<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:41</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:41</urn><passage>Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo , ang Anak ng Dios . Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta , Narito , sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha , Na maghahanda ng iyong daan ; Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang , Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon , Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas ; Dumating si Juan , na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan . At nilalabas siya ng buong lupain ng Judea , at nilang lahat na mga taga Jerusalem ; at sila&#039;y binabautismuhan niya sa ilog ng Jordan , na nangagpapahayag ng kanilang mga kasalanan . At si Juan ay nananamit ng balahibo ng kamelyo , at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang , at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan . At siya&#039;y nangangaral , na nagsasabi , Sumusunod sa hulihan ko ang lalong makapangyarihan kay sa akin ; hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali ng kaniyang mga pangyapak . Binabautismuhan ko kayo sa tubig ; datapuwa&#039;t kayo&#039;y babautismuhan niya sa Espiritu Santo . At nangyari nang mga araw na yaon , na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea , at siya&#039;y binautismuhan ni Juan sa Jordan . At karakarakang pagahon sa tubig , ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit , at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya : At may isang tinig na nagmula sa mga langit , Ikaw ang sinisinta kong Anak , sa iyo ako lubos na nalulugod . At pagdaka&#039;y itinaboy siya ng Espiritu sa ilang . At siya&#039;y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas ; at kasama siya ng mga ganid ; at pinaglingkuran siya ng mga anghel . Pagkatapos ngang madakip si Juan , ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios , At sinasabi , Naganap na ang panahon , at malapit na ang kaharian ng Dios : kayo&#039;y mangagsisi , at magsisampalataya sa evangelio . At pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea , ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga mamamalakaya . At sinabi sa kanila ni Jesus , Magsisunod kayo sa aking hulihan , at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao . At pagdaka&#039;y iniwan nila ang mga lambat , at nagsisunod sa kaniya . At paglakad sa dako pa roon ng kaunti , ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo , at si Juan na kaniyang kapatid , na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat . At pagdaka&#039;y kaniyang tinawag sila : at kanilang iniwan sa daong ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ng mga aliping upahan , at nagsisunod sa kaniya . At nagsipasok sila sa Capernaum ; at pagdaka&#039;y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo . At nangagtaka sila sa kaniyang aral : sapagka&#039;t sila&#039;y tinuturuan niyang tulad sa may kapamahalaan , at hindi gaya ng mga eskriba . At pagdaka&#039;y may isang tao sa kanilang sinagoga na may isang karumaldumal na espiritu ; at siya&#039;y sumigaw , Na nagsasabi , Anong pakialam namin sa iyo , Jesus ikaw na Nazareno ? naparito ka baga upang kami&#039;y puksain ? Nakikilala kita kung sino ka , ang Banal ng Dios . At sinaway siya ni Jesus , na nagsasabi , Tumahimik ka , at lumabas ka sa kaniya . At ang karumaldumal na espiritu , nang mapangatal niya siya at makapagsisigaw ng malakas na tinig , ay lumabas sa kaniya . At silang lahat ay nangagtaka , ano pa&#039;t sila-sila rin ay nangagtatanungan , na sinasabi , Ano kaya ito ? isang bagong aral yata ! may kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu , at siya&#039;y tinatalima nila . At lumipana pagdaka ang pagkabantog niya sa lahat ng dako sa buong palibotlibot ng lupain ng Galilea . At paglabas nila sa sinagoga , ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres , na kasama si Santiago at si Juan . Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon ; at pagdaka&#039;y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya : At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay , at siya&#039;y itinindig ; at inibsan siya ng lagnat , at siya&#039;y naglingkod sa kanila . At nang kinagabihan , paglubog ng araw , ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit , at ang mga inaalihan ng mga demonio . At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan . At nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit , at nagpalabas ng maraming demonio ; at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio , sapagka&#039;t siya&#039;y kanilang kilala . At nagbangon siya nang madaling-araw , na malalim pa ang gabi , at lumabas , at napasa isang dakong ilang , at doo&#039;y nanalangin . At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya ; At siya&#039;y nasumpungan nila , at sinabi sa kaniya , Hinahanap ka ng lahat . At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan , upang ako&#039;y makapangaral din naman doon ; sapagka&#039;t sa ganitong dahilan ako&#039;y naparito . At siya&#039;y pumasok sa mga sinagoga nila sa buong Galilea , na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio . At lumapit sa kaniya ang isang ketongin , na namamanhik sa kaniya , at nanikluhod sa kaniya , at sa kaniya&#039;y nagsasabi , Kung ibig mo , ay maaaring malinis mo ako . At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay , at siya&#039;y hinipo , at sinabi sa kaniya , Ibig ko ; luminis ka . At pagdaka&#039;y nawalan siya ng ketong , at siya&#039;y nalinis . At siya&#039;y kaniyang pinagbilinang mahigpit , at pinaalis siya pagdaka , At sinabi sa kaniya , Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman : kundi yumaon ka , at pakita ka sa saserdote , at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises , na bilang isang patotoo sa kanila . Datapuwa&#039;t siya&#039;y umalis , at pinasimulang ipamalitang mainam , at ipahayag ang nangyari , ano pa&#039;t hindi na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan , kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang : at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig . At nang siya&#039;y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw , ay nahayag na siya&#039;y nasa bahay . At maraming nagkatipon , ano pa&#039;t hindi na magkasiya , kahit sa pintuan man : at sa kanila&#039;y sinaysay niya ang salita . At sila&#039;y nagsidating , na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya , na usong ng apat . At nang hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan , ay kanilang binakbak ang bubungan ng kaniyang kinaroroonan : at nang yao&#039;y kanilang masira , ay inihugos nila ang higaang kinahihigan ng lumpo . At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo , Anak , ipinatatawad ang iyong mga kasalanan . Nguni&#039;t mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba , at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso , Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito ? siya&#039;y namumusong : sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa , ang Dios lamang ? At pagkaunawa ni Jesus , sa kaniyang espiritu na sila&#039;y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili , pagdaka&#039;y sinabi sa kanila , Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso ? Alin baga ang lalong magaang sabihin sa lumpo , Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan ; o sabihin , Magtindig ka , at buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka ? Datapuwa&#039;t upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan ( sinabi niya sa lumpo ) , Sa iyo ko sinasabi , Magtindig ka , buhatin mo ang iyong higaan , at umuwi ka sa bahay mo . At nagtindig siya , at pagdaka&#039;y binuhat ang higaan , at yumaon sa harap nilang lahat ; ano pa&#039;t nangagtaka silang lahat , at niluwalhati nila ang Dios , na nangagsabi , Kailan ma&#039;y hindi tayo nakakita ng ganito . At muling lumabas at naparoon siya sa tabi ng dagat ; at lumapit sa kaniya ang buong karamihan , at sila&#039;y kaniyang tinuruan . At sa kaniyang pagdaraan , ay nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis , at sinabi niya sa kaniya , Sumunod ka sa akin . At nagtindig siya at sumunod sa kaniya . At nangyari , na siya&#039;y nakaupo sa pagkain sa kaniyang bahay , at maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad : sapagka&#039;t sila&#039;y marami , at sila&#039;y nagsisunod sa kaniya . At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo , na siya&#039;y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis , ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad , Ano ito na siya&#039;y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ? At nang ito&#039;y marinig ni Jesus , ay sinabi niya sa kanila , Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit , kundi ang mga maysakit : hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid , kundi ng mga makasalanan . At nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo : at sila&#039;y nagsilapit at sinabi sa kaniya , Bakit nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Fariseo , datapuwa&#039;t hindi nangagaayuno ang iyong mga alagad ? At sinabi sa kanila ni Jesus , Mangyayari bagang mangagayuno ang mga abay sa kasalan , samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila ? samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila , ay hindi sila mangakapagaayuno . Datapuwa&#039;t darating ang mga araw , na aalisin sa kanila ang kasintahang-lalake , at kung magkagayo&#039;y mangagaayuno sila sa araw na yaon . Walang taong nagtatagpi ng matibay na kayo sa damit na luma : sa ibang paraan ang itinagpi ay binabatak ang tinagpian , sa makatuwid baga&#039;y ang bago sa luma , at lalong lumalala ang punit . At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma ; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat : kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat . At nangyari , na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang araw ng sabbath ; at ang mga alagad niya , samantalang nagsisilakad , ay nagpasimulang nagsikitil ng mga uhay . At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo , Narito , bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang hindi matuwid ? At sinabi niya sa kanila , Kailan man baga&#039;y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David , nang siya&#039;y mangailangan , at magutom , siya , at ang kaniyang mga kasamahan ? Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si Abiatar , at kumain siya ng tinapay na itinalaga , na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang , at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan ? At sinabi niya sa kanila , Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao , at di ang tao ng dahil sa sabbath : Kaya&#039;t ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath . At siya&#039;y muling pumasok sa sinagoga ; at doo&#039;y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay . At siya&#039;y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath ; upang siya&#039;y maisakdal nila . At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay , Magtindig ka . At sinabi niya sa kanila , Katuwiran baga ang gumawa ng magaling sa araw ng sabbath , o ang gumawa ng masama ? magligtas ng isang buhay , o pumatay ? Datapuwa&#039;t sila&#039;y hindi nagsiimik . At nang siya&#039;y lumingap sa kanila sa palibotlibot na may galit , sapagka&#039;t ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso , ay sinabi niya sa lalake , Iunat mo ang iyong kamay . At iniunat niya : at gumaling ang kaniyang kamay . At nagsilabas ang mga Fariseo , at pagdaka&#039;y nakipagsanggunian sa mga Herodiano laban sa kaniya , kung paanong siya&#039;y maipapupuksa nila . At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat : at nagsisunod sa kaniya ang lubhang karamihang taong mula sa Galilea ; at mula sa Judea , At mula sa Jerusalem , at mula sa Idumea , at mula sa dakong ibayo ng Jordan , at sa palibotlibot ng Tiro , at Sidon , na lubhang maraming tao , nang mabalitaan ang lubhang mga dakilang bagay na kaniyang ginagawa , ay nagsiparoon sa kaniya . At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , na ihanda sa kaniya ang isang maliit na daong dahil sa karamihan , baka siya&#039;y kanilang siksikin : Sapagka&#039;t siya&#039;y nakapagpagaling sa marami ; ano pa&#039;t sinisiksik siya ng lahat ng mga nasasalot upang siya&#039;y mahipo nila . At ang mga karumaldumal na espiritu , pagkakita sa kaniya , ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan , at nangagsisisigaw , na nangagsasabi , Ikaw ang Anak ng Dios . At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit na siya&#039;y huwag nilang ihayag . At siya&#039;y umahon sa bundok , at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan : at nagsilapit sila sa kaniya . At naghalal siya ng labingdalawa , upang sila&#039;y makisama sa kaniya , at upang sila&#039;y suguin niyang magsipangaral , At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio : At si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro ; At si Santiago na anak ni Zebedeo , at si Juan na kapatid ni Santiago ; at sila&#039;y pinamagatan niyang Boanerges , na sa makatuwid baga&#039;y mga Anak ng kulog : At si Andres , at si Felipe , at si Bartolome , at si Mateo , at si Tomas , at si Santiago , na anak ni Alfeo , at si Tadeo , at si Simon ang Cananeo , At si Judas Iscariote , na siya ring nagkanulo sa kaniya . At pumasok siya sa isang bahay . At muling nagkatipon ang karamihan , ano pa&#039;t sila&#039;y hindi man lamang makakain ng tinapay . At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan , ay nagsilabas sila upang siya&#039;y hulihin : sapagka&#039;t kanilang sinabi , Sira ang kaniyang bait . At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem , Nasa kaniya si Beelzebub , at , Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio . At sila&#039;y kaniyang pinalapit sa kaniya , at sinabi sa kanila sa mga talinghaga , Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas ? At kung ang isang kaharian ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili , hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon . At kung ang isang bahay ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili , ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon . At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili , at magkabahabahagi , hindi siya makapanananatili , kundi magkakaroon ng isang wakas . Datapuwa&#039;t walang makapapasok sa bahay ng malakas na tao , at samsamin ang kaniyang mga pag-aari , malibang gapusin muna niya ang malakas na tao ; at kung magkagayo&#039;y masasamsaman ang kaniyang bahay . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao , at ang mga kapusungan nila kailan ma&#039;t sila&#039;y mangagsasalita ng kapusungan : Datapuwa&#039;t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man , kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan : Sapagka&#039;t sinabi nila , Siya&#039;y may isang karumaldumal na espiritu . At dumating nga ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ; at , palibhasa&#039;y nangakatayo sila sa labas , ay nangagpasugo sila sa kaniya , na siya&#039;y tinatawag . At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya ; at sinabi nila sa kaniya , Narito , nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka . At sinagot niya sila , at sinabi , Sino ang aking ina at aking mga kapatid ? At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya , ay sinabi niya , Narito , ang aking ina at aking mga kapatid ! Sapagka&#039;t sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios , ito&#039;y ang aking kapatid na lalake , at aking kapatid na babae , at ina . At siya&#039;y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat . At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao , ano pa&#039;t siya&#039;y lumulan sa isang daong , at siya&#039;y naupo sa dagat ; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat . At sila&#039;y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga , at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo , Pakinggan ninyo : Narito , ang manghahasik ay yumaon upang maghasik : At nangyari , sa kaniyang paghahasik , na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan , at nagsidating ang mga ibon at kinain ito . At ang mga iba&#039;y nangahulog sa batuhan , na doo&#039;y walang maraming lupa ; at pagdaka&#039;y sumibol , sapagka&#039;t hindi malalim ang lupa : At nang sumikat ang araw , ay nangainitan ; at dahil sa walang ugat , ay nangatuyo . At ang mga iba&#039;y nangahulog sa dawagan , at nagsilaki ang mga dawag , at ininis ang mga pananim , at ito&#039;y hindi nangamunga . At ang mga iba&#039;y nangahulog sa mabuting lupa , at nangamunga , na nagsitaas at nagsilago ; at may namunga ng tigtatatlongpu , at tiganim na pu , at tigisang daan . At sinabi niya , Ang may mga pakinig na ipakikinig , ay makinig . At nang siya&#039;y magisa na , ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga . At sinabi niya sa kanila , Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios : datapuwa&#039;t sa kanilang nangasa labas , ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga : Upang kung magsitingin sila&#039;y mangakakita , at huwag mamalas ; at kung mangakinig sila&#039;y mangakarinig , at huwag mangakaunawa ; baka sakaling sila&#039;y mangagbalikloob , at patawarin sila . At sinabi niya sa kanila , Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito ? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga ? Ang manghahasik ay naghahasik ng salita . At ang mga ito&#039;y yaong nangasa tabi ng daan , na doon nahahasik ang salita ; at nang kanilang mapakinggan , pagdaka&#039;y pinaroroonan ni Satanas , at inaalis ang salita na inihasik sa kanila . At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan , na , pagkarinig nila ng salita , pagdaka&#039;y nagsisitanggap na may galak ; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili , kundi sangdaling tumatagal ; kaya&#039;t pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita , pagdaka&#039;y nangatisod sila . At ang mga iba&#039;y yaong nangahasik sa dawagan ; ang mga ito&#039;y yaong nangakinig ng salita , At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan , at ang daya ng mga kayamanan , at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok , ang nagsisiinis sa salita , at ito&#039;y nagiging walang bunga . At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa ; na nangakikinig ng salita , at tinatanggap ito , at namumunga ng tigtatatlongpu , at tigaanim na pu , at tigiisang daan . At sinabi niya sa kanila , Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan , o sa ilalim ng higaan , at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw ? Sapagka&#039;t walang anomang bagay na natatago , kundi upang mahayag ; ni nalilihim , kundi yao&#039;y upang mapasa liwanag . Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig , ay makinig . At sinabi niya sa kanila , Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan : sa panukat na inyong isinusukat ay kayo&#039;y susukatin ; at higit pa ang sa inyo&#039;y ibibigay . Sapagka&#039;t ang mayroon , ay bibigyan pa ; at ang wala , pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya . At sinabi niya , Ganyan ang kaharian ng Dios , na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa ; At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw , at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano . Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa ; una-una&#039;y usbong , saka uhay , pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay . Datapuwa&#039;t pagka hinog na ang bunga , ay ginagamit agad ang panggapas , sapagka&#039;t dumating na ang pagaani . At kaniyang sinabi , Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios ? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito ? Ito&#039;y tulad sa butil ng binhi ng mostasa , na pagkahasik sa lupa , bagama&#039;t siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa , Gayon ma&#039;y pagkatanim , ay tumataas , at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay , at nagsasanga ng malalabay ; ano pa&#039;t ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim . At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita , ayon sa makakaya ng kanilang pakinig ; At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga : datapuwa&#039;t sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay . At nang araw ding yaon , nang gabi na , ay sinabi niya sa kanila , Tumawid tayo sa kabilang ibayo . At pagkaiwan sa karamihan , ay kanilang dinala siya sa daong , ayon sa kaniyang kalagayan . At mayroon siyang kasamang ibang mga daong . At nagbangon ang isang malakas na bagyo , at sinasalpukan ang daong ng mga alon , na ano pa&#039;t ang daong ay halos natitigib . At siya&#039;y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson ; at siya&#039;y ginising nila , at sinabi sa kaniya , Guro , wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo ? At gumising siya , at sinaway ang hangin , at sinabi sa dagat , Pumayapa , tumahimik ka . At humimpil ang hangin , at humusay na totoo ang panahon , At sinabi niya sa kanila , Bakit kayo nangatakot ? wala pa baga kayong pananampalataya ? At sila&#039;y nangatakot na lubha , at sila-sila&#039;y nangagsasabihan , Sino nga ito , na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya ? At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno . At paglunsad niya sa daong , pagdaka&#039;y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu , Na tumatahan sa mga libingan : at sinoma&#039;y hindi siya magapos , kahit ng tanikala ; Sapagka&#039;t madalas na siya&#039;y ginapos ng mga damal at mga tanikala , at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala , at pinagbabalibali ang mga damal : at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya . At palaging sa gabi&#039;t araw , ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan , at sinusugatan ang sarili ng mga bato . At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus , ay tumakbo at siya&#039;y kaniyang sinamba ; At nagsisisigaw ng malakas na tinig , na kaniyang sinabi , Ano ang pakialam ko sa iyo , Jesus , ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan ? kita&#039;y pinamamanhikan alangalang sa Dios , na huwag mo akong pahirapan . Sapagka&#039;t sinabi niya sa kaniya , Lumabas ka sa taong ito , ikaw na karumaldumal na espiritu . At tinanong niya siya , Ano ang pangalan mo ? At sinabi niya sa kaniya , Pulutong ang pangalan ko ; sapagka&#039;t marami kami . At ipinamamanhik na mainam sa kaniya na huwag silang palayasin sa lupaing yaon . At sa libis ng bundok na yaon ay may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisipanginain . At nangamanhik sila sa kaniya , na nagsisipagsabi , Paparoonin mo kami sa mga baboy , upang kami ay magsipasok sa kanila . At ipinahintulot niya sa kanila . At ang mga karumaldumal na espiritu ay nangagsilabas , at nangagsipasok sa mga baboy : at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagat , na sila&#039;y may mga dalawang libo ; at sila&#039;y nangalunod sa dagat . At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon , at ibinalita sa bayan , at sa mga bukid . At nagsiparoon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari . At nagsiparoon sila kay Jesus , at nakita nila ang inalihan ng mga demonio na nakaupo , nakapanamit at matino ang kaniyang pagiisip , sa makatuwid baga&#039;y siyang nagkaroon ng isang pulutong : at sila&#039;y nangatakot . At sinabi sa kanila ng nangakakita kung paanong pagkapangyari sa inalihan ng mga demonio , at tungkol sa mga baboy . At sila&#039;y nangagpasimulang magsipamanhik sa kaniya na siya&#039;y umalis sa kanilang mga hangganan . At habang lumululan siya sa daong , ay ipinamamanhik sa kaniya ng inalihan ng mga demonio na siya&#039;y ipagsama niya . At hindi niya itinulot sa kaniya , kundi sa kaniya&#039;y sinabi , Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan , at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon , at kung paanong kinaawaan ka niya . At siya&#039;y yumaon ng kaniyang lakad , at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya&#039;y ginawa ni Jesus : at nangagtaka ang lahat ng mga tao . At nang si Jesus ay muling makatawid sa daong sa kabilang ibayo , ay nakipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao ; at siya&#039;y nasa tabi ng dagat . At lumapit ang isa sa mga pinuno sa sinagoga , na nagngangalang Jairo ; at pagkakita sa kaniya , ay nagpatirapa siya sa kaniyang paanan , At ipinamamanhik na mainam sa kaniya , na sinasabi , Ang aking munting anak na babae ay naghihingalo : ipinamamanhik ko sa iyo , na ikaw ay pumaroon at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya , upang siya&#039;y gumaling , at mabuhay . At siya&#039;y sumama sa kaniya ; at sinundan siya ng lubhang maraming tao ; at siya&#039;y sinisiksik nila . At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan , At siya&#039;y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot , at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik , at hindi gumaling ng kaunti man , kundi bagkus pang lumulubha siya , Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus , ay lumapit siya sa karamihan , sa likuran niya , at hinipo ang kaniyang damit . Sapagka&#039;t sinasabi niya , Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit , ay gagaling ako . At pagdaka&#039;y naampat ang kaniyang agas ; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya . At si Jesus , sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na bisa sa kaniya , ay pagdaka&#039;y pumihit sa karamihan at nagsabi , Sino ang humipo ng aking mga damit ? At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad , Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan , at sasabihin mo , Sino ang humipo sa akin ? At lumingap siya sa palibotlibot upang makita siya na gumawa ng bagay na ito . Nguni&#039;t ang babae na natatakot at nangangatal , palibhasa&#039;y nalalaman ang sa kaniya&#039;y nangyari , lumapit at nagpatirapa sa harap niya , at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan . At sinabi niya sa kaniya , Anak , pinagaling ka ng pananampalataya mo ; yumaon kang payapa , at gumaling ka sa salot mo . Samantalang nagsasalita pa siya , ay may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno sa sinagoga , na nagsasabi , Patay na ang anak mong babae : bakit mo pa binabagabag ang Guro ? Datapuwa&#039;t hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinasalita , at nagsabi sa pinuno ng sinagoga , Huwag kang matakot , manampalataya ka lamang . At hindi niya ipinahintulot na sinoma&#039;y makasunod sa kaniya , liban kay Pedro , at kay Santiago , at kay Juan na kapatid ni Santiago . At nagsidating sila sa bahay ng pinuno sa sinagoga ; at napanood niya ang pagkakagulo , at ang nagsisitangis , at nangagbubuntong-hininga ng labis . At pagkapasok niya , ay kaniyang sinabi sa kanila , Bakit kayo&#039;y nangagkakagulo at nagsisitangis ? hindi patay ang bata , kundi natutulog . At tinatawanan nila siya na nililibak . Datapuwa&#039;t , nang mapalabas na niya ang lahat , ay isinama niya ang ama ng bata at ang ina nito , at ang kaniyang mga kasamahan , at pumasok sa kinaroroonan ng bata . At pagkahawak niya sa kamay ng bata , ay sinabi niya sa kaniya , Talitha cumi ; na kung liliwanagin ay , Dalaga , sinasabi ko sa iyo , Magbangon ka . At pagdaka&#039;y nagbangon ang dalaga , at lumakad : sapagka&#039;t siya&#039;y may labingdalawang taon na . At pagdaka&#039;y nangagtaka silang lubha . At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit , na sinoman ay huwag makaalam nito : at kaniyang ipinagutos na siya&#039;y bigyan ng pagkain . At umalis siya doon ; at napasa kaniyang sariling lupain ; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad . At nang dumating ang sabbath , ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga : at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka , na nangagsasabi , Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito ? at , Anong karunungan ito na sa kaniya&#039;y ibinigay , at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay ? Hindi baga ito ang anluwagi , ang anak ni Maria , at kapatid ni Santiago , at ni Jose , at ni Judas , at ni Simon ? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae ? At siya&#039;y kinatitisuran nila . At sinabi sa kanila ni Jesus , Walang propetang di may kapurihan , liban sa kaniyang sariling lupain , at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak , at sa kaniyang sariling bahay . At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa , liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit , at pinagaling sila . At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya . At siya&#039;y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid . At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa , at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa ; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu ; At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad , kundi tungkod lamang ; kahit tinapay , kahit supot ng ulam , kahit salapi sa kanilang supot ; Datapuwa&#039;t gumamit ng mga sandalyas : at , huwag magsuot ng dalawang tunika . At sinabi niya sa kanila , Saan man kayo magsipasok sa isang bahay , mangatira kayo roon hanggang sa kayo&#039;y magsialis doon . At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin , at hindi kayo pakinggan , pagalis ninyo doo&#039;y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila . At sila&#039;y nangagsialis , at nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao . At nangagpalabas ng maraming demonio , at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit , at pinagaling sila . At narinig ng haring Herodes ; sapagka&#039;t nabantog na ang pangalan niya ; at sinabi niya , Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay , at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito . At sinasabi ng mga iba , Siya&#039;y si Elias . At sinasabi ng mga iba , Siya&#039;y propeta , na gaya ng ibang mga propeta . Datapuwa&#039;t nang marinig ni Herodes , ay sinabi , Si Juan na aking pinugutan ng ulo , siya&#039;y nagbangon . Sapagka&#039;t si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan , at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias , na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid ; sapagka&#039;t nagasawa siya sa kaniya . Sapagka&#039;t sinabi ni Juan kay Herodes , Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid . At ipinagtanim siya ni Herodias , at hinahangad siyang patayin ; at hindi niya magawa ; Sapagka&#039;t natatakot si Herodes kay Juan palibhasa&#039;y nalalamang siya&#039;y lalaking matuwid at banal , at siya&#039;y ipinagsanggalang niya . At kung siya&#039;y pinakikinggan niya , ay natitilihan siyang mainam ; at pinakikinggan niya siya na may galak . At nang sumapit ang isang kaukulang araw , na kapanganakan niya , ay ipinaghanda ni Herodes ng isang hapunan ang kaniyang mga maginoo , at mga mataas na kapitan , at mga pangulong lalake sa Galilea ; At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw , at siya&#039;y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang ; at sinabi ng hari sa dalaga , Hingin mo sa akin ang maibigan mo , at ibibigay ko sa iyo . At ipinanumpa niya sa kaniya , Ang anomang hingin mo sa akin ay ibibigay ko sa iyo , kahit ang kalahati ng aking kaharian . At lumabas siya , at sinabi sa kaniyang ina , Ano ang aking hihingin ? At sinabi niya , Ang ulo ni Juan ang Mangbabautismo . At pagdaka&#039;y pumasok siyang dalidali sa kinaroroonan ng hari , at humingi , na sinasabi , Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista . At namanglaw na lubha ang hari ; datapuwa&#039;t dahil sa kaniyang sumpa , at sa nangakaupo sa dulang , ay hindi niya itinanggi . At pagdaka&#039;y nagsugo ang hari sa isang kawal na kaniyang bantay , at ipinagutos na dalhin sa kaniya ang ulo niya : at yumaon siya at pinugutan siya ng ulo sa bilangguan , At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan , at ibinigay sa dalaga ; at ibinigay ng dalaga sa kaniyang ina . At nang mabalitaan ng kaniyang mga alagad , ay nagsiparoon sila at binuhat ang kaniyang bangkay , at inilagay sa isang libingan . At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus ; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa , at ang lahat ng kanilang itinuro . At sinabi niya sa kanila , Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang , at mangagpahinga kayo ng kaunti . Sapagka&#039;t marami ang nangagpaparoo&#039;t parito , at sila&#039;y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain . At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod . At nangakita sila ng mga tao sa pagalis , at sila&#039;y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan , at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila . At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao , at nahabag siya sa kanila , sapagka&#039;t sila&#039;y gaya ng mga tupa na walang pastor : at siya&#039;y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay . At nang gumabi na , ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad , at nangagsabi , Ilang ang dakong ito , at gumagabi na ; Payaunin mo sila , upang sila&#039;y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito , at mangagsibili ng anomang makakain . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sinabi sa kanila , Bigyan ninyo sila ng makakain . At sinabi nila sa kaniya , Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay , at ipakakain namin sa kanila ? At sinabi niya sa kanila , Ilang tinapay mayroon kayo ? magsiparoon kayo at inyong tingnan . At nang mangaalaman nila , ay kanilang sinabi , Lima , at dalawang isda . At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa . At sila&#039;y nagsiupong hanayhanay , na tigsasangdaan , at tiglilimangpu . At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda , at pagtingala sa langit , ay kaniyang pinagpala , at pinagputolputol ang mga tinapay ; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila ; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda . At nagsikain silang lahat , at nangabusog . At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol , labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman . At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake . At pagdaka&#039;y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad , at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo , sa Betsaida , samantalang pinayayaon niya ang karamihan . At pagkatapos na mapagpaalam niya sila , ay naparoon siya sa bundok upang manalangin . At nang dumating ang gabi , ang daong ay nasa gitna ng dagat , at siya&#039;y nagiisa sa lupa . At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod , sapagka&#039;t sinasalunga sila ng hangin , at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila , na lumalakad sa ibabaw ng dagat ; at ibig silang lagpasan : Datapuwa&#039;t sila , nang makita nilang siya&#039;y lumalakad sa ibabaw ng dagat , ay inakala nilang siya&#039;y isang multo , at nangagsisigaw ; Sapagka&#039;t nakita siya nilang lahat , at nangagulumihanan . Datapuwa&#039;t pagdaka&#039;y nagsalita siya sa kanila , at sa kanila&#039;y sinabi , Laksan ninyo ang inyong loob : ako nga ; huwag kayong mangatakot . At pinanhik niya sila sa daong ; at humimpil ang hangin : at sila&#039;y nanganggilalas ng di kawasa sa kanilang sarili ; Palibhasa&#039;y hindi pa nila natatalastas yaong tungkol sa mga tinapay , dahil sa ang kanilang puso&#039;y pinatigas . At nang mangakatawid na sila , ay narating nila ang lupa ng Genezaret , at nagsisadsad sa daungan . At paglunsad nila sa daong , pagdaka&#039;y nakilala siya ng mga tao , At nang malibot nilang nagtutumulin ang buong lupaing yaon , at nagpasimulang dalhin sa kaniya ang mga may-sakit na nasa kanilang higaan , saan man nila marinig na naroon siya . At saan man siya pumasok , sa mga nayon , o sa mga bayan o sa mga bukid , ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit , at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit : at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling . At nakisama sa kanila ang mga Fariseo , at ilan sa mga eskriba , na nagsipanggaling sa Jerusalem , At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi , sa makatuwid baga&#039;y mga kamay na hindi hinugasan . ( Sapagka&#039;t ang mga Fariseo , at ang lahat ng mga Judio , ay hindi nagsisikain , kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay , na pinanghahawakan ang mga sali&#039;t-saling sabi ng matatanda ; At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan , kung hindi muna mangaghugas , ay hindi sila nagsisikain ; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana , upang ganapin ; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman , at ng mga saro , at ng mga inumang tanso . ) At siya&#039;y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba , Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali&#039;t-saling sabi ng matatanda , kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal ? At sinabi niya sa kanila , Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw , ayon sa nasusulat , Ang bayang ito&#039;y iginagalang ako ng kaniyang mga labi , Datapuwa&#039;t ang kanilang puso ay malayo sa akin . Datapuwa&#039;t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin , Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao . Nilisan ninyo ang utos ng Dios , at inyong pinanghahawakan ang sali&#039;t-saling sabi ng mga tao . At sinabi niya sa kanila , Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios , upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali&#039;t-saling sabi . Sapagka&#039;t sinabi ni Moises , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina ; at , Ang manungayaw sa ama o sa ina , ay mamatay siyang walang pagsala : Datapuwa&#039;t sinasabi ninyo , Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina , Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban , sa makatuwid baga&#039;y , hain sa Dios ; Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ; Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali&#039;t-saling sabi , na inyong itinuro : at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito . At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan , at sinabi sa kanila , Pakinggan ninyong lahat ako , at inyong unawain : Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao , na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya ; datapuwa&#039;t ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao . Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig . At nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan , ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga . At sinabi niya sa kanila , Kayo baga naman ay wala ring pagiisip ? Hindi pa baga ninyo nalalaman , na anomang nasa labas na pumapasok sa tao , ay hindi nakakahawa sa kaniya ; Sapagka&#039;t hindi pumapasok sa kaniyang puso , kundi sa kaniyang tiyan , at lumalabas sa dakong daanan ng dumi ? Sa salitang ito&#039;y nililinis niya ang lahat ng pagkain . At sinabi niya , Ang lumalabas sa tao , yaon ang nakakahawa sa tao . Sapagka&#039;t mula sa loob , mula sa puso ng mga tao , lumalabas ang masasamang pagiisip , ang mga pakikiapid , ang mga pagnanakaw , ang mga pagpatay sa kapuwa-tao , ang mga pangangalunya , Ang mga kasakiman , ang mga kasamaan , ang pagdaraya , ang kalibugan , ang matang masama , ang kapusungan , ang kapalaluan , ang kamangmangan : Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling , at nangakakahawa sa tao . At nagtindig siya doon , at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon . At pumasok siya sa isang bahay , at ibig niya na sinomang tao&#039;y huwag sanang makaalam ; at hindi siya nakapagtago . Nguni&#039;t ang isang babae na ang kaniyang munting anak na babae ay may isang karumaldumal na espiritu , pagdaka&#039;y nang mabalitaan siya , ay lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan . Ang babae nga ay isang Griega , isang Sirofenisa , ayon sa lahi . At ipinamamanhik niya sa kaniya na palabasin sa kaniyang anak ang demonio . At sinabi niya sa kaniya , Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak : sapagka&#039;t hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sinabi sa kaniya , Oo , Panginoon ; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak . At sinabi niya sa kaniya , Dahil sa sabing ito humayo ka ; nakaalis na ang demonio sa iyong anak . At umuwi siya sa kaniyang bahay , at naratnan ang anak na nakahiga sa higaan , at nakaalis na ang demonio . At siya&#039;y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro , at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea , na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Decapolis . At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal ; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya . At siya&#039;y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan , at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya , at siya&#039;y lumura , at hinipo ang kaniyang dila ; At pagkatingala sa langit , ay siya&#039;y nagbuntong-hininga , at sinabi sa kaniya , Ephatha , sa makatuwid baga&#039;y , Mabuksan . At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig , at nakalag ang tali ng kaniyang dila , at siya&#039;y nakapagsalitang malinaw . At ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin : nguni&#039;t kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila , ay lalo namang kanilang ibinabantog . At sila&#039;y nangagtataka ng di kawasa , na nangagsasabi , Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay ; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi , at pinapagsasalita ang mga pipi . Nang mga araw na yaon , nang magkaroong muli ng maraming tao , at wala silang mangakain , ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad , at sinabi sa kanila , Nahahabag ako sa karamihan , sapagka&#039;t tatlong araw nang sila&#039;y nangatira sa akin , at walang mangakain : At kung sila&#039;y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan , ay magsisipanglupaypay sila sa daan ; at nagsipanggaling sa malayo ang ilan sa kanila . At nagsisagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad , Paanong mabubusog ninoman ang mga taong ito ng tinapay dito sa isang ilang na dako ? At kaniyang tinanong sila , Ilang tinapay mayroon kayo ? At sinabi nila , Pito . At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa ; at kinuha niya ang pitong tinapay , at pagkapagpasalamat , ay pinagputolputol niya , at ibinigay sa kaniyang mga alagad , upang ihain sa kanila ; at inihain nila sa karamihan . At mayroon silang ilang maliliit na isda : at nang mapagpala ang mga ito , ay ipinagutos niya na ihain din naman ang mga ito sa kanila . At sila&#039;y nagsikain , at nangabusog : at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pinagputolputol , na pitong bakol na puno . At sila&#039;y may mga apat na libo : at pinayaon niya sila . At pagdaka&#039;y lumulan siya sa daong na kasama ang kaniyang mga alagad , at napasa mga sakop ng Dalmanuta . At nagsilabas ang mga Fariseo , at nangagpasimulang makipagtalo sa kaniya , na hinahanapan siya ng isang tandang mula sa langit , na tinutukso siya . At nagbuntong-hininga siya ng malalim sa kaniyang espiritu , at nagsabi , Bakit humahanap ng tanda ang lahing ito ? katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang tandang ibibigay sa lahing ito . At sila&#039;y iniwan niya , at muling pagkalulan sa daong ay tumawid sa kabilang ibayo . At nangalimutan nilang magsipagdala ng tinapay ; at wala sila kundi isang tinapay sa daong . At ipinagbilin niya sa kanila , na nagsabi , Tingnan ninyo , mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni Herodes . At nangagkatuwiranan sila-sila rin , na nangagsasabi , Wala tayong tinapay . At pagkahalata nito ni Jesus ay sinabi sa kanila , Bakit nangagbubulaybulay kayo , sapagka&#039;t wala kayong tinapay ? hindi pa baga ninyo napaghahalata , ni napaguunawa man ? nangagmatigas na baga ang inyong puso ? Mayroon kayong mga mata , hindi baga kayo nangakakakita ? at mayroon kayong mga tainga , hindi baga kayo nangakakarinig ? at hindi baga ninyo nangaaalaala ? Nang aking pagputolputulin ang limang tinapay sa limang libong lalake , ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang inyong binuhat ? Sinabi nila sa kaniya , Labingdalawa . At nang pagputolputulin ang pitong tinapay sa apat na libo , ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang binuhat ninyo ? At sinabi nila sa kaniya , Pito . At sinabi niya sa kanila , Hindi pa baga ninyo napaguunawa ? At nagsidating sila sa Betsaida . At dinala nila sa kaniya ang isang lalaking bulag , at ipinamanhik sa kaniya na siya&#039;y hipuin . At hinawakan niya sa kamay ang lalaking bulag , at dinala niya sa labas ng nayon ; at nang maluraan ang kaniyang mga mata , at maipatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya , ay kaniyang tinanong siya , Nakakakita ka baga ng anoman ? At siya&#039;y tumingala , at nagsabi , Nakakakita ako ng mga tao ; sapagka&#039;t namamasdan ko silang tulad sa mga punong kahoy , na nagsisilakad . Saka ipinatong na muli sa kaniyang mga mata ang mga kamay niya ; at siya&#039;y tumitig , at gumaling , at nakita niyang maliwanag ang lahat ng mga bagay . At pinauwi niya siya sa kaniyang tahanan , na sinasabi , Huwag kang pumasok kahit sa nayon . At pumaroon si Jesus , at ang kaniyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo : at sa daan ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad , na sinabi sa kanila , Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ako ? At sinaysay nila sa kaniya , na sinasabi , Si Juan Bautista ; at ang mga iba , si Elias ; datapuwa&#039;t ang mga iba , Isa sa mga propeta . At tinanong niya sila , Datapuwa&#039;t ano ang sabi ninyo kung sino ako ? Sumagot si Pedro at nagsabi sa kaniya , Ikaw ang Cristo . At ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang tungkol sa kaniya . At siya&#039;y nagpasimulang magturo sa kanila , na ang Anak ng tao ay kinakailangang magbata na maraming mga bagay , at itakuwil ng matatanda , at ng mga pangulong saserdote , at ng mga eskriba , at patayin , at pagkaraan ng tatlong araw ay muling magbangon . At hayag na sinabi niya ang pananalitang ito . At isinama siya ni Pedro , at pinasimulang siya&#039;y pagwikaan . Datapuwa&#039;t paglingap niya sa palibot , at pagtingin sa kaniyang mga alagad , ay pinagwikaan si Pedro , at sinabi , Lumagay ka sa likuran ko , Satanas ; sapagka&#039;t hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Dios , kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao . At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad , at sa kanila&#039;y sinabi , Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin , ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin ang kaniyang krus , at sumunod sa akin . Sapagka&#039;t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito : at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon . Sapagka&#039;t ano ang mapapakinabang ng tao , na makamtan ang buong sanglibutan , at mapapahamak ang kaniyang buhay ? Sapagka&#039;t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay ? Sapagka&#039;t ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan , ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao , pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel . At sinabi niya sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , May ilan sa nangakatayong ito , na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan , hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan . At pagkaraan ng anim na araw , ay isinama ni Jesus si Pedro , at si Santiago , at si Juan , at sila&#039;y dinalang bukod sa isang mataas na bundok : at siya&#039;y nagbagong-anyo sa harap nila ; At ang kaniyang mga damit ay nangagningning , na nagsiputing maigi , na ano pa&#039;t sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon . At doo&#039;y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises : at sila&#039;y nakikipagusap kay Jesus . At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus , Rabi , mabuti sa atin ang tayo&#039;y dumito : at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo ; isa ang sa iyo , at isa ang kay Moises , at isa ang kay Elias . Sapagka&#039;t hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot ; sapagka&#039;t sila&#039;y lubhang nangatakot . At dumating ang isang alapaap na sa kanila&#039;y lumilim : at may isang tinig na nanggaling sa alapaap , Ito ang sinisinta kong Anak ; siya ang inyong pakinggan . At karakaraka&#039;y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot , ay wala silang nakitang sinoman , kundi si Jesus lamang na kasama nila . At habang nagsisibaba sila sa bundok , ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita , maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay . At kanilang iningatan ang pananalitang ito , na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay . At tinanong nila siya , na sinasabi , Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias ? At sinabi niya sa kanila , Katotohanang si Elias ay pariritong mauna , at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay : at paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao , na siya&#039;y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga ? Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , na naparito na si Elias , at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig , ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya . At pagdating nila sa mga alagad , ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao , at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila . At pagdaka&#039;y ang buong karamihan , pagkakita nila sa kaniya , ay nangagtakang mainam , at tinakbo siya na siya&#039;y binati . At tinanong niya sila , Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila ? At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya , Guro , dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi ; At saan man siya alihan nito , ay ibinubuwal siya : at nagbububula ang kaniyang bibig , at nagngangalit ang mga ngipin , at untiunting natutuyo : at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya&#039;y palabasin ; at hindi nila magawa . At sumagot siya sa kanila at nagsabi , Oh lahing walang pananampalataya , hanggang kailan makikisama ako sa inyo ? hanggang kailan titiisin ko kayo ? dalhin ninyo siya rito sa akin . At dinala nila siya sa kaniya : at pagkakita niya sa kaniya , ay pagdaka&#039;y pinapangatal siyang lubha ng espiritu ; at siya&#039;y nalugmok sa lupa , at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig . At tinanong niya ang kaniyang ama , Kailan pang panahon nangyayari sa kaniya ito ? At sinabi niya , Mula sa pagkabata . At madalas na siya&#039;y inihahagis sa apoy at sa tubig , upang siya&#039;y patayin : datapuwa&#039;t kung mayroon kang magagawang anomang bagay , ay maawa ka sa amin , at tulungan mo kami . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung kaya mo ! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya . Pagdaka&#039;y sumigaw ang ama ng bata , at sinabi , Nananampalataya ako ; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya . At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan , ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu , na sinasabi sa kaniya , Ikaw bingi at piping espiritu , iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya , at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya . At nang makapagsisisigaw , at nang siya&#039;y mapangatal na mainam , ay lumabas siya : at ang bata&#039;y naging anyong patay ; ano pa&#039;t marami ang nagsabi , Siya&#039;y patay . Datapuwa&#039;t hinawakan siya ni Jesus sa kamay , at siya&#039;y ibinangon ; at siya&#039;y nagtindig . At nang pumasok siya sa bahay , ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad , Paano ito na siya&#039;y hindi namin napalabas ? At sinabi niya sa kanila , Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman , maliban sa pamamagitan ng panalangin . At nagsialis sila roon , at nangagdaan sa Galilea ; at ayaw siyang sinomang tao&#039;y makaalam niyaon . Sapagka&#039;t tinuruan niya ang kaniyang mga alagad , at sa kanila&#039;y sinabi , Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao , at siya&#039;y papatayin nila ; at pagkapatay sa kaniya , ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw . Nguni&#039;t hindi nila naunawa ang sabing ito , at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya . At sila&#039;y nagsidating sa Capernaum : at nang siya&#039;y nasa bahay na ay tinanong niya sila , Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan ? Datapuwa&#039;t hindi sila nagsiimik : sapagka&#039;t sila-sila ay nangagtalo sa daan , kung sino ang pinakadakila . At siya&#039;y naupo , at tinawag ang labingdalawa ; at sa kanila&#039;y sinabi niya , Kung sinoman ang ibig na maging una , ay siyang mahuhuli sa lahat , at lingkod ng lahat . At kinuha niya ang isang maliit na bata , at inilagay sa gitna nila : at siya&#039;y kaniyang kinalong , na sa kanila&#039;y sinabi niya , Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan , ay ako ang tinatanggap : at ang sinomang tumanggap sa akin , ay hindi ako ang tinatanggap , kundi yaong sa aki&#039;y nagsugo . Sinabi sa kaniya ni Juan , Guro , nakita namin ang isa na sa pangalan mo&#039;y nagpapalabas ng mga demonio ; at pinagbawalan namin siya , sapagka&#039;t hindi sumusunod sa atin . Datapuwa&#039;t sinabi ni Jesus , Huwag ninyong pagbawalan siya : sapagka&#039;t walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko , na pagdaka&#039;y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin . Sapagka&#039;t ang hindi laban sa atin ay sumasa atin . Sapagka&#039;t ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig , dahil sa kayo&#039;y kay Cristo , katotohanang sinasabi ko sa inyo , na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya . At ang sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin , ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato , at siya&#039;y ibulid sa dagat . At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw , kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno , sa apoy na hindi mapapatay . Na doo&#039;y hindi namamatay ang kanilang uod , at hindi namamatay ang apoy . At kung ang paa mo&#039;y makapagpapatisod sa iyo , ay putulin mo : mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno . Na doo&#039;y hindi namamatay ang kanilang uod , at hindi namamatay ang apoy . At kung ang mata mo&#039;y makapagpapatisod sa iyo , ay dukitin mo : mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata , kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno ; Na doo&#039;y hindi namamatay ang kanilang uod , at hindi namamatay ang apoy . Sapagka&#039;t bawa&#039;t isa&#039;y aasnan sa pamamagitan ng apoy . Mabuti ang asin : datapuwa&#039;t kung tumabang ang asin , ay ano ang inyong ipagpapaalat ? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin , at kayo&#039;y magkaroon ng kapayapaan sa isa&#039;t isa . At siya&#039;y umalis doon , at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan : at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya ; at , ayon sa kaniyang kinaugalian , ay muling tinuruan niya sila . At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo , at siya&#039;y tinanong , Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa ? na siya&#039;y tinutukso . At sumagot siya at sa kanila&#039;y sinabi , Ano ang iniutos sa inyo ni Moises ? At sinabi nila , Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay , at ihiwalay siya . Datapuwa&#039;t sinabi sa kanila ni Jesus , Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito . Nguni&#039;t buhat nang pasimula ng paglalang , Lalake at babaing ginawa niya sila . Dahil dito&#039;y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina , at makikisama sa kaniyang asawa ; At ang dalawa ay magiging isang laman ; kaya hindi na sila dalawa , kundi isang laman . Ang pinapagsama nga ng Dios , ay huwag papaghiwalayin ng tao . At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito . At sinabi niya sa kanila , Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa , at magasawa sa iba , ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa : At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa , at magasawa sa iba , ay nagkakasala siya ng pangangalunya . At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata , upang sila&#039;y kaniyang hipuin : at sinaway sila ng mga alagad . Datapuwa&#039;t nang ito&#039;y makita ni Jesus , ay nagdalang galit siya , at sinabi sa kanila , Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata ; huwag ninyo silang pagbawalan : sapagka&#039;t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata , ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan . At kinalong niya sila , at sila&#039;y pinagpala , na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila . At nang siya&#039;y umalis na lumalakad sa daan , ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya , at lumuhod sa harap niya , at siya&#039;y tinanong , Mabuting Guro , ano ang gagawin ko upang ako&#039;y magmana ng buhay na walang hanggan ? At sinabi sa kaniya ni Jesus , Bakit tinatawag mo akong mabuti ? walang mabuti kundi isa lamang , ang Dios . Nalalaman mo ang mga utos , Huwag kang pumatay , Huwag kang mangalunya , Huwag kang magnakaw , Huwag kang sumaksi sa di katotohanan , Huwag kang magdaya , Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina . At sinabi niya sa kaniya , Guro , ang lahat ng mga bagay na ito&#039;y aking ginanap mula sa aking kabataan . At pagtitig sa kaniya ni Jesus , ay giniliw siya , at sinabi sa kaniya , Isang bagay ang kulang sa iyo : yumaon ka , ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik , at ibigay mo sa dukha , at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit : at pumarito ka , sumunod ka sa akin . Datapuwa&#039;t siya&#039;y nahapis sa sabing ito , at siya&#039;y yumaong namamanglaw : sapagka&#039;t siya&#039;y isang may maraming mga pag-aari . At lumingap si Jesus sa palibotlibot , at sinabi sa kaniyang mga alagad , Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan ! At nangagtaka ang mga alagad sa kaniyang mga salita . Datapuwa&#039;t si Jesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila , Mga anak , kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga magsisiasa sa mga kayamanan ! Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom , kay sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios . At sila&#039;y nangagtatakang lubha , na sinasabi sa kaniya , Sino nga kaya ang makaliligtas ? Pagtingin ni Jesus sa kanila&#039;y nagsabi , Hindi maaari ito sa mga tao , datapuwa&#039;t hindi gayon sa Dios : sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios . Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya , Narito , iniwan namin ang lahat , at nagsisunod sa iyo . Sinabi ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang taong nagiwan ng bahay , o mga kapatid na lalake , o mga kapatid na babae , o ina , o ama , o mga anak , o mga lupa , dahil sa akin , at dahil sa evangelio , Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito , ng mga bahay , at mga kapatid na lalake , at mga kapatid na babae , at mga ina , at mga anak , at mga lupa , kalakip ng mga paguusig ; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay . Datapuwa&#039;t maraming nangauuna ay mangahuhuli ; at nangahuhuli na mangauuna . At sila&#039;y nangasa daan , na nagsisiahon sa Jerusalem ; at nangunguna sa kanila si Jesus : at sila&#039;y nangagtaka ; at ang nangagsisisunod ay nangatakot . At muling kinuha niya ang labingdalawa , at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya&#039;y mangyayari , Na sinasabi , Narito , nagsisiahon tayo sa Jerusalem ; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba ; at siya&#039;y kanilang hahatulang patayin , at ibibigay siya sa mga Gentil : At siya&#039;y kanilang aalimurahin , at siya&#039;y luluraan , at siya&#039;y hahampasin , at siya&#039;y papatayin ; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli . At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan , na mga anak ni Zebedeo , na sa kaniya&#039;y nagsisipagsabi , Guro , ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo . At sinabi niya sa kanila , Ano ang ibig ninyong sa inyo&#039;y aking gawin ? At sinabi nila sa kaniya , Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami , ang isa&#039;y sa iyong kanan , at ang isa&#039;y sa iyong kaliwa , sa iyong kaluwalhatian . Datapuwa&#039;t sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi . Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman ? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin ? At sinabi nila sa kaniya , Kaya namin . At sinabi sa kanila ni Jesus , Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo ; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo ; Datapuwa&#039;t ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay ; datapuwa&#039;t yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan . At nang marinig ito ng sangpu , ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan . At sila&#039;y pinalapit ni Jesus sa kaniya , at sa kanila&#039;y sinabi , Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila ; at ang sa kanila&#039;y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila . Datapuwa&#039;t sa inyo ay hindi gayon : kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo , ay magiging lingkod ninyo ; At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna , ay magiging alipin ng lahat . Sapagka&#039;t ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran , kundi upang maglingkod , at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami . At nagsidating sila sa Jerico : at habang nililisan niya ang Jerico , na kasama ng kaniyang mga alagad at ng lubhang maraming mga tao , ang anak ni Timeo , si Bartimeo , na isang pulubing bulag , ay nakaupo sa tabi ng daan . At nang marinig niya na yao&#039;y si Jesus na Nazareno , siya&#039;y nagpasimulang magsisigaw , at nagsabi , Jesus , ikaw na anak ni David , mahabag ka sa akin . At siya&#039;y pinagwikaan ng marami upang siya&#039;y tumahimik : datapuwa&#039;t siya&#039;y lalong sumisigaw , Ikaw na Anak ni David , mahabag ka sa akin . At tumigil si Jesus , at sinabi , Tawagin ninyo siya . At tinawag nila ang lalaking bulag , na sinasabi sa kaniya , Laksan mo ang iyong loob ; ikaw ay magtindig , tinatawag ka niya . At siya , pagkatapon ng kaniyang balabal , ay nagmadaling tumindig , at lumapit kay Jesus . At sumagot sa kaniya si Jesus , at sinabi , Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo ? At sinabi ng lalaking bulag , Raboni , na tanggapin ang aking paningin . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka ng iyong lakad ; pinagaling ka ng iyong pananampalataya . At pagdaka&#039;y tinanggap niya ang kaniyang paningin , at siya&#039;y sumunod sa kaniya sa daan . At nang malapit na sila sa Jerusalem , sa Betfage at sa Betania , sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad , At sa kanila&#039;y sinabi , Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo : at pagkapasok ninyo roon , ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno , na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao ; inyong kalagin siya , at dalhin ninyo siya rito . At kung may magsabi sa inyo , Bakit ninyo ginagawa ito ? sabihin ninyo , Kinakailangan siya ng Panginoon ; at pagdaka&#039;y ipadadala niya siya rito . At sila&#039;y nagsiyaon , at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan ; at siya&#039;y kanilang kinalag . At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila , Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno ? At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus : at pinabayaan nilang sila&#039;y magsialis . At dinala nila ang batang asno kay Jesus , at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit ; at ito&#039;y sinakyan ni Jesus . At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan ; at ang mga iba&#039;y ng mga sanga , na kanilang pinutol sa mga parang . At ang nangasa unahan , at ang nagsisisunod , ay nangagsisigawan , Hosanna ; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon : Mapalad ang kahariang pumaparito , ang kaharian ng ating amang si David : Hosanna sa kataastaasan . At pumasok siya sa Jerusalem , sa templo ; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay , at palibhasa&#039;y hapon na , ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa . At sa kinabukasan , pagkaalis nila sa Betania , ay nagutom siya . At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon , ay lumapit siya , na baka sakaling makasumpong doon ng anoman : at nang siya&#039;y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon ; sapagka&#039;t hindi panahon ng mga igos . At sumagot si Jesus at sinabi rito , Sinomang tao&#039;y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man . At ito&#039;y narinig ng kaniyang mga alagad . At nagsidating sila sa Jerusalem : at pumasok siya sa templo , at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo , at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi , at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati ; At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo . At siya&#039;y nagturo , at sinabi sa kanila , Hindi baga nasusulat , Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa ? datapuwa&#039;t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan . At yao&#039;y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba , at pinagsisikapan kung paanong siya&#039;y kanilang maipapapuksa : sapagka&#039;t nangatatakot sila sa kaniya , dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral . At gabi-gabi&#039;y lumalabas siya sa bayan . At sa pagdaraan nila pagka umaga , ay nakita nila na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat . At sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya , Rabi , narito , ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo . At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila , Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sinomang magsabi sa bundok na ito , Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat ; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso , kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya ; ay kakamtin niya yaon . Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi , ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na , at inyong kakamtin . At kailan man kayo&#039;y nangakatayong nagsisipanalangin , mangagpatawad kayo , kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man ; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan . Datapuwa&#039;t kung hindi kayo magpapatawad , hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit . At sila&#039;y nagsiparoong muli sa Jerusalem : at samantalang lumalakad siya sa templo , ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote , at ang mga eskriba , at ang matatanda ; At sinabi nila sa kaniya , Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito ? o sino ang sa iyo&#039;y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito ? At sa kanila&#039;y sinabi ni Jesus , Tatanungin ko kayo ng isang tanong , at sagutin ninyo ako , at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito . Ang bautismo ni Juan , ay mula baga sa langit , o sa mga tao ? sagutin ninyo ako . At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili , na sinasabi . Kung sabihin natin , Mula sa langit ; ay sasabihin niya , Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan ? Datapuwa&#039;t kung sabihin natin , Mula sa mga tao-ay nangatatakot sila sa bayan : sapagka&#039;t kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta . At sila&#039;y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi , Hindi namin nalalaman . At sinabi ni Jesus sa kanila , Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito . At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga . Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan , at binakuran ng mga buhay na punong kahoy , at humukay roon ng isang pisaan ng ubas , at nagtayo ng isang bantayan , at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka , at napasa ibang lupain . At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka , upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan . At hinawakan nila siya , at hinampas siya , at siya&#039;y pinauwing walang dala . At siya&#039;y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin ; at ito&#039;y kanilang sinugatan sa ulo , at dinuwahagi . At nagsugo siya ng iba ; at ito&#039;y kanilang pinatay : at ang iba pang marami ; na hinampas ang iba , at ang iba&#039;y pinatay . Mayroon pa siyang isa , isang sinisintang anak na lalake : ito&#039;y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila , na sinasabi , Igagalang nila ang aking anak . Datapuwa&#039;t ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan , Ito ang tagapagmana ; halikayo , atin siyang patayin , at magiging atin ang mana . At siya&#039;y kanilang hinawakan , at siya&#039;y pinatay , at itinaboy sa labas ng ubasan . Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan ? siya&#039;y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka , at ibibigay ang ubasan sa mga iba . Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito : Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali , Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok ; Ito&#039;y mula sa Panginoon , At ito&#039;y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata . At pinagsikapan nilang hulihin siya ; at sila&#039;y natakot sa karamihan ; sapagka&#039;t kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila : at siya&#039;y iniwan nila , at nagsialis . At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano , upang siya&#039;y mahuli nila sa pananalita . At nang sila&#039;y magsilapit , ay kanilang sinabi sa kaniya , Guro , nalalaman namin na ikaw ay totoo , at hindi ka nangingimi kanino man ; sapagka&#039;t hindi ka nagtatangi ng mga tao , kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios : Matuwid bagang bumuwis kay Cesar , o hindi ? Bubuwis baga kami , o hindi kami bubuwis ? Datapuwa&#039;t siya , na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw , ay nagsabi sa kanila , Bakit ninyo ako tinutukso ? magdala kayo rito sa akin ng isang denario , upang aking makita . At dinalhan nila . At sinabi niya sa kanila , Kanino ang larawang ito at ang nasusulat ? At sinabi nila sa kaniya , kay Cesar . At sinabi sa kanila ni Jesus , ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar , at sa Dios ang sa Dios . At sila&#039;y nanggilalas na mainam sa kaniya . At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo , na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli ; at siya&#039;y kanilang tinanong , na sinasabi , Guro , isinulat sa amin ni Moises , Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay , at may maiwang asawa , at walang maiwang anak , ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa , at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid . May pitong lalaking magkakapatid : at nagasawa ang panganay , at nang mamatay ay walang naiwang anak ; At nagasawa sa bao ang pangalawa , at namatay na walang naiwang anak ; at gayon din naman ang pangatlo : At ang ikapito&#039;y walang naiwang anak . Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae . Sa pagkabuhay na maguli , sino sa kanila ang magiging asawa ng babae ? sapagka&#039;t siya&#039;y naging asawa ng pito . Sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan , na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan , ni ang kapangyarihan ng Dios ? Sapagka&#039;t sa pagbabangon nilang muli sa mga patay , ay hindi na mangagaasawa , ni papagaasawahin pa ; kundi gaya ng mga anghel sa langit . Nguni&#039;t tungkol sa mga patay , na sila&#039;y mga ibabangon ; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises , tungkol sa Mababang punong kahoy , kung paanong siya&#039;y kinausap ng Dios na sinasabi , Ako ang Dios ni Abraham , at ang Dios ni Isaac , at ang Dios ni Jacob ? Hindi siya ang Dios ng mga patay , kundi ng mga buhay : kayo&#039;y nangagkakamaling lubha . At lumapit ang isa sa mga eskriba , at nakarinig ng kanilang pagtatalo , at palibhasa&#039;y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila , ay tinanong siya , Ano baga ang pangulong utos sa lahat ? Sumagot si Jesus , Ang pangulo ay , Pakinggan mo , Oh Israel ; Ang Panginoon nating Dios , ang Panginoon ay iisa : At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo , at ng buong kaluluwa mo , at ng buong pagiisip mo , at ng buong lakas mo . Ang pangalawa ay ito , Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili . Walang ibang utos na hihigit sa mga ito . At sinabi sa kaniya ng eskriba , Sa katotohanan , Guro , ay mabuti ang pagkasabi mo na siya&#039;y iisa ; at wala nang iba liban sa kaniya : At ang siya&#039;y ibigin ng buong puso , at ng buong pagkaunawa , at ng buong lakas , at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili , ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain . At nang makita ni Jesus na siya&#039;y sumagot na may katalinuhan , ay sinabi niya sa kaniya , Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios . At walang tao , pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong . At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya&#039;y nagtuturo sa templo , Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David ? Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon , Maupo ka sa aking kanan , Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa . Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya ; at paano ngang siya&#039;y kaniyang anak ? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak . At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo , Mangagingat kayo sa mga eskriba , na ibig magsilakad na may mahahabang damit , at pagpugayan sa mga pamilihan . At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga , at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan : Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao , at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin ; ang mga ito&#039;y tatanggap ng lalong malaking kahatulan . At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman , at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman : at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami . At lumapit ang isang babaing bao , at siya&#039;y naghulog ng dalawang lepta , na ang halaga&#039;y halos isang beles . At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad , at sinabi sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang dukhang baong babaing ito , ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman : Sapagka&#039;t silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila&#039;y labis ; datapuwa&#039;t siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya , sa makatuwid baga&#039;y ang buong kaniyang ikabubuhay . At paglabas niya sa templo , ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad , Guro , masdan mo , pagkaiinam ng mga bato , at pagkaiinam na mga gusali ! At sinabi ni Jesus sa kaniya , Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito ? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak . At samantalang siya&#039;y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo , ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres , Sabihin mo sa amin , kailan mangyayari ang mga bagay na ito ? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito ? At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila , Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao . Maraming paririto sa aking pangalan , na magsisipagsabi , Ako ang Cristo ; at maliligaw ang marami . At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma , ay huwag kayong mangagulumihanan : ang mga bagay na ito&#039;y dapat na mangyari : datapuwa&#039;t hindi pa ang wakas . Sapagka&#039;t magtitindig ang bansa laban sa bansa , at ang kaharian laban sa kaharian ; at lilindol sa iba&#039;t ibang dako ; magkakagutom : ang mga bagay na ito&#039;y pasimula ng kahirapan . Datapuwa&#039;t mangagingat kayo sa inyong sarili : sapagka&#039;t kayo&#039;y ibibigay nila sa mga Sanedrin ; at kayo&#039;y hahampasin sa mga sinagoga ; at kayo&#039;y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin , na bilang patotoo sa kanila . At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio . At pagka kayo&#039;y dinala sa harap ng mga kapulungan , at kayo&#039;y ibigay , ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin : datapuwa&#039;t ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon , ay siya ninyong sabihin ; sapagka&#039;t hindi kayo ang magsasalita , kundi ang Espiritu Santo . At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid , at ng ama ang kaniyang anak ; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang , at sila&#039;y ipapapatay . At kayo&#039;y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan : datapuwa&#039;t ang magtitiis hanggang sa wakas , ay siyang maliligtas . Nguni&#039;t pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira , na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan ( unawain ng bumabasa ) , kung magkagayo&#039;y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea : At ang nasa bubungan ay huwag bumaba , ni pumasok , upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay : At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal . Datapuwa&#039;t sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon ! At magsipanalangin kayo na ito&#039;y huwag mangyari sa panahong taginaw . Sapagka&#039;t ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian , na ang gayo&#039;y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon , at ni hindi na mangyayari kailan man . At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw , ay walang laman na makaliligtas ; datapuwa&#039;t dahil sa mga hirang , na kaniyang hinirang , ay pinaikli niya ang mga araw . At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao , Narito , ang Cristo ; o , Nariyan ; huwag ninyong paniwalaan : Sapagka&#039;t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta , at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan , upang mailigaw nila , kung mangyayari , ang mga hirang . Datapuwa&#039;t mangagingat kayo : narito , ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay . Nguni&#039;t sa mga araw na yaon , pagkatapos ng kapighatiang yaon , ay magdidilim ang araw , at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag , At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit , at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit . At kung magkagayo&#039;y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian . At kung magkagayo&#039;y susuguin niya ang mga anghel , at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin , mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit . Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga : pagka nananariwa ang kaniyang sanga , at sumusupling ang mga dahon , ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw ; Gayon din naman kayo , pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito , ay talastasin ninyo na siya&#039;y malapit na , nasa mga pintuan nga . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi lilipas ang lahing ito , hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito . Ang langit at ang lupa ay lilipas : datapuwa&#039;t ang aking mga salita ay hindi lilipas . Nguni&#039;t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam , kahit ang mga anghel sa langit , kahit ang Anak , kundi ang Ama . Kayo&#039;y mangagingat , mangagpuyat at magsipanalangin : sapagka&#039;t hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon . Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain , na pagkaiwan ng kaniyang bahay , at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin , sa bawa&#039;t isa&#039;y ang kaniyang gawain , ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat . Mangagpuyat nga kayo : sapagka&#039;t hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay , kung sa hapon , o sa hating gabi , o sa pagtilaok ng manok , o sa umaga ; Baka kung biglang pumarito ay kayo&#039;y mangaratnang nangatutulog . At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat , Mangagpuyat kayo . Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura : at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya&#039;y huhulihin sa pamamagitan ng daya , at siya&#039;y maipapatay . Sapagka&#039;t sinasabi nila , Huwag sa kapistahan , baka magkagulo ang bayan . At samantalang siya&#039;y nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin , samantalang siya&#039;y nakaupo sa pagkain , ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga ; at binasag niya ang sisidlan , at ibinuhos sa kaniyang ulo . Datapuwa&#039;t may ilan na nangagalit sa kanilang sarili , na nagsipagsabi , Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento ? Sapagka&#039;t ang unguentong ito&#039;y maipagbibili ng mahigit sa tatlong daang denario , at maibibigay sa mga dukha . At inupasalaan nila ang babae . Datapuwa&#039;t sinabi ni Jesus , Pabayaan ninyo siya ; bakit ninyo siya binabagabag ? mabuting gawa ang ginawa niya sa akin . Sapagka&#039;t laging nasa inyo ang mga dukha , at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling : datapuwa&#039;t ako&#039;y hindi laging nasa inyo . Ginawa niya ang kaniyang nakaya ; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin . At katotohanang sinasabi ko sa inyo , Saan man ipangaral ang evangelio sa buong sanglibutan , ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya . At si Judas Iscariote , na isa sa labingdalawa , ay naparoon sa mga pangulong saserdote , upang maipagkanulo niya siya sa kanila . At sila , pagkarinig nila nito , ay nangatuwa , at nagsipangakong siya&#039;y bibigyan ng salapi . At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan . At nang unang araw ng mga tinapay na walang lebadura , nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua , ay sinabi sa kaniya , ng kaniyang mga alagad , Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua ? At sinugo ang dalawa sa kaniyang mga alagad , at sa kanila&#039;y sinabi , Magsiparoon kayo sa bayan , at doo&#039;y masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig : sundan ninyo siya ; At saan man siya pumasok , ay sabihin ninyo sa puno ng sangbahayan , Sinasabi ng Guro , Saan naroon ang aking tuluyan , na makakanan ko ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad ? At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan at handa na : at ipaghanda ninyo roon tayo . At nagsiyaon ang mga alagad , at nagsipasok sa bayan , at nasumpungan ang ayon sa sinabi niya sa kanila : at inihanda nila ang kordero ng paskua . At nang gumabi na ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa . At samantalang sila&#039;y nangakaupo na at nagsisikain , ay sinabi ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain , ay ipagkakanulo ako . Sila&#039;y nagpasimulang nangamanglaw , at isaisang nagsabi sa kaniya , Ako baga ? At sinabi niya sa kanila , Isa nga sa labingdalawa , yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan . Sapagka&#039;t papanaw ang Anak ng tao , ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya : datapuwa&#039;t sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao ! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak . At samantalang sila&#039;y nagsisikain , ay dumampot siya ng tinapay , at nang kaniyang mapagpala , ay kaniyang pinagputolputol , at ibinigay sa kanila , at sinabi , Inyong kunin : ito ang aking katawan . At siya&#039;y dumampot ng isang saro , at nang siya&#039;y makapagpasalamat , ay ibinigay niya sa kanila : at doo&#039;y nagsiinom silang lahat . At sinabi niya sa kanila , Ito&#039;y ang aking dugo ng tipan , na nabubuhos dahil sa marami . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas , hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios . At pagkaawit nila ng isang imno , ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo . At sinabi sa kanila ni Jesus , Kayong lahat ay mangatitisod : sapagka&#039;t nasusulat , Sasaktan ko ang pastor , at mangangalat ang mga tupa . Gayon ma&#039;y pagkapagbangon ko , ay mauuna ako sa inyo sa Galilea . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ni Pedro , Bagama&#039;t mangatitisod ang lahat , nguni&#039;t ako&#039;y hindi . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Katotohanang sinasabi ko sa iyo , na ngayon , sa gabi ring ito , bago tumilaok ang manok ng makalawa , ay ikakaila mo akong makaitlo . Datapuwa&#039;t lalo nang nagmatigas siya na sinabi , Kahima&#039;t kailangang mamatay akong kasama mo , ay hindi kita ikakaila . At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din . At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani : at sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Magsiupo kayo rito , samantalang ako&#039;y nananalangin . At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan , at nagpasimulang nagtakang totoo , at namanglaw na mainam . At sinabi niya sa kanila , Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa , hanggang sa kamatayan : mangatira kayo rito , at mangagpuyat . At lumakad siya sa dako pa roon , at nagpatirapa sa lupa , at idinalangin na , kung mangyayari , ay makalampas sa kaniya ang oras . At kaniyang sinabi , Abba , Ama , may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay ; ilayo mo sa akin ang sarong ito : gayon ma&#039;y hindi ang ayon sa ibig ko , kundi ang ayon sa ibig mo . At siya&#039;y lumapit , at naratnang sila&#039;y nangatutulog , at sinabi kay Pedro , Simon , natutulog ka baga ? hindi ka makapagpuyat ng isang oras ? Kayo&#039;y mangagpuyat at magsipanalangin , upang huwag kayong magsipasok sa tukso : ang espiritu sa katotohanan ay may ibig , datapuwa&#039;t mahina ang laman . At muli siyang umalis , at nanalangin , na sinabi ang gayon ding mga salita . At muli siyang nagbalik , at naratnang sila&#039;y nangatutulog , sapagka&#039;t nangabibigatang totoo ang kanilang mga mata ; at wala silang maalamang sa kaniya&#039;y isagot . At lumapit siyang bilang ikatlo , at sinabi sa kanila , Mangatulog na kayo , at mangagpahinga : sukat na ; dumating na ang oras ; narito , ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan . Magsitindig kayo , hayo na tayo : narito , malapit na ang nagkakanulo sa akin . At pagdaka , samantalang nagsasalita pa siya , ay dumating si Judas , na isa sa labingdalawa , at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas , na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda . Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat , na sinasabi , Ang aking hagkan , ay yaon nga ; hulihin ninyo siya , at dalhin ninyo siyang maingat . At nang dumating siya , pagdaka&#039;y lumapit siya sa kaniya , at nagsabi , Rabi ; at siya&#039;y hinagkan . At siya&#039;y sinunggaban nila , at siya&#039;y kanilang dinakip . Datapuwa&#039;t isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak , at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote , at tinigpas ang kaniyang tainga . At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila , Kayo baga&#039;y nagsilabas , na parang laban sa isang tulisan , na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako ? Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo , na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli : nguni&#039;t nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan . At iniwan siya ng lahat , at nagsitakas . At sinundan siya ng isang binata , na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo&#039;t hubad : at hinawakan nila siya ; Datapuwa&#039;t kaniyang binitiwan ang kumot , at tumakas na hubo&#039;t hubad . At dinala nila si Jesus sa dakilang saserdote : at nangagpipisan sa kaniya ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba . At si Pedro ay sumunod sa kaniya sa malayo , hanggang sa loob ng looban ng dakilang saserdote ; at nakiumpok siya sa mga punong kawal , at nagpapainit sa ningas ng apoy . Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya&#039;y ipapatay ; at hindi nangasumpungan . Sapagka&#039;t marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya , at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma . At nagsipagtindig ang ilan , at nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya , na sinasabi , Narinig naming sinabi niya , Aking igigiba ang templong ito na gawa ng mga kamay , at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay . At kahit sa papagayon man ay hindi rin nangagkatugma ang patotoo nila . At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote , at tinanong si Jesus na sinabi , Hindi ka sumasagot ng anoman ? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo ? Datapuwa&#039;t siya&#039;y hindi umiimik , at walang isinagot . Tinanong siyang muli ng dakilang saserdote , at sinabi sa kaniya , Ikaw baga ang Cristo , ang Anak ng Mapalad ? At sinabi ni Jesus , Ako nga ; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan , at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit . At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit , at nagsabi , Ano pang kailangan natin ng mga saksi ? Narinig ninyo ang kapusungan : ano sa akala ninyo ? At hinatulan nilang lahat na siya&#039;y dapat mamatay . At pinasimulang luraan siya ng ilan , at tinakpan ang kaniyang mukha , at siya&#039;y pinagsusuntok , at sa kaniya&#039;y kanilang sinasabi , Hulaan mo : at siya&#039;y pinagsusuntok ng mga punong kawal . At samantalang nasa ibaba si Pedro , sa looban , ay lumapit ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote ; At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit , ay tinitigan niya siya , at sinabi , Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno , na si Jesus . Datapuwa&#039;t siya&#039;y kumaila , na sinasabi , Hindi ko nalalaman , ni nauunawa man ang sinasabi mo : at lumabas siya sa portiko ; at tumilaok ang manok . At nakita siya ng alilang babae , at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon , Ito ay isa sa kanila . Datapuwa&#039;t muling ikinaila niya . At hindi nalaon , at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro . Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila ; sapagka&#039;t ikaw ay Galileo . Datapuwa&#039;t siya&#039;y nagpasimulang manungayaw , at manumpa , Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi . At pagdaka , bilang pangalawa&#039;y tumilaok ang manok . At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya , Bago tumilaok ang manok ng makalawa , ay ikakaila mo akong makaitlo . At nang maisip niya ito , ay tumangis siya . At pagdaka , pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba , at ang buong Sanedrin , at ginapos si Jesus , at inilabas siya , at ibinigay siya kay Pilato . At itinanong sa kaniya ni Pilato , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya , Ikaw ang nagsasabi . At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote . At muling tinanong siya ni Pilato , na sinasabi , Hindi ka sumasagot ng anoman ? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo . Datapuwa&#039;t si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman ; ano pa&#039;t nanggilalas si Pilato . Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo , na kanilang hingin sa kaniya . At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas , na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik , mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik . At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila&#039;y gawin ang gaya ng sa kanila&#039;y laging ginagawa . At sinagot sila ni Pilato , na sinasabi , Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio ? Sapagka&#039;t natatalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote . Datapuwa&#039;t inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan , na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila . At sumagot na muli si Pilato at sa kanila&#039;y sinabi , Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio ? At sila&#039;y muling nagsigawan , Ipako siya sa krus . At sinabi sa kanila ni Pilato , Bakit , anong masama ang kaniyang ginawa ? Datapuwa&#039;t sila&#039;y lalong nagsigawan , Ipako siya sa krus . At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan , ay pinawalan sa kanila si Barrabas , at ibinigay si Jesus , pagkatapos na siya&#039;y mahampas niya , upang siya&#039;y ipako sa krus . At dinala siya ng mga kawal sa looban , na siyang Pretorio ; at kanilang tinipon ang buong pulutong . At siya&#039;y kanilang dinamtan ng kulay-ube , at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik , ay ipinutong nila sa kaniya . At nagpasimula silang siya&#039;y batiin , Aba , Hari ng mga Judio ! At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo , at siya&#039;y niluluraan , at pagkaluhod nila , siya&#039;y sinamba . At nang siya&#039;y kanilang malibak na , ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube , at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit . At siya&#039;y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus . At kanilang pinilit ang isang nagdaraan , si Simon na taga Cirene , na ama ni Alejandro at ni Rufo , na nanggagaling sa bukid , upang sumama sa kanila , upang pasanin niya ang kaniyang krus . At siya&#039;y kanilang dinala sa dako ng Golgota , na kung liliwanagin ay , Ang dako ng bungo . At siya&#039;y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra : datapuwa&#039;t hindi niya tinanggap . At siya&#039;y kanilang ipinako sa krus , at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit , na kanilang pinagsapalaran , kung alin ang dadalhin ng bawa&#039;t isa . At ikatlo na ang oras , at siya&#039;y kanilang ipinako sa krus . At ang pamagat ng pagkasakdal sa kaniya ay isinulat sa ulunan , ANG HARI NG MGA JUDIO . At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan ; isa sa kaniyang kanan , at isa sa kaniyang kaliwa . At natupad ang kasulatan , na nagsasabi : At siya&#039;y ibinilang sa mga suwail . At siya&#039;y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo , at sinasabi , Ah ! ikaw na iginigiba mo ang templo , at sa tatlong araw ay iyong itinatayo , Iyong iligtas ang sarili mo , at bumaba ka sa krus . Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba , siya&#039;y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi , Nagligtas siya sa mga iba ; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas . Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo , ang Hari ng Israel , upang aming makita at sampalatayanan . At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako . At nang dumating ang ikaanim na oras , ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam . At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig : Eloi , Eloi , lama sabacthani ? na kung liliwanagin ay , Dios ko , Dios ko , bakit mo ako pinabayaan ? At nang marinig ng ilang nangaroon , ay sinabi nila , Narito , tinatawag niya si Elias . At tumakbo ang isa , at binasa ng suka ang isang espongha , saka inilagay sa isang tambo , at ipinainom sa kaniya , na sinasabi , Pabayaan ninyo ; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya&#039;y ibaba . At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig , at nalagot ang hininga . At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba . At ang senturiong nakatayo sa tapat niya , nang makitang malagot ang hininga niya , ay kaniyang sinabi , Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios . At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo : na sa mga yao&#039;y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena , at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose , at si Salome ; Na , nang siya&#039;y nasa Galilea , ay nagsisunod sila sa kaniya , at siya&#039;y pinaglilingkuran nila ; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem . At nang kinahapunan , sapagka&#039;t noo&#039;y Paghahanda , sa makatuwid baga&#039;y ang araw na nauuna sa sabbath , Dumating si Jose na taga Arimatea , isang kasangguni na may marangal na kalagayan , na naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios ; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato , at hiningi ang bangkay ni Jesus . At nanggilalas si Pilato kung siya&#039;y patay na : at nang mapalapit niya sa kaniya ang senturion , ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay . At nang matanto niya sa senturion , ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose . At binili niya ang isang kayong lino , at pagkababa sa kaniya sa krus , ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato ; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan . At tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay . At nang makaraan ang sabbath , si Maria Magdalena , at si Mariang ina ni Santiago , at si Salome , ay nagsibili ng mga pabango , upang sila&#039;y magsiparoon at siya&#039;y pahiran . At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo , ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw . At kanilang pinaguusapan , Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan ? At pagkatingin , ay nakita nilang naigulong na ang bato : sapagka&#039;t yao&#039;y totoong malaki . At pagkapasok sa libingan , ay kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan , na nararamtan ng isang damit na maputi ; at sila&#039;y nangagitla . At sinabi niya sa kanila , Huwag kayong mangagitla : hinahanap ninyo si Jesus , ang Nazareno , na ipinako sa krus : siya&#039;y nagbangon ; wala siya rito : tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya ! Datapuwa&#039;t magsiyaon kayo , sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro , Siya&#039;y nangunguna sa inyo sa Galilea : doon siya makikita , ayon sa sinabi niya sa inyo . At sila&#039;y nagsilabas , at nagsitakas mula sa libingan ; sapagka&#039;t sila&#039;y nagsipangilabot at nangagitla : at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man ; sapagka&#039;t sila&#039;y nangatatakot . Nang siya nga&#039;y magbangon nang unang araw ng sanglinggo , ay napakita muna siya kay Maria Magdalena , na sa kaniya&#039;y pitong demonio ang pinalabas niya . Siya&#039;y yumaon at ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus , samantalang sila&#039;y nangahahapis at nagsisitangis . At sila , nang kanilang mabalitaan na siya&#039;y nabuhay , at nakita ni Magdalena , ay hindi sila nagsipaniwala . At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo sa dalawa sa kanila , nang sila&#039;y nangaglalakad na patungo sa bukid . At sila&#039;y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba : at kahit sa kanila&#039;y hindi rin sila nagsipaniwala . At pagkatapos siya&#039;y napakita sa labingisa samantalang sila&#039;y nangakaupong nagsisikain ; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso , sapagka&#039;t hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya&#039;y magbangon . At sinabi niya sa kanila , Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan , at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal . Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas ; datapuwa&#039;t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan . At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya : mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan ; mangagsasalita sila ng mga bagong wika ; Sila&#039;y magsisihawak ng mga ahas , at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay , sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila ; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit , at sila&#039;y magsisigaling . Ang Panginoong Jesus nga , pagkatapos na sila&#039;y mangakausap niya , ay tinanggap sa itaas ng langit , at lumuklok sa kanan ng Dios . At nagsialis sila , at nagsipangaral sa lahat ng dako , na gumagawang kasama nila ang Panginoon , at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>