<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:26</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:26</urn><passage>Nangyari nga nang ikatatlong pung taon , sa ikaapat na buwan , nang ikalimang araw ng buwan , samantalang ako&#039;y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar , na ang langit ay nabuksan , at ako&#039;y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios . Nang ikalimang araw ng buwan , na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring Joacim , Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote , na anak ni Buzi , sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar : at ang kamay ng Panginoon , ay sumasa kaniya . At ako&#039;y tumingin , at , narito , isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan , na isang malaking ulap , na may isang apoy na naglilikom sa sarili , at isang ningning sa palibot , at mula sa gitna niyao&#039;y may parang metal na nagbabaga , mula sa gitna ng apoy . At mula sa gitna niyao&#039;y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay . At ito ang kanilang anyo , Sila&#039;y nakawangis ng isang tao ; At bawa&#039;t isa ay may apat na mukha , at bawa&#039;t isa sa kanila ay may apat na pakpak . At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa ; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya ; at sila&#039;y nagsisikinang na parang kulay ng tansong binuli . At sila&#039;y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran ; at silang apat ay may kanilang mga mukha , at may kanilang mga pakpak na ganito : Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan ; sila&#039;y hindi nagsisipihit nang sila&#039;y yumaon ; yumaon bawa&#039;t isa sa kanila na patuloy . Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha , sila&#039;y may mukhang tao ; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran ; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran ; silang apat ay may mukha rin ng aguila . At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas : dalawang pakpak ng bawa&#039;t isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan . At yumaon bawa&#039;t isa sa kanila na patuloy ; kung saan naparoroon ang espiritu , doon sila nangaparoroon ; sila&#039;y hindi nagsisipihit nang sila&#039;y yumaon . Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay , ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas ; parang mga sulo : ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas , at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat . At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang kislap ng kidlat . Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay , narito , ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay , sa bawa&#039;t isa ng apat na mukha ng mga yaon . Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo : at ang apat na yaon ay may isang anyo : at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong . Pagka yumaon , nagsisiyaon sa kanilang apat na dako : hindi nagsisipihit nang sila&#039;y yumaon . Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot ; at itong apat ay may kanilang mga Ilanta na puno ng mga mata sa palibot . At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon , ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila ; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa , ang mga gulong ay nangatataas . Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila ; doon pinaparoonan ng espiritu ; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila ; sapagka&#039;t ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong . Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon , ang mga ito&#039;y nagsisiyaon ; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo , ang mga ito ay nagsisitayo ; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa , ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila ; sapagka&#039;t ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong . At sa ibabaw ng ulo ng nilalang na may buhay , may kawangis ng langit , na parang kulay ng kakilakilabot na bubog , na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo . At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak , na ang isa ay sa gawi ng isa : bawa&#039;t isa&#039;y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito , at bawa&#039;t isa&#039;y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon . At nang sila&#039;y magsiyaon , aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig , parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat , na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo : pagka sila&#039;y nagsisitayo , kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak . At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo : pagka sila&#039;y nagsisitayo , kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak . At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro ; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon . At ako&#039;y nakakita ng parang metal na nagbabaga , na parang anyo ng apoy sa loob niyaon , na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas ; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy , at may ningning sa palibot niyaon . Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan , gayon ang anyo ng kinang sa palibot . Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon . At nang aking makita , ako&#039;y nasubasob , at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , tumayo ka ng iyong mga paa , at ako&#039;y makikipagsalitaan sa iyo . At ang Espiritu ay sumaakin nang siya&#039;y magsalita sa akin , at itinayo ako sa aking mga paa ; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin . At kaniyang sinabi sa akin , Anak ng tao , sinusugo kita sa mga anak ni Israel , sa mga bansa na mapanghimagsik , na nanganghimagsik laban sa akin : sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin , hanggang sa kaarawan ngang ito . At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob ; sinusugo kita sa kanila : at iyong sasabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios . At sila sa didinggin man nila , o sa itatakuwil man nila ( sapagka&#039;t sila&#039;y mapanghimagsik na sangbahayan ) , gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila . At ikaw , anak ng tao , huwag matakot sa kanila , o matakot man sa kanilang mga salita , bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo , at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan : huwag kang matakot sa kanilang mga salita , o manglupaypay man sa kanilang mga tingin , bagaman sila&#039;y mapanghimagsik na sangbahayan . At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila , sa didinggin , o sa itatakuwil man ; sapagka&#039;t sila&#039;y totoong mapanghimagsik . Nguni&#039;t ikaw , anak ng tao , dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo ; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan ; ibuka mo ang iyong bibig , at iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo . At nang ako&#039;y tumingin , narito , isang kamay ay nakaunat sa akin ; at narito , isang balumbon ay nandoon ; At ikinadkad niya sa harap ko : at nasusulatan sa loob at sa labas ; at may nakasulat doon na mga taghoy , at panangis , at mga daing . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , kanin mo ang iyong nasusumpungan ; kanin mo ang balumbong ito , at ikaw ay yumaon , magsalita ka sa sangbahayan ni Israel . Sa gayo&#039;y ibinuka ko ang aking bibig , at ipinakain niya sa akin ang balumbon . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , pakanin mo ang iyong tiyan , at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo . Nang magkagayo&#039;y kinain ko , at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , yumaon ka , paroon ka sa sangbahayan ni Israel , at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila . Sapagka&#039;t ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita , kundi sa sangbahayan ni Israel ; Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita , na ang mga salita ay hindi mo nauunawa . Tunay na kung suguin kita sa mga yaon , didinggin ka ng mga yaon . Nguni&#039;t hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel ; sapagka&#039;t hindi nila ako didinggin : sapagka&#039;t ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo , at may mapagmatigas na loob . Narito , aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha , at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo . Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo : huwag mo silang katakutan , o manglupaypay man sa kanilang tingin , bagaman sila&#039;y mapanghimagsik na sangbahayan . Bukod dito&#039;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso , at dinggin mo ng iyong mga pakinig . At yumaon ka , pumaroon ka sa mga bihag , na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila , at saysayin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; sa didinggin man nila , o sa itatakuwil man nila . Nang magkagayo&#039;y itinaas ako ng Espiritu , at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong , na nagsasabi ; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako . At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan , at ang hugong ng mga gulong sa siping nila , sa makatuwid baga&#039;y ang ingay ng malaking hugong . Sa gayo&#039;y itinaas ako ng Espiritu , at ako&#039;y dinala ; at ako&#039;y yumaong namamanglaw , sa pagiinit ng aking kalooban ; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin . Nang magkagayo&#039;y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib , na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar , at sa kanikanilang kinatatahanan ; at ako&#039;y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw . At nangyari , sa katapusan ng pitong araw , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel : kaya&#039;t pakinggan mo ang salita sa aking bibig , at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin . Pagka aking sinabi sa masama , Ikaw ay walang pagsalang mamamatay ; at hindi mo pinagpaunahan siya , o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad , upang iligtas ang kaniyang buhay ; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan ; nguni&#039;t ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay . Gayon ma&#039;y kung iyong pagpaunahan ang masama , at siya&#039;y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan , o sa kaniyang masamang lakad man , siya&#039;y mamamatay sa kaniyang kasamaan ; nguni&#039;t iyong iniligtas ang iyong kaluluwa . Muli , pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran , at gumawa ng kasamaan , at ako&#039;y naglalagay ng katitisuran sa harap niya , siya&#039;y mamamatay ; sapagka&#039;t hindi mo siya pinagpaunahan , siya&#039;y mamamatay sa kaniyang kasalanan , at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin ; nguni&#039;t ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay . Gayon ma&#039;y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid , upang ang matuwid ay huwag magkasala , at siya&#039;y hindi nagkakasala , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay , sapagka&#039;t siya&#039;y nahikayat ; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa . At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin , at sinabi niya sa akin , Bumangon ka , lumabas ka sa kapatagan at doo&#039;y makikipagusap ako sa iyo . Nang magkagayo&#039;y bumangon ako , at ako&#039;y lumabas sa kapatagan ; at , narito , ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon , na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar ; at ako&#039;y napasubasob . Nang magkagayo&#039;y suma akin ang Espiritu , at itinayo ako sa aking mga paa ; at siya&#039;y nakipagsalitaan sa akin , at nagsabi sa akin , Yumaon ka , magsara ka sa loob ng iyong bahay . Nguni&#039;t ikaw , anak ng tao , narito , sila&#039;y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo , at itatali sa iyo , at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila . At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig , upang ikaw ay mapipi , at huwag maging mananaway sa kanila : sapagka&#039;t sila&#039;y mapanghimagsik na sangbahayan . Nguni&#039;t pag ako&#039;y makikipagsalitaan sa iyo , aking ibubuka ang iyong bibig , at iyong sasabihin sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Siyang nakikinig ay makinig ; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil : sapagka&#039;t sila&#039;y mapanghimagsik na sangbahayan . Ikaw naman , anak ng tao , kumuha ka ng isang losa , at ilagay mo sa harap mo , at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan , sa makatuwid baga&#039;y ng Jerusalem . At kubkubin mo , at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon , at maglagay ka ng bunton sa tapat noon ; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon ; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot . At magdala ka ng kawaling bakal , at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan : at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon , at makukubkob , at iyong kukubkubin . Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel . Bukod dito&#039;y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon ; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon , magdadanas ka ng kanilang kasamaan . Sapagka&#039;t aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo&#039;y isang bilang ng mga araw , sa makatuwid baga&#039;y tatlong daan at siyam na pung araw : gayon mo dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel . At muli , pagka iyong natapos ang mga ito , ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan , at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda ; apat na pung araw , bawa&#039;t araw ay pinaka isang taon , aking itinakda sa iyo . At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas ; at ikaw ay manghuhula laban doon . At , narito , ipinaglalagay kita ng lubid , at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila , hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob . Magdala ka rin ng trigo , at ng cebada , at ng habas , at ng lentejas , at ng mijo , at ng espelta , at ilagay mo sa isang sisidlan , at gawin mong tinapay ; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran , sa makatuwid baga&#039;y tatlong daan at siyam na pung araw , iyong kakanin yaon . At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang , dalawang pung siklo isang araw : araw-araw ay iyong kakanin . At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal , na ikaanim na bahagi ng isang hin : araw-araw ikaw ay iinom . At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada , at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin . At sinabi ng Panginoon , Ganito kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay , sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Ah Panginoong Dios ! narito , ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan , sapagka&#039;t mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili , o nilapa ng mga hayop ; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Tingnan mo , ibinigay ko sa iyo&#039;y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao , at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon . Bukod dito&#039;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , narito , aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem : at sila&#039;y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang , at may pagkatakot ; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal , at manglulupaypay : Upang sila&#039;y mangailangan ng tinapay at tubig , at manglupaypay na magkakasama , at manganlata sa kanilang kasamaan . At ikaw , anak ng tao , magdala ka ng matalas na tabak ; na parang pangahit ng manggugupit ang iyong dadalhin , at iyong pararaanin sa iyong ulo at sa iyong balbas : kung magkagayo&#039;y kumuha ka ng timbangang panimbang , at bahagihin mo ang buhok . Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan , pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap ; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi , at susugatan mo ng tabak sa palibot ; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin , at ako&#039;y magbubunot ng tabak sa likuran nila . At kukuha ka sa mga yaon ng kaunti sa bilang , at ipagtatali mo sa iyong mga tunika . At sa mga ito&#039;y kukuha ka uli , at ihahagis mo sa gitna ng apoy , at susunugin mo sa apoy ; siyang panggagalingan ng apoy sa buong sangbahayan ni Israel . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ito ay Jerusalem ; inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa , at mga lupain ay nangasa palibot niya . At siya&#039;y nanghimagsik laban sa aking mga kahatulan sa paggawa ng kasamaan na higit kay sa ginawa ng mga bansa , at laban sa aking mga palatuntunan na higit kay sa mga lupain na nangasa palibot niya ; sapagka&#039;t kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan , at tungkol sa aking mga palatuntunan , hindi nila nilakaran . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t kayo&#039;y manggugulo na higit kay sa mga bansa na nangasa palibot ninyo , at hindi nagsilakad sa aking mga palatuntunan , o iningatan man ang aking mga kahatulan , o nagsigawa man ng ayon sa mga ayos sa mga bansa na nangasa palibot ninyo ; Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako , sa makatuwid baga&#039;y ako , ay laban sa iyo ; at ako&#039;y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa . At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa , at hindi ko na gagawin pa ang kaparis , dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam . Kaya&#039;t kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo , at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang ; at ako&#039;y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo ; at ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako . Kaya&#039;t buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , walang pagsala , na sapagka&#039;t iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay , at ng lahat mong karumaldumal , kaya&#039;t akin namang babawasan ka ; ni hindi magpapatawad ang aking mata , at ako nama&#039;y hindi mahahabag . Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot , at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo ; at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo ; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako , at magbubunot ako ng tabak sa likuran . Ganito magaganap ang aking galit , at aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila , at ako&#039;y maaaliw : at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa aking pagsisikap , pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila . Bukod dito&#039;y gagawin kitang kasiraan at kapulaan , sa gitna ng mga bansa na nangasa palibot mo , sa paningin ng lahat na nagsisidaan . Sa gayo&#039;y magiging kadustaan at kapulaan , aral at katigilan sa mga bansang nangasa palibot mo , pagka ako&#039;y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa kapusukan , at sa mababagsik na pagsaway ( akong Panginoon ang nagsalita ) ; Pagka ako&#039;y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila , na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo . At aking palalalain ang kagutom sa inyo , at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay ; At ako&#039;y magpapasapit sa inyo ng kagutom at mga masamang hayop , at kanilang aalisan ka ng anak ; at salot at dugo ay daraan sa iyo ; at aking pararatingin ang tabak sa iyo ; ako ang Panginoon na nagsalita . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel , at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon . At magsabi , Kayong mga bundok ng Israel , pakinggan ang salita ng Panginoong Dios . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol , sa mga batis at sa mga libis : Narito , ako sa makatuwid baga&#039;y ako , magpaparating ng tabak sa inyo , at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako . At ang inyong mga dambana ay masisira , at ang inyong mga larawang araw ay mababasag ; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan . At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan ; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana . Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan , at ang mga mataas na dako ay mangasisira ; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba , at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat , at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak , at ang inyong mga gawa ay mangawawala . At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo , at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Gayon ma&#039;y magiiwan ako ng nalabi , upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa , pagka kayo&#039;y mangangalat sa mga lupain . At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag , kung paanong ako&#039;y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin , at sa kanilang mga mata , na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan ; at sila&#039;y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam . At kanilang malalaman na ako ang Panginoon : hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Saktan mo ng iyong kamay , at sikaran mo ng iyong paa , at iyong sabihin , Sa aba nila ! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel ; sapagka&#039;t sila&#039;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , ng kagutom , at ng salot . Ang malayo ay mamamatay sa salot ; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom : ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila . At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana , sa ibabaw ng bawa&#039;t mataas na burol , sa lahat na taluktok ng mga bundok , at sa ilalim ng bawa&#039;t sariwang punong kahoy , at sa ilalim ng bawa&#039;t mayabong na encina , na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan . At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila , at gagawin kong sira at giba ang lupa , mula sa ilang hanggang sa Diblah , sa lahat nilang tahanan ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , At ikaw , anak ng tao , ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel , May wakas : ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain . Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo , at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad ; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam . At hindi ka patatawarin ng aking mata , o kahahabagan man kita ; kundi aking parurusahan ang iyong mga lakad , at ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa ay malilitaw ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang kasamaan , ang tanging kasamaan ; narito , dumarating . Ang wakas ay dumating , ang wakas ay dumating ; ito&#039;y gumigising laban sa iyo ; narito , dumarating . Ang parusa sa iyo ay dumarating , Oh mananahan sa lupain : ang panahon ay dumarating , ang kaarawan ay malapit na , kaarawan ng pagkakagulo , at hindi ng kagalakang may hiyawan , sa ibabaw ng mga bundok . Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan , at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo , at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad ; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam . At ang aking mata ay hindi magpapatawad , o mahahabag man ako : padadatnin ko sa iyo ang ayon sa iyong mga lakad ; at ang iyong mga kasuklamsuklam ay dadanasin mo ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit . Narito , ang kaarawan , narito , dumarating ; ang hatol sa iyo ay ipinasiya ; ang tungkod ay namulaklak , ang kapalaluan ay namuko . Pangdadahas ay bumangon na naging pamalo ng kasamaan ; walang malalabi sa kanila , o sa kanilang karamihan man , o sa kanilang kayamanan man : at hindi magkakaroon ng kahit karangalan sa kanila . Ang panahon ay dumarating , ang kaarawan ay nalalapit : huwag magalak ang mamimili , o tumangis man ang manininda : sapagka&#039;t ang poot ay nasa lahat ng karamihan niyaon . Sapagka&#039;t hindi na pagbabalikan ng manininda ang ipinagbili , bagaman sila&#039;y buhay pa : sapagka&#039;t ang pangitain ay tungkol sa buong karamihan niyaon , walang babalik ; at sinoman ay hindi magpapakalakas pa sa kasamaan ng kaniyang buhay . Nagsihihip sila ng pakakak , at nagsihanda ; nguni&#039;t walang naparoroon sa pagbabaka ; sapagka&#039;t ang aking poot ay nasa buong karamihan niyaon . Ang tabak ay nasa labas , at ang salot at ang kagutom ay nasa loob : siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak ; at siyang nasa bayan , kagutom at salot ay lalamon sa kaniya . Nguni&#039;t silang nagsisitanan sa mga yaon ay tatanan , at mangapapasa mga bundok , na parang mga kalapati sa mga libis , silang lahat ay nagsisitangis , bawa&#039;t isa&#039;y dahil sa kaniyang kasamaan . Lahat ng kamay ay manghihina , at lahat ng tuhod ay manglalata na gaya ng tubig . Sila&#039;y mangagbibigkis din naman ng kayong magaspang , at pangingilabot ay sasa kanila ; at kahihiyan ay sasa lahat ng mukha , at pagkakalbo sa lahat nilang ulo . Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan , at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay ; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon : hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa , o mabubusog man ang kanilang mga tiyan ; sapagka&#039;t naging katitisuran ng kanilang kasamaan . Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak , inilagay niya sa kamahalan ; nguni&#039;t kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay : kaya&#039;t ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay . At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli , at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam ; at kanilang lalapastanganin . Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila , at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako : at mga magnanakaw ay magsisipasok doon , at lalapastangan . Gumawa ka ng tanikala ; sapagka&#039;t ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo , at ang bayan ay puno ng pangdadahas . Kaya&#039;t aking dadalhin ang mga pinakamasama ng mga bansa , at aariin nila ang kanilang mga bahay : akin namang patitigilin ang kapalaluan ng malakas , at ang kanilang mga dakong banal ay lalapastanganin . Kagibaan ay dumarating ; at sila&#039;y magsisihanap ng kapayapaan , at wala doon . Kapanglawan at kapanglawan ay darating , at balita at balita ay darating ; at sila&#039;y magsisihanap ng pangitain ng propeta ; nguni&#039;t ang kautusa&#039;y mawawala sa saserdote , at ang payo&#039;y mawawala sa mga matanda . Ang hari ay tatangis , at ang prinsipe ay mananamit ng kapahamakan , at ang mga kamay ng mga tao ng lupain ay mababagbag : aking gagawin sa kanila ang ayon sa kanilang lakad , at ayon sa kanilang kaugalian ay hahatulan ko sila ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At nangyari nang ikaanim na taon , nang ikaanim na buwan , nang ikalima ng buwan , ako&#039;y nakaupo sa aking bahay , at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko , na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon . Nang magkagayo&#039;y tumingin ako , at , narito , may isang anyo na parang apoy ; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba , ay apoy ; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas , parang anyo ng kinang , na parang metal na nagbabaga . At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay , at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo ; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit , at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem , sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan ; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho , na namumungkahi sa paninibugho . At , narito , ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon , gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan . Sa gayo&#039;y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan , at narito , nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , nakikita mo baga ang kanilang ginagawa ? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito , upang ako&#039;y lumayo sa aking santuario ? Nguni&#039;t iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam . At dinala niya ako sa pintuan ng looban ; at nang ako&#039;y tumingin , narito , ang isang butas sa pader . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , humukay ka ngayon sa pader : at nang ako&#039;y humukay sa pader , narito , ang isang pintuan . At sinabi niya sa akin , Ikaw ay pumasok , at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito . Sa gayo&#039;y pumasok ako at nakita ko ; at narito , ang bawa&#039;t anyo ng nagsisiusad na mga bagay , at kasuklamsuklam na mga hayop , at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel , na nakaguhit sa pader sa palibot . At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel ; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan , bawa&#039;t lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay ; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman , bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang mga silid na nilarawanan ? sapagka&#039;t kanilang sinasabi , Hindi tayo nakikita ng Panginoon ; pinabayaan ng Panginoon ang lupa . Sinabi rin niya sa akin , Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan ; at , narito , doo&#039;y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Nakita mo baga ito , Oh anak ng tao ? