<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:12</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:12</urn><passage>At ang Moab ay nanghimagsik laban sa Israel pagkamatay ni Achab . At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria , at nagkasakit : at siya&#039;y nagsugo ng mga sugo , at nagsabi sa kanila , Kayo ay magsiyaon , usisain ninyo kay Baal-zebub , na dios sa Ecron , kung ako&#039;y gagaling sa sakit na ito . Nguni&#039;t sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na Thisbita , Ikaw ay bumangon , umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria , at sabihin mo sa kanila , Dahil ba sa walang Dios sa Israel , na kaya kayo&#039;y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron ? Ngayon nga&#039;y ganito ang sabi ng Panginoon , Ikaw ay hindi bababa sa higaan na iyong sinampahan , kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay . At si Elias ay umalis . At ang mga sugo ay nagsibalik sa kaniya , at sinabi niya sa kanila . Bakit kayo&#039;y nagsibalik ? At sinabi nila sa kaniya , May umahong isang lalake na sinalubong kami , at sinabi sa amin , Kayo&#039;y magsiyaon , magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo , at sabihin ninyo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron ? Kaya&#039;t hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan , kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay . At sinabi niya sa kanila , Anong anyo ng lalaking yaong umahon na sumalubong sa inyo , at nagsaysay sa inyo ng mga salitang ito ? At sila&#039;y nagsisagot sa kaniya : Siya&#039;y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang . At kaniyang sinabi , Siya&#039;y si Elias na Thisbita . Nang magkagayo&#039;y nagsugo ang hari sa kaniya ng isang punong kawal ng lilimangpuin na kasama ang kaniyang limangpu . At inahon niya siya : at , narito , siya&#039;y nakaupo sa taluktok ng burol . At siya&#039;y nagsalita sa kaniya : Oh lalake ng Dios , sinabi ng hari : Bumaba ka . At si Elias ay sumagot , at nagsabi sa punong kawal ng lilimangpuin : Kung ako&#039;y lalake ng Dios , bumaba ang apoy na mula sa langit , at sakupin ka at ang iyong limangpu . At bumaba ang apoy na mula sa langit , at sinupok siya at ang kaniyang limangpu . At muli siyang nagsugo sa kaniya ng ibang punong kawal ng limangpuin na kasama ang kaniyang limangpu . At siya&#039;y sumagot , at nagsabi sa kaniya : Oh lalake ng Dios , ganito ang sabi ng hari , Bumaba kang madali . At si Elias ay sumagot , at nagsabi sa kanila , Kung ako&#039;y lalake ng Dios , bumaba ang apoy na mula sa langit , at supukin ka at ang iyong limangpu . At ang apoy ng Dios ay bumaba na mula sa langit , at sinupok siya at ang kaniyang limangpu . At muling siya&#039;y nagsugo ng punong kawal ng ikatlong lilimangpuin na kasama ng kaniyang limangpu . At ang ikatlong punong kawal ng lilimangpuin ay umahon , at naparoon at lumuhod sa harap ni Elias , at namanhik sa kaniya at nagsabi sa kaniya , Oh lalake ng Dios , isinasamo ko sa iyo na ang aking buhay , at ang buhay ng limangpung ito na iyong mga lingkod ay maging mahalaga nawa sa iyong paningin . Narito , bumaba ang apoy na mula sa langit , at sinupok ang dalawang unang punong kawal ng lilimangpuin sangpu ng kanilang limalimangpu ; nguni&#039;t ang aking buhay nga&#039;y maging mahalaga nawa sa iyong paningin . At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias , Bumaba kang kasama niya : huwag kang matakot sa kaniya . At siya&#039;y tumindig , at bumabang kasama niya hanggang sa hari . At sinabi niya sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon : Yamang ikaw ay nagsugo ng mga sugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron , dahil ba sa walang Dios sa Israel na mapaguusisaan ng kaniyang salita ? kaya&#039;t hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan , kundi walang pagsalang mamamatay ka . Sa gayo&#039;y namatay siya , ayon sa salita ng Panginoon na sinalita ni Elias . At si Joram ay nagpasimulang maghari na kahalili niya nang ikalawang taon ni Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda ; sapagka&#039;t wala siyang anak . Ang iba nga sa mga gawa ni Ochozias na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At nangyari , nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo , na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal . At sinabi ni Elias kay Eliseo , Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito : sapagka&#039;t sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el . At sinabi ni Eliseo , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . Sa gayo&#039;y bumaba sila sa Beth-el . At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo , at nagsipagsabi sa kaniya , Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon ? At kaniyang sinabi , Oo , talastas ko ; pumayapa kayo . At sinabi ni Elias sa kaniya , Eliseo , isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito ; sapagka&#039;t sinugo ako ng Panginoon sa Jerico . At kaniyang sinabi , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . Sa gayo&#039;y nagsiparoon sila sa Jerico . At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico , at nagsipagsabi sa kaniya , Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon ? At siya&#039;y sumagot , Oo , talastas ko ; pumayapa kayo . At sinabi ni Elias sa kaniya , Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito ; sapagka&#039;t sinugo ako ng Panginoon sa Jordan . At kaniyang sinabi , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . At silang dalawa ay nagsiyaon . At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon , at nagsitayo sa tapat nila sa malayo ; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan . At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal , at tiniklop , at hinampas ang tubig , at nahawi dito at doon , na ano pa&#039;t silang dalawa&#039;y nagsidaan sa tuyong lupa . At nangyari , nang sila&#039;y makatawid , na sinabi ni Elias kay Eliseo , Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo , bago ako ihiwalay sa iyo . At sinabi ni Eliseo , Isinasamo ko sa iyo , na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin . At sinabi niya , Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay : gayon ma&#039;y kung makita mo ako pagka ako&#039;y inihiwalay sa iyo , magiging gayon sa iyo ; nguni&#039;t kung hindi ay hindi magiging gayon . At nangyari , samantalang sila&#039;y nagpapatuloy , at nagsasalitaan , na narito , napakita ang isang karong apoy , at mga kabayong apoy , na naghiwalay sa kanila kapuwa ; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo . At nakita ni Eliseo , at siya&#039;y sumigaw . Ama ko , ama ko , mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon ! At hindi na niya nakita siya : at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan , at hinapak ng dalawang hati . Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya , at siya&#039;y bumalik , at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan . At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya , at hinampas ang tubig , at sinabi , Saan nandoon ang Panginoon , ang Dios ni Elias ? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig , ay nahawi dito at doon : at si Eliseo ay tumawid . At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya , ay kanilang sinabi , Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo . At sila&#039;y nagsiyaon na sinalubong siya , at sila&#039;y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya . At kanilang sinabi sa kaniya , Narito ngayon , sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake ; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila , at hanapin ang inyong panginoon , baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon , at inihagis sa isang bundok , o sa isang libis . At kaniyang sinabi , Huwag kayong magsipagsugo . At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya&#039;y mapahiya , at kaniyang sinabi , Magsipagsugo kayo . Sila&#039;y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake , at hinanap nilang tatlong araw , nguni&#039;t hindi nasumpungan siya . At sila&#039;y nagsibalik sa kaniya , samantalang siya&#039;y naghihintay sa Jerico ; at kaniyang sinabi sa kanila , Di ba sinabi ko sa inyo : Huwag kayong magsiyaon ? At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo : Tingnan mo , isinasamo namin sa iyo , na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya , gaya ng nakikita ng aking panginoon : nguni&#039;t ang tubig ay masama , at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga . At kaniyang sinabi , Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga , at sidlan ninyo ng asin . At kanilang dinala sa kaniya . At siya&#039;y naparoon sa bukal ng tubig , at hinagisan niya ng asin , at nagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Aking pinabuti ang tubig na ito ; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga . Sa gayo&#039;y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito , ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita . At siya&#039;y umahon sa Beth-el mula roon : at samantalang siya&#039;y umaahon sa daan , may nagsilabas sa bayan na mga bata , at tinuya siya , at sinabi nila sa kaniya , Umahon ka , ikaw na kalbo ang ulo ; umahon ka , ikaw na kalbo ang ulo . At siya&#039;y lumingon sa likuran niya , at nangakita niya , at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon . At doo&#039;y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat , at lumapa ng apat na pu&#039;t dalawang bata sa kanila . At siya&#039;y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon , at mula roo&#039;y bumalik siya sa Samaria . Si Joram nga na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria nang ikalabing walong taon ni Josaphat na hari sa Juda , at nagharing labing dalawang taon . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon ; nguni&#039;t hindi gaya ng kaniyang ama , at ng kaniyang ina : sapagka&#039;t kaniyang inalis ang haligi na pinakaalaala kay Baal na ginawa ng kaniyang ama . Gayon ma&#039;y lumakip siya sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na ipinagkasala niya sa Israel ; hindi niya hiniwalayan . Si Mesa nga na hari sa Moab ay may mga tupa ; at siya&#039;y nagbubuwis sa hari sa Israel ng balahibo ng isang daang libong kordero at ng isang daang libong lalaking tupa . Nguni&#039;t nangyari nang mamatay si Achab , na ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa hari sa Israel . At ang haring Joram ay lumabas sa Samaria nang panahong yaon , at hinusay ang buong Israel . At siya&#039;y yumaon , at nagsugo kay Josaphat na hari sa Juda , na nagsasabi , Ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa akin : yayaong ka ba na kasama ko laban sa Moab upang bumaka ? At kaniyang sinabi , Ako&#039;y aahon : ako&#039;y gaya mo , ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan , ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo . At kaniyang sinabi , Sa aling daan magsisiahon tayo ? At siya&#039;y sumagot , Sa daan ng ilang ng Edom . Sa gayo&#039;y yumaon ang hari sa Israel , at ang hari sa Juda , at ang hari sa Edom : at sila&#039;y nagsiligid ng pitong araw na paglalakbay ; at walang tubig para sa hukbo , o sa mga hayop man na nagsisisunod sa kanila . At sinabi ng hari sa Israel , Sa aba natin ! sapagka&#039;t tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sa kamay ng Moab . Nguni&#039;t sinabi ni Josaphat , Wala ba ritong isang propeta ng Panginoon , upang tayo&#039;y makapagusisa sa Panginoon sa pamamagitan niya ? At isa sa mga lingkod ng hari sa Israel ay sumagot , at nagsabi , Si Eliseo na anak ni Saphat ay nandito na nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias . At sinabi ni Josaphat , Ang salita ng Panginoon ay sumasa kaniya . Sa gayo&#039;y binaba siya ng hari sa Israel , at ni Josaphat at ng hari sa Edom . At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel , Anong ipakikialam ko sa iyo ? pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama , at sa mga propeta ng iyong ina . At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya , Hindi ; sapagka&#039;t tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab . At sinabi ni Eliseo , Buhay ang Panginoon ng mga hukbo , na nakatayo ako sa harap niya , tunay na kung wala akong pagtingin sa harap ni Josaphat na hari sa Juda , hindi kita lilingapin , ni titingnan man . Nguni&#039;t ngayo&#039;y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog . At nangyari , nang ang manunugtog ay tumugtog , na ang kamay ng Panginoon ay suma kaniya . At kaniyang sinabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Punuin ninyo ang libis na ito ng mga hukay . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&#039;y hindi makakakita ng hangin , ni kayo&#039;y makakakita man ng ulan ; gayon ma&#039;y ang libis na yaon ay mapupuno ng tubig , at kayo&#039;y iinom , kayo at gayon din ang inyong mga baka , at ang inyong mga hayop . At ito&#039;y isang bagay na magaan sa paningin ng Panginoon : kaniya rin namang ibibigay ang mga Moabita sa inyong kamay . At inyong sasaktan ang bawa&#039;t bayang nakukutaan , at ang bawa&#039;t piling bayan , at inyong ibubuwal ang bawa&#039;t mabuting punong kahoy , at inyong patitigilin ang lahat na bukal ng tubig , at inyong sisirain ng mga bato ang bawa&#039;t mabuting bahagi ng lupain . At nangyari , sa kinaumagahan , sa may panahon ng paghahandog ng alay , na , narito , humuho ang tubig sa daan ng Edom , at ang lupain ay napuno ng tubig . Nang mabalitaan nga ng lahat na Moabita na ang mga hari ay nagsiahon upang magsilaban sa kanila , ay nagpipisan silang lahat na makapagsasakbat ng sandata at hanggang sa katandatandaan , at nagsitayo sa hangganan . At sila&#039;y nagsibangong maaga nang kinaumagahan , at ang araw ay suminag sa tubig , at nakita ng mga Moabita ang tubig sa tapat nila na mapulang gaya ng dugo : at kanilang sinabi , Ito&#039;y dugo ; ang mga hari ay walang pagsalang lipol , at sinaktan ng bawa&#039;t isa sa kanila ang kaniyang kasama : ngayon nga , Moab , sa pagsamsam . At nang sila&#039;y dumating sa kampamento ng Israel , ang mga taga Israel ay nagsitindig , at sinaktan ang mga Moabita , na anopa&#039;t sila&#039;y tumakas sa harap nila ; at sila&#039;y nagpatuloy sa lupain na sinasaktan ang mga Moabita . At kanilang giniba ang mga bayan at sa bawa&#039;t mabuting bahagi ng lupain ay naghagis ang bawa&#039;t tao ng kaniyang bato , at pinuno ; at kanilang pinatigil ang lahat ng bukal ng tubig , at ibinuwal ang lahat na mabuting punong kahoy , hanggang sa Cir-hareseth lamang nagiwan ng mga bato niyaon ; gayon ma&#039;y kinubkob ng mga manghihilagpos , at sinaktan . At nang makita ng hari sa Moab na ang pagbabaka ay totoong malala sa ganang kaniya ay nagsama siya ng pitong daang lalake na nagsisihawak ng tabak , upang dumaluhong sa hari sa Edom : nguni&#039;t hindi nila nagawa . Nang magkagayo&#039;y kinuha niya ang kaniyang pinaka matandang anak na maghahari sana na kahalili niya , at inihandog niya na pinakahandog na susunugin sa ibabaw ng kuta . At nagkaroon ng malaking galit laban sa Israel : at kanilang nilisan siya , at bumalik sa kanilang sariling lupain . Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta , na nagsasabi , Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na : at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon : at ang pinagkautangan ay naparito upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak . At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Anong gagawin ko sa iyo ? saysayin mo sa akin ; anong mayroon ka sa bahay ? At sinabi niya , Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya , Ikaw ay yumaon , manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay , sa makatuwid baga&#039;y ng mga walang lamang sisidlan ; huwag kang manghiram ng kaunti . At ikaw ay papasok , at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan , at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon ; at iyong itatabi ang mapuno . Sa gayo&#039;y nilisan niya siya , at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan ; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya , at kaniyang pinagbuhusan . At nangyari , nang mapuno ang mga sisidlan , na kaniyang sinabi sa kaniyang anak , Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan . At sinabi niya sa kaniya : Wala pang sisidlan . At ang langis ay tumigil . Nang magkagayo&#039;y naparoon siya , at kaniyang isinaysay sa lalake ng Dios . At kaniyang sinabi , ikaw ay yumaon , ipagbili mo ang langis , at bayaran mo ang iyong utang , at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi . At nangyari , isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa Sunem , na kinaroroonan ng isang dakilang babae ; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay . At nagkagayon , na sa tuwing siya&#039;y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay . At sinabi niya sa kaniyang asawa , Narito ngayon , aking nahahalata na ito&#039;y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi . Isinasamo ko sa iyo na tayo&#039;y gumawa ng isang maliit na silid sa pader ; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan , at ng isang dulang , at ng isang upuan , at ng isang kandelero : at mangyayari , pagka siya&#039;y dumarating sa atin , na siya&#039;y papasok doon . At nangyari , isang araw , na siya&#039;y dumating doon , at siya&#039;y lumiko na pumasok sa silid , at nahiga roon . At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod , Tawagin mo ang Sunamitang ito . At nang matawag niya , siya&#039;y tumayo sa harap niya . At sinabi niya sa kaniya , Sabihin mo ngayon sa kaniya , Narito , ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito ; ano nga ang magagawa sa iyo ? