<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:17</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:17</urn><passage>Nangyari nga , sa mga kaarawan ni Assuero , ( ito ang Assuero na naghari , mula sa India hanggang sa Etiopia , sa isang daan at dalawang pu&#039;t pitong lalawigan : ) Na sa mga kaarawang yaon , nang maupo ang haring Assuero sa luklukan ng kaniyang kaharian , na nasa Susan na bahay-hari , Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari , siya&#039;y gumawa ng isang kapistahan sa kaniyang lahat na mga prinsipe , at mga lingkod niya ; ang kapangyarihan ng Persia at Media , ang mga mahal na tao at mga prinsipe , ng mga lalawigan ay nangasa harap nga niya : Nang kaniyang ipakita ang mga kayamanan ng kaniyang maluwalhating kaharian at ang karangalan ng kaniyang marilag na kamahalan na malaong araw , na isang daan at walong pung araw . At nang maganap ang mga kaarawang ito , ang hari ay nagdaos ng isang kapistahan sa buong bayan na nangasa Susan na bahay-hari sa mataas at gayon din sa mababa , na pitong araw , sa looban ng halamanan ng bahay ng hari ; Na may tabing na kayong puti , verde , at bughaw , na naiipit ng mga panaling mainam na lino at ng kulay ube sa mga singsing na pilak at mga haliging marmol : na ang mga hiligan ay ginto at pilak , sa isang lapag na mapula , at maputi , at madilaw , at maitim na marmol . At sila&#039;y nangagbigay sa kanila ng inumin sa mga sisidlang ginto , ( na ang mga sisidlan ay magkakaiba , ) at saganang alak hari , ayon sa kasaganaan ng hari . At ang paginom ay ayon sa kautusan ; walang pagpilit : sapagka&#039;t gayon ibinilin ng hari sa lahat na pinuno ng kaniyang bahay , na kanilang gawin ayon sa kalooban ng bawa&#039;t isa . Si Vasthi na reina naman ay nagdaos ng kapistahan sa mga babae sa bahay-hari na ukol sa haring Assuero . Nang ikapitong araw , nang masayahan ang puso ng hari sa pamamagitan ng alak , kaniyang iniutos kay Mehuman , kay Biztha , kay Harbona , kay Bigtha , at kay Abagtha , kay Zetar , at kay Carcas , na pitong kamarero na nangaglilingkod sa harapan ng haring Assuero . Na dalhin si Vasthi na reina na may putong pagkareina sa harap ng hari , upang ipakita sa mga tao at sa mga prinsipe ang kaniyang kagandahan : sapagka&#039;t siya&#039;y may magandang anyo . Nguni&#039;t ang reinang si Vasthi ay tumanggi na pumaroon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga kamarero : kaya&#039;t ang hari ay lubhang naginit , at ang kaniyang galit ay nagalab sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari sa mga pantas na nakakaalam ng mga panahon ( sapagka&#039;t gayon ang paraan ng hari sa lahat na nakakaalam ng kautusan at ng kahatulan . At ang sumusunod sa kaniya ay si Carsena , si Sethar , si Admatha , si Tharsis , si Meres , si Marsena , at si Memucan , na pitong prinsipe sa Persia at Media , na nangakakita ng mukha ng hari , at nangaupong una sa kaharian , Anong ating gagawin sa reinang si Vasthi ayon sa kautusan , sapagka&#039;t hindi niya sinunod ang bilin ng haring Assuero sa pamamagitan ng mga kamarero ? At si Memucan ay sumagot sa harap ng hari at ng mga prinsipe : Ang reinang si Vasthi ay hindi lamang sa hari nagkasala , kundi pati sa lahat na prinsipe , at sa lahat ng mga bayan na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero . Sapagka&#039;t ang gawang ito ng reina ay kakalat sa lahat ng babae , upang hamakin ang kanilang mga asawa sa harap ng kanilang mga mata , pagka nabalitaan : Ang haring Assuero ay nagpautos kay Vasthi na reina , na dalhin sa harap niya , nguni&#039;t hindi siya naparoon . At sa araw na ito ay lahat na asawa ng mga prinsipe sa Persia at Media , na nangakabalita ng gawang ito ng reina ay mangagsasabi ng gayon sa lahat na prinsipe ng hari . Na anopa&#039;t kasasanghian ng maraming pagkahamak at pagkapoot . Kung kalulugdan ng hari , maglabas ng utos hari sa ganang hari , at isulat sa mga kautusan ng mga taga Persia at mga Medo , upang huwag mabago , na si Vasthi ay huwag nang pumaroon sa harap ng haring Assuero ; at ibigay ng hari ang kaniyang kalagayang reina sa iba na maigi kay sa kaniya . At pagka ang pasiya ng hari na kaniyang isasagawa ay mahahayag sa lahat niyang kaharian , ( sapagka&#039;t dakila , ) lahat ng babae ay mangagbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan , sa mataas at gayon din sa mababa . At ang sabi ay nakalugod sa hari at sa mga prinsipe ; at ginawa ng hari ang ayon sa