<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:18</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:18</urn><passage>May isang lalake sa lupain ng Uz , na ang pangalan ay Job ; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid , at natatakot sa Dios , at humihiwalay sa kasamaan . At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae . Ang kaniyang pag-aari naman ay pitong libong tupa , at tatlong libong kamelyo , at limang daang magkatuwang na baka , at limang daang asnong babae , at isang totoong malaking sangbahayan ; na anopa&#039;t ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan . At ang kaniyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawa&#039;t isa sa kanikaniyang kaarawan ; at sila&#039;y nangagsugo , at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila . At nangyari , nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista , na si Job ay nagsugo , at pinapagbanal sila , at bumangong maaga sa kinaumagahan , at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat : sapagka&#039;t sinabi ni Job , Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala , at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso . Ganito ang ginawa ni Job na palagi . Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon , na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila . At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Saan ka nanggaling ? Nang magkagayo&#039;y sumagot si Satanas sa Panginoon , at nagsabi , Sa pagpaparoo&#039;t parito sa lupa , at sa pagmamanhik manaog doon . At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job ? sapagka&#039;t walang gaya niya sa lupa , na sakdal at matuwid na lalake , na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Satanas sa Panginoon , at nagsabi , Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios ? Hindi mo ba kinulong siya , at ang kaniyang sangbahayan , at ang lahat niyang tinatangkilik , sa bawa&#039;t dako ? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay , at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain . Nguni&#039;t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon , at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik , at itatakuwil ka niya ng mukhaan , At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Narito , lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan ; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay . Sa gayo&#039;y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon . At nangyari isang araw , nang ang kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay . Na dumating ang isang sugo kay Job , at nagsabi , Ang mga baka ay nagsisipagararo , at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila : At dinaluhong ng mga Sabeo , at pinagdadala ; oo , kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo . Samantalang siya&#039;y nagsasalita pa , ay dumating naman ang iba , at nagsabi , Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit , at sinunog ang mga tupa , at ang mga bataan , at pinagsupok ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo . Samantalang siya&#039;y nagsasalita pa , ay dumating naman ang iba , at nagsabi , Ang mga Caldeo ay nagtatlong pulutong , at dumaluhong sa mga kamelyo , at pinagdadala , oo , at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo . Samantalang siya&#039;y nagsasalita pa , ay dumating naman ang iba , at nagsabi , Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay : At , narito , dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang , at hinampas ang apat na sulok ng bahay , at lumagpak sa mga binata , at sila&#039;y nangamatay ; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo . Nang magkagayo&#039;y bumangon si Job , at hinapak ang kaniyang balabal , at inahitan ang kaniyang ulo , at nagpatirapa sa lupa at sumamba ; At sinabi niya , Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina , at hubad na babalik ako roon : ang Panginoon ang nagbigay , at ang Panginoon ang nagalis ; purihin ang pangalan ng Panginoon . Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job , ni inari mang mangmang ang Dios . Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon , na nakiparoon din si Satanas , upang humarap sa Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Saan ka nanggaling ? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon , at nagsabi , Sa pagpaparoo&#039;t parito sa lupa , at sa pagmamanhik manaog doon . At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job ? sapagka&#039;t walang gaya niya sa lupa , na sakdal at matuwid na lalake , na natatakot sa Dios , at humihiwalay sa kasamaan : at siya&#039;y namamalagi sa kaniyang pagtatapat , bagaman ako&#039;y kinilos mo laban sa kaniya , upang ilugmok siya ng walang kadahilanan . At si Satanas ay sumagot sa Panginoon , at nagsabi , Balat kung balat , oo , lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay . Nguni&#039;t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay , at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman , at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan . At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas , Narito , siya&#039;y nasa iyong kamay ; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay . Sa gayo&#039;y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon , at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo . At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib ; at siya&#039;y naupo sa mga abo . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya , Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat ? itakuwil mo ang Dios , at mamatay ka . Nguni&#039;t sinabi niya sa kaniya , Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae . Ano ? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios , at hindi tayo tatanggap ng masama ? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi . Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila&#039;y naparoon bawa&#039;t isa na mula sa kanikaniyang sariling pook , si Eliphaz na Temanita , at si Bildad na Suhita , at si Sophar na Naamathita : at sila&#039;y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya . At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo , at hindi siya makilala , kanilang inilakas ang kanilang tinig , at nagsiiyak at hinapak ng bawa&#039;t isa sa kanila ang kanikaniyang balabal , at nagbuhos ng alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit . Sa gayo&#039;y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa na pitong araw at pitong gabi , at walang nagsalita sa kaniya : sapagka&#039;t kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki . Pagkatapos nito&#039;y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan . At si Job ay sumagot , at nagsabi , Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin , at ang gabi na nagsabi , may lalaking ipinaglihi . Magdilim nawa ang kaarawang yaon ; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas , ni silangan man ng liwanag . Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon ; pag-ulapan nawa yaon ; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw . Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman : huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon ; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan . Narito , mapagisa ang gabing yaon ; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig . Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw , ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya . Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon : maghintay nawa ng liwanag , nguni&#039;t huwag magkaroon : ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga : Sapagka&#039;t hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina , o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata . Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata ? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina ? Bakit tinanggap ako ng mga tuhod ? O bakit ng mga suso , na aking sususuhin ? Sapagka&#039;t ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik ; ako sana&#039;y nakakatulog ; na napapahinga ako : Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa , na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila ; O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto , na pumuno sa kanilang bahay ng pilak : O gaya sana ng nalagas na nakatago , na hindi nabuhay ; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag . Doo&#039;y naglilikat ang masama sa pagbagabag ; at doo&#039;y nagpapahinga ang pagod . Doo&#039;y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama ; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag . Ang mababa at ang mataas ay nangaroon ; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon . Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan , at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan ; Na naghihintay ng kamatayan , nguni&#039;t hindi dumarating ; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago ; Na nagagalak ng di kawasa , at nangasasayahan , pagka nasumpungan ang libingan ? Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad , at ang kinulong ng Dios ? Sapagka&#039;t nagbubuntong hininga ako bago ako kumain , at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig . Sapagka&#039;t ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin , at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin . Hindi ako tiwasay , ni ako man ay tahimik , ni ako man ay napapahinga ; kundi kabagabagan ang dumarating . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Eliphaz na Temanita , at nagsabi , Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo , ikababalisa mo ba ? Nguni&#039;t sinong makapipigil ng pagsasalita ? Narito , ikaw ay nagturo sa marami , at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay . Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal , at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod . Nguni&#039;t ngayo&#039;y dinaratnan ka ng kasamaan , at ikaw ay nanglulupaypay ; ginagalaw ka , at ikaw ay nababagabag . Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala , at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad ? Iyong alalahanin , isinasamo ko sa iyo , kung sino ang namatay , na walang malay ? O saan nangahiwalay ang mga matuwid ? Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan , at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani . Sa hinga ng Dios sila&#039;y nangamamatay , at sa bugso ng kaniyang galit sila&#039;y nangalilipol . Ang ungal ng leon , at ang tinig ng mabangis na leon , at ang mga ngipin ng mga batang leon , ay nangabali . Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli , at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat . Ngayo&#039;y nadalang lihim sa akin ang isang bagay , at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon . Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi , pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao , Takot ay dumating sa akin , at panginginig , na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto . Nang magkagayo&#039;y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha . Ang balahibo ng aking balat ay nanindig . Tumayong nakatigil , nguni&#039;t hindi ko mawari ang anyo niyaon ; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata : tahimik , at ako&#039;y nakarinig ng tinig , na nagsasabi , Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios ? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya ? Narito , siya&#039;y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod ; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel : Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik , na ang patibayan ay nasa alabok , na napipisang gaya ng paroparo ! Sa pagitan ng umaga at hapon , ay nangagigiba ; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna . Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila ? Sila&#039;y nangamamatay at walang karunungan . Tumawag ka ngayon ; may sasagot ba sa iyo ? At sa kanino sa mga banal babalik ka ? Sapagka&#039;t ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal , at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang . Aking nakita ang hangal na umuunlad : nguni&#039;t agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan . Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan , at sila&#039;y mangapipisa sa pintuang-bayan , na wala mang magligtas sa kanila . Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom , at kinukuha na mula sa mga tinik , at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari . Sapagka&#039;t ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok , ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan ; Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan . Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas . Nguni&#039;t sa ganang akin , ay hahanapin ko ang Dios , at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap : Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita ; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang : Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa , at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid ; Na anopa&#039;t kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa ; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan . Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha , na anopa&#039;t hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala . Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha : at ang payo ng suwail ay napapariwara . Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw , at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi . Nguni&#039;t kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig , sa makatuwid baga&#039;y ang maralita sa kamay ng malakas . Na anopa&#039;t ang dukha ay may pagasa , at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig . Narito , maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios : kaya&#039;t huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat . Sapagka&#039;t siya&#039;y sumusugat , at nagtatapal ; siya&#039;y sumusugat , at pinagagaling ng kaniyang mga kamay . Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan . Oo , sa pito , ay walang kasamaang kikilos sa iyo . Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan ; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak . Ikaw ay makukubli sa talas ng dila ; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating . Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka ; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa . Sapagka&#039;t ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang ; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo . At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan ; at iyong dadalawin ang iyong kulungan , at walang mawawala na anoman . Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila , at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa . Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan . Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan . Narito , aming siniyasat , at gayon nga ; dinggin mo , at talastasin mo sa iyong ikabubuti . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job at nagsabi , Oh timbangin nawa ang aking pagkainip , at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama . Sapagka&#039;t ngayo&#039;y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat : kaya&#039;t ang aking pananalita ay napabigla . Sapagka&#039;t ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin , ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa ; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin . Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo ? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain ? Makakain ba ng walang asin ang matabang ? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog ? Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa ; mga karumaldumal na pagkain sa akin . Oh mangyari nawa ang aking kahilingan ; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi ! Sa makatuwid baga&#039;y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako ; na bitawan ang kaniyang kamay , at ihiwalay ako ! Kung magkagayo&#039;y magtataglay pa ako ng kaaliwan ; Oo , ako&#039;y makapagbabata sa mga walang awang sakit ; sapagka&#039;t hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal . Ano ang aking lakas , na ako&#039;y maghihintay ? At ano ang aking wakas na ako&#039;y magtitiis ? Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato ? O ang akin bang laman ay tanso ? Di ba ako&#039;y walang sukat na kaya , at ang karunungan ay lumayo sa akin ? Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan ; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat . Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis , na parang daan ng mga batis na nababago ; Na malabo dahil sa hielo , at siyang kinatunawan ng nieve : Paginit ay nawawala : pagka mainit , ay nangatutunaw sa kanilang dako . Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw ; nagsisilihis sa ilang at nawawala . Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema , hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba . Sila&#039;y nangapahiya , sapagka&#039;t sila&#039;y nagsiasa ; sila&#039;y nagsiparoon at nangatulig . Sapagka&#039;t ngayon , kayo&#039;y nauwi sa wala ; kayo&#039;y nangakakakita ng kakilabutan , at nangatatakot . Sinabi ko baga : Bigyan mo ako ? O , Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari ? O , Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway ? O , tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati ? Turuan mo ako , at ako&#039;y mamamayapa ; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan . Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran ! Nguni&#039;t anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo ? Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita ? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin . Oo , kayo&#039;y magsasapalaran sa ulila , at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan . Ngayon nga&#039;y kalugdan mong lingapin ako ; sapagka&#039;t tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap . Kayo&#039;y magsibalik isinasamo ko sa inyo , huwag magkaroon ng kalikuan ; Oo , kayo&#039;y magsibalik uli , ang aking usap ay matuwid . May di ganap ba sa aking dila ? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay ? Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa ? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa ? Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim , at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan : Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin . Pag ako&#039;y nahihiga , aking sinasabi , kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi ? At ako&#039;y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw . Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok ; ang aking balat ay namamaga at putok putok . Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi , at nagugugol na walang pagasa . Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga : Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti . Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan : ang iyong mga mata ay sasa akin , nguni&#039;t wala na ako . Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala , gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa . Siya&#039;y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay , ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako . Kaya&#039;t hindi ko pipigilin ang aking bibig ; ako&#039;y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa ; ako&#039;y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa . Ako ba&#039;y isang dagat , o isang malaking hayop dagat , na pinababantayan mo ako sa isang bantay ? Pag aking sinasabi , Aaliwin ako ng aking higaan , papayapain ng aking unan ang aking karamdaman ; Kung magkagayo&#039;y pinupukaw mo ako ng mga panaginip , at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain : Na anopa&#039;t pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis , at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito . Aking kinayayamutan ang aking buhay ; di ko na ibig mabuhay magpakailan man : bayaan akong magisa ; sapagka&#039;t ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan . Ano ang tao , na iyong palalakhin siya , at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya , At iyong dadalawin siya tuwing umaga , at susubukin siya sa tuwi-tuwina ? Hanggang kailan di mo ako iiwan , ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway ? Kung ako&#039;y nagkasala , ano ang aking magagawa sa iyo , Oh ikaw na bantay sa mga tao ? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo . Na anopa&#039;t ako&#039;y isang pasan sa aking sarili ? At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang , at inaalis ang aking kasamaan ? Sapagka&#039;t ngayo&#039;y mahihiga ako sa alabok ; at ako&#039;y hahanapin mong mainam , nguni&#039;t wala na ako . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Bildad na Suhita , at nagsabi , Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito ? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig ? Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios ? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan ? Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya , at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang : Kung hanapin mong mainam ang Dios , at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat ; Kung ikaw ay malinis at matuwid ; walang pagsalang ngayo&#039;y gigising siya dahil sa iyo . At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran . At bagaman ang iyong pasimula ay maliit , gayon ma&#039;y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam . Sapagka&#039;t ikaw ay magsisiyasat , isinasamo ko sa iyo , sa unang panahon , at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang : ( Sapagka&#039;t tayo&#039;y kahapon lamang , at walang nalalaman , sapagka&#039;t ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino : ) Hindi ka ba nila tuturuan , at sasaysayin sa iyo , at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso ? Makatataas ba ang yantok ng walang putik ? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig ? Samantalang nasa kasariwaan , at hindi pinuputol , natutuyong una kay sa alin mang damo . Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios ; at ang pagasa ng di banal ay mawawala : Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam , at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba . Siya&#039;y sasandal sa kaniyang bahay , nguni&#039;t hindi tatayo ; siya&#039;y pipigil na mahigpit dito , nguni&#039;t hindi makapagmamatigas . Siya&#039;y sariwa sa harap ng araw , at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan . Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton , kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato . Kung siya&#039;y magiba sa kaniyang dako , kung magkagayo&#039;y itatakuwil niya siya , na sinasabi : Hindi kita nakita . Narito , ito ang kagalakan ng kaniyang lakad , at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba . Narito , hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao , ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan . Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa , at ang iyong mga labi ng paghiyaw . Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya ; at ang tolda ng masama ay mawawala . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job , at nagsabi , Sa katotohanan ay nalalaman kong ito&#039;y gayon : nguni&#039;t paanong makapaggaganap ang tao sa Dios ? Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya , siya&#039;y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo . Siya ay pantas sa puso , at may kaya sa kalakasan : sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa ? Na siyang naglilipat ng mga bundok , at hindi nila nalalaman , pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit . Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan , at ang mga haligi nito ay nangayayanig . Na siyang naguutos sa araw , at hindi sumisikat ; at nagtatakda sa mga bituin . Na nagiisang inuunat ang langit , at tumutungtong sa mga alon ng dagat . Na lumikha sa Oso , sa Orion , at sa mga Pleyade , at sa mga silid ng timugan . Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod ; Oo , mga kamanghamanghang bagay na walang bilang . Narito , siya&#039;y dumaraan sa siping ko , at hindi ko siya nakikita : siya&#039;y nagpapatuloy rin naman , nguni&#039;t hindi ko siya namamataan . Narito , siya&#039;y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya ? Sinong magsasabi sa kaniya : Anong ginagawa mo ? Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit ; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya . Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya , at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya ? Na kahiman ako&#039;y matuwid , gayon may hindi ako sasagot sa kaniya ; ako&#039;y mamamanhik sa aking hukom . Kung ako&#039;y tumawag , at siya&#039;y sumagot sa akin ; gayon ma&#039;y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig . Sapagka&#039;t ako&#039;y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo , at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan . Hindi niya ako tutulutang ako&#039;y huminga , nguni&#039;t nililipos niya ako ng hirap . Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan , narito , siya&#039;y may kapangyarihan ! At kung sa kahatulan , sino , sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon ? Kahiman ako&#039;y matuwid , ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin : kahiman ako&#039;y sakdal patototohanan niya akong masama . Ako&#039;y sakdal ; hindi ko talos ang aking sarili ; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay . Lahat ay isa ; kaya&#039;t aking sinasabi : kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama . Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla , tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala . Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama : kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito ; kung hindi siya , sino nga ? Ngayo&#039;y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo : dumadaang matulin , walang nakikitang mabuti . Sila&#039;y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan : parang agila na dumadagit ng huli . Kung aking sabihin : Aking kalilimutan ang aking daing , aking papawiin ang aking malungkot na mukha , at magpapakasaya ako : Ako&#039;y natatakot sa lahat kong kapanglawan , talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala . Ako&#039;y mahahatulan ; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan ? Kung ako&#039;y maligo ng nieveng tubig , at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis ; Gayon ma&#039;y itutulak mo ako sa hukay , at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan . Sapagka&#039;t siya&#039;y hindi tao , na gaya ko , na sasagot ako sa kaniya , na tayo&#039;y pumasok kapuwa sa kahatulan , Walang hukom sa pagitan natin , na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa . Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod , at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot : Kung magkagayo&#039;y magsasalita ako , at hindi matatakot sa kaniya ; sapagka&#039;t hindi gayon ako sa aking sarili . Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay ; aking palalayain ang aking daing ; ako&#039;y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa . Sasabihin ko sa Dios : Huwag mo akong hatulan ; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin . Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati , na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway , at iyong pasilangin ang payo ng masama ? Ikaw ba&#039;y may mga matang laman , o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao ? Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao , o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao , Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan , at magusisa ng aking kasalanan , Bagaman iyong nalalaman na ako&#039;y hindi masama ; at walang makapagliligtas sa iyong kamay ? Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot ; gayon ma&#039;y pinahihirapan mo ako . Iyong alalahanin , isinasamo ko sa iyo , na ako&#039;y iyong binigyang anyo na gaya ng putik ; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok ? Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas , at binuo mo akong parang keso ? Ako&#039;y binihisan mo ng balat at laman , at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid . Ako&#039;y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob , at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw . Gayon ma&#039;y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso ; talastas ko na ito&#039;y sa iyo : Kung ako&#039;y magkasala , iyo nga akong tinatandaan , at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan . Kung ako&#039;y maging masama , sa aba ko ; at kung ako&#039;y maging matuwid , hindi ko man itataas ang aking ulo ; yamang puspos ng kakutyaan , at ng pagmamasid niring kadalamhatian . At kung ang aking ulo ay mataas , iyong hinuhuli akong parang leon : at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin . Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin , at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin ; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin . Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata ? Napatid sana ang aking hininga , at wala nang matang nakakita pa sa akin . Ako sana&#039;y naging parang hindi nabuhay ; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan , Hindi ba kaunti ang aking mga araw ? paglikatin mo nga , at ako&#039;y iyong bayaan , upang ako&#039;y maginhawahan ng kaunti , Bago ako manaw doon na hindi ako babalik , sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan ; Ang lupain na dilim , na gaya ng salimuot na kadiliman ; lupain ng lilim ng kamatayan , na walang anomang ayos , at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Sophar na Naamathita , at nagsabi , Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita ? At ang lalaking masalita ay aariing ganap ? Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog . At kung ikaw ay nanunuya , wala bang hihiya sa iyo ? Sapagka&#039;t iyong sinasabi , Ang aking aral ay dalisay , at ako&#039;y malinis sa iyong mga mata . Nguni&#039;t Oh ang Dios nawa&#039;y magsalita , at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo ; At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan , pagka&#039;t siya ay masagana sa pagkaunawa . Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan . Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik ? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat ? Mataas na gaya ng langit ; anong iyong magagawa ? Malalim kay sa Sheol : anong iyong malalaman ? Ang sukat niyao&#039;y mahaba kay sa lupa . At maluwang kay sa dagat . Kung siya&#039;y dumaan at magsara , at tumawag sa kahatulan , sino ngang makapipigil sa kaniya ? Sapagka&#039;t nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao : Nakikita rin naman niya ang kasamaan , bagaman hindi niya pinapansin . Nguni&#039;t ang walang kabuluhang tao ay walang unawa , Oo , ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno . Kung iyong ihahanda ang iyong puso , at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya ; Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay , ilayo mo , at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda ; Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan ; Oo , ikaw ay matatatag , at hindi matatakot : Sapagka&#039;t iyong malilimutan ang iyong karalitaan ; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos : At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat ; bagaman magkaroon ng kadiliman , ay magiging gaya ng umaga . At ikaw ay matitiwasay sapagka&#039;t may pagasa ; Oo , ikaw ay magsiyasat sa palibot mo , at magpapahinga kang tiwasay . Ikaw nama&#039;y hihiga at walang tatakot sa iyo ; Oo , maraming liligaw sa iyo . Nguni&#039;t ang mga mata ng masama ay mangangalumata , at mawawalan sila ng daang tatakasan , at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job ; at nagsabi , Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan , At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo . Nguni&#039;t ako&#039;y may pagkaunawang gaya ninyo : Hindi ako huli sa inyo : Oo , sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito ? Ako&#039;y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa , ako na tumawag sa Dios , at sinagot niya : Ang ganap , ang taong sakdal ay tinatawanan . Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi ; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa . Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa , at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay ; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana . Nguni&#039;t tanungin mo ngayon ang mga hayop , at tuturuan ka nila : at ang mga ibon sa himpapawid , at kanilang sasaysayin sa iyo : O magsalita ka sa lupa , at magtuturo sa iyo ; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo . Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito , na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito ? Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa&#039;t bagay na may buhay , at ang hininga ng lahat ng mga tao . Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig ; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya ? Nasa mga matanda ang karunungan , at sa kagulangan ang unawa . Nasa Dios ang karunungan at kakayahan ; kaniya ang payo at pagkaunawa . Narito , siya&#039;y nagbabagsak at hindi maitayo uli ; siya&#039;y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan . Narito , kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo ; muli , kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa . Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan , ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya . Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait , at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom . Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari , at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis . Kaniyang pinalalakad na hubad sa bait ang mga saserdote . Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan . At inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda . Siya&#039;y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo , at kinakalag ang pamigkis ng malakas . Siya&#039;y naglilitaw ng mga malalim na bagay mula sa kadiliman , at inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan . Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya : kaniyang pinalaki ang mga bansa , at mga dinala sa pagkabihag . Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa , at kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo&#039;y walang lansangan . Sila&#039;y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag , at kaniyang pinagigiraygiray sila na gaya ng lango . Narito , nakita ang lahat na ito ng aking mata , ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa . Kung ano ang iyong nalalaman , ay nalalaman ko rin naman : hindi ako huli sa inyo . Walang pagsalang ako&#039;y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat , at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios . Nguni&#039;t kayo&#039;y mapagkatha ng mga kabulaanan . Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan . Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat ! At magiging inyong karunungan . Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran , at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi . Kayo ba&#039;y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios , at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya ? Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios ? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios ? Mabuti ba na kayo&#039;y siyasatin niya ? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya ? Walang pagsalang sasawayin niya kayo , kung lihim na kayo&#039;y tatangi ng pagkatao . Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan , at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo ? Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo , ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik . Magsitahimik kayo , bayaan ninyo ako , na ako&#039;y makapagsalita , at paratingin sa akin ang darating . Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman , at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay ? Bagaman ako&#039;y patayin niya , akin ding hihintayin siya : gayon ma&#039;y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya . Ito man ay magiging aking kaligtasan ; sapagka&#039;t ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya . Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita , at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig . Narito , ngayon , aking inayos ang aking usap ; talastas ko na ako&#039;y matuwid . Sino ang makikipagtalo sa akin ? Sapagka&#039;t ngayo&#039;y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga . Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin , kung magkagayo&#039;y hindi ako magkukubli sa iyong mukha : Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin ; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo . Kung magkagayo&#039;y tumawag ka , at ako&#039;y sasagot ; o papagsalitain mo ako , at sumagot ka sa akin . Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan ? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan . Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha , at inaari mo akong iyong kaaway ? Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin ? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo ? Sapagka&#039;t ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin , at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan : Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan , at pinupuna mo ang lahat kong landas : ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa : Bagaman ako&#039;y parang bagay na bulok na natutunaw , na parang damit na kinain ng tanga . Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw , at lipos ng kabagabagan . Siya&#039;y umuusli na gaya ng bulaklak , at nalalagas : siya rin nama&#039;y tumatakas na gaya ng anino , at hindi namamalagi . At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito , at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo ? Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi ? wala . Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan , ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo , at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan ; Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin , upang siya&#039;y makapagpahinga , hanggang sa maganap niya , na gaya ng isang magpapaupa , ang kaniyang araw . Sapagka&#039;t may pagasa sa isang punong kahoy , na kung ito&#039;y putulin , ay sisibol uli , at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat . Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa , at ang puno niyao&#039;y mamatay sa lupa ; Gayon ma&#039;y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol , at magsasanga na gaya ng pananim . Nguni&#039;t ang tao ay namamatay at natutunaw ; Oo , ang tao ay nalalagutan ng hininga , at saan nandoon siya ? Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat , at ang ilog ay humuhupa at natutuyo ; Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon : hanggang sa ang langit ay mawala , sila&#039;y hindi magsisibangon , ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog . Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol . Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan , na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon , at iyong alalahanin ako ! Kung ang isang tao ay mamatay , mabubuhay pa ba siya ? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako , hanggang sa dumating ang pagbabago . Ikaw ay tatawag , at ako&#039;y sasagot sa iyo : ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay . Nguni&#039;t ngayo&#039;y binibilang mo ang aking mga hakbang : hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan ? Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot , at iyong inilalapat ang aking kasamaan . At tunay na ang bundok na natitibag , ay nawawala , at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon ; Inuukit ng tubig ang mga bato ; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa : sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao . Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya&#039;y pumapanaw ; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha , at iyong pinayayaon siya . Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan , at hindi niya nalalaman ; at sila&#039;y ibinababa , nguni&#039;t hindi niya nahahalata sila . Nguni&#039;t ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit , at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Eliphaz na Temanita , at nagsabi , Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman , at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan ? Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap , o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti ? Oo , ikaw ay nagaalis ng katakutan , at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios . Sapagka&#039;t ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig , at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha . Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo , at hindi ako ; Oo , ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo . Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak ? O nalabas ka bang una kay sa mga burol ? Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios ? At ikaw ba&#039;y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili ? Anong nalalaman mo na di namin nalalaman ? Anong nauunawa mo na wala sa amin ? Kasama namin ay mga ulong may uban , at mga totoong napakatandang tao , matandang makapupo kay sa iyong ama . Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo , sa makatuwid baga&#039;y ang salitang napakabuti sa iyo ? Bakit ka napadadala sa iyong puso ? At bakit kumikindat ang iyong mga mata ? Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios , at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig . Ano ang tao upang maging malinis ? At siyang ipinanganak ng babae , upang siya&#039;y maging matuwid ? Narito , siya&#039;y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal ; Oo , ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin . Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak , ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig ! Ipakikilala ko sa iyo , dinggin mo ako ; at ang aking nakita ay aking ipahahayag : ( Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang , at hindi inilingid ; Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain , at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila : ) Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw , sa makatuwid baga&#039;y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati . Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig ; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam : Siya&#039;y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman , at siya&#039;y hinihintay ng tabak : Siya&#039;y gumagala dahil sa tinapay , na nagsasabi : Nasaan ? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay : Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya : nangananaig laban sa kaniya , na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka ; Sapagka&#039;t iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios . At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat ; Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg , sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag ; Sapagka&#039;t tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi ; At siya&#039;y tumahan sa mga sirang bayan , sa mga bahay na walang taong tumatahan , na madaling magiging mga bunton . Hindi siya yayaman , o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari . Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik . Siya&#039;y hindi hihiwalay sa kadiliman ; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga , at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya . Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili : sapagka&#039;t kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya . Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan , at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa . Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas , at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo . Sapagka&#039;t ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago , at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan . Sila&#039;y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan , at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job , at nagsabi , Ako&#039;y nakarinig ng maraming ganyang bagay : maralitang mga mangaaliw kayong lahat . Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita ? O anong naguudyok sa iyo , na ikaw ay sumagot ? Ako nama&#039;y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa ; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa , ako&#039;y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo , at maigagalaw ang aking ulo sa inyo . Nguni&#039;t aking palalakasin kayo ng aking bibig , at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap , Bagaman ako&#039;y nagsasalita , ang aking hirap ay hindi naglilikat : at bagaman ako&#039;y tumatahimik , anong ikinalalayo sa akin ? Nguni&#039;t ngayo&#039;y niyamot niya ako : nilansag mo ang aking buong pulutong . At ako&#039;y pinagdalamhati mo , na siyang saksi laban sa akin ; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin , nagpapatotoo sa aking mukha . Niluray niya ako sa kaniyang kapootan , at inusig ako ; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin : pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway . Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig : kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya : sila&#039;y nagpipisan laban sa akin . Ibinibigay ako ng Dios sa di banal , at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama . Ako&#039;y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam ; Oo , sinunggaban niya ako sa leeg , at pinagwaraywaray niya ako : inilagay naman niya akong pinakatanda niya . Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana , kaniyang sinaksak ang aking mga bato , at hindi nagpapatawad ; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa . Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog ; siya&#039;y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako . Ako&#039;y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan , at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok . Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak , at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan ; Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay , at ang aking dalangin ay malinis , Oh lupa , huwag mong tabunan ang aking dugo , at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing . Kahit na ngayon , narito , ang aking saksi ay nasa langit , at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan . Ginagalit ako ng aking mga kaibigan : nguni&#039;t ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios ; Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios ; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa . Sapagka&#039;t pagsapit ng ilang taon , ako&#039;y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan . Ang aking diwa ay nanglulumo , ang aking mga kaarawan ay natatapos , ang libingan ay handa sa akin . Tunay na may mga manunuya na kasama ako , at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi . Magbigay ka ngayon ng sangla , panagutan mo ako ng iyong sarili ; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin ? Sapagka&#039;t iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa : kaya&#039;t hindi mo sila itataas . Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli , ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata . Nguni&#039;t ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan : at niluraan nila ako sa mukha . Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan . At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino . Mga matuwid na tao ay matitigilan nito , at ang walang sala ay babangon laban sa di banal . Gayon ma&#039;y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad , at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas . Nguni&#039;t tungkol sa inyong lahat , magsiparito kayo ngayon uli ; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo . Ang aking mga kaarawan ay lumipas , ang aking mga panukala ay nangasira , sa makatuwid baga&#039;y ang mga akala ng aking puso . Kanilang ipinalit ang araw sa gabi : ang liwanag , wika nila , ay malapit sa kadiliman . Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay ; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman : Kung sinabi ko sa kapahamakan : ikaw ay aking ama : sa uod : ikaw ay aking ina , at aking kapatid na babae ; Nasaan nga ang aking pagasa ? At tungkol sa aking pagasa , sinong makakakita ? Lulusong sa mga pangawan ng Sheol , pagtataglay ng kapahingahan sa alabok . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Bildad na Suhita , at nagsabi , Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita ? Inyong bulayin , at pagkatapos ay magsasalita kami . Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop , at naging marumi sa iyong paningin ? Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit , pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo ? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan ? Oo , ang ilaw ng masama ay papatayin , at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag . Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda , at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin . Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil , at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya . Sapagka&#039;t siya&#039;y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa , at siya&#039;y lumalakad sa mga silo . Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong . At isang silo ay huhuli sa kaniya . Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa , at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan . Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako , at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong . Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom , at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran . Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan , Oo , lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap . Siya&#039;y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan ; at siya&#039;y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan . Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano : azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan . Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim , at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga . Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa , at siya&#039;y mawawalan ng pangalan sa lansangan . Siya&#039;y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag , at itatapon sa labas ng sanglibutan . Siya&#039;y hindi magkakaroon kahit anak , ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan , ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan . Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan , gaya ng nangauna na nangatakot . Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko , at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job , at nagsabi , Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa , at babagabagin ako ng mga salita ? Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako : kayo&#039;y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin . At kahima&#039;t ako&#039;y magkamali , ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili . Kung tunay na kayo&#039;y magpapakalaki laban sa akin , at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko : Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios , at inikid ako ng kaniyang silo . Narito , ako&#039;y humihiyaw dahil sa kamalian , nguni&#039;t hindi ako dinidinig ; ako&#039;y humihiyaw ng tulong , nguni&#039;t walang kahatulan . Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan , at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas . Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian , at inalis ang putong sa aking ulo . Kaniyang inilugmok ako sa bawa&#039;t dako , at ako&#039;y nananaw : at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy . Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin , at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway , Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama , at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin , at kinubkob ang palibot ng aking tolda . Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin , at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin . Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo , at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan . Silang nagsisitahan sa aking bahay , at ang aking mga lingkod na babae , ay ibinibilang akong manunuluyan ; ako&#039;y naging kaiba sa kanilang paningin . Aking tinatawag ang aking lingkod , at hindi ako sinasagot , bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig . Ang aking hininga ay iba sa aking asawa , at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina . Pati ng mga bata ay humahamak sa akin ; kung ako&#039;y bumangon , sila&#039;y nangagsasalita ng laban sa akin : Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin : at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin , Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman , at ako&#039;y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin . Mahabag kayo sa akin , mahabag kayo sa akin , Oh kayong mga kaibigan ko ; sapagka&#039;t kinilos ako ng kamay ng Dios , Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios . At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman ? Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita ! Oh mangalagda nawa sa isang aklat ! Ng isa nawang panulat na bakal at tingga , na mangaukit nawa sa bato magpakailan man ! Nguni&#039;t talastas ko na manunubos sa akin ay buhay , at siya&#039;y tatayo sa lupa sa kahulihulihan : At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat , gayon ma&#039;y makikita ko ang Dios sa aking laman : Siyang makikita ko ng sarili , at mamamasdan ng aking mga mata , at hindi ng iba . Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko . Kung inyong sabihin : paanong aming pag-uusigin siya ? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin ; Mangatakot kayo sa tabak : sapagka&#039;t ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak , upang inyong malaman na may kahatulan . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Zophar na Naamathita , at nagsabi , Kaya&#039;t nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip , dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko . Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan , at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin . Hindi mo ba nalalaman ito ng una , mula nang ang tao&#039;y malagay sa lupa , Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli , at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang ? Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit , at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap ; Gayon may matutunaw siya magpakailan man , na gaya ng kaniyang sariling dumi : silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi : Nasaan siya ? Siya&#039;y mawawala na gaya ng panaginip , at hindi masusumpungan . Oo , siya&#039;y mawawala na parang pangitain sa gabi . Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa ; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook . Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha , at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan . Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan , nguni&#039;t hihiga na kasama niya sa alabok . Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig , bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila ; Bagaman kaniyang patawarin , at hindi niya ito babayaan , kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig ; Gayon ma&#039;y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan , siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya . Siya&#039;y sumakmal ng mga kayamanan , at kaniyang mga isusuka uli : mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan . Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas ; papatayin siya ng dila ng ulupong . Hindi niya matitingnan ang mga ilog , ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya . Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan , at hindi lalamunin ; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik , hindi siya magagalak . Sapagka&#039;t kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha ; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay ; at hindi niya itatayo . Sapagka&#039;t hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya , hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran . Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal ; kaya&#039;t ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili . Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya ; ang kamay ng bawa&#039;t nasa karalitaan ay darating sa kaniya . Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan , ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya . At ibubugso sa kaniya samantalang siya&#039;y kumakain . Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal , at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya . Binubunot niya ang pana , at lumalabas sa kaniyang katawan : Oo , ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo ; mga kakilabutan ang sumasa kaniya . Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya ; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya : susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda . Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan , at ang lupa ay babangon laban sa kaniya . Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon , ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan . Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios , at ang manang takda sa kaniya ng Dios . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job , at nagsabi , Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita ; at ito&#039;y maging inyong mga kaaliwan . Pagdalitaan ninyo ako , at ako nama&#039;y magsasalita , at pagkatapos na ako&#039;y makapagsalita , ay manuya kayo . Tungkol sa akin , ay sa tao ba ang aking daing ? At bakit hindi ako maiinip ? Tandaan ninyo ako , at matigilan kayo . At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig , Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako , at kikilabutan ang humahawak sa aking laman . Bakit nabubuhay ang masama , nagiging matanda , oo , nagiging malakas ba sa kapangyarihan ? Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin , at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata . Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot , kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila . Ang kanilang baka ay naglilihi , at hindi nababaog ; ang kanilang baka ay nanganganak , at hindi napapahamak ang kaniyang guya . Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan , at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan , Sila&#039;y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa , at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta . Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan , at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol . At sinasabi nila sa Dios : Lumayo ka sa amin ; sapagka&#039;t hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad . Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya&#039;y paglilingkuran namin ? At anong pakinabang magkakaroon kami , kung kami ay magsidalangin sa kaniya ? Narito , ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay : ang payo ng masama ay malayo sa akin . Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama ? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila ? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit ? Na sila&#039;y gaya ng dayami sa harap ng hangin , at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo ? Inyong sinasabi , Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak . Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya . Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba , at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat . Sapagka&#039;t anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya , pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna ? May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios ? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas . Isa&#039;y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan , palibhasa&#039;t walang bahala at tahimik : Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas , at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig . At ang iba&#039;y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa , at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti . Sila&#039;y nahihigang magkakasama sa alabok , at tinatakpan sila ng uod . Narito , aking nalalaman ang inyong pagiisip , at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin . Sapagka&#039;t inyong sinasabi , Saan naroon ang bahay ng prinsipe ? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama ? Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan ? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan ? Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan ? Na sila&#039;y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan ? Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha ? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa ? Gayon ma&#039;y dadalhin siya sa libingan , at magbabantay ang mga tao sa libingan . Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya , at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya , gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang . Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan , dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan ? Nang magkagayo&#039;y sumagot si Eliphaz na Temanita , at nagsabi , Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios ? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili . May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid ? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad ? Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka , na siya&#039;y pumasok sa iyo sa kahatulan ? Hindi ba malaki ang iyong kasamaan ? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan . Sapagka&#039;t ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala , at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad . Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom , at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom . Nguni&#039;t tungkol sa makapangyarihang tao , siya&#039;y nagtatangkilik ng lupa ; at ang marangal na tao , ay tumatahan doon . Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao , at ang mga kamay ng ulila ay nangabali . Kaya&#039;t ang mga silo ay nangasa palibot mo , at biglang takot ay bumabagabag sa iyo , O kadiliman , upang huwag kang makakita . At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo . Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit ? At , narito , ang kataasan ng mga bituin , pagkataastaas nila ! At iyong sinasabi , Anong nalalaman ng Dios ? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman ? Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya , na siya&#039;y hindi nakakakita ; at siya&#039;y lumalakad sa balantok ng langit . Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan , na nilakaran ng mga masamang tao ? Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan . Na ang patibayan ay nahuhong parang agos : Na nagsabi sa Dios : Lumayo ka sa amin ; at , anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat ? Gayon ma&#039;y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay ; nguni&#039;t ang payo ng masama ay malayo sa akin . Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa ; at tinatawanang mainam ng walang sala : Na nagsasabi , Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay , at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy . Makipagkilala ka sa kaniya , at ikaw ay mapayapa : anopa&#039;t ang mabuti ay darating sa iyo . Iyong tanggapin , isinasamo ko sa iyo , ang kautusan mula sa kaniyang bibig , at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso . Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat , ay matatayo ka ; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda . At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok , at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis : At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan , at mahalagang pilak sa iyo . Sapagka&#039;t ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat , at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios . Ikaw ay dadalangin sa kaniya , at kaniyang didinggin ka : at iyong babayaran ang iyong mga panata . Ikaw nama&#039;y magpapasiya ng isang bagay , at ito&#039;y matatatag sa iyo ; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan . Pagka inilulugmok ka nila , ay iyong sasabihin : Magpakataas ; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao . Kaniyang ililigtas , pati ng hindi banal : Oo , siya&#039;y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job , at nagsabi , Magpahanggang ngayo&#039;y mapanghimagsik ang aking daing : ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik . Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya , upang ako&#039;y dumating hanggang sa kaniyang likmuan ! Aking aayusin ang aking usap sa harap niya , at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran . Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin , at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin . Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan ? Hindi ; kundi pakikinggan niya ako . Doo&#039;y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid ; sa gayo&#039;y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom . Narito , ako&#039;y nagpapatuloy , nguni&#039;t wala siya ; at sa dakong likuran , nguni&#039;t hindi ko siya mamataan : Sa kaliwa pagka siya&#039;y gumagawa , nguni&#039;t hindi ko mamasdan siya : siya&#039;y nagkukubli sa kanan , na hindi ko makita siya . Nguni&#039;t nalalaman niya ang daang aking nilalakaran ; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto . Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang . Ang kaniyang daan ay aking iningatan , at hindi ako lumiko . Ako&#039;y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi ; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain . Nguni&#039;t siya&#039;y sa isang akala , at sinong makapagpapabalik sa kaniya ? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa . Sapagka&#039;t kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin : at maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya . Kaya&#039;t ako&#039;y nababagabag sa kaniyang harapan ; pagka aking binubulay , ay natatakot ako sa kaniya . Dahil sa pinapanglupaypay ng Dios ang aking puso , at binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat : Sapagka&#039;t hindi ako inihiwalay sa harap ng kadiliman , ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha . Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat ? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya ? May nagsisipagbago ng lindero ; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan , at pinasasabsab . Kanilang itinataboy ang asno ng ulila , kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla . Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan : ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama . Narito , gaya ng mga mabangis na asno sa ilang , sila&#039;y nagsisilabas sa kanilang gawa , na nagsisihanap na masikap ng pagkain ; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak . Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain ; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama . Sila&#039;y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot . At walang kumot sa ginaw . Sila&#039;y basa ng ulan sa mga bundok , at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan . May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso , at nagsisikuha ng sangla ng dukha : Na anopa&#039;t sila&#039;y yumayaong hubad na walang damit , at palibhasa&#039;y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis ; Sila&#039;y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito ; sila&#039;y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas , at nagtitiis ng uhaw . Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao , at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw ; gayon ma&#039;y hindi inaaring mangmang ng Dios . Ito&#039;y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag ; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon , ni tumatahan man sa mga landas niyaon . Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag , pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan ; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw . Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim , na sinasabi , Walang matang makakakita sa akin : at nagiiba ng kaniyang mukha . Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay : sila&#039;y nagkukulong sa sarili kung araw ; hindi nila nalalaman ang liwanag , Sapagka&#039;t ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman , sapagka&#039;t kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman . Siya&#039;y matulin sa ibabaw ng tubig ; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa : siya&#039;y hindi babalik sa daan ng mga ubasan . Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig : gaya ng Sheol ng mga nagkakasala . Kalilimutan siya ng bahay-bata : siya&#039;y kakaning maigi ng uod ; siya&#039;y hindi na maaalaala pa : at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy . Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak ; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao . Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan : siya&#039;y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay . Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan , at sila&#039;y nagpapahinga roon ; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad . Sila&#039;y nangataas , gayon ma&#039;y isang sandali pa , at sila&#039;y wala na . Oo , sila&#039;y nangababa , sila&#039;y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba , at nangaputol na gaya ng mga uhay . At kung hindi gayon ngayon , sinong magpapatotoo na ako&#039;y sinungaling , at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita ? Nang magkagayo&#039;y sumagot si Bildad na Suhita , at nagsabi , Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya ; siya&#039;y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako . May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo ? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag ? Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios ? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae . Narito , pati ng buwan ay walang liwanag , at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin : Gaano pa nga kaliit ang tao , na isang uod ! At ang anak ng tao , na isang uod ! Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job , at nagsabi , Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan ! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas ! Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan , at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman ! Kanino mo binigkas ang mga salita ? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo ? Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig , at ang mga nananahan doon . Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios , at ang Abaddon ay walang takip . Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman , at ibinibitin ang lupa sa wala . Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap ; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila . Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan , at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon . Siya&#039;y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig , hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman . Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig . At nangatitigilan sa kaniyang saway . Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan , at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab . Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit ; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas . Narito , ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan : at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya ! Nguni&#039;t sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan ? At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga , at nagsabi , Buhay ang Dios , na siyang nagalis ng aking katuwiran , at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa ; ( Sapagka&#039;t ang aking buhay ay buo pa sa akin , at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong ) ; Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan , ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan . Malayo nawa sa aking kayo&#039;y ariin kong ganap : Hanggang sa ako&#039;y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat . Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan : hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako&#039;y buhay . Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama , at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko . Sapagka&#039;t ano ang pagasa ng di banal , bagaman siya&#039;y makikinabang sa kaniya , pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa ? Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak , pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya ? Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat , at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon ? Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios ; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim . Narito , kayong lahat ay nangakakita ; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan ? Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios , at ang mana ng mga mamimighati , na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat . Kung ang kaniyang mga anak ay dumami , ay para sa tabak , at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay . Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan , at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy . Bagaman siya&#039;y magbunton ng pilak na parang alabok , at maghahanda ng bihisan na parang putik ; Maihahanda niya , nguni&#039;t ang ganap ang magsusuot niyaon . At babahagihin ng walang sala ang pilak . Siya&#039;y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga , at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay . Siya&#039;y nahihigang mayaman , nguni&#039;t hindi siya pupulutin ; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata , nguni&#039;t wala na siya . Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig ; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan , Tinangay siya ng hanging silanganan , at siya&#039;y nananaw ; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako . Sapagka&#039;t hahalibasin siya ng Dios , at hindi magpapatawad ; siya&#039;y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay . Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya . At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako . Tunay na may mina na mayroong pilak , at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan . Bakal ay hinuhukay sa lupa , at tanso ay binububo mula sa bato . Ang tao&#039;y naglalagay ng wakas sa kadiliman , at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman . Siya&#039;y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao : nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao , sila&#039;y umuugoy na paroo&#039;t parito . Tungkol sa lupa , mula rito&#039;y nanggagaling ang tinapay : at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy . Ang mga bato nito&#039;y kinaroroonan ng mga zafiro . At ito&#039;y may alabok na ginto . Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam . Ni nakita man ng mata ng falkon : Hindi natungtungan ng mga palalong hayop , ni naraanan man ng mabangis na leon , Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian ; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok . Siya&#039;y nagbabangbang sa gitna ng mga bato ; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa&#039;t mahalagang bagay . Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos ; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag . Nguni&#039;t saan masusumpungan ang karunungan ? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa ? Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon ; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay . Sinasabi ng kalaliman . Wala sa akin : at sinasabi ng dagat : Hindi sumasaakin . Hindi mabibili ng ginto , ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon . Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir , ng mahalagang onix , o ng zafiro . Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon : ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto . Hindi mabibilang ang coral o ang cristal ; Oo , ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi . Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon , ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto . Saan nanggagaling nga ang karunungan ? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa ? Palibhasa&#039;t nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay , at natatago sa mga ibon sa himpapawid . Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi , narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon . Nauunawa ng Dios ang daan niyaon , at nalalaman niya ang dako niyaon . Sapagka&#039;t tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa , at nakikita ang silong ng buong langit ; Upang bigyan ng timbang ang hangin ; Oo , kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan . Nang siya&#039;y gumawa ng pasiya sa ulan , at ng daan sa kidlat ng kulog : Nang magkagayo&#039;y nakita niya ito , at inihayag ; kaniyang itinatag ito , oo , at siniyasat . At sa tao ay sinabi niya , Narito , ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan ; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa . At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga , at nagsabi , Oh ako nawa&#039;y napasa mga buwan noong dakong una , gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios ; Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman ; Gaya noong ako&#039;y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan , noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda ; Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa , at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko ; Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas , at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis ! Noong ako&#039;y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan , noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan , Nakikita ako ng mga binata , at nagsisipagkubli , at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo : Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap , at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig ; Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik , at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig . Sapagka&#039;t pagka naririnig ako ng pakinig , ay pinagpapala nga ako ; at pagka nakikita ako ng mata , ay sumasaksi sa akin : Sapagka&#039;t aking iniligtas ang dukha na dumadaing , ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya . Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin : at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao . Ako&#039;y nagbibihis ng katuwiran , at sinusuutan niya ako : ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema . Ako&#039;y naging mga mata sa bulag , at naging mga paa ako sa pilay . Ako&#039;y naging ama sa mapagkailangan ; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat . At aking binali ang mga pangil ng liko , at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , mamamatay ako sa aking pugad , at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin : Ang aking ugat ay nakalat sa tubig , at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga : Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin , at ang aking busog ay nababago sa aking kamay . Sa akin ay nangakikinig ang mga tao , at nangaghihintay , at nagsisitahimik sa aking payo . Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli ; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila . At kanilang hinihintay ako , na gaya ng paghihintay sa ulan , at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan . Ako&#039;y ngumingiti sa kanila pagka sila&#039;y hindi nanganiniwala : at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak . Ako&#039;y namimili sa kanilang daan , at nauupong gaya ng puno , at tumatahang gaya ng hari sa hukbo , gaya ng nangaaliw sa nananangis . Nguni&#039;t ngayo&#039;y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin , na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan . Oo , ang kalakasan ng kanilang kamay , sa ano ko mapapakinabangan ? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na . Sila&#039;y lata sa pangangailangan at sa kagutom ; kanilang nginangata ang tuyong lupa , sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan . Sila&#039;y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy ; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain . Sila&#039;y pinalayas mula sa gitna ng mga tao ; sila&#039;y sumisigaw sa likuran nila , na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw . Upang sila&#039;y magsitahan sa nakatatakot na mga libis , sa mga puwang ng lupa , at ng mga bato . Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal ; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan . Mga anak ng mga mangmang , oo , mga anak ng mga walang puring tao ; sila&#039;y mga itinapon mula sa lupain . At ngayon ay naging kantahin nila ako , Oo , ako&#039;y kasabihan sa kanila . Kanilang kinayayamutan ako , nilalayuan nila ako , at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha . Sapagka&#039;t kinalag niya ang kaniyang panali , at pinighati ako , at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko . Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga ; itinutulak nila ang aking mga paa , at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak . Kanilang sinisira ang aking landas , kanilang isinusulong ang aking kapahamakan , mga taong walang tumulong . Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan : sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila . Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin , kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin ; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap . At ngayo&#039;y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko ; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin . Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto , at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga . Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot : tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro . Inihahagis niya ako sa banlik , at ako&#039;y naging parang alabok at mga abo . Ako&#039;y dumadaing sa iyo , at hindi mo ako sinasagot : ako&#039;y tumatayo , at minamasdan mo ako . Ikaw ay naging mabagsik sa akin : sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako . Itinataas mo ako sa hangin , pinasasakay mo ako roon ; at tinutunaw mo ako sa bagyo . Sapagka&#039;t talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan , at sa bahay na takda sa lahat na may buhay . Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog ? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong ? Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan ? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan ? Pagka ako&#039;y humahanap ng mabuti , ang kasamaan nga ang dumarating : at pagka ako&#039;y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating . Ang aking puso&#039;y nababagabag at walang pahinga ; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin . Ako&#039;y yumayaong tumatangis na walang araw ; ako&#039;y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong . Ako&#039;y kapatid ng mga chakal , at mga kasama ng mga avestruz . Ang aking balat ay maitim , at natutuklap , at ang aking mga buto ay nagpapaltos . Kaya&#039;t ang aking alpa ay naging panangis , at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak . Ako&#039;y nakipagtipan sa aking mga mata ; paano nga akong titingin sa isang dalaga ? Sapagka&#039;t ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas , at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan ? Hindi ba kasakunaan sa liko , at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan ? Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad , at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang ? Kung ako&#039;y lumakad na walang kabuluhan , at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya ; ( Timbangin ako sa matuwid na timbangan , upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat ; ) Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan , at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata , at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay : Kung gayo&#039;y papaghasikin mo ako , at bayaang kanin ng iba ; Oo , bunutin ang bunga ng aking bukid . Kung ang aking puso ay napadaya sa babae , at ako&#039;y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa : Kung magkagayo&#039;y iba ang ipaggiling ng aking asawa , at iba ang yumuko sa kaniya . Sapagka&#039;t iya&#039;y isang mabigat na sala ; Oo , isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom : Sapagka&#039;t isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak , at bubunutin ang lahat ng aking bunga . Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae , nang sila&#039;y makipagtalo sa akin : Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios ? At pagka kaniyang dinadalaw , anong isasagot ko sa kaniya ? Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya ; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata ? Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa , o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao : O kumain akong magisa ng aking subo , at ang ulila ay hindi kumain niyaon ; ( Hindi , mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko , na gaya ng may isang ama , at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina ; ) Kung ako&#039;y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan , o ng mapagkailangan ng walang kumot ; Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang , at kung siya&#039;y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa : Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila , sapagka&#039;t nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan : Kung nagkagayo&#039;y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin , at ang aking kamay ay mabali sa buto . Sapagka&#039;t ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin , at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa . Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa , at sinabi ko sa dalisay na ginto , ikaw ay aking tiwala ; Kung ako&#039;y nagalak sapagka&#039;t ang aking kayamanan ay malaki , at sapagka&#039;t ang aking kamay ay nagtamo ng marami ; Kung ako&#039;y tumingin sa araw pagka sumisikat , o sa buwan na lumalakad sa kakinangan ; At ang aking puso ay napadayang lihim , at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay : Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom : sapagka&#039;t itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas . Kung ako&#039;y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin , o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan ; ( Oo , hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa ; ) Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi , sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain ? Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan ; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay , Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang , sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan ; Sapagka&#039;t aking kinatakutan ang lubhang karamihan , at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan . Na anopa&#039;t ako&#039;y tumahimik , at hindi lumabas sa pintuan ? O mano nawang may duminig sa akin ! ( Narito ang aking tala , sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat ; ) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway ! Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat ; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong . Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang , gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya . Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin , at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama ; Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad , o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon : Tubuan ng dawag sa halip ng trigo , at ng mga masamang damo sa halip ng cebada . Ang mga salita ni Job ay natapos . Sa gayo&#039;y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job , sapagka&#039;t siya&#039;y matuwid sa kaniyang sariling paningin . Nang magkagayo&#039;y nagalab ang poot ni Eliu , na anak ni Barachel na Bucita , na angkan ni Ram : laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot , sapagka&#039;t siya&#039;y nagpapanggap na ganap kay sa Dios . Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot , sapagka&#039;t sila&#039;y hindi nakasumpong ng sagot , at gayon man ay nahatulan si Job . Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job , sapagka&#039;t sila&#039;y matanda kay sa kaniya . At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito , ay nagalab ang kaniyang poot . At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi , Ako&#039;y bata , at kayo&#039;y totoong matatanda ; kaya&#039;t ako&#039;y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka . Aking sinabi , Ang mga kaarawan ang mangagsasalita , at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan . Nguni&#039;t may espiritu sa tao , at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa . Hindi ang dakila ang siyang pantas , ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan . Kaya&#039;t aking sinabi , Dinggin ninyo ako ; akin namang ipakikilala ang aking haka . Narito , aking hinintay ang inyong mga salita , aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran , samantalang kayo&#039;y naghahagilap ng masasabi . Oo , aking inulinig kayo , at , narito , walang isang makahikayat kay Job , o sa inyo&#039;y may makasagot sa kaniyang mga salita . Magbawa nga kayo , baka kayo&#039;y magsabi , Kami ay nakasumpong ng karunungan ; madadaig ng Dios siya , hindi ng tao ; Sapagka&#039;t hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin ; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita . Sila&#039;y nangalito , sila&#039;y hindi na nagsisagot pa ; Sila&#039;y walang salitang masabi , At ako ba&#039;y maghihintay , sapagka&#039;t sila&#039;y hindi nangagsasalita , sapagka&#039;t sila&#039;y nangakatigil , at hindi na nagsisisagot . Ako nama&#039;y sasagot ng ganang akin , akin namang ipakikilala ang aking haka . Sapagka&#039;t ako&#039;y puspos ng mga salita ; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin , Narito , ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan : parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak . Ako&#039;y magsasalita , upang ako&#039;y maginhawahan : aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako . Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko , isinasamo ko sa inyo , ang pagkatao ninoman ; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita . Sapagka&#039;t hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita ; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin . Gayon man , Job , isinasamo ko sa iyo na , dinggin mo ang aking pananalita , at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita . Narito , ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig ; nagsalita ang aking dila sa aking bibig . Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso ; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat . Nilalang ako ng Espiritu ng Dios , at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay . Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin ; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko , tumayo ka . Narito , ako&#039;y sa Dios na gaya mo : ako ma&#039;y nilalang mula rin sa putik . Narito , hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan , ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo . Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig , at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita , na nagsasabi , Ako&#039;y malinis na walang pagsalangsang ; ako&#039;y walang sala , ni may kasamaan man sa akin : Narito , siya&#039;y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin , ibinilang niya ako na pinakakaaway : Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan , kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas . Narito , ako&#039;y sasagot sa iyo , dito&#039;y hindi ka ganap ; sapagka&#039;t ang Dios ay dakila kay sa tao . Bakit ka nakikilaban sa kaniya ? Sapagka&#039;t hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap . Sapagka&#039;t ang Dios ay minsang nagsasalita , Oo , makalawa , bagaman hindi pinakikinggan ng tao . Sa isang panaginip , sa isang pangitain sa gabi , pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao , sa mga pagkakatulog sa higaan ; Kung magkagayo&#039;y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao , at itinatatak ang kanilang turo , Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala , at ikubli ang kapalaluan sa tao ; Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay , at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak . Siya nama&#039;y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan , at ng palaging antak sa kaniyang mga buto : Na anopa&#039;t kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay , at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap , Ang kaniyang laman ay natutunaw , na hindi makita ; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw . Oo , ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay , at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak . Kung doroong kasama niya ang isang anghel , isang tagapagpaaninaw , na isa sa gitna ng isang libo , upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya ; Kung magkagayo&#039;y binibiyayaan niya siya at nagsasabi , Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay , ako&#039;y nakasumpong ng katubusan . Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata ; siya&#039;y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan : Siya&#039;y dumadalangin sa Dios , at nililingap niya siya : na anopa&#039;t kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan : at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran . Siya&#039;y umaawit sa harap ng mga tao , at nagsasabi , Ako&#039;y nagkasala , at sumira ng matuwid , at hindi ko napakinabangan : Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay , at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag . Narito , ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios , makalawa , oo , makaitlo sa tao , Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay , upang siya&#039;y maliwanagan ng liwanag ng buhay . Pansinin mong mabuti , Oh Job , dinggin mo ako : tumahimik ka , at ako&#039;y magsasalita . Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin , sagutin mo ako : ikaw ay magsalita , sapagka&#039;t ibig kong ariin kang ganap . Kung hindi , dinggin mo ako : tumahimik ka , at tuturuan kita ng karunungan . Bukod dito&#039;y sumagot si Eliu , at nagsabi , Dinggin ninyo ang aking mga salita , kayong mga pantas ; at pakinggan ninyo ako , ninyong may kaalaman . Sapagka&#039;t ang pakinig ay tumitikim ng mga salita , gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain . Ating piliin sa ganang atin ang matuwid : ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti . Sapagka&#039;t sinabi ni Job , Ako&#039;y matuwid , at inalis ng Dios ang aking katuwiran : Gayon ma&#039;y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling ; at ang aking sugat ay walang kagamutan , bagaman ako&#039;y walang pagsalangsang . Sinong tao ang gaya ni Job , na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig , Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan , at lumalakad na kasama ng mga masamang tao ? Sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Walang napapakinabang ang tao na siya&#039;y makapagpalugod sa Dios . Kaya&#039;t dinggin ninyo ako , ninyong mga lalaking may unawa : malayo nawa sa Dios na siya&#039;y gumawa ng masama ; at sa Makapangyarihan sa lahat , na siya&#039;y magkamit ng kasamaan . Sapagka&#039;t ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya , at ipatatagpo sa bawa&#039;t tao ang ayon sa kaniyang mga lakad . Oo , sa katotohanan , ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan , ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan . Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa ? O sinong nagayos ng buong sanglibutan ? Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao , kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga ; Tanang laman ay mamamatay na magkakasama , at ang tao ay mababalik uli sa alabok . Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito : Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita . Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran ? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya ? Siya na nagsabi sa isang hari : ikaw ay hamak ? O sa mga mahal na tao : Kayo&#039;y masasama ? Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo , ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap ; sapagka&#039;t silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay . Sa isang sangdali ay nangamamatay sila , kahit sa hating gabi ; ang bayan ay inuuga at nawawala , at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay . Sapagka&#039;t ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao , at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon . Walang kadiliman , ni makapal man pangungulimlim , na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan . Sapagka&#039;t hindi na niya pakukundanganan ang tao , upang siya&#039;y humarap sa Dios sa kahatulan . Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod , at naglalagay ng mga iba na kahalili nila . Kaya&#039;t siya&#039;y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa ; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi , na anopa&#039;t sila&#039;y nangalilipol . Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba , Sapagka&#039;t sila&#039;y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya , at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad : Na anopa&#039;t kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya , at dininig niya ang daing ng napipighati . Pagka siya&#039;y nagbibigay ng katahimikan , sino ngang makahahatol ? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha , sinong makakakita sa kaniya ? Maging gawin sa isang bansa , o sa isang tao : Upang ang taong di banal ay huwag maghari , upang huwag maging silo sa bayan . Sapagka&#039;t may nagsabi ba sa Dios : Aking tinitiis ang parusa , hindi na ako magkakasala pa : Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin : kung ako&#039;y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa ? Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan ? Sapagka&#039;t ikaw ang marapat pumili at hindi ako : kaya&#039;t salitain mo kung ano ang iyong nalalaman . Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin , Oo , bawa&#039;t pantas na taong nakakarinig sa akin : Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman . At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan . Si Job nawa&#039;y subukin hanggang sa wakas , dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao . Sapagka&#039;t siya&#039;y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan , kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin , at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios . Bukod dito&#039;y sumagot si Eliu , at nagsabi , Iniisip mo bang ito&#039;y matuwid ? O sinasabi mong : Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios , Na iyong sinasabi , Anong pakinabang ang tatamuhin mo ? At , anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako&#039;y nagkasala ? Sasagutin kita , at ang iyong mga kasamahang kasama mo . Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan ; at masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo . Kung ikaw ay nagkasala , anong iyong ginagawa laban sa kaniya ? At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami , anong iyong ginagawa sa kaniya ? Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya ? O anong tinatanggap niya sa iyong kamay ? Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo ; at ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao . Dahil sa karamihan ng mga kapighatian , sila&#039;y humihiyaw : sila&#039;y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan . Nguni&#039;t walang nagsasabing , Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin , na siyang nagbibigay ng awit kung gabi ; Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa . At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid ? Doo&#039;y tumatawag sila , nguni&#039;t walang sumasagot , dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao . Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan , ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat . Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya . Ang usap ay nasa harap niya , at iyong hinihintay siya ! Nguni&#039;t ngayon sapagka&#039;t hindi niya dinalaw sa kaniyang galit , ni ginunita mang maigi ; Kaya&#039;t ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan ; siya&#039;y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman . Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi , Pagdalitaan mo akong sandali , at aking ipakikilala sa iyo ; sapagka&#039;t mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios . Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo , at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin . Sapagka&#039;t tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan : Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo . Narito ang Dios ay makapangyarihan , at hindi humahamak sa kanino man ; siya&#039;y makapangyarihan sa lakas ng unawa . Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama : nguni&#039;t nagbibigay ng matuwid sa napipighati . Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid : kundi kasama ng mga hari sa luklukan , kaniyang itinatatag sila magpakailan man , at sila&#039;y natataas . At kung sila&#039;y mapapangaw , at mapipigil sa mga panali ng kapighatian ; Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa , at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo . Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo , at iniuutos na sila&#039;y magsihiwalay sa kasamaan . Kung sila&#039;y makinig at maglingkod sa kaniya , kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan , at ang kanilang mga taon sa kasayahan . Nguni&#039;t kung hindi sila mangakinig , sila&#039;y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak , at sila&#039;y mangamamatay na walang kaalaman . Nguni&#039;t ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit : hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila . Sila&#039;y nangamamatay sa kabataan , at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi . Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati , at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati . Oo , hahanguin ka niya mula sa kagipitan , hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan ; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan . Nguni&#039;t ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama : kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo . Sapagka&#039;t may poot , magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan ; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan . Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan , O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan ? Huwag mong nasain ang gabi , pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako . Ikaw ay magingat , huwag mong lingunin ang kasamaan ; sapagka&#039;t ito&#039;y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian . Narito , ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan : sinong tagapagturo ang gaya niya ? Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan ? O sinong makapagsasabi , ikaw ay gumawa ng kalikuan ? Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa , na inawit ng mga tao . Lahat ng mga tao&#039;y nakakita noon ; makikita ito ng tao sa malayo . Narito , ang Dios ay dakila , at hindi natin nakikilala siya ; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon . Sapagka&#039;t pinailanglang niya ang mga patak ng tubig , na nagiging ulan mula sa singaw na yaon : Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao . Oo , may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap , ng mga kulog ng kaniyang kulandong ? Narito , pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya ; at inaapawan ang kalaliman ng dagat . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan ; siya&#039;y nagbibigay ng pagkaing sagana . Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat ; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda . Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya , ang hayop nama&#039;y ng tungkol sa bagyo na dumarating . Oo , dahil din dito&#039;y nanginginig ang aking puso , at napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako . Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig , at ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig . Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit , at ang kidlat niya&#039;y sa mga wakas ng lupa . Sumunod nito&#039;y isang hugong na dumadagundong ; siya&#039;y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan : at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig . Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig ; dakilang mga bagay ang ginawa niya , na hindi natin matalastas . Sapagka&#039;t sinabi niya sa nieve , Lumagpak ka sa lupa ; gayon din sa ambon , at sa bugso ng kaniyang malakas na ulan , Tinatatakan niya ang kamay ng bawa&#039;t tao : upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang . Kung gayo&#039;y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga , at namamalagi sa kanilang mga tahanan . Mula sa timog nanggagaling ang bagyo : at ang ginaw ay mula sa hilagaan . Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo : at ang kaluwangan ng tubig ay naiipit . Oo , kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig ; kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat : At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay , upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila , sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan : Maging sa saway , o maging sa kaniyang lupain , o maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya . Dinggin mo ito , Oh Job : Tumigil ka , at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios . Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios , at pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap ? Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap , ang kagilagilalas na mga gawa niya na sakdal sa kaalaman ? Paanong umiinit ang inyong mga suot , pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan ? Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit , na matibay na gaya ng isang salaming binubo ? Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya ; sapagka&#039;t hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman . Sasaysayin ba sa kaniya na ako&#039;y magsasalita ? O iisipin ba ng isang tao na siya&#039;y sasakmalin . At ngayo&#039;y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit : nguni&#039;t ang hangin ay dumadaan , at pinapalis ang mga yaon . Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan ; may taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan . Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat , hindi natin mauunawa ; siya&#039;y marilag sa kapangyarihan ; at sa kahatulan at saganang kaganapan siya&#039;y hindi pipighati . Kinatatakutan nga siya ng mga tao : hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa puso . Nang magkagayo&#039;y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo , at nagsabi , Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman ? Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake : sapagka&#039;t tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin . Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa ? Ipahayag mo , kung mayroon kang unawa . Sinong naglagay ng mga sukat niyaon , kung iyong nalalaman ? O sinong nagunat ng panukat diyan ? Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan ? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon ; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga . At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan ? O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat , nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata ? Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon , at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon , At aking itinatag doon ang aking pasiya , at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto , At aking sinabi , Hanggang dito ay darating ka , nguni&#039;t hindi ka na lalagpas : at dito&#039;y titigil ang iyong mga palalong alon ? Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan , at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako ; Upang humawak sa mga wakas ng lupa , at ang masasama ay maugoy doon ? Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak ; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan : At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag , at ang mataas na kamay ay mababali . Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat ? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman ? Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan ? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan ? Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa ? Ipahayag mo , kung iyong nalalamang lahat . Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag , at tungkol sa kadiliman , saan nandoon ang dako niyaon ; Upang iyong madala sa hangganan niyaon , at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon ? Marahil nalalaman mo , sapagka&#039;t ikaw nga&#039;y ipinanganak noon , at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami ? Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve , o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo , Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan , laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma ? Sa aling daan naghiwalay ang liwanag , o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa ? Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig , o ng daanan ng kidlat ng kulog ; Upang magpaulan sa lupa , na hindi tinatahanan ng tao , sa ilang na doon ay walang tao . Upang busugin ang giba at sirang lupa ; at upang pasibulin ang sariwang damo ? May ama ba ang ulan ? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog ? Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo ? At ang escarcha sa himpapawid , ay ipinanganak nino ? Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato , at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno . Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade , o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion ? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan ? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak ? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit ? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa ? Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap , upang takpan ka ng saganang tubig ? Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat , upang magsiyaon , at magsabi sa iyo : Nangarito kami ? Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi ? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip ? Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan ? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit , Pagka ang alabok ay napuputik , at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi ? Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae ? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon , Pagka sila&#039;y nagsisihilig sa kanilang mga lungga , at nagsisitahan sa guwang upang bumakay ? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya , pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios , at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain . Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok ? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa ? Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan ? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak ? Sila&#039;y nagsisiyuko , kanilang inilalabas ang kanilang mga anak , kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan . Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas , sila&#039;y nagsisilaki sa kaparangan ; sila&#039;y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik . Sinong nagpakawala sa mabangis na asno ? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno ? Na ginawa kong bahay niya ang ilang , at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan . Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan . Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop . Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan , at kaniyang sinasaliksik ang bawa&#039;t sariwang bagay . Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo ? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban ? Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid ? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo ? Aasa ka ba sa kaniya , dahil sa siya&#039;y totoong malakas ? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya ? Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi , at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan ? Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak ; nguni&#039;t may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo ? Sapagka&#039;t nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa , at pinaiinit ang mga yaon sa alabok , At kinalilimutang mangapipisa ng paa , o mangayuyurakan ng mabangis na hayop . Siya&#039;y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya : bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan , hindi niya ikinatatakot ; Sapagka&#039;t binawian siya ng Dios ng karunungan , ni hindi siya binahaginan ng unawa . Anomang panahon na siya&#039;y napaiitaas , hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito . Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan ? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw ? Pinalulukso mo ba siya na parang balang ? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot . Siya&#039;y kumukutkot sa libis , at nagagalak sa kaniyang kalakasan , siya&#039;y sumasagupa sa mga taong may sandata . Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay : ni hindi tinatalikuran ang tabak . Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya , ang makintab na sibat at ang kalasag . Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot ; ni hindi siya naniniwala na yao&#039;y tunog ng pakakak . Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak : Aha ! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo , ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw . Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan , at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan ? Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos , at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas ? Sila&#039;y nananahan sa malaking bato , at doon tumitira , sa taluktok ng burol at sa katibayan , Mula roo&#039;y tumitingin siya ng madadagit ; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo . Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo : at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya . Bukod dito&#039;y sumagot ang Panginoon kay Job , at nagsabi , Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat ? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios , ay sagutin niya ito . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job sa Panginoon , at nagsabi , Narito , ako&#039;y walang kabuluhan ; anong isasagot ko sa iyo ? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig , Minsan ay nagsalita ako , at hindi ako sasagot : Oo , makalawa , nguni&#039;t hindi ako magpapatuloy . Nang magkagayo&#039;y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo , at nagsabi , Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake : ako&#039;y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin . Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan ? Iyo bang hahatulan ako , upang ikaw ay ariing ganap ? O mayroon ka bang kamay na parang Dios ? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya ? Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan ; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan . Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit : at tunghan mo ang bawa&#039;t palalo , at abain mo siya . Masdan mo ang bawa&#039;t palalo , at papangumbabain mo siya ; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan . Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama ; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako . Kung magkagayo&#039;y ipahayag naman kita ; na maililigtas ka ng iyong kanan . Narito ngayon , ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo : siya&#039;y kumakain ng damo na gaya ng baka . Narito , ngayon , ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang , at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan . Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro : ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran . Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso ; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal . Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios : ang lumalang sa kaniya , ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya . Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain ; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang . Siya&#039;y humihiga sa ilalim ng punong loto , sa puwang ng mga tambo , at mga lumbak . Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim ; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis . Narito , kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig : siya&#039;y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga . May kukuha ba sa kaniya pag siya&#039;y natatanod , o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo . Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit ? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali ? Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong ? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit ? Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo ? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo ? Makikipagtipan ba siya sa iyo , upang ariin mo siyang alipin magpakailan man ? Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon ? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga ? Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda ? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal ? Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal , o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda ? Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya ; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin . Narito , ang pagasa riyan ay walang kabuluhan : hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon ? Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon : sino ngang makatatayo sa harap ko ? Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya ? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin . Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan , ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan , ni sa kaniya mang mainam na hugis . Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit ? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil ? Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha ? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan . Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan , nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit . Nagkakadikit sa isa&#039;t isa , na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon . Sila&#039;y nagkakasugpongan sa isa&#039;t isa ; Nagkakalakip na magkasama , na hindi maihihiwalay . Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy , at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga . Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo , at mga alipatong apoy ay nagsisilabas . Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok , na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib . Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga , at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig . Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan , at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya . Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan ; nangagtutumibay sa kaniya ; hindi magagalaw . Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato ; Oo , matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan . Pagka siya&#039;y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan : dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila . Kung siya&#039;y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab ; ni ng sibat man , ng pana , ni ng matalas na tulis man . Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami , at ang tanso na parang lapok na kahoy . Hindi niya mapatakas ng palaso : ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya&#039;y parang pinagputulan ng trigo . Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo : kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat . Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga : lumalaganap na tila saksak sa banlik . Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok : kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid . Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya ; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman . Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya , na likhang walang takot . Kaniyang minamasdan ang bawa&#039;t mataas na bagay : siya&#039;y hari sa lahat ng mga anak na palalo . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Job sa Panginoon , at nagsabi , Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay , at wala kang akala na mapipigil . Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman ? Kaya&#039;t aking sinambit na hindi ko nauunawa , mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman . Dinggin mo , isinasamo ko sa iyo , at ako&#039;y magsasalita ; ako&#039;y magtatanong sa iyo , at magpahayag ka sa akin . Narinig kita sa pakikinig ng pakinig ; nguni&#039;t ngayo&#039;y nakikita ka ng aking mata , Kaya&#039;t ako&#039;y nayayamot sa sarili , at nagsisisi ako sa alabok at mga abo . At nangyari , na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job , sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita , Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo , at laban sa iyong dalawang kaibigan : sapagka&#039;t hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid , na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job . Kaya&#039;t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka , at pitong lalaking tupa , at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job , at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin : at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job : sapagka&#039;t siya&#039;y aking tatanggapin , baka kayo&#039;y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan ; sapagka&#039;t hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid , na gaya ng aking lingkod na si Job . Sa gayo&#039;y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita , at si Bildad na Suhita , at si Sophar na Naamatita , at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon : at nilingap ng Panginoon si Job . At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job , nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan ; at binigyan ng Panginoon si Job na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati . Nang magkagayo&#039;y nagsiparoon sa kaniya ang lahat niyang mga kapatid na lalake at babae , at lahat na naging kakilala niya ng una , at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay ; at nakipagdamdam sa kaniya , at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon : bawa&#039;t tao nama&#039;y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi , at bawa&#039;t isa&#039;y ng isang singsing na ginto . Sa gayo&#039;y pinagpala ng Panginoon , ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula : at siya&#039;y nagkaroon ng labing apat na libong tupa , at anim na libong kamelyo , at isang libong tuwang na baka , at isang libong asnong babae . Siya nama&#039;y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae . At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima ; at ang pangalan ng ikalawa , Cesiah , at ang pangalan ng ikatlo , Keren-hapuch . At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job : at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid . At pagkatapos nito&#039;y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon , at nakita niya ang kaniyang mga anak , at ang mga anak ng kaniyang mga anak , hanggang sa apat na saling lahi . Gayon namatay si Job , na matanda at puspos ng mga kaarawan . </passage></reply></GetPassage>