<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:42</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:42</urn><passage>Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin , Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita , Ay minagaling ko naman , pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una , na isulat sa iyong sunodsunod , kagalanggalang na Teofilo ; Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo . Nagkaroon nang mga araw ni Herodes , hari sa Judea , ng isang saserdoteng ang ngala&#039;y Zacarias , sa pulutong ni Abias : at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron , at ang kaniyang ngala&#039;y Elisabet . At sila&#039;y kapuwa matuwid sa harap ng Dios , na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon . At wala silang anak , sapagka&#039;t baog si Elisabet , at sila&#039;y kapuwa may pataw ng maraming taon . Nangyari nga , na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong , Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote , ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan . At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan . At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon , na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan . At nagulumihanan si Zacarias , pagkakita niya sa kaniya , at dinatnan siya ng takot . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ng anghel , Huwag kang matakot , Zacarias : sapagka&#039;t dininig ang daing mo , at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake , at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan . At magkakaroon ka ng ligaya at galak ; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya . Sapagka&#039;t siya&#039;y magiging dakila sa paningin ng Panginoon , at siya&#039;y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin ; at siya&#039;y mapupuspos ng Espiritu Santo , mula pa sa tiyan ng kaniyang ina . At marami sa mga anak ni Israel , ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios . At siya&#039;y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias , upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak , at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid , upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda . At sinabi ni Zacarias sa anghel , Sa ano malalaman ko ito ? sapagka&#039;t ako&#039;y matanda na , at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon . At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya , Ako&#039;y si Gabriel , na nananayo sa harapan ng Dios ; at ako&#039;y sinugo upang makipagusap sa iyo , at magdala sa iyo nitong mabubuting balita . At narito , mapipipi ka at hindi ka makapangungusap , hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito , sapagka&#039;t hindi ka sumampalataya sa aking mga salita , na magaganap sa kanilang kapanahunan . At hinihintay ng bayan si Zacarias , at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo . At nang lumabas siya , ay hindi siya makapagsalita sa kanila : at hininagap nila na siya&#039;y nakakita ng isang pangitain sa templo : at siya&#039;y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila , sa pamamagitan ng mga hudyat , at nanatiling pipi . At nangyari , na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod , siya&#039;y umuwi sa kaniyang bahay . At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet ; at siya&#039;y lumigpit ng limang buwan , na nagsasabi , Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako&#039;y tingnan niya , upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao . Nang ikaanim na buwan nga&#039;y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea , ngala&#039;y Nazaret , Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake , na ang kaniyang ngala&#039;y Jose , sa angkan ni David ; at Maria ang pangalan ng dalaga . At pumasok siya sa kinaroroonan niya , at sinabi , Magalak ka , ikaw na totoong pinakamamahal , ang Panginoon ay sumasa iyo . Datapuwa&#039;t siya&#039;y totoong nagulumihanan sa sabing ito , at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito . At sinabi sa kaniya ng anghel , Huwag kang matakot , Maria : sapagka&#039;t nakasumpong ka ng biyaya sa Dios . At narito , maglilihi ka sa iyong tiyan , at manganganak ka ng isang lalake , at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS . Siya&#039;y magiging dakila , at tatawaging Anak ng Kataastaasan : at sa kaniya&#039;y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama : At siya&#039;y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man ; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian . At sinabi ni Maria sa anghel , Paanong mangyayari ito , sa ako&#039;y hindi nakakakilala ng lalake ? At sumagot ang anghel , at sinabi sa kaniya , Bababa sa iyo ang Espiritu Santo , at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan : kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios . At narito , si Elisabet na iyong kamaganak , ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan ; at ito ang ikaanim na buwan niya , na dati&#039;y tinatawag na baog . Sapagka&#039;t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan . At sinabi ni Maria , Narito , ang alipin ng Panginoon ; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita . At iniwan siya ng anghel . At nang mga araw na ito&#039;y nagtindig si Maria , at nagmadaling napasa lupaing maburol , sa isang bayan ng Juda ; At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet . At nangyari , pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria , ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan ; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo ; At sumigaw siya ng malakas na tinig , at sinabi , Pinagpala ka sa mga babae , at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan . At ano&#039;t nangyari sa akin , na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin ? Sapagka&#039;t ganito , pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati , lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan . At mapalad ang babaing sumampalataya ; sapagka&#039;t matutupad ang mga bagay na sa kaniya&#039;y sinabi ng Panginoon . At sinabi ni Maria , Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon , At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas . Sapagka&#039;t nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin . Sapagka&#039;t , narito , mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi . Sapagka&#039;t ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay ; At banal ang kaniyang pangalan . At ang kaniyang awa ay sa mga lahi&#039;t lahi . Sa nangatatakot sa kaniya . Siya&#039;y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig ; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso . Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila , At itinaas ang mga may mababang kalagayan . Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay ; At pinaalis niya ang mayayaman , na walang anoman . Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin , Upang maalaala niya ang awa ( Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang ) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man . At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan , at umuwi sa kaniyang bahay . Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak ; at siya&#039;y nanganak ng isang lalake . At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak , na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya ; at sila&#039;y nangakigalak sa kaniya . At nangyari , na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol ; at siya&#039;y tatawagin sana nila na Zacarias , ayon sa pangalan ng kaniyang ama . At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi , Hindi gayon ; kundi ang itatawag sa kaniya&#039;y Juan . At sinabi nila sa kaniya , Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito . At hinudyatan nila ang kaniyang ama , kung ano ang ibig niyang itawag . At humingi siya ng isang sulatan at sumulat , na sinasabi , Ang kaniyang pangalan ay Juan . At nagsipanggilalas silang lahat . At pagdaka&#039;y nabuka ang kaniyang bibig , at ang kaniyang dila&#039;y nakalag , at siya&#039;y nagsalita , na pinupuri ang Dios . At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila ; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea . At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso , na sinasabi , Magiging ano nga kaya ang batang ito ? Sapagka&#039;t ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya . At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo , at nanghula , na nagsasabi , Purihin ang Panginoon , ang Dios ng Israel ; Sapagka&#039;t kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan , At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin ( Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon ) , Kaligtasang mula sa ating mga kaaway , at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin ; Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang , At alalahanin ang kaniyang banal na tipan ; Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama , Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway , Ay paglingkuran natin siya ng walang takot , Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya , lahat ng ating mga araw . Oo at ikaw , sanggol , tatawagin kang propeta ng kataastaasan ; Sapagka&#039;t magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon , upang ihanda ang kaniyang mga daan ; Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan , Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan , Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios , Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin , Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan ; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan . At lumaki ang sanggol , at lumakas sa espiritu , at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel . Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar , na magpatala ang buong sanglibutan . Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria . At nagsisiparoon ang lahat upang sila&#039;y mangatala , bawa&#039;t isa sa kaniyang sariling bayan . At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea , mula sa bayan ng Nazaret , hanggang sa Judea , sa bayan ni David , na kung tawagi&#039;y Bet-lehem , sapagka&#039;t siya&#039;y sa angkan at sa lahi ni David ; Upang patala siya pati ni Maria , na magaasawa sa kaniya , na kasalukuyang kagampan . At nangyari , samantalang sila&#039;y nangaroroon , at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak . At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake ; at ito&#039;y binalot niya ng mga lampin , at inihiga sa isang pasabsaban , sapagka&#039;t wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan . At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang , na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan . At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon , at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila : at sila&#039;y totoong nangatakot . At sinabi sa kanila ng anghel , Huwag kayong mangatakot ; sapagka&#039;t narito , dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan , na siyang sasa buong bayan : Sapagka&#039;t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas , na siya ang Cristo ang Panginoon . At ito ang sa inyo&#039;y magiging pinakatanda : Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin , at nakahiga sa isang pasabsaban . At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit , na nangagpupuri sa Dios , at nangagsasabi : Luwalhati sa Dios sa kataastaasan , At sa lupa&#039;y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya . At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit , ang mga pastor ay nangagsangusapan . Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa Bet-lehem , at tingnan natin itong nangyari , na ipinagbigay alam sa atin ng Panginoon . At sila&#039;y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose , at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban . At nang makita nila yaon , ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito . At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor . Datapuwa&#039;t iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito , na pinagbulaybulay sa kaniyang puso . At nangagbalik ang mga pastor , na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita , ayon sa sinabi sa kanila . At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya , ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan , na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan . At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises , ay kanilang dinala siya sa Jerusalem , upang iharap siya sa Panginoon ( Ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon , Ang bawa&#039;t lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon ) , At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon , Dalawang batobato , o dalawang inakay ng kalapati . At narito , may isang lalake sa Jerusalem , na nagngangalang Simeon ; at ang lalaking ito&#039;y matuwid at masipag sa kabanalan , na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel : at sumasa kaniya ang Espiritu Santo . At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo , na di niya makikita ang kamatayan , hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon . At siya&#039;y napasa templo sa Espiritu : at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang , upang sa kaniya&#039;y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan , Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig , at pinuri ang Dios , at nagsabi , Ngayo&#039;y papanawin mo , Panginoon , ang iyong alipin , Ayon sa iyong salita , sa kapayapaan , Sapagka&#039;t nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas , Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao ; Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil , At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel . At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya ; At sila&#039;y pinagpala ni Simeon , at sinabi sa kaniyang inang si Maria , Narito , ito ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel ; at pinakatandang tudlaan ng pagsalangsang : Oo at paglalampasanan ng isang tabak ang iyong sariling kaluluwa ; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso . At naroroon din naman si Ana , na isang propetisa , anak na babae ni Fanuel , sa angkan ni Aser , ( siya&#039;y lubhang matanda na , at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan , At siya&#039;y bao nang walongpu&#039;t apat na taon ) , na hindi humihiwalay sa templo , at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing . At pagdating niya sa oras ding yaon , siya&#039;y nagpasalamat sa Dios , at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng nagsisipaghintay ng katubusan sa Jerusalem . At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon , ay nangagbalik sila sa Galilea , sa kanilang sariling bayang Nazaret . At lumalaki ang bata , at lumalakas , at napupuspos ng karunungan : at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios . At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng paskua . At nang siya&#039;y may labindalawang taon na , ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan ; At nang kanilang maganap na ang mga araw , sa pagbalik nila , ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem ; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang ; Nguni&#039;t sa pagaakala nilang siya&#039;y nasa kasamahan , ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay ; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala ; At nang di nila siya matagpuan , ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem , na hinahanap siya . At nangyari , na nang makaraan ang tatlong araw , ay nangatagpuan nila siya sa templo , na nakaupo sa gitna ng mga guro , na sila&#039;y pinakikinggan , at sila&#039;y tinatanong : At ang lahat ng sa kaniya&#039;y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot . At nang siya&#039;y mangakita nila , ay nangagtaka sila ; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina , Anak , bakit ginawa mo sa amin ang ganyan ? narito , ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis . At sinabi niya sa kanila , Bakit ninyo ako hinahanap ? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama . At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila&#039;y sinabi . At lumusong siyang kasama nila , at napasa Nazaret ; at napasakop sa kanila : at iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito . At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan , at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao . Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar , na noo&#039;y gobernador sa Judea si Poncio Pilato , at tetrarka sa Galilea si Herodes , at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite , at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia , Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas , ay dumating ang salita ng Dios kay Juan , anak ni Zacarias , sa ilang . At siya&#039;y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan , na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ; Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias , Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang , Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon , Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas . Lahat ng libis ay tatambakan , At pababain ang bawa&#039;t bundok at burol ; At ang liko ay matutuwid , At ang mga daang bakobako ay mangapapatag ; At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios . Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya , Kayong lahi ng mga ulupong , sino ang sa inyo&#039;y nagudyok upang tumakas sa galit na darating ? Kayo nga&#039;y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi , at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili , Si Abraham ang siya naming ama ; sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito . At ngayon pa&#039;y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy : ang bawa&#039;t punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol , at inihahagis sa apoy . At tinanong siya ng karamihan , na nangagsasabi , Ano ngang dapat namin gawin ? At sinagot niya at sinabi sa kanila , Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala ; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin . At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo , at sinabi nila sa kaniya , Guro , anong dapat naming gawin ? At sinabi niya sa kanila , Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo . At tinanong naman siya ng mga kawal , na nangagsasabi , At kami , anong dapat naming gawin ? At sa kanila&#039;y sinabi niya , Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man , ni mangagparatang ; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo . At samantalang ang mga tao&#039;y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan , kung siya kaya ang Cristo ; Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat , Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig ; datapuwa&#039;t dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin ; ako&#039;y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak : kayo&#039;y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy : Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay , upang linising lubos ang kaniyang giikan , at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan ; datapuwa&#039;t susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay . Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita ; Datapuwa&#039;t si Herodes na tetrarka , palibhasa&#039;y pinagwikaan niya dahil kay Herodias , na asawa ng kaniyang kapatid , at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes , Ay naparagdag naman ito sa lahat , na kinulong niya si Juan sa bilangguan . Nangyari nga , nang mabautismuhan ang buong bayan , na si Jesus ay binautismuhan naman , at nang nananalangin , ay nabuksan ang langit , At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan , tulad sa isang kalapati , at nanggaling ang isang tinig sa langit , Ikaw ang sinisinta kong Anak ; sa iyo ako lubos na nalulugod . At si Jesus din , nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon , na anak ( ayon sa sinasapantaha ) ni Jose , ni Eli , Ni Matat , ni Levi , ni Melqui , ni Jane , ni Jose , Ni Matatias , ni Amos , ni Nahum , ni Esli , ni Nage , Ni Maat , ni Matatias , ni Semei , ni Jose , ni Juda , Ni Joana , ni Resa , ni Zorobabel , ni Seatiel , ni Neri , Ni Melqui , ni Adi , ni Cosam , ni Elmodam , ni Er , Ni Jesus , ni Eliezer , ni Jorim , ni Mata , ni Levi , Ni Simeon , ni Juda , ni Jose , ni Jonan , ni Eliaquim , Ni Melea , ni Mena , ni Matata , ni Natan , ni David , Ni Jesse , ni Obed , ni Booz , ni Salmon , ni Naason , Ni Aminadab , ni Aram , ni Esrom , ni Fares , ni Juda , Ni Jacob , ni Isaac , ni Abraham , ni Tare , ni Nacor , Ni Serug , ni Regan , ni Paleg , ni Heber , ni Selah , Ni Cainan , ni Arfaxjad , ni Sem , ni Noe , ni Lamec , Ni Matusalem , ni Enoc , ni Jared , ni Mahalaleel , ni Cainan , Ni Enos , ni Set , ni Adam , ng Dios . At si Jesus , na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang , Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo . At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon ; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya . At sinabi sa kaniya ng diablo , Kung ikaw ang Anak ng Dios , ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay . At sinagot siya ni Jesus , Nasusulat , Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao . At iniakyat pa siya niya , at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan . At sinabi sa kaniya ng diablo , Sa iyo&#039;y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito , at ang kaluwalhatian nila : sapagka&#039;t ito&#039;y naibigay na sa akin ; at ibibigay ko kung kanino ko ibig . Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko , ay magiging iyong lahat . At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya , Nasusulat , Sa Panginoon mong Dios sasamba ka , at siya lamang ang iyong paglilingkuran . At dinala niya siya sa Jerusalem , at inilagay siya sa taluktok ng templo , at sinabi sa kaniya , Kung ikaw ay Anak ng Dios , ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba : Sapagka&#039;t nasusulat , Siya&#039;y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo , upang ikaw ay ingatan : At , Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay , Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato . At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya , Nasasabi , Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios . At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso , ay hiniwalayan siya niya ng ilang panahon . At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu : at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain . At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila , na niluluwalhati ng lahat . At siya&#039;y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan : at ayon sa kaniyang kaugalian , siya&#039;y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath , at nagtindig upang bumasa . At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias . At binuklat niya ang aklat , na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan , Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon , Sapagka&#039;t ako&#039;y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha : Ako&#039;y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas , At sa mga bulag ang pagkakita , Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi , Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon . At binalumbon niya ang aklat , at isinauli sa naglilingkod , at naupo : at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya . At siya&#039;y nagpasimulang magsabi sa kanila , Ngayo&#039;y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig . At siya&#039;y pinatotohanan ng lahat , at nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig : at sinabi nila , Hindi baga ito ang anak ni Jose ? At sinabi niya sa kanila , Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga , Manggagamot , gamutin mo ang iyong sarili : ang anomang aming narinig na ginawa sa Capernaum , ay gawin mo naman dito sa iyong lupain . At sinabi niya , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa . Datapuwa&#039;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias , nang sarhan ang langit sa loob ng tatlong taon at anim na buwan , noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan ; At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias , kundi sa Sarepta sa lupa ng Sidon , sa isang babaing bao . At maraming ketongin sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta ; at sinoman sa kanila&#039;y hindi nilinis , kundi lamang si Naaman na Siro . At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga , sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito ; At sila&#039;y nagsitindig , at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan , upang siya&#039;y maibulid nila ng patiwarik . Datapuwa&#039;t pagdaraan niya sa gitna nila , ay yumaon ng kaniyang lakad . At siya&#039;y bumaba sa Capernaum , na isang bayan ng Galilea . At sila&#039;y tinuruan niya sa araw ng sabbath : At nangagtaka sila sa kaniyang aral , sapagka&#039;t may kapamahalaan ang kaniyang salita . At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio ; at siya&#039;y sumigaw ng malakas na tinig , Ah ! anong mayroon kami sa iyo , Jesus , ikaw na Nazareno ? naparito ka baga upang kami&#039;y iyong puksain ? nakikilala ko ikaw kung sino ka , ang Banal ng Dios . At sinaway siya ni Jesus , na sinasabi , Tumahimik ka , at lumabas ka sa kaniya . At nang siya&#039;y mailugmok ng demonio sa gitna , ay lumabas siya sa kaniya , na hindi siya sinaktan . At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa&#039;t isa , na nangagsasabi , Anong salita kaya ito ? sapagka&#039;t siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu , at nagsisilabas sila . At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon . At siya&#039;y nagtindig sa sinagoga , at pumasok sa bahay ni Simon . At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon , at siya&#039;y kanilang ipinamanhik sa kaniya . At tinunghan niya siya , at sinaway ang lagnat ; at inibsan siya : at siya&#039;y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila . At nang lumulubog na ang araw , ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya ; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa&#039;t isa sa kanila , at sila&#039;y pinagaling . At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw , na nagsasabi , Ikaw ang anak ng Dios . At sinasaway sila , na di niya sila tinutulutang mangagsalita , sapagka&#039;t naalaman nilang siya ang Cristo . At nang araw na , ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako : at hinahanap siya ng mga karamihan , at nagsiparoon sa kaniya , at pinagpipilitang pigilin siya , upang huwag siyang humiwalay sa kanila . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios : sapagka&#039;t sa ganito ay sinugo ako . At siya&#039;y nangangaral sa mga sinagoga ng Galilea . Nangyari nga , na samantalang siya&#039;y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios , na siya&#039;y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret ; At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan : datapuwa&#039;t nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya , at hinuhugasan ang kanilang mga lambat . At lumulan siya sa isa sa mga daong , na kay Simon , at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa . At siya&#039;y naupo at nagturo sa mga karamihan buhat sa daong . At pagtigil niya ng pagsasalita , ay sinabi niya kay Simon , Pumaroon ka sa laot , at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya . At sumagot si Simon at sinabi , Guro , sa buong magdamag ay nagsipagpagal kami , at wala kaming nahuli : datapuwa&#039;t sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat . At nang magawa nila ito , ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda ; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat ; At kinawayan nila ang mga kasamahan sa isang daong upang magsilapit at sila&#039;y tulungan . At sila&#039;y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong , ano pa&#039;t sila&#039;y nagpasimulang lulubog . Datapuwa&#039;t nang makita ni Simon Pedro , ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus , na nagsasabi , Lumayo ka sa akin ; sapagka&#039;t ako&#039;y taong makasalanan , Oh Panginoon . Sapagka&#039;t siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas , dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli : At gayon din si Santiago at si Juan , mga anak ni Zebedeo , na mga kasama ni Simon . At sinabi ni Jesus kay Simon , Huwag kang matakot ; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao . At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong , ay iniwan nila ang lahat , at nagsisunod sa kaniya . At nangyari , samantalang siya&#039;y nasa isa sa mga bayan , narito , may isang lalake na lipos ng ketong : at nang makita niya si Jesus , ay nagpatirapa siya , at namanhik sa kaniya , na sinasabi , Panginoon , kung ibig mo , ay maaaring linisin mo ako . At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya&#039;y hinipo , na sinasabi , Ibig ko ; luminis ka . At pagdaka&#039;y nilisan siya ng ketong . At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man : kundi yumaon ka ng iyong lakad , at pakita ka sa saserdote , at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo , alinsunod sa iniutos ni Moises , na pinakapatotoo sa kanila . Datapuwa&#039;t lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya : at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig , at upang pagalingin sa kanilang mga sakit . Datapuwa&#039;t siya&#039;y lumigpit sa mga ilang , at nananalangin . At nangyari nang isa sa mga araw na yaon , na siya&#039;y nagtuturo ; at may nangakaupo doong mga Fariseo at mga guro sa kautusan , na nagsipanggaling sa bawa&#039;t nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem : at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling . At narito , dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo : at pinagpipilitan niyang maipasok siya , at ilagay siya sa harap nila . At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan , dahil sa karamihan , ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay , at siya&#039;y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan , sa gitna , sa harapan ni Jesus . At pagkakita sa kanilang pananampalataya , ay kaniyang sinabi , Lalake , ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan . At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan , na nangagsasabi , Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan ? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan , kundi ang Dios lamang ? Datapuwa&#039;t si Jesus , na nakatatanto ng kanilang mga iniisip , ay sumagot at sinabi sa kanila , Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso ? Alin baga ang lalong magaang sabihin , Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan ; o sabihin , Magtindig ka at lumakad ka ? Datapuwa&#039;t upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan ( sinabi niya sa lumpo ) , Sa iyo ko sinasabi , Magtindig ka , at buhatin mo ang iyong higaan , at umuwi ka sa bahay mo . At pagdaka&#039;y nagtindig siya sa harap nila , at binuhat ang kaniyang hinigan , at napasa kaniyang bahay , na niluluwalhati ang Dios . At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios ; at nangapuspos sila ng takot , na nangagsasabi , Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka . At pagkatapos ng mga bagay na ito , siya&#039;y umalis , at nakita ang isang maniningil ng buwis , na nagngangalang Levi , na nakaupo sa paningilan ng buwis , at sinabi sa kaniya , Sumunod ka sa akin . At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya . At siya&#039;y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay : at lubhang maraming maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang . At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Bakit kayo&#039;y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ? At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila , Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot ; kundi ang mga may sakit . Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid , kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi . At sinabi nila sa kaniya , Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas , at nagsisigawa ng mga pagdaing ; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo ; datapuwa&#039;t ang mga iyo&#039;y nagsisikain at nagsisiinom . At sinabi ni Jesus sa kanila , Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila ? Datapuwa&#039;t darating ang mga araw ; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake , kung magkagayo&#039;y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon . At sinalita rin naman niya sa kanila ang isang talinghaga : Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma ; sa ibang paraa&#039;y sisirain ang bago , at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago . At walang taong nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma ; sa ibang paraa&#039;y papuputukin ng alak na bago ang mga balat , at mabububo , masisira ang mga balat . Kundi dapat isilid ang alak na bago sa mga bagong balat . At walang taong nakainom ng alak na laon , ay iibig sa alak na bago ; sapagka&#039;t sasabihin niya , Mabuti ang laon . Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath , ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya , at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay . Datapuwa&#039;t sinabi ng ilan sa mga Fariseo , Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath ? At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi , Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David , nang siya&#039;y magutom , siya , at ang mga kasamahan niya ; Kung paanong siya&#039;y pumasok sa bahay ng Dios , at kumain ng mga tinapay na handog , at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan ; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang ? At sinabi niya sa kanila , Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath . At nangyari nang ibang sabbath , na siya&#039;y pumasok sa sinagoga at nagturo : at doo&#039;y may isang lalake , at tuyo ang kaniyang kanang kamay . At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo , kung siya&#039;y magpapagaling sa sabbath ; upang makasumpong sila ng paraan na siya&#039;y maisakdal . Datapuwa&#039;t nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan ; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay , Magtindig ka at tumayo ka sa gitna . At siya&#039;y nagtindig at tumayo . At sinabi sa kanila ni Jesus , Itinatanong ko sa inyo , Matuwid bagang gumawa ng magaling , o gumawa ng masama kung sabbath ? magligtas ng isang buhay o pumuksa ? At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot , at sinabi sa kaniya , Iunat mo ang iyong kamay . At ginawa niyang gayon ; at gumaling ang kaniyang kamay . Datapuwa&#039;t sila&#039;y nangapuno ng galit ; at nangagsangusapan , kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus . At nangyari nang mga araw na ito , na siya&#039;y napasa bundok upang manalangin ; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios . At nang araw na , ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad ; at siya&#039;y humirang ng labingdalawa sa kanila , na tinawag naman niyang mga apostol : Si Simon , na tinawag naman niyang Pedro , at si Andres na kaniyang kapatid , at si Santiago at si Juan , at si Felipe at si Bartolome . At si Mateo at si Tomas , at si Santiago anak ni Alfeo , at si Simon , na tinatawag na Masikap , At si Judas na anak ni Santiago , at si Judas Iscariote na naging lilo ; At bumaba siya na kasama nila , at tumigil sa isang patag na dako , at ang lubhang marami sa mga alagad niya , at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem , at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon , na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya , at upang pagalingin sa kanilang mga sakit ; Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling . At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya&#039;y mahipo ; sapagka&#039;t lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa , at nagpapagaling sa lahat . At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad , at sinabi , Mapapalad kayong mga dukha : sapagka&#039;t inyo ang kaharian ng Dios . Mapapalad kayong nangagugutom ngayon : sapagka&#039;t kayo&#039;y bubusugin . Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon : sapagka&#039;t kayo&#039;y magsisitawa . Mapapalad kayo kung kayo&#039;y kapootan ng mga tao , at kung kayo&#039;y ihiwalay nila , at kayo&#039;y alimurahin , at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama , dahil sa Anak ng tao . Mangagalak kayo sa araw na yaon , at magsilukso kayo sa kagalakan ; sapagka&#039;t narito , ang ganti sa inyo&#039;y malaki sa langit ; sapagka&#039;t sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta . Datapuwa&#039;t sa aba ninyong mayayaman ! sapagka&#039;t tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan . Sa aba ninyo mga busog ngayon ! sapagka&#039;t kayo&#039;y mangagugutom . Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon ! sapagka&#039;t kayo&#039;y magsisitaghoy at magsisitangis . Sa aba ninyo , pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo ! sapagka&#039;t sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta . Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyong nangakikinig , Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway , gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo , Pagpalain ninyo ang sa inyo&#039;y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo&#039;y lumalait . Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi , iharap mo naman ang kabila ; at ang sa iyo&#039;y magalis ng iyong balabal , huwag mong itanggi pati ng iyong tunika . Bigyan mo ang bawa&#039;t sa iyo&#039;y humihingi ; at sa kumuha ng pag-aari mo , ay huwag mong hinging muli . At kung ano ang ibig ninyong sa inyo&#039;y gawin ng mga tao , gayon din ang gawin ninyo sa kanila . At kung kayo&#039;y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo , anong pasasalamat ang inyong kakamtin ? sapagka&#039;t ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila . At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti , anong pasasalamat ang inyong kakamtin ? sapagka&#039;t ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan . At kung kayo&#039;y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin , anong pasasalamat ang inyong kakamtin ? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan , upang muling magsitanggap ng gayon din . Datapuwa&#039;t ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti , at mangagpahiram kayo , na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa ; at malaki ang sa inyo&#039;y magiging ganti , at kayo&#039;y magiging mga anak ng Kataastaasan : sapagka&#039;t siya&#039;y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama . Magmaawain kayo , gaya naman ng inyong Ama na maawain . At huwag kayong mangagsihatol , at hindi kayo hahatulan : at huwag kayong mangagparusa , at hindi kayo parurusahan : mangagpalaya kayo , at kayo&#039;y palalayain : Mangagbigay kayo , at kayo&#039;y bibigyan ; takal na mabuti , pikpik , liglig , at umaapaw , ay ibibigay nila sa inyong kandungan . Sapagka&#039;t sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin . At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga : Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag ? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay ? Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro : datapuwa&#039;t ang bawa&#039;t isa , pagka naging sakdal , ay nagiging katulad ng kaniyang guro . At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid , datapuwa&#039;t hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata ? O paanong masasabi mo sa iyong kapatid , Kapatid , pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata , kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata ? Ikaw na mapagpaimbabaw , alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata , kung magkagayo&#039;y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid . Sapagka&#039;t walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama ; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti . Sapagka&#039;t bawa&#039;t punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga . Sapagka&#039;t ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag , at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan . Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso ; at ang masamang tao&#039;y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan : sapagka&#039;t sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig . At bakit tinatawag ninyo ako , Panginoon , Panginoon , at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi ? Ang bawa&#039;t lumalapit sa akin , at pinakikinggan ang aking mga salita , at ginagawa , ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad : Siya&#039;y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay , na humukay at pinakalalim , at inilagay ang patibayan sa bato : at nang dumating ang isang baha , ay hinampas ng agos ang bahay na yaon , at hindi nakilos ; sapagka&#039;t natitirik na mabuti . Datapuwa&#039;t ang dumirinig , at hindi ginagawa , ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa , na walang patibayan ; laban sa yaon ay hinampas ng agos , at pagdaka&#039;y nagiba ; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon . Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan , ay pumasok siya sa Capernaum . At ang alipin ng isang senturion , na minamahal nito , ay may sakit at malapit nang mamatay . At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus , ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio , na ipamanhik sa kaniya , na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin . At nang magsidating sila kay Jesus , ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya , na sinasabi , Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito ; Sapagka&#039;t iniibig niya ang ating bansa , at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga . At si Jesus ay sumama sa kanila . At nang siya&#039;y di na lubhang malayo sa bahay , ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan , na nagsisipagsabi sa kaniya , Panginoon , huwag ka nang maligalig , sapagka&#039;t di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan : Dahil dito&#039;y hindi ko inakalang ako&#039;y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo : datapuwa&#039;t sabihin mo ang salita , at gagaling ang aking alipin . Sapagka&#039;t ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan , may nasasakupan akong mga kawal : at sinasabi ko rito , Yumaon ka , at siya&#039;y yumayaon ; at sa isa , Halika , at siya&#039;y lumalapit ; at sa aking alipin , Gawin mo ito , at kaniyang ginagawa . At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito , ay nagtaka siya sa kaniya , at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya , Sinasabi ko sa inyo , Hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya , hindi , kahit sa Israel man . At pagbalik sa bahay ng mga sinugo , ay kanilang naratnang magaling na ang alipin . At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon , na siya&#039;y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain ; at kasama niya ang kaniyang mga alagad , at ang lubhang maraming tao . At nang siya nga&#039;y malapit na sa pintuan ng bayan , narito , inilalabas ang isang patay , bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina , at siya&#039;y bao : at kasama niya ang maraming tao na taga bayan . At pagkakita sa kaniya ng Panginoon , siya&#039;y kinahabagan niya , at sinabi sa kaniya , Huwag kang tumangis . At siya&#039;y lumapit at hinipo ang kabaong : at ang nangagdadala ay tumigil . At sinabi niya , Binata , sinasabi ko sa iyo , Magbangon ka . At naupo ang patay , at nagpasimulang magsalita . At siya&#039;y ibinigay niya sa kaniyang ina . At sinidlan ng takot ang lahat : at niluluwalhati nila ang Dios , na sinasabi , Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta : at , dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan . At kumalat ang balitang ito tungkol sa kaniya sa buong Judea , at sa buong palibotlibot ng lupain . At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito . At sa pagpapalapit ni Juan sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad , ay sinugo sila sa Panginoon , na nagpapasabi , Ikaw baga yaong paririto , o hihintayin namin ang iba ? At pagdating sa kaniya ng mga tao , ay kanilang sinabi , Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista , na ipinasasabi , Ikaw baga yaong paririto , o hihintayin namin ang iba ? Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu ; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag . At sumagot siya at sa kanila&#039;y sinabi , Magsiparoon kayo , at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig ; ang mga bulag ay nangakakakita , ang mga pilay ay nagsisilakad , ang mga ketongin ay nangalilinis , at ang mga bingi ay nangakaririnig , ang mga patay ay ibinabangon , sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita . At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin . At nang mangakaalis na ang mga sugo ni Juan , ay nagpasimula siyang magsalita tungkol kay Juan sa mga karamihan , Ano ang linabas ninyo upang mamasdan sa ilang ? isang tambong inuuga ng hangin ? Datapuwa&#039;t ano ang linabas ninyo upang makita ? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselang ? Narito , ang nagsisipanamit ng maririlag , at nangabubuhay sa pagmamaselang ay nasa mga palasio ng mga hari . Datapuwa&#039;t ano ang linabas ninyo upang makita ? isa bagang propeta ? Oo , sinasabi ko sa inyo , at higit pa sa isang propeta . Ito yaong tungkol sa kaniya&#039;y nasusulat , Narito , sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha , Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo . Sinasabi ko sa inyo , Sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang dakila kay sa kay Juan : gayon ma&#039;y ang lalong maliit sa kaharian ng Dios ay lalong dakila kay sa kaniya . At pagkarinig ng buong bayan , at ng mga maniningil ng buwis ay pinatotohanan ang Dios , na nagsipagbautismo ng bautismo ni Juan . Datapuwa&#039;t pinawalang halaga ng mga Fariseo at ng mga tagapagtanggol ng kautusan sa kanilang sarili ang payo ng Dios , at hindi napabautismo sa kaniya . Sa ano ko itutulad ang mga tao ng lahing ito , at ano ang kanilang katulad ? Tulad sila sa mga batang nangakaupo sa pamilihan , at nagsisigawan sa isa&#039;t isa ; na sinasabi , Tinutugtugan namin kayo ng plauta , at hindi kayo nagsisayaw ; nanambitan kami at hindi kayo nagsitangis . Sapagka&#039;t naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi , Siya&#039;y may isang demonio . Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom ; at inyong sinasabi , Narito ang isang matakaw na tao , at isang magiinum ng alak , isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan ! At ang karunungan ay pinatotohanan ng lahat ng kaniyang mga anak . At ipinamanhik sa kaniya ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya . At siya&#039;y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang . At narito , ang isang babaing makasalanan na nasa bayan ; at nang maalaman niyang siya&#039;y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento , At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis , ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa , at ang mga ito&#039;y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo , at hinahagkan ang kaniyang mga paa , at pinapahiran ng unguento . Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya&#039;y naganyaya , ay nagsalita sa kaniyang sarili , na sinasabi , Ang taong ito , kung siya&#039;y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya&#039;y humihipo , na siya&#039;y makasalanan . At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya , Simon , ako&#039;y may isang bagay na sasabihin sa iyo . At sinabi niya , Guro , sabihin mo . Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya : at ang isa&#039;y may utang na limang daang denario , at ang isa&#039;y limangpu . Nang sila&#039;y walang maibayad , ay kapuwa pinatawad niya . Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya ? Sumagot si Simon at sinabi , Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki . At sinabi niya sa kaniya , Matuwid ang pagkahatol mo . At paglingon sa babae , ay sinabi niya kay Simon , Nakikita mo baga ang babaing ito ? Pumasok ako sa iyong bahay , hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa : datapuwa&#039;t dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha , at kinuskos ng kaniyang buhok . Hindi mo ako binigyan ng halik : datapuwa&#039;t siya , buhat nang ako&#039;y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa . Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo : datapuwa&#039;t pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa . Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan ; sapagka&#039;t siya ay umibig ng malaki : datapuwa&#039;t sa pinatatawad ng kaunti , ay kakaunti ang pagibig . At sinabi niya sa babae , Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan . At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili , Sino ito , na nagpapatawad pati ng mga kasalanan ? At sinabi niya sa babae , Iniligtas ka ng iyong pananampalataya ; yumaon kang payapa . At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon , na siya&#039;y naglalakad sa mga bayan at mga nayon , na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios , at kasama niya ang labingdalawa , At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit , si Maria , na tinatawag na Magdalena , na sa kaniya&#039;y pitong demonio ang nagsilabas , At si Juana na asawa ni Chuza , katiwala ni Herodes , at si Susana , at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik . At nang magkatipon ang malaking karamihang tao , at ang mga mula sa bawa&#039;t bayan na nagsadya sa kaniya , ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga : Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi : at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan ; at napagyapakan , at ito&#039;y kinain ng mga ibon sa langit . At ang iba&#039;y nahulog sa batuhan ; at pagsibol , ay natuyo , sapagka&#039;t walang halumigmig . At ang iba&#039;y nahulog sa mga dawagan ; at tumubong kasama ang mga dawag , at yao&#039;y ininis . At ang iba&#039;y nahulog sa mabuting lupa , at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan . Pagkasabi niya ng mga bagay na ito , siya ay sumigaw , Ang may mga pakinig na ipakikinig , ay makinig . At tinanong siya ng kaniyang mga alagad , kung ano kaya ang talinghagang ito . At sinabi niya , Sa inyo&#039;y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios : datapuwa&#039;t sa mga iba&#039;y sa mga talinghaga ; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita , at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa . Ito ang talinghaga : Ang binhi ay ang salita ng Dios . At ang mga sa tabi ng daan , ay ang nangakinig ; kung magkagayo&#039;y dumarating ang diablo , at inaalis ang salita sa kanilang puso , upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas . At ang mga sa batuhan , ay yaong mga pagkarinig , ay tinatanggap na may galak ang salita ; at ang mga ito&#039;y walang ugat , na sila sa sangdaling panaho&#039;y nagsisisampalataya , at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay . At ang nahulog sa dawagan , ay ito ang nangakinig , at samantalang sila&#039;y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito , at hindi nangagbubunga ng kasakdalan . At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti , na iniingatan ang salita pagkarinig , at nangagbubunga may pagtitiis . At walang taong pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga , o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan ; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan , upang makita ng nagsisipasok ang ilaw . Sapagka&#039;t walang bagay na natatago , na di mahahayag ; o walang lihim , na di makikilala at mapapasa liwanag . Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig : sapagka&#039;t sino mang mayroon ay bibigyan ; at ang sinomang wala , pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin . At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid , at sila&#039;y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao . At may nagsabi sa kaniya , Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid , na ibig nilang makita ka . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot , at sinabi sa kanila , Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay itong nangakikinig ng salita ng Dios , at ginagawa . Nangyari nga sa mga araw na yaon , na siya&#039;y lumulan sa isang daong , siya at ang kaniyang mga alagad ; at sinabi niya sa kanila , Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan : at sila&#039;y nagsitulak . Datapuwa&#039;t samantalang sila&#039;y nangaglalayag , siya&#039;y nakatulog : at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan ; at sila&#039;y nangatitigib ng tubig , at nangasa kapanganiban . At sila&#039;y nangagsilapit sa kaniya at siya&#039;y ginising , na nangagsasabi , Guro , guro , tayo&#039;y mangamamatay . At siya&#039;y gumising , at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig : at nangagsitigil , at humusay ang panahon . At sinabi niya sa kanila , Saan naroon ang inyong pananampalataya ? At palibhasa&#039;y nangatakot sila&#039;y nagsisipanggilalas , na sinasabi ng isa sa iba , Sino nga ito , na siya&#039;y naguutos maging sa hangin at sa tubig , at siya&#039;y tinatalima nila ? At sila&#039;y nagsidating sa lupain ng mga Gadareno , na nasa tapat ng Galilea . At pagkalunsad niya sa lupa , siya&#039;y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan , na may mga demonio ; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit , at hindi tumatahan sa bahay , kundi sa mga libingan . At nang makita niya si Jesus , siya&#039;y sumigaw , at nagpatirapa sa harap niya , at sinabi ng malakas na tinig , Ano ang pakialam ko sa iyo , Jesus , ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan ? Ipinamamanhik ko sa iyo , na huwag mo akong pahirapan . Sapagka&#039;t ipinagutos niya sa karumaldumal na espiritu na lumabas sa tao . Sapagka&#039;t madalas siyang inaalihan : at siya&#039;y binabantayan at gapos ng mga tanikala at mga damal ; at pagka pinapatid ang gapos ay siya&#039;y itinataboy ng demonio sa mga ilang . At tinanong siya ni Jesus , Ano ang pangalan mo ? At sinabi niya , Pulutong ; sapagka&#039;t maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya . At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman . Doon nga&#039;y may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain sa bundok : at ipinamanhik nila sa kaniya na pabayaang sila&#039;y magsipasok sa mga yaon . At sila&#039;y pinahintulutan niya . At nagsilabas ang mga demonio sa tao , at nagsipasok sa mga baboy : at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagatdagatan , at nangalunod . At nang makita ng nagsisipagalaga ng mga yaon ang nangyari , ay nagsitakas , at isinaysay sa bayan at sa bukid . At sila&#039;y nagsilabas upang makita ang nangyari ; at nagsilapit sila kay Jesus , at kanilang naratnan sa paanan ni Jesus ang taong nilabasan ng mga demonio , na nakaupo , may pananamit , at matino ang kaniyang bait : at sila&#039;y nangatakot . At sa kanila&#039;y isinaysay ng nangakakita kung paanong pinagaling ang inaalihan ng mga demonio . At ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga tao sa palibotlibot ng lupain ng mga Gadareno na siya&#039;y umalis sa kanila , sapagka&#039;t sila&#039;y napipigilan ng malaking takot : at siya&#039;y lumulan sa daong , at nagbalik . Datapuwa&#039;t namanhik sa kaniya ang taong nilabasan ng mga demonio , na siya&#039;y ipagsama niya : datapuwa&#039;t siya&#039;y pinaalis niya , na sinasabi , Umuwi ka sa iyong bahay , at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo . At siya&#039;y yumaon ng kaniyang lakad , na ibinabalita sa buong bayan , kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya&#039;y ginawa ni Jesus . At sa pagbalik ni Jesus , ay sinalubong siyang may galak ng karamihan ; sapagka&#039;t hinihintay siya nilang lahat . At narito , lumapit ang isang lalaking nagngangalang Jairo , at siya&#039;y isang pinuno sa sinagoga : at siya&#039;y nagpatirapa sa paanan ni Jesus , at ipinamamanhik sa kaniya , na pumasok sa kaniyang bahay ; Sapagka&#039;t siya&#039;y may isang bugtong na anak na babae , na may labingdalawang taong gulang , at siya&#039;y naghihingalo . Datapuwa&#039;t samantalang siya&#039;y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan . At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan , na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay , at sinoma&#039;y walang makapagpagaling sa kaniya , Ay lumapit sa kaniyang likuran , at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka&#039;y naampat ang kaniyang agas . At sinabi ni Jesus , Sino ang humipo sa akin ? At nang tumatanggi ang lahat , ay sinabi ni Pedro , at ng mga kasamahan niya , Guro , iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan . Datapuwa&#039;t sinabi ni Jesus , May humipo sa akin , sapagka&#039;t naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin . At nang makita ng babae na siya&#039;y hindi nalingid , ay lumapit siya na nangangatal , at nagpatirapa sa harapan niya na isinasaysay sa harapan ng buong bayan ang dahil kung bakit siya&#039;y hinipo niya , at kung paanong gumaling siya kapagdaka . At sinabi niya sa kaniya , Anak , pinagaling ka ng iyong pananampalataya ; yumaon kang payapa . Samantalang nagsasalita pa siya ay dumating ang isa na mula sa bahay ng pinuno sa sinagoga , na nagsasabi , Patay na ang anak mong babae ; huwag mong bagabagin ang Guro . Datapuwa&#039;t nang marinig ito ni Jesus ay sumagot sa kaniya , Huwag kang matakot : manampalataya ka lamang , at siya&#039;y gagaling . At nang dumating siya sa bahay , ay hindi niya ipinahintulot na pumasok na kasama niya ang sinomang tao , maliban na kay Pedro , at kay Juan , at kay Santiago , at ang ama ng dalaga at ang ina nito . At tumatangis ang lahat , at pinananambitanan ang dalaga : datapuwa&#039;t sinabi niya , Huwag kayong magsitangis ; sapagka&#039;t siya&#039;y hindi patay , kundi natutulog . At tinawanan nila siya na nililibak , na napagaalamang siya&#039;y patay na . Datapuwa&#039;t tinangnan niya sa kamay , at tinawag , na sinasabi , Dalaga , magbangon ka . At nagbalik ang kaniyang espiritu , at siya&#039;y nagbangon pagdaka : at kaniyang ipinagutos na siya&#039;y bigyan ng pagkain . At nangagtaka ang kaniyang mga magulang : datapuwa&#039;t ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang kaniyang ginawa . At tinipon niya ang labingdalawa , at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio , at upang magpagaling ng mga sakit . At sila&#039;y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios , at magpagaling ng mga may sakit . At sinabi niya sa kanila , Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad , kahit tungkod , kahit supot ng ulam , kahit tinapay , kahit salapi ; at kahit magkaroon ng dalawang tunika . At sa anomang bahay na inyong pasukin , doon kayo mangatira , at buhat doo&#039;y magsialis kayo . At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon , ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa , na pinaka patotoo laban sa kanila . At sila&#039;y nagsialis , at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon , na ipinangangaral ang evangelio , at nagpapagaling saa&#039;t saan man . Nabalitaan nga ni Herodes na tetrarka ang lahat na ginawa ; at siya&#039;y totoong natitilihan , sapagka&#039;t sinasabi ng ilan , na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay ; At ng ilan , na si Elias ay lumitaw ; at ng mga iba , na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon . At sinabi ni Herodes , Pinugutan ko ng ulo si Juan : datapuwa&#039;t sino nga ito , na tungkol sa kaniya&#039;y nababalitaan ko ang gayong bagay ? At pinagsisikapan niyang siya&#039;y makita . At nang magsibalik ang mga apostol , ay isinaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa . At sila&#039;y isinama niya , at lumigpit na bukod sa isang bayan na tinatawag na Betsaida . Datapuwa&#039;t nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa kaniya : at sila&#039;y tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa kaharian ng Dios , at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin . At nagpasimulang kumiling ang araw ; at nagsilapit ang labingdalawa , at nangagsabi sa kaniya , Paalisin mo ang karamihan , upang sila&#039;y magsiparoon sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibotlibot , at mangakapanuluyan , at mangakakuha ng pagkain : sapagka&#039;t tayo&#039;y nangarito sa isang ilang na dako . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Bigyan ninyo sila ng makakain . At sinabi nila , Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda ; malibang kami&#039;y magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito . Sapagka&#039;t sila&#039;y may limang libong lalake . At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Paupuin ninyo sila ng pulupulutong , na may tiglilimangpu bawa&#039;t isa . At gayon ang ginawa nila , at pinaupo silang lahat . At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda , at pagtingala sa langit , ay kaniyang pinagpala , at pinagputolputol ; at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa harap ng karamihan . At sila&#039;y nagsikain , at nangabusog ang lahat : at ang lumabis sa kanila na mga pinagputolputol ay pinulot na labingdalawang bakol . At nangyari , nang siya&#039;y nananalangin ng bukod , na ang mga alagad ay kasama niya : at tinanong niya sila , na sinasabi , Ano ang sinasabi ng karamihan kung sino ako ? At pagsagot nila&#039;y nangagsabi , Si Juan Bautista ; datapuwa&#039;t sinasabi ng mga iba , Si Elias ; at sinasabi ng mga iba na isa sa mga datihang propeta ay muling nagbangon . At sinabi niya sa kanila , Datapuwa&#039;t , ano ang sabi ninyo kung sino ako ? At pagsagot ni Pedro , ay nagsabi , Ang Cristo ng Dios . Datapuwa&#039;t ipinagbilin niya , at ipinagutos sa kanila na huwag sabihin ito sa kanino mang tao ; Na sinasabi , Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao , at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba , at patayin , at muling ibangon sa ikatlong araw . At sinabi niya sa lahat , Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin , ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus , at sumunod sa akin . Sapagka&#039;t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay , ay mawawalan nito ; datapuwa&#039;t sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin , ay maililigtas nito yaon . Sapagka&#039;t ano ang pakikinabangin ng tao , kung makamtan niya ang buong sanglibutan , at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili ? Sapagka&#039;t ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita , ay ikahihiya siya ng Anak ng tao , pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian , at sa kaluwalhatian ng Ama , at ng mga banal na anghel . Datapuwa&#039;t katotohanang sinasabi ko sa inyo , May ilan sa nangakatayo rito , na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan , hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios . At nangyari , nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito , na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago , at umahon sa bundok upang manalangin . At samantalang siya&#039;y nananalangin , ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha , at ang kaniyang damit ay pumuti , at nakasisilaw . At narito , dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya , na ang mga ito&#039;y si Moises at si Elias ; Na napakitang may kaluwalhatian , at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem . Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok : datapuwa&#039;t nang sila&#039;y mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian , at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya . At nangyari , samantalang sila&#039;y nagsisihiwalay sa kaniya , ay sinabi ni Pedro kay Jesus , Guro , mabuti sa atin ang tayo&#039;y dumito : at magsigawa tayo ng tatlong dampa ; isa ang sa iyo , at isa ang kay Moises , at isa ang kay Elias : na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi . At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito , ay dumating ang isang alapaap , at sila&#039;y naliliman : at sila&#039;y nangatakot nang sila&#039;y mangapasok sa alapaap . At may tinig na nanggaling sa alapaap , na nagsasabi , Ito ang aking Anak , ang aking hirang : siya ang inyong pakinggan . At nang dumating ang tinig , si Jesus ay nasumpungang nagiisa . At sila&#039;y di nagsisiimik , at nang mga araw na yao&#039;y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita . At nangyari nang kinabukasan , nang pagbaba nila mula sa bundok , ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao . At narito , isang lalake sa karamihan , ay sumigaw na nagsasabi , Guro , ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake ; sapagka&#039;t siya&#039;y aking bugtong na anak ; At narito , inaalihan siya ng isang espiritu , at siya&#039;y biglang nagsisigaw ; at siya&#039;y nililiglig , na pinabubula ang bibig , at bahagya nang siya&#039;y hiwalayan , na siya&#039;y totoong pinasasakitan . At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya ; at hindi nila magawa . At sumagot si Jesus at nagsabi , Oh lahing walang pananampalataya at taksil , hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo ? dalhin mo rito ang anak mo . At samantalang siya&#039;y lumalapit , ay ibinuwal siya ng demonio , at pinapangatal na mainam . Datapuwa&#039;t pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu , at pinagaling ang bata , at isinauli siya sa kaniyang ama . At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios . Datapuwa&#039;t samantalang ang lahat ay nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa , ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito : sapagka&#039;t ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao . Datapuwa&#039;t hindi nila napaguunawa ang sabing ito , at sa kanila&#039;y nalilingid , upang ito&#039;y huwag mapagunawa ; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito . At nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila . Datapuwa&#039;t pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso , ay kumuha siya ng isang maliit na bata , at inilagay sa kaniyang siping , At sinabi sa kanila , Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko , ay ako ang tinatanggap : at ang sinomang tumanggap sa akin , ay tinatanggap ang nagsugo sa akin : sapagka&#039;t ang pinaka maliit sa inyong lahat , ay siyang dakila . At sumagot si Juan at sinabi , Guro , may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonio sa pangalan mo ; at aming pinagbawalan siya , sapagka&#039;t siya&#039;y hindi sumasama sa atin . Datapuwa&#039;t sinabi sa kanila ni Jesus , Huwag ninyong pagbawalan siya : sapagka&#039;t ang hindi laban sa inyo , ay sumasa inyo . At nangyari , nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya&#039;y tatanggapin sa itaas , ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem , At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha : at nagsiyaon sila , at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya&#039;y ipaghanda . At hindi nila siya tinanggap , sapagka&#039;t ang mukha niya&#039;y anyong patungo sa Jerusalem . At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan , ay nangagsabi , Panginoon , ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit , at sila&#039;y pugnawin ? Datapuwa&#039;t , lumingon siya , at sila&#039;y pinagwikaan . At sila&#039;y nagsiparoon sa ibang nayon . At paglakad nila sa daan ay may nagsabi sa kaniya , Susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon . At sinabi sa kaniya ni Jesus , May mga lungga ang mga sorra , at ang mga ibon sa langit ay may mga pugad ; datapuwa&#039;t ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo . At sinabi niya sa iba , Sumunod ka sa akin . Datapuwa&#039;t siya&#039;y nagsabi , Panginoon , tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kaniya , Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay ; datapuwa&#039;t yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios . At ang iba nama&#039;y nagsabi , Susunod ako sa iyo , Panginoon ; datapuwa&#039;t pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ni Jesus , Walang taong pagkahawak sa araro , at lumilingon sa likod , ay karapatdapat sa kaharian ng Dios . Pagkatapos nga ng mga bagay na ito , ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa , at sila&#039;y sinugong daladalawa , sa unahan ng kaniyang mukha , sa bawa&#039;t bayan at dako na kaniyang paroroonan . At sinabi niya sa kanila , Sa katotohana&#039;y marami ang aanihin , datapuwa&#039;t kakaunti ang mga manggagawa : kaya&#039;t idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin , na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin . Magsiyaon kayo sa iyong lakad ; narito , sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo . Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi , ng supot man ng pagkain , ng mga pangyapak man ; at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan . At sa alin mang bahay na inyong pasukin , ay sabihin ninyo muna , Kapayapaan nawa sa bahay na ito . At kung mayroon doong anak ng kapayapaan , ang inyong kapayapaa&#039;y mananatili sa kaniya : datapuwa&#039;t kung wala , ay babalik ito sa inyong muli . At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon , na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay : sapagka&#039;t ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan . Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay . At sa alin mang bayan na iyong pasukin , at kayo&#039;y kanilang tanggapin , ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo : At pagalingin ninyo ang mga maysakit na nangaroon , at sabihin ninyo sa kanila , Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios . Datapuwa&#039;t sa alin mang bayan na inyong pasukin , at hindi kayo tanggapin , magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin , Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa , ay ipinapagpag namin laban sa inyo : gayon ma&#039;y inyong talastasin ito , na lumapit na ang kaharian ng Dios . Sinasabi ko sa inyo , Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan ang Sodoma kay sa bayang yaon . Sa aba mo , Corazin ! sa aba mo , Betsaida ! sapagka&#039;t kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo , ay maluwat na dising nangagsisi , na nangauupong may kayong magaspang at abo . Datapuwa&#039;t sa paghuhukom , higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon , kay sa inyo . At ikaw , Capernaum , magpapakataas ka hanggang sa langit ? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades . Ang nakikinig sa inyo , ay sa akin nakikinig ; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil ; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki&#039;y nagsugo . At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan , na nangagsasabi , Panginoon , pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan . At sinabi niya sa kanila , Nakita ko si Satanas , na nahuhulog na gaya ng lintik , mula sa langit . Narito , binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan , at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway : at sa anomang paraa&#039;y hindi kayo maaano . Gayon ma&#039;y huwag ninyong ikagalak ito , na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo ; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit . Nang oras ding yaon siya&#039;y nagalak sa Espiritu Santo , at sinabi , Ako&#039;y nagpapasalamat sa iyo , Oh Ama , Panginoon ng langit at lupa , na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino , at ipinahayag mo sa mga sanggol : gayon nga , Ama ; sapagka&#039;t gayon ang nakalulugod sa iyong paningin . Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama : at walang nakakakilala kung sino ang Anak , kundi ang Ama ; at kung sino ang Ama , kundi ang Anak , at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak . At paglingon sa mga alagad , ay sinabi niya ng bukod , Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita : Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita , at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig , at hindi nila nangarinig . At narito , ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya&#039;y tinutukso , na sinasabi , Guro , anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay ? At sinabi niya sa kaniya , Ano ang nasusulat sa kautusan ? ano ang nababasa mo ? At pagsagot niya&#039;y sinabi , Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo , at ng buong kaluluwa mo , at ng buong lakas mo , at ng buong pagiisip mo ; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili . At sinabi niya sa kaniya , Matuwid ang sagot mo : gawin mo ito , at mabubuhay ka . Datapuwa&#039;t siya , na ibig magaringganap sa kaniyang sarili , ay nagsabi kay Jesus , At sino ang aking kapuwa tao ? Sumagot si Jesus at sinabi , Isang tao&#039;y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem ; at siya&#039;y nahulog sa kamay ng mga tulisan , na sa kaniya&#039;y sumamsam at sa kaniya&#039;y humampas , at nagsialis na siya&#039;y iniwang halos patay na . At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote ; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi . At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman , nang dumating siya sa dakong yaon , at makita siya , ay dumaan sa kabilang tabi . Datapuwa&#039;t ang isang Samaritano , sa kaniyang paglalakbay , ay dumating sa kinaroroonan niya : at nang siya&#039;y makita niya , ay nagdalang habag , At lumapit sa kaniya , at tinalian ang kaniyang mga sugat , na binuhusan ng langis at alak ; at siya&#039;y isinakay sa kaniyang sariling hayop , at dinala siya sa bahay-tuluyan , at siya&#039;y inalagaan . At nang kinabukasa&#039;y dumukot siya ng dalawang denario , at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan , at sinabi , Alagaan mo siya , at ang anomang magugol mong higit , ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko . Sino sa tatlong ito , sa akala mo , ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan ? At sinabi niya , Ang nagkaawanggawa sa kaniya . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka , at gayon din ang gawin mo . Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad , ay pumasok siya sa isang nayon : at isang babaing nagngangalang Marta , ay tinanggap siya sa kaniyang bahay . At siya&#039;y may isang kapatid na tinatawag na Maria , na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon , at pinakikinggan ang kaniyang salita . Nguni&#039;t si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod ; at siya&#039;y lumapit sa kaniya , at sinabi , Panginoon , wala bagang anoman sa iyo , na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa ? iutos mo nga sa kaniya na ako&#039;y tulungan niya . Datapuwa&#039;t sumagot ang Panginoon , at sinabi sa kaniya , Marta , Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay : Datapuwa&#039;t isang bagay ang kinakailangan : sapagka&#039;t pinili ni Maria ang magaling na bahagi , na hindi aalisin sa kaniya . At nangyari , nang siya&#039;y nananalangin sa isang dako , nang siya&#039;y matapos , ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad , Panginoon , turuan mo kaming manalangin , na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad . At sinabi niya sa kanila , Pagka kayo&#039;y nagsisipanalangin , inyong sabihin , Ama , Sambahin nawa ang pangalan mo . Dumating nawa ang kaharian mo . Ibigay mo sa amin arawaraw ang aming pangarawaraw na kakanin . At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan ; sapagka&#039;t aming pinatawad naman ang bawa&#039;t may utang sa amin . At huwag mo kaming ihatid sa tukso . At sinabi niya sa kanila , Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan , at paroroon sa kaniya sa hating gabi , at sa kaniya&#039;y sasabihin , Kaibigan , pahiramin mo ako ng tatlong tinapay ; Sapagka&#039;t dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan , at wala akong maihain sa kaniya ; At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin , Huwag mo akong bagabagin : nalalapat na ang pinto , at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak ; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo ? Sinasabi ko sa inyo , Kahit siya&#039;y hindi bumangon , at magbigay sa kaniya , dahil sa siya&#039;y kaibigan niya , gayon ma&#039;y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya&#039;y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya . At sinasabi ko sa inyo , Magsihingi kayo , at kayo&#039;y bibigyan ; magsihanap kayo , at kayo&#039;y mangakakasumpong ; magsituktok kayo , at kayo&#039;y bubuksan . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t humihingi ay tumatanggap ; at ang humahanap ay nakasusumpong ; at ang tumutuktok ay binubuksan . At aling ama sa inyo , na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay , ay bibigyan niya siya ng isang bato ? o ng isang isda kaya , at hindi isda ang ibibigay , kundi isang ahas ? O kung siya&#039;y humingi ng itlog , kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan ? Kung kayo nga , bagaman masasama , ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak , gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya ? At nagpalabas siya ng isang demoniong pipi . At nangyari , nang makalabas na ang demonio , ang pipi ay nangusap ; at nangagtaka ang mga karamihan . Datapuwa&#039;t sinabi ng ilan sa kanila , Sa pamamagitan ni Beelzebub , na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio . At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya&#039;y hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit . Datapuwa&#039;t siya , na nakatataho ng mga pagiisip nila , sa kanila&#039;y sinabi , Ang bawa&#039;t kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak ; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba . At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili , paanong mananatili ang kaniyang kaharian ? sapagka&#039;t sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio . At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub , sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong mga anak ? kaya nga , sila ang inyong magiging mga hukom . Nguni&#039;t kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio , dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios . Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban , ang kaniyang mga pag-aari ay wala sa panganib . Datapuwa&#039;t kung siya&#039;y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya , at siya&#039;y matalo , ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan , at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya . Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin ; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat . Pagka ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao , ay lumalakad sa mga dakong walang tubig , na humahanap ng kapahingahan , at pagka hindi makasumpong , ay sinasabing , Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko . At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan . Kung magkagayo&#039;y yumayaon siya , at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya ; at sila&#039;y nagsisipasok at nagsisitahan doon : at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una . At nangyari , na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito , ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya , Mapalad ang tiyang sa iyo&#039;y nagdala , at ang mga dibdib na iyong sinusuhan . Datapuwa&#039;t sinabi niya , Oo , bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios , at ito&#039;y ginaganap . At nang ang mga karamihan ay nangagkakatipon sa kaniya , ay nagpasimula siyang magsabi , Ang lahing ito&#039;y isang masamang lahi : siya&#039;y humahanap ng isang tanda ; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas . Sapagka&#039;t kung paanong si Jonas ay naging tanda sa mga Ninivita , ay gayon din naman ang Anak ng tao sa lahing ito . Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito , at sila&#039;y hahatulan : sapagka&#039;t siya&#039;y naparitong galing sa mga wakas ng lupa , upang pakinggan ang karunungan ni Salomon ; at narito , dito&#039;y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon . Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito , at ito&#039;y hahatulan : sapagka&#039;t sila&#039;y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas ; at narito , dito&#039;y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas . Walang taong pagkapagpaningas niya ng isang ilawan , ay ilalagay sa isang dakong tago , ni sa ilalim man ng takalan , kundi sa talagang lalagyan ng ilaw , upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw . Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong mata : kung magaling ang iyong mata , ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag ; datapuwa&#039;t kung ito&#039;y may sakit , ang katawan mo nama&#039;y puspos ng kadiliman . Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman . Kaya nga , kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag , na walang anomang bahaging madilim , ito&#039;y lubos na mapupuspos ng liwanag , na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning . Samantala ngang siya&#039;y nagsasalita , ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya : at siya&#039;y pumasok , at naupo sa dulang . At nang makita ito ng Fariseo , ay nagtaka na siya&#039;y hindi muna naghugas bago mananghali . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan ; datapuwa&#039;t ang loob ninyo&#039;y puno ng panglulupig at kasamaan . Kayong mga haling , di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob ? Datapuwa&#039;t ilimos ninyo ang mga bagay na nasa kalooban ; at narito , ang lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo . Datapuwa&#039;t sa aba ninyong mga Fariseo ! sapagka&#039;t nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena , at ng ruda , at ng bawa&#039;t gugulayin , at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios : datapuwa&#039;t dapat ngang gawin ninyo ang mga ito , at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon . Sa aba ninyong mga Fariseo ! sapagka&#039;t inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga , at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan . Sa aba ninyo ! sapagka&#039;t kayo&#039;y tulad sa mga libingang hindi nakikita , at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila . At pagsagot ng isa sa mga tagapagtanggol ng kautusan , ay nagsabi sa kaniya , Guro , sa pagsasabi mo nito , pati kami ay iyong pinupulaan . At sinabi niya , Sa aba rin naman ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan ! sapagka&#039;t inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasang mahihirap dalhin , at hindi man lamang ninyo hinihipo ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasan . Sa aba ninyo ! sapagka&#039;t inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta , at ang mga yao&#039;y pinatay ng inyong mga magulang . Kayo nga&#039;y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang : sapagka&#039;t pinatay ng mga ito ang mga yaon , at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan . Kaya nga , sinasabi naman ng karunungan ng Dios , Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol ; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin ; Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta , na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan ; Mula sa dugo ni Abel , hanggang sa dugo ni Zacarias , na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario : oo , sinasabi ko sa inyo , na ito&#039;y hihingin sa lahing ito . Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan ! sapagka&#039;t inalis ninyo ang susi ng karunungan : hindi kayo nagsipasok , at inyong sinasansala ang nagsisipasok . At paglabas niya roon , ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya , at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay ; Na siya&#039;y inaabangan , upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman . Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao , na ano pa&#039;t nagkakayapakan silasila , ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad , Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo , na ito&#039;y pagpapaimbabaw nga . Datapuwa&#039;t walang bagay na natatakpan , na hindi mahahayag : at natatago , na hindi malalaman . Kaya nga , ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan , at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid , ay ipagsisigawan sa mga bubungan . At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko , Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan , na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa . Datapuwa&#039;t ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan : Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay , ay may kapangyarihang magbulid sa impierno ; tunay , sinasabi ko sa inyo , Siya ninyong katakutan . Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles ? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios . Datapuwa&#039;t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat . Huwag kayong mangatakot : kayo&#039;y lalong mahalaga kay sa maraming maya . At sinasabi ko sa inyo , Ang bawa&#039;t kumikilala sa akin sa harap ng mga tao , ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Dios : Datapuwa&#039;t ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao , ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios . Ang bawa&#039;t magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin : nguni&#039;t ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin . At pagka kayo&#039;y dadalhin sa harap ng mga sinagoga , at sa mga pinuno , at sa mga may kapamahalaan , ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot , o kung ano ang inyong sasabihin : Sapagka&#039;t ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin . At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan , Guro , iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kaniya , Lalake , sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo ? At sinabi niya sa kanila , Mangagmasid kayo , at kayo&#039;y mangagingat sa lahat ng kasakiman : sapagka&#039;t ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya . At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga , na sinasabi , Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana : At iniisip niya sa sarili na sinasabi , Ano ang gagawin ko , sapagka&#039;t wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga ? At sinabi niya , Ito ang gagawin ko : igigiba ko ang aking mga bangan , at gagawa ako ng lalong malalaki ; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari . At sasabihin ko sa aking kaluluwa , Kaluluwa , marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon ; magpahingalay ka , kumain ka , uminom ka , matuwa ka . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ng Dios , Ikaw na haling , hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa ; at ang mga bagay na inihanda mo , ay mapapa sa kanino kaya ? Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili , at hindi mayaman sa Dios . At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Kaya nga sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay , kung ano ang inyong kakanin ; kahit sa inyong katawan , kung ano ang inyong daramtin . Sapagka&#039;t ang buhay ay higit kay sa pagkain , at ang katawan kay sa damit . Wariin ninyo ang mga uwak , na hindi sila nangaghahasik , ni nagsisigapas man ; na walang bangan ni kamalig man ; at sila&#039;y pinakakain ng Dios : gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon ! At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay ? Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit , bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay ? Wariin ninyo ang mga lirio , kung paano silang nagsisilaki : hindi nangagpapagal , o nangagsusulid man ; gayon ma&#039;y sinasabi ko sa inyo , Kahit si Salomon man , sa buong kaluwalhatian niya , ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito . Nguni&#039;t kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang , na ngayon ay buhay , at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan ; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan , Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya ? At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin , at kung ano ang inyong iinumin , o huwag man kayo&#039;y mapagalinlangang pagiisip . Sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan : datapuwa&#039;t talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito . Gayon ma&#039;y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian , at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito . Huwag kayong mangatakot , munting kawan ; sapagka&#039;t nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo&#039;y ibigay ang kaharian . Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik , at kayo&#039;y mangaglimos ; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma , isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang , na doo&#039;y hindi lumalapit ang magnanakaw , o naninira man ang tanga . Sapagka&#039;t kung saan naroroon ang inyong kayamanan , ay doroon naman ang inyong puso . Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang , at paningasan ang inyong mga ilawan ; At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya&#039;y bumalik na galing sa kasalan ; upang kung siya&#039;y dumating at tumuktok , pagdaka&#039;y mabuksan nila siya . Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang nangagpupuyat : katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya&#039;y magbibigkis sa sarili , at sila&#039;y pauupuin sa dulang , at lalapit at sila&#039;y paglilingkuran niya . At kung siya&#039;y dumating sa ikalawang pagpupuyat , o sa ikatlo , at masumpungan sila sa gayon , ay mapapalad ang mga aliping yaon . Datapuwa&#039;t talastasin ninyo ito na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw , siya&#039;y magpupuyat , at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay . Kayo rin naman ay mangagsihanda : sapagka&#039;t sa oras na hindi ninyo iniisip , ang Anak ng tao ay darating . At sinabi ni Pedro , Panginoon , sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin , o sa lahat naman ? At sinabi ng Panginoon , Sino nga baga ang katiwalang tapat at matalino , na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan , upang sila&#039;y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan ? Mapalad ang aliping yaon , na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , na sa kaniya&#039;y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari . Datapuwa&#039;t kung sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso , Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon ; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae , at kumain at uminom , at maglasing ; Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay , at sa oras na hindi niya nalalaman , at siya&#039;y babaakin , at isasama ang kaniyang bahagi sa mga di tapat . At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon , at hindi naghanda , at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami ; Datapuwa&#039;t ang hindi nakaaalam , at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo , ay papaluin ng kaunti . At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya : at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya . Ako&#039;y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa ; at ano pa ang iibigin ko , kung magningas na ? Datapuwa&#039;t ako&#039;y may isang bautismo upang ibautismo sa akin ; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito&#039;y maganap ? Inaakala baga ninyo na ako&#039;y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa ? Sinasabi ko sa inyo , Hindi , kundi bagkus pagkakabahabahagi : Sapagka&#039;t mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay , tatlo laban sa dalawa , at dalawa laban sa tatlo . Sila&#039;y mangagkakabahabahagi , ang ama&#039;y laban sa anak na lalake , at ang anak na lalake ay laban sa ama ; ang ina&#039;y laban sa anak na babae , at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina ; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae , at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae . At sinabi rin naman niya sa mga karamihan , Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap , ay agad ninyong sinasabi , Uulan ; at gayon ang nangyayari . At kung humihihip ang hanging timugan , ay sinasabi ninyo , Iinit na maigi ; at ito&#039;y nangyayari . Kayong mga mapagpaimbabaw ! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit ; datapuwa&#039;t bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito ? At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid ? Sapagka&#039;t samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit , ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya ; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom , at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan . Sinasabi ko sa iyo , Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan , hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang lepta . Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan , na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo , na ang dugo ng mga ito&#039;y inihalo ni Pilato sa mga hain nila . At siya&#039;y sumagot at sinabi sa kanila , Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo , dahil sa sila&#039;y nangagbata ng mga bagay na ito ? Sinasabi ko sa inyo , Hindi : datapuwa&#039;t , malibang kayo&#039;y mangagsisi , ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan . O yaong labingwalo , na nalagpakan ng moog sa Siloe , at nangamatay , ay inaakala baga ninyo na sila&#039;y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem ? Sinasabi ko sa inyo , Hindi : datapuwa&#039;t , malibang kayo&#039;y mangagsisi , ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan . At sinalita niya ang talinghagang ito , Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan ; at siya&#039;y naparoong humahanap ng bunga niyaon , at walang nasumpungan . At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan , Narito , tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito , at wala akong masumpungan : putulin mo ; bakit pa makasisikip sa lupa ? At pagsagot niya&#039;y sinabi sa kaniya , Panginoon , pabayaan mo muna sa taong ito , hanggang sa aking mahukayan sa palibot , at malagyan ng pataba : At kung pagkatapos ay magbunga , ay mabuti ; datapuwa&#039;t kung hindi , ay puputulin mo . At siya&#039;y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath . At narito , ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na ; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan . At nang siya&#039;y makita ni Jesus , ay kaniyang tinawag siya , at sinabi niya sa kaniya , Babae , kalag ka na sa iyong sakit . At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya : at pagdaka siya&#039;y naunat , at niluwalhati niya ang Dios . At ang pinuno sa sinagoga , dala ng kagalitan , sapagka&#039;t si Jesus ay nagpagaling nang sabbath , ay sumagot at sinabi sa karamihan , May anim na araw na ang mga tao&#039;y dapat na magsigawa : kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo , at kayo&#039;y pagagalingin , at huwag sa araw ng sabbath . Datapuwa&#039;t sinagot siya ng Panginoon , at sinabi , Kayong mga mapagpaimbabaw , hindi baga kinakalagan ng bawa&#039;t isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban , at ito&#039;y inilalabas upang painumin ? At ang babaing itong anak ni Abraham , na tinalian ni Satanas , narito , sa loob ng labingwalong taon , hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath ? At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito , ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit : at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa . Sinabi nga niya , Sa ano tulad ang kaharian ng Dios ? at sa ano ko itutulad ? Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao , at inihagis sa kaniyang sariling halamanan ; at ito&#039;y sumibol , at naging isang punong kahoy ; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit . At muling sinabi niya , Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios ? Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae , at itinago sa tatlong takal na harina , hanggang sa ito&#039;y nalebadurahang lahat . At siya&#039;y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon , na nagtuturo , at naglalakbay na tungo sa Jerusalem . At may isang nagsabi sa kaniya , Panginoon , kakaunti baga ang mangaliligtas ? At sinabi niya sa kanila , Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot : sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok , at hindi mangyayari . Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan , at mailapat na ang pinto , at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas , at mangagsituktok sa pintuan , na mangagsasabi , Panginoon , buksan mo kami ; at siya&#039;y sasagot at sasabihin sa inyo , Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo&#039;y taga saan ; Kung magkagayo&#039;y pasisimulan ninyong sabihin , Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo , at nagturo ka sa aming mga lansangan ; At sasabihin niya , Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo&#039;y taga saan ; magsilayo kayo sa akin , kayong lahat na manggagawa ng kalikuan . Diyan na nga ang pagtangis , at ang pagngangalit ng mga ngipin , kung mangakita ninyo si Abraham , at si Isaac , at si Jacob , at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios , at kayo&#039;y palabasin . At sila&#039;y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran , at sa timugan at sa hilagaan , at magsisiupo sa kaharian ng Dios . At narito , may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli . Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo , na nangagsasabi sa kaniya , Lumabas ka , at humayo ka rito : sapagka&#039;t ibig kang patayin ni Herodes . At sinabi niya sa kanila , Magsiparoon kayo , at inyong sabihin sa sorrang yaon , Narito , nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas , at ako&#039;y magiging sakdal sa ikatlong araw . Gayon ma&#039;y kailangang ako&#039;y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa : sapagka&#039;t hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem . Oh Jerusalem , Jerusalem , na pumapatay sa mga propeta , at bumabato sa mga sinugo sa kaniya ! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak , na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak , at ayaw kayo ! Narito , sa inyo&#039;y iniwang walang anoman ang inyong bahay : at sinasabi ko sa inyo , Hindi ninyo ako makikita , hanggang sa inyong sabihin , Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon . At nangyari , sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath upang kumain ng tinapay , at inaabangan nila siya . At narito , sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga . At pagsagot ni Jesus , ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo , na sinasabi , Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath ? Datapuwa&#039;t sila&#039;y di nagsiimik . At siya&#039;y tinangnan niya , at siya&#039;y pinagaling , at siya&#039;y pinayaon . At sinabi niya sa kanila , Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay , at pagdaka&#039;y hindi kukunin kahit araw ng sabbath ? At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito . At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan , nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga pangulong luklukan ; na nagsasabi sa kanila , Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan , huwag kang uupo sa pangulong luklukan ; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo , At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya , at sabihin sa iyo , Bigyan mong puwang ang taong ito ; at kung magkagayo&#039;y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan . Kundi pagka inaanyayahan ka , ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan ; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo , ay sa iyo&#039;y sabihin niya , Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas : kung magkagayo&#039;y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t nagmamataas ay mabababa ; at ang nagpapakababa ay matataas . At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya , Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan , ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan , ni ang iyong mga kapatid , ni ang iyong mga kamaganak , ni ang mayayamang kapitbahay ; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan , at gantihan ka . Datapuwa&#039;t kung maghahanda ka , ay anyayahan mo ang mga dukha , ang mga pingkaw , ang mga pilay , ang mga bulag , At magiging mapalad ka ; sapagka&#039;t wala silang sukat ikaganti sa iyo : sapagka&#039;t gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap . At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang , ay sinabi sa kaniya , Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kaniya , May isang naghanda ng isang malaking hapunan ; at marami siyang inanyayahan : At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin , upang sabihin sa mga inanyayahan , Magsiparito kayo ; sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na . At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan . Sa kaniya&#039;y sinabi ng una , Bumili ako ng isang bukid , at kailangan akong umalis at tingnan ; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako . At sinabi ng iba , Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake , at paroroon ako upang sila&#039;y subukin ; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako . At sinabi ng iba , Bago akong kasal , at kaya nga hindi ako makaparoroon . At dumating ang alipin , at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon . Nang magkagayon , sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin , Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makikipot ng bayan , at dalhin mo rito ang mga dukha , at ang mga pingkaw , at ang mga bulag , at ang mga pilay . At sinabi ng alipin , panginoon , nagawa na ang ipinagutos mo , at gayon ma&#039;y maluwag pa . At sinabi ng panginoon sa alipin , Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran , at pilitin mo silang magsipasok , upang mapuno ang aking bahay . Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan . Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao ; at siya&#039;y lumingon at sa kanila&#039;y sinabi , Kung ang sinomang tao&#039;y pumaparito sa akin , at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama , at ina , at asawang babae , at mga anak , at mga kapatid na lalake , at mga kapatid na babae , oo , at pati sa kaniyang sariling buhay man , ay hindi siya maaaring maging alagad ko . Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus , at sumusunod sa akin , ay hindi maaaring maging alagad ko . Sapagka&#039;t alin sa inyo , ang kung ibig magtayo ng isang moog , ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos ? Baka kung mailagay na niya ang patibayan , at hindi matapos , ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya&#039;y libakin , Na sabihin , Nagpasimula ang taong ito na magtayo , at hindi nakayang tapusin . O aling hari , na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari , ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo ? O kung hindi , samantalang malayo pa ang isa , ay magsusugo siya ng isang sugo , at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo . Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik , ay di maaaring maging alagad ko . Mabuti nga ang asin : datapuwa&#039;t kung ang asin ay tumabang , ay ano ang ipagpapaalat ? Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi : itinatapon sa labas . Ang may mga pakinig upang ipakinig , ay makinig . Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya . At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan , na nangagsasabi , Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan , at sumasalo sa kanila . At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito , na sinasabi , Aling tao sa inyo , na kung mayroong isang daang tupa , at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu&#039;t siyam sa ilang , at hahanapin ang nawala , hanggang sa ito&#039;y kaniyang masumpungan ? At pagka nasumpungan niya , ay pinapasan niya sa kaniyang balikat , na natutuwa . At paguwi niya sa tahanan , ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay , na sasabihin sa kanila , Makipagkatuwa kayo sa akin , sapagka&#039;t nasumpungan ko ang aking tupang nawala . Sinasabi ko sa inyo , na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi , kay sa siyam na pu&#039;t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi . O aling babae na may sangpung putol na pilak , na kung mawalan siya ng isang putol , ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan , at wawalisan ang bahay , at hahanaping masikap hanggang sa ito&#039;y masumpungan niya ? At pagka nasumpungan niya , ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay , na sinasabi , Makipagkatuwa kayo sa akin , sapagka&#039;t nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin . Gayon din , sinasabi ko sa inyo , na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios , dahil sa isang makasalanang nagsisisi . At sinabi niya , May isang tao na may dalawang anak na lalake : At sinabi sa kaniyang ama ng bunso , Ama , ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin . At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay . At hindi nakaraan ang maraming araw , ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya , at naglakbay sa isang malayong lupain ; at doo&#039;y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay . At nang magugol na niyang lahat , ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon ; at siya&#039;y nagpasimulang mangailangan . At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon ; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang , upang magpakain ng mga baboy . At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy : at walang taong magbigay sa kaniya . Datapuwa&#039;t nang siya&#039;y makapagisip ay sinabi niya , Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain , at ako rito&#039;y namamatay ng gutom ? Magtitindig ako at paroroon sa aking ama , at aking sasabihin sa kaniya , Ama , nagkasala ako laban sa langit , at sa iyong paningin : Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo : gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan . At siya&#039;y nagtindig , at pumaroon sa kaniyang ama . Datapuwa&#039;t samantalang nasa malayo pa siya , ay natanawan na siya ng kaniyang ama , at nagdalang habag , at tumakbo , at niyakap siya sa leeg , at siya&#039;y hinagkan . At sinabi ng anak sa kaniya , Ama , nagkasala ako laban sa langit , at sa iyong paningin : hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo . Datapuwa&#039;t sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin , Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal , at isuot ninyo sa kaniya ; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay , at mga panyapak ang kaniyang mga paa : At kunin ninyo ang pinatabang guya , at inyong patayin , at tayo&#039;y magsikain , at mangagkatuwa : Sapagka&#039;t patay na ang anak kong ito , at muling nabuhay ; siya&#039;y nawala , at nasumpungan . At sila&#039;y nangagpasimulang mangagkatuwa . Nasa bukid nga ang anak niyang panganay : at nang siya&#039;y dumating at malapit sa bahay , ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan . At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin , at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon . At sinabi niya sa kaniya , Dumating ang kapatid mo ; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya , dahil sa siya&#039;y tinanggap niya na ligtas at magaling . Datapuwa&#039;t nagalit siya , at ayaw pumasok : at lumabas ang kaniyang ama , at siya&#039;y namanhik sa kaniya . Datapuwa&#039;t siya&#039;y sumagot at sinabi sa kaniyang ama , Narito , maraming taon nang kita&#039;y pinaglilingkuran , at kailan ma&#039;y hindi ako sumuway sa iyong utos ; at gayon ma&#039;y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing , upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan : Datapuwa&#039;t nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot , ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya . At sinabi niya sa kaniya , Anak , ikaw ay palaging nasa akin , at iyo ang lahat ng akin . Datapuwa&#039;t karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo : sapagka&#039;t patay ang kapatid mong ito , at muling nabuhay ; at nawala , at nasumpungan . At sinabi rin naman niya sa mga alagad , May isang taong mayaman , na may isang katiwala ; at ito&#039;y isinumbong sa kaniya na siya&#039;y nagsisira ng kaniyang mga pag-aari . At tinawag niya siya , at sa kaniya&#039;y sinabi , Ano ito na nababalitaan ko tungkol sa iyo ? magbigay sulit ka ng pagiging katiwala ; sapagka&#039;t hindi ka na maaaring maging katiwala pa . At sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili , Anong gagawin ko , yamang inaalis sa akin ng panginoon ko ang pagiging katiwala ? Magdukal ng lupa&#039;y wala akong kaya ; magpalimos ay nahihiya ako . Nalalaman ko na ang gagawin ko , upang , kung mapaalis ako sa pagiging katiwala , ako ay matanggap nila sa kanilang mga bahay . At pagtawag niya sa bawa&#039;t isa sa mga may utang sa kaniyang panginoon , ay sinabi niya sa una , Gaano ang utang mo sa aking panginoon ? At sinabi niya , Isang daang takal na langis . At sinabi niya sa kaniya , Abutin mo ang iyong kasulatan , at maupo kang madali at isulat mong limangpu . Nang magkagayon ay sinabi niya sa iba , At ikaw , gaano ang utang mo ? At sinabi niya , Isang daang takal na trigo . Sinabi niya sa kaniya , Abutin mo ang iyong kasulatan , at isulat mong walongpu . At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala , sapagka&#039;t siya&#039;y gumawang may katalinuhan : sapagka&#039;t ang mga anak ng sanglibutang ito , sa kanilang sariling lahi , ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw . At sinabi ko sa inyo , Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan ; upang , kung kayo&#039;y magkulang , ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo . Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami : at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami . Kung kayo nga&#039;y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan , sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan ? At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba , sino ang sa inyo&#039;y magbibigay ng sa inyong sarili . Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon : sapagka&#039;t kapopootan niya ang isa , at iibigin ang ikalawa ; o di kaya&#039;y magtatapat sa isa , at pawawalang halaga ang ikalawa . Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan . At ang mga Fariseo , na pawang maibigin sa salapi , ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito ; at siya&#039;y tinutuya nila . At sinabi niya sa kanila , Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao ; datapuwa&#039;t nakikilala ng Dios ang inyong mga puso ; sapagka&#039;t ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios . Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan : mula noo&#039;y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral , at ang bawa&#039;t tao ay pumapasok doon na nagpipilit . Nguni&#039;t lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa , kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan . Ang bawa&#039;t lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa , at magasawa sa iba , ay nagkakasala ng pangangalunya : at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya . Mayroon ngang isang taong mayaman , at siya&#039;y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino , at sa araw-araw ay kumakain ng sagana : At isang pulubi na ang pangala&#039;y Lazaro , lipos ng mga sugat , ay inilalagay sa kaniyang pintuan , At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman ; oo , at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat . At nangyari , na namatay ang pulubi at siya&#039;y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham : at namatay naman ang mayaman , at inilibing . At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata , at natanaw sa malayo si Abraham , at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan . At siya&#039;y sumigaw at sinabi , Amang Abraham , maawa ka sa akin , at suguin mo si Lazaro , upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri , at palamigin ang aking dila ; sapagka&#039;t naghihirap ako sa alab na ito . Datapuwa&#039;t sinabi ni Abraham , Anak , alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay , at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay : datapuwa&#039;t ngayon , ay inaaliw siya rini , at ikaw ay nasa kahirapan . At bukod sa lahat ng ito , ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo , upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari , at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin . At sinabi niya , Ipinamamanhik ko nga sa iyo , ama , na suguin mo siya sa bahay ng aking ama ; Sapagka&#039;t ako&#039;y may limang kapatid na lalake ; upang sa kanila&#039;y patotohanan niya , baka pati sila&#039;y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa . Datapuwa&#039;t sinabi ni Abraham , Nasa kanila si Moises at ang mga propeta ; bayaang sila&#039;y pakinggan nila . At sinabi niya , Hindi amang Abraham : datapuwa&#039;t kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila , sila&#039;y mangagsisisi . At sinabi niya sa kaniya , Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta , ay di rin mangahihikayat sila , kahit ang isa&#039;y magbangon sa mga patay . At sinabi niya sa kaniyang mga alagad Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod ; datapuwa&#039;t sa aba niyaong pinanggalingan . Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato , at siya&#039;y ihagis sa dagat , kay sa siya&#039;y magpatisod sa isa sa maliliit na ito . Mangagingat kayo sa inyong sarili : kung magkasala ang iyong kapatid , sawayin mo siya ; at kung siya&#039;y magsisi , patawarin mo siya . At kung siya&#039;y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo , at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin , Pinagsisisihan ko ; patawarin mo siya . At sinabi ng mga apostol sa Panginoon , Dagdagan mo ang pananampalataya namin . At sinabi ng Panginoon , Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa , sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito , Mabunot ka , at matanim ka sa dagat ; at kayo&#039;y tatalimahin . Datapuwa&#039;t sino sa inyo , ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa , na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya , Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain ; At hindi sasabihin sa kaniya , Ipaghanda mo ako ng mahahapunan , at magbigkis ka , at paglingkuran mo ako , hanggang sa ako&#039;y makakain at makainom ; at saka ka kumain at uminom ? Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka&#039;t ginawa ang iniutos sa kaniya ? Gayon din naman kayo , pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo&#039;y iniutos , inyong sabihin , Mga aliping walang kabuluhan kami ; ginawa namin ang katungkulan naming gawin . At nangyari , na samantalang sila&#039;y napapatungo sa Jerusalem , na siya&#039;y nagdaraan sa mga hangganan ng Samaria at Galilea . At sa pagpasok niya sa isang nayon , ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin , na nagsitigil sa malayo : At sila&#039;y nagsisigaw na nagsisipagsabi , Jesus , Guro , maawa ka sa amin . At pagkakita niya sa kanila , ay sinabi niya sa kanila , Magsihayo kayo at kayo&#039;y pakita sa mga saserdote . At nangyari , na samantalang sila&#039;y nagsisiparoon , ay nangalinis sila . At isa sa kanila , nang makita niyang siya&#039;y gumaling , ay nagbalik , na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig ; At siya&#039;y nagpatirapa sa kaniyang paanan , na nagpapasalamat sa kaniya : at siya&#039;y isang Samaritano . At pagsagot ni Jesus ay nagsabi , Hindi baga sangpu ang nagsilinis ? datapuwa&#039;t saan nangaroon ang siyam ? Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios , kundi itong taga ibang lupa ? At sinabi niya sa kaniya , Magtindig ka , at yumaon ka sa iyong lakad : pinagaling ka ng iyong pananampalataya . At palibhasa&#039;y tinanong siya ng mga Fariseo , kung kailan darating ang kaharian ng Dios , ay sinagot niya sila at sinabi , Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita : Ni sasabihin man nila , Naririto ! o Naririyan ! sapagka&#039;t narito , ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo . At sinabi niya sa mga alagad , Darating ang mga araw , na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao , at hindi ninyo makikita . At sasabihin nila sa inyo , Naririyan ! Naririto ! huwag kayong magsisiparoon , ni magsisisisunod man sa kanila : Sapagka&#039;t gaya ng kidlat , na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit , ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit ; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan . Datapuwa&#039;t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito . At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe , ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao . Sila&#039;y nagsisikain , sila&#039;y nagsisiinom , sila&#039;y nangagaasawa , at sila&#039;y pinapagaasawa , hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe , at dumating ang paggunaw , at nilipol silang lahat . Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot ; sila&#039;y nagsisikain , sila&#039;y nagsisiinom , sila&#039;y nagsisibili , sila&#039;y nangagbibili , sila&#039;y nangagtatanim , sila&#039;y nangagtatayo ng bahay . Datapuwa&#039;t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot , ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre , at nilipol silang lahat : Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag . Sa araw na yaon , ang mapapasa bubungan , at nasa bahay ng kaniyang mga pag-aari , ay huwag silang manaog upang kunin : at ang nasa bukid ay gayon din , huwag siyang umuwi . Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot . Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito : datapuwa&#039;t ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon . Sinasabi ko sa inyo , Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan ; ang isa&#039;y kukunin , at ang isa&#039;y iiwan . Magkasamang gigiling ang dalawang babae ; kukunin ang isa , at ang isa&#039;y iiwan . Mapapasa bukid ang dalawang lalake ; ang isa&#039;y kukunin at ang isa&#039;y iiwan . At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya , Saan , Panginoon ? At sinabi niya sa kanila , Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak . At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga , na sila&#039;y dapat magsipanalanging lagi , at huwag manganglupaypay ; Na sinasabi , May isang hukom sa isang bayan , na hindi natatakot sa Dios , at walang taong pinagpipitaganan : At sa bayang yaon ay may isang babaing bao ; at siya&#039;y naparoroong madalas sa kaniya , na sinasabi , Iganti mo ako sa aking kaalit . At may ilang panahon na siya&#039;y tumatanggi : datapuwa&#039;t pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili , Bagaman di ako natatakot sa Dios , at di nagpipitagan sa tao : Gayon man , sapagka&#039;t nililigalig ako ng baong ito , ay igaganti ko siya , baka niya ako bagabagin ng kapaparito . At sinabi ng Panginoon , Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom . At hindi baga , igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang , na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi , at siya&#039;y may pagpapahinuhod sa kanila ? Sinasabi ko sa inyo , na sila&#039;y madaling igaganti niya . Gayon ma&#039;y pagparito ng Anak ng tao , makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa ? At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa nagsisiasa sa kanilang sarili , na nangagpapanggap na sila&#039;y matutuwid , at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba : May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin ; ang isa&#039;y Fariseo , at ang isa&#039;y maniningil ng buwis . Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito , Dios , pinasasalamatan kita , na hindi ako gaya ng ibang mga tao , na mga manglulupig , mga liko , mga mapangalunya , o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito . Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo ; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan . Datapuwa&#039;t ang maniningil ng buwis , na nakatayo sa malayo , ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit , kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib , na sinasabi , Dios , ikaw ay mahabag sa akin , na isang makasalanan . Sinasabi ko sa inyo , Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa : sapagka&#039;t ang bawa&#039;t nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa ; datapuwa&#039;t ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas . At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol , upang kaniyang hipuin sila ; datapuwa&#039;t nang mangakita ito ng mga alagad , ay sila&#039;y sinaway nila . Datapuwa&#039;t pinalapit sila ni Jesus sa kaniya , na sinasabi , Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata , at huwag ninyo silang pagbawalan : sapagka&#039;t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata , ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan . At tinanong siya ng isang pinuno , na sinasabi , Mabuting Guro , anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay ? At sinabi sa kaniya ni Jesus , Bakit mo ako tinatawag na mabuti ? walang mabuti , kundi isa , ang Dios lamang . Talastas mo ang mga utos , Huwag kang mangalunya , Huwag kang pumatay , Huwag kang magnakaw , Huwag kang sumaksi sa di katotohanan , Igalang mo ang iyong ama at ina . At sinabi niya , Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata . At nang marinig ito ni Jesus , ay sinabi niya sa kaniya , Isang bagay pa ang kulang sa iyo : ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik , at ipamahagi mo sa mga dukha , at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit : at pumarito ka , sumunod ka sa akin . Datapuwa&#039;t nang marinig niya ang mga bagay na ito , siya&#039;y namanglaw na lubha ; sapagka&#039;t siya&#039;y totoong mayaman . At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi , Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan ! Sapagka&#039;t magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom , kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios . At sinabi ng mga nakarinig nito , Sino nga kaya ang makaliligtas ? Datapuwa&#039;t sinabi niya , Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios . At sinabi ni Pedro , Narito , iniwan namin ang aming sarili , at nagsisunod sa iyo . At sinabi niya sa kanila , Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Walang taong nagiwan ng bahay , o asawang babae , o mga kapatid , o mga magulang o mga anak , dahil sa kaharian ng Dios , Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito , at sa sanglibutang darating , ng walang hanggang buhay . At isinama niya ng bukod ang labingdalawa , at sa kanila&#039;y sinabi , Narito , nagsisiahon tayo sa Jerusalem , at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao . Sapagka&#039;t siya&#039;y ibibigay sa mga Gentil , at siya&#039;y aalimurahin , at duduwahaginin , at luluraan . At kanilang papaluin at papatayin siya : at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya . At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito ; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila , at hindi nila napagtalastas ang sinabi . At nangyari , na nang nalalapit na sila sa Jerico , isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos : At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao , ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon . At sinabi nila sa kaniya , na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret . At siya&#039;y nagsisigaw , na sinasabi , Jesus , ikaw na anak ni David , mahabag ka sa akin . At siya&#039;y sinaway ng nangasa unahan , upang siya&#039;y tumahimik : datapuwa&#039;t siya&#039;y lalong nagsisigaw , Ikaw na anak ni David , mahabag ka sa akin . At si Jesus ay tumigil , at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya : at nang mailapit siya , ay itinanong niya sa kaniya , Anong ibig mo na sa iyo&#039;y gawin ko ? At sinabi niya , Panginoon , na tanggapin ko ang aking paningin . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Tanggapin mo ang iyong paningin : pinagaling ka ng pananampalataya mo . At pagdaka&#039;y tinanggap niya ang kaniyang paningin , at sumunod sa kaniya , na niluluwalhati ang Dios : at pagkakita nito ng buong bayan , ay nangagpuri sa Dios . At siya&#039;y pumasok at nagdaan sa Jerico . At narito , isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo ; at siya&#039;y isang puno ng mga maniningil ng buwis , at siya&#039;y mayaman . At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya ; at hindi mangyari , dahil sa maraming tao , sapagka&#039;t siya&#039;y pandak . At tumakbo siya sa unahan , at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya : sapagka&#039;t siya&#039;y magdaraan sa daang yaon . At nang dumating si Jesus sa dakong yaon , ay siya&#039;y tumingala , at sinabi sa kaniya , Zaqueo , magmadali ka , at bumaba ka ; sapagka&#039;t ngayo&#039;y kinakailangang ako&#039;y tumuloy sa bahay mo . At siya&#039;y nagmadali , at bumaba , at tinanggap siyang may tuwa . At nang makita nila ito , ay nangagbulongbulungan silang lahat , na nangagsasabi , Siya&#039;y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan . At si Zaqueo ay nagtindig , at sinabi sa Panginoon , Narito , Panginoon , ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha ; at kung sakali&#039;t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao , ay isinasauli ko ng makaapat . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas , sapagka&#039;t siya&#039;y anak din naman ni Abraham . Sapagka&#039;t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala . At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito , ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga , sapagka&#039;t siya&#039;y malapit na sa Jerusalem , at sapagka&#039;t kanilang inakala na pagdaka&#039;y mahahayag ang kaharian ng Dios . Sinabi nga niya , Isang mahal na tao ay naparoon sa isang malayong lupain , upang tumanggap ng isang kaharian na ukol sa kaniyang sarili , at magbalik . At tinawag niya ang sangpu sa kaniyang mga alipin at binigyan sila ng sangpung mina , at sinabi sa kanila , Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako&#039;y dumating . Datapuwa&#039;t kinapopootan siya ng kaniyang mga mamamayan , at ipinahabol siya sa isang sugo , na nagsasabi , Ayaw kami na ang taong ito&#039;y maghari pa sa amin . At nangyari , na nang siya&#039;y muling magbalik , nang matanggap na ang kaharian , ay ipinatawag niya sa kaniyang harapan ang mga aliping yaon , na binigyan niya ng salapi , upang maalaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal . At dumating sa harapan niya ang una , na nagsasabi , Panginoon , nagtubo ang iyong mina ng sangpung mina pa . At sinabi niya sa kaniya , Mabuting gawa , ikaw na mabuting alipin : sapagka&#039;t nagtapat ka sa kakaunti , magkaroon ka ng kapamahalaan sa sangpung bayan . At dumating ang ikalawa , na nagsasabi , Panginoon , nagtubo ang iyong mina ng limang mina . At sinabi niya sa kaniya , Magkaroon ka naman ng kapamahalaan sa limang bayan . At dumating ang iba pa , na nagsasabi , Panginoon , narito ang iyong mina , na aking itinago sa isang panyo : Dahil sa ako&#039;y natakot sa iyo , sapagka&#039;t ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay , at ginagapas mo ang hindi mo inihasik . Sinabi niya sa kaniya , Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin . Nalalaman mo na ako&#039;y taong mabagsik , na kumukuha ng hindi ko inilagay , at gumagapas ng hindi ko inihasik ; Kung gayon , bakit hindi mo inilagay ang salapi ko sa bangko , at nang sa aking pagbalik ay mahingi ko yaon pati ng tinubo ? At sinabi niya sa mga nahaharap , Alisin ninyo sa kaniya ang mina , at ibigay ninyo sa may sangpung mina . At sinabi nila sa kaniya , Panginoon , siya&#039;y mayroong sangpung mina . Sinasabi ko sa inyo , na bibigyan ang bawa&#039;t mayroon ; datapuwa&#039;t ang wala , pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya . Datapuwa&#039;t itong aking mga kaaway , na ayaw na ako&#039;y maghari sa kanila , ay dalhin ninyo rito , at patayin ninyo sila sa harapan ko . At nang masabi niyang gayon , ay nagpatuloy siya sa unahan , na umahon sa Jerusalem . At nangyari , na nang siya&#039;y malapit na sa Betfage at Betania , sa bundok na tinatawag na Olivo , ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad , Na sinasabi , Magsiyaon kayo sa inyong lakad sa katapat na nayon ; sa pagpasok ninyo roon , ay masusumpungan ninyo ang isang nakatali na batang asno , na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao : kalagin ninyo siya , at dalhin ninyo siya rito . At kung may sinomang tumanong sa inyo , Bakit ninyo kinakalag iyan ? ganito ang inyong sasabihin , Kinakailangan siya ng Panginoon . At nagsiparoon ang mga sugo at nasumpungan ng ayon sa sinabi niya sa kanila . At nang kinakalag nila ang batang asno , ay sinabi sa kanila ng mga mayari niyaon , Bakit kinakalag ninyo ang batang asno ? At sinabi nila , Kinakailangan siya ng Panginoon . At dinala nila siya kay Jesus : at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno , at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon . At samantalang siya&#039;y lumalakad , ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan . At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo , ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita . Na sinasabi , Mapalad ang Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon : kapayapaan sa langit , at kaluwalhatian sa kataastaasan . At ilan sa mga Fariseo na mula sa karamihan ay nangagsabi sa kaniya , Guro , sawayin mo ang iyong mga alagad . At sumagot siya at nagsabi , Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mangagsiimik ang mga ito , ang mga bato&#039;y sisigaw . At nang malapit na siya , nakita niya ang bayan , at ito&#039;y kaniyang tinangisan , Na sinasabi , Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana , sa iyong sarili , ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan ! datapuwa&#039;t ngayo&#039;y pawang nangatatago sa iyong mga mata . Sapagka&#039;t darating sa iyo ang mga araw , na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo , at kukubkubin ka , at gigipitin ka sa magkabikabila , At ilulugso ka sa lupa , at ang mga anak mo na nasa loob mo ; at sa iyo&#039;y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato ; sapagka&#039;t hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo&#039;y pagdalaw . At pumasok siya sa templo , at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nangagbibili , Na sinasabi sa kanila , Nasusulat nga , At ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan : datapuwa&#039;t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan . At nagtuturo siya arawaraw sa templo . Datapuwa&#039;t ang mga pangulong saserdote , at ang mga eskriba , at ang mga taong pangunahin sa bayan ay nangagsisikap na siya&#039;y patayin : At di nila masumpungan kung ano ang kanilang magagawa ; sapagka&#039;t natitigilan ang buong bayan sa pakikinig sa kaniya . At nangyari , sa isa sa mga araw , samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo , at ipinangangaral ang evangelio , na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote , at ang mga eskriba pati ng matatanda ; At sila&#039;y nangagsalita , na nangagsasabi sa kaniya , Sabihin mo sa amin : Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito ? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito ? At siya&#039;y sumagot , at sinabi sa kanila , Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong ; at sabihin ninyo sa akin : Ang bautismo ni Juan , ay mula baga sa langit , o sa mga tao ? At sila&#039;y nangagkatuwiranan , na nangagsasabi , Kung sabihin natin , Mula sa langit ; ay sasabihin niya , Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan ? Datapuwa&#039;t kung sabihin natin , Mula sa mga tao ; ay babatuhin tayo ng buong bayan , sapagka&#039;t sila&#039;y nanganiniwala na si Juan ay propeta . At sila&#039;y nagsisagot , na hindi nila nalalaman kung saan mula . At sinabi sa kanila ni Jesus , Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito . At siya&#039;y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito : Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan , at ipinagkatiwala sa mga magsasaka , at napasa ibang lupain na mahabang panahon . At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka , upang siya&#039;y bigyan ng bunga ng ubas : datapuwa&#039;t hinampas siya ng mga magsasaka , at pinauwing walang dala . At nagsugo pa siya ng ibang alipin : at ito nama&#039;y kanilang hinampas , at inalimura , at pinauwing walang dala . At nagsugo pa siya ng ikatlo : at kanila ring sinugatan ito , at pinalayas . At sinabi ng panginoon ng ubasan , Anong gagawin ko ? aking susuguin ang minamahal kong anak ; marahil siya&#039;y igagalang nila . Datapuwa&#039;t nang makita siya ng mga magsasaka , ay nangagsangusapan sila , na sinasabi , Ito ang tagapagmana ; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin . At itinaboy nila siya sa ubasan , at pinatay siya . Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan ? Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito , at ibibigay ang ubasan sa mga iba . At nang marinig nila ito , ay sinabi nila , Huwag nawang mangyari . Datapuwa&#039;t kaniyang tinitigan sila , at sinabi , Ano nga baga ito na nasusulat , Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali . Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok ? Ang bawa&#039;t mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog ; datapuwa&#039;t sinomang kaniyang malagpakan , ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok . At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote ; at sila&#039;y nangatatakot sa bayan : sapagka&#039;t nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila . At siya&#039;y inaabangan nila , at sila&#039;y nangagsugo ng mga tiktik , na nangagpakunwaring mga matuwid , upang siya&#039;y mahuli sa kaniyang salita , na siya&#039;y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng gobernador . At kanilang tinanong siya , na sinasabi , Guro , nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid , at wala kang itinatanging tao , kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios . Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar , o hindi ? Datapuwa&#039;t napagkilala niya ang kanilang lalang , at sinabi sa kanila , Pagpakitaan ninyo ako ng isang denario . Kanino ang larawan at ang nasusulat dito ? At sinabi nila , Kay Cesar . At sinabi niya sa kanila , Kung gayo&#039;y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar , at ang sa Dios ang sa Dios . At sila&#039;y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan : at sila&#039;y nanganggilalas sa kaniyang sagot , at hindi nangagsiimik . At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo , na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ; At kanilang itinanong sa kaniya , na sinasabi , Guro , isinulat sa amin ni Moises , na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay , na may asawa , at siya&#039;y walang anak , ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa , at bigyang anak ang kaniyang kapatid . Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid : at nagasawa ang panganay , at namatay na walang anak ; At ang pangalawa : At ang pangatlo&#039;y nagasawa sa bao ; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak , at nangamatay . Pagkatapos ay namatay naman ang babae . Sa pagkabuhay na maguli nga , kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon ? sapagka&#039;t siya&#039;y naging asawa ng pito . At sinabi sa kanila ni Jesus , Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito , at pinapagaasawa : Datapuwa&#039;t ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon , at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay , ay hindi mangagaasawa , ni papagaasawahin : Sapagka&#039;t hindi na sila maaaring mangamatay pa : sapagka&#039;t kahalintulad na sila ng mga anghel ; at sila&#039;y mga anak ng Dios , palibhasa&#039;y mga anak ng pagkabuhay na maguli . Datapuwa&#039;t tungkol sa pagbabangon ng mga patay , ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy , nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham , at Dios ni Isaac , at Dios ni Jacob . Siya nga&#039;y hindi Dios ng mga patay , kundi ng mga buhay : sapagka&#039;t nangabubuhay sa kaniya ang lahat . At pagsagot ng ilan sa mga eskriba , ay nangagsabi , Guro , mabuti ang pagkasabi mo . Sapagka&#039;t hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong . At kaniyang sinabi sa kanila , Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David ? Sapagka&#039;t si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon ; Maupo ka sa aking kanan , Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa . Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David , at paanong siya&#039;y anak niya ? At sinabi niya sa kaniyang mga alagad , na naririnig ng buong bayan , Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit , at iniibig nila ang sila&#039;y pagpugayan sa mga pamilihan , at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga , at ang mga pangulong dako sa mga pigingan ; Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao , at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba : ang mga ito&#039;y tatanggap ng lalong malaking kahatulan . At siya&#039;y tumunghay , at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabangyaman . At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo&#039;y naghuhulog ng dalawang lepta . At sinabi niya , Sa katotohana&#039;y sinasabi ko sa inyo , Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat . Sapagka&#039;t ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila&#039;y labis ; datapuwa&#039;t siya , sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya . At samantalang sinasalita ng ilan ang tungkol sa templo , kung paanong ito&#039;y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain , ay kaniyang sinabi , Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita , ay darating ang mga araw , na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato , na hindi ibabagsak . At kanilang itinanong sa kaniya , na sinasabi , Guro , kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito ? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito ? At sinabi niya , Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw : sapagka&#039;t marami ang paririto sa aking pangalan , na mangagsasabi , Ako ang Cristo ; at , Malapit na ang panahon : huwag kayong magsisunod sa kanila . At pagka kayo&#039;y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan , ay huwag kayong mangasindak : sapagka&#039;t kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito ; datapuwa&#039;t hindi pa malapit ang wakas . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa kanila , Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa , at ang isang kaharian laban sa kaharian ; At magkakaroon ng malalakas na lindol , at sa iba&#039;t ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot ; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot , at ng mga dakilang tanda mula sa langit . Datapuwa&#039;t bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito , ay huhulihin kayo , at paguusigin kayo , na kayo&#039;y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan , na kayo&#039;y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan . Ito&#039;y magiging patotoo sa inyo . Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso , na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot : Sapagka&#039;t bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan , na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit . Datapuwa&#039;t kayo&#039;y ibibigay ng kahit mga magulang , at mga kapatid , at mga kamaganak , at mga kaibigan ; at ipapapatay nila ang iba sa inyo . At kayo&#039;y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan . At hindi mawawala kahit isang buhok ng inyong ulo . Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa . Datapuwa&#039;t pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem , kung magkagayo&#039;y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na . Kung magkagayo&#039;y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok ; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas ; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan . Sapagka&#039;t ito ang mga araw ng paghihiganti , upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat . Sa aba ng mga nagdadalangtao , at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon ! sapagka&#039;t magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa , at kagalitan sa bayang ito . At sila&#039;y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak , at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa : at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil , hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil . At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin ; at sa lupa&#039;y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa , na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong ; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot , at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan : sapagka&#039;t mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit . At kung magkagayo&#039;y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian . Datapuwa&#039;t kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito , ay magsitingin kayo , at itaas ninyo ang inyong mga ulo ; sapagka&#039;t malapit na ang pagkatubos ninyo . At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga : Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy : Pagka nangagdadahon na sila , ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw . Gayon din naman kayo , pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito , talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios . Katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi lilipas ang lahing ito , hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay . Ang langit at ang lupa ay lilipas : datapuwa&#039;t ang aking mga salita ay hindi lilipas . Datapuwa&#039;t mangagingat kayo sa inyong sarili , baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan , at sa kalasingan , at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito , at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo : Sapagka&#039;t gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa . Datapuwa&#039;t mangagpuyat kayo sa bawa&#039;t panahon , na mangagsidaing , upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari , at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao . At araw-araw ay nagtuturo siya sa templo ; at lumalabas gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo . At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo , upang makinig sa kaniya . Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura , na tinatawag na Paskua . At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya ; sapagka&#039;t nangatatakot sila sa bayan . At pumasok si Satanas kay Judas , na tinatawag na Iscariote , na kabilang sa labingdalawa . At siya&#039;y umalis , at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila . At sila&#039;y nangagalak , at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi . At pumayag siya , at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila , nang hindi kaharap ang karamihan . At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura , na noon ay kinakailangang ihain ang paskua . At sinugo niya si Pedro at si Juan , na sinasabi , Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin , upang tayo&#039;y magsikain . At kanilang sinabi sa kaniya , Saan mo ibig na aming ihanda ? At kaniyang sinabi sa kanila , Narito , pagpasok ninyo sa bayan , ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig ; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan . At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan , Sinasabi ng Guro sa iyo , Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad ? At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan : doon ninyo ihanda . At nagsiparoon sila , at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila : at inihanda nila ang kordero ng paskua . At nang dumating ang oras , ay naupo siya , at ang mga apostol ay kasalo niya . At sinabi niya sa kanila , Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap : Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , Ito&#039;y hindi ko kakanin , hanggang sa ito&#039;y maganap sa kaharian ng Dios . At siya&#039;y tumanggap ng isang saro , at nang siya&#039;y makapagpasalamat , ay sinabi niya , Kunin ninyo ito , at inyong pagbahabahaginin : Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas , hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios . At siya&#039;y dumampot ng tinapay , at nang siya&#039;y makapagpasalamat , ay kaniyang pinagputolputol , at ibinigay sa kanila , na sinasabi , Ito&#039;y aking katawan , na ibinibigay dahil sa inyo : gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin . Gayon din naman ang saro , pagkatapos na makahapon , na sinasabi , Ang sarong ito&#039;y ang bagong tipan sa aking dugo , na nabubuhos nang dahil sa inyo . Datapuwa&#039;t narito , ang kamay ng nagkakanulo sa akin , ay kasalo ko sa dulang . Sapagka&#039;t ang Anak ng tao nga ay yayaon , ayon sa itinakda : datapuwa&#039;t sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya ! At sila&#039;y nagpasimulang nangagtanungan sa isa&#039;t isa , kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito . At nagkaroon naman ng isang pagtatalotalo sa gitna nila , kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila . At kaniyang sinabi sa kanila , Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila ; at ang mga may kapamahalaan sa kanila&#039;y tinatawag na mga Tagapagpala . Datapuwa&#039;t sa inyo&#039;y hindi gayon : kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata ; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod . Sapagka&#039;t alin ang lalong dakila , ang nakaupo baga sa dulang , o ang naglilingkod ? hindi baga ang nakaupo sa dulang ? datapuwa&#039;t ako&#039;y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod . Datapuwa&#039;t kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin ; At kayo&#039;y inihahalal kong isang kaharian , na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama , Upang kayo&#039;y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko ; at kayo&#039;y magsisiupo sa mga luklukan , na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel . Simon , Simon , narito , hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo : Datapuwa&#039;t ikaw ay ipinamanhik ko , na huwag magkulang ang iyong pananampalataya ; at ikaw , kung makapagbalik ka nang muli , ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid . At sinabi niya sa kaniya , Panginoon , nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan . At kaniyang sinabi , Sinasabi ko sa iyo , Pedro , na hindi titilaok ngayon ang manok , hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako&#039;y hindi mo nakikilala . At sinabi niya sa kanila , Nang kayo&#039;y suguin ko na walang supot ng salapi , at supot ng pagkain , at mga pangyapak , kinulang baga kayo ng anoman ? At kanilang sinabi , Hindi . At sinabi niya sa kanila , Nguni&#039;t ngayon , ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito , at gayon din ang supot ng pagkain ; at ang wala , ay ipagbili niya ang kaniyang balabal , at bumili ng isang tabak . Sapagka&#039;t sinasabi ko sa inyo , na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat , At ibinilang siya sa mga suwail : sapagka&#039;t ang nauukol sa akin ay may katuparan . At sinabi nila , Panginoon , narito ang dalawang tabak . At sinabi niya sa kanila , Sukat na . At siya&#039;y lumabas , at pumaroon , ayon sa kaniyang kaugalian , sa bundok ng mga Olivo ; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad . At nang siya&#039;y dumating sa dakong yaon , ay sinabi niya sa kanila , Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso . At siya&#039;y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato ; at siya&#039;y nanikluhod at nanalangin , Na sinasabi , Ama , kung ibig mo , ilayo mo sa akin ang sarong ito : gayon ma&#039;y huwag mangyari ang aking kalooban , kundi ang iyo . At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit , na nagpalakas sa kaniya . At nang siya&#039;y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas ; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa . At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin , ay lumapit siya sa mga alagad , at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis , At sinabi sa kanila , Bakit kayo nangatutulog ? mangagbangon kayo at magsipanalangin , upang huwag kayong magsipasok sa tukso . Samantalang nagsasalita pa siya , narito , ang isang karamihan , at siyang tinatawag na Judas , na isa sa labingdalawa , ay nangunguna sa kanila ; at siya&#039;y lumapit kay Jesus upang ito&#039;y hagkan . Datapuwa&#039;t sinabi ni Jesus sa kaniya , Judas , sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao ? At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari , ay kanilang sinabi , Panginoon , magsisipanaga baga kami ng tabak ? At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote , at tinigpas ang kanang tainga niya . Datapuwa&#039;t sumagot si Jesus , na nagsabi , Pabayaan ninyo sila hanggang dito . At hinipo niya ang tainga ng alipin , at ito&#039;y pinagaling . At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote , at sa mga punong kawal sa templo , at sa mga matanda , na nagsidating laban sa kaniya , Kayo&#039;y nagsilabas , na tila laban sa isang tulisan , na may mga tabak at mga panghampas ? Nang ako&#039;y kasama ninyo sa templo araw-araw , ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin ; datapuwa&#039;t ito ang inyong oras , at ang kapangyarihan ng kadiliman . At kanilang dinakip siya , at dinala siya , at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote . Datapuwa&#039;t sa malayo&#039;y sumusunod si Pedro . At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng looban , at mangakaupong magkakasama , si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila . At isang alilang babae , na nakakakita sa kaniya samantalang siya&#039;y nakaupo sa liwanag ng apoy , ay tinitigan siya , at sinabi , Ang taong ito ay kasama rin niya . Datapuwa&#039;t siya&#039;y nagkaila , na nagsasabi , Babae , hindi ko siya nakikilala . At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba , at sinabi , Ikaw man ay isa sa kanila . Datapuwa&#039;t sinabi ni Pedro , Lalake , ako&#039;y hindi . At nang makaraan ang may isang oras , ay pinatotohanan ng iba pa , na nagsasabi , Sa katotohanan , ang taong ito&#039;y kasama rin niya ; sapagka&#039;t siya&#039;y Galileo . Datapuwa&#039;t sinabi ni Pedro , Lalake , hindi ko nalalaman ang sinasabi mo . At pagdaka , samantalang siya&#039;y nagsasalita pa , ay tumilaok ang manok . At lumingon ang Panginoon , at tinitigan si Pedro . At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon , kung paanong sinabi niya sa kaniya , Bago tumilaok ang manok ngayon , ay ikakaila mo akong makaitlo . At siya&#039;y lumabas , at nanangis ng kapaitpaitan . At nililibak si Jesus , at siya&#039;y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay . At siya&#039;y piniringan nila , at tinatanong siya , na sinasabi , Hulaan mo ; sino ang sa iyo&#039;y humampas ? At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya , na siya&#039;y inaalimura . At nang araw na , ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan , ang mga pangulong saserdote , at gayon din ang mga eskriba , at dinala siya sa kanilang Sanedrin , na sinasabi , Kung ikaw ang Cristo , ay sabihin mo sa amin . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Kung sabihin ko sa inyo , ay hindi ninyo ako paniniwalaan : At kung kayo&#039;y aking tanungin , ay hindi kayo magsisisagot . Datapuwa&#039;t magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios . At sinabi nilang lahat , Kung gayo&#039;y ikaw baga ang Anak ng Dios ? At sinabi niya sa kanila , Kayo ang nangagsasabi na ako nga . At sinabi nila , Ano pa ang kailangan natin ng patotoo ? sapagka&#039;t tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig . At nagsitindig ang buong kapulungan nila , at dinala siya sa harap ni Pilato . At nangagpasimula silang isumbong siya , na sinasabi , Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa , at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar , at sinasabi na siya rin nga ang Cristo , ang hari . At tinanong siya ni Pilato , na nagsasabi , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? At sumagot siya at sinabi , Ikaw ang nagsasabi . At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan , Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito . Datapuwa&#039;t sila&#039;y lalong nangagpipilit na sinasabi , Ginugulo niya ang bayan , na nagtuturo sa buong Judea , magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito . Datapuwa&#039;t nang ito&#039;y marinig ni Pilato , ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo . At nang maunawa na siya&#039;y nasasakop ni Herodes , ay ipinadala niya siya kay Herodes , na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman . Nang makita nga ni Herodes si Jesus , ay nagalak siyang lubha : sapagka&#039;t malaon nang hinahangad niya na makita siya , sapagka&#039;t siya&#039;y nakabalita tungkol sa kaniya ; at siya&#039;y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya . At tinanong niya siya ng maraming salita ; datapuwa&#039;t siya&#039;y hindi sumagot ng anoman . At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig , na isinusumbong siyang mainam . At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya , at siya&#039;y nilibak , at sinuutan siya ng maringal na damit , at ipinabalik siya kay Pilato . At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato : sapagka&#039;t dating sila&#039;y nagkakagalit . At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote , at ang mga pinuno at ang bayan , At sinabi sa kanila , Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan : at narito , nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo , ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito , tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya ; Wala , kahit si Herodes man ; sapagka&#039;t siya&#039;y ipinabalik niyang muli sa atin ; at narito , walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya . Siya nga&#039;y aking parurusahan , at siya&#039;y pawawalan . Kinakailangan nga niyang sa kanila&#039;y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan . Datapuwa&#039;t silang lahat ay nagsisigawang paminsan , na nangagsabi , Alisin mo ang taong ito , at pawalan mo sa amin si Barrabas : Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan , at sa pagpatay . At si Pilato&#039;y nagsalitang muli sa kanila , sa pagnanais na pawalan si Jesus ; Datapuwa&#039;t sila&#039;y nagsigawan , na sinasabi , Ipako sa krus , ipako siya sa krus . At kaniyang sinabi sa kanila , na bilang ikatlo , Bakit , anong masama ang ginawa ng taong ito ? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya : parurusahan ko nga siya , at siya&#039;y pawawalan . Datapuwa&#039;t pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig , na siya&#039;y ipako sa krus . At nanaig ang kanilang mga tinig . At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi , At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay , na siyang kanilang hiningi ; datapuwa&#039;t ibinigay si Jesus sa kalooban nila . At nang siya&#039;y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene , na nanggaling sa bukid , at ipinasan sa kaniya ang krus , upang dalhin sa likuran ni Jesus . At siya&#039;y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan , at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya . Datapuwa&#039;t paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi , Mga anak na babae ng Jerusalem , huwag ninyo akong tangisan , kundi tangisan ninyo ang inyong sarili , at ang inyong mga anak . Sapagka&#039;t narito , darating ang mga araw , na kanilang sasabihin , Mapapalad ang mga baog , at ang mga tiyang kailan ma&#039;y hindi nangagdalang-tao , at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso . Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok , mangahulog kayo sa ibabaw namin ; at sa mga burol , Takpan ninyo kami . Sapagka&#039;t kung ginagawa ang mga bagay na ito sa punong kahoy na sariwa , ano kaya ang gagawin sa tuyo ? At dinala rin naman na kasama niya , ang dalawang tampalasan , upang patayin . At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo , ay kanilang ipinako roon siya sa krus , at ang mga tampalasan , isa sa kanan at isa sa kaliwa . At sinabi ni Jesus , Ama , patawarin mo sila ; sapagka&#039;t hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa . At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan . At nakatayong nanonood ang bayan . At tinutuya naman siya ng mga pinuno , na sinasabi , Nagligtas siya sa mga iba ; iligtas niya ang kaniyang sarili , kung ito ang Cristo ng Dios , ang hinirang niya . At nililibak rin naman siya ng mga kawal , na nagsisilapit sa kaniya , na dinudulutan siya ng suka , At sinabi , Kung ikaw ang Hari ng mga Judio , iligtas mo ang iyong sarili . At mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat , ITO&#039; Y ANG HARI NG MGA JUDIO . At siya&#039;y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin , na sinasabi , Hindi baga ikaw ang Cristo ? iligtas mo ang iyong sarili at kami . Datapuwa&#039;t sumagot ang isa , at pagsaway sa kaniya&#039;y sinabi , Hindi ka pa baga natatakot sa Dios , yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan ? At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran ; sapagka&#039;t tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa ; datapuwa&#039;t ang taong ito&#039;y hindi gumagawa ng anomang masama . At sinabi niya , Jesus , alalahanin mo ako , pagdating mo sa iyong kaharian . At sinabi niya sa kaniya , Katotohanang sinasabi ko sa iyo , Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso . At nang may oras na ikaanim na , ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa , hanggang sa oras na ikasiyam , At nagdilim ang araw : at nahapak sa gitna ang tabing ng templo . At si Jesus , na sumigaw ng malakas na tinig , ay nagsabi , Ama , sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu : at pagkasabi nito , ay nalagot ang hininga . At nang makita ng senturion ang nangyari , ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi , Tunay na ito&#039;y isang taong matuwid . At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito , pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib . At ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kaniya&#039;y nagsisunod buhat sa Galilea , at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito . At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose , na isang kasangguni , isang lalaking mabuti at matuwid : ( Siya&#039;y hindi umayon sa kanilang payo at gawa ) , isang lalaking taga Arimatea , bayan ng mga Judio , na naghihintay ng kaharian ng Dios ; Ang taong ito&#039;y naparoon kay Pilato : at hiningi ang bangkay ni Jesus . At ito&#039;y ibinababa niya , at binalot ng isang kayong lino , at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato , na doo&#039;y wala pang nalilibing . At noo&#039;y araw ng Paghahanda , at nalalapit na ang sabbath . At ang mga babae , na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea , ay nagsisunod , at tiningnan ang libingan , at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay . At sila&#039;y nagsiuwi , at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento . At nang araw ng sabbath sila&#039;y nangagpahinga ayon sa utos . Datapuwa&#039;t nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga , ay nagsiparoon sila sa libingan , na may dalang mga pabango na kanilang inihanda . At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan . At sila&#039;y nagsipasok , at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus . At nangyari , na samantalang sila&#039;y nangatitilihan dahil dito , narito , tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit : At nang sila&#039;y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila , Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay ? Wala siya rito , datapuwa&#039;t nagbangon : alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya&#039;y nasa Galilea pa , Na sinasabi , Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan , at ipako sa krus , at magbangong muli sa ikatlong araw . At naalaala nila ang kaniyang mga salita , At nagsibalik mula sa libingan , at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa , at sa lahat ng mga iba pa . Sila nga&#039;y si Maria Magdalena , si Juana , at si Mariang ina ni Santiago : at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol . At ang mga salitang ito&#039;y inakala nilang walang kabuluhan ; at hindi nila pinaniwalaan . Datapuwa&#039;t nagtindig si Pedro , at tumakbo sa libingan ; at nang siya&#039;y tumungo pagtingin niya sa loob , ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi ; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon . At narito , dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala&#039;y Emaus , na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem . At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari . At nangyari , na samantalang sila&#039;y naguusap at nagtatanongan , na si Jesus din ay lumapit , at nakisabay sa kanila . Datapuwa&#039;t sa mga mata nila&#039;y may nakatatakip upang siya&#039;y huwag nilang makilala . At sinabi niya sa kanila , Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad ? At sila&#039;y nagsitigil , na nangalulumbay ang mga mukha . At isa sa kanila , na nagngangalang Cleopas , sa pagsagot ay sinabi sa kaniya , Ikaw baga&#039;y nakikipamayan lamang sa Jerusalem , at hindi nakaalam ng mga bagay na doo&#039;y nangyari nang mga araw na ito ? At sinabi niya sa kanila , Anong mga bagay ? At sinabi nila sa kaniya , Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno , na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan : At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan , at siya&#039;y ipako sa krus . Datapuwa&#039;t hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel . Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito . Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan , ay nakapagtaka sa amin ; At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay , ay nangagbalik sila , na nangagsabing sila nama&#039;y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel , na nangagsabing siya&#039;y buhay . At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin , at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae : datapuwa&#039;t siya&#039;y hindi nila nakita . At sinabi niya sa kanila , Oh mga taong haling , at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta ! Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito , at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian ? At magmula kay Moises at sa mga propeta , ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan . At sila&#039;y malapit na sa nayong kanilang paroroonan : at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo . At siya&#039;y kanilang pinigil , na sinasabi , tumuloy ka sa amin , sapagka&#039;t gumagabi na , at kumikiling na ang araw . At pumasok siya upang tumuloy sa kanila . At nangyari , nang siya&#039;y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain , ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan ; at ito&#039;y pinagputolputol , at ibinigay sa kanila . At nangabuksan ang kanilang mga mata , at siya&#039;y nakilala nila ; at siya&#039;y nawala sa kanilang mga paningin . At sila-sila&#039;y nangagsabihan , Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin , habang tayo&#039;y kinakausap niya sa daan , samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan ? At sila&#039;y nagsitindig sa oras ding yaon , at nangagbalik sa Jerusalem , at naratnang nangagkakatipon ang labingisa , at ang kanilang mga kasama . Na nangagsasabi , Tunay na nagbangong muli ang Panginoon , at napakita kay Simon , At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan , at kung paanong siya&#039;y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay . At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito , siya rin ay tumayo sa gitna nila , at sa kanila&#039;y nagsabi , Kapayapaa&#039;y suma inyo . Datapuwa&#039;t sila&#039;y kinilabutan , at nangahintakutan , at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu . At sinabi niya sa kanila , Bakit kayo&#039;y nangagugulumihanan ? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso ? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa , ako rin nga : hipuin ninyo ako , at tingnan ; sapagka&#039;t ang isang espiritu&#039;y walang laman at mga buto , na gaya ng inyong nakikita na nasa akin . At pagkasabi niya nito , ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa . At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak , at nagsisipanggilalas , ay sinabi niya sa kanila , Mayroon baga kayo ritong anomang makakain ? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw . At kaniyang inabot yaon , at kumain sa harap nila . At sinabi niya sa kanila , Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo , nang ako&#039;y sumasa inyo pa , na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises , at sa mga propeta , at sa mga awit . Nang magkagayo&#039;y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip , upang mapagunawa nila ang mga kasulatan ; At sinabi niya sa kanila , Ganyan ang pagkasulat , na kinakailangang maghirap ang Cristo , at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw ; At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa , magbuhat sa Jerusalem . Kayo&#039;y mga saksi ng mga bagay na ito . At narito , ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama , datapuwa&#039;t magsipanatili kayo sa bayan , hanggang sa kayo&#039;y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas . At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania : at itinaas niya ang kaniyang mga kamay , at sila&#039;y binasbasan . At nangyari , na samantalang sila&#039;y binabasbasan niya , ay iniwan niya sila ; at dinala siya sa itaas sa langit . At siya&#039;y sinamba nila , at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak : At palaging sila&#039;y nasa templo , na nangagpupuri sa Dios . </passage></reply></GetPassage>