<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:2</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:2</urn><passage>Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel , na nagsipasok sa Egipto : ( bawa&#039;t lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob . ) Si Ruben , si Simeon , si Levi , at si Juda ; Si Issachar , si Zabulon at si Benjamin ; Si Dan at si Nephtali , si Gad at si Aser . At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao : at si Jose ay nasa Egipto na . At namatay si Jose , at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon . At ang mga anak ni Israel ay lumago , at kumapal na maigi at dumami , at naging totoong makapangyarihan ; at ang lupain ay napuno nila . May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto , na hindi kilala si Jose . At sinabi niya sa kaniyang bayan , Narito , ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin : Hayo&#039;t tayo&#039;y magpakadunong sa kanila ; baka sila&#039;y dumami , at mangyari , na , pagka nagkadigma , ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway , at lumaban sa atin , at magsilayas sa lupain . Kaya&#039;t nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag , upang dalamhatiin sila sa atang sa kanila . At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga bayan na kamaligan , na dili iba&#039;t ang Phithom at Raamses . Datapuwa&#039;t habang dinadalamhati nila sila , ay lalong dumadami at lalong kumakapal . At kinapootan nila ang mga anak ni Israel . At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel : At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod , sa argamasa at sa laryo , at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid , at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila , na may kabagsikan . At ang hari sa Egipto ay nagsalita sa mga hilot na Hebrea , na ang pangalan ng isa ay Siphra , at ang pangalan ng isa ay Phua : At kaniyang sinabi , Paghilot ninyo sa mga babaing Hebrea , at pagtingin ninyo sa kanila sa dakong panganganakan ; kung lalake , ay papatayin nga ninyo : datapuwa&#039;t kung babae ay inyong bubuhayin . Datapuwa&#039;t ang mga hilot ay nangatakot sa Dios at hindi ginawa ang gaya ng iniutos sa kanila ng hari sa Egipto , kundi iniligtas na buhay ang mga batang lalake . At ipinatawag ng hari sa Egipto ang mga hilot , at sinabi sa kanila , Bakit ninyo ginawa ang bagay na ito , at inyong iniligtas na buhay ang mga batang lalake ? At sinabi ng mga hilot kay Faraon , Sapagka&#039;t ang mga babaing Hebrea ay hindi gaya ng mga babaing Egipcia ; sapagka&#039;t sila&#039;y maliliksi , at nakapanganak na , bago dumating ang hilot sa kanila . At ang Dios ay gumawa ng mabuti sa mga hilot : at ang bayan ay kumapal , at naging totoong makapangyarihan . At nangyari , na sapagka&#039;t ang mga hilot ay natakot sa Dios , ay iginawa niya sila ng mga sangbahayan . At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan , na sinasabi , Itatapon ninyo sa ilog bawa&#039;t lalake na ipanganak , at bawa&#039;t babae ay ililigtas ninyong buhay . At isang lalake sa lipi ni Levi ay yumaon , at nagasawa sa isang anak na babae ng lipi ni Levi . At ang babae ay naglihi , at nanganak ng isang lalake : at nang kaniyang makita na maganda , ay kaniyang itinagong tatlong buwan . At nang hindi na niya maitatagong malaon ay ikinuha niya ng isang takbang yantok , at pinahiran niya ng betun at ng sahing ; at kaniyang isinilid ang bata roon , at inilagay sa katalahiban sa tabi ng ilog . At tumayo sa malayo ang kaniyang kapatid na babae , upang maalaman ang mangyayari sa bata . At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog ; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog ; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban , at ipinakuha sa kaniyang abay . At kaniyang binuksan , at nakita niya ang bata : at narito , ang sanggol ay umiyak . At kaniyang kinaawaan at sinabi , Ito&#039;y isa sa mga anak ng mga Hebreo . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon , Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea , na makapagalaga sa iyo ng batang ito ? At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon , Yumaon ka . At ang dalaga ay yumaon , at tinawag ang ina ng bata . At sinabi ng anak ni Faraon , sa kaniya , Dalhin mo ang batang ito , at alagaan mo sa akin , at bibigyan kita ng iyong kaupahan . At kinuha ng babae ang bata , at inalagaan . At ang bata ay lumaki , at kaniyang dinala sa anak ni Faraon , at siya&#039;y kaniyang inaring anak . At kaniyang pinanganlang Moises , at sinabi , Sapagka&#039;t aking sinagip siya sa tubig . At nangyari nang mga araw na yaon , ng malaki na si Moises , na kaniyang nilabas ang kaniyang mga kapatid , at minasdan ang atang sa kanila : at kaniyang nakita ang isang Egipcio , na nananakit ng isang Hebreo , na isa sa kaniyang mga kapatid . At siya&#039;y nagmasid sa magkabikabilang dako , at nang siya&#039;y walang makitang tao , ay kaniyang pinatay ang Egipcio at kaniyang tinabunan sa buhanginan . At siya&#039;y lumabas ng ikalawang araw , at , narito , na may dalawang lalaking Hebreo , na nagbababag : at kaniyang sinabi roon sa umaapi , Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama ? At sinabi niya , Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin ? Iniisip mo bang patayin ako , na gaya ng pagpatay mo sa Egipcio ? At natakot si Moises , at nagsabi , Tunay na ang bagay na yaon ay nahayag . Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito , ay minithi niyang patayin si Moises . Datapuwa&#039;t si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon , at tumahan sa lupain ng Madian : at siya&#039;y umupo sa tabi ng isang balon . Ang saserdote nga sa Madian ay may pitong anak na babae : at sila&#039;y naparoon at umigib ng tubig , at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama . At ang mga pastor ay dumating , at sila&#039;y pinalayas : datapuwa&#039;t si Moises ay tumayo , at sila&#039;y tinulungan , at pinainom ang kanilang kawan . At nang sila&#039;y dumating kay Raquel na kanilang ama , ay sinabi niya , Bakit kayo tumindig na madali ngayon ? At kanilang sinabi , Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor , at saka iniigib pa niya kami ng tubig , at pinainom ang kawan . At kaniyang sinabi sa mga anak niya , At saan naroon siya ? bakit ninyo iniwan ang lalaking yaon ? tawagin ninyo siya upang makakain ng tinapay . At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon : at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si Zephora na kaniyang anak . At nanganak ng isang lalake , at kaniyang pinanganlan ng Gersom ; sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Ako&#039;y nakipamayan sa ibang bayan . At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay ; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin , at sila&#039;y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin . At dininig ng Dios ang kanilang hibik , at naalaala ng Dios ang kaniyang tipan kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel , at sila&#039;y kinilala ng Dios . Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan , na saserdote sa Madian : at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang , at napasa bundok ng Dios , sa Horeb . At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya , sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy ; at siya&#039;y nagmasid , at , narito , ang kahoy ay nagniningas sa apoy , at ang kahoy ay hindi natutupok . At sinabi ni Moises , Ako&#039;y liliko ngayon , at titingnan ko itong dakilang panoorin , kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok . At nang makita ng Panginoon na panonoorin niya , ay tinawag siya ng Dios mula sa gitna ng mababang punong kahoy , at sinabi , Moises , Moises . At kaniyang sinabi , Narito ako . At sinabi , Huwag kang lumapit dito , hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa , sapagka&#039;t ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa . Bukod dito ay sinabi , Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham , ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob . At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha ; sapagka&#039;t siya&#039;y natakot na tumingin sa Dios . At sinabi ng Panginoon , Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto , at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila ; sapagka&#039;t talastas ko ang kanilang kapanglawan . At ako&#039;y bumaba upang iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila&#039;y isampa sa isang mabuting lupain at malawak , mula sa lupaing yaon , sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot sa dako ng Cananeo , at ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Heveo at ng Jebuseo . At ngayon narito , ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin ; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio . Halika nga ngayon , at ikaw ay aking susuguin kay Faraon , upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel . At sinabi ni Moises sa Dios , Sino ako , upang pumaroon kay Faraon , at upang ilabas sa Egipto ang mga anak ni Israel ? At kaniyang sinabi , Tunay na ako&#039;y sasaiyo ; at ito&#039;y magiging tanda sa iyo , na ikaw ay aking sinugo : pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito . At sinabi ni Moises sa Dios , Narito , pagdating ko sa mga anak ni Israel , at sasabihin ko sa kanila , Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang ; at sasabihin nila sa akin : Ano ang kaniyang pangalan ? anong sasabihin ko sa kanila ? At sinabi ng Dios kay Moises , AKO YAONG AKO NGA ; at kaniyang sinabi , Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel , Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA . At sinabi pa ng Dios kay Moises , Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel , Sinugo ako sa inyo ng Panginoon , ng Dios ng inyong mga magulang , ng Dios ni Abraham , ng Dios ni Isaac , at ng Dios ni Jacob : ito ang aking pangalan magpakailan man , at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi . Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel , at sabihin mo sa kanila , Ang Panginoon , ang Dios ng inyong mga magulang , ang Dios ni Abraham , ni Isaac , at ni Jacob ; ay napakita sa akin , na nagsasabi , tunay na kayo&#039;y aking dinalaw , at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto . At aking sinabi , Aking aalisin kayo sa kapighatian sa Egipto at dadalhin ko kayo , sa lupain ng Cananeo , at ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Heveo , at ng Jebuseo , sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot . At kanilang didinggin ang iyong tinig : at ikaw ay paroroon , ikaw at ang mga matanda sa Israel , sa hari sa Egipto , at inyong sasabihin sa kaniya , Ang Panginoon , ang Dios ng mga Hebreo , ay nakipagtagpo sa amin : at ngayo&#039;y pahintulutan mo kami na maglakbay , na tatlong araw sa ilang , upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios . At talastas ko , na hindi kayo pababayaang yumaon ng hari sa Egipto , kung hindi sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay . At aking iuunat ang aking kamay , at sasaktan ko ang Egipto ng aking buong kababalaghan na aking gagawin sa gitna niyaon at pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niya kayong yumaon . At pagkakalooban ko ang bayang ito ng biyaya sa paningin ng mga Egipcio : ay mangyayari , na pagyaon ninyo , ay hindi kayo yayaong walang dala : Kundi bawa&#039;t babae ay hihingi sa kaniyang kapuwa , at sa tumatahan sa kaniyang bahay , ng mga hiyas na pilak , at mga hiyas na ginto at mga damit : at inyong ipagsusuot sa inyong mga anak na lalake at babae ; at inyong sasamsaman ang mga Egipcio . At si Moises ay sumagot at nagsabi , Datapuwa&#039;t , narito , hindi nila paniniwalaan ako , ni didinggin ang aking tinig sapagka&#039;t kanilang sasabihin , Ang Panginoon ay hindi napakita sa iyo . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Ano iyang nasa iyong kamay ? At kaniyang sinabi , Isang tungkod . At kaniyang sinabi , Ihagis mo sa lupa . At kaniyang inihagis sa lupa , at naging isang ahas ; at si Moises ay tumakas sa harap ng ahas . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay , at sunggaban mo sa buntot : ( at kaniyang iniunat ang kaniyang kamay , at kaniyang hinawakan , at naging isang tungkod sa kaniyang kamay ) . Upang sila&#039;y maniwala , na ang Dios ng iyong mga magulang , ang Dios ni Abraham , ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob ay napakita sa iyo . At sinabi pa sa kaniya ng Panginoon , Ipasok mo ang iyong kamay , sa iyong sinapupunan . At kaniyang ipinasok ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan : at nang kaniyang ilabas , ay narito , ang kaniyang kamay ay may ketong , na maputing parang niebe . At kaniyang sinabi , Ipasok mo uli ang iyong kamay sa iyong sinapupunan . ( At kaniyang ipinasok uli ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan , at nang kaniyang ilabas sa kaniyang sinapupunan , ay narito , nagsauling gaya ng kaniyang dating laman ) . At mangyayari , na kung sila&#039;y hindi maniniwala sa iyo , ni makikinig sa tinig ng unang tanda , ay kanilang paniniwalaan ang tinig ng huling tanda . At mangyayari na kung sila&#039;y hindi maniniwala sa dalawang tandang ito , ni hindi makikinig sa iyong tinig , ay kukuha ka ng tubig sa ilog , at iyong ibubuhos sa tuyong lupa , at ang tubig na iyong kukunin sa ilog ay magiging dugo sa tuyong lupa . At sinabi ni Moises sa Panginoon , Oh Panginoon , ako&#039;y hindi marikit mangusap , kahit ng panahong nakaraan , kahit mula ng magsalita ka sa iyong lingkod : sapagka&#039;t ako&#039;y kimi sa pangungusap at umid sa dila . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Sinong gumawa ng bibig ng tao ? o sinong gumawa ng pipi , o bingi , o may paningin , o bulag sa tao ? Hindi ba akong Panginoon ? Ngayon nga&#039;y yumaon ka , at ako&#039;y sasaiyong bibig , at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain . At kaniyang sinabi , Oh Panginoon , magsugo ka , isinasamo ko sa iyo , sa pamamagitan ng kamay niyaong iyong susuguin . At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban kay Moises , at kaniyang sinabi , Wala ba si Aarong kapatid mo na Levita ? Nalalaman kong siya&#039;y makapagsasalitang mabuti . At saka , narito , siya&#039;y lumalabas upang salubungin ka ; at pagkakita niya sa iyo , ay matutuwa sa kaniyang puso . At ikaw ay magsasalita sa kaniya , at iyong isasabibig niya ang mga salita ; at ako&#039;y sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig , at aking ituturo sa inyo , kung ano ang inyong gagawin . At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan : at mangyayari na siya&#039;y magiging sa iyo&#039;y bibig , at ikaw ay magiging sa kaniya&#039;y parang Dios . At tatangnan mo sa iyong kamay ang tungkod na ito , na iyong ipaggagawa ng mga tanda . At si Moises ay yumaon , at bumalik kay Jethro na kaniyang biyanan , at nagsabi sa kaniya , Pahintulutan mo akong yumaon , isinasamo ko sa iyo , at bumalik sa aking mga kapatid na nasa Egipto , at titingnan ko , kung sila&#039;y nabubuhay pa . At sinabi ni Jethro kay Moises , Yumaon kang payapa . At sinabi ng Panginoon kay Moises sa Madian , Yumaon ka , bumalik ka sa Egipto : sapagka&#039;t namatay na ang lahat ng tao , na nagmimithi ng iyong buhay . At ipinagsama ni Moises ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak , at kaniyang ipinagsasakay sa isang asno , at siya&#039;y bumalik sa lupain ng Egipto : at tinangnan ni Moises ang tungkod ng Dios sa kaniyang kamay . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Pagkabalik mo sa Egipto , iyong gawin nga sa harap ni Faraon ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay : datapuwa&#039;t aking papagmamatigasin ang kaniyang puso , at hindi niya tutulutang yumaon ang bayan . At iyong sasabihin kay Faraon , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang Israel ay aking anak , aking panganay : At aking sinabi sa iyo , Pahintulutan mong ang aking anak ay yumaon , upang siya&#039;y makapaglingkod sa akin ; at ayaw mo siyang payaunin , narito , aking papatayin ang iyong anak , ang iyong panganay . At nangyari sa daan , sa dakong panuluyanan , na sinalubong ng Panginoon siya , at pinagsikapang patayin siya . Nang magkagayo&#039;y sumunggab si Sephora ng isang batong matalim , at pinutol ang balat ng masama ng kaniyang anak , at inihagis sa kaniyang paanan ; at kaniyang sinabi , Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik . Sa gayo&#039;y kaniyang binitiwan siya . Nang magkagayo&#039;y kaniyang sinabi , Isang asawa kang mabagsik , dahil sa pagtutuli . At sinabi ng Panginoon kay Aaron , Pumaroon ka sa ilang na salubungin mo si Moises . At siya&#039;y pumaroon , at nasalubong niya sa bundok ng Dios , at kaniyang hinagkan . At isinaysay ni Moises kay Aaron ang lahat ng salita ng Panginoon , na ipinagbilin sa kaniyang sabihin , at ang lahat ng tandang ipinagbilin sa kaniyang gawin . At si Moises at si Aaron ay naparoon at tinipon ang lahat ng matanda sa mga anak ni Israel : At sinalita ni Aaron ang lahat ng salita na sinalita ng Panginoon kay Moises , at ginawa ang mga tanda sa paningin ng bayan . At ang bayan ay naniwala : at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel , at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian , ay iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba . At pagkatapos nito , si Moises at si Aaron ay nagsipasok , at sinabi kay Faraon , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang . At sinabi ni Faraon , Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig , upang pahintulutan kong yumaon ang Israel ? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel . At kanilang sinabi , Ang Dios ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin ; pahintulutan mo nga kaming maglakbay na tatlong araw sa ilang , at maghain sa Panginoon naming Dios , baka hulugan niya kami ng salot o ng tabak . At sinabi sa kanila ng hari sa Egipto , Bakit kinakalagan ninyo , Moises at Aaron , ang bayan sa kanilang mga gawain ? pumaroon kayo sa mga atang sa inyo . At sinabi ni Faraon , Narito , ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon , at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila . At ng araw ring yaon ay nagutos si Faraon sa mga tagapagpaatag sa bayan at sa kanilang mga puno , na sinasabi , Huwag na ninyong bibigyan ang bayan , ng dayami sa paggawa ng laryo , na gaya ng dati : sila ang pumaroon at magtipon ng dayami sa ganang kanilang sarili . At ang bilang ng mga laryo , na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila ; wala kayong babawasin : sapagka&#039;t sila&#039;y mga pagayongayon ; kaya&#039;t sila&#039;y dumadaing , na nagsasabi , Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa aming Dios . Pabigatin ninyo ang gawain ng mga lalake upang kanilang pagpagalan at huwag nilang pakitunguhan ang mga kabulaanang salita . At ang mga tagapagpaatag sa bayan , ay nagsilabas , at kanilang sinalita sa bayan , na sinasabi , Ganito ang sabi ni Faraon , Hindi ko kayo bibigyan ng dayami . Yumaon kayo ng inyong sarili , kumuha kayo ng dayami kung saan kayo makakakuha : sapagka&#039;t walang babawasin kaunti man sa inyong gawain . Kaya&#039;t ang bayan ay nangalat sa buong lupain ng Egipto , na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami . At hinihigpitan sila ng mga tagapagpaatag , na sinasabi , Tapusin ninyo ang inyong mga gawa , ang inyong gawain sa araw-araw , na gaya nang mayroong kayong dayami . At ang mga pinuno sa mga anak ni Israel na ipinaglalagay sa kanila ng mga tagapagpaatag ni Faraon , ay nangapalo , at sa kanila&#039;y sinabi , Bakit hindi ninyo tinapos ang inyong gawain kahapon at ngayon , sa paggawa ng laryo , na gaya ng dati ? Nang magkagayo&#039;y ang mga pinuno sa mga anak ni Israel ay naparoon at dumaing kay Faraon , na nagsasabi , Bakit mo ginaganyan ang iyong mga alipin ? Walang anomang dayami , na ibinibigay sa iyong mga alipin , at kanilang sinasabi sa amin , Gumawa kayo ng laryo : at , narito , ang iyong mga alipin ay nangapapalo ; nguni&#039;t ang sala&#039;y nasa iyong sariling bayan . Datapuwa&#039;t kaniyang sinabi , Kayo&#039;y mga pagayongayon , kayo&#039;y mga pagayongayon : kaya&#039;t inyong sinasabi , Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa Panginoon . Kayo nga&#039;y yumaon ngayon at gumawa ; sapagka&#039;t walang anomang dayaming ibibigay sa inyo , at gayon ma&#039;y inyong ibibigay ang bilang ng mga laryo . At nakita ng mga pinuno ng mga anak ni Israel , na sila&#039;y nasa masamang kalagayan , nang sabihin , Walang mababawas na anoman sa inyong mga laryo sa inyong gawain sa araw-araw . At kanilang nasalubong si Moises at si Aaron na nagsitayo sa daan , pagkapanggaling kay Faraon : At sinabi nila sa kanila , Kayo nawa&#039;y tunghan ng Panginoon , at hatulan ; sapagka&#039;t ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon , at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod , na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin . At si Moises ay bumalik sa Panginoon , at nagsabi , Panginoon , bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito ? bakit mo sinugo ako ? Sapagka&#039;t mula nang ako&#039;y pumaroon kay Faraon na magsalita sa iyong pangalan , ay kaniyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito : at ni hindi mo man iniligtas ang iyong bayan . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ngayo&#039;y iyong makikita kung ano ang gagawin ko kay Faraon , sapagka&#039;t sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay payayaunin niya sila , at sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain . At ang Dios ay nagsalita kay Moises , at nagsabi sa kaniya , Ako&#039;y si Jehova . At ako&#039;y napakita kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat ; nguni&#039;t sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova , noon ay hindi ako napakilala sa kanila . At akin ding pinapagtibay ang aking tipan sa kanila na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan , ang lupain ng kanilang pakikipamayan , na kanilang pinakipamayanan . At bukod dito&#039;y aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin ; at aking naalaala ang aking tipan . Kaya&#039;t sabihin mo sa mga anak ni Israel , Ako&#039;y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio , at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila , at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan : At kayo&#039;y aking aariin na pinakabayan ko at ako&#039;y magiging sa inyo&#039;y Dios , at inyong makikilala na ako&#039;y si Jehova ninyong Dios , na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio . At aking dadalhin kayo sa lupain , na siyang pinagtaasan ko ng aking kamay na aking ibibigay kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob ; at aking ibibigay sa inyo na pinakamana : ako&#039;y si Jehova . At sinalitang gayon ni Moises sa mga anak ni Israel ; datapuwa&#039;t hindi sila nakinig kay Moises , dahil sa yamot , at dahil sa mabagsik na pagkaalipin . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Pumasok ka , salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto , na kaniyang pahintulutang umalis sa lupain niya ang mga anak ni Israel . At si Moises ay nagsalita sa harap ng Panginoon , na sinasabi , Narito ang mga anak ni Israel ay hindi nakinig sa akin ; paano ngang si Faraon ay makikinig sa akin , na ako&#039;y may mga labing di tuli ? At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron , at pinagbilinan sila hinggil sa mga anak ni Israel , at kay Faraon , na hari sa Egipto , upang ilabas ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto . Ito ang mga pangulo sa mga angkan ng kanilang mga magulang ; ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ; si Hanoch , at si Phallu , at si Hezron , at si Carmi : ito ang mga angkan ni Ruben . At ang mga anak ni Simeon ; si Jemuel , at si Jamin , at si Ohad , at si Jachin , at si Zoar , at si Saul na anak sa isang babaing taga Canaan : ito ang mga angkan ni Simeon . At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon sa kanilang lahi ; si Gerson , at si Coath , at si Merari ; at ang mga naging taon ng buhay ni Levi ay isang daan at tatlong pu&#039;t pitong taon . Ang mga anak ni Gerson ; si Libni at si Shimi , ayon sa kanikanilang angkan . At ang mga anak ni Coath ; si Amram , at si Izhar , at si Hebron , at si Uzziel ; at ang mga naging taon ng buhay ni Coath ay isang daan at tatlong pu&#039;t tatlong taon . At ang mga anak ni Merari ; si Mahali at si Musi . Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang lahi . At nagasawa si Amram kay Jochebed na kapatid na babae ng kaniyang ama , at ipinanganak nito sa kaniya si Aaron at si Moises : at ang mga naging taon ng buhay ni Amram ay isang daan at tatlong pu&#039;t pitong taon . At ang mga anak ni Izhar ; si Cora , at si Nepheg , at si Zithri . At ang mga anak ni Uzziel ; si Misael , at si Elzaphan , at si Zithri . At nagasawa si Aaron kay Elisabeth , na anak ni Aminadab , na kapatid ni Naason ; at ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abiu , si Eleazar at si Ithamar . At ang mga anak ni Cora ; si Assir , at si Elcana , at si Abiasaph ; ito ang mga angkan ng mga Corita . At si Eleazar na anak ni Aaron , ay nagasawa sa isa sa mga anak ni Phutiel ; at ipinanganak niya si Phinees . Ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita ayon sa kanilang mga angkan . Ito&#039;y yaong si Aaron at si Moises , na siyang pinagsabihan ng Panginoon . Ilabas ninyo ang mga anak ni Israel sa lupaing Egipto ayon sa kanilang mga hukbo . Ito ang mga nagsalita kay Faraon na hari sa Egipto , upang ilabas ang mga anak ni Israel sa Egipto : ang mga ito&#039;y si Moises at si Aaron . At nangyari ng araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa lupain ng Egipto , Na sinalita ng Panginoon kay Moises , na sinasabi , Ako nga ang Panginoon ; salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto , ang lahat ng aking sinasalita sa iyo . At sinabi ni Moises sa harap ng Panginoon , Narito ako&#039;y may mga labing di tuli , at paanong si Faraon ay makikinig sa akin ? At sinabi ng Panginoon kay Moises , Tingnan mo , ginawa kitang dios kay Faraon : at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta . Iyong sasalitaing lahat ang aking iniuutos sa iyo : at sasalitain kay Faraon ni Aaron na iyong kapatid upang kaniyang pahintulutan ang mga anak ni Israel ay lumabas sa kaniyang lupain . At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon , at aking pararamihin ang aking mga tanda at ang aking mga kababalaghan sa lupain ng Egipto . Nguni&#039;t si Faraon ay hindi makikinig sa inyo , at aking ipapatong sa Egipto ang aking kamay at ilalabas ko ang aking mga hukbo , ang aking bayan , na mga anak ni Israel , sa lupaing Egipto sa pamamagitan ng mga dakilang kahatulan . At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon , pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay , at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila . At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron : kung paanong iniutos ng Panginoon sa kanila , ay gayon ginawa nila . At si Moises ay may walong pung taon gulang , at si Aaron ay may walong pu&#039;t tatlong taong gulang nang sila&#039;y magsalita kay Faraon . At nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron , na sinasabi , Pagsasalita ni Faraon sa inyo , na sasabihin , Magpakita kayo ng isang kababalaghan sa ganang inyo ; ay iyo ngang sasabihin kay Aaron : Kunin mo ang iyong tungkod , at ihagis mo sa harap ni Faraon , na magiging isang ahas . At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon , at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon , at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas . Nang magkagayo&#039;y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula , at sila naman na mga mahiko sa Egipto , ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto . Sapagka&#039;t inihagis ng bawa&#039;t isa ang kanikaniyang tungkod , at nangaging ahas : nguni&#039;t nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila . At ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ang puso ni Farao&#039;y nagmatigas , ayaw niyang paalisin ang bayan . Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan ; narito , siya&#039;y pasasa tubig ; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya ; at ang tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay . At iyong sasabihin sa kaniya , Sinugo ako sa iyo ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo , na sinasabi , Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon , upang sila&#039;y makapaglingkod sa akin sa ilang at , narito , hanggang ngayo&#039;y hindi mo dininig . Ganito ang sabi ng Panginoon , Dito mo makikilala , na ako ang Panginoon : narito , aking papaluin ng tungkod , na nasa aking kamay , ang tubig , na nasa ilog at magiging dugo . At ang mga isda , na nasa ilog ay mamamatay , at ang ilog ay babaho ; at ang mga Egipcio ay masusuklam na uminom ng tubig sa ilog . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo kay Aaron , Kunin mo ang iyong tungkod , at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto , sa kanilang mga ilog , sa kanilang mga bangbang , at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig , upang mga maging dugo ; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto , maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato . At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron , gaya ng iniutos ng Panginoon ; at kaniyang itinaas ang tungkod , at pinalo ang tubig , na nasa ilog , sa paningin ni Faraon , at sa paningin ng kaniyang mga lingkod ; at ang lahat ng tubig , na nasa ilog ay naging dugo . At ang isda , na nasa tubig ay namatay ; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog ; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto . At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din , sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto ; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon . At si Faraon ay pumihit at umuwi sa kaniyang bahay , na hindi man lamang nabagbag ang kaniyang puso . At lahat ng mga Egipcio ay humukay sa palibot ng ilog , upang makasumpong ng tubig na mainom ; sapagka&#039;t sila&#039;y hindi makainom ng tubig sa ilog . At naganap ang pitong araw , pagkatapos na masalot ng Panginoon ang ilog . At sinalita ng Panginoon kay Moises , Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Tulutan mong yumaon ang aking bayan , upang ako&#039;y mapaglingkuran nila . At kung ayaw mo silang payaunin , ay narito , aking sasalutin ng mga palaka ang inyong buong lupain : At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka , na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay , at sa iyong tulugan , at sa iyong higaan , at sa bahay ng iyong mga lingkod , at sa iyong bayan , at sa iyong mga hurno , at sa iyong mga masa ng tinapay . At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan , at lahat ng iyong mga lingkod . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo kay Aaron , Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog , sa mga bangbang , at sa mga lawa , at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto . At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto ; at ang mga palaka ay nagsiahon , at tinakpan ang lupain ng Egipto . At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto , at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto . Nang magkagayo&#039;y tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron , at sinabi , Manalangin kayo sa Panginoon , na alisin ang mga palaka sa akin , at sa aking bayan ; at aking tutulutang yumaon , ang bayan upang sila&#039;y makapaghain sa Panginoon . At sinabi ni Moises kay Faraon , Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin : anong oras isasamo kita , at ang iyong mga lingkod , at ang iyong bayan , upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay , at mangatira na lamang sa ilog ? At kaniyang sinabi , Sa kinabukasan . At sinabi ni Moises , Mangyayari ayon sa iyong salita : upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming Dios . At ang mga palaka ay magsisialis sa iyo , at sa iyong bahay , at sa iyong mga lingkod , at sa iyong bayan ; mangatitira na lamang sa ilog . At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ni Faraon : at si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kaniyang dinala kay Faraon . At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises , at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay , sa mga looban at sa mga parang . At kanilang pinagpisan sa buntonbunton : at ang lupa ay bumaho . Nguni&#039;t nang makita ni Faraon na may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo kay Aaron : Iunat mo ang iyong tungkod , at paluin mo ang alabok ng lupa , upang maging mga kuto sa lupaing Egipto . At kaniyang ginawang gayon ; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod , at pinalo ang alabok ng lupa , at nagkakuto sa tao at sa hayop ; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto . At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto , upang maglabas ng mga kuto , nguni&#039;t hindi nila nagawa : at nagkakuto sa tao at sa hayop . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga mahiko kay Faraon , Ito&#039;y daliri ng Dios : at ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya dininig sila ; gaya ng sinalita ng Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bumangon kang maaga sa kinaumagahan , at tumayo ka sa harap ni Faraon ; narito , siya&#039;y pasasa tubig , at sabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon : Payaunin mo ang aking bayan upang sila&#039;y makapaglingkod sa akin . Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo , at sa iyong mga lingkod , at sa iyong bayan , at sa loob ng iyong mga bahay : at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw , at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila . At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen , na kinatatahanan ng aking bayan , upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw : ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa . At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan : sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito . At ginawang gayon ng Panginoon , at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon , at sa bahay ng kaniyang mga lingkod : at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw . At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron , at sinabi , Yumaon kayo , maghain kayo sa inyong Dios sa lupain . At sinabi ni Moises , Hindi marapat na aming gawing ganyan ; sapagka&#039;t aming ihahain ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio , sa Panginoon naming Dios : narito , ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami babatuhin ? Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang , at maghahain sa Panginoon naming Dios , ayon sa kaniyang iniutos sa amin . At sinabi ni Faraon , Aking payayaunin kayo upang kayo&#039;y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang ; huwag lamang kayong pakakalayo : tuloy idaing ninyo ako . At sinabi ni Moises , Narito iiwan kita , at aking idadalangin sa Panginoon , na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon , sa kaniyang mga lingkod , at sa kaniyang bayan : nguni&#039;t huwag nang magdaya pa si Faraon , na huwag na di payaunin ang bayan , upang maghain sa Panginoon . At iniwan ni Moises si Faraon , at nanalangin sa Panginoon . At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises ; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon , sa kaniyang mga lingkod , at sa kaniyang bayan ; na walang natira kahit isa . At pinapagmatigas ding muli ni Faraon ang kaniyang puso at hindi pinayaon ang bayan . Nang magkagayon ay sinabi ng Panginoon kay Moises , Pasukin mo si Faraon , at saysayin mo sa kaniya . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo : Payaunin mo ang aking bayan , upang ako&#039;y mapaglingkuran nila . Sapagka&#039;t kung tatanggihan mong payaunin sila , at sila&#039;y pipigilin mo pa , Ay narito , ang kamay ng Panginoon ay nakapatong sa iyong hayop na nasa parang , nakapatong sa mga kabayo , nakapatong sa mga asno , nakapatong sa mga kamello , nakapatong sa mga bakahan , at nakapatong sa mga kawan ; na magkakaroon ng malaking pagkakasalot . At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto : at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel . At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon , na sinasabi , Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain . At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan , at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay : nguni&#039;t sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa . At si Faraon ay nagsugo , at narito , walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita . Nguni&#039;t ang puso ni Faraon ay nagmatigas , at hindi niya pinayaon ang bayan . At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno , at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon . At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto , at magiging bukol na naknakin sa tao , at sa hayop , sa buong lupain ng Egipto . At sila&#039;y kumuha ng abo sa hurno , at tumayo sa harap ni Faraon , at isinaboy ni Moises sa himpapawid ; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop . At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol ; sapagka&#039;t nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio . At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya dininig sila gaya ng sinalita ng Panginoon kay Moises . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bumangon kang maaga sa kinaumagahan , at tumayo ka sa harap ni Faraon , at sabihin mo sa kaniya : Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo : Payaunin mo ang aking bayan , upang ako&#039;y mapaglingkuran nila . Sapagka&#039;t ngayo&#039;y ibubugso ko na ang lahat ng aking salot sa iyong puso , at sa iyong mga lingkod , at sa iyong bayan upang iyong maalaman na walang gaya ko sa buong lupa . Sapagka&#039;t ngayo&#039;y iniunat ko na ang aking kamay , upang salutin kita , at ang iyong bayan , at nawala ka na sa lupa : Datapuwa&#039;t totoong totoo , na dahil dito ay pinatayo kita , upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan , at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa . Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan , na ayaw mo silang payaunin ? Narito , bukas , sa ganitong oras , ay magpapaulan ako ng malakas na granizo , na kailan ma&#039;y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon . Ngayon nga&#039;y magsugo ka , ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang ; sapagka&#039;t bawa&#039;t tao at hayop na maabutan sa parang , at hindi masisilong , ay lalakpakan ng granizo at mamamatay . Yaong natakot sa salita ng Panginoon , sa mga lingkod ni Faraon ay nagpauwing madali ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang hayop sa mga bahay : At yaong nagwalang bahala sa salita ng Panginoon ay nagpabaya ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang kawan sa parang . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit , upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto , na lumagpak sa tao , at sa hayop , at sa bawa&#039;t halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto . At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit ; at ang Panginoo&#039;y nagsugo ng kulog at granizo , at may apoy na lumagpak sa lupa ; at ang Panginoo&#039;y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto . Sa gayo&#039;y nagkaroon ng granizo at apoy , na nagniningning sa granizo , at napakalakas , na kailan ma&#039;y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa . At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egipto , ang lahat na nasa parang , maging tao at maging hayop , at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang , at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang . Sa lupain lamang ng Gosen , na kinaroroonan ng mga anak ni Israel , hindi nagkaroon ng granizo . At si Faraon ay nagsugo , at ipinatawag si Moises at si Aaron , at sinabi sa kanila , Ako&#039;y nagkasala ngayon : ang Panginoo&#039;y matuwid ; at ako at ang aking bayan ay masama . Dalanginan ninyo ang Panginoon ; sapagka&#039;t nagkaroon na ng sukat na malalakas na kulog at granizo ; at kayo&#039;y aking payayaunin , at di ko na kayo bibinbinin . At sinabi ni Moises sa kaniya , Pagkalabas ko sa bayan , ay aking ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon ; at ang mga kulog ay titigil , at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo ; upang iyong maalaman na ang lupa&#039;y sa Panginoon . Nguni&#039;t tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod , ay nalalaman ko , na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios . At ang lino at ang cebada ay nasaktan ; sapagka&#039;t ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na . Datapuwa&#039;t ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan : sapagka&#039;t hindi pa tumutubo . At si Moises ay lumabas sa bayan na galing kay Faraon , at inilahad ang kaniyang mga kamay sa Panginoon : at ang mga kulog at ang granizo ay tumigil , at ang ulan ay di na lumagpak sa lupa . At nang makita ni Faraon , na ang ulan , at ang granizo , at ang mga kulog ay tumigil , ay lalong nagkasala pa , at nagmatigas ang kaniyang puso , siya at ang kaniyang mga lingkod . At ang puso ni Farao&#039;y nagmatigas , at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel ; gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises . At sinabi ng Panginoon kay Moises : Pasukin mo si Faraon , sapagka&#039;t aking pinapagmatigas ang kaniyang puso , at ang puso ng kaniyang mga lingkod ; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila : At upang iyong maisaysay sa mga pakinig ng iyong anak , at sa anak ng iyong anak , kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egipto , at ang aking mga tandang ginawa sa gitna nila ; upang inyong maalaman , na ako ang Panginoon . At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga Hebreo , Hanggang kailan tatanggi kang mangayupapa sa harap ko ? payaunin mo ang aking bayan , upang ako&#039;y mapaglingkuran nila . O kung tatanggihan mong payaunin ang aking bayan , ay narito , bukas ay magdadala ako ng mga balang sa iyong hangganan : At kanilang tatakpan ang ibabaw ng lupa , na walang makakakita ng ibabaw ng lupa : at kanilang kakanin ang naiwan sa nangaligtas , na itinira sa inyo ng granizo , at kanilang kakanin ang bawa&#039;t kahoy na itinutubo sa inyo ng parang : At ang inyong mga bahay ay mapupuno , at ang mga bahay ng lahat mong lingkod , at ang mga bahay ng mga Egipcio : na hindi nakita ng inyong mga magulang , mula nang araw na sila&#039;y mapasa lupa hanggang sa araw na ito . At siya&#039;y pumihit at nilisan si Faraon . At sinabi sa kaniya ng mga lingkod ni Faraon , Hanggang kailan magiging isang silo sa atin ang taong ito ? payaunin mo ang mga taong iyan upang sila&#039;y makapaglingkod sa Panginoon nilang Dios : hindi mo pa ba natatalastas , na ang Egipto&#039;y giba na ? At si Moises at si Aaron ay pinapagbalik kay Faraon , at kaniyang sinabi sa kanila , Kayo&#039;y yumaon , maglingkod kayo sa Panginoon ninyong Dios : datapuwa&#039;t sino sino yaong magsisiyaon ? At sinabi ni Moises : Kami ay yayaon sangpu ng aming mga bata at sangpu ng mga matanda , sangpu ng aming mga anak na lalake at babae , sangpu ng aming mga kawan at sangpu ng aming mga bakahan , kami ay yayaon ; sapagka&#039;t kami ay nararapat magdiwang ng isang pista sa Panginoon . At kaniyang sinabi sa kanila , Sumainyo nawa ang Panginoon , na gaya ng aking pagpapayaon sa inyo , at sa inyong mga bata : magingat kayo ; sapagka&#039;t ang kasamaan ay nasa harap ninyo . Huwag ganyan : yumaon kayong mga lalake , at maglingkod sa Panginoon ; sapagka&#039;t iyan ang inyong ninanasa . At sila&#039;y pinaalis sa harap ni Faraon . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto , upang magdala ng mga balang , at bumaba sa lupain ng Egipto , at kumain ng lahat na halaman sa lupain , yaong lahat na iniwan ng granizo . At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto , at ang Panginoo&#039;y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon , at ng buong gabi ; at nang maumaga , ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang . At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto , at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto ; totoong napakakapal ; bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang , at hindi na magkakaroon pa , pagkatapos noon , ng gayon . Sapagka&#039;t tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa , na ano pa&#039;t ang lupain ay nagdilim ; at kinain ang lahat na halaman sa lupain , at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo ; at walang natirang anomang sariwang bagay , maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang , sa buong lupain ng Egipto . Nang magkagayo&#039;y tinawag na madali ni Faraon si Moises at si Aaron , at kaniyang sinabi , Ako&#039;y nagkasala laban sa Panginoon ninyong Dios , at laban sa inyo . Ngayon nga&#039;y ipatawad mo , isinasamo ko sa iyo , ang aking kasalanan , na ngayon na lamang at idalangin ninyo sa Panginoon ninyong Dios , na kaniya lamang ilayo sa akin ang kamatayang ito . At nilisan niya si Faraon , at nanalangin sa Panginoon . At pinapagbalik ng Panginoon ang isang napakalakas na hanging kalunuran , na siyang nagpaitaas sa mga balang , at tumangay ng mga yaon sa Dagat na Mapula ; walang natira kahit isang balang sa buong hangganan ng Egipto . Datapuwa&#039;t pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit , upang magdilim sa lupain ng Egipto , ng kadiliman na mahihipo . At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit ; at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto , na tatlong araw ; Sila&#039;y hindi nagkikita , at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw ; kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan . At tinawag ni Faraon si Moises , at sinabi , Yumaon kayo , maglingkod kayo sa Panginoon ; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan ; isama rin naman ninyo ang inyong mga bata . At sinabi ni Moises , ikaw ay nararapat ding magbigay sa aming kamay ng mga hain at mga handog na susunugin , upang aming maihain sa Panginoon naming Dios . Ang aming hayop man ay yayaong kasama namin ; wala kahit isang paa na maiiwan ; sapagka&#039;t sa kanila kami nararapat kumuha ng aming ipaglilingkod sa Panginoon naming Dios ; at hindi namin nalalaman kung ano ang aming nararapat ipaglingkod sa Panginoon , hanggang sa kami ay dumating doon . Datapuwa&#039;t pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya pinayaon sila . At sinabi ni Faraon sa kaniya , Umalis ka sa harap ko , iyong pagingatang huwag mo nang makitang muli ang aking mukha ; sapagka&#039;t sa araw na iyong makita ang aking mukha ay mamamatay ka . At sinabi ni Moises , Mabuti ang sabi mo , hindi ko na muling makikita ang iyong mukha . At sinabi ng Panginoon kay Moises , May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto ; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo&#039;y umalis dito : pagpapahintulot niya sa inyong yumaon , ay tunay na kayo&#039;y samasamang palalayasin niya rito . Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan , at humingi ang bawa&#039;t lalake sa kaniyang kapuwa , at bawa&#039;t babae sa kaniyang kapuwa , ng mga hiyas na pilak , at ng mga hiyas na ginto . At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan , sa paningin ng mga Egipcio . Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto , sa paningin ng mga lingkod ni Faraon , at sa paningin ng bayan . At sinabi ni Moises , Ganito ang sinasabi ng Panginoon , Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto : At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay , mula sa panganay ni Faraon , na nakaluklok sa kaniyang luklukan , hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa likuran ng gilingan ; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop . At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto , na hindi nagkaroon ng kaparis , at hindi na magkakaroon pa ng kaparis . Datapuwa&#039;t sa lahat ng anak ng Israel mula sa tao hanggang sa hayop , ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop : upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel . At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod , at magsisiyukod sa akin , na magsasabi , Umalis ka , at ang buong bayan na sumusunod sa iyo : at pagkatapos niyaon ay aalis ako . At siya&#039;y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Hindi kayo didinggin ni Faraon : upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto . At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon : at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon , at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto , na sinasabi , Ang buwang ito&#039;y magiging sa inyo&#039;y pasimula ng mga buwan : siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo . Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin : Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila , bawa&#039;t lalake , ng isang kordero , ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang , isang kordero sa bawa&#039;t sangbahayan : At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero , ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao ; ayon sa bawa&#039;t tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang , sa kordero . Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan , isang lalake , na iisahing taon : inyong kukunin sa mga tupa , o sa mga kambing : At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito , at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel , sa paglubog ng araw . At kukuha sila ng dugo niyan , at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan , sa mga bahay na kanilang kakainan . At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon , na inihaw sa apoy , at tinapay na walang lebadura , kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay . Huwag ninyong kaning hilaw , o luto man sa tubig , kundi inihaw sa apoy ; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob . At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan ; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy . At ganito ninyo kakanin ; may bigkis ang inyong baywang , ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa , at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay ; at inyong kakaning dalidali ; siyang paskua ng Panginoon . Sapagka&#039;t ako&#039;y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon , at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , maging tao at maging hayop ; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto , ako ang Panginoon . At ang dugo ay magiging sa inyo&#039;y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan : at pagka aking nakita ang dugo , ay lalampasan ko kayo , at walang salot na sasainyo , na papatay sa inyo , pananakit ko sa lupaing Egipto . At ang araw na ito&#039;y magiging sa inyo&#039;y isang alaala , at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon ; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang tuntunin magpakailan man . Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura ; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura ; sapagka&#039;t sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel , ang taong yaon . At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon ; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan , liban na yaong nararapat kanin ng bawa&#039;t tao , na siya lamang maaaring gawin ninyo . At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura ; sapagka&#039;t sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto : kaya&#039;t inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi , na bilang tuntunin magpakailan man . Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura , hanggang sa ikadalawang pu&#039;t isang araw ng buwan , sa paglubog ng araw . Pitong araw , na walang masusumpungang lebadura sa inyong mga bahay : sapagka&#039;t sinomang kumain niyaong may lebadura , ay ihihiwalay sa kapisanan ng Israel , ang taong yaon , maging taga ibang lupa , o maging ipinanganak sa lupain . Huwag kayong kakain ng anomang bagay na may lebadura ; sa lahat ng inyong mga tahanan ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura . Nang magkagayo&#039;y ipinatawag ni Moises ang lahat ng matanda sa Israel , at sinabi sa kanila , Kayo&#039;y lumabas at kumuha kayo ng mga kordero ayon sa inyo-inyong sangbahayan , at magpatay kayo ng kordero ng paskua . At kayo&#039;y kukuha ng isang bigkis na hisopo , at inyong babasain sa dugo , na nasa palanggana , at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana , ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto : at sinoman sa inyo ay huwag lalabas sa pinto ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio ; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto , ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon , at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo . At inyong ipangingilin ang bagay na ito , na pinakatuntunin sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man . At mangyayaring pagdating ninyo sa lupain na ibibigay sa inyo ng Panginoon , gaya ng kaniyang ipinangako , ay inyong tutuparin ang paglilingkod na ito . At mangyayaring pagsasabi sa inyo ng inyong mga anak : Anong ibig ninyong sabihin sa paglilingkod na ito ? Na inyong sasabihin : Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon , na kaniyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Egipto , nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio , at iniligtas ang aming mga sangbahayan . At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba . At ang mga anak ni Israel ay yumaon at ginawang gayon ; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , ay gayong ginawa nila . At nangyari sa hating gabi , na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan , hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan ; at lahat ng panganay sa mga hayop . At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan , siya at lahat ng kaniyang mga lingkod , at lahat ng mga Egipcio , at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto ; sapagka&#039;t walang bahay na di mayroong isang patay . At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan , at sinabi , Kayo&#039;y bumangon , umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel ; at kayo&#039;y yumaong maglingkod sa Panginoon , gaya ng inyong sinabi . Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan , gaya ng inyong sinabi , at kayo&#039;y yumaon : at pagpalain din naman ninyo ako . At pinapagmadali ng mga Egipcio , ang bayan , na madaliang pinaalis sila sa lupain ; sapagka&#039;t kanilang sinabi , Kaming lahat ay patay na . At dinala ng bayan ang kanilang masa bago humilab , na nababalot ang kanilang mga masa sa kanikanilang damit sa ibabaw ng kanikanilang balikat . At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises ; at sila&#039;y humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak , at mga hiyas na ginto , at mga damit : At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egipcio , ano pa&#039;t ibinigay sa kanila anomang hingin nila . At kanilang hinubaran ang mga Egipcio . At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses hanggang sa Succoth , na may anim na raang libong lalake na naglakad , bukod pa ang mga bata . At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila ; at mga kawan , at mga bakahan , na napakaraming hayop . At kanilang nilutong mga munting tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang kinuha sa Egipto , sapagka&#039;t hindi pa humihilab , sapagka&#039;t sila&#039;y itinaboy sa Egipto , at hindi sila nakatigil o nakapaghanda man ng anomang pagkain . Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel , na ipinakipamayan nila sa Egipto , ay apat na raan at tatlong pung taon . At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon , ng araw ding yaon ay nangyari , na ang lahat ng mga hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto . Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto : ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi . At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , Ito ang tuntunin sa paskua : walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon : Datapuwa&#039;t ang alipin ng bawa&#039;t lalake na nabili ng salapi , pagkatuli sa kaniya&#039;y makakakain nga niyaon . Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon . Sa isang bahay kakanin ; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay , ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon . Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel . At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo , at mangingilin ng paskua sa Panginoon , ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin : at siya&#039;y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo ; datapuwa&#039;t sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon . Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain , at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo . Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel ; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron , gayon nila ginawa . At nangyari nang araw ding yaon , na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto , ayon sa kanilang mga hukbo . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Pakabanalin mo sa akin ang lahat ng mga panganay , anomang nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel : maging sa tao at maging sa hayop ay akin . At sinabi ni Moises sa bayan , Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto , sa bahay ng pagkaalipin ; sapagka&#039;t sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito , wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura . Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng Abib . At mangyayari , na pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo , at ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Hebreo , at ng Jebuseo , na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang , na ibibigay sa iyo , na lupang binubukalan ng gatas at pulot ay iyong ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito . Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura , at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon . Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw , at huwag makakakita sa iyo , ng tinapay na may lebadura , ni makakakita ng lebadura sa iyo , sa lahat ng iyong mga hangganan . At sasaysayin mo sa iyong anak sa araw na yaon , na iyong sasabihin : Dahil sa ginawa ng Panginoon sa akin nang ako&#039;y umalis sa Egipto . At sa iyo&#039;y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay , at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata , upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig : sapagka&#039;t sa pamamagitan ng malakas na kamay , ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto . Isasagawa mo nga ang palatuntunang ito sa kapanahunan nito taon taon . At mangyayari , pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo , gaya ng isinumpa sa iyo at sa iyong mga magulang , at pagkabigay niyaon sa iyo , Ay ihihiwalay mo para sa Panginoon yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata , at bawa&#039;t panganay na mayroon ka na mula sa hayop ; ang mga lalake , ay sa Panginoon . At bawa&#039;t panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero ; at kung hindi mo tutubusin , ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg : at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin . At mangyayari , na pagtatanong sa iyo ng iyong anak sa panahong darating , na sasabihin , Ano ito ? na iyong sasabihin sa kaniya : Sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto , sa bahay ng pagkaalipin . At nangyari , nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon , ay pinatay ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto , ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop : kaya&#039;t aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake ; nguni&#039;t lahat ng panganay ng aking anak ay aking tinutubos . At magiging pinakatanda sa iyong kamay , at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata : sapagka&#039;t sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto . At nangyari , nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon , na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo , bagaman malapit ; sapagka&#039;t sinabi ng Dios , Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka , at magsipagbalik sa Egipto : Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa palibot , sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula : at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto . At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose : sapagka&#039;t kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel , na sinasabi , Tunay na dadalawin kayo ng Dios ; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo . At sila&#039;y naglakbay mula sa Succoth , at humantong sa Etham , sa hangganan ng ilang . At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw , sa isang haliging ulap , upang patnubayan sila sa daan ; at sa gabi , ay sa isang haliging apoy , upang tanglawan sila ; upang sila&#039;y makapaglakad sa araw at sa gabi . Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Salitain mo sa mga anak ni Israel , na sila&#039;y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth , sa pagitan ng Migdol at ng dagat , sa tapat ng Baalzephon : sa tapat niyaon hahantong kayo , sa tabi ng dagat . At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel : Nangasisilo sila sa lupain , sila&#039;y naliligid ng ilang . At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon , at kaniyang hahabulin sila at kayo&#039;y magiimbot ng karangalan kay Faraon , at sa lahat niyang hukbo ; at malalaman ng mga Egipcio , na ako ang Panginoon . At kanilang ginawang gayon . At nasabi sa hari sa Egipto , na ang bayan ay tumakas : at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan , at kanilang sinabi , Ano itong ating ginawa , na ating pinayaon ang Israel , upang huwag na tayong mapaglingkuran ? At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro , at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan : At siya&#039;y nagdala ng anim na raang piling karro , at lahat ng mga karro sa Egipto , at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon . At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto , at hinabol niya ang mga anak ni Israel , sapagka&#039;t ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala . At hinabol sila ng mga Egipcio , ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon , at ng kaniyang mga taong mangangabayo , at ng kaniyang hukbo , at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat , na nasa siping ng Pi-hahirot , sa tapat ng Baal-zefon . At nang si Faraon ay nalalapit , ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata , at , narito , ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila ; at sila&#039;y natakot na mainam : at ang mga anak ni Israel ay humibik sa Panginoon . At kanilang sinabi kay Moises , Dahil ba sa walang libingan sa Egipto , kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang ? bakit ka gumawa ng ganito sa amin , na inilabas mo kami sa Egipto ? Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto , na sinasabi , Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio ? Sapagka&#039;t lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang . At sinabi ni Moises sa bayan , Huwag kayong matakot , tumigil kayo , at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon : sapagka&#039;t ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon , ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man . Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon , at kayo&#039;y tatahimik . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bakit humihibik ka sa akin ? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila&#039;y magpatuloy na yumaon . At itaas mo ang iyong tungkod , at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat , at hawiin mo ; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo . At ako , narito , aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila : at ako&#039;y magiimbot ng karangalan kay Faraon , at sa buo niyang hukbo , sa kaniyang mga karro , at sa kaniyang mga nangangabayo . At malalaman ng mga Egipcio , na ako ang Panginoon , pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon , sa kaniyang mga karro , at sa kaniyang mga nangangabayo . At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel , ay humiwalay at napasa hulihan nila ; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila : At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel ; at mayroong ulap at kadiliman , gayon ma&#039;y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa&#039;t isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag . At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat ; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag , at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi . At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa : at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila , sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa . At hinabol sila ng mga Egipcio , at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat , lahat ng mga kabayo ni Faraon , ang kaniyang mga karro , at ang kaniyang mga nangangabayo . At nangyari , sa pagbabantay sa kinaumagahan , na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap , at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio . At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro , na kanilang hinila ng buong hirap : na ano pa&#039;t sinabi ng mga Egipcio , Tumakas tayo sa harap ng Israel : sapagka&#039;t ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Iunat mo ang iyong kamay sa dagat , upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio , sa kanilang mga karro , at sa kanilang mga nangangabayo . At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat , at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas , nang umumaga ; at ang mga Egipcio ay nagsitakas , at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat . At ang tubig ay nagsauli , at tinakpan ang mga karro , at ang mga nangangabayo , sa makatuwid baga&#039;y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat ; walang natira kahit isa sa kanila . Datapuwa&#039;t ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat ; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa . Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio ; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat . At nakita ng Israel ang dakilang gawa , na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio , at ang bayan ay natakot sa Panginoon : at sila&#039;y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises . Nang magkagayo&#039;y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon , at sinalita , na sinasabi , Ako&#039;y aawit sa Panginoon , sapagka&#039;t siya&#039;y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati : Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat . Ang Panginoon ay aking lakas at awit , At siya&#039;y naging aking kaligtasan : Ito&#039;y aking Dios , at siya&#039;y aking pupurihin . Dios ng aking ama , at siya&#039;y aking tatanghalin . Ang Panginoo&#039;y isang mangdidigma : Panginoon ang kaniyang pangalan . Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat ; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula . Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila : Sila&#039;y lumubog sa mga kalaliman , na parang isang bato . Ang iyong kanan , Oh Panginoon , ay maluwalhati sa kapangyarihan . Ang iyong kanan , Oh Panginoon , ay dumudurog ng kaaway . At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo : Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit , at nililipol silang parang dayami . At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig , Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton ; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat . Sinabi ng kaaway , Aking hahabulin , aking aabutan , magbabahagi ako ng samsam , Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila ; Aking bubunutin ang aking tabak , lilipulin sila ng aking kamay . Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin , at tinabunan sila ng dagat . Sila&#039;y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig . Sinong gaya mo , Oh Panginoon , sa mga dios ? Sinong gaya mo , maluwalhati sa kabanalan , Nakasisindak sa pagpuri , na gumagawa ng mga kababalaghan ? Iyong iniunat ang iyong kanang kamay , Nilamon sila ng lupa . Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos : Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan . Narinig ng mga bayan ; at sila&#039;y nanginig : Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia . Nang magkagayo&#039;y natulig ang mga pangulo sa Edom ; Sa matatapang sa Moab , ay panginginig ang sumasakanila : Lahat ng taga Canaan ay nauubos . Sindak at gulat ang suma-sakanila ; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato ; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan , Oh Panginoon , Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan . Sila&#039;y iyong papapasukin , at sila&#039;y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana , Sa dako , Oh Panginoon , na iyong ginawa sa iyo , upang iyong tahanan , Sa santuario , Oh Panginoon , na itinatag ng iyong mga kamay . Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man . Sapagka&#039;t ang mga kabayo ni Faraon , ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat , at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila ; datapuwa&#039;t lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat . At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron , ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay ; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya , na may mga pandereta at nagsayawan . At sila&#039;y sinagot ni Miriam , Umawit kayo sa Panginoon , sapagka&#039;t siya&#039;y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati ; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat . At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula , at sila&#039;y lumabas sa ilang ng Shur ; at sila&#039;y lumakad na tatlong araw sa ilang , at hindi nakasumpong ng tubig . At nang sila&#039;y dumating sa Mara , ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara , sapagka&#039;t mapait : kaya&#039;t ang pangalang itinawag ay Mara . At inupasala ng bayan si Moises , na sinasabi , Anong aming iinumin ? At siya&#039;y dumaing sa Panginoon ; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy , at inihagis niya sa tubig , at ang tubig ay tumabang . Doon inatangan niya ng palatuntunan , at ng tagubilin at doon sila sinubok niya ; At sinabi , Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios , at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata , at iyong didinggin ang kaniyang mga utos , at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo , na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio : sapagka&#039;t ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo . At sila&#039;y dumating sa Elim , na doo&#039;y mayroong labingdalawang bukal ng tubig , at pitongpung puno ng palma ; at sila&#039;y humantong doon sa tabi ng mga tubig . At sila&#039;y naglakbay mula sa Elim , at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin , na nasa pagitan ng Elim at Sinai , nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan , pagkatapos na sila&#039;y makaalis sa lupain ng Egipto . At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang : At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel , Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto , nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne , nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog ; sapagka&#039;t kami ay inyong dinala sa ilang na ito , upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng Panginoon kay Moises , Narito , kayo&#039;y aking pauulanan ng pagkain mula sa langit ; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawa&#039;t araw ; upang aking masubok sila , kung sila&#039;y lalakad ng ayon sa aking kautusan , o hindi . At mangyayari sa ikaanim na araw , na sila&#039;y maghahanda ng kanilang dala , na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw . At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel , Sa kinahapunan , ay inyong malalaman , na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto . At sa kinaumagahan , ay inyo ngang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon ; sapagka&#039;t kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon : at ano kami , na inyo kaming inuupasala ? At sinabi ni Moises , Ito&#039;y mangyayari , pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain , at sa kinaumagahan ng pagkain , na makabubusog ; sapagka&#039;t naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya : at ano kami ? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin , kundi laban sa Panginoon . At sinabi ni Moises kay Aaron , Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , Lumapit kayo sa harap ng Panginoon ; sapagka&#039;t kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala . At nangyari , pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , na sila&#039;y tumingin sa dakong ilang , at , narito , ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel : salitain mo sa kanila , na iyong sasabihin , Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne , at sa kinaumagahan , ay magpapakabusog kayo ng tinapay ; at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios . At nangyari sa kinahapunan na ang mga pugo ay nagsiahon at tinakpan ang kampamento at sa kinaumagahan , ay nalalatag sa palibot ng kampamento ang hamog . At nang paitaas na ang hamog na nalalatag na , narito , sa balat ng ilang ay may munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa . At nang makita ng mga anak ni Israel , ay nagsangusapan , Ano ito ? sapagka&#039;t hindi nila nalalaman kung ano yaon . At sinabi ni Moises sa kanila , Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin . Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon , Pumulot ang bawa&#039;t tao ayon sa kaniyang kain ; isang omer sa bawa&#039;t ulo , ayon sa bilang ng inyong mga tao , ang kukunin ng bawa&#039;t tao para sa mga nasa kaniyang tolda . At gayon ginawa ng mga anak ni Israel , at may namulot ng marami , at may kaunti . At nang timbangin sa omer , ang namulot ng marami ay walang higit , at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang ; bawa&#039;t tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain . At sinabi ni Moises sa kanila , Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga . Gayon ma&#039;y hindi sila nakinig kay Moises ; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga , at inuod at bumaho ; at naginit sa kanila si Moises . At sila&#039;y namumulot tuwing umaga , bawa&#039;t tao ayon sa kaniyang kain : at pagka ang araw ay umiinit na , ay natutunaw . At nangyari , na nang ikaanim na araw , ay pumulot sila ng pagkain na ibayo ang dami , dalawang omer sa bawa&#039;t isa : at lahat ng puno sa kapisanan ay naparoon at nagsaysay kay Moises . At kaniyang sinabi sa kanila , Ito ang sinalita ng Panginoon , Bukas ay takdang kapahingahan , banal na sabbath sa Panginoon : ihawin ninyo ang inyong iihawin , at lutuin ninyo ang inyong lulutuin ; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo , na inyong itira hanggang sa kinabukasan . At kanilang itinago hanggang sa kinaumagahan , gaya ng iniutos ni Moises : at hindi bumaho , ni nagkaroon ng anomang uod . At sinabi ni Moises , Kanin ninyo yaon ngayon ; sapagka&#039;t ngayo&#039;y sabbath na ipinangingilin sa Panginoon : ngayo&#039;y hindi kayo makakasumpong sa parang . Anim na araw na inyong pupulutin ; datapuwa&#039;t sa ikapitong araw ay sabbath , hindi magkakaroon . At nangyari sa ikapitong araw , na lumabas ang iba sa bayan upang mamulot , at walang nasumpungan . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Hanggang kailan tatanggihan ninyo ganapin ang aking mga utos at ang aking mga kautusan ? Tingnan ninyo , na sapagka&#039;t ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath , kung kaya&#039;t kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw ; matira ang bawa&#039;t tao sa kaniyang kinaroroonan , huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan , sa ikapitong araw . Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw . At yao&#039;y pinanganlan ng sangbahayan ng Israel na Mana : at kaparis ng buto ng kulantro , maputi ; at ang lasa niyaon ay kasinglasa ng manipis na tinapay na may pulot . At sinabi ni Moises , Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon , Punuin ninyo ang isang omer ng mana , na inyong ingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi ; upang kanilang makita ang pagkain , na aking ipinakain sa inyo sa ilang nang kayo&#039;y aking ilabas sa lupain ng Egipto . At sinabi ni Moises kay Aaron , Kumuha ka ng isang palyok at sidlan mo ng isang omer na puno ng mana , at ilagay mo sa harap ng Panginoon , upang maingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi . Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon inilagay ni Aaron sa harap ng Patotoo upang ingatan . At ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana na apat na pung taon , hanggang sa sila&#039;y dumating sa lupaing tinatahanan ; sila&#039;y kumain ng mana hanggang sa sila&#039;y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan . Ang isang omer nga ay ikasangpung bahagi ng isang efa . At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin , sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon , at humantong sa Rephidim : at walang tubig na mainom ang bayan . Kaya&#039;t ang bayan ay nakipagtalo kay Moises , at nagsabi , Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom . At sinabi ni Moises sa kanila , Bakit kayo nakikipagtalo sa akin ? bakit ninyo tinutukso ang Panginoon ? At ang bayan ay nauhaw at inupasala ng bayan si Moises , at sinabi , Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto , upang patayin mo kami sa uhaw , at ang aming mga anak , at ang aming kawan ? At si Moises ay dumaing sa Panginoon , na nagsasabi , Anong aking gagawin sa bayang ito ? kulang na lamang batuhin nila ako . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Dumaan ka sa harap ng bayan , at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel ; at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog , ay tangnan mo sa iyong kamay , at yumaon ka . Narito , ako&#039;y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb ; at iyong papaluin ang bato , at lalabasan ng tubig , upang ang bayan ay makainom . At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel . At tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon , na Massah at Meribah , dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel , at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon , na kanilang sinasabi , Ang Panginoon ba&#039;y nasa gitna natin o wala ? Nang magkagayo&#039;y dumating si Amalec , at nakipaglaban sa Israel sa Rephidim . At sinabi ni Moises kay Josue , Ipili mo tayo ng mga lalake , at ikaw ay lumabas , lumaban ka kay Amalec ; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol , na aking tangan ang tungkod ng Dios sa aking kamay . Gayon ginawa ni Josue , gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya , at lumaban kay Amalec : at si Moises , si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol . At nangyari , pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay , ay nananaig ang Israel : at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay , ay nananaig si Amalec . Datapuwa&#039;t ang mga kamay ni Moises ay nangalay ; at sila&#039;y kumuha ng isang bato , at inilagay sa ibaba , at kaniyang inupuan ; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay , ang isa&#039;y sa isang dako , at ang isa&#039;y sa kabilang dako ; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw . At nilito ni Josue si Amalec , at ang kaniyang bayan , sa pamamagitan ng talim ng tabak . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat , at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit . At nagtayo si Moises ng isang dambana , at pinanganlang Jehovanissi . At kaniyang sinabi , Isinumpa ng Panginoon : ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito . Si Jethro nga , saserdote sa Madian , biyanan ni Moises , ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises , at sa Israel na kaniyang bayan , kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto . At ipinagsama ni Jethro , na biyanan ni Moises , si Sephora na asawa ni Moises , pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama , At ang dalawa niyang anak na lalake : na ang pangalan ng isa&#039;y Gersom ; sapagka&#039;t sinabi ni Moises , Ako&#039;y nakipamayan sa ibang bayan . At ang pangalan ng isa&#039;y Elieser ; sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Ang Dios ng aking ama&#039;y naging aking saklolo , at ako&#039;y iniligtas sa tabak ni Faraon ; At si Jethro , na biyanan ni Moises , ay dumating , na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa , kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa tabi ng bundok ng Dios : At kaniyang ipinasabi kay Moises , Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo , at ang iyong asawa , at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya . At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan , at kaniyang niyukuran at hinalikan . At sila&#039;y nagtanungang isa&#039;t isa ng kanilang kalagayan ; at sila&#039;y pumasok sa tolda . At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel , ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan , at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila . At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel , na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio . At sinabi ni Jethro , Purihin ang Panginoon , na nagligtas sa inyo , sa kamay ng mga Egipcio , at sa kamay ni Faraon ; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio . Ngayo&#039;y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios : oo , sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo . At si Jethro , na biyanan ni Moises , ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios : at si Aaron ay naparoon , at ang lahat ng mga matanda sa Israel , upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises sa harap ng Dios . At nangyari kinabukasan , na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan : at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon . At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan , ay nagsabi , Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan ? bakit nauupo kang magisa , at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon ? At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan , Sapagka&#039;t ang bayan ay lumalapit sa akin , upang sumangguni sa Dios . Pagka sila&#039;y may usap ay lumapit sa akin ; at aking hinahatulang isa&#039;t isa , at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios , at ang kaniyang mga kautusan . At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya , Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti . Tunay na ikaw ay manghihina , ikaw at ang bayang ito , na nasa iyo : sapagka&#039;t ang bagay ay totoong mabigat sa iyo ; hindi mo makakayang magisa . Dinggin mo ngayon ang aking tinig ; papayuhan kita , at sumaiyo nawa ang Dios : ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios , at dalhin mo ang mga usap sa Dios : At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan , at ang mga kautusan , at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran , at ang gawang kanilang nararapat gawin . Bukod dito&#039;y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa , gaya ng matatakutin sa Dios , na mga taong mapagpatotoo , na mga napopoot sa kasakiman ; at siyang mga ilagay mo sa kanila , na magpuno sa mga lilibuhin , magpuno sa mga dadaanin , magpuno sa mga lilimangpuin , at magpuno sa mga sasangpuin : At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon : at mangyayari , na bawa&#039;t malaking usap ay dadalhin nila sa iyo , datapuwa&#039;t bawa&#039;t munting usap , ay silasila ang maghahatulan : sa ganyan ay magiging magaan sa iyo , at magpapasan silang katulong mo . Kung gagawin mo ang bagay na ito , at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata , at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa . Sa gayon , ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan , at ginawang lahat yaong sinabi . At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel , at ginawa niyang pangulo sa bayan , na mga puno ng lilibuhin , mga puno ng dadaanin , mga puno ng lilimangpuin , at mga puno ng sasangpuin . At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon : ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises , datapuwa&#039;t bawa&#039;t munting usap ay silasila ang naghahatulan . At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at siya&#039;y umuwi sa sariling lupain . Sa ikatlong buwan , pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto , ay dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai . At nang sila&#039;y umalis sa Rephidim , at dumating sa ilang ng Sinai , ay humantong sila sa ilang ; at doo&#039;y humantong ang Israel sa harap ng bundok . At si Moises ay lumapit sa Dios , at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok , na sinasabi , Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob , at sasaysayin sa mga anak ni Israel . Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio , at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila , at kayo&#039;y inilapit ko sa akin din . Kaya&#039;t ngayon , kung tunay na inyong susundin ang aking tinig , at iingatan ang aking tipan , ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin , na higit sa lahat ng bayan : sapagka&#039;t ang buong lupa ay akin ; At kayo&#039;y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin , at isang banal na bansa . Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel . At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan , at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya . At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa , at nagsabi , Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin . At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Narito ako&#039;y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako&#039;y magsasalita sa iyo , at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man . At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas at labhan nila ang kanilang mga damit , At humanda sa ikatlong araw : sapagka&#039;t sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai . At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot , na iyong sasabihin , Magingat kayo , na kayo&#039;y huwag sumampa sa bundok , o sumalang sa hangganan : sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala : Walang kamay na hihipo sa kaniya , kundi , siya&#039;y tunay na babatuhin , o papanain ; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay : pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok . At bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok , at pinakabanal ang bayan , at sila&#039;y naglaba ng kanilang mga damit . At kaniyang sinabi sa bayan , humanda kayo sa ikatlong araw ; huwag kayong sumiping sa babae . At nangyari ng ikatlong araw , ng umaga , na kumulog at kumidlat , at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok , at ang tunog ng pakakak ay napakalakas ; at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig . At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios ; at sila&#039;y tumayo sa paanan ng bundok . At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok , sapagka&#039;t ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy : at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno , at ang buong bundok ay umuugang mainam . At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises , at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig . At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai , sa taluktok ng bundok ; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok ; at si Moises ay sumampa . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Bumaba ka , pagbilinan mo ang bayan , baka sila&#039;y lumagpas upang makita ang Panginoon , at mamatay ang karamihan sa kanila . At gayon din ang mga saserdote , na lumalapit sa Panginoon ay papagbanalin mo , baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila . At sinabi ni Moises sa Panginoon , Ang baya&#039;y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai : sapagka&#039;t iyong pinagbilinan kami , na iyong sinabi , lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok , at iyong ariing banal . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Yumaon ka , bumaba ka ; at ikaw ay sasampa , ikaw at si Aaron na iyong kasama : nguni&#039;t ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon , baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila . Sa gayo&#039;y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila . At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito , na sinasabi , Ako ang Panginoon mong Dios , na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto , sa bahay ng pagkaalipin . Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko . Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit , o ng nasa ibaba sa lupa , o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa : Huwag mong yuyukuran sila , o paglingkuran man sila ; sapagka&#039;t akong Panginoon mong Dios , ay Dios na mapanibughuin , na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak , hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin ; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos . Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan ; sapagka&#039;t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan . Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin . Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain . Nguni&#039;t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios : sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa , ikaw , ni ang iyong anak na lalake ni babae , ni ang iyong aliping lalake ni babae , ni ang iyong baka , ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan : Sapagka&#039;t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa , ang dagat , at lahat ng nangaroon , at nagpahinga sa ikapitong araw ; na ano pa&#039;t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath , at pinakabanal . Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina : upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios . Huwag kang papatay . Huwag kang mangangalunya . Huwag kang magnanakaw . Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa . Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa , huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa , ni ang kaniyang aliping lalake o babae , ni ang kaniyang baka , ni ang kaniyang asno , ni anomang bagay ng iyong kapuwa . At nakikita ng buong bayan ang mga kulog , at ang mga kidlat , at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok : at nang makita ng bayan , ay nanginig sila , at tumayo sa malayo . At sinabi nila kay Moises , Magsalita ka sa amin , at aming didinggin : datapuwa&#039;t huwag magsalita ang Dios sa amin , baka kami ay mamatay . At sinabi ni Moises sa bayan , Huwag kayong matakot : sapagka&#039;t ang Dios ay naparito upang subukin kayo , at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo , upang huwag kayong magkasala . At ang bayan ay tumayo sa malayo , at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel : Kayo ang nakakita na ako&#039;y nakipagusap sa inyo mula sa langit . Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin ; ng mga dios na pilak , o ng mga dios na ginto , huwag kayong gagawa para sa inyo . Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin , at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin , at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan , ang inyong mga tupa , at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan , ay paparoonan kita at pagpapalain kita . At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato , ay huwag mong itatayong may tapyas : sapagka&#039;t kung iyong gamitin ang iyong patalim doon , ay iyong nilapastangan yaon . Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang , upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon . Ito nga ang mga hatol na igagawad mo sa harap nila . Kung ikaw ay bumili ng isang aliping Hebreo , ay anim na taong maglilingkod siya ; at sa ikapito ay aalis siyang laya na walang sauling bayad . Kung siya&#039;y pumasok na magisa , ay aalis na mag-isa : kung may asawa ay aalis nga ang kaniyang asawa na kasama niya . Kung siya&#039;y bigyan ng kaniyang panginoon ng asawa , at magkaanak sa kaniya ng mga lalake , o mga babae ; ang asawa at ang kaniyang mga anak ay magiging sa kaniyang panginoon , at siya&#039;y aalis na magisa . Datapuwa&#039;t kung maliwanag na sabihin ng alipin , Aking iniibig ang aking panginoon , ang aking asawa , at ang aking mga anak ; ako&#039;y hindi aalis na laya : Kung magkagayo&#039;y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa Dios , at dadalhin siya sa pinto , o sa haligi ng pinto ; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas ; at paglilingkuran niya siya magpakailan man . At kung ipagbili ng isang lalake ang kaniyang anak na babae na maging alipin , ay hindi siya aalis na gaya ng pagalis ng mga aliping lalake . Kung siya&#039;y hindi makapagpalugod sa kaniyang panginoon , na umayaw magasawa sa kaniya , ay ipatutubos nga niya siya : walang kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang lupa , yamang siya&#039;y nadaya . At kung pinapag-asawa ng bumili sa kaniyang anak na lalake , ay kaniyang ipalalagay siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae . Kung siya&#039;y magasawa sa iba , ang kaniyang pagkain , ang kaniyang damit at ang kaniyang kapangyarihang pagkaasawa ay hindi niya babawasan . At kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kaniya ay aalis nga siya na walang bayad , na walang tubos na salapi . Ang sumakit sa isang tao , na ano pa&#039;t mamatay ay papataying walang pagsala . At kung hindi sinasadya ng isang tao , kundi Dios ang naghulog sa kaniyang kamay ; ay lalaanan kita ng isang dako na kaniyang tatakasan . At kung magtangka ang sinoman sa kaniyang kapuwa , na pumatay na may daya , ay alisin mo siya sa aking dambana , upang patayin . At ang sumakit sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , ay papataying walang pagsala . At ang magnakaw ng isang tao , at ipagbili , o masumpungan sa kaniyang kamay , ay papataying walang pagsala . At ang lumait sa kaniyang ama , o sa kaniyang ina , ay papataying walang pagsala . At kung may magbabag , at saktan ng isa ang isa , ng bato , o ng kaniyang suntok , at hindi mamatay , kundi mahiga lamang sa banig : Kung makabangon uli , at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod , ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya ; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang , at kaniyang pagagalinging maigi . At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae , ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay ; ay parurusahan siyang walang pagsala . Gayon ma&#039;y kung tumagal ng isang araw o dalawa , ay hindi siya parurusahan : sapagka&#039;t siya&#039;y kaniyang salapi . At kung may magbabag , at makasakit ng isang babaing buntis , na ano pa&#039;t makunan , at gayon ma&#039;y walang karamdamang sumunod : ay tunay na papagbabayarin siya , ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae ; at siya&#039;y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom . Datapuwa&#039;t kung may anomang karamdamang sumunod , magbabayad ka nga ng buhay kung buhay , Mata kung mata , ngipin kung ngipin , kamay kung kamay , paa kung paa , Paso kung paso , sugat kung sugat , bugbog kung bugbog . At kung saktan ng sinoman ang mata ng kaniyang aliping lalake , o ang mata ng kaniyang aliping babae at mabulag , ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang mata . At kung kaniyang bungalan ang kaniyang aliping lalake , o babae , ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang ngipin . At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae , na ano pa&#039;t mamatay , ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama&#039;y hindi kakanin ; datapuwa&#039;t ang may-ari ng baka ay maliligtas . Datapuwa&#039;t kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan , at naisumbong na sa may-ari at hindi niya kinulong , na ano pa&#039;t makamatay ng isang lalake , o isang babae : ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin . Kung siya&#039;y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya . Maging manuwag sa isang anak na lalake o babae man , ay gagawin sa kaniya ayon sa kahatulang ito . Kung ang baka ay manuwag sa isang aliping lalake o babae , ay magbabayad ang may-ari ng tatlong pung siklong pilak sa kanilang panginoon , at ang baka ay babatuhin . At kung ang sinoman ay magbubukas ng isang balon , o huhukay ng isang balon at hindi tatakpan , at ang isang baka , o ang isang asno ay mahulog sa loob , Ay sasaulian ng may-ari ng balon ; magbabayad siya ng salapi sa may-ari ng mga yaon , at ang patay na hayop ay magiging kaniya . At kung ang baka ng sinoman ay sumakit sa baka ng iba , na ano pa&#039;t mamatay ; ay kanila ngang ipagbibili ang bakang buhay , at kanilang paghahatiin ang halaga niyaon ; at ang patay ay paghahatiin din nila . O kung kilala , na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan , at hindi kinulong ng may-ari ; ay tunay ngang magbabayad siya , ng baka kung baka , at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili . Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka , o ng isang tupa at patayin , o ipagbili : ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka , at ng apat na tupa ang isang tupa . Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan , na naninira , at masaktan na ano pa&#039;t namatay ay hindi aariing mamamataytao ang pumatay . Kung sikatan siya ng araw , ay aariin siyang mamamataytao ; siya&#039;y dapat magsauli ng kabayaran : kung siya&#039;y wala ay ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw . Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay , maging baka , o asno , o tupa , ay magbabayad siya ng ibayo . Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid , o sa isang ubasan , at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba ; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang , at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan , ay sasaulian niya . Kung may magningas na apoy , at magtangay ng mga tinik , na ano pa&#039;t ang mga mandala , o ang mga uhay , o ang bukid ay masunog , ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy . Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari , at nakawin sa bahay ng taong yaon ; kung masumpungan ang magnanakaw , ay magbabayad ng ibayo . Kung hindi masumpungan ang magnanakaw , ay lalapit ang may-ari ng bahay sa Dios , upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa . Sapagka&#039;t lahat ng bagay na pagsalangsang , maging sa baka , sa asno , sa tupa , sa damit , o sa anomang bagay na nawala , na may magsabi , Ito nga ay akin ; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa ; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa . Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno , o ng isang baka , o ng isang tupa , o ng anomang hayop ; at mamatay , o masasaktan , o maagaw , na walang nakakakitang sinoman : Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa ; at tatanggapin ng may-ari , at siya&#039;y hindi magsasauli . Datapuwa&#039;t kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon . Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo , at hindi sasaulian ang nalapa . At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa , at masaktan , o mamatay , na hindi kaharap ang may-ari , ay walang pagsala na siya&#039;y magsasauli . Kung ang may-ari niyaon ay kaharap , ay hindi niya sasaulian ; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan . At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga , na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan , ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya . Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya , ay magbabayad siya ng salapi , ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga . Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway . Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala . Yaong maghain sa anomang dios , maliban sa Panginoon lamang , ay lubos na papatayin . At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin , o pipighatiin man ; sapagka&#039;t kayo&#039;y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto . Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao , o ulila . Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan , at sila&#039;y dumaing sa akin , ay walang pagsala , na aking didinggin ang kanilang daing ; At ang aking pagiinit ay magaalab , at aking papatayin kayo ng tabak ; at ang inyong mga asawa ay magiging mga bao , at ang inyong mga anak ay mga ulila . Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha , huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo . Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla , ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw ; Sapagka&#039;t iyan ang kaniya lamang pangbihis , siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat : ano ngang kaniyang ipangtutulog ? at mangyayari , na pagka siya&#039;y dumaing sa akin , ay aking didinggin ; sapagka&#039;t ako&#039;y mapagbiyaya . Huwag mong lalapastanganin ang Dios , ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan . Huwag kang magmamakupad ng paghahandog ng iyong mga ani , at ng tulo ng iyong mga pigaan . Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin . Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka , at sa iyong mga tupa : pitong araw na mapapa sa kaniyang ina ; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin . At kayo&#039;y magpapakabanal na tao sa akin : na ano pa&#039;t huwag kayong kakain ng anomang laman , na nalapa ng ganid sa parang ; inyong ihahagis sa mga asno . Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan : huwag kang makikipagkayari sa masama , na maging saksi kang sinungaling . Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama ; ni magbibigay patotoo man sa isang usap , na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan : Ni huwag mo ring kikilingan ang dukha sa kaniyang usap . Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno , na nakawala , ay tunay na ibabalik mo sa kaniya . Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo , na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan , at ayaw mo mang alisan ng pasan , ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon . Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha , sa kaniyang usap . Layuan mo ang bagay na kasinungalingan , at ang walang sala at ang matuwid , ay huwag mong papatayin : sapagka&#039;t hindi ko patototohanan ang masama . At huwag kang tatanggap ng suhol : sapagka&#039;t ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin , at sinisira ang mga salita ng mga banal . At ang taga ibang lupa ay huwag mong pipighatiin sapagka&#039;t talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa , yamang kayo&#039;y naging mga taga ibang lupa , sa lupain ng Egipto . Anim na taong hahasikan mo ang iyong lupa at aanihin mo ang bunga niyaon : Datapuwa&#039;t sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan , upang kumain ang dukha sa iyong bayan : at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid . Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan . Anim na araw , na iyong gagawin ang iyong gawain , at sa ikapitong araw , ay magpapahinga ka : upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga ; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae , at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga . At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan : at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios , o marinig man sa inyong bibig . Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin , sa bawa&#039;t taon . Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang ; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura , gaya ng iniutos ko sa iyo , sa takdang panahon , sa buwan ng Abib ( sapagka&#039;t niyaon ka umalis sa Egipto ) ; at walang lalapit sa harap ko na walang dala : At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan , na iyong inihasik sa bukid : at ang pista ng pagaani , sa katapusan ng taon , nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid . Makaitlo sa bawa&#039;t taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios . Huwag mong ihahandog ang dugo ng hain sa akin , na kasabay ng tinapay na may lebadura ; o iiwan mo man ang taba ng aking pista sa buong magdamag hanggang sa kinaumagahan . Ang mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong ipapasok sa bahay ng Panginoon mong Dios . Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina . Narito , aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo , upang ingatan ka sa daan , at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo . Magingat kayo sa kaniya , at dinggin ninyo ang kaniyang tinig ; huwag ninyong mungkahiin siya : sapagka&#039;t hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang ; sapagka&#039;t ang aking pangalan ay nasa kaniya . Datapuwa&#039;t kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig , at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita ; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway , kaalit ng iyong mga kaalit . Sapagka&#039;t ang aking anghel ay magpapauna sa iyo at dadalhin ka sa Amorrheo , at sa Hetheo at sa Perezeo , at sa Cananeo , at sa Heveo , at sa Jebuseo , at aking lilipulin . Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios , o maglilingkod man sa mga yaon , o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa , kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala . At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios , at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig ; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo . Walang babaing makukunan , o magiging baog man , sa iyong lupain : ang bilang ng iyong mga araw ay aking lulubusin . Aking susuguin ang sindak sa unahan mo , at aking liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan , at aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway . At aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo , na magpapalayas sa Heveo , sa Cananeo at sa Hetheo , sa harap mo . Hindi ko palalayasin sila sa harap mo sa isang taon ; baka ang lupa&#039;y maging ilang , at ang mga ganid sa parang ay magsidami laban sa iyo . Untiunting aking palalayasin sila sa harap mo , hanggang sa ikaw ay kumapal at manahin mo ang lupain . At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates : sapagka&#039;t aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay , at iyo silang palalayasin sa harap mo . Huwag kang makikipagtipan sa kanila , ni sa kanilang mga dios . Sila&#039;y hindi tatahan sa iyong lupain , baka papagkasalahin ka nila laban sa akin : sapagka&#039;t kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios , ay tunay na magiging silo sa iyo . At kaniyang sinabi kay Moises , Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon , ikaw , at si Aaron , si Nadab , at si Abiu , at pitong pu ng mga matanda sa Israel ; at sumamba kayo mula sa malayo : At si Moises lamang ang lalapit sa Panginoon ; datapuwa&#039;t sila&#039;y hindi lalapit ; o ang bayan man ay sasampang kasama niya . At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon , at ang lahat ng mga palatuntunan . At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan , at nagsabi , Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon , ay aming gagawin . At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon , at bumangon ng maaga sa kinaumagahan , at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok , at ng labing dalawang batong pinakaalaala , ayon sa labing dalawang lipi ng Israel . At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel , na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka tungkol sa kapayapaan . At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo , at inilagay sa mga tasa ; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana . At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan , at binasa sa pakinig ng bayan : at kanilang sinabi , Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin , at kami ay magmamasunurin . At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan , at sinabi , Narito ang dugo ng tipan , na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito . Nang magkagayo&#039;y sumampa si Moises , at si Aaron , si Nadab , at si Abiu , at pitongpu ng mga matanda sa Israel : At kanilang nakita ang Dios ng Israel ; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro , at paris din ng langit sa kaliwanagan . At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay : at sila&#039;y tumingin sa Dios , at kumain at uminom . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sampahin mo ako sa bundok , at dumoon ka : at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato , at ng kautusan , at ng utos na aking isinulat , upang iyong maituro sa kanila . At tumindig si Moises , at si Josue na kaniyang tagapangasiwa : at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios . At kaniyang sinabi sa mga matanda , Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo : at , narito si Aaron at si Hur ay kasama ninyo : sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila . At sumampa si Moises sa bundok at tinakpan ng ulap ang bundok . At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai , at tinakpan ng ulap na anim na araw : at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap . At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok , sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel . At pumasok si Moises sa gitna ng ulap , at sumampa sa bundok : at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Salitain mo sa mga anak ni Israel , na sila&#039;y magdala sa akin ng isang handog : ang bawa&#039;t tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin . At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila ; ginto , at pilak , at tanso ; At kayong bughaw , kulay-ube , at pula , at lino at balahibo ng kambing ; At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula , at mga balat ng poka , at kahoy na akasia ; Langis sa ilawan , mga espesia sa langis na pangpahid , at sa mabangong pangsuob ; Mga batong onix , at mga batong pangkalupkop sa efod , at sa pektoral . At kanilang igawa ako ng isang santuario ; upang ako&#039;y makatahan sa gitna nila . Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo , sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin . At sila&#039;y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia : na may dalawang siko&#039;t kalahati ang haba niyaon , at may isang siko&#039;t kalahati ang luwang niyaon , at may isang siko&#039;t kalahati ang taas niyaon . At iyong babalutin ng taganas na ginto ; sa loob at sa labas ay iyong babalutin , at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot . At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto , at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon , at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon , at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon . At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto . At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya , sa mga tagiliran ng kaban , upang mabuhat ang kaban . Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban : hindi aalisin doon . At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo . At gagawa ka ng isang luklukan ng awa , na taganas na ginto : na may dalawang siko&#039;t kalahati ang haba niyaon , at may isang siko&#039;t kalahati ang luwang niyaon . At gagawa ka ng dalawang querubing ginto ; na yari sa pamukpok iyong gagawin , sa dalawang dulo ng luklukan ng awa . At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo , at ang isang querubin sa kabilang dulo : kaputol ng luklukan ng awa , gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon . At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas , na nilililiman ang luklukan ng awa , ng kanilang mga pakpak , na ang kanilang mukha ay nagkakaharap , sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin . At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ; at sa loob ng kaban , ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo , na aking ibibigay sa iyo . At diya&#039;y makikipagkita ako sa iyo , at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa , sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo , tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel . At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia : na may dalawang siko ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon , at isang siko&#039;t kalahati ang taas niyaon . At iyong babalutin ng taganas na ginto , at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot . At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot , at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon . At igagawa mo ng apat na argolyang ginto , at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon . Malalapit sa gilid ang mga argolya , sa daraanan ng mga pingga , upang madala ang dulang . At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia , at iyong babalutin ng ginto , upang ang dulang ay madala ng mga yaon . At gagawa ka ng mga pinggan niyaon , at ng mga kutsara niyaon , at ng mga kopa niyaon , at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan ; na iyong gagawing taganas na ginto . At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi . At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto : yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero , ang tuntungan niyaon , at ang haligi niyaon ; ang mga kopa niyaon , ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol : At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon ; tatlong sanga ng kandelero&#039;y sa isang tagiliran niyaon , at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon : At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga , isang globito at isang bulaklak ; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga , isang globito at isang bulaklak ; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero . At sa haligi ng kandelero&#039;y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro , sangpu ng mga globito niyaon , at ng mga bulaklak niyaon : At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga , at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon , at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero . Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol : kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok , na taganas na ginto . At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan , na pito : at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon , upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero . At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto . Isang talentong taganas na ginto gagawin , sangpu ng lahat ng kasangkapang ito . At ingatan mo , na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok . Bukod dito&#039;y gagawin mo ang tabernakulo na may sangpung tabing ; na linong pinili , at bughaw , at kulay-ube , at pula , na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa , iyong gagawin . Ang magiging haba ng bawa&#039;t tabing ay dalawang pu&#039;t walong siko , at ang luwang ng bawa&#039;t tabing ay apat na siko : lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan . Limang tabing ay papagsusugpunging isa&#039;t isa ; at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa&#039;t isa . At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong , at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong . Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing , at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong ; ang mga presilya ay magkakatapat na isa&#039;t isa . At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit ; at magiging isa lamang . At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo : labing isang tabing ang iyong gagawin . Ang magiging haba ng bawa&#039;t tabing ay tatlong pung siko , at ang luwang ng bawa&#039;t tabing ay apat na siko : ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat . At iyong papagsusugpungin ang limang tabing , at gayon din ang anim na tabing , at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo . At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkakasugpong , at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong . At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso , at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa . At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda , na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo . At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda , ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo , sa dakong ito at sa dakong yaon , upang takpan . At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula , at isang pangtakip na balat ng poka , sa ibabaw . At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo , na kahoy na akasia na mga patayo . Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla , at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa&#039;t tabla . Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa&#039;t tabla na nagkakasugpong na isa&#039;t isa : ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo . At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo : dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan . At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla , dalawang tungtungan sa bawa&#039;t tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa , at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa : At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo , sa dakong hilagaan , ay dalawang pung tabla : At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak ; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla , at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla . At sa dakong hulihan ng tabernakulo , sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla . At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan . At pagpapatungin sa dakong ibaba , at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya ; gayon ang gagawin sa dalawa ; para sa dalawang sulok . At magkakaroon ng walong tabla , at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan : dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla , at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla . At gagawa ka ng mga barakilan , na kahoy na akasia ; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo ; At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo , at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan , na dakong kalunuran . At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila . At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla , at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan : at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan . At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon , na ipinakita sa iyo sa bundok . At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube , at pula at linong pinili : na may mga querubing mainam ang pagkayari : At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto , na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin : na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak . At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit , at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo : at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako . At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako . At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong , at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan : at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan . At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube , at pula , at linong pinili , na yari ng mangbuburda . At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto ; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin : at ipagbububo mo ng limang tungtungan . At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana , na limang siko ang haba at limang siko ang luwang ; ang dambana ay gagawing parisukat : at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko . At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon : ang mga anyong sungay ay kaputol din , at iyong babalutin ng tanso . At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo , at ng mga pala , at ng mga mangkok , at ng mga pangalawit at ng mga suuban : lahat ng mga kasangkapa&#039;y gagawin mong tanso . At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari , at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon . At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana , sa dakong ibaba , upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana . At igagawa mo ng mga pingga ang dambana , mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso . At ang mga pingga niyao&#039;y isusuot sa mga argolya , at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana , pagka dinadala . Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok , ay gayon gagawin nila . At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo : sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili , na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran : At ang ihahaligi doo&#039;y dalawang pu , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak . At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan , sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba , at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak . At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko : ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu . At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan , sa dakong sinisikatan ng araw , ay magkakaroon ng limangpung siko . Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko : ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tatlo rin . At sa kabilang dako&#039;y magkakaroon ng mga tabing na ma&#039;y labing limang siko : ang mga haligi ng mga yao&#039;y tatlo , at ang mga tungtungan ng mga yao&#039;y tatlo . At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko , na ang kayo&#039;y bughaw , at kulay-ube , at pula , at kayong linong pinili , na yari ng mangbuburda : ang mga haligi ng mga yao&#039;y apat , at ang mga tungtungan ng mga yao&#039;y apat . Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak ; ang mga sima ng mga yaon ay pilak , at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso . Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko , at ang luwang ay limang pu magpasaan man , at ang taas ay limang siko , kayong linong pinili , at ang mga tuntungan ay tanso . Lahat ng mga kasangkapan ng tabernakulo , sa buong paglilingkod doon , at lahat ng mga tulos niyaon , at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso . At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila&#039;y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan , upang papagningasing palagi ang ilawan . Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo , ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon : magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel . At ilapit mo sa iyo si Aarong iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya , mula sa gitna ng mga anak ni Israel , upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote , si Aaron , si Nadab at si Abiu , si Eleazar at si Ithamar , na mga anak ni Aaron . At igagawa mo ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid sa ikaluluwalhati at ikagaganda . At iyong sasalitain sa lahat ng matalino , na aking pinagpupuspos ng diwa ng karunungan , na kanilang gawin ang kasuutan ni Aaron , upang siya&#039;y italaga , na siya&#039;y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote . At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin ; isang pektoral , at isang epod , at isang balabal , at isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat , isang mitra at isang pamigkis : at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid , at ang kaniyang mga anak , upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote . At kukuha sila ng ginto , at ng kayong bughaw , at ng kulay-ube , at ng pula , at ng lino . At kanilang gagawin ang epod na ginto , at kayong bughaw , at kulay-ube , pula , at linong pinili , na yari ng bihasang mangbuburda . Magkakaroon ng dalawang pangbalikat na nagkakasugpong sa dalawang dulo niyaon ; upang magkasugpong . At ang mainam na pagkayaring pamigkis na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis , ay gagawing gaya ng pagkayari ng epod at kaputol , na ginto , kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili . At kukuha ka ng dalawang batong onix , at iyong iuukit na limbag sa ibabaw ng mga yaon ang mga pangalan ng mga anak ni Israel : Anim sa kanilang mga pangalan ay sa isang bato , at ang mga pangalan ng anim na natitira ay sa isang bato , ayon sa kanilang kapanganakan . Nayari ng manguukit sa bato , na gaya ng ukit ng isang panatak , iyong iuukit sa dalawang bato , ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel : iyong gagawing napamumutihan ng mga kalupkop na ginto . At iyong ilalagay ang dalawang bato sa ibabaw ng pangbalikat ng epod , upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel : at papasanin ni Aaron ang kanilang mga pangalan sa harap ng Panginoon , sa ibabaw ng kaniyang dalawang balikat , na pinakaalaala . At gagawa ka ng mga kalupkop na ginto : At ng dalawang tanikalang taganas na ginto ; parang pisi iyong gagawin na yaring pinili : at iyong ilalapat sa mga kalupkop ang mga tanikalang pinili . At gagawin mo ang pektoral ng kahatulan , na gawa ng bihasang manggagawa ; na gaya ng pagkayari ng epod iyong gagawin ; gagawin mo na ginto , na bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili . Gagawing parisukat at nakatiklop ; isang dangkal magkakaroon ang haba niyaon , at isang dangkal ang luwang niyaon . At iyong kakalupkupan ng mga kalupkop na mga bato , apat na hanay na bato : isang hanay na sardio , topacio , at karbungko ang magiging unang hanay ; At ang ikalawang hanay , ay isang esmeralda , isang zapiro , at isang diamante ; At ang ikatlong hanay ay isang hasinto , isang agata , at isang amatista ; At ang ikaapat na hanay ay isang berilo , isang onix , at isang haspe : pawang pamumutihan ng ginto sa kanilang mga kalupkop . At ang mga bato ay iaayos sa mga pangalan ng mga anak ni Israel ; labingdalawa , ayon sa mga pangalan nila ; gaya ng ukit ng isang panatak , bawa&#039;t isa&#039;y ayon sa kanilang pangalan , na magiging ukol sa labing dalawang lipi . At gagawa ka sa ibabaw ng pektoral ng mga tanikalang parang pisi , yaring pinili , na taganas na ginto . At igagawa mo ang ibabaw ng pektoral ng dalawang singsing na ginto , at ilalagay mo ang dalawang singsing sa dalawang sulok ng itaas ng pektoral . At inyong ilalagay ang dalawang pinising tanikalang ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral . At ang dalawang dulo ng dalawang tanikala ng pinili ay iyong ilalapat sa dalawang kalupkop , at iyong mga ilalagay sa mga pangbalikat ng epod , sa harapan . At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto , at mga ilalagay mo sa dalawang sulok ng pektoral sa laylayan niyaon na nasa dakong kabaligtaran ng epod . At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto , at iyong mga ikakapit sa dalawang pangbalikat ng epod , sa dakong ibaba , sa harapan , na malapit sa pagkakasugpong sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod . At kanilang itatali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing niyaon sa mga singsing ng epod ng isang taling bughaw , upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod , at upang ang pektoral ay huwag makalag sa epod . At dadalhin ni Aaron sa kaniyang sinapupunan ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya&#039;y pumapasok sa dakong banal , na pinakaalaala sa harap ng Panginoon , na palagi . At ilalagay mo sa pektoral ng kahatulan ang Urim at ang Tummim at mga ilalagay sa sinapupunan ni Aaron , pagka siya&#039;y pumapasok sa harap ng Panginoon at dadalhing palagi ni Aaron sa harap ng Panginoon ang kahatulan sa mga anak ni Israel na nasa kaniyang sinapupunan . At gagawin mo ang balabal ng epod na taganas na bughaw . At magkakaroon ng isang pinakaleeg sa gitna niyaon : magkakaroon ito ng isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg , gaya ng butas ng isang koselete , upang huwag mapunit . At ang saya niyaon ay igagawa mo ng mga granadang bughaw , at kulay-ube , at pula , sa palibot ng saya niyaon ; at ng mga kampanilyang ginto sa gitna ng mga yaon sa palibot : Isang kampanilyang ginto at isang granada , isang kampanilyang ginto at isang granada sa saya sa ibaba ng balabal sa palibot . At isusuot ni Aaron upang mangasiwa : at ang tunog niyao&#039;y maririnig pagka siya&#039;y pumapasok sa dakong banal sa harap ng Panginoon , at pagka siya&#039;y lumalabas , upang siya&#039;y huwag mamatay . At gagawa ka ng isang laminang taganas na ginto , at doo&#039;y isusulat mong ukit na ayon sa ukit ng isang panatak , Banal sa Panginoon . At iyong ilalagay sa isang listong bughaw , at malalagay sa ibabaw ng mitra ; sa ibabaw ng harapan ng mitra malalagay . At malalagay sa noo ni Aaron , at dadalhin ni Aaron ang kasamaan ng mga banal na bagay , na pakakabanalin ng mga anak ni Israel sa lahat nilang mga banal na kaloob ; at malalagay na palagi sa kaniyang noo , upang tanggapin sa harap ng Panginoon . At iyong hahabihin ang kasuutan na anyong parisukat , na lino , at iyong gagawin ang mitra na lino , at iyong gagawin ang pamigkis na yari ng mangbuburda . At iyong igagawa ang mga anak ni Aaron ng mga kasuutan , at iyong igagawa sila ng mga pamigkis , at iyong igagawa sila ng mga tiara sa ikaluluwalhati at ikagaganda . At iyong isusuot kay Aarong iyong kapatid at sa kaniyang mga anak na kasama niya ; at iyong papahiran ng langis sila , at iyong itatalaga sila , at iyong papagbanalin sila , upang sila&#039;y makapangasiwa sa akin , sa katungkulang saserdote . At iyong igagawa sila ng mga salawal na lino , upang takpan ang laman ng kanilang kahubaran ; mula sa mga balakang hanggang sa mga hita aabot . At isusuot ni Aaron at ng kaniyang mga anak , pagka sila&#039;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan , o pagka sila&#039;y lumalapit sa dambana upang mangasiwa sa dakong banal ; upang sila&#039;y huwag magdala ng kasamaan , at huwag mamatay : magiging isang palatuntunang walang hanggan sa kaniya at sa kaniyang binhi pagkamatay niya . At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila , upang sila&#039;y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote : kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan . At tinapay na walang lebadura , at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis , at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis : na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo . At iyong isisilid sa isang bakol , at dadalhin mo na nasa bakol , sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake . At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at iyong huhugasan sila ng tubig . At iyong kukunin ang mga kasuutan , at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya , at ang balabal ng epod , at ang epod , at ang pektoral , at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod : At iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo , at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra . Saka mo kukunin ang langis na pangpahid , at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo , at papahiran mo ng langis siya . At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak , at susuutan mo ng mga tunika sila . At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis , si Aaron at ang kaniyang mga anak , at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo : at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi : at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak . At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan : at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro . At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan . At kukuha ka ng dugo ng toro , at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana . At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka , at ang mga lamak ng atay , at ang dalawang bato , at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon , at susunugin mo sa ibabaw ng dambana . Datapuwa&#039;t ang laman ng toro , at ang balat , at ang dumi ay iyong susunugin sa apoy sa labas ng kampamento : handog nga dahil sa kasalanan . Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa ; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa . At iyong papatayin ang lalaking tupa , at iyong kukunin ang dugo , at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana . At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka , at ang mga hita , at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo . At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana : handog na susunugin nga sa Panginoon ; pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon , na pinaraan sa apoy . At kukunin mo ang isang tupa ; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa . Saka mo papatayin ang tupa , at kukunin mo ang dugo , at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron , at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak , at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay , at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa , at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot . At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana , at ng langis na pangpahid , at iwiwisik mo kay Aaron , at sa kaniyang mga suot , at sa kaniyang mga anak na kasama niya : at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot , at ng kaniyang mga anak , at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya . Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba , at ang matabang buntot , at ang tabang nakababalot sa mga bituka , at ang mga lamak ng atay , at ang dalawang bato , at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon , at ang kanang hita ( sapagka&#039;t isang lalaking tupa na itinalaga ) , At isang malaking tinapay , at isang munting tinapay na nilangisan , at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon : At iyong ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron , at sa mga kamay ng kaniyang mga anak ; at iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon . At iyong kukunin sa kanilang mga kamay , at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin , na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon : handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy . At kukunin mo ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron , at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon : at magiging iyong bahagi . At iyong ihihiwalay ang dibdib ng handog na niluglog , at ang hita ng handog na itinaas , ang niluglog at ang itinaas , ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak ; At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak , na pinaka bahagi magpakailan man , na mula sa mga anak ni Israel : sapagka&#039;t isang handog na itinaas : at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel , na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan : na dili iba&#039;t kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon . At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak , pagkamatay niya , upang pahiran ng langis sa mga yaon , at upang italaga sa mga yaon . Pitong araw na isusuot ng anak na magiging saserdote nakahalili niya , pagka siya&#039;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal . At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal . At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa , at ang tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan . At kanilang kakanin ang mga bagay na yaon , na ipinangtubos ng sala , upang italaga at pakabanalin sila : datapuwa&#039;t hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa , sapagka&#039;t mga bagay na banal . At kung may lumabis sa laman na itinalaga , o sa tinapay , hanggang sa kinaumagahan , ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis : hindi kakanin , sapagka&#039;t yao&#039;y banal . At ganito mo gagawin kay Aaron , at sa kaniyang mga anak , ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo : pitong araw na iyong itatalaga sila . At araw-araw ay maghahandog ka ng toro na pinakahandog , dahil sa kasalanan na pinakapangtubos : at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon ; at iyong papahiran ng langis upang pakabanalin . Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana , at iyong pakakabanalin ; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan ; anomang masagi sa dambana ay magiging banal . Ito nga ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana : dalawang kordero ng unang taon araw-araw na palagi . Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga ; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon : At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo ; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak , ay pinakahandog na inumin . At ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon , at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga , at ayon sa inuming handog niyaon , na pinaka masarap na amoy , na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy . Magiging isang palaging handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , sa harap ng Panginoon ; na aking pakikipagkitaan sa inyo , upang makipagusap ako roon sa iyo . At doo&#039;y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel : at ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian . At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan , at ang dambana ; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote . At ako&#039;y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel , at ako&#039;y magiging kanilang Dios . At kanilang makikilala , na ako ang Panginoon nilang Dios , na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto , upang ako&#039;y tumahan sa gitna nila : ako ang Panginoon nilang Dios . At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan : na kahoy na akasia iyong gagawin . Isang siko magkakaroon ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon ; parisukat nga : at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon : ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din . At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon , at ang mga tagiliran niyaon sa palibot , at ang mga sungay niyaon ; at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot . At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa , sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin ; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat . At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia , at iyong babalutin ng ginto . At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo , sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo , na aking pakikipagtagpuan sa iyo . At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia : tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan , ay susunugin niya . At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon , ay kaniyang susunugin , na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon , sa buong panahon ng inyong mga lahi . Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon , o ng handog na susunugin , o ng handog na harina man : at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon . At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana , minsan sa isang taon : kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon , ng dugo ng handog dahil sa kasalanan , sa buong panahon ng inyong mga lahi : kabanal-banalan nga sa Panginoon . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Pagbilang mo sa mga anak ni Israel , ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa&#039;t isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon , pagka iyong binibilang sila ; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila . Ito ang kanilang ibibigay , bawa&#039;t maraanan sa kanila na nangabibilang : kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario : ( ang isang siklo ay dalawang pung gera ) : kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon . Bawa&#039;t maraanan sa kanila na nangabibilang , mula sa dalawang pung taong gulang na patanda , ay magbibigay ng handog sa Panginoon . Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit , at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo , pagbibigay nila ng handog sa Panginoon , upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa . At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi , at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan ; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon , upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso , at ang tungtungan ay tanso , upang paghugasan : at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig . At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa : Pagka sila&#039;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan , ay maghuhugas sila ng tubig , upang sila&#039;y huwag mamatay , o pagka sila&#039;y lumalapit sa dambana na mangasiwa , upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon . Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay : at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila , sa kaniya at sa kaniyang binhi , sa buong panahon ng kanilang mga lahi . Bukod dito&#039;y nagsalita ang Panginoon kay Moises , na sinasabi , Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia , ng taganas na mira ay limang daang siklo , at ng mabangong kanela ay kalahati nito , dalawang daan at limang pu ; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu , At ng kasia , limang daan , ayon sa siklo ng santuario , at ng langis ng oliva ay isang hin : At iyong gagawing banal na langis na pangpahid , isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango : siya ngang magiging banal na langis na pangpahid . At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan , at ang kaban ng patotoo , At ang dulang , at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon , at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon , at ang dambanang suuban . At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan , at ang hugasan at ang tungtungan . At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan : lahat ng makahipo sa mga yao&#039;y magiging banal . At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak , at iyong papagbabanalin sila , upang sila&#039;y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote . At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel , na iyong sasabihin , Ito&#039;y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi . Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos , ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha : banal nga at aariin ninyong banal . Sinomang kumatha ng gaya niyan , o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa , ay ihihiwalay sa kaniyang bayan . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Magdala ka ng mababangong espesia , estacte , at onycha , at galbano ; mabangong espesia na may taganas na kamangyan : na magkakaisa ng timbang ; At iyong gagawing kamangyan , na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango , na tinimplahan ng asin , na pulos at banal ; At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo , sa loob ng tabernakulo ng kapisanan na aking pakikipagtagpuan sa iyo : aariin ninyong kabanalbanalan . At ang kamangyan na inyong gagawin , ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo : aariin mong banal sa Panginoon . Sinomang gumawa ng gaya niyan , upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan . At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises , na sinasabi , Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , sa lipi ni Juda : At aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios , sa karunungan at pagkakilala , at kaalaman , at sa lahat ng sarisaring gawain , Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya , upang gumawa sa ginto , at sa pilak , at sa tanso , At upang umukit ng mga batong pangkalupkop , upang gumawa ng mga nililok na kahoy , at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain . At ako , narito , aking inihalal na kasama niya si Aholiab , na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan ; at sa puso ng lahat na maalam na puso , ay aking isinilid ang karunungan , upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo : Ang tabernakulo ng kapisanan at ang kaban ng patotoo , at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon , at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda : At ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay , sangpu ng lahat na mga sisidlan ; at ang dambana ng kamangyan ; At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon , at ang hugasan at ang tungtungan niyaon ; At ang mga kasuutang mabuting yari , at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote , at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak , upang mangasiwa sa katungkulang saserdote ; At ang langis na pangpahid , at ang kamangyan na mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal : ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin . At ang Panginoo&#039;y nagsalita kay Moises , na sinasabi , Salitain mo rin sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath ; sapagka&#039;t isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi , upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo . Inyong ipangingilin ang sabbath nga ; sapagka&#039;t yao&#039;y pangilin sa inyo : bawa&#039;t lumapastangan ay walang pagsalang papatayin : sapagka&#039;t sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon , ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan . Anim na araw na gagawin ang gawain ; datapuwa&#039;t ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan , pangilin sa Panginoon : sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath , ay walang pagsalang papatayin . Kaya&#039;t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath , na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi , na pinakapalaging tipan . Ito&#039;y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man : sapagka&#039;t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa , at sa ikapitong araw , ay nagpahinga at naginhawahan . At kaniyang ibinigay kay Moises , pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai , ang dalawang tapyas ng patotoo , na mga tapyas na bato , na sinulatan ng daliri ng Dios . At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok , ay nagpipisan ang bayan kay Aaron , at nagsabi sa kaniya , Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin ; sapagka&#039;t tungkol sa Moises na ito , na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto , ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya . At sinabi ni Aaron sa kanila , Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto , na nasa tainga ng inyo-inyong asawa , ng inyong mga anak na lalake , at babae , at dalhin ninyo sa akin . At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga , at dinala kay Aaron . At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay , at niyari sa pamamagitan ng isang buril , at ginawang isang guyang binubo , at kanilang sinabi , Ang mga ito ang maging iyong mga dios , Oh Israel , na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto . At nang makita ito ni Aaron , ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon : at itinanyag ni Aaron at sinabi , Bukas ay pista sa Panginoon . At sila&#039;y bumangong maaga nang kinabukasan , at naghandog ng mga handog na susunugin , at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan ; at ang bayan ay umupong kumain at uminom , at tumindig upang magkatuwa . At sinalita ng Panginoon kay Moises , Yumaon ka , bumaba ka , sapagka&#039;t ang iyong bayan , na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama : Sila&#039;y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila : sila&#039;y gumawa ng isang guyang binubo , at kanilang sinamba , at kanilang hinainan , at kanilang sinabi , Ang mga ito&#039;y iyong maging mga dios , Oh Israel , na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Aking nakita ang bayang ito , at , narito , isang bayang may matigas na ulo ; Ngayo&#039;y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila , at upang aking lipulin sila : at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa . At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios , at sinabi , Panginoon , bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan , na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay ? Bakit sasalitain ng mga Egipcio , na sasabihin , Dahil sa kasamaan , inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok , at upang lipulin sila sa balat ng lupa ? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit , at pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan . Alalahanin mo si Abraham , si Isaac , at si Israel na iyong mga lingkod , na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili , at mga pinagsabihan , Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit , at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi , at kanilang mamanahin magpakailan man . At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan . At si Moises ay pumihit , at bumaba sa bundok , na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay ; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon ; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat . At ang mga tapyas ay gawa ng Dios , at ang sulat ay sulat ng Dios , na nakaukit sa mga tapyas . At ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw , ay sinabi kay Moises , May ingay ng pagbabaka sa kampamento . At kaniyang sinabi , Hindi ingay ng pagtatagumpay , o ingay man ng pagkatalo , kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig . At nangyari paglapit niya sa kampamento , na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan ; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok . At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa , at sinunog ng apoy , at giniling hanggang sa naging alabok , at isinaboy sa ibabaw ng tubig , at ipinainom sa mga anak ni Israel . At sinabi ni Moises kay Aaron , Anong ginawa ng bayang ito sa iyo , na dinalhan mo sila ng isang malaking sala ? At sinabi ni Aaron , Huwag maginit ang galit ng aking panginoon : iyong kilala ang bayan , na sila&#039;y mahilig sa kasamaan . Sapagka&#039;t kanilang sinabi sa akin , Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin : sapagka&#039;t tungkol sa Moises na ito , na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya . At aking sinabi sa kanila , Sinomang may ginto , ay magalis ; na anopa&#039;t kanilang ibinigay sa akin : at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito . At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala ; sapagka&#039;t pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway : Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento , at nagsabi , Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin . At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya . At sinabi niya sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel : Ipatong ng bawa&#039;t lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita , at yumaon kayong paroo&#039;t parito sa mga pintuang-daan , sa buong kampamento , at patayin ng bawa&#039;t lalake ang kaniyang kapatid na lalake , at ng bawa&#039;t lalake ang kaniyang kasama , at ng bawa&#039;t lalake ang kaniyang kapuwa . At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises : at nabuwal sa bayan ng araw na yaon , ang may tatlong libong katao . At sinabi ni Moises , Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon , oo , bawa&#039;t lalake laban sa kaniyang anak na lalake , at laban sa kaniyang kapatid na lalake , upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito . At nangyari ng kinabukasan , na sinabi ni Moises sa bayan , Kayo&#039;y nagkasala ng malaking kasalanan : at ngayo&#039;y sasampahin ko ang Panginoon ; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan . At bumalik si Moises sa Panginoon , at nagsabi , Oh , ang bayang ito&#039;y nagkasala ng malaking kasalanan , at gumawa sila ng mga dios na ginto . Gayon ma&#039;y ngayon , kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan ; at kung hindi , ay alisin mo ako , isinasamo ko sa iyo , sa iyong aklat na sinulat mo . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat . At ngayo&#039;y yumaon ka , iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo : narito , ang aking anghel ay magpapauna sa iyo : gayon ma&#039;y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila . At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan , sapagka&#039;t kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron . At sinalita ng Panginoon kay Moises , Yumaon ka , sumampa ka mula rito , ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto , na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham , kay Isaac , at kay Jacob , na aking sinasabi , Sa iyong binhi ay aking ibibigay . At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo : at aking palalayasin ang Cananeo , ang Amorrheo , at ang Hetheo , at ang Pherezeo , ang Heveo , at ang Jebuseo : Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot : sapagka&#039;t hindi ako sasampa sa gitna mo ; sapagka&#039;t ikaw ay bayang may matigas na ulo ; baka ikaw ay aking lipulin sa daan . At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito , ay nanangis sila : at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Sabihin mo sa mga anak ni Israel , Kayo&#039;y isang bayang may matigas na ulo : kung ako&#039;y sumampa sa gitna mo na sangdali , ay lilipulin kita : kaya&#039;t ngayo&#039;y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo . At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb . Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento , na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon , Tabernakulo ng kapisanan . At nangyari na bawa&#039;t magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan , na nasa labas ng kampamento . At nangyari , pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda , na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo , bawa&#039;t lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda . At nangyari , pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises . At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba , na bawa&#039;t isa&#039;y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda . At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan , gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan . At siya&#039;y bumabalik uli sa kampamento , datapuwa&#039;t ang kaniyang tagapangasiwang si Josue , na anak ni Nun , na may kabataan pa , ay hindi umaalis sa Tolda . At sinabi ni Moises sa Panginoon , Tingnan mo , iyong sinasabi sa akin : Isampa mo ang bayang ito : at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko . Gayon ma&#039;y iyong sinabi , Aking nakikilala ka sa pangalan , at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin . Ngayon nga , isinasamo ko sa iyo , na kung ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan , upang ikaw ay aking makilala , na ano pa&#039;t ako&#039;y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin : at akalain mo , na ang bansang ito ay iyong bayan . At kaniyang sinabi , Ako&#039;y sasa iyo , at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan . At sinabi niya sa kaniya , Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito . Sapagka&#039;t saan ngayon makikilala na ako&#039;y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin , ako at ang iyong bayan ? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin , upang kami ay maging bukod , ako at ang iyong bayan , sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa ? At sinabi ng Panginoon kay Moises , Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita : sapagka&#039;t ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin , at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan . At sinabi ni Moises , Ipakita mo sa akin , idinadalangin ko sa iyo , ang iyong kaluwalhatian . At kaniyang sinabi , Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo , at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo ; at ako&#039;y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban , at ako&#039;y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan . At kaniyang sinabi , Hindi mo makikita ang aking mukha : sapagka&#039;t hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay . At sinabi ng Panginoon , Narito , may isang dako sa tabi ko , at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan : At mangyayari , na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan , na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato , at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako&#039;y makaraan : At aking aalisin ang aking kamay , at iyong makikita ang aking likod : datapuwa&#039;t ang aking mukha ay hindi makikita . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una : at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas , na iyong sinira . At iyong ihanda sa kinaumagahan , at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin sa taluktok ng bundok . At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo , o makikita ang sinomang tao sa buong bundok ; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon . At siya&#039;y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una ; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan , at sumampa sa bundok ng Sinai , gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya , at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato . At ang Panginoon ay bumaba sa ulap , at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon . At ang Panginoo&#039;y nagdaan sa harap niya , na itinanyag , Ang Panginoon , ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kaawaan at katotohanan ; Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo , na nagpapatawad ng kasamaan , at ng pagsalangsang , at ng kasalanan : at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin ; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak , at sa mga anak ng mga anak , hanggang sa ikatlo at ika apat na salin . At nagmadali si Moises , at itinungo ang kaniyang ulo sa lupa , at sumamba . At kaniyang sinabi , Kung ngayo&#039;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , Oh Panginoon , ay ipahintulot nawa ng Panginoon , isinasamo ko sa iyo , na pasa gitna namin ; sapagka&#039;t isang bayang may matigas na ulo ; at ipatawad mo ang aming kasamaan , at ang aming kasalanan , at ariin mo kaming iyong mana . At kaniyang sinabi , Narito , ako&#039;y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at gagawa ako ng mga kababalaghan , na kailan ma&#039;y hindi ginawa sa buong lupa , o sa alin mang bansa : at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon , sapagka&#039;t kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo . Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito : narito , aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo , at ang Cananeo , at ang Hetheo , at ang Pherezeo , at ang Jebuseo . Magingat ka , na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan , baka maging isang silo sa gitna mo : Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana , at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera . Sapagka&#039;t hindi ka sasamba sa ibang dios : sapagka&#039;t ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin ; ay mapanibughuin ngang Dios : Magingat ka ; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain , at sila&#039;y sumunod sa kanilang mga dios , at magsipaghain sa kanilang mga dios , at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain ; At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae , at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios . Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo . Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin . Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo , sa takdang panahon sa buwan ng Abib : sapagka&#039;t sa buwan ng Abib , ay umalis ka sa Egipto . Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin ; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake , ang panganay ng baka at ng tupa , At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero : at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg . Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin . At walang lalapit sa harapan ko na walang dala . Anim na araw na gagawa ka , nguni&#039;t sa ikapitong araw ay magpapahinga ka : sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka . At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo , ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo , at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon . Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios , na Dios ng Israel . Sapagka&#039;t aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo , at aking palalaparin ang iyong mga hangganan : at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain , pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios , na makaitlo sa isang taon . Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin , na kasabay ng tinapay na may lebadura ; o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan . Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios . Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina . At sinabi ng Panginoon kay Moises , Isulat mo ang mga salitang ito : sapagka&#039;t ayon sa tunog ng mga salitang ito , ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel . At siya&#039;y natira doong kasama ng Panginoon , na apat na pung araw at apat na pung gabi ; hindi man lamang siya kumain ng tinapay , o uminom man ng tubig . At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan , ang sangpung utos . At nangyari , nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai , na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya , noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios . At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises , narito , ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag ; at sila&#039;y natakot na lumapit sa kaniya . At tinawag sila ni Moises ; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya : at si Moises ay nagsalita sa kanila . At pagkatapos , ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit ; at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai . At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha . Datapuwa&#039;t pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya , ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya&#039;y makalabas ; at siya&#039;y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya ; At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises , na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag : at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha , hanggang sa siya&#039;y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios . At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel , at sinabi sa kanila , Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon , na inyong gagawin . Anim na araw na gagawa , datapuwa&#039;t ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo , isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon : sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin . Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath . At sinalita ni Moises , sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel , na sinasabi , Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon , na sinasabi , Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon ; sinomang may kusang loob , ay magdala ng handog sa Panginoon ; ginto , at pilak , at tanso ; At kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at lino , at balahibo ng kambing ; At mga balat ng tupang lalake na tininang pula , at mga balat ng poka , at kahoy na akasia ; At langis na pangilawan , at mga espesia sa langis na pangpahid , at sa mabangong kamangyan : At mga batong onix , at mga batong pangkalupkop , na pang-epod , at pangpektoral . At pumarito ang bawa&#039;t matalino sa inyo , at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon ; Ang tabernakulo , ang tolda niyan , at ang takip niyan , ang mga kawit niyan , at ang mga tabla niyan , ang mga barakilan niyan , ang mga haligi niyan , at ang mga tungtungan niyan ; Ang kaban , at ang mga pingga niyan , ang luklukan ng awa , at ang lambong ng tabing ; Ang dulang at ang mga pingga niyan , at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog ; Ang kandelero rin naman na pangilaw , at ang mga kasangkapan niyan , at ang mga ilawan niyan , at ang langis na pangilawan ; At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan , at ang langis na pangpahid , at ang mabangong kamangyan , at ang tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo ; Ang dambana ng handog na susunugin , sangpu ng salang tanso niyan , at lahat ng mga kasangkapan niyan , ang hugasan at ang tungtungan niyan ; Ang mga tabing sa looban , ang mga haligi niyan , at ang mga tungtungan ng mga iyan , at ang tabing sa pintuan ng looban ; Ang mga tulos ng tabernakulo , at ang mga tulos ng looban , at ang mga panali ng mga iyan ; Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal , ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote , at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak , upang mangasiwa sa katungkulang saserdote . At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises . At sila&#039;y lumapit , lahat ng tao na napukaw ang kalooban , at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa , at nagdala ng panghandog sa Panginoon , sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan , at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan . At sila&#039;y naparoon , mga lalake at mga babae , yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob , at nagdala ng mga espile , at ng mga hikaw , at ng mga singsing na panatak , at ng mga pulsera , ng madlang hiyas na ginto ; sa makatuwid baga&#039;y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon . At bawa&#039;t taong may kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at lino , at balahibo ng mga kambing , at balat ng mga tupa na tininang pula , at ng mga balat ng poka , ay nangagdala . Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso , ay nagdala ng handog sa Panginoon : at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala . At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay , at dinala ang kanilang mga hinabi , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at lino . At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban , sa karunungan , ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing . At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix , at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod , at sa pektoral ; At ng mga espesia , at ng langis ; na pangilawan , at langis na pangpahid , at pangmabangong kamangyan . Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon ; bawa&#039;t lalake at babae , na ang puso&#039;y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain , na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin . At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel , Tingnan ninyo , tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , sa lipi ni Juda ; At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios , tungkol sa karunungan , sa pagkakilala , at sa kaalaman , at sa lahat ng sarisaring gawain ; At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya , na gumawa sa ginto , at sa pilak , at sa tanso , At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop , at sa pagukit sa kahoy , na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa . At isinapuso niya ang katalinuhan , na siya&#039;y makapagturo , siya at gayon din si Aholiab , na anak ni Ahisamac , sa lipi ni Dan . Sila&#039;y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa , ng taga-ukit , at tagakatha , at ng mangbuburda sa kayong bughaw , at sa kulay-ube , sa pula , at sa lino , at ng manghahabi , ng mga gumagawa ng anomang gawain , at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa . At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa , at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario , ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon . At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab , at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso , lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin : At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario , upang gawin . At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga . At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino , na gumagawa ng lahat na gawa , sa santuario , na bawa&#039;t isa&#039;y mula sa kaniyang gawain na ginagawa ; At sila&#039;y nagsalita kay Moises , na nagsasabi , Ang baya&#039;y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod , na iniutos gawin ng Panginoon . At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi , Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario . Na ano pa&#039;t sinangsala na ang bayan sa pagdadala . Sapagka&#039;t ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin , at higit pa . At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa , ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing , na linong pinili , at kayong bughaw , at kulay-ube , at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa . Ang haba ng bawa&#039;t tabing ay dalawang pu&#039;t walong siko , at ang luwang ng bawa&#039;t tabing ay apat na siko : lahat ng tabing ay magkakaisang sukat . At pinapagsugpong na isa&#039;t isa ang limang tabing : at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa&#039;t isa . At siya&#039;y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing , sa gilid ng pagkakasugpong : gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong . Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing , at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong : ang mga presilya ay nagkakatapat na isa&#039;t isa . At siya&#039;y gumawa ng limangpung kawit na ginto , at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa&#039;y sa isa , sa pamamagitan ng mga kawit : sa gayo&#039;y naging isa ang tabernakulo . At siya&#039;y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo : labing isang tabing ang ginawa niya . Ang haba ng bawa&#039;t tabing ay tatlong pung siko , at apat na siko ang luwang ng bawa&#039;t tabing ; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat . At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod . At siya&#039;y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing , sa dulo ng pagkakasugpong , at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong . At siya&#039;y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda , upang maging isa . At siya&#039;y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula , at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw . At siya&#039;y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia , na pawang patayo . Sangpung siko ang haba ng isang tabla , at isang siko&#039;t kalahati ang luwang ng bawa&#039;t tabla . Bawa&#039;t tabla&#039;y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa&#039;t isa : gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo . At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo ; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan : At siya&#039;y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla : dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa ; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa . At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan , ay gumawa siya ng dalawang pung tabla . At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak ; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla , at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla . At sa dakong hulihan ng tabernakulo , sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla . At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan . Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas , sa isang argolya ; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok . At mayroong walong tabla , at ang mga tungtungang pilak , ay labing anim na tungtungan ; sa ilalim ng bawa&#039;t tabla ay dalawang tungtungan . At siya&#039;y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia ; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo , At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo , at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran . At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla , mula sa isang dulo hanggang sa kabila . At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto , at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan , at binalot ang mga barakilan ng ginto . At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa . At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia , at pinagbalot ng ginto : ang kanilang mga sima ay ginto rin : at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak . At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , linong pinili , na yari ng mangbuburda ; At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima : at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto ; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso . At kahoy na akasia ang ginawang kaban ni Bezaleel : na may dalawang siko&#039;t kalahati ang haba niyaon , at may isang siko&#039;t kalahati ang luwang niyaon , at may isang siko&#039;t kalahati ang taas niyaon : At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas , at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot . At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto , sa apat na sulok niyaon ; sa makatuwid baga&#039;y dalawang argolya sa isang tagiliran . At siya&#039;y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia , at pinagbalot ng ginto . At isinuot ang mga pingga sa mga argolya , sa mga tagiliran ng kaban , upang mabuhat ang kaban . At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto : na may dalawang siko at kalahati ang haba , at may isang siko&#039;t kalahati ang luwang . At siya&#039;y gumawa ng dalawang querubing ginto ; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa ; Isang querubin sa isang dulo , at isang querubin sa kabilang dulo : na kaputol ng luklukan ng awa , ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo . At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas , na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa , na nagkakaharap ang kanilang mga mukha ; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin . At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia ; na may dalawang siko ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon , at isang siko&#039;t kalahati ang taas niyaon : At binalot niya ng taganas na ginto , at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot . At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot , at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot . At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto , at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon . Malapit sa gilid ang mga argolya , na daraanan ng mga pingga , upang mabuhat ang dulang . At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia , at pinagbalot ng ginto , upang mabuhat ang dulang . At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang , ang mga pinggan niyaon , at ang mga kutsara niyaon , at ang mga tasa niyaon , at ang mga kopa niyaon , na pagbubuhusan . At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto : niyari niya sa pamukpuk ang kandelero , ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon ; ang mga kopa niyaon , ang mga globito niyaon , at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon : At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon ; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran , at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran : Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga , isang globito at isang bulaklak ; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga , isang globito at isang bulaklak ; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero . At sa kandelero&#039;y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro , sangpu ng mga globito niyaon , at ng mga bulaklak niyaon : At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon , at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon , at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon , sapagka&#039;t ang anim na sanga ay lumalabas doon . Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero : ang kabuoa&#039;y isa lamang putol na yari sa pamukpok , taganas na ginto . At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito , at ang mga pangipit niyaon , at ang mga pinggan niyaon , na taganas na ginto . Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya , at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon . At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia : isang siko ang haba niyaon , at isang siko ang luwang niyaon , parisukat at dalawang siko ang taas niyaon ; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din . At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon , at ang mga tagiliran niyaon sa palibot , at ang mga anyong sungay niyaon : at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot . At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa , sa dakong itaas ng dalawang panig , sa ibabaw ng dalawang panig , na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat . At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia , at mga binalot na ginto . At kaniyang ginawa ang banal na langis na pangpahid , at ang taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango . At kaniyang ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia : limang siko ang haba niyaon , at limang siko ang luwang niyaon , parisukat ; at tatlong siko ang taas niyaon . At kaniyang ginawa ang mga anyong sungay niyaon sa ibabaw ng apat na sulok niyaon ; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din : at kaniyang binalot ng tanso . At kaniyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana : ang mga kawa , at ang mga pala , at ang mga mangkok , ang mga pangalawit , at ang mga suuban lahat ng kasangkapan ay kaniyang ginawang tanso . At kaniyang iginawa ang dambana ng isang salang tanso na ayos lambat , sa ibaba ng gilid ng dambana sa palibot niyaon , sa dakong ibaba , na umaabot hanggang sa kalahatian ng dambana . At siya&#039;y nagbubo ng apat na argolya para sa apat na sulok ng pinakasalang tanso , sa mga dakong susuutan ng mga pingga . At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia , at pinagbalot ng tanso . At kaniyang isinuot ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana , upang mabuhat ; ginawa niya ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla . At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso , at ang tungtungan niyao&#039;y tanso , na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan . At kaniyang ginawa ang looban , sa tagilirang timugan na dakong timugan , ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko : Ang mga haligi ng mga yao&#039;y dalawangpu , at ang mga tungtungan ay dalawangpu , tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak . At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko , ang mga haligi ay dalawangpu , at ang mga tungtungan ay dalawangpu , tanso ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak . At sa tagilirang kalunuran , may mga tabing na may limangpung siko , ang mga haligi ay sangpu , at ang mga tungtungan ay sangpu ; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak . At sa tagilirang silanganan na dakong silanganan ay may limangpung siko . Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay may labinglimang siko ; ang mga haligi ay tatlo , at ang mga tungtungan ay tatlo ; At gayon din sa kabilang dako : sa dakong ito at sa dakong yaon ng pintuang daan ng looban ay may mga tabing na tiglalabing limang siko ; ang mga haligi niyaon , ay tatlo , at ang mga tungtungan niyaon ay tatlo . Lahat ng mga tabing ng looban sa palibot , ay linong pinili . At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso : ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak ; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak ; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak . At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili : at may dalawangpung siko ang haba , at ang taas sa luwang ay may limang siko , na kabagay ng mga tabing sa looban . At ang mga haligi ay apat , at ang mga tungtungan ay apat , tanso ; ang mga sima ay pilak , at ang mga balot ng kapitel , at ang mga pilete ay pilak . At lahat ng mga tulos ng tabernakulo , at ng looban sa palibot , ay tanso . Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo , sa makatuwid baga&#039;y sa tabernakulo ng patotoo , gaya ng binilang nila , ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote . At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri , na anak ni Hur , sa lipi ni Juda , yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises . At kasama niya si Aholiab , na anak ni Ahisamac , sa lipi ni Dan , na tagapagukit , at bihasang manggagawa , at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube , at sa pula , at sa lino . Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario , sa makatuwid baga&#039;y ang gintong handog ay dalawangpu&#039;t siyam na talento , at pitong daan at tatlongpung siklo , ayon sa siklo ng santuario . At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento , at isang libo&#039;t pitong daan at pitongpu&#039;t limang siklo , ayon sa siklo ng santuario : Na tigisang beka bawa&#039;t ulo , samakatuwid , kalahati ng isang siklo , ayon sa siklo ng santuario , sa bawa&#039;t isa na nasanib sa mga nabilang , magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda , sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake . At ang isang daang talentong pilak ay ginamit sa pagbububo ng mga tungtungan ng santuario , at ng mga tungtungan ng mga haligi ng lambong ; isang daang tungtungan sa isang daang talento , isang talento sa bawa&#039;t tungtungan . At sa isang libo&#039;t pitong daan at pitong pu&#039;t limang siklo , ay naigawa ng sima ang mga haligi at binalot ang mga kapitel , at iginawa ng mga pilete . At ang tansong handog ay pitongpung talento , at dalawang libo at apat na raang siklo . At siyang ipinaggawa ng mga tungtungan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at ng dambanang tanso , at ng salang tanso niyaon , at ng lahat ng kasangkapan ng dambana , At ng mga tungtungan ng looban sa palibot , at ng mga tungtungan ng pintuan ng looban , at ng lahat ng mga tulos ng dampa , at ng lahat ng mga tulos ng looban sa palibot . At sa kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , ay gumawa sila ng mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal , at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang ginawa ang epod na ginto , na kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili . At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto , upang itahi sa kayong bughaw , at sa kulay-ube , at sa pula , at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa . Kanilang iginawa ng mga pangbalikat , na nagkakasugpong : sa dalawang dulo ay nagkakasugpong . At ang mainam na pagkayaring pamigkis , na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis , ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod ; na ginto , at kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , linong pinili ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto , na ayos ukit ng isang panatak , ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel . At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang ginawa ang pektoral , na gawa ng bihasang manggagawa , gaya ng pagkayari ng epod ; na ginto , at kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili . Parisukat ; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral : isang dangkal ang luwang niyaon , pagka nakatiklop . At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato : isang hanay ay sardio , topacio , at karbungko na siyang unang hanay . At ang ikalawang hanay , ay isang esmeralda , isang zafiro , at isang diamante . At ang ikatlong hanay , ay isang jacinto , isang agata , at isang ametista . At ang ikaapat na hanay ay isang berilo , isang onix , at isang jaspe ; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop . At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel , labingdalawa , ayon sa kanilang mga pangalan ; na ayos ukit ng isang panatak ; bawa&#039;t isa&#039;y ayon sa kaniyang pangalan , na ukol sa labingdalawang lipi . At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto . At sila&#039;y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto , at ng dalawang singsing na ginto ; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral . At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral . At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop , at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon . At sila&#039;y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto , at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon , na nasa dakong kabaligtaran ng epod . At sila&#039;y gumawa ng dalawang singsing na ginto , at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba , sa may harapan , na malapit sa pagkakasugpong , sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod . At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing , sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi , na taganas na bughaw ; At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete , na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit . At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw , at kulay-ube , at pula , at linong pinili . At sila&#039;y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto , at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot , sa pagitan ng mga granada ; Isang kampanilya at isang granada , isang kampanilya at isang granada , sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot , upang ipangasiwa gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron , at sa kaniyang mga anak , At ang mitra na lino , at ang mga mainam na tiara na lino , at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino , At ang bigkis na linong pinili , at kayong bughaw at kulay-ube , at pula , na gawa ng mangbuburda ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto , at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak , Banal sa Panginoon . At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw , upang ilapat sa ibabaw ng mitra ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan : at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises : gayon ginawa nila . At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises , ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon , ang mga kawit , ang mga tabla , ang mga barakilan , at ang mga haligi , at ang mga tungtungan ; At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula , at ang takip na balat ng mga poka , at ang lambong ng tabing ; Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon , at ang luklukan ng awa ; Ang dulang , lahat ng mga sisidlan niyaon , at ang tinapay na handog ; Ang dalisay na kandelero , ang mga ilawan niyaon , ang mga ilawan na inayos , at lahat ng mga sisidlan niyaon , at ang langis na pangilawan ; At ang dambanang ginto , at ang langis na pangpahid , ang mabangong kamangyan , at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda ; Ang dambanang tanso , at ang pinakasalang tanso , ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon , ang hugasan at ang tungtungan ; Ang mga tabing ng looban , ang mga haligi , at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban , ang mga panali , at ang mga tulos , at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo , na gamit sa tabernakulo ng kapisanan ; Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal , at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote , at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak , upang mangasiwa sa katungkulang saserdote . Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises , ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa . At nakita ni Moises ang lahat ng gawain , at , narito , kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa : at pinagbabasbasan ni Moises . At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi , Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan . At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo , at iyong tatabingan ang kaban ng lambong . At iyong ipapasok ang dulang , at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon ; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon . At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo , at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo . At iyong ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan . At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana , at iyong sisidlan ng tubig . At iyong ilalagay ang looban sa palibot , at ibibitin mo ang tabing sa pintuang daan ng looban . At kukuha ka ng langis na pangpahid , at papahiran mo ang tabernakulo , at lahat na nandoon , at iyong pakakabanalin , at lahat ng kasangkapan niyaon : at magiging banal . At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog , at ang lahat ng kasangkapan , at iyong pakakabanalin ang dambana : at ang dambana ay magiging kabanalbanalan . At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan , at iyong pakakabanalin . At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at iyong paliliguan ng tubig . At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan ; at iyong papahiran ng langis siya , at iyong papagbanalin siya , upang siya&#039;y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote . At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak , at iyong susuutan sila ng mga kasuutan : At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama , upang sila&#039;y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote , at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila&#039;y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi . Gayon ginawa ni Moises , ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya , ay gayong ginawa niya . At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan , na ang tabernakulo&#039;y itinayo . At itinayo ni Moises ang tabernakulo , at inilagay ang mga tungtungan , at ipinatong ang mga malaking tabla , at isinuot ang mga barakilan , at itinayo ang mga haligi niyaon . At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo , at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban , at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban , at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban : At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo , at inayos ang lambong ng tabing , at tinabingan ang kaban ng patotoo : gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan , sa dakong hilagaan ng tabernakulo , sa labas ng lambong . At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon , gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan , sa tapat ng dulang , sa tagilirang timugan ng tabernakulo . At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong . At siya&#039;y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo . At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , at pinaghandugan ng handog na susunugin , at ng handog na harina ; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo , ng kapisanan at ng dambana , at sinidlan ng tubig upang paghugasan . At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak , ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa ; Pagka sila&#039;y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan , at pagka sila&#039;y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila : gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises . At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana , at iniayos ang tabing ng pintuang daan ng looban . Gayon tinapos ni Moises ang gawain . Nang magkagayo&#039;y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan , at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo . At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan , sapagka&#039;t lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap , at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo . At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo , ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay : Datapuwa&#039;t kung ang ulap ay hindi napaiitaas , ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas . Sapagka&#039;t ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw , at may apoy sa loob niyaon sa gabi , sa paningin ng buong lahi ng Israel , sa kanilang buong paglalakbay . </passage></reply></GetPassage>