<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:31</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:31</urn><passage>Ang pangitain ni Obadias . Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom , Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon , at isang sugo ay sinugo sa mga bansa , na nagsasabi , Magsibangon kayo , at tayo&#039;y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka . Narito , ginawa kitang maliit sa mga bansa : ikaw ay lubhang hinamak . Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso , Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato , na ang tahanan ay matayog ; na nagsasabi sa kaniyang puso , Sinong magbababa sa akin sa lupa ? Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila , at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin , aking ibababa ka mula roon , sabi ng Panginoon . Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo , kung mga mangloloob sa gabi ( paano kang nahiwalay ! ) di baga sila sana&#039;y nangagnakaw hanggang sa sila&#039;y nangagkaroon ng sapat ? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo , di baga sila sana&#039;y nangagiwan ng laglag na ubas ? Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau ! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago ! Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad , hanggang sa hangganan : ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka , at nanaig laban sa iyo ; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo : walang paguunawa sa kaniya . Di ko baga lilipulin sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , ang mga pantas na tao sa Edom , at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau ? At ang iyong mga makapangyarihang tao , Oh Teman , ay manglulupaypay , palibhasa&#039;y bawa&#039;t isa&#039;y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan . Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo , at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man . Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako , nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan , at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem , ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila . Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan , at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal ; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis . Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan ; oo , huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan , o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan . At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan ; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan . Sapagka&#039;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na , laban sa lahat ng bansa : kung ano ang iyong gawin , ay siyang gagawin sa iyo ; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo . Sapagka&#039;t kung paanong kayo&#039;y nagsiinom sa aking banal na bundok , gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa , oo , sila&#039;y magsisiinom , at magsisitungga , at magiging wari baga sila&#039;y hindi nangabuhay . Nguni&#039;t sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan , at magiging banal ; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari . At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy , at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab , at ang sangbahayan ni Esau ay dayami , at sila&#039;y kanilang susunugin , at sila&#039;y susupukin ; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau ; sapagka&#039;t sinalita ng Panginoon . At silang sa Timugan , ay mangagaari ng bundok ng Esau , at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo ; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim , at ang parang ng Samaria ; at aariin ng Benjamin ang Galaad . At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan , ay magaari ng hanggang sa Sarefat ; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan . At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau ; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon . </passage></reply></GetPassage>