<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:44</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:44</urn><passage>Ang unang kasaysayan na ginawa ko , Oh Teofilo , ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus , Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan , pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo , sa mga apostol na kaniyang hinirang ; Na sa kanila nama&#039;y napakita rin siyang buhay , sa pamamagitan ng maraming mga katunayan , pagkatapos na siya&#039;y makapaghirap , na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw , at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios : At , palibhasa&#039;y nakikipagpulong sa kanila , ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem , kundi hintayin ang pangako ng Ama , na sinabi niyang narinig ninyo sa akin : Sapagka&#039;t tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig ; datapuwa&#039;t kayo&#039;y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa . Tinanong nga siya nila nang sila&#039;y nangagkakatipon , na nangagsasabi , Panginoon , isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito ? At sinabi niya sa kanila , Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon , na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan . Datapuwa&#039;t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan , pagdating sa inyo ng Espiritu Santo : at kayo&#039;y magiging mga saksi ko sa Jerusalem , at sa buong Judea at Samaria , at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa . At pagkasabi niya ng mga bagay na ito , nang siya&#039;y tinitingnan nila , ay dinala siya sa itaas ; at siya&#039;y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin . At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya&#039;y lumalayo , narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit ; Na nangagsabi naman , Kayong mga lalaking taga Galilea , bakit kayo&#039;y nangakatayong tumitingin sa langit ? itong si Jesus , na tinanggap sa langit mula sa inyo , ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit . Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo , na malapit sa Jerusalem , na isang araw ng sabbath lakarin . At nang sila&#039;y magsipasok sa bayan , ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas , na kinatitirahan nila ; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres , ni Felipe at ni Tomas , ni Bartolome at ni Mateo , ni Santiago na anak ni Alfeo , at ni Simong Masikap , at ni Judas na anak ni Santiago . Ang lahat ng mga ito&#039;y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae , at si Maria na ina ni Jesus , at pati ng mga kapatid niya . At nang mga araw na ito&#039;y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid , at nagsabi ( at nangagkakatipon ang karamihang mga tao , na may isang daa&#039;t dalawangpu ) , Mga kapatid , kinakailangang matupad ang kasulatan , na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo , sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas , na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus . Sapagka&#039;t siya&#039;y ibinilang sa atin , at siya&#039;y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito . Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan ; at sa pagpapatihulog ng patiwarik , ay pumutok siya sa gitna , at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan . At ito&#039;y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem ; ano pa&#039;t tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama , sa makatuwid baga&#039;y , Ang parang ng Dugo . ) Sapagka&#039;t nasusulat sa aklat ng Mga Awit , Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan , At huwag bayaang manahan doon ang sinoman ; at , Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan . Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin , Magmula sa pagbautismo ni Juan , hanggang sa araw na siya&#039;y tanggapin sa itaas mula sa atin , ay nararapat na ang isa sa mga ito&#039;y maging saksi na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli . At kanilang ibinukod ang dalawa , si Jose na tinatawag na Barsabas , na pinamagatang Justo , at si Matias . At sila&#039;y nagsipanalangin , at nagsipagsabi , Ikaw , Panginoon , na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao , ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang , Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas , upang siya&#039;y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan . At sila&#039;y pinagsapalaran nila ; at nagkapalad si Matias ; at siya&#039;y ibinilang sa labingisang apostol . At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes , silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako . At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas , at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan . At sa kanila&#039;y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy , na nagkabahabahagi ; at dumapo sa bawa&#039;t isa sa kanila . At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo , at nangagpasimulang magsalita ng iba&#039;t ibang wika , ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain . May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio , mga lalaking religioso , na buhat sa bawa&#039;t bansa sa ilalim ng langit . At nang marinig ang ugong na ito , ay nangagkatipon ang karamihan , at nangamaang , sapagka&#039;t sa kanila&#039;y narinig ng bawa&#039;t isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika . At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas , na nangagsasabi , Narito , hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito ? At bakit nga naririnig ng bawa&#039;t isa sa atin , ang ating sariling wikang kinamulatan ? Tayong mga Parto , at mga Medo , at mga Elamita , at ang nangananahan sa Mesapotamia , sa Judea , at sa Capadocia , sa Ponto at sa Asia , Sa Frigia at Pamfilia , sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma , mga Judio , at gayon din ang mga naging Judio , Mga Cretense at mga Arabe , ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios . At silang lahat ay nangagtaka at nangalito , na sinasabi ng isa sa isa , Anong kahulugan nito ? Datapuwa&#039;t ang mga iba&#039;y nanganglilibak na nangagsabi , Sila&#039;y puno ng bagong alak . Datapuwa&#039;t pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa , ay itinaas ang kaniyang tinig , at sa kanila&#039;y nagsaysay , na sinasabing , Kayong mga lalaking taga Judea , at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem , mangaalaman nawa ninyong lahat ito , at inyong pakinggan ang aking mga salita . Sapagka&#039;t ang mga ito&#039;y hindi mga lasing , na gaya ng inyong inaakala ; yamang ngayo&#039;y oras na ikatlo lamang ng araw ; Datapuwa&#039;t ito&#039;y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel : At mangyayari sa mga huling araw , sabi ng Dios , Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman : At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula , At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain , Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip : Oo&#039;t sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae , sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu ; at magsisipanghula sila . At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas , At mga tanda sa lupa sa ibaba , Dugo , at apoy , at singaw ng usok : Ang araw ay magiging kadiliman , At ang buwan ay dugo , Bago dumating ang araw ng Panginoon , Yaong araw na dakila at tangi : At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon , ay maliligtas . Kayong mga lalaking taga Israel , pakinggan ninyo ang mga salitang ito : Si Jesus na taga Nazaret , lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo , gaya rin ng nalalaman ninyo ; Siya , na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios , kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay : Na siya&#039;y binuhay na maguli ng Dios , pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan : sapagka&#039;t hindi maaari na siya&#039;y mapigilan nito . Sapagka&#039;t sinasabi ni David tungkol sa kaniya , Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan ; Sapagka&#039;t siya&#039;y nasa aking kanang kamay , upang huwag akong makilos : Dahil dito&#039;y nagalak ang aking puso , at natuwa ang aking dila ; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa : Sapagka&#039;t hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades , Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan . Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay ; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha . Mga kapatid , malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David , na siya&#039;y namatay at inilibing , at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito . Palibhasa nga&#039;y isang propeta , at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya , na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan ; Palibhasa&#039;y nakikita na niya ito , ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo , na siya&#039;y hindi pinabayaan sa Hades , ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan . Ang Jesus na ito&#039;y binuhay na maguli ng Dios , at tungkol dito&#039;y mga saksi kaming lahat . Palibhasa nga&#039;y pinarangal ng kanang kamay ng Dios , at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo , ay ibinuhos niya ito , na inyong nakikita at naririnig . Sapagka&#039;t hindi umakyat si David sa mga langit ; datapuwa&#039;t siya rin ang nagsabi , Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon ; Maupo ka sa kanan ko , Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa . Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel , na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus . Nang marinig nga nila ito , ay nangasaktan ang kanilang puso , at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol , Mga kapatid , anong gagawin namin ? At sinabi sa kanila ni Pedro , Mangagsisi kayo , at mangagbautismo ang bawa&#039;t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan ; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo . Sapagka&#039;t sa inyo ang pangako , at sa inyong mga anak , at sa lahat ng nangasa malayo , maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya . At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya , at nangaral sa kanila , na sinasabi , Magsiligtas kayo sa likong lahing ito . Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan : at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa . At sila&#039;y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama , sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin . At ang takot ay dumating sa bawa&#039;t kaluluwa : at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol . At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkakatipon , at lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan ; At ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at kayamanan , at ipinamahagi sa lahat , ayon sa pangangailangan ng bawa&#039;t isa . At araw-araw sila&#039;y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo , at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay , at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso . Na nangagpupuri sa Dios , at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan . At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas . Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik sa templo nang oras ng pananalangin , na ikasiyam . At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon , na siya&#039;y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda , upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo ; Ito , pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo , ay namanhik upang tumanggap siya ng limos . At pagtitig sa kaniya ni Pedro , na kasama si Juan , ay sinabi , Tingnan mo kami . At kaniyang pinansin sila , na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay . Datapuwa&#039;t sinabi ni Pedro , Pilak at ginto ay wala ako ; datapuwa&#039;t ang nasa akin , ay siya kong ibinibigay sa iyo . Sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret , lumakad ka . At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay , at siya&#039;y itinindig : at pagdaka&#039;y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong . At paglukso , siya&#039;y tumayo , at nagpasimulang lumakad ; at pumasok na kasama nila sa templo , na lumalakad , at lumulukso , at nagpupuri sa Dios . At nakita ng buong bayang siya&#039;y lumalakad , at nagpupuri sa Dios : At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo ; at sila&#039;y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya . At samantalang siya&#039;y nakahawak kay Pedro at kay Juan , ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas . At nang makita ito ni Pedro , ay sumagot sa mga tao , Kayong mga lalaking taga Israel , bakit kayo&#039;y nagsisipanggilalas sa taong ito ? o bakit kami ang inyong tinititigan , na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya ? Ang Dios ni Abraham , at ni Isaac , at ni Jacob , ang Dios ng ating mga magulang , ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus ; na inyong ibinigay , at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato , nang pasiyahan nito na siya&#039;y pawalan . Datapuwa&#039;t inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito , at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao , At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay : na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay ; mga saksi kami ng mga bagay na ito . At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito , na inyong nakikita at nakikilala : oo , ang pananampalataya na sa pamamagitan niya&#039;y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat . At ngayon , mga kapatid , nalalaman ko na inyong ginawa yaon sa di pagkaalam , gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno . Datapuwa&#039;t ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta , na ang kaniyang Cristo ay magbabata . Kaya nga mangagsisi kayo , at mangagbalik-loob , upang mangapawi ang inyong mga kasalanan , upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon ; At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo , na si Jesus : Na siya&#039;y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay , na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una . Tunay na sinabi ni Moises , Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid ; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo&#039;y sasalitain niya . At mangyayari , na ang bawa&#039;t kaluluwa na hindi makinig sa propetang yaon , ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan . Oo at ang lahat ng mga propetang mula kay Samuel at ang mga nagsisunod , sa dami ng mga nagsipagsalita , sila naman ay nagsipagsaysay rin tungkol sa mga araw na ito . Kayo ang mga anak ng mga propeta , at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang , na sinasabi kay Abraham , At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa . Sa inyo una-una , nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod , ay sinugo niya upang kayo&#039;y pagpalain , sa pagtalikod ng bawa&#039;t isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan . At nang sila&#039;y nangagsasalita pa sa bayan , ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote , at ang puno sa templo , at ang mga Saduceo , Palibhasa&#039;y totoong nangabagabag sapagka&#039;t tinuruan nila ang bayan , at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay . At sila&#039;y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan : sapagka&#039;t noon nga&#039;y gabi na . Datapuwa&#039;t marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya ; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo . At nangyari nang kinabukasan , na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba ; At si Anas , na dakilang saserdote , at si Caifas , at si Juan , at si Alejandro , at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote . At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila , ay sila&#039;y tinanong , Sa anong kapangyarihan , o sa anong pangalan ginawa ninyo ito ? Nang magkagayo&#039;y si Pedro , na puspos ng Espiritu Santo , ay nagsabi sa kanila , Kayong mga pinuno sa bayan , at matatanda , Kung kami sa araw na ito&#039;y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit , na kung sa anong paraan gumaling ito ; Talastasin ninyong lahat , at ng buong bayan ng Israel , na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret , na inyong ipinako sa krus , na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay , dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit . Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay , na naging pangulo sa panulok . At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan : sapagka&#039;t walang ibang pangalan sa silong ng langit , na ibinigay sa mga tao , na sukat nating ikaligtas . Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan , at pagkatalastas na sila&#039;y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang , ay nangagtaka sila ; at nangapagkilala nila , na sila&#039;y nangakasama ni Jesus . At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila , ay wala silang maitutol . Datapuwa&#039;t nang sila&#039;y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong , ay nangagsangusapan , Na nangagsasabi , Anong gagawin natin sa mga taong ito ? sapagka&#039;t tunay na ginawa sa pamamagitan nila ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem ; at hindi natin maikakaila . Gayon ma&#039;y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan , atin silang balaan , na buhat ngayo&#039;y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito . At sila&#039;y tinawag nila , at binalaan sila , na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus . Datapuwa&#039;t si Pedro at si Juan ay nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila , Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios , inyong hatulan : Sapagka&#039;t hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig . At sila , nang mapagbalaan na nila , ay pinakawalan , palibhasa&#039;y hindi nangakasumpong ng anomang bagay upang sila&#039;y kanilang mangaparusahan , dahil sa bayan ; sapagka&#039;t niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na ginawa . Sapagka&#039;t may mahigit nang apat na pung taong gulang ang tao , na ginawan nitong himala ng pagpapagaling . At nang sila&#039;y mangapakawalan na , ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan , at iniulat ang lahat ng sa kanila&#039;y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda . At sila , nang kanilang marinig ito , ay nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios , at nangagsabi , Oh Panginoon , ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat , at ng lahat ng nangasa mga yaon : Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo , sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David , na iyong lingkod , ay sinabi mo , Bakit nangagalit ang mga Gentil , At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan ? Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa , At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan , Laban sa Panginoon , at laban sa kaniyang Pinahiran . Sapagka&#039;t sa katotohanan sa bayang ito&#039;y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus , na siya mong pinahiran , ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato , kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel , ay nangagpisanpisan , Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay at ng iyong pasiya upang mangyari . At ngayon , Panginoon , tingnan mo ang kanilang mga bala : at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan , Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling ; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa pangalan ng iyong banal na si Jesus . At nang sila&#039;y makapanalangin na , ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila ; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo , at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios . At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa : at sinoma&#039;y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari : kundi lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan . At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan , ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus : at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat . Sapagka&#039;t walang sinomang nasasalat sa kanila : palibnasa&#039;y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito , at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili , At ang mga ito&#039;y inilagay sa mga paanan ng mga apostol : at ipinamamahagi sa bawa&#039;t isa , ayon sa kinakailangan ng sinoman . At si Jose , na pinamagatang Bernabe ng mga apostol ( na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral ) , isang Levita , tubo sa Chipre , Na may isang bukid , ay ipinagbili ito , at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol . Datapuwa&#039;t isang lalake na tinatawag na Ananias , na kasama ng kaniyang asawang si Safira , ay nagbili ng isang pag-aari , At inilingid ang isang bahagi ng halaga , na nalalaman din ito ng kaniyang asawa , at dinala ang isang bahagi , at inilagay sa mga paanan ng mga apostol . Datapuwa&#039;t sinabi ni Pedro , Ananias , bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo , at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa ? Nang yao&#039;y nananatili pa , hindi baga yao&#039;y nanatiling iyong sarili ? at nang maipagbili na , hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan ? Ano&#039;t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso ? hindi ka nagsinungaling sa mga tao , kundi sa Dios . At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga : at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito . At nagsitindig ang mga kabinataan at siya&#039;y binalot , at kanilang dinala siya sa labas at inilibing . At may tatlong oras ang nakaraan , nang ang kaniyang asawa , na di nalalaman ang nangyari , ay pumasok . At sinabi sa kaniya ni Pedro , Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa . At sinabi niya , Oo , sa gayon . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ni Pedro , Bakit kayo&#039;y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon ? narito , nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa , at kanilang dadalhin ka sa labas . At pagdaka&#039;y nahandusay sa paanan niya ang babae , at nalagot ang hininga : at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay , at siya&#039;y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa . At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia , at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito . At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao : at nangaroon silang lahat na nangagkakaisa sa portiko ni Salomon . Datapuwa&#039;t sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila : bagaman sila&#039;y pinapupurihan ng bayan ; At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon , ang mga karamihang lalake at babae : Na ano pa&#039;t dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit , at inilagay sa mga higaan at mga hiligan , upang , pagdaan ni Pedro , ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila . At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem , na nangagdadala ng mga may-sakit , at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu : at sila&#039;y pawang pinagaling . Datapuwa&#039;t nagtindig ang dakilang saserdote , at ang lahat ng kasama niya ( na siyang sekta ng mga Saduceo ) , at sila&#039;y nangapuspos ng kainggitan , At kanilang sinunggaban ang mga apostol , at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan . Datapuwa&#039;t nang gabi na ay binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan , at sila&#039;y inilabas , at sinabi , Magsihayo kayo , at magsitayo kayo sa templo , at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito . At nang marinig nila ito , ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway , at nangagturo . Datapuwa&#039;t dumating ang dakilang saserdote , at ang mga kasamahan niya , at pinulong ang sanedrin , at ang buong senado sa mga anak ni Israel , at nagpautos sa bilangguan upang sila&#039;y dalhin doon . Datapuwa&#039;t ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan ; at sila&#039;y nangagbalik , at nangagbigay alam , Na sinasabi , Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan , at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay : datapuwa&#039;t ng aming mabuksan , wala kaming nasumpungang sinoman sa loob . Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo , at ng mga pangulong saserdote , ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon . At may dumating na isa at nagsabi sa kanila , Narito , ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan . Nang magkagayo&#039;y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal , at sila&#039;y dinalang hindi sa pilitan : sapagka&#039;t nangatatakot sa bayan , baka sila&#039;y batuhin . At nang kanilang mangadala sila , ay kanilang iniharap sa Sanedrin . At tinanong sila ng dakilang saserdote , Na sinasabi : Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito : at narito , pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral , at ibig ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito . Datapuwa&#039;t nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi , Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao . Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus , na siya ninyong pinatay , na ibinitin sa isang punong kahoy . Siya&#039;y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas , upang magbigay ng pagsisisi sa Israel , at kapatawaran ng mga kasalanan . At kami&#039;y mga saksi ng mga bagay na ito ; at gayon din ang Espiritu Santo , na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya . Datapuwa&#039;t sila , nang kanilang marinig ito , ay nangasugatan sa puso , at nangagpasiyang sila&#039;y patayin . Datapuwa&#039;t nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo , na nagngangalang Gamaliel , doktor sa kautusan , na pinapupurihan ng buong bayan , at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao . At sinabi niya sa kanila , Kayong mga lalaking taga Israel , ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito , kung ano ang inyong gagawin . Sapagka&#039;t bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas , na nagsabing siya&#039;y dakila ; at sa kaniya&#039;y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang : na siya&#039;y pinatay ; at ang lahat ng sa kaniya&#039;y nagsisunod , ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan . Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat , at nakahila siya ng marami sa bayan : siya&#039;y nalipol rin ; at ang lahat ng sa kaniya&#039;y nagsisunod ay pawang nagsipangalat . At ngayo&#039;y sinasabi ko sa inyo , Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito , at pabayaan ninyo sila : sapagka&#039;t kung ang pasiyang ito , o ang gawang ito ay sa mga tao , ay mawawasak : Datapuwa&#039;t kung sa Dios , ay hindi ninyo maiwawasak ; baka pa kayo&#039;y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios . At sila&#039;y nagsisangayon sa kaniya : at pagkatawag nila sa mga apostol , ay pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus , at sila&#039;y pinawalan . Sila nga&#039;y nagsialis sa harapan ng Sanedrin , na nangatutuwang sila&#039;y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan . At sa araw-araw , sa templo at sa mga bahay-bahay , ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral , na si Jesus ang siyang Cristo . Nang mga araw ngang ito , nang dumadami ang bilang ng mga alagad , ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo , sapagka&#039;t ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw . At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad , at sinabi , Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios , at mangaglingkod sa mga dulang . Magsihanap nga kayo , mga kapatid , sa inyo , ng pitong lalake na may mabuting katunayan , puspos ng Espiritu at ng karunungan , na ating mailalagay sa gawaing ito . Datapuwa&#039;t magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin , at sa ministerio ng salita . At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito : at kanilang inihalal si Esteban , taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo , at si Felipe , at si Procoro , at si Nicanor , at si Timon , at si Parmenas , at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio ; Na siyang iniharap nila sa mga apostol : at nang sila&#039;y mangakapanalangin na , ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon . At lumago ang salita ng Dios ; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad ; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote . At si Esteban , na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan , ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao . Datapuwa&#039;t nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga , na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino , at ng mga Cireneo , at ng mga Alejandrino , at ng mga taga Cilicia , at taga Asia , na nangakipagtalo kay Esteban . At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap . Nang magkagayo&#039;y nagsisuhol sila sa mga lalake , na nangagsabi , Narinig naming siya&#039;y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios . At kanilang ginulo ang bayan , at ang mga matanda , at ang mga eskriba , at kanilang dinaluhong , at sinunggaban si Esteban , at dinala siya sa Sanedrin , At nangagharap ng mga saksing sinungaling , na nangagsabi , Ang taong ito&#039;y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal , at sa kautusan : Sapagka&#039;t narinig naming kaniyang sinabi , na itong si Jesus na taga Nazaret ay iwawasak ang dakong ito , at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises . At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin , na nagsisititig sa kaniya , ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel . At sinabi ng dakilang saserdote , Tunay baga ang mga bagay na ito ? At sinabi niya , Mga kapatid na lalake at mga magulang , mangakinig kayo : Ang Dios ng kaluwalhatia&#039;y napakita sa ating amang si Abraham , nang siya&#039;y nasa Mesapotamia , bago siya tumahan sa Haran , At sinabi sa kaniya , Umalis ka sa iyong lupain , at sa iyong kamaganakan , at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo . Nang magkagayo&#039;y umalis siya sa lupain ng mga Caldeo , at tumahan sa Haran : at buhat doon , pagkamatay ng kaniyang ama , ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito , na inyong tinatahanan ngayon : At hindi siya pinamanahan ng anoman doon , kahit mayapakan ng kaniyang paa : at siya&#039;y nangakong yao&#039;y ibibigay na pinakaari sa kaniya , at sa kaniyang binhi pagkatapos niya , nang wala pa siyang anak . At ganito ang sinalita ng Dios , na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain , at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin , at sila&#039;y pahihirapang apat na raang taon . At ang bansang sa kanila&#039;y aalipin ay aking hahatulan , sabi ng Dios : at pagkatapos nito&#039;y magsisialis sila , at paglilingkuran nila ako sa dakong ito . At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli : at sa ganito&#039;y naging anak ni Abraham si Isaac , at ito&#039;y tinuli nang ikawalong araw ; at naging anak ni Isaac si Jacob , at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka . At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose , ay ipinagbili siya , upang dalhin sa Egipto ; at ang Dios ay sumasa kaniya , At siya&#039;y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian , at siya&#039;y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto ; at siya&#039;y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya . Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan , at nagkaroon ng malaking kapighatian : at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang . Datapuwa&#039;t nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto , ay sinugo niyang una ang ating mga magulang . At sa ikalawa&#039;y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid ; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose . At nagsugo si Jose , at pinaparoon sa kaniya si Jacob , na kaniyang ama , at ang lahat niyang kamaganakan , na pitongpu&#039;t limang tao . At lumusong si Jacob sa Egipto ; at namatay siya , at ang ating mga magulang . At sila&#039;y inilipat sa Siquem , at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem , sa halaga ng pilak . Datapuwa&#039;t nang nalalapit na ang panahon ng pangako , na ginawa ng Dios kay Abraham , ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto , Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose . Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi , at pinahirapan ang ating mga magulang , na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay . Nang panahong yaon , ay ipinanganak si Moises , at siya&#039;y totoong maganda ; at siya&#039;y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama : At nang siya&#039;y matapon , ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon , at siya&#039;y inalagaang gaya ng sariling anak niya . At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio : at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa . Datapuwa&#039;t nang siya&#039;y magaapat na pung taong gulang na , ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel . At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta , ay kaniyang ipinagsanggalang siya , at ipinaghiganti ang pinipighati , at pinatay ang Egipcio : At ang isip niya&#039;y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya : datapuwa&#039;t hindi nila napagunawa . At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila&#039;y nagaaway , at sila&#039;y ibig sana niyang payapain , na sinasabi , mga Ginoo , kayo&#039;y magkapatid ; bakit kayo&#039;y nagaalipustaan ? Datapuwa&#039;t itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao , na sinasabi , Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin ? Ibig mo bagang ako&#039;y patayin mo , na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio ? At sa salitang ito&#039;y tumakas si Moises , at nakipamayan sa lupain ng Midian , na doo&#039;y nagkaanak siya ng dalawang lalake . At nang maganap ang apat na pung taon , ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai , sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy . At nang makita ito ni Moises , ay nanggilalas sa tanawin ; at nang siya&#039;y lumapit upang pagmasdan , ay dumating ang isang tinig ng Panginoon , Ako ang Dios ng iyong mga magulang , ang Dios ni Abraham , at ni Isaac , at ni Jacob . At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa : sapagka&#039;t ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal . Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto , at narinig ko ang kanilang hibik , at ako&#039;y bumaba upang sila&#039;y iligtas : at ngayo&#039;y halika , susuguin kita sa Egipto . Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil , na sinasabi , Sino ang sa iyo&#039;y naglagay na puno at hukom ? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya&#039;y napakita sa mababang punong kahoy . Pinatnugutan sila ng taong ito , pagkagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto , at sa dagat na Pula , at sa ilang sa loob ng apat na pung taon . Ito&#039;y yaong Moises , na nagsabi sa mga anak ni Israel , Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko , mula sa inyong mga kapatid . Ito&#039;y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai , at kasama ang ating mga magulang : na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin : Sa kaniya&#039;y ayaw magsitalima ang ating mga magulang , kundi siya&#039;y kanilang itinakuwil , at sa kanilang mga puso&#039;y nangagbalik sa Egipto , Na sinasabi kay Aaron , Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin : sapagka&#039;t tungkol dito kay Moises , na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto , ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya . At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka , at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon , at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay . Datapuwa&#039;t tumalikod ang Dios , at sila&#039;y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit ; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta , Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang , Oh angkan ni Israel ? At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc , At ang bituin ng dios Refan , Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin : At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia . Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo , ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises , na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita . Na yao&#039;y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol , na kasama ni Josue nang sila&#039;y magsipasok sa inaari ng mga bansa , na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang , hanggang sa mga araw ni David ; Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios , at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob . Datapuwa&#039;t iginawa siya ni Salomon ng isang bahay . Bagama&#039;t ang Kataastaasa&#039;y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay ; gaya ng sinasabi ng propeta , Ang langit ay ang aking luklukan , At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa : Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin ? sabi ng Panginoon : O anong dako ang aking pahingahan ? Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito ? Kayong matitigas ang ulo , at di tuli ang puso&#039;t mga tainga , kayo&#039;y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo : kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang , ay gayon din naman ang ginagawa ninyo . Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang ? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito ; na sa kaniya&#039;y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao ; Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel , at hindi ninyo ginanap . Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito , ay nangasugatan sila sa puso , at siya&#039;y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin . Datapuwa&#039;t siya , palibhasa&#039;y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit , at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios , at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios , At nagsabi , Narito , nakikita kong bukas ang mga langit , at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios . Datapuwa&#039;t sila&#039;y nagsigawan ng malakas na tinig , at nangagtakip ng kanilang mga tainga , at nangagkaisang siya&#039;y dinaluhong ; At siya&#039;y kanilang itinapon sa labas ng bayan , at binato : at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo . At kanilang pinagbatuhanan si Esteban , na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi , Panginoong Jesus , tanggapin mo ang aking espiritu . At siya&#039;y nanikluhod , at sumigaw ng malakas na tinig , Panginoon , huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito . At pagkasabi niya nito , ay nakatulog siya . At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay . At nang araw na yao&#039;y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem ; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria , maliban na sa mga apostol . At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan , at siya&#039;y tinangisan ng di kawasa . Datapuwa&#039;t pinuksa ni Saulo ang iglesia , na pinapasok ang bahay-bahay , at kinakaladkad ang mga lalake&#039;t mga babae , at sila&#039;y ipinapasok sa bilangguan . Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay , na ipinangangaral ang salita . At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria , at ipinangaral sa kanila ang Cristo . At ang mga karamiha&#039;y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe , pagkarinig nila , at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya . Sapagka&#039;t sa maraming may mga karumaldumal na espiritu , ay nangagsilabas sila , na nangagsisisigaw ng malakas na tinig : at maraming lumpo , at pilay , ang pinagaling . At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon . Datapuwa&#039;t may isang tao , na nagngangalang Simon , na nang unang panaho&#039;y nanggagaway sa bayan , at pinahahanga ang mga tao sa Samaria , at nagsasabing siya&#039;y isang dakila : Na siyang pinakikinggan nilang lahat , buhat sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan , na sinasabi , Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na Dakila . At siya&#039;y pinakinggan nila , sapagka&#039;t mahabang panahong pinahahanga niya sila ng kaniyang mga panggagaway . Datapuwa&#039;t nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo , ay nangabautismuhan ang mga lalake&#039;t mga babae . At si Simon man ay naniwala rin : at nang mabautismuhan na , ay nanatili siyang kasama ni Felipe ; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa , ay napahanga siya . Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios , ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan : Na nang sila&#039;y makalusong , ay ipinanalangin nila sila , upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo . Sapagka&#039;t ito&#039;y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila : kundi sila&#039;y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus . Nang magkagayo&#039;y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay , at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo . Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo , ay inalok niya sila ng salapi , Na sinasabi , Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito , upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay , ay tumanggap ng Espiritu Santo . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ni Pedro , Ang iyong salapi&#039;y mapahamak na kasama mo , sapagka&#039;t inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi . Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito : sapagka&#039;t ang puso mo&#039;y hindi matuwid sa harap ng Dios . Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito , at manalangin ka sa Panginoon , baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso . Sapagka&#039;t nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan . At sumagot si Simon at sinabi , Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon , upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo . Sila nga , nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon , ay nangagbalik sa Jerusalem , at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano . Datapuwa&#039;t nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon , na nagsasabi , Magtindig ka , at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan , sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza : na ito&#039;y ilang . At siya&#039;y nagtindig at yumaon : at narito , ang isang lalaking taga Etiopia , isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace , reina ng mga Etiope , na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan , at siya&#039;y naparoon sa Jerusalem upang sumamba ; At siya&#039;y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo , at binabasa ang propeta Isaias . At sinabi kay Felipe ng Espiritu , Lumapit ka , at makisama sa karong ito . At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya , at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta , at sinabi , Nauunawa mo baga ang binabasa mo ? At sinabi niya , Paanong magagawa ko , maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman ? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya . Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito , Siya&#039;y gaya ng tupa na dinala sa patayan ; At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya , Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig : Sa kaniyang pagpapakababa&#039;y inalis ang kaniyang paghuhukom . Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi ? Sapagka&#039;t inalis sa lupa ang kaniyang buhay . At sumagot ang bating kay Felipe , at sinabi , Ipinamamanhik ko sa iyo , kanino sinasabi ng propeta ito ? sa kaniya bagang sarili , o sa alin mang iba ? At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig , at pagpapasimula sa kasulatang ito , ay ipinangaral sa kaniya si Jesus . At sa pagpapatuloy sa daan , ay nagsidating sila sa dakong may tubig ; at sinabi ng bating , Narito , ang tubig ; ano ang nakahahadlang upang ako&#039;y mabautismuhan ? At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari . At sumagot siya at sinabi : Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios . At ipinagutos niyang itigil ang karo : at sila&#039;y kapuwa lumusong sa tubig , si Felipe at ang bating ; at kaniyang binautismuhan siya . At nang magsiahon sila sa tubig , ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon ; at hindi na siya nakita ng bating , sapagka&#039;t ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa . Nguni&#039;t nasumpungan si Felipe sa Azoto : at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan , hanggang sa dumating siya sa Cesarea . Datapuwa&#039;t si Saulo , na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon , ay naparoon sa dakilang saserdote , At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga , upang kung siya&#039;y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan , maging mga lalake o mga babae , ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem . At sa kaniyang paglalakad , ay nangyari na siya&#039;y malapit sa Damasco : at pagdaka&#039;y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit : At siya&#039;y nasubasob sa lupa , at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya&#039;y nagsasabi , Saulo , Saulo , bakit mo ako pinaguusig ? At sinabi niya , Sino ka baga , Panginoon ? At sinabi niya , Ako&#039;y si Jesus na iyong pinaguusig : Nguni&#039;t magtindig ka , at ikaw ay pumasok sa bayan , at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin . At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita , na naririnig ang tinig , datapuwa&#039;t walang nakikitang sinoman . At nagtindig sa lupa si Saulo ; at pagkadilat ng kaniyang mga mata , ay di siya nakakita ng anoman ; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco . At siya&#039;y tatlong araw na walang paningin , at hindi kumain ni uminom man . Ngayon nga&#039;y may isang alagad sa Damasco , na nagngangalang Ananias ; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain , Ananias . At sinabi niya , Narito ako , Panginoon . At sinabi sa kaniya ng Panginoon , Magtindig ka , at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid , at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo , lalaking taga Tarso : sapagka&#039;t narito , siya&#039;y nananalangin ; At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok , at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya , upang tanggapin niya ang kaniyang paningin . Nguni&#039;t sumagot si Ananias , Panginoon , nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito , kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem : At dito siya&#039;y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan . Datapuwa&#039;t sinabi sa kaniya ng Panginoon , Pumaroon ka : sapagka&#039;t siya&#039;y sisidlang hirang sa akin , upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari , at ng mga anak ni Israel : Sapagka&#039;t sa kaniya&#039;y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan . At umalis si Ananias at pumasok sa bahay ; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi , Kapatid na Saulo , ang Panginoon , sa makatuwid baga&#039;y si Jesus , na sa iyo&#039;y napakita sa daan na iyong pinanggalingan , ay nagsugo sa akin , upang tanggapin mo ang iyong paningin , at mapuspos ka ng Espiritu Santo . At pagdaka&#039;y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis , at tinanggap niya ang kaniyang paningin ; at siya&#039;y nagtindig at siya&#039;y binautismuhan ; At siya&#039;y kumain at lumakas . At siya&#039;y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco . At pagdaka&#039;y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus , na siya ang Anak ng Dios . At ang lahat ng sa kaniya&#039;y nakarinig ay namangha , at nangagsabi , Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito ? at sa ganitong nasa ay naparito siya , upang sila&#039;y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote . Datapuwa&#039;t lalo nang lumakas ang loob ni Saulo , at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco , na pinatutunayan na ito ang Cristo . At nang maganap ang maraming mga araw , ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya&#039;y patayin : Datapuwa&#039;t napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta . At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya&#039;y kanilang patayin : Nguni&#039;t kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad , at siya&#039;y ibinaba sa kuta na siya&#039;y inihugos na nasa isang balaong . At nang siya&#039;y dumating sa Jerusalem , ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad : at silang lahat ay nangatakot sa kaniya , sa di paniniwala na siya&#039;y alagad , Datapuwa&#039;t kinuha siya ni Bernabe , at siya&#039;y iniharap sa mga apostol , at sa kanila&#039;y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon , at kinausap siya , at kung paanong siya&#039;y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus . At siya&#039;y kasamasama nila , na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem , Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon : at siya&#039;y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio ; datapuwa&#039;t pinagpipilitan nilang siya&#039;y mapatay . At nang maalaman ito ng mga kapatid , ay inihatid nila siya sa Cesarea , at siya&#039;y sinugo nila sa Tarso . Sa gayo&#039;y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa&#039;y pinagtibay ; at , sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo , ay nagsisidami . At nangyari , na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako , siya&#039;y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda . At doo&#039;y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas , na walo nang taong sumasabanig ; sapagka&#039;t siya&#039;y lumpo . At sinabi sa kaniya ni Pedro , Eneas , pinagagaling ka ni Jesucristo : magtindig ka , at husayin mo ang iyong higaan . At pagdaka&#039;y nagtindig siya . At siya&#039;y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona , at sila&#039;y nangagbalik-loob sa Panginoon . Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita , na ang kahuluga&#039;y Dorcas : ang babaing ito&#039;y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa . At nangyari nang mga araw na yaon , na siya&#039;y nagkasakit , at namatay : at nang siya&#039;y mahugasan na nila , ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas . At sapagka&#039;t malapit ang Lidda sa Joppe , pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon , ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao , na ipinamamanhik sa kaniya , Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin . At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila . At pagdating niya , ay inihatid nila sa silid sa itaas : at siya&#039;y niligid ng lahat ng mga babaing bao , na nagsisitangis , at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas , nang ito&#039;y kasama pa nila . Datapuwa&#039;t pinalabas silang lahat ni Pedro , at lumuhod , at nanalangin ; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi , Tabita , magbangon ka . At iminulat niya ang kaniyang mga mata , at nang makita niya si Pedro , ay naupo siya . At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay , at siya&#039;y itinindig ; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao , at siya&#039;y iniharap niyang buhay . At ito&#039;y nabansag sa buong Joppe : at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon . At nangyari , na siya&#039;y nanahang maraming mga araw sa Joppe , na kasama ni Simong mangluluto ng balat . At may isang lalake nga sa Cesarea , na nagngangalang Cornelio , senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano . Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao , at laging nananalangin sa Dios . Nakita niyang maliwanag , sa isang pangitain , nang may oras na ikasiyam ng araw , na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios , at nagsasabi sa kaniya , Cornelio . At siya , sa pagtitig niya sa kaniya , at sa pagkatakot niya , ay nagsabi , Ano ito , Panginoon ? At sinabi niya sa kaniya , Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios . At ngayo&#039;y magsugo ka ng mga tao sa Joppe , at ipagsama mo yaong Simon , na may pamagat na Pedro ; Siya&#039;y nanunuluyan sa isa na Simong mangluluto ng balat , na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat . At nang umalis ang anghel na sa kaniya&#039;y nagsalita , ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila , at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati ; At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay , sila&#039;y sinugo niya sa Joppe . Nang kinabukasan nga samantalang sila&#039;y patuloy sa kanilang paglalakad , at nang malapit na sa bayan , si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin , nang may oras na ikaanim ; At siya&#039;y nagutom at nagnais kumain : datapuwa&#039;t samantalang nangaghahanda sila , ay nawalan siya ng diwa ; At nakita niyang bukas ang langit , at may isang sisidlang bumababa , gaya ng isang malapad na kumot , na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa : Na doo&#039;y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit . At dumating sa kaniya ang isang tinig , Magtindig ka , Pedro ; magpatay ka at kumain . Datapuwa&#039;t sinabi ni Pedro , Hindi maaari , Panginoon ; sapagka&#039;t kailan ma&#039;y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal . At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa , Ang nilinis ng Dios , ay huwag mong ipalagay na marumi . At ito&#039;y nangyaring makaitlo : at pagdaka&#039;y binatak sa langit ang sisidlan . Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili , kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita , narito , ang mga taong sinugo ni Cornelio , nang maipagtanong ang bahay ni Simon , ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan . At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon , na pinamagatang Pedro , ay nanunuluyan doon . At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain , ay sinabi sa kaniya ng Espiritu , Narito , hinahanap ka ng tatlong tao . Datapuwa&#039;t magtindig ka , at manaog ka , at sumama ka sa kanila , na huwag kang magalinlangan ng anoman : sapagka&#039;t sila&#039;y aking sinugo . At pinanaog ni Pedro ang mga tao , at sinabi , Narito , ako ang hinahanap ninyo : ano baga ang dahil ng inyong ipinarito ? At sinabi nila , Ang senturiong si Cornelio , na taong matuwid at matatakutin sa Dios , at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio , ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay , at upang makarinig sa iyo ng mga salita . Kaya&#039;t sila&#039;y pinapasok at pinatuloy sila . At nang kinabukasa&#039;y nagbangon siya at umalis na kasama nila , at siya&#039;y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe . At nang kinabukasa&#039;y nagsipasok sila sa Cesarea . At sila&#039;y hinihintay ni Cornelio , na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal . At nangyari , na pagpasok ni Pedro , ay sinalubong siya ni Cornelio , at nagpatirapa sa kaniyang paanan , at siya&#039;y sinamba . Datapuwa&#039;t itinindig siya ni Pedro , na sinasabi , Magtindig ka ; ako man ay tao rin . At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya , ay pumasok siya , at kaniyang naratnan ang maraming nangagkakatipon : At sinabi niya sa kanila , Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa ; at gayon ma&#039;y ipinakilala sa akin ng Dios , na sinomang tao&#039;y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal : Dahil din dito&#039;y naparito akong hindi tumutol ng anoman , nang ako&#039;y ipasundo . Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako . At sinabi ni Cornelio , May apat nang araw , hanggang sa oras na ito , na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na ikasiyam sa bahay ko ; at narito , tumindig sa harapan ko ang isang lalake na may pananamit na nagniningning , At sinabi , Cornelio , dininig ang dalangin mo , at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios . Magsugo ka nga sa Joppe , at ipatawag mo si Simon , na pinamagatang Pedro ; siya&#039;y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat , na nasa tabi ng dagat . Pagdaka nga&#039;y nagsugo ako sa iyo ; at mabuti ang ginawa mo&#039;t naparito ka . Ngayon nga&#039;y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios , upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo&#039;y ipinagutos ng Panginoon . At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig , at sinabi , Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao : Kundi sa bawa&#039;t bansa siya na may takot sa kaniya , at gumagawa ng katuwiran , ay kalugodlugod sa kaniya . Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel , na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo ( siya&#039;y Panginoon ng lahat : ) Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea , magbuhat sa Galilea , pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan ; Sa makatuwid baga&#039;y si Jesus na taga Nazaret , kung paanong siya&#039;y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan : na naglilibot na gumagawa ng mabuti , at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo ; sapagka&#039;t sumasa kaniya ang Dios . At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio , at sa Jerusalem ; na siya nama&#039;y kanilang pinatay , na siya&#039;y ibinitin sa isang punong kahoy . Siya&#039;y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw , at siya&#039;y itinalagang mahayag . Hindi sa buong bayan , kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una , sa makatuwid baga&#039;y sa amin , na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya , pagkatapos na siya&#039;y muling mabuhay sa mga patay . At sa ami&#039;y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan , at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay . Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta , na ang bawa&#039;t sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan . Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito , ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita . At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro , sapagka&#039;t ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo . Sapagka&#039;t nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika , at nangagpupuri sa Dios . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Pedro , Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig , upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin ? At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo . Nang magkagayo&#039;y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw . Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios . At nang umahon si Pedro sa Jerusalem , ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli , Na nagsisipagsabi , Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli , at kumain kang kasalo nila . Datapuwa&#039;t si Pedro ay nagpasimula , at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi , Ako&#039;y nananalangin sa bayan ng Joppe : at sa kawalan ng diwa&#039;y nakakita ako ng isang pangitain , na may isang sisidlang bumababa , na gaya ng isang malapad na kumot , na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok ; at dumating hanggang sa akin : At nang yao&#039;y aking titigan , ay pinagwari ko , at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit . At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin , Magtindig ka , Pedro ; magpatay ka at kumain . Datapuwa&#039;t sinabi ko , Hindi maaari , Panginoon : sapagka&#039;t kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal . Nguni&#039;t sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit , Ang nilinis ng Dios , ay huwag mong ipalagay na marumi . At ito&#039;y nangyaring makaitlo : at muling binatak ang lahat sa langit . At narito , pagdaka&#039;y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan , ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea . At iniutos sa akin ng Espiritu na ako&#039;y sumama sa kanila , na huwag magtangi . At nagsisama naman sa akin itong anim na kapatid ; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon : At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay , at nagsasabi , Magsugo ka sa Joppe , at ipagsama mo si Simon , na may pamagat na Pedro ; Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita , na ikaliligtas mo , ikaw at ng buong sangbahayan mo . At nang ako&#039;y magpasimulang magsalita , ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo , na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una . At naalaala ko ang salita ng Panginoon , kung paanong sinabi niya , Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig ; datapuwa&#039;t kayo&#039;y babautismuhan sa Espiritu Santo . Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin , nang tayo&#039;y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo , sino baga ako , na makahahadlang sa Dios ? At nang marinig nila ang mga bagay na ito , ay nagsitahimik sila , at niluwalhati ang Dios , na sinasabi , Kung gayo&#039;y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay . Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa Fenicia , at sa Chipre , at sa Antioquia , na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang . Datapuwa&#039;t may ilan sa kanila , mga taong taga Chipre at taga Cirene , na , nang sila&#039;y magsidating sa Antioquia , ay nangagsalita naman sa mga Griego , na ipinangangaral ang Panginoong Jesus . At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon : at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon . At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem : at kanilang sinugo si Bernabe hanggang sa Antioquia : Na , nang siya&#039;y dumating , at makita ang biyaya ng Dios , ay nagalak ; at kaniyang inaralan ang lahat , na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon : Sapagka&#039;t siya&#039;y lalaking mabuti , at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya : at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon . At siya&#039;y naparoon sa Tarso upang hanapin si Saulo ; At nang siya&#039;y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia . At nangyari , na sa buong isang taon sila&#039;y nakisama sa iglesia , at nagsipagturo sa maraming tao ; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano , sa Antioquia . Nang mga araw ngang ito ay may lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem . At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang Agabo , at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan : na nangyari nang mga kaarawan ni Claudio . At ang mga alagad , ayon sa kaya ng bawa&#039;t isa , ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga kapatid na nangananahan sa Judea : Na siya nga nilang ginawa , na ipinadala nila sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo . Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia . At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan . At nang makita niya na ito&#039;y ikinatutuwa ng mga Judio , ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro . At noo&#039;y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura . At nang siya&#039;y mahuli na niya , ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya&#039;y ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siya&#039;y bantayan ; na inaakalang siya&#039;y iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua . Kaya nga&#039;t si Pedro ay iningatan sa bilangguan : datapuwa&#039;t ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya . At nang siya&#039;y malapit nang ilabas ni Herodes , nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal , na nagagapos ng dalawang tanikala : at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan . At narito , tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon , at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan : at tinapik si Pedro sa tagiliran , at siya&#039;y ginising , na sinasabi , Magbangon kang madali . At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay . At sinabi sa kaniya ng anghel , Magbigkis ka , at itali mo ang iyong mga pangyapak . At gayon ang ginawa niya . At sinabi niya sa kaniya . Isuot mo sa iyo ang damit mo , at sumunod ka sa akin . At siya&#039;y lumabas , at sumunod ; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya&#039;y nakakita siya ng isang pangitain . At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay , ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan ; na kusang nabuksan sa kanila : at sila&#039;y nagsilabas , at nangagpatuloy sa isang lansangan ; at pagdaka&#039;y humiwalay sa kaniya ang anghel . At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip , ay kaniyang sinabi , Ngayo&#039;y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio . At nang siya&#039;y makapagnilay na , ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos ; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin . At nang siya&#039;y tumuktok sa pintuang-daan , ay lumabas upang sumagot , ang isang dalagang nagngangalang Rode . At nang makilala niya ang tinig ni Pedro , sa tuwa&#039;y hindi niya binuksan ang pintuan , kundi nagtakbo sa loob , ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan . At kanilang sinabi sa kaniya , Nauulol ka . Datapuwa&#039;t buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga . At kanilang sinabi , na yao&#039;y kaniyang anghel . Datapuwa&#039;t nanatili si Pedro nang pagtuktok : at nang kanilang buksan , ay nakita nila siya , at sila&#039;y nangamangha . Datapuwa&#039;t siya , nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila&#039;y tumahimik , ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan . At sinabi niya , Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago , at sa mga kapatid . At siya&#039;y umalis , at napasa ibang dako . Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal , tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro . At nang siya&#039;y maipahanap na ni Herodes , at hindi siya nasumpungan , ay siniyasat niya ang mga bantay , at ipinagutos na sila&#039;y patayin . At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea , at doon tumira . At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon : at sila&#039;y nangagkaisang pumaroon sa kaniya , at , nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari , ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo , sapagka&#039;t ang lupain nila&#039;y pinakakain ng lupain ng hari . At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari , at naupo sa luklukan , at sa kanila&#039;y tumalumpati . At ang bayan ay sumigaw , Tinig ng dios , at hindi ng tao . At pagdaka&#039;y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon , sapagka&#039;t hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios : at siya&#039;y kinain ng mga uod , at nalagot ang hininga . Datapuwa&#039;t lumago ang salita ng Dios at dumami . At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo , nang maganap na nila ang kanilang ministerio , na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos . Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro , si Bernabe , at si Simeon na tinatawag na Niger , at si Lucio na taga Cirene , at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka , at si Saulo . At nang sila&#039;y nagsisipaglingkod sa Panginoon , at nangagaayuno , ay sinabi ng Espiritu Santo , Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila . Nang magkagayon , nang sila&#039;y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila , ay kanilang pinayaon sila . Sila nga , palibhasa&#039;y sinugo ng Espiritu Santo , ay nagsilusong sa Seleucia ; at buhat doo&#039;y nangaglayag hanggang sa Chipre . At nang sila&#039;y nasasa Salamina , ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa mga sinagoga ng mga Judio : at kanila namang katulong si Juan . At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos , ay nakasumpong sila ng isang manggagaway , bulaang propeta , Judio , na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus ; Na kasama ng proconsul , Sergio Paulo , lalaking matalino . Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo , at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios . Datapuwa&#039;t si Elimas na manggagaway ( sapagka&#039;t ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan ) ay humadlang sa kanila , na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul . Datapuwa&#039;t si Saulo , na tinatawag ding Pablo , na puspos ng Espiritu Santo , ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata , At sinabi , Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan , ikaw na anak ng diablo , ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran , hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon ? At ngayon , narito , nasa iyo ang kamay ng Panginoon , at mabubulag ka , na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon . At pagdaka&#039;y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman ; at siya&#039;y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya&#039;y aakay sa kamay . Nang magkagayon , pagkakita ng proconsul sa nangyari , ay nanampalataya , na nanggigilalas sa aral ng Panginoon . Nagsitulak nga sa Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama , at sumadsad sa Perga ng Pamfilia : at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem . Datapuwa&#039;t sila , pagkatahak sa Perga , ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia ; at sila&#039;y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath , at nagsiupo . At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta , ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila , na sinasabi , Mga kapatid , kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan , ay mangagsalita kayo . At nagtindig si Pablo , at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi , Mga lalaking taga Israel , at kayong nangatatakot sa Dios , magsipakinig kayo . Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang , at pinaunlakan ang bayan nang sila&#039;y nakipamayan sa Egipto , at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon . At nang panahong halos apat na pung taon , ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang . At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan , ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana , sa loob ng halos apat na raa&#039;t limangpung taon : At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta . At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari : at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin ; sa loob ng apat na pung taon . At nang siya&#039;y alisin niya , ay ibinangon niya si David upang maging hari nila ; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi , Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang lalaking kinalulugdan ng aking puso , na gagawa ng buong kalooban ko . Sa binhi ng taong ito , ayon sa pangako , ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas , na si Jesus ; Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating . At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan , ay sinabi niya , Sino baga ako sa inyong akala ? Hindi ako siya . Datapuwa&#039;t narito , may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa . Mga kapatid , mga anak ng lahi ni Abraham , at ang mga sa inyo&#039;y nangatatakot sa Dios , sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito . Sapagka&#039;t silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila , dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya , ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa , ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya . At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay , gayon ma&#039;y kanilang hiningi kay Pilato na siya&#039;y patayin . At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya , ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy , at inilagay siya sa isang libingan . Datapuwa&#039;t siya&#039;y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay : At siya&#039;y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem , na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan . At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang , Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus ; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit , Ikaw ay aking Anak , sa araw na ito ay naging anak kita . At tungkol sa muling binuhay niya , upang ngayon at kailan ma&#039;y huwag nang magbalik sa kabulukan , ay nagsalita siya ng ganito , Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David . Sapagka&#039;t sinabi rin naman niya sa ibang awit , Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan . Sapagka&#039;t si David , nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios , ay natulog , at isinama sa kaniyang mga magulang , at nakakita ng kabulukan . Datapuwa&#039;t yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan . Kaya maging hayag nawa sa inyo , mga kapatid , na sa pamamagitan ng taong ito&#039;y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan : At sa pamamagitan niya ang bawa&#039;t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay , na sa mga ito&#039;y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises . Magsipagingat nga kayo , na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta : Tingnan ninyo , mga mapagwalang-halaga , at mangapagilalas kayo , at kayo&#039;y mangaparam : Sapagka&#039;t ako&#039;y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan , Isang gawang sa anomang paraa&#039;y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman . At pagalis nila , ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod . Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga , marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe ; na , sa pagsasalita sa kanila , ay sila&#039;y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios . At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios . Datapuwa&#039;t nang makita ng mga Judio ang mga karamihan , ay nangapuno ng kapanaghilian , at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo , at nagsipamusong . At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe , at nagsipagsabi , Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo . Yamang inyong itinatakuwil , at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay , narito , kami ay pasasa mga Gentil . Sapagka&#039;t ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon , na sinasabi , Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil , Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa . At nang marinig ito ng mga Gentil , ay nangagalak sila , at niluwalhati ang salita ng Dios : at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan . At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain . Datapuwa&#039;t inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal , at ang mga mahal na tao sa bayan , at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe , at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan . Datapuwa&#039;t ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila , at nagsiparoon sa Iconio . At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo . At nangyari sa Iconio na sila&#039;y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio , at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa&#039;t nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego . Datapuwa&#039;t inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil , at pinasama sila laban sa mga kapatid . Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon , na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya , na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan . Datapuwa&#039;t nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan ; at ang isang bahagi&#039;y nakisama sa mga Judio , at ang ibang bahagi&#039;y nakisama sa mga apostol . At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno , upang sila&#039;y halayin at batuhin , At sa pagkaalam nila nito , ay nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia , Listra at Derbe , at sa palibotlibot ng lupain : At doon nila ipinangaral ang evangelio . At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo , na sa mga paa&#039;y walang lakas , pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina , na kailan ma&#039;y hindi nakalakad . Narinig nitong nagsasalita si Pablo : na , nang titigan siya ni Pablo , at makitang may pananampalataya upang mapagaling , Ay nagsabi ng malakas na tinig , Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa . At siya&#039;y lumukso at lumakad . At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo , ay nagsigawan sila , na sinasabi sa wikang Licaonia , Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao . At tinawag nilang Jupiter , si Bernabe ; at Mercurio , si Pablo , sapagka&#039;t siya ang pangulong tagapagsalita . At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan , ay nagdala ng mga baka&#039;t mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan , at ibig maghaing kasama ng mga karamihan . Datapuwa&#039;t nang marinig ito ng mga apostol , na si Bernabe at si Pablo , ay hinapak nila ang kanilang mga damit , at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan , na nagsisigaw , At nagsisipagsabi , Mga ginoo , bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito ? Kami&#039;y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo , at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo , upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay , na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat , at ng lahat ng nasa mga yaon : Na nang mga panahong nakaraan ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan . At gayon man ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo , tungkol sa kaniyang sarili , na gumawa ng mabuti at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana , na pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at ng katuwaan . At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila . Datapuwa&#039;t nagsirating ang mga Judiong buhat sa Antioquia at Iconio : at nang mahikayat nila ang mga karamihan , ay kanilang pinagbabato si Pablo , at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan , na inaakalang siya&#039;y patay na . Datapuwa&#039;t samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya , ay nagtindig siya , at pumasok sa bayan : at nang kinabukasa&#039;y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa Derbe . At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon , at makahikayat ng maraming mga alagad , ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio , at sa Antioquia , Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad , at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya , at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios . At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa&#039;t iglesia , at nang makapanalanging may pagaayuno , ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan . At kanilang tinahak ang Pisidia , at nagsiparoon sa Pamfilia . At nang masalita na nila ang salita sa Perga , ay nagsilusong sila sa Atalia ; At buhat doo&#039;y nagsilayag sila sa Antioquia , na doo&#039;y ipinagtagubilin sila sa biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na . At nang sila&#039;y magsidating , at matipon na ang iglesia , ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila , at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya . At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad . At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid , na sinasabi , Maliban na kayo&#039;y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises , ay hindi kayo mangaliligtas . At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila , ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe , at ang ilan sa kanila , ay magsiahon sa Jerusalem , sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito . Sila nga , palibhasa&#039;y inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay , ay tinahak ang Fenicia at Samaria , na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil : at sila&#039;y nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid . At nang sila&#039;y magsidating sa Jerusalem , ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda , at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila . Datapuwa&#039;t nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi , Kinakailangang sila&#039;y tuliin , at sa kanila&#039;y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises . At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito . At pagkatapos ng maraming pagtatalo , ay nagtindig si Pedro , at sinabi sa kanila , Mga kapatid , nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo , upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio , at sila&#039;y magsisampalataya . At ang Dios , na nakatataho ng puso , ay nagpatotoo sa kanila , na sa kanila&#039;y ibinigay ang Espiritu Santo , na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin ; At tayo&#039;y hindi niya itinangi sa kanila , na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso . Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios , na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala ? Datapuwa&#039;t naniniwala tayo na tayo&#039;y mangaliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus , na gaya rin naman nila . At nagsitahimik ang buong karamihan ; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan nila . At nang matapos na silang magsitahimik , ay sumagot si Santiago , na sinasabi , Mga kapatid , pakinggan ninyo ako : Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil , upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan . At dito&#039;y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta ; gaya ng nasusulat , Pagkatapos ng mga bagay na ito , ako&#039;y babalik , At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David , na nabagsak ; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya . At ito&#039;y aking itatayo : Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon , At ng lahat ng mga Gentil , na tinatawag sa aking pangalan , Sabi ng Panginoon , na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una . Dahil dito&#039;y ang hatol ko , ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios ; Kundi sumulat tayo sa kanila , na sila&#039;y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan , at sa pakikiapid , at sa binigti , at sa dugo . Sapagka&#039;t si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa&#039;t bayan na nangangaral tungkol sa kaniya , palibhasa&#039;y binabasa sa mga sinagoga sa bawa&#039;t sabbath . Nang magkagayo&#039;y minagaling ng mga apostol at ng matatanda , pati ng buong iglesia , na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama , at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe ; si Judas na tinatawag na Barsabas , at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid : At nagsisulat sila sa pamamagitan nila , Ang mga apostol at ang mga matanda , mga kapatid , sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia , ay bumabati : Sapagka&#039;t aming nabalitaan na ang ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita , na isininsay ang inyong mga kaluluwa ; na sa kanila&#039;y hindi kami nangagutos ng anoman ; Ay minagaling namin , nang mapagkaisahan na , na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo , Na mga lalaking nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo . Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas , na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig . Sapagka&#039;t minagaling ng Espiritu Santo , at namin , na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan : Na kayo&#039;y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan , at sa dugo , at sa mga binigti , at sa pakikiapid ; kung kayo&#039;y mangilag sa mga bagay na ito , ay ikabubuti ninyo . Paalam na sa inyo . Kaya nga , nang sila&#039;y mapayaon na , ay nagsilusong sa Antioquia ; at nang matipon na nila ang karamihan , ay kanilang ibinigay ang sulat . At nang ito&#039;y kanilang mabasa na , ay nangagalak dahil sa pagkaaliw . Si Judas at si Silas , palibhasa&#039;y mga propeta rin naman , ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita , at sila&#039;y pinapagtibay . At nang sila&#039;y makapaggugol na ng ilang panahon doon , ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila . Datapuwa&#039;t minagaling ni Silas ang matira roon . Datapuwa&#039;t nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia , na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon , na kasama naman ng ibang marami . At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe , Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa&#039;t bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon , at tingnan natin kung ano ang lagay nila . At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan , na tinatawag na Marcos . Datapuwa&#039;t hindi minagaling ni Pablo na isama nila ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia , at hindi sumama sa kanila sa gawain . At nagkaroon ng pagtatalo , ano pa&#039;t sila&#039;y naghiwalay , at isinama ni Bernabe si Marcos , at lumayag sa Chipre : Datapuwa&#039;t hinirang ni Pablo si Silas , at yumaon , na sila&#039;y ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon . At kaniyang tinahak ang Siria at Cilicia , na pinagtitibay ang mga iglesia . At siya&#039;y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra : at narito , naroon ang isang alagad , na nagngangalang Timoteo , na anak ng isang Judiang sumasampalataya ; datapuwa&#039;t Griego ang kaniyang ama . Siya&#039;y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio . Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya ; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon : sapagka&#039;t nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama&#039;y Griego . At sa kanilang pagtahak sa mga bayan , ay ibinigay sa kanila ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem , upang kanilang tuparin . Kaya nga , ang mga iglesia&#039;y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw . At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia , ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia ; At nang sila&#039;y magsidating sa tapat ng Misia , ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia ; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus ; At pagkaraan nila sa Misia , ay nagsilusong sila sa Troas . At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo : May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo , na namamanhik sa kaniya , at sinasabi , Tumawid ka sa Macedonia , at tulungan mo kami . At pagkakita niya sa pangitain , pagdaka&#039;y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia , na pinatutunayang kami&#039;y tinawag ng Dios upang sa kanila&#039;y ipangaral ang evangelio . Pagtulak nga sa Troas , ay pinunta namin ang Samotracia , at nang kinabukasa&#039;y ang Neapolis ; At mula doo&#039;y ang Filipos , na isang bayan ng Macedonia , na siyang una sa purok , lupang nasasakupan ng Roma : at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon . At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog , na doo&#039;y sinapantaha naming may mapapanalanginan ; at kami&#039;y nangaupo , at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon . At isang babaing nagngangalang Lidia , na mangangalakal ng kayong kulay-ube , na taga bayan ng Tiatira , isang masipag sa kabanalan , ay nakinig sa amin : na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo . At nang siya&#039;y mabautismuhan na , at ang kaniyang mga kasangbahay , ay namanhik siya sa amin , na sinasabi , Kung inyong inaakalang ako&#039;y tapat sa Panginoon , ay magsipasok kayo sa aking bahay , at kayo&#039;y magsitira doon . At kami&#039;y pinilit niya . At nangyari , na nang kami&#039;y nagsisiparoon sa mapapanalanginan , ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula , at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula . Siya&#039;y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw , na sinasabi , Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito , na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan . At maraming mga araw na ginawa niya ito . Datapuwa&#039;t palibhasa&#039;y si Pablo ay totoong nababagabag , ay lumingon at sinabi sa espiritu , Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya . At ito ay lumabas nang oras ding yaon . Datapuwa&#039;t nang makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan , ay hinuli nila si Pablo at si Silas , at kinaladkad sila sa pamilihan , sa harapan ng mga may kapangyarihan , At nang maiharap na sila sa mga hukom , ay sinabi nila , Ang mga lalaking ito , palibhasa&#039;y mga Judio , ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan , At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin , o gawin , palibhasa tayo&#039;y Romano . At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila : at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit , at ipinapalo sila ng mga panghampas . At nang sila&#039;y mapalo na nila ng marami , ay ipinasok sila sa bilangguan , na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila&#039;y bantayang maigi : Na , nang tanggapin nito ang gayong tagubilin , ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan , at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan . Datapuwa&#039;t nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios , at sila&#039;y pinakikinggan ng mga bilanggo ; At kaginsaginsa&#039;y nagkaroon ng isang malakas na lindol , ano pa&#039;t nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan : at pagdaka&#039;y nangabuksan ang lahat ng mga pinto ; at nangakalas ang mga gapos ng bawa&#039;t isa . At ang tagapamahala , palibhasa&#039;y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan , ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana , sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo . Datapuwa&#039;t sumigaw si Pablo ng malakas na tinig , na sinasabi , Huwag mong saktan ang iyong sarili : sapagka&#039;t nangaririto kaming lahat . At siya&#039;y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob , at , nanginginig sa takot , ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas , At sila&#039;y inilabas at sinabi , Mga ginoo , ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas ? At kanilang sinabi , Manampalataya ka sa Panginoong Jesus , at maliligtas ka , ikaw at ang iyong sangbahayan . At sa kaniya&#039;y sinalita nila ang salita ng Panginoon , pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay . At sila&#039;y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi , at hinugasan ang kanilang mga latay ; at pagdaka&#039;y binautismuhan , siya at ang buong sangbahayan niya . At sila&#039;y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay , at hinainan sila ng pagkain , at nagalak na totoo , pati ng buong sangbahayan niya , na nagsisampalataya sa Dios . Datapuwa&#039;t nang umaga na , ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento , na nagsasabi , Pawalan mo ang mga taong iyan . At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito , na sinasabi , Ipinagutos ng mga hukom na kayo&#039;y pawalan : ngayon nga&#039;y magsilabas kayo , at magsiyaon kayong payapa . Datapuwa&#039;t sinabi sa kanila ni Pablo , Pinalo nila kami sa hayag , na hindi nangahatulan , bagama&#039;t mga lalaking Romano , at kami&#039;y ibinilanggo ; at ngayo&#039;y lihim na kami&#039;y pinawawalan nila ? tunay na hindi nga ; kundi sila rin ang magsiparito at kami&#039;y pawalan . At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom : at sila&#039;y nangatakot nang kanilang marinig na sila&#039;y mga Romano ; At sila&#039;y nagsiparoon at pinamanhikan sila ; at nang kanilang mailabas na sila , ay hiniling nila sa kanila na magsilabas sa bayan . At sila&#039;y nagsilabas sa bilangguan , at nagsipasok sa bahay ni Lidia : at nang makita nila ang mga kapatid , ay kanilang inaliw sila , at nagsialis . Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia , ay nagsirating sila sa Tesalonica , na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio . At si Pablo , ayon sa ugali niya ay pumasok sa kanila , at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila sa mga kasulatan , Na binubuksan at pinatunayan na kinakailangang si Cristo ay maghirap , at muling mabuhay sa mga patay ; at itong si Jesus , aniya , na aking ipinangangaral sa inyo , ay siyang Cristo . At nangahikayat ang ilan sa kanila , at nakikampi kay Pablo at kay Silas ; at gayon din ang lubhang maraming mga Griegong masisipag sa kabanalan , at hindi kakaunting mga babaing mararangal . Datapuwa&#039;t ang mga Judio , palibhasa&#039;y nangaudyokan ng inggit , ay nangagsama ng ilang masasamang tao sa pamilihan , at pagkatipon ng isang karamihan , ay ginulo ang bayan ; at pagkalusob sa bahay ni Jason , ay pinagsikapan nilang sila&#039;y iharap sa mga tao . At nang hindi sila mangasumpungan , ay kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga punong bayan , na ipinagsisigawan , Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan , ay nagsiparito rin naman ; Na tinanggap sila ni Jason : at ang lahat ng mga ito ay nagsisigawa ng laban sa mga utos ni Cesar , na nagsasabing may ibang hari , si Jesus . At kanilang ginulo ang karamihan at ang mga punong bayan , nang kanilang marinig ang mga bagay na ito . At nang matanggap na nila ang pinakaako kay Jason at sa mga iba , ay kanilang pinawalan sila . At pagdaka&#039;y pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea : na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio . Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica , sapagka&#039;t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap , at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan , kung tunay nga ang mga bagay na ito . Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya ; gayon din sa mga babaing Griega na may mga kalagayang mahal , at sa mga lalake , ay hindi kakaunti . Datapuwa&#039;t nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios , ay nagsiparoon din naman , na ginulo at binagabag ang mga karamihan . At nang magkagayo&#039;y pagdaka&#039;y pinayaon ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat : at nangatira pa roon si Silas at si Timoteo . Datapuwa&#039;t silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay dinala siya hanggang sa Atenas : at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya , ay nagsialis sila . Samantala ngang sila&#039;y hinihintay ni Pablo sa Atenas , ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan . Kaya&#039;t sa sinagoga&#039;y nakipagmatuwiran siya sa mga Judio at sa mga taong masisipag sa kabanalan , at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya . At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya . At sinabi ng ilan , Anong ibig sabihin ng masalitang ito ? binagabag ang mga iba , Parang siya&#039;y tagapagbalita ng mga ibang dios : sapagka&#039;t ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli . At siya&#039;y tinangnan nila , at dinala siya sa Areopago , na sinasabi , Mangyayari bagang maalaman namin kung ano itong bagong aral , na sinasalita mo ? Sapagka&#039;t naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga : ibig nga naming maalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito . ( Lahat nga ng mga Ateniense at ang mga taga ibang bayang nakikipamayan doon ay walang ibang ginagawa , kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago . ) At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago , at sinabi , Kayong mga lalaking taga Atenas , sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo&#039;y lubhang relihioso . Sapagka&#039;t sa aking pagdaraan , at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba , ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito , SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA . Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala , siya ang sa inyo&#039;y ibinabalita ko . Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto , siya , palibhasa&#039;y Panginoon ng langit at ng lupa , ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay ; Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao , na para bagang siya&#039;y nangangailangan ng anomang bagay , yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay , at ng hininga , at ng lahat ng mga bagay ; At ginawa niya sa isa ang bawa&#039;t bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa , na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan ; Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya&#039;y masumpungan , bagaman hindi siya malayo sa bawa&#039;t isa sa atin : Sapagka&#039;t sa kaniya tayo&#039;y nangabubuhay , at nagsisikilos , at mayroon tayong pagkatao : na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula , Sapagka&#039;t tayo nama&#039;y sa kaniyang lahi . Yamang tayo nga&#039;y lahi ng Dios , ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto , o ng pilak , o ng bato , na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao . Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios ; datapuwa&#039;t ngayo&#039;y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako : Sapagka&#039;t siya&#039;y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga ; na ito&#039;y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao , nang siya&#039;y buhayin niyang maguli sa mga patay . At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli , ay nanglibak ang ilan ; datapuwa&#039;t sinabi ng mga iba , Pakikinggan ka naming muli tungkol dito . Sa gayo&#039;y umalis si Pablo sa gitna nila . Datapuwa&#039;t nakisama sa kanya ang ilang mga tao , at nagsisampalataya : na sa mga yao&#039;y isa si Dionisio na Areopagita , at ang isang babaing nagngangalang Damaris , at mga iba pang kasama nila . Pagkatapos ng mga bagay na ito&#039;y umalis siya sa Atenas , at napasa Corinto . At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila , isang lalaking tubo sa Ponto , na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia , kasama ni Priscila na kaniyang asawa , sapagka&#039;t ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma : at siya&#039;y lumapit sa kanila ; At sapagka&#039;t ang hanap-buhay niya&#039;y gaya rin ng kanila , ay nakipanuluyan siya sa kanila , at sila&#039;y nagsigawa : sapagka&#039;t ang hanap-buhay nila&#039;y gumawa ng mga tolda . At siya&#039;y nangangatuwiran tuwing sabbath sa sinagoga , at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego . Datapuwa&#039;t nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia , si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita , na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo . At nang sila&#039;y magsitutol at magsipamusong , ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila&#039;y sinabi , Ang inyong dugo&#039;y sumainyong sariling mga ulo : ako&#039;y malinis : buhat ngayo&#039;y paparoon ako sa mga Gentil . At siya&#039;y umalis doon , at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo , na isang sumasamba sa Dios , na ang bahay niya&#039;y karugtong ng sinagoga . At si Crispo , ang pinuno sa sinagoga , ay nanampalataya sa Panginoon , pati ng buong sangbahayan niya ; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya , at pawang nangabautismuhan . At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain , Huwag kang matakot , kundi magsalita ka , at huwag kang tumahimik : Sapagka&#039;t ako&#039;y sumasaiyo , at sinoma&#039;y hindi ka madadaluhong upang saktan ka : sapagka&#039;t makapal ang mga tao ko sa bayang ito . At siya&#039;y tumahan doong isang taon at anim na buwan , na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios . Datapuwa&#039;t nang si Galion ay proconsul ng Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at siya&#039;y dinala sa harapan ng hukuman , Na nagsasabi , Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa kautusan . Datapuwa&#039;t nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig , ay sinabi ni Galion sa mga Judio , Kung ito&#039;y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan , Oh mga Judio , may matuwid na tiisin ko kayo : Datapuwa&#039;t kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan , kayo sa inyong sarili na ang bahala noon ; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito . At sila&#039;y pinalayas niya sa hukuman . At hinawakan nilang lahat si Sostenes , na pinuno sa sinagoga , at siya&#039;y hinampas sa harapan ng hukuman . At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito . At si Pablo , pagkatapos na makatira na roong maraming araw , ay nagpaalam sa mga kapatid , at buhat doo&#039;y lumayag na patungo sa Siria , at kasama niya si Priscila at si Aquila : na inahit niya ang kaniyang buhok sa Cencrea ; sapagka&#039;t siya&#039;y may panata . At sila&#039;y nagsidating sa Efeso , at sila&#039;y iniwan niya doon : datapuwa&#039;t pumasok siya sa sinagoga , at nangatuwiran sa mga Judio . At nang siya&#039;y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon , ay hindi siya pumayag ; Kundi nang siya&#039;y nagpaalam sa kanila , at nagsabi , Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios , siya&#039;y naglayag buhat sa Efeso . At nang makalunsad na siya sa Cesarea , ay siya&#039;y umahon at bumati sa iglesia , at lumusong sa Antioquia . At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon , ay umalis siya , at tinahak ang lupain ng Galacia , at Frigia , na sunodsunod , na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad . Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos , na isang Alejandrino sa lahi , at taong marikit mangusap , ay dumating sa Efeso ; at siya&#039;y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan . Ang taong ito&#039;y tinuruan sa daan ng Panginoon ; at palibhasa&#039;y may maningas na espiritu , ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus , na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan : At siya&#039;y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga . Datapuwa&#039;t nang siya&#039;y marinig ni Priscila at ni Aquila , ay kanilang isinama siya , at isinaysay sa kaniya ang daan ng Panginoon ng lalong maingat . At nang ibig niyang lumipat sa Acaya , ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila&#039;y nagsisulat sa mga alagad na siya&#039;y tanggapin : at nang siya&#039;y dumating doon , ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya ; Sapagka&#039;t may kapangyarihang dinaig niya ang mga Judio , at hayag , na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo . At nangyari , na , samantalang si Apolos ay nasa Corinto , pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso , at nakasumpong ng ilang mga alagad : At sa kanila&#039;y sinabi niya , Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo&#039;y magsisampalataya ? At sinabi nila sa kaniya , Hindi , hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo . At sinabi niya , Kung gayo&#039;y sa ano kayo binautismuhan ? At sinabi nila , Sa bautismo ni Juan . At sinabi ni Pablo , Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi , na sinasabi sa bayan na sila&#039;y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya , sa makatuwid baga&#039;y kay Jesus . At nang kanilang marinig ito , ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus . At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay , ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo ; at sila&#039;y nagsipagsalita ng mga wika , at nagsipanghula . At silang lahat ay may labingdalawang lalake . At siya&#039;y pumasok sa sinagoga , at nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan , na nangangatuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Dios . Datapuwa&#039;t nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala , na pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan , ay umalis siya sa kanila , at inihiwalay ang mga alagad , na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tiranno . At ito&#039;y tumagal sa loob ng dalawang taon ; ano pa&#039;t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon , ang mga Judio at gayon din ang mga Griego . At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo : Ano pa&#039;t ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit , at nawawala sa kanila ang mga sakit , at nangagsisilabas ang masasamang espiritu . Datapuwa&#039;t ilan sa mga Judiong pagalagala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu , ay nagsipangahas na sambitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga may masasamang espiritu , na nagsisipagsabi , Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na siyang ipinangangaral ni Pablo . At may pitong anak na lalake ang isang Esceva na Judio , isang pangulong saserdote , na nagsisigawa nito . At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila&#039;y sinabi , Nakikilala ko si Jesus , at nakikilala ko si Pablo ; datapuwa&#039;t sino-sino kayo ? At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila , at sila&#039;y kaniyang natalo , at nadaig sila , ano pa&#039;t nagsitakas sila sa bahay na yaon na mga hubo&#039;t hubad at mga sugatan . At nahayag ito sa lahat , sa mga Judio at gayon din sa mga Griego , na nangananahanan sa Efeso ; at sinidlan silang lahat ng takot , at pinadakila ang pangalan ng Panginoong Jesus . Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating , na ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain . At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat , at pinagsusunog sa paningin ng lahat ; at kanilang binilang ang halaga niyaon , at nasumpungang may limampung libong putol na pilak . Sa gayo&#039;y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig . Pagkatapos nga ng mga bagay na ito , ay ipinasiya ni Pablo sa espiritu , nang matahak na niya ang Macedonia at ang Acaya , na pumaroon sa Jerusalem , na sinasabi , Pagkapanggaling ko roon , ay kinakailangang makita ko naman ang Roma . At nang maisugo na niya sa Macedonia ang dalawa sa nagsisipaglingkod sa kaniya , na si Timoteo at si Erasto , siya rin ay natirang ilang panahon sa Asia . At halos nang panahong yao&#039;y may nangyaring hindi mumunting kaguluhan tungkol sa Daan . Sapagka&#039;t may isang taong nagngangalang Demetrio , pandaypilak , na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana , ay nagbibigay ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday ; Na sila&#039;y kaniyang tinipon pati ng mga manggagawa ng mga gayong gawa , at sinabi , Mga Ginoo , talastas ninyo na nagsisiyaman tayo sa hanap-buhay na ito . At inyong nakikita at naririnig , na hindi lamang sa Efeso , kundi halos sa buong Asia , ay nakaakit ang Pablong ito at naghiwalay ng maraming mga tao , na sinasabing hindi raw mga dios , ang mga ginagawa ng mga kamay : At hindi lamang may panganib na mawalang kapurihan ang hanapbuhay nating ito ; kundi naman ang templo ng dakilang diosa Diana ay mawawalan ng halaga , at hanggang sa malugso ang kadakilaan niya na sinasamba ng buong Asia at ng sanglibutan . At nang marinig nila ito&#039;y nangapuno sila ng galit , at nangagsigawan , na nagsipagsabi , Dakila ang Diana ng mga taga Efeso . At napuno ng kaguluhan ang bayan : at pinagkaisahan nilang lusubin ang dulaan , na sinunggaban si Gayo at si Aristarco , mga lalaking taga Macedonia , na kasama ni Pablo sa paglalakbay . At nang inakala ni Pablo na pasukin ang mga tao , ay hindi siya tinulutan ng mga alagad . At ang ilan din naman sa mga puno sa Asia , palibhasa&#039;y kaniyang mga kaibigan , ay nangagpasugo sa kaniya at siya&#039;y pinakiusapang huwag siyang pumaroon sa dulaan . At ang iba nga&#039;y sumisigaw ng isang bagay , at ang iba&#039;y iba naman : sapagka&#039;t ang pulong ay nasa kaguluhan ; at hindi maalaman ng karamihan kung bakit sila&#039;y nangagkatipon . At kanilang inilabas si Alejandro sa karamihan , na siya&#039;y itinutulak ng mga Judio sa dakong harap . At inihudyat ang kamay ni Alejandro , at ibig sanang magsanggalang sa harapan ng bayan . Datapuwa&#039;t nang matalastas nilang siya&#039;y Judio , ay nangagkaisang lahat na mangagsigawan sa loob halos ng dalawang oras , Dakila ang Diana ng mga Efeso . At nang mapatahimik na ng kalihim-bayan ang karamihan , ay kaniyang sinabi , Kayong mga lalaking taga Efeso , sino sa mga tao ang hindi nakakaalam na ang bayan ng mga Efeso ay tagapagingat ng templo ng dakilang Diana , at ng larawang nahulog mula kay Jupiter ? Yamang hindi nga maikakaila ang mga bagay na ito , ay dapat kayong magsitahimik , at huwag magsigawa ng anomang bagay sa madalian . Sapagka&#039;t dinala ninyo rito ang mga taong ito , na hindi mga mangloloob sa templo , ni mga mamumusong man sa ating diosa . Kung si Demetrio nga , at ang mga panday na kasama niya , ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man , ay bukas ang mga hukuman , at may mga proconsul : bayaan ninyong mangagsakdal ang isa&#039;t isa . Datapuwa&#039;t kung may inuusig kayo sa ano pa mang ibang mga bagay , ay mahahatulan sa karaniwang kapulungan . Sapagka&#039;t totoong nanganganib tayo na mangasakdal tungkol sa pagkakagulo sa araw na ito , palibhasa&#039;y walang anomang kadahilanan : at tungkol dito ay hindi tayo makapagbibigay sulit tungkol sa pagkakatipong ito . At nang siya&#039;y makapagsalitang gayon , ay pinaalis niya ang kapulungan . At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan , nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila&#039;y mapangaralan , ay nagpaalam sa kanila , at umalis upang pumaroon sa Macedonia . At nang matahak na niya ang mga dakong yaon , at maaralan na sila ng marami , siya&#039;y napasa Grecia . At nang siya&#039;y makapaggugol na ng tatlong buwan doon , at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya&#039;y lalayag na sa Siria , ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia . At siya&#039;y sinamahan hanggang sa Asia , ni Sopatro na taga Berea , na anak ni Pirro ; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo ; at ni Gayo na taga Derbe , at ni Timoteo ; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo . Datapuwa&#039;t nangauna ang mga ito , at hinintay kami sa Troas . At kami&#039;y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan ng mga tinapay na walang lebadura , at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw ; na doo&#039;y nagsitira kaming pitong araw . At nang unang araw ng sanglinggo , nang kami&#039;y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay , si Pablo ay nangaral sa kanila , na nagaakalang umalis sa kinabukasan ; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi . At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin . At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico , na mahimbing sa pagtulog ; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba , palibhasa&#039;y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado , at siya&#039;y binuhat na patay . At nanaog si Pablo , at dumapa sa ibabaw niya , at siya&#039;y niyakap na sinabi , Huwag kayong magkagulo ; sapagka&#039;t nasa kaniya ang kaniyang buhay . At nang siya&#039;y makapanhik na , at mapagputolputol na ang tinapay , at makakain na , at makapagsalita sa kanila ng mahaba , hanggang sa sumikat ang araw , kaya&#039;t siya&#039;y umalis . At kanilang dinalang buhay ang binata , at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw . Datapuwa&#039;t kami , na nangauna sa daong , ay nagsilayag na patungong Ason , na doon namin inaakalang ilulan si Pablo : sapagka&#039;t gayon ang kaniyang ipinasiya , na ninanasa niyang maglakad . At nang salubungin niya kami sa Ason , siya&#039;y inilulan namin , at nagsiparoon kami sa Mitilene . At pagtulak namin doon , ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio ; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo ; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto . Sapagka&#039;t ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso , upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia ; sapagka&#039;t siya&#039;y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes . At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso , at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia . At nang sila&#039;y magsidating sa kaniya , ay sinabi niya sa kanila , Nalalaman ninyo , na mula nang unang araw na ako&#039;y tumungtong sa Asia , kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon , Na ako&#039;y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip , at ng mga luha , at ng mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagbakay ng mga Judio ; Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan , at hayag na itinuro sa inyo , at sa mga bahay-bahay , Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios , at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo . At ngayon , narito , ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem , na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon : Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa&#039;t bayan , na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin . Datapuwa&#039;t hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga , maganap ko lamang ang aking katungkulan , at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus , na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios . At ngayon , narito , nalalaman ko na kayong lahat , na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian , ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha . Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito , na ako&#039;y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao . Sapagka&#039;t hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios . Ingatan ninyo ang inyong sarili , at ang buong kawan , na sa kanila&#039;y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo , upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo . Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo , na hindi mangagpapatawad sa kawan ; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama , upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan . Kaya nga kayo&#039;y mangagpuyat , na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa&#039;t isa na may pagluha . At ngayo&#039;y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios , at sa salita ng kaniyang biyaya , na makapagpapatibay , at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal . Hindi ko inimbot ang pilak ninoman , o ang ginto , o ang pananamit . Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko , at sa aking mga kasamahan . Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay , na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina , at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus , na siya rin ang may sabi , Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap . At nang makapagsalita na siya ng gayon , ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat . At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa , at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya&#039;y hinagkan nila . Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya , na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha . At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong . At nang mangyaring kami&#039;y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag , ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos , at nang kinabukasa&#039;y ang Rodas , at buhat doo&#039;y ang Patara : At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia , ay nagsilulan kami , at nagsipaglayag . At nang matanaw namin ang Chipre , na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria , at nagsidaong sa Tiro ; sapagka&#039;t ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan . At nang masumpungan ang mga alagad , ay nangatira kami doong pitong araw : at sinabi ng mga ito kay Pablo na sa pamamagitan ng Espiritu , na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem . At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon , ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay : at silang lahat , pati ng mga asawa at mga anak , ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan : at sa paninikluhod namin sa baybayin , kami&#039;y nagsipanalangin , at nangagpaalaman sa isa&#039;t isa ; At nagsilulan kami sa daong , datapuwa&#039;t sila&#039;y muling nagsiuwi sa bahay . At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro , ay nagsidating kami sa Tolemaida ; at kami&#039;y nagsibati sa mga kapatid , at kami&#039;y nagsitahan sa kanilang isang araw . At nang kinabukasan ay nagsialis kami , at nagsidating sa Cesarea : at sa pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista , na isa sa pito , ay nagsitahan kaming kasama niya . Ang tao ngang ito&#039;y may apat na anak na binibini , na nagsisipanghula . At sa pagtira namin doong ilang araw , ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta , na nagngangalang Agabo . At paglapit sa amin , at pagkakuha ng pamigkis ni Pablo , ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa&#039;t kamay , at sinabi , Ganito ang sabi ng Espiritu Santo , Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito , at siya&#039;y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil . At nang marinig namin ang mga bagay na ito , kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem . Nang magkagayo&#039;y sumagot si Pablo , Anong ginagawa ninyo , na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso ? sapagka&#039;t ako&#039;y nahahanda na hindi lamang gapusin , kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus . At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami , na nagsisipagsabi , Mangyari ang kalooban ng Panginoon . At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem . At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad , at kanilang isinama ang isang Mnason , na taga Chipre , isa sa mga kaunaunahang alagad , na sa kaniya kami magsisipanuluyan . At nang magsidating kami sa Jerusalem , ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan . At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay Santiago ; at ang lahat ng mga matanda ay nangaroroon . At nang sila&#039;y mangabati na niya , ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio . At sila , nang kanilang marinig yaon , ay niluwalhati ang Dios ; at sa kaniya&#039;y sinabi nila , Nakikita mo na , kapatid , kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya ; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan . At nabalitaan nila tungkol sa iyo , na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises , na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian . Ano nga baga ito ? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka . Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo : Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili ; Isama mo sila , maglinis kang kasama nila , at pagbayaran mo ang kanilang magugugol , upang sila&#039;y mangagpaahit ng kanilang mga ulo : at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo ; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan . Nguni&#039;t tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya , ay sinulatan namin , na pinagpayuhang sila&#039;y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan , at sa dugo , at sa binigti , at sa pakikiapid . Nang magkagayo&#039;y isinama ni Pablo ang mga tao , at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila ay pumasok sa templo , na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis , hanggang sa ihain ang haing patungkol sa bawa&#039;t isa sa kanila . At nang halos tapos na ang pitong araw , ang mga Judiong taga Asia , nang siya&#039;y makita nila sa templo , ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siya&#039;y kanilang dinakip , Na nangagsisigawan , Mga lalaking taga Israel , magsitulong kayo : Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan , at sa kautusan , at sa dakong ito ; at bukod pa sa rito&#039;y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo , at dinungisan itong dakong banal . Sapagka&#039;t nakita muna nila na kasama niya sa bayan si Trofimo taga Efeso , na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo . At ang buong bayan ay napakilos , at ang mga tao&#039;y samasamang nagsipanakbuhan ; at kanilang sinunggaban si Pablo , at siya&#039;y kinaladkad na inilabas sa templo : at pagdaka&#039;y inilapat ang mga pinto . At samantalang pinagpipilitan nilang siya&#039;y patayin , ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong , na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan . At pagdaka&#039;y kumuha siya ng mga kawal at mga senturion , at sumagasa sa kanila : at sila , nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo . Nang magkagayo&#039;y lumapit ang pangulong kapitan , at tinangnan siya , at siya&#039;y ipinagapos ng dalawang tanikala ; at itinanong kung sino siya , at kung ano ang ginawa niya . At iba&#039;y sumisigaw ng isang bagay , ang iba&#039;y iba naman , sa gitna ng karamihan : at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan , ay ipinadala siya sa kuta . At nang siya&#039;y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya&#039;y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan ; Sapagka&#039;t siya&#039;y sinusundan ng karamihan ng mga tao , na nangagsisigawan , Alisin siya . At nang ipapasok na si Pablo sa kuta , ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan , Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman ? At sinabi niya , Marunong ka baga ng Griego ? Hindi nga baga ikaw yaong Egipcio , na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao ? Datapuwa&#039;t sinabi ni Pablo , Ako&#039;y Judio , na taga Tarso sa Cilicia , isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan : at ipinamamanhik ko sa iyo , na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan . At nang siya&#039;y mapahintulutan na niya , si Pablo , na nakatayo sa hagdanan , inihudyat ang kamay sa bayan ; at nang tumahimik nang totoo , siya&#039;y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo , na sinasabi , Mga kapatid na lalake at mga magulang , pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo . At nang marinig nilang sila&#039;y kinakausap niya sa wikang Hebreo , ay lalo pang tumahimik sila : at sinabi niya , Ako&#039;y Judio , na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia , datapuwa&#039;t pinapagaral sa bayang ito , sa paanan ni Gamaliel , na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang , palibhasa&#039;y masikap tungkol sa Dios , na gaya ninyong lahat ngayon : At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay , na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae . Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin , at ang buong kapulungan ng matatanda : na sa kanila nama&#039;y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid , at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan . At nangyari , na , samantalang ako&#039;y naglalakbay , at nalalapit na sa Damasco , nang magtatanghaling tapat , biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko . At ako&#039;y nasubasob sa lupa , at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin , Saulo , Saulo , bakit mo ako pinaguusig ? At ako&#039;y sumagot , Sino ka baga , Panginoon ? At sinabi niya sa akin , Ako&#039;y si Jesus na taga Nazaret , na iyong pinaguusig . At sa katotohana&#039;y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw , datapuwa&#039;t hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin . At sinabi ko , Ano ang gagawin ko , Panginoon ? At sinabi sa akin ng Panginoon , Magtindig ka , at pumaroon ka sa Damasco ; at doo&#039;y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo . At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon , palibhasa&#039;y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko , ay pumasok ako sa Damasco . At isang Ananias , lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan , na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon , Ay lumapit sa akin , at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin , Kapatid na Saulo , tanggapin mo ang iyong paningin . At nang oras ding yao&#039;y tumingin ako sa kaniya . At sinabi niya , Ang Dios ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban , at makita mo ang Banal , at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig . Sapagka&#039;t magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig . At ngayon bakit ka tumitigil ? magtindig ka , at ikaw ay magbautismo , at hugasan mo ang iyong mga kasalanan , na tumatawag sa kaniyang pangalan . At nangyari , na , nang ako&#039;y makabalik na sa Jerusalem , at nang ako&#039;y nananalangin sa templo ay nawalan ako ng diwa , At siya&#039;y nakita ko na nagsasabi sa akin , Magmadali ka , at umalis ka agad sa Jerusalem ; sapagka&#039;t hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin . At aking sinabi , Panginoon , napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa&#039;t sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo : At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi , ay ako nama&#039;y nakatayo sa malapit , at sinasangayunan ko , at iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya&#039;y nagsipatay . At sinabi niya sa akin , Yumaon ka : sapagka&#039;t susuguin kita sa malayo sa mga Gentil . At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito ; at sila&#039;y nangagtaas ng kanilang tinig , at nangagsabi , Alisin sa lupa ang isang gayong tao : sapagka&#039;t hindi marapat na siya&#039;y mabuhay . At samantalang sila&#039;y nangagsisigawan , at ipinaghahagisan ang kanilang mga damit , at nangagsasabog ng alabok sa hangin , Ay ipinagutos ng pangulong kapitan na siya&#039;y ipasok sa kuta , na ipinaguutos na siya&#039;y sulitin sa pamamagitan ng hampas , upang maalaman niya kung sa anong kadahilanan sila&#039;y nangagsigawan ng gayon laban sa kaniya . At nang siya&#039;y kanilang magapos na ng mga panaling katad , ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit , Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma , na hindi pa nahahatulan ? At nang ito&#039;y marinig ng senturion , ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya&#039;y ipinagbigay-alam , na sinasabi , Ano baga ang gagawin mo ? sapagka&#039;t ang taong ito ay taga Roma . At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya , Sabihin mo sa akin , ikaw baga&#039;y taga Roma ? At sinabi niya , Oo . At sumagot ang pangulong kapitan , Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito . At sinabi ni Pablo , Nguni&#039;t ako&#039;y katutubong taga Roma . Pagkaraka nga&#039;y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana&#039;y susulit : at ang pangulong kapitan din naman ay natakot nang maalamang siya&#039;y taga Roma , at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya . Datapuwa&#039;t nang kinabukasan , sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya&#039;y isinakdal ng mga Judio , ay kaniyang pinawalan siya , at pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin , at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila . At si Pablo , na tumititig na mabuti sa Sanedrin , ay nagsabi , Mga kapatid na lalake , ako&#039;y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito . At ipinagutos ng dakilang saserdoteng si Ananias sa mga nalalapit sa kaniya na siya&#039;y saktan sa bibig . Nang magkagayo&#039;y sinabi sa kaniya ni Pablo , sasaktan ka ng Dios , ikaw na pinaputing pader : at nakaupo ka baga upang ako&#039;y hatulan mo ayon sa kautusan , at ako&#039;y sinasaktan mo ng laban sa kautusan ? At sinabi ng nangakatayo sa malapit , Nilalait mo ang dakilang saserdote ng Dios ? At sinabi ni Pablo , Hindi ko nalalaman , mga kapatid na lalake , na siya&#039;y dakilang saserdote : sapagka&#039;t nasusulat , Huwag kang magsasalita ng masama sa isang pinuno ng iyong bayan . Datapuwa&#039;t nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo at ang iba&#039;y mga Fariseo , ay sumigaw siya sa Sanedrin , Mga kapatid na lalake , ako&#039;y Fariseo , anak ng mga Fariseo : ako&#039;y sinisiyasat tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay . At nang masabi na niya ang gayon , nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at sa mga Saduceo ; at nagkabahabahagi ang kapulungan . Sapagka&#039;t sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na maguli , ni anghel , ni espiritu ; datapuwa&#039;t kapuwa pinaniniwalaan ng mga Fariseo . At nagkaroon ng malaking sigawan , at nagsitindig ang ilan sa mga eskriba na kakampi ng mga Fariseo , at nakikipagtalo , na nagsipagsabi , Wala kaming masumpungang anomang kasalanan sa taong ito : at ano kung siya&#039;y kinausap man ng isang espiritu , o ng isang anghel ? At nang magkaroon ng malaking pagtatalo , sa takot ng pangulong kapitan na baka pagwaraywarayin nila si Pablo , ay pinapanaog ang mga kawal at ipinaagaw siya sa gitna nila , at siya&#039;y ipinasok sa kuta . At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon , at sinabi , Laksan mo ang iyong loob : sapagka&#039;t kung paano ang pagkapatotoo mo tungkol sa akin sa Jerusalem , ay kailangang patotohanan mo rin gayon sa Roma . At nang araw na , ay nangagkatipon ang mga Judio , at sila&#039;y nangagpanata sa ilalim ng sumpa , na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo . At mahigit sa apat na pu ang mga nagsipanumpa ng ganito . At sila&#039;y nagsiparoon sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda , at nangagsabi , Kami ay nangagpanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa , na hindi titikim ng anoman hanggang sa mapatay namin si Pablo . Ngayon nga kayo pati ng Sanedrin ay mangagpahiwatig sa pangulong kapitan na siya&#039;y ipapanaog niya sa inyo , na waring ibig ninyong mahatulan ng lalong ganap ang sakdal tungkol sa kaniya : at kami , bago siya dumating ay nangahanda upang siya&#039;y patayin . Datapuwa&#039;t ang anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ay narinig ang tungkol sa kanilang pagbabakay , at siya&#039;y naparoon at pumasok sa kuta at isinaysay kay Pablo . At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion , at sinabi , Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan ; sapagka&#039;t siya&#039;y may isang bagay na sasabihin sa kaniya . Kaya&#039;t siya&#039;y kinuha , at dinala siya sa pangulong kapitan , at sinabi , Tinawag ako ng bilanggong si Pablo , at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito , na may isang bagay na sasabihin sa iyo . At tinangnan siya ng pangulong kapitan sa kamay , at pagtabi ay lihim na tinanong siya , Ano yaong sasabihin mo sa akin ? At sinabi niya , Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo&#039;y ipamanhik na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa Sanedrin , na waring ikaw ay may sisiyasating lalong ganap tungkol sa kaniya . Huwag ka ngang palamuyot sa kanila : sapagka&#039;t binabakayan siya ng mahigit na apat na pung katao sa kanila , na nangagsipagpanata sa ilalim ng sumpa , na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya&#039;y kanilang mapatay : at ngayo&#039;y nangahahanda sila , na nangaghihintay ng pangako mo . Kaya&#039;t pinaalis ng pangulong kapitan ang binata , na ipinagbilin sa kaniya , Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinahiwatig mo sa akin ang mga bagay na ito . At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion , at sinabi , Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa Cesarea , at pitong pung kabayuhan , at dalawang daang sibatan , sa ikatlong oras ng gabi : At pinapaghanda niya sila ng mga hayop , upang mapagsakyan kay Pablo , at siya&#039;y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador . At siya&#039;y sumulat ng isang sulat , na ganito : Si Claudio Lisias sa kagalanggalang na gobernador Felix , bumabati . Ang taong ito&#039;y hinuli ng mga Judio , at papatayin na lamang sana nila , nang dumalo akong may kasamang mga kawal at siya&#039;y iniligtas ko , nang mapagtantong siya&#039;y isang taga Roma . At sa pagkaibig kong mapagunawa ang dahilan kung bakit siya&#039;y kanilang isinakdal , ay ipinanaog ko siya sa kanilang Sanedrin : Na nasumpungan ko na siya&#039;y kanilang isinasakdal sa mga suliranin tungkol sa kanilang kautusan , datapuwa&#039;t walang anomang sakdal laban sa kaniya na marapat sa kamatayan o sa tanikala . At nang ipakilala sa akin na may banta laban sa taong iyan , ay ipinadala ko siya agad sa iyo , na aking ipinagbilin din sa mga sa kaniya&#039;y nangagsasakdal na mangagsalita sa harapan mo laban sa kaniya . Kaya&#039;t ang mga kawal , alinsunod sa iniutos sa kanila , ay kinuha si Pablo at dinala siya sa gabi sa Antipatris . Datapuwa&#039;t nang kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan , at nangagbalik sa kuta : At sila , nang sila&#039;y magsidating sa Cesarea at maibigay ang sulat sa gobernador , ay iniharap din si Pablo sa harapan niya . At nang mabasa niya ito , ay itinanong niya kung taga saang lalawigan siya ; at nang maalamang siya&#039;y taga Cilicia , Pakikinggan kitang lubos , ang sabi niya , pagdating naman ng mga nagsisipagsakdal sa iyo : at ipinagutos na siya&#039;y ingatan sa palasio ni Herodes . At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si Ananias na kasama ang ilang matatanda , at ang isang Tertulo na mananalumpati ; at sila&#039;y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo . At nang siya&#039;y tawagin , si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya , na sinasabi , Yamang dahil sa iyo&#039;y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan , at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan , Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako , kagalanggalang na Felix , ng buong pagpapasalamat . Datapuwa&#039;t , nang huwag akong makabagabag pa sa iyo , ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita . Sapagka&#039;t nangasumpungan namin ang taong ito&#039;y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan , at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno : Na kaniya rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo : na siya ring dahil ng aming inihuli : Datapuwa&#039;t dumating ang pangulong pinunong si Lysias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay . Na mapagtatalastas mo , sa iyong pagsisiyasat sa kaniya , ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya&#039;y isinasakdal namin . At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal , na pinatutunayan na ang mga bagay na ito&#039;y gayon nga . At nang siya&#039;y mahudyatan ng gobernador upang magsalita , si Pablo ay sumagot , Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito , ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang : Sapagka&#039;t napagtatalastas mo na wala pang labingdalawang araw buhat nang ako&#039;y umahon sa Jerusalem upang sumamba : At ni hindi nila ako nasumpungan sa templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya&#039;y nanggugulo sa karamihan , ni sa mga sinagoga , ni sa bayan . Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo&#039;y kanilang isinasakdal laban sa akin . Nguni&#039;t ito ang ipinahahayag ko sa iyo , na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta , ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang , na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan , at nangasusulat sa mga propeta ; Na may pagasa sa Dios , na siya rin namang hinihintay nila , na magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap . Na dahil nga rito&#039;y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao . At nang makaraan nga ang ilang mga taon ay naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa , at ng mga hain : Na ganito nila ako nasumpungang pinalinis sa templo , na walang kasamang karamihan , ni wala ring kaguluhan : datapuwa&#039;t mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia . Na dapat magsiparito sa harapan mo , at mangagsakdal , kung may anomang laban sa akin . O kaya&#039;y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila nang ako&#039;y nakatayo sa harapan ng Sanedrin , Maliban na sa isang tinig na ito na aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila , Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako&#039;y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito . Datapuwa&#039;t si Felix , na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol sa Daan , ay ipinagpaliban sila , na sinasabi , Paglusong ni Lisias na pangulong kapitan , ay pasisiyahan ko ang inyong usap . At iniutos niya sa senturion na siya&#039;y tanuran at siya&#039;y pagbigyang-loob ; at huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya&#039;y paglingkuran . Datapuwa&#039;t nang makaraan ang ilang mga araw , si Felix ay dumating na kasama si Drusila , na kaniyang asawa , na isang Judia , at ipinatawag si Pablo , at siya&#039;y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus . At samantalang siya&#039;y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran , at sa sariling pagpipigil , at sa paghuhukom na darating , ay nangilabot si Felix , at sumagot , Ngayo&#039;y humayo ka ; at pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita . Kaniyang inaasahan din naman na siya&#039;y bibigyan ni Pablo ng salapi : kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya , at sa kaniya&#039;y nakikipagusap . Datapuwa&#039;t nang maganap ang dalawang taon , si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo ; at sa pagkaibig ni Felix na siya&#039;y kalugdan ng mga Judio , ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo . Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan , pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea . At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo ; at siya&#039;y kanilang pinamanhikan , Na humihingi ng lingap laban sa kaniya , na siya&#039;y ipahatid sa Jerusalem ; na binabakayan upang siya&#039;y mapatay sa daan . Gayon ma&#039;y sumagot si Festo , na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea , at siya&#039;y paroroon sa lalong madaling panahon . Kaya nga , sinabi niya , ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin , at kung may anomang pagkakasala ang taong ito , ay isakdal siya nila . At nang siya&#039;y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw , ay lumusong siya sa Cesarea : at nang kinabukasa&#039;y lumuklok siya sa hukuman , at ipinaharap sa kaniya si Pablo . At nang siya&#039;y dumating , ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem , na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya , na pawang hindi nila mapatunayan ; Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang , Laban man sa kautusan ng mga Judio , ni laban sa templo , ni laban kay Cesar , ay hindi ako nagkakasala ng anoman . Datapuwa&#039;t si Festo , sa pagkaibig na siya&#039;y kalugdan ng mga Judio , ay sumagot kay Pablo , at nagsabi , Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem , at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko ? Datapuwa&#039;t sinabi ni Pablo , Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar , na doon ako dapat hatulan : wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio , gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti . Kung ako nga&#039;y isang makasalanan , at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan , ay hindi ako tumatangging mamatay ; datapuwa&#039;t kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin , ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila . Maghahabol ako kay Cesar . Nang magkagayon si Festo , nang makapagpanayam na sa Sanedrin , ay sumagot , Naghabol ka kay Cesar ; kay Cesar ka paparoon . Nang makaraan nga ang ilang mga araw , si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea , at nagsibati kay Festo . At nang sila&#039;y magsitira roong maraming araw , ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo , na sinasabi , May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix : Tungkol sa kaniya nang ako&#039;y nasa Jerusalem , ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin , na hinihinging ako&#039;y humatol laban sa kaniya . Sa kanila&#039;y aking isinagot , na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao , hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal , at siya&#039;y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya . Nang sila nga&#039;y mangagkatipon dito , ay hindi ako nagpaliban , kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman , at ipinaharap ko ang tao . Tungkol sa kaniya , nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal , ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha ; Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion , at sa isang Jesus , na namatay , na pinatutunayan ni Pablo na ito&#039;y buhay . At ako , palibhasa&#039;y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito , ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito . Datapuwa&#039;t nang makapaghabol na si Pablo na siya&#039;y ingatan upang hatulan ng emperador , ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya&#039;y maipadala ko kay Cesar . At sinabi ni Agripa kay Festo , Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao . Bukas , sinasabi niya , siya&#039;y mapapakinggan mo . Kaya&#039;t nang kinabukasan , nang dumating si Agripa , at si Bernice , na may malaking karilagan , at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan , sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo . At sinabi ni Festo , Haring Agripa , at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin , nakikita ninyo ang taong ito , na tungkol sa kaniya&#039;y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio , na nangagsisigawang hindi marapat na siya&#039;y mabuhay pa . Datapuwa&#039;t aking nasumpungang siya&#039;y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan : at sapagka&#039;t siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya&#039;y ipadala . Tungkol sa kaniya&#039;y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon . Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo , at lalong-lalo na sa harapan mo , haring Agripa , upang , pagkatapos ng pagsisiyasat , ay magkaroon ng sukat na maisulat . Sapagka&#039;t inaakala kong di katuwiran , na sa pagpapadala ng isang bilanggo , ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya . At sinabi ni Agripa kay Pablo , Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo . Nang magkagayo&#039;y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay , at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang : Ikinaliligaya kong lubha , haring Agripa , na sa harapan mo&#039;y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin . Lalong-lalo na sapagka&#039;t bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio : kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako . Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata , na nang una&#039;y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem , ay nalalaman ng lahat ng mga Judio ; Na napagtatalastas nila mula pa nang una , kung ibig nilang magsisaksi , na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo . At ngayo&#039;y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang ; Dahil sa pangakong ito&#039;y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi&#039;t araw , na inaasahang kakamtin . At tungkol sa pagasang ito ako&#039;y isinasakdal ng mga Judio , Oh hari ! Bakit inaakala ninyong ito&#039;y hindi mapaniniwalaan , kung binubuhay ng Dios ang mga patay ? Tunay na ako ma&#039;y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret . At ginawa ko rin ito sa Jerusalem : at kinulong ko sa mga bilangguan ang marami sa mga banal , pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote , at nang sila&#039;y ipinapapatay , ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila . At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga , ay pinipilit ko silang magsipamusong ; at sa totoong pagkagalit ko sa kanila , ay sila&#039;y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain . Hinggil dito sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote , Nang katanghalian , Oh hari , ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit , na lalong maningning kay sa araw , at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko . At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat , ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo , Saulo , Saulo , bakit mo ako pinaguusig ? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis . At sinabi ko , Sino ka baga , Panginoon ? At sinabi ng Panginoon , Ako&#039;y si Jesus na iyong pinaguusig . Datapuwa&#039;t magbangon ka , at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa : sapagka&#039;t dahil dito&#039;y napakita ako sa iyo , upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin , at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo ; Na ililigtas kita sa bayan , at sa mga Gentil , na sa kanila&#039;y sinusugo kita , Upang idilat mo ang kanilang mga mata , upang sila&#039;y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios , upang sila&#039;y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin . Dahil nga dito , Oh haring Agripa , hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan : Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco , at sa Jerusalem din naman , at sa buong lupain ng Judea , at gayon din sa mga Gentil , na sila&#039;y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios , na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi . Dahil dito&#039;y hinuli ako ng mga Judio sa templo , at pinagsisikapang ako&#039;y patayin . Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios , ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki , na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari ; Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap , at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan , at gayon din sa mga Gentil . At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig , Pablo , ikaw ay ulol ; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo&#039;y nagpapaulol . Datapuwa&#039;t sinabi ni Pablo , Hindi ako ulol , kagalanggalang na Festo ; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan . Sapagka&#039;t nalalaman ng hari ang mga bagay na ito , na sa kaniya&#039;y nagsasalita naman ako ng buong laya : sapagka&#039;t naniniwala ako na sa kaniya&#039;y walang nalilingid sa mga bagay na ito ; sapagka&#039;t ito&#039;y hindi ginawa sa isang sulok . Haring Agripa , naniniwala ka baga sa mga propeta ? Nalalaman kong naniniwala ka . At sinabi ni Agripa kay Pablo , Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano . At sinabi ni Pablo , Loobin nawa ng Dios , na sa kakaunti o sa marami man , ay hindi lamang ikaw , kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon , ay pawang maging katulad ko naman , tangi lamang sa mga tanikalang ito . At nagtindig ang hari , at ang gobernador , at si Bernice , at ang mga nagsiupong kasama nila : At nang sila&#039;y makahiwalay , ay nangagsalitaan sila sa isa&#039;t isa , na nagsisipagsabi , Ang taong ito ay walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala . At sinabi ni Agripa kay Festo , mapalalaya sana ang taong ito , kung hindi naghabol kay Cesar . At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia , ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio , sa pulutong ni Augusto . At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto , na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia , ay nagsitulak kami , na kasama namin si Aristarco na isang taga Macedonia mula sa Tesalonica . At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon : at pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo , at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan , at siya&#039;y magpakaginhawa . At nang kami&#039;y magsitulak buhat doon , ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre , sapagka&#039;t pasalunga ang hangin . At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia , ay nagsirating kami sa Mira , na isang bayan ng Licia . At nasumpungan doon ng senturion ang isang daong Alejandria na lumalayag na patungo sa Italia ; at inilulan niya kami roon . At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw , at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido , na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa , ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta , sa tapat ng Salmon ; At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan ; na malapit doon ang bayan ng Lasea . At nang magugol na ang mahabang panahon , at mapanganib na ang paglalayag , sapagka&#039;t nakalampas na ang Pagaayuno , ay pinamanhikan sila ni Pablo , At sa kanila&#039;y sinabi , Mga ginoo , nakikita ko na ang paglalayag na ito ay makapipinsala at magiging malaking kapahamakan , hindi lamang sa lulan at sa daong , kundi naman sa ating mga buhay . Datapuwa&#039;t may higit pang paniwala ang senturion sa piloto at sa may-ari ng daong , kay sa mga bagay na sinalita ni Pablo . At sapagka&#039;t hindi bagay hintuan sa tagginaw ang daongan , ay ipinayo ng karamihan na tumulak mula roon , at baka sakaling sa anomang paraan ay makarating sila sa Fenix , at doon huminto sa tagginaw ; na yao&#039;y daungan ng Creta , na nasa dakong hilagang-silanganan at timugang-silanganan . At nang marahang humihihip ang hanging timugan na inaakalang maisasagawa nila ang kanilang nasa , itinaas nila ang sinepete at namaybay sa baybayin ng Creta . Datapuwa&#039;t hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin , na tinatawag na Euraclidon : At nang ipadpad ang daong , at hindi makasalungat sa hangin , ay nangagpabaya na kami , at kami&#039;y ipinadpad . At sa pagtakbo ng daong na nanganganlong sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda , ay may kahirapan naming maitaas ang bangka : At nang maitaas na ito , ay nagsigamit sila ng mga lubid , na tinalian ang ibaba ng daong ; at , sa takot na baka mapapadpad sa Sirte , ay ibinaba nila ang mga layag , at sa gayo&#039;y napaanod sila . At sapagka&#039;t lubhang nakikipaglaban kami sa bagyo , nang sumunod na araw ay nangagsimula silang magtapon ng lulan sa dagat ; At nang ikatlong araw ay kanilang ipinagtatapon ng kanilang sariling mga kamay ang mga kasangkapan ng daong . At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw , at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo , ay nawala ang buong pagasa na kami&#039;y makaliligtas . At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain , ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila , at sinabi , Mga ginoo , nangakinig sana kayo sa akin , at hindi umalis sa Creta , at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan . At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob ; sapagka&#039;t walang buhay na mapapahamak sa inyo , kundi ang daong lamang . Sapagka&#039;t nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin , at siya ko namang pinaglilingkuran , Na nagsabi , Huwag kang matakot , Pablo ; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar : at narito , ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag . Kaya nga , mga ginoo , laksan ninyo ang inyong loob : sapagka&#039;t ako&#039;y sumasampalataya sa Dios , na mangyayari ayon sa sinalita sa akin . Datapuwa&#039;t tayo&#039;y kailangang mapapadpad sa isang pulo . Datapuwa&#039;t nang dumating ang ikalabingapat na gabi , samantalang kami&#039;y ipinapadpad ng hangin sa magkabikabila ng Dagat ng Adriatico , nang maghahating gabi na ay sinasapantaha ng mga mangdaragat na sila&#039;y nangalalapit na sa isang lupain . At kanilang tinarok , at nasumpungang may dalawangpung dipa ; at pagkasulongsulong ng kaunti , ay tinarok nilang muli at nasumpungang may labinglimang dipa . At sa takot naming mapapadpad sa batuhan , ay nangaghulog sila ng apat na sinepete sa hulihan , at iniibig magumaga na . At sa pagpipilit ng mga mangdaragat na mangagtanan sa daong , at nang maibaba na ang bangka sa dagat , na ang dinadahilan ay mangaghuhulog sila ng mga sinepete sa unahan , Ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal , Maliban na magsipanatili ang mga ito sa daong , kayo&#039;y hindi mangakaliligtas . Nang magkagayo&#039;y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka , at pinabayaang mahulog . At samantalang naguumaga , ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain , na sinasabi , Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo&#039;y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain , na walang kinakaing anoman . Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo&#039;y magsikain : sapagka&#039;t ito&#039;y sa ikaliligtas ninyo : sapagka&#039;t hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo . At nang masabi na niya ito , at makadampot ng tinapay , ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat ; at kaniyang pinagputolputol , at pinasimulang kumain . Nang magkagayo&#039;y nagsilakas ang loob ng lahat , at sila nama&#039;y pawang nagsikain din . At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu&#039;t anim na kaluluwa . At nang mangabusog na sila , ay pinagaan nila ang daong , na ipinagtatapon sa dagat ang trigo . At nang magumaga na , ay hindi nila makilala ang lupain ; datapuwa&#039;t nababanaagan nila ang isang look ng dagat na may baybayin , at sila&#039;y nangagsangusapan kung kanilang maisasadsad ang daong doon . At inihulog ang mga sinepete , at kanilang pinabayaan sa dagat , samantalang kinakalag ang mga tali ng mga ugit ; at nang maitaas na nila sa hangin ang layag sa unahan , ay nagsipatungo sila sa baybayin . Datapuwa&#039;t pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat , ay kanilang isinadsad ang daong ; at ang unahan ng daong ay napabunggo at tumigil na hindi kumikilos , datapuwa&#039;t nagpasimulang magkawasakwasak ang hulihan sa kalakasan ng mga alon . At ang payo ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo , upang ang sinoma&#039;y huwag makalangoy at makatanan . Datapuwa&#039;t ang senturion , sa pagkaibig na iligtas si Pablo , ay pinigil sila sa kanilang balak ; at ipinagutos na ang mga makalangoy ay magsitalon , at mangaunang magsidating sa lupa ; At sa mga naiwan , ang iba&#039;y sa mga kahoy , at ang iba nama&#039;y sa mga bagay na galing sa daong . At sa ganito nangyari , na ang lahat ay nangakatakas na ligtas hanggang sa lupa . At nang kami&#039;y mangakatakas na , nang magkagayo&#039;y napagtalastas namin na ang pulo&#039;y tinatawag na Melita . At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro : sapagka&#039;t sila&#039;y nagsiga , at tinanggap kaming lahat , dahil sa ulan niyaon , at dahil sa ginaw . Datapuwa&#039;t pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy , ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init , at kumapit sa kaniyang kamay . At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay , ay nagsabi ang isa sa iba , Walang salang mamamatay-tao ang taong ito , na , bagama&#039;t siya&#039;y nakatakas sa dagat , gayon ma&#039;y hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan . Gayon ma&#039;y ipinagpag niya ang hayop sa apoy , at siya&#039;y hindi nasaktan . Nguni&#039;t kanilang hinihintay na siya&#039;y mamaga , o biglang mabuwal na patay : datapuwa&#039;t nang maluwat na silang makapaghintay , at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman , ay nangagbago sila ng akala , at nangagsabing siya&#039;y isang dios . At sa mga kalapit ng dakong yao&#039;y may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon , na nagngangalang Publio ; na tumanggap sa amin , at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob . At nangyari , nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti : at pinasok siya ni Pablo , at nanalangin , at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siya&#039;y pinagaling . At nang magawa na ito , ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo , at pawang pinagaling : Kami nama&#039;y kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal ; at nang magsilayag kami , ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin . At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo , na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal . At nang dumaong kami sa Siracusa , ay nagsitigil kami roong tatlong araw . At mula doo&#039;y nagsiligid kami , at nagsirating sa Regio : at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang timugan , at nang ikalawang araw ay nagsirating kami sa Puteoli ; Na doo&#039;y nakasumpong kami ng mga kapatid , at kami&#039;y pinakiusapang matira sa kanilang pitong araw : at sa gayo&#039;y nagsirating kami sa Roma . At buhat doo&#039;y pagkabalita ng mga kapatid , ay sinalubong kami sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan ; na nang sila&#039;y makita ni Pablo , ay nagpasalamat sa Dios , at lumakas ang loob . At nang mangakapasok kami sa Roma , si Pablo ay pinahintulutang mamahay na magisa na kasama ng kawal na sa kaniya&#039;y nagbabantay . At nangyari , na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio : at nang sila&#039;y mangagkatipon na , ay sinabi niya sa kanila , Ako , mga kapatid , bagaman wala akong ginawang anoman laban sa bayan , o sa mga kaugalian ng ating mga magulang , ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma : Na , nang ako&#039;y kanilang masulit na , ay ibig sana nila akong palayain , sapagka&#039;t wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan . Datapuwa&#039;t nang magsalita laban dito ang mga Judio , ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar ; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa . Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin : sapagka&#039;t dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito . At sinabi nila sa kaniya , Kami&#039;y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo , ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo . Datapuwa&#039;t ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip : sapagka&#039;t tungkol sa sektang ito&#039;y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan . At nang mataningan na nila siya ng isang araw , ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan ; at sa kanila&#039;y kaniyang ipinaliwanag ang bagay , na sinasaksihan ang kaharian ng Dios , at sila&#039;y hinihikayat tungkol kay Jesus , sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta , buhat sa umaga hanggang sa gabi . At ang mga iba&#039;y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi , at ang mga iba&#039;y hindi nagsipaniwala . At nang sila&#039;y hindi mangagkaisa , ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita , Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang , Na sinasabi , Pumaroon ka sa bayang ito , at sabihin mo , Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan , at sa anomang paraa&#039;y hindi ninyo mapaguunawa ; At sa pagtingin ay inyong makikita , at sa anomang paraa&#039;y hindi ninyo mamamalas : Sapagka&#039;t kumapal ang puso ng bayang ito , At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga , At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata ; Baka sila&#039;y mangakakita ng kanilang mga mata , At mangakarinig ng kanilang mga tainga , At mangakaunawa ng kanilang puso , At muling mangagbalik-loob , At sila&#039;y aking pagalingin . Maging hayag nawa sa inyo , na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga Gentil : sila&#039;y makikinig naman . At nang masabi na niya ang mga salitang ito&#039;y nagsialis ang mga Judio , at sila-sila&#039;y nangagtatalong mainam . At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan , at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya&#039;y nagsisipagsadya , Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios , at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan , wala sinomang nagbabawal sa kaniya . </passage></reply></GetPassage>