa haharapin , pagparito mo , tungkol sa aking kaupahan , na nasa harap mo ; yaong lahat na walang batik at walang dungis sa mga kambing , at hindi maitim sa mga tupa , na masusumpungan sa akin , ay maibibilang mong nakaw . At sinabi ni Laban , Narito , mangyari nawa ayon sa iyong sabi . At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis , at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis , lahat ng mayroong kaunting puti , at lahat ng maitim sa mga tupa , at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak ; At siya&#039;y naglakad ng tatlong araw ang pagitan kay Jacob ; at pinakain ni Jacob ang nalabi sa mga kawan ni Laban . At kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo , at almendro at kastano ; at pinagbabakbakan ng mga batik na mapuputi , at kaniyang pinalitaw na gayon ang puti na nasa mga sanga . At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang , sa harap ng kawan , sa mga pinagpapainuman ; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom ; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom . At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit , may batik at may dungis . At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob , at inihaharap ang kawan sa dakong may batik , at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban ; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin , at hindi isinama sa kawan ni Laban . At nangyari , na kailan ma&#039;t maglilihi ang mga malakas sa kawan , ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang , upang sila&#039;y papaglihihin sa gitna ng mga sanga . Datapuwa&#039;t pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay , kaya&#039;t ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob . At ang lalake ay lumagong mainam ; at nagkaroon ng malalaking kawan , at ng mga aliping babae at lalake , at ng mga kamelyo at ng mga asno . At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban , na nagsisipagsabi , Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama ; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito . At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban , at narito&#039;t hindi sumasa kaniyang gaya ng dati . At sinabi ng Panginoon kay Jacob , Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang , at sa iyong kamaganakan ; at ako&#039;y sasaiyo . At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid , sa kaniyang kawan , At sinabi sa kanila , Nakikita ko ang mukha ng inyong ama , na hindi sumasaakin na gaya ng dati ; datapuwa&#039;t ang Dios ng aking ama ay sumaakin . At nalalaman ninyo , na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama . At dinaya ako ng inyong ama , at binagong makasangpu ang aking kaupahan ; datapuwa&#039;t hindi pinahintulutan siya ng Dios , na gawan ako ng masama . Kung kaniyang sinabing ganito , Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo ; kung magkagayo&#039;y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik : at kung kaniyang sinabing ganito , Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo ; kung magkagayo&#039;y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit . Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama , at ibinigay sa akin . At nangyari , na sa panahong ang kawan ay naglilihi , ay itiningin ko ang aking mga mata , at nakita ko sa panaginip , at narito , ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit , may batik at may dungis . At sinabi sa akin ng anghel ng Dios , sa panaginip , Jacob : at sinabi ko , Narito ako . At kaniyang sinabi , Itingin mo ngayon ang iyong mga mata , tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit , may batik at may dungis : sapagka&#039;t aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban . Ako ang Dios ng Betel , na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala , at doon ka gumawa ng panata sa akin : ngayo&#039;y tumindig ka , umalis ka sa lupaing ito , at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo . At nagsisagot si Raquel at si Lea , at sa kaniya&#039;y sinabi , Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama ? Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan ? sapagka&#039;t ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga . Sapagka&#039;t ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama , ay amin yaon at sa aming mga anak : ngayon nga , gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios . Nang magkagayo&#039;y tumindig si Jacob , at pinasakay sa mga kamello ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga asawa ; At dinala ang kaniyang lahat na hayop , at ang kaniyang buong pag-aaring tinipon , ang hayop na kaniyang napakinabang , na kaniyang tinipon , sa Padan-aram , upang pumaroon kay Isaac na kaniyang ama , sa lupain ng Canaan . Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa : at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama . At tumanan si Jacob na di nalalaman ni Laban na taga Siria , sa di niya pagbibigay alam na siya&#039;y tumakas . Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya ; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates , at siya&#039;y tumungo sa bundok ng Gilead . At binalitaan si Laban sa ikatlong araw , na tumakas si Jacob . At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid , at hinabol niyang pitong araw ; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead . At naparoon ang Dios kay Laban na taga Siria , sa panaginip sa gabi , at sa kaniya&#039;y sinabi , Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man , At inabutan ni Laban si Jacob , At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok ; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead . At sinabi ni Laban kay Jacob , Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman , at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak ? Bakit ka tumakas ng lihim , at tumanan ka sa akin ; at hindi mo ipinaalam sa akin , upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan , may tambol at may alpa ; At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking humalik sa aking mga anak na lalake at babae ? Ngayon nga&#039;y gumawa ka ng kamangmangan . Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama : nguni&#039;t ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi , na sinasabi , Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man . At ngayon , bagaman iyong inibig yumaon , sapagka&#039;t pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios ? At sumagot si Jacob , at sinabi kay Laban , Sapagka&#039;t ako&#039;y natakot : sapagka&#039;t sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak . Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios , ay huwag mabuhay : sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo , at dalhin mo sa iyo . Sapagka&#039;t hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw . At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob , at sa tolda ni Lea , at sa tolda ng dalawang alilang babae , datapuwa&#039;t hindi niya nasumpungan ; at lumabas sa tolda ni Lea , at pumasok sa tolda ni Raquel . Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan , at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan . At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda , nguni&#039;t hindi niya nasumpungan . At sinabi niya sa kaniyang ama , Huwag magalit ang aking panginoon na ako&#039;y hindi makatindig sa harap mo ; sapagka&#039;t ako&#039;y mayroon ng kaugalian ng mga babae . At kaniyang hinanap , datapuwa&#039;t hindi masumpungan ang mga larawan . At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban , at sumagot si Jacob , at sinabi kay Laban , Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan , upang ako&#039;y habulin mong may pagiinit ? Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan , anong nasumpungan mong kasangkapan , ng iyong bahay ? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid , upang hatulan nila tayong dalawa . Ako&#039;y natira sa iyo nitong dalawang pung taon : ang iyong mga babaing tupa , at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak , at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain . Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo ; ako ang nagbata ng kawalan ; sa aking kamay mo hiningi , maging nanakaw sa araw , o nanakaw sa gabi . Ganito nakaraan ako ; sa araw ay pinupugnaw ako ng init , at ng lamig sa gabi ; at ang pagaantok ay tumatakas sa aking mga mata . Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay ; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak , at anim na taon dahil sa iyong kawan : at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu . Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama , ang Dios ni Abraham , at ang Katakutan ni Isaac , ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala . Nakita ng Dios ang aking kapighatian , ang kapaguran ng aking mga kamay , at sinaway ka niya kagabi . At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob , Ang mga anak na babaing ito , ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko , at ang mga kawan ay mga kawan ko , at ang lahat ng iyong nakikita ay akin : at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae , o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila ? At ngayo&#039;y halika , gumawa tayo ng isang tipan , ako&#039;t ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo . At kumuha si Jacob ng isang bato , at itinindig na pinakaalaala . At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid , Manguha kayo ng mga bato ; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton : at sila&#039;y nagkainan doon sa malapit sa bunton . At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha , datapuwa&#039;t pinanganlan ni Jacob na Galaad . At sinabi ni Laban , Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon . Kaya&#039;t ang pangalan niya&#039;y tinawag na Galaad ; At Mizpa sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Bantayan ng Panginoon ako at ikaw , pag nagkakahiwalay tayo . Kung pahirapan mo ang aking mga anak , o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak , ay wala tayong ibang kasama ; tingnan mo , ang Dios ay saksi sa akin at sa iyo . At sinabi ni Laban kay Jacob , Narito , ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito , na aking inilagay sa gitna natin . Maging saksi ang buntong ito , at saksi ang batong ito , na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako mo , at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito sa pagpapahamak sa amin . Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nachor , ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin . At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa Katakutan ng kaniyang amang si Isaac . At naghandog si Jacob ng hain sa bundok , at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay : at sila&#039;y nagsikain ng tinapay , at sila&#039;y nagparaan ng buong gabi sa bundok . At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban , at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at pinagbabasbasan : at yumaon at umuwi si Laban . At ipinagpatuloy ni Jacob ang kaniyang paglakad , at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios . At sinabi ni Jacob nang makita niya sila , Ito&#039;y hukbo ng Dios : at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim . At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau , na kaniyang kapatid sa lupain ng Seir , na parang ng Edom . At inutusan niya sila , na sinasabi , Ganito ninyo sabihin sa aking panginoong kay Esau , Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob , Dumoon ako kay Laban at ako&#039;y natira roon hanggang ngayon . At mayroon akong mga baka , at mga asno , at mga kawan , at mga aliping lalake at babae : at ako&#039;y nagpasugo upang magbigay alam sa aking panginoon , upang makasumpong ng biyaya sa iyong paningin . At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob , na nagsipagsabi , Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau , at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo , at apat na raang tao ang kasama niya . Nang magkagayo&#039;y natakot na mainam si Jacob at nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya , at ang mga kawan , at ang mga bakahan , at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong . At kaniyang sinabi , Kung dumating si Esau sa isang pulutong , at kaniyang saktan , ang pulutong ngang natitira ay tatanan . At sinabi ni Jacob , Oh Dios ng aking amang si Abraham , at Dios ng aking amang si Isaac , Oh Panginoon , na nagsabi sa akin , Magbalik ka sa iyong lupain at sa iyong kamaganakan , at gagawan kita ng magaling : Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan , at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod : sapagka&#039;t dala ko ang aking tungkod , na dinaanan ko ang Jordang ito ; at ngayo&#039;y naging dalawang pulutong ako . Iligtas mo ako , ipinamamanhik ko sa iyo , sa kamay ng aking kapatid , sa kamay ni Esau ; sapagka&#039;t ako&#039;y natatakot sa kaniya , baka siya&#039;y dumating at ako&#039;y saktan niya , ang ina pati ng mga anak . At ikaw ang nagsabi , Tunay na ikaw ay gagawan ko ng magaling , at gagawin ko ang iyong binhi na parang buhangin sa dagat , na hindi mabibilang dahil sa karamihan . At siya&#039;y nagparaan doon ng gabing yaon ; at kumuha ng mayroon siya na ipagkakaloob kay Esau na kaniyang kapatid ; Dalawang daang kambing na babae , at dalawang pung lalaking kambing ; dalawang daang tupang babae , at dalawang pung tupang lalake , Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak ; apat na pung baka at sangpung toro , dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon . At ipinagbibigay sa kamay ng kaniyang mga bataan , bawa&#039;t kawan ay bukod ; at sinabi sa