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito . At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon , at , narito , sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana , ay may dalawang pu&#039;t limang lalake , na sila&#039;y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon , at nakaharap sa dakong silanganan ; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Nakita mo baga ito , Oh anak ng tao ? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda , na sila&#039;y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito ? sapagka&#039;t kanilang pinuno ng karahasan ang lupa , at sila&#039;y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit : at , narito , kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong . Kaya&#039;t akin namang gagawin sa kapusukan ; ang aking mata ay hindi magpapatawad , o mahahabag man ako : at bagaman sila&#039;y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig , gayon ma&#039;y hindi ko sila didinggin . Nang magkagayo&#039;y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig , na nagsasabi , Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan , na bawa&#039;t isa&#039;y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay . At narito , anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan , na nalalagay sa dako ng hilagaan , na bawa&#039;t isa&#039;y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay ; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino , na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran . At sila&#039;y nagsipasok , at nagsitayo sa siping ng tansong dambana . At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin , na kinapapatungan , hanggang sa pintuan ng bahay : at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino , na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Pumaroon ka sa gitna ng bayan , sa gitna ng Jerusalem , at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon . At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig , Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya , at manakit kayo : huwag magpatawad ang inyong mata , o kayo man ay mahabag ; Lipulin ninyong lubos ang matanda , ang binata at ang dalaga , at ang mga bata at ang mga babae ; nguni&#039;t huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan ; at inyong pasimulan sa aking santuario . Nang magkagayo&#039;y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay . At sinabi niya sa kanila , Lapastanganin ninyo ang bahay , at punuin ninyo ng patay ang mga looban : magsilabas kayo . At sila&#039;y nagsilabas , at nanakit sa bayan . At nangyari , habang sila&#039;y nananakit , at ako&#039;y naiwan , na ako&#039;y nasubasob , at sumigaw ako , at aking sinabi , Ah Panginoong Dios ! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel , sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem ? Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki , at ang lupain ay puno ng dugo , at ang bayan ay puno ng kasuwailan : sapagka&#039;t kanilang sinasabi , Pinabayaan ng Panginoon ang lupa , at hindi nakikita ng Panginoon . At tungkol sa akin naman , ang aking mata ay hindi magpapatawad , o mahahabag man ako , kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo . At , narito , ang lalaking nakapanamit ng kayong lino , na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran , nagbalita ng bagay ; na sinabi , Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin . Nang magkagayo&#039;y tumingin ako , at , narito , sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin , may nakita na parang isang batong zafiro , na parang isang luklukan . At siya&#039;y nagsalita sa lalake na nakapanamit ng kayong lino , at kaniyang sinabi , Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong , sa ilalim ng kerubin , at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin , at ikalat mo sa bayan . At sa aking paningin ay pumasok siya . Ang mga kerubin nga ay nagsitayo sa dakong kanan ng bahay , nang ang lalake ay pumasok ; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban . At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin , at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay ; at ang bahay ay napuno ng ulap , at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon . At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas , na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat , pagka siya&#039;y nagsasalita . At nangyari , nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino , na sabihin , Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin , na siya&#039;y pumasok , at tumayo sa tabi ng isang gulong . At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin , at kumuha niyaon , at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino , na siyang kumuha at lumabas . At lumitaw sa gitna ng mga kerubin ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak . At ako&#039;y tumingin , at narito , apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin , isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin , at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin ; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong berila . At tungkol sa kanilang anyo , silang apat ay may isang pagkakawangis , na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong . Pagka nagsisiyaon , ay nagsisiyaon sa kanilang apat na dako : hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon , kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila : hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon . At ang kanilang buong katawan , at ang kanilang mga likod , at ang kanilang mga kamay , at ang kanilang mga pakpak , at ang mga gulong ay puno ng mga mata sa palibot , sa makatuwid baga&#039;y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat . Tungkol sa mga gulong , tinawag sa aking pakinig , ang nagsisiikot na mga gulong . At bawa&#039;t isa&#039;y may apat na mukha : ang unang mukha ay mukha ng kerubin , at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao , at ang ikatlo ay mukha ng leon , at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila . At ang mga kerubin ay napaitaas : ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar . At nang magsiyaon ang mga kerubin , ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila : at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa , ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila . Pagka sila&#039;y nagsisitayo , ang mga ito ay nagsisitayo ; at pagka sila&#039;y nangapaiitaas , ang mga ito&#039;y nangapaiitaas na kasama nila : sapagka&#039;t ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon . At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumabas mula sa pintuan ng bahay , at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin . At itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak , at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin , nang sila&#039;y magsilabas , at ang mga gulong ay sa siping nila : at sila&#039;y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon ; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila . Ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar ; at naalaman ko na sila&#039;y mga kerubin . Bawa&#039;t isa&#039;y may apat na mukha , at bawa&#039;t isa&#039;y may apat na pakpak ; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak . At tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha , ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar , ang kanilang mga anyo at sila rin ; sila&#039;y yumaon bawa&#039;t isa na patuloy . Bukod dito&#039;y itinaas ako ng Espiritu , at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon , na nakaharap sa dakong silanganan : at narito , nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu&#039;t limang lalake ; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur , at si Pelatias na anak ni Benaias , na mga prinsipe ng bayan . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan , at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito ; Na nagsasabi , Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay ; ang bayang ito ang caldera , at tayo ang karne . Kaya&#039;t manghula ka laban sa kanila , manghula ka , Oh anak ng tao . At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin , at sinabi niya sa akin , Salitain mo , Ganito ang sabi ng Panginoon : Ganito ang inyong sinabi , Oh sangbahayan ni Israel ; sapagka&#039;t nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip . Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito , at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito , ay karne , at ang bayang ito ay siyang caldera : nguni&#039;t kayo&#039;y ilalabas sa gitna nito . Kayo&#039;y nangatakot sa tabak ; at aking pararatingin ang tabak sa inyo , sabi ng Panginoong Dios . At aking ilalabas kayo sa gitna nito , at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa , at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo . Kayo&#039;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera , o kayo man ay magiging karne sa gitna nito , aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel ; At inyong malalaman na ako ang Panginoon : sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan , kundi kayo&#039;y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo . At nangyari , nang ako&#039;y nanghuhula , na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay . Nang magkagayo&#039;y nasubasob ako , at ako&#039;y sumigaw ng malakas , at aking sinabi , Ah Panginoong Dios ! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel ? At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na sinasabi , Anak ng tao , ang iyong mga kapatid , sa makatuwid baga&#039;y ang iyong mga kapatid , na mga lalake sa iyong kamaganakan , at ang buong sangbahayan ni Israel , silang lahat , siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem . Magsilayo kayo sa Panginoon ; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari . Kaya&#039;t iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Bagaman sila&#039;y aking inilayo sa gitna ng mga bansa , at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain , gayon ma&#039;y ako&#039;y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan . Kaya&#039;t iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan , at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan , at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel . At sila&#039;y magsisiparoon , at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon , at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon , mula roon . At aking bibigyan sila ng isang puso , at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo ; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman , at aking bibigyan sila ng pusong laman ; Upang sila&#039;y magsilakad sa aking mga palatuntunan , at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa : at sila&#039;y magiging aking bayan , at ako&#039;y magiging kanilang Dios . Nguni&#039;t tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay , at sa kanilang mga kasuklamsuklam , aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo , sabi ng Panginoong Dios . Nang magkagayo&#039;y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak , at ang mga gulong ay nangasa siping nila ; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon . At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan , lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan . At itinaas ako ng Espiritu , at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios , sa kanila na mga bihag . Sa gayo&#039;y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin . Nang magkagayo&#039;y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon . Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan , na may mga mata na maititingin , at hindi nagsisitingin , na may mga pakinig na maipakikinig , at hindi nangakikinig ; sapagka&#039;t sila&#039;y isang mapanghimagsik na sangbahayan . Kaya&#039;t ikaw na anak ng tao , maghanda ka ng daladalahan sa paglipat , at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin ; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin : baka sakaling sila&#039;y magbulay , bagaman sila&#039;y mapanghimagsik na sangbahayan . At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin , na parang daladalahan sa paglipat ; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin , na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon . Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin , at iyong ilabas doon . Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat , at ilalabas sa pagdilim ; iyong tatakpan ang iyong mukha , upang huwag mong makita ang lupa : sapagka&#039;t inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel . At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin : aking inilabas ang aking daladalahan sa araw , na gaya ng daladalahan sa paglipat , at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader ; aking inilabas sa dilim , at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin . At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan , ay nagsabi sa iyo , Anong ginagawa mo ? Sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem , at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila . Sabihin mo , Ako&#039;y inyong tanda : kung ano ang aking ginawa , gayon ang gagawin sa kanila : sila&#039;y mapapasa pagkatapon , sa pagkabihag . At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim , at lalabas : sila&#039;y magsisibutas sa pader upang ilabas doon : siya&#039;y magtatakip ng kaniyang mukha , sapagka&#039;t hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata . Ang akin namang panilo ay aking ilaladlad sa kaniya , at siya&#039;y mahuhuli sa aking silo ; at aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo ; gayon ma&#039;y hindi niya makikita , bagaman siya&#039;y mamamatay roon . At aking pangangalatin sa bawa&#039;t dako ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya , at ang lahat niyang mga pulutong ; at aking huhugutin ang tabak sa likuran nila . At kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka sila&#039;y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa , at aking pinangalat sa mga lupain . Nguni&#039;t magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila , na maiiwan ng tabak , ng kagutom , at ng salot , upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig , at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot ; At sabihin mo sa bayan ng lupain , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa lupain ng Israel . Sila&#039;y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot , at nanglulupaypay na iinom ng tubig , upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon , dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon . At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak , at ang lupain ay masisira ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel , na sinasabi , Ang mga kaarawan ay tumatagal , at ang bawa&#039;t pangitain ay nabubulaanan ? Saysayin mo nga sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Aking papaglilikatin ang kawikaang ito , at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel ; kundi sabihin mo nga sa kanila , Ang mga kaarawan ay malapit na , at ang pagtupad ng lahat na pangitain . Sapagka&#039;t hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel . Sapagka&#039;t ako ang Panginoon : ako&#039;y magsasalita , at ang salita na aking sasalitain ay matutupad : hindi na magluluwat pa : sapagka&#039;t sa inyong mga kaarawan , Oh mapanghimagsik na sangbahayan , aking sasalitain ang salita , at aking tutuparin , sabi ng Panginoong Dios . Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , narito , silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi , Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating , at nanghuhula ng mga panahong malayo . Kaya&#039;t sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita , kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad , sabi ng Panginoon . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula , at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso , Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sa aba ng mga hangal na mga propeta , na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa , at walang nakitang anoman ! Oh Israel , ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako . Kayo&#039;y hindi sumampa sa mga sira , o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel , upang siya&#039;y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon . Sila&#039;y nangakakita ng walang kabuluhan , at sinungaling na panghuhula , na nagsasabi , Sabi ng Panginoon ; at hindi sila sinugo ng Panginoon ; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo . Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain , at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula , sa inyong pagsasabi , Sabi ng Panginoon ; yamang hindi ko sinalita ? Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t kayo&#039;y nangagsasalita ng walang kabuluhan , at nangakakita ng mga kasinungalingan , kaya&#039;t , narito , ako&#039;y laban sa inyo , sabi ng Panginoong Dios . At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan , at nanganghuhula ng mga kasinungalingan : sila&#039;y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan , o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel , o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel ; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios . Sapagka&#039;t , sa makatuwid baga&#039;y sapagka&#039;t kanilang hinikayat ang aking bayan , na nangagsabi , Kapayapaan ; at walang kapayapaan ; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta , narito , kanilang tinatapalan ng masamang argamasa : Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa , na yao&#039;y mababagsak : magkakaroon ng bugso ng ulan ; at kayo . Oh malalaking granizo , ay babagsak ; at isang unos na hangin ay titibag niyaon . Narito , pagka ang kuta ay nabagsak , hindi baga sasabihin sa inyo : Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal ? Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan ; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit , at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin . Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa , at aking ilalagpak sa lupa , na anopa&#039;t ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw : at mababagsak , at kayo&#039;y malilipol sa gitna niyaon ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta , at sa nangagtapal ng masamang argamasa ; at sasabihin ko sa iyo , Ang kuta ay wala na , o ang nangagtatapal man ; Sa makatuwid baga&#039;y ang mga propeta ng Israel , na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem , at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan , at walang kapayapaan , sabi ng Panginoong Dios . At ikaw , anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan , na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso ; at manghula ka laban sa kanila , At iyong sabihin , ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko , at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba&#039;t ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa ! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan , at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili ? At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada , at dahil sa mga putol ng tinapay , upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay , at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay , sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ako&#039;y laban sa inyong mga unan , na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa , na paliparin sila , at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay ; at aking pawawalan ang mga kaluluwa , sa makatuwid baga&#039;y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin . Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin , at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay , at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid , na hindi ko pinalungkot , at inyong pinalakas ang kamay ng masama , upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad , at maligtas na buhay ; Kaya&#039;t hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula : at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Nang magkagayo&#039;y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel , at nangaupo sa harap ko . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi , Anak ng tao , tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso , at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha : dapat bagang sanggunian nila ako ? Kaya&#039;t salitain mo sa kanila , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Bawa&#039;t tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso , at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha , at naparoroon sa propeta ; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan ; Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka&#039;t silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan . Kaya&#039;t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Mangagbalik-loob kayo , at kayo&#039;y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan ; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam . Sapagka&#039;t bawa&#039;t tao sa sangbahayan ni Israel , o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel , na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin , at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso , at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha , at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili ; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya : At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon , at aking gagawin siyang katigilan , na pinakatanda at pinaka kawikaan , at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita , akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon , at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya , at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel . At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan : ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya ; Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin , o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang ; kundi upang sila&#039;y maging aking bayan , at ako&#039;y maging kanilang Dios , sabi ng Panginoong Dios . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang , at aking iniunat ang aking kamay roon , at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon , at nagsugo ako ng kagutom doon , at aking inihiwalay roon ang tao at hayop ; Bagaman ang tatlong lalaking ito , na si Noe , si Daniel at si Job , ay nangandoon , ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa , sa pamamagitan ng kanilang katuwiran , sabi ng Panginoong Dios . Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain , at kanilang sirain , at ito&#039;y magiba na anopa&#039;t walang taong makadaan dahil sa mga hayop ; Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon , buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man ; sila lamang ang maliligtas , nguni&#039;t ang lupain ay masisira . O kung ako&#039;y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon , at aking sabihin , Tabak , dumaan ka sa lupain ; na anopa&#039;t aking ihiwalay roon ang tao at hayop ; Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon , buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , sila&#039;y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man , kundi sila lamang ang maliligtas . O kung ako&#039;y magsugo ng salot sa lupaing yaon , at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan , upang ihiwalay ang tao&#039;t hayop ; Bagaman si Noe , si Daniel , at si Job , ay nangandoon , buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man ; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem , ang tabak , at ang kagutom , at ang mabangis na hayop , at ang salot , upang ihiwalay roon ang tao at hayop ? Gayon ma&#039;y , narito , doo&#039;y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas , mga anak na lalake at sangpu ng babae : narito , kanilang lalabasin kayo , at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa ; at kayo&#039;y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem , tungkol sa lahat na aking pinasapit doon . At kanilang aaliwin kayo pagka nakikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga gawa at inyong makikilala na hindi ko ginawang walang kadahilanan ang lahat na aking ginawa roon , sabi ng Panginoong Dios . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi . Anak ng tao , ano ang higit ng puno ng baging kay sa alin mang puno ng kahoy , ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punong kahoy sa gubat ? Makakakuha baga ng kahoy doon upang gawing anomang kayarian ? o makakakuha baga roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anomang kasangkapan ? Narito , inihahagis sa apoy na parang panggatong ; sinusupok ng apoy ang dalawang dulo niyaon , at ang gitna niyao&#039;y nasusunog ; magagamit baga sa anomang gawain ? Narito , ng buo pa , hindi nagagamit sa anomang gawain : gaano pa nga kaya , pagka nasupok ng apoy , at nasunog , magagamit pa baga sa anomang gawain ? Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Kung paano ang puno ng baging sa gitna ng mga puno ng kahoy sa gubat , na aking ibinigay sa apoy na panggatong , gayon ko ibibigay ang mga nananahan sa Jerusalem . At aking ititingin ang aking mukha laban sa kanila : sila&#039;y magsisilabas sa apoy , nguni&#039;t susupukin sila ng apoy ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking itiningin ang aking mukha laban sa kanila . At aking sisirain ang lupain , sapagka&#039;t sila&#039;y gumawa ng pagsalangsang , sabi ng Panginoong Dios . Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi . Anak ng tao , ipakilala mo sa Jerusalem ang kaniyang mga kasuklamsuklam . At sabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Jerusalem : Ang iyong pinagmulan at ang iyong kapanganakan ay ang lupain ng Cananeo ; ang Amorrheo ay iyong Ama , at ang iyong ina ay Hethea . At tungkol sa iyong kapanganakan , nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod , o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka ; ikaw ay hindi pinahiran ng asin , o nabalot man . Walang matang nahabag sa iyo ; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo , na maawa sa iyo ; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang , sapagka&#039;t ang iyong pagkatao ay itinakuwil , nang araw na ikaw ay ipanganak . At nang ako&#039;y dumaan sa tabi mo , at makita kita na nagugumon sa iyong dugo , sinabi ko sa iyo , Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo , mabuhay ka : oo , sinabi ko sa iyo , Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo , mabuhay ka . Pinarami kita na parang damo sa parang , at ikaw ay kumapal at dumakilang mainam , at ikaw ay nagtamo ng mainam na kagayakan : ang iyong dibdib ay naganyo , at ang iyong buhok ay lumago ; gayon ma&#039;y ikaw ay hubo at hubad . Nang ako nga&#039;y magdaan sa tabi mo , at tumingin sa iyo , narito , ang iyong panahon ay panahon ng pagibig ; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo , at tinakpan ko ang iyong kahubaran : oo , ako&#039;y sumumpa sa iyo , at nakipagtipan sa iyo , sabi ng Panginoong Dios , at ikaw ay naging akin . Nang magkagayo&#039;y pinaliguan kita ng tubig ; oo , aking nilinis na mainam ang iyong dugo , at pinahiran kita ng langis . Binihisan din naman kita ng yaring may burda , at sinapatusan kita ng balat ng foka , at binigkisan kita sa palibot ng mainam na kayong lino , at binalot kita ng sutla . Ginayakan din naman kita ng hiyas , at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay , at ng isang kuwintas ang iyong leeg . At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong , at ng mga hikaw ang iyong mga tainga , at isang magandang putong ang iyong ulo . Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak ; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino , at sutla at yaring may burda ; ikaw ay kumain ng mainam na harina , at ng pulot , at ng langis ; at ikaw ay lubhang maganda , at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari . At ang iyong kabantugan ay nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan ; sapagka&#039;t naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo , sabi ng Panginoong Dios . Nguni&#039;t ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan , at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan , at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa&#039;t nagdaraan ; yao&#039;y kaniya nga . At kinuha mo ang iyong mga suot , at ginawa mo para sa iyo ang mga mataas na dako na kagayakan na may sarisaring kulay , at nagpatutot sa kanila : ang gayong mga bagay ay hindi na darating , o mangyayari pa man . Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak , na aking ibinigay sa iyo , at ginawa mo sa iyo ng mga larawan ng mga tao , at iyong ipinagpatutot sa kanila ; At iyong kinuha ang iyong mga bihisang may burda , at ibinalot mo sa kanila , at inilagay mo ang aking langis at ang aking kamangyan sa harap nila . Ang aking tinapay naman na aking ibinigay sa iyo , mainam na harina , at langis , pulot , na aking ipinakain sa iyo , iyong inilagay nga sa harap nila na pinakamasarap na amoy ; at ganito nangyari , sabi ng Panginoong Dios . Bukod dito&#039;y kinuha mo ang iyong mga anak na lalake at babae , na iyong ipinanganak sa akin , at ang mga ito ay iyong inihain sa kanila upang lamunin . Ang iyo bagang mga pakikiapid ay maliit na bagay . Na iyong pinatay ang aking mga anak , at iyong ibinigay sila na pinararaan sila sa apoy ? At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam , at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan , nang ikaw ay hubo at hubad , at nagugumon sa iyong dugo . At nangyari , pagkatapos ng iyong buong kasamaan ( sa aba , sa aba mo ! sabi ng Panginoong Dios ) , Na ikaw ay nagtayo para sa iyo ng isang matayog na dako , at gumawa ka para sa iyo ng mataas na dako sa bawa&#039;t lansangan . Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa&#039;t bukana ng daan , at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan , at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa&#039;t nagdaraan , at pinarami mo ang iyong pakikiapid . Ikaw naman ay nakiapid din sa mga taga Egipto , na iyong mga kalapit bayan , na malaki sa pangangatawan ; at iyong pinarami ang iyong pakikiapid upang mungkahiin mo ako sa galit . Narito nga , iniunat ko ang aking kamay sa iyo , at binawasan ko ang iyong karaniwang pagkain , at ibinigay kita sa balang maibigan ng nangagtatanim sa iyo , na mga anak na babae ng mga Filisteo , na nangapapahiya sa iyong kalibugan . Ikaw naman ay nagpatutot din sa mga taga Asiria , sapagka&#039;t ikaw ay hindi nasisiyahan : oo , ikaw ay nagpatutot sa kanila , at gayon ma&#039;y hindi ka nasisiyahan . Bukod dito&#039;y iyong pinarami ang iyong pakikiapid sa lupain ng Canaan , hanggang sa Caldea ; at gayon ma&#039;y hindi ka nasisiyahan . Pagkahinahina ng iyong loob , sabi ng Panginoong Dios , palibhasa&#039;y iyong ginagawa ang lahat na bagay na ito , na gawa ng isang hambog na patutot : Sa iyong pagtatayo ng iyong matayog na dako sa bukana ng bawa&#039;t daan , at ginagawa mo ang iyong mataas na dako sa bawa&#039;t lansangan ; at hindi ka naging gaya ng isang patutot sa iyong pagwawalang kabuluhan ng upa . Isang babae na napakakalunya ! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa ! Sila&#039;y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot : nguni&#039;t ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo , at iyong sinusuhulan sila , upang sila&#039;y magsilapit sa iyo sa bawa&#039;t dako , dahil sa iyong mga pakikiapid . At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid , sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid : at sa iyong pagbibigay ng upa , at walang upa na ibinibigay sa iyo , kaya&#039;t ikaw ay kaiba . Kaya&#039;t , Oh patutot , pakinggan mo ang salita ng Panginoon : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t ang iyong karumihan ay nahayag , at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo ; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam , at dahil sa dugo ng iyong mga anak , na iyong ibinigay sa kanila ; Kaya&#039;t , narito , aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo , na iyong pinagkaroonan ng kalayawan , at lahat ng iyong inibig , sangpu ng lahat na iyong kinapuotan ; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa&#039;t dako , at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila , upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran . At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo ; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho . Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay , at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako , at igigiba ang iyong mga mataas na dako , at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot , at kukunin ang iyong magandang mga hiyas ; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad . Sila naman ay mangagaahon ng isang pulutong laban sa iyo , at babatuhin ka nila ng mga bato , at palalagpasan ka ng kanilang mga tabak . At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay , at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae ; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot , at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa . Sa gayo&#039;y aking papawiin ang aking kapusukan sa iyo , at ang aking paninibugho ay hihiwalay sa iyo , at ako&#039;y matatahimik , at hindi na magagalit pa . Sapagka&#039;t hindi mo naalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan , kundi ako&#039;y pinapagiinit mo sa lahat ng mga bagay na ito ; kaya&#039;t , narito , akin namang pararatingin ang iyong lakad sa iyong ulo , sabi ng Panginoong Dios : at hindi ka na gagawa ng kahalayang ito , na higit kay sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam . Narito , bawa&#039;t sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo , na sasabihin , Kung ano ang ina , gayon ang kaniyang anak na babae . Ikaw ang anak na babae ng iyong ina , na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak ; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid , na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak : ang inyong ina ay Hetea , at ang inyong ama ay Amorrheo . At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa , siya at ang kaniyang mga anak na babae ; at ang iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak . Gayon ma&#039;y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad , o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam , kundi wari napakaliit na bagay , ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad . Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , ang Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa , siya o ang kaniyang mga anak na babae man , na gaya ng iyong ginawa , ng ginawa mo , at ng iyong mga anak na babae . Narito , ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma ; kapalaluan , kayamuan sa tinapay , at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae ; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan . At sila&#039;y palalo at gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko : kaya&#039;t aking inalis sila , ayon sa aking minagaling . Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati ng iyong mga kasalanan , nguni&#039;t pinarami mo ang iyong mga kasuklamsuklam na higit kay sa kanila , at iyong pinabuti ang iyong mga kapatid na babae sa pamamagitan ng lahat mong mga kasuklamsuklam na iyong ginawa . Ikaw rin naman , taglayin mo ang iyong sariling kahihiyan , sa iyong paglalapat ng kahatulan sa iyong mga kapatid na babae ; sa iyong mga kasalanan na iyong nagawa na higit na kasuklamsuklam kay sa kanila , sila&#039;y lalong matuwid kay sa iyo : oo , malito ka , at taglayin mo ang iyong kahihiyan , sa iyong pagpapabuti sa iyong mga kapatid na babae . At aking panunumbalikin uli sila mula sa kanilang pagkabihag , sa pagkabihag ng Sodoma at ng kaniyang mga anak na babae , at sa pagkabihag ng Samaria at ng kaniyang mga anak na babae , at sa pagkabihag ng iyong mga bihag sa gitna nila . Upang iyong taglayin ang iyong sariling kahihiyan , at ikaw ay mapahiya dahil sa lahat na iyong ginawa sa iyong pagaliw sa kanila . At ang iyong mga kapatid na babae ang Sodoma at ang kaniyang mga anak na babae mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan ; at ang Samaria at ang kaniyang mga anak na babae ay mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan ; at ikaw at ang iyong mga anak ay mangagbabalik sa inyong dating kalagayan . Sapagka&#039;t ang iyong kapatid na babae na Sodoma ay hindi nabanggit ng iyong bibig sa kaarawan ng iyong kapalaluan ; Bago nalitaw ang iyong kasamaan , gaya sa panahon ng kapulaan sa mga anak na babae ng Siria , at sa lahat na nangasa palibot niya , na mga anak na babae ng mga Filisteo , na siyang kumukutya sa iyo sa palibot . Iyong isinagawa ang iyong kahalayan at ang iyong mga kasuklamsuklam , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa , na iyong hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan . Gayon ma&#039;y aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan , at aking itatatag sa iyo ang isang walang hanggang tipan . Kung magkagayo&#039;y aalalahanin mo ang iyong mga lakad , at mapapahiya ka , pagka iyong tatanggapin ang iyong mga kapatid na babae , ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid : at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae , nguni&#039;t hindi sa pamamagitan ng iyong tipan . At aking itatatag ang aking tipan sa iyo ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon ; Upang iyong maalaala , at malito ka , at kailan pa man ay hindi mo na bukahin ang iyong bibig , dahil sa iyong kahihiyan , pagka aking pinatawad ka ng lahat na iyong nagawa , sabi ng Panginoong Dios . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , magbugtong ka , at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel ; At iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo , na may sarisaring kulay , naparoon sa Libano , at kinuha ang dulo ng cedro : Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon , at dinala sa isang lupain na kalakalan ; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal . Kumuha rin siya sa binhi ng lupain , at itinanim sa isang mainam na lupa ; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig ; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce . At tumubo , at naging mayabong , na puno ng baging na mababa , na ang mga sanga ay patungo sa dako niya , at ang mga ugat niyao&#039;y nasa ilalim niya ; sa gayo&#039;y naging isang puno ng baging , at nagsanga , at nagsupling . May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo : at , narito , ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon , sa dako niya , at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan , upang kaniyang madilig . Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig , upang makapagsanga , at makapagbunga , upang maging mabuting puno ng baging . Sabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Giginhawa baga yaon ? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon , at kikitlin ang bunga niyaon , upang matuyo ; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo ? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito&#039;y mabubunot sa mga ugat . Oo , narito , yamang natanim ay giginhawa baga ? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan ? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi : Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan , Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito ? saysayin mo sa kanila , Narito , ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem , at kinuha ang hari niyaon , at ang mga prinsipe niyaon , at dinala niya sa Babilonia . At siya&#039;y kumuha sa lahing hari , at nakipagtipan siya sa kaniya : isinailalim din niya siya sa panunumpa , at dinala ang mga dakila sa lupain ; Upang ang kaharian ay mababa , upang huwag makataas , kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo . Nguni&#039;t siya&#039;y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo sa Egipto , upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao . Giginhawa baga siya ? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay ? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan ? Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari , na ang sumpa ay hinamak niya , at ang tipan ay sinira niya , siya nga&#039;y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya . Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay walang magagawa , pagka sila&#039;y mangagtitindig ng mga bunton ; at mangagtatayo ng mga katibayan , upang pumatay ng maraming mga tao . Sapagka&#039;t kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan ; at narito , naiabot na niya ang kaniyang kamay , at gayon ma&#039;y ginawa ang lahat na bagay na ito ; siya&#039;y hindi makatatanan . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Buhay ako , walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak , at ang tipan sa akin na kaniyang sinira , aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo . At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya , at siya&#039;y mahuhuli sa aking silo , at dadalhin ko siya sa Babilonia , at siya&#039;y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin . At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang nalabi ay mangangalat sa bawa&#039;t dako : at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro , at aking itatanim ; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling , at aking itatanim sa isang mataas na bundok at matayog : Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim : at magsasanga at magbubunga , at magiging mainam na cedro : at sa lilim niyao&#039;y tatahan ang lahat na ibon na ma&#039;y iba&#039;t ibang uri ; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila . At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy , nagtaas sa mababang punong kahoy , tumuyo sa sariwang punong kahoy , at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy : akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi , Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel , na sinasabi , Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas , at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo ? Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel . Narito , lahat ng kaluluwa ay akin ; kung paano ang kaluluwa ng ama , gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin : ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay . Nguni&#039;t kung ang isang tao ay maging ganap , at gumawa ng tapat at matuwid , At hindi kumain sa mga bundok , o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel , o nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa , o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan : At hindi pumighati sa kanino man , kundi nagsauli ng sangla sa mangungutang sa kaniya , hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom , at nagbalot ng kasuutan sa hubad ; Siya na hindi nagbigay na may patubo , o kumuha man ng anomang pakinabang , na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan , gumawa ng tunay na kahatulan sa tao&#039;t tao , Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan ; siya&#039;y ganap , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay , sabi ng Panginoong Dios . Kung siya&#039;y magkaanak ng isang lalake na tulisan , mangbububo ng dugo , at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay , At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon , kundi kumain nga sa mga bundok , at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa , Pumighati ng dukha at mapagkailangan , sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas , hindi nagsauli ng sangla , at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan , gumawa ng kasuklamsuklam . Nagbigay na may patubo , at tumanggap ng pakinabang ; mabubuhay nga baga siya ? siya&#039;y hindi mabubuhay : kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito : siya&#039;y walang pagsalang mamamatay ; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya . Ngayon , narito , kung siya&#039;y magkaanak ng isang lalake , na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa , at natatakot , at hindi gumagawa ng gayon ; Na hindi kumain sa mga bundok , o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel ; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa , O pumighati man sa kanino man , hindi tumanggap ng anomang sangla , o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas , kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom , at nagbalot ng kasuutan sa hubad ; Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha , na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man , ginawa ang aking mga kahatulan , lumakad sa aking mga palatuntunan , hindi siya mamamatay , ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay . Tungkol sa kaniyang ama , sapagka&#039;t siya&#039;y pumighating may kabagsikan , sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas , at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan , narito siya&#039;y mamamatay sa kaniyang kasamaan . Gayon ma&#039;y sinasabi ninyo , Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama ? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid , at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan , at isinagawa , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay . Ang kaluluwa na nagkakasala , mamamatay : ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama , o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak ; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya , at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya . Nguni&#039;t kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa , at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan , at gumawa ng tapat at matuwid , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay , siya&#039;y hindi mamamatay . Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya : sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya . Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama ? sabi ng Panginoong Dios : at hindi baga mabuti na siya&#039;y humiwalay sa kaniyang lakad , at mabuhay ? Nguni&#039;t pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran , at gumagawa ng kasamaan , at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao , mabubuhay baga siya ? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa : sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang , at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala , sa mga yaon mamamatay siya . Gayon ma&#039;y inyong sinasabi , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid . Pakinggan mo ngayon , Oh sangbahayan ni Israel , Hindi baga ang aking daan ay matuwid ? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid ? Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran , at gumagawa ng kasamaan , at kinamamatayan ; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya . Muli , pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa , at gumawa ng tapat at matuwid , kaniyang ililigtas na buhay ang kaniyang kaluluwa . Sapagka&#039;t siya&#039;y nagmunimuni , at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay , siya&#039;y hindi mamamatay . Gayon ma&#039;y sabi ng sangbahayan ni Israel , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid . Oh sangbahayan ni Israel , hindi baga ang aking mga daan ay matuwid ? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid ? Kaya&#039;t hahatulan ko kayo , Oh sangbahayan ni Israel , bawa&#039;t isa&#039;y ayon sa kaniyang mga lakad , sabi ng Panginoong Dios . Kayo&#039;y mangagbalik-loob , at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang ; sa gayo&#039;y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan . Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang , na inyong isinalangsang : at kayo&#039;y magbagong loob at magbagong diwa : sapagka&#039;t bakit kayo mamamatay , Oh angkan ni Israel ? Sapagka&#039;t wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay , sabi ng Panginoong Dios : kaya&#039;t magsipagbalik-loob kayo , at kayo&#039;y mangabuhay . Bukod dito&#039;y magbadya ka ng isang taghoy na ukol sa mga prinsipe sa Israel . At iyong sabihin , naging ano baga ang iyong ina ? Isang leona : siya&#039;y humiga sa gitna ng mga leon , sa gitna ng mga batang leon , pinakain niya ang kaniyang mga anak . At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak : yao&#039;y naging isang batang leon , at yao&#039;y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao . Narinig naman yaon ng mga bansa ; yao&#039;y nahuli sa kanilang hukay ; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain ng Egipto . Nang makita nga niya na siya&#039;y naghintay , at ang kaniyang pagasa ay nawala , kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak , at ginawang batang leon . At yao&#039;y nagpanhik manaog sa gitna ng mga leon , yao&#039;y naging batang leon ; at yao&#039;y natuto na manghuli , at lumamon ng mga tao . At naalaman niya ang kanilang mga palacio , at sinira ang kanilang mga bayan ; at ang lupain ay nagiba , at ang lahat na nangandoon , dahil sa hugong ng kaniyang angal . Nang magkagayo&#039;y nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa&#039;t dako na mula sa mga lalawigan ; at ipinaglagay nila siya ng panilo ; nahuli siya sa kanilang hukay . At may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan , at dinala nila siya sa hari sa Babilonia ; ipinasok nila siya sa katibayan , upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel . Ang inyong ina ay parang puno ng ubas sa iyong dugo , na natanim sa tabi ng tubig : siya&#039;y mabunga at puno ng mga sanga , dahil sa maraming tubig . At siya&#039;y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno , at ang kanilang taas ay nataas sa mga masinsing sanga , at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga . Nguni&#039;t siya&#039;y nabunot sa pag-aalab ng loob , siya&#039;y nahagis sa lupa , at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya : ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok ; pinagsupok sa apoy . At ngayo&#039;y natanim siya sa ilang , sa isang tuyo at uhaw na lupain . At lumabas ang apoy sa mga tutungkurin ng kaniyang mga sanga , sinupok ang kaniyang bunga , na anopa&#039;t nawalan ng matibay na tutungkurin na magiging cetro upang ipagpuno . Ito ay panaghoy , at magiging pinakapanaghoy . At nangyari nang ikapitong taon , nang ikalimang buwan , nang ikasangpu ng buwan , na ang ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon , at nagsiupo sa harap ko . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , salitain mo sa mga matanda ng Israel , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kayo baga&#039;y naparito upang sumangguni sa akin ? Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi ako mapagsasanggunian ninyo . Hahatulan mo baga sila , anak ng tao , hahatulan mo baga sila ? Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang ; At sabihin mo sa kanila ; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Nang araw na aking piliin ang Israel , at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob , at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto , na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi , Ako ang Panginoon ninyong Dios ; Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila , upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto , na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot , na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain . At sinabi ko sa kanila , Itakuwil ng bawa&#039;t isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata , at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto ; ako ang Panginoon ninyong Dios . Nguni&#039;t sila&#039;y nanghimagsik laban sa akin , at hindi nakinig sa akin ; hindi itinakuwil ng bawa&#039;t isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata , o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto . Nang magkagayo&#039;y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan , upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila , sa gitna ng lupain ng Egipto . Nguni&#039;t ako&#039;y gumawa alangalang sa aking pangalan , upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa , na kinaroroonan nila , na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila , sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto . Sa gayo&#039;y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto , at dinala ko sila sa ilang . At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan , at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan , na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon . Bukod dito&#039;y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath , upang maging tanda sa akin at sa kanila , upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila . Nguni&#039;t ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang : sila&#039;y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan , na kung gawin ng tao , ay mabubuhay sa mga yaon ; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang , upang lipulin sila . Nguni&#039;t ako&#039;y gumawa alangalang sa aking pangalan , upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa , na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila . Bukod dito&#039;y iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang , upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila , na binubukalan ng gatas at pulot , na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain ; Sapagka&#039;t kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan , at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan , at nilapastangan ang aking mga sabbath : sapagka&#039;t ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan . Gayon ma&#039;y ang aking mata ay nagpatawad sa kanila at hindi ko sila nilipol , o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang . At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang , Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang , o ingatan man ang kanilang mga kahatulan , o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan : Ako ang Panginoon ninyong Dios : magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan , at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan , at inyong isagawa ; At inyong ipangilin ang aking mga sabbath ; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo , upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios . Nguni&#039;t ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin ; sila&#039;y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan , o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa , na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon : kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila , upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang . Gayon ma&#039;y iniurong ko ang aking kamay , gumawa ako alang-alang sa aking pangalan , upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa , na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila . Bukod dito&#039;y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang , upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa , at panabugin sila sa mga lupain ; Sapagka&#039;t hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan , kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan , at nilapastangan ang aking mga sabbath , at ang kanilang mga mata&#039;y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang . Bukod dito&#039;y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti , at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan ; At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob , sa kanilang pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata , upang aking ipahamak sila , upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon . Kaya&#039;t , anak ng tao , salitain mo sa sangbahayan ni Israel , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa ganito ma&#039;y nilapastangan ako ng inyong mga magulang , sa kanilang pagsalangsang laban sa akin . Sapagka&#039;t nang dalhin ko sila sa lupain , na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila , kanila ngang nakita ang lahat na mataas na burol , at lahat na mayabong na punong kahoy , at inihandog nila roon ang kanilang mga hain , at doo&#039;y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog ; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango , at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa kanila , Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan ? Sa gayo&#039;y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito . Kaya&#039;t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang ? at kayo baga&#039;y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam ? At pagka inyong inihahandog ang inyong mga kaloob , pagka , inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak , nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito ? at ako baga&#039;y mapagsasanggunian ninyo , Oh sangbahayan ni Israel ? Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , hindi ninyo ako mapagsasanggunian ; At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay hindi mangyayari sa anomang paraan , sa inyong sinasabi , Kami ay magiging gaya ng mga bansa ; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa kahoy at bato . Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay , at ng unat na bisig , at ng kapusukan na ibinubugso , ay maghahari ako sa inyo . At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan , at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain , na inyong pinangalatan , sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay , at ng unat na bisig , at ng kapusukan na ibinubuhos ; At aking dadalhin kayo sa ilang ng mga bayan , at doo&#039;y makikipagkatuwiranan ako sa inyo ng harapan . Kung paanong ako&#039;y nakipagkatuwiranan sa inyong mga magulang sa ilang ng lupain ng Egipto , gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo , sabi ng Panginoong Dios . At pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod , at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan ; At aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik , at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin ; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan , nguni&#039;t hindi sila magsisipasok sa lupain ng Israel : at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Tungkol sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel , ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; magsiyaon kayo , maglingkod bawa&#039;t isa sa kaniyang mga diosdiosan , at sa haharapin man , kung hindi ninyo ako didinggin ; nguni&#039;t ang aking banal na pangalan ay hindi na ninyo lalapastanganin ng inyong mga kaloob , at ng inyong mga diosdiosan . Sapagka&#039;t sa aking banal na bundok , sa bundok na kaitaasan ng Israel , sabi ng Panginoong Dios , doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel , nilang lahat : doo&#039;y tatanggapin ko sila , at doon ko hihingin ang inyong mga handog , at ang mga unang bunga na inyong mga alay , sangpu ng lahat ninyong banal na bagay . Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo , pagka kayo&#039;y aking naihiwalay sa mga bayan , at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan ; at ako&#039;y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa . At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka kayo&#039;y aking ipapasok sa lupain ng Israel , sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang . At doo&#039;y maaalaala ninyo ang inyong mga lakad , at lahat ng inyong gawa , na inyong pinagpakadumhan ; at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa . At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka ako&#039;y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan , hindi ayon sa inyong mga masamang lakad , o ayon sa inyong mga masamang gawa man , Oh ninyong sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoong Dios . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan , at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan , at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan ; At sabihin mo sa gubat ng Timugan , Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo , at susupukin ang bawa&#039;t sariwang punong kahoy sa iyo , at ang bawa&#039;t tuyong punong kahoy : ang maalab na liyab at hindi mapapatay , at ang lahat na mukha na mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab . At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon ; hindi mapapatay . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko : Ah Panginoong Dios ! sinasabi nila sa akin , Hindi baga siya&#039;y mapagsalita ng mga talinghaga ? At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem , at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario , at manghula ka laban sa lupain ng Israel ; At sabihin mo sa lupain ng Israel , Ganito ang sabi ng Panginoon : Narito , ako&#039;y laban sa iyo , at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban , at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama . Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama , kaya&#039;t aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan : At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban ; hindi na isusuksok pa . Magbuntong-hininga ka nga , ikaw na anak ng tao ; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata . At mangyayari , pagka kanilang sinasabi sa iyo , Bakit ka nagbubuntong-hininga ? na iyong sasabihin , Dahil sa mga balita , sapagka&#039;t dumarating ; at ang bawa&#039;t puso ay manglulumo , at ang lahat na kamay ay manghihina , at ang bawa&#039;t espiritu ay manglulupaypay , at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig : narito , dumarating , at mangyayari , sabi ng Panginoong Dios . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , manghula ka , at sabihin mo , Ganito ang sabi ng Panginoon : Sabihin mo , Isang tabak , isang tabak ay nahasa , at kuminang din naman ; Nahasa upang manglipol ; kuminang upang maging parang kidlat : gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan ? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa&#039;t punong kahoy . At pinakikinang , upang hawakan : ang tabak , ito&#039;y nahasa , oo , pinakinang , upang ibigay sa kamay ng manglilipol . Humiyaw ka at manambitan ka , anak ng tao ; sapagka&#039;t nauumang sa aking bayan , nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel : sila&#039;y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan ; tampalin mo nga ang iyong hita . Sapagka&#039;t may paglilitis ; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala ? sabi ng Panginoong Dios . Ikaw nga , anak ng tao , manghula ka , at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay ; at ang tabak ay malupi sa ikatlo , ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay : siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid . Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan , upang ang kanilang puso ay manglumo , at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami : ah ! ang pagkayari ay parang kidlat , na inihasa upang ipangpatay . Humayo ka sa isang dako , lumagay ka sa kanan , o lumagay ka sa kaliwa , saan man mapaharap ang iyong mukha . Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay , at aking lulubusin ang aking kapusukan : ako ang Panginoon , ang nagsalita . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi , Gayon din , ikaw na anak ng tao , magtakda ka sa iyo ng dalawang daan , na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia ; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain : at landasan mo ng dako , landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan . Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon , at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan . Sapagka&#039;t ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan , sa bukana ng dalawang daan , upang magbadya ng panghuhula : kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo&#039;t parito , siya&#039;y sumangguni sa mga diosdiosan , siya&#039;y nagsiyasat sa atay . Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem , upang mag-umang ng mga pangsaksak , upang bukahin ang bibig sa pagpatay , upang itaas ang tinig sa paghiyaw , upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan , upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan . At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin , na nanumpa sa kanila ; nguni&#039;t ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan , upang sila&#039;y mangahuli . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan , palibhasa&#039;y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw , na anopa&#039;t sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan ; sapagka&#039;t dumating ang pagkaalaala sa inyo , kayo&#039;y huhulihin ng kamay . At ikaw , Oh masama na nasugatan ng ikamamatay , na prinsipe sa Israel , na ang kaarawan ay dumating , sa panahon ng parusang pinaka wakas ; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ilapag mo ang tiara , at alisin mo ang putong ; ito&#039;y hindi na mangyayari pa uli ; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas . Aking ititiwarik , ititiwarik , ititiwarik : ito rin nama&#039;y hindi na mangyayari uli , hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya ; at aking ibibigay sa kaniya . At ikaw , anak ng tao , manghula ka , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon , at tungkol sa kanilang kapulaan ; at sabihin mo , Isang tabak , isang tabak ay binunot , na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin , upang maging parang kidlat ; Samantalang sila&#039;y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan , samantalang sila&#039;y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan , upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay , na ang kaarawan ay dumating , sa panahon ng parusang pinaka wakas . Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban . Sa dakong pinaglalangan sa iyo , sa lupain ng kapanganakan mo , hahatulan kita . At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo ; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot : at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay . Ikaw ay magiging pinakapanggatong sa apoy ; ang iyong dugo ay mabububo sa gitna ng lupain ; ikaw ay hindi na maaalaala : sapagka&#039;t akong Panginoon ang nagsalita . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , At Ikaw , anak ng tao , hahatulan mo baga , hahatulan mo baga ang bayang mabagsik ? ipakilala mo nga sa kaniya ang lahat niyang kasuklamsuklam . At iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya , na ang kaniyang panahon ay darating , at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili , upang mapahamak siya ! Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo , at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa ; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan , at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon ; kaya&#039;t ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa , at isang katuyaan sa lahat na lupain . Yaong mga malapit , at yaong mga malayo , ay magsisituya sa iyo , ikaw na napahamak at puno ng kagulo . Narito , ang mga prinsipe sa Israel , na bawa&#039;t isa&#039;y ayon sa kaniyang kapangyarihan , napasa iyo upang magbubo ng dugo . Sa iyo&#039;y kanilang niwalang kabuluhan ang ama&#039;t ina ; sa gitna mo ay pinahirapan nila ang taga ibang lupa ; sa iyo&#039;y kanilang pinighati ang ulila at ang babaing bao . Iyong hinamak ang aking mga banal na bagay , at iyong nilapastangan ang aking mga sabbath . Mga maninirang puri ay napasa iyo upang magbubo ng dugo : at sa iyo&#039;y nagsikain sila sa mga bundok : sa gitna mo ay nagkasala sila ng kahalayan . Sa iyo&#039;y kanilang inilitaw ang kahubaran ng kanilang mga magulang ; sa iyo&#039;y pinapakumbaba niya siya na marumi sa kaniyang pagkahiwalay . At ang isa&#039;y gumawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kaniyang kapuwa ; at ang isa&#039;y gumawa ng kahalayhalay sa kaniyang manugang na babae ; at sa iyo&#039;y sinipingan ng isa ang kaniyang kapatid na babae na anak ng kaniyang ama . Sa iyo ay nagsitanggap sila ng suhol upang magbubo ng dugo ; ikaw ay kumuha ng patubo&#039;t pakinabang , at ikaw ay nakinabang ng malabis sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng pagpighati , at nilimot mo ako , sabi ng Panginoong Dios . Narito nga , aking ipinakpak ang aking kamay dahil sa iyong masamang pakinabang na iyong ginawa , at sa iyong dugo na iyong ibinubo sa gitna mo . Makapagmamatigas baga ang iyong puso , o makapagmamalakas baga ang iyong mga kamay sa mga araw na parurusahan kita ? Akong Panginoon ang nagsalita , at gagawa niyaon . At aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa , at pananabugin kita sa mga lupain ; at aking papawiin ang iyong karumihan sa gitna mo . At ikaw ay malalapastangan sa iyong sarili , sa paningin ng mga bansa ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ang sangbahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin : silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga , sa gitna ng hurno ; sila ay naging dumi ng pilak . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t kayong lahat ay naging dumi ng bakal , kaya&#039;t narito , aking pipisanin kayo sa gitna ng Jerusalem . Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno , upang hipan ng apoy , upang tunawin ; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan , at aking ilalapag kayo roon , at pupugnawin ko kayo . Oo , aking pipisanin kayo , at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot , at kayo&#039;y mangapupugnaw sa gitna niyaon . Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno , gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon ; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , sabihin mo sa kaniya , Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis , o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit . May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon , gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli : sila&#039;y nanganakmal ng mga tao ; sila&#039;y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay ; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon , Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan , at nilapastangan ang aking mga banal na bagay : sila&#039;y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan , o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis , at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath , at ako&#039;y nalapastangan sa gitna nila . Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli , upang mangagbubo ng dugo , at upang magpahamak ng mga tao , upang sila&#039;y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang . At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila , na nakakita ng walang kabuluhan , at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila , na nangagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , dangang hindi sinalita ng Panginoon . Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati , at nagnakaw ; oo , kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan , at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa . At ako&#039;y humanap ng lalake sa gitna nila , na makakagawa ng bakod , at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain , upang huwag kong ipahamak ; nguni&#039;t wala akong nasumpungan . Kaya&#039;t aking ibinuhos ang aking galit sa kanila ; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot : ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo , sabi ng Panginoong Dios . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi : Anak ng tao , may dalawang babae , na mga anak na babae ng isang ina : At sila&#039;y nagpatutot sa Egipto ; sila&#039;y nagpatutot sa kanilang kadalagahan : doo&#039;y nangahigpit ang kanilang mga dibdib , at doo&#039;y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga . At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda , at Oholiba ang kapatid niya : at sila&#039;y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae . At tungkol sa kanilang mga pangalan , Samaria ay Ohola , at Jerusalem ay Oholiba . At si Ohola ay nagpatutot nang siya&#039;y akin ; at siya&#039;y suminta sa mga mangingibig sa kaniya , sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan . Na nananamit ng kulay asul , ang mga tagapamahala at ang mga pinuno , silang lahat na binatang makisig , mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo . At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid , sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat ; at sa sino man na inibig niya , sa lahat nilang diosdiosan , ay nadumhan siya . Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto , sapagka&#039;t sa kaniyang kadalagahan , sila&#039;y sumisiping sa kaniya , at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga ; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya . Kaya&#039;t ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya , sa kamay ng mga taga Asiria , na siya niyang mga inibig . Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran ; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae ; at siya&#039;y pinatay nila ng tabak : at siya&#039;y naging kakutyaan sa mga babae ; sapagka&#039;t sila&#039;y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya . At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba , gayon ma&#039;y siya&#039;y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya , at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid . Siya&#039;y umibig sa mga taga Asiria , sa mga tagapamahala at mga pinuno , sa kaniyang mga kalapit bayan , na nararamtan ng mga pinakamahusay , sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo , silang lahat ay mga binatang makisig . At aking nakita na siya&#039;y nadumhan ; na sila kapuwa ay nagisang daan . At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot ; sapagka&#039;t siya&#039;y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig , na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon , Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang , na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo , silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea , na lupain na kanilang kinapanganakan . At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila , at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea . At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig , at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot , at siya&#039;y nahawa sa kanila , at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila . Sa gayo&#039;y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot , at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran : nang magkagayo&#039;y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya , na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid . Gayon ma&#039;y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid , na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan , na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto , At siya&#039;y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya , na ang laman ay parang laman ng mga asno , at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo . Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan , sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan . Kaya , Oh Oholiba , ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Narito , aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo , na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban , at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako : Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo , ang Pekod , at ang Soa , at ang Coa , at lahat ng taga Asiria na kasama nila ; na mga binatang makisig , mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat , mga prinsipe , at mga lalaking bantog , silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo . At sila&#039;y magsisiparitong laban sa iyo na ma&#039;y mga almas , mga karo , at mga kariton , at may kapulungan ng mga tao ; sila&#039;y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki , at kalasag at turbante ; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila , at sila&#039;y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan . At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo , at sila&#039;y magsisigawa sa iyo sa kapusukan ; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga ; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak : kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae ; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy , Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot , at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas . Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan , at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto : na anopa&#039;t hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila , o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo , sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban ; At hahatulan ka nila na may pagtatanim , at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan , at iiwan kang hubad at hubo : at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw , ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot . Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo , sapagka&#039;t ikaw ay nagpatutot sa mga bansa , at sapagka&#039;t ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan . Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid ; kaya&#039;t ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid , na malalim at malaki : ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan ; maraming laman . Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw , sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan , sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria . Iyo ngang iinumin at tutunggain , at iyong hahaluin ang labo niyaon , at sasaktan ang iyong dibdib ; sapagka&#039;t aking sinalita , sabi ng Panginoong Dios . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t ako&#039;y iyong nilimot , at tinalikdan mo ako , taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid . Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito : Anak ng tao : hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba ? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam . Sapagka&#039;t sila&#039;y nagkasala ng pangangalunya , at dugo ay nasa kanilang mga kamay ; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba ; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak , na kanilang ipinanganak sa akin . Bukod dito&#039;y ginawa nila ito sa akin : kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon , at nilapastangan ang aking mga sabbath . Sapagka&#039;t nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan , nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin ; at , narito , ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay . At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo , na siyang mga ipinasundo sa sugo , at , narito , sila&#039;y nagsisidating ; na siyang dahil ng iyong ipinaligo , at ipinagkulay mo ng iyong mga mata , at pinaggayakan mo ng mga gayak ; At naupo ka sa isang mainam na higaan , na may dulang na nakahanda sa harap niyaon , na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis . At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya : at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang ; at sila&#039;y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila , at mga magandang putong sa kanilang mga ulo . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya , Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya , at siya sa kanila . At sinipingan nila siya , na parang sumiping sa isang patutot : gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba , na malibog na mga babae . At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya , at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo ; sapagka&#039;t sila&#039;y mangangalunya , at dugo ang nasa kanilang mga kamay . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ako&#039;y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila , at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo&#039;t parito at samsaman . At babatuhin sila ng kapulungan , ng mga bato , at tatagain sila ng kanilang mga tabak ; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae , at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay . Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain , upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan . At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo , at inyong dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan , at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios . Muli , nang ikasiyam na taon , nang ikasangpung araw ng buwan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , isulat mo ang pangalan ng kaarawan , ang kaarawan ding ito : ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem sa kaarawan ding ito . At ipagsabi mo ng isang talinhaga ang mapanghimagsik na sangbahayan , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Magsalang ka ng kaldera , isalang mo , at buhusan mo rin naman ng tubig : Pisanin mo ang mga putol niyaon doon , lahat ng mabuting putol , ang hita , at ang balikat ; punuin mo ng mga piling buto . Kumuha ka ng pinili sa kawan , at ibunton mo ang mga buto sa ilalim niyaon : pakuluan mong mabuti ; oo , lutuin mo ang mga buto sa loob niyaon . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa aba ng mabagsik na bayan , ng kaldera na may kalawang , at ang kalawang ay hindi naalis doon ! ilabas mo na putolputol ; walang sapalaran na ginawa roon . Sapagka&#039;t ang dugo niya ay nasa gitna niya ; kaniyang inilagay sa luwal na bato ; hindi niya ibinuhos sa lupa , na tabunan ng alabok . Upang pukawin ang kapusukan ng manghihiganti , inilagay ko ang kaniyang dugo sa luwal na bato , upang huwag matakpan . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Sa aba ng mabagsik na bayan ! akin ding palalakihin ang bunton . Ibunton ang kahoy , paningasin ang apoy , pakuluang mabuti ang laman , palaputin ang sabaw , at sunugin ang mga buto . Kung magkagayo&#039;y ipatong mong walang laman sa mga baga niyaon , upang uminit , at ang tanso niyao&#039;y masunog , at ng ang dumi niyaon ay matunaw roon , upang mapugnaw ang kalawang niyaon . Siya&#039;y nagpakapagod sa paggawa ; gayon ma&#039;y ang maraming kalawang ay hindi naaalis ; ang kalawang niyaon ay hindi naaalis sa pamamagitan ng apoy . Nasa iyong karumihan ang kahalayan : sapagka&#039;t ikaw ay aking nilinis at hindi ka nalinis , hindi ka na malilinis pa sa iyong karumihan , hanggang sa aking malubos ang aking kapusukan sa iyo . Akong Panginoon ang nagsalita : mangyayari , at aking gagawin ; hindi ako magbabalik-loob , ni magpapatawad man , ni magsisisi man ; ayon sa iyong mga lakad , at ayon sa iyong mga gawa , kanilang hahatulan ka , sabi ng Panginoong Dios . Ang salita ng Panginoon ay dumating din sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , narito , aalisin ko sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan ang nasa ng iyong mga mata : gayon ma&#039;y hindi ka tatangis , ni iiyak man , ni aagos man ang iyong mga luha . Magbuntong-hininga ka , nguni&#039;t huwag malakas ; huwag mong tangisan ang patay ; itali mo ang pugong mo sa ulo , at isuot mo ang iyong mga panyapak sa iyong mga paa , at huwag mong takpan ang iyong mga labi , at huwag kang kumain ng tinapay ng mga tao . Sa gayo&#039;y nagsalita ako sa bayan nang kinaumagahan ; at sa kinahapunan ay namatay ang aking asawa ; at aking ginawa nang kinaumagahan ang gaya ng iniutos sa akin . At sinabi ng bayan sa akin , Hindi mo baga sasaysayin sa amin kung anong mga bagay ito sa amin , na ikaw ay gumagawa ng ganyan ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa kanila , Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi : Salitain mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking lalapastanganin ang aking santuario , na kapalaluan ng inyong kapangyarihan , na nasa ng inyong mga mata , at kinahihinayangan ng inyong kalooban , at ang inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak . At inyong gagawin ang aking ginawa ; hindi ninyo tatakpan ang inyong mga labi , o kakain man ng tinapay ng mga tao . At ang inyong turbante ay malalagay sa inyong mga ulo , at ang inyong mga panyapak sa inyong mga paa : kayo&#039;y hindi tatangis o iiyak man ; kundi kayo&#039;y manganglulupaypay sa inyong mga kasamaan , at mangagdadaingang isa&#039;t isa . Ganito magiging isang tanda sa inyo si Ezekiel ; ayon sa lahat niyang ginawa ay inyong gagawin : pagka ito&#039;y nangyari ay inyo ngang malalaman na ako ang Panginoong Dios . At ikaw , anak ng tao , hindi baga mangyayari sa araw na aking alisin sa kanila ang kanilang lakas , ang kagalakan ng kanilang kaluwalhatian , ang nasa ng kanilang mga mata , at ang kanilang pinaglalagakan ng kanilang puso , ang kanilang mga anak na lalake at babae , Na sa araw na yaon ang makatatanan ay paroroon sa iyo , upang iparinig sa iyo ng iyong mga pakinig ? Sa araw na yaon ay mabubuka ang iyong bibig sa kaniya na nakatanan , at ikaw ay magsasalita , at hindi na mapipipi pa : gayon magiging isang tanda ka sa kanila ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon , at manghula ka laban sa kanila : At sabihin mo sa mga anak ni Ammon , Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t iyong sinabi , Aha , laban sa aking santuario , nang malapastangan ; at laban sa lupain ng Israel , nang masira ; at laban sa sangbahayan ni Juda , nang sila&#039;y pumasok sa pagkabihag : Kaya&#039;t narito , aking ibibigay ka sa mga anak ng silanganan na pinakaari , at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo , at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo ; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy , at kanilang iinumin ang iyong gatas . At aking gagawin ang Raba na pinaka silungan ng mga kamello , at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t pumakpak ka ng iyong mga kamay , at tumadyak ka ng mga paa , at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel ; Kaya&#039;t narito , aking iniunat ang aking kamay sa iyo , at ibibigay kita na pinakasamsam sa mga bansa ; at ihihiwalay kita sa mga bayan , at ipalilipol kita sa mga lupain : aking ibubuwal ka ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t ang Moab at ang Seir ay nagsasabi , Narito , ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa ; Kaya&#039;t , narito , aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan , mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan , na kaluwalhatian ng lupain , ang Beth-jesimoth , ang Baal-meon , at ang Chiriathaim . Hanggang sa mga anak ng silanganan , upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon ; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari , upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa : At ako&#039;y maglalapat ng kahatulan sa Moab : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Sapagka&#039;t ang Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti , at nagalit na mainam , at nanghiganti sa kanila ; Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom , at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon ; at aking gagawing sira mula sa Teman ; hanggang sa Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak . At aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom , sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel ; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit , at ayon sa aking kapusukan ; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti , sabi ng Panginoong Dios . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t ang mga Filisteo ay gumawa ng panghihiganti , at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man ; Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo , at aking ihihiwalay ang mga Ceretheo , at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat . At ako&#039;y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila . At nangyari , nang ikalabing isang taon , nang unang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , sapagka&#039;t ang Tiro ay nagsabi laban sa Jerusalem , Aha , siya na naging pintuan ng mga bayan ay sira ; siya&#039;y nabalik sa akin : ako&#039;y mapupuno ngayong siya&#039;y sira : Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ako&#039;y laban sa iyo , Oh Tiro , at aking pasasampahin ang maraming bansa laban sa iyo , gaya ng pagpapasampa ng dagat ng kaniyang mga alon . At kanilang gigibain ang mga kuta ng Tiro , at ibabagsak ang kaniyang mga moog : akin din namang papalisin sa kaniya ang kaniyang alabok , at gagawin ko siyang hubad na bato . Siya&#039;y magiging dakong ladlaran ng mga lambat sa gitna ng dagat : sapagka&#039;t ako ang nagsalita sabi ng Panginoong Dios ; at siya&#039;y magiging samsam sa mga bansa . At ang kaniyang mga anak na babae na nangasa parang ay papatayin ng tabak : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , na hari ng mga hari , mula sa hilagaan , na may mga kabayo , at may mga karo , at may mga nangangabayo , at isang pulutong , at maraming tao . Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang ; at siya&#039;y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo , at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo , at magtataas ng longki laban sa iyo . At kaniyang ilalagay ang kaniyang mga pangsaksak laban sa iyong mga kuta , at sa pamamagitan ng kaniyang mga palakol ay kaniyang ibabagsak ang iyong mga moog . Dahil sa kasaganaan ng kaniyang mga kabayo , tatakpan ka ng kaniyang alabok : ang iyong mga kuta ay uuga sa hugong ng mga mangangabayo , at ng mga kariton , at ng mga karo , pagka siya&#039;y papasok sa iyong mga pintuang-bayan , na gaya ng pagpasok ng tao sa isang bayan na pinamutasan . Tutungtungan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan ; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan ; at ang mga haligi ng iyong lakas ay mabubuwal sa lupa . At sila&#039;y magsisisamsam ng iyong mga kayamanan , at lolooban ang iyong kalakal ; at kanilang ibabagsak ang iyong mga kuta , at gigibain ang iyong mga masayang bahay ; at ilalagay ang iyong mga bato , at ang iyong kahoy at ang iyong alabok sa gitna ng tubig . At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit ; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig . At gagawin kitang hubad na bato : ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat ; ikaw ay hindi na matatayo ; sapagka&#039;t akong Panginoon ang nagsalita , sabi ng Panginoong Dios . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Tiro ; Hindi baga mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak , pagka ang nasugatan ay dumadaing , pagka may patayan sa gitna mo ? Kung magkagayo&#039;y lahat na prinsipe sa dagat ay magsisibaba mula sa kanilang mga luklukan , at aalisin ang kanilang mga balabal , at huhubuin ang kanilang mga damit na may burda : sila&#039;y dadatnan ng panginginig ; sila&#039;y magsisiupo sa lupa , at manginginig sa tuwituwina , at mangatitigilan sa iyo . At pananaghuyan ka nila , at magsasabi sa iyo , Ano&#039;t nagiba ka , na tinatahanan ng mga taong dagat , na bantog na bayan na malakas sa dagat , siya at ang mga mananahan sa kaniya , na nagpapangilabot sa lahat na nagsisitahan sa kaniya ! Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak ; oo , ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan , na parang mga bayan na hindi tinatahanan , pagka tatabunan kita ng kalaliman , at tatakpan ka ng maraming tubig ; Ibababa nga kita na kasama nila na bumababa sa hukay , sa mga tao nang una , at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa , sa mga dakong sira nang una , na kasama ng nagsibaba sa hukay , upang ikaw ay huwag tahanan ; at ako&#039;y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay . Gagawin kitang kakilakilabot , at hindi ka na mabubuhay : bagaman ikaw ay hanapin ay hindi ka na masusumpungan pa uli , sabi ng Panginoong Dios . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi : At ikaw , anak ng tao , panaghuyan mo ang Tiro ; At sabihin mo sa Tiro , Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat , na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ikaw , Oh Tiro , nagsabi , Ako&#039;y sakdal sa kagandahan . Ang iyong mga hangganan ay nangasa kalaliman ng mga dagat , ang nagsipagtayo sa iyo ay nangagpasakdal ng iyong kagandahan . Ang ginawa nilang makakapal mong tabla ay mga puno ng abeto na mula sa Senir : sila&#039;y nagsikuha ng cedro mula sa Libano , upang gawing palo ng sasakyan mo . Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan ; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim . Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag , upang maging sa iyo&#039;y isang watawat ; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong . Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan : ang iyong mga pantas , Oh Tiro , ay nangasa iyo , sila ang iyong mga tagaugit . Ang mga matanda sa Gebal at ang mga pantas niyao&#039;y pawang tagapagpasak mo : ang lahat na sasakyan sa dagat sangpu ng mga tao ng mga yaon ay nangasa iyo upang pangasiwaan ang iyong kalakal . Ang Persia , ang Lud , at ang Phut ay nangasa iyong hukbo , na iyong mga lalaking mangdidigma : kanilang ibinitin ang kalasag at ang turbante sa iyo ; nagpapaganda sa iyo . Ang mga lalake sa Arvad na kasama ng iyong hukbo ay nangasa ibabaw ng iyong mga kuta sa palibot , at ang mga matatapang ay nasa iyong mga moog ; kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot ; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan . Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan ; na ang pilak , bakal , lata , at tingga , ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal . Ang Javan , ang Tubal , at ang Mesec , mga mangangalakal mo : kanilang kinakalakal ang mga tao at ang mga sisidlang tanso na ipinapalit nila sa iyong mga kalakal . Ang sangbahayan ni Togarma ay nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga kabayo at ng mga kabayong pangdigma at ng mga mula . Ang mga tao sa Dedan ay iyong mangangalakal : maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay : kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano . Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay : sila&#039;y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda , kulay ube , at yaring may burda , at manipis na kayong lino , at gasang at mga rubi . Naging mga mangangalakal mo ang Juda , at ang lupain ng Israel : sila&#039;y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo ng Minith , at ng pannag , at ng pulot , at ng langis , at ng balsamo . Mangangalakal mo ang Damasko dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay , dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan , sangpu ng alak sa Helbon , at maputing lana . Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana : ang makinang na bakal , ang kasia , at ang kalamo , ay ilan sa iyong mga kalakal . Naging iyong mangangalakal ang Dedan sa mga mahalagang kayo na ukol sa pangangabayo . Ang Arabia , at lahat na prinsipe sa Cedar , mga naging mangangalakal ng iyong kamay ; sa mga cordero , at mga lalaking tupa , at mga kambing , sa mga ito&#039;y naging mga mangangalakal mo sila . Ang mga mangangalakal sa Seba at sa Raama , mga naging mangangalakal mo ; kanilang ipinapalit sa iyong mga kalakal ang mga pinakamainam na especia , at lahat na mahalagang bato , at ang ginto . Ang Haran at ang Canneh at ang Eden , na mga mangangalakal sa Seba , ang Assur at ang Chilmad ay naging mga mangangalakal mo . Ang mga ito ang iyong mga mangangalakal sa mga piling kalakal sa mga balutan ng mga yaring asul at may burda , at sa mga baul na may mainam na hiyas , natatalian ng mga sintas , at yaring cedro , na ilan sa iyong mga kalakal . Ang mga sasakyan sa Tarsis ay iyong mga pulutong sa iyong kalakal : at ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati sa kalagitnaan ng mga dagat . Dinala ka ng iyong mga manggagaod sa malawak na dagat : binagbag ka ng hanging silanganan sa kalagitnaan ng dagat . Ang iyong kayamanan , at ang iyong mga kalakal , ang iyong tinda , at ang iyong mga manggagaod , at ang iyong mga tagaugit , ang iyong mga tagapagpasak , at ang nagsisipamahala ng iyong mga kalakal , at ang lahat mong lalaking mangdidigma na nangasa iyo , sangpu ng iyong lahat na pulutong na nangasa gitna mo , mangalulubog sa kalagitnaan ng dagat sa kaarawan ng iyong pagkasira . Sa lakas ng hiyaw ng iyong mga tagaugit , ang mga nayon ay mangayayanig . At lahat na nagsisihawak ng gaod , ang mga tao sa sasakyan , at lahat ng tagaugit sa dagat , ay magsisibaba sa kanilang mga sasakyan ; sila&#039;y magsisitayo sa ibabaw ng lupain , At iparirinig ang kanilang tinig sa iyo , at hihiyaw ng kalagimlagim , at mangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo , sila&#039;y magsisigumon sa mga abo : At mangagpapakakalbo dahil sa iyo , at mangagbibigkis ng kayong magaspang , at kanilang iiyakan ka ng kapanglawpanglaw sa kalooban , na may mapanglaw na pananangis . At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila , at tatangisan ka , na sasabihin , Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat ? Pagka ang iyong mga kalakal ay inilalabas sa mga dagat , iyong binubusog ang maraming bayan ; iyong pinayaman ang mga hari sa lupa ng karamihan ng iyong mga kayamanan at ng iyong mga kalakal . Sa panahon na ikaw ay bagbag sa tabi ng mga dagat sa kalaliman ng tubig , ang iyong kalakal at ang iyong buong pulutong ay lumubog sa gitna mo . Lahat ng mananahan sa mga pulo ay nangatitigilan dahil sa iyo , at ang kanilang mga hari ay nangatakot ng di kawasa , sila&#039;y nangamanglaw sa kanilang mukha . Pinagsutsutan ka ng mga mangangalakal sa gitna ng mga bayan ; ikaw ay naging kakilakilabot , at hindi ka na mabubuhay pa . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , sabihin mo sa prinsipe sa Tiro , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t ang iyong puso ay nagmataas , at iyong sinabi , Ako&#039;y dios , ako&#039;y nauupo sa upuan ng Dios , sa gitna ng mga dagat ; gayon man ikaw ay tao , at hindi Dios , bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios ; Narito , ikaw ay lalong marunong kay Daniel ; walang lihim na malilihim sa iyo ; Sa pamamagitan ng iyong karunungan , at ng iyong unawa , nagkaroon ka ng mga kayamanan , at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman ; Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan , at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan ; Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios , Kaya&#039;t narito , ako&#039;y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo , na kakilakilabot sa mga bansa ; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan , at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan . Kanilang ibababa ka sa hukay ; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat . Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo , Ako&#039;y Dios ? nguni&#039;t ikaw ay tao , at hindi Dios , sa kamay niya na sumusugat sa iyo . Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa : sapagka&#039;t ako ang nagsalita , sabi ng Panginoong Dios . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , panaghuyan mo ang hari sa Tiro , at sabihin mo sa kaniya , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , iyong tinatatakan ang kabuoan , na puno ng karunungan , at sakdal sa kagandahan . Ikaw ay nasa Eden , na halamanan ng Dios ; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan , ang sardio , ang topacio , at ang diamante , ang berilo , ang onix , at ang jaspe , ang zafiro , ang esmeralda , at ang karbungko , at ang ginto : ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo ; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda . Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip : at itinatag kita , na anopa&#039;t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios ; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga . Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin , hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo . Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas , at ikaw ay nagkasala : kaya&#039;t inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios ; at ipinahamak kita , Oh tumatakip na kerubin , mula sa gitna ng mga batong mahalaga . Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan ; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan : aking inihagis ka sa lupa ; aking inilagay ka sa harap ng mga hari , upang kanilang masdan ka . Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan , sa kalikuan ng iyong pangangalakal , iyong nilapastangan ang iyong mga santuario : kaya&#039;t ako&#039;y naglabas ng apoy sa gitna mo ; sinupok ka , at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo . Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan , mangatitigilan dahil sa iyo : ikaw ay naging kakilakilabot , at ikaw ay hindi na mabubuhay pa . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha sa Sidon , at manghula ka laban doon , At iyong sabihin , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y laban sa iyo , Oh Sidon ; at ako&#039;y luluwalhati sa gitna mo ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka ako&#039;y naglapat ng kahatulan sa kaniya , at aariing banal sa kaniya . Sapagka&#039;t ako&#039;y magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan ; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya , sa pamamagitan ng tabak , na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel , o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya , na nagwalang kabuluhan sa kanila ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan , at ako&#039;y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa , sila nga&#039;y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob . At sila&#039;y magsisitahang tiwasay roon , oo , sila&#039;y mangagtatayo ng mga bahay , at mag-uubasan , at tatahang tiwasay , pagka ako&#039;y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios . Nang ikasangpung taon , nang ikasangpung buwan , nang ikalabing dalawang araw ng buwan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto , at manghula ka laban sa kaniya , at laban sa buong Egipto ; Iyong salitain , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y lalaban sa iyo , Faraong hari sa Egipto , na malaking buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog , na nagsabi : Ang ilog ko ay aking sarili , at aking ginawa sa ganang aking sarili . At kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga , at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis ; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog , na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis . At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang , ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog : ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang ; ikaw ay hindi pipisanin , o pupulutin man ; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa , at sa mga ibon sa himpapawid . At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon , sapagka&#039;t sila&#039;y naging tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel . Nang kanilang pigilan ka sa iyong kamay , iyong binali , at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat ; at nang sila&#039;y sumandal sa iyo , iyong binalian , at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , pagdadalhan kita ng tabak sa iyo , at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop . At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Ang ilog ay akin , at aking ginawa ; Kaya&#039;t , narito , ako&#039;y laban sa iyo , at laban sa iyong mga ilog , at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto , mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia . Walang paa ng tao na daraan doon , o paa man ng hayop ay daraan doon , o tatahanan man siyang apat na pung taon . At aking gagawing sira ang lupain ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira ; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon ; at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa , at aking pananabugin sila sa mga lupain . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto , mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan ; At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto , at aking pababalikin sila sa lupain ng Patros , na lupain na kinapanganakan sa kanila ; at sila&#039;y magiging doo&#039;y isang mababang kaharian . Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian ; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa : at aking babawasan sila , upang huwag na silang magpuno sa mga bansa . At hindi na magiging pagasa pa ng sangbahayan ni Israel , na nagpapaalaala ng kasamaan , pagka kanilang lilingunin sila : at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios . At nangyari , nang ikadalawang pu&#039;t pitong taon , nang unang buwan , nang unang araw ng buwan , ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi : Anak ng tao , pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro : lahat ng ulo ay nakalbo , at lahat ng balikat ay nalabnot ; gayon ma&#039;y wala siyang kaupahan , o ang kaniyang hukbo man , mula sa Tiro , sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia ; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan , at kukunin ang samsam sa kaniya , at kukunin ang huli sa kaniya ; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo . Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod , sapagka&#039;t sila&#039;y nagsipagpagal ng dahil sa akin , sabi ng Panginoong Dios . Sa araw na yao&#039;y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel , at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , manghula ka , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Manambitan kayo : Sa aba ng araw na yaon ! Sapagka&#039;t ang kaarawan ay malapit na , sa makatuwid baga&#039;y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na ; magiging kaarawan ng pagaalapaap ; panahon ng mga bansa . At isang tabak ay darating sa Egipto , at kahirapan ay sasa Etiopia , pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto ; at dadalhin nila ang kaniyang karamihan , at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak . Ang Etiopia , at ang Phut , at ang Lud , at ang buong halohalong bayan , at ang Chub , at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo , mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak . Ganito ang sabi ng Panginoon : Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal ; at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay mabababa : mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak , sabi ng Panginoong Dios . At sila&#039;y magiging sira sa gitna ng mga lupain na sira ; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba . At kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka ako&#039;y nagsulsol ng apoy sa Egipto , at lahat niyang katulong ay nangalipol . Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia ; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto ; sapagka&#039;t narito , dumarating . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto , sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia . Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya , na kakilakilabot sa mga bansa , ay ipapasok upang gibain ang lupain ; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto , at pupunuin ng mga patay ang lupain . At aking tutuyuin ang mga ilog , at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao ; at aking sisirain ang lupain , at lahat na nandoon , sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa : akong Panginoon ang nagsalita . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan , at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis ; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto ; at ako&#039;y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto . At aking sisirain ang Patros , at ako&#039;y magsisilab ng apoy sa Zoan , at maglalapat ako ng mga kahatulan sa No . At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin , na katibayan ng Egipto ; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No . At ako&#039;y magsusulsol ng apoy sa Egipto : ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian , at ang No ay magigiba : at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan . Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag . Sa Tafnes nama&#039;y magdidilim ang araw , pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto , at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon : tungkol sa kaniya , ay tatakpan siya ng alapaap , at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag . Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan , nang ikapitong araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto ; at , narito , hindi natalian , upang lapatan ng mga gamot , na lagyan ng isang tapal upang talian , upang humawak na matibay ng tabak . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y laban kay Faraon na hari sa Egipto , at aking babaliin ang kaniyang mga bisig , ang malakas na bisig , at yaon na nabali ; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay . At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa , at pananabugin ko sila sa mga lupain . At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia , at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay ; nguni&#039;t aking babaliin ang mga bisig ni Faraon , at siya&#039;y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay . At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia ; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia , at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto . At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa , at pananabugin ko sila sa mga lupain ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At nangyari nang ikalabing isang taon , nang ikatlong buwan , nang unang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , sabihin mo kay Faraon , na hari sa Egipto , at sa kaniyang karamihan : Sino ang iyong kawangis sa iyong kalakhan ? Narito , ang taga Asiria ay isang cedro sa Libano , na may magandang mga sanga , at may mayabong na lilim , at may mataas na kataasan ; at ang kaniyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga . Kinakandili siya ng tubig , pinalalaki siya ng kalaliman : ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan ; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang . Kaya&#039;t ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang ; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami , at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig , nang kaniyang pabugsuan . Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga ; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang ; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa . Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan , sa kahabaan ng kaniyang mga sanga : sapagka&#039;t ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig . Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya ; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga , at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga , o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan . Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga , na anopa&#039;t lahat ng punong kahoy sa Eden , na nangasa halamanan ng Dios , nanaghili sa kaniya . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t ikaw ay nataas sa kataasan , at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga , at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas ; Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa ; walang pagsalang siya&#039;y susugpuin : aking pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan . At inihiwalay siya at iniwan siya , ng mga taga ibang lupa , ng kakilakilabot sa mga bansa : sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kaniyang mga sanga , at ang kaniyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain ; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kaniyang lilim at iniwan siya . Sa kaniyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid , at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kaniyang mga sanga ; Upang walang magmataas sa kanilang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig , o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga , o ang kanila mang mga makapangyarihan ay magsitayo sa kanilang pagkataas , sa makatuwid baga&#039;y yaong lahat na nagsisiinom ng tubig : sapagka&#039;t silang lahat ay nangabigay sa kamatayan , sa pinakamalalim na bahagi ng lupa , sa gitna ng mga anak ng tao , na kasama ng nagsibaba sa hukay . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Nang araw na siya&#039;y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako : aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya , at pinigil ko ang mga ilog niya ; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil ; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano , at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya . Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal , nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay ; at ang lahat na punong kahoy sa Eden , ang pili at pinakamahusay ng Libano , lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa . Sila rin nama&#039;y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak ; oo , silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa . Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden ? gayon ma&#039;y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden , sa pinakamalalim na bahagi ng lupa : ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli , na kasama nila na nangapatay ng tabak . Ito&#039;y si Faraon at ang buo niyang karamihan , sabi ng Panginoong Dios . At nangyari , nang ikalabing dalawang taon , nang ikalabing dalawang buwan , nang unang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi : Anak ng tao , panaghuyan mo si Faraong hari sa Egipto , at sabihin mo sa kaniya , Ikaw ay kawangis ng isang batang leon sa mga bansa ; gayon man ikaw ay parang malaking hayop sa mga dagat ; at ikaw ay sumagupa sa iyong mga ilog , at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig , at dinumhan mo ang kanilang mga ilog . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo na kasama ng isang pulutong ng maraming tao ; at iaahon ka nila sa aking lambat . At iiwan kita sa lupain , ihahagis kita sa luwal na parang , at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid , at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa . At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok , at pupunuin ko ang mga libis ng iyong kataasan . Akin namang didiligin ng iyong dugo ang lupain na iyong nilalanguyan , hanggang sa mga bundok ; at ang mga daan ng tubig ay mapupuno . At pagka ikaw ay aking nautas , aking tatakpan ang langit , at padidilimin ko ang mga bituin niyaon ; aking tatakpan ng alapaap ang araw , at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag . Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo , at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain , sabi ng Panginoong Dios . Akin namang papaghihirapin ang puso ng maraming bayan , pagka aking dadalhin ang iyong kagibaan sa gitna ng mga bansa , sa mga lupain na hindi mo nakilala . Oo , aking papanggigilalasin ang maraming bayan sa iyo , at ang kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo , pagka aking ikinumpas ang aking tabak sa harap nila ; at sila&#039;y manginginig tuwituwina , bawa&#039;t tao dahil sa kaniyang sariling buhay sa kaarawan ng iyong pagkabuwal . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo . Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan ; kakilakilabot sa mga bansa silang lahat : at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto , at ang buong karamihan niyao&#039;y malilipol . Akin din namang lilipuling lahat ang mga hayop niyaon mula sa siping ng maraming tubig ; at hindi na lalabukawin pa man ng paa ng tao , o ang kuko man ng mga hayop ay magsisilabukaw sa mga yaon . Kung magkagayo&#039;y aking palilinawin ang kanilang tubig , at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis , sabi ng Panginoong Dios . Pagka aking gagawin ang lupain ng Egipto na sira at giba , na lupaing iniwan ng lahat na nangandoon , pagka aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon kung magkagayon ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon . Ito nga ang panaghoy na kanilang itataghoy ; na itataghoy ng mga anak na babae ng mga bansa ; sa Egipto , at sa lahat na kaniyang karamihan ay itataghoy nila , sabi ng Panginoong Dios . Nangyari rin nang ikalabing dalawang taon , nang ikalabing limang araw ng buwan , na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi , Anak ng tao , taghuyan mo ang karamihan ng Egipto , at ibaba mo sila , sa makatuwid baga&#039;y siya , at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa , hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa , na kasama ng nagsibaba sa hukay . Sinong iyong dinadaig sa kagandahan ? bumaba ka , at malagay kang kasama ng mga di tuli . Sila&#039;y mangabubuwal sa gitna nila na nangapatay ng tabak : siya&#039;y nabigay sa tabak : ilabas mo siya at ang lahat niyang karamihan . Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya : sila&#039;y nagsibaba , sila&#039;y nangakatigil , sa makatuwid baga&#039;y ang mga hindi tuli , na nangapatay ng tabak . Ang Assur ay nandoon at ang buo niyang pulutong ; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya : silang lahat na nangapatay , na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak ; Na ang mga libingan ay nangalalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay , at ang kaniyang pulutong ay nasa palibot ng kaniyang libingan ; silang lahat na nangapatay , na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak , na nakapangingilabot sa lupain ng buhay . Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan ; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak , na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa , na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay , at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay . Inilagay nila ang kaniyang higaan sa gitna ng mga patay na kasama ng buong karamihan niya ; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya ; silang lahat na di tuli na nangapatay sa pamamagitan ng tabak ; sapagka&#039;t nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay , at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay : siya&#039;y nalagay sa gitna niyaong nangapatay . Nandoon ang Mesech , ang Tubal , at ang buo niyang karamihan ; ang mga libingan niya ay nangasa palibot niya ; silang lahat na hindi tuli , na nangapatay sa pamamagitan ng tabak ; sapagka&#039;t sila&#039;y nakapagpangilabot sa lupain ng buhay . At sila&#039;y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli , na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma , at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo , at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto ; sapagka&#039;t sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay . Nguni&#039;t ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di tuli , at ikaw ay mahihiga na kasama nila na nangapatay sa pamamagitan ng tabak . Nandoon ang Edom , ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe , na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak : sila&#039;y mangahihiga na kasama ng mga di tuli , at niyaong nagsibaba sa hukay . Nandoon ang mga prinsipe sa hilagaan , silang lahat , at lahat ng mga taga Sidon , na nagsibabang kasama ng nangapatay ; sa kakilabutan na kanilang ipinangilabot ng kanilang kapangyarihan sila&#039;y nangapahiya ; at sila&#039;y nangahihigang hindi tuli na kasama ng nangapapatay sa pamamagitan ng tabak , at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay . Makikita sila ni Faraon , at maaaliw sa lahat niyang karamihan , sa makatuwid baga&#039;y ni Faraon at ng buo niyang hukbo , na nangapatay ng tabak , sabi ng Panginoong Dios . Sapagka&#039;t inilagay ko ang kaniyang kakilabutan sa lupain ng buhay ; at siya&#039;y ihihiga sa gitna ng mga di tuli , na kasama ng nangapatay ng tabak , si Faraon at ang buong karamihan niya , sabi ng Panginoong Dios . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , salitain mo sa mga anak ng iyong bayan , at sabihin mo sa kanila , Pagka aking dinala ang tabak sa lupain , kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila , at ilagay na pinakabantay nila ; Kung , pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain , kaniyang hipan ang pakakak , at magbigay alam sa bayan ; Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak , at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya , ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo . Narinig niya ang tunog ng pakakak , at hindi pinansin ; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya ; sapagka&#039;t kung siya&#039;y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay . Nguni&#039;t kung makita ng bantay na dumarating ang tabak , at hindi humihip ng pakakak , at ang bayan ay hindi napagbigyang alam , at ang tabak ay dumating , at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila ; siya&#039;y nahiwalay sa kaniyang kasamaan , nguni&#039;t ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay . Sa gayo&#039;y ikaw , anak ng tao , ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel ; kaya&#039;t dinggin mo ang salita sa aking bibig , at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin . Pagka aking sinabi sa masama , Oh masamang tao , ikaw ay walang pagsalang mamamatay , at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad : ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan , nguni&#039;t ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay . Gayon ma&#039;y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay , at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad ; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan , nguni&#039;t iniligtas mo ang iyong kaluluwa . At ikaw , anak ng tao , sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang inyong sinasalita , na sinasabi , Ang aming pagsalangsang , at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin , at aming pinanglulupaypayan ; paano ngang kami ay mangabubuhay ? Sabihin mo sa kanila , Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama ; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay : manumbalik kayo , manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad ; sapagka&#039;t bakit kayo mangamamatay , Oh sangbahayan ni Israel ? At ikaw , anak ng tao , sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan , Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang ; at tungkol sa kasamaan ng masama , hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan ; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya&#039;y magkasala . Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay ; kung siya&#039;y tumiwala sa kaniyang katuwiran , at gumawa ng kasamaan , anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin ; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay . Muli , pagka aking sinabi sa masama , Ikaw ay walang pagsalang mamamatay ; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan , at gawin ang tapat at matuwid ; Kung isauli ng masama ang sanla , ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw , lumakad sa palatuntunan ng buhay , na di gumawa ng kasamaan , siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay , siya&#039;y hindi mamamatay . Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya ; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid ; siya&#039;y walang pagsalang mabubuhay . Gayon ma&#039;y sinabi ng mga anak ng iyong bayan , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid : nguni&#039;t tungkol sa kanila , ay hindi matuwid ang kanilang lakad . Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran , at gumagawa ng kasamaan , kaniyang ikamamatay yaon . At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan , at gumawa ng tapat at matuwid , kaniyang ikabubuhay yaon . Gayon ma&#039;y inyong sinasabi , Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid . Oh sangbahayan ni Israel , aking hahatulan kayo bawa&#039;t isa , ayon sa kaniyang mga lakad . At nangyari , nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag , nang ikasangpung buwan ; nang ikalimang araw ng buwan , na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin , na nagsasabi , Ang bayan ay nasaktan . Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan , bago dumating ang nakatanan ; at ibinuka niya ang aking bibig , hanggang sa siya&#039;y dumating sa akin nang kinaumagahan ; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel , ay nangagsasalita , na sinasabi , Si Abraham ay iisa , at kaniyang minana ang lupain : nguni&#039;t tayo&#039;y marami ; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana . Kaya&#039;t sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kayo&#039;y nagsisikain ng may dugo , at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan , at nagbububo ng dugo : at inyo bagang aariin ang lupain ? Kayo&#039;y nagsisitayo sa inyong tabak , kayo&#039;y nagsisigawa ng kasuklamsuklam , at nanirang puri bawa&#039;t isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa : at inyo bagang aariin ang lupain ? Sabihin mong ganito sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Buhay ako , walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin , at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot . At aking gagawing sira ang lupain at katigilan ; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat ; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira , na walang dadaan . Kung magkagayo&#039;y malalaman nila na ako ang Panginoon , pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain , dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa . At tungkol sa iyo , anak ng tao , pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay , at nangagsasalitaan na bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang kapatid , na sinasabi , Pumarito ka , isinasamo ko sa iyo , at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon . At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating , at sila&#039;y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan , at kanilang dinidinig ang iyong mga salita , nguni&#039;t hindi nila ginagawa ; sapagka&#039;t sila&#039;y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig , nguni&#039;t ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang . At , narito , ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig , at nakatutugtog na mabuti sa panugtog ; sapagka&#039;t kanilang naririnig ang iyong mga salita , nguni&#039;t hindi nila ginagawa . At pagka ito&#039;y nangyari , ( narito , nangyayari , ) kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , manghula ka laban sa mga pastor ng Israel , manghula ka , at iyong sabihin sa kanila , sa mga pastor , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili ! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa ? Kayo&#039;y nagsisikain ng gatas , at kayo&#039;y nangananamit sa inyo ng lana , inyong pinapatay ang mga pinataba ; nguni&#039;t hindi ninyo pinakakain ang mga tupa . Hindi ninyo pinalakas ang payat , o inyo mang pinagaling ang may sakit , o inyo mang tinalian ang may bali , o inyo mang ibinalik ang iniligaw , o inyo mang hinanap ang nawala ; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan . At sila&#039;y nangalat dahil sa walang pastor , at sila&#039;y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang , at sila&#039;y nangalat . Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok , at sa lahat na mataas na burol : oo , ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa ; at walang magsiyasat o humanap sa kanila . Kaya&#039;t kayong mga pastor , pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon : Buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam , at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang , sapagka&#039;t walang pastor , o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa , kundi ang mga pastor ay nagsikain , at hindi pinakain ang aking mga tupa ; Kaya&#039;t , Oh kayong mga pastor , pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Narito , ako&#039;y laban sa mga pastor ; at aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay , at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa ; at hindi na naman pakakanin ng mga pastor ang kanilang sarili ; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig , upang huwag maging pagkain sa kanila . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako , sa makatuwid baga&#039;y ako , sisiyasat ng aking mga tupa , at aking hahanapin sila . Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya&#039;y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat , gayon ko hahanapin ang aking mga tupa ; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw . At aking ilalabas sila sa mga bayan , at pipisanin ko sila mula sa mga lupain , at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain ; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel , sa tabi ng mga daan ng tubig , at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain . Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan ; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan : doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan ; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel . Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila , sabi ng Panginoong Dios . Aking hahanapin ang nawala , at ibabalik ang iniligaw , at tatalian ang nabalian , at palalakasin ang may sakit : nguni&#039;t aking lilipulin ang mataba at malakas ; aking pakakanin sila sa katuwiran . At tungkol sa inyo , Oh aking kawan , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y humahatol sa gitna ng hayop at hayop , sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake . Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan , nguni&#039;t inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan ? at uminom sa malinaw na tubig , nguni&#039;t inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi ? At tungkol sa aking mga tupa , kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa , at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila : Narito , ako , sa makatuwid baga&#039;y ako , ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa . Sapagka&#039;t inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat , at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit , hanggang sa inyong napangalat sila ; Kaya&#039;t aking ililigtas ang aking kawan , at hindi na sila magiging samsam ; at ako&#039;y hahatol sa tupa at tupa . At ako&#039;y maglalagay ng isang pastor sa kanila , at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga&#039;y ang aking lingkod na si David ; kaniyang papastulin sila , at siya&#039;y magiging kanilang pastor , At akong Panginoon ay magiging kanilang Dios , at ang aking lingkod na si David ay prinsipe sa kanila ; akong Panginoon ang nagsalita . At ako&#039;y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan , at aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain ; at sila&#039;y magsisitahang tiwasay sa ilang , at mangatutulog sa mga gubat . At aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol ; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan ; magkakaroon ng ulan ng pagpapala . At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga , at ang lupa&#039;y magsisibol ng halaman niya , at sila&#039;y matitiwasay sa kanilang lupain ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok , at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila . At sila&#039;y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa , o lalamunin man sila ng hayop sa lupa ; kundi sila&#039;y magsisitahang tiwasay , at walang tatakot sa kanila . At aking pagkakalooban sila ng mga pananim na ikababantog , at sila&#039;y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain , o magtataglay pa man ng kahihiyan sa mga bansa . At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila , at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan , sabi ng Panginoong Dios . At kayong mga tupa ko , na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao , at ako&#039;y inyong Dios , sabi ng Panginoong Dios . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir , at manghula ka laban doon , At sabihin mo roon , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y laban sa iyo , Oh bundok ng Seir , at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo , at gagawin kitang sira at katigilan . Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan , at ikaw ay magiging sira ; at iyong malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&#039;t ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit , at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan , sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas ; Kaya&#039;t buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , aking itatalaga ka sa dugo , at ang dugo ay hahabol sa iyo : yamang hindi mo kinapootan ang dugo , kaya&#039;t matatalaga ka sa dugo . Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan ; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik . At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay : sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak . Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan , at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Sapagka&#039;t iyong sinabi , Ang dalawang bansang ito , at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin , at aming aariin ; bagaman kinaroroonan ng Panginoon : Kaya&#039;t buhay ako , sabi ng Panginoong Dios , aking gagawin ayon sa iyong galit , at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila : at ako&#039;y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka . At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel , na sinasabi , Nangalagay na sira ang mga yaon , nangabigay sa atin upang lamunin . At kayo&#039;y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig , at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin : aking narinig yaon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Pagka ang buong lupa ay nagagalak , akin gagawin kang sira . Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel , dahil sa sira , gayon ang gagawin ko sa iyo : ikaw ay magiging sira , Oh bundok ng Seir , at buong Edom , oo , lahat ng ito ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At ikaw , anak ng tao , manghula ka laban sa mga bundok ng Israel , at sabihin mo , Kayong mga bundok ng Israel , pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : sapagka&#039;t sinabi ng kaaway sa inyo , Aha ! at , Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari ; Kaya&#039;t manghula ka , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t , sa makatuwid baga&#039;y sapagka&#039;t kanilang ginawang sira kayo , at nadaig kayo sa lahat ng dako , upang kayo&#039;y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa , at kayo&#039;y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal , at masamang ulat ng bayan ; Kaya&#039;t kayong mga bundok ng Israel , inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios : Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol , sa mga daan ng tubig at sa mga libis , sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan , na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot ; Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa , at laban sa buong Edom , na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pag-aari na may kagalakan ng buo nilang puso , na may sama ng loob , upang ihagis na pinakasamsam . Kaya&#039;t manghula ka tungkol sa lupain ng Israel , at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol , sa mga daan ng tubig at sa mga libis , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan , sapagka&#039;t inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Aking itinaas ang aking kamay , na aking sinasabi , Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo , mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan . Nguni&#039;t , kayo , Oh mga bundok ng Israel , inyong isusupling ang inyong mga sanga , at magbubunga sa aking bayang Israel ; sapagka&#039;t sila&#039;y malapit nang dumating . Sapagka&#039;t , narito , ako&#039;y sa inyo , at ako&#039;y babalik sa inyo , at kayo&#039;y mabubukid at mahahasikan ; At ako&#039;y magpaparami ng mga tao sa inyo , buong sangbahayan ni Israel , sa makatuwid baga&#039;y siyang lahat ; at ang mga bayan ay tatahanan , at ang mga sirang dako ay mangatatayo ; At ako&#039;y magpaparami sa inyo ng tao at hayop ; at sila&#039;y magsisidami at mangagkakaanak : at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan , at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una : at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Oo , aking palalakarin sa inyo ang mga tao , sa makatuwid baga&#039;y ang aking bayang Israel ; at kanilang aariin ka , at ikaw ay magiging kanilang mana , at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sapagka&#039;t kanilang sinasabi sa iyo , Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao , at naging mapagpahirap sa iyong bansa ; Kaya&#039;t hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa , sabi ng Panginoong Dios ; O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa , o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan , o ititisod mo pa man ang iyong bansa , sabi ng Panginoong Dios . Bukod dito&#039;y dumating sa akin ang salita ng Panginoon , na nagsasabi , Anak ng tao , nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain , kanilang inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa : ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan . Kaya&#039;t aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain , at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan ; At aking pinangalat sila sa mga bansa , at sila&#039;y nagsipanabog sa mga lupain : ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila . At nang sila&#039;y dumating sa mga bansa , na kanilang pinaroonan , kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan ; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila , Ang mga ito ay bayan ng Panginoon , at nagsilabas sa kaniyang lupain . Nguni&#039;t iginalang ko ang aking banal na pangalan , na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan . Kaya&#039;t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios ; Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel , kundi dahil sa aking banal na pangalan , na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan . At aking babanalin ang aking dakilang pangalan , na nalapastangan sa mga bansa , na inyong nilapastangan sa gitna nila ; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon , sabi ng Panginoong Dios , pagka ako&#039;y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata . Sapagka&#039;t aking kukunin kayo sa mga bansa , at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain , at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain . At ako&#039;y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo , at kayo&#039;y magiging malinis : sa buo ninyong karumihan , at sa lahat ninyong mga diosdiosan , lilinisin ko kayo . Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso , at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa ; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan , at aking bibigyan kayo ng pusong laman . At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo , at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan , at inyong iingatan ang aking mga kahatulan , at isasagawa . At kayo&#039;y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang ; at kayo&#039;y magiging aking bayan , at ako&#039;y magiging inyong Dios . At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan : at aking patutubuin ang trigo , at aking pararamihin , at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo . At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy , at ang ani sa bukid , upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa . Kung magkagayo&#039;y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad , at ang inyong mga gawa na hindi mabuti ; at kayo&#039;y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili , dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam . Hindi dahil sa inyo ginagawa ko ito , sabi ng Panginoong Dios , tantuin ninyo : kayo&#039;y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad , Oh sangbahayan ni Israel . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan , aking patatahanan ang mga bayan , at ang mga gibang dako ay mangatatayo . At ang lupain na naging sira ay mabubukid , na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan . At kanilang sasabihin , Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden ; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan . Kung magkagayo&#039;y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako , at tinamnan ko ang dakong sira : akong Panginoon ang nagsalita , at aking gagawin . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Bukod dito pa&#039;y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel , upang gawin sa kanila ; ako&#039;y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan . Kung paano ang kawan na panghain , kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan , gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao : at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin , at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon , at inilagay niya ako sa gitna ng libis ; at yao&#039;y puno ng mga buto . At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot : at , narito , may totoong marami sa luwal na libis ; at , narito , mga totoong tuyo . At kaniyang sinabi sa akin , Anak ng tao , maaari bagang mabuhay ang mga butong ito ? At ako&#039;y sumagot , Oh Panginoong Dios ; ikaw ang nakakaalam . Muling sinabi niya sa akin , Manghula ka sa mga butong ito , at sabihin mo sa kanila , Oh kayong mga tuyong buto , inyong pakinggan ang salita ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito : Narito , aking papapasukin ang hinga sa inyo , at kayo&#039;y mangabubuhay . At lalagyan ko kayo ng mga litid , at babalutin ko kayo ng laman , at tatakpan ko kayo ng balat , at lalagyan ko kayo ng hininga , at kayo&#039;y mangabubuhay ; at inyong malalaman na ako ang Panginoon . Sa gayo&#039;y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin : at habang ako&#039;y nanghuhula , may naghinugong , at , narito , isang lindol ; at ang mga buto ay nangagkalapit , buto sa kaniyang buto . At ako&#039;y tumingin , at , narito , may mga litid sa mga yaon , at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw ; nguni&#039;t walang hininga sa kanila . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Manghula ka sa hangin , manghula ka , anak ng tao , at sabihin mo sa hangin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Manggaling ka sa apat na hangin , Oh hinga , at humihip ka sa mga patay na ito , upang sila&#039;y mangabuhay . Sa gayo&#039;y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin , at ang hininga ay pumasok sa kanila , at sila&#039;y nangabuhay , at nagsitayo ng kanilang mga paa , isang totoong malaking pulutong . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel : narito , kanilang sinasabi , Ang ating mga buto ay natuyo , at ang ating pagasa ay nawala ; tayo&#039;y lubos na nahiwalay . Kaya&#039;t manghula ka , at sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking bubuksan ang inyong mga libingan , at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan , Oh bayan ko ; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel . At inyong malalaman na ako ang Panginoon , pagka aking binuksan ang inyong libingan , at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan , Oh bayan ko . At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo , at kayo&#039;y mangabubuhay , at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain , at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita , at nagsagawa , sabi ng Panginoon . Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin , na nagsasabi : At ikaw , anak ng tao , kumuha ka ng isang tungkod , at sulatan mo sa ibabaw , Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama : saka kumuha ka ng ibang tungkod , at iyong sulatan : Sa Jose , na siyang tungkod ng Ephraim , at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama : At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod , upang maging isa sa iyong kamay . At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo , na mangagsasabi , Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito ? Sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking kukunin ang tungkod ng Jose , na nasa kamay ng Ephraim , at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama : at akin silang isasama roon , sa tungkod ng Juda , at gagawin ko silang isang tungkod , at sila&#039;y magiging isa sa aking kamay . At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo sa harap ng kanilang mga mata . At sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa , na kanilang pinaroonan , at pipisanin ko sila sa lahat ng dako , at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain : At gagawin ko silang isang bansa sa lupain , sa mga bundok ng Israel ; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat ; at hindi na sila magiging dalawang bansa , o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian ; At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan , o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay , o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang ; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako , na kanilang pinagkasalanan , at lilinisin ko sila : sa gayo&#039;y magiging bayan ko sila , at ako&#039;y magiging kanilang Dios . At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila ; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor ; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan , at susundin ang aking mga palatuntunan , at isasagawa . At sila&#039;y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod , na tinahanan ng inyong mga magulang ; at sila&#039;y magsisitahan doon , sila at ang kanilang mga anak , at ang mga anak ng kanilang mga anak , magpakailan man : at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man . Bukod dito&#039;y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila ; magiging tipan na walang hanggan sa kanila ; at aking ilalagay sila , at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man . Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila ; at ako&#039;y magiging kanilang Dios , at sila&#039;y magiging aking bayan . At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel , pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Anak ng tao , iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog , sa lupain ng Magog , na prinsipe sa Ros , sa Mesech , at sa Tubal , at manghula ka laban sa kaniya , At iyong sabihin , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y laban sa iyo , Oh Gog , na pangulo sa Ros , sa Mesech , at sa Tubal : At aking ipipihit ka sa palibot , at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga , at ilalabas kita , at ang iyong buong kawal , mga kabayo at mga mangangabayo , na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan , na malaking pulutong na may longki at kalasag , silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak : Ang Persia , ang Cus , at ang Phut ay kasama nila ; silang lahat na may kalasag at turbante ; Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong ; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan , at lahat niyang mga pulutong ; maraming bayan na kasama mo . Humanda ka , oo , humanda ka , ikaw , at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo , at maging bantay ka sa kanila . Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka : sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan , sa mga bundok ng Israel , na naging laging giba ; nguni&#039;t nalabas sa mga bayan , at sila&#039;y magsisitahang tiwasay , silang lahat . At ikaw ay sasampa , ikaw ay darating na parang bagyo , ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain , ikaw , at ang lahat mong mga pulutong , at ang maraming tao na kasama mo . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Mangyayari sa araw na yaon , na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip , at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala : At iyong sasabihin , Ako&#039;y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta ; sasampahin ko sila na nasa katahimikan , na nagsisitahang tiwasay , silang lahat na nagsisitahang walang kuta , at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man ; Upang kumuha ng samsam , at upang kumuha ng huli ; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon , at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa , na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari , na nagsisitahan sa gitna ng lupa . Ang Seba , at ang Dedan , at ang mga mangangalakal sa Tarsis , sangpu ng lahat ng batang leon niyaon , ay magsasabi sa iyo , Naparito ka baga upang kumuha ng samsam ? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam ? upang magdala ng pilak at ginto , upang magdala ng mga hayop at mga pag-aari , upang kumuha ng malaking samsam ? Kaya&#039;t , anak ng tao , ikaw ay manghula , at sabihin mo kay Gog , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay , hindi mo baga malalaman ? At ikaw ay darating na mula sa iyong dako , mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan , ikaw , at ang maraming tao na kasama mo , silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo , malaking pulutong at makapangyarihang hukbo ; At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel , na parang ulap na tatakip sa lupain : mangyayari sa mga huling araw , na dadalhin kita laban sa aking lupain , upang makilala ako ng mga bansa , pagka ako&#039;y aariing banal sa iyo , Oh Gog , sa harap ng kanilang mga mata . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel , na nagsipanghula nang mga araw na yaon , ng tungkol sa malaong panahon , na aking dadalhin ka laban sa kanila ? At mangyayari sa araw na yaon , pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel , sabi ng Panginoong Dios , na ang aking kapusukan ay sasampa sa aking mga butas ng ilong . Sapagka&#039;t sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako , Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel ; Na anopa&#039;t ang mga isda sa dagat , at ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga hayop sa parang , at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa , at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa , magsisipanginig sa aking harapan , at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa , at bawa&#039;t kuta ay mangababagsak sa lupa . At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya , sabi ng Panginoong Dios : ang tabak ng bawa&#039;t lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid . At ako&#039;y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo ; at pauulanan ko siya , at ang kaniyang mga pulutong , at ang maraming bayan na kasama niya , ng napakalakas na ulan , at ng mga malaking granizo , ng apoy , at ng azufre . At ako&#039;y pakikitang dakila at banal , at ako&#039;y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At ikaw , anak ng tao , manghula ka laban kay Gog , at iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Narito , ako&#039;y laban sa iyo , Oh Gog , na prinsipe sa Ros , sa Mesech , at sa Tubal : At aking ipipihit ka sa palibot , at ihahatid kita , at pasasampahin kita mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan ; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel ; At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa , at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan . Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel , ikaw , at ang lahat mong mga pulutong , at ang mga bayan na kasama mo : aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari , at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka . Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang : sapagka&#039;t aking sinalita , sabi ng Panginoong Dios . At ako&#039;y magpapasapit ng apoy sa Magog , at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo ; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon . At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel ; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan : at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon , ang banal sa Israel . Narito , dumarating , at mangyayari , sabi ng Panginoong Dios ; ito ang araw na aking sinalita . At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas , at sisilaban ng mga apoy ang mga almas , at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki , ang mga busog at ang mga pana , at ang mga tungkod , at ang mga sibat , at mga sisilaban nilang pitong taon ; Na anopa&#039;t sila&#039;y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang , o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat ; sapagka&#039;t kanilang sisilaban ang mga almas ; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila , at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila , sabi ng Panginoong Dios . At mangyayari sa araw na yaon , na ako&#039;y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel , ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat : at paglilikatan nilang daanan ; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan ; at kanilang tatawagin ito : Ang libis ng Hamon-gog . At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel , upang kanilang linisin ang lupain . Oo , sila&#039;y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain ; at magiging sa kanila&#039;y kabantugan , sa araw na ako&#039;y luluwalhati , sabi ng Panginoong Dios . At sila&#039;y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi , na mangagdaraan sa lupain at , kasama nilang nangagdaraan , silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain , upang linisin : pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila . At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan ; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao , lalagyan nga niya ng tanda , hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa libis ng Hamon-gog . At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan . Ganito nila lilinisin ang lupain . At ikaw , anak ng tao , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Salitain mo sa sarisaring ibon , at sa lahat na hayop sa parang , Magpupulong kayo , at kayo&#039;y magsiparito ; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo , sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel , upang kayo&#039;y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo . Kayo&#039;y magsisikain ng laman ng makapangyarihan , at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa , ng mga lalaking tupa , ng mga batang tupa , at ng mga kambing , ng mga toro , na pawang patabain sa Basan . At kayo&#039;y magsisikain ng taba hanggang sa kayo&#039;y mangabusog , at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo&#039;y mangalango , sa aking hain na aking inihain sa inyo . At kayo&#039;y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo , ng mga makapangyarihang lalake , at ng lahat na lalaking mangdidigma , sabi ng Panginoong Dios . At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa ; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat , at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila . Sa gayo&#039;y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios , mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin . At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan ; sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisalangsang laban sa akin , at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila : sa gayo&#039;y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway , at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak . Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila ; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ngayo&#039;y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag , at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel ; at ako&#039;y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan . At sila&#039;y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan , at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin , pagka sila&#039;y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain , at walang tatakot sa kanila ; Pagka sila&#039;y aking nadala uli na mula sa mga bayan , at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway , at ako&#039;y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa . At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios , sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa , at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain ; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon ; Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila ; sapagka&#039;t binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoong Dios . Nang ikadalawang pu&#039;t limang taon ng aming pagkabihag , nang pasimula ng taon , nang ikasangpung araw ng buwan , nang ikalabing apat na taon pagkatapos na ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon , ang kamay ng Panginoon ay sumaakin , at dinala niya ako roon . Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel , at inilagay ako sa totoong mataas na bundok , na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan . At dinala niya ako roon ; at , narito , may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso , na may pising lino sa kaniyang kamay , at isang panukat na tambo ; at siya&#039;y natayo sa pintuang-bayan . At sinabi ng lalake sa akin , Anak ng tao , tumingin ka ng iyong mga mata , at makinig ka ng iyong mga pakinig , at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo ; sapagka&#039;t sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito : ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel . At , narito ; isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot , at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba , na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa&#039;t isa : sa gayo&#039;y kaniyang sinukat ang luwang ng bahay , na isang tambo ; at ang taas , isang tambo . Nang magkagayo&#039;y naparoon siya sa pintuang-daan , na nakaharap sa dakong silanganan , at sumampa sa mga baytang niyaon : at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan , isang tambo ang luwang ; at ang kabilang pasukan , isang tambo ang luwang . At bawa&#039;t silid ng bahay ay isang tambo ang haba , at isang tambo ang luwang ; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko ; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo . Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay , isang tambo . Nang magkagayo&#039;y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan , walong siko ; at ang mga haligi niyaon , dalawang siko ; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay . At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito , at tatlo sa dakong yaon ; ang tatlo ay iisang sukat : at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito , at sa dakong yaon . At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan , sangpung siko ; at ang haba ng pintuang-daan , labing tatlong siko ; At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay , isang siko sa dakong ito , at ang isang pagitan , isang siko sa dakong yaon ; at ang mga silid ng bantay , anim na siko sa dakong ito , at anim na siko sa dakong yaon ; At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila , may luwang na dalawang pu&#039;t limang siko ; pintuan sa tapat ng pintuan . Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan , na anim na pung siko ; at ang looban ay hanggang sa haligi , ang pintuang-daan ay sa palibot . At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko . At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay , at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot , at gayon din sa mga hubog ; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob ; at sa bawa&#039;t haligi ay may mga puno ng palma . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa loob ng looban sa labas ; at , narito , may mga silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban : tatlong pung silid ang nasa lapag . At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan , ayon sa haba ng mga pintuang-daan , sa makatuwid baga&#039;y ang lalong mababang lapag . Nang magkagayo&#039;y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas , na isang daang siko , sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan . At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan , kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon . At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon ; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan : ang haba niyaon ay limang pung siko , at ang luwang ay dalawang pu&#039;t limang siko . At ang mga dungawan niyaon , at ang mga hubog niyaon , at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan ; at kanilang sinampa ng pitong baytang ; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila . At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan , sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan ; at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko . At dinala niya ako sa dakong timugan ; at , narito , ang isang pintuang-daan sa dakong timugan : at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon , at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito . At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot , gaya ng mga dungawang yaon : ang haba ay limang pung siko , at ang luwang ay dalawang pu&#039;t limang siko . At may pitong baytang na sampahan , at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon ; at may mga puno ng palma ; sa dakong ito , at isa sa dakong yaon , sa mga haligi niyaon . At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan : at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa lalong loob na looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan : at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito ; At ang mga silid ng bantay niyaon , at ang mga hubog niyaon , ay ayon sa mga sukat na ito : at may mga dungawan yaon , at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot ; may limang pung siko ang haba , at dalawang pu&#039;t limang siko ang luwang . At may mga hubog sa palibot , na dalawang pu&#039;t limang siko ang haba , at limang siko ang luwang . At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas ; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon : at ang sampahan ay may walong baytang . At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan ; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito . At ang mga silid ng bantay niyaon , at ang mga haligi niyaon , at ang mga hubog niyaon , ayon sa mga sukat na ito : at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot : may limang pung siko ang haba , at dalawang pu&#039;t limang siko ang luwang . At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas ; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon , sa dakong ito , at sa dakong yaon : at ang sampahan ay may walong baytang . At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan : at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito ; Ang mga silid ng bantay niyaon , ang mga haligi niyaon , at ang mga hubog niyaon : at may mga dungawan sa loob sa palibot ; ang haba ay limang pung siko , at ang luwang ay dalawang pu&#039;t limang siko . At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas ; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon , sa dakong ito , at sa dakong yaon : at ang sampahan ay may walong baytang . At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan ; doon sila naghugas ng handog na susunugin . At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito , at dalawang dulang sa dakong yaon , upang patayin doon ang handog na susunugin , at ang handog dahil sa kasalanan at ang handog dahil sa pagkakasala . At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang ; at sa kabilang dako , na ukol sa portiko ng pintuang-daan , ay may dalawang dulang . Apat na dulang sa dakong ito , at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan ; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain . At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin , na batong tinabas , na isang siko at kalahati ang haba , at isang siko at kalahati ang luwang , at isang siko ang taas ; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain . At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba , ay natitibayan sa loob sa palibot ; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay . At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban , na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan ; at mga nakaharap sa timugan ; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan . At kaniyang sinabi sa akin , Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan , ay sa mga saserdote , sa mga namamahala sa bahay ; At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote , na mga namamahala sa dambana : ang mga ito ay mga anak ni Sadoc , na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya . At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba , at isang daang siko ang luwang , parisukat ; at ang dambana ay nasa harap ng bahay . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa portiko ng bahay , at sinukat niya ang bawa&#039;t haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito , at limang siko sa dakong yaon : at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito , at tatlong siko sa dakong yaon . Ang haba ng portiko ay dalawang pung siko , at ang luwang ay labing isang siko : kahit sa pamamagitan ng mga baytang na kanilang sinampahan : at may mga haligi , isa sa dakong ito , at isa sa dakong yaon . At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi , na anim na siko ang luwang sa isang dako , at anim na siko ang luwang sa kabilang dako , na siyang luwang ng tabernakulo . At ang luwang ng pasukan ay sangpung siko ; at ang mga tagiliran ng pasukan ay limang siko sa isang dako , at limang siko sa kabilang dako : at sinukat niya ang haba niyaon na apat na pung siko , at ang luwang , dalawang pung siko . Nang magkagayo&#039;y pumasok siya sa loob , at sinukat ang bawa&#039;t haligi sa pasukan , na dalawang siko ; at ang pasukan ay anim na siko ; at ang luwang ng pasukan , pitong siko . At sinukat niya ang haba niyaon , dalawang pung siko , at ang luwang , dalawang pung siko , sa harap ng templo : at sinabi niya sa akin , Ito ang kabanalbanalang dako . Nang magkagayo&#039;y sinukat niya ang pader ng bahay , anim na siko ; at ang luwang ng bawa&#039;t tagilirang silid apat na siko , sa palibot ng bahay sa lahat ng dako . At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado , patongpatong at tatlong pu sa ayos ; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon , at huwag makapit sa pader ng bahay . At ang mga tagilirang silid ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas ; sapagka&#039;t ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay : kaya&#039;t ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas ; at sa gayo&#039;y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid , hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid . Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot : ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay buong tambo na anim na malaking siko ang haba . Ang kapal ng pader , na nasa mga tagilirang silid , sa dakong labas , ay limang siko : at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay . At ang pagitan ng mga silid ay may luwang na dalawang pung siko sa palibot ng bahay sa lahat ng dako . At ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay sa dakong naiwan , isang pintuan sa dakong hilagaan , at isang pintuan sa dakong timugan : at ang luwang ng dakong naiwan ay limang siko sa palibot . At ang bahay na nasa harapan ng bukod na dako sa tagilirang dakong kalunuran ay pitong pung siko ang luwang ; at ang pader ng bahay ay limang siko ang kapal sa palibot , at ang haba niyaon ay siyam na pung siko . Sa gayo&#039;y sinukat niya ang bahay , na isang daang siko ang haba ; at ang bukod na dako , at ang bahay , sangpu ng pader niyaon , isang daang siko ang haba ; Ang luwang naman ng harapan ng bahay , at ng bukod na dako sa dakong silanganan , isang daang siko . At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon , at ang mga galeria niyaon sa isang dako , at sa kabilang dako , isang daang siko ; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban ; Ang mga pasukan , at ang mga nasasarang dungawan , at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado , sa tapat ng pasukan , nakikisamihan ng tabla sa palibot , at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan ( natatakpan nga ang mga dungawan ) , Sa pagitan ng itaas ng pintuan , sa lalong loob ng bahay , at sa labas , at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat . At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma ; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin , at bawa&#039;t kerubin ay may dalawang mukha ; Na anopa&#039;t may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako , at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako . Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot : Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari ; ganito ang pader ng templo . Tungkol sa templo , ang mga haligi ng pintuan ay parisukat ; at tungkol sa harapan ng santuario , ang anyo niyao&#039;y gaya ng anyo ng templo . Ang dambana ay kahoy , na tatlong siko ang taas , at ang haba niyao&#039;y dalawang siko ; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon , at ang mga pader niyaon , ay kahoy : at sinabi niya sa akin , Ito ang dulang na nasa harap ng Panginoon . At ang templo , at ang santuario ay may dalawang pintuan . At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto , dalawang tiklop na pinto , dalawang pinto sa isang pintuan , at dalawang pinto sa kabila . At mga niyari sa mga yaon , sa mga pintuan ng templo , mga kerubin at mga puno ng palma , gaya ng niyari sa mga pader ; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas . At may nangasasarang dungawan at mga puno ng palma sa isang dako at sa kabilang dako , sa mga tagiliran ng portiko : ganito ang mga tagilirang silid ng bahay , at ang mga pasukan . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa looban sa labas ng bahay , sa daan na dakong hilagaan : at dinala niya ako sa silid na nasa tapat ng bukod na dako , at siyang nasa tapat ng bahay sa dakong hilagaan . Sa harapan ng isang daang siko ang haba , ay nandoon ang pintuang hilagaan , at ang luwang ay limang pung siko . Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban , at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay , ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado . At sa harap ng mga silid ay may isang lakaran na sangpung siko ang luwang sa loob , isang daanang may isang siko ; at ang mga pintuan ay sa dakong hilagaan . Ang lalong mataas ngang silid ay siyang lalong maikli ; sapagka&#039;t ang mga galeria ay kumukuha sa mga ito , ng higit kay sa lalong mababa at sa pinaka gitna sa bahay . Sapagka&#039;t tatlong grado , at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban : kaya&#039;t ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa . At ang pader na nasa labas sa tabi ng mga silid , sa dako ng looban sa labas ng bahay sa harap ng mga silid , ang haba niyao&#039;y limang pung siko . Sapagka&#039;t ang haba ng mga silid na nasa looban sa labas ay limang pung siko : at , narito , ang harapan ng templo ay may isang daang siko . At nasa ilalim ng mga silid na ito ang pasukan sa dakong silanganan , sa pagpasok na mula sa looban sa labas . Sa kakapalan ng pader ng looban sa dakong silanganan , sa harap ng bukod na dako , at sa harap ng bahay , may mga silid . At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan ; ayon sa haba ay gayon ang luwang : ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon , at ayon sa mga pintuan ng mga yaon . At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan sa bukana ng daan , sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan , sa papasok sa mga yaon . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako , mga itinalagang silid , na pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay ng mga saserdote na malapit sa Panginoon : doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay , at ang handog na harina , at ang handog dahil sa kasalanan , at ang handog dahil sa pagkakasala ; sapagka&#039;t ang dako ay banal . Pagka ang mga saserdote ay nagsisipasok , hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas , kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa ; sapagka&#039;t mga banal : at sila&#039;y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan , at magsisilapit sa ukol sa bayan . Nang matapos nga niyang masukat ang lalong loob ng bahay , inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan , at sinukat sa palibot . Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat na tambo , na limang daang tambo , ng panukat na tambo sa palibot . Sinukat niya sa dakong hilagaan , na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot . Sinukat niya sa dakong timugan , na limang daang tambo ng panukat na tambo . Siya&#039;y pumihit sa dakong kalunuran , at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo . Sinukat niya sa apat na sulok : may pader sa palibot , ang haba&#039;y limang daan , at ang luwang ay limang daan , upang igawa ng pagkakahiwalay ang banal at ang karaniwan . Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan , sa makatuwid baga&#039;y sa pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan . At , narito , ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan : at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig ; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian . At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita , ayon sa pangitain na nakita ko nang ako&#039;y pumaroon upang gibain ang bayan ; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar : at ako&#039;y nasubasob . At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan . At itinaas ako ng Espiritu , at dinala ako sa lalong loob na looban ; at , narito , napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay . At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay ; at isang lalake ay tumayo sa siping ko . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ito ang dako ng aking luklukan , at dako ng mga talampakan ng aking mga paa , na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man . At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan , nila man , o ng kanilang mga hari man , ng kanilang pagpapatutot , at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako ; Sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan , at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan , at wala kundi pader sa pagitan ko at nila ; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa : kaya&#039;t aking pinugnaw sila sa aking galit . Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot , at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari , at ako&#039;y tatahan sa gitna nila magpakailan man . Ikaw , anak ng tao , ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel , upang sila&#039;y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan ; at sukatin nila ang anyo . At kung sila&#039;y mangapahiya sa lahat nilang ginawa , ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay , at ang pagka-anyo niyaon , at ang mga labasan niyaon , at ang mga pasukan niyaon , at lahat ng anyo niyaon , at ang lahat ng mga alituntunin niyaon , at lahat ng anyo niyaon , at lahat ng kautusan niyaon ; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin ; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon , at ang lahat ng mga alituntunin niyaon , at kanilang isagawa . Ito ang kautusan tungkol sa bahay ; ang taluktok ng bundok sa buong hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan . Narito , ito ang kautusan tungkol sa bahay . At ito ang mga sukat ng dambana ayon sa mga siko ( ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay ) : ang patungan ay isang siko , at ang luwang ay isang siko , at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal ; at ito ang magiging patungan ng dambana . At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang grado ay malalagay na dalawang siko , at ang luwang ay isang siko ; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko , at ang luwang ay isang siko . At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko ; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay . At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang , parisukat sa apat na tagiliran niyaon . At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon ; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko ; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot ; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin , upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin , at upang pagwisikan ng dugo . Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin , upang magsipangasiwa sa akin , sabi ng Panginoong Dios , ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan . At kukuha ka ng dugo niyaon , at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon , at sa apat na sulok ng patungan , at sa laylayan sa palibot : ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito . Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan , at susunugin mo sa takdang dako ng bahay , sa labas ng santuario . At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan ; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro . Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis , maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan , at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan . At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon , at hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote , at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon . Pitong araw na maghahanda ka sa bawa&#039;t araw ng isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan : maghahanda rin sila ng guyang toro , at isang lalaking tupang mula sa kawan , na walang kapintasan . Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin ; gayon nila itatalaga . At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan , mangyayari na sa ikawalong araw , at sa haharapin , maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana , at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan ; at aking tatanggapin kayo , sabi ng Panginoong Dios . Nang magkagayo&#039;y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario , na nakaharap sa dakong silanganan ; at ito&#039;y nasara . At sinabi ng Panginoon sa akin , Ang pintuang-daang ito ay sasarhan , hindi bubuksan , o papasukan man ng sinoman , sapagka&#039;t pinasukan ng Panginoon , ng Dios ng Israel ; kaya&#039;t ito&#039;y masasara . Tungkol sa prinsipe , siya&#039;y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon ; siya&#039;y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan , at lalabas sa daan ding yaon . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay : at ako&#039;y tumingin , at , narito , napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon : at nasubasob ako . At ang Panginoon ay nagsabi sa akin , Anak ng tao , tandaan mong mabuti , at masdan mo ng iyong mga mata , at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon , at tungkol sa lahat ng kautusan doon ; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa&#039;t labasan sa santuario . At iyong sasabihin sa mapanghimagsik , sa makatuwid baga&#039;y sa sangbahayan ni Israel , Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Oh kayong sangbahayan ni Israel , mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam , Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman , upang malagay sa aking santuario , na lapastanganin yaon , sa makatuwid baga&#039;y ang aking bahay , pagka inyong inihahandog ang aking tinapay , ang taba at ang dugo , at sinira nila ang aking tipan , upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam . At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay ; kundi kayo&#039;y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Walang taga ibang lupa , na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario , kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel . Nguni&#039;t ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan ; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan . Gayon ma&#039;y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario , na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay , at magsisipangasiwa sa bahay : kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan , at sila&#039;y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila . Sapagka&#039;t kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan , at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel ; kaya&#039;t itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila , sabi ng Panginoong Dios , at dadanasin nila ang kanilang kasamaan . At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin , o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko , sa mga bagay na kabanalbanalan ; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan , at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa . Gayon ma&#039;y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay , para sa buong paglilingkod doon , at sa lahat na gagawin doon . Nguni&#039;t ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc , na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin , sila&#039;y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin ; at sila&#039;y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo , sabi ng Panginoong Dios : Sila&#039;y magsisipasok sa aking santuario , at sila&#039;y magsisilapit sa aking dulang , upang magsipangasiwa sa akin , at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin . At mangyayari , na pagka sila&#039;y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban , susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan ; at walang lanang dadaiti sa kanila , samantalang sila&#039;y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban , at sa loob . Sila&#039;y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo , at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang ; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis . At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas , ng bahay , kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa , at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid ; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan , upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan . Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo , ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba ; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo . Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila&#039;y magsisipasok sa lalong loob na looban . Ni mangagaasawa man sa babaing bao , o sa inihiwalay man : kundi sila&#039;y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel , o ng babaing bao na nabao sa saserdote . At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan , at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis . At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol ; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan : at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan ; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath . At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa ; nguni&#039;t sa ama , o sa ina , o sa anak na lalake , o babae , sa kapatid na lalake , o babae na hindi nagkaasawa , maaaring mangagpakahawa sila . At pagkatapos na siya&#039;y malinis , sila&#039;y bibilang sa kaniya ng pitong araw . At sa kaarawan na siya&#039;y pumasok sa santuario , sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario , siya&#039;y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan , sabi ng Panginoong Dios . At sila&#039;y mangagkakaroon ng mana ; ako&#039;y kanilang mana ; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel ; ako&#039;y kanilang pag-aari . Sila&#039;y magsisikain ng handog na harina , at ng handog dahil sa kasalanan , at ng handog dahil sa pagkakasala ; at bawa&#039;t bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila . At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa&#039;t bagay , at lahat na alay na bawa&#039;t bagay , sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote : inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay . Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili , o nalapa , maging ibon o hayop man . Bukod dito&#039;y pagka inyong hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran ang lupain na pinakamana , mangaghahandog kayo ng alay sa Panginoon , isang banal na bahagi ng lupain ; ang haba ay magkakaroon ng habang dalawang pu&#039;t limang libong tambo , at ang luwang ay magiging sangpung libo : ito&#039;y magiging banal sa lahat ng hangganan niyaon sa palibot . Dito&#039;y magkakaroon ukol sa dakong banal ng limang daan ang haba at limang daang luwang , parisukat sa palibot ; limang pung siko sa pagitan niyaon sa palibot . At sa sukat na ito iyong susukatin , na ang haba ay dalawang pu&#039;t limang libo , at ang luwang ay sangpung libo : at doo&#039;y malalagay ang santuario , na pinakabanal . Siyang banal na bahagi ng lupain ; ito&#039;y para sa mga saserdote , na mga tagapangasiwa ng santuario , na nagsisilapit upang magsipangasiwa sa Panginoon ; at ito&#039;y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay , at banal na dakong kalalagyan ng santuario . At dalawang pu&#039;t limang libo ang haba , at sangpung libo ang luwang ay magiging sa mga Levita , na mga tagapangasiwa ng bahay , na pinaka pag-aari sa kanilang sarili , na dalawang pung silid . At inyong itatakda ang pag-aari ng bayan na limang libo ang luwang , at dalawang pu&#039;t limang libo ang haba , sa tabi ng alay na banal na bahagi : magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel . Magkakaroon naman para sa prinsipe ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pag-aari ng bayan , sa harap ng banal na alay at sa harap ng pag-aari ng bayan , sa dakong kalunuran na gawing kalunuran , at sa dakong silanganan na gawing silanganan ; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi , mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan . Sa lupaing ito&#039;y magiging kaniya na pinakaari sa Israel : at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan ; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Magkasiya ito sa inyo , Oh mga prinsipe ng Israel : iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam , at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan ; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan , sabi ng Panginoong Dios . Kayo&#039;y magkakaroon ng mga ganap na timbangan ; at ganap na efa , at ganap na bath . Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan , upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang homer , at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer : ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer . At ang siklo ay magiging dalawang pung gera : dalawangpung siklo , lima at dalawang pung siklo , labing limang siklo ay siyang magiging maneh ninyo . Ito ang alay na inyong ihahandog : ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng trigo ; at inyong ibibigay ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng cebada ; At ang takdang bahagi ng langis , ng bath ng langis , ang ikasangpung bahagi ng bath mula sa isang kor , na sangpung bath , o isang homer ( sapagka&#039;t sangpung bath ay isang homer ) ; At isang batang tupa sa kawan , mula sa dalawang daan , na mula sa matabang pastulan ng Israel ; na pinakahandog na harina , at pinakahandog na susunugin , at pinakahandog tungkol sa kapayapaan , upang ipangtubos sa kanila , sabi ng Panginoong Dios . Buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa prinsipe sa Israel . At magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin , at ng mga handog na harina , at ng mga inuming handog , sa mga kapistahan , at sa mga bagong buwan , at sa mga sabbath , sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel : siya&#039;y maghahanda ng handog dahil sa kasalanan , at ng handog na harina , at ng handog na susunugin , at ng mga handog tungkol sa kapayapaan , upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Sa unang buwan , sa unang araw ng buwan , kukuha ka ng guyang toro na walang kapintasan ; at iyong lilinisin ang santuario . At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog dahil sa kasalanan , at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay , at sa apat na sulok ng patungang dambana , at sa mga haligi ng pintuang-daan ng lalong loob na looban . At gayon ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawa&#039;t nagkakamali , at sa bawa&#039;t walang malay : gayon ninyo lilinisin ang bahay . Sa unang buwan , sa ikalabing apat na araw ng buwan , magdidiwang kayo ng paskua , isang kapistahan na pitong araw ; tinapay na walang levadura ang kakanin . At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan . At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon , pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw ; at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan . At siya&#039;y maghahanda ng handog na harina , ng isang efa sa isang toro , at ng isang efa sa isang lalaking tupa , at isang hin ng langis sa isang efa . Sa ikapitong buwan , sa ikalabing limang araw ng buwan , sa kapistahan , kaniyang gagawin ang gaya ng pitong araw ; ayon sa handog dahil sa kasalanan , ayon sa handog na susunugin , at ayon sa handog na harina , at ayon sa langis . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios , Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa ; nguni&#039;t sa sabbath ay bubuksan , at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan . At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas ; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan ; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin , at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan , at siya&#039;y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan ; kung magkagayo&#039;y lalabas siya ; nguni&#039;t ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon . At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan . At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan ; At ang handog na harina ay isang efa sa lalaking tupa , at ang handog na harina sa mga batang tupa ay ang kaniyang kayang ibigay , at isang hin ng langis sa isang efa . At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan , at anim na batang tupa at isang lalaking tupa ; mga walang kapintasan : At siya&#039;y maghahanda ng handog na harina , isang efa sa toro , at isang efa sa lalaking tupa , at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya , at isang hin na langis sa isang efa . At pagka ang prinsipe ay papasok , siya&#039;y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan , at sa daan ding yaon siya lalabas . Nguni&#039;t pagka ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan , siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan ; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan , kundi lalabas na matuwid sa harap niya . At ang prinsipe , pagka sila&#039;y magsisipasok , ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon ; at pagka sila&#039;y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama . At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro , at isang efa sa lalaking tupa , at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya , at isang hin ng langis sa isang efa . At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog , ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon , may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan ; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan , gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath ; kung magkagayo&#039;y lalabas siya ; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan . At ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw : tuwing umaga ay maghahanda ka . At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga , ang ikaanim na bahagi ng isang efa , at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis , upang basain ang mainam na harina ; isang handog na harina na lagi sa Panginoon : na pinakalaging alituntunin . Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina , at ang langis , tuwing umaga , na pinakahandog na susunuging lagi . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak , ay magiging kaniyang mana , mauukol sa kaniyang mga anak ; siyang kanilang pag-aari na pinakamana . Nguni&#039;t kung ibigay niya ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin , magiging kaniya sa taon ng kalayaan ; kung magkagayo&#039;y mababalik sa prinsipe ; nguni&#039;t tungkol sa kaniyang mana , magiging sa kaniyang mga anak . Bukod dito&#039;y hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan , na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari ; siya&#039;y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pag-aari , upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa&#039;t isa sa kaniyang pag-aari . Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako sa pasukan , na nasa tabi ng pintuang-daan , sa loob ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote , na nakaharap sa hilagaan : at , narito , may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran . At sinabi niya sa akin , Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan , na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina ; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban , upang banalin ang bayan . Nang magkagayo&#039;y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban ; at , narito , sa bawa&#039;t sulok ng looban ay may isang looban . Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod , apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang : ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat . At may isang pader sa palibot ng mga yaon , sa palibot ng apat , at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Ito ang mga dako na pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng hain ng bayan . At ibinalik niya ako sa pintuan ng bahay ; at , narito , ang tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan ( sapagka&#039;t ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan ) ; at ang tubig ay umaagos sa ilalim , mula sa dakong kanan ng bahay , sa timugan ng dambana . Nang magkagayo&#039;y inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan , at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan sa labas , sa lalong labas ng pintuang-daan , sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan ; at , narito , doo&#039;y lumalabas ang tubig sa dakong kanan . Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may pising panukat sa kaniyang kamay , siya&#039;y sumukat ng isang libong siko , at pinaraan niya ako sa tubig , sa tubig na hanggang bukongbukong . Muling sumukat siya ng isang libo , at pinaraan niya ako sa tubig , sa tubig na hanggang mga tuhod . Muli siyang sumukat ng isang libo , at pinaraan niya ako sa tubig , sa tubig na hanggang sa mga balakang . Pagkatapos ay sumukat siya ng isang libo ; at isang ilog na hindi ko naraanan ; sapagka&#039;t ang tubig ay sumasampa , tubig upang languyan , ilog na hindi mararaanan . At sinabi niya sa akin , Anak ng tao , nakita mo baga ito ? Nang magkagayo&#039;y dinala niya ako , at pinabalik niya ako sa pangpang ng ilog . Nang ako nga&#039;y makabalik , narito , sa pangpang ng ilog , ay may totoong maraming puno ng kahoy sa magkabilang dako . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Ang tubig na ito ay lumalabas sa dakong silanganang lupain , at bababa sa Araba ; at huhugos sa dagat ; sa dagat ay huhugos ang tubig na pinalabas ; at ang tubig ay mapagagaling . At mangyayari , na bawa&#039;t likhang may buhay na dumadami , saan mang dako umaagos ang tubig , ay mabubuhay ; at magkakaroon ng totoong napakaraming isda ; sapagka&#039;t ang tubig na ito ay dumarating diyan at ang tubig ng dagat ay mapagagaling , at bawa&#039;t may buhay ay mabubuhay saan man dumating ang ilog . At mangyayari , na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon : mula sa En-gedi hanggang sa En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat ; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon , gaya ng isda sa malaking dagat , na totoong marami . Nguni&#039;t ang kaniyang mga dakong maburak , at ang mga lumbak niyaon , ay hindi mapapagaling ; magiging asinan nga . At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon , sa dakong ito at sa dakong yaon , tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain , na ang dahon ay hindi matutuyo , ni magkukulang man ang bunga niyaon : magbubunga ng bago buwan-buwan , sapagka&#039;t ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario ; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ito ang magiging hangganan , na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labing dalawang lipi ng Israel : ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi . At inyong mamanahin , ng isa na gaya ng iba ; sapagka&#039;t aking isinumpa na ibigay ito sa inyong mga magulang : at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo na pinakamana . At ito ang magiging hangganan ng lupain : Sa dakong hilagaan , mula sa malaking dagat , sa daang Hethlon , hanggang sa pasukan sa Sedad ; Hamath , Berotha , Sibrahim , na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco at ng hangganan ng Hamath ; Haser-hatticon na nasa tabi ng hangganan ng Hauran . At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco , at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath . Ito ang dakong hilagaan . At ang dakong silanganan , ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad , at ang lupain ng Israel , ay siyang magiging Jordan ; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang dagat ay inyong susukatin . Ito ang dakong silanganan . At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribot-cades , sa batis ng Egipto , hanggang sa malaking dagat . Ito ang timugang dako na gawing timugan . At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat , mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath . Ito ang dakong kalunuran . Gayon ninyo hahatiin ang lupaing ito sa inyo ayon sa mga lipi ng Israel . At mangyayari na inyong hahatiin sa sapalaran na pinakamana sa inyo at sa mga taga ibang lupa na makikipamayan sa gitna ninyo , na magkakaanak sa gitna ninyo ; at sila&#039;y magiging sa inyo&#039;y gaya ng ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel ; sila&#039;y magkakaroon ng mana na kasama ninyo sa gitna ng mga lipi ng Israel . At mangyayari , na kung saang lipi nakipamayan ang taga ibang lupa , doon ninyo bibigyan siya ng mana , sabi ng Panginoong Dios . Ang mga ito nga ang mga pangalan ng mga lipi : Mula sa dulong hilagaan , sa tabi ng daan ng Hethlon hanggang sa pasukan sa Hamath , Hasar-enan , sa hangganan ng Damasco , na dakong hilagaan sa gawing yaon ng Hamath ; ( at mga magkakaroon ng mga dakong silanganan at kalunuran ) , ang Dan , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Dan , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Aser , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Aser , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Nephtali , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Nephtali , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Manases , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Manases , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Ephraim , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Ephraim , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Ruben , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Ruben , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Juda , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Juda , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , malalagay ang alay na inyong ihahandog , dalawang pu&#039;t limang libong tambo ang luwang , at ang haba ay gaya ng isa sa mga bahagi , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran ; at ang santuario ay malalagay sa gitna niyaon . Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu&#039;t limang libong tambo ang haba , at sangpung libo ang luwang . At magiging sa mga ito , sa makatuwid baga&#039;y sa mga saserdote , ang banal na alay ; sa dakong hilagaan ay dalawang pu&#039;t limang libo ang haba , at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang , at sa dakong timugan ay dalawang pu&#039;t limang libo ang haba : at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon . Ito&#039;y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal sa mga anak ni Sadoc , na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel , na gaya ng mga Levita na nangagpakaligaw . At sa kanila&#039;y magiging alay na mula sa alay ng lupain , bagay na kabanalbanalan sa tabi ng hangganan ng mga Levita . At ayon sa hangganan ng mga saserdote , ang mga Levita ay mangagkakaroon ng dalawang pu&#039;t limang libo ang haba , at sangpung libo ang luwang : ang buong haba ay magiging dalawang pu&#039;t limang libo , at ang luwang ay sangpung libo . At hindi nila ipagbibili , o ipagpapalit man , o ipagkakaloob sa iba man ang mga unang bunga ng lupain ; sapagka&#039;t ito&#039;y banal sa Panginoon . At ang limang libo na naiwan sa naluwangan , sa tapat ng dalawang pu&#039;t limang libo , magiging sa karaniwang kagamitan na ukol sa bayan , sa tahanan at sa mga nayon ; at ang bayan ay malalagay sa gitna niyaon . At ang mga ito ang magiging mga sukat niyaon : sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daan , at sa dakong timugan ay apat na libo at limang daan , at sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daan , at sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daan . At ang bayan ay magkakaroon ng mga nayon : sa dakong hilagaan ay dalawang daan at limang pu , at sa dakong timugan ay dalawang daan at limang pu , at sa dakong silanganan ay dalawang daan at limang pu , at sa dakong kalunuran ay dalawang daan at limang pu . At ang labis sa haba , na nauukol sa banal na alay , magiging sangpung libo sa dakong silanganan , at sangpung libo sa dakong kalunuran ; at magiging ukol sa banal na alay ; at ang bunga niyaon ay magiging pinakapagkain sa nagsisigawa sa bayan . At tatamnan nilang nagsisigawa sa bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel . Buong alay ay magiging dalawang pu&#039;t limang libong tambo at dalawang pu&#039;t limang libo : inyong ihahandog na parisukat ang banal na alay , sangpu ng pag-aari ng bayan . At ang labis ay magiging sa prinsipe , sa isang dako at sa kabilang dako ng banal na alay at sa pag-aari ng bayan ; sa tapat ng dalawang pu&#039;t limang libo sa alay sa dako ng silanganang hangganan , at sa dakong kalunuran sa tapat ng dalawang pu&#039;t limang libo sa dako ng kalunurang hangganan , na ukol sa mga bahagi , magiging sa prinsipe : at ang banal na alay at ang santuario ng bahay ay malalagay sa gitna niyaon . Bukod dito&#039;y mula sa pag-aari ng mga Levita , at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe , sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin , magiging sa prinsipe . At tungkol sa nalabi sa mga lipi : mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Benjamin , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Benjamin , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Simeon , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Simeon , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Issachar , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Issachar , mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Zabulon , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Zabulon mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran , ang Gad , isang bahagi . At sa tabi ng hangganan ng Gad , sa dakong timugan na gawing timugan , ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto , hanggang sa malaking dagat . Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana , at ang mga ito ang kanilang mga iba&#039;t ibang bahagi , sabi ng Panginoong Dios . At ang mga ito ang mga labasan sa bayan : Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat ; At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel , tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan : ang pintuang-daan ng Ruben , isa ; ang pintuang-daan ng Juda , isa ; ang pintuang-daan ng Levi , isa . At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo , at tatlong pintuang-daan : ang pintuang-daan ng Jose , isa ; ang pintuang-daan ng Benjamin , isa ; ang pintuang-daan ng Dan , isa : At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat , at tatlong pintuang-daan : ang pintuang-daan ng Simeon , isa ; ang pintuang-daan ng Issachar , isa ; ang pintuang-daan ng Zabulon , isa : Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo , na may kanilang tatlong pintuang-daan : ang pintuang-daan ng Gad , isa ; ang pintuang-daan ng Aser , isa ; ang pintuang-daan ng Nephtali , isa . Magkakaroon ng labing walong libong tambo ang sukat sa palibot : at ang magiging pangalan ng bayan mula sa araw na yaon ay , Ang Panginoon ay naroroon . </passage></reply></GetPassage>