salita ni Memucan : Sapagka&#039;t siya&#039;y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga lalawigan ng hari , sa bawa&#039;t lalawigan , ayon sa sulat noon , at sa bawa&#039;t bayan ayon sa kanilang wika , na ang bawa&#039;t lalake ay magpupuno sa kaniyang sariling bahay at mahahayag ayon sa wika ng kaniyang bayan . Pagkatapos ng mga bagay na ito , nang mapayapa ang pagiinit ng haring Assuero kaniyang inalaala si Vasthi , at kung ano ang kaniyang ginawa , at kung ano ang ipinasiya laban sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya : Ihanap ng magagandang batang dalaga ang hari : At maghalal ang hari ng mga pinuno sa lahat ng mga lalawigan ng kaniyang kaharian , upang kanilang mapisan ang lahat na magandang batang dalaga sa Susan na bahay-hari , sa bahay ng mga babae , sa pamamahala ni Hegai , na kamarero ng hari , na tagapagingat ng mga babae ; at ibigay sa kanila ang kanilang mga bagay na kailangan sa paglilinis : At ang dalaga na kalugdan ng hari ay maging reina na kahalili ni Vasthi . At ang bagay ay nakalugod sa hari ; at ginawa niyang gayon . May isang Judio sa Susan na bahay-hari , na ang pangala&#039;y Mardocheo , na anak ni Jair , na anak ni Simi , na anak ni Cis na Benjamita ; Na nadala mula sa Jerusalem na kasama ng mga bihag na nangadalang kasama ni Jechonias na hari sa Juda , na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia . At pinalaki niya si Hadasa , sa makatuwid baga&#039;y si Esther , na anak na babae ng kaniyang amain : sapagka&#039;t siya&#039;y wala kahit ama o ina man , at ang dalaga ay maganda at may mabuting anyo ; at nang mamatay ang kaniyang ama&#039;t ina inari siya ni Mardocheo na parang tunay na anak . Sa gayo&#039;y nangyari nang mabalitaan ang utos ng hari at ang kaniyang pasiya , at nang napipisan ang maraming dalaga sa Susan na bahay-hari , sa pamamahala ni Hegai , na si Esther ay dinala sa bahay ng hari , sa pamamahala ni Hegai , na tagapagingat sa mga babae . At ang dalaga ay nakalugod sa kaniya , at nilingap niya ; at nagbigay siyang madali sa kaniya ng mga bagay na ukol sa paglilinis , pati ng mga bahagi niya , at ng pitong dalaga na marapat na ibigay sa kaniya , na mula sa bahay ng hari : at inilipat niya siya at ang kaniyang mga dalaga sa pinaka mabuting dako ng bahay ng mga babae . Hindi ipinakilala ni Esther ang kaniyang bayan o ang kaniyang kamaganakan man ; sapagka&#039;t ibinilin sa kaniya ni Mardocheo na huwag niyang ipakilala . At si Mardocheo ay lumakad araw-araw sa harap ng looban ng bahay ng mga babae , upang maalaman kung anong ginagawa ni Esther , at kung ano ang mangyayari sa kaniya . Nang sumapit nga ang paghahalihalili ng bawa&#039;t dalaga na pasukin ang haring Assuero , pagkatapos na magawa sa kaniya ang ayon sa kautusan sa mga babae , na labing dalawang buwan , ( sapagka&#039;t ganito nagaganap ang mga araw ng kanilang paglilinis , sa makatuwid baga&#039;y anim na buwan na ma&#039;y langis na mirra , at anim na buwan na may mainam na pabango , at ng mga bagay na ukol sa paglilinis ng mga babae . ) Sa ganito ngang paraan naparoroon ang dalaga sa hari : Na anomang kaniyang nasain ay ibinibigay sa kaniya upang yumaong kasama niya na mula sa bahay ng mga babae hanggang sa bahay ng hari . Sa kinahapunan ay naparoroon siya , at sa kinaumagahan ay bumabalik siya sa ikalawang bahay ng mga babae , sa pamamahala ni Saasgaz , na kamarero ng hari , na nagiingat sa mga babae ; hindi na niya pinapasok ang hari malibang ang hari ay malugod sa kaniya , at siya&#039;y tawagin sa pangalan . Nang sumapit ang paghalili nga ni Esther , na anak ni Abihail , na amain ni Mardocheo , na umaring anak kay Esther , upang pasukin ang hari , wala siyang tinamong anoman , kundi ang ibinigay ni Hegai na kamarero ng hari , na tagapagingat sa mga babae . At si Esther ay nilingap ng lahat na nakakita sa kaniya . Sa gayo&#039;y dinala si Esther sa haring Assuero sa loob ng kaniyang bahay-hari , nang ikasangpung buwan na siyang buwan ng Tebeth nang ikapitong taon ng kaniyang paghahari . At sininta ng hari si Esther ng higit kay sa lahat na babae , at siya&#039;y nilingap at minahal na higit kay sa lahat na dalaga ; na anopa&#039;t kaniyang ipinutong ang putong na pagkareina sa kaniyang ulo , at ginawa siyang reina na kahalili ni Vasthi . Nang magkagayo&#039;y gumawa ang hari ng malaking kapistahan sa kaniyang lahat na prinsipe at kaniyang mga lingkod , sa makatuwid baga&#039;y kapistahan