<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:28</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:28</urn><passage>Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri , nang mga kaarawan ni Uzias , ni Jotam , ni Ahaz , at ni Ezechias , na mga hari sa Juda , at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas , na hari sa Israel . Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas , sinabi ng Panginoon kay Oseas , Yumaon ka , magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot ; sapagka&#039;t ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot , na humihiwalay sa Panginoon . Sa gayo&#039;y yumaon siya , at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim ; at siya&#039;y naglihi , at nanganak sa kaniya ng isang lalake . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel ; sapagka&#039;t sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu , at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel . At mangyayari sa araw na yaon , na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel . At siya&#039;y naglihi uli , at nanganak ng isang babae . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama ; sapagka&#039;t hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel , na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila . Nguni&#039;t ako&#039;y maaawa sa sangbahayan ni Juda , at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios , at hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog , o sa pamamagitan man ng tabak , o sa pamamagitan man ng pagbabaka , o sa pamamagitan man ng mga kabayo , o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo . Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama , siya&#039;y naglihi , at nanganak ng isang lalake . At sinabi ng Panginoon , Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi ; sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi aking bayan , at ako&#039;y hindi magiging inyong Dios . Gayon ma&#039;y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal , o mabibilang man ; at mangyayari , na sa dakong pagsabihan sa kanila , Kayo&#039;y hindi aking bayan , sasabihin sa kanila , Kayo&#039;y mga anak ng buhay na Dios . At ang mga anak ni Juda , at ang mga anak ni Israel ay mapipisan , at sila&#039;y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo , at sila&#039;y magsisisampa mula sa lupain ; sapagka&#039;t magiging dakila ang kaarawan ng Jezreel . Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalake , Ammi ; at sa inyong mga kapatid na babae ay , Ruhama . Makipagtalo kayo sa inyong ina , makipagtalo kayo ; sapagka&#039;t siya&#039;y hindi ko asawa , ni ako man ay kaniyang asawa ; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha , at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso ; Baka siya&#039;y aking hubaran , at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya&#039;y ipanganak , at gawin ko siyang parang isang ilang , at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa , at patayin ko siya sa uhaw ; Oo , sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga anak sa patutot . Sapagka&#039;t ang kanilang ina ay nagpatutot ; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya ; sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Ako&#039;y susunod sa mga mangingibig sa akin , na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig , ng aking lana at ng aking lino , ng langis ko at ng inumin ko . Kaya&#039;t , narito , aking babakuran ng mga tinik ang iyong daan , at ako&#039;y gagawa ng bakod laban sa kaniya , na hindi niya , masusumpungan ang kaniyang mga landas . At siya&#039;y susunod sa mga mangingibig sa kaniya , nguni&#039;t hindi niya sila aabutan ; at hahanapin niya sila , nguni&#039;t hindi niya sila masusumpungan ; kung magkagayo&#039;y sasabihin niya , Ako&#039;y yayaon at babalik sa aking unang asawa ; sapagka&#039;t naging mabuti sa akin kay sa ngayon . Sapagka&#039;t hindi niya naalaman na ako ang nagbigay sa kaniya ng trigo , at ng alak , at ng langis , at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto , na kanilang ginamit kay Baal . Kaya&#039;t aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon , at ang aking alak sa panahon niyaon , at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana&#039;y tatakip sa kaniyang kahubaran . At ngayo&#039;y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya , at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay . Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan , ang kaniyang mga kapistahan , ang kaniyang mga bagong buwan , at ang kaniyang mga sabbath , at lahat ng kaniyang takdang kapulungan . At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas , at ang kaniyang mga puno ng higos , na siya niyang sinasabi , Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin ; at ang mga yao&#039;y aking gagawing isang gubat , at kakanin ng mga hayop sa parang . At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal , na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan , nang siya&#039;y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas , at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya , at kinalilimutan ako , sabi ng Panginoon . Kaya&#039;t , narito , akin siyang hihikayatin , at dadalhin siya sa ilang , at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw . At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon , at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa ; at siya&#039;y sasagot doon , gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan , at gaya ng araw na siya&#039;y sumampa mula sa lupain ng Egipto . At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , na tatawagin mo akong Ishi , at hindi mo na ako tatawaging Baali . Sapagka&#039;t aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig , at siya&#039;y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan . At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang , at sa mga ibon sa himpapawid , at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa : at aking babaliin ang busog at ang tabak , at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain , at akin silang pahihigaing tiwasay . At ako&#039;y magiging asawa mo magpakailan man ; oo , magiging asawa mo ako sa katuwiran , at sa kahatulan , at sa kagandahang-loob , at sa mga kaawaan . Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat ; at iyong makikilala ang Panginoon . At mangyayari sa araw na yaon , na ako&#039;y sasagot , sabi ng Panginoon , ako&#039;y sasagot sa langit , at sila&#039;y magsisisagot sa lupa ; At ang lupa&#039;y sasagot sa trigo , at sa alak , at sa langis ; at sila&#039;y magsisisagot sa Jezreel . At aking itatatag siya para sa akin sa lupa ; at ako&#039;y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan ; at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan , Ikaw ay aking bayan ; at siya&#039;y magsasabi , Ikaw ay aking Dios . At sinabi ng Panginoon sa akin , Yumaon ka pa , suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan , at mangangalunya , sa makatuwid baga&#039;y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel , bagaman sila&#039;y nagsisipihit sa ibang mga dios , at nangakakagusto ng mga binilong pasas . Sa gayo&#039;y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak , at ng isang homer na cebada , at ng kalahating homer na cebada ; At sinabi ko sa kaniya , Ikaw ay mapapa sa akin na maraming araw ; ikaw ay hindi magpapatutot , at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake ; kaya&#039;t ako naman ay sasa iyo . Sapagka&#039;t ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na walang hari , at walang prinsipe , at walang hain , at walang haligi , at walang efod o mga teraf : Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel , at hahanapin ang Panginoon nilang Dios , at si David na kanilang hari , at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw . Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon , ninyong mga anak ni Israel ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain , sapagka&#039;t walang katotohanan , ni kaawaan man , ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain . Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat , at pagpatay , pagnanakaw , at pangangalunya ; sila&#039;y nagsisidaluhong , at nagkakabubuan ng dugo . Kaya&#039;t ang lupain ay tatangis , at bawa&#039;t tumatahan doon ay manglulupaypay , kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ; oo , ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli . Gayon ma&#039;y huwag makipaglaban ang sinoman , o sumuway man ang sinoman ; sapagka&#039;t ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote . At ikaw ay matitisod sa araw , at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi ; at aking papatayin ang iyong ina . Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman : sapagka&#039;t ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman , akin namang itatakuwil ka , upang ikaw ay huwag maging saserdote ko : yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios , akin namang kalilimutan ang iyong mga anak . Kung paanong sila&#039;y nagsidami , gayon sila nangagkasala laban sa akin : aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian . Sila&#039;y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan , at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan . At mangyayari , na kung paano ang bayan , gayon ang saserdote , at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad , at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa . At sila&#039;y magsisikain , at hindi mangabubusog ; sila&#039;y magpapatutot , at hindi dadami ; sapagka&#039;t sila&#039;y nangagwalang bahala sa Panginoon . Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman . Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod , at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila ; sapagka&#039;t ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila , at sila&#039;y nagpatutot , na nagsisihiwalay sa kanilang Dios . Sila&#039;y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok , at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol , sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble , sapagka&#039;t ang lilim ng mga yaon ay mabuti : kaya&#039;t ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot , at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya . Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila&#039;y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila&#039;y nangangalunya ; sapagka&#039;t ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot , at sila&#039;y nangaghahain na kasama ng mga patutot : at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak . Bagaman ikaw , Oh Israel , ay nagpapatutot , gayon ma&#039;y huwag ipagkasala ng Juda : at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal , ni magsisampa man kayo sa Bethaven , ni magsisumpa man , Buhay ang Panginoon . Sapagka&#039;t ang Israel ay nagpakatigas ng ulo , gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae : ngayo&#039;y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako . Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan ; pabayaan siya . Ang kanilang inumin ay naging maasim ; sila&#039;y nagpapatutot na palagi ; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan . Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak ; at sila&#039;y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain . Dinggin ninyo ito , Oh ninyong mga saserdote , at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel , at inyong ulinigin , Oh sangbahayan ng hari , sapagka&#039;t sa inyo&#039;y nauukol ang kahatulan ; sapagka&#039;t kayo&#039;y naging isang silo sa Mizpa , at isang panghuli na nalagay sa Tabor . At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam ; nguni&#039;t ako&#039;y mananaway sa kanilang lahat . Aking kilala ang Ephraim , at ang Israel na hindi lingid sa akin ; sapagka&#039;t ngayon , Oh Ephraim , ikaw ay nagpatutot , ang Israel ay napahamak . Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios ; sapagka&#039;t ang pagpapatutot ay nasa loob nila , at hindi nila nakikilala ang Panginoon . At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha : kaya&#039;t ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan ; ang Juda&#039;y matitisod ding kasama nila . Sila&#039;y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon ; nguni&#039;t hindi nila masusumpungan siya : Siya&#039;y umurong sa kanila . Sila&#039;y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon ; sapagka&#039;t sila&#039;y naganak ng ibang mga anak : lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang . Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa , at ang pakakak sa Rama : kayo&#039;y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven ; sa likuran mo , Oh Benjamin . Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway : sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipinakilala ang tunay na mangyayari . Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero : aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig . Ang Ephraim ay napighati , siya&#039;y nadikdik sa kahatulan ; sapagka&#039;t siya&#039;y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao . Kaya&#039;t ako&#039;y sa Ephraim na parang tanga , at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan . Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit , at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat , naparoon nga ang Ephraim sa Asiria , at nagsugo sa haring Jareb : nguni&#039;t hindi niya mapagagaling kayo , ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat . Sapagka&#039;t ako&#039;y magiging parang leon sa Ephraim , at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda , Ako , sa makatuwid baga&#039;y ako , ay aagaw at aalis ; ako&#039;y magaalis , at walang magliligtas . Ako&#039;y yayaon at babalik sa aking dako , hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala , at hanapin ang aking mukha : sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam . Magsiparito kayo , at tayo&#039;y manumbalik sa Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y lumapa , at pagagalingin niya tayo ; siya&#039;y nanakit , at kaniyang tatapalan tayo . Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo : sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo , at tayo&#039;y mangabubuhay sa harap niya . At ating kilalanin , tayo&#039;y magpatuloy upang makilala ang Panginoon : ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga ; at siya&#039;y paririto sa atin na parang ulan , na parang huling ulan na dumidilig ng lupa . Oh Ephraim , ano ang gagawin ko sa iyo ? Oh Juda , ano ang gagawin ko sa iyo ? sapagka&#039;t ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga , at parang hamog na lumalabas na maaga . Kaya&#039;t aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta ; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig ; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas . Sapagka&#039;t ako&#039;y nagnanasa ng kaawaan , at hindi hain ; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin . Nguni&#039;t sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan : doo&#039;y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin . Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan ; tigmak sa dugo . At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao , ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem ; Oo , sila&#039;y gumawa ng kahalayan . Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay : doo&#039;y nagpatutot ang Ephraim , ang Israel ay napahamak . Sa iyo man , Oh Juda , may takdang paggapas , pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan . Nang aking pagagalingin ang Israel , ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw , at ang kasamaan ng Samaria ; sapagka&#039;t sila&#039;y nagsinungaling ; at ang magnanakaw ay pumapasok , at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas . At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan : ngayo&#039;y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa ; sila&#039;y nangasa harap ko . Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari , at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe . Silang lahat ay mga mangangalunya ; sila&#039;y parang hurnong iniinit ng magtitinapay ; siya&#039;y tumitigil na magsulong ng apoy , mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim . Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak ; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi . Sapagka&#039;t kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno , samantalang sila&#039;y nangagaabang : ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag ; sa kinaumagaha&#039;y nagniningas na parang liyab na apoy . Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno , at nilalamon ang kanilang mga hukom ; lahat nilang hari ay nangabuwal : wala sa kanila na tumawag sa akin . Ang Ephraim , nakikisalamuha sa mga bayan ; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik . Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang yaman , at hindi niya nalalaman : oo , mga uban ay nasasabog sa kaniya , at hindi niya nalalaman . At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha : gayon ma&#039;y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios , ni hinanap man siya nila , dahil sa lahat na ito . At ang Ephraim ay parang isang mangmang na kalapati , na walang unawa sila&#039;y nagsitawag sa Egipto , sila&#039;y nagsiparoon sa Asiria . Pagka sila&#039;y magsisiyaon , ay aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila ; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid ; aking parurusahan sila , gaya ng narinig sa kanilang kapisanan . Sa aba nila ! sapagka&#039;t sila&#039;y nagsilayas sa akin ; kagibaa&#039;y suma kanila ! sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisalangsang laban sa akin : bagaman sila&#039;y aking tinubos , gayon ma&#039;y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin . At sila&#039;y hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso , kundi sila&#039;y nagsiangal sa kanilang mga higaan : sila&#039;y nagpupulong dahil sa trigo at alak ; sila&#039;y nanganghimagsik laban sa akin . Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig , gayon ma&#039;y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin . Sila&#039;y nanganunumbalik , nguni&#039;t hindi sa kaniya na nasa kaitaasan : sila&#039;y parang magdarayang busog : ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot ng kanilang dila : ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Egipto . Ilagay mo ang pakakak sa iyong bibig . Gaya ng isang aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon , sapagka&#039;t kanilang sinuway ang aking tipan , at nagsisalangsang laban sa aking kautusan . Sila&#039;y magsisidaing sa akin , Dios ko , kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo . Itinakuwil ng Israel ang mabuti : hahabulin siya ng kaaway . Sila&#039;y nangaglagay ng mga hari , nguni&#039;t hindi sa pamamagitan ko ; sila&#039;y nangaglagay ng mga prinsipe , at hindi ko nalaman : sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan , upang sila&#039;y mangahiwalay . Kaniyang inihiwalay ang iyong guya , Oh Samaria ; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila : hanggang kailan sila ay magiging mga musmos . Sapagka&#039;t mula sa Israel nanggaling ito ; ito&#039;y ginawa ng manggagawa , at ito&#039;y hindi Dios ; oo , ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol . Sapagka&#039;t sila&#039;y nangagsasabog ng hangin , at sila&#039;y magsisiani ng ipoipo : siya&#039;y walang nakatayong trigo ; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina ; at kung maglaman , ay lalamunin ng mga taga ibang lupa . Ang Israel ay nalamon : ngayo&#039;y nasa gitna siya ng mga bansa na parang sisidlang hindi kinalulugdan . Sapagka&#039;t sila&#039;y nagsiahon sa Asiria , na parang isang mailap na asno na nagiisa : ang Ephraim ay umupa ng mga mangingibig . Oo , bagaman sila&#039;y umuupa sa gitna ng mga bansa , akin nga silang pipisanin ngayon ; at sila&#039;y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis sa hari at mga prinsipe . Sapagka&#039;t ang Ephraim , ay nagparami ng mga dambana upang magkasala , ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala . Sinulat ko para sa kaniya ang sangpung libong bagay ng aking kautusan ; kanilang inaring parang katuwang bagay . Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin , sila&#039;y nangaghahain ng karne , at kinakain nila ; nguni&#039;t ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon ; ngayo&#039;y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan , at dadalawin ang kanilang mga kasalanan ; sila&#039;y mangababalik sa Egipto . Sapagka&#039;t nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya , at nagtayo ng mga palacio ; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan ; nguni&#039;t magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan , at susupukin ang mga kuta niyaon . Huwag kang magalak , Oh Israel sa katuwaan , na gaya ng mga bayan ; sapagka&#039;t ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios ; iyong inibig ang upa sa bawa&#039;t giikan . Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila , at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya . Sila&#039;y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon ; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto , at sila&#039;y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria . Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon , ni makalulugod man sa kaniya : ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila&#039;y parang tinapay ng nangagluksa ; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak ; sapagka&#039;t ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana ; hindi papasok sa bahay ng Panginoon . Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan , at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon ? Sapagka&#039;t , narito , sila&#039;y nagsialis sa kagibaan , gayon ma&#039;y pipisanin sila ng Egipto , sila&#039;y ililibing ng Memphis ; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag ; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda . Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating , ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating ; malalaman ng Israel : ang propeta ay mangmang , ang lalake na may espiritu ay ulol , dahil sa karamihan ng iyong kasamaan , at sapagka&#039;t ang poot ay malaki . Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios : tungkol sa propeta , ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan , at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios . Sila&#039;y nangagpapahamak na mainam , na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa : kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan , kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan . Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang ; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan : nguni&#039;t sila&#039;y nagsiparoon kay Baalpeor , at nangagsitalaga sa mahalay na bagay , at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig . Tungkol sa Ephraim , ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon ; mawawalan ng panganganak , at walang magdadalang tao , at walang paglilihi . Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak , gayon ma&#039;y aking babawaan sila , na walang tao ; oo , sa aba nila pagka ako&#039;y humiwalay sa kanila ! Ang Ephraim , gaya ng aking makita ang Tiro , ay natatanim sa isang masayang dako : nguni&#039;t ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay . Bigyan mo sila , Oh Panginoon-anong iyong ibibigay ? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso . Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal ; sapagka&#039;t doo&#039;y kinapootan ko sila ; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa , akin silang palalayasin sa aking bahay ; hindi ko na sila iibigin ; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang . Ang Ephraim ay nasaktan , ang kaniyang ugat ay natuyo , sila&#039;y hindi mangagbubunga : oo , bagaman sila&#039;y nanganak , gayon ma&#039;y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata . Itatakuwil sila ng aking Dios , sapagka&#039;t hindi nila dininig siya ; at sila&#039;y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa . Ang Israel ay isang mayabong na baging , na nagbunga : ayon sa karamihan ng kaniyang bunga kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana ; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay nagsigawa sila ng mga mainam na haligi . Ang kanilang puso ay nahati ; ngayo&#039;y mangasusumpungan silang salarin : kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana , kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi . Walang pagsalang ngayo&#039;y kanilang sasabihin , Kami ay walang hari ; sapagka&#039;t kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon ; at ang hari , ano ang magagawa niya para sa atin ? Sila&#039;y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita , na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan : kaya&#039;t ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang . Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven ; sapagka&#039;t ang bayan niyaon ay mananangis doon , at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon , dahil sa kaluwalhatian niyaon , sapagka&#039;t nawala roon . Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb : ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan , at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo . Tungkol sa Samaria , ang kaniyang hari ay nahiwalay , na parang bula sa tubig . Ang mataas na dako naman ng Aven , ang kasalanan ng Israel ay masisira : ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana ; at sasabihin nila sa mga bundok , Takpan ninyo kami ; at sa mga burol , Mahulog kayo sa amin . Oh Israel , ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa : doon sila nagsitayo ; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa . Pagka siya kong nasa , ay aking parurusahan sila ; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila , pagka sila&#039;y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang . At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan , na maibigin sa pagiik ng trigo ; nguni&#039;t aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg : ako&#039;y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim ; magaararo ang Juda , dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal . Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran , magsigapas kayo ayon sa kaawaan ; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran ; sapagka&#039;t panahon na hanapin ang Panginoon , hanggang sa siya&#039;y dumating , at magdala ng katuwiran sa inyo . Kayo&#039;y nangaghasik ng kasamaan , kayo&#039;y nagsiani ng kasalanan ; kayo&#039;y nagsikain ng bunga ng kabulaanan ; sapagka&#039;t ikaw ay tumiwala sa iyong lakad , sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake . Kaya&#039;t babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan , at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba , na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka : ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak . Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan : sa pagbubukang liwayway , ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay . Nang bata pa ang Israel , aking minahal siya , at tinawag kong aking anak mula sa Egipto . Lalo silang tinawag ng mga propeta , ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila : sila&#039;y nangaghahain sa mga Baal , at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan . Gayon ma&#039;y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad ; aking kinalong sila sa aking mga bisig ; nguni&#039;t hindi nila kinilala na aking pinagaling sila . Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao , ng mga panali ng pag-ibig ; at ako&#039;y naging sa kanila&#039;y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga ; at ako&#039;y naglagay ng pagkain sa harap nila . Sila&#039;y hindi babalik sa lupain ng Egipto ; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari , sapagka&#039;t sila&#039;y nagsisitangging manumbalik sa akin . At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan , at susupukin ang kanilang mga halang , at lalamunin sila , dahil sa kanilang sariling mga payo . At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin : bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas , walang lubos na magtataas sa kaniya . Paanong pababayaan kita , Ephraim ? paanong itatakuwil kita , Israel ? paanong gagawin kitang parang Adma ? paanong ilalagay kitang parang Zeboim ? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko , ang aking mga habag ay nangagalab . Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit , hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim : sapagka&#039;t ako&#039;y Dios , at hindi tao ; ang Banal sa gitna mo ; at hindi ako paroroon na may galit . Sila&#039;y magsisilakad ng ayon sa Panginoon , na siyang uungal , na parang leon ; sapagka&#039;t siya&#039;y uungal , at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran . Sila&#039;y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto , at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria ; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay , sabi ng Panginoon . Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot , at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya ; nguni&#039;t ang Juda&#039;y nagpupuno pang kasama ng Dios , at tapat na kasama ng Banal . Ang Ephraim ay kumakain ng hangin , at sumusunod sa hanging silanganan : siya&#039;y laging nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan ; at sila&#039;y nakikipagtipan sa Asiria , at ang langis ay dinadala sa Egipto . Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda , at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad ; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya . Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid ; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios : Oo , siya&#039;y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel , at nanaig : siya&#039;y tumangis , at namanhik sa kaniya : nasumpungan niya siya sa Beth-el , at doo&#039;y nakipagsalitaan siya sa atin . Sa makatuwid baga&#039;y ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo ; ang Panginoon ay kaniyang alaala . Kaya&#039;t magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan , at hintayin mong lagi ang iyong Dios . Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay : maibigin ng pagpighati . At sinabi ng Ephraim , Tunay na ako&#039;y naging mayaman , ako&#039;y nakasumpong ng kayamanan ; sa lahat ng aking gawin , walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan , Nguni&#039;t ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto , akin pa kitang patatahanin uli sa mga tolda , gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan . Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta , at ako&#039;y nagparami ng mga pangitain ; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga . Ang Galaad baga&#039;y kasamaan ? sila&#039;y pawang walang kabuluhan ; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro ; oo , ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid . At si Jacob ay tumakas na napatungo sa parang ng Aram , at naglingkod si Israel dahil sa isang asawa , at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa . At sa pamamagitan ng isang propeta ay isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto , at sa pamamagitan ng isang propeta , siya&#039;y naingatan . Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit : kaya&#039;t ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya , at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya . Nang magsalita ang Ephraim , ay nagkaroon ng panginginig ; siya&#039;y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel ; nguni&#039;t nang siya&#039;y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya . At ngayo&#039;y nangagkasala sila ng higit at higit , at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak , mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa , lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa : sinasabi nila tungkol sa mga yaon ; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain . Kaya&#039;t sila&#039;y magiging parang ulap sa umaga , at parang hamog na nawawalang maaga , na gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan , at parang usok na lumalabas sa Chimenea : Gayon ma&#039;y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto ; at wala kang makikilalang Dios kundi ako , at liban sa akin ay walang tagapagligtas . Nakilala kita sa ilang , sa lupain ng malaking katuyuan . Ayon sa pastulan sa kanila , gayon sila nangabusog ; sila&#039;y nangabusog , at ang kanilang puso ay nagmalaki : kaya&#039;t kinalimutan nila ako . Kaya&#039;t ako&#039;y magiging parang leon sa kanila ; parang leopardo na ako&#039;y magbabantay sa tabi ng daan ; Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak , at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso ; at doo&#039;y lalamunin ko sila ng gaya ng leon ; lalapain sila ng mabangis na hayop . Siyang iyong kapahamakan Oh Israel , na ikaw ay laban sa akin , laban sa iyong katulong . Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan ? at ang iyong mga hukom , na iyong pinagsasabihan , Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe ? Aking binigyan ka ng hari sa aking kagalitan , at inalis ko siya sa aking poot . Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot ; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton . Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya : siya&#039;y hindi pantas na anak ; sapagka&#039;t panahon na hindi sana siya marapat maghirap sa pagwawaksi ng mga yaon . Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol ; aking tutubusin sila mula sa kamatayan . Oh kamatayan , saan nandoon ang iyong mga salot ? Oh Sheol , saan nandoon ang iyong kasiraan ? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata . Bagaman siya&#039;y mabunga sa kaniyang mga kapatid , isang hanging silanganan ay darating , ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang ; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo , at ang kaniyang bukal ay matutuyo : kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan . Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala ; sapagka&#039;t siya&#039;y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios : sila&#039;y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka . Oh Israel , manumbalik ka sa Panginoon mong Dios ; sapagka&#039;t ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan . Magpahayag kayo na may pagsisisi , at magsipanumbalik kayo sa Panginoon : sabihin ninyo sa kaniya , Alisin mo ang boong kasamaan , at tanggapin mo ang mabuti : sa gayo&#039;y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi . Hindi kami ililigtas ng Asiria ; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo ; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay , Kayo&#039;y aming mga dios ; sapagka&#039;t dahil sa iyo&#039;y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila . Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod , akin silang iibiging may kalayaan ; sapagka&#039;t ang aking galit ay humiwalay sa kaniya . Ako&#039;y magiging parang hamog sa Israel : siya&#039;y bubukang parang lila , at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano . Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong , at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo , at ang kaniyang bango ay parang Libano . Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik ; sila&#039;y mangabubuhay uling gaya ng trigo , at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas : at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano . Sasabihin ng Ephraim , Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan ? Ako&#039;y sasagot , at aking hahalatain siya : ako&#039;y parang sariwang abeto ; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga . Sino ang pantas , at siya&#039;y makakaunawa ng mga bagay na ito ? at mabait , at kaniyang mangalalaman ? sapagka&#039;t ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid , at lalakaran ng mga ganap ; nguni&#039;t kabubuwalan ng mga mananalangsang . </passage></reply></GetPassage>