<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:36</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:36</urn><passage>Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi , na anak ni Gedalias , na anak ni Amarias , na anak ni Ezechias , nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon , na hari sa Juda . Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa , sabi ng Panginoon . Aking lilipulin ang tao at ang hayop ; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid , at ang mga isda sa dagat , at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama ; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa , sabi ng Panginoon . At aking iuunat ang aking kamay sa Juda , at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito , at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote ; At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay ; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam ; At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon ; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon , ni sumangguni man sa kaniya . Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios ; sapagka&#039;t ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na : sapagka&#039;t inihanda ng Panginoon ang isang hain , kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin . At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon , na aking parurusahan ang mga prinsipe , at ang mga anak ng hari , at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa . At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat na nagsisilukso sa pasukan , na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya . At sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda , at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi , at malaking hugong na mula sa mga burol . Manambitan kayo , kayong mga nananahan sa Mactes ; sapagka&#039;t ang buong bayan ng Canaan ay nalansag ; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay . At mangyayari sa panahong yaon , na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan ; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak , na nangagsasabi sa kanilang puso , Ang Panginoo&#039;y hindi gagawa ng mabuti , ni gagawa man siya ng masama . At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam , at ang kanilang mga bahay ay kasiraan : oo , sila&#039;y mangagtatayo ng mga bahay , nguni&#039;t hindi nila titirahan ; at sila&#039;y mag-uubasan , nguni&#039;t hindi sila magsisiinom ng alak niyaon . Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na , malapit na at nagmamadaling mainam , sa makatuwid baga&#039;y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon ; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim . Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan , kaarawan ng kabagabagan at kahapisan , kaarawan ng kawakasan at kasiraan , kaarawan ng kadiliman at kalumbayan , kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman , Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan , laban sa mga bayang nakukutaan , at laban sa mataas na kuta . At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao , na sila&#039;y magsisilakad na parang mga bulag , sapagka&#039;t sila&#039;y nangagkasala laban sa Panginoon ; at ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok , at ang kanilang katawan ay parang dumi . Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon ; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho : sapagka&#039;t wawakasan niya , oo , isang kakilakilabot na wakas , nilang lahat na nagsisitahan sa lupain . Kayo&#039;y magpipisan , oo , magpipisan , Oh bansang walang kahihiyan ; Bago ang pasiya&#039;y lumabas , bago dumaang parang dayami ang kaarawan , bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon , bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon . Hanapin ninyo ang Panginoon , ninyong lahat na maamo sa lupa , na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan ; hanapin ninyo ang katuwiran , hanapin ninyo ang kaamuan : kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon . Sapagka&#039;t ang Gaza ay pababayaan , at ang Ascalon ay sa kasiraan ; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat , at ang Ecron ay mabubunot . Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat , bansa ng mga Chereteo ! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo , Oh Canaan , na lupain ng mga Filisteo ; aking gigibain ka , upang mawalan ng mga mananahan . At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan , na may mga dampa para sa mga pastor , at mga kulungan para sa mga kawan . At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda ; sila&#039;y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon ; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi ; sapagka&#039;t dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios , at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag . Aking narinig ang panunungayaw ng Moab , at ang pagapi ng mga anak ni Ammon , na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan , at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan . Buhay nga ako , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ng Dios ng Israel , Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma , at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra , pag-aari na mga dawag , at lubak na asin , at isang pagkasira sa tanang panahon : sila&#039;y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan , at sila&#039;y mamanahin ng nalabi sa aking bansa . Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo , sapagka&#039;t sila&#039;y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo . Ang Panginoo&#039;y magiging kakilakilabot sa kanila ; sapagka&#039;t kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa ; at sasambahin siya ng mga tao ; ng bawa&#039;t isa mula sa kanikaniyang dako , ng lahat na pulo ng mga bansa . Kayong mga taga Etiopia naman , kayo&#039;y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak . At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan , at gigibain ang Asiria , at ang Nineve ay sisirain , at tutuyuing gaya ng ilang . At mga bakaha&#039;y hihiga sa gitna niyaon , lahat ng hayop ng mga bansa : ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon ; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan ; kasiraa&#039;y sasapit sa mga pasukan ; sapagka&#039;t kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro . Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala , na nagsasabi sa sarili , Ako nga , at walang iba liban sa akin : ano&#039;t siya&#039;y naging sira , naging dakong higaan para sa mga hayop ! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot , at ikukumpas ang kaniyang kamay . Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan ! ng mapagpighating kamay ! Siya&#039;y hindi sumunod sa tinig ; siya&#039;y hindi napasaway ; siya&#039;y hindi tumiwala sa Panginoon ; siya&#039;y hindi lumapit sa kaniyang Dios . Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal ; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi ; sila&#039;y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan . Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil ; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario , sila&#039;y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan . Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid ; siya&#039;y hindi gagawa ng kasamaan ; tuwing umaga&#039;y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan , siya&#039;y hindi nagkukulang ; nguni&#039;t ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan . Ako&#039;y naghiwalay ng mga bansa ; ang kanilang mga kuta ay sira ; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan , na anopa&#039;t walang makaraan ; ang kanilang mga bayan ay giba , na anopa&#039;t walang tao , na anopa&#039;t walang tumatahan . Aking sinabi , Matakot ka lamang sa akin ; tumanggap ng pagsaway ; sa gayo&#039;y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay , ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya : nguni&#039;t sila&#039;y bumangong maaga , at kanilang sinira ang lahat nilang gawa . Kaya&#039;t hintayin ninyo ako , sabi ng Panginoon , hanggang sa kaarawan na ako&#039;y bumangon sa panghuhuli ; sapagka&#039;t ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa , upang aking mapisan ang mga kaharian , upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan , sa makatuwid baga&#039;y ang aking buong mabangis na galit ; sapagka&#039;t ang buong lupa ay sasakmalin , ng silakbo ng aking paninibugho . Sapagka&#039;t akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika , upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon ; na paglingkuran siya na may pagkakaisa . Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia , ang mga nagsisipamanhik sa akin , sa makatuwid baga&#039;y ang anak na babae ng aking pinapangalat , ay magdadala ng handog sa akin . Sa araw na yao&#039;y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa , na iyong isinalangsang laban sa akin ; sapagka&#039;t kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya , at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok . Nguni&#039;t aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan , at sila&#039;y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon . Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan , ni magsasalita man ng mga kabulaanan ; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig ; sapagka&#039;t sila&#039;y magsisikain at magsisihiga , at walang takot sa kanila . Umawit ka , Oh anak na babae ng Sion ; humiyaw ka ; Oh Israel ; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso , Oh anak na babae ng Jerusalem . Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo , kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway : ang hari sa Israel , sa makatuwid baga&#039;y ang Panginoon , ay nasa gitna mo ; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan . Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem ; Huwag kang matakot ; Oh Sion , huwag manghina ang iyong mga kamay . Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo , na makapangyarihan na magliligtas ; siya&#039;y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan ; siya&#039;y magpapahinga sa kaniyang pagibig ; siya&#039;y magagalak sa iyo na may pagawit . Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan , na sila&#039;y mga naging iyo ; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan . Narito , sa panahong yao&#039;y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo : at aking ililigtas ang napipilay , at aking pipisanin ang pinalayas ; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan , na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa . Sa panahong yao&#039;y aking ipapasok kayo , at sa panahong yao&#039;y aking pipisanin kayo ; sapagka&#039;t aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa , pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon . </passage></reply></GetPassage>