<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:16</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:16</urn><passage>Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hachalias . Nangyari nga sa buwan ng Chislu , sa ikadalawang pung taon , samantalang ako&#039;y nasa bahay-hari sa Susan . Na si Hanani , na isa sa aking mga kapatid , ay dumating , siya at ilang lalake na mula sa Juda ; at tinanong ko sila ng tungkol sa mga Judio na nakatanan , na nangaiwan sa pagkabihag , at tungkol sa Jerusalem . At sinabi nila sa akin , Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan , ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan : ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak , at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy . At nangyari , nang marinig ko ang mga salitang ito , na ako&#039;y naupo at umiyak , at nanangis na ilang araw ; at ako&#039;y nagayuno , at dumalangin sa harap ng Dios ng langit . At nagsabi , Aking idinadalangin sa iyo , Oh Panginoon , na Dios ng langit , na dakila at kakilakilabot na Dios , na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya , at nangagiingat ng kaniyang mga utos : Pakinggan ngayon ng iyong tainga , at idilat ang iyong mga mata , upang iyong dinggin ang dalangin ng iyong lingkod , na aking idinadalangin sa harap mo sa panahong ito , araw at gabi , dahil sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod , habang aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel , na aming ipinagkasala laban sa iyo . Oo , ako at ang sangbahayan ng aking magulang ay nagkasala : Kami ay lubhang nagpakahamak laban sa iyo , at hindi nangagingat ng mga utos , o ng mga palatuntunan man , o ng mga kahatulan , na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises . Alalahanin mo , isinasamo ko sa iyo , ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises , na sinasabi , Kung kayo&#039;y magsisalangsang , aking pangangalatin kayo sa lahat na bayan : Nguni&#039;t kung kayo&#039;y magsibalik sa akin , at ingatan ninyo ang aking mga utos , at gawin , bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng mga langit , akin ngang pipisanin sila mula roon , at dadalhin ko sila sa dakong aking pinili upang patahanin doon ang aking pangalan . Ang mga ito nga&#039;y ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan , na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan , at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay . Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , pakinggan ngayon ng inyong pakinig ang dalangin ng iyong lingkod , at ang dalangin ng iyong mga lingkod , na nangasasayahang matakot sa iyong pangalan : at paginhawahin mo , isinasamo ko sa iyo , ang iyong lingkod sa araw na ito , at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito . ( Ngayo&#039;y tagahawak ako ng saro ng hari . ) At nangyari sa buwan ng Nisan , sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari , nang ang alak ay nasa harap niya , na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari . Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan . At sinabi ng hari sa akin , Bakit ang iyong mukha ay malungkot , dangang wala kang sakit ? ito&#039;y dili iba kundi kalungkutan ng puso . Nang magkagayo&#039;y natakot akong mainam . At sinabi ko sa hari , Mabuhay ang hari magpakailan man : bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot , kung ang bayan , ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba , at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari sa akin , Ano ang iyong hinihiling ? Sa gayo&#039;y dumalangin ako sa Dios ng langit . At nagsabi ako sa hari , Kung ikinalulugod ng hari , at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda , sa bayan ng libingan sa aking mga magulang , upang aking maitayo . At ang hari ay nagsabi sa akin , ( ang reina ay nakaupo naman sa siping niya , ) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay ? at kailan ka babalik ? Sa gayo&#039;y nalugod ang hari na suguin ako , at nagtakda ako sa kaniya ng panahon . Bukod dito&#039;y sinabi ko sa hari , Kung ikinalulugod ng hari , bigyan ako ng mga sulat sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog , upang ako&#039;y kanilang paraanin hanggang sa ako&#039;y dumating sa Juda ; At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari , upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng kastillo na nauukol sa bahay , at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan . At pinagkalooban ako ng hari ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin . Nang magkagayo&#039;y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog , at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari . Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo . At nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita , at ni Tobias na lingkod , na Ammonita , ay namanlaw na mainam , sapagka&#039;t may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel . Sa gayo&#039;y naparoon ako sa Jerusalem , at dumoon akong tatlong araw . At ako&#039;y bumangon sa kinagabihan , ako , at ilang lalake na kasama ko ; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem : wala rin namang anomang hayop na kasama ako , liban sa hayop na aking sinasakyan . At ako&#039;y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis , sa makatuwid baga&#039;y sa dako ng balon ng dragon , at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi , at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem , na nangabagsak , at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy . Nang magkagayo&#039;y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari : nguni&#039;t walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko . Nang magkagayo&#039;y namaybay ako ng kinagabihan sa batis , at aking minasdan ang kuta ; at ako&#039;y bumalik , at pumasok sa pintuang-bayan ng libis , at sa gayo&#039;y pumihit ako . At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon , o kung ano ang ginawa ko ; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio , ni sa mga saserdote man , ni sa mga mahal na tao man , ni sa mga pinuno man , ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa kanila , Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin , kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy : kayo&#039;y parito , at ating itayo ang kuta ng Jerusalem , upang tayo&#039;y huwag nang maging kadustaan . At isinaysay ko sa kanila ang kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin , at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin . At kanilang sinabi , Magbangon tayo at magtayo . Sa gayo&#039;y kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa . Nguni&#039;t nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita , at ni Tobias na lingkod , na Ammonita , at ni Gesem na taga Arabia , ay kanilang tinawanang mainam kami , at hinamak kami , at sinabi , Ano itong bagay na inyong ginagawa ? manghihimagsik ba kayo laban sa hari ? Nang magkagayo&#039;y sumagot ako sa kanila , at sinabi ko sa kanila , Ang Dios ng langit , siya ang magpapaginhawa sa amin : kaya&#039;t kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo : nguni&#039;t kayo&#039;y walang bahagi , o matuwid man , o alaala man , sa Jerusalem . Nang magkagayo&#039;y si Eliasib na pangulong saserdote ay tumayo na kasama ng kaniyang mga kapatid na mga saserdote , at kanilang itinayo ang pintuang-bayan ng mga tupa ; kanilang itinalaga , at inilagay ang mga pinto niyaon ; hanggang sa moog ng Meah ay kanilang itinalaga , hanggang sa moog ng Hananeel . At sumunod sa kaniya ay nagsipagtayo ang mga lalake ng Jerico . At sumunod sa kanila ay nagtayo si Zachur na anak ni Imri . At ang pintuang-bayan ng mga isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa ; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Meremoth na anak ni Urias , na anak ni Cos . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Mesullam , na anak ni Berechias , na anak ni Mesezabeel . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Baana . At sumunod sa kanila ay hinusay ng mga Tecoita ; nguni&#039;t hindi inilagay ng kanilang mga mahal na tao ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang Panginoon . At ang dating pintuang-bayan ay hinusay ni Joiada na anak ni Pasea at ni Mesullam na anak ni Besodias ; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon , at inilagay ang mga pinto niyaon , at ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Melatias na Gabaonita , at ni Jadon na Meronothita , ng mga lalaking taga Gabaon , at taga Mizpa , na ukol sa luklukan ng tagapamahala sa dako roon ng Ilog . Sumunod sa kanila ay hinusay ni Uzziel na anak ni Harhaia , na platero . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na isa sa mga manggagawa ng pabango , at kanilang pinagtibay ang Jerusalem , hanggang sa maluwang na kuta . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Repaias na anak ni Hur , na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem . At sumunod sa kanila ay hinusay ni Jedaias na anak ni Harumaph , sa tapat ng kaniyang bahay . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hattus na anak ni Hasbanias . Ang ibang bahagi at ang moog ng mga hurno ay hinusay ni Malchias na anak ni Harim , at ni Hasub na anak ni Pahatmoab . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Sallum na anak ni Lohes , na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem , niya at ng kaniyang mga anak na babae . Ang pintuang-bayan ng libis ay hinusay ni Hanun , at ng mga taga Zanoa ; kanilang itinayo , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon , at isang libong siko sa kuta hanggang sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi . At ang pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ay hinusay ni Malchias na anak ni Rechab , na pinuno ng distrito ng Beth-haccerem ; kaniyang itinayo , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang mga trangka niyaon , at ang mga halang niyaon . At ang pintuang-bayan ng bukal ay hinusay ni Sallum na anak ni Cholhoce , na pinuno ng distrito ng Mizpa , kaniyang itinayo , at tinakpan , at inilagay ang mga pinto niyaon , ang trangka niyaon , at ang mga halang niyaon , at ang pader ng tangke ng Selah sa tabi ng halamanan ng hari , hanggang sa mga baytang na paibaba mula sa bayan ni David . Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Nehemias na anak ni Azbuc , na pinuno ng kalahating distrito ng Beth-sur , hanggang sa dako ng tapat ng mga libingan ni David , at hanggang sa tangke na ginawa , at hanggang sa bahay ng mga makapangyarihang lalake . Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Levita , ni Rehum na anak ni Bani . Sumunod sa kaniya , ay hinusay ni Asabias , na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila , na pinaka distrito niya . Sumunod sa kaniya ay hinusay ng kanilang mga kapatid , ni Bavvai na anak ni Henadad , na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Ezer na anak ni Jesua , na pinuno ng Mizpa , na ibang bahagi , sa tapat ng sampahan sa lagayan ng mga sandata sa pagliko ng kuta . Sumunod sa kaniya ay hinusay na masikap ni Baruch na anak ni Zachai ang ibang bahagi , mula sa may pagliko ng kuta hanggang sa pintuan ng bahay ni Eliasib na pangulong saserdote . Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Meremoth , na anak ni Urias na anak ni Cos ang ibang bahagi mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa hangganan ng bahay ni Eliasib . At sumunod sa kaniya , ay hinusay ng mga saserdote , na mga lalake sa Kapatagan . Sumunod sa kanila , ay hinusay ni Benjamin at ni Hasub sa tapat ng kanilang bahay . Sumunod sa kanila ay hinusay ni Azarias na anak ni Maasias na anak ni Ananias , sa siping ng kaniyang sariling bahay . Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Binnui na anak ni Henadad ang ibang bahagi , mula sa bahay ni Azarias hanggang sa pagliko ng kuta , at hanggang sa sulok . Si Paal na anak ni Uzai ay naghusay ng tapat ng may pagliko ng kuta , at ng moog na lumalabas mula sa lalong mataas na bahay ng hari , na nasa tabi ng looban ng bantay . Sumunod sa kaniya&#039;y si Pedaia na anak ni Pharos ang naghusay . ( Ang mga Nethineo nga ay nagsitahan sa Ophel , hanggang sa dako na nasa tapat ng pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan , at ng moog na nakalabas . ) Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Tecoita ang ibang bahagi , sa tapat ng malaking moog na nakalabas , at hanggang sa pader ng Ophel . Sa itaas ng pintuang-bayan ng mga kabayo , mga saserdote ang naghusay na bawa&#039;t isa&#039;y sa tapat ng kaniyang sariling bahay . Sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Immer sa tapat ng kaniyang sariling bahay . At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Semaias na anak ni Sechanias na tagatanod ng pintuang silanganan . Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na anak ni Selemias , at ni Anun na ikaanim na anak ni Salaph ang ibang bahagi . Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Mesullam na anak ni Berechias sa tapat ng kaniyang silid . Sumunod sa kaniya , ay hinusay ni Malchias na isa sa mga platero sa bahay ng mga Nethineo , at sa mga mangangalakal , sa tapat ng pintuang-bayan ng Hammiphcad , at sa sampahan sa sulok . At sa pagitan ng sampahan sa sulok at ng pintuang-bayan ng mga tupa , ang naghusay ay ang mga platero at ang mga mangangalakal . Nguni&#039;t nangyari , na nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinayo ang kuta , siya&#039;y naginit , at nagalit na mainam , at tinuya ang mga Judio . At siya&#039;y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid , at ng hukbo ng Samaria , at nagsabi , Anong ginagawa nitong mahihinang Judio ? magpapakatibay ba sila ? mangaghahain ba sila ? wawakasan ba nila sa isang araw ? kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng dumi , dangang nangasunog na ang mga yaon ? Si Tobias nga na Ammonita ay nasa tabi niya , at sinabi niya , Bagaman sila&#039;y nangagtatayo , kung ang isang zorra ay sumampa , ibabagsak ang kanilang mga batong kuta . Dinggin mo , Oh aming Dios : sapagka&#039;t kami ay hinamak ; at ibalik mo ang kanilang pagdusta sa kanilang sariling ulo , at ibigay mo sila sa pagkasamsam sa isang lupain sa pagkabihag : At huwag mong ikubli ang kanilang kasamaan , at huwag mong pawiin ang kanilang kasalanan sa harap mo : sapagka&#039;t kanilang minungkahi ka sa galit sa harap ng mga manggagawa . Sa gayo&#039;y aming itinayo ang kuta ; at ang buong kuta ay nahusay hanggang sa kalahatian ng taas niyaon : sapagka&#039;t ang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa . Nguni&#039;t nangyari , na nang mabalitaan ni Sanballat , at ni Tobias , at ng mga taga Arabia , at ng mga Ammonita , at ng mga Asdodita , na ipinatuloy ang paghuhusay ng mga kuta ng Jerusalem , at ang mga sira ay pinasimulang tinakpan , sila nga&#039;y nangaginit na mainam ; At nagsipagbanta silang lahat na magkakasama upang magsiparoon , at magsilaban sa Jerusalem , at upang manggulo roon . Nguni&#039;t kami ay nagsidalangin sa aming Dios , at naglagay ng bantay laban sa kanila araw at gabi , dahil sa kanila . At ang Juda ay nagsabi , Nawalan ng lakas ang mga tagadala ng mga pasan , at may maraming dumi ; na anopa&#039;t hindi kami makapagtayo ng kuta . At sinabi ng aming mga kalaban : Sila&#039;y hindi mangakakaalam , o mangakakakita man hanggang sa kami ay magsidating sa gitna nila , at patayin sila , at ipatigil ang gawain . At nangyari , na nang magsidating ang mga Judio na nagsisitahan sa siping nila , sinabi nila sa aming makasangpu , mula sa lahat na dako : Kayo&#039;y marapat magsibalik sa amin . Kaya&#039;t inilagay ko sa mga pinakamababang dako ng pagitan ng likuran ng kuta , sa mga luwal na dako , sa makatuwid baga&#039;y aking inilagay ang bayan ayon sa kanilang mga angkan , pati ng kanilang mga tabak , ng kanilang mga sibat , at ng kanilang mga busog . At ako&#039;y tumingin , at tumayo , at nagsabi sa mga mahal na tao , at sa mga pinuno , at sa nalabi sa bayan : Huwag kayong mangatakot sa kanila : inyong alalahanin ang Panginoon , na dakila at kakilakilabot , at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid , ang inyong mga anak na lalake at babae , ang inyong mga asawa at ang inyong mga bahay . At nangyari , nang mabalitaan ng aming mga kaaway na naalaman namin , at iniuwi sa wala ng Dios ang kanilang payo , na kami na nagsibalik na lahat sa kuta , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang gawa . At nangyari , mula nang panahong yaon , na kalahati sa aking mga lingkod ay nagsigawa sa gawain , at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat , mga kalasag , at mga busog , at ng mga baluti ; at ang mga pinuno ay nangasa likuran ng buong sangbahayan ng Juda . Silang nangagtayo ng kuta , at silang nangagpapasan ng mga pasan ay nagsipagsakbat , bawa&#039;t isa&#039;y may isa ng kaniyang mga kamay na iginagawa sa gawain , at may isa na inihahawak ng kaniyang sakbat ; At ang mga manggagawa , bawa&#039;t isa&#039;y may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran , at gayon gumagawa . At ang nagpapatunog ng pakakak ay nasa siping ko . At sinabi ko sa mga mahal na tao at sa mga pinuno , at sa nalabi sa bayan : Ang gawain ay malaki at malaon , at tayo&#039;y nangagkakahiwalay sa kuta , isa&#039;y malayo sa isa : Sa anomang dako na inyong marinig ang tunog ng pakakak , ay makipisan kayo sa amin ; ipakikipaglaban tayo ng ating Dios . Ganito nagsigawa kami sa gawain : at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat mula sa pagbubukang liwayway hanggang sa ang mga bituin ay magsilitaw . Sinabi ko rin