<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:38</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:38</urn><passage>Nang ikawalong buwan , nang ikalawang taon ni Dario , dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias , na anak ni Iddo , na propeta , na nagsasabi , Ang Panginoo&#039;y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang . Kaya&#039;t sabihin mo sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Manumbalik kayo sa akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at ako&#039;y manunumbalik sa inyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang , na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta , na nangagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad , at sa inyong mga masamang gawain : nguni&#039;t hindi nila dininig , o pinakinggan man ako , sabi ng Panginoon . Ang inyong mga magulang , saan nangandoon sila ? at ang mga propeta , nangabubuhay baga sila ng magpakailan man ? Nguni&#039;t ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan , na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta , hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang ? at sila&#039;y nanumbalik at nangagsabi , Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin , ayon sa aming mga lakad , at ayon sa aming mga gawa , gayon ang ginawa niya sa amin . Nang ikadalawang pu&#039;t apat na araw ng ikalabing isang buwan , na siyang buwan ng Sebath , nang ikalawang taon ni Dario , dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias , na anak ni Berechias , na anak ni Iddo , na propeta , na nagsasabi , Aking nakita sa gabi , at , narito , ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo , at siya&#039;y tumayo sa mga puno ng mirto , na nasa pinakamababa ; at sa likuran niya&#039;y may mga kabayong mapula , alazan , at maputi . Nang magkagayo&#039;y sinabi , Oh Panginoon ko , ano ang mga ito ? At ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin , Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito . At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi , Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa . At sila&#039;y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto , at nagsabi , Aming nilibot ang lupa , at , narito , ang buong lupa ay tahimik , at tiwasay . Nang magkagayo&#039;y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi , Oh Panginoon ng mga hukbo , hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda , laban sa iyong mga kinagalitan nitong pitong pung taon ? At ang Panginoo&#039;y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita , ng mga salitang pangaliw . Sa gayo&#039;y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin . Ikaw ay humiyaw , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Ako&#039;y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho . At ako&#039;y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay ; sapagka&#039;t ako&#039;y naghinanakit ng kaunti , at sila&#039;y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian . Kaya&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon , Ako&#039;y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag ; ang aking bahay ay matatayo roon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem . Humiyaw ka pa uli , na iyong sabihin , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong ; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion , at pipiliin pa ang Jerusalem . At aking itinanaw ang aking mga mata , at aking nakita , at , narito , ang apat na sungay . At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin , Ano ang mga ito ? At siya&#039;y sumagot sa akin , Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda , sa Israel , at sa Jerusalem . At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito ? At siya&#039;y nagsalita na nagsabi , Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda , na anopa&#039;t walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo ; nguni&#039;t ang mga ito&#039;y naparito upang takutin sila , upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa , na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin . At aking itinanaw ang aking mga mata , at aking nakita at , narito , ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Saan ka paroroon ? At sinabi niya sa akin , Upang sukatin ang Jerusalem , upang tingnan kung gaano ang luwang , at kung gaano ang haba . At , narito , ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis , at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya , At sinabi sa kaniya , Tumakbo ka , iyong salitain sa binatang ito , na sabihin , Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na walang mga kuta , dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon . Sapagka&#039;t ako , sabi ng Panginoon , ay magiging sa kaniya&#039;y isang kutang apoy sa palibot , at ako&#039;y magiging kaluwalhatian sa gitna niya . Oy , oy , magsitakas kayo mula sa lupain ng hilagaan , sabi ng Panginoon ; sapagka&#039;t kayo&#039;y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid , sabi ng Panginoon . Oy Sion , tumanan ka , ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo : Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo ; sapagka&#039;t ang humihipo sa inyo , ay humihipo sa itim ng kaniyang mata . Sapagka&#039;t narito , aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila , at sila&#039;y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila ; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin . Ikaw ay umawit at magalak , Oh anak na babae ng Sion ; sapagka&#039;t narito , ako&#039;y naparirito , at ako&#039;y tatahan sa gitna mo , sabi ng Panginoon . At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon , at magiging aking bayan ; at ako&#039;y tatahan sa gitna mo , at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo . At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem . Tumahimik ang lahat na tao , sa harap ng Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y gumising na sa kaniyang banal na tahanan . At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon , at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway . At sinabi ng Panginoon kay Satanas , Sawayin ka nawa ng Panginoon , Oh Satanas ; oo , ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo : di baga ito&#039;y isang dupong na naagaw sa apoy ? Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan , at nakatayo sa harap ng anghel . At siya&#039;y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya , na nagsabi , Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya . At sa kaniya&#039;y kaniyang sinabi , Narito , aking pinaram ang iyong kasamaan , at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan . At aking sinabi , Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo . Sa gayo&#039;y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo , at sinuutan siya ng mga kasuutan ; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping . At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue , na nagsabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan , at kung iyong iingatan ang aking bilin , iyo nga ring hahatulan ang aking bayan , at iyo ring iingatan ang aking mga looban , at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap . Dinggin mo ngayon , Oh Josue , na pangulong saserdote , dinggin mo , at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga taong pinaka tanda : sapagka&#039;t narito , aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga . Sapagka&#039;t , narito , ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue ; sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata : narito , aking iuukit ang ukit niyaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw . Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , tatawagin ng bawa&#039;t isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas , at sa lilim ng puno ng igos . At ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik , at ginising ako , na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog . At sinabi niya sa akin , Ano ang iyong nakikita ? At aking sinabi , Ako&#039;y tumingin , at , narito , isang kandelero na taganas na ginto , na may taza sa ibabaw niyaon , at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw ; may pitong tubo sa bawa&#039;t isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon ; At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon , isa sa dakong kanan ng taza , at ang isa&#039;y sa dakong kaliwa niyaon . At ako&#039;y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin , na aking sinabi , Anong mga bagay ito , panginoon ko ? Nang magkagayo&#039;y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin , Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito ? At aking sinabi , Hindi , panginoon ko . Nang magkagayo&#039;y siya&#039;y sumagot at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel , na sinasabi , Hindi sa pamamagitan ng kalakasan , ni ng kapangyarihan , kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Sino ka , Oh malaking bundok ? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka ; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan , Biyaya , biyaya sa kaniya . Bukod dito&#039;y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito ; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos ; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo . Sapagka&#039;t sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay ? sapagka&#039;t ang pitong ito ay mangagagalak , at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel ; ang mga ito&#039;y mga mata ng Panginoon , na nangagpaparoo&#039;t parito sa buong lupa . Nang magkagayo&#039;y sumagot ako , at nagsabi sa kaniya , Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero , at sa dakong kaliwa ? At ako&#039;y sumagot na ikalawa , at nagsabi sa kaniya : Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan , na dinadaluyan ng langis na ginintuan ? At siya&#039;y sumagot sa akin , at nagsabi , Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito ? At aking sinabi , Hindi , panginoon ko . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya , Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis , na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa . Nang magkagayo&#039;y itinanaw ko uli ang aking mga mata , at aking nakita , at , narito , isang lumilipad na balumbon . At sinabi niya sa akin , Ano ang iyong nakikita ? At ako&#039;y sumagot , Aking nakikita&#039;y isang lumilipad na balumbon ; ang haba niyaon ay dalawang pung siko , at ang luwang niyaon ay sangpung siko . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa akin , Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain : sapagka&#039;t ang bawa&#039;t nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon ; at bawa&#039;t manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon . Aking ilalabas yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at papasok sa bahay ng magnanakaw , at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko ; at tatahan sa gitna ng bahay niya , at pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon . Nang magkagayo&#039;y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas , at nagsabi sa akin , itanaw mo ngayon ang iyong mga mata , at tingnan mo kung ano ito na lumalabas . At aking sinabi , Ano yaon ? At kaniyang sinabi , Ito ang efa na lumalabas . Sinabi niya bukod dito , Ito ang kawangis nila sa buong lupain . ( At , narito , itinaas ang isang talentong tingga ) ; at ito&#039;y isang babae na nauupo sa gitna ng efa . At kaniyang sinabi , Ito ang kasamaan ; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa : at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon . Nang magkagayo&#039;y itinanaw ko ang aking mga mata , at aking nakita at , narito , lumabas ang dalawang babae , at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak ; sila nga&#039;y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak : at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin , Saan dinadala ng mga ito ang efa ? At sinabi niya sa akin , Upang ipagtayo siya ng bahay sa lupain ng Shinar : at pagka nahanda na , siya&#039;y malalagay roon sa kaniyang sariling dako . At itinanaw ko uli ang aking mga mata , at aking nakita at , narito , lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok ; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso . Sa unang karo ay may mga kabayong mapula ; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim ; At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi ; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo . Nang magkagayo&#039;y ako&#039;y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin , Ano ang mga ito , panginoon ko ? At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin , Ito ang apat na hangin sa himpapawid , na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa . Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan ; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon ; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan . At ang mga malakas ay nagsilabas , at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa : at kaniyang sinabi , Kayo&#039;y magsiyaon at magparoo&#039;t parito sa buong lupa . Sa gayo&#039;y sila&#039;y nangagparoo&#039;t parito sa buong lupa . Nang magkagayo&#039;y hiniyawan niya ako , at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Narito , silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan . At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin , na nagsasabi , Kumuha ka sa nangabihag , kay Heldai , kay Tobias , at kay Jedaia ; at yumaon ka sa araw ding yaon , at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias , na nagsibalik mula sa Babilonia ; Oo , kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto , at gawin mong mga putong , at mga iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadac , na pangulong saserdote . At salitain mo sa kaniya , na sabihin , Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo , na nagsasabi , Narito , ang lalake na ang pangala&#039;y Sanga : at siya&#039;y sisibol sa kaniyang dako ; at itatayo niya ang templo ng Panginoon ; Sa makatuwid baga&#039;y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon ; at siya&#039;y magtataglay ng kaluwalhatian , at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan ; at siya&#039;y magiging saserdote sa kaniyang luklukan : at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa . At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem , at kay Tobias , at kay Jedaia , at kay Hen na anak ni Sefanias . At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon , at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo . At ito&#039;y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios . At nangyari , nang ikaapat na taon ng haring si Dario , na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan , sa makatuwid baga&#039;y sa Chislev . Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech , at ang kanilang mga lalake , upang hilingin ang lingap ng Panginoon , At upang magsalita sa mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo , at sa mga propeta , na sabihin , Iiyak baga ako sa ikalimang buwan , na ako&#039;y hihiwalay , gaya ng aking ginawa nitong maraming taon ? Nang magkagayo&#039;y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin , na nagsasabi , Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote , na iyong sabihin , Nang kayo&#039;y magayuno , at tumangis ng ikalima at ikapitong buwan , nito ngang pitong pung taon , kayo baga&#039;y nagayunong lubos sa akin , para sa akin ? At pagka kayo&#039;y nagsisikain , at pagka kayo&#039;y nagsisiinom , di baga kayo&#039;y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom , sa ganang inyong sarili ? Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta , nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan , at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya , at ang Timugan , at ang mababang lupain ay tinatahanan ? At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi , Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo , na nagsasabi , Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan , at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa&#039;t isa sa kaniyang kapatid , At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao , ni ang ulila man , ang taga ibang lupa , ni ang dukha man ; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid . Nguni&#039;t kanilang tinanggihang dinggin , at kanilang iniurong ang balikat , at nagtakip ng pakinig , upang huwag nilang marinig . Oo , kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan , at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu , ng mga unang propeta : kaya&#039;t dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo . At nangyari , na kung paanong siya&#039;y sumigaw , at hindi nila dininig , ay gayon sila sisigaw , at hindi ko didinggin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ; Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala . Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila , na anopa&#039;t walang tao na nagdadaan o nagbabalik : sapagka&#039;t kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain . At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ako&#039;y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho , at ako&#039;y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot . Ganito ang sabi ng Panginoon , Ako&#039;y nagbalik sa Sion , at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem : at ang Jerusalem ay tatawagin , Bayan ng katotohanan ; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo , Ang banal na bundok . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem , bawa&#039;t tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan . At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon , magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Narito , aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran ; At aking dadalhin sila , at sila&#039;y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem ; at sila&#039;y magiging aking bayan , at ako&#039;y magiging kanilang Dios , sa katotohanan at sa katuwiran . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Inyong palakasin ang inyong mga kamay , ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta , mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo , sa templo , upang matayo . Sapagka&#039;t bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao , ni anomang upa sa hayop ; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway : sapagka&#039;t aking inilagay ang lahat na tao na bawa&#039;t isa&#039;y laban sa kaniyang kapuwa . Nguni&#039;t ngayo&#039;y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Sapagka&#039;t magkakaroon ng binhi ng kapayapaan ; ang puno ng ubas ay magbubunga , at ang lupa&#039;y mapapakinabangan , at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog ; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito . At mangyayari , na kung paanong kayo&#039;y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa , Oh sangbahayan ni Juda , at sangbahayan ni Israel , gayon ko kayo ililigtas , at kayo&#039;y magiging isang kapalaran . Huwag kayong mangatakot , kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay . Sapagka&#039;t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama , nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at hindi ako nagsisi ; Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda : huwag kayong mangatakot . Ito ang mga bagay na inyong gagawin , Magsalita ang bawa&#039;t isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa ; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan ; At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa ; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa : sapagka&#039;t ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan , sabi ng Panginoon . At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin , na nagsasabi , Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Ang ayuno sa ikaapat na buwan , at ang ayuno sa ikalima , at ang ayuno sa ikapito , at ang ayuno sa ikasangpu , ay magiging sa sangbahayan , ni Juda&#039;y kagalakan at kaligayahan , at mga masayang kapistahan ; kaya&#039;t inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Mangyayari pa , na darating ang mga bansa , at ang nagsisitahan sa maraming bayan ; At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa , na magsasabi , Magsiparoon tayong madali , na ating hilingin ang lingap ng Panginoon , at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo ; ako man ay paroroon . Oo , maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem , at hilingin ang lingap ng Panginoon . Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sa mga araw na yao&#039;y mangyayari , na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan , sila nga&#039;y magsisitangan sa laylayan niya na Judio , na mangagsasabi , Kami ay magsisiyaong kasama mo , sapagka&#039;t aming narinig na ang Dios ay kasama mo . Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach , at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon , ( sapagka&#039;t ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon ) ; At gayon din sa Hamath , na kahangganan nito ; sa Tiro at Sidon , sapagka&#039;t sila&#039;y totoong pantas . At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan , at nagbunton ng pilak na parang alabok , at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan . Narito , aalisan siya ng Panginoon , at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya ; at siya&#039;y lalamunin ng apoy . Makikita ng Ascalon , at matatakot ; ng Gaza rin , at mamamanglaw na mainam , at ng Ecron , sapagka&#039;t ang kaniyang pagasa ay mapapahiya ; at ang hari ay mamamatay sa Gaza , at ang Ascalon ay hindi tatahanan . At isang anak sa ligaw ay tatahan sa Asdod , at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo . At aking aalisin ang kaniyang dugo sa kaniyang bibig , at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin ; at siya nama&#039;y maiiwan para sa ating Dios : at siya&#039;y magiging gaya