<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:27</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:27</urn><passage>Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda , ay dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia , at kinubkob niya yaon . At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda , sangpu ng bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios ; at ang mga yao&#039;y dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios : at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios . At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz , na puno ng kaniyang mga bating , na siya&#039;y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel , sa makatuwid baga&#039;y sa lahing hari at sa mga mahal na tao ; Mga binatang walang kapintasan , kundi may mabubuting bikas , at matatalino sa lahat na karunungan , at bihasa sa kaalaman , at nakakaunawa ng dunong , at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari ; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo . At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari , at sa alak na kaniyang iniinom , at sila&#039;y kakandilihin na tatlong taon ; upang sa wakas niyao&#039;y mangakatayo sila sa harap ng hari . Na sa mga ito nga , sa mga anak ni Juda , si Daniel , si Ananias , si Misael , at si Azarias . At pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating : kay Daniel ang ipinangalan ay Beltsasar , at kay Ananias ay Sadrach ; at kay Misael ay Mesach ; at kay Azarias ay Abed-nego . Nguni&#039;t pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya&#039;y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari , o sa alak man na kaniyang iniinom : kaya&#039;t kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya&#039;y huwag mapahamak . Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios , ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating . At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel , Ako&#039;y natatakot sa aking panginoong hari , na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin : sapagka&#039;t bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang ? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel , kay Ananias , kay Misael , at kay Azarias : Ipinamamanhik ko sa iyo , na subukin mo ang iyong mga lingkod , na sangpung araw ; at bigyan kami ng mga gulay na makain , at tubig na mainom . Kung magkagayo&#039;y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo , at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari ; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod . Sa gayo&#039;y dininig niya sila sa bagay na ito , at sinubok niya sila na sangpung araw . At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha , at sila&#039;y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari . Sa gayo&#039;y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain , at ang alak na kanilang inumin , at binigyan sila ng mga gulay . Tungkol nga sa apat na binatang ito , pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan : at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip . At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila , ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor . At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila ; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel , ni Ananias , ni Misael , at ni Azarias : kaya&#039;t sila&#039;y nanganatili sa harap ng hari . At sa bawa&#039;t bagay ng karunungan at unawa , na inusisa ng hari sa kanila , nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian . At si Daniel ay namalagi hanggang sa unang taon ng haring Ciro . At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip ; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag , at siya&#039;y napukaw sa pagkakatulog . Nang magkagayo&#039;y ipinatawag ng hari ang mga mahiko , at ang mga enkantador , at ang mga manghuhula , at ang mga Caldeo , upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip . Sa gayo&#039;y nagsipasok sila at sila&#039;y nagsiharap sa hari . At sinabi ng hari sa kanila , Ako&#039;y nanaginip ng isang panaginip , at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip . Nang magkagayo&#039;y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man : saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip , at aming ipaliliwanag ang kahulugan . Ang hari ay sumagot , at nagsabi sa mga Caldeo , Ang bagay ay nawala sa akin : kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon , kayo&#039;y pagpuputolputulin , at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan . Nguni&#039;t kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon , kayo&#039;y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan : kaya&#039;t ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon . Sila&#039;y nagsisagot na ikalawa , at nangagsabi , Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip , at aming ipaliliwanag ang kahulugan . Ang hari ay sumagot , at nagsabi . Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan , sapagka&#039;t inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay . Nguni&#039;t kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip , iisang kautusan lamang mayroon sa inyo ; sapagka&#039;t kayo&#039;y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko , hanggang sa ang panahon ay magbago : kaya&#039;t saysayin ninyo sa akin ang panaginip , at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon . Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari , at nangagsabi , Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari , palibhasa&#039;y walang hari , panginoon , o pinuno man , na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko , enkantador , o Caldeo . At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari , at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari , liban ang mga dios , na ang tahanan ay hindi kasama ng tao . Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit , at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia . Sa gayo&#039;y itinanyag ang pasiya , at ang mga pantas na tao ay papatayin ; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin . Nang magkagayo&#039;y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari , na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia ; Siya&#039;y sumagot , at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari , Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari ? Nang magkagayo&#039;y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel . At si Daniel ay pumasok , at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon , at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay , at ipinaalam ang bagay kay Ananias , kay Misael , at kay Azarias , na kaniyang mga kasama : Upang sila&#039;y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito ; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia . Nang magkagayo&#039;y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi . Nang magkagayo&#039;y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit . Si Daniel ay sumagot , at nagsabi , Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man : sapagka&#039;t ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya . At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan ; siya&#039;y nagaalis ng mga hari , at naglalagay ng mga hari ; siya&#039;y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa ; Siya&#039;y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay ; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman , at ang liwanag ay tumatahang kasama niya . Pinasasalamatan kita , at pinupuri kita , Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang , na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas , at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo ; sapagka&#039;t iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari . Kaya&#039;t pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia ; siya&#039;y naparoon , at nagsabi sa kaniya ng ganito , Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia ; dalhin mo ako sa harap ng hari , at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan . Nang magkagayo&#039;y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari , at nagsabing ganito sa kaniya , Ako&#039;y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda , na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan . Ang hari ay sumagot , at nagsabi kay Daniel , na ang pangalan ay Beltsasar , Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita , at ang kahulugan niyaon ? Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari , at nagsabi , Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao , ng mga enkantador , ng mga mahiko man , o ng mga manghuhula man . Nguni&#039;t may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim , at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw . Ang iyong panaginip , at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito : Tungkol sa iyo , Oh hari , ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan , kung ano ang mangyayari sa panahong darating ; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari . Nguni&#039;t tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay , kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso . Ikaw , Oh hari , nakakita , at narito , ang isang malaking larawan . Ang larawang ito na makapangyarihan , at ang kaniyang kakinangan ay mainam , ay tumayo sa harap mo ; at ang anyo niyao&#039;y kakilakilabot . Tungkol sa larawang ito , ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto , ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak , ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso , Ang kaniyang mga binti ay bakal , ang kaniyang mga paa&#039;y isang bahagi ay bakal , at isang bahagi ay putik na luto . Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato , hindi ng mga kamay , na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto , at mga yao&#039;y binasag . Nang magkagayo&#039;y ang bakal , ang putik na luto , ang tanso , ang pilak , at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama , at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw ; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon : at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok , at pinuno ang buong lupa . Ito ang panaginip ; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari . Ikaw , Oh hari , ay hari ng mga hari , na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian , ng kapangyarihan , at ng kalakasan , at ng kaluwalhatian ; At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao , ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay , at pinapagpuno ka sa kanilang lahat : ikaw ang ulo na ginto . At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo ; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa . At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal , palibhasa&#039;y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay ; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito , siya&#039;y magkakaputolputol at madidikdik . At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri , ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok , at ang isang bahagi ay bakal , ay magiging kahariang hati ; nguni&#039;t magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal , yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto . At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik , magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay , at isang bahagi ay marupok . At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto , sila&#039;y magkakahalo ng lahi ng mga tao ; nguni&#039;t hindi sila magkakalakipan , gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik . At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian , na hindi magigiba kailan man , o ang kapangyarihan man niyao&#039;y iiwan sa ibang bayan ; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito , at yao&#039;y lalagi magpakailan man . Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok , hindi ng mga kamay , at pumutol ng mga bakal , ng tanso , ng putik , ng pilak , at ng ginto ; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin : at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao&#039;y tapat . Nang magkagayo&#039;y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa , at sumamba kay Daniel , at nagutos na sila&#039;y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya . Ang hari ay sumagot kay Daniel , at nagsabi , Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios , at Panginoon ng mga hari , at tagapaghayag ng mga lihim , yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito . Nang magkagayo&#039;y pinadakila ng hari si Daniel , at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob , at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia , at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia . At si Daniel ay humiling sa hari , at kaniyang inihalal , si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia ; nguni&#039;t si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari . Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko , at ang luwang niyao&#039;y anim na siko : kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura , sa lalawigan ng Babilonia . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa , ang mga kinatawan , at ang mga gobernador , ang mga hukom , ang mga tagaingat-yaman , ang mga kasangguni , ang mga pinuno , at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari . Nang magkagayo&#039;y ang mga satrapa , ang mga kinatawan , at ang mga gobernador , ang mga hukom , ang mga tagaingat-yaman , ang mga kasangguni , ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan , ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari ; at sila&#039;y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor . Nang magkagayo&#039;y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas , Sa inyo&#039;y iniuutos , Oh mga bayan , mga bansa , at mga wika , Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , ng gaita , at ng lahat na sarisaring panugtog , kayo&#039;y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari ; At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas . Kaya&#039;t sa oras na yaon , pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , at ng lahat na sarisaring panugtog , lahat na bayan , mga bansa , at mga wika , ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari . Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea , at nagsumbong laban sa mga Judio . Sila&#039;y nagsisagot , at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man . Ikaw , Oh hari , nagpasiya , na bawa&#039;t tao na makarinig ng tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , ng gaita , at ng lahat na sarisaring panugtog , ay magpapatirapa , at sasamba sa larawang ginto . At sinomang hindi magpatirapa at sumamba , ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas . May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego ; ang mga lalaking ito , Oh hari , ay hindi ka pinakundanganan : sila&#039;y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios , ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo . Nang magkagayo&#039;y sa poot at pusok ni Nabucodonosor , ay nagutos na dalhin si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego . Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari . Si Nabucodonosor ay sumagot , at nagsabi sa kanila , Sinasadya nga ba ninyo , Oh Sadrach , Mesach , at Abed-nego , na kayo&#039;y hindi mangaglilingkod sa aking dios , ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo ? Kung kayo nga&#039;y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta , ng plauta , ng alpa , ng sambuko , ng salterio , ng gaita , at ng lahat na sarisaring panugtog , na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa , mabuti : nguni&#039;t kung kayo&#039;y hindi magsisamba , kayo&#039;y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas ; at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay ? Si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , ay nagsisagot , at nangagsabi sa hari , Oh Nabucodonosor , kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito . Narito , ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas ; at ililigtas niya kami sa iyong kamay , Oh hari . Nguni&#039;t kung hindi , talastasin mo , Oh hari , na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios , ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo . Nang magkagayo&#039;y napuspos ng kapusukan si Nabucodonosor , at ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago laban kay Sadrach , kay Mesach , at kay Abed-nego : kaya&#039;t siya&#039;y nagsalita , at nagutos na kanilang paiinitin ang hurno ng makapito na higit kay sa dating pagiinit . At kaniyang inutusan ang ilang malakas na lalake na nangasa kaniyang hukbo na gapusin si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , at sila&#039;y ihagis sa mabangis na hurnong nagniningas . Nang magkagayo&#039;y ang mga lalaking ito&#039;y tinalian na may mga suot , may tunika , at may balabal , at may kanilang ibang mga kasuutan , at sila&#039;y inihagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas . Sapagka&#039;t ang utos ng hari ay madalian , at ang hurno ay totoong mainit , napatay ng liyab ng apoy ang mga lalaking yaon na nagsibuhat kay Sadrach , kay Mesach , at kay Abed-nego . At ang tatlong lalaking ito , si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , ay nagsibagsak na nagagapos sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas . Nang magkagayo&#039;y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka , at tumindig na madali : siya&#039;y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni , Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy ? Sila&#039;y nagsisagot , at nangagsabi sa hari , Totoo , Oh hari . Siya&#039;y sumagot , at nagsabi , Narito , aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy , at sila&#039;y walang paso ; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios . Nang magkagayo&#039;y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas : siya&#039;y nagsalita , at nagsabi , Sadrach , Mesach , at Abed-nego , kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios , kayo&#039;y magsilabas at magsiparito . Nang magkagayo&#039;y si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy . At ang mga satrapa , ang mga kinatawan , at ang mga gobernador , at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito , na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan , ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog , ni ang kanila mang mga suot ay nabago , ni nagamoy apoy man sila . Si Nabucodonosor ay nagsalita at nagsabi , Purihin ang Dios ni Sadrach , ni Mesach , at ni Abed-nego , na nagsugo ng kaniyang anghel , at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagsitiwala sa kaniya , at binago ang salita ng hari , at ibinigay ang kanilang mga katawan , upang sila&#039;y hindi maglingkod ni sumamba sa kanino mang dios , liban sa kanilang sariling Dios . Kaya&#039;t nagpapasiya ako , na bawa&#039;t bayan , bansa , at wika , na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach , ni Mesach , at ni Abed-nego , pagpuputolputulin , at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan : sapagka&#039;t walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan . Nang magkagayo&#039;y pinaginhawa ng hari si Sadrach , si Mesach , at si Abed-nego , sa lalawigan ng Babilonia . Si Nabucodonosor na hari , sa lahat na bayan , bansa , at wika , na nagsisitahan sa buong lupa : Kapayapaa&#039;y managana sa inyo . Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios . Kay dakila ang kaniyang mga tanda ! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan ! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian , at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali&#039;t saling lahi . Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay , at gumiginhawa sa aking palasio . Ako&#039;y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin ; at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin . Kaya&#039;t nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat na pantas sa Babilonia , upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip . Nang magkagayo&#039;y nagsidating ang mga mahiko , ang mga enkantador , ang mga Caldeo , at ang mga manghuhula ; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila ; nguni&#039;t hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon . Nguni&#039;t sa kahulihuliha&#039;y dumating sa harap ko si Daniel , na ang pangala&#039;y Beltsasar , ayon sa pangalan ng aking dios , at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios : at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya , na aking sinasabi , Oh Beltsasar , na pangulo ng mga mahiko , sapagka&#039;t talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo , at walang lihim na bumabagabag sa iyo , isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita , at ang kahulugan niyaon . Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan , Ako&#039;y tumitingin , at narito , ang isang punong kahoy sa gitna ng lupa , at ang taas niyao&#039;y di kawasa . Ang punong kahoy ay lumaki , at tumibay , at ang taas niyao&#039;y umaabot hanggang sa langit , at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa . Ang mga dahon niyao&#039;y magaganda , at ang bunga niyao&#039;y marami , at pagkain sa lahat ; ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon , at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon , at ang lahat na laman ay nangabubusog doon . May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan , at , narito , isang bantay at isang banal ay bumaba mula sa langit . Siya&#039;y sumigaw ng malakas , at nagsabi ng ganito , Ibuwal ang kahoy , at putulin ang mga sanga niyan , lagasin ang mga dahon niyan , at isambulat ang mga bunga niyan : paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan , at ang mga ibon sa mga sanga niyan . Gayon ma&#039;y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa , na magkatali ng bakal at tanso , sa murang damo sa parang ; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit , at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa : Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya ; at mangyaring makapito sa kaniya . Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng mga bantay , at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal ; upang makilala ng mga may buhay na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin , at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao . Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito : at ikaw , Oh Beltsasar , ipahayag ang kahulugan , sapagka&#039;t lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan ; nguni&#039;t maipaaaninaw mo ; sapagka&#039;t ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo . Nang magkagayo&#039;y si Daniel na ang pangala&#039;y Beltsasar , natigilang sangdali , at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip . Ang hari ay sumagot , at nagsabi , Beltsasar , huwag kang bagabagin ng panaginip , o ng kahulugan . Si Beltsasar ay sumagot , at nagsabi , Panginoon ko , ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot sa iyo , at ang kahulugan niyao&#039;y mangyari nawa sa iyong mga kaaway , Ang punong kahoy na iyong nakita na tumutubo , at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit , at ang tanaw niyao&#039;y sa buong lupa ; Na ang mga daho&#039;y magaganda , at ang bunga niyao&#039;y marami , at pagkain sa lahat ; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang , at ang kaniyang mga sanga&#039;y dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid : Ay ikaw , Oh hari , na lumalaki at nagiging malakas ; sapagka&#039;t ang iyong kadakilaan ay lumaki , at umaabot hanggang sa langit , at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa . At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit , at nagsasabi , Ibuwal ninyo ang punong kahoy , at inyong lipulin ; gayon ma&#039;y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso , sa murang damo sa parang , at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit , at makasalo siya ng mga hayop sa parang , hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito ; Ito ang kahulugan , Oh hari , at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari : Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao , at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang , at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka , at mababasa ka ng hamog ng langit , at makapitong mangyayari sa iyo ; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya . At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy ; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo , pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno . Kaya&#039;t , Oh hari , tanggapin mo ang aking payo , at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan , at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan ; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan . Lahat ng ito&#039;y sumapit sa haring Nabucodonosor . Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia . Ang hari ay nagsalita , at nagsabi , Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka tahanang hari , sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan ? Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari , ay may isang tinig na nanggaling sa langit , na nagsasabi , Oh haring Nabucodonosor , sa iyo&#039;y sinalita : Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo . At ikaw ay palalayasin sa mga tao ; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang ; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka ; at makapitong mangyayari sa iyo ; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin . Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor : at siya&#039;y pinalayas sa mga tao , at kumain ng damo na gaya ng mga baka , at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit , hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila , at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon . At sa katapusan ng mga kaarawan , akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit , at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin , at aking pinuri ang Kataastaasan , at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man ; sapagka&#039;t ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan , at ang kaniyang kaharian ay sa sali&#039;t saling lahi ; At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala ; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit , at sa mga mananahan sa lupa ; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay , o makapagsasabi sa kaniya , Anong ginagawa mo ? Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa ; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian , ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan ; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao ; at ako&#039;y natatag sa aking kaharian , at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin . Ngayo&#039;y akong si Nabucodonosor ay pumupuri , at nagbubunyi , at nagpaparangal sa Hari ng langit ; sapagka&#039;t ang lahat niyang gawa ay katotohanan , at ang kaniyang mga daan ay kahatulan ; at yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa . Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao , at uminom ng alak sa harap ng sanglibo . Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak , ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem ; upang mainuman ng hari , ng kaniyang mga mahal na tao , ng kaniyang mga asawa , at ng kaniyang mga babae . Nang magkagayo&#039;y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem ; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao , at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae . Sila&#039;y nangaginuman ng alak , at nagsipuri sa mga dios na ginto , at pilak , tanso , bakal , kahoy , at bato . Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio : at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat . Nang magkagayo&#039;y nagbago ang pagmumukha ng hari , at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip ; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag , at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan . Ang hari ay sumigaw ng malakas , na papasukin ang mga enkantador , mga Caldeo , at mga manghuhula . Ang hari ay nagsalita , at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia , Sinomang makababasa ng sulat na ito , at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan , magdadamit ng kulay morado , at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg , at magiging ikatlong puno sa kaharian . Nang magkagayo&#039;y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari ; nguni&#039;t hindi nila nabasa ang sulat , o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon . Nang magkagayo&#039;y nabagabag na mainam ang haring Belsasar , at ang kaniyang pagmumukha ay nabago , at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan . Ang reina , dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan : ang reina ay nagsalita , at nagsabi , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man ; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip , o mabago man ang iyong pagmumukha . May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios ; at sa mga kaarawan ng iyong ama , ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan , na gaya ng karunungan ng mga dios ; at ang haring Nabucodonosor , na iyong ama , ang hari , sinasabi ko , ang iyong ama , ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago , ng mga enkantador , ng mga Caldeo , at ng mga manghuhula ; Palibhasa&#039;y isang marilag na espiritu , at kaalaman , at unawa , pagpapaaninaw ng mga panaginip , at pagpapakilala ng mga malabong salita , at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan , ay nangasumpungan sa Daniel na iyan , na pinanganlan ng hari na Beltsasar . Tawagin nga si Daniel , at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan . Nang magkagayo&#039;y dinala si Daniel sa harap ng hari . Ang hari ay nagsalita , at nagsabi kay Daniel , Ikaw baga&#039;y si Daniel na sa mga anak ng pagkabihag sa Juda , na kinuha sa Juda ng haring aking ama ? Nabalitaan kita , na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo , at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo . At ang mga pantas nga , ang mga enkantador , dinala sa harap ko , upang kanilang basahin ang sulat na ito , at ipaaninaw sa akin ang kahulugan ; nguni&#039;t hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay . Nguni&#039;t nabalitaan kita , na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan , at makapagpapaliwanag ng alinlangan : kung iyo ngang mabasa ang sulat , at maipaaninaw sa akin ang kahulugan , mananamit ka ng kulay morado , at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg , at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian . Nang magkagayo&#039;y sumagot , at nagsabi si Daniel sa harap ng hari , Iyo na ang iyong mga kaloob , at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba ; gayon ma&#039;y aking babasahin sa hari ang sulat , at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan . Oh ikaw na hari , ang Kataastaasang Dios , nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian , at kadakilaan , at kaluwalhatian , at kamahalan : At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya , nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan , bansa , at wika : ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay , at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay ; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas , at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa . Nguni&#039;t nang ang kaniyang puso ay magpakataas , at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya&#039;y gumawang may kapalaluan , siya&#039;y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari , at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian : At siya&#039;y pinalayas sa mga anak ng mga tao , at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop , at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno ; siya&#039;y pinakain ng damo na gaya ng mga baka , at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit ; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao , at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin . At ikaw na kaniyang anak , Oh Belsasar , hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso , bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito , Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit ; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo , at ikaw , at ang iyong mga mahal na tao , ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae , ay nagsiinom ng alak sa mga yaon ; at iyong pinuri ang mga dios na pilak , at ginto , tanso , bakal , kahoy at bato , na hindi nangakakakita , o nangakakarinig man , o nakakaalam man ; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga , at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad , hindi mo niluwalhati . Nang magkagayo&#039;y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya , at ang sulat na ito&#039;y nalagda . At ito ang sulat na nalagda , MENE , MENE , TEKEL , UPHARSIN . Ito ang kahulugan ng bagay : MENE ; binilang ng Dios ang iyong kaharian , at niwakasan . TEKEL ; ikaw ay tinimbang sa timbangan , at ikaw ay nasumpungang kulang . PERES ; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia . Nang magkagayo&#039;y nagutos si Belsasar , at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado , at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya , at nagtanyag tungkol sa kaniya , na siya&#039;y ikatlong puno sa kaharian . Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea . At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian , na noo&#039;y anim na pu&#039;t dalawang taon ang gulang niya . Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa , na doroon sa buong kaharian ; At sa kanila&#039;y tatlong pangulo , na si Daniel ay isa ; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila , at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban . Nang magkagayo&#039;y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa , sapagka&#039;t isang marilag na espiritu ay nasa kaniya ; at inisip ng hari na ilagay siya sa buong kaharian . Nang magkagayo&#039;y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel , tungkol sa kaharian ; nguni&#039;t hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan , ni kakulangan man , palibhasa&#039;y tapat siya , walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga lalaking ito , Hindi tayo mangakakasumpong ng anomang maisusumbong laban sa Daniel na ito , liban sa tayo&#039;y mangakasumpong laban sa kaniya ng tungkol sa kautusan ng kaniyang Dios . Nang magkagayo&#039;y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari , at nagsabi ng ganito sa kaniya , Haring Dario , mabuhay ka magpakailan man . Ang lahat ng pangulo ng kaharian , ang mga kinatawan at mga satrapa , ang mga kasangguni at ang mga gobernador , ay nangagsanggunian upang magtatag ng isang palatuntunang hari sa kaharian , at upang maglagda ng isang pasiyang mahigpit , na sinomang humingi ng isang kahilingan sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw , liban sa iyo , Oh hari , ihahagis sa yungib ng mga leon . Ngayon , Oh hari , papagtibayin mo ang pasiya , at lagdaan mo ng iyong pangalan ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia , na hindi nababago . Kaya&#039;t ang kasulatan at ang pasiya ay nilagdaan ng pangalan ng haring Dario . At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya&#039;y pumasok sa kaniyang bahay ( ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem ) ; at siya&#039;y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw , at dumalangin , at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios , gaya ng kaniyang dating ginagawa . Nang magkagayo&#039;y nagpisan ang mga lalaking ito , at nasumpungan si Daniel na sumasamo at dumadaing sa harap ng kaniyang Dios . Nang magkagayo&#039;y lumapit sila , at nagsalita sa harap ng hari ng tungkol sa pasiya ng hari , Hindi ka baga naglagda ng pasiya , na bawa&#039;t tao na humingi sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw , liban sa iyo , Oh hari , ihahagis sa yungib ng mga leon ? Ang hari ay sumagot , at nagsabi , Ang bagay ay tunay , ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia , na hindi nababago . Nang magkagayo&#039;y nagsisagot sila , at nangagsabi sa harap ng hari , Ang Daniel na yaon na sa mga anak ng nangabihag sa Juda , hindi ka pinakukundanganan , Oh hari , o ang pasiya man na iyong nilagdaan ng pangalan , kundi dumadalangin na makaitlo isang araw . Nang marinig nga ng hari ang mga salitang ito namanglaw na mainam , at inilagak ang kaniyang puso kay Daniel , upang iligtas siya ; at kaniyang pinagsikapan hanggang sa paglubog ng araw na iligtas siya . Nang magkagayo&#039;y nagpisan ang mga lalaking ito sa hari at nagsabi sa hari , Talastasin mo , Oh hari , na isang kautusan ng mga taga Media , at ng mga taga Persia , na walang pasiya o palatuntunan man na pinagtitibay ng hari na mababago . Nang magkagayo&#039;y nagutos ang hari , at kanilang dinala si Daniel , at inihagis siya sa yungib ng mga leon . Ang hari nga ay nagsalita , at nagsabi kay Daniel , Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi , ay siyang magliligtas sa iyo . At isang bato ay dinala , at inilagay sa bunganga ng yungib ; at tinatakan ng hari ng kaniyang singsing na panatak , at ng singsing na panatak ng kaniyang mga mahal na tao ; upang walang anomang bagay ay mababago tungkol kay Daniel . Nang magkagayo&#039;y umuwi ang hari sa kaniyang palacio , at nagparaan ng buong gabi na nagaayuno ; at wala kahit panugtog ng tugtugin na dinala sa harap niya : at ang kaniyang pagaantok ay nawala . Nang magkagayo&#039;y bumangong maagang maaga ang hari , at naparoon na madali sa yungib ng mga leon . At nang siya&#039;y lumapit sa yungib kay Daniel , siya&#039;y sumigaw ng taghoy na tinig ; ang hari ay nagsalita , at nagsabi kay Daniel , Oh Daniel , na lingkod ng buhay na Dios , ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon ? Sinabi nga ni Daniel sa hari , Oh hari , mabuhay ka magpakailan man . Ang Dios ko&#039;y nagsugo ng kaniyang anghel , at itinikom ang mga bibig ng mga leon , at hindi nila ako sinaktan ; palibhasa&#039;y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala ; at gayon din sa harap mo , Oh hari , wala akong ginawang kasamaan . Nang magkagayo&#039;y natuwang mainam ang hari , at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib . Sa gayo&#039;y isinampa si Daniel mula sa yungib , at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya , sapagka&#039;t siya&#039;y tumiwala sa kaniyang Dios . At ang hari ay nagutos , at kanilang dinala ang mga lalaking yaon na nagsumbong laban kay Daniel , at sila&#039;y inihagis nila sa yungib ng mga leon , sila ang kanilang mga anak , at ang kanilang mga asawa ; at ang leon ay nanaig sa kanila , at pinagwaraywaray ang lahat ng kanilang buto , bago sila dumating sa kalooblooban ng yungib . Nang magkagayo&#039;y sumulat ang haring Dario sa lahat ng mga bayan , bansa , at wika na tumatahan sa buong lupa ; Kapayapaa&#039;y managana sa inyo . Ako&#039;y nagpapasiya , na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel ; sapagka&#039;t siya ang buhay na Dios , at namamalagi magpakailan man , at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba ; at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas . Siya&#039;y nagliligtas at nagpapalaya , at siya&#039;y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa , na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon . Gayon guminhawa ang Daniel na ito sa paghahari ni Dario , at sa paghahari ni Ciro na taga Persia . Nang unang taon ni Belsasar na hari sa Babilonia , ay nagtaglay si Daniel ng isang panaginip at mga pangitain ng kaniyang ulo sa kaniyang higaan : nang magkagayo&#039;y kaniyang isinulat ang panaginip , at isinaysay ang kabuoan ng mga bagay . Si Daniel ay nagsalita , at nagsabi , May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan , at , narito , ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat . At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagat , Ang una&#039;y gaya ng leon , at may mga pakpak ng aguila : aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao&#039;y nahugot , at ito&#039;y nataas mula sa lupa , at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao ; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya . At , narito , ang ibang hayop , na ikalawa , na gaya ng isang oso ; at lumitaw sa isang tagiliran , at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin : at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya , Bumangon ka , manakmal ka ng maraming laman . Pagkatapos nito&#039;y tumingin ako , at narito ang iba , gaya ng isang leopardo , na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon ; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo ; at binigyan siya ng kapangyarihan . Pagkatapos nito&#039;y may nakita ako sa pangitain sa gabi , at , narito , ang ikaapat na hayop , kakilakilabot at makapangyarihan , at totoong malakas ; at may malaking mga ngiping bakal ; nananakmal at lumuluray , at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi : at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya ; at siya&#039;y may sangpung sungay . Aking pinagdilidili ang mga sungay , at , narito , sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay , isang munti , na sa harap niyao&#039;y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat : at , narito , sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao , at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay . Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay , at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo : ang kaniyang suot , maputing parang niebe , at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana ; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy , at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy . Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya : mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya , at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya : ang kahatulan ay nalagda , at ang mga aklat ay nangabuksan . Ako&#039;y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay ; ako&#039;y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay , at ang kaniyang katawan ay nagiba , at siya&#039;y nabigay upang sunugin sa apoy . At tungkol sa nalabi sa mga hayop , ang kanilang kapangyarihan ay naalis : gayon ma&#039;y ang kanilang mga buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon . Ako&#039;y nakakita sa pangitain sa gabi , at , narito , lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao , at siya&#039;y naparoon sa matanda sa mga araw , at inilapit nila siya sa harap niya . At binigyan siya ng kapangyarihan , at kaluwalhatian , at isang kaharian , upang lahat ng mga bayan , bansa , at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya : ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan , na hindi lilipas , at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba . Tungkol sa aking si Daniel , ang aking kalooban ay namanglaw sa loob ng aking katawan , at binagabag ako ng mga pangitain ng aking ulo . Ako&#039;y lumapit sa isa sa kanila na nakatayo , at itinanong ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa lahat na ito . Sa gayo&#039;y kaniyang isinaysay sa akin , at ipinaaninaw niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay . Ang mga dakilang hayop na ito na apat , ay apat na hari , na magbabangon sa lupa . Nguni&#039;t ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian , at aariin ang kaharian magpakailan man , sa makatuwid baga&#039;y magpakakailan-kailan man . Nang magkagayo&#039;y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop , na kaiba sa lahat ng yaon , na totoong kakilakilabot , na ang mga ngipin ay bakal , at ang mga kuko ay tanso ; na nananakmal , lumalamuray , at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi ; At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo , at sa isa na sumibol , at sa harap niyao&#039;y nabuwal ang tatlo , sa makatuwid baga&#039;y yaong sungay na may mga mata , at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay , na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama . Ako&#039;y tumingin , at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal , at nanaig laban sa kanila ; Hanggang sa ang matanda sa mga araw ay dumating , at ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal , ng Kataastaasan ; at ang panaho&#039;y dumating na inari ng mga banal ang kaharian . Ganito ang sabi niya , Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa , na magiging kaiba sa lahat ng kaharian , at sasakmalin ang buong lupa , at yuyurakan , at pagluluraylurayin . At tungkol sa sangpung sungay , mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon : at ang isa&#039;y babangong kasunod nila ; at siya&#039;y magiging kaiba kay sa mga una , at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari . At siya&#039;y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan , at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan ; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan ; at sila&#039;y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon , at mga panahon at kalahati ng isang panahon . Nguni&#039;t ang kahatulan ay matatatag , at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan , upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas . At ang kaharian , at ang kapangyarihan , at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit , mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan : ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian , at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya . Narito ang wakas ng bagay . Tungkol sa aking si Daniel , ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip , at ang aking pagmumukha ay nabago : nguni&#039;t iningatan ko ang bagay sa aking puso . Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar , ang isang pangitain ay napakita sa akin , sa aking si Daniel , pagkatapos noong napakita sa akin nang una . At ako&#039;y may nakita sa pangitain : nangyari nga , na nang aking makita , nasa Susan ako na palacio , na nasa lalawigan ng Elam ; at ako&#039;y may nakita sa pangitain , at ako&#039;y nasa tabi ng ilog Ulai . Nang magkagayo&#039;y itiningin ko ang aking mga mata , at ako&#039;y may nakita , at narito , tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay : at ang dalawang sungay ay mataas ; nguni&#039;t ang isa&#039;y lalong mataas kay sa isa , at ang lalong mataas ay tumaas na huli . Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran , at sa dakong hilagaan , at sa dakong timugan ; at walang hayop na makatayo sa harap niya , ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay ; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban , at nagmalaking mainam . At habang aking ginugunita , narito , isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa , at hindi sumayad sa lupa : at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata . At siya&#039;y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog , at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan . At aking nakitang siya&#039;y lumapit sa lalaking tupa , at siya&#039;y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya , at sinaktan ang tupa , at binali ang kaniyang dalawang sungay : at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya ; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa , at kaniyang niyapakan siya ; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay . At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam : at nang siya&#039;y lumakas , ang malaking sungay ay nabali ; at kahalili niyao&#039;y lumitaw ang apat na marangal na sungay , sa dako ng apat na hangin ng langit . At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo , sa dakong timugan , at sa dakong silanganan , at sa dakong maluwalhating lupain . At lumaking mainam , hanggang sa hukbo sa langit ; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa , at mga niyapakan yaon . Oo , nagmalaki , hanggang sa prinsipe ng hukbo ; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin , at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak . At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang ; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa , at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa . Nang magkagayo&#039;y narinig ko ang isang banal na nagsalita ; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita , Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin , at ang pagsalangsang na sumisira , upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa ? At sinabi niya sa akin , Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga ; kung magkagayo&#039;y malilinis ang santuario . At nangyari , nang ako , sa makatuwid baga&#039;y akong si Daniel , ay makakita ng pangitain , na aking pinagsikapang maunawaan ; at , narito , nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao . At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai , na tumatawag at nagsasabi , Gabriel , ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain . Sa gayo&#039;y lumapit siya sa kinatatayuan ko ; at nang siya&#039;y lumapit , ako&#039;y natakot at napasubasob : nguni&#039;t sinabi niya sa akin , Talastasin mo , Oh anak ng tao ; sapagka&#039;t ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan . Samantalang siya nga&#039;y nagsasalita sa akin , ako&#039;y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa ; nguni&#039;t hinipo niya ako , at itinayo ako . At kaniyang sinabi , Narito , aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit ; sapagka&#039;t ukol sa takdang panahon ng kawakasan . Ang lalaking tupa na iyong nakita , na may dalawang sungay , ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia . At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia : at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari . At tungkol sa nabali , sa dakong tinayuan ng apat , ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa , nguni&#039;t hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan . At sa huling panahon ng kanilang kaharian , pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan , isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha , at nakaunawa ng malabong salita . At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila , nguni&#039;t hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan ; at siya&#039;y lilipol na kamanghamangha , at giginhawa , at gagawa ng kaniyang maibigan ; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan . At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay ; at siya&#039;y magmamalaki ng kaniyang loob , at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami : siya&#039;y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe ; nguni&#039;t siya&#039;y mabubuwal hindi ng kamay . At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay : nguni&#039;t ilihim mo ang pangitain ; sapagka&#039;t ukol sa maraming araw na darating . At akong si Daniel ay nanglupaypay , at nagkasakit na ilang araw ; nang magkagayon ako&#039;y nagbangon , at ginawa ko ang mga gawain ng hari : at ako&#039;y natigilan sa pangitain , nguni&#039;t walang nakakaunawa . Nang unang taon ni Dario na anak ni Assuero , sa lahi ng mga taga Media , na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea ; Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat , ng bilang ng mga taon , na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta , dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem , pitong pung taon . At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo , ng pagaayuno , at pananamit ng magaspang , at ng mga abo . At ako&#039;y nanalangin sa Panginoon kong Dios , at ako&#039;y nagpahayag ng kasalanan , at nagsabi , Oh Panginoon , Dios na dakila at kakilakilabot , na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos , Kami ay nangagkasala , at nangagasal ng kasuwalian , at nagsigawang may kasamaan , at nanganghimagsik , sa makatuwid baga&#039;y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan ; Na hindi man kami nangakinig sa iyong mga lingkod na mga propeta , na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari , sa aming mga prinsipe , at sa aming mga magulang , at sa buong bayan ng lupain . Oh Panginoon , katuwira&#039;y ukol sa iyo , nguni&#039;t sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito ; sa mga tao ng Juda , at sa mga nananahan sa Jerusalem , at sa buong Israel , na malapit , at malayo , sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo . Oh Panginoon , sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha , sa aming mga hari , sa aming mga prinsipe , at sa aming mga magulang , sapagka&#039;t kami ay nangagkasala laban sa iyo . Sa Panginoon naming Dios ukol ang kaawaan at kapatawaran ; sapagka&#039;t kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya ; Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios , upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan , na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta . Oo , buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan , sa pagtalikod , upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig : kaya&#039;t ang sumpa ay nabuhos sa amin , at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios ; sapagka&#039;t kami ay nangagkasala laban sa kaniya . At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita , na kaniyang sinalita laban sa amin , at laban sa aming mga hukom na nagsihatol sa amin , sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan ; sapagka&#039;t sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem . Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises , lahat ng kasamaang ito&#039;y nagsidating sa amin : gayon ma&#039;y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios , upang aming talikuran ang aming mga kasamaan , at gunitain ang iyong katotohanan . Kaya&#039;t iniingatan ng Panginoon ang kasamaan , at ibinagsak sa amin ; sapagka&#039;t ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa , at hindi namin dininig ang kaniyang tinig . At ngayon , Oh Panginoon naming Dios , na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay , at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito ; kami ay nangagkasala , kami ay nagsigawa na may kasamaan . Oh Panginoon , ayon sa iyong buong katuwiran , isinasamo ko sa iyo , na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem , na iyong banal na bundok ; sapagka&#039;t dahil sa aming mga kasalanan , at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang , ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin . Kaya nga , Oh aming Dios , iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod , at ang kaniyang mga samo , at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira , alangalang sa Panginoon . Oh Dios ko , ikiling mo ang iyong tainga , at iyong dinggin ; idilat mo ang iyong mga mata , at masdan mo ang aming mga kasiraan , at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan : sapagka&#039;t hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran , kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan . Oh Panginoon , dinggin mo ; Oh Panginoon , patawarin mo ; Oh Panginoon , iyong pakinggan at gawin ; huwag mong ipagpaliban , alangalang sa iyong sarili , Oh Dios ko , sapagka&#039;t ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan . At samantalang ako&#039;y nagsasalita , at nananalangin , at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel , at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios ; Oo , samantalang ako&#039;y nagsasalita sa panalangin , ang lalaking si Gabriel , na aking nakita sa pangitain nang una , na pinalipad ng maliksi , hinipo ako sa panahon ng pagaalay sa hapon . At kaniya akong tinuruan , at nakipagsalitaan sa akin , at nagsabi , Oh Daniel , ako&#039;y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan . Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos , at ako&#039;y naparito upang saysayin sa iyo ; sapagka&#039;t ikaw ay totoong minahal : kaya&#039;t gunitain mo ang bagay , at unawain mo ang pangitain . Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan , upang tapusin ang pagsalangsang , at upang wakasan ang pagkakasala , at upang linisin sa kasamaan , at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran , at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula , at upang pahiran ang kabanalbanalan . Iyo ngang talastasin at bulayin , na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe , magiging pitong sanglinggo , at anim na pu&#039;t dalawang sanglinggo : ito&#039;y matatayo uli , na may lansangan at kuta , sa makatuwid baga&#039;y sa mga panahong mabagabag . At pagkatapos ng anim na pu&#039;t dalawang sanglinggo , mahihiwalay ang pinahiran , at mawawalaan ng anoman : at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating ; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha , at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma ; mga pagkasira ay ipinasiya na . At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo : at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay ; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira ; at hanggang sa wakas , at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira . Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel , na ang pangala&#039;y Beltsasar ; at ang bagay ay tunay , sa makatuwid baga&#039;y isang malaking pakikipagbaka ; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain . Nang mga araw na yao&#039;y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo . Hindi ako kumain ng masarap na tinapay , ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig , ni naglangis man ako , hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo . At nang ikadalawang pu&#039;t apat na araw ng unang buwan , palibhasa&#039;y ako&#039;y nasa tabi ng malaking ilog , na siyang Hiddekel . Aking itiningin ang aking mga mata , at tumanaw , at narito , ang isang lalake na nakapanamit ng kayong lino , na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na ginto sa Uphas : Ang kaniyang katawan naman ay gaya ng berilo , at ang kaniyang mukha ay gaya ng anyo ng kidlat , at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy , at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa , ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso , at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan . At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon ; sapagka&#039;t ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain ; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig , at sila&#039;y nagsitakas upang magsikubli . Sa gayo&#039;y iniwan akong magisa , at nakakita nitong dakilang pangitain , at nawalan ako ng lakas ; sapagka&#039;t ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin . Gayon ma&#039;y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita ; at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita , ako nga&#039;y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog , na ang aking mukha ay pasubsob . At , narito , isang kamay ay humipo sa akin , na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay . At sinabi niya sa akin , Oh Daniel , ikaw na lalaking minamahal na mainam , unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo , at tumayo kang matuwid ; sapagka&#039;t sa iyo&#039;y sinugo ako ngayon . At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin , ako&#039;y tumayo na nanginginig . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Huwag kang matakot , Daniel ; sapagka&#039;t mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa , at magpakababa sa harap ng iyong Dios , ang iyong mga salita ay dininig : at ako&#039;y naparito alangalang sa iyong mga salita . Nguni&#039;t ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu&#039;t isang araw ; nguni&#039;t , narito , si Miguel ay isa sa mga punong prinsipe , dumating upang tulungan ako : at ako&#039;y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia . Ngayo&#039;y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga huling araw ; sapagka&#039;t ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa . At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito , ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa , at ako&#039;y napipi . At , narito , isang gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay humipo ng aking mga labi : nang magkagayo&#039;y ibinuka ko ang aking bibig , at ako&#039;y nagsalita , at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko , Oh panginoon ko , dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan , at hindi nananatili sa akin ang lakas . Sapagka&#039;t paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito ? sapagka&#039;t tungkol sa akin , ay biglang nawalan ako ng lakas , ni may naiwan mang hininga sa akin . Nang magkagayo&#039;y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao , at kaniyang pinalakas ako . At kaniyang sinabi , Oh taong minamahal na mainam , huwag kang matakot : kapayapaan ang sumaiyo , magpakalakas ka , oo , magpakalakas ka . At nang siya&#039;y magsalita sa akin , ako&#039;y lumakas , at nagsabi , Magsalita ang aking panginoon ; sapagka&#039;t iyong pinalakas ako . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya , Talastas mo baga kung bakit ako&#039;y naparito sa iyo ? at ngayo&#039;y babalik ako upang makipaglaban sa prinsipe sa Persia : at pagka ako&#039;y lumabas , narito , ang prinsipe sa Grecia ay darating . Nguni&#039;t aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan : at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito , kundi si Miguel na inyong prinsipe . At tungkol sa akin , nang unang taon ni Dario na taga Media , ako&#039;y tumayo upang patibayin at palakasin siya . At ngayo&#039;y aking ipatatalastas sa iyo ang katotohanan . Narito , tatayo pa ang tatlong hari sa Persia ; at ang ikaapat ay magiging totoong mayaman kay sa kanilang lahat : at pagka siya&#039;y lumakas sa kaniyang mga yaman , ay kaniyang kikilusin ang lahat laban sa kaharian ng Grecia . At isang makapangyarihang hari ay tatayo , na magpupuno na may malaking kapangyarihan , at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban . At pagka tatayo siya ay magigiba ang kaniyang kaharian , at mababahagi sa apat na hangin ng langit , nguni&#039;t hindi sa kaniyang anak , ni ayon man sa kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinagpuno ; sapagka&#039;t ang kaniyang kaharian ay mabubunot para sa mga iba bukod sa mga ito . At ang hari sa timugan ay magiging malakas , at ang isa sa kaniyang mga prinsipe ; at siya&#039;y magiging malakas kay sa kaniya , at magtataglay ng kapangyarihan ; ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakilang kapangyarihan . At sa katapusan ng mga taon , sila&#039;y magpipipisan ; at ang anak na babae ng hari sa timugan ay paroroon sa hari sa hilagaan upang gumawa ng pakikipagkasundo : nguni&#039;t hindi niya mapananatili ang lakas ng kaniyang bisig ; o siya ma&#039;y tatayo , o ang bisig man niya ; kundi siya&#039;y mabibigay , at yaong mga nangagdala sa kaniya , at ang nanganak sa kaniya , at ang nagpalakas sa kaniya sa mga panahong yaon . Nguni&#039;t sa suwi ng kaniyang mga ugat ay tatayo ang isa na kahalili niya na paroroon sa hukbo , at papasok sa katibayan ng hari sa hilagaan , at gagawa ng laban sa kanila , at mananaig . At gayon din ang kanilang mga dios sangpu ng kanilang mga larawang binubo , at ng kanilang mga mainam na sisidlan na pilak at ginto ay dadalhing samsam sa Egipto ; at siya&#039;y magluluwat na ilang taon kay sa hari sa hilagaan . At siya&#039;y paroroon sa kaharian ng hari sa timugan , nguni&#039;t siya&#039;y babalik sa kaniyang sariling lupain . At ang kaniyang mga anak ay makikipagdigma , at mapipisan ng isang karamihang malaking hukbo , na magpapatuloy , at aabot , at lalagpas ; at sila&#039;y magsisibalik at makikipagdigma , hanggang sa kaniyang katibayan . At ang hari sa timugan ay makikilos ng pagkagalit , at lalabas at makikipaglaban sa kaniya , sa makatuwid baga&#039;y sa hari sa hilagaan ; at siya&#039;y maglalabas ng malaking karamihan , at ang karamiha&#039;y mabibigay sa kaniyang kamay . At ang karamihan ay madadala , at ang kaniyang puso ay magpapalalo ; at siya&#039;y magbubuwal ng libo-libo , nguni&#039;t hindi mananaig . At ang hari sa hilagaan ay babalik , at maglalabas ng isang karamihan na lalong malaki kay sa una ; at siya&#039;y magpapatuloy hanggang sa wakas ng mga panahon , ng mga taon , na ma&#039;y malaking hukbo , at maraming kayamanan . At sa mga panahong yaon ay maraming magsisitayo laban sa hari sa timugan : gayon din ang mga anak na mangdadahas sa gitna ng iyong