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari , o sa punong kawal ng hukbo ? At siya&#039;y sumagot , Ako&#039;y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan . At kaniyang sinabi , Ano nga ang magagawa sa kaniya ? At sumagot si Giezi . Katotohanang siya&#039;y walang anak , at ang kaniyang asawa ay matanda na . At kaniyang sinabi , Tawagin siya . At nang kaniyang tawagin siya , siya&#039;y tumayo sa pintuan . At kaniyang sinabi , Sa panahong ito , pagpihit ng panahon , ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake . At kaniyang sinabi , Hindi panginoon ko , ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod . At ang babae ay naglihi , at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon , nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya . At nang lumaki ang bata ay nangyari , isang araw , nang siya&#039;y umalis na patungo sa kaniyang ama , sa mga manggagapas . At kaniyang sinabi sa kaniyang ama , Ulo ko , ulo ko . At sinabi niya sa kaniyang bataan , Dalhin mo siya sa kaniyang ina . At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina , siya&#039;y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat , at nang magkagayo&#039;y namatay . At siya&#039;y pumanhik at inihiga siya sa higaan ng lalake ng Dios , at pinagsarhan niya ng pintuan siya , at lumabas . At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa , at nagsabi , Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan , at ang isa sa mga asno , upang aking takbuhin ang lalake ng Dios , at bumalik uli . At kaniyang sinabi , Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon ? hindi bagong buwan o sabbath man . At kaniyang sinabi , Magiging mabuti . Nang magkagayo&#039;y siniyahan niya ang isang asno , at nagsabi sa kaniyang bataan , Ikaw ay magpatakbo , at magpatuloy ; huwag mong pahinain ang pagpapatakbo sa akin , malibang sabihin ko sa iyo . Sa gayo&#039;y yumaon siya at naparoon sa lalake ng Dios sa bundok ng Carmelo . At nangyari , nang makita siya ng lalake ng Dios sa malayo , na kaniyang sinabi kay Giezi na kaniyang lingkod , Narito , nandoon ang Sunamita : Tumakbo ka , isinasamo ko sa iyo ngayon , na salubungin siya , at iyong sabihin sa kaniya , Mabuti ka ba ? mabuti ba ang iyong asawa ? mabuti ba ang bata ? At siya&#039;y sumagot , Mabuti . At nang siya&#039;y dumating sa lalake ng Dios sa burol , siya&#039;y humawak sa kaniyang mga paa . At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya ; nguni&#039;t sinabi ng lalake ng Dios : Bayaan siya ; sapagka&#039;t siya&#039;y namamanglaw ; at inilihim ng Panginoon sa akin , at hindi isinaysay sa akin . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya , Ako ba&#039;y humiling ng isang anak sa aking panginoon ? di ba sinabi ko , Huwag mo akong dayain ? Nang magkagayo&#039;y sinabi niya kay Giezi , Bigkisan mo ang iyong mga balakang , at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay , at yumaon ka ng iyong lakad : kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao , huwag mo siyang batiin ; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo , huwag mo siyang sagutin : at ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata . At sinabi ng ina ng bata , Buhay ang Panginoon , at buhay ang iyong kaluluwa , hindi kita iiwan . At siya&#039;y tumindig , at sumunod sa kaniya . At si Giezi ay nagpauna sa kanila , at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata ; nguni&#039;t wala kahit tinig , o pakinig man . Kaya&#039;t siya&#039;y bumalik na sinalubong siya , at nagsaysay sa kaniya , na nagsabi , Ang bata&#039;y hindi magising . At nang si Eliseo ay dumating sa bahay , narito , ang bata&#039;y patay , at nakahiga sa kaniyang higaan . Siya&#039;y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa , at dumalangin sa Panginoon . At siya&#039;y sumampa , at dumapa sa ibabaw ng bata , at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya , at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya , at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya : at siya&#039;y dumapa sa kaniya ; at ang laman ng bata ay uminit . Nang magkagayo&#039;y bumalik siya , at lumakad sa bahay na paroo&#039;t parito na minsan ; at sumampa , at dumapa sa ibabaw niya : at ang bata&#039;y nagbahing makapito , at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata . At tinawag niya si Giezi , at sinabi , Tawagin mo ang Sunamitang ito . Sa gayo&#039;y tinawag niya siya . At nang siya&#039;y pumaroon sa kaniya , sinabi niya , Kalungin mo ang iyong anak . Nang magkagayo&#039;y pumasok siya at nagpatirapa sa kaniyang mga paa , at yumukod sa lupa ; at kinalong niya ang kaniyang anak , at umalis . At si Eliseo ay bumalik sa Gilgal : at may kagutom sa lupain ; at ang mga anak ng mga propeta ay nangakaupo sa harap niya : at sinabi niya sa kaniyang lingkod : Isalang mo ang malaking palayok , at ipagluto mo ng lutuin ang mga anak ng mga propeta . At ang isa ay lumabas sa bukid upang manguha ng mga gugulayin , at nakasumpong ng isang baging gubat , at namitas doon ng mga kalabasang gubat na ang kaniyang kandungan ay napuno , at bumalik at pinagputolputol sa palayok ng lutuin : sapagka&#039;t hindi nila nalalaman . Sa gayo&#039;y kanilang ibinuhos para sa mga tao upang kanin . At nangyari , samantalang sila&#039;y nagsisikain ng lutuin , na sila&#039;y nagsisigaw , at nagsipagsabi , Oh lalake ng Dios , may kamatayan sa palayok . At hindi nakain yaon . Nguni&#039;t kaniyang sinabi , Magdala nga rito ng harina . At kaniyang isinilid sa palayok ; at kaniyang sinabi , Ibuhos ninyo para sa bayan , upang sila&#039;y makakain . At wala nang makasasama sa palayok . At dumating ang isang lalake na mula sa Baal-salisa , at nagdala sa lalake ng Dios ng tinapay ng mga unang bunga , na dalawang pung tinapay na sebada , at mga murang uhay ng trigo na nangasa kaniyang bayong . At kaniyang sinabi , Ibigay mo sa bayan , upang kanilang makain . At sinabi ng kaniyang lingkod : Ano , ilalapag ko ba ito sa harap ng isang daang tao ? Nguni&#039;t kaniyang sinabi , Ibigay sa bayan upang kanilang makain ; sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Sila&#039;y kakain , at magtitira niyaon . Sa gayo&#039;y inilapag niya sa harap nila , at sila&#039;y nagsikain , at nagsipagtira niyaon , ayon sa salita ng Panginoon . Si Naaman nga , na punong kawal ng hukbo ng hari sa Siria , ay dakilang lalake sa kaniyang panginoon , at marangal , sapagka&#039;t sa pamamagitan niya&#039;y nagbigay ang Panginoon ng pagtatagumpay sa Siria : siya rin nama&#039;y malakas na lalake na may tapang , nguni&#039;t may ketong . At ang mga taga Siria ay nagsilabas na mga pulupulutong , at nagdala ng bihag na mula sa lupain ng Israel na isang dalagita ; at siya&#039;y naglingkod sa asawa ni Naaman . At sinabi niya sa kaniyang babaing panginoon . Mano nawa ang aking panginoon ay humarap sa propeta na nasa Samaria ! kung magkagayo&#039;y pagagalingin niya siya sa kaniyang ketong . At pumasok ang isa , at isinaysay sa kaniyang panginoon , na sinasabi , Ganito&#039;t ganito ang sabi ng dalagita na nagmula sa lupain ng Israel . At sinabi ng hari sa Siria , Yumaon ka , yumaon ka , at ako&#039;y magpapadala ng sulat sa hari sa Israel . At siya&#039;y yumaon , at nagdala siya ng sangpung talentong pilak , at anim na libong putol na ginto , at sangpung pangpalit na bihisan . At kaniyang dinala ang sulat sa hari sa Israel , na sinasabi , At pagka nga dumating sa iyo ang sulat na ito , ay talastasin mo na aking sinugo si Naaman na aking lingkod sa iyo , upang iyong pagalingin siya sa kaniyang ketong . At nangyari , nang mabasa ng hari sa Israel ang sulat , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot at nagsabi , Ako ba&#039;y Dios upang pumatay at bumuhay , na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kaniyang ketong ? nguni&#039;t talastasin mo , isinasamo ko sa iyo , at tingnan mo kung paanong siya&#039;y humahanap ng dahilan laban sa akin . At nagkagayon , nang mabalitaan ni Eliseo na lalake ng Dios na hinapak ng hari sa Israel ang kaniyang suot , na siya&#039;y nagsugo sa hari , na nagsabi : Bakit mo hinapak ang iyong mga kasuutan ? paparituhin mo siya sa akin , at kaniyang malalaman na may isang propeta sa Israel . Sa gayo&#039;y naparoon si Naaman na dala ang kaniyang mga kabayo at ang kaniyang mga karo , at tumayo sa pintuan ng bahay ni Eliseo . At si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya , na nagsasabi , ikaw ay yumaon , at maligo sa Jordan na makapito , at ang iyong laman ay sasauli sa iyo , at ikaw ay magiging malinis . Nguni&#039;t si Naaman ay naginit , at umalis , at nagsabi , Narito , aking inakalang , walang pagsalang lalabasin niya ako , at tatayo , at tatawag sa pangalan ng Panginoon niyang Dios , at pagagalawgalawin ang kaniyang kamay sa kinaroroonan , at mapapawi ang ketong . Hindi ba ang Abana at ang Pharphar , na mga ilog ng Damasco , ay mainam kay sa lahat ng tubig sa Israel ? hindi ba ako makapaliligo sa mga yaon , at maging malinis ? Sa gayo&#039;y pumihit siya at umalis sa paginit . At ang kaniyang mga lingkod ay nagsilapit , at nagsipagsalita sa kaniya , at nagsabi , Ama ko , kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anomang mahirap na bagay , hindi mo ba gagawin ? gaano nga kung sabihin niya sa iyo , Ikaw ay maligo , at maging malinis ? Nang magkagayo&#039;y lumusong siya at sumugbong makapito sa Jordan , ayon sa sabi ng lalake ng Dios : at ang kaniyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata , at siya&#039;y naging malinis . At siya&#039;y bumalik sa lalake ng Dios , siya at ang buong pulutong niya , at naparoon , at tumayo sa harap niya : at siya&#039;y nagsabi , Narito ngayon , aking talastas na walang Dios sa buong lupa , kundi sa Israel : isinasamo ko ngayon sa iyo na tanggapin mo ang kaloob ng iyong lingkod . Nguni&#039;t kaniyang sinabi , Buhay ang Panginoon , na nakatayo ako sa harap niya , wala akong tatanggapin . At ipinilit niya sa kaniyang kunin ; nguni&#039;t siya&#039;y tumanggi . At sinabi ni Naaman , Kung hindi , isinasamo ko pa sa iyo , na bigyan ko ang iyong lingkod ng lupang mapapasan ng dalawang mula ; sapagka&#039;t ang iyong lingkod buhat ngayon ay hindi maghahandog ng handog na susunugin o hain man sa ibang mga dios , kundi sa Panginoon . Sa bagay na ito&#039;y patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod , pagka ang aking panginoon ay pumasok sa bahay ni Rimmon upang sumamba roon , at siya&#039;y umagapay sa aking kamay , at ako&#039;y yumukod sa bahay ni Rimmon , pagyukod ko sa bahay ni Rimmon , na patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod sa bagay na ito . At sinabi niya sa kaniya , Ikaw ay yumaong payapa . Sa gayo&#039;y nilisan niya siya ng may aguwat na kaunti . Nguni&#039;t si Giezi , na lingkod ni Eliseo na lalake ng Dios , ay nagsabi , Narito , pinalagpas ng aking panginoon ang Naamang ito na taga Siria , sa di pagtanggap sa kaniyang mga kamay ng kaniyang dala ; buhay ang Panginoon , tatakbuhin ko siya , at kukuha ako ng anoman sa kaniya . Sa gayo&#039;y sinundan ni Giezi si Naaman , at nang makita ni Naaman na isa&#039;y humahabol sa kaniya , siya&#039;y bumaba sa karo na sinalubong niya , at sinabi , Lahat ba&#039;y mabuti ? At kaniyang sinabi , Lahat ay mabuti . Sinugo ako ng aking panginoon , na sinabi , Narito , dumating sa akin ngayon mula sa lupaing maburol ng Ephraim ang dalawang binata sa mga anak ng mga propeta : isinasamo ko sa iyo na bigyan mo sila ng isang talentong pilak , at dalawang pangpalit na bihisan . At sinabi ni Naaman , Matuwa ka , kunin mo ang dalawang talento . At ipinilit niya sa kaniya , at ibinalot ang dalawang talentong pilak sa dalawang supot , sangpu ng dalawang pangpalit na bihisan , at mga ipinasan sa dalawa sa kaniyang mga bataan ; at dinala nila sa unahan niya . At nang siya&#039;y dumating sa burol , kinuha niya sa kanilang kamay , at itinago niya sa bahay : at pinayaon niya ang mga lalake , at sila&#039;y nagsiyaon . Nguni&#039;t siya&#039;y pumasok at tumayo sa harap ng kaniyang panginoon . At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Saan ka nanggaling Giezi ? At kaniyang sinabi , Ang iyong lingkod ay walang pinaroonan . At kaniyang sinabi , Hindi ba sumasa iyo ang aking puso nang ang lalake ay bumalik mula sa kaniyang karo na sinasalubong ka ? panahon ba ng pagtanggap ng salapi , at pagtanggap ng bihisan , at ng mga olibohan , at ng mga ubasan , at ng mga tupa , at ng mga baka , at ng mga aliping lalake at babae ? Ang ketong nga ni Naaman ay kakapit sa iyo , at sa iyong binhi magpakailan man . At siya&#039;y umalis sa kaniyang harapan na may ketong na kasingputi ng niebe . At sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo , Narito ngayon , ang dakong aming kinatitirahan sa harap mo ay totoong gipit sa ganang amin . Isinasamo namin sa iyo na kami ay paparoonin sa Jordan , at kumuha roon ang bawa&#039;t isa ng sikang , at gumawa kami para sa amin ng isang dako roon , na aming matatahanan . At siya&#039;y sumagot , Magsiyaon kayo . At sinabi ng isa , Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay matuwa , at yumaon na kasama ng iyong mga lingkod . At siya&#039;y sumagot , Ako&#039;y yayaon . Sa gayo&#039;y yumaon siyang kasama nila . At nang sila&#039;y dumating sa Jordan , sila&#039;y nagsiputol ng kahoy . Nguni&#039;t samantalang ang isa&#039;y pumuputol ng isang sikang , ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig : at siya&#039;y sumigaw , at nagsabi , Sa aba ko , panginoon ko ! sapagka&#039;t hiram . At sinabi ng lalake ng Dios , Saan nalaglag ? At itinuro niya sa kaniya ang dako . At siya&#039;y pumutol ng isang patpat , at inihagis doon , at pinalutang ang bakal . At kaniyang sinabi , Kunin mo . Sa gayo&#039;y kaniyang iniunat ang kaniyang kamay , at kinuha . Ang hari nga sa Siria ay nakipagdigma sa Israel ; at siya&#039;y kumuhang payo sa kaniyang mga lingkod , na nagsasabi , Sa gayo&#039;t gayong dako malalagay ang aking kampamento . At ang lalake ng Dios ay nagsugo sa hari sa Israel , na nagsasabi , Magingat ka na huwag dumaan sa dakong yaon ; sapagka&#039;t doo&#039;y lumulusong ang mga taga Siria . At nagsugo ang hari sa Israel sa dakong isinaysay sa kaniya ng lalake ng Dios at ipinagpauna sa kaniya ; at siya&#039;y lumigtas doon , na hindi miminsan o mamakalawa . At ang puso ng hari sa Siria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito ; at kaniyang tinawag ang kaniyang mga lingkod , at sinabi sa kanila , Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel ? At sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod , Hindi panginoon ko , Oh hari : kundi si Eliseo , na propeta na nasa Israel , ay nagsaysay sa hari sa Israel ng mga salita na iyong sinalita sa iyong silid na tulugan . At kaniyang sinabi , Ikaw ay yumaon at tingnan mo kung saan siya nandoon , upang ako&#039;y makapagpasundo at dalhin siya . At nasaysay sa kaniya , na sinabi , Narito , siya&#039;y nasa Dothan . Kaya&#039;t siya&#039;y nagsugo roon ng mga kabayo at mga karo , at ng isang malaking hukbo : at sila&#039;y naparoon sa gabi , at kinubkob ang bayan sa palibot . At nang ang lingkod ng lalake ng Dios ay magbangong maaga , at maglabas , narito , isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan . At ang kaniyang lingkod ay nagsabi sa kaniya , Sa aba natin , panginoon ko ! paano ang ating gagawin ? At siya&#039;y sumagot , Huwag kang matakot : sapagka&#039;t ang sumasaatin ay higit kay sa sumasa kanila . At si Eliseo ay nanalangin , at nagsabi , Idinadalangin ko sa iyo , Panginoon , na idilat ang kaniyang mga mata , upang siya&#039;y makakita . At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata ; at siya&#039;y nakakita , at narito , ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo . At nang kanilang lusungin siya , ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon , at nagsabi , Idinadalangin ko sa iyo , na bulagin mo ang bayang ito . At kaniyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo . At sinabi ni Eliseo sa kanila , Hindi ito ang daan , o ang bayan man : sumunod kayo sa akin , at dadalhin ko kayo sa lalake na inyong hinahanap . At kaniyang pinatnubayan sila hanggang sa Samaria . At nangyari , nang sila&#039;y magsidating sa Samaria , na sinabi ni Eliseo , Panginoon , idilat mo ang mga mata ng mga lalaking ito , upang sila&#039;y makakita . At idinilat ng Panginoon ang kanilang mga mata , at sila&#039;y nangakakita ; at , narito , sila&#039;y nangasa gitna ng Samaria . At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo , nang makita niya sila , Ama ko , sasaktan ko ba sila ? sasaktan ko ba sila ? At siya&#039;y sumagot . Huwag mong sasaktan sila ; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog ? maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila , upang kanilang makain at mainom , at magsiparoon sa kanilang panginoon . At ipinaghanda niya ng malaking pagkain sila : at nang sila&#039;y makakain at makainom , kaniyang pinayaon sila , at sila&#039;y nagsiparoon sa kanilang panginoon . At ang pulutong ng Siria ay hindi na naparoon pa sa lupain ng Israel . At nangyari , pagkatapos nito , na pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria , ang buo niyang hukbo , at umahon , at kinubkob ang Samaria . At nagkaroon ng malaking kagutom sa Samaria : at , narito , kanilang kinubkob , hanggang sa ang ulo ng isang asno ay naipagbili ng walong pung putol na pilak , at ang ikaapat na bahagi ng isang takal ng dumi ng kalapati ay ng limang putol na pilak . At pagdaraan sa kuta ng hari sa Israel , humiyaw ang isang babae sa kaniya , na nagsasabi , Saklolo , panginoon ko , Oh hari . At kaniyang sinabi , Kung hindi ka saklolohan ng Panginoon , sa ano kita sasaklolohan sa giikan ba , o sa ubasan . At sinabi ng hari sa kaniya , Anong nangyayari sa iyo ? At siya&#039;y sumagot , Sinabi ng babaing ito sa akin , Ibigay mo ang iyong anak , upang makain natin siya ngayon , at kakanin natin ang anak ko bukas . Sa gayo&#039;y pinakuluan namin ang anak ko , at kinain namin siya : at sinabi ko sa kaniya sa sumunod na araw , Ibigay mo ang iyong anak , upang makain natin siya ; at kaniyang ikinubli ang kaniyang anak . At nangyari , nang marinig ng hari ang mga salita ng babae , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot ( nagdadaan nga siya sa kuta ; ) at ang bayan ay tumingin , at , narito , siya&#039;y may magaspang na damit sa loob sa kaniyang katawan . Nang magkagayo&#039;y kaniyang sinabi , Gawing gayon ng Dios sa akin , at lalo na , kung ang ulo ni Eliseo , na anak ni Saphat ay matira sa kaniya sa araw na ito . Nguni&#039;t si Eliseo ay nakaupo sa kaniyang bahay , at ang mga matanda ay nagsiupo na kasama niya ; at ang hari ay nagsugo ng isang lalake na mula sa harap niya : nguni&#039;t bago dumating ang sugo sa kinaroroonan niya , sinabi niya sa mga matanda , Hindi ba ninyo nakita kung paanong ang anak na ito ng isang mamamatay tao ay nagsugo sa akin na alisin ang aking ulo ? masdan ninyo , pagdating ng sugo , sarhan ninyo ang pintuan , at itulak ninyo ang pinto laban sa kaniya : di ba ang ingay ng mga paa ng kaniyang panginoon sa likod niya ? At samantalang siya&#039;y nakikipagusap sa kanila , narito , nilusong siya ng sugo : at kaniyang sinabi , Narito , ang kasamaang ito&#039;y mula sa Panginoon ; bakit pa ako maghihintay sa Panginoon ? At sinabi ni Eliseo , Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon , ganito ang sabi ng Panginoon : Bukas sa may ganitong oras , ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo , at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo , sa pintuang-bayan ng Samaria . Nang magkagayo&#039;y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios , at nagsabi , Narito , kung ang Panginoo&#039;y gagawa ng mga dungawan sa langit , mangyayari ba ito ? At kaniyang sinabi , Narito , makikita mo yaon ng iyong mga mata , nguni&#039;t hindi ka kakain niyaon . Mayroon ngang apat na may ketong sa pasukan ng pintuang-bayan : at sila&#039;y nagsangusapan . Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo&#039;y mamatay ? Kung ating sabihin , Tayo&#039;y magsisipasok sa bayan , ang kagutom nga&#039;y nasa bayan , at tayo&#039;y mamamatay roon : at kung tayo&#039;y magsisitigil ng pagkaupo rito , tayo&#039;y mamamatay rin . Ngayon nga&#039;y halina , at tayo&#039;y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria : kung tayo&#039;y iligtas nilang buhay , tayo&#039;y mabubuhay ; at kung tayo&#039;y patayin nila , mamamatay lamang tayo . At sila&#039;y nagsitindig pagtatakip silim , upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria : at nang sila&#039;y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria , narito , walang tao roon . Sapagka&#039;t ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo , at ang huni ng mga kabayo , sa makatuwid baga&#039;y ang hugong ng malaking hukbo : at sila&#039;y nagsangusapan . Narito , inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo , at ang mga hari ng mga taga Egipto , upang magsidaluhong sa atin . Kaya&#039;t sila&#039;y nagsitindig , at nagsitakas sa pagtatakip silim , at iniwan ang kanilang mga tolda , at ang kanilang mga kabayo , at ang kanilang mga asno , at ang buong kampamento , na gaya ng dati , at nagsitakas dahil sa kanilang buhay . At nang ang mga may ketong na ito&#039;y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento , sila&#039;y nagsipasok sa isang tolda , at nagsikain at nagsiinom , at nagsipagdala mula roon ng pilak , at ng ginto , at ng bihisan , at nagsiyaon at itinago ; at sila&#039;y bumalik , at pumasok sa ibang tolda , at nagdala rin mula roon , at nagsiyaon at itinago . Nang magkagayo&#039;y nagsangusapan sila . Hindi mabuti ang ginagawa natin : ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita , at tayo&#039;y tumatahimik : kung tayo&#039;y magsipaghintay ng hanggang sa pagliliwayway sa kinaumagahan , parusa ang aabot sa atin : ngayon nga&#039;y halina , tayo&#039;y magsiyaon at ating saysayin sa sangbahayan ng hari . Sa gayo&#039;y nagsiparoon sila , at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan : at kanilang isinaysay sa kanila , na sinasabi , Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria , at , narito , walang lalake roon ni tinig man ng lalake , kundi mga nakataling kabayo , at mga asnong nangakatali , at ang mga tolda na gaya ng dati . At tinawag niya ang mga tagatanod-pinto ; at kanilang sinaysay sa sangbahayan ng hari sa loob . At ang hari ay bumangon sa gabi , at nagsabi sa kaniyang mga lingkod , Ipakikita ko sa inyo ngayon kung ano ang ginawa ng mga taga Siria sa atin . Kanilang talastas na tayo&#039;y gutom ; kaya&#039;t sila&#039;y nagsilabas ng kampamento upang magsipangubli sa parang , na nagsasabi , Pagka sila&#039;y nagsilabas sa bayan , ating kukunin silang buhay at papasok tayo sa bayan . At isa sa kaniyang mga lingkod ay sumagot , at nagsabi , Isinasamo ko sa inyo na kunin ng ilan ang lima sa mga kabayong nalabi , na natira sa bayan ( narito , sila&#039;y gaya ng buong karamihan ng Israel na natira roon ; narito , sila&#039;y gaya ng buong karamihan ng Israel na nalipol : ) at tayo&#039;y magsugo at ating tingnan . Sila nga&#039;y nagsikuha ng dalawang karo na may mga kabayo ; at ang hari ay nagsugo na pinasundan ang hukbo ng mga taga Siria , na nagsabi , Kayo ay yumaon at tingnan ninyo . At kanilang sinundan sila hanggang sa Jordan ; at , narito , ang buong daa&#039;y puno ng mga kasuutan at ng mga kasangkapan na mga inihagis ng mga taga Siria sa kanilang pagmamadali . At ang mga sugo ay nagsibalik at nagsaysay sa hari . At ang bayan ay lumabas , at sinamsaman ang kampamento ng mga taga Siria . Sa gayo&#039;y ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo , at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo , ayon sa salita ng Panginoon . At inihabilin ng hari sa punong kawal na pinangangapitan niya , ang katungkulan sa pintuang-bayan : at niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan , at siya&#039;y namatay na gaya ng sinabi ng lalake ng Dios , na nagsalita nang lusungin siya ng hari . At nangyari , gaya ng sinabi ng lalake ng Dios sa hari , na sinasabi , Ang dalawang takal ng sebada ay maipagbibili isang siklo , at ang isang takal ng mainam na harina ay isang siklo , mangyayari bukas sa may ganitong oras sa pintuang-bayan ng Samaria ; At ang punong kawal na yaon ay sumagot sa lalake ng Dios , at nagsabi , Ngayon , narito , kung ang Panginoon ay gagawa ng mga dungawan sa langit , mangyayari ba ang gayong bagay ? At kaniyang sinabi , Narito , makikita mo yaon ng iyong mga mata , nguni&#039;t hindi ka kakain niyaon : Nangyari ngang gayon sa kaniya ; sapagka&#039;t niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan , at siya&#039;y namatay . Nagsalita nga si Eliseo sa babae , na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay , na sinasabi , Ikaw ay bumangon at yumaon ka at ang iyong sangbahayan , at mangibang bayan ka kung saan ka makakapangibang bayan : sapagka&#039;t nagtalaga ang Panginoon ng kagutom ; at magtatagal naman sa lupain na pitong taon . At ang babae ay bumangon , at ginawa ang ayon sa sinalita ng lalake ng Dios : at siya&#039;y yumaon na kasama ng kaniyang sangbahayan , at nangibang bayan sa lupain ng mga Filisteo na pitong taon . At nangyari , sa katapusan ng ikapitong taon , na ang babae ay bumalik na mula sa lupain ng mga Filisteo : at siya&#039;y lumabas upang dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain . Ang hari nga&#039;y nakipagusap kay Giezi na lingkod ng lalake ng Dios , na sinasabi , Isinasamo ko sa iyo , na saysayin mo sa akin ang lahat na mga dakilang bagay na ginawa ni Eliseo . At nangyari , samantalang kaniyang sinasaysay sa hari kung paanong kaniyang isinauli ang buhay niyaon na patay , na narito , ang babae , na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay , ay dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain . At sinabi ni Giezi , Panginoon ko , Oh hari , ito ang babae , at ito ang kaniyang anak na sinaulian ng buhay ni Eliseo . At nang tanungin ng hari ang babae , sinaysay niya sa kaniya . Sa gayo&#039;y hinalalan ng hari siya ng isang pinuno , na sinasabi , Isauli mo ang lahat ng kaniya , at ang lahat ng bunga ng bukid mula nang araw na kaniyang iwan ang lupain , hanggang ngayon . At si Eliseo ay naparoon sa Damasco ; at si Ben-adad na hari sa Siria ay may sakit : at nasaysay sa kaniya , na sinabi , Ang lalake ng Dios ay naparito . At sinabi ng hari kay Hazael , Magdala ka ng isang kaloob sa iyong kamay , at yumaon kang salubungin mo ang lalake ng Dios , at magusisa ka sa Panginoon sa pamamagitan niya , na magsabi , Gagaling ba ako sa sakit na ito ? Sa gayo&#039;y naparoon na sinalubong siya ni Hazael , at nagdala siya ng kaloob , ng bawa&#039;t mabuting bagay sa Damasco , na apat na pung pasang kamelyo at naparoon at tumayo sa harap niya , at nagsabi , Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-adad na hari sa Siria , na sinasabi , Gagaling ba ako sa sakit na ito ? At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Ikaw ay yumaon , sabihin mo sa kaniya , Walang pagsalang ikaw ay gagaling ? gayon ma&#039;y ipinakilala sa akin ng Panginoon na siya&#039;y walang pagsalang mamamatay . At kaniyang itinitig ang kaniyang mukha , hanggang sa siya&#039;y napahiya : at ang lalake ng Dios ay umiyak . At sinabi ni Hazael , Bakit umiyak ang panginoon ko ? At siya&#039;y sumagot , Sapagka&#039;t talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel : ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy , at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak , at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata , at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis . At sinabi ni Hazael , Nguni&#039;t ano ang iyong lingkod na isang aso lamang na kaniyang gagawin ang dakilang bagay na ito ? At sumagot si Eliseo , Ipinakilala sa akin ng Panginoon , na ikaw ay magiging hari sa Siria . Nang magkagayo&#039;y nilisan niya si Eliseo , at naparoon sa kaniyang panginoon ; na nagsabi sa kaniya , Ano ang sabi ni Eliseo sa iyo ? At siya&#039;y sumagot , Kaniyang sinaysay sa akin na walang pagsalang ikaw ay gagaling . At nangyari , nang kinabukasan , na kaniyang kinuha ang munting kumot at binasa sa tubig , at iniladlad sa kaniyang mukha , na anopa&#039;t siya&#039;y namatay : at si Hazael ay naghari na kahalili niya . At nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel , noong si Josaphat ay hari sa Juda , ay nagpasimulang maghari si Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda . Tatlongpu&#039;t dalawang taon ang gulang nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing walong taon sa Jerusalem . At siya&#039;y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab : sapagka&#039;t ang anak ni Achab ay kaniyang asawa : at siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon . Gayon ma&#039;y hindi giniba ng Panginoon ang Juda , dahil kay David na kaniyang lingkod gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man . Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na humiwalay sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Juda , at naghalal sila ng hari sa kanila . Nang magkagayo&#039;y nagdaan si Joram sa Seir , at ang lahat niyang mga karo na kasama niya : at siya&#039;y bumangon sa gabi , at sinaktan ang mga Edomeo na kumubkob sa kaniya , at ang mga punong kawal ng mga karo ; at ang bayan ay tumakas sa kanilang mga tolda . Sa gayo&#039;y nanghimagsik ang Edom sa kamay ng Juda , hanggang sa araw na ito . Nang magkagayo&#039;y nanghimagsik ang Libna nang panahon ding yaon . At ang iba sa mga gawa ni Joram , at ang lahat niyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikalabing dalawang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda . May dalawangpu&#039;t dalawang taon si Ochozias nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing isang taon sa Jerusalem . At ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri na hari sa Israel . At siya&#039;y lumakad ng lakad ng sangbahayan ni Achab ; at gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab : sapagka&#039;t siya&#039;y manugang sa sangbahayan ni Achab . At siya&#039;y yumaong kasama ni Joram na anak ni Achab upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad : at sinugatan ng mga taga Siria si Joram . At ang haring Joram ay bumalik upang magpagaling sa Jezreel , ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria sa Ramoth nang siya&#039;y lumaban kay Hazael na hari sa Siria . At si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel , sapagka&#039;t siya&#039;y nasugatan . At tinawag ni Eliseo na propeta ang isa sa mga anak ng mga propeta at nagsabi sa kaniya , Bigkisan mo ang iyong mga balakang , at hawakan mo ang sisidlang ito ng langis sa iyong kamay , at pumaroon ka sa Ramoth-galaad . At pagdating mo roon , hanapin mo roon si Jehu na anak ni Josaphat na anak ni Nimsi , at iyong pasukin at patayuin mo sa gitna ng kaniyang mga kapatid , at dalhin mo siya sa isang silid sa loob . Kung magkagayo&#039;y kunin mo ang sisidlan ng langis , at ibuhos mo sa kaniyang ulo , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Pinahiran kita upang maging hari sa Israel . Kung magkagayo&#039;y buksan mo ang pintuan , at ikaw ay tumakas at huwag kang maghintay . Sa gayon ang binata , sa makatuwid baga&#039;y ang binatang propeta , ay naparoon sa Ramoth-galaad . At nang siya&#039;y dumating , narito ; ang mga punong kawal ng hukbo ay nangakaupo : at kaniyang sinabi , Ako&#039;y may isang sadya sa iyo , Oh punong kawal . At sinabi ni Jehu , Sa alin sa aming lahat ? At kaniyang sinabi , Sa iyo , Oh punong kawal . At siya&#039;y tumindig at pumasok sa bahay , at kaniyang ibinuhos ang langis sa kaniyang ulo , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel . Aking pinahiran ka upang maging hari sa bayan ng Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y sa Israel . At iyong sasaktan ang sangbahayan ni Achab na iyong panginoon , upang aking ipaghiganti ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta , at ang dugo ng lahat na lingkod ng Panginoon sa kamay ni Jezabel . Sapagka&#039;t ang buong sangbahayan ni Achab ay malilipol : at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa&#039;t batang lalake , at ang nakulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel . At aking gagawin ang sangbahayan ni Achab na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat , at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia . At lalapain ng mga aso si Jezabel sa putol ng lupa ni Jezreel , at walang maglilibing sa kaniya . At kaniyang binuksan ang pintuan , at tumakas . Nang magkagayon , nilabas ni Jehu ang mga lingkod ng kaniyang panginoon : at sinabi ng isa sa kaniya , Lahat ba&#039;y mabuti ? bakit naparito ang ulol na taong ito sa iyo ? At sinabi niya sa kanila , Inyong kilala ang lalake at ang kaniyang pananalita . At kanilang sinabi , Kabulaanan nga ; saysayin mo sa amin ngayon . At kaniyang sinabi , Ganito&#039;t ganito ang sinalita niya sa akin , na sinasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon : Pinahiran kita ng langis upang maging hari sa Israel . Nang magkagayo&#039;y sila&#039;y nangagmadali , at kinuha ng bawa&#039;t isa ang kaniyang kasuutan , at inilagay sa ilalim niya sa ibabaw ng hagdan , at humihip ng pakakak , na nagsasabi , Si Jehu ay hari . Ganito , si Jehu na anak ni Josaphat , na anak ni Nimsi , nanghimagsik laban kay Joram . ( Iningatan nga ni Joram ang Ramoth-galaad niya at ng buong Israel , dahil kay Hazael na hari sa Siria ; Nguni&#039;t bumalik ang haring Joram upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria , nang siya&#039;y lumaban kay Hazael na hari sa Siria . ) At sinabi ni Jehu , Kung ito ang inyong isipan , huwag tumanan ang sinoman at lumabas sa bayan , upang yumaon na saysayin sa Jezreel . Sa gayo&#039;y sumakay si Jehu sa karo at naparoon sa Jezreel ; sapagka&#039;t si Joram ay nahihiga roon . At si Ochozias na hari sa Juda ay bumaba upang tingnan si Joram . Ang tagatanod nga ay tumayo sa moog sa Jezreel , at kaniyang tinanaw ang pulutong ni Jehu habang dumarating siya , at nagsabi , Ako&#039;y nakakakita ng isang pulutong . At sinabi ni Joram , Kumuha ka ng isang mangangabayo , at iyong suguin na salubungin sila , at magsabi , Kapayapaan ba ? Sa gayo&#039;y naparoon ang isa na nangangabayo na sinalubong siya , at nagsabi , Ganito ang sabi ng hari , Kapayapaan ba ? At sinabi ni Jehu , Anong ipakikialam mo sa kapayapaan ? bumalik kang kasunod ko . At isinaysay ng tagatanod , na sinasabi , Ang sugo ay dumating sa kanila , nguni&#039;t siya&#039;y hindi bumabalik . Nang magkagayo&#039;y nagsugo ng ikalawa na nangangabayo na dumating sa kanila , at nagsabi , Ganito ang sabi ng hari , Kapayapaan ba ? At sumagot si Jehu , Ano ang iyong ipakikialam sa kapayapaan ? bumalik kang kasunod ko . At isinaysay ng tagatanod , na sinasabi , Siya&#039;y dumating hanggang sa kanila , at hindi bumabalik : at ang pagpapatakbo ay gaya ng pagpapatakbo ni Jehu , na anak ni Nimsi ; sapagka&#039;t siya&#039;y nagpapatakbo na magilas . At sinabi ni Joram , Magsingkaw . At kanilang isiningkaw ang kaniyang karo . At si Joram na hari sa Israel at si Ochozias na hari sa Juda ay nagsilabas , bawa&#039;t isa sa kaniyang karo , at sila&#039;y nagsilabas upang salubungin si Jehu , at nasumpungan nila siya sa putol ng lupa ni Naboth na Jezreelita . At nangyari , nang makita ni Joram si Jehu , na kaniyang sinabi , Kapayapaan ba Jehu ? At siya&#039;y sumagot . Anong kapayapaan , habang ang mga pakikiapid ng iyong inang si Jezabel at ang kaniyang panggagaway ay totoong lumalala ? At ipinihit ni Joram ang kaniyang mga kamay , at tumakas , at nagsabi kay Ochozias . May paglililo , Oh Ochozias . At binunot ni Jehu ang kaniyang busog ng kaniyang buong lakas , at sinaktan si Joram sa pagitan ng kaniyang mga balikat , at ang pana ay lumagpas sa kaniyang puso , at siya&#039;y nabuwal sa kaniyang karo . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Jehu kay Bidkar na kaniyang punong kawal : Itaas mo , at ihagis mo sa bahagi ng bukid ni Naboth na Jezreelita : sapagka&#039;t alalahanin mo kung paanong ako&#039;t ikaw ay sumakay na magkasama na kasunod ni Achab na kaniyang ama , na ipinasan ng Panginoon ang pasang ito sa kaniya ; Tunay na aking nakita kahapon ang dugo ni Naboth , at ang dugo ng kaniyang mga anak , sabi ng Panginoon ; at aking sisiyasatin sa iyo sa panig na ito , sabi ng Panginoon . Ngayon nga&#039;y kunin mo , at ihagis mo sa panig ng lupa , ayon sa salita ng Panginoon . Nguni&#039;t nang makita ito ni Ochozias na hari sa Juda , siya&#039;y tumakas sa daan ng bahay sa halamanan . At si Jehu ay sumunod sa kaniya , at nagsabi , Saktan mo rin siya sa karo : at sinaktan nila siya sa ahunan sa Gur , na nasa siping ng Ibleam . At siya&#039;y tumakas na napatungo sa Megiddo , at namatay roon . At dinala siya ng kaniyang mga lingkod sa isang karo sa Jerusalem , at inilibing siya sa kaniyang libingan na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David . At nang ikalabing isang taon ni Joram na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari si Ochozias sa Juda . At nang si Jehu ay dumating sa Jezreel nabalitaan ni Jezabel ; at kaniyang kinulayan ang kaniyang mga mata , at ginayakan ang kaniyang ulo , at dumungaw sa dungawan . At samantalang si Jehu ay pumapasok sa pintuang-bayan , kaniyang sinabi , Kapayapaan ba ikaw Zimri , ikaw na mamamatay sa iyong Panginoon ? At kaniyang itiningala ang kaniyang mukha sa dungawan , at nagsabi , Sino ang sa ganang akin ? sino ? At dinungaw siya ng dalawa o tatlong bating . At kaniyang sinabi , Ibagsak ninyo siya . Sa gayo&#039;y ibinagsak nila siya : at ang iba sa kaniyang dugo ay pumilansik sa pader , at sa mga kabayo : at siya&#039;y kaniyang niyapakan ng paa . At pagkapasok niya , siya&#039;y kumain at uminom ; at kaniyang sinabi , Tingnan ninyo ngayon ang sinumpang babaing ito , at ilibing ninyo siya : sapagka&#039;t anak ng hari . At sila&#039;y nagsiyaon upang ilibing siya : nguni&#039;t wala na silang nasumpungan sa kaniya kundi ang bungo , at ang mga paa , at ang mga palad ng kaniyang mga kamay . Kaya&#039;t sila&#039;y nagsibalik , at isinaysay sa kaniya . At kaniyang sinabi , Ito ang salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias na Thisbita , na sinasabi , Sa bahagi ng Jezreel kakanin ng mga aso ang laman ni Jezabel : At ang bangkay ni Jezabel ay magiging gaya ng dumi na itinapon sa ibabaw ng bukid sa bahagi ng Jezreel ; na anopa&#039;t hindi nila sasabihin , Ito&#039;y si Jezabel . Si Achab nga&#039;y may pitong pung anak sa Samaria . At sumulat si Jehu ng mga sulat , at ipinadala sa Samaria , sa mga pinuno sa Jezreel , sa makatuwid baga&#039;y sa mga matanda , at sa kanila na tagapagalaga sa mga anak ni Achab , na nagsasabi , At pagdating nga ng sulat na ito sa inyo , sa paraang ang mga anak ng inyong panginoon ay kasama ninyo , at mayroon kayong mga karo at mga kabayo , at bayan na nakukutaan naman , at sakbat ; Piliin ninyo ang pinaka mainam at ang pinaka marapat sa mga anak ng inyong panginoon , at iupo ninyo sa luklukan ng kaniyang ama , at ipakipaglaban ang sangbahayan ng inyong panginoon . Nguni&#039;t sila&#039;y natakot na mainam , at nagsabi , Narito , ang dalawang hari ay hindi nagsitayo sa harap niya : paano ngang tayo&#039;y tatayo ? At ang katiwala , at ang tagapamahala ng bayan , gayon din ang mga matanda , at ang mga tagapagalaga sa mga bata , ay nagsipagsugo kay Jehu , na nagsisipagsabi , Kami ay iyong mga lingkod , at gagawin namin ang lahat na iyong iuutos sa amin ; hindi namin gagawing hari ang sinoman ; gawin mo ang mabuti sa iyong mga mata . Nang magkagayo&#039;y sumulat siya ng isang sulat na ikalawa sa kanila , na nagsasabi , Kung kayo&#039;y sasa aking siping , at kung inyong didinggin ang aking tinig , kunin ninyo ang mga ulo ng mga lalake na mga anak ng inyong panginoon , at magsiparito kayo sa akin sa Jezreel sa kinabukasan sa may ganitong panahon . Ang mga anak nga ng hari , yamang pitong pung katao ay nangasa kasamahan ng mga dakilang tao sa bayan , na nagalaga sa kanila . At nangyari , nang ang sulat ay dumating sa kanila , na kanilang kinuha ang mga anak ng hari , at pinagpapatay sila , pitongpung katao , at inilagay ang kanilang mga ulo sa mga batulang na ipinadala sa kaniya sa Jezreel . At dumating ang isang sugo , at isinaysay sa kaniya , na sinasabi , Kanilang dinala ang mga ulo ng mga anak ng hari . At kaniyang sinabi , Inyong ihanay ng dalawang bunton sa pasukan ng pintuang-bayan hanggang sa kinaumagahan . At nangyari , sa kinaumagahan , na siya&#039;y lumabas , at tumayo , at nagsabi sa buong bayan , Kayo&#039;y mga matuwid : narito , aking pinagbantaan ang aking panginoon , at pinatay siya , nguni&#039;t sinong sumakit sa lahat ng ito ? Talastasin ninyo ngayon na walang mahuhulog sa lupa sa salita ng Panginoon , na sinalita ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ni Achab : sapagka&#039;t ginawa ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias . Sa gayo&#039;y sinaktan ni Jehu ang lahat na nalabi sa sangbahayan ni Achab sa Jezreel , at ang lahat niyang dakilang tao , at ang kaniyang mga kasamasamang kaibigan , at ang kaniyang mga saserdote , hanggang sa wala siyang inilabi . At siya&#039;y nagtindig at yumaon , at naparoon sa Samaria . At samantalang siya&#039;y nasa pagupitang-bahay ng mga pastor sa daan , Ay nasalubong ni Jehu ang mga kapatid ni Ochozias na hari sa Juda , at sinabi , Sino kayo ? At sila&#039;y nagsisagot , Kami ay mga kapatid ni Ochozias : at kami ay nagsilusong upang magsibati sa mga anak ng hari at mga anak ng reina . At kaniyang sinabi , Hulihin ninyo silang buhay . At hinuli nila silang buhay , at pinatay sa hukay ng pagupitang-bahay , sa makatuwid baga&#039;y apat na pu&#039;t dalawang lalake ; hindi nagiwan ng sinoman sa kanila . At nang siya&#039;y makayaon mula roon , kaniyang nasumpungan si Jonadab na anak ni Rechab na sumasalubong sa kaniya : at kaniyang binati siya , at nagsabi sa kaniya , Ang iyo bang puso ay tapat , na gaya ng aking puso sa iyong puso ? At sumagot si Jonadab , Tapat . Kung gayon , iabot mo sa akin ang iyong kamay . At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay ; at isinampa niya siya sa loob ng karo . At kaniyang sinabi , Sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking sikap sa Panginoon . Sa gayo&#039;y kanilang pinasakay sila sa kaniyang karo . At nang siya&#039;y dumating sa Samaria , kaniyang sinaktan ang lahat na nalabi kay Achab sa Samaria , hanggang sa kaniyang naibuwal siya , ayon sa salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita kay Elias . At pinisan ni Jehu ang buong bayan , at sinabi sa kanila , Si Achab ay naglingkod kay Baal ng kaunti : nguni&#039;t si Jehu ay maglilingkod sa kaniya ng marami . Ngayon nga&#039;y tawagin ninyo sa akin ang lahat na propeta ni Baal , ang lahat niyang mananamba , at ang lahat niyang mga saserdote ; huwag may magkulang ; sapagka&#039;t mayroon akong dakilang haing gagawin kay Baal ; sinomang magkulang ay hindi mabubuhay . Nguni&#039;t ginawa ni Jehu na may katusuhan , na ang nasa ay kaniyang malipol ang mga mananamba kay Baal . At sinabi ni Jehu , Magdaos kayo ng isang dakilang kapulungan kay Baal . At kanilang itinanyag yaon . At nagsugo si Jehu sa buong Israel , at ang lahat ng mananamba kay Baal ay nagsiparoon , na anopa&#039;t walang naiwan na hindi naparoon . At sila&#039;y nagsipasok sa bahay ni Baal ; at ang bahay ni Baal ay napuno sa magkabikabilang dulo . At sinabi niya sa kaniya na katiwala sa bihisang-silid , Ilabas mo ang mga kasuutang para sa lahat na mananamba kay Baal . At nilabasan niya sila ng mga kasuutan . At si Jehu , at si Jonadab na anak ni Rechab , ay pumasok sa bahay ni Baal ; at kaniyang sinabi sa mga mananamba kay Baal , Kayo&#039;y magsihanap , at magsipagmasid kayo na huwag magkaroon sa kasamahan ninyo ng mga lingkod ng Panginoon , kundi mga mananamba kay Baal lamang . At sila&#039;y nagsipasok na nangaghandog ng mga hain at ng mga handog na susunugin . Si Jehu nga ay naghalal para sa kaniya ng walongpung lalake sa labas , at nagsabi , Kung sinoman sa mga lalake na aking dalhin sa inyong mga kamay ay makatanan ang buhay ng nagpakawala ay isasagot sa buhay niyaon . At nangyari , pagkatapos niyang makapaghandog ng mga handog na susunugin , na sinabi ni Jehu sa bantay at sa mga punong kawal , Kayo&#039;y magsipasok at inyo silang patayin ; huwag makalabas ang sinoman . At sinaktan nila sila ng talim ng tabak ; at inihagis sila sa labas ng bantay , at ng mga punong kawal , at nagsiparoon sa bayan ng bahay ni Baal . At kanilang inilabas ang mga haligi na pinakaalaala na nasa bahay ni Baal , at pinagsunog . At kanilang sinira ang haligi na pinakaalaala kay Baal , at sinira ang bahay ni Baal , at ginawang bahay na tapunan ng dumi , hanggang sa araw na ito . Ganito ibinuwal ni Jehu si Baal , sa Israel . Gayon ma&#039;y ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang pinapagkasala sa Israel , hindi mga hiniwalayan ni Jehu , sa makatuwid baga&#039;y ang pagsunod sa mga guyang ginto na nangasa Beth-el , at nangasa Dan . At sinabi ng Panginoon kay Jehu , Sapagka&#039;t ikaw ay gumawa ng mabuti sa paggawa ng matuwid sa harap ng aking mga mata , at iyong ginawa sa sangbahayan ni Achab ang ayon sa nasa aking buong puso , ang iyong mga anak sa ikaapat na lahi ay uupo sa luklukan ng Israel . Nguni&#039;t si Jehu ay hindi nagingat na lumakad sa kautusan ng Panginoon , na Dios ng Israel , ng kaniyang buong puso : siya&#039;y hindi humiwalay sa mga kasalanan ni Jeroboam , na kaniyang ipinagkasala sa Israel . Nang mga araw na yaon ay pinasimulan ng Panginoon na pinaikli ang Israel : at sinaktan sila ni Hazael sa lahat ng mga hangganan ng Israel ; Mula sa Jordan , hanggang sa silanganan , ang buong lupain ng Galaad , ang mga Gadita , at ang mga Rubenita at ang mga Manasita , mula sa Aroer , na nasa siping ng libis ng Arnon , hanggang sa Galaad at Basan . Ang iba nga sa mga gawa ni Jehu , at ang lahat niyang ginawa , at ang buo niyang kapangyarihan , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At si Jehu ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang : at inilibing nila siya sa Samaria . At si Joachaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At ang panahon na ipinaghari ni Jehu sa Israel sa Samaria ay dalawangpu&#039;t walong taon . Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay , siya&#039;y tumindig at nilipol ang lahat na lahing hari . Nguni&#039;t kinuha ni Josaba , na anak na babae ng haring Joram , na kapatid na babae ni Ochozias , si Joas na anak ni Ochozias , at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay , siya , at ang kaniyang yaya , at inilagay sila sa silid na tulugan ; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia , na anopa&#039;t siya&#039;y hindi napatay . At siya&#039;y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon : at si Athalia ay naghari sa lupain . At nang ikapitong taon , si Joiada ay nagsugo , at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin , sa mga Cariteo , at sa bantay , at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon ; at siya&#039;y nakipagtipan sa kanila , at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon , at ipinakita sa kanila ang anak ng hari ; At kaniyang iniutos sa kanila , na sinasabi , ito ang bagay na inyong gagawin : ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari ; At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa pintuang-bayan ng Sur ; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay : gayon kayo magbabantay sa bahay , at magiging hadlang . At ang dalawang pulutong ninyo , sa makatuwid baga&#039;y ang lahat na nagsilabas sa sabbath , ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari . At inyong kukulungin ang hari sa palibot , na bawa&#039;t isa&#039;y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay ; at ang pumasok sa hanay , patayin : at kayo&#039;y magsiabay sa hari pagka siya&#039;y lumalabas , at pagka siya&#039;y pumapasok . At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote : at kinuha ng bawa&#039;t lalake ang kaniyang mga lalake , yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath , at nagsiparoon kay Joiada na saserdote . At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga kalasag na naging sa haring David , na nangasa bahay ng Panginoon . At ang bantay ay tumayo , bawa&#039;t isa&#039;y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay , mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay , sa siping ng dambana at ng bahay , sa siping ng hari sa palibot . Nang magkagayo&#039;y inilabas niya ang anak ng hari , at inilagay niya ang putong sa kaniya , at binigyan siya ng patotoo ; at ginawa nila siyang hari , at pinahiran siya ng langis ; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay , at nagsipagsabi , Mabuhay ang hari . At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan , ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon . At siya&#039;y tumingin , at , narito , ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian , at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari ; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at humihip ng mga pakakak . Nang magkagayo&#039;y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan , at humiyaw Paglililo ! paglililo ! At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na nalalagay sa hukbo , at nagsabi sa kanila , Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay , at ang sumunod sa kaniya , patayin ng tabak : sapagka&#039;t sinabi ng saserdote , Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon . Sa gayo&#039;y binigyang daan nila siya , at siya&#039;y naparoon sa daan na pinapasukan ng mga kabayo sa bahay ng hari ; at doon siya pinatay . At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan , na sila&#039;y magiging bayan ng Panginoon ; gayon din sa hari at sa bayan . At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni Baal , at ibinagsak ; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam , at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana . At ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon . At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin , at ang mga Cariteo , at ang bantay , at ang buong bayan ng lupain ; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon , at nagsipagdaan sa pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari . At siya&#039;y naupo sa luklukan ng mga hari . Sa gayo&#039;y ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at ang bayan ay tahimik . At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari . Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari . Nang ikapitong taon ni Jehu ay nagpasimulang maghari si Joas : at siya&#039;y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beerseba . At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote . Gayon ma&#039;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako . At sinabi ni Joas sa mga saserdote , Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon , na karaniwang salapi , na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa&#039;t isa , at ang buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon . Kunin ng mga saserdote , ng bawa&#039;t isa sa kaniyang kakilala : at kanilang huhusayin ang mga sira ng bahay saan man makakasumpong ng anomang sira . Nguni&#039;t nangyari , nang ikadalawangpu&#039;t tatlong taon ng haring si Joas , na hindi hinusay ng mga saserdote ang mga sira ng bahay . Nang magkagayo&#039;y tinawag ng haring si Joas si Joiada na saserdote , at ang ibang mga saserdote , at sinabi sa kanila , Bakit hindi ninyo hinuhusay ang mga sira ng bahay ? ngayon nga&#039;y huwag na kayong magsikuha pa ng salapi sa inyong mga kakilala , kundi inyong ibigay para sa mga sira ng bahay . At pinayagan ng mga saserdote na huwag na silang magsikuha pa ng salapi sa bayan , o husayin man ang mga sira ng bahay . Nguni&#039;t si Joiada na saserdote ay kumuha ng isang kaban , at binutasan ang takip niyaon , at inilagay sa tabi ng dambana sa dakong kanan ng pumapasok sa bahay ng Panginoon : at isinilid doon ng mga saserdote na tagatanod-pinto ang buong salapi na dinala sa bahay ng Panginoon . At nagkagayon , nang makita nila na maraming salapi sa kaban , na ang kalihim ng hari at ang dakilang saserdote ay sumampa , at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon . At ibinigay nila ang salapi na tinimbang sa mga kamay nila na gumawa ng gawain , na siyang mga tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon ; at kanilang ibinayad sa mga anluwagi at sa mga manggagawa , na gumawa sa bahay ng Panginoon , At sa mga mangdadaras ng bato , at sa mga mananabas ng bato , at sa pagbili ng mga kahoy , at mga batong tabas upang husayin ang mga sira ng bahay ng Panginoon , at sa lahat sa magugugol sa bahay upang husayin . Nguni&#039;t walang ginawa para sa bahay ng Panginoon na mga tasang pilak , mga gunting , mga mangkok , mga pakakak , anomang mga kasangkapang ginto , o mga kasangkapang pilak , sa salapi na napasok sa bahay ng Panginoon : Sapagka&#039;t kanilang ibinigay yaon sa kanila na nagsigawa ng gawain , at ipinaghusay ng bahay ng Panginoon . Bukod dito&#039;y hindi sila nangakikipagtuos sa mga lalake , na pinagabutan nila sa kamay ng salapi upang ibigay sa nagsisigawa ng gawain : sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisigawang may pagtatapat . Ang salaping handog dahil sa pagkakasala , at ang salaping handog dahil sa kasalanan , ay hindi ipinasok sa bahay ng Panginoon : yao&#039;y sa mga saserdote nga . Nang magkagayo&#039;y si Hazael na hari sa Siria ay umahon , at lumaban sa Gath , at sinakop yaon : at itinanaw ni Hazael ang kaniyang mukha upang umahon sa Jerusalem . At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat , at ni Joram , at ni Ochozias , na kaniyang mga magulang , na mga hari sa Juda , at ang kaniyang mga itinalagang bagay , at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ng bahay ng hari , at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria : at siya&#039;y umalis sa Jerusalem . Ang iba nga sa mga gawa ni Joas , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon , at nagsipagbanta , at sinaktan si Joas sa bahay sa Millo , sa daan na palusong sa Silla . Sapagka&#039;t sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath , at ni Jozabad na anak ni Somer , na kaniyang mga lingkod , at siya&#039;y namatay ; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya . Nang ikadalawangpu&#039;t tatlong taon ni Joas na anak ni Ochozias na hari sa Juda , nagpasimulang maghari si Joachaz na anak ni Jehu sa Israel sa Samaria , at nagharing labing pitong taon . At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon , at sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel ; hindi niya hiniwalayan ang mga yaon . At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni Hazael na hari sa Siria , at sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael . At si Joachaz ay dumalangin sa Panginoon , at dininig siya ng Panginoon : sapagka&#039;t nakita niya ang kapighatian ng Israel , kung paanong inapi sila ng hari sa Siria . ( At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas , na anopa&#039;t sila&#039;y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria : at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga tolda , gaya ng dati . Gayon ma&#039;y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam , na ipinapagkasala sa Israel , kundi nilakaran nila : at nalabi ang Asera naman na Samaria ) . Sapagka&#039;t hindi siya nagiwan kay Joachaz sa mga tao liban sa limangpung nangangabayo , at sangpung karo , at sangpung libong taong lakad ; sapagka&#039;t nilipol sila ng hari sa Siria , at ginawa silang parang alabok sa giikan . Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz , at ang lahat niyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At si Joachaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang : at inilibing nila siya sa Samaria : at si Joas na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikatatlongpu&#039;t pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria , at nagharing labing anim na taon . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon ; siya&#039;y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel ; kundi kaniyang nilakaran . Ang iba nga sa mga gawa ni Joas , at ang lahat niyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda , hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang ; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan ; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel . Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay : at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel , at nagsabi , Ama ko , ama ko , ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon ! At sinabi ni Eliseo sa kaniya , Kumuha ka ng busog at mga pana : at siya&#039;y kumuha ng busog at mga pana . At sinabi niya sa hari sa Israel , Ilagay mo ang iyong kamay sa busog : at inilagay niya ang kaniyang kamay roon . At inilagay ni Eliseo ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari . At kaniyang sinabi , Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan : at binuksan niya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Eliseo , Magpahilagpos ka : at siya&#039;y nagpahilagpos . At kaniyang sinabi , Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y ang pana ng pagtatagumpay sa Siria : sapagka&#039;t iyong sasaktan ang mga taga Siria sa Aphec , hanggang sa iyong mangalipol . At kaniyang sinabi , Tangnan mo ang mga pana : at tinangnan niya ang mga yaon . At sinabi niya sa hari sa Israel , Humampas ka sa lupa : at siya&#039;y humampas na makaitlo , at tumigil . At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya , at nagsabi , Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim ; sinaktan mo nga sana ang Siria hanggang sa iyong nalipol : kaya&#039;t ngayo&#039;y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang . At namatay si Eliseo , at kanilang inilibing siya . Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon . At nangyari , samantalang kanilang inililibing ang isang lalake , na , narito , kanilang natanaw ang isang pulutong ; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo : at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo , siya&#039;y nabuhay uli , at tumayo sa kaniyang mga paa . At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz . Nguni&#039;t ang Panginoo&#039;y naawa sa kanila at nahabag sa kanila , at kaniyang pinakundanganan sila , dahil sa kaniyang tipan kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon . At si Hazael na hari sa Siria ay namatay ; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At inalis uli ni Joas na anak ni Joachaz sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael ang mga bayan na kaniyang inalis sa kamay ni Joachaz na kaniyang ama sa pakikipagdigma . Makaitlong sinaktan siya ni Joas , at binawi ang mga bayan ng Israel . Nang ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari . Siya&#039;y may dalawangpu&#039;t limang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing dalawangpu&#039;t siyam na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Joaddan na taga Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , gayon man di gaya ni David na kaniyang magulang : kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ni Joas na kaniyang ama . Gayon ma&#039;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako . At nangyari , pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay , na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama . Nguni&#039;t ang mga anak ng mga mamamatay tao ay hindi niya pinatay ; ayon doon sa nasusulat sa aklat ng kautusan ni Moises , gaya ng iniutos ng Panginoon , na sinasabi , Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak , o ang mga anak man ay papatayin dahil sa mga ama ; kundi bawa&#039;t tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan . Siya&#039;y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo sa Libis ng Asin , at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma , at pinanganlang Jocteel , hanggang sa araw na ito . Nang magkagayo&#039;y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu , na hari sa Israel , na sinasabi , Halika , tayo&#039;y magtitigan , At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda , na nagsasabi , Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa sedro na nasa Libano , na nagsasabi , Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak : at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano , at niyapakan ang dawag . Iyong tunay na sinaktan ang Edom , at pinapagmataas ka ng iyong puso : lumuwalhati ka nawa , at tumahan sa bahay : sapagka&#039;t bakit ka nakikialam sa ikasasama , upang ikaw ay mabuwal , ikaw , at ang Juda na kasama mo ? Nguni&#039;t hindi dininig ni Amasias . Sa gayo&#039;y umahon si Joas na hari sa Israel ; at siya , at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes , na ukol sa Juda . At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel ; at sila&#039;y tumakas bawa&#039;t isa sa kaniyang tolda . At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda , na anak ni Joas na anak ni Ochozias , sa Beth-semes , at naparoon sa Jerusalem , at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok , na apat na raang siko . At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak , at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari , pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria . Ang iba nga sa mga gawa ni Joas na kaniyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , at kung paanong siya&#039;y lumaban kay Amasias na hari sa Juda , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At natulog si Joas na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel ; at si Jeroboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel , na labing limang taon . Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At sila&#039;y nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem ; at siya&#039;y tumakas sa Lachis : nguni&#039;t pinasundan nila siya sa Lachis , at pinatay siya roon . At dinala nila siya na nakapatong sa mga kabayo : at siya&#039;y nalibing sa Jerusalem na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David . At kinuha ng buong bayan ng Juda si Azarias na may labing anim na taon , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias . Kaniyang itinayo ang Elath , at isinauli sa Juda pagkatapos na ang hari ay matulog na kasama ng kaniyang mga magulang . Nang ikalabing limang taon ni Amasias na Anak ni Joas na hari sa Juda , si Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari sa Samaria , at nagharing apat na pu&#039;t isang taon . At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon : hindi niya hiniwalayan ang lahat na kasalanan ni Jeroboam na Anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel . Kaniyang isinauli ang hangganan ng Israel mula sa pasukan ng Hamath hanggang sa dagat ng Araba , ayon sa salita ng Panginoon , ng Dios ng Israel , na nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Jonas na anak ni Amittai , na propeta na taga Gath-hepher . Sapagka&#039;t nakita ng Panginoon ang kapighatian ng Israel , na totoong masaklap : sapagka&#039;t walang nakulong o naiwan sa kaluwangan man , o sinomang tumulong sa Israel . At hindi sinabi ng Panginoon na kaniyang papawiin ang pangalan ng Israel mula sa silong ng langit , kundi iniligtas nila siya sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam na anak ni Joas . Ang iba nga sa mga gawa ni Jeroboam , at ang lahat na kaniyang ginawa , at ang kaniyang kapangyarihan , kung paanong siya&#039;y nakipagdigma , at kung paanong binawi niya para sa Israel ang Damasco at ang Hamath , na nangaukol sa Juda , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At si Jeroboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , sa makatuwid baga&#039;y ng mga hari sa Israel ; at si Zacharias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikadalawangpu&#039;t pitong taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Azarias na anak ni Amasias na hari sa Juda . May labing anim na taon siya nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing limangpu&#039;t dalawang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecolia na taga Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias . Gayon ma&#039;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako . At sinaktan ng Panginoon ang hari , na anopa&#039;t siya&#039;y nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan , at tumahan na bukod sa bahay . At si Jotham na anak ng hari ay nasa pamamahala ng sangbahayan na humahatol sa bayan ng lupain . Ang iba nga sa mga gawa ni Azarias , at ang lahat ng kaniyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang ; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Jotham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikatatlongpu&#039;t walong taon ni Azarias na hari sa Juda , ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang : hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel . At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya , at sinaktan siya sa harap ng bayan , at pinatay siya , at naghari na kahalili niya . Ang iba nga sa mga gawa ni Zacharias , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel . Ito ang salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita kay Jehu , na sinasabi , Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel . At gayon ang nangyari . Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu&#039;t siyam na taon ni Uzzia na hari sa Juda ; at siya&#039;y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria . At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Thirza , at naparoon sa Samaria , at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria , at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya . Ang nalabi nga sa mga gawa ni Sallum , at ang pagbabanta niya na kaniyang ginawa , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel . Nang magkagayo&#039;y sinaktan ni Manahem si Tiphsa , at ang lahat na nandoon , at ang mga hangganan niyaon , mula sa Thirza : sapagka&#039;t hindi nila siya pinabuksan , kaya&#039;t sinaktan niya ; at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka . Nang ikatatlongpu&#039;t siyam na taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Manahem na anak ni Gadi , at nagharing sangpung taon sa Samaria . At kaniyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon : siya&#039;y hindi humiwalay ng lahat niyang kaarawan sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel . Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria ; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak , upang ang kamay niya&#039;y sumakaniya , upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay . At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel , ang lahat na makapangyarihang lalake na mayaman , na bawa&#039;t lalake ay limangpung siklo na pilak upang ibigay sa hari sa Asiria . Sa gayo&#039;y ang hari sa Asiria ay bumalik , at hindi tumigil doon sa lupain . Ang iba nga sa mga gawa ni Manahem , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel ? At natulog si Manahem na kasama ng kaniyang mga magulang ; at si Pekaia na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria , at nagharing dalawang taon . At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon : hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel . At si Peka na anak ni Remalias , na kaniyang punong kawal , ay nagbanta laban sa kaniya , at sinaktan siya sa Samaria , sa castilyo ng bahay ng hari , na kasama si Argob at si Ariph ; at kasama niya&#039;y limangpung lalake na mga Galaadita : at pinatay niya siya , at naghari na kahalili niya . Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia , at ang lahat niyang ginawa , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel . Nang ikalimangpu&#039;t dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria , at nagharing dalawangpung taon . At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon : hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat , na kaniyang ipinapagkasala sa Israel . Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria , at sinakop ang Ihion , at ang Abel-bethmaacha , at ang Janoa , at ang Cedes , at ang Asor , at ang Galaad , at ang Galilea , ang buong lupain ng Nephtali ; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria . At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias , at sinaktan niya siya , at pinatay niya siya , at naghari na kahalili niya , nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia . Ang iba nga sa mga gawa ni Peka , at ang lahat niyang ginawa , narito , nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel . Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel , ay nagpasimulang maghari si Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda . Siya&#039;y may dalawangpu&#039;t limang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari , at siya&#039;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon : kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia . Gayon ma&#039;y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis : ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako . Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon . Ang iba nga sa mga gawa ni Jotham , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? Nang mga araw na yao&#039;y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si Resin na hari sa Siria , at si Peka na anak ni Remalias . At si Jotham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang : at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikalabing pitong taon ni Peka na anak ni Remalias ay nagpasimulang maghari si Achaz na anak ni Jotham na hari sa Juda . May dalawangpung taon si Achaz nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios , na gaya ni David na kaniyang magulang . Kundi siya&#039;y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel , oo , at kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel . At siya&#039;y naghain , at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako , at sa mga burol , at sa ilalim ng bawa&#039;t sariwang punong kahoy . Nang magkagayo&#039;y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma : at kanilang kinulong si Achaz , nguni&#039;t hindi nila nadaig . Nang panahong yaon ay binawi ni Resin na hari sa Siria ang Elath sa Siria at pinalayas ang mga Judio sa Elath : at ang mga taga Siria ay nagsiparoon sa Elath , at tumanan doon , hanggang sa araw na ito . Sa gayo&#039;y nagsugo si Achaz ng mga sugo kay Tiglath-pileser na hari sa Asiria , na ipinasabi , Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak : ikaw ay umahon , at iligtas mo ako sa kamay ng hari sa Siria at sa kamay ng hari sa Israel , na bumabangon laban sa akin . At kinuha ni Achaz ang pilak at ginto na nasumpungan sa bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari , at ipinadalang kaloob sa hari sa Asiria . At dininig siya ng hari sa Asiria ; at ang hari sa Asiria ay umahon laban sa Damasco , at sinakop , at dinala sa Cir ang bayan na bihag , at pinatay si Resin . At ang haring si Achaz ay naparoon sa Damasco upang salubungin si Tiglath-pileser na hari sa Asiria : at nakita ang dambana na nasa Damasco : at ipinadala ng haring si Achaz kay Urias na saserdote ang ayos ng dambana at ang anyo niyaon , ayon sa buong pagkayari niyaon . At si Urias na saserdote ay nagtayo ng isang dambana : ayon sa buong ipinadala ng haring si Achaz mula sa Damasco , gayon ginawa ni Urias na saserdote , bago dumating ang haring Achaz mula sa Damasco . At nang dumating ang hari mula sa Damasco , ay nakita ng hari ang dambana : at ang hari ay lumapit sa dambana , at naghandog doon . At kaniyang sinunog ang kaniyang handog na susunugin , at ang kaniyang handog na harina , at ibinuhos ang kaniyang inuming handog , at iniwisik ang dugo ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana . At ang dambana na tanso na nasa harap ng Panginoon ay kaniyang dinala mula sa harapan ng bahay , mula sa pagitan ng kaniyang dambana at ng bahay ng Panginoon , at inilagay sa dakong hilagaan ng kaniyang dambana . At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote , na sinasabi , Sa ibabaw ng malaking dambana , ay magsunog ka ng handog na susunugin sa umaga , at ng handog na harina sa hapon , at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina , at ng kanilang mga handog na inumin ; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin , at ang buong dugo ng hain : nguni&#039;t ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan . Ganito ang ginawa ni Urias na saserdote , ayon sa buong iniutos ng haring Achaz . At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan , at inalis sa mga yaon ang hugasan , at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyaon , at ipinatong sa isang pavimentong bato . At ang dakong natatakpan na daan sa sabbath na kanilang itinayo sa bahay , at ang pasukan ng hari na nasa labas , ibinago sa bahay ng Panginoon , dahil sa hari sa Asiria . Ang iba nga sa mga gawa ni Achaz na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda . At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikalabing dalawang taon ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimula si Oseas na anak ni Ela na maghari sa Samaria sa Israel , at nagharing siyam na taon . At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon , bagaman hindi gaya ng mga hari sa Israel na mga una sa kaniya . Laban sa kaniya ay umahon si Salmanasar na hari sa Asiria ; at si Oseas ay naging kaniyang lingkod , at dinalhan siya ng mga kaloob . At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta ; sapagka&#039;t siya&#039;y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto , at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria , na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon ; kaya&#039;t kinulong siya ng hari sa Asiria , at ipinangaw siya sa bilangguan . Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain , at umahon sa Samaria , at kinulong na tatlong taon . Nang ikasiyam na taon ni Oseas , sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria , at dinala ang Israel sa Asiria , at inilagay sila sa Hala , at sa Habor , sa ilog ng Gozan , at sa mga bayan ng mga Medo . At nagkagayon , sapagka&#039;t ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios , na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto , mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto , at sila&#039;y natakot sa ibang mga dios . At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel , at ng mga hari ng Israel , na kanilang ginawa . At ang mga anak ni Israel ay nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios , at sila&#039;y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan . At sila&#039;y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga Asera sa bawa&#039;t mataas na burol , at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy ; At doo&#039;y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako , gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila ; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit ; At sila&#039;y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan , na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon , Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito . Gayon ma&#039;y tumutol ang Panginoon sa Israel , at sa Juda , sa pamamagitan ng bawa&#039;t propeta , at ng bawa&#039;t tagakita , na sinasabi , Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad , at ingatan ninyo ang aking mga utos , at ang aking mga palatuntunan , ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang , at aking ipinadala sa inyo , sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta . Gayon ma&#039;y hindi nila dininig , kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo , na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang , na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios . At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan , at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang , at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila ; at sila&#039;y nagsisunod sa walang kabuluhan , at naging walang kabuluhan , at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila , ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon . At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios , at nagsigawa ng mga larawang binubo , sa makatuwid baga&#039;y ng dalawang guya , at nagsigawa ng isang Asera , at sinamba ang buong natatanaw sa langit , at nagsipaglingkod kay Baal . At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy , at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway , at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin siya sa galit . Kaya&#039;t ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel , at inalis sila sa kaniyang paningin : walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang . Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios , kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa . At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel , at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin . Sapagka&#039;t kaniyang inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David , at kanilang ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat : at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan . At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa ; hindi nila hiniwalayan ; Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin , gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta . Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain , hanggang sa araw na ito . At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia , at sa Cutha , at sa Ava , at sa Hamath at sa Sepharvaim , at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel : at kanilang inari ang Samaria , at nagsitahan sa mga bayan niyaon . At nagkagayon , sa pasimula ng kanilang pagtahan doon , na hindi sila nangatakot sa Panginoon : kaya&#039;t ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila , na pinatay ang ilan sa kanila . Kaya&#039;t kanilang sinalita sa hari sa Asiria , na sinasabi , Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria , hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain ; kaya&#039;t siya&#039;y nagsugo ng mga leon sa gitna nila , at , narito , pinatay sila , sapagka&#039;t hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain . Nang magkagayo&#039;y nagutos ang hari sa Asiria , na nagsasabi , Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon ; at inyong payaunin at patahanin doon , at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain . Sa gayo&#039;y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa Beth-el , at tinuruan sila kung paanong sila&#039;y marapat na matakot sa Panginoon . Gayon ma&#039;y bawa&#039;t bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili , at ipinaglalagay sa mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano , na bawa&#039;t bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan . At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth , at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal , at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima , At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac , at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa Adrammelech at sa Anammelech , na mga dios ng Sefarvaim . Sa gayo&#039;y nangatakot sila sa Panginoon , at nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako , na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay , na nangasa mga mataas na dako . Sila&#039;y nangatakot sa Panginoon , at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios , ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila . Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan : sila&#039;y hindi nangatatakot sa Panginoon , o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan , o ayon sa kanilang mga ayos , o ayon sa kautusan , o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob , na kaniyang pinanganlang Israel , Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon , at pinagbilinan na sinasabi , Kayo&#039;y huwag mangatatakot sa ibang mga dios , o nagsisiyukod man sa kanila , o magsisipaglingkod man sa kanila , o magsisipaghain man sa kanila : Kundi ang Panginoon , na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay , siya ninyong katatakutan , at sa kaniya kayo magsisiyukod , at sa kaniya kayo magsisipaghain . At ang mga palatuntunan , at ang mga ayos , at ang kautusan , at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man ; at kayo&#039;y huwag mangatatakot sa ibang mga dios : At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo , huwag ninyong kalilimutan ; ni mangatatakot man kayo sa ibang mga dios : Nguni&#039;t sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo ; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway . Gayon ma&#039;y hindi nila dininig , kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan . Sa gayo&#039;y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon , at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan ; ang kanilang mga anak ay gayon din , at ang mga anak ng kanilang mga anak , kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito . Nangyari nga , nang ikatlong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel , na si Ezechias na anak ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari . May dalawangpu&#039;t limang taon siya nang magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing dalawangpu&#039;t siyam na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abi na anak ni Zacharias . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang . Kaniyang inalis ang mga mataas na dako , at sinira ang mga haligi , at ibinagsak ang mga Asera : at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises ; sapagka&#039;t hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel ; at pinanganlang Nehustan . Siya&#039;y tumiwala sa Panginoon , na Dios ng Israel ; na anopa&#039;t nang mamatay siya ay walang naging gaya niya sa lahat ng hari sa Juda , o sa nangauna man sa kaniya . Sapagka&#039;t siya&#039;y lumakip sa Panginoon ; siya&#039;y hindi humiwalay ng pagsunod sa kaniya , kundi iningatan ang kaniyang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises . At ang Panginoon ay sumasa kaniya ; saan man siya lumabas ay gumiginhawa siya ; at siya&#039;y nanghimagsik laban sa hari sa Asiria , at hindi niya pinaglingkuran . Kaniyang sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa Gaza , at ang mga hangganan niyaon , mula sa moog ng bantay hanggang sa bayang nakukutaan . At nangyari , nang ikaapat na taon ng haring Ezechias , na siyang ikapitong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel , na si Salmanasar na hari sa Asiria ay umahon laban sa Samaria , at kinubkob niya . At sa katapusan ng tatlong taon ay kanilang sinakop : sa makatuwid baga&#039;y nang ikaanim na taon ni Ezechias , na siyang ikasiyam na taon ni Oseas na hari sa Israel , ang Samaria ay sinakop . At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria , at inilagay sa Hala , at sa Habor , sa ilog ng Gozan , at sa mga bayan ng mga Medo : Sapagka&#039;t hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon nilang Dios , kundi kanilang sinalangsang ang kaniyang tipan , ang lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon , at hindi dininig o ginawa man . Nang ikalabing apat na taon nga ng haring Ezechias ay umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda , at pinagsakop . At si Ezechias na hari sa Juda ay nagsugo sa hari sa Asiria sa Lachis , na nagsasabi , Ako&#039;y nagkasala ; talikdan mo ako : ang iyong ipabayad sa akin ay aking babayaran . At siningil ng hari sa Asiria si Ezechias na hari sa Juda ng tatlong daang talentong pilak at tatlong pung talentong ginto . At ibinigay ni Ezechias ang lahat na pilak na nasumpungan sa bahay ng Panginoon , at sa mga kayamanan ng bahay ng hari . Nang panahong yaon ay inihiwalay ni Ezechias ang ginto sa mga pintuan ng templo ng Panginoon , at sa mga haligi na binalutan ni Ezechias na hari sa Juda , at ibinigay sa hari sa Asiria . At sinugo ng hari sa Asiria si Thartan at si Rab-saris , at si Rabsaces , sa haring kay Ezechias na mula sa Lachis na may malaking hukbo sa Jerusalem . At sila&#039;y nagsiahon at nagsiparoon sa Jerusalem . At nang sila&#039;y mangakaahon , sila&#039;y nagsiparoon at nagsitayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng mataas na tipunan ng tubig na nasa lansangan sa parang ng tagapagpaputi ng kayo . At nang matawag na nila ang hari , ay nilabas sila ni Eliacim na anak ni Hilcias , na siyang katiwala ng bahay , at ni Sebna na kalihim , at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni . At sinabi ni Rabsaces sa kanila , Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias , Ganito ang sabi ng dakilang hari , ng hari sa Asiria , Anong pagasa ito sa iyong tinitiwalaan ? Iyong sinasabi ( nguni&#039;t mga salitang walang kabuluhan lamang ) May payo at kalakasan sa pakikipagdigma . Ngayon , kanino ka tumitiwala , na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin ? Ngayon , narito , ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na kahoy na lapok , sa makatuwid baga&#039;y sa Egipto ; na kung sinoman ay sumandal , ay tutuhog sa kaniyang kamay , at palalagpasan : gayon si Faraon na hari sa Egipto sa lahat na tumitiwala sa kaniya . Nguni&#039;t kung inyong sabihin sa akin : Kami ay tumitiwala sa Panginoon naming Dios : hindi ba siya&#039;y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako , at ng mga dambana , at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem , Kayo&#039;y magsisisamba sa harap ng dambanang ito sa Jerusalem ? Isinasamo ko nga ngayon sa iyo na magbigay ka ng mga sangla sa aking panginoon na hari sa Asiria , at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo , kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mangangabayo sa mga yaon . Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang punong kawal sa pinaka mababa sa mga lingkod ng aking panginoon , at iyong ilalagak ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at sa mga mangangabayo ? Ako ba&#039;y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa dakong ito upang lipulin ? Sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito , at iyong lipulin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Eliacim na anak ni Hilcias , at si Sebna , at ni Joah , kay Rabsaces . Isinasamo ko sa iyo na magsalita ka sa iyong mga lingkod ng wikang Siria ; sapagka&#039;t aming naiintindihan yaon ; at huwag kang magsalita sa amin ng wikang Judio , sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta . Nguni&#039;t sinabi ni Rabsaces sa kanila , Sinugo ba ako ng aking panginoon sa iyong panginoon , at sa iyo , upang salitain ang mga salitang ito ? di ba niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta , upang magsikain ng kanilang sariling dumi , at upang magsiinom ng kanilang sariling ihi na kasalo ninyo ? Nang magkagayo&#039;y si Rabsaces ay tumayo at sumigaw ng malakas sa wikang Judio , at nagsalita , na sinasabi , Dinggin ninyo ang salita ng dakilang hari , ng hari sa Asiria . Ganito ang sabi ng hari , Huwag kayong dayain ni Ezechias ; sapagka&#039;t hindi niya kayo maililigtas sa kaniyang kamay . Ni patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon , na sabihin , Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon , at ang bayang ito ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria . Huwag ninyong dinggin si Ezechias : sapagka&#039;t ganito ang sabi ng hari sa Asiria , Makipagpayapaan kayo sa akin , at labasin ninyo ako ; at kumain ang bawa&#039;t isa sa inyo ng bunga ng kaniyang puno ng ubas , at ang bawa&#039;t isa ng bunga ng kaniyang puno ng igos , at uminom ang bawa&#039;t isa sa inyo ng tubig ng kaniyang sariling balon ; Hanggang sa ako&#039;y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain , na lupain ng trigo at ng alak , na lupain ng tinapay at ng mga ubasan , na lupain ng langis na olibo at ng pulot , upang kayo&#039;y mangabuhay , at huwag mangamatay : at huwag ninyong dinggin si Ezechias , pagka kayo&#039;y hinihikayat niya , na sinasabi , Ililigtas tayo ng Panginoon . Nagligtas ba kailan man ang sinoman sa mga dios sa mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria ? Saan nandoon ang mga dios ng Hamath , at ng Arphad ? Saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim , ng Hena , at ng Hiva ? Iniligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay ? Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupain , ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay , na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay ? Nguni&#039;t ang bayan ay tumahimik , at hindi sumagot ng kahit isang salita : sapagka&#039;t utos ng hari , na sinasabi , Huwag ninyong sagutin siya . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias , na siyang katiwala sa sangbahayan , at si Sebna na kalihim , at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni , kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak , at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces . At nangyari , nang mabalitaan ng haring Ezechias , ay hinapak niya ang kaniyang mga suot , at nagbalot ng kayong magaspang , at pumasok sa bahay ng Panginoon . At kaniyang sinugo si Eliacim , na katiwala sa bahay , at si Sebna na kalihim , at ang mga matanda sa mga saserdote na may mga balot na kayong magaspang , kay Isaias na propeta na anak ni Amos . At sinabi nila sa kaniya , Ganito ang sabi ni Ezechias , Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan , at ng pagsaway , at ng pagkutya : sapagka&#039;t ang mga anak ay nagsidating sa kapanganakan , at walang kalakasang ilabas . Marahil ay didinggin ng Panginoon mong Dios ang lahat ng mga salita ni Rabsaces na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios , at sasansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios : kaya&#039;t idalangin mo ang labis na natitira . Sa gayo&#039;y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay nagsiparoon kay Isaias . At sinabi ni Isaias sa kanila , Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon , Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig , na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria . Narito , ako&#039;y maglalagay ng isang espiritu sa kaniya , at siya&#039;y makakarinig ng kaingay , at babalik sa kaniyang sariling lupain ; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain . Sa gayo&#039;y bumalik si Rabsaces , at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna : sapagka&#039;t nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis . At ng kaniyang marinig na sabihin ang tungkol kay Thiraca na hari sa Ethiopia , Narito , siya&#039;y lumabas upang lumaban sa iyo , siya&#039;y nagsugo ng mga sugo uli kay Ezechias , na sinasabi , Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda , na sasabihin , Huwag kang dayain ng Dios na iyong tinitiwalaan na sabihin , Ang Jerusalem ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria . Narito , nabalitaan mo ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain , sa paglipol na lubos sa kanila : at maliligtas ka ba ? Iniligtas ba sila ng mga dios ng mga bansa na nilipol ng aking mga magulang , gaya ng Gozan , at ng Haran , at ng Reseph , at ng mga anak ni Eden na nangasa Thalasar ? Saan nandoon ang hari sa Hamath , at ang hari sa Arphad , at ang hari sa bayan ng Sepharvaim , ng Hena , at ng Hiva ? At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo , at binasa ; at pumanhik si Ezechias sa bahay ng Panginoon , at iniladlad sa harap ng Panginoon . At si Ezechias ay dumalangin sa harap ng Panginoon at nagsabi , Oh Panginoon , na Dios ng Israel na nauupo sa mga querubin , ikaw ang Dios , ikaw lamang sa lahat ng kaharian sa lupa ; ikaw ang lumikha ng langit at lupa . Ikiling mo ang iyong pakinig , Oh Panginoon , at iyong dinggin ; idilat mo ang iyong mga mata , Oh Panginoon , at tumingin ka : at dinggin mo ang mga salita ni Sennacherib , na kaniyang ipinasugo upang ipanungayaw sa buhay na Dios . Sa katotohanan , Panginoon , sinira ng mga hari sa Asiria ang mga bansa , at ang kanilang mga lupain , At inihagis ang kanilang mga dios sa apoy : sapagka&#039;t sila&#039;y hindi mga dios , kundi gawa ng mga kamay ng mga tao , na kahoy at bato ; kaya&#039;t kanilang nilipol ang mga yaon . Ngayon nga , Oh Panginoon naming Dios , iligtas mo kami , isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay , upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Dios , ikaw lamang . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria , dininig kita . Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya . Niwalang kabuluhan ka ng anak na dalaga ng Sion at tinatawanan ka , ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw ang kaniyang ulo sa iyo . Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw ? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas ? sa makatuwid baga&#039;y laban sa Isang Banal ng Israel . Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon , at sinabi mo , Sa karamihan ng aking mga karo ako&#039;y nakaahon sa kataasan ng mga bundok , sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano ; at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon , at ang mga piling puno ng abeto niyaon : at ako&#039;y papasok sa kaniyang pinaka malayong tuluyan , sa gubat ng kaniyang mabungang bukid . Ako&#039;y humukay at uminom ng tubig ng iba , at aking tutuyuin ang lahat na ilog ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa . Hindi mo ba nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na , at aking iniakma ng una ? ngayo&#039;y aking pinapangyari , upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton . Kaya&#039;t ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan , sila&#039;y nanganglupaypay at nangatulig ; sila&#039;y gaya ng damo sa bukid , at ng sariwang gugulayin , na gaya ng damo sa mga bubungan , at gaya ng trigo na lanta bago nakalaki . Nguni&#039;t talastas ko ang iyong pagupo , at ang iyong paglabas , at ang iyong pagpasok , at ang iyong pag-iinit laban sa akin . Dahil sa iyong galit laban sa akin , at dahil sa iyong kagilasan ay dumating sa aking mga pakinig , kaya&#039;t aking ikakawit ang aking taga sa iyong ilong , at ang aking paningkaw sa iyong mga labi , at ibabalik kita sa daan na iyong pinanggalingan . At ito ang magiging tanda sa iyo : ikaw ay kakain sa taong ito ng tumutubo sa sarili , at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon ; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo , at umani , at mag-ubasan , at kanin ninyo ang bunga niyaon . At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay maguugat uli sa ilalim , at magbubunga sa itaas , Sapagka&#039;t sa Jerusalem ay lalabas ang isang nalabi , at sa bundok ng Sion ay silang magtatanan : gaganapin ito ng sikap ng Panginoon . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , tungkol sa hari sa Asiria . Siya&#039;y hindi paririto sa bayang ito , o magpapahilagpos man ng pana riyan , ni haharap man siya riyan na may kalasag , o maghahagis man ng bunton laban doon . Sa daang kaniyang pinanggalingan , doon din siya babalik , at hindi siya darating sa bayang ito , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas , dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David . At nangyari , nang gabing yaon , na ang anghel ng Panginoon ay lumabas , at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang daan at walong pu&#039;t limang libo : at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan , narito , silang lahat ay mga bangkay . Sa gayo&#039;y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria , at yumaon , at bumalik , at tumahan sa Ninive . At nangyari , nang siya&#039;y sumamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios , na sinugatan siya ng tabak ni Adramelech , at ni Saresar : at sila&#039;y nagsitanan na patungo sa lupain ng Ararat . At si Esar-hadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias . At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ayusin mo ang iyong bahay ; sapagka&#039;t ikaw ay mamamatay , at hindi mabubuhay . Nang magkagayo&#039;y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay , at nanalangin sa Panginoon , na nagsasabi , Idinadalangin ko sa iyo , Oh Panginoon , na iyong alalahanin , kung paanong ako&#039;y lumakad sa harap mo sa katotohanan , at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin . At si Ezechias ay umiyak na mainam . At nangyari , bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya , na nagsasabi , Bumalik ka uli , at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan . Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang , Aking narinig ang iyong panalangin , aking nakita ang iyong mga luha : narito , aking pagagalingin ka : sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon . At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon ; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria ; at aking ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin , at dahil sa aking lingkod na si David . At sinabi ni Isaias , Kayo&#039;y magsikuha ng isang binilong igos . At kinuha nila at itinapal sa bukol at siya&#039;y gumaling . At sinabi ni Ezechias kay Isaias , Ano ang magiging tanda na ako&#039;y pagagalingin ng Panginoon , at ako&#039;y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw ? At sinabi ni Isaias , Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon , na gagawin ng Panginoon ang bagay na kaniyang sinalita : magpapauna ba ang anino ng sangpung grado , o magpapahuli ng sangpung grado ? At sumagot si Ezechias , Magaang bagay sa anino na kumiling ng sangpung grado : hindi , kundi pahulihin ang anino ng sangpung grado . At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon : at kaniyang pinapagpahuli ang anino ng sangpung grado , na nakababa na sa orasan ni Achaz . Nang panahong yaon ay si Berodach-baladan , na anak ni Baladan , na hari sa Babilonia , ay nagpadala ng mga sulat at ng kaloob kay Ezechias : sapagka&#039;t kaniyang nabalitaan na si Ezechias ay nagkasakit . At dininig ni Ezechias sila , at ipinakita sa kanila ang buong bahay ng kaniyang mahalagang mga bagay , ang pilak , at ang ginto , at ang mga espesia , at ang mahalagang langis , at ang bahay na taguan ng kaniyang sandata , at ang lahat na nasusumpungan sa mga kayamanan niya : walang anoman sa kaniyang bahay , o sa buong kaniyang sakop , na hindi ipinakita sa kanila ni Ezechias . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Isaias na propeta sa haring Ezechias , at nagsabi sa kaniya , Anong sinasabi ng mga lalaking ito ? at saan nagsipanggaling na napasa iyo ? At sinabi ni Ezechias , Sila&#039;y nagsipanggaling sa malayong lupain , sa makatuwid baga&#039;y sa Babilonia . At kaniyang sinabi , Anong kanilang nakita sa iyong bahay ? At sumagot si Ezechias . Lahat na nasa aking bahay ay kanilang nakita : walang anomang bagay na nasa aking mga kayamanan na di ko ipinakita sa kanila . At sinabi ni Isaias kay Ezechias , Dinggin mo ang salita ng Panginoon . Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , na ang lahat na nangasa iyong bahay , at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito , ay dadalhin sa Babilonia : walang maiiwan , sabi ng Panginoon . At ang ilan sa iyong mga anak na magmumula sa iyo na iyong ipanganganak , sila&#039;y dadalhin ; at sila&#039;y magiging bating sa bahay ng hari sa Babilonia . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Ezechias kay Isaias , Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita . Kaniyang sinabi , bukod dito , Hindi ba , kung magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan ? Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias , at ang buo niyang kapangyarihan , at kung paano niyang ginawa ang tipunan ng tubig , at ang padaluyan , at nagdala ng tubig sa bayan , hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At natulog si Ezechias na kasama ng kaniyang mga magulang : at si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Manases ay may labing dalawang taon nang magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing limangpu&#039;t limang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hepsi-ba . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel . Sapagka&#039;t kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama ; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal , at gumawa ng Asera , gaya ng ginawa ni Achab na hari sa Israel , at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit , at naglingkod sa kanila . At siya&#039;y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon , na pinagsabihan ng Panginoon , Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan . At kaniyang ipinagtayo ng mga dambana ang lahat na natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon . At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy , at nagpamahiin , at nagsanay ng panghuhula , at nakipagsanggunian sa masamang espiritu , at sa mga mahiko : siya&#039;y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin niya siya sa galit . At siya&#039;y naglagay ng larawang inanyuan na Asera , na kaniyang ginawa , sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon kay David , at kay Salomon na kaniyang anak , Sa bahay na ito , at sa Jerusalem , na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel , aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man . At hindi ko na pagagalain pa ang mga paa ng Israel sa labas ng lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang , kung kanila lamang tutuparing gawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa kanila , at ayon sa buong kautusan na iniutos sa kanila ng aking lingkod na si Moises . Nguni&#039;t hindi nila dininig : at hinikayat sila ni Manases na gumawa ng lalong masama kay sa ginawa ng mga bansa , na pinaglipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel . At ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta , na nagsasabi , Sapagka&#039;t ginawa ni Manases na hari sa Juda ang mga karumaldumal na ito , at gumawa ng kasamaan na higit kay sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo , na una sa kaniya , at ipinapagkasala sa Juda naman sa pamamagitan ng kaniyang mga diosdiosan : Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Narito , aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda , na sinomang makabalita ay magpapanting ang dalawang tainga . At aking paaabutin sa Jerusalem ang pising panukat ng Samaria , at ang pabato ng bahay ni Achab : at aking lilinisin ang Jerusalem gaya ng paglilinis ng isang tao ng isang pinggan , na nililinis at itinataob . At aking ihihiwalay ang nalabi sa aking mana , at aking ibibigay sa kamay ng kanilang mga kaaway : at sila&#039;y magiging bihag at samsam sa lahat nilang kaaway . Sapagka&#039;t gumawa sila ng masama sa aking paningin at minungkahi nila ako sa galit , mula nang araw na ang kanilang mga magulang ay magsilabas sa Egipto , hanggang nga sa araw na ito . Bukod dito&#039;y nagbubong mainam si Manases ng dugong walang sala , hanggang sa kaniyang napuno ang Jerusalem mula sa isang dulo hanggang sa kabila ; bukod sa kaniyang sala na kaniyang ipinapagkasala sa Juda , sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon . Ang iba nga sa mga gawa ni Manases , at ang lahat niyang ginawa , at ang sala na kaniyang ipinagkasala , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At si Manases ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing sa halamanan ng kaniyang sariling bahay , sa halamanan ng Uzza : at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Amon ay may dalawang pu&#039;t dalawang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing dalawang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Mesalemeth na anak ni Harus na taga Jotba . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama . At siya&#039;y lumakad ng buong lakad na inilakad ng kaniyang ama , at naglingkod sa mga diosdiosan na pinaglingkuran ng kaniyang ama , at sinamba niya ang mga yaon : At binayaan ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang , at hindi lumakad sa daan ng Panginoon . At ang mga lingkod ni Amon ay nagsipagbanta laban sa kaniya , at pinatay ang hari sa kaniyang sariling bahay . Nguni&#039;t pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipagbanta laban sa haring Amon ; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya . Ang iba nga sa mga gawa ni Amon na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? At siya&#039;y nalibing sa kaniyang libingan sa halamanan ng Uzza ; at si Josias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Josias ay may walong taon nang magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing tatlongpu&#039;t isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Idida na anak ni Adaia na taga Boscat . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , at lumakad sa buong lakad ni David na kaniyang magulang , at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa . At nangyari , nang ikalabing walong taon ng haring Josias , na sinugo ng hari si Saphan na anak ni Azalia , na anak ni Mesullam , na kalihim , sa bahay ng Panginoon , na sinasabi , Ahunin mo si Hilcias na dakilang saserdote , upang kaniyang bilangin ang salapi na ipinasok sa bahay ng Panginoon , na tinipon sa bayan ng tagatanod-pinto : At ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon ; at ibigay sa mga manggagawa na nangasa bahay ng Panginoon , upang husayin ang mga sira ng bahay . Sa mga anluwagi , at sa mga manggagawa , at sa mga kantero at sa pagbili ng kahoy , at ng batong tabas upang husayin ang bahay . Gayon ma&#039;y walang pagtutuos na ginawa sila sa kanila sa salapi na nabigay sa kanilang kamay ; sapagka&#039;t kanilang ginawang may pagtatapat . At si Hilcias na dakilang saserdote ay nagsabi kay Saphan na kalihim , Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon . At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan , at kaniyang binasa . At si Saphan na kalihim ay naparoon sa hari , at nagbalik ng salita sa hari , at nagsabi , Inilabas ng iyong mga lingkod ang salapi na nasumpungan sa bahay , at ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon . At isinaysay ni Saphan na kalihim , sa hari na sinasabi , Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat . At binasa ni Saphan sa harap ng hari . At nangyari , nang marinig ng hari ang mga salita ng aklat ng kautusan , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot . At ang hari ay nagutos kay Hilcias na saserdote , at kay Ahicam na anak ni Saphan , at kay Achbor na anak ni Michaia , at kay Saphan na kalihim , at kay Asaia na lingkod ng hari , na sinasabi , Kayo&#039;y magsiyaon , isangguni ninyo sa Panginoon ako , at ang bayan , at ang buong Juda , tungkol sa mga salita ng aklat na ito na nasumpungan : sapagka&#039;t malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin , sapagka&#039;t hindi dininig ng ating mga magulang ang mga salita ng aklat na ito , na gawin ang ayon sa lahat na nasusulat tungkol sa atin . Sa gayo&#039;y si Hilcias na saserdote , at si Ahicam , at si Achbor , at si Saphan , at si Asaia , ay nagsiparoon kay Hulda na propetisa , na asawa ni Sallum na anak ni Ticva na anak ni Araas , na katiwala sa mga kasuutan ( siya nga&#039;y tumatahan sa Jerusalem sa ikalawang bahagi ; ) at sila&#039;y nakipagsanggunian sa kaniya . At sinabi niya sa kanila , Ganito , ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&#039;y magdadala ng kasamaan sa dakong ito , at sa mga tagarito , sa makatuwid baga&#039;y lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda : Sapagka&#039;t kanilang pinabayaan ako , at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios , upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay , kaya&#039;t ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito , at hindi mapapatay . Nguni&#039;t sa hari sa Juda , na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon , ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel . Tungkol sa mga salita na inyong narinig . Sapagka&#039;t ang iyong puso ay malumanay , at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon , nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito , at laban sa mga tagarito na sila&#039;y magiging kagibaan , at sumpa , at hinapak mo ang iyong kasuutan , at umiyak sa harap ko : ay dininig naman kita , sabi ng Panginoon . Kaya&#039;t narito , ipipisan kita sa iyong mga magulang , at ikaw ay malalagay sa iyong libingan na payapa , at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat ng kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito . At sila&#039;y