<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:33</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:33</urn><passage>Ang Salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita , nang mga kaarawan ni Jotham , ni Achaz , at ni Ezechias , na mga hari sa Juda , na nakakita ng tungkol sa Samaria at sa Jerusalem . Dinggin ninyong mga bayan , ninyong lahat ; dinggin mo , Oh lupa , at ng lahat na nasa iyo : at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo , ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo . Sapagka&#039;t , narito , ang Panginoo&#039;y lumalabas sa kaniyang dako , at bababa , at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa . At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya , at ang mga libis ay mauupos , na parang pagkit sa harap ng apoy , parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok . Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito , at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel , Ano ang pagsalangsang ng Jacob ? hindi baga ang Samaria ? at ano ang mga mataas na dako ng Juda ? di baga ang Jerusalem ? Kaya&#039;t gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang , at parang mga pananim sa ubasan ; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis , at aking ililitaw ang mga patibayan niyaon . At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin , at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy , at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira ; sapagka&#039;t sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan , at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi . Dahil dito tataghoy ako , at mananambitan ; ako&#039;y yayaong hinubdan at hubad ; ako&#039;y uungal na parang chakal , at mananangis na gaya ng mga avestruz . Sapagka&#039;t ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan ; sapagka&#039;t dumarating hanggang sa Juda ; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa , hanggang sa Jerusalem . Huwag ninyong saysayin sa Gath huwag kayong pakaiyak : sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok . Magdaan ka , Oh nananahan sa Saphir , sa kahubaran at kahihiyan : ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas ; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon . Sapagka&#039;t ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti , sapagka&#039;t ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem . Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo , Oh nananahan sa Lachis : siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion : sapagka&#039;t ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo . Kaya&#039;t ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa Moresethgath : ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel . Dadalhin ko pa sa iyo , Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo : ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam . Magpakakalbo ka , at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan : palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila ; sapagka&#039;t sila&#039;y nangapasa pagkabihag mula sa iyo . Sa aba nila na humahaka ng kasamaan , at nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan ! pagliliwanag sa umaga , ay kanilang isinasagawa , sapagka&#039;t nasa kapangyarihan ng kanilang kamay . At sila&#039;y nangagiimbot ng mga bukid , at kanilang inaangkin ; at ng mga bahay , at inaalis : at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan , ang tao , at ang kaniyang mana . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Narito , laban sa angkang ito ay humahaka ako ng isang kasamaan na doo&#039;y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg , ni makalalakad man ng kahambugan ; sapagka&#039;t isang masamang panahon . Sa araw na yaon ay magsisisambit sila ng talinhaga laban sa inyo , at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy , at mangagsasabi , Kami ay lubos na nasira : kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan ; ano&#039;t inilalayo niya sa akin ! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid . Kaya&#039;t mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon . Huwag kayong manganghuhula , ganito sila nanganghuhula . Hindi sila manganghuhula sa mga ito : ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi . Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob , Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit ? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa ? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid ? Nguni&#039;t kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway : inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma . Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay ; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man . Kayo&#039;y magsibangon , at magsiyaon ; sapagka&#039;t hindi ito ang inyong kapahingahan ; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga&#039;y sa mahigpit na paggiba . Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling , na nagsasabi , Ako&#039;y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin ; siya nga&#039;y magiging propeta sa bayang ito . Walang pagsalang aking pipisanin , Oh Jacob , ang lahat ng iyo ; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel : akin silang ilalagay na magkakasama na parang mga tupa sa Bosra , na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila ; sila&#039;y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao . Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan : sila&#039;y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan , at nagsilabas doon ; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila , at ang Panginoon sa unahan nila . At aking sinabi , Isinasamo ko sa inyo , na inyong dinggin , ninyong mga pangulo ng Jacob , at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel : hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran . Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan ; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila , at ng kanilang laman sa kanilang mga buto ; Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan , at lumalapnos ng kanilang balat , at bumabali ng kanilang mga buto , at kanilang pinagputolputol yaon , na wari&#039;y para sa palyok , at parang laman sa loob ng caldera . Kung magkagayo&#039;y magsisidaing sila sa Panginoon , nguni&#039;t hindi niya sasagutin sila ; oo , kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon , ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa . Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan ; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw , Kapayapaan ; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig , ay pinaghahandaan siya nila ng digma : Kaya&#039;t magiging gabi sa inyo , na hindi kayo magkakaroon ng pangitain ; at magkakaroon ng kadiliman , na hindi kayo makapanghuhula ; at ang araw ay lulubog sa mga propeta , at ang araw ay mangungulimlim sa kanila . At ang mga tagakita ay mangapapahiya , at ang mga manghuhula ay mangatutulig ; oo , silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi ; sapagka&#039;t walang kasagutan ng Dios . Nguni&#039;t sa ganang akin , ako&#039;y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon , at ng kahatulan , at ng kapangyarihan , upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang , at sa Israel ang kaniyang kasalanan . Dinggin ninyo ito , isinasamo ko sa inyo , ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob , at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel , na nangapopoot sa kahatulan , at nangagbabaluktot ng matuwid . Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo , at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan . Ang mga pangulo niya&#039;y nagsisihatol dahil sa suhol , at ang mga saserdote , niya&#039;y nangagtuturo dahil sa upa , at ang mga propeta niya&#039;y nanganghuhula dahil sa salapi : gayon ma&#039;y sila&#039;y sasandal sa Panginoon , at mangagsasabi , Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin ? walang kasamaang darating sa akin . Kaya&#039;t ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo , at ang Jerusalem ay magiging mga bunton , at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat . Nguni&#039;t sa mga huling araw ay mangyayari , na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok , at matataas sa mga burol ; at mga tao&#039;y paroroon sa kaniya . At maraming bansa&#039;y magsisiparoo&#039;t mangagsasabi , Magsiparito kayo , at tayo&#039;y magsiahon sa bundok ng Panginoon , at sa bahay ng Dios ni Jacob ; at siya&#039;y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan , at tayo&#039;y magsisilakad sa kaniyang mga landas . Sapagka&#039;t sa Sion ay lalabas ang kautusan , at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem ; At siya&#039;y hahatol sa gitna ng maraming bayan , at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo : at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud , at ang kanilang mga sibat upang maging karit ; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa , ni magaaral pa man ng pakikipagdigma . Kundi sila&#039;y uupo bawa&#039;t isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos ; at walang tatakot sa kanila : sapagka&#039;t sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo . Sapagka&#039;t ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa&#039;t isa sa pangalan ng kanikaniyang dios : at tayo&#039;y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man . Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , aking pipisanin siya na napipilay , at aking titipunin siya na natapon , at siya na aking pinagdalamhati ; At aking gagawin ang pilay na isang nalabi , at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa : at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan . At ikaw , oh moog ng kawan , na burol ng anak na babae ng Sion , ito sa iyo&#039;y darating , oo , ang dating kapangyarihan ay darating , ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem . Ngayo&#039;y bakit ka sumisigaw ng malakas ? Wala ka bagang hari , ang iyo bagang kasangguni ay namatay , upang ang mga paghihirap ay suma iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam ? Magdamdam ka , at magtiis ka ng hirap , Oh anak na babae ng Sion , na gaya ng babae sa pagdaramdam : sapagka&#039;t ngayo&#039;y lalabas ka sa bayan , at ikaw ay tatahan sa parang , at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia : doon ka maliligtas ; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway . At ngayo&#039;y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo , na nangagsasabi , Madumhan siya , at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion . Nguni&#039;t hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon , ni nauunawa man nila ang kaniyang payo ; sapagka&#039;t kaniyang pinisan sila na parang mga bigkis sa giikan . Ikaw ay bumangon , at gumiik , Oh anak na babae ng Sion ; sapagka&#039;t aking gagawing bakal ang iyong sungay , at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko ; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan : at iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon , at ang kanilang pag-aari ay sa Panginoon ng buong lupa . Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo , Oh anak na babae ng mga hukbo : siya&#039;y nangubkob laban sa atin ; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod . Nguni&#039;t ikaw , Beth-lehem Ephrata , na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda , mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel ; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una , mula nang walang hanggan . Kaya&#039;t kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak : kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel . At siya&#039;y titindig , at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon , sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios : at sila&#039;y mananatili ; sapagka&#039;t ngayon siya&#039;y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa . At ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin . Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain , at pagka siya&#039;y tutungtong sa ating mga palacio , tayo nga&#039;y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor , at walong pinakapangulong tao . At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria , at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon : at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria , pagka siya&#039;y pumasok sa ating lupain , at pagka siya&#039;y tumungtong sa loob ng ating hangganan . At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan , parang ulan sa damo , na hindi naghihintay sa tao , ni naghihintay man sa mga anak ng tao . At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa , sa gitna ng maraming bayan , na parang leon sa mga hayop sa gubat , na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa ; na kung siya&#039;y dumaraan ay yumayapak at lumalapa , at walang magligtas . Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway , at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway . At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo , at aking gigibain ang iyong mga karo : At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain , at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan : At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay ; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula : At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo ; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay ; At aking bubunutin ang iyong mga Asera mula sa gitna mo ; at aking sisirain ang iyong mga bayan . At ako&#039;y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig . Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon : Bumangon ka , makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok , at dinggin ng mga burol ang iyong tinig . Dinggin ninyo , Oh ninyong mga bundok , ang usap ng Panginoon , at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa ; sapagka&#039;t ang Panginoon ay may usap sa kaniyang bayan , at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel . Oh bayan ko , anong ginawa ko sa iyo ? at sa ano kita pinagod ? sumaksi ka laban sa akin . Sapagka&#039;t ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Egipto , at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin ; at aking sinugo sa unahan mo si Moises , si Aaron , at si Miriam . Oh bayan ko , alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab , at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor ; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal , upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon . Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon , at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios ? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin , na may guyang isang taon ang gulang ? Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa , o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis ? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang , ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa ? Kaniyang ipinakilala sa iyo , Oh tao , kung ano ang mabuti ; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo , kundi gumawa na may kaganapan , at ibigin ang kaawaan , at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios . Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan , at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan : dinggin ninyo ang tungkod , at ang naghalal niyaon . Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama , at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam ? Magiging malinis baga ako na may masamang timbangan , at sa marayang supot na panimbang ? Sapagka&#039;t ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas , at ang mga mananahan doo&#039;y nangagsalita ng mga kabulaanan , at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig . Kaya&#039;t sinugatan din naman kita ng mabigat na sugat ; ginawa kitang kasiraan dahil sa iyong mga kasalanan . Ikaw ay kakain , nguni&#039;t hindi ka mabubusog ; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo : at ikaw ay magtatabi , nguni&#039;t wala kang dadalhing maitatabi ; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak . Ikaw ay maghahasik , nguni&#039;t hindi ka magaani : ikaw ay magpipisa ng mga olibo , nguni&#039;t hindi ka magpapahid ng langis ; at ng ubas , nguni&#039;t hindi ka iinom ng alak . Sapagka&#039;t naiingatan ang mga palatuntunan ni Omri , at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni Achab , at kayo&#039;y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo ; upang gawin kitang kasiraan , at ang mga mananahan niya&#039;y kasutsutan : at inyong dadalhin ang kakutyaan ng aking bayan . Sa aba ko ! sapagka&#039;t ako&#039;y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit , gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan : walang kumpol na makain ; ako&#039;y nananabik sa unang bunga ng igos . Ang mabuting tao ay namatay sa lupa , at wala nang matuwid sa mga tao : silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo ; hinuhuli ng bawa&#039;t isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo . Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa ; ang prinsipe ay humihingi , at ang hukom ay maagap sa suhol ; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa : ganito nila nilalala . Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag ; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan : ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay , sa makatuwid baga&#039;y ang araw ng pagdalaw sa iyo , ay dumating ; ngayo&#039;y mangatitigilan sila . Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay ; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan ; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan . Sapagka&#039;t sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama , ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina , ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae ; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay . Nguni&#039;t sa ganang akin , ako&#039;y titingin sa Panginoon ; ako&#039;y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan : didinggin ako ng aking Dios . Huwag kang magalak laban sa akin , Oh aking kaaway : pagka ako&#039;y nabuwal , ako&#039;y babangon ; pagka ako&#039;y naupo sa kadiliman , ang Panginoo&#039;y magiging ilaw sa akin . Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon , sapagka&#039;t ako&#039;y nagkasala laban sa kaniya , hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap , at lapatan ako ng kahatulan : kaniyang ilalabas ako sa liwanag , at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran . Kung magkagayo&#039;y makikita ng aking kaaway , at kahihiyan ang tatakip sa kaniya , na nagsabi sa akin , Saan nandoon ang Panginoon mong Dios ? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya ; siya nga&#039;y yayapakan na parang putik sa mga lansangan . Kaarawan ng pagtatayo ng iyong mga kuta ! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya . Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto , at mula sa Egipto hanggang sa ilog , at mula sa dagat at dagat , at sa bundok at bundok . Gayon ma&#039;y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon , dahil sa bunga ng kanilang mga gawa . Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod , ang kawan na iyong mana , na tumatahang magisa , sa gubat sa gitna ng Carmelo : pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad , gaya ng mga araw nang una . Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan sila ng mga kagilagilalas na bagay . Makikita ng mga bansa , at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan ; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig , ang kanilang mga pakinig ay mabibingi . Sila&#039;y magsisihimod sa alabok na parang ahas ; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila&#039;y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan ; sila&#039;y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios , at mangatatakot dahil sa iyo . Sino ang Dios na gaya mo , na nagpapatawad ng kasamaan , at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana ? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man , sapagka&#039;t siya&#039;y nalulugod sa kagandahang-loob . Siya&#039;y muling magtataglay ng habag sa atin ; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan : at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat . Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob , at ang kagandahang-loob kay Abraham , na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una . </passage></reply></GetPassage>