nang panahong yaon sa bayan : Magsitahan bawa&#039;t isa sa Jerusalem , na kasama ng kanikaniyang lingkod upang sa gabi ay maging bantay sila sa atin , at makagawa sa araw . Sa gayo&#039;y maging ako , ni ang aking mga kapatid man , ni ang aking mga lingkod man , ni ang mga lalake mang bantay na nagsisisunod sa akin , ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot , na bawa&#039;t isa&#039;y yumaon na may kaniyang sandata sa tubig . Nang magkagayo&#039;y umalingawngaw ang malakas na daing ng bayan at ng kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio , Sapagka&#039;t may nagsisipagsabi , Kami , ang aming mga anak na lalake at babae ay marami : tulutan kaming magsikuha ng trigo , upang aming makain at mabuhay kami . May nagsisipagsabi naman : Aming isinasangla ang aming mga bukid at ang aming mga ubasan , at ang aming mga bahay : tulutan kaming magsikuha ng trigo , dahil sa kasalatan . May nagsisipagsabi naman : Aming ipinangutang ng salapi ang buwis sa hari na hinihingi sa aming mga bukid at aming mga ubasan . Gayon ma&#039;y ang aming laman ngayon ay gaya ng laman ng aming mga kapatid , ang aming mga anak ay gaya ng kanilang mga anak : at , narito , aming dinadala sa pagkaalipin ang aming mga anak na lalake at babae upang maging mga alipin , at ang iba sa aming mga anak na babae ay nangadala sa pagkaalipin : wala man lamang kaming kapangyarihang makatulong ; sapagka&#039;t ibang mga tao ang nagtatangkilik ng aming bukid at ng aming mga ubasan . At ako&#039;y nagalit na mainam , nang aking marinig ang kanilang daing at ang mga salitang ito . Nang magkagayo&#039;y sumangguni ako sa aking sarili , at nakipagtalo ako sa mga mahal na tao at sa mga pinuno , at nagsabi sa kanila , Kayo&#039;y nangagpapatubo , bawa&#039;t isa sa kaniyang kapatid . At ako&#039;y nagdaos ng malaking kapulungan laban sa kanila . At sinabi ko sa kanila , Kami ayon sa aming kaya ay aming tinubos ang aming mga kapatid na mga Judio , na mga naipagbili sa mga bansa ; at inyo ba ring ipagbibili ang inyong mga kapatid , at sila&#039;y maipagbibili sa amin ? Nang magkagayo&#039;y nagsitahimik sila , at hindi nakasumpong kailan man ng salita . Sinabi ko rin , Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti : hindi ba kayo marapat magsilakad sa takot sa ating Dios , dahil sa pagdusta ng mga bansa , na ating mga kaaway ? At ako&#039;y gayon din , ang aking mga kapatid at ang aking mga lingkod ay nangutang sa kanila ng salapi at trigo . Isinasamo ko sa inyo na ating iwan ang patubong ito . Isinasamo ko sa inyo , na isauli ninyo sa kanila , sa araw ding ito , ang kanilang mga bukid , at ang kanilang mga ubasan , ang kanilang mga olibohan , at ang kanilang mga bahay , gayon din ang ikasangdaang bahagi ng salapi , at ng trigo , ng alak , at ng langis , na inyong hinihingi sa kanila . Nang magkagayo&#039;y sinabi nila , Aming isasauli , at wala kaming hihilingin sa kanila ; gayon namin gagawin , gaya ng iyong sinasabi . Nang magkagayo&#039;y tinawag ko ang mga saserdote at pinanumpa ko sila , na sila&#039;y magsisigawa ng ayon sa pangakong ito . Ipinagpag ko naman ang aking laylayan , at ako&#039;y nagsabi , Ganito ipagpag ng Dios ang bawa&#039;t tao mula sa kaniyang bahay , at mula sa kaniyang gawain , na hindi tumupad ng pangakong ito ; sa makatuwid baga&#039;y ganito ipagpag siya , at mahungkag . At ang buong kapisanan ay nagsabi , Siya nawa , at pumuri sa Panginoon . At ginawa ng bayan ayon sa pangakong ito . Bukod dito&#039;y mula sa panahon na ako&#039;y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda , mula sa ikadalawang pung taon hanggang sa ikatatlong pu&#039;t dalawang taon ni Artajerjes na hari , sa makatuwid baga&#039;y labing dalawang taon , ako at ang aking mga kapatid ay hindi nagsikain ng tinapay ng tagapamahala . Nguni&#039;t ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan , at kumuha sa kanila ng tinapay at alak , bukod sa apat na pung siklong pilak ; oo , pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan : nguni&#039;t ang gayon ay hindi ko ginawa , dahil sa takot sa Dios . Oo , ako nama&#039;y nagpatuloy sa gawain ng kutang ito , ni hindi man lamang kami nagsibili ng anomang lupain : at ang lahat ng aking mga lingkod ay nagpipisan doon sa gawain . Bukod dito&#039;y nagkaroon sa dulang ko ng mga Judio at mga pinuno na isang daan at limang pung tao , bukod sa nagsiparoon sa amin na mula sa mga bansa na nasa palibot namin . Ang inihahanda nga sa bawa&#039;t araw ay isang baka at anim na piling tupa ; mga ibon naman ay nahanda sa akin , at minsan sa sangpung araw ay sarisaring alak na masagana : gayon ma&#039;y sa lahat ng ito ay hindi ako humingi ng tinapay sa tagapamahala , sapagka&#039;t ang pagkaalipin ay mabigat sa bayang ito . Alalahanin mo ako , Oh aking Dios , sa ikabubuti , lahat na aking ginawa dahil sa bayang ito . Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias , at kay Gesem na taga Arabia , at sa nalabi sa aming mga kaaway , na aking naitayo na ang kuta , at wala nang sirang naiiwan doon ; ( bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan ; ) Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin , na nagpapasabi , Ikaw ay parito , magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono . Nguni&#039;t pinagisipan nila akong gawan ng masama . At ako&#039;y nagsugo ng mga sugo sa kanila , na nangagsasabi , Ako&#039;y gumagawa ng dakilang gawain , na anopa&#039;t hindi ako makababa : bakit ititigil ang gawain , habang aking maiiwan , at binababa kayo ? At sila&#039;y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito ; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan . Nang magkagayo&#039;y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay . Na kinasusulatan : Naibalita sa mga bansa , at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik ; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta : at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito . At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem , na nangagsasabi , May isang hari sa Juda ; at ngayo&#039;y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito . Parito ka nga ngayon , at magsanggunian tayo . Nang magkagayo&#039;y nagsugo ako sa kaniya , na aking sinasabi , Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi , kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso . Sapagka&#039;t ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami , na sinasabi , Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa&#039;t hindi mayayari . Nguni&#039;t ngayon , Oh Dios , palakasin mo ang aking mga kamay . At ako&#039;y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong ; at kaniyang sinabi , Tayo&#039;y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios , sa loob ng templo , at ating isara ang mga pinto ng templo : sapagka&#039;t sila&#039;y magsisiparito upang patayin ka ; oo , sa kinagabiha&#039;y magsisiparito sila upang patayin ka . At aking sinabi , Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko ? at sino kaya ; na sa paraang gaya ko , ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay ? hindi ako papasok . At nahalata ko , at , narito , hindi siya sinugo ng Dios ; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin : at inupahan siya ni Tobias , at ni Sanballat . Dahil sa bagay na ito inupahan siya , upang ako&#039;y matakot , at gumawa ng gayon , at magkasala , at upang sila&#039;y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig , upang kanilang madusta ako . Alalahanin mo , Oh aking Dios , si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila , at gayon din ang propetisa na Noadias , at ang nalabi sa mga propeta , na ibig nilang sidlan ako ng katakutan . Sa gayo&#039;y natapos ang kuta sa ikadalawang pu&#039;t limang araw ng buwan ng Elul , sa limang pu&#039;t dalawang araw . At nangyari , nang mabalitaan ng lahat naming mga kaaway , na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot , at nangalumatang mainam : sapagka&#039;t kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios . Bukod dito&#039;y sa mga araw na yao&#039;y ang mga mahal na tao sa Juda ay nangagpadala ng maraming sulat kay Tobias at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila . Sapagka&#039;t marami sa Juda na nanganumpa sa kaniya , sapagka&#039;t siya&#039;y manugang ni Sechanias na anak ni Arah ; at ang kaniyang anak na si Johanan ay nagasawa sa anak na babae ni Mesullam na anak ni Berechias . Sila nama&#039;y nangagsalita ng kaniyang mga mabuting gawa sa harap ko , at ibinalita ang aking mga salita sa kaniya . At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang sidlan ako ng katakutan . Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo , at aking mailagay ang mga pinto , at ang mga tagatanod-pinto , at ang mga mangaawit , at ang mga Levita ay mangahalal . Na aking ibinigay kay Hanani , na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta , ang pamamahala sa Jerusalem : sapagka&#039;t siya&#039;y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami . At aking sinabi sa kanila , Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit ; at samantalang sila&#039;y nangagbabantay , isara nila ang mga pinto , at inyong mga itrangka : at kayo&#039;y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang pagbabantay , at bawa&#039;t isa&#039;y sa tapat ng kaniyang bahay . Ang bayan nga ay maluwang at malaki : nguni&#039;t ang mga tao ay kakaunti roon , at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa . At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao , at ang mga pinuno , at ang bayan , upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi . At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una , at aking nasumpungang nakasulat doon : Ang mga ito sa nangadala , ang mga anak ng lalawigan , na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda , na bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang bayan ; Na siyang nagsisama kay Zorobabel , kay Jesua , kay Nehemias , kay Azarias , kay Raamias , kay Nahamani , kay Mardocheo , kay Bilsan , kay Misperet , kay Bigvai , kay Nehum , kay Baana . Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito : Ang mga anak ni Paros , dalawang libo&#039;t isang daan at pitong pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Sephatias , tatlong daan at pitong pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Ara , anim na raan at limang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Pahath-moab , sa mga anak ni Jesua at ni Joab , dalawang libo&#039;t walong daan at labing walo . Ang mga anak ni Elam , isang libo&#039;t dalawang daan at limang pu&#039;t apat . Ang mga anak ni Zattu , walong daan at apat na pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Zachai , pitong daan at anim na pu . Ang mga anak ni Binnui , anim na raan at apat na pu&#039;t walo . Ang mga anak ni Bebai , anim na raan at dalawang pu&#039;t walo . Ang mga anak ni Azgad , dalawang libo&#039;t tatlong daan at dalawang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Adonicam , anim na raan at anim na pu&#039;t pito . Ang mga anak ni Bigvai , dalawang libo&#039;t anim na pu&#039;t pito . Ang mga anak ni Addin , anim na raan at limang pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Ater , ni Ezechias , siyam na pu&#039;t walo . Ang mga anak ni Hasum , tatlong daan at dalawang pu&#039;t walo . Ang mga anak ni Besai , tatlong daan at dalawang pu&#039;t apat . Ang mga anak ni Hariph , isang daan at labing dalawa . Ang mga anak ni Gabaon , siyam na pu&#039;t lima . Ang mga lalake ng Bethlehem , at ng Netopha , isang daan at walong pu&#039;t walo . Ang mga lalake ng Anathoth , isang daan at dalawang pu&#039;t walo . Ang mga lalake ng Beth-azmaveth , apat na pu&#039;t dalawa . Ang mga lalake ng Chiriathjearim , ng Chephra , at ng Beeroth , pitong daan at apat na pu&#039;t tatlo . Ang mga lalake ng Rama , at ng Gebaa , anim na raan at dalawang pu&#039;t isa . Ang mga lalake ng Michmas , isang daan at dalawang pu&#039;t dalawa . Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu&#039;t tatlo . Ang mga lalake ng isang Nebo , limang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ng isang Elam , isang libo&#039;t dalawang daan at limang pu&#039;t apat . Ang mga anak ni Harim , tatlong daan at dalawang pu . Ang mga anak ni Jerico , tatlong daan at apat na pu&#039;t lima . Ang mga anak ni Lod , ni Hadid , at ni Ono , pitong daan at dalawang pu&#039;t isa . Ang mga anak ni Senaa , tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu . Ang mga saserdote : ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua , siyam na raan at pitong pu&#039;t tatlo . Ang mga anak ni Immer , isang libo&#039;t limang pu&#039;t dalawa . Ang mga anak ni Pashur , isang libo&#039;t dalawang daan at apat na pu&#039;t pito . Ang mga anak ni Harim , isang libo&#039;t labing pito . Ang mga Levita : ang mga anak ni Jesua , ni Cadmiel , sa mga anak ni Odevia , pitong pu&#039;t apat . Ang mga mangaawit : ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu&#039;t walo . Ang mga tagatanod-pinto : ang mga anak ni Sallum , ang mga anak ni Ater , ang mga anak ni Talmon , ang mga anak ni Accub , ang mga anak ni Hatita , ang mga anak ni Sobai , isang daan at tatlong pu&#039;t walo . Ang mga Nethineo : ang mga anak ni Siha , ang mga anak ni Hasupha , ang mga anak ni Thabaoth ; Ang mga anak ni Ceros , ang mga anak ni Siaa , ang mga anak ni Phadon : Ang mga anak ni Lebana , ang mga anak ni Hagaba , ang mga anak ni Salmai ; Ang mga anak ni Hanan , ang mga anak ni Giddel , ang mga anak ni Gahar ; Ang mga anak ni Rehaia , ang mga anak ni Resin , ang mga anak ni Necoda ; Ang mga anak ni Gazzam , ang mga anak ni Uzza , ang mga anak ni Phasea ; Ang mga anak ni Besai , ang mga anak ni Meunim , ang mga anak ni Nephisesim ; Ang mga anak ni Bacbuc , ang mga anak ni Hacupha , ang mga anak ni Harhur ; Ang mga anak ni Baslit , ang mga anak ni Mehida , ang mga anak ni Harsa ; Ang mga anak ni Barcos , ang mga anak ni Sisera , ang mga anak ni Tema ; Ang mga anak ni Nesia , ang mga anak ni Hatipha . Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ; ang mga anak ni Sotai , ang mga anak ni Sophereth , ang mga anak ni Perida ; Ang mga anak ni Jahala , ang mga anak ni Darcon , ang mga anak ni Giddel ; Ang mga anak ni Sephatias , ang mga anak ni Hattil , ang mga anak ni Pochereth-hassebaim , ang mga anak ni Amon . Lahat ng Nethineo , at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon , ay tatlong daan at siyam na pu&#039;t dalawa . At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah , Telharsa , Cherub , Addon , at Immer : nguni&#039;t hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang , o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel : Ang mga anak ni Delaia , ang mga anak ni Tobias , ang mga anak ni Necoda , anim na raan at apat na pu&#039;t dalawa . At sa mga saserdote : ang mga anak ni Hobaias , ang mga anak ni Cos , ang mga anak ni Barzillai , na nagasawa sa anak ni Barzillai , na Galaadita , at tinawag ayon sa kanilang pangalan . Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi , nguni&#039;t hindi nasumpungan : kaya&#039;t sila&#039;y nangabilang na hawa , at nangaalis sa pagkasaserdote . At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila&#039;y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay , hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim . Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu&#039;t dalawang libo at tatlong daan at anim na pu . Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae , na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu&#039;t pito : at sila&#039;y may dalawang daan at apat na pu&#039;t lima na mangaawit na lalake at babae . Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu&#039;t anim ; ang kanilang mga mula , dalawang daan at apat na pu&#039;t lima ; Ang kanilang mga kamelyo , apat na raan at tatlong pu&#039;t lima ; ang kanilang mga asno , anim na libo&#039;t pitong daan at dalawang pu . At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain . Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto , limangpung mangkok , limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote . At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto , at dalawang libo at dalawang daang librang pilak . At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto , at dalawang libong librang pilak , at anim na pu&#039;t pitong bihisan ng mga saserdote . Sa gayo&#039;y ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang mga tagatanod-pinto , at ang mga mangaawit , at ang iba sa bayan , at ang mga Nethineo , at ang buong Israel , ay nagsitahan sa kanilang mga bayan . At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan . At ang buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig ; at sila&#039;y nangagsalita kay Ezra na kalihim , na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises , na iniutos ng Panginoon sa Israel . At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan , na mga lalake at mga babae , at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan . At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig , mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae , at ng makakaalam : at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan . At si Ezra na kalihim ay tumayo sa pulpitong kahoy , na kanilang ginawa sa panukalang ito ; at sa tabi niya ay nakatayo si Mathithias , at si Sema , at si Anaias , at si Urias , at si Hilcias , at si Maasias , sa kaniyang kanan ; at sa kaniyang kaliwa , si Pedaias , at si Misael , at si Malchias , at si Hasum , at si Hasbedana , si