<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:20</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:20</urn><passage>Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel : Upang umalam ng karunungan at turo ; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa ; Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali , sa katuwiran , at kahatulan , at karampatan ; Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos . Kaalaman at pagbubulay sa kabataan : Upang marinig ng pantas , at lumago sa ikatututo : at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo : Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan ; ng mga salita ng pantas , at ng kanilang malalabong sabi . Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman : nguni&#039;t ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo . Anak ko , dinggin mo ang turo ng iyong ama , at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina : Sapagka&#039;t sila&#039;y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo , at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg . Anak ko , kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan , huwag mong tulutan . Kung kanilang sabihin , sumama ka sa amin , tayo&#039;y magsibakay sa pagbububo ng dugo , tayo&#039;y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala ; Sila&#039;y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol . At buo , na gaya ng nagsibaba sa lungaw ; Tayo&#039;y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari , ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam ; Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin ; magkakaroon tayong lahat ng isang supot : Anak ko , huwag kang lumakad sa daan na kasama nila ; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas : Sapagka&#039;t ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan , at sila&#039;y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo . Sapagka&#039;t walang kabuluhang naladlad ang silo , sa paningin ng alin mang ibon : At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo , kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay . Ganyan ang mga lakad ng bawa&#039;t sakim sa pakinabang ; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon . Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan ; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako ; Siya&#039;y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan ; sa pasukan ng mga pintuang-bayan , sa bayan , kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita : Hanggang kailan kayong mga musmos , magsisiibig sa inyong kamusmusan ? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya , at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman ? Magsibalik kayo sa aking saway : narito , aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo . Sapagka&#039;t ako&#039;y tumawag , at kayo&#039;y tumanggi : aking iniunat ang aking kamay , at walang makinig ; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo , at hindi ninyo inibig ang aking saway : Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan : ako&#039;y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating ; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo . At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo ; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo . Kung magkagayo&#039;y tatawag sila sa akin , nguni&#039;t hindi ako sasagot ; hahanapin nila akong masikap , nguni&#039;t hindi nila ako masusumpungan : Sapagka&#039;t kanilang ipinagtanim ang kaalaman , at hindi pinili ang takot sa Panginoon . Ayaw sila ng aking payo ; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway : Kaya&#039;t sila&#039;y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad , at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan . Sapagka&#039;t papatayin sila ng pagtalikod ng musmos , at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila . Nguni&#039;t ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay . At tatahimik na walang takot sa kasamaan . Anak ko , kung iyong tatanggapin ang aking mga salita , at tataglayin mo ang aking mga utos ; Na anopa&#039;t iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan , at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa ; Oo , kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay , at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa ; Kung iyong hahanapin siya na parang pilak , at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago . Kung magkagayo&#039;y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon , at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan , sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan : Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan , siya&#039;y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat ; Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan , at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal . Kung magkagayo&#039;y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan , at ang karampatan , oo , bawa&#039;t mabuting landas . Sapagka&#039;t karunungan ay papasok sa iyong puso , at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa ; Kabaitan ay magbabantay sa iyo , pagkaunawa ay magiingat sa iyo : Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan , sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay ; Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran , upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman ; Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan , at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan , Na mga liko sa kanilang mga lakad , at mga suwail sa kanilang mga landas : Upang iligtas ka sa masamang babae , sa makatuwid baga&#039;y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita ; Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan , at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios : Sapagka&#039;t ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan , at ang kaniyang mga landas na sa patay : Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli , ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay : Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao , at maingatan ang mga landas ng matuwid . Sapagka&#039;t ang matuwid ay tatahan sa lupain , at ang sakdal ay mamamalagi roon . Nguni&#039;t ang masama ay mahihiwalay sa lupain , at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot . Anak ko , huwag mong kalimutan ang aking kautusan ; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos : Sapagka&#039;t karamihan ng mga araw , at mga taon ng buhay , at kapayapaan , ay madadagdag sa iyo . Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan : itali mo sa palibot ng iyong leeg ; ikintal mo sa iyong puso : Sa gayo&#039;y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan , sa paningin ng Dios at ng tao . Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo , at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan : Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad , at kaniyang ituturo ang iyong mga landas . Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata ; matakot ka sa Panginoon , at humiwalay ka sa kasamaan : Magiging kagalingan sa iyong pusod , at utak sa iyong mga buto . Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik , at ng mga unang bunga ng lahat mong ani : Sa gayo&#039;y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana , at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak . Anak ko , huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon ; ni mayamot man sa kaniyang saway : Sapagka&#039;t sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig : gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran . Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan , at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan . Sapagka&#039;t ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak , at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto . Mahalaga nga kay sa mga rubi ; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya , Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya , sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan . Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan , at lahat niyang mga landas ay kapayapaan . Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya : at mapalad ang bawa&#039;t isa na nangamamalagi sa kaniya . Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan ; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan . Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman , at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog . Anak ko , huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata ; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan ; Sa gayo&#039;y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa , at biyaya sa iyong leeg . Kung magkagayo&#039;y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay , at ang iyong paa ay hindi matitisod . Pagka ikaw ay nahihiga , hindi ka matatakot : Oo , ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing . Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot , ni sa pagkabuwal man ng masama , pagka dumarating : Sapagka&#039;t ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala , at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli . Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan , pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito&#039;y gawin . Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa , Yumaon ka , at bumalik uli , at bukas ay magbibigay ako ; pagka ikaw ay mayroon . Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa , na palibhasa&#039;t tumatahang tiwasay sa siping mo . Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan , kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo . Huwag kang managhili sa taong marahas , at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad . Sapagka&#039;t ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid . Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama ; nguni&#039;t pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid . Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi , nguni&#039;t binibigyan niya ng biyaya ang mababa . Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian ; nguni&#039;t kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang . Dinggin ninyo , mga anak ko , ang turo ng ama , at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan : Sapagka&#039;t bibigyan ko kayo ng mabuting aral ; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan . Sapagka&#039;t ako&#039;y anak sa aking ama , malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina . At tinuruan niya ako , at nagsabi sa akin : Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita ; ingatan mo ang aking mga utos , at mabuhay ka : Magtamo ka ng karunungan , magtamo ka ng kaunawaan ; huwag mong kalimutan , ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig : Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya ; ibigin mo siya at iingatan ka niya . Karunungan ay pinaka pangulong bagay ; kaya&#039;t kunin mo ang karunungan : Oo , sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa . Iyong ibunyi siya , at kaniyang itataas ka : kaniyang dadalhin ka sa karangalan , pagka iyong niyakap siya . Siya&#039;y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya : isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo . Dinggin mo , Oh anak ko , at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi ; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami . Aking itinuro ka sa daan ng karunungan ; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran . Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang ; at kung ikaw ay tumatakbo , hindi ka matitisod . Hawakan mong mahigpit ang turo ; huwag mong bitawan : iyong ingatan ; sapagka&#039;t siya&#039;y iyong buhay . Huwag kang pumasok sa landas ng masama , at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao . Ilagan mo , huwag mong daanan ; likuan mo , at magpatuloy ka . Sapagka&#039;t hindi sila nangatutulog , malibang sila&#039;y nakagawa ng kasamaan ; at ang kanilang tulog ay napapawi , malibang sila&#039;y makapagpabuwal . Sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan , at nagsisiinom ng alak ng karahasan . Nguni&#039;t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag , na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw . Ang lakad ng masama ay parang kadiliman : Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran . Anak ko , makinig ka sa aking mga salita ; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi . Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata ; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso . Sapagka&#039;t buhay sa nangakakasumpong , at kagalingan sa buo nilang katawan . Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap ; sapagka&#039;t dinadaluyan ng buhay , Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig , at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo . Tuminging matuwid ang iyong mga mata , at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo . Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa , at mangatatag ang lahat ng iyong lakad . Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man : ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan . Anak ko , pakinggan mo ang aking karunungan ; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa : Upang makapagingat ka ng kabaitan , at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman . Sapagka&#039;t ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot , at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis : Nguni&#039;t ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho , matalas na parang tabak na may talim sa magkabila . Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan ; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol ; Na anopa&#039;t hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay ; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag , at hindi niya nalalaman . Ngayon nga , mga anak ko , dinggin ninyo ako , at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig . Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya , at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay : Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba , at ang iyong mga taon sa mga mabagsik : Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan ; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid ; At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas , pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw , At iyong sabihin , bakit ko kinayamutan ang turo , at hinamak ng aking puso ang saway : Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo , O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin ! Ako&#039;y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan . Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig , at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon . Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan , at mga agos ng tubig sa mga lansangan ? Maging iyong magisa , at huwag sa di kilala na kasama mo . Pagpalain ang iyong bukal ; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan . Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae , bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon ; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig . Sapagka&#039;t bakit ka malulugod , anak ko , sa ibang babae , at yayakap sa sinapupunan ng di kilala ? Sapagka&#039;t ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon , at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas . Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama . At siya&#039;y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan . Siya&#039;y mamamatay sa kakulangan ng turo ; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya . Anak ko , kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa , kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala , Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig , ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig . Gawin mo ito ngayon , anak ko , at lumigtas ka , yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa : yumaon ka , magpakababa ka , at mangayupapa ka sa iyong kapuwa . Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata . O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata . Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso , at parang ibon sa kamay ng mamimitag . Pumaroon ka sa langgam , ikaw na tamad ; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka : Na bagaman walang pangulo , tagapamahala , o pinuno , Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit , at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani . Hanggang kailan matutulog ka , Oh tamad ? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog ? Kaunti pang pagkakatulog , kaunti pang pagkaidlip , kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog : Sa gayo&#039;y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw , at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata . Taong walang kabuluhan , taong masama , ay siya na lumalakad na may masamang bibig ; Na kumikindat ng kaniyang mga mata , na nagsasalita ng kaniyang mga paa , na nagsasalita ng kaniyang mga daliri ; Pagdaraya ay nasa kaniyang puso , siya&#039;y laging kumakatha ng kasamaan ; siya&#039;y naghahasik ng pagtatalo . Kaya&#039;t darating na bigla ang kaniyang kasakunaan ; sa kabiglaanan ay mababasag siya , at walang kagamutan . May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon ; Oo , pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya : Mga palalong mata , sinungaling na dila , at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo ; Puso na kumakatha ng mga masamang akala , mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan ; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan , at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid . Anak ko , ingatan mo ang utos ng iyong ama , at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina : Ikintal mong lagi sa iyong puso , itali mo sa iyong leeg . Pagka ikaw ay lumalakad , papatnubay sa iyo ; pagka ikaw ay natutulog , babantay sa iyo ; at pagka ikaw ay gumigising , makikipagusap sa iyo . Sapagka&#039;t ang utos ay tanglaw ; at ang kautusan ay liwanag ; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay : Upang ingatan ka sa masamang babae , Sa tabil ng dila ng di kilala . Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso ; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata . Sapagka&#039;t dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay : at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay . Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan , at hindi masusunog ang kaniyang mga suot ? O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga , at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso ? Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa ; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan . Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya&#039;y nagnanakaw , upang busugin siya pagka siya&#039;y gutom : Nguni&#039;t kung siya&#039;y masumpungan , isasauli niyang makapito ; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay . Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait : ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa . Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya ; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi . Sapagka&#039;t ang paninibugho ay pagiinit ng tao ; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti . Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos ; ni magpapahinga man siyang tuwa , bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol . Anak ko ingatan mo ang aking mga salita , at impukin mo sa iyo ang aking mga utos . Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka ; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata . Itali mo sa iyong mga daliri ; ikintal mo sa iyong puso . Sabihin mo sa karunungan , Ikaw ay aking kapatid na babae ; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa : Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama ; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita . Sapagka&#039;t sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia ; At ako&#039;y tumingin sa mga musmos , ako&#039;y nagmasid sa mga may kabataan , sa may kabataang walang bait , Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok , at siya&#039;y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay ; Sa pagtatakip silim , sa kinagabihan ng araw , sa kalahatian ng gabi , at sa kadiliman . At , narito , doo&#039;y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot , at tuso sa puso . Siya&#039;y madaldal at matigas ang ulo ; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay : Ngayo&#039;y nasa mga lansangan siya , mamaya&#039;y nasa mga luwal na dako siya , at nagaabang sa bawa&#039;t sulok , Sa gayo&#039;y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya , at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya : Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin ; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata . Kaya&#039;t lumabas ako upang salubungin ka , hinanap kong masikap ang iyong mukha , at nasumpungan kita . Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda , na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto . At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira , mga oleo , at sinamomo . Parito ka , tayo&#039;y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan ; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan . Sapagka&#039;t ang lalake ay wala sa bahay , siya&#039;y naglakbay sa malayo : Siya&#039;y nagdala ng supot ng salapi ; siya&#039;y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan . Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita , hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi . Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya , gaya ng toro na naparoroon sa patayan , O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang ; Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay ; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag , at hindi nakakaalam na yao&#039;y sa kaniyang buhay . Ngayon nga , mga anak ko , dinggin ninyo ako , at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig . Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad , huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas . Sapagka&#039;t kaniyang inihiga ang maraming may sugat : Oo , lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo . Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol . Pababa sa mga silid ng kamatayan . Hindi ba umiiyak ang karunungan , at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig ? Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan , sa mga salubungang landas , siya&#039;y tumatayo ; Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan , sa pasukan sa mga pintuan siya&#039;y humihiyaw ng malakas : Sa inyo , Oh mga lalake , ako&#039;y tumatawag ; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao . Oh kayong mga musmos , magsiunawa kayo ng katalinuhan ; at , kayong mga mangmang , makaunawa kayo sa puso . Kayo&#039;y mangakinig , sapagka&#039;t magsasalita ako ng mga marilag na bagay ; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay , Sapagka&#039;t ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan ; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi . Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran ; walang bagay na liko o suwail sa kanila . Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa , at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman . Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak ; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto . Sapagka&#039;t ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi ; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya . Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan , at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita . Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan ; Kapalaluan , at kahambugan at masamang lakad , at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim . Payo ay akin at magaling na kaalaman : ako&#039;y kaunawaan ; ako&#039;y may kapangyarihan , Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari , at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo . Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo , at ang mga mahal na tao , sa makatuwid baga&#039;y lahat ng mga hukom sa lupa . Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin ; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako . Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin ; Oo , lumalaging mga kayamanan at katuwiran . Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto , oo , kay sa dalisay na ginto ; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak . Ako&#039;y lumalakad sa daan ng katuwiran , sa gitna ng mga landas ng kahatulan : Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin , at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman . Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad , bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una . Ako&#039;y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula , bago nalikha ang lupa . Ako&#039;y nailabas ng wala pang mga kalaliman ; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig . Bago ang mga bundok ay nalagay , bago ang mga burol ay ako&#039;y nailabas : Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa , ni ang mga parang man , ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan . Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako : nang siya&#039;y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman : Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas : nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman : Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan , upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos : nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa : Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa : at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw , na nagagalak na lagi sa harap niya ; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa ; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao . Ngayon nga , mga anak ko , dinggin ninyo ako : sapagka&#039;t mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan . Mangakinig kayo ng turo , at kayo&#039;y magpakapantas , at huwag ninyong tanggihan . Mapalad ang tao na nakikinig sa akin , na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan , na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan . Sapagka&#039;t sinomang nakakasumpong sa akin , ay nakakasumpong ng buhay . At magtatamo ng lingap ng Panginoon . Nguni&#039;t siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa ; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan . Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay , kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi : Pinatay niya ang kaniyang mga hayop : hinaluan niya ang kaniyang alak ; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang . Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae ; siya&#039;y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan : Kung sinoma&#039;y musmos , pumasok dito : tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa , sinasabi niya sa kaniya : Kayo&#039;y magsiparito , magsikain kayo ng aking tinapay , at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan . Iwan ninyo , ninyong mga musmos at kayo&#039;y mabuhay ; at kayo&#039;y magsilakad sa daan ng kaunawaan . Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili : at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili . Huwag mong sawayin ang manglilibak , baka ipagtanim ka niya : sawayin mo ang pantas , at kaniyang iibigin ka . Turuan mo ang pantas , at siya&#039;y magiging lalong pantas pa : iyong turuan ang matuwid , at siya&#039;y lalago sa pagkatuto . Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan : at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan , at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami . Kung ikaw ay pantas , ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili : at kung ikaw ay manglilibak , ikaw na magisa ang magpapasan . Ang hangal na babae ay madaldal ; siya&#039;y musmos at walang nalalaman . At siya&#039;y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay , sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan , Upang tawagin ang nangagdadaan , na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad : Sinomang musmos ay pumasok dito : at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa , sinasabi niya sa kaniya : Ang mga nakaw na tubig ay matamis , at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap . Nguni&#039;t hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon ; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol . Mga kawikaan ni Salomon . Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama : nguni&#039;t ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina . Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan : nguni&#039;t ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan . Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid : nguni&#039;t kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama . Siya&#039;y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan : nguni&#039;t yumayaman ang kamay ng masipag . Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak : nguni&#039;t siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya . Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid : nguni&#039;t tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama . Ang alaala sa ganap ay pinagpapala : nguni&#039;t ang pangalan ng masama ay mapaparam . Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos : nguni&#039;t ang madaldal na musmos ay mabubuwal . Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay : nguni&#039;t siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala . Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw : nguni&#039;t ang madaldal na musmos ay mabubuwal . Ang bibig ng matuwid , ay bukal ng kabuhayan : nguni&#039;t tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama . Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan : nguni&#039;t tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang . Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan : nguni&#039;t ang pamalo ay sa likod ng walang unawa . Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman : nguni&#039;t ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak . Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan : ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan . Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay ; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala . Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway : nguni&#039;t siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali . Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi ; at siyang nagpaparatang ay mangmang . Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang : nguni&#039;t siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan . Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak : ang puso ng masama ay kaunti ang halaga . Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami : nguni&#039;t ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa . Ang pagpapala ng Panginoon , ay nagpapayaman , at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan . Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan : at gayon ang karunungan sa taong naguunawa . Ang takot ng masama ay darating sa kaniya : at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob . Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama : nguni&#039;t ang matuwid ay walang hanggang patibayan . Kung paano ang suka sa mga ngipin , at kung paano ang usok sa mata , gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya . Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan : nguni&#039;t ang mga taon ng masama ay mangangaunti . Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan : nguni&#039;t ang pagasa ng masama ay mawawala . Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid ; nguni&#039;t kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan . Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man : nguni&#039;t ang masama ay hindi tatahan sa lupain . Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan : nguni&#039;t ang magdarayang dila ay ihihiwalay . Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod : nguni&#039;t ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan . Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran . Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan : nguni&#039;t nasa mababa ang karunungan . Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila : nguni&#039;t ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila . Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot : nguni&#039;t ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan . Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad : nguni&#039;t mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan . Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila : nguni&#039;t silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan . Pagka ang masamang tao ay namamatay , ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak ; at ang pagasa ng masama ay nawawala . Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan , at ang masama ay dumarating na kahalili niya . Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa : nguni&#039;t sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid . Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak : at pagka ang masama ay namamatay , may hiyawan . Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid : nguni&#039;t napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama . Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan : nguni&#039;t ang taong naguunawa ay tumatahimik . Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim : nguni&#039;t ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay . Kung saan walang pantas na pamamahala , ang bayan ay nababagsak : nguni&#039;t sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan . Siyang nananagot sa di kilala , ay mapapariwara : nguni&#039;t siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay . Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan : at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan . Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa : nguni&#039;t ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman . Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod : nguni&#039;t ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala . Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay : at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay . Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran . Bagaman ang kamay ay makikikamay , ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan : nguni&#039;t ang binhi ng matuwid ay maliligtas . Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy , gayon ang magandang babae na walang bait . Ang nasa ng matuwid ay buti lamang : nguni&#039;t ang hintay ng masama ay poot . May nagsasabog , at tumutubo pa , at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan , nguni&#039;t nauuwi lamang sa pangangailangan . Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba : at siyang dumidilig ay madidilig din . Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan : nguni&#039;t kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon . Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap : nguni&#039;t siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak . Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal : nguni&#039;t ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon . Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin : at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso . Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay ; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa . Narito , ang matuwid ay gagantihin sa lupa : gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan ! Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman : nguni&#039;t siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal . Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon : nguni&#039;t kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha . Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan : nguni&#039;t ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos . Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa : nguni&#039;t siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto . Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap : nguni&#039;t ang mga payo ng masama ay magdaraya . Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo : nguni&#039;t ililigtas sila ng bibig ng matuwid . Ang masama ay inilulugmok at nawawala : nguni&#039;t ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo . Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan : nguni&#039;t ang masama sa puso ay hahamakin . Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti , at may alipin , kay sa nagmamapuri , at kinukulang ng tinapay . Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop : nguni&#039;t ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik . Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay : nguni&#039;t siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa . Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao : nguni&#039;t ang ugat ng matuwid ay nagbubunga . Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao : nguni&#039;t ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan . Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig ; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya . Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata : nguni&#039;t siyang pantas ay nakikinig sa payo . Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala : nguni&#039;t ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan . Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran , nguni&#039;t ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya . May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak : nguni&#039;t ang dila ng pantas ay kagalingan . Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man . Nguni&#039;t ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang . Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan : nguni&#039;t sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan . Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid : nguni&#039;t ang masama ay mapupuno ng kasamaan . Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran . Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman : nguni&#039;t ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan . Ang kamay ng masipag ay magpupuno : nguni&#039;t ang tamad ay malalagay sa pagatag . Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot ; nguni&#039;t ang mabuting salita ay nagpapasaya . Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa : nguni&#039;t ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw . Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan ; nguni&#039;t ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag . Nasa daan ng katuwiran ang buhay ; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan . Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama : nguni&#039;t hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway . Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig : nguni&#039;t ang magdaraya ay kakain ng karahasan , Siyang nagiingat ng kaniyang bibig , nagiingat ng kaniyang buhay : nguni&#039;t siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan . Ang tamad ay nagnanasa , at walang anoman : nguni&#039;t ang kaluluwa ng masipag ay tataba . Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling : nguni&#039;t ang masama ay kasuklamsuklam , at napapahiya . Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad ; nguni&#039;t inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan . May nagpapakayaman , gayon ma&#039;y walang anoman : may nagpapakadukha , gayon ma&#039;y may malaking kayamanan . Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan : nguni&#039;t ang dukha ay hindi nakikinig sa banta . Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak : nguni&#039;t ang ilawan ng masama ay papatayin . Sa kapalaluan , ang dumarating ay pagtatalo lamang : nguni&#039;t ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi . Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa : nguni&#039;t siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan . Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso : nguni&#039;t pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay . Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili : nguni&#039;t siyang natatakot sa utos ay gagantihin . Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay , upang lumayo sa mga silo ng kamatayan . Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap : nguni&#039;t ang lakad ng mananalangsang ay mahirap . Bawa&#039;t mabait na tao ay gumagawang may kaalaman : nguni&#039;t ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan . Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan : nguni&#039;t ang tapat na sugo ay kagalingan . Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway : nguni&#039;t siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri . Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa : nguni&#039;t kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan . Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao , at ikaw ay magiging pantas ; nguni&#039;t ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara . Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan ; nguni&#039;t ang matuwid ay gagantihan ng mabuti . Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak ; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid . Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha : nguni&#039;t may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan . Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak : nguni&#039;t siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan . Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa ; nguni&#039;t ang tiyan ng masama ay mangangailangan . Bawa&#039;t pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay : nguni&#039;t binubunot ng mangmang , ng kaniyang sariling mga kamay . Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon : nguni&#039;t siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya . Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan : nguni&#039;t ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon . Kung saan walang baka , ang bangan ay malinis : nguni&#039;t ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka . Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan : nguni&#039;t ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan . Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan : nguni&#039;t ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa . Paroon ka sa harapan ng taong mangmang , at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman : Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad : nguni&#039;t ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan . Ang mangmang ay tumutuya sa sala : nguni&#039;t sa matuwid ay may mabuting kalooban . Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan ; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan . Ang bahay ng masama ay mababagsak : nguni&#039;t ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad . May daan na tila matuwid sa isang tao , nguni&#039;t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan . Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw ; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob . Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad : at masisiyahang loob ang taong mabuti . Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa&#039;t salita : nguni&#039;t ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad . Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan : nguni&#039;t ang mangmang ay nagpapakilalang palalo , at timawa . Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan : at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim . Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan : nguni&#039;t ang mabait ay puputungan ng kaalaman . Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti ; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid . Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa : nguni&#039;t ang mayaman ay maraming kaibigan . Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala : nguni&#039;t siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya . Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan ? Nguni&#039;t kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti . Sa lahat ng gawain ay may pakinabang : nguni&#039;t ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan . Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan : nguni&#039;t ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang . Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao : nguni&#039;t siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya . Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala : at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan . Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan , upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan . Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari : nguni&#039;t na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo . Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa : nguni&#039;t siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan . Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan : nguni&#039;t ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto . Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya . Nguni&#039;t siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya . Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa : nguni&#039;t ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan . Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa : nguni&#039;t ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman . Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa : nguni&#039;t ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan . Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan : nguni&#039;t ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya . Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot : nguni&#039;t ang mabigat na salita ay humihila ng galit . Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman : nguni&#039;t ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan . Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa&#039;t dako , na nagbabantay sa masama at sa mabuti . Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay : nguni&#039;t ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa . Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama : nguni&#039;t siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan . Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan : nguni&#039;t sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan . Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman : nguni&#039;t ang puso ng mangmang ay hindi gayon . Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran . Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran . May mabigat na saway sa kaniya , na nagpapabaya ng lakad : at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay . Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon : gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao ! Ayaw ang manglilibak na siya&#039;y sawayin . Siya&#039;y hindi paroroon sa pantas . Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha : nguni&#039;t sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa . Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman : nguni&#039;t ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan . Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama : nguni&#039;t siyang may masayang puso ay may laging kapistahan . Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon , kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan . Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig , kay sa matabang baka at may pagtataniman . Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo : nguni&#039;t siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan . Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag : nguni&#039;t ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan . Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama : nguni&#039;t hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina . Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait : nguni&#039;t pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad . Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala : nguni&#039;t sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag . Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig : at ang salita sa ukol na panahon , ay anong pagkabuti ! Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay , upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba . Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo : nguni&#039;t kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao . Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon : nguni&#039;t ang mga maligayang salita ay dalisay . Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan : nguni&#039;t siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay . Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot : nguni&#039;t ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay . Ang Panginoon ay malayo sa masama : nguni&#039;t kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid . Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso : at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto . Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay , ay tatahan sa gitna ng pantas . Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa : nguni&#039;t siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan . Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan ; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba . Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao : nguni&#039;t ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon . Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata : nguni&#039;t tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa . Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa , at ang iyong mga panukala ay matatatag . Ginawa ng Panginoon ang bawa&#039;t bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas : Oo , pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan . Bawa&#039;t palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon : bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan . Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan : at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan . Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon , kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway . Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan . Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad : nguni&#039;t ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang . Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari : at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan . Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon : lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa . Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan : sapagka&#039;t ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran . Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari ; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid . Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan : nguni&#039;t papayapain ng pantas . Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay ; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan . Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto ! Oo , magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak . Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan : siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa . Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan , at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal . Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha , kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo . Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti : at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad . Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait : at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan . Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo : nguni&#039;t ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan . Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig , at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi . Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan , matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto . May daan na tila matuwid sa tao , nguni&#039;t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan . Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya ; sapagka&#039;t kinasasabikan ng kaniyang bibig . Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan : at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy . Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo : at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik . Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa , at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti . Ikinikindat ang kaniyang mga mata , upang kumatha ng mga magdarayang bagay : siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan . Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian , masusumpungan sa daan ng katuwiran . Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan ; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan . Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan ; nguni&#039;t ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon . Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan , kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan . Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya , at siya&#039;y makakabahagi sa mana ng magkakapatid . Ang dalisayan ay sa pilak , at ang hurno ay sa ginto : nguni&#039;t sinusubok ng Panginoon ang mga puso . Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi ; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila . Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya : at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan . Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao ; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang . Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang : lalo na ang magdarayang mga labi , sa isang pangulo . Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo : saan man pumihit ay gumiginhawa . Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig : nguni&#039;t ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik . Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa , kay sa isang daang hampas sa mangmang . Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik ; kaya&#039;t isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya . Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak , maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan . Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti , kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay . Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig : kaya&#039;t iwan ninyo ang pagtatalo , bago maginit sa pagkakaalit . Siya na umaaring ganap sa masama , at siya na nagpaparusa sa matuwid , kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon . Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan , gayong wala siyang pagkaunawa ? Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon , at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan . Ang taong walang unawa ay nakikikamay , at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa . Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit : ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan . Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti : at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan . Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan : at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan . Ang masayang puso ay mabuting kagamutan : nguni&#039;t ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto . Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan , upang ipahamak ang daan ng kahatulan . Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa : nguni&#039;t ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa . Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama , at kapaitan sa nanganak sa kaniya . Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti , ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran . Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman : at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa . Ang mangmang man , pagka siya&#039;y tumatahimik , ay nabibilang na pantas : pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi , ay inaari siyang mabait . Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa , at nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan . Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa , kundi maihayag lamang ang kaniyang puso . Pagka ang masama ay dumarating , dumarating din naman ang paghamak , at kasama ng kutya ang pagkaduwahagi . Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig ; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis . Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti , ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan . Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit , at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas . Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan , at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa . Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo , at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan . Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain ay kapatid siya ng maninira . Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog : tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas . Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan , at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip , Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao , at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba . Ang sumasagot bago makinig , ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya . Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit ; nguni&#039;t ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala ? Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman ; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman . Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya , at dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao . Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap ; nguni&#039;t dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya . Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo , at naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan . Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan : at ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo . Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig ; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya . Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila ; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga . Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay , at nagtatamo ng lingap ng Panginoon . Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik : nguni&#039;t ang mayaman ay sumasagot na may kagilasan . Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan : nguni&#039;t may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid . Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang . Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti ; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala . Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad ; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon . Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan : nguni&#039;t ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan . Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan ; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan . Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob : at bawa&#039;t tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob . Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha : gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan ! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita , nguni&#039;t wala na sila . Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa : siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti . Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan ; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay . Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang ; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo . Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit . At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang . Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon ; nguni&#039;t ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo . Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama : at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo . Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang : nguni&#039;t ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon . Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog ; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom . Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa : nguni&#039;t ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay . Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon , at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli . Parusahan mo ang iyong anak , dangang may pagasa ; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak . Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa : sapagka&#039;t kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli . Makinig ka ng payo , at tumanggap ka ng turo , upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas . May maraming katha sa puso ng tao ; nguni&#039;t ang payo ng Panginoon , ay siyang tatayo . Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya&#039;y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob : at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling . Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan ; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan : hindi siya dadalawin ng kasamaan . Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan , at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli . Iyong saktan ang manglilibak , at ang musmos ay magaaral ng kabaitan : at iyong sawayin ang naguunawa , at siya&#039;y makakaunawa ng kaalaman . Ang sumasamsam sa kaniyang ama , at nagpapalayas sa kaniyang ina , ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan . Magtigil ka , anak ko , sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman . Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan : at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan . Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak , at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang . Ang alak ay manunuya , ang matapang na alak ay manggugulo ; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas . Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon : ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay . Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit : nguni&#039;t bawa&#039;t mangmang ay magiging palaaway . Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw ; kaya&#039;t siya&#039;y magpapalimos sa pagaani , at wala anoman . Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig ; nguni&#039;t iibigin ng taong naguunawa . Maraming tao ay magtatanyag bawa&#039;t isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob : nguni&#039;t sinong makakasumpong sa taong tapat ? Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat , mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya . Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan . Sinong makapagsasabi , nilinis ko ang aking puso , ako&#039;y dalisay sa aking kasalanan ? Mga iba&#039;t ibang panimbang , at mga iba&#039;t ibang takalan , kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon . Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa , kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis , at kung magiging matuwid . Ang nakikinig na tainga , at ang nakakakitang mata , kapuwa ginawa ng Panginoon . Huwag mong ibigin ang pagtulog , baka ka madukha ; idilat mo ang iyong mga mata , at mabubusog ka ng tinapay . Walang halaga , walang halaga , sabi ng mamimili : nguni&#039;t pagka nakalayo siya , naghahambog nga . May ginto , at saganang mga rubi : nguni&#039;t ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas . Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala ; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala . Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao : nguni&#039;t pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok . Bawa&#039;t panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo : at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka . Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim : kaya&#039;t huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi . Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman . Ang mana ay matatamong madali sa pasimula ; nguni&#039;t ang wakas niyao&#039;y hindi pagpapalain . Huwag mong sabihin , ako&#039;y gaganti ng kasamaan : maghintay ka sa Panginoon , at kaniyang ililigtas ka . Mga iba&#039;t ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon ; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti . Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon ; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad ? Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan , banal nga , at magsiyasat pagkatapos ng mga panata . Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama . At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik . Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon , na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan . Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari : at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob . Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan : at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban . Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan : at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan . Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis : kumikiling saan man niya ibigin . Bawa&#039;t lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata : nguni&#039;t tinitimbang ng Panginoon ang mga puso . Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain . Ang mapagmataas na tingin , at ang palalong puso , siyang ilaw ng masama , ay kasalanan . Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang : nguni&#039;t bawa&#039;t nagmamadali ay sa pangangailangan lamang . Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo&#039;t parito noong nagsisihanap ng kamatayan . Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila ; sapagka&#039;t sila&#039;y nagsitangging magsigawa ng kahatulan . Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko ; nguni&#039;t tungkol sa malinis , ang kaniyang gawa ay matuwid . Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan , kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay . Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan : ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata . Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan , ang musmos ay nagiging pantas : at pagka ang pantas ay tinuturuan , siya&#039;y tumatanggap ng kaalaman . Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama , kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara . Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha , siya naman ay dadaing , nguni&#039;t hindi didinggin . Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit , at ang alay sa sinapupunan , ay ng malaking poot . Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan ; nguni&#039;t kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan . Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan , magpapahinga sa kapisanan ng patay . Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha : ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman . Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid , at ang taksil ay sa lugar ng matuwid . Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain , kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae . May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas ; nguni&#039;t ito&#039;y sinasakmal ng mangmang . Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay , katuwiran , at karangalan . Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan , at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon . Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan . Ang palalo at mapagmataas na tao , manglilibak ang kaniyang pangalan , siya&#039;y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan . Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya ; sapagka&#039;t tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa . May nagiimbot sa kasakiman buong araw : nguni&#039;t ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait . Ang hain ng masama ay karumaldumal : gaano pa nga , pagka kaniyang dinadala na may masamang isip ! Ang sinungaling na saksi ay mamamatay : nguni&#039;t ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi . Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha ; nguni&#039;t tungkol sa taong matuwid , nagaayos ng kaniyang mga lakad . Walang karunungan , o kaunawaan man , O payo man laban sa Panginoon . Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka : nguni&#039;t ang pagtatagumpay ay sa Panginoon . Ang mabuting pangalan ay maiging piliin , kay sa malaking kayamanan , at ang magandang kalooban , kay sa pilak at ginto . Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa : ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat . Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli : nguni&#039;t dinadaanan ng musmos at nagtitiis . Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan , at karangalan , at buhay . Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya : ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon . Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran , at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan . Ang mayaman ay magpupuno sa dukha , at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram . Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan ; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat . Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain : sapagka&#039;t nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha . Itaboy mo ang manglilibak , at ang pagtatalo ay maalis ; Oo , ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil . Siyang umiibig ng kalinisan ng puso , dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari . Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam : nguni&#039;t kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil . Sinasabi ng tamad , may leon sa labas : mapapatay ako sa mga lansangan . Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw : siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon . Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata ; nguni&#039;t ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway . Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang , at ang nagbibigay sa mayaman , ay humahangga sa pangangailangan lamang . Ikiling mo ang iyong pakinig , at iyong dinggin ang mga salita ng pantas , at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman . Sapagka&#039;t maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo , kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi . Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon , aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito , oo , sa iyo . Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman ; Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan , upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo ? Huwag kang magnakaw sa dukha , sapagka&#039;t siya&#039;y dukha , ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan : Sapagka&#039;t ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap , at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila . Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin ; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama : Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad , at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa . Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay , o sa kanila na mangananagot sa mga utang : Kung wala kang ikabayad , bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan ? Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa , na inilagay ng iyong mga magulang . Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain ? siya&#039;y tatayo sa harap ng mga hari : hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak . Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo , kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo ; At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan , kung ikaw ay taong bigay sa pagkain . Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain ; yamang mga marayang pagkain . Huwag kang mainip sa pagyaman ; tumigil ka sa iyong sariling karunungan . Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala ? Sapagka&#039;t ang mga kayamanan , ay tunay na nagsisipagpakpak , gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit . Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata , ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain : Sapagka&#039;t kung ano ang iniisip niya sa loob niya , ay gayon siya : kumain ka at uminom ka , sabi niya sa iyo ; nguni&#039;t ang puso niya ay hindi sumasaiyo . Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka , at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita . Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang ; sapagka&#039;t kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita . Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa ; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila : Sapagka&#039;t ang kanilang Manunubos ay malakas ; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo . Ihilig mo ang iyong puso sa turo , at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman . Huwag mong ipagkait ang saway sa bata : sapagka&#039;t kung iyong hampasin siya ng pamalo , siya&#039;y hindi mamamatay . Iyong hahampasin siya ng pamalo , at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol . Anak ko , kung ang iyong puso ay magpakapantas , ang puso ko&#039;y matutuwa sa makatuwid baga&#039;y ang akin : Oo , ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay . Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan : kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw : Sapagka&#039;t tunay na may kagantihan ; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay . Makinig ka , anak ko , at ikaw ay magpakapantas , at patnubayan mo ang iyong puso sa daan . Huwag kang mapasama sa mga mapaglango ; sa mga mayamong mangangain ng karne : Sapagka&#039;t ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan : at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi . Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka , at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya&#039;y tumanda . Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili : Oo karunungan , at turo , at pag-uunawa . Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos : at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya . Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina , at magalak siyang nanganak sa iyo . Anak ko , ibigay mo sa akin ang iyong puso , at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan . Sapagka&#039;t ang isang patutot ay isang malalim na lubak ; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw . Oo , siya&#039;y bumabakay na parang tulisan , at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao . Sinong may ay ? sinong may kapanglawan ? sinong may pakikipagtalo ? sinong may daing ? sino ang may sugat na walang kadahilanan ? sino ang may maningas na mata ? Silang nangaghihintay sa alak ; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak . Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula , pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro , Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas , at tumutukang parang ulupong . Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay , at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay . Oo , ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat , o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan . Kanilang pinalo ako , iyong sasalitain , at hindi ako nasaktan ; kanilang hinampas ako , at hindi ko naramdaman : kailan gigising ako ? aking hahanapin pa uli . Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao , ni magnasa ka man na masama sa kanila : Sapagka&#039;t ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati , at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan . Sa karunungan ay natatayo ang bahay ; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag . At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid , ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan . Ang pantas na tao ay malakas ; Oo , ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka : at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan . Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang : hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan . Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan , tatawagin siya ng mga tao na masamang tao . Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan : at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao . Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan , ang iyong kalakasan ay munti . Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan , at ang mga handang papatayin , ay tingnan mo na iyong ibalik . Kung iyong sinasabi , narito , hindi kami nakakaalam nito : hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso ? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa , hindi ba niya nalalaman ? At hindi ba niya gagantihin ang bawa&#039;t tao ayon sa gawa niya ? Anak ko , kumain ka ng pulot , sapagka&#039;t mabuti ; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa : Sa gayo&#039;y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa : kung iyong nasumpungan ito , sa gayo&#039;y magkakaroon ka nga ng kagantihan , at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay . Huwag kang bumakay , Oh masamang tao , sa tahanan ng matuwid ; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan : Sapagka&#039;t ang matuwid ay nabubuwal na makapito , at bumabangon uli : nguni&#039;t ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan . Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal , at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya&#039;y nabubuwal : Baka makita ng Panginoon , at ipagdamdam ng loob siya , at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya . Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama ; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama : Sapagka&#039;t hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao ; ang ilawan ng masama ay papatayin . Anak ko , matakot ka sa Panginoon at sa hari : at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago : Sapagka&#039;t ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla ; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa ? Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas . Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan , ay hindi mabuti . Siyang nagsasabi sa masama , Ikaw ay matuwid ; susumpain siya ng mga bayan , kayayamutan siya ng mga bansa : Nguni&#039;t silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran , at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila . Siya&#039;y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot . Ihanda mo ang iyong gawa sa labas , at ihanda mo sa iyo sa parang ; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay . Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan ; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi . Huwag mong sabihin , gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin : aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa . Ako&#039;y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad , at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa ; At , narito , tinubuang lahat ng mga tinik , ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag , at ang bakod na bato ay nabagsak . Ako nga&#039;y tumingin , at aking binulay na mabuti : aking nakita , at tumanggap ako ng turo . Kaunti pang tulog , kaunti pang idlip , kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog : Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw ; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao . Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon , na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda . Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay : nguni&#039;t ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay . Gaya ng langit sa kataasan , at ng lupa sa kalaliman , gayon ang puso ng mga hari ay di masayod . Alisin ang dumi sa pilak , at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo : Alisin ang masama sa harap ng hari , at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran . Huwag kang magpauna sa harapan ng hari , at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao : Sapagka&#039;t maigi na sabihin sa iyo , sumampa ka rito : kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo , na nakita ng iyong mga mata . Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag , baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon , pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa . Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa , at huwag mong ihayag ang lihim ng iba : Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo , at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis . Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak . Kung paano ang hikaw na ginto , at kagayakang dalisay na ginto , gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig . Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani , gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya ; sapagka&#039;t kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon . Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan , gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan . Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo , at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto . Nakasumpong ka ba ng pulot ? kumain ka ng sapat sa iyo ; baka ka masuya , at iyong isuka . Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa ; baka siya&#039;y mayamot sa iyo , at ipagtanim ka . Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak , at isang matulis na pana . Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin , at ng nabaliang paa . Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw , at kung paano ang suka sa sosa , gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso . Kung ang iyong kaaway ay magutom , bigyan mo siya ng pagkain na makakain ; at kung siya&#039;y mauhaw , bigyan mo siya ng tubig na maiinom : Sapagka&#039;t ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo , at gagantihin ka ng Panginoon . Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan : gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit . Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan , kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay . Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa , gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain . Kung paano ang malabong balon , at ang bukal na nalabusaw , gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama . Hindi mabuting kumain ng maraming pulot : gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian , ay hindi kaluwalhatian . Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta . Kung paano ang niebe sa taginit , at kung paano ang ulan sa pagaani , gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang . Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala , kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad , gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab . Ang paghagupit ay sa kabayo , ang paningkaw ay sa asno , at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang . Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan , baka ikaw man ay maging gaya rin niya . Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan , baka siya&#039;y maging pantas sa ganang kaniya . Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa , at umiinom sa kasiraan . Ang mga hita ng pilay ay nabibitin : gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang . Kung paano ang isa&#039;y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog , gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang . Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango , gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang . Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat , gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon . Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka , gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan . Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili . May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya . Sinabi ng tamad , may leon sa daan ; isang leon ay nasa mga lansangan . Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra , gayon ang tamad sa kaniyang higaan . Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan ; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig . Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran . Ang nagdaraan , at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya , ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga . Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy , mga pana , at kamatayan ; Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa , at nagsasabi , hindi ko ba ginagawa sa paglilibang ? Sapagka&#039;t sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy : at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit . Kung paano ang mga uling sa mga baga , at ang kahoy sa apoy ; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit . Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo , at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan . Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak . Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi , nguni&#039;t siya&#039;y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya : Pagka siya&#039;y nagsasalitang mainam , huwag mo siyang paniwalaan ; sapagka&#039;t may pitong karumaldumal sa kaniyang puso : Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan , at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan . Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon : at siyang nagpapagulong ng bato , ay babalikan nito siya . Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya ; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan . Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan ; Sapagka&#039;t hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw . Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig ; ng iba , at huwag ng iyong sariling mga labi . Ang bato ay mabigat , at ang buhangin ay matimbang ; nguni&#039;t ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon . Poot ay mabagsik , at ang galit ay mamumugnaw , nguni&#039;t sinong makatatayo sa harap ng paninibugho ? Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli . Tapat ang mga sugat ng kaibigan : nguni&#039;t ang mga halik ng kaaway ay malabis . Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan : nguni&#039;t sa gutom na tao ay matamis ang bawa&#039;t mapait na bagay . Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad , gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako . Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso : gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo . Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama , ay huwag mong pabayaan ; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan : maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo . Anak ko , ikaw ay magpakadunong , at iyong pasayahin ang aking puso , upang aking masagot siya na tumutuya sa akin . Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan , at nagkukubli : nguni&#039;t dinadaanan ng musmos , at naghihirap . Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala ; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala . Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig , na bumabangong maaga sa kinaumagahan , mabibilang na sumpa sa kaniya . Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad : Ang magibig pumigil sa kaniya , ay pumipigil sa hangin , at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis . Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal ; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan . Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon ; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin . Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha , gayon ang puso ng tao sa tao . Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man ; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man . Ang sangagan ay sa pilak , at ang hurno ay sa ginto , at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri . Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo , gayon ma&#039;y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya . Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan , at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan : Sapagka&#039;t ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man : at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali&#039;t saling lahi ? Ang tuyong damo ay pinupulot , at ang sariwang damo ay lumilitaw , at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan . Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan , at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid : At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain , sa pagkain ng iyong sangbahayan ; at pagkain sa iyong mga alilang babae . Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol : nguni&#039;t ang matuwid ay matapang na parang leon . Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo : nguni&#039;t sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya . Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain . Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama : nguni&#039;t ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila . Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan : nguni&#039;t silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay . Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat , kay sa suwail sa kaniyang mga lakad , bagaman siya&#039;y mayaman . Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak : nguni&#039;t siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama . Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang , ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha . Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan , maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal . Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan , siya&#039;y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw : nguni&#039;t ang sakdal ay magmamana ng mabuti . Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili ; nguni&#039;t ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat . Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay , may dakilang kaluwalhatian : nguni&#039;t pagka ang masama ay bumabangon , nagsisipagtago ang mga tao . Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa : nguni&#039;t ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan . Masaya ang tao na natatakot na lagi : nguni&#039;t siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan . Kung paano ang umuungal na leon at ang gutom na oso , gayon ang masamang pinuno sa maralitang bayan . Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin : nguni&#039;t siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan . Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao , tatakas sa lungaw ; huwag siyang pigilin ng sinoman . Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas : nguni&#039;t siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla . Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay : nguni&#039;t siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam . Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala : nguni&#039;t siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan . Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti : ni hindi man sasalangsang ang tao dahil sa isang putol na tinapay . Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman , at hindi nakakaalam , na kasalatan ay darating sa kaniya . Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap kay sa doon sa kunwa&#039;y pumupuri ng dila . Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , at nagsasabi , hindi ito pagsalangsang ; Yao&#039;y kasama rin ng maninira . Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan : nguni&#039;t siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay tataba . Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang : nguni&#039;t ang lumakad na may kapantasan , ay maliligtas . Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat : nguni&#039;t siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa . Pagka ang masama ay bumabangon , nagsisipagkubli ang mga tao ; nguni&#039;t pagka sila&#039;y nangamamatay , dumadami ang matuwid . Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg , biglang mababali , at walang kagamutan . Pagka ang matuwid ay dumadami , ang bayan ay nagagalak : nguni&#039;t pagka ang masama ay nagpupuno , ang bayan ay nagbubuntong-hininga . Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama : nguni&#039;t ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik . Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan : nguni&#039;t ang humihingi ng suhol ay gumigiba . Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang . Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo : nguni&#039;t ang matuwid ay umaawit at nagagalak . Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha : ang masama ay walang unawang makaalam . Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab : nguni&#039;t ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot . Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang , magalit man o tumawa , ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan . Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal : at tungkol sa matuwid , hinahanap nila ang kaniyang buhay . Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya : nguni&#039;t ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay . Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan , lahat niyang mga lingkod ay masasama . Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong ; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa . Ang hari na humahatol na tapat sa dukha , ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man . Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan : nguni&#039;t ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina . Pagka ang masama ay dumadami , pagsalangsang ay dumadami : nguni&#039;t mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal . Sawayin mo ang iyong anak , at bibigyan ka niya ng kapahingahan ; Oo , bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa . Kung saan walang pangitain , ang bayan ay sumasama : nguni&#039;t siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya . Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita : sapagka&#039;t bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig . Nakikita mo ba ang tao , na nagmamadali sa kaniyang mga salita ? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya . Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata , magiging anak niya siya sa kawakasan . Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan , at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang . Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya : nguni&#039;t ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan . Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa : siya&#039;y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik . Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo : nguni&#039;t ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas . Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno : nguni&#039;t ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon . Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid : at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama . Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache ; ang sanggunian . Sinabi ng lalake kay Ithiel , kay Ithiel , at kay Ucal : Tunay na ako&#039;y hangal kay sa kaninoman , at walang kaunawaan ng isang tao : At hindi ako natuto ng karunungan , ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal . Sino ang sumampa sa langit , at bumaba ? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot ? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan ? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa ? Ano ang kaniyang pangalan , at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman ? Bawa&#039;t salita ng Dios ay subok : siya&#039;y kalasag sa kanila , na nanganganlong sa kaniya . Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita , baka kaniyang sawayin ka , at masunduan kang sinungaling . Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo ; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay . Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan : huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man ; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko : Baka ako&#039;y mabusog , at magkaila sa iyo , at magsabi , sino ang Panginoon ? O baka ako&#039;y maging dukha , at magnakaw ako , at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios . Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon , baka ka tungayawin niya , at ikaw ay maging salarin . May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama . At hindi pinagpapala ang kanilang ina . May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata , at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan . May lahi , Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata ! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas . May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak , at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang , upang lamunin ang dukha mula sa lupa , at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao . Ang linga ay may dalawang anak , na sumisigaw , bigyan mo , bigyan mo . May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan , Oo , apat na hindi nagsasabi , siya na : Ang Sheol ; at ang baog na bahay-bata ; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig ; at ang apoy na hindi nagsasabi , siya na . Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama , at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina , tutukain ito ng mga uwak sa libis , at kakanin ito ng mga inakay na aguila . May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin , Oo , apat na hindi ko nalalaman : Ang lipad ng aguila sa hangin ; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato ; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat ; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga . Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae ; siya&#039;y kumakain , at nagpapahid ng kaniyang bibig , at nagsasabi , hindi ako gumawa ng kasamaan . Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa , at sa apat na hindi niya madala : Sa isang alipin , pagka naghahari ; at sa isang mangmang , pagka nabubusog ng pagkain ; Sa isang babaing nakayayamot , pagka nagaasawa ; at sa isang aliping babae , na nagmamana sa kaniyang panginoong babae . May apat na bagay na maliit sa lupa , nguni&#039;t lubhang mga pantas : Ang mga langgam ay bayang hindi matibay , gayon ma&#039;y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit ; Ang mga koneho ay hayop na mahina , gayon ma&#039;y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato ; Ang mga balang ay walang hari , gayon ma&#039;y lumalabas silang lahat na pulupulutong ; Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay , gayon ma&#039;y nasa mga bahay ng mga hari siya . May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad , Oo , apat na mainam sa lakad : Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop , at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man ; Ang asong matulin ; ang kambing na lalake rin naman : at ang hari na hindi malalabanan . Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas , o kung ikaw ay umisip ng kasamaan , ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig . Sapagka&#039;t sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya , at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo : Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan . Ang mga salita ng haring Lemuel ; ang sanggunian na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina . Ano anak ko ? at ano , Oh anak ng aking bahay-bata ? At ano , Oh anak ng aking mga panata ? Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae , o ang iyo mang mga lakad sa lumilipol ng mga hari . Hindi sa mga hari , Oh Lemuel , hindi sa mga hari ang paginom ng alak ; ni sa mga pangulo man , na magsabi , saan nandoon ang matapang na alak ? Baka sila&#039;y uminom , at makalimotan ang kautusan , at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati . Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw , at ng alak ang mapanglaw na loob . Uminom siya at limutin niya ang kaniyang kahirapan , at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang karalitaan . Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi , sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili . Bukhin mo ang iyong bibig , humatol ka ng katuwiran , at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan . Isang mabait na babae sinong makakasumpong ? Sapagka&#039;t ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi . Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya , at siya&#039;y hindi kukulangin ng pakinabang . Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay . Siya&#039;y humahanap ng balahibo ng tupa at lino , at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay . Siya&#039;y parang mga sasakyang dagat ng kalakal ; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo . Siya&#039;y bumabangon naman samantalang gabi pa , at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan , at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae . Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili : sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan . Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan , at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig . Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang : ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi . Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid , at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi . Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha : Oo , iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan . Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe ; sapagka&#039;t ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula . Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda ; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube . Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan , pagka siya&#039;y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain . Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili ; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal . Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot . At kaniyang tinatawanan ang panahong darating . Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan ; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila . Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan , at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran . Nagsisibangon ang kaniyang mga anak , at tinatawag siyang mapalad ; gayon din ang kaniyang asawa , at pinupuri siya niya , na sinasabi : Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan , nguni&#039;t ikaw , ay humihigit sa kanilang lahat . Ang lingap ay magdaraya , at ang kagandahan ay walang kabuluhan : nguni&#039;t ang babae na natatakot sa Panginoon , ay siya&#039;y pupurihin . Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay ; at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-bayan . </passage></reply></GetPassage>