<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:32</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:32</urn><passage>Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai , na nagsasabi , Bumangon ka , pumaroon ka sa Ninive , sa malaking bayang yaon , at humiyaw ka laban doon ; sapagka&#039;t ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko . Nguni&#039;t si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon ; at siya&#039;y lumusong sa Joppe , at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis : sa gayo&#039;y nagbayad siya ng upa niyaon , at siya&#039;y lumulan , upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon . Nguni&#039;t ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat , at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat , na anopa&#039;t ang sasakyan ay halos masira . Nang magkagayo&#039;y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa&#039;t tao sa kanikaniyang dios ; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila . Nguni&#039;t si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan ; at siya&#039;y nahiga at nakatulog ng mahimbing . Sa gayo&#039;y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan , at sinabi sa kaniya , Ano ang inaakala mo , O matutulugin ? bumangon ka , tumawag ka sa iyong Dios , baka sakaling alalahanin ng Dios tayo , upang huwag tayong mangamatay . At sinabi ng bawa&#039;t isa sa kanila sa kaniyang kasama , Magsiparito kayo at tayo&#039;y mangagsapalaran , upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin . Sa gayo&#039;y nangagsapalaran sila , at ang palad ay nahulog kay Jonas . Nang magkagayo&#039;y sinabi nila sa kaniya , Isinasamo namin sa iyo na iyong saysayin sa amin , kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin ; ano ang iyong hanap-buhay ? at saan ka nanggaling ? ano ang iyong lupain ? at taga saang bayan ka ? At kaniyang sinabi sa kanila , Ako&#039;y isang Hebreo ; at ako&#039;y natatakot sa Panginoon , sa Dios ng langit , na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain . Nang magkagayo&#039;y nangatakot na mainam ang mga tao , at sinabi sa kaniya , Ano itong iyong ginawa ? Sapagka&#039;t talastas ng mga tao na siya&#039;y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon , sapagka&#039;t isinaysay niya sa kanila , Nang magkagayo&#039;y sinabi nila sa kaniya , Anong gagawin namin sa iyo , upang ang dagat ay tumahimik sa atin ? sapagka&#039;t ang dagat ay lalo&#039;t lalong umuunos . At sinabi niya sa kanila , Ako&#039;y inyong buhatin , at ihagis ninyo ako sa dagat ; sa gayo&#039;y ang dagat ay tatahimik sa inyo : sapagka&#039;t talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo . Gayon ma&#039;y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa ; nguni&#039;t hindi nila magawa ; sapagka&#039;t ang dagat ay lalo&#039;t lalong umuunos laban sa kanila . Kaya&#039;t sila&#039;y nagsidaing sa Panginoon , at nangagsabi , Ipinamamanhik namin sa iyo , Oh Panginoon , ipinamamanhik namin sa iyo , huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito , at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo ; sapagka&#039;t ikaw , Oh Panginoon , iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo . Sa gayo&#039;y kanilang binuhat si Jonas , at inihagis sa dagat ; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot . Nang magkagayo&#039;y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon ; at sila&#039;y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon , at nagsipanata . At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas ; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi . Nang magkagayo&#039;y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda . At kaniyang sinabi , Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati , At siya&#039;y sumagot sa akin ; Mula sa tiyan ng Sheol ako&#039;y sumigaw , At iyong dininig ang aking tinig . Sapagka&#039;t inihagis mo ako sa kalaliman , sa gitna ng dagat , At ang tubig ay nasa palibot ko ; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin . At aking sinabi , Ako&#039;y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata ; Gayon ma&#039;y titingin ako uli sa iyong banal na templo . Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa ; Ang kalaliman ay nasa palibot ko ; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo . Ako&#039;y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok ; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man : Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay , Oh Panginoon kong Dios . Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko ; naaalaala ko ang Panginoon ; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo . Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan . Nguni&#039;t ako&#039;y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat ; Aking tutuparin yaong aking ipinanata . Kaligtasa&#039;y sa Panginoon . At ang Panginoon ay nagsalita sa isda , at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa . At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa , na nagsasabi , Bumangon ka , pumaroon ka sa Ninive , sa malaking bayang yaon , at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo . Sa gayo&#039;y bumangon si Jonas , at naparoon sa Ninive , ayon sa salita ng Panginoon . Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan , na tatlong araw na lakarin . At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala , at siya&#039;y sumigaw , at nagsasabi , Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak . At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios ; at sila&#039;y nangaghayag ng ayuno , at nangagsuot ng kayong magaspang , mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila . At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive , at siya&#039;y tumindig sa kaniyang luklukan , at hinubad niya ang kaniyang balabal , at nagbalot siya ng kayong magaspang , at naupo sa mga abo . At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao , na sinasabi , Huwag lumasa maging tao ni hayop man , bakahan ni kawan man , ng anomang bagay : huwag silang magsikain , ni magsiinom man ng tubig ; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang , ang tao at gayon din ang hayop , at magsidaing silang mainam sa Dios : oo , talikdan ng bawa&#039;t isa ang kaniyang masamang lakad , at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay . Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi , at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit , upang tayo&#039;y huwag mangamatay . At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa , na sila&#039;y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad ; at nagsisi ang Dios sa kasamaan , na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila ; at hindi niya ginawa . Nguni&#039;t naghinanakit na mainam si Jonas , at siya&#039;y nagalit . At siya&#039;y nanalangin sa Panginoon , at nagsabi , Ako&#039;y nakikipanayam sa iyo , Oh Panginoon , di baga ito ang aking sinabi , nang ako&#039;y nasa aking lupain pa ? Kaya&#039;t ako&#039;y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis ; sapagka&#039;t talastas ko na ikaw ay Dios na mapagbiyaya , at puspos ng kahabagan , banayad sa pagkagalit , at sagana sa kagandahang-loob , at nagsisisi ka sa kasamaan . Kaya nga , Oh Panginoon , isinasamo ko sa iyo , na kitlin mo ang aking buhay ; sapagka&#039;t mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay . At sinabi ng Panginoon , Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit ? Nang magkagayo&#039;y lumabas si Jonas sa bayan , at naupo sa dakong silanganan ng bayan , at doo&#039;y gumawa siya ng isang balag , at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim , hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan . At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon , at pinataas sa itaas ni Jonas , upang maging lilim sa kaniyang ulo , upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan . Sa gayo&#039;y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon . Nguni&#039;t naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon , na anopa&#039;t natuyo . At nangyari , nang sumikat ang araw , na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan ; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas , na anopa&#039;t siya&#039;y nanglupaypay , at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya&#039;y mamatay , at nagsasabi , Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay . At sinabi ng Dios kay Jonas , Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon ? At kaniyang sinabi , Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan . At sinabi ng Panginoon , Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man ; na sumampa sa isang gabi , at nawala sa isang gabi : At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive , sa malaking bayang yaon , na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay ; at marami ring hayop ? </passage></reply></GetPassage>