Zacharias , at si Mesullam . At binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan ; ( sapagka&#039;t siya&#039;y nasa mataas sa buong bayan ; ) at nang kaniyang buksan , ang buong bayan ay tumayo : At si Ezra ay pumuri sa Panginoon , na dakilang Dios . At ang buong bayan ay sumagot : Siya nawa , Siya nawa , na may pagtataas ng kanilang mga kamay : at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo , at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha&#039;y nakatungo sa lupa . Si Jesua naman , at si Bani , at si Serebias , at si Jamin , si Accub , si Sabethai , si Odias , si Maasias , si Celita , si Azarias , si Jozabed , si Hanan , si Pelaia , at ang mga Levita , ay nangagpakilala sa bayan ng kautusan ; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako . At sila&#039;y nagsibasa sa aklat , sa kautusan ng Dios , na maliwanag ; at kanilang ibinigay ang kahulugan , na anopa&#039;t kanilang nabatid ang binasa . At si Nehemias na siyang tagapamahala , at si Ezra na saserdote na kalihim , at ang mga Levita na nangagturo sa bayan , ay nangagsabi sa buong bayan : Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios ; huwag kayong magsitaghoy , ni magsiiyak man . Sapagka&#039;t ang buong bayan ay umiyak , nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan . Nang magkagayo&#039;y kaniyang sinabi sa kanila , Magsilakad kayo ng inyong lakad , magsikain kayo ng taba , at magsiinom kayo ng matamis ; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda : sapagka&#039;t ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon : huwag din kayong mangamanglaw ; sapagka&#039;t ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan . Sa gayo&#039;y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan , na sinasabi , Kayo&#039;y magsitahimik , sapagka&#039;t ang kaarawan ay banal ; ni huwag man kayong mamanglaw . At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi , at nangagsayang mainam sapagka&#039;t kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila . At nang ikalawang araw ay nagpipisan ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng buong bayan , ang mga saserdote , at ang mga Levita , kay Ezra na kalihim , upang makinig sa mga salita ng kautusan . At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan , kung paanong iniutos ng Panginoon , sa pamamagitan ni Moises , na ang mga anak ni Israel ay magsitahan sa mga balag sa kapistahan ng ikapitong buwan : At kanilang ihahayag at itatanyag sa lahat ng kanilang mga bayan , at sa Jerusalem , na sasabihin : Magsilabas kayo sa bundok , at magsikuha kayo ng mga sanga ng olibo , at ng mga sanga ng olibong gubat , at ng mga sanga ng mirto , at mga sanga ng palma , at mga sanga ng mga mayabong na punong kahoy , upang magsigawa ng mga balag , gaya ng nakasulat . Sa gayo&#039;y lumabas ang bayan , at nangagdala sila , at nagsigawa ng mga balag , bawa&#039;t isa&#039;y sa bubungan ng kaniyang bahay , at sa kanilang mga looban , at sa mga looban ng bahay ng Dios , at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig , at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim . At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag , at tumahan sa mga balag : sapagka&#039;t mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon . At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan . Gayon din naman araw-araw , mula sa unang araw hanggang sa huling araw , kaniyang binasa ang aklat ng kautusan ng Dios . At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw ; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan , ayon sa ayos . Nang ikadalawang pu&#039;t apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno , at may pananamit na magaspang , at may lupa sa ulo nila . At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan , at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan , at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang . At sila&#039;y nagsitayo sa kanilang dako , at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw ; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan , at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios . Nang magkagayo&#039;y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita , si Jesua , at si Bani , si Cadmiel , si Sebanias , si Bunni , si Serebias , si Bani at si Chenani , at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios . Nang magkagayo&#039;y ang mga Levita ; si Jesua at si Cadmiel , si Bani , at si Hosabnias , si Serebias , si Odaias , si Sebanias , at si Pethaia , ay nagsipagsabi , Kayo&#039;y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan : at purihin ang iyong maluwalhating pangalan , na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri . Ikaw ang Panginoon , ikaw lamang ; ikaw ang lumikha ng langit , ng langit ng mga langit , pati ng lahat na natatanaw roon , ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon , ng mga dagat at ng lahat na nangaroon , at iyong pinamalaging lahat ; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo . Ikaw ang Panginoon na Dios , na siyang pumili kay Abram , at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo , at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham . At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo , at nakipagtipan ka sa kaniya , upang ibigay ang lupain ng Cananeo , ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Jebuseo , at ng Gergeseo , upang ibigay sa kaniyang binhi , at tumupad ng iyong mga salita ; sapagka&#039;t ikaw ay matuwid . At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto , at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula : At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon , at sa lahat niyang mga lingkod , at sa buong bayan ng kaniyang lupain ; sapagka&#039;t iyong nakilala na sila&#039;y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila ; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito . At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa&#039;t sila&#039;y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa ; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig . Bukod dito&#039;y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw ; at sa isang tila haliging apoy sa gabi , upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran . Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai , at nagsalita ka sa kanila mula sa langit , at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan , mga mabuting palatuntunan at mga utos : At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath , at nagutos ka sa kanila ng mga utos , at ng mga palatuntunan , at ng kautusan , sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod : At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom , at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw , at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila . Nguni&#039;t sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan , at nagpatigas ng kanilang leeg , at hindi dininig ang iyong mga utos . At nagsitanggi na magsisunod , ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila , kundi nagpatigas ng kanilang leeg , at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag . Nguni&#039;t ikaw ay Dios na madaling magpatawad , mapagbiyaya at puspos ng kaawaan , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kahabagan , at hindi mo pinabayaan sila . Oo , nang sila&#039;y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo , at magsabi , Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto , at sila&#039;y nagsigawa ng malaking pamumungkahi ; Gayon ma&#039;y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang : ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw , upang patnubayan sila sa daan ; ni ang tila haliging apoy man sa gabi , upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran . Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila , at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig , at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw . Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang , at hindi sila nagkulang ng anoman ; ang kanilang mga suot ay hindi naluma , at ang kanilang mga paa ay hindi namaga . Bukod dito&#039;y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan , na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi : sa gayo&#039;y kanilang inari ang lupain ng Sehon , sa makatuwid baga&#039;y ang lupain ng hari sa Hesbon , at ang lupain ni Og na hari , sa Basan . Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit , at mga ipinasok mo sila sa lupain , tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang , na sila&#039;y magsiparoon , upang ariin . Sa gayo&#039;y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain , at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain , ang mga Cananeo , at ibinigay mo sa kanilang mga kamay , pati ng kanilang mga hari , at ang mga bayan ng lupain , upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin . At sila&#039;y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan , at ng matabang lupain , at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay , ng mga balon na hinukay , ng mga ubasan , at ng mga olibohan , at ng mga punong kahoy na may bungang sagana : na anopa&#039;t sila&#039;y nagsikain , at nangabusog , at naging mataba , at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob . Gayon ma&#039;y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo , at tinalikdan ang iyong kautusan , at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila&#039;y magsipanumbalik sa iyo , at sila&#039;y nagsigawa ng malaking pamumungkahi . Kaya&#039;t iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban , na siyang nangagpapanglaw sa kanila : at sa panahon ng kanilang kabagabagan , nang sila&#039;y magsidaing sa iyo , iyong dininig mula sa langit ; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas , na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban . Nguni&#039;t pagkatapos ng kanilang kapahingahan , sila&#039;y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo : kaya&#039;t pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway , na anopa&#039;t mga napapanginoon sa kanila : gayon ma&#039;y nang sila&#039;y magsipanumbalik , at magsidaing sa iyo , iyong dininig mula sa langit ; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan . At sumaksi ka laban sa kanila , upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan . Gayon ma&#039;y nagsigawa sila na may kapalaluan , at hindi dininig ang iyong mga utos , kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan , ( na kung gawin ng isang tao , siya&#039;y mabubuhay sa kanila , ) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg , at hindi nangakinig . Gayon ma&#039;y tiniis mong malaon sila , at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta : gayon ma&#039;y hindi sila nangakinig : kaya&#039;t ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain . Gayon ma&#039;y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila , o pinabayaan man sila ; sapagka&#039;t ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios . Ngayon nga , aming Dios , na dakila , na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios , na nagiingat ng tipan at kaawaan , huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin , sa aming mga hari , sa aming mga prinsipe , at sa aming mga saserdote , at sa aming mga propeta , at sa aming mga magulang , at sa iyong buong bayan , mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito . Gayon ma&#039;y banal ka sa lahat na dumating sa amin ; sapagka&#039;t gumawa kang may pagtatapat , nguni&#039;t nagsigawa kaming may kasamaan : Kahit ang aming mga hari , ang aming mga pangulo , ang aming mga saserdote , o ang aming mga magulang man , hindi nangagingat ng iyong kautusan , o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo , na iyong ipinatotoo laban sa kanila . Sapagka&#039;t sila&#039;y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian , at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila , at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila , o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa . Narito , kami ay mga alipin sa araw na ito , at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon , at ang buti niyaon , narito , kami ay mga alipin doon . At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan : sila nama&#039;y may kapangyarihan din sa aming mga katawan , at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila , at kami ay nangasa malaking kapanglawan . At gayon ma&#039;y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami , at isinusulat namin ; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe , ng aming mga Levita , at ng aming mga saserdote . Yaon ngang nagsipagtakda ay : si Nehemias , ang tagapamahala , na anak ni Hachalias , at si Sedecias ; Si Seraias , si Azarias , si Jeremias ; Si Pashur , si Amarias , si Malchias ; Si Hattus , si Sebanias , si Malluch ; Si Harim , si Meremoth , si Obadias ; Si Daniel , si Ginethon , si Baruch ; Si Mesullam , si Abias , si Miamin ; Si Maazias , si Bilgai , si Semeias : ang mga ito&#039;y saserdote . At ang mga Levita : sa makatuwid baga&#039;y , si Jesua na anak ni Azanias , si Binnui , sa mga anak ni Henadad , si Cadmiel ; At ang kanilang mga kapatid , si Sebanias , si Odaia , si Celita , si Pelaias , si Hanan ; Si Micha , si Rehob , si Hasabias ; Si Zachur , si Serebias , si Sebanias ; Si Odaia , si Bani , si Beninu ; Ang mga puno ng bayan : si Pharos , si Pahath-moab , si Elam , si Zattu , si Bani ; Si Bunni , si Azgad , si Bebai ; Si Adonias , si Bigvai , si Adin ; Si Ater , si Ezekias , si Azur ; Si Odaia , si Hasum , si Bezai ; Si Ariph , si Anathoth , si Nebai ; Si Magpias , si Mesullam , si Hezir ; Si Mesezabel , Sadoc , si Jadua ; Si Pelatias , si Hanan , si Anaias ; Si Hoseas , si Hananias , si Asub ; Si Lohes , si Pilha , si Sobec ; Si Rehum , si Hasabna , si Maaseias ; At si Ahijas , si Hanan , si Anan ; Si Malluch , si Harim , si Baana . At ang nalabi sa bayan , ang mga saserdote , ang mga Levita , ang mga tagatanod-pinto , ang mga mangaawit , ang mga Nethineo , at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios , ang kanilang mga asawa , ang kanilang mga anak , na lalake at babae , bawa&#039;t may kaalaman at kaunawaan ; Sila&#039;y nagsilakip sa kanilang mga kapatid , na kanilang mga mahal na tao , at nagsisumpa , at nagsipanumpa , na magsilakad sa kautusan ng Dios , na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios , at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon , at ng kaniyang mga kahatulan , at ng kaniyang mga palatuntunan ; At hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain , o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake . At kung ang mga bayan ng lupain ay mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili , na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath , o sa pangiling araw : aming ipagpapahinga ang ikapitong taon , at ang pagsingil ng bawa&#039;t utang . Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin , na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios : Ukol sa tinapay na handog , at sa palaging handog na harina , at sa palaging handog na susunugin , sa mga sabbath , sa mga bagong buwan sa mga takdang kapistahan , at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang itubos sa Israel , at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios , At kami ay nangagsapalaran , ang mga saserdote , ang mga Levita , at ang bayan , dahil sa kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios , ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang sa mga panahong takda , taon-taon , upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios , gaya ng nasusulat sa kautusan . At upang dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa , at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy , taon-taon , sa bahay ng Panginoon : Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake , at sa aming hayop , gaya ng nasusulat sa kautusan , at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan , upang dalhin sa bahay ng aming Dios , sa mga saserdote , na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios : At upang aming dalhin ang mga unang bunga ng aming harina , at ang aming mga handog na itataas , at ang bunga ng sarisaring punong kahoy , ang alak , at ang langis , sa mga saserdote , sa mga silid ng bahay ng aming Dios ; at ang ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita ; sapagka&#039;t sila , na mga Levita , ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran . At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita , pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi ; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios , sa mga silid sa loob ng bahay ng kayamanan . Sapagka&#039;t ang mga anak ni Israel , at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas , na trigo , alak , at langis , sa mga silid , na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario , at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa , at ng mga tagatanod-pinto , at ng mga mangaawit : at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios . At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem : ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa&#039;t sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal , at siyam na bahagi sa ibang mga bayan . At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem . Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem : nguni&#039;t sa bayan ng Juda ay tumahan bawa&#039;t isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan , sa makatuwid baga&#039;y ang Israel , ang mga saserdote , at ang mga Levita , at ang mga Nethineo , at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon . At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda , at sa mga anak ni Benjamin . Sa mga anak ni Juda : si Athaias na anak ni Uzzias , na anak ni Zacarias , na anak ni Amarias , na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel , sa mga anak ni Phares . At si Maasias na anak ni Baruch , na anak ni Col-hoze , na anak ni Hazaias , na anak ni Adaias , na anak ni Joiarib , na anak ni Zacarias , na anak ng Silonita . Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem , ay apat na raan at anim na pu&#039;t walo na mga matapang na lalake . At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin : si Salu na anak ni Mesullam , na anak ni Joed , na anak ni Pedaias , na anak ni Colaias , na anak ni Maaseias , na anak ni Ithiel , na anak ni Jesaia . At sumusunod sa kaniya , si Gabbai , si Sallai , na siyam na raan at dalawang pu&#039;t walo . At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala : at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan . Sa mga saserdote : si Jedaias na anak ni Joiarib , si Jachin , Si Seraias na anak ni Hilcias , na anak ni Mesullam , na anak ni Sadoc , na anak ni Meraioth , na anak ni Ahitub , na pinuno sa bahay ng Dios , At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay , walong daan at dalawang pu&#039;t dalawa : at si Adaias na anak ni Jeroham , na anak ni Pelalias , na anak ni Amsi , na anak ni Zacarias , na anak ni Pashur , na anak ni Malchias , At ang kaniyang mga kapatid , na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang , dalawang daan at apat na pu&#039;t dalawa : at si Amasai na anak ni Azarael , na anak ni Azai , na anak ni Mesillemoth , na anak ni Imer . At ang kanilang mga kapatid , na mga makapangyarihang lalake na matatapang , isang daan at dalawang pu&#039;t walo : at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim . At sa mga Levita ; si Semaias na anak ni Hassub , na anak ni Azricam , na anak ni Hasabias , na anak ni Buni ; At si Sabethai at si Jozabad , sa mga pinuno ng mga Levita , na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios ; At si Mattanias , na anak ni Micha , na anak ni Zabdi , na anak ni Asaph , na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin , at si Bacbucias , sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid ; at si Abda na anak ni Samua , na anak ni Galal , na anak ni Jeduthun . Lahat na Levita sa bayang banal , dalawang daan at walong pu&#039;t apat . Bukod dito&#039;y ang mga tagatanod-pinto , na si Accub , si Talmon , at ang kanilang mga kapatid , na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan , ay isang daan at pitong pu&#039;t dalawa . At ang nalabi sa Israel , sa mga saserdote , sa mga Levita , ay nangasa lahat na bayan ng Juda , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang mana . Nguni&#039;t ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel : at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo . Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani , na anak ni Hasabias , na anak ni Mattanias , na anak ni Micha , sa mga anak ni Asaph , na mga mangaawit , na nasa mga gawain sa bahay ng Dios . Sapagka&#039;t may utos na mula sa hari tungkol sa kanila , at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit , ayon sa kailangan sa bawa&#039;t araw . At si Pethahias na anak ni Mesezabel , sa mga anak ni Zerah , na anak ni Juda , ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan . At tungkol sa mga nayon , pati ng kanilang mga bukid , ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon , at sa Dibon at sa mga nayon niyaon , at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon ; At sa Jesua , at sa Moladah , at sa Beth-pelet ; At sa Hasar-sual , at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon ; At sa Siclag , at sa Mechona at sa mga nayon niyaon ; At sa En-rimmon , at sa Soreah , at sa Jarmuth ; Sa Zanoah , sa Adullam , at sa mga nayon niyaon , sa Lachis , at sa mga parang niyaon , sa Azeca at sa mga nayon niyaon . Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom . Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba , hanggang sa Michmas at sa Aia , at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon ; At sa Anathoth , sa Nob , sa Ananiah ; Sa Hasor , sa Rama , sa Gitthaim ; Sa Hadid , sa Seboim , sa Neballath ; Sa Lod , at sa Ono , na libis ng mga manggagawa . At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin . Ang mga ito nga ang mga saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel , at ni Jesua : si Seraias , si Jeremias , si Ezra ; Si Amarias ; si Malluch , si Hartus ; Si Sechanias , si Rehum , si Meremoth ; Si Iddo , si Ginetho , si Abias ; Si Miamin , si Maadias , si Bilga ; Si Semaias , at si Joiarib , si Jedaias ; Si Sallum , si Amoc , si Hilcias , si Jedaias . Ang mga ito&#039;y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua . Bukod dito&#039;y ang mga Levita : si Jesua , si Binnui , si Cadmiel , si Serebias , si Juda , at si Mathanias , na namamahala sa pagpapasalamat , siya at ang kaniyang mga kapatid . Si Bacbucias , naman at si Unni , na kanilang mga kapatid , ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong . At naging anak ni Jesua si Joiacim , at naging anak ni Joiacim si Eliasib , at naging anak ni Eliasib , si Joiada , At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua . At sa mga kaarawan ni Joiacim , ay mga saserdote , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang : kay Seraias , si Meraias ; kay Jeremias , si Hananias ; Kay Ezra , si Mesullam ; kay Amarias , si Johanan ; Kay Melicha si Jonathan ; kay Sebanias , si Joseph ; Kay Harim , si Adna ; kay Meraioth , si Helcai ; Kay Iddo , si Zacarias ; kay Ginnethon , si Mesullam ; Kay Abias , si Zichri ; kay Miniamin , kay Moadias , si Piltai ; Kay Bilga , si Sammua ; kay Semaias , si Jonathan ; At kay Joiarib , si Mathenai ; kay Jedaias , si Uzzi ; Kay Sallai , si Callai ; kay Amoc , si Eber ; Kay Hilcias , si Hasabias ; kay Jedaias , si Nathanael . Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib , ni Joiada , at ni Johanan , at ni Jaddua , ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang : gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia . Ang mga anak ni Levi , na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang , ay nangasulat sa aklat ng mga alaala , hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib . At ang mga pinuno ng mga Levita : si Hasabias , si Serabias , si Jesua na anak ni Cadmiel , na may mga kapatid na nangasa tapat nila upang magsipuri at nangagpasalamat , ayon sa utos ni David na lalake ng Dios , sa pulutong at pulutong . Si Mathanias , at si Bucbucias , si Obadias , si Mesullam , si Talmon , si Accub , ay mga tagatanod-pinto , na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan . Ang mga ito&#039;y sa mga kaarawan ni Joiacim , na anak ni Jesua , na anak ni Josadac , at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala , at ng saserdoteng Ezra na kalihim . At sa pagtatalaga ng kuta ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita mula sa lahat nilang dako upang dalhin nila sila sa Jerusalem , na ipagdiwang ang pagtatalaga na may kasayahan , na may mga pagpapasalamat , at may mga awitan din may mga cimbalo , mga salterio , at may mga alpa . At ang mga anak ng mga mangaawit ay nagpipisan mula sa kapatagan ng palibot ng Jerusalem , at mula sa mga nayon ng mga Netophatita ; Mula rin naman sa Beth-gilgal , at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth : sapagka&#039;t nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem . At ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis ; at kanilang nilinis ang bayan , at ang mga pintuang-bayan , at ang kuta . Nang magkagayo&#039;y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta , at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod ; na ang isa&#039;y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ; At sumusunod sa kanila si Osaias , at ang kalahati sa mga prinsipe sa Juda , At si Azarias , si Ezra , at si Mesullam , Si Juda , at si Benjamin , at si Semaias , at si Jeremias , At ang iba sa mga anak ng mga saserdote na may mga pakakak : si Zacarias na anak ni Jonathan , na anak ni Semaias , na anak ni Mathanias , na anak ni Micaya , na anak ni Zacur , na anak ni Asaph ; At ang kaniyang mga kapatid , na si Semaias , at si Azarel , si Milalai , si Gilalai , si Maai , si Nathanael , at si Juda , si Hanani , na may mga panugtog ng tugtugin ni David na lalake ng Dios ; at si Ezra na kalihim ay nasa unahan nila : At sa tabi ng pintuang-bayan ng bukal , at nagtuwid sila