<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:29</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:29</urn><passage>Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel . Dinggin ninyo ito , ninyong mga matanda , at pakinggan ninyo , ninyong lahat na mananahan sa lupain . Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang ? Saysayin ninyo sa inyong mga anak , at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak , at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi . Ang iniwan ng tipaklong , ay kinain ng balang ; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod ; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig . Magsibangon kayo , kayong mga manglalasing , at magsiiyak kayo ; at manambitan kayo , kayong lahat na manginginom ng alak , dahil sa matamis na alak ; sapagka&#039;t nahiwalay sa inyong bibig . Sapagka&#039;t isang bansa ay sumampa sa aking lupain , malakas at walang bilang ; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon , at siya&#039;y may bagang ng malaking leon . Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas , at ibinagsak ang aking puno ng igos : kaniyang tinalupang malinis at inihagis ; ang mga sanga niyao&#039;y naging maputi . Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan . Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon ; ang mga saserdote , ang mga tagapangasiwa ng Panginoon , ay nangananangis . Ang bukid ay sira , ang lupain ay nahahapis ; sapagka&#039;t ang trigo ay sira , ang bagong alak ay tuyo , ang langis ay kulang . Mangahiya kayo , Oh kayong mga mangbubukid , manambitan kayo , Oh kayong mga maguubas , dahil sa trigo at dahil sa cebada ; sapagka&#039;t ang pagaani sa bukid ay nawala . Ang puno ng ubas ay natuyo , at ang puno ng higos ay nalalanta ; ang puno ng granada , ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas , lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo ; sapagka&#039;t ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao . Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang , at magsipanaghoy kayong mga saserdote ; manambitan kayo , kayong mga tagapangasiwa ng dambana ; halikayo , magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang , kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios : sapagka&#039;t ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios . Mangaghayag kayo ng ayuno , magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan , inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios , at magsidaing kayo sa Panginoon . Sa aba ng araw na yaon ! sapagka&#039;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na , at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat . Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata , oo , ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios ? Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal ; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira , ang mga imbakan ay bagsak ; sapagka&#039;t ang trigo ay natuyo . Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop ! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan , sapagka&#039;t wala silang pastulan ; oo , ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak . Oh Panginoon , sa iyo&#039;y dumadaing ako : sapagka&#039;t sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang , at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang . Oo , ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo ; sapagka&#039;t ang mga batis ng tubig ay nangatuyo , at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang . Hipan ninyo ang pakakak sa Sion , at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok ; manginig ang lahat na mananahan sa lupain : sapagka&#039;t ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating , sapagka&#039;t malapit na ; Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim , araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim , gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok ; isang malaking bayan at matibay ; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon , ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon , hanggang sa mga taon ng maraming sali&#039;t saling lahi . Isang apoy ang sumusupok sa harap nila ; at sa likuran nila&#039;y isang liyab ang sumusunog : ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila , at sa likuran nila&#039;y isang sirang ilang ; oo , at walang nakatanan sa kanila . Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo ; at kung paano ang mga mangangabayo , gayon sila nagsisitakbo . Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila , parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami , parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka . Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan ; lahat ng mukha ay nangamumutla . Sila&#039;y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake ; sila&#039;y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma ; at sila&#039;y nagsisilakad bawa&#039;t isa ng kanikaniyang mga lakad , at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay . Ni nagtutulakan mang isa&#039;y isa ; sila&#039;y lumalakad bawa&#039;t isa sa kanikaniyang landas ; at sila&#039;y magsisisagupa sa mga almas , at hindi sila malalansag . Kanilang nilulukso ang bayan ; kanilang tinatakbo ang kuta ; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay ; sila&#039;y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw . Ang lupa ay nayayanig sa harap nila ; ang langit ay nanginginig ; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap : At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo ; sapagka&#039;t ang kaniyang kampamento ay totoong malaki ; sapagka&#039;t malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita ; sapagka&#039;t ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot ; at sinong makatatahan ? Gayon ma&#039;y ngayon , sabi ng Panginoon , magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso , na may pagaayuno , at may pananangis , at may pananambitan : At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso , at hindi ang mga damit ang inyong hapakin , at kayo&#039;y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios ; sapagka&#039;t siya&#039;y maawain at puspos ng kahabagan , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kagandahang-loob , at nagsisisi siya sa kasamaan . Sinong nakakaalam kung siya&#039;y hindi magbabalik-loob , at magsisisi , at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya , ng handog na harina , at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios ? Hipan ninyo ang pakakak sa Sion : magsipangilin kayo ng isang ayuno , magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan ; Tipunin ninyo ang bayan , banalin ang kapisanan , pisanin ang mga matanda , tipunin ang mga bata , at yaong mga pasusuhin ; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid , at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid . Manangis ang mga saserdote , ang mga tagapangasiwa ng Panginoon , sa pagitan ng portiko at ng dambana , at kanilang sabihin , Maawa ka sa iyong bayan , Oh Panginoon , at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan , na ang mga bansa baga&#039;y magpuno sa kanila : bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan , Saan nandoon ang kanilang Dios ? Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain , at nahabag sa kaniyang bayan . At ang Panginoon ay sumagot , at nagsabi sa kaniyang bayan , Narito , ako&#039;y magdadala sa inyo ng trigo , at alak , at langis , at inyong kabubusugan ; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa ; Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan , at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira , ang kaniyang unaha&#039;y sa dagat silanganan , at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran ; at ang kaniyang baho ay aalingasaw , at ang masamang amoy ay iilanglang , sapagka&#039;t siya&#039;y gumawa ng mga malaking bagay . Huwag kang matakot , Oh lupain , ikaw ay matuwa at magalak ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay . Huwag kayong mangatakot , kayong mga hayop sa parang ; sapagka&#039;t ang mga pastulan sa ilang ay lumalago , sapagka&#039;t ang punong kahoy ay nagbubunga , ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga . Kayo nga&#039;y mangatuwa , kayong mga anak ng Sion , at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios ; sapagka&#039;t kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat , at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo , ang maagang ulan at ang huling ulan , sa unang buwan . At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo , at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis . At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang , ng uod , at ng kuliglig , at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo , na aking sinugo sa gitna ninyo . At kayo&#039;y magsisikaing sagana , at mangabubusog , at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios , na gumawa ng kababalaghan sa inyo ; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man . At inyong malalaman na ako&#039;y nasa gitna ng Israel , at ako ang Panginoon ninyong Dios , at wala nang iba ; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man . At mangyayari pagkatapos , na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman ; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula , ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip , ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain : At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu . At ako&#039;y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa , dugo , at apoy , at mga haliging usok . Ang araw ay magiging kadiliman , at ang buwan ay dugo , bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon . At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas , sapagka&#039;t sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan , gaya ng sinabi ng Panginoon , at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon . Sapagka&#039;t , narito , sa mga kaarawang yaon , at sa panahong yaon , pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem . Aking pipisanin ang lahat na bansa , at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat ; at ako&#039;y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel , na kanilang pinangalat sa mga bansa , at binahagi ang aking lupain , At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan , at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot , at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak , upang sila&#039;y mangakainom . Oo , at ano kayo sa akin . Oh Tiro , at Sidon , at buong lupain ng Filistia ? gagantihin baga ninyo ako ? at kung ako&#039;y inyong gantihin , maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo . Yamang inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto , at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay , At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia , upang inyong mailayo sa kanilang hangganan ; Narito , aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila , at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo ; At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda , at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba , sa isang bansang malayo : sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon . Itanyag ninyo ito sa mga bansa : mangaghanda kayo ng digma ; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake ; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma , sila&#039;y magsisampa . Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod , at mga sibat ang inyong mga karit : magsabi ang mahina , Ako&#039;y malakas . Mangagmadali kayo , at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot , at magpipisan kayo : iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan , Oh Panginoon . Magpakasigla ang mga bansa , at magsisampa sa libis ni Josaphat ; sapagka&#039;t doo&#039;y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot . Gamitin ninyo ang karit ; sapagka&#039;t ang aanihin ay hinog na : kayo&#039;y magsiparito , at magsiyapak ; sapagka&#039;t ang alilisan ng alak ay puno , ang kamalig ng alak ay inaapawan ; sapagka&#039;t ang kanilang kasamaan ay malaki . Mga karamihan , mga karamihan sa libis ng pasiya ! sapagka&#039;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya . Ang araw at ang buwan ay nagdidilim , at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap . At ang Panginoo&#039;y aangal mula sa Sion , at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem ; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig : nguni&#039;t ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan , at katibayan sa mga anak ni Israel . Sa gayo&#039;y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios , na tumatahan sa Sion , na aking banal na bundok : kung magkagayo&#039;y magiging banal ang Jerusalem , at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa . At mangyayari sa araw na yaon , na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak , at ang mga burol ay aagusan ng gatas , at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig ; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon , at didiligin ang libis ng Sittim . Ang Egipto ay masisira , at ang Edom ay magiging ilang na sira , dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda , sapagka&#039;t sila&#039;y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain . Nguni&#039;t ang Juda&#039;y tatahan magpakailan man , at ang Jerusalem ay sa sali&#039;t saling lahi . At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis : sapagka&#039;t ang Panginoon ay tumatahan sa Sion . </passage></reply></GetPassage>