nagbalik ng salita sa hari . At ang hari ay nagsugo , at pinisan nila sa kaniya ang lahat na matanda sa Juda , at sa Jerusalem . At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon , at ang lahat na lalake ng Juda , at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya , at ang mga saserdote , at ang mga propeta , at ang buong bayan , maliit at gayon din ang malaki : at kanilang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon . At ang hari ay tumayo sa tabi ng haligi , at nakipagtipan sa harap ng Panginoon , upang lumakad ng ayon sa Panginoon , at upang ingatan ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga patotoo , at ang kaniyang mga palatuntunan , ng buong puso at ng buong kaluluwa , upang tuparin ang mga salita ng tipang ito na nasusulat sa aklat na ito : at ang buong bayan ay nananayo sa tipan . At inutusan ng hari si Hilcias na dakilang saserdote , at ang mga saserdote sa ikalawang hanay , at ang mga tagatanod-pinto , na ilabas sa templo ng Panginoon ang lahat na kasangkapan na ginawa kay Baal at sa mga Asera , at sa lahat na natatanaw sa langit ; at kaniyang sinunog sa labas ng Jerusalem sa mga parang ng Cedron , at dinala ang mga abo niyaon sa Beth-el . At kaniyang inalis ang mga saserdote na palasamba sa mga dios-diosan na inihalal ng mga hari sa Juda na nagpasunog ng kamangyan sa mga mataas na dako sa mga bayan ng Juda , at sa mga dakong nangasa palibot ng Jerusalem ; pati silang nagsisipagsunog ng kamangyan kay Baal , sa araw , at sa buwan , at sa mga tala , at sa lahat ng natatanaw sa langit . At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon , sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron , at sinunog sa batis ng Cedron , at dinurog , at inihagis ang nangadurog niyaon sa libingan ng karaniwang mga tao . At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita , na nangasa bahay ng Panginoon , na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera . At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda , at nilapastangan ang mga mataas na dako , sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote , mula sa Geba hanggang sa Beerseba ; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue , na tagapamahala ng bayan , na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan . Gayon ma&#039;y ang mga saserdote sa mga mataas na dako ay hindi sumampa sa dambana ng Panginoon sa Jerusalem , kundi sila&#039;y nagsikain ng tinapay na walang lebadura sa gitna ng kanilang mga kapatid . At kaniyang nilapastangan ang Topheth , na nasa libis ng mga anak ni Hinnom , upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalake o babae sa apoy kay Moloch . At kaniyang inalis ang mga kabayo na ibinigay ng hari ng Juda sa araw , sa pasukan ng bahay ng Panginoon , sa siping ng silid ni Nathan-melech na kamarero , na nasa looban ; at sinunog niya sa apoy ang mga karo ng araw . At ang mga dambana na nangasa bubungan ng silid sa itaas ni Achaz , na ginawa ng mga hari sa Juda , at ang mga dambana na ginawa ni Manases sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon ay ipinagbabagsak ng hari , at pinaggigiba mula roon , at inihagis ang alabok ng mga yaon sa batis ng Cedron . At ang mga mataas na dako na nangasa harap ng Jerusalem , na nasa kanan ng bundok ng kapahamakan , na itinayo ng haring Salomon kay Asthareth na karumaldumal ng mga Sidonio , at kay Chemos na karumaldumal ng Moab , at sa kay Milcom na karumaldumal ng mga anak ni Ammon , ay nilapastangan ng hari . At kaniyang pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala , at pinutol ang mga Asera , at pinuno ang kanilang mga dako ng mga buto ng tao . Bukod dito&#039;y ang dambana na nasa Bethel at ang mataas na dako na ginawa ni Jeroboam , na anak ni Nabat , na nakapagkasala sa Israel , sa makatuwid baga&#039;y ang dambanang yaon at ang mataas na dako ay kaniyang ibinagsak ; at kaniyang sinunog ang mataas na dako at dinurog , at sinunog ang mga Asera . At pagpihit ni Josias , ay kaniyang natanawan ang mga libingan na nangasa bundok ; at siya&#039;y nagsugo , at kinuha ang mga buto sa mga libingan , at sinunog sa dambana , at dinumhan , ayon sa salita ng Panginoon na itinanyag ng lalake ng Dios , na siyang nagtanyag ng mga bagay na ito . Nang magkagayo&#039;y kaniyang sinabi , Anong monumento yaong aking nakikita ? At isinaysay ng mga lalake ng bayan sa kaniya , Yao&#039;y libingan ng lalake ng Dios , na nanggaling sa Juda , at itinanyag ang mga bagay na ito na iyong ginawa laban sa dambana sa Beth-el . At kaniyang sinabi , Bayaan ninyo ; huwag galawin ng sinoman ang mga buto niya . Sa gayo&#039;y binayaan nila ang mga buto niya , na kasama ng mga buto ng propeta na nanggaling sa Samaria . At ang lahat na bahay naman sa mga mataas na dako na nangasa bayan ng Samaria , na ginawa ng mga hari sa Israel upang mungkahiin ang Panginoon sa galit , ay pinagaalis ni Josias , at ginawa sa mga yaon ang ayon sa lahat na gawa na kaniyang ginawa sa Beth-el . At kaniyang pinatay ang lahat na saserdote sa mga mataas na dako na nangandoon , sa ibabaw ng mga dambana , at sinunog ang mga buto ng mga tao sa mga yaon ; at siya&#039;y bumalik sa Jerusalem . At iniutos ng hari sa buong bayan , na sinasabi , Ipagdiwang ninyo ang paskua sa Panginoon ninyong Dios , gaya ng nasusulat sa aklat na ito ng tipan . Tunay na hindi ipinagdiwang ang gayong paskua mula sa mga araw ng mga hukom na naghukom sa Israel , o sa lahat ng mga araw man ng mga hari sa Israel , o ng mga hari man sa Juda ; Kundi nang ikalabing walong taon ng haring Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito sa Panginoon sa Jerusalem . Bukod dito&#039;y sila na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at ang mga manghuhula , at ang mga terap , at ang mga diosdiosan , at ang lahat na karumaldumal na natanawan sa lupain ng Juda , at sa Jerusalem , ay pinagaalis ni Josias , upang kaniyang matupad ang mga salita ng kautusan na nasusulat sa aklat na nasumpungan ni Hilcias na saserdote sa bahay ng Panginoon . At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya , na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya , at ng buong kaluluwa niya , at ng buong kapangyarihan niya , ayon sa buong kautusan ni Moises ; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya . Gayon ma&#039;y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pag-iinit , na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda , dahil sa lahat na pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya . At sinabi ng Panginoon , Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin , gaya ng aking pagaalis sa Israel , at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili , sa makatuwid baga&#039;y ang Jerusalem , at ang bahay na aking pinagsabihan . Ang pangalan ko&#039;y doroon . Ang iba nga sa mga gawa ni Josias , at ang lahat na kaniyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda ? Nang mga kaarawan niya , si Faraon-nechao na hari sa Egipto at umahon laban sa hari sa Asiria , sa ilog Eufrates : at ang haring Josias ay naparoon laban sa kaniya ; at pinatay niya siya sa Megiddo , nang makita niya siya . At dinala siyang patay ng kaniyang mga lingkod sa isang karo , mula sa Megiddo at dinala siya sa Jerusalem , at inilibing siya sa kaniyang sariling libingan . At kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias , at pinahiran ng langis siya , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama . Si Joachaz ay may dalawangpu&#039;t tatlong taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang . At inilagay ni Faraon-nechao siya sa pangawan sa Ribla , sa lupain ng Hamath , upang siya&#039;y huwag makapaghari sa Jerusalem ; at siningilan ang bayan ng isang daang talentong pilak , at isang talentong ginto . At ginawa ni Faraon-nechao si Eliacim na anak ni Josias , na hari na kahalili ni Josias , na kaniyang ama , at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim : nguni&#039;t kaniyang dinala si Joachaz ; at siya&#039;y naparoon sa Egipto , at namatay roon . At ibinigay ni Joacim ang pilak at ginto kay Faraon ; nguni&#039;t kaniyang pinabuwis ang lupain upang magbigay ng salapi ayon sa utos ni Faraon ; kaniyang siningil ang pilak at ginto ng bayan ng lupain , sa bawa&#039;t isa ayon sa ipinabuwis niya upang ibigay kay Faraon-nechao . Si Joacim ay may dalawangpu&#039;t limang taon nang magpasimulang maghari : at siya&#039;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebuda na anak ni Pedaia na taga Ruma . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang . Nang kaniyang mga kaarawan ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at si Joacim ay naging kaniyang alipin na tatlong taon : nang magkagayo&#039;y bumalik siya at nanghimagsik laban sa kaniya . At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya ng mga pulutong ng mga Caldeo , at ng mga pulutong ng mga taga Siria , at ng mga pulutong ng mga Moabita , at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon , at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ayon sa salita ng Panginoon , na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta . Tunay na sa utos ng Panginoon ay dumating ito sa Juda , upang alisin sila sa kaniyang paningin , dahil sa mga kasalanan ni Manases , ayon sa lahat niyang ginawa . At dahil naman sa walang salang dugo na kaniyang ibinubo ; sapagka&#039;t kaniyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo : at hindi pinatawad ng Panginoon . Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim , at ang lahat niyang ginawa , di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda . Sa gayo&#039;y natulog si Joacim na kasama ng kaniyang mga magulang : at si Joachin na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At ang hari sa Egipto ay hindi na bumalik pa mula sa kaniyang lupain : sapagka&#039;t sinakop ng hari ng Babilonia , mula sa batis ng Egipto hanggang sa ilog Eufrates , lahat na nauukol sa hari sa Egipto . Si Joachin ay may labing walong taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama . Nang panahong yao&#039;y ang mga lingkod ni Nabucodonosor , na hari sa Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem , at ang bayan ay nakubkob . At si Nabucodonosor , na hari sa Babilonia ay naparoon sa bayan , samantalang ang kaniyang mga lingkod ay nangakukulong . At nilabas ni Joachin na hari sa Juda ang hari sa Babilonia , niya , at ng kaniyang ina , at ng kaniyang mga lingkod , at ng kaniyang mga prinsipe , at ng kaniyang mga pinuno : at kinuha siya ng hari ng Babilonia sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari . At dinala niya mula roon ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ang mga kayamanan ng bahay ng hari , at pinagputolputol ang lahat na kasangkapang ginto na ginawa ng haring Salomon sa templo ng Panginoon , gaya ng sinabi ng Panginoon . At kaniyang dinala ang buong Jerusalem , at ang lahat na prinsipe , at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang , sa makatuwid baga&#039;y sangpung libong bihag , at ang lahat na manggagawa at mangbabakal ; walang nalabi liban sa mga pinakadukha sa bayan ng lupain . At dinala niya si Joachin sa Babilonia ; at ang ina ng hari , at ang mga asawa ng hari , at ang kaniyang mga pinuno , at ang mga pinakamahal sa lupain , ay dinala niya sa pagkabihag sa Babilonia mula sa Jerusalem . At ang lahat na makapangyarihang lalake na pitong libo , at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal na isang libo , lahat na sa kanila ay malakas at matalino sa pakikipagdigma , ay pinagdadalang bihag sa Babilonia ng hari . At ginawa ng hari sa Babilonia na hari si Matanias na kapatid ng ama ni Joachin na kahalili niya , at binago ang kaniyang pangalan ng Sedecias . Si Sedecias ay may dalawangpu&#039;t isang taon nang magpasimulang maghari , at siya&#039;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni Joachin . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda , hanggang sa kaniyang itinaboy sila sa kaniyang harap : at si Sedecias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia . At nangyari nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan , nang ikasangpung araw ng buwan , na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon , siya at ang buo niyang hukbo , laban sa Jerusalem , at humantong laban doon ; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon . Sa gayo&#039;y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias . Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan , ang kagutom ay lumala sa bayan , na anopa&#039;t walang tinapay sa bayan ng lupain . Nang magkagayo&#039;y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan , at ang lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta , na nasa siping ng halamanan ng hari ( ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan ; ) at ang hari ay yumaon sa daan ng Araba . Nguni&#039;t hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari , at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico : at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y kinuha nila ang hari at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla ; at sila&#039;y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya . At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias , sa harap ng kaniyang mga mata , at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya&#039;y nilagyan ng damal , at dinala siya sa Babilonia . Nang ikalimang buwan nga , nang ikapitong araw ng buwan , na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor , na hari sa Babilonia , ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na punong kawal ng bantay , na lingkod ng hari sa Babilonia . At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon , at ang bahay ng hari ; at ang lahat na bahay sa Jerusalem , sa makatuwid baga&#039;y bawa&#039;t malaking bahay , ay sinunog niya ng apoy . At ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot , ng buong hukbo ng mga Caldeo , na kasama ng punong kawal ng bantay . At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan , at yaong nagsihiwalay , na nagsihilig sa hari sa Babilonia , at ang labi sa karamihan , ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay . Nguni&#039;t iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid . At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon , at ang mga tungtungan at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon , ay dinurog ng mga Caldeo , at dinala ang tanso sa Babilonia . At ang mga palayok , at ang mga pala , at ang mga gunting , at ang mga kutchara , at ang lahat na kasangkapan na tanso na kanilang ipinangangasiwa , ay kanilang dinala . At ang mga apuyan , at ang mga mangkok ; na ang sa ginto , ay ginto , at ang sa pilak ay pilak , pinagdadala ng punong kawal ng bantay . Ang dalawang haligi , ang dagatdagatan , at ang mga tungtungan , na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon ; ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang . Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko , at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon ; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko , na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot , lahat ay tanso ; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat . At kinuha ng punong kawal ng bantay si Saraias na dakilang saserdote , at si Sophonias na ikalawang saserdote , at ang tatlong tagatanod-pinto : At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma : at limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari na nangasumpungan sa bayan : at ang kalihim , ang punong kawal ng hukbo , na humusay ng bayan ng lupain ; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain , na nangasumpungan sa bayan . At kinuha sila ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay , at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla . At sinaktan sila ng hari sa Babilonia , at pinatay sila sa Ribla , sa lupain ng Hamath . Sa gayo&#039;y dinala ang Juda na bihag mula sa kaniyang lupain . At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda , na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si Gedalias na anak ni Ahicam , na anak ni Saphan . Nang mabalitaan nga ng lahat ng pinuno ng mga hukbo , nila , at ng kanilang mga lalake , na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia , ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa , sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias , at si Johanan na anak ni Carea , at si Saraia na anak ni Tanhumet , na Netofatita , at si Jaazanias na anak ng Maachateo , sila at ang kanilang mga lalake . At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake , at nagsabi sa kanila , Kayo&#039;y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo : magsitahan kayo sa lupain , at kayo&#039;y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia , at ikabubuti ninyo . Nguni&#039;t nangyari nang ikapitong buwan , na si Ismael na anak ni Nathanias , na anak ni Elisama , na mula sa lahing hari , at sangpung lalake na kasama niya , ay naparoon , at sinaktan si Gedalias , na anopa&#039;t namatay , at ang mga Judio at ang mga Caldeo , na mga kasama niya sa Mizpa . At ang buong bayan , maliit at gayon din ang malaki , at ang mga pinuno ng hukbo , ay nagsitindig , at nagsiparoon sa Egipto ; sapagka&#039;t sila&#039;y nangatakot sa mga Caldeo . At nangyari nang ikatatlongpu&#039;t pitong taon ng pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda , nang ikalabing dalawang buwan , nang ikadalawangpu&#039;t pitong araw ng buwan , na si Evil-merodach na hari sa Babilonia , nang taon na siya&#039;y magpasimulang maghari , ay itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan ; At siya&#039;y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya , at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia . At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag . At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay . At tungkol sa kaloob sa kaniya , may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari , bawa&#039;t araw isang bahagi ng pagkain , lahat ng mga araw ng kaniyang buhay . </passage></reply></GetPassage>