bayan ay magsisibangon upang itatag ang pangitain ; nguni&#039;t sila&#039;y mangabubuwal . Sa gayo&#039;y paroroon ang hari sa hilagaan , at gagawa ng isang bunton , at sasakop ng isang bayan na nakukutaang mabuti : at ang pulutong ng timugan ay hindi makatatayo ni ang kaniya mang piling bayan , ni magtataglay man sila ng anomang kalakasan , upang tumayo . Nguni&#039;t ang dumarating laban sa kaniya , ay gagawa ng ayon sa sariling kalooban , at walang tatayo sa harap niya ; at siya&#039;y tatayo sa maluwalhating lupain , at sasa kaniyang kamay ang paglipol . At kaniyang itatanaw ang kaniyang mukha upang pumaroon na kasama ng lakas ng kaniyang buong kaharian , at ng mga tapat na kasama niya ; at siya&#039;y gagawa ng mga yaon : at ibibigay niya sa kaniya ang anak na babae ng mga babae , upang hamakin ; nguni&#039;t siya&#039;y hindi tatayo , ni siya&#039;y mapapasa kaniya man . Pagkatapos nito&#039;y kaniyang ipipihit ang kaniyang mukha sa mga pulo , at sasakop ng marami : nguni&#039;t isang prinsipe ay magpapatigil ng pagkutya niya ; oo , bukod dito&#039;y kaniyang pababalikin ang kaniyang kakutyaan sa kaniya . Kung magkagayo&#039;y kaniyang ipipihit ang kaniyang mukha sa dako ng mga kuta ng kaniyang sariling lupain ; nguni&#039;t siya&#039;y matitisod at mabubuwal , at hindi masusumpungan . Kung magkagayo&#039;y tatayo na kahalili niya ang isa na magpaparaan ng maniningil sa kaluwalhatian ng kaharian ; nguni&#039;t sa loob ng kaunting araw ay mapapahamak , na hindi sa kagalitan , o sa pagbabaka man . At kahalili niya na tatayo ang isang hamak na tao , na hindi nila pinagbigyan ng karangalan ng kaharian : nguni&#039;t siya&#039;y darating sa panahong katiwasayan , at magtatamo ng kaharian sa pamamagitan ng mga daya . At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya , at mabubuwal ; oo , pati ng prinsipe ng tipan . At pagkatapos ng pakikipagkasundo sa kaniya , siya&#039;y gagawang may karayaan ; sapagka&#039;t siya&#039;y sasampa , at magiging matibay , na kasama ng isang munting bayan . Sa panahon ng katiwasayan darating siya hanggang sa mga pinakamainam na dako ng lalawigan ; at kaniyang gagawin ang hindi ginawa ng kaniyang mga magulang , o ng mga magulang ng kaniyang mga magulang ; siya&#039;y magbabahagi sa kanila ng huli , at samsam , at kayamanan : oo , siya&#039;y hahaka ng kaniyang mga haka laban sa mga kuta , hanggang sa takdang panahon . At kaniyang kikilusin ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang tapang laban sa hari sa timugan na may malaking hukbo ; at ang hari sa timugan ay makikipagdigma sa pakikipagbaka na may totoong malaki at makapangyarihang hukbo ; nguni&#039;t hindi siya tatayo , sapagka&#039;t sila&#039;y magsisihaka ng mga panukala laban sa kaniya . Oo , silang nagsisikain ng kaniyang masarap na pagkain ay siyang magpapahamak sa kaniya , at ang kaniyang hukbo ay mapapalis ; at marami ay mabubuwal na patay . At tungkol sa dalawang haring ito , ang kanilang mga puso ay magtataglay ng kasamaan , at sila&#039;y mangagsasalita ng mga kabulaanan sa isang dulang : nguni&#039;t hindi giginhawa ; sapagka&#039;t ang wakas ay magiging sa panahong takda pa . Kung magkagayo&#039;y babalik siya sa kaniyang lupain na may malaking kayamanan ; at ang kaniyang puso ay magiging laban sa banal na tipan ; at siya&#039;y gagawa ng kaniyang maibigan , at babalik sa kaniyang sariling lupain . Sa takdang panahon ay babalik siya , at papasok sa timugan ; nguni&#039;t hindi magiging gaya ng una ang huli . Sapagka&#039;t mga sasakyan sa Chittim ay magsisiparoon laban sa kaniya ; kaya&#039;t siya&#039;y mahahapis , at babalik , at magtataglay ng galit laban sa banal na tipan , at gagawa ng kaniyang maibigan : siya nga&#039;y babalik , at lilingapin yaong nangagpabaya ng banal na tipan . At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi , at kanilang lalapastanganin ang santuario , sa makatuwid baga&#039;y ang kuta , at aalisin ang palaging handog na susunugin , at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira . At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan , ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya ; nguni&#039;t ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay , at gagawa ng kabayanihan . At silang marunong sa bayan ay magtuturo sa marami ; gayon ma&#039;y mangabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak at ng liyab , ng pagkabihag at ng samsam , na maraming araw . Pagka nga sila&#039;y mangabubuwal , sila&#039;y tutulungan ng kaunting tulong ; nguni&#039;t marami ay magsisipisan sa kanila na may mga daya . At ang ilan sa kanila na pantas ay mangabubuwal , upang dalisayin sila , at linisin , at paputiin , hanggang sa panahon ng kawakasan ; sapagka&#039;t ukol sa panahon pang takda . At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban ; at siya&#039;y magmamalaki , at magpapakataas ng higit kay sa bawa&#039;t dios , at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios ; at siya&#039;y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap ; sapagka&#039;t ang ipinasiya ay gagawin . Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang , o ang nasa man sa mga babae , o pakukundanganan man ang sinomang dios ; sapagka&#039;t siya&#039;y magmamalaki sa lahat . Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan ; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto , at pilak , at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay . At siya&#039;y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios ; sinomang kumilala sa kaniya , mananagana sa kaluwalhatian ; at pagpupunuin niya sila sa marami , at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga . At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan ; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo , na may mga karo , at may mga mangangabayo , at may maraming sasakyan ; at kaniyang papasukin ang mga lupain , at aabot at lalagpas . Siya&#039;y papasok din naman sa maluwalhating lupain , at maraming lupain ay mababagsak ; nguni&#039;t ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay : ang Edom , at ang Moab , at ang puno ng mga anak ni Ammon . Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain ; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas . Nguni&#039;t siya&#039;y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak , at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto ; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang . Nguni&#039;t mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya ; at siya&#039;y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami . At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok ; gayon ma&#039;y darating siya sa kaniyang wakas , at walang tutulong sa kaniya . At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel , na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan ; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan , na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon : at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan , bawa&#039;t isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat . At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising , ang iba&#039;y sa walang hanggang buhay , at ang iba&#039;y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak . At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit ; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man . Nguni&#039;t ikaw , Oh Daniel , isara mo ang mga salita , at tatakan mo ang aklat , hanggang sa panahon ng kawakasan : marami ang tatakbo ng paroo&#039;t parito , at ang kaalaman ay lalago . Nang magkagayo&#039;y akong si Daniel ay tumingin , at , narito , nakatayo ang ibang dalawa , ang isa&#039;y sa dakong ito ng pangpang ng ilog , at ang isa&#039;y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon . At ang isa&#039;y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino , na nasa ibabaw ng tubig ng ilog , Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito ? At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino , na nasa ibabaw ng tubig ng ilog , nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit , at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon , mga panahon , at kalahati ng isang panahon ; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan , ang lahat na bagay na ito ay matatapos . At aking narinig , nguni&#039;t di ko naunawa : nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Oh Panginoon ko , ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito ? At sinabi niya , Yumaon ka ng iyong lakad , Daniel ; sapagka&#039;t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan . Marami ang magpapakalinis , at magpapakaputi , at magpapakadalisay ; nguni&#039;t ang masasama ay gagawa na may kasamaan ; at wala sa masasama na makakaunawa ; nguni&#039;t silang pantas ay mangakakaunawa . At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin , at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira , ay magkakaroon ng isang libo&#039;t dalawang daan at siyam na pung araw . Mapalad siyang naghihintay , at datnin ng isang libo&#039;t tatlong daan at tatlong pu&#039;t limang araw . Nguni&#039;t yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari ; sapagka&#039;t ikaw ay magpapahinga , at tatayo sa iyong kapalaran , sa wakas ng mga araw . </passage></reply></GetPassage>