<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:37</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:37</urn><passage>Nang ikalawang taon ni Dario na hari , nang ikaanim na buwan , nang unang araw ng buwan , dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel , na gobernador sa Juda , at kay Josue na anak ni Josadac na dakilang saserdote , na nagsasabi , Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo , na sinasabi , ang bayang ito&#039;y nagsasabi , Hindi pa dumarating ang panahon , ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon . Nang magkagayo&#039;y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta , na nagsasabi , Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay , samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak ? Ngayon nga&#039;y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Gunitain ninyo ang inyong mga lakad . Kayo&#039;y nangaghasik ng marami , at nagsisiani ng kaunti ; kayo&#039;y nagsisikain , nguni&#039;t hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan ; kayo&#039;y nagsisiinom , nguni&#039;t hindi kayo nangapapatirang-uhaw ; kayo&#039;y nangananamit , nguni&#039;t walang mainit ; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Gunitain ninyo ang inyong mga lakad . Magsiahon kayo sa bundok , at mangagdala ng kahoy , at mangagtayo kayo ng bahay ; at aking kalulugdan , at ako&#039;y luluwalhati , sabi ng Panginoon . Kayo&#039;y nangaghintay ng marami , at , narito , ang dumating ay kaunti ; at nang inyong dalhin sa bahay , aking hinipan . Bakit ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak , samantalang tumatakbo bawa&#039;t isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay . Kaya&#039;t dahil sa inyo , pinipigil ng langit ang hamog , at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga . At ako&#039;y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa , at sa mga bundok , at sa trigo , at sa alak , at sa langis , at sa sumisibol sa lupa , at sa mga tao , at sa baka , at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay . Nang magkagayo&#039;y si Zorobabel na anak ni Sealtiel , at si Josue na anak ni Josadac , na pangulong saserdote , sangpu ng buong nalabi sa bayan , nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios , at sa mga salita ni Hagai na propeta , na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios ; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon . Nang magkagayo&#039;y nagsalita si Hagai , na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan , na nagsasabi , Ako&#039;y sumasainyo , sabi ng Panginoon . At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel , na gobernador sa Juda , at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote , at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan ; at sila&#039;y nagsiparoon , at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo , na kanilang Dios , Nang ikadalawang pu&#039;t apat na araw ng buwan , nang buwang ikaanim , nang ikalawang taon ni Dario na hari . Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu&#039;t isang araw ng buwan , dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta , na nagsasabi , Salitain mo ngayon kay Zorobabel na anak ni Sealtiel , na gobernador sa Juda , at kay Josue na anak ni Josadac , na pangulong saserdote , at sa nalabi sa bayan , na sabihin mo , Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian ? at paanong nakikita ninyo ngayon ? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala ? Gayon ma&#039;y magpakalakas ka ngayon , Oh Zorobabel , sabi ng Panginoon ; at magpakalakas ka , Oh Josue , na anak ni Josadac , na pangulong saserdote ; at mangagpakalakas kayo , kayong buong bayan sa lupain , sabi ng Panginoon , at kayo&#039;y magsigawa : sapagka&#039;t ako&#039;y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ayon sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo&#039;y magsilabas sa Egipto , at ang aking Espiritu ay nanahan sa inyo : huwag kayong mangatakot . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Minsan na lamang , sangdaling panahon , at aking uugain ang langit , at ang lupa , at ang dagat , at ang tuyong lupa ; At aking uugain ang lahat na bansa ; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa ; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ang pilak ay akin , at ang ginto ay akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Nang ikadalawang pu&#039;t apat nang ikasiyam na buwan , nang ikalawang taon ni Dario , dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan , na mangagsabi , Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal na karne , at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay , o ulam , o alak , o langis , o anomang pagkain , magiging banal pa baga ? At ang mga saserdote ay nagsisagot , at nangagsabi , Hindi . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Hagai , Kung ang sinomang marumi dahil sa bangkay ay masagi ang anoman sa mga ito , magiging marumi baga ? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi , Magiging marumi . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Hagai , at nagsabi , Gayon nga ang bayang ito , at gayon ang bansang ito sa harap ko , sabi ng Panginoon ; at gayon ang bawa&#039;t gawa ng kanilang mga kamay ; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi . At ngayo&#039;y isinasamo ko sa inyo , na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan , bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon . Nang buong panahong yaon , pagka ang isa ay lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal , may sangpu lamang ; pagka ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan , may dalawang pu lamang . Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay ; gayon ma&#039;y hindi kayo nanumbalik sa akin , sabi ng Panginoon . Isinasamo ko nga sa inyo , na kayo&#039;y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan , mula nang ikadalawang pu&#039;t apat na araw ng ikasiyam na buwan , mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay , gunitain ninyo . May binhi pa baga sa kamalig ? oo , ang puno ng ubas , at ang puno ng igos , at ang granada , at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga ; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo . At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu&#039;t apat na araw ng buwan , na nagsasabi , Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda , na iyong sabihin , Aking uugain ang langit at ang lupa ; At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian , at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa ; at aking guguluhin ang mga karo , at yaong nagsisisakay sa mga yaon ; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog , ang bawa&#039;t isa&#039;y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid . Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , kita&#039;y kukunin , Oh Zorobabel , na aking lingkod , na anak ni Sealtiel , sabi ng Panginoon , at gagawin kitang pinaka panatak ; sapagka&#039;t pinili kita , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . </passage></reply></GetPassage>