<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:35</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:35</urn><passage>Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta . Oh Panginoon , hanggang kailan dadaing ako , at hindi mo didinggin ? Ako&#039;y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas , at hindi ka magliligtas . Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan , at iyong pinamamasdan ang kasamaan ? sapagka&#039;t ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko ; at may pakikipagalit , at pagtatalong bumabangon . Kaya&#039;t ang kautusan ay natitigil , at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man ; sapagka&#039;t kinukulong ng masama ang matuwid ; kaya&#039;t ang kahatulan ay lumalabas na liko . Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa , at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas ; sapagka&#039;t ako&#039;y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo . Sapagka&#039;t narito , aking itinitindig ang mga Caldeo , yaong makapangingilabot at marahas na bansa , na lumalakad sa kaluwangan ng lupa , upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila . Sila&#039;y kakilakilabot at nangakatatakot ; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili . Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo , at mababangis kay sa lobo sa gabi ; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan : oo , ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo ; sila&#039;y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal . Sila&#039;y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas ; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan ; at sila&#039;y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin . Oo , siya&#039;y nanunuya sa mga hari , at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya ; kaniyang kinukutya ang bawa&#039;t katibayan ; sapagka&#039;t nagbubunton siya ng alabok , at sinasakop . Kung magkagayo&#039;y lalampas siya na parang hangin , at magdaraan , at magiging salarin , sa makatuwid baga&#039;y siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios . Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan , Oh Panginoon kong Dios , aking Banal ? kami ay hindi mangamamatay . Oh Panginoon , iyong itinakda siya ukol sa kahatulan ; at ikaw , Oh Malaking Bato , ay iyong itinatag siya na pinakasaway . Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan , at hindi ka makatitingin sa kasamaan , bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo , at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya ; At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat , parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila ? Kaniyang binubuhat ng bingwit silang lahat , kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala , at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat : kaya&#039;t siya&#039;y nagagalak at siya&#039;y masaya . Kaya&#039;t siya&#039;y naghahain sa kaniyang lambat , at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat ; sapagka&#039;t sa pamamagitan ng mga yao&#039;y ang kaniyang bahagi ay mataba , at ang kaniyang pagkain ay sagana . Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat , at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa . Ako&#039;y tatayo sa aking bantayan , at lalagay ako sa moog , at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin , at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing . At ang Panginoon ay sumagot sa akin , at nagsabi , Isulat mo ang pangitain , at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon . Sapagka&#039;t ang pangitain ay sa panahong takda pa , at nagmamadali sa pagkatapos , at hindi magbubulaan : bagaman nagluluwat ay hintayin mo ; sapagka&#039;t walang pagsalang darating , hindi magtatagal . Narito , ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo , hindi tapat sa kaniya ; nguni&#039;t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya . Oo , bukod dito&#039;y ang alak ay magdaraya , isang taong hambog , at hindi natitira sa bahay ; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol , at siya&#039;y parang kamatayan , at hindi masisiyahan , kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa , at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan . Hindi baga ang lahat ng ito ay magbabadya ng talinhaga laban sa kaniya , at ng nakagagalit na kawikaan laban sa kaniya , at mangagsasabi , Sa aba niya na nagpaparami ng di kaniya ! hanggang kailan ? at nagpapasan siya sa kaniyang sarili ng mga sangla ! Hindi baga sila mangagtitindig , na bigla na kakagat sa iyo , at magsisigising na babagabag sa iyo , at ikaw ay magiging samsam sa kanila ? Dahil sa iyong sinamsaman ang maraming bansa , lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo , dahil sa dugo ng mga tao , at dahil sa karahasang ginawa sa lupain , sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon . Sa aba niya na nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan , upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas , upang siya&#039;y maligtas sa kamay ng kasamaan ! Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan , sa paghihiwalay ng maraming tao , at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili . Sapagka&#039;t ang bato ay dadaing mula sa pader , at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot . Sa aba niya na nagtatayo ng bayan sa pamamagitan ng dugo , at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan ! Narito , hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy , at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan ? Sapagka&#039;t ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon , gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat . Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa , na idinadagdag mo ang iyong kamandag , at nilalasing mo rin naman siya , upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran ! Ikaw ay puno ng kahihiyan , at hindi ng kaluwalhatian : uminom ka naman , at maging gaya ng isang hindi tuli ; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo , at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian . Sapagka&#039;t ang pangdadahas na ginawa sa Libano ay tatakip sa iyo , at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila ; dahil sa dugo ng mga tao , at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain , sa bayan , at sa lahat na nagsisitahan doon . Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao&#039;y inanyuan ng manggagawa niyaon ; ng binubong larawan , na tagapagturo ng mga kasinungalingan , na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya , na gumawa ng mga piping diosdiosan ? Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy , Gumising ka ; sa piping bato , Bumangon ka ! Magtuturo baga ito ? Narito , nababalot ng ginto at pilak , at walang hinga sa loob niyaon . Nguni&#039;t ang Panginoo&#039;y nasa kaniyang banal na templo : tumahimik ang buong lupa sa harap niya . Panalangin ni Habacuc na propeta , itinugma sa Sigionoth . Oh Panginoon , aking narinig ang kagitingan mo , at ako&#039;y natatakot : Oh Panginoon , buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon ; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid ; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan . Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema , At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran . ( Selah ) Ang kaniyang kaluwalhatia&#039;y tumakip sa langit . At ang lupa&#039;y napuno ng kaniyang kapurihan . At ang kaniyang ningning ay parang liwanag ; Siya&#039;y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay ; At doo&#039;y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan . Sa unahan niya&#039;y nagpapauna ang salot , At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa . Siya&#039;y tumayo , at sinukat ang lupa ; Siya&#039;y tumingin , at pinaghiwalay ang mga bansa ; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat ; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod ; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw . Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati ; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig . Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog ? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog , O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat , Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo , Sa iyong mga karo ng kaligasan ? Ang iyong busog ay nahubarang lubos ; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita . ( Selah ) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa . Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo , at nangatakot ; Ang unos ng tubig ay dumaan : Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig , At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas . Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan , Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila&#039;y nagsisiyaon , Sa kislap ng iyong makinang na sibat . Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit ; Iyong giniik ang mga bansa sa galit . Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan , Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis ; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama , Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg . ( Selah ) Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma : Sila&#039;y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako ; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha . Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo . Sa bunton ng makapangyarihang tubig . Aking narinig , at ang aking katawan ay nanginginig , Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig ; kabuluka&#039;y pumapasok sa aking mga buto , at ako&#039;y nanginginig sa aking dako ; Sapagka&#039;t ako&#039;y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan , Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin . Sapagka&#039;t bagama&#039;t ang puno ng igos ay hindi namumulaklak , Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas ; Ang bunga ng olibo ay maglilikat . At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain ; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan , At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan : Gayon ma&#039;y magagalak ako sa Panginoon , Ako&#039;y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan . Si Jehova , na Panginoon , siyang aking lakas ; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa . At ako&#039;y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako . Sa Pangulong Manunugtog , sa aking mga panugtog na kawad . </passage></reply></GetPassage>