<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:43</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:43</urn><passage>Nang pasimula siya ang Verbo , at ang Verbo ay sumasa Dios , at ang Verbo ay Dios . Ito rin nang pasimula&#039;y sumasa Dios . Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya ; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya . Nasa kaniya ang buhay ; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao . At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman ; at ito&#039;y hindi napagunawa ng kadiliman . Naparito ang isang tao , na sugong mula sa Dios , na ang kaniyang pangalan ay Juan . Ito&#039;y naparitong saksi , upang kaniyang patotohanan ang ilaw , upang sa pamamagitan niya&#039;y magsisampalataya ang lahat . Hindi siya ang ilaw , kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw . Nagkaroon ng tunay na ilaw , sa makatuwid baga&#039;y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa&#039;t tao , na pumaparito sa sanglibutan . Siya&#039;y nasa sanglibutan , at ang sanglibuta&#039;y ginawa sa pamamagitan niya , at hindi siya nakilala ng sanglibutan . Siya&#039;y naparito sa sariling kaniya , at siya&#039;y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya . Datapuwa&#039;t ang lahat ng sa kaniya&#039;y nagsitanggap , ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios , sa makatuwid baga&#039;y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan : Na mga ipinanganak na hindi sa dugo , ni sa kalooban ng laman , ni sa kalooban ng tao , kundi ng Dios . At nagkatawang-tao ang Verbo , at tumahan sa gitna natin ( at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian , kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama ) , na puspos ng biyaya at katotohanan . Pinatotohanan siya ni Juan , at sumigaw , na nagsasabi , Ito yaong aking sinasabi , Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin : sapagka&#039;t siya&#039;y una sa akin . Sapagka&#039;t sa kaniyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat , at biyaya sa biyaya . Sapagka&#039;t ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan ; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo . Walang taong nakakita kailan man sa Dios ; ang bugtong na Anak , na nasa sinapupunan ng Ama , siya ang nagpakilala sa kanya . At ito ang patotoo ni Juan , nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya&#039;y itanong , Sino ka baga ? At kaniyang ipinahayag , at hindi ikinaila ; at kaniyang ipinahayag , Hindi ako ang Cristo . At sa kaniya&#039;y kanilang itinanong , Kung gayo&#039;y ano nga ? Ikaw baga&#039;y si Elias ? At sinabi niya , Hindi ako . Ikaw baga ang propeta ? At siya&#039;y sumagot , Hindi . Sinabi nga nila sa kaniya , Sino ka baga ? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin . Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili ? Sinabi niya , Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang , Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon , gaya ng sinabi ng propeta Isaias . At sila&#039;y sinugo buhat sa mga Fariseo . At sa kaniya&#039;y kanilang itinanong , at sinabi sa kaniya , Bakit nga bumabautismo ka , kung hindi ikaw ang Cristo , ni si Elias , ni ang propeta ? Sila&#039;y sinagot ni Juan , na nagsasabi , Ako&#039;y bumabautismo sa tubig : datapuwa&#039;t sa gitna ninyo&#039;y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala , Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin , na sa kaniya&#039;y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak . Ang mga bagay na ito&#039;y ginawa sa Betania , sa dako pa roon ng Jordan , na pinagbabautismuhan ni Juan . Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya , at sinabi , Narito , ang Cordero ng Dios , na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan ! Ito yaong aking sinasabi , Sa hulihan ko&#039;y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin : sapagka&#039;t siya&#039;y una sa akin . At siya&#039;y hindi ko nakilala ; datapuwa&#039;t upang siya&#039;y mahayag sa Israel , dahil dito&#039;y naparito ako na bumabautismo sa tubig . At nagpatotoo si Juan , na nagsasabi , Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit ; at dumapo sa kaniya . At siya&#039;y hindi ko nakilala ; datapuwa&#039;t ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig , ay siyang nagsabi sa akin , Ang makita mong babaan ng Espiritu , at manahan sa kaniya , ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo . At aking nakita , at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios . Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan , at ang dalawa sa kaniyang mga alagad ; At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya&#039;y naglalakad , at sinabi , Narito , ang Cordero ng Dios ! At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad , at sila&#039;y nagsisunod kay Jesus . At lumingon si Jesus , at nakita silang nagsisisunod , at sinabi sa kanila , Ano ang inyong hinahanap ? At sinabi nila sa kaniya , Rabi ( na kung liliwanagin , ay Guro ) , saan ka tumitira ? Sinabi niya sa kanila , Magsiparito kayo , at inyong makikita . Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira ; at sila&#039;y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon : noo&#039;y magiikasangpu na ang oras . Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan , at sumunod sa kaniya , ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro . Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon , at sa kaniya&#039;y sinabi , Nasumpungan namin ang Mesias ( na kung liliwanagin , ay ang Cristo ) . Siya&#039;y kaniyang dinala kay Jesus . Siya&#039;y tiningnan ni Jesus , at sinabi , Ikaw ay si Simon na anak ni Juan : tatawagin kang Cefas ( na kung liliwanagin , ay Pedro ) . Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea , at kaniyang nasumpungan si Felipe : at sa kaniya&#039;y sinabi ni Jesus , Sumunod ka sa akin . Si Felipe nga ay taga Betsaida , sa bayan ni Andres at ni Pedro . Nasumpungan ni Felipe si Natanael , at sinabi sa kaniya , Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan , at gayon din ng mga propeta , si Jesus na taga Nazaret , ang anak ni Jose . At sinabi sa kaniya ni Natanael , Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret ? Sinabi sa kaniya ni Felipe , Pumarito ka at tingnan mo . Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya , at sinabi ang tungkol sa kaniya , Narito , ang isang tunay na Israelita , na sa kaniya&#039;y walang daya ! Sinabi sa kaniya ni Natanael , Saan mo ako nakilala ? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya , Bago ka tinawag ni Felipe , nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos , ay nakita kita . Sumagot si Natanael sa kaniya , Rabi , ikaw ang Anak ng Dios ; ikaw ang Hari ng Israel . Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya , Dahil baga sa sinabi ko sa iyo , Kita&#039;y nakita sa ilalim ng puno ng igos , kaya ka sumasampalataya ? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito . At sinabi niya sa kaniya , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Makikita ninyong bukas ang langit , at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao . At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea ; at naroon ang ina ni Jesus : At inanyayahan din naman si Jesus , at ang kaniyang mga alagad , sa kasalan . At nang magkulang ng alak , ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya , Wala silang alak . At sinabi sa kaniya ni Jesus , Babae , anong pakialam ko sa iyo ? ang aking oras ay hindi pa dumarating . Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila , Gawin ninyo ang anomang sa inyo&#039;y kaniyang sabihin . Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio , na naglalaman ang bawa&#039;t isa ng dalawa o tatlong bangang tubig . Sinabi sa kanila ni Jesus , Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan . At kanilang pinuno hanggang sa labi . At sinabi niya sa kanila , Kunin ninyo ngayon , at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan . At kanilang iniharap . At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga , at hindi niya nalalaman kung saan buhat ( datapuwa&#039;t nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig ) , ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake , At sinabi sa kaniya , Ang bawa&#039;t tao ay unang inilalagay ang mabuting alak ; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao , ay saka inilalagay ang pinakamasama : itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon . Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea , at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian ; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad . Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum , siya , at ang kaniyang ina , at ang kaniyang mga kapatid , at ang kaniyang mga alagad ; at sila&#039;y nangatira roong hindi maraming araw . At malapit na ang paskua ng mga Judio , at umahon si Jesus sa Jerusalem . At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati , at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo : At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid , itinaboy niyang lahat sa templo , ang mga tupa at gayon din ang mga baka ; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit , at ginulo ang kanilang mga dulang ; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya , Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito ; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal . Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat , Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay . Ang mga Judio nga&#039;y nagsisagot at sa kaniya&#039;y sinabi , Anong tanda ang maipakikita mo sa amin , yamang ginawa mo ang mga bagay na ito ? Sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Igiba ninyo ang templong ito , at aking itatayo sa tatlong araw . Sinabi nga ng mga Judio , Apat na pu&#039;t anim na taon ang pagtatayo ng templong ito , at itatayo sa tatlong araw ? Datapuwa&#039;t sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan . Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay , ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito ; at nagsisampalataya sila sa kasulatan , at sa salitang sinabi ni Jesus . Nang siya nga&#039;y nasa Jerusalem nang paskua , sa loob ng panahon ng kapistahan , ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan , pagkakita ng kaniyang mga tandang ginawa . Datapuwa&#039;t si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila , sapagka&#039;t nakikilala niya ang lahat ng mga tao , Sapagka&#039;t hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao ; sapagka&#039;t nalalaman nga niya ang isinasaloob ng tao . May isang lalake nga sa mga Fariseo , na nagngangalang Nicodemo , isang pinuno ng mga Judio : Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi , at sa kaniya&#039;y nagsabi , Rabi , nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios ; sapagka&#039;t walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa , maliban na kung sumasa kaniya ang Dios . Sumagot si Jesus at sa kaniya&#039;y sinabi , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Maliban na ang tao&#039;y ipanganak na muli , ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios . Sinabi sa kaniya ni Nicodemo , Paanong maipanganganak ang tao kung siya&#039;y matanda na ? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina , at ipanganak ? Sumagot si Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Maliban na ang tao&#039;y ipanganak ng tubig at ng Espiritu , ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios . Ang ipinanganak ng laman ay laman nga ; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga . Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo , Kinakailangan ngang kayo&#039;y ipanganak na muli . Humihihip ang hangin kung saan niya ibig , at naririnig mo ang kaniyang ugong , nguni&#039;t hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling , at kung saan naparoroon : gayon ang bawa&#039;t ipinanganak ng Espiritu . Sumagot si Nicodemo at sa kaniya&#039;y sinabi , Paanong pangyayari ng mga bagay na ito ? Sumagot si Jesus at sa kaniya&#039;y sinabi , Ikaw ang guro sa Israel , at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito ? Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Ang nalalaman namin ay sinasalita namin , at ang aming nakita ay pinatototohanan namin ; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo . Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan , paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit ? At walang umakyat sa langit , kundi ang nanggaling sa langit , sa makatuwid baga&#039;y ang Anak ng tao , na nasa langit . At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas , ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao ; Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan . Sapagka&#039;t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan , na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak , upang ang sinomang sa kaniya&#039;y sumampalataya ay huwag mapahamak , kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan . Sapagka&#039;t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan ; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya . Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan ; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na , sapagka&#039;t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios . At ito ang kahatulan , na naparito ang ilaw sa sanglibutan , at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw ; sapagka&#039;t masasama ang kanilang mga gawa . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw , at hindi lumalapit sa ilaw , upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa . Datapuwa&#039;t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw , upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea ; at doon siya tumira na kasama nila , at bumabautismo . At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim , sapagka&#039;t doo&#039;y maraming tubig : at sila&#039;y nagsiparoon , at nangabautismuhan . Sapagka&#039;t hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan . Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa paglilinis . At sila&#039;y nagparoon kay Juan , at sa kaniya&#039;y sinabi , Rabi , yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan , na binigyan mong patotoo , narito , siya&#039;y bumabautismo , at ang lahat ng mga tao&#039;y nagsisiparoon sa kaniya . Sumagot si Juan at sinabi , Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao , malibang ito&#039;y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit . Kayo man ay magsisisaksi sa akin , na aking sinabi , Hindi ako ang Cristo , kundi , na ako&#039;y sinugo sa unahan niya . Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake : datapuwa&#039;t ang kaibigan ng kasintahang lalake , na nakatayo at nakikinig sa kaniya , ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake : ito ngang aking kaligayahan ay naganap . Siya&#039;y kinakailangang dumakila , nguni&#039;t ako&#039;y kinakailangang bumaba . Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat : ang galing sa lupa ay taga lupa nga , at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya : ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat . At kaniyang nakita at narinig , ay siyang pinatototohanan niya ; at walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo . Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak , na ang Dios ay totoo . Sapagka&#039;t ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios : sapagka&#039;t hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat . Sinisinta ng Ama ang Anak , at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay . Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan ; nguni&#039;t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay , kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya . Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan ( Bagaman hindi bumabautismo si Jesus , kundi ang kaniyang mga alagad ) , Nilisan niya ang Judea , at naparoong muli sa Galilea . At kinakailangang magdaan siya sa Samaria . Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria , na tinatawag na Sicar , malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak : At naroon ang balon ni Jacob . Si Jesus nga , nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay , ay naupong gayon sa tabi ng balon . Magiikaanim na nga ang oras . Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig : sa kaniya&#039;y sinabi ni Jesus , Painumin mo ako . Sapagka&#039;t napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain . Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana , Paano ngang ikaw , na isang Judio , ay humingi ng maiinom sa akin , na ako&#039;y babaing Samaritana ? ( Sapagka&#039;t hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano . ) Sumagot si Jesus at sa kaniya&#039;y sinabi , Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios , at kung sino ang sa iyo&#039;y nagsasabi , Painumin mo ako ; ikaw ay hihingi sa kaniya , at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay . Sinabi sa kaniya ng babae , Ginoo , wala kang sukat isalok ng tubig , at malalim ang balon : saan nga naroon ang iyong tubig na buhay ? Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob , na sa ami&#039;y nagbigay ng balon , at dito&#039;y uminom siya , at ang kaniyang mga anak , at ang kaniyang mga hayop ? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya , Ang bawa&#039;t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw : Datapuwa&#039;t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya&#039;y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man ; nguni&#039;t ang tubig na sa kaniya&#039;y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan . Sinabi sa kaniya ng babae , Ginoo , ibigay mo sa akin ang tubig na ito , upang ako&#039;y huwag mauhaw , ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Humayo ka , tawagin mo ang iyong asawa , at pumarito ka . Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya , Wala akong asawa . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Mabuti ang pagkasabi mo , Wala akong asawa : Sapagka&#039;t nagkaroon ka na ng limang asawa ; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa : dito&#039;y sinabi mo ang katotohanan . Sinabi sa kaniya ng babae , Ginoo , napaghahalata kong ikaw ay isang propeta . Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito ; at sinasabi ninyo , na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao . Sa kaniya&#039;y sinabi ni Jesus , Babae , paniwalaan mo ako , na dumarating ang oras , na kahit sa bundok na ito , ni sa Jerusalem , ay hindi ninyo sasambahin ang Ama . Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman : sinasamba namin ang nalalaman namin ; sapagka&#039;t ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio . Datapuwa&#039;t dumarating ang oras , at ngayon nga , na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan : sapagka&#039;t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya . Ang Dios ay Espiritu : at ang mga sa kaniya&#039;y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan . Sinabi sa kaniya ng babae , Nalalaman ko na paririto ang Mesias ( ang tinatawag na Cristo ) : na pagparito niya , ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga . At sa ganito&#039;y nagsidating ang kaniyang mga alagad ; at sila&#039;y nangagtaka na siya&#039;y nakikipagsalitaan sa isang babae ; gayon ma&#039;y walang taong nagsabi , Ano ang iyong hinahanap ? o , Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya ? Sa gayo&#039;y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig , at napasa bayan , at sinabi sa mga tao , Magsiparito kayo , tingnan ninyo ang isang lalake , na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa : mangyayari kayang ito ang Cristo ? Nagsilabas sila sa bayan , at nagsisiparoon sa kaniya . Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad , na nangagsasabi , Rabi , kumain ka . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Ako&#039;y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman . Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan , May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain ? Sinabi sa kanila ni Jesus , Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo , at tapusin ang kaniyang gawa . Hindi baga sinasabi ninyo , May apat na buwan pa , at saka darating ang pagaani ? narito , sa inyo&#039;y aking sinasabi , Itanaw ninyo ang inyong mga mata , at inyong tingnan ang mga bukid , na mapuputi na upang anihin . Ang umaani ay tumatanggap ng upa , at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan ; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa . Sapagka&#039;t dito&#039;y totoo ang kasabihan , Isa ang naghahasik , at iba ang umaani . Kayo&#039;y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan : iba ang nangagpagal , at kayo&#039;y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan . At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya&#039;y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae , na nagpatotoo , Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa . Kaya nang sa kaniya&#039;y magsidating ang mga Samaritano , ay sa kaniya&#039;y ipinamanhik nila na matira sa kanila : at siya&#039;y natira roong dalawang araw . At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita ; At sinabi nila sa babae , Ngayo&#039;y nagsisisampalataya kami , hindi dahil sa iyong pananalita : sapagka&#039;t kami rin ang nakarinig , at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan . At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea . Sapagka&#039;t si Jesus din ang nagpatotoo , na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain . Kaya nang siya&#039;y dumating sa Galilea , ay tinanggap siya ng mga Galileo , nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan : sapagka&#039;t sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan . Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea , na doo&#039;y kaniyang pinapaging alak ang tubig . At naroroon ang isang mahal na tao , na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum . Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea , ay naparoon siya sa kaniya , at ipinamanhik sa kaniya na siya&#039;y lumusong , at pagalingin ang kaniyang anak na lalake ; sapagka&#039;t siya&#039;y naghihingalo . Sinabi nga sa kaniya ni Jesus , Malibang kayo&#039;y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan , ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan . Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya , Ginoo , lumusong ka bago mamatay ang aking anak . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Yumaon ka ng iyong lakad ; buhay ang anak mo . Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus , at siya&#039;y yumaon sa kaniyang lakad . At samantalang siya&#039;y lumulusong , ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin , na nangagsasabi , na ang kaniyang anak ay buhay . Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya&#039;y pasimulan ng paggaling . Sa kaniya nga&#039;y kanilang sinabi , Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat . Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus , Buhay ang anak mo : at siya&#039;y sumampalataya , at ang kaniyang buong sangbahayan . Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus , nang siya&#039;y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea . Pagkatapos ng mga bagay na ito&#039;y nagkaroon ng pista ang mga Judio ; at umahon si Jesus sa Jerusalem . Sa Jerusalem nga&#039;y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa , na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda , na may limang portiko . Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit , mga bulag , mga pilay , mga natutuyo . Sapagka&#039;t lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig : at ang unang manaog sa tangke , pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam . At naroon ang isang lalake , na may tatlongpu&#039;t walong taon nang maysakit . Nang makita ni Jesus na siya&#039;y nakahandusay , at mapagkilalang siya&#039;y malaon nang panahong maysakit , ay sinabi niya sa kaniya , Ibig mo bagang gumaling ? Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit , Ginoo , wala ng taong maglusong sa akin sa tangke , pagkalawkaw sa tubig : datapuwa&#039;t samantalang ako&#039;y naparoroon , ay nakalusong na muna ang iba bago ako . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Magtindig ka , buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka . At pagdaka&#039;y gumaling ang lalake , at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad . Noon nga&#039;y araw ng sabbath . Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling , Ito&#039;y araw ng sabbath , at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan . Nguni&#039;t sila&#039;y sinagot niya , Ang nagpagaling sa akin , ang siya ring sa akin ay nagsabi , Buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka . Tinanong nila siya , Sino ang taong sa iyo&#039;y nagsabi , Buhatin mo ang iyong higaan , at lumakad ka ? Nguni&#039;t hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya ; sapagka&#039;t si Jesus ay humiwalay , palibhasa&#039;y may isang karamihan sa dakong yaon . Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo , at sa kaniya&#039;y sinabi , Narito , ikaw ay gumaling na : huwag ka nang magkasala , baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama . Umalis ang tao , at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya&#039;y nagpagaling . At dahil dito&#039;y pinagusig ng mga Judio si Jesus , sapagka&#039;t ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath . Datapuwa&#039;t sinagot sila ni Jesus , Hanggang ngayo&#039;y gumagawa ang aking Ama , at ako&#039;y gumagawa . Dahil dito nga&#039;y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya&#039;y patayin , sapagka&#039;t hindi lamang sinira ang araw ng sabbath , kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios , na siya&#039;y nakikipantay sa Dios . Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama ; sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa , ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan . Sapagka&#039;t sinisinta ng Ama ang Anak , at sa kaniya&#039;y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa : at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya&#039;y ipakikita niya , upang kayo&#039;y magsipanggilalas . Sapagka&#039;t kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila&#039;y binubuhay , gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin . Sapagka&#039;t ang Ama&#039;y hindi humahatol sa kanino mang tao , kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol ; Upang papurihan ng lahat ang Anak , na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama . Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya&#039;y nagsugo . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang dumirinig ng aking salita , at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin , ay may buhay na walang hanggan , at hindi mapapasok sa paghatol , kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Dumarating ang panahon , at ngayon nga , na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios ; at ang mangakarinig ay mangabubuhay . Sapagka&#039;t kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili , ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili : At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol , sapagka&#039;t siya&#039;y anak ng tao . Huwag ninyong ipanggilalas ito : sapagka&#039;t dumarating ang oras , na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig , At magsisilabas ; ang mga nagsigawa ng mabuti , ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay ; at ang mga nagsigawa ng masama , ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol . Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili : humahatol ako ayon sa aking naririnig : at ang paghatol ko&#039;y matuwid ; sapagka&#039;t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban , kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin . Kung ako&#039;y nagpapatotoo sa aking sarili , ang patotoo ko ay hindi katotohanan . Iba ang nagpapatotoo sa akin ; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo . Kayo&#039;y nangagsugo kay Juan , at siya&#039;y nagpatotoo sa katotohanan . Datapuwa&#039;t ang patotoo ay hindi mula sa tao : gayon ma&#039;y sinasabi ko ang mga bagay na ito , upang kayo&#039;y mangaligtas . Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag ; at inibig ninyong kayo&#039;y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag . Datapuwa&#039;t ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan ; sapagka&#039;t ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin , ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa , ay nagpapatotoo tungkol sa akin , na ako&#039;y sinugo ng Ama . At ang Ama na nagsugo sa akin , ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin . Kailan ma&#039;y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig , ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo . At kayo&#039;y walang salita niya na nananatili sa inyo : sapagka&#039;t hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo . Saliksikin ninyo ang mga kasulatan , sapagka&#039;t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan ; at ang mga ito&#039;y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin . At ayaw kayong magsilapit sa akin , upang kayo&#039;y magkaroon ng buhay . Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao . Datapuwa&#039;t nakikilala ko kayo , na kayo&#039;y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili . Naparito ako sa pangalan ng aking Ama , at ayaw ninyo akong tanggapin : kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan , ay siya ninyong tatanggapin . Paanong kayo&#039;y makapananampalataya , kayong nangagtatanggapan sa isa&#039;t isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios ? Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo&#039;y magsusumbong sa Ama : may isang magsusumbong sa inyo , sa makatuwid baga&#039;y si Moises , yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa . Sapagka&#039;t kung kayo&#039;y nagsisisampalataya kay Moises , ay magsisisampalataya kayo sa akin ; sapagka&#039;t tungkol sa akin siya&#039;y sumulat . Nguni&#039;t kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat , ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita ? Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea , na siyang dagat ng Tiberias . At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao , sapagka&#039;t kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit . At umahon si Jesus sa bundok , at doo&#039;y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad . Malapit na nga ang paskua , na pista ng mga Judio . Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata , at pagkakita na ang lubhang maraming tao&#039;y lumalapit sa kaniya , ay sinabi kay Felipe , Saan tayo magsisibili ng tinapay , upang mangakakain ang mga ito ? At ito&#039;y sinabi niya upang siya&#039;y subukin : sapagka&#039;t nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin . Sumagot si Felipe sa kaniya , Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay , upang makakain ng kaunti ang bawa&#039;t isa . Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad , si Andres , na kapatid ni Simon Pedro , May isang batang lalake rito , na mayroong limang tinapay na sebada , at dalawang isda : datapuwa&#039;t gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan ? Sinabi ni Jesus , Inyong paupuin ang mga tao . Madamo nga sa dakong yaon . Kaya&#039;t nagsiupo ang mga lalake , na may limang libo ang bilang . Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay ; at nang makapagpasalamat , ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo ; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila . At nang sila&#039;y mangabusog , ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad , Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis , upang walang anomang masayang . Kaya&#039;t kanilang tinipon , at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada , na lumabis sa nagsikain . Kaya&#039;t nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya , ay kanilang sinabi , Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan . Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila&#039;y magsisilapit at siya&#039;y agawin , upang siya&#039;y gawing hari , ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa . At nang kinahapunan , ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat ; At nagsilulan sila sa isang daong , at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum . At madilim na nga , at hindi dumarating sa kanila si Jesus . At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip . Nang sila nga&#039;y mangakagaod na ng may dalawangpu&#039;t lima o tatlongpung estadio , ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat , at lumalapit sa daong : at sila&#039;y nangahintakutan . Datapuwa&#039;t sinabi niya sa kanila , Ako nga ; huwag kayong mangatakot . Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong : at pagdaka&#039;y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa . Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na doo&#039;y walang ibang daong , kundi isa , at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad , kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag ( Gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon ) : Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus , ni ang kaniyang mga alagad man , ay nagsilulan sila sa mga daong , at nagsidating sa Capernaum , na hinahanap si Jesus . At nang siya&#039;y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat , ay kanilang sinabi sa kanila , Rabi , kailan ka dumating dito ? Sinagot sila ni Jesus at sinabi , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ako&#039;y inyong hinahanap , hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda , kundi dahil sa kayo&#039;y nagsikain ng tinapay , at kayo&#039;y nangabusog . Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis , kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan , na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao : sapagka&#039;t siyang tinatakan ng Ama , sa makatuwid baga&#039;y ang Dios . Sinabi nga nila sa kaniya , Ano ang kinakailangan naming gawin , upang aming magawa ang mga gawa ng Dios ? Sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Ito ang gawa ng Dios , na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo . Sinabi nga nila sa kaniya , Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda , upang aming makita , at sampalatayanan ka namin ? ano ang ginagawa mo ? Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang ; gaya ng nasusulat , Tinapay na galing sa langit ang sa kanila&#039;y kaniyang ipinakain . Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit ; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit . Sapagka&#039;t ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit , at nagbibigay buhay sa sanglibutan . Sa kaniya nga&#039;y kanilang sinabi , Panginoon , bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito . Sa kanila&#039;y sinabi ni Jesus , Ako ang tinapay ng kabuhayan : ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom , at ang sumasampalataya sa akin kailan ma&#039;y hindi mauuhaw . Datapuwa&#039;t sinabi ko sa inyo , na nakita ninyo ako , at gayon ma&#039;y hindi kayo nagsisampalataya . Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin ; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy . Sapagka&#039;t bumaba akong mula sa langit , hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban , kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin . At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin , na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman , kundi ibangon sa huling araw . Sapagka&#039;t ito ang kalooban ng aking Ama , na ang bawa&#039;t nakakakita sa Anak , at sa kaniya&#039;y sumampalataya , ay magkaroon ng walang hanggang buhay ; at akin siyang ibabangon sa huling araw . Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit . At kanilang sinabi , Hindi baga ito&#039;y si Jesus , ang anak ni Jose , na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina ? paano ngang sinasabi niya , Ako&#039;y bumabang galing sa langit ? Sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Huwag kayong mangagbulongbulungan . Walang taong makalalapit sa akin , maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya&#039;y magdala sa akin ; at siya&#039;y aking ibabangon sa huling araw . Nasusulat sa mga propeta , At tuturuan silang lahat ng Dios . Ang bawa&#039;t nakarinig sa Ama , at natuto , ay lumalapit sa akin . Hindi sa ang sinoma&#039;y nakakita sa Ama , kundi yaong nanggaling sa Dios , siya ang nakakita sa Ama . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan . Ako ang tinapay ng kabuhayan . Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang , at sila&#039;y nangamatay . Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit , upang ang taong makakain , ay huwag mamatay . Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit : kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito , siya&#039;y mabubuhay magpakailan man : oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman , sa ikabubuhay ng sanglibutan . Ang mga Judio nga&#039;y nangagtatalo , na nangagsasabi , Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman ? Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo , ay wala kayong buhay sa inyong sarili . Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan ; at siya&#039;y aking ibabangon sa huling araw . Sapagka&#039;t ang aking laman ay tunay na pagkain , at ang aking dugo ay tunay na inumin . Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin , at ako&#039;y sa kaniya . Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay , at ako&#039;y nabubuhay dahil sa Ama ; gayon din naman ang kumakain sa akin , siya nama&#039;y mabubuhay dahil sa akin . Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit : hindi gaya ng mga magulang na nagsikain , at nangamatay ; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man . Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga , samantalang siya&#039;y nagtuturo sa Capernaum . Marami nga sa kaniyang mga alagad , nang kanilang marinig ito , ay nangagsabi , Matigas ang pananalitang ito ; sino ang makaririnig noon ? Datapuwa&#039;t pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito , sa kanila&#039;y sinabi , Ito baga&#039;y nakapagpapatisod sa inyo ? Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una ? Ang espiritu nga ang bumubuhay ; sa laman ay walang anomang pinakikinabang : ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu , at pawang buhay . Datapuwa&#039;t may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya . Sapagka&#039;t talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya , at kung sino ang sa kaniya&#039;y magkakanulo . At sinabi niya , Dahil dito&#039;y sinabi ko sa inyo , na walang taong makalalapit sa akin , maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama . Dahil dito&#039;y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod , at hindi na nagsisama sa kaniya . Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa , Ibig baga ninyong magsialis din naman ? Sinagot siya ni Simon Pedro , Panginoon , kanino kami magsisiparoon ? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan . At kami&#039;y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios . Sinagot sila ni Jesus , Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa , at ang isa sa inyo ay diablo ? Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote , sapagka&#039;t siya ang sa kaniya&#039;y magkakanulo , palibhasa&#039;y isa sa labingdalawa . At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea : sapagka&#039;t ayaw siyang maglakad sa Judea , dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya&#039;y patayin . Malapit na nga ang pista ng mga Judio , ang pista ng mga tabernakulo . Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid , Umalis ka rito , at pumaroon ka sa Judea , upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa . Sapagka&#039;t walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim , at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili . Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan . Sapagka&#039;t kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya . Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Hindi pa dumarating ang aking panahon ; datapuwa&#039;t ang inyong panahon ay laging nahahanda . Hindi mangyayaring kayo&#039;y kapootan ng sanglibutan ; nguni&#039;t ako&#039;y kinapopootan , sapagka&#039;t siya&#039;y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa . Mangagsiahon kayo sa pista : ako&#039;y hindi aahon sa pistang ito ; sapagka&#039;t hindi pa nagaganap ang aking panahon . At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito , ay nanahan pa siya sa Galilea . Datapuwa&#039;t nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista , saka naman siya umahon , hindi sa hayag , kundi waring sa lihim . Hinahanap nga siya ng mga Judio sa pista , at kanilang sinasabi , Saan naroon siya ? At nagkaroon ng maraming bulongbulungan tungkol sa kaniya ang karamihan : sinasabi ng ilan , Siya&#039;y taong mabuti ; sinasabi ng mga iba , Hindi gayon , kundi inililigaw niya ang karamihan . Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio . Datapuwa&#039;t nang ang kapistahan nga&#039;y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo , at nagturo . Nagsipanggilalas nga ang mga Judio , na nangagsasabi , Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan , gayong hindi naman nagaral kailan man ? Sinagot nga sila ni Jesus , at sinabi , Ang turo ko ay hindi akin , kundi doon sa nagsugo sa akin . Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban , ay makikilala niya ang turo , kung ito&#039;y sa Dios , o kung ako&#039;y nagsasalita na mula sa aking sarili . Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili&#039;y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian : datapuwa&#039;t ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya&#039;y nagsugo , ang gayon ay totoo , at sa kaniya&#039;y walang kalikuan . Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan , at gayon ma&#039;y wala sa inyong gumaganap ng kautusan ? Bakit ninyo pinagsisikapang ako&#039;y patayin ? Sumagot ang karamihan , Mayroon kang demonio : sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin ? Sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Isang gawa ang aking ginawa , at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon . Ibinigay sa inyo ni Moises ang pagtutuli ( hindi sa ito&#039;y kay Moises , kundi sa mga magulang ) ; at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake . Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath , upang huwag labagin ang kautusan ni Moises ; nangagagalit baga kayo sa akin , dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao sa sabbath ? Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo , kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol . Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem , Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin ? At narito , siya&#039;y hayag na nagsasalita , at walang anomang sinasabi sila sa kaniya . Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo ? Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya : datapuwa&#039;t pagparito ng Cristo , sinoma&#039;y walang makakaalam kung taga saan siya . Sumigaw nga si Jesus sa templo , na nagtuturo at sinasabi , Ako&#039;y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako ; at hindi ako naparito sa aking sarili , datapuwa&#039;t ang nagsugo sa akin ay tunay , na hindi ninyo nakikilala . Siya&#039;y nakikilala ko ; sapagka&#039;t ako&#039;y mula sa kaniya , at siya ang nagsugo sa akin . Pinagsisikapan nga nilang siya&#039;y hulihin : at walang taong sumunggab sa kaniya , sapagka&#039;t hindi pa dumarating ang kaniyang oras . Datapuwa&#039;t sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya ; at kanilang sinasabi , Pagparito ng Cristo , ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito ? Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya ; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang siya&#039;y hulihin . Sinabi nga ni Jesus , Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon , at ako&#039;y paroroon sa nagsugo sa akin . Hahanapin ninyo ako , at hindi ako masusumpungan : at kung saan ako naroroon , ay hindi kayo makaparoroon . Ang mga Judio nga&#039;y nangagsangusapan , Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan ? siya kaya&#039;y paroroon sa nagsisipangalat sa gitna ng mga Griego , at magtuturo sa mga Griego ? Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi , Hahanapin ninyo ako , at hindi ninyo ako masusumpungan ; at kung saan ako naroroon , ay hindi kayo makaparoroon ? Nang huling araw nga , na dakilang araw ng kapistahan , si Jesus ay tumayo at sumigaw , na nagsasabi , Kung ang sinomang tao&#039;y nauuhaw , ay pumarito siya sa akin , at uminom . Ang sumasampalataya sa akin , gaya ng sinasabi ng kasulatan , ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay . ( Nguni&#039;t ito&#039;y sinalita niya tungkol sa Espiritu , na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya : sapagka&#039;t hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu ; sapagka&#039;t si Jesus ay hindi pa niluluwalhati . ) Ang ilan nga sa karamihan , nang marinig ang mga salitang ito , ay nangagsabi , Tunay na ito ang propeta . Sinasabi ng mga iba , Ito nga ang Cristo . Datapuwa&#039;t sinasabi ng ilan , Ano , sa Galilea baga manggagaling ang Cristo ? Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David , at mula sa Bet-lehem , ang nayong kinaroonan ni David ? Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya . At ibig ng ilan sa kanila na siya&#039;y hulihin ; datapuwa&#039;t walang taong sumunggab sa kaniya . Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo ; at sinabi nila sa kanila , Bakit hindi ninyo siya dinala ? Nagsisagot ang mga punong kawal , Kailan ma&#039;y walang taong nagsalita ng gayon . Sinagot nga sila ng mga Fariseo , Kayo baga naman ay nangailigaw rin ? Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno , o ang sinoman sa mga Fariseo ? Datapuwa&#039;t ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa . Sinabi sa kanila ni Nicodemo ( yaong pumaroon kay Jesus nang una , na isa sa kanila ) , Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao , malibang siya muna&#039;y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa ? Sila&#039;y nagsisagot at sinabi sa kaniya , Ikaw baga&#039;y taga Galilea rin ? Siyasatin mo , at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta . Ang bawa&#039;t tao&#039;y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay : Datapuwa&#039;t si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo . At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo , at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya ; at siya&#039;y naupo , at sila&#039;y tinuruan . At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya ; at nang mailagay siya sa gitna , Ay sinabi nila sa kaniya , Guro , nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya . Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan : ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya ? At ito&#039;y kanilang sinabi , na siya&#039;y sinusubok , upang sa kaniya&#039;y may maisumbong sila . Datapuwa&#039;t yumuko si Jesus , at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa . Datapuwa&#039;t nang sila&#039;y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya , ay umunat siya , at sa kanila&#039;y sinabi , Ang walang kasalanan sa inyo , ay siyang unang bumato sa kaniya . At muli siyang yumuko , at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa . At sila , nang ito&#039;y kanilang marinig , ay nagsialis na isa-isa , na nagpasimula sa katandatandaan , hanggang sa kahulihulihan : at iniwang magisa si Jesus at ang babae , sa kinaroroonan nito , sa gitna . At umunat si Jesus , at sa kaniya&#039;y sinabi , Babae , saan sila nangaroroon ? wala bagang taong humatol sa iyo ? At sinabi niya , Wala sinoman , Panginoon . At sinabi ni Jesus , Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo : humayo ka ng iyong lakad ; mula ngayo&#039;y huwag ka nang magkasala . Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus , na sinasabi , Ako ang ilaw ng sanglibutan : ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman , kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan . Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo , Nagpapatotoo ka sa iyong sarili ; hindi totoo ang patotoo mo . Sumagot si Jesus at sa kanila&#039;y sinabi , Bagama&#039;t ako&#039;y nagpapatotoo sa akin din , ay totoo ang aking patotoo ; sapagka&#039;t nalalaman ko kung saan ako nanggaling , at kung saan ako paroroon ; datapuwa&#039;t hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling , o kung saan ako paroroon . Nagsisihatol kayo ayon sa laman ; ako&#039;y hindi humahatol sa kanino mang tao . Oo , at kung ako&#039;y humahatol , ang hatol ko&#039;y totoo ; sapagka&#039;t hindi ako nagiisa , kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin . Oo , at sa inyong kautusan ay nasusulat , na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo . Ako ang nagpapatotoo sa akin din , at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin . Sa kaniya nga&#039;y kanilang sinabi , Saan naroroon ang iyong Ama ? Sumagot si Jesus , Hindi ninyo nakikilala ako , ni ang aking Ama : kung ako&#039;y inyong makilala , ay makikilala rin ninyo ang aking Ama . Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman , nang nagtuturo siya sa templo : at walang taong humuli sa kaniya ; sapagka&#039;t hindi pa dumarating ang kaniyang oras . Muli ngang sinabi niya sa kanila , Yayaon ako , at ako&#039;y inyong hahanapin , at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan : sa aking paroroonan , ay hindi kayo mangakaparoroon . Sinabi nga ng mga Judio , Siya kaya&#039;y magpapakamatay , sapagka&#039;t kaniyang sinabi , Sa aking paroroonan , ay hindi kayo mangakaparoroon . At sa kanila&#039;y kaniyang sinabi , Kayo&#039;y mga taga ibaba ; ako&#039;y taga itaas : kayo&#039;y mga taga sanglibutang ito ; ako&#039;y hindi taga sanglibutang ito . Sinabi ko nga sa inyo , na kayo&#039;y mangamamatay sa inyong mga kasalanan : sapagka&#039;t malibang kayo&#039;y magsisampalataya na ako nga ang Cristo , ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan . Sa kaniya nga&#039;y kanilang sinabi , Sino ka baga ? Sinabi sa kanila ni Jesus , Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una . Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo : gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo ; at ang mga bagay na sa kaniya&#039;y aking narinig , ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan . Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila . Sinabi nga ni Jesus , Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao , saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo , at wala akong ginagawa sa aking sarili , kundi sinalita ko ang mga bagay na ito , ayon sa itinuro sa akin ng Ama . At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin ; hindi niya ako binayaang nagiisa ; sapagka&#039;t ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya&#039;y nakalulugod . Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito , ay maraming nagsisampalataya sa kaniya . Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya , Kung kayo&#039;y magsisipanatili sa aking salita , kung magkagayo&#039;y tunay nga kayong mga alagad ko ; At inyong makikilala ang katotohanan , at ang katotohana&#039;y magpapalaya sa inyo . Sa kaniya&#039;y kanilang isinagot , Kami&#039;y binhi ni Abraham , at kailan ma&#039;y hindi pa naging alipin ninomang tao : paanong sinasabi mo , Kayo&#039;y magiging laya ? Sinagot sila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang bawa&#039;t nagkakasala ay alipin ng kasalanan . At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man : ang anak ang nananahan magpakailan man . Kung palayain nga kayo ng Anak , kayo&#039;y magiging tunay na laya . Talastas ko na kayo&#039;y binhi ni Abraham ; gayon ma&#039;y pinagsisikapan ninyong ako&#039;y patayin , sapagka&#039;t ang salita ko&#039;y hindi magkasiya sa inyo . Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama : at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama . Sila&#039;y nagsisagot at sa kaniya&#039;y sinabi , Si Abraham ang aming ama . Sa kanila&#039;y sinabi ni Jesus , Kung kayo&#039;y mga anak ni Abraham , ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham . Datapuwa&#039;t ngayo&#039;y pinagsisikapan ninyo akong patayin , na taong sa inyo&#039;y nagsaysay ng katotohanan , na aking narinig sa Dios : ito&#039;y hindi ginawa ni Abraham . Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama . Sinabi nila sa kaniya , Hindi kami inianak sa pakikiapid ; may isang Ama kami , ang Dios . Sinabi sa kanila ni Jesus , Kung ang Dios ang inyong ama , ay inyong iibigin ako : sapagka&#039;t ako&#039;y nagmula at nanggaling sa Dios ; sapagka&#039;t hindi ako naparito sa aking sarili , kundi sinugo niya ako . Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita ? sapagka&#039;t hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita . Kayo&#039;y sa inyong amang diablo , at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin . Siya&#039;y isang mamamatay-tao buhat pa nang una , at hindi nananatili sa katotohanan , sapagka&#039;t walang katotohanan sa kaniya . Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan , ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya : sapagka&#039;t siya&#039;y isang sinungaling , at ama nito . Nguni&#039;t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan , ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan . Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan ? Kung sinasabi ko ang katotohanan , bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan ? Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios : dahil dito&#039;y hindi ninyo dinirinig , sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi sa Dios . Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya&#039;y sinabi , Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano , at mayroon kang demonio ? Sumagot si Jesus , Ako&#039;y walang demonio ; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama , at ako&#039;y inyong sinisiraan ng puri . Nguni&#039;t hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian : may isang humahanap at humahatol . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita , ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan . Sinabi ng mga Judio sa kaniya , Ngayo&#039;y nalalaman naming mayroon kang demonio . Namatay si Abraham , at ang mga propeta ; at sinasabi mo , Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita , ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan . Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham , na namatay ? at nangamatay ang mga propeta : sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili ? Sumagot si Jesus , Kung niluluwalhati ko ang aking sarili , ang kaluwalhatian ko ay walang anoman : ang aking Ama&#039;y siyang lumuluwalhati sa akin ; na tungkol sa kaniya&#039;y sinasabi ninyo , na siya&#039;y inyong Dios ; At hindi ninyo siya napagkilala : nguni&#039;t nakikilala ko siya ; at kung aking sasabihin , na hindi ko siya nakikilala , ay ako&#039;y matutulad sa inyo , na sinungaling : datapuwa&#039;t nakikilala ko siya , at tinutupad ko ang kaniyang salita . Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw ; at nakita niya , at natuwa . Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio , Wala ka pang limangpung taon , at nakita mo si Abraham ? Sinabi sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Bago ipinanganak si Abraham , ay ako nga . Sila nga&#039;y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya : datapuwa&#039;t nagtago si Jesus , at lumabas sa templo . At sa pagdaraan niya , ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan . At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad , na nangagsasabi , Rabi , sino ang nagkasala , ang taong ito , o ang kaniyang mga magulang , upang siya&#039;y ipanganak na bulag ? Sumagot si Jesus , Hindi dahil sa ang taong ito&#039;y nagkasala , ni ang kaniyang mga magulang man : kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios . Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin , samantalang araw : dumarating ang gabi , na walang taong makagagawa . Samantalang ako&#039;y nasa sanglibutan , ako ang ilaw ng sanglibutan . Nang masabi niya ang ganito , siya&#039;y lumura sa lupa , at pinapagputik ang lura , at pinahiran ang mga mata niya ng putik , At sinabi sa kaniya , Humayo ka , maghugas ka sa tangke ng Siloe ( na kung liliwanagin ay Sinugo ) . Siya nga&#039;y humayo , at naghugas , at nagbalik na nakakakita . Ang mga kapitbahay nga , at ang nangakakita sa kaniya nang una , na siya&#039;y pulubi , ay nangagsabi , Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos ? Sinabi ng mga iba , Siya nga : sinabi ng mga iba , Hindi , kundi nakakamukha niya . Sinabi niya , Ako nga . Sa kaniya nga&#039;y kanilang sinabi , Paano nga ang pagkadilat ng iyong mga mata ? Sumagot siya , Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik , at pinahiran ang aking mga mata , at sinabi sa akin , Humayo ka sa Siloe , at maghugas ka : kaya&#039;t ako&#039;y humayo at naghugas , at ako&#039;y tumanggap ng paningin . At sinabi nila sa kaniya , Saan naroon siya ? Sinabi niya , Hindi ko nalalaman . Dinala nila sa mga Fariseo siya na nang una&#039;y bulag . Araw nga ng sabbath nang gumawa ng putik si Jesus , at padilatin ang kaniyang mga mata . Muli ngang tinanong naman siya ng mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin . At sinabi niya sa kanila , Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata , at naghugas ako , at ako&#039;y nakakakita . Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi , Ang taong ito&#039;y hindi galing sa Dios , sapagka&#039;t hindi nangingilin sa sabbath . Datapuwa&#039;t sinasabi ng mga iba , Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan ? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila . Muling sinabi nga nila sa bulag , Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya , na siyang nagpadilat ng iyong mga mata ? At kaniyang sinabi , Siya&#039;y isang propeta . Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya , na siya&#039;y naging bulag , at tumanggap ng kaniyang paningin , hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin , At nangagtanong sa kanila , na sinasabi , Ito baga ang inyong anak , na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag ? paano ngang nakakakita siya ngayon ? Nagsisagot ang kaniyang mga magulang , at nangagsabi , Nalalaman naming ito&#039;y aming anak , at siya&#039;y ipinanganak na bulag : Datapuwa&#039;t kung paanong siya&#039;y nakakakita ngayon , ay hindi namin nalalaman ; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata , ay hindi namin nalalaman : tanungin siya ; siya&#039;y may gulang na ; siya&#039;y magsasalita para sa sarili niya . Ang mga bagay na ito&#039;y sinabi ng kaniyang mga magulang , sapagka&#039;t nangatatakot sa mga Judio : sapagka&#039;t pinagkaisahan na ng mga Judio , na kung ang sinomang tao&#039;y ipahayag siya na siya ang Cristo , ay palayasin siya sa sinagoga . Kaya&#039;t sinabi ng kaniyang mga magulang , Siya&#039;y may gulang na ; tanungin siya . Dahil dito&#039;y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag , at sinabi sa kaniya , Luwalhatiin mo ang Dios : nalalaman naming makasalanan ang taong ito . Sumagot nga siya , Kung siya&#039;y makasalanan ay hindi ko nalalaman : isang bagay ang nalalaman ko , na , bagaman ako&#039;y naging bulag , ngayo&#039;y nakakakita ako . Sinabi nga nila sa kaniya , Ano ang ginawa niya sa iyo ? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata ? Sinagot niya sila , Kasasabi ko lamang sa inyo , at hindi ninyo pinakinggan ; bakit ibig ninyong marinig uli ? ibig baga naman ninyong kayo&#039;y maging mga alagad niya ? At siya&#039;y kanilang inalipusta , at sinabi , Ikaw ang alagad niya ; datapuwa&#039;t kami&#039;y mga alagad ni Moises . Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises : datapuwa&#039;t tungkol sa taong ito , ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya . Sumagot ang tao at sa kanila&#039;y sinabi , Narito nga ang kagilagilalas , na hindi ninyo nalalaman kung siya&#039;y taga saan , at gayon ma&#039;y pinadilat niya ang aking mga mata . Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan : datapuwa&#039;t kung ang sinomang tao&#039;y maging mananamba sa Dios , at ginagawa ang kaniyang kalooban , siya&#039;y pinakikinggan niya . Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag . Kung ang taong ito&#039;y hindi galing sa Dios , ay hindi makagagawa ng anoman . Sila&#039;y nagsisagot at sa kaniya&#039;y sinabi , Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan , at ikaw baga ang nagtuturo sa amin ? At siya&#039;y pinalayas nila . Nabalitaan ni Jesus na siya&#039;y pinalayas nila ; at pagkasumpong sa kaniya , ay sinabi niya , Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios ? Sumagot siya at sinabi . At sino baga siya , Panginoon , upang ako&#039;y sumampalataya sa kaniya ? Sinabi sa kaniya ni Jesus , Siya&#039;y nakita mo na , at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo . At sinabi niya , Panginoon , sumasampalataya ako . At siya&#039;y sinamba niya . At sinabi ni Jesus , Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito , upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita ; at upang ang mga nakakakita , ay maging mga bulag . Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito , at sinabi sa kaniya , Kami baga naman ay mga bulag din ? Sa kanila&#039;y sinabi ni Jesus , Kung kayo&#039;y mga bulag , ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan : datapuwa&#039;t ngayo&#039;y sinasabi ninyo , Kami&#039;y nangakakakita : nananatili ang inyong kasalanan . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan , ang gayon ay tulisan at magnanakaw . Datapuwa&#039;t ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa . Binubuksan siya ng bantaypinto ; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig : at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan , at sila&#039;y inihahatid sa labas . Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya , ay pinangungunahan niya sila , at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa : sapagka&#039;t nakikilala nila ang kaniyang tinig . At sa iba&#039;y hindi sila magsisisunod , kundi magsisitakas sa kaniya : sapagka&#039;t hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba . Sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito : datapuwa&#039;t hindi nila napagunawa kung anong mga bagay ang sa kanila&#039;y sinasalita . Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ako ang pintuan ng mga tupa . Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan : datapuwa&#039;t hindi sila dininig ng mga tupa . Ako ang pintuan ; ang sinomang taong pumasok sa akin , ay siya&#039;y maliligtas , at papasok at lalabas , at makasusumpong ng pastulan . Hindi pumaparito ang magnanakaw , kundi upang magnakaw , at pumatay , at pumuksa : ako&#039;y naparito upang sila&#039;y magkaroon ng buhay , at magkaroon ng kasaganaan nito . Ako ang mabuting pastor : ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa . Ang nagpapaupa , at hindi ang pastor , na hindi may-ari ng mga tupa , ay nakikitang dumarating ang lobo , at pinababayaan ang mga tupa , at tumatakas , at inaagaw sila ng lobo , at pinapangangalat : Siya&#039;y tumatakas sapagka&#039;t siya&#039;y upahan , at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa . Ako ang mabuting pastor ; at nakikilala ko ang sariling akin , at ang sariling akin ay nakikilala ako , Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama , at ng sa Ama ay pagkakilala ko ; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa . At mayroon akong ibang mga tupa , na hindi sa kulungang ito : sila&#039;y kailangan din namang dalhin ko , at kanilang diringgin ang aking tinig ; at sila&#039;y magiging isang kawan , at magkakaroon ng isang pastor . Dahil dito&#039;y sinisinta ako ng Ama , sapagka&#039;t ibinibigay ko ang aking buhay , upang kunin kong muli . Sinoma&#039;y hindi nagaalis sa akin nito , kundi kusa kong ibinibigay . May kapangyarihan akong magbigay nito , at may kapangyarihan akong kumuhang muli . Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama . At muling nagkaroon ng isang pagbabahabahagi sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito . At sinasabi ng marami sa kanila , Mayroon siyang demonio , at siya&#039;y nauulol ; bakit ninyo siya pinakikinggan ? Sinasabi ng mga iba , Hindi sa inaalihan ng demonio ang mga sabing ito . Maaari bagang ang demonio ay makapagpadilat ng mga mata ng bulag ? At niyao&#039;y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem : Noo&#039;y tagginaw ; at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Salomon . Nilibot nga siya ng mga Judio , at sa kaniya&#039;y sinabi , Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami ? Kung ikaw ang Cristo , ay sabihin mong maliwanag sa amin . Sinagot sila ni Jesus , Sinabi ko sa inyo , at hindi kayo nagsisampalataya : ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama , ay siyang nangagpapatotoo sa akin . Datapuwa&#039;t hindi kayo nagsisampalataya , sapagka&#039;t hindi kayo sa aking mga tupa . Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig , at sila&#039;y aking nakikilala , at sila&#039;y nagsisisunod sa akin : At sila&#039;y binibigyan ko ng walang hanggang buhay ; at kailan ma&#039;y hindi sila malilipol , at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay . Ang aking Ama , na sa kanila ay nagbigay sa akin , ay lalong dakila kay sa lahat ; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama . Ako at ang Ama ay iisa . Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya&#039;y batuhin . Sinagot sila ni Jesus , Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo ; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin ? Sinagot siya ng mga Judio , Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin , kundi sa pamumusong ; at sapagka&#039;t ikaw , bagaman ikaw ay tao , ay nagpapakunwari kang Dios . Sinagot sila ni Jesus , Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan , Aking sinabi , Kayo&#039;y mga dios ? Kung tinawag niyang mga dios , yaong mga dinatnan ng salita ng Dios ( at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan ) , Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya , na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan , Ikaw ay namumusong ; sapagka&#039;t sinasabi ko , Ako ang anak ng Dios ? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama , ay huwag ninyo akong sampalatayanan . Datapuwa&#039;t kung ginagawa ko , ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin , ay magsisampalataya kayo sa mga gawa ; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin , at ako&#039;y nasa Ama . Muling pinagsikapan nilang siya&#039;y hulihin : at siya&#039;y tumakas sa kanilang mga kamay . At siya&#039;y muling naparoon sa dako pa roon ng Jordan sa dako nang una&#039;y pinagbautismuhan ni Juan ; at siya&#039;y tumira doon . At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya ; at kanilang sinabi , Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda : nguni&#039;t lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo . At marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya roon . Isang tao nga na may-sakit , si Lazaro na taga Betania , na nayon ni Maria at ni Marta na kaniyang kapatid . At ito&#039;y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento , at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok , na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit . Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae , na nagsasabi , Panginoon , narito , siya na iyong iniibig ay may-sakit . Nguni&#039;t pagkarinig ni Jesus nito , ay sinabi niya , Ang sakit na ito&#039;y hindi sa ikamamatay , kundi sa ikaluluwalhati ng Dios , upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon . Iniibig nga ni Jesus si Marta , at ang kaniyang kapatid na babae , at si Lazaro . Nang mabalitaan nga niya na siya&#039;y may-sakit , siya&#039;y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya . Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad , Tayo nang muli sa Judea . Sinabi sa kaniya ng mga alagad , Rabi , ngayo&#039;y pinagsisikapang batuhin ka ng mga Judio ; at muli kang paroroon doon ? Sumagot si Jesus , Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras ? Kung ang isang tao&#039;y lumalakad samantalang araw , ay hindi siya natitisod , sapagka&#039;t nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito . Nguni&#039;t ang isang taong lumalakad samantalang gabi , ay natitisod siya , sapagka&#039;t walang ilaw sa kaniya . Ang mga bagay na ito&#039;y sinalita niya : at pagkatapos nito&#039;y sinabi niya sa kanila , Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog ; nguni&#039;t ako&#039;y paroroon , upang gisingin ko siya sa pagkakatulog . Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya , Panginoon , kung siya&#039;y natutulog , ay siya&#039;y gagaling . Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay : datapuwa&#039;t sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog . Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw , Si Lazaro ay patay . At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako&#039;y wala roon , upang kayo&#039;y magsipaniwala ; gayon ma&#039;y tayo na sa kaniya . Si Tomas nga , na tinatawag na Didimo , ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad , Tayo&#039;y magsiparoon din naman , upang tayo&#039;y mangamatay na kasama niya . Kaya&#039;t nang dumating si Jesus , ay naratnan niyang apat na araw na siya&#039;y nalilibing . Ang Betania nga&#039;y malapit sa Jerusalem , na may layong labing-limang estadio ; At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria , upang sila&#039;y aliwin tungkol sa kanilang kapatid . Si Marta nga , nang marinig niyang si Jesus ay dumarating , ay yumaon at sumalubong sa kaniya : nguni&#039;t si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay . Sinabi nga ni Marta kay Jesus , Panginoon , kung ikaw sana&#039;y narito , disin ang kapatid ko ay hindi namatay . At ngayon man nama&#039;y nalalaman ko na , anomang hingin mo sa Dios , ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Magbabangon uli ang iyong kapatid . Si Marta ay nagsabi sa kaniya , Nalalaman ko na siya&#039;y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ako ang pagkabuhay na maguli , at ang kabuhayan : ang sumasampalataya sa akin , bagama&#039;t siya&#039;y mamatay , gayon ma&#039;y mabubuhay siya ; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man . Sinasampalatayanan mo baga ito ? Sinabi niya sa kaniya , Oo , Panginoon : sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios , sa makatuwid baga&#039;y ang naparirito sa sanglibutan . At nang masabi na niya ito , ay yumaon siya , at tinawag ng lihim si Maria na kapatid niya , na sinasabi , Ang Guro ay narito , at tinatawag ka . At siya , nang marinig niya ito , ay nagtindig na madali , at pumaroon sa kaniya . ( Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon , kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta . ) Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay , at nangagsisialiw sa kaniya , pagkakita nilang si Maria , na siya&#039;y nagtindig na madali at lumabas , ay nagsisunod sa kaniya , na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo&#039;y tumangis . Si Maria nga , pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus , at pagkakita sa kaniya , ay nagpatirapa sa kaniyang paanan , na sinabi sa kaniya , Panginoon , kung ikaw sana&#039;y narito , disin ay hindi namatay ang aking kapatid . Nang makita nga ni Jesus na siya&#039;y tumatangis , at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating , ay nalagim siya sa espiritu , at nagulumihanan , At sinabi , Saan ninyo siya inilagay ? Sinabi nila sa kaniya , Panginoon , halika at tingnan mo . Tumangis si Jesus . Sinabi nga ng mga Judio , Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya ! Datapuwa&#039;t ang ilan sa kanila&#039;y nagsipagsabi , Hindi baga magagawa ng taong ito , na nagpadilat ng mga mata ng bulag , na ang taong ito naman ay huwag mamatay ? Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan . Yaon nga&#039;y isang yungib , at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon . Sinabi ni Jesus , Alisin ninyo ang bato . Si Marta , na kapatid niyaong namatay , ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka&#039;t may apat na araw nang siya&#039;y namamatay . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Di baga sinabi ko sa iyo , na , kung ikaw ay sasampalataya , ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios ? Kaya&#039;t inalis nila ang bato . At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata , at sinabi , Ama , nagpapasalamat ako sa iyo , na ako&#039;y iyong dininig . At nalalaman ko na ako&#039;y lagi mong dinirinig : nguni&#039;t ito&#039;y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot , upang sila&#039;y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin . At nang masabi niya ang gayon , ay sumigaw siya ng malakas na tinig , Lazaro , lumabas ka . Siya na patay ay lumabas , na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing ; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo . Sinabi sa kanila ni Jesus , Siya&#039;y inyong kalagan , at bayaan ninyo siyang yumaon . Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa niya , ay nagsisampalataya sa kaniya . Datapuwa&#039;t ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo , at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus . Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong , at nagsipagsabi , Ano ang ginagawa natin ? sapagka&#039;t ang taong ito&#039;y gumagawa ng maraming tanda . Kung siya&#039;y ating pabayaang gayon , ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya : at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa . Nguni&#039;t ang isa sa kanila na si Caifas , na dakilang saserdote nang taong yaon , ay nagsabi sa kanila , Kayo&#039;y walang nalalamang anoman . Ni inyong niwawari na sa inyo&#039;y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan , at hindi ang buong bansa ay mapahamak . Ito nga&#039;y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili : kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon , ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa ; At hindi dahil sa bansa lamang , kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat . Kaya&#039;t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya . Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio , kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang , sa isang bayan na tinatawag na Efraim ; at siya&#039;y nanahanan doong kasama ng mga alagad . Ang paskua nga ng mga Judio ay malapit na : at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua , upang magsipaglinis . Pinaghahanap nga nila si Jesus , at pinaguusapan ng isa&#039;t isa , samantalang nangakatayo sila sa templo , Anong akala ninyo ? Na hindi na kaya siya paririto sa pista ? Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos , na , kung ang sinomang tao&#039;y nakakaalam ng kung saan siya naroroon , ay dapat niyang ihayag , upang kanilang madakip siya . Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania , na kinaroroonan ni Lazaro , na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay . Kaya&#039;t iginawa siya doon ng isang hapunan : at si Marta ay naglilingkod ; datapuwa&#039;t si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya . Si Maria nga&#039;y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo , na totoong mahalaga , at pinahiran ang mga paa ni Jesus , at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok : at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento . Datapuwa&#039;t si Judas Iscariote , na isa sa kaniyang mga alagad , na sa kaniya&#039;y magkakanulo , ay nagsabi , Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario , at ibigay sa mga dukha ? Ito&#039;y sinabi nga niya , hindi sapagka&#039;t ipinagmalasakit niya ang mga dukha ; kundi sapagka&#039;t siya&#039;y magnanakaw , at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay . Sinabi nga ni Jesus , Pabayaan ninyong ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin . Sapagka&#039;t ang mga dukha ay laging nasa inyo ; nguni&#039;t ako&#039;y hindi laging nasa inyo . Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya&#039;y naroroon : at sila&#039;y nagsiparoon , hindi dahil kay Jesus lamang , kundi upang makita nila si Lazaro naman , na muling ibinangon niya mula sa mga patay . Datapuwa&#039;t nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro ; Sapagka&#039;t dahil sa kaniya&#039;y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus . Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista , pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem , Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma , at nagsilabas na sumalubong sa kaniya , na nagsisigawan , Hosanna : Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y ang Hari ng Israel . At si Jesus , pagkasumpong sa isang batang asno , ay sumakay doon , gaya ng nasusulat , Huwag kang matakot , anak na babae ng Sion : narito , ang iyong Hari ay pumaparito , na nakasakay sa isang anak ng asno . Ang mga bagay na ito ay hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula : nguni&#039;t nang si Jesus ay maluwalhati na , ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya , at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya . Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan , at siya&#039;y ibangon sa mga patay , ay siyang nangagpapatotoo . Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya , sapagka&#039;t nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito . Ang mga Fariseo nga&#039;y nangagsangusapan , Tingnan ninyo kung paanong kayo&#039;y walang anomang ikapanaig ; narito , ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya . Mayroon ngang ilang Griego sa nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba : Ang mga ito nga&#039;y nagsilapit kay Felipe , na taga Betsaida ng Galilea , at nagsipamanhik sa kaniya , na sinasabi , Ginoo , ibig sana naming makita si Jesus . Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres : lumapit si Andres , at si Felipe , at kanilang sinabi kay Jesus . At sinagot sila ni Jesus , na nagsasabi , Dumating na ang oras , na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay , ay natitira siyang magiisa ; nguni&#039;t kung mamatay , ay nagbubunga ng marami . Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito ; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan . Kung ang sinomang tao&#039;y naglilingkod sa akin , ay sumunod sa akin ; at kung saan ako naroroon , ay doon naman doroon ang lingkod ko : kung ang sinomang tao&#039;y maglingkod sa akin , ay siya&#039;y pararangalan ng Ama . Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa ; at ano ang aking sasabihin ? Ama , iligtas mo ako sa oras na ito . Nguni&#039;t dahil dito ay naparito ako sa oras na ito . Ama , luwalhatiin mo ang iyong pangalan . Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit , na nagsasabi , Niluwalhati ko na , at muli kong luluwalhatiin . Ang karamihan ngang nangaroroon , at nangakarinig , ay nagsipagsabing kumulog : sinabi ng mga iba , Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya . Sumagot si Jesus at sinabi , Ang tinig na ito&#039;y hindi dumating dahil sa akin , kundi dahil sa inyo . Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito : ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin . At ako , kung ako&#039;y mataas na mula sa lupa , ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din . Datapuwa&#039;t ito&#039;y sinabi niya , na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya . Sinagot nga siya ng karamihan , Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man : at paanong sinasabi mo , Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas ? sino ang Anak ng taong ito ? Sinabi nga sa kanila ni Jesus , Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw . Kayo&#039;y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw , upang huwag kayong abutin ng kadiliman : at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo . Samantalang nasa inyo ang ilaw , ay magsisampalataya kayo sa ilaw , upang kayo&#039;y maging mga anak ng ilaw . Ang mga bagay na ito&#039;y sinalita ni Jesus , at siya&#039;y umalis at nagtago sa kanila . Nguni&#039;t bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda , gayon ma&#039;y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya : Upang maganap ang salita ng propeta Isaias , na kaniyang sinalita , Panginoon , sino ang naniwala sa aming balita ? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon ? Dahil dito&#039;y hindi sila makapaniwala , sapagka&#039;t muling sinabi ni Isaias , Binulag niya ang kanilang mga mata , at pinatigas niya ang kanilang mga puso ; Baka sila&#039;y mangakakita ng kanilang mga mata , at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob , At sila&#039;y mapagaling ko . Ang mga bagay na ito&#039;y sinabi ni Isaias , sapagka&#039;t nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian ; at siya&#039;y nagsalita ng tungkol sa kaniya . Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya ; datapuwa&#039;t dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag , baka sila&#039;y mapalayas sa sinagoga : Sapagka&#039;t iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios . At si Jesus ay sumigaw at nagsabi , Ang sumasampalataya sa akin , ay hindi sa akin sumasampalataya , kundi doon sa nagsugo sa akin . At ang nakakita sa akin , ay nakakita doon sa nagsugo sa akin . Ako&#039;y naparito na isang ilaw sa sanglibutan , upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman . At kung ang sinomang tao&#039;y nakikinig sa aking mga pananalita , at hindi ingatan , ay hindi ko siya hinahatulan : sapagka&#039;t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan , kundi upang iligtas ang sanglibutan . Ang nagtatakuwil sa akin , at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita , ay mayroong isang hahatol sa kaniya : ang salitang aking sinalita , ay siyang sa kaniya&#039;y hahatol sa huling araw . Sapagka&#039;t ako&#039;y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili ; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo , ay siyang nagbigay sa akin ng utos , kung ano ang dapat kong sabihin , at kung ano ang dapat kong salitain . At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan ; ang mga bagay nga na sinasalita ko , ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama , gayon ko sinasalita . Bago nga magpista ng paskua , sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama , sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan , ay inibig niya sila hanggang sa katapusan . At habang humahapon , nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote , na anak ni Simon , ang pagkakanulo sa kaniya . Si Jesus , sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay , at siya&#039;y nanggaling sa Dios , at sa Dios din paroroon , Ay nagtindig sa paghapon , at itinabi ang kaniyang mga damit ; at siya&#039;y kumuha ng isang toalya , at ibinigkis sa kaniyang sarili . Nang magkagayo&#039;y nagsalin ng tubig sa kamaw , at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad , at kinuskos ng toalya na sa kaniya&#039;y nakabigkis . Sa gayo&#039;y lumapit siya kay Simon Pedro . Sinabi niya sa kaniya , Panginoon , huhugasan mo baga ang aking mga paa ? Sumagot si Jesus at sa kaniya&#039;y sinabi , Ang ginagawa ko&#039;y hindi mo nalalaman ngayon ; datapuwa&#039;t mauunawa mo pagkatapos . Sinabi sa kaniya ni Pedro , Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man . Sinagot siya ni Jesus , Kung hindi kita huhugasan , ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin . Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro , Panginoon , hindi ang aking mga paa lamang , kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa , sapagka&#039;t malinis nang lubos : at kayo&#039;y malilinis na , nguni&#039;t hindi ang lahat . Sapagka&#039;t nalalaman niya ang sa kaniya&#039;y magkakanulo ; kaya&#039;t sinabi niya , Hindi kayong lahat ay malilinis . Kaya&#039;t nang mahugasan niya ang kanilang mga paa , at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo , ay sinabi niya sa kanila , Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo ? Tinatawag ninyo akong Guro , at Panginoon : at mabuti ang inyong sinasabi ; sapagka&#039;t ako nga . Kung ako nga , na Panginoon at Guro , ay naghugas ng inyong mga paa , kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa&#039;t isa . Sapagka&#039;t kayo&#039;y binigyan ko ng halimbawa , upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon ; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya . Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito , kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin . Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat : nalalaman ko ang aking mga hinirang : nguni&#039;t upang matupad ang kasulatan , Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin . Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari , upang , pagka nangyari , kayo&#039;y magsisampalataya na ako nga . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap ; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin . Nang masabing gayon ni Jesus , siya&#039;y nagulumihanan sa espiritu , at pinatotohanan , at sinabi , Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , na ako&#039;y ipagkakanulo ng isa sa inyo . Ang mga alagad ay nangagtingintinginan , na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita . Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad , na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus . Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro , at sinabi sa kaniya , Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya . Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , sino yaon ? Sumagot nga si Jesus , Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga . Kaya&#039;t nang maisawsaw niya ang tinapay , ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas , na anak ni Simon Iscariote . At pagkatapos na maisubo , si Satanas nga ay pumasok sa kaniya . Sinabi nga sa kaniya ni Jesus , Ang ginagawa mo , ay gawin mong madali . Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito . Sapagka&#039;t iniisip ng ilan , na sapagka&#039;t si Judas ang may tangan ng supot , ay sinabi ni Jesus sa kaniya , Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista ; o , magbigay siya ng anoman sa mga dukha . Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad : at noo&#039;y gabi na . Nang siya nga&#039;y makalabas na , ay sinabi ni Jesus , Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao , at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya : At luluwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili , at pagdaka&#039;y luluwalhatiin siya niya . Maliliit na anak , sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon . Ako&#039;y inyong hahanapin : at gaya ng sinabi ko sa mga Judio , Sa paroroonan ko , ay hindi kayo mangakaparoon : gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon . Isang bagong utos ang sa inyo&#039;y ibinibigay ko , na kayo&#039;y mangagibigan sa isa&#039;t isa : na kung paanong iniibig ko kayo , ay mangagibigan naman kayo sa isa&#039;t isa . Sa ganito&#039;y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad , kung kayo&#039;y may pagibig sa isa&#039;t isa . Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro , Panginoon , saan ka paroroon ? Sumagot si Jesus , Sa paroroonan ko , ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon : nguni&#039;t pagkatapos ay makasusunod ka . Sinabi sa kaniya ni Pedro , Panginoon , bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon ? Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo . Sumagot si Jesus . Ang buhay mo baga&#039;y iyong ibibigay dahil sa akin ? Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Hindi titilaok ang manok , hanggang ikaila mo akong makaitlo . Huwag magulumihanan ang inyong puso : magsisampalataya kayo sa Dios , magsisampalataya naman kayo sa akin . Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan ; kung di gayon , ay sinabi ko sana sa inyo ; sapagka&#039;t ako&#039;y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan . At kung ako&#039;y pumaroon at kayo&#039;y maipaghanda ng kalalagyan , ay muling paririto ako , at kayo&#039;y tatanggapin ko sa aking sarili ; upang kung saan ako naroroon , kayo naman ay dumoon . At kung saan ako paroroon , ay nalalaman ninyo ang daan . Sinabi sa kaniya ni Tomas , Panginoon , hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon ; paano ngang malalaman namin ang daan ? Sinabi sa kaniya ni Jesus , Ako ang daan , at ang katotohanan , at ang buhay : sinoman ay di makaparoroon sa Ama , kundi sa pamamagitan ko . Kung ako&#039;y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama : buhat ngayon siya&#039;y inyong mangakikilala , at siya&#039;y inyong nakita . Sinabi sa kaniya ni Felipe , Panginoon , ipakita mo sa amin ang Ama , at sukat na ito sa amin . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Malaon nang panahong ako&#039;y inyong kasama , at hindi mo ako nakikilala , Felipe ? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama ; paanong sinasabi mo , Ipakita mo sa amin ang Ama ? Hindi ka baga nananampalataya na ako&#039;y nasa Ama , at ang Ama ay nasa akin ? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo&#039;y hindi ko sinasalita sa aking sarili : kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa . Magsisampalataya kayo sa akin na ako&#039;y nasa Ama , at ang Ama ay nasa akin : o kungdi kaya&#039;y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Ang sa akin ay sumasampalataya , ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa ; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya ; sapagka&#039;t ako&#039;y paroroon sa Ama . At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan , ay yaon ang aking gagawin , upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak . Kung kayo&#039;y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko , ay yaon ang aking gagawin . Kung ako&#039;y inyong iniibig , ay tutuparin ninyo ang aking mga utos . At ako&#039;y dadalangin sa Ama , at kayo&#039;y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw , upang siyang suma inyo magpakailan man , Sa makatuwid baga&#039;y ang Espiritu ng katotohanan : na hindi matatanggap ng sanglibutan ; sapagka&#039;t hindi nito siya nakikita , ni nakikilala man siya : siya&#039;y nakikilala ninyo ; sapagka&#039;t siya&#039;y tumatahan sa inyo , at sasa inyo . Hindi ko kayo iiwang magisa : ako&#039;y paririto sa inyo . Kaunti pang panahon , at hindi na ako makikita ng sanglibutan ; nguni&#039;t inyong makikita ako : sapagka&#039;t ako&#039;y nabubuhay , ay mangabubuhay rin naman kayo . Sa araw na yao&#039;y makikilala ninyong ako&#039;y nasa aking Ama , at kayo&#039;y nasa akin , at ako&#039;y nasa inyo . Ang mayroon ng aking mga utos , at tinutupad ang mga yaon , ay siyang umiibig sa akin : at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama , at siya&#039;y iibigin ko , at ako&#039;y magpapakahayag sa kaniya . Si Judas ( hindi ang Iscariote ) ay nagsabi sa kaniya , Panginoon , ano&#039;t mangyayari na sa amin ka magpapakahayag , at hindi sa sanglibutan ? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya , Kung ang sinoman ay umiibig sa akin , ay kaniyang tutuparin ang aking salita : at siya&#039;y iibigin ng aking Ama , at kami&#039;y pasasa kaniya , at siya&#039;y gagawin naming aming tahanan . Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita : at ang salitang inyong narinig ay hindi akin , kundi sa Amang nagsugo sa akin . Ang mga bagay na ito&#039;y sinalita ko sa inyo , samantalang ako&#039;y tumatahang kasama pa ninyo . Datapuwa&#039;t ang Mangaaliw , sa makatuwid baga&#039;y ang Espiritu Santo , na susuguin ng Ama sa aking pangalan , siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay , at magpapaalaala ng lahat na sa inyo&#039;y aking sinabi . Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo ; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo : hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan , ang ibinibigay ko sa inyo . Huwag magulumihanan ang inyong puso , ni matakot man . Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo , Papanaw ako , at paririto ako sa inyo . Kung ako&#039;y inyong iniibig , kayo&#039;y mangagagalak , dahil sa ako&#039;y pasasa Ama : sapagka&#039;t ang Ama ay lalong dakila kay sa akin . At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari , upang , kung ito&#039;y mangyari , ay magsisampalataya kayo . Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo , sapagka&#039;t dumarating ang prinsipe ng sanglibutan : at siya&#039;y walang anoman sa akin ; Datapuwa&#039;t upang maalaman ng sanglibutan na ako&#039;y umiibig sa Ama , at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama , ay gayon din ang aking ginagawa . Magsitindig kayo , at magsialis tayo rito . Ako ang tunay na puno ng ubas , at ang aking Ama ang magsasaka . Ang bawa&#039;t sanga na sa akin ay hindi nagbubunga , ay inaalis niya : at ang bawa&#039;t sanga na nagbubunga ay nililinis niya , upang lalong magbunga . Kayo&#039;y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo&#039;y aking sinalita . Kayo&#039;y manatili sa akin , at ako&#039;y sa inyo . Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno ; gayon din naman kayo , maliban na kayo&#039;y manatili sa akin . Ako ang puno ng ubas , kayo ang mga sanga : Ang nananatili sa akin , at ako&#039;y sa kaniya , ay siyang nagbubunga ng marami : sapagka&#039;t kung kayo&#039;y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa . Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin , ay siya&#039;y matatapong katulad ng sanga , at matutuyo ; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy , at mangasusunog . Kung kayo&#039;y magsipanatili sa akin , at ang mga salita ko&#039;y magsipanatili sa inyo , ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin , at gagawin sa inyo . Sa ganito&#039;y lumuluwalhati ang aking Ama , na kayo&#039;y magsipagbunga ng marami ; at gayon kayo&#039;y magiging aking mga alagad . Kung paanong inibig ako ng Ama , ay gayon din naman iniibig ko kayo : magsipanatili kayo sa aking pagibig . Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos , ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig ; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama , at ako&#039;y nananatili sa kaniyang pagibig . Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo , upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo , at upang ang inyong kagalakan ay malubos . Ito ang aking utos , na kayo&#039;y mangagibigan sa isa&#039;t isa , na gaya ng pagibig ko sa inyo . Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito , na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan . Kayo&#039;y aking mga kaibigan , kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo . Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin ; sapagka&#039;t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon : nguni&#039;t tinatawag ko kayong mga kaibigan ; sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo . Ako&#039;y hindi ninyo hinirang , nguni&#039;t kayo&#039;y hinirang ko , at aking kayong inihalal , upang kayo&#039;y magsiyaon at magsipagbunga , at upang manatili ang inyong bunga : upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan , ay maibigay niya sa inyo . Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo , upang kayo&#039;y mangagibigan sa isa&#039;t isa . Kung kayo&#039;y kinapopootan ng sanglibutan , ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo . Kung kayo&#039;y taga sanglibutan , ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili : nguni&#039;t sapagka&#039;t kayo&#039;y hindi taga sanglibutan , kundi kayo&#039;y hinirang ko sa sanglibutan , kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan . Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo&#039;y aking sinabi , Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon . Kung ako&#039;y kanilang pinagusig , kayo man ay kanilang paguusigin din ; kung tinupad nila ang aking salita , ang inyo man ay tutuparin din . Datapuwa&#039;t ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan , sapagka&#039;t hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo . Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila , ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan : datapuwa&#039;t ngayo&#039;y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan . Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama . Kung ako sana&#039;y hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba , ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan : datapuwa&#039;t ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama . Nguni&#039;t nangyari ito , upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan , Ako&#039;y kinapootan nila na walang kadahilanan . Datapuwa&#039;t pagparito ng Mangaaliw , na aking susuguin sa inyo mula sa Ama , sa makatuwid baga&#039;y ang Espiritu ng katotohanan , na nagbubuhat sa Ama , ay siyang magpapatotoo sa akin : At kayo naman ay magpapatotoo , sapagka&#039;t kayo&#039;y nangakasama ko buhat pa nang una . Ang mga bagay na ito&#039;y aking sinalita sa inyo , upang kayo&#039;y huwag mangatisod . Kayo&#039;y palalayasin nila sa mga sinagoga : oo , dumarating ang oras , na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios . At ang mga bagay na ito&#039;y gagawin nila , sapagka&#039;t hindi nila nakikilala ang Ama , ni ako man . Datapuwa&#039;t ang mga bagay na ito&#039;y sinalita ko sa inyo , upang kung dumating ang kanilang oras , ay inyong mangaalaala , kung paanong sinabi ko sa inyo . At ang mga bagay na ito&#039;y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una , sapagka&#039;t ako&#039;y sumasa inyo . Datapuwa&#039;t ngayong ako&#039;y paroroon sa nagsugo sa akin ; at sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin , Saan ka paroroon ? Nguni&#039;t sapagka&#039;t sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo , ay napuno ng kalumbayan ang inyong puso . Gayon ma&#039;y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan : Nararapat sa inyo na ako&#039;y yumaon ; sapagka&#039;t kung hindi ako yayaon , ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo ; nguni&#039;t kung ako&#039;y yumaon , siya&#039;y susuguin ko sa inyo . At siya , pagparito niya , ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan , at sa katuwiran , at sa paghatol : Tungkol sa kasalanan , sapagka&#039;t hindi sila nagsisampalataya sa akin ; Tungkol sa katuwiran , sapagka&#039;t ako&#039;y paroroon sa Ama , at hindi na ninyo ako makikita ; Tungkol sa paghatol , sapagka&#039;t ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na . Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin , nguni&#039;t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis . Gayon ma&#039;y kung siya , ang Espiritu ng katotohanan ay dumating , ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan : sapagka&#039;t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili ; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig , ang mga ito ang kaniyang sasalitain : at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating . Luluwalhatiin niya ako : sapagka&#039;t kukuha siya sa nasa akin , at sa inyo&#039;y ipahahayag . Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin : kaya sinabi ko , na siya&#039;y kukuha sa nasa akin , at sa inyo&#039;y ipahahayag . Sangdali na lamang , at ako&#039;y hindi na ninyo makikita ; at muling sandali pa , at ako&#039;y inyong makikita . Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan , Ano itong sinasabi niya sa atin , Sangdali na lamang , at ako&#039;y hindi na ninyo makikita ; at muling sangdali pa , at ako&#039;y inyong makikita : at , Sapagka&#039;t ako&#039;y paroroon sa Ama ? Sinabi nga nila , Ano nga itong sinasabi niya , Sangdali na lamang ? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya . Natalastas ni Jesus na sa kaniya&#039;y ibig nilang itanong , at sa kanila&#039;y sinabi niya , Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi , Sangdali na lamang , at ako&#039;y hindi na ninyo makikita , at muling sangdali pa , at ako&#039;y inyong makikita ? Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , na kayo&#039;y magsisiiyak at magsisipanaghoy , datapuwa&#039;t ang sanglibutan ay magagalak : kayo&#039;y mangalulumbay , datapuwa&#039;t ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan . Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay , sapagka&#039;t dumating ang kaniyang oras : nguni&#039;t pagkapanganak niya sa sanggol , ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan . At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan : nguni&#039;t muli ko kayong makikita , at magagalak ang inyong puso , at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan . At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo , Kung kayo&#039;y hihingi ng anoman sa Ama , ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan . Hanggang ngayo&#039;y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko : kayo&#039;y magsihingi , at kayo&#039;y tatanggap , upang malubos ang inyong kagalakan . Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita : darating ang oras , na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita , kundi maliwanag na sa inyo&#039;y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama . Sa araw na yao&#039;y magsisihingi kayo sa aking pangalan : at sa inyo&#039;y hindi ko sinasabi , na kayo&#039;y idadalangin ko sa Ama ; Sapagka&#039;t ang Ama rin ang umiibig sa inyo , sapagka&#039;t ako&#039;y inyong inibig , at kayo&#039;y nagsisampalataya na ako&#039;y nagbuhat sa Ama . Nagbuhat ako sa Ama , at naparito ako sa sanglibutan : muling iniiwan ko ang sanglibutan , at ako&#039;y paroroon sa Ama . Sinasabi ng kaniyang mga alagad , Narito , ngayo&#039;y nagsasalita kang malinaw , at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita . Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay , at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman : dahil dito&#039;y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios . Sinagot sila ni Jesus , Ngayon baga&#039;y nagsisisampalataya kayo ? Narito , ang oras ay dumarating , oo , dumating na , na kayo&#039;y mangangalat , ang bawa&#039;t tao sa kanikaniyang sarili , at ako&#039;y iiwan ninyong magisa : at gayon ma&#039;y hindi ako nagiisa , sapagka&#039;t ang Ama ay sumasa akin . Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo , upang kayo&#039;y magkaroon sa akin ng kapayapaan . Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian : nguni&#039;t laksan ninyo ang loob ; aking dinaig ang sanglibutan . Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus ; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit , ay sinabi niya , Ama , dumating na ang oras ; luwalhatiin mo ang iyong Anak , upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak : Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman , upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya . At ito ang buhay na walang hanggan , na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay , at siyang iyong sinugo , sa makatuwid baga&#039;y si Jesucristo . Niluwalhati kita sa lupa , pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin . At ngayon , Ama , luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon . Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan : sila&#039;y iyo , at sila&#039;y ibinigay mo sa akin ; at tinupad nila ang iyong salita . Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo : Sapagka&#039;t ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila ; at kanilang tinanggap , at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo , at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin . Idinadalangin ko sila : hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko , kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo ; sapagka&#039;t sila&#039;y iyo : At ang lahat ng mga bagay ay iyo , at ang mga iyo ay akin : at ako&#039;y lumuluwalhati sa kanila . At wala na ako sa sanglibutan , at ang mga ito ay nasa sanglibutan , at ako&#039;y paririyan sa iyo . Amang Banal , ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin , upang sila&#039;y maging isa , na gaya naman natin . Samantalang ako&#039;y sumasa kanila , ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin : at sila&#039;y binantayan ko , at isa man sa kanila&#039;y walang napahamak , kundi ang anak ng kapahamakan ; upang matupad ang kasulatan . Nguni&#039;t ngayon ay napaririyan ako sa iyo ; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan , upang sila&#039;y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin . Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita : at kinapootan sila ng sanglibutan , sapagka&#039;t hindi sila taga sanglibutan , gaya ko naman na hindi taga sanglibutan . Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan , kundi ingatan mo sila mula sa masama . Hindi sila taga sanglibutan , na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan . Pakabanalin mo sila sa katotohanan : ang salita mo&#039;y katotohanan . Kung paanong ako&#039;y iyong sinugo sa sanglibutan , sila&#039;y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan . At dahil sa kanila&#039;y pinabanal ko ang aking sarili , upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan . Hindi lamang sila ang idinadalangin ko , kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita ; Upang silang lahat ay maging isa ; na gaya mo , Ama , sa akin , at ako&#039;y sa iyo , na sila nama&#039;y suma atin : upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako&#039;y sinugo mo . At ang kaluwalhatiang sa aki&#039;y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila ; upang sila&#039;y maging isa , na gaya naman natin na iisa ; Ako&#039;y sa kanila , at ikaw ay sa akin , upang sila&#039;y malubos sa pagkakaisa ; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo , at sila&#039;y iyong inibig , na gaya ko na inibig mo . Ama , yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon , sila naman ay dumoong kasama ko , upang makita nila ang kaluwalhatian ko , na ibinigay mo sa akin : sapagka&#039;t ako&#039;y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan . Oh Amang banal , hindi ka nakikilala ng sanglibutan , nguni&#039;t nakikilala kita ; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin ; At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan , at ipakikilala ko ; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila , at ako&#039;y sa kanila . Nang masalita ni Jesus ang mga salitang ito , siya&#039;y umalis na kasama ng kaniyang mga alagad na nagsitawid ng batis ng Cedron , na doo&#039;y may isang halamanan , na pinasok niya at ng kaniyang mga alagad . Si Judas nga rin naman , na sa kaniya&#039;y nagkanulo , ay nalalaman ang dako : sapagka&#039;t madalas na si Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon . Si Judas nga , pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal , at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo , ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata . Si Jesus nga , na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya , ay lumabas , at sa kanila&#039;y sinabi , Sino ang inyong hinahanap ? Sinagot niya sila , Si Jesus na taga Nazaret . Sinabi sa kanila ni Jesus , Ako nga . At si Judas din naman , na sa kaniya&#039;y nagkanulo , ay nakatayong kasama nila . Pagkasabi nga niya sa kanila , Ako nga , ay nagsiurong sila , at nangalugmok sa lupa . Muli ngang sila&#039;y tinanong niya , Sino ang inyong hinahanap ? At sinabi nila , Si Jesus na taga Nazaret . Sumagot si Jesus , Sinabi ko sa inyo na ako nga ; kung ako nga ang inyong hinahanap , ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad . Upang matupad ang salitang sinalita niya , Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa . Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito , at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote , at tinagpas ang kaniyang kanang tainga . Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco . Sinabi nga ni Jesus kay Pedro , Isalong mo ang iyong tabak : ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama , ay hindi ko baga iinuman ? Kaya dinakip si Jesus ng pulutong at ng pangulong kapitan , at ng mga punong kawal ng mga Judio , at siya&#039;y ginapos . At siya&#039;y dinala muna kay Anas ; sapagka&#039;t siya&#039;y biyenan ni Caifas , na dakilang saserdote nang taong yaon . Si Caifas nga na siyang nagpayo sa mga Judio , na dapat na ang isang tao&#039;y mamatay dahil sa bayan . At sumunod si Simon Pedro kay Jesus , at gayon din ang isa pang alagad . Ang alagad ngang yaon ay kilala ng dakilang saserdote , at pumasok na kasama ni Jesus sa looban ng dakilang saserdote ; Nguni&#039;t si Pedro ay nakatayo sa pintuan sa labas . Kaya&#039;t ang isang alagad , na kilala ng dakilang saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tanod-pinto , at ipinasok si Pedro . Sinabi nga kay Pedro ng dalagang tanod-pinto , Pati baga ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito ? Sinabi niya , Ako&#039;y hindi . Nangakatayo nga doon ang mga alipin at ang mga punong kawal , na nangagpapaningas ng sigang uling ; sapagka&#039;t maginaw ; at sila&#039;y nangagpapainit : at si Pedro rin naman ay kasama nila , na nakatayo at nagpapainit . Tinanong nga ng dakilang saserdote si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad , at sa kaniyang pagtuturo . Sinagot siya ni Jesus , Ako&#039;y hayag na nagsalita sa sanglibutan ; ako&#039;y laging nagtuturo sa mga sinagoga , at sa templo , na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio ; at wala akong sinalita sa lihim . Bakit ako&#039;y iyong tinatanong ? tanungin mo silang nangakarinig sa akin , kung anong sinalita ko sa kanila : narito , ang mga ito ang nangakakaalam ng mga bagay na sinabi ko . At nang kaniyang masabi ito , ay sinampal si Jesus ng isa sa mga punong kawal na nakatayo roon , na nagsasabi , Ganyan ang pagsagot mo sa dakilang saserdote ? Sinagot siya ni Jesus , Kung ako&#039;y nagsalita ng masama , patotohanan mo ang kasamaan ; datapuwa&#039;t kung mabuti , bakit mo ako sinasampal ? Ipinadala nga siyang gapos ni Anas kay Caifas na dakilang saserdote . Nakatayo nga si Pedro na nagpapainit . Sinabi nga nila sa kaniya , Ikaw baga ay isa rin naman sa kaniyang mga alagad ? Siya&#039;y kumaila , at sinabi , Ako&#039;y hindi . Ang isa sa mga alipin ng dakilang saserdote , na kamaganak niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga , ay nagsabi , Hindi baga ikaw ay nakita kong kasama niya sa halamanan ? Muli ngang kumaila si Pedro : at pagdaka&#039;y tumilaok ang manok . Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa Pretorio : at niyao&#039;y maaga pa ; at sila&#039;y hindi nagsipasok sa Pretorio , upang huwag silang madungisan , upang sila&#039;y mangyaring makakain ng kordero ng paskua . Nilabas nga sila ni Pilato , at sinabi , Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito ? Sila&#039;y nagsisagot at sinabi sa kaniya , Kung ang taong ito&#039;y hindi manggagawa ng masama , ay hindi sana namin dinala sa iyo . Sa kanila nga&#039;y sinabi ni Pilato , Kunin ninyo siya , at siya&#039;y inyong hatulan ayon sa inyong kautusan . Ang mga Judio&#039;y nangagsabi sa kaniya , Sa amin ay hindi naaayon sa kautusan na magpapatay ng sinomang tao : Upang matupad ang salitang sinalita ni Jesus , na ipinaalam kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay . Si Pilato nga&#039;y muling pumasok sa Pretorio , at tinawag si Jesus , at sa kaniya&#039;y sinabi , Ikaw baga ang Hari ng mga Judio ? Sumagot si Jesus , Sinasabi mo baga ito sa iyong sarili , o sinabi sa iyo ng mga iba tungkol sa akin ? Si Pilato ay sumagot , Ako baga&#039;y Judio ? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo&#039;y nagdala sa akin : anong ginawa mo ? Sumagot si Jesus , Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito : kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito , ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka , upang ako&#039;y huwag maibigay sa mga Judio : nguni&#039;t ngayo&#039;y ang aking kaharian ay hindi rito . Sinabi nga sa kaniya ni Pilato , Ikaw nga baga&#039;y hari ? Sumagot si Jesus , Ikaw ang nagsasabing ako&#039;y hari . Ako&#039;y ipinanganak dahil dito , dahil dito ako naparito sa sanglibutan , upang bigyang patotoo ang katotohanan . Ang bawa&#039;t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig . Sinabi sa kaniya ni Pilato , Ano ang katotohanan ? At nang masabi niya ito ay lumabas siyang muli sa mga Judio , at sa kanila&#039;y sinabi , Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya . Nguni&#039;t kayo&#039;y may ugali , na pawalan sa inyo ang isa sa paskua : ibig nga baga ninyong sa inyo&#039;y pawalan ko ang Hari ng mga Judio ? Sila nga&#039;y nagsigawang muli , na nangagsasabi , Huwag ang taong ito , kundi si Barrabas . Si Barrabas nga&#039;y isang tulisan . Nang magkagayon nga&#039;y tinangnan ni Pilato si Jesus , at siya&#039;y hinampas . At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik , at ipinutong sa kaniyang ulo , at siya&#039;y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube ; At sila&#039;y nagsilapit sa kaniya , at nangagsabi , Magalak , Hari ng mga Judio ! at siya&#039;y kanilang pinagsuntukanan . At si Pilato ay lumabas na muli , at sa kanila&#039;y sinabi , Narito , siya&#039;y inilabas ko sa inyo , upang inyong matalastas na wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya . Lumabas nga si Jesus , na may putong na tinik at balabal na kulay-ube . Sa kanila&#039;y sinabi ni Pilato , Narito , ang tao ! Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal , ay sila&#039;y nangagsigawan , na sinasabi , Ipako siya sa krus , ipako siya sa krus ! Sinabi sa kanila ni Pilato , Kunin ninyo siya , at ipako ninyo siya sa krus : sapagka&#039;t ako&#039;y walang masumpungang kasalanan sa kaniya . Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio , Kami&#039;y mayroong isang kautusan , at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay , sapagka&#039;t siya&#039;y nagpapanggap na Anak ng Dios . Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito , ay lalong sinidlan siya ng takot ; At siya&#039;y muling pumasok sa Pretorio , at sinabi kay Jesus , Taga saan ka ? Nguni&#039;t hindi siya sinagot ni Jesus . Sinabi nga sa kaniya ni Pilato , Sa akin ay hindi ka nagsasalita ? Hindi mo baga nalalaman na ako&#039;y may kapangyarihang sa iyo&#039;y magpawala , at may kapangyarihang sa iyo&#039;y magpako sa krus ? Sumagot si Jesus sa kaniya , Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito&#039;y ibinigay sa iyo mula sa itaas : kaya&#039;t ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan . Dahil dito&#039;y pinagsisikapan ni Pilato na siya&#039;y pawalan : nguni&#039;t ang mga Judio ay nagsisigawan , na nangagsasabi , Kung pawalan mo ang taong ito , ay hindi ka kaibigan ni Cesar : ang bawa&#039;t isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar . Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito , ay inilabas niya si Jesus , at siya&#039;y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento , datapuwa&#039;t sa Hebreo ay Gabbatha . Noon nga&#039;y Paghahanda ng paskua : at noo&#039;y magiikaanim ng oras . At sinabi niya sa mga Judio , Narito , ang inyong Hari ! Sila nga&#039;y nagsigawan , Alisin siya , alisin siya , ipako siya sa krus ! Sinabi sa kanila ni Pilato , Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari ? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote , Wala kaming hari kundi si Cesar . Nang magkagayon nga&#039;y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus . Kinuha nga nila si Jesus : at siya&#039;y lumabas , na pasan niya ang krus , hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo , na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota : Na doo&#039;y ipinako nila siya sa krus , at kasama niya ang dalawa pa , isa sa bawa&#039;t tagiliran , at si Jesus sa gitna . At sumulat din naman si Pilato ng isang pamagat , at inilagay sa ulunan ng krus . At ang nasusulat ay , JESUS NA TAGA NAZARET , ANG HARI NG MGA JUDIO . Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito , sapagka&#039;t ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan ; at ito&#039;y nasusulat sa Hebreo , at sa Latin , at sa Griego . Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio , Huwag mong isulat , Ang Hari ng mga Judio ; kundi , ang kanyang sinabi , Hari ako ng mga Judio . Sumagot si Pilato , Ang naisulat ko ay naisulat ko . Ang mga kawal nga , nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus , ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi , sa bawa&#039;t kawal ay isang bahagi ; at gayon din naman ang tunika : at ang tunika ay walang tahi , na hinabing buo mula sa itaas . Nangagsangusapan nga sila , Huwag natin itong punitin , kundi ating pagsapalaranan , kung mapapakanino : upang matupad ang kasulatan , na nagsasabi , Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan , At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran . Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal . Datapuwa&#039;t nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina , at ang kapatid ng kaniyang ina , na si Maria na asawa ni Cleopas , at si Maria Magdalena . Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina , at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig , ay sinabi niya sa kaniyang ina , Babae , narito , ang iyong anak ! Nang magkagayo&#039;y sinabi niya sa alagad , Narito , ang iyong ina ! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan . Pagkatapos nito , pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga , upang matupad ang kasulatan , ay sinabi , Nauuhaw ako . Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka : kaya&#039;t naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo , at kanilang inilagay sa kaniyang bibig . Nang matanggap nga ni Jesus ang suka , ay sinabi niya , Naganap na : at iniyukayok ang kaniyang ulo , at nalagot ang kaniyang hininga . Ang mga Judio nga , sapagka&#039;t noo&#039;y Paghahanda , upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath ( sapagka&#039;t dakila ang araw ng sabbath na yaon ) , ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita , at upang sila&#039;y mangaalis doon . Nagsiparoon na ang mga kawal , at inumog ang mga hita ng una , at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya : Nguni&#039;t nang magsiparoon sila kay Jesus , at makitang siya&#039;y patay na , ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita : Gayon ma&#039;y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal , at pagdaka&#039;y lumabas ang dugo at tubig . At ang nakakita ay nagpatotoo , at ang kaniyang patotoo ay totoo : at nalalaman niyang siya&#039;y nagsasabi ng totoo , upang kayo naman ay magsisampalataya . Sapagka&#039;t ang mga bagay na ito ay nangyari , upang matupad ang kasulatan , Ni isa mang buto niya&#039;y hindi mababali . At sinabi naman sa ibang kasulatan , Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan . At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea , palibhasa&#039;y alagad ni Jesus , bagama&#039;t lihim dahil sa katakutan sa mga Judio , ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus ; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya . Naparoon nga siya , at inalis ang kaniyang bangkay . At naparoon naman si Nicodemo , yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi , na may dalang isang pinaghalong mirra at mga aloe , na may mga isang daang libra . Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus , at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango , ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing . Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan ; at sa halamana&#039;y may isang bagong libingan na kailan ma&#039;y hindi pa napaglalagyan ng sinoman . Doon nga , dahil sa Paghahanda ng mga Judio ( sapagka&#039;t malapit ang libingan ) ay kanilang inilagay si Jesus . Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena , samantalang madilim pa , at nakita ang bato na naalis na sa libingan . Tumakbo nga siya , at naparoon kay Simon Pedro , at sa isang alagad na iniibig ni Jesus , at sa kanila&#039;y sinabi , Kinuha nila sa libingan ang Panginoon , at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay . Umalis nga si Pedro , at ang isang alagad , at nagsitungo sa libingan . At sila&#039;y kapuwa tumakbong magkasama : at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro , at dumating na una sa libingan ; At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob , ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino ; gayon ma&#039;y hindi siya pumasok sa loob . Dumating naman nga si Simon Pedro , na sumusunod sa kaniya , at pumasok sa libingan ; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino , At ang panyo na nasa kaniyang ulo , ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino , kundi bukod na natitiklop sa isang tabi . Nang magkagayo&#039;y pumasok din naman nga ang isang alagad , na unang dumating sa libingan , at siya&#039;y nakakita at sumampalataya . Sapagka&#039;t hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan , na kinakailangang siya&#039;y muling magbangon sa mga patay . Kaya&#039;t ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan . Nguni&#039;t si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na umiiyak : sa gayon , samantalang siya&#039;y umiiyak , siya&#039;y yumuko at tumingin sa loob ng libingan ; At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo , ang isa&#039;y sa ulunan , at ang isa&#039;y sa paanan , ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus . At sinabi nila sa kaniya , Babae , bakit ka umiiyak ? Sinabi niya sa kanila , Sapagka&#039;t kinuha nila ang aking Panginoon , at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya . Pagkasabi niya ng gayon , siya&#039;y lumingon , at nakitang nakatayo si Jesus , at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Babae , bakit ka umiiyak ? sino ang iyong hinahanap ? Siya , sa pagaakalang yao&#039;y maghahalaman , ay nagsabi sa kaniya , Ginoo , kung ikaw ang kumuha sa kaniya , ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay , at akin siyang kukunin . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Maria . Lumingon siya , at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo , Raboni ; na ang ibig sabihin ay , Guro . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Huwag mo akong hipuin ; sapagka&#039;t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama , nguni&#039;t pumaroon ka sa aking mga kapatid , at sabihin mo sa kanila , Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama , at aking Dios at inyong Dios . Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad , Nakita ko ang Panginoon ; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito . Nang kinahapunan nga , nang araw na yaon , na unang araw ng sanglinggo , at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad , dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna , at sa kanila&#039;y sinabi , Kapayapaan ang sumainyo . At nang masabi niya ito , ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran . Ang mga alagad nga&#039;y nangagalak , nang makita nila ang Panginoon . Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus , Kapayapaan ang sumainyo : kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama , ay gayon din naman sinusugo ko kayo . At nang masabi niya ito , sila&#039;y hiningahan niya , at sa kanila&#039;y sinabi , Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo : Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan , ay ipinatatawad sa kanila ; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan , ay hindi pinatatawad . Nguni&#039;t si Tomas , isa sa labingdalawa , na tinatawag na Didimo , ay wala sa kanila nang dumating si Jesus . Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad , Nakita namin ang Panginoon . Nguni&#039;t sinabi niya sa kanila , Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako , at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako , at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran , ay hindi ako sasampalataya . At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad , at kasama nila si Tomas . Dumating si Jesus , nang nangapipinid ang mga pinto , at tumayo sa gitna , at sinabi , Kapayapaan ang sumainyo . Nang magkagayo&#039;y sinabi niya kay Tomas , idaiti mo rito ang iyong daliri , at tingnan mo ang aking mga kamay ; at idaiti mo rito ang iyong kamay , at isuot mo siya sa aking tagiliran : at huwag kang di mapanampalatayahin , kundi mapanampalatayahin . Sumagot si Tomas , at sa kaniya&#039;y sinabi , Panginoon ko at Dios ko . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Sapagka&#039;t ako&#039;y nakita mo ay sumampalataya ka : mapapalad yaong hindi nangakakita , at gayon ma&#039;y nagsisampalataya . Gumawa rin nga si Jesus ng iba&#039;t ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad , na hindi nangasusulat sa aklat na ito : Nguni&#039;t ang mga ito ay nangasulat , upang kayo&#039;y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo , ang Anak ng Dios ; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias ; at siya&#039;y napakita sa ganitong paraan . Samasama nga si Simon Pedro , at si Tomas na tinatawag na Didimo , at si Natanael na taga Cana ng Galilea , at ang mga anak ni Zebedeo , at dalawa pa sa kaniyang mga alagad . Sinabi sa kanila ni Simon Pedro , Mangingisda ako . Sinabi nila sa kaniya , Kami man ay magsisisama sa iyo . Sila&#039;y nagsiyaon , at nagsilulan sa daong ; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman . Nguni&#039;t nang nagbubukang liwayway na , si Jesus ay tumayo sa baybayin : gayon ma&#039;y hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus . Sa kanila nga&#039;y sinabi ni Jesus , Mga anak , mayroon baga kayong anomang makakain ? Nagsisagot sila sa kaniya , Wala . At kaniyang sinabi sa kanila , Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong , at makakasumpong kayo . Inihulog nga nila , at hindi na nila mahila dahil sa karamihan ng mga isda . Yaong alagad nga na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro , Ang Panginoon nga . Kaya&#039;t pagkarinig nga ni Simon Pedro na yao&#039;y ang Panginoon , ay nagbigkis siya ng kaniyang tunika ( sapagka&#039;t siya&#039;y hubo&#039;t hubad ) , at tumalon sa dagat . Datapuwa&#039;t ang ibang mga alagad ay nagsilapit sa maliit na daong ( sapagka&#039;t sila&#039;y hindi lubhang malayo sa lupa , kundi may mga dalawangdaang siko ) , na hinihila ang lambat na puno ng mga isda . Kaya&#039;t nang sila&#039;y magsilunsad sa lupa , ay nakakita sila doon ng mga bagang uling , at isda ang nakalagay sa ibabaw , at tinapay . Sinabi sa kanila ni Jesus , Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon . Umahon nga si Simon Pedro , at hinila ang lambat sa lupa , puno ng malalaking isda , na isang daan at limangpu at tatlo , at sa ganoong karami ay hindi napunit ang lambat . Sinabi sa kanila ni Jesus , Magsiparito kayo at mangagpawing gutom . At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya&#039;y tanungin , Sino ka ? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon . Lumapit si Jesus , at dinampot ang tinapay , at sa kanila&#039;y ibinigay , at gayon din ang isda . Ito&#039;y ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad , pagkatapos na siya&#039;y magbangon sa mga patay . Kaya&#039;t nang mangakapagpawing gutom sila , ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro , Simon , anak ni Juan , iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito ? Sinabi niya sa kaniya , Oo , Panginoon ; nalalaman mo na kita&#039;y iniibig . Sinabi niya sa kaniya , Pakanin mo ang aking mga kordero . Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa , Simon anak ni Juan , Iniibig mo baga ako ? Sinabi niya sa kaniya , Oo , Panginoon ; nalalaman mo na kita&#039;y iniibig . Sinabi niya sa kaniya , Alagaan mo ang aking mga tupa . Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo , Simon , anak ni Juan , Iniibig mo baga ako ? Nalumbay si Pedro sapagka&#039;t sa kaniya&#039;y sinabing makaitlo , Iniibig mo baga ako ? At sinabi niya sa kaniya , Panginoon , nalalaman mo ang lahat ng mga bagay ; nalalaman mo na kita&#039;y iniibig . Sinabi sa kaniya ni Jesus , Pakanin mo ang aking mga tupa . Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa iyo , Nang ikaw ay bata pa , ikaw ay nagbibihis , at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig ; nguni&#039;t pagtanda mo&#039;y iuunat mo ang iyong mga kamay , at bibigkisan ka ng iba , at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig . Ito nga&#039;y sinalita niya , na ipinaalam kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios . At pagkasalita niya nito , ay sinabi niya sa kaniya , Sumunod ka sa akin . Si Pedro , paglingon , ay nakita yaong alagad na iniibig ni Jesus na sumusunod ; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon , at nagsabi , Panginoon , sino ang sa iyo&#039;y magkakanulo ? Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus , Panginoon , at ano ang gagawin ng taong ito ? Sinabi sa kaniya ni Jesus , Kung ibig kong siya&#039;y manatili hanggang sa ako&#039;y pumarito , ay ano nga sa iyo ? sumunod ka sa akin . Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid , na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay : gayon ma&#039;y hindi sinabi ni Jesus , sa kaniya na hindi siya mamamatay ; kundi , Kung ibig kong siya&#039;y manatili hanggang sa ako&#039;y pumarito , ay ano nga sa iyo ? Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito , at sumulat ng mga bagay na ito ; at nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo . At mayroon ding iba&#039;t ibang mga bagay na ginawa si Jesus , na kung susulating isa-isa , ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin . </passage></reply></GetPassage>