ng pangulo sa Juda , at ang Ecron ay gaya ng Jebuseo . At ako&#039;y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo , na walang makadadaan ni makababalik ; at walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon : sapagka&#039;t ngayo&#039;y tumingin ako ng aking mga mata . Magalak kang mainam , Oh anak na babae ng Sion ; humiyaw ka , Oh anak na babae ng Jerusalem : narito , ang iyong hari ay naparirito sa iyo ; siya&#039;y ganap at may pagliligtas ; mapagmababa , at nakasakay sa isang asno , sa isang batang asno na anak ng asnong babae . At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim , at ang kabayo&#039;y mula sa Jerusalem ; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol ; at siya&#039;y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa : at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat , at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa . Tungkol sa iyo naman , dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig . Mangagbalik kayo sa katibayan , kayong mga bilanggo na may pag-asa , ngayo&#039;y aking inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa . Sapagka&#039;t aking binaluktot ang Juda para sa akin , aking inakmaan ang Ephraim ng busog ; at aking gigisingin ang iyong mga anak , Oh Sion , laban sa iyong mga anak , Oh Grecia , at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake . At ang Panginoo&#039;y makikita sa itaas nila ; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat ; at ang Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak , at yayaon na kasama ng mga ipoipo sa timugan . Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo ; at sila&#039;y mangananakmal , at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos ; at sila&#039;y magsisiinom , at mangagiingay na gaya ng sa alak ; at sila&#039;y mangapupunong parang mga taza , parang mga sulok ng dambana . At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan ; sapagka&#039;t magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa kaniyang lupain . Sapagka&#039;t pagkalaki ng kaniyang kabutihan , at pagkalaki ng kaniyang kagandahan ! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata , at ng bagong alak ang mga dalaga ; Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan , sa Panginoon na nagpapakidlat ; at kaniyang bibigyan sila ng ulan , at ang bawa&#039;t isa&#039;y ng damo sa parang . Sapagka&#039;t ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan , at ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan ; at sila&#039;y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip , sila&#039;y nagsisialiw ng walang kabuluhan : kaya&#039;t sila&#039;y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa , sila&#039;y nadadalamhati , sapagka&#039;t walang pastor . Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor , at aking parurusahan ang mga lalaking kambing ; sapagka&#039;t dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda , at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka . Sa kaniya lalabas ang batong panulok , sa kaniya ang pako , sa kaniya ang busog na pangbaka , sa kaniya ang bawa&#039;t pinuno na magkakasama . At sila&#039;y magiging parang mga makapangyarihang lalake , na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka ; at sila&#039;y magsisilaban , sapagka&#039;t ang Panginoon ay sumasakanila ; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig . At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda , at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose , at aking ibabalik sila uli ; sapagka&#039;t ako&#039;y naawa sa kanila ; at sila&#039;y magiging parang hindi ko itinakuwil : sapagka&#039;t ako ang Panginoon nilang Dios , at aking didinggin sila . At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake , at ang kanilang puso ay mangagagalak na gaya ng sa alak ; oo , ito&#039;y makikita ng kanilang mga anak , at mangagagalak : ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon . Aking susutsutan sila , at sila&#039;y pipisanin ; sapagka&#039;t aking tinubos sila ; at sila&#039;y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami . At aking pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa ; at aalalahanin nila ako sa mga malayong lupain ; at sila&#039;y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak , at magsisipagbalik . Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto , at pipisanin sila mula sa Asiria ; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano ; at walang dakong masusumpungan para sa kanila . At siya&#039;y magdadaan ng dagat ng kadalamhatian , at hahawiin ang mga alon sa dagat , at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo ; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak , at ang cetro ng Egipto ay mawawala . At aking palalakasin sila sa Panginoon ; at sila&#039;y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan , sabi ng Panginoon . Ibukas mo ang iyong mga pinto , Oh Libano , upang supukin ng apoy ang iyong mga cedro . Manambitan ka , Oh puno ng abeto , sapagka&#039;t ang cedro ay nabuwal , sapagka&#039;t ang mga mabuti ay nabuwal ; magsipanambitan kayo , Oh mga encina sa Basan , sapagka&#039;t ang matibay na gubat ay nasira . Ang isang hugong ng panambitan ng mga pastor ! sapagka&#039;t ang kanilang kaluwalhatian ay nasira ; ang isang hugong ng ungal ng mga batang leon ! sapagka&#039;t ang kapalaluan ng Jordan ay nasira . Ganito ang sabi ng Panginoon kong Dios , Pakanin mo ang kawan na papatayin ; Na mga pinapatay ng mga mayari , at hindi mga inaaring maysala ; at silang nangagbibili ng mga yaon ay nangagsasabi , Purihin ang Panginoon , sapagka&#039;t akoy mayaman ; at ang kanilang sariling mga pastor ay hindi nangaawa sa mga yaon . Sapagka&#039;t hindi na ako maaawa sa nagsisitahan sa lupain , sabi ng Panginoon ; kundi , narito , aking ibibigay ang bawa&#039;t isa ng mga tao sa kamay ng kaniyang kapuwa , at sa kamay ng kaniyang hari ; at kanilang ipapahamak ang lupain , at mula sa kanilang kamay ay di ko ililigtas sila . Sa gayo&#039;y aking pinapanginain ang kawan na papatayin , katotohanang kaawaawang kawan . At nagdala ako ng dalawang tungkod ; ang isa&#039;y tinawag kong Maganda , at ang isa&#039;y tinawag kong mga Panali ; at aking pinapanginain ang kawan . At aking inihiwalay ang tatlong pastor sa isang buwan ; sapagka&#039;t ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila , at sila&#039;y nayamot sa akin . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Hindi ko na papanginginainin kayo : ang namamatay , ay mamatay ; at ang nahihiwalay , ay mahiwalay ; at ang mangaiwan ay mangagkainan ng laman ng isa&#039;t isa . At hinawakan ko ang aking tungkod na Maganda , at aking binali , upang aking sirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa lahat ng mga bayan . At nasira nang araw na yaon ; at ganito nakilala ng kaawaawa sa kawan na nagmamasid sa akin na yao&#039;y salita ng Panginoon . At sinabi ko sa kanila ; Kung inaakala ninyong mabuti , bigyan ninyo ako ng aking kaupahan ; at kung hindi , inyong pabayaan . Sa gayo&#039;y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak . At sinabi ng Panginoon sa akin , Ihagis mo sa magpapalyok , ang mainam na halaga na aking inihalaga sa kanila . At aking kinuha ang tatlong pung putol na pilak , at inihagis ko sa magpapalyok sa bahay ng Panginoon . Nang magkagayo&#039;y binali ko ang aking isang tungkod , sa makatuwid baga&#039;y ang mga Panali , upang aking masira ang pagkakapatiran ng Juda at ng Israel . At sinabi sa akin ng Panginoon . Magdala ka pa uli ng mga kasangkapan ng isang mangmang na pastor . Sapagka&#039;t , narito , ako&#039;y magtitindig ng isang pastor sa lupain , na hindi dadalawin yaong nangahihiwalay , ni hahanapin man yaong nangaliligaw , ni pagagalingin man yaong mga pilay ; ni papanginginainin man yaong mga magaling kundi kaniyang kakanin ang laman ng mataba at lulurayin ang kanilang mga kuko . Sa aba ng walang kabuluhang pastor na nagpapabaya ng kawan ! ang tabak ay sasapit sa kaniyang kamay , at sa kaniyang kanang mata : ang kaniyang kamay ay matutuyong mainam , at ang kaniyang kanang mata ay lalabong lubos . Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel . Ganito ang sabi ng Panginoon , na naguunat ng langit , at naglalagay ng mga patibayan ng lupa , at naglalang ng diwa sa loob ng tao : Narito , aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot , at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem . At mangyayari sa araw na yaon , na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan ; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam ; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya . Sa araw na yaon , sabi ng Panginoon , aking tutuligin ang bawa&#039;t kabayo , at ang kaniyang sakay ng pagkaulol ; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda , at aking bubulagin ang bawa&#039;t kabayo ng mga bayan . At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili , Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios . Sa araw na yao&#039;y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis ; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot , sa kanan at sa kaliwa ; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako , sa makatuwid bagay sa Jerusalem . Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda , upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda . Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem , at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David ; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios , parang anghel ng Panginoon sa harap nila . At mangyayari sa araw na yaon , na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem . At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David , at ang mga mananahan sa Jerusalem , ng espiritu ng biyaya at ng daing ; at sila&#039;y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan : at kanilang tatangisan siya , na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak , at magiging kapanglawan sa kaniya , na parang kapanglawan sa kaniyang panganay . Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem , na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo . At ang lupain ay tatangis , bawa&#039;t angkan ay bukod ; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ; Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ; ang angkan ni Simei ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod ; Ang lahat na angkang nalabi , bawa&#039;t angkan ay bukod , at ang kanilang mga asawa ay bukod . Sa araw na yaon ay mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem , sa kasalanan , at sa karumihan . At mangyayari sa araw na yaon , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan , at sila&#039;y hindi na mangaaalaala pa ; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain . At mangyayari , na pagka ang sinoman ay manghuhula , sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya , Ikaw ay hindi mabubuhay ; sapagka&#039;t ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon ; at palalagpasan siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya&#039;y