<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:14</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:14</urn><passage>At si Salomon na anak ni David ay tumibay sa kaniyang kaharian , at ang Panginoon niyang Dios ay sumakaniya , at pinadakila siyang mainam . At si Salomon ay nagsalita sa buong Israel , sa mga pinunong kawal ng lilibuhin at dadaanin , at sa mga hukom , at sa bawa&#039;t prinsipe sa buong Israel , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang . Sa gayo&#039;y si Salomon , at ang buong kapisanan na kasama niya , ay naparoon sa mataas na dako na nasa Gabaon ; sapagka&#039;t nandoon ang tabernakulo ng kapisanan ng Dios , na ginawa sa ilang ni Moises na lingkod ng Panginoon . Nguni&#039;t ang kaban ng Dios ay iniahon ni David mula sa Chiriath-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David : sapagka&#039;t kaniyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem . Bukod dito&#039;y ang dambanang tanso na ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon : at doo&#039;y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan . At si Salomon ay sumampa roon sa dambanang tanso sa harap ng Panginoon , na nasa tabernakulo ng kapisanan , at naghandog ng isang libong handog na susunugin doon . Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon , at nagsabi sa kaniya , Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo . At sinabi ni Salomon sa Dios , Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama , at ginawa mo akong hari na kahalili niya . Ngayon , Oh Panginoong Dios , itatag mo ang iyong pangako kay David na aking ama : sapagka&#039;t ginawa mo akong hari sa bayang gaya ng alabok ng lupa sa karamihan . Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman , upang ako&#039;y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito : sapagka&#039;t sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki ? At sinabi ng Dios kay Salomon , Sapagka&#039;t ito ang sumaiyong puso , at hindi ka humingi ng kayamanan , pag-aari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo , o humingi ka kaya ng mahabang buhay ; kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili , upang iyong mahatulan ang aking bayan , na aking pinaggawan sa iyo na hari : Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo ; at bibigyan kita ng kayamanan , at pag-aari , at karangalan na walang hari na una sa iyo na nagkaroon ng ganyan , o sinoman ay magkakaroon ng gayong pagkamatay mo . Sa gayo&#039;y dumating si Salomon mula sa mataas na dako na nasa Gabaon , mula sa harap ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa Jerusalem ; at siya&#039;y naghari sa Israel . At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo : at siya&#039;y mayroong isang libo at apat na raang karo , at labing dalawang libong mangangabayo , na kaniyang inilagay sa bayan ng mga karo , at kasama ng hari sa Jerusalem . At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem , at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan . At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto ; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan , na bawa&#039;t kawan ay sa halaga . At kanilang iniaahon at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak , at ang isang kabayo sa isang daan at limangpu : at gayon sa lahat na hari ng mga Hetheo , at sa mga hari sa Siria , kanilang mga inilalabas sa pamamagitan nila . Si Salomon nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon , at ng isang bahay ang kaniyang kaharian . At si Salomon ay bumilang ng pitong pung libong lalake upang magsipagpasan ng mga pasan , at walong pung libong lalake na mga maninibag ng bato sa mga bundok , at tatlong libo at anim na raan upang mamahala sa kanila . At si Salomon ay nagsugo kay Hiram na hari sa Tiro , na ipinasasabi , Kung paanong iyong ginawa kay David na aking ama at pinadalhan siya ng mga sedro upang ipagtayo siya ng bahay na matirahan doon , gayon din ang gawin mo sa akin . Narito , aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios , upang italaga sa kaniya , at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia , at maiukol sa palaging tinapay na handog , at sa mga handog na susunugin sa umaga at hapon , sa mga sabbath , at sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios . Ito ang utos sa Israel magpakailan man . At ang bahay na aking itinatayo ay dakila : sapagka&#039;t dakila ang aming Dios kay sa lahat ng mga Dios . Nguni&#039;t sinong makapagtatayo para sa kaniya ng isang bahay , dangang sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasiya ? sino nga ako , na ipagtatayo ko siya ng isang bahay , liban sa magsunog lamang ng kamangyan sa harap niya ? Ngayon nga&#039;y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto , at sa pilak , at sa tanso , at sa bakal , at sa kulay ube , at matingkad na pula , at bughaw , at ng makauukit ng sarisaring ukit , upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem , na itinaan ni David na aking ama . Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro , mga kahoy na abeto , at mga kahoy na algum , na mula sa Libano , sapagka&#039;t talastas ko na ang iyong mga bataan ay matalinong pumutol ng kahoy sa Libano . At , narito , ang aking mga alipin ay sasama sa iyong mga bataan , Sa makatuwid baga&#039;y upang ipaghanda ako ng kahoy na sagana : sapagka&#039;t ang bahay na aking itatayo ay magiging dakila at kagilagilalas . At narito , aking ibibigay sa iyong mga bataan , na mga mamumutol ng kahoy , ang dalawangpung libong koro ng binayong trigo , at dalawang pung libong koro ng sebada , at dalawangpung libong bath ng alak , at dalawangpung libong bath ng langis . Nang magkagayo&#039;y si Hiram na hari sa Tiro ay sumagot sa sulat , na kaniyang ipinadala kay Salomon , Sapagka&#039;t minamahal ng Panginoon ang kaniyang bayan , ay ginawa ka niyang hari sa kanila . Sinabi ni Hiram bukod dito , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na lumikha ng langit at lupa , na nagbigay kay David na hari ng isang pantas na anak , na may bait at kaalaman , na ipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon , at ng isang bahay ang kaniyang kaharian . At ngayo&#039;y nagsugo ako ng bihasang lalake na may kaalaman , kay Hiram na aking ama , Na anak ng isang babae sa mga anak ni Dan ; at ang kaniyang ama ay taga Tiro na bihasang manggagawa sa ginto , at sa pilak , sa tanso , sa bakal , sa bato , at sa kahoy , sa kulay ube , sa bughaw , at sa mainam na kayong lino , at sa matingkad na pula ; upang umukit din naman ng anomang paraan ng ukit , at magmunakala ng anoman ; upang magkaroon ng isang takdang dako sa kaniya na kasama ng iyong mga bihasang lalake at ng mga bihasang lalake ng aking panginoong si David na iyong ama . Ngayon nga&#039;y ang trigo at ang sebada , ang langis at ang alak , na sinalita ng aking panginoon , ipadala niya sa kaniyang mga bataan : At kami ay magsisiputol ng kahoy mula sa Libano , kung gaano ang iyong kakailanganin : at aming dadalhin sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat hanggang sa Joppe ; at iyong iaahon sa Jerusalem . At binilang ni Salomon ang lahat na taga ibang lupa na nangasa lupain ng Israel , ayon sa bilang na ibinilang ni David na kaniyang ama sa kanila ; at nasumpungan ay isang daan at limang pu&#039;t tatlong libo at anim na raan . At kaniyang inilagay sa kanila ay pitong pung libong tagadala ng pasan , at walong pung libo na mga maninibag ng bato sa mga bundok , at tatlong libo at anim na raan na kapatas upang magayos ng gawain ng bayan . Nang magkagayo&#039;y pinasimulan ni Salomon na itayo ang bahay ng Panginoon , sa Jerusalem sa bundok ng Moria , na pinagkakitaan ng Panginoon kay David na kaniyang ama , sa dakong kaniyang pinaghandaan na pinagtakdaan ni David sa giikan ni Ornan na Jebuseo . At siya&#039;y nagpasimulang magtayo nang ikalawang araw ng ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kaniyang paghahari . Ang mga ito nga ay ang mga tatagangbaon na inilagay ni Salomon na ukol sa pagtatayo ng bahay ng Dios . Ang haba sa mga siko ayon sa panukat ng una ay anim na pung siko , at ang luwang ay dalawangpung siko . At ang portiko na nasa harap ng bahay , ang haba niyao&#039;y ayon sa luwang ng bahay ay dalawang pung siko , at ang taas ay isang daang at dalawangpu : at kaniyang binalutan sa loob ng taganas na ginto . At ang lalong malaking bahay ay kaniyang kinisamihan ng kahoy na abeto , na kaniyang binalot ng dalisay na ginto , at ginawan niya ng mga palma at mga tanikala . At kaniyang ginayakan ang bahay ng mga mahalagang bato na pinakapangpaganda : at ang ginto , ay ginto sa Parvaim . Kaniyang binalutan din naman ng ginto ang bahay , ang mga sikang , ang mga pintuan , at ang mga panig niyaon at ang mga pinto ; at inukitan ng mga querubin sa mga panig niyaon . At kaniyang ginawa ang kabanalbanalang bahay ; ang haba niyaon , ayon sa luwang ng bahay , ay dalawangpung siko , at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko ; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto , na may timbang na anim na raang talento . At ang bigat ng mga pako ay limangpung siklong ginto . At kaniyang binalot ng ginto ang pinakamataas na silid . At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng dalawang querubin na gawang nilarawan ; at binalot nila ng ginto . At ang mga pakpak ng mga querubin ay dalawangpung siko ang haba ; ang pakpak ng isang querubin ay limang siko , na abot sa panig ng bahay ; at ang kabilang pakpak ay gayon din na limang siko na abot sa pakpak ng isang querubin . At ang pakpak ng isang querubin ay limang siko , na abot sa panig ng bahay : at ang kabilang pakpak ay limang siko rin , na nakadaiti sa pakpak ng isang querubin . Ang mga pakpak ng mga querubing ito ay nangakaladlad ng dalawangpung siko : at sila&#039;y nangakatayo ng kanilang mga paa , at ang kanilang mga mukha ay paharap sa dako ng bahay . At kaniyang ginawa ang lambong na bughaw , at kulay ube , at matingkad na pula , at mainam na kayong lino , at ginawan ng mga querubin . Siya&#039;y gumawa rin sa harap ng bahay ng dalawang haligi na may tatlongpu&#039;t limang siko ang taas , at ang kapitel na nasa ibabaw ng bawa&#039;t isa sa mga yaon ay limang siko . At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi ; at siya&#039;y gumawa ng isang daang granada , at inilagay sa mga tanikala . At kaniyang itinayo ang mga haligi sa harap ng templo , ang isa&#039;y sa kanan , at ang isa&#039;y sa kaliwa ; at tinawag ang pangalan niyaong nasa kanan ay Jachin , at ang pangalan niyaong nasa kaliwa ay Boaz . Bukod dito&#039;y gumawa siya ng dambanang tanso na dalawangpung siko ang haba niyaon , at dalawangpung siko ang luwang niyaon , at sangpung siko ang taas niyaon . Gumawa rin siya ng dagatdagatan na binubo na may sangpung siko sa labi&#039;t labi , na mabilog , at ang taas niyaon ay limang siko ; at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko na nakalibid sa paligid . At sa ilalim niyao&#039;y may kawangis ng mga baka na lumilibot sa palibot , na sangpung siko , na nakaligid sa palibot ng dagatdagatan . Ang mga baka ay dalawang hanay , na binubo nang bubuin yaon . Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka , tatlo&#039;y nakaharap sa dakong hilagaan , at tatlo&#039;y nakaharap sa dakong kalunuran , at tatlo&#039;y nakaharap sa dakong timugan , at tatlo&#039;y nakaharap sa dakong silanganan : at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon sa ibabaw , at lahat nilang puwitan ay nasa dakong loob . At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal ; at ang labi niyao&#039;y yaring gaya ng labi ng isang saro , gaya ng bulaklak ng lila : naglalaman ng tatlong libong bath . Siya nama&#039;y gumawa ng sangpung hugasan , at inilagay ang lima sa kanan , at lima sa kaliwa , upang paghugasan : na ang mga bagay na nauukol sa handog na susunugin ay hinugasan doon : nguni&#039;t ang dagatdagatan ay upang paghugasan ng mga saserdote . At siya&#039;y gumawa ng sangpung kandelero na ginto ayon sa ayos tungkol sa mga yaon ; at inilagay niya sa templo , na lima sa kanan , at lima sa kaliwa . Gumawa rin naman siya ng sangpung dulang , at inilagay sa templo , na lima sa dakong kanan , at lima sa kaliwa . At siya&#039;y gumawa ng isang daang mangkok na ginto . Bukod dito&#039;y ginawa niya ang looban ng mga saserdote , at ang malaking looban , at ang mga pinto na ukol sa looban at binalot ng tanso ang mga pinto ng mga yaon . At kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa dakong kanan ng bahay sa may dakong silanganan na gawing timugan . At ginawa ni Hiram ang mga palayok , at ang mga pala , at ang mga mangkok . Gayon tinapos ni Hiram ang paggawa ng gawain na ginawa niya na ukol sa haring Salomon sa bahay ng Dios : Ang dalawang haligi , at ang mga kabilugan , at ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi , at ang dalawang yaring lambat na nagsisitakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi ; At ang apat na raang granada na ukol sa dalawang yaring lambat ; dalawang hanay na granada na ukol sa bawa&#039;t yaring lambat , upang tumakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi . Ginawa rin niya ang mga tungtungan , at ang mga hugasan ay ginawa niya sa ibabaw ng mga tungtungan ; Isang dagatdagatan , at ang labing dalawang baka ay sa ilalim niyaon . Ang mga palayok naman , at ang mga pala , at ang mga pangduro , at lahat ng kasangkapan niyaon , ay ginawa ni Hiram na kaniyang ama para sa haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon na tansong binuli . Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari , sa malagkit na lupa sa pagitan ng Suchot at ng Sereda . Ganito ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapang ito na totoong sagana ; sapagka&#039;t ang timbang ng tanso ay hindi makukuro . At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nangasa bahay ng Dios , ang gintong dambana rin naman , at ang mga dulang na kinaroroonan ng tinapay na handog ; At ang mga kandelero na kalakip ng mga ilawan niyaon , na mga paniningasan ayon sa ayos sa harap ng sanggunian , na taganas na ginto ; At ang mga bulaklak , at ang mga ilawan at ang mga gunting , na ginto , at yao&#039;y dalisay na ginto ; At ang mga gunting , at ang mga mangkok , at ang mga panandok , at ang mga pangsuob , na taganas na ginto : at tungkol sa pasukan ng bahay , ang mga pinakaloob na pinto niyaon na ukol sa kabanalbanalang dako , at ang mga pinto ng bahay , ng templo , ay ginto . Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon . At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama ; sa makatuwid baga&#039;y ang pilak , at ang ginto , at ang lahat ng mga kasangkapan , at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios . Nang magkagayo&#039;y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel , at ang lahat na pangulo ng mga lipi , ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel , sa Jerusalem , upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion . At ang lahat na lalake ng Israel ay nangakipagpulong sa hari sa kapistahan , na sa ikapitong buwan . At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon ; at pinasan ng mga Levita ang kaban ; At kanilang iniahon ang kaban , at ang tabernakulo ng kapisanan , at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda ; ang mga ito&#039;y iniahon ng mga saserdote na mga Levita . At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel , na nangakipagpulong sa kaniya , ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka , na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan . At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon , sa loob ng sanggunian ng bahay , sa kabanalbanalang dako , sa makatuwid baga&#039;y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin . Sapagka&#039;t ibinubuka ng mga querubin ang kanilang mga pakpak sa dako ng kaban , at ang mga querubin ay nagsisitakip sa kaban , at sa mga pingga niyaon sa ibabaw . At ang mga pingga ay nangapakahaba na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa kaban sa harap ng sanggunian : nguni&#039;t hindi nangakikita sa labas : at nandoon hanggang sa araw na ito . Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb , nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel , nang sila&#039;y magsilabas sa Egipto . At nangyari , nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako ( sapagka&#039;t ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal , at hindi sinunod ang kanilang pagkakahalihalili ; Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit , silang lahat , sa makatuwid baga&#039;y si Asaph , si Heman , si Jeduthun , at ang kanilang mga anak , at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino , na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa , ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana , at kasama nila&#039;y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak : ) Nangyari nga , nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma , upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon ; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak , at mga simbalo , at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon , na magsipagsabi , Sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti ; sapagka&#039;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man : na nang magkagayo&#039;y ang bahay ay napuno ng ulap ; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon , Na anopa&#039;t ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap : sapagka&#039;t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios . Nang magkagayo&#039;y nagsalita si Salomon , Ang Panginoo&#039;y nagsabi na siya&#039;y tatahan sa salimuot na kadiliman , Nguni&#039;t ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan , at isang dako na ukol sa iyo na tahanan magpakailan man . At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha , at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel : at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo . At kaniyang sinabi , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama , at tinupad ng kaniyang mga kamay , na sinasabi , Mula sa araw na aking ilabas ang aking bayan mula sa lupain ng Egipto , hindi ako pumili ng siyudad mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang pagtayuan ng bahay , upang ang aking pangalan ay dumoon ; o pumili man ako ng sinomang lalake upang maging pangulo sa aking bayang Israel : Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang aking pangalan ay dumoon ; aking pinili si David upang mamahala sa aking bayang Israel . Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon , ang Dios ng Israel . Nguni&#039;t sinabi ng Panginoon kay David na aking ama , Yamang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan , mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso ; Gayon ma&#039;y hindi mo itatayo ang bahay ; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang ay siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan . At tinupad ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita ; sapagka&#039;t ako&#039;y bumangon na kahalili ni David na aking ama , at umupo sa luklukan ng Israel , gaya ng ipinangako ng Panginoon , at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel . At doo&#039;y aking inilagay ang kaban na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa mga anak ni Israel . At siya&#039;y tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon sa harapan ng buong kapisanan ng Israel , at iniunat ang kaniyang mga kamay : ( Sapagka&#039;t gumawa si Salomon ng isang tungtungang tanso , na may limang siko ang haba , at limang siko ang luwang , at tatlong siko ang taas , at inilagay sa gitna ng looban ; at sa ibabaw niyao&#039;y tumayo siya , at lumuhod ng kaniyang mga tuhod sa harap ng buong kapisanan ng Israel , at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit : ) At kaniyang sinabi , Oh Panginoon ang Dios ng Israel , walang Dios na gaya mo , sa langit o sa lupa ; na nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod , na nagsisilakad sa harap mo ng kanilang buong puso : Na siyang tumupad sa iyong lingkod na kay David na aking ama , ng iyong ipinangako sa kaniya : oo , ikaw ay nagsalita ng iyong bibig , at tinupad mo ng iyong kamay , gaya sa araw na ito . Ngayon nga , Oh Panginoon , ang Dios ng Israel , tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya , na iyong sinasabi , Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin na uupo sa luklukan ng Israel ; kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad , na magsisilakad sa aking kautusan , gaya ng inilakad mo sa harap ko . Ngayon nga , Oh Panginoon , ang Dios ng Israel , papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David . Nguni&#039;t katotohanan bang ang Dios ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa ? narito , sa langit , at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya ; gaano pa nga sa bahay na ito na aking itinayo ! Gayon ma&#039;y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod , at ang kaniyang samo , Oh Panginoon kong Dios , na dinggin ang daing at ang dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo : Na anopa&#039;t ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito araw at gabi , sa makatuwid baga&#039;y sa gawi ng dakong iyong pinagsabihan na iyong ilalagay ang iyong pangalan doon : upang dinggin ang dalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito . At dinggin mo ang mga samo ng iyong lingkod , at ng iyong bayang Israel , pagka sila&#039;y dadalangin sa gawi ng dakong ito : oo , dinggin mo mula sa iyong tahanang dako , sa makatuwid baga&#039;y mula sa langit ; at pagka iyong narinig ay patawarin mo . Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa , at papanumpain siya upang siya&#039;y sumumpa , at siya&#039;y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito : Dinggin mo nga sa langit , at iyong gawin , at hatulan mo ang iyong mga lingkod , na papagbayarin ang masama , upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo : at patotohanan ang matuwid , upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran . At kung ang iyong bayang Israel ay masaktan sa harap ng kaaway , dahil sa sila&#039;y nagkasala laban sa iyo , at magbabalik-loob , at kikilalanin ang iyong pangalan , at mananalangin at mamamanhik sa harap mo sa bahay na ito : Dinggin mo nga sa langit , at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel , at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanila at sa kanilang mga magulang . Pagka ang langit ay nasarhan , at walang ulan , dahil sa sila&#039;y nagkasala laban sa iyo : kung sila&#039;y dumalangin sa gawi ng dakong ito , at kilalanin ang iyong pangalan , at talikdan ang kanilang kasalanan , pagka iyong pinagdadalamhati sila : Dinggin mo nga sa langit , at ipatawad mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod , at ng iyong bayang Israel , pagka iyong tinuturuan sila ng mabuting daan na kanilang lalakaran ; at hulugan mo ng ulan ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana . Kung magkaroon ng kagutom sa lupain , kung magkaroon ng salot , kung magkaroon ng pagkalanta o amag , balang o tipaklong ; kung kubkubin sila ng kanilang mga kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan ; anomang salot o anomang sakit na magkaroon ; Anomang dalangin at samo na gawin ng sinomang tao , o ng iyong buong bayang Israel , pagka makikilala ng bawa&#039;t isa ang kaniyang sariling salot at ang kaniyang sariling sakit , at igagawad ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito : Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako , at iyong ipatawad , at gantihin mo ang bawa&#039;t tao , ng ayon sa lahat niyang mga lakad , na ang puso ay iyong natataho : ( sapagka&#039;t ikaw , sa makatuwid baga&#039;y ikaw lamang , ang nakatataho ng mga puso ng mga anak ng mga tao ; ) Upang sila&#039;y mangatakot sa iyo , upang magsilakad sa iyong mga daan , samantalang sila&#039;y nangabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang . Bukod dito&#039;y tungkol sa taga ibang lupa , na hindi sa iyong bayang Israel , pagka siya&#039;y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong dakilang pangalan , at sa iyong makapangyarihang kamay , at sa iyong unat na bisig ; pagka sila&#039;y magsisiparito at magsisidalangin sa dako ng bahay na ito : Dinggin mo nga sa langit , sa makatuwid baga&#039;y sa iyong tahanang dako , at gawin mo ang ayon sa lahat na itawag sa iyo ng taga ibang lupa ; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan , at mangatakot sa iyo , na gaya ng iyong bayang Israel , at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan . Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kanilang mga kaaway , saan mo man sila suguin , at manalangin sa iyo sa dako ng bayang ito na iyong pinili , at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan : Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang samo , at alalayan mo ang kanilang usap . Kung sila&#039;y magkasala laban sa iyo , ( sapagka&#039;t walang tao na di nagkakasala , ) at ikaw ay magalit sa kanila , at ibigay mo sila sa kaaway , na anopa&#039;t sila&#039;y dalhing bihag sa isang lupaing malayo o malapit ; Gayon ma&#039;y kung sila&#039;y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila , at magbalik-loob , at sumamo sa iyo sa lupain ng kanilang pagkabihag , na sasabihin , Kami ay nangagkasala , kami ay nagsigawa ng kalikuan , at nagsigawa ng kasamaan ; Kung sila&#039;y nangagbalik-loob sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang pagkabihag , saan man sila dalhing bihag , at manalangin sa dako ng kanilang lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang , at ng bayan na iyong pinili , at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan : Dinggin mo nga sa langit , sa makatuwid baga&#039;y sa iyong tahanang dako , ang kanilang dalangin at ang kanilang mga pamanhik , at alalayan mo ang kanilang usap ; at patawarin mo ang iyong bayan na nagkasala laban sa iyo . Ngayon , Oh Dios ko , isinasamo ko sa iyo na iyong idilat ang iyong mga mata , at pakinggan ng iyong mga pakinig ang dalangin na gawin sa dakong ito . Ngayon nga&#039;y bumangon ka , Oh Panginoong Dios , sa iyong pahingahang dako , ikaw , at ang kaban ng iyong kalakasan : suutan mo ng kaligtasan , Oh Panginoong Dios , ang iyong mga saserdote , at ang iyong mga banal ay mangagalak sa kabutihan . Oh Panginoon , Dios , huwag mong papihitin ang mukha ng iyong pinahiran ng langis : alalahanin mo ang iyong mga kaawaan kay David na iyong lingkod . Nang makatapos nga ng pananalangin si Salomon , ang apoy ay lumagpak mula sa langit , at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain ; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay . At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon , sapagka&#039;t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon . At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin , nang ang apoy ay lumagpak , at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay ; at sila&#039;y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento , at nagsisamba , at nangagpasalamat sa Panginoon , na nagsisipagsabi , Sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti ; sapagka&#039;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man . Nang magkagayo&#039;y ang hari at ang buong bayan ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon . At ang haring Salomon ay naghandog ng hain sa dalawangpu&#039;t dalawang libong baka , at isang daan at dalawangpung libong tupa . Gayon ang hari at ang buong bayan ay nagtalaga sa bahay ng Dios . At ang mga saserdote ay nagsitayo ayon sa kanilang mga katungkulan ; gayon din ang mga Levita na may mga panugtog ng tugtugin ng Panginoon , na ginawa ni David na hari na ipinagpasalamat sa Panginoon , ( sapagka&#039;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man ) , nang si David ay dumalangin sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa : at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak sa harap nila , at ang buong Israel ay tumayo . Bukod dito&#039;y itinalaga ni Salomon ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon ; sapagka&#039;t doon niya inihandog ang mga handog na susunugin , at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan , sapagka&#039;t ang tansong dambana na ginawa ni Salomon ay hindi makakaya sa handog na susunugin , at sa handog na harina , at sa taba . Sa gayo&#039;y ipinagdiwang ang kapistahan nang panahong yaon na pitong araw , ni Salomon , at ng buong Israel na kasama niya , ng totoong malaking kapisanan , mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto . At sa ikawalong araw ay nagsipagdiwang sila ng dakilang kapulungan : sapagka&#039;t kanilang iningatan ang pagtatalaga sa dambana na pitong araw , at ang kapistahan ay pitong araw . At sa ikadalawangpu&#039;t tatlong araw ng ikapitong buwan , ay kaniyang pinauwi ang bayan sa kanilang mga tolda , na galak at may masayang puso dahil sa kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David , at kay Salomon , at sa Israel na kaniyang bayan . Ganito tinapos ni Salomon ang bahay ng Panginoon , at ang bahay ng hari : at lahat na isinaloob ni Salomon gawin sa bahay ng Panginoon , at sa kaniyang sariling bahay , ay nagkawakas ng mabuti . At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi , at sinabi sa kaniya , Aking narinig ang iyong dalangin , at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan . Kung aking sarhan ang langit na anopa&#039;t huwag magkaroon ng ulan , o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain , o kung ako&#039;y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan ; Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin , at hanapin ang aking mukha , at talikuran ang kanilang masamang mga lakad ; akin ngang didinggin sa langit , at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan , at pagagalingin ko ang kanilang lupain . Ngayo&#039;y ang aking mga mata ay didilat , at ang aking pakinig ay makikinig , sa dalangin na gagawin sa dakong ito . Sapagka&#039;t ngayon ay aking pinili at itinalaga ang bahay na ito , upang ang aking pangalan ay dumoon magpakailan man ; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi . At tungkol sa iyo , kung ikaw ay lalakad sa harap ko , gaya ng inilakad ni David na iyong ama , at iyong gagawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo , at iyong iingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan ; Akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian ayon sa aking itinipan kay David na iyong ama , na sinasabi , Hindi magkukulang sa iyo ng lalake na magpupuno sa Israel . Nguni&#039;t kung kayo ay magsisihiwalay , at iiwan ninyo ang aking mga palatuntunan , at ang aking mga utos na aking inilagay sa harap ninyo , at magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios , at magsisisamba sa kanila : Akin ngang bubunutin sila sa aking lupain na aking ibinigay sa kanila ; at ang bahay na ito na aking itinalaga para sa aking pangalan , at iwawaksi ko sa aking paningin , at gagawin kong isang kawikaan , at isang kakutyaan sa gitna ng lahat ng mga bayan . At ang bahay na ito na totoong mataas , bawa&#039;t magdaan sa kaniya&#039;y magtataka , at magsasabi , Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito , at sa bahay na ito ? At sila&#039;y magsisisagot , Sapagka&#039;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto , at nanghawak sa ibang mga dios at sinamba nila , at pinaglingkuran nila : kaya&#039;t kaniyang dinala ang lahat na kasamaang ito sa kanila . At nangyari , sa katapusan ng dalawangpung taon na ipinagtayo ni Salomon ng bahay ng Panginoon , at ng kaniyang sariling bahay . Na ang mga bayan na ibinigay ni Hiram kay Salomon , mga itinayo ni Salomon , at pinatahan doon ang mga anak ni Israel . At si Salomon ay naparoon sa Hamath-soba , at nanaig laban doon . At kaniyang itinayo ang Tadmor sa ilang , at lahat na bayan na imbakan na kaniyang itinayo sa Hamath . Itinayo rin niya ang Bet-horon sa itaas , at ang Bet-horon sa ibaba , na mga bayang nakukutaan , na may mga kuta , mga pintuang-bayan , at mga halang ; At ang Baalath at ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon , at lahat na bayan na ukol sa kaniyang mga karo , at ang mga bayan na ukol sa kaniyang mga mangangabayo , at lahat na ninasa ni Salomon , na itayo para sa kaniyang kasayahan sa Jerusalem , at sa Libano , at sa buong lupain ng kaniyang sakop . Tungkol sa buong bayan na naiwan sa mga Hetheo , at mga Amorrheo , at mga Perezeo , at mga Heveo , at mga Jebuseo , na hindi sa Israel ; Ang kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain na hindi nilipol ng mga anak ni Israel , ay sa kanila naglagay si Salomon ng mangaatag na mga alipin , hanggang sa araw na ito . Nguni&#039;t sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon sa kaniyang gawain ; kundi sila&#039;y mga lalaking mangdidigma , at mga pinuno sa kaniyang mga pinunong kawal , at mga pinuno sa kaniyang mga karo , at sa kaniyang mga mangangabayo . At ito ang mga pangulong pinuno ng haring Salomon , na dalawang daan at limang pu na nagpupuno sa bayan . At iniahon ni Salomon ang anak na babae ni Faraon mula sa bayan ni David hanggang sa bahay na kaniyang itinayo na ukol sa kaniya ; sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Hindi tatahan ang aking asawa sa bahay ni David na hari sa Israel , sapagka&#039;t ang mga dako ay banal na pinagpasukan sa kaban ng Panginoon . Nang magkagayo&#039;y naghandog si Salomon sa Panginoon ng mga handog na susunugin , sa dambana ng Panginoon , na kaniyang itinayo sa harap ng portiko , Sa makatuwid baga&#039;y ayon sa kailangan sa bawa&#039;t araw , na naghahandog ayon sa utos ni Moises , sa mga sabbath , at sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan , na makaitlo sa isang taon , sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura , at sa kapistahan ng mga sanglinggo , at sa kapistahan ng mga balag . At siya&#039;y naghalal , ayon sa utos ni David na kaniyang ama ng mga bahagi ng mga saserdote sa kanilang paglilingkod , at ng mga Levita sa kanilang mga katungkulan upang mangagpuri , at upang mangasiwa sa harap ng mga saserdote , ayon sa kailangan ng katungkulan sa bawa&#039;t araw : ang mga tagatanod-pinto naman ayon sa kanilang mga bahagi sa bawa&#039;t pintuang-daan : sapagka&#039;t gayon ang iniutos ni David na lalake ng Dios . At sila&#039;y hindi nagsihiwalay sa utos ng hari sa mga saserdote at mga Levita tungkol sa anomang bagay , o tungkol sa mga kayamanan . Ang lahat ngang gawain ni Salomon ay nahanda sa araw ng pagtatayo ng bahay ng Panginoon , at hanggang sa natapos . Sa gayo&#039;y nayari ang bahay ng Panginoon . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Salomon sa Ezion-geber , at sa Eloth , sa tabi ng dagat sa lupain ng Edom . At nagpadala sa kaniya si Hiram ng mga sasakyang dagat sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga bataan , at mga bataan na bihasa sa dagat ; at sila&#039;y nagsiparoon sa Ophir na kasama ng mga bataan ni Salomon , at nagsipagdala mula roon ng apat na raan at limangpung talentong ginto , at dinala sa haring Salomon . At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon , siya&#039;y naparoon upang subukin si Salomon , sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem , na may maraming kaakbay , at mga kamelyo na may pasang mga espesia , at ginto na sagana , at mga mahalagang bato : at nang siya&#039;y dumating kay Salomon , kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib . At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong : at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya . At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon , at ang bahay na kaniyang itinayo . At ang pagkain sa kaniyang dulang , at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila , at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod , at ang kanilang mga pananamit , gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro , at ang kanilang mga pananamit ; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon : nawalan siya ng loob . At sinabi niya sa hari , Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa , at sa iyong karunungan . Gayon ma&#039;y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako&#039;y dumating , at nakita ng aking mga mata : at , narito , ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin : ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig . Mapapalad ang iyong mga tao , at mapapalad itong iyong mga lingkod , na nagsisitayong palagi sa harap mo , at nangakakarinig ng iyong karunungan . Purihin ang Panginoon mong Dios , na nalulugod sa iyo , na inilagay ka sa kaniyang luklukan , upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios : sapagka&#039;t minamahal ng iyong Dios ang Israel , upang itatag magpakailan man , kaya&#039;t ginawa ka niyang hari sa kanila , upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran . At siya&#039;y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto , at mga espesia na totoong sagana , at mga mahalagang bato : ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon . At ang mga bataan naman ni Hiram , at ang mga bataan ni Salomon , na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir , nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato . At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari , at mga alpa , at mga salterio na ukol sa mga mangaawit : at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda . At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa , anomang hiningi niya , bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari . Sa gayo&#039;y siya&#039;y bumalik , at umuwi sa kaniyang sariling lupain , siya at ang kaniyang mga lingkod . Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu&#039;t anim na talentong ginto , Bukod doon sa dinala ng mga manglalako at mga mangangalakal ; at ang lahat na hari sa Arabia at ang mga tagapamahala sa lupain ay nagsipagdala ng ginto at pilak kay Salomon . At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto : anim na raang siklo na pinukpok na ginto ang ginamit sa bawa&#039;t kalasag . At siya&#039;y gumawa ng tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto ; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa&#039;t kalasag : at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano . Bukod dito&#039;y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing , at binalot ng taganas na ginto . At may anim na baytang sa luklukan , at isang gintong tungtungan , na mga nakakapit sa luklukan , at may mga pinakakamay sa bawa&#039;t tagiliran sa siping ng dako ng upuan , at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay . At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang : walang nagawang gayon sa alinmang kaharian . At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto , at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto ; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon . Sapagka&#039;t ang hari ay may mga sasakyan na nagsisiparoon sa Tharsis na kasama ng mga bataan ni Hiram : minsan sa bawa&#039;t tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang dagat ng Tharsis , na nagsisipagdala ng ginto , at pilak , garing , at mga ungoy , at mga pabo real . Sa gayo&#039;y ang haring Salomon ay humihigit sa lahat ng hari sa lupa , sa kayamanan at sa karunungan . At hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Salomon , upang magsipakinig ng kaniyang karunungan , na inilagay ng Dios sa kaniyang puso . At sila&#039;y nagsipagdala bawa&#039;t isa ng kanikaniyang kaloob , na mga sisidlang pilak , at mga sisidlang ginto , at damit , sandata , at mga espesia , mga kabayo , at mga mula , isang takdang kayamanan sa taon-taon . At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo , at labing dalawang libong mangangabayo , na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo , at kasama ng hari sa Jerusalem . At siya&#039;y nagpuno sa lahat ng mga hari mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo , at sa hangganan ng Egipto . At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem , at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa , dahil sa kasaganaan . At sila&#039;y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto , at mula sa lahat ng mga lupain . Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon , na una at huli , di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta , at sa panghuhula ni Ahias na Silonita , at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat ? At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon . At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang , at siya&#039;y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama : at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At si Roboam ay naparoon sa Sichem : sapagka&#039;t ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari . At nangyari , nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat ( sapagka&#039;t siya&#039;y nasa Egipto , na siya niyang tinakasan mula sa harap ng haring Salomon , ) na si Jeroboam ay bumalik mula sa Egipto . At sila&#039;y nangagsugo at ipinatawag nila siya ; at si Jeroboam at ang buong Israel ay nagsiparoon , at sila&#039;y nagsipagsalita kay Roboam , na nagsisipagsabi , Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin : ngayon nga&#039;y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama , at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin , at kami ay magsisipaglingkod sa iyo . At sinabi niya sa kanila , Magsiparito uli kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw . At ang bayan ay yumaon . At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang siya&#039;y nabubuhay pa , na sinasabi , Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin upang magbalik ng sagot sa bayang ito ? At sila&#039;y nagsipagsalita sa kaniya , na nagsisipagsabi , Kung ikaw ay magmagandang loob sa bayang ito , at iyong pagbigyang loob sila , at magsalita ng mga mabuting salita sa kanila , iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man . Nguni&#039;t iniwan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya , at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya , na nagsitayo sa harap niya . At sinabi niya sa kanila , Anong payo ang ibinibigay ninyo , upang maibalik nating sagot sa bayang ito , na nagsalita sa akin , na sinasabi , Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin ? At ang mga binata na nagsilaki na kasabay niya , ay nagsipagsalita sa kaniya , na nagsisipagsabi , Ganito ang iyong sasabihin sa bayan na nagsalita sa iyo , na sinasabi , Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin , nguni&#039;t pagaanin mo sa amin ; ganito ang iyong sasabihin sa kanila , Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama . At sa paraan ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang , aking dadagdagan pa ang atang sa inyo : pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit , nguni&#039;t parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan . Sa gayo&#039;y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw , gaya ng iniutos ng hari na sinasabi , Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw . At ang hari ay sumagot sa kanila na may katigasan , at iniwan ng haring Roboam ang payo ng mga matanda . At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata , na sinasabi , Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo , nguni&#039;t aking dadagdagan pa : pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit , nguni&#039;t parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan . Sa gayo&#039;y hindi dininig ng hari ang bayan : sapagka&#039;t buhat sa Dios , upang itatag ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat . At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari , sumagot ang bayan sa hari , na sinasabi , Anong bahagi mayroon kami kay David ? wala man kaming mana sa anak ni Isai : bawa&#039;t tao sa inyo-inyong tolda , Oh Israel : ngayo&#039;y ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan , David . Sa gayo&#039;y yumaon ang buong Israel sa kanikanilang tolda . Nguni&#039;t tungkol sa mga anak ni Israel na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda , pinagharian sila ni Roboam . Nang magkagayo&#039;y sinugo ng haring Roboam si Adoram , na nasa buwisan ; at binato siya ng mga bato ng mga anak ni Israel , na anopa&#039;t siya&#039;y namatay . At ang haring Roboam ay nagmadaling sumampa sa kaniyang karo , upang tumakas sa Jerusalem . Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David , hanggang sa araw na ito . At nang dumating si Roboam sa Jerusalem , kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin , na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake , na mga mangdidigma , na magsisilaban sa Israel , upang ibalik ang kaharian kay Roboam . Nguni&#039;t ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios , na sinasabi , Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon , na hari sa Juda , at sa buong Israel sa Juda at Benjamin , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&#039;y huwag magsisiahon , o magsisilaban man sa inyong mga kapatid : bumalik ang bawa&#039;t lalake sa kaniyang bahay ; sapagka&#039;t ang bagay na ito ay sa akin . Sa gayo&#039;y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon , at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam . At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem , at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda . Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem , at ang Etham , at ang Tecoa , At ang Beth-sur , at ang Socho , at ang Adullam , At ang Gath , at ang Maresa , at ang Ziph , At ang Adoraim , at ang Lachis , at ang Asecha , At ang Sora , at ang Ajalon , at ang Hebron , na nangasa Juda at sa Benjamin , na mga bayang nangakukutaan . At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan , at mga nilagyan ng mga pinunong kawal , at saganang pagkain , at ng langis at alak . At sa bawa&#039;t bayan , siya&#039;y naglagay ng mga kalasag at mga sibat , at pinatibay niyang mainam ang mga yaon . At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya . At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan . Sapagka&#039;t iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari , at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem : sapagka&#039;t pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak , na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon ; At siya&#039;y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako , at sa mga kambing na lalake , at sa mga guya na kaniyang ginawa . At pagkatapos nila , yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang . Sa gayo&#039;y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda , at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon : sapagka&#039;t sila&#039;y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon . At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David , at kay Abihail na anak ni Eliab , na anak ni Isai ; At siya&#039;y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake ; si Jeus , at si Samaria , at si Zaham . At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom ; ipinanganak nito sa kaniya si Abias , at si Athai , at si Ziza , at si Selomith . At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae ( sapagka&#039;t siya&#039;y nagasawa ng labing walo , at anim na pung babae , at nagkaanak ng dalawang pu&#039;t walong lalake , at anim na pung babae . ) At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno , sa makatuwid baga&#039;y prinsipe sa kaniyang mga kapatid : sapagka&#039;t kaniyang inisip na gawin siyang hari . At siya&#039;y kumilos na may katalinuhan , at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi , sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin , hanggang sa bawa&#039;t bayang nakukutaan : at binigyan niya sila ng pagkaing sagana . At inihanap niya sila ng maraming asawa . At nangyari , nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya&#039;y malakas , na kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon , at ang buong Israel ay kasama niya . At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam , na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem , sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisalangsang laban sa Panginoon , Na may isang libo at dalawang daang karo , at anim na pung libong mangangabayo . At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto ; ang mga Lubim , ang mga Sukim , at ang mga taga Etiopia . At sinupok niya ang mga bayang nakukutaan na nauukol sa Juda , at naparoon sa Jerusalem . Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam , at sa mga prinsipe ng Juda , na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac , at nagsabi sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , Inyo akong pinabayaan , kaya&#039;t iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac . Nang magkagayo&#039;y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa ; at kanilang sinabi , Ang Panginoon ay matuwid . At nang makita ng Panginoon na sila&#039;y nangagpakumbaba , ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias , na sinasabi , Sila&#039;y nangagpakumbaba ; hindi ko gigibain sila : kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas , at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac . Gayon ma&#039;y sila&#039;y magiging kaniyang alipin ; upang kanilang makilala ang paglilingkod sa akin , at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain . Sa gayo&#039;y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem , at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at mga kayamanan ng bahay ng hari ; kaniyang kinuhang lahat : kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na ginawa ni Salomon . At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon , at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay , na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari . At nangyari , na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon , ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon , at ibinabalik sa silid ng bantay . At nang siya&#039;y magpakumbaba , ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya , na anopa&#039;t siya&#039;y hindi lubos na pinatay : at bukod dito&#039;y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay . Sa gayo&#039;y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari : sapagka&#039;t si Roboam ay may apat na pu&#039;t isang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari , at siya&#039;y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem , na bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel , upang ilagay ang kaniyang pangalan doon : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita . At siya&#039;y gumawa ng masama , sapagka&#039;t hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon . Ang mga gawa nga ni Roboam , na una at huli , di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Semeias na propeta at ni Iddo na tagakita , ayon sa ayos ng mga talaan ng lahi ? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam . At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David : at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang ikalabing walong taon ng haring Jeroboam ay nagpasimula si Abias na maghari sa Juda . Tatlong taong naghari siya sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Michaia na anak ni Uriel na taga Gabaa . At nagkaroon ng digmaan si Abias at si Jeroboam . At si Abias ay nagpisan sa pakikipagbaka ng isang hukbo na matatapang na lalaking mangdidigma , na apat na raang libo , na mga piling lalake : at humanay si Jeroboam sa pakikipagbaka laban sa kaniya na may walong daang libo , na piling mga lalake , na mga makapangyarihang lalaking may tapang . At si Abias ay tumayo sa bundok ng Semaraim , na nasa lupaing maburol ng Ephraim , at nagsabi , Dinggin ninyo ako , Oh Jeroboam at buong Israel ; Hindi ba ninyo nalalaman na ibinigay ng Panginoon , ng Dios ng Israel , ang kaharian sa Israel kay David magpakailan man , sa kaniya at sa kaniyang mga anak , sa pamamagitan ng tipan na asin ? Gayon ma&#039;y si Jeroboam na anak ni Nabat , na lingkod ni Salomon na anak ni David , ay tumindig , at nanghimagsik laban sa kaniyang panginoon . At napisan sa kaniya ay mga walang kabuluhang lalake , na mga hamak na tao , na nangagpakatibay laban kay Roboam na anak ni Salomon , nang si Roboam ay bata at malumanay na puso , at hindi makapanaig sa kanila . At ngayo&#039;y inyong inaakalang daigin ang kaharian ng Panginoon sa kamay ng mga anak ni David ; at kayo&#039;y isang malaking karamihan , at mayroon kayong mga gintong guya , na ginawang mga dios sa inyo ni Jeroboam . Hindi ba ninyo pinalayas ang mga saserdote ng Panginoon , na mga anak ni Aaron , at ang mga Levita , at kayo&#039;y naghalal ng mga saserdote na ayon sa kaugalian ng mga bayan ng mga ibang lupain ? na anopa&#039;t sinomang naparoroon upang tumalaga sa pamamagitan ng isang guyang baka , at pitong lalaking tupa , yao&#039;y maaaring saserdote sa mga yaon na hindi mga dios . Nguni&#039;t tungkol sa amin , ang Panginoon ay ang aming Dios , at hindi namin pinabayaan siya ; at mayroon kaming mga saserdote na nagsisipangasiwa sa Panginoon , ang mga anak ni Aaron , at ang mga Levita sa kanilang gawain : At sila&#039;y nagsisipagsunog sa Panginoon tuwing umaga at tuwing hapon ng mga handog na susunugin at ng mainam na kamangyan : ang tinapay na handog naman ay inihanay nila sa dulang na dalisay ; at ang kandelerong ginto na may mga ilawan , upang magsipagningas tuwing hapon : sapagka&#039;t aming iningatan ang bilin ng Panginoon naming Dios ; nguni&#039;t pinabayaan ninyo siya . At , narito , ang Dios ay nangungulo sa amin , at ang kaniyang mga saserdote ay mga may pakakak na panghudyat , upang mangagpatunog ng hudyat laban sa iyo . Oh mga anak ni Israel , huwag kayong mangakipaglaban sa Panginoon , sa Dios ng inyong mga magulang ; sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi magsisiginhawa . Nguni&#039;t pinaligid sa likuran nila ni Jeroboam ang isang kawal na bakay : na anopa&#039;t sila&#039;y nangasa harap ng Juda , at ang bakay ay nasa likuran nila . At nang ang Juda ay lumingon , narito , ang pagbabaka&#039;y nasa harap at likuran nila : at sila&#039;y nagsidaing sa Panginoon , at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak . Nang magkagayo&#039;y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda : at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda , nangyari , na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda . At ang mga anak ni Israel ay nagsitakas sa harap ng Juda : at ibinigay ng Dios sila sa kanilang kamay . At pinatay sila ni Abias at ng kaniyang bayan ng malaking pagpatay : sa gayo&#039;y nangabuwal na patay sa Israel ay limang daang libo na piling mga lalake . Ganito nangasakop ang mga anak ni Israel nang panahong yaon , at ang mga anak ni Juda ay nagsipanaig , sapagka&#039;t sila&#039;y nagsitiwala sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang . At hinabol ni Abias si Jeroboam , at inagawan siya ng mga bayan , ang Beth-el pati ng mga nayon niyaon , at ang Jesana pati ng mga nayon niyaon at ang Ephron pati ng mga nayon niyaon . Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias : at sinaktan siya ng Panginoon at siya&#039;y namatay . Nguni&#039;t si Abias ay naging makapangyarihan , at nagasawa ng labing apat , at nagkaanak ng dalawang pu&#039;t dalawang lalake , at labing anim na babae . At ang iba sa mga gawa ni Abias , at ang kaniyang mga lakad , at ang kaniyang mga sabi ay nangakasulat sa kasaysayan ni Iddo na propeta . Sa gayo&#039;y natulog si Abias na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa bayan ni David , at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang kaniyang mga kaarawan ay tahimik ang lupain na sangpung taon . At gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios : Sapagka&#039;t kaniyang inalis ang mga dambana ng iba , at ang mga mataas na dako , at pinagputolputol ang mga haligi , at ibinagsak ang mga Asera , At iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , at tuparin ang kautusan at ang utos . Kaniya rin namang inalis sa lahat na bayan ng Juda ang mga mataas na dako at ang mga larawang araw : at ang kaharian ay tahimik sa harap niya . At siya&#039;y nagtayo ng mga bayang nakukutaan sa Juda : sapagka&#039;t ang lupain ay tahimik , at siya&#039;y hindi nagkaroon ng pakikipagdigma sa mga taong yaon ; sapagka&#039;t binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan . Sapagka&#039;t sinabi niya sa Juda , Itayo natin ang mga bayang ito , at gawan sa palibot ng mga kuta , at ng mga moog , ng mga pintuang-bayan , at ng mga halang ; ang lupain ay nasa harap pa natin , sapagka&#039;t ating hinahanap ang Panginoon nating Dios ; ating hinanap siya , at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako . Sa gayo&#039;y kanilang itinayo at nagsiginhawa . At si Asa ay may isang hukbo na may dalang mga kalasag at mga sibat , na mula sa Juda , na tatlong daang libo ; at mula sa Benjamin , na nagdadala ng mga kalasag at nagpapahilagpos ng mga busog na dalawang daan at walong pung libo : lahat ng mga ito ay mga makapangyarihang lalake na matatapang . At lumabas laban sa kanila si Zera na taga Etiopia na may hukbo na isang angaw , at tatlong daang karo ; at siya&#039;y naparoon sa Maresa . Nang magkagayo&#039;y lumabas si Asa na sumalubong sa kaniya , at sila&#039;y nagsihanay ng pakikipagbaka sa libis ng Sephata sa Maresa . At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios , at kaniyang sinabi , Panginoon , walang iba liban sa iyo na makatutulong , sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas : tulungan mo kami , Oh Panginoon naming Dios : sapagka&#039;t kami ay nagsisitiwala sa iyo , at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito . Oh Panginoon , ikaw ay aming Dios ; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo . Sa gayo&#039;y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa , at sa harap ng Juda ; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas . At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar : at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami , na anopa&#039;t sila&#039;y hindi makabawi , sapagka&#039;t sila&#039;y nalansag sa harap ng Panginoon , at sa harap ng kaniyang hukbo ; at sila&#039;y nagsipagdala ng totoong maraming samsam . At kanilang sinaktan ang lahat na bayan sa palibot ng Gerar ; sapagka&#039;t sila&#039;y naratnan ng takot sa Panginoon ; at kanilang sinamsaman ang lahat na bayan ; sapagka&#039;t maraming nasamsam sa kanila . Kanila rin namang sinaktan ang mga toldang silungan ng mga hayop , at nagsipagdala ng mga tupa na sagana , at mga kamelyo , at nagsibalik sa Jerusalem . At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed : At siya&#039;y lumabas na sinalubong si Asa , at sinabi niya sa kaniya , Dinggin ninyo ako , Asa , at buong Juda at Benjamin : ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo&#039;y sumasa kaniya : at kung inyong hanapin siya , siya&#039;y masusumpungan ninyo ; nguni&#039;t kung pabayaan ninyo siya , kaniyang pababayaan kayo . Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote , at walang kautusan : Nguni&#039;t nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon , sa Dios ng Israel , at hinanap nila siya , siya&#039;y nasumpungan nila . At nang mga panahong yaon ay walang kapayapaan sa kaniya na lumabas , o sa kaniya na pumasok , kundi malaking ligalig ang nangasa lahat ng mga nananahan sa mga lupain . At sila&#039;y nagkapangkatpangkat , bansa laban sa bansa , at bayan laban sa bayan : sapagka&#039;t niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian . Nguni&#039;t mangagpakalakas kayo , at huwag manglata ang inyong mga kamay ; sapagka&#039;t ang inyong mga gawa ay gagantihin . At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito , at ang hula ni Obed na propeta , siya&#039;y lumakas , at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin , at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim ; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon , na nasa harap ng portiko ng Panginoon . At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin , at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases , at mula sa Simeon ; sapagka&#039;t sila&#039;y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana , nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya . Sa gayo&#039;y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan , sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa . At sila&#039;y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon , sa samsam na kanilang dinala , na pitong daang baka at pitong libong tupa . At sila&#039;y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , ng kanilang buong puso , at ng kanilang buong kaluluwa . At sinomang hindi humanap sa Panginoon , sa Dios ng Israel , ay papatayin , maging maliit o malaki , maging lalake o babae . At sila&#039;y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig , at may mga hiyawan , at may mga pakakak , at may mga patunog . At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa : sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisumpa ng kanilang buong puso , at hinanap siya ng buo nilang nasa ; at siya&#039;y nasumpungan sa kanila : at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot . At si Maacha naman na ina ni Asa na hari , ay inalis niya sa pagkareina , sapagka&#039;t siya&#039;y gumawa ng nakasusuklam na larawan na pinaka Asera ; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan , at ginawang alabok , at sinunog sa batis ng Cedron . Nguni&#039;t ang mga mataas na dako ay hindi inalis sa Israel : gayon ma&#039;y ang puso ni Asa ay sakdal sa lahat ng kaniyang mga kaarawan . At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama , at yaon mang kaniyang itinalaga , na pilak , at ginto , at mga sisidlan . At nawalan na ng digma sa ikatatlong pu&#039;t limang taon ng paghahari ni Asa . Nang ikatatlong pu&#039;t anim na taon ng paghahari ni Asa , si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda , at itinayo ang Rama , upang huwag niyang matiis na sinoma&#039;y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda . Nang magkagayo&#039;y kumuha si Asa ng pilak , at ginto sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari , at nagsugo kay Ben-adad , na hari sa Siria , na tumatahan sa Damasco , na ipinasasabi , May pagkakasundo ako at ikaw , na gaya ng aking ama at ng iyong ama : narito , ako&#039;y nagpapadala sa iyo ng pilak at ginto ; yumaon ka , sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel , upang siya&#039;y lumayas sa akin . At dininig ni Ben-adad ang haring Asa , at sinugo niya ang mga pinunong kawal ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel , at kanilang sinaktan ang Ion , at ang Dan , at ang Abel-maim , at ang lahat na bayang kamaligan ng Nephtali . At nangyari , nang mabalitaan ni Baasa , na iniwan niya ang pagtatayo ng Rama , at ipinatigil ang kaniyang gawa . Nang magkagayo&#039;y ipinagsama ni Asa na hari ang buong Juda ; at kanilang dinala ang mga bato ng Rama , at ang kahoy niyaon , na ipinagtayo ni Baasa ; at itinayo niya sa pamamagitan niyaon ang Gibaa at Mizpa . At nang panahong yaon ay naparoon kay Asa na hari sa Juda si Hanani na tagakita , at nagsabi sa kaniya , Sapagka&#039;t ikaw ay nagtiwala sa hari sa Siria , at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios , kaya&#039;t ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay . Hindi ba ang mga taga Etiopia at ang mga Lubim ay makapal na hukbo , na may mga karo at mangangabayo na totoong marami ? gayon ma&#039;y sapagka&#039;t ikaw ay nagtiwala sa Panginoon , ibinigay sila sa iyong kamay . Sapagka&#039;t ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa , upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa kaniya . Ikaw ay gumawang may kamangmangan ; sapagka&#039;t mula ngayo&#039;y magkakaroon ka ng mga pakikipagdigma . Nang magkagayo&#039;y nagalit si Asa sa tagakita , at inilagay niya siya sa bilangguan : sapagka&#039;t siya&#039;y nagalit sa kaniya dahil sa bagay na ito . At pinighati ni Asa ang iba sa bayan nang panahon ding yaon . At , narito , ang mga gawa ni Asa , na una at huli , narito , nangakasulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel . At nang ikatatlong pu&#039;t siyam na taon ng kaniyang paghahari , si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa ; ang kaniyang sakit ay totoong malubha : gayon ma&#039;y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon , kundi ang mga manggagamot . At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at namatay sa ikaapat na pu&#039;t isang taon ng kaniyang paghahari . At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan , na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David , at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango ; at ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa . At si Josaphat na kaniyang anak ay naghari , na kahalili niya , at nagpakalakas laban sa Israel . At siya&#039;y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda , at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda , at sa mga bayan ng Ephraim , na sinakop ni Asa sa kaniyang ama . At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat , sapagka&#039;t siya&#039;y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David , at hindi hinanap ang mga Baal ; Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama , at lumakad sa kaniyang mga utos , at hindi ayon sa mga gawa ng Israel . Kaya&#039;t itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay ; at ang buong Juda ay nagdala kay Josaphat ng mga kaloob ; at siya&#039;y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana . At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon : at bukod dito&#039;y inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda . Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe , sa makatuwid bagay si Ben-hail , at si Obdias , at si Zacharias , at si Nathaniel , at si Micheas , upang mangagturo sa mga bayan ng Juda . At kasama nila ang mga Levita , na si Semeias , at si Nethanias , at si Zebadias , at si Asael , at si Semiramoth , at si Jonathan , at si Adonias , at si Tobias , at si Tob-adonias , na mga Levita ; at kasama nila si Elisama , at si Joram na mga saserdote . At sila&#039;y nangagturo sa Juda , na may aklat ng kautusan ng Panginoon ; at sila&#039;y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda , at nangagturo sa gitna ng bayan . At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda , na anopa&#039;t sila&#039;y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat . At ang ilan sa mga Filisteo ay nangagdala ng mga kaloob kay Josaphat , at pilak na pinakabuwis ; ang mga taga Arabia man ay nangagdala rin sa kaniya ng mga kawan , na pitong libo at pitong daang lalaking tupa , at pitong libo at pitong daang kambing na lalake . At si Josaphat ay dumakilang mainam ; at siya&#039;y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo at mga bayang kamaligan . At siya&#039;y nagkaroon ng maraming mga gawain sa mga bayan ng Juda ; at ng mga lalaking mangdidigma , na mga makapangyarihang lalaking matatapang , sa Jerusalem . At ito ang bilang nila ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang : sa Juda , ang mga pinunong kawal ng lilibuhin ; si Adna na pinunong kawal , at ang kasama niya na mga makapangyarihang lalaking matatapang ay tatlong daang libo : At sumusunod sa kaniya ay si Johanan na pinunong kawal , at kasama niya&#039;y dalawang daan at walong pung libo ; At sumusunod sa kaniya ay si Amasias na anak ni Zichri , na humandog na kusa sa Panginoon ; at kasama niya ay dalawang daang libo na mga makapangyarihang lalaking matatapang : At sa Benjamin ; si Eliada na makapangyarihang lalaking matapang , at kasama niya ay dalawang daang libong may sakbat na busog at kalasag : At sumusunod sa kaniya ay si Jozabad , at kasama niya ay isang daan at walong pung libo na handa sa pakikipagdigma . Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda . Si Josaphat nga ay nagkaroon ng kayamanan , at dangal na sagana ; at siya&#039;y nakipagkamaganak kay Achab . At pagkatapos ng ilang taon , kaniyang nilusong si Achab sa Samaria . At ipinagpatay siya ni Achab ng mga tupa at baka na sagana , at ang bayan na kasama niya ; at inupahan siya na umahon na kasama niya sa Ramoth-galaad . At sinabi ni Achab na hari sa Israel kay Josaphat na hari sa Juda , Sasama ka ba sa akin sa Ramoth-galaad ? At sinagot niya siya , Ako&#039;y gaya mo , at ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan ; at kami ay sasaiyo sa pakikipagdigma . At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel , Magusisa ka ngayon , isinasamo ko sa iyo , sa salita ng Panginoon . Nang magkagayo&#039;y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta , na apat na raang lalake , at sinabi sa kanila , Magsisiparoon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka , o uurong ako ? At sinabi nila , Umahon ka ; sapagka&#039;t ibibigay ng Dios sa kamay ng hari . Nguni&#039;t sinabi ni Josaphat : Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon , upang tayo&#039;y makapagusisa sa kaniya ? At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon : nguni&#039;t kinapopootan ko siya : sapagka&#039;t kailan man ay hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin , kundi laging kasamaan ; si Micheas nga na anak ni Imla . At sinabi ni Josaphat , Huwag magsabi ng ganyan ang hari . Nang magkagayo&#039;y tumawag ang hari sa Israel ng isang pinuno , at kaniyang sinabi , Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla . Ang hari nga ng Israel at si Josaphat na hari sa Juda , ay nakaupo bawa&#039;t isa sa kanikaniyang luklukan na nakapanamit hari , at sila&#039;y nakaupo sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria ; at ang lahat na propeta ay nanganghula sa harap nila . At si Sedechias na anak ni Chenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal , at kaniyang sinabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria , hanggang sa mangalipol . At lahat na propeta ay nanganghulang gayon , na sinasabi , Umahon ka sa Ramoth-galaad , at guminhawa ka : sapagka&#039;t ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari . At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya na sinasabi , Narito , ang mga salita ng mga propeta ay nagsaysay ng mabuti sa hari na magkakaisa : isinasamo ko nga sa iyo na ang iyong salita ay maging gaya ng isa sa kanila , at magsalita ka ng mabuti . At sinabi ni Micheas , Buhay ang Panginoon , kung ano ang sabihin ng aking Dios , yaon ang aking sasalitain . At nang siya&#039;y dumating sa hari , sinabi ng hari sa kaniya , Micheas , magsisiyaon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka , o uurong ako ? At sinabi niya , Magsiyaon kayo at magsiginhawa nawa ; at sila&#039;y mangabibigay sa inyong kamay . At sinabi ng hari sa kaniya : Makailang ipasusumpa ko sa iyo na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin kundi katotohanan sa pangalan ng Panginoon ? At kaniyang sinabi , Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok , na gaya ng mga tupa na walang pastor : at sinabi ng Panginoon , Ang mga ito&#039;y walang panginoon ; umuwing payapa ang bawa&#039;t lalake sa kaniyang bayan . At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , Di ba isinaysay ko sa iyo na siya&#039;y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin , kundi kasamaan ? At sinabi ni Micheas , Kaya&#039;t dinggin ninyo ang salita ng Panginoon : Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan , at ang buong hukbo ng langit na nakatayo sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa . At sinabi ng Panginoon , Sinong dadaya kay Achab na hari sa Israel , upang siya&#039;y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad ? At ang isa&#039;y nagsalita na nagsabi ng ayon sa ganitong paraan , at ang iba&#039;y nagsabi ayon sa gayong paraan . At lumabas ang isang espiritu , at tumayo sa harap ng Panginoon , at nagsabi , Aking dadayain siya . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Sa ano ? At kaniyang sinabi , Ako&#039;y lalabas , at ako&#039;y magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta . At kaniyang sinabi , Iyong dadayain siya , at mananaig ka rin : lumabas ka , at gawin mong gayon . Ngayon nga , narito , inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng iyong mga propetang ito ; ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo . Nang magkagayo&#039;y lumapit si Sedechias na anak ni Chenaana , at sinampal si Micheas , at nagsabi , Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin upang magsalita sa iyo ? At sinabi ni Micheas , Narito , iyong makikita sa araw na yaon , pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli . At sinabi ng hari sa Israel , Dalhin ninyo si Micheas , at ibalik ninyo siya kay Amon na tagapamahala ng bayan , at kay Joas na anak ng hari ; At sabihin ninyo , Ganito ang sabi ng hari , Ilagay ang taong ito sa bilangguan , at pakanin siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako&#039;y bumalik na payapa . At sinabi ni Micheas , Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa , ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko . At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo , ninyong mga bayan , ninyong lahat . Sa gayo&#039;y ang hari sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad . At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat , Ako&#039;y magpapakunwaring iba , at paroroon ako sa pagbabaka ; nguni&#039;t ikaw ay magbalabal ng iyong mga balabal hari . Sa gayo&#039;y ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba ; at sila&#039;y nagsiparoon sa pagbabaka . Ang hari nga sa Siria ay nagutos sa mga pinunong kawal ng kaniyang mga karo , na sinasabi , Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man , liban lamang sa hari sa Israel . At nangyari , nang makita ng mga punong kawal ng mga karo ni Josaphat , na kanilang sinabi , Siyang hari sa Israel . Kaya&#039;t sila&#039;y nagsiligid upang magsilaban sa kaniya : nguni&#039;t si Josaphat ay humiyaw , at tinulungan siya ng Panginoon ; at kinilos sila ng Dios na humiwalay sa kaniya . At nangyari nang makita ng mga pinunong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel , na sila&#039;y nagsihiwalay ng paghabol sa kaniya . At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa isang pagbabakasakali , at tinamaan ang hari sa Israel , sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat kaya&#039;t sinabi niya sa nagpapatakbo ng karo , Ipihit mo ang iyong kamay , at ihiwalay mo ako sa hukbo ; sapagka&#039;t ako&#039;y nasugatan ng mabigat . At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon ; gayon ma&#039;y ang hari sa Israel ay nanatili sa kaniyang karo laban sa mga taga Siria hanggang sa kinahapunan : at sa may paglubog ng araw ay namatay siya . At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem . At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya , at sinabi sa haring Josaphat : Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon ? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon . Gayon ma&#039;y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo , sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain , at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios . At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem : at siya&#039;y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim , at ibinalik niya sila sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang . At siya&#039;y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan . At sinabi sa mga hukom , Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa : sapagka&#039;t hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao , kundi dahil sa Panginoon , at siya&#039;y sumasainyo sa kahatulan . Ngayon nga&#039;y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon ; magsipagingat kayo at inyong gawin : sapagka&#039;t walang kasamaan sa Panginoon nating Dios , o tumangi man sa mga tao , o tumanggap man ng mga suhol . Bukod dito&#039;y naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita , at sa mga saserdote , at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , dahil sa kahatulan ng Panginoon , at sa mga pagkakaalitan . At sila&#039;y nagsibalik sa Jerusalem . At kaniyang binilinan sila , na sinasabi , Ganito ang inyong gagawin , sa takot sa Panginoon , na may pagtatapat , at may sakdal na puso . At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan , na dugo&#039;t dugo , kautusan at utos , mga palatuntunan at mga kahatulan , ay inyong papayuhan sila , upang sila&#039;y huwag maging salarin sa Panginoon , at sa gayo&#039;y kapootan ay huwag dumating sa inyo , at sa inyong mga kapatid : ito&#039;y inyong gawin , at kayo&#039;y hindi magiging salarin . At , narito , si Amarias na punong saserdote ay nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon ; at si Zebadias na anak ni Ismael , na tagapamahala sa sangbahayan ni Juda , sa lahat ng mga bagay ng hari : ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo . Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabuti nawa . At nangyari , pagkatapos nito , na ang mga anak ni Moab , at ang mga anak ni Ammon , at pati ng iba sa mga Ammonita , ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka . Nang magkagayo&#039;y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat , na nagsasabi , May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria ; at , narito , sila&#039;y nangasa Hasason-tamar ( na siyang Engedi ) . At si Josaphat ay natakot , at tumalagang hanapin ang Panginoon ; at siya&#039;y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda . At ang Juda&#039;y nagpipisan , upang huminging tulong sa Panginoon : sa makatuwid baga&#039;y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon . At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem , sa bahay ng Panginoon , sa harap ng bagong looban ; At kaniyang sinabi , Oh Panginoon , na Dios ng aming mga magulang , di ba ikaw ay Dios sa langit ? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa ? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas , na anopa&#039;t walang makahaharap sa iyo . Di mo ba pinalayas , Oh aming Dios , ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel , at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man ? At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan , na sinasabi , Kung ang kasamaan ay dumating sa amin , ang tabak ng kahatulan , o salot , o kagutom , kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito , at sa harap mo , ( sapagka&#039;t ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito , ) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati , at kami ay iyong didinggin at ililigtas . At ngayon , narito , ang mga anak ni Ammon at ni Moab , at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel , nang sila&#039;y magsilabas sa lupain ng Egipto , kundi kanilang nilikuan sila , at hindi sila nilipol ; Tingnan mo , kung paanong sila&#039;y gumaganti sa amin , na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari , na iyong ibinigay sa amin upang manahin . Oh aming Dios , hindi mo ba hahatulan sila ? sapagka&#039;t wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin , ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin ; nguni&#039;t ang aming mga mata ay nasa iyo . At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon , pati ang kanilang mga bata , ang kanilang mga asawa , at ang kanilang mga anak . Nang magkagayo&#039;y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias , na anak ni Benaias , na anak ni Jeiel , na anak ni Mathanias na Levita , sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan ; At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo , buong Juda , at ninyong mga taga Jerusalem , at ikaw na haring Josaphat : ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo , Huwag kayong mangatakot , o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito ; sapagka&#039;t ang pakikipagbaka ay hindi inyo , kundi sa Dios . Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila : narito , sila&#039;y nagsiahon sa ahunan ng Sis ; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis , sa harap ng ilang ng Jeruel . Kayo&#039;y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito : magsilagay kayo , magsitayo kayong panatag , at tingnan ninyo ang pagliligtas , ng Panginoon na kasama ninyo , Oh Juda at Jerusalem : huwag kayong mangatakot , o manganglupaypay man : bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay sumasa inyo . At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa : at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon , na nagsisamba sa Panginoon . At ang mga Levita , sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita ; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ng totoong malakas na tinig . At sila&#039;y nagsibangong maaga sa kinaumagahan , at nagsilabas sa ilang ng Tecoa : at habang sila&#039;y nagsisilabas , si Josaphat ay tumayo , at nagsabi , Dinggin ninyo ako , Oh Juda , at ninyong mga taga Jerusalem ; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios , sa gayo&#039;y matatatag kayo ; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta , sa gayo&#039;y giginhawa kayo . At nang siya&#039;y makakuhang payo sa bayan , kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila&#039;y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi , Mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&#039;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man . At nang sila&#039;y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri , ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon , ni Moab , at ng sa bundok ng Seir , na nagsiparoon laban sa Juda ; at sila&#039;y nangasugatan . Sapagka&#039;t ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir , upang lubos na magsipatay at lipulin sila : at nang sila&#039;y makatapos sa mga taga bundok ng Seir , bawa&#039;t isa&#039;y tumulong na lumipol sa iba . At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang , sila&#039;y nagsitingin sa karamihan ; at , narito , mga bangkay na nangakabuwal sa lupa , at walang nakatanan . At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila , kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay , at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili , na higit kay sa kanilang madala : at sila&#039;y nagsidoon na tatlong araw , sa pagkuha ng samsam , na totoong marami . At nang ikaapat na araw , sila&#039;y nagpupulong sa libis ng Baracah ; sapagka&#039;t doo&#039;y kanilang pinuri ang Panginoon : kaya&#039;t ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah , hanggang sa araw na ito . Nang magkagayo&#039;y nagsibalik sila , bawa&#039;t lalake sa Juda , at sa Jerusalem , at si Josaphat ay sa unahan nila , upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan ; sapagka&#039;t sila&#039;y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway . At sila&#039;y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa , at mga pakakak sa bahay ng Panginoon . At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain , nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel . Sa gayo&#039;y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik : sapagka&#039;t binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot . At si Josaphat ay naghari sa Juda : siya&#039;y may tatlong pu&#039;t limang taong gulang nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing dalawang pu&#039;t limang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi . At siya&#039;y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama , at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon . Gayon ma&#039;y ang mga mataas na dako ay hindi inalis ; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang . Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat , na una at huli , narito , nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani , na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel . At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel ; na siyang gumawa ng totoong masama : At siya&#039;y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis : at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber . Nang magkagayo&#039;y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat , na kaniyang sinabi , Sapagka&#039;t ikaw ay nakipisan kay Ochozias , giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa . At ang mga sasakyan ay nangabasag , na anopa&#039;t sila&#039;y hindi na makaparoon sa Tharsis . At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David : at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . At siya&#039;y nagkaroon ng mga kapatid , na mga anak ni Josaphat , na si Azarias , at si Jehiel , at si Zacharias , at si Azarias , at si Michael , at si Sephatias : lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel . At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob , na pilak , at ginto , at mga mahalagang bagay , pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda : nguni&#039;t ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram , sapagka&#039;t siya ang panganay . Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama , at lumakas , ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid , at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel . Si Joram ay tatlongpu&#039;t dalawang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing walong taon sa Jerusalem . At siya&#039;y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab ; sapagka&#039;t siya&#039;y nagasawa sa anak ni Achab : at siya&#039;y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon . Gayon ma&#039;y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David , dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David , at yamang siya&#039;y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man . Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda , at naghalal ng hari sa kanilang sarili . Nang magkagayo&#039;y nagdaan si Joram na kasama ang kaniyang mga punong kawal , at dala ang lahat niyang mga karo : at siya&#039;y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya , at ang mga pinunong kawal sa mga karo . Sa gayo&#039;y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda , hanggang sa araw na ito : nang magkagayo&#039;y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan : sapagka&#039;t kaniyang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang . Bukod dito&#039;y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda , at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem , at iniligaw ang Juda . At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta , na sinasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ni David na iyong ama , sapagka&#039;t hindi ka lumakad ng mga lakad ni Josaphat na iyong ama , o ng mga lakad man ni Asa na hari sa Juda : Kundi ikaw ay lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel , at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab ; at iyo rin namang pinatay ang iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama , na lalong mabuti kay sa iyo : Narito , ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan , at sa iyong mga anak , at sa iyong mga asawa , at sa lahat ng iyong pag-aari : At ikaw ay magkakasakit ng mabigat , na sakit ng iyong tiyan , hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw . At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga Filisteo , at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga taga Etiopia : At sila&#039;y nagsiahon laban sa Juda , at nagpumilit doon , at dinala ang lahat na pag-aari na nasumpungan sa bahay ng hari , at pati ang mga anak niya , at ang mga asawa niya ; na anopa&#039;t walang naiwang anak sa kaniya , liban si Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak . At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit . At nangyari , sa lakad ng panahon sa katapusan ng dalawang taon , na ang loob ng kaniyang tiyan ay lumabas dahil sa kaniyang sakit , at siya&#039;y namatay sa mabigat na sakit . At hindi ipinagsunog siya ng kaniyang bayan , na gaya ng pagsusunog sa kaniyang mga magulang . May tatlongpu&#039;t dalawang taon siya nang siya&#039;y magpasimulang maghari , at siya&#039;y naghari sa Jerusalem na walong taon : at siya&#039;y nanaw na walang nagnasang pumigil ; at inilibing nila siya sa bayan ni David , nguni&#039;t hindi sa mga libingan ng mga hari . At ginawang hari ng mga taga Jerusalem si Ochozias na kaniyang bunsong anak na kahalili niya : sapagka&#039;t pinatay ang mga pinaka matanda sa kampamento ng pulutong na lalake na naparoon na kasama ng mga taga Arabia . Sa gayo&#039;y si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay naghari . May apat na pu&#039;t dalawang taon si Ochozias nang magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing isang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri . Siya rin naman ay lumakad ng mga lakad ng sangbahayan ni Achab : sapagka&#039;t ang kaniyang ina ay siyang kaniyang taga-payo upang gumawang may kasamaan . At siya&#039;y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab : sapagka&#039;t sila ang naging kaniyang taga-payo pagkamatay ng kaniyang ama , sa ikapapahamak niya . Siya&#039;y lumakad din naman ng ayon sa kanilang payo , at yumaon na kasama ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad : at sinugatan ng mga taga Siria si Joram . At siya&#039;y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama , ng siya&#039;y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria . At si Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel , sapagka&#039;t siya&#039;y may sakit . Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios , sa kaniyang pagparoon kay Joram : sapagka&#039;t nang siya&#039;y dumating , siya&#039;y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi , na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab . At nangyari , nang si Jehu ay maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab , na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda , at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias , na nagsisipangasiwa kay Ochozias , at pinatay sila . At kaniyang hinanap si Ochozias , at hinuli nila siya , ( siya nga&#039;y nagtatago sa Samaria , ) at dinala nila siya kay Jehu , at pinatay siya ; at inilibing nila siya , sapagka&#039;t kanilang sinabi , Siya&#039;y anak ni Josaphat , na humanap sa Panginoon ng buo niyang puso . At ang sangbahayan ni Ochozias ay walang kapangyarihang humawak ng kaharian . Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay , siya&#039;y tumindig at nilipol ang lahat na binhing hari ng sambahayan ni Juda . Nguni&#039;t kinuha ni Josabeth , na anak na babae ng hari , si Joas na anak ni Ochozias , at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay , at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan . Gayon ikinubli ni Josabeth , na anak ng haring Joram , na asawa ni Joiada na saserdote , ( sapagka&#039;t siya&#039;y kapatid ni Ochozias ) kay Athalia , na anopa&#039;t siya&#039;y hindi napatay . At siya&#039;y nakakubling kasama nila sa bahay ng Dios na anim na taon : at si Athalia ay naghari sa lupain . At sa ikapitong taon ay lumakas si Joiada , at nakipagtipan siya sa mga pinunong kawal ng dadaanin , kay Azarias na anak ni Joram , at kay Ismael na anak ni Johanan , at kay Azarias na anak ni Obed , at kay Maasias na anak ni Adaias , at kay Elisaphat na anak ni Zichri . At kanilang nilibot ang Juda , at pinisan ang mga Levita mula sa lahat na bayan ng Juda , at ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , at sila&#039;y nagsiparoon sa Jerusalem . At ang buong kapisanan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Dios . At sinabi niya sa kanila , Narito , ang anak ng hari ay maghahari , gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa mga anak ni David . Ito ang bagay na inyong gagawin : isang ikatlong bahagi ninyo , na pumapasok sa sabbath , sa mga saserdote at sa mga Levita , magiging mga tagatanod-pinto ; At ang ikatlong bahagi ay magiging sa bahay ng hari ; at ang ikatlong bahagi sa pintuang-bayan ng patibayan ; at ang buong bayan ay malalagay sa mga looban ng bahay ng Panginoon . Nguni&#039;t walang papasok sa bahay ng Panginoon , liban sa mga saserdote , at nagsisipangasiwang mga Levita ; sila&#039;y magsisipasok , sapagka&#039;t sila&#039;y mga banal : nguni&#039;t ang buong bayan ay magiingat ng pagbabantay sa Panginoon . At kukulungin ng mga Levita ang hari sa palibot , bawa&#039;t isa&#039;y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay ; at sinomang pumasok sa bahay , patayin : at kayo&#039;y magsiabay sa hari pagka siya&#039;y pumapasok at pagka siya&#039;y lumalabas . Gayon ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote : at sila&#039;y kumuha bawa&#039;t lalake ng kaniyang mga lalake , yaong nagsisipasok sa sabbath , na kasama niyaong nagsisilabas sa sabbath ; sapagka&#039;t hindi pinayaon ni Joiada na saserdote ang mga pangkat . At si Joiada na saserdote ay nagbigay sa mga pinunong kawal ng mga dadaanin ng mga sibat , at mga maliit na kalasag at mga kalasag na naging sa haring David , na nangasa bahay ng Dios . At kaniyang inilagay ang buong bayan , na bawa&#039;t isa&#039;y may kaniyang sandata sa kaniyang kamay , mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay , sa siping ng dambana at ng bahay , sa siping ng hari sa palibot . Nang magkagayo&#039;y kanilang inilabas ang anak ng hari , at ipinutong nila ang putong sa kaniya , at binigyan siya ng patotoo , at ginawa siyang hari : at pinahiran siya ng langis ni Joiada at ng kaniyang mga anak ; at kanilang sinabi , Mabuhay ang hari . At nang marinig ni Athalia ang kaingay ng bayan , na tumatakbo at pinupuri ang hari , siya&#039;y naparoon sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon : At siya&#039;y tumingin , at , narito , ang hari ay nakatayo sa siping ng kaniyang haligi sa pasukan , at ang mga punong kawal at ang mga may pakakak ay sa siping ng hari : at ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at humihip ng mga pakakak ; ang mga mangaawit naman ay nagsitugtog ng mga panugtog ng tugtugin , at tinugmaan ang awit ng papuri . Nang magkagayo&#039;y hinapak ni Athalia ang kaniyang suot , at sinabi : Paglililo , paglililo . At inilabas ni Joiada na saserdote ang mga pinunong kawal ng dadaanin na nangalalagay sa hukbo , at sinabi sa kanila , Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay ; at sinomang sumunod sa kaniya , patayin ng tabak : sapagka&#039;t sinabi ng saserdote , Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon . Sa gayo&#039;y binigyang daan nila siya ; at siya&#039;y naparoon sa pasukan ng pintuang-daan ng kabayo sa bahay ng hari : at pinatay nila siya roon . At si Joiada ay nakipagtipan sa kaniya , at sa buong bayan , at sa hari na sila&#039;y magiging bayan ng Panginoon . At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal , at ibinagsak , at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan , at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana . At inihalal ni Joiada ang mga katungkulan sa bahay ng Panginoon , sa kapangyarihan ng kamay ng mga saserdote na mga Levita , na siyang binahagi ni David sa bahay ng Panginoon , upang maghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon , gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises , na may pagkagalak , at may pagawit ayon sa ayos ni David . At kaniyang inilagay ang mga tagatanod-pinto sa mga pintuangdaan ng bahay ng Panginoon , upang walang pumasok na marumi sa anomang bagay . At kaniyang ipinagsama ang mga pinunong kawal ng dadaanin at ang mga mahal na tao , at ang mga tagapamahala ng bayan , at ang buong bayan ng lupain , at ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon : at sila&#039;y pumasok sa bahay ng hari , na nagdaan sa pinakamataas na pintuang-daan , at inilagay ang hari sa luklukan ng kaharian . Sa gayo&#039;y ang buong bayan ng lupain ay nagalak , at ang bayan ay natahimik : at pinatay nila ng tabak si Athalia . Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba . At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote . At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari , at siya&#039;y nagkaanak ng mga lalake at mga babae . At nangyari , pagkatapos nito , na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon . At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita , at sinabi sa kanila , Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda , at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon , at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay . Gayon ma&#039;y hindi minadali ng mga Levita . At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno , at sinabi sa kaniya , Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis na iniutos ni Moises , na lingkod ng Panginoon , at ng kapisanan ng Israel , mula sa Juda , at mula sa Jerusalem , na ukol sa tabernakulo ng patotoo ? Sapagka&#039;t giniba ng mga anak ni Athalia , niyaong masamang babae , ang bahay ng Dios , at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon . Sa gayo&#039;y nagutos ang hari , at sila&#039;y nagsigawa ng isang kaban , at inilagay sa labas sa pintuang daan ng bahay ng Panginoon . At sila&#039;y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem , na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang . At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak , at dinala , at inilagay sa kaban , hanggang sa natapos . At nagkagayon , nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari , sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita , at nang kanilang makita na maraming salapi , na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban , at kinuha , at dinala uli sa dakong kinaroroonan . Ganito ang kanilang ginawa araw-araw , at nagtipon ng salapi na sagana . At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon ; at sila&#039;y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon , at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon . Sa gayo&#039;y nagsigawa ang mga manggagawa , at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila , at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan , at pinatibay . At nang kanilang matapos , kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada , na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y mga sisidlan upang ipangasiwa , at upang ipaghandog ng hain , at mga sandok , at mga sisidlang ginto , at pilak . At sila&#039;y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada . Nguni&#039;t si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw , at siya&#039;y namatay ; siya&#039;y may isang daan at tatlongpung taon nang siya&#039;y mamatay . At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari , sapagka&#039;t siya&#039;y gumawa ng mabuti sa Israel , at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan . Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda , at nangagbigay galang sa hari . Nang magkagayo&#039;y dininig sila ng hari . At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon , ng Dios ng kanilang mga magulang , at nangaglingkod sa mga Asera at sa mga dios-diosan : at ang pag-iinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito . Gayon ma&#039;y nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon ; at sila&#039;y sumaksi laban sa kanila ; nguni&#039;t hindi sila pinakinggan . At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote ; at siya&#039;y tumayong mataas kay sa bayan , at nagsabi sa kanila , Ganito ang sabi ng Dios , Bakit kayo&#039;y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon , na anopa&#039;t kayo&#039;y huwag magsiginhawa ? sapagka&#039;t inyong pinabayaan ang Panginoon , kaniya namang pinabayaan kayo . At sila&#039;y nagsipagbanta laban sa kaniya , at binato siya ng mga bato , sa utos ng hari sa looban ng bahay ng Panginoon . Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya , kundi pinatay ang kaniyang anak . At nang siya&#039;y mamatay , kaniyang sinabi , Masdan ng Panginoon , at pakialaman . At nangyari , sa katapusan ng taon , na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya : at sila&#039;y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem , at nilipol ang lahat na prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan , at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco . Sapagka&#039;t ang hukbo ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake ; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka&#039;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang . Sa gayo&#039;y nilapatan nila ng kahatulan si Joas . At nang kanilang lisanin siya , ( sapagka&#039;t iniwan nila siya sa maraming mga sakit , ) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote , at pinatay siya sa kaniyang higaan , at siya&#039;y namatay : at inilibing nila siya sa bayan ni David , nguni&#039;t hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari . At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya ; si Zabad na anak ni Simath , na Ammonita , at si Jozabad na anak ni Simrith , na Moabita . Tungkol nga sa kaniyang mga anak , at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya , at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios , narito , nakasulat sa kasaysayan ng aklat ng mga hari . At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Amasias ay may dalawangpu&#039;t limang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y naghari na dalawangpu&#039;t siyam na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay si Joadan na taga Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , nguni&#039;t hindi ng sakdal na puso . Nangyari nga nang ang kaharian ay matatag sa kaniya , na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama . Nguni&#039;t hindi niya pinatay ang kanilang mga anak , kundi gumawa ng ayon sa nakasulat sa kautusan sa aklat ni Moises , gaya ng iniutos ng Panginoon , na sinasabi , ang mga ama ay hindi mangamamatay ng dahil sa mga anak , ni ang mga anak man ay nangamamatay ng dahil sa ama : kundi bawa&#039;t tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan . Bukod dito&#039;y pinisan ni Amasias ang Juda , at iniutos sa kanila ang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , sa kapangyarihan ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng mga pinunong kawal ng dadaanin , sa makatuwid baga&#039;y ang buong Juda at Benjamin : at kaniyang binilang sila mula sa dalawangpung taong gulang na patanda , at nasumpungan niya silang tatlong daang libong piling lalake , na makalalabas sa pakikipagdigma , na makahahawak ng sibat at kalasag . Siya&#039;y umupa rin naman ng isang daang libong makapangyarihang lalake na matatapang na mula sa Israel sa halagang isang daang talentong pilak . Nguni&#039;t naparoon ang isang lalake ng Dios sa kaniya , na nagsasabi , Oh hari , huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay hindi sumasa Israel , sa makatuwid baga&#039;y sa lahat ng mga anak ni Ephraim . Nguni&#039;t kung ikaw ay yayaon , gumawa kang may katapangan , magpakalakas ka sa pakikipagbaka : ibubuwal ka ng Dios sa harap ng kaaway : sapagka&#039;t ang Dios ay may kapangyarihang tumulong at magbuwal . At sinabi ni Amasias sa lalake ng Dios , Nguni&#039;t anong aming gagawin sa isang daang talento na aking ibinigay sa hukbo ng Israel ? At ang lalake ng Dios ay sumagot : Ang Panginoon ay makapagbibigay sa iyo ng mahigit kay sa rito . Nang magkagayo&#039;y inihiwalay sila ni Amasias , sa makatuwid baga&#039;y ang hukbo na paparoon sa kaniya na mula sa Ephraim , upang umuwi uli : kaya&#039;t ang kanilang galit ay totoong nagalab laban sa Juda , at sila&#039;y nagsiuwi na may malaking galit . At si Amasias ay tumapang , at inilabas ang kaniyang bayan , at naparoon sa Libis ng Asin , at sumakit sa mga anak ni Scir ng sangpung libo . At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buhay , at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa&#039;t silang lahat ay nagkawaraywaray . Nguni&#039;t ang mga lalake ng hukbo na ipinabalik ni Amasias , upang sila&#039;y huwag magsisunod sa kaniya sa pakikipagbaka , ay nagsidaluhong sa mga bayan ng Juda , mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon , at nanakit sa kanila ng tatlong libo , at nagsikuha ng maraming samsam . Nangyari nga , pagkatapos na si Amasias ay manggaling na mula sa pagpatay sa mga Idumio na kaniyang dinala ang mga dios ng mga anak ni Seir , at inilagay na maging kaniyang mga dios , at yumukod sa harap ng mga yaon , at nagsunog ng kamangyan sa mga yaon . Kaya&#039;t ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Amasias , at siya&#039;y nagsugo sa kaniya ng isang propeta , na sinabi sa kaniya , Bakit mo hinanap ang dios ng bayan na hindi nakapagligtas ng kanilang sariling bayan sa iyong kamay ? At nangyari , habang siya&#039;y nakikipagusap sa kaniya , na sinabi ng hari sa kaniya , Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari ? umurong ka ; bakit ka sasaktan ? Nang magkagayo&#039;y umurong ang propeta , at nagsabi , Talastas ko na pinasiyahan ng Dios na patayin ka , sapagka&#039;t iyong ginawa ito , at hindi mo dininig ang aking payo . Nang magkagayo&#039;y kumuhang payo si Amasias na hari sa Juda , at nagsugo kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu , na hari sa Israel , na nagsabi , Halika , tayo&#039;y magtitigan . At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda , na nagsasabi , Ang dawag na nasa Libano , ay nagsugo sa sedro na nasa Libano , na nagsasabi , Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak : at nagdaan ang mabangis na hayop na nasa Libano , at niyapakan ang dawag . Ikaw ay nagsasabi , Narito , iyong sinaktan ang Edom ; at itinaas ka ng iyong puso upang magmalaki : tumahan ka ngayon sa bahay ; bakit ibig mong makialam sa iyong ikapapahamak , upang ikaw ay mabuwal , ikaw , at ang Juda na kasama mo ? Nguni&#039;t hindi dininig ni Amasias ; sapagka&#039;t sa Dios , upang sila&#039;y mabigay sa kamay ng kanilang mga kaaway , sapagka&#039;t hinanap nila ang mga dios ng Edom . Sa gayo&#039;y umahon si Joas na hari sa Israel ; at siya at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes , na ukol sa Juda . At ang Juda ay nalagay sa kasamasamaan sa harap ng Israel ; at sila&#039;y nagsitakas bawa&#039;t isa sa kanikaniyang tolda . At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda , na anak ni Joas , na anak ni Joachaz , sa Beth-semes , at dinala siya sa Jerusalem , at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok , na apat na raang siko . At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak , at lahat na sisidlan na nasumpungan sa bahay ng Dios na kay Obed-edom ; at ang mga kayamanan ng bahay ng hari , pati ng mga sanglang tao , at bumalik sa Samaria . At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel na labing limang taon . Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias , na una at huli , narito , di ba nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at sa Israel ? Mula sa panahon nga na humiwalay si Amasias sa pagsunod sa Panginoon ay nagsipagbanta sila laban sa kaniya sa Jerusalem ; at siya&#039;y tumakas sa Lachis : nguni&#039;t pinasundan nila siya sa Lachis , at pinatay siya roon . At dinala siya na nakapatong sa mga kabayo , at inilibing siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ng Juda . At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias . Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda , pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang . May labing anim na taon si Uzzias nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing limangpu&#039;t dalawang taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias . At siya&#039;y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias , na siyang maalam sa pangitain sa Dios : at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon , pinagiginhawa siya ng Dios . At siya&#039;y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo , at ibinagsak ang kuta ng Gath , at ang kuta ng Jabnia , at ang kuta ng Asdod ; at siya&#039;y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng Asdod , at sa gitna ng mga Filisteo . At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo , at laban sa mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal , at sa mga Meunim . At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga kaloob kay Uzzias ; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto ; sapagka&#039;t siya&#039;y lumakas na mainam . Bukod dito&#039;y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan na nasa panulok , at sa pintuang-bayan sa libis , at sa pagliko ng kuta , at mga pinagtibay . At siya&#039;y nagtayo ng mga moog sa ilang , at humukay ng maraming balon , sapagka&#039;t siya&#039;y nagkaroon ng maraming kawan ; sa mababang lupa rin naman , at sa kapatagan ; at siya&#039;y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid ; sapagka&#039;t siya&#039;y may hilig sa bukiran . Bukod dito&#039;y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban , na nagsisilabas sa pakikipagdigma na pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim , at ni Maasias na pinuno , sa kapangyarihan ni Hananias , na isa sa mga punong kawal ng hari . Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , na mga makapangyarihang lalaking matatapang , ay dalawang libo at anim na raan . At sa kapangyarihan ng kanilang kamay ay may isang maayos na hukbo , na tatlong daan at pitong libo at limang daan , na nakikipagdigmang may malakas na kapangyarihan , upang tulungan ang hari laban sa kaaway . At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga&#039;y ang buong hukbo , ng mga kalasag , at mga sibat , at ng mga turbante , at ng mga sapyaw , at ng mga busog , at ng mga bato na ukol sa panghilagpos . At siya&#039;y gumawa sa Jerusalem ng mga makina , na katha ng mga bihasang tao , upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato . At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam : sapagka&#039;t siya&#039;y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya&#039;y lumakas . Nguni&#039;t nang siya&#039;y lumakas , ang kaniyang puso ay nagmataas , na anopa&#039;t siya&#039;y gumawa ng kapahamakan , at siya&#039;y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios ; sapagka&#039;t siya&#039;y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan . At si Azarias na saserdote ay pumasok pagkatapos niya , at kasama niya&#039;y walong pung saserdote ng Panginoon , na mga matapang na lalake : At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari , at nagsipagsabi sa kaniya , Hindi nauukol sa iyo , Uzzias , na magsunog ng kamangyan sa Panginoon , kundi sa mga saserdote na mga anak ni Aaron , na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan ; lumabas ka sa santuario ; sapagka&#039;t ikaw ay sumalangsang ; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios . Nang magkagayo&#039;y si Uzzias ay naginit ; at siya&#039;y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan ; at habang siya&#039;y nagiinit sa mga saserdote , ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon , sa siping ng dambana ng kamangyan , At si Azarias na punong saserdote , at ang lahat ng mga saserdote , ay nagsitingin sa kaniya , at narito , siya&#039;y may ketong sa kaniyang noo , at kanilang itinulak siya na madalian mula roon ; oo , siya nama&#039;y nagmadaling lumabas sapagka&#039;t sinaktan siya ng Panginoon . At si Uzzias na hari ay nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan , at tumahan sa bahay na bukod dahil sa may ketong : sapagka&#039;t siya&#039;y nahiwalay sa bahay ng Panginoon ; at si Joatham na kaniyang anak ay katiwala ng bahay ng hari , na humahatol sa bayan ng lupain . Ang iba nga sa mga gawa ni Uzzias , na una at huli , isinulat ni Isaias na propeta , na anak ni Amos . Sa gayo&#039;y natulog si Uzzias na kasama ng kaniyang mga magulang ; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa parang na libingan na ukol sa mga hari ; sapagka&#039;t kanilang sinabi , Siya&#039;y may ketong : at si Joatham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Joatham ay may dalawangpu&#039;t limang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzias : gayon ma&#039;y hindi siya pumasok sa templo ng Panginoon , At ang bayan ay gumawa pa ng kapahamakan . Siya&#039;y nagtayo ng mataas na pintuang-daan ng bahay ng Panginoon , at sa kuta ng Ophel ay nagtayo siya ng marami . Bukod dito&#039;y nagtayo siya ng mga bayan sa lupaing maburol ng Juda , at sa mga gubat ay nagtayo siya ng mga palasyo at mga moog . Siya&#039;y nakipaglaban din naman sa hari ng mga anak ni Ammon , at nanaig laban sa kanila . At ang mga anak ni Ammon ay nagsipagbigay sa kaniya ng taon ding yaon ng isang daang talentong pilak , at sangpung libong karo ng trigo , at sangpung libo ng sebada . Gayon ding karami ang ibinayad ng mga anak ni Ammon sa kaniya sa ikalawang taon naman , at sa ikatlo . Sa gayo&#039;y si Joatham ay naging makapangyarihan , sapagka&#039;t kaniyang inayos ang kaniyang mga lakad sa harap ng Panginoon niyang Dios . Ang iba nga sa mga gawa ni Joatham , at ang lahat niyang mga pakikipagdigma , at ang kaniyang mga lakad , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel , at sa Juda . Siya&#039;y may dalawangpu&#039;t limang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari , at nagharing labing anim na taon sa Jerusalem . At si Joatham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa bayan ni David : at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Achaz ay may dalawangpung taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem : at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , na gaya ni David na kaniyang magulang . Kundi siya&#039;y lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel , at iginawa rin naman ng mga larawang binubo ang mga Baal . Bukod dito&#039;y nagsunog siya ng kamangyan sa libis ng anak ni Hinnom , at sinunog ang kaniyang mga anak sa apoy , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa , na mga pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel . At siya&#039;y naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako , at sa mga burol , at sa ilalim ng bawa&#039;t punong kahoy na sariwa . Kaya&#039;t ibinigay ng Panginoon niyang Dios siya sa kamay ng hari sa Siria ; at sinaktan nila siya , at tumangay sa kaniya ng isang malaking karamihang bihag , at mga dinala sa Damasco . At siya nama&#039;y nabigay sa kamay ng hari sa Israel na siyang sumakit sa kaniya ng malaking pagpatay . Sapagka&#039;t si Peca na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isang daan at dalawangpung libo sa isang araw , silang lahat ay mga matapang na lalake ; sapagka&#039;t kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang . At pinatay ni Zichri , na makapangyarihang lalake sa Ephraim , si Maasias na anak ng hari , at si Azricam na pinuno sa bahay , at si Elcana na pangalawa ng hari . At ang mga anak ni Israel ay nagsipagdala ng bihag sa kanilang mga kapatid na dalawang daang libo , mga babae , mga anak na lalake at babae , at nagsipaglabas din ng maraming samsam na mula sa kanila , at dinala ang samsam sa Samaria . Nguni&#039;t isang propeta ng Panginoon ay nandoon , na ang pangalan ay Obed : at siya&#039;y lumabas na sinalubong ang hukbo na dumarating sa Samaria , at sinabi sa kanila , Narito , sapagka&#039;t ang Panginoon , ang Dios ng inyong mga magulang , ay naginit sa Juda , ay ibinigay niya sila sa inyong kamay , at inyong pinatay sila sa isang pagaalab ng loob na umaabot hanggang sa langit . At ngayo&#039;y inyong inaakalang pasukuin ang mga anak ni Juda at ng Jerusalem na maging pinaka aliping lalake at babae sa inyo : wala ba kayong pagsalangsang sa inyong sarili laban sa Panginoon ninyong Dios ? Ngayo&#039;y dinggin nga ninyo ako , at pabalikin ninyo ang mga bihag , na inyong kinuhang bihag sa inyong mga kapatid : sapagka&#039;t ang malaking pagiinit ng Panginoon ay dumating sa inyo . Nang magkagayo&#039;y ilan sa mga pangulo sa mga anak ni Ephraim , si Azarias na anak ni Johanan , si Berachias na anak ni Mesillemoth at si Ezechias na anak ni Sallum , at si Amasa na anak ni Hadlai , ay nagsitayo laban sa kanila na nanggaling sa pakikipagdigma , At sinabi sa kanila , Huwag kayong magsisipagdala ng mga bihag dito : sapagka&#039;t inyong inaakala na magdala sa atin ng pagsalangsang laban sa Panginoon , upang idagdag sa ating mga kasalanan at sa ating mga pagsalangsang : sapagka&#039;t ang ating pagsalangsang ay malaki , at may malaking pagiinit laban sa Israel . Sa gayo&#039;y iniwan ng mga lalaking may sakbat ang mga bihag at ang mga samsam sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan . At ang mga lalaking nasaysay sa pangalan ay nagsitindig , at kinuha ang mga bihag , at sa samsam ay binihisan ang lahat na hubad sa kanila , at dinamtan at sinapatusan , at mga pinakain at pinainom , at mga pinahiran ng langis , at dinala ang lahat na mahina sa kanila na nakasakay sa mga asno , at mga dinala sa Jerico , na bayan ng mga puno ng palma , sa kanilang mga kapatid : saka nagsibalik sila sa Samaria . Nang panahong yao&#039;y nagsugo ang haring Achaz sa mga hari sa Asiria upang tulungan siya . Sapagka&#039;t nagsiparoon uli ang mga Idumeo at sinaktan ang Juda , at dinalang bihag . Nilusob naman ng mga Filisteo ang mga bayan ng mababang lupain , at ang Timugan ng Juda , at sinakop ang Beth-semes , at ang Ajalon , at ang Gederoth , at ang Socho pati ang mga nayon niyaon , at ang Timna pati ang mga nayon niyaon , ang Gimzo man at ang mga nayon niyaon : at sila&#039;y nagsitahan doon . Sapagka&#039;t ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil kay Achaz na hari sa Israel ; sapagka&#039;t hinubaran ang Juda , at sumalangsang na mainam laban sa Panginoon . At si Tilgath-pilneser na hari sa Asiria ay naparoon sa kaniya , at ginipit siya , nguni&#039;t hindi siya pinalakas . Sapagka&#039;t si Achas ay kumuha ng bahagi sa bahay ng Panginoon , at sa bahay ng hari at sa mga prinsipe , at ibinigay sa hari sa Asiria : nguni&#039;t hindi siya tinulungan . At sa panahon ng kaniyang kagipitan ay lalo pa manding sumalangsang siya laban sa Panginoon , ang hari ring ito na si Achaz . Sapagka&#039;t siya&#039;y naghain sa mga dios ng Damasco , na sumakit sa kaniya : at sinabi niya , Sapagka&#039;t tinulungan sila ng mga dios ng mga hari sa Siria , kaya&#039;t ako&#039;y maghahain sa kanila , upang tulungan nila ako . Nguni&#039;t sila ang naging kapahamakan niya at ng buong Israel . At pinisan ni Achaz ang mga sisidlan ng bahay ng Dios , at pinagputolputol ang mga sisidlan ng bahay ng Dios , at isinara ang mga pinto ng bahay ng Panginoon ; at siya&#039;y gumawa sa kaniya ng mga dambana sa bawa&#039;t sulok ng Jerusalem . At sa bawa&#039;t iba&#039;t ibang bayan ng Juda ay gumawa siya ng mga mataas na dako upang pagsunugan ng kamangyan sa mga ibang dios , at minungkahi sa galit ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang . Ang iba nga sa kaniyang mga gawa , at ang lahat niyang mga lakad , na una at huli , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel . At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa bayan , sa Jerusalem ; sapagka&#039;t hindi nila dinala siya sa mga libingan ng mga hari sa Israel : at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Ezechias ay nagpasimulang maghari nang siya&#039;y dalawangpu&#039;t limang taon : at siya&#039;y naghari na dalawangpu&#039;t siyam na taon sa Jerusalem , at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abia na anak ni Zacharias . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang . Siya&#039;y nagbukas sa unang taon ng kaniyang paghahari , na unang buwan , ng mga pinto ng bahay ng Panginoon , at mga hinusay . At kaniyang ipinasok ang mga saserdote at mga Levita , at pinisan sila sa maluwang na dako sa silanganan , At sinabi sa kanila , Dinggin ninyo ako , ninyong mga Levita ; ngayo&#039;y mangagpakabanal kayo , at italaga ninyo ang bahay ng Panginoon , ang Dios ng inyong mga magulang , at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal . Sapagka&#039;t ang ating mga magulang ay nagsisalangsang , at nagsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon nating Dios , at pinabayaan siya , at itinalikod ang kanilang mga mukha sa tahanan ng Panginoon , at nagsitalikod . Kanila ring isinara ang mga pinto ng portiko , at pinatay ang mga ilawan , at hindi nagsipagsunog ng kamangyan ni nagsipaghandog man ng mga handog na susunugin sa dakong banal sa Dios ng Israel . Kaya&#039;t ang pagiinit ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem , at ibinigay niya sila upang hamakin saa&#039;t saan man , upang maging katigilan , at kasutsutan , gaya ng inyong nakikita ng inyong mga mata . Sapagka&#039;t narito , ang ating mga magulang ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang ating mga anak na lalake at babae at ang ating mga asawa ay nangasa pagkabihag dahil dito . Nasa akin ngang puso na makipagtipan sa Panginoon , sa Dios ng Israel , upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa atin . Mga anak ko , huwag kayong mangagpabaya : sapagka&#039;t pinili kayo ng Panginoon upang magsitayo sa harap niya , upang magsipangasiwa sa kaniya , at kayo&#039;y maging kaniyang mga tagapangasiwa , at mangagsunog kayo ng kamangyan . Nang magkagayo&#039;y nagsitindig ang mga Levita , si Mahath na anak ni Amasai , at si Joel na anak ni Azarias sa mga anak ng mga Coathita : at sa mga anak ni Merari , si Cis na anak ni Abdi , at si Azarias na anak ni Jehaleleel : at sa mga Gersonita , si Joah na anak ni Zimma , at si Eden na anak ni Joah : At sa mga anak ni Elisaphan , si Simri , at si Jehiel : at sa mga anak ni Asaph , si Zacharias at si Mathanias : At sa mga anak ni Heman , si Jehiel at si Simi : at sa mga anak ni Jeduthun , si Semeias at si Uzziel . At pinisan nila ang kanilang mga kapatid , at nangagpakabanal , at nagsipasok ayon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon , upang linisin ang bahay ng Panginoon . At ang mga saserdote ay nagsipasok sa pinakaloob ng bahay ng Panginoon , upang linisin , at inilabas ang lahat na dumi na kanilang nasumpungan sa templo ng Panginoon . At kinuha ng mga Levita upang ilabas sa batis ng Cedron . Sila nga&#039;y nagpasimula na mangagpakabanal nang unang araw ng unang buwan , at nang ikawalong araw ng buwan ay nagsiparoon sila sa portiko ng Panginoon ; at kanilang itinalaga ang bahay ng Panginoon sa walong araw ; at sa ikalabing anim na araw ng unang buwan ay kanilang niwakasan . Nang magkagayo&#039;y kanilang pinasok si Ezechias na hari , sa loob ng palasio , at kanilang sinabi , Aming nilinis ang buong bahay ng Panginoon , at ang dambana ng handog na susunugin , pati ng lahat na kasangkapan niyaon , at ang dulang ng tinapay na handog , pati ng lahat na kasangkapan niyaon . Bukod dito&#039;y lahat na kasangkapan , na inihagis ng haring Achaz sa kaniyang paghahari , nang siya&#039;y sumalangsang , aming inihanda at itinalaga , at , narito , nangasa harap ng dambana ng Panginoon . Nang magkagayo&#039;y si Ezechias na hari ay bumangong maaga , at pinisan ang mga prinsipe ng bayan , at sumampa sa bahay ng Panginoon . At sila&#039;y nagsipagdala ng pitong baka , at pitong tupa , at pitong kordero , at pitong kambing na lalake , na pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian , at ng santuario , at ng Juda . At siya&#039;y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon . Sa gayo&#039;y kanilang pinatay ang mga baka , at tinanggap ng mga saserdote ang dugo , at iniwisik sa dambana : at kanilang pinatay ang mga tupa , at iwinisik ang dugo sa ibabaw ng dambana : pinatay rin nila ang mga kordero , at iniwisik ang dugo sa ibabaw ng dambana . At kanilang inilapit ang mga kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan sa harap ng hari at ng kapisanan ; at ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon : At mga pinatay ng mga saserdote , at sila&#039;y nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana , upang itubos sa buong Israel : sapagka&#039;t iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel . At kaniyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga simbalo , may mga salterio , at may mga alpa , ayon sa utos ni David , at ni Gad na tagakita ng hari , at ni Nathan na propeta : sapagka&#039;t ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta . At ang mga Levita ay nagsitayo na may mga panugtog ni David , at ang mga saserdote na may mga pakakak . At si Ezechias ay nagutos na maghandog ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana . At nang ang handog na susunugin ay pasimulan , ang awit sa Panginoon ay pinasimulan naman , at ang mga pakakak , pati ang mga panugtog ni David na hari sa Israel . At ang buong kapisanan ay sumamba , at ang mga mangaawit ay nagsiawit , at ang mga manghihihip ng pakakak ay nangagpatunog ; lahat ng ito ay ipinagpatuloy hanggang sa ang handog na susunugin ay natapos . At nang sila&#039;y makatapos ng paghahandog ang hari at ang lahat na nakaharap na kasama niya ay nagsiyukod at nagsisamba . Bukod dito&#039;y iniutos ni Ezechias na hari at ng mga prinsipe sa mga Levita na magsiawit ng mga pagpuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga salita ni David , at ni Asaph na tagakita . At sila&#039;y nagsiawit ng mga pagpuri na may kasayahan , at kanilang itinungo ang kanilang mga ulo at nagsisamba . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Ezechias na nagsabi , Ngayo&#039;y nagsitalaga kayo sa Panginoon , kayo&#039;y magsilapit at mangagdala ng mga hain at mga handog na pasalamat sa bahay ng Panginoon : At nagdala ng mga hain at ng mga handog na pasalamat ang kapisanan ; at lahat ng may kusang kalooban ay nagsipagdala ng mga handog na susunugin . At ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapisanan , pitongpung baka , isang daang tupang lalake , dalawang daang kordero : lahat ng mga ito ay pinakahandog na susunugin sa Panginoon . At ang mga bagay na itinalaga ay anim na raang baka at tatlong libong tupa . Nguni&#039;t ang mga saserdote ay naging kakaunti , na anopa&#039;t hindi nila malapnusan ang lahat na handog na susunugin kaya&#039;t tinulungan sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita , hanggang sa natapos ang gawain , at hanggang sa nangagpakabanal ang mga saserdote ; sapagka&#039;t ang mga Levita ay matuwid ang puso na mangagpakabanal na higit kay sa mga saserdote . At ang mga handog na susunugin naman ay sagana , pati ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan , at pati ang mga handog na inumin na ukol sa bawa&#039;t handog na susunugin . Sa gayo&#039;y ang paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay naayos . At si Ezechias ay nagalak , at ang buong bayan , dahil sa inihanda ng Dios ang bayan : sapagka&#039;t ang bagay ay biglang nagawa . At si Ezechias ay nagsugo sa buong Israel at Juda , at sumulat ng mga liham naman sa Ephraim at Manases , na sila&#039;y magsiparoon sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem , upang ipangilin ang paskua sa Panginoon , sa Dios ng Israel . Sapagka&#039;t ang hari ay nakipagsanggunian , at ang kaniyang mga prinsipe , at ang buong kapisanan sa Jerusalem , upang ipangilin ang paskua sa ikalawang buwan . Sapagka&#039;t hindi nila maipangilin sa panahong yaon , sapagka&#039;t ang mga saserdote ay hindi nangagpakabanal sa sukat na bilang , ni nagsipisan man ang bayan sa Jerusalem . At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan . Sa gayo&#039;y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan , na sila&#039;y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon , sa Dios ng Israel , sa Jerusalem : sapagka&#039;t hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat . Sa gayo&#039;y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda , at ayon sa utos ng hari , na sinasabi , Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon , sa Dios ni Abraham , ni Isaac , at ni Israel , upang siya&#039;y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria . At kayo&#039;y huwag maging gaya ng inyong mga magulang , at gaya ng inyong mga kapatid , na nagsisalangsang laban sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang , na anopa&#039;t ibinigay niya sila sa pagkapahamak , gaya ng inyong nakikita . Ngayo&#039;y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo , na gaya ng inyong mga magulang ; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon , at magsipasok sa kaniyang santuario , na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo&#039;y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios , upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo . Sapagka&#039;t kung kayo&#039;y manumbalik sa Panginoon , ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag , at magsisibalik sa lupaing ito : sapagka&#039;t ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain , at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo , kung kayo&#039;y manumbalik sa kaniya . Sa gayo&#039;y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon : nguni&#039;t sila&#039;y tinatawanang mainam , at tinutuya sila . Gayon ma&#039;y ang iba sa Aser , at sa Manases , at sa Zabulon ay nangagpakumbaba , at nagsiparoon sa Jerusalem . Suma Juda naman ang kamay ng Dios upang papagisahing puso sila upang gawin ang utos ng hari at ng mga prinsipe sa pamamagitan ng salita ng Panginoon . At nagpupulong sa Jerusalem ang maraming tao upang ipagdiwang ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa ikalawang buwan , na isang totoong malaking kapisanan . At sila&#039;y nagsitindig at inalis ang mga dambana na nangasa Jerusalem , at ang lahat na dambana na ukol sa kamangyan ay inalis nila , at kanilang inihagis sa batis ng Cedron . Nang magkagayo&#039;y kanilang pinatay ang kordero ng paskua nang ikalabing apat ng ikalawang buwan : at ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangapahiya , at nangagpakabanal , at nangagdala ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon . At sila&#039;y nagsitayo sa kanilang dako ayon sa kanilang ayos , ayon sa kautusan ni Moises na lalake ng Dios : iniwisik ng mga saserdote ang dugo , na kanilang tinanggap sa kamay ng mga Levita . Sapagka&#039;t marami sa kapisanan na hindi nangagpakabanal ; kaya&#039;t ang mga Levita ang may katungkulan ng pagpatay sa kordero ng paskua na ukol sa bawa&#039;t isa na hindi malinis , upang mga italaga sa Panginoon . Sapagka&#039;t isang karamihan sa bayan , sa makatuwid baga&#039;y marami sa Ephraim at sa Manases , sa Issachar , at sa Zabulon , ay hindi nangagpakalinis , gayon ma&#039;y nagsikain sila ng kordero ng paskua na hindi gaya ng nasusulat . Sapagka&#039;t idinalangin sila ni Ezechias , na sinasabi , Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawa&#039;t isa . Na naglalagak ng kaniyang puso upang hanapin ang Dios , ang Panginoon , ang Dios ng kaniyang mga magulang , bagaman hindi siya nalinis ng ayon sa paglilinis sa santuario . At dininig ng Panginoon si Ezechias , at pinagaling ang bayan . At ang mga anak ni Israel na nakaharap sa Jerusalem ay nagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw , na may malaking kasayahan : at ang mga Levita at ang mga saserdote ay nagsipuri araw-araw sa Panginoon na nagsisiawit na may matunog na panugtog sa Panginoon . At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon . Sa gayo&#039;y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw , na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , at nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang . At ang buong kapisanan ay nagsanggunian upang magdiwang ng ibang pitong araw : at sila&#039;y nangagdiwang ng ibang pitong araw na may kasayahan . Sapagka&#039;t si Ezechias na hari sa Juda ay nagbigay sa kapisanan ng pinakahandog na isang libong baka at pitong libong tupa ; at ang mga prinsipe ay nangagbigay sa kapisanan ng isang libong baka at sangpung libong tupa ; at lubhang maraming bilang ng mga saserdote ay nangagpakabanal . At ang buong kapisanan ng Juda , pati ng mga saserdote at mga Levita , at ang buong kapisanan na lumabas sa Israel , at ang mga taga ibang lupa na nagsilabas sa lupain ng Israel , at nagsitahan sa Juda , ay nangagalak . Sa gayo&#039;y nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem : sapagka&#039;t mula sa panahon ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel , ay hindi nagkaroon ng gayon sa Jerusalem . Nang magkagayo&#039;y ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at binasbasan ang bayan : at ang kanilang tinig ay narinig , at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na tahanan , hanggang sa langit . Nang matapos nga ang lahat ng ito , ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda , at pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala , at ibinuwal ang mga Asera , at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin , sa Ephraim man at sa Manases , hanggang sa kanilang naigibang lahat . Nang magkagayo&#039;y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang pag-aari , sa kanilang sariling mga bayan . At inihalal ni Ezechias ang mga bahagi ng mga saserdote , at ng mga Levita ayon sa kanilang pagkakabahagi , bawa&#039;t lalake ay ayon sa kaniyang katungkulan , ang mga saserdote at gayon din ang mga Levita , na ukol sa mga handog na susunugin at sa mga handog tungkol sa kapayapaan , upang magsipangasiwa , at upang mangagpasalamat , at upang mangagpuri sa mga pintuang-daan ng hantungan ng Panginoon . Itinakda naman niya ang bahagi ng hari sa kaniyang pag-aari na ukol sa mga handog na susunugin , sa makatuwid baga&#039;y sa mga handog na susunugin sa umaga at sa hapon , at ang mga handog na susunugin sa mga sabbath , at sa mga bagong buwan , at sa mga takdang kapistahan , na gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon . Bukod dito&#039;y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem , na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita , upang magsitalaga sa kautusan ng Panginoon . At paglabas ng utos , ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo , alak , at langis , at pulot , at sa lahat na bunga sa bukid ; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana . At ang mga anak ni Israel at ni Juda , na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda , sila nama&#039;y nangagdala ng ikasangpung bahagi ng mga baka at mga tupa , at ng ikasangpung bahagi ng mga itinalagang bagay na mga itinalaga sa Panginoon nilang Dios , at inilagay ang mga yaon na bunton bunton . Nang ikatlong buwan ay nangagpasimula silang naglagay ng pasimula ng mga bunton , at nangatapos sa ikapitong buwan . At nang pumaroon si Ezechias at ang mga prinsipe at makita ang mga bunton , kanilang pinuri ang Panginoon , at ang kaniyang bayang Israel . Nang magkagayo&#039;y nagtanong si Ezechias sa mga saserdote at sa mga Levita tungkol sa mga bunton . At si Azarias na punong saserdote sa bahay ni Sadoc , ay sumagot sa kaniya , at nagsabi , Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon , kami ay nagsikain at nangabusog kami , at lumabis ng sagana sapagka&#039;t pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan ; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito . Nang magkagayo&#039;y nagutos si Ezechias na maghanda ng mga silid sa bahay ng Panginoon ; at inihanda nila . At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi , at ng mga itinalagang bagay , na may pagtatapat . At sa mga yaon ay katiwala si Chonanias na Levita , at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa . At si Jehiel , at si Azazias , at si Nahat , at si Asael , at si Jerimoth , at si Josabad , at si Eliel , at si Ismachias , at si Mahaath , at si Benaias , ay mga tagapangasiwa sa kapangyarihan ng kamay ni Chonanias , at ni Simi na kaniyang kapatid , ayon sa pagkahalal ni Ezechias , na hari , at ni Azarias na tagapamahala sa bahay ng Dios . At si Core na anak ni Imna na Levita , na tagatanod-pinto sa silanganang pintuang-daan , ay katiwala sa mga kusang handog sa Dios , upang magbahagi ng mga alay sa Panginoon , at ng mga kabanalbanalang bagay . At nasa kapangyarihan niya si Eden , at si Benjamin , at si Jeshua , at si Semaias , si Amarias , at si Sechanias , sa mga bayan ng mga saserdote , sa kanilang takdang katungkulan , upang magbigay sa kanilang mga kapatid ng ayon sa mga bahagi , gayon sa malaki na gaya sa maliit : Bukod doon sa nangabilang sa mga talaan ng lahi ng mga lalake , na mula sa tatlong taong gulang na patanda , sa makatuwid baga&#039;y sa bawa&#039;t pumapasok sa bahay ng Panginoon , ayon sa kailangan sa bawa&#039;t araw , na ukol sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi . At silang mangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng mga saserdote ayon sa sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ang mga Levita mula sa dalawangpung taong gulang na patanda , sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi ; At silang nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng lahat nilang mga bata , ng kanilang mga asawa , at ng kanilang mga anak na lalake at babae , sa buong kapisanan : sapagka&#039;t sa kanilang takdang katungkulan ay nangagpakabanal : Gayon din sa mga anak ni Aaron na mga saserdote , na nangasa bukiran ng mga nayon ng kanilang mga bayan , sa bawa&#039;t iba&#039;t ibang bayan , may mga lalake na nasaysay sa pangalan , upang magbigay ng mga pagkain sa lahat na lalake na saserdote , at sa lahat na nangabilang ayon sa talaan ng lahi ng mga Levita . At ganito ang ginawa ni Ezechias sa buong Juda ; at siya&#039;y gumawa ng mabuti , at matuwid , at tapat sa harap ng Panginoon niyang Dios . At sa bawa&#039;t gawain na kaniyang pinasimulan sa paglilingkod sa bahay ng Dios , at sa kautusan at sa mga utos , upang hanapin ang kaniyang Dios , kaniyang ginawa ng buong puso niya , at guminhawa . Pagkatapos ng mga bagay na ito , at ng pagtatapat na ito , ay naparoon si Sennacherib na hari sa Asiria at pumasok sa Juda , at humantong laban sa mga bayan na nakukutaan , at kaniyang inisip sakupin upang kaniyahin . At nang makita ni Ezechias na si Sennacherib ay dumating , at siya&#039;y tumalaga na lumaban sa Jerusalem , Ay nakipagsanggunian siya sa kaniyang mga prinsipe at sa kaniyang mga makapangyarihang lalake upang patigilin ang tubig sa mga bukal na nangasa labas ng bayan at kanilang tinulungan siya . Sa gayo&#039;y nagpipisan ang maraming tao sa bayan at kanilang pinatigil ang lahat na bukal , at ang batis na umaagos sa gitna ng lupain , na sinasabi , Bakit paririto ang mga hari sa Asiria , at makakasumpong ng maraming tubig ? At siya&#039;y nagdalang tapang , at itinayo niya ang lahat na kuta na nabagsak , at pinataas pa ang mga moog , at ang ibang kuta sa labas , at pinagtibay ang Millo sa bayan ni David , at gumawa ng mga sandata at mga kalasag na sagana . At siya&#039;y naglagay ng mga pinunong kawal sa bayan na mangdidigma , at pinisan niya sila sa luwal na dako sa pintuang-bayan , at nagsalita na may kagandahang loob sa kanila , na sinasabi , Kayo&#039;y mangagpakalakas at mangagpakatapang na mabuti , huwag ninyong katakutan o panglupaypayan man ang hari sa Asiria , o ang buong karamihan man na kasama niya ; sapagka&#039;t may lalong dakila sa atin kay sa kaniya : Sumasakaniya ay isang kamay na laman ; nguni&#039;t sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo , at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka , At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda . Pagkatapos nito&#039;y sinugo ni Sennacherib na hari sa Asiria ang kaniyang mga lingkod sa Jerusalem , ( siya nga&#039;y nasa harap ni Lachis , at ang kaniyang buong kapangyarihan ay sumasa kaniya , ) kay Ezechias na hari sa Juda , at sa buong Juda na nasa Jerusalem , na sinasabi , Ganito ang sabi ni Sennacherib na hari sa Asiria , Sa ano kayo nagsisiasa na kayo&#039;y nagsisitahan sa pagkakubkob sa Jerusalem ? Hindi ba kayo hinihikayat ni Ezechias , upang kayo&#039;y ibigay sa pagkamatay sa pamamagitan ng kagutom at ng kauhaw , na sinasabi , Ililigtas tayo ng Panginoon nating Dios sa kamay ng hari sa Asiria ? Hindi ba ang Ezechias ding ito ang nagalis ng kaniyang mga mataas na dako at ng kaniyang mga dambana , at nagutos sa Juda at sa Jerusalem , na sinasabi , Kayo&#039;y magsisisamba sa harap ng isang dambana , at sa ibabaw niyao&#039;y mangagsusunog kayo ng kamangyan . Hindi ba ninyo nalalaman , kung ano ang ginawa ko at ng aking mga magulang sa lahat ng bayan ng mga lupain ? Ang mga dios ba ng mga bansa ng mga lupain ay nakapagligtas sa anomang paraan ng kanilang lupain sa aking kamay ? Sino sa lahat ng mga dios ng mga bansang yaon na lubos na giniba ng aking mga magulang na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay , upang kayo&#039;y mailigtas ng inyong Dios sa aking kamay ? Kaya&#039;t huwag nga kayong padaya kay Ezechias , ni hikayatin kayo ng ganitong paraan , ni paniwalaan man ninyo siya : sapagka&#039;t walang dios sa alinmang bansa o kaharian na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay , at sa kamay ng aking mga magulang : gasino pa nga kaya ang inyong Dios na makapagliligtas sa inyo sa aking kamay ? At ang kaniyang mga lingkod ay nagsalita pa laban sa Panginoong Dios , at laban sa kaniyang lingkod na si Ezechias . Siya&#039;y sumulat din ng mga sulat upang tungayawin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , at upang magsalita laban sa kaniya , na sinasabi , Kung paanong hindi iniligtas ng mga dios ng mga bansa ng mga lupain ang kanilang bayan sa aking kamay , gayon hindi iniligtas ng Dios ni Ezechias ang kaniyang bayan sa aking kamay . At siya&#039;y sumigaw ng malakas sa wikang Judio sa bayan ng Jerusalem na nasa kuta , upang takutin sila , at upang bagabagin sila ; upang kanilang masakop ang bayan . At sila&#039;y nangagsalita tungkol sa Dios ng Jerusalem , na gaya sa mga dios ng mga bayan sa lupa , na gawa ng mga kamay ng mga tao . At si Ezechias na hari , at si Isaias na propeta na anak ni Amos , ay nagsidalangin dahil dito , at nagsidaing sa langit . At ang Panginoon ay nagsugo ng isang anghel , na naghiwalay ng lahat na makapangyarihang lalaking may tapang , at ng mga pangulo at mga pinunong kawal , sa kampamento ng hari sa Asiria . Sa gayo&#039;y bumalik siya na nahihiya sa kaniyang sariling lupain . At nang siya&#039;y dumating sa bahay ng kaniyang dios , ay pinatay siya roon ng tabak ng nagsilabas sa kaniyang sariling tiyan . Ganito iniligtas ng Panginoon si Ezechias at ang mga taga Jerusalem sa kamay ni Sennacherib na hari , sa Asiria , at sa kamay ng lahat na iba , at pinatnubayan sila sa bawa&#039;t dako . At marami ay nangagdala ng mga kaloob ng Panginoon sa Jerusalem , at ng mga mahalagang bagay kay Ezechias na hari sa Juda : na anopa&#039;t siya&#039;y nataas sa paningin ng lahat na bansa mula noon . Nang mga araw na yao&#039;y nagkasakit ng ikamamatay si Ezechias : at siya&#039;y dumalangin sa Panginoon ; at siya&#039;y nagsalita sa kaniya , at binigyan niya siya ng tanda . Nguni&#039;t si Ezechias ay hindi nagbayad uli ng ayon sa kabutihang ginawa sa kaniya ; sapagka&#039;t ang kaniyang puso ay nagmataas : kaya&#039;t nagkaroon ng kapootan sa kaniya , at sa Juda , at sa Jerusalem . Gayon ma&#039;y nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kaniyang puso , siya , at gayon din ang mga taga Jerusalem , na anopa&#039;t ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila sa mga kaarawan ni Ezechias . At si Ezechias ay nagkaroon ng malabis na mga kayamanan at karangalan : at siya&#039;y nagtaan para sa kaniya , ng mga ingatang-yaman na ukol sa pilak , at sa ginto ; at sa mga mahalagang bato , at sa mga espisia , at sa mga kalasag , at sa lahat na sarisaring mabubuting mga sisidlan : Mga kamalig din naman na ukol sa saganang trigo , at alak at langis ; at mga silungan na ukol sa lahat na sarisaring hayop , at mga silungan na ukol sa mga kawan . Bukod dito&#039;y nagtaan siya sa kaniya ng mga bayan , at mga pag-aari na mga kawan at mga bakahan na sagana : sapagka&#039;t binigyan siya ng Dios ng maraming tinatangkilik . Ang Ezechias ding ito ang nagpatigil ng pinakamataas na bukal ng tubig sa Gihon , at ibinabang tuloy sa dakong kalunuran ng bayan ni David . At si Ezechias ay guminhawa sa lahat ng kaniyang mga gawa . Gayon ma&#039;y sa bagay ng mga sugo ng mga prinsipe sa Babilonia , na nangagsugo sa kaniya upang magusisa ng kagilagilalas na gawa sa lupain ay pinabayaan siya ng Dios upang tikman siya , upang kaniyang maalaman ang lahat na nasa kaniyang puso . Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias , at ang kaniyang mga mabuting gawa , narito , nangakasulat sa pangitain ni Isaias na propeta na anak ni Amos , na aklat ng mga hari , sa Juda at Israel . At si Ezechias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa ahunan ng mga libingan ng mga anak ni David : at binigyan siyang karangalan ng buong Juda at ng mga taga Jerusalem sa kaniyang kamatayan . At si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Manases ay may labing dalawang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing limang pu&#039;t limang taon sa Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa , na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel . Sapagka&#039;t kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama : at siya&#039;y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga Baal , at gumawa ng mga Asera , at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit , at naglingkod sa mga yaon , At siya&#039;y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon , na pinagsabihan ng Panginoon , Sa Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man . At siya&#039;y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon . Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng anak ni Hinnom : at siya&#039;y nagpamahiin , at nagsanay ng panggagaway at nanghula , at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu , at sa mga mahiko : siya&#039;y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon , upang mungkahiin niya siya sa galit . At siya&#039;y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan , na kaniyang ginawa , sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David , at kay Salomon na kaniyang anak , Sa bahay na ito , at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel , aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man : Ni babaguhin pa man ang paa ng Israel sa lupain na aking itinakda na ukol sa inyong mga magulang , kung kanila lamang isasagawa ang lahat na aking iniutos sa kanila , sa makatuwid baga&#039;y ang buong kautusan at ang mga palatuntunan at ang mga ayos , sa pamamagitan ng kamay ni Moises . At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem , na anopa&#039;t sila&#039;y nagsigawa ng higit na sama kay sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel . At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases , at sa kaniyang bayan : nguni&#039;t niwalang bahala nila . Kaya&#039;t dinala ng Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria , na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala , at ginapos siya ng mga damal , at nagdala sa kaniya sa Babilonia . At nang siya&#039;y nasa pagkapighati siya&#039;y dumalangin sa Panginoon niyang Dios , at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang . At siya&#039;y dumalangin sa kaniya ; at siya&#039;y dininig , at pinakinggan ang kaniyang pamanhik , at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian . Nang magkagayo&#039;y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios . Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya ng isang kutang panglabas sa bayan ni David , sa dakong kalunuran ng Gihon , sa libis , hanggang sa pasukan sa pintuang-bayan ng mga isda ; at kaniyang kinulong ang Ophel , at itinaas ng malaking kataasan : at kaniyang nilagyan ng mga matapang na pinunong kawal ang lahat ng bayan na nakukutaan sa Juda . At kaniyang inalis ang mga dios ng iba , at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon , at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon , at sa Jerusalem , at inihagis ang mga yaon mula sa bayan . At kaniyang itinayo ang dambana ng Panginoon , at naghandog doon ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan , at tungkol sa mga pasalamat , at inutusan ang Juda na maglingkod sa Panginoon , sa Dios ng Israel . Gayon ma&#039;y naghain ang bayan na nagpatuloy sa mga mataas na dako , nguni&#039;t sa Panginoon lamang na kanilang Dios . Ang iba nga sa mga gawa ni Manases , at ang kaniyang dalangin sa kaniyang Dios , at ang mga salita ng mga tagakita na nagsalita sa kaniya sa pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel , narito , nangakasulat sa mga gawa ng mga hari sa Israel . Gayon din ang kaniyang panalangin , at kung paanong dininig siya , at ang buo niyang kasalanan at pagsalangsang niya , at ang mga dakong kaniyang pinagtayuan ng mga mataas na dako , at pinagtindigan ng mga Asera at ng mga larawang inanyuan , bago siya nagpakumbaba : narito , nangakasulat sa kasaysayan ni Hozai . Sa gayo&#039;y natulog si Manases na kasama ng kaniyang mga magulang , at inilibing nila siya sa kaniyang sariling bahay : at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Amon ay may dalawang pu&#039;t dalawang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing dalawang taon sa Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon , gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama : at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama , at naglingkod sa mga yaon . At siya&#039;y hindi nagpakumbaba sa harap ng Panginoon , na gaya na pagpapakumbaba ni Manases na kaniyang ama : kundi ang Amon ding ito ay siyang sumalangsang ng higit at higit . At ang kaniyang mga lingkod ay naghimagsik laban sa kaniya , at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay . Nguni&#039;t pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon ; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya . Si Josias ay may walong taong gulang nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing tatlong pu&#039;t isang taon sa Jerusalem . At siya&#039;y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon , at lumakad ng mga lakad ni David na kaniyang magulang , at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa . Sapagka&#039;t sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari , samantalang siya&#039;y bata pa , kaniyang pinasimulang hinanap ang Dios ni David na kaniyang magulang : at sa ikalabing dalawang taon ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako , at ang mga Asera , at ang mga larawang inanyuan , at ang mga larawang binubo . At kanilang ibinagsak ang mga dambana ng mga Baal sa kaniyang harapan ; at ang mga larawang araw na nasa ibabaw nila , ay kaniyang ibinagsak ; at ang mga Asera , at ang mga larawang inanyuan , at ang mga larawang binubo , ay kaniyang pinagputolputol , at dinurog , at isinabog sa mga libingan ng nangaghain sa kanila . At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana , at nilinis ang Juda at ang Jerusalem . At gayon ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases at Ephraim at Simeon , hanggang sa Nephtali , sa kanilang mga guho sa palibot . At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog , at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel , at nagbalik sa Jerusalem . Sa ikalabing walong taon nga ng kaniyang paghahari , nang kaniyang malinis ang lupain , at ang bahay , ay kaniyang sinugo si Saphan na anak ni Asalias , at si Maasias na tagapamahala ng bayan , at si Joah na anak ni Joachaz na kasangguni , upang husayin ang bahay ng Panginoon niyang Dios . At sila&#039;y nagsiparoon kay Hilcias na dakilang saserdote at ibinigay ang salapi na napasok sa bahay ng Dios , na nakuha ng mga Levita , na mga tagatanod-pinto , sa kamay ng Manases at ng Ephraim , at sa lahat ng nalabi sa Israel , at sa buong Juda , at Benjamin , at sa mga taga Jerusalem . At kanilang ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang namamahala sa bahay ng Panginoon ; at ibinigay ng mga manggagawa ng bahay ng Panginoon upang husayin at pagtibayin ang bahay ; Sa makatuwid baga&#039;y sa mga anluwagi at sa mga nagtatayo ibinigay nila , upang ibili ng mga batong tinabas , at ng mga kahoy na panghalang , at upang ipaggawa ng mga sikang sa mga bahay na giniba ng mga hari , sa Juda . At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain : at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias , na mga Levita , sa mga anak ni Merari ; at si Zacharias at si Mesullam , sa mga anak ng mga Coathita , upang ipagpatuloy : at ang iba sa mga Levita , lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin . Nasa mga tagadala ng mga pasan naman sila , at pinamamahalaan ang lahat na nagsisigawa ng gawain sa sarisaring paglilingkod : at sa mga Levita ay may mga kalihim , at mga pinuno , at mga tagatanod-pinto . At nang kanilang ilalabas ang salapi na napasok sa bahay ng Panginoon , nasumpungan ni Hilcias na saserdote ang aklat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises . At si Hilcias ay sumagot , at sinabi niya kay Saphan na kalihim : Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon , At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan . At dinala ni Saphan ang aklat sa hari , at bukod dito&#039;y nagdala ng salita sa hari , na sinasabi , Lahat na ipinamahala sa iyong mga lingkod , ay kanilang ginagawa . At kanilang ibinubo ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon , at ibinigay sa kamay ng mga tagapamahala , at sa kamay ng mga manggagawa . At sinaysay ni Saphan na kalihim sa hari , na sinasabi , Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat . At binasa ni Saphan sa harap ng hari . At nangyari , nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan , na kaniyang hinapak ang kaniyang suot . At ang hari ay nagutos kay Hilcias , at kay Ahicham na anak ni Saphan , at kay Abdon na anak ni Micha , at kay Saphan na kalihim , at kay Asaia na lingkod ng hari , na kaniyang sinasabi , Kayo&#039;y magsiyaon , isangguni ninyo ako sa Panginoon , at silang naiwan sa Israel , at sa Juda , tungkol sa mga salita ng aklat na nasumpungan : sapagka&#039;t malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin , sapagka&#039;t hindi iningatan ng ating mga magulang ang salita ng Panginoon , upang gawin ayon sa lahat na nasusulat sa aklat na ito . Sa gayo&#039;y si Hilcias at silang pinagutusan ng hari , nagsiparoon kay Hulda na propetisa , na asawa ni Sallum na anak ni Tikoath , na anak ni Hasra , na tagapagingat ng silid ng kasuutan ; ( siya nga&#039;y tumahan sa Jerusalem sa ikalawang pook ; ) at kanilang sinabi sa kanila sa gayong paraan . At sinabi niya sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin . Ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&#039;y magdadala ng kasamaan sa dakong ito , at sa mga tagarito , sa makatuwid baga&#039;y lahat ng sumpa na nangakasulat sa aklat na kanilang nabasa sa harap ng hari sa Juda : Sapagka&#039;t kanilang pinabayaan ako , at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios , upang mungkahiin nila ako sa galit ng lahat na gawa ng kanilang mga kamay ; kaya&#039;t ang aking pagiinit ay nabugso sa dakong ito , at hindi mapapawi . Nguni&#039;t sa hari sa Juda , na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon , ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Tungkol sa mga salita na iyong narinig , Sapagka&#039;t ang iyong puso ay malumanay , at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Dios ng iyong marinig ang kaniyang mga salita laban sa dakong ito , at laban sa mga tagarito ; at ikaw ay nagpakababa sa harap ko , at hinapak mo ang iyong suot , at umiyak sa harap ko ; dininig naman kita , sabi ng Panginoon . Narito , ipipisan kita sa iyong mga magulang , at ikaw ay mapipisan na payapa sa iyong libingan , at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat na kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito , at sa mga tagarito . At sila&#039;y nagbalik ng salita sa hari . Nang magkagayo&#039;y nagsugo ang hari at pinisan ang lahat na matanda sa Juda at sa Jerusalem . At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon , at ang lahat na lalake ng Juda , at ang mga taga Jerusalem , at ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang buong bayan , malaki at gayon din ang maliit : at kaniyang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon . At ang hari ay tumayo sa kaniyang dako , at nakipagtipan sa harap ng Panginoon , upang lumakad ng ayon sa Panginoon , at upang ingatan ang kaniyang mga utos , at ang kaniyang mga patotoo , at ang kaniyang mga palatuntunan , ng buong puso niya , at ng buong kaluluwa niya , upang tuparin ang mga salita ng tipan na nasusulat sa aklat na ito . At kaniyang pinapanayo sa tipan ang lahat na nasumpungan sa Jerusalem at Benjamin . At ginawa ng mga taga Jerusalem ang ayon sa tipan ng Dios ng kanilang mga magulang . At inalis ni Josias ang lahat na karumaldumal sa lahat ng lupain na ukol sa mga anak ni Israel , at pinapaglingkod ang lahat na nangasumpungan sa Israel , upang mangaglingkod nga sa Panginoon nilang Dios . Lahat ng mga kaarawan niya ay hindi sila nagsihiwalay sa pagsunod sa Panginoon , sa Dios ng kanilang mga magulang . At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem ; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua , sa ikalabing apat na araw ng unang buwan . At inilagay niya ang mga saserdote sa kanilang mga katungkulan , at pinatapang sila sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon . At sinabi niya sa mga Levita na nangagturo sa buong Israel , na mga banal sa Panginoon , Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel ; hindi na magkakaroon pa ng pasan sa inyong mga balikat . Maglingkod kayo ngayon sa Panginoon ninyong Dios , at sa kaniyang bayang Israel ; At magsihanda kayo ayon sa mga sangbahayan ng inyong mga magulang ayon sa inyong mga bahagi , ayon sa sulat ni David na hari sa Israel , at ayon sa sulat ni Salomon sa kaniyang anak . At magsitayo kayo sa dakong banal ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng inyong mga kapatid na mga anak ng bayan , at maukol sa bawa&#039;t isa&#039;y isang bahagi ng sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita . At patayin ninyo ang kordero ng paskua , at mangagpakabanal kayo , at ihanda ninyo sa inyong mga kapatid , upang magsigawa ng ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Moises . At si Josias ay nagbigay sa mga anak ng bayan , buhat sa kawan , ng mga kordero at ng mga anak ng kambing , lahat ng yaon ay mga pinakahandog sa paskua , sa lahat na nakaharap , sa bilang na tatlong pung libo , at tatlong libo na baka : ang mga ito&#039;y mga pag-aari ng hari . At ang kaniyang mga prinsipe ay nangagbigay ng pinakakusang handog sa bayan , sa mga saserdote , at sa mga Levita . Si Hilcias at si Zacharias at si Jehiel , na mga pinuno sa bahay ng Dios , nangagbigay sa mga saserdote ng mga pinakahandog sa paskua , na dalawang libo at anim na raang tupa at kambing , at tatlong daang baka . Si Chonanias naman , at si Semeias , at si Nathanael , na kaniyang mga kapatid , at si Hasabias at si Jehiel at si Josabad , na mga pinuno ng mga Levita , nangagbigay sa mga Levita ng mga pinakahandog sa paskua , na limang libong tupa at kambing , at limang daang baka . Sa gayo&#039;y ang paglilingkod ay nahanda , at ang mga saserdote ay nagsitayo sa kanilang dako , at ang mga Levita ayon sa kanilang mga bahagi , ayon sa utos ng hari . At kanilang pinatay ang kordero ng paskua , at iwinisik ng mga saserdote ang dugo , na tinangnan nila sa kanilang kamay , at mga nilapnusan ng mga Levita . At kanilang ibinago ang mga handog na susunugin , upang kanilang ipamigay ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ng bayan , upang ihandog sa Panginoon , gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises . At gayon ang ginawa nila sa mga baka . At kanilang inihaw ang kordero ng paskua , sa apoy ayon sa ayos : at ang mga banal na handog ay niluto sa mga palayok , at sa mga kaldera , at sa mga kawali , at pinagdadalang madali sa lahat na anak ng bayan . At pagkatapos ay nangaghanda sila sa kanilang sarili , at sa mga saserdote ; sapagka&#039;t ang mga saserdote na mga anak ni Aaron ay nangasa paghahandog ng mga handog na susunugin at ng taba hanggang sa kinagabihan : kaya&#039;t ang mga Levita ay nangaghanda sa kanilang sarili , at sa mga saserdote na mga anak ni Aaron . At ang mga mangaawit na mga anak ni Asaph , ay nangasa kanilang dako , ayon sa utos ni David , at ni Asaph , at ni Heman , at ni Jeduthun na tagakita ng hari ; at ang mga tagatanod-pinto ay nangasa bawa&#039;t pintuang-daan : sila&#039;y hindi nangagkakailangang magsialis sa kanilang paglilingkod ; sapagka&#039;t ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita . Sa gayo&#039;y ang lahat na paglilingkod sa Panginoon ay nahanda nang araw ding yaon , upang ipagdiwang ang paskua , at upang maghandog ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon , ayon sa utos ng haring Josias . At ang mga anak ni Israel na nangakaharap ay nangagdiwang ng paskua nang panahong yaon , at ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw . At hindi nagkaroon ng paskua na gaya ng ipinagdiwang na yaon sa Israel mula sa mga araw ni Samuel na propeta ; ni nagdiwang man ang sinoman sa mga hari sa Israel ng gayong paskua na gaya ng ipinagdiwang ni Josias , at ng mga saserdote , at ng mga Levita , at ng buong Juda at Israel na nangakaharap , at ng mga taga Jerusalem . Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito . Pagkatapos ng lahat ng ito , nang maihanda ni Josias ang templo , si Nechao na hari sa Egipto ay umahon upang makipaglaban sa Carchemis sa siping ng Eufrates : at si Josias ay lumabas laban sa kaniya . Nguni&#039;t siya&#039;y nagsugo ng mga sugo sa kaniya , na ipinasasabi , Anong aking ipakikialam sa iyo , ikaw na hari sa Juda ? ako&#039;y hindi naparirito laban sa iyo sa araw na ito , kundi laban sa sangbahayan na kinakalaban ko : at iniutos sa akin ng Dios na ako&#039;y magmamadali : iwan mo ang pakikialam sa Dios , na nasa akin nga , upang huwag ka niyang lipulin . Gayon ma&#039;y hindi itinalikod ni Josias ang kaniyang mukha sa kaniya , kundi nagpakunwaring iba , upang siya&#039;y makipaglaban sa kaniya , at hindi dininig ang salita ni Nechao , na mula sa bibig ng Dios , at naparoong nakipaglaban sa libis ng Megiddo . At pinana ng mga mamamana si Josias : at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod , Ilabas ninyo ako ; sapagka&#039;t ako&#039;y nasugatan ng mabigat . Sa gayo&#039;y inalis siya ng kaniyang mga lingkod sa karo , at inilagay siya sa ikalawang karo , na kaniyang dala , at dinala siya sa Jerusalem ; at siya&#039;y namatay , at nalibing sa mga libingan ng kaniyang mga magulang . At ang buong Juda at Jerusalem ay tumangis kay Josias . At tinaghuyan ni Jeremias si Josias : at ang lahat na mangaawit na lalake at babae ay nagsipanambitan tungkol kay Josias sa kanilang mga panaghoy , hanggang sa araw na ito ; at sila&#039;y nagsigawa ng alituntunin sa Israel ; at , narito , nangasusulat sa mga panaghoy . Ang iba nga sa mga gawa ni Josias , at ang kaniyang mga mabuting gawa , ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon , At ang kaniyang mga gawa , na una at huli , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda . Nang magkagayo&#039;y kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias , at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem . Si Joachaz ay may dalawang pu&#039;t tatlong taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem . At inalis siya sa Jerusalem ng hari sa Egipto , at pinabuwis ang lupain ng isang daang talentong pilak at ng isang talentong ginto . At inihalal na hari sa Juda at sa Jerusalem ng hari sa Egipto si Eliacim na kaniyang kapatid , at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim . At kinuha ni Nechao si Joachaz na kaniyang kapatid , at dinala niya siya sa Egipto . Si Joacim ay may dalawang pu&#039;t limang taon nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing labing isang taon , sa Jerusalem : at siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios . Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at tinanikalaan siya , upang dalhin siya sa Babilonia . Si Nabucodonosor ay nagdala naman ng mga sisidlan ng bahay ng Panginoon sa Babilonia , at inilagay sa kaniyang templo sa Babilonia . Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim , at ang kaniyang mga karumaldumal na kaniyang ginawa , at ang nasumpungan sa kaniya , narito , nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda : at si Joachin , na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Si Joachin ay may walong taong gulang nang siya&#039;y magpasimulang maghari : at siya&#039;y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem : at siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon . At sa pagpihit ng taon , si Nabucodonosor ay nagsugo , at dinala siya sa Babilonia , pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem . Si Zedecias ay may dalawang pu&#039;t isang taong gulang nang siya&#039;y magpasimulang maghari ; at siya&#039;y nagharing labing isang taon sa Jerusalem : At siya&#039;y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios ; siya&#039;y hindi nagpakababa sa harap ni Jeremias na propeta na nagsasalita ng galing sa bibig ng Panginoon . At siya rin nama&#039;y nanghimagsik laban sa haring Nabucodonosor , na siyang nagpasumpa sa kaniya sa pangalan ng Dios : nguni&#039;t pinapagmatigas niya ang kaniyang ulo at pinapagmatigas niya ang kaniyang puso sa panunumbalik sa Panginoon , sa Dios ng Israel . Bukod dito&#039;y lahat ng mga pinuno ng mga saserdote , at ang bayan , ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa ; at kanilang dinumhan ang bahay ng Panginoon na kaniyang itinalaga sa Jerusalem . At ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo , na bumangong maaga at nagsugo , sapagka&#039;t siya&#039;y nagdalang habag sa kaniyang bayan , at sa kaniyang tahanang dako : Nguni&#039;t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios , at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita , at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan . Kaya&#039;t dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo , na siyang pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario , at hindi nagkaroon ng habag sa binata , o sa dalaga , sa matanda o sa may uban : ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay . At lahat ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios , malaki at maliit , at ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon , at ang mga kayamanan ng hari , at ng kaniyang mga prinsipe ; lahat ng mga ito&#039;y dinala niya sa Babilonia . At sinunog nila ang bahay ng Dios , at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem , at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya , at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon . At ang mga nakatanan sa tabak , dinala niya sa Babilonia ; at mga naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia : Upang ganapin ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias , hanggang sa ang lupain ay nagalak sa kaniyang mga sabbath : sapagka&#039;t habang giba ay kaniyang ipinagdidiwang ang sabbath , upang ganapin ang pitong pung taon . Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia , upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap , kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia , na siya&#039;y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian , at isinulat din naman , na sinasabi , Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia : Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon , ng Dios ng langit ; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem , na nasa Juda . Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan , sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios , at umahon siya . </passage></reply></GetPassage>