<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:30</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:30</urn><passage>Ang mga salita ni Amos , na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa , na nakita niya tungkol sa Israel , nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda , at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel , na dalawang taon bago lumindol . At kaniyang sinabi , Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion , at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem ; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan , at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Damasco , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal . Nguni&#039;t aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael , at susupukin niyaon ang mga palacio ni Ben-hadad . At aking iwawasak ang halang ng Damasco , at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven , at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden ; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir , sabi ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Gaza , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t kanilang dinalang bihag ang buong bayan , upang ibigay sa Edom . Nguni&#039;t ako&#039;y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza , at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon : At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod , at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon ; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron , at ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol , sabi ng Panginoong Dios . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Tiro , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom , at hindi inalaala ang tipan ng pagkakapatiran . Nguni&#039;t ako&#039;y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro , at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid , at ipinagkait ang buong habag , at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol , at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man . Nguni&#039;t magsusugo ako ng isang apoy sa Teman , at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng mga anak ni Ammon , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila ; sapagka&#039;t kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad , upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan . Nguni&#039;t aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng Rabba , at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon , na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka , na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo ; At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag , siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama , sabi ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog . Nguni&#039;t ako&#039;y magsusugo ng isang apoy sa Moab , at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth ; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay , may hiyawan , at may tunog ng pakakak . At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon , at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya , sabi ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoon : Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon , at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan , at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan , ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang . Nguni&#039;t magsusugo ako ng isang apoy sa Juda ; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem . Ganito ang sabi ng Panginoon , Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel , oo , dahil sa apat , hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya ; sapagka&#039;t kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak , at ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak ; Na iniimbot ang alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha , at inililiko ang lakad ng maamo : at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga , upang lapastanganin ang aking banal na pangalan : At sila&#039;y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana , sa ibabaw ng mga kasuutang sangla ; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa . Gayon ma&#039;y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila , na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro , at siya&#039;y malakas na gaya ng mga encina ; gayon ma&#039;y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas , at ang kaniyang mga ugat sa ilalim . Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Egipto , at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang , upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo . At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta , at sa inyong mga binata ng mga Nazareo . Di baga gayon , Oh kayong mga anak ng Israel ? sabi ng Panginoon . Nguni&#039;t binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom , at inutusan ninyo ang mga propeta , na sinasabi , Huwag kayong manganghuhula . Narito , aking huhutukin kayo sa inyong dako , na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis . At ang pagtakas ay mapapawi sa matulin ; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan ; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili ; Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog ; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas ; ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas : At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon , sabi ng Panginoon . Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo , Oh mga anak ni Israel , laban sa buong angkan na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto , na sinasabi , Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa : kaya&#039;t aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan . Makalalakad baga ang dalawa na magkasama , liban na sila&#039;y magkasundo ? Uungal baga ang leon sa gubat , kung wala siyang huli ? sisigaw baga ang batang leon sa kaniyang yungib , kung wala siyang huling anoman ? Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa , ng walang silo sa kaniya ? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa , at walang nahuling anoman ? Tutunog baga ang pakakak sa bayan , at ang bayan ay hindi manginginig ? sasapit baga ang kasamaan sa bayan , at hindi ginawa ng Panginoon ? Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin , kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta . Ang leon ay umungal , sinong di matatakot ? Ang Panginoong Dios ay nagsalita ; sinong hindi manghuhula ? Ihayag ninyo sa mga palacio sa Asdod , at sa mga palacio sa lupain ng Egipto , at inyong sabihin , Magpipisan kayo sa mga bundok ng Samaria , at inyong masdan kung anong laking ingay ang nandoon , at kung anong pahirap ang nasa gitna niyaon . Sapagka&#039;t hindi sila marunong magsigawa ng matuwid , sabi ng Panginoon , na nagiimbak ng pangdadahas at pagnanakaw sa kanilang mga palacio . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Kaaway ay paririto sa palibot ng lupain ; at kaniyang ibabagsak ang lakas mo sa iyo , at ang iyong mga palacio ay sasamsaman . Ganito ang sabi ng Panginoon : Kung paanong inaagaw ng pastor sa bibig ng leon ang dalawang hita , o ang isang putol ng tainga ; gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na nangauupo sa Samaria sa sulok ng hiligan , at sa mga sedang colchon ng higaang malaki . Dinggin ninyo , at patotohanan ninyo laban sa sangbahayan ni Jacob , sabi ng Panginoong Dios , ng Dios ng mga hukbo . Sapagka&#039;t sa araw na aking dadalawin ang mga pagsalangsang ng Israel sa kaniya , aking dadalawin din ang mga dambana ng Beth-el , at ang mga sungay ng dambana ay mahihiwalay , at malalaglag sa lupa . At aking sisirain ang bahay na pangtagginaw na kasabay ng bahay na pangtaginit ; at ang mga bahay na garing ay mangawawala , at ang mga malaking bahay ay magkakawakas , sabi ng Panginoon . Dinggin ninyo ang salitang ito , Oh mga baka ng Basan , na nangasa bundok ng Samaria , na nagsisipighati sa mga dukha , na nagsisigipit sa mga mapagkailangan , na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon , Dalhin ninyo rito , at ating inumin . Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan , na , narito , ang mga kaarawan ay darating sa inyo , na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit , at ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit . At kayo&#039;y magsisilabas sa mga sira , na bawa&#039;t isa&#039;y tuloytuloy ; at kayo&#039;y mangagpapakatapon sa Harmon , sabi ng Panginoon . Magsiparoon kayo sa Beth-el , at magsisalangsang kayo ; sa Gilgal , at paramihin ninyo ang pagsalangsang ; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga , at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw ; At kayo&#039;y mangaghandog ng hain ng pasasalamat na may lebadura , at kayo&#039;y mangaghayag ng kusang mga handog at inyong itanyag ; sapagka&#039;t ito&#039;y nakalulugod sa inyo , Oh ninyong mga anak ni Israel , sabi ng Panginoong Dios . At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan , at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako ; gayon ma&#039;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon . At akin namang pinigil ang ulan sa inyo , nang tatlong buwan na lamang at pagaani na ; at aking pinaulan sa isang bayan , at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan : isang bahagi ay inulanan , at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo . Sa gayo&#039;y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig , at hindi nangapawi ang uhaw : gayon ma&#039;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon . Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag : ang karamihan ng inyong mga halaman , at ng inyong mga ubasan , at ng inyong mga igusan , at ng inyong mga olibohan ay nilipol ng tipaklong : gayon ma&#039;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon . Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Egipto : ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak , at dinala ko ang inyong mga kabayo ; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong ; gayon ma&#039;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon . Aking ibinuwal ang iba sa inyo , gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra , at kayo&#039;y naging gaya ng dupong na naagaw sa apoy : gayon ma&#039;y hindi kayo nanganumbalik sa akin , sabi ng Panginoon . Kaya&#039;t ganito ang gagawin ko sa iyo , Oh Israel ; at yamang aking gagawin ito sa iyo , humanda kang salubungin mo ang iyong Dios , Oh Israel . Sapagka&#039;t , narito , siyang nagaanyo ng mga bundok , at lumilikha ng hangin , at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip ; na nagpapadilim ng umaga , at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa , ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan . Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo , Oh sangbahayan ni Israel . Ang dalaga ng Israel ay nabuwal ; siya&#039;y hindi na magbabangon pa , siya&#039;y nahagis sa kaniyang lupain ; walang magbangon sa kaniya . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoong Dios : Ang bayan na lalabas na isang libo , maiiwang isang daan , at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu , sa sangbahayan ni Israel . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel ; Hanapin ninyo ako , at kayo&#039;y mangabubuhay ; Nguni&#039;t huwag ninyong hanapin ang Beth-el , ni magsipasok man sa Gilgal , at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba : sapagka&#039;t walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag , at ang Beth-el ay mauuwi sa wala . Inyong hanapin ang Panginoon , at kayo&#039;y mangabubuhay ; baka siya&#039;y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose , at supukin yaon , at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon : Kayong nagpapaging ajenjo sa kahatulan , at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa . Inyong hanapin ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion , at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga , pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi ; yaong tumatawag sa tubig sa dagat , at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa ( Panginoon ang siya niyang pangalan ) ; Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas , na anopa&#039;t ang pagkasira ay dumarating sa katibayan . Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuang-bayan , at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid . Palibhasa nga&#039;t inyong niyayapakan ang dukha , at inyong hinihingan siya ng trigo : kayo&#039;y nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas , nguni&#039;t hindi ninyo tatahanan ; kayo&#039;y nangagtanim ng mga maligayang ubasan , nguni&#039;t hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon . Sapagka&#039;t talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang , at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan : kayong nagsisidalamhati sa ganap , na kinukunan ninyo ng suhol , at inyong inililigaw sa kanilang matuwid ang mapagkailangan sa pintuang-bayan . Kaya&#039;t siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon ; sapagka&#039;t masamang panahon . Magsihanap kayo ng kabutihan , at huwag kasamaan , upang kayo&#039;y mangabuhay ; at sa gayo&#039;y ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo , ay sasa inyo , gaya ng inyong sinasabi . Inyong kapootan ang masama , at ibigin ang mabuti , at kayo&#039;y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan : marahil ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo , ng Panginoon : Panaghoy ay sa lahat na daan ; at sila&#039;y mangagsasabi sa lahat na lansangan , Sa aba ! sa aba ! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan , at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy . At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy ; sapagka&#039;t ako&#039;y daraan sa gitna mo , sabi ng Panginoon . Sa aba ninyo na nangagnanasa ng kaarawan ng Panginoon ! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon ? kadiliman nga , at hindi kaliwanagan . Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon , at isang oso ang sumasalubong sa kaniya ; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid , at isang ahas ang tumutuka sa kaniya . Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon , at hindi kaliwanagan ? na totoong madilim , at walang ningning ? Aking kinapopootan , aking hinahamak ang inyong mga kapistahan , at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan . Oo , bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina , hindi ko tatanggapin ; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop . Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit ; sapagka&#039;t hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola . Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig , at ang katuwiran na parang malakas na agos . Nagdala baga kayo sa akin ng mga hain , at ng mga handog sa ilang na apat na pung taon , Oh sangbahayan ni Israel ? Oo , inyong pinasan ang tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan , ang bituin ng inyong dios , na inyong ginawa para sa inyong sarili . Kaya&#039;t kayo&#039;y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco , sabi ng Panginoon , na ang pangala&#039;y Dios ng mga hukbo . Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion , at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria , na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa , ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel ! Magsidaan kayo sa Calne , at inyong tingnan ; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki ; kung magkagayo&#039;y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo : magaling baga sila kay sa mga kahariang ito ? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan ? Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan ; Na nangahihiga sa mga higaang garing , at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan , at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan , at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan ; Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola ; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin , na gaya ni David ; Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok , at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango ; nguni&#039;t hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose . Sila nga ngayo&#039;y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag , at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam . Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili , sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo : Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob , at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio ; kaya&#039;t aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon . At mangyayari , kung may matirang sangpung tao sa isang bahay , na pawang mangamamatay . At pagka itataas siya ng amain , sa makatuwid baga&#039;y ng sumusunog sa kaniya , upang ilabas ang mga buto sa bahay , at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay , May kasama ka pa bagang sinoman ? at kaniyang sasabihin : Wala ; kung magkagayo&#039;y kaniyang sasabihin : Tumahimik ka ; sapagka&#039;t hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon . Sapagka&#039;t narito , naguutos ang Panginoon , at ang malaking bahay ay magkakasira , at ang munting bahay ay magkakabutas . Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato ? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro ? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan , at ajenjo ang bunga ng katuwiran , Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi ; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan ? Sapagka&#039;t , narito , aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa , Oh sangbahayan ni Israel , sabi ng Panginoon , ng Dios ng mga hukbo ; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba . Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios : at , narito , siya&#039;y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi ; at , narito , na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari . At nangyari , na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain , akin ngang sinabi , Oh Panginoong Dios , isinasamo ko sa iyo , na magpatawad ka : paanong tatayo ang Jacob ? sapagka&#039;t siya&#039;y maliit . Ang Panginoo&#039;y nagsisi tungkol dito , Hindi mangyayari , sabi ng Panginoon . Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios : at , narito , ang Panginoong Dios ay tumawag , upang humatol sa pamamagitan ng apoy ; at sinupok ang malaking kalaliman , at susupukin sana ang lupain . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Oh Panginoong Dios , itigil mo , isinasamo ko sa iyo : paanong makatatayo ang Jacob ? sapagka&#039;t siya&#039;y maliit . Ang Panginoo&#039;y nagsisi tungkol dito : Ito&#039;y hindi rin mangyayari , sabi ng Panginoong Dios . Ganito siya nagpakita sa akin : at , narito , ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga , na may pabatong tingga sa kaniyang kamay . At sinabi ng Panginoon sa akin , Amos , anong iyong nakikita ? At aking sinabi , Isang pabatong tingga . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng Panginoon , Narito , ako&#039;y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel ; hindi na ako magdadaan pa sa kanila ; At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira , at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak ; at ako&#039;y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam . Nang magkagayo&#039;y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel , na nagsasabi , Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel : hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ni Amos , Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak , at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain . Sinabi rin ni Amasias kay Amos , Oh ikaw na tagakita , yumaon ka , at tumakas ka sa lupain ng Juda , at doo&#039;y kumain ka ng tinapay , at manghula ka roon : Nguni&#039;t huwag ka nang manghula pa sa Beth-el : sapagka&#039;t siyang santuario ng hari , at siyang bahay-hari . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Amos , at nagsabi kay Amasias , Ako&#039;y hindi propeta , o anak man ng propeta ; kundi ako&#039;y pastor , at manggagawa sa mga puno ng sikomoro : At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan , at sinabi ng Panginoon sa akin , Ikaw ay yumaon , manghula ka sa aking bayang Israel . Kaya&#039;t ngayo&#039;y dinggin mo ang salita ng Panginoon , Iyong sinasabi , Huwag kang manghula laban sa Israel , at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac : Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan , at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak , at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat ; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi , at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain . Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin : at , narito , ang isang bakol ng bunga ng taginit . At kaniyang sinabi , Amos , anong iyong nakikita ? At aking sinabi , Isang bakol ng bunga ng taginit . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng Panginoon sa akin , Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel ; hindi na ako daraan pa uli sa kanila . At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon , sabi ng Panginoong Dios : ang mga bangkay ay magiging marami ; sa bawa&#039;t dako ay tahimik silang itatapon . Pakinggan ninyo ito , Oh kayong nananakmal ng mapagkailangan , at inyong pinagkukulang ang dukha sa lupain , Na sinasabi , Kailan daraan ang bagong buwan , upang tayo&#039;y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath , upang ating mailabas ang trigo ? na gawing munti ang efa , at malaki ang siklo , at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan ; Upang ating mabili ng pilak ang dukha , at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan , at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo . Ang Panginoon ay sumumpa alangalang sa karilagan ng Jacob , Tunay na hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa . Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito , at mananaghoy ang bawa&#039;t tumatahan doon ? oo , sasampang buo na gaya ng Ilog ; at mababagabag at lulubog uli , gaya ng Ilog ng Egipto . At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoong Dios , na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat , at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw . At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan , at taghoy ang lahat ninyong awit ; at ako&#039;y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang , at kakalbuhan sa bawa&#039;t ulo ; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak , at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw . Narito , ang mga araw ay dumarating , sabi ng Panginoong Dios , na ako&#039;y magpapasapit ng kagutom sa lupain , hindi kagutom sa tinapay , o kauhawan man dahil sa tubig , kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon . At sila&#039;y magsisilaboy sa dagat at dagat , at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan ; sila&#039;y magsisitakbo ng paroo&#039;t parito upang hanapin ang salita ng Panginoon , at hindi masusumpungan . Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata . Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria , at nagsasabi , Buhay ang Dios mo , Oh Dan ; at , Buhay ang daan ng Beer-seba ; sila&#039;y mangabubuwal , at kailan may hindi na mangakababangon . Aking nakita ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng dambana : at kaniyang sinabi , Hampasin mo ang mga kapitel , upang ang mga tungtungan ay mauga ; at mangagkaputolputol sa ulo nilang lahat ; at aking papatayin ng tabak ang huli sa kanila : walang makatatakas sinoman sa kanila , at walang makatatanang sinoman sa kanila . Bagaman sila&#039;y humukay hanggang sa Sheol , mula roo&#039;y kukunin sila ng aking kamay ; at bagaman sila&#039;y sumampa hanggang sa langit , mula roo&#039;y ibababa ko sila . At bagaman sila&#039;y magsipagtago sa taluktok ng Carmelo , aking hahanapin at kukunin sila mula roon ; at bagaman sila&#039;y magsikubli sa aking paningin sa gitna ng dagat , mula roo&#039;y uutusan ko ang ahas , at tutukain niyaon sila . At bagaman sila&#039;y magsipasok sa pagkabihag sa harap ng kanilang mga kaaway , mula roon ay aking uutusan ang tabak , at papatayin niyaon sila : at aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikasasama , at hindi sa ikabubuti . Sapagka&#039;t ang Panginoon , ang Dios ng mga hukbo , ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw , at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis ; at babangong samasama na gaya ng Ilog , at lulubog uli , na gaya ng Ilog ng Egipto ; Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit , at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa ; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa ; Panginoon ang kaniyang pangalan . Di baga kayo&#039;y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin , Oh mga anak ni Israel ? sabi ng Panginoon . Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto , at ang mga Filisteo , ay mula sa Caphtor , at ang mga taga Siria ay sa Chir ? Narito , ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian , at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa ; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob , sabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t , narito , ako&#039;y maguutos , at aking sasalain ang sangbahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa , gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay , gayon ma&#039;y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil . Lahat na makasalanan sa aking bayan ay mangamamatay sa pamamagitan ng tabak , na nangagsasabi , Ang kasamaan ay hindi aabot sa atin o mauuna man sa atin . Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal , at tatakpan ko ang mga sira niyaon ; at ibabangon ko ang mga guho niyaon , at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una ; Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom , at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan , sabi ng Panginoon na gumagawa nito , Narito , ang mga kaarawan ay dumarating , sabi ng Panginoon , na aabutan ng mangaararo ang mangaani , at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi ; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak , at lahat na burol ay mangatutunaw . At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel , at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan , at tatahanan nila ; at sila&#039;y mangaguubasan , at magsisiinom ng alak niyaon ; magsisigawa rin sila ng mga halamanan , at magsisikain ng bunga ng mga yaon . At aking itatatag sila sa kanilang lupain ; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain , na aking ibinigay sa kanila , sabi ng Panginoon mong Dios . </passage></reply></GetPassage>