nanghuhula . At mangyayari sa araw na yaon na ang mga propeta ay mangahihiya bawa&#039;t isa dahil sa kaniyang pangitain , pagka siya&#039;y nanghuhula ; hindi man sila mangagsusuot ng kasuutang balahibo , upang mangdaya : Kundi kaniyang sasabihin , Ako&#039;y hindi propeta , ako&#039;y mangbubukid sa lupa ; sapagka&#039;t ako&#039;y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata . At sasabihin ng isa sa kaniya , Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig ? Kung magkagayo&#039;y siya&#039;y sasagot , Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan . Gumising ka , Oh tabak , laban sa pastor ko , at laban sa lalake na aking kasama , sabi ng Panginoon ng mga hukbo : saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat ; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit . At mangyayari , na sa buong lupain , sabi ng Panginoon , dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay ; nguni&#039;t ang ikatlo ay maiiwan . At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy , at sila&#039;y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay , at sila&#039;y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto . Sila&#039;y magsisitawag sa aking pangalan , at akin silang didinggin : aking sasabihin , Siya&#039;y bayan ko ; at kanilang sasabihin , Ang Panginoon ay aking Dios . Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating , na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo . Sapagka&#039;t aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka ; at ang bayan ay masasakop , at ang mga bahay ay lolooban , at ang mga babae ay dadahasin ; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag , at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan . Kung magkagayo&#039;y lalabas ang Panginoon , at makikipaglaban sa mga bansang yaon , gaya nang siya&#039;y makipaglaban sa araw ng pagbabaka . At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo , na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan ; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya , sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran , at magiging totoong malaking libis ; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan , at ang kalahati ay sa dakong timugan . At kayo&#039;y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok ; sapagka&#039;t ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel ; oo , kayo&#039;y magsisitakas gaya nang kayo&#039;y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda ; at ang Panginoon kong Dios ay darating , at ang lahat na banal na kasama niya . At mangyayari sa araw na yaon , na hindi magkakaroon ng liwanag ; at ang mga nagniningning ay uurong . Nguni&#039;t magiging isang araw na kilala sa Panginoon ; hindi araw , at hindi gabi ; nguni&#039;t mangyayari , na sa gabi ay magliliwanag . At mangyayari sa araw na yaon , na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem ; kalahati niyao&#039;y sa dakong dagat silanganan , at kalahati niyao&#039;y sa dakong dagat kalunuran : sa taginit at sa tagginaw mangyayari . At ang Panginoo&#039;y magiging Hari sa buong lupa : sa araw na yao&#039;y magiging ang Panginoon ay isa , at ang kaniyang pangalan ay isa . Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba , mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem ; at siya&#039;y matataas , at tatahan sa kaniyang dako , mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan , hanggang sa sulok na pintuang-bayan , at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari . At ang mga tao&#039;y magsisitahan doon , at hindi na magkakaroon pa ng sumpa ; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay . At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem : ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila&#039;y nangakatayo ng kanilang mga paa , at ang kanilang mga mata&#039;y mangatutunaw sa kanilang ukit , at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig . At mangyayari sa araw na yaon , na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon ; at hahawak ang bawa&#039;t isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa , at ang kamay niya&#039;y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa . At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem ; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan , ginto , at pilak , at kasuutan , na totoong sagana . At magiging gayon ang salot sa kabayo , sa mula , sa kamelyo , at sa asno , at sa lahat ng hayop na naroroon , sa mga kampamentong yaon , na gaya ng salot na ito . At mangyayari , na bawa&#039;t maiwan , sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari , sa Panginoon ng mga hukbo , at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag . At mangyayari , na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari , sa Panginoon ng mga hukbo , sila&#039;y mawawalan ng ulan . At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon , mawawalan din ng ulan sila , magkakaroon ng salot , na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag . Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto , at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag . Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo , KABANALAN SA PANGINOON ; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana . Oo , bawa&#039;t palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo ; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon , at magpapakulo roon : at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo . </passage></reply></GetPassage>