<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:15</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:15</urn><passage>Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia , upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap , kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia , na siya&#039;y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian , at isinulat din naman , na sinasabi , Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia , Ibinigay sa akin ng Panginoon , ng Dios ng langit , ang lahat na kaharian sa lupa ; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem , na nasa Juda . Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan , sumakaniya nawa ang kaniyang Dios , at umahon siya sa Jerusalem , na nasa Juda , at itayo ang bahay ng Panginoon , ng Dios ng Israel , ( siya&#039;y Dios , ) na nasa Jerusalem . At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan , tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak , at ng ginto , at ng mga pag-aari , at ng mga hayop , bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem . Nang magkagayo&#039;y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin , at ang mga saserdote , at ang mga Levita , sa makatuwid baga&#039;y lahat na ang diwa&#039;y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem . At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak , ng ginto , ng mga pag-aari , at ng mga hayop , at ng mga mahalagang bagay , bukod pa sa lahat na kusang inihandog . Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem , at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios ; Sa makatuwid baga&#039;y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman , at mga binilang kay Sesbassar , na prinsipe sa Juda . At ito ang bilang ng mga yaon : tatlong pung pinggang ginto , at isang libong pinggang pilak , dalawang pu&#039;t siyam na sundang ; Tatlong pung mangkok na ginto , mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu , at ang ibang mga sisidlan ay isang libo . Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan . Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar , nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem . Ang mga ito nga&#039;y ang mga anak ng lalawigan , na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala , na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda , na bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang bayan ; Na nagsidating na kasama ni Zorobabel , si Jesua , si Nehemias , si Seraias , si Reelias , si Mardocheo , si Bilsan , si Mispar , si Bigvai , si Rehum , si Baana . Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito : Ang mga anak ni Paros , dalawang libo&#039;t isang daan at pitong pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Sephatias , tatlong daan at pitong pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Ara , pitong daan at pitong pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Pahath-moab , sa mga anak ni Josue at ni Joab , dalawang libo&#039;t walong daan at labing dalawa . Ang mga anak ni Elam , isang libo&#039;t dalawang daan at limang pu&#039;t apat . Ang mga anak ni Zattu , siyam na raan at apat na pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Zachai , pitong daan at anim na pu . Ang mga anak ni Bani , anim na raan at apat na pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Bebai , anim na raan at dalawang pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Azgad , isang libo at dalawang daan at dalawang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Adonicam , anim na raan at anim na pu&#039;t anim . Ang mga anak ni Bigvai , dalawang libo at limang pu&#039;t anim . Ang mga anak ni Adin , apat na raan at limang pu&#039;t apat . Ang mga anak ni Ater , ni Ezechias , siyam na pu&#039;t walo . Ang mga anak ni Besai , tatlong daan at dalawang pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Jora , isang daan at labing dalawa . Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Bethlehem , isang daan at dalawang pu&#039;t tatlo . Ang mga lalake ng Nethopha , limang pu&#039;t anim . Ang mga lalake ng Anathoth , isang daan at dalawang pu&#039;t walo . Ang mga anak ni Azmaveth , apat na pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Chiriathjearim , ni Cephira , at ni Beeroth , pitong daan at apat na pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba , anim na raan at dalawang pu&#039;t isa . Ang mga lalake ng Michmas , isang daan at dalawang pu&#039;t dalawa . Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai , dalawang daan at dalawang pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Nebo , limang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Magbis , isang daan at limang pu&#039;t anim . Ang mga anak ng ibang Elam , isang libo&#039;t dalawang daan at limang pu&#039;t apat . Ang mga anak ni Harim , tatlong daan at dalawang pu . Ang mga anak ni Lod , ni Hadid , at ni Ono , pitong daan at dalawang pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Jerico , tatlong daan at apat na pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Senaa , tatlong libo&#039;t anim na raan at tatlong pu . Ang mga saserdote : ang mga anak ni Jedaia , sa sangbahayan ng Jesua , siyam na raan at pitong pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Immer , isang libo at limang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Pashur , isang libo&#039;t dalawang daan at apat na pu&#039;t pito . Ang mga anak ni Harim , isang libo at labing pito . Ang mga Levita : ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel , sa mga anak ni Hodavias , pitong pu&#039;t apat . Ang mga mangaawit : ang mga anak ni Asaph , isang daan at dalawang pu&#039;t walo . Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto : ang mga anak ni Sallum , ang mga anak ni Ater , ang mga anak ni Talmon , ang mga anak ni Accub , ang mga anak ni Hatita , ang mga anak ni Sobai , ang lahat ay isang daan at tatlong pu&#039;t siyam . Ang mga Nethineo : ang mga anak ni Siha , ang mga anak ni Hasupha , ang mga anak ni Thabaoth . Ang mga anak ni Cheros , ang mga anak ni Siaa , ang mga anak ni Phadon ; Ang mga anak ni Lebana , ang mga anak ni Hagaba , ang mga anak ni Accub ; Ang mga anak ni Hagab , ang mga anak ni Samlai , ang mga anak ni Hanan ; Ang mga anak ni Gidiel , ang mga anak ni Gaher , ang mga anak ni Reaia ; Ang mga anak ni Resin , ang mga anak ni Necoda , ang mga anak ni Gazam ; Ang mga anak ni Uzza , ang mga anak ni Phasea , ang mga anak ni Besai ; Ang mga anak ni Asena , ang mga anak ni Meunim , ang mga anak ni Nephusim ; Ang mga anak ni Bacbuc , ang mga anak ni Hacusa , ang mga anak ni Harhur ; Ang mga anak ni Bazluth , ang mga anak ni Mehida , ang mga anak ni Harsa ; Ang mga anak ni Bercos , ang mga anak ni Sisera , ang mga anak ni Tema ; Ang mga anak ni Nesia , ang mga anak ni Hatipha . Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay : ang mga anak ni Sotai , ang mga anak ni Sophereth , ang mga anak ni Peruda ; Ang mga anak ni Jaala , ang mga anak ni Darcon , ang mga anak ni Giddel ; Ang mga anak ni Sephatias , ang mga anak ni Hatil , ang mga anak ni Pochereth-hassebaim , ang mga anak ni Ami . Lahat ng mga Nethineo , at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon , tatlong daan at siyam na pu&#039;t dalawa . At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela , Tel-harsa , Cherub , Addan , at Immer : nguni&#039;t hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ang kanilang binhi kung sila&#039;y taga Israel : Ang mga anak ni Delaia , ang mga anak ni Tobias , ang mga anak ni Nicoda , anim na raan at limang pu&#039;t dalawa . At sa mga anak ng mga saserdote : ang mga anak ni Abaia , ang mga anak ni Cos , ang mga anak ni Barzillai , na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita , at tinawag ayon sa kanilang pangalan . Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi , nguni&#039;t hindi nangasumpungan : kaya&#039;t sila&#039;y nangabilang na hawa , at nangaalis sa pagkasaserdote . At sinabi ng tagapamahala sa kanila , na sila&#039;y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay , hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim . Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu&#039;t dalawang libo at tatlong daan at anim na pu , Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae , na may pitong libo&#039;t tatlong daan at tatlong pu&#039;t pito : at sila&#039;y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae . Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu&#039;t anim ; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu&#039;t lima ; Ang kanilang mga kamelyo , apat na raan at tatlong pu&#039;t lima ; ang kanilang mga asno , anim na libo&#039;t pitong daan at dalawang pu . At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , nang sila&#039;y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem , ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios , upang husayin sa kinatatayuan : Sila&#039;y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain , na anim na pu&#039;t isang libong darikong ginto , at limang libong librang pilak , at isang daan na bihisan ng mga saserdote . Gayon ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang iba sa bayan , at ang mga mangaawit , at ang mga tagatanod-pinto , at ang mga Nethineo , nagsitahan sa kanilang mga bayan , at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan . At nang dumating ang ikapitong buwan , at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan , ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem . Nang magkagayo&#039;y tumayo si Jesua na anak ni Josadec , at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote , at si Zorobabel na anak ni Sealthiel , at ang kaniyang mga kapatid , at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel , upang paghandugan ng mga handog na susunugin , gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises , na lalake ng Dios . At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya ; sapagka&#039;t ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain : at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y ng mga handog na susunugin sa umaga&#039;t hapon . At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan ng mga balag , gaya ng nasusulat , at naghandog ng mga handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang , ayon sa ayos , gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa&#039;t araw ; At pagkatapos ng palaging handog na susunugin , at ng mga handog sa mga bagong buwan , at ng lahat na takdang kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga , at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon . Mula sa unang araw ng ikapitong buwan , nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon : nguni&#039;t ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay . Sila&#039;y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero , at sa mga anluwagi ; at pagkain , at inumin , at langis , sa kanila na mga taga Sidon , at sa kanila na mga taga Tiro , upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat , hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia . Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem , sa ikalawang buwan , nangagpasimula si Zorobabel na anak ni Sealthiel , at si Jesua na anak ni Josadec , at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita , at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag ; at inihalal ang mga Levita , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon . Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak , at ng kaniyang mga kapatid , si Cadmiel at ang kaniyang mga anak , ang mga anak ni Juda , na magkakasama , upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios : ang mga anak ni Henadad , na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita . At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon , kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis , na may mga pakakak , at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo , upang magsipuri sa Panginoon , ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel . At sila&#039;y nagawitang isa&#039;t isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon , na nangagsasabi : Sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti , sapagka&#039;t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel . At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas , nang sila&#039;y magsipuri sa Panginoon , sapagka&#039;t ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay . Nguni&#039;t marami sa mga saserdote , at mga Levita , at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , mga matanda na nangakakita ng unang bahay , ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata , ay nagsiiyak ng malakas ; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan : Na anopa&#039;t hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan ; sapagka&#039;t ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw , at ang ingay ay narinig sa malayo . Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon , sa Dios ng Israel ; Nagsilapit nga sila kay Zorobabel , at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , at nangagsabi sa kanila , Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo : sapagka&#039;t aming hinahanap ang inyong Dios , na gaya ng inyong ginagawa ; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria , na nagahon sa amin dito . Nguni&#039;t si Zorobabel , at si Jesua , at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , ay nangagsabi sa kanila , Kayo&#039;y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios ; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon , ang Dios ng Israel , gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia , Nang magkagayo&#039;y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda , at binagabag sila sa pagtatayo . At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila , upang iurong ang kanilang akala , sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia , hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia . At sa paghahari ni Assuero , sa pasimula ng kaniyang paghahari , nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem . At sa mga kaarawan ni Artajerjes , nagsisulat si Bislam , si Mitridates , si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia ; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria , at ang laman niyaon ay wikang Siria . Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim , sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan : Nang magkagayo&#039;y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim , at ang nalabi sa kanilang mga kasama ; ang mga Dinaita , at ang mga Apharsacita , ang mga Tharphelita , ang mga Apharsita , ang mga Archevita , ang mga Babilonio , ang mga Susanchita , ang mga Dehaita , ang mga Elamita . At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si Asnappar , at inilagay sa bayan ng Samaria , at sa nalabi sa lupain , na nasa dako roon ng Ilog , at sa iba pa . Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari : Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog , at iba pa . Talastasin ng hari , na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem ; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan , at nayari ang mga kuta , at isinauli ang mga tatagang-baon . Talastasin ngayon ng hari , na , kung ang bayang ito ay matayo , at ang mga kuta ay mayari , sila&#039;y hindi mangagbabayad ng buwis , kabayaran , o upa , at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari . Sapagka&#039;t aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari , at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari , kaya&#039;t kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari ; Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang : sa gayo&#039;y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala , at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan , at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan , at sila&#039;y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon : na siyang ikinagiba ng bayang ito . Aming pinatototohanan sa hari , na , kung ang bayang ito ay matayo , at ang mga kuta ay mayari , ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito . Nang magkagayo&#039;y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni , at kay Simsai na kalihim , at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria , at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog : Kapayapaan , at iba pa . Ang sulat na inyong ipinadala sa amin , ay nabasa na maliwanag sa harap ko . At ako&#039;y nagpasiya , at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari , at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon . Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem , na nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog ; at buwis , kabayaran , at upa , ay nabayad sa kanila . Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito , at upang ang bayang ito ay huwag matayo , hanggang sa ang pasiya ay magawa ko . At kayo&#039;y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito : bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari ? Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum , at ni Simsai na kalihim , at ng kanilang mga kasama , sila&#039;y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio , at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan . Nang magkagayo&#039;y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem ; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario , na hari sa Persia . Ang mga propeta nga , si Haggeo na propeta , at si Zacharias na anak ni Iddo , ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem ; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila ; Nang magkagayo&#039;y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel , at si Jesua na anak ni Josadach , at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem ; at kasama nila ang mga propeta ng Dios , na nagsisitulong sa kanila . Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai , na tagapamahala sa dako roon ng Ilog , at si Sethar-boznai , at ang kanilang mga kasama , at nagsabi ng ganito sa kanila : Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito , at yariin ang kutang ito ? Nang magkagayo&#039;y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan : Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito ? Nguni&#039;t ang mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio , at hindi nila pinatigil , hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario , at nang magkagayo&#039;y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon . Ang salin ng sulat na ipinadala ni Tatnai , na tagapamahala sa dako roon ng Ilog at ni Sethar-boznai , at ng kaniyang mga kasama na mga Apharsachita , na nangasa dako roon ng Ilog , kay Dario na hari : Sila&#039;y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya , na kinasusulatan ng ganito : Kay Dario na hari , buong kapayapaan . Talastasin ng hari , na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda , sa bahay ng dakilang Dios , na natayo ng mga malaking bato , at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta ; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay . Nang magkagayo&#039;y tumanong kami sa mga matandang yaon , at nagsabi sa kanila ng ganito : Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito at upang yariin ang kutang ito ? Aming itinanong naman sa kanila ang kanilang mga pangalan , na patotohanan sa iyo , upang aming maisulat ang mga pangalan ng mga tao na nangungulo sa kanila . At ganito sila nangagbalik ng sagot sa amin , na nangagsasabi , Kami ay mga lingkod ng Dios ng langit at lupa , at nangagtatayo ng bahay na natayo nitong malaong panahon , na itinayo at niyari ng isang dakilang hari sa Israel . Nguni&#039;t pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang , ibinigay niya sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na Caldeo , na siyang gumiba ng bahay na ito , at dinala ang bayan sa Babilonia . Nguni&#039;t sa unang taon ni Ciro na hari sa Babilonia , gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios , At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem , at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia , ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari , at ibinigay sa isang nagngangalang Sesbassar , na siya niyang ginawang tagapamahala , At sinabi niya sa kaniya , Kunin mo ang mga sisidlang ito , ikaw ay yumaon , ipagpasok mo sa templo na nasa Jerusalem , at ipahintulot mo na matayo ang bahay ng Dios sa kaniyang dako . Nang magkagayo&#039;y naparoon ang Sesbassar na yaon , at inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem : at mula sa panahong yaon hanggang ngayon ay itinatayo , at hindi pa yari . Ngayon nga , kung inaakalang mabuti ng hari , magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari , na nandiyan sa Babilonia , kung gayon nga , na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem , at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito . Nang magkagayo&#039;y si Dario , na hari ay gumawa ng pasiya , at ang pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat , na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia . At nasumpungan sa Achmetta , sa bahay-hari na nasa lalawigan ng Media , ang isang ikid , at doo&#039;y nasusulat ang ganito na pinakaalaala . Nang unang taon ni Ciro na hari , si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya : Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem , ipahintulot na matayo ang bahay , ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain , at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon ; ang taas niyao&#039;y anim na pung siko , at ang luwang niyao&#039;y anim na pung siko , Na may tatlong hanay na mga malaking bato , at isang hanay ng bagong kahoy : at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari : At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem , at nangadala sa Babilonia , masauli , at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem , bawa&#039;t isa&#039;y sa kanikaniyang dako , at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios . Ngayon nga , Tatnai , na tagapamahala sa dako roon ng Ilog , Setharboznai , at ang inyong mga kasama na mga Apharsachita , na nasa dako roon ng Ilog , magsilayo kayo mula riyan : Pabayaan ninyo ang gawain sa bahay na ito ng Dios ; ipahintulot ninyo na itayo ng tagapamahala ng mga Judio at ng mga matanda ng mga Judio ang bahay na ito ng Dios sa kaniyang dako . Bukod dito&#039;y gumagawa ako ng pasiya kung ano ang inyong gagawin sa mga matandang ito ng mga Judio sa pagtatayo ng bahay na ito ng Dios : na sa mga pag-aari ng hari , sa makatuwid baga&#039;y sa buwis sa dako roon ng Ilog , ang mga magugugol ay ibigay ng buong sikap sa mga taong ito upang huwag mangagluwat . At ang kanilang kakailanganin , mga guyang toro , at gayon din ang mga tupa , at mga kordero , na ukol sa mga handog na susunugin para sa Dios ng langit ; trigo , asin , alak , at langis , ayon sa salita ng mga saserdote na nangasa Jerusalem , ibigay sa kanila araw-araw na walang pagsala . Upang sila&#039;y makapaghandog ng mga hain na pinaka masarap na amoy sa Dios ng langit , at idalangin ang buhay ng hari at ng kaniyang mga anak . Ako nama&#039;y gumawa ng pasiya , na sinomang bumago ng salitang ito , hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya , at mabitin doon ; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito : At lipulin ng Dios na nagpatahan ng kaniyang pangalan doon ang lahat ng mga hari at mga bayan , na maguunat ng kanilang kamay na baguhin , upang gibain ang bahay na ito ng Dios na nasa Jerusalem . Akong si Dario ang gumawa ng pasiya : isagawa ng buong sikap . Nang magkagayo&#039;y si Tatnai na tagapamahala sa dako roon ng Ilog , si Sethar-boznai , at ang kanilang mga kasama , dahil sa iniutos ni Dario na hari , ay gumawa ng buong sikap . At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong , ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo . At kanilang itinayo at niyari , ayon sa utos ng Dios ng Israel , at ayon sa pasiya ni Ciro at ni Dario , at ni Artajerjes na hari sa Persia . At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng Adar , nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari . At ang mga anak ni Israel , ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag , ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan . At sila&#039;y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka , dalawang daang lalaking tupa , apat na raang kordero ; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel , ay labing dalawang lalaking kambing , ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel . At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi , at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili , sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem ; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises . At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan . Sapagka&#039;t ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis na magkakasama ; silang lahat ay malilinis : at kanilang pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag , at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote , at sa kanilang sarili . At ang mga anak ni Israel , na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag , at yaong lahat na sa kanila&#039;y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain , upang hanapin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ay nagsikain . At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan : sapagka&#039;t pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila , upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios , ng Dios ng Israel . Pagkatapos nga ng mga bagay na ito , sa paghahari ni Artajerjes na hari sa Persia , si Ezra na anak ni Seraias , na anak ni Azarias , na anak ni Hilcias , Na anak ni Sallum , na anak ni Sadoc , na anak ni Achitob , Na anak ni Amarias , na anak ni Azarias , na anak ni Meraioth , Na anak ni Zeraias , na anak ni Uzzi , na anak ni Bucci , Na anak ni Abisue , na anak ni Phinees , na anak ni Eleazar , na anak ni Aaron , na pangulong saserdote : Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia . At siya&#039;y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises , na ibinigay ng Panginoon , ng Dios ng Israel : at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan , ayon sa kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya . At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel , at sa mga saserdote , at sa mga Levita , at sa mga mangaawit , at sa mga tagatanod-pinto , at sa mga Nethineo , sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari . At siya&#039;y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan , na sa ikapitong taon ng hari . Sapagka&#039;t sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia , at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem , ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya . Sapagka&#039;t inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon , at upang gawin , at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan . Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote , na kalihim , na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon , at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel . Si Artajerjes , na hari ng mga hari , kay Ezra na saserdote , na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit , na sakdal at iba pa . Ako&#039;y gumagawa ng pasiya , na silang lahat na sa bayan ng Israel , at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita , sa aking kaharian , na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem , ay magsisama sa iyo . Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang pitong kasangguni , upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem , ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay ; At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel , na ang tahanan ay nasa Jerusalem . At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia , pati ng kusang handog ng bayan , at ng mga saserdote , na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem ; Kaya&#039;t ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro , mga lalaking tupa , mga kordero , pati ng mga handog na harina at ng mga handog na inumin ng mga yaon , at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem . At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto , gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios . At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios , ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem . At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios , na ipagkakailangan mong ibigay , ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari . At ako , akong si Artajerjes na hari , nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog , na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote , na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit , ibigay ng buong sikap , Hanggang isang daang talentong pilak , at hanggang isang daang takal ng trigo , at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis , at asin na walang tasa . Anomang iniutos ng Dios ng langit , gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit ; sapagka&#039;t bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak ? Pinatototohanan din naman namin sa inyo , na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita , mga mangaawit , mga tagatanod-pinto , mga Nethineo , o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios , ay hindi marapat na lapatan sila ng buwis , kabayaran , o upa . At ikaw , Ezra , ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay , maghalal ka ng mga magistrado , at mga hukom , na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog , niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios ; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam . At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios , at ng kautusan ng hari , gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap , maging sa kamatayan , o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pag-aari , o sa pagkabilanggo . Purihin ang Panginoon , ang Dios ng ating mga magulang , na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari , na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem : At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari , at ng kaniyang mga kasangguni , at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari . At ako&#039;y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin , at ako&#039;y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko . Ito nga ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at ito ang talaan ng lahi nila na nagsiahong kasama ko mula sa Babilonia , sa paghahari ni Artajerjes na hari . Sa mga anak ni Phinees , si Gerson ; sa mga anak ni Ithamar , si Daniel ; sa mga anak ni David , si Hattus . Sa mga anak ni Sechanias : sa mga anak ni Pharos , si Zacarias ; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu . Sa mga anak ni Pahath-moab , si Eliehoenai na anak ni Zarahias , at kasama niya&#039;y dalawang daang lalake . Sa mga anak ni Sechanias , ang anak ni Jahaziel ; at kasama niya&#039;y tatlong daang lalake . At sa mga anak ni Adin , si Ebed na anak ni Jonathan ; at kasama niya ay limang pung lalake . At sa mga anak ni Elam , si Isaia na anak ni Athalias , at kasama niya&#039;y pitong pung lalake . At sa mga anak ni Sephatias , si Zebadias na anak ni Michael ; at kasama niya&#039;y walong pung lalake . Sa mga anak ni Joab , si Obadias na anak ni Jehiel ; at kasama niya&#039;y dalawang daan at labing walong lalake . At sa mga anak ni Solomit , ang anak ni Josiphias ; at kasama niya&#039;y isang daan at anim na pung lalake . At sa mga anak ni Bebai , si Zacarias na anak ni Bebai ; at kasama niya ay dalawang pu&#039;t walong lalake . At sa mga anak ni Azgad , si Johanan na anak ni Catan ; at kasama niya ay isang daan at sangpung lalake . At sa mga anak ni Adonicam , na siyang mga huli : at ang mga ito ang kanilang mga pangalan : Eliphelet , Jeiel , at Semaias , at kasama nila ay anim na pung lalake . At sa mga anak ni Bigvai , si Utai at si Zabud : at kasama nila ay pitong pung lalake . At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava ; at doo&#039;y nangagpahinga kaming tatlong araw ; at aking minasdan ang bayan at ang mga saserdote , at walang nasumpungan doon sa mga anak ni Levi . Nang magkagayo&#039;y ipinasundo ko si Eliezer , si Ariel , si Semaias , at si Elnathan , at si Jarib , at si Elnathan , at si Nathan , at si Zacarias , at si Mesullam , na mga pangulong lalake ; gayon din si Joiarib , at si Elnathan , na mga tagapagturo . At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia ; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo , at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo , sa dako ng Casipia , upang sila&#039;y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios . At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino , sa mga anak ni Mahali , na anak ni Levi , na anak ni Israel ; at si Serebias , pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid , labing walo : At si Hasabias , at kasama niya&#039;y si Isaia sa mga anak ni Merari , ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake , dalawang pu ; At sa mga Nethineo , na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita , dalawang daan at dalawang pung Nethineo ; silang lahat ay nasasaysay ayon sa pangalan . Nang magkagayo&#039;y nagtanyag ako ng ayuno doon , sa ilog ng Ahava , upang tayo&#039;y magpakababa sa harap ng ating Dios , upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan , sa ganang atin , at sa ating mga bata , at sa lahat ng ating pag-aari . Sapagka&#039;t ako&#039;y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo , at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan : sapagka&#039;t aming sinalita sa hari , na sinasabi , Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya , sa ikabubuti ; nguni&#039;t ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya . Sa gayo&#039;y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito : at dininig niya tayo . Nang magkagayo&#039;y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote , sa makatuwid baga&#039;y si Serebias , si Hasabias , at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila . At tinimbang sa kanila ang pilak , at ang ginto , at ang mga sisidlan , sa makatuwid baga&#039;y ang handog sa bahay ng ating Dios , na pinaghandugan ng hari , at ng kaniyang mga kasangguni , at ng kaniyang mga prinsipe , at ng buong Israel na nakaharap doon : Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak , at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento : sa ginto ay isang daang talento ; At dalawang pung mangkok na ginto , na may isang libong dariko ; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso , na halagang gaya ng ginto . At sinabi ko sa kanila , Kayo&#039;y banal sa Panginoon , at ang mga sisidlan ay natatalaga ; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon , na Dios ng inyong mga magulang . Magsipagbantay