kaniyang mga bataan , Lumagpas kayo sa unahan ko , at iiwanan ninyo ng isang pagitan ang bawa&#039;t kawan . At iniutos sa una , na sinasabi , Pagka ikaw ay nasumpungan ni Esau na aking kapatid , at ikaw ay tinanong na sinasabi , Kanino ka ? at saan ka paroroon ? at kanino itong nangasa unahan mo . Kung magkagayo&#039;y sasabihin mo , Sa iyong lingkod na kay Jacob ; isang kaloob nga , na padala sa aking panginoong kay Esau : at , narito , siya&#039;y nasa hulihan din naman namin . At iniutos din sa ikalawa , at sa ikatlo , at sa lahat ng sumusunod sa mga kawan , na sinasabi , Sa ganitong paraan sasalitain ninyo kay Esau , pagkasumpong ninyo sa kaniya ; At sasabihin ninyo , Saka , narito , ang iyong lingkod na si Jacob , ay nasa hulihan namin , sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Paglulubagin ko ang kaniyang galit sa pamamagitan ng kaloob na sumasaunahan ko , at pagkatapos ay makikita ko ang kaniyang mukha ; marahil ay tatanggapin niya ako . Gayon isinaunahan niya ang mga kaloob ; at siya&#039;y natira ng gabing yaon sa pulutong . At siya&#039;y bumangon ng gabing yaon , at isinama niya ang kaniyang dalawang asawa , at ang kaniyang dalawang alilang babae , at ang kaniyang labing isang anak at tumawid sa tawiran ng Jaboc . At sila&#039;y kaniyang isinama at itinawid sa batis , at kaniyang itinawid ang kaniyang tinatangkilik . At naiwang magisa si Jacob : at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya , hanggang sa magbukang liwayway . At nang makita nitong siya&#039;y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng hita niya ; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa kaniya . At sinabi , Bitawan mo ako , sapagka&#039;t nagbubukang liwayway na . At kaniyang sinabi , Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan . At sinabi niya sa kaniya , Ano ang pangalan mo ? At kaniyang sinabi , Jacob . At sinabi niya , Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan , kundi Israel ; sapagka&#039;t ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao , at ikaw ay nanaig . At siya&#039;y tinanong ni Jacob , at sinabi , Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa akin ang iyong pangalan . At kaniyang sinabi , Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan ? At siya&#039;y binasbasan doon . At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel ; sapagka&#039;t aniya&#039;y nakita ko ang Dios ng mukhaan , at naligtas ang aking buhay . At sinikatan siya ng araw ng siya&#039;y nagdadaan sa Penuel ; at siya&#039;y napipilay sa hita niya . Kaya&#039;t hindi kumakain ang mga anak ni Israel ng litid ng balakang na nasa kasukasuan ng hita , hanggang ngayon : sapagka&#039;t hinipo ng taong yaon ang kasukasuan ng hita ni Jacob , sa litid ng pigi . At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin , at , narito , si Esau ay dumarating , at kasama niya&#039;y apat na raang tao . At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel , at sa dalawang alilang babae . At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna , at si Lea na kasama ng kaniyang mga anak na pinakapangalawa , at si Raquel at si Jose na pinakahuli . At siya naman ay lumagpas sa unahan nila , at yumukod sa lupa na makapito , hanggang sa nalapit sa kaniyang kapatid . At tumakbo si Esau na sinalubong siya , at niyakap siya at niyapos siya sa leeg , at hinagkan siya : at nagiyakan , At itiningin ni Esau ang mga mata niya , at nakita ang mga babae at ang mga bata , at sinabi , Sinosino itong mga kasama mo ? At kaniyang sinabi , Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod . Nang magkagayo&#039;y nagsilapit ang mga alilang babae , sila at ang kanilang mga anak , at nagsiyukod . At lumapit din si Lea at ang kaniyang mga anak , at nagsiyukod : at pagkatapos ay nagsilapit si Jose at si Raquel , at nagsiyukod . At kaniyang sinabi , Anong palagay mo sa buong karamihang ito na nasumpungan ko ? At kaniyang sinabi , Nang makasundo ng biyaya sa paningin ng aking panginoon . At sinabi ni Esau , Mayroon akong kasiya ; kapatid ko , ariin mo ang iyo . At sinabi sa kaniya ni Jacob , Hindi , ipinamamanhik ko sa iyo , na kung ngayo&#039;y nakasundo ako ng biyaya sa iyong paningin , ay tanggapin mo nga ang aking kaloob sa aking kamay : yamang nakita ko ang iyong mukha , na gaya ng nakakakita ng mukha ng Dios , at ikaw ay nalugod sa akin . Tanggapin mo , ipinamamanhik ko sa iyo , ang kaloob na dala sa iyo ; sapagka&#039;t ipinagkaloob sa akin ng Dios , at mayroon ako ng lahat . At ipinilit sa kaniya , at kaniyang tinanggap . At kaniyang sinabi , Yumaon tayo at tayo&#039;y lumakad , at ako&#039;y mangunguna sa iyo . At sinabi niya sa kaniya , Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso : at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan . Magpauna ang aking panginoon sa kaniyang lingkod : at ako&#039;y mamamatnubay na dahandahan , ayon sa hakbang ng mga hayop na nasa aking unahan , at ng hakbang ng mga bata , hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa Seir . At sinabi ni Esau , Pahintulutan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa mga taong kasama ko . At kaniyang sinabi , Ano pang dahil nito ? Makasundo nawa ako ng biyaya sa paningin ng aking panginoon . Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir . At si Jacob ay naglakbay sa Succoth , at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya , at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop : kaya&#039;t tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth . At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem , na nasa lupain ng Canaan , nang siya&#039;y manggaling sa Padan-aram ; at siya&#039;y humantong sa tapat ng bayan . At binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kaniyang tolda , sa kamay ng mga anak ni Hamor , na ama ni Sichem , ng isang daang putol na salapi . At siya&#039;y nagtindig doon ng isang dambana , at tinawag niyang El-Elohe-Israel . At lumabas si Dina na anak ni Lea , na ipinanganak nito kay Jacob , upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon . At siya&#039;y nakita ni Sichem , anak ni Hamor , na Heveo , na prinsipe sa lupain ; at siya&#039;y kinuha at sumiping sa kaniya , at siya&#039;y pinangayupapa . At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina , na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga , at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga . At si Sichem ay nagsalita sa kaniyang amang kay Hamor , na sinabi , Ipakamit mo sa akin ang dalagang ito na maging asawa ko . Nabalitaan nga ni Jacob na dinahas ang kaniyang anak na si Dina ; at ang kaniyang mga anak ay nasa kasamahan ng mga hayop niya sa parang : at tumahimik si Jacob hanggang sa sila&#039;y dumating . At nilabas ni Hamor na ama ni Sichem si Jacob upang makiusap sa kaniya . At ang mga anak ni Jacob ay nagsiuwi mula sa parang nang kanilang mabalitaan : at nangagdamdam ang mga lalake , at nagningas ang kanilang galit , sapagka&#039;t gumawa ng kaululan sa Israel , na sinipingan ang anak ni Jacob ; bagay na di nararapat gawin . At nakiusap si Hamor sa kanila , na sinasabi , Ang kaluluwa ni Sichem na aking anak ay sumasa iyong anak ; ipinamamanhik ko sa inyo na ipagkaloob ninyo sa kaniya na maging asawa niya . At magsipagasawa kayo sa amin ; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae , at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae . At tatahan kayong kasama namin ; at ang lupain ay sasa harap ninyo ; tumahan kayo at mangalakal kayo riyan at magkaroon kayo ng mga pag-aari riyan . At sinabi ni Sichem sa ama ni Dina , at sa mga kapatid niya , Makasundo nawa ako ng biyaya sa inyong mga mata at ang sabihin ninyo sa akin ay aking ibibigay . Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob , at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin ; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko . At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama , at sila&#039;y nagsalitaan , sapagka&#039;t kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid . At sinabi niya sa kanila , Hindi namin magagawa ito , na ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli ; sapagka&#039;t isang kasiraan ng puri namin . Sa ganitong paraan lamang papayag kami sa inyo : kung kayo&#039;y magiging gaya namin , na mangatuli ang lahat ng lalake sa inyo ; Ay ibibigay nga namin sa inyo ang aming mga anak na babae , at makikisama kami sa inyong mga anak na babae , at tatahan kami sa inyo , at tayo&#039;y magiging isa lamang bayan . Datapuwa&#039;t kung ayaw ninyo kaming pakinggan , na kayo&#039;y mangatuli ; ay dadalhin nga namin ang aming anak na babae at kami ay yayaon . At ang kanilang mga salita ay kinalugdan ni Hamor at ni Sichem , na anak ni Hamor . At hindi iniliban ng binata ang paggawa niyaon , sapagka&#039;t nalugod siya sa anak na babae ni Jacob : at siya ang pinarangalang higit sa buong sangbahayan ng kaniyang ama . At si Hamor at si Sichem na kaniyang anak ay napasa pintuang-bayan ng kanilang bayan , at sila&#039;y nakiusap sa mga tao sa kanilang bayan , na sinasabi . Ang mga taong ito ay tahimik sa atin ; kaya&#039;t magsitahan sila sa lupain at magsipangalakal sila riyan ; sapagka&#039;t narito , ang lupain , ay may malabis na kaluwangan sa kanila ; tayo&#039;y makisama sa kanilang mga anak na babae , at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak . Sa ganito lamang paraan papayagan tayo ng mga taong iyan , sa pagtahan sa atin , na maging isa lamang bayan , kung patuli ang lahat ng lalake sa atin , na gaya naman nila na mga tuli . Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pag-aari at ang lahat nilang hayop ? Atin lamang silang payagan , at tatahan sa atin . At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak , ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan ; at ang lahat ng lalake ay nagtuli , ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan . At nangyari , nang ikatlong araw , nang sila&#039;y nangasasaktan , na ang dalawa sa mga anak ni Jacob , si Simeon at si Levi , na mga kapatid ni Dina , na kumuha ang bawa&#039;t isa ng kaniyang tabak , at sila&#039;y lihim na pumasok sa bayan , at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalake . At kanilang pinatay si Hamor at si Sichem na kaniyang anak , sa talim ng tabak , at kanilang kinuha si Dina sa bahay ni Sichem , at sila&#039;y nagsialis . Nagsiparoon ang mga anak ni Jacob sa mga patay , at kanilang sinamsaman ang bayan , sapagka&#039;t kanilang dinahas ang kapatid nila . Kinuha nila ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan , at ang kanilang mga asno , at ang nasa bayan , at ang nasa parang ; At ang kanilang buong yaman , at ang lahat ng kanilang mga anak , at mga asawa , ay dinala nilang bihag at samsam , sa makatuwid baga&#039;y lahat na nasa bahay . At sinabi ni Jacob kay Simeon at kay Levi , Ako&#039;y inyong binagabag , na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain , sa mga Cananeo , at sa mga Pherezeo ; at akong may kaunting tao , ay magpipisan sila laban sa akin , at ako&#039;y sasaktan nila ; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan . At kanilang sinabi , Aariin ba niya ang aming kapatid na parang isang patutot ? At sinabi ng Dios kay Jacob , Tumindig ka , umahon ka sa Bethel , at tumahan ka roon ; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan , at sa lahat niyang kasama . Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo , at magpakalinis kayo , at magbago kayo ng inyong mga suot : At tayo&#039;y magsitindig at magsisampa tayo sa Bethel ; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan , at sumaakin sa daan na aking nilakaran . At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila , at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga ; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem . At sila&#039;y naglakbay ; at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila , at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob . Sa gayo&#039;y naparoon si Jacob sa Luz , na nasa lupain ng Canaan ( na siyang Bethel ) , siya at ang buong bayang kasama niya . At siya&#039;y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el ; sapagka&#039;t ang Dios ay napakita sa kaniya roon , nang siya&#039;y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid . At namatay si Debora na yaya ni Rebeca , at nalibing sa paanan ng Bethel , sa ilalim ng encina , na ang pangalan ay tinawag na Allon-bacuth . At ang Dios ay napakita uli kay Jacob , nang siya&#039;y manggaling sa Padan-aram , at siya&#039;y pinagpala . At sinabi sa kaniya ng Dios , Ang pangalan mo&#039;y Jacob ; ang pangalan mo&#039;y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo : at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel . At sinabi sa kaniya ng Dios , Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ; ikaw ay lumago at dumami ka ; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo , at mga hari ay lalabas sa iyong balakang ; At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac , ay ibibigay ko sa iyo , at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain . At ang Dios ay napailanglang mula sa tabi niya sa dakong pinakipagusapan sa kaniya . At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios , haliging bato : at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis . At tinawag ni Jacob na Bethel ang dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios . At sila&#039;y naglakbay mula sa Bethel ; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata : at nagdamdam si Raquel , at siya&#039;y naghihirap sa panganganak . At nangyari , nang siya&#039;y naghihirap sa panganganak , na sinabi sa kaniya ng hilot , Huwag kang matakot , sapagka&#039;t magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake . At nangyari , nang nalalagot ang kaniyang hininga ( sapagka&#039;t namatay siya ) , ay kaniyang pinanganlang Benoni : datapuwa&#039;t pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin . At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Ephrata ( na siyang Bethlehem ) . At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan : na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel hanggang ngayon . At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder . At nangyari , samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon , na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha , na babae ng kaniyang ama ; at ito&#039;y nabalitaan ni Israel . Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob . Ang mga anak ni Lea , ay : si Ruben , na panganay ni Jacob , at si Simeon , at si Levi , at si Juda at si Issachar , at si Zabulon . Ang mga anak ni Raquel , ay : si Jose at si Benjamin : At ang mga anak ni Bilha , na alila ni Raquel , ay : si Dan at si Nephtali : At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea , ay : si Gad at si Aser : ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram . At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama , sa Mamre , sa Kiriat-arba ( na siyang Hebron ) , na doon tumahan si Abraham at si Isaac . At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon . At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay , at siya&#039;y nalakip sa kaniyang bayan , matanda at puspos ng mga araw : at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob . Ito nga ang mga lahi ni Esau ( na siyang Edom ) . Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan ; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh , at kay Aholibama , anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo . At kay Basemath na anak ni Ismael , na kapatid ni Nabaiot . At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau ; at ipinanganak ni Basemath si Reuel ; At ipinanganak ni Aholibama si Jeus , at si Jaalam at si Cora ; ito ang mga anak ni Esau , na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan . At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa , at ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay , at ang kaniyang hayop , at ang lahat ng kaniyang kawan , at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan ; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid . Sapagka&#039;t ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila , sapagka&#039;t napakarami ang kanilang hayop . At tumahan si Esau sa bundok ng Seir : si Esau ay siyang Edom . At ito ang mga lahi ni Esau , na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir : Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau : si Eliphas , na anak ni Ada na asawa ni Esau , si Reuel na anak ni Basemath , na asawa ni Esau . At ang mga anak ni Eliphaz , ay si Teman , si Omar , si Zepho , si Gatham at si Cenaz . At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau ; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec ; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau . At ito ang mga anak ni Reuel ; si Nahat , si Zera , si Samma at si Mizza : ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau . At ito ang mga anak ni Aholibama , na anak ni Ana , na anak ni Zibeon , na asawa ni Esau : at ipinanganak niya kay Esau : si Jeus at si Jaalam at si Cora . Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau : ang mga anak ni Eliphaz , na panganay ni Esau ; ang pangulong Teman , ang pangulong Omar , ang pangulong Zepho , ang pangulong Cenaz , Ang pangulong Cora , ang pangulong Gatam , ang pangulong Amalec : ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom ; ito ang mga anak ni Ada . At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau ; ang pangulong Nahath , ang pangulong Zera , ang pangulong Samma ang pangulong Mizza : ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom ; ito ang mga anak ni Basemath , na asawa ni Esau . At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau ; ang pangulong Jeus , ang pangulong Jaalam , ang pangulong Cora : ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana , na asawa ni Esau . Ito ang mga anak ni Esau , at ito ang kanilang mga pangulo : na siyang Edom . Ito ang mga anak ni Seir na Horeo , na nagsisitahan sa lupain ; si Lotan at si Sobal , at si Zibeon , at si Ana , At si Dison , at si Ezer , at si Disan : ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo , na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom . At ang mga anak ni Lotan , ay si Hori at si Heman ; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna . At ito ang mga anak ni Sobal ; si Alvan , at si Manahath , at si Ebal , si Zepho , at si Onam . At ito ang mga anak ni Zibeon ; si Aja at si Ana : ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang , nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama . At ito ang mga anak ni Ana ; si Dison at si Aholibama , na anak na babae ni Ana . At ito ang mga anak ni Dizon : si Hemdan , at si Eshban , at si Ithram , at si Cheran . Ito ang mga anak ni Ezer : si Bilhan , at si Zaavan at si Acan . Ito ang mga anak ni Disan : si Huz at si Aran . Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ; ang pangulong Lotan , ang pangulong Sobal , ang pangulong Zibeon , ang pangulong Ana , Ang pangulong Dison , ang pangulong Ezer , ang pangulong Disan : ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo , sa lupain ng Seir . At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel . At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom ; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba . At namatay si Bela , at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera , na taga Bozra . At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam , na taga lupain ng mga Temaneo . At namatay si Husam , at naghari na kahalili niya si Adad , na anak ni Badad , na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab : at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita . At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca . At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul , na taga Rehoboth na tabi ng Ilog . At namatay si Saul , at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor . At namatay si Baalanan na anak ni Achbor , at naghari na kahalili niya si Adar ; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau ; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred , na anak na babae ni Mezaab . At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau , ayon sa kanikaniyang angkan , ayon sa kanikaniyang dako , alinsunod sa kanikaniyang pangalan ; ang pangulong Timma , ang pangulong Alva , ang pangulong Jetheth ; Ang pangulong Aholibama , ang pangulong Ela , ang pangulong Pinon . Ang pangulong Cenaz , ang pangulong Teman , ang pangulong Mibzar . Ang pangulong Magdiel , ang pangulong Hiram : ito ang mga pangulo ni Edom , ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari . Ito&#039;y si Esau na ama ng mga Edomita . At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama , sa lupain ng Canaan . Ito ang lahi ni Jacob . Si Jose , na may labing pitong taon , ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid ; at siya&#039;y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa , na mga asawa ng kaniyang ama ; at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila . Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak , sapagka&#039;t siya ang anak ng kaniyang katandaan : at siya&#039;y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay . At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya&#039;y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid ; at siya&#039;y kinapootan , at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa . At nanaginip si Jose ng isang panaginip , at isinaysay sa kaniyang mga kapatid : at lalo pa nilang kinapootan siya . At sinabi niya sa kanila . Pakinggan ninyo , ipinamamanhik ko sa inyo , itong panaginip na aking napanaginip : Sapagka&#039;t , narito , tayo&#039;y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid , at , narito , na tumindig ang aking bigkis , at tumuwid din naman at , narito , ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis . At sa kaniya&#039;y sinabi ng kaniyang mga kapatid , Maghahari ka ba sa amin ? o papapanginoon ka sa amin ? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita . At siya&#039;y nanaginip pa ng ibang panaginip , at isinaysay sa kaniyang mga kapatid , at sinabi , Narito , ako&#039;y nanaginip pa ng isang panaginip ; at narito , na ang araw , at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin . At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid ; at sinaway siya ng kaniyang ama , at sa kaniya&#039;y sinabi , Anong panaginip itong iyong napanaginip ? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo ? At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya : datapuwa&#039;t iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip . At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama , sa Sichem . At sinabi ni Israel kay Jose , Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid ? Halika , at uutusan kita sa kanila . At sinabi niya sa kaniya , Narito ako . At kaniyang sinabi sa kaniya , Yumaon ka , tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid , at kung mabuti ang lagay ng kawan ; at balitaan mo ako . Gayon sinugo siya mula sa libis ng Hebron , at siya&#039;y naparoon sa Sichem . At nasumpungan siya ng isang tao , at , narito , na siya&#039;y naggagala sa parang ; at siya&#039;y tinanong ng taong yaon , na sinasabi , Anong hinahanap mo ? At kaniyang sinabi , Hinahanap ko ang aking mga kapatid ; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol . At sinabi ng tao , Nagsialis na sila : sapagka&#039;t narinig kong kanilang sinabi , Tayo na sa Dotan . At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid , at nasumpungan niya sila sa Dotan . At kanilang natanawan siya sa malayo , at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya&#039;y patayin . At nagsangusapan , Narito , dumarating itong mapanaginipin . Halikayo ngayon , siya&#039;y ating patayin , at siya&#039;y ating itapon sa isa sa mga balon , at ating sasabihin , Sinakmal siya ng isang masamang hayop : at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip . At narinig ni Ruben , at iniligtas siya sa kanilang kamay ; at sinabi , Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay . At sinabi ni Ruben sa kanila , Huwag kayong magbubo ng dugo ; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang , datapuwa&#039;t huwag ninyong pagbuhatan ng kamay ; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama . At nangyari , nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid , na hinubdan siya ng kaniyang tunika , ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot ; At kanilang sinunggaban , at kanilang itinapon sa balon : at ang balon ay tuyo , walang tubig . At nagsiupo upang kumain ng tinapay , at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila , at , narito , ang isang pulutong na mga Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga pabango , at mga balsamo , at mga mirra , na kanilang dadalhin sa Egipto . At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid . Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid , at ilihim ang kaniyang dugo ? Halikayo , at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita , at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay ; sapagka&#039;t siya&#039;y ating kapatid , atin din laman . At dininig siya ng kaniyang mga kapatid . At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita ; at kanilang isinampa si Jose sa balon , at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak . At dinala si Jose sa Egipto . At nagbalik si Ruben sa balon ; at , narito , na si Jose ay wala sa balon ; at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot . At siya&#039;y nagbalik sa kaniyang mga kapatid , at kaniyang sinabi , Wala ang bata ; at ako , saan ako paroroon ? At kanilang kinuha ang tunika ni Jose , at sila&#039;y pumatay ng isang lalaking kambing , at kanilang inilubog ang tunika sa dugo : At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay , at dinala sa kanilang ama ; at kanilang sinabi , Ito&#039;y aming nasumpungan : kilalanin mo ngayon , kung tunika ng iyong anak o hindi . At kaniyang kinilala , at sinabi , Siya ngang tunika ng aking anak ; sinakmal siya ng isang masamang hayop ; si Jose ay walang pagsalang nilapa . At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot , at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang , at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak . At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya&#039;y aliwin ; datapuwa&#039;t tumanggi siyang maaliw ; at kaniyang sinabi , Sapagka&#039;t lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol . At tinangisan siya ng kaniyang ama . At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar , puno ni Faraon , na kapitan ng bantay . At nangyari nang panahong yaon , na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid , at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira . At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo , na tinatawag na Sua ; at kinuha niya at kaniyang sinipingan . At naglihi , at nanganak ng lalake ; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Er . At naglihi uli , at nanganak ng lalake ; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan . At muling naglihi at nanganak ng lalake ; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah : at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya&#039;y manganak . At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay , at ang pangalan niyao&#039;y Thamar . At si Er , na panganay ni Juda , ay naging masama sa paningin ng Panginoon ; at siya&#039;y pinatay ng Panginoon . At sinabi ni Juda kay Onan , Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid , at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa , at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid . At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi ; at nangyari , na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid , ay pinatutulo niya sa lupa , nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid . At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon , at siya&#039;y pinatay rin naman . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Juda kay Thamar na kaniyang manugang na babae : Manatili kang bao sa bahay ng iyong ama , hanggang sa lumaki si Selah na aking anak : sapagka&#039;t sinabi niya , Marahil ay hindi siya mamamatay ng gaya ng kaniyang mga kapatid . At yumaon si Thamar at tumahan sa bahay ng kaniyang ama . At nagdaan ang maraming araw ; at namatay ang anak na babae ni Sua , na asawa ni Juda ; at nagaliw si Juda , at umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa , siya at ang kaniyang kaibigang si Hira na Adullamita . At naibalita kay Thamar , na sinasabi , Narito , ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa . At siya&#039;y nagalis ng suot pagkabao , at nagtakip ng kaniyang lambong , at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim , na nasa daan ng Timnath ; sapagka&#039;t kaniyang nakikita , na si Selah ay malaki na , at hindi pa siya ibinibigay na asawa . Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang patutot , sapagka&#039;t siya&#039;y nagtakip ng kaniyang mukha . At lumapit sa kaniya , sa tabi ng daan , at sinabi , Narito nga , ipinamamanhik ko sa iyo na ako&#039;y pasipingin mo sa iyo : sapagka&#039;t hindi niya nakilalang kaniyang manugang . At kaniyang sinabi , Anong ibibigay mo sa akin sa iyong pagsiping sa akin ? At kaniyang sinabi , Padadalhan kita ng isang anak ng kambing na mula sa kawan . At kaniyang sinabi , Bibigyan mo ba ako ng sangla hanggang sa maipadala mo ? At kaniyang sinabi , Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo ? At kaniyang sinabi , Ang iyong singsing , at ang iyong pamigkis , at ang tungkod na dala mo sa kamay . At kaniyang ipinagbibigay sa kaniya , at sumiping sa kaniya ; at siya&#039;y naglihi sa pamamagitan niya . At siya&#039;y bumangon , at yumaon , at siya&#039;y nagalis ng kaniyang lambong , at isinuot ang mga kasuutan ng kaniyang pagkabao . At ipinadala ni Juda ang anak ng kambing sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang kaibigan , na Adullamita , upang tanggapin ang sangla sa kamay ng babae : datapuwa&#039;t hindi niya nasumpungan . Nang magkagayo&#039;y kaniyang itinanong sa mga tao sa dakong yaon na sinasabi , Saan nandoon ang patutot na nasa tabi ng daan sa Enaim ? At kanilang sinabi , Walang naparitong sinomang patutot . At nagbalik siya kay Juda , at sinabi , Hindi ko nasumpungan : at sinabi rin naman ng mga tao sa dakong yaon , Walang naging patutot rito . At sinabi ni Juda , Pabayaang ariin niya , baka tayo&#039;y mapahiya : narito , aking ipinadala itong anak ng kambing at hindi mo siya nasumpungan . At nangyari , na pagkaraan ng tatlong buwan , humigit kumulang , ay naibalita kay Juda , na sinasabi , Ang iyong manugang na si Thamar ay nagpatutot ; at , narito , siya&#039;y buntis sa pakikiapid . At sinabi ni Juda , Siya&#039;y ilabas upang sunugin . Nang siya&#039;y ilabas , ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan . Sa lalaking may-ari ng mga ito , ay nagdalangtao ako : at kaniyang sinabi pang , Ipinamamanhik ko sa iyo , na kilalanin mo kung kanino ang mga ito , ang singsing , ang pamigkis , at ang tungkod . At nangakilala ni Juda , at sinabi , Siya&#039;y matuwid kay sa akin ; sapagka&#039;t hindi ko ibinigay sa kaniya si Selah na aking anak . At hindi na niya muling sinipingan pa . At nangyari , na sa pagdaramdam niya , na , narito , kambal ang nasa kaniyang tiyan . At nangyari , nang nanganganak siya , na inilabas ng isa ang kamay : at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula , na sinasabi , Ito ang unang lumabas . At nangyari , na pagkaurong ng kaniyang kamay , na , narito , ang kaniyang kapatid ang lumabas . At kaniyang sinabi , Bakit nagpumiglas ka ? kaya&#039;t tinawag ang pangalan niyang Phares . At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid , na siyang may sinulid na mapula sa kamay : at tinawag na Zara ang kaniyang pangalan . At ibinaba si Jose sa Egipto ; at binili siya ni Potiphar , puno ni Faraon , na kapitan ng bantay , na lalaking taga Egipto , sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon . At ang Panginoon ay suma kay Jose , at naging lalaking mapalad ; at siya&#039;y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto . At nakita ng kaniyang panginoon , na ang Panginoon ay sumasakaniya , at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon sa kaniyang kamay . At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin , at pinaglingkuran niya siya : at sa kaniya&#039;y ipinamahala niya ang bahay , at ang lahat niyang tinatangkilik ay isinakaniyang kamay . At nangyari , na mula sa panahon na siya&#039;y pamahalain sa kaniyang bahay , at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik , ay pinagpala ng Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose ; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik , sa bahay at sa parang . At kaniyang ipinamahala ang lahat niyang tinatangkilik sa kamay ni Jose ; at hindi siya nakikialam ng anomang kaniya , liban sa tinapay na kaniyang kinakain . At si Jose ay may magandang pagmumukha at kahalihalina . At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na tinitigan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi , Sipingan mo ako . Datapuwa&#039;t siya&#039;y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kaniyang panginoon , Narito , ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa nasa bahay , at lahat ng kaniyang tinatangkilik ay ipinamahala sa aking kamay ; Walang sinomang dakila kay sa akin sa bahay na ito ; walang ipinagkait sa aking anomang bagay , kung di ikaw lamang , sapagka&#039;t ikaw ay kaniyang asawa : paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan , at kasalanan laban sa Dios ? At nangyari , na nakikiusap man siya kay Jose araw-araw , ay hindi nakikinig sa kaniya na siya&#039;y sipingan , o pakisamahan . At nangyari nang panahong ito , na siya&#039;y pumasok sa bahay upang gawin niya ang kaniyang gawain at wala sinoman sa mga tao sa bahay doon sa loob . At siya&#039;y pinigilan niya sa kaniyang suot , na sinasabi , Sipingan mo ako : at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas , at lumabas . At nangyari , na pagkakita niyang iniwan ang kaniyang suot sa kamay niya , at tumakas sa labas , Na siya&#039;y tumawag ng mga tao sa kaniyang bahay , at sinalita sa kanila , na sinasabi , Tingnan ninyo , na dinalhan niya tayo ng isang Hebreo , upang tayo&#039;y tuyain ; pinasok niya ako upang ako&#039;y sipingan , at ako&#039;y naghihiyaw ng malakas : At nangyari nang marinig niyang ako&#039;y nagtaas ng tinig at naghihiyaw , na iniwan ang kaniyang suot sa aking siping , at tumakas , at lumabas . At kaniyang iningatan ang suot niya sa kaniyang siping , hanggang sa umuwi ang kaniyang panginoon sa kaniyang bahay . At sinalita niya sa kaniya ng ayon sa mga salitang ito , na sinasabi , Pinasok ako ng aliping Hebreo na iyong dinala sa atin , upang tuyain ako : At nangyari , na sapagka&#039;t nagtaas ako ng aking tinig at ako&#039;y naghihiyaw , ay kaniyang iniwan ang suot niya sa aking siping , at tumakas sa labas . At nangyari , na pagkarinig ng kaniyang panginoon ng mga salita na sinalita sa kaniya ng kaniyang asawa , na sinasabi , Ganitong paraan ang ginawa sa akin ng iyong alipin ; ay nagalab ang kaniyang galit . At dinala ng kaniyang panginoon si Jose , at inilagay sa bilangguan , sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari : at siya&#039;y natira roon sa bilangguan . Datapuwa&#039;t ang Panginoon ay suma kay Jose , at iginawad sa kaniya ang awa , at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan . At ipinamahala ng katiwala sa bilangguan sa mga kamay ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan ; at ang lahat ng ginagawa roon ay siya ang gumagawa . Hindi tinitingnan ng katiwala ng bilangguan ang anomang bagay na nasa kaniyang kamay , sapagka&#039;t ang Panginoo&#039;y suma kay Jose ; at ang kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon . At nangyari , na pagkatapos ng mga bagay na ito , na ang katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto . At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala , sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga magtitinapay . At pinagpipiit sa bilangguan , sa bahay ng kapitan ng bantay , sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose . At ibinigay ng kapitan ng bantay kay Jose ang pamamahala sa kanila at pinaglingkuran niya sila : at sila&#039;y natirang kaunting panahon sa bilangguan . At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan , ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi , na bawa&#039;t isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip . At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan , at sila&#039;y tiningnan , at , narito , sila&#039;y mapanglaw . At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon , na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon , na sinasabi , Bakit kayo&#039;y mapanglaw ngayon ? At kanilang sinabi sa kaniya , Kami ay nanaginip ng panaginip , at walang sinomang makapagpaliwanag . At sinabi sa kanila ni Jose , Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag ? Isinasamo ko sa inyo , na inyong saysayin sa akin . At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip , at nagsabi sa kaniya , Sa aking panaginip , narito , ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko ; At sa puno ng ubas , ay may tatlong sanga : at yao&#039;y pawang sumupling , na namulaklak , at ang mga buwig niyaon , ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog . At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay ; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon , at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon . At sinabi ni Jose sa kaniya , Ito ang kapaliwanagan niyaon , ang tatlong sanga ay tatlong araw ; Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang iyong ulo , at isasauli ka sa iyong katungkulan : at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay , na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala . Datapuwa&#039;t alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na , at isinasamo ko sa iyo , na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob , at banggitin mo ako kay Faraon , at ako&#039;y alisin mo sa bahay na ito : Sapagka&#039;t ako&#039;y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo : at dito naman ay wala akong ginawang anoman , upang ako&#039;y ilagay nila sa bilangguan . Nang makita ng puno ng mga magtitinapay , na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose , Ako&#039;y nanaginip din , at narito , tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo : At sa kaibaibabawan ng bakol ay mayroon ng lahat na sarisaring pagkaing niluto para kay Faraon ; at kinakain ng mga ibon sa bakol na nasa ibabaw ng aking ulo . At si Jose ay sumagot , at nagsabi , Ito ang kapaliwanagan niyaon ; ang tatlong bakol , ay tatlong araw ; Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo , at ibibitin ka sa isang punong kahoy ; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman . At nangyari nang ikatlong araw , na siyang kapanganakan kay Faraon , na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod : at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro , at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay . At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro ; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon : Datapuwa&#039;t ang puno ng mga magtitinapay , ay ibinitin sa isang puno ng kahoy : gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose . Gayon ma&#039;y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro , kundi nalimutan siya . At nangyari , sa katapusan ng dalawang taong ganap , na si Faraon ay nanaginip : at , narito , na siya&#039;y nakatayo sa tabi ng ilog . At , narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman ; at nanginain sa talahiban . At , narito , na ibang pitong baka , na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila , mga pangit na anyo , at payat ; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka , sa tabi ng ilog . At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba , ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat . Sa gayo&#039;y nagising si Faraon . At siya&#039;y natulog at nanaginip na bilang ikalawa ; at , narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti , na may isa lamang tangkay . At , narito , may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan , na nagsitubong kasunod ng mga yaon . At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog . At nagising si Faraon , at , narito , isang panaginip . At nangyari , sa kinaumagahan , na ang kaniyang diwa ay nagulumihanan at siya&#039;y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng mago sa Egipto , at ang lahat ng pantas doon : at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip : datapuwa&#039;t walang makapagpaliwanag kay Faraon . Nang magkagayo&#039;y nagsalita ang puno ng mga katiwala kay Faraon , na sinasabi , Naaalaala ko sa araw na ito ang aking mga sala : Nguni&#039;t si Faraon laban sa kaniyang mga alila , at ibinilanggo ako sa bahay ng kapitan ng bantay , ako at ang puno ng mga magtitinapay . At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi , ako at siya : kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa&#039;t isa sa amin . At nandoong kasama namin ang isang binata , isang Hebreo , na alipin ng kapitan ng bantay ; at siya naming pinagsaysayan , at kaniyang ipinaliwanag sa amin ang aming panaginip ; ipinaliwanag niya ayon sa panaginip ng bawat isa sa amin . At nangyari , na kung paano ang kaniyang pagkapaliwanag sa amin , ay nagkagayon ; ako&#039;y pinabalik sa aking katungkulan , at ipinabitin ang isa . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose , at siya&#039;y inilabas na madalian sa bilangguan : siya&#039;y nagahit at nagbihis ng suot , at naparoon kay Faraon . At sinabi ni Faraon kay Jose , Ako&#039;y nanaginip ng isang panaginip , at walang makapagpaliwanag : at nabalitaan kita , na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo . At sumagot si Jose kay Faraon , na sinasabi , Wala sa akin ; Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon . At sinalita ni Faraon kay Jose , Sa aking panaginip ay narito , nakatayo ako sa tabi ng ilog : At , narito , may nagsiahon sa ilog na pitong bakang matatabang laman at magagandang anyo , at nanginain sa talahiban : At , narito , may ibang pitong baka na nagsiahon sa likuran nila , mga payat , at napakapangit ang anyo , at payat na kailan ma&#039;y hindi ako nakakita sa buong lupain ng Egipto ng ibang kawangis ng mga yaon sa kapangitan . At kinain ng mga bakang payat at pangit , ang pitong nauunang bakang matataba : At nang kanilang makain , ay hindi man lamang maalaman na sila&#039;y kanilang nakain ; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una . Sa gayo&#039;y nagising ako . At nakakita ako sa aking panaginip , at , narito , pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay , mapipintog at mabubuti . At , narito , may pitong uhay na lanta , mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon : At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti : at aking isinaysay sa mga mago : datapuwa&#039;t walang makapagpahayag niyaon sa akin . At sinabi ni Jose kay Faraon , Ang panaginip ni Faraon ay iisa ; ang gagawin ng Dios ay ipinahayag kay Faraon : Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon ; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon ; ang panaginip ay iisa . At ang pitong bakang payat at mga pangit , na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay pitong taon , at gayon din ang pitong uhay na tuyo , na pinapaspas ng hanging silanganan ; kapuwa magiging pitong taong kagutom . Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon : ang gagawin ng Dios , ipinaalam kay Faraon . Narito , dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto ; At may dadating , pagkatapos ng mga iyan , na pitong taong kagutom ; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto ; at pupuksain ng kagutom ang lupain ; At ang kasaganaan ay hindi malalaman sa lupain , dahil sa kagutom na sumusunod ; sapagka&#039;t magiging napakahigpit . At kaya&#039;t pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa , ay sapagka&#039;t bagay na itinatag ng Dios , at papangyayarihing madali ng Dios . Ngayon nga&#039;y humanap si Faraon ng isang taong matalino at pantas , at ilagay sa lupain ng Egipto . Gawing ganito ni Faraon , at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain , na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan . At kanilang tipunin ang lahat ng pagkain nitong mabubuting taon na dumarating , at magkamalig ng trigo sa kapangyarihan ng kamay ni Faraon , na pinakapagkain sa mga bayan at ingatan . At ang pagkain ay kamaligin na itaan sa lupain sa pitong taong kagutom na mangyayari sa lupain ng Egipto ; upang huwag mapuksa ang lupain sa kagutom . At ang bagay ay minabuti ng mga mata ni Faraon , at ng mga mata ng kaniyang mga lingkod . At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod , Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito , na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios ? At sinabi ni Faraon kay Jose , Yamang ipinabatid sa iyo ng Dios : ang lahat ng ito , ay walang matalino o pantas na gaya mo : Ikaw ay magpupuno sa aking bahay , at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan : sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo . At sinabi ni Faraon kay Jose , Tingnan mo , ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto . At inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose , at siya&#039;y sinuutan ng magandang lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg ; At siya&#039;y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon at isinisigaw sa unahan niya . Lumuhod kayo : at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto . At sinabi ni Faraon kay Jose , Ako&#039;y si Faraon , at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto . At pinanganlan ni Faraon si Jose na Zaphnath-paanea , at ibinigay na asawa sa kaniya si Asenath , na anak ni Potiphera , na saserdote sa On . At lumabas si Jose , sa lupain ng Egipto . At si Jose ay may tatlong pung taon nang tumayo sa harap ni Faraon na hari sa Egipto . At si Jose ay umalis sa harap ni Faraon , at nilibot ang buong lupain ng Egipto . At sa pitong taong sagana ay nagdulot ang lupa ng sagana . At tinipon ni Jose ang lahat na pagkain sa pitong taon na tinamo sa lupain ng Egipto : at inimbak ang nangasabing pagkain sa mga bayan ; na ang pagkain sa bukid na nasa palibot ng bawa&#039;t bayan ay inimbak sa bawa&#039;t kinauukulan ding bayan . At si Jose ay nagkamalig ng trigo na parang buhangin sa dagat , na napakarami hanggang sa hindi nabilang ; sapagka&#039;t walang bilang . At bago dumating ang taong kagutom ay ipinanganak kay Jose ang dalawang lalake , na ipinanganak sa kaniya ni Asenath na anak ni Potiphera , na saserdote sa On . At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases , sapagka&#039;t aniya&#039;y , Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama . At ang ipinangalan sa ikalawa ay Ephraim : Sapagka&#039;t ako&#039;y pinalago ng Dios sa lupain ng aking kadalamhatian . At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos . At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang dumating , ayon sa sinabi ni Jose : at nagkagutom sa lahat ng lupain ; datapuwa&#039;t sa buong lupain ng Egipto ay may tinapay . At nang ang buong lupain ng Egipto ay magutom , ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon : at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Egipcio , Pumaroon kayo kay Jose ; ang kaniyang sabihin sa inyo ay inyong gawin . At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa : at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Egipcio ; at lumala ang kagutom sa lupain ng Egipto . At lahat ng mga taga ibang lupain ay nagsiparoon kay Jose upang magsibili ng trigo ; sapagka&#039;t lumala ang kagutom sa buong lupa . Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto , at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak , Bakit kayo nangagtitinginan ? At kaniyang sinabi , Narito , aking narinig na may trigo sa Egipto : bumaba kayo roon , at bumili kayo roon ng sa ganang atin , upang tayo&#039;y mabuhay at huwag mamatay . At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba , na bumili ng trigo sa Egipto . Datapuwa&#039;t si Benjamin na kapatid ni Jose , ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid ; sapagka&#039;t aniya&#039;y , Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan . At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili , na kasalamuha ng nagsisiparoon : sapagka&#039;t nagkakagutom sa lupain ng Canaan . At si Jose ang tagapamahala sa lupain ; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain : at nagsidating ang mga kapatid ni Jose at nangagpatirapa sa kaniya , na ang kanilang mga mukha ay pasubasob . At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid , at kaniyang nangakilala , datapuwa&#039;t siya&#039;y nagkunwaring iba sa kanila , at sila&#039;y kinausap niya ng magilas ; at sinabi sa kanila , Saan kayo nagsipanggaling ? At sinabi nila , Sa lupain ng Canaan , upang bumili ng pagkain . At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid , datapuwa&#039;t hindi nila siya nakilala . At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip , tungkol sa kanila , at sa kanila&#039;y sinabi , Kayo&#039;y mga tiktik ; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito . At kanilang sinabi sa kaniya , Hindi panginoon ko , kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain . Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake ; kami ay mga taong tapat , ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik . At kaniyang sinabi sa kanila , Hindi , kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito . At kanilang sinabi , Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid , na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan ; at , narito , ang bunso ay nasa aming ama ngayon , at ang isa&#039;y wala na . At sinabi sa kanila ni Jose , Iyan ang sinasalita ko sa inyo , na aking sinasabi , Kayo&#039;y mga tiktik ; Dito ko kayo susubukin : alangalang sa buhay ni Faraon ay hindi kayo aalis dito , malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso . Suguin ninyo ang isa sa inyo , na dalhin dito ang inyong kapatid , at kayo&#039;y mangabibilanggo ; upang masubok ang inyong mga salita , kung may katotohanan sa inyo : o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon , ay tunay na mga tiktik kayo . At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw . At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw , Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo ; sapagka&#039;t natatakot ako sa Dios : Kung kayo&#039;y mga taong tapat , ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo ; datapuwa&#039;t kayo&#039;y yumaon , magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay : At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso ; sa ganito&#039;y matototohanan ang inyong mga salita , at hindi kayo mangamamatay . At kanilang ginawang gayon . At sila&#039;y nagsabisabihan , Katotohanang tayo&#039;y salarin tungkol sa ating kapatid , sapagka&#039;t nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa , nang namamanhik sa atin , at hindi natin siya dininig ; kaya&#039;t dumarating sa atin ang kahapisang ito . At si Ruben ay sumagot sa kanila , na nagsasabi , Di ba nagsalita ako sa inyo , na aking sinasabi , Huwag kayong magkasala laban sa bata ; at ayaw kayong makinig ? kaya naman , narito , ang kaniyang dugo ay nagsasakdal . At hindi nila nalalaman na sila&#039;y pinakikinggan ni Jose ; sapagka&#039;t may tagapagpaliwanag sa kanila . At siya&#039;y humiwalay sa kanila , at umiyak ; at siya&#039;y bumalik sa kanila , at sila&#039;y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon , at siya&#039;y tinalian sa harap ng kanilang mga mata . Nang magkagayo&#039;y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo , at ibalik ang salapi ng bawa&#039;t isa sa kanikaniyang bayong , at sila&#039;y bigyan ng mababaon sa daan : at ginawa sa kanilang gayon . At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno , at sila&#039;y yumaon mula roon . At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan , ay nakita niya ang kaniyang salapi ; at , narito , nasa labi ng kaniyang bayong . At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid , Ang salapi ko ay nasauli ; at , narito , nasa aking bayong : at kumutob ang kanilang puso ; at nangagtinginan na nanganginginig , na nagsasabihan , Ano itong ginawa ng Dios sa atin ? At sila&#039;y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan , at isinaysay nila sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila ; na sinasabi : Ang lalaking panginoon sa lupaing yaon ay kinausap kami na magilas , at inari kaming mga tiktik sa lupain . At aming sinabi sa kaniya , Kami ay mga taong tapat ; hindi kami mga tiktik : Kami ay labing dalawang magkakapatid , na mga anak ng aming ama ; ang isa&#039;y wala na , at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan . At sinabi sa amin ng lalaking yaon , ng panginoon sa lupain , Dito ko makikilala na kayo&#039;y mga taong tapat : magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid , at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay , at kayo&#039;y yumaon . At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso : kung gayo&#039;y makikilala ko , na kayo&#039;y hindi mga tiktik , kundi kayo&#039;y mga taong tapat : sa ganito&#039;y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid at kayo&#039;y mangangalakal sa lupain . At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong , na , narito , sa bayong ng bawa&#039;t isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi : at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi , ay nangatakot . At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob , Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak : si Jose ay wala , at si Simeon ay wala , at aalisin pa ninyo si Benjamin : lahat ng bagay na ito ay laban sa akin . At nagsalita , si Ruben sa kaniyang ama , na sinasabi , Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya&#039;y hindi ko dalhin sa iyo ; ibigay mo sa aking kamay , at siya&#039;y aking ibabalik sa iyo . At kaniyang sinabi , Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo ; sapagka&#039;t ang kaniyang kapatid ay patay na , at siya lamang ang natitira ; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan , ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan . At ang kagutom ay mahigpit sa lupain . At nangyari , nang makain na nila ang trigong kanilang dinala mula sa Egipto , na