ni Esther ; at siya&#039;y gumawa ng pagpapatawad ng sala sa mga lalawigan , at nagbigay ng mga kaloob , ayon sa kalooban ng hari . At nang mapisan na ikalawa ang mga dalaga , naupo nga si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari . Hindi pa ipinakikilala ni Esther ang kaniyang kamaganakan o ang kaniyang bayan man ; gaya ng ibinilin sa kaniya ni Mardocheo : sapagka&#039;t ginawa ni Esther ang utos ni Mardocheo , na gaya ng siya&#039;y palakihing kasama niya . Sa mga araw na yaon , samantalang nauupo si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari , dalawa sa kamarero ng hari , si Bigthan at si Teres , sa nangagiingat ng pintuan , ay nangapoot at nangagaakalang buhatan ng kamay ang haring Assuero . At ang bagay ay naalaman ni Mardocheo na siyang nagturo kay Esther na reina : at sinaysay ni Esther sa hari , sa pangalan ni Mardocheo . At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon , sila&#039;y kapuwa binigti sa punong kahoy : at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dinakila ng haring Assuero si Aman na anak ni Amedatha na Agageo , at pinataas siya , at inilagay ang kaniyang upuan na mataas kay sa lahat na prinsipe na kasama niya . At lahat ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari , ay nagsiyukod at nagsigalang kay Aman ; sapagka&#039;t iniutos na gayon ng hari tungkol sa kaniya . Nguni&#039;t si Mardocheo ay hindi yumukod , o gumalang man sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari kay Mardocheo : Bakit mo sinasalangsang ang utos ng hari ? Nangyari nga , nang sila&#039;y mangagsalita araw-araw sa kaniya , at hindi niya dinggin sila , na kanilang sinaysay kay Aman , upang makita kung mangyayari ang bagay ni Mardocheo : sapagka&#039;t sinaysay niya sa kanila na siya&#039;y Judio . At nang makita ni Aman na si Mardocheo ay hindi yumuyukod , o gumagalang man sa kaniya , napuspos nga ng pagkapoot si Aman . Nguni&#039;t inakala niyang walang kabuluhan na pagbuhatan ng kamay si Mardocheo na magisa ; sapagka&#039;t ipinakilala nila sa kaniya ang bayan ni Mardocheo : kaya&#039;t inisip ni Aman na lipulin ang lahat na Judio na nangasa buong kaharian ni Assuero , sa makatuwid baga&#039;y ang bayan ni Mardocheo . Nang unang buwan , na siyang buwan ng Nisan , nang ikalabing dalawang taon ng haring Assuero , kanilang pinagsapalaran nga ang Pur sa harap ni Aman sa araw-araw , at sa buwan-buwan , hanggang sa ikalabing dalawang buwan , na siyang buwan ng Adar . At sinabi ni Aman sa haring Assuero , May isang bayang nakakalat at nakasabog sa gitna ng mga bayan sa lahat ng mga lalawigan ng iyong kaharian at ang kanilang kautusan ay kaiba sa bawa&#039;t bayan ; na hindi man lamang iniingatan nila ang mga kautusan ng hari ; kaya&#039;t hindi mapakinabang sa hari na sila&#039;y tiisin . Kung kalugdan ng hari , masulat na sila&#039;y lipulin : at ako&#039;y magbabayad ng sangpung libong talentong pilak sa mga kamay niyaong mga may katungkulan sa mga gawain ng hari , upang dalhin sa mga ingatang-yaman ng hari . Nang magkagayo&#039;y hinubad ng hari ang kaniyang singsing sa kaniyang kamay , at ibinigay kay Aman na anak ni Amedatha na Agageo , na kaaway ng mga Judio . At sinabi ng hari kay Aman , Ang pilak ay nabigay sa iyo at gayon din ang bayan upang gawin mo sa mga yaon kung ano ang inaakala mong mabuti . Nang magkagayo&#039;y tinawag ang mga kalihim ng hari sa unang buwan , nang ikalabing tatlong araw niyaon ; at nangasulat ayon sa lahat na iniutos ni Aman sa mga satrapa ng hari , at sa mga tagapamahala na nangasa bawa&#039;t lalawigan , at sa mga prinsipe ng bawa&#039;t bayan , sa bawa&#039;t lalawigan ayon sa sulat niyaon , at sa bawa&#039;t bayan ayon sa kanilang wika ; sa pangalan ng haring Assuero nasulat , at tinatakan ng singsing ng hari . At nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga lalawigan ng hari , upang ipahamak , upang patayin , at upang lipulin ang lahat na Judio , ang bata at gayon din ang matanda , ang mga bata at ang mga babae sa isang araw , sa makatuwid baga&#039;y sa ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan , na siyang buwan ng Adar , at upang kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli . Isang salin ng sulat ay ibigay sa bawa&#039;t lalawigan upang ang pasiya ay mahayag sa lahat na bayan , na sila&#039;y magsihanda sa araw na yaon . Ang mga sugo ay nagsilabas na madalian sa utos ng hari , at ang pasiya ay natanyag sa Susan na bahay-hari . At ang hari at si Aman ay naupo upang uminom ; nguni&#039;t ang bayan ng Susan ay natitigilan . Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa , hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot , at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo , at lumabas sa gitna ng bayan , at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw : At siya&#039;y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari : sapagka&#039;t walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo . At sa bawa&#039;t lalawigan , na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya , ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio , at ng pagaayuno , at ng iyakan at ng taghuyan ; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo . At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang mga kamarero ay nagsiparoon , at isinaysay sa kaniya ; at ang reina ay namanglaw na mainam : at siya&#039;y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo , at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang : nguni&#039;t hindi niya tinanggap . Nang magkagayo&#039;y tinawag ni Esther si Atach , na isa sa mga kamarero ng hari , na siya niyang inihalal na magingat sa kaniya , at binilinan niyang pumaroon kay Mardocheo , upang maalaman kung ano yaon , at kung bakit gayon . Sa gayo&#039;y nilabas nga ni Atach si Mardocheo , sa luwal na dako ng bayan , na nasa harap ng pintuang-daan ng hari . At isinaysay sa kaniya ni Mardocheo ang lahat na nangyari sa kaniya , at ang lubos na kabilangan ng salapi na ipinangako ni Aman na ibayad sa mga ingatang-yaman ng hari hinggil sa mga Judio , upang lipulin sila . Binigyan din niya siya ng salin ng pasiya na natanyag sa Susan upang lipulin sila , upang ipakilala kay Esther , at ipahayag sa kaniya : at upang ibilin sa kaniya na siya&#039;y paroon sa hari upang mamanhik sa kaniya , at upang hingin sa kaniya , dahil sa kaniyang bayan . At si Atach ay naparoon , at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo . Nang magkagayo&#039;y nagsalita si Esther kay Atach , at nagpasabi kay Mardocheo , na sinasabi , Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam , na sinoman , maging lalake o babae , na paroroon sa hari sa pinakaloob na looban , na hindi tinatawag , may isang kautusan sa kaniya , na siya&#039;y patayin , liban yaong paglawitan ng hari ng gintong cetro , upang siya&#039;y mabuhay : nguni&#039;t hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito . At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther . Nang magkagayo&#039;y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther : Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari , ng higit kay sa lahat na mga Judio . Sapagka&#039;t kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito , ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako , nguni&#039;t ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak : at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito ? Nang magkagayo&#039;y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo : Ikaw ay yumaon , pisanin mo ang lahat na Judio , na nangakaharap sa Susan , at ipagayuno ninyo ako , at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw , gabi o araw ; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan ; at sa gayo&#039;y papasukin ko ang hari , na hindi ayon sa kautusan : at kung ako&#039;y mamatay ay mamatay . Sa gayo&#039;y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya . Nangyari nga , nang ikatlong araw , na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina , at tumayo sa pinakaloob ng bahay ng hari , sa tapat ng bahay-hari ; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari , sa tapat ng pasukan sa bahay . At nagkagayon , nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban , na siya&#039;y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin : at inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay . Sa gayo&#039;y lumapit si Esther , at hinipo ang dulo ng cetro . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari sa kaniya , Anong ibig mo , reina Esther ? at ano ang iyong hiling ? mabibigay sa iyo kahit kalahati ng kaharian . At sinabi ni Esther , Kung inaakalang mabuti ng hari , pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari , Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther . Sa gayo&#039;y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther . At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak : Ano ang iyong hingi ? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling ? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Esther , at nagsabi , Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito ; Kung ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari , at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi , at gawin ang aking hiling , na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila , at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari . Nang magkagayo&#039;y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso : nguni&#039;t nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari , na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya , siya&#039;y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo . Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili , at umuwi sa bahay ; at siya&#039;y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si Zeres na kaniyang asawa . At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan , at ang karamihan ng kaniyang mga anak , at lahat ng bagay na ipinagkaloob ng hari sa kaniya , at kung paanong siya&#039;y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari . Sinabi ni Aman , bukod dito : Oo , si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang ; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari . Gayon ma&#039;y ang lahat ng ito&#039;y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya : Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas , at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo : kung magkagayo&#039;y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan . At ang bagay ay nakalugod kay Aman ; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan . Nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari ; at kaniyang iniutos na dalhin ang aklat ng mga alaala ng mga gawa , at mga binasa sa harap ng hari . At nasumpungang nakasulat , na si Mardocheo ay nagsaysay tungkol kay Bigthana at kay Teres , dalawa sa mga kamarero ng hari , sa nangagingat ng pintuan na nangagisip magbuhat ng kamay sa haring Assuero . At sinabi ng hari , Anong karangalan at kamahalan ang nagawa kay Mardocheo sa bagay na ito ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya , Walang anomang nagawa sa kaniya . At sinabi ng hari , Sino ang nasa looban ? Si Aman nga ay pumasok sa looban ng bahay ng hari , upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya . At ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya . Narito , si Aman ay nakatayo sa looban . At sinabi ng hari , Papasukin siya . Sa gayo&#039;y pumasok si Aman . At ang hari ay nagsabi sa kaniya , Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari ? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili : Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin ? At sinabi ni Aman sa hari , Sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari , Ay dalhan ng damit-hari na isinusuot ng hari , at ng kabayo na sinasakyan ng hari , at putungan sa ulo ng putong na hari : At ang bihisan at ang kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari , upang bihisang gayon ang lalake na kinalulugdang parangalin ng hari , at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan , at itanyag sa unahan niya ; Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari kay Aman , Ikaw ay magmadali , at kunin mo ang bihisan at ang kabayo , gaya ng iyong sinabi , at gawin mong gayon kay Mardocheo , na Judio , na nauupo sa pintuang-daan ng hari ; huwag magkulang ang anomang bagay sa lahat na iyong sinalita . Nang magkagayo&#039;y kinuha ni Aman ang bihisan at ang kabayo , at binihisan si Mardocheo , at pinasakay sa lansangan ng bayan , at nagtanyag sa unahan niya : Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari . At si Mardocheo ay bumalik sa pintuang-daan ng hari . Nguni&#039;t si Aman ay nagmadaling umuwi , na tumatangis at may takip ang ulo . At isinaysay ni Aman kay Zeres na kaniyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang bawa&#039;t bagay na nangyari sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng kaniyang mga pantas na lalake , at ni Zeres na kaniyang asawa sa kaniya : Kung si Mardocheo , na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap , ay sa binhi ng mga Judio , hindi ka mananaig laban sa kaniya , kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya . Samantalang sila&#039;y nakikipagsalitaan pa sa kaniya , dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther . Sa gayo&#039;y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina . At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak : Ano ang iyong hingi , reina Esther ? at ibibigay sa iyo : at ano ang iyong hiling ? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob . Nang magkagayo&#039;y sumagot , at nagsabi si Esther na reina , Kung ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , Oh hari , at kung kalulugdan ng hari , ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling : Sapagka&#039;t kami ay naipagbili , ako at ang aking bayan upang ipahamak , upang patayin , at upang lipulin . Nguni&#039;t kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae , ako&#039;y tumahimik , bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari . Nang magkagayo&#039;y nagsalita ang haring Assuero , at nagsabi kay Esther na reina : Sino siya , at saan nandoon siya , na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon ? At sinabi ni Esther , Ang isang kaaway at kaalit : itong masamang si Aman . Nang magkagayo&#039;y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina . At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot , at pumasok sa halamanan ng bahay-hari : at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina ; sapagka&#039;t nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari . Nang magkagayo&#039;y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak ; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari , Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay ? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Harbona , na isa sa kamarero na nasa harap ng hari : Narito naman , ang bibitayan na may limang pung siko ang taas , na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo , na siyang nagsalita sa ikabubuti ng hari , ay nakatayo sa bahay ni Aman . At sinabi ng hari , Bitayin siya roon . Sa gayo&#039;y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo . Nang magkagayo&#039;y napayapa ang kapootan ng hari . Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina . At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari ; sapagka&#039;t isinaysay ni Esther kung ano niya siya . At hinubad ng hari ang kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman , at ibinigay kay Mardocheo . At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman . At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari , at nagpatirapa sa kaniyang mga paa , at ipinamanhik sa kaniya na may luha , na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo , at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio . Nang magkagayo&#039;y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro . Sa gayo&#039;y tumindig si Esther , at tumayo sa harap ng hari . At sinabi niya , Kung kinalulugdan ng hari at kung ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa kaniyang paningin , at ang bagay ay inaakalang matuwid sa harap ng hari , at ako&#039;y nakalulugod sa kaniyang mga mata , masulat na tiwaliin ang mga sulat na ibinanta ni Aman na anak ni Amedata , na Agageo , na kaniyang sinulat upang lipulin ang mga Judio na nangasa lahat na lalawigan ng hari : Sapagka&#039;t paanong ako&#039;y makapagtitiis na makita ang kasamaan na darating sa aking bayan ? o paanong ako&#039;y makapagtitiis na makita ang paglipol sa aking kamaganakan ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina , at kay Mardocheo na Judio : Narito , ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman , at siya ang kanilang binitay sa bibitayan , sapagka&#039;t siya&#039;y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio . Sumulat naman kayo sa mga Judio , kung anong maibigan ninyo sa pangalan ng hari , at tatakan ninyo ng singsing ng hari : sapagka&#039;t ang sulat na nasusulat sa pangalan ng hari , at natatakan ng singsing ng hari ay walang taong makatitiwali . Nang magkagayo&#039;y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon , sa ikatlong buwan , na siyang buwan ng Sivan , nang ikadalawang pu&#039;t tatlo niyaon ; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga satrapa , at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon mula sa India hanggang sa Etiopia , na isang daan at dalawang pu&#039;t pitong lalawigan , sa bawa&#039;t lalawigan ayon sa sulat niyaon , at sa bawa&#039;t bayan ayon sa wika nila , at sa mga Judio ayon sa sulat nila , at ayon sa wika nila . At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero , at tinatakan ng singsing ng hari , at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari , at sa mga batang dromedario ; Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa&#039;t bayan , na magpipisan , at ipagsanggalang ang kanilang buhay , upang magpahamak , pumatay , at magpalipol , sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila , sa kanilang mga bata at mga babae , at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli , Sa isang araw sa lahat na lalawigan ng haring Assuero , nang ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan , na siyang buwan ng Adar . Isang salin ng sulat na ang pasiya&#039;y ihayag sa bawa&#039;t lalawigan , ay nahayag sa lahat ng mga bayan , at upang ang mga Judio ay magsihanda sa araw na yaon na magsipanghiganti sa kanilang mga kaaway . Sa gayo&#039;y ang mga sugo na nangasasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari ay nagsilabas , na nangagmamadali at nangagtutumulin sa utos ng hari ; at ang pasiya ay nahayag sa Susan na bahay-hari . At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na nakapanamit hari na bughaw , at puti , at may dakilang putong na ginto , at may balabal na mainam na lino at kulay ube : at ang bayan ng Susan ay humiyaw at natuwa . Nagkaroon ang mga Judio ng kaliwanagan at ng kasayahan , at ng kagalakan at ng karangalan . At sa bawa&#039;t lalawigan , at sa bawa&#039;t bayan , saan man dumating ang utos ng hari at pasiya niya , ay nagkaroon ang mga Judio ng kasayahan at kagalakan , ng kapistahan at mabuting araw . At marami na mula sa mga bayan ng lupain ay naging mga Judio ; sapagka&#039;t ang takot sa mga Judio ay suma kanila . Sa ikalabing dalawang buwan nga , na siyang buwan ng Adar , nang ikalabing tatlong araw ng buwan ding yaon , nang ang utos ng hari at ang pasiya niya ay malapit nang gagawin , nang araw na inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na magpuno sa kanila ; ( yamang napabaligtad , na ang mga Judio ay siyang naghari sa kanila na nangapopoot sa kanila ) , Ang mga Judio ay nagpipisan sa kanilang mga bayan sa lahat na lalawigan ng haring Assuero , upang magbuhat ng kamay sa mga nagbabanta ng kanilang kapahamakan : at walang makatayo sa kanila ; sapagka&#039;t ang takot sa kanila ay nahulog sa lahat ng mga bayan . At lahat ng mga prinsipe sa mga lalawigan , at ang mga satrapa , at ang mga tagapamahala , at ang mga nagsisigawa ng gawain ng hari , ay nagsitulong sa mga Judio ; sapagka&#039;t ang takot kay Mardocheo ay suma kanila , Sapagka&#039;t si Mardocheo ay dakila sa bahay ng hari , at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan : sapagka&#039;t ang lalaking si Mardocheo ay dumakila , ng dumakila . At sinaktan ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa taga ng tabak , at sa pagpatay at paggiba , at ginawa ang naibigan nila sa nangapopoot sa kanila . At sa Susan na bahay-hari ay nagsipatay ang mga Judio at nagsilipol ng limang daang lalake . At si Phorsandatha , at si Dalphon , at si Asphatha , At si Phoratha , at si Ahalia , at si Aridatha . At si Pharmastha , at si Arisai , at si Aridai , at si Vaizatha , Na sangpung anak ni Aman , na anak ni Amedatha , na kaaway ng mga Judio , ay pinatay nila ; nguni&#039;t sa pagsamsam , hindi nila binuhat ang kanilang kamay . Nang araw na yaon ay ang bilang ng nangapatay sa Susan na bahay-hari ay dinala sa harap ng hari . At sinabi ng hari kay Esther na reina ; Ang mga Judio ay nagsipatay at nagsilipol ng limang daang lalake sa Susan na bahay-hari , at ng sangpung anak ni Aman ; ano nga ang kanilang ginawa kaya sa ibang mga lalawigan ng hari ? Ngayon , ano pa ang iyong kahilingan ? at ipagkakaloob sa iyo : o ano pa ang iyong kahingian ? at gagawin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Esther , Kung kinalulugdan ng hari ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito , at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan . At iniutos ng hari na gawing gayon : at ang pasiya ay nabigay mula sa Susan ; at kanilang ibinitin ang sangpung anak ni Aman . At ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar , at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan : nguni&#039;t sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay . At ang ibang mga Judio na