<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:40</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:40</urn><passage>Ang aklat ng lahi ni Jesucristo , na anak ni David , na anak ni Abraham . Naging anak ni Abraham si Isaac ; at naging anak ni Isaac si Jacob ; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid ; At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara ; at naging anak ni Fares si Esrom ; at naging anak ni Esrom si Aram ; At naging anak ni Aram si Aminadab ; at naging anak ni Aminadab si Naason ; at naging anak ni Naason si Salmon ; At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz ; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed ; at naging anak ni Obed si Jesse . At naging anak ni Jesse ang haring si David ; at naging anak ni David si Salomon , doon sa naging asawa ni Urias ; At naging anak ni Salomon si Reboam ; at naging anak ni Reboam si Abias ; at naging anak ni Abias si Asa ; At naging anak ni Asa si Josafat ; at naging anak ni Josafat si Joram ; at naging anak ni Joram si Ozias ; At naging anak ni Ozias si Joatam ; at naging anak ni Joatam si Acaz ; at naging anak ni Acaz si Ezequias ; At naging anak ni Ezequias si Manases ; at naging anak ni Manases si Amon ; at naging anak ni Amon si Josias ; At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid , nang panahon ng pagkadalang-bihag sa Babilonia . At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia , ay naging anak ni Jeconias si Salatiel ; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel ; At naging anak ni Zorobabel si Abiud ; at naging anak ni Abiud si Eliaquim ; at naging anak ni Eliaquim si Azor ; At naging anak ni Azor si Sadoc ; at naging anak ni Sadoc si Aquim ; at naging anak ni Aquim si Eliud ; At naging anak ni Eliud si Eleazar ; at naging anak ni Eleazar si Matan ; at naging anak ni Matan si Jacob ; At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria , na siyang nanganak kay Jesus , na siyang tinatawag na Cristo . Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi ; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali&#039;t-saling lahi ; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali&#039;t-saling lahi . Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito : Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose , bago sila magsama ay nasumpungang siya&#039;y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo . At si Jose na kaniyang asawa , palibhasa&#039;y lalaking matuwid , at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan , ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim . Datapuwa&#039;t samantalang pinagiisip niya ito , narito , ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip , na nagsasabi : Jose , anak ni David , huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa : sapagka&#039;t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo . At siya&#039;y manganganak ng isang lalake ; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya&#039;y JESUS ; sapagka&#039;t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan . At nangyari nga ang lahat ng ito , upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi , Narito , ang dalaga&#039;y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake , At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel ; na kung liliwanagin , ay sumasa atin ang Dios . At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog , at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon , at tinanggap ang kaniyang asawa ; At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake : at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS . Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes , narito , ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan , na nagsisipagsabi , Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio ? sapagka&#039;t aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan , at naparito kami upang siya&#039;y sambahin . Nang marinig ito ng haring si Herodes , ay nagulumihanan siya , at pati ng buong Jerusalem . At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan , ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo . At sinabi nila sa kaniya , sa Bet-lehem ng Judea : sapagka&#039;t ganito ang pagkasulat ng propeta , At ikaw Bet-lehem , na lupa ng Juda , Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda : Sapagka&#039;t mula sa iyo&#039;y lalabas ang isang gobernador , Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel . Nang magkagayo&#039;y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake , at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin . At pinayaon niya sila sa Bet-lehem , at sinabi , Kayo&#039;y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol ; at pagkasumpong ninyo sa kaniya , ay ipagbigay-alam ninyo sa akin , upang ako nama&#039;y makaparoon at siya&#039;y aking sambahin . At sila , pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad ; at narito , ang bituing kanilang nakita sa silanganan , ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol . At nang makita nila ang bituin , ay nangagalak sila ng di kawasang galak . At nagsipasok sila sa bahay , at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria ; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya ; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay , na ginto at kamangyan at mira . At palibhasa&#039;y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes , ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan . Nang mangakaalis nga sila , narito , ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip , na nagsasabi , Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina , at tumakas ka hanggang sa Egipto , at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo : sapagka&#039;t hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya&#039;y puksain . At siya&#039;y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan , at napasa Egipto ; At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes : upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi , Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak . Nang magkagayon , nang mapansin ni Herodes na siya&#039;y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake , ay nagalit na mainam , at nagutos , at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem , at sa buong palibotlibot noon , mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa , alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake . Nang magkagayo&#039;y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias , na nagsasabi , Isang tinig ay narinig sa Rama , Pananangis at kalagimlagim na iyak , Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak ; At ayaw na siyang maaliw , sapagka&#039;t sila&#039;y wala na . Nguni&#039;t pagkamatay ni Herodes , narito , ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto , na nagsasabi , Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina , at pumatungo ka sa lupain ng Israel : sapagka&#039;t nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol . At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina , at pumatungo sa lupa ng Israel . Datapuwa&#039;t nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes , ay natakot siyang pumatungo roon ; at palibhasa&#039;y pinagsabihan ng Dios sa panaginip , ay napatungo siya sa mga sakop ng Galilea , At siya&#039;y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret ; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta , na siya&#039;y tatawaging Nazareno . At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista , na nangangaral sa ilang ng Judea , na nagsasabi , Mangagsisi kayo ; sapagka&#039;t malapit na ang kaharian ng langit . Sapagka&#039;t ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias , na nagsasabi , Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang , Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon , Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas . Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo , at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang ; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan . Nang magkagayo&#039;y nilabas siya ng Jerusalem , at ng buong Judea , at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan ; At sila&#039;y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan , na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan . Datapuwa&#039;t nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo , ay sinabi niya sa kanila , Kayong lahi ng mga ulupong , sino ang sa inyo&#039;y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating ? Kayo nga&#039;y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi : At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili , Si Abraham ang aming ama ; sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito . At ngayon pa&#039;y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy : ang bawa&#039;t punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy . Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi : datapuwa&#039;t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin , na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak : siya ang sa inyo&#039;y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy : Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay , at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan ; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan , datapuwa&#039;t ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan , upang siya&#039;y bautismuhan niya . Datapuwa&#039;t ibig siyang sansalain ni Juan , na nagsasabi , Kinakailangan ko na ako&#039;y iyong bautismuhan , at ikaw ang naparirito sa akin ? Nguni&#039;t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya , Payagan mo ngayon : sapagka&#039;t ganyan ang nararapat sa atin , ang pagganap ng buong katuwiran . Nang magkagayo&#039;y pinayagan niya siya . At nang mabautismuhan si Jesus , pagdaka&#039;y umahon sa tubig : at narito , nangabuksan sa kaniya ang mga langit , at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati , at lumalapag sa kaniya ; At narito , ang isang tinig na mula sa mga langit , na nagsasabi , Ito ang sinisinta kong Anak , na siya kong lubos na kinalulugdan . Nang magkagayo&#039;y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya&#039;y tuksuhin ng diablo . At nang siya&#039;y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi , sa wakas ay nagutom siya . At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya , Kung ikaw ang Anak ng Dios , ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot , at sinabi , Nasusulat , Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao , kundi sa bawa&#039;t salitang lumalabas sa bibig ng Dios . Nang magkagayo&#039;y dinala siya ng diablo sa bayang banal ; at inilagay siya sa taluktok ng templo , At sa kaniya&#039;y sinabi , Kung ikaw ang Anak ng Dios , ay magpatihulog ka : sapagka&#039;t nasusulat , Siya&#039;y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo : at , Aalalayan ka ng kanilang mga kamay , Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Nasusulat din naman , Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios . Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas , at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan , at ang kaluwalhatian nila ; At sinabi niya sa kaniya , Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo , kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako . Nang magkagayo&#039;y sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka , Satanas : sapagka&#039;t nasusulat , Sa Panginoon mong Dios sasamba ka , at siya lamang ang iyong paglilingkuran . Nang magkagayo&#039;y iniwan siya ng diablo ; at narito , nagsidating ang mga anghel at siya&#039;y pinaglingkuran . Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip , ay umuwi siya sa Galilea ; At pagkaiwan sa Nazaret , ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum , na nasa tabi ng dagat , sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali : Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi , Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali , Sa gawing dagat , sa dako pa roon ng Jordan , Galilea ng mga Gentil , Ang bayang nalulugmok sa kadiliman , ay Nakakita ng dakilang ilaw , At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan , ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw . Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus , at magsabi , Mangagsisi kayo ; sapagka&#039;t malapit na ang kaharian ng langit . At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea ; ay nakita niya ang dalawang magkapatid , si Simon na tinatawag na Pedro , at si Andres na kaniyang kapatid , na inihuhulog ang isang lambat sa dagat ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga mamamalakaya . At sinabi niya sa kanila , Magsisunod kayo sa hulihan ko , at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao . At pagdaka&#039;y iniwan nila ang mga lambat , at nagsisunod sa kaniya . At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid , si Santiago na anak ni Zebedeo , at ang kaniyang kapatid na si Juan , sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama , na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat ; at sila&#039;y kaniyang tinawag . At pagdaka&#039;y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama , at nagsisunod sa kaniya . At nilibot ni Jesus ang buong Galilea , na nagtuturo sa mga sinagoga nila , at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian , at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao . At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria : at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman , at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap , at ang mga inaalihan ng mga demonio , at ang mga himatayin , at ang mga lumpo : at sila&#039;y pinagagaling niya . At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan . At pagkakita sa mga karamihan , ay umahon siya sa bundok : at pagkaupo niya , ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad : At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila , na sinasabi , Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob : sapagka&#039;t kanila ang kaharian ng langit . Mapapalad ang nangahahapis : sapagka&#039;t sila&#039;y aaliwin . Mapapalad ang maaamo : sapagka&#039;t mamanahin nila ang lupa . Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran : sapagka&#039;t sila&#039;y bubusugin . Mapapalad ang mga mahabagin : sapagka&#039;t sila&#039;y kahahabagan . Mapapalad ang mga may malinis na puso : sapagka&#039;t makikita nila ang Dios . Mapapalad ang mga mapagpayapa : sapagka&#039;t sila&#039;y tatawaging mga anak ng Dios . Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran : sapagka&#039;t kanila ang kaharian ng langit . Mapapalad kayo pagka kayo&#039;y inaalimura , at kayo&#039;y pinaguusig , at kayo&#039;y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan , dahil sa akin . Mangagalak kayo , at mangagsayang totoo : sapagka&#039;t malaki ang ganti sa inyo sa langit : sapagka&#039;t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo . Kayo ang asin ng lupa : nguni&#039;t kung ang asin ay tumabang , ay ano ang ipagpapaalat ? wala nang ano pa mang kabuluhan , kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao . Kayo ang ilaw ng sanglibutan . Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago . Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan , at inilalagay sa ilalim ng isang takalan , kundi sa talagang lalagyan ng ilaw ; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay . Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao ; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa , at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit . Huwag ninyong isiping ako&#039;y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta : ako&#039;y naparito hindi upang sirain , kundi upang ganapin . Sapagka&#039;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa , ang isang tuldok o isang kudlit , sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan , hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay . Kaya&#039;t ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito , at ituro ang gayon sa mga tao , ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit : datapuwa&#039;t ang sinomang gumanap at ituro , ito&#039;y tatawaging dakila sa kaharian ng langit . Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo , sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit . Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una , Huwag kang papatay ; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na ang bawa&#039;t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan ; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid , Raca , ay mapapasa panganib sa Sanedrin ; at ang sinomang magsabi , Ulol ka , ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy . Kaya&#039;t kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana , at doo&#039;y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo , Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo , at yumaon ka ng iyong lakad , makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid , at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain . Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit , samantalang ikaw ay kasama niya sa daan ; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom , at ibigay ka ng hukom sa punong kawal , at ipasok ka sa bilangguan . Katotohanang sinasabi ko sa iyo , Hindi ka aalis doon sa anomang paraan , hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles . Narinig ninyong sinabi , Huwag kang mangangalunya : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na ang bawa&#039;t tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala , na ng pangangalunya sa kaniyang puso . At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo , ay dukitin mo , at iyong itapon : sapagka&#039;t may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan , at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno . At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo , at iyong itapon : sapagka&#039;t may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan , at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno . Sinabi rin naman , Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa , ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa , liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil , ay siya ang sa kaniya&#039;y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya : at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya . Bukod sa rito&#039;y inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una , Huwag kang manunumpa ng di katotohanan , kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , Huwag ninyong ipanumpa ang anoman ; kahit ang langit , sapagka&#039;t siyang luklukan ng Dios ; Kahit ang lupa , sapagka&#039;t siyang tungtungan ng kaniyang mga paa ; kahit ang Jerusalem , sapagka&#039;t siyang bayan ng dakilang Hari . Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa , sapagka&#039;t hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim . Datapuwa&#039;t ang magiging pananalita ninyo&#039;y , Oo , oo ; Hindi , hindi ; sapagka&#039;t ang humigit pa rito ay buhat sa masama . Narinig ninyong sinabi , Mata sa mata , at ngipin sa ngipin : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong makilaban sa masamang tao : kundi sa sinomang sa iyo&#039;y sumampal sa kanan mong pisngi , iharap mo naman sa kaniya ang kabila . At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal , at kunin sa iyo ang iyong tunika , ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal . At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya , ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya . Bigyan mo ang sa iyo&#039;y humihingi , at huwag mong talikdan ang sa iyo&#039;y nangungutang . Narinig ninyong sinabi , Iibigin mo ang iyong kapuwa , at kapopootan mo ang iyong kaaway : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway , at idalangin ninyo ang sa inyo&#039;y nagsisiusig ; Upang kayo&#039;y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit : sapagka&#039;t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti , at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap . Sapagka&#039;t kung kayo&#039;y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo , ano ang ganti na inyong kakamtin ? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis ? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin , ano ang kalabisan ng inyong ginagawa ? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil ? Kayo nga&#039;y mangagpakasakdal , na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal . Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao , upang kanilang makita : sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit . Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos , ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo , na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan , upang sila&#039;y mangagkapuri sa mga tao . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Tinanggap na nila ang sa kanila&#039;y ganti . Datapuwa&#039;t pagka ikaw ay naglilimos , ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay : Upang ang iyong paglilimos ay malihim : at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka . At pagka kayo ay nagsisidalangin , ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw : sapagka&#039;t iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan , upang sila&#039;y mangakita ng mga tao . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Tinanggap na nila ang sa kanila&#039;y ganti . Datapuwa&#039;t ikaw , pagka ikaw ay mananalangin , pumasok ka sa iyong silid , at kung mailapat mo na ang iyong pinto , ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim , at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka . At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit , na gaya ng ginagawa ng mga Gentil : sapagka&#039;t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila . Huwag nga kayong magsigaya sa kanila : sapagka&#039;t talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan , bago ninyo hingin sa kaniya . Magsidalangin nga kayo ng ganito : Ama namin na nasa langit ka , Sambahin nawa ang pangalan mo . Dumating nawa ang kaharian mo . Gawin nawa ang iyong kalooban , kung paano sa langit , gayon din naman sa lupa . Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw . At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang , gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin . At huwag mo kaming ihatid sa tukso , kundi iligtas mo kami sa masama . Sapagka&#039;t iyo ang kaharian , at ang kapangyarihan , at ang kaluwalhatian , magpakailan man . Siya nawa . Sapagka&#039;t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan , ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan . Datapuwa&#039;t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan , ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan . Bukod dito , pagka kayo&#039;y nangagaayuno , ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw , na may mapapanglaw na mukha : sapagka&#039;t kanilang pinasasama ang mga mukha nila , upang makita ng mga tao na sila&#039;y nangagaayuno . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Tinanggap na nila ang sa kanila&#039;y ganti . Datapuwa&#039;t ikaw , sa pagaayuno mo , ay langisan mo ang iyong ulo , at hilamusan mo ang iyong mukha ; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno , kundi ng Ama mo na nasa lihim : at ang Ama mo , na nakakikita sa lihim , ay gagantihin ka . Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa , na dito&#039;y sumisira ang tanga at ang kalawang , at dito&#039;y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw : Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit , na doo&#039;y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang , at doo&#039;y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw : Sapagka&#039;t kung saan naroon ang iyong kayamanan , doon naman doroon ang iyong puso . Ang ilawan ng katawan ay ang mata : kung tapat nga ang iyong mata , ang buong katawan mo&#039;y mapupuspos ng liwanag . Datapuwa&#039;t kung masama ang iyong mata , ang buong katawan mo&#039;y mapupuspos ng kadiliman . Kaya&#039;t kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman , gaano kaya kalaki ang kadiliman ! Sinoma&#039;y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon : sapagka&#039;t kapopootan niya ang isa , at iibigin ang ikalawa : o kaya&#039;y magtatapat siya sa isa , at pawawalang halaga ang ikalawa . Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan . Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay , kung ano baga ang inyong kakanin , o kung ano ang inyong iinumin ; kahit ang sa inyong katawan , kung ano ang inyong daramtin . Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain , at ang katawan kay sa pananamit ? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit , na hindi sila nangaghahasik , ni nagsisigapas , ni nangagtitipon man sa mga bangan ; at sila&#039;y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan . Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila ? At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay ? At tungkol sa pananamit , bakit kayo nangababalisa ? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang , kung paanong nagsisilaki ; hindi nangagpapagal , ni nangagsusulid man : Gayon ma&#039;y sinasabi ko sa inyo , na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito . Nguni&#039;t kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang , na ngayon ay buhay , at sa kinabukasa&#039;y iginagatong sa kalan , hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya , Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya ? Kaya huwag kayong mangabalisa , na mangagsabi , Ano ang aming kakanin ? o , Ano ang aming iinumin ? o , Ano ang aming daramtin ? Sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil ; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito . Datapuwa&#039;t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian , at ang kaniyang katuwiran ; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo . Kaya&#039;t huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas : sapagka&#039;t ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili . Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan . Huwag kayong magsihatol , upang huwag kayong hatulan . Sapagka&#039;t sa hatol na inyong ihahatol , ay hahatulan kayo : at sa panukat na inyong isusukat , ay susukatin kayo . At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid , nguni&#039;t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata ? O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid , Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo ; at narito , ang tahilan sa iyong sariling mata ? Ikaw na mapagpaimbabaw , alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata ; at kung magkagayo&#039;y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid . Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal , ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy , baka yurakan ng kanilang mga paa , at mangagbalik at kayo&#039;y lapain . Magsihingi kayo , at kayo&#039;y bibigyan ; magsihanap kayo , at kayo&#039;y mangakasusumpong ; magsituktok kayo , at kayo&#039;y bubuksan : Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t humihingi ay tumatanggap ; at ang humahanap ay nakasusumpong ; at ang tumutuktok ay binubuksan . O anong tao sa inyo , ang kung siya&#039;y hingan ng tinapay ng kaniyang anak , ay bato ang ibibigay ; O kung hingan siya ng isda , ay bibigyan niya ng ahas ? Kung kayo nga , bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak , gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya ? Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo&#039;y gawin ng mga tao , gawin naman ninyo ang gayon sa kanila : sapagka&#039;t ito ang sa kautusan at ang mga propeta . Kayo&#039;y magsipasok sa makipot na pintuan : sapagka&#039;t maluwang ang pintuan , at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak , at marami ang doo&#039;y nagsisipasok . Sapagka&#039;t makipot ang pintuan , at makitid ang daang patungo sa buhay , at kakaunti ang nangakakasumpong noon . Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta , na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa , datapuwa&#039;t sa loob ay mga lobong maninila . Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila . Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan , o ng mga igos sa mga dawagan ? Gayon din naman ang bawa&#039;t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti ; datapuwa&#039;t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama . Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama , at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti . Bawa&#039;t punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol , at inihahagis sa apoy . Kaya&#039;t sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila . Hindi ang bawa&#039;t nagsasabi sa akin , Panginoon , Panginoon , ay papasok sa kaharian ng langit ; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit . Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon , Panginoon , Panginoon , hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan , at sa pangalan mo&#039;y nangagpalayas kami ng mga demonio , at sa pangalan mo&#039;y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan ? At kung magkagayo&#039;y ipahahayag ko sa kanila , Kailan ma&#039;y hindi ko kayo nangakilala : magsilayo kayo sa akin , kayong manggagawa ng katampalasanan . Kaya&#039;t ang bawa&#039;t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap , ay matutulad sa isang taong matalino , na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato : At lumagpak ang ulan , at bumaha , at humihip ang mga hangin , at hinampas ang bahay na yaon ; at hindi nabagsak : sapagka&#039;t natatayo sa ibabaw ng bato . At ang bawa&#039;t dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap , ay matutulad sa isang taong mangmang , na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan : At lumagpak ang ulan , at bumaha , at humihip ang mga hangin , at hinampas ang bahay na yaon ; at nabagsak : at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak . At nangyari , na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito , ay nangatilihan ang mga karamihan sa kaniyang aral : Sapagka&#039;t sila&#039;y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan , at hindi gaya ng kanilang mga eskriba . At nang siya&#039;y bumaba mula sa bundok , ay sinundan siya ng lubhang maraming tao . At narito , lumapit sa kaniya ang isang ketongin , at siya&#039;y sinamba , na nagsasabi , Panginoon , kung ibig mo , ay maaaring malinis mo ako . At iniunat niya ang kaniyang kamay , at siya&#039;y hinipo , na nagsasabi , Ibig ko ; luminis ka . At pagdaka&#039;y nalinis ang kaniyang ketong . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Ingatan mong huwag sabihin kanino man ; kundi humayo ka , pakita ka sa saserdote , at ihandog mo ang alay na ipinagutos ni Moises , na bilang patotoo sa kanila . At pagpasok niya sa Capernaum , ay lumapit sa kaniya ang isang senturion , na sa kaniya&#039;y namanhik , At nagsasabi , Panginoon , ang aking alila ay nararatay sa bahay , lumpo , at lubhang nahihirapan . At sinabi niya sa kaniya , Paroroon ako , at siya&#039;y aking pagagalingin . At sumagot ang senturion at sinabi , Panginoon , hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan ; datapuwa&#039;t sabihin mo lamang ang salita , at gagaling ang aking alila . Sapagka&#039;t ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan , na may nasasakupan akong mga kawal : at sinasabi ko rito , Yumaon ka , at siya&#039;y yumayaon ; at sa isa , Halika , at siya&#039;y lumalapit ; at sa aking alipin , Gawin mo ito , at kaniyang ginagawa . At nang marinig ito ni Jesus , ay nagtaka siya , at sinabi sa nagsisisunod , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na kahit sa Israel man , ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya . At sinabi ko sa inyo , na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran , at magsisiupong kasama ni Abraham , at ni Isaac , at ni Jacob , sa kaharian ng langit : Datapuwa&#039;t ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas : diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin . At sinabi ni Jesus sa senturion , Humayo ka ng iyong lakad ; at ayon sa iyong pagsampalataya , ay gayon ang sa iyo&#039;y mangyari . At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon . At nang pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro , ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat . At hinipo ang kaniyang kamay , at inibsan siya ng lagnat ; at siya&#039;y nagbangon , at naglingkod sa kaniya . At nang kinahapunan , ay dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng demonio : at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit : Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias , na nagsasabi , Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit , at nagdala ng ating mga karamdaman . Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya , ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo . At lumapit ang isang eskriba , at sa kaniya&#039;y nagsabi , Guro , susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon . At sinabi sa kaniya ni Jesus , May mga lungga ang mga zorra , at may mga pugad ang mga ibon sa langit ; datapuwa&#039;t ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo . At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ni Jesus , Sumunod ka sa akin ; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay . At pagkalulan niya sa isang daong , ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad . At narito , bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat , na ano pa&#039;t inaapawan ang daong ng mga alon : datapuwa&#039;t siya&#039;y natutulog . At nagsilapit sila sa kaniya , at siya&#039;y ginising , na sinasabi , Panginoon , iligtas mo kami ; kami&#039;y mangamamatay . At sinabi niya sa kanila , Bakit kayo&#039;y nangatatakot , Oh kayong kakaunti ang pananampalataya ? Nang magkagayo&#039;y nagbangon siya , at sinaway ang mga hangin at ang dagat ; at humusay na totoo ang panahon . At ang mga tao ay nangagtaka , na sinasabi , Anong tao ito , na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya ? At nang siya&#039;y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno , ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan , na totoong mababangis , na ano pa&#039;t sinoma&#039;y walang makapagdaan sa daang yaon . At narito , sila&#039;y nagsisigaw , na nangagsasabi , Anong aming ipakikialam sa iyo , ikaw na Anak ng Dios ? naparito ka baga upang kami&#039;y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan ? Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain . At namanhik sa kaniya ang mga demonio , na nangagsasabi , Kung kami&#039;y palalayasin mo , ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy . At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon kayo . At sila&#039;y nagsilabas , at nagsipasok sa mga baboy : at narito , ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat , at nangamatay sa tubig . At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon , at nagsitungo sa bayan , at sinabi ang lahat ng mga nangyari , at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio . At narito , lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus : at pagkakita nila sa kaniya , ay pinamanhikan siyang umalis sa kanilang mga hangganan . At lumulan siya sa isang daong , at tumawid , at dumating sa kaniyang sariling bayan . At narito , dinala nila sa kaniya ang isang lumpo , na nakahiga sa isang higaan : at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya , ay sinabi sa lumpo , Anak , laksan mo ang iyong loob ; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na . At narito , ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili , Ang taong ito&#039;y namumusong . At pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan , ay sinabi , Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso ? Sapagka&#039;t alin baga ang lalong magaang sabihin , Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan ; o sabihin , Magtindig ka , at lumakad ka ? Datapuwa&#039;t upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao&#039;y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan ( sinabi nga niya sa lumpo ) , Magtindig ka , buhatin mo ang iyong higaan , at umuwi ka sa iyong bahay . At nagtindig siya , at umuwi sa kaniyang bahay . Datapuwa&#039;t nang makita ito ng karamihan , ay nangatakot sila , at kanilang niluwalhati ang Dios , na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao . At pagdaraan doon ni Jesus , ay nakita niya ang isang tao , na kung tawagi&#039;y Mateo , na nakaupo sa paningilan ng buwis : at sinabi niya sa kaniya , Sumunod ka sa akin . At siya&#039;y nagtindig , at sumunod sa kaniya . At nangyari , na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay , narito , ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad . At nang makita ito ng mga Fariseo , ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad , Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ? Datapuwa&#039;t nang ito&#039;y marinig niya , ay kaniyang sinabi , Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot , kundi ang mga may sakit . Datapuwa&#039;t magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito , Habag ang ibig ko , at hindi hain : sapagka&#039;t hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid , kundi ng mga makasalanan . Nang magkagayo&#039;y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan , na nangagsabi , Bakit kami at ang mga Fariseo ay nangagaayunong madalas , datapuwa&#039;t hindi nangagaayuno ang mga alagad mo ? At sinabi sa kanila ni Jesus , Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan , samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila ? datapuwa&#039;t darating ang mga araw , na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila , at kung magkagayo&#039;y mangagaayuno sila . At sinoma&#039;y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma ; sapagka&#039;t ang tagpi ay bumabatak sa damit , at lalong lumalala ang punit . Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma : sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat , at nangabububo ang alak , at nangasisira ang mga balat : kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat , at kapuwa nagsisitagal . Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito sa kanila , narito , dumating ang isang pinuno , at siya&#039;y sinamba , na nagsasabi , Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae : datapuwa&#039;t halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya , at siya&#039;y mabubuhay . At si Jesus ay nagtindig , at sumama sa kaniya , pati ng kaniyang mga alagad . At narito , isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na , ay lumapit sa kaniyang likuran , at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit : Sapagka&#039;t sinabi niya sa kaniyang kalooban , Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit , ay gagaling ako . Datapuwa&#039;t paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya , ay sinabi , Anak , laksan mo ang iyong loob ; pinagaling ka ng iyong pananampalataya . At gumaling ang babae mula sa oras na yaon . At nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno , at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta , at ang mga taong nangagkakagulo , Ay sinabi niya , Magparaan kayo : sapagka&#039;t hindi patay ang dalaga , kundi natutulog . At tinawanan nila siya na nililibak . Datapuwa&#039;t nang mapalabas na ang mga tao , ay pumasok siya , at tinangnan niya siya sa kamay ; at nagbangon ang dalaga . At kumalat ang pagkabantog na ito sa buong lupang yaon . At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag , na nangagsisisigaw , at nangagsasabi , Mahabag ka sa amin , ikaw na Anak ni David . At nang pumasok siya sa bahay , ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag : at sinabi sa kanila ni Jesus , Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito ? Sinabi nila sa kaniya , Oo , Panginoon . Nang magkagayo&#039;y kaniyang hinipo ang mga mata nila , na sinasabi , Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo . At nangadilat ang kanilang mga mata . At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila , na sinasabi , Ingatan ninyong sinoma&#039;y huwag makaalam nito . Datapuwa&#039;t sila&#039;y nagsialis , at kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon . At samantalang sila&#039;y nagsisialis , narito , sa kaniya&#039;y dinala ang isang lalaking pipi na inaalihan ng demonio . At nang mapalabas ang demonio , ay nagsalita ang lalaking pipi : at nangagtaka ang mga karamihan , na nangagsasabi , Kailan ma&#039;y hindi nakita sa Israel ang ganito . Datapuwa&#039;t sinabi ng mga Fariseo , sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio . At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon , na nagtuturo sa mga sinagoga nila , at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian , at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman . Datapuwa&#039;t nang makita niya ang mga karamihan , ay nahabag siya sa kanila , sapagka&#039;t pawang nangahahapis at nangangalat , na gaya ng mga tupa na walang pastor . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Katotohana&#039;y ang aanihin ay marami , datapuwa&#039;t kakaunti ang mga manggagawa . Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin , na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin . At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad , at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu , upang mapalabas nila , at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman . Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito : Ang una&#039;y si Simon na tinatawag na Pedro , at si Andres na kaniyang kapatid ; si Santiago na anak ni Zebedeo , at ang kaniyang kapatid na si Juan ; Si Felipe , at si Bartolome ; si Tomas , at si Mateo na maniningil ng buwis ; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo ; Si Simon na Cananeo , at si Judas Iscariote , na siya ring sa kaniya&#039;y nagkanulo . Ang labingdalawang ito&#039;y sinugo ni Jesus , at sila&#039;y pinagbilinan , na sinasabi , Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil , at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria : Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel . At samantalang kayo&#039;y nangaglalakad , ay magsipangaral kayo , na mangagsabi , Ang kaharian ng langit ay malapit na . Mangagpagaling kayo ng mga may sakit , mangagpabangon kayo ng mga patay , mangaglinis kayo ng mga ketong , mangagpalabas kayo ng mga demonio : tinanggap ninyong walang bayad , ay ibigay ninyong walang bayad . Huwag kayong mangagbaon ng ginto , kahit pilak , kahit tanso sa inyong mga supot : Kahit supot ng pagkain sa paglalakad , kahit dalawang tunika , kahit mga pangyapak , o tungkod : sapagka&#039;t ang manggagawa ay karapatdapat sa kaniyang pagkain . At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin , siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat ; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo&#039;y magsialis . At pagpasok ninyo sa bahay , ay batiin ninyo ito . At kung karapatdapat ang bahay , ay dumoon ang inyong kapayapaan : datapuwa&#039;t kung hindi karapatdapat , ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo . At sinomang hindi tumanggap sa inyo , ni duminig sa inyong mga pananalita , pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon , ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom , kay sa bayang yaon . Narito , sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo : mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati . Datapuwa&#039;t mangagpakaingat kayo sa mga tao : sapagka&#039;t kayo&#039;y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo&#039;y hahampasin sa kanilang mga sinagoga ; Oo at kayo&#039;y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin , sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil . Datapuwa&#039;t pagka kayo&#039;y ibinigay nila , huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin : sapagka&#039;t sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin . Sapagka&#039;t hindi kayo ang mangagsasalita , kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo&#039;y magsasalita . At ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan , at ng ama ang kaniyang anak : at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang , at sila&#039;y ipapapatay . At kayo&#039;y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan : datapuwa&#039;t ang magtitiis hanggang sa wakas , ay siyang maliligtas . Datapuwa&#039;t pagka kayo&#039;y pinagusig nila sa isang bayang ito , ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan : sapagka&#039;t sa katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel , hanggang sa pumarito ang Anak ng tao . Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro , ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon . Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro , at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon . Kung pinanganlan nilang Beelzebub ang panginoon ng sangbahayan , gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya ! Huwag nga ninyo silang katakutan : sapagka&#039;t walang bagay na natatakpan , na hindi mahahayag ; at natatago na hindi malalaman . Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman , ay sabihin ninyo sa kaliwanagan ; at ang narinig ninyo sa bulong , ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan . At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan , datapuwa&#039;t hindi nangakakapatay sa kaluluwa : kundi bagkus ang katakutan ninyo&#039;y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno . Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya ? at kahit isa sa kanila&#039;y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama : Datapuwa&#039;t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat . Huwag nga kayong mangatakot : kayo&#039;y lalong mahalaga kay sa maraming maya . Kaya&#039;t ang bawa&#039;t kumikilala sa akin sa harap ng mga tao , ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit . Datapuwa&#039;t sinomang sa aki&#039;y magkaila sa harap ng mga tao , ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit . Huwag ninyong isiping ako&#039;y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa : hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan , kundi tabak . Sapagka&#039;t ako&#039;y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama , at ang anak na babae laban sa kaniyang ina , at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae : At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay . Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin ; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin . At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin , ay hindi karapatdapat sa akin . Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito ; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon . Ang tumatanggap sa inyo ay ako ang tinatanggap , at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin . Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng ganti ng isang propeta : at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa pangalan ng isang taong matuwid ay tatanggap ng ganti ng isang taong matuwid . At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig , dahil sa pangalang alagad , katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya . At nangyari , na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad , ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila . Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo , ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad , At sinabi sa kaniya , Ikaw baga yaong paririto , o hihintayin namin ang iba ? At sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita : Ang mga bulag ay nangakakakita , ang mga pilay ay nangakalalakad , ang mga ketongin ay nangalilinis , at ang mga bingi ay nangakaririnig , at ang mga patay ay ibinabangon , at sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita . At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin . At samantalang ang mga ito&#039;y nagsisiyaon ng kanilang lakad , ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan , Ano ang nilabas ninyo upang masdan sa ilang ? isang tambo na inuuga ng hangin ? Datapuwa&#039;t ano ang nilabas ninyo upang makita ? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan ? Narito , ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari . Datapuwa&#039;t ano ang nilabas ninyo ? upang makita ang isang propeta ? Oo , sinasabi ko sa inyo , at lalo pang higit kay sa isang propeta . Ito yaong tungkol sa kaniya&#039;y nasusulat , Narito , sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha , Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista : gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya . At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon , ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan , at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas . Sapagka&#039;t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula . At kung ibig ninyong tanggapin , ay siya&#039;y si Elias na paririto . Ang may mga pakinig upang ipakinig , ay makinig . Datapuwa&#039;t sa ano ko itutulad ang lahing ito ? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan , na sinisigawan ang kanilang mga kasama . At sinasabi , Tinutugtugan namin kayo ng plauta , at hindi kayo nagsisisayaw ; nagsipanambitan kami , at hindi kayo nangahapis . Sapagka&#039;t naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man , at sinasabi nila , Siya&#039;y mayroong demonio . Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom , at sinasabi nila , Narito , ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak , isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa . Nang magkagayo&#039;y kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan , sapagka&#039;t hindi sila nangagsisi . Sa aba mo , Corazin ! sa aba mo , Bethsaida ! sapagka&#039;t kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo , malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo . Nguni&#039;t sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom , kay sa inyo . At ikaw , Capernaum , magpapakataas ka baga hanggang sa langit ? ibababa ka hanggang sa Hades : sapagka&#039;t kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo&#039;y ginawa , ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito . Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom , kay sa iyo . Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi , Ako&#039;y nagpapasalamat sa iyo , Oh Ama , Panginoon ng langit at ng lupa , na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino , at ipinahayag mo sa mga sanggol : Oo nga , Ama , sapagka&#039;t gayon ang nakalugod sa iyong paningin . Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama : at sinoma&#039;y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama ; at sinoma&#039;y hindi nakakakilala sa Ama , kundi ang Anak , at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak . Magsiparito sa akin , kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha , at kayo&#039;y aking papagpapahingahin . Pasanin ninyo ang aking pamatok , at magaral kayo sa akin ; sapagka&#039;t ako&#039;y maamo at mapagpakumbabang puso : at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa . Sapagka&#039;t malambot ang aking pamatok , at magaan ang aking pasan . Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo ; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain . Datapuwa&#039;t pagkakita nito ng mga Fariseo , ay sinabi nila sa kaniya , Tingnan mo , ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya&#039;y nagutom , at ang mga kasamahan niya ; Kung paanong siya&#039;y pumasok sa bahay ng Dios , at kumain siya ng mga tinapay na handog , na hindi matuwid na kanin niya , ni ng mga kasamahan niya , kundi ng mga saserdote lamang ? O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan , kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath , at hindi nangagkakasala ? Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo . Datapuwa&#039;t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito , Habag ang ibig ko , at hindi hain , ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan . Sapagka&#039;t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath . At siya&#039;y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila : At narito , may isang tao na tuyo ang isang kamay . At sa kaniya&#039;y itinanong nila , na sinasabi , Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath ? upang siya&#039;y kanilang maisumbong . At sinabi niya sa kanila , Sino kaya sa inyo , na kung mayroong isang tupa , na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath , ay hindi baga niya aabutin , at hahanguin ? Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa ! Kaya&#039;t matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa lalake , Iunat mo ang iyong kamay . At iniunat niya ; at napauling walang sakit , na gaya ng isa . Datapuwa&#039;t nagsialis ang mga Fariseo , at nangagpulong laban sa kaniya , kung papaanong siya&#039;y maipapupuksa nila . At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon : at siya&#039;y sinundan ng marami ; at kaniyang pinagaling silang lahat , At ipinagbilin niya sa kanila , na siya&#039;y huwag nilang ihayag : Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias , na nagsasabi , Narito , ang lingkod ko na aking hinirang ; At minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa : Isasakaniya ko ang aking Espiritu , At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil . Hindi siya makikipagtalo , ni sisigaw ; Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan . Hindi niya babaliin ang tambong gapok , At hindi papatayin ang timsim na umuusok , Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom . At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil . Nang magkagayo&#039;y dinala sa kaniya ang isang inaalihan ng demonio , bulag at pipi , at kaniyang pinagaling , ano pa&#039;t ang pipi ay nagsalita at nakakita . At ang buong karamihan ay nangagtaka , at nangagsabi , Ito kaya ang Anak ni David ? Datapuwa&#039;t nang marinig ito ng mga Fariseo , ay kanilang sinabi , Ang taong ito&#039;y hindi nagpapalabas ng mga demonio , kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio . At pagkaalam niya ng mga iniisip nila , ay sinabi niya sa kanila , Ang bawa&#039;t kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak ; ang bawa&#039;t bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili . At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas , siya nababahagi laban sa kaniyang sarili ; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian ? At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio , ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila&#039;y pinalalabas ? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom . Nguni&#039;t kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio , ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios . O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas , at samsamin ang kaniyang mga pag-aari , kung hindi muna gapusin ang malakas ? at kung magkagayo&#039;y masasamsaman niya ang kaniyang bahay . Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin ; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat . Kaya&#039;t sinasabi ko sa inyo , Ang bawa&#039;t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao ; datapuwa&#039;t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad . At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao , ay ipatatawad sa kaniya ; datapuwa&#039;t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo , ay hindi ipatatawad sa kaniya , kahit sa sanglibutang ito , o maging sa darating . O pabutihin ninyo ang punong kahoy , at mabuti ang bunga niyaon ; o pasamain ninyo ang punong kahoy , at masama ang bunga niyaon : sapagka&#039;t ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga . Kayong lahi ng mga ulupong , papaano kayo na masasama , ay makapagsasalita ng mabubuting bagay ? sapagka&#039;t sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig . Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay : at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay . At sinasabi ko sa inyo , na ang bawa&#039;t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom . Sapagka&#039;t sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal , at sa iyong mga salita ay hahatulan ka . Nang magkagayo&#039;y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo , na nangagsasabi , Guro , ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot , at sinabi sa kanila , Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda ; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas : Sapagka&#039;t kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi ; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao . Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito , at ito&#039;y hahatulan : sapagka&#039;t sila&#039;y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas ; at narito , dito&#039;y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas . Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito , at ito&#039;y hahatulan : sapagka&#039;t siya&#039;y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon ; at narito , dito&#039;y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon . Datapuwa&#039;t ang karumaldumal na espiritu , kung siya&#039;y lumabas sa tao , ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan , at hindi makasumpong . Kung magkagayo&#039;y sinasabi niya , Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko ; at pagdating niya , ay nasusumpungan niyang walang laman , walis na , at nagagayakan . Kung magkagayo&#039;y yumayaon siya , at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya , at sila&#039;y nagsisipasok at nagsisitahan doon : at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una . Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito . Samantalang siya&#039;y nagsasalita pa sa mga karamihan , narito , ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas , at ibig nilang siya&#039;y makausap . At may nagsabi sa kaniya , Narito , ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas , na ibig nilang makausap ka . Nguni&#039;t siya&#039;y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya , Sino ang aking ina ? at sino-sino ang aking mga kapatid ? At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad , at sinabi , Narito , ang aking ina at ang aking mga kapatid ! Sapagka&#039;t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit , ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae , at ina . Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay , at naupo sa tabi ng dagat . At nakisama sa kaniya ang lubhang maraming tao , ano pa&#039;t lumulan siya sa isang daong , at naupo ; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin . At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga , na sinasabi , Narito , ang manghahasik ay yumaon upang maghasik . At sa paghahasik niya , ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan , at dumating ang mga ibon at kinain nila ; At ang mga iba&#039;y nangahulog sa mga batuhan , na doo&#039;y walang sapat na lupa : at pagdaka&#039;y sumibol , sapagka&#039;t hindi malalim ang lupa : At pagsikat ng araw ay nangainitan ; at dahil sa walang ugat , ay nangatuyo . At ang mga iba&#039;y nangahulog sa mga dawagan , at nagsilaki ang mga dawag , at ininis ang mga yaon . At ang mga iba&#039;y nangahulog sa mabuting lupa , at nangagbunga , ang ila&#039;y tigisang daan , at ang ila&#039;y tigaanim na pu , at ang ila&#039;y tigtatatlongpu . At ang may mga pakinig , ay makinig . At nagsilapit ang mga alagad , at sinabi nila sa kaniya , Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga ? At sumagot siya at sinabi sa kanila , Sa inyo&#039;y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit , datapuwa&#039;t hindi ipinagkaloob sa kanila . Sapagka&#039;t sinomang mayroon ay bibigyan , at siya&#039;y magkakaroon ng sagana : nguni&#039;t sinomang wala , pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya . Kaya&#039;t sila&#039;y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga ; sapagka&#039;t nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita , at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig , ni hindi sila nangakakaunawa . At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias , na sinasabi , Sa pakikinig ay inyong maririnig , at sa anomang paraa&#039;y hindi ninyo mapaguunawa ; At sa pagtingin ay inyong makikita , at sa anomang paraa&#039;y hindi ninyo mamamalas : Sapagka&#039;t kumapal ang puso ng bayang ito , At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga , At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata ; Baka sila&#039;y mangakakita ng kanilang mga mata , At mangakarinig ng kanilang mga tainga , At mangakaunawa ng kanilang puso , At muling mangagbalik loob , At sila&#039;y aking pagalingin . Datapuwa&#039;t mapapalad ang inyong mga mata , sapagka&#039;t nangakakakita ; at ang iyong mga tainga , sapagka&#039;t nangakakarinig . Sapagka&#039;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita , at hindi nila nakita ; at marinig ang inyong naririnig , at hindi nila narinig . Pakinggan nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik . Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian , at ito&#039;y hindi niya napaguunawa , ay pinaroroonan ng masama , at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso . Ito yaong nahasik sa tabi ng daan . At ang nahasik sa mga batuhan , ay yaong nakikinig ng salita , at pagdaka&#039;y tinatanggap ito ng buong galak ; Gayon ma&#039;y wala siyang ugat sa kaniyang sarili , kundi sangdaling tumatagal ; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita , ay pagdaka&#039;y natitisod siya . At ang nahasik sa mga dawagan , ay yaong dumirinig ng salita ; nguni&#039;t ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan , at ang daya ng mga kayamanan , ay siyang umiinis sa salita , at yao&#039;y nagiging walang bunga . At ang nahasik sa mabuting lupa , ay siyang dumirinig , at nakauunawa ng salita ; na siyang katotohanang nagbubunga , ang ila&#039;y tigisang daan , ang ila&#039;y tigaanim na pu , at ang ila&#039;y tigtatatlongpu . Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga , na sinasabi , Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid : Datapuwa&#039;t samantalang nangatutulog ang mga tao , ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo , at umalis . Datapuwa&#039;t nang sumibol ang usbong at mamunga , ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo . At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya , Ginoo , hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid ? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo ? At sinabi niya sa kanila , Isang kaaway ang gumawa nito . At sinabi sa kaniya ng mga alipin , Ibig mo baga na kami nga&#039;y magsiparoon at ang mga yao&#039;y pagtipunin ? Datapuwa&#039;t sinabi niya , Huwag ; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo , ay inyong mabunot pati ng trigo . Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani : at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani , Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo , at inyong pagbibigkisin upang sunugin ; datapuwa&#039;t tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan . Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga , na sinasabi , Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa , na kinuha ng isang tao , at inihasik sa kaniyang bukid : Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi ; datapuwa&#039;t nang tumubo , ay lalong malaki kay sa mga gulay , at nagiging punong kahoy , ano pa&#039;t nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga . Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga : Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura , na kinuha ng isang babae , at itinago sa tatlong takal na harina , hanggang sa ito&#039;y nalebadurahang lahat . Lahat ng mga bagay na ito&#039;y sinabi ni Jesus sa mga karamihan sa mga talinghaga ; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap : Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi , Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga ; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan . Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan , at pumasok sa bahay : at sa kaniya&#039;y nagsilapit ang kaniyang mga alagad , na nagsisipagsabi , Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid . At siya&#039;y sumagot at nagsabi , Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao ; At ang bukid ay ang sanglibutan ; at ang mabuting binhi , ay ito ang mga anak ng kaharian : at ang mga pangsirang damo ay ang mga anak ng masama ; At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo : at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan ; at ang mga mangaani ay ang mga anghel . Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy ; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan . Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel , at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod , at ang nagsisigawa ng katampalasanan , At sila&#039;y igagatong sa kalan ng apoy : diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin . Kung magkagayo&#039;y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama . Ang may mga pakinig , ay makinig . Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid ; na nasumpungan ng isang tao , at inilihim ; at sa kaniyang kagalaka&#039;y yumaon at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik , at binili ang bukid na yaon . Gayon din naman , ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas : At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas , ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik , at binili yaon . Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat , na inihulog sa dagat , na nakahuli ng sarisaring isda : Na , nang mapuno , ay hinila nila sa pampang ; at sila&#039;y nagsiupo , at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti , datapuwa&#039;t itinapon ang masasama . Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan : lalabas ang mga anghel , at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid , At sila&#039;y igagatong sa kalan ng apoy : diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin . Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito ? Sinabi nila sa kaniya , Oo . At sinabi niya sa kanila , Kaya&#039;t ang bawa&#039;t eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan , na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma . At nangyari , na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito , ay umalis siya doon . At pagdating sa kaniyang sariling lupain , ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga , ano pa&#039;t sila&#039;y nangagtaka , at nangagsabi , Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan , at ng ganitong mga makapangyarihang gawa ? Hindi baga ito ang anak ng anluwagi ? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina ? at Santiago , at Jose , at Simon , at Judas ang kaniyang mga kapatid ? At ang kaniyang mga kapatid na babae , hindi baga silang lahat ay nanga sa atin ? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay ? At siya&#039;y kinatisuran nila . Datapuwa&#039;t sinabi sa kanila ni Jesus , Walang propeta na di may kapurihan , liban sa kaniyang sariling lupain , at sa kaniyang sariling bahay . At siya&#039;y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya . Nang panahong yao&#039;y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus , At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod , Ito&#039;y si Juan Bautista ; siya&#039;y muling nagbangon sa mga patay ; kaya&#039;t ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya . Sapagka&#039;t hinuli ni Herodes si Juan , at siya&#039;y iginapos , at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias , na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid . Sapagka&#039;t sinabi ni Juan sa kaniya , Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya . At nang ibig niyang ipapatay siya , ay natakot siya sa karamihan , sapagka&#039;t siya&#039;y kanilang ibinibilang na propeta . Datapuwa&#039;t nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes , ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias , at kinalugdan ni Herodes . Dahil dito&#039;y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya&#039;y ibibigay ang anomang hingin niya . At siya , na inudyukan ng kaniyang ina , ay nagsabi , Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista . At namanglaw ang hari ; datapuwa&#039;t dahil sa kaniyang mga sumpa , at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang , ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya ; At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan . At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan , at ibinigay sa dalaga : at dinala nito sa kaniyang ina . At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon , at kanilang binuhat ang bangkay , at kanilang inilibing ; at sila&#039;y nagsialis at isinaysay kay Jesus . Nang marinig nga ito ni Jesus , ay lumigpit sila mula roon , sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod : at nang mabalitaan ito ng mga karamihan , ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan . At siya&#039;y lumabas , at nakita ang isang malaking karamihan , at nahabag siya sa kanila , at pinagaling niya ang sa kanila&#039;y mga may sakit . At nang nagtatakipsilim na , ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Ilang ang dakong ito , at lampas na sa panahon ; paalisin mo na ang mga karamihan , upang sila&#039;y magsiparoon sa mga nayon , at sila&#039;y mangakabili ng kanilang makakain . Datapuwa&#039;t sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi kailangang sila&#039;y magsialis ; bigyan ninyo sila ng makakain . At sinasabi nila sa kaniya , Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda . At sinabi niya , Dalhin ninyo rito sa akin . At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila&#039;y magsiupo sa damuhan ; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda , at pagtingala sa langit , ay kaniyang pinagpala , at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad , at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan . At nagsikain silang lahat , at nangabusog : at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol , na labingdalawang bakol na puno . At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake , bukod pa ang mga babae at ang mga bata . At pagdaka&#039;y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong , at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo , hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan . At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan , ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin : at nang gumabi na , ay siya&#039;y nagiisa doon . Datapuwa&#039;t ang daong ay nasa gitna na ng dagat , na hinahampas ng mga alon ; sapagka&#039;t pasalungat sa hangin . At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila , na lumalakad sa ibabaw ng dagat . At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat , ay nangagulumihanan sila , na nangagsasabi , Multo ! at sila&#039;y nagsisigaw dahil sa takot . Datapuwa&#039;t pagdaka&#039;y nagsalita sa kanila si Jesus , na nagsasabi , Laksan ninyo ang inyong loob ; ako nga : huwag kayong mangatakot . At sumagot sa kaniya si Pedro , at nagsabi , Panginoon , kung ikaw nga , ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig . At sinabi niya , Halika . At lumunsad si Pedro sa daong , at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus . Datapuwa&#039;t pagkakita niyang malakas ang hangin , ay natakot siya , at nang siya&#039;y malulubog , ay sumigaw , na nagsasabi , Panginoon , iligtas mo ako . At pagdaka&#039;y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya , at sa kaniya&#039;y sinabi , Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya , bakit ka nagalinglangan ? At pagkalulan nila sa daong , ay humimpil ang hangin . At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya , na nangagsasabi , Tunay na ikaw ang Anak ng Dios . At nang makatawid na sila , ay narating nila ang lupa ng Genezaret . At nang siya&#039;y makilala ng mga tao sa dakong yaon , ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon , at sa kaniya&#039;y dinala ang lahat ng mga may sakit ; At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit : at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling . Nang magkagayo&#039;y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba , na nagsisipagsabi , Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali&#039;t-saling sabi ng matatanda ? sapagka&#039;t hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay . At siya&#039;y sumagot at sinabi sa kanila , Bakit naman kayo&#039;y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali&#039;t-saling sabi ? Sapagka&#039;t sinabi ng Dios , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina : at , Ang manungayaw sa ama at sa ina , ay mamatay siyang walang pagsala . Datapuwa&#039;t sinasabi ninyo , Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios : Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama . At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali&#039;t-saling sabi . Kayong mga mapagpaimbabaw , mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias , na nagsasabi , Ang bayang ito&#039;y iginagalang ako ng kanilang mga labi ; Datapuwa&#039;t ang kanilang puso ay malayo sa akin . Datapuwa&#039;t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin , Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao . At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan , at sa kanila&#039;y sinabi , Pakinggan ninyo , at unawain . Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao ; kundi ang lumalabas sa bibig , ito ang nakakahawa sa tao . Nang magkagayo&#039;y nagsilapit ang mga alagad , at sa kaniya&#039;y sinabi , Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo , pagkarinig nila ng pananalitang ito ? Datapuwa&#039;t sumagot siya at sinabi , Ang bawa&#039;t halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan , ay bubunutin . Pabayaan ninyo sila : sila&#039;y mga bulag na tagaakay . At kung ang bulag ay umakay sa bulag , ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay . At sumagot si Pedro , at sinabi sa kaniya , Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga . At sinabi niya , Kayo baga nama&#039;y wala pa ring pagiisip ? Hindi pa baga ninyo nalalaman , na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan , at inilalabas sa daanan ng dumi ? Datapuwa&#039;t ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling ; at siyang nangakakahawa sa tao . Sapagka&#039;t sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip , mga pagpatay , mga pangangalunya , pakikiapid , mga pagnanakaw , mga pagsaksi sa di katotohanan , mga pamumusong : Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao ; datapuwa&#039;t ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao . At umalis doon si Jesus , at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon . At narito , ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon , at nagsisigaw , na nagsasabi , Kahabagan mo ako , Oh Panginoon , ikaw na Anak ni David ; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio . Datapuwa&#039;t siya&#039;y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya . At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya&#039;y pinamanhikan , na nangagsasabi , Paalisin mo siya ; sapagka&#039;t nagsisisigaw siya sa ating hulihan . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sinabi , Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel . Datapuwa&#039;t lumapit siya at siya&#039;y sinamba niya , na nagsasabi , Panginoon , saklolohan mo ako . At siya&#039;y sumagot at sinabi , Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso . Datapuwa&#039;t sinabi niya , Oo , Panginoon : sapagka&#039;t ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya , Oh babae , malaki ang pananampalataya mo : mangyari sa iyo ayon sa ibig mo . At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon . At umalis si Jesus doon , at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea ; at umahon sa bundok , at naupo doon . At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao , na may mga pilay , mga bulag , mga pipi , mga pingkaw , at iba pang marami , at sila&#039;y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan ; at sila&#039;y pinagaling niya : Ano pa&#039;t nangagtaka ang karamihan , nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi , nagsisigaling ang mga pingkaw , at nagsisilakad ang mga pilay , at nangakakakita ang mga bulag : at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel . At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad , at sinabi , Nahahabag ako sa karamihan , sapagka&#039;t tatlong araw nang sila&#039;y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain : at di ko ibig na sila&#039;y paalising nangagaayuno , baka sila&#039;y manganglupaypay sa daan . At sa kaniya&#039;y sinabi ng mga alagad , Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao ? At sinabi ni Jesus sa kanila , Ilang tinapay mayroon kayo ? At sinabi nila , Pito , at ilang maliliit na isda . At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa ; At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda ; at siya&#039;y nagpasalamat at pinagputolputol , at ibinigay sa mga alagad , at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan . At nagsikain silang lahat , at nangabusog : at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol , na pitong bakol na puno . At silang nagsikain ay apat na libong lalake , bukod ang mga babae at mga bata . At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong , at napasa mga hangganan ng Magdala . At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo , na tinutukso siya na sa kaniya&#039;y nagsisihiling na sila&#039;y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sa kanila&#039;y sinabi , Sa kinahapunan , ay sinasabi ninyo , Bubuti ang panahon : sapagka&#039;t ang langit ay mapula . At sa umaga , Ngayo&#039;y uunos : sapagka&#039;t mapula at makulimlim ang langit . Kayo&#039;y marurunong magsikilala ng anyo ng langit ; datapuwa&#039;t hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon . Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda ; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda , kundi ng tanda ni Jonas . At sila&#039;y iniwan niya , at yumaon . At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay . At sinabi sa kanila ni Jesus , Kayo&#039;y mangagingat at magsipangilag sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo . At sila&#039;y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili , na nagsasabi , Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay . At nang matalastas ni Jesus ay sinabi , Oh kayong kakaunti ang pananampalataya , bakit kayo&#039;y nangagbubulaybulay sa inyong sarili , sapagka&#039;t wala kayong tinapay ? Hindi pa baga ninyo natatalastas , at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake , at kung ilang bakol ang inyong nailigpit ? Ni yaong pitong tinapay sa apat na libong lalake , at kung ilang bakol ang inyong nailigpit ? Ano&#039;t hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo&#039;y tungkol sa tinapay ? Datapuwa&#039;t kayo&#039;y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo . Nang magkagayo&#039;y kanilang natalastas na sa kanila&#039;y hindi ipinagutos na sila&#039;y magsipagingat sa lebadura ng tinapay , kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo . Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo , ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad , na sinasabi , Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao ? At kanilang sinabi , Anang ilan , Si Juan Bautista ; ang ilan , Si Elias ; at ang mga iba , Si Jeremias , o isa sa mga propeta . Kaniyang sinabi sa kanila , Datapuwa&#039;t , ano ang sabi ninyo kung sino ako ? At sumagot si Simon Pedro at sinabi , Ikaw ang Cristo , Ang anak ng Dios na buhay . At sumagot si Jesus at sa kaniya&#039;y sinabi , Mapalad ka , Simon Bar-Jonas : sapagka&#039;t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo , kundi ng aking Ama na nasa langit . At sinasabi ko naman sa iyo , na ikaw ay Pedro , at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia ; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya . Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit : at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit ; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit . Nang magkagayo&#039;y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo . Mula ng panahong yao&#039;y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad , na kinakailangang siya&#039;y pumaroon sa Jerusalem , at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba , at siya&#039;y patayin , at muling ibangon sa ikatlong araw . At isinama siya ni Pedro , at nagpasimulang siya&#039;y pinagwikaan , na nagsasabi , Panginoon , malayo ito sa iyo : kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo . Datapuwa&#039;t lumingon siya , at sinabi kay Pedro , Lumagay ka sa likuran ko , Satanas : ikaw ay tisod sa akin : sapagka&#039;t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios , kundi ang mga bagay ng tao . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad , Kung ang sinomang tao&#039;y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin ang kaniyang krus , at sumunod sa akin . Sapagka&#039;t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito : at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon . Sapagka&#039;t ano ang pakikinabangin ng tao , kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay ? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay ? Sapagka&#039;t ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel ; at kung magkagayo&#039;y bibigyan ang bawa&#039;t tao ayon sa kaniyang mga gawa . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , May ilan sa nangakatayo rito , na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan , hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian . At pagkaraan ng anim na araw , ay isinama ni Jesus si Pedro , at si Santiago , at si Juan na kapatid niya , at sila&#039;y dinalang bukod sa isang mataas na bundok : At nagbagong-anyo siya sa harap nila ; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw , at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit . At narito , napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya . At sumagot si Pedro , at sinabi kay Jesus , Panginoon , mabuti sa atin ang tayo&#039;y dumito : kung ibig mo , ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo ; isa ang sa iyo , at isa ang kay Moises , at isa ang kay Elias . Samantalang nagsasalita pa siya , narito , ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila : at narito , ang isang tinig na mula sa alapaap , na nagsasabi , Ito ang sinisinta kong Anak , na siya kong kinalulugdan ; siya ang inyong pakinggan . At nang marinig ito ng mga alagad , ay nangasubasub sila , at lubhang nangatakot . At lumapit si Jesus at sila&#039;y tinapik , at sinabi , Mangagbangon kayo , at huwag kayong mangatakot . At sa paglingap ng kanilang mga mata , ay wala silang nakitang sinoman , kundi si Jesus lamang . At habang sila&#039;y nagsisibaba mula sa bundok , ay iniutos sa kanila ni Jesus , na nagsasabi , Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain , hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay . At tinanong siya ng kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias ? At sumagot siya , at sinabi , Katotohanang si Elias ay paririto , at isasauli ang lahat ng mga bagay : Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na naparito na si Elias , at hindi nila siya nakilala , kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig . Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila . Nang magkagayo&#039;y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila&#039;y sinasabi niya . At pagdating nila sa karamihan , ay lumapit sa kaniya ang isang lalake , na sa kaniya&#039;y lumuhod , at nagsasabi , Panginoon , mahabag ka sa aking anak na lalake : sapagka&#039;t siya&#039;y himatayin , at lubhang naghihirap ; sapagka&#039;t madalas na siya&#039;y nagsusugba sa apoy , at madalas sa tubig . At siya&#039;y dinala ko sa iyong mga alagad , at hindi nila siya mapagaling . At sumagot si Jesus at sinabi , Oh lahing walang pananampalataya at taksil , hanggang kailan titiisin ko kayo ? dalhin ninyo siya rito sa akin . At pinagwikaan siya ni Jesus ; at ang demonio ay lumabas sa kaniya : at ang bata&#039;y gumaling mula nang oras ding yaon . Nang magkagayo&#039;y nagsilapit na bukod ang mga alagad kay Jesus , at nangagsabi , Bakit baga hindi namin napalabas yaon ? At sinabi niya sa kanila , Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya : sapagka&#039;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa , ay masasabi ninyo sa bundok na ito , Lumipat ka mula rito hanggang doon ; at ito&#039;y lilipat ; at sa inyo&#039;y hindi may pangyayari . Datapuwa&#039;t ang ganito&#039;y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno . At samantalang sila&#039;y nangakahimpil sa Galilea , ay sinabi sa kanila ni Jesus , Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao ; At siya&#039;y papatayin nila , at sa ikatlong araw ay siya&#039;y muling ibabangon . At sila&#039;y lubhang nangamanglaw , At pagdating nila sa Capernaum , ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo , at nangagsabi , Hindi baga pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo ? Sinabi niya , Oo . At nang pumasok siya sa bahay , ay pinangunahan siya ni Jesus , na nagsasabi , Anong akala mo , Simon ? ang mga hari sa lupa , kanino baga sila nanganiningil ng kabayaran ng buwis ? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba ? At nang sabihin niya , Sa nangaiiba , ay sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung gayo&#039;y hindi nangagbabayad ang mga anak . Datapuwa&#039;t , baka katisuran tayo nila , ay pumaroon ka sa dagat , at ihulog mo ang kawil , at kunin mo ang unang isdang lumitaw ; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig , ay masusumpungan mo ang isang siklo : kunin mo , at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo . Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus , na nangagsasabi , Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit ? At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata , at inilagay sa gitna nila , At sinabi , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Malibang kayo&#039;y magsipanumbalik , at maging tulad sa maliliit na bata , sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit . Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito , ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit . At sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap : Datapuwa&#039;t sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin , ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan , at siya&#039;y ilubog sa kalaliman ng dagat . Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod ! sapagka&#039;t kinakailangang dumating ang mga kadahilanan ; datapuwa&#039;t sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan ! At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo , at iyong itapon : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay , kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan . At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo , ay dukitin mo , at iyong itapon : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata , kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno . Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito : sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit . Sapagka&#039;t ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala . Ano ang akala ninyo ? kung ang isang tao ay may isang daang tupa , at maligaw ang isa sa mga yaon , hindi baga iiwan niya ang siyam na pu&#039;t siyam , at pasasa kabundukan , at hahanapin ang naligaw ? At kung mangyaring masumpungan niya , ay katotohanang sinasabi ko sa inyo , na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu&#039;t siyam na hindi nangaligaw . Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit , na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak . At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo , pumaroon ka , at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa : kung ikaw ay pakinggan niya , ay nagwagi ka sa iyong kapatid . Datapuwa&#039;t kung hindi ka niya pakinggan , ay magsama ka pa ng isa o dalawa , upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa&#039;t salita . At kung ayaw niyang pakinggan sila , ay sabihin mo sa iglesia : at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia , ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit : at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit . Muling sinasabi ko sa inyo , na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin , ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit . Sapagka&#039;t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan , ay naroroon ako sa gitna nila . Nang magkagayo&#039;y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya , Panginoon , makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya&#039;y aking patatawarin ? hanggang sa makapito ? Sinabi sa kaniya ni Jesus , Hindi ko sinasabi sa iyo , Hanggang sa makapito ; kundi , Hanggang sa makapitongpung pito . Kaya&#039;t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari , na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin . At nang siya&#039;y magpasimulang makipaghusay , ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya&#039;y may utang na sangpung libong talento . Datapuwa&#039;t palibhasa&#039;y wala siyang sukat ibayad , ipinagutos ng kaniyang panginoon na siya&#039;y ipagbili , at ang kaniyang asawa&#039;t mga anak , at ang lahat niyang tinatangkilik , at nang makabayad . Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya , na nagsasabi , Panginoon , pagtiisan mo ako , at pagbabayaran ko sa iyong lahat . At sa habag ng panginoon sa aliping yaon , ay pinawalan siya , at ipinatawad sa kaniya ang utang . Datapuwa&#039;t lumabas ang aliping yaon , at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin , na sa kaniya&#039;y may utang na isang daang denario : at kaniyang hinawakan siya , at sinakal niya , na sinasabi , Bayaran mo ang utang mo . Kaya&#039;t nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya , na nagsasabi , Pagtiisan mo ako , at ikaw ay pagbabayaran ko . At siya&#039;y ayaw : at yumaon at siya&#039;y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang . Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari , ay nangamanglaw silang lubha , at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari . Nang magkagayo&#039;y pinalapit siya ng kaniyang panginoon , at sa kaniya&#039;y sinabi , Ikaw na aliping masama , ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon , sapagka&#039;t ipinamanhik mo sa akin : Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin , na gaya ko namang nahabag sa iyo ? At nagalit ang kaniyang panginoon , at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap , hanggang sa siya&#039;y magbayad ng lahat ng utang . Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan , kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso , ng bawa&#039;t isa ang kaniyang kapatid . At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga salitang ito , ay umalis siya sa Galilea at napasa mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan ; At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao , at sila&#039;y pinagaling niya doon . At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo , na siya&#039;y tinutukso nila , at kanilang sinasabi , Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa&#039;t kadahilanan ? At siya&#039;y sumagot at sinabi , Hindi baga ninyo nabasa , na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula , ay sila&#039;y nilalang niya na lalake at babae , At sinabi , Dahil dito&#039;y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina , at makikisama sa kaniyang asawa ; at ang dalawa ay magiging isang laman ? Kaya nga hindi na sila dalawa , kundi isang laman . Ang pinapagsama nga ng Dios , ay huwag papaghiwalayin ng tao . Sinabi nila sa kaniya , Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay , at ihiwalay ang babae ? Sinabi niya sa kanila , Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa : datapuwa&#039;t buhat sa pasimula ay hindi gayon . At sinasabi ko sa inyo , Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae , liban na kung sa pakikiapid , at magasawa sa iba , ay nagkakasala ng pangangalunya : at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya . Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya , Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa , ay hindi nararapat magasawa . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito , kundi niyaong mga pinagkalooban . Sapagka&#039;t may mga bating , na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina : at may mga bating , na ginagawang bating ng mga tao : at may mga bating , na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit . Ang makakatanggap nito , ay pabayaang tumanggap . Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata , upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila , at ipanalangin : at sinaway sila ng mga alagad . Datapuwa&#039;t sinabi ni Jesus , Pabayaan ninyo ang maliliit na bata , at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin : sapagka&#039;t sa mga ganito ang kaharian ng langit . At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila , at umalis doon . At narito , lumapit sa kaniya ang isa , at nagsabi , Guro , ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako&#039;y magkaroon ng buhay na walang hanggan ? At sinabi niya sa kaniya , Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti ? May isa , na siyang mabuti : datapuwa&#039;t kung ibig mong pumasok sa buhay , ingatan mo ang mga utos . Sinabi niya sa kaniya , Alin-alin ? At sinabi ni Jesus , Huwag kang papatay , Huwag kang mangangalunya , Huwag kang magnanakaw , Huwag sasaksi sa di katotohanan , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina ; at , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili . Sinabi sa kaniya ng binata , Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko : ano pa ang kulang sa akin ? Sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung ibig mong maging sakdal , humayo ka , ipagbili mo ang tinatangkilik mo , at ibigay mo sa mga dukha , at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit : at pumarito ka , sumunod ka sa akin . Datapuwa&#039;t nang marinig ng binata ang ganitong pananalita , ay yumaon siyang namamanglaw ; sapagka&#039;t siya&#039;y isang may maraming pag-aari . At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit . At muling sinasabi ko sa inyo , Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom , kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios . At nang marinig ito ng mga alagad , ay lubhang nangagtaka , na nagsisipagsabi , Sino nga kaya ang makaliligtas ? At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila , Hindi mangyayari ito sa mga tao ; datapuwa&#039;t sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya , Narito , iniwan namin ang lahat , at nagsisunod sa iyo : ano nga baga ang kakamtin namin ? At sinabi ni Jesus sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na kayong nagsisunod sa akin , sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian , kayo nama&#039;y magsisiupo sa labingdalawang luklukan , upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel . At ang bawa&#039;t magiwan ng mga bahay , o mga kapatid na lalake , o mga kapatid na babae , o ama , o ina , o mga anak , o mga lupa , dahil sa aking pangalan , ay tatanggap ng tigisang daan , at magsisipagmana ng walang hanggang buhay . Datapuwa&#039;t maraming mga una na mangahuhuli ; at mga huli na mangauuna . Sapagka&#039;t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan , na lumabas pagkaumagang-umaga , upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan . At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa&#039;t araw , ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan . At siya&#039;y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras , at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa ; At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon din naman kayo sa ubasan , at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran . At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan . Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam , at gayon din ang ginawa . At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo ; at sinabi niya sa kanila , Bakit kayo&#039;y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa ? At sinabi nila sa kaniya , Sapagka&#039;t sinoma&#039;y walang umupa sa amin . Sinabi niya sa kanila , Magsiparito din naman kayo sa ubasan . At nang dumating ang hapon , sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala , Tawagin mo ang mga manggagawa , at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila , na mula sa mga huli hanggang sa mga una . At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa&#039;t tao ng isang denario . At nang magsilapit ang mga nauna , ang isip nila&#039;y magsisitanggap sila ng higit ; at sila&#039;y nagsitanggap din bawa&#039;t tao ng isang denario . At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan , Na nangagsasabi , Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli , sila&#039;y ipinantay mo sa amin , na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sinabi sa isa sa kanila , Kaibigan , hindi kita iniiring : hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario ? Kunin mo ang ganang iyo , at humayo ka sa iyong lakad ; ibig kong bigyan itong huli , nang gaya rin sa iyo . Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari ? o masama ang mata mo , sapagka&#039;t ako&#039;y mabuti ? Kaya&#039;t ang mga una&#039;y mangahuhuli , at ang mga huli ay mangauuna . Samantalang umaahon si Jesus , ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad , at sa daa&#039;y sinabi niya sa kanila , Narito , nagsisiahon tayo sa Jerusalem ; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba ; at kanilang hahatulang siya&#039;y patayin , At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya&#039;y kanilang alimurahin , at hampasin , at ipako sa krus : at sa ikatlong araw siya&#039;y ibabangon . Nang magkagayo&#039;y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo , na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya&#039;y sinamba , at may hinihinging isang bagay sa kaniya . At sinabi niya sa kaniya , Ano ang ibig mo ? Sinabi niya sa kaniya , Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo , ang isa sa iyong kanan , at ang isa sa iyong kaliwa , sa iyong kaharian . Nguni&#039;t sumagot si Jesus at sinabi , Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi . Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman ? Sa kaniya&#039;y sinabi nila , Mangyayari . Sinabi niya sa kanila , Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro : datapuwa&#039;t ang maupo sa aking kanan , at sa aking kaliwa , ay hindi sa akin ang pagbibigay ; datapuwa&#039;t yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama . At nang marinig ito ng sangpu , ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid . Datapuwa&#039;t sila&#039;y pinalapit ni Jesus sa kaniya , at sinabi , Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila , at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila . Sa inyo&#039;y hindi magkakagayon : kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo ; At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo : Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran , kundi upang maglingkod , at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami . At nang sila&#039;y magsialis sa Jerico , ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao . At narito , ang dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan , pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus , ay nangagsisigaw , na nagsisipagsabi , Panginoon , mahabag ka sa amin , ikaw na Anak ni David . At pinagwikaan sila ng karamihan , upang sila&#039;y magsitahimik : datapuwa&#039;t sila&#039;y lalong nangagsisigaw , na nagsisipagsabi , Panginoon , mahabag ka sa amin , ikaw na Anak ni David . At tumigil si Jesus , at sila&#039;y tinawag , at sinabi , Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo ? Sinabi nila sa kaniya , Panginoon , na mangadilat ang mga mata namin . At si Jesus , sa pagkahabag , ay hinipo ang kanilang mga mata , at pagdaka&#039;y nagsitanggap sila ng kanilang paningin ; at nagsisunod sa kaniya . At nang malapit na sila sa Jerusalem , at magsidating sa Betfage , sa bundok ng mga Olivo , ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad , Na sinasabi sa kanila , Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo , at pagdaka&#039;y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno , na may kasamang isang batang asno : kalagin ninyo , at dalhin ninyo sa akin . At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo , ay sasabihin ninyo , Kinakailangan sila ng Panginoon ; at pagdaka&#039;y kaniyang ipadadala sila . Nangyari nga ito , upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta , na nagsasabi , Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion : Narito , ang Hari mo&#039;y pumaparito sa iyo , Na maamo , at nakasakay sa isang asno , At sa isang batang asno na anak ng babaing asno . At nagsiparoon ang mga alagad , at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila , At kanilang dinala ang babaing asno , at ang batang asno , at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit ; at dito siya&#039;y sumakay . At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit ; at ang mga iba&#039;y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy , at inilalatag sa daan . At ang mga karamihang nangasa unahan niya , at ang nagsisunod , ay nagsisigawan , na nagsisipagsabi , Hosana sa Anak ni David : Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon : Hosana sa kataastaasan . At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem , ay nagkagulo ang buong bayan , na nagsasabi , Sino kaya ito ? At sinabi ng mga karamihan , Ito&#039;y ang propeta , Jesus , na taga Nazaret ng Galilea . At pumasok si Jesus sa templo ng Dios , at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo , at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi , at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati ; At sinabi niya sa kanila , Nasusulat , Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan , datapuwa&#039;t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan . At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay , at sila&#039;y kaniyang pinagaling . Datapuwa&#039;t nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga katakatakang bagay na kaniyang ginawa , at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nangagsasabi , Hosana sa Anak ni David ; ay nangagalit sila , At sinabi nila sa kaniya , Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito ? At sinabi sa kanila ni Jesus , Oo : kailan man baga&#039;y hindi ninyo nabasa , Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri ? At sila&#039;y kaniyang iniwan , at pumaroon sa labas ng bayan sa Betania , at nakipanuluyan doon . Pagka umaga nga nang siya&#039;y bumabalik sa bayan , nagutom siya . At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan , ay kaniyang nilapitan , at walang nasumpungang anoman doon , kundi mga dahon lamang ; at sinabi niya rito , Mula ngayo&#039;y huwag kang magbunga kailan man . At pagdaka&#039;y natuyo ang puno ng igos . At nang makita ito ng mga alagad , ay nangagtaka sila , na nangagsasabi , Ano&#039;t pagdaka&#039;y natuyo ang puno ng igos ? At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung kayo&#039;y may pananampalataya , at di mangagaalinlangan , hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos , kundi maging sabihin ninyo sa bundok na ito , mapataas ka , at mapasugba ka sa dagat , ay mangyayari . At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin , na may pananampalataya , ay inyong tatanggapin . At pagpasok niya sa templo , ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan , samantalang siya&#039;y nagtuturo , at nangagsabi , Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito ? at sino ang sa iyo&#039;y nagbigay ng kapamahalaang ito ? At sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong , na kung inyong sasabihin sa akin , ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito . Ang bautismo ni Juan , saan baga nagmula ? sa langit o sa mga tao ? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili , na nangagsasabi , Kung sabihin natin , Sa langit ; sasabihin niya sa atin , Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan ? Datapuwa&#039;t kung sasabihin , Sa mga tao ; nangatatakot tayo sa karamihan ; sapagka&#039;t kinikilala ng lahat na propeta si Juan . At sila&#039;y nagsisagot kay Jesus , at sinabi , Hindi namin nalalaman . Kaniyang sinabi naman sa kanila , Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito . Datapuwa&#039;t ano sa akala ninyo ? Isang taong may dalawang anak ; at lumapit siya sa una , at sinabi , Anak , pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan . At sinagot niya at sinabi , Ayaw ko : datapuwa&#039;t nagsisi siya pagkatapos , at naparoon . At siya&#039;y lumapit sa ikalawa , at gayon din ang sinabi . At sumagot siya at sinabi , Ginoo , ako&#039;y paroroon : at hindi naparoon . Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama ? Sinabi nila , Ang una . Sinabi sa kanila ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios . Sapagka&#039;t naparito si Juan sa inyo sa daan ng katuwiran , at hindi ninyo siya pinaniwalaan ; datapuwa&#039;t pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot : at kayo , sa pagkakita ninyo nito , ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos , upang kayo&#039;y magsipaniwala sa kaniya . Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga : May isang tao , na puno ng sangbahayan , na nagtanim ng isang ubasan , at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot , at humukay roon ng isang pisaan ng ubas , at nagtayo ng isang bantayan , at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka , at napasa ibang lupain . At nang malapit na ang panahon ng pamumunga , ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka , upang tanggapin ang kaniyang bunga . At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin , at hinampas nila ang isa , at ang isa&#039;y pinatay , at ang isa&#039;y binato . Muling sinugo niya ang ibang mga alipin , na mahigit pa sa nangauna ; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan . Datapuwa&#039;t pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake , na nagsasabi , Igagalang nila ang aking anak . Datapuwa&#039;t nang makita ng mga magsasaka ang anak , ay nangagusapan sila , Ito ang tagapagmana ; halikayo , siya&#039;y ating patayin , at kunin natin ang kaniyang mana . At siya&#039;y hinawakan nila , at itinaboy siya sa ubasan , at pinatay siya . Pagdating nga ng panginoon ng ubasan , ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon ? Sinabi nila sa kaniya , Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon , at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka , na sa kaniya&#039;y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan . Sinabi sa kanila ni Jesus , Kailan man baga&#039;y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan , Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali , Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok ; Ito&#039;y mula sa Panginoon , At ito&#039;y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata ? Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios , at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga . At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog : datapuwa&#039;t sinomang kaniyang malagpakan , ay pangangalating gaya ng alabok . At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga , ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan . At nang sila&#039;y nagsisihanap ng paraang siya&#039;y mahuli , ay nangatakot sila sa karamihan , sapagka&#039;t ipinalalagay nito na siya&#039;y propeta . At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga , na sinasabi , Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake , At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan : at sila&#039;y ayaw magsidalo . Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin , na sinasabi , Sabihin ninyo sa mga inanyayahan , Narito , inihanda ko na ang aking piging ; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba , at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na : magsiparito kayo sa piging ng kasalan . Datapuwa&#039;t hindi nila pinansin , at sila&#039;y nagsiyaon sa kanilang lakad , ang isa&#039;y sa kaniyang sariling bukid , ang isa&#039;y sa kaniyang mga kalakal ; At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin , at sila&#039;y dinuwahagi , at pinagpapatay . Datapuwa&#039;t ang hari ay nagalit ; at sinugo ang kaniyang mga hukbo , at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon , at sinunog ang kanilang bayan . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa kaniyang mga alipin , Nahahanda ang kasalan , nguni&#039;t hindi karapatdapat ang mga inanyayahan . Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan , at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan . At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan , at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan , masasama at mabubuti : at napuno ng mga panauhin ang kasalan . Datapuwa&#039;t pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin , ay doo&#039;y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan : At sinabi niya sa kaniya , Kaibigan , ano&#039;t pumasok ka rito na walang damit-kasalan ? At siya&#039;y naumid . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng hari sa mga naglilingkod , Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya , at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas ; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin . Sapagka&#039;t marami ang mga tinawag , datapuwa&#039;t kakaunti ang mga nahirang . Nang magkagayo&#039;y nagsialis ang mga Fariseo , at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita . At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad , na kasama ng mga Herodiano , na nagsisipagsabi , Guro , nalalaman naming ikaw ay totoo , at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios , at hindi ka nangingimi kanino man : sapagka&#039;t hindi ka nagtatangi ng tao . Sabihin mo nga sa amin , Ano sa akala mo ? Matuwid bagang bumuwis kay Cesar , o hindi ? Datapuwa&#039;t napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan , at sinabi sa kanila , Bakit ninyo ako tinutukso , kayong mga mapagpaimbabaw ? Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis . At dinala nila sa kaniya ang isang denario . At sinabi niya sa kanila , Kanino ang larawang ito at ang nasusulat ? Sinabi nila sa kaniya , Kay Cesar . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa kanila , Kaya&#039;t ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar ; at sa Dios ang sa Dios . At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila , at siya&#039;y iniwan , at nagsiyaon . Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo , na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli : at siya&#039;y kanilang tinanong , Na sinasabi , Guro , sinabi ni Moises , Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake , ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya , at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake . Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake : at nagasawa ang panganay at namatay , at sapagka&#039;t hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake ; Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa , at sa pangatlo , hanggang sa ikapito . At sa kahulihulihan nilang lahat , ay namatay ang babae . Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa ? sapagka&#039;t siya&#039;y naging asawa nilang lahat . Nguni&#039;t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Nangagkakamali kayo , sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan , ni ng kapangyarihan man ng Dios . Sapagka&#039;t sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa , ni mga papagaasawahin pa , kundi gaya ng mga anghel sa langit . Datapuwa&#039;t tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay , hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios , na nagsasabi , Ako ang Dios ni Abraham , at ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob ? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay , kundi ng mga buhay . At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral . Datapuwa&#039;t nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo , ay nangagkatipon sila . At isa sa kanila , na tagapagtanggol ng kautusan , ay tinanong siya ng isang tanong , upang siya&#039;y tuksuhin : Guro , alin baga ang dakilang utos sa kautusan ? At sinabi sa kaniya , Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo , at ng buong kaluluwa mo , at ng buong pagiisip mo . Ito ang dakila at pangunang utos . At ang pangalawang katulad ay ito , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili . Sa dalawang utos na ito&#039;y nauuwi ang buong kautusan , at ang mga propeta . Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo , ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong . Na sinasabi , Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo ? kanino bagang anak siya ? Sinabi nila sa kaniya , kay David . Sinabi niya sa kanila , Kung gayo&#039;y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon , sa espiritu , na nagsasabi , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon , Maupo ka sa aking kanan , Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa ? Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon , paanong siya&#039;y kaniyang anak ? At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita , ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong . Nang magkagayo&#039;y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad , Na nagsasabi , Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises . Lahat nga ng mga bagay na sa inyo&#039;y kanilang ipagutos , ay gawin ninyo at ganapin : datapuwa&#039;t huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa ; sapagka&#039;t kanilang sinasabi , at hindi ginagawa . Oo , sila&#039;y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin , at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao ; datapuwa&#039;t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri . Datapuwa&#039;t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao : sapagka&#039;t nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria , at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit , At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan , at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga , At pagpugayan sa mga pamilihan , at ang sila&#039;y tawagin ng mga tao , Rabi . Datapuwa&#039;t kayo&#039;y huwag patawag na Rabi : sapagka&#039;t iisa ang inyong guro , at kayong lahat ay magkakapatid . At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa : sapagka&#039;t iisa ang inyong ama , sa makatuwid baga&#039;y siya na nasa langit . Ni huwag kayong patawag na mga panginoon ; sapagka&#039;t iisa ang inyong panginoon , sa makatuwid baga&#039;y ang Cristo . Datapuwa&#039;t ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo . At sinomang nagmamataas ay mabababa ; at sinomang nagpapakababa ay matataas . Datapuwa&#039;t sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&#039;t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao : sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi na nagsisipasok , at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok . Sa aba ninyo , mga eskriba&#039;t mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! Sapagka&#039;t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao , at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin : kaya&#039;t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa . Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&#039;t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi ; at kung siya&#039;y magkagayon na , ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili . Sa aba ninyo , kayong mga tagaakay na bulag , na inyong sinasabi , Kung ipanumpa ninoman ang templo , ay walang anoman ; datapuwa&#039;t kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo , ay nagkakautang nga siya . Kayong mga mangmang at mga bulag : sapagka&#039;t alin baga ang lalong dakila , ang ginto , o ang templong bumabanal sa ginto ? At , kung ipanumpa ninoman ang dambana , ay walang anoman ; datapuwa&#039;t kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito , ay nagkakautang nga siya . Kayong mga bulag : sapagka&#039;t alin baga ang lalong dakila , ang handog , o ang dambana na bumabanal sa handog ? Kaya&#039;t ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana , ay ipinanunumpa ito , at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito . At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo , ay ipinanumpa ito , at yaong tumatahan sa loob nito . Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit , ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios , at yaong nakaluklok doon . Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&#039;t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena , at ng anis at ng komino , at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan , na dili iba&#039;t ang katarungan , at ang pagkahabag , at ang pananampalataya : datapuwa&#039;t dapat sana ninyong gawin ang mga ito , at huwag pabayaang di gawin yaong iba . Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok , at nilulunok ninyo ang kamelyo ! Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpapaimbabaw ! sapagka&#039;t inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan , datapuwa&#039;t sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan . Ikaw bulag na Fariseo , linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan , upang luminis naman ang kaniyang labas . Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&#039;t tulad kayo sa mga libingang pinaputi , na may anyong maganda sa labas , datapuwa&#039;t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao , at ng lahat na karumaldumal . Gayon din naman kayo , sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao , datapuwa&#039;t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan . Sa aba ninyo , mga eskriba at mga Fariseo , mga mapagpaimbabaw ! sapagka&#039;t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta , at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid , At sinasabi ninyo , Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi&#039;y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta . Kaya&#039;t kayo&#039;y nangagpapatotoo sa inyong sarili , na kayo&#039;y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta . Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang . Kayong mga ahas , kayong mga lahi ng mga ulupong , paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno ? Kaya&#039;t , narito , sinusugo ko sa inyo ang mga propeta , at mga pantas na lalake , at mga eskriba : ang mga iba sa kanila&#039;y inyong papatayin at ipapako sa krus ; at ang mga iba sa kanila&#039;y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga , at sila&#039;y inyong paguusigin sa bayan-bayan : Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa , buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito . Oh Jerusalem , Jerusalem , na pumapatay sa mga propeta , at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya ! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak , na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak , ay ayaw kayo ! Narito , ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak . Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita , hanggang sa inyong sabihin , Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon . At lumabas si Jesus sa templo , at payaon sa kaniyang lakad ; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya&#039;y ipamalas ang mga gusali ng templo . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sa kanila&#039;y sinabi , Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito ? katotohanang sinasabi ko sa inyo , Dito&#039;y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato , na hindi ibabagsak . At samantalang siya&#039;y nakaupo sa bundok ng mga Olivo , ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad , na nagsisipagsabi , Sabihin mo sa amin , kailan mangyayari ang mga bagay na ito ? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito , at ng katapusan ng sanglibutan ? At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman . Sapagka&#039;t marami ang magsisiparito sa aking pangalan , na mangagsasabi , Ako ang Cristo ; at ililigaw ang marami . At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan ; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan : sapagka&#039;t kinakailangang ito&#039;y mangyari datapuwa&#039;t hindi pa ang wakas . Sapagka&#039;t magsisitindig ang bansa laban sa bansa , at ang kaharian laban sa kaharian ; at magkakagutom at lilindol sa iba&#039;t ibang dako . Datapuwa&#039;t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan . Kung magkagayo&#039;y ibibigay kayo sa kapighatian , at kayo&#039;y papatayin : at kayo&#039;y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan . At kung magkagayo&#039;y maraming mangatitisod , at mangagkakanuluhan ang isa&#039;t isa , at mangagkakapootan ang isa&#039;t isa . At magsisibangon ang maraming bulaang propeta , at kanilang ililigaw ang marami . At dahil sa pagsagana ng katampalasanan , ang pagibig ng marami ay lalamig . Datapuwa&#039;t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas . At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa ; at kung magkagayo&#039;y darating ang wakas . Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira , na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel , na natatayo sa dakong banal ( unawain ng bumabasa ) , Kung magkagayo&#039;y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea : Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay : At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal . Datapuwa&#039;t sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon ! At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw , o sa sabbath man : Sapagka&#039;t kung magkagayo&#039;y magkakaroon ng malaking kapighatian , na ang gayo&#039;y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon , at ni hindi na mangyayari kailan man . At malibang paikliin ang mga araw na yaon , ay walang lamang makaliligtas : datapuwa&#039;t dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon . Kung magkagayon , kung may magsabi sa inyong sinomang tao , Narito ang Cristo , o , Nariyan ; huwag ninyong paniwalaan . Sapagka&#039;t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo , at mga bulaang propeta , at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan ; ano pa&#039;t ililigaw , kung maaari , pati ng mga hirang . Narito , ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo . Kaya nga kung sa inyo&#039;y kanilang sasabihin , Narito , siya&#039;y nasa ilang ; huwag kayong magsilabas : Narito , siya&#039;y nasa mga silid ; huwag ninyong paniwalaan . Sapagka&#039;t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan , at nakikita hanggang sa kalunuran ; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao . Saan man naroon ang bangkay , ay doon mangagkakatipon ang mga uwak . Datapuwa&#039;t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw , at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag , at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit , at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit : At kung magkagayo&#039;y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit : at kung magkagayo&#039;y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa , at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian . At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak , at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan , mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila . Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga : pagka nananariwa ang kaniyang sanga , at sumusupling ang mga dahon , ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw ; Gayon din naman kayo , pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito , ay talastasin ninyo na siya&#039;y malapit na , nasa mga pintuan nga . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi lilipas ang lahing ito , hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito . Ang langit at ang lupa ay lilipas , datapuwa&#039;t ang aking mga salita ay hindi lilipas . Nguni&#039;t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam , kahit ang mga anghel sa langit , kahit ang Anak , kundi ang Ama lamang . At kung paano ang mga araw ni Noe , gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao . Sapagka&#039;t gaya ng mga araw bago nagkagunaw , sila&#039;y nagsisikain at nagsisiinom , at nangagaasawa at pinapapagaasawa , hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong , At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw , at sila&#039;y tinangay na lahat ; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao . Kung magkagayo&#039;y sasa bukid ang dalawang lalake ; ang isa&#039;y kukunin , at ang isa&#039;y iiwan : Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan ; ang isa&#039;y kukunin , at ang isa&#039;y iiwan . Mangagpuyat nga kayo : sapagka&#039;t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon . Datapuwa&#039;t ito&#039;y talastasin ninyo , na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw , ay siya&#039;y magpupuyat , at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay . Kaya nga kayo&#039;y magsihanda naman ; sapagka&#039;t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip . Sino nga baga ang aliping tapat at matalino , na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan , upang sila&#039;y bigyan ng pagkain sa kapanahunan ? Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon , ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na sa kaniya&#039;y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari . Datapuwa&#039;t kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso , Magtatagal ang aking panginoon ; At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin , at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing ; Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay , at oras na hindi niya nalalaman , At siya&#039;y babaakin , at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw : doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin . Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga , na kinuha ang kanilang mga ilawan , at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake . At ang lima sa kanila&#039;y mga mangmang , at ang lima&#039;y matatalino . Sapagka&#039;t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan , ay hindi sila nangagdala ng langis : Datapuwa&#039;t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan . Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake , ay nangagantok silang lahat at nangakatulog . Datapuwa&#039;t pagkahating gabi ay may sumigaw , Narito , ang kasintahang lalake ! Magsilabas kayo upang salubungin siya . Nang magkagayo&#039;y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon , at pinagigi ang kanilang mga ilawan . At sinabi ng mga mangmang sa matatalino , Bigyan ninyo kami ng inyong langis ; sapagka&#039;t nangamamatay ang aming mga ilawan . Datapuwa&#039;t nagsisagot ang matatalino , na nangagsasabi , Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo : magsiparoon muna kayo sa nangagbibili , at magsibili kayo ng ganang inyo . At samantalang sila&#039;y nagsisiparoon sa pagbili , ay dumating ang kasintahang lalake ; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan : at inilapat ang pintuan . Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga , na nagsisipagsabi , Panginoon , Panginoon , buksan mo kami . Datapuwa&#039;t sumagot siya at sinabi , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi ko kayo nangakikilala . Mangagpuyat nga kayo , sapagka&#039;t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras . Sapagka&#039;t tulad sa isang tao , na nang paroroon sa ibang lupain , ay tinawag ang kaniyang sariling mga alipin , at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari . At ang isa&#039;y binigyan niya ng limang talento , ang isa&#039;y dalawa , at ang isa&#039;y isa ; sa bawa&#039;t isa&#039;y ayon sa kanikaniyang kaya ; at siya&#039;y yumaon sa kaniyang paglalakbay . Ang tumanggap ng limang talento pagdaka&#039;y yumaon at ipinangalakal niya ang mga yaon , at siya&#039;y nakinabang ng lima pang talento . Sa gayon ding paraan ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng ibang dalawa pa . Datapuwa&#039;t ang tumanggap ng isa ay yumaon at humukay sa lupa , at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon . Pagkatapos nga ng mahabang panahon , ay dumating ang panginoon ng mga aliping yaon , at nakipaghusay sa kanila . At ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagdala ng lima pang talento , na nagsasabi , Panginoon , binigyan mo ako ng limang talento : narito , ako&#039;y nakinabang ng lima pang talento . Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon , Mabuting gawa , mabuti at tapat na alipin : nagtapat ka sa kakaunting bagay , pamamahalain kita sa maraming bagay ; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon . At lumapit naman ang tumanggap ng dalawang talento at sinabi , Panginoon , binigyan mo ako ng dalawang talento : narito , ako&#039;y nakinabang ng dalawa pang talento . Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon , Mabuting gawa , mabuti at tapat na alipin : nagtapat ka sa kakaunting bagay , pamamahalain kita sa maraming bagay ; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon . At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi , Panginoon , nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas , na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan , at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan ; At ako&#039;y natakot , at ako&#039;y yumaon at aking itinago sa lupa ang talento mo : narito , nasa iyo ang iyong sarili . Datapuwa&#039;t sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya , Ikaw na aliping masama at tamad , nalalaman mong ako&#039;y gumagapas sa hindi ko hinasikan , at nagaani doon sa hindi ko sinabugan ; Gayon pala&#039;y ibinigay mo sana ang aking salapi sa nagsisipangalakal ng salapi , at nang sa aking pagdating ay tinanggap ko sana ang ganang akin pati ng pakinabang . Alisin nga ninyo sa kaniya ang talento , at ibigay ninyo sa may sangpung talento . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t mayroon ay bibigyan , at siya&#039;y magkakaroon ng sagana : nguni&#039;t ang wala , pati pa nang nasa kaniya ay aalisin sa kaniya . At ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas : diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin . Datapuwa&#039;t pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian , na kasama niya ang lahat ng mga anghel , kung magkagayo&#039;y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian : At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa : at sila&#039;y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing ; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan , datapuwa&#039;t sa kaliwa ang mga kambing . Kung magkagayo&#039;y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan , Magsiparito kayo , mga pinagpala ng aking Ama , manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan : Sapagka&#039;t ako&#039;y nagutom , at ako&#039;y inyong pinakain ; ako&#039;y nauhaw , at ako&#039;y inyong pinainom ; ako&#039;y naging taga ibang bayan , at inyo akong pinatuloy ; Naging hubad , at inyo akong pinaramtan ; ako&#039;y nagkasakit , at inyo akong dinalaw ; ako&#039;y nabilanggo , at inyo akong pinaroonan . Kung magkagayo&#039;y sasagutin siya ng mga matuwid , na mangagsasabi , Panginoon , kailan ka namin nakitang nagutom , at pinakain ka namin ? o nauuhaw , at pinainom ka ? At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan , at pinatuloy ka ? o hubad , at pinaramtan ka ? At kailan ka namin nakitang may-sakit , o nasa bilangguan , at dinalaw ka namin ? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid , kahit sa pinakamaliit na ito , ay sa akin ninyo ginawa . Kung magkagayo&#039;y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa , Magsilayo kayo sa akin , kayong mga sinumpa , at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel : Sapagka&#039;t ako&#039;y nagutom , at hindi ninyo ako pinakain ; ako&#039;y nauhaw , at hindi ninyo ako pinainom ; Ako&#039;y naging isang taga ibang bayan , at hindi ninyo ako pinatuloy ; hubad , at hindi ninyo ako pinaramtan ; maysakit at nasa bilangguan , at hindi ako dinalaw . Kung magkagayo&#039;y sila nama&#039;y magsisisagot , na magsisipagsabi , Panginoon , kailan ka namin nakitang nagugutom , o nauuhaw , o isang taga ibang bayan , o hubad , o may-sakit , o nasa bilangguan , at hindi ka namin pinaglingkuran ? Kung magkagayo&#039;y sila&#039;y sasagutin niya , na sasabihin , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito , ay hindi ninyo ginawa sa akin . At ang mga ito&#039;y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan : datapuwa&#039;t ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay . At nangyari , na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito , ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua , at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus . Nang magkagayo&#039;y ang mga pangulong saserdote , at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote , na tinatawag na Caifas ; At sila&#039;y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya , at siya&#039;y patayin . Datapuwa&#039;t sinabi nila , Huwag sa kapistahan , baka magkagulo sa bayan . Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin , Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga , at ibinuhos sa kaniyang ulo , samantalang siya&#039;y nakaupo sa pagkain . Datapuwa&#039;t nang makita ito ng mga alagad , ay nangagalit sila , na nangagsasabi , Ano ang layon ng pagaaksayang ito ? Sapagka&#039;t ito&#039;y maipagbibili sa malaking halaga , at maibibigay sa mga dukha . Datapuwa&#039;t nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila , Bakit ninyo binabagabag ang babae ? sapagka&#039;t gumawa siya sa akin ng mabuting gawa . Sapagka&#039;t laging nangasa inyo ang mga dukha ; datapuwa&#039;t ako&#039;y hindi laging nasa inyo . Sapagka&#039;t sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan , ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan , ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y isa sa labingdalawa , na tinatawag na Judas Iscariote , ay naparoon sa mga pangulong saserdote , At sinabi , Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin , at siya&#039;y ibibigay ko sa inyo ? At siya&#039;y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak . At buhat nang panahong yao&#039;y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya . Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus , na nagsisipagsabing , Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua ? At sinabi niya , Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao , at sabihin ninyo sa kaniya , Sinabi ng Guro , malapit na ang aking panahon ; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad . At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus ; at inihanda nila ang kordero ng paskua . Nang dumating nga ang gabi , ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad ; At samantalang sila&#039;y nagsisikain , ay sinabi niya , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ako&#039;y ipagkakanulo ng isa sa inyo . At sila&#039;y lubhang nangamanglaw , at nagpasimula ang bawa&#039;t isa na magsabi sa kaniya , Ako baga , Panginoon ? At siya&#039;y sumagot at sinabi , Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan , ay siya ring magkakanulo sa akin . Ang Anak ng tao ay papanaw , ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya : datapuwa&#039;t sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao ! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak . At si Judas , na sa kaniya&#039;y nagkanulo , ay sumagot at nagsabi , Ako baga , Rabi ? Sinabi niya sa kaniya , Ikaw ang nagsabi . At samantalang sila&#039;y nagsisikain , ay dumampot si Jesus ng tinapay , at pinagpala , at pinagputolputol ; at ibinigay sa mga alagad , at sinabi , Kunin ninyo , kanin ninyo ; ito ang aking katawan . At dumampot siya ng isang saro , at nagpasalamat , at ibinigay sa kanila , na nagsasabi , Magsiinom kayong lahat diyan ; Sapagka&#039;t ito ang aking dugo ng tipan , na nabubuhos dahil sa marami , sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan . Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas , hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama . At pagkaawit nila ng isang himno , ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo . Nang magkagayo&#039;y sinabi sa kanila ni Jesus , Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito : sapagka&#039;t nasusulat , Sasaktan ko ang pastor , at mangangalat ang mga tupa ng kawan . Datapuwa&#039;t pagkapagbangon ko , ay mauuna ako sa inyo sa Galilea . Datapuwa&#039;t sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya , Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo , ako kailan ma&#039;y hindi magdaramdam . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa iyo , na sa gabing ito , bago tumilaok ang manok , ay ikakaila mo akong makaitlo . Sinabi sa kaniya ni Pedro , Kahima&#039;t ako&#039;y mamatay na kasama mo , ay hindi kita ikakaila . Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad . Nang magkagayo&#039;y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani , at sinabi sa kaniyang mga alagad , Magsiupo kayo rito , samantalang ako&#039;y pumaparoon doon at manalangin . At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo , at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa kanila , Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko , hanggang sa kamatayan : mangatira kayo rito , at makipagpuyat sa akin . At lumakad siya sa dako pa roon , at siya&#039;y nagpatirapa , at nanalangin , na nagsasabi , Ama ko , kung baga maaari , ay lumampas sa akin ang sarong ito : gayon ma&#039;y huwag ang ayon sa ibig ko , kundi ang ayon sa ibig mo . At lumapit siya sa mga alagad , at sila&#039;y kaniyang naratnang nangatutulog , at sinabi kay Pedro , Ano , hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras ? Kayo&#039;y mangagpuyat at magsipanalangin , upang huwag kayong magsipasok sa tukso : ang espiritu sa katotohanan ay may ibig , datapuwa&#039;t mahina ang laman . Muli siyang umalis na bilang ikalawa , at nanalangin , na nagsasabi , Ama ko , kung di mangyayaring makalampas ito , kundi ko inumin , mangyari nawa ang iyong kalooban . At siya&#039;y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog , sapagka&#039;t nangabibigatan ang kanilang mga mata . At muli niya silang iniwan , at umalis , at nanalangin bilang ikatlo , na sinabing muli ang gayon ding mga salita . Nang magkagayo&#039;y lumapit siya sa mga alagad , at sinabi sa kanila , Mangatulog na kayo , at mangagpahinga : narito , malapit na ang oras , at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan . Magsitindig kayo , hayo na tayo : narito , malapit na ang nagkakanulo sa akin . At samantalang nagsasalita pa siya , narito , dumating si Judas , na isa sa labingdalawa , at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas , mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan . Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat , na sinasabi , Ang aking hagkan , ay yaon nga : hulihin ninyo siya . At pagdaka&#039;y lumapit siya kay Jesus , at nagsabi , Magalak , Rabi ; at siya&#039;y hinagkan . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Gawin mo ang dahil ng pagparito mo . Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus , at siya&#039;y kanilang dinakip . At narito , ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak , at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote , at tinagpas ang kaniyang tainga . Nang magkagayo&#039;y sinabi sa kaniya ni Jesus , Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan : sapagka&#039;t ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay . O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama , at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel ? Kung gayo&#039;y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan , na ganyan ang nauukol na mangyari ? Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan , Kayo baga&#039;y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan , na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako ? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo , at hindi ninyo ako dinakip . Datapuwa&#039;t nangyari ang lahat ng ito , upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta . Nang magkagayo&#039;y iniwan siya ng lahat ng mga alagad , at nagsitakas . At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas , na doo&#039;y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda . Datapuwa&#039;t si Pedro&#039;y sumunod sa kaniya sa malayo , hanggang sa looban ng dakilang saserdote , at siya&#039;y pumasok , at nakiumpok sa mga punong kawal , upang makita niya ang wakas . Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus , upang siya&#039;y kanilang maipapatay ; At yao&#039;y hindi nila nangasumpungan , bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan . Nguni&#039;t pagkatapos ay nagsidating ang dalawa , At nangagsabi , Sinabi ng taong ito , Maigigiba ko ang templo ng Dios , at muling itatayo ko sa tatlong araw . At nagtindig ang dakilang saserdote , at sinabi sa kaniya , Wala kang isinasagot na anoman ? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo ? Datapuwa&#039;t hindi umimik si Jesus . At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya , Kita&#039;y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay , na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo , ang Anak ng Dios . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Ikaw ang nagsabi : gayon ma&#039;y sinasabi ko sa inyo , Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan , at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit . Nang magkagayo&#039;y hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit , na sinasabi , Nagsalita siya ng kapusungan : ano pa ang kailangan natin ng mga saksi ? narito , ngayo&#039;y narinig ninyo ang kapusungan : Ano ang akala ninyo ? Nagsisagot sila at kanilang sinabi , Karapatdapat siya sa kamatayan . Nang magkagayo&#039;y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya&#039;y kanilang pinagsusuntok : at tinatampal siya ng mga iba , Na nangagsasabi , Hulaan mo sa amin , ikaw Cristo : sino ang sa iyo&#039;y bumubugbog ? Nakaupo nga si Pedro sa labas ng looban : at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae , na nagsasabi , Ikaw man ay kasama ng taga Galileang si Jesus . Datapuwa&#039;t siya&#039;y kumaila sa harap nilang lahat , na sinasabi , Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo . At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila , at sinabi sa nangaroon , Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret . At muling kumailang may sumpa , Hindi ko nakikilala ang tao . At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro , Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila ; sapagka&#039;t ipinakikilala ka ng iyong pananalita . Nang magkagayo&#039;y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa , Hindi ko nakikilala ang tao . At pagdaka&#039;y tumilaok ang manok . At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus , Bago tumilaok ang manok , ay ikakaila mo akong makaitlo . At siya&#039;y lumabas at nanangis na mainam . Pagka umaga nga , ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya&#039;y ipapatay : At siya&#039;y ginapos nila , at siya&#039;y inilabas , at kanilang ibinigay siya kay Pilato na gobernador . Nang magkagayo&#039;y si Judas , na nagkanulo sa kaniya , pagkakitang siya&#039;y nahatulan na , ay nagsisi , at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda , Na sinasabi , Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan . Datapuwa&#039;t kanilang sinabi , Ano sa amin ? ikaw ang bahala niyan . At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak , at umalis ; at siya&#039;y yumaon at nagbigti . At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak , at sinabi , Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman , sapagka&#039;t halaga ng dugo . At sila&#039;y nangagsanggunian , at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok , upang paglibingan ng mga taga ibang bayan . Dahil dito&#039;y tinawag ang bukid na yaon , ang bukid ng dugo , hanggang ngayon . Nang magkagayo&#039;y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias , na nagsasabi , At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak , halaga noong hinalagahan , na inihalaga ng mga anak ng Israel ; At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok , ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon . Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador : at tinanong siya ng gobernador , na nagsasabi , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? At sinabi sa kaniya ni Jesus , Ikaw ang nagsasabi . At nang siya&#039;y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda , ay hindi siya sumagot ng anoman . Nang magkagayo&#039;y sinabi sa kaniya ni Pilato , Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo ? At hindi siya sinagot niya , ng kahit isang salita man lamang : ano pa&#039;t nanggilalas na mainam ang gobernador . Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo , na sinoman ang kanilang ibigin . At noo&#039;y sila&#039;y may isang bilanggong bantog , na tinatawag na Barrabas . Nang sila&#039;y mangagkatipon nga , ay sinabi sa kanila ni Pilato , Sino ang ibig ninyong sa inyo&#039;y aking pawalan ? si Barrabas , o si Jesus na tinatawag na Cristo ? Sapagka&#039;t natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya . At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom , ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa , na nagsasabi , Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan ; sapagka&#039;t ngayong araw na ito&#039;y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya . Inudyukan ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas , at puksain si Jesus . Datapuwa&#039;t sumagot ang gobernador at sa kanila&#039;y sinabi , Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo&#039;y aking pawalan ? At sinabi nila , Si Barrabas . Sinabi sa kanila ni Pilato , Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo ? Sinabi nilang lahat , Mapako siya sa krus . At sinabi niya , Bakit , anong kasamaan ang kaniyang ginawa ? Datapuwa&#039;t sila&#039;y lalong nangagsigawan , na nangagsasabi , Mapako siya sa krus . Kaya&#039;t nang makita ni Pilato na wala siyang magawa , kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan , siya&#039;y kumuha ng tubig , at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan , na sinasabi , Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao ; kayo ang bahala niyan . At sumagot ang buong bayan at nagsabi , Mapasa amin ang kaniyang dugo , at sa aming mga anak . Nang magkagayo&#039;y pinawalan niya sa kanila si Barrabas ; nguni&#039;t si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus . Nang magkagayo&#039;y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio , at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong . At siya&#039;y kanilang hinubdan , at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube . At sila&#039;y nangagkamakama ng isang putong na tinik , at ipinutong sa kaniyang ulo , at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo ; at sila&#039;y nagsiluhod sa harap niya at siya&#039;y kanilang nilibak , na nagsisipagsabi , Magalak , Hari ng mga Judio ! At siya&#039;y kanilang niluluraan , at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo . At nang siya&#039;y kanilang malibak , ay hinubdan nila siya ng balabal , at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit , at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus . At paglabas nila&#039;y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene , na ang pangala&#039;y Simon : ito&#039;y kanilang pinilit na sumama sa kanila , upang pasanin niya ang kaniyang krus . At nang sila&#039;y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota , sa makatuwid baga&#039;y , Ang dako ng bungo , Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo : at nang kaniyang matikman , ay ayaw niyang inumin . At nang siya&#039;y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit , na kanilang pinagsapalaran ; At sila&#039;y nangagsiupo at binantayan siya roon . At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya , na nasusulat : ITO&#039; Y SI JESUS , ANG HARI NG MGA JUDIO . Nang magkagayo&#039;y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan , isa sa kanan at isa sa kaliwa . At siya&#039;y nililibak ng nangagdaraan , na iginagalaw ang kanilang mga ulo , At nangagsasabi , Ikaw na igigiba mo ang templo , at sa tatlong araw ay iyong itatayo , iyong iligtas ang sarili mo : kung ikaw ay Anak ng Dios , ay bumaba ka sa krus . Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote , pati ng mga eskriba at ng matatanda , na nagsipagsabi , Nagligtas siya sa mga iba ; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas . Siya ang Hari ng Israel ; bumaba siya ngayon sa krus , at tayo&#039;y magsisisampalataya sa kaniya . Nananalig siya sa Dios ; iligtas niya siya ngayon , kung siya&#039;y iniibig : sapagka&#039;t sinabi niya , Ako&#039;y Anak ng Dios . At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus . Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam . At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig , na sinasabi : Eli , Eli , lama sabachthani ? sa makatuwid baga&#039;y , Dios ko , Dios ko bakit mo ako pinabayaan ? At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon , ay sinabi , Tinatawag ng taong ito si Elias . At pagkaraka&#039;y tumakbo ang isa sa kanila , at kumuha ng isang espongha , at binasa ng suka , saka inilagay sa isang tambo , at ipinainom sa kaniya . At sinabi ng mga iba , Pabayaan ninyo ; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya&#039;y iligtas . At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig , at nalagot ang kaniyang hininga . At narito , ang tabing ng templo&#039;y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba ; at nayanig ang lupa ; at nangabaak ang mga bato ; At nangabuksan ang mga libingan ; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon ; At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya&#039;y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami . Ang senturion nga , at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus , nang mangakita nila ang lindol , at ang mga bagay na nangyari , ay lubhang nangatakot , na nangagsasabi , Tunay na ito ang Anak ng Dios . At nangaroroon ang maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo , na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea , na siya&#039;y kanilang pinaglilingkuran : Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena , at si Maria na ina ni Santiago at ni Jose , at ang ina ng mga anak ni Zebedeo . At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea , na nagngangalang Jose , na ito&#039;y naging alagad din naman ni Jesus ; Ang taong ito&#039;y naparoon kay Pilato , at hiningi ang bangkay ni Jesus . Nang magkagayo&#039;y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon . At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino , At inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan , na kaniyang hinukay sa bato : at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan , at umalis . At nangaroon si Maria Magdalena , at ang isang Maria , at nangakaupo sa tapat ng libingan . Nang kinabukasan nga , na siyang araw pagkatapos ng Paghahanda , ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo , Na nagsisipagsabi , Ginoo , naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa , Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli . Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw , baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya&#039;y nakawin , at sabihin sa bayan , Siya&#039;y nagbangon sa gitna ng mga patay : at lalong sasama ang huling kamalian . Sinabi sa kanila ni Pilato , Mayroon kayong bantay : magsiparoon kayo , inyong ingatan ayon sa inyong makakaya . Kaya&#039;t sila&#039;y nagsiparoon , at iningatan nila ang libingan , tinatakan ang bato , na kasama nila ang bantay . Nang magtatapos ang araw ng sabbath , nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo , ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan . At narito , lumindol ng malakas ; sapagka&#039;t bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon , at naparoon at iginulong ang bato , at nakaupo sa ibabaw nito . Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat , at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe : At sa takot sa kaniya&#039;y nagsipanginig ang mga bantay , at nangaging tulad sa mga taong patay . At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae , Huwag kayong mangatakot ; sapagka&#039;t nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus . Siya&#039;y wala rito ; sapagka&#039;t siya&#039;y nagbangon , ayon sa sinabi niya . Magsiparito kayo , tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon . At magsiyaon kayong madali , at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo , Siya&#039;y nagbangon sa mga patay ; at narito , siya&#039;y nangunguna sa inyo sa Galilea ; doon makikita ninyo siya : narito , nasabi ko na sa inyo . At sila&#039;y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak , at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad . At narito , sila&#039;y sinalubong ni Jesus na nagsasabi , Mangagalak kayo . At sila&#039;y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa , at siya&#039;y sinamba . Nang magkagayo&#039;y sinabi sa kanila ni Jesus , Huwag kayong mangatakot : magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea , at doo&#039;y makikita nila ako . Samantala ngang sila&#039;y nagsisiparoon , narito , ang ilan sa mga bantay ay nagsiparoon sa bayan , at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari . At nang sila&#039;y mangakipagkatipon na sa matatanda , at makapagsanggunian na , ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal , Na nangagsasabi , Sabihin ninyo , Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad , at siya&#039;y kanilang ninakaw samantalang kami&#039;y nangatutulog . At kung ito&#039;y dumating sa tainga ng gobernador , ay siya&#039;y aming hihikayatin , at kayo&#039;y aming ilalagay sa panatag . Kaya&#039;t kinuha nila ang salapi , at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila : at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio , at nananatili hanggang sa mga araw na ito . Datapuwa&#039;t nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea , sa bundok na sa kanila&#039;y itinuro ni Jesus . At nang siya&#039;y kanilang makita , ay kanilang sinamba siya ; datapuwa&#039;t ang ilan ay nangagalinlangan . At lumapit si Jesus sa kanila at sila&#039;y kaniyang kinausap , na sinasabi , Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin . Dahil dito magsiyaon nga kayo , at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa , na sila&#039;y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo : Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo : at narito , ako&#039;y sumasa inyong palagi , hanggang sa katapusan ng sanglibutan . </passage></reply></GetPassage>