<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:19</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:19</urn><passage>Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama , ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan , ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak . Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon ; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi . At siya&#039;y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig , na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan , ang kaniyang dahon nama&#039;y hindi malalanta ; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa . Ang masama ay hindi gayon ; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin . Kaya&#039;t ang masama ay hindi tatayo sa paghatol , ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid . Sapagka&#039;t nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid : nguni&#039;t ang lakad ng masama ay mapapahamak . Bakit ang mga bansa ay nangagugulo , at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay ? Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda , at ang mga pinuno ay nagsasanggunian , Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis , na sinasabi : Lagutin natin ang kanilang tali , at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin . Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa : ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan . Kung magkagayo&#039;y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot , at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob : Gayon ma&#039;y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion . Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya : sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay aking anak ; sa araw na ito ay ipinanganak kita . Humingi ka sa akin , at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana , at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari . Sila&#039;y iyong babaliin ng isang pamalong bakal ; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok . Ngayon nga&#039;y magpakapantas kayo , Oh kayong mga hari : mangatuto kayo , kayong mga hukom sa lupa . Kayo&#039;y mangaglingkod sa Panginoon na may takot , at mangagalak na may panginginig . Hagkan ninyo ang anak , baka magalit siya , at kayo&#039;y mangapahamak sa daan , sapagka&#039;t ang kaniyang poot ay madaling magalab . Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya . Panginoon , ano&#039;t ang aking mga kaaway ay nagsisidami ! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin . Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa : walang tulong sa kaniya ang Dios . ( Selah ) Nguni&#039;t ikaw , Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko : aking kaluwalhatian ; at siyang tagapagtaas ng aking ulo . Ako&#039;y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon , at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok . ( Selah ) Ako&#039;y nahiga , at natulog ; ako&#039;y nagising ; sapagka&#039;t inaalalayan ako ng Panginoon . Ako&#039;y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan , na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot . Bumangon ka , Oh Panginoon ; iligtas mo ako , Oh aking Dios : sapagka&#039;t iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway ; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama . Pagliligtas ay ukol sa Panginoon : sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala . ( Selah ) Sagutin mo ako , pagka tumatawag ako , Oh Dios ng aking katuwiran ; inilagay mo ako sa kaluwagan , nang ako&#039;y nasa kagipitan : maawa ka sa akin , at dinggin mo ang aking dalangin . Oh kayong mga anak ng tao , hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian ? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan , at hahanap sa kabulaanan ? ( Selah ) Nguni&#039;t talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal : didinggin ng Panginoon pagka ako&#039;y tumawag sa kaniya . Kayo&#039;y magsipanginig , at huwag mangagkasala : mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan , at kayo&#039;y magsitahimik . Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran , at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon . Marami ang mangagsasabi , sinong magpapakita sa amin ng mabuti ? Panginoon , pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin . Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso , ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil , at kanilang alak ay magsidami . Payapa akong hihiga at gayon din matutulog : sapagka&#039;t ikaw , Panginoon , pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan . Pakinggan mo ang aking mga salita , Oh Panginoon , pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay . Dinggin mo ang tinig ng aking daing , Hari ko , at Dios ko ; sapagka&#039;t sa iyo&#039;y dumadalangin ako . Oh Panginoon , sa kinaumagaha&#039;y didinggin mo ang aking tinig ; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo , at magbabantay ako . Sapagka&#039;t ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan : ang masama ay hindi tatahang kasama mo . Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin : iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan . Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan : kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya , Nguni&#039;t sa ganang akin , sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay ; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo . Patnubayan mo ako , Oh Panginoon , sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway ; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko . Sapagka&#039;t walang pagtatapat sa kanilang bibig ; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan ; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan ; sila&#039;y nanganunuya ng kanilang dila . Bigyan mong sala sila , Oh Dios ; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo : palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang ; Sapagka&#039;t sila&#039;y nanganghimagsik laban sa iyo , Nguni&#039;t iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo , pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man , sapagka&#039;t iyong ipinagsasanggalang sila : mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan . Sapagka&#039;t iyong pagpapalain ang matuwid ; Oh Panginoon , lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag . Oh Panginoon , huwag mo akong sawayin sa iyong galit , ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob . Maawa ka sa akin , Oh Panginoon ; sapagka&#039;t ako&#039;y naluluoy , Oh Panginoon , pagalingin mo ako ; sapagka&#039;t ang aking mga buto ay nagsisipangalog . Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam : at ikaw , Oh Panginoon , hanggang kailan ? Bumalik ka , Oh Panginoon , palayain mo ang aking kaluluwa : iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob . Sapagka&#039;t sa kamatayan ay walang alaala sa iyo ; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo ? Ako&#039;y pagal ng aking pagdaing ; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan ; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha . Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan ; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway . Magsilayo kayo sa akin , kayong lahat na manggagawa ng kasamaan : sapagka&#039;t narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis . Narinig ng Panginoon ang aking pananaing ; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin . Lahat ng kaaway ko&#039;y mapapahiya , at mababagabag na mainam : sila&#039;y magsisibalik , sila&#039;y mangapapahiyang kagyat . Oh Panginoon kong Dios , sa iyo nanganganlong ako . Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin , at palayain mo ako : Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa , na lurayin ito , habang walang magligtas . Oh Panginoon kong Dios , kung ginawa ko ito ; kung may kasamaan sa aking mga kamay ; Kung ako&#039;y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin ; ( Oo , aking pinawalan siya , na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway : ) Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa , at abutan ; Oo , yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa , at ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok . ( Selah ) Ikaw ay bumangon , Oh Panginoon , sa iyong galit , magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway ; at gumising ka dahil sa akin ; ikaw ay nagutos ng kahatulan . At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot : at sila&#039;y pihitan mong nasa mataas ka . Ang panginoo&#039;y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan : iyong hatulan ako , Oh Panginoon , ayon sa aking katuwiran , at sa aking pagtatapat na nasa akin . Oh wakasan ang kasamaan ng masama , nguni&#039;t itatag mo ang matuwid ; sapagka&#039;t sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso . Ang aking kalasag ay sa Dios . na nagliligtas ng matuwid sa puso . Ang Dios ay matuwid na hukom , Oo , Dios na may galit araw-araw . Kung ang tao ay hindi magbalik-loob , kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak ; kaniyang iniakma ang kaniyang busog , at inihanda . Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan ; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana . Narito , siya&#039;y nagdaramdam ng kasamaan ; Oo , siya&#039;y naglihi ng kasamaan , at nanganak ng kabulaanan . Siya&#039;y gumawa ng balon , at hinukay , at nahulog sa hukay na kaniyang ginawa . Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo , at ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan . Ako&#039;y magpapasalamat sa Panginoon , ayon sa kaniyang katuwiran : at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan . Oh Panginoon , aming Panginoon , pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa ! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit . Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan , dahil sa iyong mga kaaway , upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti . Pagka binubulay ko ang iyong mga langit , ang gawa ng iyong mga daliri , ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos ; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya ? At ang anak ng tao , upang iyong dalawin siya ? Sapagka&#039;t iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios , at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan . Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay ; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa : Lahat na tupa at baka , Oo , at ang mga hayop sa parang ; Ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga isda sa dagat , anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat . Oh Panginoon , aming Panginoon , pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa ! Ako&#039;y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso ; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa . Ako&#039;y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo : ako&#039;y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan , Oh ikaw na kataastaasan . Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik , sila&#039;y matitisod at malilipol sa iyong harapan . Sapagka&#039;t iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap ; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran . Iyong sinaway ang mga bansa , iyong nilipol ang masama , iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man . Ang kaaway ay dumating sa wakas , sila&#039;y lipol magpakailan man ; at ang mga siyudad na iyong dinaig , ang tanging alaala sa kanila ay napawi . Nguni&#039;t ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man : inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan . At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan , siya&#039;y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao . Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati , matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan ; At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo ; sapagka&#039;t ikaw , Panginoon , ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo . Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon , na nagsisitahan sa Sion : ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa . Sapagka&#039;t siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila : hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha . Maawa ka sa akin , Oh Panginoon ; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin , ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan ; Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan : sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion , ako&#039;y magagalak sa iyong pagliligtas . Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa : sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli . Ang Panginoon ay napakilala , siya&#039;y naglapat ng kahatulan : ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay . ( Higgaion . Selah ) Ang masama ay mauuwi sa Sheol , pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios . Sapagka&#039;t ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan , ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man . Bumangon ka , Oh Panginoon ; huwag manaig ang tao : mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin . Ilagay mo sila sa katakutan Oh , Panginoon : ipakilala mo sa mga bansa na sila&#039;y mga tao lamang . ( Selah ) Bakit ka tumatayong malayo , Oh Panginoon ? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan ? Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam ; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala . Sapagka&#039;t ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso , at ang mapagimbot ay nagtatakuwil , oo , nagwawalang kabuluhan sa Panginoon . Ang masama , sa kapalaluan ng kaniyang mukha , ay nagsasabi , hindi niya sisiyasatin . Lahat niyang pagiisip ay , walang Dios . Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon ; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin : tungkol sa lahat niyang mga kaaway , tinutuya niya sila . Sinasabi niya sa kaniyang puso , Hindi ako makikilos : sa lahat ng sali&#039;t saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan . Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw , at pagdaraya , at pang-aapi : sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan . Siya&#039;y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon : sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala ; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili . Siya&#039;y bumabakay sa kubli , na parang leon sa kaniyang lungga : siya&#039;y nagaabang upang hulihin ang dukha : hinuhuli niya ang dukha , pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya . Siya&#039;y naninibasib , siya&#039;y nagpapakaliit , at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas . Sinasabi niya sa kaniyang puso : ang Dios ay nakalimot : kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha , hindi na niya makikita kailan man . Bumangon ka , Oh Panginoon , Oh Dios , itaas mo ang iyong kamay : huwag mong kalimutan ang dukha . Bakit sinusumpa ng masama ang Dios , at nagsasabi sa kaniyang puso : hindi mo sisiyasatin ? Iyong nakita ; sapagka&#039;t iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay : ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo ; ikaw ay naging tagakandili sa ulila . Baliin mo ang bisig ng masama : at tungkol sa masamang tao , pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan . Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man . Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain . Panginoon , iyong narinig ang nasa ng mga maamo : iyong ihahanda ang kanilang puso , iyong pakikinggan ng iyong pakinig : Upang hatulan ang ulila at ang napipighati , upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa . Sa Panginoon ay nanganganlong ako : ano&#039;t inyong sinasabi sa aking kaluluwa , tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok ? Sapagka&#039;t , narito , binalantok ng masama ang busog , kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting , upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso , Kung ang mga patibayan ay masira , anong magagawa ng matuwid ? Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo , ang Panginoon , ang kaniyang luklukan ay nasa langit ; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas , ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid , sa mga anak ng mga tao . Sinusubok ng Panginoon ang matuwid ; nguni&#039;t ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa . Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo ; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay matuwid ; minamahal niya ang katuwiran : Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha . Tumulong ka , Panginoon , sapagka&#039;t ang banal na tao ay nalilipol ; sapagka&#039;t nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao . Sila&#039;y nangagsasalitaan bawa&#039;t isa ng kabulaanan , sa kanikaniyang kapuwa : na may mapanuyang labi , at may giring pulang puso na nangagsasalita . Ihihiwalay ng Panginoon , ang lahat na mapanuyang labi , ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay : Na nagsipagsabi , sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami ; ang aming mga labi ay aming sarili : sino ang panginoon sa amin ? Dahil sa pagsamsam sa dukha , dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan , titindig nga ako , sabi ng Panginoon ; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian . Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita ; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa , na makapitong dinalisay . Iyong iingatan sila , Oh Panginoon , iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man . Ang masama ay naggala saa&#039;t saan man . Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao . Hanggang kailan , Oh Panginoon ? iyong kalilimutan ako magpakailan man ? Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin ? Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa , na may kalumbayan sa aking puso buong araw ? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin ? Iyong bulayin , at sagutin mo ako , Oh Panginoon kong Dios : liwanagan mo ang aking mga mata , baka ako&#039;y matulog ng tulog na kamatayan ; Baka sabihin ng aking kaaway , ako&#039;y nanaig laban sa kaniya ; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako&#039;y nakilos . Nguni&#039;t ako&#039;y tumiwala sa iyong kagandahang-loob . Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas : Ako&#039;y aawit sa Panginoon , sapagka&#039;t ginawan niya ako ng sagana . Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso , walang Dios : sila&#039;y nangapapahamak , sila&#039;y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa ; walang gumagawa ng mabuti , Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit , upang tingnan , kung may sinomang nakakaunawa , na hinahanap ng Dios . Silang lahat ay nagsihiwalay ; sila&#039;y magkakasama na naging kahalayhalay ; walang gumagawa ng mabuti , wala , wala kahit isa . Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan ? na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay , at hindi nagsisitawag sa Panginoon . Doo&#039;y nangapasa malaking katakutan sila : sapagka&#039;t ang Dios ay nasa lahi ng matuwid . Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha , sapagka&#039;t ang Panginoon ang kaniyang kanlungan . Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling sa Sion ! Kung ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan , magagalak nga ang Jacob , at masasayahan ang Israel . Panginoon , sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo ? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok ? Siyang lumalakad na matuwid , at gumagawa ng katuwiran , at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso . Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila , ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan , ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa . Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama ; kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon , siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago , Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo , ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala . Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man . Ingatan mo ako , Oh Dios ; sapagka&#039;t sa iyo nanganganlong ako . Oh kaluluwa ko , iyong sinabi sa Panginoon , ikaw ay aking Panginoon : ako&#039;y walang kabutihan liban sa iyo . Tungkol sa mga banal na nangasa lupa , sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos . Ang mga kalumbayan nila ay dadami , na nangaghahandog sa ibang dios : ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog , ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi . Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro : iyong inaalalayan ang aking kapalaran . Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako ; Oo , ako&#039;y may mainam na mana . Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo : Oo , tinuturuan ako sa gabi ng aking puso . Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko : sapagka&#039;t kung siya ay nasa aking kanan , hindi ako makikilos . Kaya&#039;t ang aking puso ay masaya , at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak : ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay . Sapagka&#039;t hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol ; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan . Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay : nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan ; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man . Dinggin mo ang matuwid , Oh Panginoon , pakinggan mo ang aking daing ; ulinigin mo ang aking panalangin , na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi . Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan ; masdan ng iyong mga mata ang karampatan . Iyong sinubok ang aking puso ; iyong dinalaw ako sa kinagabihan ; iyong nilitis ako , at wala kang nasumpungan ; ako&#039;y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang . Tungkol sa mga gawa ng mga tao , sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi . Ako&#039;y nagingat sa mga daan ng pangdadahas . Ang aking mga hakbang ay nagsipanatili sa iyong mga landas , ang aking mga paa ay hindi nangadulas . Ako&#039;y tumawag sa iyo , sapagka&#039;t ikaw ay sasagot sa akin , Oh Dios : Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin , at dinggin mo ang aking pananalita . Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob , Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo . Sa nagsisibangon laban sa kanila , sa pamamagitan ng iyong kanan . Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata , ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak , Sa masama na sumasamsam sa akin , sa aking mga kaaway na nagsisipatay , na nagsisikubkub sa akin . Sila&#039;y nangabalot sa kanilang sariling taba : sila&#039;y nangagsasalita ng kanilang bibig na may kapalaluan . Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang : itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa . Sila&#039;y parang leon na masiba sa kaniyang huli , at parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako . Bumangon ka , Oh Panginoon , harapin mo siya , ilugmok mo siya : iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak ; Sa mga tao , sa pamamagitan ng iyong kamay , Oh Panginoon , sa mga tao ng sanglibutan , na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito , at ang tiyan nila&#039;y pinupuno mo ng iyong kayamanan : kanilang binubusog ang kanilang mga anak , at iniiwan nila ang natira sa kanilang pag-aari sa kanilang sanggol . Tungkol sa akin , aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran : ako&#039;y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis . Iniibig kita , Oh Panginoon , na aking kalakasan . Ang Panginoon ay aking malaking bato , at aking kuta , at aking tagapagligtas ; aking Dios , aking malaking bato na sa kaniya&#039;y manganganlong ako ; aking kalasag , at siyang sungay ng aking kaligtasan , aking matayog na moog . Ako&#039;y tatawag sa Panginoon , na marapat na purihin : sa gayo&#039;y maliligtas ako sa aking mga kaaway . Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan , at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan . Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko : ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin . Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon , at dumaing ako sa aking Dios : dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo , at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig . Nang magkagayo&#039;y nauga at nayanig ang lupa , ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos , at nauga , sapagka&#039;t siya&#039;y napoot . Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong , at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok : mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon . Kaniya namang iniyuko ang mga langit , at ibinaba ; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa . At siya&#039;y sumakay sa isang querubin , at lumipad : Oo , siya&#039;y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin . Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako , ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya ; mga kadiliman ng tubig , masinsing mga alapaap sa langit . Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap , mga granizo at mga bagang apoy . Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit , at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig ; mga granizo , at mga bagang apoy . At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana , at pinapangalat sila ; Oo , mga kidlat na di masayod at ginulo sila . Nang magkagayo&#039;y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig , at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan , sa iyong pagsaway , Oh Panginoon , sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong . Siya&#039;y nagsugo mula sa itaas , kinuha niya ako ; sinagip niya ako sa maraming tubig . Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway , At sa mga nangagtatanim sa akin , sapagka&#039;t sila&#039;y totoong makapangyarihan sa ganang akin . Sila&#039;y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan , nguni&#039;t ang Panginoon ay siyang aking gabay . Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako ; iniligtas niya ako , sapagka&#039;t siya&#039;y nalulugod sa akin . Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran ; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako . Sapagka&#039;t aking iningatan ang mga daan ng Panginoon , at hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios . Sapagka&#039;t lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko , at hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin . Ako rin nama&#039;y sakdal sa kaniya , at ako&#039;y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan . Kaya&#039;t ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran , ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin . Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin ; sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal ; Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay ; at sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas . Sapagka&#039;t iyong ililigtas ang napipighating bayan : nguni&#039;t ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa . Sapagka&#039;t iyong papagniningasin ang aking ilawan ; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman . Sapagka&#039;t sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo ; at sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta . Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal : ang salita ng Panginoon ay subok ; siya&#039;y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya , Sapagka&#039;t sino ang Dios , liban sa Panginoon ? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios ? Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan , at nagpapasakdal sa aking lakad . Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa : at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako . Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma , na anopa&#039;t ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso . Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas : at inalalayan ako ng iyong kanan , at pinadakila ako ng iyong kahinahunan . Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko , at ang aking mga paa ay hindi nangadulas . Aking hahabulin ang aking mga kaaway , at aabutan ko sila : hindi man ako babalik hanggang sa sila&#039;y malipol . Aking sasaktan sila , na anopa&#039;t sila&#039;y huwag makatayo : sila&#039;y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa . Sapagka&#039;t iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka : iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin . Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway , upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin . Sila&#039;y nagsihiyaw , nguni&#039;t walang magligtas : pati sa Panginoon , nguni&#039;t hindi niya sinagot sila . Nang magkagayo&#039;y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin : aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan . Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan ; iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa : isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin . Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako ; ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin . Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka , at sila&#039;y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako . Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato ; at dakilain ang Dios ng aking kaligtasan : Sa makatuwid baga&#039;y ang Dios na ipinanghihiganti ako , at nagpapasuko ng mga bayan sa akin . Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway : Oo , itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin : iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao . Kaya&#039;t ako&#039;y magpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bansa , at aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan . Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari ; at nagpapakita ng kagandahang-loob sa kaniyang pinahiran ng langis . Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man . Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios ; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay . Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita , at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman . Walang pananalita o wika man ; ang kanilang tinig ay hindi marinig . Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa , at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan . Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw , Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid . At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo . Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit , at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon : at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon . Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal , na nagsasauli ng kaluluwa : ang patotoo ng Panginoon ay tunay , na nagpapapantas sa hangal . Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid , na nagpapagalak sa puso : ang utos ng Panginoon ay dalisay , na nagpapaliwanag ng mga mata . Ang takot sa Panginoon ay malinis , na nananatili magpakailan man : ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan , at lubos na matuwid . Mga pinipitang higit kay sa ginto , oo , higit kay sa maraming dalisay na ginto : lalong mainam kay sa pulot , at sa pulot-pukyutan . Higit dito&#039;y sa pamamagitan ng mga iyo&#039;y mapagpapaunahan ang iyong lingkod : sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala . Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian ? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian . Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala : huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin : kung magkagayo&#039;y magiging matuwid ako , at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang . Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig , at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin , Oh Panginoon , na aking malaking bato , at aking manunubos . Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan ; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob ; Saklolohan ka mula sa santuario , at palakasin ka mula sa Sion ; Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog , at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog ; ( Selah ) Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso , at tuparin ang lahat ng iyong payo . Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas , at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat : ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi . Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis ; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay . Ang iba ay tumitiwala sa mga karo , at ang iba ay sa mga kabayo : nguni&#039;t babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios . Sila&#039;y nangakasubsob at buwal : nguni&#039;t kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid . Magligtas ka , Panginoon : sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag . Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan , Oh Panginoon ; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya ! Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso , at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi . ( Selah ) Sapagka&#039;t iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan : iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo . Siya&#039;y humingi ng buhay sa iyo , iyong binigyan siya ; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man . Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas : karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya . Sapagka&#039;t ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man : iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan . Sapagka&#039;t ang hari ay tumitiwala sa Panginoon , at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos . Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway : masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo . Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit . Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot , at susupukin sila ng apoy . Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa , at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao . Sapagka&#039;t sila&#039;y nagakala ng kasamaan laban sa iyo : sila&#039;y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa . Sapagka&#039;t iyong patatalikurin sila , ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila . Mataas ka , Oh Panginoon , sa iyong kalakasan : sa gayo&#039;y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan . Dios ko , Dios ko , bakit mo ako pinabayaan ? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin , at sa mga salita ng aking pagangal ? Oh Dios ko , ako&#039;y humihiyaw sa araw , nguni&#039;t hindi ka sumasagot : at sa gabi , at hindi ako tahimik . Nguni&#039;t ikaw ay banal , Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel . Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo : sila&#039;y nagsitiwala , at iyong iniligtas sila . Sila&#039;y nagsidaing sa iyo at nangaligtas : sila&#039;y nagsitiwala sa iyo , at hindi nangapahiya . Nguni&#039;t ako&#039;y uod at hindi tao ; duwahagi sa mga tao , at hinamak ng bayan . Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako : inilalawit nila ang labi , iginagalaw nila ang ulo , na sinasabi , Magpakatiwala ka sa Panginoon ; iligtas niya siya : iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya : Nguni&#039;t ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata : Pinatiwala mo ako nang ako&#039;y nasa mga suso ng aking ina . Ako&#039;y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata : ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina . Huwag mo akong layuan ; sapagka&#039;t kabagabagan ay malapit ; sapagka&#039;t walang tumulong . Niligid ako ng maraming toro ; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin . Sila&#039;y magbubuka sa akin ng kanilang bibig , na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon . Ako&#039;y nabuhos na parang tubig , at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad : ang aking puso ay parang pagkit ; natutunaw ito sa loob ko . Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga ; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala ; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan . Sapagka&#039;t niligid ako ng mga aso : kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama ; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa . Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto ; kanilang minamasdan , at pinapansin ako : Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila , at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan . Nguni&#039;t huwag kang lumayo , Oh Panginoon : Oh ikaw na aking saklolo , magmadali kang tulungan mo ako . Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak ; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso . Iligtas mo ako sa bibig ng leon ; Oo , mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako . Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid : sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita . Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya : kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya ; at magsitayong may takot sa kaniya , kayong lahat na binhi ni Israel . Sapagka&#039;t hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati ; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya ; kundi nang siya&#039;y dumaing sa kaniya , ay kaniyang dininig . Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan : aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya . Ang maamo ay kakain at mabubusog : kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya ; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man . Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala , at magsisipanumbalik sa Panginoon : at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo . Sapagka&#039;t ang kaharian ay sa Panginoon : at siya ang puno sa mga bansa . Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain , at magsisisamba : silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya , sa makatuwid baga&#039;y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa . Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya , sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi , Sila&#039;y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran , sa bayan na ipanganganak ay ibabalita , yaong kaniyang ginawa . Ang Panginoon ay aking pastor ; hindi ako mangangailangan . Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan : pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan , Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa : pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan . Oo , bagaman ako&#039;y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan , wala akong katatakutang kasamaan ; sapagka&#039;t ikaw ay sumasa akin : ang iyong pamalo at ang iyong tungkod , ay nagsisialiw sa akin . Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway : iyong pinahiran ang aking ulo ng langis ; ang aking saro ay inaapawan . Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay : at ako&#039;y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man . Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito ; ang sanglibutan , at silang nagsisitahan dito . Sapagka&#039;t itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat , at itinatayo sa ibabaw ng mga baha . Sinong aahon sa bundok ng Panginoon ? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal ? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso ; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan , at hindi sumumpa na may kabulaanan . Siya&#039;y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon , at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan . Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya , na nagsisihanap ng iyong mukha , sa makatuwid baga&#039;y Jacob . ( Selah ) Itaas ninyo ang inyong mga ulo , Oh kayong mga pintuang-bayan ; at kayo&#039;y mangataas , kayong mga walang hanggang pintuan : at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok . Sino ang Hari ng kaluwalhatian ? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan , ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka . Itaas ninyo ang inyong mga ulo , Oh kayong mga pintuang-bayan ; Oo , magsitaas kayo , kayong mga walang hanggang pintuan : at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok . Sino itong Hari ng kaluwalhatian ? Ang Panginoon ng mga hukbo , siya ang Hari ng kaluwalhatian . ( Selah ) Sa iyo , Oh Panginoon , iginagawad ko ang aking kaluluwa . Oh Dios ko sa iyo&#039;y tumiwala ako , huwag nawa akong mapahiya ; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway . Oo , walang naghihintay sa iyo na mapapahiya ; sila&#039;y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan , Ituro mo sa akin ang iyong mga daan , Oh Panginoon ; ituro mo sa akin ang iyong mga landas . Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan , at ituro mo sa akin ; sapagka&#039;t ikaw ay Dios ng aking kaligtasan ; sa iyo&#039;y naghihintay ako buong araw . Iyong alalahanin , Oh Panginoon , ang iyong malumanay na mga kaawaan , at ang iyong mga kagandahang-loob ; sapagka&#039;t magpakailan man mula ng una . Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan , ni ang aking mga pagsalangsang : ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako , dahil sa iyong kabutihan , Oh Panginoon . Mabuti at matuwid ang Panginoon : kaya&#039;t tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan . Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan : at ituturo niya sa maamo ang daan niya . Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo . Dahil sa iyong pangalan , Oh Panginoon , iyong ipatawad ang aking kasamaan , sapagka&#039;t malaki . Anong tao siya na natatakot sa Panginoon ? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin . Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan ; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain . Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya ; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan . Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon ; sapagka&#039;t huhugutin niya ang aking mga paa sa silo . Panumbalikan mo ako , at maawa ka sa akin ; sapagka&#039;t ako&#039;y nag-iisa at nagdadalamhati . Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki : Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan . Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam ; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan . Masdan mo ang aking mga kaaway , sapagka&#039;t sila&#039;y marami ; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit . Oh ingatan mo ang aking kaluluwa , at iyong iligtas ako : huwag nawa akong mapahiya , sapagka&#039;t nanganganlong ako sa iyo . Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran , sapagka&#039;t hinihintay kita . Tubusin mo ang Israel , Oh Dios , mula sa lahat na kaniyang kabagabagan . Iyong hatulan ako Oh Panginoon , sapagka&#039;t ako&#039;y lumakad sa aking pagtatapat : ako naman ay tumiwala sa Panginoon , na walang bulay-bulay . Siyasatin mo ako , Oh Panginoon , at iyong subukin ako ; subukin mo ang aking puso at ang aking isip . Sapagka&#039;t ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata : at ako&#039;y lumakad sa iyong katotohanan . Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao ; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari . Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan , at hindi ako uupo na kaumpok ng masama . Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala ; sa gayo&#039;y aking lilibirin ang iyong dambana , Oh Panginoon : Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat , at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa . Panginoon , aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay , at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian . Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan , ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao : Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan , at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol . Nguni&#039;t tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat : iyong tubusin ako , at mahabag ka sa akin . Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako : sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon . Ang Panginoon ay aking liwanag , at aking kaligtasan : kanino ako matatakot ? Ang Panginoon , ay katibayan ng aking buhay ; kanino ako masisindak ? Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman , ang aking mga kaaway at aking mga kaalit , sila&#039;y nangatisod at nangarapa . Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin , hindi matatakot ang aking puso : bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin , gayon ma&#039;y titiwala rin ako . Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon , na aking hahanapin ; na ako&#039;y makatahan sa bahay ng Panginoon , lahat ng mga kaarawan ng aking buhay , upang malasin ang kagandahan ng Panginoon , at magusisa sa kaniyang templo . Sapagka&#039;t sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong : sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako ; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato . At ngayo&#039;y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko ; at ako&#039;y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan ; ako&#039;y aawit , oo , ako&#039;y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon . Dinggin mo , Oh Panginoon , pagka ako&#039;y sumisigaw ng aking tinig : maawa ka rin sa akin , at sagutin mo ako . Nang iyong sabihin , hanapin ninyo ang aking mukha ; ang aking puso ay nagsabi sa iyo , ang iyong mukha , Panginoon , ay hahanapin ko . Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin ; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit : ikaw ay naging aking saklolo ; huwag mo akong itakuwil , o pabayaan man , Oh Dios ng aking kaligtasan . Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina , gayon ma&#039;y dadamputin ako ng Panginoon . Ituro mo sa akin ang iyong daan , Oh Panginoon : at patnubayan mo ako sa patag na landas , dahil sa aking mga kaaway . Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway : sapagka&#039;t mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin , at ang nagsisihinga ng kabagsikan . Ako sana&#039;y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon . Sa lupain ng may buhay . Magantay ka sa Panginoon : ikaw ay magpakalakas , at magdalang tapang ang iyong puso ; Oo , umasa ka sa Panginoon . Sa iyo , Oh Panginoon , tatawag ako ; bato ko , huwag kang magpakabingi sa akin : baka kung ikaw ay tumahimik sa akin , ako&#039;y maging gaya nila na bumaba sa hukay . Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing , pagka ako&#039;y dumadaing sa iyo , pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo . Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama , at ng mga manggagawa ng kasamaan ; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa , Nguni&#039;t kasamaan ay nasa kanilang mga puso . Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa , at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain : gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay . Bayaran mo sila ng ukol sa kanila , Sapagka&#039;t ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon , ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay , kaniyang ibabagsak sila , at hindi sila itatayo . Purihin ang Panginoon , sapagka&#039;t dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing . Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag ; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya , at ako&#039;y nasaklolohan : kaya&#039;t ang aking puso ay nagagalak na mainam ; at aking pupurihin siya ng aking awit . Ang Panginoon ay kanilang kalakasan , at siya&#039;y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis . Iligtas mo ang iyong bayan , at pagpalain mo ang iyong pamana : naging pastor ka rin naman nila , at alalayan mo sila magpakailan man . Mangagbigay kayo sa Panginoon , Oh kayong mga anak ng makapangyarihan , mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan . Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan : inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan . Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig : ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog , sa makatuwid baga&#039;y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig . Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan ; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan . Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro ; Oo , pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano . Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya : ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka . Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon . Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang : niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades . Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa , at hinuhubdan ang mga gubat : at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa&#039;t bagay : kaluwalhatian . Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari ; Oo , ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man . Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan ; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan . Dadakilain kita , Oh Panginoon ; sapagka&#039;t itinindig mo ako , at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway . Oh Panginoon kong Dios , dumaing ako sa iyo , at ako&#039;y pinagaling mo . Oh Panginoon , iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol : iyong iningatan akong buhay , upang huwag akong bumaba sa hukay . Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon , Oh kayong mga banal niya , at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan . Sapagka&#039;t ang kaniyang galit ay sangdali lamang ; ang kaniyang paglingap ay habang buhay : pagiyak ay magtatagal ng magdamag , nguni&#039;t kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan . Tungkol sa akin , sinabi ko sa aking kaginhawahan : hindi ako makikilos kailan man . Ikaw , Panginoon , sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok : iyong ikinubli ang iyong mukha ; ako&#039;y nabagabag . Ako&#039;y dumaing sa iyo , Oh Panginoon ; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik : Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo , pagka ako&#039;y mababa sa hukay ? Pupuri ba sa iyo ang alabok ? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan ? Iyong dinggin , Oh Panginoon , at maawa ka sa akin : Panginoon , maging saklolo nawa kita . Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis ; iyong kinalag ang aking kayong magaspang , at binigkisan mo ako ng kasayahan : Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik : Oh Panginoon kong Dios , ako&#039;y magpapasalamat sa iyo magpakailan man . Sa iyo , Oh Panginoon , nanganganlong ako ; huwag akong mapahiya kailan man ; palayain mo ako sa iyong katuwiran . Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin ; iligtas mo akong madali : maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin , bahay na sanggalangan upang iligtas ako . Sapagka&#039;t ikaw ang aking malaking bato , at aking kuta ; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako , at patnubayan mo ako . Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin ; sapagka&#039;t ikaw ang aking katibayan . Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa ; iyong tinubos ako , Oh Panginoon , ikaw na Dios ng katotohanan . Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan : nguni&#039;t tumitiwala ako sa Panginoon . Ako&#039;y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob : sapagka&#039;t iyong nakita ang aking kadalamhatian : iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan : At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway ; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako . Maawa ka sa akin , Oh Panginoon , sapagka&#039;t ako&#039;y nasa kahirapan : ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan , oo , ang aking kaluluwa , at aking katawan . Sapagka&#039;t ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan , at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga : ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan , at ang aking mga buto ay nangangatog . Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako , Oo , lubha nga sa aking mga kapuwa , at takot sa aking mga kakilala : silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako . Ako&#039;y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao : Ako&#039;y parang basag na sisidlan . Sapagka&#039;t aking narinig ang paninirang puri ng marami , kakilabutan sa bawa&#039;t dako . Samantalang sila&#039;y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin , kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay . Nguni&#039;t tumiwala ako sa iyo , Oh Panginoon : aking sinabi : Ikaw ay aking Dios . Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay : iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway , at sa mga nagsisiusig sa akin . Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod : iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob . Huwag nawa akong mapahiya , Oh Panginoon ; sapagka&#039;t ako&#039;y tumawag sa iyo : mapahiya nawa ang masama , magsitahimik nawa sila sa Sheol . Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi ; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan , ng kapalaluan at paghamak . Oh pagkadakila ng iyong kabutihan , na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo , na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo , sa harap ng mga anak ng mga tao ! Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao : iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila . Purihin ang Panginoon : sapagka&#039;t ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan . Tungkol sa akin , sinabi ko sa aking pagmamadali , nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata : gayon ma&#039;y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik , nang ako&#039;y dumaing sa iyo . Oh ibigin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na mga banal niya : pinalalagi ng Panginoon ang tapat , at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo . Kayo&#039;y mangagpakalakas , at mangagdalang tapang ang inyong puso , kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon . Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang , na tinakpan ang kasalanan . Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon , at walang pagdaraya ang diwa niya . Nang ako&#039;y tumahimik , ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw . Sapagka&#039;t araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay : ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit . ( Selah ) Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo , at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli : aking sinabi , aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon ; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan . Dahil dito&#039;y dalanginan ka nawa ng bawa&#039;t isa na banal sa panahong masusumpungan ka : tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya . Ikaw ay aking kublihang dako ; iyong iingatan ako sa kabagabagan ; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan . ( Selah ) Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran : papayuhan kita na ang aking mga mata , ay nakatitig sa iyo . Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo , o gaya ng mula na walang unawa : na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila , na kung dili&#039;y hindi sila magsisilapit sa iyo . Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama : nguni&#039;t siyang tumitiwala sa Panginoon , kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot . Kayo&#039;y mangatuwa sa Panginoon , at mangagalak kayo , kayong mga matuwid : at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso . Mangagalak kayo sa Panginoon , Oh kayong mga matuwid : pagpuri ay maganda sa ganang matuwid . Kayo&#039;y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa : magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas . Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit ; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay . Sapagka&#039;t ang salita ng Panginoon ay matuwid ; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat . Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan : ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon . Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit ; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig . Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton : inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan . Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon : magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya . Sapagka&#039;t siya&#039;y nagsalita , at nangyari ; siya&#039;y nagutos , at tumayong matatag . Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa : kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan . Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man , ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon ; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana . Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit ; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao ; Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa ; Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat , na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa . Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo : ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan . Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas : ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan ; Narito , ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya , sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob ; Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan , at upang ingatan silang buhay sa kagutom . Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon : siya&#039;y aming saklolo at aming kalasag . Sapagka&#039;t ang aming puso ay magagalak sa kaniya , sapagka&#039;t kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan . Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , ayon sa aming pagasa sa iyo . Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon : ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig . Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon : maririnig ng maamo at masasayahan . Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon , at tayo&#039;y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan . Aking hinanap ang Panginoon , at sinagot niya ako , at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan . Sila&#039;y nagsitingin sa kaniya , at nangaliwanagan : at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man . Itong abang tao&#039;y dumaing , at dininig siya ng Panginoon . At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan . Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya , at ipinagsasanggalang sila . Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti : mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya . Oh mangatakot kayo sa Panginoon , kayong mga banal niya : sapagka&#039;t walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya . Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom . Nguni&#039;t silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay . Magsiparito kayo , kayong mga anak , dinggin ninyo ako : aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon . Sinong tao ang nagnanasa ng buhay , at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti ? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama . At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan . Lumayo ka sa kasamaan , at gumawa ka ng mabuti ; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo . Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid , at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing . Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan , upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa . Ang matuwid ay nagsidaing , at dininig ng Panginoon , at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan . Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso , at inililigtas ang mga may pagsisising diwa . Marami ang kadalamhatian ng matuwid ; nguni&#039;t inililigtas ng Panginoon sa lahat . Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto : wala isa man sa mga yaon na nababali . Papatayin ng kasamaan ang masama : at silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala . Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod : at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala . Awayin mo , Oh Panginoon , silang nagsisiaway sa akin : lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin . Humawak ka ng kalasag at ng longki , at tumayo ka na pinaka tulong sa akin . Kumuha ka rin naman ng sibat , at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin : sabihin mo sa aking kaluluwa , Ako&#039;y iyong kaligtasan . Mangahiya nawa sila , at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa : mangapabalik sila , at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan . Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin , at itaboy sila ng anghel ng Panginoon . Maging madilim nawa , at madulas ang kanilang daan , at habulin sila ng anghel ng Panginoon . Sapagka&#039;t walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay , walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa . Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak ; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli : mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya . At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon : magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas . Lahat ng aking mga buto ay magsasabi , Panginoon , sino ang gaya mo , na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya , Oo , ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya ? Mga saksing masasama ay nagsisitayo ; sila&#039;y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman . Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti , sa pagpapaulila ng aking kaluluwa . Nguni&#039;t tungkol sa akin , nang sila&#039;y may sakit , ang aking suot ay magaspang na kayo : aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno ; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan . Ako&#039;y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid : ako&#039;y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina . Nguni&#039;t pagka ako&#039;y natisod sila&#039;y nangagagalak , at nagpipisan : ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin , at hindi ko nalaman ; Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan , kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin . Panginoon , hanggang kailan titingin ka ? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira , ang aking sinta mula sa mga leon . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan : aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao . Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway ; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan . Sapagka&#039;t sila&#039;y hindi nangagsasalita ng kapayapaan : kundi sila&#039;y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain . Oo , kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin ; kanilang sinasabi : Aha , aha , nakita ng aming mata . Iyong nakita ito , Oh Panginoon ; huwag kang tumahimik , Oh Panginoon , huwag kang lumayo sa akin . Kumilos ka , at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan , sa aking usap , Dios ko at Panginoon ko . Hatulan mo ako , Oh Panginoon kong Dios , ayon sa iyong katuwiran ; at huwag mo silang pagalakin sa akin . Huwag silang magsabi sa kanilang sarili : Aha , nasa namin : huwag silang magsabi : Aming sinakmal siya . Mangapahiya nawa sila , at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak : manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin . Magsihiyaw nawa ng kagalakan , at mangasayahan , ang nagsisilingap ng aking katuwiran : Oo , mangagsabi nawa silang palagi : Dakilain ang Panginoon , na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod . At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran , at ng pagpuri sa iyo sa buong araw . Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso : walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata . Sapagka&#039;t siya&#039;y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata , na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman . Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan : iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti . Siya&#039;y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan ; siya&#039;y lumagay sa isang daan na hindi mabuti ; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan . Ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , ay nasa mga langit : ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit . Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios : ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman : Oh Panginoon , iyong iniingatan ang tao at hayop . Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob , Oh Dios ! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak . Sila&#039;y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay ; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran . Sapagka&#039;t nasa iyo ang bukal ng buhay : sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag . Oh , ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo : at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso . Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan , at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama . Doo&#039;y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan : sila&#039;y nangalugmok at hindi makakatindig . Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan , ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan . Sapagka&#039;t sila&#039;y madaling puputuling gaya ng damo , at matutuyong gaya ng sariwang damo . Tumiwala ka sa Panginoon , at gumawa ka ng mabuti ; tumahan ka sa lupain , at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat . Magpakaligaya ka naman sa Panginoon ; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso . Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon ; tumiwala ka rin naman sa kaniya , at kaniyang papangyayarihin . At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran , at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat . Ikaw ay magpahinga sa Panginoon , at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya : huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad , dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha . Maglikat ka ng pagkagalit , at bayaan mo ang poot : huwag kang mabalisa , iya&#039;y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan . Sapagka&#039;t ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay : nguni&#039;t yaong nagsipaghintay sa Panginoon , ay mangagmamana sila ng lupain . Sapagka&#039;t sangdali na lamang , at ang masama ay mawawala na : Oo , iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako , at siya&#039;y mawawala na . Nguni&#039;t ang maamo ay magmamana ng lupain , at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan . Ang masama ay kumakatha laban sa ganap , at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin . Tatawanan siya ng Panginoon : sapagka&#039;t kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating . Hinugot ng masama ang tabak , at inihanda ang kanilang busog : upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan , upang patayin ang matuwid sa paglakad : Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso , at ang kanilang busog ay mababali . Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid , kay sa kasaganaan ng maraming masama . Sapagka&#039;t ang mga bisig ng masasama ay mangababali : nguni&#039;t inaalalayan ng Panginoon ang matuwid . Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal : at ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man . Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan : at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila . Nguni&#039;t ang masama ay mamamatay , at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero : sila&#039;y mangapupugnaw : sa usok mangapupugnaw sila . Ang masama ay humihiram , at hindi nagsasauli : nguni&#039;t ang matuwid ay nahahabag , at nagbibigay . Sapagka&#039;t ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain ; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay . Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon ; at siya&#039;y nasasayahan sa kaniyang lakad . Bagaman siya&#039;y mabuwal , hindi siya lubos na mapapahiga : Sapagka&#039;t inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay . Ako&#039;y naging bata , at ngayo&#039;y matanda ; gayon ma&#039;y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan , ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay . Lahat ng araw ay nahahabag , at nagpapahiram ; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala . Ikaw ay humiwalay sa kasamaan , at gumawa ka ng mabuti ; at manahan ka magpakailan man . Sapagka&#039;t iniibig ng Panginoon ang kahatulan , at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal ; sila&#039;y iniingatan magpakailan man : nguni&#039;t ang lahi ng masama ay mahihiwalay . Mamanahin ng matuwid ang lupain , at tatahan doon magpakailan man . Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan , at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan . Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso , walang madudulas sa kaniyang mga hakbang . Inaabatan ng masama ang matuwid , at pinagsisikapang patayin niya siya . Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay , ni parurusahan man siya pagka siya&#039;y nahatulan . Hintayin mo ang Panginoon , at ingatan mo ang kaniyang daan , at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain : pagka nahiwalay ang masama , iyong makikita . Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan , at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan . Nguni&#039;t may dumaan at , narito , wala na siya : Oo , hinanap ko siya , nguni&#039;t hindi siya masumpungan . Tandaan mo ang sakdal na tao , at masdan mo ang matuwid : sapagka&#039;t may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan . Tungkol sa mga mananalangsang , mangalilipol silang magkakasama : ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay . Nguni&#039;t ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon : siya&#039;y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan . At sila&#039;y tinutulungan ng Panginoon , at sinasagip sila : sinasagip niya sila sa masama , at inililigtas sila . Sapagka&#039;t sila&#039;y nagsipagkanlong sa kaniya . Oh Panginoon , huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit : ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob . Sapagka&#039;t ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin , at pinipisil akong mainam ng iyong kamay . Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit ; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan . Sapagka&#039;t ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo : gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin . Ang aking mga sugat ay mabaho , at putokputok , dahil sa aking kamangmangan . Ako&#039;y nahirapan at ako&#039;y nahukot ; ako&#039;y tumatangis buong araw . Sapagka&#039;t ang aking mga balakang ay lipos ng hirap ; at walang kagalingan sa aking laman . Ako&#039;y nanglalata , at bugbog na mainam : ako&#039;y umangal dahil sa kaba ng aking loob . Panginoon , lahat ng aking nais ay nasa harap mo ; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo . Ang aking loob ay kakabakaba , ang aking kalakasan ay nanglalata : tungkol sa liwanag ng aking mga mata , ay napawi rin ito sa akin . Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap ; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo . Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin ; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay , at nangagiisip ng pagdaraya buong araw . Nguni&#039;t ako&#039;y gaya ng binging tao , na hindi nakakarinig ; at ako&#039;y gaya ng piping tao , na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig . Oo , ako&#039;y gaya ng tao na hindi nakakarinig , at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan . Sapagka&#039;t sa iyo , Oh Panginoon ay umaasa ako : ikaw ay sasagot , Oh Panginoon kong Dios . Sapagka&#039;t aking sinabi : Baka ako&#039;y kagalakan nila : pagka ang aking paa ay nadudulas , ay nagsisipagmataas sila laban sa akin . Sapagka&#039;t ako&#039;y madali ng mahulog , at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko . Sapagka&#039;t aking ipahahayag ang aking kasamaan ; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan . Nguni&#039;t ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas : at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami . Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko , sapagka&#039;t aking sinunod ang bagay na mabuti . Huwag mo akong pabayaan , Oh Panginoon : Oh Dios ko , huwag kang lumayo sa akin . Magmadali kang tulungan mo ako , Oh Panginoon na aking kaligtasan . Aking sinabi , ako&#039;y magiingat sa aking mga lakad , upang huwag akong magkasala ng aking dila : aking iingatan ang aking dila ng paningkaw , samantalang ang masama ay nasa harap ko . Ako&#039;y napipi ng pagtahimik , ako&#039;y tumahimik pati sa mabuti ; at ang aking kalungkutan ay lumubha . Ang aking puso ay mainit sa loob ko ; habang ako&#039;y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy : nang magkagayo&#039;y nagsalita ako ng aking dila : Panginoon , ipakilala mo sa akin ang aking wakas , at ang sukat ng aking mga kaarawan , kung ano ; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako . Narito , gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan ; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo : tunay na bawa&#039;t tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan . ( Selah ) Tunay na bawa&#039;t tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim : tunay na sila&#039;y nagugulo ng walang kabuluhan : kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan , at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot . At ngayon , Panginoon , ano pa ang aking hinihintay ? Ang aking pagasa ay nasa iyo . Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang : huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal . Ako&#039;y pipi , hindi ko ibinuka ang aking bibig ; sapagka&#039;t ikaw ang gumawa . Iurong mo sa akin ang iyong suntok : ako&#039;y bugbog na sa suntok ng iyong kamay . Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao , iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga : tunay na bawa&#039;t tao ay walang kabuluhan . ( Selah ) Iyong dinggin ang aking dalangin , Oh Panginoon , at pakinggan mo ang aking daing : huwag kang tumahimik sa aking mga luha : sapagka&#039;t ako&#039;y taga ibang lupa na kasama mo ; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang . Oh tulungan mo ako , upang ako&#039;y magbawing lakas , Bago ako manaw , at mawala . Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon ; at siya&#039;y kumiling sa akin , at dininig ang aking daing . Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon , mula sa balahong malagkit ; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato , at itinatag ang aking mga paglakad . At siya&#039;y naglagay ng bagong awit sa aking bibig , sa makatuwid baga&#039;y pagpuri sa aming Dios : marami ang mangakakakita at mangatatakot , at magsisitiwala sa Panginoon . Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon , at hindi iginagalang ang palalo , ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan . Marami , Oh Panginoon kong Dios , ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa , at ang iyong mga pagiisip sa amin : hindi malalagay na maayos sa harap mo ; kung ako&#039;y magpapahayag at sasalitain ko sila , sila&#039;y higit kay sa mabibilang . Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran ; ang aking pakinig ay iyong binuksan : handog na susunugin , at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko : Narito , dumating ako ; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin : Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban , Oh Dios ko ; Oo , ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso . Ako&#039;y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan ; narito , hindi ko pipigilin ang aking mga labi , Oh Panginoon , iyong nalalaman . Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso ; aking ibinalita ang iyong pagtatapat , at ang iyong pagliligtas : hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan . Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan , Oh Panginoon : panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan . Sapagka&#039;t kinulong ako ng walang bilang na kasamaan . Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin , na anopa&#039;t hindi ako makatingin ; sila&#039;y higit kay sa mga buhok ng aking ulo , at ang aking puso ay nagpalata sa akin . Kalugdan mo nawa , Oh Panginoon , na iligtas ako : Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako , Oh Panginoon . Sila&#039;y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak : Sila nawa&#039;y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan . Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin , Aha , aha . Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo : yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi , Ang Panginoon ay dakilain . Nguni&#039;t ako&#039;y dukha at mapagkailangan ; Gayon ma&#039;y inalaala ako ng Panginoon : Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas ; huwag kang magluwat , Oh Dios ko . Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha : ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan . Pananatilihin siya , at iingatan siyang buhay ng Panginoon , at siya&#039;y pagpapalain sa ibabaw ng lupa ; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway . Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina : iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit . Aking sinabi , Oh Panginoon , maawa ka sa akin : pagalingin mo ang aking kaluluwa ; sapagka&#039;t ako&#039;y nagkasala laban sa iyo . Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin , na nangagsasabi , kailan siya mamamatay , at mapapawi ang kaniyang pangalan ? At kung siya&#039;y pumaritong tingnang ako siya&#039;y nagsasalita ng walang kabuluhan ; ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili ; pagka siya&#039;y lumabas , isinasaysay niya . Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin : laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak . Isang masamang sakit , wika nila , ay kumapit na madali sa kaniya ; at ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa . Oo , ang aking kasamasamang kaibigan , na aking tiniwalaan , na kumain ng aking tinapay , nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin . Nguni&#039;t ikaw , Oh Panginoon , maawa ka sa akin , at ibangon mo ako , upang aking magantihan sila . Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin , sapagka&#039;t ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin . At tungkol sa akin , iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat , at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man . Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan . Siya nawa , at Siya nawa . Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis , gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo , Oh Dios . Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios , ang buhay na Dios : kailan ako paririto , at haharap sa Dios ? Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi , Habang kanilang sinasabing lagi sa akin , saan nandoon ang iyong Dios ? Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala , at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko , kung paanong ako&#039;y nagpatuloy sa karamihan , at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios , na may tinig ng kagalakan at pagpupuri , na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan . Bakit ka nanglulumo , Oh kaluluwa ko ? At bakit ka nababagabag sa loob ko ? Umasa ka sa Dios : sapagka&#039;t pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha . Oh Dios ko , ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko ; kaya&#039;t aking inaalaala ka mula sa lupain ng Jordan , at ng Hermonitas , mula sa burol ng Mizhar . Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha : lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin . Gayon ma&#039;y uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw , at sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya , sa makatuwid baga&#039;y isang dalangin sa Dios ng aking buhay . Aking sasabihin sa Dios na aking malaking bato , bakit mo ako kinalimutan ? Bakit ako&#039;y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway ? Na wari tabak sa aking mga buto , na tinutuya ako ng aking mga kaaway ; habang sinasabi nilang lagi sa akin , saan nandoon ang iyong Dios ? Bakit ka nanglulumo , Oh kaluluwa ko ? At bakit ka nababagabag sa loob ko ? Umasa ka sa Dios : sapagka&#039;t pupuri pa ako sa kaniya , na siyang kagalingan ng aking mukha , at aking Dios . Hatulan mo ako , Oh Dios , at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa : Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao . Sapagka&#039;t ikaw ang Dios ng aking kalakasan ; bakit mo ako itinakuwil ? Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway ? Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan ; patnubayan nawa nila ako : dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok , at sa iyong mga tabernakulo . Kung magkagayo&#039;y paparoon ako sa dambana ng Dios , sa Dios na aking malabis na kagalakan : at sa alpa ay pupuri ako sa iyo , Oh Dios , aking Dios . Bakit ka nanglulumo , Oh kaluluwa ko ? At bakit ka nababagabag sa loob ko ? Umasa ka sa Dios : sapagka&#039;t pupuri pa ako sa kaniya , na siyang kagalingan ng aking mukha , at aking Dios . Narinig namin ng aming mga pakinig , Oh Dios , isinaysay sa amin ng aming mga magulang , kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan , ng mga kaarawan ng una . Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa , nguni&#039;t itinatag mo sila ; iyong dinalamhati ang mga bayan , nguni&#039;t iyong pinangalat sila . Sapagka&#039;t hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak , ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay : kundi ng iyong kanan , at ng iyong bisig , at ng liwanag ng iyong mukha , sapagka&#039;t iyong nilingap sila . Ikaw ang aking Hari , Oh Dios : magutos ka ng kaligtasan sa Jacob . Dahil sa iyo&#039;y itutulak namin ang aming mga kaaway : sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin . Sapagka&#039;t hindi ako titiwala sa aking busog , ni ililigtas man ako ng aking tabak . Nguni&#039;t iniligtas mo kami sa aming mga kaaway , at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin . Sa Dios ay naghahambog kami buong araw , at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man . ( Selah ) Nguni&#039;t ngayo&#039;y itinakuwil mo kami , at inilagay mo kami sa kasiraang puri ; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo . Iyong pinatatalikod kami sa kaaway : at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili . Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain ; at pinangalat mo kami sa mga bansa . Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad , at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga . Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa , isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin . Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa , at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan . Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri , at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin , Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw ; dahil sa kaaway at sa manghihiganti . Lahat ng ito&#039;y dumating sa amin ; gayon ma&#039;y hindi namin kinalimutan ka , ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan . Ang aming puso ay hindi tumalikod , ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan ; Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal , at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan . Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios , O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios ; Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios ? Sapagka&#039;t nalalaman niya ang mga lihim ng puso . Oo , dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw ; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan . Ikaw ay gumising , bakit ka natutulog , Oh Panginoon ? Ikaw ay bumangon , huwag mo kaming itakuwil magpakailan man . Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha , at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian ? Sapagka&#039;t ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok : ang aming katawan ay nadidikit sa lupa . Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan , at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob . Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay : aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari : ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat . Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao ; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi : kaya&#039;t pinagpala ka ng Dios magpakailan man . Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita , Oh makapangyarihan , kalakip ang iyong kaluwalhatian at ang iyong kamahalan . At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan , dahil sa katotohanan , at sa kaamuan , at sa katuwiran : at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay . Ang iyong mga palaso ay matulis ; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo : sila&#039;y nangasa puso ng mga kaaway ng hari . Ang iyong luklukan , Oh Dios , ay magpakailan-kailan man : cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian . Iyong iniibig ang katuwiran , at pinagtataniman ang kasamaan : kaya&#039;t ang Dios , ang iyong Dios , ay nagpahid sa iyo ng langis , ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama . Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira , at aloe , at kasia : mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad . Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae : sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto sa Ophir . Iyong dinggin , Oh anak na babae , at iyong pakundanganan , at ikiling mo ang iyong pakinig ; kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan , at ang bahay ng iyong magulang ; Sa gayo&#039;y nanasain ng hari ang iyong kagandahan ; sapagka&#039;t siya&#039;y iyong panginoon ; at sumamba ka sa kaniya . At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na may kaloob ; pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay mamamanhik ng iyong lingap . Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari . Ang kaniyang suot ay yaring may ginto . Siya&#039;y ihahatid sa hari na may suot na bordado : ang mga dalaga , na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya , ay dadalhin sa iyo . May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila : sila&#039;y magsisipasok sa bahay-hari . Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak , na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa . Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali&#039;t saling lahi : kaya&#039;t ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man . Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan , handang saklolo sa kabagabagan . Kaya&#039;t hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago , at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat ; Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag . Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon . ( Selah ) May isang ilog , na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios . Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan . Ang Dios ay nasa gitna niya ; siya&#039;y hindi makikilos : tutulungan siya ng Dios na maaga . Ang mga bansa ay nangagkagulo , ang mga kaharian ay nangakilos : inihiyaw niya ang kaniyang tinig , ang lupa ay natunaw . Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin ; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan . ( Selah ) Kayo&#039;y parito , inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon , kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa . Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa ; kaniyang binabali ang busog , at pinuputol ang sibat ; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy . Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios : ako&#039;y mabubunyi sa gitna ng mga bansa , ako&#039;y mabubunyi sa lupa . Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin ; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan . Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan ; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay . Sapagka&#039;t ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot ; siya&#039;y dakilang Hari sa buong lupa . Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin , at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa . Kaniyang ipipili tayo ng ating mana , ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal . ( Selah ) Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan , ang Panginoon na may tunog ng pakakak . Kayo&#039;y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios , kayo&#039;y magsiawit ng mga pagpuri : kayo&#039;y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari , kayo&#039;y magsiawit ng mga pagpuri . Sapagka&#039;t ang Dios ay Hari ng buong lupa : magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa . Ang Dios ay naghahari sa mga bansa : ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan . Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham ; sapagka&#039;t ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios ; siya&#039;y totoong bunyi . Dakila ang Panginoon , at marapat pakapurihin , sa bayan ng aming Dios , sa kaniyang banal na bundok . Maganda sa kataasan , ang kagalakan ng buong lupa , siyang bundok ng Sion , sa mga dako ng hilagaan , na bayan ng dakilang Hari . Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari , na pinakakanlungan . Sapagka&#039;t narito , ang mga hari ay nagpupulong , sila&#039;y nagsidaang magkakasama . Kanilang nakita , nagsipanggilalas nga sila ; sila&#039;y nanganglupaypay , sila&#039;y nangagmadaling tumakas . Panginginig ay humawak sa kanila roon ; sakit , gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam . Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis . Kung ano ang aming narinig , ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo , sa bayan ng aming Dios : itatatag ito ng Dios magpakailan man . ( Selah ) Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob , Oh Dios , sa gitna ng iyong templo . Kung ano ang iyong pangalan , Oh Dios , gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa ; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran . Matuwa ka bundok ng Sion , magalak ang mga anak na babae ng Juda , dahil sa iyong mga kahatulan . Libutin ninyo ang Sion , at inyong ligirin siya : inyong saysayin ang mga moog niyaon . Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta , inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari ; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi . Sapagka&#039;t ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man : siya&#039;y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan . Dinggin ninyo ito , ninyong lahat na mga bayan ; pakinggan ninyo , ninyong lahat na nananahan sa daigdig : Ng mababa at gayon din ng mataas , ng mayaman at ng dukha na magkasama . Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan ; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa . Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga : ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa . Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan , pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong ? Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan , at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan ; Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid , ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya : ( Sapagka&#039;t ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal , at ito&#039;y naglilikat magpakailan man : ) Upang siya&#039;y mabuhay na lagi , upang siya&#039;y huwag makakita ng kabulukan . Sapagka&#039;t nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay , ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol , at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba . Ang kanilang pagiisip sa loob ay , na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man , at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali&#039;t saling lahi ; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan . Nguni&#039;t ang tao&#039;y hindi lalagi sa karangalan : siya&#039;y gaya ng mga hayop na nangamamatay . Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan : gayon ma&#039;y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan . ( Selah ) Sila&#039;y nangatakda sa Sheol na parang kawan ; kamatayan ay magiging pastor sa kanila : at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan ; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw , upang mawalan ng tahanan . Nguni&#039;t tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol : sapagka&#039;t tatanggapin niya ako . ( Selah ) Huwag kang matakot pagka may yumaman . Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago : Sapagka&#039;t pagka siya&#039;y namatay ay wala siyang dadalhin ; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya . Bagaman habang siya&#039;y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa , ( at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili ) , Siya&#039;y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang ; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag . Taong nasa karangalan , at hindi nakakaunawa , ay gaya ng mga hayop na namamatay . Ang makapangyarihang Dios , ang Dios na Panginoon , ay nagsalita , at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon . Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan , sumilang ang Dios . Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik ; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya , at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya . Siya&#039;y tatawag sa langit sa itaas , at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan : Pisanin mo ang aking mga banal sa akin ; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain . At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran ; sapagka&#039;t ang Dios ay siyang hukom . ( Selah ) Iyong dinggin , Oh aking bayan , at ako&#039;y magsasalita ; Oh Israel , at ako&#039;y magpapatotoo sa iyo : Ako&#039;y Dios , iyong Dios . Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain ; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko . Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay , ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan . Sapagka&#039;t bawa&#039;t hayop sa gubat ay akin , at ang hayop sa libong burol . Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok : at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin . Kung ako&#039;y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo : sapagka&#039;t ang sanglibutan ay akin , at ang buong narito . Kakanin ko ba ang laman ng mga toro , o iinumin ang dugo ng mga kambing ? Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat : at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan : At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan ; ililigtas kita , at iyong luluwalhatiin ako . Nguni&#039;t sa masama ay sinasabi ng Dios , Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan , at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig ? Palibhasa&#039;t iyong kinapopootan ang pagtuturo , at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo . Pagka nakakita ka ng magnanakaw , pumipisan ka sa kaniya , at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya . Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan , at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan . Ikaw ay nauupo , at nagsasalita laban sa iyong kapatid ; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina . Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa , at ako&#039;y tumahimik ; iyong inisip na tunay na ako&#039;y gayong gaya mo : nguni&#039;t sasawayin kita , at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata . Gunitain nga ninyo ito , ninyong nangakalilimot sa Dios , baka kayo&#039;y aking pagluraylurayin at walang magligtas : Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin ; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios . Maawa ka sa akin , Oh Dios , ayon sa iyong kagandahang-loob : ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang . Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan , at linisin mo ako sa aking kasalanan . Sapagka&#039;t kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang : at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko . Laban sa iyo , sa iyo lamang ako nagkasala , at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin : upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka , at maging malinis pag humahatol ka . Narito , ako&#039;y inanyuan sa kasamaan ; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina , Narito , ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap ; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan . Linisin mo ako ng hisopo , at ako&#039;y magiging malinis : hugasan mo ako at ako&#039;y magiging lalong maputi kay sa nieve . Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan ; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak . Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan , at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan . Likhaan mo ako ng isang malinis na puso , Oh Dios ; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko . Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan ; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin . Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas : at alalayan ako ng kusang espiritu . Kung magkagayo&#039;y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad ; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo . Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo , Oh Dios , ikaw na Dios ng aking kaligtasan ; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran . Oh Panginoon , bukhin mo ang aking mga labi ; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan . Sapagka&#039;t hindi ka nalulugod sa hain ; na kung dili ay bibigyan kita : wala kang kaluguran sa handog na susunugin . Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob : isang bagbag at may pagsisising puso , Oh Dios , ay hindi mo wawaling kabuluhan . Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion : itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem . Kung magkagayo&#039;y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran , sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo : kung magkagayo&#039;y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana . Bakit ka naghahambog sa kasamaan , Oh makapangyarihang tao ? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi . Ang dila mo&#039;y kumakatha ng totoong masama ; gaya ng matalas na pangahit , na gumagawang may karayaan . Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan ; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran . ( Selah ) Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita , Oh ikaw na magdarayang dila . Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man , itataas ka niya , at ilalabas ka sa iyong tolda , at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay . ( Selah ) Makikita naman ng matuwid , at matatakot , at tatawa sa kaniya , na magsasabi , Narito , ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan , ang Dios ; kundi tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan , at nagpakalakas sa kaniyang kasamaan . Nguni&#039;t tungkol sa akin , ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios : tumitiwala ako sa kagandahang-loob ng Dios magpakailan-kailan man . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo magpakailan man , sapagka&#039;t iyong ginawa : at ako&#039;y maghihintay sa iyong pangalan sapagka&#039;t mabuti , sa harapan ng iyong mga banal . Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya , Walang Dios . Nangapahamak sila , at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan ; walang gumawa ng mabuti . Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit , upang tignan kung may sinomang nakakaunawa , na humanap sa Dios . Bawa&#039;t isa sa kanila ay tumalikod : sila&#039;y magkakasamang naging mahahalay ; walang gumawa ng mabuti , wala , wala kahit isa . Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan ? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay , at hindi nagsisitawag sa Dios . Doo&#039;y nangapasa malaking katakutan sila na hindi kinaroroonan ng takot : sapagka&#039;t pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo ; iyong inilagay sila sa kahihiyan , sapagka&#039;t itinakuwil sila ng Dios . Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion . Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan , magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel . Iligtas mo ako , Oh Dios , sa pamamagitan ng iyong pangalan . At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan . Dinggin mo ang aking dalangin , Oh Dios ; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig . Sapagka&#039;t ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin , at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa : hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila . ( Selah ) Narito , ang Dios ay aking katulong : ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa . Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway : gibain mo sila sa iyong katotohanan . Ako&#039;y maghahain sa iyo ng kusang handog : ako&#039;y magpapasalamat sa iyong pangalan , Oh Panginoon , sapagka&#039;t mabuti . Sapagka&#039;t iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan ; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway . Dinggin mo ang aking dalangin , Oh Dios ; at huwag kang magkubli sa aking pananaing . Pakinggan mo ako , at iyong sagutin ako : ako&#039;y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam , at ako&#039;y dumadaing ; Dahil sa tinig ng kaaway , dahil sa pagpighati ng masama ; sapagka&#039;t sila&#039;y naghagis ng kasamaan sa akin , at sa galit ay inuusig nila ako . Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko : at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin . Katakutan at panginginig ay dumating sa akin , at tinakpan ako ng kakilabutan . At aking sinabi , Oh kung ako&#039;y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati ! Lilipad nga ako , at magpapahinga . Narito , kung magkagayo&#039;y gagala ako sa malayo , ako&#039;y titigil sa ilang . ( Selah ) Ako&#039;y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo . Ipahamak mo , Oh Panginoon , at guluhin mo ang kanilang wika : sapagka&#039;t ako&#039;y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan . Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon : kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon . Kasamaan ay nasa gitna niyaon ; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan . Sapagka&#039;t hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin ; akin nga sanang nabata : ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin ; nagtago nga sana ako sa kaniya : Kundi ikaw , lalake na kagaya ko , aking kasama at aking kaibigang matalik . Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama , tayo&#039;y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios . Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan , mababa nawa silang buhay sa Sheol : sapagka&#039;t kasamaan ay nasa kanilang tahanan , sa gitna nila . Tungkol sa akin , ay tatawag ako sa Dios ; at ililigtas ako ng Panginoon . Sa hapon at sa umaga , at sa katanghaliang tapat , ako&#039;y dadaing at hihibik : at kaniyang didinggin ang aking tinig . Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin : Sapagka&#039;t sila&#039;y marami na nakikipaglaban sa akin . Didinggin ng Dios , at paghihigantihan sila , siyang tumatahan ng una . ( Selah ) Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya : kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan . Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya : nguni&#039;t ang kaniyang puso ay pakikidigma : ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis , gayon ma&#039;y mga bunot na tabak . Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon , at kaniyang aalalayan ka : hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid . Nguni&#039;t ikaw , Oh Dios , ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan : mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan ; nguni&#039;t titiwala ako sa iyo . Maawa ka sa akin , Oh Dios : sapagka&#039;t sasakmalin ako ng tao : buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako . Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw : sapagka&#039;t sila&#039;y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin . Sa panahong ako&#039;y matakot , aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo . Sa Dios ( ay pupuri ako ng kaniyang salita ) , sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala , hindi ako matatakot ; anong magagawa ng laman sa akin ? Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita : lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama . Sila&#039;y nagpipisan , sila&#039;y nagsisipagkubli , kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang , gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa . Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama ? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan , Oh Dios . Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala : ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya ; wala ba sila sa iyong aklat ? Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako&#039;y tumawag : ito&#039;y nalalaman ko , sapagka&#039;t ang Dios ay kakampi ko . Sa Dios ( ay pupuri ako ng salita ) , sa Panginoon ( ay pupuri ako ng salita ) , Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala , hindi ako matatakot ; anong magagawa ng tao sa akin ? Ang iyong mga panata ay sa akin , Oh Dios : ako&#039;y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo . Sapagka&#039;t iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan : hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog ? upang ako&#039;y makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay . Maawa ka sa akin , Oh Dios , maawa ka sa akin ; sapagka&#039;t ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo . Oo , sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako , hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito . Ako&#039;y dadaing sa Dios na Kataastaasan ; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin . Siya&#039;y magsusugo mula sa langit , at ililigtas ako , pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi ; ( Selah ) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan . Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon : ako&#039;y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy , sa mga anak ng tao , na ang mga ngipin ay sibat at mga pana , at ang kanilang dila ay matalas na tabak . Mabunyi ka , Oh Dios , sa itaas ng mga langit ; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa . Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang . Ang aking kaluluwa ay nakayuko : sila&#039;y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko . Sila&#039;y nangahulog sa gitna niyaon . ( Selah ) Ang aking puso ay matatag , Oh Dios , ang aking puso ay matatag : ako&#039;y aawit , oo , ako&#039;y aawit ng mga pagpuri . Gumising ka , kaluwalhatian ko ; gumising ka , salterio at alpa : ako&#039;y gigising na maaga . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bayan : ako&#039;y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa . Sapagka&#039;t ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit , at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap . Mabunyi ka , Oh Dios , sa itaas ng mga langit ; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa . Tunay bang kayo&#039;y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan ? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid , Oh kayong mga anak ng mga tao ? Oo , sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan ; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa . Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata : sila&#039;y naliligaw pagkapanganak sa kanila , na nagsasalita ng mga kasinungalingan . Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas : sila&#039;y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig ; At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador , na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan . Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin , Oh Dios , sa kanilang bibig : iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon , Oh Panginoon . Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos : pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso , maging gaya nawa ng nangaluray . Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi : na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw . Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong , kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo , ang sariwa at gayon din ang nagniningas . Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti : kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama . Na anopa&#039;t sasabihin ng mga tao , Katotohanang may kagantihan sa matuwid : katotohanang may Dios na humahatol sa lupa . Iligtas mo ako sa aking mga kaaway , Oh Dios ko : ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin . Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan , at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao . Sapagka&#039;t narito , kanilang binabakayan ang aking kaluluwa ; ang mga makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin : hindi dahil sa aking pagsalangsang , o sa aking kasalanan man , Oh Panginoon . Sila&#039;y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala : ikaw ay gumising na tulungan mo ako , at masdan mo . Sa makatuwid baga&#039;y ikaw , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , na Dios ng Israel , ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa : huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang . ( Selah ) Sila&#039;y nagsibalik sa kinahapunan , sila&#039;y nagsitahol na parang aso , at nililigid ang bayan . Narito , sila&#039;y nanunungayaw ng kanilang bibig ; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi : sapagka&#039;t sino , sabi nila , ang nakikinig ? Nguni&#039;t ikaw , Oh Panginoon , tatawa sa kanila ; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa . Dahil sa kaniyang kalakasan , didinggin kita ; sapagka&#039;t ang Dios ay aking matayog na moog . Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin : ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway . Huwag mo silang patayin , baka makalimot ang aking bayan ; pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan , at ibaba mo sila , Oh Panginoon na kalasag namin . Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig , at sa mga salita ng kanilang mga labi , makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan , at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita . Pugnawin mo sila sa poot , pugnawin mo sila , upang sila&#039;y mawala : at ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob , hanggang sa mga wakas ng lupa . ( Selah ) At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila , pahagulhulin mo silang parang aso , at libutin nila ang bayan . Sila&#039;y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain , at maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog . Nguni&#039;t aking aawitin ang iyong kalakasan ; Oo , aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan : sapagka&#039;t ikaw ay naging aking matayog na moog , at kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan . Sa iyo , Oh kalakasan ko , aawit ako ng mga pagpuri : sapagka&#039;t ang Dios ay aking matayog na moog , ang Dios ng aking kaawaan . Oh Dios , iniwaksi mo kami , ibinagsak mo kami ; ikaw ay nagalit ; Oh papanauliin mo kami . Iyong niyanig ang lupain ; iyong pinabuka : pagalingin mo ang mga sira niyaon : sapagka&#039;t umuuga . Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay : iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray . Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo , upang maiwagayway dahil sa katotohanan . ( Selah ) Upang ang iyong minamahal ay makaligtas , magligtas ka ng iyong kanan , at sagutin mo kami . Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan ; ako&#039;y magsasaya : aking hahatiin ang Sichem , at aking susukatin ang libis ng Succoth , Galaad ay akin , at Manases ay akin ; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo ; Juda ay aking setro . Moab ay aking hugasan ; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak ; Filistia , humiyaw ka dahil sa akin . Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan ? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom ? Hindi mo ba kami iniwaksi , Oh Dios ? At hindi ka lumalabas , Oh Dios , na kasama ng aming mga hukbo . Tulungan mo kami laban sa kaaway ; sapagka&#039;t walang kabuluhan ang tulong ng tao . Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan : sapagka&#039;t siya ang yumayapak sa aming mga kaaway . Dinggin mo ang aking daing , Oh Dios ; pakinggan mo ang aking dalangin . Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo , pagka nanglupaypay ang aking puso : patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin . Sapagka&#039;t ikaw ay naging aking kanlungan , matibay na moog sa kaaway . Ako&#039;y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man : ako&#039;y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak . ( Selah ) Sapagka&#039;t dininig mo , Oh Dios , ang aking mga panata : ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan . Iyong pahahabain ang buhay ng hari : Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon . Siya&#039;y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man : Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan , upang mapalagi siya . Sa gayo&#039;y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man . Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata . Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa : sa kaniya galing ang aking kaligtasan . Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan : siya ang aking matayog na moog ; hindi ako lubhang makikilos . Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao . Upang patayin siya ninyong lahat , na gaya ng pader na tumagilid , o bakod na nabubuwal ? Sila&#039;y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan ; sila&#039;y natutuwa sa mga kasinungalingan : sila&#039;y nagsisibasbas ng kanilang bibig , nguni&#039;t nanganunumpa sa loob . ( Selah ) Kaluluwa ko , maghintay kang tahimik sa Dios lamang ; sapagka&#039;t ang aking pagasa ay mula sa kaniya . Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan : siya&#039;y aking matayog na moog ; hindi ako makikilos . Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian ; ang malaking bato ng aking kalakasan , at ang kanlungan ko&#039;y nasa Dios . Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon , kayong mga bayan ; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya ; Dios ay kanlungan sa atin . ( Selah ) Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan , at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan : sa mga timbangan ay sasampa sila ; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan . Huwag kang tumiwala sa kapighatian , at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw : kung ang mga kayamanan ay lumago , huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso . Ang Dios ay nagsalitang minsan , makalawang aking narinig ito ; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios : Sa iyo naman , Oh Panginoon , ukol ang kagandahang-loob : sapagka&#039;t ikaw ay nagbabayad sa bawa&#039;t tao ayon sa kaniyang gawa . Oh Dios , ikaw ay Dios ko ; hahanapin kitang maaga : kinauuhawan ka ng aking kaluluwa , pinananabikan ka ng aking laman , sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig . Sa gayo&#039;y tumingin ako sa iyo sa santuario . Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian . Sapagka&#039;t ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay : pupurihin ka ng aking mga labi . Sa gayo&#039;y pupurihin kita habang ako&#039;y nabubuhay : igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan . Ang kaluluwa ko&#039;y matutuwa na gaya sa utak at taba ; at ang bibig ko&#039;y pupuri sa iyo ng masayang mga labi ; Pagka naaalaala kita sa aking higaan , at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi . Sapagka&#039;t naging katulong kita , at sa lilim ng mga pakpak mo&#039;y magagalak ako . Ang kaluluwa ko&#039;y nanununod na mainam sa iyo : inaalalayan ako ng iyong kanan . Nguni&#039;t ang nagsisihanap ng kaluluwa ko , upang ipahamak , magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa . Sila&#039;y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak : sila&#039;y magiging pagkain sa mga zorra . Nguni&#039;t ang hari ay magagalak sa Dios : bawa&#039;t sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati ; sapagka&#039;t ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin . Dinggin mo ang tinig ko , Oh Dios , sa aking hibik : ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway . Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan ; sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan : Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak , at pinahilagpos ang kanilang mga palaso , sa makatuwid baga&#039;y ang masasakit na salita : Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako : biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot . Sila&#039;y nagpapakatapang sa masamang akala ; sila&#039;y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo ; Sinasabi nila , Sinong makakakita ? Sila&#039;y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan ; aming naganap , sabi nila , ang masikap na pagsiyasat ; at ang pagiisip sa loob ng bawa&#039;t isa , at ang puso ay malalim . Nguni&#039;t pahihilagpusan sila ng Dios ; sila&#039;y masusugatang bigla ng isang palaso . Sa gayo&#039;y sila&#039;y matitisod palibhasa&#039;t ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila : ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo . At lahat ng mga tao ay mangatatakot ; at kanilang ipahahayag ang salita ng Dios , at may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa . Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon , at manganganlong sa kaniya ; at lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati . Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo , Oh Dios , sa Sion : at sa iyo&#039;y maisasagawa ang panata . Oh ikaw na dumidinig ng dalangin , sa iyo&#039;y paroroon ang lahat ng laman . Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin : tungkol sa aming pagsalangsang , ay lilinisin mo . Mapalad ang tao na iyong pinipili , at pinalalapit mo sa iyo , upang siya&#039;y makatahan sa iyong mga looban : kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay , ng iyong banal na templo . Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay , Oh Dios ng aming kaligtasan ; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa , at nila na malayo sa dagat : Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan ; palibhasa&#039;t nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan : Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat , ng hugong ng kanilang mga alon , at ng kaingay ng mga bayan . Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda : ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim . Iyong dinadalaw ang lupa , at dinidilig mo , iyong pinayayamang mainam ; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig : iyong pinagtataanan sila ng trigo , pagka&#039;t inihanda mo ang lupa . Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana ; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal ; iyong mga pinalalambot ng ambon ; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon . Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan ; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan . Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang ; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan . Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan ; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo ; sila&#039;y magsisihiyaw sa kagalakan , sila naman ay nagsisiawit . Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios , buong lupa . Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan : paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya . Inyong sabihin sa Dios , napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa ! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo . Buong lupa ay sasamba sa iyo , at aawit sa iyo ; sila&#039;y magsisiawit sa iyong pangalan . ( Selah ) Kayo ay magsiparito , at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios ; siya&#039;y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao . Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat : sila&#039;y nagsidaan ng paa sa ilog : doo&#039;y nangagalak kami sa kaniya . Siya&#039;y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man : papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa : huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik . ( Selah ) Oh purihin ninyo ang ating Dios , ninyong mga bayan , at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan : Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay , at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa . Sapagka&#039;t ikaw , Oh Dios , tinikman mo kami : Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak . Iyong isinuot kami sa silo ; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang . Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo ; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig ; nguni&#039;t dinala mo kami sa saganang dako . Ako&#039;y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin , aking babayaran sa iyo ang mga panata ko , Na sinambit ng aking mga labi , at sinalita ng aking bibig , nang ako&#039;y nasa kadalamhatian . Ako&#039;y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin , na may haing mga tupa ; ako&#039;y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing . ( Selah ) Kayo&#039;y magsiparito at dinggin ninyo , ninyong lahat na nangatatakot sa Dios , at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa . Ako&#039;y dumaing sa kaniya ng aking bibig , at siya&#039;y ibinunyi ng aking dila . Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso , hindi ako didinggin ng Panginoon : Nguni&#039;t katotohanang dininig ako ng Dios ; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin . Purihin ang Dios , na hindi iniwaksi ang aking dalangin , ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin . Dios maawa ka sa amin , at pagpalain mo kami , at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin ; ( Selah ) Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa , ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa . Purihin ka ng mga bayan , Oh Dios ; purihin ka ng lahat ng mga bayan . Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa : sapagka&#039;t iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan , at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa . ( Selah ) Purihin ka ng mga bayan , Oh Dios ; purihin ka ng lahat ng mga bayan . Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga : ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami . Pagpapalain kami ng Dios : at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya . Bumangon nawa ang Dios , mangalat ang kaniyang mga kaaway ; sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya . Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila . Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy , gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios . Nguni&#039;t mangatuwa ang matuwid ; mangagalak sila sa harap ng Dios : Oo , mangagalak sila ng kasayahan . Kayo&#039;y magsiawit sa Dios , kayo&#039;y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan : ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang ; ang kaniyang pangalan ay JAH ; at mangagalak kayo sa harap niya . Ama ng mga ulila , at hukom ng mga babaing bao , ang Dios sa kaniyang banal na tahanan . Pinapagmamaganak ng Dios ang mga nagiisa : kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo : nguni&#039;t ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa . Oh Dios , nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan , nang ikaw ay lumakad sa ilang ; ( Selah ) Ang lupa ay nayanig , ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios : ang Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios , ng Dios ng Israel . Ikaw , Oh Dios , naglagpak ng saganang ulan , iyong pinatibay ang iyong mana , noong ito&#039;y mahina . Ang iyong kapisanan ay tumahan doon : ikaw , Oh Dios , ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha . Nagbibigay ng salita ang Panginoon : ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo . Mga hari ng mga hukbo ay nagsisitakas , sila&#039;y nagsisitakas : at nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay . Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan , na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak , at ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw ? Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon , ay tila nagka nieve sa Salmon . Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan ; mataas na bundok ang bundok ng Basan . Bakit kayo&#039;y nagsisiirap , kayong matataas na mga bundok , sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan ? Oo , tatahan doon ang Panginoon magpakailan man . Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo sa makatuwid baga&#039;y libolibo : ang Panginoon ay nasa gitna nila , kung paano sa Sinai , gayon sa santuario . Sumampa ka sa mataas , pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag ; tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao , Oo , pati sa mga mapanghimagsik , upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios . Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan , sa makatuwid baga&#039;y ang Dios na siyang aming kaligtasan . ( Selah ) Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan ; at kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan . Nguni&#039;t sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway . Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala . Sinabi ng Panginoon , ibabalik ko uli mula sa Basan , ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat : Upang madurog mo sila , na nalulubog ang iyong paa sa dugo , upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway . Kanilang nakita ang iyong mga lakad , Oh Dios , sa makatuwid baga&#039;y ang lakad ng aking Dios , ng aking Hari , sa loob ng santuario . Ang mga mangaawit ay nangagpauna , ang mga manunugtog ay nagsisunod , sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta . Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan , sa makatuwid baga&#039;y ang Panginoon , ninyong mga sa bukal ng lahi ng Israel . Doo&#039;y ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno , ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong , ang mga pangulo ng Zabulon , ang mga pangulo ng Nephtali . Ang Dios mo&#039;y nagutos ng iyong kalakasan : patibayin mo , Oh Dios , ang ginawa mo sa amin . Dahil sa iyong templo sa Jerusalem mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo . Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo , ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan , na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak ; iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma . Mga pangulo ay magsisilabas sa Egipto ; magmamadali ang Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios . Magsiawit kayo sa Dios , kayong mga kaharian sa lupa ; Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon . Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit , na noon pang una : narito , binibigkas niya ang kaniyang tinig , na makapangyarihang tinig , Inyong isa Dios ang kalakasan : ang kaniyang karilagan ay nasa Israel , at ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit . Oh Dios , ikaw ay kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal : ang Dios ng Israel , ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan . Purihin ang Panginoon . Iligtas mo ako , Oh Dios ; sapagka&#039;t ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa . Ako&#039;y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan : ako&#039;y lumulubog sa malalim na tubig , na tinatabunan ako ng agos . Ako&#039;y hapo sa aking daing ; ang lalamunan ko&#039;y tuyo : ang mga mata ko&#039;y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios . Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo : silang ibig maghiwalay sa akin , na mga kaaway kong may kamalian , ay mga makapangyarihan : akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha . Oh Dios , kilala mo ang kamangmangan ko ; at ang mga kasalanan ko&#039;y hindi lihim sa iyo . Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo : huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo , Oh Dios ng Israel . Sapagka&#039;t dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan ; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha . Ako&#039;y naging iba sa aking mga kapatid , at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina . Sapagka&#039;t napuspos ako ng sikap sa iyong bahay ; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin . Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa , yao&#039;y pagkaduwahagi sa akin . Nang magsuot ako ng kayong magaspang , ay naging kawikaan ako sa kanila . Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan ; at ako ang awit ng mga lango . Nguni&#039;t tungkol sa akin , ang dalangin ko&#039;y sa iyo , Oh Panginoon , sa isang kalugodlugod na panahon : Oh Dios , sa karamihan ng iyong kagandahang-loob , Iligtas mo ako sa burak , at huwag mo akong ilubog : maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin , at sa malalim na tubig . Huwag akong tangayin ng baha , ni lamunin man ako ng kalaliman : at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin . Sagutin mo ako , Oh Panginoon ; sapagka&#039;t ang iyong kagandahang-loob ay mabuti : ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin . At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod ; sapagka&#039;t ako&#039;y nasa kahirapan ; sagutin mo akong madali . Lumapit ka sa aking kaluluwa , at tubusin mo : Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway . Talastas mo ang aking kadustaan , at ang aking kahihiyan , at ang aking kasiraang puri : ang aking mga kaaway , ay pawang nangasa harap mo . Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso ; at ako&#039;y lipos ng kabigatan ng loob : at ako&#039;y naghintay na may maawa sa akin , nguni&#039;t wala ; at mga mangaaliw , nguni&#039;t wala akong masumpungan . Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait ; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom . Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang ; at maging isang silo kung sila&#039;y nasa kapayapaan . Manglabo ang kanilang mga mata , na sila&#039;y huwag makakita ; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang . Ibugso mo ang iyong galit sa kanila , at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit . Magiba ang tahanan nila ; walang tumahan sa kanilang mga tolda . Sapagka&#039;t kanilang hinabol siya na iyong sinaktan , at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan . At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan : at huwag silang masok sa iyong katuwiran . Mapawi sila sa aklat ng buhay , at huwag masulat na kasama ng matuwid . Nguni&#039;t ako&#039;y dukha at mapanglaw : sa pamamagitan ng pagliligtas mo , Oh Dios , ay iahon mo nawa ako . Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios , at dadakilain ko siya ng pasalamat . At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka , o sa toro na may mga sungay at mga paa . Nakita ng mga maamo , at nangatuwa : mabuhay ang puso , ninyong nagsisihanap sa Dios . Sapagka&#039;t dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan , at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo . Purihin siya ng langit at lupa , ng mga dagat , at ng bawa&#039;t bagay na gumagalaw roon . Sapagka&#039;t ililigtas ng Dios ang Sion , at itatayo ang mga bayan ng Juda ; at sila&#039;y magsisitahan doon , at tatangkilikin nila na pinakaari . Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod ; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon . Magmadali ka , Oh Dios , na iligtas mo ako ; magmadali ka na tulungan mo ako , Oh Panginoon . Mangapahiya at mangalito sila , na nagsisiusig ng aking kaluluwa : mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri . Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan . Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan . Silang nangagsasabi , Aha , aha . Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo ; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan : Dakilain ang Dios . Nguni&#039;t ako&#039;y dukha at mapagkailangan ; magmadali ka sa akin , Oh Dios : ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas ; Oh Panginoon , huwag kang magluwat . Sa iyo Oh Panginoon , nanganganlong ako : huwag akong mapahiya kailan man . Iligtas mo ako sa iyong katuwiran , at sagipin mo ako : ikiling mo ang iyong pakinig sa akin , at iligtas mo ako , Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan , na aking kapaparunang lagi : ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako ; sapagka&#039;t ikaw ay aking malaking bato at aking kuta . Sagipin mo ako , Oh aking Dios , sa kamay ng masama , sa kamay ng liko at mabagsik na tao . Sapagka&#039;t ikaw ay aking pagasa , Oh Panginoong Dios : ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan . Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata : ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina : ang pagpuri ko&#039;y magiging laging sa iyo . Ako&#039;y naging isang kagilagilalas sa marami ; nguni&#039;t ikaw ang matibay kong kanlungan . Ang bibig ko&#039;y mapupuno ng pagpuri sa iyo , at ng iyong karangalan buong araw . Huwag mo akong itakuwil sa katandaan ; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay . Sapagka&#039;t ang mga kaaway ko&#039;y nangagsasalita tungkol sa akin : at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian , Na nangagsasabi , pinabayaan siya ng Dios : iyong habulin at hulihin siya ; sapagka&#039;t walang magligtas . Oh Dios , huwag kang lumayo sa akin : Oh Dios ko , magmadali kang tulungan mo ako . Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa ; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila , na nagsisihanap ng aking kapahamakan . Nguni&#039;t ako&#039;y maghihintay na palagi , at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit . Ang bibig ko&#039;y magsasaysay ng iyong katuwiran , at ng iyong pagliligtas buong araw ; sapagka&#039;t hindi ko nalalaman ang mga bilang . Ako&#039;y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios : aking babanggitin ang iyong katuwiran , sa makatuwid baga&#039;y ang iyo lamang . Oh Dios , iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan ; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa . Oo , pag ako&#039;y tumanda at may uban , Oh Dios , huwag mo akong pabayaan ; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi , ang iyong kapangyarihan sa bawa&#039;t isa na darating . Ang iyo ring katuwiran , Oh Dios , ay totoong mataas ; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay , Oh Dios , sino ang gaya mo . Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan , bubuhayin mo uli kami , at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa . Palaguin mo ang aking kadakilaan , at bumalik ka uli , at aliwin mo ako . Pupurihin din kita ng salterio , ang iyong katotohanan , Oh Dios ko ; sa iyo&#039;y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa , Oh ikaw na Banal ng Israel . Ang mga labi ko&#039;y mangagagalak na mainam pagka ako&#039;y umaawit ng mga pagpuri sa iyo ; at ang kaluluwa ko , na iyong tinubos . Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw : sapagka&#039;t sila&#039;y nangapahiya , sila&#039;y nangalito , na nagsisihanap ng aking kapahamakan . Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan , Oh Dios , at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari . Kaniyang hahatulan ang iyong bayan , ng katuwiran , at ang iyong dukha , ng kahatulan . Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan , at ang mga gulod , sa katuwiran . Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan , kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan , at pagwawaraywarayin ang mangaapi . Sila&#039;y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw , at habang sumisilang ang buwan , sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Siya&#039;y babagsak na parang ulan sa tuyong damo : gaya ng ambon na dumidilig sa lupa . Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid ; at saganang kapayapaan , hanggang sa mawala ang buwan . Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat , at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa . Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya ; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok . Ang mga hari ng Tharsis , at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob ; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob . Oo , lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya : lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya . Sapagka&#039;t kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing ; at ang dukha na walang katulong . Siya&#039;y maaawa sa dukha at mapagkailangan , at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas . Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan ; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin : At siya&#039;y mabubuhay at sa kaniya&#039;y ibibigay ang ginto ng Sheba : at dadalanginang lagi siya ng mga tao : pupurihin nila siya buong araw . Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok ; ang bunga niyao&#039;y uugang gaya ng Libano : at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa . Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man ; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw : at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya ; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa . Purihin ang Panginoong Dios , ang Dios ng Israel , na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay : At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man ; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian . Siya nawa , at Siya nawa . Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos . Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel . Sa mga malilinis sa puso . Nguni&#039;t tungkol sa akin , ang mga paa ko&#039;y halos nahiwalay : ang mga hakbang ko&#039;y kamunti nang nangadulas . Sapagka&#039;t ako&#039;y nanaghili sa hambog , nang aking makita ang kaginhawahan ng masama . Sapagka&#039;t walang mga tali sa kanilang kamatayan : kundi ang kanilang kalakasan ay matatag . Sila&#039;y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao ; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao . Kaya&#039;t kapalalua&#039;y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg : tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan . Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan : sila&#039;y mayroong higit kay sa mananasa ng puso . Sila&#039;y manganunuya , at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati : sila&#039;y nangagsasalitang may kataasan . Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit , at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa . Kaya&#039;t ibinabalik dito ang kaniyang bayan : at tubig ng punong saro ay nilalagok nila . At kanilang sinasabi , Paanong nalalaman ng Dios ? At may kaalaman ba sa Kataastaasan ? Narito , ang mga ito ang masama ; at palibhasa&#039;y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan , Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso , at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala ; Sapagka&#039;t buong araw ay nasalot ako , at naparusahan tuwing umaga . Kung aking sinabi , Ako&#039;y magsasalita ng ganito ; narito , ako&#039;y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak . Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito , ay napakahirap sa ganang akin ; Hanggang sa ako&#039;y pumasok sa santuario ng Dios , at aking nagunita ang kanilang huling wakas , Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako : iyong inilugmok sila sa kapahamakan . Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali ! Sila&#039;y nilipol na lubos ng mga kakilabutan . Ang panaginip sa pagkagising : sa gayon , Oh Panginoon , pag gumising ka , iyong hahamakin ang kanilang larawan . Sapagka&#039;t ang puso ko&#039;y namanglaw , at sa aking kalooban ay nasaktan ako : Sa gayo&#039;y naging walang muwang ako , at musmos ; ako&#039;y naging gaya ng hayop sa harap mo . Gayon ma&#039;y laging sumasaiyo ako : iyong inalalayan ang aking kanan . Iyong papatnubayan ako ng iyong payo , at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian . Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw ? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo . Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay : nguni&#039;t ang Dios ay kalakasan ng aking puso , at bahagi ko magpakailan man . Sapagka&#039;t narito , silang malayo sa iyo ay mangalilipol : iyong ibinuwal silang lahat , na nangakikiapid , na nagsisihiwalay sa iyo . Nguni&#039;t mabuti sa akin na lumapit sa Dios ; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios , upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa . Oh Dios , bakit mo itinakuwil kami magpakailan man ? Bakit ang iyong galit ay umuusok laban sa mga tupa ng iyong pastulan ? Alalahanin mo ang iyong kapisanan na iyong binili ng una , na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana ; at ang bundok ng Sion na iyong tinahanan . Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho , ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario . Ang mga kaaway mo&#039;y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan ; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda . Sila&#039;y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan . At ngayo&#039;y lahat ng gawang inanyuan doon . Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok . Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario ; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa . Kanilang sinabi sa kanilang puso , ating gibaing paminsan : kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain . Hindi namin nakikita ang aming mga tanda : Wala nang propeta pa ; at wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan . Hanggang kailan , Oh Dios , mangduduwahagi ang kaaway ? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man ? Bakit mo iniuurong ang iyong kamay , ang iyong kanan ? Ilabas mo sa iyong sinapupunan , at iyong lipulin sila . Gayon ma&#039;y ang Dios ay aking Hari ng una , na nagliligtas sa gitna ng lupa . Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan : iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig . Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan , ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang . Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog : iyong tinutuyo ang mga malaking ilog . Ang araw ay iyo , ang gabi ay iyo rin : iyong inihanda ang liwanag at ang araw . Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa : iyong ginawa ang taginit at taginaw . Iyong alalahanin ito , na nangduwahagi ang kaaway , Oh Panginoon , at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan . Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop : huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man . Magkaroong pitagan ka sa tipan : sapagka&#039;t ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan . Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi : pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan . Bumangon ka , Oh Dios , ipaglaban mo ang iyong sariling usap : alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw . Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway : ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala . Kami ay nagpapasalamat sa iyo , Oh Dios : kami ay nagpapasalamat , sapagka&#039;t ang iyong pangalan ay malapit : isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa . Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan , hahatol ako ng matuwid . Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw : aking itinayo ang mga haligi niyaon . ( Selah ) Aking sinabi sa hambog , Huwag kang gumawang may kahambugan : at sa masama , Huwag kang magtaas ng sungay : Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas ; huwag kang magsalitang may matigas na ulo . Sapagka&#039;t hindi man mula sa silanganan , o mula man sa kalunuran , o mula man sa timugan , ang pagkataas . Kundi ang Dios ay siyang hukom : kaniyang ibinababa ang isa , at itinataas ang isa . Sapagka&#039;t sa kamay ng Panginoon ay may isang saro , at ang alak ay bumubula ; puno ng pagkakahalohalo , at kaniyang inililiguwak din : tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak , at iinumin . Nguni&#039;t aking ipahahayag magpakailan man , ako&#039;y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob . Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay ; nguni&#039;t ang mga sungay ng matuwid ay matataas . Sa Juda ay kilala ang Dios : ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel . Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo , at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion . Doo&#039;y binali niya ang mga pana ng busog ; at kalasag , at ang tabak , at ang pagbabaka . ( Selah ) Maluwalhati ka at marilag , mula sa mga bundok na hulihan . Ang mga puso na matapang ay nasamsaman , sila&#039;y nangatulog ng kanilang pagtulog ; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay . Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob , ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog . Ikaw , ikaw ay katatakutan : at sinong makatatayo sa iyong paningin , sa minsang ikaw ay magalit ? Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit ; ang lupa ay natakot , at tumahimik , Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol , upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa . ( Selah ) Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao : ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo . Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios : magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan , yaong lahat na nangasa buong palibot niya . Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo : siya&#039;y kakilakilabot sa mga hari sa lupa . Ako&#039;y dadaing ng aking tinig sa Dios ; sa Dios ng aking tinig ; at kaniyang didinggin ako . Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon : ang kamay ko&#039;y nakaunat sa gabi , at hindi nangangalay ; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko . Naaalaala ko ang Dios , at ako&#039;y nababalisa : ako&#039;y nagdaramdam , at ang diwa ko&#039;y nanglulupaypay . ( Selah ) Iyong pinupuyat ang mga mata ko : ako&#039;y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita . Aking ginunita ang mga araw ng una , ang mga taon ng dating mga panahon . Aking inaalaala ang awit ko sa gabi : sumasangguni ako sa aking sariling puso ; at ang diwa ko&#039;y masikap na nagsiyasat . Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man ? At hindi na baga siya lilingap pa ? Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man ? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako ? Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain ? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan ? ( Selah ) At aking sinabi , Ito ang sakit ko ; nguni&#039;t aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan . Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon ; sapagka&#039;t aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una . Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa , at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa . Ang iyong daan , Oh Dios , ay nasa santuario : sino ang dakilang dios na gaya ng Dios ? Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas : iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao . Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan , ang mga anak ng Jacob at ng Jose . ( Selah ) Nakita ka ng tubig , Oh Dios ; nakita ka ng tubig , sila&#039;y nangatakot : ang mga kalaliman din naman ay nanginig . Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig ; ang langit ay humugong : ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos . Ang tinig ng iyong kulog , ay nasa ipoipo ; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan : ang lupa ay nayanig at umuga . Ang daan mo&#039;y nasa dagat , at ang mga landas mo&#039;y nasa malalawak na tubig , at ang bakas mo&#039;y hindi nakilala . Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan , sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron . Makinig kayo , Oh bayan ko , sa aking kautusan : ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig . Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga ; ako&#039;y magsasalita ng mga malabong sabi ng una : Na aming narinig at naalaman , at isinaysay sa amin ng aming mga magulang . Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak , na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon , at ang kaniyang kalakasan , at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa . Sapagka&#039;t siya&#039;y nagtatag ng patotoo sa Jacob , at nagtakda ng kautusan sa Israel , na kaniyang iniutos sa aming mga magulang , na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak : Upang maalaman ng lahing darating , sa makatuwid baga&#039;y ng mga anak na ipanganganak ; na siyang magsisibangon , at mangagsasaysay sa kanilang mga anak : Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios , at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios , Kundi ingatan ang kaniyang mga utos : At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang , may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi ; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso , at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios , Ang mga anak ni Ephraim , gayong may sakbat at may dalang mga busog , at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka . Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios , at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan ; At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa , at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila . Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang , sa lupain ng Egipto , sa parang ng Zoan . Hinawi niya ang dagat , at pinaraan niya sila ; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton . Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap , at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy . Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang , at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman . Nagpabukal naman siya mula sa bato . At nagpababa ng tubig na parang mga ilog . Gayon ma&#039;y nagkasala uli sila laban sa kaniya , upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang . At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso , sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita . Oo , sila&#039;y nagsalita laban sa Dios ; kanilang sinabi , Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang ? Narito , kaniyang pinalo ang bato , na ang mga tubig ay bumubuluwak , at mga bukal ay nagsisiapaw ; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman ? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan ? Kaya&#039;t narinig ng Panginoon , at napoot : at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob , at galit naman ay napailanglang laban sa Israel ; Sapagka&#039;t sila&#039;y hindi nagsisampalataya sa Dios , at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas . Gayon ma&#039;y nagutos siya sa mga langit sa itaas , at binuksan ang mga pintuan ng langit ; At pinaulanan niya sila ng mana upang makain . At binigyan sila ng trigo ng langit . Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan : pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog . Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit : at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan . Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok , at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat : At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento , sa palibot ng kanilang mga tahanan . Sa gayo&#039;y nagsikain sila , at nangabusog na mabuti ; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita . Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita , ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig , Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila , at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila , at sinaktan ang mga binata sa Israel . Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila , at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa . Kaya&#039;t kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan , at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan . Nang kaniyang patayin sila , sila&#039;y nangagusisa sa kaniya : at sila&#039;y nagsibalik , at nagsihanap ng tapat sa Dios . At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato , at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos . Nguni&#039;t tinutuya nila siya ng kanilang bibig , at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila . Sapagka&#039;t ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya , ni tapat man sila sa kaniyang tipan . Nguni&#039;t siya , palibhasa&#039;y puspos ng kaawaan , ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol : Oo , madalas na inihiwalay ang kaniyang galit , at hindi pinukaw ang buo niyang poot . At naalaala niyang sila&#039;y laman lamang ; hanging dumadaan , at hindi bumabalik . Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang , at pinapanglaw nila siya sa ilang ! At sila&#039;y nagsibalik uli , at tinukso ang Dios , at minungkahi ang Banal ng Israel . Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay , ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway . Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto , at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan ; At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog , at ang kanilang mga bukal , na anopa&#039;t hindi sila makainom . Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila ; at mga palaka , na nagsigiba sa kanila . Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong , at ang kanilang pakinabang sa balang . Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo , at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha . Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo , at sa mga lintik ang kanilang mga kawan . Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit , poot at galit , at kabagabagan , pulutong ng mga anghel ng kasamaan . Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit ; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan , kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa ; At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto , ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham : Nguni&#039;t kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa , at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan . At inihatid niya silang tiwasay , na anopa&#039;t hindi sila nangatakot : nguni&#039;t tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway . At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario , sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay . Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila , at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat , at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda . Gayon ma&#039;y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios , at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo ; Kundi nagsitalikod , at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang : sila&#039;y nagsilisyang parang magdarayang busog . Sapagka&#039;t minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako , at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan . Nang marinig ito ng Dios , ay napoot , at kinayamutang lubha ang Israel : Sa gayo&#039;y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo , ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao ; At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag , at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway . Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak ; at napoot sa kaniyang mana . Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata ; at ang mga dalaga nila&#039;y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa . Ang mga saserdote nila&#039;y nabuwal sa pamamagitan ng tabak ; at ang mga bao nila&#039;y hindi nanganaghoy . Nang magkagayo&#039;y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog , gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak . At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway : inilagay niya sila sa laging kadustaan . Bukod dito&#039;y tinanggihan niya ang tolda ng Jose , at hindi pinili ang lipi ni Ephraim ; Kundi pinili ang lipi ni Juda , ang bundok ng Zion na kaniyang inibig . At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan , parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man . Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod , at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa : Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso , upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan , at ang Israel na kaniyang mana . Sa gayo&#039;y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso ; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay . Oh Dios , ang mga bansa ay dumating sa iyong mana ; ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan ; kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem . Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid , ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa . Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem ; at walang naglibing sa kanila . Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit , kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin . Hanggang kailan , Oh Panginoon , magagalit ka magpakailan man ? Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy ? Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo , at sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan . Sapagka&#039;t kanilang nilamon ang Jacob , at inilagay na sira ang kaniyang tahanan . Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang : magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami : sapagka&#039;t kami ay totoong hinamak . Iyong tulungan kami , Oh Dios ng aming kaligtasan , dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan : at iyong iligtas kami , at linisin mo ang aming mga kasalanan , dahil sa iyong pangalan . Bakit sasabihin ng mga bansa , Saan nandoon ang kanilang Dios ? Ang kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin . Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag ; ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan : At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa makapito sa kanilang sinapupunan , ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo , Oh Panginoon . Sa gayo&#039;y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man : aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi . Dinggin mo , Oh Pastor ng Israel , ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan ; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin , sumilang ka . Sa harap ng Ephraim , ng Benjamin at ng Manases , ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo , at parito kang iligtas mo kami . Papanumbalikin mo kami , Oh Dios ; at pasilangin mo ang iyong mukha , at maliligtas kami . Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan ? Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha , at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana . Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa : at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan . Ibalik mo kami , Oh Dios ng mga hukbo ; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas . Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto ; iyong pinalayas ang mga bansa , at itinanim mo yaon . Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya , at napailalim ang ugat , at pinuno ang lupain . Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon , at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios . Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat , at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog . Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod , na anopa&#039;t siya&#039;y binubunot nilang lahat na nangagdadaan ? Sinisira ng baboy-ramo , at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang . Bumalik ka uli , isinasamo ko sa iyo , Oh Dios ng mga hukbo : tumungo ka mula sa langit , at iyong masdan , at dalawin mo ang puno ng ubas na ito , At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan , at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili . Nasunog ng apoy , at naputol : sila&#039;y nalipol sa saway ng iyong mukha . Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan . Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili . Sa gayo&#039;y hindi kami magsisitalikod sa iyo : buhayin mo kami , at tatawagan namin ang iyong pangalan . Papanumbalikin mo kami , Oh Panginoong Dios ng mga hukbo ; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami . Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan : mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob , Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta , ang masayang alpa sangpu ng salterio . Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan , sa kabilugan ng buwan , sa ating dakilang kapistahan . Sapagka&#039;t pinakapalatuntunan sa Israel , ayos ng Dios ni Jacob . Kaniyang inilagay na pinakapatotoo sa Jose , nang siya&#039;y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto : na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa . Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan : ang mga kamay niya&#039;y napabitiw sa luwelang . Ikaw ay tumawag sa kabagabagan , at iniligtas kita ; sinagot kita sa lihim na dako ng kulog ; sinubok kita sa tubig ng Meriba . ( Selah ) Dinggin mo , Oh bayan ko , at ako&#039;y sasaksi sa iyo : Oh Israel , kung ikaw ay makikinig sa akin ! Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo ; at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios . Ako ang Panginoon mong Dios , na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto : bukhin mong maluwang ang iyong bibig , at aking pupunuin . Nguni&#039;t hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko ; at hindi ako sinunod ng Israel . Sa gayo&#039;y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso , upang sila&#039;y makalakad sa kanilang sariling mga payo . Oh kung ako&#039;y didinggin ng aking bayan , kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan ! Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway , at ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway . Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya : nguni&#039;t ang kanilang panahon ay mananatili kailan man , Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo : at ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita . Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios ; siya&#039;y humahatol sa gitna ng mga dios . Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan , at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama ? ( Selah ) Hatulan mo ang dukha at ulila : gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili . Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan : iligtas ninyo sila sa kamay ng masama , Hindi nila nalalaman , ni nauunawa man ; sila&#039;y nagsisilakad na paroo&#039;t parito sa kadiliman : lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos . Aking sinabi , Kayo&#039;y mga dios , at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan . Gayon ma&#039;y mangamamatay kayong parang mga tao , at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo . Bumangon ka , O Dios , hatulan mo ang lupa : sapagka&#039;t iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa . Oh Dios , huwag kang tumahimik : huwag kang mapayapa , at tumiwasay , Oh Dios . Sapagka&#039;t narito , ang mga kaaway mo&#039;y nanggugulo : at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo . Sila&#039;y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan , at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli . Kanilang sinabi , Kayo&#039;y parito , at atin silang ihiwalay sa pagkabansa ; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa . Sapagka&#039;t sila&#039;y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon ; laban sa iyo ay nangagtitipanan : Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita ; ang Moab at ang mga Agareno ; Ang Gebal , at ang Ammon , at ang Amalec ; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro : Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila ; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot . Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita ; gaya kay Sisara , gaya kay Jabin , sa ilog ng Cison : Na nangamatay sa Endor ; sila&#039;y naging parang dumi sa lupa . Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb ; Oo , lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna ; Na siyang nagsipagsabi , kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios . Oh Dios ko , gawin mo silang parang ipoipong alabok ; Parang dayami sa harap ng hangin . Parang apoy na sumusunog ng gubat , at parang liyab na nanunupok ng mga bundok ; Kaya&#039;t habulin mo sila ng iyong bagyo , at pangilabutin mo sila ng iyong unos . Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan ; upang hanapin nila ang iyong pangalan , Oh Panginoon . Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man ; Oo , mangahiya sila at mangalipol : Upang kanilang maalaman na ikaw lamang , na ang pangalan ay JEHOVA , ay Kataastaasan sa buong lupa . Kay iinam ng iyong mga tabernakulo , Oh Panginoon ng mga hukbo ! Ang kaluluwa ko&#039;y aasamasam , oo , nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon ; ang puso ko&#039;t laman ay dumadaing sa buhay na Dios . Oo , ang maya ay nakasumpong ng bahay , at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya , na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay , sa makatuwid baga&#039;y iyong mga dambana , Oh Panginoon ng mga hukbo , Hari ko , at Dios ko . Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay : kanilang pupurihin kang palagi . ( Selah ) Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo ; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion . Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal ; Oo , tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan . Sila&#039;y nagsisiyaon sa kalakasa&#039;t kalakasan , bawa&#039;t isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion . Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , dinggin mo ang aking dalangin : pakinggan mo , Oh Dios ni Jacob . ( Selah ) Masdan mo , Oh Dios na aming kalasag , at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis . Sapagka&#039;t isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo . Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios , kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan . Sapagka&#039;t ang Panginoong Dios ay araw at kalasag : ang Panginoo&#039;y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian : hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid . Oh Panginoon ng mga hukbo , mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo . Panginoon , ikaw ay naging lingap sa iyong lupain : iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob . Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan , iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan , ( Selah ) Iyong pinawi ang buong poot mo : iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit . Ibalik mo kami , Oh Dios ng aming kaligtasan , at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin . Magagalit ka ba sa amin magpakailan man ? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali&#039;t saling lahi ? Hindi mo ba kami bubuhayin uli : upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo ? Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas . Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon : sapagka&#039;t siya&#039;y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal : nguni&#039;t huwag silang manumbalik uli sa kaululan . Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya ; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain . Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong ; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan . Katotohanan ay bumubukal sa lupa ; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit . Oo , ibibigay ng Panginoon ang mabuti ; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga . Katuwira&#039;y mangunguna sa kaniya ; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas . Ikiling mo ang iyong pakinig , Oh Panginoon , at sagutin mo ako ; sapagka&#039;t ako&#039;y dukha at mapagkailangan . Ingatan mo ang aking kaluluwa ; sapagka&#039;t ako&#039;y banal : Oh ikaw na Dios ko , iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo . Maawa ka sa akin , Oh Panginoon , sapagka&#039;t sa iyo&#039;y dumadaing ako buong araw . Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod ; sapagka&#039;t sa iyo , Oh Panginoon , itinataas ko ang aking kaluluwa . Sapagka&#039;t ikaw , Panginoon , ay mabuti , at mapagpatawad , at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo . Dinggin mo , Oh Panginoon , ang aking dalangin ; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing . Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo ; sapagka&#039;t iyong sasagutin ako . Walang gaya mo sa gitna ng mga dios , Oh Panginoon ; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa . Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito , at magsisisamba sa harap mo , Oh Panginoon ; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan . Sapagka&#039;t ikaw ay dakila , at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay : ikaw na magisa ang Dios . Ituro mo sa akin ang iyong daan , Oh Panginoon ; lalakad ako sa iyong katotohanan : ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan . Pupurihin kita , Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso ; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man . Sapagka&#039;t dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin ; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol . Oh Dios , ang palalo ay bumangon laban sa akin , at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa , at hindi inilagay ka sa harap nila . Nguni&#039;t ikaw , Oh Panginoon , ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan . Oh bumalik ka sa akin , at maawa ka sa akin ; ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod . At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae . Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti : upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin , at mangapahiya , sapagka&#039;t ikaw , Panginoon , ay tumulong sa akin , at umaliw sa akin . Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok . Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion , ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob . Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo , Oh bayan ng Dios . ( Selah ) Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin : narito , ang Filistia at ang Tiro , pati ng Etiopia ; ang isang ito ay ipinanganak diyan . Oo , tungkol sa Sion ay sasabihin , ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya ; at itatatag siya ng Kataastaasan . Sasalaysayin ng Panginoon , pagka kaniyang isinulat ang mga bayan , ang isang ito ay ipinanganak diyan . ( Selah ) Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi , lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo . Oh Panginoon , na Dios ng aking kaligtasan , ako&#039;y dumaing araw at gabi sa harap mo : Masok ang aking dalangin sa iyong harapan : ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing : Sapagka&#039;t ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan , at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol , Ako&#039;y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay ; ako&#039;y parang taong walang lakas : Nakahagis sa gitna ng mga patay , gaya ng napatay na nakahiga sa libingan , na hindi mo na inaalaala ; at sila&#039;y mangahiwalay sa iyong kamay . Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay , sa mga madilim na dako , sa mga kalaliman . Lubhang idinidiin ako ng iyong poot , at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon . ( Selah ) Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko ; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila : ako&#039;y nakulong at hindi ako makalabas , Ang mata ko&#039;y nangangalumata dahil sa kadalamhatian : ako&#039;y tumawag araw-araw sa iyo , Oh Panginoon , aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo . Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay ? Sila bang mga patay ay magsisibangon , at magsisipuri sa iyo ? ( Selah ) Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan ? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan ? Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim ? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot ? Nguni&#039;t sa iyo , Oh Panginoon , dumaing ako , at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo . Panginoon , bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko ? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin ? Ako&#039;y nadadalamhati , at handang mamatay mula sa aking kabataan : habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako . Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin ; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay . Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw ; kinubkob ako nilang magkakasama . Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin , at ang aking kakilala ay sa dilim . Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man : aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Sapagka&#039;t aking sinabi , Kaawaan ay matatayo magpakailan man : ang pagtatapat mo&#039;y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan . Ako&#039;y nakipagtipan sa aking hirang , aking isinumpa kay David na aking lingkod ; Ang binhi mo&#039;y itatatag ko magpakailan man , at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . ( Selah ) At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan , Oh Panginoon ; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal . Sapagka&#039;t sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon ? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon , Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal , at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya ? Oh Panginoong Dios ng mga hukbo , sino ang makapangyarihang gaya mo , Oh JAH ? At ang pagtatapat mo&#039;y nasa palibot mo . Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat : pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo . Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay ; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan . Ang langit ay iyo , ang lupa ay iyo rin : ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag , Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha ; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan . Ikaw ay may makapangyarihang bisig : malakas ang iyong kamay , at mataas ang iyong kanang kamay . Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan : kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha . Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog : sila&#039;y nagsisilakad , Oh Panginoon , sa liwanag ng iyong mukha . Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw : at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila . Sapagka&#039;t ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan : at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay . Sapagka&#039;t ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon ; at ang aming hari ay sa banal ng Israel . Nang magkagayo&#039;y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal , at iyong sinabi , Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan ; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan . Aking nasumpungan si David na aking lingkod ; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis : Na siyang itatatag ng aking kamay ; palakasin naman siya ng aking bisig . Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway ; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan . At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya , at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya . Nguni&#039;t ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya ; at sa pangalan ko&#039;y matataas ang kaniyang sungay . Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat , at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog . Siya&#039;y dadaing sa akin , Ikaw ay Ama ko , Dios ko , at malaking bato ng aking kaligtasan . Akin namang gagawin siyang panganay ko , na pinakamataas sa mga hari sa lupa . Ang kagandahang-loob ko&#039;y aking iingatan sa kaniya magpakailan man , at ang tipan ko&#039;y mananayong matibay sa kaniya . Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man , at ang luklukan niya&#039;y parang mga araw ng langit . Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko , at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan ; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko , at hindi ingatan ang mga utos ko ; Kung magkagayo&#039;y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang , at ng mga hampas ang kanilang kasamaan . Nguni&#039;t ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya , ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko&#039;y magkulang . Ang tipan ko&#039;y hindi ko sisirain , ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi . Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan . Hindi ako magbubulaan kay David ; Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man ; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko . Matatatag magpakailan man na parang buwan , at tapat na saksi sa langit . ( Selah ) Nguni&#039;t iyong itinakuwil at tinanggihan , ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis . Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod : iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa . Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod : iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan . Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya . Siya&#039;y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit . Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway ; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway . Oo , iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak , at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka . Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan . At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa . Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan : iyong tinakpan siya ng kahihiyan . ( Selah ) Hanggang kailan , Oh Panginoon , magkukubli ka magpakailan man ? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy ? Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon : sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao . Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan , na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol ? ( Selah ) Panginoon , saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob , na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat ? Alalahanin mo Panginoon , ang kadustaan ng iyong mga lingkod ; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan ; Na idinusta ng iyong mga kaaway , Oh Panginoon , na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis . Purihin ang Panginoon , magpakailan man . Siya nawa , at Siya nawa . Panginoon , ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Bago nalabas ang mga bundok , O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan , mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan , ikaw ang Dios . Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao ; at iyong sinasabi , Magsipanumbalik kayo , kayong mga anak ng mga tao . Sapagka&#039;t isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan , at parang pagpupuyat sa gabi . Iyong dinadala sila na parang baha ; sila&#039;y parang pagkakatulog : sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo . Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago ; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo . Sapagka&#039;t kami ay nangasupok sa iyong galit , at sa iyong poot ay nangabagabag kami . Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo , ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha . Sapagka&#039;t lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot : aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga . Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon , o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon ; gayon ma&#039;y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang ; sapagka&#039;t madaling napapawi , at kami ay nagsisilipad . Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit , at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo ? Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan , upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan . Manumbalik ka , Oh Panginoon ; hanggang kailan pa ? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo . Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob ; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin . Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin , at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan . Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod , at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak . At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios : at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay ; Oo , ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo . Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan . Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat . Aking sasabihin tungkol sa Panginoon , siya&#039;y aking kanlungan at aking katibayan , ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan . Sapagka&#039;t kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo , at sa mapamuksang salot . Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis , at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka : ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti . Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi , ni sa pana man na humihilagpos kung araw ; Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman , ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat . Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping , at sangpung libo sa iyong kanan ; nguni&#039;t hindi lalapit sa iyo . Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata , at iyong makikita ang ganti sa masama . Sapagka&#039;t ikaw , Oh Panginoon , ay aking kanlungan ! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan ; Walang kasamaang mangyayari sa iyo , ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda . Sapagka&#039;t siya&#039;y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo , upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad . Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay , baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato . Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong : ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa . Sapagka&#039;t kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin , kaya&#039;t iniligtas ko siya : aking ilalagay siya sa mataas , sapagka&#039;t kaniyang naalaman ang pangalan ko . Siya&#039;y tatawag sa akin , at sasagutin ko siya ; ako&#039;y sasa kaniya sa kabagabagan : aking ililigtas siya , at pararangalan siya . Aking bubusugin siya ng mahabang buhay , at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas . Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon , at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan , Oh Kataastaasan : Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga , at ng iyong pagtatapat gabigabi . Na may panugtog na may sangpung kawad , at may salterio ; na may dakilang tunog na alpa . Sapagka&#039;t ikaw , Panginoon , iyong pinasaya ako sa iyong gawa : ako&#039;y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay . Kay dakila ng iyong mga gawa , Oh Panginoon ! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim . Ang taong hangal ay hindi nakakaalam ; ni nauunawa man ito ng mangmang . Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo , at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan ; ay upang mangalipol sila magpakailan man : Nguni&#039;t ikaw , Oh Panginoon , ay mataas magpakailan man . Sapagka&#039;t , narito , ang mga kaaway mo , Oh Panginoon , sapagka&#039;t , narito , ang mga kaaway mo&#039;y malilipol ; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat . Nguni&#039;t ang sungay ko&#039;y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro : ako&#039;y napahiran ng bagong langis . Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway , narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin . Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma . Siya&#039;y tutubo na parang cedro sa Libano . Sila&#039;y nangatatag sa bahay ng Panginoon ; sila&#039;y giginhawa sa mga looban ng aming Dios . Sila&#039;y mangagbubunga sa katandaan ; sila&#039;y mapupuspos ng katas at kasariwaan : Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid ; siya&#039;y aking malaking bato , at walang kalikuan sa kaniya . Ang Panginoon ay naghahari ; siya&#039;y nananamit ng karilagan ; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan ; siya&#039;y nagbigkis niyaon : ang sanglibutan naman ay natatag , na hindi mababago . Ang luklukan mo&#039;y natatag ng una : ikaw ay mula sa walang pasimula . Ang mga baha ay nagtaas , Oh Panginoon , ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong ; ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon . Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig , malalakas na hampas ng alon sa dagat , ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan . Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay : ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay , Oh Panginoon , magpakailan man . Oh Panginoon , ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti , ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti , sumilang ka . Bumangon ka , ikaw na hukom ng lupa : ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila . Panginoon , hanggang kailan ang masama , hanggang kailan magtatagumpay ang masama ? Sila&#039;y dumadaldal , sila&#039;y nagsasalita na may kapalaluan : lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki . Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan , Oh Panginoon , at dinadalamhati ang iyong mana . Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa , at pinapatay ang ulila . At kanilang sinasabi , ang Panginoo&#039;y hindi makakakita , ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito . Gunitain ninyo , ninyong mga hangal sa gitna ng bayan : at ninyong mga mangmang , kailan tayo magiging pantas ? Siyang lumikha ng pakinig , hindi ba siya makakarinig ? Siyang lumikha ng mata , hindi ba siya makakakita ? Siyang nagpaparusa sa mga bansa , hindi ba siya sasaway , sa makatuwid baga&#039;y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman ? Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao , na sila&#039;y pawang walang kabuluhan . Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan , Oh Panginoon , at tinuturuan mo sa iyong kautusan . Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan , hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama . Sapagka&#039;t hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan , ni pababayaan man niya ang kaniyang mana . Sapagka&#039;t kahatulan ay babalik sa katuwiran : at susundan ng lahat na matuwid sa puso . Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan ? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan ? Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong , ang kaluluwa ko&#039;y tumahang madali sana sa katahimikan . Nang aking sabihin , Ang aking paa ay natitisod ; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon . Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa . Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan , na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan ? Sila&#039;y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid , at pinarusahan nila ang walang salang dugo . Nguni&#039;t ang Panginoon ay naging aking matayog na moog ; at ang Dios ko&#039;y malaking bato na aking kanlungan . At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan , at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan ; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios . Oh magsiparito kayo , tayo&#039;y magsiawit sa Panginoon : tayo&#039;y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan . Tayo&#039;y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat , tayo&#039;y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay dakilang Dios , at dakilang Hari sa lahat ng mga dios , Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa , ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin . Ang dagat ay kaniya , at kaniyang ginawa : at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa . Oh magsiparito kayo , tayo&#039;y magsisamba at magsiyukod ; tayo&#039;y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin . Sapagka&#039;t siya&#039;y ating Dios , at tayo&#039;y bayan ng kaniyang pastulan , at mga tupa ng kaniyang kamay . Ngayon , kung inyong didinggin ang kaniyang tinig ! Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso , gaya sa Meriba , gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang : Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang , tinikman ako , at nakita ang gawa ko . Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon , at aking sinabi , Bayan na nagkakamali sa kanilang puso . At hindi naalaman ang aking mga daan : Kaya&#039;t ako&#039;y sumumpa sa aking poot , na sila&#039;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan . Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit : magsiawit kayo sa Panginoon , buong lupa . Magsiawit kayo sa Panginoon , purihin ninyo ang pangalan niya ; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw . Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan . Sapagka&#039;t dakila ang Panginoon , at marapat na purihin : siya&#039;y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios . Sapagka&#039;t lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan . Nguni&#039;t nilikha ng Panginoon ang langit . Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya : kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario . Magbigay kayo sa Panginoon , kayong mga angkan ng mga bayan , magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan . Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan ; kayo&#039;y mangagdala ng handog , at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban . Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan : manginig kayo sa harap niya , buong lupa . Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa , ang Panginoon ay naghahari : ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos : kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan . Matuwa ang langit at magalak ang lupa ; humugong ang dagat , at ang buong naroon ; Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya ; kung magkagayo&#039;y aawit dahil sa kagalakan , ang lahat na punong kahoy sa gubat ; Sa harap ng Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y dumarating : sapagka&#039;t siya&#039;y dumarating upang hatulan ang lupa : kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan , at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan . Ang Panginoon ay naghahari ; magalak ang lupa ; matuwa ang karamihan ng mga pulo . Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya : katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan . Apoy ay nagpapauna sa kaniya , at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot . Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan : nakita ng lupa , at niyanig . Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon , sa harapan ng Panginoon ng buong lupa . Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran , at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian . Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan , nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan : kayo&#039;y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios . Narinig ng Sion , at natuwa , at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak ; dahil sa iyong mga kahatulan , Oh Panginoon . Sapagka&#039;t ikaw , Oh Panginoon , ay kataastaasan sa buong lupa : ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios . Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon , ipagtanim ninyo ang kasamaan . Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal ; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama . Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal , at kasayahan ay sa may matuwid na puso . Mangatuwa kayo sa Panginoon , kayong mga matuwid ; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan . Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit ; sapagka&#039;t siya&#039;y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay : ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya : Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas : ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa . Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel : nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios . Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon , buong lupa . Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan , oo , magsiawit kayo ng mga pagpuri . Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa ; ng alpa at ng tinig na tugma . Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari , ng Panginoon . Humugong ang dagat at ang buong naroon ; ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon ; Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay ; magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan ; Sa harap ng Panginoon , sapagka&#039;t siya&#039;y dumarating upang hatulan ang lupa : kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan , at ng karapatan ang mga bayan . Ang Panginoon ay naghahari : manginig ang mga bayan . Siya&#039;y nauupo sa mga querubin ; makilos ang lupa . Ang Panginoon ay dakila sa Sion ; at siya&#039;y mataas na higit sa lahat ng mga bayan . Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan : siya&#039;y banal . Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan ; ikaw ay nagtatatag ng karampatan , ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob . Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios , at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan ; siya&#039;y banal . Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote , at si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan ; sila&#039;y nagsisitawag sa Panginoon , at siya&#039;y sumasagot sa kanila . Siya&#039;y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap : kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo , at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila . Sumagot ka sa kanila , Oh Panginoon naming Dios ; ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila , bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa . Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios , at magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok ; sapagka&#039;t ang Panginoon nating Dios ay banal . Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon , kayong lahat na lupain . Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon ; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan . Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios ; siya ang lumalang sa atin , at tayo&#039;y kaniya : tayo&#039;y kaniyang bayan , at mga tupa ng kaniyang pastulan . Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat , at sa kaniyang looban na may pagpupuri : mangagpasalamat kayo sa kaniya , at purihin ninyo ang kaniyang pangalan . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay mabuti ; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man ; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan : sa iyo , Oh Panginoon , aawit ako ng mga pagpupuri . Ako&#039;y magpapakapantas sa sakdal na lakad : Oh kailan ka pasasa akin ? Ako&#039;y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso . Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata : aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya : hindi kakapit sa akin . Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin : hindi ako makakaalam ng masamang bagay . Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal : siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin . Ang mga mata ko&#039;y itititig ko sa mga tapat sa lupain , upang sila&#039;y makatahan na kasama ko : siya na lumalakad sa sakdal na daan , siya&#039;y mangangasiwa sa akin . Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay : siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata . Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain ; upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon . Dinggin mo ang dalangin ko , Oh Panginoon , at dumating nawa ang daing ko sa iyo . Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan : ikiling mo ang iyong pakinig sa akin ; sa araw na ako&#039;y tumawag , ay sagutin mo akong madali . Sapagka&#039;t ang mga kaarawan ko&#039;y nangapapawi na parang usok , at ang mga buto ko&#039;y nangasusunog na parang panggatong . Ang puso ko&#039;y nasaktan na parang damo , at natuyo ; sapagka&#039;t nalimutan kong kanin ang aking tinapay . Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko&#039;y nagsisidikit sa aking laman . Ako&#039;y parang pelikano sa ilang ; ako&#039;y naging parang kuwago sa kaparangan . Ako&#039;y umaabang , at ako&#039;y naging parang maya na nagiisa sa bubungan . Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw ; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin . Sapagka&#039;t kinain ko ang mga abo na parang tinapay , at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak . Dahil sa iyong galit at iyong poot : sapagka&#039;t ako&#039;y iyong itinaas , at inihagis . Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling ; at ako&#039;y natuyo na parang damo . Nguni&#039;t ikaw , Oh Panginoon , ay mamamalagi magpakailan man ; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion : sapagka&#039;t kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya , Oo , ang takdang panahon ay dumating . Sapagka&#039;t nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato , at nanghihinayang sa kaniyang alabok . Sa gayo&#039;y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon . At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian ; Sapagka&#039;t itinayo ng Panginoon ang Sion , siya&#039;y napakita sa kaniyang kaluwalhatian ; Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon , at hindi hinamak ang kanilang dalangin . Ito&#039;y isusulat na ukol sa lahing susunod : at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon . Sapagka&#039;t siya&#039;y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario ; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit ; Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo : upang kalagan yaong nangaitakdang patayin ; Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion , at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem ; Nang ang mga bayan ay mapisan , at ang mga kaharian , upang maglingkod sa Panginoon . Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan ; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko . Aking sinabi , Oh Dios ko , huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan ; ang mga taon mo&#039;y lampas sa mga sali&#039;t saling lahi . Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa ; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay . Sila&#039;y uuwi sa wala , nguni&#039;t ikaw ay mananatili : Oo , silang lahat ay maluluma na parang bihisan ; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan , at sila&#039;y mga mapapalitan : Nguni&#039;t ikaw rin , at ang mga taon mo&#039;y hindi magkakawakas . Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi , at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko : at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko , at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa . Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan ; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit ; Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak : na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan : Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay ; Na anopa&#039;t ang iyong kabataan ay nababagong parang agila . Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa , at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi . Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises , ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel . Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya , banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob . Hindi siya makikipagkaalit na palagi ; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man . Siya&#039;y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan , ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan . Sapagka&#039;t kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa , gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya . Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran , gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin . Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak , gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya . Sapagka&#039;t nalalaman niya ang ating anyo ; kaniyang inaalaala na tayo&#039;y alabok . Tungkol sa tao , ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo : kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya . Sapagka&#039;t dinadaanan ng hangin , at napaparam ; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman . Nguni&#039;t ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya , at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak ; Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan , at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin , Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit ; at ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat . Purihin ninyo ang Panginoon , ninyong mga anghel niya : ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita , na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita . Purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na hukbo niya ; ninyong mga ministro niya , na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan . Purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na mga gawa niya , sa lahat na dako na kaniyang sakop ; purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko . Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila ; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan . Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan ; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing : Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig ; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro ; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin : Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya ; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy : Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa , upang huwag makilos magpakailan man , Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan ; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok . Sa iyong pagsaway sila&#039;y nagsitakas ; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila ; Sila&#039;y nagsiahon sa mga bundok , sila&#039;y nagsilusong sa mga libis , sa dako mong itinatag ukol sa kanila . Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila&#039;y huwag makaraan ; upang sila&#039;y huwag magsibalik na tumakip sa lupa . Siya&#039;y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis ; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok : Sila&#039;y nagpapainom sa bawa&#039;t hayop sa parang ; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno . Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid , sila&#039;y nagsisiawit sa mga sanga . Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid : ang lupa&#039;y busog sa bunga ng iyong mga gawa . Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop , at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao : upang siya&#039;y maglabas ng pagkain sa lupa : At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao , at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha , at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao . Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog ; ang mga sedro sa Libano , na kaniyang itinanim ; Na pinamumugaran ng mga ibon : tungkol sa tagak , ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay . Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing ; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho . Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon : nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog . Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi ; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat . Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila , at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain . Ang araw ay sumisikat sila&#039;y nagsisialis , at nangahihiga sa kanilang mga yungib . Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain , at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan . Oh Panginoon , pagka sarisari ng iyong mga gawa ! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat : ang lupa ay puno ng iyong kayamanan . Nandoon ang dagat , na malaki at maluwang , na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay , ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman . Doo&#039;y nagsisiyaon ang mga sasakyan : nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon . Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo , upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan . Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila ; iyong ibinubukas ang iyong kamay , sila&#039;y nangabubusog ng kabutihan . Iyong ikinukubli ang iyong mukha , sila&#039;y nangababagabag ; iyong inaalis ang kanilang hininga , sila&#039;y nangamamatay , at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok . Iyong sinusugo ang iyong Espiritu , sila&#039;y nangalalalang ; at iyong binabago ang balat ng lupa . Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man ; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa : Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig : kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok . Aawit ako sa Panginoon habang ako&#039;y nabubuhay : ako&#039;y aawit ng pagpuri sa aking Dios , samantalang mayroon akong kabuhayan . Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay : ako&#039;y magagalak sa Panginoon . Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa , at mawala nawa ang masama . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko . Purihin ninyo ang Panginoon . Oh magpasalamat kayo sa Panginoon , kayo&#039;y magsitawag sa kaniyang pangalan ; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan . Magsiawit kayo sa kaniya , magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri ; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa . Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan : mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon . Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan ; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man . Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa : ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig ; Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod , ninyong mga anak ni Jacob , na kaniyang mga hirang . Siya ang Panginoon nating Dios : ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa . Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man , ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali&#039;t saling lahi ; Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham , at ang kaniyang sumpa kay Isaac ; At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan , sa Israel na pinakawalang hanggang tipan : Na sinasabi , sa iyo&#039;y ibibigay ko ang lupain ng Canaan , ang kapalaran na iyong mana ; Nang sila&#039;y kaunti lamang tao sa bilang ; Oo , totoong kaunti , at nangakikipamayan doon ; At sila&#039;y nagsiyaon sa bansa at bansa , mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan . Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian ; Oo , kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila ; Na sinasabi , Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis . At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko . At siya&#039;y nagdala ng kagutom sa lupain ; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay . Siya&#039;y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila ; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin : Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw ; siya&#039;y nalagay sa mga tanikalang bakal : Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita ; tinikman siya ng salita ng Panginoon . Ang hari ay nagsugo , at pinawalan siya ; sa makatuwid baga&#039;y ang pinuno ng mga bayan , at pinalaya niya siya . Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay , at pinuno sa lahat niyang pag-aari : Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan , at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan . Si Israel naman ay nasok sa Egipto ; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham . At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan , at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway . Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan , upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod . Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod , at si Aaron na kaniyang hirang . Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda , at mga kababalaghan sa lupain ng Cham . Siya&#039;y nagsugo ng mga kadiliman , at nagpadilim ; at sila&#039;y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita . Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig , at pinatay ang kanilang mga isda . Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka , sa mga silid ng kanilang mga hari . Siya&#039;y nagsalita , at dumating ang mga pulutong na mga langaw , at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan . Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso , at liyab ng apoy sa kanilang lupain . Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas , at ang kanilang mga puno ng higos ; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan . Siya&#039;y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating , at ang mga higad , ay yao&#039;y walang bilang , At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain , at kinain ang bunga ng kanilang lupa . Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain , ang puno ng lahat nilang kalakasan . At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto : at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi . Natuwa ang Egipto nang sila&#039;y magsialis ; sapagka&#039;t ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila . Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong ; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi , Sila&#039;y nagsihingi , at dinalhan niya ng mga pugo , at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit . Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig ; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog . Sapagka&#039;t kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita , at si Abraham na kaniyang lingkod . At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan , at ang kaniyang hirang na may awitan . At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa ; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari : Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan , at sundin ang kaniyang mga kautusan . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti ; sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon , o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan ? Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan , at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon . Alalahanin mo ako , Oh Panginoon , ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan ; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas : Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang , upang ako&#039;y magalak sa kasayahan ng iyong bansa , upang ako&#039;y lumuwalhati na kasama ng iyong mana . Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang , kami ay nangakagawa ng kasamaan , kami ay nagsigawa ng masama . Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto ; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob , kundi naging mapanghimagsik sa dagat , sa makatuwid baga&#039;y sa Dagat na Mapula . Gayon ma&#039;y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan , upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan . Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula , at natuyo : sa gayo&#039;y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman , na parang ilang . At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila , at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway . At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway : walang nalabi sa kanila kahit isa . Nang magkagayo&#039;y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita ; inawit nila ang kaniyang kapurihan . Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa ; hindi sila naghintay sa kaniyang payo : Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang , at tinukso ang Dios sa ilang . At binigyan niya sila ng kanilang hiling ; nguni&#039;t pinangayayat ang kanilang kaluluwa . Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento , at si Aaron na banal ng Panginoon . Ang lupa ay bumuka , at nilamon si Dathan , at tinakpan ang pulutong ni Abiram . At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong ; sinunog ng liyab ang mga masama , Sila&#039;y nagsigawa ng guya sa Horeb , at nagsisamba sa larawang binubo . Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo . Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas , na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto ; Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham , at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula . Kaya&#039;t sinabi niya , na kaniyang lilipulin sila , kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak , upang pawiin ang kaniyang poot , upang huwag niyang lipulin sila . Oo , kanilang hinamak ang maligayang lupain , hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita ; Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda , at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon . Kaya&#039;t kaniyang isinumpa sa kanila , na kaniyang ibubulid sila sa ilang : At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa , at pangalatin sila sa mga lupain . Sila&#039;y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor , at nagsikain ng mga hain sa mga patay . Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa ; at ang salot ay lumitaw sa kanila . Nang magkagayo&#039;y tumayo si Phinees , at gumawa ng kahatulan : at sa gayo&#039;y tumigil ang salot . At nabilang sa kaniya na katuwiran , sa lahat ng sali&#039;t saling lahi magpakailan man . Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba , na anopa&#039;t naging masama kay Moises dahil sa kanila : Sapagka&#039;t sila&#039;y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa , at siya&#039;y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi . Hindi nila nilipol ang mga bayan , gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila ; Kundi nangakihalo sa mga bansa , at nangatuto ng kanilang mga gawa : At sila&#039;y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan ; na naging silo sa kanila : Oo , kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio , At nagbubo ng walang salang dugo , sa makatuwid baga&#039;y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae , na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan ; at ang lupain ay nadumhan ng dugo . Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa , at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa . Kaya&#039;t nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan , at kinayamutan niya ang kaniyang pamana . At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa ; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila . Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway , at sila&#039;y nagsisuko sa kanilang kamay . Madalas na iligtas niya sila ; nguni&#039;t sila&#039;y mapanghimagsik sa kanilang payo , at nangababa sila sa kanilang kasamaan . Gayon ma&#039;y nilingap niya ang kanilang kahirapan , nang kaniyang marinig ang kanilang daing : At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan , at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob . Ginawa naman niyang sila&#039;y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila . Iligtas mo kami , Oh Panginoon naming Dios , at pisanin mo kami na mula sa mga bansa , upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan , at mangagtagumpay sa iyong kapurihan . Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel , mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan . At sabihin ng buong bayan , Siya nawa . Purihin ninyo ang Panginoon . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon , na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway ; At mga pinisan mula sa mga lupain , mula sa silanganan , at mula sa kalunuran , mula sa hilagaan at mula sa timugan . Sila&#039;y nagsilaboy sa ilang , sa ulilang landas ; sila&#039;y hindi nakasumpong ng bayang tahanan . Gutom at uhaw , ang kanilang kaluluwa&#039;y nanglupaypay sa kanila . Nang magkagayo&#039;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan . Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan , upang sila&#039;y magsiyaon sa bayang tahanan . Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao ! Sapagka&#039;t kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa , at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan . Ang gayong tumatahan sa kadiliman , at sa lilim ng kamatayan , na natatali sa dalamhati at pangaw ; Sapagka&#039;t sila&#039;y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios , at hinamak ang payo ng Kataastaasan : Kaya&#039;t kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap ; sila&#039;y nangabuwal , at walang sumaklolo . Nang magkagayo&#039;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan . Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan , at pinatid ang kanilang mga tali . Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao ! Sapagka&#039;t kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso , at pinutol ang mga halang na bakal . Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang , at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati . Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain ; at sila&#039;y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan , Nang magkagayo&#039;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan . Sinugo niya ang kaniyang salita , at pinagaling sila , at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak . Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao ! At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat , at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan . Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan , na nangangalakal sa mga malawak na tubig ; Ang mga ito&#039;y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon , at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman . Sapagka&#039;t siya&#039;y naguutos , at nagpapaunos , na nagbabangon ng mga alon niyaon . Nagsisitaas sa mga langit , nagsisibaba uli sa mga kalaliman : ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan . Sila&#039;y hahampashampas na paroo&#039;t parito , at gigiraygiray na parang lasing , at ang kanilang karunungan ay nawala . Nang magkagayo&#039;y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan , at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan . Kaniyang pinahihimpil ang bagyo , na anopa&#039;t ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik . Nang magkagayo&#039;y natutuwa sila , dahil sa sila&#039;y tiwasay . Sa gayo&#039;y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin . Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob , at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao ! Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan , at purihin siya sa upuan ng mga matanda . Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog , at uhaw na lupa ang mga bukal : Na maalat na ilang ang mainam na lupain , dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon . Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang , at mga bukal ang tuyong lupain . At kaniyang pinatatahan doon ang gutom , upang makapaghanda sila ng bayang tahanan ; At maghasik sa mga bukid , at magtanim ng mga ubasan , at magtamo ng mga bunga na pakinabang . Kaniya namang pinagpapala sila , na anopa&#039;t sila&#039;y lubhang nagsisidami ; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang . Muli , sila&#039;y nakulangan at nahapay sa kapighatian , kabagabagan , at kahirapan . Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo , at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan . Gayon ma&#039;y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian , at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan . Makikita ng matuwid , at matutuwa ; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig . Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito , at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon . Ang aking puso&#039;y matatag , Oh Dios ; ako&#039;y aawit , oo , ako&#039;y aawit ng mga pagpuri , ng aking kaluwalhatian . Kayo&#039;y gumising , salterio at alpa : ako ma&#039;y gigising na maaga . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sa gitna ng mga bayan : at ako&#039;y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa . Sapagka&#039;t ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit , at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap . Mabunyi ka , Oh Dios , sa itaas sa mga langit : at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa . Upang ang iyong minamahal ay maligtas , magligtas ka ng iyong kanan , at sagutin mo kami . Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan ; ako&#039;y magsasaya : aking hahatiin ang Sichem , at susukatin ko ang libis ng Sucoth . Galaad ay akin ; Manases ay akin ; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo : Juda&#039;y aking cetro . Moab ay aking hugasan ; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak : sa Filistia ay hihiyaw ako . Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan ? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom ? Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin , at hindi lumalabas , Oh Dios , na kasama ng aming mga hukbo ? Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway ; sapagka&#039;t walang kabuluhan ang tulong ng tao . Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan : sapagka&#039;t siya ang yayapak sa aming mga kaaway . Huwag kang mapayapa , Oh Dios na aking kapurihan ; Sapagka&#039;t ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin : sila&#039;y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila . Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim , at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan . Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila : nguni&#039;t ako&#039;y tumatalaga sa dalangin . At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti , at pagtatanim sa pagibig ko . Lagyan mo ng masamang tao siya : at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan . Pagka siya&#039;y nahatulan , lumabas nawa siyang salarin ; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin . Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan ; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan . Maulila nawa ang kaniyang mga anak , at mabao ang kaniyang asawa . Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak , at mangagpalimos ; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho . Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik ; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa . Mawalan nawa ng maawa sa kaniya ; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila . Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan ; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan . Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang ; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina , Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon , upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa . Sapagka&#039;t hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan , kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan , at ang may bagbag na puso , upang patayin . Oo , kaniyang inibig ang sumpa , at dumating sa kaniya ; at hindi siya nalulugod sa pagpapala , at malayo sa kaniya . Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit , at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig , at parang langis sa kaniyang mga buto . Sa kaniya&#039;y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal , at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi . Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon , at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa . Nguni&#039;t gumawa kang kasama ko , Oh Dios na Panginoon , alang-alang sa iyong pangalan : sapagka&#039;t ang iyong kagandahang-loob ay mabuti , iligtas mo ako , Sapagka&#039;t ako&#039;y dukha at mapagkailangan , at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko . Ako&#039;y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling : ako&#039;y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang . Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno , at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan . Ako nama&#039;y naging kadustaan sa kanila : pagka kanilang nakikita ako , kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo . Tulungan mo ako , Oh Panginoon kong Dios ; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob : Upang kanilang maalaman na ito&#039;y iyong kamay ; na ikaw , Panginoon , ang may gawa . Sumumpa sila , nguni&#039;t magpapala ka : pagka sila&#039;y nagsibangon , sila&#039;y mangapapahiya , nguni&#039;t ang iyong lingkod ay magagalak . Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko , at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal . Ako&#039;y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon ; Oo , aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan . Sapagka&#039;t siya&#039;y tatayo sa kanan ng mapagkailangan , upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa . Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon , umupo ka sa aking kanan , hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway . Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion : magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway . Ang bayan mo&#039;y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan , sa kagandahan ng kabanalan : mula sa bukang liwayway ng umaga , ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan . Sumumpa ang Panginoon , at hindi magsisisi , Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech . Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot . Siya&#039;y hahatol sa gitna ng mga bansa , kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook ; siya&#039;y manghahampas ng ulo sa maraming lupain . Siya&#039;y iinom sa batis sa daan : kaya&#039;t siya&#039;y magtataas ng ulo . Purihin ninyo ang Panginoon . Ako&#039;y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso , sa kapulungan ng matuwid , at sa kapisanan . Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila , siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan . Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan : at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man . Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin : ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan . Siya&#039;y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya : kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan . Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa , sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa . Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan : lahat niyang mga tuntunin ay tunay . Nangatatatag magpakailan-kailan man , mga yari sa katotohanan at katuwiran . Siya&#039;y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan ; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man : banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan . Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan ; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos . Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man . Purihin ninyo ang Panginoon . Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon , na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos . Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa ; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad . Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay : at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man . Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman : siya&#039;y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan , at matuwid . Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram , kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan . Sapagka&#039;t siya&#039;y hindi makikilos magpakailan man ; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan . Siya&#039;y hindi matatakot sa mga masamang balita : ang kaniyang puso ay matatag , na tumitiwala sa Panginoon . Ang kaniyang puso ay natatag , siya&#039;y hindi matatakot , hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway . Kaniyang pinanabog , kaniyang ibinigay sa mapagkailangan ; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man , ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan . Makikita ng masama , at mamamanglaw ; siya&#039;y magngangalit ng kaniyang mga ngipin , at matutunaw : ang nasa ng masama ay mapaparam . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo , Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon , purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon . Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man . Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin , Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa , at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit . Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios , na may kaniyang upuan sa itaas , Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa ? Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok , at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi ; Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo , sa makatuwid baga&#039;y ng mga pangulo ng kaniyang bayan . Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae , at maging masayang ina ng mga anak . Purihin ninyo ang Panginoon . Nang lumabas ang Israel sa Egipto , ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika ; Ang Juda ay naging kaniyang santuario , ang Israel ay kaniyang sakop . Nakita ng dagat , at tumakas ; ang Jordan ay napaurong . Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa , ang mga munting gulod na parang mga batang tupa . Anong ipakikialam ko sa iyo , Oh dagat , na ikaw ay tumatakas ? sa iyo Jordan , na ikaw ay umuurong ? Sa inyo mga bundok , na kayo&#039;y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa ; sa inyong mga munting gulod , na parang mga batang tupa ? Mayanig ka , ikaw na lupa , sa harapan ng Panginoon , sa harapan ng Dios ni Jacob ; Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato . Na bukal ng tubig ang pingkiang bato . Huwag sa amin , Oh Panginoon , huwag sa amin , kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan , dahil sa iyong kagandahang-loob , at dahil sa iyong katotohanan . Bakit sasabihin ng mga bansa , Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios ? Nguni&#039;t ang aming Dios ay nasa mga langit : kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin . Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto , yari ng mga kamay ng mga tao . Sila&#039;y may mga bibig , nguni&#039;t sila&#039;y hindi nangagsasalita ; mga mata&#039;y mayroon sila , nguni&#039;t hindi sila nangakakakita ; Sila&#039;y may mga tainga , nguni&#039;t hindi sila nangakakarinig ; mga ilong ay mayroon sila , nguni&#039;t hindi sila nangakakaamoy ; Mayroon silang mga kamay , nguni&#039;t hindi sila nangakatatangan ; mga paa ay mayroon sila , nguni&#039;t hindi sila nangakalalakad ; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala . Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila ; Oo , bawa&#039;t tumitiwala sa kanila . Oh Israel , tumiwala ka sa Panginoon : siya&#039;y kanilang saklolo at kanilang kalasag . Oh sangbahayan ni Aaron , magsitiwala kayo sa Panginoon : siya&#039;y kanilang saklolo at kanilang kalasag . Kayong nangatatakot sa Panginoon , magsitiwala kayo sa Panginoon ; siya&#039;y kanilang saklolo at kanilang kalasag . Inalaala tayo ng Panginoon ; kaniyang pagpapalain tayo : kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel , kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron . Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon , ang mababa at gayon ang mataas . Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit , kayo at ang inyong mga anak . Pinagpala kayo ng Panginoon , na gumawa ng langit at lupa . Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon ; nguni&#039;t ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao . Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon , ni sinomang nabababa sa katahimikan ; Nguni&#039;t aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan . Purihin ninyo ang Panginoon . Aking iniibig ang Panginoon , sapagka&#039;t kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling . Sapagka&#039;t kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin , kaya&#039;t ako&#039;y tatawag sa kaniya habang ako&#039;y nabubuhay . Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin , at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin : aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan . Nang magkagayo&#039;y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon ; Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , iligtas mo ang aking kaluluwa . Mapagbiyaya ang Panginoon , at matuwid ; Oo , ang Dios namin ay maawain . Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob : ako&#039;y nababa , at kaniyang iniligtas ako . Bumalik ka sa iyong kapahingahan , Oh kaluluwa ko ; sapagka&#039;t ginawan ka ng mabuti ng Panginoon . Sapagka&#039;t iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan , at ang mga mata ko sa mga luha , at ang mga paa ko sa pagkabuwal . Ako&#039;y lalakad sa harap ng Panginoon , sa lupain ng mga buhay . Ako&#039;y sumasampalataya , sapagka&#039;t ako&#039;y magsasalita : ako&#039;y lubhang nagdalamhati : Aking sinabi sa aking pagmamadali , lahat ng tao ay bulaan . Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin ? Aking kukunin ang saro ng kaligtasan , at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon . Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon , Oo , sa harapan ng buo niyang bayan . Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal . Oh Panginoon , tunay na ako&#039;y iyong lingkod ; ako&#039;y iyong lingkod , na anak ng iyong lingkod na babae ; iyong kinalag ang aking mga tali . Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat , at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon . Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon , Oo , sa harapan ng buo niyang bayan ; Sa mga looban ng bahay ng Panginoon , sa gitna mo , Oh Jerusalem . Purihin ninyo ang Panginoon . Oh purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na mga bansa : purihin ninyo siya , ninyong lahat na mga bayan . Sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin ; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man . Purihin ninyo ang Panginoon . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Magsabi ngayon ang Israel , na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron , na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon , na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon : sinagot ako ng Panginoon , at inilagay ako sa maluwag na dako . Ang Panginoon ay kakampi ko ; hindi ako matatakot : anong magagawa ng tao sa akin ? Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin : kaya&#039;t makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin . Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao . Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo . Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot : sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila . Kanilang kinubkob ako sa palibot ; oo , kanilang kinubkob ako sa palibot : sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila . Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan : sila&#039;y nangamatay na parang apoy ng mga dawag : sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila . Itinulak mo akong bigla upang ako&#039;y mabuwal : nguni&#039;t tulungan ako ng Panginoon . Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit ; at siya&#039;y naging aking kaligtasan . Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid : ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang . Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi ; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang . Hindi ako mamamatay , kundi mabubuhay , at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon . Pinarusahan akong mainam ng Panginoon ; nguni&#039;t hindi niya ako ibinigay sa kamatayan . Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran ; aking papasukan , ako&#039;y magpapasalamat sa Panginoon . Ito&#039;y siyang pintuan ng Panginoon ; papasukan ng matuwid . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo , sapagka&#039;t sinagot mo ako ! At ikaw ay naging aking kaligtasan . Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok . Ito ang gawa ng Panginoon : kagilagilalas sa harap ng ating mga mata . Ito ang araw na ginawa ng Panginoon ; tayo&#039;y mangagagalak at ating katutuwaan . Magligtas ka ngayon , isinasamo namin sa iyo , Oh Panginoon : Oh Panginoon , isinasamo namin sa iyo , magsugo ka ngayon ng kaginhawahan . Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon : aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon . Ang Panginoon ay Dios , at binigyan niya kami ng liwanag ; talian ninyo ang hain ng mga panali , sa makatuwid baga&#039;y sa mga tila sungay ng dambana . Ikaw ay aking Dios , at magpapasalamat ako sa iyo : ikaw ay aking Dios , aking ibubunyi ka . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon , sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Mapalad silang sakdal sa lakad , na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon . Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo , na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso . Oo , silang hindi nagsisigawa ng kalikuan ; sila&#039;y nagsisilakad sa kaniyang mga daan . Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo , upang aming sunding masikap . Oh matatag nawa ang aking mga daan , upang sundin ang mga palatuntunan mo ! Hindi nga ako mapapahiya , pagka ako&#039;y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso , pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan . Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo : Oh huwag mo akong pabayaang lubos . Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan ? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita . Hinanap kita ng aking buong puso : Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos . Ang salita mo&#039;y aking iningatan sa aking puso : upang huwag akong magkasala laban sa iyo . Mapalad ka , Oh Panginoon : ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo . Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig . Ako&#039;y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo , na gaya ng lahat na kayamanan . Ako&#039;y magbubulay sa iyong mga tuntunin , at gagalang sa iyong mga daan . Ako&#039;y magaaliw sa iyong mga palatuntunan : hindi ko kalilimutan ang iyong salita . Gawan ng mabuti ang iyong lingkod , upang ako&#039;y mabuhay ; sa gayo&#039;y aking susundin ang iyong salita . Idilat mo ang aking mga mata , upang ako&#039;y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan . Ako&#039;y nakikipamayan sa lupa : huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin . Ang puso ko&#039;y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon . Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa , na nagsisihiwalay sa iyong mga utos . Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan ; sapagka&#039;t iningatan ko ang iyong mga patotoo . Mga pangulo naman ay nagsiupo , at naguusap ng laban sa akin ; nguni&#039;t ang lingkod mo&#039;y nagbulay sa iyong mga palatuntunan . Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo . Ang kaluluwa ko&#039;y dumidikit sa alabok : buhayin mo ako ayon sa iyong salita . Aking ipinahayag ang mga lakad ko , at ikaw ay sumagot sa akin : ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo . Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin : sa gayo&#039;y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa . Ang kaluluwa ko&#039;y natutunaw sa kabigatan ng loob : iyong palakasin ako ayon sa iyong salita . Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan : at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan . Aking pinili ang daan ng pagtatapat : ang mga kahatulan mo&#039;y inilagay ko sa harap ko . Ako&#039;y kumapit sa iyong mga patotoo : Oh Panginoon , huwag mo akong ilagay sa kahihiyan . Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos , pagka iyong pinalaki ang aking puso . Ituro mo sa akin , Oh Panginoon , ang daan ng iyong mga palatuntunan ; at aking iingatan hanggang sa wakas . Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan ; Oo , aking susundin ng aking buong puso . Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos ; sapagka&#039;t siya kong kinaaliwan . Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo , at huwag sa kasakiman . Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan . At buhayin mo ako sa iyong mga daan . Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod , na ukol sa takot sa iyo . Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan : sapagka&#039;t ang mga kahatulan mo&#039;y mabuti . Narito , ako&#039;y nanabik sa iyong mga tuntunin ; buhayin mo ako sa iyong katuwiran . Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob , Oh Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y ang iyong kaligtasan , ayon sa iyong salita . Sa gayo&#039;y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin ; sapagka&#039;t ako&#039;y tumitiwala sa iyong salita . At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig ; sapagka&#039;t ako&#039;y umasa sa iyong mga kahatulan . Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man . At lalakad ako sa kalayaan ; sapagka&#039;t aking hinanap ang iyong mga tuntunin . Ako nama&#039;y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari , at hindi ako mapapahiya . At ako&#039;y maaaliw sa iyong mga utos , na aking iniibig . Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos , na aking inibig ; at ako&#039;y magbubulay sa iyong mga palatuntunan . Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod , na doo&#039;y iyong pinaasa ako . Ito&#039;y aking kaaliwan sa aking pagkapighati : sapagka&#039;t binuhay ako ng iyong salita . Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin : gayon ma&#039;y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan . Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una , Oh Panginoon , at ako&#039;y nagaliw sa sarili . Maalab na galit ang humawak sa akin , dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan . Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan . Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo , Oh Panginoon , at sinunod ko ang iyong kautusan . Ito ang tinamo ko , sapagka&#039;t aking iningatan ang mga tuntunin mo . Ang Panginoon ay aking bahagi : aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita . Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso : magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita . Ako&#039;y nagiisip sa aking mga lakad , at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo . Ako&#039;y nagmadali , at hindi ako nagmakupad , na sundin ang iyong mga utos . Pinuluputan ako ng mga panali ng masama ; nguni&#039;t hindi ko nilimot ang iyong kautusan . Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo , dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan . Ako&#039;y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo , at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin . Ang lupa , Oh Panginoon , ay puno ng iyong kagandahang-loob : ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan . Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod , Oh Panginoon , ayon sa iyong salita . Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman ; sapagka&#039;t ako&#039;y sumampalataya sa iyong mga utos . Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako ; nguni&#039;t ngayo&#039;y tinutupad ko ang iyong salita . Ikaw ay mabuti , at gumagawa ng mabuti ; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan . Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin : aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko . Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo ; nguni&#039;t ako&#039;y naaaliw sa iyong kautusan . Mabuti sa akin na ako&#039;y napighati ; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo . Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak . Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay : bigyan mo ako ng unawa , upang matutuhan ko ang iyong mga utos . Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako , at matutuwa ; sapagka&#039;t ako&#039;y umasa sa iyong salita ; Talastas ko , Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid , at sa pagtatapat , iyo akong dinalamhati . Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob , ayon sa iyong salita sa iyong lingkod . Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako&#039;y mabuhay : sapagka&#039;t ang kautusan mo&#039;y aking kaaliwan . Mahiya ang palalo ; sapagka&#039;t dinaig nila ako ng walang kadahilanan : nguni&#039;t ako&#039;y magbubulay sa iyong mga tuntunin . Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo , at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo . Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan ; upang huwag akong mapahiya . Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas : nguni&#039;t umaasa ako sa iyong salita . Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita , samantalang aking sinasabi , Kailan mo ako aaliwin ? Sapagka&#039;t ako&#039;y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok ; gayon ma&#039;y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan . Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod ? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin ? Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan . Lahat mong mga utos ay tapat . Kanilang inuusig ako na may kamalian ; tulungan mo ako . Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa ; nguni&#039;t hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo . Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob ; sa gayo&#039;y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig . Magpakailan man , Oh Panginoon , ang iyong salita ay natatag sa langit . Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali&#039;t saling lahi : iyong itinatag ang lupa , at lumalagi . Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin ; sapagka&#039;t lahat ng bagay ay mga lingkod mo . Kundi ang kautusan mo&#039;y naging aking kaaliwan , namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian . Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo ; sapagka&#039;t sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako . Ako&#039;y iyo , iligtas mo ako , sapagka&#039;t aking hinanap ang mga tuntunin mo , Inabatan ako ng masama upang ako&#039;y patayin ; nguni&#039;t aking gugunitain ang iyong mga patotoo . Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan ; nguni&#039;t ang utos mo&#039;y totoong malawak . Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan ! Siya kong gunita buong araw . Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos ; sapagka&#039;t mga laging sumasa akin . Ako&#039;y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin ; sapagka&#039;t ang iyong mga patotoo ay gunita ko . Ako&#039;y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan , sapagka&#039;t aking iningatan ang mga tuntunin mo . Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad , upang aking masunod ang salita mo . Ako&#039;y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan ; sapagka&#039;t iyong tinuruan ako . Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa ! Oo , matamis kay sa pulot sa aking bibig ! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa : kaya&#039;t aking ipinagtatanim ang bawa&#039;t lakad na sinungaling . Ang salita mo&#039;y ilawan sa aking mga paa , at liwanag sa aking landas . Ako&#039;y sumumpa , at pinagtibay ko , na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan . Ako&#039;y nagdadalamhating mainam : buhayin mo ako , Oh Panginoon , ayon sa iyong salita . Tanggapin mo , isinasamo ko sa iyo , ang mga kusang handog ng aking bibig , Oh Panginoon , at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo . Ang kaluluwa ko&#039;y laging nasa aking kamay ; gayon ma&#039;y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo . Ipinaglagay ako ng silo ng masama ; gayon ma&#039;y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin . Ang mga patotoo mo&#039;y inari kong pinakamana magpakailanman ; sapagka&#039;t sila ang kagalakan ng aking puso . Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo , magpakailan man , sa makatuwid baga&#039;y hanggang sa wakas . Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip ; nguni&#039;t ang iyong kautusan ay iniibig ko . Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko : ako&#039;y umaasa sa iyong salita . Magsihiwalay kayo sa akin , kayong mga manggagawa ng kasamaan ; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios . Alalayan mo ako ayon sa iyong salita , upang ako&#039;y mabuhay ; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa . Alalayan mo ako , at ako&#039;y maliligtas , at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan . Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan ; sapagka&#039;t ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan . Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal ; kaya&#039;t iniibig ko ang mga patotoo mo . Ang laman ko&#039;y nanginginig dahil sa takot sa iyo ; at ako&#039;y takot sa iyong mga kahatulan . Ako&#039;y gumawa ng kahatulan at kaganapan : huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin . Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti : huwag mong ipapighati ako sa palalo . Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas , at ang iyong matuwid na salita . Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob , at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo . Ako&#039;y lingkod mo ; bigyan mo ako ng unawa ; upang aking maalaman ang mga patotoo mo , Kapanahunan sa Panginoon na gumawa ; sapagka&#039;t kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo . Kaya&#039;t aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto , oo , higit sa dalisay na ginto . Kaya&#039;t aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay ; at ipinagtatanim ko ang bawa&#039;t sinungaling na lakad . Ang mga patotoo mo&#039;y kagilagilalas ; kayat sila&#039;y iniingatan ng aking kaluluwa . Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag ; nagbibigay ng unawa sa walang muwang . Aking binuka ng maluwang ang bibig ko , at ako&#039;y nagbuntong-hininga ; sapagka&#039;t aking pinanabikan ang mga utos mo . Manumbalik ka sa akin , at maawa ka sa akin , gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan . Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita ; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan . Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao : sa gayo&#039;y aking tutuparin ang mga tuntunin mo . Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod ; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo . Ang mga mata ko&#039;y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig ; sapagka&#039;t hindi nila tinutupad ang kautusan mo . Matuwid ka , Oh Panginoon , at matuwid ang mga kahatulan mo . Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat . Tinunaw ako ng aking sikap , sapagka&#039;t kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo . Ang salita mo&#039;y totoong malinis ; kaya&#039;t iniibig ito ng iyong lingkod . Ako&#039;y maliit at hinahamak : gayon ma&#039;y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo . Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran , at ang kautusan mo&#039;y katotohanan . Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin : gayon ma&#039;y ang mga utos mo&#039;y aking kaaliwan . Ang mga patotoo mo&#039;y matuwid magpakailan man : bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako . Ako&#039;y tumawag ng aking buong puso ; sagutin mo ako , Oh Panginoon : iingatan ko ang iyong mga palatuntunan . Ako&#039;y tumawag sa iyo ; iligtas mo ako , at aking tutuparin ang mga patotoo mo . Ako&#039;y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga , at dumaing ako : ako&#039;y umasa sa iyong mga salita . Ang mga mata ko&#039;y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi , upang aking magunita ang salita mo . Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob : buhayin mo ako , Oh Panginoon , ayon sa iyong mga kahatulan . Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit ; sila&#039;y malayo sa iyong kautusan . Ikaw ay malapit , Oh Panginoon ; at lahat mong utos ay katotohanan . Nang una&#039;y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo , na iyong pinamalagi magpakailan man . Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako ; sapagka&#039;t hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan . Ipaglaban mo ang aking usap , at iligtas mo ako : buhayin mo ako ayon sa iyong salita . Kaligtasan ay malayo sa masama ; sapagka&#039;t hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo . Dakila ang mga malumanay mong kaawaan , Oh Panginoon : buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan . Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko ; gayon ma&#039;y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo . Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako&#039;y namanglaw ; sapagka&#039;t hindi nila sinusunod ang salita mo . Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo : buhayin mo ako , Oh Panginoon , ayon sa iyong kagandahang-loob . Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan ; at bawa&#039;t isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man . Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan ; nguni&#039;t ang puso ko&#039;y nanginginig sa iyong mga salita . Ako&#039;y nagagalak sa iyong salita , na parang nakakasumpong ng malaking samsam . Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling ; nguni&#039;t ang kautusan mo&#039;y aking iniibig . Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo , dahil sa iyong matutuwid na kahatulan . Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan . At sila&#039;y walang kadahilanang ikatitisod . Ako&#039;y umasa sa iyong pagliligtas , Oh Panginoon . At ginawa ko ang mga utos mo . Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo ; at iniibig kong mainam , Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo ; sapagka&#039;t lahat ng aking lakad ay nasa harap mo . Dumating nawa sa harap mo ang aking daing , Oh Panginoon : bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita . Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik : iligtas mo ako ayon sa iyong salita . Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi ; sapagka&#039;t itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan . Awitin ng aking dila ang iyong salita ; sapagka&#039;t lahat ng mga utos mo ay katuwiran . Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako ; sapagka&#039;t aking pinili ang iyong mga tuntunin . Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas , Oh Panginoon : at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan . Mabuhay nawa ang aking kaluluwa , at pupuri sa iyo ; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan . Ako&#039;y naligaw na parang tupang nawala ; hanapin mo ang iyong lingkod ; sapagka&#039;t hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos . Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon , at sinagot niya ako . Iligtas mo ang aking kaluluwa , Oh Panginoon , sa mga sinungaling na labi , at mula sa magdarayang dila . Anong maibibigay sa iyo , at anong magagawa pa sa iyo , ikaw na magdarayang dila ? Mga hasang pana ng makapangyarihan , at mga baga ng enebro . Sa aba ko , na nakikipamayan sa Mesech , na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar ! Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan . Ako&#039;y sa kapayapaan : nguni&#039;t pagka ako&#039;y nagsasalita , sila&#039;y sa pakikidigma . Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok ; saan baga manggagaling ang aking saklolo ? Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon , na gumawa ng langit at lupa . Hindi niya titiising ang paa mo&#039;y makilos : siyang nagiingat sa iyo , ay hindi iidlip . Narito , siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man . Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo : ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan . Hindi ka sasaktan ng araw sa araw , ni ng buwan man sa gabi . Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan ; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa . Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok , mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man . Ako&#039;y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin , tayo&#039;y magsiparoon sa bahay ng Panginoon . Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan , Oh Jerusalem ; Jerusalem , na natayo na parang bayang siksikan : Na inaahon ng mga lipi , sa makatuwid baga&#039;y ng mga lipi ng Panginoon , na pinaka patotoo sa Israel , upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon . Sapagka&#039;t doo&#039;y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan , ang mga luklukan ng sangbahayan ni David . Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem : sila&#039;y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo . Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta , at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio . Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama , aking sasabihin ngayon , kapayapaan ang sumaiyong loob . Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios . Hahanapin ko ang iyong buti . Sa iyo&#039;y aking itinitingin ang mga mata ko , Oh sa iyo na nauupo sa mga langit . Narito , kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon , kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae ; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios , hanggang sa siya&#039;y maawa sa amin . Maawa ka sa amin , Oh Panginoon , maawa ka sa amin : sapagka&#039;t kami ay lubhang lipos ng kadustaan . Ang aming kaluluwa&#039;y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay . At ng paghamak ng palalo . Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin , sabihin ng Israel ngayon , Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin , nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin : Nilamon nga nila sana tayong buhay , nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin : Tinabunan nga sana tayo ng tubig , dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos : Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig . Purihin ang Panginoon , na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin . Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli : ang silo ay nasira , at tayo ay nakatanan . Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon , na siyang gumawa ng langit at lupa . Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion , na hindi maaaring makilos , kundi nananatili magpakailan man . Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem , gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan , mula sa panahong ito at sa magpakailan man . Sapagka&#039;t ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid ; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan . Gawan mo ng mabuti , Oh Panginoon , yaong mabubuti , at yaong matutuwid sa kanilang mga puso . Nguni&#039;t sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad , ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan . Kapayapaan nawa ay suma Israel . Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion , tayo ay gaya niyaong nangananaginip . Nang magkagayo&#039;y napuno ang bibig natin ng pagtawa , at ang dila natin ng awit : nang magkagayo&#039;y sinabi nila sa gitna ng mga bansa , Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay . Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay ; na siyang ating ikinatutuwa . Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag , Oh Panginoon , na gaya ng mga batis sa Timugan . Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan . Siyang lumalabas at umiiyak , na nagdadala ng binhing itatanim ; siya&#039;y di sasalang babalik na may kagalakan , na dala ang kaniyang mga tangkas . Malibang itayo ng Panginoon ang bahay , walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo : malibang ingatan ng Panginoon ang bayan , walang kabuluhang gumigising ang bantay . Walang kabuluhan sa inyo na kayo&#039;y magsibangong maaga , at magpahingang tanghali , at magsikain ng tinapay ng kapagalan : sapagka&#039;t binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal . Narito , ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon : at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala . Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake , gayon ang mga anak ng kabataan . Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon : sila&#039;y hindi mapapahiya , pagka sila&#039;y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan . Mapalad ang bawa&#039;t isa na natatakot sa Panginoon , na lumalakad sa kaniyang mga daan . Sapagka&#039;t iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay : magiging maginhawa ka , at ikabubuti mo . Ang asawa mo&#039;y magiging parang mabungang puno ng ubas , sa mga pinakaloob ng iyong bahay : ang mga anak mo&#039;y parang mga puno ng olibo , sa palibot ng iyong dulang . Narito , na ganito nawa pagpalain ang tao , na natatakot sa Panginoon . Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion : at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay . Oo , iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak . Kapayapaan nawa&#039;y suma Israel . Madalas na ako&#039;y dinalamhati nila mula sa aking kabataan , sabihin ngayon ng Israel , Madalas na ako&#039;y dinalamhati nila mula sa aking kabataan : gayon ma&#039;y hindi sila nanganaig laban sa akin . Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod ; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal . Ang Panginoon ay matuwid : kaniyang pinutol ang mga panali ng masama . Mapahiya sila at magsitalikod , silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion . Sila&#039;y maging parang damo sa mga bubungan , na natutuyo bago lumaki : Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon , ni siyang nagtatali man ng mga bigkis , ang kaniyang sinapupunan . Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan , ang pagpapala ng Panginoon , ay sumainyo nawa ; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon . Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo , Oh Panginoon . Panginoon , dinggin mo ang aking tinig : pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik . Kung ikaw , Panginoon , magtatanda ng mga kasamaan , Oh Panginoon , sinong tatayo ? Nguni&#039;t may kapatawarang taglay ka , upang ikaw ay katakutan . Aking hinihintay ang Panginoon , hinihintay ng aking kaluluwa , at sa kaniyang salita ay umaasa ako . Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon , ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga ; Oo , higit kay sa bantay sa umaga . Oh Israel , umasa ka sa Panginoon ; sapagka&#039;t sa Panginoon ay may kagandahang-loob . At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan . Panginoon , hindi hambog ang aking puso , ni mayabang man ang aking mga mata ; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay , o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin . Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa ; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina , ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso . Oh Israel , umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man . Panginoon , alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian ; Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon , at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob : Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay , ni sasampa man sa aking higaan , Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata , o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata ; Hanggang sa ako&#039;y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon , ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob . Narito , narinig namin sa Ephrata : aming nasumpungan sa mga parang ng gubat . Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo ; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan . Bumangon ka , Oh Panginoon , sa iyong pahingahang dako : ikaw , at ang kaban ng iyong kalakasan . Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran ; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan . Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis . Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan ; hindi niya babaligtarin : ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan . Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan . At ang aking patotoo na aking ituturo , magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man . Sapagka&#039;t pinili ng Panginoon ang Sion ; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya . Ito&#039;y aking pahingahang dako magpakailan man . Dito ako tatahan ; sapagka&#039;t aking ninasa . Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain ; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha . Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan : at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan . Doo&#039;y aking pamumukuhin ang sungay ni David : aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis . Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan : nguni&#039;t sa kaniya&#039;y mamumulaklak ang kaniyang putong . Masdan ninyo , na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa ! Parang mahalagang langis sa ulo , na tumutulo sa balbas , sa makatuwid baga&#039;y sa balbas ni Aaron . Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot ; Gaya ng hamog sa Hermon , na tumutulo sa mga bundok ng Sion : sapagka&#039;t doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala , sa makatuwid baga&#039;y ang buhay na magpakailan pa man . Narito , purihin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na lingkod ng Panginoon . Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon . Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario , at purihin ninyo ang Panginoon . Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion ; sa makatuwid baga&#039;y niyaong gumawa ng langit at lupa . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon ; purihin ninyo siya , Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon : Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon . Sa mga looban ng bahay ng ating Dios . Purihin ninyo ang Panginoon ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay mabuti : magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan ; sapagka&#039;t maligaya . Sapagka&#039;t pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob , at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan . Sapagka&#039;t nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila , at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios . Anomang kinalugdan ng Panginoon , ay kaniyang ginawa , sa langit at sa lupa , sa mga dagat , at sa lahat ng mga kalaliman . Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa ; kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan ; kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman . Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto , sa tao at gayon din sa hayop . Siya&#039;y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo , Oh Egipto , kay Faraon , at sa lahat niyang mga lingkod . Na siyang sumakit sa maraming bansa , at pumatay sa mga makapangyarihang hari ; Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo , at kay Og na hari sa Basan , at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan : At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana , isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan . Ang iyong pangalan , Oh Panginoon , ay magpakailan man ; ang alaala sa iyo , Oh Panginoon , ay sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Sapagka&#039;t hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan , at magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod . Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto , na gawa ng mga kamay ng mga tao . Sila&#039;y may mga bibig , nguni&#039;t hindi sila nangagsasalita ; mga mata ay mayroon sila , nguni&#039;t hindi sila nangakakakita ; Sila&#039;y may mga tainga , nguni&#039;t hindi sila nangakakarinig ; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig . Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila ; Oo , bawa&#039;t tumitiwala sa kanila . Oh sangbahayan ni Israel , purihin ninyo ang Panginoon : Oh sangbahayan ni Aaron , purihin ninyo ang Panginoon : Oh sangbahayan ni Levi , purihin ninyo ang Panginoon : ninyong nangatatakot sa Panginoon , purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ang Panginoon mula sa Sion , na siyang tumatahan sa Jerusalem . Purihin ninyo ang Panginoon . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y mabuti : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw ; sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Ng araw upang magpuno sa araw : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : At kinuha ang Israel sa kanila : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Sa pamamagitan ng malakas na kamay , at ng unat na bisig : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Nguni&#039;t tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : At pumatay sa mga bantog na hari : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo ; sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : At kay Og na hari sa Basan : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana . Sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Sa makatuwid baga&#039;y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : At iniligtas tayo sa ating mga kaaway : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man : Siya&#039;y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit : sapagka&#039;t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man . Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia , doo&#039;y nangaupo tayo , oo , nagiyak tayo , nang ating maalaala ang Sion . Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa . Sapagka&#039;t doo&#039;y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit , at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan , na nangagsasabi : Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion . Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain ? Kung kalimutan kita , Oh Jerusalem , kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan . Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig , kung hindi kita alalahanin ; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan . Alalahanin mo Oh Panginoon , laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem ; na nagsabi , Sirain , sirain , pati ng patibayan niyaon . Oh anak na babae ng Babilonia , na sira ; magiging mapalad siya , na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin . Magiging mapalad siya , na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso : sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo . Ako&#039;y sasamba sa dako ng iyong banal na templo , at magpapasalamat sa iyong pangalan , dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan : sapagka&#039;t iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan . Nang araw na ako&#039;y tumawag ay sinagot mo ako , iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa . Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo , Oh Panginoon , sapagka&#039;t kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig . Oo , sila&#039;y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon ; sapagka&#039;t dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon . Sapagka&#039;t bagaman ang Panginoon ay mataas , gumagalang din sa mababa : nguni&#039;t ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo . Bagaman ako&#039;y lumakad sa gitna ng kabagabagan , iyong bubuhayin ako ; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway , at ililigtas ako ng iyong kanan . Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin : ang iyong kagandahang-loob , Oh Panginoon , ay magpakailan man ; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay . Oh Panginoon , iyong siniyasat ako , at nakilala ako . Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig , iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo . Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan , at iyong kilala ang lahat kong mga lakad . Sapagka&#039;t wala pa ang salita sa aking dila , nguni&#039;t , narito , Oh Panginoon , natatalastas mo nang buo . Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan , at inilapag mo ang iyong kamay sa akin . Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin ; ito&#039;y mataas , hindi ko maabot . Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu ? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan ? Kung sumampa ako sa langit , nandiyan ka : kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol , narito , ikaw ay nandoon . Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga , at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat ; Doon ma&#039;y papatnubayan ako ng iyong kamay , at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin . Kung aking sabihin , Tunay na tatakpan ako ng kadiliman , at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi ; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo , kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw : ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo . Sapagka&#039;t iyong inanyo ang aking mga lamang loob : iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina . Ako&#039;y magpapasalamat sa iyo ; sapagka&#039;t nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas : kagilagilalas ang iyong mga gawa ; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa . Ang katawan ko&#039;y hindi nakubli sa iyo , nang ako&#039;y gawin sa lihim , at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa . Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal , at sa iyong aklat ay pawang nangasulat , kahit na ang mga araw na itinakda sa akin , nang wala pang anoman sa kanila , Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin , Oh Dios ! Pagka dakila ng kabuoan nila ! Kung aking bibilangin , higit sila sa bilang kay sa buhangin : pagka ako&#039;y nagigising ay laging nasa iyo ako . Walang pagsalang iyong papatayin ang masama , Oh Dios : hiwalayan nga ninyo ako , Oh mga mabagsik na tao . Sapagka&#039;t sila&#039;y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan , at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan . Hindi ko ba ipinagtatanim sila , Oh Panginoon , na nagtatanim sa iyo ? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo ? Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan : sila&#039;y naging mga kaaway ko . Siyasatin mo ako , Oh Dios , at alamin mo ang aking puso ; subukin mo ako , at alamin mo ang aking mga pagiisip : At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin , at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan . Iligtas mo ako , Oh Panginoon , sa masamang tao ; ingatan mo ako sa marahas na tao : Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso : laging nagpipipisan sila sa pagdidigma . Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas ; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi . ( Selah ) Ingatan mo ako , Oh Panginoon , sa mga kamay ng masama ; ingatan mo ako sa marahas na tao : na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang . Ipinagkubli ako ng palalo ng silo , at ng mga panali ; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan ; sila&#039;y naglagay ng mga silo na ukol sa akin . ( Selah ) Aking sinabi sa Panginoon . Ikaw ay Dios ko : Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin , Oh Panginoon . Oh Dios na Panginoon , na kalakasan ng aking kaligtasan , iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka . Huwag mong ipagkaloob , Oh Panginoon , ang mga nasa ng masama ; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka ; baka sila&#039;y mangagmalaki . ( Selah ) Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot , takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi . Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas : mangahagis sila sa apoy ; sa mga malalim na hukay , upang huwag na silang mangakabangon uli . Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa : huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya . Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati , at ang matuwid ng mapagkailangan . Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan : ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan . Panginoon , ako&#039;y tumawag sa iyo : magmadali ka sa akin : pakinggan mo ang tinig ko , pagka ako&#039;y tumatawag sa iyo . Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo ; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan . Maglagay ka ng bantay , Oh Panginoon , sa harap ng aking bibig ; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi . Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay , na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan : at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain . Sugatan ako ng matuwid , magiging kagandahan pa ng loob ; at sawayin niya ako , magiging parang langis sa ulo ; huwag tanggihan ng aking ulo : sapagka&#039;t sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko . Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato ; at kanilang maririnig ang aking mga salita ; sapagka&#039;t matatamis . Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa , gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol . Sapagka&#039;t ang mga mata ko&#039;y nangasa iyo , Oh Dios na Panginoon : sa iyo nanganganlong ako ; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili . Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin , at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan . Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating . Habang ako&#039;y nakatatanan . Ako&#039;y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon ; ako&#039;y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon . Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya ; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko . Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko , nalaman mo ang aking landas . Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo . Tumingin ka sa aking kanan , at tingnan mo : sapagka&#039;t walang tao na nakakakilala sa akin : kanlungan ay kulang ako ; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa . Ako&#039;y dumaing sa iyo , Oh Panginoon ; aking sinabi : Ikaw ay aking kanlungan , aking bahagi sa lupain ng may buhay . Pakinggan mo ang aking daing ; sapagka&#039;t ako&#039;y totoong nababa : iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin ; sapagka&#039;t sila&#039;y malakas kay sa akin . Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan , upang ako&#039;y makapagpasalamat sa iyong pangalan : kubkubin ako ng matuwid ; sapagka&#039;t ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin . Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon ; pakinggan mo ang aking mga pamanhik : sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako , at sa iyong katuwiran . At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod ; sapagka&#039;t sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap . Sapagka&#039;t pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko ; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa : kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako , gaya ng mga namatay nang malaon . Kaya&#039;t ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko ; ang puso ko sa loob ko ay bagbag . Aking naaalaala ang mga araw ng una ; aking ginugunita ang lahat mong mga gawa : aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay . Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo : ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo , na parang uhaw na lupain . ( Selah ) Magmadali kang sagutin mo ako , Oh Panginoon ; ang diwa ko&#039;y nanglulupaypay : huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin ; baka ako&#039;y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay . Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan ; sapagka&#039;t sa iyo ako tumitiwala : ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran ; sapagka&#039;t itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo . Iligtas mo ako , Oh Panginoon , sa aking mga kaaway : tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako . Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban ; sapagka&#039;t ikaw ay aking Dios : ang iyong Espiritu ay mabuti ; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran . Buhayin mo ako , Oh Panginoon , dahil sa iyong pangalan : sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan , At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway , at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa ; sapagka&#039;t ako&#039;y iyong lingkod . Purihin ang Panginoon na aking malaking bato , na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma , at ang mga daliri ko na magsilaban : Aking kagandahang-loob , at aking katibayan , aking matayog na moog , at aking tagapagligtas ; aking kalasag , at siya na doon ako nanganganlong ; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin . Panginoon , ano ang tao , upang iyong kilalanin siya ? O ang anak ng tao , upang iyong pahalagahan siya ? Ang tao ay parang walang kabuluhan : ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam . Ikiling mo ang iyong mga langit , Oh Panginoon , at bumaba ka : hipuin mo ang mga bundok , at magsisiusok . Maghagis ka ng kidlat , at pangalatin mo sila ; suguin mo ang iyong mga pana , at lituhin mo sila , Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas ; sagipin mo ako , at iligtas mo ako sa malaking tubig , sa kamay ng mga taga ibang lupa ; Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan , at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan . Ako&#039;y aawit ng bagong awit sa iyo , Oh Dios : sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo . Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari : na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak . Sagipin mo ako , at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa . Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan , at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan . Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan ; at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio . Pagka ang mga kamalig namin ay puno , na may sarisaring bagay ; at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang ; Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti ; pagka walang salot , at sakuna , at walang panaghoy sa aming mga lansangan ; Maginhawa ang bayan , na nasa gayong kalagayan : maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon . Ibubunyi kita , Dios ko , Oh Hari ; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man . Araw-araw ay pupurihin kita ; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man . Dakila ang Panginoon , at marapat na purihin ; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod . Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa . At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa . Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan , at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa , magbubulay ako . At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa ; at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan . Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan , at aawitin nila ang iyong katuwiran . Ang Panginoon ay mapagbiyaya , at puspos ng kahabagan ; banayad sa pagkagalit , at dakila sa kagandahang-loob . Ang Panginoon ay mabuti sa lahat ; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa . Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon ; at pupurihin ka ng iyong mga banal . Sila&#039;y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian , at mangungusap ng iyong kapangyarihan ; Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa , at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian . Ang kaharian mo&#039;y walang hanggang kaharian , at ang kapangyarihan mo&#039;y sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal , at itinatayo yaong nangasusubasob . Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo ; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon . Iyong binubuksan ang iyong kamay , at sinasapatan mo ang nasa ng bawa&#039;t bagay na may buhay . Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan , at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa . Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya , sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan . Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya ; kaniya ring didinggin ang kanilang daing , at ililigtas sila . Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya ; nguni&#039;t lahat ng masama ay lilipulin niya . Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon ; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin mo ang Panginoon , Oh kaluluwa ko . Samantalang ako&#039;y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon : ako&#039;y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios , samantalang ako&#039;y may buhay . Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo , ni sa anak man ng tao , na walang pagsaklolo . Ang hininga niya ay pumapanaw , siya&#039;y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa ; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip . Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob , na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios : Na gumawa ng langit at lupa , ng dagat , at ng lahat na nandoon ; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man : Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati ; na nagbibigay ng pagkain sa gutom : pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo ; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag ; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob ; iniibig ng Panginoon ang matuwid ; Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa ; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao ; nguni&#039;t ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad . Maghahari ang Panginoon magpakailan man . Ang iyong Dios , Oh Sion , sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon ; sapagka&#039;t mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios ; sapagka&#039;t maligaya , at ang pagpuri ay nakalulugod . Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem ; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel . Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso , at tinatalian niya ang kanilang mga sugat . Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin ; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan . Dakila ang ating Panginoon , at makapangyarihan sa kapangyarihan ; ang kaniyang unawa ay walang hanggan , Inaalalayan ng Panginoon ang maamo : kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama . Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat ; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios : Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap . Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa , na nagpapatubo ng damo sa mga bundok . Siya&#039;y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain . At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing . Siya&#039;y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo : siya&#039;y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao . Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya , sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob . Purihin mo ang Panginoon , Oh Jerusalem ; purihin mo ang iyong Dios , Oh Sion . Sapagka&#039;t kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan ; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo . Siya&#039;y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan ; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo . Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa ; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi . Siya&#039;y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa ; siya&#039;y nagkakalat ng eskarcha na parang abo . Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo : sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon ? Kaniyang pinahahatdan ng salita , at tinutunaw : kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin , at ang tubig ay pinaagos . Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob , ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel . Siya&#039;y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa : at tungkol sa kaniyang mga kahatulan , hindi nila nalaman . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit : purihin ninyo siya sa mga kaitaasan . Purihin ninyo siya , ninyong lahat niyang mga anghel : purihin ninyo siya , buo niyang hukbo . Purihin ninyo siya , araw at buwan : purihin ninyo siya , ninyong lahat na mga bituing maliwanag . Purihin ninyo siya , ninyong mga langit ng mga langit , at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit . Purihin nila ang pangalan ng Panginoon : sapagka&#039;t siya&#039;y nagutos , at sila&#039;y nangalikha . Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man : siya&#039;y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi . Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa , Ninyong mga buwaya , at lahat ng mga kalaliman : Apoy at granizo , nieve at singaw ; unos na hangin , na gumaganap ng kaniyang salita : Mga bundok at lahat ng mga gulod ; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro : Mga hayop at buong kawan ; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad : Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan ; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa : Mga binata at gayon din ng mga dalaga ; mga matanda at mga bata : Purihin nila ang pangalan ng Panginoon ; sapagka&#039;t ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi : ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit . At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan , ang papuri ng lahat niyang mga banal ; sa makatuwid baga&#039;y ng mga anak ni Israel , na bayang malapit sa kaniya . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon . Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit , at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal . Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya : magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari . Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw : magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan : kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo . Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian : magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan . Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios , at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay ; Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa , at mga parusa sa mga bayan ; Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala , at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal ; Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat : mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon . Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario : purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan . Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa : purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan . Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak : purihin ninyo siya ng salterio at alpa . Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw : purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta . Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo . Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo . Purihin ng bawa&#039;t bagay na may hininga ang Panginoon . Purihin ninyo ang Panginoon . </passage></reply></GetPassage>