<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:23</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:23</urn><passage>Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz , na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem , sa mga kaarawan ni Uzias , ni Jotham , ni Ahaz , at ni Ezechias , na mga hari sa Juda . Dinggin mo , Oh langit , at pakinggan mo , Oh lupa , sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon : Ako&#039;y nagalaga at nagpalaki ng mga bata , at sila&#039;y nanganghimagsik laban sa akin . Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon , at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon : nguni&#039;t ang Israel ay hindi nakakakilala , ang bayan ko ay hindi gumugunita . Ah bansang salarin , bayang napapasanan ng kasamaan , lahi ng mga manggagawa ng kasamaan , mga anak na nagsisigawa ng kalikuan : pinabayaan nila ang Panginoon , hinamak nila ang Banal ng Israel , sila&#039;y nangapalayo na nagsiurong . Bakit kayo&#039;y hahampasin pa , na kayo&#039;y manganghimagsik ng higit at higit ? ang buong ulo ay masakit , at ang buong puso ay nanglulupaypay . Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan ; kundi mga sugat , at mga pasa , at nangagnananang sugat : hindi nangatikom , o nangatalian man , o nangapahiran man ng langis . Ang inyong lupain ay giba ; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy ; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan , at giba , na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa . At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan , parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino , parang bayang nakukubkob . Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo , naging gaya sana tayo ng Sodoma , naging gaya sana tayo ng Gomorra . Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon , ninyong mga pinuno ng Sodoma ; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios , kayong bayan ng Gomorra . Sa anong kapararakan ang karamihan ng inyong mga hain sa akin ? sabi ng Panginoon : ako&#039;y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa , at ng mataba sa mga hayop na pinataba ; at ako&#039;y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro , o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake . Nang kayo&#039;y magsidating na pakita sa harap ko , sinong humingi nito sa inyong kamay , upang inyong yapakan ang aking mga looban ? Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay ; kamangyan ay karumaldumal sa akin ; ang bagong buwan , at ang sabbath , ang tawag ng mga kapulungan , hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong . Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan : mga kabagabagan sa akin ; ako&#039;y pata ng pagdadala ng mga yaon . At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay , aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo : oo , pagka kayo&#039;y nagsisidalangin ng marami , hindi ko kayo didinggin : ang inyong mga kamay ay puno ng dugo . Mangaghugas kayo , mangaglinis kayo ; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata ; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan : Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti ; inyong hanapin ang kahatulan , inyong saklolohan ang napipighati , inyong hatulan ang ulila , ipagsanggalang ninyo ang babaing bao . Magsiparito kayo ngayon , at tayo&#039;y magkatuwiranan , sabi ng Panginoon : bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula , ay magiging mapuputi na parang niebe ; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula , ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa , Kung kayo&#039;y magkusa at mangagmasunurin , kayo&#039;y magsisikain ng buti ng lupain : Nguni&#039;t kung kayo&#039;y magsitanggi at manganghimagsik , kayo&#039;y lilipulin ng tabak : sapagka&#039;t sinalita ng bibig ng Panginoon . Ano&#039;t ang tapat na bayan ay naging tila patutot ! noong una siya&#039;y puspos ng kahatulan ! katuwiran ay tumatahan sa kaniya , nguni&#039;t ngayo&#039;y mga mamamatay tao . Ang iyong pilak ay naging dumi , ang iyong alak ay nahaluan ng tubig . Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik , at mga kasama ng mga tulisan ; bawa&#039;t isa&#039;y umiibig ng mga suhol , at naghahangad ng mga kabayaran : hindi nila hinahatulan ang ulila , o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao . Kaya&#039;t sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , ng Makapangyarihan ng Israel , Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit , at manghihiganti ako sa aking mga kaaway . At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo , at aking lilinising lubos ang naging dumi mo , at aalisin ko ang iyong lahat na tingga : At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una , at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula : pagkatapos ay tatawagin ka , Ang bayan ng katuwiran , ang tapat na bayan . Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan , at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat . Nguni&#039;t ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan , at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol . Sapagka&#039;t kanilang ikahihiya ang mga encina na inyong ninasa , at kayo&#039;y mangalilito dahil sa mga halamanan na inyong pinili . Sapagka&#039;t kayo&#039;y magiging parang encina na ang dahon ay nalalanta , at parang halamanan na walang tubig . At ang malakas ay magiging parang taling estopa , at ang kaniyang gawa ay parang alipato ; at kapuwa sila magliliyab , at walang papatay sa apoy . Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem . At mangyayari sa mga huling araw , na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok , at magiging mataas sa mga burol ; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon . At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi , Halina kayo , at tayo&#039;y magsiahon sa bundok ng Panginoon , sa bahay ng Dios ni Jacob ; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan , at tayo&#039;y magsisilakad sa kaniyang mga landas : sapagka&#039;t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan , at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem . At siya&#039;y hahatol sa gitna ng mga bansa , at sasaway sa maraming tao : at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod , at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit : ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa , o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma . Oh sangbahayan ni Jacob , halikayo , at tayo&#039;y magsilakad sa liwanag ng Panginoon . Sapagka&#039;t iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob , sapagka&#039;t sila&#039;y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan , at mga enkantador gaya ng mga Filisteo , at sila&#039;y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa . Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto , ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan ; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo , ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo . Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan ; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay , na ginawa ng kanilang sariling mga daliri . At ang taong hamak ay yumuyuko , at ang mataas na tao ay nabababa : kaya&#039;t huwag mong patawarin sila . Pumasok ka sa malaking bato , at magkubli ka sa alabok , sa kakilabutan sa Panginoon , at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan . Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa , at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok , at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon . Sapagka&#039;t magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas , at sa lahat na nagmamataas ; at yao&#039;y mabababa : At sa lahat ng cedro ng Libano , na matayog at mataas , at sa lahat ng encina ng Basan ; At sa lahat ng matataas na bundok , at sa lahat ng mga burol na nangataas ; At sa bawa&#039;t matayog na moog , at sa bawa&#039;t kutang nababakod : At sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis , at sa lahat ng maligayang bagay . At ang kahambugan ng tao ay huhutukin , at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa : at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon . At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos . At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato , at sa mga puwang ng lupa , sa harap ng kakilabutan sa Panginoon , at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan , pagka siya&#039;y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa . Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak , at ang kanilang mga diosdiosang ginto , na kanilang ginawa upang sambahin , sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki ; Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato , at sa mga bitak ng mga malaking bato , sa harap ng kakilabutan sa Panginoon , at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan , pagka siya&#039;y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa . Layuan ninyo ang tao , na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong : sapagka&#039;t sa ano pahahalagahan siya ? Sapagka&#039;t , narito , ang Panginoon , ang Panginoon ng mga hukbo , ay nagaalis sa Jerusalem at sa Juda ng alalay at tungkod , ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig ; Ng makapangyarihang lalake , at ng lalaking mangdidigma ; ng hukom , at ng propeta , at ng manghuhula , at ng matanda ; Ng kapitan ng lilimang puin , at ng marangal na tao , at ng tagapayo , at ng bihasang manggagawa , at ng matalinong mangeenkanto . At mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo , at mga sanggol ang magpupuno sa kanila . At ang bayan ay mapipighati , bawa&#039;t isa&#039;y ng iba , at bawa&#039;t isa&#039;y ng kaniyang kapuwa : ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal . Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama , na magsasabi : Ikaw ay may damit , ikaw ay maging aming pinuno , at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay : Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig , na magsasabi , Hindi ako magiging tagapagpagaling ; sapagka&#039;t sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man ; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan . Sapagka&#039;t ang Jerusalem ay giba , at ang Juda ay bagsak : sapagka&#039;t ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon , upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati . Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila ; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma , hindi nila ikinukubli . Sa aba ng kanilang kaluluwa ! sapagka&#039;t sila&#039;y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili . Sabihin ninyo sa matuwid , na ikabubuti niya : sapagka&#039;t sila&#039;y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa . Sa aba ng masama ! ikasasama niya : sapagka&#039;t ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya . Tungkol sa aking bayan , mga bata ang mga mamimighati sa kanila , at mga babae ang mangagpupuno sa kanila . Oh bayan ko , silang nagsisipatnubay sa iyo , mangagliligaw sa iyo , at sisira ng daan ng iyong mga landas . Ang Panginoon ay tumayo upang magsanggalang , at tumayo upang humatol sa mga bayan . Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan , at sa mga pangulo niyaon ; Kayo ang nagkainan sa ubasan : ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay ; Anong ibig ninyong sabihin na inyong dinidikdik ang aking bayan , at inyong ginigiling ang mukha ng dukha ? sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo . Bukod dito&#039;y sinabi ng Panginoon , Sapagka&#039;t ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas , at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap , na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon , at nagpapakalatis ng kanilang mga paa : Kaya&#039;t papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion , at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi . Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa , at ang mga hiyas ng ulo , at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan ; Ang mga hikaw , at ang mga pulsera , at ang mga lambong na pangmukha ; Ang mga laso ng buhok , at ang mga kuwintas sa bukong-bukong , at ang mga pamigkis , at ang mga sisidlan ng pabango , at ang mga amuleto ; Ang mga singsing , at ang mga hiyas na pang-ilong ; Ang mga damit na pamista , at ang mga balabal , at ang mga panleeg , at ang mga supot ; Ang mga maliit na salamin , at ang mainam na kayong lino , at ang mga turbante , at ang mga lambong . At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan ; at sa halip na pamigkis ay panali ; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan ; at sa halip na pamigkis na mainam ay pamigkis na kayong magaspang ; hero sa halip ng kagandahan . Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma . At ang kaniyang mga pintuang-bayan ay tataghoy at magsisitangis ; at siya&#039;y magiging giba at guho sa lupa . At pitong babae ay magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon , na mangagsasabi , Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay , at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan : tawagin lamang kami sa iyong pangalan ; alisin mo ang aming kadustaan . Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon , at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan . At mangyayari , na siyang naiwan sa Sion , at siyang nalabi sa Jerusalem , tatawaging banal , sa makatuwid baga&#039;y bawa&#039;t nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem : Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion , at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan , at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas . At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion , at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw , at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi : sapagka&#039;t sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo . At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init , at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan . Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal , ng awit ng aking minamahal tungkol sa kaniyang ubasan . Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol : At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato , at tinamnan ng piling puno ng ubas , at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon , at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas : at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas , at nagbunga ng ubas gubat . At ngayon , Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda , hatulan ninyo , isinasamo ko sa inyo , ako at ang aking ubasan . Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan na hindi ko nagawa ? ano&#039;t nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas , nagbunga ng ubas gubat ? At ngayo&#039;y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan : aking aalisin ang bakod na siit niyaon , at sasalantain ; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan : At aking pababayaang sira ; hindi kakapunin o bubukirin man ; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik : akin ding iuutos sa mga alapaap , na huwag nilang ulanan . Sapagka&#039;t ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel , at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim : at siya&#039;y naghihintay ng kahatulan , nguni&#039;t narito , kapighatian ; ng katuwiran , nguni&#039;t narito , daing . Sa aba nila , na nangaguugpong ng bahay sa bahay , na nangaglalagay ng bukid sa bukid hanggang sa mawalan ng pagitan , at kayo&#039;y magsisitahang magisa sa gitna ng lupain ! Sa aking mga pakinig ay sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sa katotohana&#039;y maraming bahay ang magigiba , malalaki at magaganda , na walang mananahan . Sapagka&#039;t sangpung acre ng ubasan ay mangagbubunga ng isang bath , at isang homer na binhi ay magbubunga ng isang epa . Sa aba nila na nagsisibangong maaga sa umaga , upang sila&#039;y makasunod sa nakalalasing na inumin ; na nagtatagal hanggang sa kalaliman ng gabi , hanggang sa magalab ang alak sa kanila ! At ang alpa at ang viola , ang pandareta at ang plauta , at ang alak , ay nangasa kanilang mga kapistahan : nguni&#039;t hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon , o ginunita man nila ang gawa ng kaniyang mga kamay . Kaya&#039;t ang aking bayan ay nasok sa pagkabihag , sa kasalatan sa kaalaman : at ang kanilang mararangal na tao ay nangagugutom , at ang kanilang karamihan ay nangahahandusay sa uhaw . Kaya&#039;t pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa , at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat : at ang kanilang kaluwalhatian , at ang kanilang karamihan , at ang kanilang kahambugan , at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon . At ang taong hamak ay pinayuyukod , at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba , at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba : Nguni&#039;t ang Panginoon ng mga hukbo ay nabunyi sa kahatulan , at ang Dios na Banal ay inaring banal sa katuwiran . Kung magkagayo&#039;y sasabsab ang mga kordero na gaya sa kanilang sabsaban , at ang mga sirang dako ng matataba ay kakanin ng mga palaboy . Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan , at ng kasalanan na tila panali ng kariton : Na nagsasabi , Magmaliksi siya , madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita : at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman ! Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama , at ng masama ay mabuti ; na inaaring dilim ang liwanag , at liwanag ang dilim ; na inaaring mapait ang matamis , at matamis ang mapait ! Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata , at mabait sa kanilang sariling paningin ! Sa aba nila na malakas uminom ng alak , at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin : Na nagsisiaring ganap sa masama dahil sa suhol , at inaalis ang katuwiran sa matuwid ! Kaya&#039;t kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo , at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab , gayon magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat , at ang kanilang bulaklak ay iilanglang na gaya ng alabok : sapagka&#039;t kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon ng mga hukbo , at hinamak ang salita ng Banal ng Israel . Kaya&#039;t nagalab ang galit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan , at iniunat niya ang kaniyang kamay laban sa kanila , at sinaktan sila , at ang mga burol ay nanginig , at ang kanilang mga bangkay ay naging dumi sa gitna ng mga lansangan . Sa lahat ng ito ay hindi napawi ang kaniyang galit , kundi laging nakaunat ang kaniyang kamay . At siya&#039;y magtataas ng watawat sa mga bansa mula sa malayo , at susutsutan sila mula sa wakas ng lupa : at , narito , sila&#039;y darating na lubhang nagmamadali : Walang mapapagod o matitisod man sa kanila ; walang iidlip o matutulog man ; ni hindi man kakalagin ang pamigkis ng kanilang mga balakang , o mapapatid man ang mga panali ng kanilang mga panyapak : Na ang kanilang mga pana ay hasa , at lahat nilang busog ay nangakaakma ; ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay maibibilang na parang pingkiang bato , at ang kanilang mga gulong ay parang ipoipo : Ang kanilang angal ay magiging gaya ng sa leon , sila&#039;y magsisiangal na gaya ng mga batang leon : oo , sila&#039;y magsisiangal , at magsisipangal ng huli , at tatangayin , at walang magliligtas . At ang mga yao&#039;y magsisiangal laban sa kanila sa araw na yaon na gaya ng hugong ng dagat : at kung tingnan ang lupain , narito , kadiliman at kahirapan , at ang liwanag ay magdidilim sa mga ulap niyaon . Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan , matayog at mataas ; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian . Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin : bawa&#039;t isa&#039;y may anim na pakpak : na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha , at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa , at may dalawa na naglilipad sa kaniya . At nagsisigawang isa&#039;t isa , at nagsasabi , Banal , banal , banal ang Panginoon ng mga hukbo : ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian . At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw , at ang bahay ay napuno ng usok . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Sa aba ko ! sapagka&#039;t ako&#039;y napahamak ; sapagka&#039;t ako&#039;y lalaking may maruming mga labi , at ako&#039;y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi : sapagka&#039;t nakita ng aking mga mata ang Hari , ang Panginoon ng mga hukbo . Nang magkagayo&#039;y nilipad ako ng isa sa mga serapin , na may baga sa kaniyang kamay , na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana : At hinipo niya niyaon ang aking bibig , at nagsabi , Narito , hinipo nito ang iyong mga labi ; at ang iyong kasamaan ay naalis , at ang iyong kasalanan ay naalis . At narinig ko ang tinig ng Panginoon , na nagsasabi , Sinong susuguin ko , at sinong yayaon sa ganang amin ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ko : Narito ako ; suguin mo ako . At sinabi niya , Ikaw ay yumaon , at saysayin mo sa bayang ito , inyong naririnig nga , nguni&#039;t hindi ninyo nauunawa ; at nakikita nga ninyo , nguni&#039;t hindi ninyo namamalas . Patabain mo ang puso ng bayang ito , at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig , at iyong ipikit ang kanilang mga mata ; baka sila&#039;y mangakakita ng kanilang mga mata ; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig , at mangakaunawa ng kanilang puso , at mangagbalik loob , at magsigaling . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Panginoon , hanggang kailan ? At siya&#039;y sumagot , Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan , at ang mga bahay ay mangawalan ng tao , at ang lupain ay maging lubos na giba , At ilayo ng Panginoon ang mga tao , at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain . At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon , mapupugnaw uli : gaya ng isang roble , at gaya ng isang encina , na ang puno ay naiiwan , pagka pinuputol ; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon . At nangyari , nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham , anak ni Uzzias , na hari sa Juda , na si Rezin na hari sa Siria , at si Peca na anak ni Remalias , hari sa Israel , ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon ; nguni&#039;t hindi nanganaig laban doon . At nasaysay sa sangbahayan ni David , na sinasabi , Ang Siria ay nalakip sa Ephraim . At ang puso niya&#039;y nakilos , at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng Panginoon kay Isaias , Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz , ikaw , at si Sear-jasub na iyong anak , sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas , sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo ; At sabihin mo sa kaniya , Ikaw ay magingat , at tumahimik ka ; huwag kang matakot , o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok , ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria , at ng anak ni Remalias . Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo , ang Ephraim din naman , at ang anak ni Remalias , na nagsasabi , Magsiahon tayo laban sa Juda , at ating bagabagin , at ating papasukin sila , at tayo&#039;y maglagay ng hari sa gitna niyaon , sa makatuwid baga&#039;y ang anak ni Tabeel : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Hindi matatayo o mangyayari man . Sapagka&#039;t ang pangulo ng Siria ay ang Damasco , at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin : at sa loob ng anim na pu&#039;t limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim , upang huwag maging bayan : At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria , at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias . Kung kayo&#039;y hindi maniniwala , tunay na hindi kayo mangatatatag . At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz , na nagsasabi , Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios ; humingi ka maging sa kalaliman , o sa kaitaasan sa itaas . Nguni&#039;t sinabi ni Achaz , Hindi ako hihingi , ni tutuksuhin ko man ang Panginoon . At kaniyang sinabi , Dinggin ninyo ngayon , Oh sangbahayan ni David ; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios ? Kaya&#039;t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda ; narito , isang dalaga ay maglilihi , at manganganak ng isang lalake , at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel . Siya&#039;y kakain ng mantekilla at pulot , pagka siya&#039;y natutong tumanggi sa kasamaan , at pumili ng mabuti . Sapagka&#039;t bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan , at pumili ng mabuti , pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan . Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo , at sa iyong bayan , at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang Ephraim sa Juda ; sa makatuwid baga&#039;y ang hari sa Asiria . At mangyayari sa araw na yaon , na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto , at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria . At sila&#039;y magsisidating , at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis , at sa mga bitak ng malalaking bato , at sa lahat ng mga tinikan , at sa lahat ng mga sukal . Sa araw na yaon ay aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa , ng pangahit na inupahan , ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog , ang hari sa Asiria : at aalisin din ang balbas . At mangyayari sa araw na yaon , na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka , at ng dalawang tupa ; At mangyayari , na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla : sapagka&#039;t ang bawa&#039;t isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot . At mangyayari sa araw na yaon , na ang bawa&#039;t dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak , ay magiging dawagan at tinikan . Paroroon ang isa na may mga pana at may busog ; sapagka&#039;t ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan . At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol , hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan ; kundi magiging pagalaan sa mga baka , at yurakan ng mga tupa . At sinabi ng Panginoon sa akin , Kumuha ka ng malapad na tabla , at sulatan mo ng panulat ng tao , Kay Maher-salalhash-baz ; At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala , si Urias na saserdote , at si Zacarias na anak ni Jeberechias . At ako&#039;y naparoon sa propetisa ; at siya&#039;y naglihi , at nanganak ng isang lalake . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng Panginoon sa akin , Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz . Sapagka&#039;t bago ang anak ay matutong dumaing ng , Ama ko , at : Ina ko , ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria . At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin , na nagsasabi , Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan , at siya&#039;y nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias ; Ngayon nga , narito , iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog , malakas at marami , sa makatuwid baga&#039;y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian : at siya&#039;y aahon sa lahat niyang bangbang , at aapaw sa buo niyang baybayin : At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda ; aapaw at lalampas ; aabot hanggang sa leeg ; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain , Oh Emmanuel . Kayo&#039;y magsamasama , Oh mga bayan , at kayo&#039;y mangagkakawatakwatak ; at kayo&#039;y mangakinig , kayong lahat na taga malayong lupain : mangagbigkis kayo , at kayo&#039;y mangagkakawatakwatak ; kayo&#039;y mangagbigkis , at kayo&#039;y mangagkakawatakwatak . Mangagsanggunian kayo , at yao&#039;y mauuwi sa wala ; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo : sapagka&#039;t ang Dios ay sumasaamin . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay , at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito , na sinasabi , Huwag ninyong sabihin , Pagbabanta ; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito , Pagbabanta , o huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot , o mangilabot man doon . Ang Panginoon ng mga hukbo , siya ang inyong aariing banal ; at sumakaniya ang inyong takot , at sumakaniya ang inyong pangingilabot . At siya&#039;y magiging pinakasantuario ; nguni&#039;t pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel , na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem . At marami ang mangatitisod doon , at mangabubuwal , at mangababalian , at mangasisilo , at mangahuhuli . Talian mo ang patotoo , tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad . At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob , at aking hahanapin siya . Narito , ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo , na tumatahan sa bundok ng Sion . At pagka kanilang sasabihin sa inyo , Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula , na nagsisihuni at nagsisibulong ; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios ? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay ? Sa kautusan at sa patotoo ! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito , tunay na walang umaga sa kanila . At sila&#039;y magsisidaan doon , na nahihirapan at gutom : at mangyayari , na pagka sila&#039;y mangagugutom , sila&#039;y mangagagalit , at magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios , at ititingala nila ang kanilang mga mukha : At sila&#039;y titingin sa lupa , at , narito , kahirapan at kadiliman , ulap ng kahapisan , at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila . Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan . Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali , nguni&#039;t sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati , sa daang patungo sa dagat , sa dako roon ng Jordan , ng Galilea ng mga bansa . Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag : silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan , sa kanila sumilang ang liwanag . Iyong pinarami ang bansa , iyong pinalago ang kanilang kagalakan : sila&#039;y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani , gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam . Sapagka&#039;t ang pamatok na kaniyang pasan , at ang pingga sa kaniyang balikat , ang panghampas ng mamimighati sa kaniya , ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian . Sapagka&#039;t ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan , at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog , para sa mitsa ng apoy . Sapagka&#039;t sa atin ay ipinanganak ang isang bata , sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake ; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat : at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha , Tagapayo , Makapangyarihang Dios , Walang hanggang Ama , Pangulo ng Kapayapaan . Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas , sa luklukan ni David , at sa kaniyang kaharian , upang itatag , at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man . Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo . Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob , at naliliwanagan ang Israel , At malalaman ng buong bayan ng Ephraim , at ng nananahan sa Samaria , na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo , Ang mga laryo ay nangahulog , nguni&#039;t aming itatayo ng tinabas na bato : ang mga sikomoro ay nangaputol , nguni&#039;t aming papalitan ng mga cedro . Kaya&#039;t itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin , at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit ; Ang mga taga Siria sa unahan , at ang mga Filisteo sa likuran ; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig . Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat . Gayon ma&#039;y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila , o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo . Kaya&#039;t puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo&#039;t buntot , ang sanga ng palma at ang tambo , sa isang araw . Ang matanda at ang marangal na tao , siyang ulo ; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan , siyang buntot . Sapagka&#039;t silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw ; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak . Kaya&#039;t ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata , ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao : sapagka&#039;t bawa&#039;t isa ay marumi at manggagawa ng kasamaan , at bawa&#039;t bibig ay nagsasalita ng kamangmangan . Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat . Sapagka&#039;t ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy ; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan : oo , nagaalab na sa siitan sa gubat , at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok . Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain : ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy ; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid . At isa&#039;y susunggab ng kanang kamay , at magugutom ; at kakain ng kaliwa , at hindi sila mabubusog : sila&#039;y magsisikain bawa&#039;t isa ng laman ng kaniyang sariling bisig : Ang Manases , ay kakanin ang Ephraim ; at ang Ephraim , ay ang Manases : at sila kapuwa ay magiging laban sa Juda . Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat . Sa aba nila na nagpapasiya ng mga likong pasiya , at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan : Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan , at upang alisin ang katuwiran ng dukha ng aking bayan , upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam , at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila ! At ano ang inyong gagawin sa araw ng pagdalaw , at sa kagibaan na manggagaling sa malayo ? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo&#039;y tulungan ? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian ? Sila&#039;y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo , at mangabubuwal sa bunton ng mga patay . Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi napawi , kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat . Hoy , taga Asiria , na pamalo ng aking galit , siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit . Aking susuguin siya laban sa maruming bansa , at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya , upang manamsam , at upang manunggab , at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan . Gayon ma&#039;y hindi niya inaakalang gayon , o iniisip mang gayon ng kaniyang puso ; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba , at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti . Sapagka&#039;t kaniyang sinasabi , Hindi baga ang aking mga pangulo ay hari silang lahat ? Hindi baga ang calno ay gaya ng Carchemis ? hindi ba ang Hamath ay gaya ng Arphad ? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco ? Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan , na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria ; Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan , ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga diosdiosan ? Kaya&#039;t mangyayari , na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem , aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria , at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin . Sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan ; sapagka&#039;t ako&#039;y mabait : at aking binago ang mga hangganan ng mga tao , at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan , at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan : At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao ; at ako&#039;y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan : at walang magkilos ng pakpak , o magbuka ng bibig o sumiyap . Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon ? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon ? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon , o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy . Kaya&#039;t pangangayayatin ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , ang kaniyang mga mataba ; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy . At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy , at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab : at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw . At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat , at ng kaniyang pinakikinabangang bukid , ang kaluluwa at gayon din ang katawan : at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat . At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti , na anopat mabibilang ng bata . At mangyayari sa araw na yaon , na ang nalabi sa Israel , at ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob , hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila ; kundi titiwala sa Panginoon , sa Banal ng Israel , sa katotohanan . Isang nalabi ay manunumbalik , sa makatuwid baga&#039;y ang nalabi sa Jacob , sa makapangyarihang Dios . Sapagka&#039;t bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat , ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik : ang pagkalipol ay naipasiya , na magtataglay ng katuwiran . Sapagka&#039;t ang kagibaan , at ang ipinasiya , gagawin ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , sa gitna ng buong lupa . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , Oh bayan kong tumatahan sa Sion , huwag kang matakot sa taga Asiria : bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo , ayon sa paraan ng Egipto . Sapagka&#039;t sangdali pa , at ang pagkagalit ay magaganap , at ang aking galit , sa kanilang ikamamatay . At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo , ang kasakunaan laban sa kaniya , na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb : at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat , at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto . At mangyayari sa araw na yaon , na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat , at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg , at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran . Siya&#039;y dumating sa Ajad , siya&#039;y nagdaan sa Migron ; sa Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan : Sila&#039;y nangagdaraan sa landas ; sila&#039;y nagsituloy na nangagpahinga sa Geba : ang Rama ay nanginginig ; ang Gabaa ni Saul ay tumakas . Humiyaw kang malakas ng iyong tinig , Oh anak na babae ng Galim ! duminig ka , Oh Lais ! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth ! Madmena ay palaboy ; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas . Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob : kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion , na burol ng Jerusalem . Narito , puputulin ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , na kakilakilabot ang mga sanga : at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal , at ang mapagmataas ay ibababa . At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal , at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan . At may lalabas na usbong sa puno ni Isai , at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga : At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya , ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan , ang diwa ng payo at ng katibayan , ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon ; At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon : at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata , ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga : Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha , at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa : at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig , at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama . At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang , at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang . At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero , at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing ; at ang guya , at ang batang leon , at ang patabain na magkakasama ; at papatnubayan sila ng munting bata . At ang baka at ang oso ay manginginain ; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping : at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka . At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas , at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong . Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok : sapagka&#039;t ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon , gaya ng tubig na tumatakip sa dagat . At mangyayari , sa araw na yaon na ang angkan ni Isai , na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan , hahanapin ng mga bansa ; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati . At mangyayari , sa araw na yaon , na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi , mula sa Asiria , at mula sa Egipto , at mula sa Patros , at mula sa Cus , at mula sa Elam , at mula sa Sinar , at mula sa Amath , at mula sa mga pulo ng dagat . At siya&#039;y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa , at titipunin niya ang mga tapon ng Israel , at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa . Ang inggit naman ng Ephraim ay maaalis , at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay : ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda , at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim . At sila&#039;y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran ; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan : kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab ; at susundin sila ng mga anak ni Ammon . At lubos na sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto ; at iwawaswas ang kaniyang kamay sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin , at papagpipituhing batis , at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa . At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan , na malalabi , mula sa Asiria ; gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya&#039;y umahon mula sa lupain ng Egipto . At sa araw na yaon ay iyong sasabihin , Ako&#039;y pasasalamat sa iyo , Oh Panginoon ; sapagka&#039;t bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi , at iyong inaaliw ako . Narito , Dios ay aking kaligtasan ; ako&#039;y titiwala , at hindi ako matatakot : sapagka&#039;t ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit ; at siya&#039;y naging aking kaligtasan . Kaya&#039;t kayo&#039;y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan . At sa araw na yao&#039;y inyong sasabihin , Mangagpasalamat kayo sa Panginoon , kayo&#039;y magsitawag sa kaniyang pangalan , ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan , sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal . Magsiawit kayo sa Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y gumawa ng mga marilag na bagay : ipaalam ito sa buong lupa . Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka , ikaw na nananahan sa Sion : sapagka&#039;t dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo . Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz . Kayo&#039;y mangaglagay ng isang watawa&#039;t sa bundok , na walang punong kahoy , mangaglakas kayo ng tinig sa kanila , inyong senyasan ng kamay , upang sila&#039;y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao . Aking inutusan ang aking mga itinalaga , oo , aking tinawag ang aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit , sa makatuwid baga&#039;y ang nangagagalak sa aking kamahalan . Ang ingay ng karamihan sa mga bundok , gaya ng malaking bayan : ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan ! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka . Sila&#039;y nangagmumula sa malayong lupain , mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit , sa makatuwid baga&#039;y ang Panginoon , at ang mga almas ng kaniyang galit , upang gibain ang buong lupain . Magsiangal kayo ; sapagka&#039;t ang araw ng Panginoon ay malapit na ; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat . Kaya&#039;t lahat ng kamay ay manghihina , at bawa&#039;t puso ng tao ay manglulumo : At sila&#039;y manglulupaypay ; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila ; sila&#039;y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam : mangagkakatigilan ; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab . Narito , ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating , mabagsik , na may poot at mabangis na galit ; upang gawin kagibaan ang lupa , at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon . Sapagka&#039;t ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon , hindi magbibigay ng kanilang liwanag : ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat , at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag . At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan , at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan ; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo , at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot . At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto , ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir . Kaya&#039;t aking panginginigin ang mga langit , at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo , at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit , At mangyayari , na kung paano ang usang hinahabol , at kung paano ang mga tupa na walang pumisan , ay magsisibalik sila bawa&#039;t isa sa kaniyang sariling bayan , at tatakas bawa&#039;t isa sa kaniyang sariling lupain . Bawa&#039;t masusumpungan ay palalagpasan ; at bawa&#039;t nahuli ay mabubuwal sa tabak . Ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata ; ang kanilang mga bahay ay sasamsaman , at ang kanilang mga asawa ay dadahasin . Narito , aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila , na hindi magpapakundangan sa pilak , at tungkol sa ginto , hindi nila kaluluguran . At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata ; at sila&#039;y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata ; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata . At ang Babilonia , ang kaluwalhatian ng mga kaharian , ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo , ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra . Hindi matatahanan kailan man , ni di tatahanan sa buong panahon : ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda ; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan . Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon ; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal ; at mga avestruz ay magsisitahan doon , at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon . At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog , at ang mga chakal sa mga maligayang palasio : at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit , at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay maaawa sa Jacob , at kaniyang pipiliin pa ang Israel , at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain : at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila , at sila&#039;y masasanib sa sangbahayan ni Jacob . At kukunin sila ng mga tao , at dadalhin sila sa kanilang dako : at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon , na mga pinakaaliping lalake at babae : at kanilang bibihagin sila , na nagsibihag sa kanila ; at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila . At mangyayari , sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan , at sa iyong kabagabagan , at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo , Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia , at iyong sasabihin , Kung paano ang mamimighati ay naglikat ! ang bayang ginto ay naglikat ! Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama , ang cetro ng mga pinuno ; Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog , na nagpuno sa mga bansa sa galit , na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman . Ang buong lupa ay nasa katiwasayan , at tahimik : sila&#039;y biglang nagsisiawit . Oo , ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo , at ang mga cedro sa Libano , na nangagsasabi , Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin . Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating ; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo , sa makatuwid baga&#039;y ang lahat na pinakapangulo sa lupa ; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa . Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo , Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin ? ikaw ba&#039;y naging gaya namin ? Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola : ang uod ay nangangalat sa ilalim mo , at tinatakpan ka ng mga uod . Ano&#039;t nahulog ka mula sa langit , Oh tala sa umaga , anak ng umaga ! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa , ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa ! At sinabi mo sa iyong sarili , Ako&#039;y sasampa sa langit , aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios ; at ako&#039;y uupo sa bundok ng kapisanan , sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan : Ako&#039;y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap ; ako&#039;y magiging gaya ng Kataastaasan . Gayon ma&#039;y mabababa ka sa Sheol , sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay . Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo , kanilang mamasdan ka , na mangagsasabi , Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa , na nagpauga ng mga kaharian ; Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan , at gumiba ng mga bayan nito ; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi ? Lahat ng mga hari ng mga bansa , silang lahat , nangatutulog sa kaluwalhatian , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang sariling bahay . Nguni&#039;t ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga , gaya ng bihisan ng mga patay , na tinaga ng tabak , na bumaba sa mga bato ng hukay : gaya ng bangkay na nayapakan ng paa . Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan , sapagka&#039;t iyong sinira ang iyong lupain , iyong pinatay ang iyong bayan ; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi lalagi magpakailan man . Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang ; upang sila&#039;y huwag magsibangon , at ariin ang lupain , at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan . At ako&#039;y babangon laban sa kanila , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at ihihiwalay ko sa Babilonia ang pangalan at ang nalabi , at ang anak at ang anak ng anak , sabi ng Panginoon . Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo , at mga lawa ng tubig : at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa , na nagsabi , Tunay na kung ano ang iniisip ko , gayon ang mangyayari ; at kung ano ang aking pinanukala , gayon mananayo : Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain , at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa ; kung magkagayo&#039;y mahihiwalay ang kaniyang atang sa kanila , at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat . Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa : at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa . Sapagka&#039;t pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo , at sinong wawala ng kabuluhan ? at ang kaniyang kamay na nakaunat , at sinong maguurong ? Nagkaroon ng hulang ito nang taong mamatay ang haring Achaz . Ikaw ay huwag magalak , ikaw na buong Filistia , sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo : sapagka&#039;t sa ahas ay lalabas ang ulupong , at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad . At ang panganay ng dukha ay kakain , at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay : at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan , at ang nalabi sa iyo ay papatayin . Ikaw ay umungal , Oh pintuang-bayan ; ikaw ay humiyaw , Oh bayan ; ikaw ay napugnaw , Oh ikaw na buong Filistia ; sapagka&#039;t lumalabas ang usok na mula sa hilagaan , at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon . Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa ? Na itinayo ng Panginoon ang Sion , at doon nanganganlong ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan . Ang hula tungkol sa Moab . Sapagka&#039;t sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba , at nawalan ng kabuluhan ; sapagka&#039;t sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab , at nawalan ng kabuluhan . Siya&#039;y umahon sa Bayith , at sa Dibon , sa mga mataas na dako , upang umiyak : ang Moab ay umaangal sa Nebo , at sa Medeba : lahat nilang ulo ay kalbo , bawa&#039;t balbas ay gupit . Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang : sa kanilang mga bubungan , at sa kanilang mga luwal na dako , umaangal ang bawa&#039;t isa , na umiiyak ng di kawasa . At ang Hesbon ay humihiyaw , at ang Eleale ; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahas : kaya&#039;t ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas ; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan . Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab , ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar , sa Eglat-selisiyah : sapagka&#039;t sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan : sapagka&#039;t sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan . Sapagka&#039;t ang tubig ng Nimrim ay natuyo , sapagka&#039;t ang damo ay natuyo , ang sariwang damo ay nalalanta , walang sariwang bagay . Kaya&#039;t ang kasaganaan na kanilang tinamo , at ang kanilang tinipon , ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce . Sapagka&#039;t ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab ; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim , at ang angal niya ay hanggang sa Beer-elim . Sapagka&#039;t ang tubig ng Dimon ay nahaluan ng dugo : sapagka&#039;t magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang leon na nakatanan sa Moab , at sa nalabi sa lupain . Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang , hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion . Sapagka&#039;t mangyayari , na gaya ng mga ibong nagsisigala , na gaya ng kalat na pugad , magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon . Magpayo ka , magsagawa ka ng kahatulan ; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat : ikubli mo ang mga tapon ; huwag mong ilitaw ang palaboy . Patirahin mong kasama mo ang aking natapon ; tungkol sa Moab , maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam : sapagka&#039;t ang mamimighati ay mauuwi sa wala , ang pagsamsam ay matitigil , ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain . At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob , at isa&#039;y uupo roon sa katotohanan , sa tabernakulo ni David ; na humahatol at humahanap ng kahatulan , at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran . Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab , na siya&#039;y totoong palalo ; ang kaniyang kahambugan , at ang kaniyang kapalaluan , at ang kaniyang poot , ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala . Kaya&#039;t aangal ang Moab dahil sa Moab , bawa&#039;t isa&#039;y aangal : dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw . Sapagka&#039;t ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina , at ang ubasan ng Sibma ; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon ; sila&#039;y nagsisapit hanggang sa Jazer , sila&#039;y nagsilaboy sa ilang ; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad , sila&#039;y nagsitawid sa dagat . Kaya&#039;t iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma : aking didiligin ka ng aking mga luha , Oh Hesbon , at Eleale ; sapagka&#039;t sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani , dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka . At ang kasayahan ay naalis , at ang kagalakan sa mainam na bukid ; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan , o masayang kaingay man : walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan ; aking pinatigil ang awitan sa pagaani . Kaya&#039;t ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab , at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares . At mangyayari , pagka ang Moab ay humarap , pagka siya&#039;y napagod sa mataas na dako , at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin , ay hindi siya mananaig . Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan . Nguni&#039;t ngayo&#039;y nagsalita ang Panginoon , na nagsasabi , Sa loob ng tatlong taon , na gaya ng mga taon ng isang upahan , ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan ; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga . Ang hula tungkol sa Damasco . Narito , ang Damasco ay naalis sa pagkabayan , at magiging isang buntong ginto . Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan : yao&#039;y magiging sa mga kawan , na hihiga , at walang tatakot . Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim , at mawawalan ng kaharian ang Damasco , at ang nalabi sa Siria ; sila&#039;y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . At mangyayari sa araw na yaon , na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit , at ang katabaan ng kaniyang laman ay mangangayayat . At mangyayari na gaya ng pamumulot ng mangaani ng nakatayong trigo , at ng panggapas ng kaniyang kamay ng mga uhay ; oo , magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa libis ng Ephraim . Gayon ma&#039;y maiiwan doon ang mga pinulot , gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga , apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy , sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel . Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa Maylalang sa kanila , ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel . At sila&#039;y hindi titingin sa mga dambana , na gawa ng kanilang mga kamay , o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri , maging sa mga Asera , o sa mga larawang araw . Sa araw na yao&#039;y ang kanilang mga matibay na bayan ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat , at sa taluktok ng bundok , na pinabayaan sa harap ng angkan ni Israel : at magiging sira . Sapagka&#039;t iyong nilimot ang Dios ng inyong kaligtasan , at hindi mo inalaala ang malaking bato ng iyong kalakasan : kaya&#039;t nagtatanim ka ng mga maligayang pananim , at iyong ibinabaon ang punla ng iba : Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong binabakuran , at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi ; nguni&#039;t nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan . Ah , ang kaingay ng maraming bayan , na nagsisiugong na gaya ng ugong ng mga dagat ; at ang daluhong ng mga bansa , na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng tubig ! Ang mga bansa ay magsisihugos na parang agos ng maraming tubig nguni&#039;t sila&#039;y sasawayin niya , at magsisitakas sa malayo , at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin , at gaya ng ipoipong alabok sa harap ng bagyo . Sa gabi ay narito ang kakilabutan ; at bago dumating ang umaga ay wala na sila . Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin , at ang palad nila na nangagnanakaw sa atin . Ah , ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak , na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia : Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat , sa makatuwid baga&#039;y sa mga sasakyang papiro sa tubig , na nagsasabi , Magsiyaon kayo , maliliksing sugo , sa bansang mataas at patag , sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin ; sa bansang sumusukat at yumayapak , na ang lupain ay hinahati ng mga ilog ! Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan , at kayong mga naninirahan sa lupa , pagka ang isang watawat ay nataas sa mga bundok , inyong tingnan ; at pagka ang pakakak ay hinipan , makinig kayo . Sapagka&#039;t ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin , Ako&#039;y tatahimik , at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan , gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw , gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani . Sapagka&#039;t bago magani , pagka ang bulaklak ay nalagas , at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog , kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong , at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin . Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok , at sa mga hayop sa lupa : at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit , at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa . Sa panahong yao&#039;y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig , at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin ; isang bansa na sumusukat at yumayapak , na ang lupain ay hinahati ng mga ilog , sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo , na bundok ng Sion . Ang hula tungkol sa Egipto . Narito , ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap , at napasasa Egipto : at ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan , at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon . At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio : at lalaban bawa&#039;t isa sa kanikaniyang kapatid , at bawa&#039;t isa laban sa kaniyang kapuwa ; bayan laban sa bayan , at kaharian laban sa kaharian . At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon ; at aking sisirain ang payo niyaon : at sasangguni sila sa mga diosdiosan , at sa mga enkantador , at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , at sa mga manghuhula . At aking ibibigay ang mga Egipcio sa kamay ng mabagsik na panginoon ; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo . At magkukulang ng tubig sa mga dagat , at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo . At ang mga ilog ay babaho ; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo : ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo . Ang mga parang sa pangpang ng Nilo , sa baybayin ng Nilo , at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo , mangatutuyo , mangatatangay , at mangawawala . Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy , at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis , at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata . Bukod dito&#039;y silang nagsisigawa sa mga lino , at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya . At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol , silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban . Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang ; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan : paanong masasabi ninyo kay Faraon , Ako&#039;y anak ng pantas , anak ng mga dating hari ? Saan nangaroon nga ang iyong mga pantas ? at sasabihin nila sa iyo ngayon ; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto . Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang , ang mga pangulo sa Nof ay nangadaya ; kanilang iniligaw ang Egipto , na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi . Naghalo ang Panginoon ng diwa ng kasuwailan sa gitna niya : at iniligaw nila ang Egipto sa bawa&#039;t gawa niya , na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka . Hindi na magkakaroon man sa Egipto ng anomang gawain , na magagawa ng ulo o ng buntot , sanga ng palma , o tambo . Sa araw na yaon ay magiging parang mga babae ang Egipto : at manginginig at matatakot dahil sa bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo , na kaniyang ibinabala . At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto ; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot , dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo , na ipinanukala laban doon . Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto , na mangagsasalita ng wika ng Canaan , at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo ; isa&#039;y tatawagin : Ang bayang giba . Sa araw na yaon ay magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Egipto , at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon . At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto : sapagka&#039;t sila&#039;y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati , at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas , at isang tagapagsanggalang , at kaniyang ililigtas sila . At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto , at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon ; oo , sila&#039;y magsisisamba na may hain at alay , at magsisipanata ng panata sa Panginoon , at tutuparin . At sasaktan ng Panginoon ang Egipto , na nananakit at magpapagaling ; at sila&#039;y manunumbalik sa Panginoon , at siya&#039;y madadalanginan nila , at pagagalingin niya sila . Sa araw na yaon ay magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria , at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto , at ang mga Egipcio ay sa Asiria , at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria . Sa araw na yao&#039;y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria , na pagpapala sa gitna ng lupain : Sapagka&#039;t pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo , na sinasabi , Pagpalain ang bayan kong Egipto , at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay , at ang Israel na aking mana . Nang taong dumating si Tartan kay Asdod , nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria , at siya&#039;y makipaglaban kay Asdod , at sakupin niya ; Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz , na nagsasabi , Ikaw ay yumaon , at kalagin mo ang kayong magaspang sa iyong mga balakang , at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa . At ginawa niyang gayon na lumakad na hubad at walang panyapak . At sinabi ng Panginoon , Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa Etiopia ; Gayon ihahatid ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto , at ang mga tapon sa Etiopia , bata at matanda , hubad at walang panyapak , at may mga pigi na litaw , sa ikapapahiya ng Egipto . At sila&#039;y manganglulupaypay at mangapapahiya , dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian . At ang nananahan sa baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon , Narito , gayon na lamang ang aming pagasa , na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria : at kami paanong makatatanan ? Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng dagat . Kung paanong umiikot ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain . Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin ; ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan , at ang mananamsam ay nananamsam . Umahon ka , Oh Elam ; kumubkob ka , Oh Media ; lahat ng buntong-hininga niya&#039;y aking pinatigil . Kaya&#039;t ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan ; mga hirap ay dinamdam ko , gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam ; ako&#039;y naghihirap na anopa&#039;t hindi ako makarinig ; ako&#039;y nanglulupaypay na anopa&#039;t hindi ako makakita . Ang aking puso ay sumisikdo , kakilabutan ay tumakot sa akin : ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin . Sila&#039;y nangaghanda ng dulang , sila&#039;y nangaglagay ng bantay , sila&#039;y nagsisikain , sila&#039;y nagsisiinom : magsitindig kayo , kayong mga pangulo , inyong ihanda ang kalasag . Sapagka&#039;t ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay yumaon , maglagay ka ng bantay ; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya : At pagka siya&#039;y nakakita ng pulutong , ng mga nangangabayong dalawa&#039;t dalawa , ng mga asno , ng pulutong ng mga kamelyo siya&#039;y masikap na makikinig na ma&#039;y pagiingat . At siya&#039;y umungal na parang leon : Oh Panginoon , ako&#039;y tumatayong lagi sa moog na bantayan kung araw , at ako&#039;y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan : At , narito , dito&#039;y dumarating ang isang pulutong na lalake , mga nangangabayong dalawa&#039;t dalawa . At siya&#039;y sumagot at nagsabi , Babilonia ay nabagsak , nabagsak , at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa . Oh ikaw na aking giniik , at trigo ng aking giikan : ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo , sa Dios ng Israel , aking ipinahayag sa iyo . Ang hula tungkol sa Duma . May tumatawag sa akin mula sa Seir , Bantay , anong nangyari sa gabi ? Bantay , anong nangyari sa gabi ? Sinabi ng bantay , Ang umaga ay dumarating , at gayon din ang gabi : kung inyong uusisain , usisain ninyo : magsipihit kayo , parito kayo . Ang hula tungkol sa Arabia . Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo , Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga Dedaneo . Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig ; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag . Sapagka&#039;t kanilang tinatakasan ang mga tabak , ang bunot na tabak , at ang akmang busog , at ang lala ng digmaan . Sapagka&#039;t ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin , Sa loob ng isang taon , ayon sa mga taon ng magpapaupa , ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar ay mapapawi : At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog , sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar , ay mangiilan : sapagka&#039;t ang Panginoon , ang Dios ng Israel , siyang nagsalita . Ang hula tungkol sa libis ng pangitain . Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan ? Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan , magulong bayan , masayang bayan ; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak , o nangamatay man sila sa pakikipagbaka . Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama , nangatalian ng mga mangbubusog : lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama , nagsitakas na malayo . Kaya&#039;t sinabi ko , Bayaan ninyo ako , ako&#039;y iiyak na may kapanglawan ; huwag ninyong sikaping aliwin ako , ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan . Sapagka&#039;t araw na pagkatulig at ng pagyurak , at ng pagkalito , mula sa Panginoon , mula sa Panginoon ng mga hukbo , sa libis ng pangitain ; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok . At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana , may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo ; at ang Kir ay Bunot ang kalasag . At nangyari , na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo , at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan . At kaniyang inalis ang takip ng Juda ; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay na kahoy sa gubat . At inyong nakita ang mga sira ng bayan ni David , na napakarami : at inyong pinisan ang tubig ng mababang tangke . At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem , at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta . Kayo&#039;y nagsigawa naman ng tipunang tubig sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke . Nguni&#039;t hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito , o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na . At nang araw na yao&#039;y tumawag ang Panginoon , ang Panginoon ng mga hukbo , sa pagiyak , at sa pagtangis , at sa pagkakalbo , at sa pagbibigkis ng kayong magaspang . At , narito , kagalakan at kasayahan , pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa , pagkain ng karne , at paginom ng alak : Tayo&#039;y magsikain at magsiinom , sapagka&#039;t bukas tayo ay mangamamatay . At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig , Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo&#039;y mangamatay , sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Panginoon ng mga hukbo , Ikaw ay yumaon , pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito sa makatuwid baga&#039;y kay Sebna , na katiwala sa bahay , at iyong sabihin , Anong ginagawa mo rito ? at sinong ibinaon mo rito , na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo ? na gumagawa ka ng libingan sa itaas , at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato ! Narito , ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao : oo , kaniyang hihigpitan ka . Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain ; doon ka mamamatay , at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian , ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon . At aalisin kita sa iyong katungkulan , at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka . At mangyayari sa araw na yaon , na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias : At aking susuutan siya ng iyong balabal , at patitibayin siya ng iyong pamigkis , at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay : at siya&#039;y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa sangbahayan ni Juda . At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat ; at siya&#039;y magbubukas , at walang magsasara ; at siya&#039;y magsasara , at walang magbubukas . At aking ikakapit siya na parang pako sa isang matibay na dako ; at siya&#039;y magiging pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang . At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang , ang mga anak at ang angkan , bawa&#039;t sisidlan , mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan . Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako ; at mababalikwat , at mahuhulog , at ang mga sabit niyaon ay malalaglag ; sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon . Ang hula tungkol sa Tiro . Magsiangal kayo , kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis ; sapagka&#039;t nasira , na anopa&#039;t walang bahay , walang pasukan : mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila . Magsitahimik kayo , kayong mga nananahan sa baybayin ; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon , na nagdaraan sa dagat . At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor , ang ani ng Nilo , naging kaniyang pakinabang ; at siya&#039;y naging pamilihan ng mga bansa . Mahiya ka , O Sidon : sapagka&#039;t sinalita ng dagat , ng tanggulan ng dagat , na sinasabi , hindi ako nagdamdam , o nanganak man , o nagalaga man ako ng mga binata , o nagpalaki ng mga dalaga . Pagka ang balita ay dumating sa Egipto , ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro . Mangagpatuloy kayo sa Tarsis : magsiangal kayo , kayong mga nananahan sa baybayin . Ito baga ang inyong masayang bayan , na matanda na mula pa noong unang araw , na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan ? Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong , na ang mga manininda ay mga pangulo , na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa . Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo , upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian , upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa ? Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo , Oh anak na babae ng Tarsis ; wala ka ng lakas . Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat , kaniyang niyanig ang mga kaharian : ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan , upang gibain ang mga kuta niyaon . At kaniyang sinabi , Ikaw ay hindi na magagalak pa , Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon ; bumangon ka , magdaan ka sa Chittim : doon ma&#039;y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan . Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo ; ang bayang ito ay wala na ; inilaan ng taga Asiria para sa mga hayop sa ilang ; kanilang itinayo ang kanilang mga moog ; iginiba nila ang mga palacio niyaon : kaniyang pinapaging isang guho . Magsiangal kayo , kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis : sapagka&#039;t ang inyong tanggulan ay giba . At mangyayari , sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang pitong pung taon , ayon sa mga kaarawan ng isang hari : pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot . Ikaw ay humawak ng alpa , lumibot ka sa bayan , ikaw na patutot na nalimutan ; magpainam ka ng tinig , umawit ka ng maraming awit , upang ikaw ay maalaala . At mangyayari , sa katapusan ng pitong pung taon , na dadalawin ng Panginoon ang Tiro , at pagbabalikan niya ang kaniyang upa , at magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa . At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay itatalaga sa Panginoon : hindi itatago o isisimpan man , sapagka&#039;t ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon , upang magsikaing may kabusugan , at manamit na mainam . Narito , pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa , at sinisira , at binabaligtad , at pinangangalat ang mga nananahan doon . At mangyayari , na kung paano sa mga tao , gayon sa saserdote ; kung paano sa alipin , gayon sa kaniyang panginoon ; kung paano sa alilang babae , gayon sa kaniyang panginoong babae ; kung paano sa mamimili , gayon sa nagbibili ; kung paano sa mapagpahiram , gayon sa manghihiram ; kung paano sa mapagpatubo , gayon sa pinatutubuan . Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman , at lubos na masasamsaman ; sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon ang salitang ito . Ang lupa ay tumatangis at nasisira , ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata , ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina . Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon ; sapagka&#039;t kanilang sinalangsang ang kautusan , binago ang alituntunin , sinira ang walang hanggang tipan . Kaya&#039;t nilamon ng sumpa ang lupa , at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin ; kaya&#039;t ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog , at nangagilan ang tao . Ang bagong alak ay pinabayaan , ang puno ng ubas ay nalanta , lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga . Ang saya ng mga pandereta ay naglikat , ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas , ang galak ng alpa ay naglikat . Sila&#039;y hindi magsisiinom ng alak na may awitan ; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon . Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak : bawa&#039;t bahay ay nasarhan , upang walang taong makapasok doon . May daing sa mga lansangan dahil sa alak ; lahat ng kagalakan ay naparam , ang kasayahan sa lupa ay nawala . Naiwan sa bayan ay kagibaan , at ang pintuang-bayan ay nawasak . Sapagka&#039;t ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo , gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani . Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig , sila&#039;y magsisihiyaw ; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat . Kaya&#039;t luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan , sa makatuwid baga&#039;y ang pangalan ng Panginoon , ng Dios ng Israel , sa mga pulo ng dagat . Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit , kaluwalhatian sa matuwid . Nguni&#039;t aking sinabi , Namamatay ako , namamayat ako , sa aba ko ! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan , oo , ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan . Takot , at ang hukay , at ang silo ay nangasa iyo , Oh nananahan sa lupa . At mangyayari , na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay ; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo : sapagka&#039;t ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan , at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga . Ang lupa ay nagibang lubos , ang lupa ay lubos na nasira , ang lupa ay nakilos ng di kawasa . Ang lupa ay gigiray na parang lango , at mauuga na parang dampa ; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya , at mabubuwal , at hindi na magbabangon . At mangyayari , sa araw na yaon , na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas , at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa . At sila&#039;y mangapipisan , gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay , at masasarhan sa bilangguan , at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila . Kung magkagayo&#039;y malilito ang buwan , at ang araw ay mapapahiya ; sapagka&#039;t ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion , at sa Jerusalem ; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian . Oh Panginoon , ikaw ay aking Dios ; aking ibubunyi ka , aking pupurihin ang iyong pangalan ; sapagka&#039;t ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay , sa makatuwid baga&#039;y ang iyong binalak noong una , sa pagtatapat at katotohanan . Sapagka&#039;t iyong pinapaging isang bunton ang isang bayan , ang bayang matibay ay pinapaging isang guho : ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan ; hindi matatayo kailan man . Kaya&#039;t luluwalhatiin ka ng matibay na bayan , ang bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo . Sapagka&#039;t ikaw ay naging ampunan sa dukha , ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan , silongan sa bagyo , lilim sa init , pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta . Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa ; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap , matitigil ang awit ng mga kakilakilabot . At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan , ng isang kapistahan ng mga matabang bagay , ng isang kapistahan ng mga alak na laon , ng mga matabang bagay na puno ng utak , ng mga alak na laon na totoong sala . At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan , at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa . Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man ; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha ; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa : sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon . At sasabihin sa araw na yaon , Narito , ito&#039;y ating Dios ; hinintay natin siya , at ililigtas niya tayo : ito ang Panginoon ; ating hinintay siya , tayo&#039;y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas . Sapagka&#039;t sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon ; at ang Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako , gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi . At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon , gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy : at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay . At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay kaniyang ibinaba , giniba , at ibinagsak sa lupa , hanggang sa alabok . Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda : Tayo ay may matibay na bayan ; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan . Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan , upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan . Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan , na ang pagiisip ay sumasa iyo : sapagka&#039;t siya&#039;y tumitiwala sa iyo . Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man : sapagka&#039;t nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato . Sapagka&#039;t ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas , na mapagmataas na bayan : kaniyang ibinaba , ibinaba hanggang sa lupa : kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok . Yayapakan ng paa , sa makatuwid baga&#039;y ng mga paa ng dukha , at ng mga hakbang ng mapagkailangan . Ang daan ng ganap ay katuwiran : ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap . Oo , sa daan ng iyong mga kahatulan , Oh Panginoon , nangaghintay kami sa iyo : sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa . Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi ; oo , ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap : sapagka&#039;t pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan . Magpakita man ng awa sa masama , hindi rin siya matututo ng katuwiran ; sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian , at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon . Panginoon , ang iyong kamay ay nakataas , gayon ma&#039;y hindi nila nakikita : nguni&#039;t makikita nila ang iyong sikap sa bayan , at mangapapahiya ; oo , sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway . Panginoon , ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin : sapagka&#039;t ikaw rin ang gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin . Oh Panginoon naming Dios , ang ibang mga panginoon , bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin ; nguni&#039;t ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan . Sila&#039;y patay , sila&#039;y hindi mabubuhay ; sila&#039;y namatay , sila&#039;y hindi babangon : kaya&#039;t iyong dinalaw at sinira sila , at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila . Iyong pinarami ang bansa , Oh Panginoon , iyong pinarami ang bansa ; ikaw ay nagpakaluwalhati : iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain . Panginoon , sa kabagabagan ay dinalaw ka nila , sila&#039;y nangagbugso ng dalangin , nang pinarurusahan mo sila . Gaya ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak , ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam ; naging gayon kami sa harap mo , Oh Panginoon . Kami ay nangagdalang-tao , kami ay nalagay sa pagdaramdam , kami ay tila nanganak ng hangin ; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa ; o nabuwal man ang mga nananahan sa sanglibutan . Ang iyong mga patay ay mangabubuhay ; ang aking patay na katawan ay babangon . Magsigising at magsiawit , kayong nagsisitahan sa alabok : sapagka&#039;t ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo , at iluluwa ng lupa ang mga patay . Ikaw ay parito , bayan ko , pumasok ka sa iyong mga silid , at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo : magkubli kang sangdali , hanggang sa ang galit ay makalampas ; Sapagka&#039;t , narito , ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan : ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo , at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay . Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon , ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas , at ang leviatan na lumilikaw na ahas , at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat . Sa araw na yaon : Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak . Akong Panginoon ang nagiingat ; aking didiligin tuwituwina : baka saktan ng sinoman , aking iingatan gabi&#039;t araw . Kagalitan ay hindi sumasa akin : kung makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin ! akin yaong yayapakan , aking susunuging magkakasama . O manghawak sana siya sa aking lakas , upang siya&#039;y makipagpayapaan sa akin ; oo , makipagpayapaan siya sa akin . Sa mga araw na darating ay maguugat ang Jacob ; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko : at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan . Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon , na nanakit sa kaniya ? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila , na napatay niya ? Sa sukat , pagka iyong pinayayaon siya , ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya ; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin . Kaya&#039;t sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob , at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan : pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang ang mga Asera at ang mga Iarawang araw ay hindi na matatayo . Sapagka&#039;t ang bayang nakukutaan ay nagiisa , isang tahanang pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang : doon manginginain ang guya , at doon hihiga , at kakainin ang mga sanga niyaon . Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo , babaliin ; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy : sapagka&#039;t bayan na walang unawa ; kaya&#039;t ang gumawa sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila , at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap . At mangyayari sa araw na yaon , na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos ng ilog hanggang sa batis ng Egipto , at kayo&#039;y mapipisang isa isa , Oh kayong mga anak ni Israel . At mangyayari sa araw na yaon , na ang malaking pakakak ay hihipan ; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito , at silang mga tapon sa lupain ng Egipto ; at sila&#039;y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem . Sa aba ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim , at ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan , na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak ! Narito , ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo parang bagyo ng granizo , na manggigibang bagyo , parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha , ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay . Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa : At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan , na nasa ulunan ng mainam na libis , magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit ; na kung nakikita ng tumitingin , samantalang na sa kaniyang kamay pa , kinakain na niya . Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo , at pinakadiadema ng kagandahan , sa nalabi sa kaniyang bayan ; At pinaka diwa ng kahatulan sa kaniya na nauupo sa kahatulan , at pinakalakas sa kanila na umuurong sa pakikipagbaka hanggang sa pintuang-daan . Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak , at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay ; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak , sila&#039;y nangasakmal ng alak , sila&#039;y pahapayhapay dahil sa matapang na alak : sila&#039;y nangamamali sa pangitain , sila&#039;y nangatitisod sa paghatol . Sapagka&#039;t lahat ng mga dulang ay puno ng suka , at ng karumihan , na anopa&#039;t walang dakong malinis . Kanino siya magtuturo ng kaalaman ? at kanino niya ipatatalastas ang balita ? silang nangalayo sa gatas , at nangahiwalay sa suso ? Sapagka&#039;t utos at utos : utos at utos ; bilin at bilin , bilin at bilin ; dito&#039;y kaunti , doo&#039;y kaunti . Hindi , kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba&#039;t ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito . Na kaniyang pinagsabihan , Ito ang kapahingahan , papagpahingahin ninyo siya na pagod ; at ito ang kaginhawahan : gayon ma&#039;y hindi nila pinakinggan . Kaya&#039;t ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila&#039;y utos at utos , utos at utos ; bilin at bilin , bilin at bilin ; dito&#039;y kaunti , doo&#039;y kaunti ; upang sila&#039;y mangakayaon , at mangapahinga , at mangabalian , at mangasilo , at mangahuli . Kaya&#039;t iyong dinggin ang salita ng Panginoon , ninyong mga mangduduwahaging tao , na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem : Sapagka&#039;t inyong sinabi , Tayo&#039;y nakipagtipan sa kamatayan , at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo ; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan , hindi darating sa atin ; sapagka&#039;t ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan , at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo , Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato , isang batong subok , isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan : ang naniniwala ay hindi magmamadali . At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran , at pinakapabato ang kabanalan : at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan , at aapawan ng tubig ang taguang dako . At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan , at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi ; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan , kayo nga&#039;y ipapahamak niyaon . Sa tuwing dadaan , tatangayin kayo ; sapagka&#039;t tuwing umaga ay daraan , sa araw at sa gabi : at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas . Sapagka&#039;t ang higaan ay lalong maikli na hindi maunatan ng tao ; at ang kumot ay lalong makitid na hindi makabalot sa kaniya . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng Perasim , siya&#039;y napopoot na gaya sa libis ng Gabaon ; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain , ang kaniyang kakaibang gawain , at papangyarihin ang kaniyang gawain , ang kaniyang kakaibang gawain . Huwag nga kayong mapagtuya , baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay : sapagka&#039;t ang paglipol na ipinasiya , narinig ko sa Panginoon , sa Panginoon ng mga hukbo , sa buong lupa . Pakinggan ninyo , at dinggin ninyo ang aking tinig , inyong dinggin , at pakinggan ang aking pananalita . Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik ? Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa . Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo , at ikinakalat ang binhing comino , at inihahanay ang trigo , at ang cebada sa takdang dako , at ang espelta sa hangganan niyaon ? Sapagka&#039;t itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios , at itinuturo sa kaniya : Sapagka&#039;t ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas , o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino ; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod , at ang comino ay ng pamalo . Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling ; sapagka&#039;t hindi laging magigiik : at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo , hindi niya ginigiling . Gayon ma&#039;y ito&#039;y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo , na kamanghamangha sa payo , at marilag sa karunungan . Hoy Ariel , Ariel , na bayang hinantungan ni David ! magdagdag kayo ng taon sa taon ; magdiwang sila ng mga kapistahan : Akin ngang pahihirapan ang Ariel , at magsisitangis at mananaghoy : at siya&#039;y magiging gaya ng Ariel sa akin . At ako&#039;y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot , at kukubkubin kita ng mga kuta , at ako&#039;y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo . At ikaw ay mabababa , at magsasalita mula sa lupa , at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok : at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu , mula sa lupa , at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok . Nguni&#039;t ang karamihan ng iyong mga kaaway ay magiging gaya ng munting alabok , at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay gaya ng ipang inililipad ng hangin : oo , magiging sa biglang sandali . Siya&#039;y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog , at ng lindol , at ng malaking kaingay , ng ipoipo at bagyo , at ng liyab ng mamumugnaw na apoy . At ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel , lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta , at ang nagpapahirap sa kaniya , ay magiging gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi . At mangyayari , na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip , at , narito , siya&#039;y kumakain ; nguni&#039;t siya&#039;y nagigising , at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman : o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip , at , narito , siya&#039;y umiinom ; nguni&#039;t siya&#039;y nagigising , at , narito , siya&#039;y malata , at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw : gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa , na nagsisilaban sa bundok ng Sion . Kayo&#039;y mangatigilan at manganggilalas ; kayo&#039;y mangalugod at mangabulag : sila&#039;y lango , nguni&#039;t hindi sa alak ; sila&#039;y gumigiray , nguni&#039;t hindi sa matapang na alak . Sapagka&#039;t inihulog ng Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog , at ipinikit ang inyong mga mata , na mga propeta ; at ang iyong mga pangulo , na mga tagakita , ay kaniyang tinakpan . At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo&#039;y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan , na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa , na sinasabi , Iyong basahin ito , isinasamo ko sa iyo : at kaniyang sinasabi , Hindi ko mababasa , sapagka&#039;t natatatakan ; At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong , na sinasabi , Iyong basahin ito , isinasamo ko sa iyo : at kaniyang sinasabi , Ako&#039;y hindi marunong bumasa . At sinabi ng Panginoon , Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin , at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi , nguni&#039;t inilayo ang kanilang puso sa akin , at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila : Dahil dito narito , pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito , isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha : at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay mapapawi , at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid . Sa aba nila , na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo , at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman , at kanilang sinasabi , Sinong nakakakita sa atin ? at sinong nakakakilala sa atin ? Kayo&#039;y nangagbabaligtad ng mga bagay ! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok ; upang sabihin ng bagay na yari sa may-gawa sa kaniya , Hindi niya ginawa ako ; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo , Siya&#039;y walang unawa ? Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang , at ang Libano ay magiging mainam na bukid , at ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat ? At sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat , at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman . At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon , ang maamo , at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel . Sapagka&#039;t ang kakilakilabot ay nauwi sa wala , at ang mangduduwahagi ay naglilikat , at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay : Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin , at naglalagay ng silo doon sa sumasaway sa pintuang-bayan , at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , na siyang tumubos kay Abraham , tungkol sa sangbahayan ni Jacob , Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha . Nguni&#039;t pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak , ang gawa ng aking mga kamay , sa gitna niya , ay kanilang aariing banal ang aking pangalan ; oo , kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob , at magsisitayong may takot sa Dios ng Israel . Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa , at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral . Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak , sabi ng Panginoon , na nagsisisangguni , nguni&#039;t hindi sa akin ; at nangagaalay ng alay , nguni&#039;t hindi sa aking Espiritu , upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan : Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto , at hindi nangagtanong sa aking bibig ; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon , at magsitiwala sa lilim ng Egipto ! Kaya&#039;t ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan , at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito . Sapagka&#039;t ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan , at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes . Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan , na hindi tulong o pakinabang man , kundi kahihiyan , at kakutyaan din naman . Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan . Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan , na pinanggagalingan ng leong babae at lalake , ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas , kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno , at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo , sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan . Sapagka&#039;t ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan , at walang kapararakan : kaya&#039;t aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo . Ngayo&#039;y yumaon ka , isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato , at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan . Sapagka&#039;t mapanghimagsik na bayan , mga sinungaling na anak , mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon : Na nagsasabi sa mga tagakita , Huwag kayong kumita ; at sa mga propeta , Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay , magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay , manghula kayo ng mga magdarayang bagay : Humiwalay kayo sa daan , lumihis kayo sa landas , papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Banal ng Israel , Sapagka&#039;t inyong hinamak ang salitang ito , at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan , at yaon ay inyong inaasahan : Kaya&#039;t ang kasamaang ito ay magiging sa inyo&#039;y gaya ng batong sira na madaling mababagsak , na natatanggal sa isang matayog na pader , na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali . At yao&#039;y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok , na nababasag na putolputol na walang matitira ; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon , na maikukuha ng apoy mula sa apuyan , o maikakadlo ng tubig sa balon . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , ng Banal ng Israel , Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo ; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas . At hindi ninyo inibig . Kundi inyong sinabi , Hindi , sapagka&#039;t kami ay magsisitakas na mangangabayo : kaya kayo&#039;y magsisitakas : at , Kami ay magsisisakay sa mga maliksi ; kaya&#039;t silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi . Isang libo ay tatakas sa saway ng isa ; sa saway ng lima ay tatakas kayo : hanggang sa kayo&#039;y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok , at gaya ng isang watawat sa isang burol . At dahil dito maghihintay ang Panginoon , upang siya&#039;y maging mapagbiyaya sa inyo , at kaya&#039;t mabubunyi siya , na siya&#039;y magdadalang habag sa inyo : sapagka&#039;t ang Panginoon ay Dios ng kahatulan ; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya . Sapagka&#039;t ang bayan ay tatahan sa Sion sa Jerusalem : ikaw ay hindi na iiyak pa ; siya&#039;y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing ; pagka kaniyang maririnig , sasagutin ka niya . At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian , gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo , kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo : At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo , na nagsasabi , Ito ang daan , lakaran ninyo ; pagka kayo&#039;y pumipihit sa kanan , at pagka kayo&#039;y pumipihit sa kaliwa . At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo : iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay : iyong sasabihin , Humayo ka . At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi , na iyong hahasikan ang lupa ; at ng pagkaing bunga ng lupa , at magiging mataba at sagana . Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan . Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain , na pinahanginan ng pala at hunkoy . At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok , at sa lahat na matayog na burol , sa araw ng malaking patayan , pagka ang mga moog ay nabubuwal . Bukod dito&#039;y ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw , at ang liwanag ng araw ay magpipito , na gaya ng liwanag ng pitong araw , sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan , at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat . Narito , ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo , na nagniningas ng kaniyang galit , at nasa umiilanglang na salimuot na usok : ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit , at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy : At ang kaniyang hinga ay gaya ng umaapaw na ilog , na umaabot hanggang sa leeg , upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira ; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw ay malalagay sa mga panga ng mga bayan . Kayo&#039;y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang ; at kasayahan ng puso , na gaya ng yumayaon na may plauta upang masok sa bundok ng Panginoon , sa malaking Bato ng Israel . At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig , at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig , na may pagkagalit ng kaniyang galit , at ng liyab ng mamumugnaw na apoy , na may bugso ng ulan , at bagyo , at granizo , Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria , na nananakit ng pamalo . At bawa&#039;t hampas ng takdang tungkod , na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya , mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa ; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila , Sapagka&#039;t ang Topheth ay handa nang malaon ; oo , sa ganang hari ay inihanda ; kaniyang pinalalim at pinalaki : ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy : ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre , ay nagpapaningas ng apoy . Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong , at nagsisiasa sa mga kabayo ; at nagsisitiwala sa mga karo , sapagka&#039;t marami , at sa mga mangangabayo , sapagka&#039;t mga totoong napakalakas ; nguni&#039;t hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel , o hinahanap man ang Panginoon ! Gayon ma&#039;y siya&#039;y pantas , at magdadala ng kasamaan , at hindi iuurong ang kaniyang mga salita , kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan , at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan . Ang mga Egipcio nga ay mga tao , at hindi Dios ; at ang kanilang mga kabayo ay laman , at hindi diwa : at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay , siyang tumutulong ay matitisod , at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal , at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon sa akin , Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli , pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya , na hindi siya matatakot sa kanilang tinig , o maduduwag man dahil sa ingay nila : gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion , at sa burol niyaon upang makipaglaban . Gaya ng mga ibong nagsisilipad gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem ; yao&#039;y kaniyang aampunin at ililigtas , siya&#039;y daraan at iingatan niya , Kayo&#039;y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan lubha , Oh mga anak ni Israel . Sapagka&#039;t sa araw na yaon ay itatapon ng bawa&#039;t tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak , at ang kaniyang mga diosdiosang ginto , na ginawa ng inyong sariling mga kamay , sa ganang inyo ay naging kasalanan , Kung magkagayo&#039;y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak , na hindi sa tao : at ang tabak , na hindi sa mga tao , lalamon sa kaniya : at kaniyang tatakasan ang tabak , at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis . At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan , dahil sa kakilabutan , at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak sa watawat , sabi ng Panginoon , na ang kaniyang apoy ay nasa Sion , at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem . Narito , isang hari ay maghahari sa katuwiran , at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan . At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin , at kanlungan sa bagyo , gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako , gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain . At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo , at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig . Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman , at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw . Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob . Sapagka&#039;t ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan , at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan , upang magsanay ng paglapastangan , at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon , upang alisan ng makakain ang taong gutom , at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw . Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama : siya&#039;y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita , pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid . Nguni&#039;t ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya ; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya . Kayo&#039;y magsibangon , kayong mga babaing tiwasay , at dinggin ninyo ang tinig ko ; ninyong mga walang bahalang anak na babae , pakinggan ninyo ang aking pananalita . Sapagka&#039;t sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo , kayong mga walang bahalang babae : sapagka&#039;t ang ani ng ubas ay magkukulang , ang pagaani ay hindi darating . Kayo&#039;y magsipanginig , kayong mga babaing tiwasay ; kayo&#039;y mangabagabag , kayong mga walang bahala ; kayo&#039;y magsipaghubo , at kayo&#039;y magsipaghubad , at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang . Sila&#039;y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang , dahil sa mabungang puno ng ubas . Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag ; oo , sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan : Sapagka&#039;t ang bahay-hari ay mapapabayaan ; ang mataong bayan ay magiging ilang ; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man , kagalakan ng mga mailap na asno , pastulan ng mga kawan ; Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas , at ang ilang ay maging mabungang bukid , at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat . Kung magkagayo&#039;y tatahan ang kahatulan sa ilang , at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid . At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan ; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man . At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan , at sa mga tiwasay na tahanan , at sa mga tahimik na dako na pahingahan . Nguni&#039;t lalagpak ang granizo , sa ikasisira ng gubat ; at ang bayan ay lubos na mawawasak . Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig , na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno . Sa aba mo na sumasamsam , at ikaw ay hindi nasamsaman ; at gumagawa na may kataksilan , at sila&#039;y hindi gumawang may kataksilan sa iyo ! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam , ikaw ay sasamsaman ; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan , sila&#039;y gagawang may kataksilan sa iyo . Oh Panginoon , magmahabagin ka sa amin ; aming hinintay ka : ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga ; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan . Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan ; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa . At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod : kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao . Ang Panginoon ay nahayag ; sapagka&#039;t siya&#039;y tumatahan sa mataas : kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran . At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon , kasaganaan ng kaligtasan , karunungan at kaalaman : ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan . Narito , ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas ; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam . Ang mga lansangan ay sira , ang palalakad na tao ay naglilikat : kaniyang sinira ang tipan , kaniyang hinamak ang mga bayan , hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao . Ang lupain ay nananangis at nahahapis : ang Libano ay nahihiya at natutuyo : ang Saron ay gaya ng isang ilang ; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon . Ngayo&#039;y babangon ako , sabi ng Panginoon ; ngayo&#039;y magpapakataas ako ; ngayo&#039;y magpapakadakila ako . Kayo&#039;y mangaglilihi ng ipa , kayo&#039;y manganganak ng dayami : ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo . At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog : gaya ng mga putol na mga tinik , na mga nasusunog sa apoy . Pakinggan ninyo , ninyong nangasa malayo , kung ano ang aking ginawa ; at kilalanin ninyo , na nangasa malapit , ang aking kapangyarihan . Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot ; nanginginig ang mga masasama . Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy ? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas ? Siyang lumalakad ng matuwid , at nagsasalita ng matuwid ; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian , na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol , na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo , at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan ; Siya&#039;y tatahan sa mataas , ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato : ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya ; ang kaniyang tubig ay sagana . Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan : sila&#039;y tatanaw sa isang lupaing malawak . Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan : saan nandoon siya na bumibilang , saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis ? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog ? Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan , ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas , na may ibang wika na hindi mo mauunawa . Tumingin ka sa Sion , ang bayan ng ating mga takdang kapistahan : makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan , isang tabernakulo na hindi makikilos , ang mga tulos niyao&#039;y hindi mangabubunot kailan man , o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon . Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan , na dako ng mga maluwang na ilog at batis ; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod , o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay ating hukom , ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan , ang Panginoon ay ating hari ; kaniyang ililigtas tayo . Ang iyong mga tali ay nangakalag : hindi nila mapatibay ang kanilang palo , hindi nila mailadlad ang layag : ang huli nga na malaking samsam ay binahagi ; ang pilay ay kumuha ng huli . At ang mamamayan ay hindi magsasabi , Ako&#039;y may sakit : ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan . Kayo&#039;y magsilapit , kayong mga bansa , upang mangakinig ; at dinggin ninyo , ninyong mga bayan : dinggin ng lupa at ng buong narito ; ng sanglibutan , at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa , at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo : kaniyang lubos na nilipol sila , kaniyang ibinigay sila sa patayan . Ang kanilang patay naman ay matatapon , at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw , at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo . At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol , at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid : at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas , at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos . Sapagka&#039;t ang aking tabak ay nalango sa langit : narito , yao&#039;y bababa sa Edom , at sa bayan ng aking sumpa , sa kahatulan . Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo , tumaba ng katabaan , sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing , sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa : sapagka&#039;t may hain sa Panginoon sa Bosra , at may malaking patayan sa lupain ng Edom . At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro , at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo , at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan . Sapagka&#039;t kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon , na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion . At ang mga batis niya ay magiging sahing , at ang alabok niya ay azufre , at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing . Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man ; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man : sa buong panahon ay malalagay na sira ; walang daraan doon magpakailankailan man . Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo ; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon : at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito , at ang pabatong pangpawala ng tao . Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian , nguni&#039;t mawawalan doon ; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala . At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio , mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon : at magiging tahanan ng mga chakal , looban ng mga avestruz . At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo , at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama ; oo , ang malaking kuwago ay tatahan doon , at makakasumpong siya ng dakong pahingahan . Doon maglulungga ang maliksing ahas , at mangingitlog , at mangapipisa , at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim ; oo , doon magpipisan ang mga lawin , bawa&#039;t isa&#039;y kasama ng kaniyang kasamahan . Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon , at inyong basahin : kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang , walang mangangailangan ng kaniyang kasama ; sapagka&#039;t iniutos ng aking bibig , at pinisan sila ng kaniyang Espiritu . At kaniyang pinagsapalaran , at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat : kanilang aariin magpakailan man , sa sali&#039;t saling lahi ay tatahan sila roon . Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasaya ; at ang ilang ay magagalak , at mamumulaklak na gaya ng rosa . Mamumulaklak ng sagana , at magagalak ng kagalakan at awitan ; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon , ang karilagan ng Carmel at ng Saron : kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon , ang karilagan ng ating Dios . Inyong palakasin ang mga mahinang kamay , at patatagin ang mga mahinang tuhod . Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso , Kayo&#039;y mangagpakatapang , huwag kayong mangatakot : narito , ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti , may kagantihan ng Dios ; siya&#039;y paririto at ililigtas kayo . Kung magkagayo&#039;y madidilat ang mga mata ng bulag , at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan . Kung magkagayo&#039;y lulukso ang pilay na parang usa , at ang dila ng pipi ay aawit : sapagka&#039;t sa ilang ay bubukal ang tubig , at magkakailog sa ilang . At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa , at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig ; sa tahanan ng mga chakal , na kanilang hinihiligan , magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok . At magkakaroon doon ng isang lansangan , at ng isang daan , at tatawagin Ang daan ng kabanalan ; ang marumi ay hindi daraan doon ; kundi magiging sa kaniyang bayan : ang mga palalakad na tao , oo , maging ang mga mangmang , ay hindi mangaliligaw roon . Hindi magkakaroon ng leon doon , o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop , hindi mangasusumpungan doon ; kundi ang nangatubos ay lalakad doon . At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik , at magsisiparoong nagaawitan sa Sion ; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo : sila&#039;y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan , at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam . Nangyari nga nang ikalabing apat na taon ng haring Ezechias , na umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda , at pinagsakop . At sinugo ng hari sa Asiria si Rabsaces sa Jerusalem mula sa Lachis sa haring Ezechias , na may malaking hukbo . At siya&#039;y tumayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng lalong mataas na tipunan ng tubig sa lansangan ng parang ng tagapagpaputi . Nang magkagayo&#039;y nilabas siya ni Eliacim na anak ni Hilcias , na katiwala sa bahay , at ni Sebna na kalihim , at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni . At sinabi ni Rabsaces sa kanila , Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias , Ganito ang sabi ng dakilang hari , ng hari sa Asiria , Anong pagasa itong iyong tinitiwalaan ? Aking sinasabing ang iyong payo at kalakasan sa pakikidigma ay mga salita lamang na walang kabuluhan : ngayo&#039;y kanino ka tumitiwala na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin ? Narito , ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na tambong lapok , sa makatuwid baga&#039;y sa Egipto , na kung ang sinoman ay sumandal , ay bubutas sa kaniyang kamay , at tatasakan : nagiging gayon si Faraong hari sa Egipto sa lahat na nagsisitiwala sa kaniya . Nguni&#039;t kung iyong sabihin sa akin , Kami ay nagsisitiwala sa Panginoon naming Dios : hindi baga siya&#039;y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako at ng mga dambana , at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem , Kayo&#039;y magsisisamba sa harap ng dambanang ito ? Ngayon nga isinasamo ko sa iyo , na magbigay ka ng mga sanla sa aking panginoon na hari sa Asiria , at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo , kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mananakay sa mga yaon . Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang kapitan sa pinakamababa sa mga alipin ng aking panginoon , at ilalagak mo ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at dahil sa mga mangangabayo ? At ako baga&#039;y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa lupaing ito upang lipulin ? Sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito , at iyong lipulin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Eliacim , at ni Sebna at ni Joah kay Rabsaces , Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay magsalita sa iyong mga lingkod sa wikang Siria : sapagka&#039;t aming naiintindihan : at huwag kang magsalita sa amin sa wikang Judio , sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta . Nguni&#039;t sinabi ni Rabsaces , Sinugo baga ako ng aking panginoon sa iyong panginoon , at sa iyo , upang magsalita ng mga salitang ito ? di baga niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta , upang kumain ng kanilang sariling dumi , at upang uminom ng kanilang tubig na kasama ninyo ? Nang magkagayo&#039;y tumayo si Rabsaces , at humiyaw ng malakas na tinig sa wikang Judio , at nagsabi : Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari , ng hari sa Asiria . Ganito ang sabi ng hari , Huwag kayong padaya kay Ezechias ; sapagka&#039;t hindi niya maililigtas kayo : O patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon , na sabihin : Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon ; ang bayang ito ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria . Huwag ninyong dinggin si Ezechias : sapagka&#039;t ganito ang sabi ng hari sa Asiria , Makipagpayapaan kayo sa akin , at labasin ninyo ako ; at kumain ang bawa&#039;t isa sa inyo sa kaniyang puno ng ubas , at ang bawa&#039;t isa sa kaniyang puno ng igos , at inumin ng bawa&#039;t isa sa inyo ang tubig ng kaniyang sariling balon : Hanggang sa ako&#039;y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain , na lupain ng trigo at ng alak , na lupain ng tinapay at ng mga ubasan . Huwag kayong pahikayat kay Ezechias , na sabihin , Ililigtas tayo ng Panginoon . Nagligtas baga ang sinoman sa mga dios ng mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria ? Saan nandoon ang mga dios ng Hamath at ng Arphad ? saan nandoon ang mga dios ng Sephar-vaim ? iniligtas baga nila ang Samaria sa aking kamay ? Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupaing ito , ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay , na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay ? Nguni&#039;t sila&#039;y nagsitahimik , at hindi nagsisagot sa kaniya ng kahit isang salita : sapagka&#039;t iniutos nga ng hari na sinasabi , Huwag ninyong sagutin siya . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias , na siyang tagapamahala sa bahay , at si Sebna na kalihim at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni , kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak , at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces . At nangyari , nang marinig ng haring Ezechias ay hinapak niya ang kaniyang mga suot , at nagbalot ng kayong magaspang , at pumasok sa bahay ng Panginoon . At kaniyang sinugo si Eliacim , na katiwala sa bahay , at si Sebna na kalihim , at ang mga matanda sa mga saserdote , na may balot na kayong magaspang , kay Isaias na propeta na anak ni Amoz . At sinabi nila sa kaniya , Ganito ang sabi ni Ezechias , Ang araw na ito ay kaarawan ng kabagabagan , at ng pagsaway , at ng paghamak : sapagka&#039;t ang mga anak ay dumating sa kapanganakan , at walang kalakasang ipanganak . Marahil ay pakikinggan ng Panginoon mong Dios ang mga salita ni Rabsaces , na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios , at sansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios : kaya&#039;t ilakas mo ang iyong dalangin dahil sa nalabi na naiwan . Sa gayo&#039;y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay naparoon kay Isaias . At sinabi ni Isaias sa kanila , Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon , Ganito ang sabi ng Panginoon , Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig , na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria . Narito , ako&#039;y maglalagay ng espiritu sa kaniya , at siya&#039;y makakarinig ng kaingay , at babalik sa kaniyang sariling lupain ; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain . Sa gayo&#039;y bumalik si Rabsaces , at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna : sapagka&#039;t nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis . At kaniyang narinig na sinabi tungkol kay Tirhakah na hari sa Etiopia , Siya&#039;y lumabas upang makipaglaban sa iyo . At nang kaniyang marinig , siya&#039;y nagsugo ng mga sugo kay Ezechias , na sinasabi , Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda , na sasabihin , Huwag kang padaya sa iyong Dios na iyong tinitiwalaan , na sabihin , Ang Jerusalem ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria . Narito nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain , na yao&#039;y sinira ng lubos : at maliligtas ka baga ? Iniligtas baga sila ng mga dios ng mga bansa , na siyang nilipol ng aking mga magulang , gaya ng Gozan , ng Haran ; at ng Rezeph , at ng mga anak ni Eden , na nangasa Thelasar ? Saan nandoon ang hari sa Hamath , at ang hari sa Arphad , at ang hari ng bayan ng Sepharvaim , ng Henah , at ng Hivah ? At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo , at binasa : at umahon si Ezechias sa bahay ng Panginoon , at binuklat sa harap ng Panginoon . At si Ezechias ay dumalangin sa Panginoon , na kaniyang sinabi , Oh Panginoon ng mga hukbo , na Dios ng Israel , na nakaupo sa mga kerubin , ikaw ang Dios , ikaw lamang , sa lahat ng kaharian sa lupa ; ikaw ang gumawa ng langit at lupa . Ikiling mo ang iyong pakinig , Oh Panginoon , at iyong dinggin ; idilat mo ang iyong mga mata , Oh Panginoon , at tumingin ka ; at pakinggan mo ang lahat na salita ni Sennacherib , na kaniyang ipinasabi upang ipanungayaw sa buhay na Dios . Sa katotohanan , Panginoon , ang lahat na bansa ay sinira ng mga hari sa Asiria at ang kanikanilang lupain . At inihagis ang kanikanilang mga dios sa apoy : sapagka&#039;t sila&#039;y hindi mga dios , kundi mga gawa ng mga kamay ng mga tao , kahoy at bato ; kaya&#039;t kanilang sinira . Ngayon nga , Oh Panginoon naming Dios , iligtas mo kami sa kaniyang kamay , upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa , na ikaw ang Panginoon , ikaw lamang . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si Isaias na anak ni Amoz kay Ezechias , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria . Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya : Hinamak ka ng anak na dalaga ng Sion , at tinawanan kang mainam ; iginalaw ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo sa iyo . Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw ? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas ? laban nga sa Banal ng Israel . Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay iyong pinulaan ang Panginoon , at nagsabi ka , Sa karamihan ng aking mga karo ay nakaahon ako sa kataasan ng mga bundok , sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano ; at aking puputulin ang mga matayog na cedro niyaon , at ang mga piling puno ng abeto niyaon : at ako&#039;y papasok sa pinakataluktok na kataasan , ng gubat ng kaniyang mabuting bukid . Ako&#039;y humukay at uminom ng tubig , at aking tutuyuin ng talampakan ng aking mga paa ang lahat ng mga ilog ng Egipto . Hindi mo baga nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na , at aking pinanukala ng una ? ngayo&#039;y aking pinapangyari , upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guhong bunton . Kaya&#039;t ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan , sila&#039;y nanganglupaypay at nangatulig ; sila&#039;y parang damo sa bukid , at sariwang gugulayin , parang damo sa mga bubungan , at parang bukid ng trigo bago tumaas . Nguni&#039;t talastas ko ang iyong pagupo , at ang iyong paglabas , at ang iyong pagpasok , at ang iyong galit laban sa akin . Dahil sa iyong galit laban sa akin , at dahil sa iyong kapalaluan ay nanuot sa aking mga pakinig , kaya&#039;t ilalagay ko ang aking taga ng bingwit sa iyong ilong , at ang aking paningkaw sa iyong mga labi , at pababalikin kita sa daan na iyong pinanggalingan . At ito ang magiging tanda sa iyo : kayo&#039;y magsisikain sa taong ito ng tumutubo sa kaniyang sarili , at sa ikalawang taon ay ng tumubo doon ; at sa ikatlong taon ay kayo&#039;y mangaghasik , at magsiani , at mangagtanim ng mga ubasan , at kumain ng bunga niyaon . At ang nalabi na nakatanan sa sangbahayan ni Juda ay maguugat uli sa ilalim , at magbubunga sa itaas . Sapagka&#039;t sa Jerusalem ay lalabas ang nalabi , at mula sa bundok ng Sion ay silang magtatanan . Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari sa Asiria , Siya&#039;y hindi paririto sa bayang ito o magpapahilagpos man ng pana diyan , o haharap man siya diyan na may kalasag , o mahahagis ang bunton laban diyan . Sa daan na kaniyang pinanggalingan , doon din siya babalik , at hindi siya paririto sa bayang ito , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas , dahil sa akin , at dahil sa aking lingkod na si David . At ang anghel ng Panginoon ay lumabas , at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu&#039;t limang libo : at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan , narito , ang lahat ay mga katawang bangkay . Sa gayo&#039;y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria , at yumaon at umuwi , at tumahan sa Ninive , At nangyari , nang siya&#039;y sumasamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios , na sinugatan siya ng tabak ni Adremelech at ni Sarezer na kaniyang mga anak at sila&#039;y nagtanan sa lupain ng Ararat . At si Esarhadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya . Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias . At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya , at nagsabi sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoon , Ayusin mo ang iyong sangbahayan ; sapagka&#039;t ikaw ay mamamatay , at hindi mabubuhay . Nang magkagayo&#039;y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig , at nanalangin sa Panginoon , At nagsabi , Idinadalangin ko sa iyo ; Oh Panginoon , na iyong alalahanin , kung paanong ako&#039;y lumakad sa harap mo sa katotohanan , at may dalisay na puso , at gumawa ng mabuti sa iyong paningin . At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa . Nang magkagayo&#039;y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias , na nagsasabi , Ikaw ay yumaon , at sabihin mo kay Ezechias , Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ni David na iyong magulang , Aking dininig ang iyong panalangin , aking nakita ang iyong mga luha : narito , aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon . At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria : at aking ipagsasanggalang ang bayang ito . At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon , na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita , Narito , aking ipauurong ang anino sa mga baytang , ng sangpung baytang , na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw , Sa gayo&#039;y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan . Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda , nang siya&#039;y magkasakit , at gumaling sa kaniyang sakit . Aking sinabi , Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol : Ako&#039;y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon . Aking sinabi , hindi ko makikita ang Panginoon , ang Panginoon sa lupain ng buhay : Hindi ko na makikita pa ang tao , na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan . Ang tirahan ko&#039;y inaalis , at dinadala na gaya ng tolda ng pastor : Aking pinupulon ang aking buhay , na gaya ng pagpupulon ng manghahabi ; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan : Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako . Ako&#039;y tumigil hanggang sa kinaumagahan ; katulad ng leon , gayon niya binabali ang lahat kong mga buto : Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako . Gaya ng langaylangayan o ng tagak , humihibik ako ; Ako&#039;y tumangis na parang kalapati : ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala ; Oh Panginoon , ako&#039;y napipighati , ikaw nawa&#039;y maging tangulan sa akin . Anong aking sasabihin ? siya&#039;y nagsalita sa akin , at kaniya namang ginawa : Ako&#039;y yayaong marahan lahat kong taon , dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa . Oh Panginoon , sa pamamagitan ng mga bagay na ito , nabubuhay ang mga tao ; At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa : Kaya&#039;t pagalingin mo ako , at ako&#039;y iyong buhayin . Narito , sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap : Nguni&#039;t ikaw , sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan ; Sapagka&#039;t iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran . Sapagka&#039;t hindi ka maaring purihin ng Sheol , hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan ! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan . Ang buhay , ang buhay , siya&#039;y pupuri sa iyo , gaya ng ginagawa ko sa araw na ito : Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan . Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako : Kaya&#039;t aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad , Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon . Sinabi nga ni Isaias , Magsikuha sila ng isang binilong igos , at ilagay na pinakatapal sa bukol , at siya&#039;y gagaling . Sinabi rin ni Ezechias , Ano ang tanda na ako&#039;y sasampa sa bahay ng Panginoon ? Nang panahong yaon si Merodachbaladan na anak ni Baladan , na hari sa Babilonia , ay nagpadala ng mga sulat at isang kaloob kay Ezechias : sapagka&#039;t nabalitaan niya na siya&#039;y nagkasakit , at gumaling . At si Ezechias ay natuwa sa kanila , at ipinakita sa kanila ang bahay ng kaniyang mahalagang bagay , ang pilak , at ang ginto , at ang mga especia , at ang mahalagang langis , at ang buong bahay na kaniyang sakbatan , at lahat na nandoon sa kaniyang mga kayamanan : walang bagay sa kaniyang bahay , o sa buong sakop man niya , na hindi ipinakita ni Ezechias sa kanila . Nang magkagayo&#039;y dumating si Isaias na propeta sa haring Ezechias , at nagsabi sa kaniya , Anong sinabi ng mga lalaking ito ? at saan nanggaling na nagsiparito sila sa iyo ? At sinabi ni Ezechias , Sila&#039;y nagsiparito sa akin mula sa malayong lupain , sa Babilonia . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya , Anong kanilang nakita sa iyong bahay ? At sumagot si Ezechias , Lahat ng nangasa aking bahay ay kanilang nakita : walang anomang bagay sa aking mga kayamanan na hindi ko ipinakita sa kanila . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Isaias kay Ezechias , Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon ng mga hukbo . Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , na ang lahat na nangasa iyong bahay , at ang mga tinangkilik ng iyong mga magulang hanggang sa kaarawang ito , dadalhin sa Babilonia : walang maiiwan , sabi ng Panginoon . At sa iyong mga anak na magmumula sa iyo , na ipanganganak sa iyo , ay kanilang dadalhin ; at sila&#039;y magiging mga bating sa bahay ng hari sa Babilonia . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Ezechias kay Isaias , Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita . Kaniyang sinabi bukod dito , Sapagka&#039;t magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan . Inyong aliwin , inyong aliwin ang aking bayan , sabi ng inyong Dios . Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem ; at sigawan ninyo siya , na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap , na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad , sapagka&#039;t siya&#039;y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan . Ang tinig ng isang sumisigaw , Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios . Bawa&#039;t libis ay mataas , at bawa&#039;t bundok at burol ay mabababa ; at ang mga bakobako ay matutuwid , at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag : At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag , at makikitang magkakasama ng lahat na tao , sapagka&#039;t sinalita ng bibig ng Panginoon , Ang tinig ng isang nagsasabi , Ikaw ay dumaing . At sinabi ng isa , Ano ang aking idadaing ? Lahat ng laman ay damo , at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang . Ang damo ay natutuyo , at ang bulaklak ay nalalanta , sapagka&#039;t ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon ; tunay na ang bayan ay damo . Ang damo ay natutuyo , ang bulaklak ay nalalanta ; nguni&#039;t ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man . Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion , sumampa ka sa mataas na bundok ; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem , ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan ; ilakas mo , huwag kang matakot ; sabihin mo sa mga bayan ng Juda , Tingnan ang inyong Dios ! Narito , ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan , at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya : Narito , ang kaniyang ganting pala ay dala niya , at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya . Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan , na gaya ng pastor , kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay , at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan , at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso . Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kaniyang kamay , at sumukat sa langit ng dangkal , at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal , at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang , at ng mga burol sa timbangan ? Sinong pumatnubay ng Espiritu ng Panginoon , o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya ? Kanino siya kumuhang payo , at sinong nagsaysay sa kaniya , at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan , at nagturo sa kaniya ng kaalaman , at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa ? Narito , ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba , inaari na parang munting alabok sa timbangan : narito , kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay . At ang Libano ay hindi sukat upang sunugin , ni ang mga hayop niyaon ay sukat na pinakahandog na susunugin . Lahat ng mga bansa ay parang walang anoman sa harap niya ; nangabilang sa kaniya na kulang kay sa wala , at walang kabuluhan . Kanino nga ninyo itutulad ang Dios ? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya ? Ang larawang inanyuan na binubo ng mangbububo , at binabalot ng ginto ng platero , at binubuan ng mga pilak na kuwintas . Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok ; siya&#039;y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang ihandang larawang inanyuan , na hindi makikilos . Hindi ba ninyo naalaman ? hindi ba ninyo narinig ? hindi ba nasaysay sa inyo mula ng una ? hindi ba nasaysay sa inyo bago nalagay ang mga patibayan ng lupa ? Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa , at ang mga nananahan doon ay parang mga balang ; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing , at inilaladlad na parang tolda upang tahanan ; Na iniuuwi sa wala ang mga pangulo ; siyang umaaring tila walang kabuluhan sa mga hukom sa lupa . Oo , sila&#039;y hindi nangatanim ; oo , sila&#039;y hindi nangahasik ; oo , ang kanilang puno ay hindi nagugat sa lupa : bukod dito&#039;y humihihip siya sa kanila , at sila&#039;y nangatutuyo , at tinatangay sila ng ipoipo na gaya ng dayami . Kanino nga ninyo itutulad ako , upang makaparis ako niya ? sabi ng Banal . Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas , at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito , na tinutuos ang kanilang hukbo ayon sa bilang ; tinatawag niya sila sa pangalan ; sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan , at dahil sa siya&#039;y malakas sa kapangyarihan ay walang nagkukulang . Bakit sinasabi mo , Oh Jacob , at sinasalita mo , Oh Israel , Ang daan ko ay lingid sa Panginoon , at nilalagpasan ng aking Dios ang kahatulan ko ? Hindi mo baga naalaman ? hindi mo baga narinig ? ang walang hanggang Dios , ang Panginoon , ang Maylalang ng mga wakas ng lupa , hindi nanlalata , o napapagod man ; walang makatarok ng kaniyang unawa . Siya&#039;y nagbibigay ng lakas sa mahina ; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan . Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod , at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal : Nguni&#039;t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas ; sila&#039;y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila ; sila&#039;y magsisitakbo , at hindi mangapapagod ; sila&#039;y magsisilakad , at hindi manganghihina . Magsitahimik kayo sa harap ko , Oh mga pulo ; at mangagbagong lakas ang mga bayan : magsilapit sila ; saka mangagsalita sila ; tayo&#039;y magsilapit na magkakasama sa kahatulan . Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan , na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan ? siya&#039;y nagbigay ng mga bansa sa harap niya , at pinagpuno niya siya sa mga hari ; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak , na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog . Kaniyang hinahabol sila , at nagpatuloy na tiwasay , sa makatuwid baga&#039;y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa . Sinong gumawa at yumari , na tumawag ng mga sali&#039;t saling lahi mula ng una ? Akong Panginoon , ang una , at kasama ng huli , ako nga , Nakita ng mga pulo , at nangatakot ; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig : sila&#039;y nagsilapit , at nagsiparito . Sila&#039;y tumutulong bawa&#039;t isa sa kaniyang kapuwa ; at bawa&#039;t isa&#039;y nagsasabi sa kaniyang kapatid , Ikaw ay magpakatapang . Sa gayo&#039;y pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto , at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan , na sinasabi tungkol sa paghinang , Mabuti , at kaniyang inilalapat ng mga pako , upang huwag makilos . Nguni&#039;t ikaw , Israel , lingkod ko , Jacob na siyang aking pinili , na binhi ni Abraham na aking kaibigan ; Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa , at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon , at pinagsabihan kita , Ikaw ay aking lingkod , aking pinili ka at hindi kita itinakuwil ; Huwag kang matakot , sapagka&#039;t ako&#039;y sumasaiyo ; huwag kang manglupaypay , sapagka&#039;t ako&#039;y iyong Dios ; aking palalakasin ka ; oo , aking tutulungan ka ; oo , aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran . Narito , silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito : silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak . Iyong hahanapin sila , at hindi mo mangasusumpungan , sa makatuwid baga&#039;y silang nangakikipaglaban sa iyo : silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw , at gaya ng bagay ng wala . Sapagka&#039;t akong Panginoon mong Dios , ay hahawak ng iyong kanang kamay , na magsasabi sa iyo , Huwag kang matakot ; aking tutulungan ka . Huwag kang matakot , ikaw na uod na Jacob , at kayong mga tao ng Israel ; aking tutulungan ka , sabi ng Panginoon , at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel . Narito , aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin ; iyong gigiikin ang mga bundok , at didikdiking durog , at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa . Iyong pahahanginan , at tatangayin ng hangin , at pangangalatin ng ipoipo : at ikaw ay magagalak sa Panginoon , ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel . Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig , at wala , at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw ; akong Panginoon ay sasagot sa kanila , akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila . Ako&#039;y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan , at mga bukal sa gitna ng mga libis : aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig , at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig . Aking itatanim sa ilang ang cedro , ang puno ng acacia , at ang arayan , at ang olivo ; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto , at ang pino , at ang boj na magkakasama : Upang sila&#039;y makakita at makaalam , at makagunita , at makatalos na magkakasama , na ginawa ito ng kamay ng Panginoon , at nilikha ng Banal ng Israel . Iharap ninyo ang inyong usap , sabi ng Panginoon ; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid , sabi ng Hari ng Jacob . Ilabas nila , at ipahayag sa amin kung anong mangyayari : ipahayag ninyo ang mga dating bagay , maging anoman ang mga yaon , upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila : o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating . Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos , upang aming maalaman na kayo&#039;y mga dios ; oo , kayo&#039;y magsigawa ng mabuti , o magsigawa ng kasamaan , upang kami ay mangawalan ng loob , at mamasdan naming magkakasama . Narito , kayo&#039;y sa wala , at ang inyong gawa ay sa wala : kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo . May ibinangon ako mula sa hilagaan , at siya&#039;y dumating ; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan : at siya&#039;y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento , at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit . Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman ? at nang una , upang aming masabi , Siya&#039;y matuwid ? oo , walang magpahayag , oo , walang magpakita , oo , walang duminig ng inyong mga salita . Ako&#039;y unang magsasabi sa Sion , Narito , narito sila ; at ako&#039;y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita . At pagka ako&#039;y tumitingin , walang tao ; sa gitna nila ay walang tagapayo , na makasagot ng isang salita , pagka ako&#039;y tumatanong sa kanila . Narito , silang lahat , ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan . Narito , ang aking lingkod , na aking inaalalayan ; ang aking hinirang , na kinalulugdan ng aking kaluluwa ; isinakaniya ko ang aking Espiritu ; siya&#039;y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa . Siya&#039;y hindi hihiyaw , o maglalakas man ng tinig , o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan . Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin , ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin : siya&#039;y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan . Siya&#039;y hindi manglulupaypay o maduduwag man , hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa ; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan . Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon , na lumikha ng langit , at nagladlad ng mga yaon ; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito ; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito , at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito : Ako , ang Panginoon , ay tumawag sa iyo sa katuwiran , at hahawak ng iyong kamay , at magiingat sa iyo , at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan , na pinakaliwanag sa mga bansa ; Upang magdilat ng mga bulag na mata , upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan , at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan . Ako ang Panginoon ; na siyang aking pangalan : at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba , o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan . Narito , ang mga dating bagay ay nangyayari na , at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko : bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo . Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit , at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa ; kayong nagsisibaba sa dagat , at ang buong nariyan , ang mga pulo , at mga nananahan doon , Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon , ang mga nayon na tinatahanan ng Cedar : magsiawit ang mga nananahan sa Selah , magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok . Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon , at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo . Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake ; siya&#039;y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma : siya&#039;y hihiyaw , oo , siya&#039;y hihiyaw ng malakas ; siya&#039;y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway . Ako&#039;y tumahimik ng malaon ; ako&#039;y hindi kumibo , at nagpigil ako : ngayo&#039;y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae ; ako&#039;y manggigiba at mananakmal na paminsan . Aking gagawing giba ang mga bundok at mga burol , at tutuyuin ko ang lahat nilang mga pananim ; at gagawin kong mga pulo ang mga ilog , at aking tutuyuin ang mga lawa . At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman ; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila ; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila , at mga likong daan ang matuwid . Ang mga bagay na ito ay aking gagawin , at hindi ko kalilimutan sila . Sila&#039;y mangapapaurong , sila&#039;y mangapapahiyang mainam , na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan , na nangagsasabi sa mga larawang binubo , Kayo&#039;y aming mga dios . Makinig kayong mga bingi ; at tumingin kayong mga bulag , upang kayo&#039;y mangakakita . Sino ang bulag kundi ang aking lingkod ? o ang bingi , na gaya ng aking sugo na aking sinusugo ? sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan sa akin , at bulag na gaya ng lingkod ng Panginoon ? Ikaw ay nakakakita ng maraming bagay , nguni&#039;t hindi mo binubulay ; ang kaniyang mga tainga ay bukas , nguni&#039;t hindi niya dininig . Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kaniyang katuwiran , na dakilain ang kautusan , at gawing marangal . Nguni&#039;t ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam ; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay , at sila&#039;y nangakubli sa mga bilangguan : sila&#039;y pinaka huli at walang magligtas ; pinaka samsam , at walang magsabi , Iyong papanumbalikin . Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito ? na makikinig at didinig para sa panahong darating ? Sino ang nagbigay ng Jacob na pinaka samsam , at ng Israel sa mga magnanakaw ? di baga ang Panginoon ? na laban sa kaniya ay nangagkasala tayo , at sa mga daan niya ay hindi sila nagsilakad , o naging masunurin man sila sa kaniyang kautusan . Kaya&#039;t ibinugso niya sa kaniya ang pusok ng kaniyang galit , at ang lakas ng pakikipagbaka ; at sinulsulan siya ng apoy sa palibot , gayon ma&#039;y hindi niya naalaman ; at sinunog siya , gayon ma&#039;y hindi siya naglagak ng kalooban . Nguni&#039;t ngayo&#039;y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo , Oh Jacob , at naganyo sa iyo , Oh Israel , Ikaw ay huwag matakot , sapagka&#039;t tinubos kita ; tinawag kita sa iyong pangalan , ikaw ay akin . Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig , ako&#039;y sasaiyo ; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon : pagka ikaw ay lumalakad sa apoy , hindi ka masusunog ; o magniningas man ang alab sa iyo . Sapagka&#039;t ako ang Panginoon mong Dios , ang Banal ng Israel , ang Tagapagligtas sa iyo ; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto , ang Etiopia at ang Seba . Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin , at kagalanggalang , at aking inibig ka ; kaya&#039;t magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo , at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay . Huwag kang matakot , sapagka&#039;t ako&#039;y sumasaiyo : aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan , at pipisanin kita mula sa kalunuran ; Aking sasabihin sa hilagaan , Bayaan mo , at sa timugan , Huwag mong pigilin ; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo , at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa ; Bawa&#039;t tinatawag sa aking pangalan , at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian , yaong aking inanyuan oo , yaong aking ginawa . Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata , at ang bingi may mga tainga . Mapisan ang lahat na bansa , at magpulong ang mga bayan : sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito , at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay ? dalhin nila ang kanilang mga saksi , upang sila&#039;y mapatotohanan : o dinggin nila , at magsabi , Katotohanan nga . Kayo&#039;y aking mga saksi , sabi ng Panginoon , at aking lingkod na aking pinili : upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin , at inyong matalastas na ako nga ; walang Dios na inanyuan na una sa akin , o magkakaroon man pagkatapos ko . Ako , sa makatuwid baga&#039;y ako , ang Panginoon ; at liban sa akin ay walang tagapagligtas . Ako&#039;y nagpahayag , at ako&#039;y nagligtas , at ako&#039;y nagpakilala , at walang ibang dios sa gitna ninyo : kaya&#039;t kayo ang aking mga saksi , sabi ng Panginoon , at ako ang Dios . Oo , mula nang magkaroon ng araw ay ako nga ; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay : ako&#039;y gagawa , at sinong pipigil ? Ganito ang sabi ng Panginoon , na inyong Manunubos , na Banal ng Israel , Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia , at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy , sa makatuwid baga&#039;y ang mga Caldeo , sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan . Ako ang Panginoon , na inyong Banal , ang Maylalang ng Israel , na inyong Hari . Ganito ang sabi ng Panginoon , na gumagawa ng daan sa dagat , ng landas sa mga malawak na tubig ; Na pinalabas ang karo at kabayo , ang hukbo at ang kapangyarihan ( sila&#039;y nangahihigang magkakasama , sila&#039;y hindi na magsisibangon ; sila&#039;y nangamamatay na parang timsim ) : Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay , o bulayin man ang mga bagay ng una . Narito , ako&#039;y gagawa ng bagong bagay ; ngayon yao&#039;y lalabas ; hindi baga ninyo malalaman yaon ? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal , at mga ilog sa ilang . Pararangalan ako ng mga hayop sa parang , ng mga chakal at ng mga avestruz : sapagka&#039;t ako&#039;y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal , at ng mga ilog sa ilang , upang painumin ang aking bayan , na aking pinili , Ang bayan , na aking inanyuan para sa aking sarili , upang kanilang maihayag ang aking kapurihan . Gayon ma&#039;y hindi ka tumawag sa akin , Oh Jacob ; kundi ikaw ay nayamot sa akin , Oh Israel . Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa&#039;t kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin ; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain . Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog , o niyamot man kita ng kamangyan . Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi , o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain : kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan , iyong niyamot ako ng iyong mga kasamaan . Ako , ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin ; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan . Ipaalaala mo ako ; tayo&#039;y kapuwa magkatuwiranan : ilabas mo ang iyong usap , upang ikaw ay mapatotohanan . Ang iyong pangunang ama ay nagkasala , at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin . Kaya&#039;t aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario , at gagawin kong sumpa ang Jacob , at isang kadustaan ang Israel . Gayon ma&#039;y dinggin mo ngayon , Oh Jacob na aking lingkod , at Israel , na aking pinili : Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo , at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata , na siyang tutulong sa iyo ; Ikaw ay huwag matakot , Oh Jacob na aking lingkod ; at ikaw Jeshurun , na aking pinili . Sapagka&#039;t ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw , at ng mga bukal ang tuyong lupa ; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi , at ang aking pagpapala sa iyong suwi : At sila&#039;y sisibol sa gitna ng damo , gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis . Sasabihin ng isa , Ako&#039;y sa Panginoon ; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob ; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon , at magpapamagat ng pangalan ng Israel . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Hari ng Israel , at ng kaniyang Manunubos , na Panginoon ng mga hukbo , Ako ang una , at ako ang huli ; at liban sa akin ay walang Dios . At sino , na gaya ko , tatawag , at magpapahayag , at magaayos sa ganang akin , mula nang aking itatag ang matandang bayan ? at ang mga bagay na dumarating , at ang mangyayari , ay ipahahayag nila . Kayo&#039;y huwag mangatakot , o magsipangilabot man : hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una , at ipinakilala ? at kayo ang aking mga saksi . May Dios baga liban sa akin ? oo , walang malaking Bato ; ako&#039;y walang nakikilalang iba . Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat ; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan : at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita , o nangakakaalam man : upang sila&#039;y mangapahiya . Sino ang naganyo sa isang dios , o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman ? Narito , lahat niyang kasama ay mangapapahiya ; at ang mga manggagawa ay sa mga tao : mapisan sila , magsitayo sila ; sila&#039;y mangatatakot , sila&#039;y mangahihiyang magkakasama . Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol , at gumagawa sa mga baga , at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok , at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig : oo , siya&#039;y gutom , at ang kaniyang lakas ay nawawala ; siya&#039;y hindi umiinom ng tubig , at pata . Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat ; kaniyang tinatandaan ng lapis ; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam , at kaniyang tinatandaan ng mga kompas , at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao , ayon sa kagandahan ng tao , upang tumahan sa bahay . Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro , at kumukuha ng puno ng roble at ng encina , at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat : siya&#039;y nagtatanim ng puno ng abeto , at yao&#039;y kinakandili ng ulan . Kung magkagayo&#039;y ilalaan sa tao upang ipanggatong ; at kumukuha siya niyaon , at nagpapainit ; oo , kaniyang pinaliliyaban yaon , at ipinagluluto ng tinapay : oo , kaniyang ginagawang isang dios , at sinasamba ; ginagawa niyang larawang inanyuan , at pinagpapatirapaan . Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy ; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne ; siya&#039;y nagiihaw ng iihawin , at nabubusog : oo , siya&#039;y nagpapainit , at nagsasabi , Aha , ako&#039;y naiinitan , aking nakita ang apoy : At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios , sa makatuwid baga&#039;y kaniyang larawang inanyuan : kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba , at dinadalanginan , at nagsasabi , Iligtas mo ako ; sapagka&#039;t ikaw ay aking dios . Hindi sila mangakakaalam , o nagsisigunita man : sapagka&#039;t ipinikit niya ang kanilang mga mata , upang sila&#039;y huwag mangakakita ; at ang kanilang mga puso , upang huwag silang mangakaunawa . At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman , o unawa upang magsabi , Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy ; oo , ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon ; ako&#039;y nagihaw ng karne at kinain ko : at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam ? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy ? Siya&#039;y kumain ng abo : iniligaw siya ng nadayang puso , at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa , o makapagsabi , Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay ? Iyong alalahanin ang mga bagay na ito , Oh Jacob , at Israel ; sapagka&#039;t ikaw ay aking lingkod : aking inanyuan ka ; ikaw ay aking lingkod : Oh Israel , ikaw ay hindi ko malilimutan . Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang , at , parang alapaap , ang iyong mga kasalanan : manumbalik ka sa akin ; sapagka&#039;t tinubos kita . Magsiawit , Oh kayong mga langit , sapagka&#039;t nilikha ng Panginoon ; kayo&#039;y magsihiyaw , mga lalong mababang bahagi ng lupa : kayo&#039;y magbiglang magsiawit , kayong mga bundok , Oh gubat , at bawa&#039;t punong kahoy na nandiyan : sapagka&#039;t tinubos ng Panginoon ang Jacob , at magpapakaluwalhati sa Israel . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng iyong Manunubos , at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata , Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay ; na naglaladlad , na magisa ng langit ; na naglalatag ng lupa ; Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling , at nagpapaging ulol sa mga manghuhula ; na nagpapaurong sa mga pantas , at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman ; Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod , at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo ; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem , Siya&#039;y tatahan ; at tungkol sa mga bayan ng Juda , Mangatatayo , at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon : Na nagsasabi sa kalaliman , Ikaw ay matuyo , at aking tutuyuin ang iyong mga ilog ; Na nagsasabi tungkol kay Ciro , Siya&#039;y aking pastor , at isasagawa ang lahat kong kaligayahan : na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem , Siya&#039;y matatayo ; at sa templo , Ang iyong patibayan ay malalagay . Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis , kay Ciro , na ang kanang kamay ay aking hinawakan , upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya ; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari ; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya , at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan ; Ako&#039;y magpapauna sa iyo , at , papatagin ko ang mga bakobakong dako : aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso , at aking puputulin ang mga halang na bakal : At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman , at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako , upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan , sa makatuwid baga&#039;y ang Dios ng Israel . Dahil sa Jacob na aking lingkod , at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan : aking pinamagatan ka , bagaman hindi mo nakilala ako . Ako ang Panginoon , at walang iba ; liban sa akin ay walang Dios . Aking bibigkisan ka , bagaman hindi mo ako nakilala . Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw , at mula sa kalunuran , na walang iba liban sa akin : ako ang Panginoon , at walang iba . Aking inilalagay ang liwanag , at nililikha ko ang kadiliman ; ako&#039;y gumagawa ng kapayapaan , at lumilikha ako ng kasamaan ; ako ang Panginoon , na gumagawa ng lahat na bagay na ito . Maghulog , oh kayong mga langit mula sa itaas , at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran : bumuka ang lupa , upang maglabas siya ng kaligtasan , at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon ; akong Panginoon ang lumikha . Sa aba niya , na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya ! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa ! Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya , Anong ginagawa mo ? o ang iyong gawa , Siya&#039;y walang mga kamay ? Sa aba niya na nagsasabi sa ama , Ano ang naging anak mo ? o sa babae , Ano ang ipinagdamdam mo ? Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Banal ng Israel , at ng May-lalang sa kaniya , Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating ; tungkol sa aking mga anak , at tungkol sa gawa ng aking mga kamay , magutos kayo sa akin . Aking ginawa ang lupa , at nilalang ko ang tao rito : ako , sa makatuwid baga&#039;y ang aking mga kamay , nagladlad ng langit , at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako . Aking ibinangon siya sa katuwiran , at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad ; kaniyang itatayo ang aking bayan , at kaniyang palalayain ang aking mga natapon , hindi sa halaga o sa kagantihan man , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang yari ng Egipto , at ang kalakal ng Etiopia , at ang mga Sabeo , sa mga taong matatangkad , ay magsisiparito sa iyo , at sila&#039;y magiging iyo ; sila&#039;y magsisisunod sa iyo , sila&#039;y magsisidaang may tanikala ; at sila&#039;y mangagpapatirapa sa iyo , sila&#039;y magsisipamanhik sa iyo , na mangagsasabi , Tunay na ang Dios ay nasa iyo ; at walang ibang Dios . Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli , Oh Dios ng Israel , na Tagapagligtas . Sila&#039;y mangapapahiya , oo , mangalilito silang lahat ; sila&#039;y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan . Nguni&#039;t ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan : kayo&#039;y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit , na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon , na kaniyang itinatag , at hindi niya nilikha na sira , na kaniyang inanyuan upang tahanan : ako ang Panginoon ; at wala nang iba . Ako&#039;y hindi nagsalita ng lihim , sa dako ng lupain ng kadiliman ; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob , Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan : akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran , ako&#039;y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid . Kayo&#039;y mangagpipisan at magsiparito ; magsilapit kayong magkakasama , kayong mga nakatanan sa mga bansa : sila&#039;y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan , at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas . Kayo&#039;y mangagpahayag , at mangagpasapit ; oo , magsanggunian silang magkakasama : sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon ? sinong nagpahayag niyaon nang una ? hindi baga ang Panginoon ? at walang Dios liban sa akin : isang ganap na Dios at Tagapagligtas ; walang iba liban sa akin . Kayo&#039;y magsitingin sa akin , at kayo&#039;y mangaligtas , lahat na taga wakas ng lupa : sapagka&#039;t ako&#039;y Dios , at walang iba liban sa akin . Ako&#039;y sumumpa ng aking sarili , ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran , at hindi babalik , na sa akin ay luluhod ang bawa&#039;t tuhod , bawa&#039;t dila ay susumpa . Sa Panginoon lamang , sasabihin ng isa tungkol sa akin , ang katuwiran at kalakasan : sa makatuwid baga&#039;y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao , at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya . Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel , at luluwalhati . Si Bel ay nagpapatirapa , sa Nebo ay yumuyukod ; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop , at sa ibabaw ng mga baka : ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop . Sila&#039;y yumuyukod , sila&#039;y nangagpapatirapang magkakasama ; hindi nila maiwasan ang pasan , kundi sila ma&#039;y napapasok sa pagkabihag . Inyong dinggin ako , Oh sangbahayan ni Jacob , at lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel , na kinalong ko mula sa tiyan , na dala mula sa bahay-bata : At hanggang sa katandaan ay ako nga , at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita ; aking ginawa , at aking dadalhin ; oo , aking dadalhin , at aking ililigtas . Kanino ninyo ako itutulad , at ipaparis , at iwawangis ako , upang kami ay magkagaya ? Sila&#039;y dumudukot ng maraming ginto sa supot , at tumitimbang ng pilak sa timbangan , sila&#039;y nagsisiupa ng panday-ginto , at kaniyang ginagawang dios ; sila&#039;y nangagpapatirapa , oo , sila&#039;y nagsisisamba . Pinapasan nila siya sa balikat , dinadala nila siya , at inilalagay siya sa kaniyang dako , at siya&#039;y nakatayo ; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos : oo , may dadaing sa kaniya , gayon ma&#039;y hindi siya makasasagot , o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan . Inyong alalahanin ito , at mangagpakalalake kayo : isaisip ninyo uli , Oh ninyong mga mananalangsang . Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una : sapagka&#039;t ako&#039;y Dios , at walang iba liban sa akin ; ako&#039;y Dios , at walang gaya ko ; Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula , at mula nang mga unang panahon , ng mga bagay na hindi pa nangyayari ; na nagsasabi , Ang payo ko ay mananayo , at gagawin ko ang aking buong kaligayahan : Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan , ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain ; oo , aking sinalita , akin namang papangyayarihin ; aking , pinanukala , akin namang gagawin . Inyong dinggin ako , ninyong may mapagmatigas na loob ; na malayo sa katuwiran : Aking inilalapit ang aking katuwiran , hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat : at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian . Ikaw ay bumaba , at umupo sa alabok , Oh anak na dalaga ng Babilonia ; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan , Oh anak na babae ng mga Caldeo : sapagka&#039;t hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin . Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato , at gumiling ka ng harina ; magalis ka ng iyong lambong , maghubad ka ng balabal , maglitaw ka ng binti , tumawid ka sa mga ilog . Ang iyong kahubaran ay malilitaw , oo , ang iyong kahihiyan ay makikita , ako&#039;y manghihiganti , at hindi tatangi ng tao . Ang aming Manunubos , ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya , ang Banal ng Israel . Maupo kang tahimik , at masok ka sa kadiliman , Oh anak na babae ng mga Caldeo : sapagka&#039;t hindi ka na tatawagin . Ang mahal na babae ng mga kaharian . Ako&#039;y napoot sa aking bayan , aking dinumhan ang aking mana , at ibinigay ko sa iyong kamay : hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan ; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang . At iyong sinabi , Ako&#039;y magiging mahal na babae magpakailan man : na anopa&#039;t hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban , o inalaala mo man ang huling wakas nito . Ngayon nga&#039;y dinggin mo ito , ikaw na hinati sa mga kalayawan , na tumatahang matiwasay , na nagsasabi sa kaniyang puso , Ako nga , at walang iba liban sa akin ; hindi ako uupong gaya ng babaing bao , o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak : Nguni&#039;t ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali , sa isang araw , ang pagkawala ng mga anak at pagkabao ; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo , sa karamihan ng iyong panggagaway , at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto . Sapagka&#039;t ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan ; iyong sinabi , Walang nakakakita sa akin ; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman , nagpaligaw sa iyo : at iyong sinabi sa iyong puso , Ako nga , at walang iba liban sa akin . Kaya&#039;t ang kasamaan ay darating sa iyo ; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon : at kasakunaan ay sasapit sa iyo ; hindi mo maaalis : at kagibaan ay darating sa iyong bigla , na hindi mo nalalaman . Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto , at sa karamihan ng iyong panggagaway , na iyong ginawa mula sa iyong kabataan : marahil makikinabang ka , marahil mananaig ka . Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo : magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit , at ng mga bituin , ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan , at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo . Narito , sila&#039;y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo ; susunugin sila ng apoy ; sila&#039;y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab : hindi babaga na mapagpapainitan , o magiging apoy na mauupuan sa harap . Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo , na iyong ginawa : silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa&#039;t isa ng kaniyang sariling lakad ; walang magliligtas sa iyo . Iyong dinggin ito , Oh sangbahayan ni Jacob , na tinatawag sa pangalan ng Israel , at nagsilabas sa bukal ng Juda ; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon , at nagsibanggit ng Dios ng Israel , nguni&#039;t hindi sa katotohanan , o sa katuwiran man . ( Sapagka&#039;t sila&#039;y tinatawag ayon sa bayang banal , at nagsitiwala sa Dios ng Israel ; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan ) : Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una ; oo , yao&#039;y lumabas sa aking bibig , at aking ipinakilala : biglang ginawa ko , at nangyari . Sapagka&#039;t nakilala ko , na ikaw ay mapagmatigas , at ang iyong leeg ay parang litid na bakal , at ang iyong noo ay parang tanso : Kaya&#039;t aking ipinahayag sa iyo mula nang una ; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo : baka iyong sabihin , Mga ginawa ng aking diosdiosan , at ang aking larawang inanyuan , at ang aking larawang binubo , nagutos sa kanila . Iyong narinig ; tingnan mong lahat ito ; at kayo , hindi ba ninyo ipahahayag ? Ako&#039;y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito , sa makatuwid baga&#039;y mga kubling bagay na hindi mo naalaman . Mga nalikha ngayon , at hindi mula nang una ; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig ; baka iyong sabihin , Narito , aking nangaalaman . Oo , hindi mo narinig ; oo , hindi mo naalaman ; oo , mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig : sapagka&#039;t talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan , at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata . Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit , at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil , upang huwag kitang ihiwalay . Narito dinalisay kita , nguni&#039;t hindi parang pilak ; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian . Dahil din sa akin , dahil din sa akin , aking gagawin yaon ; sapagka&#039;t , bakit lalapastanganin ang aking pangalan ? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba . Inyong dinggin ako , Oh Jacob , at Israel na tinawag ko : Ako nga ; ako ang una , ako rin ang huli . Oo , ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa , at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit : pagka ako&#039;y tumatawag sa kanila , sila&#039;y nagsisitayong magkakasama . Kayo&#039;y magpipisan , kayong lahat , at inyong dinggin ; sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito ? Siyang iniibig ng Panginoon ay kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia , at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga Caldeo . Ako , ako nga&#039;y nagsalita ; oo , aking tinawag siya ; aking dinala siya ; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad . Kayo&#039;y magsilapit sa akin , inyong dinggin ito ; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim ; mula nang panahon na nangyari ito , nandoon nga ako : at ngayo&#039;y sinugo ako ng Panginoong Dios , at nang kaniyang Espiritu . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng inyong Manunubos , ng Banal ng Israel , Ako ang Panginoon mong Dios , na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan , na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran . Oh kung dininig mo ang aking mga utos ! ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog , at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat : Ang iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon : ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko . Kayo&#039;y magsilabas sa Babilonia , inyong takasan ang mga Caldeo ; kayo&#039;y mangagpahayag na may tinig ng awitan , inyong saysayin ito , itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa : inyong sabihin , Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod . At sila&#039;y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang ; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila ; kaniyang ginuwangan din naman ang bato , at ang tubig ay bumukal . Walang kapayapaan sa masama , sabi ng Panginoon . Kayo&#039;y magsipakinig sa akin , Oh mga pulo ; at inyong pakinggan , ninyong mga bayan , sa malayo : tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata ; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan : At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak ; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako : at ginawa niya akong makinang na pana ; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako : At sinabi niya sa akin , Ikaw ay aking lingkod ; Israel , na siyang aking ikaluluwalhati . Nguni&#039;t aking sinabi , Ako&#039;y gumawang walang kabuluhan , aking ginugol ang aking lakas sa wala , at sa walang kabuluhan ; gayon ma&#039;y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon , at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios . At ngayo&#039;y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod , upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya , at ang Israel ay mapisan sa kaniya : ( sapagka&#039;t ako&#039;y marangal sa mga mata ng Panginoon , at ang aking Dios ay naging aking kalakasan ; ) Oo , kaniyang sinasabi , Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob , at isauli ang iningatan ng Israel , ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa . Ganito ang sabi ng Panginoon , ng Manunubos ng Israel , na kaniyang Banal , doon sa hinahamak ng tao , doon sa kinayayamutan ng bansa , sa lingkod ng mga pinuno , Ang mga hari at ang mga pangulo , ay mangakakakita at magsisibangon , at sila&#039;y magsisisamba ; dahil sa Panginoon na tapat , sa Banal ng Israel , na siyang pumili sa iyo . Ganito ang sabi ng Panginoon , Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita , at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita : at aking iningatan ka , at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan , upang ibangon ang lupain , upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana ; Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo , Kayo&#039;y magsilabas ; sa kanilang nangasa kadiliman , Pakita kayo . Sila&#039;y magsisikain sa mga daan , at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan . Sila&#039;y hindi mangagugutom , o mangauuhaw man ; at hindi man sila mangapapaso ng init , o ng araw man : sapagka&#039;t siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila , sa makatuwid baga&#039;y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila . At aking gagawing daan ang lahat ng aking mga bundok , at ang aking mga lansangan ay patataasin . Narito , ang mga ito&#039;y manggagaling sa malayo ; at , narito , ang mga ito ay mula sa hilagaan , at mula sa kalunuran ; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim . Ikaw ay umawit , Oh langit ; at magalak , Oh lupa ; at kayo&#039;y biglang magsiawit , Oh mga bundok : sapagka&#039;t inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan , at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati . Nguni&#039;t sinabi ng Sion , Pinabayaan ako ni Jehova , at nilimot ako ng Panginoon . Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin ; na siya&#039;y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata ? oo , ito&#039;y makalilimot , nguni&#039;t hindi kita kalilimutan . Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay ; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko . Ang iyong mga anak ay mangagmamadali ; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo . Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot , at tingnan mo : lahat ng mga ito ay nagpipipisan , at naparirito sa iyo . Buhay ako , sabi ng Panginoon , ikaw ay mabibihisan ng lahat ng mga yaon , na parang pinakagayak , at mabibigkisan ka ng mga yaon na parang isang kasintahang babae . Sapagka&#039;t tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak , tunay na ikaw ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan , at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo . Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig , Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin : bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan . Kung magkagayo&#039;y sasabihin mo sa iyong sarili , Sinong nanganak ng mga ito sa akin , dangang nawalan ako ng aking mga anak , at ako&#039;y nagiisa , tapon , at lumalaboy na paroo&#039;t parito ? at sinong nagpalaki ng mga ito ? Narito , ako&#039;y naiwang magisa ; mga ito , saan nangandoon ? Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa , at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan ; at sila&#039;y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan , at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat . At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama , at ang kanilang mga reina , ay iyong mga taga kandiling ina : sila&#039;y magsisiyukod sa iyo ng kanilang mga mukha sa lupa , at hihimuran ang alabok ng inyong mga paa : at iyong makikilala , na ako ang Panginoon , at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya . Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan , o maliligtas ang mga talagang nabihag ? Nguni&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Pati ng mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin , at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas ; sapagka&#039;t ako&#039;y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo , at aking ililigtas ang iyong mga anak . At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman ; at sila&#039;y mangalalango ng kanilang sariling dugo , na gaya ng matamis na alak : at makikilala ng lahat ng tao , na akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas , at iyong Manunubos , na Makapangyarihan ng Jacob . Ganito ang sabi ng Panginoon , Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina , na aking ipinaghiwalay sa kaniya ? o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita ? Narito , dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo , at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina . Bakit , nang ako&#039;y parito , ay walang tao ? nang ako&#039;y tumawag , ay walang sumagot ? naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos ? o wala akong kapangyarihang makapagligtas ? Narito , sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat , aking pinapaging ilang ang mga ilog : ang kanilang isda ay bumabaho , sapagka&#039;t walang tubig , at namamatay dahil sa uhaw . Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip . Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan , upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay . Siya&#039;y nagigising tuwing umaga , ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan . Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig , at ako&#039;y hindi naging mapanghimagsik , o tumalikod man . Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit , at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas ; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura . Sapagka&#039;t tutulungan ako ng Panginoong Dios ; kaya&#039;t hindi ako nalito : kaya&#039;t inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian , at talastas ko na hindi ako mapapahiya . Siya&#039;y malapit na nagpapatotoo sa akin ; sinong makikipaglaban sa akin ? tayo&#039;y magsitayong magkakasama : sino ang aking kaaway ? bayaang lumapit siya sa akin . Narito , tutulungan ako ng Panginoong Dios ; sino siya na hahatol sa akin ? narito , silang lahat ay mangalulumang parang bihisan ; lalamunin sila ng tanga . Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon , na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod ? Siyang lumalakad sa kadiliman , at walang liwanag , tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon , at umasa sa kaniyang Dios . Narito , kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy , na kumukubkob ng mga sulo : magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy , at sa gitna ng mga sulo na inyong pinagalab . Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay ; kayo&#039;y hihiga sa kapanglawan . Kayo&#039;y magsipakinig sa akin , kayong nagsisisunod sa katuwiran , kayong nagsisihanap sa Panginoon : magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan , at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo . Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama , at si Sara na nanganak sa inyo ; sapagka&#039;t nang siya&#039;y iisa ay tinawag ko siya , at aking pinagpala siya , at aking pinarami siya . Sapagka&#039;t inaliw ng Panginoon ang Sion ; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako , at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang , at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon ; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon , pagpapasalamat , at tinig na mainam . Makinig ka sa akin , Oh bayan ko ; at pakinggan mo ako , Oh bansa ko : sapagka&#039;t isang kautusan ay magmumula sa akin , at ang aking kahatulan ay gagawin kong pinakaliwanag sa mga bayan . Ang katuwiran ko ay malapit , ang aking pagliligtas ay lumabas , at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan ; ang mga pulo ay magsisipaghintay sa akin , at sa aking bisig ay magsisitiwala sila . Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit , at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba ; sapagka&#039;t ang mga langit ay mapapawing parang usok , at ang lupa ay malulumang parang bihisan ; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan : nguni&#039;t ang pagliligtas ko ay magpakailan man , at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan . Inyong pakinggan ako , ninyong nakakaalam ng katuwiran , bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan ; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao , o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait . Sapagka&#039;t sila&#039;y lalamunin ng tanga na parang bihisan , at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa ; nguni&#039;t ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man , at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali&#039;t saling lahi . Gumising ka , gumising ka , magbihis ka ng kalakasan , Oh bisig ng Panginoon ; gumising ka na gaya nang kaarawan noong una , nang mga lahi ng mga dating panahon . Hindi baga ikaw ang pumutol ng Rahab , na sumaksak sa buwaya ? Hindi baga ikaw ang tumuyo sa dagat , sa tubig ng malaking kalaliman ; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat upang daanan ng natubos ? At ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik , at magsisiparoong may awitan sa Sion ; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo : sila&#039;y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan ; at ang kapanglawan at pagbubungtong-hininga ay tatakas . Ako , ako nga , ay siyang umaaliw sa inyo : sino ka na natatakot sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang damo ; At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo , na nagladlad ng mga langit , at naglalagay ng mga patibayan ng lupa ; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati , pagka siya&#039;y nagmamadali upang gumiba ? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati ? Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan ; at hindi mamamatay at bababa sa hukay , o magkukulang man ang kaniyang tinapay . Sapagka&#039;t ako ang Panginoon mong Dios , na nagpapahugong sa dagat , na ang mga alon niyao&#039;y humuhugong : ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan . At inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig , at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay , upang aking mailadlad ang mga langit , at mailagay ang mga patibayan ng lupa , at magsabi sa Sion , Ikaw ay aking bayan . Gumising ka , gumising ka , tumayo ka , Oh Jerusalem , na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa saro ng kaniyang kapusukan ; iyong ininuman ang saro ng pangpagiray , at iyong sinaid . Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak ; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki . Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo ; sinong makikidamdam sa iyo ? kagibaan , at kasiraan , at ang kagutom at ang tabak ; paanong aaliwin kita ? Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay , sila&#039;y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan , na gaya ng isang usa sa isang silo ; sila&#039;y puspos ng kapusukan ng Panginoon , ng saway ng iyong Dios . Kaya&#039;t pakinggan mo ito ngayon , ikaw na nagdadalamhati , at lango , nguni&#039;t hindi ng alak : Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova , at ng iyong Dios na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan , Narito , aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray , ang saro nga ng aking kapusukan ; hindi ka na iinom pa : At aking ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo , na nakapagsabi sa iyong kaluluwa , Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan , at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa , at parang lansangan sa kanilang nagdaraan . Gumising ka , gumising ka , magsuot ka ng iyong kalakasan , Oh Sion ; magsuot ka ng iyong mga magandang damit , Oh Jerusalem , na bayang banal : sapagka&#039;t mula ngayo&#039;y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi . Magpagpag ka ng alabok ; ikaw ay bumangon , umupo ka sa iyong luklukan , Oh Jerusalem : magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg , Oh bihag na anak na babae ng Sion . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&#039;y naipagbili sa wala ; at kayo&#039;y matutubos ng walang salapi . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang bayan ko ay bumaba noong una sa Egipto upang makipamayan doon : at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan . Ngayon nga , anong ginagawa ko rito , sabi ng Panginoon , yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano ? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal , sabi ng Panginoon , at ang aking pangalan ay natutungayaw na lagi buong araw , Kaya&#039;t makikilala ng aking bayan ang aking pangalan : kaya&#039;t matatalastas nila sa araw na yaon , na ako yaong nagsasalita ; narito , ako nga . Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita , na naghahayag ng kapayapaan , na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti , na nagtatanyag ng kaligtasan , na nagsasabi sa Sion , Ang iyong Dios ay naghahari ! Ang tinig ng iyong mga bantay ! sila&#039;y naglalakas ng tinig , na magkakasamang nagsisiawit ; sapagka&#039;t sila&#039;y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion . Kayo&#039;y magbiglang magalak , kayo&#039;y magsiawit na magkakasama , kayong mga sirang dako ng Jerusalem ; sapagka&#039;t inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan , kaniyang tinubos ang Jerusalem . Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa ; at makikita ng lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios . Kayo&#039;y magsiyaon , kayo&#039;y magsiyaon , kayo&#039;y magsialis doon , huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay ; kayo&#039;y magsilabas sa gitna niya ; kayo&#039;y mangagpakalinis , kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon . Sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi magsisilabas na nagmamadali , o magsisilabas man kayo na takas : sapagka&#039;t ang Panginoon ay magpapauna sa inyo ; at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod . Narito , ang lingkod ko ay gagawang may karunungan , siya&#039;y mabubunyi , at malalagay na mataas , at magiging napakataas . Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo ( ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake , at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao ) , Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa ; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya : sapagka&#039;t ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita ; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa . Sinong naniwala sa aming balita ? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon ? Sapagka&#039;t siya&#039;y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim , at gaya ng ugat sa tuyong lupa : walang anyo o kagandahan man ; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya . Siya&#039;y hinamak at itinakuwil ng mga tao ; isang taong sa kapanglawan , at bihasa sa karamdaman : at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao , na siya&#039;y hinamak , at hindi natin hinalagahan siya . Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman , at dinala ang ating mga kapanglawan ; gayon ma&#039;y ating pinalagay siya na hinampas , sinaktan ng Dios , at dinalamhati . Nguni&#039;t siya&#039;y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang , siya&#039;y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan , ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya ; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo . Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw ; tayo ay tumungo bawa&#039;t isa sa kaniyang sariling daan ; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat . Siya&#039;y napighati , gayon man nang siya&#039;y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig ; gaya ng kordero na dinadala sa patayan , at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi , gayon ma&#039;y hindi niya binuka ang kaniyang bibig . Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya : at tungkol sa kaniyang lahi , sino sa kanila ang gumunita na siya&#039;y nahiwalay sa lupain ng buhay ? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya . At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama , at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan ; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas , o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig . Gayon ma&#039;y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya ; inilagay niya siya sa pagdaramdam : pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan , makikita niya ang kaniyang lahi , pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan , at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay . Siya&#039;y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan : sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami ; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan . Kaya&#039;t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila , at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas ; sapagka&#039;t kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan , at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang : gayon ma&#039;y dinala niya ang kasalanan ng marami , at namagitan sa mga mananalangsang . Umawit ka , Oh baog , ikaw na hindi nanganak ; ikaw ay magbiglang umawit , at humiyaw ng malakas , ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak : sapagka&#039;t higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng may asawa , sabi ng Panginoon . Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda , at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan ; huwag kang magurong : habaan mo ang iyong mga lubid , at patibayin mo ang iyong mga tulos . Sapagka&#039;t ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa ; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa , at patatahanan ang mga gibang bayan . Huwag kang matakot ; sapagka&#039;t ikaw ay hindi mapapahiya : o malilito ka man ; sapagka&#039;t hindi ka malalagay sa kahihiyan : sapagka&#039;t iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan , at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa . Sapagka&#039;t ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa ; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan : at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos , ang Dios ng buong lupa tatawagin siya . Sapagka&#039;t tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban , parang asawa ng kabataan , pagka siya&#039;y itinatakuwil , sabi ng iyong Dios . Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan kita ; nguni&#039;t pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan . Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali ; nguni&#039;t kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob , sabi ng Panginoon , na iyong Manunubos . Sapagka&#039;t ito ay parang tubig ng panahon ni Noe sa akin ; sapagka&#039;t kung paanong ako&#039;y sumumpa , na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa , gayon ako&#039;y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo , o sasaway sa iyo . Sapagka&#039;t ang mga bundok ay mangapapaalis , at ang mga burol ay mangapapalipat ; nguni&#039;t ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo , o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis , sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo . Oh ikaw na nagdadalamhati , na pinapaspas ng bagyo , at hindi naaaliw , narito , aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay , at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro . At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan , at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan , at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan . At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon ; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak . Sa katuwiran ay matatatag ka : ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka&#039;t yao&#039;y hindi mo katatakutan ; at sa kakilabutan , sapagka&#039;t hindi lalapit sa iyo . Narito , sila&#039;y magkakapisan , nguni&#039;t hindi sa pamamagitan ko : sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo . Narito , aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga , at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa ; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol . Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at bawa&#039;t dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan . Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon , at ang katuwiran nila ay sa akin , sabi ng Panginoon . Oh lahat na nangauuhaw , magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi ; magsiparito kayo , kayo&#039;y magsibili , at magsikain ; oo , kayo&#039;y magsiparito , kayo&#039;y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad . Ano&#039;t kayo&#039;y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain ? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog ? inyong pakinggan ako , at magsikain kayo ng mabuti , at mangalugod kayo sa katabaan . Inyong ikiling ang inyong tainga , at magsiparito kayo sa akin ; kayo&#039;y magsipakinig , at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay : at ako&#039;y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan , sa makatuwid baga&#039;y ng tunay na mga kaawaan ni David . Narito , ibinigay ko siya na pinakasaksi sa mga bayan , na patnubay at tagapagutos sa mga bayan . Narito , ikaw ay tatawag ng bansa na hindi mo nakikilala ; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo , dahil sa Panginoon mong Dios , at dahil sa Banal ng Israel ; sapagka&#039;t kaniyang niluwalhati ka . Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya&#039;y masusumpungan , magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya&#039;y malapit : Lisanin ng masama ang kaniyang lakad , at ng liko ang kaniyang mga pagiisip ; at manumbalik siya sa Panginoon , at kaaawaan niya siya ; at sa aming Dios , sapagka&#039;t siya&#039;y magpapatawad ng sagana . Sapagka&#039;t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip , o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa , gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad , at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip . Sapagka&#039;t kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit , at hindi bumabalik doon , kundi dinidilig ang lupa , at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman , at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain ; Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko : hindi babalik sa akin na walang bunga , kundi gaganap ng kinalulugdan ko , at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan . Sapagka&#039;t kayo&#039;y magsisilabas na may kagalakan , at papatnubayang may kapayapaan : ang mga bundok at ang mga burol ay magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo , at ipapakpak ng lahat na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay . Kahalili ng tinik ay tutubo ang puno ng abeto ; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan : at sa Panginoon ay magiging pinaka pangalan , pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam . Ganito ang sabi ng Panginoon , Kayo&#039;y mangagingat ng kahatulan , at magsigawa ng katuwiran ; sapagka&#039;t ang aking pagliligtas ay malapit nang darating , at ang aking katuwiran ay mahahayag . Mapalad ang taong gumagawa nito , at ang anak ng tao na nanghahawak dito ; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin , at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan . At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa , na nalakip sa Panginoon , na magsasabi , Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan ; at huwag ding magsabi ang bating , Narito , ako&#039;y punong kahoy na tuyo . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath , at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin , at nagiingat ng aking tipan : Sila&#039;y bibigyan ko sa aking bahay at sa loob ng aking mga kuta , ng alaala at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae ; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan , na hindi mapaparam . Gayon din ang mga taga ibang lupa , na nakikilakip sa Panginoon , upang magsipangasiwa sa kaniya , at magsiibig sa pangalan ng Panginoon , upang magsipangasiwa sa kaniya , at magsiibig sa pangalan ng Panginoon , upang maging kaniyang mga lingkod , bawa&#039;t nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin , at nagiingat ng aking tipan ; Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok , at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan : ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana ; sapagka&#039;t ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan . Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi , Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya , bukod sa kaniyang sarili na nangapisan . Kayong lahat na mga hayop sa parang , kayo&#039;y magsiparitong lumamon , oo , kayong lahat na mga hayop sa gubat . Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag , silang lahat ay walang kaalaman ; silang lahat ay mga piping aso , sila&#039;y hindi makatahol ; mapanaginipin , mapaghiga , maibigin sa pagidlip . Oo , ang mga aso ay matatakaw , sila&#039;y kailan man ay walang kabusugan ; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa : sila&#039;y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang pakinabang . Kayo&#039;y magsiparito , sabi nila , ako&#039;y magdadala ng alak , at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin ; at bukas ay magiging gaya ng araw na ito , dakilang araw , na walang kapantay . Ang matuwid na namamatay , at walang taong nagdadamdam ; at mga taong mahabagin ay pumapanaw , walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating . Siya&#039;y nanasok sa kapayapaan ; sila&#039;y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawa&#039;t lumalakad sa kaniyang katuwiran . Nguni&#039;t magsilapit kayo rito , kayong mga anak ng babaing manghuhula , na lahi ng mangangalunya at ng patutot . Laban kanino nakipagaglahian kayo ? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig , at naglalawit ng dila ? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang , lahing sinungaling , Kayong mga nangagaalab sa inyong sarili sa gitna ng mga encina , sa ilalim ng bawa&#039;t sariwang punong kahoy ; na pumapatay ng mga anak sa mga libis , sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin ? Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi ; sila , sila ang iyong bahagi ; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog , ikaw ay naghandog ng alay . Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito ? Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan ; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain . At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala : sapagka&#039;t ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin , at ikaw ay sumampa ; iyong pinalaki ang iyong higaan , at nakipagtipan ka sa kanila : iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita . At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis , at iyong pinarami ang iyong mga pabango , at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo , at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol . Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad ; gayon ma&#039;y hindi mo sinabi , Walang kabuluhan : ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas ; kaya&#039;t hindi ka nanglupaypay . At kanino ka nangilabot at natakot , na ikaw ay nagsisinungaling , at hindi mo ako inalaala , o dinamdam mo man ? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon , at hindi mo ako kinatatakutan . Aking ipahahayag ang iyong katuwiran ; at tungkol sa iyong mga gawa , ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo . Pagka ikaw ay humihiyaw , iligtas ka nila na iyong pinisan ; nguni&#039;t tatangayin sila ng hangin , isang hinga ay tatangay sa kanila : nguni&#039;t siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain , at magmamana ng aking banal na bundok . At kaniyang sasabihin , inyong patagin , inyong patagin , inyong ihanda ang lansangan , inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan , na ang pangalan ay Banal ; Ako&#039;y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob , upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba , at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi . Sapagka&#039;t hindi ako makikipagtalo magpakailan man , o mapopoot man akong lagi ; sapagka&#039;t ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko , at ang mga kaluluwa na aking ginawa . Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako , at sinaktan ko siya ; aking ikinubli ang aking mukha at ako&#039;y napoot ; at siya&#039;y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso . Aking nakita ang kaniyang mga lakad , at pagagalingin ko siya ; akin ding papatnubayan siya , at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya , at ang kaniyang nangananangis . Aking nililikha ang bunga ng mga labi : Kapayapaan , kapayapaan , sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit , sabi ng Panginoon ; at aking pagagalingin siya . Nguni&#039;t ang masama ay parang maunos na dagat ; sapagka&#039;t hindi maaring humusay , at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi . Walang kapayapaan , sabi ng aking Dios , sa mga masama . Humiyaw ka ng malakas , huwag kang magpigil , ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak , at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang , at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan . Gayon ma&#039;y hinahanap nila ako araw-araw , at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan : na gaya ng bansa na gumawang matuwid , at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios , hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran ; sila&#039;y nangalulugod na magsilapit sa Dios . Ano&#039;t kami ay nangagayuno , sabi nila , at hindi mo nakikita ? ano&#039;t aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa , at hindi mo napapansin ? Narito , sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan , at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa . Narito , kayo&#039;y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo , at upang manakit ng suntok ng kasamaan : hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito , upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas . Iyan baga ang ayuno na aking pinili ? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa ? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok , at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya ? iyo bang tatawagin ito na ayuno , at kalugodlugod na araw sa Panginoon ? Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili : na kalagin ang mga tali ng kasamaan , na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati , at iyong alisin ang lahat na atang ? Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom , at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan ? pagka nakakakita ka ng hubad , na iyong bihisan ; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao ? Kung magkagayo&#039;y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga , at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw ; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo ; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod . Kung magkagayo&#039;y tatawag ka , at ang Panginoon ay sasagot ; ikaw ay dadaing , at siya&#039;y magsasabi , Narito ako . Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang , ang pagtuturo , at ang pagsasalita ng masama : At kung magmamagandang-loob ka sa gutom , at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa ; kung magkagayo&#039;y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman , at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat ; At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi , at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako , at palalakasin ang iyong mga buto ; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig , at parang bukal ng tubig , na ang tubig ay hindi naglilikat . At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako ; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali&#039;t saling lahi ; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira , Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan . Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath , sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan ; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran , at ang banal ng Panginoon na marangal ; at iyong pararangalan , na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad , ni hahanap ng iyong sariling kalayawan , ni magsasalita ng iyong mga sariling salita : Kung magkagayo&#039;y malulugod ka nga sa Panginoon ; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa ; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama ; sapagka&#039;t sinalita ng bibig ng Panginoon . Narito , ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi , na di makapagligtas ; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig , na di makarinig . Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios , at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo , upang siya&#039;y huwag makinig . Sapagka&#039;t ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo , at ang inyong mga daliri ng kasamaan ; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan , ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan . Walang dumadaing ng katuwiran at walang nanananggalang ng katotohanan : sila&#039;y nagsisitiwala sa walang kabuluhan , at nangagsasalita ng mga kasinungalingan ; sila&#039;y nangaglilihi ng kalikuan , at nanganganak ng kasamaan . Sila&#039;y pumipisa ng mga itlog ng ahas , at gumagawa ng bahay gagamba : ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay ; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong . Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan , o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa : ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan , at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay . Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan , at sila&#039;y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo : ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan ; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas . Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman : at walang kahatulan sa kanilang mga lakad : sila&#039;y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas ; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan . Kaya&#039;t ang kahatulan ay malayo sa amin , o umaabot man sa amin ang katuwiran : kami&#039;y nagsisihanap ng liwanag , nguni&#039;t narito , kadiliman ; ng kaliwanagan , nguni&#039;t nagsisilakad kami sa kadiliman . Kami&#039;y nagsisikapa sa bakod na parang bulag , oo , kami&#039;y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata : kami&#039;y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi ; sa gitna ng mga malakas , kami&#039;y parang mga patay . Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso , at lubhang dumadaing na parang mga kalapati : kami&#039;y nagsisihanap ng kahatulan , nguni&#039;t wala ; ng kaligtasan , nguni&#039;t malayo sa amin . Sapagka&#039;t ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo , at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin ; sapagka&#039;t ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin , at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin . Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios , sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik , sa pagaakala at paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan . At ang kahatulan ay tumatalikod , at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo ; sapagka&#039;t ang katotohanan ay nahulog sa lansangan , at ang karampatan ay hindi makapasok . Oo , ang katotohanan ay nagkukulang , at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli . At nakita ng Panginoon , at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan . At kaniyang nakita na walang tao , at namangha na walang tagapamagitan : kaya&#039;t ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya ; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya . At siya&#039;y nagsuot ng katuwiran na wari sapyaw , at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang ulo at siya&#039;y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit , at nagbihis ng sikap na wari balabal . Ayon sa kanilang mga gawa , ay gayon niya gagantihin , pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway , kagantihan sa kaniyang mga kaalit ; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan . Sa gayo&#039;y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran , at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka&#039;t siya&#039;y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon . At isang Manunubos ay paroroon sa Sion , at sa kanila , na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang , sabi ng Panginoon . At tungkol sa akin , ito ang aking tipan sa kanila , sabi ng Panginoon : ang aking Espiritu na nasa iyo , at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig , hindi hihiwalay sa iyong bibig , o sa bibig man ng iyong lahi , o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi , sabi ng Panginoon , mula ngayon at magpakailan pa man . Ikaw ay bumangon , sumilang ka : sapagka&#039;t ang iyong liwanag ay dumating , at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo . Sapagka&#039;t narito , tatakpan ng kadiliman ang lupa , at ng salimuot na dilim ang mga bayan : nguni&#039;t ang Panginoon ay sisikat sa iyo , at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo . At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag , at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat . Imulat mo ang iyong mata sa palibot , at ikaw ay tumingin : silang lahat ay nangagpipisan , sila&#039;y nagsiparoon sa iyo : ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin . Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka , at ang iyong puso ay titibok at lalaki ; sapagka&#039;t ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo , ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo . Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo , ng mga dromedario sa Madian at sa Epha ; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba : mangagdadala ng ginto at kamangyan , at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon . Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo , ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin : sila&#039;y kalugodlugod , na tatanggapin sa aking dambana , at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian . Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan ? Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin , at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna , upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo , ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila , dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios , at dahil sa Banal ng Israel , sapagka&#039;t kaniyang niluwalhati ka . At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta , at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo : sapagka&#039;t sa aking poot ay sinaktan kita , nguni&#039;t sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo . Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi ; hindi masasara sa araw o sa gabi man ; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa , at ang kanilang mga hari ay makakasama nila . Sapagka&#039;t yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay ; oo , ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos . Ang kaluwalhatian ng Libano ay darating sa iyo , ang puno ng abeto , ng pino , at ng boj na magkakasama , upang pagandahin ang dako ng aking santuario ; at aking gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati . At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo ; at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa ; at tatanawin ka nila Ang bayan ng Panginoon , Ang Sion ng Banal ng Israel . Yamang ikaw ay napabayaan at ipinagtanim , na anopa&#039;t walang tao na dumadaan sa iyo , gagawin kitang walang hanggang karilagan , na kagalakan ng maraming sali&#039;t saling lahi . Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa , at sususo sa mga suso ng mga hari ; at iyong malalaman na akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo , at Manunubos sa iyo , Makapangyarihan ng Jacob . Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto , at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak , at kahalili ng kahoy ay tanso , at kahalili ng mga bato ay bakal . Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan , at ang iyong mga maniningil ay katuwiran . Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain , ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan ; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan , at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan . Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw ; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag : kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag , at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian . Ang iyong araw ay hindi na lulubog , o ang iyo mang buwan ay lulubog ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag , at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos . Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat ; sila&#039;y mangagmamana ng lupain magpakailan man , ang sanga ng aking pananim , ang gawa ng aking mga kamay , upang ako&#039;y luwalhatiin . Ang munti ay magiging isang libo , at ang maliit ay magiging matibay na bansa : akong Panginoon , ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan . Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin ; sapagka&#039;t pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo ; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso , upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag , at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo ; Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon , at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios ; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis ; Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion , upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo , ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis , ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob ; upang sila&#039;y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran , na pananim ng Panginoon upang siya&#039;y luwalhatiin . At sila&#039;y magtatayo ng mga dating sira , sila&#039;y magbabangon ng mga dating giba , at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan , ang mga nagiba sa maraming sali&#039;t saling lahi . At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan , at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan . Nguni&#039;t kayo&#039;y tatawaging mga saserdote ng Panginoon ; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios : kayo&#039;y magsikain ng kayamanan ng mga bansa , at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo . Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan ; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi : kaya&#039;t sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan , walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila . Sapagka&#039;t ako , ang Panginoon , ay umiibig ng kahatulan , aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan ; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan , at ako&#039;y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan . At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa , at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan : lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila , na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon . Ako&#039;y magagalak na mainam sa Panginoon , ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios ; sapagka&#039;t binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan ; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran , gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak , at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas . Sapagka&#039;t kung paanong ang lupa&#039;y nagsisibol ng pananim , at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya ; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa . Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik , at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga , hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning , at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas . At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran , at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian ; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan , na ipangangalan ng bibig ng Panginoon . Ikaw naman ay magiging putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon , at diademang hari sa kamay ng iyong Dios . Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan ; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba : kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah , at ang iyong lupain ay Beulah : sapagka&#039;t ang Panginoon ay nalulugod sa iyo , at ang iyong lupain ay tatangkilikin . Sapagka&#039;t kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga , gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo ; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae , gayon magagalak ang Dios sa iyo . Ako&#039;y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta , Oh Jerusalem ; sila&#039;y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi : kayong mga mapagalaala sa Panginoon , huwag kayong mangagpahinga , At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan , hanggang sa siya&#039;y matatag , at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan sa lupa ang Jerusalem . Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay , at ng bisig ng kaniyang kalakasan , Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway ; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak , na iyong pinagpagalan . Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon , at magsisipuri sa Panginoon ; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon sa mga looban ng aking santuario . Kayo&#039;y magsidaan , kayo&#039;y magsidaan sa mga pintuang-bayan ; inyong ihanda ang lansangan ng bayan ; inyong patagin ; inyong patagin ang maluwang na lansangan ; inyong pulutin ang mga bato ; mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan . Narito , ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa , Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion , Narito , ang iyong kaligtasan ay dumarating ; narito , ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya , at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya . At tatawagin nila sila Ang banal na bayan , Ang tinubos ng Panginoon : at ikaw ay tatawagin Hinanap , Bayang hindi pinabayaan . Sino ito na nanggagaling sa Edom , na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra ? itong maluwalhati sa kaniyang suot , na lumalakad sa di kawasang lakas ? Ako na nagsasalita ng katuwiran , makapangyarihang magligtas . Bakit ka mapula sa iyong kasuutan , at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak ? Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak ; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin : oo , aking niyapakan siya sa aking galit , at aking niyurakan sila sa aking kapusukan ; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot , at natigmak ang buong suot ko . Sapagka&#039;t ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso , at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating . At ako&#039;y lumingap , at walang tumulong ; at ako&#039;y namangha na walang umalalay : kaya&#039;t iniligtas ako ng aking sariling kamay ; at ang aking kapusukan , ay umalalay sa akin . At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit , at nilango ko sila sa aking kapusukan , at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay . Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon , at ang mga kapurihan ng Panginoon , ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin , at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan , at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob . Sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Tunay , sila&#039;y aking bayan , mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan : sa gayo&#039;y siya&#039;y naging Tagapagligtas sa kanila . Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya , at iniligtas sila ng anghel na nasa kaniyang harapan : sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya sila ; at kaniyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw . Nguni&#039;t sila&#039;y nanganghimagsik , at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu : kaya&#039;t siya&#039;y naging kaaway nila , at siya rin ang nakipaglaban sa kanila . Nang magkagayo&#039;y inalaala niya ang mga araw nang una , si Moises at ang kaniyang bayan , na sinasabi , Saan nandoon siya na nagahon sa kanila mula sa dagat , na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan ? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila ? Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises ? na humawi ng tubig sa harap nila , upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan ? Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman , na parang isang kabayo sa ilang , upang sila&#039;y huwag mangatisod ? Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis , ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon : gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan , upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan . Tumungo ka mula sa langit , at tumingin ka , mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian : saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa ? ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin . Sapagka&#039;t ikaw ay aming Ama , bagaman hindi kami kinilala ni Abraham , at hindi kami kilala ng Israel : ikaw , Oh Panginoon , ay aming Ama , aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan . Oh Panginoon ; bakit mo kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan , at pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo ? Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod , na mga lipi ng iyong mana . Inaring sangdali lamang ng iyong banal na bayan : niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario . Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man , gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan . Oh buksan mo sana ang langit , na ikaw ay bumaba , na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan . Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan , at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig ; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway , upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan ! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay , ikaw ay bumaba , ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan . Sapagka&#039;t hindi narinig ng mga tao mula nang una , o naulinigan man ng pakinig , o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo , na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya . Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran , yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan : narito , ikaw ay napoot , at kami ay nagkasala : napasa kanila kaming malaong panahon ; at maliligtas baga kami ? Sapagka&#039;t kaming lahat ay naging parang marumi , at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi : at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat ; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan , na parang hangin . At walang tumatawag ng iyong pangalan , na gumigising upang manghawak sa iyo ; sapagka&#039;t ikinubli mo ang iyong mukha sa amin , at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan . Nguni&#039;t ngayon , Oh Panginoon , ikaw ay aming Ama ; kami ang malagkit na putik , at ikaw ay magpapalyok sa amin ; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay . Huwag kang lubhang mapoot , Oh Panginoon , o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man : narito , tingnan mo , isinasamo namin sa iyo , kaming lahat ay iyong bayan . Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang , ang Sion ay naging giba , ang Jerusalem ay sira . Ang aming banal at magandang bahay , na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy ; at lahat naming maligayang bagay ay nasira . Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito , Oh Panginoon ? ikaw baga&#039;y tatahimik , at pagdadalamhatiin mo kaming mainam ? Ako&#039;y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin ; ako&#039;y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin : aking sinabi , Narito ako , narito ako , sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan . Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan , na lumalakad sa daang hindi mabuti , ayon sa kanilang sariling mga pagiisip ; Bayan na minumungkahi akong palagi ng mukhaan , na naghahain sa mga halamanan , at nagsusunog ng kamangyan sa ibabaw ng mga laryo ; Na nauupo sa gitna ng mga libingan , at tumitigil sa mga lihim na dako ; na kumakain ng laman ng baboy , at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan ; Na nagsasabi , Humiwalay ka , huwag kang lumapit sa akin , sapagka&#039;t ako&#039;y lalong banal kay sa iyo . Ang mga ito ay usok sa aking ilong , apoy na nagliliyab buong araw . Narito , nasulat sa harap ko : hindi ako tatahimik , kundi ako&#039;y gaganti , oo , ako&#039;y gaganti sa kanilang sinapupunan , Ang inyong sariling mga kasamaan , at ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama , sabi ng Panginoon , na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok , at nagsitungayaw sa akin sa mga burol : ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan . Ganito ang sabi ng Panginoon , Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol , at may nagsasabi , Huwag mong sirain , sapagka&#039;t iyan ay mapapakinabangan : gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod , upang huwag kong malipol silang lahat . At ako&#039;y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob , at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok ; at mamanahin ng aking pinili , at tatahanan ng aking mga lingkod . At ang Saron ay magiging kulungan ng mga kawan , at ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan , dahil sa aking bayan na humanap sa akin . Nguni&#039;t kayo , na nangagpapabaya sa Panginoon , na nagsisilimot ng aking banal na bundok , na nangaghahanda ng dulang para sa Kapalaran , at pinupuno ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan ; Aking iuukol kayo sa tabak , at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan ; sapagka&#039;t nang ako&#039;y tumawag , kayo&#039;y hindi nagsisagot ; nang ako&#039;y magsalita , kayo&#039;y hindi nangakinig ; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata , at inyong pinili ang di ko kinaluluguran . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ang aking mga lingkod ay magsisikain , nguni&#039;t kayo&#039;y mangagugutom ; narito , ang aking mga lingkod ay magsisiinom , nguni&#039;t kayo&#039;y mangauuhaw ; narito , mangagagalak ang aking mga lingkod , nguni&#039;t kayo&#039;y mangapapahiya ; Narito , ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso , nguni&#039;t kayo&#039;y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso , at aangal dahil sa pagkabagbag ng loob . At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili , at papatayin ka ng Panginoong Dios ; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan : Na anopa&#039;t siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan ; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan ; sapagka&#039;t ang mga dating kabagabagan ay nalimutan , at sapagka&#039;t nangakubli sa aking mga mata . Sapagka&#039;t narito , ako&#039;y lumilikha ng mga bagong langit , at ng bagong lupa , at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala , o mapapasa isip man . Nguni&#039;t kayo&#039;y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha ; sapagka&#039;t , narito , aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem , at kaligayahan ang kaniyang bayan . At ako&#039;y magagalak sa Jerusalem , at maliligaya sa aking bayan ; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya , o ang tinig man ng daing . Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay , o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan ; sapagka&#039;t ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang , at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain . At sila&#039;y mangagtatayo ng mga bahay , at ang mga yao&#039;y kanilang tatahanan ; at sila&#039;y mangaguubasan , at magsisikain ng bunga niyaon . Sila&#039;y hindi magtatayo , at iba ang tatahan ; sila&#039;y hindi magtatanim , at iba ang kakain ; sapagka&#039;t kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy , ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan , at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay . Sila&#039;y hindi gagawa ng walang kabuluhan , o manganganak man para sa kasakunaan , sapagka&#039;t sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon , at ang kanilang mga anak na kasama nila . At mangyayari , na bago sila magsitawag , sasagot ako ; at samantalang sila&#039;y nangagsasalita , aking didinggin . Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama , at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka ; at alabok ang magiging pagkain ng ahas . Sila&#039;y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok , sabi ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoon , Ang langit ay aking luklukan , at ang lupa ay aking tungtungan : anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin ? at anong dako ang magiging aking pahingahan ? Sapagka&#039;t lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay , at sa gayo&#039;y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito , sabi ng Panginoon : nguni&#039;t ang taong ito ay titingnan ko , sa makatuwid baga&#039;y siyang dukha at may pagsisising loob , at nanginginig sa aking salita . Siyang pumapatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao ; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso ; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy ; siyang nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan . Oo , sila&#039;y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad , at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay ; Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan , at dadalhan ko sila ng kanilang takot , sapagka&#039;t nang ako&#039;y tumawag , walang sumagot ; nang ako&#039;y magsalita ay walang nakinig ; kundi sila&#039;y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata , at pinili ang hindi ko kinaluluguran . Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon , ninyong nanginginig sa kaniyang salita , Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin , nangagsabi , Luwalhatiin ang Panginoon , upang makita namin ang inyong kagalakan ; nguni&#039;t sila&#039;y mangapapahiya . Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan , ang tinig na mula sa templo , ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway . Bago siya nagdamdam , siya&#039;y nanganak ; bago dumating ang kaniyang paghihirap , siya&#039;y nanganak ng isang lalake . Sinong nakarinig ng ganyang bagay ? sinong nakakita ng ganyang mga bagay ? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw ? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa ? sapagka&#039;t pagdaramdam ng Sion , ay nanganak ng kaniyang mga anak . Dadalhin ko baga sa kapanganakan , at hindi ko ilalabas ? sabi ng Panginoon ; magsasara baga ako ng bahay bata , akong nagpapanganak ? sabi ng iyong Dios . Kayo&#039;y mangagalak na kasama ng Jerusalem , at mangatuwa dahil sa kaniya , kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya : kayo&#039;y mangagalak ng kagalakan na kasama niya , kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya : Upang kayo&#039;y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan ; upang kayo&#039;y makagatas , at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , ako&#039;y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog , at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha , at inyong sususuhin yaon ; kayo&#039;y kikilikin , at lilibangin sa mga tuhod . Kung paanong ang sinoma&#039;y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo ; at kayo&#039;y mangaaliw sa Jerusalem . At inyong makikita , at magagalak ang inyong puso , at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo : at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod , at siya&#039;y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway . Sapagka&#039;t , narito , ang Panginoon ay darating na may apoy , at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan , at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon , at sa pamamagitan ng kaniyang tabak , sa lahat ng mga tao : at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami . Silang nangagpapakabanal , at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan , sa likuran ng isa sa gitna , na nagsisikain ng laman ng baboy , at ng kasuklamsuklam , at ng daga ; sila&#039;y darating sa isang wakas na magkakasama , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip : ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba&#039;t ibang wika ; at sila&#039;y magsisiparoon , at mangakikita ang aking kaluwalhatian . At ako&#039;y maglalagay ng tanda sa gitna nila , at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa , sa Tarsia , Pul , at Lud , na nagsisihawak ng busog , sa Tubal at Javan , sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan , o nakakita man ng aking kaluwalhatian ; at sila&#039;y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa . At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon , na nasasakay sa mga kabayo , at sa mga karo , at sa mga duyan , at sa mga mula , at sa mga maliksing hayop , sa aking banal na bundok na Jerusalem , sabi ng Panginoon , gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon . At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa , na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko , sabi ng Panginoon , gayon mananatili ang inyong lahi , at ang inyong pangalan . At mangyayari , na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago , at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago , paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko , sabi ng Panginoon . At sila&#039;y magsisilabas , at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin : sapagka&#039;t ang kanilang uod ay hindi mamamatay , o mamamatay man ang kanilang apoy ; at sila&#039;y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao . </passage></reply></GetPassage>