nangasa mga lalawigan ng hari ay nagpipisan , at ipinagsanggalang ang kanilang buhay , at nangagkaroon ng kapahingahan sa kanilang mga kaaway , at nagsipatay sa mga nangapopoot sa kanila ng pitong pu&#039;t limang libo ; nguni&#039;t sa pagsamsam ay hindi nila binuhat ang kanilang kamay . Ito&#039;y nagawa nang ikalabing tatlong araw ng buwan ng Adar : at nang ikalabing apat na araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila , at ginawang araw ng pistahan at kasayahan . Nguni&#039;t ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing tatlong araw niyaon , at nang ikalabing apat niyaon ; at nang ikalabing limang araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila , at ginawang araw ng kapistahan at kasayahan . Kaya&#039;t ang mga Judio sa mga nayon , na nagsisitahan sa mga bayan na hindi nangakukutaan , ginagawa ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar na araw ng kasayahan at pistahan , at mabuting araw , at ng padalahan ng mga bahagi ng isa&#039;t isa . At sinulat ni Mardocheo ang mga bagay na ito , at nagpadala ng mga sulat sa lahat ng Judio , na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero , sa malapit at gayon din sa malayo , Upang ipagbilin sa kanila na kanilang ipangilin ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar , at ang ikalabing lima niyaon , taon-taon . Na mga pinakaaraw na ipinagkaroon ng kapahingahan ng mga Judio sa kanilang mga kaaway , at buwan ng ikinapaging kasayahan ng kapanglawan , at ikinapaging mabuting araw ng pagtangis : upang kanilang gawing mga araw ng pistahan at kasayahan , at ng pagpapadalahan ng mga bahagi ng isa&#039;t isa , at ng mga kaloob sa mga dukha . At pinagkasunduan ng mga Judio na gawin ang gaya ng kanilang pinasimulan , at ang isinulat ni Mardocheo sa kanila ; Sapagka&#039;t si Aman na anak ni Amedatha na Agageo , na kaaway ng lahat na Judio ay nagbanta laban sa mga Judio upang lipulin sila , at pinagsapalaran nga ang Pur , upang patayin , at upang lipulin sila ; Nguni&#039;t nang dumating sa harap ng hari ang bagay , ay kaniyang iniutos sa pamamagitan ng mga sulat na ang kaniyang masamang banta , na kaniyang ibinanta laban sa mga Judio , ay mauwi sa kaniyang sariling ulo ; at siya at ang kaniyang mga anak ay mabitay sa bibitayan . Kaya&#039;t kanilang tinawag ang mga araw na ito na Purim , ayon sa pangalan ng Pur . Kaya&#039;t dahil sa lahat na salita ng sulat na ito , at ng kanilang nakita tungkol sa bagay na ito , at ng dumating sa kanila , Ang mga Judio ay nangagpasiya at nagsipangako sa kanilang sarili at sa kanilang binhi , at sa lahat ng yaon na nagpipisan sa kanila , na anopa&#039;t huwag magkulang , na kanilang ipangingilin ang dalawang araw na ito ayon sa sulat niyaon , at ayon sa takdang panahon niyaon taon-taon ; At ang mga araw na ito ay aalalahanin at ipangingilin sa buong panahon , na bawa&#039;t angkan , ng bawa&#039;t lalawigan , at ng bawa&#039;t bayan ; at ang mga araw na ito ng Purim ay hindi lilipas sa mga Judio , o ang alaala man sa mga yaon ay lilipas sa kanilang binhi . Nang magkagayo&#039;y si Esther na reina na anak ni Abihail , at si Mardocheo na Judio , sumulat ng buong kapamahalaan upang pagtibayin ang ikalawang sulat na ito ng Purim . At siya&#039;y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga Judio , sa isang daan at dalawang pu&#039;t pitong lalawigan ng kaharian ni Assuero , na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan , Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim , sa kanilang mga takdang panahon , ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina , at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi , sa bagay ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing . At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim ; at nasulat sa aklat . At ang haring Assuero ay nagatang ng buwis sa lupain , at sa mga pulo ng dagat . At lahat ng mga gawa ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang kakayahan , at ang lubos na kasaysayan ng kadakilaan ni Mardocheo , na ipinagtaas sa kaniya ng hari , hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Media at Persia ? Sapagka&#039;t si Mardocheo na Judio ay pangalawa ng haring Assuero , at dakila sa gitna ng mga Judio , at kinalulugdan ng karamihan ng kaniyang mga kapatid : na humahanap ng ikabubuti ng kaniyang bayan , at nagsasalita ng kapayapaan sa kaniyang buong lahi . </passage></reply></GetPassage>