<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:21</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:21</urn><passage>Ang mga salita ng Mangangaral , na anak ni David , hari sa Jerusalem . Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan , sabi ng Mangangaral ; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan , lahat ay walang kabuluhan . Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa , na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw ? Isang salin ng lahi ay yumayaon , at ibang salin ng lahi ay dumarating ; nguni&#039;t ang lupa ay nananatili magpakailan man . Ang araw naman ay sumisikat , at ang araw ay lumulubog , at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito . Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan , at pumipihit sa hilagaan : at laging pumipihit na patuloy , at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit . Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat , gayon may hindi napupuno ang dagat ; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog , doon din nagsisihugos uli ang mga yaon . Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap ; hindi maisasaysay ng tao : ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin , ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig . Yaong nangyari ay siyang mangyayari ; at yaong nagawa ay siyang magagawa : at walang bagong bagay sa ilalim ng araw . May bagay ba na masasabi ang mga tao , Tingnan mo , ito&#039;y bago ? nayari nga sa mga panahon na una sa atin . Walang alaala sa mga dating lahi ; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating , sa mga yaon na darating pagkatapos . Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem . At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit : mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao , upang pagsanayan . Aking nakita ang lahat na gawa , na nagawa sa ilalim ng araw ; at , narito , lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala . Ang baluktot ay hindi matutuwid : at ang kulang ay hindi mabibilang . Ako&#039;y sumangguni sa aking sariling puso , na sinasabi ko , Narito , nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem : oo , ang puso ko&#039;y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman . At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan , at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan : aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala . Sapagka&#039;t sa maraming karunungan at maraming kapanglawan : at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan . Sinabi ko sa aking puso : Pumarito ka ngayon , Susubukin kitang may kasayahan ; kaya&#039;t magsawa ka sa kalayawan : at narito , ito rin ay walang kabuluhan . Aking sinabi tungkol sa tawa , Ito&#039;y ulol : at sa kasayahan , Anong ginagawa nito ? Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak , pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan , hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay . Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa ; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay ; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan ; Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan , at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga : Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig , upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy : Ako&#039;y bumili ng mga aliping lalake at babae , at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay ; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan , ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem : Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto , at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan : nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit , at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao , mga sarisaring instrumento ng musiko iya&#039;y totoong marami . Sa gayo&#039;y naging dakila ako , at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem : ang akin namang karunungan ay namamalagi sa akin . At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait : hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan , sapagka&#039;t nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain ; at ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain . Nang magkagayo&#039;y minasdan ko ang lahat ng mga gawa , na ginawa ng aking mga kamay , at ang gawain na aking pinagsikapang gawin ; at , narito , lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala , at walang pakinabang sa ilalim ng araw . At ako&#039;y pumihit upang masdan ang karunungan , at ang kaululan at ang kamangmangan ; sapagka&#039;t ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari ? samakatuwid baga&#039;y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan . Nang magkagayo&#039;y aking nakita , na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan , na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim . Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo , at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman : at gayon ma&#039;y aking namalas na isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa puso ko , Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin ; at bakit pa nga ako naging lalong pantas ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa puso ko , na ito man ay walang kabuluhan . Sapagka&#039;t kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang , walang alaala magpakailan man ; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na . At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang ! Sa gayo&#039;y ipinagtanim ko ang buhay ; sapagka&#039;t ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin : sapagka&#039;t lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala . At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw : yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin . At sinong nakakaalam kung siya&#039;y magiging isang pantas o isang mangmang ? gayon ma&#039;y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa , na aking ginawa , at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw . Ito man ay walang kabuluhan . Kaya&#039;t ako&#039;y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw . Sapagka&#039;t may tao , na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan , at ng kaalaman , at ng kabihasnan ; gayon ma&#039;y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon . Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan . Sapagka&#039;t ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa , at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw ? Sapagka&#039;t lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang , at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis ; oo , pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso . Ito man ay walang kabuluhan . Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom , at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa . Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios . Sapagka&#039;t sinong makakakain , o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin ? Sapagka&#039;t ang tao na kinaluluguran niya , binibigyan ng Dios ng karunungan , at kaalaman , at kagalakan : nguni&#039;t ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam , na magpisan at magbunton , upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios . Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala . Sa bawa&#039;t bagay ay may kapanahunan , at panahon sa bawa&#039;t panukala sa silong ng langit : Panahon ng kapanganakan , at panahon ng kamatayan ; panahon ng pagtatanim , at panahon ng pagbunot ng itinanim ; Panahon ng pagpatay , at panahon ng pagpapagaling ; panahon ng paggiba , at panahon ng pagtatayo ; Panahon ng pagiyak , at panahon ng pagtawa ; panahon ng pagtangis , at panahon ng pagsayaw ; Panahon ng paghahagis ng mga bato , at panahon ng pagpipisan ng mga bato ; panahon ng pagyakap , at panahon ng pagpipigil sa pagyakap ; Panahon ng paghanap , at panahon ng pagkawala : panahon ng pagiingat , at panahon ng pagtatapon ; Panahon ng pagpunit , at panahon ng pananahi ; panahon ng pagtahimik , at panahon ng pagsasalita ; Panahon ng pagibig , at panahon ng pagtatanim ; panahon ng digma , at panahon ng kapayapaan . Anong pakinabang ang tinatamo niya , na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan ? Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan . Ginawa niya ang bawa&#039;t bagay na maganda sa kapanahunan niyaon : inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso , na anopa&#039;t hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas . Nalalaman ko , na walang maigi sa kanila , kay sa magalak , at gumawa ng mabuti habang sila&#039;y nabubuhay . At ang bawa&#039;t tao rin naman ay marapat kumain at uminom , at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa , siyang kaloob ng Dios . Nalalaman ko , na anomang ginagawa ng Dios , magiging magpakailan pa man : walang bagay na maidadagdag , o anomang bagay na maaalis : at ginawa ng Dios , upang ang tao ay matakot sa harap niya . Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na ; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin ; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na . At bukod dito&#039;y aking nakita sa ilalim ng araw , sa dako ng kahatulan , na nandoon ang kasamaan ; at sa dako ng katuwiran , na nandoon ang kasamaan . Sinabi ko sa puso ko , Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama : sapagka&#039;t may panahon doon sa bawa&#039;t panukala at sa bawa&#039;t gawa . Sinabi ko sa puso ko , Dahil sa mga anak ng mga tao , upang subukin sila ng Dios , at upang kanilang makita na sila&#039;y mga hayop lamang . Sapagka&#039;t ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop : sa makatuwid baga&#039;y isang bagay ang nangyari sa kanila : kung paanong namamatay ang hayop , gayon namamatay ang tao ; oo , silang lahat ay may isang hininga ; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop : sapagka&#039;t lahat ay walang kabuluhan . Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako ; lahat ay buhat sa alabok , at lahat ay nangauuwi sa alabok uli . Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang , at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa ? Kaya&#039;t aking nakita , na walang bagay na maigi , kundi ang tao ay magalak sa kaniyang mga gawa ; sapagka&#039;t siyang kaniyang bahagi : sapagka&#039;t sinong magbabalik sa kaniya upang makita ang mangyayari pagkamatay niya ? Nang magkagayo&#039;y pumihit ako , at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw : at , narito , ang mga luha ng mga yaon , na napipighati , at wala silang mangaaliw : at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan , nguni&#039;t wala silang mangaaliw . Kaya&#039;t aking pinuri ang patay na namatay na , ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa ; Oo , maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak , na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw . Nang magkagayo&#039;y nakita ko ang lahat na gawa , at bawa&#039;t gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa . Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala . Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay , at kumakain ng kaniyang sariling laman . Maigi ang isang dakot na may katahimikan , kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan . Nang magkagayo&#039;y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw . May isa na nagiisa , at siya&#039;y walang pangalawa ; oo , siya&#039;y walang anak o kapatid man ; gayon ma&#039;y walang wakas sa lahat niyang gawa , ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan . Dahil kanino nga , sabi niya , nagpapagal ako , at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti ? Ito man ay walang kabuluhan , oo , mahirap na damdam . Dalawa ay maigi kay sa isa ; sapagka&#039;t sila&#039;y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa . Sapagka&#039;t kung sila&#039;y mabuwal , ibabangon ng isa ang kaniyang kasama ; nguni&#039;t sa aba niya , na nagiisa pagka siya&#039;y nabuwal , at walang iba na magbangon sa kaniya . Muli , kung ang dalawa ay mahigang magkasama , may init nga sila : nguni&#039;t paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa ? At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa , ang dalawa ay makalalaban sa kaniya ; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali . Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari , na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa . Sapagka&#039;t mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari ; oo , sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha . Aking nakita ang lahat na may buhay , na nagsisilakad sa ilalim ng araw , na sila&#039;y kasama ng bata , ng ikalawa , na tumatayo na kahalili niya . Walang wakas sa lahat ng bayan , sa makatuwid baga&#039;y sa lahat na pinaghaharian niya : gayon ma&#039;y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya . Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala . Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios ; sapagka&#039;t ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang : sapagka&#039;t hindi nila nalalaman na sila&#039;y nagsisigawa ng kasamaan . Huwag kang pakabigla ng iyong bibig , at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios ; sapagka&#039;t ang Dios ay nasa langit , at ikaw ay nasa lupa : kaya&#039;t pakauntiin mo ang iyong mga salita . Sapagka&#039;t ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain ; at ang tinig ng mangmang sa karamihan ng mga salita . Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios , huwag kang magliban ng pagtupad ; sapagka&#039;t siya&#039;y walang kaligayahan sa mga mangmang : tuparin mo ang iyong ipinanata . Maigi nga ang ikaw ay huwag manata , kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad . Huwag bayaan ang iyong bibig , na papagkasalanin ang iyong laman ; at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel , na isang kamalian : bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig , at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay ? Sapagka&#039;t sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan , at sa maraming mga salita : nguni&#039;t matakot ka sa Dios . Kung iyong nakikita ang kapighatian ng dukha , at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan , huwag mong kamanghaan ang bagay : sapagka&#039;t ang lalong mataas kay sa mataas ay nagmamasid ; at may lalong mataas kay sa kanila . Bukod dito , ay sa lahat ang pakinabang sa lupa : ang hari man ay pinaglilingkuran ng bukid . Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak ; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang : ito man ay walang kabuluhan . Pagka ang mga pag-aari ay nagsisidami , ay nagsisidami silang nagsisikain ng mga yaon : at anong pakinabang mayroon ang may-ari niyaon , kundi ang mamasdan ng kaniyang mga mata ? Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing , maging siya&#039;y kumain ng kaunti o marami : nguni&#039;t ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya . May malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw , ito nga , ang mga yamang iningatan ng may-ari niyaon sa kapahamakan niya . At ang mga yamang yaon ay nawawala ng masamang pangyayari ; at kung siya&#039;y magkaanak ng lalake , walang maiiwan sa kaniyang kamay . Kung paanong siya&#039;y lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina , hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya&#039;y dumating , at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa , na kaniyang madadala sa kaniyang kamay . At ito man ay malubhang kasamaan , na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon : at anong pakinabang mayroon siya , na gumagawa sa hangin ? Lahat ng mga araw naman niya ay ikinakain niya sa kadiliman , at siya&#039;y totoong nayayamot , at may sakit at pag-iinit . Narito , na aking nakita na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom , at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios : sapagka&#039;t ito&#039;y kaniyang bahagi . Bawa&#039;t tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pag-aari , at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon , at kumuha ng kaniyang bahagi , at magalak sa kaniyang gawa , ito&#039;y kaloob ng Dios . Sapagka&#039;t hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay ; sapagka&#039;t sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso . May kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw , at mabigat sa mga tao : Ang tao na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan , pag-aari , at karangalan , na anopa&#039;t walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa , gayon ma&#039;y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon , kundi iba ang kumakain niyaon ; ito&#039;y walang kabuluhan , at masamang sakit . Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan , at mabuhay na maraming taon , na anopa&#039;t ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami , nguni&#039;t ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti , at bukod dito ay wala siyang pangpalibing ; aking sinasabing maigi ang isang naagas kay sa kaniya : Sapagka&#039;t dumarating na walang kabuluhan , at yumayaon sa kadiliman , at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman ; Bukod dito ay hindi nakita ang araw o nakilala man ; ito&#039;y may kapahingahang maigi kay sa isa ; Oo , bagaman siya&#039;y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay , at hindi man nagalak na mabuti : hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako ? Lahat ng gawa ng tao ay para sa kaniyang bibig , at gayon ma&#039;y ang panglasa ay hindi nasisiyahan . Sapagka&#039;t anong pakinabang mayroon ang pantas na higit sa mangmang ? o anong pakinabang mayroon ang dukha na maalam lumakad sa harap ng mga buhay ? Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili ; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala . Anomang nangyari , ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon , at kilala na siya&#039;y tao : ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya . Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan , ano ang lalong ikinaigi ng tao ? Sapagka&#039;t sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay , lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na gaya ng anino ? sapagka&#039;t sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw ? Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento ; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan . Maigi ang pasa bahay ng tangisan , kay sa bahay ng pistahan : sapagka&#039;t siyang wakas ng lahat ng mga tao ; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso . Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa : sapagka&#039;t sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso . Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan ; nguni&#039;t ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan . Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao&#039;y makinig ng awit ng mga mangmang . Sapagka&#039;t kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok , gayon ang tawa ng mangmang : ito ma&#039;y walang kabuluhan . Tunay na nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati ; at ang suhol ay sumisira ng unawa . Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon : at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob . Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban : sapagka&#039;t ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang . Huwag mong sabihin , Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito ? sapagka&#039;t hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito . Karunungan ay mabuting gaya ng mana : oo , lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw . Sapagka&#039;t ang karunungan ay sanggalang , sa makatuwid baga&#039;y gaya ng salapi na sanggalang : nguni&#039;t ang karilagan ng kaalaman , ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon . Gunitain mo ang gawa ng Dios : sapagka&#039;t sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot ? Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka , at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka : oo , ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa , upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya . Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan : may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran , at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa . Huwag kang lubhang magpakamatuwid ; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas : bakit sisirain mo ang iyong sarili ? Huwag kang magpakasamang lubha , ni magpakamangmang man : bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan ? Mabuti na ikaw ay manghawak dito ; oo , doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay : sapagka&#039;t siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon . Karunungan ay kalakasan sa pantas , na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan . Tunay na walang matuwid sa lupa , na gumagawa ng mabuti , at hindi nagkakasala . Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita , baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin : Sapagka&#039;t madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso , na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba . Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan : aking sinabi , Ako&#039;y magiging pantas : nguni&#039;t malayo sa akin . Ang nilikha ay malayo at totoong malalim ; sinong makaaabot ? Ako&#039;y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam , at sumiyasat , at humanap ng karunungan , at ng kadahilanan ng mga bagay , at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan , at ang kamangmangan ay kaululan : At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan , sa makatuwid baga&#039;y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag , at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali : ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya ; nguni&#039;t ang makasalanan ay makukuha niya . Narito , ito&#039;y aking nasumpungan , sabi ng Mangangaral , na iniaagapay ang isang bagay sa iba , upang matagpuan ang kadahilanan : Na hinahanap pa ng aking kaluluwa , nguni&#039;t hindi ko nasumpungan : isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan ; nguni&#039;t isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan . Narito , ito lamang ang aking nasumpungan , na ginawang matuwid ng Dios ang tao ; nguni&#039;t nagsihanap sila ng maraming katha . Sino ang gaya ng pantas na lalake ? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay ? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha , at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago . Ipinapayo ko sa iyo , ingatan mo ang utos ng hari , at siya&#039;y dahil sa sumpa ng Dios . Huwag kang magmadaling umalis sa kaniyang harapan ; huwag kang mamalagi sa masamang bagay : sapagka&#039;t kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan . Sapagka&#039;t ang salita ng hari ay may kapangyarihan ; at sinong makapagsasabi sa kaniya , Anong ginagawa mo ? Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay ; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan : Sapagka&#039;t sa bawa&#039;t panukala ay may kapanahunan at kahatulan ; sapagka&#039;t ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya : Sapagka&#039;t hindi niya nalalaman ang mangyayari ; sapagka&#039;t sinong makapagsasaysay sa kaniya , kung paanong mangyayari ? Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa ; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan ; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon : ni maililigtas siya ng kasamaan , na taglay niya . Lahat ng ito ay nakita ko , at inihilig ko ang aking puso sa bawa&#039;t gawa , na nagawa sa ilalim ng araw : may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan . At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing , at nagsidating sa hukay ; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal , at nalimutan sa bayan : ito man ay walang kabuluhan . Sapagka&#039;t ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad , kaya&#039;t ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan . Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan , at humaba ang kaniyang buhay , gayon ma&#039;y tunay , na talastas ko , na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios , na nangatatakot sa harap niya : Nguni&#039;t hindi ikabubuti ng masama , ni hahaba man ang kaniyang buhay na parang isang anino ; sapagka&#039;t siya&#039;y hindi natatakot sa harap ng Dios . May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa ; na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama ; muli , may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid ; aking sinabi , na ito man ay walang kabuluhan . Nang magkagayo&#039;y pinuri ko ang kalayawan , sapagka&#039;t ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw , kundi ang kumain , at uminom , at magsaya : sapagka&#039;t tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw . Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan , at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa : ( sapagka&#039;t may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata : ) Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios , na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw : sapagka&#039;t sikaping mainam man ng tao na hanapin , ay hindi rin masusumpungan ; oo , bukod dito , bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan . Sapagka&#039;t lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso , upang siyasatin ang lahat ng ito ; na ang matuwid , at ang pantas , at ang kanilang mga gawa , ay nangasa kamay ng Dios : maging pagibig o pagtatanim hindi nalalaman ng tao ; lahat ay nangasa harap nila . Lahat ng mga bagay ay nagsisidating na parapara sa lahat : may isang pangyayari sa matuwid at sa masama ; sa mabuti , at sa malinis , at sa marumi ; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain : kung paano ang mabuti , gayon ang makasalanan ; at ang sumusumpa , gaya ng natatakot sa sumpa . Ito&#039;y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw , na may isang pangyayari sa lahat : oo , gayon din , ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan , at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila&#039;y nangabubuhay , at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay . Sapagka&#039;t sa kaniya , na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa : sapagka&#039;t ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon . Sapagka&#039;t nalalaman ng mga buhay , na sila&#039;y mangamamatay : nguni&#039;t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan ; sapagka&#039;t ang alaala sa kanila ay nakalimutan . Maging ang kanilang pagibig , gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon ; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw . Yumaon ka ng iyong lakad , kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan , at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso ; sapagka&#039;t tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa . Maging maputing lagi ang iyong mga suot ; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo . Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan , na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw , lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan : sapagka&#039;t iyan ang iyong bahagi sa buhay , at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw . Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay , gawin mo ng iyong kapangyarihan ; sapagka&#039;t walang gawa , ni katha man , ni kaalaman man , ni karunungan man , sa Sheol , na iyong pinaparunan . Ako&#039;y bumalik , at nakita ko sa ilalim ng araw , na ang paguunahan ay hindi sa mga matulin , ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas , ni sa mga pantas man ang tinapay , ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong naguunawa , ni ang kaloob man ay sa taong matalino ; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat . Sapagka&#039;t hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan : kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat , at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag , gayon ang mga anak ng mga tao , ay nasisilo sa masamang kapanahunan , pagka biglang nahuhulog sa kanila . Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw , sa ganitong anyo , at naging tila dakila sa akin : Nagkaroon ng maliit na bayan , at iilan ang tao sa loob niyaon ; at may dumating na dakilang hari laban doon , at kumubkob , at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon : May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake , at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan ; gayon ma&#039;y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Karunungan ay maigi kay sa kalakasan : gayon ma&#039;y karunungan ng dukhang taong yaon ay hinamak , at ang kaniyang mga salita ay hindi dinidinig . Ang mga salita ng pantas na sinalitang marahan ay narinig na higit kay sa hiyaw ng nagpupuno sa mga mangmang . Karunungan ay maigi kay sa mga sandata sa pakikipagdigma : nguni&#039;t ang isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti . Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango : gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan . Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay ; nguni&#039;t ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa . Oo gayon din , pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan , ay nawawalan siya ng bait , at kaniyang sinasabi sa bawa&#039;t isa , na siya&#039;y isang ulol . Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo , huwag kang umalis : sapagka&#039;t ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit . May isang kasamaan , na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno : Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan , at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako . Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo , at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin . Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon : at ang sumisira sa pader , ay kakagatin siya ng ahas . Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon ; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon . Kung ang bakal ay pumurol , at hindi ihasa ninoman ang talim , marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan : nguni&#039;t ang karunungan ay pinakikinabangang magturo . Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto , wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto . Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya ; nguni&#039;t ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili . Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan : at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan . Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita : gayon ma&#039;y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari ; at ang mangyayari pagkamatay niya , sinong makapagsasaysay sa kaniya ? Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa&#039;t isa sa kanila ; sapagka&#039;t hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan . Sa aba mo , Oh lupain , kung ang iyong hari ay isang bata , at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga ! Mapalad ka , Oh lupain , kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao , at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon , sa ikalalakas , at hindi sa paglalasing ! Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan ; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay . Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa , at ang alak ay nagpapasaya sa buhay : at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay . Huwag mong sumpain ang hari , huwag , huwag sa iyong pagiisip ; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan : sapagka&#039;t isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig , at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay . Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan : sapagka&#039;t iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw . Magbigay ka ng bahagi sa pito , oo , sa walo ; sapagka&#039;t hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa . Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan , ay tumutulo sa lupa : at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan , o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy , ay doon ito mamamalagi . Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik ; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani . Kung paanong hindi mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis ; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat . Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi , at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon ; sapagka&#039;t hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo , kung ito o yaon , o kung kapuwa magiging mabuti . Tunay na ang liwanag ay mainam , at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw . Oo , kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon , magalak siya sa lahat ng yaon ; nguni&#039;t alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman , sapagka&#039;t magiging marami . Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan . Ikaw ay magalak , Oh binata , sa iyong kabataan : at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan , at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban , at sa paningin ng iyong mga mata : nguni&#039;t talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan . Kaya&#039;t ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso , at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan : sapagka&#039;t ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan . Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan , bago dumating ang mga masamang araw , at ang mga taon ay lumapit , pagka iyong sasabihin , Wala akong kaluguran sa mga yaon ; Bago ang araw , at ang liwanag , at ang buwan , at ang mga bituin ay magdilim , at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan . Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig , at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod , at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka&#039;t sila&#039;y kaunti , at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw , At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan ; pagka ang tunog ng giling ay humina , at ang isa&#039;y babangon sa tinig ng ibon , at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa ; Oo , sila&#039;y mangatatakot sa mataas , at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan ; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak ; at ang balang ay magiging pasan , at ang pita ay manglulupaypay : sapagka&#039;t ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan , at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan : Bago ang panaling pilak ay mapatid , o ang mangkok na ginto ay mabasag , o ang banga ay mabasag sa bukal , o ang gulong ay masira sa balon ; At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una , at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya . Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan , sabi ng Mangangaral ; lahat ay walang kabuluhan . At bukod dito , sapagka&#039;t ang Mangangaral ay pantas , ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan ; oo , siya&#039;y nagaral , at sumiyasat , at umayos ng maraming kawikaan . Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita , at ng nasusulat na matuwid , na mga salita ng katotohanan . Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis ; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti , ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan , na nabigay mula sa isang pastor . At bukod dito , anak ko , maaralan ka : tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas ; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan . Ito ang wakas ng bagay ; lahat ay narinig : ikaw ay matakot sa Dios , at sundin mo ang kaniyang mga utos ; sapagka&#039;t ito ang buong katungkulan ng tao . Sapagka&#039;t dadalhin ng Dios ang bawa&#039;t gawa sa kahatulan , pati ng bawa&#039;t kubling bagay , maging ito&#039;y mabuti o maging ito&#039;y masama . </passage></reply></GetPassage>