<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:39</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:39</urn><passage>Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias . Inibig ko kayo , sabi ng Panginoon . Gayon ma&#039;y inyong sinasabi , Sa ano mo kami inibig ? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob ? sabi ng Panginoon : gayon ma&#039;y inibig ko si Jacob ; Nguni&#039;t si Esau ay aking kinapootan , at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan , at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang . Yamang sabi ng Edom , Tayo&#039;y nangabagsak , nguni&#039;t mangagbabalik tayo , at ating itatayo ang mga wasak na dako ; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo , Sila&#039;y mangagtatayo , nguni&#039;t aking ibabagsak ; at tatawagin sila ng mga tao , Ang hangganan ng kasamaan , at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man . At makikita ng inyong mga mata , at inyong sasabihin , Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel . Iginagalang ng anak ang kaniyang ama , at ng alila ang kaniyang panginoon : kung ako nga&#039;y ama , saan nandoon ang aking dangal ? at kung ako&#039;y panginoon , saan nandoon ang takot sa akin ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo , Oh mga saserdote , na nagsisihamak ng aking pangalan . At inyong sinasabi , Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan ? Kayo&#039;y nangaghahandog ng karumaldumal na hain sa aking dambana . At inyong sinasabi , Sa ano namin nilapastangan ka ? Sa inyong sinasabi , ang dulang ng Panginoon ay hamak . At pagka kayo&#039;y nangaghahandog ng bulag na pinakahain , di kasamaan ! at pagka kayo&#039;y nangaghahandog ng pilay at may sakit , di kasamaan ! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala ; kalulugdan ka baga niya ? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo . At ngayo&#039;y isinasamo ko sa inyo , inyong dalanginin ang lingap ng Dios , upang pagbiyayaan niya tayo ; ito&#039;y nangyari sa inyong mga paraan : tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo ? sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto , upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan ! Hindi ko kayo kinalulugdan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay . Sapagka&#039;t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon , magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil ; at sa bawa&#039;t dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan , at ng dalisay na handog : sapagka&#039;t ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Nguni&#039;t inyong nilapastangan na inyong sinasabi , Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan , at ang laman niyaon , sa makatuwid baga&#039;y ang hain doon ay hamak . Inyong sinasabi rin naman , Narito , nakayayamot ! at inyong nginusuan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo ; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas , at ang pilay , at ang may sakit ; ganito ninyo dinadala ang handog : tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay ? sabi ng Panginoon . Nguni&#039;t sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake , at nananata , at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay ; sapagka&#039;t ako&#039;y dakilang Hari , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil . At ngayon , Oh kayong mga saserdote , ang utos na ito&#039;y sa inyo . Kung hindi ninyo didinggin , at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo , at aking susumpain ang inyong kapalaran ; oo , akin na silang sinumpa , sapagka&#039;t hindi ninyo inilagak sa inyong puso . Narito , aking sisirain ang inyong binhi , at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha , sa makatuwid baga&#039;y ng dumi ng inyong mga kapistahan ; at kayo&#039;y pawang ilalabas na kasama niyaon . At inyong malalaman na aking ipinasugo ang utos na ito sa inyo , upang ang aking tipan kay Levi ay manatili , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ang aking tipan ay buhay at kapayapaan sa kaniya ; at aking mga ibinigay sa kaniya upang siya&#039;y matakot ; at siya&#039;y natakot sa akin , at siya&#039;y nagpakababa sa aking pangalan . Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig , at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi : siya&#039;y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran , at inilayo sa kasamaan ang marami . Sapagka&#039;t ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman , at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig ; sapagka&#039;t siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo . Nguni&#039;t kayo&#039;y nagsilihis sa daan ; inyong itinisod ang marami sa kautusan ; inyong sinira ang tipan ni Levi , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Kaya&#039;t kayo&#039;y ginawa ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan , ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan , kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan . Wala baga tayong lahat na isang ama ? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin ? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa&#039;t isa laban sa kaniyang kapatid , na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang ? Ang Juda&#039;y gumawa ng paglililo , at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem ; sapagka&#039;t nilapastangan ng Juda ang santuario ng Panginoon , na kaniyang iniibig , at nagasawa sa anak na babae ng ibang dios . Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito , ang gumigising at ang sumasagot , mula sa mga tolda ng Jacob , at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo . At ito&#039;y muli ninyong ginagawa : inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha , ng tangis , at ng buntong hininga , na anopa&#039;t hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod . Gayon ma&#039;y inyong sinasabi , Bakit ? Sapagka&#039;t ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa asawa ng iyong kabataan , na ginawan mo ng paglililo , bagaman siya&#039;y iyong kasama , at siyang asawa ng iyong tipan . At di baga siya&#039;y gumawa ng isa , bagaman siya&#039;y may labis na Espiritu ? At bakit isa ? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios . Kaya&#039;t ingatan ninyo ang inyong kalooban , at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan . Sapagka&#039;t aking kinapopootan ang paghihiwalay , sabi ng Panginoon , ng Dios ng Israel , at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan , sabi ng Panginoon ng mga hukbo : kaya&#039;t ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo . Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita . Gayon ma&#039;y inyong sinasabi , Sa ano namin niyamot siya ? Na inyong sinasabi , Bawa&#039;t gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon , at kaniyang kinalulugdan sila ; o saan nandoon ang Dios ng kahatulan . Narito , aking sinusugo ang aking sugo , at siya&#039;y maghahanda , ng daan sa harap ko : at ang Panginoon na inyong hinahanap , ay biglang paroroon sa kaniyang templo ; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan , narito , siya&#039;y dumarating , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Nguni&#039;t sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito ? at sino ang tatayo pagka siya&#039;y pakikita ? sapagka&#039;t siya&#039;y parang apoy ng mangdadalisay , at parang sabon ng mga tagapagpaputi : At siya&#039;y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak , at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi , at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak ; at sila&#039;y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran . Kung magkagayo&#039;y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon , gaya ng mga araw nang una , at gaya ng mga taon nang una . At aking lalapitan kayo sa kahatulan ; at ako&#039;y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula , at laban sa mga mangangalunya , at laban sa mga sinungaling na manunumpa , at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan , sa babaing bao , at sa ulila , at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid , at hindi natatakot sa akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Sapagka&#039;t ako , ang Panginoon , ay hindi nababago , kaya&#039;t kayo , Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos . Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo&#039;y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin , at hindi ninyo tinalima . Manumbalik kayo sa akin , at ako&#039;y manunumbalik sa inyo , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Nguni&#039;t inyong sinasabi , Sa ano kami manunumbalik ? Nanakawan baga ng tao ang Dios ? gayon ma&#039;y ninanakaw ninyo ako . Nguni&#039;t inyong sinasabi , Sa ano ka namin ninakawan ? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog . Kayo&#039;y nangagsumpa ng sumpa sapagka&#039;t inyo akong ninakawan , sa makatuwid baga&#039;y nitong buong bansa . Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig , upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay , at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit , at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala , na walang sapat na silid na kalalagyan . At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo , at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa ; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad : sapagka&#039;t kayo&#039;y magiging maligayang lupain , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin , sabi ng Panginoon . Gayon ma&#039;y inyong sinasabi , Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo ? Inyong sinabi , Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios ; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin , at tayo&#039;y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo ? At ngayo&#039;y ating tinatawag ang palalo na mapalad , oo , silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo ; oo , kanilang tinutukso ang Dios , at tumatakas . Nang magkagayo&#039;y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan : at pinakinggan ng Panginoon , at dininig , at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya , para sa kanila na nangatakot sa Panginoon , at gumunita ng kaniyang pangalan . At sila&#039;y magiging akin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , sa araw na aking gawin , sa makatuwid baga&#039;y isang tanging kayamanan ; at akin silang kaaawaan , na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya . Kung magkagayo&#039;y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama , yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya . Sapagka&#039;t , narito , ang araw ay dumarating , na nagniningas na parang hurno ; at ang lahat na palalo , at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami , at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila , sabi ng Panginoon ng mga hukbo , na anopa&#039;t hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man . Nguni&#039;t sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak ; at kayo&#039;y magsisilabas , at magsisiluksong parang guya mula sa silungan . At inyong yayapakan ang masasama ; sapagka&#039;t sila&#039;y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin , sabi ng Panginoon ng mga hukbo . Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel , sa makatuwid baga&#039;y ang mga palatuntunan at mga kahatulan . Narito , aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon . At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak , at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang ; baka ako&#039;y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa . </passage></reply></GetPassage>