sinabi sa kanila ng kanilang ama , Kayo&#039;y pumaroong muli , ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain . At si Juda ay nagsalita sa kaniya , na sinasabi , Ipinahayag sa aming mahigpit ng lalaking yaon , na sinasabi , Hindi ninyo makikita ang aking mukha , maliban na ipagsama ninyo ang inyong kapatid . Kung pasasamahin mo sa amin ang aming kapatid , ay bababa kami , at ibibili ka namin ng pagkain . Datapuwa&#039;t kung hindi mo paparoroonin ay hindi kami bababa : sapagka&#039;t sinabi sa amin ng lalaking yaon , Hindi ninyo makikita ang aking mukha , malibang kasama ninyo ang inyong kapatid . At sinabi ni Israel , Bakit ninyo ako ginawan ng masama , na inyong sinabi sa lalake na mayroon pa kayong ibang kapatid ? At kanilang sinabi , Tinanong kami ng buong siyasat , tungkol sa amin , at tungkol sa aming kamaganakan , na sinasabi , Buhay pa ba ang inyong ama ? May iba pa ba kayong kapatid ? At isinaysay namin sa kaniya ayon sa mga salitang ito : saan namin malalaman , kaniyang sasabihin , Ibababa ninyo rito ang inyong kapatid ? At sinabi ni Juda kay Israel na kaniyang ama . Pasamahin mo sa akin ang bata at kami ay magsisitindig at magsisiyaon ; upang tayo&#039;y mabuhay at huwag mamatay , kami , at ikaw , at gayon din ang aming mga bata . Ako ang mananagot sa kaniya ; sa aking kamay hahanapin mo siya ; kung hindi ko ibalik sa iyo , at ilagay sa harap mo , ay pasanin ko ang sala magpakailan pa man : Sapagka&#039;t kung hindi tayo nagluwat , ay nakapagbalik na kaming makalawa . At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Israel , Kung gayon , ngayo&#039;y gawin ninyo ito : magdala kayo sa inyong bayong ng mga piling bunga ng lupain , at dalhan ninyo ang lalaking yaon ng kaloob , ng kaunting balsamo at kaunting pulot , pabango , at mirra , mga pile at almendras . At magdala kayo ng ibayong halaga ng salapi sa inyong kamay ; at ang salaping nabalik sa labi ng inyong mga bayong ay dalhin ninyong muli sa inyong kamay ; marahil ay kalituhan : Dalhin din ninyo ang inyong kapatid , at magtindig kayo at pumaroon kayong muli sa lalaking yaon . At pagkalooban nawa kayo ng Dios na Makapangyarihan sa lahat ng kaawaan sa harap ng lalaking yaon , upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid at si Benjamin . At kung mawalan ako ng mga anak , ay mawalan ako . At dinala ng mga lalake ang kaloob na yaon , at ibayong halaga ng salapi ang dinala sa kanilang kamay , at si Benjamin ; at nagsipagtindig , at nagsibaba sa Egipto , at nagsiharap kay Jose . At nang makita ni Jose si Benjamin na kasama nila , ay sinabi niya sa katiwala ng kaniyang bahay : Dalhin mo ang mga lalaking iyan sa bahay , at magpatay ka ng mga hayop , at ihanda mo ; sapagka&#039;t ang mga lalaking iyan ay magsisipananghaling kasalo ko . At ginawa ng lalake ang ayon sa iniutos sa kaniya ni Jose ; at dinala ng katiwala ang mga lalaking yaon sa bahay ni Jose . At ang mga lalake ay nangatakot , sapagka&#039;t sila&#039;y dinala sa bahay ni Jose ; kanilang sinabi : Dahil sa salaping isinauli sa ating mga bayong ng una , ay dinala tayo rito ; upang hanapan tayo ng dahilan , at tayo&#039;y ibagsak niya , at tayo&#039;y ariin niyang mga alipin , at pati ng atin mga asno . At sila&#039;y nagsilapit sa katiwala ng bahay ni Jose , at kinausap nila sa pintuan ng bahay . At sinabi nila , Oh panginoon ko , tunay na kami ay bumaba ng una na bumili ng pagkain : At nangyari , nang dumating kami sa tuluyan , na binuksan namin ang aming mga bayong , at , narito , ang salapi ng bawa&#039;t isa sa amin ay nasa labi ng kanikaniyang bayong , ang salapi namin sa tunay na timbang : at aming muling dinala sa aming kamay . At nagdala kami ng ibang salapi sa aming kamay upang ibili ng pagkain ; hindi namin nalalaman kung sino ang naglagay ng aming salapi sa aming mga bayong . At kaniyang sinabi , Mapayapa kayo ; huwag kayong matakot , ang Dios ninyo at ang Dios ng inyong ama ang nagbigay sa inyo ng kayamanang natatago sa inyong mga bayong : tinanggap ko ang inyong salapi . At inilabas si Simeon sa kanila . At dinala ng katiwala ang mga lalake sa bahay ni Jose , at sila&#039;y binigyan ng tubig , at nangaghugas ng kanilang mga paa ; at binigyan ng pagkain ang kanilang mga asno . At kanilang inihanda ang kaloob sa pagdating ni Jose sa tanghali ; sapagka&#039;t kanilang narinig na doon sila magsisikain ng tinapay . At nang dumating si Jose sa bahay , ay dinala nila sa kaniya sa loob ng bahay , ang kaloob na nasa kanilang kamay , at sila&#039;y nagpatirapa sa harap niya . At sila&#039;y kaniyang tinanong tungkol sa kanilang kalagayan , at sinabi , Wala bang sakit ang inyong ama , ang matanda na inyong sinalita ? buhay pa ba ? At kanilang sinabi , Walang sakit ang iyong lingkod na aming ama , buhay pa . At sila&#039;y nagsiyukod at nagsigalang . At itiningin niya ang kaniyang mga mata , at nakita si Benjamin na kapatid niya , na anak ng kaniyang ina , at sinabi , Ito ba ang inyong kapatid na bunso , na inyong sinalita sa akin ? At kaniyang sinabi , Pagpalain ka nawa ng Dios , anak ko . At nagmadali si Jose ; sapagka&#039;t nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid : at humanap ng dakong maiiyakan ; at pumasok sa kaniyang silid , at umiyak doon . At siya&#039;y naghilamos at lumabas ; at nagpigil ng loob , at nagsabi , Maghain kayo ng tinapay . At kanilang hinainan siyang bukod , at silang bukod , at ang mga Egipcio na kumakaing kasama niya ay bukod : sapagka&#039;t ang mga taga Egipcio ay hindi makakaing kasalo ng mga Hebreo ; sapagka&#039;t kasuklamsuklam ito sa mga Egipcio . At sila&#039;y nagsiupo sa harap niya , ang panganay ayon sa kaniyang pagkapanganay , at ang bunso ayon sa kaniyang pagkabunso : at ang mga lalake ay nangamamangha na nagtitinginan . At sila&#039;y idinampot ni Jose sa harap niya ng mga ulam : datapuwa&#039;t ang ulam ni Benjamin ay humihigit kay sa mga bahagi ng alin man sa kanila ng makalima . At nangaginuman at nangakipagkatuwa sa kaniya . At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay , na sinasabi , Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito , kung gaano ang kanilang madadala : at ilagay mo ang salapi ng bawa&#039;t isa sa labi ng kanikaniyang bayong . At ilagay mo ang aking saro , ang sarong pilak , sa labi ng bayong ng bunso , at ang salapi ng kaniyang trigo . At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose . At pagliliwanag ng kinaumagahan , ay pinapagpaalam ang mga lalake , sila at ang kanilang mga asno . Nang sila&#039;y mangakalabas na sa bayan , at hindi pa sila nalalayo , ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay , Bumangon ka habulin mo ang mga lalake ; at pagka sila&#039;y iyong inabutan , ay sabihin mo sa kanila , Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan ? Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon , at tunay na kaniyang ipinanghuhula ? Kayo&#039;y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan . At kaniyang inabutan sila , at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito . At kanilang sinabi sa kaniya , Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito ? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay . Narito , ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan : paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto ? Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod , ay mamatay , at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon . At kaniyang sinabi , Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita ; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin ; at kayo&#039;y mawawalan ng sala . Nang magkagayo&#039;y nagmadali sila , at ibinaba ng bawa&#039;t isa ang kaniyang bayong sa lupa , at binuksan ng bawa&#039;t isa ang kaniyang bayong . At kaniyang sinaliksik , na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso ; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin . Nang magkagayo&#039;y kanilang hinapak ang kanilang mga suot , at pinasanan ng bawa&#039;t isa ang kaniyang asno , at nagsibalik sa bayan . At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya&#039;y nandoon pa , at sila&#039;y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya . At sinabi sa kanila ni Jose , Anong gawa itong inyong ginawa ? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula ? At sinabi ni Juda : Anong aming sasabihin sa aming panginoon ? anong aming sasalitain ? o paanong kami ay magpapatotoo ? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod : narito , kami ay alipin ng aming panginoon , kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro . At kaniyang sinabi , Huwag nawang itulot ng Dios na ako&#039;y gumawa ng ganiyan ; ang taong kinasumpungan ng saro , ay siyang magiging aking alipin ; datapuwa&#039;t tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama . Nang magkagayo&#039;y lumapit si Juda sa kaniya , at nagsabi , Oh panginoon ko , ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod , ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon , at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod ; sapagka&#039;t ikaw ay parang si Faraon . Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod , na sinasabi ; Kayo ba&#039;y mayroong ama o kapatid ? At aming sinabi sa aking panginoon , Kami ay may ama , isang matanda , at isang anak sa kaniyang katandaan , isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay , at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina , at minamahal siya ng kaniyang ama . At sinabi mo sa iyong mga lingkod , Dalhin ninyo rito sa akin , upang mamasdan ko siya ng aking mga mata . At aming sinabi sa aking panginoon , Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama : sapagka&#039;t kung iiwan niya ang kaniyang ama , ay mamamatay ang ama niya . At iyong sinabi sa iyong mga lingkod , Hindi na ninyo makikita ang aking mukha , malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso . At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama , ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon . At sinabi ng aming ama , Pumaroon kayo uli , ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain . At aming sinabi , Hindi kami makabababa : kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami : sapagka&#039;t hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon , malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin . At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin , Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake : At ang isa&#039;y umalis sa akin , at aking sinabi , Tunay na siya&#039;y nalapa ; at hindi ko siya nakita mula noon . At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin , at may mangyaring sakuna sa kaniya , ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan . Ngayon nga&#039;y kung ako&#039;y dumating sa iyong lingkod na aking ama , at ang bata ay hindi namin kasama ; sapagka&#039;t ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan ; Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama , na mamamatay siya : at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama . Sapagka&#039;t ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama , na nagsasabi : Kung hindi ko siya dalhin sa iyo , ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man . Ngayon nga , ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod , aking isinasamo sa iyo , ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon ; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid . Sapagka&#039;t paanong paroroon ako sa aking ama , at ang bata&#039;y di ko kasama ? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama . Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya ; at sumigaw , Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap . At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid . At siya&#039;y umiyak ng malakas : at narinig ng mga Egipcio , at narinig ng sangbahayan ni Faraon . At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid , Ako&#039;y si Jose ; buhay pa ba ang aking ama ? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya : sapagka&#039;t sila&#039;y nagugulumihanan sa kaniyang harap . At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid , Lumapit kayo sa akin , isinasamo ko sa inyo . At sila&#039;y lumapit . At kaniyang sinabi : Ako&#039;y si Jose na inyong kapatid , na inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto . At ngayo&#039;y huwag kayong magdalamhati , o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito : sapagka&#039;t sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay . Sapagka&#039;t may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain ; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid , o pagaani man . At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa , at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas . Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito , kundi ang Dios : at kaniya akong ginawang ama kay Faraon , at panginoon sa buo niyang bahay , at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto . Magmadali kayo , at pumaroon kayo sa aking ama , at sabihin ninyo sa kaniya : Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose : Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto : pumarito ka sa akin , huwag kang magluwat . At ikaw ay tatahan sa lupain ng Gosen , at malalapit ka sa akin , ikaw at ang iyong mga anak , at ang mga anak ng iyong mga anak , at ang iyong mga kawan , at ang iyong mga bakahan , at ang iyong buong tinatangkilik . At doo&#039;y kakandilihin kita ; sapagka&#039;t may limang taong kagutom pa ; baka ikaw ay madukha , ikaw at ang iyong sangbahayan , at ang lahat ng iyo . At , narito , nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin , na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo . At inyong sasaysayin sa aking ama ang aking buong kaluwalhatian sa Egipto , at ang inyong buong nakita ; at kayo&#039;y magmamadali at inyong ibababa rito ang aking ama . At siya&#039;y humilig sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin , at umiyak ; at si Benjamin ay umiyak sa ibabaw ng kaniyang leeg . At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid , at umiyak sa kanila : at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid . At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon , na sinasabi , Nagsidating ang mga kapatid ni Jose : at ikinalugod ni Faraon , at ng kaniyang mga lingkod . At sinabi ni Faraon kay Jose , Sabihin mo sa iyong mga kapatid , Ito&#039;y gawin ninyo : pasanan ninyo ang inyong mga hayop , at kayo&#039;y yumaon , umuwi sa lupain ng Canaan ; At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan , at pumarito kayo sa akin : at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto , at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain . Ngayo&#039;y inuutusan ka , ito&#039;y gawin ninyo ; kumuha kayo ng mga kariton sa lupain ng Egipto para sa inyong mga bata , at sa inyong mga asawa , at dalhin ninyo rito ang inyong ama , at kayo&#039;y pumarito . Huwag din ninyong lingapin ang inyong pag-aari ; dahil sa ang buti ng buong lupain ng Egipto ay inyo . At ginawang gayon ng mga anak ni Israel : at binigyan sila ni Jose ng mga kariton , ayon sa utos ni Faraon , at sila&#039;y binigyan ng mababaon sa daan . Sa kanilang lahat ay nagbigay siya ng mga pangpalit na bihisan ; nguni&#039;t kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang putol na pilak , at limang pangpalit na bihisan . At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng ganitong paraan ; sangpung asnong may pasang mabuting mga bagay sa Egipto , at sangpung asna na may pasang trigo at tinapay at pagkain ng kaniyang ama sa daan . Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid , at sila&#039;y yumaon : at kaniyang sinabi sa kanila , Huwag kayong magkaaalit sa daan . At sila&#039;y sumumpa mula sa Egipto , at naparoon sa lupain ng Canaan , kay Jacob na kanilang ama . At kanilang isinaysay sa kaniya , na sinasabi , Si Jose ay buhay pa , at siya&#039;y puno sa buong lupain ng Egipto . At ang kaniyang puso ay nanglupaypay , sapagka&#039;t di niya pinaniwalaan sila . At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose , na kaniyang sinabi sa kanila : nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya , ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama . At sinabi ni Israel , Siya na ; si Jose na aking anak ay buhay pa : ako&#039;y paroroon at titingnan ko siya , bago ako mamatay . At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik , at napasa Beerseba , at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac . At kinausap ng Dios si Israel sa mga panaginip sa gabi , at sinabi , Jacob , Jacob . At sinabi niya , Narito ako : At kaniyang sinabi , Ako&#039;y Dios , ang Dios ng iyong ama , huwag kang matakot na bumaba sa Egipto : sapagka&#039;t doo&#039;y gagawin kitang isang dakilang bansa : Ako&#039;y bababang kasama mo sa Egipto ; at tunay na iaahon kita uli , at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata . At bumangon si Jacob mula sa Beerseba ; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama , at ang kanilang mga bata , at ang kanilang mga asawa , sa mga kariton na ipinadala ni Faraon kay Jacob . At kanilang dinala ang kanilang mga hayop , at ang kanilang mga pag-aari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan , at na pasa Egipto , si Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya . Ang kaniyang mga anak na lalake at babae , at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya , at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto . At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel , na napasa Egipto , ni Jacob at ng kaniyang mga anak : si Ruben na anak na panganay ni Jacob . At ang mga anak ni Ruben ; si Hanoch , at si Phallu , at si Hezron , at si Carmi . At ang mga anak ni Simeon ; si Jemuel , at si Jamin , at si Ohad , at si Jachin , at si Zohar , at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan . At ang mga anak ni Levi ; si Gerson , si Coat at si Merari . At ang mga anak ni Juda ; si Er , at si Onan , at si Sela , at si Phares , at si Zara ; nguni&#039;t si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan . At ang mga anak ni Phares , si Hezron at si Hamul . At ang mga anak ni Issachar ; si Thola , at si Phua , at si Job , at si Simron . At ang mga anak ni Zabulon ; si Sered ; at si Elon , at si Jahleel . Ito ang mga anak ni Lea , na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram , sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina : ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu&#039;t tatlo . At ang mga anak ni Gad ; si Ziphion , at si Aggi , si Suni , at si Ezbon , si Heri , at si Arodi , at si Areli . At ang mga anak ni Aser ; si Jimna ; at si Ishua , at si Isui , at si Beria , at si Sera na kanilang kapatid na babae : at ang mga anak ni Beria ; si Heber , at si Malchel . Ito ang mga anak ni Zilpa na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae , at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob , na labing anim na tao . Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob ; si Jose at si Benjamin . At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim , na ipinanganak sa kaniya ni Asenath , na anak ni Potiphera na saserdote sa On . At ang mga anak ni Benjamin ; si Bela ; at si Becher , at si Asbel , si Gera , at si Naaman , si Ehi , at si Ros , si Muppim , at si Huppim , at si Ard . Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob : lahat ay labing apat . At ang mga anak ni Dan ; si Husim . At ang mga anak ni Nephtali ; si Jahzeel , at si Guni , at si Jezer , at si Shillem . Ito ang mga anak ni Bilha , na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak , at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob ; lahat na tao ay pito . Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto , na nagsilabas sa kaniyang mga balakang , bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob , ang lahat na tao ay anim na pu&#039;t anim ; At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto , ay dalawang katao ; ang lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob , na napasa Egipto , ay pitongpu . At pinapagpauna niya si Juda kay Jose , upang ituro ang daan na patungo sa Gosen ; at sila&#039;y nagsidating sa lupain ng Gosen . At inihanda ni Jose ang kaniyang karro , at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen ; at siya&#039;y humarap sa kaniya , at yumakap sa kaniyang leeg , at umiyak sa kaniyang leeg na matagal . At sinabi ni Israel kay Jose , Ngayo&#039;y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha , na ikaw ay buhay pa . At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid , at sa sangbahayan ng kaniyang ama , Ako&#039;y aahon , at aking sasaysayin kay Faraon , at aking sasabihin sa kaniya . Ang aking mga kapatid , at ang sangbahayan ng aking ama , na nangasa lupain ng Canaan , ay naparito sa akin ; At ang mga lalake ay mga pastor , sapagka&#039;t sila&#039;y naging tagapagalaga ng hayop , at kanilang dinala ang kanilang mga kawan , at ang kanilang mga bakahan , at ang lahat nilang tinatangkilik . At mangyayaring , pagka tatawagin kayo ni Faraon , at sasabihin , Ano ang inyong hanapbuhay ? Na inyong sasabihin , Ang iyong mga lingkod ay naging tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon , kami at ang aming mga magulang ; upang kayo&#039;y matira sa lupain ng Gosen ; sapagka&#039;t bawa&#039;t pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio . Nang magkagayo&#039;y pumasok si Jose at isinaysay kay Faraon , at sinabi , Ang aking ama , at ang aking mga kapatid , at ang kanilang mga kawan , at ang kanilang mga bakahan , at ang lahat nilang tinatangkilik , ay dumating na mula sa lupain ng Canaan ; at , narito , sila&#039;y nasa lupain ng Gosen . At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake , at mga iniharap niya kay Faraon . At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid , Ano ang inyong hanapbuhay ? At kanilang sinabi kay Faraon , Ang iyong mga lingkod ay mga pastor , kami at gayon din ang aming mga magulang . At kanilang sinabi kay Faraon , Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami ; sapagka&#039;t walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod ; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan : ngayon nga , ay isinasamo namin sa iyo , na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen . At sinalita ni Faraon kay Jose , na sinasabi , Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo : Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo ; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila : at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila , ay papamahalain mo sa aking hayop . At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama , at itinayo niya sa harap ni Faraon , at binasbasan ni Jacob si Faraon . At sinabi ni Faraon kay Jacob , Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay ? At sinabi ni Jacob kay Faraon , Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon ; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay , at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan . At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon . At itinatag ni Jose ang kaniyang ama , at ang kaniyang mga kapatid , at sila&#039;y binigyan ng pag-aari sa lupain ng Egipto , sa pinakamabuti sa lupain , sa lupain ng Rameses , gaya ng iniutos ni Faraon . At pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama , at ang kaniyang mga kapatid , at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama , ayon sa kanikaniyang sangbahayan . At walang tinapay sa buong lupain ; sapagka&#039;t ang kagutom ay totoong malala , na ano pa&#039;t ang lupain ng Egipto , at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom . At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto , at sa lupain ng Canaan , dahil sa trigong kanilang binibili : at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon . At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto , at sa lupain ng Canaan , ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio , at nagsabi ; Bigyan mo kami ng tinapay : sapagka&#039;t bakit kami mamamatay sa iyong harap ? dahil sa ang aming salapi ay naubos . At sinabi ni Jose , Ibigay ninyo ang inyong mga hayop ; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop ; kung naubos na ang salapi . At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose , at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo , at sa mga kawan , at sa mga bakahan , at sa mga asno ; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon . At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon , at kanilang sinabi sa kaniya : Hindi namin ililihim sa aming panginoon , na kung paanong ang aming salapi ay naubos , at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon ; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa . Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata , kami at ang aming lupa ? bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon : at bigyan mo kami ng binhi , upang kami ay mabuhay , at huwag mamatay , at ang lupa ay huwag masira . Sa ganito&#039;y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon ; sapagka&#039;t ipinagbili ng bawa&#039;t isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid , dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila : at ang lupain ay naging kay Faraon . At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo , Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili : sapagka&#039;t ang mga saserdote&#039;y may bahagi kay Faraon , at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon ; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Jose sa bayan : Narito , aking binili kayo ng araw na ito , at ang inyong lupa&#039;y para kay Faraon : narito , ito ang ipangbibinhi ninyo , at inyong hahasikan ang lupa . At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang ikalimang bahagi kay Faraon , at ang apat na bahagi ay sa inyo , sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain , at sa inyong mga kasangbahay , at pinakapagkain sa inyong mga bata . At kanilang sinabi , Iyong iniligtas ang aming buhay : makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon , at kami ay maging mga alipin ni Faraon . At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito , na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi , liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon . At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto , sa lupain ng Gosen ; at sila&#039;y nagkaroon ng mga pag-aari roon , at pawang sagana at totoong dumami . At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon ; kaya&#039;t ang mga araw ni Jacob , ang mga taon ng kaniyang buhay , ay isang daan at apat na pu&#039;t pitong taon . At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel : at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose , at sinabi niya sa kaniya , Kung ngayo&#039;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , ay ilagay mo , isinasamo ko sa iyo , ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita , at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan ; isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto : Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto , at ililibing mo ako sa kanilang libingan . At kaniyang sinabi , Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi . At kaniyang sinabi , Sumumpa ka sa akin : at sumumpa siya sa kaniya . At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan . At nangyari , pagkatapos ng mga bagay na ito , na sinabi ng isa kay Jose , Narito , ang iyong ama ay may sakit : at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak , si Manases at si Ephraim . At may nagsaysay kay Jacob , at nagsabi , Narito , pinaparituhan ka ng anak mong si Jose : at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan . At sinabi ni Jacob kay Jose , Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan , at binasbasan ako . At sinabi sa akin , Narito , palalaguin kita , at pararamihin kita , at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan ; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo , na pinakaari magpakailan man . At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto , ay akin ; si Ephraim at si Manases , gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin . At ang iyong mga anak , na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo ; sila&#039;y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana . At tungkol sa akin , nang ako&#039;y dumating mula sa Padan , si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan , nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata : at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata ( na siya ring Bethlehem ) . At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose , at sinabi , Sino sino ito ? At sinabi ni Jose sa kaniyang ama , Sila&#039;y aking mga anak , na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito . At kaniyang sinabi , Isinasamo ko sa iyo , na iyong dalhin sila rito sa akin , at sila&#039;y aking babasbasan . Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan , na ano pa&#039;t hindi na siya makakita . At kaniyang inilapit sila sa kaniya ; at sila&#039;y kaniyang hinagkan , at niyakap . At sinabi ni Israel kay Jose , Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha : at , narito , ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi . At sila&#039;y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod ; at siya&#039;y nagpatirapa sa lupa . At kapuwa dinala ni Jose , si Ephraim sa kaniyang kanang kamay , sa dakong kaliwang kamay ni Israel , at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay , sa dakong kanang kamay ni Israel , at inilapit niya sa kaniya . At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay , at ipinatong sa ulo ni Ephraim , na siyang bunso , at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases , na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay ; sapagka&#039;t si Manases ang panganay . At kaniyang binasbasan si Jose , at sinabi , Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac , ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito , Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan , ay siya nawang magpala sa mga batang ito ; at tawagin nawa sila sa aking pangalan , at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac ; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa . At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim , ay minasama niya ; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama , upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim . At sinabi ni Jose sa kaniyang ama , Hindi ganyan , ama ko : sapagka&#039;t ito ang panganay ; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo . At tumanggi ang kaniyang ama , at sinabi , Talastas ko , anak ko , talastas ko ; siya man ay magiging isang bayan , at siya man ay magiging dakila : gayon ma&#039;y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya , at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa . At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon , na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel , na magsasabi , Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases , at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases . At sinabi ni Israel kay Jose , Narito , ako&#039;y namamatay : nguni&#039;t ang Dios ay sasainyo , at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang . Bukod dito&#039;y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid , na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo . At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak , at sinabi , Magpipisan kayo , upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga huling araw . Magpipisan kayo at kayo&#039;y makinig , kayong mga anak ni Jacob ; At inyong pakinggan si Israel na inyong ama . Ruben , ikaw ang aking panganay , ang aking kapangyarihan , at siyang pasimula ng aking kalakasan ; Siyang kasakdalan ng kamahalan , at siyang kasakdalan ng kapangyarihan . Kumukulong parang tubig na umaawas , hindi ka magtataglay ng kasakdalan , Sapagka&#039;t , sumampa ka sa higaan ng iyong ama : Hinamak mo nga ; sumampa sa aking higaan . Si Simeon at si Levi ay magkapatid ; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak . Oh kaluluwa ko , huwag kang pumasok sa kanilang payo ; Sa kanilang kapisanan , ay huwag kang makiisa , kaluwalhatian ko ; Sapagka&#039;t sa kanilang galit ay pumatay ng tao : At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka . Sumpain ang kanilang galit , sapagka&#039;t mabangis ; At ang kanilang pagiinit , sapagka&#039;t mabagsik . Aking babahagihin sila sa Jacob . At aking pangangalatin sila sa Israel . Juda , ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid : Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway : Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo . Si Juda&#039;y isang anak ng leon , Mula sa panghuhuli , anak ko umahon ka : Siya&#039;y yumuko , siya&#039;y lumugmok na parang leon ; At parang isang leong babae ; sinong gigising sa kaniya ? Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda , Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa , Hanggang sa ang Shiloh ay dumating ; At sa kaniya tatalima ang mga bansa . Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas . At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas ; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak , At ang kaniyang damit sa katas ng ubas . Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak , At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas . Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat : At siya&#039;y magiging daongan ng mga sasakyan ; At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon . Si Issachar ay isang malakas na asno , Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan : At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti , At ng lupang kaayaaya ; At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan , At naging aliping mangaatag . Si Dan ay hahatol sa kaniyang bayan , Gaya ng isa sa angkan ni Israel . Si Dan ay magiging ahas sa daan , At ulupong sa landas , Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo , Na ano pa&#039;t nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon . Aking hinintay ang iyong pagliligtas , Oh Panginoon . Si Gad , ay hahabulin ng isang pulutong : Nguni&#039;t siya ang hahabol sa kanila . Hinggil kay Aser , ay lulusog ang tinapay niya , At gagawa ng masasarap na pagkain . Si Nephtali ay isang usang babaing kawala : Siya&#039;y nagbabadya ng maririkit na pananalita . Si Jose ay sangang mabunga , Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal ; Ang kaniyang mga sanga&#039;y gumagapang sa pader . Pinamanglaw siya ng mga mamamana , At pinana siya , at inusig siya : Nguni&#039;t ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan , At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay , Sa pamamagitan ng mga kamay ng Makapangyarihan ni Jacob , ( Na siyang pinagmulan ng pastor , ang bato ng Israel ) , Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama , na siyang tutulong sa iyo , At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat , na siyang magpapala sa iyo , Ng pagpapala ng langit sa itaas , Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba , Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata . Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan : Mangapapasa ulo ni Jose , At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid . Si Benjamin ay isang lobo na mangaagaw : Sa kinaumagaha&#039;y kaniyang kakanin ang huli , At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam . Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel : at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila , at sila&#039;y binasbasan ; bawa&#039;t isa&#039;y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya , At kaniyang ipinagbilin sa kanila , at sinabi sa kanila : Ako&#039;y malalakip sa aking bayan : ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo , Sa yungib na nasa parang ng Machpela , na nasa tapat ng Mamre , sa lupain ng Canaan , na binili ni Abraham , na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo , na pinakaaring libingan : Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa ; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa ; at doon ko inilibing si Lea : Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth . At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak , ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan , at nalagot ang hininga , at nalakip sa kaniyang bayan . At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama , at umiyak sa ibabaw niya , at hinalikan niya siya . At iniutos ni Jose sa kaniyang mga lingkod na manggagamot , na embalsamahin ang kaniyang ama : at inembalsama ng mga manggagamot si Israel . At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya ; sapagka&#039;t gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama ; at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw . At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon , na sinasabi , Kung ngayo&#039;y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo , isinasamo ko sa inyo , sa mga pakinig ni Faraon , na inyong sabihin , Pinanumpa ako ng ama ko , na sinasabi , Narito , ako&#039;y namamatay : sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan , ay doon mo ako ililibing . Ngayon nga&#039;y pahintulutan ninyo akong umahon , isinasamo ko sa inyo , at aking ilibing ang aking ama , at babalik uli ako . At sinabi ni Faraon , Umahon ka , at ilibing mo ang iyong ama , ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo . At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama : at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon , ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan , at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto ; At ang buong sangbahayan ni Jose , at ang kaniyang mga kapatid , at ang sangbahayan ng kaniyang ama : ang kanila lamang mga bata , at ang kanilang mga kawan , at ang kanilang bakahan , ang iniwan nila sa lupain ng Gosen . At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo : at yao&#039;y naging totoong malaking pulutong . At sila&#039;y dumating sa giikan ni Atad , na nasa dako pa roon ng Jordan , at doo&#039;y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy : at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw . At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon , ng mga Cananeo , ang panaghoy sa giikan ni Atad , ay kanilang sinabi , Ito&#039;y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya&#039;t ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim , nasa dako pa roon ng Jordan . At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila . Sapagka&#039;t dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan , at inilibing siya sa yungib ng Machpela , na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan , kay Ephron na Hetheo , sa tapat ng Mamre . At bumalik si Jose sa Egipto , siya , at ang kaniyang mga kapatid , at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama , pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama . At nang makita ng mga kapatid ni Jose , na ang kanilang ama&#039;y namatay , ay kanilang sinabi , Marahil si Jose ay mapopoot sa atin , at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya . At ipinasabi nila kay Jose , Iniutos ng iyong ama bago namatay , na sinasabi , Ganito sasabihin ninyo kay Jose . Ipatawad mo , isinasamo ko sa iyo ngayon , ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid , at ang kanilang kasalanan ; at ngayon , ay aming isinasamo sa iyo , na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod ng Dios ng iyong ama . At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya . At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya ; at kanilang sinabi , Narito , kaming iyong mga lingkod . At sinabi ni Jose sa kanila , Huwag kayong matakot , sapagka&#039;t nasa kalagayan ba ako ng Dios ? At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin ; nguni&#039;t ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito , na iligtas ang buhay ng maraming tao . Kaya nga huwag kayong matakot : aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata . At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob . At si Jose ay tumahan sa Egipto , siya at ang sangbahayan ng kaniyang ama : at si Jose ay nabuhay na isang daan at sangpung taon . At nakita ni Jose ang mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi ; ang mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose . At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid : Ako&#039;y namamatay : nguni&#039;t tunay na dadalawin kayo ng Dios , at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham , kay Isaac at kay Jacob . At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Tunay na dadalawin kayo ng Dios , at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito . Sa gayo&#039;y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon : at kanilang inembalsama siya , at siya&#039;y inilagay sa isang kabaong sa Egipto . </passage></reply></GetPassage>