sa harapan nila , na sila&#039;y nagsisampa sa mga baytang ng bayan ni David sa sampahan sa kuta , sa ibabaw ng bahay ni David , hanggang sa pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan . At ang isang pulutong nila na nagpapasalamat ay yumaong sinalubong sila , at ako&#039;y sa hulihan nila , na kasama ko ang kalahati ng bayan sa ibabaw ng kuta , sa itaas ng moog ng mga hurno , hanggang sa maluwang na kuta ; At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim , at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda , at sa moog ng Hananel , at sa moog ng Meah , hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa : at sila&#039;y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay . Sa gayo&#039;y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios , at ako , at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko . At ang mga saserdote , si Eliacim , si Maaseias , si Miniamin , si Michaias , si Elioenai , si Zacarias , at si Hananias , na may mga pakakak ; At si Maaseias , at si Semeias , at si Eleazar , at si Uzzi , at si Johanan , at si Malchias , at si Elam , at si Ezer . At ang mga mangaawit ay nagsiawit ng malakas , na kasama si Jezrahias , na tagapamahala sa kanila . At sila&#039;y nangaghandog ng malalaking hain ng araw na yaon , at nangagalak ; sapagka&#039;t sila&#039;y pinapagkatuwa ng Dios ng di kawasa ; at ang mga babae naman at ang mga bata ay nangagalak : na anopa&#039;t ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo . At nang araw na yaon ay nahalal ang ilan sa mga lalake sa mga silid na ukol sa mga kayamanan , sa mga handog na itataas , sa mga unang bunga , at sa mga ikasangpung bahagi , upang pisanin sa mga yaon , ayon sa mga bukid ng mga bayan , na mga bahaging takda ng kautusan sa mga saserdote at mga Levita : sapagka&#039;t kinagagalakan ng Juda ang mga saserdote at mga Levita na nagsitayo . At sila&#039;y nangagingat ng tungkulin sa kanilang Dios , at ng tungkulin sa paglilinis , at gayong ginawa ng mga mangaawit at mga tagatanod-pinto , ayon sa utos ni David , at ni Salomon sa kaniyang anak . Sapagka&#039;t sa mga kaarawan ni David at ni Asaph ng una ay may pinuno sa mga mangaawit , at mga awit na pagpuri at pasasalamat sa Dios . At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel , at sa mga kaarawan ni Nehemias , ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit , at mga tagatanod-pinto , ayon sa kailangan sa bawa&#039;t araw : at kanilang itinalaga sa mga Levita ; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron . Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan ; at doo&#039;y nasumpungang nakasulat , na ang Ammonita at Moabita , ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man . Sapagka&#039;t hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig , kundi inupahan si Balaam laban sa kanila , upang sumpain sila : gayon ma&#039;y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa . At nangyari , nang kanilang marinig ang kautusan , na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo . Bago nga nangyari ito , si Eliasib na saserdote , na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios , palibhasa&#039;y nakipisan kay Tobias . Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid , na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina , ng mga kamangyan , at ng mga sisidlan , at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo , ng alak , at ng langis , na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita , at sa mga mangaawit , at sa mga tagatanod-pinto ; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote . Nguni&#039;t sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem : sapagka&#039;t sa ikatatlong pu&#039;t dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari , at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari : At ako&#039;y naparoon sa Jerusalem , at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias , sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios . At ikinamanglaw kong mainam : kaya&#039;t aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid . Nang magkagayo&#039;y nagutos ako , at nilinis nila ang mga silid ; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan . At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila ; na anopa&#039;t ang mga Levita , at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain , ay nangagsitakas bawa&#039;t isa sa kanikaniyang bukid . Nang magkagayo&#039;y nakipagtalo ako sa mga pinuno , at sinabi ko , Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios ? At pinisan ko sila , at inilagay sa kanilang kalagayan . Nang magkagayo&#039;y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman . At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman , si Selemias na saserdote , at si Sadoc na kalihim , at sa mga Levita , si Pedaias : at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur , na anak ni Mathanias : sapagka&#039;t sila&#039;y nangabilang na tapat , at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid . Alalahanin mo ako , Oh aking Dios , tungkol dito , at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios , at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon . Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath , at nagdadala ng mga uhay , at nangasasakay sa mga asno ; gaya naman ng alak , mga ubas , at mga higos , at lahat na sarisaring pasan , na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath : at ako&#039;y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain . Doo&#039;y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro , na nangagpapasok ng isda , at ng sarisaring kalakal , at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda , at sa Jerusalem . Nang magkagayo&#039;y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda , at sinabi ko sa kanila , Anong masamang bagay itong inyong ginagawa , at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath ? Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang , at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin , at sa bayang ito ? gayon ma&#039;y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel , sa paglapastangan ng sabbath . At nangyari , na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath , aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan , at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath : at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan , upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath . Sa gayo&#039;y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal , ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa . Nang magkagayo&#039;y nagpatotoo ako laban sa kanila , at nagsabi sa kanila , Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta ? kung kayo&#039;y magsigawa uli ng ganiyan , aking pagbubuhatan ng kamay kayo . Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath . At ako&#039;y nagutos sa mga Levita na sila&#039;y mangagpakalinis , at sila&#039;y magsiparoon , at ingatan ang mga pintuang-bayan , upang ipangilin ang araw ng sabbath . Alalahanin mo ako , Oh aking Dios , dito man , at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan . Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod , ng Ammon , at ng Moab : At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod , at hindi makapagsalita ng wikang Judio , kundi ayon sa wika ng bawa&#039;t bayan . At ako&#039;y nakipagtalo sa kanila , at sinumpa ko sila , at sinaktan ko ang iba sa kanila , at sinabunutan ko sila , at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios , na sinasabi ko , Kayo&#039;y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake , ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake , o sa inyong sarili . Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito ? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya ; at siya&#039;y minahal ng kaniyang Dios , at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel : gayon ma&#039;y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa . Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito , na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa ? At isa sa mga anak ni Joiada , na anak ni Eliasib na dakilang saserdote , ay manugang ni Sanballat na Horonita : kaya&#039;t aking pinalayas siya sa akin . Alalahanin mo sila , Oh Dios ko , sapagka&#039;t kanilang dinumhan ang pagkasaserdote , at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita . Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa , at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita , na bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang gawain ; At tungkol sa kaloob na panggatong , sa mga takdang panahon , at tungkol sa mga unang bunga . Alalahanin mo ako , Oh Dios ko , sa ikabubuti . </passage></reply></GetPassage>