<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:25</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:25</urn><passage>Ano&#039;t nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao ! Siya&#039;y naging parang isang bao , na naging dakila sa gitna ng mga bansa ! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan , ay naging mamumuwis ! Siya&#039;y umiiyak na lubha sa gabi , at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi ; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya : ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan ; sila&#039;y naging kaniyang mga kaaway . Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati , at sa kabigatan ng paglilingkod ; siya&#039;y tumatahan sa gitna ng mga bansa , siya&#039;y walang masumpungang kapahingahan ; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit . Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa , sapagka&#039;t walang pumaparoon sa takdang kapulungan ; lahat niyang pintuang-bayan ay giba , ang mga saserdote niya&#039;y nangagbubuntong-hininga : ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati , at siya&#039;y nasa kahapisan . Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo , ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa ; sapagka&#039;t pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang : ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban . At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion : ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan , at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol . Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una : nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban , at walang sumaklolo sa kaniya , nakita siya ng mga kalaban , tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira . Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala ; kaya&#039;t siya&#039;y naging parang maruming bagay ; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya , sapagka&#039;t kanilang nakita ang kaniyang kahubaran : Oo , siya&#039;y nagbubuntong-hininga , at tumatalikod . Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan ; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas ; kaya&#039;t siya&#039;y nababa ng katakataka ; siya&#039;y walang mangaaliw ; masdan mo , Oh Panginoon , ang aking pagdadalamhati ; sapagka&#039;t ang kaaway ay nagmalaki . Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay ; sapagka&#039;t nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario , yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan . Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga , sila&#039;y nagsisihanap ng tinapay ; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa . Iyong tingnan , Oh Panginoon , at masdan mo ; sapagka&#039;t ako&#039;y naging hamak . Wala bagang anoman sa inyo , sa inyong lahat na nagsisipagdaan ? Inyong masdan , at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan , na nagawa sa akin , na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit . Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto , at mga pinananaigan ; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa , kaniyang ibinalik ako : kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw . Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay ; mga nagkalakiplakip , nagsiabot sa aking leeg ; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan : ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay , laban sa mga hindi ko matatayuan . Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko ; siya&#039;y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata : niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda . Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako ; ang mata ko , ang mata ko ay dinadaluyan ng luha ; sapagka&#039;t ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin : ang mga anak ko ay napahamak , sapagka&#039;t nanaig ang kaaway . Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay ; walang umaliw sa kaniya ; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob , na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban : ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila . Ang Panginoon ay matuwid ; sapagka&#039;t ako&#039;y nanghimagsik laban sa kaniyang utos : inyong pakinggan , isinasamo ko sa inyo , ninyong lahat na bayan , at inyong masdan ang aking kapanglawan : ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag . Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin , nguni&#039;t dinaya nila : nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan , habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa . Masdan mo , Oh Panginoon ; sapagka&#039;t ako&#039;y nasa kapanglawan ; ang aking puso ay namamanglaw ; ang aking puso ay nagugulumihanan ; sapagka&#039;t ako&#039;y lubhang nanghimagsik : sa labas ay tabak ang lumalansag , sa loob ay may parang kamatayan . Nabalitaan nila na ako&#039;y nagbubuntong-hininga ; walang umaliw sa akin ; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan ; sila&#039;y nangatuwa na iyong ginawa : iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag , at sila&#039;y magiging gaya ko . Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo ; at gawin mo sa kanila , ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang : sapagka&#039;t ang aking mga buntong-hininga ay marami , at ang aking puso ay nanglulupaypay . Ano&#039;t tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit ! Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa ang kagandahan ng Israel , at hindi inalaala ang kaniyang tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit . Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob , at siya&#039;y hindi naawa : Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda ; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa : kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon . Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel ; kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway : at kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy , na namumugnaw sa palibot . Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway , kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban , at pinatay ang lahat na maligaya sa mata : sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy . Ang Panginoon ay naging parang kaaway , kaniyang nilamon ang Israel ; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio , kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan ; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy . At kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan ; kaniyang sinira ang kaniyang mga dako ng kapulungan : ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at sabbath sa Sion , at hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote . Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana , kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario ; kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio : sila&#039;y nangagingay sa bahay ng Panginoon , na parang kaarawan ng takdang kapulungan . Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion ; kaniyang iniladlad ang lubid , hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba : at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta ; nanganglulupaypay kapuwa . Ang kaniyang mga pintuang-bayan ay nangabaon sa lupa ; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang : ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na hindi kinaroroonan ng kautusan ; Oo , ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon . Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa , sila&#039;y nagsisitahimik ; sila&#039;y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo ; sila&#039;y nangagbigkis ng kayong magaspang : itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa . Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata , namamanglaw ang aking puso , ako&#039;y lubhang nahahapis , dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan , dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga lansangan ng bayan . Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina , saan nandoon ang trigo at alak ? Pagka sila&#039;y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan , pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina . Ano ang aking patototohanan sa iyo ? sa ano kita iwawangis , Oh anak na babae ng Jerusalem ? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo , upang maaliw kita , Oh anak na dalaga ng Sion ? Sapagka&#039;t ang iyong sira ay malaking parang dagat : sinong makapagpapagaling sa iyo ? Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan ; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan , upang bawiin ang iyong pagkabihag , kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon . Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo ; sila&#039;y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem , na sinasabi , Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan , Ang kagalakan ng buong lupa ? Ibinukang maluwang ng lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo : sila&#039;y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin ; kanilang sinasabi , Aming nilamon siya ; tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay ; aming nasumpungan , aming nakita . Ginawa ng Panginoon ang kaniyang ipinasiya ; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos nang mga kaarawan nang una ; kaniyang ibinagsak , at hindi naawa : at kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway ; kaniyang pinataas ang sungay ng iyong mga kalaban . Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon : Oh kuta ng anak na babae ng Sion , dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi ; huwag kang magpahinga ; huwag maglikat ang itim ng iyong mata . Bumangon ka , humiyaw ka sa gabi , sa pasimula ng mga pagpupuyat ; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon : igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak , na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan . Tingnan mo , Oh Panginoon , at masdan mo , kung kanino mo ginawa ang ganito ! Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak , ang mga anak na kinakalong sa mga kamay ? Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon ? Ang binata at ang matanda ay humihiga sa lupa sa mga lansangan ; ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak : iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit ; iyong pinatay at hindi ka naawa . Tinawag mo , gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan , ang aking mga kakilabutan ay sa bawa&#039;t dako ; at walang nakatanan , o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon : yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway . Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot . Ako&#039;y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman , at hindi sa liwanag . Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli&#039;t muli buong araw . Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya ; kaniyang binali ang aking mga buto . Ako&#039;y kinalaban niya , at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam . Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako , gaya ng nangamatay nang malaon . Kaniyang binakuran ako na anopa&#039;t ako&#039;y hindi makalabas ; kaniyang pinabigat ang aking tanikala . Oo , pagka ako&#039;y dumadaing , at humihinging tulong , kaniyang pinagsasarhan ang aking daing . Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato , kaniyang iniliko ang aking mga landas . Siya&#039;y parang oso na nagaabang sa akin , parang leon sa mga kubling dako . Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad , at ako&#039;y pinagwaraywaray niya ; kaniyang ipinahamak ako ; Kaniyang iniakma ang kaniyang busog , at ginawa akong pinaka tanda sa pana . Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan . Ako&#039;y naging kakutyaan sa aking buong bayan , at kanilang awit buong araw . Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan , kaniyang sinuya ako ng ajenjo . Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava ; kaniyang tinabunan ako ng mga abo . At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan ; ako&#039;y nakalimot ng kaginhawahan . At aking sinabi , Ang lakas ko&#039;y nawala , at ang aking pagasa sa Panginoon . Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan , ang ajenjo at ng apdo . Ang kaluluwa ko&#039;y naaalaala pa nila , at napangumbaba sa loob ko . Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip ; kaya&#039;t may pagasa ako . Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol , sapagka&#039;t ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos . Ang mga yao&#039;y bago tuwing umaga , dakila ang inyong pagtatapat . Ang Panginoon ay aking bahagi , sabi ng aking kaluluwa ; kaya&#039;t ako&#039;y aasa sa kaniya . Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya , sa kaluluwa na humahanap sa kaniya . Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon . Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan . Maupo siyang magisa at tumahimik , sapagka&#039;t kaniyang iniatang sa kaniya . Sumubsob siya sa alabok , kung gayo&#039;y magkakaroon siya ng pagasa . Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya ; mapuspos siya ng kadustaan . Sapagka&#039;t ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man . Sapagka&#039;t bagaman siya&#039;y nagpapapanglaw , gayon ma&#039;y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan . Sapagka&#039;t siya&#039;y hindi kusang dumadalamhati , o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao . Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa . Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan , Na iligaw ang tao sa kaniyang usap , hindi kinalulugdan ng Panginoon . Sino siya na nagsasabi , at nangyayari , kung hindi iniuutos ng Panginoon ? Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama&#039;t mabuti ? Bakit dumadaing ang taong may buhay , ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan ? Ating usisain at suriin ang ating mga lakad , at manumbalik sa Panginoon . Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit . Kami ay sumalangsang at nanghimagsik ; ikaw ay hindi nagpatawad . Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami ; ikaw ay pumatay , ikaw ay hindi naawa . Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap , na anopa&#039;t hindi makadaan ang anomang panalangin . Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan . Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin . Takot at ang hukay ay dumating sa amin , ang pagkasira at pagkagiba . Ang mata ko&#039;y dumadaloy ng mga ilog ng tubig , dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan . Ang mata ko&#039;y dinadaluyan at hindi naglilikat , na walang pagitan . Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo , at tumingin mula sa langit . Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa , dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan . Lubha nila akong hinahabol na parang ibon , na mga kaaway kong walang kadahilanan . Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato . Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo ; aking sinabi , Ako&#039;y nahiwalay . Ako&#039;y tumawag sa iyong pangalan , Oh Panginoon , mula sa kababababaang hukay . Iyong dininig ang aking tinig ; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal , sa aking daing . Ikaw ay lumapit sa araw na ako&#039;y tumawag sa iyo ; iyong sinabi , Huwag kang matakot . Oh Panginoon , iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa ; iyong tinubos ang aking buhay . Oh Panginoon , iyong nakita ang aking pagkakamali ; hatulan mo ang aking usap . Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti , at ang lahat nilang pasiya laban sa akin . Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi , Oh Panginoon , at lahat nilang pasiya laban sa akin , Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin , at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw . Masdan mo ang kanilang pagupo , at ang kanilang pagtayo ; ako ang kanilang awit . Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan , Oh Panginoon , ayon sa gawa ng kanilang mga kamay . Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso , ang iyong sumpa sa kanila . Iyong hahabulin sila sa galit , at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon . Ano&#039;t ang ginto ay naging malabo ! Ano&#039;t ang pinakadalisay na ginto ay nagbago ! Ang mga bato ng santuario ay natapon sa dulo ng lahat na lansangan . Ang mga mahalagang anak ng Sion , na katulad ng dalisay na ginto , ano&#039;t pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa , na gawa ng mga kamay ng magpapalyok ! Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso , nangagpapasuso sa kanilang mga anak : ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik , parang mga avestruz sa ilang . Ang dila ng sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw : ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay , at walang taong magpuputol nito sa kanila . Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan : silang nagsilaki sa matingkad na pula ay nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi . Sapagka&#039;t ang kasamaan ng anak na babae ng aking bayan ay lalong malaki kay sa kasalanan ng Sodoma , na nagiba sa isang sangdali , at walang mga kamay na humawak sa kaniya . Ang kaniyang mga mahal na tao ay lalong malinis kay sa nieve , mga lalong maputi kay sa gatas ; sila&#039;y lalong mapula sa katawan kay sa mga rubi , ang kanilang kinis ay parang zafiro . Ang kanilang anyo ay lalong maitim kay sa uling ; sila&#039;y hindi makilala sa mga lansangan : ang kanilang balat ay naninikit sa kanilang mga buto ; natutuyo , nagiging parang tungkod . Silang napatay ng tabak ay maigi kay sa kanila na napatay ng gutom ; sapagka&#039;t ang mga ito ay nagsisihapay , na napalagpasan , dahil sa pangangailangan ng mga bunga sa parang . Ang mga kamay ng mga mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak ; mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan . Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan , kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit ; at siya&#039;y nagpaalab ng apoy sa Sion , na pumugnaw ng mga patibayan niyaon . Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala , o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan , na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem . Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta , at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote , na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya . Sila&#039;y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag , sila&#039;y nangadudumhan ng dugo , na anopa&#039;t hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot . Magsihiwalay kayo , sila&#039;y nagsisihiyaw sa kanila , Marurumi ! magsihiwalay kayo , magsihiwalay kayo , huwag ninyong hipuin : nang sila&#039;y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa , Hindi na sila nangingibang bayan pa rito . Pinangalat sila ng galit ng Panginoon ; sila&#039;y hindi na niya lilingapin pa . Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote , hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda . Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay ng walang kabuluhang tulong : sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang bansa na hindi makapagligtas . Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang , upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan : ang aming wakas ay malapit na , ang aming mga kaarawan ay nangaganap ; sapagka&#039;t ang aming wakas ay dumating . Ang mga manghahabol sa amin ay lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid : kanilang hinabol kami sa mga bundok , kanilang binakayan kami sa ilang . Ang hinga ng aming mga butas ng ilong , ang pinahiran ng Panginoon ay nahuli sa kanilang mga hukay ; na siya naming pinagsasabihan , sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa . Ikaw ay magalak at matuwa Oh anak na babae ng Edom , na tumatahan sa lupain ng Uz : ang saro ay darating din sa iyo ; ikaw ay malalango , at magpapakahubad . Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap , Oh anak na babae ng Sion , hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag : kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan , Oh anak na babae ng Edom ; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan . Iyong alalahanin , Oh Panginoon , kung anong dumating sa amin : iyong masdan , at tingnan ang aming pagkadusta . Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa , ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan . Kami ay mga ulila at walang ama ; ang aming mga ina ay parang mga bao . Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi ; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin . Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg : kami ay mga pagod , at walang kapahingahan . Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto , at sa mga taga Asiria , upang mangabusog ng tinapay . Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na ; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan . Mga alipin ay nangagpupuno sa amin : walang magligtas sa amin sa kanilang kamay . Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay , dahil sa tabak sa ilang . Ang aming balat ay maitim na parang hurno , dahil sa maningas na init ng kagutom . Kanilang dinahas ang mga babae , sa Sion , ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda . Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay : ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang . Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan , at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy . Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan . Ang mga binata&#039;y wala na sa kanilang mga tugtugin . Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat ; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan . Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo : sa aba namin ! sapagka&#039;t kami ay nangagkasala . Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay ; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata ; Dahil sa bundok ng Sion na nasira ; nilalakaran ng mga zora . Ikaw , Oh Panginoon , nananatili magpakailan man : ang iyong luklukan ay sa sali&#039;t saling lahi . Bakit mo kami nililimot magpakailan man , at pinababayaan mo kaming totoong malaon ? Manumbalik ka sa amin , Oh Panginoon , at kami ay manunumbalik : baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una . Nguni&#039;t itinakuwil mo kaming lubos , ikaw ay totoong napoot sa amin . </passage></reply></GetPassage>