kayo , at ingatan ninyo , hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote , at ng mga Levita , at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel , sa Jerusalem , sa mga silid ng bahay ng Panginoon . Sa gayo&#039;y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto , at ng mga sisidlan , upang dalhin sa Jerusalem , sa bahay ng ating Dios . Nang magkagayo&#039;y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng Ahava , nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan , upang pumaroon sa Jerusalem : at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin , at iniligtas niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan . At tayo ay nagsidating sa Jerusalem , at nagsitahan doon na tatlong araw . At nang ikaapat na araw , ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni Meremoth na anak ni Urias na saserdote ( at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees ; at kasama nila si Jozabad na anak ni Jesua , at si Noadias na anak ni Binnui , na mga Levita ) Ang kabuoan sa pamamagitan ng bilang , at ng timbang : at ang buong timbang ay nasulat nang panahong yaon . Ang mga anak sa pagkabihag , na nagsipanggaling sa pagkatapon , ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel , labing dalawang toro sa ganang buong Israel , siyam na pu&#039;t anim na lalaking tupa , pitong pu&#039;t pitong kordero , labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan : lahat ng ito&#039;y handog na susunugin sa Panginoon . At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari , at sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog : at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios . Nang magawa nga ang mga bagay na ito , ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin , na nangagsasabi : Ang bayan ng Israel , at ang mga saserdote , at ang mga Levita , ay hindi nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain , na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal , sa makatuwid baga&#039;y ang mga Cananeo , ang mga Hetheo , ang mga Pherezeo , ang mga Jebuseo , ang mga Ammonita , ang mga Moabita , ang mga taga Egipto , at ang mga Amorrheo . Sapagka&#039;t kinuha nila ang kanilang mga anak na babae sa ganang kanilang sarili , at sa kanilang mga anak na lalake , na anopa&#039;t ang banal na binhi ay nahalo nga sa bayan ng mga lupain : oo , ang kamay ng mga prinsipe at ng mga pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito . At nang mabalitaan ko ang bagay na ito , aking hinapak ang aking suot at ang aking balabal , at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba , at ako&#039;y naupong natitigilan . Nang magkagayo&#039;y nagpipisan sa akin ang lahat na nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel , dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag ; at ako&#039;y naupong natitigilan hanggang sa pagaalay sa hapon . At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba , na hapak ang aking suot at ang aking balabal ; at ako&#039;y lumuhod ng aking mga tuhod , at iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios ; At aking sinabi , Oh aking Dios ; ako&#039;y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo , na aking Dios : sapagka&#039;t ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo , at ang aming sala ay umabot hanggang sa langit . Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito ; at dahil sa aming mga kasamaan , kami , ang aming mga hari , at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain , sa tabak , sa pagkabihag , sa pagkasamsam , at sa kahihiyan ng mukha , gaya sa araw na ito . At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios , upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang pako sa kaniyang dakong banal , upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata , at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin . Sapagka&#039;t kami ay mga alipin ; gayon ma&#039;y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin , kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia , upang bigyan kami ng kabuhayan , upang itayo ang bahay ng aming Dios , at upang husayin ang sira niyaon , at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem . At ngayon , Oh aming Dios , ano ang aming sasabihin pagkatapos nito ? sapagka&#039;t aming pinabayaan ang iyong mga utos . Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta , na nangagsasabi , Ang lupain , na inyong pinaroroonan upang ariin , ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain , dahil sa kanilang mga karumaldumal , na pinuno sa dulo&#039;t dulo ng kanilang karumihan . Ngayon nga&#039;y huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake , ni kunin man ninyo ang kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake , ni hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang kaginhawahan magpakailan man : na kayo baga&#039;y magsilakas , at magsikain ng buti ng lupain , at iwan ninyo na pinakamana sa inyong mga anak magpakailan man . At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa , at dahil sa aming malaking sala , sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin , ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan , at binigyan mo kami ng ganitong nalabi . Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos , at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito ? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa inyong malipol kami , na anopa&#039;t huwag magkaroon ng nalabi , o ng sinomang nakatanan . Oh Panginoon , na Dios ng Israel , ikaw ay matuwid , sapagka&#039;t kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan , na gaya sa araw na ito : narito , kami ay nangasa harap mo sa aming sala ; sapagka&#039;t walang makatatayo sa harap mo dahil dito . Habang si Ezra nga ay dumadalangin , at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios , nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata : sapagka&#039;t ang bayan ay umiyak na mainam . At si Sechanias na anak ni Jehiel , na isa sa mga anak ni Elam , ay sumagot at nagsabi kay Ezra : Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios , at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain : gayon man , may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito . Ngayon nga&#039;y mangakipagtipan tayo sa ating Dios , na ating ihiwalay ang lahat na asawa , at ang mga ipinanganak nila , ayon sa payo ng aking panginoon , at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios ; at gawin ayon sa kautusan . Bumangon ka : sapagka&#039;t bagay na ukol sa iyo , at kami ay sumasaiyo : magpakatapang kang mabuti , at iyong gawin . Nang magkagayo&#039;y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote , ang mga Levita at ang buong Israel , na kanilang gagawin ayon sa salitang ito . Sa gayo&#039;y sumumpa sila . Nang magkagayo&#039;y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios , at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib : at nang siya&#039;y dumating doon , siya&#039;y hindi kumain ng tinapay , o uminom man ng tubig : sapagka&#039;t siya&#039;y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag . At siya&#039;y gumawa ng pahayag sa Juda&#039;t Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag , na sila&#039;y magpipisan sa Jerusalem ; At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw , ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda , lahat niyang pag-aari ay sasamsamin , at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag . Nang magkagayo&#039;y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw ( siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan ) : at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios , na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan . At si Ezra na saserdote ay tumayo , at nagsabi sa kanila : Kayo&#039;y nagsisalangsang , at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan , upang palalain ang sala ng Israel . Ngayon nga&#039;y mangagpahayag kayo sa Panginoon , sa Dios ng inyong mga magulang , at inyong gawin ang kaniyang kalooban : at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain , at sa mga babaing tagaibang bayan . Nang magkagayo&#039;y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas , Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin , gayon ang nararapat naming gawin . Nguni&#039;t ang bayan ay marami , at panahong maulan , at kami ay hindi makatatayo sa labas : ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa : sapagka&#039;t kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito . Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan , at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan , at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan , at ang mga hukom doon , hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin , hanggang sa ang bagay na ito ay matapos . Si Jonathan lamang na anak ni Asael , at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito : at si Mesullam , at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila . At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag . At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan , ay nangaghiwalay ; at sila&#039;y nangaupo sa unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay . At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan . At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan ; sa mga anak ni Jesua , na anak ni Josadec , at sa kaniyang mga kapatid , si Maasias , at si Elieser , at si Jarib , at si Gedalias . At sila&#039;y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa ; at yamang mga salarin , sila&#039;y nangaghandog ng isang lalaking tupa sa kawan dahil sa kanilang sala . At sa mga anak ni Immer ; si Hanani at si Zebadias . At sa mga anak ni Harim ; si Maasias , at si Elias , at si Semeias , at si Jehiel , at si Uzzias . At sa mga anak ni Phasur ; si Elioenai , si Maasias , si Ismael , si Nathanael , si Jozabad at si Elasa . At sa mga Levita ; si Jozabad , at si Simi , at si Kelaia ( na siya ring Kelita ) , si Pethaia , si Juda , at si Eliezer . At sa mga mangaawit : si Eliasib : at sa mga tagatanod-pinto ; si Sellum , at si Telem , at si Uri . At sa Israel : sa mga anak ni Pharos ; si Ramia at si Izzias , at si Malchias , at si Miamim , at si Eleazar , at si Malchias , at si Benaias . At sa mga anak ni Elam : si Mathanias , si Zacharias , at si Jehiel , at si Abdi , at si Jeremoth , at si Elia . At sa mga anak ni Zattu ; si Elioenai , si Eliasib , si Mathanias , at si Jeremoth , at si Zabad , at si Aziza . At sa mga anak ni Bebai ; si Johanan , si Hananias , si Zabbai , at si Atlai . At sa mga anak ni Bani ; si Mesullam , si Malluch , at si Adaias , si Jasub , si Seal , at si Ramoth . At sa mga anak ni Pahath-moab ; si Adna , at si Cheleal , si Benaias , si Maasias , si Mathanias , si Besaleel , at si Bennui , at si Manases . At sa mga anak ni Harim ; si Eliezer , si Issia , at si Malchias , si Semeia , si Simeon ; Si Benjamin , si Malluch , si Semarias . Sa mga anak ni Hasum ; si Mathenai , si Mathatha , si Zabad , si Eliphelet , si Jeremai , si Manases , at si Sami . Sa mga anak ni Bani ; si Maadi si Amram , at si Uel ; Si Benaias , si Bedias , si Cheluhi ; Si Vanias , si Meremoth , si Eliasib ; Si Mathanias , si Mathenai , at si Jaasai ; At si Bani , at si Binnui , si Simi ; At si Selemias , at si Nathan , at si Adaias ; Si Machnadbai , si Sasai , si Sarai ; Si Azareel , at si Selemias , si Semarias ; Si Sallum , si Amarias , si Joseph . Sa mga anak ni Nebo ; si Jehiel , si Matithias , si Zabad , si Zebina , si Jadau , at si Joel , si Benaias . Lahat ng mga ito&#039;y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan : at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak . </passage></reply></GetPassage>