<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:10</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:10</urn><passage>At nangyari , pagkamatay ni Saul , nang magbalik si David na mula sa pagpatay sa mga Amalecita , at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag ; Ay nangyari , sa ikatlong araw , na narito , ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na hapak ang kaniyang suot , at may lupa ang kaniyang ulo : at nagkagayon , na nang dumating siya kay David , ay nagpatirapa at nagbigay galang . At sinabi ni David sa kaniya , Saan ka nanggaling ? At kaniyang sinabi sa kaniya , Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako . At sinabi ni David sa kaniya , Ano ang nangyari ? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin . At siya&#039;y sumagot : Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka , at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay ; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin . At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya : Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay ? At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay , Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa , narito , si Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat ; at , narito , hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo . At nang siya&#039;y lumingon , kaniyang nakita ako , at tinawag niya ako , at ako&#039;y sumagot : Narito ako . At sinabi niya sa akin , Sino ka ? At ako&#039;y sumagot sa kaniya , Ako&#039;y isang Amalecita . At kaniyang sinabi uli sa akin , Tumayo ka sa siping ko , isinasamo ko sa iyo , at patayin mo ako , dahil sa dinatnan ako ng panglulumo ; sapagka&#039;t ang aking buhay ay lubos ko pang taglay . Sa gayo&#039;y tumayo ako sa siping niya , at aking pinatay siya , sapagka&#039;t talastas ko na siya&#039;y hindi mabubuhay pagkatapos na siya&#039;y nabuwal : at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo , at ang pulsera na nasa kaniyang kamay , at aking dinala rito sa aking panginoon . Nang magkagayo&#039;y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak ; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya : At sila&#039;y tumangis , at umiyak , at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw , dahil kay Saul , at dahil kay Jonathan na kaniyang anak , at dahil sa bayan ng Panginoon , at dahil sa sangbahayan ng Israel ; sapagka&#039;t sila&#039;y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak . At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya , Taga saan ka ? At siya&#039;y sumagot : Ako&#039;y anak ng isang taga ibang lupa , na Amalecita . At sinabi ni David sa kaniya , Bakit hindi ka natakot na iunat mo ang iyong kamay na patayin ang pinahiran ng langis ng Panginoon ? At tinawag ni David ang isa sa mga bataan , at sinabi , Lumapit ka , at daluhungin mo siya . At kaniyang sinaktan siya , na anopa&#039;t namatay . At sinabi ni David sa kaniya , Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo ; sapagka&#039;t ang iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo , na nagsasabi , Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon . At tinaghuyan ni David ng ganitong panaghoy si Saul at si Jonathan na kaniyang anak : ( At kaniyang ipinaturo sa mga anak ni Juda ang awit sa pamamana narito , nasusulat sa aklat ni Jaser ) : Ang iyong kaluwalhatian , Oh Israel , ay napatay sa iyong matataas na dako ! Ano&#039;t nangabuwal ang mga makapangyarihan ! Huwag ninyong saysayin sa Gath , Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon ; Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak , Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay . Kayong mga bundok ng Gilboa , Huwag magkaroon ng hamog , o ulan man sa inyo , kahit mga bukid na mga handog : Sapagka&#039;t diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay . Ang kalasag ni Saul , na parang isa , na hindi pinahiran ng langis . Sa dugo ng pinatay , sa taba ng makapangyarihan , Ang busog ni Jonathan ay hindi umurong , At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala . Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan . At sa kanilang kamatayan sila&#039;y hindi naghiwalay ; Sila&#039;y lalong maliliksi kay sa mga agila , Sila&#039;y lalong malalakas kay sa mga leon . Kayong mga anak na babae ng Israel , iyakan ninyo si Saul , Na siyang sa inyo&#039;y maselang na nagbihis ng escarlata , Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan . Ano&#039;t nangabuwal ang mga makapangyarihan sa gitna ng pagbabaka ! Oh Jonathan , napatay ka sa iyong matataas na dako . Ako&#039;y namanglaw dahil sa iyo , kapatid kong Jonathan : Naging totoong kalugodlugod ka sa akin ; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas , Na humihigit sa pagsinta ng mga babae . Ano&#039;t nangabuwal ang mga makapangyarihan , At nangalipol ang mga sandata na pandigma ! At nangyari , pagkatapos nito , na nagusisa si David sa Panginoon , na nagsasabi , Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda ? At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Umahon ka . At sinabi ni David , Saan ako aahon ? At kaniyang sinabi , Sa Hebron . Sa gayo&#039;y umahon si David doon , at pati ng kaniyang dalawang asawa , si Ahinoam na taga Jezreel , at si Abigail na asawa ni Nabal , na taga Carmelo . At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa&#039;t lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan : at sila&#039;y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron . At nagsiparoon ang mga lalake ng Juda , at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda . At kanilang isinaysay kay David , na sinasabi , Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul . At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad , at sinabi sa kanila , Pagpalain nawa kayo ng Panginoon , na kayo&#039;y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon , sa makatuwid baga&#039;y kay Saul , at inyong inilibing siya . At ngayon nawa&#039;y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan : at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob , sapagka&#039;t inyong ginawa ang bagay na ito . Ngayon nga , magsilakas nawa ang inyong mga kamay , at kayo nawa&#039;y maging matatapang : sapagka&#039;t patay na si Saul na inyong panginoon , at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila . Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul , si Is-boseth na anak ni Saul , at inilipat sa Mahanaim ; At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad , at sa mga Asureo , at sa Jezreel , at sa Ephraim , at sa Benjamin , at sa buong Israel . Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari sa Israel , at siya&#039;y naghari na dalawang taon . Nguni&#039;t ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David . At ang panahon na ipinaghari ni David sa Hebron sa sangbahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan . At si Abner na anak ni Ner , at ang mga lingkod ni Is-boseth na anak ni Saul , ay nangapasa Gabaon mula sa Mahanaim . At si Joab na anak ni Sarvia , at ang mga lingkod ni David ay nagsilabas , at sinalubong sila sa siping ng tangke sa Gabaon ; at sila&#039;y naupo , na ang isa&#039;y sa isang dako ng tangke , at ang isa&#039;y sa kabilang dako ng tangke . At sinabi ni Abner kay Joab , Isinasamo ko sa iyo na bumangon ang mga bataan at magsanay ng tabak sa harap natin . At sinabi ni Joab , Bumangon sila . Nang magkagayo&#039;y bumangon sila at tumawid ayon sa bilang ; labing dalawa sa Benjamin , at sa ganang kay Is-boseth na anak ni Saul , at labing dalawa sa mga lingkod ni David . At hinawakan sa ulo ng bawa&#039;t isa sa kanila ang kaniyang kaaway , at isinaksak ang kaniyang tabak sa tagiliran ng kaniyang kaaway ; sa gayo&#039;y nangabuwal sila na magkakasama : kaya&#039;t ang dakong yaon ay tinatawag na Helcath-assurim na nasa Gabaon . At ang pagbabaka ay lumalalang mainam nang araw na yaon ; at si Abner ay nadaig , at ang mga lalake ng Israel sa harap ng mga lingkod ni David . At nandoon ang tatlong anak ni Sarvia , si Joab , at si Abisai , at si Asael : at si Asael ay magaan ang paa na gaya ng mailap na usa . At hinabol ni Asael si Abner ; at sa pagyaon , siya&#039;y hindi lumihis sa kanan o sa kaliwa man sa pagsunod kay Abner . Nang magkagayo&#039;y nilingon ni Abner , at sinabi , Ikaw ba&#039;y si Asael ? At siya&#039;y sumagot : Ako nga . At sinabi ni Abner sa kaniya , Lumihis ka sa iyong kanan o sa iyong kaliwa , at iyong tangnan ang isa sa mga bataan , at kunin mo ang kaniyang sakbat . Nguni&#039;t ayaw ni Asael na humiwalay sa pagsunod sa kaniya . At sinabi uli ni Abner kay Asael , Lumihis ka sa pagsunod sa akin : bakit nga kita ibubulagta sa lupa ? paanong aking maitataas nga ang aking mukha kay Joab na iyong kapatid ? Gayon ma&#039;y tumanggi siyang lumihis : kaya&#039;t sinaktan siya ni Abner sa tiyan ng dulo ng sibat , na anopa&#039;t ang sibat ay lumabas sa likod niya ; at siya&#039;y nabuwal doon at namatay sa dako ring yaon : at nangyari , na lahat na naparoon sa dakong kinabuwalan ni Asael at kinamatayan , ay nangapatigil . Nguni&#039;t hinabol ni Joab at ni Abisai si Abner : at ang araw ay nakalubog na nang sila&#039;y dumating sa burol ng Amma , na nasa harap ng Gia sa siping ng daan sa ilang ng Gabaon . At ang mga anak ng Benjamin ay nagpipisan sa likuran ni Abner , at nagisang pulutong , at nagsitayo sa taluktok ng isang burol . Nang magkagayo&#039;y tinawag ni Abner si Joab , at nagsabi , Mananakmal ba ang tabak magpakailan man ? hindi mo ba nalalaman na magkakaroon ng kapaitan sa katapusan ? hanggang kailan mo nga pababalikin ang bayan na mula sa pagsunod sa kanilang mga kapatid ? At sinabi ni Joab , Buhay ang Dios , kung hindi mo sana sinalita ay tunay nga na umalis disin ang bayan sa kinaumagahan , o sinundan man ng sinoman ang bawa&#039;t isa sa kaniyang kapatid . Sa gayo&#039;y hinipan ni Joab ang pakakak , at ang buong bayan ay tumigil , at hindi na hinabol ang Israel , o sila man ay lumaban pa . At si Abner at ang kaniyang mga lalake ay nagdaan buong gabi sa Araba ; at sila&#039;y nagsitawid ng Jordan , at nagsidaan sa buong Bitron , at nagsidating sa Mahanaim . At bumalik si Joab na humiwalay ng paghabol kay Abner : at nang kaniyang mapisan ang buong bayan , nagkulang sa mga lingkod ni David ay labing siyam na lalake at si Asael . Nguni&#039;t sinaktan ng mga lingkod ni David ang Benjamin , at ang mga lalake ni Abner , na anopa&#039;t nangamatay ay tatlong daan at anim na pung lalake . At kanilang iniahon si Asael , at inilibing nila siya sa libingan ng kaniyang ama , na nasa Bethlehem . At si Joab at ang kaniyang mga lalake ay nagsiyaon buong gabi , at dumating sila sa Hebron sa kinaumagahan . Nagkaroon nga ng matagal na pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David : at si David ay lumakas ng lumakas , nguni&#039;t ang sangbahayan ni Saul ay humina ng humina . At nagkaanak si David sa Hebron : at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga Jezreel ; At ang kaniyang pangalawa ay si Chileab , kay Abigail na asawa ni Nabal na taga Carmelo ; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maacha na anak ni Talmai na hari sa Gessur ; At ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Haggith ; at ang ikalima ay si Saphatias na anak ni Abital ; At ang ikaanim ay si Jetream kay Egla , na asawa ni David . Ang mga ito&#039;y ipinanganak kay David sa Hebron . At nangyari , samantalang may pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David , na si Abner ay nagpakalakas sa sangbahayan ni Saul . Si Saul nga ay may babae na ang pangalan ay Rispa , na anak ni Aja : at sinabi ni Is-boseth kay Abner , Bakit ka sumiping sa babae ng aking ama ? Nang magkagayo&#039;y nagalit na mainam si Abner dahil sa mga salita ni Is-boseth , at sinabi , Ako ba&#039;y isang ulo ng aso na nauukol sa Juda ? Sa araw na ito ay nagpapakita ako ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Saul na iyong ama , sa kaniyang mga kapatid , at sa kaniyang mga kaibigan , at hindi ka ibinigay sa kamay ni David , at gayon ma&#039;y iyong ibinibintang sa araw na ito sa akin ang isang kasalanan tungkol sa babaing ito . Hatulan ng Dios si Abner , at lalo na , malibang gawin kong gayon sa kaniya , na gaya ng isinumpa ng Panginoon kay David ; Na ilipat ang kaharian mula sa sangbahayan ni Saul , at itatag ang luklukan ni David sa Israel , at sa Juda mula sa Dan hanggang sa Beer-seba . At hindi siya nakasagot kay Abner ng isang salita , sapagka&#039;t siya&#039;y natakot sa kaniya . At si Abner ay nagsugo ng mga sugo kay David , sa ganang kaniya , na sinasabi naman , Makipagtipan ka sa akin , at , narito , ang aking kamay ay sasa iyo , upang dalhin sa iyo ang buong Israel . At kaniyang sinabi , Mabuti ; ako&#039;y makikipagtipan sa iyo ; nguni&#039;t isang bagay ang hinihiling ko sa iyo , na ito nga : huwag mong titingnan ang aking mukha , maliban na iyo munang dalhin si Michal na anak na babae ni Saul , pagparito mo upang tingnan ang aking mukha . At nagsugo ng mga sugo si David kay Is-boseth na anak ni Saul , na sinasabi , Isauli mo sa akin ang aking asawa na si Michal , na siyang aking pinakasalan sa halaga na isang daang balat ng masama ng mga Filisteo . At nagsugo si Is-boseth , at kinuha siya sa kaniyang asawa , kay Paltiel na anak ni Lais . At ang kaniyang asawa&#039;y yumaong kasama niya na umiyak habang siya&#039;y yumayaon , at sumusunod sa kaniya hanggang sa Bahurim . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Abner sa kaniya , Ikaw ay yumaon , bumalik ka : at siya&#039;y bumalik . At nakipag-usap si Abner sa mga matanda sa Israel , na sinasabi , Sa panahong nakaraan ay inyong hinanap si David upang maging hari sa inyo : Ngayon nga ay inyong gawin : sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon tungkol kay David , na sinasabi , Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ay aking ililigtas ang aking bayang Israel sa kamay ng mga Filisteo at sa kamay ng lahat nilang mga kaaway . At nagsalita naman si Abner sa pakinig ng Benjamin : at si Abner naman ay naparoong nagsalita sa pakinig ni David sa Hebron ng lahat na inaakalang mabuti ng Israel , at ng buong sangbahayan ni Benjamin . Sa gayo&#039;y naparoon si Abner kay David sa Hebron , at dalawang pung lalake ang kasama niya . At ginawan ni David ng isang kasayahan si Abner at ang mga lalake na kasama niya . At sinabi ni Abner kay David , Ako&#039;y babangon at yayaon , at aking pipisanin ang buong Israel sa aking panginoon na hari , upang sila&#039;y makipagtipan sa iyo , at upang iyong pagharian ng buong ninanasa ng iyong kaluluwa . At pinayaon ni David si Abner ; at siya&#039;y yumaong payapa . At , narito , ang mga lingkod ni David at si Joab ay nagsidating na mula sa isang paghabol , at may dalang malaking samsam : nguni&#039;t si Abner ay wala kay David sa Hebron , sapagka&#039;t pinayaon niya siya , at siya&#039;y yumaong payapa . Nang si Joab at ang buong hukbo na kasama niya ay magsidating , kanilang isinaysay kay Joab , na sinasabi , Si Abner na anak ni Ner ay naparoon sa hari , at siya&#039;y pinayaon at siya&#039;y yumaong payapa . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Joab sa hari , at nagsabi , Ano ang iyong ginawa ? narito , si Abner ay naparito sa iyo ; bakit mo pinayaon siya , at siya&#039;y lubos na yumaon ? Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok , at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa . At nang lumabas si Joab na mula kay David , siya&#039;y nagsugo ng mga sugo na sumunod kay Abner , at kanilang ibinalik siya na mula sa balon ng Sira : nguni&#039;t hindi nalalaman ni David . At nang bumalik si Abner sa Hebron , ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim , at sinaktan niya siya roon sa tiyan , na anopa&#039;t siya&#039;y namatay , dahil sa dugo ni Asael na kaniyang kapatid . At pagkatapos nang mabalitaan ni David , ay kaniyang sinabi , Ako at ang aking kaharian ay walang sala sa harap ng Panginoon magpakailan man sa dugo ni Abner na anak ni Ner : Bumagsak sa ulo ni Joab , at sa buong sangbahayan ng kaniyang ama ; at huwag na di magkaroon sa sangbahayan ni Joab ng isang inaagasan , o ng isang may ketong , o ng umaagapay sa isang tungkod , o nabubuwal sa pamamagitan ng tabak , o ng kinukulang ng tinapay . Sa gayo&#039;y pinatay si Abner ni Joab at ni Abisal na kaniyang kapatid , sapagka&#039;t pinatay niya ang kanilang kapatid na si Asael sa Gabaon , sa pagbabaka . At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya : Hapakin ninyo ang inyong mga suot , at magbigkis kayo ng magaspang na damit , at magluksa kayo sa harap ni Abner . At ang haring si David ay sumunod sa kabaong . At kanilang inilibing si Abner sa Hebron : at inilakas ng hari ang kaniyang tinig , at umiyak sa libingan ni Abner ; at ang buong bayan ay umiyak . At tinangisan ng hari si Abner , at sinabi , Marapat bang mamatay si Abner , na gaya ng pagkamatay ng isang mangmang ? Ang iyong mga kamay ay hindi nangatatalian , o ang iyong mga paa man ay nangagagapos : Kung paanong nabubuwal ang isang lalake sa harap ng mga anak ng kasamaan ay gayon ka nabuwal . At iniyakan siyang muli ng buong bayan . At ang buong bayan ay naparoon upang pakanin ng tinapay si David samantalang araw pa ; nguni&#039;t sumumpa si David , na sinasabi , Hatulan ng Dios ako , at lalo na , kung ako&#039;y tumikim ng tinapay o ng anomang bagay hanggang sa ang araw ay lumubog . At nahalata ng buong bayan , at minagaling nila : palibhasa&#039;y anomang ginagawa ng hari ay nakalulugod sa buong bayan . Sa gayo&#039;y naunawa ng buong bayan at ng buong Israel sa araw na yaon , na hindi sa hari ang pagpatay kay Abner na anak ni Ner . At sinabi ng hari sa kaniyang mga bataan , Hindi ba ninyo nalalaman na may isang prinsipe at mahal na tao , na nabuwal sa araw na ito sa Israel ? At ako&#039;y mahina sa araw na ito , bagaman pinahirang hari ; at ang mga lalaking ito na mga anak ni Sarvia ay totoong mahirap kasamahin : gantihan nawa ng Panginoon ang manggagawang masama ayon sa kaniyang kasamaan . At nang mabalitaan ni Is-boseth , na anak ni Saul , na si Abner ay patay na sa Hebron , ang kaniyang mga kamay ay nanghina , at ang lahat na taga Israel ay nabagabag . At si Is-boseth , na anak ni Saul , ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong : ang pangalan ng isa ay Baana , at ang pangalan ng isa ay Rechab , na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin : ( sapagka&#039;t ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin : At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa Githaim , at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito . ) Si Jonathan nga na anak ni Saul , ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa . Siya&#039;y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel , at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas : at nangyari , habang siya&#039;y nagmamadali ng pagtakas , na siya&#039;y nabagsak , at naging pilay . At ang kaniyang pangalan ay Mephiboseth . At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita , na si Rechab at si Baana , ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth , na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat . At sila&#039;y nagsipasok doon sa gitna ng bahay , na parang sila&#039;y kukuha ng trigo ; at kanilang sinaktan siya sa tiyan ; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan . Sapagka&#039;t nang sila nga&#039;y magsipasok sa bahay habang siya&#039;y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid , kanilang sinaktan siya , at pinatay siya , at pinugutan siya ng ulo , at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy ng lakad sa Araba buong gabi . At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron , at sinabi nila sa hari , Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway na umuusig ng iyong buhay ; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul , at sa kaniyang binhi . At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid , na mga anak ni Rimmon na Beerothita , at sinabi sa kanila , Buhay ang Panginoon na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan . Nang saysayin sa akin ng isa , na sinasabi , Narito , si Saul ay namatay , na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita , ay aking hinawakan siya , at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita . Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay , sa kaniyang higaan , hindi ko ba sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay , at aalisin kayo sa lupa ? At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan , at pinatay nila sila , at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa , at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron . Nguni&#039;t kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth , at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron . Nang magkagayo&#039;y naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron , at nagsipagsalita , na nagsisipagsabi , Narito , kami ay iyong buto at iyong laman . Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin , ikaw ang naglalabas at nagpapasok sa Israel : at sinabi ng Panginoon sa iyo : Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel : at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel . Sa gayo&#039;y nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa Hebron : at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon : at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel . Si David ay may tatlong pung taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari , at siya&#039;y nagharing apat na pung taon . Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na pitong taon at anim na buwan : at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda . At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo na nagsisitahan sa lupain , na nangagsalita kay David , na nangagsasabi , Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay , hindi ka papasok dito : na iniisip , na si David ay hindi makapapasok doon . Gayon ma&#039;y sinakop ni David ang katibayan sa Sion ; na siyang bayan ni David . At sinabi ni David nang araw na yaon , Sino mang sumakit sa mga Jebuseo , ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig , at saktan ang pilay at ang bulag , na kinapopootan ng kaluluwa ni David . Kaya&#039;t kanilang sinasabi , Mayroong bulag at pilay ; hindi siya makapapasok sa bahay . At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David . At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa Millo , at sa loob . At si David ay dumakila ng dumakila ; sapagka&#039;t ang Panginoon na Dios ng mga hukbo , ay sumasa kaniya . At si Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo , at ng mga puno ng sedro , at mga anluwagi , at mangdadaras sa bato ; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay . At nahalata ni David , na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel , at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel . At kumuha pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem , panggagaling niya sa Hebron : at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David . At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem ; si Sammua , at si Sobab , at si Nathan , at si Salomon , At si Ibhar , at si Elisua ; at si Nephegh at si Japhia ; At si Elisama , at si Eliada , at si Eliphelet . At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel , ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David ; at nabalitaan ni David , at lumusong sa katibayan . Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa libis ng Rephaim . At nagusisa si David sa Panginoon , na nagsasabi , Aahon ba ako laban sa mga Filisteo ? ibibigay mo ba sila sa aking kamay ? At sinabi ng Panginoon kay David , Umahon ka : sapagka&#039;t tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay . At naparoon si David sa Baal-perasim at sila&#039;y sinaktan doon ni David ; at kaniyang sinabi , Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko , na gaya ng pilansik ng tubig . Kaya&#039;t kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim . At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan , at mga inalis ni David at ng kaniyang mga lalake . At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo , at nagsikalat sa libis ng Rephaim . At nang isangguni ni David sa Panginoon , kaniyang sinabi , Huwag kang aahon : liligid ka sa likuran nila , at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales . At mangyayari , pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales , na ikaw nga ay magmamadali : sapagka&#039;t lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo . At ginawang gayon ni David ; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya ; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang sa dumating sa Gezer . At pinisan uli ni David ang lahat na piling lalake sa Israel , na tatlong pung libo . At bumangon si David at yumaon na kasama ng buong bayan na nasa kaniya , mula sa Baale Juda , upang iahon mula roon ang kaban ng Dios , na tinatawag sa Pangalan , sa makatuwid baga&#039;y sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo , na tumatahan sa gitna ng mga querubin . At kanilang inilagay ang kaban ng Dios sa isang bagong karo , at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa burol : at si Uzza at si Ahio , na mga anak ni Abinadab , ay siyang nagpatakbo ng bagong karo . At kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab , na nasa burol , pati ng kaban ng Dios : at si Ahio ay nagpauna sa kaban . At si David at ang buong sangbahayan ni Israel ay nagsitugtog sa harap ng Panginoon ng sarisaring panugtog na kahoy na abeto , at ng mga alpa , at ng mga salterio , at ng mga pandereta , at ng mga kastaneta at ng mga simbalo . At nang sila&#039;y magsidating sa giikan ni Nachon , iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios , at hinawakan ; sapagka&#039;t ang mga baka ay nangatisod . At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza ; at sinaktan siya ng Dios doon dahil sa kaniyang kamalian ; at doo&#039;y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios . At hindi minagaling ni David , sapagka&#039;t nagalit ang Panginoon kay Uzza : at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito . At natakot si David sa Panginoon sa araw na yaon ; at kaniyang sinabi , Paanong madadala rito ang kaban ng Panginoon sa akin ? Sa gayo&#039;y hindi inilipat ni David ang kaban ng Panginoon sa kaniya sa bayan ni David , kundi iniliko ni David sa bahay ni Obed-edom na Getheo . At ang kaban ng Panginoon ay natira sa bahay ni Obed-edom na Getheo na tatlong buwan : at pinagpala ng Panginoon si Obed-edom , at ang kaniyang buong sangbahayan . At nasaysay sa haring kay David , na sinasabi , Pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom , at ang lahat ng nauukol sa kaniya , dahil sa kaban ng Dios . At yumaon si David at iniahon ang kaban ng Dios mula sa bahay ni Obed-edom , hanggang sa bayan ni David , na may kagalakan . At nagkagayon na nang yaong mga nagdadala ng kaban ng Panginoon ay makalakad ng anim na hakbang , siya&#039;y naghain ng isang baka at isang pinataba . At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon ; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino . Sa gayo&#039;y iniahon ni David at ng buong sangbahayan ng Israel ang kaban ng Panginoon , na may hiyawan , at may tunog ng pakakak . At nagkagayon , sa pagpapasok ng kaban ng Panginoon sa bayan ni David , na si Michal na anak ni Saul ay tumitingin sa dungawan , at nakita na ang haring si David ay naglulukso at nagsasayaw sa harap ng Panginoon ; at kaniyang niwalan ng kabuluhan siya sa kaniyang puso . At kanilang ipinasok ang kaban ng Panginoon , at inilagay sa kaniyang dako , sa gitna ng tolda na itinayo ni David : at naghandog si David ng mga handog na susunugin at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon . At nang makatapos si David na maghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan , kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo . At kaniyang binahagi sa buong bayan , sa makatuwid baga&#039;y sa buong karamihan ng Israel , sa mga lalake at gayon din sa mga babae , sa bawa&#039;t isa ay isang tinapay at isang bahaging lamang kati , at isang binilong pasas . Sa gayo&#039;y ang buong bayan ay yumaon bawa&#039;t isa sa kaniyang bahay . Nang magkagayo&#039;y bumalik si David upang basbasan ang kaniyang sangbahayan . At si Michal na anak ni Saul ay lumabas na sinalubong si David , at sinabi , Pagkaluwalhati ngayon ng hari sa Israel , na siya&#039;y naghubad ngayon sa mga mata ng mga babaing lingkod ng kaniyang mga lingkod , na gaya ng naghuhubad na kahiyahiya ang isang walang kabuluhang tao . At sinabi ni David kay Michal , Yao&#039;y sa harap ng Panginoon , na siyang pumili sa akin na higit sa iyong ama , at sa buong sangbahayan niya , upang ihalal ako na prinsipe sa bayan ng Panginoon , sa Israel : kaya&#039;t ako&#039;y tutugtog sa harap ng Panginoon . At ako&#039;y magpapakawalang kabuluhan pa kay sa yaon , at ako&#039;y magpapakababa sa aking sariling paningin : nguni&#039;t sa mga babaing lingkod na iyong sinalita , ay pararangalan ako . At si Michal na anak ni Saul ay hindi nagkaanak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan . At nangyari nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay , at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot , Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta : Tingnan mo ngayon ako&#039;y tumatahan sa isang bahay na sedro , nguni&#039;t ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing . At sinabi ni Nathan sa hari , Yumaon ka , gawin mo ang lahat na nasa iyong puso ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay sumasa iyo . At nangyari , nang gabi ring yaon , na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan , na sinasabi , Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David , Ganito ang sabi ng Panginoon : Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan ? Sapagka&#039;t hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto , hanggang sa araw na ito , kundi ako&#039;y lumakad sa tolda at sa tabernakulo . Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel , nagsalita ba ako ng isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na maging pastor ng aking bayang Israel , na nagsasabi , Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro ? Ngayon nga&#039;y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa , sa pagsunod sa tupa , upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan , sa Israel : At ako&#039;y suma iyo saan ka man naparoon , at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo ; at gagawin kitang isang dakilang pangalan , gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa . At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel , at aking itatatag sila , upang sila&#039;y magsitahan sa kanilang sariling dako , at huwag nang mabago pa ; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan , na gaya ng una . At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel ; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway . Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay . Pagka ang iyong mga araw ay naganap , at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang , aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo , na magmumula sa iyong tiyan , at aking itatatag ang kaniyang kaharian . Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan , at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man . Ako&#039;y magiging kaniyang ama , at siya&#039;y magiging aking anak : kung siya&#039;y gumawa ng kasamaan , aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao , at ng panghampas ng mga anak ng mga tao ; Nguni&#039;t ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul , na aking inalis sa harap mo . At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo : ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man . Ayon sa lahat ng mga salitang ito , at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David . Nang magkagayo&#039;y ang haring si David ay pumasok , at umupo sa harap ng Panginoon : at kaniyang sinabi , Sino ako , Oh Panginoong Dios , at ano ang aking sangbahayan na ako&#039;y iyong dinala sa ganiyang kalayo ? At ito&#039;y munting bagay pa sa iyong paningin , Oh Panginoong Dios ; nguni&#039;t ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating ; at ito ay ayon sa paraan ng tao , Oh Panginoong Dios ! At ano pa ang masasabi ni David sa iyo ? sapagka&#039;t iyong kilala ang iyong lingkod , Oh Panginoong Dios . Dahil sa iyong salita , at ayon sa iyong sariling puso , iyong ginawa ang buong kadakilaang ito , upang iyong ipakilala sa iyong lingkod . Kaya&#039;t ikaw ay dakila , Oh Panginoong Dios : sapagka&#039;t walang gaya mo , o may ibang Dios pa bukod sa iyo , ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig . At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan , gaya ng Israel , na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan , at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan , at upang igawa kayo ng mga dakilang bagay , at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain , sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto , mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios ? At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man ; at ikaw , Panginoon , ay naging kanilang Dios . At ngayon , Oh Panginoong Dios , ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod , at tungkol sa kaniyang sangbahayan , iyong pagtibayin nawa magpakailan man , at iyong gawin gaya ng iyong sinalita . At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man , sa pagsasabi : Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel : at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo . Sapagka&#039;t ikaw , Oh Panginoon ng mga hukbo , ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi , Aking ipagtatayo ka ng isang bahay ; kaya&#039;t nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo . At ngayon , Oh Panginoong Dios , ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan , at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod : Ngayon nga&#039;y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod , upang mamalagi magpakailan man sa harap mo : sapagka&#039;t ikaw , Oh Panginoong Dios ay nagsalita : at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod magpakailan man . At pagkatapos nito ay nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo at mga pinasuko : at kinuha ni David ang Metheg-amma sa kamay ng mga Filisteo . At kaniyang sinaktan ang Moab , at sinukat niya sila ng tali , na pinahiga sila sa lupa ; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin , at ng isang buong tali upang buhayin . At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David , at nagsipagdala ng mga kaloob . Sinaktan din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob , na hari sa Soba , habang siya&#039;y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog . At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo , at dalawang pung libo na naglalakad : at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo , nguni&#039;t sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo . At nang sumaklolo ang mga taga Siria sa Damasco kay Hadadezer na hari sa Soba , ay sinaktan ni David sa mga taga Siria ang dalawang pu&#039;t dalawang libong tao . Nang magkagayo&#039;y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria sa Damasco : at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David , at nagsipagdala ng mga kaloob . At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon . At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto na nangasa lingkod ni Hadadezer , at dinala sa Jerusalem . At sa Beta at sa Berothai na mga bayan ni Hadadezer , ay kumuha ang haring si David ng lubhang maraming tanso . Nang mabalitaan ni Toi na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Hadadezer , Sinugo nga ni Toi si Joram na kaniyang anak sa haring David , upang bumati sa kaniya , at upang purihin siya , sapagka&#039;t siya&#039;y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya : sapagka&#039;t si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi . At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak , at mga sisidlang ginto , at mga sisidlang tanso ; Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang mga ito , na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko ; Sa Siria , at sa Moab , at sa mga anak ni Ammon , at sa mga Filisteo , at sa Amalec , at sa samsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba . At nabantog si David nang siya&#039;y bumalik na mula sa pagsakit sa mga taga Siria sa Libis na Alat , sa makatuwid baga&#039;y sa labing walong libong lalake . At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom ; sa buong Edom ay naglagay siya ng mga pulutong , at ang lahat na Idumeo ay nangaging alipin ni David . At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon . At naghari si David sa buong Israel ; at iginawad ni David ang kahatulan at ang katuwiran sa kaniyang buong bayan . At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa hukbo ; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni : At si Sadoc na anak ni Ahitub at si Ahimelech na anak ni Abiathar ay mga saserdote ; at si Seraia ay kalihim ; At si Benahia na anak ni Joiada ay nasa mga Ceretheo at sa mga Peletheo ; at ang mga anak ni David ay mga pangulong tagapangasiwa . At sinabi ni David , May nalalabi pa ba sa sangbahayan ni Saul , upang aking mapagpakitaan ng kagandahang loob dahil kay Jonathan ? At may isang lingkod sa sangbahayan ni Saul na nagngangalang Siba , at kanilang tinawag siya sa harap ni David ; at sinabi ng hari sa kaniya , Ikaw ba&#039;y si Siba ? At kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod nga . At sinabi ng hari , wala na ba kayang natitira sa sangbahayan ni Saul , upang aking mapagpakitaan siya ng kagandahang loob ng Dios ? At sinabi ni Siba sa hari , Si Jonathan ay may isang anak pa , na pilay ang kaniyang mga paa . At sinabi ng hari sa kaniya , Saan nandoon siya ? At sinabi ni Siba sa hari , Narito , siya&#039;y nasa bahay ni Machir na anak ni Amiel , sa Lo-debar . Nang magkagayo&#039;y nagsugo ang haring si David at ipinakuha siya sa bahay ni Machir na anak ni Amiel mula sa Lo-debar . At si Mephiboseth , na anak ni Jonathan , na anak ni Saul , ay naparoon kay David , at nagpatirapa sa kaniyang harap , at nagbigay galang . At sinabi ni David , Mephiboseth . At siya&#039;y sumagot : Narito , ang iyong lingkod ! At sinabi ni David sa kaniya , Huwag kang matakot : sapagka&#039;t aking tunay na pagpapakitaan ka ng kagandahang loob dahil kay Jonathan na iyong ama , at aking isasauli ang buong lupa ni Saul na iyong ama , sa iyo ; at ikaw ay parating kakain ng pagkain sa aking dulang . At siya&#039;y nagbigay galang at nagsabi , Ano ang iyong lingkod upang iyong lingapin akong isang asong patay ? Nang magkagayo&#039;y tinawag ng hari si Siba na lingkod ni Saul , at sinabi sa kaniya , Lahat ng nauukol kay Saul at sa buong kaniyang sangbahayan ay aking ibinigay sa anak ng iyong panginoon . At iyong bubukirin ang lupain para sa kaniya , ninyo ng iyong mga anak , at ng iyong mga bataan at iyong dadalhin dito ang mga bunga , upang ang anak ng iyong panginoon ay magkaroon ng tinapay na makakain : nguni&#039;t si Mephiboseth na anak ng iyong panginoon ay kakain ng tinapay kailan man sa aking dulang . Si Siba nga ay may labing limang anak at dalawang pung bataan . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Siba sa hari , Ayon sa lahat na iniutos ng aking panginoon na hari sa kaniyang lingkod , ay gayon gagawin ng iyong lingkod . Tungkol kay Mephiboseth , sinabi ng hari , Siya&#039;y kakain sa aking dulang na gaya ng isa sa mga anak ng hari . At si Mephiboseth ay may isang anak na binata , na ang pangalan ay Micha . At lahat na nagsisitahan sa bahay ni Siba ay mga bataan ni Mephiboseth . Gayon tumahan si Mephiboseth sa Jerusalem : sapagka&#039;t siya&#039;y kumaing palagi sa dulang ng hari . At siya&#039;y pilay sa kaniyang dalawang paa . At nangyari pagkatapos nito , na ang hari ng mga anak ni Ammon ay namatay , at si Hanun na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At sinabi ni David , Aking pagpapakitaan ng kagandahang loob si Hanun na anak ni Naas , na gaya ng pagpapakita ng kagandahang loob ng kaniyang ama sa akin . Sa gayo&#039;y nagsugo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama . At nagsiparoon ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga anak ni Ammon . Nguni&#039;t sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanun na kanilang panginoon , Inakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama , kaya&#039;t siya&#039;y nagsugo ng mga tagaaliw sa iyo ? hindi ba nagsugo si David ng kaniyang mga bataan sa iyo upang kilalanin ang bayan , at upang tiktikan , at upang daigin ? Sa gayo&#039;y kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David , at inahit ang kalahati ng kanilang balbas , at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna , sa kanilang pigi , at pinayaon . Nang kanilang saysayin kay David , siya&#039;y nagsugo upang salubungin sila ; sapagka&#039;t ang mga lalake ay totoong nangapahiya . At sinabi ng hari , Mangaghintay kayo sa Jerico hanggang sa tumubo ang inyong balbas , at kung magkagayo&#039;y mangagbalik kayo . At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila&#039;y naging nakapopoot kay David , ang mga anak ni Ammon ay nangagsugo , at inupahan ang mga taga Siria sa Beth-rehob , at ang mga taga Siria sa Soba , na dalawang pung libong naglalakad , at ang hari sa Maaca na may isang libong lalake , at ang mga lalaking taga Tob na labing dalawang libong lalake . At nang mabalitaan ni David , kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng makapangyarihang mga lalake . At ang mga anak ni Ammon ay nagsilabas at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pasukan sa pintuang-bayan : at ang mga taga Siria sa Soba , at sa Rehob , at ang mga lalaking taga Tob at mga taga Maaca , ay nangabubukod sa parang . Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nauumang laban sa kaniyang harapan at likuran , siya&#039;y pumili ng lahat na mga hirang na lalake sa Israel , at ipinaghahanay niya laban sa mga taga Siria : At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ibinigay sa kamay ni Abisai na kaniyang kapatid , at kaniyang ipinaghahanay laban sa mga anak ni Ammon . At kaniyang sinabi , Kung ang mga taga Siria ay maging malakas kay sa akin , iyo ngang tutulungan ako : nguni&#039;t kung ang mga anak ni Ammon ay maging malakas kay sa iyo , ay paparoon nga ako at tutulungan kita . Magpakatapang ka , at tayo&#039;y magpakalalake para sa ating bayan , at sa mga bayan ng ating Dios : at gawin nawa ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti . Sa gayo&#039;y nagsilapit si Joab at ang bayan na kasama niya sa pakikipagbaka laban sa mga taga Siria : at sila&#039;y nagsitakas sa harap niya . At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas , sila naman ay nagsitakas sa harap ni Abisai , at nagsipasok sa bayan . Ngayo&#039;y bumalik si Joab na mula sa mga anak ni Ammon , at naparoon sa Jerusalem . At nang makita ng mga taga Siria na sila&#039;y nasasahol sa harap ng Israel , sila&#039;y nagpipisan . At nagsugo si Hadadezer at dinala ang mga taga Siria na nangaroon sa dako pa roon ng Ilog ; at sila&#039;y nagsiparoon sa Helam , na kasama ni Sobach na puno ng hukbo ni Hadadezer sa kanilang unahan . At nasaysay kay David , at kaniyang pinisan ang buong Israel , at tumawid sa Jordan , at naparoon sa Helam . At ang mga taga Siria ay nagsihanay laban kay David , at nagsilaban sa kaniya . At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel ; at pumatay si David sa mga taga Siria ng mga tao ng pitong daang karo , at apat na pung libo na nangangabayo , at sinaktan si Sobach na kapitan sa kanilang hukbo , na anopa&#039;t namatay roon . At nang makita ng lahat na hari na mga lingkod ni Hadadezer na sila&#039;y nasahol sa harap ng Israel , ay nangakipagpayapaan sa Israel at nangaglingkod sa kanila . Sa gayo&#039;y nangatakot ang mga taga Siria na magsitulong pa sa mga anak ni Ammon . At nangyari sa pagpihit ng taon sa panahon ng paglabas ng mga hari sa pakikipagbaka , na sinugo ni David si Joab , at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya , at ang buong Israel ; at kanilang nilipol ang mga anak ni Ammon at kinubkob sa Rabba . Nguni&#039;t si David ay naghintay sa Jerusalem . At nangyari sa kinahapunan , na si David ay bumangon sa kaniyang higaan , at lumakad sa bubungan ng bahay ng hari : at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo ; at ang babae ay totoong napakagandang masdan . At nagsugo si David , at nagpasiyasat tungkol sa babae . At sinabi ng isa , Hindi ba ito ay si Bath-sheba na anak ni Eliam , na asawa ni Uria na Hetheo ? At si David ay nagsugo ng mga sugo , at kinuha siya ; at siya&#039;y pumaroon sa kaniya , at kaniyang sinipingan siya ( sapagka&#039;t siya&#039;y malinis sa kaniyang karumihan ; ) at siya&#039;y bumalik sa kaniyang bahay . At ang babae ay naglihi ; at siya&#039;y nagsugo at nasaysay kay David , at nagsabi : Ako&#039;y buntis . At nagsugo si David kay Joab , na sinasabi , Suguin mo sa akin si Uria na Hetheo . At sinugo ni Joab si Uria kay David . At nang si Uria ay dumating sa kaniya , tinanong ni David siya kung paano ang tayo ni Joab , at kung ano ang kalagayan ng bayan , at kung paano ang tayo ng pagbabaka . At sinabi ni David kay Uria , Babain mo ang iyong bahay , at iyong hugasan ang iyong mga paa . At umalis si Uria sa bahay ng hari at isinusunod sa kaniya ang isang pagkain na mula sa hari . Nguni&#039;t natulog si Uria sa pintuan ng bahay ng hari na kasama ng lahat ng mga lingkod ng kaniyang panginoon , at hindi binaba ang kaniyang bahay . At nang masaysay kay David , na sabihin , Hindi binaba ni Uria ang kaniyang bahay , sinabi ni David kay Uria , Hindi ka pa ba nakapaglalakbay ? bakit hindi mo binaba ang iyong bahay ? At sinabi ni Uria kay David , Ang kaban , at ang Israel , at ang Juda , ay nasa mga tolda at ang aking panginoon si Joab , at ang mga lingkod ng aking panginoon , ay nangahahantong sa luwal na parang ; yayaon nga ba ako sa aking bahay , upang kumain , at upang uminom , at upang sumiping sa aking asawa ? buhay ka , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi ko gagawin ang bagay na ito . At sinabi ni David kay Uria , Tumigil ka rin dito ngayon at bukas ay aking payayaunin ka . Sa gayo&#039;y tumigil si Uria sa Jerusalem sa araw na yaon , at sa kinabukasan . At nang tawagin siya ni David , siya&#039;y kumain at uminom sa harap niya ; at kaniyang nilango siya : at sa kinahapunan , siya&#039;y lumabas upang mahiga sa kaniyang higaan na kasama ng mga lingkod ng kaniyang panginoon , nguni&#039;t hindi niya binaba ang kaniyang bahay . At nangyari , sa kinaumagahan , na sumulat si David ng isang sulat kay Joab , at ipinadala sa pamamagitan ng kamay ni Uria . At kaniyang isinulat sa sulat , na sinasabi , Ilagay mo si Uria sa pinakaunahan ng mahigpit na pagbabaka , at kayo&#039;y magsiurong mula sa kaniya , upang siya&#039;y masaktan , at mamatay . At nangyari , nang bantayan ni Joab ang bayan , na kaniyang inilagay si Uria sa dakong kaniyang nalalaman na kinaroroonan ng mga matapang na lalake . At ang mga lalake sa bayan ay nagsilabas at nakipagbaka kay Joab : at nangabuwal ang iba sa bayan , sa mga lingkod ni David ; at si Uria na Hetheo ay namatay rin . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si Joab , at isinaysay kay David ang lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka ; At kaniyang ibinilin sa sugo , na sinasabi , Pagka ikaw ay nakatapos na magsaysay sa hari ng lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka , Mangyari na , kung ang galit ng hari ay maginit , at kaniyang sabihin sa iyo : Bakit kayo lumapit na mabuti sa bayan upang bumaka ? hindi ba ninyo nalalaman na sila&#039;y papana mula sa kuta ? Sino ang sumakit kay Abimelech na anak ni Jerobaal ? hindi ba isang babae ang naghagis ng isang bato sa ibabaw ng gilingan sa kaniya mula sa kuta , na anopa&#039;t siya&#039;y namatay sa Thebes ? bakit kayo&#039;y nagpakalapit sa kuta ? saka mo sasabihin , Ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin . Sa gayo&#039;y yumaon ang sugo , at naparoon at isinaysay kay David ang lahat na iniutos sa kaniya ni Joab . At sinabi ng sugo kay David , Ang mga lalake ay nanganaig laban sa amin , at nilabas kami sa parang , at aming pinaurong sila hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan . At pinana ng mga mamamana ang iyong mga lingkod mula sa kuta ; at ang iba sa mga lingkod ng hari ay nangamatay , at ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni David sa sugo , Ganito ang iyong sasabihin kay Joab : Huwag mong masamain ang bagay na ito , sapagka&#039;t nilalamon ng tabak maging ito gaya ng iba : iyong palakasin pa ang iyong pagbabaka laban sa bayan , at iwasak : at iyong palakasin ang loob niya . At nang marinig ng asawa ni Uria na si Uria na kaniyang asawa ay namatay , kaniyang tinangisan ang kaniyang asawa . At nang ang pagtangis ay makaraan , ay nagsugo si David at kinuha siya sa kaniyang bahay , at siya&#039;y naging kaniyang asawa , at nagkaanak sa kaniya ng isang lalake . Nguni&#039;t ang bagay na ginawa ni David ay minasama ng Panginoon . At sinugo ng Panginoon si Nathan kay David . At siya&#039;y naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , May dalawang lalake sa isang bayan ; ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap . Ang mayaman ay mayroon totoong maraming kawan at bakahan : Nguni&#039;t ang mahirap ay walang anomang bagay , liban sa isang munting korderong babae , na kaniyang binili at inalagaan : at lumaki sa kaniya , at sa kaniyang mga anak ; kumakain ng kaniyang sariling pagkain at umiinom ng kaniyang sariling inumin , at humihiga sa kaniyang sinapupunan , at sa kaniya&#039;y parang isang anak . At naparoon ang isang maglalakbay sa mayaman , at ipinagkait niya ang kaniyang sariling kawan at ang kaniyang sariling bakahan , na ihanda sa naglalakbay na dumating sa kaniya , kundi kinuha ang kordero ng mahirap na lalake , at inihanda sa lalake na dumating sa kaniya . At ang galit ni David ay nagalab na mainam laban sa lalake ; at kaniyang sinabi kay Nathan , Buhay ang Panginoon , ang lalake na gumawa nito ay karapatdapat na mamatay : At isinauli ang kordero na may dagdag na apat , sapagka&#039;t kaniyang ginawa ang bagay na ito , at sapagka&#039;t siya&#039;y hindi naawa . At sinabi ni Nathan kay David , Ikaw ang lalaking yaon . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Pinahiran kita ng langis na maging hari sa Israel , at aking iniligtas ka sa kamay ni Saul ; At ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon , at ang mga asawa ng iyong panginoon sa iyong sinapupunan , at ibinigay ko sa iyo ang sangbahayan ng Israel at ng Juda ; at kung totoong kakaunti pa ito , ay dadagdagan pa kita ng gayong bagay . Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon , na iyong ginawa ang masama sa kaniyang paningin ? iyong sinugatan ng tabak si Uria na Hetheo , at iyong kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong asawa , at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon . Ngayon nga&#039;y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan ; sapagka&#039;t iyong niwalan ng kabuluhan ako , at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa . Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&#039;y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan , at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata , at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa , at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito . Sapagka&#039;t iyong ginawa na lihim : nguni&#039;t aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel , at sa harap ng araw . At sinabi ni David kay Nathan , Ako&#039;y nagkasala laban sa Panginoon . At sinabi ni Nathan kay David , Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan ; hindi ka mamamatay . Gayon ma&#039;y sapagka&#039;t sa gawang ito&#039;y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw , ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay . At si Nathan ay umuwi sa kaniyang bahay . At sinaktan ng Panginoon ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David , at totoong malubha . Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata ; at si David ay nagaayuno , at pumapasok , at humihiga buong gabi sa lupa . At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay , at tumatayo sa siping niya , upang itindig siya sa lupa ; nguni&#039;t siya&#039;y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila . At nangyari , nang ikapitong araw , na ang bata ay namatay . At nangatakot ang mga lingkod ni David na saysayin sa kaniya na ang bata ay patay na : sapagka&#039;t kanilang sinabi , Narito , samantalang ang bata ay buhay pa , tayo ay nakipagsalitaan sa kaniya , at hindi siya nakinig sa ating tinig : gaano ngang ikababagabag niya kung ating sasabihin sa kaniya na ang bata ay patay na ? Nguni&#039;t nang makita ni David na ang kaniyang mga lingkod ay nagbubulong-bulungan , nahalata ni David na ang bata ay patay na : at sinabi ni David sa kaniyang mga lingkod , Patay na ba ang bata ? At kanilang sinabi , Siya&#039;y patay na . Nang magkagayo&#039;y bumangon si David sa lupa at naligo , at nagpahid ng langis , at nagbihis ng kaniyang suot ; at siya&#039;y naparoon sa bahay ng Panginoon , at sumamba : saka naparoon siya sa kaniyang sariling bahay ; at nang siya&#039;y humingi , hinainan nila ng tinapay siya sa harap , at siya&#039;y kumain . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya , Anong bagay ito na iyong ginawa ? ikaw ay nagaayuno at umiiyak dahil sa bata , samantalang siya&#039;y buhay ; nguni&#039;t nang mamatay ang bata , ikaw ay bumangon at kumain ng tinapay . At kaniyang sinabi , Samantalang ang bata&#039;y buhay pa , ako&#039;y nagaayuno at umiiyak : sapagka&#039;t aking sinabi , Sino ang nakakaalam kung maaawa sa akin ang Panginoon , na anopa&#039;t ang bata&#039;y mabuhay ? Nguni&#039;t ngayo&#039;y patay na siya ; bakit pa ako magaayuno ? Maibabalik ko pa ba siya ? Ako&#039;y paroroon sa kaniya , nguni&#039;t siya&#039;y hindi babalik sa akin . At inaliw ni David si Bath-sheba na kaniyang asawa , at lumapit sa kaniya , at sumiping sa kaniya : At siya&#039;y nanganak ng isang lalake , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Salomon . At minahal siya ng Panginoon . At nagsugo siya sa pamamagitan ng kamay ni Nathan na propeta , at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jedidiah alang-alang sa Panginoon . Nakipaglaban nga si Joab , sa Rabba sa mga anak ni Ammon , at sinakop ang bayang hari . At nagsugo si Joab ng mga sugo kay David , at nagsabi , Ako&#039;y nakipaglaban sa Rabba , oo , aking sinakop ang bayan ng mga bukal ng tubig . Ngayon nga&#039;y pisanin mo ang nalabi sa bayan , at humantong ka laban sa bayan , at sakupin mo : baka aking sakupin ang bayan , at tawagin ayon sa aking pangalan . At pinisan ni David ang buong bayan , at naparoon sa Rabba , at bumaka laban doon , at sinakop . At inalis ang putong ng kanilang hari sa kaniyang ulo : at ang bigat niyaon ay isang talentong ginto , at may mga mahalagang bato ; at ipinutong sa ulo ni David . At siya&#039;y naglabas ng samsam sa bayan na totoong marami . At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon , at inilagay sa ilalim ng mga lagari , at ng mga suyod na bakal , at ng mga palakol na bakal , at mga pinaraan sa mga lutuan ng laryo : at gayon ang ginawa niya sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon . At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem . At nangyari , pagkatapos nito , na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda , na ang pangala&#039;y Thamar ; at sininta siya ni Amnon na anak ni David . At si Amnon ay totoong nagdamdam , na anopa&#039;t siya&#039;y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar ; sapagka&#039;t siya&#039;y dalaga ; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay . Nguni&#039;t si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala&#039;y Jonadab , na anak ni Simea na kapatid ni David : at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya . At sinabi niya sa kaniya , Bakit , Oh anak ng hari , sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan ? hindi mo ba sasaysayin sa akin ? At sinabi ni Amnon sa kaniya , Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom . At sinabi ni Jonadab sa kaniya , Mahiga ka sa iyong higaan , at magsakitsakitan ka : at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka , sabihin mo sa kaniya , Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito , at bigyan ako ng tinapay na makakain , at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita , at kanin sa kaniyang kamay . Sa gayo&#039;y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan : at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya , sinabi ni Amnon sa hari , Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar , at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si David sa bahay kay Thamar , na sinasabi , Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon , at ipaghanda mo siya ng pagkain . Sa gayo&#039;y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon ; at siya&#039;y nakahiga . At siya&#039;y kumuha ng isang masa , at minasa , at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin , at niluto na mga munting tinapay . At kinuha niya ang kawali , at mga ibinuhos sa harap niya ; nguni&#039;t kaniyang tinanggihang kanin . At sinabi ni Amnon : Palabasin ang lahat na tao sa harap ko . At silang lahat ay lumabas , bawa&#039;t isa mula sa harap niya . At sinabi ni Amnon kay Thamar : Dalhin mo rito sa silid ang pagkain , upang aking makain sa iyong kamay . At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa , at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid . At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin , kaniyang tinangnan siya , at sinabi niya sa kaniya , Halika , sumiping ka sa akin , kapatid ko . At sumagot siya sa kaniya , Huwag kapatid ko , huwag mo akong dahasin ; sapagka&#039;t hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay : huwag kang gumawa ng ganitong kaululan . At ako , saan ko dadalhin ang aking hiya ? at tungkol sa iyo , ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel . Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , magsalita ka sa hari , sapagka&#039;t hindi ipagkakait ako sa iyo . Gayon ma&#039;y hindi niya dininig ang kaniyang tinig : kundi palibhasa&#039;t siya&#039;y malakas kay sa kaniya , dinahas niya siya , at sumiping sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot ; sapagka&#039;t ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya . At sinabi ni Amnon sa kaniya , Bumangon ka , ikaw ay yumaon . At sinabi niya sa kaniya , Huwag ganyan , sapagka&#039;t itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin . Nguni&#039;t ayaw niyang dinggin siya . Nang magkagayo&#039;y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya , at sinabi , Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko , at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya . At siya&#039;y may suot na sarisaring kulay : sapagka&#039;t ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari . Nang magkagayo&#039;y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya . At binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo , at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya ; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo , at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad , na umiiyak ng malakas habang siya&#039;y yumayaon . At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya , Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid ? nguni&#039;t ngayo&#039;y tumahimik ka , kapatid ko : siya&#039;y iyong kapatid ; huwag mong isapuso ang bagay na ito . Sa gayo&#039;y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom . Nguni&#039;t nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito , siya&#039;y totoong napoot . At hindi nagsalita si Absalom kay Amnon kahit mabuti o masama man ; sapagka&#039;t pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar . At nangyari , pagkatapos ng dalawang buong taon , na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim : at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari . At naparoon si Absalom sa hari , at sinabi niya , Narito ngayon , ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa ; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod . At sinabi ng hari kay Absalom , Huwag anak ko , huwag tayong magsiyaong lahat , baka maging mabigat na pasan sa iyo . At pinilit niya siya : gayon ma&#039;y hindi siya yumaon , kundi binasbasan siya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Absalom , Kung hindi isinasamo ko sa iyo , pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon . At sinabi ng hari sa kaniya , Bakit siya sasama sa iyo ? Nguni&#039;t pinilit siya ni Absalom , na anopa&#039;t kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari . At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi , Tandaan ninyo ngayon , pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak ; at pagka ang aking sinabi sa inyo , Saktan ninyo si Amnon , patayin nga ninyo siya : huwag kayong mangatakot : hindi ba ako ang nagutos sa inyo ? kayo nga&#039;y magpakalakas , at magpakatapang . At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom . Nang magkagayo&#039;y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari , at sumakay bawa&#039;t lalake sa kaniyang mula , at tumakas . At nangyari , samantalang sila&#039;y nasa daan , na ang balita ay dumating kay David , na sinasabi , Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari , at walang nalabi isa man sa kanila . Nang magkagayo&#039;y bumangon ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot , at humiga sa lupa ; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot . At si Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David , ay sumagot at nagsabi , Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari , sapagka&#039;t si Amnon lamang ang patay : sapagka&#039;t sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar . Ngayon nga&#039;y huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay , na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay : sapagka&#039;t si Amnon lamang ang patay . Nguni&#039;t si Absalom ay tumakas . At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata , at tumingin , at , narito , dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol , sa likuran niya . At sinabi ni Jonadab sa hari , Narito , ang mga anak ng hari ay nagsisidating : kung ano ang sinabi ng inyong lingkod , ay nagkagayon . At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita , na , narito , ang mga anak ng hari ay nagsidating , at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak : at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam . Nguni&#039;t tumakas si Absalom at naparoon kay Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur . At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw . Sa gayo&#039;y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur , at dumoong tatlong taon . At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom : sapagka&#039;t siya&#039;y naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na . Nahalata nga ni Joab , na anak ni Sarvia , na ang puso ng hari ay nahihilig kay Absalom . At nagsugo si Joab sa Tecoa , at nagdala mula roon ng isang pantas na babae , at sinabi sa kaniya , Isinasamo ko sa iyong ikaw ay magpakunwari na tagapanaghoy at magluksa , at huwag kang magpahid ng langis , kundi ikaw ay magpakunwaring isang babae na mahabang panahon na tumatangis dahil sa isang namatay : At pasukin mo ang hari , at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya . Sa gayo&#039;y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig . At nang magsalita ang babae sa Tecoa sa hari , ay nagpatirapa sa lupa , at nagbigay galang , at nagsabi : Tulungan mo ako , Oh hari . At sinabi ng hari sa kaniya , Anong mayroon ka ? At siya&#039;y sumagot : Sa katotohanan ako&#039;y bao , at ang aking asawa ay patay na . At ang iyong lingkod ay may dalawang anak , at silang dalawa&#039;y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila , kundi sinaktan ng isa ang isa , at pinatay siya . At , narito , ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod , at sila&#039;y nagsabi , Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid , upang siya&#039;y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay , at sa gayo&#039;y iwasak namin ang tagapagmana naman ; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi ; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa . At sinabi ng hari sa babae , Umuwi ka sa iyong bahay , at ako&#039;y magbibilin tungkol sa iyo . At ang babae sa Tecoa ay nagsabi sa hari : Panginoon ko , Oh hari , ang kasamaan ay suma akin nawa , at sa sangbahayan ng aking ama : at ang hari at ang kaniyang luklukan ay mawalan nawa ng sala . At sinabi ng hari , Sinomang magsabi sa iyo ng anoman , dalhin mo sa akin , at hindi ka na niya gagalawin pa . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya , Isinasamo ko sa iyo , na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios , na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man , baka kanilang ibuwal ang aking anak . At kaniyang sinabi : Buhay ang Panginoon , walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng babae : Pahintulutan mo ang iyong lingkod , isinasamo ko sa iyo , na magsalita ng isang salita sa aking panginoon na hari . At kaniyang sinabi , Sabihin mo . At sinabi ng babae , Bakit nga iyong inakala ang gayong bagay laban sa bayan ng Dios ? sapagka&#039;t sa pagsasalita ng ganitong salita ay parang may sala ang hari , dangang hindi ipinabalik ng hari ang kaniyang sariling itinapon . Sapagka&#039;t tayo&#039;y mamamatay na walang pagsala at gaya ng tubig na mabubuhos sa lupa , na hindi mapupulot uli : ni nagaalis man ang Dios ng buhay , kundi humahanap ng paraan na siya na itinapon ay huwag mamalagi na tapon sa kaniya . Ngayon nga&#039;y kung kaya&#039;t ako&#039;y naparito upang salitain ang salitang ito sa aking panginoon na hari , ay sapagka&#039;t tinakot ako ng bayan : at sinabi ng iyong lingkod , Ako&#039;y magsasalita sa hari ; marahil ay gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod . Sapagka&#039;t didinggin ng hari upang iligtas ang kaniyang lingkod sa kamay ng lalake na nagiibig magbuwal sa akin at sa aking anak na magkasama sa mana ng Dios . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng iyong lingkod , Isinasamo ko sa iyo na ang salita ng aking panginoon na hari ay sa ikaaaliw : sapagka&#039;t kung paano ang anghel ng Dios , ay gayon ang aking panginoon na hari na magdilidili ng mabuti at masama : at ang Panginoong iyong Dios ay sumaiyo nawa . Nang magkagayo&#039;y sumagot ang hari at nagsabi sa babae , Huwag mong ikubli sa akin , isinasamo ko sa iyo , ang anoman na aking itatanong sa iyo . At sinabi ng babae , Magsalita nga ang aking panginoon na hari . At sinabi ng hari , sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito ? At sumagot ang babae at nagsabi , Buhay ang iyong kaluluwa , panginoon ko na hari , walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari , sapagka&#039;t ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin , at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod : Upang baguhin ang anyo ng bagay ay ginawa ng iyong lingkod na si Joab ang bagay na ito : at ang aking panginoon ay pantas ayon sa karunungan ng anghel ng Dios , na makaalam ng lahat ng mga bagay na nasa lupa . At sinabi ng hari kay Joab , Narito , ngayon , aking ginawa ang bagay na ito : yumaon ka nga , dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom . At nagpatirapa si Joab sa lupa , at nagbigay galang , at binasbasan ang hari : at sinabi ni Joab , Ngayo&#039;y talastas ng iyong lingkod na ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , panginoon ko , Oh hari , sa paraang pinayagan ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod . Sa gayo&#039;y bumangon si Joab at naparoon sa Gessur , at dinala si Absalom sa Jerusalem . At sinabi ng hari , Bumalik siya sa kaniyang sariling bahay , nguni&#039;t huwag makita ang aking mukha . Sa gayo&#039;y bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay , at hindi nakita ang mukha ng hari . Sa buong Israel nga&#039;y walang gaya ni Absalom na pinakakapuri dahil sa kagandahan : mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo , ay walang ipipintas sa kaniya . At pagka kaniyang ipinagugupit ang kaniyang buhok ( sa bawa&#039;t katapusan nga ng bawa&#039;t taon siya ay nagpapagupit : sapagka&#039;t mabigat sa kaniya ang buhok kaya&#039;t kaniyang ipinagugupit : ) kaniyang tinitimbang ang buhok ng kaniyang ulo na may dalawang daang siklo , ayon sa timbangan ng hari . At ipinanganak kay Absalom ay tatlong lalake , at isang babae , na ang pangala&#039;y Thamar : siya&#039;y isang babae na may magandang mukha . At tumahan si Absalom na dalawang buong taon sa Jerusalem ; at hindi niya nakita ang mukha ng hari . Nang magkagayo&#039;y pinasuguan ni Absalom si Joab , upang suguin sa hari : nguni&#039;t hindi siya naparoon sa kaniya : at siya&#039;y nagsugo na ikalawa , nguni&#039;t siya&#039;y ayaw paroon . Kaya&#039;t kaniyang sinabi sa kaniyang mga alipin : Tingnan ninyo , ang bukid ni Joab ay malapit sa akin , at siya&#039;y may sebada roon ; yumaon kayo , at silaban ninyo . At sinilaban ng mga alipin ni Absalom ang bukid . Nang magkagayo&#039;y bumangon si Joab , at naparoon kay Absalom sa kaniyang bahay , at nagsabi sa kaniya , Bakit sinilaban ng iyong alipin ang aking bukid ? At sinagot ni Absalom si Joab , Narito , ako&#039;y nagpasugo sa iyo , na nagpasabi , Parito ka , upang aking masugo ka sa hari , na magsabi , Sa anong kapararakan naparoon ako mula sa Gessur ? lalong mabuti sa akin na tumigil doon . Ngayon nga&#039;y ipakita mo sa akin ang mukha ng hari ; at kung may kasamaan sa akin , patayin niya ako . Sa gayo&#039;y naparoon si Joab sa hari at isinaysay sa kaniya : at nang kaniyang matawag na si Absalom , siya&#039;y naparoon sa hari , at nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari ; at hinagkan ng hari si Absalom . At nangyari , pagkatapos nito , na naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo , at limang pung lalaking tatakbo sa unahan niya . At bumangong maaga si Absalom , at tumayo sa tabi ng daan sa pintuang-bayan ; at nangyari , na pagka ang sinomang tao ay mayroong usap na ilalapit sa hari upang hatulan , na tinatawag nga ni Absalom , at sinabi , Taga saang bayan ka ? At kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod ay isa sa mga lipi ng Israel . At sinabi ni Absalom sa kaniya , Tingnan mo , ang iyong usap ay mabuti at matuwid : nguni&#039;t walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap . Sinabi ni Absalom bukod dito : Oh maging hukom sana ako sa lupain , upang ang bawa&#039;t tao na may anomang usap , o anomang bagay , ay pumarito sa akin at siya&#039;y aking magawan ng katuwiran ! At nangyayari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kaniya , na kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikan siya . At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol : sa gayo&#039;y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel . At nangyari , sa katapusan ng apat na pung taon , na sinasabi ni Absalom sa hari , Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako&#039;y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon , sa Hebron . Sapagka&#039;t ang iyong lingkod ay nanata ng isang panata samantalang ako&#039;y tumatahan sa Gesur sa Siria , na nagsabi , Kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem , maglilingkod nga ako sa Panginoon . At sinabi ng hari sa kaniya , Yumaon kang payapa . Sa gayo&#039;y bumangon siya , at naparoon sa Hebron . Nguni&#039;t si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel , na sinasabi , Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak , inyo ngang sasabihin , Si Absalom ay hari sa Hebron . At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake na mga inanyayahan , at nangaparoon silang walang malay ; at wala silang nalalamang anoman . At pinagsuguan ni Absalom si Achitophel na Gilonita , na kasangguni ni David , mula sa kaniyang bayan , mula sa Gilo samantalang siya&#039;y naghahandog ng mga hain . At mahigpit ang pagbabanta : sapagka&#039;t ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami . At naparoon ang isang sugo kay David , na nagsasabi , Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom . At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem , magsibangon kayo , at tayo&#039;y magsitakas ; sapagka&#039;t liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom : mangagmadali kayo ng pagtakas , baka sa pagmamadali ay abutan tayo , at dalhan tayo ng kasamaan , at sugatan ang bayan ng talim ng tabak . At sinabi ng mga lingkod ng hari sa hari , Narito , ang iyong mga lingkod ay handa na gumawa ng anoman na pipiliin ng aming panginoon na hari . At lumabas ang hari at ang buong sangbahayan niya na sumunod sa kaniya . At nagiwan ang hari ng sangpung babae , na mga kinakasama niya , upang magingat ng bahay . At lumabas ang hari at ang buong bayan na kasunod niya : at sila&#039;y nagpahinga sa Beth-merac . At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya ; at ang lahat na Ceretheo , at ang lahat na Peletheo , at ang lahat ng mga Getheo , na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa Gath , na nangagpapauna sa hari . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari kay Ittai na Getheo , Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin ? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari : sapagka&#039;t ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa : bumalik ka sa iyong sariling dako . Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin , dangang ako&#039;y yumayaon kung saan maaari ? bumalik ka , at ibalik mo ang iyong mga kapatid ; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo . At sumagot si Ittai sa hari , at nagsabi , Buhay ang Panginoon , at buhay ang aking panginoon na hari , tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari , maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod . At sinabi ni David kay Ittai , Ikaw ay yumaon at magpauna . At si Ittai na Getheo ay nagpauna , at ang lahat niyang lalake , at ang lahat na bata na kasama niya . At ang buong lupain ay umiyak ng malakas , at ang buong bayan ay tumawid : ang hari man ay tumawid din sa batis ng Cedron , at ang buong bayan ay tumawid , sa daan ng ilang . At , narito , pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya , na may dala ng kaban ng tipan ng Dios ; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios , at sumampa si Abiathar , hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan . At sinabi ng hari kay Sadoc , Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan : kung ako&#039;y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon , kaniyang ibabalik ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang kaniyang tahanan . Nguni&#039;t kung sabihin niyang ganito , Hindi kita kinalulugdan ; narito , ako&#039;y nandito , gawin niya ; sa akin ang inaakala niyang mabuti . Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote , Hindi ka ba tagakita ? bumalik kang payapa sa bayan , at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo , si Ahimaas na iyong anak , at si Jonathan na anak ni Abiathar . Tingnan mo , ako&#039;y maghihintay sa mga tawiran sa ilang , hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin . Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios : at sila&#039;y nagsitahan doon . At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo , at umiiyak habang siya&#039;y umaahon ; at ang kaniyang ulo ay may takip , at lumalakad siya na walang suot ang paa ; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa&#039;t isa , at sila&#039;y nagsisiahon , na nagsisiiyak habang sila&#039;y nagsisiahon . At isinaysay ng isa kay David na sinasabi , Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom . At sinabi ni David , Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel . At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok , na doon sinasamba ang Dios , narito , si Husai na Arachita ay sumalubong sa kaniya , na ang kaniyang suot ay hapak , at may lupa sa kaniyang ulo : At sinabi ni David sa kaniya , Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay magiging isang pasan ka nga sa akin . Nguni&#039;t kung ikaw ay bumalik sa bayan , at sabihin mo kay Absalom , Ako&#039;y magiging iyong lingkod , Oh hari ; kung paanong ako&#039;y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan , ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon : kung magkagayo&#039;y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko . At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote ? kaya&#039;t mangyayari , na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari , iyong sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote . Narito nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak , si Ahimaas na anak ni Sadoc , at si Jonathan na anak ni Abiathar ; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa&#039;t bagay na inyong maririnig . Sa gayo&#039;y si Husai na kaibigan ni David ay pumasok sa bayan ; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem . At nang si David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok , narito , si Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya , na may handang isang tuwang na asno , at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay , at isang daang kumpol na pasas , at isang daang bunga sa taginit , at isang sisidlang balat ng alak . At sinabi ng hari kay Siba , Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito ? At sinabi ni Siba , Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari ; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata ; at ang alak ay upang mainom ng nangapapagod sa ilang . At sinabi ng hari , At nasaan ang anak ng iyong panginoon ? At sinabi ni Siba sa hari , Narito , siya&#039;y tumatahan sa Jerusalem ; sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Ngayo&#039;y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel , ang kaharian ng aking ama . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari kay Siba , Narito , iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth . At sinabi ni Siba , Ako&#039;y yumuyukod ; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo , panginoon ko , Oh hari . At nang dumarating ang hari sa Bahurim , narito , lumalabas na mula roo&#039;y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul , na ang pangala&#039;y Semei , na anak ni Gera : siya&#039;y lumalabas , at manunumpa habang siya&#039;y lumalabas . At kaniyang hinagis ng mga bato si David , at ang lahat ng lingkod ng haring si David : at ang buong bayan , at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan , at sa kaniyang kaliwa . At ganito ang sinabi ni Semei nang siya&#039;y nanunumpa , Lumayas ka , lumayas ka , ikaw na lalaking mabagsik , at hamak na lalake : Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari ; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak : at , narito , ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan , sapagka&#039;t ikaw ay lalaking mabagsik . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari , Bakit susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari ? payaunin mo ako , isinasamo ko sa iyo , at pugutin ang kaniyang ulo . At sinabi ng hari , Anong ipakikialam ko sa inyo , kayong mga anak ni Sarvia ? Sapagka&#039;t siya&#039;y nanunumpa , at sapagka&#039;t sinabi ng Panginoon sa kaniya , Sumpain mo si David , sino nga ang magsasabi , Bakit ka gumawa ng ganyan ? At sinabi ni David kay Abisai , at sa lahat niyang mga lingkod , Narito , ang anak ko , na lumabas sa aking tiyan , siyang humahanap ng aking buhay : gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito ? bayaan ninyo siya at manumpa siya : sapagka&#039;t iniutos ng Panginoon sa kaniya . Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin , at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito . Sa gayo&#039;y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake : at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya , at sumusumpa habang siya&#039;y yumayaon , at hinahagis ng bato siya , at nananaboy ng alabok . At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod ; at siya&#039;y nagpahinga roon . At si Absalom at ang buong bayan , na mga lalake ng Israel , ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya . At nangyari , nang si Husai na Arachita , na kaibigan ni David , ay dumating kay Absalom , na sinabi ni Husai kay Absalom , Mabuhay ang hari , mabuhay ang hari . At sinabi ni Absalom kay Husai , Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan ? bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan ? At sinabi ni Husai kay Absalom , Hindi ; kundi kung sinong piliin ng Panginoon , at ng bayang ito , at ng lahat na lalake sa Israel , doroon ako , at sa kasamahan noon tatahan ako . At saka , kanino ako maglilingkod ? hindi ba sa harap ng kaniyang anak ? kung paanong ako&#039;y naglingkod sa harap ng iyong ama , ay magiging gayon ako sa iyong harap . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Absalom kay Achitophel , Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin . At sinabi ni Achitophel kay Absalom , Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama , na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay ; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama : kung magkagayo&#039;y lalakas ang mga kamay ng lahat na nasa iyo . Sa gayo&#039;y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay ; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel . At ang payo ni Achitophel , na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon , ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios : gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom . Bukod dito&#039;y sinabi ni Achitophel kay Absalom , Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake , at ako&#039;y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito : At ako&#039;y darating sa kaniya samantalang siya&#039;y pagod at may mahinang kamay , at akin siyang tatakutin : at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas ; at ang hari lamang ang aking sasaktan : At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan : ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik : sa gayo&#039;y ang buong bayan ay mapapayapa . At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom , at sa lahat ng matanda sa Israel . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Absalom , Tawagin mo naman ngayon si Husai na Arachita , at atin ding dinggin ang kaniyang sasabihin . At nang dumating si Husai kay Absalom , ay sinalita ni Absalom sa kaniya , na sinasabi , Nagsalita si Achitophel ng ganitong paraan : atin bang gagawin ang ayon sa kaniyang sabi ? Kung hindi , magsalita ka . At sinabi ni Husai kay Absalom , Ang payo na ibinigay ni Achitophel ngayon ay hindi mabuti . Sinabi ni Husai bukod sa rito , Iyong kilala ang iyong Ama at ang kaniyang mga lalake , na sila&#039;y makapangyarihang lalake at sila&#039;y nagngingitngit sa kanilang mga pagiisip na gaya ng isang oso na ninakawan sa parang ng kaniyang mga anak : at ang iyong ama ay lalaking mangdidigma , at hindi tatahan na kasama ng bayan . Narito , siya&#039;y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako : at mangyayari , na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula , sinomang makarinig ay magsasabi , May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom . At pati ng matapang , na ang puso ay gaya ng puso ng leon , ay lubos na manglulupaypay : sapagka&#039;t kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake , at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake . Nguni&#039;t aking ipinapayo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami ; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao . Sa gayo&#039;y aabutin natin siya sa ibang dako na kasusumpungan natin sa kaniya , at tayo&#039;y babagsak sa kaniya na gaya ng hamog na lumalapag sa lupa : at sa kaniya at sa lahat ng mga lalake na nasa kaniya ay hindi tayo magiiwan kahit isa . Bukod dito , kung siya&#039;y umurong sa isang bayan , ang buong Israel ay magdadala nga ng mga lubid sa bayang yaon , at ating babatakin sa ilog , hanggang sa walang masumpungan doon kahit isang maliit na bato . At si Absalom at ang lahat na lalake sa Israel ay nagsipagsabi , Ang payo ni Husai na Arachita ay lalong mabuti kay sa payo ni Achitophel . Sapagka&#039;t ipinasiya ng Panginoon na masansala ang mabuting payo ni Achitophel , upang dalhin ng Panginoon ang kasamaan kay Absalom . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Husai kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote . Ganito&#039;t ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel ; at ganito&#039;t ganito ang aking ipinayo . Ngayon nga&#039;y magsugo kang madali , at saysayin kay David , na sabihin , Huwag kang tumigil ng gabing ito sa mga tawiran sa ilang , kundi sa anomang paraan ay tumawid ka : baka ang hari ay mapatay at ang buong bayan na nasa kaniya . Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng Enrogel ; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila ; at sila&#039;y nagsiparoon , at isinaysay sa haring kay David : sapagka&#039;t sila&#039;y hindi makapakitang pumasok sa bayan . Nguni&#039;t nakita sila ng isang bata , at isinaysay kay Absalom : at sila&#039;y kapuwa lumabas na nagmadali , at sila&#039;y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa Bahurim , na may isang balon sa kaniyang looban ; at sila&#039;y nagsilusong doon . At ang babae ay kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon , at nilagyan ng mga trigo na giniik ; at walang bagay na naalaman . At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay ; at kanilang sinabi , Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan ? At sinabi ng babae sa kanila , Sila&#039;y tumawid sa batis ng tubig . At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem . At nangyari , pagkatapos na sila&#039;y makaalis , na sila&#039;y nagsilabas sa balon , at nagsiyaon at isinaysay sa haring kay David : at kanilang sinabi kay David , Kayo&#039;y magsibangon , at magsitawid na madali sa tubig : sapagka&#039;t ganito ang ipinayo ni Achitophel laban sa inyo . Nang magkagayo&#039;y nagsibangon si David , at ang buong bayan na kasama niya , at sila&#039;y tumawid sa Jordan ; sa pagbubukang liwayway ay walang naiwan kahit isa sa kanila na hindi tumawid sa Jordan . At nang makita ni Achitophel na ang kaniyang payo ay hindi sinunod , kaniyang siniyahan ang kaniyang asno , at bumangon , at umuwi siya sa bahay , sa kaniyang bayan at kaniyang inayos ang kaniyang bahay , at nagbigti ; at siya&#039;y namatay , at nalibing sa libingan ng kaniyang ama . Nang magkagayon ay naparoon si David sa Mahanaim . At si Absalom ay tumawid sa Jordan , siya at ang lahat na lalake ng Israel na kasama niya . At inilagay ni Absalom si Amasa sa hukbo na kahalili ni Joab . Si Amasa nga ay anak ng isang lalake na ang pangalan ay Itra , na Israelita , na sumiping kay Abigal na anak na babae ni Naas , na kapatid ni Sarvia , na ina ni Joab . At ang Israel at si Absalom ay nagsihantong sa lupain ng Galaad . At nangyari , ng si David ay dumating sa Mahanaim , na si Sobi na anak ni Naas na taga Rabba sa mga anak ni Ammon , at si Machir na anak ni Ammiel na taga Lodebar , at si Barzillai na Galaadita na taga Rogelim . Ay nangagdala ng mga higaan , at mga mangkok , at mga sisidlang lupa , at trigo , at sebada , at harina , at butil na sinangag , at habas , at lentehas , at pagkain na sinangag . At pulot pukyutan , at mantekilya , at mga tupa , at keso ng baka para kay David , at sa bayan na kasama niya , upang kanin ; sapagka&#039;t kanilang sinabi , Ang bayan ay gutom , at pagod , at uhaw sa ilang . At binilang ni David ang bayan na kasama niya , at naglagay ng mga puno ng mga libolibo , at puno ng mga daandaan sa kanila . At pinayaon ni David ang bayan , ang isang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Joab , at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Abisai na anak ni Sarvia , na kapatid ni Joab , at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Ittai na Getheo . At sinabi ng hari sa bayan , Walang pagsalang ako&#039;y lalabas na kasama ninyo . Nguni&#039;t sinabi ng bayan , Huwag kang lalabas : sapagka&#039;t kung kami man ay tumakas , ay hindi nila kami aalumanahin , o kung ang kalahati man namin ay mamatay , ay hindi nila kami aalumanahin : nguni&#039;t ikaw ay may halagang sangpung libo sa amin : kaya&#039;t ngayo&#039;y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan . At sinabi ng hari sa kanila , Kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin . At ang hari ay tumayo sa tabi ng pintuang-bayan , at ang buong bayan ay lumabas na daan daan at libolibo . At ang hari ay nagutos kay Joab at kay Abisai , at kay Ittai , na nagsasabi , Inyong gamitan ng kaawaan , alangalang sa akin , ang binata , sa makatuwid baga&#039;y si Absalom . At narinig ng buong bayan nang ipagbilin ng hari sa lahat ng punong kawal ang tungkol kay Absalom . Sa gayo&#039;y lumabas ang bayan sa parang laban sa Israel ; at ang pagbabaka ay nasa gubat ng Ephraim . At ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David , at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon , na may dalawang pung libong lalake . Sapagka&#039;t doon ang pagbabaka ay nakalat sa ibabaw ng buong lupain : at ang gubat ay lumamon ng higit na bayan sa araw na yaon kay sa nilamon ng tabak . At nakasagupa ni Absalom ang mga lingkod ni David . At si Absalom ay nakasakay sa kaniyang mula , at ang mula ay nagdaan sa ilalim ng mayabong na mga sanga ng isang malaking ensina , at ang kaniyang ulo ay nasabit sa ensina , at siya&#039;y nabitin ; at ang mula na nasa ilalim niya ay nagpatuloy . At nakita siya ng isang lalake at isinaysay kay Joab , at sinabi , Narito , aking nakita si Absalom na nakabitin sa isang ensina . At sinabi ni Joab sa lalaking nagsaysay sa kaniya , At , narito , iyong nakita , at bakit hindi mo sinaktan doon sa lupa ? at nabigyan sana kita ng sangpung putol na pilak , at isang pamigkis . At sinabi ng lalake kay Joab , Bagaman ako&#039;y tatanggap ng isang libong putol na pilak sa aking kamay , gayon ma&#039;y hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa anak ng hari : sapagka&#039;t sa aming pakinig ay ibinilin ng hari sa iyo , at kay Abisai , at kay Ittai , na sinabi , Ingatan ninyo na huwag galawin ninoman ang binatang si Absalom . Sa ibang paraan , kung ako&#039;y gumawa ng paglililo laban sa kaniyang buhay ( at walang bagay na makukubli sa hari , ) ikaw man sa iyong sarili ay mananayong laban sa akin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Joab , Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo . At siya&#039;y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom , samantalang siya&#039;y buhay pa sa gitna ng ensina . At sangpung bataan na tagadala ng sandata ni Joab ay kumubkob at sinaktan si Absalom , at pinatay siya . At hinipan ni Joab ang pakakak , at ang bayan ay bumalik na mula sa paghabol sa Israel : sapagka&#039;t pinigil ni Joab ang bayan . At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat , at tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato : at ang buong Israel ay tumakas bawa&#039;t isa sa kaniyang tolda . Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng haligi , na pinaka alaala , na nasa libis ng hari : sapagka&#039;t kaniyang sinasabi , Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan : at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan : at tinawag na monumento ni Absalom , hanggang sa araw na ito . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Ahimaas na anak ni Sadoc , Patakbuhin mo ako ngayon , at magdala ng balita sa hari , kung paanong iginanti siya ng Panginoon sa kaniyang kaaway . At sinabi ni Joab sa kaniya , Hindi ka magiging tagapagdala ng balita sa araw na ito : kundi magdadala ka ng balita sa ibang araw : nguni&#039;t sa araw na ito ay hindi ka magdadala ng balita , sapagka&#039;t ang anak ng hari ay namatay . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Joab sa Cusita , Yumaon ka na saysayin mo sa hari kung ano ang iyong nakita . At ang Cusita ay yumukod kay Joab , at tumakbo . Nang magkagayo&#039;y nagsabi pa uli si Ahimaas na anak ni Sadoc kay Joab , Nguni&#039;t sa anomang kahinatnan , isinasamo ko sa iyo , na ako naman ay iyong patakbuhin na kasunod ng Cusita . At sinabi ni Joab , Bakit tatakbo ka , anak ko , dangang wala kang mapapala ng dahil sa balita ? Nguni&#039;t sa anomang kahinatnan , ako&#039;y tatakbo . At sinabi niya sa kaniya , Tumakbo ka . Nang magkagayo&#039;y tumakbo si Ahimaas sa daan ng kapatagan , at inunahan ang Cusita . Si David nga ay nakaupo sa pagitan ng dalawang pintuang-bayan : at ang bantay ay sumampa sa ibabaw ng pintuang-bayan , sa kuta , at itinanaw ang kaniyang mga mata , at tumingin , at narito , isang lalake ay tumatakbong nagiisa . At sumigaw ang bantay , at isinaysay sa hari . At sinabi ng hari , Kung siya&#039;y nagiisa , may balita sa kaniyang bibig . At siya&#039;y nagpatuloy at lumapit . At ang bantay ay nakakita ng ibang lalake na tumatakbo at tinawag ng bantay ang tanod-pinto , at sinabi , Narito , may ibang lalake na tumatakbong nagiisa . At sinabi ng hari , Siya&#039;y may dala ring balita . At sinabi ng bantay , Inaakala ko na ang takbo ng una ay gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc . At sinabi ng hari , Siya&#039;y mabuting lalake at napariritong may mabuting balita . At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari , Lahat ay mabuti . At siya&#039;y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari , at nagsabi , Purihin ang Panginoon mong Dios , na nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari . At sinabi ng hari , Ligtas ba ang binatang si Absalom ? At sumagot si Ahimaas . Nang suguin ni Joab , ang lingkod ng hari , sa makatuwid baga&#039;y ako na iyong lingkod , ako&#039;y nakakita ng isang malaking pagkakagulo , nguni&#039;t hindi ko nalalaman kung ano . At sinabi ng hari , Pumihit ka , at tumayo ka rito . At siya&#039;y pumihit at tumayo . At , narito , ang Cusita ay dumating ; at sinabi ng Cusita , Balita sa aking panginoon na hari : sapagka&#039;t iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo . At sinabi ng hari sa Cusita , Ligtas ba ang binatang si Absalom ? At sumagot ang Cusita , Ang mga kaaway ng aking panginoon na hari , at yaong lahat na nagsibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon . At ang hari ay nagulumihanan , at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan , at umiyak : at habang siya&#039;y yumayaon , ganito ang sinasabi niya , Oh anak kong Absalom , anak ko , anak kong Absalom ! Mano nawa&#039;y ako ang namatay na kahalili mo , Oh Absalom , anak ko , anak ko ! At nasaysay kay Joab ; narito , ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom . At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan : sapagka&#039;t narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon . Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak . At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon , na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka . At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha , at ang hari ay sumigaw ng malakas . Oh anak kong Absalom , Oh Absalom , anak ko , anak ko ! At pumasok si Joab sa bahay , sa hari , at nagsabi , Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay , at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae , at ng mga buhay ng iyong mga asawa , at ng mga buhay ng iyong mga babae ; Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo , at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo . Sapagka&#039;t iyong inihayag sa araw na ito , na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo : sapagka&#039;t aking nagugunita sa araw na ito , na kung si Absalom ay nabuhay , at kaming lahat ay namatay sa araw na ito , ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo . Ngayon nga&#039;y bumangon ka , ikaw ay lumabas , at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod : sapagka&#039;t aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon , na kung ikaw ay hindi lalabas , ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito : at yao&#039;y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon . Nang magkagayo&#039;y tumindig ang hari , at naupo sa pintuang-bayan . At kanilang isinaysay sa buong bayan , na sinasabi , Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan : at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari . Nakatakas nga ang Israel bawa&#039;t isa sa kaniyang tolda . At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel , na sinasabi , Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway ; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo ; at ngayo&#039;y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain . At si Absalom na ating pinahiran ng langis , upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka . Ngayon nga&#039;y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari ? At nagsugo ang haring si David kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote , na sinasabi , Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda , na magsipagsabi , Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay ? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari , upang ibalik siya sa kaniyang bahay . Kayo&#039;y aking mga kapatid , kayo&#039;y aking buto at aking laman : bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari ? At sabihin ninyo kay Amasa , Hindi ka ba aking buto at aking laman ? Hatulan ng Dios ako , at lalo na , kung ikaw ay hindi maging palaging punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab . At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda na parang puso ng isang tao ; na anopa&#039;t sila&#039;y nagsipagsugo sa hari , na nagsisipagsabi , Ikaw ay bumalik , at ang lahat ng iyong lingkod . Sa gayo&#039;y bumalik ang hari , at naparoon sa Jordan . At ang Juda ay naparoon sa Gilgal , upang salubungin ang hari , na itawid ang hari sa Jordan . At si Semei na anak ni Gera , na Benjamita , na taga Bahurim , ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David . At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya , at si Siba , na alila sa sangbahayan ni Saul , at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya ; at sila&#039;y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari . At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari , at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti . At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari , nang siya&#039;y makatawid sa Jordan . At sinabi niya sa hari , Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon , o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem , upang isapuso ng hari . Sapagka&#039;t nalalaman ng iyong lingkod na ako&#039;y nagkasala : kaya&#039;t , narito , ako&#039;y naparirito sa araw na ito , na una sa lahat ng sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari . Nguni&#039;t si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot , at nagsabi , Hindi ba papatayin si Semei dahil dito , sapagka&#039;t kaniyang isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon ? At sinabi ni David , Ano ang ipakikialam ko sa inyo , mga anak ni Sarvia , na kayo&#039;y magiging mga kaaway ko sa araw na ito ? may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel ? sapagka&#039;t di ko ba talastas na ako&#039;y hari sa araw na ito sa Israel ? At sinabi ng hari kay Semei , Ikaw ay hindi mamamatay . At ang hari ay sumumpa sa kaniya . At si Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari ; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa , o naggupit man ng kaniyang balbas , o nilabhan man ang kaniyang mga suot , mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya&#039;y umuwi na payapa sa bahay . At nangyari , nang siya&#039;y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari , na sinabi ng hari sa kaniya , Bakit hindi ka yumaong kasama ko , Mephiboseth ? At siya&#039;y sumagot , Panginoon ko , Oh hari , dinaya ako ng aking lingkod : sapagka&#039;t sinabi ng iyong lingkod , Ako&#039;y maghahanda ng isang asno , upang aking masakyan , at yumaong kasama ng hari ; sapagka&#039;t ang iyong lingkod ay pilay . At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari ; nguni&#039;t ang panginoon kong hari ay gaya ng isang anghel ng Dios : gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata . Sapagka&#039;t ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari : gayon ma&#039;y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang . Ano pa ngang matuwid mayroon ako , na aking maisisigaw pa sa hari ? At sinabi ng hari sa kaniya , Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay ? Aking sinabi , Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa . At sinabi ni Mephiboseth sa hari , Oo , ipakuha mo sa kaniya ang lahat , yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay . At si Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim ; at siya&#039;y tumawid sa Jordan na kasama ng hari , upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan . Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo , na may walong pung taon : at kaniyang ipinaghanda ang hari ng pagkain samantalang siya&#039;y nasa Mahanaim ; sapagka&#039;t siya&#039;y totoong dakilang tao . At sinabi ng hari kay Barzillai , Tumawid kang kasama ko , at aking pakakanin ka sa Jerusalem . At sinabi ni Barzillai sa hari , Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay , na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari ? Ako sa araw na ito&#039;y may walong pung taon na ; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama ? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom ? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae ? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari ? Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari : at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala ? Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod , upang ako&#039;y mamatay sa aking sariling bayan , sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina . Nguni&#039;t , narito , ang iyong lingkod na Chimham : bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari ; at gawin mo sa kaniya , kung ano ang mamabutihin mo . At sumagot ang hari , Si Chimham ay tatawid na kasama ko , at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti : at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo . At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan , at ang hari ay tumawid : at hinagkan ng hari si Barzillai , at binasbasan siya ; at siya&#039;y bumalik sa kaniyang sariling dako . Sa gayo&#039;y tumawid sa Gilgal ang hari , at si Chimham ay tumawid na kasama niya : at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari , at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel . At , narito , ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari , at nagsipagsabi sa hari , Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda , at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan , at ang lahat na lalake ni David na kasama niya ? At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel , Sapagka&#039;t ang hari ay kamaganak na malapit namin : bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito ? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari ? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob ? At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda , at nagsipagsabi , Kami ay may sangpung bahagi sa hari , at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo ; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami , na ang aming payo&#039;y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari ? At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel . At nagkataon , na may isang lalake , na ang pangala&#039;y Seba , na anak ni Bichri , na Benjamita : at kaniyang hinipan ang pakakak , at nagsabi , Kami ay walang bahagi kay David , o anomang mana sa anak ni Isai : bawa&#039;t tao ay sa kaniyang mga tolda , Oh Israel . Sa gayo&#039;y lahat ng mga lalake ng Israel ay nagsiahong mula sa pagsunod kay David , at nagsisunod kay Seba na anak ni Bichri : nguni&#039;t ang mga anak ni Juda ay nagsisanib sa kanilang hari , mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem . At dumating si David sa kaniyang bahay sa Jerusalem ; at kinuha ng hari ang sangpung babae na kaniyang mga kinakasama , na siyang mga iniwan niya upang magsipagingat ng bahay , at mga inilagay sa pagbabantay at mga hinandaan sila ng pagkain , nguni&#039;t hindi sumiping sa kanila . Sa gayo&#039;y nasarhan sila hanggang sa kaarawan ng kanilang kamatayan , na nangamuhay sa pagkabao . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari kay Amasa , Pisanin mo sa akin ang mga lalake ng Juda sa loob ng tatlong araw , at humarap ka rito . Sa gayo&#039;y yumaon si Amasa upang pisanin ang mga lalake sa Juda : nguni&#039;t siya&#039;y nagluwa&#039;t kay sa panahong takda na kaniyang itinakda sa kaniya . At sinabi ni David kay Abisai , Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom : kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon , at habulin ninyo siya , baka siya&#039;y makaagap ng mga bayan na nakukutaan , at makatanan sa ating paningin . At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab , at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo , at ang lahat na makapangyarihang lalake ; at sila&#039;y nagsilabas sa Jerusalem , upang habulin si Seba na anak ni Bichri . Nang sila&#039;y na sa malaking bato na nasa Gabaon , ay sumalubong sa kanila si Amasa . At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot , at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban : at samantalang siya&#039;y lumalabas ay nahulog . At sinabi ni Joab kay Amasa , Mabuti ba sa iyo , kapatid ko ? At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya . Nguni&#039;t si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab ; sa gayo&#039;y sinaktan siya sa tiyan , at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa , at hindi na siya inulit pa ; at siya&#039;y namatay . At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri . At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab , at nagsabi , Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David , ay sumunod kay Joab . At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan . At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil , ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang , at tinakpan siya ng isang kasuutan , nang kaniyang makita na bawa&#039;t dumating sa siping niya ay tumitigil . Nang siya&#039;y alisin sa lansangan , ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab , upang habulin si Seba na anak ni Bichri . At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel , sa Abel , at sa Beth-maacha , at ang lahat na Berita : at sila&#039;y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya . At sila&#039;y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha , at sila&#039;y nagtindig ng isang bunton laban sa bayan , at tumayo laban sa kuta : at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab , upang ibuwal . Nang magkagayo&#039;y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan , Dinggin ninyo , dinggin ninyo : Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab , Lumapit ka rito , na ako&#039;y makapagsalita sa iyo . At siya&#039;y lumapit sa kaniya , at sinabi ng babae , Ikaw ba&#039;y si Joab ? At siya&#039;y sumagot , Ako nga . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa kaniya , Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod . At siya&#039;y sumagot , Aking dinidinig . Nang magkagayo&#039;y nagsalita siya , na sinasabi , Sinasalita noong unang panahon , na sinasabi , Sila&#039;y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel ; at gayon nila tinapos ang usap . Ako&#039;y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel : ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang bayan at ng isang ina sa Israel : bakit ibig mong lamunin ang mana ng Panginoon ? At si Joab ay sumagot , at nagsabi , Malayo , malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain . Ang usap ay hindi ganyan : kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim , si Seba na anak ni Bichri ang pangalan , ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari , sa makatuwid baga&#039;y laban kay David : ibigay mo lamang siya sa akin , at aking ihihiwalay sa bayan . At sinabi ng babae kay Joab , Narito , ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta . Nang magkagayo&#039;y naparoon ang babae sa buong bayan sa kaniyang karunungan . At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri , at inihagis kay Joab . At kaniyang hinipan ang pakakak at sila&#039;y nangalat mula sa bayan , bawa&#039;t tao ay sa kaniyang tolda . At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari . Si Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel : at si Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo : At si Adoram ay nasa mga magpapabuwis at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni : At si Seba ay kalihim : at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote : At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David . At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon , sa tatlong taon ; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon , Dahil kay Saul , at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan , sapagka&#039;t kaniyang pinatay ang mga Gabaonita . At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila ; ( ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel , kundi sa nalabi sa mga Amorrheo ; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila : at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda : ) At sinabi ni David sa mga Gabaonita , Ano ang gagawin ko sa inyo ? at ano ang itutubos ko , upang inyong basbasan ang mana ng Panginoon ? At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya , Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul , o sa kaniyang sangbahayan ; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel . At kaniyang sinabi , Ano ang inyong sasabihin , na aking gagawin sa inyo ? At kanilang sinabi sa hari , Ang lalake na pumupugnaw sa amin , at yaong nagbabanta laban sa amin , na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel , Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak , at aming ibibitin sa Panginoon sa Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon . At sinabi ng hari , Aking ibibigay sila . Nguni&#039;t ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul , dahil sa sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila , kay David at kay Jonathan na anak ni Saul . Nguni&#039;t kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa , na anak ni Aja , na kaniyang ipinanganak kay Saul , si Armoni at si Mephiboseth ; at ang limang anak ni Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai , na Molathita : At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon , at nangabuwal ang pito na magkakasama . At sila&#039;y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani , sa mga unang araw , sa pasimula ng pagaani ng sebada . At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit , at inilatag niya sa ibabaw ng bato , mula sa pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit ; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid , o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang . At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja , na babae ni Saul . At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa mga lalake ng Jabes-galaad , na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng Beth-san , na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa : At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak ; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin . At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama : at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari . At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain . At ang mga Filisteo ay nagkaroon ng pakikidigma uli sa Israel ; at si David ay lumusong , at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya , at nangakipagbaka laban sa mga Filisteo . At si David ay napagod . At si Isbi-benob , na sa mga anak ng higante ; na ang bigat ng sibat niya ay tatlong daang siklong tanso , na palibhasa&#039;y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David . Nguni&#039;t sinaklolohan siya ni Abisai na anak ni Sarvia , at sinaktan ang Filisteo , at pinatay niya . Nang magkagayo&#039;y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David , na nangagsasabi , Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka , upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel . At nangyari , pagkatapos nito , na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob ; nang magkagayo&#039;y sinaktan ni Sibechai na Husathita si Saph , na sa mga anak ng higante . At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob ; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim , na Bethlehemita , si Goliath na Getheo , na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi . At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa Gath , na doo&#039;y may isang lalaking lubhang mataas , na mayroon sa bawa&#039;t kamay na anim na daliri , at sa bawa&#039;t paa&#039;y anim na daliri , na dalawang pu&#039;t apat sa bilang : at siya ay ipinanganak din sa higante . At nang kaniyang hamunin ang Israel , ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David . Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath ; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David , at ng kamay ng kaniyang mga lingkod . At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway , at sa kamay ni Saul . At kaniyang sinabi , Ang Panginoo&#039;y aking malaking bato at aking katibayan , at tagapagligtas sa akin , sa makatuwid baga&#039;y akin ; Ang Dios , ang aking malaking bato , na sa kaniya ako&#039;y manganganlong : Aking kalasag , at siyang sungay ng aking kaligtasan , aking matayog na moog at ampunan sa akin ; Tagapagligtas sa akin , ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan . Ako&#039;y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin : Sa ganya&#039;y maliligtas ako sa aking mga kaaway . Sapagka&#039;t ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin ; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin . Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin : Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin . Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon ; Oo , ako&#039;y tumawag sa aking Dios : At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo , At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig . Nang magkagayo&#039;y umuga ang lupa at nayanig . Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos . At nangauga , sapagka&#039;t siya&#039;y nagalit . Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong , At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok : Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon . Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba : At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa . At siya&#039;y sumakay sa isang querubin at lumipad : Oo , siya&#039;y nakita sa mga pakpak ng hangin . At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya . Na nagpisan ng tubig , ng masisinsing alapaap sa langit . Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab . Ang Panginoo&#039;y kumulog sa langit , At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya . At nagpahilagpos ng mga palaso , at pinangalat niya sila ; Kumidlat , at nangatulig sila . Nang magkagayo&#039;y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw , Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita . Dahil sa saway ng Panginoon , Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong . Siya&#039;y nagsugo mula sa itaas , kaniyang kinuha ako ; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig ; Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway , Sa nangagtatanim sa akin ; sapagka&#039;t sila&#039;y totoong malakas kay sa akin . Sila&#039;y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko : Nguni&#039;t ang Panginoon ay siyang alalay sa akin . Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako : Kaniyang iniligtas ako , sapagka&#039;t kaniyang kinalugdan ako . Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran : Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako . Sapagka&#039;t aking iningatan ang mga daan ng Panginoon , At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios . Sapagka&#039;t ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko : At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan . Ako rin nama&#039;y sakdal sa harap niya , At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan . Kaya&#039;t ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran ; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin . Sa maawain ay magpapakamaawain ka ; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka ; Sa dalisay ay magpapakadalisay ka ; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka . At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas : Nguni&#039;t ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas , upang iyong papagpakumbabain . Sapagka&#039;t ikaw ang aking ilawan , Oh Panginoon : At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman . Sapagka&#039;t sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong : Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta . Tungkol sa Dios , ang kaniyang lakad ay sakdal ; Ang salita ng Panginoon ay subok ; Siya&#039;y kalasag sa lahat ng sa kaniya&#039;y kumakanlong . Sapagka&#039;t sino ang Dios , liban sa Panginoon ? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios ? Ang Dios ay aking matibay na katibayan : At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad . Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa ; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako . Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma . Na anopa&#039;t binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso . Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas : At pinadakila ako ng iyong kaamuan . Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko , At ang aking mga paa ay hindi nadulas . Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay ; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila&#039;y nalipol . At aking pinaglilipol , at aking pinagsasaktan sila , na anopa&#039;t sila&#039;y hindi nangakabangon : Oo , sila&#039;y nangabuwal sa paanan ko . Sapagka&#039;t ako&#039;y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka : Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin . Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway , Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin . Sila&#039;y nagsitingin , nguni&#039;t walang mangagligtas : Sa Panginoon , nguni&#039;t hindi niya sinagot sila . Nang magkagayo&#039;y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa ; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan , at akin silang pinapangalat . Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan : Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa ; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin . Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin . Pagkarinig nila tungkol sa akin , sila&#039;y magsisitalima sa akin . Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay , At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan . Ang Panginoon ay buhay ; at purihin nawa ang aking malaking bato ; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan , Sa makatuwid baga&#039;y ang Dios na ipinanghihiganti ako . At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan , At inilalabas ako sa aking mga kaaway : Oo , iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin : Inililigtas mo ako sa marahas na lalake . Kaya&#039;t pasasalamat ako sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bansa , At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan . Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari : At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis , Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man . Ito nga ang mga huling salita ni David . Sinabi ni David na anak ni Isai , At sinabi ng lalake na pinapangibabaw , Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob , At kalugodlugod na mangaawit sa Israel : Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko , At ang kaniyang salita ay suma aking dila . Sinabi ng Dios ng Israel , Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin : Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran , Na mamamahala sa katakutan sa Dios , Siya&#039;y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat , Sa isang umagang walang mga alapaap ; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa , Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan . Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios ; Gayon ma&#039;y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan , Maayos sa lahat ng mga bagay , at maasahan : Sapagka&#039;t siyang aking buong kaligtasan , at buong nasa . Bagaman hindi niya pinatubo . Nguni&#039;t ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik , Sapagka&#039;t hindi nila matatangnan ng kamay : Kundi ang lalake na humipo sa kanila , Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat ; At sila&#039;y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan . Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David : Si Josebbasebet na Tachemonita , na pinuno ng mga kapitan ; na siya ring si Adino na Eznita , na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan . At pagkatapos niya&#039;y si Eleazar , na anak ni Dodo , na anak ng isang Ahohita , na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David , nang sila&#039;y mangakipagaway sa mga Filisteo , na nangapipisan doon upang makipagbaka , at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis : Siya&#039;y bumangon , at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay , at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak : at ang Panginoo&#039;y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon : at ang bayan ay bumalik na kasunod niya , upang manamsam lamang . At pagkatapos niya&#039;y si Samma na anak ni Age , na Araita . At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong , na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas ; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo . Nguni&#039;t siya&#039;y tumayo sa gitna ng putol na yaon , at ipinagsanggalang niya , at pinatay ang mga Filisteo : at ang Panginoo&#039;y gumawa ng dakilang pagtatagumpay . At tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa yungib ng Adullam ; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa libis ng Rephaim . At si David nga&#039;y nasa katibayan , at ang pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem . At nagnais si David , at nagsabi , Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem , na nasa tabi ng pintuang-bayan ! At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo , at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem , na nasa siping ng pintuang bayan , at kinuha , at dinala kay David : nguni&#039;t hindi niya ininom yaon , kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon . At kaniyang sinabi , Malayo sa akin , Oh Panginoon , na aking gawin ito : iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay ? kaya&#039;t hindi niya ininom . Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake . At si Abisai , na kapatid ni Joab , na anak ni Sarvia , ay pinuno ng tatlo . At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila , at nagkapangalan sa tatlo . Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo ? kaya&#039;t siya&#039;y ginawang punong kawal nila : gayon ma&#039;y hindi siya umabot sa unang tatlo . At si Benaia , na anak ni Joiada , na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel , na gumawa ng makapangyarihang gawa , na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab ; siya&#039;y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe . At siya&#039;y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake : at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay ; nguni&#039;t siya&#039;y nilusong niyang may tungkod , at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto , at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat . Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias , na anak ni Joiada , at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake . Siya&#039;y marangal kay sa tatlongpu , nguni&#039;t sa unang tatlo&#039;y hindi siya umabot . At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay . At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu ; si Elhaanan na anak ni Dodo , na taga Bethlehem , Si Samma na Harodita , si Elica na Harodita , Si Heles na Paltita , si Hira na anak ni Jecces na Tecoita . Si Abiezer na Anathothita , si Mebunai na Husatita , Si Selmo na Hahohita , si Maharai na Netophathita , Si Helec na anak ni Baana , na Netophathita , si Ithai na anak ni Ribai , na taga Gabaa , sa mga anak ng Benjamin . Si Benaia na Pirathonita , si Hiddai sa mga batis ng Gaas , Si Abi-albon na Arbathita , si Azmaveth na Barhumita , Si Eliahba na Saalbonita , ang mga anak ni Jassen , si Jonathan , Si Samma na Ararita , si Ahiam na anak ni Sarar , na Ararita , Si Elipheleth na anak ni Asbai , na anak ni Maachateo , si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita , Si Hesrai na Carmelita , si Pharai na Arbita ; Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba , si Bani na Gadita , Si Selec na Ammonita , si Naharai na Beerothita , na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia ; Si Ira na Ithrita , si Gareb na Ithrita , Si Uria na Hetheo : silang lahat ay tatlong pu&#039;t pito . At ang galit ng Panginoon ay nagalab uli laban sa Israel , at kaniyang kinilos si David laban sa kanila , na sinabi , Ikaw ay yumaon , iyong bilangin ang Israel at Juda . At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo , na kasama niya , Magparoo&#039;t parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , at bilangin ninyo ang bayan , upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan . At sinabi ni Joab sa hari , Ngayo&#039;y dagdagan ng Panginoon mong Dios ang bayan , sa gaano man karami sila , ng makaisang daan pa ; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari : nguni&#039;t bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito ? Gayon ma&#039;y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab , at laban sa mga puno ng hukbo . At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel . At sila&#039;y nagsitawid ng Jordan , at nagsihantong sa Aroer sa dakong kanan ng bayan na nasa gitna ng libis ng Gad , at sa Jazer : Saka sila nagsiparoon sa Galaad , at sa lupain ng Tatimhodsi ; at sila&#039;y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon . At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro , at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo , at ng mga Cananeo ; at sila&#039;y nagsilabas sa timugan ng Juda , sa Beer-seba . Sa gayon nang sila&#039;y makapagparoo&#039;t parito na , sa buong lupain , ay nagsiparoon sila sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawang pung araw . At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan ; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak ; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake . At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan . At sinabi ni David sa Panginoon , Ako&#039;y nagkasala ng malaki sa aking nagawa : nguni&#039;t ngayo&#039;y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod ; sapagka&#039;t aking ginawa ng buong kamangmangan . At nang bumangon si David sa kinaumagahan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta Gad na tagakita ni David , na sinasabi , Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David , Ganito ang sabi ng Panginoon , Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay ; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo . Sa gayo&#039;y naparoon si Gad kay David , at nagsaysay sa kaniya : at nagsabi sa kaniya , Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain ? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila ? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain ? ngayo&#039;y muniin mo , at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin . At sinabi ni David kay Gad , Ako&#039;y nasa totoong kagipitan : mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon ; sapagka&#039;t ang kaniyang mga kaawaan ay dakila : at huwag akong mahulog sa kamay ng tao . Sa gayo&#039;y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon : at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake . At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan , at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan , Siya na ; ngayo&#039;y itigil mo ang iyong kamay . At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo . At nagsalita si David sa Panginoon , nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan , at nagsabi , Narito , ako&#039;y nagkasala , at ako&#039;y gumawa ng kalikuan ; nguni&#039;t ang mga tupang ito , ano ang ginawa ? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin , at laban sa sangbahayan ng aking ama . At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David , at nagsabi sa kaniya , Ikaw ay yumaon , magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo . At si David ay umahon ayon sa sinabi ni Gad , kung paanong iniutos ng Panginoon . At tumanaw si Arauna , at nakita ang hari , at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya ; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari . At sinabi ni Arauna : Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod ? At sinabi ni David , Upang bilhin ang giikan sa iyo , na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon , upang ang salot ay magtigil sa bayan . At sinabi ni Arauna kay David , Kunin ng aking panginoon na hari , at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti : narito , ang mga baka na panghandog na susunugin , at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy : Ang lahat na ito , Oh hari , ibinibigay ni Arauna sa hari . At sinabi ni Arauna sa hari , Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Dios . At sinabi ng hari kay Arauna , Huwag ; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga : hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman . Sa gayo&#039;y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak . At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon , at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan . Sa gayo&#039;y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain , at ang salot ay tumigil sa Israel . </passage></reply></GetPassage>